TAPAT Volume 4 Issue 1

Page 1

VOL 4 NO 1 | ABRIL 2018

OPINYON 4

Ang daan tungo sa kawalan ng karahasan TAPAT SA BALITA. TAPAT SA BUHAY

OPLAN TOKHANG

MULING INILUNSAD

NG PNP

MULING nangangatok ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa mga bahay ng mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga sa pagpapatuloy ng Oplan Tokhang noong Enero 29.

3

Roque: ‘Human rights “Salubong” Rehab Program, Pinatitibay ng Simbahan groups, sinusuhulan “Biking priest” 16 na araw ng mga drug lord’ 2 nag protesta laban sa EJK

3

8


2

VOL 4 NO 1 | ABRIL 2018

Pilipinas, kumalas sa ICC IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 14 ang pag-bawi ng Pilipinas sa pagpapatibay nito sa Rome Statute, ang kautusang gumawa ng International Criminal Court (ICC). Sa opisyal na pahayag ni Duterte, inilahad niya ang mga dahilan sa pagatake umano sa kanyang administrasyon at ang iligal umanong tangka na ilagay siya sa kapangyarihan ng isang ICC prosecutor. Ang ICC ay nagiimbestiga at naglilitis ng mga taong naaakusahang gumawa ng mabibigat na krimen sa internasyonal na komunidad tulad ng krimeng ginagawa habang giyera, pagpatay ng lahi, at mga krimen laban sa sangkatauhan. Noong Pebrero, inanunsyo ni ICC special prosecutor Fatou Bensouda

na sisimulan niya ang isang paunang pagsusuri sa mga paratang ng extrajudicial killings kaugnay ng mataas na bilang ng mga pagpaslang sa kasagsagan ng giyera kontra droga sa Pilipinas. Ito raw ay para matignan kung kasama ang isyung ito sa saklaw na kapangyarihan ng ICC at kung kinakailangan pa ng isang malakihang imbestigasyon. “It is apparent that the ICC is being utilized as a political tool against the Philippines,” sabi ni Duterte. Kasunodnito, hinimok din ng pangulo ang ibang bansa na kumalas na rin sa Roman Statute. Aniya, ang European Union daw ang sumuporta sa pagtatayo nito bilang tangkang pagbawi umano sa mga nakaraan nitong mga kasalanan. Nauna nang sinabi ni

Duterte na handa siyang harapin ang ICC lalo na patungkol sa kanyang giyera kontra droga. Pero ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagbago raw ang posisyon ni Duterte matapos siyang sabihan ni UN High Commissioner for Human Rights ZeidRa’ad Al Hussein na magpatingin sa isang psychiatrist. Ayon sa Roman Statute, ang isang miyembro ng estado ay maaaring kumalas sa kasunduan. Pero ang pagkalas na ito ay magiging epektibo lang isang taon matapos matanggap ng United Nations secretary-general ang liham. Ibigsabihin, magpapatuloy pa rin ang anumang nasimulan nang imbestigasyon at iba pang paglilitis na nasimulan na bago magkaroon ng bias ang pag-alis ng estado.

Duterte, binilinan ang pulisya na ‘wag tumulong sa war on drugs investigation ng UN BINILINAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulisya na huwag tumulong sa kahit anong imbestigasyon ng kahit na sino laban sa madugong giyera kontra droga na isinusulong ng kaniyang administration, iyan ay kahit pa ilang pandaigdigang organisasyon na ang nagpahayag na ng pagkabahala ukol dito. Mariing iniutos ni Duterte sa mga kapulisan na huwag na silang mag abala pang tumugon sa oras na tanungin sila ng mga tagapangalaga ng karapatang pantao o ng kung sino mang tauhan mula sa kahit anong panlabas na ahensya. Muli din naman niyang binanatan ang mga nagnanais na imbestigahan ang naturang isyu at sinabing alam ng lahat na nilalamon na ng droga ang bansa.

Giit pa niya, walang karapatan ang ibang mga entidad na mangialam sa pamamalakad niya sa bansa. Nitong martes lang, pinayagan ng tanggapan ng pangulo ang United Nations na magpadala ng rapporteur sa Pilipinas upang imbestigahan ang mga kaso ng Extra Judicial Killings (EJK) na naitala sa kasagsagan ng giyera kontra droga. Ngunit nanindigan naman ang pangulo na babawiin niya ang naturang permiso kung sa kaling si Agnes Callamard ang ipadala ng naturang union na dati pang tinira ni Duterte na bias at hindi kwalipikado para sa naturang trabaho. Pinatutsadahan pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. ang mga bintang ni Duterte kay

Callamard at sinabing kulang ito sa kredibilidad at sa pagiging obhektibo. Nagsulong na din naman ang International Criminal Court (ICC) ng paunang imbestigasyon sa mga maaaring krimen na nagawa laban sakarapatang pantao ng mga Pilipino na nagawa ng administrasyon sa pagsugpo sa droga. Kasamana din sa mga iniimbistigahan ang naganapnapagpatay at iba pang uri ng karahasanmula pa ng pagkaalkaldeniDutertesa Davao. “We tell the truth here. And if we deny, it’s really because that’s part of our duty, it is not time to talk about it, and as of this time, we’d just like to investigate the whole case until there is a conclusion,” dagdag pa nito. (TapatNews)

Ano nga ba ang Commission on Human Rights (CHR)? Ito ay isang malayang ahensya ng gobyerno na nag-iimbestiga sa mga kasong may kinalaman sa karapatang pantao lalo na ng marginalized o mga nasa laylayan ng lipunan. Nilikha ang ahensiyang ito alinsunod sa ating Saligang Batas 1987 kaya hindi ito maaaring buwagin nang basta-basta. Ayon sa Saligang Batas, ang CHR ay inatasan na “magimbestiga, ng kusa o ayon sa reklamo ng sinumang partido, ng lahat ng anyo ng paglabag sa karapatang pantao na kinasasangkutan ng mga karapatang sibil at pampulitika.” Para sa karagdagang impormasyon, maaari silang makontak sa: 928-5792 SAAC Building Commonwealth Avenue, UP Complex, Diliman, Quezon City, 1101

Roque: ‘Human rights groups, sinusuhulan ng mga drug lord’

Nagsagawa ng libreng legal mission ang isang non-government organization (NGO) sa Maynila. DADA GRIFON

BAGAMA’T wala pang nahuhuling mga malalaking personalidad sa iligal na droga mula ng nagumpisa ang kampanyang War on Drugs ng pamahalaan, binintangan ng tagapagsalita ng administrasyon ang mga human rights groups natumututol sa pagsasawalang bahala sa mga karapatang pantao nanaganap sa naturang kampanya na binabayaran sila ‘di umano ng mga drug lord para pigilan ang gobyerno sa pagtugis sa kanila. Sa isang opisyal na pahayag, nilinawni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na hindi nila tinatalikuran ang posibilidad na may ilang mga human rights groups natumatanggap ng bayad mula sa mga drug lord para ipagtanggol sila. Sinabi iyan ng tagapagsalita

matapos niyang ilarawan ang mga pagkwestyon ng mga kritiko sa kampanya kontra droga ni Pangulong Duterte bilang bisyoso o mapanira at tila walang katapusan. “The illegal drug trade is a multi-billion-peso industry and billions have been lost with the voluntary surrender of more than a million drug users, arrest of tens of thousands of drug personalities, and seizure of billion-peso clandestine drug laboratories and factories,” paliwanag ni Roque. Palagay niya, gagawin ng mga drug lord ang lahat para patuloy na umunlad ang kanilang mga negosyo at handa sila na gamitin ang kanilang pera sa iligal na droga para mawasak ang mga ginagawa ng pamahalaan para masugpo sila. (Niceforo Balbedina /TapatNews)


3

VOL 4 NO 1 | ABRIL 2018

Oplan Tokhang muling inilunsad ng PNP MULING nangangatok ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa mga bahay ng mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga sa pagpapatuloy ng Oplan Tokhang noong Enero 29. Nauna nang ipinasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamumuno sa laban kontra droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa dami ng namamatay sa ilalim ng kamay ng kapulisan. Pero noong Disyembre 2017, ipinag-utos muli ni Duterte

na tumulong ang PNP sa programang ito. Giniit ng PNP na mas detalyado ang mga panuntunin para sa muling paglulunsad ng programa na tinawag na Tokhang Reloaded. Ito ay para raw maiwasang maging madugo ang mga operasyon. Nauna nang inamin ni PNP Chief Ronald dela Rosa na ang naunang mga patakaran na inilabas kaugnay ng laban kontra droga ay inabuso ng ilan sa kanyang mga tauhan. Sa ilalim ng Tokhang

Reloaded, ang mga pulis na magsasagawa ng operasyon ay tinatawag na mga “tokhangers.” Sila ay pinili mismo ng hepe ng bawat istasyon para raw masiguro na walang mga iskalawag na mapapasama sa operasyon. Ang mga tokhangers ay sumailalim daw sa retraining at orientation para siguruhing alam nila ang gagawin sa operasyon. Sa pagsasagawa nito, dapat daw bawat pangkat ay binubuo ng hindi bababa sa isang kinatawan ng barangay, municipal o city

drug abuse council (ADAC), isang miyembro ng PNP Human Rights Affairs Office o kahit sinong human rights advocate, at isang galing sa religious sector, media, o kahit sinong prominenteng personalidad sa lugar. Ang tokhang ay dapat gawin lang daw Lunes hanggang Biyernes, mula 8am hanggang 5pm. Hindi rin maaaring pumasok ang mga tokhangers sa loob ng bahay ng mga nasa drug watchlist kung hindi sila iimbitahan mismo ng mayari ng bahay. Hindi rin

daw sila papapirmahin ng anumang dokumento. Mula nang sinimulan ng administrasyon ang laban kontra droga sa ilalim ng pamumuno ng PNP noong 2016, mahigit 4,000 na ang napatay. Samantala, 106 ang namatay sa mga operasyon ng pulis sa ilalim ng bagong lunsad na Oplan Tokhang. Dalawang beses nang tinanggal ang PNP sa laban kontra droga dahil sa pagkasangkot umano ng ilang pulis sa iligal na droga. Ngunit ibinabalik pa rin sila sa utos na rin ng pangulo.

“Salubong” Rehab Program, Pinatitibay ng Simbahan PINAIGTING ng simbahan ang proyektong “Task Force Salubong,” isang Community Drug Rehabilitation Program para sa mga apektadong laban kontra-droga ni Pangulong Duterte. Sa pangunguna ng Diocese ng Kalookan, inilunsad ang rehab program noong Oktubre 2016 para matulungan ang mga aminadong drug dependents na makapag bagong buhay. “Mahalaga ang bawat buhay ng tao dahil ito ay kaloob ng Panginoon. Hindi ito basta pinawawalang bahala at dapat itong ipaglaban,”sabi ni Ryan Renzo, communications officer ng Diocese ngKalookan. Sa pagpapalawig ng programa, naninindigan pa

rin ang simbahan na hindi pagpatay sa drug dependents ang solusyon sa pagpuksa ng droga sa bayan. Ayonkay Bishop Pablo Virgilio David, ang “Salubong” ay hinango sa kwentong prodigal son sa bibliya at sa tradisyon na Easter Salubong o Paskong Pagkabuhay tuwing mahal na araw. Binubuo ang “Salubong” ng samahan ng mga psychiatrists, psychologists, doctors, nurses, at mga social workers volunteers na magkaisa para bigyan ng libreng konsultasyon ang komunidad na apektado ng OplanTokhang. Layunin rin nito na bigyan ng counseling ang mga pamilyang biktima ng extrajudicial killings, liban pa sa mga handog na livelihood

program, educational assistance at scholarship. Naniniwala rin sila na makakamit lamang ang ganap na pagbabago sa tulong at suporta ng bawat pamilya at komunidad na siyang pokus ng programa. “Family care and community involvement are more feasible in the smaller community-based rehab programs that can accommodate anywhere between 150 to 200 participants,” sabi ni Bishop David sa isang panayam sa Radio Veritas. Sa tulong rin ng mga volunteers at local government units, nabuo ang “kaagapay ministry” na binubuo ng mga trained volunteers na namumuno sa pagbibigay ng counseling sa mga pamilya.

HINDI KA NAG-IISA Medical Action Group(MAG)

Ang MAG ay isang non-stock, non-profit na organisasyon ng mga manggagamot, nars, dentista, psychologist at mga estudyanteng pangkalusugan. Itinataguyod at ipinagtatanggol ng

MAG ang mga karapatang pantao ng lahat ng tao. Mula sa pagkakabuo nito noong 1982, ang MAG ay nagbigay ng kabuuang serbisyong pangkalusugan sa mga maralita sa lungsod, mga bilanggong pulitikal, sa loob ng mga displaced na tao at manggagawa, at mga biktima ng paglabag

Kuha mula sa Diocese ng Kaloocan. Masayang nagsipagtapos ang mga graduates ng “Salubong” Community Drug Rehabilitation Program. RYAN REZO

“Bigyan natin sila ng pag-asa at pagkakataong magbago. Lahat tayo ay may pananagutan sa isa’t-isa,” dagdag pa ni Renzo. Sa kasalukuyan, ay anim na grupo na ang naka-graduate sa anim na buwang rehab program. Nailunsad rin ito sa ilan pang parokya at barangay

sa Kalookan, Malabon at Navotas. Dahil dito, naalis naa ng rehab graduates sa Police Drug Watchlist. Sa tulong ng Community Care Program, patuloy pa rin nilang susubaybayan ang mga rehab graduates para masiguro ang tunay na pagbabago.

Sa panahon ng pangangailangan, maraming mga organisasyon ang maaarin lapitan upang sumangguni, humingi ng payo, o humingi ng tulong. Narito ang ilan sa kanila:

sa karapatang pantao. Para sa nangagailangan ng first-response, medicolegal, medical attention, at psychosocial na serbisyo, maari pong maaaring maabot ang MAG sa mga detalyeng ito: Email: mag.1982@magph.org Telephone: 273-4609 Fax: 63 2 454 7513 Mobile Phone Number: 09289055920

Center for International Law (CenterLaw)

Ang CenterLaw ay nagtataguyod ng kalayaan sa pagpapahayag, karapatang pantao, at makataong batas, batay sa kanilang hangarin na masunod ang mga international law at norms sa ating bansa. Para sa layuning ito, ang CenterLaw ay nagsampa at nagsasampa ng kaso sa korte para humingi ng hustisya para sa biktima ng extrajudicial killings o EJK at mga iligal na pag-aresto. Sa ngayon, ang CenterLaw ay humahawak ng kaso ng mga biktima ng EJK sa komunidad ng San Andres Bukid, Manila. Maaring dumulog sa CenterLaw para sa mga pangangailangang legal sa numerong +632 8873894.


4

VOL 4 NO 1 | ABRIL 2018

EDITORYAL

Ang Pagbabalik sa Isyung Karapatang Pantao TAMPOK na naman ang usaping karapatang pantao sa ating bayan. Lumitaw ang isyung ito sa gitna ng matinding kampanya ng Pamahalaang Duterte laban sa droga. Libu-libo na ang naitala na “drugrelated killings” mula nang manungkulan bilang Pangulo ang dating Mayor ng Davao City na kilalang may kakaibang pamamaraan sa pamamahala. Ayon sa opisyal na ulat ng kapulisan ay may 3,967 nang napatay na mga kasangkot sa droga sa kanilang mga operasyon. Liban dito ay mayroong 16,335 na kasong homicide kaugnay sa droga na nasa proseso ng imbestigasyon pa. Higit 20,000 libong kamatayan na ang konektado sa droga sa loob ng wala pang dalawang taon. Kabilang na dito ang mga napagkamalan at pinaghinalaan lamang. Ang malaking katanungan ay kung ang mga ito ay naganap ayon sa tamang prosesong ligal na nagbibigay proteksyon sa mga karapatan ng lahat sa ilalim ng ating 1987 Konstitusyon? Nauna nang tumingkad ang isyu ng karapatang pantao mula sa panahong Setyembre 1972 hanggang 1983. Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang buong bansa sa ilalim ng batas militar o martial law sa bisa ng Proclamation No. 1081. Pangunahin sa karakter ng Batas Militar ang pagsuspinde ng habeas corpus o pananggang laban sa ilegal o hindi makatarungang pagkakakulong sa bilangguan, at ibang mga karapatan tulad sa pag-asembliya, kalayaang magsalita at maglathala ng mga opinion, at pagpataw ng curfew. Ang layunin ng pagdeklara ng Batas Militar noon ay upang puksain ang komunismo, droga, at kriminalidad sa bansa. Sa ilalim ng diktadurya, si Marcos, sa kanyang sarili lamang, ang nagsilbing

lehislatura na taga-gawa ng mga batas, ehekutibo na nagpairal ng mga ito, at hudikatura na nagdesisyon ukol dito. Ginamit niya ang buong pwersa ng militar at pulis bilang tagapagpaganap ng mga batas niya. Binago ni Marcos maging ang Konstitusyon ng Pilipinas (1973 Constitution) upang umangkop sa kanyang pamamahalang gamit ay kamay na bakal patungo raw sa “bagong lipunan.” Ang kapangyarihan ay nakonsentra lamang kay Marcos at ilan na pangunahing malapit at nagsilbi sa kanya. Dahil sa hawak ng buongbuo ang pampulitikang pwersa, ipinakulong ang sinumang maglahad ng oposisyon at pagprotesta sa kalakaran. Ipinasara ang mga pampublikong midya at pinanghawakan ang larangan ng radyo, telebisyon at paglathala. Libu-libo ang naging biktima ng mass arrests, summary execution (salvage), tortyur sa mga piitan at mga sikretong detention centers, at pangaabuso ng mga military at para-military. Marami din ang nangawala na lamang na parang bula at hindi na kailanman nakita pa ng kanilang mga pamilya. Sa kasalukuyan ay may higit 70,000 kasong naitala na paglabag sa karapatang pantao noong panahong iyon. Sa ganoong kaayusan ay lalo pang sumidhi ang kahirapan ng mayorya ng mamamayan. Nabaon sa panlabas na kautangan ang bansa habang nagpakayaman ang Pamilyang Marcos sa kaban ng bayan. Gayundin ang pagkontrol ng mga kroni ni Marcos sa iba’t-ibang industriya ng bansa. Sa tindi ng takot ng sambayanan, nanatili na naghahari ang Pamilyang Marcos ng 20 taon. Ang lamat na iniwan ng ganitong uri ng pamamahala ay hindi pa tuluyang nabawi - PANTAO / 6

PAGHILOM

Ang daan tungo sa kawalan ng karahasan Bishop Pablo David SA mga panahong ito ng labis na karahasan, nakikisimpatya tayo sa mga biktima, na sa kanilang kawalan ng pagasa ay maaaring makaisip na gumawa ng masamang mga gawain para makaganti. Pero dahil alam natin na ang kasamaan ay nagbubunga ng kasamaan at ang karahasan ay nagbubunga ng karasahan, dapat tayong manindigan at patuloy na lumaban para sa katotohanan, hustisya, at dignidad—laging sa maayos at mapayapang paraan. Huwan nating hayaan ang ating mga sarili na mabuyo ng galit, pagkamuhi, kagustuhang gumanti at magbalik ng masamang ginawa sa atin. Sana ay lagi tayong maniwala sa likas na kabutihan ng mga tao. Huwag sana nating hayaang manalo ang demonyo sa pamamagitan ng pagbantay natural na kagustuhang gumanti kapag tayo ay nasasaktan. Huwag nating payagan ang kaaway na gawin tayong kagaya niya.

Huwag nating tawaging likas na masama ang kahit na sino, kahit pa sila ay gumawa ng isang karumal-dumal na bagay. Kapag ginawa natin ito, para na rin nating sinabing masama ang Diyos na siyang gumawa sa kanila. Sa halip, labanan natin ang kasamaan na may kapangyarihang dumihan at sirain ang likas na kabutihan ng tao, lalo na kapag siya ay mahina at nangangailangan, kagaya na lang kapag nagkakasakit ang ating katawan. Bigyan natin ng lunas ang sakit habang pasimula pa lamang ito. Gawin natin ang lahat para pigilan ang karahasan bago ito lumala hanggang sa hindi na mapigilan. Kaya natin ito, lalo na sa pamamagitan ng pagbibigay-kalinga at pagtulong sa mga biktima ng karahasan, at pagpapabago

sa mga may-sala – kabilang na yaong mga ayaw makialam at nananahimik. Tama na ang pagdanak ng dugo. Sawang sawa na tayo sa karahasan at digmaan. Walang kabutihang idinudulot ito sa kahit na sino kung hindi sa mga negyosteng nasa kalakaran ng mga armas. Sila itong nagpapalaganap ng kaguluhan at nag-uudyok ng giyera. Tumungo tayo sa daan tungo sa kapayapaan at kawalan ng karahasan! Maging handa tayo na tignan sa mata ang isang taong gumagawa ng masama. Sana ay handa tayong tumulong sa isang tao na sa likod ng panlabas na kaanyuan ay isang batang takot at nasasaktan din. Hayaan nating maging ehemplo si Hesukristo - KARAHASAN / 5

AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC. Publisher NICEFORO BALBEDINA Editor in Chief CHRISTINE PAGUIRIGAN Associate Editor FRANCES ORTIGAS Layout Artist Email: tapatnews@gmail.com

Tapat is published every other Friday by Areopagus Communications Inc., with business address at 1111 F.R. Hidalgo St., Quiapo, Manila You can reach us through the following: Landline # (02) 404 16 12

Website: www.tapatnews.com

All rights reserved 2018


VOL 4 NO 1 | ABRIL 2018

Opinyon

“ITO NA NAMAN TAYO”

5

OPINYON KO!

Pambansang Peryahan Para sa Bansang Ipamamana sa mga Apo ng Pilipinas Niceforo Balbedina Kasabay ng pagpasok ng 2018 ay ang muling pagpasok ng Pilipinas sa pinakahihintay na panahon ng mga pulitiko – ang eleksyon. Pulitikong may malalaking pangalan, mga dating artista na nawalan na ng pangalan, at mga personalidad na kayang umani ng libo-libong mga tagasunod gamit ang kani-kanilang mga ngiti at pitaka. Nitong nakaraang linggo lang, iniulat ng Commission on Elections o ng Comelec na nasa mahigit isang milyong mga certificates of candidacy o COC ang nalipon ng kanilang mga tanggapang nagkalat sa iba’t-ibang panig ng bansa mula sa mga nagnanais na maupo bilang mga kapitan at kagawad o maging miyembro ng Sangguniang Kabataan ng kani-kanilang mga barangay. Sa isang pahayag naman, inamin ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nakikita nila ang naging turnout bilang ebidensya na dumadami na ang mga Pilipino na humuhiling ng tunay na pagbabago at handang makilahok sa pagkamit nito. Dagdag pa ni DILG Officer-incharge Eduardo Año, ang naturang tala ay repleksyon na maraming Pilipino ang ngayo’y proactive na at handang tumulong sa pagbabagong hated ng administrasyong Duterte na babagay isang action film. Maganda nga namang paniwalaan na nasa mahigit isang milyong mga Pilipino ang pare-parehong nagnanais na paunlarin ang bansa, bitbit ang kanilang mga baong mga kaalaman sa batas, sa pagpapaunlad at pamumuno. Ang sarap isipin na ang lahat ng isang milyon at mahigit na mga kandidato na yan ay alam na nasa kamay nila ang mga kinabukasan ng mga Pilipinong isang kahig, isang tuka; mga Pilipinong kayod ngayon, tulala bukas at ng mga Pilipinong nakikita sa kanilan ang mga pintuang maaaring maghatid sa kanila sa Pilipinas na ilang dekada na nilang pinapanalangin. Ngunit sino nga ba ako para pagdudahan ang mga pangarap ng mahigit isang milyong Pilipino na

nakakasalamuha ang mga kapwa nilang gutom at naghihirap, pawisan at pinagnanakawan, dilat at pagod, bugbog at takot? Walang sinuman ang makakapagsabi sa mga kandidatong ito na mali sila at sinasayang lamang nila ang panahon ng bansa para sa kanilang mga personal na interes. Sa pagkat hindi naman natin maitatanggi na sa dagat-dagatang mga trapo, mga magnanakaw, mga criminal, mga artista, mga atleta at mga nilalang na may kanikanilang personal na bendeta ay may mangilan-ngilang mga Pilipinong hatid sa kanilang bansa ang pagbabagong kinakailangan talaga nito- pagbabagong benebolente at pinangungunahan ng radikal na pagmamahal at pagmamalasakit. Bagama’t ilang linggo pa ang hihintayin nating mga Pilipino para muling marinig ang mga awiting inihanda ng ating mga mahal na kandidato para sa atin ng alas-siyete ng umaga habang pilit na nagpapahinga ang isang milyon at kalahating mga Pilipinong graveyard shift s mga call center agents sa bansang naninilbihan sa mga dayuhan, hindi na natin pa kailangang malungkot sa pagkat ngayon palang ay naguumpisa na nilang damitan ang mga poste ng kuryente at mga bakanteng pader sa lipunan ng kanilang mga nakaiibig na ngiti. Bagama’t ilang linggo pa ang hihintayin nating mga Pilipino bago natin muli subiking baguhin ang ihip ng kasaysayan gamit ang ating mga sagradong boto, hindi na natin kailangang mangamba sa magiging resulta ng ating demokrasya sapagkat kasaysayan na din ang magdidikta dito. Kasaysayan na din ang magdidikta na dahil sa kakulangan natin sa voters education at sa kakulangan natin sa kagustuhang matugunan ito, mananatiling peryahan ang ating kasaysayan- isang peryahang buhay na buhay sa pamumuno ng mga nagsasayawang mga ilaw, mga nagngingitiang mga leon at buwaya, mga nagtutuksuhang mga payaso at mga naghahabulang mga daga. Malugod naming kayong inaanyayahan sa Pambansang peryahan ng Pilipinas. Mabuhay po tayo!

Marita Wasan Dumaan ako sa mahigit labing-apat na taong pakikipaglaban ng mamamayan sa diktadurang Marcos. Hindi ako mangingiming sabihin na ako ay tahimik na tagamasid lamang noon, asawa at isang inang nagpapalaki ng aming mga anak. Sa ganang akin, sapat na ang aking pagsisikap na mapalaki ko sila na may tiwala sa Diyos, maihanda sila sa isang maayos na trabaho at maibahagi sa kanila ang aking mga natutunang aral mula sa mga nakatatanda. Dumaan at natapos and diktadura at muling nakamtan ang demokrasya ng bansang Pilipinas. Nagpasalamat naman ako at lumipas din ang mga araw ng pangamba, na bigla na lang may nawawala o hinuhuli na walang dahilan. At natupad nga ang aking mga pangarap: komportableng bahay, mga anak na nagtapos sa mga tanyag na eskwelahan, at tahimik na buhay. Yumao ang aking asawa noong Hunyo 2001. Marami na akong mga apo at sa tuwing sila ay aking nakikita, naroon ang aking pag-aalala kung anong klase ng lipunan magkakaroon sila sa kanilang paglaki. Mahirap sagutin ang katanungan kung magagarantiyahan ba na sila ay mabubuhay ng masaya at ligtas sa kanilang paglaki. Sa takbo ng panahon ngayon, para akong nag-aatubili na tiyakin sa kanila na mayroong magandang bukas na naghihintay sa kanila sa bansang aking minahal. Hindi iilang bes na nagbalak ang aking mga anak na mangibang bansa ngunit nanatili pa rin sila rito sa Pilipinas. Naiisip ko noon na marahil magagaling naman ang mga anak ko.

Kakayanin nilang sumabay sa takbo ng buhay. Pero paano ang aking mga apo? Kakayanin din ba nila? Kabi-kabila naririnig ko ang mga reklamo ng hindi lang traffic, mahal na bilihin, at kahirapan sa buhay; kundi ang pananalakay ng mga ISIS, ang pangangamkam ng bansang Tsina sa ating mga isla at karagatan, ang malawakang pagkasira ng kapaligiran, ang pagpapalit ng konstitusyon at nakaambang pagbabalik ng diktadura. Noon at ngayon, naririyan lagi ang mga panganib ngunit may mga taong tumayo, nagsalita at pinagtanggol ang ating bayan sa mga pwersang nagpapahina nito. May ilan sa kanilang namatay, tulad ni Ninoy Aquino, at maraming lumaban mula sa kulungan at maging sa labas ng bansa. Ano kaya ang aking naiambag para matiyak na manatili ang kalayaan at kapakanan ng nakararami sa susunod pang mga panahon? Hindi pa ako nakaranas na makipaglaban ng harap- harapan, pero hindi naman imposibleng simulan ko ito ngayon. Marahil kabilang nga ako sa mga taong hindi nagpahalaga sa muling pagkamit ng demokrasya, at sa aking pagbabale-wala, malaki rin ang aking pananagutan sa kasalukuyang sitwasyon. Totoong hindi na ako bata, at nararamdaman ko na ang limitasyon ng aking edad, pero hindi pa huli ang lahat upang matuklasan kung may higit pang saysay ang aking pagkatao. Lalong hindi pa huli para maging kabahagi sa pagtiyak at pagbuo ng bansang hindi ko ikakahiyang iwanan para sa aking mga mahal sa buhay at mga apo.

KARAHASAN / 4

noong siya ay nasa krus. Siya ay tumanggap ng pambubugbog habang ipinagdarasal ang mga nananakit sa Kanya, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang ginagawa nila.” Maging halimbawa sana natin ang Diyos na nagkatawang tao na piniling magpakasakit at mamatay sa halip na hilingin ang paghihirap

at kamatayan ng mga nagpahirap sa Kanya. Hayaan nating ang Kanyang muling pagkabuhay ay ating maging sangga at sandata, ating garantiya ng tagumpay, at basehan ngw tiwala sa Diyos na Siyang makakapuksa sa kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan. Ang siping ito isinalin sa Filipino at nauna nang inilathala sa social media account ni Bishop Ambo David noong December 2017


6

VOL 4 NO 1 | ABRIL 2018

LIBRENG LEGAL ADVICE

Itanong Mo Kay Attorney Dear Attorney, Ako po si Martha, nakatira sa Bagong Silang, Caloocan City. Isa po akong tindera ng siomai at gulaman sa amin. Meron po akong nais isangguni sa inyo, Attorney. Tungkol po ito sa aking asawa na si Richard na isang construction worker. Halos limang taon na po kaming nagsasama at mayroon na kaming tatlong anak ngayon. Noong kami ay nagsasama na, napag-alaman ko na siya ay gumagamit ng shabu. Pero inamin niya sa akin na hindi siya nagbebenta. Pero simula ng maupo sa pwesto si Pangulong Duterte at lumaganap ang balita ng tokhang sa aming lugar ay tumigil na ang aking asawa sa paggamit. Halos hindi na rin siya lumalabas sa gabi. Nangangamba rin ako sa aming kaligtasan dahil lumaganap ang pag-aresto at pagpatay ng mga nasasabing gumagamit ng droga sa aming lugar. Lalo akong kinabahan nang sabihan kami ng isang opisyal ng barangay na ang asawa ko ay nasa Watch List Order ng barangay. Bilang isang asawa at ina ng

aming mga anak, ano po kaya ang dapat naming gawin?

Maraming salamat sa iyong liham. Naiintindihan ko ang iyong pangamba sa kaligtasan ng iyong asawa at mga anak. Maigting kong ding sinusuportahan ang pagtigil ng iyong asawa sa paggamit ng pinagbabawal na gamot. Ayon sa Batas Republika Bilang 9165 ng Pilipinas o mas kilala sa tawag na Batas na Pinalawak sa mga Mapanganib na Droga ng 2002 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002), na naglalayong higpitan ang paglaban sa ipinagbabawal na gamot, nakasaad sa Seksyon 15, na ang paggamit o tumutukoy sa pagtuturok (sa pamamagitan ng ugat o kalamnan), pag-ubos (sa pamamagitan ng pag-nguya, paghithit, pagsinghot, pagkain, paglunok o paginom), o anumang paraan para makapasok at makaapekto sa katawan ng tao ang bawal na gamot tulad ng

Methamphetamine hydrochloride o mas kilala bilang “Shabu” ay lubhang ipinagbabawal at may nakalaang parusang; Sa unang paglabag matapos ang confimatory test ay pinakamababa ang anim na buwang rehabilitasyon sa isang rehab ng gobyerno; at Sa ikalawang paglabag ay anim hanggang labing-dalawang taong pagkabilanggo at multa mula limangpung libong piso (Php 50,000.00) hanggang dalawang daang libong piso (Php 200,000). Kaya ipinapayo kong mabuti ang pagtigil ng paggamit ng iyong asawa. Makabubuting alamin muna sa isang pinagkatitiwalang tao kung ang pangalan ng iyong asawa ay totoong nakalagay sa Watch List Order ng barangay. Madalas kasing pinagsasamantalahan ang takot na nararamdaman ng mga drug dependent tulad ng iyong asawa. Kapag iyong napag-alaman na siya nga ay nabibilang sa Watch List Order, aking iminumungkahi na siya ay sumuko sa barangay o sa kaukulang ahensiya na nagbibigay ng rehabilitasyon sa mga drug dependent tulad ng BADAC (Barangay AntiDrug Abuse Council) o CADAC (City

Anti-Drug Abuse Council). Ang mga ahensyang ito ay mayroong responsibilidad na magtayo ng mga rehabilitasyon o magproseso ng mga aplikasyon ng mga drug dependent para sa pagpapa-rehabilitate. Kapag nakapagtapos si Richard ng lahat ng programa nila, siya ay mabibigyan ng sertipiko at maaaring ang mga tao sa ahensya mismo ang makikipag-ugnayan sa barangay upang matanggal ang kanyang pangalan sa Watch List Order. Bilang isang asawa at ina, naaayon sa batas na tungkulin mo na mahalin at suportahan ang iyong asawa at alagaan ang inyong mga anak. Nasasakop ng salitang pagsuporta ang pag-udyok at pagpapalakas sa loob ng iyong asawa na itigil na ang paggamit at lumapit sa mga ahensyang makatutulong sa kanyang tuloy-tuloy na pagbabagong buhay. Maigting kong pinagdadasal ang iyong pagbabagong buhay, at kung kayo man ay mangailangan ng iba pang tulong legal, maari lamang lumapit o tumawag sa aming ahensya.

Ang diwa ng “karapatang pantao” ay patungkol sa proteksyon ng tao mula sa pang-aabuso ng mga may hawak ng kapangyarihang pulitikal, legal at panlipunan. Obligasyon ng pamahalaan na pangalagaan ang mga likas na karapatan ng mga mamamayan nito. Ang mga karapatang ito ay para sa lahat, walang pili, at maaari lamang matanggal ng mga angkop na prosesong panligal (due process). Kaya kapag ang lumabag sa mga karapatang ito ay ang estado mismo o mga ahente nito, tinatawag itong “human rights violation.” Ito naman ang dahilan kung bakit lumikha ng Commission on Human Rights upang mabantayan at maiwasan ang pang-aabuso ng estado at mga ahente nito bilang sukat ng paggalang sa nasabing mga likas na karapatan ng mamamayan. Ang pagtataguyod sa karapatang

pantao ay bunga na ng maraming karanasan ng iba’t-ibang tao sa mundo, mula noon magpahanggang ngayon. Sa ilang bahagi ng mundo ay naganap o nagaganap ang panunupil at pang-aapi sa mga minorya ng populasyon, kadalasan mga katutubo o mga dayo mula sa ibang lugar. Dalawang pandaigdigang digmaan ang dumaan bago nabuo ang Universal Declaration of Human Rights (1948). Sa kabila ng lahat nang ito ay marami pa ring nagaganap na paglabag ng karapatang pantao sa iba’t-ibang sulok ng daigdig—diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay ay laganap pa din. Marami sa ating karatig bansa ang tumatanaw sa pag-usad ng mga Pilipino sa usapin ng pagtataguyod ng karapatang pantao. Hindi man ito lubos pa ay naisasabatas nang unti-unti ang mga proteksyong kinakailangan. Maganda na sanang

kundisyon ito upang maisentro na ang pamamahala sa usaping pagpapa-unlad ng bayan at maging ang kabuhayan ng mga mamamayan. Dangan ay tila papaurong na naman ang mga kaganapan. Unti-unting lumilitaw ngayon ang pagkakapareho sa landas ng pamamahala patungo sa diktadura noon—martial law, pagbabago ng Konstitusyon, pananakot sa mga may salungat na opinyon o pananaw at paninira sa mga di-sumasang-ayon. Dati ay pagtugis sa komunista, ngayon ay pagtugis sa durugista. Ang kabalintunaan pa ay ang pagpapakalat ng pananaw na ang mga nagtataguyod ng ligal at likas na mga karapatang pantao ay kaisa ng mga grupong nagpapakalat ng droga. Kung tatahimik at hindi maninindigan ay muling maninilikado ang sambayanan at uurong na naman ang ating kalagayan.

Lubos na gumagalang, Martha Dear Martha,

Lubos na gumagalang, Atty. Emy Santos

PANTAO / 4

hanggang sa kasalukuyan, matapos nang magpabago-bago ang mga administrasyon ng anim na beses. Ito ang madilim na nakaraan na pinag-ugatan ng Konstitusyon ng 1987. Naging tugon ang pagsigurado ng ating mga sibil at pampulitikang karapatan dito. Ang Artikulo 3 o Bill of Rights ng Konstitusyon ay mayroong 22 seksyon na nagdeklara ng mga karapatan at pribilehiyo ng mga Pilipino na kailangang protektahan ng mga batas at institusyon ng pamahalaan. Ipinagdiin din sa Artikulo 8 ang “social justice and human rights.” Pinagyaman pa ito ng mga kaugnay na batas tulad ng deklarasyon ng National Human Rights Consciousness Week (2003), Anti-Torture Law (2009), AntiEnforced Disappearance Act (2012), at ang Human Rights Victims Reparation and Recognition Act (2013).

ADVERTISE WITH US (02) 404 16 12


7

VOL 4 NO 1 | ABRIL 2018

PARA SA SANGKABABAIHAN:

Coalition Against Trafficking Women – Asia Pacific Ni Tala Guzman DAHIL sa lumalalang katayuan ng mga kababaihan sa ibat’ ibang bahagi ng mundo, kinailangan nila ng kakampi. Marami kasi sa mga biktima ng pang-aabuso ay walang malapitan. Kaya noong 1989, itinatagang Coalition Against Trafficking in Women – Asia Pacific(CATW-AP). Binigyang-diin ng United Nations Economic and Social Council ang kahalagahan ng pagtataguyod ng mga estado sa karapatan ng kababaihan. Ang CATW-AP ay itinayo upang tugunan ang human trafficking na patuloy na lumalaganap lalo na sa mga bansang tulad ng Pilipinas. Ang human trafficking ay isang iligal na kalakalan ng mga tao para sa layuning sekswal na pang-aalipin o sapilitang

Mga Lumad sa South Cotabato, nag protesta laban sa EJK MAHIGIT sa 100 ralehista ang kumalampag sa Provincial Capitol ng South Cotabato para iparating sa gobyerno ang kanilang mariing pagtanggi sa laganapna Extra Judicial Killings o EJKs. Kabilang sa mga ralehista ang mga kasapi sa mga samahang KALUHAMIN at KilusangMabubukidng Pilipinas o KMP at Gabriela. Ayon kay Lito Roxas na tagapagsalita ng KMP, ilan sa mga panawagan nila na nawa’y tugunan ng administrasyong Duterte ang patuloy na mga kaso ng EJK na nagaganap sa ilalim ng Martial Law. Ilan pa sa kanilang mga panawagan ay ang mga sumusunod: ang hustisya sa pagpatay kay Datu Victor Danyan na tribal leader sa Barangay Ned, Lake Sebu at pito pang mga kasamahan nito; at pagtigil ng mga excavation na isinasagawa ng mga coal mining corporation sa Lake Sebu. Mariin din nilang kinuwestiyon ang pagkakabilanggo ng limang banyagang bahagi sa fact finding mission para sa mga Lumad na naganap noon sa Sitio Datal Bonglangon. (Jamaica M. Geronimo)

paggawa. Mula pa noon hanggang ngayon, ang grupo ay patuloy na gumagawa ng mga programa para itaguyod ang karapatan ng mga kababaihan at tulungan ang mga biktima iba’t ibang porma ng karahasan. Sa kasalukuyang laban sa ilegal na droga ng administrasyon, ang CATWAP ay tumutulong sa mga kababaihan at batang naulila, iligal na inaresto, at nalagay sa prostitusyon bunsod sadrug war. Ito ay itinuturing ng organisasyon na isang uri ng karahasan dahil sa idinudulot nitong pisikal, emosyonal, at pangekonomiyang pasakit na direktang nararanasan ng mga kababaihan. Ang mga hakbang na ito ay nakatulong para mabuo ang Organisasyon ng mga Kababaihang Survivors (OKS). Layon niton

maibalik ang kanilang mga boses na pansamantalang pinipi ng karahasan at pananakot. Sa huli, nais ng organisasyon na magkaroon ng sama-samang pagbangon at pakikipaglaban para makamit ang hustisya at reparasyon. Bukod dito, patuloy na isinasagawa ang mga “Healing Conversations para sa mga Survivors” ng iba’t ibang uri ng karahasan. Napapatatag nito ang loob ng mga biktima. Nakakamtan din nila ang unti-unting paghilom sa tabi ng mga kapwa survivors. Para sa CATW-AP, malaking inspirasyon ang masaksihang maging leaders ang mga kababaihang minsan nang naging mga biktima. Matapos ang maraming healing conversations at pagsasanay, sila na rin mismo ang tumutulong sa kapwa survivors

KNOW YOUR RIGHTS

sa pamamagitan ng pag-oorganisa sa kanila at pagpapalusog ng kanilang nabuong organisasyon ng prostitution survivors na Bagong Kamalayan Collective. Sa ngayon, patuloy din ang iba pang programaC CATW-AP tulad ng Gender Sensitivity Sessions, Bantay Bugaw, at Young Men’s Camp on Gender Issues, Sexuality and Prostitution. Para sa karagdagang mga impormasyon, maaaring sumulat o tumawag sa: Tel. 434 2149 / catwap@catw-ap.org.ph / Unit 203, Tempus Place, #21 Matalino St., Central District, Quezon City


8

VOL 4 NO 1 | ABRIL 2018

“Biking priest” 16 na araw nag protesta laban sa EJK

PNP magsisimula ng magsuot ng body-worn cameras sa hunyo

Fr. Amado Picardal on a training ride for the Bike for Life & Peace: “Stop the killings, Resume Peace Talks, End Martial Law in Mindanao.

SA darating na Hunyo, target ng Philippine National Police (PNP) na may magagamit na Body-Worn Cameras (BWC) ang mga pulis na sumasabak sa anti-drug operation, para umano maging transparent o hayag sa publiko at higit sa lahat ay mapanatag ang loob ng mga kritiko. “June, meron na tayong body camera sa lahat ng mga drug enforcement units. Sabuong PNP, ‘yun ang pinaka-conservative estimate of the procurement process. Pero kami talaga bibilisan namin ‘yan. The more nawala ‘yan, the more na uneasy ‘yung mga kritiko natin,” ani ni PNP Director General Ronald dela Rosa. Ayon pa sa kaniya, “We [will] not allow them [to operate] without body cameras…para transparent tayo. Yung commitment namin to prevent bloodshed and to avoid commiting human rights violation ay talagang nandiyan palagi.” Aabot naman sa P334 M ang inilaang budget ng PNP sa may 12,476 na body camera na water proof, may 2-inch colored-display screen , 16 megapixels , 110° field of view, 32-128 gigabytes, 8-12 hours maaaring gamitin (continuous operations), 2 meters shock/ impact resistance, built-in

SA ikalimang pagkakataon, muling sumabak ang“biking priest” na si Father Amado Picardal, CSsrs a 16-day bike journey bilang protesta laban sa extrajudicial killings. Mula sa Maynila, tatahakin ng 64-anyos nahuman rights activist ang higit 150-kilometrong babaybay sa mga probinsya sa Southern Luzon, Samar, Leyte, at Northern Mindanao. “Hindi masosolusyunan ng EJK, martial law at gera ang problema ng ating bayan. Nananawagan ako sa lahat ng sangkot sa mga isyung ito, lalunglalona kay President Duterte, mga opisyal ng

gobyerno, mga pulis at sundalo,” sabi ni Picardal. Sa kabuuan ng kanyang byahe ay magfa-fasting din siya at sa gabi, magmimisa naman siya sa mga parishes nakukupkop sa kanya. Kasama niya rin sa kanyang misyon si Fr. Robert Reyes, at iba pang mga bikers. “Alam kong may kaakibat na kapahamakan ang byahe na ito. Ako mismo, pwedeng maging target ng extrajudicial killing. Pero hindi ako matitinag, hindi ako natatakot,” ani Picardal sa kanyang pre-departure statement sa misa sa Simbahan ng Baclaran.

Aminado rin ang pari na baka ito na ang huling bikeride niya para sa kanyang adbokasiya bago siya lubusang bumukod para sa buhay ng kabanalan. Nagsimula noong 2000 ang kanyang bike for life and peace advocacy at nasundan ito sa Mindanao noong 2006. Noong 2014, nagbisikleta rin siya para iprotesta naman ang pang-aabuso sa kalikasan. Malayo man, at hindi tiyak ang byaheng tatahakin, umaasa pa rin si Picardal na makakamit rin ang kapayapaan kung mananalig pa rin sa kabutihan ng bawat isa. (Chrixy Paguirigan)

microphone, built-in GPS, at mayroon din night vision. Binabalak rin umano ng PNP nabumili ng real time monitoring system para mapanood ng live sa mga istasyon o head quarters ang kuha ng mga drug cooperative. “This is the first time were going to buy it, that’s why we’re getting suggestions. We are not perfect…we don’t know anything about the body cameras but they know because they are the one whose manufacturing it,” paliwanag ni Police Deputy Director General Archie Francisco Gamboa Ngunit nilinaw rin naman ng PNP na hindi porket magiging transparent sila sa masasagap ng kanila body cameras, hindi ito nangangahulugang bukas ang kanilang tanggapan sa publiko na nagnanais makapanood ng mga kuha. “Mahirap kung bumili kami nito (pagtutukoy sa body camera) tapos ilalivestream naming lahat ng operation, where’s the secrecy, tactics, strategies on operation? We are doing this because it could help us for policy formulation,” wika ni Gamboa. Inaasahan naman magsisimula na ang bidding process sa susunod na buwan. (TapatNews)

“Walang Dapat Takbuhan Kung Nirerespeto Niyo Ang Karapatang Pantao” – CHR NANINIWALA ang Commission on Human Rights (CHR) na kung magagawa ng kasalukuyang administrasyon na respetuhin ang mga karapatang pantao at ang sistema na nangangalaga dito, walang dapat ipag-alala ang pamahalaan. Ayon sa isang pahayag na inilabas ng CHR,pinanindigan nila na marapat na manaig ang hustisya at ang batas sa kasalukuyan na sunodsunod na lumulutang ang mga alegasyon ng impunity sa hanay ng pulisya at mga

tauhan ng pamahalaan. Pinansin din ng CHR na sakabila ng pangunguna ang Pilipinas sa paglulunsad ng pandaigdigang hustisya, ang nagging pagtiwalag ng bansa sa International Criminal Court (ICC) ay isang hakbang papalayo sa isinusulong na adbokasiya. “The call for the Philippine government is to demonstrate good faith and cooperate in the processes of the ICC, including the current preliminary examination of allegations linked to the current administration’s campaign against illegal

drugs,” kanilang paglinaw. Pinanindigan din nila na ang natatanging makatwiran lamang na maaaring i-aksyon ng administrasyon ay ang pag-harap nito sa mga alegasyon ng ICC sa kanila ng may pagrespeto sa proseso ng lehislatura o due process. Mariin ding nilinaw ng komisyon na liban sa kahit anong ugnayan sa ibang bansa, nanatili na responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan at respetuhin ang mga karapatan ng mga mamamayan nito. (TapatNews)

Datainee sa Rizal Provincial Jail. DADA GRIFON


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.