VOL 4 NO 3 | MAYO 28 - HUNYO 6, 2018
OPINYON 5
Misoginiya at iba pang masasamang biro TAPAT SA BALITA. TAPAT SA BUHAY
Sereno, mga abogado, patuloy na titindig laban sa mga atake sa demokrasya Sa kabila ng 13 na nasawi, Brgy & SK Elections, Generally Peaceful padin – COMELEC, DepEd
2
Sa botong 8-6, Sereno tanggal na sa pwesto bilang Chief Justice 3
HINDI KA NAG-IISA
7
3
Ulat ng bilihan ng boto nitong nakaraang Brgy& SK Elections, nakahain na sa Comelec 7
2
VOL 4 NO 3 | MAYO 28 - HUNYO 6, 2018
Sa kabila ng 13 na nasawi, Brgy & SK Elections, Generally Peaceful padin – COMELEC, DepEd Ikinatuwa ng Comission on Election (Comelec) ang ulat ng pulisya na naging generally peaceful padin ang naganap na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa kabila ng mangilan-ngilang mga ulat ng pandaraya at giriian kung saan may mahigit isang dosena pang mga tao ang kumpirmadong namatay. Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na masaya nilang tinaggap ang ulat na naging mapayapa padin sa kabuuhan ang naging halalan. “Generally peaceful, ika nga. Natutuwa kami na ang botohan sa iba’t ibang mga presinto ay naidaos nang walang malaking problema, walang malaking disturbance,” giit nito. Nilinaw din naman ng
opisyal na sa kabila ng ulat na may 13 kumpirmadong namatay sa magkakahiwalay na mga election related violent incidents (ERVI), masasabi pading naging payapa ang lahat sa pagka’t mas mababa padin ito ‘di hamak sa naitalang nasawi noong nakaraang barangay at SK elections. “Siyempre ikinalulungkot natin na meron paring ERVI, pero kung titignan mo, meron ka lang na 13 confirmed deaths dito, kumpara sa 33 confirmed nung 2013. Medyo malaki ang naging pagbabago,” paliwanag pa nito. Sinegundahan naman ng Department of Education (DepEd) ang naturang ulat na naging mapayapa nga ang halalang naganap para sa mga guro at iba pang mga
empleyado ng mga paaralan na nangasiwa sa nangyaring botohan. Sa ginawang press briefing sa Election Taskforce Operation (ETF) and Monitoring Center sa Bulwagan ng Karunungan ng DepEd Central Office sa lungsod ng Pasay, inanunsyo ng ilang mga opisyal na walang naging ulat ng karahasan sa mga guro na nagserbisyo. “Generally peaceful ang ating elections [and] there were no reported incidents of violence.” Ani ni DepEd ETF operations and legal support head Atty. Marcelo Bragado Jr. May mangilan-ngilan pa din namang mga nagin ulat ng vote-buying, electoral sabotaging at iba pang mga uri ng tangkang panloloko
IBP, mga senador, i-aapela ang pagkakatanggal sa pwesto ni CJ Sereno Naglabas na ng mga pahayag ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) at ang ilang mga senador na sila ay maglalabas ng apela kontra sa desisyon ng Korte Suprema na tanggalin sa pwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Noong May 11, ibinoto ng Korte Suprema na sibakin sa pwesto si Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition. Ayon sa petisyon na ipinasa ni Solicitor General Jose Calida, kulang ang mga dokumentong ipinasa ni Sereno para sapagkachief justice kung kaya’t ang kaniyang pagkakatalaga ay walang bisa. Integrated Bar of the Philippines Ayon naman sa IBP, labag ‘di umano sa konstitusyon ang paraan ng pagkakatanggal sa pwesto ni Sereno. “Hinihintay namin ang opisyal na desisyon ng Korte Suprema ng Republic v. Sereno at tinitignan namin
Maayos na bumoboto ang mga residente ng isang barangay sa Borongan City sa Eastern Samar. (ALREN BERONIO/ESTENEWS)
padin na din ng girian sa pagitan ng mga tagasuporta ng mga kandidato ngunit hindi padin ito naging
sapat upang sabihing hindi naging mapayapa ang naging halalan. (Niceforo Balbedina/TapatNews)
Definition of Terms ARRAIGNMENT - bahagi ito ng proseso sa kriminal na kaso na kung saan ang akusado ay sasagot sa mga paratang sa kaniya at aaminin niya kung siya ba ay tunay na nagkasala o hindi. Ito ay nangyayari bago ang trial, at kinakailangan na ang akusado ay personal na humarap sa korte. INQUEST - ito ay isang impormal at mabilisang imbestigasyon na ginagawa ng prosecutor sa isang kasong kriminal. Nagkakaroon ng inquest kapag ang isang tao ay inaresto ng walang warrant of arrest. Ginagawa ang inquest upang malamang kung ang inaresto ay dapat bang makasuhan o manatiling nakabilanggo muna.
Larawanni IBP President Abdiel Dan Elijah Fajardo habangnagsasalitasa “Free the Courts Forum” noong May 7 sa UP NCPAG. / Kuhani Alex Galera
ang pag-apela upang ito ay ma-reconsider o di kaya ay ma-reverse,” ani IBP President Abdiel Dan Elijah Fajardo sa isang pahayag. Idiniin ni Fajardo na ang Senado lamang ang may konstitusyonal na kapangyarihan upang magtanggal ng isang nakaupong Justice sa Korte Suprema. Senado
Sa senado naman, 14 na senador na ang nagpakita ng kanilang suporta sa resolusyon na nagpapatawag ng rebyusa desisyon ng Korte Suprema. Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kapag na-apruba raw ang resolusyon ay maaari itong gamitin ni Sereno kung sakaling naisin niyang magpasa ng apela sa desisyon ng kanyang mga kasamahan.
JURISDICTION - ito ay ang kapangyarihan ng korte na dinggin at gumawa ng desisyon sa isang kaso na isinampa dito. Ang kapangyarihan na ito ay ipinagkaloob sa mga korte ng Konstitusyon at ng mga batas. Nalalaman kung may jurisdiction ang isang korte sa kaso base sa mga alegasyon na ginagawa ng mga partido. SUMMONS - isa itong kasulatan na kung saan ipinapaalam sa defendant sa isang kaso na may aksyong nakasampa laban sa kaniya sa korte. Kadugtong ng summons ang kopya ng complaint na ginawa ng isang petitioner. Sa pamamagitan ng summons, inuutusan ng korte ang defendant na sagutin ang complaint na ginawa laban sa kaniya. SUBPOENA - ito ay isang proseso kung saan ang isang tao o korporasyon ay inuutusang pumunta sa korte para sa kaniyang deposisyon, o upang tumestigo sa hearing, paglilitis ng aksyon, o sa kahit anong imbestigasyon na isinasagawa ng awtoridad. May isa pang uri ng subpoena na tinatawag na “subpoena duces tecum,” na siyang ginagamit ng korte para utusan ang makakatanggap na dalhin ang anumang libro, dokumento o bagay na nasa kaniya.
3
VOL 4 NO 3 | MAYO 28 - HUNYO 6, 2018
Sereno, mga abogado, patuloy na titindig laban sa mga atake sa demokrasya Nagpakita ng suporta ang mga abogado para kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno at nagsabi na patuloy silang titindig laban sa mga atake sa demokrasya ng Administrasyong Duterte kahit pa na umabot ito sa pagpapatalsik sa Presidente. Sa isang forum napinangunahan ng Integrated Bar of the Philippines at ng Manlabansa EJK noongika-17 ng Mayo, ipinahayagni Atty. Neri Colmenares ng Manlabansa EJK, isanggrupo ng mga abogado na tumitindig para sahustisya at human rights, na handa silang ipagtanggol ang demokrasya laban sa Administrasyong Duterte gaya nangalang ng “unkonstitusyonal” napagkakatanggal sa pwesto kay Sereno. “Ang puno’t dulo ng kasong ito ay si Presidente Duterte at ang kanyang intolerance sa dissent… Hinamon ni CJ Sereno ang kampanya laban sa droga at ‘di ito
Nandigan ang kampo ng pinatalsik na punong mahistrado na si Maria Lourdes Sereno na hindi nila pababayaan ang ‘di umano’y katiwalian sa hudikatura na naging sanhi ng pagpapatalsik sa kaniya sa Department of Justice.
nagustuhan ng Presidente kung kaya’t kinailangan niyang alisin sa pwesto si CJ,” ani Colmenares. Dagdag pa niColmenares,
ang panahonngayon ay tila ‘diumano’y kagaya na ng Martial Law noong 1970s. Ani pa niyana “higit pa sa quo warranto ang isyu dito,
ang tunay na isyu ay ang nagbabadyang diktadurya at ang magiging epekto nito sa hinaharap ng mgakabataan.” Hinamon naman ni Sereno
na bumaba sa pwesto si Presidente Rodrigo Duterte dahil sa kanyang pahayag noong ika-16 ng Mayo na gagawin niya ito kapag napatunayan na nasa likod siya ng pagpapatalsik sa punong mahistrado. “Kung merong isang kongresista o justice, kahit isa sa kanila, ang magsabi na kinausap ko sila, sinasabi ko sa inyo na ako ay bababa sa pwesto,” ani Duterte. “Pang-ilang beses na natin narinig na magreresign siya? Galing sa kaniyang bibig, ang pagamin na siya ang pasimula at magpupursigi sa pagtanggal sa akin. Puwes, ginoong Pangulo, mag-resign kana,” hamon ni Sereno. Hindi rin naiwas ang hamunin ni Sereno ang ibang mga politikong tatakbo para sa susunod na halalan na pagnilayan ang isinisigaw ng taong bayan. “Narinig niyo na po ang sigaw ng bayan, hustisya ang hinihingi nila,” ika ni Sereno.
Sotto, itinalaga na bilang bagong Senate President Sabotong 8-6, Sereno tanggal na
Sa kabila ng mga pagkontra ng publiko, tuluyan nang hinalal ng senado si senator Vicente Sotto III bilang Senate President nitong nakaraang linggo.
Ganap nang hinalal ng senado si Senator Vicente “Tito” Sotto III bilang bagong Senate President ilang lingo lang bago magsara ang ikalawang regular session ng kongreso sa susunod na buwan. Sakaniyang pahayag nag pasalamat si Sotto sa mga kapwa nitong senador at
nangakong tutulong sa pagpapasa ng mga batas na makakapag paganda sa buhay ng mga Pilipino. “I hereby pledge to continue in helping the passage of laws that will be beneficial to the country and to every Filipino and to continue as well the diligence and continuation of Koko Pimentel who has been the principal author and sponsor of many laws, “I am committed to do the very best and with your help I am confident that I have in my background the template of nine other senate presidents that I have served,” giitnito. Hinalal si Sotto ng kaniyang mga kapwa senador matapos itong i-nomina ni senator Aquilino “Koko” Pimentel na siyang pinalitan nito sa pagka pinuno. “He has seen legislative work from all possible angles.
He has been there and done that in his long career in the Senate. He has always held leadership positions. I am lucky that this person had volunteered to help me as my majority leader,” paliwanag ni Pimentel sa kaniyang talumpati sa pagnonomina kay Sotto sa naturang posisyon. Dagdag pa ng senador, nakita daw niya ang propesyonalismo na ipinamalas ni Sotto kaya niya ito sinuportahan. I witnessed his professionalism. He was always present, always on time, always prepared. That showed the dedication of this man to his work and also to our institution. I felt his sincerity as a friend and as a colleague. I believe in this good man and his abilities,” dagdagnito. (TapatNews)
sa pwesto bilang Chief Justice Tinanggal ng Korte Suprema sa botong 8-6 si Chief Justice Maria Lourdes Sereno mula sa kanyang pwesto dahil sa‘diumanong kakulangan ng mga dokumento nito upang maitalaga bilang punong mahistrado. Inilabas ng mataas na hukuman ang desisyon noong ika-11 ng Mayo ukol sa quo warrant o petisyon na ihinain ni Solicitor General Jose Calidana nagsasabing kulang daw ang mga dokumentong ipinasa ni Sereno sa Judicial and Bar Council (JBC) na siya ng nagsasala ng mga aplikasyon para sa mga posisyon sa korte. Kabilang sina Associate Justice Lucas Bersamin, Teresita De Castro, Alexander Gesmundo,
Francis Jardeleza, Samuel Martires, Diosdado Peralta, Andres Reyes Jr., at Noel Tijam sa mga bumoto na alisin sa pwesto si Sereno. Ang mga kumontra naman at sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Presbitero Velasco Jr., Mariano del Castillo, Estela PerlasBernabe, MarvicLeonen, at si Benjamin Caguioa. Si Sereno ang ikalawang chief justice na natanggal sa pwesto. Noong 2012, tinanggal sa pwesto ang yumaong si Renato Corona sa pamamagitan ng impeachment sa senado dahil sa pandadaya sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net (SALN).
4
VOL 4 NO 3 | MAYO 28 - HUNYO 6, 2018
EDITORYAL
Patuloy na kumilos, lumaban May tatlong pangunahing sangay ng gobyerno na binuo ng pantay-pantay at pinamumunuan ng tatlong pinuno na siyang mangangasiwa na maayos na maiipatupad ang mga batas. Ang Departamento ng Hudikatura ay binuo at kapantay na sangay ng Ehekutibo at Lehislatibo. Ang nasabing tatlong pangunahing sangay ng gobyerno ay may kanyakanyang mandato na dapat gampanan na kaiba mula sa isa’t isa. Ang Departamento ng Lehislatibo ay naatasan upang gumawa ng mga batas. Ang Departamento ng Ehekutibo ay naatasan upang ipatupad ang lahat ng batas na ginawa ng Lehislatibo. Samantalang ang Departamento ng Hudikatura ay naatasan upang alamin kung ano ang sinasabi ng batas at ibigay ang angkop na remedyo para sa taong ang kanyang karapatan pantao ay nalabag. Upang malaman ang kahulugan ng batas, kailangan ay alam ng hukom kung ano ang mga detalye kung paano nagkaroon ng paglabag sa batas. Kasabay niyo ay ang pagiisip kung paano malulunasan ang naranasan ng mga apektado. Ang hukom ay may responsibilidad na hayaan ang mga apektado na ipagtanggol ang kanyang sarili sa kahit anong akusasyon sa pamamagitan ng malayang pag-presinta ng ebidensiya. Dapat maging malaya at ligtas ang isang hukuman mula sa kahit anong maaaring makapagimpluwensya upang makagawa ng naaayon, angkop at magandang desisyon sa kaso. Sa pamantayan ng hukom, dapat, lahat ng tao ay pantay-pantay. Walang mayaman o mahirap. Ang hukom dapat ay hindi
magpadala sa kung ano ang gustong mangyari ng mga nasa kapangyarihan. Masasabi na ang Hudikatura ang tanging inaasahan na magbabalanse sa mga nangyayari sa lipunan. Ngunit mayroon pa bang pag-asa na maipagtanggol ng mga nasa laylayan ng lipunan ang kanilang mga karapatan kung madudungisan ang integridad ng Hudikatura at ang tila pagkawala ng balanse sa lipunan? Saan na pupunta ang mga mamamayan ng lipunan natin kung ang mga bumubuo sa departamento na tagabigay ng hustisya ay maiimpluwensiyahan naman pala ng mga nasa kapangyarihan. Marahil, marami sa mga kabataang Juan ang nagtatanong sa kanilang sarili kung mayroon pa bang saysay na mangarap ng isang maayos at ligtas na lipunan o pagaralan ang batas kung hindi rin naman bibigyan ng halaga ang mga karapatan ng mga mamamayan. Magkakaroon pa ba ng pagkakataon upang maibalik ang pagkakaroon ng dati’y malaya at impartial na hukuman o mananatiling isang magandang ilusyon na lamang ito? Ang isang magandang ilusyon ay parating may kalakip na tyansang maging realidad lalo na kung ang lipunan ay magkakaisa. Kung ang lahat ng tao, lalo na ang kabataan, ay magsusumikap na baguhin ang nakasanayan, patuloy na mangangarap, at patuloy na lalaban. Ang pagkakaroon ng tamang suri sa kondisyon ng lipunan at ang paggamit sa nasabing kaalaman sa maayos na paraan ay isa sa mga sandata upang mabago ang kasalukuyan. Gamitin ang dunong upang magbigay liwanag sa madilim na kapaligiran ng kapwa.
PAGHILOM
Labanan ng Kapayapaan Bishop Pablo David “Matagumpay na pagpasok sa Jerusalem” ang madalas itawag sa nangyari sa unang araw ng Semana Santa. Pero parang kabalintunaan, di ba? Paano bang matagumpay kung ang kinahinatnan nito’y pagdurusa at kamatayan sa krus? Depende siguro sa pag-unawa sa “tagumpay.” Sa totoo lang, mali ang akala ng ilan sa mga alagad: na isang madugong himagsikan ang pakay nila sa Jerusalem. Na mapalaya ang bayan nila sa mga dayuhang mananakop na Imperyo Romano, at sa mga lokal na alipores nito. Ang iba nga sa kanila ay naghanda para sa labanan. Ayon kay San Lukas, may nagdala ng armas sa kanila. Unang naglabas ng sandata si Pedro nang arestuhin si Hesus. Natagpas pa nga niya ng espada ang tenga ni Malko. Pero siya ang pinagsabihan ni Hesus, hindi ang kalaban. Ibaba, aniya, ang mga sandata! Anong klaseng labanan ba itong pinapasok nila? Ito ay isang labanan para sa kapayapaan. Hindi
mapagtatagumpayan ang kapayapaan sa marahas na paraan. Kung kapayapaan ang hangad mo, kapayapaan din ang sandata mo. Kaya palaspas ang dala nila, hindi espada. Kaya asno ang sakay niya, hindi kabayong pandigma. Kaya mga bata ang kawal niya, hindi mga sundalo. Ang kalayaang ipinaglalaban niya ay kalayaan sa kasalanan, kalayaan sa pagkamakasarili. Ang kalaban sa labanan ni Kristo ay hindi ang kapwa tao kundi ang diyablo. Hindi kalaban para kay Kristo ang mga Romano, mga Saduseo, Pariseo, o mga sundalo ni Pilato o ni Herodes. Ang kalaban ay si Satanas na napakahusay lumusob at magpababa sa ating pagkatao. Ang labanan ay wala sa labas; nasa loob natin. Inuudyok tayo ng diyablo na mag-asal hayop. Tinuturuan tayo ni
Kristo na magpakatao. Kung ilalaban natin ang pagpapakatao, malasakit sa mahihina ang iiral. Hindi ito usapin ng palakasan o ng matira ang matibay. Mas malakas tayo kapag ipinagtatanggol natin ang mahihina. Mas malakas tayo, hindi kapag handang pumatay kundi kapag handang mamatay upang magbigay-buhay. Ang labanan ni Kristo ay para sa kalayaan. Kalayaan sa anumang umaalipin sa atin. Ang tunay na alipin ay iyong mga taong kontrolado ni Satanas. Parang robot sila ng diyablo, uto-uto, sunodsunuran sa gusto niya. Ang tunay na malaya ay ang sumusunod sa kalooban ng Diyos, dahil kalooban Niya na tayo’y maging katulad niya. Matutong umibig at magmahal, matutong mag-alay ng sarili hindi maging makasarili, - LABANAN / 5
AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC. Publisher NICEFORO BALBEDINA Editor in Chief CHRISTINE PAGUIRIGAN Associate Editor FRANCES ORTIGAS Layout Artist Email: tapatnews@gmail.com
Tapat is published every other Friday by Areopagus Communications Inc., with business address at 1111 F.R. Hidalgo St., Quiapo, Manila You can reach us through the following: Landline # (02) 404 16 12
Website: www.tapatnews.com
All rights reserved 2018
VOL 4 NO 3 | MAYO 28 - HUNYO 6, 2018
Opinyon
5
“ITO NA NAMAN TAYO”
“JUAN REPUBLIC”
Misoginiya at iba pang masasamang biro
The Purge: Pinoy Edition
Niceforo Balbedina Halos buong umaga na din ang ginugol ko kahahanap sa internet ng direktang pagsalin ng salitang “misogyny” mula sa ingles pa-filipino. Habang naghahanap, sumagi din sa isipan ko na baka kaya ako nagkanda-hirap kahahukay ay baka, tulad ng mga salitang “lambing”, “tampo”, “lihi”, “gigil” at “kilig”, sadyang walang sasapat na direktang katumbas ang salitang ito sa lengguwahe natin. Ngunit napakaimportante ng salitang ito lalo na sa kabanatang ito ng kasaysayan ng Pilipinas. Kaya naman, para sa guping lathalaing ito lamang, pagbigyan niyo na ako na gumawa ng pansamantalang pagsasalin dito: misoginiya. Nitong nakaraang Miyerkules lang, Mayo 16, muling humarap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng medya habang suot ang kaniyang buong katipunuan at ka-briskuhan upang iulat ang balita patungkol sa papalit kay Ombudsman Conchita Carpio Morales mangyaring matapos na ang termino ng serbisyo nito sa darating na Hulyo. Sa kaniyang pahayag, pinaliwanag ng pangulo na bagama’t magsasalang ng sariling nominasyon ang Judicial ang Bar Council ng bansa para sa susunod na magiging Ombudsman, magsasalang din ng kandidato ang pangulo na sisiguraduhin niyang hindi pulitiko, at higit sa lahat, hindi babae. “Mag-nominate sila, pero I choose, but gusto ko ‘yung bilib ang tao sa integrity niya. Of course it could not be a politician, lalo na hindi babae,” sa kaniyang mismong mga salita nang walang kasunod na paliwanag. Sa inaasahan naman, kinundena at kinuwestiyon ng isang partidong pangkababaihan ang naging pahayag ng pangulo na ito at sinabing nagpapakita ito ng tila pagkatakot nito sa kabahaihan, Sa isang pahayag, ginamit ng Gabriela women’s party-list ang iba pang mga naging pahayag ng pangulo
John Emmanuel Ebora ng batas ang kalayaan? Hindi ba may
patungkol sa mga kababaihan bilang basihan nila ng kanilang palagay na sadyang takot lang si Duterte sa lakas ng kababaihan. “He pushed the ouster of a female chief justice, ordered troops to shoot female rebels in the vagina, tells soldiers to rape women in Marawi, and even allowed the removal of a comfort woman statue from public’s sight,” paliwanag nila. Dagdag pa nito, ang mga sunodsunod na pagaatake ni duterte sa mga babaeng tulad nina datingChief Justice Maria Lourdes Sereno, nakapihit na si Leila de Lima, Bise Presidente Leni Robredo, Ombudsman Conchita CarpioMorales, UN Special Rapporteur Agnes Callamard, at International Criminal Court Prosecutor Fatou Bensouda ay nagpapatunay lamang dito. “[Duterte] is yet again rewriting the laws and the Constitution to effectively bar a woman from the Chief Magistrate post. This runs counter to the constitutional mandate of the State to enable women to realize their full potential in the service of the nation,” dagdag pa ng grupo. Kahapon lang, isang masamang biro na naman ang gumulat sa bansa nang italagang bagong senate president si Senator Vicente Sotto III. Mas kilala bilang si “Tito” Sotto, bumuo na rin ng pangalan ang naturang pulitiko sa larangan ng pagrespeto at pagpapahalaga sa mga kababaihan. Mayo noong nakaraang taon, sa confirmation hearing ni Judy Taguiwalo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development, sa hindi maipaliwanag na takbo ng mga pangyayari, nisingit ng senador na pagtripan ang itatalagang kalihim patungkol sa kaniyang pagiging solong magulang sa kaniyang dalawang anak. Sa kaniyang pagkakataon para magsalita, kinuwestiyon ni Sotto ang pagkakaroon ng dalawang anak - MISOGINIYA / 6
Isa akong Guro sa Senior High School at nagtuturo ng Introduction to Ethics sa mga mag-aaral sa Grade 11. Sa subject na ito’y madalas naming pag-usapan ang mga batas, karapatang tao, moralidad, at iba pang mga usapin na may kinalaman sa pagiging tao ng isang tao, kung anu-ano ang naghihiwalay sa kanya sa ibang nilalang. Minsan habang inihahanda ko ang aking klase sa paksa ng Law and Freedom, nagkaroon kami ng preliminary activity kung saan ay magsasabi sila ng mga bagay na dapat ay mayroon ang isang tao, particularly silang mga teenagers, para masabing sila ay tunay na malaya. May mga matatalinong sagot at may mga kakatuwa din. Ngunit mas nagmarka sa akin ang mga sagot na kung hindi gagabayan ay magkakaroon ng masamang implikasyon at epekto sa kanilang mga pananaw: May mga nagsabing dapat ay wala na raw mga patakaran at batas sa paaralan katulad ng wastong uniporme at maaaring lumabas ang isang estudyante sa campus anumang oras ang kanyang gustuhin. Sa madali’t sabi ay mas gugustuhin nila na gawin kung ano ang kanilang nais dahil dito sila mas magiging masaya. Dahil dito sila mas malaya. Na ang kalayaan ay ang paggawa ng anuman ang gustong gawin. Isang napakadelikadong pagiisip. Natural na pasaway ang mga kabataan. Halos lahat naman siguro sa atin ay dumaan sa “phase” kung saan ay sakit ng ulo tayo ng ating mga magulang – dahil ayaw nating sumunod sa kanilang mga tagubilin, pangaral, at itinakdang mga patakaran. Bakit nga ba kailangan pa ng batas? Hindi ba nililimitahan
kontradiksyon ang Law at Freedom? Isa sa mga paborito kong halimbawa kapag ganito ang aming paksa sa silid-aralan ay ang pelikulang The Purge. Sa istorya ng pelikulang ito, taon-taon ay may kalayaan ang mga mamamayan sa loob ng 12 oras na gawin ang gusto nilang gawin – kahit ang pagpatay. Ito ay kapalit ng isang buong taon na payapa at walang krimen. Walang emergency personnel o Gobyerno ang tutulong sa iyo. Walang batas na umiiral. Malaya ang lahat sa gusto nilang gawin. Isang napakalaking kabalintunaan sapagkat ang batas dapat ang nagpoprotekta sa ating kalayaan. Mainit pa ring usapin ang extrajudicial killings (EJK) o ang pagpaslang sa mga (pinaghihinalaang) nagkasala sa batas na walang nakamit na patas na paglilitis o kahit anumang prosesong legal. “Extra Iustitia” sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay “outside justice”. Walang hustisyang umiiral. Parang sa pelikula lang na The Purge. Ganoong kasimple. Kaso hindi ito pelikula. Nangyari at patuoy na nangyayari ito sa tunay na buhay. Sapat bang dahilan na bilang kapalit ng katahimikan, kaayusan, at kapayapaan sa lipunan ay patayin na lamang nang walang pakundangan ang mga (inakusahang) nagkasala? Hindi ba’t isang napakalaking pag-uuyam na para mabawasan ang krimen ay gagawa pa ng isang krimen? Tama nga ang isang akda na nabasa ko noon: sa pagpatay sa mga pumapatay ay hindi nababawasana ang bilang ng mga pumapatay. Bilang Guro na nagtuturo ng Ethics sa mga kabataan, pilit kong ipinapaintindi sa aking mga estudyante ang dignidad ng bawat tao sapagkat lahat tayo ay may buhay, lahat ay may Human Rights – kriminal ka man o biktima, mayaman man o mahirap, babae man o lalaki. - PURGE / 6
LABANAN / 4
matutong magbigay buhay. Ang kalayaang hangad niya ay kalayaan sa kasalanan upang mabuhay tayo bilang mga anak ng Diyos. Halina at makilakbay kay Kristo. Lumaban, huwag matakot.
Napagtagumpayan na niya ang diyablo sa kanyang pagdurusa at kamatayan sa krus. Halina at makibahagi sa kanyang tagumpay! (Mula sa Facebook Post noong March 25, 2018)
6
VOL 4 NO 3 | MAYO 28 - HUNYO 6, 2018
Pagbalik at pagtindig ng mga Maranao Isang taon na ang nakalipas mula nang pumutok ang kaguluhan sa Marawi. Ang gulo ay hindi lamang kumitil ng mga buhay at kumuha ng mga ari-arian, ito rin ay nagdulot ng mas malaking epekto sa pagkatao ng mga taga-Marawi. Isang taon man ang lumipas ngunit nasa libo parin ang wala sa kanilang mga tirahan at nananatiling mga internallydisplaced persons. Patuloy nilang nilalabanan ang gutom, kawalan ng permanente at disenteng tirahan, at ang kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan upang mabuhay gaya ng tubig, sanitasyon, kabuhayan, at edukasyon. Nais lamang ng mga tao mula sa Marawi ay ang makabalik sa kanilang lungsod nang mayroong konkreto, malinaw, at sensitibong mga plano para sa rehabilitasyon. Kung mayroon mang naidulot ang Marawi Crisis maliban sa pasakit sa buhay ng mga Maranao, ito ay ang realisasyon na kaya natin, bilang tao, ang magkaisa upang hingin ang ating mga karapatan. Ang mga Maranao ay nananatiling matapang at iisa upang hingin ang kanilang mga karapatan. Ang kanilang boses ay mananatiling malakas at dumadagundong para sa iisang Marawi.
Mahigit 30 na kabataan mula sa Brgy. Sikap, Marawi City ang nakatanggap ng kopya ng kanilang mga birth certificates. Ayon sa Plan International, higit sa 30 porsyento ng populasyon sa Autonomous Region of Muslim Mindanao ang hindi rehistrado.
Nagsasagawa ng legal mission para sa mga bakwit mula sa Marawi ang mga volunteer paralegals at mga lawyers ng Mindanao State University College of Law. Ayon sa Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS), tatlo ang pangunahing problemang legal ng mga bakwit: damages to property, looting, at ang kawalan nila ng mga opisyal na dokumento na magpapatunay ng kanilang pagkatao
MISOGINIYA / 5
ng naturang opisyal nang may pahabol pang biro na tinanggap ng daan-daang mga solong ina sa bansa bilang isang insulto. “Just on the lighter side, Senator Drilon and I were looking at the personal information about you. You have two children – daughters or sons? But you’re single? In the street language, when you have children and you are single, ang tawag do’n ay na-ano lang,” bira nito. Nakakatawa nga naman ano? Siguro kaya ako nahirapang humanap ng direktang pagsalin sa salitang “misogyny” kasi bakas sa kasaysayan ng
Tumungo sa Manila ang mga leaders ng mga internally-displaced persons mula sa Marawi City upang ipadinig sa gobyerno ang mga karahasan at karanasan mula noong nagsimula ang Marawi Crisis.
Ilan sa mga taong nawawala mula noong nagsimula ang Marawi Crisis PURGE / 5
Pilipinas ang matinding pagpapahalaga ng mga mamamayan nito para sa kanilang mga nanay. Siguro kaya walang salitang Filipino na makakatukoy sa diskriminasyon sa mga kababaihan dahil nasa dugo ng mga Pilipino ang moralidad na nagiging dahilan kung bakit marami tayong mga simbahang nakapangalan sa banal na Birheng Maria, kung bakit nagawa nating maghalal ng dalawang babaeng pangulo at kung bakit sadyang mas makukulay ang mga baro’t saya ng mga babaeng Pilipina kaysa sa mga puti’t payak na mga barong ng mga Pilipino. Siguro kaya wala tayong
salita para sa ganoong kalokohan ay dahil nananalaytay sa puso ng bawat Pilipino ang kagandahan ng puso ng mga kababaihan kasi kinikilala natin ng buo ang lakas ng kagandahang ito. Ngunit, sa takbo ng mga pangyayari… Siguro kailangan na nga rin nating maglaan ng tamang pagsasalin sa isa sa mga pinaka mapanirang salita ng natagpi ng sangkatauhan. Siguro makakatulong ito para maintindihan ng lubusan kung paanong natutunan ng mga Pilipino na purihin ang mga tagasunod nito. Mabuhay po ang mga kababaihan!
Walang itong pinipili at walang diskriminasyon. “Every Saint has a past, every sinner has a future”, ika nga. Tunay nga naman. Si San Pablo (na may-akda ng karamihan sa mga Kasulatan sa Banal na Aklat) ay si Saul na umuusig at pumapatay sa mga Kristiyano bago nakilala si Kristo. Si San Agustin (na isa sa mga Dakilang Pantas ng Simbahan) ay babaero, lasenggero, sugarol, at sakit ng ulo ng kaniyang ina na si Santa Monica bago nagbago matapos marinig ang sermon ni San Ambrosio. Isipin mo na lang kung hindi sila binigyan ng pagkakataong magbago, nabago din kaya nila ang
takbo ng mundo? May karapatan tayong mabuhay at habang nabubuhay, may karapatan ang isang taong magbago. Bilang isang Historical Being, ang istorya ng isang tao ay hindi nagtatapos sa kung ano siya noong nakaraan at ano siya ngayon – dahil meron pa siyang kinabukasan. At ang mga katotohanan na ito ang nagbibigay kahulugan sa pagiging tao nating mga tao. Dahil kung hindi ay ibababa natin ang ating sarili sa lebel ng mga hayop. Sa lebel ng mga nagpapatayan nang walang pakundangan. Katulad ng mga karakter sa pelikulang The Purge.
7
Ulat ng bilihan ng boto nitong nakaraang Brgy & SK Elections, nakahain na sa Comelec Ilang araw matapos ang naganap na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections nitong ika-14 ng Mayo, isinumite na ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ang iba’t-ibang ulat hinggil sa umano’y vote-buying at iba pang mga ‘di umano’y pandarayang nahuli sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Ayon sa Assistant secretary at tagapagsalita ng DILG na si Jonathan Malaya, dalawang araw lang ang hinintay ng kanilang kagawaran bago nila inihain sa Comelec ang mga pinagsama-samang mga ulat at mga sumbong na natanggap ng opisina ng kalihim mula sa mga concerned citizens. “Ibinigay na namin ang lahat ng report sa Comelec na may mandato na magsiyasat at papanagutin ang mga indibidwal kabilang din ang ilang government officials na lumabag sa election laws, rules at regulations,” saad nito. Dagdag pa ng tagapagsalita, ang mga nasabing ulat ay ipinadala na sa
HINDI KA NAG-IISA Sa panahon ng pangangailangan, maraming mga organisasyon ang maaaring lapitan upang sumangguni, humingi ng payo, o humingi ng tulong. Narito ang ilan sa kanila:
Ang Council for the Welfare of the Children ay nilikha ayon sa Presidential Decree 603 o ang Child and Youth Welfare Code. Ang napaloob dito ay ang mga karapatan at obligasyon ng mga bata na and edad ay nasa ibaba ng 18 taong gulang. Ang konsehong ito ay nasa ilalim na ng DSWD o ang Department of Social Welfare and Development. Pangunahin nilang tungkulin ay tignan ang mga batas na may kinalaman sa mga kabataan at kung ang kapakanan ng mga kabataan ay maayos na naipapatupad. Sila din ay inatasan na magbalangkas at maggawa ng mga programa para sa ikakabuti ng mga kabataan at sa proteksyon para sa mga kabataan. Higit sa rito, sila rin ay may kapangyarihan na magrekomenda sa Presidente at iba pang mga ahensiya ng ating gobyerno na magsagawa ng mga programa at mga sebisyo na nakabubuti para sa kapakanan ng ating mga mamayan na kabataan. Contact Information: Council for the Welfare of Children CWC Building, 10 Apo St., Sta. Mesa Heights, 1114 Quezon City, Metro Manila, Philippines P.O. Box No. 2363 Q.C. Central Post Office Direct Lines: (02) 742-20-13 Office of the Executive Director (02) 781-10-40 Office of the Dep. Executive Director (CWC) (02) 742-20-10 Office of the Dep. Executive Director (ECCD) #
Comelec para sa kanilang kaukulang imbestigasyon at kinakailangang legal na pagkilos. “Natutuwa kami na ang mga botante ngayon ay naging mas mapagbantay at pinapangalagaan ang kanilang karapatan. Nagpapasalamat kami sa kanila sa mga ulat na ipinarating nila sa amin na atin namang ibinigay na sa Comelec,” hayag nito. Nilinaw din ni Malaya na ipinapaubaya ng kanilang kagawaran sa Comelec ang pagaasikaso at pagiimbestiga sa lahat ng mga ulat na natatanggap ng kanilang opisina sapagka’t ito ang nasa mandato ng komisyong sa halalan. “Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang DILG sa Comelec at handa rin kaming tumulong at magbigay ng suporta sa kanila sakaling nagkaroon ng paglabag sa election laws ang ilang LGU officials, Samantala sa alegasyon laban sa ibang miyembro ng Kongreso, ipinauubaya ito ng departamento sa Comelec sapagkat ito ay sakop ng kanilang kapangyarihan at wala sa DILG,” paglilinaw nito. (Tapat News)
CROSSWORD
VOL 4 NO 3 | MAYO 28 - HUNYO 6, 2018
ACROSS 4. Lugar kung saan pinatay ang binate na si Kian Loyd delos Santos habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang pulisya 7. Siya ang bagong hepe ng PNP na pumalit kay Ronald Dela Rosa 8. Isang bahay-tuluyan ng mga batang may kaso kung ito ay walang pasilidad na maaring pansamantalang matutuluyan DOWN 1. Isang uri ng Oplan kung saan pinapasok ng mgaawtoridad ang mga lugar upang kumpiskahin ang iba’t-ibang kontrabando
2. Ang rehimen noong panahon ni Ferdinand Marcos kung saan naihahalintulad sa “War on Drugs” 3. Presidente ng Pilipinas na nag sabi na ang mga batang nadadamay sa Kampanya Laban sa Droga ay mga “collateral damage” lamang 5. Isang paraan ng paggamot sa mga taong na lululong sa masamang bisyo 6. Panahon sa buhay kung kailan ang isangtao ay maituturing na dalaga o binata. Ayon sa mga datos, sinasabing dalawampung libo na ang nasasangkot sa isyu ng droga sa mga edad 17 at pababa sa Pilipinas.
8
VOL 4 NO 3 | MAYO 28 - HUNYO 6, 2018
Liwanag sa dilim: Paano nabubuhay ang pag-asa sa gitna ng matinding pagsubok Sa murang edad ni Lyn na 20, hindi tunay na pangalan, tila isang sumpa ang mamatayan ng ama at asawa ng sabay at sa hindi inaasahang pagkakataon. Nagising si Lyn at ang kanyang pamilya sa isang bangungot noong Enero 12, 2017. ‘Di nila inakala na matapos ang isang mapayapang hapunan ay may maririnig silang wang-wang ng mobil ng pulis na hihinto sa tapat ng kanilang bahay. Noong gabing iyon, higit sa 15 na pulis ang pilit na papasok sa kanilang tahanan. Kasunod nito ang pagkamatay ng kanyang asawa at ama. Bangungot ng kahapon Pagbukas ni Lyn ng pinto, tumambad sa kanya ang dalawang pulis sa tapat ng kanilang bahay. Bigla siyang itinulak ng mga ito at sapilitang pumasok noong tanungin niya kung bakit sila nandoon. Agad na umakyat ang isang pulis sa kinaroroonan ni Mang Dan, ama ni Lyn. Sa isang parte ng bahay ay nakikipagbuno ang ama ni Lyn sa pulis upang agawin ang baril, ngunit napaputukan siya sa paa at pareho silang nahulog sa hagdan. Sa kabilang banda, isang baril naman ang nakatutok sa asawa ni Lyn na si Boy. Si Lyn naman ay binitbit ng dalawang pulis palabas ng kanilang bahay habang tinututukan ng baril dahil sa malakas niyang pagawat at pagpalahaw. Wala siyang ibang nagawa kundi umiyak sa takot at tumakbo na lamang sa kalapit na barangay. Hindi sila makahingi ng tulong dahil putol ang kable ng telepono. Kung kaya’t ang tangi nalang nilang nagawa ay panoorin ang CCTV para makita ang nangyayari sa kanilang eskinita. Matapos ang limang putok ng baril, kumaripas sila sa pagbalik sa kanilang bahay. Bumungad
sa kanila ang maraming pulis, mga takot na kapitbahay, at malalakas na mga iyak. Matapos ang ilang sandal, bumukas ang pinto ng kanilang bahay. “Ate, si Kuya Boy, wala na. Hinila nila tapos sinuntok sa tyan, sumuka ng dugo. Binaril sa ulo ng pulis,” kwento ng kanyang mga kapatid na si Ryan, 9, at Cris, 15. Ito ang huling narinig ni Lyn bago tuluyang magdilim ang kanyang paningin at mawalan ng ulirat. “Napakasakit na pinatay na nila ang tatay at asawa ko. Nilimas pa nila ang bahay namin. Ninakawan nila kami ng mga gamit sa bahay. May puso pa ba ang mga pulis na ‘yan?,” tanong ni Lyn habang humihikbi. Sinikap na matubos ng pamilya ang mga labi ng kanyang ama at asawa sa kabuuang halaga na P80,000. Halos mawalan sila ng pagasa dahil hindi nila alam kung saan kukunin ang ganoon kalaking halaga. Pero sa tulong ng mga kapitbahay, kaibigan, at pautang, nailibing ng maayos ang kanyang mga mahal sa buhay. Naiwan naman ang bakas ng kawalang hustisya at kanyang naulilang pamilya. Namaalam man sila sa masasakit at madidilim na nangyari, naiwan naman ang bakas ng kawalang ng hustisya sa kanilang naulilang pamilya. Liwanag at pag-asa Sa panahon ng halos kawalan ng pag-asa, isa lang ang sumalba sa kanya. “Hindi ko noon alam paano ko dadalhin ang mga nangyari. Hindi ko alam sino ang kakausapin ko. Kaya naisipan ko isang umaga na pumunta sa loob ng simbahan at pumasok sa kumpisalan,” sabi ni Lyn. “Doon ibinuhos ko lahat ng nasa loob ko. At tanong ko sa Diyos: bakit ang ama ko, at asawa ko, bakit sa amin
nangyari ito?” Tanging naiwan kay Lyn ang pagmamahal sa asawa at ang pangako niya na sila ay magpapakasal sana ngayong taon para tuluyang bumuo ng pamilya. Naiwan rin ang pagmamahal ng
kanyang ama, na bagama’t noon ay aminadong nagging biktima ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nagawang magbago para sa kanyang pamilya. “Ginawa nila kaming ulila. Hindi nila naisip na
Tapatan kay Attorney Dear Attorney, Ako po si Karen, 18 years old at nakatira sa Camarin, Caloocan. Hindi po kasal ang aking mga magulang. Iniwan po kami ng aking tatay mula noong ako ay bata pa. Wala pong binigay na rason ang aking ama sa kanyang pagalis at simula noon, hindi nanamin nalaman kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa niya. Napagalaman nalang namin noon nakaraang taon na nagasawa na siya ay may sarili ng pamilya. May kinakasama ang aking ina na siya pong tumayong ama sa akin simula nung ako’y 10 years old. Sa tagal ng kanilang pagsasama, nagpasya silang dalawa ng mag-asawa na. Mayroon din silang isang anak. Maayos po ang relasyon ko sa aking tatay-tatayan, at naramdaman ko po ang pagmamahal ng isang tatay sakanya. Nais ng aking tatay-tatayan na gawin niya
marami silang buhay na winasak sa ginawa nila. Alam ko, darating ang panahon ng pagbawi sa kanila. Kumakapit na lang ako sa Diyos na hindi niya kami pababayaan ng mga kapatid ko,” ani Lyn.
LIBRENG LEGAL ADVICE
akong sariling anak sa legal na pamamaraan. Attorney, paano po kaya ito gagawin? Ano po ang magiging epekto nito sa akin? Lubos na gumagalang, Karen Dear Karen, Kailangan ninyong dumaan sa proseso ng pag-ampon sa korte ayon sa Domestic Adoption Act of 1998 upang makamit ang hangarin ng iyong tatay-tatayan na gawin kang anak niya. Kailangang mag file ng petisyon ng pag-ampon sa korte upang masimulan ang proseso ng pag-aampon sa’iyo. Magiging legitimate child ka ng iyong tatay-tatayan at dadalhin mo ang kanyang apelyido kapag pinahintulutan ng korte ang pag-ampon sa’iyo. Maiging hintayin ang pagpapakasal ng iyong nanay at tatay-tatayan bago mag-file ng petisyon ng pag-ampon sa korte. Minumungkahi kong ampunin ka ng iyong nanay
kasabay ng iyong tatay-tatayan upang maiangat ang iyong estadobilang illegitimate child ng nanay mo sa pagiging legitimate child niya. Kapaki-pakinabang ito sa’iyo sapagkat ang illegitimate child ay may karapatang makakuha ng mana katumbas ng kalahati lamang ng mana na matatanggap ng isang legitimate child sa pagkamatay ng kanyang magulang batay sa ating Civil Code. At base sa iyong liham, kinakailang makuha ang nakasulat na pahintulot ng iyong tatay at ng iyong hatingkapatid (kung siya ay 10 taong gulang pataas). Kailangan mo ring magbigay ng iyong nakasulat na pahintulot sa pag-aampon sa iyo dahil ikaw ang lampas 10 taong gulang na. Kapag walang nakasulat na panhintulot ang mga taong dapat magbigay nito, hindi aaprubahan ng korte ang pagampon sa’iyo. Sana ay naliwanagan kita sa iyong katanungan