ANG BIYAYA Online 2019

Page 1

ab

Opisyal na Pahayagang Online ng Pavia National High School, Evangelista Street, Pavia, Iloilo Rehiyon VI - Kanlurang Bisayas

PAV IA N AT IO N A L H IG H SCH O O L

RANK 1

2018 BEST SCHOOL PAPER Regional Schools Press Conference

REMEDIAL READING PROGRAM

Mag-aaral na mabagal bumasa, tinutulungan

ANG BIYAYA

TOMO 3 BLG 1 | OKTUBRE 2019

MICHELLE THERESE MONGCAL

GINAGABAYAN AT TINUTURUAN. Kahit tanghaling tapat ay tinutulungan pa rin ni Gng. Grace Calimpong ang kanyang mga mag-aaral na bumasa at sumulat. Ang mga batang ito ay kabilang sa Remedial Reading Program ng Pavia National High School, Oktubre 13. LARAWAN | CHENO POLLAN

Bawat taon isang malaking bilang ng mga mag-aaral sa Grade 7 ang pumapasok sa hayskul na may antas sa pagbabasa na mas mababa sa kanilang mga kaedad o kapantay. Ang mga mag-aaral na ito ay nakilala sa pamamagitan ng kanilang mga marka sa Slosson Oral Reading Test (SORT) na pinangangasiwaan ng mga guro ng Ingles tuwing panahon ng enrolment. Ayon sa naitalang marka ng Remedial Reading Program ng Pavia National High School sa pagsisimula ng klase, sa kabuuang 32 na mag-aaral ay 19 sa lalaki ang napabibilang sa antas ng pagbasa na Prep (0-7) at anim naman sa babae; sa una at ikalawang baitang na antas ng pagbasa (8-13): 5 sa lalaki at 3 sa babae. Samantala, walang naitalang napabilang sa ikatlo hanggang ikaanim na baitang na antas ng pagbasa (14-20). Ang mga mag-aaral na inuri sa mga seksyon ng pag-remedyo ay ang may mahihinang ponemang kamalayan, sobrang limitado ang bokabularyo at kakaunti ang na-internalize na mga kasanayan sa pagbasa. Noong taong 2018, karamihan sa mga mag-aaral ng PNHS ay nasa ikatlong baitang ang antas ng kanilang pagbasa at nangangailangan ng tulong sa pag-unawa ng mga impormasyon mula sa teksto sa high school. Sa panayam kay Gng. Grace Calimpong, tagapayo ng Grade 7 remedial class sinabi niyang ang mga pangunahing nakaaapekto sa kanilang kakayahang magbasa ay ang pagliliban sa klase, kakulangan sa emosyonal na suporta ng pamilya, mababang interes sa pagbasa at problemang pinansyal.

04

RHU nagbigay payo para maging ligtas sa dengue BRIEN LESTER SOLIGUEN

Pinayuhan ni Dr. Joyous Jan Santos, Rural Health Unit (RHU) Physician ng bayan ng Pavia ang mga magaaral ng Pavia National High School (PNHS) kung paano mapapanatili ang malusog na pangangatawan at maiwasan ang pagkakasakit lalung-lalo na ng dengue. Si Dr. Santos ay nagsilbing pangunahing tagapagsalita sa isinagawang “One Health Week” na ginanap sa PNHS Twin Covered Court, Hulyo 22.

“Maging responsable sa inyong mga katawan. Kumain ng masustansiyang pagkain at iwasan ang tsitserya,” wika ni Dr. Santos sa harap ng mahigit 2,500 mag-aaral. Ayon sa datos ng RHU, mahigit 100 kaso ng dengue ang naitala sa bayan ng Pavia kung saan dalawa rito ang naiulat na namatay. Maliban kay Santos, bumisita rin ang bagong halal na alkalde ng Pavia na si Hon. Anthony Laurence Gorriceta na siyang gumupit ng laso bi-

KRUS

Pananampalataya ng Isang Batang Magulang

LATHALAIN 11

lang tanda sa pagsisimula ng selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon na bahagi ng One Health Week program. Ang programang ito ay naipatupad sa bisa ng DepEd Order No. 28, s. 2018 na naghikayat sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya sa buong bansa na maglunsad ng iba’t ibang aktibidad na may kinalaman sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at iba pang kabahagi ng komunidad.

BIYAYA

ng Salita’t Gawa sa Mundo ng Pamamahayag

LATHALAIN

12

‘‘

Uminon ng maraming tubig, matulog nang maaga at higit sa lahat maglinis ng kapaligiran. DR. JOYOUS JAN SANTOS RHU PHYSICIAN

KATATAGAN

sa Malawak na Kapatagan at ang Pinapangarap na ‘Homebased’

ISPORTS

14


balita

BIYAYA TOMO 3 BLG. 1 02 ANG

EPEKTIBONG SERBISYO Alkalde, MSWDO umani ng Gawad Parangal Award MA. DANISE SERIOTE

Nagbunga ang pagsisikap at pag-aalay ng serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ng Pavia matapos umani ng parangal sina Hon. Michael B. Gorriceta, dating alkalde ng munisipalidad bilang 2019 National Gawad Parangal Most Outstanding Municipal Mayor at Gng. Luzviminda B. Sanchez bilang Most Outstanding Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) sa buong Pilipinas. Iginawad ang mga parangal kina Hon. Gorriceta at Gng. Sanchez ng Association of Local Social Welfare and Development Officers of the Philippines, Inc. (ALSWDOPI) sa kanilang ika-23 National Welfare and Development Forum and General Assembly sa Waterfront Hotel, Cebu City, Abril 24. Sa pamumuno ni Gorriceta, sa kauna-unahang pagkakataon ay nakamit ng Pavia ang naturang parangal dahil sa mga simple ngunit natatanging programang panlipunan at mga serbisyong ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa mga Pavianhon simula nang siya’y maluklok sa puwesto noong 2013. Isa sa mga programang nakapagpanalo kay Gorriceta ay ang “Womb to Tomb” kung saan ang mga katulong na ahensya kagaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Municipal Health Office (MHO), Department of Education (DepEd), at Pavia Police Station ay nagkaisa upang mabigyang proteksyon ang mga magulang at kabataan sa pamamagitan ng kanikanilang sariling mga kontribusyon. Ilan pa sa mga natatanging programa ay ang nag-iisang Solo Parent Program sa buong bansa na may layuning himukin at tulungan ang mga solong magulang na mabigyang solusyon ang kanilang problema sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga anak lalo na sa pangangailangang pinasyal. Dagdag pa rito ang (1) Person’s with Disability (PWD) social assistance para sa may mga kapansanan, (2) educational assistance para sa mga mag-aaral ng kolehiyo, (3) burial assistance na nagbibigay ng 10,000 sa bawat patay o maari ring kumuha ng burial package kung saan sagot nito ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing, at (4) Medical assistance na nagbibigay tulong pinansyal sa mga miyembro at nasasakupan ng mga programang ito.

DULOT NG DETERMINASYON. Binigyang parangal sina Hon. Michael B Gorriceta, dating alkade ng Pavia at Gng. Luzviminda B. Sanchez, opisyal ng Municipal Social Welfare and Development dahil sa mahusay na pagsasagawa ng kani-kanilang tungkulin. LARAWAN | LGU PAVIA

POKUS. Maiging naghahanda ng kani-kanilang mga putahe ang mga mag-aaral ng Home Economics (HE) ng Pavia Nationa High School sa isinagawang programang ‘OK sa DepEd’, Hunyo 22-26. LARAWAN | PNHS SSG

OPLAN KALUSUGAN Mag-aaral binusog ng kamalayang kalusugan, kaligtasan JUDE MARS ERLANO Upang maipatupad ang DepEd Order No. 28, s. 2018 na naghikayat sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya sa buong bansa na maglunsad ng iba’t ibang aktibidad na may kinalaman sa kalusugan, isang linggong programang ‘OK sa DepEd’ ang isinagawa sa Pavia National High School (PNHS) sa pangunguna ng Supreme Student Government (SSG), Technology and Livelihood Education (TLE) Department at ibang pang stakeholders nitong Hunyo 22-26. Ayon sa Kalihim ng DepEd Leonor Briones, ang pagdiriwang ng One Health Week ay may anim na mga pangunahing gawain na maaaring isagawa sa mga paaralan. Ito ay kinabibilangan ng: (1) School-based Feeding Program (SBFP), (2) National Drug Education (NDEP), (3) Adolescent Reproductive Health (ARH) Program, (4) Water and Sanitation, Hygiene Facilities (WASH) in Schools (WinS) Program, (5) Medical, Nursing and Dental Services at (6) School Mental Health Program. ADHIKAING PANGKALUSUGAN Binuksan ang programa ng isang Fun Run na may temang “Takbo para sa Kalusugan” at zumba na dinaluhan ng mahigit 200 mag-aaral ng PNHS na naglalayong pataasin ang kamalayan sa kahalagahan ng malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo. Bukod dito, mahigit sa 30 mag-aaral ng PNHS ang naitalang severely wasted at napabilang sa feeding program kung saan bawat isa sa kanila ay binigyan ng Tumblr para sa maiwasan ang paggamit ng plastic bottles sa loob ng paaralan. Naging katuwang din ng programa ang Milo sa pagsulong sa malusog na pangangatawan ng mga mag-aaral kung saan namigay ang mga kawani nito ng kanilang produkto at isang sakko bag sa bawat estudyante. “Mas maraming kabataan ang dumalo ngayong Buwan ng Nutrisyon na napakabuti naman upang mas mapadali ang pagpapaabot ng kalamaan tungkol sa kalusugan,” wika ni Gng. Merlinda Gorriceta, pinuno ng TLE Department. Dagdag pa rito may mga kompetisyon din sa pagsulat ng sanaysay at tula, slogan at postermaking contest, cooking contest, dish gardening at nutri-dance kung saan naipakita ng mga kabataan ang kanilang suporta sa naturang aktibidad. “Dahil sa mga patimpalak na ito, mas lalong nahasa ang talento, kakayahan, at kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kalusugan at upang

mapatibay ang kanilang pag-iingat sa kanilang pangangatawan,” sambit pa Gng. Gorriceta. PROGRAMA KONTRA DENGUE Dahil sa mahigit 100 kaso ng dengue na naitala sa Munisipalidad ng Pavia kung saan dalawa rito ang naiulat na namatay, pinangunahan naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtanim ng tanglad sa bawat sulok ng paaralan. Nakilahok na rin sa programang ito ang mga opisyales ng SSG at mga piling mag-aaral bitbit ang kanilang mga pananim. Ayon sa pag-aaral, ang citronella na nakukuha sa langis ng tanglad ay maaaring gamiting “mosquito repellant” upang maiwasan ang pagdapo sa balat ng lamok na may dalang sakit na dengue o malaria. “Malaking tulong ito sa aming paaralan lalung-lalo na sa mga kabataan dahil ang mga sakit na nanggagaling sa lamok ay hindi natin nalalaman kung kailan mangyayari kaya mas nararapat na handa tayo palagi,” saad naman ni Gng. Jennifer Caspe, tagapayo ng SSG. KONSYERTONG PANGKALIGTASAN Ilan pa sa mga aktibidad na isinagawa ay ang pagkakaroon ng libreng gupit para sa mga kabataan na sinabayan ng konsiyerto mula sa Mandirigmang Mang-aawit, isang grupo ng mga pulis kung saan ang kanilang mga inihandog na kanta ay hango sa mga problemang panlipunan kagaya ng pangingikil, bodul-bodul, at iba pa. “Hindi namin akalaing hindi lang pala magaling sa pakikipaglaban ang mga pulis, may pambato at may laban din pala sila kapag boses na ang pinag-uusapan” wika ni Brian Gumban, pangulo ng SSG. Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng mga kanta, mas napukaw ang kaisipan ng mga kabataan sa kasalukuyang mga suliranin ng lipunan at naging daan din ito upang maisulong ang kaligtasan at seguridad sa bawat isa.


balita

ANG BIYAYA TOMO 3 BLG. 1

03

Pavia MPS itinanghal Top 3 ‘Most Complaint Police Station’ ALISA MAE MANDAR

Pinuri at ginawaran ng parangal ng National Police Commission (NAPOLCOM) Rehiyon 6 ang Pavia Municipal Police Station ng pangatlong puwesto bilang “Most Compliant Police Station”. Ito ay matapos mangibabaw at nagpakita ng kahusayan ang Pavia MPS sa isinagawang Inspection Management Audit and Monitoring ng NAPOLCOM noong nakaraang taon. MATANGLAWIN. Maiging nagmamasid ang emporser sa kalagitnaan ng tila pangaraw-araw na kapal ng sitwasyon ng trapiko sa Ungka II, Pavia, Iloilo na dulot ng dami ng pasahero tuwing rush hours. LARAWAN | FRANK JANAGAP

HINIHINTAY NA AKSYON Dalawang flyover itatayo sa Pavia highway KIER JHON CABRERA AT MICHELLE THERESE MONGCAL

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasagawa ng dalawang flyover na tinatayang nagkakahalaga ng P190 milyong piso sa dalawang pangunahing interseksyon sa kahabaan ng Sen. Benigno S. Aquino Jr. Avenue at President Corazon Aquino Avenue upang maibsan ang trapikong nararanasan ng mga motorista, drayber at komyuter sa Ungka, Pavia ayon sa isang pakikipanayam kay Senator Franklin Drilon noong buwan ng Agosto. Ang unang flyover (Ungka II flyover) ay inaasahang itatayo sa interseksyon ng Sen. Benigno Avenue at sa 14 na kilometrong saklaw ng Pres. Corazon Aquino Avenue kung saan ang ikalawang flyover (Aganan Flyover) ay itatayo sa kanto ng Sen. Benigno Avenue at Felix Gorriceta Jr. Avenue sa Pavia. SITWASYON NG TRAPIKO “Marami ang sasakyan sa Pavia kung saan tayo ang nagiging daanan ng mga ito papunta sa lungsod. Umaabot na rin sa 20 porsyento ng mga tao ang may sariling sasakyan,” saad ni Pavia Sangguniang Bayan (SB) Member Jose Maria “Pyt” Trimañez, chairperson of the Committee on Transportation. Naoobserbahang tumataas sa mga sumusunod na oras: 6:30 hanggang 8:30 ng umaga at 4:30 hanggang 6:30 ng hapon ang dami ng mga sasakyan na dumadaan sa dalawang pangunahing interseksyon sa Ungka, Pavia alinman sa papunta sa Iloilo City o paalis sa lungsod, at ang mga papunta sa Barangay Tacas, Jaro, Iloilo City mula sa Barangay Hibao-an, Mandurriao, Iloilo City at pabalik. Pahayag ni Bea Soliguen, isang 1st jyear college nuesing student sa West Visayas State University na madalas sa umaga ng Lunes kung sa papunta ang mga tao sa kanya-kanyang pupuntahan ang mas mabigat ang trapiko kompara sa ibang araw. Samantala, sa hapon naman ng Biyernes kung saan pauwi ang mga estudyante at nagtatrabaho ay pinakamabigat ang trapiko. PANANDALIANG SOLUSYON “Ang pagsara ng traffic lights tuwing rush hours ay isa lamang panandaliang solusyon sa kasikipan sa interseksyon kung sann ang pagtatayo ng flyover sa lugar ay ang pangmatagalang solusyon para rito,” pahayag pa ng Pavia SB Member Trimañez. Ayon pa kay Trimañez, tuwing rush hours ay pinapatay ang mga traffic lights: mula 6:30

hanggang 8:30 ng umaga upang mabigyan ng maraming oras ang mga kotse mula sa Pavia o Iloilo Airport at mula 4:30 hanggang 6:30 ng hapon naman upang unahin ang lahat ng mga sasakyan mula sa Iloilo City papunta sa Iloilo Airport kung saan apat na mga auxiliary ang itinalaga upang idirekta ang daloy ng mga sasakyan. Pagkatapos ng mga rush hours sa pagitan ng 8:30 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon, ang mga ilaw ng trapiko ay muling binubuksan. Sa oras na ito ang paghudyat ng “go” para sa mga sasakyang papunta sa Lungsod ng Iloilo o paalis sa lungsod ay may 55 segundo lamang habang ang mga pupunta sa Barangay Tacas, Jaro mula sa Barangay Hibao-an, Mandurriao, naman ay may 30 segundo. Ipinahayag din ni Trimañez na mayroong tatlong “E” na nakakaapekto sa kabigatan ng trapiko kung hindi pagtitibayin. Ito ay ang Engineering, Education at Enforcement. Ang kondisyon ng kalsada, pagkakaroon ng mga loading areas, traffic signs gayundin ang pedestrian lanes ay nakaaapekto rin sa trapiko, kung hindi maayos ang konstruksyon ng kalsada, magiging dahilan ito ng pagbagal ng mga sasakyan sa paghudyat ng “go” sa traffic lights. “Sa mga komyuter, maging matiyaga sa oras ng trapiko at maging mahinahon sa pamamagitan ng pagdadasal. Para naman sa mga driver, iwasan ang pagtitrip cutting at palaging sundin ang mga tuntunin at patakaran ng trapiko,” wika pa ni SB Member Trimañez. Dagdag pa niya, inaasahan ding hindi lang ang mga drayber at motorista ang sumunod sa panuntunan at patakaran sa kalsada kundi pati na rin ang mga pasahero at komyuter. Kinakailangan din ang patuloy na pagpapatupad ng mga ordinansa at patakaran sa tungkol sa trapiko upang tuluyang sumunod ang mga tao. Samantala, ayon sa DPWH ay sisimulan na ang clearing sa huling kwarter ng taon, gayunpaman wala pang eksaktong petsa ang ibinigay para sa pagtatayo ng dalawang flyover.

Maliban sa parangal na nakamit ng nasabing police station, binigyan din ng Certificate of Commendation si Chief of Police Fernand Libungan dahil sa kanyang kontribusyon lalung-lalo na sa pamamalakad ng kanyang mga tauhan

upang maipatupad ang iba’t ibang proyekto at programang pangkapayapaan at kaayusan sa bayan ng Pavia. Napag-alaman din na ang Pavia MPS ay nakatanggap na rin ng mga parangal simula noong 2017 tulad ng Best PCR (Police Control Room), Top 2 Most Performing Police Community Affairs Development (PCAD) at Top 2 Best Police Station mula sa Iloilo Police Provincial Office (IPPO).

‘Proyektong Balangaw’ pasok bilang TEENovation ng Iloilo

Kamalayan, positibong pangtanggap sa mga may HIV/AIDS, kinakampanya KIM THERESE ERMITA

Pagkatapos ng ulan ay may bahaghari. Bilang pagtugon sa pagtaas ng bilang ng kaso ng HIV/AIDS sa probinsya ng Iloilo, ang koponan ng Pavia National High School (PNHS) ay bumalangkas ng proyektong Balangaw kung saan ay napili bilang isa sa mga Top Five Best Project Proposal sa pinakaunang Iloilo TEENovations Camp sa Barotac Viejo National High School, Oktubre 23-25. Ang proyekto ay ginawa upang magbalangkas ng organisasyon na taasan ang kamalayan sa HIV/ AIDS , tapusin ang bawat maling kurukuro tungkol sa sakit na ito, at babawasan ang tumataas na kaso nito sa ibang bayan. Sina Jeff Moises Hontoria,pangalawang pangulo-SK Municipal Federation, Brian Gumban, pangulo ng Supreme Student Government, Mar Alconada, Kate Catherine Pacheo at Yvonne DegalaPeer Helpers ng PNHS Teen Center ay ang mga nagbigay ng prosisyon sa nasabing proyekto. “Ang buhay ay hindi nagtatapos sa bawat balakid na ibinigay sa

atin. Ang buhay ay hindi nagtatapos sa pagkaroon ng HIV. Iba man ang pagtingin ng tao sa’yo ngayon,pero desisyon mo kung ikaw ay mag-iidlip sa pareho’t paulit-ulit na sakit o mamumuhay sa ibang paraan. Alam mo dapat na hindinghindi ka kinilala sa pamamagitan ng iyong pagkakamali kundi yung ginawa mo pagkatapos. Kung gustuhin mong sumaya o sa iba pang paraan, ang desisyon mo ay nasa iyong mga kamay,” pagpapaliwanag ni Hontoria. Sa darating na Nobyembre 20 ay pagkakalooban ng parangal ang koponan ng PNHS kasabay ng Teen Center Day.


balita

BIYAYA TOMO 3 BLG. 1 04 ANG

KASAMA SA PAG-IISA Solo Parent Pavia kaagapay sa pagtataguyod ng pamilya MA. DANISE SERIOTE Impormasyon at inspirasyon. Ito ang mga layunin ng kinilalang kauna-unahang ipinatupad na Solo Parent Program sa buong Pilipinas na mula sa munisipalidad ng Pavia na pinangungunahan ni Gng. Luzviminda B. Sanchez, opisyal ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) at ni Gng. Roselle L. Jardinero, federation president ng Solo Parent Pavia mula taong 2014. Sa bisa ng Republic Act 8729 (Solo Parents Welfare Act), pinangangalagaan ang bawat miyembro nito sa buong bansa sa usaping pamilya at ekonomiya. Suportado rin ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) at sa pamamagitan ng Memorandum 2010-093, hinihikayat ang mga Local Government Unit (LGU) at iba pang ahensiya ng gobyerno na itaguyod ang mga proyekto at aktibidad ng Solo Parent. Dagdag pa sa mga layunin nitong mabuksan ang kaisipan at mabigyang kaalaman ang mga “single mom” at “single dad” tungkol sa mga karapatan at mga benepisyong maaaring makatulong sa kanila.

INOBASYON. Naging mas makabuluhan ang pagtuturo sa tulong ng mga bagong kagamitan sa ipinataying ICT at STEM Laboratory Building, Oktubre 13. LARAWAN | FRANK JANAGAP

ICT, STEM Lab ginagamit na KIER JHON CABRERA Matapos ang mahigit limang buwang konstruksyon ay nagagamit na ang dalawang palapag na Senior High School ICT at STEM Laboratory Rooms sa Pavia National High School (PNHS) na inilayan ng bendisyon noong Setyembre 13. Pinangunahan ni kumulang 23 milyong Gng. Delorah Cecilia L. piso ang inilaan na badyet Fantillo, punong-guro ng ng DepEd Basic Education PNHS ang seremonya ng Facilities and Fund pagbendisyon ng gusali para sa pagsasagawa ng na may apat na klasrum nabanggit na proyekto. kung saan dalawa ang “Biniyayaan ang Science Laboratory Room ating institusyon ng na nakatalaga para sa mahuhusay na mga mga mag-aaral sa STEM at pasilidad at ang hamon dalawa rin ang Computer lamang para sa inyong Laboratory Room para mga mag-aaral ay ang sa mga mag-aaral na magpunyagi at gawin ang napapabilang sa ICT. nararapat na pagsisikap Ayon kay Gng. sa pag-aaral,” saad pa Fantillo, libo-libong niya. mga mag-aaral ng PNHS Ta o s - p u s o n g ang matutulungan ng nagpapasalamat naman naturang gusali kung ang punong-guro sa saan mahuhubog ang suportang ibinibigay isipan at puso nila ng mga opisyales ng pagdating sa teknolohiya, munisipalidad sa pagsasaliksik at paaralan lalong-lalo inobasyon. na kay Hon. Arcadio “Inaasahan na ang H. Gorriceta, dating mga klasrum na ito kongresista ng Segundo ang magpapatuloy sa Distrito ng Iloilo na nakagawiang tradisyon naging punong-abala ng mga Pavianhon, ang sa pangangasiwa sa pagkakaroon ng de- pagpapatayo ng mga kalidad na edukasyon gusali sa PNHS. para sa mga mag-aaral Samantala, kalakip nang sa ganun ay sa mga laboratory rooms maisakatuparan nila ang ay ang mga laboratory kahusayan sa pag-aaral,” equipment at mga tugon pa ni Fantillo. kompyuter na bigay rin Tinatayang humigit- ng DepEd. PAHINA 01 >> MAG-AARAL “Bilang pagtugon sa problemang ito, dalawa sa bawat estudyanteng nahihirapan sa pagbabasa ay may itinatakdang tutor na nanggagaling sa English Club at Supreme Student Government. Iba’t ibang mga libro rin ang inilaan sa kada antas ng pagbasa

BENEPISYO NG PROGRAMA Ilan sa mga programang naipatupad Solo Parent Pavia ay ang mga sumusunod: (1) social cash assistance, (2) pre-employment program na tumutulong sa mga miyembro sa kanilang mga kinakailangan bago makapagtrabaho, (3) educational assistance para sa kolehiyo ng kanilang mga anak, (4) burial at hospital bill assistance, (5) pagkakaroon ng medical assistance priority lane, at (6) ang 20% discount priviledge sa mga establisimento o mall at kainan kagaya ng Robinson’s Place Iloilo, KFC, Deco’s La Paz Batchoy, Jollibee Tacas, Jaro, at maging sa Ceres Bus Liner. Kabilang naman sa kanilang mga aktibidad ang Spiritual upliftment para bigyang pagkakataon ang bawat isa na maikuwento ang kanilang karanasan bilang solo parent, counseling, at openforum upang mabigyan ng gabay at solusyon ang anumang problemang kinakaharap ng bawat miyembro. KWALIPIKASYON NG MGA MIYEMBRO Ayon kay Gng. Sanchez, kasalukuyang nasa 405 na ang bilang ng mga naitalang miyembro ng

solo parent program sa Pavia kung saan nasa 15 taong gulang ang pinakabatang miyembro nito. “Hindi lamang mga babae ang maaring maging miyembro ng solo parent. Mayroon ding lalake, bakla, tomboy, o kahit mga lolo at lola na nag-aalaga ng kanilang mga apo na iniwanan ng kaniyang mga magulang,” wika pa ni Sanchez. Upang maging kwalipikado sa Solo Parent Program, nararapat na ang isang magulang ay mapatunayang hiwalay sa asawa anim na buwan o isang taong ang nakalipas, walang ka “live in”, nag-iisang nagtataguyod sa kaniyang mga anak at hindi nakatatanggap ng tulong mula sa iba. PAGTATAGUYOD NG PROGRAMA Ayon naman kay Gng. Jardinero, hindi naging madali ang pagpapatupad ng nasabing programa lalung-lalo na sa usaping pinansyal kung saan limitado lamang ang nakukuhang badyet dahil nakadepende ito mula sa pagsusuri ng Commission on Audit o COA. Sa kabila nito, ikinagalak ni Gng. Jardinero bilang pangulo ng Solo Parent Pavia at BOT ng Federation of Solo Parents Luzvimin IncorporatedUnited Solo Parents of the Philippines nang maimbitahan sa mga pagpupulong upang maglahad ng badyet sa programa katulad ng Annual Investment Program (AIP) Implementation and Dialogue, Propose Procurement Management Plan kung saan nabigyan ng pribilehiyo ang programa na ilatag ang mga aktibidad na nais ipatupad nito sa bayan ng Pavia. Kasalukuyan ding kasama ang solo parent program sa badyet ng DSWD Regional Office 6 para sa taong 2020. “Tanging hinihiling ko lang sa mga miyembro ng solo parent ay ang kanilang partisipasyon sa programa sapagkat dito ako kumukuha ng aking lakas at inspirasyon upang mapamunuan sila nang mabuti,” wika pa ni Jardinero.

KAAKIBAT SA BUHAY. Iniaabot ni Gng. Luzviminda B. Sanchez, opisyal ng Municipal Social Welfare and Development kasama ang pinuno ng Solo Parent Program na si Gng. Roselle Jardinero and cash assistance sa isang miyembro ng nasabing asosasyon. LARAWAN | LGU PAVIA

ng mag-aaral na kung saan ay nakabase rin sa kahusayan ng mga ito. Bukod pa rito, tinuturuan din ang mga bata kung paano pangasiwaan ang kanilang emosyonal na aspeto at pansariling kalinisan”, ayon pa kay Gng. Calimpong.

Isinasailalim din sa isang pagpupulong ang mga magulang ng mga estudyante upang mapaaalahanan sa responsibilidad at suportang kailangan nilang gampanan sa kanilang mga anak. Sa pagtapos ng taong panuruan, ay maraming nakatanggap ng pangaral bilang Best in Reading at Best in Spelling.


opinion

ANG BIYAYA TOMO 3 BLG. 1

05

HI N D I

MAKAMPANTE SA UNIPORME BB. OPINIONISTA | MARIANNE OPINION HINDI LANG DAPAT GURO ANG MAGSASABI SA MGA ESTUDYANTE KUNDI PATI NA RIN ANG KANIKANILANG MGA MAGULANG PARA MADISIPLINA SILA TUNGKOL SA NARARAPAT NA KASUOTAN SA PAARALAN. Hindi nakapaglaba. Walang pambili. Ito ang mga paulit-ulit na dahilang naririnig ng mga guro sa mga mag-aaral ng Pavia National High School (PNHS) sa hindi pagsuot ng uniporme. Noong 2017 ay sinimulan nang ibahin ang kulay at disenyo ng uniporme batay sa kurikulum o programa ng mga mag-aaral. “You need to wear your complete uniform, so that the school can protect you,” mga katagang binigyang-diin ni Gng. Delorah Cecilia L. Fantillo. Ang pagsuot ng uniporme ay isa sa mahalagang tungkulin bilang estudyante. May mga estudyanteng nagsasabing kaya hindi sila nakakapagsuot ng uniporme dahil na rin sa isang piraso lng ang meron sila. Yung iba naman ay marami silang gawain at proyekto kaya wala na silang oras maglaba. Tuwing sasapit naman ang Biyernes marami rin ang hindi sumusuot ng uniporme dahil “wash day” daw ito. Ngunit, kailangan talaga magsuot ng uniporme araw-araw para matukoy ang iyong paaralang pinapasukan. Minsan may mga magulang din na hinahayaan na lang nila ang kanilang mga anak na hindi magsuot ng uniporme kung kaya’t ang mga guro ay nanggagalaiti sa pangangaral sa kabataan na dapat ay responsibilidad din sana ng mga magulang. Hindi lang dapat guro ang magsasabi sa mga estudyante kundi pati na rin ang kani-kanilang mga magulang para madisiplina sila tungkol sa nararapat na kasuotan sa paaralan. Ang uniporme ay isang pagkakakilanlan ng isang mag-aaral. Dapat itong suotin sa mga panahong nasa paaralan. Matutong makampante sa uniporme.

ON KALIDAD NA EDUKASY

ADHIKAIN NG NAKARARAMI Totoong ito ang layunin kung bakit may nakatayong mga estruktura, may mga taong tinatawag nating mga “guro”. Bagaman hindi iiral ang dalawang ito kung wala ang katauhan ng mga mag-aaral. Ngunit sa kabila ng pagsisikap at patuloy na paghubog ng mga guro at pagsusuporta ng buong sistema, natuklasang marami sa mga mag- aaral ang nabibilang sa malaking porsyento ng nagkakaroon nang mababa pa sa itinakdang porsyento ng grado na kailangang ipasa. Ang naging basehan nito ay ang tinatawag nating DMEA (Division Monitoring Evaluation and Adjustment) o maaari ring tawagin na SMEA (School Monitoring Evaluation and Adjustment). Ang DMEA ay ang ginagawang pag-aaral sa pangkalahatang datos na naipon

ang

KATOTOHANAN TUNGO SA PAGBABAGO

BIYAYA

ANG BIYAYA ay opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Pavia National High School. Sa mga interesadong magbahagi ng kanilang komento, suhestyon at kontribusyon, mangyaring makipag-ugnayan sa lupon ng mga patnugot sa pamamagitan ng: www.facebook.com/angbiyaya

COLOPHON Ang pahayagang ito ay idinesenyo gamit ang Adobe InDesign CS5 at Adobe Photoshop CS3 MGA FONTS: Exo, Droid Serif

(033) 329-3522 / (033) 320-2332

EDITORYAL

“Anumang paaralan, iisa lamang ang kani-kanilang layunin; ang makapaglikha ng mga mag-aaral na handa at determinadong makamit ang minimithi sa buhay.”

sa dibisyon ukol sa mga kabataang nagpapakita ng malawakang pagbaba ng grado. Kasama nito ay ang SMEA na tumutulong na maisagawa ang DMEA dahil ito ang lumilipon ng datos at impormasyon sa bawat paaralan. Layunin din ng dalawang ito na magbigay nang agarang puna sa kahusayan at kahinaan ng pagpapatupad ng programa sa antas ng paaralan, tumugon sa mga pangangailangan sa teknikal at pagsasanay ng mga guro. Sa katunayan, ayon sa mga datos ng SMEA ng ating mismong paaralan, sa kabuuang 6,120 na enrolled na mag-aaral para sa taong 2018-2019 ay 481 ang karamihan bumabagsak sa kanilang asignatura o tinatayang 7.8 porsyento sa loob lamang ng ikatlong quarter ng taon. Karamihan sa mga nakabilang rito ay nagmula

sa ika-sampung baitang na umabot sa 165. Ang kadalasang pagliban sa klase ang pangunahing dahilan kung bakit sila ay hindi pumasa sa iba’t-ibang asignatura gayundin, ang pagkahumaling sa gadyets ng mga bata. Higit pa rito, ang iilan ay nagtatrabaho habang nag-aaral na siya ring dahilan upang maapektuhan ang pokus sa eskwelahan. Panghuli, kalahati sa mga kabataan ang nagpahayag ng kawalan nang ganang pumasok dahil sa kakulangan ng suporta, patnubay at motibasyon. Upang matamo ang mataas na kalidad ng edukasyon kailangang isaalang-alang ang patuloy na pagaaral at pagsusubaybay sa tunay na pangangailangan ng mga magaaral. Halina’t tungo sa kalidad na edukasyon!

SMEA - Pavia National High School | 3rd Quarter Data S.Y. 2108-2019

78%

mag-aaral na nawawalan ng interes sa pag-aaral bunga ng kakulangan sa suporta at motibasyon

mag-aaral na may gradong 74 pababa sa isa o higit pang asignatura

MGA PUNONG PATNUGOT MICHELLE THERESE MONGCAL MARY MC DOREN CALLANGA

EDITORYAL MICHELLE THERESE MONGCAL RITSDON HIJASTRO

KARTUNIST KARL ANTONIE ANIMAS CHRISTIAN JAUD

PANGALAWANG PATNUGOT HECTOR ALFONSO JR. MA. DANISE SERIOTE

LATHALAIN MARY MC DOREN CALLANGA AIREEN MACASIO

TAGAKUHA NG LARAWAN FRANK JANAGAP

TAGAPANGASIWA GIANNA CLAIRE CUSTODIO PAMELA ANDREA JAMOYOT AIREEN MACASIO

AGHAM AT TEKNOLOHIYA GIANNA CLAIRE CUSTODIO MARIEL FERNANDEZ

TAGAWASTO KIER JHON CABRERA

BALITA MA. DANISE SERIOTE HECTOR ALFONSO JR.

50%

Mag-aaral na nakakuha ng 74 pababa na grado

481

ISPORTS ROYZE EVANGELISTA ROV WEBNEL JALBUNA

MGA MANUNULAT WENVIE CLAIRE AGUILAR OFE MARIE ARONES ANGELA KRIS CAIDIC

JASMIN MARIE CANDAME JADE DANIELLE DINCO JUDE MARS ERLANO KIM THERESE ERMITA ANGELA MAE FACTANAC CLOIE MARIE HISOLER TRISTAN WYETT JAEN RAY ANGELO JAGNA-AN CHZAR JANCORDA CAMELLE JANOLINO ALISA MANDAR MARIANNE OPINION JESSY ROSE PORMENTO JED SELAUSO ADHARA VIDIOT

TAGAPAYO G. CHENO S. POLLAN KONSULTANT G. GERARDO G. HILAOS (Retired Master Teacher II) Gng. LINA VIC L. DE LOS SANTOS (Head Teacher I, Departamento ng Filipino PANGULO NG PTA Gng. MARIA JASPE-FRANCISCO PRINCIPAL IV Gng. DELORAH CECILIA L. FANTILLO


opinion

BIYAYA TOMO 3 BLG. 1 06 ANG

NOON

KURU-KURO

TOON

Ang mga sumusunod na ilustrasyon ay pawang personal na paniniwala ng dibuhista. Ito'y hindi sumasaklaw sa kabuuang pananaw ng Patnugutan.

NGAYON

Marami ang pinapagawang Nabawasan na ang mga mga takdang-aralin takdang-aralin dahil sa No Homework Policy

NOON

NGAYON

Pumupunta sa library para makahanap ng mga sagot sa mga takdang-aralin

Isang click na lang sa Google

NOON

Pahirapan sa pagsulat ng mga aralin

NGAYON

Papicture-picture na lang ng mga aralin

BIRHENG KAMALAYAN Nagkaisa ang reaksyon ng mga Pilipino nang maibalitang isinusulong ng pangulo ng National Youth Commission (NYC), Ryan Enriquez ang pagkakaroon ng magkahiwalay na klase ang babae at lalaki mula ika-pito hanggang ikalabindalawang baitang upang masugpo ang teenage pregnancy sa Pilipinas. Ayon sa Commission on Population (POPCOM), nitong Hulyo ay halos 196,000 Pilipinong may edad mula 15-19 ang nabubuntis kada taon. Tiyak na nakababahala ang nasabing datos subalit, hindi mapipigil ng paghihiwalay ng klase ng babae at lalaki ang paglipana ng nasabing isyu. Dagdag pa rito, nakalulungkot mang isipin subalit mayroong naitalang bagong 1,006 kaso ng HIV ang NYC nitong Hunyo kung saan 52% ay nasa edad 25-34 at 29% naman ang nasa edad 15-24. Taliwas dito, wala ring pag-aaral na mayroong kauganayan ang paghihiwalay ng klase ng babae at lalaki ay sa lumalalang datos ng HIV at teenage pregnancy.

MAINAM NA MAGKAROON NANG MASUGID NA PANANALIKSIK HINGGIL SA TUNAY NA KALAGAYAN AT PANGANGAILAN UPANG MASUGPO ANG TEENAGE PREGNANCY SA BANSA.

TAWAG NG PANULAT | MARY MC DOREN CALLANGA Kaugnay rito, nagbigay rin ng pahayag si Bishop Roberto Mallari, tagapangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (ECCCE) na ang kakulangan sa pagpapahalaga ng kilos at gawa at ang paggabay mula sa tahanan, komunidad at sa iilang silidaralan ang kadalasang mitsa nang maagang pagbubuntis at Human Immunodeficiency Virus (HIV)--hindi ang heteroginity ng mga mag-aaral sa silid-aralan. Sa kabilang banda, matagal

ng pamantayan sa United States ang mga single-sex schools ngunit, noong 20 siglo ay umalma ang mga guro at mga magulang dahil sa gender stereotyping at diskriminasyong naidudulot nito sa mga kabataang babae at lalaki. Bukod pa rito, nahinuha rin ni Junice Lirza Melgar, co-founder and executive director ng Likhaan Center for Women’s Health na ang sex education sa Pilipinas ay nakatuon lamang sa contraceptive at hindi sa pananaw patungkol sa buhay. Mas makapagdudulot ito ng pagbabago sa personalidad at mas

mabibigyang diin ang sekswalidad ng isang indibidwal kaysa pawang impormasyon lamang. Kaya’t mas mainam na palakasin muna ang edukasyon sa sekswalidad sa kanya-kanyang paaralan. Higit pa rito, makabubuting pag-aralan muna ang mga ipinapanukalang aksyon tungo sa ikabubuti ng bawat Pilipino. Mainam na magkaroon nang masugid na pananaliksik hinggil sa tunay na kalagayan at pangangailan upang masugpo ang teenage pregnancy sa bansa. Gayunman, hindi ang pagkaroon ng magkakaklaseng babae at lalaki ang ugat ng lumulobong kaso ng teenage pregnancy at HIV bagkus ito ay dahil sa nakasaplot na katotohanan. Naniniwala akong tayong mga Pilipino ay namuhay sa pag-iisip na konserbatibo subalit, hindi ang ating kilos at gawa. Mabuti na ring idamay natin ang ating isip sa pagwasak ng ating birheng kamalayan nang sa gayon, ay higit na maipapaunawa sa mga kabataan ang dapat nilang iwasan at gawin.

WALANG MAKAKAGOSTO Nitong nakaraang anim na taon, samu’t sari ang naging reaksyon ng sambayanan dahil sa paglipat ng pasukan ng kolehiyo sa Agosto sa halip na Hunyo. Maihahalintulad ito sa di umano’y panghihikayat sa Department of Education (DepEd) na baguhin ang iskedyul para sa basic education. Batay sa pahayag ni Leonor Briones, education secretary, mananatiling Hunyo ang pasukan sa mga pampublikong paaralang inaprubahan ng Execom (Executive Committee). Kung iisipin, bakit nga ba mas mainam na panatilihing Hunyo ang pasukan para sa basic education? Naging parte na ng ating kultura’t tradisyon ang buwan ng Hunyo ay hudyat ng pagbabalik ng mga mag-aaral sa paaralan. Kung magsisimula ang pasukan sa Agosto, magtatapos ito sa Mayo kung saan magkakaroon ng suliranin sa mga aktibidad

BAKIT HINDI MUNA BIGYANG POKUS ANG MAAYOS NA PAGPAPATAYO NG MGA SILID BAGO ISAKATUPARAN ANG PANUKALA, KUNG ANG KATAYUAN LANG NAMAN NG LUGAR NG PAG-AARALAN ANG PROBLEMA? PASOK SA PANDINIG | HECTOR ALFONSO JR.

na nakatakda sa panahon ng tag-init tulad ng pagbabakasyon ng pamilya at pagliliwaliw ng mga guro. Nararapat lamang na matamasa ng bawat isa ang kasiyahan sa tag-init at hindi ang puspusang pag-aaral sa loob ng tila hurnuhang silid-aralan. Ayon sa DepEd, tinatayang 23 milyong estudyante mula Kinder hanggang sekondarya sa mga pampublikong paaralan

ang magsasagawa nang napakalaking pag-aayos. Isang masaklap na reyalidad sa ating bansa ang napakaraming magaaral ngunit, kakaunting silidaralang kadalasa’y binabaha at napakainit. Kaugnay rito, ang tag-init ay naghahatid n magandang oportunidad para sa mga negosyo. Maraming tao ang dumadayo sa iba’t ibang pasyalan lalo

na sa dagat kung saan, higit na mahinahon ang alon. Ang pagbabago ng pasukan ay hindi lamang makaaapekto sa mga magaaral, guro at magulang bagkus pati na rin sa mga negosyo. Sa kabilang dako, binigyang diin din ni Briones na ang mga batang mag-aaral ay higit na madaling dapuan ng sakit tuwing tag-araw gaya ng sore eyes, dengue, tigdas at iba pa. Isa itong karagdagang hamon para sa mga paaralang matiyak ang kalusugan ng mga mag-aaral. Gayunpaman, ang panukalang ilipat sa Agosto ang pasukan para sa basic education ay hindi naaayon sa pangngailangan ng mga Pilipinong mag-aaral. Bakit hindi muna bigyang pokus ang maayos na pagpapatayo ng mga silid bago isakatuparan ang panukala, kung ang katayuan lang naman ng lugar ng pag-aaralan ang problema?


LARAWAN| REUTERS 2016

opinion

ANG BIYAYA TOMO 3 BLG. 1

07

ISYU NGAYON:

SOGIE BILL Kanino ka papanig? Kamakailan lamang ay kaliwa’t kanang binatikosat sinuportahan ng iilan ang ipinasang panukala ni Sen. Risa Hontiveros na kinilalang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression Equality (SOGIE) Bill na naglalayong maprotektahan sa lahat ng aspeto ang mga napabibilang sa LGBTQ+. Ayon pa sa kaniya, ito raw ay naiiba sapagkat nabibigyang pansin nito ang mga miyembro ng LGBTQ+ na hindi lang nakaranas ng diskriminasyon kundi pati na rin ang humantong sa pagkasira ng kanilang pagkatao. Higit pa rito, pangunahing tunguhin nito ang pagbase ng mga probisyon sa SOGIE ay kabilang sa Comprehensive Anti-discrimination Measure. Ano ang masasabi niyo rito? Katanggap-tanggap kaya ito?

HINDI: Hangaring Isinulong Ngunit DI-pinansin CAMELLE JANOLINO

DAPAT: Dinggin ang pagkapantay-pantay at Tanggapin RAY ANGELO JAGNA-AN

SA LIPUNAN SA MARAMING PARAAN NGUNIT ITO AY KAPANTAY LAMANG NG MGA BATAS AT NAGDAANG MGA PANUKALANG ISINUSULONG ANG PAGKAPANTAY-PANTAY AT PAGPIGIL NG DISKRIMINASYON.

GAYUNPAMAN, MAGIGING DAAN ANG PANUKALA PARA SA LGBTQ+ NA MAKIBAHAGI SA LIPUNAN AT MAIPAHAYAG ANG KANIKANILANG MGA KATANGIAN AT KAKAYAHAN PARA SA IKAUUNLAD NG BAYAN.

Maraming miyembro ng LGBTQ+ ang nagnanais na maipatupad ang Sexual Orientation Gender Identity or Expression o mas kilala bilang SOGIE Bill sa Pilipinas. Ito ay sa kadahilanang nais nilang magkaroon ng pagkapantay pantay sa lipunan at matigil ang diskriminasyong kinakaharap ng bawat miyembro ng LGBTQ+. Ayon kay Sen. Tito Sotto, 15 sa 24 na mga senador ang hindi pabor sa pagpapatupad ng SOGIE bill at ito’y sapat lamang na dahilan upang hindi ito maipasa sa senado. Ang panukalang ito ay unang iminungkahi ni yumaong Sen. Miriam Defensor Santiago noong 2000 ngunit, ito ay umabot lamang sa ikatlong pagdinig sa senado. Karamihan ay tutol sa panukala sapagkat, maraming problema ang bansa na mas dapat tinututukan ng gobyerno kaysa sa isang batas na noon pa man ay hindi na naipatupad sa senado. Una, batay sa mga salitang binitawan ni Sen. Sotto hinggil sa kaniyang pagtutol sa SOGIE bill, marami ng batas ang ipinatupad sa Pilipinas tungkol sa kahit na ano mang diskriminasyon at ang pagpapatupad ng panukalang ito ay tila kalabisan na. Pangalawa, ang Pilipinas ay tanggap ang bawat miyembro ng LGBTQ+. Patunay si Rep. Geraldine Roman, ang kauna-unahang transgender na napabilang sa kongreso noong 2016. Batay sa mga resulta ng nagdaang 2019 elections, si Roman ay nakakuha ng 91% na boto at nagpapakita lamang na tanggap ng mga Pilipino ang LGBTQ+. Marami na ring tumakbo at nanalo sa politika na kasapi ng organisasyon kaya bakit pa kailangan ng batas na ito kung meron naman palang pagkapantay pantay sa lipunan noon pa man? Panghuli, ang Sogie Bill ay tila banta sa karapatan at kalayaan ng mga hindi kabilang sa LGBTQ+ kagaya na lamang ng simbahan. Nakapaloob sa SOGIE Bill na mapaparusahan ang sinumang magdidiskrimina ng miyembro ng LGBTQ+. Ang simbahan ay nagtuturo na babae lang at lalaki ang nilikha ng Diyos, sila ba ay mapaparusahan din? Sa aking palagay, ang SOGIE bill ay makatutulong sa lipunan sa maraming paraan ngunit ito ay kapantay lamang ng mga batas at nagdaang mga panukalang isinusulong ang pagkapantaypantay at pagpigil ng diskriminasyon. Mag-isip at huwag magpadalos-dalos!

Karapatan. Respeto. Pagkakapantay-pantay. Tatlong bagay na limang dekada nang pinaglalaban subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakamtan. Kaya’t sa pagsumite ng Senate Bill no. 4982 o mas kilala bilang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Bill ay mabibigyang kulay ang madilim na lipunang puno ng poot at diskriminasyon. Batay sa isinagawang pag-aaral ng Center for American Progress (CAP) noong 2010, lumabas na higit sa kalahati sa mga miyembro ng LGBT ang nakararanas ng diskriminasyon mula sa mga taong nangangalaga sa kalusugan. Higit pa rito, 25 porsyento naman ang nagsabing tinanggihan sila ng direktang pangangalagang medikal kaya’t ang nasabing panukala ang lubos na makatutulong. Bukod pa rito, nakasaad sa panukalang maituturing na diskriminasyon kung ang isang pribado o pampublikong pagawaan ay magsasama ng sekswal na oryentasyon sa pamantayan, sa promosyon, paglilipat, pagpili para sa pagsasanay, sa pagkalkula ng benepisyo, pribilehiyo at allowance. Sa katunayan, nakatala sa sarbey ng CAP2 na 12% mula sa 8% sa mga nagdaang taon na ang mga manggagawa ay tinatago ang kanilang tunay na sekswal na oryentasyon sa kanilang amo upang hindi matanggal sa trabaho. Sa paglitaw ng panukalang ito, mas mabibigyan ng tamang pagtrato ang mga miyembro ng LGBTQ+. Panghuli, ayon sa ikalawang seksiyon ng panukala, ang estado ay kinikilala ang pangunahing karapatan ng bawat tao, anuman ang kasarian, edad, katayuan, lahi, kulay, kapansanan, relihiyon, paniniwala at pagkakakilanlan ng kasarian, upang maging malaya sa anumang anyo ng diskriminasyon. Gayunpaman, magiging daan ang panukala para sa LGBTQ+ na makibahagi sa lipunan at maipahayag ang kani-kanilang mga katangian at kakayahan para sa ikauunlad ng bayan. Kaya’t tayo’y magkaisa sa pagbigay ng ating suporta sa panukala upang mabigyangkulay ang madilim na lipunang puno ng diskriminasyon.


opinion

BIYAYA TOMO 3 BLG. 1 08 ANG

PAMAMAHAYAG: SERBISAYO

inbox

BALIKTARIN MAN ANG HUGIS NG MUNDO, MANANATILING NASA MAMAMAYAN ANG PUSO NG MGA MAMAMAHAYAG, SA KAUNLARAN NG BANSANG SINILANGAN.

REAKSYON AT KOMENTO

NO HOMEWORK POLICY

SASANG-AYUNAN KAYA? “Pabor ako sa pagkakaroon ng No Homework Policy. Ang mga activities o written works ay dapat ginagawa sa loob ng paaralan upang pag-uwi ng mga estudyante sa bahay nila ay makapagpahinga sila. Kung gusto nilang mag-aral sa mga tahanan nila, ay nasa kanila na iyon.” – Lito Magtulis I, 11-STEM 1

“Bilang isang mag-aaral naiintindihan ko kung paano ito nakakadagdag sa aming gawain. Kapag naipatupad ito makakatulong ito para maibsan ang pinagkakaabalahan namin sa bahay at magkakaroon kami ng oras sa aming sarili.” – Angela Fagtanac, 11-ABM 1 “Bilang estudyante hindi ako sang-ayon sa No Homework Policy sa kadahilanang baka mas maging tamad pa ang ibang mga estudyante sa pag-aaral. ” – Kate Caro, 11-STEM 2 “Hindi ako sang-ayon sa No Homework Policy pagkat ang batas ay magdudulot lamang ng katamaran sa mga mag-aaral. Kahit sa kanilang pamamahay ay hindi pa rin nila ginagawa ang kanilang takdang aralin, ginagawa nila ito sa paaralan.” –Ms. Myrene Jagonio, Guro sa PNHS “Hindi ako sang-ayon sa No Homework Policy dahil naging tamad na ang mga mag-aaral kapag wala na silang takdang aralin at magiging kampante na silang huwag mag-aral. Bilang isang magulang, hinahangad kong sa pamamagitan ng mga takdang aralin magiging masipag sa pag-aaral ang aking anak kahit na sa bahay lamang.” – Mrs. Maggie Macasio, Magulang

LAKBAYDIWA | MICHELLE MONGCAL

“Tinahak ng mga mamamahayag ang pamamahayag upang maging malapit sa puso ng masa’t pamayanan.” Labas masok sa tenga ang katagang maghatid ng impormasyon sa tuwing binabanggit ang mga alagad sa patad ng dyurnalismo. Tila’y kay payak mang isipin subalit hindi lamang diyan nagtatapos ang kanilang serbisyo. Maghatid ng tapat at walang kinikilingang balita ang pangunahing gampanin ng mga mamamahayag.Maasahang impormasyon at responsableng pagbabalita’t pagkokomentaryo ang sandata ng mga dyurno at mahalagang isaalang–alang ang balanseng balita at opinyon dito. Sa simula’t sapul tunguhin ng pamamahayag ang magdala ng katotohanan sa madla. Ang makatotohanang pamamaraan ay makapagdudulot upang maging bukas ang mga tao sa pangyayaring pilit na binabahiran ng kariktan na nagaganap sa ating lipunan. Sa katunayan lumabas sa isang sarbey ng US-based Pew Research Center noong 2017 na umaabot sa 86 na porsyentong mga mamamayan ng Pilipinas ang ipinahayag na ang mga balita ay tama at eksakto samantala 78 na porsyento naman ang nagsabing ang mga mamamahayag ay ibinabalita ang mga nasa politiko nang patas at walang kinikilingan. Higit pa rito, malaking bahagdan

ng mga Pilipino sa 87 na porsyento ang inilahad na ang mga mamamahayag ay naghahatid ng mga pinakamakabuluhang balita. Sa kabilang banda, kasalukuyan ay tila gumagalaw ang mundo ng sambayanan sa social media kung saan madali at mabilis ang pagkalat ng impormasyon. Noong nakaraang taon ayon sa taunang ulat ng We are Social and Hootsuite, ang oras na ginugol ng mga Pinoy online araw-araw ay mula sa siyam na oras at 29 minuto subalit sa taong ito ay umabot na sa 10 oras at 2 minuto, ang pinakamataas na naitala sa mundo. Bukod pa rito, ang bilang ng mga gumagamit ng social media sa Pilipinas ay tumaas mula 67 milyon hanggang 76 milyon ngayong taon. Halos lahat ng impormasyon ay dumadaloy sa medium ng social media, tama man o peke, gawagawa man o opisyal na naisulat. Gayunman, ang paglantad ng katotohanan sa pamamagitan ng isang responasable at tapat na pamamahayag ay magiging daan sa pagwaksi ng mga peke at gawagawang balita. Higit pa rito, sa pamamagitan ng pamamahayag nakakatulong din ito sa pagpapaunlad ng mahahalagang katangiang dapat taglayin ng isang mabuti at tapat na sibilyan. Batay sa Republic Act 7079 o Journalism Act of 1991, tinalakay nito na ang pamamahayag ay magiging tulay sa pagpapatibay ng pagpapahalagang etika, paghikayat tungo sa kritikal na

Liham

pag-iisip sa mga laganap na isyung tinatamasa ng mundo at paglinang sa moral na karakter ng bawat isa at disiplina sa sarili. Isang malaking halimbawa nito ang ipinamalas na tapang at pagpanalig sa katotohanan ng nanalong cheering squad sa University of the Philippines Visayas – ang Skimmers. Isang organisasyon ng mga mag-aaral na mamamahayag ay walang takot na binandera at idinaan sa kanilang cheering ang mga isyu’t problemang pilit na isinisintabi at ipinagsasawalang bahala ng karamihan. Marahil isang kahihiyan at pagrerebelde man ang turing ng iba, bagaman ang pagkakaroon ng kamalayan at pagbigay pansin sa mga suliranin sa kanilang purong katotohanang pamamaraan ay nakapag-udyok na buksan pa lalo ang isip ng bawat mamamayang Pilipino. Baliktarin man ang hugis ng mundo, mananatiling nasa mamamayan ang puso ng mga mamamahayag, sa kaunlaran ng bansang sinilangan. Sa isang responsableng pamamahayag kaagapay ang tapat at balanseng opinyon at pagbabalita, tiyak na makakasulong ng demokrasiya sa buong nasyon. Ang lakas ng isang bansa ay sa sarili nitong taumbayan, taumbayang nagtataglay ng kritikal na pag-iisip, kamalayan at may pakialam sa pagpapaunlad ng bansa kung bukas pusong papahalagahan ang tatak ng pamamahayag.

S A PAT N U G OT

Mahal na Patnugot, Palamura. Hindi disiplinado. Walang respeto. Ito ang mga karaniwang maririnig sa mga matatanda sa tuwing ang ugali ng mga kabataan ang paguusapan. Kahit nga raw sa simpleng pag-mano at pagsabi ng “po” at “opo” ay nakakalimutan na nila lalunglalo na nitong huling henerasyon. Kung inyo pong mamarapatin ay nais ko pong ipabatid sa inyo na sang-ayon akong ibalik ang asignaturang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa elementarya ng sa gayon ay mas madaling maturuan ang mga kabataan ng mga magagandang asal sa murang edad. Nakakalungkot lang kasing isipin na hindi na marunong magbigay galang ang mga kabataan ngayon, marahil ay dahil na rin sa epekto ng modernisasyon kung saan nabaling na sa gadyets ang atensyon nila. Kaya sa pamamagitan ng simpleng hakbang na ito ay maaring masolusyonan o mabago ang pag-uugali ng mga kabataan. Sana po ay maiparating ito sa kagawaran ng edukasyon ng sa ganon ay mabigyang pansin ang isyung ito. Ayon nga po sa kasabihan, “ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Hindi po ba mas maganda kung huhubugin muna ang pag-uugali nila? Lubos na gumagalang, Daniessa Saladar


agham

ANG BIYAYA TOMO 3 BLG. 1

LARAWAN| PHILIPPINE RED CROSS

LAKBAYDAGAT 101

PUGADA salitang hiligaynon na ang ibig sabihin ay

daluyong o storm Surge

SANHI

BUNGA

Pagtaas ng label ng tubig dagat dahil sa malakas na hanging dala ng bagyo.

ang tubig mula sa dagat ay tutungo at aapaw sa baybayin at lupa.

09

PUGADA PUWERSA GALING DAGAT MARIEL FERNANDEZ

SANGGUNIAN UP NOAH, FACEBOOK

ILOILO-GUIMARAS STRAIT TRAGEDY

anging nagagalit. Along nananakit. Trahedyang mapait. Pugada. Buong puwersa nitong nilubog ang bawat buhay ng mga taong tanging kahilingan lamang aymakauwi sa kani-kanilang tahanan.

3 65 31

BANGKANG NALUBOG

NAKALIGTAS

NASAWI

SANGGUNIAN ILOILO METROPOLITAN TIMES

ECHO DELTA

KISLAP SA KABILA NG DILEMA MARIEL FERNANDEZ

Talas ng isip. Sinimulang buuin ang isang pananaliksik upang masagot isang suliranin. Ito ay matiyagang pinag-iisipan nang malalim upang hindi pumalpak sa huli at para makatulong sa sosyudad. Echo Delta. Isang imbensyong pangkaragatang bago sa mga paningin at pandinig ng karamihan. Ipinamalas ng mga kabataang mananaliksik ng Pavia National High School na sina Johnxis Jinon, Louise Andrew Hubaldo, Jelliane Rose Dicen at Ara Mae Judicpa ng Grade 12 Science Technology Engineering and Mathematics (STEM) ng Senior High School Department ang kahusayang taglay sa larangan ng agham na dalubhasa sa Robotics. Ang kanilang pananaliksik ay may pamagat na: Echo Delta Radio Repeater with GPS Technology: Its Impact on Maritime Safety, Rescue Operation and Disaster Mitigation. Ang imbensyong ito ay naglalayong matulungan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang rescue operations tuwing may kalamidad lalunglalo na sa katubigan, paghahanda at pagiging ligtas sa oras ng sakuna. Mas napapadali ang komunikasyon nitong makaabot sa mas malayo pang mga lugar na nakadepende sa taas na antenang gagamitin. Gumagana ito ng mas maayos dahil gumamit ang mga ma-

nanaliksik ng Arduino Uno na nagsisilbing microcontroller ng instrumento. Tuwing may sakunang magaganap, makakaresponde ng mas maaga ang PCG sa karagatan dahil ang repeater nito mismo ang magtutuklas nang paulit-ulit na signal mula sa portable radio sa tulong ng PPT o push to talk. Ang device ay pwedeng chargeable, pwedeng kargahan ng baterya o isaksak sa outlet upang makatotohanang gumana.

H

Dagdag pa rito, naging inspirasyon nilang gumawa ng makabagong radio repeater dahil sa naganap na trahedya sa dagat nitong Agosto 3 nang lumubog ang tatlong motorbanca at umabot sa 31 ang nasawi na kilala sa ngayon bilang Iloilo-Guimaras Strait Tragedy. Ang bawat imbensyon ay siguradong nagmumula sa isip ng mga mananaliksik na may kritikal na pag-iisip, inobasyong makabago. Gamitin at paunlarin.

MASINSINANG PANANALIKSIK. Matiyagang sinaliksik ng mga kabataang mananaliksik ng Pavia National High School ang adhikain ng Echo Deltang mapag-ibayo ang ang kaligtasan sa paglalayag. LARAWAN | DOST-SEI FACEBOOK

TRAHEDYA SA DAGAT Nitong ikatlo ng Agosto lamang ay lumubog ang tatlong mga bangka sa katubigan o mas kilala ngayon bilang Iloilo-Guimaras Strait Tragedy kung saan dulot ito ng hangin mula sa Habagat na nagtulak sa tubig upang tumaas at humampas sa bangka na tinatawag na pugada sa dagat. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), sa kabuuang 96 na pasahero at crew na sakay ng tatlong motorized boat, 65 ang nakaligtas na may 52 pasahero at 13 na crew, at 31 katao rito ang nasawi. Tumaob ang tatlong bangka na ito dahil na rin nagbanggaan ang M/B Chi-Chi at M/B Keziah sa dagat. Samantala, hiwalay namang naaksidente ang bangkang M/B Jenny Vince sa lakas ng hangin at alon habang limang guro ang namatay mula sa Iloilo PAANO NABUBUO ANG PUGADA? Ang daluyong o storm surge ay isang biglaang paglakas ng hangin na nagpapataas ng alon sa karagatan o abnormal na penomena at senyales nito ang maiitim at makakapal na ulap na lumilitaw sa kalangitan na maaaring mamuo bilang bagyo o thunderstorm. Nagbigay ng panukala ang PCG at Maritime Industry Authority (MARINA) na kung saan ay ang paglimita ng mga bangkang babyahe mula 6 ng umaga at 6 ng hapon lamang, pag-alis ng trapal sa paglalayag o paglimita sa haba nito at inuutos ding magsuot ng lifejackets buong byahe. Sa panahon ngayon, ang mga sakuna ay karaniwan nang nagaganap sa buong mundo. Kaya sa buhay, dapat na palaging maging handa.Tanging sandalan ng lahat ay ang angkop na makatotohanang kaalaman at kahandaan. Dapat na maging alisto sa lahat ng oras.


lathalain

BIYAYA TOMO 3 BLG. 1 10 ANG

TUGON NG HANGARIN JASMIN MARIE CANDAME

“Pinukaw ng organisasyong ito ang aking puso’t damdaming nakapokus sa mga makataong gawi para sa ating lipunan. Naging daan ito upang ibigay ko ang nararapat na serbisyo at ginhawang dapat matamasa ng mga taong naghihirap.” Buong puso itong nasambit ni Jie Ann Faith Ausmolo, Grade 12 Humanities and Social Sciences (HUMSS) ng Pavia National High School nang siya’y magpakilala sa harap ng kanyang kapwa magaaral. Siya ay 17 taong gulang na nakatanggap ng pagkilala noong Oktubre 28, 2018 bilang Chapter Youth Council (CYC) PRO ng Red Cross Youth (RCY) Iloilo Chapter para sa taong 2018-2020. Nagmistulang isang inosenteng batang nangangapa sa mundo ng RCY si Ausmolo. Sa kaniyang patuloy na pagtuklas sa mundong pinasok, nagsilbi siyang ilaw sa madilim na daan upang hubugin ang mga kabataan, hindi lamang maging isang boluntaryo kundi bilang isang lider ng lipunan. UNANG PATAK NG PAWIS SA PAGKILALA Nagsimula ang kaniyang hangarin na mapabilang sa RCY sa pag-aasam na maging isang ganap na Leadership Development Program (LDP) Instructor, tulad ng kaniyang mga nakikita at hinahangaan. Ito’y sa ilalim ng pamamahala ng CYC na nagsilbing lunsaran tungo sa kaniyang inaasam. Ayon pa kay Ausmolo, hindi niya inaasahan na makakalahok siya sa ginanap na Chapter Youth Assembly. Napilitan siyang sumali dahil kulang ng isang manlalahok ngunit, sa kabila nito nangibabaw ang galak na bitbit niya ang pangngalan ng paaralan sa buong Iloilo. Sinuportahan at hinikayat siyang sumali sa organisasyong ito ni Gng. Jennifer S. Caspe, Supreme Student Government Adviser at ng kaniyang pamilya lalung-lalo na ng kaniyang ama. “Lagi kong pinapaalala sa aking sarili ang lahat ng kanilang paghihirap at pagsasakripisyo. Naniniwala ako na kaya nila akong maipagmalaki sa pamamagitan ng pag-uwi ko ng tagumpay,” masaya niyang sambit.

Government, Vice President para sa taong 2019-2020, nagkaroon din sila ng proyekto kung saan hinimok nila ang mga kasamahan sa Circle of Prime, Batch 2 para sa gagawing Outreach Program. Gamit ang sariling pera, nilaan nila ito para sa school supplies na kanilang ibinahagi sa Cabatuan, Iloilo kung saan naroon ang Tribu Tilod o ang mga natitirang Aeti’s. PAGYAKAP SA PINAGSIKAPAN

PAGHAKBANG SA HAGDAN NG TAGUMPAY “Mapapagod ka pero hindi ka rin susuko dahil nariyan sa puso mo ang matinding kagustuhan sa iyong mga ginagawa,” wika niya. Hindi biro ang apat na taon niyang pagseserbisyo bilang miyembro ng RCY habang siya’y sumailalim sa pagsasanay u p a n g makwalipay sa pagiging CYC. Animo’y b u h a y Pinoy Big Brother ang kanilang naranasan s u b a l i t , nanatili s i y a n g matatag at

napagtagumpayan ang 10 araw na hamon ng chapter. Bumuhos ang mga oportunidad simula nang sumali siya bilang myembro ng RCY sapagkat, naging daan ito upang siya’y makalahok sa Council Management Training, Emergency First Aid Training, HIV and Substance Abused Prevention Program (HASAP), kung saan naging ganap siyang HASAP instructor, Child Protection Policy Disseminators at napabilang sa Top10 Certified LDP instructor sa ginanap na Summer Youth Challenge. Bilang isang S u p r e m e Student

Bukod sa pagkilala kay Ausmolo bilang Chapter Youth Council Pro, ginawaran din siya sa kaniyang pamumukod tangi sa Young Men Christian Association Outstanding Girl of Region VI noong Disyembre 20, 2018. Bago din siya naging CYC Pro sa edad na 16, sumali ito sa isang paligsahan ng Red Cross Youth na Circle of Prime kung saan pinarangalan siya bilang top 3. Napabilang din siya bilang 2nd District Board Member, Boy and Girl Official 2019 sa Casa Real Iloilo City noong Agosto 13. Ito ay sa ilalim ng pangangasiwa ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation, para sa preparasyon sa Linggo ng Kabataan sa Probinsya ng Iloilo. Pinangunahan niya ang disiplina sa sarili kaya, matagumpay siyang naging lider para sa iba. Nanatiling nakalapat ang kaniyang mga paa sa lupa sa kabila ng abot langit niyang nadarama dahil naging kayamanan niya ang tiwalang ipinagkaloob ng kaniyang kapwa CYC. “Ang pamumuno ay hindi lamang naka-pokus sa pagiging tagapagsalita, gantimpala, pagsasanay o posisyon. Ang tunay na kahulugan ng pagiging isang lider ay sa ibinibigay nitong kilos o gawa para sa kapakanan ng lahat, kahit ang kapalit nito ay ang sariling kaginhawaan,” malugod na saad ni Ausmolo. tagapagsalita, gantimpala, pagsasanay o posisyon. Ang tunay na kahulugan ng pagiging isang lider ay sa ibinibigay nitong kilos o gawa para sa kapakanan ng lahat, kahit ang kapalit nito ay ang sariling kaginhawaan,” malugod na saad ni Ausmolo.


lathalain

ANG BIYAYA TOMO 3 BLG. 1

KRUS

11

Pananampalataya ng isang BATANG INA MARY MC DOREN CALLANGA

“Papatayin niya ako.” Pabulong na tugon ni Thea Faye S. Molina, 18 taong gulang habang malumanay na isinasalaysay ang kaniyang malagim na nakaraan noong siya ay labin-limang taong gulang lamang. Nakapanghihina. Tuwing gabi ay nanalangin siyang hawak sa kanang kamay ang rosarito at sa kaliwang kamay ay hawak niya ang pananampalataya. PILAT SA KRUS Bahagi na ng ating kultura bilang isang Pilipino ang pagiging malapit sa bawat miyembro ng ating pamilya. Pinapahalagahan natin ang pakikisasama kung saan, pinagtitibay ito ng tiwala, pagmamalasakit at pagmamahal. Ngunit kaiba ito sa sitwasyon ni Thea – sa piling ng aninong kaniyang itinuring na kapamilya. “Wala akong magawa dahil naroon ako sa lugar nila. Malayo sa ibang tao at malaya siyang tuparin ang kaniyang ibig,” nakayuko niyang sambit. Lumipas ang anim na buwan at nagbunga ang kaniyang pananatili sa lugar ng nabanggit na anino. Nakapanlulumo. Halos hindi ito matanggap ng kaniyang tunay na pamilya. Kahindik-hindik ang kaniyang sinapit sa kamay ng itinuturing din nilang kadugo. PASANING KRUS Bawat oras ay 24 na sanggol ang isinisilang ng mga batang ina at halos 200,000 Pilipinong kabataang may edad na 15-19 ang nabubuntis, ayon sa naitalang datos ng Commission on Population (POPCOM). Kadalasang resulta nito ay ang pagtigil ng mga estudyante kung saan, dumadagdag ito sa tumataas ding kaso ng dropout rates sa mga paaralan. Nakababahala ang datos ng mga maagang pagbubuntis ng mga kabataan subalit, nakakagimbal din ang

man si Thea dulot ng anino, iniluwal naman niya si Precious Seema Molina. Siya ang itinuring niyang isang bituing nagbigay liwanag sa madilim niyang kahapon.

mga kwento sa loob ng kanilang sinapupunan. “Nais kong magpakamatay o ihulog ang batang dinadala ko ngunit, isa itong kasalanan.

Napakalaking kasalanan. Kaya kinakaya ko at patuloy akong nag-aaral,” emosyonal niyang paglalahad. Hindi magawang lumabas ni Thea ng kanilang bahay dahil sa samu’t saring komento sa kanilang paligid. Taas-baba rin ang mga mapanghusgang matang binabaybay ang kaniyang dinaraan, kahit sa paaralang magsisilbi sanang kanlungan ng edukado at malawak na pang-unawa ng mga mag-aaral. Napakasakit. Nagmistulang bulag

LIWANAG NG KRUS “Hindi ako nahihiya sa sarili ko. Ipinagmamalaki ko si Seema,” nakangiting wika ni Thea. Sa tuwing siya ay papasok sa Pavia National High School (PNHS) ay bitbit din niya ang kaniyang supling. Hindi ito pangkaraniwan sa paningin ng mga estudyante at kadalasan ay panghuhusga rin ang namumuo sa kanilang isipan. Sa kabilang dako, nangingibabaw pa rin ang pagmamahal at malalim na pag-unawang ipinaparamdam ng mga guro at kaniyang kaklase. Marami ang nagmamahal kay Seema. Siya ay isang bituing lumiliwanag sa kawalan. Kung titingnan, napakapositibong enerhiya ang iginuguhit ng mga labi ni Thea ngunit, ang kaniyang mga mata ay nagsasalaysay nang pag-asa at pananampalataya. Napakahirap. Iyan ang kaniyang paglalakbay na tiyak magiging inspirasyon ng karamihan. Sa kasalukuyan, si Thea ay nasa Grade 12 Humanities and Social Sciences sa PNHS at malayang ipinagpapatuloy ang kaniyang adhikaing maging isang guro. Ito ang kaniyang panibagong paglalakbay patungo sa kinabukasang hindi lamang para sa kaniyang sarili bagkus ay para rin kay Seema.


12

ANG BIYAYA TOMO 3 BLG. 1

7th PLACE

BEST PAGE LAYOUT & DESIGN 2018 NSPC Dumaguete City, Negros Oriental

6th PLACE

BEST SCIENCE AND TECHNOLOGY PAGE 2016 NSPC Koronadal City, South Cotabato

1st PLACE

BEST NEWS PAGE 2015 NSPC Taguig City, Metro Manila

2 nd PLACE

BEST SCIENCE AND TECHNOLOGY PAGE 2015 NSPC Taguig City, Metro Manila

4th PLACE

BEST SCIENCE AND TECHNOLOGY PAGE 2014 NSPC Olonggapo City, Zambales

BIYAYA NG SALITA’T GAWA AIREEN MAE MACASIO

Lumilinang ng kakayahan sa pagmamasid. Bumubukas sa kawili-wiling pagsusulat. Tagapaghatid ng mga napapanahong isyu.Iyan ang papel at tungkulin ng pampaaralang pahayagan. Nagpapalago sa kahusayan ng mga mamamahayag at sandalan sa mga makabagong balitang nangyayari sa eskwelahan. Sa mga nagdaang taon, ang pahayagan ay isa sa mga intrumento sa pag-alam ng mga balita’t impormasyon dahil sa presyo nitong abot kaya sa bulsa ng nakararami. Ang ‘Ang Biyaya’, opisyal na pampaaralang pahayagan ng Pavia National High School (PNHS) sa Filipino ay isa sa mga pahayagang naghahatid ng mga nangyayari sa paaralan at nagsisilbing tahanan ng mga mamamahayag na sumusulat dito. Sa mahigit kumulang tatlumpu’t apat na taong pagseserbisyo sa paaralan at maging sa komunidad, ito rin ay hindi nagpapahuli sa mga kompetisyong sinasalihan. Sa katunayan, ito’y nag-uwi na ng iba’t ibang karangalan mapa-lokal man o nasyunal na kompetisyon sa pamamahayag. Sina G. Cheno Pollan at G. Gerardo Hilaos ang mga tagapayo sa likod ng mga karangalang natanggap ng nasabing pahayagan. UNANG PAGWAGAYWAY Sa pag-usbong ng makabagong panahon, siya ring paglitaw ng modernong teknolohiya pero ang paghawak ng pluma at pagsulat sa kapirasong papel ang nangingibabaw na pasyon. Taong 1985 unang nagpakilala ang Ang Biyaya sa mundo ng pamamahayag. Dahil sa mga mag-aaral na may dedikasyon at potensiyal sa pagsusulat at layuning ikintal ang kahalagahan ng makatotohanang impormasyon, napagdesisyunan ni G. Gerardo Hilaos na itatag ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng PNHS. Si G. Hilaos ang unang tagapayo na humubog sa unang pangkat ng mga mamamahayag. Bawat magaaral ay may tinatagong talento sa pagsulat na siyang nahuhubog sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraang hinahandog ng pampaaralang pahayagan. Upang mas mapapaunlad pa lalo ang kakayahan ng mga mag-aaral at mga tagaturo’t tagapayo, lumalahok din ang paaralan sa mga pagsasanay. Wika nga ni G. Hilaos: “Hindi lang ang mga batang dyurno ang natututo mula sa mga tagapayo. Marami rin ang nakukuhang aral at leksiyon ng tagaturo mula sa mga kanilang tinuturuan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kani-kanilang sariling opinyon, ito’y maaaring makatulong upang mas mapayabong ang kanilang mga sulatin”.

PAMBIHIRANG KARANGALAN Sa pagdating ng taong 1993, unang nag-uwi ng karangalan ang Ang Biyaya sa National Schools Press Conference (NSPC) at pinarangalang ika-pito sa Best Sports Page na dinaos sa Pasig City, Metro Manila. Sa kasunod na dalawang taon, muling nagpabilib at pinalandakan ang korona sa ikalawang pagkakataong pagtungtong ng NSPC sa Malolos, Bulacan at ginawaran ng ika-apat na puwesto para sa Best Sports Page. Isa ring malaking biyaya ang natanggap noong taong 2004 dahil ang pahayagan ay ginawaran bilang pinakamahusay n a pampaaralang pahayagan sa buong Pilipinas. K a s a b ay nito ay ang pagtanggap ni G. Hilaos ng tropeyo b i l a n g

pinakamahusay na tagapayong pampahayagan na dinaos sa Sta. Cruz, Laguna. Ang NSPC ay ang pinakahuli-hulihang kompetisyon sa pamamahayag na nilahukan ng mga mamamahayag at mga tagapayo na nagmula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Isang karangalan na ang makatungtong sa nasabing patimpalak ngunit ang makauwi ng tropeyo na sagisag ng pagkapanalo ay abot langit na saya ang malalasap. PAGPASA NG KORONA M a h i g i t kumulang 30h taon ang nilaan ni G. Hilaos bilang tagapayo ng Ang Biyaya. Sa mga nagdaang t a o n g

panunungkulan, hindi na mabilang ang numero ng mga mag-aaral na kanyang nahasa at napakilala sa kagandahan at kahalagahan ng pamamahayag. Matagaltagal na rin ang kanyang pamamahala. Kaya sa kanyang pagreretiro, ang koronang nakapatong sa ulo na sumisimbolo ng pagiging tagapayo ay kanyang pinasa sa taong magpapatuloy at mas magpapaunlad pa mismo sa paglalakbay ng pahayagang kanyang nasimulan. Taong 2014, umupo bilang bagong tagapayo ng Ang Biyaya si G. Cheno Pollan. Sa kanyang pagaaral ng hayskul, isa rin siyang mamamahayag na hinasa ni G. Hilaos. Siya ay naging miyembro ng pahayagan ng mahigit apat na taon at naging punong patnugot noong siya’y nasa ikaapat na taon sa sekondarya. Parang sinuklian niya lang ang mga naitulong ng mga guro at mismong institusyon na humasa sa kanyang kakayahan upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling umaariba ang pahayagan sa mga kompetisyong sinasalihan. Kaakibat nito ay ang pag-uwi ng karangalan bilang ika-anim sa Best Science and Technology Page sa taong 2017 at ikapito sa Best Page Layout and Design naman sa kasunod na taon. Isang hulog ng langit na biyaya rin ang natanggap ni G. Pollan nang harangin siyang Pinakamahusay na Tagapayong Pahayagan ng buong Pilipinas sa taong 2018. Layunin ng pahayagan na palakasin at protektahan ang kalayaan sa pagpapahayag sa mga paaralan. Ito ay pinatupad upang itaguyod ang kakayahan ng mga magaaral sa pakikipagkomunikasyon at nagbibigay rin ng mga impormasyong maaaring makatulong sa kanilang desisyon sa hinaharap. Sangkap sa epektibong komunidad. Adhikaing isiwalat ang kaalaman. Sagot sa lipunang mapanlinlang. Iyan ang tungkulin ng pahayagan. May adhikaing maging sagot sa epektibong komunidad na magwawakas sa mundong puno ng kasinungalingan. Maaaring ituring na kakarampot na papel sa unang tingin, ngunit hindi maikakailang ito’y susi ng katotohanan at tahanan ng mga mamamahayag.


RESULTA NG BHL (BEYOND HORIZON FOR LITERACY)

86.3%

MULA SA 489 NA BENEPISYARYO NG BHL PROJECT, 422 MAG-AARAL AY HUMUSAY SA PAGBASA SA WIKANG FILIPINO.

81.4%

MULA SA 653 BENEPISYARYO NG BHL PROJECT, 532 MAGAARAL AY HUMUSAY SA PAGBASA SA WIKANG INGLES.

81.3%

MULA SA 515 BENEPISYARYO NG BHL PROJECT, 428 MAGAARAL AY UMANGAT ANG KANILANG KAKAYAHAN SA MATEMATIKA.

ANG BIYAYA TOMO 3 BLG. 1

13

METAMORPOSIS Project Project BHL: BHL: Bunga Bunga ng ng Pagbibigay Pagbibigay Halaga Halaga at at Kaalaman Kaalaman JASMIN MARIE CANDAME

“Noong siya’y nasa ika-2 baitang, kinakabisa niya lamang ang kaniyang mga babasahin dahil hindi siya marunong magbasa,” malungkot na sambit ng ina ni Mark Reynier D. Dolor, mag-aaral mula sa ikatlong baitang ng P.D Monfort Central Elementary School sa Dumangas, Iloilo. Sa mundong mapanghamon, kailangang maghanap buhay ng kaniyang ina upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Takipsilim na kung umuwi ang kanilang ilaw ng tahanan at nauuna rin siyang umaalis sa pagsikat ng araw. Mabigat. Marahil ay isa ito sa mga naging dahilan kung bakit hindi marunong magbasa ang batang si Mark. BAKANTENG PUGAD NG KAALAMAN Halos malunod siya sa sariling luha habang kunot-noong sinasambit ang mga katagang nakikita. Bakas ang matinding hamon sa bawat buka ng kaniyang mabigat na labi. Hindi niya makuhang bigkasin nang maayos ang mga alpabeto at tila siya’y isang ibong ngawa nang ngawa dahil hindi makalipad. Kaugnay rito, lumabas sa resulta nang isinagawang pre-test na ang numerical value ni Mark ay 1. Ito’y sa kaniyang unang yugto ng pagiging preprimer. Ayon sa resulta ng 1st Quarter Division Monitoring Evaluation and Adjustment (DMEA) noong nakaraang taon sa Dibisyon ng Iloilo, may ulat na 216,987 elementary enrolment na kung saan 5,095 ang hindi marunong magbasa at 3,853 and hindi marunong magbilang. Isiniwalat din ng Schools Monitoring Evaluation and Adjustment (SMEA) na ang mga guro mula sa unang baitang hanggang ikatlo ay may kakulangan sa kasanayan sa pagtuturo ng panimulang pagbabasa at oral language development gayundin, ang kakulangan sa mga materyales na angkop sa kanilang tinuturuan. PAGYABONG NG ITINANIM NA KARUNUNGAN “Napapawi ang pagod ko sa tuwing malalaman kong nagkakaroon ng pagbabago sa kaniyang pagbabasa,” masayang wika ni Gng. Dolor.

at opisyales ng DepEd Iloilo ay nagsilbi silang gabay sa bawat distrito at paaralan. Nagsikap silang mapabuti ang proseso ng pagsasakatuparan ng BHL kung saan, iba’t ibang estratehiya ang ginamit ng mga gurong nakatuon sa lebel ng kanilang tinuturuang remedial class.

Batay sa naging resulta ng MidTest na isinagawa kay Mark, sa pagtung-tong nito sa unang baiting ay tumaas ang numerical value nitong mula sa 1 ay umabot sa 62. Nakagagalak ding makita sa kaniyang kilos ang unti-unti nitong pagpuwang sa kakulangan sa sarili. Tunay nga ang pagbabago sapagkat, hindi siya nakikipagpaligsahan ng tingin sa papel na babasahin. Sa tulong ng mga kagamitang naghikayat sa kaniya upang magbasa, nabawasan ang pasaning dala ng batang si Mark. Malaya nang namumutawi sa kaniyang labi ang mga salita.

Nakatutuwa. Tila siya’y isang ibong unti-unting natututong lumipad. Sa tulong ng mga Senior Education Adviser of Australian Embassy at

PAGLIPAD TUNGO SA POSITIBONG PAGBABAGO Bakas ang kompyansa sa kaniyang sarili habang sinasambit ang mga salitang tinuturo ng kaniyang guro. Nakabakat ang matamis niyang ngiti na abot hanggang langit. Nag-uumapaw ang pag-asa sa kaniyang puso lalo na, nang mabatid niya ang kagalakang dulot nito sa kaniyang ina. Lumubo sa 107 ang naging numerical value ni Mark ayon sa isinagawang posttest at siya’y nasa ika-unang baiting pa lamang. Ang resultang ito ay kasinlaki rin nang pananabik niya tungo sa pagkatuto. Sa pagtungtong niya sa ikatlong baitang, malayang kumakawala sa kaniyang bibig ang mga salitang kaniya nang lubos na nauunawaan. Sa pagkonsulta ng Schools Division of Iloilo Personnel kay Gng. Gemma Rose Pedregosa, M and E Field Specialist of Best Region VI, nabuo ang tinatawag na “Beyond Horizon for Literacy o BHL Program” kung saan, nagsilbing bandila ang nasabing programa para sa pagpapabuti ng kakayahan ng mga kabataan sa pagbabasa at pagbibilang sa taong 2018-2019. Unti-unting matatamo ni Mark ang kalayaan tulad ng isang ibong bihasa sa paglipad. Sa patuloy na pag-usbong ng BHL Project, kasabay nito ang pagdilig sa mga kabataan ng kayamanang hindi mananakaw. Kaalaman. Iyan ang uusbong at magbibigay halimuyak at ganda sa bawat indibidwal tulad ng isang ibong naglalakbay sa malawak na daigdig. Mahirap man ang unang hakbang tungo sa pagkatuto subalit, walang ibong ipinapanganak na kaagad lumilipad.


BIYAYA TOMO 3 BLG. 1 14 ANG

Isulong EDITORYAL at Suportahan

isports

Tila parang lintang nakadikit ang mga mata ng kabataan sa mga monitor ng kompyuter dahil sa paglalaro ng mga computer games. Sa bawat kalansing ng mga keyboard at ilaw ng kaniya-kaniyang mouse ay matinding kasiyahan ang kanilang nadarama. Kahit saang sulok ng mundo ay maraming nahuhumaling at naghihimpilan sa paglalaro ng Dota, Mobile Legends, Bandai Namco’s Tekken 7, at iba pang internet games. Sa pagdapit ng kontemporaryong panahon ay sumikat nang husto ang Esports sa mga kabataan o mga manlalaro. Kaya nang nadinig ng pamahalaan ang ninanais ng mga manlalarong mapabilang ang E-sports sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa Pilipinas ay nagsipalakpakan nang husto ang kanilang mga tenga. Isang laro na isinasagawa sa pamamagitan ng kompyuter o cellphone at internet ang electronic sports o mas kilala bilang E-sports. Ito ay maaaring sumaklaw mula sa simpleng teksto na laro hanggang sa mga larong may komplikadong grapiko at may birtuwal na mundo kung saan ang mga manlalaro ay nagmumula sa iba’t ibang sulok ng daigdig. Ang E-sports ang kauna-unahang electronic game sa kasaysayan na maisama bilang medal event sa gaganaping 2019 SEA Games kung saan napabilang din ang basketball, football, baseball, at iba pa. Sa pangunguna ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) katuwang ang Razer, kinapapalooban ng Biennial Regional Multi-sports event ang mga sumusunod na laro kagaya ng Dota 2 ng Valve, Starcraft ng Blizzard, Mobile Legends: Bang Bang ng Moontoon, Arena of Valor ng Tencent, at Bandai Namco’s Tekken 7. Kung ating matatandaan, unang binigyang pansin ng pederasyon ang Esports matapos ang matagumpay na National Virtual Gaming Competition na ESL One Manila at Manila Major noong taong 2016. Naging hakbang ang dalawang malaking E-sports tournament na ito upang magbigay ng suporta ang gobyerno sa koponan ng mga pinoy. Sa katunayan, sinuportahan ng pamahalaan ang TnC Pro Team and Execration na nagpakitang gilas sa Defense of the Ancient 2 o DOTA 2 sa The International 6 o TI6 na ginanap sa Seattle, Washington. Itinalaga ng International Esports Federation ang electronic sports bilang lehitimong isports na naglalayong pagtibayin ang koneksyon ng mga bansa gamit ang E-sports. Hangad din ng organisasyong mabigyan ng pagkakataon ang mga bansang hindi gaanong nangingibabaw sa ibang patimpalak sa pamamagitan ng pagpapakitang gilas sa E-sports tournament. Samakatuwid, adhikain ng E-sports na magkaisa ang mga manlalaro ng buong mundo. Magsasamasama, magpapatalasan ng isipan, at magtatagisan ng talento habang dala-dala ang bandera ng kanikanilang bansa upang ang bawat manlalaro, pamahalaan at iba pang sektor mapa-lokal man, nasyonal, o internasyonal ay magkaisa tungo sa pamamayagpag ng electronic sports.

KATATAGAN sa Malawak na Kapatagan

OFE MARIE ARONES

‘‘

Ang bawat lakas na inialay sa bawat pageensayo ay sapat na upang magkaroon ng pag-asa at ipagpatuloy ang labang nasimulan. ARON SANTILLAN MANLALARO NG BASEBALL

Pawis. Dugo. Luha. Ito ay mga salitang simple lamang ngunit sa likod ng mga ito ay ang kuwentong punong-puno ng paghihirap. Tanaw na tanaw niya ang napakalawak na kapatagan sa kaniyang kinatatayuan habang hinahabol ang kaniyang hininga. Tila nakadikit ang beysbol bat sa kaniyang mga kamay habang nakatutok sa taong may hawak ng maliit na bola. Napatigil sa pag-ikot ang kaniyang mundo kasabay ng malatambol na pagkabog ng kaniyang puso. Kinakabahan. Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng pawis sa kaniyang noo na tila walang katapusan. “Homebased!” sigawan ng kanyang mga kasamahan. Masarap sa pakiramdam. Masaya. Habang pinupunasan niya ang pawisang noo, kasabay ng pag-ihip ng hangin ay naglalakbay ang kanyang diwa sa malawak na kapatagan. Nabuo ang isang baseball team sa Pavia National High School noong 2015 na mayroong 15 miyembro. Isa si Aron Santillan sa kasapi nito at laking pasasalamat niya na naging bahagi

siya ng Pavia Team. Ang kasalukuyang tagagabay ng mga kabataang ito ay si Gng. Lea Joy Buyco na siyang tumutulong sa kanila upang mas patatagin ang grupo upang mabigyang karangalan ang Pavia sa darating na Second Congressional District Sports Association (CDSA) II Meet sa bayan ng Leganes sa susunod na buwan. Naging mahirap man para sa kanila ang bawat pagsasanay na napagdaanan kagaya na lamang kung paano ang tamang paghawak ng beysbol bat, hindi ito naging hadlang dahil sa tulong at suportang ibinibigay ng kanilang tagagabay at ng bawat miyembro sa isa’t isa. “Tiwala sa isa’t isa ang naging puhunan namin upang makuha ang tagumpay,” wika ni Aron. Determinasyon. Ito ang tanging mayroon sila upang sikaping maipanalo ang mga susunod na labang kakaharapin bilang grupo. Ang bawat lakas na kanilang inialay sa bawat pag eensayo ay sapat na upang magkaroon ng pag-asang mapagtagumpayan ang labang nasimulan. Di na maiwasan ni Aron ang pagtulo ng mainit na likido sa kaniyang mga mata. Pagkatapos ng lahat ng kabiguan na naranasan niya sa paglalaro ng beysbol ay nagawa niya pa ring patunayang hindi lamang sa sarili kundi sa iba pang mga kasamahan ang kakayahang taglay niya sa larangang ito. Napangiti siya. Malalim na huminga kasabay ng pagpahid sa mga pawis na namumuo sa kaniyang mukha habang tinatanaw ang paligid kung saan siya nagsimula at nahubog ang kaniyang kagalingan sa laro - ang kapatagan.


isports

ANG BIYAYA TOMO 3 BLG. 1

15

SIMBOLO NG LAHING FILIPINO Mga ‘Laro ng Lahi’ tampok sa Hinampang 2019 ROV WEBNEL JALBUNA

LUKSO NG KASAYSAYAN RITSDON HIJASTRO

LARONG PINOY Mananatiling Nagsasalin-lahi Nagiging parang karnibal sa ingay ang mga bakanteng lote nang dahil sa hiyawan ng mga kabataan.

GALAK SA BAWAT SAGLIT. Kahit na nahihirapan at naiinitan, kitang-kita ang ebidensiya ng kasiyahan sa mga mukha ng mga mag-aaral na Senior High School habang naglalaro ng sack race na isa sa mga laro ng lahi na tampok sa Hinampang 2019. LARAWAN | REUBEN PALMA

“Laro ng lahi! Larong atin!”

Muling nag-ingay sa saya ang mga mag-aaral ng senior high at mga guro matapos buhayin ang laro ng lahi sa Pavia National High School na pinamunuan ng MAPEH Club at Senior High School Council na kabilang sa Hinampang 2019, Agosto 20-21. Nagtipon-tipon ang mahigit 60 guro at 121 ng mga estudyante ng senior high sa twin gymnasium at open field upang lumahok sa iba’t ibang laro tulad ng: sack race, putukan, hulihan ng baboy, at karera sa alupihan para sa mga guro. Samantala, hanapin mo ako, infinity loop, calamansi relay at agawan ng manok naman sa mga mag-aaral. Batay sa Wordpress, ang laro ng lahi ay tinatawag din na larong pinoy kung saan pinapakita nito ang kahalagahan ng bawat Pilipino na ipreserba ang larong ito. Naging simbolo rin ito ng pagka-makabayan at nagsisilibing pagkakakilanlan ng ating bansa. Bilang isang institusyon ay binibigyang pansin ng paaralan ang ganitong laro upang ito’y isapuso’t alalahanin. Naging matagumpay ang naturang aktibidades sa suporta na rin ni Ma. Cecilia Delorah Fantillo, punong guro ng Pavia National High School (PNHS) at mga tagapamahala ng iba’t ibat departamento.

“Ito’y isang pangyayari lamang na magaganap sa bawat estudyante upang sila’y maging masaya at pansamantalang makapagpahinga sa mga akademikong gawain sa paaralan sapagkat hindi lahat ng mga mag-aaral ay makalalahok sa mga isports ng Hinampang,” pahayag ni Bb. Jonalyn Jaen, SHS council adviser. Sa kabilang banda, noong hindi

pa uso ang teknolohiya at mga mobile games ay isang tradisyunal at katutubong laro ang laro ng lahing malapit sa puso ng mga Pilipino. Ang patimpalak na ito ay naglalayong bigyang pansin ang mga laro na nanggaling pa sa mga ninuno at mabigyang kasiyahan ang mga guro at estudyante sa kabila ng pagiging abala sa mga gawain sa paaralan.

HABULAN SA PUTIKAN. Muling binalikan ng mga guro ng Pavia National High School ang kanilang kabataan matapos makilahok sa laro ng lahi kung saan hindi maalis sa kanilang mga labi ang kasiyahan sa paghabol, at pagdakip ng biik na pinakawalan sa putikan, Setyembre 20. LARAWAN | REUBEN PALMA

Isa ang kadang-kadang sa mga tradisyunal na larong nagpapasaya sa mga bata o maging sa mga tao. Kabilang dito ang sack race, planting straw, patentero, piko, tumbangpreso, luksong baka, tomato relay, at iba pang mga relay. Bagaman mga kaibigan, totoo nga bang unti-unti nang nawawala ang presensya ng mga larong pinoy? Paano kaya natin mapapanatili ang pagsasalin-lahi ng mga tradisyunal nating mga laro? Kung ating matatandaan noong taong 2001 ay binuo ng Samahang Makasining Inc. ang katawagang “Laro ng Lahi” sa tulong ng National Comission for Culture and the Arts. Ito ay tumutukoy sa mga larong naging simbolo ng pagkakakilanlan nating Pilipino na naglalayong mapreserba ang mga ito. Hindi totoong nawawala na nang tuluyan ang himig ng mga larong pinoy. Halos lahat ng pamayanan, urban man o rural ay marami pa rin ang naglalaro ng piko, patintero, luksong-baka, sack race at iba pa. Parang kandila na nauupos lamang ang mga ito dahil sa kakulangan sa pag-oorganisa ng gobyerno ng mga aktibidades na sumasalim sa mga tradisyunal na laro samantala ay buhay na buhay ito. Ipinag-iibayo ng larong ito ang kabuuang kalusagan ng isang indibidwal. Makatutulong ito sa pisikal, emosyonal at sosyal na aspeto ng isa tao. Hinahasa nito ang ating pagkamalikhain, kritikal na pag-iisip, large motor skills, eye-hand skills, pagreresolba ng problema, at sosyal na interaksyon sa kapwa. Hindi ito mamatay-matay o malulusaw dahil ang mga larong ito ay mananatili habang may Filipinong nabubuhay. Kaya mga kaibigan, bata man o matanda ay magsama-sama tayo sa pagpapanatili ng mga larong simbolo ng ating pagkatao. Magkaisa tayo sa adbokasiya ng pamahalaan upang ang mga larong nagdudulot sa atin ng tunay na kasiyahan ay maabutan pa ng mga susunod na henerasyon.


HINAMPANG 2019

Team SHS minaliit ang Teen Titans

ab

PAVIA NAT IO N A L H IG H SCH O O L

ISP RTS

ANG BIYAYA

TOMO 3 BLG 1 | OKTUBRE 2019

To mo XXXXII B lg. I O kt ubr e 2018

ROYZE ANN EVANGELISTA

Lamang pa rin ang may karanasan! Pinatunayan ng Senior High School (SHS) girls basketball team ang kanilang kasanayan sa pagdala at pag-shoot ng bola matapos durugin ang Grade 10 (Teen Titans) council sa iskor na 39-33 sa Basketball Girls championship game ng Hinampang na ginanap sa Pavia National High School covered court, Setyembre 20. Sa pamamagitan ng matatag na depensa at mga walang mintis na mga tira, tinambakan ng SHS girls ang Grade 10 council sa laro. Marami sa mga manlalaro ng SHS ay mga beterano na pagdating sa basketbol dahil nakapaglaro na sila ng CDSA II at Integrated Meets. Unang naka-iskor ang Grade 10 sa pangunguna ni Ruzhylle Jhen Hisugan na siyang tinapatan naman ng pamatay na two pointer shot ni Erdel Shane Robles ng SHS. Pinangunahan nina Joann Basto at Erdel Shane Robles ang SHS sa mga walang mintis na tira sa free-throw line at sa mga back to back two point shots na nagbigay daan sa malaking lamang nila sa kabilang koponan. Hindi naman nagpahuli sa galing ang Grade 10 at tinapatan din ang bagsik ng SHS. Sa tulong nina Marielle Genova at Winelyn Gonzaga, nabawasan ang lamang ng SHS (23-19) sa kalagitnaan ng laro. Mas hinusayan pa ng SHS ang paglalaro sa paghabol ng kalaban. Magkasunod at kalkuladong ibinuslo nina Via Marie Tahum at Annabelle Cascabel ang bola sa ring sa pagsiguro ng kanilang pagkapanalo. Hanggang sa huling sandali ng laro, hindi nawalan ng pag-asa at buong lakas pa rin sinubukan nina Princess Hisu-an at Julie Pearl Herezo ng Grade 10 na makabawi sa laro ngunit sila’y nabigo. “Masasabi kong ginawa namin ang lahat ng aming makakaya sa pagsungkit ng kampeonato,” pahayag ni Tahum ng SHS.

LABANAN NG KAGALINGAN. Sa kabila ng matatag na depensa ng Grade 10 (Teen Titans) sa pangunguna ni Ruzhylle Jhen Hisugan, buong lakas naman itong pinantayan ni Annabelle Cascabel ng Senior High School (SHS) at nadepensahan ang kampeoyanato sa iskor na 39-33 sa ginanap na Championship Match ng basketbol pambabae sa Hinampang 2019, Pavia National High School Covered Gymn, Setyembre 20. LARAWAN | REUBEN PALMA

Teen Titans wagi bilang Mr., Miss Hinampang 2019 CHRISTIAN JAUD

Angat sa ganda at galing! Sa isang pambihirang pagkakataon, dalawang mag-aaral ng Grade 10 Council (Teen Titans) ang nangibabaw sa larangan ng pagandahan at pagalingan sa pagsagot ng tanong nang maiuwi nina Paul Janobas at Clethum Duriman ang titulong Mr. at Miss Hinampang 2019 ng Pavia National High School na ginanap sa Covered Gym ng paaralan, Setyembre 20.

Nakuha rin ni Duriman ang Best in Production Number at pareho nilang naangkin ang Best in Preliminary Interview. Dahil dito, mas naging madali para sa dalawa na makapasok sa Top 5. Hindi naman magkamayaw sa kasisigaw ang mga tagasuporta ng bawat kandidata lalo nang tawagin ang iba pang pangalang napabilang sa Top 5 na sasabak naman sa final interview. Ang iba pang pasok sa Top 5

ay sina Heaven Palmones at Jassem Onte ng Grade 11 Council, Jessyrel Rebeiro at Fritz Concepcion Jr. ng Grade 12 Council, Lorenne Armada at Paul Genaca ng STE Council, John Li ng Grade 9 Council at si Jazera Vencer ng SPA Council. Napagwagi-an naman nina Palmones at Genaca ang puwestong 1st Runner-up; Armada at Concepcion, 2nd Runner-up; Ribeiro at Onte ang 3rd Runner-up at Vencer at Li ang titulong 4th Runner-up.

2019 HINAMPANG RESULTS JANOBAS

1st

GOLD 204 SILVER 27 BRONZE 8 SENIOR HIGH SCHOOL

2nd

GOLD 86 SILVER 51 BRONZE 41 SPECIAL PROGRAMS

3rd

GOLD 25 SILVER 73 BRONZE 37 GRADE 10 COUNCIL


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.