TAPAT Volume 4 Issue 5

Page 1

VOL 4 NO 5 | HUNYO 22 - 29, 2018

OPINYON 5

Walang tahimik na pakikiramay TAPAT SA BALITA. TAPAT SA BUHAY

Pari sa Nueva Ecija, 3

PATAY SA PAMAMARIL


2

VOL 4 NO 5 | HUNYO 22 - 29, 2018

Tagle, hinimok ang mga Pilipino na huwag magpa-alipin sa karahasan Pinaalalahanan ng punong arsobispo ng Simbahang Katoliko Romano ng Kamaynilaan ang mga Pilipino na labanan ang pangaalipin sa karahasan habang patuloy itong namamayagpag sa buong bansa. Sa kaniyang mensahe para sa ika-120 na Araw ng Kalayaan, sinabi ni Cardinal Luis Antonio Tagle na walang halaga ang kalayaan kung patuloy na nilalamon ang bansa ng kriminalidad, korapsyon at kahirapan. “It’s a false freedom when we are toying around with justice. We repeat: It is against the will of God to destroy life. Killing is not a solution to personal and societal problems,” giit nito. Nagpahayag din ng pagkalungkot ang cardinal patungkol sa mga sunodsunod na pagkakapaslang sa mga Pilipino kabilang na si Fr. Richmond Nilo ng Diyosis ng Cabanatuan at si Henry Acorda na isang overseas Filipino worker na napatay sa Slovakia. “…I hope no one will be next. We weep for them, their families, and our society. We seek justice for

1. Quo Warranto – isang aksyon na isinasampa laban sa isang kawani ng gobyerno kung hindi niya hawak ang mga kuwalipikasyon na kailangan upang hawakan ang isang posisyon sa gobyerno. 2. Impeachment – ito ay isang aksyon na maaaring isampa lamang laban sa Presidente, Bise-Presidente, mga justice ng Supreme Court, miyembro ng Konstitutyonal na Komisyon at Ombudsman upang mapatalsik sila sa kanilang posisyon. Maaari lamang sila ma-impeach sa mga sumusunod na pagkakasala; culpable violation ng ating Saligang Batas, treason o pagtataksil sa bayan, katiwalian, panunuhol o paggawa ng karumal-dumal na krimen o betrayal of public trust o paggawa ng mga aksyon na magdudulot ng pagkawala ng tiwala ng mga mamayan sa opisyal.

PHOTO: CBCPNEWS

them,” ani ni Tagle. Pinaalalahan naman din ng cardinal ang mga tao na huwag tugunan ng karahasan ang karahasan. “When you are being ordered or paid to hurt or kill others, do not follow. Do not be a slave. A true free Filipino does not take advantage, destroy, and enslave others,” dagdag pa

nito. Hinimok din ni Tagle ang mga mambabatas na rebisitahin ang mga batas patungkol sa pagmamayari ng mga baril at iba pang sandata. “We are calling the attention of our lawmakers and those in charge of peace and order: Why is there too many guns and

weapons on the loose?” panghihimok nito. “Maybe there is a need to review laws and regulations concerning the manufacture, selling, buying, and ownership of guns. Let us not wait anymore for the time when it is easier to purchase guns than rice,” dagdag pa niya. (CBCPNews)

Tauhan ng DENR, patay sa ambush

Kuha ng isang netizen, kitang nililinis na ng mga operatiba ng SOCO ang mga labi ng DENR employee na si Dominador Lucas habang ineeksamen ang lugar para sa mga maaaring ebidensya. JOYCE ABESAMIS

Agad binawian ng buhay ang isang empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos ambahan at walanghabas na pagbabarilin ito sa loob ng kaniyang

Legal Terms

sasakyan sa lungsod ng Antipolo. Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si Dominador Lucas, 54, empleyado ng Forestry Division ng DENR at residente ng Barangay Dela Paz ng nasabing

lungsod. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya sa pangunguna ni Antipolo Chief of Police, S/Supt. Serafin Petaluo ll, papasok na sana si Lucas sa kaniyang trabaho sa tanggapan ng DENR sa Taytay nang lapitan at pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang sinasakyan nito. Dagdag pa ng ulat, hindi pa nakakalabas ng barangay Dela Paz ang naturang biktima nang ambahan ito ng mga ngayo’y tinutugis pa na mga suspek. Nang masiguro na wala nang buhay ang biktima, kaagad din daw tumakas ang gunmen sakay ng isang kulay pink na motorsiklo na walang plaka na naghihintay sa

hindi kalayuan. Sa panayam sa kasamahan ni Lucas na si Mark de Belen, ikinagulat nila ang pananambang sa biktima na inilarawan ni de Belen na isang mabait na katrabaho sa kanilang ahensya. Kasalukuyan nang inaaral ng pulisya ang angulong agawan sa lupain bilang motibo sa naturang insidente ngunit hindi pa raw muna sila maglalabas ng karagdagang impormasyon. Sa ngayon ay patuloy ang follow-up operations ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng mga suspek at posibleng mabilis na paghuli sa mga ito. (Mae Ann Cansino/ TapatNews)

3. Rule of Law – isang prinsipyo na nagsasaad na ang batas ang nasusunod at kung may komplikasyon kung ano ang susundin, ang batas ang mangingibabaw. Ang sabi pa nga ay “a government of law and not of men.” Ibig sabihin nito ay ang batas ang sinusunod at hindi ang kagustuhan ng mga tao o mga makapangyarihan. Walang sinuman ang mas mataas sa batas. 4. Transitional Justice – ito ay mga aksyon na judicial at hindi judicial na mga aksyon para pambayad ng pinsala na dinulot ng pang-aabuso ng mga karapatang pantao. Lakip na dito ang criminal na prosekyusyon sa mga nang-abuso programa ng pagrerepasyon at reparasyon sa mga institusyon. 5. Bill of Attainder – ito ay ipinagbabawal ng Saligang Batas at ito ang pagsagawa ng batas ng legislatibo na parusahan ang isang acusado kahit hindi pa siya napasailalim sa paghuhukom (trial). 6. Res Judicata – isang doktrina sa batas na nagsasabi na kung ang isang kaso ay napadesisyunan na ng korte ay hindi na ito pwedeng mai-file ulit. Ito ay para hindi na ulit maabala ang mga partido sa kaso at matapos na ang hatol. Ngunit may eksepsyon dito at ito ang kung gusto mo mag-apila. Ang eksepsyon na ito ay hindi maaring gamitin sa criminal na mga kaso. 7. Accused vs. defendant – sa criminal na mga kaso, ang isang tao na suspect sa isang krimen ay tinatawag na accused kung may naihabla ng kaso sa kanya sa korte at defendant naman kung wala pang kaso na ifile sa kanya sa korte. (kaya hindi pa dapat tinatawag na accused ang tao kahit nakakulong na siya sa presinto, matatawag lang siyang accused kung may naihabla ng kaso sa korte, dito may probable cause na nakita ang judge na may probilidad na ang akusado nga ang gumawa ng krimen)


3

VOL 4 NO 5 | HUNYO 22 - 29, 2018

Pari sa Nueva Ecija, patay sa pamamaril Isang linggo matapos makaligtas ang isang pari na binaril ng mga di pa nakikilalang salarin sa Laguna, isang paring katoliko ang napatay naman sa Nueva Ecija nitong nakaraang lingo lamang. Agad binawian ng buhay si Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan matapos pagbabarilin ng mga di pa din nakikilalang mga salarin pasado alas-5 ng hapon habang naghahanda ito para sa misa sa Brgy. Mayamot, Zaragoza, Nueva Ecija. ayon sa ulat, agad na kumaripas ng takas ang mga suspek lulan ng isang sasakyan. Pangatlo na sa mga pinatay na pari si Fr. Nilo sa loob ng anim na buwan kasunod ng pagkakapaslang kay Fr. Mark Ventura sa Gattaran, Cagayan noong ika-29 ng Abril at kay Fr. Marcelito Paez sa Jaen, Nueva Ecija noong ika-4 ng Disyembre. Nitong nakaraang ika-6 ng Hunyo lamang, buhay na nakaligtas si Fr. Rey Urmeneta ng St. Michael the Archangel Parish sa Calamba matapos ding barilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin. Tumamo ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng likuran at sa kaliwang braso si Urmeneta na dating Police chaplain.

CBCP Statement Sa isang pahayag, kinondena at ikinalungkot naman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ang insidente at hinimok ang pulisya na agarang aktuhan ang naturang krimen. “We make our appeal once again to the police authorities to act swiftly in the investigation and to go after the perpetrators of this heinous crime and bring them to justice,” ani nila. Dagdag pa ng kaparian, nakikisa sila sa panalangin at pagluluksa sa mga naiwan ni Fr. Nilo sa diyosis ng Cabanatuan sa panahong ito kung kalian ginugunita pa ng Simbahang Katoliko ang Taon ng Klero at mga Benditadong mga Tao. “We join in prayer Bp. Sofronio Bancud, … the clergy, the religious, and the lay faithful of the Diocese of Cabanatuan as they face the brutal death of their own priest at the hand of bloody murderers in this time when the whole Philippine Church is celebrating 2018 as the Year of the Clergy & Consecrated Persons,” ani sa naturang pahayag. Wala pa ring lumalabas na angulo sa naturang insidente. (Niceforo Balbedina/CBCPNews)

ALAM MO BA?

“Palit-Ulo Scheme” Ang “palit-ulo” scheme ay isang stratehiya na ginagawa umano ng ilang otoridad upang ilagay ang asawa o mga kaanak ng hinihinalang mga adik at tulak ng droga sa drug watchlist. Lumabas ito sa pahayag ng Ikalawang Pangulo Leni Robredo noong Marso 17, 2017 sa kanyang talumpati sa 60th United Nations Commission on Narcotic Drugs. Isa sa mga kaso ay naitala noong Marso 23 sa Caloocan. Ang biktima ay kinilalang si Jose Sajardo, 43 taong gulang. Pinaghihinalaang pinatay siya ng mga hindi kilalang suspek pagkatapos mabigong mahanap ang kanyang anak na si Jeremy Sajardo, 16 taong gulang, na nasa “drug watch list”. Gayunpaman, mariing pinabulaanan ito ng pamahalaan. Ayon sa dating Police Chief Bato Dela Rosa, tunay ang “palit-ulo” ngunit mali ang pagkakaintindi ni Robredo dito. Ito raw ay ang pagpapagaan ng sentensya o pagpapalaya kapag inilaglag o itinimbre ng mga nahuling “pushers” ang mga “drug lords” na pinagkukunan nila ng suplay. Pero pinanindigan ni Robredo ang kanyang pahayag. Ayon pa sa kanya, ang mga biktima mismo ang lumalapit upang humingi ng tulong at proteksyon mula sa kanyang opisina sa mga banta sa kanilang buhay.

Father Richmond Nilo (CBCP Media File Photo)

Malacañang, nangakong paiigtingin ang imbestigasyon sa magkabilaang mga kaso ng pagpatay sa mga pari Bilang tugon sa nilabas na pahayag ng Arkdyosis ng Lingayen-Dagupan patungkol sa magkakasunod na insidente ng pagpaslang sa mga pari, pinangakuan ng Malacañang ang mga Pilipino na paiigtingin nila ang imbestigasyon ukol dito at makikipagugnayan din sila sa simbahan upang maseguro ang kaligtasan ng sangkaparian. Sa pahayag na nilabas ng palasyo, sinabi nila na kaisa sila ng mga Katolikong Obispo at ng mga mananampalataya na kumukondena sa magkakahiwalay na pagpaslang kina Fr. Mark Ventura, Fr. Tito Paez at Fr. Richmond Nilo. “The government and the Philippine National Police have mounted investigations into these crimes and have vowed to bring the perpetrators to justice, “The PNP shall also be working closely with the Church, especially the hierarchy and the clergy, on measures to protect our priests,” ani ni Presidential spokesperson Harry Roque Jr. Dagdag pa sa naturang pahayag, ipinagutos na rin daw ni Pangulong Rodrigo Duterte na lalo pang pag-igtingin din ang kampaniya ng pamahalaan ang kampanya kontra kriminalidad at paghusayin ang mga programa ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa bansa. Mariin ding pinaalalahanan ang publiko na manatiling nagkakaisa sa pagsugpo ng kriminalidad at sa paglunsad ng kapayaan. “In this nationwide drive, lawless elements will seek to block our efforts by sowing division and creating animosity, even exploiting crimes like the killings of priests. We must stand united against these purveyors of crime and together advance the peace and security of the nation and the Church,” ani nito. Day of Reparation

Kahapon, Araw ng Kalayaan, naglabas si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ng deklarasyon bilang “Day of Reparation” ang ika-18 ng Hunyo at inanyayahah ang mga katolikong Pilipino na tutulan ang magkakasunod na pamamaslang. Sa naturang pahayag, kinondena ni Villegas ang tila pamumuri sa mga mamamatay-tao ngayon base sa kanilang mga krimen. “Killing is the solution. Killing is the language. Killing is the way. Killing is the answer. Killing is encouraged. Killing is their job. Killers are rewarded. Killers boast of their murders, “Today, the murderers are commended and the king is undisturbed,” giit ng Arsobispo ng may pag-ugnay sa kwento ni Saint Thomas Becket na pinaslang sa loob ng Canterbury Cathedral sa Inglatera ng mga taga-suporta ni King Henry II noong 1170. Nandigan din si Villegas na hindi umano natatakot ang simbahan at handa din daw sila na lumaban para sa ikararangal ng Diyos. “We are not afraid. We trust in the Lord. We are ready to battle for God’s honor. They want to bury us priests. But they forget that we priests are seeds. When you bury us, we will grow more and flourish. You cannot stop the Gospel from growing. You cannot stop God from being God. You cannot muzzle the voice of Truth,” ani nito. “Killing is a sin. It is all wrong. This is not Filipino. This is not Christian. This is not how our parents taught us. The earth, soiled by the blood of Father Mark Ventura, Father Tito Paez, and Father Richmond Nilo, is crying, “The bloodied soil is crying to heaven for justice. God’s justice be upon those who kill the Lord’s anointed ones. There is a special place in hell for killers. There is a worse place for those who kill priests,” dagdag nito. (Niceforo Balbedina/TapatNews)


4

VOL 4 NO 5 | HUNYO 22 - 29, 2018

EDITORYAL

Ang Tunay na Kalagayan ng Bansa Lumipas na naman ang halos isang taon sa ilalam ng pamumuno ng administrasyong ito. Parating na muli ang araw kung saan magbibigay ng talumpati ang Pangulo tungkol sa mga magagandang nagawa ng gobyerno. Pero ang hindi nila babanggitin, ang patuloy na walang pakundangang paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayang Pilipino. Sa simula ng taong ito, muling inilunsad ang Oplan Tokhang. Ayon mismo sa Philippine National Police (PNP), tinatayang isang suspek ang napapatay kada araw mula nang inilunsad muli ang operasyong ito. Tila nawaglit na ito sa isip ng mga tao. Mistulang unti-unting naglalaho ang mga balita na ito sa pahayagan at isipan ng karamihan. Masyado na ba tayong nasanay? O sadyang paunti ng paunti ang mga taong may pakialam? Isa pa, nakakalungkot na mismong mga pamilya ng mga biktima ay wala nang pag-asang makakamtan nila ang hustisya. Paano nga naman ba makakamtan ang hustisya kung mismong ang hudikatura ay nakokompromiso na? Tinanggal ang Punong Mahistrado sa paraang hindi naaayon sa Saligang Batas na siyang sandigan

ng ating demokrasya. Tuloy, lalong lumiliit ang pag-asang malulutas ang mga kaso ng mga paglabag sa karapatan. Hindi na lang mga kaso ng mga pinapatay na mahihirap ang kinakaharap natin ngayon. Pati mga alagad ng simbahan, gusto na ring supilin. Kamakailan lang, dalawang pari ang pinatay ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Ang mga paring ito raw ay kilalang tagapagtanggol ng mga naaapi, sinasabi ang mga nakikita nilang mali. Bukod dito, hindi rin ligtas sa pang-aapi ang mga kababayan nating mangingisda. Kamakailan lang, lumabas ang mga balitang ugali pala ng mga tauhan ng Chinese Coastguard na sumampa sa bangka ng mga Pilipino at kunin ang mga isdang nahuli nila sa pinagaagawang Scarborough Shoal. Sa darating na State of the Nation Address ng Pangulo, sana ay marinig ng taumbayan sa mga sagot sa mga hinaing ng lipunan. Bukod sa mga napagtagumpayan umano ng gobyerno, sana ay salaminin din nito ang mga hirap na dinaranas ng mga mamamayan. Dahil ang tunay na kalagayan ng bansa ay hindi maganda, hindi maayos. At kung walang kikilos, nakababahala kung saan tayo patungo. AREOPAGUS COMMUNICATIONS INC. Publisher

NICEFORO BALBEDINA Editor in Chief CHRISTINE PAGUIRIGAN Associate Editor FRANCES ORTIGAS Layout Artist Email: tapatnews@gmail.com

Tapat is published every other Friday by Areopagus Communications Inc., with business address at 1111 F.R. Hidalgo St., Quiapo, Manila You can reach us through the following: Landline # (02) 404 16 12

Website: www.tapatnews.com

All rights reserved 2018

Rehabilistayon, Hindi Abuso! Isipin mo ang Cuneta Astrodome kapag itoy punong-puno ng tao lalo na kapag may laro ang team ng Ginebra. Ganoon na marahil ang dami ng mga namatay at pinatay na tao mula ng magsimula ng “Drug War” ni Pangulong Rodrigo Duterte halos dalawang taon na ang nakakaraan. Bagaman walang opisyal na bilang ng mga biktima ng extrajudicial killing sinasabing mahigit labing-walong libo na (18,000) ang bilang nito. Subalit kung pinapahalagahan ang buhay nga tao at ang tao bilang may dignidad at mga karapatan, gaya ng karapatang mabuhay, hindi makatarungan at katangap-tanggap na kahit isang buhay ay mawala o kitlin. Ayon sa Administrasyong Duterte, ang droga ang pangunahing problema ng ating bayan kung kaya nararapat itong sugpuin sa anumang paraan. At dahil ito ay isang “giyera”, ito ay magiging madugo. At

nagging madugo nga gaya ng pangako niya. Walang pagtatalo na ang pagsugpo sa droga ay isang suliraning panlipunan. At sentro sa problemang ito ay mga indibidwal na sangkot maaring bilang user, pusher o trader. Subalit ang kawastuhan ng drug war na ngayon ay tila isang delubyong sumsalanta sa buhay ng mga miyembro ng pamilya babae man o lalaki, bata man o matanda, sa mga mahihirap na komunidad sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa, ay nagpasiklab na rin ng laban para sa karapatang pantao. Ang rehabilitasyon bilang isang paraan upang akayin ang mga nalulong sa droga o mga gumamagamit o nagbebenta nito ay naghanap pa rin ng puwang sa madugong drug war ni Pnagulong Duterte. Maraming karanasan at mga pag-aaral na ang pagkakalulong sa droga ay isang problemang pangkalusugan. Kung kaya nararapat na isang malawak na programa sa

rehabilasyon ang ipatupad at hindi ang malawakang paggamit ng ng dahas o sistematikong pagpatay ng mga itinuturing na mag drug personalities. Hindi na mabilang ang mga insidente at tutoong kwento ng mga nabalo at naulila sa mga mahihirap na komunidad dahil sa paggamit ng dahas at pwersa na naging mitsa ang buhay ng mga sinasabing mga “nanlaban” o pinatay ng “riding-in-tandem”. Ang drug war ay tila isang bawal na gamot na pilit na ipinapainom sa taong bayan na ito ang tunay na lunas. May mga programa nagyon ang simbahang katoliko sa mga parokya upang palaganapin ang rehabilitasyon bilang tugon sa problema ng mga nalulong o gumagamit nga droga. Mayroon din na panukalang batas sa Kongreso, ang Accessible Drug Rehabilitation Treatment Act, mula sa AKO Bicol Party List Representative Rodel

Rehabilistayon / 6


VOL 4 NO 5 | HUNYO 22 - 29, 2018

Opinyon

5

“ITO NA NAMAN TAYO”

PAGHILOM

Ang kabilang pisngi

Paggunita kay San Antonio de Padua, Patron ng mga “nawawala”

Niceforo Balbedina Sa dalawampung taon na nabuhay akong kasama ang aking ina, hindi siya nanawa na paalalahanan ako na piliing maging mahinahon sa pakikitungo sa mga taong mahirap pakitunguhan. Sa kaniyang paliwanag, walang magagawa ang kahit na anong matalinong pakikipag-rason at mga pinagiisipang argumento sa mga taong sarado na ang desisyon sa isang bagay. Bilang isang binatang mahilig matuto at agresibo sa mga kaalaman, hindi naging madali para sa akin na sundin itong payo ng nanay ko. Para sa akin, walang magagawa ang pagpapalampas ng isang kamalian kung alam kong mayroon akong magagawa, lalo na kung ako rin naman ang lalabas na dehado sa labanan. Ngunit nanaig padin ang payo ng akin nanay, “Minsan, anak, dapat tanggapin mo nalang. Mabuti na na wala silang narinig galing sayo.” Bagama’t madalas kong nakakalimutan ‘to, isa padin yan sa mga payo ng nanay ko na pilit kong pinapaalala sa sarili ko tuwing humahalik ako sa kaniyang noob ago pumasok sa trabaho. Nitong nakaraang linggo lang, binaha ang Cabanatuan,, sa probinsya ng Nueva Ecija, ng mga nagluluksang parokyano at mga Katoliko suot ang itim na pangitaas habang hinahatid sa kaniyang huling hantungan si Fr. Richmond Nilo; ang pangatlong na pari na walang habas na pinaslang sa loob ng anim na buwan. Ayon sa mga ulat, nasa kalagitnaan ng paghahanda ng altar si Fr. Nilo bago siya magmisa nang dumating ang ilang mga hindi pa nakikilalang salarin na tuluyang sumingil sa buhay ng pari na ito na kilalang apologetic o tagapagtanggol ng pananampalatayang katoliko. Isang linggo lang naman bago ang naturang insidente, nakatakas naman din ang isang pari sa kamay ng kamatayan nang magawa nitong makaligtas sa dalawang tama ng pala sa kaliwang bahagi ng likuran nito. Kasabay ng mga insidenteng ito ang ilang pagharap ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng media para maglabas ng mga hinaing

nito tungkol sa ‘di umano’y katiwalian ng simbahang katolika. Ang tila mapait na sopas na ito na kaniyang ipinapasubo sa publiko ay kaniya pang sinahugan ng isang napakagandang ideya na talaga namang nagmistulang isang masamang biro. “Armahan ang mga pari.” Ang galing diba? Bilang solusyon sa persekusyon na nararanasan ng mga alagad ng simbahan, walang ibang naisip na mas mabuting mungkahi ang administrasyon kundi labanan ang apoy gamit ang apoy. Sa inaasahan, ilang mga matataas na opisyal ng simbahan ang agad na tumutol dito. Ito na siguro ang isa sa mga pinaka malalaking kasalanan ng administrasyong ito sa pangalan ng Diyos na pinagsisilbihan ng mga alagad ng simbahan na ito na kanilangminartir sa harapan ng taumbayan na tila mga dagang tuwang tuwa pa sa nangyari: ang hatakin ang mga paring ito sa mundo ng karahasan na patuloy na bumabalot sa mundo natin. Ganoon na lang ba talaga ka desperado ang mga ito na sinubukan na din nilang lasunin ang simbahan upang yakapin ang kanilang prinsipyo ng karahasan bilang solusyon sa karahasan? “Narinig ninyong sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin: Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong makilaban sa masamang tao: kundi sa sinomang sa iyo’y sumampal sa kanan mong pisngi, iharap mo naman sa kaniya ang kabila,” ani ng Hesus na lumigtas sa mundo sa pamamagitan ng pagmamahal at ng pagmamalasakit. Ang simbahan ay isang tahanan ng pagmamahalan kung saan ang bawat kasalanan ay iniintindi at binabago. Ang simbahan ay isang pamilya na sabay-sabay kumakain sa hapag ng Panginoon kung saan walang lugar ang karahasan, poot, inggit at pambabastos. Maaasahan na ng mundo na hindi matatahimik ang simbahang katolika sa patuloy na karahasang tinatamo ng mga Pilipino sa ilalim ng kapangyarihang nangaalipin sa ngalan ng kasikatan at pekeng pagkatikas. Pero hindi kalian man ito susuko sa kapritso ng ilang mga naliligaw na tao na walang ibang ninais na ilubog ang kanilang nasasakupan sa kadiliman ng kanilang katuwaan.

Bishop Pablo David Kapag narinig daw kasi siya ng mga “nawawala” o naliligaw ng landas, sila’y nagbabalik-look sa Diyos. Ang Diyos na kanyang ipinahayag ay laging taglay ang mukha ng habag, katulad baga ng ama sa talinghaga na nag-anyaya sa mga kapitbahay, “Halikayo at makigalak kayo sa akin...ang anak kong ito’y namatay at muling nabuhay, siya’y nawala at muling natagpuan!” Baka naman kung ano-anong mga nawawalang bagay ang inihihingi natin ng tulong kay San Antonio na kaya namang hanapin ng taong may mata at may tiyagang

maghanap. Bukod sa mga nawawala, si San Antonio’y patron din ng mga nagwawala. Mga taong walang makitang kahulugan sa buhay at tuloy nawawalan ng ganang mabuhay. Hindi kayo aksidente o mistulang basurang itinapon lang dito sa mundo. Kayo’y regalo, kaloob, pinili at ibinukod para sa natatanging misyon. Nabubuhayan daw ng loob ang mga taong nakakarinig sa kanya. Kung minsan hindi kaagad natatagpuan ng tao ang mga husay at galing na kaloob ng Espiritu sa kanila. Katulad ni San Antonio mismo. Matagal na nasa tabi Paggunita / 6

“JUAN REPUBLIC”

Walang tahimik na pakikiramay John Emmanuel Ebora kasama ang mga pari, ako ay lubos

Huwag kang maingay. May pinatay. May pinapatay. May papatayin. Huwag ka na lang maingay. Huwag ka na lang makialam. Huwag ka nang makisawsaw. Tumahimik ka na lang. Baka madamay ka pa. Hanggang kailan nalang ba tayo mananahimik? Kamakailan lamang ay tatlong pari ang pinaslang. Si Father Marcelito Paez. Si Fr. Mark Anthony Ventura. At ‘yung pinakahuli, si Fr. Richmond Nilo. Apat pa nga sana, pero nakaligtas si Father Rey Urmenta. Pak. Boom. Malakas ang alingawngaw ng mga putok ng baril. May dugo. Sa loob ng simbahan. Sa tabi ng altar. Yung kalis na iaalay para maging dugo ni Hesukristo, sinamahan ng dugo noong paring mag-aalay. May pinatay. Pero huwag kang maingay. Kung ayaw mong madamay. Nakakalungkot na nitong mga nakaraang araw ay naging laman ng balita ang pagpatay sa mga alagad ng Diyos. Mas nakakalungkot dahil dalawa sa mga ito ay ginawa bago at matapos ang pagdiriwang ng banal na misa. Hindi lamang isyu dito ang pagpatay sa mga pari – sa gawaing ito ay nalapastangan si Kristo sa banal na sakramento ng Eukaristiya. Bilang isang dating seminarista na gumugol ng maraming taon

na nalulungkot sa mga nangyari. Pero higit akong nalulungkot sa tila ba pagiging “manhid” ng marami sa ating mga kababayan tungkol sa ganitong isyu. Bakit sila nananahimik? Bakit sila walang pakialam? Takot ba silang marinig ang kanilang saloobin? O hindi lang talaga sila marinig dahil mas madami ang pumapalakpak, himihiyaw, sumisigaw, at pumupuri sa ganitong gawain? Ito na ba ang pagbabagong ipinangako sa atin? Ganito na ba ang panibagong kultura na ating isinasabuhay at mamanahin ng mga susunod sa atin? Kung isa itong masamang panaginip, gusto ko nang magising. Ang sunudsunod na pagpaslang, hindi lamang sa mga alagad ng simbahan, ay isang malaking bangungot ng ating bansa. Ngunit mas malaking bangungot na tinatanggap at pinagwa-walang bahala nalang ang sitwasyong ito. Sinasabing sa bibliya ay maraming beses naisulat ang mga katagang “Huwag Kang Matakot.” Nawa, sa panahong ito ay tunay na mawaksi sa ating isipan at damdamin ang takot at kadiliman na dulot ng mga ganitong patayan. Tumindig para sa buhay, hustisya, katotohanan, at kapayapaan. May pinatay. Mag-ingay. Tayo ay magkakaramay. Walang tahimik na pakikiramay.


6

VOL 4 NO 5 | HUNYO 22 - 29, 2018

Tapatan kay Attorney Dear Attorney, Pakitago na lang po ako sa pangalang “Barbie”, 28 taong gulang, tagaCavite, may asawa at dalawang anak. Graduate din po ako ng kolehiyo pero housewife ako ngayon. May problema po ako sa aking asawa. Hindi niya ako sinasaktan physically, pero maghigpit niya akong pinagbabawalang magtrabaho. Masyado siyang seloso. Sa tingin niya, kung magtatrabaho ako ay iiwan ko siya at ang aming mga anak. Noong nalaman niyang nagjobinterview ako, nagwala po siya at sinira ang mga gamit sa bahay. Ito ang dahilan kaya hindi na ako sumubok mag-apply muli. Kahit anong paliwanag at pakiusap ko sa aking asawa, ayaw niya po talaga akong magtrabaho. Gusto ko lang talaga makapagtrabaho. Pakiramdam ko po sinasakal niya ako, at para bang nakakulong ako sa sarili naming bahay. Ni hindi na nga

LIBRENG LEGAL ADVICE

ako nakakabisita sa bahay ng aking mga magulang. Ano po ang maaari kong gawin, Attorney? Umaasa, Barbie Dear Barbie, Ang ginagawa ng asawa mo sa iyo ay isang paglabag sa Republic Act 9262 o ang AntiViolence Against Women and their Children Act of 2004, lalung-lalo na sa probisyon tungkol sa economic abuse. Isang uri ng economic abuse ang pagbabawal sa biktima ng pagkakaroon ng lehitimong propesyon, okupasyon o trabaho, negosyo o gawain, maliban nalang kung mayroong katanggaptanggap, seryoso at moral na mga rason sa pagbabawal nito, na siyang nakasaad sa Section 5 (e) (4) ng R.A. 9262. Ang naturang probisyon sa R.A. 9262 tungkol sa economic abuse ay may suporta sa Article 73 ng Family Code.

Maaari kang mag-file ng criminal complaint laban sa iyong asawa para sa paglabag ng R.A. 9262. Maaari mong isali sa kasong ito ang pagresolba sa isyu kung may sapat bang dahilan ang iyong asawa upang pagbawalan kang maghanap ng trabaho ayon sa Article 73 ng Family Code. Pumunta ka sa Public Attorneys Office (PAO) o sa iyong abogado upang magawan ito ng paraan. Hindi na kailangan pang dumaan sa barangay conciliation proceedings ang kaso mo. Ang mga paglabag sa batas na ang pinakamataas na parusa ng pagkakakulong na ipinapataw ay lumalampas sa isang (1) taon, o kung ang parusa ay multa ng lampas P5,000.00 ay exempted sa barangay conciliation proceedings. Ang pinakamataas na parusa na pwedeng ipataw sa paglabag ng Section 5 (e) ng R.A. 9262 ay ang pagkakakulong ng anim (6) na taon. Sana ay nabigyan kita ng linaw sa iyong problema.

Rehabilistayon /4

Batocabe. At mga mga NGOs at mga organisasyon na nakikipagugnayan sa level ng bbarangay at komunidad upang ipalaganap ng rehabilitation program. Bagaman ang mga ito ay hindi sapat upang matugunan ang malawak na pangangangailangan sa rehabilitation ng mga nalulong sa droga lalo na sa mga mahihirap, ito ay nagsisilbing pag-asa na hindi pa rin tuluyang nalulong ang bansa sa paniniwalang ang problema sa droga ay nararapat

MULA SAAN MO GUSTONG LUMAYA? Sa kakalipas lang na araw ng kalayaan, nagtanong-tanong kami kung mula saan gustong lumaya ng mga tao. Narito ang kanilang mga sagot: Gusto kong lumaya mula sa buhay ng pagiging single. - Eva Gusto kong lumaya mula sa sistemang lantaran at unti-unting pumapatay sa mga mamamayan. - Raphael Gustong lumaya mula sa alaala ng ex ko.- Keno Gusto kong lumaya sa isang huwad na kaayusan—paniniil, paglabag sa karapatang pantao, kawalang-katarungan. Hangad ko ang isang mapayapa, masigla, at makatwirang lipunan ang pamumuhayan ng susunod na salinlahi. - Recz Gusto kong lumaya mula sa mga hibo ng pagka-petiburgis. MK Gusto kong lumaya mula sa thesis kong ayaw pa ring matapos - Denver Gusto kong lumaya mula sa imposible, hangganan at limitasyon. - JV

ALAM MO BA? Bawat isa ay may mga batayang karapatan. Pero alam mo bang hanggang sa kamatayan ay mayroon tayong tinatamasang karapatan? Ang mga sumusunod ay mga karapatan ng mga pumanaw: a. Makita ang katawan ng pumanaw at mapanatili ang pwedeng pagkakilanlan sa pumanaw.(Kung namatay sa krimen o kalamidad) b. Maipag-bigay alam sa kamag-anak ng pumanaw ang kanyang sinapit at kinaroonan. (Kung namatay sa krimen o kalamidad.) c. Maibigay sa kanyang pamilya ang katawan ng pumanaw. d. Tamang paghawak at pagdadala sa katawan ng bangkay. e. Hindi tanggalin ang parte ng katawan ng pumanaw nang walang pahintulot ng pumanaw (bago siya namatay) o nang kanyang pamilya. f. Hindi madungisan ang pangalan, dignidad, at dangal ng pumanaw. g. Hindi pwedeng gamitin ang pangalan ng pumanaw o ilahad ang kanyang naging talambuhay ng walang pahintulot ng kanyang pamilya. h. Maiburol at/o maillibing ayon sa kanyang paniniwala at base sa kanyang kultura o relihiyon. i. Hindi maisama sa mass grave ang katawan ng pumanaw. (Kung namatay sa kalamidad). j. Hindi ibenta ang katawan ng pumanaw.

Paggunita / 5

gawin na parang winawalis ang mga drug users upang mawala sa lipunan. Mahalaga ang buhay ng tao. Ang pagpatay ay kailanman ay hindi maaring solusyon anu man ang problema ng aitng lipunan Kung magpapatuloy ang laganap na kaisipang ito sa pangunguna ni Prsedente Duterte, malamang na ang darating na henerasyon ay kinakailangan na rin ng rehabilitasyon mula sa pagkakagumon sa paniniwalang ok lamang ang “Drug war”.

lang siya, taga-tanggap ng bisita, hanggang sa matuklasan ng kanyang mga kasamang Franciscano kung gaano siya kahusay magsalita at magpahayag ng mabuting balita. Noong matuklasan ang karisma niya, isinugo siya ni San Francisco upang mangaral. Tuloy dinadayo siya ng marami upang mapakinggan mula sa kanyang bibig ang makapangyarihan at nagpapabagong salita ng Diyos. Nagbabago pati ang mga tiwali at

kriminal, nakakaranas ng paghilom ang mga maysakit, naliliwanagan ang mga nadidiliman ng isip. Naturingan siyang kaibigan ng mga dukha. Pati mga obispo at pinuno ng simbahan ay napagbago niya, lalo na daw iyung mga nang-aabuso ng kapangyarihan at nalalayo na sa tunay na diwa ng pagpapari at pagiging pinunong-lingkod. 36 lang siya nang mamatay, ngunit hindi kailanman nawala sa alaala ng mga tao.

ADVERTISE WITH US (02) 404 16 12


7

FACT SECTION

Interrogation Bago magsimula at pagkatapos ng interogasyon, ito ang iyong mga karapatan: • Ipaalam sa iyo na may karapatan kang humiling na sumailalim sa physical examination ng isang mahusay na doctor na iyong pinili. • Kung hindi mo kayang magbayad sa serbisyo ng isang doctor, bigyan ng access sa isang mahusay at walang kinikilingang doctor na gagampan sa physical examination mo ( mas mainam na babae ang doctor kung ikaw ay isang babae). Sa inquest proceeding na isasagawa ng isang civilian prosecutor, dapat suriin kung ligal o hindi ang iyong pagkaaresto. Ang prosecutor, maaring: (a) Mag-utos na palayain ka (kahit mayroon o wala pang full blown investigation na naisagawa) (b) Ipagtibay na ligal ang iyong pagka-aresto at ihanda ang kaukulang complaint o impormasyon na isasampa sa trial court. Madalas na tinatanong ng prosecutor ang na-aresto kung nais niyang magkaroon ng preliminary investigation, at kaugnay nito , kung siya ay pipirma ng waiver o pagpapaubaya ng kanyang mga karapatan. Huwag pumirma sa waiver nang hindi batid o nasabihan ng posibleng epekto o kahihinatnan nito. Kapag pumirma sa waiver – at ito ang madalas nangyayari –maaring mananatili ka sa detention center, habang naghihintay ng preliminary investigation. Kapag pumirma sa waiver , maaring mangahulugan din na ipinapaubaya mo na rin ang karapatan mong magsampa ng kaso laban sa mga umaresto sa iyo. Isang inquest proceeding ang dapat isagawa ng isang sibilyan na prosecutor upang masuri kung ligal ang naganap na pagka-aresto. Kapag nagpasya ang prosecutor na iligal o labag sa batas ang pagka-aresto sa iyo, dapat niyang irekomenda sa City o Provincial Prosecutor na palayain ka. Gayunman, ang pagpapalaya sa iyo ay maaring idaan sa isang regular na preliminary investigation. Kapag napagtibay ng prosecutor na legal ang iyong pagka-aresto, tatanungin ka niya kung nais mong sumailalim sa isang preliminary investigation. Kapag sumang-ayon ka, tatanungin ka niya kung sangayong kang pumirma ng waiver ayon sa Article 125 ng Revised Penal Code, at sa tulong ng isang abogado, o kung walang abogado,

ng isang responsableng tao na iyong pinili. Ang pagpirma mo ng waiver ay nangangahulugan din na sumasang-ayon ka na mantili sa kulungan habang isinasagawa ang inyong preliminary investigation. Kung ayaw mong dumaan sa preliminary investigation o tumutol na pumirma ng waiver, isasagawa ng prosecutor ang inquest sa pamamagitan ng pagsuri ng mga sworn statement/affidavit ng complainant at witnesses, at ng iba pang ebidensiyang isinumite ng complainant. Kung sa pagpapasya ng prosecutor ay may probable cause laban sa iyo, ihahanda niya ang karapatang complaint o impormasyon laban sa iyo at i-rerekomenda niya sa City o Provincial Prosecutor na isumite ang kaso sa korte. Masasabing may probable cause kung batay sa mga ebidensiyang isinumite sa inquest prosecutor ay kapanipaniwalang may krimeng naganap at ikaw ay posibleng may kinalamano kasalanan ditto.

Kung kasapi ng pulisya at military ang nagtatanong at nag-iimbestiga sa iyo, ang mga karapatan mo ay: • Manatiling tikom ang bibig. • Magkaroon ng mahusay at walang kinikilingang abogado, at mas mainam pa, na ikaw mismo ang pumili. • Bigyan ng abogado , kung hindi mo kayang kumuha ng sarili mong abogado. • Humiling na sumailalim ka sa physical examination ng isang mahusay at independent na doctor na magsasagawa ng physical examinationsa iyo. ( mas mainam na babae ang doctor kung ikaw ay isang babae); at • Ipaalam sa iyo na ito ang mga karapatan mo, at anuman ang iyong maging pahayag ay maaring magamit laban sa iyo sa korte. Reference: Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) “Know your rights”

CROSSWORD

VOL 4 NO 5 | HUNYO 22 - 29, 2018

Across 2. Ang pantay-pantay na pagbigay hustisya para sa lahat 4. Ating lupang sinilangan 5. Isang sibilyan o organisasyon na gumagalaw upang ipatupad ang batas nang walang ligal na kapangyarihan 7. Pinakamataas na posisyon sa gobyerno kung saan kaligtasan at kapayapaan ng kaniyang sinasakupan ang inuuna

8. Isang karapatan na dapat ay tinatamasa ng lahat 9. Kadalasan na gamit ng mga pulis o vigilante sa pagpatay Down 1. Isang kalagayan kung saan ang mga tao ay namumuhay ng tahimik at matiwasay 3. Apelyido ng ating bise-presidente na tumututol sa “war on drugs” 6. Mga nakasabi sa karatula na, “Pusher ako, ‘wag _______”


8

VOL 4 NO 5 | HUNYO 22 - 29, 2018

Paring may madalim na nakaraan

Father Bobby Dela Cruz (Screenshot from CBCPNews Conversations)

“Ang hinahanap ko lang ay kaligayahan. Binigyan ko ng importansya ang paghahanap ng kaligayahan sa kung anuman ang meron sila”. Ang iba ay hindi naniniwala na kayang magbagongbuhay ng mga taong nalihis ng landas, lalo na kung dahil sa paggamit ng iligal na droga. Ngunit marami nang nagpatunay na possible ito. Ang ilan pa nga, iniaalay ang sarili sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Si Fr. Bobby Dela Cruz ay isa sa mga paring nagbagongbuhay mula sa madilim na nakaraan ng pagkakalulong sa masamang bisyo. Ngayon, siya ay nangunguna sa SANLAKBAY para sa Pagbabagong Buhay, isang programa ng Archdiocese ng Maynila, na tumutulong sa mga taong nalihis ng landas sa pamamagitan ng salita ng Diyos at pag-gabay sa kanilang pamumuhay. Ito ay malapit sa puso ni Fr. Bobby dahil sa kanyang sariling karanasan sa masamang bisyo. Si Father Bobby ay bunso sa pitong magkakapatid. Mula siya sa isang pamilya ng mga “achievers” at maykaya sa buhay. Kumpara sa kanyang mga kapatid, ibang daan ang tinahak ni Fr. Bobby bilang tulak at adik sa iligal na droga. Ito ang naging kalakaran ng kanyang buhay. Ang

kanyang pag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo ay nairaos lamang dahil sa yaman ng pamilya – pagbubulakbol, pangongopya ng mga takdang aralin, pagsusulit, at pag- cutting classes ang ilan sa mga ginawa niya noong siya ay estudyante pa. Hayskul pa lamang ay sumubok na siyang tumikim ng marijuana at magbenta nito. Naging sikat o naging cool siya sa buong paaralan, hindi dahil sa talino o kasipagan, kung hindi dahil sa paggamit at pagbenta ng marijuana. Noong nasa kolehiyo taong 1984, natuto siyang gumamit ng iba pang uri ng iligal na droga. Lalo siyang nalulong sa pinagbabawal na gamot at pinabayaan na ang kanyang pag-aaral. Sa loob ng sampung taon, siya ay labas-pasok sa kulungan at mga institusyong pangrehabilitasyon. Ang kanyang pagiging adik ay nauwi sa pagbenta ng kanilang bahay, matapos ma-raid ng mga pulis. “Addiction is selfishness. Wala kang pakialam sa pamilya mo. Wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, maski kalusugan mo, basta masaya,” ani Father Bobby. Isang araw, bumisita siya sa isang simbahan at natyempuhan ang isang “evangelization session”.

Ito ang bumago sa kanyang buong pananaw. Napaisip siya na wala siyang kaalam-alam tungkol sa kanyang relihiyon at sa Diyos. Wala man sa kanyang plano, nakinig at isinapuso niya ang lahat ng mga aral. Ito ang nagsilbing ilaw sa kanyang buhay. Mula noon, nagdesisyon siyang itigil ang paggamit ng iligal na droga at iba pang iligal na gawain. Aniya, ito ay mahirap gawin dahil sa nakasanayan na at ito lang ang natatanging bagay na nakakapagpasaya sa kanya. Ngunit mas matibay ang kanyang kagustuhang matuto tungkol sa pagmamahal ng Diyos. Noong 1997, may imbitasyon sa kanya na makisalamuha sa World Youth Day sa Paris, France. Gustuhin man niyang makapunta, hindi siya makakaalis ng bansa dahil sa isang kasong isinampa laban sa kanya. Ilang araw ang nakalipas, may natanggap siyang tawag mula sa korte. Ipinaalam sa kanya na lahat ng kasong isinampa sa kanya ay napawalang-bisa dahil sa kakulangan ng ebidensya. Naisip niya na ang Diyos ay gumagawa ng paraan upang siya ay makapunta sa nasabing selebrasyon. Dito na niya napagdesisyunang pasukin ang pagpapari. Ngayon, siya ay nangunguna sa SANLAKBAY program ng Archdiocese ng Manila upang gabayan ang mga taong nasa rehabilitasyon, upang iparamdam sa kanila ang pagmamahal ng Diyos. Nang tanungin siya kung ano ang nagpatibay sa kanya upang hindi bumalik sa dating buhay, ang kanyang sagot ay: “Sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, isa lang yung nakikita ko, ang kaligayahan ng Panginoon ang madama ko. Sinubukan ko na yun, wala namang mawawala e.” (Tala Guzman)

Larawan ng Pag-asa

“Bakit yung mga katulad naming mahihirap ang pinapatay ng gobyerno?” Ito ang paulit-ulit na tanong ni Rebecca. Magdadalawang taon na ang nakalipas nang patayin ang ama at kuya ni Rebecca, ngunit sariwa pa ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng mga ito. Noong Hulyo 2016, mga bandang ala-una ng umaga, may pumasok na mga armadong kalalakihan na nakasibilyan at nakamaskara. Pinagbabaril ang kanyang ama sa harap mismo ng kanyang ina at bunsong kapatid na 12 taong gulang. Ang kanyang kuya naman ay dinala ng mga pulis noong gabing din iyon, pero ito ay wala sa presinto nang dinalaw nila. Sa halip, natagpuan na lamang ang kanyang bangkay, nakagapos ang mga kamay ng tape. Sa edad na 25, napilitan si Rebecca na maging ama at ina sa kanyang dalawang nakababatang mga kapatid simula noong nangyari ang mapait na insidente. Ang kanyang ina ay naging tuliro at halos hindi na makausap dahil sa mga pangyayari. Ang masaklap pa, siya din ay pinagbintangan na nagtutulak ng droga. Hinuli ang kanyang ina at ikinulong pansamantala. Dagdag pa ni Rebecca, “Tuwing nanonood ako ng TV, kung may naririnig akong

balita tungkol sa Tokhang, nag-thothrowback lahat sa isip ko. Bakit kami? Bakit sa amin ginawa?” Ibinahagi rin ni Rebecca na hindi naging madali para sakanya ang tumayong nanay at tatay para sa mga kapatid niya sa kanyang murang edad. Sa kabila ng lahat ay patuloy parin siyang kumikilos upang makahanap ng katarungan para sa kanyang pamilya. Ang trahedyang nangyari sa kanilang pamilya ang nagmulat kay Rebecca sa katotohanang mapang-abuso ang lipunan. Ngayon, isa sa mga kabataang naniniwala sa pakikibaka laban sa isang hindi makatarungan na sistema. Hinihikayat niya ang kanyang kapwa kabataan na lumahok sa mga rally upang ipakita na hindi tama ang kasalukuyang nangyayari. Sa kabila ng kanyang murang edad ay tila napakalaki na ng sakripisyong ginawa ni Rebecca para sa kanyang pamilya. Dagdag pa nya, “Gusto kong magkaroon sila ng magandang buhay, ayaw ko na matulad sila sa iba na walang pinag-aralan.” Nagsisilbing tanging inspirasyon ni Rebecca ang kanyang mga magulang upang magpatuloy sa buhay at patuloy na labanan ang hindi makatarungang sistema ng lipunan, isang kabataang sumisimbulo sa pag-asa sa gitina ng trahedya.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.