LIGTAS ISSUE 3

Page 1

TISYA HUSTISYA Rights mo, ask mo!

3 Tanong sa Kalusugan

0953 382 6935 - Globe at TM 0951 077 4412 - Smart, TNT, at Sun

5 Tamang Impormasyon

ISYU 3

HUNYO 2021

“Kwarantina, Hanggang Kailan Ka Pa?” DR. GENE NISPEROS Mahigit isang taon na mula nang ideklara ang kwarantina o lockdown, hindi pa rin ito natatanggal. Nagbaba ng lockdown upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 noong Marso 2020 at simula noon, palipat-lipat lang tayo sa iba’t ibang antas ng Community Quarantine: Enhanced (ECQ), Modified Enhanced (MECQ), General (GCQ) at Modified General (MGCQ). Sa tagal ng kwarantina, marami ang naapektuhan. Marami ang nawalan ng pagkakataon kumita o nawalan ng trabaho. Marami ang nasadlak sa kahirapan at sa gutom. Pero sa totoo, hindi dapat tumagal nang ganito ang kwarantina! Mismong ang salitang “kwarantina” ay hango sa “kwarenta” dahil ang kwarantina ay hindi dapat lumalampas ng 40 araw. Kaya naman Abril 2020 pa lamang, mismong ang World Health Organization (WHO) ay naglabas ng rekomendasyon upang mabilis na matanggal ang lockdown. Kung magagawa ang mga sumusunod na hakbang, maaaring buksan na ang lipunan kahit pa may pandemya: (1) Kontrolado ang pagkalat ng COVID-19; (2) Kaya ng sistemang pangkalusugan na mag-test, isolate at treat ng bawat nagkaroon ng COVID-19 at kayang mag-trace ng lahat ng nakontak; (3) Minimal ang posibilidad ng biglang pagkalat (outbreak) sa mag espesyal na lugar gaya ng mga ospital; (4) May mga hakbangin

para gawing ligtas ang mga paaralan at workplaces; (5) Kayang kontrolin ang pagpasok ng virus mula sa ibang bansa; at (6) Ang mga komunidad ay maaalam, handa at kalahok sa pagsulong sa bagong kaayusan (new normal). Pero matapos ang isang taon, iisa lang sa anim na yan ang nagawa. Sa mga lugar gaya ng ospital, maliit na ang posibilidad ng pagkalat ng COVID-19. Ito ay dahil sa pagsisikap mismo ng mga nasa ospital dahil kung magkakaroon ng hawahan sa ospital, mapipilitan itong magsara at marami ang hindi makakatanggap ng serbisyong pangkalusugan. Pero ang testing at contact tracing ay kulang pa rin. Ang mga eskwelahan at lugar ng trabaho ay hindi pa rin ligtas. Ang pagpasok ng virus mula sa ibang bansa ay hindi pa rin mapigilan at kamakailan nga ay nakapasok na sa bansa ang variant ng virus na nadiskubre sa India.

Higit sa lahat, kulang na kulang ang kahandaan ng ating mga komunidad. Nitong nakaraang pagbugso ng mga kaso ng COVID-19, malinaw na hindi alam ng mga tao kung ano ang gagawin o kung saan pupunta upang humingi ng tulong. Kahit ngayon, ang mga mahahalagang batayang impormasyon ay hindi tumatagos sa mga komunidad. Marapat na igiit sa pamahalaan na gampanan ang papel nito at kamtin ang anim na rekisitos upang matapos na ang kwarantina. Dahil hanggang hindi ito ginagawa ng pamahalaan, hindi magiging sapat at makabuluhan ang pagsusuot ng masks, paghuhugas ng kamay at social distancing. At hanggang hindi ito ginagawa ng pamahalaan, hindi matatapos ang kalbaryo ng mga mamamayan.

Gayunman, nasa atin din ang kapangyarihan upang maging mas handa laban sa kasalukuyang sitwasyon. Nasa ating kamay ang pag-alam at pagkamit ng ating mga karapatan, lalo na ang karapatan sa ligtas na pamumuhay, ang karapatan para sa sapat na serbisyong pangkalusugan at ang karapatan para mabuhay nang sapat at may dignidad. Sa ganitong paraan, masisiguro natin ang higit na maayos at maaliwas na bukas matapos ang pandemya.


Bakit kailangan magpabakuna? “Mayroon na akong Brgy. Pinyahan sandata sa pandemya!” -- Senior Citizen, Bakunado na! Sa mga katulad kong senior, nananawagan ako na sana magtiwala sila sa binibigay na proteksyon sa bawat isa. ‘Wag matakot, bakit hindi natin subukan? Itong oportunidad na libreng bakuna ay dapat tinatanggap natin.

Ang pagpapakuna ay tutulong sa katawan na makaiwas sa COVID-19. Ang pagpapakuna ay mas ligtas na paraan para bumuo ng proteksyon laban sa COVID-19 (kaysa sa natural immunity) Ang pagpapakuna ay isang mahalagang paraan upang bigyang wakas ang pandemya kasama ang iba pang pamamaraan katulad ng pagtuloy na pagsunod sa health protocols at pagsigurong tama ang tinatanggap at pinapamahagi ng impormasyon!

Adorado espanto brgy. pinyahan quezon city

Laking pasasalamat ng 63-anyos na si Adorado Espanto nang siya ay mabakunahan na nitong Mayo 8 sa Barangay Pinyahan, Quezon City. “Kasi alam ko na mayroon na akong sandata sa pandemya, kahit paano. Ang pag-iingat ay hawak natin. Kailangan natin gamitin ang binigay ng Diyos na buhay, pahalagahan at ingatan natin, sa pamamagitan ng pagpapabakuna,” aniya. Bagamat kabado noong una dahil sa mga nababalitaang side effects na naranasan ng iba, hindi naman ito nakahadlang sa kanyang paniniwalang epektibo ang bakuna. “Hindi ako takot dahil gusto ko maranasan kung epektibo ito. Ang bakuna kasi ay proteksyon sa kalusugan ko, sa mga anak ko at syempre proteksyon ko sa mga kapitbahay dahil matanda na ako.” Inamin ni Adorado na noong unang nabalitaan ang pagpasok ng COVID-19 sa bansa, hindi siya naniwala agad, bagamat nag-iingat na rin siya. Pero sa higit isang taon, saksi siya na ang pandemyang ito ay krisis na dapat seryosohin at aksyunan. Dating foreman si Adorado pero simula 2012, tumigil na siya

sa paghahanapbuhay, matapos itong irekomenda ng doktor dahil sa comorbidity na asthma. “Ako na lang ang inyong tignan, isipin nyo na asmathic pa ako pero okay naman ako. Sundin din natin ang mga protocols, at umiwas tayo sa mga bad news o fake news. ‘Wag agad maniwala. Kung doctor ang magsabi mas maaari pa na sila ang paniwalaan,” dagdag niya. Nakatakda ang kanyang second dose ng Sinovac sa Hunyo 25. Kasama rin niyang nabakunahan ang kanyang asawa na isa ring senior citizen. Hinihikayat niya rin ang ibang mga katulad niya na magpabakuna na at puksain ang pangamba gamit ang tamang impormasyon. “Wag tayo matakot sa sinasabi ng ilan. Magtiwala tayo, una sa Diyos at sa gobyerno o DOH na nagpapakahirap sa paglilingkod sa mamamayan. Napapabayaan nila ang kanilang pamilya para abutin tayong mga senior para proteksyunan ang ating sarili. Napakahalaga nitong vaccine na ito hindi lamang sa mga senior kundi sa lahat ng nagnanais na magpabakuna,” aniya.

Bakit kailangang magsuot ng face mask? Kapag ang isang taong positibo sa COVID-19 ay nagsalita, bumahing o umubo, maaari siyang makahawa sa ibang tao lalo na kung wala siyang suot na proteksyon o ang taong malapit sa kanya. Ang tamang pagsusuot ng face mask ay malaking tulong para mapababa ang tiyansa na makahawa o mahawaan ng COVID-19 lalo na kung susundin rin ang physical distancing o agwat na hindi bababa sa 2 metro mula sa ibang tao. Suportado rin ng DOH at DILG ang patuloy na paggamit ng face shield dahil sa dami pa ng aktibong kaso ng COVID-19 at mababang bilang naman ng nabakunahan sa bansa

wastong paggamit ng face mask


TANONG SA KALUSUGAN, SAGOT NI DOK ‘YAN! Alamin na ang tamang impormasyon tungkol sa bakuna dahil LIGTAS ANG MAY ALAM!

? ?

?

Posible bang humina ang aking immune system o resistensya dahil sa pagtanggap ng bakuna? Kung tayo ay mababakunahan, higit na lalakas ang ating immune system sa paglaban sa COVID-19 dahil mas magiging handa ito. Ang bakuna mismo ang magbibigay sa atin ng proteksyon laban sa virus. Magkakaroon ng kumpleto at pinakamataas na proteksyon laban sa COVID-19 dalawang linggo matapos makumpleto ang dosis ng bakuna.

Kung nagkaroon ako ng COVID 19 pagkatapos kong tumanggap ng unang dose ng bakuna, kailan ako pwedeng magpabakuna ulit para sa pangalawang dose? Mahalaga ang ikalawang dose upang maging lubos ang proteksyon na ibinibigay ng bakuna kaya kung nalampasan ang petsa ng ikalawang dose, pinakamaganda na makuha pa rin ito sa lalong madaling panahon. Kapag hindi nakuha ang ikalawang dose, maaaring hindi makuha ang maximum o pinakamataas na antas ng proteksyon na maaaring ibigay ng bakuna. Kung gaano man kalaki ang panahon na lumipas sa pagitan ng una at pangalawang dose, hindi na kailangan na umulit pa ng unang dose. Ano ang maari kong gawin kung napalampas ko ang petsa para tumanggap ng pangalawang dose ng bakuna sa COVID? Ito ay hindi inaasahang mga sintomas o sakit na maaaring maranasan pagkatapos mabakunahan. Gayunpaman, hindi awtomatikong dulot ng bakuna ang hindi magandang pakiramdam. Malala man o hindi, dapat i-monitor ang pakiradam o i-report kung kinakailangan. Ano ang maari kong gawin kung napalampas ko ang petsa para tumanggap ng pangalawang dose ng bakuna sa COVID?

?

Mahalaga ang ikalawang dose upang maging lubos ang proteksyon na ibinibigay ng bakuna kaya kung nalampasan ang petsa ng ikalawang dose, pinakamaganda na makuha pa rin ito sa lalong madaling panahon. Kapag hindi nakuha ang ikalawang dose, maaaring hindi makuha ang maximum o pinakamataas na antas ng proteksyon na maaaring ibigay ng bakuna. Kung gaano man kalaki ang panahon na lumipas sa pagitan ng una at pangalawang dose, hindi na kailangan na umulit pa ng unang dose.

May tanong ka ba tungkol sa bakuna? Ano ang gusto mong malaman tungkol sa iyong kalusugan? Nais mo bang kumpirmahin ang katotohanan ng nakita o narinig na balita, artikulo, video, website o impormasyong pangkalusugan ngayong pandemya? Handa kaming tumugon sa tulong ng mga legal at medikal na eksperto! Ipadala lamang sa amin sa pamamagitan ng pag-message sa aming Facebook page, m.me/barangayligtasph o sa email, brgyligtas.ideals@gmail.com Ang inyong mga katanungan, bibigyang linaw namin ‘yan dahil #LigtasAngMayAlam!


Pamilya at Komunidad, Kaagapay ng Frontliners sa Pagsalba ng Buhay Brgy. Botocan Sa mga panahong tila agaw-buhay na, kaligtasan pa rin ng pamilya ang nasa isip ng 40-anyos na si Raffy Degones, isa sa mga gumaling mula sa COVID-19. “‘Dun ko naisip na magdasal dahil wala na iba akong makapitan. Hindi ako madasalin na tao pero nakuha ko magdasal - na sana ay makabalik pa ako sa pamilya ko o kung hindi ay sana hindi nahawaan ang pamilya ko,” aniya. Nitong Marso, nagpositibo sa virus si Raffy. Kwento niya, inakala niyang hindi totoo ang COVID-19 kaya hindi siya naniwala rito. Pero nang siya mismo ay sumalakay sa paglaban sa sakit, isang malaking aral ang natutunan niya. “Seryoso ang virus. Sabi ko pa dati ‘wala yan di uubra at hindi tatalab, pero mali ako. Mag-ingat at sundin ang mga health protocols para mas ma-save kayo,” aniya. Laking pasasalamat niya na nalampasan nilang pamilya ang malaking pagsubok na ito sa kanilang buhay. “Naranasan ko sa ospital may mga sumisigaw ng “tulong”. Ang iba nilalagay sa tent kapag malala na talaga, may ventilator pa. Kita ko din lahat ng namamatay. Nakabalot sa bag na itim. Nabibilang ko ang ambulansyang dumadating,” Unang nakaranas si Raffy ng mga sintomas ng sakit. Nagsimula ito nang mawalan siya ng panlasa na sumunod sa lagnat, ubo at pananakit ng lalamunan. Hindi man matukoy kung kanino siya maaaring nahawa, palagay

Sa araw ng paglabas ni Raffy sa ospital, nakatanggap siya ng diploma nang pagbubunyi bilang isang COVID-19 survivor. Sinundo rin siya ng barangay health workers pauwi sa kanyang pamilya. niya ay malaki ang tiyansang sa opisina niya ito nakuha kung saan siya nagta-trabaho bilang isang company driver. Nang maramdaman na niya ang panghihina at pagkalala ng sintomas, doon siya nagtungo sa clinic at nagpa-test. Matapos makumpirma na positibo siya sa COVID-19, agad silang nakipag-ugnayan sa barangay.

“Sila ang nag asikaso ng sobra-sobra. Hindi kami pinabayaan. Kung hindi dahil sa pangungulit ng barangay namin ay hindi ako mabibigyan ng kwarto [sa ospital],” dagdag niya. Isa sa mga pangunahing tumutok sa kalagayan niya ay si Jane Barrientos, Barangay Health Officer sa Botocan, Quezon City. Bukod sa pag-aasikaso sa mga

pasyente, agaran rin silang umaaksyon sa contact tracing at testing para maagapan ang pagkalat ng virus. “Tinutulungan naman po ng barangay ang mga pasyente sa pamamagitan ng pagbibigay ng groceries, twice a week. At nag-aassist din po kami ng mga indibidwal sa ospital at mga COVID-19 facilities,” ani Kagawad Jane. Bukod sa misis ni Raffy, limang kaso pa ang naitalang nagpositibo rin sa virus. Lahat naman sa kanila ay asymptomatic. Samantala, limang empleyado naman ang nagpositibo rin sa kanilang opisina at isa sa mga nahawang kapamilya nito, sa kasamaang palad, ay pumanaw. Sa kabila ng krisis na pinagdaanan, mas ibayong pag-iingat naman ang ginagawa ni Raffy at kanyang pamilya sa ngayon. Kumukuha siya ng lakas ng loob at inspirasyon na maging ligtas para na rin sa kalusugan ng dalawang anak, asawa at komunidad. Labis rin ang pasasalamat ni Raffy sa mga healthcare frontliners na walang kapagurang nagsasakripisyo para labanan ang pandemya. “Nung palabas ako ng ospital, pinalakpakan ako ng mga doktor at may diploma pa na binigay. Nakakaiyak ang scene na ‘yun kasi buwis buhay sila at utang ko ang buhay ko sa kanila. Natutunan ko rin na hindi ka maisasalba ng pera, mayaman o mahirap pwede mamatay sa virus,” aniya.

BARANGAY NA LIGTAS IN ACTION! Contact Details ng Brgy. Botocan COVID-19 Response Team

BHERT Officer | Kag. Jane Barrientos

JANE BARRIENTOS SANDRA FULGENCIO REYNANTE SALINAS

0995-435-5722 0916-408-5069 0956-460-0105

ROEL FONCECA ARTHUR STA. ANA FERNANDO LOPEZ

0956-358-7891 0918-409-0650 0975-036-7240


Tamang Impormasyon para Labanan ang Pandemya Balita at impormasyon ang isa sa mga naging epektibong pundasyon ng Barangay Krus na Ligas para labanan ang pandemya. “Napakalaking bagay ang social media para maibahagi namin ang mga anunsyong nais namin sabihin o ipaalam para rin maiwasan ang pagdami ng bilang ng kaso sa aming barangay,” ani Catherine Oderon, isa sa mga health worker ng barangay. Sa pagpapalakas at pagpapaigting ng Facebook Page ng barangay, mas naging madali ang daloy ng komunikasyon at impormasyon sa kanilang mga nasasakupan. “Maaring bisitahin ang Krus Na Ligas Health Center Facebook page kung meron man kayong mga tanong. Maaari rin ma-contact ang hotline 09195586190 pero pansamantalang ipinalit rito ang telemedicine.” Bukod sa social media, mayroong regular na anunsyo sa barangay kung saan patuloy na pinaaalalahanan ang mga residente na sumunod sa mga health protocols, social distancing at iba pang importanteng kaalaman. “Kung hindi po nila naiintindihan, ipinapaliwanag po namin

ng maayos upang maintindihan po nila at makuha nila hanggang sa kanilang kabahayan,” ani Catherine. Aminado siya na sa tatlong taon niya bilang isang health worker, isang malaking pagsubok ang nangyaring pandemya hindi lang para sa mga tulad niya kundi sa kabuuang naapektuhan ng krisis na ito. “Bilang isang frontliner kami po ay nangangamba na lalo pang tumaas ang bilang ng kaso ng pandemya. Napakahirap po para sa amin ang mga sitwasyong nangyayari, ‘di lang sa aming barangay kundi sa buong Pilipinas,” dagdag niya. Ang nagpapasigla sa kanya bilang frontliner ay makitang gumaling at lumusog ang mga pasyenteng kanyang inaalagaan at ang pagbibigay ng “maayos at taos pusong pagseserbisyo sa mga ka-barangay.” Nakikita ni Catherine na kailangan pang pagitingin ang pagbibigay ng COVID-19 tests at pagpapabakuna para mas madaling maagapan ang pagkalat ng ng virus sa komunidad.

GUSTO MO BANG MAGPABAKUNA LABAN SA COVID-19? Alamin kung ikaw ay nasa Vaccine Priority List! Sino-sino na ang mga nasa vaccine priority list?

A1

Frontline workers sa mga lokal at nasyonal na health facilities, kapwa pribado at pampubliko, health professionals at non-professionals tulad ng nursing aides, janitors, barangay health workers, at iba pa.

A2 Senior citizens edad 60 years taong gulang pataas A3 Mga taong may comorbidities Frontline personnel sa mga essential sectors, kabilang ang mga unipormadong tauhan at ang nasa mga A4 sektor na kinilala ng IATF na mahalaga sa panahon ng ECQ

A5 Indigent populations B1 Mga guro at social workers B2 Iba pang workers sa gobyerno B3 Iba pang essential workers Mga socio-demographic groups na makabuluhang

B4 mas mataas ang peligro bukod sa senior citizens at indigent populations

B5 Overseas Filipino Workers (OFWs) B6 Iba pang remaining workforce C Rest of the Filipino population

Kung nais mong magpalista para sa bakuna, maaari kang magparehistro o mag-log in sa eZConsult website: https://app.ezconsult.io/signup?userType=Patient.

Kasama nina Catherine Oderon (nasa kanan) at Kagawad Irene dela Cruz (sa kaliwa) sa Baranga Care Facility ang mga dating pasyenteng naka-recover na mula sa COVID-19.

Brgy. Krus na Ligas

Kung walang kakayahang mag-online, pwede ring magrehistro sa barangay-assisted booking.Narito ang gabay: https://tinyurl. com/brgyassistedbooking Para sa ibang impormasyong tungkol sa Vaccination Program ng Lungsod, magtungo lamang sa https://qcprotektodo.ph


Mag-chat lang sa Tisya Hustisya FB page para sa libreng legal consultation. Pwede ka ring mag-text sa mga hotline: Globe at TM 0953 382 6935 Smart, TNT, at Sun 0951 077 4412


Pagtitiyak sa Kaligtasan at Karapatan sa Trabaho Kung ang Tiktok ay naging popular sa social media sa panahon ng lockdown o mga quarantine measures na ipinatutupad ng gobyerno gaya ng ECQ, GCG at iba pa, naging laganap din ang work from home (WFH). Pero bago pa man mauso ang WFH mayroon na tayong Telecommuting Law o RA 11165, na nagpapahintulot sa employer na gawin ang trabaho ng mga empleyado sa labas ng opisina o pagawaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga computer technologies o telecommunications. Sa kasagsagan ng pandemya, ang DOLE mismo ang nagpanukala ng WFH bilang pag-angkop sa mga limitasyong dulot ng mga health protocols na kailangang ipatupad sa patuloy na paglaganap ng COVID-19. Ngunit bago maipatupad ng isang employer ang WFH sa kanyang pagawaan o opisina kinakailangang pa rin nitong mag apply sa DOLE at sumunod sa mga reportorial requirements ng DOLE. Ito ay upa-

COVID 19 PATIENT: HOMECARE

Bukod sa pagsunod sa mga labor standards gaya ng tamang pagbabayad ng sweldo, mga overtime pay, vacation leave at iba pa, kailangang tiyakin din kung paano magbibigay suporta ang isang employer sa kanyang mga empleyado sa balangkas ng WFH. Gaya halimbawa ng pagbibigay ng mga angkop na kagamitan upang matiyak na hindi maapektuhan ang kalusugan tulad ng upuan lalo kung ang trabaho ay kailangan nakaupo sa mahabang oras. Dagdag na allowance para sa karagdagang gastusin upang magawa ang trabaho sa bahay ng empleyado gaya ng ng pambayad sa internet at kuryente. Ito ay ilang bagay lamang na dapat mabigyan ng pansin ng DOLE upang higit na mabantayan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa ngayong panahon ng pandemya. Subalit hindi lahat ng trabaho ay maaaring gawin sa balangkas ng WFH. Ang mga manggagawa gaya ng ating mga health frontliners, mga empleyado sa service industries

gaya ng mga waiters/waitress, janitors/janitress, security guards at ‘yung mga self-employed gaya ng mga vendors ay kinakailangan pa ring magtrabaho sa labas ng kanilang mga tahanan. Nananatili ang obligasyon ng gobyerno na tiyakin na ang mga karapatan ng mga empleyado o manggagawa ay mapoproteksyunan, anumang trabaho o kung saan man ito nararapat gawin bunga ng pandemya. Kaligtasan hindi lamang laban sa sakit kundi pagtiyak na ang kalusugan ng mga empleyado o manggagawa ay hindi naapektuhan ng kanilang mga trabaho. Kailangan din ng dagdag na suporta sa mga employer upang higit silang makatugon sa tungkulin nila sa batas upang matiyak na ligtas ang kanilang empleyado, sa bahay man o sa loob ng pagawaan o opisina ginagawa ang trabaho.

Kung ikaw ay nag-aalaga sa bahay ng isang indibidwal na posibleng may COVID-19, sundin ang mga tips na ito para maprotektahan ang iyong sarili at pamilya.Alamin ang mga dapat gawin kapag ang isang tao ay may mga sintomas o positibo sa virus pero hindi nagpapakita ng mga sintomas:

Inilunsad ang “Barangay Ligtas” ng IDEALS, Inc. upang maghatid ng napapanahong impormasyon at balita tungkolsa pandemya, bakuna at karapatan sa kalusugan. Layunin ng proyektong ito na hikayatin ang bawat isa sa komunidad na aktibong makilahok para matagumpayan natin ang pandemya.

ng tiyakin na ang WFH ay hindi aabusuhin o gagamitin palusot upang mabawasan o makaiwas ang kanyang pananagutan sa kanyang mga empleyado sa ilalim ng batas. Kung susuriin ang WFH ay binabago kung ano ang konspeto ng workplace o pinagtatrabahuhang lugar. Bagamat parang may awtonomiya ang mga empleyado, hindi pa rin nito nababago ang obligasyon ng mga employer. Hindi nawawala ang pananagutan ng mga employer sa kanilang empleyado kung WFH. Sa ganitong konteksto, paano masasabing sapat ang suportang ibinibigay ng employer sa kanyang empleyado? Nakasaad sa Occupational Safety and Health Standards Law o Republic Act No. 11058, ang mga obligasyon at pananagutan ng isang employer upang mapanatiling ligtas ang lugar na pagawaan o opisina sa anumang nakakahawang sakit o mga mga peligro maaaring mangyari habang nagtatrabaho ang kanilang mga empleyado.

ATTY. MARIO MADERAZO

Magbigay ng suporta at tulungan siya sa kanyang pangunahing pangangailangan a. Sundin ang mga tagubilin ng kanyang doktor lalo na sa pag-inom ng niresetang gamot. b. Siguraduhin na ang taong may sakit ay umiinom ng maraming tubig at nagpapahinga. c. Tulungan siya sa pamimili o paghahanda ng kanyang pagkain at pagkuha ng iba pang mga bagay na maaaring kailanganin niya. Bantayan ang mga warning signs kung kailan dapat tumawag ng medical emergency gaya ng: a. Hirap sa paghinga, pagsakit o pressure sa dibdib, b. Hindi kayang manatiling gising, c. Maputla, kulay abo o asul ang kanyang balat, mga labi at kuko Proteksyunan ang iyong sarili a. Limitahan ang kontak sa indibidwal na maaaring positibo sa virus b. Kumain sa magkahiwalay ng lugar c. Iwasan maghiraman ng personal na gamit d. Palaging maghugas ng kamay at magsuot ng face mask at gloves



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.