Siklab - Official School Publication of Jasaan NHS in Filipino (2020)

Page 1

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

LATHALAIN

QUICK RESPONSE CODE Senior High School ID barcode, palpak Sistema ng QR code, rerepasuhin

I

NAABO NA LIDERATO

Angel Louisse Basadre

naasahang magbibigay luwag sa checking of attendance ng Jasaan Senior High School, palpak ang pagpapatupad sa unang semester ngayong school year 2019-2020 kaya sistema Quick Response (QR) code rerepasuhin para sa ikalawang semester.

Ayon sa ICT coordinator, G. Eldifonso Lagulay, kasalukuyan pang inaayos ang sistema ng QR code at isasagawa ang simulation bago matapos ang semester at full blown ang paglulunsad nito sa 2nd semester. “Marami pa talagang dapat ayusin sa kining atong Quick access code na makadala sa SMS sa atong mga ginikanan, hoping sa pagdating ng 2nd semester this 2019-2020, we could productively use this kind of application,” ani G. Lagulay.

25K perang inutang, na-scam Jerson N. Lozano

B

aon ngayon sa utang ang isang pamilya matapos ma-scam ang dalawampu’t limang libong inutang pa mula sa isang kooperatiba ng Jasaan, Misamis Oriental. Ayon sa isang interbyu kay Gng. Annalyn Balingkit, ina ng isa sa mga estudyante ng Jasaan National High School, pinatutuhanan niya ang scam investment na ikinalugmok ng kanyang pamilya sa utang.

No read-no pass policy, pumalya PTA handang tumulong sa literacy program

Nakaw na katauhan

70%

sa mga classroom officers ang di sang-ayon sa pagsasabatas ng Death Penalty sa Pilipinas.

SA NGALAN NG GINTONG MEDALYA


BALITA

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

1 Fetus na palutang-lutang sa dagat, siniyasat

HANDANG MATUTO. Walang pagaatubili ang mga magulang na isama ang kanilang mga anak sa remedial reading na inilulunsad ng Jasaan National High School upang masolusyonan ang pagkapalyado ng no read no pass policy. Kuha ni Kim Angelo Dael.

Estudyante ng JNHS, saksi Nice Dan Zhydree Bingat

N

agkagulo ang barangay Jampason, Jasaan, Misamis Oriental nang may natagpuan silang palutang lutang na di umano’y Fetus pasado alas 12 ng tanghali nitong ika 7 ng Hulyo ngayong taon. Ayon sa nakakita na isang mag-aaral ng Jasaan National High School, kahina-hinala raw umano ang kahon kaya dali-dali niya itong tinignan at nang magpositibong ang kanyang hinala ay agad nila itong sinumbong sa barangay. “Naglalaro lang kami ng mga kaibigan ko nang may nakita kaming palutang-lutang sa dagat, hindi naming inakala na may laman palang Fetus ang kahon” ani ni Mariel Casino. Agad naman na nag sagawa ng pag-imbestiga ang barangay council ng Jampason nang malaman ang balita. “Habang nag-iimbestiga kami ay wala namang umamin kaya hindi nalang namin pinalalim pa ang pag-iimbestiga pero may mga suspek na kami” sabi ni Kapitan Agbong, kapitan ng nasabing barangay. Wala namang kahina-hinalang posibleng suspek ang taga Health Center ng barangay o BHW. “Kung sana may record kami ng mga nagpapa-prenatal dito meron na siguro kaming mga maituturong suspek, pero wala eh” sabi ni aling Paz Roja, BHW Head. ipagpatuloy sa pahina 4

PROMOTED PARIN

No read-no pass policy, pumalya PTA handang tumulong sa literacy program

Angel Louisse Basadre

P

ALAM NA. Natukoy na ang ina ng Fetus na itinapon sa dalampasigan ng Jampason, Jasaan, Misamis Oriental ayon sa kapitan ng barangay. Kuha ni Kim Angelo Dael.

alyado ang No Read, No Pass policy ng Department of Education, bunga nito nagpahayag ng tulong ang Parent-Teacher Association (PTA) sa isasagawang literacy program.

Sa likod ng kakulangan sa pasilidad,

STEM Strand binuksan ng JSHS Janelle Grace B. Cruz

S

a likod ng kakulangan sa pasilidad, binuksan parin ng Jasaan Senior High School ang Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) Strand ngayong school year 2019-2019. Ayon sa assistant principal na si Gng. Domina C. Gorospe, ang pagbubukas ay bunga ng datos na karamihan sa mga nagsipagtapos nitong school year 2018-2019 ay nais na kumuha ng STEM strand kung mabubuksan sa Jasaan Senior High School. “Based from the data we have last March 2019, most of our completers would like to enroll in STEM strand if we will open one in our Senior High School,” sabi ng OIC ng Senior High, Gng Gorospe. Mula Abril 2019 ay hinain ng punong gurong si Gng. Florencia D. Baang sa Misamis Oriental, Division Ofice na tuluyan na ngang mabuksan ang STEM sa Senior High ngayong school year 2019-2020. “The Divison Office approved our papers to open STEM Strand

aside from the fact the we are encouraged to have it, opening the Science and Technology Education curriculum this school year was I guess one of the reasons of the approval, ” ani Gng. Florencia D. Baang, punong-guro. Inaasahan namang ang problema sa laboratories at mga klasrum ng STEM ay masusulusyonan bago matapos ang school year sa panahong magagamit na ang 4-storey building na katabi ng principal’s office. Sa datos mula sa LIS Coordinator na si G. Ramonito F. Burato, mayroong 52 STEM enrollees ngayong taon na nagsisiksikan sa klasrum malapit sa computer laboratory.

60% 40% ang di sang-ayon na ibalik ang Reserve Officer Training Course

ang sang-ayon na ibalik ang Reserve Officer Training Course isa na dito ang mga School Police Officer ng Jasaan National High School.

Batay sa datos nitong Hunyo 2019, 23 non-readers ang nakapag-enrol ng Grade 7 sa Jasaan National High School na mula sa mga kalapit nitong elementary schools. “Masasabi ko talagang hindi pa perpekto ang polisiyang no read no pass ng DepEd alinsunod sa datos na meron tayo this year 2018-2019… pero we’ll think of interventions para dito,” sabi ni Bb. Jo Ann Katherine Z. Valledor, Head Teacher designate ng Jasaan NHS. Bunga ng suliraning nalaman, napagkasunduan ng reading program coordinator, Gng. Vilma J.

Abastas at ng mga guro sa English at Filipino na gumawa ng action plan o literacy program para masolusyonan ang kahinaan ng reading level ng mga mag-aaral. “We will be tapping stakeholders para mag-assist sa ating literacy program dahil sa tingin namin ay magiging mas epektibo kung magmumula ang pinakapundasyon nito sa mga magulang mismo,” ani G. Abastas. Nagkumpirma naman ang PTA President na si G. Arden Mercado na handang magbigay tulong pinansyal ang association sa anumang programa ng paaralan para

sa ikabubuti ng karamihang mga estudyante. “Oo, tutulong kami mapa-pinansyal man ito o ano paman para sa ikabubuti ng ating mga bata, hahanapan natin ng solusyon at panahon,” wika ni G. Mercado. Positibo naman ang punong guro na si Gng. Florencia Baang na magiging matagumpay ang literacy program bago paman matapos ang taong ito.

3:24 N

Spring View incident, ikinabahala ng mga Jasaanons Angel Louisse Basadre

Dalawampu’t apat na seksyon ang nag-aabang na makalipat sa tatlong bagong gusali ngayong darating na Oktobre 2019. Sa panayam kay Bb. Jo Anne Katherine Z. Valledor,malaki umano ang posibilidad na magamit na ang tatlong bagong gusali dahil napirmahan na ni Gng. Florencia D. Baang,punongguro ng Jasaan National High School, ang mga dokumentong kinakailangan upang tuluyan nang magamit na ang mga ito. “We are really hoping that the buildings will be used by the occupants so we could really answer the class shifting everybody is concerned about,“ ani head teacher designate, Bb. Jo Ann. Kinumperma naman ni Baang ang haka-hakang sa buwan ng Oktubre ngayong taon masosolusyunan ang suliranin sa klasrum. “We are doing our best to answer everyone’s quest to a regular schedule by October this year, sana nga,“ sabi ng punong-guro.

agdulot ng pangamba sa mga Jasaanons lalo na sa mga estudyante ng Jasaan National High School na mahihilig maligo sa Spring View Resort , Jasaan ang pagkalunod at pagkamatay ng 4 na taong gulang na bata nitong Huwebes, Setyembre 19. Ayon kay Gracelle Cagmat ng Grade 10- Wisdom, isa sa mga estudyanteng mahilig maligo sa Spring View, hindi na niya gustong maligo ulit sa Spring View dahil natatakot siyang siya na mismo ang malunod sa susunod. “Oo, pabaya sila kay kung dili, nganong naa may nalumos,” ani Cagmat nang tanungin sa kanyang opinyon tungkol sa mga lifeguards ng nasabing resort. Gayundin ang naging pahayag ni Alister Icayan, Grade 10, delikado na raw ito dahil namatayan na ang lugar bunga ng ‘negligence ng resort.’ “Ang sal-an gyud ato kay duha, ang lifeguard o resort maneger, negligence ng resot nga wala nagluwas og siguro partly mama nga nakaligtaan ra ang iyang anak”, dagdag ni Icayan. Sa kabilang banda, ang council ng Solana, Jasaan , ang

barangay kung saan matatagpuan ang naturang resort ay mabilis na inaksyunan ang aksidente. Alas-onse ng umaga di umano nangyari ang pagkalunod at hindi agad narespondehan dahil ang pagtingin ng mga lifeguards ay dahon ng Talisay. Matapos isagawa ang CPR ay kaagad na dinala sa Jasaan Community Hospital ang bata gamit ang resource vehicle ng barangay ngunit ‘dead on arrival’ na ito bandang ala-una ng hapon. Ang may-ari naman ay nagbigay ng financial assistance sa pamilya ng bata habang ang barangay Kapitan at dalawa niyang kasamahan ang naghatid sa pumanaw sa kanilang tirahan sa Manolo Fortich, Bukidnon.


2 balita

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

NAANTALA. Ang pangakong masosolusyunan ang class shifting noong Enero 2019 ay maaari pang maging Enero 2020 sa kalagayang hindi pa tiyak ang araw nang paglipat sa 24 klasrums batay sa pahayag ng Head Teacher Designate, Bb. Jo Ann Valledor. Kuha ni Kim Angelo Dael.

Huwag ni’yo akong gawing model, ayusin ang pag-aaral -- Rehab facilitator Angel Louisse Basadre

PUNO NG ALAB. Inspiradong nagbahagi ang drug-addictturned rehabilitation facilitator na si James Manganar sa ginanap na Drug and Alcohol Symposium nitong Agosto 6. Kuha ni Kim Angelo Dael.

H

inimok ng Department of Health (DOH) Rehabilition Center Facilitator ng Region 10, G. James Manganar ang mga estudyante ng Jasaan National High School na huwag siyang gawing ‘model’ na nalulong sa droga at sa halip ay ‘ayusin’ na lamang ang pag-aaral.

PANGAKONG NAPAKO Paggamit ng 2 bagong building, naantala 2,839 mag-aaral siksikan sa 33 klasrum Jerson N. Lozano

M

atatandaang inilathala ng ‘Ang Siklab’ sa 2018 issue na masosolusyunan na ang class shifting sa Enero 2019 subalit hanggang ngayon ay hindi parin nagagamit ang dalawang bagong building at patuloy parin nagsisiksikan ang 2,839 mag-aaral sa 33 klasrum. Sa interbyu ng publikasyon sa punong guro na si Gng. Florencia Baang, pinatotohanan niyang hindi pa maaaring magamit itong 3-storey at 4-storey building sa ngayon dahil hindi pa kompleto ang mga kinakailangang gamit dito. Bagaman nalagyan na ng pump ng Bureau of Fire Protection ang dalawang building nitong Setyembre 19, hindi parin ito sapat para pasukan ng mga bagong occupants. “Yes, the building has been received by the school pero kulang pa ang gamit at hindi

parin nagbigay ng schedule ang DPWH kung kailan nila mabibigyan ng seminar ang magiging occupants dito,” wika ni Gng. Baang. Hindi pa matitiyak ng punong guro ang takdang araw ng usage ng building, ang maipapangako niya lamang ay bago matapos ang taon masosolusyunan na ang class shifting ng paaralan. “We assure you na wala ng shifting bago matapos ang taong 2019 kung papalarin na matapos ang dapat na matapos… kung hindi man lahat ng grade levels

ay baka dalawang grade level ang hindi na magshi-shifting, ” dagdag ng punong guro. Samantala, nagpahayag naman ng opinyon ang Supreme Student Government president, Via Marie J. Abastas ukol sa kanyang pagkabahala sa naantalang paggamit ng building. “Worried kami baka ano pang mangyari given na may mga students na umaakyat sa mga new buildings ng walang pasabi, sana magamit na talaga ang mga ito,” ani SSG President.

Bilang ng SIRRS, SARDO, bumaba ng 6% B Timothy James Dajan

umaba ng 6% ang bilang ng Student In- Conflict with the Rules ang Regulations in the School (SIRRS) at Student at Risk of Dropping Out (SARDO) ng Jasaan National High School dahil umano sa interventions sa ilalim ng Drop Out Reduction Program (DORP) nitong June-August, 2019. Ayon sa datos mula sa guidance counselor ng paaralan, Gng, Cheryl L. Pernia, mula sa March 2019 na 152 SARDO at 110 SIRRS ay bumababa ito sa 130 SARDO at 90 SIRSS. “We could claim na bunga ng pagbaba ng mga estudyanteng nabibilang sa SIRRS at SARDO ay dahil sa ating mga interventions na home visitations every month at itong ating year-level na Systematic Training for Effective Parenting (STEP),” sabi ng 18 years guidance counselor na si Gng. Pernia Kung pagbabasehan ang datos na ipinasa ng Jasaan NHS sa division office para sa SBM Evaluation, unti-un-

Student at Risk of Dropping Out

16-17

17-18

18-19

ting bumababa ang drop-out mula 2013-2019. Mula school year 2013 na may 4.8% dropout rate sa enrolment, naging 0.98% ang rate nito sa school year 2018-2019. Pinabulaanan naman ng district guidance coordinator designate na si Gng. Pernia ang sabi-sabing hindi pa dapat ikasaya ang datos na pagbaba ng 6% dahil ito daw ay mababa pa sa expected outcome ng DORP. “Oo, mababa pa ito pero if we look at it hindi narin masama para magsaya given the ample time for the interventions we have had with the parents,” dagdag ng guidance counselor. Samantala, positibo naman ang tugon ng mga magulang nang matanong sa nagging ambag ng STEP sa kanilang pang-araw araw. “STEP has given us parents the opportunity to recollect and bring back ideas so we could be good and friendly parents to the tolerable young generation, ” sabi ni Gng. Orgenia Ganzan, guro at magulang mula Jasaan NHS.

Sa ginanap ng Drug and Alcohol Symposium nitong Agosto 6, nagsilbing panauhing pandangal ang drug-addict-turned rehab facilitator, G. Manganar na nilahokan ng mga stakeholders ng Jasaan National High School. “Magsilbi sana itong pagsasalamin sa inyo mga kabataan kahit na sa mga magulang na mag-isip sa kung ano ang layunin ng buhay… kung anong mas makabuluhang gawin sa halip na magdroga’t maibang mundo,” ani G. Manganar. Layon din ng symposium ang wastong kaalaman sa mga estudyante sa ‘danger’ na dulot ng ilegal na droga lalo’t na at nagiging lantarang gawain na ito ilang mga lungsod. “Malungkot mang isipin pero hindi lahat ng mga students natin ay alam ang danger, hazard na maidudulot ng ng pinagbabawal ng mga gamut sa kanilang katawan, worst is, it’s becoming rampant near schools,” ayon pa sa DOH representative ng Region 10. Inaasahang mababawasan ang gang at alcohol affiliation ng mga estudyante sa paaralan matapos ang ginawang symposium. “We only wish for these students to think before they decide or join barkadas who drink liquors, smoke or even take illegal drugs, sana maisadiwa nila ang kanilang mga natutunan ngayong araw, ” sabi ni Gng. Florencia D. Baang, punong-guro.

REACH-OUT

444 mag-aaral nakarehistro sa COMELEC Janelle Grace B. Cruz

U

mabot sa 444 mag-aaral mula Senior High at Junior High ng Jasaan National High School ang opisyal na nakarehistro sa isinagawang tatlong araw na Reach -out Registration ng COMELEC nitong Setyembre 10,13 at 16, 2019.

“Kinakailangan naming magreach-out sa mga students para tumaas rin ang aming turn-out registrants among the youth o sa Sangguniang Kabataan na record,” dagdag ni G. Nazi sa interbyu ng ‘Ang Siklab’. Positibo ang tugon ng mga magulang sa reach-out registration dahil nabawasan ang aalahanin nila sa panahong maigugugol ng kanilang mga anak upang marehistro lamang para sa SK Election. “Pasalamat gayud ko nga niani ang COMELEC sa skwelahan arun dili na mag-absent akong anak para lang makaregister,” sabi ni Gng. Maria Theresa Marban. Naging posible din ang proyekto sa koordinasyon ng punong guro na si Gng. Florencia D. Baang at Guidance Counselor, Gng. Cheryl L. Pernia upang malaman ng mga estudyante ang mga kinakailangang gawin sa araw ng registration. Bukas parin ang tanggapan ng COMELEC sa mga kabataang nais makapagrehistro, magdala lamang ng photocopy ng birth certificate and/or school ID.

RESOLUTION UPANG MAKATULONG. Isang interbyu ang isinagawa ng ‘Ang Siklab’ sa opisina ng Commission on Election, Jasaan Misamis Oriental upang kunin ang tamang datos sa mga nakapagrehistro mula Jasaan NHS. Larawan ni Kim Angelo Dael.


3 balita

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

Fetus na palutang-lutang sa...

8

galing sa pahina 2

Ina ng fetus, natukoy ng Brgy. Kapitan

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon na pinamunuan ng mismong Bgry. Kapitan ay natukoy na nga ang ina at suspek sa pagtapon ng sanggol sa Bgry. Jampason, Jasaan, Misamis Oriental. Batay sa isinagawang panayam ng ‘Ang Siklab,’ naging suspek ang itago natin sa pangalang ‘Bebe’ na umano’y nakitang nagtapon ng isang supot sa mismong araw nang makita ang fetus sa dagat subalit nang ito’y puntahan ng mga kinauukulan ay pinabulaanan ito ng mga kapitbahay at pamilya. “Mali nga ang unang suspek na naibigay sa amin, subalit may isang babaeng nagbigay muli sa amin ng panibagong lead sa krimen,” sabi sa wikang bisaya ng Kapitan. Nagpahayag nang kusa ang isang witness na si alyas ‘Fatima’ na ang kilala niyang si alyas ‘Inday’ay minsang nagbahagi sa kanila na siya’y tatlong buwang buntis subalit nang muling magkita matapos ang dalawang buwan ay tila walang nagbago sa hubog ng katawan nito. “Nagulat nalang ang buong barkada namin na siya’y kasing-sexy parin namin, walang pagbabago talaga!” banggit ni Fatima sa wikang bisaya. Sa pagsiyasat ng Barangay council at sa permeso ng pamilya ni Inday ay isiniwalat niyang siya nga ang ina at nagtapon ng fetus sa dagat. Si alyas Inday ay 17 anyos at kasalukuyang nag-aaral sa pampublikong paaralan malapit sa kanilang barangay. “Natakot akong sabihin sa mga magulang ko at hindi naman ako susuportahan ng ama ng bata dahil kapwa kami nag-aaral pa kaya yun ang nagawa ko,” sabi ni Inday. Samantala, si Inday ay ituturn-over muna sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang sumailalim sa kinakailangang proseso sa kanyang nagawang krimen.

‘Agutayan White Island, garbage-free’ – Tourism Angel Louisse Basadre

I

pinagmalaki ng Local Government Unit-Jasaan Department of Tourism ang Agutayan White Island na ligtas sa anumang basura na siyang mas makaeengganyo pa umano ng mga turista sa buong daigdig.

Sa isang panayam, sinabi ng Tourism In-charge na si Mrs. Ma. Leonafe Cabagnot na ang pangunahing layunin nila ay ang makilala ang Agutayan White Island hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo kaya puspusan na lamang ang kanilang paglilinis at pag-eendorso sa isla. “We are aiming for Agutayan White Island to be known, not only in the Philippines, but also in the whole world, that’s why grabe na lamang ang aming pagsisikap in preserving and promoting the island,” ani Cabagnot. Ayon sa kaniya, pinagtutulungan ng mga motorboat operators at mga turista ang pagkokolekta ng mga basura araw-araw pati na rin ang Bantay Dagat na siyang nagbabantay 24 oras kung meron mang magtatangkang gumawa ng iligal. “Daily monitoring is done by Bantay Dagat and oftentimes they cannot collect garbage, because it’s nowhere to be found,” sabi ni Cabagnot. Inaatasan din ang mga turis-

65% ang di sang-ayon sa School Uniform Policy

35%

ang sang-ayon sa School Uniform Policy

ta na dalhin pabalik ang kanilang mga basura at huwag mag-iwan ng kahit na anuman. “Tourists aren’t allowed to leave their garbage in the island and bring it back to the port,” dagdag pa niya. Sigurado naman si Cabagnot na hindi magagaya ang isla sa nangyari sa Boracay. “The DOT-Jasaan can assure all people that we can’t be like what happened to Boracay. We’re far from that. Agutayan is so clean and we’re doing everything to maintain the beauty of It,” sabi niya. May mga licensed divers din kagaya ng Scuba de Oro ang halos araw-araw ay lumulusob para protektahan at bilangin ang mga rare species na sa Agutayan lamang matatagpuan. “Scuba de Oro also helps in protecting the rare marine animals and some endangered species that can be found only in Agutayan,” ani Cabagnot. Binigyang-diin din ng Tourism In-charge ang importansya ng pagpapangalaga sa itaas at ibaba ng Agutayan White Island.

91

mag-aaral ng Jasaan National High School ang lumipat sa Integrated School ng Natubo, Luz Banzon at Corrales, Jasaan Misamis Oriental. Ayon sa municipal adminstrator Engr. Rico Valdon layunin ng mga Integrated schools na ito na mailapit ang paaralan sa mga kabataan.

kaso ang naitala mula noong Enero hanggang sa Setyembre kabilang dito ang mga kaso na Robbery, Theft, at Carnapping

Mga naitalang kaso ng pagnanakaw mula January hanggang Setyembre 2019.

SA ISANG SAGLIT

11K halagang nalikom ng SSG, nanakaw Angel Louisse Basadre

N

amomroblema ngayon ang Supreme Student Government (SSG) matapos masamsam ng kawatan ang mahigit-kumulang labing-isang libong pisong nalikom mula sa JNHS Clash of Talents 2019 nitong Pebrero 24. Sa interbyu kay Alyssa Icayan, SSG Treasurer, natangay kasama ng 11K ang kanyang Apple na cellphone, laptop at mga resibong kinakailangan sa liquidation. “Nalaman lang naming nanakawan na kami nang makitang bitak at kulang na ang glass panels ng bintana namin, may finger print pa nga sa terrace namin,” sabi ni Alyssa sa wikang bisaya. Rumispunde ang kapulisan matapos tawagan ng ama ni Alyssa na kagawad sa kanilang barangay upang maimbistigahan ang pagnanakaw. Agad na tinawagan ni Alyssa

ang kaibigang magkapareho ng model ng kanyang phone upang ma-trace gamit ang ‘find my phone application’ sa Apple ayon sa mga pulis. “Dahil sa tulong ng mga pulis ay madaling nadakip ang kawatan, isa ra nadakop nga napriso nagyud nga nakuhaan pud sa bomba which bawal talaga,” dagdag ni Gng. Icayan, ina ni Alyssa. Matapos ang dalawang araw ay nahuli na ang kawatan naidagdag sa kanyang kakaharaping kaso ang illegal possession of bomb dahil nakitaan ito sa kanyang bahay. Matapos ang dalawang lingo,

hindi na naisauli pa ang pera at selpon, tanging ang laptop lamang ang na-retrieve ng kapulisan ng Jasaan. Nagdulot ang insidente ng malaking hamon sa SSG sa kung paano ipagpapatuloy at pupunduhan ang mga darating nilang programa gayong wala ang kanilang pundo. “Isang lesson-learned siya sa amin na dapat e-keep-safe ang kahit anumang pundo ng SSG sa bangko right after any event, nangyari lamang iyon dahil Sabado pa nang matapos an gaming program,” ani Bb. Marie Zoe Barbacena, SSG Adviser.

Upang makakuha ng birth certificate,

Stakeholders lumahok sa PSA forum

B

Angel Louisse Basadre

unsod ng hindi makuha-kuhang PSA birth certificate ng mga estudyante, pinalahok ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga stakeholders sa isang forum nitong Setyembre 6, STEM building. “Dahil sa nalaman naming kinakailangan ang PSA birth certificate ng mga students pero hindi agarang naibibigay ng mga parents minabuti naming magsagawa ng orientation sa Jasaan NHS at sa mga kalapit-paaralan nito,” sabi ng PSA Representative. Maliban sa mobile na pagkuha ng mga documento, inihayag ng PSA ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling record upang maka-access sa mga e-services ng gobyerno. “Students who have no official record are most likely cannot gain access to the require-

1:105

Bilang ng classroom- to-student ratio sa Jasaan National High School kaya napilitang magkaroon ng shifting of classes dahil sa kakulangan ng silid-aralan. Tatlong taon na mula nang nagsimula ang pagpapatupad ng shifing of classes. Nagsisimula ang unang shift sa 5:50 AM hanggang 12:00 PM para sa ika-7 at ika-8 na baitang habang pumapasok naman ang ika-9 at ika-10 baitang mula 12:00 PM hanggang 6:00 PM naman ang para sa ika-9 at ika-10 na baitang.

ments especially in pursuing studies or even work,” dagdag ng PSA Representative. Laking tulong umano ang pagsagawa ng PSA mobile orientation para sa mga magulang at mga gurong walang panahong makuha sa mismong opisina ng PSA ang kinakailangang dokumento ayon kay Gng. Cheryl L. Pernia, guidance counselor ng Jasaan NHS. Umaabot naman 53 katao ang matagumpay na nakakakuha ng mga dokumento, 51 birth certificates at 7 marriage contracts batay sa transmittal na ipinasa ng PSA nitong Setyembre 16, 2019.

Pagbakuna sa mga mag-aaral, ikinabahala ng mga magulang

B

Jerson N. Lozano

unga ng balitang 39 katao na ang namatay sa Dengvaxia ayon sa Depertment of Health (DOH), nabahala ang mga magulang ng mga mag-aaral na mabakunahan ang kanilang mga anak nitong Agosto 13, 2019. Ayon kay Gng. Jocelyn on. Nalagon, magulang ng isang Batay sa datos mula sa Grade 7 student, hindi siya school nurse na si Lorna A. Siao, pumirma sa consent na basa 581 total enrolment sa Grade bakunahan ang kanyang anak 7, 407 estudyante lamang ang dahil sa takot niyang mapasama nabakunahan at maaari pang ang kanyang anak bunga ng mas mababa pa nito kung hindi kemikal na ituturok dito. nakipagkasundo ang DOH sa “I am also in the field Department of Social Welfare (DepEd) but I am really afraid na and Development (DSWD). mangyari saking anak ang aking “Kung hindi pa inubliga ng mga nababalitaang pagkamatay DSWD na dapat magpabakuna dahil sa mga kung ano-anong ang mga 4 P’s beneficiaries, sa ini-inject ng DOH… prevent tingin ko’y mas mababa pa ang nalang hanggang kaya pang bilang ng magpapabakuna…,” e-prevent,” sabi ni Gng. Nalagwika ni nurse Siao.


EDITORYAL

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

LIHAM

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

NG PATNUGOT

Punong Patnugot Justine E. Loreto Pangalawang patnugot Mian Casino Patnugot ng balita Angel Basadre Patnugot ng Lathalain Ryan Quizon

Mahal kong Siklab, Gusto ko lang magtanong kung kailan po ba kami makalilipat sa bagong tayong gusali? Sabik na po kasi kaming makaranas ng regular class dahil sa sobrang aga ng pasok naming sa kasalukuyan.

Patnugot ng Pampalakasan

Mahal naming Mag-aaral, Salamat sa iyong paglalahad ng saloobin tungkol sa paglipat sa mga bagong gusali. Ayon kay Gng. Florencia D. Baang, konting tiis nalang dahil malilipatan na ang mga bagong gusali ngayong darating na Oktobre at kasabay nito ang pagpapatupad ng regular schedule ng klase na magsisimula sa alas 7:30 ng umaga. Nagmamahal, Ang Siklab

Justine E. Loreto Patnugot ng Pag-aanyo Justine Loreto Patnugot ng AgTek Mardz Jumuad Lyndee Lindongan Tagakuha ng Larawan Kim Dael Taggaguhit Via Abastas Hans Sanghel Mga Tagasulat Matt Abellanosa Mian CasiñoK Rizza Quizon Sharmaine Llenares Nice Dan Bingat Vanessa Mahino Alona Añon Mga Tagapayo Judy May Abog Arish Aplicador Jo Ann Valledor Punong-guro Florencia Baang

Kay Mian Tayo

Mian Casino

Dagdag Pasanin

4

Sumasainyo, Justine Leoben

Lobong Pabigat

N

angunguna ang Misamis Oriental sa may pinakamaraming bilang ng kaso ng teenage pregnancy sa buong Mindanao at pumapangalawa sa buong bansa. Nakakaalarmang may edad na 10 anyos ang nabuntis sa Lungsod ng Jasaan na bago lamang naitala ng Rural Health Unit (RHU). Pabata na ng pabata ang mga nabubuntis sa panahon ngayon. Labis naman talagang nakaaawa ang batang ito sapagkat maagang nawala sa kanya ang kanyang pagiging bata. Ang edad na 10 anyos ay pang elementarya pa lamang. Anong alam ng Grade 4 na estudyante sa pag-aalaga ng bata kung siya mismo ay bata pa? Kahit na pagbali-baliktarin ang pa ang mundo, hindi maiiwasang maisisi sa mga magulang ang nangyaring ito sa kanyang anak. Ayon sa RHU ng Jasaan, sa kaso ng batang ito ay hindi pwede na sa Center at hospital ng lungsod magpapre-natal kundi diretso sa Northern Mindanao Medical Center sapagkat malaking ang posibilidad na ang mga ganito kabatang nagdadalang-tao ay makaranas ng pagdurugo. Hindi pa kasi umano handa ang kanilang uterus sa pagdadala ng bata. Umabot ng 196,000 taon-taon ang kaso ng teenage pregnancy at 500 teenage girls ang nanganganak araw-araw batay sa Commission on Population (POPCOM). Ayon naman sa UN Population Fund na mahigit P33B ang nawawalang kita sa bansa sa paglobo ng kaso ng teenage pregnancy. Napapababa nito ang ekonomiya ng Pilipinas kung walang mga trabaho ang mga nabubuntis na labis naman talagang nakababahala. Para sa ilang iresponsableng magulang, nawa ay maging hudyat ito upang mas higit pa ninyong subaybayan ang paglaki ng inyong mga kabataan. Higit kanino man,kayo ang sandigan at ng inyong mga anak sa panahon ng unos sa kanilang buhay at hindi ang barkada. Nakalulungkot isipin na ang ilan sa mga haligi at ilaw ng tahanan sa kasalukuyan ay tila ba nauunang maligaw ng landas. Ang resulta,wasak na pamilya. Sa mga kabataan, bago bubuka-bukaka isipin muna ang kalalabasan ng inyong gagawin. Hindi pagbabarkada at pagnonobyo ang solusyon sa problema. Lalong hindi ang pagdadalang-tao ang makapagpupuno sa kakulangan ng pagmamahal mula sa ating pamilya. May kakayahan ang bawat isa sa atin na piliin ang tamang landas upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Huwag sana nating isantabi ang kakayahang ito upang hindi humantong sa pagkakaroon ng lobong dadalhin ng siyam na buwan at magiging pabigat sa pagkamit sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Kaya naman, paigtingin pa sana ng Department of Health ang mga counselling, mga info drive at ang pagpapaunawa sa family planning katuwang ang iba pang sangay ng gobyerno upang mas magabayan ang mga magulang at kabataan.

N

akababahala ang kagustuhan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik ng Reserve Officers Training Course (ROTC) at gawin itong mandatory sa mga Grade 11 at 12 students. Sa huling ulat,pasado na ang panukala sa ikalawang pagdinig ng kongreso at tinatayang magiging batas na ito sa darating na Mayo ng susunod na taon. Nakasaad sa panukalang ito na lahat ng babae at lalaking nasa Grades 11 at 12 ay kailangang isalang sa military trainings mapapublikong paaralan man o pribado. Layunin umano nitong makapagprodyus tayo ng mga kabataang may sapat na kasanayan sa pakikipaglaban upang maging reserbang sundalo na magtatanggol at magseserbisyo sa bayan. Nakapaloob din dito na tunguhin ng ROTC ang maikintal sa isipan ng mga kabataan ang pagkamakabayan, pagrespeto sa karapatan ng kapwa at ang pagtangkilik sa ating Konstitusyon. Tanging ang mga kabataang mayproblemang pisikal at mental lamang ang hindi saklaw ng pa-

...hindi maiiwasang nagiging malapit ang mga kabataan sa kapahamakan

nukala. Ang mga kabataang hindi susunod dito ay hindi pahihintulutang magtapos ng sekondarya habang ang mga paaralan naman na hindi susunod ay papatawan ng parusang administratibo. Maganda nga naman ang layunin ng pagbabalik ng ROTC program. Matatandaang dati na itong naisagawa ng mga magaaral sa kolehiyo subalit ibinasura taong 2002 matapos mapatay ang isang estudyante ng University of Santo Tomas na si Mark Chua dahil sa kanyang aligasyon ng nangyayaring korapsyon sa ilalim ng programa. Maging ang alumni organization ng University of the Philippines na nagtapos sa ilalim ng ROTC courses ay hindi rin sang-ayon sa pagbabalik ng programa sa mga Grades 11 at 12. Sa isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng Grade 11 at Grade 12,lumalabas na animnapung porsiyento (60%) ang tutol na ibalik ang mandatory ROTC sa Senior high students habang apatnapung porsiyento (40%) lamang ang sa kanila ang sang-ayon. Ayon sa tutol sa programa,du-

madagdag lamang ito sa problema ng mga estudyante sa senior high school lalo na at abala sila masyado sa tambak na mga school works at activities. Patunay dito ang walo sa sampung mag-aaral ng Jasaan Senior High School na nagsasabing marami silang gawain sa iba’t ibang asignatura arawaraw. Nariyan ang kaliwa’t kanang pangkatang gawain, pag-uulat, takdang-aralin,at pananaliksik. Naranasan naman umano nila ang mga gawaing ito sa Junior High School subalit iba pa rin daw talaga ngayon. Kailangan umano kaagad maisagawa ang iniatas na mga gawain kung gusto nila ng mataas na marka. Dagdag pasanin nga naman sa mga mag-aaral ng senior high school ang programang ito ngunit sakali mang tuluyang maipatupad ang programa,nararapat lamang na repasuhing mabuti ng mga mambabatas ang pagbabalik nito at siguruhing walang kurapsiyon at pang-aabusong mangyayari sa ilalim ng programa upang hindi na maulit pa sa ibang kabataan ang sinapit ni Mark Chua.


5 kolum Payo ni Ate Alona

Alona Mae Anon

Bunga ng wasak na pamilya

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

Isinusulong ni Sen. Risa Hontiveros at Sen. Pia Cayetano ang Senate bill 2134 o ang Divorce Act of 2018 na ngayon ay umuusad na sa senado. Wala naman yatang gustong manatili sa wala nang kasiguraduhang relasyon kung mapaaraw man o gabi ay laging nag-aaway at nagkakasakitan ang mag-asawa. Sa kabilang banda, sa pinakauna pa lamang sana ay hindi na nagpadalos-dalos ng desisyon at nagpatali nang maaga. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pabor sa panukalang ito sapagkat ang kanyang anak na si Sarah ay hindi rin natutuwa sa panukalang ito. Ayon sa Pangulo, kawawa ang mga anak dahil mawawalan ng karapatang magsampa ng kaso ang asawa kapag nagpabaya ang ama sa suporta ng kanyang mga anak matapos ang divorce. Ayon naman kay Atty. Joel Arzaga ng Alliance for Family Foundation, napatunayan sa kanilang mga nalikom na datos na nakapagdudulot ng masamang epekto sa emosyunal na kaunlaran ng kabataan ang paghihiwalay ng kanilang mga magulang. Sinusuportahan ito ni Gng. Cheryl Pernia, guidance counselor ng paaralan. Ayon sa kanya, lumalabas sa resulta ng mga

deborsyo ang solusyon sa mga di pagkakaunawaan ng mag-asawa

Punto por Punto

Syril Tunacao

Iwasan kaysa pagsisihan

N

asa ikapitong pwesto ang Northern Mindanao sa may pinakamaraming kaso ng HIV-AIDS sa bansa at patuloy na nangunguna ang Misamis Oriental sa may pinakamataas na bilang ng mga positibo. Nakababahala. Mula 2000 hanggang Marso 2018 may 459 katao na mga positibo na may edad 15-24 ang naitala ng City Health Office (CHO).

El Punto Que Ayon sa Department of Health, nakukuha ang HIV-AIDS sa pakikipagtalik sa kapwa tao na walang ginagamit na kahit anong proteksyon at paggamit ng syringe na maaring kontaminado ng HIV dahil posibleng malipat ang dugo ng isang positibo doon sa hindi pa nahahawa ng sakit. Hindi naman nagkulang ang Department of Education (DepEd) sa pagbibigay ng kaalaman sa mga estudyante dahil makikita ang paksa tungkol sa HIV sa aklat ng Grade 8 sa asignaturang Music,Arts,Physical Education and Heath (MAPEH). Hindi maikakaila na sa paglipas ng panahon ay mas nagiging mapusok na ang mga kabataan. Sana ay isipin nila ang kanilang kinabukasan at ang kanilang pamilya. Huwag sana silang mahiyang komunsulta sa mga nakakaalam upang mabigyan ng payo. Hanggang ngayon ay wala pa din itong lunas. Kung kaya lagi nawa nating pagkatandaan na ang pag-iwas ay mas maigi kaysa sa paggamot ng sakit.

Pagbawi ng Daan

A

lisunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang 2019 State of the National Address (SONA, babawiin ang lahat ng mga pampublikong daanan na ginamit para sa pribadong layunin. Ito ay nararapat lamang. Ang bansa ay nawawalan ng P3.5B araw-araw dahil sa matitinding traffic sa Metro Manila sa sanhi ng kaliwa’t kanang pagtitinda at pag-papark ng mga sasakyan. Kaya naman, si Secretary Eduardo Año ng Department

DATOS batay sa estado ng ID sa Jasaan Senior High School

4%

wala pang ID

datos na naisumite sa kanya nito lamang Marso ng taon na nangungunang dahilan ng kasong Students at Risk of Dropping Out at Student In-conflict with school Rules and Regulations (SIRRs). Higit ding nagpapatibay sa mga naunang pahayag ang resulta ng pangkatang gawain ng isang guro ng asignaturang Personality Development kung saan lumabas na 70% ng isang seksyon ay nagmumula sa wasak na pamilya o broken family. Lahat ng bumubuo ng 70% na mag-aaral na ito ay nagsasabing nakadaragdag sa problema,stress at depresyon nila ang pagkakaroon ng broken family. Hindi pa nga naipapasa ang batas tungkol sa pagdedeborsiyo,hindi natin maitatangging marami nang mga kabataan ang biktima ng hiwalayan ng kani-kanilang magulang. Kaugnay nito,taong 2014,umaabot na sa tinatayang 10,515 kabataan ang naaaresto taon-taon batay sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Samantala,ayon naman sa Juvenile Justice and Welfare Council ( JJWC) taong 2016,28.6% ay mula sa pamilyang hiwalay ang mga magulang. Nangangahulugan lamang na taon-taon umaabot sa mahigit kumulang 3,000 kabataan ang napapariwara dahil sa paghihiwalay ng kanilang magulang,mga magulang na dapat sana’y magsilsilbing haligi at ilaw ng tahanan upang gumabay sa mga anak.Magulang na higit kaninuman ay dapat na siyang magbibigay ng sapat na pagkalinga sa mga anak sa oras ng kagipitan at pagkakasakit. Magulang na magbibigay ng sapat na oras upang pakinggan ang mga hinaing ng mga anak. Nakalulungkot isipin na ang inaasahang pag-asa ng bayan ay magdaranas ng ganito kabigat na unos ng buhay sa murang edad. Sakaling maipasa ang deborsyo sa bansa,siguradong maraming magkasintahan ang papasok sa mundo nang pag-aasawa nang hindi man lang pinag-iisipang maigi kung kakayanin nga ba nila ang bawat hamon kasama ang kanilang kabiyak at ang kanilang mga magiging anak. Maaaring isipin agad ng ilan na deborsyo ang solusyon sa mga di pagkakaunawaan ng mag-asawa. Kaya naman, posible ring higit pang tataas ang bilang ng mga kabataang magkakaroon ng wasak na pamilya. Sila’y tila isang lumalaking halamang uhaw sa pagmamahal at salat sa sikat ng araw. Nararapat na pag-aralan munang mabuti ang magiging epekto ng panukalang ito bago pa man maisabatas nang hindi lumala ang problema ng bansa sa mga kabataang napapariwara.

of Interior Local Government (DILG) ay pormal nang pinatupad ang ordenansa na inatas sa kanila ng Presidente. Bibigyan ang lahat ng mga gobernador,mayor at mga barangay officials ng UO days upang linisin ang mga pampublikong daanan na ginawa nang parking lot at ang iba ay ginawang pwesto sa negosyo. Kamakailan lang ay sinimulan na ng Puerto Prinsesa, Capas Tarlac at iba pang mga lugar sa Metro Manila ang paglilinis ng daan. Sa Tagoloan, Misamis Oriental na karatig bayan ng Jasaan ay nagsimula na ring baklasin ang mga pwesto ng paninda sa daanan ng kanilang palengke na pinangunahan ng kanilnang alkalde. Kailan kaya ito mangyayari sa Jasaan? Hindi naman ito imposible, nagawa nga ng ilan, magagawa rin ito dito. May utos ang pangulo kay Sec. Año na ang hindi susunod ay sususpendihin. Siguro naman ay hindi na maghihintay pa ang ating mga opisyales na masuspinde dahil lamang sa hindi pagpapatupad ng utos na ito ng pangulo. Tulungan natin ang Presidente sa kanyang layunin sapagkat para rin naman ito sa ating kapakanan. Iwas kapahamakan na rin ito sa mga motorista dahil mas magiging malawak na ang kanilang daraanan at mababawasan na ang mga sagabal sa daan.

...Iwas kapahamakan na rin ito sa mga motorista dahil mas magiging malawak na ang kanilang daraanan

96% may ID na


kolum 6

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

Pananaw ni Ate Mardz

I

Tanglaw sa Daan Mardz Jumuad

pinanukala ni Bacolod City Representative Greg Gasataya ang House Bill no. 569 o ang pagbabawal ng pagsisimula ng klase nang mas maaga sa 8:30 ng umaga. Saklaw ng panukalang batas na ito ang mga estudyante ng elementarya hanggang kolehiyo. Mahusay. Mahalaga ang malusog na pangangatawan ng bawat estudyante sapagkat ito ay makatutulong sa mataas na performance nila sa klase. Hindi lamang sa pisikal ngunit kasali din ang emotional at social well being ay dapat pagtuunan ng pansin. Ayon kay Gasataya, masyado umanong mabigat ang ‘workload’ ng mga mag-aaral base sa kasalkuyang K-12 kurikulum kung kaya hirap din ang mga ito sa paggising nang maaga dahil sa puyat. May mga parte din ng bansa na masyadong liblib. Ang iba ay kailangan pang tumawid sa ilog,tulay at delikadong daan patungo sa kanilang paaralan habang ang iba ay ilang kilometro pa ang lalakbayin mula sa bahay patungo sa paaralan. Isa ang Jasaan National High School at Jasaan Senior High School sa nagpapatupad ng shifting ng klase dahil sa dami ng mga mag-aaral na pumapasok rito. Ang grade 7 at 8 ay magsisimula ganap na alas 5:50 ng umaga habang ang grade 11 ay magsisimula sa alas 5:30 ng umaga at uuwi ng alas 12 ng tanghali. Samantala, ang grade 9, 10 at 12 ay magsisimula sa als 12 ng

...hindi maiiwasang nagiging malapit ang mga kabataan sa kapahamakan

tanghali at uuwi ng alas 6 ng gabi. Sa ganitong kaso, hindi maiiwasang nagiging malapit ang mga kabataan sa kapahamakan dahil hindi pa sumisikat ang araw kailangan na nilang pumasok habang iba ay gabi na nakauuwi. Maaari nating sabihing hindi naman silang lahat ay mapapahamak subalit lahat sila ay nangangarap ng magandang kinabukasan. may bukas pa kayang naghihintay sa mga batang naglalakbay sa karimlan ng daan? Sa ganang akin,ang House Bill 569 ang isa sa magiging tanglaw sa madilim na daan ng mga kabataang ito. Kaya sana ay mapabilis na ang pagpapatupad nito upang higit na makaiwas ang mga magaaaral sa tiyak na kapahamakan.

Lyndee Lindongan

Disipinang Nababasura

...hindi maiiwasang nagiging malapit ang mga kabataan sa kapahamakan

atatandaang sa nakaraang taon,ipinatupad ng Science Department ang programang “Basura Mo,Iskor Mo” bilang estratehiya nila upang mahimok ang mga mag-aaral na itapon ang kanilang basura sa tamang lalagyan at ganap na maipatupad ang proper waste segregation sa paaralan. Kasabay ito sa pagsunod ng Local Government Unit (LGU) ng lungsod ng Jasaan sa ipinatuupad na R.A No. 9003 o Ecological Solid Waste Act of 2000, nagpadala rin sila ng abiso sa iba’t ibang opisinana sakop ng lungsod upang ipaalam na hindi na nangongolekta ng mga basurang nabububulok ang garbage truck ng munisipyo. Tanging ang mga hindi nabubulok na lamang ang kanilang kokolektahin gaya ng mga plastic,¬cellophanes,lata at iba pang hindi nabubulok na bagay. Sa pagbukas ng klase ngayong taon, inanunsiyo ng bagong itinalagang tagapag-ugnay sa asignaturang Agham sa Faculty meeting na pansamantala munang isasara ang Material Recovery Facility (MRF) ng paaralan na pinangungunahan ng mga guro ng Science department. Ayon sa kanya, malapit na umanong mapuno ang MRF ng paaralan sa mga nabubulok na basura sa nakaraang taunang pasukan. Dagdag pa niya,masyado maraming nabubulok na basura ang nakokolekta nila araw-araw samantalang buwan ang hihintayin upang tuluyang mabulok ang mga basurang kanilang nakokolekta gaya ng mga gusot na papel at mga tuyong dahon. Wala

PUBLIKO

N

gayong taon,ipinatupad ng Jasaan National High School ang Special Taining for Effective Parenting (STEP) at recollection para sa mga estudyante ng paaralan sa pangunguna ni Gng. Cheryl Pernia,guidance counselor ng paaralan. Ito ang kauna-unahang taon kung saan mas pinaigtingang programang ito kumpara sa mga nakaraang taon. Noon, ang programa ay para lamang sa mga magulang at mag-aaral ng ikapito at ikasampung baiting ngunit ngayon,lahat ng magulang at mag-aaral mula ikapito hanggang ikasampung baitang ay inoobligang dumalo sa nasabing aktibidad. Mula Hunyo hanggang nitong buwan ng Setyembre ay natapos na ang nasabing aktibidad para sa ikapito hanggang ikasiyam na baitang. Ano na nga ba ang naging epekto nito sa mga nakasali? Narito ang ilan sa nakuha naming komento mula sa aming panayam: “Hindi natin masasabi na makikita kaagad ang epekto ng aktibidad pero para sa akin naging maganda ang karanasan namin sa isinagawang recollection kasi ipinaunawa sa amin ang aming mga responsibilidad bilang anak at dahil dito napag-isip-isip naming marami kaming pagkukulang bilang isang anak sa aming mga magulang”,sabi ni Hannah sa wikang Bisaya.

Hannah Allison A. Alcazar Mag-aaral sa Grade 9

“Masaya ako na mas pinaigting ang aktibidad na ito ngayong taon kasi bilang isang guro na miyembro ng Christian Family and Life Apostolate (CFLA),masasabi kong malaking tulong ito sa mga magulang upang higit nilang maunawaan ang ugali ng kani-kanilang mga anak at kung paano sila tutugon sa mga ito nang hindi humahantong sa pagtatalo”.

Gng. Orgenia A. Ganzan Guro sa JNHS

“Para sa akin, nagustuhan ko ang aktibidad kasi mas nauunawaan ko na ngayon kung paano ko dedesiplinahin ang aking mga anak. Binabalik-tanaw kasi sa mga paksa kung paano maging isang responsableng magulang sa mga anak at kung paano uunawain ang pag-uugali nila sa panahon ngayon”.

Punto ni Lyndee

M

TINIG ng

rin umanong sapat na espasyo ang ating paaralan upang magdagdag ng itatayong MRF. Sinang-ayunan naman ni Gng. Florencia D. Baang, punong-guro ng paaralan, ang desisyong ito ng mga guro ng Science department. Sa kaniyang suhestiyon sa nangyaring Faculty Meeting nitong Hunyo,sinabi niya na mas maiging ipadala na lamang sa mga mag-aaral pauwi ang kani-kanilang basura upang mabawas-bawasan ang problema sa basura ng paaralan. Bilang tugon sa napagkasunduan, marami sa mga guro ang pansamantala ring nag-alis ng kani-kaniyang basurahan sa loob ng klase. Inakala ng marami na talagang magiging magaan na ang problema sa basura ng paaralan,ngunit ilang buwan ang lumipas,marami na namang basurang nakakalat sa iba’t ibang sulok ng paaralan. Sa pagpulasan ng mga basurahan na para sana sa paghihiwalay ng mga nabubulok,di nabubulok,at recyclable, ang mga halo-halong basura na nalilikom ng mga naatasang tagapalinis ng klase bawat araw ay nailalagay sa iisang lalagyan. Wala na ang sinasabing ‘proper waste segregation’ wala na rin ang dating ‘Basura Mo, Iskor Mo’. Ang mas masaklap pa dito, dahil sa inalis na nga ang mga basurahan,ang ibang mga mag-aaral na ayaw mag-uwi ng basura ay kung saan-saan na lang tinatapon ang kanilang kalat sa oras ng klase na nalilinis lamang tuwing uwian na. Gaya ng pakiramdam ng mga guro sa ibang paaralan,tal-

Gng. Jessica E. Alsom Magulang ng isang mag-aaral “It’s a good program that happens in our school. It makes students live holistically. Unfortunately, it only happened in one day in every year level. But I know that even if it happens in a short period of time, it has an impact towards the parents and the students”.

Gng. Florencia D. Baang Punong-guro ng paaralan

aga namang hirap ang mga guro ditto sa pagpatupad ng programa sa pagkontrol at tamang pagtapon ng basura. Mukha nga yatang hindi sanay ang ating mga kapwa kabataan sa pagtapon ng basura sa tamang lalagyan. Kung sa bagay,paano nga naman sila masasanay kung kinamulatan na nila mismo sa kanilang mga magulang ang ganitong klaseng kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugang titigil na lang tayo sa paghahanap ng paraan upang masolusyunan ang problema ito,hindi lang kinakaharap ng paaralan kundi ng buong bansa at ng buong mundo. Sa ganang akin, dapat magkaroon maigting at mga makabuluhang patalastas sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran lalo na sa wastong pagtapon ng basura mapatelebisyon man o sa radyo. Sa gayon,laging may magpapaalala sa mga mamamayan sa kahalagan nito at mahikayat silang sanayin ang sarili sa pagtapon ng basura sa wastong lalagyan. Bigyan din dapat ng pangil ng mga nagpapatupad ng batas ang R.A. 9003 o Ecological Solid Waste Act of 2000 upang maghunos-dili ang mga mamamayang magtapon ng basura kahit saan. Sana’y magkaisa tayong lahat sa paglutas ng problemang ito dahil walang imposible sa mamamayang may disiplina at nagtutulungan.


LATHALAIN

7

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

SA NGALAN NG GINTONG MEDALYA

Kwento at Inspirasyon ng pamilya ng mga manunulat na nasawi sa SuperFerry 14 Rizza Quizon at Ryan James Quizon

Pagsaling hindi kailanman pinagsisihan

May Takot sa Pangarap

Ang pangungulila ng isang kapatid ay kailanma’y hindi mapapantayan, lalong lalo na kung ang dahilan ng pagkawala nito ay ang pagtupad ng isa sa kanilang mga pinapangarap.

Gabi ng ika- 27 ng Pebrero, 2004 habang binabagtas ng SuperFerry 14 ang karagatan malapit sa Isla ng Corrigedor, isang pagsabog ang yumanig sa barko na naging dahilan ng sunog at pagkalunod nito. Isang trahedyang nagdulot ng takot sa 899 pasaherong lulan nito, kumitil sa buhay ng 63 at 53 taong hindi na nakita. Isang trahedyang kumitil sa buhay ng isang guro at limang batang manunulat mula sa distrito ng Jasaan. Isang trahedyang nagdulot ng panghabang-buhay na paghihinagpis sa mga magulang na naulila at kailanma’y hindi na makikita ang mga anak. Mga anak at kapatid na ang gusto lamang ay marinig ang kwentong dala mula sa paligsahang sinalihan. Taon-taon ginaganap ang paligsahan ng mga piling magaaral sa bawat sulok ng bansa upang sumabak sa giyera sa mundo ng sulatan. Bawat isa, dala ang pag-asa at ang pangarap na ang kanilang obrang gawa ang siyang magdadala sa kanila upang makapasok bilang opisyal na delegado sa National Schools Press Conference. Ang makasali sa NSPC ay tiyak magdudulot ng tuwa, aral at alaalang babaunin sa panahon na ng uwian. Ngunit, hindi lahat ng umalis at sumali sa prestihiyosong

paligsahang ito ay nakauwi upang mayakap ang kanilang naiwang mga magulang, mga anak at kapamilyang naghihintay ng balita ukol sa paligsahang sinalihan. Si Jessa Aventurado, noo’y nasa ika-anim na baitang sa Jasaan Central School ang namayagpag bilang isang sports writer. Dahil sa kagalingang taglay, naging isang opisyal na delegado ng Rehiyon 10 sa NSPC na nooy ginanap sa Laguna. Kwento ng kanyang ina na si Verona, sa simula’y hindi naman nagpakita ng interes ang kanyang anak sa pagsusulat. “Naalala ko pa, noong ginanap ang Division School Press conference, mas pinili ng aking anak ang pagsali sa Girlscout camping. Pero hindi pa rin huminto ang kanyang guro na humimok sa kanyang sumali sa pagsusulat. Mabuti na lamang at matapos ang unang araw ng camping ay nagpahatid siya upang sumali sa DSPC” Hindi maitago ng ina ni Jessa ang tuwa habang isinasalaysay ang kasiyahang nararamdaman ng kanyang anak ng ito ay manalo sa Regional Schools Press Conference na nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang makapasok sa NSPC. “She was so excited, so are we

Labin-limang taon na ang nakakaraan mula ng maganap ang trahedya sa pagsabog at paglubog ng SuperFerry 14 na kumitil din sa buhay ni Gng. Judy Baclayon, kasama ang kanyang anak at apat pang mga batang manunulat mula sa distrito ng Jasaan. Masasariwa pa ni Ma’am Vilma J. Abastas, kapatid ng gurong pumanaw ang mga araw ng kanilang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang kapatid na naging kasangga niya at naging isa sa kanyang inspirasyon upang maging isang mahusay na gurong tagasanay sa larangan ng journalism. “Naaalala ko pa na magkasama kaming nagsasanay at nag-eensayo ng aming mga mag-aaral na isasali namin sa mga paligsahan sa pagsusulat. I was teaching at Aplaya National High School and my sister is in ______________ Elementary School. Nagdulot man ng matinding pangungulila sa pamilya nila Maam Baclayon, hindi inihinto ni Ma’am Vilma ang pagtuturo sa mga kabataang nakikitaan niya ng potensiyal sa pagsusulat at pag-ibayuhin pa ang kanilang kagalingan sa larangan ng journalism. “What happened to my sister and niece dako nga kawalan sa amung pamilya, pero wala ko nihunong sa journalism, especially involved na pud ang akong anak, si Via”, (Ang nangyari sa aking kapatid ay isang matinding kawalan sa aming pamilya pero hindi ito naging dahilan para ihinto ko ang aking kagustuhan bilang gurong tagapagsanay, lalo na ngayon na kasali na rin ang aking anak na si Via), wika ni Ma’am Vilma. Hindi man inihinto ni Ma’am Vilma ang

her parents. She was so excited na sumakay ng barko kasama ang kanyang mga classmates at coach. Nagsuggest kami na sa pag-uwi niya ay sumakay na lamang siya ng eroplano para mas mabilis. Pero she insisted na magbarko kase kasama naman niya ang kanyang classmates and teacher, kwento ng ina ni Jessa. Hindi akalain ng inang si Verona na iyon na pala ang huling pagkakataon na makakasakay ang kanyang anak sa barko. Hindi na kailanman niya mabibigyan ng pagkakataon ang kanyang anak na makasakay pa ng eroplano. Kailanma’y hindi na rin niya maririnig ang mga kwentong dala nito sa mga press conference na nasalihan o masasalihan pa sana nito. Matapos ang mahigit isa’t kalahating buwang pamamalagi nila sa Maynila, nagbaka-sakali silang buhay pa ang kanilang anak. Kung patay man ay umasa silang makuha at makita kahit ang bangkay man lang nito. Ngunit kahit ni isa sa kanilang ipinagdasal ay hindi natupad. Bagkus, ang naiuwi lamang nila ay ang bag na naiwan ni Jessa. Ang bag na puno ng mga pasalubong na binili na sana’y ibibigay sa kanila pag-uwi nito. “At some point, everytime we

kanyang pagsali bilang isa pa ring tagapagsanay sa Copy Reading And Headline writing (translate sa Filipino please) hindi maiiwasang minsan siya ay natatakot pa rin, lalong lalo na kung ang mga press conferences ay ginaganap sa malalayong lugar. “Last year during the RSPC at Tangub, I was so hesitant and afraid to go because kinahanglan pa mutabok sa dagat ug musakay sa barge. But I cannot do anything about it. I have to face my fear. I need to be courageous because I have a daughter who looks after me and a student writer who expects me to become stronger”,(Noong nakaraang taon sa Tangub kung saan ginanap ang RSPC, medyo natakot ako kase kinakailangan pang tumawid ng karagatan at sumakay ng barko. Natatakot man ako pero kinaya ko kase kasama ko ang aking anak at mag-aaral na umaasa sa akin at humuhugot ng lakas mula sa akin), kwento ni Ma’am Vilma. Bilang alaala sa kanyang yumaong kapatid, pinagpapatuloy pa rin ni Maam Vilma ang kanyang kagalingan upang patuloy na pumayagpag ang mga mag-aaral na kanyang sinasanay sa larangan ng journalism lalo na sa Copy Reading and Headline Writing. Ang pagtuturo sa

remember her death anniversary, sometimes I questioned myself if hanggang ngayon buhay pa ang aking anak, sigurado akong kahit nag highschool pa siya ay sasali pa rin siya sa journalism”, salaysay ng ina. Bilang isang ina at magulang, ang pagsuporta sa pangarap at talento ng kanyang anak ang kanyang sinuportahan kahit ito pa ang naging nitsa ng pagkamatay nito. Naging masakit man at kailanma’y hindi malilimutan ang trahedyang kumitil sa buhay ng kanyang ikalawang anak, hindi kailanman pinagsisihan ni Aling Verona ang pagbibigay ng permiso na sumali sa journalism. Ang pagsusulat ng kanyang anak ang maituturing niyang isang malaking kasiyahan sa buhay ni Jessa noong ito ay nabubuhay pa. Ayon pa kay Aling Verona, hindi man nasungkit ng kanyang anak ang gintong medalya, ang karanasan nito bilang isang batang manunulat ang itinuturing niyang gintong aral at alaala na binaon ng kanyang anak saan man ito naroroon.

mga mag-aaral upang maging bihasa sa pagsusulat at tulungan silang makarating at makasali sa NSPC ay isang pangakong kanyang gustong ipagpatuloy. Magdulot man ito ng minsang kaba at takot para sa kanya, naniniwala siyang andiyan pa rin ang kanyang kapatid na dati n


Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

lathalain

Umaga ng ika-27 ng Pebrero 2004, isang balitang pumailanlang mula sa telebisyon ukol sa nasunog at lumubog na barko ang SuperFerry 14 kung saan lulan ang mga delegado ng Misamis Oriental ng katatapos lamang na National Schools Press Conference. Ang balita na nagdulot ng matinding paghikbi mula sa pamilya ng mga mga guro at mga batang manunulat na nasawi sa trahedyang naganap. Isang matinding paghikbi mula sa isang talunang hindi nakasama sa nasabing paligsahan, si Bb. Jo Ann Katherine Z. Valledor. “Fourth year high school ako noong maganap ang trahedya sa SuperFerry 14. Ikalimang beses ko na sanang makakasabak bilang sports writer sa NSPC pero hindi ako nakasali dahil hindi ako nanalo kahit sa DSPC man lang”, pagkukwento ni Bb. Jo Ann. Bago pa maganap ang NSPC ng taong iyon, hindi niya matanggap ang katotohanang hindi siya makakasali sa taunang paligsahan. Wika pa niya, nahirapan siyang tanggapin ang resulta ng paligsahan sapagkat hindi siya nakasali sa delegsayon ng Rehiyon 10 sa NSPC. May mga pagkakataon na naging dahilan ito ng mga panghihinayang niya at pagkawala ng kanyang pag-asa na muling makasali sa school press conference dahil siya ay nasa huling tao na ng high school. “ Ang aking mga magulang at guro noon ay palaging nagpapa-alala sa akin na siguro kaya ako natalo dahil may maganda pang plano ang Panginoon para sa akin. Hindi ko maintindihan noon ang sinasabi nilang may plano ang Diyos para sa akin, pero nahirapan akong hanapin ang magandang plano ng Panginoon sa pagkatalo ko noon”, salaysay ni Bb. Jo Ann. Lahat ng kanyang panghihinayang at kalungkutang naramdaman sa hindi pagkasama sa NSPC ay napalitan ng isang mataimtim na pasasalamat sa Diyos. “Araw ng nabalitaan namin ang pagkamatay ng mga manunulat from Jasaan is a day I will never forget. That was the day I finally understood what my parents is constantly saying that God has a better plan for me. It is His plan that I have to continue living and forever share my love for journalism, mangiyak-ngiyak na kwento ni Bb. Jo Ann. Ang trahedya ay maituturing na isang mapait na alaala sa buhay ng marami lalo na sa mga nakakakilala sa guro at mga batang manunulat. Isang alaalang bumubuhay sa pangako ni Bb. Jo Ann na ngayo’y isa ng guro sa Jasaan National High School na may hindi matatawarang dedikasyon sa pagtuturo ng journalism. Hindi man siya nabigyan ng pagkakataon upang makasali bilang isang manunulat muli sa mga press conferences, naging isa naman siyang magaling na gurong tagapagsanay sa pagsusulat ng sports, agham at teknolohiya. “Now that I am a teacher, I made a promised to myself that I will do my very best to share my knowledge in journalism to my students. Inspire them to achieved their full potential so that they can join the NSPC”, wika niya. Ngayon, kasalukuyang inihahanda ni Bb. Jo Ann ang kanyang mga manunulat sa gaganaping Regional Schools Press Conference. Bukod pa sa kasanayang kanyang itinuturo palagi niyang pinapaalala sa mga magaaral ang isa sa pinakamahalagang aral na kanyang ipinangakong ibahagi sa kanila. “Ang pagkatalo ay may magandang dalang mensahe sa atin bilang isang manunulat. When we fail to get the gold medal and when God says no to what we pray for, there is wisdom and purpose why it happened. Trust the process and never loose hope”,pagsasalaysay pa niya.

Kasalukuyan, hindi matatawaran ang dedikasyon ng mga gurong tagapagsanay at mga mag-aaral na manunulat mula sa Distrito ng Jasaan. Lahat namamayagpag at ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya makapasok lamang at masungkit ang gintong medalya sa National Schools Press Conference. Sa tuwing maririnig nila ang kwento ng mga batang manunulat na nasawi sa pagsabog at paglubog ng barkong SuperFerry 14, nagdadala ito ng kalungkutan ngunit mas nangingibabaw ang inspirasyong hatid nito sa mga manunulat at guro. “Ni minsan hindi sumagi sa aking isipan ang huminto sa pagtuturo ng journalism. The stories of our Grade 6 pupils who died in the tragedy actually pushes us to do our best and serves as our inspiration to get to the NSPC” wika ni Ma’am Joyce F. Magallones, guro sa Jasaan Central School. Hindi nga matatawaran ang inspirasyong hatid ng trahedya sa buhay ng lahat na manunulat sa distrito ng Jasaan. “Every time madungog or ma remind ko sa story sa mga young writers nga namatay, I cannot

help myself na ma inspire to move up for higher press conferences. I feel like if I made it to NSPC and get the gold medal, matagaan nako ug justice ilang pagkamatay”, (Tuwing maririnig at maaalala ko ang kwento ng mga nasawing manunulat, gusto kong gawin ang lahat ng aking makakaya upang makasali ako sa NSPC at masungkit ko ang gintong medalya nang sa gayon ay mabigyan ko ng hustisya ang kanilang pagkamatay) wika ni Axle Rivera na naghahanda sa gaganaping RSPC at isa sa pinakamahusay na manunulat sa Science and Technology articles mula sa Jasaan National Senior High School. Patuloy na nabubuhay ang inspirasyon at pagmamahal sa Journalism sa bawat puso ng mga manunulat at guro mula sa distrito ng Jasaan kahit na sabihin pang may isang bangungot at trahedya ang nasa likod ng inspirasyong ito. Makikita ang patunay na ito ng pinanalo sa loob ng tatlong sunod-sunod na taon ng Jasaan Central School ang “ Best Performing School both in English and Filipino Category- Elementary” at Jasaan National High School sa loob ng dalawang taon ang “Best in Performing School in English Category- Secondary”. “Hindi kami titigil hangga’t hindi namin masungkit ang gintong medalya sa NSPC. Sabihin mang malayo pa ito sa amin, pero naniniwala kaming walang malayo at mahirap sa mga sumusulong, nagsasanay at nangangarap na makamit ito. Ang alaala ng pagkamatay ng aming mga kapwa manunulat ay isang trahedyang nagdadala sa amin ng inspirasyon. Para sa amin, hindi lang ito isang gintong medalya,

8

May pangako sa trahedya Ang pagkatalo at pag “hindi” ng Panginoon sa atin ang magdadala sa atin sa kaligtasan at mas malalim na pagpapakahulugan sa ating buhay bilang isang manunulat

Trahedyang inspirasyon ang dala Ang maiuwi ang gintong medalya ng NSPC ng mga magaaral at manunulat mula sa Distrito ng Jasaan, isang pagpupugay sa alaala ng mga yumaong biktima


9 lathalain

MASTERmind

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

Legasiya ni Master Tomas sa palasyo ng San Antonio

Ang natatanging paniniwala ay hindi basta-basta nawawala sa maiging pagkapunla”. Ganito mailalarawan ang legasiyang iniwan ni Master Tomas sa kanyang mga tagasunod na mas lalong nagpakatatag nang siya ay pumanaw ngunit patuloy pa ring natatanaw.

Milagro ni Master Sa barangay San Antonio, Jasaan itinuturing na isang himala ang ‘di pagkaagnas ng bangkay ni Master Tomas D. Eugenio Sr. na mas kilala sa tawag na “Master” ng kanyang mga tagasunod. Siya ang nagtatag ng Philippine Benevolent Christian Missionaries, Association of Mercy, Inc. o PBCM. Labing-apat na taon na rin ang nakararaan mula nang siya ay pumanaw taong 2004. Ayon kay G. Hermogenes Macarayo, isa sa kanilang magwawali (pastor) inihabilin umano ng kanilang master bago ito pumanaw na ipreserba ang kaniyang katawan nang hindi siya nasusugatan sapagkat babalikan umano niya ito pagsapit ng takdang panahon. Noong una'y nagdadalawang-isip ang mga naiwang tagapangasiwa ng PBCM dahil baka umano makasama ito sa kalusugan ng mismong pamilya at sa mga taong

nakatira malapit sa palasyo (tawag sa bahay ni Master Tomas) subalit nawala umano ang kanilang pag-aalala nang inilapit umano nila ang problema sa isang punerarya sa ikaapat na araw ng pagpanaw ng kanilang master. Ayon umano sa tagapamahala ng punerarya, hindi maaaring ipreserba ang katawan ng isang pumanaw nang hindi ito nasusugatan. Dagdag pa nila, sa tagal umano ng kanilang negosyo ay noon lamang sila nakatagpo nang ganoong kaso kung saan apat na araw na ang bangkay na inilapit sa kanila ay hindi pa naaagnas o nangangamoy man lang. Kaya naman, pinayuhan na lamang umano sila ng tagapamahala ng punerarya na sa pagbalik nila sa palasyo ay tingnan umano ang likurang bahagi ng katawan ng pumanaw kung ito ba ay namamasa-masa dahil palatandaan umano ito ng pagsisimulang

pagkaagnas ng bangkay subalit kung hindi naman ay sundin na lamang umano nila ang habilin. Agad umano nilang tiningnan ang likurang bahagi ng katawan ng kanilang master pagbalik sa palasyo subalit tuyong-tuyo ito at wala umanong anumang palatandaan ng pagkaagnas. Mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagpapatingin sa kanilang master sa mga taong hindi sakop ng kanilang grupo ngunit dahil sa pag-ugong umano noon ng isyu na baka nga manganib ang kalusugan ng pamilya at mga tagasunod na pinahihintulutang makalapit sa master ay pinahintulutan nila ang isang kinatawan ng estasyon ng radyo makalapit sa katawan ng kanilang pumanaw na master upang siya mismo ang makasaksi sa milagro at para na rin umano matigil na ang kumakalat na isyu tungkol sa masamang dulot nito sa kalusugan

ng mga tao sa paligid. Noon mismo umano ay ibinalita sa radyo ang nasaksihan ng kanilang kinatawan ang umano’y parang natutulog lang na katawan ng master habang nakahiga lamang sa isang kama, tuyong-tuyo umano, walang amoy at hindi umano tinatakpan ng anumang bagay. Ayon kay G. Hermogenes,mula noon hanggang sa kasalukuyan ay itinuturing umano nila ang kanilang master bilang diyos espirito santo at paminsan-minsan ay pinapalitan nila ito ng damit. Dagdag pa niya, mas tumibay umano ang kanilang paniniwala dahil sa nasabing himala kahit na noon umanong nabubuhay pa ang kanilang master ay gumagawa na umano ito ng milagro lalo na umano sa larangan ng panggagamot.

Pananampalataya ang siyang Lunas Sa makabagong panahon ngayon, marami ng mga gamot at panggagamot na ginagamitan na ng modernong pamamaraan. Ngunit dito sa barangay San Antonio, kilalang manggagamot ang pumanaw nang si Master Tomas, milagro umanong nakapagpagaling siya ng iba’t ibang sakit. Si Master Tomas ang siyang bumuo ng relihiyong PBCM (Philippine Benevolent Christian Missionaries) na may maraming miyembro sa buong bansa. Noong buhay pa raw siya ay nakapagpapagaling siya ng malulubhang sakit. Upang maipagpatuloy ang nasimulang adhikain , bumuo siya ng grupo at tinuruan sila ng mga dasal sa panggagamot. Kasama na rito ang pagbunot ng ngipin ng paggawa ng mga postiso.

Dumating ang panahon na namaalam na si Master tomas, lumipas na ang mga araw, milagrong hindi nangamoy ang bangkay nito. Pumanaw siya noong 2004 at hanggang ngayon ay hindi umano nabubulok at di rin nangangamoy ang bangkay niya. Dahil dito lumakas ang kanilang pananalig sa at kanilang ‘Master’ na pinaniniwalaan nilang diyos espirito santo na nagkatawang tao, kung kaya ipinagpatuloy nila ang panggagamot. Nakapagpagaling din umano sila ng mga sakit na sanhi ng mga di nakikitang elemento, tinatawag itong “buyag” sa bisaya o “usog” sa Filipino . Nangyayari umano ito kapag ang isang tao ay may maling nagawa sa mga ito o sa kanilang tahanan. “Dili mi gadawat ug bayad” sabi ito ng isang manggaga-

mot na hindi daw sila tumatanggap ng bayad. Ayon naman ng isang miyembro nila, boluntaryo daw silang tumutulong sa mga kababayan. Sa paglipas ng mga taon unti-unting nawawala ang panggagamot nila dahil sa makabagong pamamaraan at makabagong teknolohiya. Hindi na rin masyadong nakatutok ang mga tao sa kanilang relihiyon at unti-unti na ring sumusuway ang kanilang mga tagasunod sa nakagawian nilang tradisyon. Sa kabila nito,hindi pa rin natitinag ang mga pinuno ng mga kapanalig na magpatuloy sa panggagamot at sa ideolohiya na iniwan ng kanilang master. Sa katunayan, ipinapasa nila ang kakayahan nila sa panggagamot sa mga interesadong batang miyembro ng PBCM.

Bayanihan para sa kinabukasan Upang higit umanong makapagsilbi sa nasasakupan at mapalaganap ang doktrina ng Philippine Benevolent Christian Missionaries, Association of Mercy, Inc., itinatag umano ni Master Tomas D. Eugenio Sr. noong siya’y nabubuhay pa ang Master Tomas D. Eugenio Foundation School . Tumatanggap sila ng mga mag-aaral sa elementarya mula kinder hanggang grade 6 at sa sekondarya naman ay mula Grade 7 hanggang Grade 10. “Adtong buhi pa among master,didto mi ana gaklase sa palasyo. Naay 10 ka kwarto didto nga gipagamit ni master aron makagklase mi. Paglakaw niya ayha pa dayon gibalhin ang eskwelahan sa ibabaw. Medyo distansiya gamay gikan sa palasyo”(Noong nabubuhay pa umano ang kanilang master ay doon mismo sa palasyo sila nagkaklase. Saka lamang umano sila lumipat nang ito ay pumanaw),

pahayag ni Gng. Alili Nacua. Sabi pa niya at ng kanyang asawa na isa sa mga tagapangasiwa ng paaralan ay non-sectarian naman umano ang kanilang paaralan kaya tumatanggap rin umano sila ng mga mag-aaral sa ibang sekta. “Sa pagkakaron, halos 90% sa among estudyante PBCM jud unya mga 10% lang sa ila ang dili sakop sa amoang grupo pero dili man pud namo sila pugson sa among pagtuo”,ani Gng . Nacua. Aminado rin umano sila na may kakulangan sila pagdating sa mga pasilidad ng paaralan dahil sa mura ng tuition fee na sinisingil nila sa mga mag-aaral dito subalit sinisikap naman nila umano na masunod ang nakasaad sa kasalukuyang kurikulum sa kabila ng problemang pinansiyal. “Sa tinuod lang, gatinabangay lang jud mi dani aron mulungtad ang eskwelahan para sa kaayuhan

sa among mga bata ug magtutudlo. Usahay mangayo mi ug tabang sa among mga alumni ug sa munisipyo hilabi na kung naay mga contest nga apilan sa mga bata sa gawas sa among eskwelahan” (Nagtutulungan umano sila upang tumagal pa ang kanilang paaralan para sa kabutihan ng mga magaaral nila. Minsan ay humihingi sila ng tulong sa kanilang mga alumni at sa munisipyo), dagdag pa ni Gng. Nacua. Sa kalagayan naman ng kanilang mga guro, hindi man umano sila makapantay sa pasahod ng mga gurong nagtatrabaho sa gobyerno sinisikap naman ng mga Board of Directors ng paaralan na pinamumunuan ngayon ng anak ng namayapa nilang master na mapunan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng panaghalian sa kanilang mga guro kung saan mismong punong-guro ng nila na si G. Rodulfo Ipulan ang siyang

namamahala sa pagluluto. “Gamingawon pud bya gihapon ko sa akong pagtudlo didto sa una kay mura ra jud tawon mi didto ug magsuon sa us aka dako nga pamilya labi na kung ting paniudto na nga gadungan mig kaon sa akong mga kaubang magtutudlo ug prinsipal”(Nami-miss pa din niya umano ang mga panahong kanyang pagtuturo doon kasi para lang umano silang magkakapatid ng isang malaking pamilya lalo na tuwing sabay-sabay silang kumakain ng pananghalian ng mga kapwa niya guro at ng kanilang punong-guro),kwento ni Sir Alphie na ngayon ay dito na sa Jasaan National High School nagtuturo. Tunay ngang magkaiba man tayo ng paniniwala subalit maraming pagkakataon sa buhay na pinagkakaisa tayo ng ating mga layunin, ang gumawa ng kabutihan sa kapwa na siyang ikinatutuwa ng Lumikha.


10

AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

Masakit Ma’y Dapat Paghandaan:

Paunang-lunas itinuro ng SSG sa Jasaan National High School

N

Di mo inakala, dumating nalang siya Ano’ng kasasadlakan sa ‘stressful’mong mundo?

M

arami ang magagandang alaala o pangyayari sa ating buhay na mahirap kalimutan pero minsan mas tumatatak sa ating isipan ang mga karanasang minsan nang nagtulak sa atin upang pag-isipan ang pagkitil sa ating sariling buhay. Subukan nating isa-isahin ang mga dahilan kung bakit nararanasan ng isang tao ang stress. Ayon sa pagsusuri, isa sa mga sanhi ng anxiety ay patong-patong na proyekto at gawain ng isang magaaral. Sa Jasaan National High School mayroong seksiyon na tinatawag na Special Science Class kung saan ang mga mag-aaral dito ay ang mga pinagpala sa akademiks. Pero dahil dito, nasa kanila ang paningin ng lipunan, na dapat mas mataas ang marka nila, na dapat lagi silang panalo, na dapat walang makakalamang sakanila. Kumbaga, lahat ng pressure ay sa kanila ipinatong. At dito mismo nagsisimulang umusbong ang stress. Kung pagtutuonan ng pansin ang mga mag-aaral na nakaka-

ranas ng stress ay bumababa ang Academic Performance gayundin ang pakikipagkapwa ay unti-unti ring nawawala hanggang sa kinukulung na nito ang sarili. Hindi ito magandang senyales para sa pangkaisipang kalusugan. Pagkabaliw ang pinakamalalang pwedeng maging resulta nito at maari ring maging implikasyon sa pagkitil ng sariling buhay. Ito ay ayon sa Base sa isinagawang pangkatang gawain ng isa sa mga guro ng Jasaan national High School patungkol sa paksang coping with stress, karamihan sa mga magaaral na sumulat ng kani-kanilang mga rason kung bakit sila nakakaranas ng stress ay ang family problem, palaging nag-aaway na magulang dahil sa pinansyal na problema o pagiging produkto ng broken family.

Mahirap pigilang lumaganap ang stress pero kahit paunti-unti ay pwede nating itong iwasan ,prevention is better than cure ika nga .Kaya hanggat maaari,waag isagad ang sarili sa nga kailangan gawin ,magpahiga kung kailangan hindi nakakasakit ang ilang minutong pahinga. Maari rin tayong makatulong sa mga taong nakakaranas nito sa simpleng paraan. Makinig, umunawa, magmalasakit at matuto. Paalala sa lahat ng taong may kaibigan dumaranas ng stress,atensyon at kalinga lang ang kailangan mong ibigay sa kanila para makaahon dito. Sana, sana lang, alam mo rin ang kasasadlakan nilang nahulog sa pain ng ‘demanding’ nating mundo.

Agri-TAE Dito! B

ukod sa pangingisda, pagsasaka ang isa sa mga pangu¬nahing pangkabuhayan ng mga Pilipino. Sa katunayan, marami sa ating mga produkto ang ine-export sa iba’t ibang bansa dahil sa kalidad nito.

phane.. Ayon sa mga eksperto, ang sikat ng araw ay isang halo ng lahat ng wavelengths at kung ito ay tumama sa mga halaman, ang mga pigment ng halaman ay maaaring ma-absorb o ma-reflect sa napiling wavelength. Gustong malaman ng mananaliksik kapag paghiwalayin sa bawat kulay ng cellophane at gawin itong tanging ilaw, magkaroon ba ng epekto sa paglaki ng halaman na naging matagumpay rin naman Sa paggamit ng vermicast ay naiiwasan ang pagkalason na maaaring idulot ng mga kemikal na pataba at nababawasan din ang mga pesteng lumalapit sa mga pananim. Higit sa lahat ay makatitiyak na ligtas para sa mga tao na kainin ang gulay na pinatubo sa lupang ginamitan ng vermicast hindi kagaya ng paggamit ng inorganic fertilizer mahal at nakakapinsala. Natuklasan ng mag-aaral na mas tumutubo ang halaman sa vermicast na tinakpan ng water

hindi dapat makasanhi ng sakit at dapat na maging maparaan, gamitin ang lahat ng mga bagay sa paligid. Hindi dapat mabahala, dapat maging mataktika at huli ay ang nagkakasundo, dapat magbigay ng aliw sa biktima. May apat na prinsipyo ang Paunang-lunas, ito ay ang 4c’s, “Call for help,” “Calmly take charge,” “Check the scene & the casualty” at “Carefully apply first aid.” Sa sumnod na pagpapaliwanag ay ipinakita ni Ms. Ma. Lourna Siao ang aksyon plan na nagngangalang “DRABC”. Ang D ay nangangahulugang “Check for Danger,” suriin kung may panganib ba saiyo, sa iba at sa biktima. Ang R naman ay “Check for Response,” kung ang biktima ba ay may malay pa o wala na. Ang A ay “Check for Airway,” Malaya bang nakakapasok ang hangin? B para sa “Check for breathing” at panghuli ay ang C. Ang C ay nangangahulugang “Check for circulation” Suriin kung gumagalaw ba ang pulso ng biktima. Bandang 12:00 ng tanghali ay natapos na ang aktibidad at sa kahaba-haba nito, ang tanging natutunan ko ay dapat “laging handa”. Handa dapat sa lahat ng sakit na maaring maranasan ng hindi inaasahan.

Sang-ayon ka ba sa paggamit ng tumbler?

12%

88%

THUMBS UP sa Tumbler!

Paggamit ng dumi ng oud (vermicast) sa pag papatubo ng halaman.

Pero sa kabila nito marami pa ring problemang bumabagabag sa mga magsasaka sa kanilang sakahan. Isa na dito ang hindi sapat na ibinibigay na pundo ng pamahalaan sa Department of Agriculture. kung kaya’t isa sa mga magaaral ng Jasaan National High School ay nagsagawa ng pagaaral tungkol sa pagpapatubo ng mais gamit ang vermicast na ginamitan ng tatlong magkakaibang kulay ng water cellophane (blue, green at red). Ang vermicast ay ang pinakamabisang organikong pataba galing sa dumi bulate o maari ring mga tira-tira na pagkain. Mayroong 2 set ng tigsi-siyam na paso na nilagyan ng corn seed. Ang isang set ay hinati sa tatlo na hinaloan ng vermicast at ibinalot sa tatlong kulay na water cellophane ang blue, red at green. Habang ang isa pang set ng paso naman ay purong lupa na hindi tinakpan ng water cello-

oong nakaraang Agosto 22,2019 ay nagkaroon ng programa ang Supreme Student Government (SSG) tungkol sa paunang lunas na pinangunahan ni Ms. Maria Lourna Siao itinalagang nars ng Jasaan National High School. Ang programa ay naganap sa laboratory ng Matematika bukod rito, ang programa ay nagsimula ng 9:00 am kasama ang bawat preisdente at bise-presidente ng bawat seksiyon na dumalo sa naturang aktibidad. Sinimulan ang aktibidad sa isang panalangin at sinundan ng pambungad na mensahe ni Ginoong Maverick Napitan at opisyal na nag-umpisa ang aktibidad. Ayon sa dokumentaryo ni Ms. Ma. Lourna Siao, ang paunang lunas ay ang agarang pangangalaga na ibinibigay sa isang biktima na biglang nagkasakit o nasugatan. Bukod rito, may mga layuning ginagampanan ang Paunang-lunas, ito upang mapanatili ang buhay maiwasang magdusa, maiwasan ang pangalawang komplikasyon at upang maisulong ang mabilis na paggaling. Kailangang sundin ang mga katangian ng isang mahusay na tagapagbigay ng lunas upang mapagtagumpayan ang operasyon ng maayos. Una ay ang maging mapagmasid; pansinin ang lahat ng mga palatandaan. Sunod ay ang pagiging banayad,

cellophane kumpara sa pagpapatubo mula sa purong lupa lamang. Natuklasan ring mas tumutubo ang halaman na ginamitan ng red water cellophane. Makatutulong ang pag-aaaral na ito sa mga lugar na hindi madalas nasisinagan ng araw dahil makakapagtubo na ng halaman gamit ang artificial light. Mas mura rin ito sa mga komersyal na fertilizer na ginagamit. Kung pagtotoonan lang ng pansin ang mga simpleng proyekto mula sa mga matatalinong mag-aaral at kung bibigyan lang ng pagkakataon ang mga magsasaka na matutunan ang mga proyektong ito baka magiging solusyon ito sa lumalalang problema sa lipunan. Sipag ng mga magsasaka at inisyatibo ng mga siyentipiko at ng mga mamumuhunan ang susi sa kaunlaran sa larangan ng pagsasaka at pangkabuhayan sa daigdig ng Agrikultura.

S

a paglunsad ng panukalang tumbler ng paaralan, nagsagawa kami ng panayam sa mga magulang ng mga estudyante kung ano ang naging kanilang reaksiyon sa inilunsad na memorandum. Narito ang kanilang mga komento "Magandang ideya ito, sa halip na bumili ang anak ko nang plastik na bote sa tindahan meron na siyang sarili niyang lalagyan ng tubig. Makakabawas rin ito sa mga plastik na basura at makakatipid pa" "Bilang isang ina sinisigurado ko na ligtas palagi ang aking anak. Kaya magandang ideya ito kasi nababawasan ang aking pag-aalala kasi alam ko na malinis ang tubig na ini-inom niya kasi sariling tumbler niya ang ginamit. Hindi sila mag -hihiraman at makakaiwas pa sa sakit ang anak ko dahil may sarili siyang tubig na ini-inom." "Importante talaga na mag dala sila ng sarili nilang tumbler para hindi sila matuyuan at para maiwasan rin ang paggamit ng mga plastik na bote" "Mas ok ito kaysa gumastos sila ng pera pambili ng tubig"

“Dati paman Noong hindi pa ipinatupad ng Paaralan na magdala ng tumbler palagi ko na talagang pinapadala ng sariling lalagyan ng tubig ang anak ko , kasi mas ligtas . Kaya ngayon na pinatupad na siya akoy nasiyahan kasi hindi lang anak ko ang magdadala kundi ang buong kamag-aral narin niya. Malaki ang maitutulong nito sa ating kapaligiran lalo na sa kalinisan , wala kang boteng matatapon sa kung saan -saan.


11 agham at teknolohiya

Mga Kinahuhumalingang Cellphone App ng mga Mag-aaral

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

FACEBOOK ito’y kinahuhumalingang gamitin ng mga mag-aaral dahil nakakapag-update sila sa kung ano ang mga pangyayaring nagaganap sa social media. Dahil rin dito nakakapangalap sila ng libreng balita at nakapang-aaliw din ito sa klase-klaseng post ng mga tao.

YOUTUBE Ikalawa ang youtube sa mga kinahuhumalingang gamitin ng mga mag-aaral dahil sa mga kakat’wang mga videos na nakakapagbigay aliw at aral sa kanila. GAMING APP nakapaloob dito ang iba’t-ibang klaseng laro na kinahuhumalingan ng mga mag-aaral. Ang pangnahing gaming app na nilalaro ng mga mag-aaral ng JNHS ay ang Mobile Legends, na nagbibigay ng kasabik-sabik na pagsubok na nakakapagdulot ng bugso ng damdamin ng mga manlalaro.

S

a pang-araw-araw na buhay, ang cellphone ang isa sa mga hindi mabitaw-bitawang gamit ng tao. Araw o gabi, magbagyo man o kalamidad, palaging bitbit parin ng mga kamay. Bakit nga ba? Narito ang mga cellphnone app na kinahuhumalingan ng mga piling mag-aaaral ng Jasaan National High School. Ito ay nag mula sa sarbey na may tatlong daang (300) respondente.

Nakaw na katauhan

Sa likod ng magagandang litrato may nakatagong malaking sekreto. Ang iyong identity at personal information ay pwedeng ng nakawin sa internet na kung tawagin ay identity theft, paano ito nangyayare at ano ang dapat gawin para ito’y maiwasan? Tagapahamala ng pizza place na Morebites sa Jasaan Misamis Oriental na tawagin na lang natin sa pangalang Kris ay isa sa mga nabiktima ng identity theft. Hindi niya inakalang ang mga larawan at personal impormasyon niya ay kokopyahin at gagamitin ng iba upang makagawa ng masamang

ideyang walang pahitulot sa kanya. Lumalaganap na naman ang isyung ito dahil sa mga makabagong pamamaraan ng pagnanakaw gamit ang teknolohiya. Sa pamamagitan ng teknolohiya, simpleng paggawa lamang ng mga accounts sa iba’t- ibang social network websites ay tiyak makakapagnakaw na. Ang mga site ng social media ay nakabubuo ng kita ng bilang target advertising, batay sa media informations. Dahil dito, hinihikayat nila ang mga rehistradong

MESSENGER ang mobile app na nagbubuklod-buklod ng mga mahal natin sa buhay. Mula rito, maari na nilang kontakin ang mga kaibigan, kakaklase, kapamilya o mapaguro nila sa kung ano mang kadahilanan. Isa rin itong app na nagsisilbing tulay upang makipagkapwa sa virtual world. WATTPAD nakapaloob sa app na ito ang klase-klaseng libro na may iba’t-ibang genre. Kadalasan ang nahuhumaling rito ay ang mga babaeng mag-aaral. Pinapantasya nila ang mga karakter ng bawat kwentong inilalahad ng mga paborito nilang may-akda. Ito rin ang tinatawag na makabagong pocket book ng makabagong henerasyon.

gumagamit na magbigay ng mas maraming impormasyon hangga't maaari. Sa limitadong pangangasiwa ng pamahalaan, pamantayan sa industriya o insentibo upang turuan ang mga gumagamit sa seguridad, privacy at identity protection kaya ang mga gumagamit ay exposed sa identity theft at fraud. Nitong nakaraan lang naglunsad ang Departmet of Information and Communication Technology o DICT ng isang Internet Media Information Literacy Training sa mga mag-aaral ng Jasaan National High School. Nagbigay ang DICT ng mga impormasyon at aral tungkol sa internet at seguridad sa paggamit ng social media particular na kung anoano ang dapat iwasan kapag gumagamit ng Internet lalong lalo na ang Identity theft. Hindi lamang umiikot sa paggamit ng iyong pangalan ang identity theft, maaaring: paghalungkat sa mga basurahan at mga tapunan ng basura, pagnakaw ng mga resibo at mga dokumentong may sensitibong impormasyon, pagtatrabaho para sa mga negosyo, mga medikal na opisina, o mga ahensya ng pamahalaan, at pagnakaw ng pangpersonal na impormasyon sa trabaho, paggamit ng maling pangalan ng isang lehitimong negosyo, at tumawag o pagpadala ng mga email na manlilinlang sa iyo upang ihayag ang iyong personal na impormasyon, magkunwari na nag-aalok ng isang trabaho, isang pautang, o isang apartment, at hihingisa iyo na magpadala ng personal na impormasyon upang maging “kuwalipikado,” pagnakaw ng iyong pitaka, portamoneda, backpack, o sulat, at kuhanin ang iyong mga kredit kard, lisensiya sa pagmamaneho, pasaporte, tarhetang pangkalusugan, at iba pang mga bagay na nagpapakita ng iyong personal na impormasyon. Paano ba ito maiiwasan? Unang-una sa lahat ay dapat maging maingat ang publiko sa pagprotekta sa mga personal na detalye upang maiwasan ang pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Gumawa ng mga password na magkahalo ang mga letra, mga numero, at espesyal na mga karakter. Huwag gumamit ng magkaparehong password para sa mahigit na isang account. Punitin ang lahat ng mga dokumento na nagpapakita ng personal, pangpinansiyal, at medikal na impormasyon bago mo itapon ang mga ito. Huwag sumagot sa email, text, at mga mensahe sa telepono na nanghihingi ng personal na impormasyon. Ang mga lehitimong kompanya ay hindi nanghihingi ng impormasyon sa ganitong paraan, I-delete o alisin ang mga mensahe. Malaking problema ito lalong lalo na kapag ginamit na sa masama.

Malaking epekton ito sa nabiktima sa pamamagitan ng pinansyal, emosyonal, pisikal at sosyolohikal. Walang masama sa pagiingat sa bawat desisyong ginagawa. Dahil kapag ang kapabayaan ang nangibabaw tiyak na sa huli na naman ang pagsisisi.

17

tons mahigit ang basurang naitalang pumuno sa ipinasarang 2.2 ektaryang dumpsite ng Jasaan sa nakaraang taon. Ayon kay Engr. Rico Valdon,pinunong Municipal Environment and Natural Resources Office(MENRO),mapanganib umano ang methane gas ng lumang landfill at maaaring magdulot ng pagsabog kaya ito ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources.

Your Grades Are Under Attack! Pagkalulong ng mga Mag-aaral ng JNHS sa larong Mobile Legends SAVAGE. Nakaligtaan ng ilang mag-aaral ang kanilang pagaaral na batay sa survey ay bunga ng pagkahilig sa gaming app na Mobile Legends. Larawan ni Kim Angelo Dael.

An enemy has been slain,” “your base is under attack,” “defeat” at “victory” ang kadalasang maririnig sa hallways ng Jasaan National High School dahil sa nagkalat na mga manlalaro ng sikat na online game na Mobile Legends. Kanya kanyang pwesto at trashtalk kahit na may guro sa harap.

Sa tala ng DepEd mahigit 20% ng mga mag-aaral sa bawat eskwelahan ang nahuhumaling sa online game na Mobile Legends. Eh sa JNHS kaya? Base sa aming isinagawang sarbey, lumalabas na may 66% (198) ng mga mag-aaral mula sa tatlong daang (300) respondente sa Jasaan National High School ang nagsasabing naglalaro at nahuhumaling sa online app na Mobile Legends. Ayon sa pagsusuri, isa ang Mobile Legends sa nagiging dahilan kung bakit bumabagsak sa akademiks ang isang mag-aaral dahil imbes na leksiyon ang inaatupag ay mas pinagtutuonan ng pansin ang Mobile Legends, ayon sa WORDPRESS.COM. Sa dami ng nahuhumaling sa larong ito, may mga mag-aaral mula sa Science Class ng JNHS ang nagsabing naapektohan ng paglalaro ng Mobile

Legends ang kanyang academic performance. Aniya, “nabahin akong atensyon sa sigeg bilar-bilar sa sigeg dula ug Mobile Legends”. Huwag hintaying ma smash ang mga pagkakataong pwede kang matuto ng mga bagong bagay sa paaralan at masabihang your grades are under attack! May pagkakataon ka pang hindi ma-defeat at tyansang makamit ang victory. Kaya payo ng school staff at DepEd na kung gusto mong laruin ang online game na ito ay matutong gumamit ng time management at iwasang malunod sa larong ito.


ISPORTS

Sinandigan ng JNHS ang magkatuwang na Lucky Jadman at Harry Jadman matapos pulbusin ang BNHS upang itakas ang

21-19 21-14 Unang bakbakan

Ikalawang bakbakan

15-5

Ikatlong bakbakan

12

JNHS, pinayukod ang BNHS sa 24 puntos ni Samas

M

Justine E. Loreto

atapos ang malawak na bentahe sa unang bakbakan, sinimulan ng 5-0 Jasaan National High School ang ikalawang set ng mainit na opensa na humataw sa malinis na 25-10, 25-22 matapos tapusin ni Spiker Ivan Samas ang naghihikahos na Bobontugan National High School mula sa kaniyang 24-point game-high record. Sinandigan ng Jasaan National High School si Ivan L. Samas mula sa kaniyang 24 puntos kalakip ang 15 blocks, apat na aces , tatlong excellent digs at dalawang receptions upang trangkuhan ang kampeonato sa Men’s Volleyball noong nakaraang ika 2 ng Agosto 2019. Humabol sa ikalawang set ang koponan ng Bobontugan National High School ngunit hindi ito nagtagumpay nang ginamitan ng matulis na opensa mula kay Ivan Samas upang ilayo ang bentahe sa 15-9 agwat. "Masaya kami kahit nahirapan kami sure win naman kami dahil nagtutulongan at eninjoy namin ang laro" wika ni ivan samas Gumigitgit ang koponan ng BNHS sa ikalawang bakbakan mula sa mainit na palad ni Captain Ball Jerry Ganzan na humila sa manipis na bentahe nang maaga na nagtarak ng 12-12 kartada. ipagpatuloy sa pahina 4

Napitan, Sentasas bumukod... galing sa pahina 2 ...ngunit pinausad ni Christian Martino ang kaniyang balanseng atake na siyang nagiwan kay Maverick Napitan ng isang 8-15 kahihiyan sa ikalawang set ng bakbakan upang selyuhan ang 11-0 win-loss record. Pinasadahan ni Maverick Napitan ang kaniyang impresibong atake matapos nagpatiklop kay Christian Martino mula sa 8-point deficit lead. Nanatiling matatag si Christian Martino para isilya ang kaunaunahang kampeonato kontra sa beterano. Naglatag si Christian Martino ng solidong opensa upang hilahin sa manipis na bentahe ang 8-point deficit lead hanggang sa 12-12 deadlock. “Wala mi nagregret nga mag single kay worth it among experience,” pahayag ni Allan Joseph Sentasas Nanantiling mailap para kay Allan Sentasas ang liderato sa Singles 1 matapos ginitgit ni Martin Dela Santos sa kaniyang pamatay na atake sa nalalabing sandali ng laro upang itakas ang 21-19, 19-21, 18-21. Matikas na ratsada ang pinasadahan ni Allan Sentasas sa nalalabing krusyal na segundo ng laro matapos nangangailangang tapyasin ang 19-19 dikit at selyuhan ang tiket papunta sa hinahangad na Provnicial Meet.

HOMELESSLY DEVOTED TO YOU Justine E. Loreto

BNHS, tinarangkuhan ang ikatlong korona sa Softball Cabaneros, Basco hiniyaan ang 12-0 run para sa JNHS

Ito ang kauna unahang walang nahakot na home run ang Jasaan National High School matapos ang tatlong taong pagdedepensa sa korona ng BNHS.

D

ahil sa walang ganang maglaro at walang komunikasyon sa isa’t isa, bigong makipagsabayan si Cabaneros ng Jasaan National High School upang agawin ang korona mula sa 3 consecutive champion title holder Bobontugan National High School sa tatlong inning na bakbakan.

Bigong akayin ni Cabaneros ang naghihikahos na Jasaan National High School mula sa matikas na pakikihamok ng Bobontugan National High School sa 12-0 kahihiyan ngayong ika 2 ng Agosto 2019. Sinikap ng Jasaan na makahabol mula sa 5-point deficit lead ng BNHS mula sa matitikas na opensa ngunit naisumite ng maayos ng BNHS ang mga solidong bunt na nagpalayo sa 5-point lead. Napatiklop ng BNHS tatlong batters ng Jasaan—sina Zamayla, Ecaranum at Mission na nagtala ng tig dalawang strike upang selyuhan nang tuluyan ng BNHS ang ina asam asam na korona. “Dako kayo ilang kulang sa dula ilabi na sa teamwork. Wala

pud silay willingness nga mudaog ani nga dula,” pahayag ni Ms. Juvi Angelli N. Llausas, JNHS Softball team head coach. Maagang nagpasiklab ng opensa ang BNHS matapos nagrehistro ng dalawang consecutive hits mula kina Erry Adanza at Velanie Yosones at binura ang fastballs ng Jasaan Pitcher Marie Joe Ecaranum. Bago isara ang unang inning, pinasiklab ulit ng BNHS ang apoy matapos nagsumite ng dalawang bases na siyang nagdala sa double-home threat mula sa Jasaan. Humataw naman si Cabaneros ng bunt matapos ang dalawang strikes upang ipagpatuloy ang bakbakan at hilahin sa manipis ang bentahe. Humalugpos sa 2-0 agwat

ang Jasaan matapos binura ang kanilang depensa ng walang komunikasyon sa isa’t isa matapos bigong maisumite ng maayos ang base-to-base na bola na siyang nagbigay sa BNHS ng tatlong homerun. Nilimitahan ng BNHS ang Jasaan matapos binida ang solidong opensa nang pumalo si Tipagat sa may banda ng outfielders na nagpakawala kay Erry Adanza na makausad at makaikot sa loob ng bases ng diamond at kalusin ang impresibong home run sa 6-0 kartada. Patuloy na ibinida ng BNHS ang kanilang kampanya hanggang sa hulin sandali ng laro na walang nasikwat kahit isang home ang Jasaan. Nagkukumahog na makaban-

Grade 9 duos, sinelyuhan ang tiket papuntang District Meet; Grade 7 beterano, bumagsak sa ikatlong puwesto Buhat ng iba’t ibang impresibong dance art, nakaligtaan ng mga beterano ang mga basic steps na siyang nagpaangat sa Grade 9 duos.

S

inikwat ng Grade 9 dance duos na sina Rico Barral at Raven Cabeltes ang unang puwesto matapos umangat mula sa beteranong Grade 7 na sina Lujille Ylanan mula sa kategoryang Rumba, Jive at Cha-cha sa Dancesport Competition upang tuluyang selyuhan ang kampeonato ng Grade 9 sa JNHS Intramurals, Jasaan Radiant Shell noong ika 5 ng Agosto 2019. Nagningning sina Rico Barral at Raven Cabeltes sa Latin Category upang iangat ang standings ng Grade 9 sa unang puwesto habang nailusot naman nina Marian Qyphia at Ed Russel Saguing ang ikalawang puwesto. Pumaikatlo naman sina Lujille Ylanan at Nathaniel Pagapular na beterano sa larangan ng dancesports. “Okay ra sa amo nga napildi mi, and makaproceed man sad mi sa District meet,” (Okay lang sa amin na natalo kami at makakapunta rin naman kami sa District meet) pahayag ni Lujille Ylanan sa panayam. Dadaluhan ng mahigit 200 manlalaro ng Jasaan National High School mula sa Athletics, Volleyball, Basketball, Dancesport at iba pa.

gon ang Jasaan mula sa matamlay na opensa ni Cabaneros matapos inilugmok sa una at ikalawang inning subalit nagpalunok ng tigdalawang home run sina Galdo at Poe na tumarak sa 10-0 run. "Dako kaayo sila'g lamang sa skills ug sa determinasyon pud nila nga mudaog sa dula kaysa sa ilahang kontra ( JNHS). So far, isa ni sa mga dula nila nga chada gyud ilahang performance," wika ni BNHS Head Coach, Ms. Mary Christine Sumayang. Sa halos magdadalawang oras na laro, walang naitala na fatigue ang BNHS matapos naisumite ng maayos ang kanilang mga tira habang nanatili parin ang walang komunikasyon sa pagitan nina Cabaneros at Basco na sinamantala ng BNHS.


13 isports

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

ISPORTSKOLUM DETERMINADONG MAIBUSLO. Buong-lakas na kinupo ni point guard, Gerome Jalalon ang 20 puntos upang mapanatili ang kampeonato sa ginanap na WeMOAA, Opol, Misamis Oriental nitong Setyembre 20, 2019. Kuha ni Kim Angelo Dael.

BENEPISYO O PERWISYO

N

KINADENANG GINTO

Jalalon, pinanatili ang 3-0 win-loss record para mapaaga ang tiket sa final

M

Justine E. Loreto

inanduhan ni Point guard, Gerome Jalalon hame career-high record ang 20 puntos upang ilaan ang Jasaan para sa kanilang tiket papuntang Finals sa 3x3 Basketball kontra sa matamlay na Tagoloan, 59-36 nitong ika 20 ng Setyembre 2018.

Tampok sa 20 puntos na naitala ni Jalalon ang 12 rebounds, apat na rebounds at limang assists upang durugin ang Tagoloan sa matamlay na pagsisimula ng yugto ng laro. Matapos kumawala sa first half, nilimitahan ni Gerome Jalalon ang one-punch man ng Tagoloan na si Roniel Olarte buhat nang di pagpayag na makapuntos kahit isa. Sa kabila nito inilatag naman niya ang 15 puntos kalakip ang anim na rebounds, dalawang steals at isang assists upang sumabak sa bakbakan para sa ikatlong puwesto. “Matinding pagsasanay lang ang ginawa naming upang mamayani sa larong ito at makapunta sa Finals,” wika ni Point guard Gerome Jalalon. Naging matamlay ang unang sabak ng

Jasaan mula sa malawak na bentaheng 5-16 matapos inalsa ng Tagoloan ang sunod sunod na tres mula kay Olarte na umukit ng 12 puntos sa halos magiisang quarter ng laro. Matapos ang paglayo sa kartada, hinila mula sa manipis na kartada ni Gerome Jalalon ang 5-16 hanggang sa 18-18 deadlock na tampok ang kombinasyon ng dalawa katambal si Kyle Maglangit. Samantala, sinubukan namang makabalik sa porma ng Tagoloan subalit hindi pa sapat ang kanilang kakayahan upang ibandera ang kanilang watawat. Pinasadahan ni Gix Slavador mula sa Jasaan ang 10 puntos upang idagdag sa 18-point deficit lead sa ikalawang half ng laro na kung saan hindi na nakayanang makahanay

pabalik sa naunang paghahari sa unang sandali ng laro. Sa di inaasahang pangyayari , nagbanggaan si Kyle Maglangit at Joshua Talisay at nagresulta sa pagkainjured ni Kyle at maipatigil ang laro ng ilang minute. Labis na nanghihinayang si Kyle dahil sa tingin niya hindi na siya makakalakad. Isa sa mga naging dahilan kung bakit nailayo ng Tagoloan ang bentahe sa unang sandali ng laro dahil sa pagkabagsak ni Kyle. Aminado naman si Kyle na gagawin niya ang lahat upang mapasakanila muli ang korona.

Grade 10, tinumbok ang kampeonato mula sa 7-point deficit Zamayla, nakipagsabayan sa kapwa beterano Hycer Nicole Bagayna

Buhat ng pagiging kampante sa ikalawang set, sinamantala ng Grade 8 ang pagkakataon ngunit kumapit ang Grade 10 kay Ivan Samas upang solohin ang liderato.

M

atapos tinuldukan ang pagsosyo sa kampeonato ng Grade 10, bigong maiuwi ng Grade 8 ang kampeonato sa best of three bakbakan sa Volleyball Men’s at nagawa pang makipag-gitgitan.

‘DI MAHARANG NA SPIKE. Walang nagawa ang Grade 8 sa mga spikes and digs ng Grade 10 sa liderato ni Ivan Samas sa larong volleyball sa ginanap na Jasaan NHS Intramurals nitong ikalawa ng Agosto, 2019. Kuha ni Kim Angelo Dael.

Kinapos ang Grade 8 matapos itakas ng Grade 10 ang dikdikang 15-10, 8-15, 15-8 sa idinaos na 2019 JNHS Intramurals sa Jasaan Volleyball Court ngayong ikalawa ng Agosto Tumipa si Samas ng 20 puntos tampok ang 10 excellent sets, limang blocks, tatlong excellent digs at dalawang aces upang siguraduhin ang top 1 seed at kunin ang tiket papuntang finals. “Tinood gyud nga nagpakampante mi sa second set pero maygani kay nagteamwork mi para makuha ang championship (title),” wika ni Captain Ball Ivan Samas. Matapos magsalitan ng matutulin na cross-court kills sa unang set, nag-alab ang opensa ng Grade 8 mula sa mainit na palad ni Timothy Zamayla na nagpalayo ng bentahe sa 6-point deficit lead, 2-8. “Wala mi nag expect nga beat beat ra diay mi sa Grade 10, kani nga dula is worth-sharing,” wika ni Timothy Zamayla. Ipinoste ni Timothy Zamayla ang

matikas na ratsada matupos bumatak ng 15 puntos kalakip ang walong blocks, apat na aces, at dalawang excellent digs upang sandigan ang sana’y 7-0 win-loss record. Nagsalpak si Ivan Samas ng backto-back aces upang burahin ang pag-ariba sa ikalawang kampeonato ng Grade 8. Bunsod ng pagiging kampante sa ikalawang set, 2-0 run, 5-12 bomba naman ang inihulog ni Samas matapos halos angkinin ang ikatlong frame at ituwid ang 8-15 kahihiyan mula sa ikalawang set. Umangat naman sa ikatlong frame mula sa Grade 10 ay si Reymart Fabela matapos limitahan ang Grade 8 sa mga matutulin nitong mga depensa. Gayunpaman, aariba naman sa District Meet ang Grade 10 spikers sa papalapit na District Meet kasali si Timothy Zamayla na nag-angat sa Grade 8 mula sa kaniyang 15 puntos.

akakalungkot lang isipin na ngayong panahon ang kabataan ay kinakain na ng teknolohiya. Isa na ditto ang mga naitalang kaso ukol sa E- sports partikular sa mga mobile games na labis nakakaapekto sa kalusugan. Kamakailan lang idinaos sa Jasaan National High School ang isa sa mga fund raising activity ng mga kinaukulan ang e-sports na Mobile Legends. Noong nakaraang ika 30 ng Hulyo 2019, nilagdaan ni Mrs. Florencia Baan gang pagsang ayon na maging fundraising activity ng Supreme Student Government at maging isa sa mga highlights ng Intramurals. Umabot sa 12 grupo ang sumali sa registration mula sa halagang 20 per head. Ngunit paano ba nagkaroon ng benipisyo at perwisyo sa pagsali sa Intramurals ang Mobile Legends Tournament? Kapag ating iisipin mayroon ng mga Pinoy na nananalo sa mga torneo ng E-Sports sa Pilipinas at kahit sa ibang bansa pa kahit sa papalapit na SEA Games na dadausin ditto sa Pilipinas at isinali narin bilang esports. Mula sa ML Tournament nakatulong ito sa kanilang pamilya upang tustusan ang kanilang pangangailangan. Posible rin na ang ML Tournament ang siyang magaangat sa Pilipinas para sa malusog na ekonomiya. Base sa datos na ibinigay ng newzoo.com na mayroong mahigit na 29M na gamer mayroon ang Pilipinas ngunit sa milyon kataong ito iilan lang ang may control. Isa ang Jasaan Naional High School sa pinakamalaking populasyon ditto sa paaraln ng Misamis Oriental. Mayroong mahigitna tatlong libong estudyante mayroon ang JNHS ngunit 45 porsiyento ditto ay gamer ng iba’t ibang mobile at computer games. Mula sa 10 mag-aaral ng JNHS anim dito ang naglalaro sa mobile at pc games at mula sa anim na ito tatlo ditto ang adik sa online games. Kapag hindi natin ito pinapansin maaring dadanak at dadanak at maraming kaso ukol sa ganitong sitwasyon. Kahit sabihin pa nating “in moderation” kung walang disiplina, WALA talaga. Kaya kung maaga pa tanungin mo iyong sarili kung may hatid ba itong benepisyo o hahantong sa iyong sariling perwisyo.

5-0 tinarangkuhan ng JNHS kontra sa BNHS nitong ika ika 5 ng Agosto 2019.


isports 14

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

LAKAS LOOB PARA SA TAGUMPAY. Pursigedong matudla ni Christian Cabatingan ang panalo bunga nang madisqualified at hindi makalaro ang Avanceña brothers sa WeMOAA nitong Setyembre 20. Larawan ni Kim Angelo Dael.

NAABO NA LIDERATO

Avancena brothers, ‘di kumasa sa pagbago ng timbang Jasaan boxers, nakorner ng Initao pugs

Justine E. Loreto

D

ahil sa pagbabago ng kategorya ng timbang, labis na naapektohan ang Avancena Brothers matapos walang naiuwing panalo para sa Jasaan buhat nang maligwak sa pagsususri ng timbang.

Labis na nanghihinayang ang Avancena Brothers—Mark Nezzar Avancena at Sebia Avancena— matapos hindi nakasali sa Schoolboys nang binago ang weight division sa Opol ngayong ika 20 ng Setyembre. “Wala mi naignan nga naa diay pagchange sa weight regarding sa boxing, nashock gyud mi,” wika ni Burato, Head Coach. Malaki ang pinagbago sa weight division mula noon nasa 52kgs. hanggang sa 54kgs. Ngayon,

binagao ng council at umabot sa 52kgs hanggang sa 56kgs dahil umano sa ipinalabas na DepEdmemo ukol dito. Mula sa masinsinang training, nagawang ibabani Mark Avancena ang noong 52 ngayon ay 56 habang naitaas naman ni Sebia Avancena ang kaniyang timbang sa 51. Matinding training ang inilaan ng Avancena Brothers upang makamit ang eksaktong timbang ngunit naging abo lang pala ito pagdating sa Unit Meet.

Jasaan Dance duo, pinatunayan ang success-hungry Rafael Garces

Buhat ng pag-alis ng Palaro qualifier duo sa Misamis Oriental, bumirada naman ang Jasaan Dance duo at nagawang ikadena ang kauna unahang ikalawang puwesto sa ikalawang taong pagsabak.

N

ilasap ng Jasaan Dance duo ang kauna unahang panalo para sa Jasaan National High School matapos tinarangkuhan nina Nathaniel Pagapular at Lujille Ylanan at ihanay sa ikalawang puwesto sa Dancesport Competi-

“Dako among pasalamat nga wala na si ate Ronnabel Plaza kay gahi gyud kayo sila,” pahayag ni Nathaniel Pagapular. Sinigurado nina Nathaniel Pagpular at Lujille Ylanan ang korona makaraang kapwa kumamada ng 93 points kartada buhat sa kanilang dancesport arts upang mabarikadahan ang ikalawang silya sa buong torneo. Maagang nagpasiklab ang Jasaan Dance duo mula sa Standard Category na umusad sa ikalawang puwesto habang nanguna naman ang habilin ni Ronnabel Plaza na sina Mark Torrico at Ariane Pabriga sa kategoryang Latin. Sinikwat rin ng Jasaan Dance duo ang Best Jive matapos nagrehistro ng 97 puntos upang idagdag sa kampeonato sa ditrito ng Jasaan. Napako naman sa ikatlong pu-

westo sina Daisy at Henrich makaraang humablot ng 91 kartada habang tumapos sa ika apat na puwesto sina Jake at Hannah na tumapos ng 87 kartada. “Okay ra sa amo nga wala mi gipa apil kay nagsabot naman sad mi nga sila Lujille ug Nathaniel ang magrepresent sa Jasaan,” wika ni Raven Cabeltes, Intramurals Dancesport Champion. Gayunpman, hindi nabigyan ng tsansa sina Raven Cabeltes at Rico Barral, Ed Russel Saguing at Marian Qyphia na sumabak dahil nilimitahan lamang sa isang pares ng Dancesport Council.

“Pagkalooy sa mga bata nga grabe nga diet ug practice para lang sa dula, pero wala naka dula?,” wika ng ina ng Avancena Brothers Samantala, hindi naman nakaporma sina Christian Cabatingan at Johannes Ecaranum sa mainit na kamao ng Initao boxers matapos nilagdaan ang tig iisang TKO matapos kumasa sa pagsusuri ng timbang at madungisan ng parehong 0-2 win-loss record. Bigong maisumite ni Chris-

tian Cabatingan ang solidong opensa matapos naglatag ng matutulin na uppercut si Henric Cadugsana siyang nagpakorner sa kaniya sa nalalabing 1:02 minuto ng laro. Tinangkang angkinin ni Johaness ang silya papuntang semis ngunit pinayuko siya sa huling sandali ng laro ni Henric Cadugsa na siyang nagrehistro sa mga hurado ng unanimous decision, 21-30, 19-30, 26-30. Dikitan ang bakbakan sa

pagitan nina Christian at Herrol Donor matapos hinusgahan sa gitgitang 27-29, 26-30, 28-28 kartada. Aasahang walang Jasaan Boxers ang mapapabilang na magrepresenta sa paparating na Provincial Meet bunsod ng hindi pagkasa at pagkabigong iuwi ang gintong medalya.

Napitan, Sentasas bumukod sa Tamaraws, kapwa bigo sa Singles Justine E. Loreto

Buhat ng paghangad na makapasok sa Provincial Meet, ang ginto na sana naging abo pa para kina Allan Joseph Sentasas at Maverick Napitan ang paghiwalay sa Tamaraws.

M

ula sa maghiwalay ng District Meet champion Badminton Doubles, Team Tamaraws, bigong masungkit nina Allan Joseph Sentasas at Maverick Napitan ang top 2 seeded liderato para selyuhan ang silya papuntang Provincial Meet. Dinungisan ng Christian Martino ang 10-0 winning streak ni Maverick Napitan para sa Singles 1 makaraang naglatag sa finals ng balanseng atake matapos itakas ang gitgitang, 21-19, 10-21, 16-21 sa Opol Technical Science School nitong nakaraang ika 20 ng Setyembre 2019. “Amoa nga choice nga magseparate mi kay lage daw dako ang chance nga maka Provincial mi,” wika ni Maverick Napitan. Maagang nagpasiklab ng opensa si Maverick Napitan matapos kumubra ng matutulin na atake upang kalusin ang malawak

na bentahe mula sa dikitang 12-12 hanggang sa 19-12 agwat. ipagpatuloy sa pahina 4

NEVER-ENOUGH. Hindi naging kalamangan ang pagbubukod ni Maverick Napitan at Allan Joseph Sentasas upang sila’y manalo sa badminton singles sa District Meet nitong Setyembre 3. Kuha ni Kim Angelo Dael.


Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

MATAPOS ANG

TRAHEDYA


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.