VOL 4 NO 2 | MAYO 11 - 24, 2018
OPINYON 5
Padayon Obrero! Dakila ang Manggagawang Pilipino! TAPAT SA BALITA. TAPAT SA BUHAY
(OKS): Binuo para sa Paghihilom at Pagbangon Tagle, kinondena ang pagpaslang sa pari sa Tuguegarao 2
3
‘ANONG KASALANAN NAMIN?’: Hustisya, hiling ng naulilang ina ng mag-amang napaslang sa war on drugs” 8
Albayalde, pinangalanang bagong hepe ng PNP
3
Mga kaso ng ‘nanlaban’ at napatay sa tokhang, dapat patunayan ng PNP sa Korte- CHR 7
ANO ANG IYO NG K A RAPATA N?
2
2
VOL 4 NO 2 | MAYO 11 - 24, 2018
Senador, hinimok ang DOLE na pagtibayin ang safety standards sa mga opisina at pagawaan Matapos ang naging aksidente sa isang construction site sa pasay kahapon na kumitil sa dalawang buhay at puminsala sa anim pa, hinimok ng isang senador ang kawanihan na nangangalaga sa mga manggagawa sa bansa na pagtibayin ang mga hakbang na ginagawa nito upang masigurado ang kaligtasan ng mga Pilipinong manggagawa. Sa isang pahayag, pinaliwanag ni senador Joel Villanueva na maiiwasan sana ang naturang sakuna kung mayroon lamang mas striktong batas na pinaaandar ang Department of Labor and Employment (DOLE). “Incidents such as this recent collapse of a crane in Pasay City could have been avoided if we only have a stricter law that would penalize companies which are non-compliant of our country’s regulations on occupational safety and health standards,” ani ng senador.
KARA PATAN 101 ANO ANG IYONG KARAPATAN?
1. Karapatang mabuhay 2. Karapatang hindi ma-torture o isailalim sa malupit, di makatao, at kahiya-hiyang pakitungo o parusa 3. Karapatang hindi sapilitang pagtrabahuhin 4. Karapatang hindi makulong dahil sa hindi pagbayad ng utang 5. Karapatang huwag maparusahan para sa mga gawaing hindi pa naisabatas na krimen nang ito ay mangyari 6. Karapatan na kilalanin at tratuhin bilang tao 7. Karapatan sa malayang pagiisip, konsensiya, at pananampalataya o relihiyon
Dahil dito, isinulong naman niya para sa huling pagtatala. “Neglecting to comply with na mapabilis ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 1317 o ang An Act occupational safety and health Strengthening Compliance with standards does not only pose Occupational Safety and Health risk to our workers but may also Standard na siya din ang punong inconvenience other people as it could even stop business operations may-akda. “For the longest time, violation in the affected workplace,” of occupational health and safety paliwanag ni Villanueva. Giit pa ni Villanueva, hindi standards has no fines or penalties. The DOLE only issues a work maaaring pabayaan ng pamahalaan stoppage order if there is an ang kasalukuyarrrregulasyon kung imminent danger or would result to saan ang mga mangagawa ang disabling injury,” pagdidiin pa nito. nadedehado. Nagpahatid din naman ng Sa ilalim ng naturang panukalang-batas, pagbabayarin pakikiramay ang naturang senador ng administratibong multa na sa mga pamilya ng nasawi at sa mga nasa halagang hindi bababa sa naapektuhan na may pagpangakong P100,000 ang mga employer na patuloy silang pbahagi ng kaniyang mapapatunayang hindi isinasaayon mga panalangin. “My deepest sympathies and ang mga safety standards nito sa kalakip na palatuntunan ng condolences to the families, friends, and relatives of the workers affected panukala. Ang House Bill No. 1317 ay by this tragedy. We constantly pray aprubado na sa ikatlo’t huli nitong for your strength and resilience pagbasa noong Pebrero at isinumite in this difficult time,” dagdag na sa House of Representatives nito. (TapatNews)
Definition of Terms Writ of habeas corpus- Nangangahulugan ito sa Ingles na “order to have the body.” Pinoprotektahan nito ang bawat mamamayan laban sa iligal o hindi makatarungang pagkakakulong sa bilangguan. Naguutos ang kasulatang ito sa opisyal na magpakita ng dahilan kung bakit kinukulong ang isang tao. Warrant of Arrest- Ang bawat mamamayan ay hindi pwedeg arestuhin kung walang warrant of arrest. Ayon sa Saligang Batas (Constitution), dapat ito ay nakasulat at pirmado ng hukom. Ini-issue lamang ito kung may sapat nang dahilan para arestuhin ang taong lumabag sa batas. Inquest - ito ay isang impormal at mabilisang imbestigasyon na ginagawa ng prosecutor saisang kasong kriminal. Nagkakaroon ng inquest kapag ang isang tao ay inaresto ng walang warrant of arrest. Ginagawa ang inquest upang malamang kung ang inaresto ay dapat bangmakasuhan o manatiling nakabilanggo muna. Jurisdiction - ito ay ang kapangyarihan ng korte na dinggin at gumawa ng desisyon sa isang kaso na isinampa dito. Ang kapangyarihan na ito ay ipinagkaloob sa mga korte ng Konstitusyon at ng mga batas.
De Lima,iminungkahi ang pagsasaayos ng pagsisiksikan sa mga kulungan
Tagle, Kinondena Ang Pagpaslang Sa Pari Sa Tuguegarao Nagpahayag ng pagkadismaya ang punong cardinal ng arkdyosis ng Maynila ukol sa naipamalitang pamamaslang sa kura paroko ng isang parokya sa ng Tugegarao. Sa kaniyang homilya para sa isang ordinasyon na naganap sa Malolos nitong ika-30 ng Abril, sinabi ni Cardinal Luis Antonio Tagle na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng pagpatay sa bansa ay sumasalamin sa kawalan ng respeto ng mga tao sa buhay bilang biyaya ng Panginoon. “It’s sad that a priest was killed in Tuguegarao. And even if he’s not a priest… a person. Isn’t he a gift from God? Is it that easy nowadays to just kill and throw someone away?” giit ng kardinal. Dagdag pa ni Tagle, sadya nang nagiging “transaksyunal” ang pakikitungo ng mga tao sa panahon ngayon kaya nagiging madali na sa mga ito ang pabayaan ang mga taong hindi nila kinakikitaan ng pakinabang. “Maybe other people would say that he’s not a gift but a hindrance. Let’s bring back the ‘God’s gift perspective’,” hiling ng kardinal. Naglabas naman na ng pahayag ang Archdiocese of Tuguegarao ukol sa pagpaslang sa kanilang pari na si Fr. Mark Ventura, na ayon sa isang ulat
ay di lamang tumutulong sa mga indigenous peoples ng Cagayan kundi ay kritikal din ‘di umano sa industriya ng pagmimina sa bansa. “We just lost a young priest, zealous and dedicated, one who smelled like his sheep, to an assassin’s bullet right after he said Mass and was baptizing children. We condemn in strongest terms this brutal and cowardly act,” giit nila. Hinimok din ng naturang arkdyosis ang binuong task force Philippine National Police na gawin ang lahat ng maaari upang mahuli ang mga salarin. “There have been too many murders already done with impunity in our country by assassins riding in tandem. May this be the last,” dagdag nito. Pinatay ng mga di pa nakikilalang riding-in-tandem si Ventura habang kausap nito ang mga miyembro ng koro pagkatapos nitong magbigay ng misa sa Gattaran, Cagayan. Pangalawa na din si Ventura sa mga napasalang na pari sa loob ng apat na buwan matapos ang pagpatay kay Fr. Marcelito Paez ng nga hindi pa din nakikilalang salarin sa Nueva Ecija noong Disyembre nitong nakaraang taon. (Niceforo Balbedina/ TapatNews)
Senator Leila de Lima. SENATE PHOTO
Idinulog ng kasalukuyang nakapiit na si senadora Leila De Lima sa senado na umpisahan na ang pagtalakay sa paghahanap ng solusyon sa problema ng siksikan at overpopulation sa mga kulungan dito sa Pilipinas. Sa isang pahayag, hiniling ng senadora na isalang na sa menorya ang kaniyang mga inihain na resolusyon patungkol sa isyu ng over congestion sa mga bilangguan sa bansa. “It’s about time for the appropriate Senate committee to address the issue concerning overcrowded detention cells and act on the resolutions I filed,” pahayag nito. Ang mga naturang resolusyon ay kaniyang inihain matapos maglabas ng pahayag ang Philippine National Police (PNP) na nagsasabing halos lahat ng mga regional police offices ay may puno nang mga piitan. “Proper investigations in aid of legislation should push through to come up with a solution on how to decongest and improve the worsening state of detention facilities in the country,” dagdag nito. Ayon sa naturang ulat na nilabas ng Human Rights Affairs office (HRAO) ng PNP noong
ika-31 ng Marso, 13 sa 17 na mga regional police detention facilities ay puno na. Sa resolusyong PSR No. 97 na inihain ni De Lima, hiniling niya sa senado na pagaralan ang kasalukuyang lagay ng mga kulungan sa bansa habang ang PSR No. 590 naman na kaniya ding inihain ay humihiling ng isang imbestigasyon sa maaaring kapalpakan ng Bureau of Jail Management and Penology sa pagsasaayos ng mga proyekto patungkol sa mga jail facilities. Sinangayunan din naman daw ang naturang nosyon na ito ng dating kalihim ng Department of Justice nang may pagsabi pa na mahalaga ang imbestigasyon upang maiwasan ang iba pang mga problema tulad na rin ng mga isyung pangkalusugan ng mga preso na maaaring maging dulot ng kanilang pagsisiksikan. Dagdag pa ng senadora, ang hindi maayos na pagpapatakbo sa mga bilangguan ang isa sa mga nagiging sanhi ng krimanildad sa likod ng rehas. “There is an urgent need to address the issues on jail congestion to avoid several problems that can arise from it, such as illness and poor hygiene among inmates, substandard sleeping accommodation, lack of food provision, to name some. I keep saying also that jail congestion is the root cause of prison-based criminality,” ani niya. Matatandaang lumapit na rin ang senadora kay Senate Justice and Human Rights Committee chairperson Senator Richard Gordon noong Setyembre 2016 para humiling na bigyang pansin ang kaniyang mga inihain na resolusyon ngunit wala din naman itong naging tugon. (Niceforo Balbedina/TapatNews)
3
VOL 4 NO 2 | MAYO 11 - 24, 2018
Organisasyon ng mga Kababaihang Survivors (OKS):
Binuo para sa Paghihilom at Pagbangon Kasabay ng pinaiigting na laban kontra droga o Oplan Tokhang sa ilalim ni Pangulong Duterte, nabuo ang Organisasyon ng mga Kababaihang Survivors o OKS na may layuning maging behikulo ng mga kababaihan sa paglaban ng katarungan para sa mga pamilyang biktima ng extrajudicial killings. Nitong Enero 2018, nabuo ang tatlong balangay ng OKS sa Caloocan, Maynila at Lungsod ng Quezon. Binubuo ang samahang ito ng 118 kababaihan sa pangkalahatan sa pangunguna ng CATW-AP. Pangunahing layunin ng OKS na magsilbing suportang sistema sa isa’t isa ng mga biyuda, ina at mga kaanak na naulila ng mga biktima ng giyera sa droga ng kasalukuyang administrasyon, tungo sa pagpapalakas ng isa’t isa. Sa huli, nais ng OKS na maging behikulo para sa pakikilaban ng kababaihan para sa katarungan sa sinapit ng kanilang pamilya, para sa reparasyon at kabuhayan at patuloy na pagbawi ng kanilang karapatan bilang mamamayan. Ayon kay “Marlene,” isa sa mga myembro ng samahan, malaki ang tulong ng OKS sa kanyang pag-recover. “Dati po ay lagi akong hinihimatay matapos mamatay ang asawa ko. Ngayon po ay hindi na ako hinihimatay. Parang natanggal ang malaking bigat sa aking
dibdib noong unang sesyon pa lamang natin,” sabi niya. Bago pa ang pormal na pagkakabuo ng OKS, magkakasunod na psychological first aid sessions (o PFA) ang isinagawa ng CATW-AP noong Oktubre hanggang Nobyembre ng 2017. Ito ay sinundan ng pag-aaral hinggil sa karapatang pantao ng kababaihan (o Women’s Human Rights Trainings). Layunin din ng samahan na sagipin ang mga kababaihang kabataan naging biktima ng prostitusyon matapos mamatay ang magulang. Sa huli, nagkaroon ng mga ehersisyo ng paglaban sa iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan. “Thank you po sa lahat ng itinuro nyo po sa amin. Sobrang dami po talaga naming natutunan nang dahil po sa inyo. Binigyan niyo po kami ng pag-asa. Ang sarap sa feeling na nakahanap ka ng kakampi,” pahayag ni “Mhae” na isa sa mga nakilahok sa pagsasanay. Bukod rito, sila ay tumututol sa mga di makatwirang pagdampot sa kanilang kaanak ng mga pulis. Nagkaroon na rin ng pagkilos ang kababaihan nuong Nobyembre 24, 2017, sa bisperas ng Pandaigdigang Araw ng Paglaban sa Karahasan sa Kababaihan. Ito ay naganap sa Bantayog ng mga Bayani.
Albayalde, pinangalanang bagong hepe ng PNP Pinangalanan na ng pangulo si National Capital Region Police Office Regional Director Oscar Albayalde bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) mangyaring magretiro na ang kasalukuyang hepe nito. Matatandaang pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ng kasalukuyang hepe ng
HINDI KA NAG-IISA Mga kababaihan, para sa kababaihan! Isa sa mga pinakaapektadong sektor ng War on Drugs ay ang mga kababaihan – mga asawa, ina, at mga anak na nawalan ng haligi ng tahanan, na ngayon ay napipilitang buhayin ang kanilang pamilya na
mag-isa. Ang Baigani ay isa sa mga organisasyon na nagbibigay pansin sa mga pangangailan ng mga kababaihan na apektado ng War on Drugs. Kasama ang Simbahan, nag-oorganisa ng mga support groups ang Baigani para mabigyan ng lugar at pagkakataon ang mga kababaihan na mapagusapan at suportahan ang isa’t isa sa kanilang pinagdadaanan. Nagbibigay din ng direktang tulong
PNP na si Director General Ronald “Bato” dela Rosa na magreretiro na sana nitong Enero lamang. “Kasi tinatanong ko ‘yung mga taga-Davao. I mentioned two other names. Sabi nila, ‘‘Yan sir, mahusay ‘yan, sir, mabait.” “Tinanong ko, ‘Si Albayalde?’ ‘Sir, masyadong istrikto ‘yan.’ ‘‘Yan si
Albayalde ang inyo.’ Then Albayalde is the man for you. So the stricter the better. Tutal wala naman tayong ano diyan,” sabi niya. Disyembre noong nakaraang taon, ananunsyo din ni Pangulong Duterte ang kanyang plano na italaga si Dela Rosa bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections.
Sa panahon ng pangangailangan, maraming mga organisasyon ang maaaring lapitan upang sumangguni, humingi ng payo, o humingi ng tulong. Narito ang ilan sa kanila:
ang organisasyon para sa pangangailan sa pagkain, at suporta sa edukasyon ng mga naulilang mga anak ng biktima ng EJK. Nagbibigay din ang Baigani ng alternative livelihood trainings para sa mga nabalo. Maaring maabot ang Baigani sa pamamagitan ng: Facebook page: https:// www.facebook.com/ BaiganiCommunity/ Email: baigani@protonmail. com
Ang Coalition Against Trafficking In Women – Asia Pacific o CATWAP ay isang international feminist group na naglalayon na wakasan ang sexual exploitation at human trafficking ng kababaihan sa bansa at sa buong asya. Sa kasalukuyan, ang CATW-AP ay kumikilos upang matulungan ang mga kababaihan at mga batang naulila na iligal na na-aresto, o napilitang magbenta ng dangal bunsod ng polisiya ng
administrasyon hinggil sa iligal na droga. Nakapagtayo na ng isang people’s organization ng mga kababaihan na nabiktima ng War on Drugs ang CATW-AP na tinatawag na Organizsasyon ng mga Kababaihang Survivors (OKS). Ito ay naglalayon na matulungan ng mga babae ang isa’t isa upang bumangon at lumaban para makamit ang hustisya at reparasyon. Maaring maabot ang CATW-AP sa mga numerong ito: Telefax: (02) 434 2149 E-mail: catw-ap@catw-ap.org.ph
4
VOL 4 NO 2 | MAYO 11 - 24, 2018
EDITORYAL
Pagpupugay sa mga ilaw ng tahanan Kung ihahambing ang bilang ng mga biktima ng operasyon kontra droga ng pamahalaan, malaking porsyento ang mga kalalakihang namamatay, kumpara sa mga kababaihan. Dahil sa malimuot na hantungan ng mga ama o haligi ng tahanan, ang bawat inang naiiwan ang nakatakdang sumagip sa pamilyang naulila. Gayunpaman, malaki ang epekto nito sa isang inang nauulila-- mga babaeng kailangang humarap sa responsibilidad na naiwan sa kabila ng pinaghalong poot, galit, at takot, mga babaeng kailangang magdoble ng hanapbuhay para maitaguyod ng mag-isa ang pamilya. Kadalasan, lalong humihirap ang mahirap na nilang kalagayan. Dahil sa gipit na sitwasyon, ang ilan sa kanila ay nakakaisip nang pasukin ang hanapbuhay na hindi ligtas, tulad ng pagtutulak ng droga o pangangalakal ng katawan. Isang malaking isyu ang usaping ito at nangangailangang bigyang pansin ang tulong na nararapat ibigay sa mga kababaihang naiiwan. Ngunit, nararapat ding gawing mabusisi ang pagagapay na ito sa kanila. Kung hindi angkop ang tulong sa isang maselang sitwasyon, maaaring makapagpapatindi lamang ito ng sa pagtingin nila sa sarili nila, bilang biktimang umaasa lamang sa kagandahangloob ng iba. Wala tayong ibang hangarin kundi makaalpas sa masalimuot na sitwasyon, at hindi maipagkakaila na kailangan nating damayan ang bawat isa sa ganitong panahon. Pero higit sa lahat, hangarin natin na yakapin ang bawat biktima, bawat naulila, bawat pamilya na makabangon nang may positibo paring tingin sa buhay.
Tinatampok sa isyung ito ngayong mayo, ang pagpupugay sa mga ilaw ng tahanan. Ang tema ng mga paksa sa pangalawang isyu ng Tapat ay tumatalakay sa mga isyung tumatalakay sa mga ina, lalo na ang mga naulila dahil sa operasyon kontra droga ng pamahalaan. May ilang interbensyong makapagbibigaykapangyarihan sa kababaihang naiwan. Pinakasimple na ang tulungan silang makapasok o magsanay para sa disenteng trabaho, o makapagtatag ng maliliit na negosyo. Malaki ang nagagawa ng pagkakaroon ng kababaihan ng hanapbuhay sa pagtingin nila sa sarili nila bilang mga taong may kakayahang baguhin ang sariling kalagayan. Ngunit higit pa rito, maaari silang tulungang mag-organisa at magsanay sa pamumuno ng kani-kanilang mga samahan, maging ang mga samahang ito ay ukol sa damayan, sa adbokasiya, o sa paghahanap ng katarungan para sa mga pinatay. Ilan lamang sa mga grupong nagsisikap tumulong sa isang paraang nakapagbibigaykapangyarihan sa kababaihang naiwan ang Baigani, ang Kalinga Center, at ang Coalition Against Trafficking in WomenAsia Pacific (CATW-AP). Bukod sa pag-aabot ng tulong pinansyal o pagkain, nagpapatakbo sila ng samasamang aktibidad para sa mga kababaihang naiwan upang mapaghilom ang mga sugat at matulungang sumaibayo sa kanilang kalagayan. Nagiging tagapamagitan ang mga grupong ito para makakuha ang kababaihang naiwan ng payong sikolohikal at legal. At tinutulungan ng ilan sa grupong ito na makapagtayo ang kababaihang naiwan ng sariling organisasyon para - TAHANAN / 6
PAGHILOM
Alab ng puso Bishop Pablo David Sa aklat ng L e v i t i k o , isa raw sa pinakamahalagang bahagi ng trabaho ng mga pari sa templo ay ang alagaan ang apoy sa Kabanal-banalang bahagi ng dambana. Gawain nila ang gatungan ito at tiyaking laging buhay at nag-aalab. Hindi nila ito dapat hahayaang mamatay kailanman. Bakit? Hindi lang dahil dito tinutupok ang mga susunuging handog sa Diyos, kundi dahil ito mismo ang nagpapahiwatig sa kanila ng pananatili ng Diyos sa kanilang piling. Malalim ang kahulugan ng apoy sa templo para sa mga Hudyo, at para din sa ating mga Kristiyano. Di ba’t unang nakatagpo ni Moises ang Panginoon sa nagliliyab na punongkahoy? Di ba’t bumaba ang Espiritu Santo sa mga alagad sa anyo ng mga dilang apoy? Kaya pala sa loob ng ating mga simbahan laging may apoy: ang nakasinding lampara sa tabi ng tabernakulo. Hindi ito dapat mamatay dahil sagisag ito ng pag-ibig ng Diyos. Ang templo ay tahanan ng apoy.
Nagbibigay init sa gitna ng ating panlalamig at ng liwanag sa ating kadiliman. Ang hula ni Hesus tungkol sa templo ay hinula na rin ni propetang Jeremias noon! Tinuligsa niya ang katiwalian ng mga sumasamba sa templo, na para bang suhol sa Diyos ang tingin sa kanilang mga alay at handog. “Kayo baga’y m a n g a g n a n a k a w , m a g s i s i p a t a y , mangangalunya at magsisisumpa ng kabulaanan, at mangagsusunog ng kamanyang kay Baal, at magsisisunod sa ibang mga dios na hindi ninyo nakikilala? At pagkatapos, kayo’y magsisiparito at magsisitayo sa harap ko sa bahay na ito, na tumatawag sa aking pangalan, at nagsasabing “Kami ay ligtas!” habang inyong ginagawa ang lahat ng kasuklamsuklam na mga bagay na ito?
Ang bahay bang ito na tinawag sa aking pangalan ay naging isang yungib ng mga tulisan sa inyong pakiwari? Narito ako, ako nga ang nakakita, wika ng Panginoon.” JGanito rin ang diwa ng ginawa ni Hesus nang makita niyang naging mistulang palengke ang bahay ng Diyos! Para kay San Juan, sa ganitong paraan natutupad ang nasusulat sa Salmo 69:10: “Ang alab ng puso para sa iyong tahanan sa dibdib ko’y buhay!” Kapag ang relihiyon sa atin ay naging ritwal na lang; kapag ito’y parang obligasyon na lang na wala nang epekto sa buhay, pag-iisip at paguugali ng tao, para itong templong wala nang apoy. Kapag ang malasakit para sa kapwa ay wala na, kapag ang alab ng puso para sa tahanan ng Diyos ay patay na, kailangan na itong mawasak upang maitayong muli! Ang - ALAB / 5
AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC. Publisher NICEFORO BALBEDINA Editor in Chief CHRISTINE PAGUIRIGAN Associate Editor FRANCES ORTIGAS Layout Artist Email: tapatnews@gmail.com
Tapat is published every other Friday by Areopagus Communications Inc., with business address at 1111 F.R. Hidalgo St., Quiapo, Manila You can reach us through the following: Landline # (02) 404 16 12
Website: www.tapatnews.com
All rights reserved 2018
VOL 4 NO 2 | MAYO 11 - 24, 2018
Opinyon
5
“ITO NA NAMAN TAYO”
“JUAN REPUBLIC”
Sina Paez, Fox At Ventura
Padayon Obrero! Dakila ang Manggagawang Pilipino!
Niceforo Balbedina Isang kumot ng kalungkutuan ang muling yumakap sa Simbahang Katolika ng Pilipinas matapos maipamalita ang muling pagkakapatay sa isa pang miyembro ng sangkaparian nito. Nitong nakaraang linggo lang, ilang araw matapos magdesisyon ng pamahalaan na paalisin ang isang 71-anyos na misyonarya sa bansa, ay ginulantang ang mga Pilipinong katoliko ng ulat na muling may pinaslang na pari naman sa Cagayan pagkatapos lamang nito magbigay ng misa. Ayon sa hiwalay na ulat, kausap pa umano ni Fr. Mark Ventura, kura sa isang parokya sa naturang lokal, ang mga miyembro ng koro ng simbahan nang walang habas itong pinagbababaril ng riding-in-tandem sa harapan ng mga parokyano nito. Tulad ng sa kaso naman ng naunang pinaslang na pari na si Fr. Marcelito “Tito” Paez, 72-anyos, na kilalang kritiko ng administrasyon at nakatulong pa sa pagpapalaya sa isang political prisoner, kritiko din si Ventura ng mga iligal na pagmimina sa kanayunan pati na rin sa ‘di makatarungang pagtrato ng mga tauhan ng pamahalaan sa mga kapatid nating lumad at iba pang mga indigenous tribes sa bansa. Sa kabilang banda, si Sister Patricia Fox naman, ang nauna kong binanggit na misyonarya, ay isang 71-anyos na madre na piniling ipagpatuloy ang kaniyang bokasyon sa bansang ito upang tumulong sa mga Pilipinong hindi matulungan ng hinalal nilang gobyerno. Nitong mga nakaraang linggo lang, naging laman din si Fox ng mga pahayagan matapos mapagdesisyunan ng administrasyon, sa katauhan ng Bureau of Immigrations, na ipadeporta ito dahil sa pagiging kritiko nito ng pamahalaan at dahil sa pakikilahok nito sa mga kilos-protestang kumukundena sa mga aksyon (at kawalan ng aksyon) ng gobyerno. Si Ventura, Paez at si Fox; Tatlong mga kwento na sumasalamin sa kung paano pahalagahan ng pamahalaang ito ang mga miyembro ng pananampalatayang sinusundan at bumubuhay sa halos lahat ng mga mamamayan nito. Siguro nga nandun ulit tayo sa
kabanata ng Kristiyanismo kung saan tinutugis ng mga sundalo sina Pedro’t mga apostol na nagpapalaganap ng salita ng Diyos sa mga taong nangangailangan nito. Siguro nga nandun ulit tayo sa kabanata kung saan ang mga taong nagpapakalat ng katotohanan ng pagmamahal at malasakit, pagligtas at katarungan, ay hinahabol at patiwarik na ipinapako sa krus ng mga makapangyarihang ginagamit ang liwanag ng mga pekeng balita ng mga pekeng propeta upang diktahan ang takbo ng hustisya. Siguro nga, nandun ulit tayo sa kabanata ng kasaysayan ng simbahan kung saan isinisagaw ng madla ang pagpapapako sa habag at pagmamahal at pagpapasawalang-sala sa mga magnanakaw at mga Barabas ng lipunan. Ano pa nga bang nakapagtataka? Magugulat pa ba tayo sa mga pangyayari sa bansa kung saan hari ang baril at ang bala nito ang batas? Sa bansa na kayang ipagkibit-balikat ang mahigit 12,000 na mga kaso ng pamamaslang ng mga pulis at ng mga bihilanteng hindi natatakot na managot sa tao at sa Diyos? Nakakalungkot lang isipin na ang mga pinuno ng Pilipinas na muling bumubuhay sa persekusyon ng mga alagad ng katolisismo ay silang mga katoliko rin na nakikita nating kahit huli na sa misa ay sumisingit padin at pilit na nauupo malapit altar. Nakakalungkot isipin na ang mga pulitikong ito, silang mga may kaya at nakapagaral sa mga catholic schools at pinalaking may takot nawa sa Diyos ay silang mga tahimik ngayong unti-unti nang nawawalan ng saysay ang katotohanan ng buhay at ng pagmamahal ng Maykapal. Siguro nga nandun lang tayo ulit sa mga madidilim na kabanata ng pinaka-dakilang balita. Siguro nga nandun tayo sa bahagi kung saan ang mangilan-ngilang nakakaalam ng katotohanan ay dapat maging maingat sa paglaban sa kadilimang lisensyado ng pamahalaan. Kung naging Pilipino lang siguro sina Pedro at si Saul na ipinako at pinugutan, si Tomas na sinibat o si Juan na niluto ng buhay sa kumukulong mantika, ano kaya ang mararamdaman nila habang pinapanood ang kamatayan ng katotohanang ikinamartir nila?
John Emmanuel Ebora buhay at trabaho at gusto mong Isang basong tubig galing sa poso inutang na kanin at malamig na ginamos kaunting asin sa plastik na platito busog na bay, puwede nang magtrabaho Sa aking balikat ay papasanin tatlong-daang kilo ng asukal limandaang sako ng denorado sanlibong kaha ng delata sampung tonelada ng arina. Kalawanging bubong, pader na may butas posteng pilay at sahig na paduyan-duyan ang aking palasyo’y pagkatibay-tibay pero puwede na ‘pre - tuloy ang hanapbuhay Ngayong araw ay tatapusin ko isang subdibisyon, limampung hektarya tatlong dosenang mansyon na magara higanteng gusaling likha sa semento kilo-kilometro ng kalsada. Oo, kay tamis ng buhay oo, kay daling umasenso hangarin ko’y makatikim ng kaunting hayahay subalit kailangang ipagpatuloy ang hanapbuhay Pagkat walang ibang makagagawa nito paandarin ang makinarya bigyan ng buhay ang industriya patakbuhin ang ekonomiya padayunon ang pagpangita. Padayon! Isang awiting obrero, para sa mga obrero, sa araw ng mga obrero. May isa akong tweet na nabasa noong panahong wala pang masyadong jologs sa Twitter, mula yata kay ginoong Ramon Bautista. Kung tinatamad ka na sa iyong
magkaroon ng inspirasyon sa araw-araw, pagmasdan mo ang mga ordinaryong taong arawaraw nagsisikap na pumasok sa kanilang mga trabaho tuwing umaga. Oo nga naman. Madalas, puro reklamo tayo sa hassles ng buhay. Puro reklamo sa trabaho at pagaaral. Puro hinaing sa kung ano ang mga bagay na meron tayo. Gayong marami sa ating mga kababayang obrero, halos mamatay na sa trabaho na magkaroon lamang ng marangal na pagkukunan ng ipangtutustos sa kanilang pamilya. Ganoon ba dapat ‘yun? Kailangang mamatay upang makabuhay? Isang napakalaking kabalintunaan. Hanga ako sa mga obrero, lalo na yung mga (mababa pa sa) minumum at arawan lamang kung sumuweldo. Tapos, hindi pa mga permanente at puro kontraktwal. Sila yung mga taong pinaghuhugutan ko ng inspirasyon para hindi sumuko sa buhay. Nakakahiya nga sa kanila. Ako na nga itong nakatapos at nasabing mas may pinag-aralan, ako pa itong tatamad-tamad sa trabaho. Paano kaya kung nagbiro ang tadhana at iyong skills at knowledge ko ay nasa kanilang mga masisipag? Napakalayo na siguro ng narating nila. Kung hindi lang sana kalakaran dito sa atin ang kontraktwalisasyon. Kung ang trabaho ng mga obrero ay permanente at hindi na mamomroblema makalipas ang limang buwan. Siguro nga,
- OBRERO / 6
ALAB / 4
tahanang tinutukoy ni Hesus ay ang kanyang katawan, at tayong mga alagad niya ay kanyang kabahagi. May nagbiro sa akin kamakailan. Sabi niya, “Napakatindi naman ng abo ninyo sa San Roque noong Ash Wednesday, nakakasugat.” Kahit alam kong nagbibiro siya, binigyan ko ng siryosong sagot, isang paliwanag na siyentipiko tungkol sa abong nasobrahan ng luto at ang chemical reaction nito nang mahaluan tubig habang mainit pa. Ngumiti lang siya at pinutol ang
paliwanag ko. Biglang nagsiryoso ang mukha at sinabi, “Baka talagang gusto ng Diyos na makasunog at mag-iwan ng sugat ang abo ninyo, para iparamdam ang malasakit sa puso Niya para sa mga kaanak ng mga pinapatay na adik sa inyo.” Natahimik ako at napaisip. Sa loob ko parang narinig ko: “Huwag mong hayaang mamatay ang alab ng puso para sa tama at totoo, para sa habag at malasakit.” (Mula sa Facebook Post noong March 4, 2018)
6
VOL 4 NO 2 | MAYO 11 - 24, 2018
Message kay Nanay
LIBRENG LEGAL ADVICE
Tapatan kay Attorney Dear Atty, Ako po si Lilibeth, bente-otso (28) anyos at nakatira sa San Isidro, Rizal. Isang dekada na po kaming nag sasama ni Lando, ang aking kinakasama. Nag bunga ang aming pagsasama ng tatlong anak na babae. Lumipas ang mga taon at malaki ang pagbabago sa kanya. Nagsimula siyang mabarkada at uminom ng alak, mas tumindi din ang pag seselos niya sa aking mga kaibigan at madalas uminit ang kanyang ulo. Kapag siya ay umuuwing lasing, ay bigla niya nalang ako binabatukan at inuuntog sa pader. Madalas niya akong sinasaktan. Matagal ko na siyang gustong iwan, ngunit isa lamang po akong house wife. Ano po ang dapat kong gawin? Dear Lilibeth, Naiintindihan ko po ang iyong paga alinlangan sa pag-iwan sa inyong asawa. Ang dinadanas mo ngaun ay hindi naiiba sa iba pang mga kababaihan na minamaltrato ng kanilang mga asawa o kasintahan. Sa katunay ay mayroong pinaiiral na batas upang bigyan ng proteksyon ang mga kababaihan at kanilang mga
anak na nakararanas ng pangaabuso o karahasan. Ito ay ang Batas Republika Bilang 9261 (2004) o ang AntiViolence Against Women and Children Act (VAWC). Ang batas na ito ay naglalayong parusahan ang sino mang gagawa ng mga aktong nasasaklaw dito, tulad ng pisikal na karanasan kung saan mayroong pananakit sa katawan ng babae, katulad ng iyong nasabi na pananampal at pagtadyak saiyo. Ang sino mang gagawa ng mga aktibidad na napapailalim sa VAWC ay maaring maparushan ng: a) Pagkabilanggo (depende sa bigat ng krimeng ginawa) b) Pagbabayad ng danyos na hindi bababa sa P100,000 ngunit hindi tataas sa P300,000 at c) Pagpapasailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment. Ayon din sa batas na ito, ikaw ay maaring makategorang “battered wife” o mga babae na dumadanas ng pagmamaltrato mula sa kanilang mga asawa o kasintahan na parang isa nang paulit-ulit na siklo. Makakatulong din sa iyo ang
TAHANAN/ 4
OBRERO / 5
sa sama-samang pagkilos. Isa sa mga samahang ito ang Organisasyon ng Kababaihang Survivors (OKS). Biktima ng mga operasyon laban sa droga hindi lamang ang pinapatay, kundi ang kanilang naiiwan, lalunglalo na ang kababaihan. Mahalagang tugunan ang pangangailangan ng mga naiwang ito. Ngunit higit pa rito, mahalagang tiyakin na ang naiiwan ay hindi nananatiling biktima. Mahalagang ang tulong ay nagiging daan para makaahon sila mula sa pagkakalugmok, at para malinang ang sarili at sama-samang kakayahang abutin ang kasaganaan, katiwasayan, at katarungan.
metaphysicaly speaking, sa mundo ng negosyo at Kapitalismo, maituturing na ‘necessary evil’ (o kinakailangan talagang umiral dahil ito ay nasa kaniyang natura gaano man kasama ang epekto) ang kontraktwalisasyon. Pero naniniwala akong hindi dapat iyon ang kalakaran sa tunay na mundo. Isa sa mga paborito kong kanta ay ang ‘Padayon’ na orihinal na inawit ni Joey Ayala (na muling binigyang buhay ng Rivermaya sa kanilang album na “Isang Ugat, Isang Dugo”). Napakaganda ng mensahe nitong nagbibigay buhay sa manggagawa na huwag susuko at ang kanilang importansya sa lipunan. Ang ‘Padayon’ ay isang
agaran mong paglapit sa barangay upang huminging tulong katulad ng Barangay Protection Order (BPO) na ginagawa ng isang kagawad o kapitan upang ikaw ay mabigyan ng pansamantalang proteksyon laban sa patuloy na pangaabuso ng iyong karelasyon, saklaw ng BPO na ito na arestuhin ng barangay ang nang-aabuso kahit walang warrant kung kailangan, pagbabayad ng nang-aabuso sa pinsalang ginawa nito, pagbibigay ng suporta sa iyo at sa inyong mga anak at iba pa. Ito ay may bisa ng labing limang (15) araw. Maari din kumuhang Temporary Protection Order (TPO) sa korte at ito naman ay may bisa ng tatlongpung (30) araw, o kumuhang Permanent Protection Order. Kung kaya’t maigting kong sinusuportahan ang iyong paghingi ng tulong sa mga kaibigan, kamag-anak o ahensya na makakatulong sa iyong upang kumalas sa siklo ng pangaabuso. At kung ikaw man ay mangailangan ng iba pang tulong legal, maari lamang lumapit o tumawag sa aming ahensya. Lubos na gumagalang, Atty. AMB
salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay ‘magpatuloy’ o ‘tuloy lang’. Sa katunayan, ginawa ko na ito bilang aking personal na ‘mantra’ at motto sa buhay. At kung hindi ka kabilang sa 85% ng mga tagasubaybay sa blog ko na hindi naman talaga nagbabasa (at may attention span lang ng dalawang talata), malamang ay napansin mong madalas ko itong gamitin sa aking mga naunang akda. Bakit nga ba May 1? Ito ay Kapistahan ni San Jose, ang manggagawa. Siya ang itinuturing ng Simbahang Katolika na Patron ng mga obrero, ng mga manggagagawa. Ngayong araw din ipinagdiriwang sa buong kapuluan ang Araw ng mga Manggagawa o ang Labor
Happy mother’s day mama! Mahal na mahal ka naming! Kasama mo kami sa laban mo. Hindi tayo pababayaan ni Lord. Nothing is impossible with God and in His will, gagaling ka rin Mama. Salamat po sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal mo sa aming lahat. Sa pagpapatawad at pagtanggap. Hanga kami dahil ikaw rin ay isang selfless na guro! You are the best!!!(Ira Jae Carandang)
Hindi nasusukat ang pagmamahal. Sa bawat pag gising mo sa umaga, sa pagluluto ng makakain, paghahanda ng mga suotin, pagaasikaso ng mga kakailanganin, ilan lamang ito sa mga tandang walang kapantay na pagaaruga at pagmamahal. Hindi man nasusukat ang pagmamahal, pero inaalagaan mo kami sa paraan na kaya mo at alam mo. At ganun din kami, mahal ka naming ng buo. Happy Mother’s Day, Mama! At sa lahat ng magigiting na Ilaw ng tahanan, mabuhay kayo! (FelViernes)
Day. Noong bata ako, itinuturing ko lang ang ika-1 ng Mayo o Labor Day bilang araw ng protesta ng mga aktibista at iba’t-ibang mga unyon ng manggagawa na kung misan, mapapa-“Punyeta!” ka na lang sa kanila dahil nagiging sagabal sa daloy ng trapiko, maingay, at parang mga ngawa lang nang ngawa na wala nang ginawa kung hindi magreklamo. Pero kahit minsan, naisip mo ba na kung wala ang mga “maiingay” na ito, ang mga raliyista na nagreklamo, ang mga may hawak ng placard sa kalsada na dahilan kung bakit ka naipit sa gaimpyernong trapiko, hindi dapat natin tinatamasa ngayon ang ilan sa mga
pribilehiyo bilang mga manggagawa? Kung wala ang mga nakipaglaban na yan, wala tayong weekend, overtime pay, social security, sick leave,health benefits, at iba pa? Isa sa mga pangarap ko para sa ating bayan ay ang dumating ang araw na ang Araw ng Manggagawa ay maging isang araw na punong-puno lamang ng kasiyahan at pagdiriwang. Walang protesta. Walang sinusunog na effigy. Isang araw na pinapangaralan at pinasasalamatan ang lahat ng mga dakilang manggagagawa. Sana, magkatotoo. Mabuhay ang mga dakila at masisipag na obrerong Pinoy! Padayon!
ADVERTISE WITH US (02) 404 16 12
7
16 na barangay sa NCR, Bicol, may nakahaing kaso sa ombudsman dahil sa kabiguang magorganisa ng BADAC Limang barangay sa National Capital Region (NCR) at 11 sa Bicol region ang haharap sa mga kasong administratibo matapos maghain ng reklamo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa tanggapan ng Ombudsman dahil sa kabiguan ng mga itong magorganisa ng mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC). Ayon kay DILG Officer-in-charge at secretary Eduardo Año, responsibilidad ng mga barangay officials sa kanilang mga mamamayan ang pagoorganisa ng naturang konseho. “Ang public office ay public trust. Hindi sila pribadong mamamayan. Sila ay may pananagutan na magawa ang kanilang mga tungkulin at ang publiko ay may karapatang malaman kung nagagampanan nga ba ang mga ito,” saad nito. “Maghahain tayo ng kasong administratibo sa Ombudsman laban sa pasaway na mga opisyal ng 16 na barangay dahil sa kanilang kapabayaan sa tungkulin alinsunod sa Section 60 ng Local Government Code ng 1991,” giit pa nito. Lima sa 16 na mga barangay ay mula sa NCR at pawing mga nasa Lungsod ng Maynila. Ito ang mga barangay 471, 477,
482, 659-A, at 690. Ang labing-isa naman ay pawing mula sa Bicol; 10 ay mula sa bayan ng Aroroy sa Masbate at isa sa Gubat, Sorsogon. Ayon pa sa ulat na inilabas ng DILG, ang mga barangay na hindi organisado ang BADAC ay sa Aroroy, Masbate ay Bagauma, Balawing, Gumahang, Lanang, Macabug, Manamoc, Mariposa, Nabongsoran, San Isidro at Talabaan. Barangay Cota sa Dado (Poblacion) sa bayan ng Gubat naman sa lalawigan ng Sorsogon ay kumpirmado ring walang BADAC. Binigyang-diin pa ng DILG Chief na ang 16 na opisyal ng barangay ay magkakaroon ng pagkakataon para ipagtanggol ang kanilang sarili at maisailalim sa due process of law o kaparaanan ng batas, ayon din sa pahayag. Inatasan ni Ano si DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino at Assistant Secretary for External and Legislative Affairs Ricojudge Janvier Echiverri na maghain ng kasong administratibo sa Ombudsman nitong Lunes.(Niceforo Balbedina/TapatNews)
Mga kaso ng ‘nanlaban’ at napatay sa tokhang, dapat patunayan ng PNP sa Korte- CHR
JOSE GURISTA
Nanindigan ang Commission on Human Rights na lahat ng kaso ng pagpatay sa tokhang kung saan nanlaban ‘di umano ang biktima ay dapat patunayan ng mga kapulisang sangkot sa hukuman. “Where police officers kill alleged criminals on the ground of self-defense, the validity of such must be established in proper court proceedings,” pagdiin nila sa pahayag na inilabas nila sa publiko. Ayon pa sa pahayag, hindi dapat laban lamang sa mga sibilyang pinagsususpetyahan ang mga imbestigasyon na ginagawa ng mga kapulisan kundi pati na rin laban sa mga pulis na nasasangkot sa mga kaso ng pagpaslang kung saan “nanlaban” di umano ang salaring napapatay. “They (pulisya) must also prove in court that their killings of suspects are in selfdefense,” pagdiin nila. Nanawagan din ang naturang ahensya sa pamahalaan na respetuhin at manindigan para sa karapatang pantao at parating tumugon sa tawag ng batas. “Law enforcers are not above the law and should be equally accountable for human rights violations,” giit pa nila. Matatandaang nilinaw ng komisyon na mula nang nagumpisa ang kampanya kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi padin napapatunayan sa mga pauna nang imbestigasyon na walang naganap na pagsasawalambahala ng mga karapatang pantao ng mga nahuhuli at napapatay dito. Dati na ring giniit ng ahensya sa pamahalaan na huwag i-misrepresent ang kanilang posisyon sa naturang mga imbestigasyon sa mga kaso ng extra judicial killings.(Niceforo Balbedina)
CROSSWORD
VOL 4 NO 2 | MAYO 11 - 24, 2018
8
VOL 4 NO 2 | MAYO 11 - 24, 2018
‘ANONG KASALANAN NAMIN?’ Hustisya, hiling ng naulilang ina ng mag-amang napaslang sa war on drugs Halos dalawang taon na ang nakalilipas pero sariwa pa sa alaala ni “Mara” ang huling gabing nakasama n’ya ang kanyang asawa at 19-anyos na anak na lalaki, bago sila mapabilang sa libo-libong biktima ng kampanya kontra droga ng pamahalaan. “Mahirap maglibing ng anak at asawa nang magkasabay, lalo’t di katanggap-tanggap ang sanhi ng kanilang pagkamatay,” ani “Mara.” Bagamat nahuli sa pag-aaral ang anak na si “Boy”, sinikap pa rin nitong makahabol sa pamamagitan ng pagpasok sa Alternative Learning System (ALS) para makatapos siya ng high school.
“Pangarap kasi niyang makapag-kolehiyo at maging pulis balang araw. Kaya kahit hirap kami sa buhay, sinikap niyang mag-aral sa ALS habang nagsa-sideline,” kwento niya. Maghahating-gabi noong Setyembre 2016 nang magising ang buong pamilya matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang bahay. Isa umanong buy-bust operation ang ikinasa ng kapulisan sa kanilang lugar. Kuwento n’ya, bago sila pinalabas ng bahay, nakaluhod na ang kanyang asawa habang hawak-hawak naman ng isang pulis ang kanyang anak, na paulit-ulit umanong nagmamakaawa.
Kuha ni Basilio Sepe
Ilang sandali habang nagmamakaawa si “Mara” sa mga pulis, nakarinig na sila nang di-mabilang na putok ng baril. “Napakasakit ng ginawa nila sa akin, bilang ina, hindi ko lubos maisip na ako ang maglilibing sa aking anak. At sa tuwing nakakarinig kami ng mga ganitong katulad na balita, nagpapasariwa lang ito sa amin ng nangyari,” dagdag pa niya. Hustisya sa mga biktima ng ‘EJK’ Pinilit ni “Mara” na makaahon mula sa trahedyang iyon at mamuhay nang normal para sa kanyang limang natitirang anak. Sa kanyang paghahanap ng hustisya, nakilala n’ya ang isang non-government organization na tumutulong sa mga naulila ng biktima ng “war on drugs.” “Nakilala ko ang mga madre,
pari, na nagpatibay ng loob ko, na puwedeng ipaglaban ang karapatan namin.” Habang patuloy na naghahanap ng hutisya, naging mahirap para kay Mara na makalimutan ang bangungot na dala ng gabing iyon bago mamatay ang kanyang magama. Kuwento n’ya, “habang nakikita ko sa TV na may “nanlalaban,” paulit-ulit na nagpa-flashback sa akin. Paulitulit kong naiisp na, “anong kasalanan namin”? Base sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency, nasa 4,075 indibiduwal na sangkot sa ilegal na droga ang napatay sa 91,704 anti-illegal drug operations na isinagawa mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2016. Sa 2,467 naitalang insidente ng drug related homicide, 1,752 ang
patuloy pa ring iniimbestigahan, habang 715 kaso pa lamang ang nareresolba. Samantala, hindi naman kumbinsido ang Commission on Human Rights na higit 4,000 lamang ang bilang ng mga napatay sa kampanya kontra droga. Bukod sa pangungulila, nangingibabaw kay “Mara” ang kagustuhang makamtan ang hustisya hindi lamang para sa kanyang mag-ama, kundi sa lahat ng biktima ng giyera kontra droga ng administrasyong Duterte. “Sa ating pamahalaan, sa ating Pangulo, tanging pakiusap naming, itigil na ang ganito. Dahil habang may pinapatay, kaming mga naiawang pamilya, at mga inang katulad ko ay parang pinapatay nyo din kami,” panawagan ni “Mara.”
Mga Brgy & SK Candidates ng Taguig, nanumpa para sa kapayapaan ngayong halalan
Sama-samang lumagda ang mahigit 300 mga kandidato mula sa 28 mga barangay sa Taguig sa malaking kopya ng Integrity Pledge na ito bilang patunay ng kanilang panunumpa na sa kanila mismo maguumpisa ang kapayapaan para sa nalalapit na election. NANETTE AMONGOL
TAGUIG, MAYNILA- Binigyan ng kakaibang kahulugan ng isang lungsod sa kamaynilaan ang katagang “miting de avance” nang magsama-sama ang lahat ng mga kandidato dito upang magtulung-tulungan para sa ikapapayapa ng nalalapit na barangay at sangguiniang kabataan (SK) elections. Sa inorganisang Peace Covenant Signing at candidate forum ng Taguig City Police Station (TCPS) nitong nakaraang Huwebes, Mayo 3, sa Lake Shore Mall, sama-samang nanumpa ang mga barangay at SK aspirants na magiging katuwang sila ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kabuuang kapayapaan at kaligtasan sa nalalapit na halalan sa ika-14 ng Mayo, 2018. Sa isang panayam, pinuri ni
National Citizens’ Movement for Free Election (NAMFREL) representative Engr. Angelito Garcia ang inisyatibong ito ng lokal na pulisya at umasang magiging modelo ito ng iba pang mga local government units para sa mabuting election process. “Peace Covenant is necessary at magandang initiative ng kapulisan dahil ito ang nagiinitiate at nagmomotivate ng fair and honest election, so magkakaroon ng min setting ang mga kandidato na gumawa ng tama, ng fair at standard na naaayon sa batas” paliwanag nito. Sa nangyaring programa, inanyayahan ang mahigit 300 na mga kandidato mula sa 28 na mga barangay na makiisa sa panunumpa ng Integrity Pledge
bago sila tuluyang pumirma sa malalaking Peace Covenant treaties kada distrito. Nangako naman si National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional director Camilo Pancratius Cascolan na magsasagawa ang kapulisan ng citywide security coverage kung saan ilang police checkpoints ang ilalagay sa loob ng municipalidad habang pawat police station naman ay magkakaron ng mga response team na tutugon sa mga maaaring maging problema. Naging kaagapay ng TCPS sa nasabing adbokasiya ang Commission on Elections, NCRPO, Southern Police Districts Command Group, Parish Pastoral Council for Responsible Voting, at ang NAMFREL. (Nanette Amongol/TapatNews)