ISSUE 3 JUNE 2019 EDITORYAL
SA MANLULUPIG, 'DI KA PASISIIL ISANG DAAN AT DALAWAMPU’T ISANG taon na ang nakalipas mula nang una nating ipinagdiwang ang kalayaan ng ating bansa. Ang araw ng kalayaan ang naging susi sa pagbubuo ng isang malayang bayan. Sa araw na ito, buhay ang pagpupunyagi sa bawat dibdib ng Pilipino. Hitik ang ating kasaysayan sa mga naratibo ng pakikipaglaban sa mga mananakop. Bago pa natin angkinin ang sariling bayan, ilang dekada tayong napasailalim sa mga Kastila, Amerikano, at mga Hapones, kung kailan sinapit ng ating bayan ang ilan
sa masalimuot na karanasan. Ilang ulit naghimagsik ang ating mga bayani bago tuluyang nalupig ang mga mananakop. Sa huli, nakamit rin ang paglayang minamahal. Pero hindi pa natapos ang laban. Sa ilalim naman ng diktadura ni Ferdinand Marcos, kinitil muli ang ating kalayaan. Nalugmok ang ating bayan sa malupit at mapaniil na kamay ni Marcos matapos niyang ideklara ang Batas Militar o Martial Law. Pero, nagkaisa ang mga Pilipino para sugpuin ang Administrasyon at nakamit ang demokrasyang inagaw nang ilang dekada. Ang mga ito at higit pa ang siyang magpapatotoo na hindi tayo nagpapatinag sa mga manlulupig kahit noon pa man. Sa pag-aaral ni Teresita Gimenez-
Maceda, isang tagasaliksik, ang tunay na kalayaan ng bayan ay maiuugat sa kaginhawaan ng mga mamamayan nito. Kung gayon, ganap na bang malaya ang ating bayan? Tiyak lang ang ating ginhawa at kalayaan kung nabubuhay ang bawat Pilipino nang may dignidad. Ito ay mangyayari lamang kung natatamasa ng bawat isa ang kanyang karapatan. Maisasakatuparan lang ito kung walang nananamantala at pinagsasamantalahan. Marami man ang nakararamdam ng ginhawa, ngunit mas marami pa rin ang nasa tanikala ng pagkalupig at kahirapan. Karamihan sa kanila ay biktima ng iba’t-ibang uri ng karahasan, gera, pang-aabuso, mga manggawang nakapiit sa hindi makatarungang kontrata, mga pamilyang naulila dahil sa extrajudicial killings, mga magsasaka
at mangingisdang hikahos sa buhay, mga OFWs na nakikipagsapalaran para lang buhayin ang pamilya at marami pang iba. Kamakailan lang ay ipinakita ng pamahalaan na hindi niya kayang ipagtanggol ang mga mangingisda na inabuso ng mga Chinese fishermen. Patuloy pa rin ang pag-agaw ng gobyerno ng Tsina sa mga teritoryo ng ating bansa. Panahon na para tulungan nating kalasin ang tanikala. Kailangan nating igpawan at umalpas sa mga tanikalang nagiging dahilan kung bakit hindi tayo ganap na malaya. Malapit na ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22. Kailangan nating makita ang tunay na kalagayan ng ating bansa hindi lamang sa pamamagitan ng pagbibilang ng naisakatuparang plano ng administrasyon, pero lalo na dapat nating matiyagan ang mga pangakong napako. Iisa lang dapat ang mukha ng kalayaan. Wala dapat itong pinipiling antas at hindi dapat maging pribilehiyo sa piling iilan. Lahat ay kasama, walang maiiwan. Katulad kung paano nakidigma ang ating mga bayani, dapat din tayong makidigma para iangat at isulong ang mas maginhawang buhay para sa bawat isang Pilipino. Saksi ang ating kasaysayan sa kapangyarihan ng ating pagkakaisa. Ang Araw ng Kalayaan ang ating matibay na paalala sa ating kasarinlan. Nararapat lang na itaguyod ito at ipaglaban sa sinumang kumikitil o nagtatangkang kumitil sa anumang panahon. Tuloy lang ang laban para sa kalayaan. Noon at ngayon, hindi tayo pasisiil sa manlulupig.
2 | DIGNIDAD
ISSUE 3 | JUNE 2019
Pagtanggal ng buwis sa pasahe ng mga senior citizen at PWDs, lusot na sa Kongreso
Niceforo Balbedina | TapatNews
Inaprubahan na ng House Committee on Tourism ang House Bill No. 7964 na ganap na mapapababa sa babayaran ng mga Senior Citizen at Persons with Disability (PWDs) para sa pamasahe sa tuwing sila’y babiyahe.
Pagkakaisa at pag-asa, giit ng Simbahan Dada Grifon Bilang pagtugon sa dumaraming ulat ng karahasan sa bansa, nagkaisa ang simbahan at mga organisasyon sa idinaos na “Dignitas: Conference on Human Dignity,” noong Mayo sa Cebu City. “May mga bagay tayong dapat ikondena. Pero mas marami pang bagay ang maaaring gawin. At mas magagawa natin ito nang mahusay, kung tayo ay sama-sama,” pahayag sa ingles ni Cebu Archbishop Jose Palma sa kanyang opening speech. Layunin ng komperensya na pagusapan ang kalagayan ng human rights violations sa mga komunidad. Nais rin pagtibayin ang ugnayan ng simbahan, komunidad at mga organisasyon para maitaguyod ang karapatang pantao sa lahat. “Nandito tayo dahil hindi natin ikinakaila ang realidad ng karahasan. Nandito tayo dahil sa kabila ng panganib, mayroon pa ring pag-asa. May pag-asa pa,” sabi ni Palma. Nakiisa sa komperensya ang halos isang daang representante mula sa 18 Diyosesis sa bansa at mga human rights organiza tions. Nais palawakin ng mga grupo ang mga Parish-based Community Drug Rehabilitation (PCBDR) Programs at
Family and Community Care Programs para sa mga pamilyang biktima ng madugong kampanya kontra droga ng administrasyon. Hinimok rin ng mga kaparian ang mga pamilyang naulila dahil sa extrajudicial killings na huwag matakot na makipagtulungan sa simbahan. Kailangan ring ituring ng mga biktima “Ang simbahan bilang sanktwaryo ng mga api.” “See and listen with the heart. Tomorrow will be better than today,” ani Palma. Binuo ang Dignitas Conference sa pangunguna ng Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS), Inc. kasama ang National Secretariat for Social Action, Justice and Peace (NASSA), Governance in Justice (GOJUST) at Archdiocese of Cebu. Ang salitang “Dignitas” ay hango sa salitang Latin na ang kahulugan ay “to live with dignity” o mabuhay nang may dignidad.
Sa ilalim ng Tax-Free Travel for Senior Citizens and PWDs Act, hindi na sila papatawan ng buwis sa kanilang mga piling travel expenses. Nauna nang isinulat ni Rep. Greg Gasataya (Lone District, Bacolod City) ang HB 7964 na may layuning mas mapabuti ang mga buhay ng mga Senior Citizen at PWDs. “Those who have less in life should have more in law. While there are existing benefits for Senior Citizens and PWDs provided by law, the State can further develop policies that would induce a more satisfactory life for them,” saad ni Gasataya. Kabilang din ang mga indibidwal na nangangailangan ng espesyal na atensyong medikal sa mga binibigyang prayoridad ng panukalang ito. “Despite our country’s significant advances in the field of Medical Technology, it cannot be denied that
there are still procedures for certain illnesses that are exclusive or are more affordable in countries abroad. Thus, overseas travel must be made accessible to Senior Citizens and PWDs,” dagdag ni Gasataya. Alinsunod sa Presidential Decree 1183, ang travel tax ng bansa para sa economy class sa kasalukuyang presyo ay: (a) P1,620 para sa full travel tax, (b) P810 para sa Standard Reduced Travel Tax, at (c) P300 para sa Privileged Reduced Tax. Ang travel tax naman para sa mga pasahero sa first class ay: (a) P2,700 para sa full rate amount, (b) P1,350 para sa Standard Reduced Rate, at (c) P400 para sa Privileged Reduced Tax. “As many Senior Citizens rely solely on pension and PWDs on their families for income, it is imperative that the State provide them with as much privileges as possible.” binigyang diin din ni Gasataya.
BANIG NG BAKWIT. Dahil sa lumalalang militarisasyon, marami sa mga bakwit sa Maguindanao ang tumutungo sa pag-habi ng mga banig upang matustusan ang kanilang mga gastusin sa araw-araw. | Dada Grifon, IDEALS Inc.
3 | DIGNIDAD
ISSUE 3 | JUNE 2019
HALALAN 2019 12 senador, proklamado na
Nasaksihan natin ang mga ulat at reklamo sa mga di gumaganang voting machines, mga ballot boxes na lumulutang sa tubig, at mabagal na pag-transmit ng mga boto sa monitoring sites ng COMELEC. Hitik ang nakaraang eleksyon sa samu’t-saring mga isyu. Naproklama man ang mga bagong senador, kailangan paring maging mapagmatyag.
Benjie Aquino
Naiproklama na ang mga bagong halal na senador noong Mayo 22 sa pangunguna ng Commission on Elections o COMELEC. Idinaos ang proklamasyon sa kabila “Bato” Dela Rosa na nagsilbing hepe ng ng mga kontrobersiya ukol sa nangyaring PNP at tagapangasiwa ng madugong dayaan sa nakaraang national elections gyera kontra droga ng Pangulo. Nanalo rin si Imee Marcos na anak noong Mayo 13. Ayon sa complete at official results ng dating diktador na si Ferdinand na inilabas ng COMELEC, siyam sa Marcos. Binatikos rin siya dahil sa isyu 12 na nahalal na Senador ay mula sa sa pagkalehitimo ng kanyang academic koalisyon na Hugpong ng Pagbabago records na napatunayan nang peke. Nakakuha rin ng posisyon sa senado (HNP) na pinangungunahan ni Sara ang kanang-kamay ng Pangulong Duterte. Samantalang walang Senador na nakapasok mula sa mga kilalang Duterte na si Bong Go, kahit pa wala itong nagdaang karanasan sa pangalan ng oposisyon. Ilan sa mga bagong-halal na senador pamamahala o pulitika. Inihayag na ni ay sina Ramon “Bong” Revilla na may Go ang kanyang panunumpa sa harap kinakaharap na 16 na kaso ng graft and ng kanyang pamilya, kaibigan at ni corruption. Nakapasok rin si Ronald Presidente Duterte sa Hulyo 1.
Kabataang botante dismayado sa resulta ng Halalan 2019
Chrixy Paguirigan Bagamat naproklama na ng Commission of Elections (COMELEC) ang mga bagong senador, marami pa ring mga kabataang botante ang nananatiling bigo sa kinahinatnan ng nakaraang halalan.
Ano nga ba ang mga trabaho ng senador?
“Malungkot ako sa naging botohan pero hindi ako nagulat sa naging resulta. Nababahala din lalo na’t wala tayong magawa para sa malinis at patas na halalan,” ani Adrian Alcantara na isang youth leader sa Diyosesis ng Antipolo. Umugong sa social media ang mga hinaing ng netizens na nagsasabing nagkaroon di-umano ng dayaan mula sa mismong botohan hanggang sa proseso ng bilangan. Makikita sa mga online post lalo na sa #HalalanDayaan ang iba’tibang salaysay ng mga nakaranas ng sinasabing panduruga. Ayon sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) volunteer na si Christopher Nogot, ang halalan ay pilit na lang tinanggap at binabaon sa limot ng mga Pilipino. “Nakakalungkot isipin na parang parte na ng bawat halalan at kinokonsiderang normal na ang mga dayaan,” ani Nogot. Ilan sa mga naiulat na paraan ng pandaraya ay sa pamamagitan ng vote-buying, pre-shaded ballots, sirang mga vote counting machines, maling
pangalan na lumabas sa resibo at marami pang iba. Sa kabila ng mga ulat, nanindigan ang mga nanalong kandidato na dapat irespeto ang kinalabasan ng Halalan dahil ito raw ang sumasalamin sa totoong saloobin ng mga Pilipino. Gayunpaman, naniniwala si Alcantara na hindi dapat isawalang bahala ang mga pangyayari. “Kaya’t oras na para tigilan ang pagiging bulag sa katotohanan. Bilang mamamayan ng Pilipinas, patuloy akong magiging mapagmatyag at mapanuri sa mga kaganapan sa ating bansa ng walang pinipiling kulay o partido,” dagdag pa nito. Samantala, para naman kay Rusty Mendoza na isa ring youth leader sa Diyosesis ng Malolos, kailangan pa raw palakasin at palawakin pa ang voter’s education para sa mga mamamayan. “May pagkukulang sa pagbibigay ng kaukulang edukasyon sa mga kapwa natin Pilipino. Sa tingin ko, hindi dapat sa mismong botohan pero sa preperasyon palang,” dagdag ni Mendoza.
4 | DIGNIDAD
ISSUE 3 | JUNE 2019
REHABILITASYON H
Dada Gri
"Sana gumaling na si mama at papa. Palagi kong ipinagdarasal na mabuo na ang pamilya namin." Hindi humiling ng laruan o anumang materyal na bagay ang siyam na taong gulang na si “Jason.” Tuwing magdarasal siya, nananalig siya na magiging maayos rin ang kanyang pamilya. Pangalawa sa tatlong magkakapatid si “Jason.” Sa murang edad, naramdaman na nilang magkakapatid na tila ulila sila sa mga magulang kahit pa nasa iisang tahanan lang sila. Nalulong kasi sa bisyo ang kanyang mga magulang na sina “Rian”, 35 at “Ricky,” 37. Naging takbuhan ng magasawa ang paggamit ng droga dahil sa kanilang kahirapan. Nagsimulang gumamit si “Rian” ng droga sa edad na 17. Dahil galing sa broken family, nakahanap daw siya ng pagtanggap sa mga kaibigang nag-udyok sa kanya sa bisyo. Dito
na rin niya nakilala si “Ricky” at sa katagalan, nagsimula silang bumuo ng pamilya. Nagkaroon man sila ng mga anak, hindi pa rin nila natalikuran ang gawain. Naging kapalit nito ay ang paglayo ng loob ng kanilang mga anak. Ayon kay “Jason,” madalas silang pinapaalis ng mga magulang sa bahay tuwing gagawin nila ang bisyo. Bukod sa napapabayaan ang kanilang pagkain at pag-aaral, nawala rin ang kalinga ng mga magulang. “Ni hindi kami mayakap o ma-kiss ni Mama,” aniya. Gayunpaman, hindi nawalan ng pag-asa si “Jason.” Sa tulong ng Simbahan, nagkusa ang mag-asawa na pumasok sa rehabilitation center na “Surrender to God” o SuGod, isang drug recovery at renewal program sa Cebu City.
Sa pakikipagtulungan ng Archdiocese of Cebu, layunin ng programa na baguhin ang buhay ng mga drug dependents sa pamamagitan ng therapy at faith based rehabilitation. Ayon kay Rian, nakaramdam siya ng pagtanggap at pagmamahal sa SuGod. “Ngayong nandito na ako sa rehab, wala nang mas iba pang mahalaga sa akin kundi ang aking pamilya. Nagpapasalamat ako na nabalik ang respeto sa akin ng aking mga anak,” ani Rian. Muling binubuo ng mag-asawa ang kanilang pamilya para sa kinabukasan ng mga anak nila. “Pinagsisikapan kong maging mas mahusay na ina sa aking mga anak,” dagdag ni Rian. Nagpapasalamat naman si Ricky sa isa pang pagkakataong binigay sa kanila para baguhin ang kanilang buhay. Maaaring gamutin ang adiksyon Sa simula pa lang ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong
2016, inilunsad na niya ang kampanya laban sa droga. Sa ulat, higit 6,000 na ang napatay sa mga isinagawang police operations. Ayon sa pulisya, ang mga hinihinalang drug suspects daw na ito ay “nanlaban.” Ngunit sa tala ng ibang human rights organizations, aabot na sa higit 30,000 ang bilang ng mga biktima sa giyera kontra droga ng Pangulo sa nakalipas lamang na tatlong taon. Marami nang tumutol sa madugong kampanya ng Pangulo. Ayon sa mga tagasuri, hindi solusyon ang karahasan at pagpatay para masugpo ang droga sa ating bayan. Kung seryoso talaga ang pamahalaan sa pagwaksi sa droga, dapat ay maglunsad ng pangmatagalang solusyon kung saan tinataguyod parin ang karapatan ng mga biktima ng droga. Ayon naman sa mga health professionals, maaring gamutin ang adiksyon, lalo na kung hindi pa ganap na nalulong ang isang drug dependent. Naniniwala si Dr. Bienvenido Leabres sa halaga ng rehabilitasyon
5 | DIGNIDAD
ISSUE 3 | JUNE 2019
HINDI KARAHASAN
ifon
para sa mga drug dependents. “No one is beyond help,” sabi niya. Kaya naman nanindigan ang mga eksperto na dapat ituring na public health issue ang drug addiction sa bansa.
Ngunit sa tala ng ibang human rights organizations, aabot na sa higit 30,000 ang bilang ng mga biktima sa giyera kontra droga ng Pangulo sa nakalipas lamang na tatlong taon. Dagdag pa ni Dr. Leabres sa interbyu ni Miguel Syjuco sa isang artikulo para sa New York Times, aabot lamang sa lima hanggang sampung porsyento ng drug users ang maituturing na “severely addicted.”
Ang maliit na pursyentong ito ay tinuturing na nangangailangan ng inpatient rehabilitation. Karamihan pa rin sa mga drug users ay maaaring gumaling sa outpatient rehabilitation sa tulong ng pamilya, kaibigan at komunidad. Sa madaling salita, may pagasa pang gumaling ang mga drug dependents. Pagkakaisa ng simbahan, komunidad at organisasyon Sa pag-aaral na ginawa ng Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services o IDEALS, Inc., karamihan sa mga pamilyang naulila ng gyera kontra droga ay mga mahihirap. Marami rin sa mga biktima ay mga breadwinner ng pamilya. Kaya naman, mas bumigat pa ang pasanin ng mga pamilyang naiwan. Bukod dito, ang mga pamilyang ito ay nakararanas din ng matinding takot at trauma. Ayon kay Fr. Tony Labiao Jr., direktor ng programang Abot Kamay Alangalang sa Pagbabago (AKAP)
isang ministry sa Diyosesis ng Novaliches, dapat tumindig ang simbahan bilang sandigan ng mga biktima. Bukod sa maayos na rehabilitasyon para sa mga drug dependents, kailangan rin daw ng suporta at ayuda para sa recovery ng mga naulilang pamilya. Naniniwala siya na kailangang paigtingin ang pagtututulungan ng komunidad, simbahan at mga organisasyon para makamit ang tunay na pagbabago sa pamayanan. “We need to have a community support for the victims. Kung saan safe ang mga orphans and victims. They should feel safe,” ani Labiao. Hinimok rin niya ang mga myembro ng simbahan na gumawa ng mga programa na mas tututok sa bawat pamilya sa komunidad. “Hindi lang tayo nagtreat for the sake of treatment. Ang measure of success natin sa CBDRP (communitybased drug rehabilitation program) ay kapag yung taong ito naibalik sa pamilya, naibalik sa community, naging productive ulit siya.”
Umaasa siya na mas magiging bukas ang mga biktima na magsalita at lumapit sa simbahan o ibang organisasyon.
KATUPARAN NG DASAL. Puno ng pasasalamat si “Jason” dahil muling nabuo ang kanyang pamilya matapos magbalik-loob ang mga magulang na dating nalulong sa bisyo. | Kuha ni Dada Grifon
DIGNIDAD
6 | DIGNIDAD
ISSUE 3 | JUNE 2019
Karapatan sa edukasyon, karapatan ng lahat Koko Quilatan INAASAHAN NG KAGAWARAN NG Edukasyon ang pagpasok ng higit 28 milyong mag-aaral ngayong Hunyo. Aabot sa Php 576.65 Bilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa edukasyon. Ito na ang pinakamalaking inilaan ng gobyerno sa Kagawaran sa nakalipas na tatlong taon. Sa likod ng malaking badyet, bakit nananatili ang mga hadlang sa pagunlad ng edukasyon sa Pilipinas? Simulan natin sa suliranin sa loob ng silid-aralan. Sa karaniwang pampublikong paaralan, umaabot sa higit 50 mag-aaral ang nagsisiksikan sa loob ng isang klasrum. Hindi lahat ng mga ito ay mabibigyan ng sapat na pansin ng kanilang guro. Ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ay napipilitang maghatian
sa iskedyul na umaabot sa gabi upang makapag-aral. Hindi rin ganap na maaayos ang mga kondisyon ng pasilidad sa mga paaralan. Maraming mga klasrum na sira-sira ang mga pader, pisara, mesa, at upuan. May kakulangan sa mga bagong teaching materials tulad ng mga libro. Noong nakaraan lamang, nabalita ang sitwasyon sa isang paaralan sa Cavite kung saan ginagamit ang banyo ng paaralan bilang isang faculty room. Sa ilang probinsya naman tulad ng Pampanga na kamakailan ay tinamaan ng lindol, ang ilang mag-aaral ay napipilitang magklase sa labas ng nasira nilang paaralan. Marami rin sa mga mag-aaral lalo na sa mga probinsya ang naghihirap na makapasok dahil kinakailangan pang
Hindi lang sa tubig may krisis Tuesday Lagman NOONG NAKARAANG TAON, nagpahayag si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle laban sa tinagurian niyang “krisis ng katotohanan” na kinakaharap ng ating bayan. Ang nakalulungkot na mga katagang ito ay tugon ng arsobispo sa paglipana ng mga misinformation, disinformation o mas kilala sa tawag na “fake news.” Sa panahon ngayon, madali na lang ang makakuha o maka-access ng anumang uri ng impormasyon. Bukod sa mga pangunahing pinagmumulan ng balita tulad ng telebisyon, dyaryo, radio, mas marami na ang gumagamit ng
“
internet o social media para makasagap ng kaalaman. Sa iba’t-ibang social media websites tulad ng Facebook at Twitter, napakadali na lamang magbahagi ng mga nababasa nating balita. Naging mas mabilis man ang pagdaloy at palitan ng mga impormasyon, nanganganib naman ang kredibilidad ng mga impormasyong ito. Marami ay hindi na nagbabasa at nagsusuri, at mas madaling naniniwala. Marami sa ating mga kababayan ang dumedepende sa mga laganap na pekeng balita at maling impormasyon. Madaling bigyang kahulugan ang mga ito, ngunit mahirap itong tukuyin
maglakbay nang malayo para lamang makarating sa kanilang paaralan. Sa mga guro naman, makikitang mababa pa rin ang pasahod lalo na sa mga baguhang guro, na umaabot lamang sa Php 20,000. Marami sa mga gurong ito ay abonado pa sa gastos para sa klase dahil nga sa kakulangan sa mga kagamitan at pasilidad sa paaralan. Mahalaga ang edukasyon sapagkat makikita sa kasaysayan na malaki ang pag-unlad ng isang bansang ginagawang puhanan sa kaunlaran ang edukasyon. Ito ang naging susi sa karangalang nakamit ni Hyacenth Bendana ng Ateneo de Manila University, isang anak ng jeepney driver mula sa Bikol na nabigyan ng pagkakataong maging iskolar. Sa talumpati ni Bendana ukol sa sistema ng edukasyon sinabi niya, “Sa isang makatarungang lipunan, ang edukasyon gaya ng atin ay hindi na para
“
lang sa iilan. Sa isang makatarungang lipunan, mas marami pa sana tayong kasamang magtatapos ngayon.” Ngunit hangga’t hindi pa rin inaayos ang iba’t ibang isyung hinaharap ng mga paaralan, mag-aaral, at guro, hindi pa natin masasabi na ang lahat ay nabibigyan ng pantay-pantay na akses sa de-kalidad na edukasyon na nararapat para sa ating lahat. Hindi sapat ang paglalaan ng napakalaking badyet ng pamahalaan Mas kailangang tutukan ang pamamahala nito at siguraduhing mararanasan ang pagbabago sa mga mamamayan. Kailangan ang tunay na malasakit sa mga Pilipinong naghahangad makatapos ng pag-aaral. Ang dekalidad na edukasyon ay hindi lamang para sa iilan. Dapat tinatamasa ito ng bawat Pilipinong mag-aaral dahil ito ay isang karapatan.
Ang dekalidad na edukasyon ay hindi lamang para sa iilan. Ito ay dapat tinatamasa ng bawat Pilipino dahil ito ay isang karapatan.
kapag ito’y nakahalo sa kalipunan ng mga impormasyon. Madali silang mapaikot ng ilang mga kasinungalingan o pagpapanggap, kung kaya naman ang kakatwa, mas pinagdududahan ang katotohanan, imbis na ito ang ipinaglalaban. Gayunpaman, mapalad tayo na may solusyon ang krisis na ito. Mainam na sa panahong ito ang maging kritikal ang bawat isa sa pagtanggap at pagbabahagi ng mga impormasyon o balita. Marami tayong maaaring magawa upang maging handa at hindi tayo madaling malinlang ng mga nagpapalaganap ng kasinungalingan. Maaari tayong magsaliksik o mag-research muna bago tuluyang paniwalaan ang balita. Tingnan ang sources o pinagmulan ng impormasyon.Mas makasisigurong tama ang impormasyon kung
Karapatan natin ang katotohanan. Karapatan din nating paniwalaan ang anumang gusto nating paniwalaan. Ngunit kailangan nating maging responsable sa pagtataguyod ng mga karapatang ito. Matuto tayong suriin, panindigan, at ipaglaban ang katotohanan.
pagbabasehan ang mga lehitimong organisasyon o network. Maaari ring ikumpara o i-cross check ang mga nababasa para mas makatiyak. Mas makabubuti na huwag agad maniwala o magpadala sa karamihang opinyon hanggang hindi mo pa mismo nasisiguro ang katotohanan ng impormasyon. Sa panahon ng diktadura ni Marcos, kinitil ang kalayaan natin sa pamamahayag at katotohanan. Sa panahon ngayon, tila bumabalik ito. Karapatan natin ang katotohanan. Karapatan din nating paniwalaan ang anumang gusto nating paniwalaan. Ngunit kailangan nating maging responsable sa pagtataguyod ng mga karapatang ito. Matuto rin tayong panindigan, suriin, at ipaglaban ang katotohanan. Maaari tayong maging matalino at magaling sa pakikipagtalakayan, ngunit dapat na palaging ito ay para sa katotohanan. Sa pagsagupa sa krisis ng katotohanan, hindi pa huli ang lahat para tayo ay magising at mas manindigan para dito.
MAY MGA KWENTO O LARAWAN KA BANG NAIS NA IBAHAGI? TUMATANGGAP ANG DIGNIDAD NG MGA KONTRIBUSYON! Mag-text lang sa 0966 760 9397 o mag-PM sa IDEALS Inc. Facebook Page.
DIGNIDAD
7 | NEWS / COLUMN / COMICS DIGNIDAD
ISSUE 3 | JUNE 2019
ITANONG Mo KAY ATTORNEY Dear Attorney, Magandang araw po sa inyo! Ako po si Meda, isang housewife. Kamakailan lang ay niyaya ako ng kaibigan ko na sumali sa kanyang team na agent ng insurance. Dahil dito, ay nagkaroon na ako ng kita. Makatutulong ito para sa pag-aaral ng mga anak namin. Napansin ng asawa ko ang pag-alis ko sa bahay. Pero dinepensahan ko ito dahil hindi ko naman pinababayaan ang mga bata na maiwang mag-isa. Kung umaalis man ako para kitain ang mga kliyente, sinisiguro kong nasa eskwelahan na ang mga bata. Kung minsan ay sinusundo ako ng aking asawa sa opisina at pinipilit na umuwi sa bahay. Sa galit niya ay
makailang beses na nagmarka ang mga braso ko dahil sa kanyang paghila. Sabi pa ng asawa ko na kapag hindi ko tinigil ang trabaho ko, hindi na niya susuportahan ang aming pamilya. Lumapit na ako sa mga lider at nagcounseling. Sabi nila, tama daw ang asawa ko na sa bahay lang dapat ako para ko matutukan ang mga gawaing bahay. Dapat daw tularan ko din ang mga babae sa housing na nasa bahay lang. Dapat lang ay mag-pokus ako bilang isang maybahay. Napapaisip tuloy ako kasi akala ko na malaya na ang mga babae na magtrabaho. Tama po ba sila?
Magandang araw po sa iyo, Meda. Unang-una, tama ang inyong sinabi na ang babae ay may karapatang magtrabaho at hindi ito nakasalalay kung ikaw ay dalaga or pamilyado. Ito ay karapatan mo bilang tao at hindi ito nawawala sa babae kung siya ay nagpakasal. Ayon sa batas, o sa R.A. 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Children,” ang hindi paghintulot ng isang lalake sa asawa niya o sa babaeng nakarelasyon niya na magtrabaho ay isang sala at maituturing “economic abuse.” Ang kanyang sinabi din na hindi na siya magsusuporta sa iyo at sa mga anak mo sa pinansyal na aspeto ay nakasaad din sa parehong batas na isang economic abuse. Lingid sa kaalaman ng iba ang sinasabing “economic abuse” na ito. Pagnakakarinig tayo ng VAWC ay ang naiisip lang natin ay ang pisikal seksuwal at sikolohikal na pang-aabuso ng mga lalaki sa mga karelasyon nila pero ang Anti-VAWC law ay meron ding tinatawag na “economic abuse.” Para maliwanag sa atin na mga kababaihan at sa mga kalalakihan, ang
“economic abuse” ay lahat na ginagawa o tinatangkang gawin para gawing o panatalihing dependent ang isang babae sa karelasyon niya sa pinansyal na aspeto. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang paghindi pagbigay ng suporta o hindi paghintulot sa babae na trabaho o mga aktibidad. Kasali din dito ang hindi pagpapahintulot sa paggamit ng mga gamit na pagmamay-ari ng mag-asawa, pagsira sa mga kagamitan sa bahay at sa pagkontrol ng pera at anumang ariarian ng babae. Kahit ang akto ng lalake na siya lang ang magdedesisyon kung pano gamitin ang pera at ari-arian ng mag-asawa ay kasali din sa mga hindi pinapayagan ng batas na ito. Ang payo ko sayo ay pumunta ka sa barangay at humingi ng proteksyon order at pumunta din sa Public Attorneys’ Office o PAO para magpatulong. Pwede kang magfile ng claim for support para sa mga anak mo. Sana makatulong ito sa’yo at sa mga anak mo.
Gumagalang, Meda
Lubos na gumagalang, Atty. BLIMS
May mga nais ka bang itanong kay attorney?
mag-text lang sa 0966 760 9397 o mag-pm sa ideals inc. facebook page. EDITOR-IN-CHIEF Dada Grifon LAYOUT DIRECTOR Mikhaela Dimpas CARTOONIST Bladimer Usi
EDITORIAL STAFF
INFOGRAPHICS Mikhaela Dimpas, Hannah Nera WRITERS Dada Grifon, Amanda Lingao, Benjie Aquino, Chrixy Paguirigan, Koko Quilatan, Tuesday Lagman, Niceforo Balbedina
RESEARCH Carlo Brolagda, Dondi Justiniani PHOTOS Dada Grifon, Amanda Lingao
ANG DAGAT NG PINAS AY PARA SA PILIPINO. Isinalaysay ng miyembro ng PAMALAKAYA ang kalbaryo ng mga mangingisda sa Zambales sa ilalim ng pananakot ng mga barko ng Tsina.
END DEPENDENCE! Sulat at Kuha ni Amanda Lingao
Daan-daang Pilipino ang dumagsa sa embahada ng Estados Unidos (U.S.) at Tsina sa ika-121 Araw ng Kalayaan nitong Hunyo 12, upang iprotesta ang diumano panghihimasok ng dalawang bansa sa Pilipinas. Sa kabila ng init ng araw at panghaharang ng pulis, pumunta ang ilang militanteng grupo sa Maynila at Makati, kung saan naroroon ang embahada ng US at Tsina, bilang pagtutol sa pagpanig kuno ng administrasyong Duterte sa mga bansang ito. Ang sigaw ng mga rallyista: “End Dependence.” Ika nila, nararapat na kuwestiyunin kung tunay nga bang malaya ang bansa, sa kabila ng paglalaganap ng mga polisiya at proyekto na pumapanig sa mga dayuhan at hindi sa mga Pilipino. Kabilang sa mga tinutulan ng mga grupo ay ang pagpasok at pananakot ng mga barko ng Tsina sa West Philippine Sea, at ang potensyal na pagbalik ng mga base militar ng Estados Unidos sa bansa. “Ang Hunyo 12 ay isang paalala na ‘di tunay na malaya ang ating bansa sapagkat inaagawan tayo ng Tsina ng mga isla, habang ang US naman ay sinisikap na ibalik ang mga base nito sa Pilipinas,” ika ng grupong Bagong 8 | DIGNIDAD Alyansang Makabayan (BAYAN).
Paninindak ng Tsina sa Panatag Shoal Ang Pilipinas at Tsina ay kabilang sa hidwaang teritoryal sa West Philippine Sea. Inaangkin ng parehong bansa ang Scarborough Shoal o Panatag Shoal, na tradisyonal na pinaghuhulihan ng isda ng mga Pilipino. Ngunit ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), isang grupo ng mga mangingisda, bigo ang gobyernong protektahan ang mga mangingisdang Pilipino laban sa tuluyang presensiya
HANDS OFF PH! Bitbit ng mga grupo sa protesta ang sinunog na bandila ng US at Tsina bilang takda ng paglaban para sa tunay na soberanya at kalayaan.
at paninidak ng mga barko ng Tsina sa Panatag. “Hindi pa rin makalapit sa Scarborough ang mga manginigisda nating Pilipino… Ganyan po kabulnerable ang mga mangingisdang Pilipino, kung paano binubusabos ng mga Chinese at pinapayagan naman ng gobyernong Duterte,” ayon kay Bobby Roldan ng grupong PAMALAKAYA Gitnang Luzon. Mapanganib na mga utang Mariin ring binatikos ng mga rallyista ang mga malalaking proyekto na balak pondohan ng administrasyong sa pamamagitan ang utang mula sa Tsina at U.S. Nagbabala ang KABATAAN party-list na maaring mapunta sa Tsina ang ibang mga pasilidad na ito kung sakaling di sila mabayaran ng gobyerno. “Pumasok ang gobyernong Duterte sa mga ‘one-sided’ na kasunduan na mas lalo pang maibabaon ang ating bansa sa utang sa mga makapangyarihang mga ekonomiya,” ika ng KABATAAN. Di rin pinalampas ang epekto ng mga proyektong ito sa kalikasan at sa mga mamamayan. Matinding kinontrahan ni 2 | ELECTION Kakay TolentinoISSUE ng grupong Kalipunan
PULIS NG PILIPINAS? Nagkaharap ang mga pulis at mga militanteng grupo habang nagmamartsa patungong Embahada ng U.S.
ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipina (KATRIBU), ang mga proyekto tulad ng Kaliwa Dam at Chico River Pump Irrigation na sakop ang lupang katutubo at parehong popodohan ng pera mula sa Tsina. “Nasaan ang katarungan, nasan ang kalayaan ng mga katutubong mamamayan?” sabi ni Tolentino. “Huwad” na Kalayaan Ayon sa mga grupo, gusto mang iparating ng administrasyong Duterte na indipendiyente ito sa pamamagitan ng marahas na pananalita, klaro pa rin na di tunay na malaya ang bansa. Bagkus, isang “phony” o “huwad” lamang na Araw ng Kalayaan ang ipinagdidiriwang ng gobyerno. Ang tunay raw na repleksyon ng estado ng bansa ay makikita di lamang sa pananalita ng Pangulo, kundi sa batas EDITION | APRIL - MAY 2019 at polisiya na ipinapairal sa Pilipinas.