Metro Anthology

Page 1

0


metro:

Antolohiya ng mga Malikhaing Akda ng Campus Tagaan 3 Inilathala ng Campus Tagaan Batch 3 Reserbado ang karapatang-ari ng mga akda sa mga indibidwal na manunulat. Ang muling paglimbag o ang paggamit sa anumang anyo at paraan ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga mayakda at tagapaglathala. Disenyo ng Pabalat: John Thomas R. Trinidad Tagapaglapat: James Michael M. Benitez, Danilo P. Ellamil Jr., Lloyd Alcedric R. Opalec Mga larawan/dibuho: Carl Keith V. Leal, Jovielene C. Geslani ISBN

1


Nakakabit sa terminong Metro ang lungsod ng Maynila at/o sentro ng kapangyarihan. Kalakip din ng terminong ito ang mga pahiwatig ng malaon nang mga problemang pambansa gaya ng trapik, kahirapan, kasukalan, kasakiman at pagnanasa. Ilan lamang ito sa mga pinapaksa ng mga tekstong nilalaman ng antolohiyang ito. Iniluwal ang Metro ng ikatlong batch ng Campus Tagaan. 2014 nang simulan ng Kataga-Manila ang Campus Tagaan bilang libreng literary clinic kasama ang ilang organisayong pampanitikan at pampahayagan mula sa mga piling campus ng Maynila. Matapos ang marubdob na talakayang pampanitikan at workshop ng mga akda, nagluluwal ito ng antolohiya bilang kulminasyon ng ilang linggong baliktaktakan hinggil sa sining at panitikan, Una nitong inanak ang antolohiyang Dagitab noong 2014, at sinundan ng Panag-araw mula sa mga fellow nito noong 2016. Ngayong 2018, muli itong magluluwal ng panibagong antolohiyang sumusuong sa mga danas sa marahas na lungsod. Kagaya ng mga naunang pagtatangka ng Campus Tagaan, wala itong layuning magmalaki at maglatag ng panibagong gahum sa kung ano ang dapat takbuhin ng panitikang pambansa. Bagkus, alinsunod sa panata ng Kataga bilang isang organisasyong pampanitikan, nakikiisa ito sa layuning makapag-ambag pa ng mga akdang nakikisangkot sa mga panlipunang usapin. Binabati ko ang mga manunulat na kabahagi ng proyektong ito. Maging hudyat sana ito ng maraming pang iluluwal na mga akda na sasalamin sa mga danas at usaping panlipunan sa loob at labas man ng Maynila. Muli, ang aking maalab na pagpupugay!

Isaac Ali V. Tapar Pangulo

Kataga, Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, Inc.

2


May iba't ibang sulok at guwang ang kasalukuyan. Halimbawa, ang kalungkutan ng lungsod, ang lagim ng pag-iisa, ang kahalagahan ng kasaysayan, at kapangyarihan ng pag-ibig. Ang lahat ng ito, at higit pa, ang tinatangkang galugarin ng mga akda sa Metro. Lagi't laging may pagtatangka ang anumang uri ng sining na malinang ang talento ng kabataan, at isa na nga sa mga pagtatangkang ito ang programa ng Kataga-Manila na Campus Tagaan 3. Ang mga napiling fellow mula sa iba't ibang kolehiyo sa Manila ay dumaan sa apat na buwan na talakayan hinggil sa iba't ibang paksa sa pantikan. Bukod pa rito, nagkaroon din ng palihan ng mga piling akda at pakikinig sa poetika ng mga ganap na kasapi ng Kataga. May sari-sariling bigat ang mga akda sa Metro. May sarisariling tinig ang mga manunulat na nakabilang dito. Ang alingawngaw ng kani-kanilang tinig ay hindi matatapos sa Metro.

Pagbati sa mga fellow ng Campus Tagaan 3!

Rhea B. Gulin Tagapangulo, Kataga-Manila

3


Hindi lamang lungsod ang metropolis nang una itong gamitin ng mga sinaunang Griyego, kundi ang ―inang lungsod‖ ng mga kolonya. Itinayo ang mga kolonyang ito ng mga inetsapuwera. Sa ating konteksto, sa wikang Sebuano, nanatiling nayon ang lungsod. Ang ganitong talaban (metropolis/lungsod) ang pinatining at pinagbangga sa pagpapakahulugan (sa kalipunang ito) ng armas, kape, silid, lapis, putahe, pagpag, tambakan… Bahay ba o tao ang paupahan? Medalya ba o pakikiisa sa mga lumad ang mas maituturing na karangalan? Iginigiit ng isang tauhan sa isa pang tauhan na siya ay maisulat, iginigiit ba nilang maisulat din nang matwid ng manunulat sa realidad? Paano kung ang kauna-unahang bayani ay kathang-isip lamang, gaya ng diwata sa mga alamat? hindi na ba makatotohanan ang kanyang mga adhika? ―Matagal nang parehong patay at buhay / ang kinagisnang lungsod…‖ Nagtagumpay ang imperyalismong pangkultura sa metropolis. Ngunit maláy ang mga may-akda, hindi rito magwawakas ang kuwento.

Mark Angeles

Awtor ng Gagambeks at mga Kuwentong Waratpad

Marahas ang lungsod. Sa paglalakad sa mga kalsadang kinatitirikan ng mga nagtatayugang gusali, tila mararamdaman mong minamaliit ka nito ngunit magpapatuloy ka upang marating ang iyong destinasyon; dahil ganito naman sa lungsod, masyadong nagmamadali ang oras dito, hindi ka bibigyan ng pagkakataong huminto at maglimi sandali dahil kailangan mo pang makipagsiksikan sa bulok na bagon, tumayo sa bus dahil rush hour o makipaggitgitan sa dagsang tao na nag-aabang din ng masasakyan katulad mo para lang ubusin ang natitira mong pasensya sa buhay dahil sa matinding trapiko. Sa karahasan nitong mismong lungsod, sa estero, tabing-kalsada, sa kuwento ng mga pangkaraniwang taong nakakasalubong at nakakasabay sa daan, hinugot ang mga naratibong bubuo sa kalipunan ng Metro – ikatlong folio ng Campus Tagaan fellows ng Kataga-Manila

Abby Pariente

Pangalawang Pangulo (Edukasyon) Kataga, Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas, Inc.

4


MATAGAL NA ITO, DITO SA MAYNILA Ang mga poste ng LRT sa Taft Avenue, mula Libertad hanggang Monumento, ang kinilala kong unang mga libro ng mga akdang-pampanitikan ng mga hindi ko nakilalang mga manunulat sa Maynila noong dekada ‘90. Ganito ang mga pamagat: “Sto,Niño Win Nice! Guy and Pip! @^$$%%’na nyo!” , “Salenga discovered the positive electron, etc.,etc.,” , “Junk APEC! USRamos they will go! Hey-hey! Ho-ho!”, at marami pang iba. Ang kabuuan ng mga naratibo ay bubuuin sa loob ng utak ng mga may panahong magbasa at bigyan ang mga ito ng kahulugan. Noong panahong iyon, marami kaming panahon sa pagpansin dito , tulad din ng pagpansin namin sa mga usapin ng estudyante sa loob ng mga unibersidad na nakahilera sa U-Belt at ng buong bansa. Sasanib kaming mga palapansin at pakialamero mula PNU sa iba pa na galing sa iba‘t ibang pamantasan ng Maynila (PUP, DLSU, ST.SCHOLASTICA, UST, FEATI, LYCEUM, U.E, CEU, FEU, atbp.) doon sa Liwasang Bonifacio at Mendiola , hanggang sa Commonwealth para mabuo ang mga naratibo ng napapanahong isyu noon at makapansin pa ng ibang naratibo na magiging laman ng aming mga akda (pampanitikan man o pang-journo) at ilalabas sa mga pamahayagang pangkampus na aming kinabibilangan. Pana-panahon din kaming makikipagsanib at makikitalamitam sa mga taga-UP Diliman sa QC lalo‘t mas kailangan nila ng mas maraming bilang ng suporta na laging mayroon ang lungsod ng Maynila. Sa panahon ding ito sasagana ang paglilimbag sa mga literary folio ng bawat unibersidad na laging inaabangan at kinokolekta ng isa‘t isa. ―Dapitan‖ sa UST, ―Spires‖ sa San Beda, ―Malate‖ ng DLSU at ―AKLAS‖ ng PNU ang ilan. Lahat, kahit mga baguhan ang kasanayan sa pagsusulat ( dahil UP lamang noon ang may sentro na nagbibigay ng taunang workshop sa pagsusulat ng akdang-pampanitikan), ay taon-taon pa ring nakakapaglabas ng mga folio. Lahat ng mga estudyanteng-manunulat noong dekadang iyon ay kandidato sa pagiging persona non grata sa lungsod. Itong ―Metro‖, na kalipunan ng mga akda ng mga bagonghasang itak ng lungsod ng Maynila, ay malinaw na nagpapatuloy ng kasaysayang ito na una nang binigyang-diin at artikulasyon ng pagtatatag mismo ng Kataga-Manila at pagsasagawa nila ng

5


proyektong Campus Tagaan. Puno ng ligalig, panunubok, angas, libog, pag-ibig, pang-uuyam, pagseseryoso-kunwari, atbp. , ang mga tono at tempo ng mga sinasabi ng mga akda, na karamihan ay nagpapakilos sa lahat ng mga makakabasang estudyante palabas sa sarili at patungo sa pagiging mamamayan ng bansa. Walang akdang nagtanim ng mga bulaklak at bermuda grass ang mababaho, makikitid, maalikabok, maburak, at matae-maihi , amoytae at ihi sa mga kalyeng nakatago sa gilid-gilid ng Taft Avenue. Walang akdang nag-make-up at nagbihis sa maraming lumpen na nakakalat sa lungsod ng Maynila. Malinaw nitong sinasabi na mas kailangan ng mga manunulat mula sa lungsod ng Maynila, ang kultura ng pagsasanib at pag-iisa ng tunguhin (partikular sa panitikang hindi nagsasawang makisangkot ) na pinalalago ng isang samahan, lalo na ng Kataga-Manila, para hindi maputol ang mga ugnay at tradisyon sa lipunan at panitikan ng lungsod sa buong bansa , kesa sa isang palihan na nagpapatampok lamang sa mga pangalan ng mga manunulat at ng unibersidad. Pagbati sa mga bagong Persona Non Grata ng lungsod.

Ferdinand Pisigan Jarin (Naglalakad lang noon mula Ayala Blvd. hanggang Pedro Gil dahil madalas walang pamasahe pauwi ng Makati )

6


Introduksiyon Sa biyahe, madalas kong isipin ang bawat kuwento ng mga nakakasabay kong mga pasahero. Kung ano ang mga pinagdaanan nila sa isang buong araw, at kung ano ang haharapin nila pagkauwi nila sa kanilang bahay. Sa mga byaheng ito, naisip ko ang handog ng antolohiyang ito kung paano pupunan ng mga salita ang mga byahe ng bawat buhay bilang estudyante. Sa mga nagdaang sesyon, makikitang taglay ng labindalawang manunulat na ito ang talento kung paano gamitin ang salita: kung paano nila gagamitin ito sa parang masasabi nila kung ano ang ‗di kadalasang nakikita pero laging nasa danas ng isang indibidwal. Kita sa kanila ang pagsipat sa kanilang mga komento sa mga talakayan, at kung paano nila binabasa ang mga akdang isinasalang sa mga palihan. Bukod doon, liban sa kanilang edad, malay sila kung ano ang nais tunguhin ng kanilang mga panulat: kung ano ang danas din ng katulad nilang karaniwang taong nasa iisang lipunan ang ginagalawan. Bilang saksi mula sa proseso ng pagpili hanggang sa paglabas ng antolohiyang ito, nawa‘y huwag sana nilang bitawan ang panulat na taglay nila. Lalo pa nila itong hasain dahil kailangan ito sa panahon ngayon kung kailan malaki ang tulong ng letra upang manaig ang katotohanan sa gitna ng fake news, at ang mga katotohanang magbibigay ng kamalayan sa mga magbabasa. Bilang bahagi na rin ng nakaraang Campus Tagaan, malaki ang naitulong nito sa akin para mas lalong malaman kung ano ang kahalagahan ng panulat sa mga kasalukuyang mga nangyayari sa lipunan; at ngayong ako ang naatasang mangalaga ng programang ito ngayon, ‗di ko maikakailang makita ang sarili dati sa kanila. Pero higit pa ro‘n, inaasahan kong nakatulong din sa kanila ang Campus Tagaan bilang pagpapalago ng kanilang kamalayan sa pagsusulat, katulad ng ginawa nito sa akin.

7


Sa babasa, mag-ingat ka sa biyahe kung saan ka man dalhin ng antolohiyang ito; dahil paniguradong hinanda ng labindalawang manunulat na narito ang mga destinasyong tatahakin mo. Huwag mo sanang hayaang lumagpas sa metro.

Wynclef H. Enerio Direktor Campus Tagaan 3

8


NILALAMAN TULA Bisita ............................................................................................................... 12 Hunny Kyle B. Laurente 405 ................................................................................................................... 15 Carl Keith V. Leal Kape ................................................................................................................. 16 Chris Edward A. Anatalio Danyos ............................................................................................................ 17 Renzo Q. Prino Mula(t) ............................................................................................................ 19 Jovielene C. Geslani SANAYSAY Tuwing Gigising ........................................................................................ 22 John Thomas R. Trinidad MAIKLING KWENTO Pagpag ............................................................................................................ 28 Kirt John C. Segui Silang Isinumpa‘t Sumusumpa ................................................................. 43 John Lawrence R. Capagalan Sa Likod ng Ulan at ni Ulap ..................................................................... 68 Sigrid T. Polon Kung Paano Nagsimula ang Lahat (O Kuwento ng Puta at ng Kaniyang Manunulat) ................................................................................. 78 Danilo P. Ellamil Jr.

9


DAGLI Tau-Tauhan .................................................................................................. 91 James Michael M. Benitez DULA Tau-Tauhan .................................................................................................. 94 Lloyd Alcedric R. Opalec

10


11


Bisita Hunny Kyle B. Laurente Ganito ko ilalarawan sa ‗yo ang kinalakhang lungsod: Nasanay na ako sa lamlam ng mga kalye na nakahabi sa pagitan ng mga lubak At sa mga bangketa ng paghihintay na hulmahan ng mga pagsisisi ng buhay Kabisado na ng mga baga ang palagiang pagdusong sa nalalanghap na usok tuwing binabaybay ang daan pauwi Madalas na sa pagtawid na lamang natutunton ang ginhawa dahil dito na lang may oras saglit na makahinga Sa tren kung saan nakikipaggitgitan at sa imahen ng mga poste, tindahan, simbahang nadaraanan, sinusubukang humanap ng kahit isang pagbabago sa paulit-ulit na mga gabing ito Walang nahahanap Hugis lamang talaga ng buwan ang tanging nagbabago rito

12


Daplis-daplis na katahimikan Isang beses na akong humiga sa gitna ng daan habang alas tres ng umaga at patuloy pa rin ang pagpapalit ng mga pagal na kulay ng ilaw-trapiko; Manaka-nakang mga sasakyang padaskol kung dumaan Pinagmasdan ko ang kalangitan Madaling-araw na, ngunit nagtatago pa rin ang buwan sa likod ng di matapos-tapos na buntong-hiningang usok nitong sumusuko't ayaw tumahang lungsod Hindi ko ginustong mamatay o manatiling buhay nang kumislap ang hapis noong madaling-araw na iyon Matagal nang parehong patay at buhay ang kinagisnang lungsod At wala akong pinagkaiba rito Kapwa kaming naghihingalo

13


Samantala, ang alingawngaw ng tinig mong milya-milya ang layo‘y nagpatiwakal sa mga tenga at nagpabangon sa akin Ganito rin ba ang lungsod mo? Marahil ay hindi Ngunit sinabi mong bibisita ka rito kaya nandito pa rin ako Naghihintay ako sa iyong pagdating at sa mga kuwentong bitbit tungkol sa pinanggalingan; Malayo rito sa lungsod ng bahaing pangamba na puno ng mga ligaw na dasal na nais magpasagasa sa ‗di makitang katiyakan Ikaw Mistulang mas estranghero pa ang mga kalsadang ito kaysa unang ugong ng boses mo nang unang bigkasin ang pangalan at nagpakilala ng ngiting nangahas tumawid sa lungkot kong nakamamatay.

14


405

Carl Keith V. Leal (Para kay Chai) NakitĂ kitĂĄ sa silid na punĂ´ ng tao. Pambihira, dahil ang iyong mga mata, kawangis ng sa kuwago. Malaki at bilugan, gaya ng mga planeta sa kalawakan. Sa saglit kong pagtitig, nasilayan, Ang panandaliang pagkubli ng buwan, sa pinakamalaking estrelya, ng aking nararamdaman.

15


Kape Chris Edward A. Anatalio

Nilagyan ko ng kape ang mainit na tubig. (sobra sa pait) Dinagdagan ng asukal. (sobra sa tamis) Pinunô ng gatas. Magbabago pa kayâ ang lasa? Nilasap inangkin ko ang kapeng ito.

16


Danyos Renzo Q. Prino Renzo Prino Ilang buhay na natapos, Mga hiningang kinakapos– Panalangin ay lubos, Nang matigil na ang unos. Planado ang bawat kilos, Mga armas ang niyayapos– Kahit sino'y pinapatos, Masunod lang bawat utos. Sa kamay ng mga busabos; Mga ari-aria'y napulbos. Mga mosque'y nabastos. Kalikasa'y napuspos. Mga katawang desaparacidos; Natagpuang nakagapos– Kalagayang kalunos-lunos; Tadtad ng bala, dugo'y umagos.

17


Mga bakwit na nagpupuyos; Hindi makatulog nang maayos. Kahabag-habag na musmos; Sinalba na ng Manunubos. Ligaw na bala ay tumagos; Sa ulo ng binatang maka-Diyos– Kan'yang libing ay di makaraos, Sa walang humpay na pagtutuos. Mga granadang nanlalapnos, Mga palahaw na nakapapaos; Ang hustisya'y nililimos, Ilang inosente pa ang mauubos?

18


Mula(t)

Jovielene C. Geslani

Bihis ang aking sabik na mga paa sa paglapat ng kalamnan sa kalsada Iginuhit na ang direksyong babaybayin, GisĂ­ng din ang paniniwala para sa giyera, Asam na masungkit ang pait sa mata ng masa.

Nagsilbing tagpuan ng dulog at tulog ang armas Bakas ang yaman ng api sa mga pilak na kupas, Dinig ang umaalingasaw na tinig ng repormatoryo, Magluluto raw ang mga opisyal ng masarap na putahe Puta! Hindi normal na isahog ang inosente,

Kayakap ng palad niya ay ugod na tinta Walang mantsa ng kalabit sa mga daliri Hagulgol at hindi putok ang namutawi sa ere Pakete ang tinig ng diyos simbolo ng pagtatapos Tumakbo at sa paghakbang ay huling buga.

19


Isigaw ang misteryong nakakandado sa mga mata Kung bakit naging sapat ang wangis upang ‗di gumamit ng lapis Pigura ang pambura; hangin ang mali hanggat tikom ang iyong labi Marka sa tela ang danas, itinatago sa buwan ang karimlan. Ikaw na saksi sa naaabuso mong panahon,

Ibulalas mo ang dapat malaman ng kabataan Bulok na ang pagpapaulan ng kendi sa musmos niyang dila Malayang maramdaman ng kamay ang mga pahina Ilatag mo‘t pasinayaan ng mga nakasusukang katotohanan ang pagkalulong ng bansa sa demokrasya‘t digmaan

Gayunman, ipakilala mo ang numero ng mga solusyon Sapagkat lumalago na ang populasyon ng nalululong sa bulong habang malinaw pa ang karapatan at paglaya Tumaya at gisingin ang mga natutulog nilang diwa, sapagkat di sasapat ang tamis sa dila ng hene-henerasyong pagngawa ng sikmura.

20


21


Tuwing Gigising John Thomas R. Trinidad

Mahirap akong gisingin. Nakakailang sigaw si mommy bago pa ako tuluyang bumangon. Pero hindi pa talaga ako tatayo, uupo lang talaga ako, tutulala, at muling pipikit – matutulog lang ulit. Gigising na lang ako kapag malapit nang dumating ang school service ko, magmamadali akong kakain, at pupunta sa banyo para paliguan ni mommy. Pero hindi pa ako tapos maghanda para sa eskuwelahan, dumarating na ang drayber na si Mang Ibet. Walang hanggang talak na naman ang aabutin ko, pero dahil nga bunso ako sa pamilya, kahit kudaan nila ako nang kudaan wala naman na silang magagawa, dahil kokontra si Lola Benet na talaga namang paborito akong apo. Magmamano na lang ako sa matatanda sa bahay at tatakbo na papunta sa sasakyan. Ganoon ang umaga sa araw-araw ko noong nasa elementary pa ako. GALA: Gising, Aligaga, Ligo, Alis. Pero nagbago ang lahat ng mga gawi kong ‗to nang tumungtong ako ng hayskul, specifically Grade 8. Para malaman mo kung bakit, bibigyan muna kita ng overview sa paaralan kong Manila Science High School o mas kilala ni bilang ―MaSci‖: 1.

Kauna-unahang Science High School sa buong Pilipinas, ipinatayo noong 1963 ni Pang. Ramon Magsaysay kaya sa mga nagsasabing magpasalamat kami kay Marcos ito lang ang masasabi ko: ―HINDI‖.

22


2.

Matatagpuan ang Manila Science High School sa Taft Avenue, kaya naman rinig na rinig mo ang mga busina ng mga sasakyan, kasabay ng teacher mong sumisigaw na kasabay ng mga ingay sa labas.

3.

Sa harap lang ng MaSci, doon nakatirik ang Korte Suprema. Katabi naman nito ang National Bureau of Investigation o NBI kaya naman sa tuwing may mga magwewelga sa Korte Suprema, ayun kita naming lahat. Isa pang fact: dumaan din ‗yung float ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Taft.

4.

Lakarin mo lang nang kaunti, nandun ang fast food chains na pinatatakbo ng mga kapitalista, bukod pa run katabi lang din nito ang LRT Line 1 kaya naman araw-araw rin naming nakikita ang pighati ng mga komyuter, sabayan pa ng mga batang hamog na sumisinghot ng rugby sa paligid.

5.

4.5km lang ang layo ng bahay ko sa MaSci, pero ang dalawampung minutong biyahe ko ay umaabot sa isang oras at kalahati dahil sa mga taong hindi sumusunod sa batas-trapiko. ‗Di ata nila malaman ang pagkakaiba ng pula sa berde kaya laging go lang nang go.

Ilan lang ito sa maraming bagay na masasabi ko tungkol sa MaSci. Pero nang una akong umapak sa paaralang iyon ang nasabi ko lang ay: ―WOW!‖, literal na big world. Naalala kong pinag-uusapan naming magkakaibigan ang kaibahan ng MaSci. Sa

23


lokasyon pa lamang ng paaralan namin ay ‗andami na kaagad nangyari. Dito, para akong binuhusan ng kumukulong tubig sabay sabing, ―Welcome to high school!‖ Isang yugto ng buhay kung kailan sinasabi ng ibang doon nila natagpuan ang one true love nila, mga tunay na kaibigan, pero may iba pa akong nahanap: bukod sa mga taong ginawang espesyal ang Junior High School ko (maliban sa lovelife dahil wala naman talaga), mas matimbang ang mga pangyayaring ‗di malilimutan dahil ito ang tumulong na humubog sa pagkataong, ugaling, at kung ano-ano pang kabaliwang meron ako ngayon. Kaya naman nasabi kong Grade 8 ang simula ng lahat dahil sa taong ding ‗yon, ‗andaming naganap sa buhay ko; na-stroke si lolo no‘ng birthday celebration niya, tinigil na ni mommy ang school service ko dahil nagmahal ‗yung bayad, napunta ako sa star section, at marami pang iba. Dahil sa wala nang maghahatid sa ‘kin sa eskuwelahan dahil nga na-stroke si lolo, tapos si lola naman aalagaan si lolo, nasa trabaho ang mga magulang ko, at nag-aaral naman ang kapatid ko. Isa lang ang ibig sabihin no‘n, magkocommute ako. Naalala ko pa ang unang araw ko sa pagko-commute; nanginginig at nagdadasal ako sa buong biyahe dahil sa pangambang baka ‗di ako makarating nang buhay sa pupuntahan ko; awa ng Diyos nakapasok naman ako. Doon nagsimula ang lahat, kasabay ng pagkatuto kong mag-commute nang mag-isa, natuto na rin akong gumala, at kung saan-saan na ako nakarating: Cavite, Tondo, Pasay, at iba pang mga tagong lugar sa Pilipinas. Dahil dito, natuto akong pagmasdan ang paligid ko. Pinapanood ko ang mga batang malilikot sa dyip na napakaiingay, pinapakinggan ko

24


ang mga pinag-uusapan ng mga mag-jowang katabi ko, at nakikinuod ako ng videos sa cellphone ng kung sinuman. Nagamit ko naman ang mga pangyayari na nakikita‘t naririnig ko sa paligid. Isinusulat ko sa Wattpad (batang Wattpad talaga ‗ko), sa mga iskrip ng pelikula ko, at inspirasyon ng mga lathalaing inilalabas ko para sa school publication. Lahat naman ng mga napapansin ko, masasabi kong kahit papaano ay may kinahinatnan, at habang lumalaki ako hindi ko namamalayang hindi na lang pag-aaral at paglalaro ang inaatupag ko. Pati pagmumulat sa ibang tao tungkol sa bayan, pinagkaabalahan ko na rin. Nakasanayan ko na ang pagpo-post ng mga tula sa Facebook, pagsusulat ng mga maikling kwento sa WordPress, at pag-tweet ng simpleng rants tungkol sa politika sa Twitter. Hindi man kasing taas ng grades ko noong elementary ang meron ako noong Junior High School, hindi man ako Top 1 katulad noon, pero nakisangkot naman ako para sa bayan. Naglaro-nadapa-bumangon-lumaban. Naging pakawala man ako sa huling taon ko sa MaSci, masasabi kong ito ang pinakamakabuluhang nangyari sa buhay ko. Bumagsak man sa Math, nakapag-rally naman noong inilibing si Marcos. Nawala man ang pinakainaasam-asam kong With Honors, sumama naman ako sa Lakbayan para sa Lumads. Kaysa naman no‘n na ang taas-taas nga ng grades ko, valedictorian nga ako, wala namang dulot sa bayan. Aanhin ko ang talino para sa sarili kung hindi rin naman pakikinabangan ng iba? Paminsan-minsan, hanggang ngayon, hindi ko alam kung paano nangyari sa akin ang ganitong mga bagay. Akala ko habangbuhay akong ―spoiled” at alaga ng lola na hindi nagko-commute at

25


hindi pa nararanasang masugatan. Nagkaroon ng transisyon sa buhay ko, at marami akong hindi inakala na kaya kong gawin. Nagbago ako. Naging ganap na tao. Naging makatao (kahit mahirap). Isang batang taas-noong titingala at ipaglalaban ang kaniyang bayan – sa mga kulturang nilimot na ng maraming Pilipino. Bata lang daw ako – walang alam, hindi pa mulat, walang karapatang magsalita. Pero hindi ako pangkaraniwang bata tulad ng inaakala nila, “batang may laban” sabi sa Bonakid. Bata lang ako katulad ng karamihan, umiiyak sa simpleng bagay – pero habang tumatagal, tumatanda, lumalaki, at nag-iisip. Sa lahat ng mga pagbabagong naganap sa buhay ko, wala pa rin namang nagbago sa ‘king paggising. Ganoon pa rin, ilang sigaw bago bumangon. Tutulala muna bago kumain. Pero sinisigurado ko na sa bawat araw na gigising ako ay may magagawa ako. Hindi ako ‗yong taong matutulog lamang sa eskuwelahan. Hindi ako ‗yong batang walang ginawa kung hindi ang itama lahat ng sagot sa pagsusulit pero walang pakialam sa bayan. Ito pa ang isang bagay na tinitiyak ko, na sa pagdilat ng aking mga mata – hindi ako bulag. Ako‘y mulat at may nakikita.

26


27


Pagpag Kirt John C. Segui

Sa mga tulad nila, kapag kumalam ang sikmura at butas ang bulsa, lahat ng laman-tiyan ay kakainin, walang sasantuhin. Malamig ang huling gabi ng Oktubre. Pasado alas-onse na nang umalis sina Nestor at Darwin sa kanilang bahay papunta sa magkatapat na puwesto ng Jollibee at McDo. Bagama't malamlam ang liwanag na nagmumula sa ilaw ng mga poste, pinaliliwanang naman ng patay-sinding Christmas lights at mga sinindihang kandila sa tapat ng ilang kabahayan ang daang tinatahak ng magkapatid. "Darwin," pagbasag ni Nestor sa katahimikan nang paglalakad nila. May limang segundo bago nagsalita si Darwin. "Problema na naman kuya?" "Si Teresa," pagsisimula ni Nestor. "Alam mo namang sa susunod na katapusan ay birthday na niya. Gusto ko lang..." "Gusto mo na namang ipilit na gawin 'yong pangako mo noong magpipitong taong gulang siya," pagtutuloy ni Darwin. "Puta naman kuya! Heto nga at hirap na hirap na tayo" "Tama ka!" mariing tugon ni Nestor. "Na sa kabila ng lintik na buhay na ito ay gusto kong walang maisumbat sa atin si Teresa." "Hindi naman siya nagalit o nagtampo sa atin kahit noong ikapito, ikalabindalawa, o ikalabimpitong kaarawan niya. Kahit kailan ay hindi, liban kay Nanay," pagpapaliwanag ni Darwin.

28


Saglit na pinakalma ni Nestor ang sarili. "Dahil napakabait ng ating bunso. Pero Darwin debut niya 'yon. Hindi man tulad nang dati kong pangako, basta maaalala niya kapag siya'y tumanda. May tatlumpung minuto pa silang naglakad pagkatapos ng kanilang pag-uusap. Pagdating nila sa kalye ng magkatapat na fastfood chain, naupo sila sa tapat ng kalapit na basketball court. Ilang minuto pa ang nakalilipas nang magkasunod ilabas ng isang lalaki ang dalawang garbage bag. At isa namang lalaki mula sa kabila ang naglabas ng tatlong garbage bag. Nagmamadaling pinuntahan ni Nestor ang isang payasong kumakaway samantalang lumapit si Darwin sa isang pulang bubuyog. "Malaki na naman ang kita nila. Jackpot-an ang may-ari," natatawang wika ni Darwin. "Hayop! Daig pa ng mga kumain ang patay-gutom, sinulit ang bayad, wala man lang mapapakinabangan," iiling-iling na sambit ni Nestor. Sa inilalabas na garbage bag ng mga kainan, tindahan, o bahay, isa-isang binubuksan at hinahalukay iyon nina Nestor. Naghahanap ng mga tira-tirang manok o baboy na marami pang laman o hindi pa nababawasan. Pinaghihiwa-hiwalay naman nila ang mga plastik, baso, bote at iba pang kalakal. Ang lahat ng kanilang nakukuha ay ilalagay sa plastic bag bago isilid sa dala nilang sako. "Tapos ka na ba?" tanong ni Darwin kay Nestor nang datnan niyang ibinibungkos ang isang asul na plastik habang inuubos niya ang isang pakpak ng fried chicken. "Oo. Malas, kaunti lang ang nakuha ko," naiinis na tugon ni Nestor kasabay nang pagdami ng mga naghahanap din ng kalakal at pagkain.

29


Bago pa may dumating na barangay tanod upang paalisin sila o maagaw ng iba ang kanilang mga nakuha ay nagpasya ng umuwi sina Darwin. Habang naglalakad, biglang tumigil si Nestor dahilan upang mapatigil din si Darwin. Binasa ng una ang pangalan ng tindahan na napalilibutan ng berdeng Christmas lights. "Wonder Toys!" Nilingon ni Nestor ang kapatid, "Ako ang bahala, magiging masaya si Teresa." At muli niyang binasa ang nakasulat bago tumuloy sa paglalakad. Mahimbing pa rin ang tulog ni Teresa nang dumating sila. Parehong nakaturo ang dalawang kamay ng orasan sa dos nang silipin ni Darwin. Inilibas nila sa kani-kaniyang sako ang mga nakuha at pinaghiwalay ang mga plastik ng pagkain sa mga kalakal. Dinala ni Nestor ang mga nakuhang kalakal sa kanilang tambakan. Kinuha naman ni Darwin ang isang planggana at pinagsama-sama ang mga manok. I-re-repack niya ito sa tatlong klase: maraming laman, may kaunting laman, at pinagsamang marami at kakaunting laman. Ipagbibili nila ito kay Aling Salud sa halagang apatnapu, dalawampu, at tatlumpung piso bawat puno sa plastik. Isa ang kapitbahay nilang si Aling Salud sa mga nagluluto ng nakukuhang tira-tirang pagkain o pagpag. "Aling Salud," pantatlong tawag na ni Darwin ay hindi pa bumubukas ang pinto. "Aling . . . ." Dahan-dahang bumukas

ang pinto

at tumambad ang

humihikab pang matanda. "Ikaw pala Darwin, magkano lahat ang dala mo anak?" "Isandaan at bente pesos po. Ibawas mo na po 'yong nakuhang isang noodles at itlog ni kuya kahapon."

30


Kumita sila ng isandaan nang araw na iyon. Pagbalik ni Darwin sa bahay ay inabutan niyang nagdarasal si Nestor habang nakasindi ang dalawang kandila, isa para sa kanilang ama, at para sa kanilang ina na hindi nila alam kung buhay pa o patay na rin. Pagkatapos nang taimtim na pagdarasal, nahiga na sila katabi ni Teresa. Mabilis na nakatulog si Darwin. Samantalang si Nestor ay matagal pang tumitig sa kisame. Pinaglalaruan siya ng mga posibilidad na baka hindi na naman niya matupad ang matagal nang pangako sa kapatid. Ikalawang Sabado. Unti-unti nang lumiliwanag ang paligid. Nagmamadaling inubos ni Nestor ang isang tasa ng mainit na sabaw ng baboy. Kagabi pa nila ulam ang nilagang mga buto at pira-pirasong laman na nakuha niya sa basurahang kalapit ng Aling Bebang's Eatery. Matapos pagpagin ang dumikit na mga dumi at tatlong beses hugasan ay inilaga niya ito. Tinimplahan ng patis at paminta upang magkalasa. Nang maubos niya ang laman ng tasa, muli niyang pinuntahan sina Darwin at Teresa, na tulog-mantika pa rin upang gisingin. Sinigawan at tinapik niya ang dalawang nakababatang kapatid. "Darwin! Teresa! Anak ng tokwa! Bumangon na kayo. Tanghali na," inis na sigaw ni Nestor. Nang matiyak na gising na ang dalawa, iniwan niya ang mga ito upang ipaghanda ng makakain. Habang kumakain ng almusal sina Darwin ay inihahanda niya ang mga gagamitin sa pangangalahig. Wala nang mga magulang sina Nestor. Sa edad na dalawampu't walo ay siya na ang bumubuhay sa kanila. Katulong niya si Darwin na mas bata ng limang taon sa kaniya. Iniwan sila

31


ng kanilang ina at sumama sa isang matandang Italyano, anim na buwan pagkasilang kay Teresa.Namatay naman ang kanilang ama, walong taon matapos iwan ng asawa, dahil sa komplikasyon sa bagĂ dulot nang labis na paninigarilyo. Araw-araw nangangalahig sina Nestor at Darwin. Minsan magkahiwalay ng lugar subalit mas madalas ay magkasama. Minsan tuwing umaga sa dumpsite ng San Isidro, kapag minalas tuwing gabi sa mga inilalabas na basura ng mga bahay at karinderya. Tumutulong naman si Teresa kapag wala siyang pasok. Nasa ikalawang taon na siya sa isang pampublikong paaralan sa Rodriguez (dating Montalban), Rizal. Masuwerte siyang naging iskolar ng isang konsehal, hindi tulad ng kaniyang mga kuya. Hanggang ikalimang baitang lang ang natapos ni Darwin samantalang si Nestor ay hindi kailanman nakatuntong sa paaralan. Pasado alas-sais na ng umaga. Dalawang beses nang nagpapabalik-balik sa loob ng bahay si Nestor upang pagmadaliin ang dalawang kapatid. Ilang mangangalahig na rin ang dumaan sa tapat ng kanilang tirahan. Paglabas nina Darwin at Teresa sa kanilang bahay na yari sa pinagtagpi-tagping yero, trapal, at plywood ay kinuha nila ang tatlong malaking sako. Bitbit rin nila ang kanilang pangkalahig na ginagamit upang halukayin at kawitin ang mga basura. Agad nilang tinungo ang gitnang bahagi ng dumpsite ng San Isidro. Sa bahaging ito tumitigil ang mga trak upang itambak ang mga nakolektang basura mula sa buong bayan ng Rodriguez. Itinatambak din sa mahigit kumulang labing-apat na ektaryang lupain ang mga nakolektang basura mula sa mga kalapit bayan at Metro Manila. Malalaki ang hakbang ni Nestor. Hindi niya alintana ang madulas na daan at ang tilamsik ng likidong

32


amoy imburnal sa kaniyang katawan. Sina Darwin at Teresa naman ay pilit na humahabol sa nagmamadaling lakad ng kanilang kuya. Minsan ay saglit na titigil upang pawiin ang hingal at malalanghap ang usok ng sinusunog na plastik at goma. "Darwin, dalian ninyo ang paglalakad, mamaya na kayo magpahinga," wika ni Nestor nang lingunin niya ang dalawa. Nakasabay nina Nestor ang tomador na si Mang Teban, ang limang magkakapatid na Dimasupil, ang sigang si Ramon, at ang balong si Aling Cora. Hindi nila alintana ang dumi ng daan na dumidikit sa makapal na kalyo ng kanilang talampakan. Labinlimang minuto ring nakipagkarera sila Nestor sa mga nakasabay. Pagdating sa gitnang bahagi, pumuwesto sila sa pinakamalapit na pagbubuhusan ng basura. Unti-unti na ring dumami ang mga mangangalahig. Ang ilan ay pilit na sumisiksik sa kanilang puwesto subalit hindi sila nagpatinag. Maya-maya ay dumating na ang tatlong berdeng trak. "Kuya, tulad nang dati, doon ako sa bahaging 'yon," suhestiyon ni Darwin. "Sige," sang-ayon ni Nestor. "At ikaw Teresa, dito ka. Magkita na lang tayo mamaya sa may bukana ng tambakan." Agad

na

nahati

ang

kaninang

malaking

grupo

ng

mangangalahig. Si Nestor ay sumama sa grupong malapit sa umuusok na tumpok ng basura. Pumunta si Darwin sa grupong malapit sa isang barong-barong. Nanatili naman si Teresa sa kanilang puwesto. Paatras na pumasok sa tambakan ang mga trak habang sinisenyasan ni Manong Roger, ang isa sa mga namamahala sa tambakan. Ilang beses ding pinaatras ang mga tao na pilit lumalapit sa pagbubuhusan ng basura.

33


"Atras pa, kaunti pa. Sige," sigaw ni Manong Roger habang sinisenyasan ang drayber sa side mirror ng trak. "Hoy! Umatras din kayo. Mamaya may nadidisgrasya. Hala, layo!" baling niya sa mga mangangalahig. Nananabik na pinagmamasdan ng mga tulad ni Nestor ang trak. Hinintay na iluwal ang mga bagay na basura para sa iba subalit biyaya para sa mga tulad nila. Ilang sandali pa ay bumuhos ang mga basurang laman ng trak at nag-iwan ng tatlong matataas na tumpok. Humalo sa mausok na hangin ang nakasusulasok na mga amoy – ang lansa ng isda, ang panis na pagkain, at ang nabubulok na daga. Kasabay nang pag-alis ng trak at pagbuga ng maitim na usok, mabilis na dinumog ng mga mangangalahig ang tatlong

tumpok

ng

basura.

Nag-uunahang

pumili

ng

mapakikinabangan sa ukay-ukay ng basura. Maraming kaagaw sina Nestor sa ganitong gawain. Ang mga taong tulad nila na nangangalakal tuwing gabi bitbit ang isang malaking plastik o tulak-tulak ang kariton. Ang mga daga, ipis, at uod na nagpapakabusog sa mga tira-tirang pagkain. Ang mga kolektor na nakikinabang sa mga kalalabas na basura mula sa loob ng bahay. At ang mga kapwa nila mangangalahig. Kung tutuusin ang mga dumarating sa tambakan ay latak na lamang. Masuwerte na kung makapagbenta sila ng mga nakalahig sa halagang isandaang piso at makakuha ng mga tira-tirang pagkain na maaari pang lutuin. Hindi na sila talo sa mahigit apat na oras nang pangangalahig. Lampas na sa kalahati ang lalagyang sako ni Darwin. Mga plastik na bote ang kaniyang nakuha. May mangilan-ngilan ding plastik na baso at lalagyan ng cd. Subalit hindi pa iyon aabot sa

34


dalawang kilo. Nakita niya ang isang silag na plastik na may lamang tinapay. Dali-dali niyang kinuha ang kalahating monay na may palamang keso. Inalis ang mga namuong dumi. Pinagpag ang mga nakakapit na langgam. Ipinahid ang tinapay sa manggas ng kaniyang kupas na damit. Inamoy. Nang matiyak na maayos pa ang amoy ay unti-unti niyang inubos ang tinapay at ginawang panulak ang kaniyang laway. Nakita iyon ni Nestor. Lalo siyang naawa sa kanilang kalagayan. Tahimik niyang ipinagdasal ang kapatid. "Huwag ka sanang matulad kay Teresa. Makakaahon din tayo. May awa ang Diyos," bulong niya bago ipagpatuloy ang ginagawa. Takot siyang matulad si Darwin sa bunsong kapatid noong limang taong gulang pa lamang ito. Tatlong araw ding nagtae si Teresa matapos kumain ng pansit. At nang sumunod na dalawang araw ay nagsuka. Gustuhin man niyang ipasok sa ospital ang kapatid ay wala silang pera. Kahit bigyan ng resetang gamot ay wala silang pambili noon. Maligamgam na tubig lamang ang ipinainom niya. Minsan ay maglalagay ng mainit na tubig sa bote at iyon ang idadampi sa tiyan. Araw-araw namang pumupunta ang ama nila sa palengke upang humingi ng apdo ng manok sa mga kaibigang tindero. Gamot daw ito. Pahirapang pakainin si Teresa ng sariwang apdo dahil gumuguhit ang mapait nitong lasa sa kaniyang lalamunan. Halos isang linggo ring animo‘y lantang gulay si Teresa at ang tanging nagawa ni Nestor ay ang maawa at magdasal. "Darwin, tayo na. Baka naghihintay na sa atin si Teresa," aya ni Nestor sa kapatid. "Marami ka bang nakuha kuya?" tanong ni Darwin.

35


"Malas! Kaunti lang ang mga kalakal, pati puwedeng pakinabangang pagpag kaunti rin," tugon ni Nestor. "Hayaan mo kuya, sa susunod na buwan, tiba-tiba tayo. Marami na namang itatapong hindi nabiling karne, hamon, at prutas ang mga supermarket," paliwanag ni Darwin. Natanaw na ni Nestor si Teresa sa may bukana. Nilapitan nila ito at umuwi na sila. Hindi man lang napuno ang kani-kanilang mga sako. Si Nestor lang ang nakakuha ng makakain nila sa tanghalian – isang leeg at dibdib ng inihaw na manok. Pagdating sa bahay, pinaghiwa-hiwalay ng magkakapatid ang kanilang mga nakalahig. Magkakasama ang mga plastik, bote, bakal, yero, at mga kable na tanso ang laman. Itinatabi ang maaari pa nilang pakinabangan tulad ng napulot na tasa ni Teresa na basag lamang ang hawakan. Iniwan ni Nestor ang dalawang kapatid upang magluto ng pananghalian. Isinaing niya ang kalahating tasa ng bigas. Binanlawan naman ni Teresa ang mga plastik na bote at inalis ang takip at nakabalot na pangalan. Pinaghiwalay niya ang silag, puti, asul, at berdeng bote. Bago isilid sa sako ay kaniyang tinapakan upang mayupi. Si Darwin ay tapos nang iayos ang mga bakal at yero. Sinunog naman niya ang mga kable upang maalis ang balat at makuha ang tanso sa loob nito. Nang malapit nang maluto ang sinaing ay inihanda ni Nestor ang isang plangganang may mainit na tubig. Hinugasan ang dibdib at leeg ng manok. Binudburan ng asin. Isinalang ang isang maliit na kawali. Binuhusan ng maitim na mantikang maraming beses nang ginamit. Pagkatapos ay ipinirito nang matagal ang manok. Maya‘t mayang binabaliktad upang matiyak na mamatay ang anomang mikrobyo nito.

36


"Teresa, tawagin mo na ang kuya mo at kakain na tayo," utos ni Nestor. Pinagsaluhan nila ang kaniyang niluto. Sa kaniya ang leeg at pinaghatian nina Teresa at Darwin ang dibdib. "Kuya, saan tayo bukas? Kakaunti lang ang nakolekta natin," tanong ni Teresa kay Nestor. "Sa tambakan na lang, sa Lunes na lang ulit kami maghahanap ng mga kalakal at pagpag sa labas ng mga bahay at restawran," tugon ni Nestor. Linggo. Pagkatapos manggaling sa tambakan at mapaghiwahiwalay ang mga nakalahig, pinagsama nila ang mga nakuha nila mula Biyernes hanggang ngayon. Tinimbang upang hindi madaya ng matandang Intsik na si Rong na madalas ay binabawasan ang timbang ng mga kalakal. Walong kilo ng plastik, limang kilo ng yero at bakal, at kulang ng isang kilo ang tansong mahigit isang buwan ding inipon ni Darwin. Sa tantsa nila ay aabot ng lampas tatlongdaang piso ang kanilang kikitain. Pagdating kina Rong, tinimbang ang dala nina Nestor at Darwin. Ang inakala nilang higit tatlongdaang kikitain ay naging dalawandaan at pitumpung piso lamang. "Teka, bakit kulang ito? Gago ka ah, dinadaya mo na naman kami," reklamo ni Darwin matapos bilangin ang iniabot na pera sa kaniya. "Hindi kulang. Ngayon baba presyo kalakal. Ako lugi kapag hindi bago presyo," paliwanag ni Rong. "Baka naman po binawasan na naman ninyo ang timbang. O kaya hindi maayos ang turnilyo ng timbangan," hirit ni Teresa.

37


"Ako hindi gawa iyo sabi. Gusto mo timbang ulit inyo dala. Hindi ko kayo loko," naiinis na sabi ng matanda. Bago pa sila kagalitan, kamot-ulo nilang nilisan ang junk shop. Hinati ni Nestor ang kanilang kinita. Ang pitumpung piso ay para sa bigas at uling, limampung piso para sa ulam na sardinas o Lucky Me, tatlumpung piso para sa shampoo at sabong panlaba, tatlumpung piso para sa baon ni Teresa, tatlumpung piso para sa panggastos ni Darwin, dalawampung piso para sa kaniyang yosi, dalawampung piso na ihuhulog sa alkansiya at gagamitin kung may emergency, at ang dalawampung piso ay pandagdag sa pambili ng regalo para sa debut ni Teresa. Pagkakasyahin nila ito hanggang sa susunod na pagdadala ng kalakal kay Rong sa Miyerkules. Kung kulangin, aasa sa mga pagpag o baka suwertihin sa pangangalahig mula Lunes hanggang Miyerkules. Isang linggo bago ang kaarawan ni Teresa, umuwi itong sisinghot-singhot at mapula ang mata. Pinagkatuwaan na naman siya ng kaniyang mga kaklase. Sinigawan siya ng ‗tera-teresa, terateresa' dahil sa tira-tira ang kaniyang mga kinakain. Minsan kapag lumalapit siya sa kaniyang mga kaklase ay papagpagin nila ang kanilang mga gamit at akmang kakainin. Matapos painumin ng tubig ni Darwin ang kapatid upang kumalma, naalala niya na minsan na rin siyang ginawang sentro ng atraksiyon. Habang kinakain ang kapirasong hamburger na nakuha sa basurahang malapit sa department store, pinagtinginan siya ng mga tao. Nanlilibak ang mga tingin habang pabulong siyang pinaguusapan. Hindi niya sila pinansin. Minsan lang siya makatikim ng masarap na pagkain.

38


Nobyembre 30. Dinatnan ni Darwin na nagbibilang ng barya si Nestor. Umabot ng lampas tatlongdaan ang naipong pambili nila ng regalo. "Kuya, ang dami nito! Saan ito galing?" nagtatakang tanong ni Darwin. "Sa pangangalakal," sagot ni Nestor. "At huwag kang magalala, hindi ako gumawa ng masama. Hindi ako nagnakaw. Pinagpaguran natin iyan." "Natatandaan mo ba yong Wonder Toys bilihin mo yong manika na may buntot. Ang masosobra ay ibili mo ng paboritong tsokolate ni Teresa," bilin ni Nestor. Pagkatapos maghapunan. Iniwan ni Nestor na nag-aayos ng mga nakalahig si Darwin. Si Teresa ay naghuhugas ng kanilang pinagkainan. Isang oras din siyang naglakad papunta sa Brgy. Damayan na isang kalye nang magkakalapit na karinderya. Tumigil siya sa tapat ng Mang Cesar Karinderya. Umupo sandali upang magpahinga. Maya-maya ay lumapit at kinausap niya ang may-ari kung maaaring siya na ang kumuha ng mga tirang pagkain bago tuluyang itapon sa basurahan. Pinayagan naman siya. Dala ang tatlong supot ng plastik, matiyaga niyang hinintay na matapos ang bawat kakain. Kapag tapos nang kumain ang nasa isang lamesa, pupuntahan niya ito. Pipiliin ang mga tira-tira na maaari pang lutuing panghanda para sa kaarawan ni Teresa. Sa isang plastik inilagay ang kanin, sa isa ang mga karne at isda, at sa isa ang mga gulay. Pasado alas-onse na ng gabi. Kasunod niyang pinuntahan ang isang restawran sa Brgy. Makisig na limang kanto ang layo mula sa hanay ng mga karinderya. Hinintay niyang ilabas ang mga

39


garbage bag na naglalaman ng pagkain. Maya-maya pa ay magkasunod na inilabas ng isang lalaki ang dalawang garbage bag. Agad niyang pinuntahan ang mga ito. Binuksan at nakita ang maraming pagkain na sobra-sobra pa sa kanilang magkakapatid. Habang pinipili ang laman ng supot, hindi niya namalayan ang pagdating ng apat na binatilyo. Isang malakas na dagok ang tinanggap ni Nestor. "Ang lakas ng loob mong agawin ang teritoryo namin," sigaw ng matabang lalaki na may tatto sa braso. "Dito kami ang batas, kilalanin mo ang babanggain mo," singhal ng lider nila matapos pitsarahan si Nestor. Teritoryo ng apat na lalaki ang puwestong iyon. Palit-palitan siyang binigyan ng suntok sa mukha at tadyak sa tiyan. Ang tatlong supot na malapit nang mapuno ay pilit na inagaw sa kaniya. Kinuha rin ng mga binatilyo ang dalawang garbage bag na pinagpipilian niya kanina. Naiwang nakahandusay si Nestor sa gilid ng restawran. Madaling araw na nang nagkamalay siya nang gisingin ng mga barangay tanod. Sa kabila ng mga sugat at pananakit ng katawan, muling binalikan ni Nestor ang kalye ng magkakalapit na karinderya. Umaasang may makukuha pa upang pagsaluhan nila sa kaarawan ng kaniyang bunsong kapatid. Inisa-isa niya ang mga basurahan. Styrofoam na may lamang canton, kalahating supot ng bihon, limang ulo ng tilapia, at mga laman at buto ng pinaghalo-halong menudo, adobo, de patatas, afritada, at dinuguan -- sapat nang panghanda -- hindi na rin masama. Putok na ang liwanag ng araw nang umuwi siya. Natanaw siya ni Darwin nang siya ay paparating at paika-ika ang lakad.

40


Mabilis siyang sinalubong nito. Kinuha ang mga bitbit. Iniakbay ang braso sa kaniyang balikat at tinulungang makarating sa bahay. Pagdating nina Nestor ay tulog pa si Teresa. Agad kumuha ng pampunas at plangganang may tubig si Darwin. Pinunasan ang mukha ng kaniyang kuya. Kumuha rin siya ng pampalit na damit at short. Ikinuwento ni Nestor ang nangyari at pinakiusapan na huwag na iyong sabihin kay Teresa. Sinimulan na nilang ihanda ang mga napulot ni Nestor. Isa-isang nilinis ni Darwin ang mga laman ng baboy at manok. Samantalang hinimay ni Nestor ang isda at hinayaang nakababad sa tubig ang bihon at canton. Inadobo ni Darwin ang laman ng baboy at manok at nilagyan ng maraming sili — iyon ang paborito ni Teresa. Pinakuluan naman ni Nestor ang mga noodles ng pansit at canton. Muling iginisa at inilahok ang mga hinimay na isda. Habang nagluluto ang dalawa ay nagising na si Teresa. "Gising na pala ang aming prinsesa," malambing na bati ni Darwin at niyakap ito. Paika-ikang lumapit si Nestor sa kapatid at niyakap din ito. "Maligayang kaarawan bunso." Humihikab si Teresang nagpasalamat sa kaniyang mga kuya. Dalawang beses niyang kinusot ang namumungay na mga mata. Napansin ni Teresa ang pasa sa mukha ni Nestor. "Kuya, anong nangyari sa mukha mo? Bakit namamaga at may sugat?" nag-aalalang tanong ni Teresa. Subalit hindi niya sinagot ang mga tanong ng kapatid kung anong nangyari sa kaniya. Tumigil na rin si Teresa bago pa siya kainisan ng kaniyang kuya. Nang maluto na ang pansit at adobo ay naupo na sila sa may lamesa. Kinuha ni Darwin ang isang maliit

41


kandila, sinindihan, at itinusok sa isang cupcake. Napuno ng sigla ang masikip nilang bahay. "Happy birthday to you. Hey! Happy birthday to you. Happy birthday to you. Hooray!" masayang awit nina Nestor na medyo pumipiyok. "Mamaya mo hipan. Mag-wish ka muna," wika ni Darwin nang itapat niya sa labi ni Teresa ang kandila. Pumikit si Teresa. Matagal. Animo‘y marami ang hinihiling. Para sa kaniya, para sa kanilang magkakapatid. Pagdilat ay hinipan niya ang nakasindi nang kandila kandila. Inabot naman ni Nestor ang kanilang regalong manika at isang balot na chocnut na nakabalot sa diyaryo. Masayang-masaya si Teresa. Habang pinagsasaluhan nila ang handa. Naging makulimlim ang paligid. Gumuhit ang kidlat sa kalawakan. Sinundan nang malakas na kulog. Unti-unting umulan, malalaki ang patak. Tiningnan nila ang tanawin sa labas ng bintana. Masama ang panahon.

42


Silang Isinumpa’t Sumusumpa John Lawrence R. Capagalan

―Pinakuha ko na ang manok kay Andres, pinasundo ko na rin sa kanya si Mang Fermin para gawin ang pag-aalay at pagdarasal. Kailangan talaga, Cel, e. Anim na gabi na akong nananaginip. Dapat bago pa natin itayo itong bahay, e, nagpadugo na tayo!‖ ―Mag-aalas-sais na, e, bakit kasi kaninang hapon mo lang pinaalis si Andres? Gagabihin sila sa pagbalik dito, ipagpabukas na lang kaya natin? Nakapaghihintay naman siguro ang bahay para sa dugo,‖ biglang may naalala, itinuloy ang pagsasalita, ―sakto! Kaaayos ko lang ng kuwarto para kay Mang Fermin, e, dito na natin patirahin ang kaibigan mo. Para sa kanya talaga ang kuwarto sa itaas, di ba? Sabihin na lang natin sa almusal bukas. Tingin mo?‖ Napaisip si Giovanni, saka tiningnan ang oras, ―Oo naman, sabihan na lang natin sila pagdating dito. Saka para kay Fermin!‖ Nagngitian ang mag-asawa. ―Aakyat muna ako, Gio,‖ paalam ni Maricel sa asawa, tumango naman ang lalaki‘t dumiretso sa kusina para maghugas ng kamay. Lima ang kuwartong nasa ikalawang palapag ng bahay. Magkakaharap ang mga pinto ng apat, samantalang ang isa sa pinakahuli‘y nakaharap sa isang maluwang na espasyong may malaking bintana. Papasok na sana si Maricel sa kuwarto nilang mag-asawa nang mapansing bukas ang malaking bintana. Malakas

43


at malamig ang hangin. Puti ang kurtinang sumasayaw, at tagos na tagos naman ang kahel na silahis ng araw. Dahan-dahan siyang naglalakad papunta roon nang marinig niya ang malalakas at nagmamadaling katok sa pinto sa ibaba, mabilis siyang napabalik sa hagdan para dungawin ang asawa‘t sabihang buksan ang pinto. Tinungo niyang ulit ang bintana at isinara ito. Tinanaw niya ang mapunong paligid, papalubog na rin ang araw sa pagitan ng makakapal na ulap. Napalingon siya sa gawing hagdan nang may marinig na dumaraing, hindi maganda ang kutob niya sa mga sandaling iyon. Huminga siya nang malalim saka tinahak ang daan pahagdan, ilang baitang ang ibinaba niya.Sa maliit na siwang, nakita niya, ang sunud-sunod na pagtaga ng lalaki sa dibdib ng asawa. Tinakpan niya ang bibig na gustong sumigaw, ngunit nabigo naman siyang pigilan ang mata sa pagluha— ang tanging tugon ng katawan niya sa mga sandaling iyon na ang awa, takot, pag-ibig, at galit ay naging iisa. Nanlaki ang mata ni Maricel nang magtama ang tingin nila ng lalaking di niya kilalang lubos ngunit kilala na niya ang budhi— demonyo. Ngumiti lamang ito kay Maricel, saka sumigaw, ―Sinabihan ko na naman kasi kayo, aregluhin natin ang lupa ng bahay na ito. Wala, e. Inangkin ninyong lahat. Buong-buo! Ipinagdasal kong huwag nawa akong sumpain ng langit matapos ang gagawin kong ito. Maganda‘t matibay na ang bahay ninyo, pero sa palagay ko‘y hindi pa sasapat ang mga dugong ito!‖ Dahan-dahang hinugot ng lalaki ang itak sa pagkakabaon sa dibdib ni Giovanni, maririnig ang pagkirik ng laman at nabasag na buto. Dumudulas ang malagkit at sariwang dugo sa talim ng itak saka papatak sa sahig. Hinayaan ni Maricel ang lalaking

44


lumapit sa kanya. Unti-unti nang dumidilim sa loob ng bahay nang mga oras na iyon. Hindi na siya sumigaw, natatawa pa sa kanyang isip na mamamatay siya sa kamay ng isang itinuring na kamaganak. Nanginginig man at natatakot, nginitian nalamang niya ang lalaki‘t humingi pa ng paumanhin. Itinaas ng lalaki ang itak saka tumaga, sa ulo ang pinakamalalim. Tuluyan nang kinain ng dilim ang kalooban, ang tahanang ilang taon ding pinangarap, at pinagipunan ng mag-asawa. Napasandal ang lalaki sa gabay sa hagdan, saka tumayo nang tuwid, gamit ang bimpong baon ay pinunasan niya ang mukhang pawis na pawis at natilamsikan ng dugo. Sinunod niyang pinunasan ang itak, saka lumabas sa bahay. Mula sa malayo‘y nilingon ng lalaki ang bahay. Malalim na ang gabi nang dumating si Andres kasama si Mang Fermin. Napaluhod siya nang makita ang karumal-dumal na sinapit ng kanyang magulang. Natahimik siya, gusto niyang sumigaw, ngunit nangingibabaw ang nginig sa kanyang lalamunan. Ginusto niya ring umiyak. Pinahinga muna siya nang malalim ng matandang kasakasama. Pinaupo sa isang tabi‘t hinayaang maipahinga ang isip. Lumalamig pang lalo ang hangin sa gabi. ―Huwag kang tatawag ng awtoridad,‖ ang mabilis na paalala ni Mang Fermin. Napaangat ng ulo ang binata at nanginginig na nagsalita, ―Bakit, bakit? Baka hindi pa nakalalayo ang may gawa nito!‖ Sinubukan niyang tumayo, ngunit nabigo siya.Tuluyan nang tumulo ang luha niya. ―Tayo ang mapagbibintangan sa nangyaring iyan.Magiimbestiga ang mga pulis. Mauungkat na nagbebenta ka ng droga‘t madiiriin ka pa, anak. Ako ma‘y madiriin din dahil kasa-kasama mo

45


ako na nakadiskubre sa krimeng ito, na ako‘y may mga kasalanang nagawa sa nakaraan at ikaw na naikulong ay—‖ naputol sa pagpapaliwanag ang matanda. ―Nauunawaan ko, Tatang, dahil sa aking paglabas-pasok sa kulungan ay madiriin ako sa nangyaring ito, kahit malayo sa akin ang ebidensiya‘y ako ang makikita ng mga pulis na gumawa nito! Isinumpa na ata ako ng langit, ‗Tang,‖ nilapitan siya ng matanda‘t hinawakan siya nito sa mukha, itinuloy ni Andres ang pagsigaw, ―Wala na bang magandang mangyayari sa buhay ko? Bakit, bakit nangyayari ito? Bakit ako, bakit sina mama‘t papa? Walang hiya! Mga Walang hiya! Isinusumpa na ba ako ng mundo? Walang hiya naman, o!‖ Lalapitan na sana ni Andres ang kanyang mga magulang para yakapin, ngunit pinigilan ito ni Mang Fermin. Huminga nang malalim ang matanda, inalalayan ang mestizo‘t payat na pangangatawan ng binata, ―Magdasal na lamang tayo, anak. Ilibing natin sila nang maayos.‖ ang sabi nito. Pinagtulungan nilang ilabas ang bangkay ng mag-asawa. Hila-hila ni Andres ang ama, samantalang hila naman ng matanda ang bangkay ni Maricel. Gumuhit ang dugo sa sahig mula kusina, at dugo mulang hagdan palabas ng bahay. Bago tabunan ng lupa, binigyan muna ng oras ni Mang Fermin ang naulilang bente-tres anyos na binatilyong magluksa para sa kanyang magulang. Halos hatinggabi na nang mailibing ang mga bangkay. Tumayo si Andres, saka tinitigan ang kabuuan ng bahay. Nakabukas ang ilang bintana sa itaas, sumasayaw-sayaw ang ilang puting kurtina. Bukas din ang malaking pintuan sa harap ng bahay.

46


Sarado ang kamao‘t nanginginig niya‘t halos pabulong na sinabi,

―Hahanapin

ko

ang

may

gawa

nito,

hahanapin

ko…hahanapin ko!‖ May awa sa matang tinitigan siya ni Mang Fermin. Pitong taon mula nang gabing iyon, ang dating malaking tahanang tinitirhan lamang ng pamilya nila Andres at ng ngayo‘y katiwalang si Mang Fermin ay isa nang paupahan. ―Paupahan?‖ ang nabiglang sagot ni Andres nang magsuhestiyon si Mang Fermin na kinakailangan na nilang pakinabangan ang bahay nang lubos. ―Dumarami na ang tao rito sa bayan, Andres. Kitang-kita mo naman siguro ang laking pinagbago. Isa pa, lumalaki na ang halaga ng lupa rito, mapalad kang malaki-laki ang lupang namana mo sa ‗yong magulang. Mas mabuti na ring mayroon tayong dagdag na pinagkakakitaan. Magsisisenta-i-siyete na ako sa Hunyo, tumatanda na ako; ikaw rin, trenta na. Mag-iisa ka na lang kung sakaling mamatay na ako. Mas mabuti nang may naitatabi-tabi ka.‖ Iilan lamang ang bahay na nakatayo sa bayang ito noon. Naaalala pa ni Andres, sandaang puno ang layo ng pinakamalapit nilang kapitbahay dati. Ngunit ngayon, kabakod na nila ang pinakamalapit na bahay. Mula nang magbukas ng mga unibersidad, naglalakihang pabrika, at establisyimento ang lungsod ilang kilometro mula sa bayang tinitirhan nila Andres. Ang mapunong kapaligiran ay napalitan na ng mausok at bubunging tanawin. Nagiging maingay na ang lugar na dating tahimik. Tanaw mula sa bahay na ito ang naglalalakihang bakal na ginagamit sa pagpapatayo ng mga gusali. May ginagawa na ring malls sa

47


malapit. Naging tahanan ang bayan ng mga taong nakahanap ng trabaho sa lumalaking katabing lungsod. Minsan, habang nagkakabit ng mga marka si Mang Fermin para sa bawat kuwarto ng gagawing paupahan ay naitanong niya kay Andres, ―Bakit naglagay kayo ng maraming kuwarto para sa bahay na may tatlong miyembro?‖ Matagal na tiningnan ni Andres ang matanda, saka sumagot, ―Para kasi talaga ito sa malaking pamilya. Kaya lang, wala na ang mama at papa. Wala nang makapag-iimbita sa mga kamag-anak naming dito na lang tumira, ako na sana ang magaanyaya, kaya lang, lumaki ako sa malayo, nakulong pa ako no‘ng nagbente ako. Hindi ko nakilala ang mga kamag-anak namin, o ang mga itinuturing na kamag-anak namin.‖ Tinitigan lamang siya ng matanda saka itinuloy ang pagkakabit— 1A, at 1B para sa mga silid sa unang palapag; at 2A, 2B, 2C, 2D, at 2E naman ang mga silid na nasa itaas. 1A ang kauna-unahang kuwartong makikita pagpasok sa bahay, gawing kanan. Sa silid ding ito, na mahigit sa kalahating taon nang tinitirhan, naninirahan ang pamilya ni Juliet, siya, na apat na buwan nang buntis ay nabiyuda bago pa man niya malamang siya‘y nagdadalantao sa ika-anim niyang anak. Sa kabila naman ay ang 1B; limang buwan nang nangungupahan doon ang matandang si Augustus Mata, Gus, kung kanilang tawagin. Paikotikot lamang siya sa paupahang iyon, gising sa halos magdamag, maitim ang labi‘t malalaki ang lowat, at palaging may tatlo o kaya‘y limang

sigarilyong

hinihithit

nang

sabay-sabay,

parating

nakasandong puti, at nag-iisa. Ang mga anak ni Juliet sa tuwing

48


naglalaro‘y tila katuwaan nang magpanggap na pipi tuwing daraanan ang kuwartong iyon, o kaya‘y kakatukin saka tatakbo. Sa ikalawang palapag; pag-akyat, gawing kaliwa, ay ang 2A, ang kuwartong inuupahan ng pamilya Santos. Pamilyang binubuo nina: Britney, ang maybahay; si Julio, ang padre de pamilya; at ang nag-iisa nilang anak na si Junior. May apat na buwan na silang naninirahan sa 2A, katulad ng pamilyang naninirahan sa 2B; ang silid ng pamilya Corpus, tahimik ang pamilya, ipagtanong man kahit kaninong nasa paupahan. Huli ay ang

pamilya

Dimagiba

na

wala

pang

tatlong

buwang

nangungupahan sa 2C: si Narciso, ang ama, ay empleyado sa munisipyo; samantalang si Elena, ang mahinhin at butihing maybahay, ay dating sekretarya. Ang pamilya ay mayroong limang anak. Sa 2D naman nakatira si Andres at Mang Fermin— ang pinakamalaking silid at dating kuwarto ng magulang ng binata. Iniwang bakante naman ang 2E. Sa pitong taong paghahanap ni Andres sa pumatay sa kanyang mga magulang, wala pa rin siyang nakukuhang lead, wala siyang matatawag na ebidensiya, mayroon din siyang alinlangan kung tatawag ba siya ng pulis para tumulong. Pitong taon na ang lumipas, mahabang panahon na para tumawag pa ng tulong mula sa awtoridad. Nagkakape siya sa bakuran, isang umaga. Nag-iisipisip. Lumabas si Mang Gus, humihithit ng apat na sigarilyo sa bibig at umupo malapit sa kanya, nang maubos, unti-unti nitong dinura ang mga upos saka tinapak-tapakan. Tahimik si Andres na nakatingin sa kanya. ―Hindi ba‘t napakaganda ng bahay na ito,‖ ang bungad ni Mang Gus.

49


Inubos ni Andres ang kape, saka tumingin sa bahay, saka napansin ang nalulumot nang gilid-gilid at kumukupas na cream na kulay ng paupahan, napaisip kung totoong nagagandahan ang matanda o pasimple lamang itong nagsasabing papinturahan na ang paupahan. Magsasalita na si Andres nang magsalita ulit ang matanda. ―Dugo. Mukhang matibay ang bahay…‖ Napatigil si Andres. Itinuloy ng matanda ang pagsasalita, kumuha ng kaha ng sigarilyo, itinaktak at kinuha ang tatlong lumabas. Unti-unti itong sinindihan at isa-isang inilagay sa bibig, hindi malinaw ang pagkakasabi, ngunit may kahulugan ang mga ito para kay Andres, ―Pitong kuwarto. Malamig na hagdan at kusina. Salas. Maraming kuwento. May itinatago, may inililihim. Baka nga naisumpa pa o tinitirhan ng mga isinumpa‘t sumusumpa.‖ Napatingin na lamang ulit si Andres sa paupahang inilalarawan ng matanda. ―Aalis ka na?‖ tanong ni Mang Gus nang tumayo si Andres para pumasok sa paupahan. Tumango si Andres saka umalis. Lunes hanggang Biyernes, napakadalas sa isang araw na magkasalusalubong ang mga pamilya sa paupahan. Naging magkakalaro ang kanilang mga batang anak na nakikipaglaro rin sa anak

ng

dumarami

nilang

kapit-bahay.

Sabay-sabay

ring

pumapasok sa paaralan sa umaga ang mga ito, at sabay-sabay ring umaalis sa paupahan ang mga tatay at nanay para sa kani-kanilang mga trabaho‘t gawain. Abalang-abala ang lahat; tatahimik ang paupahan sa umaga, saka muling iingay sa hapon dahil magsisipaglabasan na ang mga bata mula paaralan, maglalaro sa

50


may kalsada o kaya ay maghahabulan. Saka babalik kapag maggagabi na, alas-singko; magsisipag-uwian na rin ang ilang galing sa trabaho, unti-unting magbubukas ang mga puti at dilaw na ilaw sa loob ng mga kuwarto. Iikot si Mang Gus sa nakikita niyang iyon. Mauupo siya, hihinga nang malalim at hihintayin ang halos sabay-sabay ring pagpatay sa mga iyon. Hudyat na alas-diyes na ng gabi. Tuwing Sabado naman at maaraw, nagsisipaglaba ng damit ang mga mag-anak saka isasampay iyon. Ang mga kurtina, punda, uniporme, damit sa bahay, at trabaho‘y nakasampay, sumasayaw. Tila maliliit na ibon naman ang naglalakihang mga sipit sa mga alambre at nakikiayon sa makukulay na mga tela. Naglalaban ang iba‘t ibang amoy ng sabong panlaba sa hangin at iikot ng ilang oras sa paligid. Samantala, Linggo ang pinakamainit na araw sa lahat, mahangin, nakapapayapa ng kalooban. Kumpleto ang pamilya. Lahat ng ito‘y nasasaksihang lahat ni Mang Gus na nasa upuang nasa harap ng bahay at naninigarilyo. Paulit-ulit din itong nangyayari sa loob ng limang buwang pananatili roon ng matanda. Ngayong magtatag-init na, ang unang tag-init na pagsasaluhan nilang lahat, sisipatin naman niyang maigi kung magbabago ba ang gawing iyon ng mga kasama niyang nangungupahan ngayong paparating na ang bakasyon. Marso 31, Sabado. Hindi inaasahan na magiging ganoon kabilis ang mangyayari na ikinagulat din ni Mang Gus na naninigarilyo sa labas ng paupahan. Alas-dos-i-medya ng madaling araw

nang

magbukas

ng

ilaw

ang

pamilya

Dimagiba.

Nangingibabaw ang iyak ng mga nangungulila, natatakot, at hindi malaman ang gagawin. Panay ang sigaw ng tulong at saklolo.

51


Maririnig din ang, ―Gumising ka, gumising ka!‖ boses iyon ni Elena at ng kanyang mga batang anak. Nagsipagbukas ng ilaw ang pamilya Santos at Corpus, maging sina Andres para sumaklolo at makialam sa nangyayari. Nagkakagulo ang palapag na ‗yon, nagbukas na rin ng ilaw ang nasa unang palapag. Nanonood lamang si Gus sa labas nang ilan pang sandali‘y dumating ang ambulansiya. Nakadungaw ang mga batang naalimpungatan sa pagtulog. Kasama naman ng limang batang naulila si Corazon, ang maybahay na Corpus. Nasa ibaba naman ang iba pang kasama sa paupahan, ganundin si Juliet na bitbit-bitbit ang isang batang umiiyak din. Sa narinig ni Mang Gus, hindi na raw gumising si Narciso. Pinakamaliwanag ang paupahan sa mga sumunod na gabi. Sa palagay ni Mang Gus, matatakot ang aninong pumasok at makiramay kahit na walang kasalanan. Sa salas, na isang malaking espasyo sa unang palapag nakaburol ang labi ni Narciso. Marami ang nakikiramay na mga kaibigan, pamilya, at halos araw-araw naman ang pagpapadala ng bulaklak ng alkalde, konsehal, at mga opisyal ng bayan. ―Ano bang nangyari, Elena?‖ tanong ng ina ni Narciso. ―Nagising na lamang po ako, mama. Nagising na lang ako na parang may kakaiba sa paghinga ng asawa ko. Parang sinisinok, malalim. Kinutuban na po kaagad ako,‖ tugon ni Elena, ―Kung alam ko lamang na ito na ang huling sandaling magkakasama kami, sana‘y nanatili na lang ako sa kanyang tabi buong araw. Ipinaglaba ko pa naman siya ng mga damit kanina‘t itinupi ang lahat ng iyon, inayos sa kanyang kabinet. Iyon na pala ang huling pagkakataon na

52


ginamit niya‘ng lahat ng ‗yon, na malalabhan ko ang kanyang mga damit.‖ Dugtong pa niya. ―Lakasan mo ang loob mo, lakasan mo lang, anak. Narito kami nila Papa mo, iha. May awa ang Diyos,‖ pagpapalubag ng ina ni Narciso. Napahagulgol na lamang ang babae at napayakap sa butihing ina ng asawa. Maraming nakikiramay hanggang sa mismong araw ng libing. Sa huling araw, nasa labas na ng paupahan ang karo. Huwebes iyon, ang nag-iingay na bayan ay tumahimik sandali‘t tila nakikiramay. Nagsimula na ang paglakad, nasa likod ang pamilya, saka ang mga nakikidalamhati. Sa kanilang pagdaan, maririnig ang kalansing ng mga barya‘t ang tilamsik ng ibinuhos na tubig. Pinagmamasdan lamang sila ni Mang Gus hanggang sa mawala sila sa kanyang paningin. Naiwan si Andres at Mang Fermin, at unti-unting pinakiramdaman ang bumabalik na ingay sa paligid. Ang araw ring iyon, sa maraming araw na dumaan sa buhay nilang dalawa, ay ang anibersaryo rin ng kamatayan ng mga magulang ni Andres. Ikaanim ng Abril. Mahina ang boses ni Andres, ―Nanaginip ako kagabi. Naglalakad daw ako sa bakuran ng paupahan, nag-iikot-ikot nang makita ko si papa. Nakayuko.‖ Napatingin si Mang Fermin, nagseryoso ng mukha. Itinuloy ni Andres ang sinasabi, ―Ilang beses ko siyang tinawag, hindi siya lumilingon, kaya nilapitan ko na, saka nagtanong ako kung bakit siya madungis at ang putik-putik niya. Sumagot siya, ‗Kalilibing lang sa akin. Nagtatanong ka pa.‘ Nagising na ako nang magtama ang mga mata namin.‖

53


Sumagot

si

Mang

Fermin,

―Kailangan

mo

lang

magpahinga.‖ ―Nga pala, kumukupas na ‗yung pintura ng paupahan. Baka kailangan na nating papinturahan,‖ ang nakatingin sa malayong sabi ni Andres. Tumango lamang si Mang Fermin, saka umakyat papunta sa kanilang kuwarto. Alas-kuwatro ng hapon nang makabalik ang mga nakipaglibing at nakiramay sa pamilya nina Elena. Ang salas na ilang araw at gabing nagliwanag at umingay ay unti-unti nang tumatahimik. Kasa-kasama pa rin nina Elena ang mga magulang ni Narciso. Nakikipagkuwentuhan sa ilang nakiramay. Nasa kanyang likod ang mga anak na nagpapaalam sa mga umaalis nang bisita. Kinabukasan,

alas-dos-i-medya

ng

madaling

araw.

Nakaupo si Mang Gus sa labas at naninigarilyong muli. Apat ang sigarilyong nakapasak sa bibig, umuubo man ay pinaglalaruan pa rin ang usok na nalilikha mula rito. Paumaga na, pero bukas pa rin ang ilaw sa kuwarto nila Andres. Naroon si Mang Fermin, nagpupunas ng bintana. Nang magkatinginan sila ni Mang Gus, tumango at ngumiti si Mang Fermin samantalang nagbuga lamang ng mas marami pang usok ang matandang naninigarilyo. Nagtalukbong lamang si Mang Gus at doon na nagpalipas ng magdamag. Usok ng sinisigaang dahon ang gumising sa kanya kinaumagahan. Nagwawalis si Juliet sa harapan ng paupahan, ngumiti siya sa kanyang mga anak at sa mga batang nagtatakbuhan at naglalaro, ngumingiti naman ang mga bata sa kanya. Sisigaw ito sa mga bata nang pabiro, ―Kumain na ba kayo? Parang hindi pa kayo

54


nagmumumog e dumiretso na kaagad kayo sa labas. Tingnan ninyo, o, me mga bakat pa kayo ng banig at tuyong laway sa pisngi, namamaga pa ang mga mata ninyo.‖ Hinatiran ng kape ni Juliet ang matandang si Mang Gus. Humingi ito ng paumanhin at nagising tuloy sa usok. Bata pa‘t maganda si Juliet. Wala pang trenta-i-singko, pero nabyuda na‘t mag-isang itinataguyod ang limang anak, at nagdadalantao pa sa ikaanim. Ngumiti‘t nagpasalamat ang matanda. Itinuloy naman ni Juliet ang pagwawalis, saka saglit na nagpahinga‘t umupo malapit kay Mang Gus. ―Ilag kayo kapag nagkakasalubong ni Andres?‖ ang bungad ni Mang Gus na ikinagulat ni Juliet. ―Hindi naman po. Matagal na po kaming magkakilala. Kaibigan po siya ng namatay kong asawa. Dito lang po kami tumira sa hiling ng asawa ko po, Mang Gus,‖ ang mahinhing tugon ni Juliet. ―Hindi iyan ang nakikita ko, e, o baka ‗di lang ako. Parang may kakaiba sa tingin niya sa ‗yo at ikaw sa kanya. Kapuwa may pag-ibig at galit.‖ Tahimik lang si Juliet, samantalang hinigop ni Mang Gus ang lumalamig nang kape. Umaga

iyon,

kaya

naman,

nagsisialisan

na

para

magtrabaho ang mga nasa paupahan. Alas-otso na iyon nang lumabas naman si Elena, nakaayos ang buhok, ismarte ang pananamit, maaliwalas ang mukha‘t may dalang mahabang envelope. Tumayo si Juliet para salubungin ang kapuwa niyang nabiyuda sa paupahan.

55


―Paumanhin sa nangyari. Kaya natin ‗yan. Kaunting tiyaga lang, para sa ‗ting mga anak.‖ ang bungad ni Juliet kay Elena. Pabiro ang tugon ni Elena, ―Tingnan mo nga naman, dalawa na tayong nabiyuda. Sinimulan mo ang sumpa, ngayon naman nasa akin na.‖ Napatawa si Juliet, saka nakangiting tumugon, ―Hindi naman.‖ Napatingin si Elena kay Juliet, saka nagtanong, ―May nalalaman ka ba kung saan ako pupuwedeng magtrabaho? Kailangang-kailangan kasing talaga.‖ ―Trabaho?‖ Napaisip si Juliet, ―Sa totoo lang, mayroon, sa ate ko, rekruter yun, legal naman, huwag kang mag-alala. Mayroon siyang agency sa kabilang lungsod. Panay nga ang kulit sa akin na magtrabaho na ako sa ibang bansa nang magkaroon naman ng pagkakakitaan at hindi umasa sa kaunting naipon ng asawa ko sa paghuhulog. Kung gusto mo, e, ire-recommend kita. Huling kulit sa akin nun nung nakaraan, e, nangangailangan sa Saudi.‖ Tumango-tango naman si Elena, ―Pupuwede bang ipasok ako roon? Kailangang-kailangan ko kasing talaga, e.‖ ―Sige, tapusin ko muna ‗tong pagwawalis, ha. Mag-usap tayo sa loob.‖ ―Sige, sige. Salamat! Hulog ka ng Diyos!‖ ang masiglang tugon ni Elena. Sa umaga ring iyon, mayroong bumisitang lalaki, si Ephraim. Nakasabay pa siya nina Elena at Juliet sa loob. Papasok sa silid 1A ang dalawang biyuda at paakyat naman ang lalaki. Nang kumatok sa 2A si Ephraim, ay pinatuloy siya ni Junior, na kaagad namang tinawag ang inang nagliligo pa sa banyo. Nang makilala ni

56


Britney ang lalaking dumating, inutusan niya ang anak na mamalengke. Nang masiguradong nakaalis na ang anak na dinungaw pa sa bintana para tiyaking nakalayo na nga, dahandahang nilapitan ni Britney ang lalaki. Tinanggal niya ang tuwalyang nakabalumbon pa sa basa‘t mabango niyang buhok. Kinagat niya ang labi para lalong mamula. Inamoy na maigi ni Ephraim ang buhok ng kasintahang may asawa na. Naglapit ang kanilang mga mukha. Hinabol nila ang labi ng isa‘t isa. Nang magpang-abot, madiin ang unang halik, at nang masundan ay kinarga ni Ephraim si Britney para dalhin sa kama. Tuwalya lamang ang saplot noon ng babae, na kaagad nahulog sa pagkakabuhat sa kanya ng lalaki. Makinis ang morenang pangangatawan, malusog ang dibdib, balingkinitan ang bata pang katawang bente-nuwebe anyos. Hindi naging madaya sa balat si Ephraim, nang ibaba niya ang wala nang saplot na si Britney sa kama, hinubad na rin niya ang suot niyang puting t-shirt at ipinakita ang maskuladong katawang batak sa pagkakargador sa palengke, nang huhubarin na ng lalaki ang pantalon ay pinigilan siya ng babae. Si Britney na ang lumapit, lumuhod at nag-alis ng sinturon, ang nagbaba ng zipper, at naghubad ng pantalon. Napatingin si Ephraim sa kisame. Napapikit. Matapos ang nangyari‘y humiga ang lalaki sa hita ng babaeng nagsisindi ng sigarilyo, saka nagtanong, ―Wala ka bang napapansing kahit na ano sa bahay na ito?‖ ―Wala naman. Tahimik, pero ayos lang, kani-kanyang buhay kung personal ang usapan. Hindi katulad ng ibang nalipatan naming ang sikreto ng isa‘y sikreto ng lahat!‖ ang pasigaw na tugon ni Britney.

57


Napatawa ang lalaki at bumangon, nagbihis, saka muling hinalikan ang babae. Nabuksan na niya ang pinto nang mula sa siwang ay ang sakto ring pagdaan ni Mang Fermin at ng isang matangkad na lalaki, si Andres. Dali-dali niyang isinara ang pinto. Nabigla si Britney sa pag-aakalang asawa niya o ang anak ang nakakita sa lalaking palabas ng kuwarto habang nakahubad siyang naninigarilyo; madaling nagbihis ang babae at sumilip. ―O, anong mayroon kay Andres, ‗yang lalaking ‗yan ang may-ari ng paupahang ito. Ano‘ng problema?‖ tanong ni Britney na nagtataka. Yumuko si Ephraim, pawis na pawis, nanginginig, ―Ah, wala…‖ Kinurot ng babae ang tagiliran ng lalaki. ―May nalalaman ka bang hindi ko dapat na malaman tungkol sa taong ‗yan o sa ‗yo kaya ka umiiwas? Ano, ano?‖ ang pasigaw na tanong ng babae. ―Huwag kang maingay!‖ at dali-daling tinakpan ang bibig ni Britney. Pinapalo ng babae ang kamay ng lalaki‘t pumipiglas, ―Ssshhh… ssshhhh… sasabihin ko na, basta‘t huwag mong sasabihin sa iba.‖ Inayos ni Britney ang buhok at ang nagusot na damit, ―Sige, ano, Ephraim?‖ ―Nakita ko siya, kitang-kita ng mga mata ko kung paanong ang lalaking iyan ay nagbibenta ng droga sa isang kapitan sa kabilang barangay noon, kung hindi lang ako kilala ng kapitan na nakasaksi, e, akmang papatayin na ako ng taong ‗yan!‖ ―Talaga ba? Aba‘y iba pala ang lalaking iyan. Malihim.‖ Tumahimik ang lalaki, ―Ito pa,‖ nakinig na maigi si Britney, ―Nakita ko rin siya, pitong taon na ang nakalilipas, sa

58


bahay ring ito. Kababalik lamang niya mula sa kung saan kasama ang isang kahina-hinalang matandang hindi ko na namukhaan. Hinihila nila ang bangkay ng isang babae‘t lalaki. Wasak na wasak ang ulo saka ang mga dibdib. Demonyo, demonyo talaga!‖ Katulad ng inaasahan ni Britney, mabigat nga ang narinig niya mula sa lalaki, ―Hindi ka ba nagsumbong sa pulis?‖ Tahimik lamang si Ephraim.Napaisip. Hinawakan ni Britney ang door knob, saka lumingon kay Ephraim, ―Sige, dumito ka muna, sisilipin ko muna kung nakapasok na ang lalaking iyan sa kuwarto niya‘t nang makalabas ka na, baka maabutan ka pa ng anak ko‘t maghinala sa ‗tin.‖ Sumilip si Britney sa pintuan at hinudyatan ang lalaki na dahan-dahang lumabas sa paupahang iyon. Nagkasalubong muli sina Ephraim, Juliet, at Elena sa ibaba. Masayang nag-uusap ang dalawang nabiyuda, samantalang takot na takot naman ang lalaking bumaba sa malamig na hagdan. Nai-text at natawagan na ni Juliet ang ate niya‘t sang-ayon naman ito dahil may employer na kaagad na tatanggap kay Elena pagdating sa Saudi. Natuwa pang lalo ang ate ni Juliet nang malamang may mga maliliit pang anak si Elena, sabi pa ni Juliet, ―Mahilig sa bata ang ate ko, dating teacher kasi. Matutuwa pa ‗yun dahil may makakasamang bata kung tatanggapin mo rin ang alok niyang doon ka na muna sa kanila tumira hanggang hinihintay mong matapos na maasikaso ang papeles.‖ Masayang-masaya si Elena, ngunit di rin maitatago ang kaba‘t pag-aalala sa buhay ng kanyang mga anak na lalaking wala siya‘t ang ama nila. Paakyat na si Elena nang makitang nasa pintuan si Britney at naninigarilyo. Nakatingala ito sa inaagiw nang mga

59


kisame ng paupahan at sa nagbabakbak nitong pintura. Humithit saka bumuga. Hinarangan ni Britney si Elena, saka nagtanong, ―Wala ka bang ibang nararamdaman sa bahay na ito?‖ Napailing si Elena. Nagtanong ulit si Britney, ―Ikaw ang may pinakamalapit na kuwarto kay Andres, wala ka bang napapansing kahit na ano?‖ Umiling ulit si Elenang nagtataka sa ikinikilos ni Britney. Nang sumunod na linggo, limang sigarilyo naman ang nasa bibig ni Mang Gus, sa ilalim ng punong mangga siya nagmamasid, nagbabantay. Hindi katulad ng maraming gabing nakasanayan na niya, ang ilaw sa 2C ang tanging bukas na ilaw nang magdamag na iyon, nag-iempake na si Elena. Saksi si Mang Gus sa pag-alis ng pamilya Dimagiba ng umaga ring iyon. Bakante na ang 2C. Nagpaalam si Elena sa lahat ng nakasamang pamilya. Niyakap siya nang mahigpit ni Ginang Corpus na napamahal na sa pagbabantay sa kanyang mga anak, at kakuwentuhang

madalas

ng

nabiyuda.

Labis

naman

ang

pagpapasalamat ni Elena kay Juliet dahil sa oportunidad at maraming payo. Ipinagluto niya ng relyenong bangus ang mga pamilyang kanyang maiiwan, para kila Britney na matalim ang tingin sa kanya, kay Ginang Corpus, at Juliet. Lilipat na muna sila sa tahanan ng ate ni Juliet, saka siya aalis patungong Saudi para magtrabaho. Pagkapasok sa kani-kanilang silid, kaagad na hinarap ni Juliet

ang mga plantsahing damit. Abala siya noon sa

pamamalantsa nang kumatok si Andres. Pinagbuksan ng babae ang lalaki ngunit hindi pinapasok ni pinatuloy.

60


―Ikaw na naman, Andres, hanggang kailan mo ba akong titigilan?‖ ang malakas na bungad ni Juliet sa nasa pintuang si Andres. ―Mahal pa rin kita…‖ ―May anim na akong anak, Andres. Tapos na tayo. Sampung taon na ‗yon. Namatay na ang asawa kong nagkataong ang pinakamatalik pang kaibigan mo.‖ Nalungkot lalo ang mga mata ni Andres saka mahinang tumugon, ―Hindi ko naman kasalanan.‖ ―Ano, Tadhana?! Sumpa?! Isinumpa?! Kulam?! Hula?! Ano pang palusot mo ngayon? Na isinumpa ka?

Sino pang

pagbabalingan mo ng dahilan mo, sino o anong sisisihin mo? Bakit ba ‗di mo pa tanggaping kasalanan mo ang lahat kaya namatay ang asawa ko?‖ unti-unting nababasag ang malakas na boses ni Juliet. Unti-unti na rin paggulong ng luha sa kanyang magkabilang pisngi. ―Patawarin mo na ako.‖ ―Ipinagkanulo mo ang kaibigan mo sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Droga! Droga! Nagbibenta ng droga ang asawa kong ni hindi man lang nakahawak ni sachet o pakete ng shabu, ni walang ideya sa itsura ng pinulbos na marijuana, sasabihin mong utak ng droga rito sa bayan?‖ Sasagot sana si Andres, ngunit hindi na naituloy pa nang magsalita si Juliet. Basag pa rin ang boses, ―Ang mahirap kasi sa ‗yo, hindi ka umaangkin ng responsabilidad. Lagi kang tumatakbo o kaya, o kaya,‖ huminga nang malalim si Juliet bago muling magsalita, ―o kaya naghahanap ka ng interpretasyon sa kamalasan at kasawian mo sa buhay, at pag wala ka nang mahita kakaisip, isisi

61


mo sa iba. Sa Diyos, ang mahirap pa, sa tao. Anong huli mong sisisihin? Itong bahay na ‗to? Baka dumating ang araw na pati ang paupahang ‗to may kasalanan na rin pati sa ‗yo!‖ Umalis si Andres at lumuluhang itinuloy ni Juliet ang plantsahing mga damit. Huling linggo iyon ng Abril, tirik na tirik ang araw at napakainit. Wala na ang sariwang ihip ng hangin, dumarami na ang itinatayong subdibisyon malapit, marami-rami na ang bumibiyaheng sasakyan. Tahol nang tahol ang mga asong nasa paligid ng paupahan. Nasa labas si Mang Gus, nagpapahinga sa lilim ng punong mangga. Nakahiga, nagpapahangin. Nagulat na lamang siya nang marinig ang nagsisigawang tao sa ikalawang palapag. Kapuwa takot at nagmamakaawa. ―Hindi na po, sir! Hindi na po ako aakyat pang muli rito,‖ pagmamakaawa ni Ephraim kay Julio, ang asawa ni Britney, nakatutok ang baril sa sentido ng lalaki. Nanginginig silang pareho—ang may hawak ng baril at ang tinututukan ng baril. Sa magaspang na karpet isinandal ni Julio ang ulo ni Ephraim. Hindi makahinga si Britney sa isang tabi‘t umiiyak, samantalang naroon at umaawat din, sina Junior, ang mga kapitbahay na sina Ginoong Corpus, at si Andres na katabi si Mang Fermin. ―Walang hiya kayo! Walang hiya talaga kayo!‖ sigaw na galit ng lalaki. Patuloy lamang sa pagmamakaawa si Ephraim na ipinagkikiskis pa ang dalawang palad saka yumuyuko‘t umiiyak. Natuluyang napatayo si Mang Gus sa narinig na putok ng baril. Mas uminit ang linggong iyon ng Abril, lumakas man ang hangin ay binawi naman ito kaagad ng araw, isang araw na nakasasaksi. Maya-maya pa‘y dumating ang mga pulis. Nakaposas

62


na bumaba si Julio, kasunod na inilabas ang nakataklob sa puting kumot na bangkay ng isang lalaki. Akay-akay naman ni Junior ang sumisigaw at umiiyak na si Britney—ang ikatlong ginang na nabyuda, hindi sa orihinal na asawa, kundi sa ibang pag-ibig. Mula sa

hagdan,

pababa,

ang

pamilyang

Corpus,

samantalang

nakadungaw rin sa pinto ng kanilang kuwarto si Juliet. ―Mamamatay

rin

naman

pala

siya.

Sana,

noong

nagdudroga pa ako‘t wala sa katinuan, tayo na sana ang nagpatumba sa lalaking iyan, Tatang. Hindi na sana nangyari ‗to. Hindi na sana makukulong ang kaawa-awang lalaki.‖ Ang bulong ni Andres kay Mang Fermin. Tumango-tango lamang ang matanda. Dahil sa sunod-sunod na nangyari‘y nabakante na ang 2A, di nagtagal ay binakante na rin ng pamilya Corpus ang 2B. Natira sa ikalawang palapag si Andres, at sa unang palapag—sina Juliet at Mang Gus. Ilang araw pa ang lumipas, nasa lilim na naman ng punong mangga si Mang Gus nang makitang nagliligpit na rin ng gamit si Juliet. Titira na siya sa bahay ng kanyang ate, kasama ang mga anak ni Elena. Delikado raw para sa isang babae na palapit na sa huling trimester ng pagbubuntis ang gayong kapaligiran, at walang kasa-kasama. Kaya naman, alang-alang sa mga anak ay lumipat na rin si Juliet at iniwan na ang paupahang iyon na naging tahanan niya ng mahigit sa kalahating taon. Mas lumamig ang mga gabi sa gitna ng tag-araw. Tanging ang 2D na may magdamagang ilaw ang nakikitang maliwanag ni Mang Gus sa tuwing gabi‘t nagbabantay sa madaling araw. Malungkot nang tingnan. Hindi katulad ng dating abala ang

63


lahat, wala na ang hinihintay niyang mga mukha. Wala na ang mga batang tumatakbo-takbo sa malawak na bakuran ng paupahan. Isa na lamang itong malungkot at tumatahimik na paupahang may naglulumot, kumukupas, at natutuklap nang pintura sa gitna ng nag-iingay at umiingay na bayan. Humithit siya ng sigarilyo, nakapagtatakang iisa na lamang ang nasa kanyang bibig. Kinaumagahan, natagpuan na lamang ni Andres ang malamig na bangkay ng matanda sa ilalim ng punong mangga. Nagpapahinga na‘t natutulog sa habampanahon. Sinagot ni Andres ang pagpapaburol sa matanda. Isang matandang ang dalaw ay tanging sila ni Mang Fermin. Nakaupo ang dalawa sa unahang linya ng mga upuan. ―Paano ba ‗yan, Andres,‖ ang panimula ng matandang si Mang Fermin, ―Tayo na lamang ang natitira ulit na nakatira sa bahay na ito.‖ dagdag pa niya. Napayuko si Andres, nababalisa ang boses, ―Isinumpa ba ang bahay na ito o gawa ito ng aking mga kasalanan, ng ating mga kasalanan?‖ Lumuha ang binata, saka malakas ang boses na dinugtungan ang sinasabi, ―o baka, o baka, naghihiganti na ang kaluluwa ng mga pumanaw sa bahay na ito, lalo na nina mama at papa? Naaalala mo ba ‗yung panaginip ko? Bumangon si papa, bagong libing lang daw siya. Baka senyales na ito. Baka senyales nga!‖ ―Andres, tahan na,‖ habang hinahaplos ang likod ng binata, ―May ikinuwento ang tatay mo rati, mga tatlong araw palang ang bahay na ito noon. Bagong-bago palang. Nanaginip daw siya, parehas ng panaginip mo. Ang kaibahan lang, sarili niya ang nakita niyang bumabangon sa hukay habang ang bahay—na ayon

64


sa kanya, e, hindi pa napapaduguan at alay—ay unti-unting nilulumot, kinukupasan ng pintura, saka muling mabubuhay ang mga ilaw sa bawat kuwarto, kaya lang, e, sunud-sunod namang namamatay, unti-unting lumulungkot, saka guguho. Para hindi raw mangyari

iyon,

kinakailangan

ang

pagpapadugo‘t

alay

sa

pagpapatayo nila ng bahay…‖ Naputol ang pagkukuwento ni Mang Fermin. Basag ang boses ni Andres, ―Bigo pa rin ako. Ang sabi ko, ang sabi ko . . .‖ umiiyak siya habang sinasampal ang sarili, ―ang sabi ko, ang sabi ko . . .‖ palakas nang palakas ang mga sampal, itinuloy niya ang sinasabi, ―hahanapin ko sila. Na hahanapin ko ang may gawa, bakit sila namatay!‖ Pinigilan ni Mang Fermin ang mga kamay ni Andres, napasubsob ang binata sa balikat ng matanda. Tinapik at marahang hinagod-hagod ni Mang Fermin ang likod ng binata. Nagsalita si Andres, nanatiling nakasubsob sa balikat ng matanda, umiiyak at basag pa rin ang boses, ―Baka talagang isinumpa ako, Tatang. Wala na akong ibang makitang dahilan bakit nagkakakdaletse-letse ang buhay ko. Baka, baka isinumpa na rin ang bahay na ito. Wala pang isang taon nating pinaupahan ang bahay, pero parang ang bahay na ang sumusuka sa mga bagong maninirahan dito. Bakit, bakit, bakit ganon? Isinumpa nga ata talaga ako!‖ ―Anak, sabi nga nila, tao ang sumusumpa‘t naniniwalang siya‘y isinumpa. Walang misteryoso rito sa bahay na ito. Pati ba naman talaga ang bahay e sinisi mo. Bahay lang yan. Walang sumpa-sumpa. Nasa tadhana at kilos natin ‗yon,‖ Tumayo si Andres, nagpahid ng uhog. Dumungaw sa nakaburol na si Mang Gus, ―Kasalanan ‗to ng bahay, di ba, Tanda!‖

65


Napakunot ang noo ni Mang Fermin. Hindi malaman kung siya o ang nakaburol ang tinatawag ng binata ng tanda. Ilang minutong nakadungaw lang si Andres sa kabaong ng pumanaw. Saka lumingon sa nakaupong si Mang Fermin na may hawak na tasa ng kape. Lumapit si Andres. Ngumiti. Walang muwang ang matanda sa ikinikilos ng binata. Bago sa kanyang paningin ang kilos ni Andres. ―Tatawag na ako ng tulong sa awtoridad,‖ ang sabi ni Andres kay Mang Fermin, ―Panahon na siguro para magdesisyon naman ako para sa sarili ko. Buong buhay ko, inuutusan ako. Buong buhay ring sumusunod ako. Kaya siguro galit ang langit at isinusumpa akong walang—‖ naputol ang pagsasalita ng binata sa malakas na pagtutol ng matanda. ―Hindi! Huwag! Anak, pitong taon. Pitong taon nating itinago, pitong taon o higit pa nating itatago ito!‖ ang tugon ni Mang Fermin. Ipinatong nito ang kape sa isang mesang malapit. Tumayo saka lumapit kay Andres. ―Pero ito ang tama, at dapat matagal na nating ginawa. Kung hindi siguro ako nakinig sa ‗yo na ilibing na lang ang mga bangkay, nakakahinga na siguro ako nang maluwag mula noon at sa natitira pang araw ng buhay ko. Wala na akong pakialam. Bahala na.‖ Kinuha ni Andres ang kanyang selpon saka tinawagan ang awtoridad. Awang-awa ang mga mata ni Mang Fermin sa ikinikilos ng binata. Napaluhod ito. Umiyak nang mas malakas, napatingin si Andres na kau-kausap ang mga pulis sa kabilang linya. Ilang minuto pa‘y maririnig ang pagdating ng mga pulis. Bago pa man pumasok ang mga pulis sa paupahan ay ilang putok na ng baril ang

66


kanilang narinig sa loob. Nang pasukin nila‘t lingunin ang salas— naroon

ang

isang

binatang

nakaupo,

isang

matandang

nakahandusay, duguan. Sariwa pa ang dugong umaagos at sumisingit sa mga kanto ng puting tiles, at isang matanda ring nakalibing. ―Siya ang may kasalanan,‖ habang turo-turo ang bangkay ng matanda, ―Kasumpa-sumpang matanda! Ang tagal kong hinanap, narito lang pala!‖ Marami ang taong nakikiusyoso sa nangyayari. Habang nakaposas at guwardiyado ng pulis, hinarap ni Andres ang kabuuan ng bahay. Bukas ang mga bintana sa itaas, wala nang kurtina ang mga iyon. Madilim sa loob. Sa unang palapag lamang ang may ilaw; puti, dilaw dahil sa lamay at repleksiyon ng asul at pulang ilaw mula sa mga sasakyan pulis. Nilulumot na ang gilid-gilid ng mga pundasyon, nagbabakbak at kumukupas na ang cream na pintura

ng

paupahan.

Nakabukas

ang

malaking

pintuang

pinapasukan ng mga nakaunipormeng tao, nilingon niya rin ang bakod na binabakuran na ng dilaw na linya. Saka siya tumalikod sa bahay, nilingon-lingon ang mukha ng mga taong bago sa kanyang paningin. Hinawakan ng pulis ang kanyang batok at pinapasakay sa mobil ng pulis. Mula sa malayo, sa hindi niya matiyak kung huli na nga bang pagkakataon. Sinilip niya sa bintana ng sasakyan ang bahay. Isang tahanang binuo ng pangarap, pinatibay ng dugo, at naging saksi sa maraming kuwento‘t kamatayan. Gusaling mananahimik sa gitna ng umiingay at nag-iingay na bayan.

67


Sa Likod ng Ulan at ni Ulap Sigrid T. Polon

―Pagod na pagod na ako.‖ Matamlay na naghihintay. Nakaupo siya sa backstage at naghahanda para sa question and answer portion ng sinalihan niyang pageant. Ramdam niya ang bigat ng iba‘t ibang kolorete sa kanyang mukha. Kasimbigat na yata ito ng nararamdan sa kanyang dibdib. Hindi na rin mabilang sa daliri kung ilang beses na siyang sumasali sa mga pageant. Ang kanyang nanay kasi, bata pa lang ay hilig na siyang isali sa kung saan-saang event. ‗Andyan ang Ms. Brgy.Poblacion, Binibini ng Barangay Sta. Ines, Reyna ng Ilangilang, Mutya ng Paso-doble, at marami pa. Minsan pa ay biniro siyang pasasalihin sa pageant para sa mga bakla. Pero sa lahat ng bawat entablado na kanyang tinungtungan, ni minsan ay hindi pa naging sentro ng atensyon ang kanyang kagandahan. Minsan lamang kung mag-runner-up o kaya naman ay Miss Friendship o Miss Congeniality pampalubag-loob. ―Maganda naman ako, a. Malaki rin naman ang boobs ko!‖ iyan ang lagi niyang sambit. Sa isip-isip niya ay baka kita na rin nila ang pagod sa likod ng kanyang mga ngiti. ―Welcome back to Binibining Sining Ganda 2017! Para sa ating question and answer portion, tinatawagan natin si candidate #5, Ms. Rain Mae Santos!‖

68


Kabadong rumarampa. Unti-unting humakbang papunta sa gitna ng entablado si Rain. Nabibingi ang kanyang tainga at tila bumabaligtad ang tiyan. Kahit makailang ulit na ang ganitong pangyayari ay hindi pa rin niya magawang masanay. Mabagal ang kanyang paghakbang na parang nagdedebosyon sa mga santo. Nagdarasal sa kanyang isipan na sana madali lang ang katanungan. Na kahit sa gabi lang na iyon, bagsakan siya ng espiritu ng katalinuhan. Dumating na ang oras. Bago pa bigkasin ng taong nasa tabi niya ang tanong ay narinig nito ang sigaw ng matalik na kaibigan, si Ulap. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili dahil ayos lang sa kanya mapahiya sa harap ng mga tao; pero hindi kay Ulap. Nagsimula nang bigkasin ang kanyang katanungan. Bawat salita ay isang butil ng pawis ang dumadaloy sa gilid ng kanyang mukha. ―Sa iyong palagay, ano ang pinakamalaking problema na kinakaharap ngayon ng bansa at paano natin masosolusyunan ito?‖ wika ng tagapagsalita. Umiling ang kanyang utak. Mali ang minutawi niyang salita. Hindi niya nasagot nang maayos ang katanungan. Ang naging sistema ng pagiging tensyonado niya ay nauwi sa pagiging panlima sa kompetisyon. Patuloy lang sa pagkuda ang kanyang nanay sa mga kumare niya kahit tapos na ang laban. Hinanap niya ang kaibigan sa kumpulan ng mga tao. Sa hindi kalayuan ay naroon na nga si Ulap, at bumalik ang kanyang sigla nang lumapit siya at yakapin nito. Masaya ito na makita ang kanyang matalik na kaibigan na patuloy na lumalaban. Kahit

69


madalas na sawi, para sa kanyang kaibigan, ang mahalaga ay sinubukan. Kinabukasan ng panibagong realidad. Nasa ikatatlong taon na sa kolehiyo sa may Morayta si Rain sa Business Management samantalang ikaapat na taon si Ulap at kasalukuyang nag-aaral ng Fine Arts. Nagkakilala noong huling semestre. Iregular na estudyante si Ulap at naging magkaklase ang dalawa sa Retorika. Nahulí siya para sa kanyang exam, at kanyang nakatabi si Ulap na laging sa likuran maupo. Wala siyang alam sa mga nangyayari. Kawawang papel, kay linis pero walang laman. Liligid-ligid ang mga mata niya hanggang pasimpleng kinalabit ni Rain si Ulap sa bandang tadyang, kung saan may kiliti ito. Napabalikwas si Ulap at napasigaw nang kaunti. Buti na lang, magaling siyang magpigil. Nagkatinginan sila ni Ulap. Inihugis niya sa kanyang labi ang salitang ―pakopya‖. Hindi naman siya maramot tulad ng ibang matalino sa klase. Lubos ang saya ni Rain. Sa wakas, kumpyansa siyang makakapasa. Pinasalamatan niya si Ulap at inayang kumain. Minsan lang biyayaan ng isang matalinong kaibigan, ika ni Rain. Pagtanggi ang isinagot niya rito kahit sa loob niya ay gusto naman talaga niya. Naghihintay lamang siya ng pagpilit. At ‗yon nga ang ginawa ni Rain kaya nagsabay kumain ang dalawa. Simula na ng pagkakilanlan. Nagkabatian. Kwentuhan. Sa una‘y nahihiya, pero kinalaunan ay nawawala. Lagi nang sa likuran umuupo si Rain. Pakay niya ay para makapasa na nang tuluyan sa impyernong semestre na ito, hanggang sa hindi nagtagal, naging malapit na ang dalawa. Naglalaho na ang walang kwentang dahilan ng pagkakaibigan. Napapalitan na ito ng

70


kakaibang saya kapag sila ay magkasama. Kapag magkahiwalay naman ay tila naiinip sila sa buhay. Sa madaling salita, nasanay na ang dalawa sa presensya ng isa‘t isa. Ang pagiging komportable. Isa sa aspekto ng matatag na pagkakaibigan ng dalawa. Hindi sila nauubusan ng kwento. Madalas nilang puntahan ang Kapihan sa Langit, pangalan ng kapihan sa tapat ng eskwelahan nila. ‗Andoon sila para magkape at magkwentuhan.Minsan

kahit

saan,

mapahayop,

tao,

lugar,

pangyayari. Kwento tungkol sa pangarap ng nanay ni Rain na maging isang beauty queen noong kanyang kabataan. Kung paano kinakaharap ng pamilya ni Ulap ang bawat problema nang may ngiti. Nariyan din ang tawanan habang pinag-uusapan ang mga lalaking dumaan sa kanilang buhay. Walang luha ng kalungkutan, bagkus, tuwa sa bawat aral ng nakaraan. Naikwento na rin nila ang istorya sa likod ng kanilang mga pangalan. Umuulan noon habang nanganganak ang nanay ni Rain. Natuwa ang kaniyang magulang na kinaya nilang umabot sa ospital sa tindi ng ulan kaya naisipan ng kanyang tatay na ipangalan sa kanya ay Rain. Pero sa likod ng bawat pagsubok, katulad ng kanyang mga magulang, kakayanin niya. Kaya noong namatay ang tatay niya, kinaya nilang magpakatatag. Ang ina naman ni Ulap ay mahilig tumingin sa kalangitan. Sa kahit anong problema, ang pagtingin lamang sa langit ang kanyang ligaya at kinahuhumalingan nito. Masaya ang dalawa sa kagandahan ng kanilang pangalan. Nakatutuwa nga at konektado ang kanilang mga pangalan. Ang tunay na tinatangi. Nasa klase si Rain habang pinoproblema ang gawain sa eskwela. Bukas na ang pasahan ng report ngunit wala pa siyang nagagawa. Isip niya ay magagalit si

71


Ulap kapag nalaman na hindi pa siya nakagagawa. Ngunit naisipan niya rin na magpatulong dito. Kinagabihan ay bumisita si Rain sa bahay ni Ulap at napagpasiyahang doon na matulog. Nagbaon ito ng paborito nilang kape sa Kapihan sa Langit. Walang magawa si Rain at nakatutok lang sa telebisyon habang umiinom ng kape. Hindi na rin naman siya makapag-ambag ng ideya dahil si Ulap na ang gumagawa nito para sa kanya. Nakatitig lamang siya rito. Dahan dahan na sinuri ang bawat bahagi sa kanyang mukha. Pababa. Hanggang sa lantad nitong hita. Pababa. Hanggang sa makikinis nitong mga binti. Pataas. Papunta sa labi. Konting taas pa. Mula sa seryoso nitong mga mata. Iba ito sa kanyang pandama. Umiinit ang kanyang balat sa natatanaw. Pilit nang lumalapit ang katawan niya na tila hinihila siya ng malakas na pwersa mula sa kung anumang uniberso. Nais niyang magpahatak sa pwersang ito ngunit baka panandaliang sensasyon lamang ito. O baka sa kanyang mga galaw ay magkamali siya. Ngunit gusto niyang subukan. Susubukan niya. Ang paglapat. Inilapit ni Rain ang kanyang mukha kay Ulap. Saktong papalingon din ito sa kanya. Gulat ang unang naging reaksyon ng dalagang unang nakatikim ng halik mula rin sa isang dalaga. Habang si Rain ay nakapikit dahil sa wakas, nawala na ang sigwa na nagpapasikip sa kanyang dibdib. Siya lang pala ang hinahanap niyang paghinga. Dumilat siya upang makita si Ulap na nakapikit din. Dama na rin ito ni Ulap. Higit sa salita. Hinarap nila ang isa‘t isa. Wala sa kanilang makaimik sa nangyari na tila ba panaginip lamang ito. Bigla na lamang tinablan ng hiya si Rain sa nangyari. Kinakabahan siya sa patuloy na pagkatulala ni Ulap. Bibilang siya. Kapag umabot

72


na ng tatlo at wala pa rin nagsasalita ay magpapaalam na siya para umuwi. Isa. . . dalawa. . . at bago pa man niya sabihin ang tatlo sa kanyang utak ay nakita niya ang ngiti nito. Isang makabuluhang ngiti. Ngiting paninigurado. Inilahad ni Ulap ang kamay nito at nagsalita, ―Oo na. Sinasagot na kita.‖ At saka sila nagtawanan. Niyakap niya ito nang mahigpit. Paghuhubad ng sarili. Halos laging magkasama at hindi na mapaghiwalay si Rain at Ulap. Tatlong buwan na. May pangamba pa si Ulap kung kaya na nilang ilahad ang relasyon nila dahil sa mapanghusgang mga mata sa paligid. Wala namang pakialam si Rain sa sasabihin ng iba wari niya ay hindi naman sila ang nagmamahal. Basta ngayon, siya ay masaya. Maraming kaibigan ni Rain ang nagulat sa paglalantad niya ng kanilang relasyon. May ibang nagkomento na baka naguguluhan lang siya o kaya ay kung anong gayuma ang pinainom sa kanya. Ang iba ay nagtatanong pa kung hindi ba siya makahanap ng lalaki kaya babae na lang ang pinatulan niya. Hindi na lamang niya ito pinansin. ―Masasanay rin sila,‖ ika niya. Pagkatapos ng klase ay tumungo na siya sa gate ng eskwelahan upang abangan ang nag-aantay na si Ulap.

Ngiti

ang

salitang

isinalubong

nila

sa

isa‘t

isa.

Napagpasyahan nilang maglakad-lakad muna bago sumakay pauwi. Ang

pagtanggap.

Kahel

na

ang

langit

na

nangangahulugang papalubog na ang araw. Hindi alintana ang ingay ng kalsada na puno ng mga sasakyan at tao. Patuloy lang ang kanilang paglalakad hanggang sa naalala niya ang pag-amin niya sa kanyang mga kaibigan at ikinwento niya ito kay Ulap. Pumasok sa kanyang isipan na baka panahon na rin para umamin sa kanyang nanay. Mahigit tatlong buwan na rin at sapat na siguro ‗yon para

73


maging tapat at handa na silang harapin ito. Aamin sila ngayong gabi. Maiintindihan din nila. ‗Yan ang laging iniisip ni Rain. Positibo lang ang kanyang pananaw sa mangyayari. Habang nasa hapag-kainan ay luminga siya sa kumakain niyang nanay. Pagkabilang ng tatlo, mabugahan man siya ng pagkain galing sa bibig nito ay ayos lang. Pagod na siyang magtago. Isa. Dalawa. Tatlo.

Ang mundo ay para lamang sa karaniwan. Ganyan na nga ang lumilipad sa isip ni Rain habang nakatingin sa kawalan. Rinig ang hiyawan. Tiningnan niya ito at nagmasid ang kanyang mga matang nangungusap na sana, sa likod ng mga taong ito, ay makita niya ang kanyang mahal. Ngunit wala. Nagmasid pa siyang muli at natanaw ang kanyang nanay. Mahal niya rin ito. Gagawin niya ang lahat sa ikaliligaya niya. Ang pangarap ng kanyang ina sa kanyang sarili ay kailangan na maging pangarap niya rin sa sarili. Iyon ang itinuro ng nanay ni Rain sa kanya. Hindi dapat siyang sumuway dahil mahal niya ang kanyang nanay. Higit sa sarili. Narito muli sa entablado. Itinapat sa kanya ang mikropono at tinanong, ―Kung may babaguhin ka sa iyong nakaraan, ano ito at bakit?‖ Alam niya ang sagot ngunit sa pagkakataong ito, mas takot siyang sumagot. Dati ay wala siyang pakialam sa panghuhusga. Ngayon, hindi na niya alam. Mangingiyak-iyak siyang sumagot, ―Wala ho siguro, lahat naman ng nangyari sa akin dati, ginusto ko naman. Pinili kong sumunod at pinili ko ring sumuway. Pinili kong magmahal. Pinili ko ring masaktan.‖ Nagpalakpakan ang mga tao

74


sa paligid. Nagpasalamat na ang tagapagsalita ngunit may bumabagabag pa rin sa kanya. Inagaw niya ang mikropono. ―Sandali lang ho. May gusto po sana akong aminin. Sa lahat ng pageant na sinalihan ko, ngayon lang naging totoo ang sagot ko. ‗Di ko alam, siguro habang tumatanda tayo, mas nakikita na natin ang pagkakamali natin. Gayundin ang pagkukulang sa sarili. Pagod na ako, ‗yan ang lagi kong sinasabi sa aking sarili. Lagi kong iniisip ang kaligayahan ng iba. Sa pagkakataong ito, nais kong sundin naman ang personal kong kaligayahan dahil pinili ko ito. Pinili kong magmahal ng aking kapwa babae.‖ Isang katahimikan ang bumalot sa buong lugar. Iba‘t ibang reaksyon. Pagkamangha. Pagkamuhi. Pandidiri. Pagtanggap. May iba pang naluha sa ginawang rebelasyon ni Rain. Sa katapangan na kanyang ipinamalas, naiuwi niya sa wakas ang korona. At nawa ay makuha niya naman ang pagtanggap sa kanyang nanay. Sumpa kita. Habang nasa klase ay naalala ni Rain ang linyang iyan mula sa isang libro na kanilang binasa nang sabay ni Ulap. Sumpa kita. Ang ibig sabihin daw nito ay pangako sa iyo. Natuwa si Rain sa katagang ito kaya lagi niya itong sinasambit kay Ulap. Noong una ay katuwaan lamang hanggang sa nabighani na siya sa kalaliman ng salitang ito. Nais na niyang makita ang kanyang Ulap. Gusto na niyang bumalik sila sa dati ng kanyang minamahal na Ulap. Pero, paano? Kung siya na mismo ang kusang nagpalayo rito. Paano? Kung tuluyan na talaga siyang layuan nito. Paano kung siya na lang ang may nais ipagpatuloy ang relasyon na mayroon sila? Pero, paano kung wala na?

75


Alas-sais ng gabi. Isang oras nang naghihintay si Rain sa isang kapehan sa may Espana Avenue. Ang iba ay pinagtitinginan na nga siya. Akala siguro ay hindi siya sinipot ng boypren o kablind date niya. Kaunti na lang. Sampung minuto pa, tumunog ang bell ng pintuan at nakita niya si Ulap. Umupo ito sa kanyang harap. Malungkot ang mukha. Hindi makatingin nang tuwid sa kanya. Nagsimulang

magsalita

si

Rain

at

humingi

ng

tawad.

Nagpaliwanag. Ngunit wala siyang narinig na kahit na ano mula kay Ulap. Sinubukan niyang abutin ang kamay nito, ngunit kusa na itong umiwas. Siguro ay hindi pa ayon sa kanila ang panahon. O talagang hindi sila naaayon, wari niya. Mapaklang ngiti ang siyang ipinakita ni Ulap. Walang magawa si Rain kundi mapapikit. Sumisikip ang kanyang paghinga. Bumabalik ang mga alaala. Ngayon, siya na lamang mag-isa. Kailangan niya nang masanay. Bago magpaalam si Ulap na umalis ay pinigilan ito ni Rain. Sa tuwing masaya siya o malungkot, lagi siyang tumitingin sa langit. Kahit gabi at walang ulap na matanaw sa kalangitan, alam niyang naroroon ito at nagtatago lamang sa likod ng dilim. Laging may ulap at hindi ito nawawala, sambit niya.

Sobrang presko sa Metro. Alas-siyete ng umaga ay amoy na agad ang usok ng iba‘t ibang sasakyan. Mga hindi magkandaugaga na taong walang pansinan kahit magkabungguan sa kalye. Siksikan sa LRT. Hindi pa man naghahapon ay amoy araw na agad ang iyong uniporme. Wala pa man sa iyong paroroonan, bagsak na ang iyong katawan. Paglabas pa lamang ng bahay ay isusukbit na niya ang kanyang bag sa harapan. Pasak ng earphones sa tainga. Ganyan ang estado ng buhay ni Rain sa kasalukuyan.

76


Tatlong buwan pa lamang siyang nagtatrabaho sa isang kompanyang pinapasukan niya sa may Monumento. Ang boring ng kanyang araw-araw. Minsan o madalas ay hinihiling niyang may mangyari sa kanyang kakaiba. Pero, sa hindi masamang paraan, ha. Habang humihikab ay napalingon siya sa kasunod na bagon ng LRT at halos lumuwa ang kanyang mga mata. Naroon, habang nakapasak din ang earphones sa tainga, si Ulap. Nasa Tayuman station na nang natanaw niya itong papalabas ng tren. Dali-dali siyang nakipagsiksikan sa kumpulan ng mga pumapasok na pasahero. Nang makalabas na ay luminga-linga siya para makakita ng bakas ni Ulap. Kaliwa, kanan at iyon! Naglalakad na siya papunta sa pababang hagdan. Nagmadali siya at sumingit para lang maabutan siya. Hindi bale nang magalit ang sinisingitan niya, mahabol lamang niya si Ulap. Pagkaraan ay hinabol niya ito pababa hanggang sa nahawakan na rin niya ang palapulsuhan nito. Napalingon si Ulap sa hinihingal na si Rain. Habang hinahabol ang hininga ay iniisip na niya ang kanyang sasabihin. Isa. Dalawa. Hingang malalim.Tatlo. "Hello. Kumusta na?" "Okay naman. Ikaw?" "Ayos naman din." Isang mahabang katahimikan sa gitna ng kaingayan. Sa pagkakataong ito, alam ni Rain, huli na siya sa kanyang trabaho. At sa puntong iyon, wala na rin siyang pakialam doon at sa kahit ano pa man. Ang mahalaga kay Rain ay nasa harapan niya. Siya lang. "Gusto mo ba magkape?" Sabay silang ngumiti.

77


Kung Paano Nagsimula ang Lahat (O Kuwento ng Puta at ng Kaniyang Manunulat) Danilo P. Ellamil Jr.

Nagsimula ang lahat nang magisíng ako isang madaling-araw na nagnanasang isulat ka. Kaagad kong kinuha ang resibo mula sa Jollibee na pinagkainan ko kanina at ang itim na ballpen sa aking bag. Sa likod ng resibo, sinimulan ko ang iyong kuwento sa pamamagitan ng isang salita: Puta. Puta. Hindi na bago ang salitang ito sa ‗yo. Sapagkat kahit pagbali-baligtarin man ang situwasyon mo, walang magbabago sa kung sino ka ngayon. Ngunit, bílang isang karakter sa kuwento, hindi ka naman nabúhay na isa kaagad na puta. Mayroon ka pa ring nakaraan, kagaya ng normal na tao; kagaya ko, na iyong manunulat, na iyong tagapaglikha. Maaari kong sabihin na noon ay isa kang bata na nakatingin sa kalangitan, ginagaya ang mga bida sa teleserye o pelikula. Humihiling. Ngunit, walang mga talàng makikita sa lungsod. Kaya nakatitig ka lang sa itim na kalangitan at inuusal ang pangarap na maging artista balang-araw. Ngunit, kung ganoon ang ipakikita ko sa ‗yong nakaraan, magiging mahaba ang daloy ng kuwento. Ilalahad ko pa kasi kung ano-ano ang mga nangyari kung bakit ka naging isang puta mula sa isang simpleng bata. Upang mas maging madali, sisimulan ko ang iyong búhay nang mai-stroke ang iyong nanay, dahilan upang tuluyan kayong

78


maitapon ng tadhana sa kamay ng kahirapan. Nagkataón din na kae-endo lang ng iyong tatay sa pabrikang pinagtatrabuhan niya. Wala na kayong pag-asa. Kung magkakaroon ka ng pelikula, bagay na bagay rito ang pamagat na Walang-wala na binaggit din sa pelikulang Ang Babae sa Septic Tank noong 2011. Gayunpaman, hindi kita igagaya kay Eugene Domingo na nahulog sa septic tank. Masyado kang maganda upang isama ko sa mga dumi ng tao. Mula nang nangyari ang lahat ng iyon, hindi mo na nakikíta ang ganda ng inyong bárong-bárong. Noon ay nakikíta mo ito bílang isang obra, kagaya ng mga ipininta ni Vicente Manansala.

Isang magandang

hulagway

ng karalitaan sa

Kamaynilaan. Dito mo binuo ang iyong mga pangarap, dito mo natutuhang ibigin ang pag-asa. Ngunit ngayon, damang-dama mo na ang inyong kahirapan. Pakiramdam mo‘y pasan-pasan mo ang lahat, na tila ikaw ang ina sa Madonna of the Slums, ngunit hindi iisang sanggol ang iyong buhat-buhat, kung hindi ang iyong limang kapatid, ang nanay mong nai-stroke, at ang tatay mong hindi man lang magawang maghanap ng trabaho. ―Nakatulala ka na naman.‖ Napatingin ka sa iyong kalapit. Si Arlyn, o mas kilala sa tawag na Mariposa sa

bar na iyong pinagtatrabahuhan.

Kasalukuyan itong naglalagay ng kolorete sa mukha habang nakatingin sa salamin. Napansin mo ang iba n‘yo pang kasama na nag-aayos na rin. Ikaw na lámang ang walang make-up sa mukha at hindi nakasuot ng manipis at maikling saplot sa katawan. ―Iniisip ko kasi kung paano ko maibibili ng gamot si Nanay. Paubos na rin ang mga diaper niya,‖ sagot mo.

79


Si Rose, ang kapatid mo na sumunod sa ‗yo, ang nagaalaga sa iyong nanay.

Ito ang nagpapakain, nagpapaligo,

naghuhugas ng puwit, naglalagay ng napkin, at nag-e-exercise sa nanay n‘yo. Tumigil na ito sa pag-aaral. Grade 11 na sana sa pasukan, ngunit, mas pinili na lang nito na alaagan na lang ang inyong ina dahil wala nang ibang maaasahan pa. Ayaw mong pumayag noong una, ngunit, nang naisip mo na kahit sa sampung magkakasunod na lalaki ka pa magpakantot buong gabi, hindi pa rin sapat ang iyong kikitain para sa inyong pamilya. Mabuti na nga rin iyon at iyong apat na kapatid mo na lang ang iyong pag-aaralin. Tatlo rito ang nasa pampublikong elementarya. Grade 7 naman ‗yong isa. Kung papasok si Rose, uupa ka pa ng mag-aalaga sa nanay mo. Hindi ko gustong pahirapan ka sa aking kuwento. Ngunit, kung hindi ito mangyayari sa ‗yo, hindi ka mabubuo. Hindi ka magiging tauhan. Habambuhay ka lang nakaimbak sa aking isip at hindi maisusulat. ―Alam mo, Lily,‖ saad ni Arlyn, ―wala ka talagang mapapala sa pagpuputa. Kailangan mo ring maghanap ng iba pang mapagtatrabahuhan. Maganda ka, maraming kukuha sa ‗yo para mag-artista. ‗Di ba nga, marami raw mga artista na noon ay callboy o GRO rin?‖ Napatawa ka. ―Pangarap ko naman talagang mag-artista noon pa man.‖ Tumayo ka mula sa iyong kinauupuan. Tumingin ka kay Arlyn. ―Para kang karinderyang bukás sa lahat ng gustong kumain.‖ ―Ano? Baka ikaw!‖ ―Gaga. Line ‗yon sa Palimos ng Pag-ibig ni Vilma Santos.‖

80


―Ang luma naman no‘n! Minsan ka na nga lang manggaya, sa luma pa,‖ saad ni Arlyn. ―Once, twice, thrice, gaano ba kadalas ang minsan?‖ Pinalaki ka ng iyong nanay sa mga sinaunang pelikula. Mula sa Gaano Kadalas ang Minsan, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi, Kaya Kong Abutin ang Langit, at napakarami pang iba ay napanood mo na. Fan din kasi siya nina Vilma Santos at Maricel Soriano kaya kahit sobrang liit ng inyong telebisyon, nanonood pa rin siya nang paulit-ulit. Mayroong isang eskaparate sa sulok ng inyong bahay na naglalaman ng mga DVD ng mga pelikulang ito. Saulong-saulo mo ang bawat pamagat. ―Hoy, mga putang ‗to, kumilos na kayo!‖ sigaw ni Mama Pinky, ang baklang nagpások sa iyo sa bar at kapatid ng may-ari nito. Kaagad kang umupo upang simulan ang paglalagay ng kolorete sa mukha. Nagpalit ka na rin ng saplot. Ilang sandali pa‘y lumabas na kayo isa-isa. Mayroong waitress, mayroong itineteybol, at mayroong mga sumasayaw sa maliit na stage, kagaya mo. ―Mga kalalakihan, narito na sina Mariposa, Ligaya, at ang inyong pinakaabangan,‖ sigaw ni Mama Pinky sa mic, ―ang bulaklak na siguradong mahalimuyak, si Lily!‖ Hindi ka kagaya nina Arlyn na mayroong ibang pangalan sa bar. Ikaw ang babaeng si Lily na nagsasakripisyo para sa pamilya, at ikaw rin si Lily tuwing gabi sa bar na ito. Hindi masyadong mabango ang Lily kagaya ng iba pang bulaklak, ngunit, simisimbolo ito sa pagpapakumbaba at debosyon. Marahil, nang nagising ako noong madaling-araw na iyon upang isulat ka, gusto kong ipakita mo ang debosyon ko sa pagsusulat, sapagkat ikaw ang

81


salamin ng ng aking imahinasyon, ang dungawan ng katotohanan mula sa mga salitang aking inihabi. Noong una‘y hindi ka pumayag na gamitin ang totoo mong pangalan sa bar. Ngunit sabi ni Mama Pinky, ayos lang iyon dahil mukha namang hindi totoo ang pangalan mo, hindi kagaya ng totoong pangalan ng iyong mga kasama─Arlyn, Ellena, Johanna, Michelle, Sheilla. At isa pa, bagay raw sa iyo ang pangalan mo dahil kagaya ng isang bulaklak, maganda ka. Kanina ko pa sinasabi na maganda ka, ngunit, hindi ko pa inilalahad kung ano nga ba talaga ang iyong hitsura. Maraming kahulugan ang ―maganda‖, at ito ang dahilan kung bakit hindi ko sasabihin kung anong klaseng kagandahan mayroon ka. Ayaw kong maging kagaya ka ng mga ―magagandang‖ babae sa ibang kuwento na mayroong itim na itim ang mahabang buhok, tila perlas na mga ngipin, makinis na balat, mapupungay na mata, malambot at mapulang labi. Gusto kong mabuo ang iyong hitsura, depende sa kahulugan ng ―kagandahan‖ ng bawat mambabasá. Gusto kong sila ang bumuo ng iyong imahe sa kanilang balintataw. Sinabayan mo ang indayog ng musika. Kasabay ng pagkembot ng iyong baywang ay ang hiyawan ng mga kalalakihan. Kahit kailanman, hindi mo naisip na ganito ang iyong kalalagyan. Ngunit, wala ka nang magagawa. Walang nakaaalam sa pamilya mo na ganito ang iyong trabaho. Sabi mo sa iyong mga kapatid, call center agent ka. Mukhang naniwala naman ang mga ito at hindi naisip na hindi ka marunong magsalita ng Ingles. Ang alam mo lang sabihin sa mga customer mong taga-ibang bansa ay ―Pay me large, you asshole,‖ at ―Fuck, yeah‖. Wala namang pakialam ang tatay mo sa kung ano

82


man ang iyong trabaho. Ang importante sa kaniya, mayroon siyang makakain pagdating sa bahay n‘yo mula sa kung saan. Pinipilit mo siyang sabihin kung ano ang kaniyang ginagawa, kahit na alam mo na ang totoo. Saan ba posibleng manggaling ang isang lalaking pulang-pula ang mata, tila lumulutang sa kawalan kapag nagsasalita, at walang natatandaan pagdating ng kinabukasan? Hanggang ngayon ay hindi mo siya pinapansin, sapagkat noong isang umaga, pagkauwi mo galing sa condo ng iyong customer na Intsik, nakita mong kinakantot ng iyong tatay ang lantang-gulay mong nanay. Gusto mong magwala nang mga sandaling iyon. Kahit mag-asawa sila, wala itong karapatan na gamitin ang nanay mo bílang parausan. Hindi ito sex doll na nabibili sa kung saan. Ito ang kaniyang asawa, ang ina ng kaniyang mga anak. Wala itong kalaban-laban sa kung ano man ang kababuyang ginagawa niya. Mayroong mga pagkakataón na gusto mong takpan na lang ng unan ang mukha ng iyong nanay hanggang sa hindi na siya makahinga. Maaaring sa paraang ito, matápos na ang paghihirap niya mula sa kaniyang kinalalagyan. O kaya naman, ikaw na lang ang

magpapakamatay.

Pero

sa

tuwing

dumarating

ang

pagkakataón na hawak mo na ang unan o kaya nama‘y kutsilyo, hindi mo magawa ang binabalak. Iiiyak mo na lang ang lahat ng sakít at págod na pinagdaanan. Hindi ko natápos ang iyong kuwento. May karapatan kang magalit dahil sa lahat ng ginawa ko sa ‗yo, wala itong wakas, ngunit kagaya ng sinabi ko, karakter ka lámang. Tinta sa aking panulat.

83


Iyon lang ang unang beses na hindi ko natápos ang aking isinusulat. Wala namang bago sa iyong kuwento. Napakaraming akda ang tungkol sa paghihirap ng isang puta na puwede kong maging inspirasyon. Kayâ hindi ko alam kung ano‘ng nangyari sa akin, kung bakit hirap na hirap akong bigyan ng wakas ang kuwento mo. Ngunit, alam kong mayroong dahilan. At sigurado ako, mahahanap ko ito. Isang gabi, pagkauwi ko gáling sa eskuwelahan, dali-dali akong pumara ng dyip. Pagod na pagod ang aking katawan. Pero, isang taon na lang, ga-graduate na ako sa film school. Kaonting tiis pa. Pagkasakay ko ay kasabay ko rin sa pag-akyat ang dalawang batang Badjao. Dalawang lalaki. Hindi na ito itinataboy ng mga drayber sapagkat nasanay na ang mga ito rito. At kahit naman tabuyin nila nang paulit-ulit, babalik at babalik pa rin ang mga ito. Mayroong hawak na tambol na gawa sa lata ang isang bata. ‗Yong isa naman, tagakanta. Hindi ko maintindahan kung ano‘ng kinakanta no‘ng bata. Nagbibigay ito ng sobre sa mga pasahero. Kapag hindi nakatingin sa pasahero, ipapatong na lang nila ito sa kanilang hita. Kagaya ko. Naramdaman ko na lang na mayroong sobre sa aking hita, ngunit nanatili pa rin akong nakatingin sa bintana ng dyip. Kunwari, wala akong naramdaman. Hindi naman sa wala akong awa, ngunit, pamasahe na lang kasi ang dala kong pera. Kung ibibigay ko ito sa bata, baka magwantutri na naman ako. Kawawa rin naman ‗yong drayber kung hindi ako magbabayad. Inisip ko kung puwede ba akong magsulat ng kuwento para sa dalawang bata na iyon. Bakâ kaya hindi ko

84


natapos ang kuwento mo, iyon ay dahil hindi ka naman talaga dapat ikuwento. Maaaring mas maging epektibo kung isusulat ko ang kuwento ng dalawang Badjao na iyon. O kuwento ng drayber ng dyip. O kuwento na lang ng buhay ko, na mula pagkabata, kagaya mo ay lumaki rin sa mga sinaunang pelikula, hanggang sa nagustuhan ko na ang paggawa nito, at pagsusulat ng mga kuwento. Nang naramdaman ko na nakaalis na ang dalawang bata, ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa loob ng dyip. At doon, nakita kita sa aking harapan. Gusto kong sumigaw dahil sa gúlat, ngunit tila wala kang pakialam. Malayo ang iyong tingin. Hindi ko alam kung paano nangyari ‗to. Maaari ngang hindi ikaw, ngunit kamukhang-kamukha mo ang babaeng nasa aking harapan. Kamukha nito ang imahe mo sa aking isip, ang ―kagandahan‖. Buong biyahe, nakatingin lámang ako sa iyong kamukha. Iniisip ang mga posibilidad. Hanggang sa pumara na ang babae. Kahit malayo pa ang aking bababaan, sinundan ko siya. O sinundan kita? Hindi ko alam. Kahit ako, litong-lito sa mga nangyayari. Malayo ang aming nilakad. Napansin ko na nakarating na kami sa lugar na kamukha rin ng aking isinulat. Ang magkakadikit na barong-barong, ang mga nakasampay na damit, ang nakapatong na gulong at bato sa bubong. Ganoong-ganoon ang hitsura sa kuwento, kagaya nga ng mga obra ni Vicente Manansala. Nang nasa tapat na kami ng kanilang bahay, humarap siya sa akin. ―Gusto mong pumasok?‖ tanong niya.

85


Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. Paano niya nalaman na nasa likod niya ako? O simula pa lang noong bumaba ako sa jeep, alam na niya na sinusundan ko siya? Puta. Buti na lang, hindi siya natákot sa akin. ―Gusto mong pumasok?‖ tanong niya muli. Tumango na lámang ako. At sa pagpások ko sa kanilang bahay, nakita kong nakahiga sa kahoy na pahabang upuan ang isang babae na tila paralisado. Nakatingin ito sa telebisyon. Naroon din ang eskaparate na puno ng mga DVD. “Si Val! Si Val! Puro na lang si Val! Si Val na walang malay!” sabi ni Vilma Santos sa pelikula. ―Ate, naandiyan ka na pala,‖ sabi ng isang dalagitang babae. Hawak nito ang isang palangganang may lamang tubig. ―Pupunasan ko si Nanay. Natápon kasi ‗yong pinakakain ko sa kaniya. Ang kulit kasi, ayaw na namang kumain.‖ Hindi pinansin ng babaeng sinundan ko ang dalagita. Hinigit niya ako papunta sa kanilang kuwarto. Kurtinang maliit lang ang naghahati rito mula sa kanilang sala. Sa iyong kuwento, dito mo natagpuan ang ginagawang pambababoy ng iyong tatay sa iyong nanay. ―Bakit hindi mo tinapos ang kuwento ko?‖ walang ganang tanong sa akin ng babae. Napakunot ako ng noo. ―Hindi ko alam kung ano‘ng sinasabi mo.‖ ―Alam mo kung ano‘ng sinasabi ko. Sinimulan mo ang kuwento ko sa salitang ‗Puta‘ at hindi mo nilagyan ng wakas! Anong klase kang manunulat?‖

86


―Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. Sino ka ba?‖ Ngumiti siya. ―Kilala mo kung sino ako, Felix.‖ ―Lily?‖ Hindi ka sumagot. Tinitigan mo lámang ako. Titig na ibinabato mo sa iyong mga customer. Hindi ko namalayan na nakadampi na ang ating labi sa isa‘t isa. Hinahalikan kita. Hinahalikan mo ang iyong tagapaglikha. ―Paano nangyari ‗to?‖ tanong ko sa ‗yo. Tumawa ka. Tumawa nang tumawa. Biglang dumating ang iyong tatay na galít na galít. ―Putang-ina, Lily, nasaan ‗yong shabu ko?‖ sabi niya. Ngunit hindi ka sumagot. Tuloy-tuloy ka pa rin sa pagtawa. Sinuntok ka niya sa tiyan. At sa sandaling iyon, tumigil ka na sa pagtawa. Mabilis ang pangyayari. Kinuha mo ang kutsilyo sa inyong kusina na kalapit lang din ng inyong maliit na sala at kaagad mong sinaksak sa leeg ang iyong tatay. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Nagtatakbo na papalabas ang iyong kapatid na si Rose. ―Hindi na Walang-wala ang pamagat ng pelikula ko,‖ sabi mo sa akin. ―May ginawa na ako. At may gagawin pa.‖ Nilapitan mo ang iyong nanay. Kinuha mo ang unan na malapit sa kaniya at itinakip ito sa kaniyang mukha hanggang sa hindi na siya makahinga. ―Hindi mo winakasan ang kuwento ko.‖ Tumingin ka sa akin. Hindi ako makaalis sa aking kinauupuan. Napapikit ako nang lumapit ka. Maaaring dahil sa

87


tákot. Ngunit, naiintindihan ko ang lahat. Kagaya ng ibang karakter, pagód ka na. Pagód na pagód ka nang mahirapan. At ngayon, nag-aalab na ang iyong gálit. Inapi kita, kagaya ng pangaapi ng totoong búhay sa mga tao. Ipinaranas ko sa ‗yo ang kaaawa-awang kalagayan ng mga tao at wala kang nagawa upang pigilan ako. Ito ang iyong pag-aaklas, ang iyong paghihiganti. Marahil, ito ang iyong pakikibaka upang makamit ang iyong kalayaan. Kung ano man ang iyong gagawin, hinding-hindi ako magagalit. Ngunit, malayo sa aking inaasahan ang iyong ginawa. Hindi mo ako pinatay. Sa halip, niyakap mo ako nang mahigpit. Umiyák ka. Naramdaman ko ang pagpatak ng iyong luha sa aking balikat. ―Tama ba ang ginawa kong wakas?‖ tanong mo. ―Walang tama at maling wakas, Lily.‖ Kumalas ka sa aking yakap. ―Heto ang wakas ng iyong kuwento,‖ sabi mo sa akin. Hindi kita maintindihan. Gusto kong sabihin sa ‗yo ang bagay na ‗yon ngunit hindi ko maibuka ang aking bibig. ―Magkaparehas tayo,‖ sambit mo. ―Ano?‖ Hinawakan mo ang aking kamay. ―Felix, karakter ka lang din sa isang kuwento.‖ Bumitiw ako sa iyong pagkakahawak. Wala akong maintindihan. Bakâ nga tuluyan na akong nabaliw. Bakâ nga masyado na akong nalunod sa sining at kinalimutan na ang realidad. Ngunit, totoong-totoo ka. Naramdaman ko ang iyong balát, ang iyong lábi, ang iyong kalungkutan at galit.

88


―Akala mo, nilikha mo ako. Pero ang totoo, mayroon ding naglikha sa ‗yo.‖ Hindi pa rin ako makapagsalita. Nararamdaman ko na ang pagkanginig

ng

aking

katawan.

―Nagsimula

rin

siya

sa

kagustuhang mabuo ka. Maaaring isinulat ka rin niya sa likod ng kung saan mang resibo o itinipa sa kaniyang keyboard,‖ dugsong mo. ―Tumigil ka na, Lily. Hindi ka totoo.‖ Tumawa ka. ―Parehas táyong gawa sa salita mula sa kaniyang imahinasyon o sa mga sanga-sangang alaala.‖ ―Putang-ina, tumigil ka na!‖ ―Ito na ang katapusan ng iyong kuwento. At kagaya ko rin, wala ka nang magagawa.‖ Huminga ako nang malalim. Walang bakas ng pagbibiro ang iyong mukha. ―Kung totoo ang sinasabi mo, paano niya sinimulan ang aking kuwento?‖ Nagsimula ang lahat nang magisíng ako isang madaling-araw na nagnanasang isulat ka.

89


90


Tau-Tauhan James Michael M. Benitez "Itong manunulat ko, tarantado! Kanina lang sa chapter 2, wala nang kasigla-sigla ang pangarap ng kapatid kong magsasama pa kami. Tapos bandang mga chapter 9 or 10, nabuhayan ng pagasa! 'Di ko alam kung paano nangyari. Ganun-ganun na lang bigla. Walang sinulat yung tarantado kong manunulat kung bakit. Ganun talaga kapag bopis ang writer! Ang kinaiinis ko pa, nagfi-feeling creative writer kasi 'tong si bopis. Creative-creative writing, 'di nga madugtungan ang kuwento ng mga tauhan niya. Ganyan 'yan, kapag sa tingin niya, wala na kaming silbi sa kuwento, pinapatay na lang! Parang yung ginawa niya sa kapatid ko kanina lang sa second to the last paragraph ng chapter 14 pagkatapos naming magkita sa LRT station. Tumakbo agad siya papunta sa akin. Nawala sa isip ng kapatid ko na nasa kabilang platform ako. Pa-Recto ako. Siya, Santolan. 'Yun. Una-mukha sa riles. Tustado. Hinayaan niya na lang sana nung magpapakamatay na sa chapter 3! Respeto naman sa aming mga tauhan! 'Di ba repleksiyon kami ng totoong buhay?! Irespeto niya rin dapat kaming parang totoong tao! Igalang niya rin ang nararamdaman namin! Gawin niya kaming matalino at hindi yung bigla-bigla na lang nawawala sa ulirat! Nakakasawa na! Palagi na lang may pagtarak ng screwdriver sa dibdib o ice pick sa leeg, naglaslas o nagbigti, pinatay o nagpakamatay! Iba naman, naku! Hindi yung kapag wala

91


nang mapipiga sa kokote na sasabihin o gagawin namin sa kuwento, basta na lang kaming papatayin. Tapos… kapag… kung halimbawang… kapag ako… ano pa ba… basta ako dapat yung sa last cha… (putok ng baril).‖

92


93


Ang Digmaan sa Dalampasigan ng Maktan Lloyd Alcedric R. Opalec Mga Tauhan LAPU-LAPU

Lalaki, 50-60 taong gulang

MAGUAYAN

Babae, walang tiyak na edad, maraming gintong alahas na nakapulupot sa leeg

Tagpuan Sa dalampasigan ng Maktan ilang oras bago ang ―Digmaan ng Maktan‖ noong 1521, hatinggabi. (Magliliwanag ang entablado. Maririnig ang mga alon ng dagat sa dalampasigan. Papasok si LAPU-LAPU sa entablado na may dalang sakong puno ng mga gintong alahas. Ilalapag niya ang mga alahas at magdarasal sa karagatan.) LAPU-LAPU:

O, Maguayan, diwata ng karagatan, diwata ng kamatayan! Aking hiling na iyong dinggin itong aming suliranin.

(Patlang. Walang sagot.) LAPU-LAPU:

O, Maguayan, diwata ng karagatan, diwata ng kamatayan! Aking hiling na iyong dinggin itong aming suliranin!

(Patlang. Wala muling sagot.) LAPU-LAPU:

Maguayan!

Pakiusap!

May

mga

dayuhang

dumating

at

nais

makipagkaibigan. Ngunit, ramdam kong

94


higit pa roon ang kanilang hinahangad! Ngayon, pagkadaplis ni Adlaw mula sa abot-tanaw… ang Maktan… ang aking mga asawa‘t anak… ang aking mga kasama na sapilitang inaalipin ng mga dayuhan… sila ay— (Lilitaw si MAGUAYAN kay LAPU-LAPU.) MAGUAYAN:

Ay ano? Nawawalan ka na yata ng galang sa iyong diwata, Lapu-Lapu. Kung hindi ako nagkakamali, narito ka muli upang humingi?

LAPU-LAPU:

May paparating na digmaan, aking diwata. Hiling ko na sana‘y matulungan mo kami. Kung maaari, humihiling ako ng mga halimaw mulang Sulad, o ‗di kaya‘y masidhing kapangyarihan para sa aming mga taga-Maktan. Para sa ‘yong hinihiling na kapalit, lahat ng gintong ito‘y alay ko sa ‘yo.

MAGUAYAN:

Kahit purong ginto pa iyan mula sa bulkan ni Kan-laon, alam mo naman siguro ang ninanais kong kapalit.

(Saglit na katahimikan.) LAPU-LAPU:

Ngunit… Ako‘y matanda na‘t may tatlong asawa‘t labing-isang anak…

MAGUAYAN:

At iyon na nga. Matanda ka na‘t wala nang pakinabang sa iyong mga asawa‘t anak. Matanda ka na‘t wala nang

95


pakinabang sa iyong barangay. Ano pa ba ang hindi nagagawa sa lupa ng isang dati‘y magiting na mandirigma? LAPU-LAPU:

Hindi iyan totoo! Kailangan pa ako ng aking barangay. Kailangan pa ako ng aking mga asawa‘t anak. Matanda man ako ngunit hindi pa tapos ang aking tungkulin sa kanila –

MAGUAYAN:

Sila na naman? Baka nalilimutan mo na ang iyong tungkulin sa naganap sa tuktok ng puno ng mangga!

LAPU-LAPU:

Matagal na ‗yon, mahal na diwata! –

MAGUAYAN:

– Matagal na naganap ngunit iyon ay totoo! Lumipas man ang maraming taon ngunit iyon ay totoo! Nagmahalan tayo at iyon ang totoo!

(Patlang.) LAPU-LAPU:

Aaminin ko, minahal ko kayo – kayo ni Lidagat. Ngunit… mahal ko rin ang aking mga asawa‘t anak dito sa lupa!

MAGUAYAN:

At paano naman kami? Wala ka bang natitirang utang na loob? Kung hindi dahil sa akin, wala ka sa kinaroroonan mo ngayon! Kung hindi dahil sa akin, wala ang lahat ng mga pagmamay-ari mo!

(Patlang.)

96


MAGUAYAN:

(Bulong

sa

sarili.)

Sabagay,

ang

pagkakamali ko naman ay lahat ng iyong hiniling… lahat iyon ay aking tinupad kapalit lamang ng mga gintong alahas at isang munting pagtatalik… LAPU-LAPU:

Sige. Kung pagtatalik lang pala ang iyong ninanais ay—

MAGUAYAN:

– Hindi! Hindi na ako ganoon kadali, Datu Lapu-Lapu… Hindi na ngayon.

(Patlang.) LAPU-LAPU:

Kung gayon, ano ang ninanais mong kapalit? Kung ano man ang hilingin mo‘y susubukan kong tuparin.

(Mapapaisip si MAGUAYAN.) MAGUAYAN:

Kung tunay ngang mahal mo ang iyong barangay, halikan mo ang aking kamay.

(Madaliang gagawin ito ni LAPU-LAPU.) MAGUAYAN:

Kung tunay ngang mahal mo ang iyong barangay, halikan mo ang aking

paa.

(Madaliang gagawin ito ni LAPU-LAPU.) MAGUAYAN:

Kung tunay ngang mahal mo ang iyong barangay, nais kong marinig ang taospusong tinig na ako‘y iyong iniibig!

(Saglit.) LAPU-LAPU:

Kung iyon ang nais mong kapalit, para sa kapakanan ng mga taga-Maktan, malugod ko itong tutuparin.

97


(Saglit. Magbabago ang ilaw. Maaari na ang mga susunod na pangyayari ay tila sayaw na nakasalalay sa direksyon at mga aktor.) LAPU-LAPU:

O, Maguayan, diwata ng karagatan, diwata ng kamatayan, aking hiling na iyong dinggin itong mga katagang para sa iyo‘y sintahin. Tanda ko pa, maraming taon na ang nakalilipas, hindi ko inaasahang, sa aking hiling sa karagatan na ihatid ako tungong Sugbu, ika‘y makikita ng aking mga mata…

MAGUAYAN:

Sabi mo sa akin nang matuklasan mo ako–

LAPU-LAPU:

Higit kang gumanda sa suot mong alahas na ginto… wika mo naman–

MAGUAYAN:

Kung ang nais mo ay lumakbay, maliit na kapalit lang ang aking ipipilit…

LAPU-LAPU:

Sa punuan bumalik, nagpalitan ng halik, nagawang magtalik. Hanggang sa…

MAGUAYAN:

Narating na ninyo ang Sugbu. Ako‘y nanganak ngunit ang ipahayag sa iyo‘y wala sa aking balak, sapagka‘t–

LAPU-LAPU:

Ang

paglingkod

sa

barangay

ang

kailangan kong unahin. Marami pa akong kailangang atupagin. MAGUAYAN:

Binigay sa iyo ang Maktan upang payamanin. Lumingon ka sa akin, sabay sinabi–

98


LAPU-LAPU:

O, Maguayan, ako‘y may hiling! Ang payamanin ang banwa para sa mga nais tumira‘t mabuhay nang masagana!

MAGUAYAN:

Ang sabi ko: Oo. Para sa iyo, ang puso ko‘y buong-buo…

(Magbabago muli ang ilaw, bahagyang didilim. Magbabago ang tono ni MAGUAYAN.) MAGUAYAN:

Pagkaraan ng ilang bulan, isang sinta ang iyong nakilala…

LAPU-LAPU:

Nabihag ako ng mga mata niya. Kung kaya‘t kay tulin kong tumakbo sa iyo at nagtanong kung ang kaniyang puso para sa akin ba‘y totoong totoo… Ang sabi mo…

(Saglit.) MAGUAYAN:

Oo…

(Yayakapin ni LAPU-LAPU si MAGUAYAN.) LAPU-LAPU:

Daghang salamat! Tama ang aking hinala, ikaw nga‘y isang tunay na kaibigan.

(Saglit na katahimikan. Kinokontrol ni MAGUAYAN si LAPULAPU, tila sinasaktan.) LAPU-LAPU:

Tama na, Maguayan!

MAGUAYAN: Hindi! Ituloy mo! (Patlang.) LAPU-LAPU:

Matagal bago tayo‘y muling nagtagpo…

MAGUAYAN:

Bumabalik ka lamang upang humiling nang humiling nang humiling–

99


LAPU-LAPU:

–Tama na–

MAGUAYAN:

–Hiling ka nang hiling, kaya ako rin ay humiling. Ang manirahan sa ilalim ng pook ang aking inalok.

LAPU-LAPU:

At nang ako‘y humindi…

MAGUAYAN:

Aking ipinamalas ang talim ng aking lihim: ang pagbuhat sa bigat ng bunga nating si Lidagat. Ang ating anak na aking kinagalak. Ngunit sabi mo‘y isang–

LAPU-LAPU:

Pahamak! Hindi maaari. Ang buhay ko ay nasa lupa! Ang mga nais ko ay nasa lupa! Lahat ng mga minamahal ko ay nasa lupa, wala sa karagatan! Sana iyong maunawaan, Maguayan!

(Saglit.) MAGUAYAN:

Patago mong binabalikan ang karagatan. Nakasakay sa balangay, kasama ang taga-lupa mong panganay.

LAPU-LAPU:

Pinipilit magtago, pinipilit maglaho, pinipilit lumayo sa iyo.

MAGUAYAN:

Hanggang sa dumating ang aking kinatatakutan… ang hindi mo na kami balikan. (Patlang.) At nang dahil sa hapis ng iyong pag-alis, sa aking mga bisig, aking narinig ang kaniyang huling tinig. (Patlang.) Nabuhay si Lidagat na walang

100


kinilalang ama… namatay si Lidagat na walang kinilalang ama… (Tila masasaktan uli si LAPU-LAPU.) LAPU-LAPU:

Itigil mo na ito, Maguayan!

(Lalakas ang ihip ng hangin at ang paghampas ng karagatan sa dalampasigan. Patalikod, kukunin ni MAGUAYAN ang mga kamay ni LAPU-LAPU at ilalagay ang isa sa pagitan ng kaniyang mga hita at isa sa kaniyang dibdib.) MAGUAYAN:

Tama! Ubusin mo ako! Ubusin mo ako at angkinin ang lahat ng mayroon ako! Kung gusto mo ng mga halimaw, marami nito sa Sugbu tulad mo!

LAPU-LAPU:

Tama na…

MAGUAYAN:

Kung gusto mo ng kapangyarihan para sa inyong taga-Maktan, ramdamin mo ang

kapangyarihan

mula

sa

aking

katawan! LAPU-LAPU:

Tama na…

MAGUAYAN:

Kung nais mo ng tulong para sa darating na digmaan, mahalin mo ang karagatan! Mahalin mo ang kamatayan! Mahalin mo ako at habang-buhay magdusa sa mga kamay ko!

LAPU-LAPU:

Tama na!

(Itutulak ni LAPU-LAPU si MAGUAYAN papalayo. Babalik ang ilaw sa dati ngunit manghihina ang paghampas ng karagatan sa dalampasigan at ang lakas ng ihip ng hangin. Matagal na katahimikan.)

101


LAPU-LAPU:

Kung

hindi

mo

rin

naman

kami

tutulungan, hindi ko na nakikita pa ang halaga

ng

pagtawag

ko

sa

iyo.

Mawalang galang lang, subalit marami pa akong kailangang atupagin. (Madaliang maglalakad si LAPU-LAPU papalayo kay MAGUAYAN.) MAGUAYAN:

Magdurusa ang iyong barangay.

(Titigil sa paglalakad si LAPU-LAPU. Nakatalikod lamang siya kay MAGUAYAN.) MAGUAYAN:

Mabibihag silang lahat ng mga dayuhan, paglalaruan, papatayin! Aangkinin nila ang mga babae, gagawing alipin ang mga lalaki! Susunugin nila ang lahat ng pagmamay-ari ninyo! Walang matitira kung hindi ang mga abo niyo!

LAPU-LAPU:

Pipilitin namin manalo laban sa mga dayuhan. Kakayanin namin ang laban kahit wala ang tulong mo‌

MAGUAYAN:

Kung hindi naman kayo sunugin ng mga dayuhan, lalamunin naman kayo ng karagatan! Hindi kayo makakatakas sa inyong kapalaran! Sisiguraduhin ko na pagdurusa‘t niyong

pighati

lahat!

ang

katapusan

Sisiguraduhin

kong

kamatayan ang hahantungan niyong lahat! (Matagal na katahimikan.)

102


LAPU-LAPU:

Maisisiguro mo ba ang kaligtasan ng aking barangay sa darating na digmaan kung pumayag akong ibigin ka sa karagatan?

MAGUAYAN:

Hindi! Hindi na ako ganoon kadali, Datu Lapu-Lapu. Hindi na ngayon. (Patlang.) Pumapayag ako na tulungan kayo sa inyong pakikipagdigmaan sa kapalit na pagkaraan ng ilang bulan, pagkalipas ng digmaan sa Maktan, ikaw ay babalik sa ating tagpuan. Daraan ang ihip ng pagkapanalo, subalit, ikaw ay lulubog at habang-buhay magdurusa sa mundo ko! (Patlang.) Sa aking mundo, habangbuhay kang buhay, at habang-buhay mamamatay!

(Katahimikan. Titingin lamang si LAPU-LAPU kay MAGUAYAN.) MAGUAYAN:

Kung tunay ngang mahal mo ang iyong barangay, halikan mo ang aking paa.

(Saglit. Hindi kikibo si LAPU-LAPU.) MAGUAYAN:

Kung tunay ngang mahal mo ang iyong barangay, halikan mo ang aking paa!

(Saglit. Lalapit si LAPU-LAPU kay MAGUAYAN. Luluhod si LAPU-LAPU at hahalikan ang paa ni MAGUAYAN. Magdidilim ang entablado.)

WAKAS

103


Mga Kasapi ng Campus Tagaan 3 Si Hunny Kyle B. Laurente ay nag-aaral ng STEM (Science, Technology, Engineering, Mathematics sa ika-12 baitang sa Manila

Science

(MSHS).

High

Naging

School

Committee

Chair ng Balarila Movement (Manila Youth Act Now) para sa MSHS.

Anak

ng

Tondo

at

Laguna, Tambay sa Ermita, Chix ng Cubao. Si Carl Keith V. Leal ay kasalukuyang

nag-aaral

sa

Unibersidad ng Santo Tomas at kumukuha

ng

Arkitektura.

kursong

Mapalad

na

nakapasok sa mga palihan tulad ng Thomasian Undergraduate Writers Workshop sa UST at Campus

Tagaan

3

sa UP.

Kahinaan niya ang pag-ibig, kaya sumusulat siya ng mga tula patungkol dito. 104


Si Chris Edward A. Anatalio ay nag-aaral ng BA Agham DalubAsal sa Unibersidad ng Pilipinas Manila. Katuwang na nagtatag siya ng SULAT!, organisasyon ng

mga

manunulat

na

estudyante sa UP Manila. Mahahanap siya sa 'mosh pits' ng mga rock concert.

Si

Renzo

Q.

kasalukuyang

Prino

ay

kumukuha

ng

kursong AB Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) Manila. 19 na taong gulang. Miyembro ng Ugnayan

ng

Talino

at

Kagalingan (UTAK) sa PUP. Tambay

sa

Palaboy

sa

Taytay, Lungsod

Rizal. ng

Mandaluyong at tubong Negros Occidental na huling himpilan niya sa paglalakbay.

105


Si Jovielene C. Geslani ay nag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, kasalukuyang nasa strand ng Humanities and Social Sciences. Isang manunulat sa opisyal na publikasyon ng unibersidad at tagapakinig sa mga usaping makabayan ng

Liga

Propagandista. nagtatanghal

ng

Kabataang

Siya sa

iba‘t

rin

ay ibang

entablado ng kanyang mga piyesa, kalimitan ay tungkol sa pag-ibig o mga isyu sa lipunan.

Si John Thomas R. Trinidad ay nagaaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, isang estudyante ng Arts and Design Track. Nanalo ng unang gantimpala sa Pagsulat ng Lathalain. Nasa puso niya ang pelikula at pagsusulat.

106


Isang iskolar ng bayan si Kirt John C. Segui sa Politeknikong Unibersidad

ng

Pilipinas

at

kumukuha ng Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya. Nakamit niya ang unang karangalan sa pagsulat ng

sanaysay

at

ikalawang

karangalan sa pagsulat ng tula sa Ikalawang

Gawad Rogelio

L.

OrdoĂąez. Iniluwal siya ng mga alon sa Quezon at inaruga ng mga lansangan sa Maynila. pagsusulat. Si Sigrid T. Polon ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo at kumukuha ng kursong AB Communtication sa University of the East - Caloocan. Siya ay aktibo ring kasapi ng UE Drama Company, ang opisyal na grupong pang teatro ng kanilang eskwelahan.

Bukod

sa hilig

sa

musika at talento sa pagsayaw, nais niyang

palaganapin

pagmamahal

sa

ang

sining

sa

pamamagitan ng paglikha ng mga pelikula at nangangarap na maging isang

matagumpay

balang-araw.

na

direktor

107


Si Danilo P. Ellamil Jr. ay kasalukuyang

mag-aaral

ng

Humanities and Social Sciences sa Politeknikong

Unibersidad

Pilipinas.

Mula

hinubog

na

patimpalak

pagkabata siya

sa

ng

pagsulat

ng ay mga at

paminsan-minsa‘y nakatsatsamba namang

makapag-uwi

ng

parangal. Naniniwala siya na ang pagsusulat

ay

kaluluwa

ng

manunulat.

Si John Lawrence R. Capagalan ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Batsilyer ng Sekondaryang EdukasyonMedyor sa Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. 2016-2017 nang

maging

Pangulo

siya

ng

DAMLAY (Damdamin at Malay)PUP-Sta.

Mesa.

bumiyahe,

ngunit

Mahilig hindi

siyang para

magbakasyon.

108


Kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas si Lloyd Alcedric R. Opalec kung saan niya tinatapos ang huling semestre ng kaniyang pagiging estudyante ng kursong Literature. Nakasama si Lloyd sa mga palihan sa loob at labas ng UST, tulad ng Haraya (2014), Thomasian Undergraduate Writers Workshop (2017), Varsitarian Creative Writing Workshop (2017), Virgin Labfest Writing Fellowship Program (2017) at Campus Tagaan 3 (2017). Nanalo na rin siya sa USTetika sa kategoryang dula at fiction - noong 2017. Si James Michael M. Benitez ay kumukuha

ng

kursong

AB

Literature sa Unibersidad ng Santo Tomas, at una niyang palihang sinalihan ang Campus Tagaan 3. Dumidiretso muna siya sa dalawang Booksale sa Cubao para maayos na salansanin ang mga libro kapag bagot

o pagod pagkagaling

eskuwela.

109

sa


PASASALAMAT

Nais magpasalamat ni John Lawrence kina Mama Anna, at sa kaniyang mga kapatid na sina Jay Anne, AJ, at Natalie. Nais magpasalamat ni Joveliene kay John Thomas Trinidad sa pagpapakilala at paanyayang sumali sa Campus Tagaan, na nakatulong upang mahubog pa ang kaniyang kaalaman sa pagsulat. Nais magpasalamat ni John Thomas sa lahat ng taong nakasalamuha niya – kayo ang inspirasyon ng kaniyang pagsusulat. Nais magpasalamat ni Hunny Kyle kay Bb. Roma Estrada para sa patuloy na suporta sa pagsulat. Kina Rafael Cruz, Jherome Carpila, Joshua Dita, Carl Regudo, at Riza Joson para sa pagiging sandalan at kasa-kasama kung saan. Kay Jesse. Nais magpasalamat ni Chris Edward sa mga miyembro ng The Most Distinguished Tau Omega Mu Fraternity and its Ladies' Circle na nagturong huwag huminto sa paglinang sa sarili. Nais magpasalamat ni James Michael kina Lester Pioquinto, Carlo Cancino at Lehi Alterado, at kina Ma'am Mary

110


Jane de Guzman at Sir Raymundo Soriano, kapwa naging titser niya sa Filipino nung hayskul, pasasalamat dahil kayo ang mga unang naniwala sa kaya niyang gawin bilang sumusubok sumulat. Nais magpasalamat ni Carl Keith kay Ella na naganyayang siya‘y sumali. Kay Tablizo na humubog at naniwala. Kay Viktoria, Dykee, at Kenneth na sumusuporta. Para kay Angel. ―Mula sa‘yo, para sa bayan.‖ Nais magpasalamat ni Renzo Sa mga kahuntahan at kaumpugang-baso sa Linear, kina Ser Jomar Adaya at Amang Jun Cruz; kapwa mga propesor na naging inspirasyon niya upang tuklasin ang hiwaga ng pagsusulat para sa Bayan. Nais magpasalamat ni Sigrid sa UE Drama Company at kay Alyana Walde. Nais magpasalamat ni Danilo sa katahimikan ng kaniyang silid mula sa maingay na lungsod, sa haraya, at sa karunungan na ibinigay sa kaniya. Nais magpasalamat ni Kirt John sa mga taong dumating, piniling manatili, at kasama niya sa iba‘t ibang paglalakbay. Sa mga karunungan at karanasang hindi ipinagdamot ibahagi. At sa kaniyang pamilya, kina Mama Helen, Khay Ann, at Kriza Joy. Nais magpasalamat ni Lloyd sa kaniyang pamilya – kina Loreta, Arnel, Aeron, at Lamar – sa kaniyang mga kaibigan, kay Micole, at kay Skippy, ang kaniyang aso. Nagpapasalamat din ang lahat ng kasapi ng Campus Tagaan 3 sa Panginoong Diyos; sa Kataga na nagbigay ng oportunidad na linangin ang aming talento sa pagsusulat; kina Rhea, Wynclef, Zeus, Evan, at Gerome na gumabay hanggang sa huli, at sa aming mga magulang, kapatid, kamag-anak, kaibigan, kaklase, guro, alaga – sa lahat ng mga sumusuporta. Salamat. Mabuhay ang panitikan!

111


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.