Ang Biyaya (Pavia NHS Online Newsletter)

Page 1

TOMO I BLG 1

AGOSTO-NOBYEMBRE 2017

ANG

KATOTOHANAN TUNGO SA PAGBABAGO

Opisyal na Pahayagan ng Pavia National High School

TRANSPORMASYON. Mainit na tinanggap ni Gng. Fantillo at nang buong paaralan ng PNHS ang programang BEST at mga validators nito mula Australia.

Australia iniabot ang BEST Program sa Pinas Ahenda ng edukasyon partikular sa pagpapatupad ng K to 12 naging positibo Pagpapalawak ng FOI, ASEAN integration binigyang-diin sa PIA journalism training IAN HUALDE

M

agtulungan tayo upang maipaabot sa iba ang benepisyo ng ASEAN integration at suportahan ang Freedom on Information (FOI) para malabanan ang fake news”. Paghimok ni Atty. Ma. Janet C. Mesa, regional director ng Philippine Information Agency (PIA) sa harap ng 134 kabataang mamamahayag na mula sa probinsiya ng Iloilo at Antique sa inilunsad na ika-43 na PIA Journalism Seminar-Workshop sa Iloilo Grand Hotel, Setyembre 6-8. PAGPAPALAWAK Pahina 03

Asian inspired attire ng mga empleyado tampok sa ika-50 anibersaryo ng ASEAN Rov WEBNEL JALBUNA

N

akiisa ang Pavia National High School sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na pinangunahan ng mga guro at kasapi ng pampaaralang organisasyon sa pamamagitan ng pagbihis ng kasuotan ng iba’t-ibang bansa na kabilang sa ASEAN na ginanap sa PNHS covered court, Agosto 8. ASIAN Pahina 03

ANGEL GRACE OCTOSO

P

agtutulungan para sa dekalidad na edukasyon. Itinatag ang BEST o Best Education Sector Transformation Program bunga ng pagkakaisa at samahan sa pagitan ng gobyerno ng Australia at Pilipinas na may dalawang pangunahing layunin - pagbutihin ang istratehiya ng pagtuturo at pagkatuto; at patibayin ang sistema ng edukasyon. Dahil dito, nagsagawa ng kauna-unahang pagbisita ang mga representante ng Australian Government kasama ang mga opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon Central Office noong Setyembre 12 sa Pavia National High School (PNHS) para siyasatin ang naging epekto ng nasabing programa sa paaralan. Ang mga bisita ay sina: Ma. Theresa Tan Deped Central Office-PMS-PDD, Erwin Yumping, Mary Femly Sunder, at David Goodwens mga BEST IPR, Ma. Fe Brillantes, Thalia Tamayo, Gilbert Solidum ng Schools Division of Iloilo. “BEST is true to its target to reach more children, for them to demonstrate improved mastery of basic education curriculum competencies especially in English, Mathematics, and Science,” wika ni Mary Femly Sunder sa harap ng mga piling mag-aaral at gurong naimbitahan. Ayon pa sa kay Sunder, magbibigay rin ng tulong ang BEST sa DepEd na maihatid ang ilang serbisyong pang-edukasyon kagaya ng gender responsive, inclusive at desentralisasyong pamangagasiwa sa mga paaralan at field offices ng kagarawan. Australia Pahina 03

Walo sa 10 magaaral pabor sa DepEd Order 13

Responsable at Dekalidad na Mamamahayag sa Edukasyong Pangkalahatan

Ang mabuhay sa buhay nila

Pahina 02

Pahina 04

Pahina 06


02 BALITA

ANG BIYAYA / AGOSTO - NOBYEMBRE 2017

Walo sa 10 mag-aaral pabor sa DepEd Order No.13

M

iAN HUALDE

ayorya sa mga estudyante ng Pavia National High School (PNHS) ang sumang-ayon sa pagbebenta ng mga malulusog na pagkain sa kantina ng paaralan ayon sa isinagawang survey ng Ang Biyaya. Batay sa pagsusuri, 67% sa 200 na populasyon ay naniniwala na ang panukalang ito ay makatutulong sa pagpapaunlad ng malusog na gawi sa pagkain ng mga empleyado at mga mag-aaral ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ngunit 33% naman ang hindi sang-ayon dito. Lumabas din sa survey na 75% ng populasyon ang nagsabing nakatutulong ang kategoryang ibinigay ng DepEd ukol sa mga pagkaing ibinebenta sa kantina ng paaralan kung saan nakasaad sa Berdeng Kategorya ang mga pagkaing masustansiya, mababa sa taba, asukal at asin; Dilaw na Kategorya ay ang mga

pagkaing nagtataglay ng kaunting taba, asukal at asin; Pulang Kategorya o ang mga ipinagbabawal ay ang mga pagkaing may pinaka-kaunting nutrients pero mataas sa taba, asukal at asin. Natuklasan din na 67% ng mga mag-aaral ang naniniwala na ang pagkain ng mga masustansiya ay na kakatulong sa kanilang pag-aaral ngunit 33% naman ang tumutol dito. Ayon kay Bb. Julieta Jancilan, isang retiradong guro at nagtitinda sa kantina na mainam na nagkaroon ng pagpapahalaga ang mga estudyante sa kanilang kalusugan. “Totoong mahirap noong unang implementasyon ng DepEd Order 13. dahil halos bumaba ng 25 bahagdan aming kita sa isang buwan. Subalit dahil sa kasipagan at marketing skills ng mga namamahala sa ating kantina ay muling nanumbalik ang aming kita,”

MATALINO AT MALUSOG. Tinangkilik ng mga estudyante ang mga panindang nakakabuti para sa isip at katawan nila.

pahayag pa ni Bb. Jancilan. Ang DepEd Order No.13, s.17 ay inilunsad sapagkat ang mga pagkain at inumin tulad ng junkfoods at softdrinks ay maaaring magdulot ng sakit at hindi ito maganda sa pangangatawan ng mga estudyante. Ayon sa kagawaran, kailangang pagtuunan ng pansin ng paaralan ang

PNHS-AFSCC wagi sa Iloilo Cooperative Whiz Contest HECTOR ALFONSO JR.

P

arehong nagkampyon ang dalawang representate ng Pavia National High School Administrator, Faculty and Staff Credit Cooperative (PNHS-AFSCC) sa ginanap na 2017 Iloilo Provincial Cooperative Whiz (Quiz Bee) Contests sa Social Hall, Casa Real, Old Provincial Capitol, Syudad ng Iloilo, Oktubre 18. Ipinamalas nina Jean Claude Ellema, Jonathan Garcia at Emer Ceasar Palmada, pawang mga Grade 11 students ng PNHS ang kanilang matalas na isip upang pangunahan ang students category ng nasabing patimpalak. Sila ay nakaipon ng 53 puntos at sinigurado ang kampyonato laban sa 10 grupo. Sumunod sa kanila ang Maasin National Comprehensive High School na may 28 puntos at Cambitu National High School na may 27 puntos bilang first runner-up at second runner-up. Hindi rin nagpahuli ang mga Board of Director (BOD) ng AFSCC nang makuha nila kampyonato sa

coop members category. Ang grupo ay binubuo nina G. Luderio G. Jacintos, Bb. Josefina Baylen at G. Cheno S. Pollan. “Ito na siguro ‘yung pinakaswerteng taon para sa amin. Matatandaang maraming beses na rin nagkampyon mga kasapi ng AFSCC at mga mag-aaral sa mga coop quiz bee pero ngayong taon, ito ‘yung masasabing kong hakot award,”sambit ni G. Jacintos matapos ang mga patimpalak. Bilang mga kampyon, iginawad sa kanila ang tropeyo, sertipiko at halagang Php 10, 000.00 bilang premyo na ibinigay sa naman sa pagtatapos ng Cooperative Month Celebration sa bayan ng Tigbauan noong Oktubre 23. Ang patimpalak na tagisan nga talino tungkol sa kooperatiba ay isa mga aktibidad na isinasagawa tuwing buwan ng mga kooperatiba. Ngayong taon, ito ay may temang: “COOPERATIVES: Empowering the Poor and Vulnerable Towards Job Creation and Poverty Eradication”.

mga pagkaing binebenta sa kantina dahil makakatulong ito sa maayos na kaisipan at pangangatawan ng mga estudyante na siya ring makatutulong sa kanilang pag-aaral. Ang nasabing patakaran ay nilagdaan ng Kalihim Leonor M. Briones noong Marso 14.

Student fare discount pwedeng ma-avail kahit walang pasok – DOTr ANGEL GRACE OCTOSO

Mapakinabangan na ng mga mag-aaral ang 20-percent discount sa lahat ng mga pampasaherong sasakyan sa anumang oras mula Lunes hanggang Linggo, maging sembreak at pista opisyal. Ito ay ayon sa Department of Transportation (DOTr) base na rin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board’s Memorandum Circular (MC) 2017-024 na epektibo nitong Oktubre 28. Ang MC 2017-024 ay ipinalabas noong Oktubre 11 na nag-amenda sa LTFRB MC 2005-014 tungkol sa pagbibigay ng diskwento sa mga estudyante tuwing may pasok lamang.


BALITA

ANG BIYAYA / AGOSTO - NOBYEMBRE 2017

“ Drop Out Rate tinuldukan Open High School, Project Pagpalangga, Home Visitation mas pina-igting

PAVIA NATIONAL HIGH SCHOOL ENROLLMENT School Year 2017-2018

MA. DANISE SERIOTE

Grade 7

Grade 8

Grade 9

Grade 10

Grade 11

Grade 12

2,819

2,777

1,085

1,031

1,087

958

737

660

Australia Pahina 01

Nagkaroon ng panayam ang mga kinatawan kasama ang mga magaaral ukol sa samu’t-saring isyu partikular na sa mga problemang kinahaharap sa pag-aaral, mga layuning dapat isakatuparan, at mga pamamaraan ng mga guro na kailangan pang pagbutihin. Isang Focus Group Discussion naman ang binuo kasama ang PNHS stakeholders na tumalakay naman tungkol sa assessment ng edukasyon sa paaralan at pagresolba sa iba’t-ibang problema. Prayoridad ng BEST Program ang kalidad na edukasyon para sa lahat. Ito ay nakapokus sa anim na rehiyon ng bansa upang magbigay ng interbensiyon sa systema ng edukasyon na kinabibilangan ng National Capital Region (NCR), Region V (Bicol Region), Region VI (Western Visayas) VII (Central Visayas), Region VIII (Eastern Visayas) at RegionX (Northern Mindanao). “Sa pamamagitan ng BEST, lahat ng nasa sektor pangedukasyon ay inaasahang maging mabisang instrumento sa pagtaguyod ng functional literacy upang tuluyan nang matuldukan ang pagtaas ng drop-out rate o pag-uulit ng mga estudyante,” pahayag ni Gng. Delorah Cecilia L. Fantillo, punongguro ng PNHS. Sa ika-apat nitong taong implementasyon, nagkaroon ng pag-unlad sa ahenda ng edukasyon lalung-lalo na sa pagmatamo ng mataas na edukasyon para sa mga Pilipinong mag-aaral na nasa ilalim ng K to 12 program. PAGPAPALAWAK Pahina 01

Maliban sa paksa tungkol sa ASEAN integration at FOI, tinalakay rin ni Atty. Mesa ang mga pangunahing programa ng administrasyong Duterte na kinabibilangan ng kampanya kontra korapsyon, droga at kriminalidad at pagpapatupad ng federalismo. “Humanap ng impormasyon at magbahagi ng kaalaman at motibasyon sa inyong mga mambabasa – ito ang mga salik ng epektibong development communication na makapagbigay ng pagbabago sa lahat,” wika pa ni Mesa. Samantala, tatlo sa mga kahok na mula Pavia National High School ay pinarangalan matapos magwagi sa ibat ibang kategorya sa nasabing seminar-workshop. Nakuha ni Mary Mc Doren Callanga ang Promising Writer sa pagsulat ng lathalain. Promising Sport Writer at Editorial Writer naman ang nakamit Fritz Glenn Concepcion Jr. Nangibabaw rin ang kahusayan ni G. Cheno Pollan sa pagsusulat nang pinarangalan siyang Most Promising Editorial Writer at Promising News Writer. ASEAN Pahina 01

03

Ipinarada ng mga guro mula sa iba’t-ibang departamento ang mga natatanging kasuotan ng mga bansa na kabilang sa ASEAN na may kani-kanilang tema at istilo ng pananamit. “Ayon sa DepEd Order _______ lahat ng mga government agencies ay dapat na makiisa sa paggunita ng anibersaryo ng ASEAN. Ang nangyari sa atin dahil sa itinatag ang ASEAN noong August 8, 1967 ay ensaktong 50 taon kaya nagkaroon tayo ng programa na halos naman ay sumali,” pahayag ni Bb. Sheryden Sancio, tagapayo ng Araling Panlipunan Club.

M

asayang-masaya ako sa positibong resulta ng drop-out rate ng ating paaralan. Kaya dapat bigyang halaga ng bawat mag-aaral ang edukasyon dahil ito ay mahalaga.” Ito ang naging pahayag ng punong guro, Gng. Delorah Cecilia Fantillo matapos mula sa 1.59% ay tuluyan ng bumagsak sa 0% ang drop-out rate ng Pavia National High School (PNHS) para sa taong pampaaralang 2016-2017 sa ginanap na ParentsTeachers Assembly noong Agosto 25. Ayon kay Fantillo, ang pagbaba ng bilang mga mag-aaral na huminto sa pag-aaral ay resulta ng pagkakaisa ng mga guro, mga magulang at maging ng mga opisyales ng komunidad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang programa o proyektong makatutulong upang masolusyunan ang nasabing suliranin at matulungan ang mga kabataan na makabalik sa pag-aaral. “We’re trying our best to give our best education kaya dapat maging “workable” ang proyekto ng ating paaralan at dapat ay mapanatili natin ang mga programa kada taon”, wika pa ni Fantillo. Sa kasalukuyan, ang PNHS ay may iba’t ibang programang isinasagawa kagaya ng “Open High” na kung saan naglalayong matulungang makabalik sa pag-aaral ang mga kabataang nagtatrabaho kung sa pamamagitan ng “modular approach”. Isa na rin ditto ang “Project Pagpalangga, Home Visitation at Responsible Parenthood na naglalayong makausap ang mga magulang ng mga kabataang palaging lumiliban sa klase sa pamamagitan ng “barangay session” o simposyum sa tulong na rin ng pagkakaisa ng mga opisyales ng barangay at ng mga guro.


04

OPIN

ANG BIYAYA | TOMO 1 BLG 1

Kaakibat na ng buhay ang mga problema, gawin sana nating itong inspirasyon at lakas upang makamit ang ating mga inaasam sa hiniharap.

RATED G

MICHELLE THERESE MONGCAL

Linya ng Tagumpay

P

agmamahal. Sampung salitang kayhaba na nagbibigay lakas sa bawat isa sa atin, at tila’y sing lawak ng kalangitan kung dadamhin. Taong 2014 ng unang ipinatupad ang Project PAGPALANGGA sa Pavia National High School na pinangunahan ni Lina Vic De Los Santos, Head ng Filipino Department katuwang ang iba pang councils, “teens nook” teen center coordinators at designated guidance counselors. Isa sa lubos na tunguhin ng proyekto ang matulungan ang mga mag – aaral na nanganganib na madrop out na muling bigyan ng pagkakataong makapag – aral at gayunding matulungan silang mas maging mabuting mga indibidwal. Batay sa naging tala ng teen center umabot sa 2.59 % ang drop out rate ng mga mag – aaral sa Pavia NHS sa unang pagpapatupad ng proyekto subalit pagsapit ng taong 2016 ay tuluyang bumababa ito sa 1.59% hanggang sa tuluyan itong naging 0 na porsyento ngayong taon. Sa kabilang banda, iilan sa mga aktibidad na ginagawa sa proyektong ito ay ang Consultation meetings sa mga baranggay Officials at mga magulang gayundin ang pagkacounsel sa kapwa magulang at mag – aaral, at pagsasagawa ng mga symposiums sa responsible parenthood at adolescent health youth and development program/ AHYDP. Nakakalungkot isipin na isa sa mga dahilan ng pagliban at hindi pagpasok sa klase ng mga estudyante ay ang kawalan ng atensyong binibigay ng kaniya – kaniyang magulang. Kaakibat na ng buhay ang mga problema, gawin sana nating itong inspirasyon at lakas upang makamit ang ating mga inaasam sa hiniharap. Kung sakaling mang kailangan ng balikat na masasandalan, parating bukas ang pinto ng “teen center” upang ika’y pakinggan. Siya, ako, kami, tayo ay palaging magiging kasangga ng bawat isa.

BIYAYA

ANG

KATOTOHANAN TUNGO SA PAGBABAGO

Anumang oras at kahit saan ka man ay maaring bisitahin angANG BIYAYA sa mga sumusunod na social media Platform:

facebook/angbiyaya

ang_biyaya@gmail.com

angbiyaya

@angbiyaya

Punong Patnugot Michelle Therese Mongcal

Isports Ian Hualde

Tagapangasiwa Angel Grace Octoso Balita Hector Alfonso Jr. Editoryal Michelle Therese Mongcal

Dibuhista Rov Webnel Jalbuna Tagakuha ng Larawan Michael Socias Taga-anyo ng Pahina Ian Hualde Tagapayo Cheno Pollan

Lathalain Regilen Padernal

Responsable at Dekali sa Edukasyong “

A “

ng guhit ng pluma ay nakapagbabago ng isang libong Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng bawat at sa pamamagitan ng pamahayagang pampaaralan nama mamamahayag sa pagsulat ng isang artikulong hatid ay p Nakakapanlumo sapagkat ang ilan sa ating mga kapw na makapag-aral. Bunga nito, ang ASEAN Integration kas ng programa na kung tawagin ay “Inclusive Education” o e suliranin sa edukasyon. Layunin ng Inclusive Education na pagtibayin ang k ang wastong kagamitan sa pag-aaral, at higit sa lahat ay m mag-aaral na pinagkaitan ng pagkakataon. Dito papasok ang konsepto na gagampanan ng estu DepEd sa pagpapaigting ng edukasyon para sa lahat. Gayu man sapat, ngunit sila ay magsisilbing instrument sa ag edukasyon para sa lahat. Hindi maikakaila ang pagiging matalino at pagkama ng gobyerno.Sa tulong ng ASEAN Integration, ito ay mabib Ang pagiging isang responsible at dekalidad na mam sa pluma ng mga batang manunulat ang paglalaganap ng Gamit ang pluma, sabay nating patunayan na kaya nakaatas!


idad na Mamamahayag g Pangkalahatan

g pag-iisip” paaralan sa paghubog ng moralidad ng isang estudyante an nahahasa ang isip at kakayahan ng isang estudyanteng pagbabago at kabutihan. wa mag-aaral ay hindi nabibigyan ng sapat na pagkakataon sabay ng Department Of Education (DepEd) ay naglunsad edukasyong pangkalahatan upang mabigyang solusyon ang

komunikasyon sa bawat guro at mag-aaral, maipagkaloob mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral ang ilan sa mga

udyanteng mamamahayag, sila’y magsisilbing katuwang ng unpaman, ang isang estudyanteng mamamahayag ay hindi garang pagtagumpay sa layunin na mabigyang halaga ang

alikhain ng mga Pinoy ngunit kulang lamang ito sa suporta bigyang pansin at patuloy na palalakasin. mamahayag ay dapat taglayin. Sa tahasang sabi, nakasalalay kahalagahan ng edukasyon sa bawat isa sa lipunan. natin ang isang malaking responsibilidad na sa atin ay

AGOSTO - NOBYEMBRE 2017

05

Kailangan ng dalubhasang pagbabagay, pagsasabuhay, pagsusuri, pagbuo, at paglilitis ng mga impormasyong nakalap bilang gabay sa paniniwala at kilos.

NYON

REGILEN PADERNAL

BUKAMBIBIG

Manindigan Para sa Katotohanan

F

ake rice. Fake news. Ano ang kasunod? Sa kasalukuyang panahon, naglilipana ang mga pekeng balita at ang mga hindi makatotohanang impormasyon kaya’t kailangan nating maging maingat sa ating paniniwalaan. Kasabay ng pag-usbong ng fake news ay ang paglitaw ng mga paraan kung paano matutukoy ang pinagkaiba ng katotohanan sa kasinungalingan. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang malaman ang katotohanan: Una, maging mapanuri sa mga impormasyong naririnig, napapanood, at nababasa. Ayon sa pagsasaliksik na isinagawa ng Pew Research, 64% ng mga taong nasa tamang edad ang nahihirapang kumilatis sa tunay na balita. Dapat na siguraduhin na ang balita ay galing sa mapagkakatiwalaang “resources” at huwag basta-bastang magbibigay ng konklusyon o opinion. Pangalawa, buksan ang isip sa anumang mahahalagang impormasyon na makakatulong upang masigurong nasa katwiran. Lumabas din sa pagsasaliksik ng Pew Research na 23% sa mga social media users ang umamin na minsan na silang nagpakalat ng maling impormasyon. Kinakailangan ang sapat na ebidensiya at basehan bago magsagawa ng kilos. Pangatlo, kinakailangang may makatwirang pag-iisip bago magsagawa ng kilos. Nakita din sa pagsasaliksik ng Pew Research na 62% sa mga social media users ang nakatanggap ng pekeng balita. Higit sa lahat, kinakailangan ng kritikal na pag- upang makagawa ng makatuwirang panghuhusga. Kailangan din ng dalubhasang pagbabagay, pagsasabuhay, pagsusuri, pagbuo, at paglilitis ng mga impormasyong nakalap bilang gabay sa paniniwala at kilos.

KOMENTO AT REAKSIYON Mainit. Maputik. Panandalian. Mga salitang madalas ko marinig na bukambibig ng mga mag-aaral ng PNHS sa pinatayong temporaryong silid-aralan ng pinangunahan ng Local Government Unit ng Pavia (LGU) at gumasta ng tumataginting na isang milyon. Samu’t-saring opinyon ang aking nakalap ukol dito, may negatibo kung saan mahirap tuwing umuulan dahil bumabaha. Subalit naging positibo naman ang temporaryong klasrum kung saan nawala na ang ingay ng pinagsamang mga seksyon sa loob ng twin covered gym. Dahil dito, nais ko lamang ipabatid na huwag kayo mag-alala dahil matatapos din ang inyong paghihirap, inaasahang magagamit na two-storey twenty classroom building sa darating na Enero. Kunting tiis lang muna. RITSDON HIJASTRO (SSC Representative ng SSG)


06 LATHALAIN

ANG BIYAYA / AGOSTO - NOBYEMBRE 2017

w AngMabuhaysaBuhayNilaw A

pat na buwang paghihintay. Pawisang noo at nanginginig na tuhod ang tanawing nasa harapan niya ngayon. Maihahalintulad sa isang batang takot mawalay sa ina. “F-R-I-T-Z,” kasabay ng pagbigkas niya ng sariling pangalan ay ang pagtakas ng likido mula sa mga mata niya dulot ng ligaya. “Magaling Fritz,” napapalakpak ang babae dala ng damdamin. Napawi lahat ng pagod, balewala lahat ng hirap at paghihintay. Ang mabigkas ng bata ang mga letra na bumubuo sa kanyang pangalan ay nagdala ng higit na kasiyahan at karangalan sa babae bilang isang SPED teacher. Siya si Dianne Ivy Poras Hubag, 29 taong gulang, namamasukan bilang SPED teacher sa Pavia Pilot Elementary School (PPES). Nagtuturo siya sa mga batang madalas tawaging disabled, may kapansanan, special o di kaya’y handicap, mga nilalang na ginawang kakaiba sa lahat. Differently abled. Iba’t-ibang estudyante, iba’t-ibang kwento. “Maam, sorry naulihi ko,” saad ng estudyanteng nahuli sa klase na hinihingal pa at panay hinga ng malalim s a pagod sapagkat nilakad niya ang mahabang daan mula buhay hanggang paaralan dahil ni

Artikulo | ANGEL OCTOSO Litrato | DIANNE HUBAG

salapi ay wala siyang madukot sa kaniyang bulsa. “Maam, wala ko balon,” sabi naman ng isang nakatago sa sulok ng silid dahil sa hiyang baka marinig ng iba ang umuungol niyang tiyan dahil walang dalang pagkain at wala ring pambili. “Maam, indi ko sala,” katwiran naman sa kanya ng isa niyang mag-aaral pagkatapos makipag-away sa isang regular student dahil sa ginawa siya nitong sentro ng katatawanan. Hindi madali para sa mga batang may kapansanan ang pumasok sa isang paaralan o institusyon na may mga normal na mag-aaral. Sapagkat may mga taong may kapintasan at pinandidirian ang mga taong pipi, bulag, bingi, pilay, may ibang karamdaman at kulang sa katawan. At

dahil isa siyang guro ng mga taong nabanggit, napakasakit sa kanya na marinig ang mga malakutsilyo nilang salita na hinihiwa ng paulit-ulit ang mga puso ng mga batang naging anak niya na. Ang pakikitungo sa isang SPED student ay hindi tunay na hamon kailanman. Kundi ang mga physical activities na kayang ibigay sa kanila at mga pagsasanay na kailangan

niyang pagdaanan upang madagdagan ang kaniyang kaalaman kung paano pa mas mapahusay ang pakikipag-ugnayan sa mga batang may kapansanan. Malikhaing Isip. Iyan ang kailangan upang makabigay sa kanila ng sari-saring gawain na kayang panatilihin ang kanilang kasiglahan at kaliksihan. “Subukin natin ang kakaiba,” sabi

sa kanya ng isang kaibigan. Naalala niya pa noong nasa kolehiyo, nasa kamay niya na ang papel na humahawak sa kanyang kinabukasan. At nakita sa mga salitang naka-ukit ang bagay na matagal niya nang inaasam-asam. Special Education. Walang anu-ano’y sinunggaban niya ang oportunidad. Nagsimula siyang makisalamuha sa mga special kids nang siya’y grumaduate ngunit nahinto nang magsimula siyang magturo sa regular class. Taong 2016 nagsimula siyang magturo sa SPED students muli at ang umakay sa kanya na manumbalik ay ang CDSA sapagkat naging coach siya ng mga manlalarong SPED students. “Bilang SPED teacher, hindi ka lang nagtuturo dahil naninirahan ka rin kasama nila sa uri ng pamumuhay na meron sila. Sa araw-araw nilang paglalakbay, hindi mo namalayan na ikaw na pala ang nagsisilbing gabay na inaakay ang kanilang buhay sa tamang landas. Ako ang kumukompleto sa kanila at sila rin ang kumukompleto sa akin,” saad niya.


w

ANG BIYAYA

LATHALAiN 07

/ AGOSTO - NOBYEMBRE 2017

PAVIA LARAWAN ng KAUNLARAN

Artikulo | REGILEN PADERNAL Litrato | CELESTE JANAGAP JO JAN PAUL PENOL

Mahal naming Presidente Rodrigo R. Duterte, Nais ko lang sanang ibahagi sa’yo ang tinatagong alindog ng aming munting paraiso. Mula sa noo’y kanlungan ng mga intsik na ngayon ay tanyag na sa kaunlaran at kaluwalhatiang taglay nito na nagtulak sa mga dayuhang bumisita rito. Hindi mo lubusang aakalain na mula sa pinabayaang parte ng lupa dito sa Iloilo na sumasaklaw lamang ng 2715 hectares ay napuno na ito ng mga nagtatayugang mga gusali, subdibisyon, malls, at iba pang establisyemento.

Kilala ang aming munisipalidad bilang tahanan ng dalawang pista ang Carabao Carroza Festival, ang tinaguriang pinakamatandang pagdiriwang dito sa Iloilo, at ang Tigkaralag Festival na ipinagdiriwang tuwing malapit nang sumapit ang undas tuwing ika 30 ng Oktubre at ng pagkaing makikita mo sa bawat terminal ng mga bus, sa tabi ng daanan, at maging sa mga gasolinahan na talaga namang langit ang maaabot kung iyo itong matitikman, ang kilalang Baye-baye na nagmumula sa dinikdik na buko na hinaluan rin ng dinurog na mais. Oh diba. Saan ka pa! Hindi lamang mga pista at pagkain ang tanyag sa aming baryo. Nariyan rin ang mga subdibi syon na talaga namang may malaking naiambag sa turismo ng buong lugar. Nais mo bang magpatayo ng bahay bakasyunan dito sa Pavia? Tara na sa Providence, Ilolilo, Monticella Villas, Avida Village, Deca Homes Iloilo Pavia, Centro Verde Residencias de Iloilo, Lessandra Iloilo at Parc Regency Avenue na kung saan ang mga pabahay dito ay mura at dekalidad. Kaya naman, dulot ng mga itinayong subdibisyon lumobo ang populasyon ng Pavia na umabot pa sa 55, 603 katao at hindi lamang ang mga Pavianhons ang naninirahan sa Pavia kundi nariyan rin ang nagmumula sa ibang ibayo na hindi mo aakalaing maninirahan dito. Mapupuno naman ang iyong nagbibilugang mga mata habang nakatingala sa nagtatayugang mga gusaling itinayo dito sa Pavia. Nariyan ang Liz- E Kitchen Home Style Cuisine, Robinsons Builders, Complete Logistic Control, Biyo Verde Inland Resort & Putt Golf, Mandaue Foam, ZKO Group Distributors Inc. at bukod sa mga establisyementong ito na naitatag na sa Pavia maraming taon nang nakalipas ay patuloy pa rin ang walang tigil na pag invest ng mga negosyante dito sa Pavia at isang patunay nito ay ang tatlong malls na itinayo sa Ungka Pavia at ang mga ito ay malapit nang makumpleto at maipasilawat sa publiko sa darating na susunod na taon. Ang tatlong pook pasyalan na ito ay inaasahan na magiging dahilan kung bakit magiging matao ang buong lugar ng Pavia dahil ang tatlong malls na kinikilala bilang Robinsons Place Pavia, GT Town Center at City Mall ay magkakalapit lang ang pwesto. Talaga namang kamangha-mangha at maipagmamalaki ang Pavia

sa mga taglay nitong katangian. Hindi nagpabayan sa anumang paligsahan. Sa liham na nang nalibot ang buong Pavia, Iloilo, hinko na sana ay bisitahin mo ang aming baryo. Lubos na gumagalang, Reg

pahuli ang aming ito para mo hiling


AGOSTO-NOBYEMBRE 2017

ANG BIYAYA

TOMO I BLNG 1

ISPORTS KATATAGAN AT KAGALINGAN. Elementong tinaglay ng Pavia Spikers para maihampas ang kanilang kalaban at masungkit ang tagumpay.

Pavia Green Spikers nasungkit ang korona, Sta. Barbara Orange Blockers pumangalawa Maridel Guarez

ISPORTSIYENSIYA

‘Ringless Goal’, posible MICHAEL SOCIAS

Boom! Walang mintis na tres! Ang pagshoot ng bola ay ang pangunahing kasanayan para sa mga manlalaro ng basketbol. Tinatawag na projectile motion ang paggalaw ng bola sa ball path mula sa mga manlalaro hanggang sa basketball ring. Kailangan rin matukoy ng manlalaro ang pinakamainam na anggulo, pinakamaliit na initial velocity – pangunang bilis, at taas ng bola bago ito itira. Ang basketball shooting ay isa sa mga mainam na case study sa pagaaral ng projectile motion. Pero, alam niyo kung ano pa ang mas astig? Kadalasan hindi bihasa ang basketball players sa siyensiya ng kanilang paglalaro. Hindi na nila kailangang magcalculate at magsukat bago mag-shoot sa ring. Sa halip, may tinatawag na “muscle memory” na tumutulong sa kanilang hangaring maibuslo ang bola. Ito ay isang espesyal na koneksyon ng utak at muscles sa katawan kung saan nagiging mahusay ang isang indibidwal sa paggawa ng bagay kapag ito ay paulit-ulit na ginagawa o ineensayo. Totoong sumasang-ayon ang siyensa sa kasabihang “Practice Makes Perfect”.

N

aisalpak ni John Rey Gumban ang kanilang iskor gamit ang kanyang matatayog na spike para ilaan sa Pavia Green Spikers ang 3-1 na panalo laban sa Sta. Barabara Orange Blockers sa Men’s Volleyball Championship Game ng Second Congressional District Sports Association (CDSA II) Meet na ginanap sa Covered Court ng Sta. Barbara Central Elementary School, Okturbre 21. Bumanat kaagad sa pagsisimula ng unang set si Bryan Bordon ng Sta. Barbara Orange Blockers ng mga nagbabagang off speed spike at nakamamanghang dig upang maiwasan na makalikom ng puntos ang kalaban. Hindi rin nagpahuli si Jeeryl Fajardo na magpakita nga mga swabeng istilo ng dive kung kaya nakalamang sila agad sa unang set ng laro, 25-20. Sinubok ng Pavia Green Spikers na labanan ang malatoreng depensa ng Sta. Barbara Orange Blockers. Agad nagpakawala ng sunud-sunod na spike si John Rey Gumban kasama ng mga matitinding attack nina Faisal Jalpone at Jessie James Surial dahilan ng pagkagalak ng mga manonood matapos nilang binidahan ang ikalawang set ng laro. Iskor: 25-15. “Hindi basta-basta ang Pavia Green Spikers, talagang malakas ang pwersa nila at determinado silang ipanalo ang laro”, punto ni James Bordon ng Sta. Barbara Orange Blockers. “Kahit anong mangyari lalaban at lalaban sila,” dagdag pa niya. Unang nagpakitang gilas ang Pavia

Green Spikers sa pagsisimula ng ikatlong set sa pangunguna ni Romeo Progalidad Jr. gamit ang kanyang mga nakasisilaw na spike. Samantala, sinubukan nina Fajardo at Fernandez ng Sta. Barbara Orange Blockers na idouble block ito ngunit hindi ito tumalab. Nakahanap ng tiyempo ang Pavia Green Spikers at mas naging pursigido pa na ipanalo ang pangatlong set ng laro. Humantong ang iskor sa 2518, pabor pa rin sa Pavia Green Spikers. Mas lalong uminit ang labanan nang makalamang pa ng isang iskor ang Pavia Green Spikers laban sa Sta. Barabara Orange Blockers, 2-1. “Go PAVIA! Isa na lang! Banat pa ng todo!, “ mga nakabibinging hiyawan ng mga taga suporta ng Pavia Green Spikers. Samantala, sa pagsisimula ng ikaapat na set, nagpaulan kaagad si Bordon ng Sta. Barbara Orange Blockers ng mga makamandag na spike sa tulong ng mga maabilidad na set ni Fajardo. Ang Sta. Barbara Orange Blockers ang unang nakapuntos ngunit hindi din ito nagtuloy-tuloy dahil sa matinding depensa na isinagawa ng Pavia Green Spikers. Tinapos ni Gumban ng Pavia Green Spikers ang laro sa pamamagitan ng kanyang mga nakakatindig na balahibong spike na nagresulta ng kanilang pagiging hari ng court. Iskor: 25-18. “Sisiguraduhin namin na mas maghahanda at mag-eensayo pa ng mabuti upang manalo ulit para sa nalalapit na Integrated Meet,” wika ni G. Ariel Lasaga, tagapagsanay ng Pavia Green Spikers.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.