LIGTAS ISSUE 1

Page 1

TISYA HUSTISYA Rights mo, ask mo!

2 Karapatan mo sa Kalusugan

0953 382 6935 - Globe at TM 0951 077 4412 - Smart, TNT, at Sun

4 Bakuna, Alamin Muna!

Abril 2021

Isyu 1

“Ingat.” dr. gene nisperos ‘Yan ang sinasambit ng mga Pilipino bilang paalam bago pa man dumating ang COVID-19. Hindi gaya sa ibang kultura na see-you-soon — sa atin ay tila pagpapaalala ng malasakit. Marahil dahil sa kawalan ng kasiguruhan sa hinaharap. Ngayon, sa gitna ng rumaragasang pagdami ng kaso ng COVID-19, ang salitang “ingat” ay naging malawakan nating depensa mula sa isang kalaban na hindi natin nakikita. Pero binago nito ang ating pangaraw-araw na buhay. Napipilitan tayong magsuot ng mask. Napipilitan tayong maghugas ng kamay nang mas madalas. Napipilitan tayong sundin ang social distancing. Higit sa lahat ay napipilitan tayong magkulong sa bahay. Ito ang mga unang hakbang sa pagpapanatili na tayo’y ligtas mula sa pagkahawa. Gayunman, alam natin na hindi ito sapat.

Kamakailan ay dumating ang isa pang andana ng pag-iingat: ang bakuna. Napakagandang balita nito lalo na sa mga taong higit na bulnerable – ang mga matatanda at ang mga mayroong sakit na pang-matagalan o co-morbidities. Kaya marami sa atin ang natuwa. Kaya marami sa atin ang nagpabakuna at nabigyan ng dagdag proteksyon. Higit sa lahat, marami sa atin ang nabigyan ng pag-asa na kahit mahawa tayo ng COVID-19, hindi ito magiging grabe at hindi magdudulot ng pagkamatay. May laban tayo kahit papaano. Magandang balita nga ito pero alam natin na hindi rin sapat. Dahil sa kabila ng LAHAT ng pag-iingat na ito, patuloy na lumalala ang pagkalat ng COVID-19. Saan tayo nagkukulang pa?

Kulang tayo sa kaalaman. Ano nga ulit ang mga sintomas ng COVID-19? Ano ang dapat g awin kung nag-positibo sa COVID-19 o nakasama a isang taong may COVID-19? Ano nga ulit ang isolation at ano ang quarantine? Paano malalaman na grabe na ang COVID-19? Sino ang lalapitan at saan hihingi ng tulong? Kulang tayo sa kakayahan. Ano ang BHERT (Barangay Health Emergency Response Team) at CESU (City Epidemiologic and Surveillance Unit)? Paano ang aking pagkain at trabaho kung naka-quarantine o isolate ako? Saang ospital ako pupunta kapag naging grabe ang sakit? Sino ang sasagot ng mga gastusin sa pagpapaospital? Kulang tayo sa kapasyahan. Kailan natin igigiit ang ating karapatan sa kalusugan? Kailan natin ipaglalaban na hindi curfew, checkpoint at paghuhuli ng mga “violators” ang tamang paraan? Kailan natin ipapa-tigil ang pagtrato sa COVID-19 bilang krimen

imbes na sakit? Kailan natin igigiit ang tungkulin ng pamahalaan na bigyan tayo ng ayuda habang may pandemya? Kailan tayo maninindigan? Ang pagpuno sa mga kakulangang ito ay maaaring maging mga maliliit ngunit dagdag na hakbang pasulong laban sa COVID-19. Sa ganitong paraan natin higit na mapoprotektahan ang ating sarili. Unti-unti, hakbang-hakbang pasulong. Mukhang magtatagal pa ang COVID-19. Mukhang mahaba pa ang ating laban. Mukhang hindi pa rin lubusang sasapat ang mga proteksyon natin. Kaya samantala, ingat.

Si Dr. Gene Nisperos ay isang community medicine practitioner at doktor sa Philippine General Hospital. Nagtuturo rin siya ng community medicine sa UP Manila College of Medicine.


Paano makakaiwas sa covid-19?

Ligtas ang may Alam! Ang COVID-19 ay isang sakit na dulot ng novel (“bago”) coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2. Ito ay nakahahawa at maaaring magdulot ng bahagya o malubhang karamdaman na maaaring humantong sa pagkamatay. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng malubhang karamdaman ang mga matatanda at mga may sakit na pang-matagalan o co-morbidities.

Anong gagawin ko kung ako ay na-expose sa isang tao na COVID-19 positive? Maituturing na “close contact” kung may interaksyon sa taong may COVID-19 sa lapit na isang metro, sa loob ng higit pa sa 15 minuto nang hindi naka-mask. Ang mga “close contact” ng taong may COVID-19 ay hinihikayat na kumunsulta sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) upang malaman ang sunod na hakbang katulad ng COVID-19 testing o referral sa isang quarantine facility.

Sagot ba ng kumpanya kung magka-COVID ako sa trabaho? Ayon sa RA 11058, maaaring managot ang employer kung nahawa ng sakit ang employee sa pinagtatrabahuan niya lalo na kung hindi sumunod ang employer sa mga health protocols. Tungkulin ng employer na siguruhing ligtas ang lugar na pinagtatrabahuhan.

Ano ang pagkakaiba ng Isolation sa Quarantine? Ang isolation ay dapat gawin ng mga tao na nag-positibo sa COVID-19 o yung mga mayroong sintomas ng COVID-19 kahit hindi pa na-test. Sa isolation, bawal ang pisikal na kontak o pakikihalubilo at bawal lumabas ng bahay. Dapat ay may sariling kwarto at banyo. Kung hindi ito magagawa sa bahay, kailangan lumipat sa isang isolation facility. Ang quarantine ay dapat gawin ng mga “close contact” ng isang tao na may COVID-19. Bawal lumabas ng bahay. Limitado dapat ang pakikihalubilo at ibayong pag-iingat. Kapag nagka-sintomas na, kailangan siyang magpa-test agad. Ginagawa ang isolation at quarantine para hindi kumalat ang COVID-19.

Bakit kailangan ang COVID-19 test?

Kailangan na magpa-test upang malaman kung ikaw ay positibo sa COVID-19. Kung maaga pa lamang ay alam mo na na ikaw ay positibo, maiiwasan na mahawaan pa ang iyong mga kapamilya, katrabaho, at mga mahal sa buhay. Kung ikaw ay nakararanas ng sintomas ng COVID, huwag kang matakot na magpa-test! Makatutulong ito sa contact tracing para malaman kung sino pa ang mga taong dapat na ma-isolate at bantayan ang kalusugan. Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na magpa-test ang mga tao na may sintomas ng COVID kahit nabakunahan na o hindi, at kung nagkaroon pa man ng COVID dati.

Maghugas ng kamay sa loob ng 20 segundo

Gumamit ng disinfectants tulad ng alcohol, hand sanitizer na alcohol-based

Anu-anong uri ng test ang meron para sa COVID-19? Ang RT-PCR o Reverse Transcription - Polymerase Chain Reaction Test ang gold standard ng test at ang pinakamabisa para sa screening ng COVID-19. Natutukoy kung mayroon kang virus sa pagkuha ng swab sa ilong at bibig o laway. Isa hanggang tatlong araw bago makuha ang resulta. Ang antigen test naman ay hindi gaanong inirerekomeda na gamitin sa COVID-19 screening dahil tinutukoy nito ang mga partikular na proteins ng virus. Makukuha agad ang resulta ng swab mula sa ilong o bibig.

Tinutukoy naman ng antibody test kung ikaw ay mayroong antibodies pero maaaring ang antibodies na nade-detect ay hindi partikular (non-specific) na bunga ng impeksyon mula sa COVID-19. Hindi ito nirerekomenda at hindi gaanong maaasahan dahil mataas ang false positive (hindi totoong positibo) at false negative (hindi totoong negatibo). Tinutusok ang daliri para makuha ang blood sample. Makukuha agad ang resulta.

Gusto mo bang

Kung may mga sintomas “close contact” ng taong ma kumunsulta sa Barangay Response Team (BHERT) s

May mga pampubilko at p para sa COVID-19 testing na

One Hospital Com 0919-977-3333 || 0915-77

QC Contact Tra 8703-2759 || 8703-439 0908-639-8086 ||


Tamang pagsusuot ng face masks o face shields kung lalabas ng bahay

Panatilihin ang “social distancing” o isang metrong distansya mula sa ibang tao

Umiwas sa mga mataong lugar. Kung kaya, manatili nalang muna sa bahay

Palakasin ang resistensya. Uminom ng maraming tubig at kumain ng masustansyang pagkain

Maging mapanuri at alamin ang mga balita at impormasyon tungkol sa pandemya

karapatan sa kalusugan

g magpa-test?

s ng COVID-19 o isang ay COVID-19, maagang y Health Emergency sa inyong barangay.

IKAW ay may karapatang mamuhay nang ligtas, masigla at malusog! Tungkulin ng ating pamahalaan na ibigay ang angkop at kalidad na serbisyong pangkalusugan. Anu-ano ba ang mga karapatang ito?

Karapatan sa patas, abot-kaya at maaasahang serbisyong pangkalusugan

Karapatan sa malinis na tubig, ligtas na kapaligiran at sanitasyon

Proteksyon at kaligtasan laban sa sakit

Karapatan sa wastong nutrisyon at sapat na suplay ng pagkain

Karapatan sa impormasyon, kamalayan at edukasyong pangkalusugan

Mga batas na nagtataguyod ng ‘Right to Health’ Bayanihan Heal as One Act → Isinabatas ito upang sugpuin ang pagkalat ng COVID-19. Responsibilidad ng ating pamahalaan na magsagawa ng epektibong aksyon para proteksyunan ang kalusugan ng bawat mamamayan. Universal Health Care Act → Bawat Pilipino ay awtomatikong benepisyaryo ng National Health Insurance Program at PhilHealth coverage para sa libreng basic health services at ward accommodation. Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011 (RA 10152) → Nagsusulong na bigyang proteksyon ang mga sanggol at bata gamit ang mga bakuna laban sa mga sakit. Philippine Food Fortification Act (RA 8976) at Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act (RA 11148) → Itaguyod ang sapat na suplay ng pagkain at ang maayos na nutrisyon ng bawat isa upang maiwasan ang sakit at micronutrient deficiency.

pribadong pasilidad na a maaaring puntahan.

mmand Center 77-7777 || 886-505-00

acing Hotline 98 || 0916-122-8628 | 0931-095-7737

Ikaw ba ay may katanungan tungkol sa karapatan mo sa kalusugan? Rights mo, ask mo kay Tisya Hustisya! Mag-chat lang sa Tisya Hustisya FB page para sa libreng legal consultation. Pwede ka ring mag-text sa mga hotline namin: 0953 382 6935 - Globe at TM || 0951 077 4412 - Smart, TNT, at Sun


karapatang pantao ay essential

BAKUNA, ALAMIN MUNA

atty. mario maderazo

BAKIT KAILANGAN MAGPABAKUNA? Ang bakuna ay mabisa at ligtas na paraan para bumuo ng proteksyon ang ating katawan laban sa COVID-19. Ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi ka na tatablan ng virus. Ang bakuna ay higit na epektibo para maiwasan ang malalang mga sintomas na dulot ng COVID-19 at para maiwasan ang pagkamatay. Tandaan na kahit ikaw ay may bakuna na, dapat pa rin na magkaroon ng maayos na hygiene practices at sumunod sa health protocols. PWEDE BA AKONG MABAKUNAHAN? Karapatan mo ang mabakunahan. Ibibigay ito ng libre pero dahil sa limitadong supply, uunahin munang mabakunahan ang mga frontline workers sa health facilities, senior citizens, mga may comorbidities, personnel sa essential services katulad ng mga guro at mga uniformed personnel, at ang indigent persons. LIGTAS BA ITO? ANO ANG MGA SIDE EFFECTS? Tungkulin ng pamahalaang siguruhing nakatanggap ang bakuna ng Emergency Use Authorization (EUA) o katiyakang dumaan sa pagsusuri. Lahat ng gamot, kabilang ang mga bakuna, ay may dalawang epekto na makikita lang pagkatapos itong gamitin: ang inaasahang epekto (therapeutic effect) at ang hindi-inaasahang epekto (adverse drug event o side effect). Bihirang-bihira mangyari ang side effects at karamihan sa mga ito ay hindi malala, gaya ng lagnat o pangangalay ng braso. Ang side effects ay mabilis lang at kusang nawawala matapos ang isa o dalawang araw. Hindi lahat ng side effects ay nangangahulugan ng masamang pangyayari. Halimbawa, ang lagnat ay pwede ding palatandaan na nagsisimula nang gumana ang immune system laban sa COVID-19. Gayunman, lahat ng side effects na bunga ng bakuna sa COVID-19 ay kailangang i-report sa FDA o sa nagbakuna. KAILANGAN BANG MAGPABAKUNA SA TRABAHO? Hindi. Ayon sa DOLE, hindi maaari ang “no vaccine, no work” policy. Hinihikayat lamang ang pagpapabakuna, ngunit maaaari pa ring tumanggi ang employee magpabakuna. Bawal ang diskriminasyon sa tenure, pag-promote, training, sahod, at iba pang benepisyo para sa employee na tumanggi sa pagpapabakuna . Gayundin, ang employer ang siyang magbabayad ng mga gastusing kaugnay sa pagkontrol at pagpigil ng COVID-19. Hindi maaaring ipabayad sa employee ang halaga ng pagpapabakuna sa trabaho ayon sa DOLE.

ANO ANG IYONG KUWENTONG KALUSUGAN? Maging kontribyutor sa LIGTAS tabloid! Kung ikaw ay may balita, kwento, larawan o guhit tungkol sa kalusugan at kaligtasan, IBAHAGI MO NA SA IYONG KOMUNIDAD! Inilunsad ang “Barangay Ligtas” ng IDEALS, Inc. upang maghatid ng napapanahong impormasyon at balita tungkol sa pandemya, bakuna at iba pang usapin sa kalusugan. Kasama dito ang edukasyon ukol sa karapatan sa kalusugan ng bawat isa. Layunin ng proyektong ito na hikayatin ang bawat isa sa komunidad na kumilos at makipagtulungan para mapagtagumpayan natin ang pandemya. May gusto ka pa bang malaman tungkol sa mga impormasyong pangkalusugan? Like mo na ang Barangay Ligtas!

Naging popular ang #Lugawisessential nang mag-viral sa social media ang barangay opisyal na hindi pinayagang i-deliver ang inorder na lugaw dahil hindi raw ito kasama sa mga essential goods batay sa IATF guidelines. Nabalitaan din natin ang pagkamatay ng isang curfew violator na sapilitang pinagawa ng 300 pumpings o squats. Pumanaw rin ang isa pang lalaki na naging biktima ng pambubugbog ng barangay tanod matapos mahuli ring lumabag sa curfew. Marami na ang mga naiulat na ganitong insidente mula nang ipatupad ang community quarantine. Ang mga pangyayaring ito ay nagpapakita na bukod sa pangangailangang medikal at mga ayuda, dapat isaalang-alang rin ang karapatan ng mga mamamayan.Kahit sa pagpapatupad ng mga patakaran, kailangan pa ring unahing maproteksyunan ang ating mga karapatan. Nasaksihan natin na hindi naging angkop ang tugon ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng pandemya. Patuloy ang pagkalat ng sakit at lalong dumami ang bilang ng naapektuhan hindi lamang sa usaping kalusugan kundi lalo na rin sa kabuhayan. Kaya naman, bukod sa dagdag na pag-iingat na kailangan nating gawin, tayong mga mamamayan ay nararapat na ring kumilos para alamin at hingiin ang pananagutan ng pamahalaan sa kanilang mga tungkulin sa taumbayan. Kailangan nating magkaisa para sa kaligtasan ng sarili, pamilya at kaligtasan ng lahat. Bukod sa pangkalusugang pangangailangan, medikal at lalo ng mga batayang sektor, nakita rin ng IDEALS na mahalagang tugunan ang legal na pangangailangan ng mga mamamayan. Ang lahat ng ito ay nasa balangkas ng pangunahing obligasyon ng pamahalaan na matugunan at maproteksyunan ang karapatang pantao ng lahat sa anumang panahon, may pandemya o wala. Si Atty. Mario Maderazo ay isang abogado at consultant para sa human rights program ng IDEALS, Inc. Siya rin ay isang environmental lawyer at legal counsel ng Philippine Misereor Partnership, Inc. (PMPI)

KONTAKIN

https://www.facebook.com/ barangayligtasph brgyligtas.ideals@gmail.com +632 2417174


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.