ISSUE 4 JULY 2019 EDITORYAL
HINDI DIYOS ANG PANGULO Maikli ang tatlong taon para isakatuparan ang pinangakong pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pero sa tikas at bigkas niya sa mga pangakong ito, napaniwala niya ang milyong Pilipino na ‘Change is Coming.’ Marami ang nanalig sa kanyang mga salita, lalo na ang mga nasa laylayan na hangad makaahon sa kahirapan. Halos sumamba pa ang iba dahil mistulang si Duterte ang tagapaghatid ng ginhawa sa desperadong sambayanan. Tila siya ang magliligtas sa ating pagkakalugmok. At tila kaya niya itong gawin lahat sa isang iglap. Ngunit hindi dapat minamadali ang pangmatagalang pagbabago. Sa mabilis na paglipas ng tatlong taon sa ilalim ng kanyang pamamalakad, napatunayan niyang hindi naman nakamit ang kanyang pangako. Noong Hulyo 22, humarap si Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) para iulat ang akala niyang tagumpay ng kanyang Administrasyon. Pinagtanggol niya ang sarili laban sa mga batikos na siya ay maka-Tsina. Muli niyang minaliit ang turing at tingin sa kababaihan. Nagbanta rin siya sa mga kritiko at nagbitaw ng mga bastos na salita. Nanindigan siya sa marahas at madugong solusyon para lutasin ang korapsyon at droga sa bayan. Sa madaling salita, para sa pangulo, karahasan ang mabilisang solusyon para makamit ang pinangakong pagbabago. Ang shortcut-- pagkitil sa buhay. Ito ang pinakamasalimuot na kalagayan ng ating bayan. Inuutos na ng pangulo ang pagpatay, na parang ito lamang ang kayang lumutas sa problema ng bansa. Sa kabuuan ng lahat, ang mga mahihirap ang tunay na apektado sa problematikong pamamalakad na ito. Lalong sinasadlak ang mahihirap sa posisyong wala silang kalaban-laban. Pero hindi Diyos ang pangulo para hawakan ang
buhay ng tao at idikta na kitilin ito. Ginagamit lamang ng pangulo ang kanyang tikas at yabang para pumanig sa kanya ang mamamayan. Kaya marami pa rin ang tumatanggi nalang sa katotohanan. Ang ilan pa ay nagbubulag- bulagan at patuloy na sinasamba ang pangulo. Uulitin ko, hindi Diyos ang pangulo. Hindi rin siya superhero. Ang pangulo ay makapangyarihan lamang dahil siya ang tinuturing na pinuno ng ating bayan. Bilang isang pinuno, dapat nga ay taglay niya ang dalisay na malasakit sa mamamayan lalo na sa mga walang boses sa lipunan. Kung susuriin ang tunay na kalagayan ng bayan, wala namang mahirap na guminhawa sa ilalim ng kanyang pamamalakad. Miski ikaw, hindi mo rin masasabing mas bumuti ang lagay ng iyong pamumuhay. Balewala ang mga marubdob na talumpati kung hindi
naman ito naisasakatuparan sa ngalan ng serbisyo publiko. Hindi dapat sambahin ang pangulo. Hindi ito sukatan nang pagiging mabuting mamamayan. Kailangan nating maging kritikal lalo pa dahil nasa ilalim tayo ng demokratikong lipunan. Kailangang matuto tayong maningil ng mga karapatang pinagkakait o nilalabag sa atin. Kailangang panagutin natin ang pangulo sa kanyang pagkukulang at kamalian. Singilin natin ang pangulo sa mga pangako niya. Huwag na tayong mabilib sa mga padalos-dalos at mapusok na paraan para makamit ang mabuting
pagbabago. At lalong huwag tayong maghintay na ihahatid lamang ito sa atin ng isang pinuno. Dapat maging mapagmatyag at simulang kumilos. Simulan natin ang pagbabago ng ating pagtingin. At higit sa lahat, tumindig para sa moralidad at dignidad ng bawat buhay. Tatlong taon na. Tatlong taon na lamang.
2 | DIGNIDAD
Programa para sa kalusugan ng mag-nanay, malapit nang magsimula
ISSUE 4 | JULY 2019
HINDI KA NAG-IISA
Mikhaela Dimpas Napirmahan na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11148 o Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act na naglalayong dagdagan at palakasin ang serbisyong pang-kalusugan para sa mga buntis at sanggol. Napirmahan na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11148 o Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act na naglalayong dagdagan at palakasin ang serbisyong pang-kalusugan para sa mga buntis at sanggol. Kasunod ng pag-pirma ni Health Secretary Francisco Duque III ng IRR nitong Mayo ay ang pag-iikot sa bansa ng mga ahensya ng gobyerno, non-government organizations, at ng National Nutrition Council upang mapalaganap ang mga benepisyo na nakasaad sa batas. “Ito ay tutugon sa pangangailang nutrisyon ng mga bata...Ito yung kontexto ng pagsasagawa ng batas na ito: na ang health ng mga bata, ang kalusugan ay direktamenteng naapektuhan ng kanilang kinakain, ng kanilang mga micronutrient supplementation, breastfeeding and
Sigaw ng bayan: Kalayaan!
Nagsagawa ng malawakang pagkilos ang mga grupong kasapi ng Pilipinong Nagkakaisa Para sa Soberanya laban sa patuloy na pagpasok at pananakot ng mga barko ng Tsina sa West Philippine Sea, at ang potensyal na pagbalik ng mga base militar ng Estados Unidos. Ayon sa mga grupo, gusto mang iparating ng administrasyong Duterte na indipendiyente ito sa pamamigtan ng “tough talk” o marahas na pananalita, klaro pa rin na di tunay na malaya ang bansa.
all other complementary feeding programs,” ani Duque. Kilala ang batas bilang First 1,000 Days Law dahil sa pagtugon nito sa mga pangangailangan ng “window of opportunity” para sa mga bata. Ayon sa National Nutrition Council, mahihirapang lumaki ng may tamang kalusugan ang mga batang hindi nakatanggap ng tamang nutrisyon mula sa sinapupunan hanggang 2 taong gulang. Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization at ng UNICEF, halos 95 na batang Pilipino ang namamatay kada araw dahil sa malnutrisyon. 4.2 milyong bata naman ang masyadong maliit para sa kanilang edad. Dahil sa komprehensibong programang ito, mawawakasan diumano ang malnutrisyon at gutom sa bansa. Mas pinadadali ng batas ang pag-
akses ng mga nanay sa mga programa at serbisyo habang nagbubuntis, matapos manganak, at habang nagpapa-breastfeed pa sa kanyang sanggol. Binibigyang diin rin ng programa ang papel at potensyal ng lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad. Kabilang dito ang pag-train sa mga barangay health workers at sa mga nanay para masiguro ang pagbibigay ng tamang nutrisyon sa mga bata. “The state must be true to its mandate and promise of protecting mothers and their young children, whose development will determine the future of our nation,” ani ni Sen. Risa Hontiveros, isa sa mga nag-tulak sa batas sa Senado, sa kanyang press release.
Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid Ang Samahan ng Nagkakaisang Pamilya ng Pantawid o SNPP ay samahan ng mga benepisyaryo at parent leaders ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Layunin ng organisasyon na isulong at ipagtanggol ang mga karapatan ng kanilang mga miyembro. Buong taon nagsasagawa ang grupo ng iba’t ibang trainings tulad ng mga livelihood seminars, paralegal trainings, at voters education. Ang SNPP ang kumakatawan sa boses ng kapwa nila benepisyaryo upang tuloy-tuloy ang pag-unlad ng usaping pangkabuhayan at pangangalaga sa kapankanan ng pamilya. Para sa mga karagdagang katanungan o tulong, maaaring i-contact sina:
President Jeana Catacio jeanacatacio54321@gmail.com 0949 324 5646 Vice President Ana Natalio natalioanaliza@gmail.com 0907 879 9375 / 0912 954 1629
Sulat at Kuha ni Amanda Lingao Maaari ring bisitahin ang kanilang website:
3 | DIGNIDAD
ISSUE 4 | JULY 2019
Kontraktwalisasyon, suliranin pa rin sa bansa Hanjin Heavy Industries and Construction
Jerico Daracan Kaliwa’t kanan na protesta ang isinagawa ng mga manggagawa para labanan ang nananatiling kontraktwalisasyon sa kabila ng mga pangako ni Pangulong Duterte na wakasan ang iskemang ito. Nakasaad sa ating Saligang Batas ang mga karapatan ng mga manggagawa tulad ng malayang pagtatatag ng organisasyon, sama-samang pagkilos at pakikipagkasundo, seguridad sa trabaho, makataong kondisyon, at makatarungang sahod. Nakapaloob din sa Konstitusyong 1987 ang tungkulin ng estado na protektahan at itaguyod ang karapatan ng mga itinuturing na “pangunahing pwersang pangkabuhayan ng lipunan.”
Zagu Foods Corporation
Peerless Producers Manufacturing Corporation PEPMACO
Larawan mula sa Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms - SUPER at Boycott Zagu
Larawan mula sa Rappler at College Editors Guild of the Philippines
Marso noong kalampagin ng mga manggagawa ng Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines (HHIC-Phil) ang management matapos silang hindi papasukin sa kanilang pagawaan dahil sa pagtutol ng mga manggagawa sa ‘forced resignation’ ng kumpanya. Nag-file diumano ng notices of closure ang 15 subcontractors ng kumpanya para bigyang daan ang kanilang corporate rehabilitation. Reklamo rin ng mga nasabing manggagawa ang kakulangan ng pasilidad pangkaligtasan, mababang pasahod, kawalan ng benepsiyo, at kontraktwalisasyon kahit pa mahigit 10 taon na silang trabahante.
Marahas na dispersal ang tinamo ng mga manggagawa ng PEPMACO na nagprotesta noong Hunyo 2019. Larawan at infographics mula sa League of Filipino Students at Center for Trade Union and Human Rights
Noong Hunyo 24, kumalat naman sa social media ang marahas na dispersal ng armadong grupo sa mga manggagawa ng Peerless Producers Manufacturing Corporation (PEPMACO) sa Calamba, Laguna. May mga ulat pa na sila ay ninakawan ‘di umano ng mga personal na gamit. Ilang araw nagsagawa ang mga nasabing manggagawa ng protesta laban sa kontraktwalisasyon sa kabila ng mahigit 15 taon nang pagtatrabaho. Hinaing din nila ang 12 oras na paggawa kada araw, kawalan ng benepisyo, mababang pasahod, at pagkakaroon ng sakit sa balat at problema sa paghinga dahil sa mga toxic ingredients na kanilang hinahawakan sa trabaho.
Isang protesta ang isinagawa ng mga manggagawa ng Zagu Foods Corporation laban sa “illegal labor-only contracting’’ nitong Hunyo 6. Ayon kay Hazel Calain, kalihim ng Organization of Zagu WorkersSolidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms (Organiza-Super), nasa 250 machine operators at service crew ang ikinontrata sa tatlong kooperatiba at manpower agencies. Nilalabag umano ng kumpanya ang Department Order (DO) 174 ng DOLE na nagsasaad na hindi dapat kontraktwal ang mga manggagawang may direktang relasyon ang trabaho sa operasyon ng kumpanya.
4 | DIGNIDAD
ISSUE 4 | JULY 2019
Ex-drug user, inspirasyon na ngayon sa komunidad
Sulat ni Amanda Lingao at Larawan mula sa Sanlakbay
“Dati kami ang pasaway dito sa barangay namin. Hinahabol kami ng mga barangay tanod, ngayon kami na ang nanghahabol,” ani Rico. Sa kaniyang malalaking bisig at matangkad na pangangatawan, di mahirap paniwalaan ang kwento ng bruskong barangay tanod, na tila isang karakter mula sa action movie. Dating drug user si Rico, ngunit sa tulong ng rehabilitasyon at suporta ng pamilya ay nalampasan niya ang kaniyang adiksyon sa droga. Ngayon, mula sa pagiging pasaway, tagapangalaga na siya ng kaauysan at katahimikan sa barangay —isang bagay na hindi niya inakalang mangyayari dati. Masamang epekto sa pamilya High school pa lang si Rico nang napabarkada siya at nagsimulang magshabu. Bagamat paminsanminsan lang gumamit ng ilegal droga, nadagdagan ito ng iba pang bisyo gaya ng pagsusugal at pag-inom. Hindi nagtagal, unti-unting napunta sa kaniyang mga libangan ang pera na dapat sana’y bumubuhay sa kaniyang pamilya. “Kahit nagtratrabaho ako, wala akong perang naiuwi samin… Naging makasarili ako. Wala akong inisip kung hindi sarili ko,” kwento niya. Inakala raw ng kaniyang asawa na
nakakapag-ipon si Rico, ngunit higit pa sa kalahati ng sahod niya ang napupunta sa utang. ‘Di kalaunan, hiniwalayan siya ng asawa niya dahil sa kaniyang adiksyon. Bukod pa rito, nag-iiba raw ang disposisyon ni Rico dahil sa illegal na droga. Madalas ay mainitin raw ang kaniyang ulo, kaya’t kinakatakuan siya ng mga anak niya. Patungong pagbabago Kaya naman nang hinikayat siya ng kaniyang ina at asawa na sumali sa rehabilitasyon, hindi raw napigilan ni Rico na lumuha. “Napaiyak na lang ako agad kasi imbis na ako ang makaisip noon, asawa at saka nanay ko pa nakaisip. ‘Di po ako nagdalawang isip… sinuko ko po sarili ko,” sabi ni Rico. Takot man siya sa pulis at ibang awtoridad, nagpasya si Rico na magbagong buhay para sa kaniyang pamilya. Sa tulong nila, siya’y sumuko sa mga awtoridad. Pumasok rin siya sa Sanlakbay, ang community rehabilitation program ng Diosesis ng Maynila. Sa una ay kabado pa siya sa
presensya ng pulis. Ngunit sa bawat sesyon ng rehabilitasyon ay naramdaman niyang mas gumagaan ang kaniyang loob. “Unti-unti rin mawawala sayo yung takot, lalo kung lagi kang umaattend tapos iniisip mo lagi ‘yung pamilya mo. Ginagawa mo to para sa pamilya
"Sa una ay kabado pa siya sa presensya ng pulis. Ngunit sa bawat sesyon ng rehabilitasyon ay naramdaman niyang mas gumagaan ang kaniyang loob." mo, ‘di mo ginagawa para sa sarili mo,” ika niya. Ngayon, kapansin-pansin ang pagbabago kay Rico. Mula sa pagiging pasaway at matatakutin sa pulis, katulong na siya ng mga awtoridad bilang Bantay Bayan. Bilang simbolo ng kaniyang pagbabagong buhay, lubos niyang sineseryoso ang responsibilidad na ito. “Ito pong area namin, iniingatan
po namin dito. Importante po kasi ‘yan, talagang bantay sarado kami sa barangay,” sabi niya. Ngunit liban sa paghuli ng mga delingkwente, mas pokus ni Rico ang paninigurado na ang mga drug user gaya niya ay nakakatanggap ng tulong na kailangan upang mapabuti sila. Sinisikap raw niya at mga kasamang nagsipagtapos sa Sanlakbay na magimbita ng tig-isang tao para sumali sa programa. “Yung mga kakilala ko, kumpare ko, mga tropa ko na gumagamit, gusto ko lahat sana sila makasama ko dito sa pagbabagong ginawa ko,” sabi ni Rico. “Sabi nga nila ‘Laki ng pinagbago mo,’ Sabi ko, ‘Kayang kaya niyo rin to.’” ‘Di man niya inakala dati na kaya niyang magbago, sa tulong ng mga mahal niya sa buhay at suporta ng komunidad ay unti-unti niyang naibabalik ang respeto at tiwala ng tao sa kaniya.
REHABILITASYON ANG SAGOT Nagdarasal ang mga bagong ‘graduates’ ng Sanlakbay Rehabilitation Program na naglalayong tumulong sa mga drug dependents na magkaroon ng bagong buhay. Isa si Rico sa mga dating natulungan ng Sanlakbay.
5 | DIGNIDAD
ISSUE 4 | JULY 2019
ALAMIN NATIN!
Ano ang droga at adiksyon? Ang droga ay kahit na akong kemikal o substance na, kapag ipinasok sa katawan sa kahit na anong paraan, ay makakapagdulot ng iba’t-ibang epekto. Ang droga ay maaaring legal o illegal. May mga pagkakataon kung saan ang gumagamit ng droga ay nalululong dito, o sinasabing nagkakaroon ng adiksyon sa droga. Dahil may mga droga na mapanganib, ang mga ito ay direktang nakaaapekto sa isipan. Maaaring pasamain ng mga ito ang pag-unawa ng gumagamit sa nangyayari sa kanyang paligid.
Thousands of supporters rallied behind Archbishop Socrates Villegas of Lingayen-Dagupan and other clergymen who are facing sedition charges.| Photo Courtesy of CBCP News Jerald Jiminez
On the accusation of sedition against some bishops The national news daily, the Philippine Star, today has this front page main news item: PNP FILES SEDITION RAPS VS LENI, OPPOSITION, BISHOPS. The bishops who are named are: Bishop Pablo Virgilio David (Bishop of the Diocese of Kalookan), Archbishop Socrates Villegas (Archbishop of Lingayen-Dagupan), Bishop Teodoro Bacani Jr. (retired Bishop of the Diocese of Novaliches), and Bishop Honesto Ongtioco (Bishop of the Diocese of Cubao). The police have filed sedition and other criminal charges against them. I am very saddened by this news and am greatly disturbed by this development. I know these bishops quite well. I had worked closely with two of them: I functioned as the vice president of Abp. Villegas when he was heading the CBCP, and Bp. David is currently my vice president in the CBCP. That they are accused of sedition and other criminal complaints is for me beyond belief. They may be perceived as very vocal and very critical in their pronouncements. But that they consciously worked promoting seditious activities and other related crimes, these honestly I cannot believe. These are individuals whose love for country and dedication for the welfare of our people I cannot doubt.
Some of us may feel ill at ease in the way they publicly made known their opinions. But again, I say this, I cannot bring myself to believe that these bishops were involved in seditious activities; they are bishops whose sincerity, decency, respectfulness and love for our country and our people are beyond doubt. I always keep my respect and confidence in the people in government who are involved in the processes regarding the cases filed against these bishops. I pray to the Lord for them, that fairness and truth will guide them. I also pray for my brother bishops; this will be a very distressing situation for them, to say the least. I pray that they may remain calm and confident that in the end, they will be found innocent. I make this prayer to the Lord, with the Blessed Mother as our intercessor.
HINDI LAHAT NG DROGA AY ILEGAL.
LEGAL
ILLEGAL
NA DROGA
Mga gamot gaya ng paracetamol at antibiotics
NA DROGA Shabu, marijuana, at ecstacy
ANG ADIKSYON AY ISANG SAKIT. Ang adiksyon ay nararapat na tignan at suriin bilang isang karamdaman na kailangang bigyang lunas. Marami nang dating nalulong na droga na nailigtas at nabigyang ng ikalawang pagkakataon para makapagsimula ng bagong buhay.
+ ROMULO G. VALLES, D.D. Archbishop of Davao President, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines 19 July 2019 LEGAL MISSION. Nagsagawa ng libreng konsultasyong legal ang Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS), Inc. noong Hulyo 27, 2019 sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal. Aabot sa halos 40 residente ang nabigyan ng payong legal mula sa mga volunteer lawyers.
DIGNIDAD
6 | DIGNIDAD
ISSUE 3 | JUNE 2019
Tuwing umuulan Vance Ivor
PANAHON NA NAMAN NG TAG-ULAN. Sa mga darating na buwan, aasahan pa natin ang ppagdaan ng mga bagyo at kasunod nito, ang nakasanayan na nating pagbaha sa mga kalsada lalo na sa Metro Manila. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, tinatayang nasa 20 na tropical cyclones o bagyo ang nararanasan ng Pilipinas sa isang taon. Ang ilan sa mga ito ay nag-iiwan ng matinding hagupit sa bansa. Tuwing sasapit ang tag-bagyo,
“
libong Pilipino ang naaapektuhan. Kung minsan pa, hindi lamang ariarian ang tinatangay at napipinsala ng mga ganitong kalamidad. Kung tutuusin, nakasanayan na natin sa ating kultura ang ganitong panahon. Sa kabila nito, palagi pa rin tayong hindi handa. Samantala, hindi naman prayoridad ng pamahalaan na aksyunan ito. Ang pagbaha ay isa sa mga isyung dinudulog ng mga mamamayan sa mga pinuno ng bayan. Ang ibang pulitiko, ipinangako na
Bagamat tungkulin ng pamahalaan na aksyunan ito, maaari rin tayong kumilos mula sa sarili natin, sa ating tahanan hanggang sa komunidad.
In a relationship YM Bugaring
ANG RELASYON NG MAG-ASAWA O MAGKASINTAHAN ay pwedeng maihalintulad sa isang pinggang babasagin. Kapag ito’y nabasag, hindi na maibabalik sa dating anyo dahil nagkalamat na. Karamihan sa mga nalalamatang relasyon ay dahil sa pagsisinungaling o pandaraya. Pero bakit nga ba ummabot sa ganito ang isang relasyon? Ayon sa psychologist na si Dr. Kelly Campbell ng Psychology Today, may mga kadahilanan na nakakaapekto sa pag iisip ng isang tao para matulak na sila ay mandaya sa isang relasyon. Una, ang kanilang pansariling rason base sa kanilang kasarian, personalidad, at relihiyon. Base sa pag-aaral ng kasarian, ang mga kalalakihan ang mas madalas na
gumawa ng ‘pangangaliwa’ dahil sa kanilang malakas na paghahangad na masagot ang kanilang sekswal na pangangailangan. Samantala, nakadepende sa prinisipyong moral ng tao ang kanyang aksyon sa paglaban sa tukso. Ang paniniwala o relihiyon ay pundasyon sa moralidad ng isang tao tungo sa mga desisyon at aksyong gagawin niya. Ang pangalawang dahilan ay ang kawalan ng kakuntentuhan ng isang kapareha. Ayon sa pananaliksik, kapag ang magkarelasyon ay magkatugma at natutugunan ang kanilang mga pangangailangan, mas may posibilidad na maging matibay ang relasyon. Ngunit kapag nagsimula nang hindi makukento, naghahangad na ito ng ibang bagay sa labas ng relasyon.
maiibsan na ang problemang ito sa lansangan. Ngunit ilang halalan na ang lumipas pero wala naman masyadong pagbabago. Hinayaan nilang magtiis ang mga mamamayan sa problema sa baha. Madaratnan din ang mga nakatiwangtiwang na road constructions na mas lalong nagdudulot ng malalang daloy ng trapiko o disgrasya. Matagal na itong suliranin ng ating bansa. Pero walang nakakasagot kung ano nga ba ang epektibo at pangmatagalang solusyon sa pagbaha. Kaya bilang mamamayan, mabuti ring tingnan kung ano magagawa natin para maiwasan ang pagbaha sa ating mga lansangan. Bagamat tungkulin ng pamahalaan na aksyunan ito, maaari rin tayong kumilos mula sa sarili natin, sa ating tahanan hanggang sa komunidad. Huwag i-asa na lang sa pamahalaan ang solusyon. Makatutulong para maiwasan ang pagbaha kung responsible tayong magtatapon ng ating mga
basura. Ang pag-iwas sa paggamit ng mga disposable plastic bags at iresponsableng pagtatapon nito kung saan-saan ay nagdudulot ng pagbara sa mga daluyan ng tubig. Maaaring ugaliin natin ang paggamit ng mga reusable na mga lalagyan katulad ng mga cloth bags o mga bayong na gawa sa nipa. Siguraduhin ding maingat at maayos ang pagtatapon ng basura para maiwasan ang pagbaha. Sa ating mga munting pamamaraan, maiiwasan natin ang pagbara ng mga daluyan ng tubig na nakakadulot sa pagbaha sa atin mga lansangan. Hindi masama kung tayo mismo ang maghahatid ng pagbabago sa ating lipunan, kahit sa simpleng paraan. Kung magtutulungan ang bawat mamamayan at makikisangkot tayo Asa pagresolba ng problema, mas masisiguro natin na magiging abot kamay ang solusyon sa mga suliranin na ating kinakaharap.
Ang pangatlong rason ng pagtataksil ay dahil sa sitwasyon. Ang magkarelasyon ay nakakaranas ng perpektong kaligayahan sa piling ng isa’t isa hanggang sa mapunta sila sa kumplikadong sitwasyon. Dito na papasok ang usaping praktikal at teknikal sa relasyon. Base sa pag aaral, mas mabilis matukso ang mga taong may
maaaring masolusyunan o maagapan kung bukas ang magkapareha napagusapan ang problema sa isang relasyon. Pero kailangan ring tandaan na ang pakikipagrelasyon ay hindi bubuo o kukumpleto sa iyong pagkatao. Mas magtatagal ang relasyon kung hindi palaging aasahan na ang kapareha lamang ang magpupuno ng kaligayahan sa mundo. Ang relasyon ay isang sagradong ugnayan nang magkapareha. Hindi ito dapat na ituring na laruan lamang para mapunan ang mga pangangailangan sa buhay at para mapagtakpan ang kalungkutan. Ito ay pinapahalagahan at pinangangalagaan. Anuman ang pagkukulang ng isa’t isa ay dapat na pinag-uusapan at binibigyang oras para maayos.
“
Mas magtatagal ang relasyon kung hindi palaging aasahan na ang kapareha lamang ang magpupuno ng kaligayahan sa mundo.
pansariling “issues sa kaniyang selfesteem” o pagtingin sa sarili na dala ng kaniyang mga personal na problema sa buhay. Sa huli, ang mga nabanggit ay
MAY MGA KWENTO O LARAWAN KA BANG NAIS NA IBAHAGI? TUMATANGGAP ANG DIGNIDAD NG MGA KONTRIBUSYON! Mag-text lang sa 0966 760 9397 o mag-PM sa IDEALS Inc. Facebook Page.
DIGNIDAD
7 | NEWS / COLUMN / COMICS DIGNIDAD
ISSUE 3 | JUNE 2019
ITANONG MO KAY ATTORNEY
ANG TUNAY NA LODI
Dear Attorney, Ang anak ko po ay ilang linggo nang nakakulong. Last week po ay inatake siya ng hika. Kailangan ko pong dalhin ‘yung nebulizer niya. Nakiusap po ako sa jailer na kung pwede ay sa pasilyo na lang siya ilagay dahil masyado silang siksikan sa selda. Noon nag-nebulizer siya doon sa pasilyo. Pero ngayon binalik siya sa selda.. Nag-aalala po ako baka atakihin ulit sya ng asthma. Ano ho ang dapat ko gawin?
MGA BOSES NG PAG-ASA
Ridgy Vicars St. Francis Xavier Parish
Paano kaya makamtan ang mga pangyayaring inaasam asam sa mundo na puno ng karahasan? Kay lupit ng tadhana laging nasa huli ang saya, pwede bang ngayon na muna ipadama nang sa gayon maging kampante at masaya. Bigyan ng katarungan ang mga taong tinalikuran ng lipunan. Katarungan, kaalaman, at katahimikan ang hangad natin. Ngayon Na!
EDITOR-IN-CHIEF Dada Grifon LAYOUT DIRECTOR Mikhaela Dimpas CARTOONIST Bladimer Usi
EDITORIAL STAFF
Magandang araw sa iyo. Salamat po sa inyong katanungan. Itong tanong na ito ay tumatalakay sa karapatang pantao ng isang nakakulong. Bagamat ang isang tao ay na-aresto o naikulong, dapat nating isaalang-alang na patuloy na umiiral ang kanilang karapatang pantao at dapat na patuloy itong maprotektahan. Mayroon po tayong batas tungkol dito, partikular ang Republic Act No. 7438, o ”An Act Defining Certain Rights of Person Arrested, Detained, or Under Custodial Investigation as well as the Duties of the Arresting and Investigating Officers, and Providing Penalties for Violations Thereof.” Gayundin ang karapatang ito ay napapaloob sa Artikulo III, Katipunan ng mga Karapatan ng Saligang Batas (Article III Bill of Rights, Philippine Constitution). At ito rin ay nasa Universal Declaration of Human Rights. Sa iyong nabanggit, ang iyong anak ay ilang linggo nang nakakulong. Sa aking palagay sa ganitong katagal, siya ay mayroong kasong nakasampa sa korte. Kaya siya ay nasa custody o nasa ilalim ng pangangalaga ng Korte. Kung kaya ang ating pagkilos ay dapat nakadirekta sa korte. Mabuti din ang inyong ginawa na makiusap sa jailer upang pansamantalang maremedyohan ang inyong suliranin. Ngunit kinakailangan
natin itong ipaalam sa Korte upang maaksyunan ang kondisyon ng inyong anak. Maari natin itong gawin sa pamamagitan ng Petition, o Motion, o kung posible, sa pamamagitan ng Bail kung saan babayaran ang bail para sa pansamantalang kalayaan . Ang piyansa ng inyong anak ay nakadepende sa bigat ng kaso niya. Ang Petition for Bail ay pwede niyang gamitin kung nais na mailabas siya mula sa pagkakapiit. Maaari din tayong mag- motion for Medical Examination upang matugunan ang medikal na pangangailangan ng iyong anak. Pwede ring subukan ang Motion for Hospital Arrest. Ang mga ito ay may kaakibat na basehan na nagpapakita ng kondisyon ng inyong anak. Dapat matugunan ang kalagayan ng inyong anak. Nangyari na ito sa isang kaso noon kung saan pinayagan ang nasasakdal na makapagpiyansa dahil isinaalang-alang ang kanyang edad at medikal na kondisyon. Sa madaling salita, dapat bigyang halaga ng ating korte ang karapatan ng isang tao, maging siya man ay isang bilanggo. Sana po ang aking kasagutan ay nakasapat sa iyong katanungan. Maraming salamat po. Lubos na gumagalang, Atty. FM
May mga nais ka bang itanong kay attorney?
mag-text lang sa 0966 760 9397 o mag-pm sa ideals inc. facebook page. INFOGRAPHICS Patricia Leuterio WRITERS Dada Grifon, Amanda Lingao, Mikhaela Dimpas, Vance Ivor, YM Bugaring, Jerico Daracan, Chrixy Paguirigan
PHOTOS Amanda Lingao, Rappler, CEGP, LFS, Center for Trade Union and Human Rights, SUPER, Sanlakbay, Jerald Jiminez, Presidential Communication
WAR ON DRUGS “The illegal drug problem persists. Corruption continues and emasculates the courage we need to sustain our moral recovery initiatives. The drugs will not be crushed unless we continue to eliminate corruption that allows this social monster to survive.”
PAGPAPASIMPLE NG TRANSAKSYON SA MGA OPISINA NG GOBYERNO
MGA NASAYANG NA MEDICAL FUNDS NG PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORP
“Simplify. Just like the others. You can do it electronically. I’ve been asking that from you since three years ago. ‘Pag hindi pa ninyo nagawa ‘yan ngayon, papatayin ko talaga “kayo.”
“Huge amounts of medical funds were released to cover padded medical claims and imaginary treatment of ghost patients. I am grossly disappointed.”
ANONG SABI NG PRESIDENTE?
Nagsimula ang ika-apat na SONA bandang alas-5:15 ng hapon, isang oras matapos ang nakatakdang pagsisimula ng talumpati dahil sa late na pag dating ng pangulo. na kaniyang mga kaalyado. Sa mga natitirang taon, ano pa nga ba ang ating mga aasahan mula kay Presidente Duterte?
CHINA POLICY “During the time of my predecessor si Albert, ambassador tayo ang umatras. Pagsabi niya umatras, that was a kind of a compromise. there are those who say that we should stand up and stop those who fish in our economic zone. Of course we will do in due time.”