ALERTayo Eleksyon 2022 Rumor Bulletin Issue No. 4

Page 1

RUMOR BULLETIN ISSUE NO.4

Papalapit na ang halalan ngayong 2022, kaya naman parami na rin nang parami ang mga kumakalat na tsismis o sabi-sabi sa ating paligid. Para masigurong malinis at matagumpay ang halalan, laging tandaan: importanteng tama ang nakukuha nating kaalaman! Sa pamamagitan ng rumor bulletin na ito, ating sagutin ang mga talamak na tsismis at itama ang mga maling kaalamang maaaring magdulot ng kapahamakan sa ating halalan.

Mga Marka: Hindi Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang HINDI TOTOO sa pamamagitan ng pag factcheck gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources.

Sabi-sabi #1:

Bayanihan e-Konsulta, nangongolekta raw ng personal na impormasyon para sa halalan

Totoo Ang sabi-sabi ay napatunayang TOTOO sa pamamagitan ng pag fact-check gamit ang mga kilala at kagalang-galang na sources. Halo Ang sabi-sabi ay natagpuang may halong katotohanan at kasinungalingan.

Marka: Hindi Totoo

Walang Basehan Walang mahanap na kilala at kagalang - galang na sources para makumpirma kung may katotohanan ang sinasabi.

sulta ay ang mga kinakailangan lang ng mga duktor sa pagbibigay ng reseta, tulad ng address, contact number, mga nararanasang sintomas, at medical records. Aniya, “Hindi naman namin tinatanong kung ano ‘yung political affiliation [ng mga nagre-register]. Hindi naman namin tinatanong kung sino ba ‘yung Ayon sa mga kumakalat na post, ginagamit daw iboboto nila sa susunod na eleksyon.” ang serbisyo para mangalap ng personal na impormasyon ng mga botante, kasama ang kanil- Pinabulaanan din ang mga nasabing alegasyon ng ilang social media users, na nagbahagi ng ang precinct number. screenshots ng serbisyo para ipakita ang mga hininging impormasyon mula sa kanila. Nilinaw ni Vice-President Leni Robredo na ang impormasyong kinokolekta ng Bayanihan e-KonKasabay ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa simula ng taon, may ilang social media accounts na nagpakalat ng maling kaalaman tungkol sa Bayanihan e-Konsulta, ang inisiyatiba ng Office of the Vice-President na nagbibigay ng libreng konsultasyong medikal sa telepono at internet.


Inilunsad ang Bayanihan e-Konsulta noong Abril walang access sa mga duktor at serbisyong 2021 sa gitna ng COVID-19 pandemic. Katuwang medikal. ng volunteer doctors at health professionals, sinsikap ng serbisyong tugunan ang mga taong Para sa karagdagang detalye ukol sa sa Bayanihan e-Konsulta, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook page: https://www. facebook.com/OVPBayanihanEKonsulta/.

Sabi-sabi #2:

Kabataan, Gabriela, at mga grupong bahagi ng Makabayan coalition, kasapi raw ng CPP-NPA

Marka: Hindi Totoo

Nitong Hunyo, naghain ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng petisyon sa Commision on Elections (Comelec) para diskalipikahin ang Kabataan Partylist mula sa paglahok sa halalan. Dahil daw ito sa hangarin ng grupong ipabagsak ang pamahalaan. Naghain din sila ng katulad na petisyon noong 2019 laban sa Gabriela Women’s Party. Sa petisyong ito, ipinararatang na tumanggap ang grupo ng dayuhang pondo bilang suporta sa Communist Party of the Philippines (CPP). Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagparatang din na ang Gabriela, ang Bayan Muna Partylist, at ang buong Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan) sa kongreso ay prontang legal lamang ng CPPNPA.

Patuloy na itinatanggi ng mga kinatawan ng mga sangkot na grupo ang kanilang pagkakaugnay sa mga grupong komunista. Walang ring naibigay na sapat na ebidensya ang NTF-ELCAC at ang Pangulong Duterte para suportahan ang kanilang mga alegasyon. Sa panig naman ng Comelec, kabilang ang Kabataan Partylist at Gabriela Women’s Party sa pinal na listahan ng partylist candidates na makakalahok sa halalan ngayong Mayo 2022.

Sabi-sabi #3:

Senador Ping Lacson, sinabi raw na nagpanggap lang sina Bise-Presidente Robredo at Senador Manny Pacquiao sa tugon sa Bagyong Odette

Marka: Hindi Totoo

Sa isang viral video, sinabi diumano ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na pagpapanggap lang ang mga naging tulong nina Bise-Presidente Robredo at Sen. Manny Pacquiao para sa mga nasalanta ng Bagyong Odette. Dagdag pa sa video, sinabi raw ni Sen. Lacson na, “‘Yang ganyang style ng pamumulitika, sa inidoro pa rin ang bagsak niyan.”

Walang ebidensya na sinabi ni Sen. Lacson ang mga pahayag sa itaas. Sa kanyang totoong pahayag, binatikos niya si Sen. Pacquiao matapos ang publikong panawagan nito na magsanib-pwersa ang mga kapwa nilang kandidato sa pagkapangulo para tulungan ang mga nasalanta. Ayon kay Sen. Lacson, ito raw ay halimbawa ng “calamity politics” na kanyang itinuturing bilang pinakamababang paraan ng pangangampanya.


TANDAAN! 1. Iwasang umasa sa News Feed para sa balita. Sa ating News Feed, sinasala ng app ang mga impormasyong ipinakikita sa atin depende sa mga bagay na tingin nito ay gusto nating makita. Dahil dito, limitado ang sakop ng posts na nakikita natin, at hindi rin nasisigurong tama ang nilalaman ng mga ito. Para masiguro ang kredibilidad ng mga nababasa nating balita, mas mainam na dumiretso sa website ng mga kilalang tagapaghatid nito, tulad ng mga istasyon ng TV at radyo at pahayagan. 2. Ang kaalamang galing sa taong pinagkakatiwalaan natin, hindi awtomatikong tama agad. Hindi maiiwasan ang posibilidad na makabasa tayo ng maling kaalaman at ipasa ito sa iba. Kaya naman, kung makarinig man tayo ng sabi-sabi—kahit pa galing ito sa taong pinagkakatiwalaan natin—mas mainam na magbasa muna tungkol dito para siguruhing ito ay totoo. 3. Ang paglaban sa maling kaalaman ay sinasanay. Sa dami ng kumakalat na maling kaalaman, huwag mag-alala kung sa simula ay hirap tayong kumilatis ng tama at mali. Ang paglaban sa maling kaalaman ay proseso ng pagkatuto; sa paulit-ulit na pag-eensayo, makakasanayan din natin ito. Tuwing tayo ay may binabasa o pinanonood, magandang ipaalala sa ating sarili: “Tama ba itong nababasa/napapanood/ibahahagi ko?”

MAGING Nais mo bang makialam sa mga bagong sabi-sabi at tsismis? O kaya naman nais mo rin mag report ng mga nakikita mong sabi-sabi at tsismis online? Maari mong bisitahin at i-message ang https://www.facebook.com/ ALERTayo

Meron ka bang mga katanungan tungkol sa darating na eleksyon? Mga karapatan mo bilang botante? Maari mong bisitahin at i-message ang https://www.facebook.com/tisyahustisya Ang Tisya Hustisya Live Chat ay bukas araw-araw mula 8AM hanggang 4PM


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.