Gurong tagapayo ng ‘Ang Biyaya’ umani ng parangal
ab
OPISYAL NA PAHAYAGANG ONLINE NG PAVIA NATIONAL HIGH SCHOOL, PAVIA, ILOILO
A N G B I YAYA
To mo 4 I No by e m b r e 2 0 2 0
Muling kinilala ang kahusayan at dedikasyon ni G. Cheno S. Pollan, gurong tagapayo ng ‘Ang Biyaya’ matapos siyang tanghaling “Outstanding Campus Paper Adviser of the Philippines” sa ginanap na virtual awards night ng Gawad Dyornalismo 2020 nitong Hulyo 25.
Ang naturang parangal ay iginawad ng Asia-Pacific Awards Council, Inc. at GURONG TAGAPAYO | PAHINA 03
PAVIA NATIONAL HIGH SCHOOL
ENROLMENT SCHOOL YEAR 2020-2021 TULOY ANG EDUKASYON. Ginagabayan ni Gng. Jocelyn Alegario, guro ng Pavia NHS sa Open High School (OHS) ang isang magulang kung paano iparerehistro ang kaniyang anak para sa isinusulong na “modular distance learning modality” ng paaralan at DepEd. | CHENO POLLAN
SHS
BALITANG ADBOKASIYA | ULAT NI ANGELA KRIS CAIDIC
1,804 ABM (Grade 11 & 12)
- 330
GAS (Grade 11 & 12)
- 278
HUMSS (Grade 11 & 12) - 401 STEM (Grade 11 & 12) - 290 TVL (Grade 11 & 12)
- 505
JHS
4,445 GRADE 7 (Regular & SP) - 1050 GRADE 8 (Regular & SP) - 1117 GRADE 9 (Regular & SP) - 1177 GRADE 10 (Regular & SP)-1101
SULONG EDUKALIDAD DepEd, SDO Iloilo CARES aalalay sa mga mag-aaral na Ilonggo “Academic ease at hindi academic freeze”. Ito ang nakikitang solusyon ng Department of Education (DepEd) upang ipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya dulot ng COVID 19 at sa mga sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa. Ayon sa Memorandum OUCI-2020-307 na ipi- ng ibinibigay na oras at panahon para sa pagkumnalabas ng DepEd tungkol sa “Suggested Measures pleto at pagsumite ng mga aktibidad ng mga magto Foster ‘Academic Ease’ during the COVID-19 Pan- aaral; at ang pagpapalawig ng pang-mental health/ demic” ay may layuning pahabain ang unang ku- socio-emotional well-being na suporta para sa mga warter, paluwagin ang load at gawain sa mga mag- guro, mag-aaral, at mga magulang sa pamamagitan aaral, at magpatupad ng flexibility measures sa mga ng mga group wellness sessions. Magbibigay rin ng karagdagang suporta ang guro upang ang lahat ay umangkop sa panibagong mga guro at Learning Support Aides sa mga maganyo ng pagtuturo at pagkatuto. “Ang kapakanan ng ating mga guro at mag-aaral aaral o sa mga tahanan na nakararanas ng mga ay uunahin at aming titiyakin na ang School Year pagsubok sa pagtapos o paggawa ng kanilang mga 2020-2021 ay angkop para sa lahat,” saad DepEd Sec- Self-Learning Modules (SLMs) o Learning Activity Sheets (LAS). retary Leonor Magtulis Briones sa isang interbiyu. Dagdag pa rito, maaari ring suriin ng mga paaralan kung may mga aktibidad sa unang quarMGA GABAY SA BAGONG EDUKASYON Binigyang-diin naman ni Undersecretary for ter ng SLMs o LAS na naglalaman ng mga aralin na Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio maaaring maging opsyunal na lamang sa pagtutuang sampung pinaka-inirerekomendang mga hak- ro. Gayundin, maaari ring magbigay o mag-alok ng bang sa mga field units upang masiguro ang pagpa- karagdagang aktibidad sa SLMs sa mga mag-aaral na mabilis matuto at maka-angkop sa mga gawain. patupad ng bagong polisiya. Sa ipinalabas na press release ng DepEd, ilan sa SULONG EDUKALIDAD | PAHINA 02 mga nasabing hakbang ay ang pagsasaalang-alang
02
balita
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
Pavia LGU namahagi ng 2.8 M kagamitang pang-eskwela KRIZZA MAE SALAZAR
KARANGALAN PARA SA MGA PAVIANHON. Ibinahagi ni Gng. Delorah Cecilia L. Fantillo, punong-guro ng Pavia NHS ang nakamit na tropeyo kay Pavia Mayor Lawrence Anthony Gorriceta bilang “outstanding secondary school” sa buong Iloilo. | BALITANG PAVIANHON
‘Outstanding Teachers’ ng Pavia, pinarangalan KIM THERESE ERMITA
Nagbigay ng sertipiko ng pagkilala at salapi si Hon. Lawrence Anthony “Luigi” Gorriceta, alkalde ng Pavia sa mga natatanging guro ng Schools District of Pavia sa kauna-unahang “Patubas 2019: Commendation Ceremony for Outstanding Teachers in Pavia” na ginanap sa Liga ng mga Barangay Hall, Pavia, Iloilo, Setyembre 28. Pinarangalan sina Gng. Delorah Cecilia Fantillo, Pavia Pilot Elementary School bilang OutstandPrincipal IV ng Pavia National High School (PNHS) ing Teacher ng Special Science Elementary School bilang Outstanding School Administrator, habang (SSES). sina Gng. Marita Dy Sorilla, guro ng MAPEH, Dr. “Malaki ang pasasalamat ko sa Pavia LGU lalo Christopher Aguilar, guro ng TLE, G. Ian John Ga- na kay Mayor Gorriceta sa pagbigay ng gantimlupar, guro ng Science, G. Renee Mecha, tagapayo palang salapi para sa amin,” sabi ni G. Galupar, isa ng Pavia Gazette at G. Cheno Pollan, tagapayo Ang sa mga pinarangalan. Biyaya bilang mga outstanding teachers sa sekundNagagalak naman si Hon. Gorriceta dahil sa arya. mga parangal na nakamit ng mga guro at higit pa Samantala si Gng. Wilfermina Landicho, Prin- ang kaniyang papuri sa kanila na lalo pa nilang cipal II ng Pavia Pilot Elementary School (PPES) pagbubutuhin ang kanilang pagtuturo para sa mga ay pinuri bilang Outstanding School Head Central mag-aaral sa bayan ng Pavia. School Category at si Gng. Armi Jovero, Principal I Tumulong din sina Gng. Liza Cala-or, District ng Balabag Elementary School (BES) naman bilang Supervisor, SB Maria Jaspe Francisco, Chairman Outstanding School Head sa Non-Central School Cat- Committee on Education SB Daisy Hubero at iba egory. pang mga miyembro ng Pavia LGU sa pag-organisa Kasali na rin si Gng. Christine Hechanova ng ng nasabing seremonya.
Upang hikayatin ang mga mag-aaral na bigyang halaga ang edukasyon, ang Local Government Unit (LGU) ng Pavia sa pangunguna ni Hon. Lawrence Anthony “Luigi” Gorriceta ay namigay ng 2.8 milyong pisong halaga ng kagamitang pang-eskwela sa buong elementaryang paaralan ng Pavia. “Gusto ko na makasigurado ang mga mag-aaral na sila ay aming susuportahan sa abot ng aming makakaya,” sambit ni Hon. Gorriceta. Sa pamamahagi nito, malaking tulong ang naibigay sa mga mag-aaral na kapos sa pangangailangan dahil sa pandemya na kinakaharap ng bansa. Nagbigay rin ang LGU ng libreng WiFi modems sa mga namumuno ng bawat paaralan, sa suporta ng DepEd’s Distance Learning Program na makatutulong sa madaliang pagsasaliksik ng mga guro sa mga leksyon na kanilang ipiprinta. “Maraming salamat sa pagbibigay ng kagamitan para sa mga mag-aaral at libreng modems para sa mga guro, saludo kami sa iyo Mayor Gorriceta,” saad ng isang guro ng Pandac Elementary School na si Gng. Lina Jagolino.
SULONG EDUKALIDAD | PAHINA 01
ALALAY SA MGA BATANG ILONGGO Bilang pagsunod sa bagong polisiya ng DepEd, isinusulong naman ng DepEd Iloilo ang programang ‘SDO Iloilo CARES’ o ‘Schools Division of Iloilo Catching Up, Remediation, Enrichment, and Summative’. Ang nasabing programa ay magbibigay ng pagkakataong matapos ng bawat mag-aaral ang mga gawain at aralin sa mga nagdaang linggo at pag-aaralan ng mga guro at pinuno ng paaralan kung anong solusyon o interbensyon ang ibibigay sa mga mag-aaral na nahihirapan sa pamamagitan ng home visitation, pakikipagtalakayan, at kumperensiya na tinatawag na “Kumustahan” o “Pamulsuhanay” sa mga magulang at iba pang miyembro ng komunidad. Kabilang din dito ay ang pagsasagawa ng Weekly Home Learning Plan (WHLP) at Individual Learning Monitoring Plan (ILMP) na magsisilbing gabay sa mga magulang at guro para masubaybayan ang proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral habang ipinapatupad ang home distance learning modality. Naisama rin sa nasabing programa ang pag-
bibigay ng summative test na maaaring written o performance task sa mga mag-aaral at dapat sumunod ang mga guro sa DepEd Order 31, 2020 o “Interim Guidelines for Assessment and Grading in Light of the Basic Education Learning Continuity Plan” lalong-lalo na sa pagkompyut ng grado. Samantala, ayon naman kay G. Ruben S. Libutaque, DepEd-Iloilo Chief Curriculum Implementation Division, sa pamamagitan ng SDO Iloilo CARES ay mabibigyang atensyon ang mga mag-aaral na nahihirapan sa kanilang pag-aaral sa panahon ng pademya at higit sa lahat kailangan ng solidong kolaborasyon sa lahat ng stakeholder para maipagpatuloy ang edukasyon nang ligtas at may kalidad. “Bawat isa sa atin ay may mahalagang papel na gagampanan para sa SDO Iloilo upang magtagumpay sa mga hamon na dala ng pandemya. Maraming hamon na ang napagtagumpay natin dati. Tiwala akong magtatagumpay pa rin tayo sa anumang hamon na kakaharapin natin,” wika pa ni G. Libutaque sa idinaos na virtual conference para sa mga guro at pinuno ng mga paaralan sa Iloilo.
PAVIA MAYOR GORRICETA
PRINCIPAL CELESTE
balita
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
‘Linggo ng Kabataan’
idinaos sa kabila ng pandemya ALISA MAE MANDAR
Naglunsad ang Lokal na Pamahalaan ng Pavia ng taunang “Linggo ng Kabataan” nitong Agosto 2020 sa kooperasyon ng Local Youth Development Office, Sangguniang Kabataan Municipal Federation, Municipal Tourism, at Culture and Arts Council na temang “Resilience of Pavianhons in Time of Pandemic.” Ito ay upang maipakita ang katatagan at pagkamalikhain ng kabataang Pavianhon sa gitna ng hinaharap na pandemya. Dagdag pa sa pagdiriwang ay ang mga pantimpalak kagaya ng Poster Making Contest, Tingog Pavianhon Singing Contest, Sarangan ta Pavia! Video Making Contest at Mobile Photography Contest. Dinaan naman sa virtual ang awarding ceremony sa mga nasabing patimpalak. Sa Poster Making Contest nanguna si Pauline Mae Heria ng Brgy. Pagsanga-an, ikalawang puwesto si Cedrix Guyos ng Purok 4, ikatlong puwesto si Flordelyza Justado ng Cabugao norte at ika-apat na puwesto si Keighun Erlano ng Ungka 2. Nanguna naman ang Purok 4 sa Video Making contest, sinundan ng Brgy Balabag, ikatlong puwesto, Brgy. Ungka 2 at ika-apat na puwesto ay napunta sa Brgy. Ungka 1. Hindi rin nagpahuli ang Brgy. Jibao-an sa Mobile Photography Contest nang nakuha ng unang puwesto, habang napunta sa Ungka 1, Brgy. Purok 4, at Brgy. Balabag ang ikalawa, ikatlo ang ika-apat na puwesto. Samantala, sa “Tingog Pamatan-on” singing contest pinangunahan ito ni Felipe Angelo De leon ng Brgy. Anilao, ikalawang puwesto si Cher Ann Salgado ng Ungka 2, ikatlong puwesto si Vjan Ylsia Gallinero ng Jibao-an at ika-apat na puwesto si Ritz Ivan Gumban ng Brgy. Balabag. “Maraming salamat sa lahat ng nakilahok sa ating patimpalak lalong-lalo na kay Mayor Lawrence Anthony Gorriceta at sa mga sumuporta upang maidaos ang pagdiriwang ito,” ani Kervin Zaldarriaga, pangulo ng SK Federation ng Pavia.
03
TULONG-PAVIANHON ‘Oplan Tabang 2.0’ ng Pavia NHS-SSG hatid ay pagkakaisa, pagbabayanihan BRIAN GUMBAN
“Sa gitna ng pandemya at kahit na anumang sakuna, hindi natin maikakailang nasa puso ng bawat Filipino ang pagkakaisa at pagbabayanihan.” Ito ang naging mensahe ni Gng. Jennifer S. Caspe, tagapayo ng Suprem Student Government (SSG) ng Pavia National High School matapos makapanayam ng Ang Biyaya matapos ang isinagawang pagsasaayos ng mga nalikom na donasyon na bahagi ng ‘Oplan Tabang 2.0’ - Relief Operations para sa mga Frontliners, at mga Filipino na naapektuhan ng mga kalamidad, at reclamation projects sa gitna ng pandemya. Nakalikom ang nasabing donation drive ng mahigit-kumulang Php 40,000.00 at sako-sakong in- kind donations na nagmula sa mga residente ng bayan ng Pavia at sa mga kalapit na munisipalidad sa probinsya ng Iloilo. Ayon pa kay Gng. Caspe, naihatid ng SSG ang mga nakalap na donasyon sa drop off centers kagaya ng The Frontliner’s Kitchen drop off point sa bayan ng Sta. Barbara, sa Casa Real, Iloilo at PassFast Cargo na dadalhin sa mga nasalanta ng bagyo
sa Luzon. “Napakasaya namin dahil naging matagumpay ang aming proyekto at kahit na maikling panahon lamang ang aming inilaan ay nakatanggap kami ng mga donasyon na labis pa sa inaasahan naming,” saad pa ni Caspe. Samantala, nagpa-abot naman ng taos-pusong pasasalamat ang lahat ng opisyales ng SSG sa lahat ng tumulong sa kanila upang maging matagumpay ang nasabing inisiyatibo. “Dahil sa pagtutulungan ng bawat isa, naging madali ang lahat at umaasa kaming makapagbigay ng ngiti sa labi ng mga kababayan natin at sobrang sarap sa pakiramdam na makagbigay liwanag at pag-asa sa gitna ng pandemya,” wika naman ni Diorella Songcuya, kalihim ng SSG. Nakibahagi rin sa proyektong ito ang mga barangay councils sa bayan ng Pavia at Kabataan sa Kartilya ng Katipunan.
MALASAKIT PARA SA MGA NANGANGAILANGAN. Bilang gurong tagapayo ng Pavia NHS Supreme Student Government (SSG), nakiisa si Gng. Jennifer Caspe sa pagsaayos ng mga donasyong ibibigay sa mga nasalanta ng bagyo. | PNHS SSG GURONG TAGAPAYO | PAHINA 01
Center for the Promotion of Campus Journalism, Inc. Dahil sa kaniyang kahusayan sa larangan ng pahayagang pangkampus ay napili rin siyang isa sa mga ‘best performing adviser’ ng Philippine Information Agency (PIA) noong 2019 College Press Conference and Awards Night na ginanap sa lungsod ng Iloilo. Sa parehong gabi ng parangal ay binigyan din ng pagkilala ang “Ang Biyaya”, opisyal na pahayagang pangkampus at komunidad ng Pavia National High School bilang unang puwesto sa dalawang katergorya – ang Best Newsletter/Tabloid at Best Online Newsletter sa secondary level. “Malaki talaga ang naging impluwensiya ng pamamahayag sa aking buhay. Dahil dito, patuloy akong natututo sa buhay at nahahasa nito ang aking galing na siyang ibabahagi sa iba, sa aking mga mag-aaral,” wika ni G. Pollan. Si Pollan ay itinalaga bilang tagapayo ng Ang Biyaya noong 2013 kasama si G. Gerardo Hilaos na naging ‘outstanding school paper adviser’ din ng buong Pilipinas noong 2004.
04
balita
IPPO: Krimen sa Iloilo bumaba ng higit 30% JESY ROSE PORMENTO
Ipinakita sa datos ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO) na mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, bumaba sa 30 porsyento o 3,450 na krimen ang naitala sa lalawigan ng Iloilo kumpara sa 4,933 na kaso noong nakaraang taon. Dagdag pa rito mayroong 17-porsyento na pagbawas ng mga krimen tulad ng robbery o pagnanakaw kung saan tanging 462 mga krimen ang naitala sa taong ito kumpara sa 646 na kaso noong nakaraang taon. Ayon kay Police Colonel Gilbert Gorero, IPPO director, ang ipinapatupad quarantine at lockdown ay tumutulong upang pigilan ang pagtuloy na pagdami ng krimen sa Iloilo. Gayunpaman, tumaas naman ang bilang ng mga kaso ng murder at homicide mula sa 10 porsyento patungong 16 porsyento. “Naobserbahan namin na tumaas ang ang homicide at murder sa mga malalayong lugar. Isa na rito ang mga nahuling 61 katao na nakuhanan ng mga baril,” saad pa ni Gorero. Naniniwala rin siyang habang ang mga tao ay naka-quarantine malaki ang epekto nito sa kanilang mga ugali. “Maraming mga tao ngayon ang na-iinip sa kani-kanilang bahay at malaki ang porsyentong sila ay nababahala sa kanilang kinabukasan dulot ng pandemya. Dahil dito, nagiging mas mainitin ang kanilang ulo at sila’y emosyonal,” dagdag pa niya. Upang matugunan ang suliraning ito, iniutos ni Gorero ang malawakang pagtulong ng lahat ng mga lokal na opisyal sa malalayong barangay sa pamamagitan ng pagronda ng mga tanod. Nag-apela rin siya sa mga tao na maging abala sa mga bagay-bagay at habang may quarantine pa dahil sa COVID-19.
Pavia MPS nanguna sa kampanya vs droga KENT RONIE HUYONG
Nakatanggap ng plaka ng pagkilala mula sa Police Regional Office 6 ang Pavia Municipal Police Station bilang may ‘pinakamaraming bilang ng operasyon sa anti-illegal drugs’ (Municipal PS level) sa pamumuno ni Police Major Jojo U. Tabaloc, COP. Ang nasabing pagpaparangal ay isinabay sa pagdiriwang ng119th Police Service Anniversary Celebration noong Agosto 6 na ginanap sa Camp Gen Martin Teofilo B. Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City. “Hindi lang kami nag-aaresto sa mga target, gumagawa rin kami ng mga follow-up na operasyon hanggang sa mahuli namin ang mga makapagkukuhanan at cohort”, pahayag ni Tabaloc. Dagdag pa niya, ang Pavia ay isa sa may pinakamalaking problema pagdating sa illegal na droga. Sa 93 ‘drug personalities’ na nahuli sa probinsya ng Iloilo, 25 sa kanila ay naaresto ng Pavia MPS. Dahil dito, ipagpapatuloy pa ng Pavia MPS at lalo pang maging aktibo sa pagsugpo ng illegal na droga sa bayan ng Pavia.
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
210 TOTAL NUMBER OF COVID-19 CASES
MUNICIPALITY OF PAVIA
COVID -19 UPDATE
Source: PAVIA RHU/ DOH as Nov. 5, 2020
194 6
TOTAL NUMBER OF COVID-19 DEATHS
TOTAL NUMBER OF COVID-19 RECOVERIES
BIDA SOLUSYON | ESPESYAL NA ULAT NI CHRISTIAN JAUD
INISYATIBONG PAVIANHON Pavia LGU nakiisa laban COVID-19
Kaalaman at disiplina. Ito ang nais ikintal ng pamahalaang local ng Pavia sa pamumuno ni Hon. Anthony Lawrence “Luigi” Gorriceta para masugpo at maibaba ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bayan. Dahil dito, pinangunahan ni Hon. Gorriceta ang paglunsad ng ibatibang programa at aktibidad laban sa COVID-19 kagaya ng pagbibigay at pagpapakabit ng education and information campaign (EIC) sa mga barangay hall, palengke, sementeryo, at sa iba pang mga piling lugar. Nagpalabas din ng ‘documentary video series’ ang Pavia LGU sa pakikipag-ugnayan sa Pavia National High School upang itampok ang kuwento ng mga COVID 19 survivors, mga frontliners, mga miyembro ng Pavia PAVERS (Pavia Emergency Responders) at Pavia MDRRMO (Municipal Disaster Risk Reduction Management Office). Maliban sa mga programang pang-impormasyon at pangkaalaman, isinulong din ng Pavia LGU ay ang pag-‘centralize’ ng mga COVID facilities para matugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng sakit at upang di na mahirapan ang bawat barangay sa pag-asikaso sa mga nahawang nasasakupan. Namahagi rin ang Pavia LGU ng mga ‘foodpacks’ para sa mahigit 17,000 na mga kabahayan sa buong Pavia at binigyang-pansin din nito ang paglathala ng ‘local ordinance’ na kung saan
mayroong ‘penalty’ ang mahuhuling walang suot na facemask sa publiko. Sa panayam ng ‘Ang Biyaya’ kay Sangguniang Bayan Member Maria Jaspe Francisco, iginiit niya na ang pagsusuot ng facemask ay hindi lang sa pansariling kapakanan kundi para rin ito sa lahat. Sa kabilang banda, naipatupad din sa pamilihang bayan, malls, at mga groseris ang paglagay ng mga ‘washing facility-area’ at pagtitingin ng ‘body temperature’ upang mapanatiling ligtas at walang hawaan ang mangyayari habang namimili ang mga tao. Ibinahagi rin ni SB Member Franciso ang pagpapatupad ng ‘curfew’ na kung saan hanggang alas 10 lang ng gabi pwedeng lumabas ang mga tao sa mga pampublikong lugar. “We have to follow the protocols. Hindi lang ito para sa sarili natin, para ito kapakanan ng lahat,” wika pa ni Franciso. Samantala, nagpapasalamat naman ang Pavia LGU sa mga pribadong indibidwal at organisasyon na nagbahagi ng kanilang tulong at donasyon para maging ligtas ang mga Pavianhon. GRAPIKS | WWW.NEDA.GOV.PH
B
BAWAL WALANG MASK
I
I-SANITIZE ANG MGA KAMAY, IWAS HAWAK SA MGA BAGAY
D
DUMISTASYA NG 1-METRO
A
ALAMIN ANG TOTOONG IMPORMASYON
balita
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
‘‘
Madamo gid nga salamat sa tanan nga Ilonggo nga nag-suporta sa akon. I offer this success to every Ilonggo. I hope I made you proud. I’ll do my best to make you prouder when I represent the country in the international stage. RABIYA MATEO
MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2020
PROUD ILONGGA. Itinanghal na Miss Universe Philippines 2020 ang pambato ng Iloilo City na si Rabiya Mateo laban sa 45 kandidata. | MISS UNIVERSE PHILIPPINES ORGANIZATION/RABIYA MATEO INSTAGRAM
Ilongga beauty queen kinoronahan bilang Miss Universe PH 2020 PRINCESS JEANNE FULLON
Naiuwi ng Ilonggang si Rabiya Occeña Mateo ang korona sa ginanap na kauna-unahang Miss Philippines Universe 2020 pageant pre-taped coronation ceremonies sa Baguio Country Club Cordillera Convention Hall, Oktubre 25. Pinatunayan ni Mateo na hindi lang hanggang makapagtapos sa kursong kagandahan ang taglay niya kundi tali- ‘Physical Therapy’ ng Cum Laude noong no at may mabuting puso. Mas hinan- 2018 sa Iloilo Doctors College. gaan siya ng mga hurado dahil sa kani“I said in my free speech na educayang rampa at pagsagot sa mga tanong tion is talaga the gateway to success. I nang sunod-sunod. have experienced it first hand,” sabi pa Napag-alamang mag-isang itina- ni Mateo. guyod ang Ilongga beauty queen ng Nangako naman si Mateo na lalo kaniyang ina dahil iniwan sila ng kani- pa niyang sisikapin ang training para sa yang amang Indian noong siya ay li- Miss Universe pageant upang makapagmang taong gulang pa lamang. Gayun- bigay ng karangalan sa bansang Pilipipaman, umaasa pa rin siyang makausap nas. at makitang muli ang kaniyang ama na Nitong Nobyembre 13 ay nagkaisa mga rason kung bakit siya sumali sa roon ng motorcade para kay Mateo nasabing kompetisyon. bilang pagpupugay sa kaniya dahil sa Lumaki man sa mahirap na pami- karangalang dala nito para lya, nagsumikap si Mateo sa kaniyang sa mga Ilonggo at s a pag-aaral lalong-lao na sa kolehiyo Lungsod ng Iloilo.
RABIYA-TRIBYA
“Red is power and I am red.”
Isinilang noong Nobyembre 14, 1996 sa bayan ng Balasan, Iloilo Lecturer at review coordinator ng SRG Manila Review Center Taga-hanga ng yumaong Sen. Meriam Defensor-Santiago Aktibong kasapi ng “Feed Me and I Read You” program Kauna-unahang nagsuot ng “Filipina Crown” - the achievement of one’s mind over body as a Filipina LARAWAN | RABIYA MATEO INSTAGRAM
05
2020 GEM Report
tutugon sa problema sa edukasyon, lipunan ANGELA KRIS CAIDIC
Upang mapalawak ang kaalaman ng mga indibidwal na hindi nakasabay sa pagbabago ng panahon lalong-lalo na sa pagbukas ng klase, pagpapalawig ng katatagan, at pagkakapantay-pantay sa lipunan, isinulong ng Department of Education (DepEd) at United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang 2020 Global Education Monitoring (GEM) Report, Nobyembre 25. Katuwang sa nasabing paglulunsad ang opisyal na pamahalaan, international aid agencies, education and humanitary experts, policy makers, mga guro, at mga mag-aaral. Sa temang “Inclusion and Education: All means All,” naniniwala rin si UNESCO Director-General Audrey Azoulay na ang kinabukasan ng edukasyon ay mas mahalaga kaysa sa nararanasan nating pandemya ngayon kaya’t kailangang mabigyan ng pansin ang mga mag-aaral na hindi makasabay sa pagsisimula ng ugong ng pagsulong sa kani-kanilang paaralan. ANINO NG PAGPAPANTAY-PANTAY Layunin naman ng gender-responsive basic education policy ay isinagawa ng DepEd na wakasan ang anumang uri ng diskriminasyon ayon at base sa kasarian, sexual orientation, at gender identity sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa mga tagapangasiwa ng edukasyon at pinuno ng mga paaralan kasama na rin ang pagpapaunlad ng mga programa na may mga aral ukol sa bullying, diskriminasyon, kasarian, at karapatang pantao. Bilang parte ng adhikaing makamit ang Sustainable Development Goal 4 (SDG 4) at mga layunin nito, magkakaroon ng pagsusuri upang matukoy kung ano ang dahilan sa pagliban ng mga mag-aaral sa edukasyon sa buong mundo, kabilang na rito ang kanilang pinanggalingan, pagkakakilanlan, at kakayahan katulad ng kapansanan, kahirapan, etnisidad, etc. upang masilayan ang anino ng pagpapantay-pantay. PAGKAKAIBA AY PAGKAKAISA “Ang Covid-19 ay talagang nagbigay sa atin upang maiayos ang sistema ng edukasyon sa ating bansa pero ang silayan ang bagong mundo na pinapahalagahan ang pagkakaiba at hindi pagkakapantay-pantay ay hindi mangyayari dahil may mga paraan na maisakatuparan at maaayos ang anumang gawain kung bibigyang-pansin natin ito nang husto,” saad naman ni GEM Report Director Manos Antoninis. Inaabangan din sa live na diskusyon sa pagitan ni DepEd Secretary Leonor Magtulis-Briones at UNESCO Jakarta Representative and Director Dr. Shahbaz Khan kung saan kanilang pag-uusapan ang mga nakalap na ulat at ang pag-unlad ng sektor ng edukasyon at pagkakaisa ng Pilipinas dahil ang pagkakaiba ay pagkakaisa. Ayon sa UNESCO, ipinapakita ng bagong website na Profiles Enhancing Education Reviews (PEER) na inilunsad ng UNESCO GEM Report na may mga bansang pa ring nagpapataas ng antas stereotyping, diskriminasyon, at alienation subalit may mga bansa pa ring katulad ng Pilipinas na hindi nagsasagawa ng education segration. SANGGUNIAN | DEPED PHILIPPINES, NOBYEMBRE 19, 2020
06
opinyon
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
Mga Punong Patnugot RAY ANGELO JAGNA-AN AIREEN MACASIO Pangalawang Patnugot ADHARA VIDIOT ROYZE EVANGELISTA Tagapangasiwa PAMELA ANDREA JAMOYOT CHRISTIAN JAUD Balita ANGELA KRIS CAIDIC KIM THERESE ERMITA Editoryal RAY ANGELO JAGNA-AN ANGELA FAGTANAC CHZAR JANCORDA Lathalain AIREEN MACASIO OFE MARIE ARONES Agham at Teknolohiya JANILLE DEENEN HILADO KATHLEEN PULIDO Isports ROYZE EVANGELISTA CEDRICK JASPER SANGLAP Kartunist KARL ANTONIE ANIMAS CHRISTIAN JAUD Tagakuha ng Larawan FRANK JANAGAP REUBEN PALMA Tagawasto CAMELLE JOYCE JANOLINO Mga Manunulat TRISTAN WYETT JAEN ALISA MANDAR KENT RONIE HUYONG JESY ROSE PORMENTO KRIZZA MAE SALAZAR BRIAN GUMBAN GIANNA CLAIRE CUSTODIO Tagapayo G. CHENO S. POLLAN Principal IV Gng. DELORAH CECILIA L. FANTILLO Pangulo ng PTA Gng. MARIA JASPE-FRANCISCO ANG BIYAYA ay opisyal na pahayagan ng mga Mag-aaral ng Pavia National High School. Sa mga interesadong magbahagi ng kanilang komento, suhestyon at kontribusyon, mangyaring makipag-ugnayan sa lupon ng mga patnugot sa pamamagitan ng: www.facebook.com/pahinANGBIYAYA (033) 329-3522 / (033) 320-2332
COLOPHON Ang pahayagang ito ay idinesenyo gamit ang Adobe InDesign CS6 at Adobe Photoshop CS6 MGA FONTS: Helvetica, Exo, Droid Serif
EDITORYAL
Edukalidad sa Bagong Normal
“Anumang sakuna o pagsubok ang dumating, isang katotohanan ang hindi maglalaho; ang edukasyon ay hindi titigil at patuloy itong hahasa ng isipan ng bawat isa.” Takot at pangamba ang ramdam ng lahat sa banta ng COVID-19 na umepekto sa marami at nagbago sa mga pamamaraan ng lahat. Dulot nito’y pag-ingat at pagkabahala sa kalusugan, pagwaksi sa mga maling gawi, at pagbago sa mga nakagawiang paraan, pati na sa pag-aaral. Noong ika-5 ng Oktubre, ang edukasyon sa Pilipinas ay nagpatuloy at nag-iba kasama ang pagtanggap sa mga bagong normal ng pagkatuto. Sa pahayag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), hindi pa rin pinapayagan ang mga klase o pagpupulong-pulong at inisaad din ang pagsalin ng pag-aaral sa modular at online learning. Hindi man ito ang kinagisnan ng lahat, ang mga bagong pamamaraang ito ay isang malaking hakbang sa kinabukasan ng edukasyon. Kung noon, ang bawat isa ay pumapatungo sa paaralan upang makakuha ng kaalaman, ngayon, ang bawat tahanan ay naging isang estruktura na ng pagkatuto kung saan naibabahagi ang edukasyon sa bawat isa. Kahit sa kakapusan ng teknolohiya, ito ang naging sandigan ng kagawaran upang maiparating ang mga aralin sa mga mag-aaral. Sa paraang ito, kahit mahirap, ang edukasyon ay hindi nawawaksi at natitigil. Sa katunayan, sa isang pandaigdigang pag-aaral na isinagawa, naipakita na kahit sa dalawang buwang bakasyon sa pag-aaral, 20-50 porsyento ng kaalaman ng mga mag-aaral ay maaaring mawala o makalimutan. Ini-ugnay rin ng nagawang pag-aaral na sa paghinto ng isang taon ng pag-aaral noong kasagsagan ng Ebola outbreak, marami ang hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral sa pagbukas nito sa sumunod na taon. Kaya’t kahit na isang hamon ang pagbukas ng klase sa taong ito, hindi rin maikakaila ang katotohanang may dulot din itong pakinabang. Higit pa rito, naitutuon din ang atensiyon ng mga mag-aaral sa pagkatuto sa halip na paggawa ng mga hindi makabuluhang bagay. Lumabas din na sa pagtapos ng Ebola outbreak, marami ang hindi na nakapagpatuloy pa sa kanilang mga pag-aaral dulot ng teenage pregnancy at pagkalulong sa iba pang bisyo. Sa panahong gaya nito, ang mga kabataan ay nagiging madiskubre at may gustong subukan ang mga bagaybagay. Dahil dito, maraming atensiyon ang nabaling sa mga bagay na walang kabuluhan at nalulong sa mga masasamang bisyo. Marahil mahirap para sa lahat ang paglipat sa bagong normal ngunit ito ay mag-iiwan ng mga leksiyon ng pagiging responsable, mapamaraan, at may pagpapahalaga sa mental na kalusugan. Ang panahong ito ang nagbigay hamon sa atin upang gamitin ang ating buong kaisipan. May mga modules rin gaya ng ‘Home Guidance’ kung saan natutulungan ang mga estudyante na isaisip ang pagiging responsable. Bukod pa rito, nabibigyan din ng pansin ang kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral kung saan ito ay namomonitor sa mga gawaing nakalimbag sa mga modules. Mahalaga ang mga gawaing ito lalo na sa panahon kung saan nakalulugmok ang mga kaganapan sa paligid. Mas nabibigyang pansin ang mental na pag-iisip ng kabataan lalo na sa panahong laganap ang mga kaso ng pagpapatiwakal. Nag-iiwan ang pandemyang ito ng leksiyon na paunti-unti, kahit mahirap, kaya nating umangkop sa mga pagsubok ng panahon. Gaya rin sa edukasyon, kahit mahirap man ang naging at magiging paglalakbay natin, tayo ay natututo at umuunlad rito. Kaya’t kahit sa pinakamahirap na sitwasyon, ang edukasyon ay hindi titigil. Sapagkat, upang maabot natin ang pinakamataas na kalidad nito, ang kailangan lang natin ay magpatuloy.
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
Pagwasak sa Korona ng Pandemya PINATUNAYAN NG ILOILO NA KAHIT ANONG SAKUNA ANG DADATING, LALABAN AT LALABAN TAYONG MGA MAMAMAYAN. MAAYOS NA PAMAMAHALA AT PAGKAKAISA ANG NAGSILBING SANDATA UPANG MAISAKATUPARAN A N G G I Y E R A KO N T R A C O R O N A .
LAKBAY KAALAMAN | PAMELA ANDREA JAMOYOT Disyembre ng taong 2019 nang tayo ay pasukin ng isang delubyong kailanma’y di natin nasaksikan. Walang kibo, walang babala at lingid sa kaalaman ng lahat, tayo pala ay isa-isa nang pinapatumba. Umabot sa ilang milyon ang bilang ng namatay sa buong mundo, kabi-kabilang pagkawala ng trabaho, bumagal ang takbo ng ekonomiya at higit sa lahat, nahinto ang buhay ng bawat isa. Sa isang iglap, pandemya ang namayani sa sanlibutan at naghari ang sakit na yumanig sa buhay ng lahat— ang COVID-19. Ang COVID-19 na noon ay 2019 novel corona ay isang nakakahawang sakit at inpeksyon na sanhi ng malubhang respiratory syndrome corona virus 2 o SARS-CoV-2 na unang nagsimula sa Wuhan, China. Kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ay lagnat, ubo at panghihina. Mga taong mahina ang immune system, matatanda at mga may problema sa paghinga ang mga pangunahing tudlaan ng nasabing sakit. Sa Pilipinas, umabot sa humigit kumulang 408 na libo ang naapektuhan, 374,000 ang gumaling at 7,873 ang namatay. Dahil sa nakakatakot nitong dulot, mayroong mga hakbang na ipinatutupad ang gobyerno upang matigil ang pagkalat ng sakit. Kabilang sa mga aktibong lumalaban sa nasabing sakit ay ang Western Visayas, kabilang na ang probinsya ng Iloilo, na sa kasalukuyan ay may 19,222 na kaso ng Covid-19. Isa sa mga panunahing hakbang na naisipan ng gobyerno ay ang pagpapatupad ng malawakang lockdown sa buong bansa. Isa ang probinsiya ng Iloilo sa mga lugar na nasakop nito. Ayon sa mga ulat, noong March 20 o limang araw matapos na magpalabas ng sugo ang Malacañang ng lockdown sa Metro Manila, isa ang probinsiya ng Iloilo sa mga lugar na pinasailalim ang sarili sa lockdown sa pamamagitan ng pagsara ng mga hangganan nito. Ayon pa kay Jerry Treñas, mayor ng Iloilo City, noong nakumpirma ang unang kaso ng sakit, minomonitor na ng pinagsamang lakas ng gobyerno ng probinsya at mga health workers ang galaw ng sakit. Nagpapakita lamang ito na sa anumang sakuna, ang probinsiya ay nagpapatunay na lamang na may alam at yaong mga handa. Upang malaman ang bilang ng mga mamamayan na naapektuhan ng bayrus, sumasailalim ang mga ito sa mga pagsusuri o testing. Sa masamang palad, hindi madali para sa isang ordinaryong mamamayan ang pagpapasailam sa ganitong pagsusuri. Nang patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso, nagsimula na ring maghingi ang mga mamamayan ng mass testing o malawakang pagtetest sa mga posibleng apektado o sa mga lugar na mayroong mataas ang bilang ngunit hindi ito pinagbigyan ng nasyonal na pamahalaan. Kaya ang gobyerno ng bayan ng Iloilo, sa pangunguna ni Treñas, ay humingi ng tulong sa mga business groups upang sila ay makapagbigay ng mga test kits. Naging matagumpay din ito dahil nakapagbigay sila ng 2,500 kits na may halagang 5.5 na milyong piso na mula pa sa South Korea. Sa pagkakataong ito, naipakita ng Iloilo na kung may gusto ay palaging mayroong paraan. Dahil sa malawakang lockdown, naging mahirap para sa lahat ang pagtratrabaho
at makakita. Ngunit ang problemang ito ay maayos ding naaksyunan ng Iloilo. Nagbigay ang gobyerno ng Iloilo ng mga ayuda para sa mga mamamayan kabilang na rito ang 6,000 na pera. Ipinatupad din ang pagbabawal ng pagbabyahe ng mga dyip at bilang tugon rito ay nagbigay ang lokal na pamahalaan ng mga bus upang magsilbing transportasyon ng mga frontliners. Nagbigay rin ito ng lugar upang mapagtirhan ng mga medical workers na araw-araw na nakikipaglaban sa COVID-19. Hindi lamang ang gobyerno ang nagbibigay aksyon sa ganitong panahon. Marami sa mga mamamayan ang nagbibigay ng tulong at donasyon para makatulong din sa ibang mamamayan. Sa kasong ito, naipakita ng Iloilo ang imahe ng tunay na bayanihan. Ngunit hindi pa rin maiiwasan na sa panahon ng krisis, mayroon pa ring mga tao na matitigas ang ulo. Face mask at face shield ang mga pangunahing armas na kailangan upang labanan ang nakakahawang sakit na ito kaya nagpapalabas ng utos ang gobyerno na dapat ay palaging dala o suot ito ng mga mamamayan kapag sila ay lumalabas. Sa kabila nito, mayroon pa ring lumalabag sa palatuntuning ito. Isa pang ipinapatupad ay ang curfew na hanggang ngayon ay marami pa ring hindi sumusunod. Patunay ito na kahit sa panahon ng sakuna, may mga taong walang pakialam sa kahihinatnan ng kanilang kapabayaan. Kabilang ang Iloilo sa mga lugar na maraming nakatalang lumabag sa protocol. Kung sa ibang mga lugar, ang mga mamamayang lumalabag ay hinuhuli ng mga kinauukulan at kinukulong, naiiba rito ang lugar ng Iloilo, ang mga nahuhuling lumabag ay hindi nila kinukulong at tinatrato nang may opresyon. Sa katunayan, ang mga nahuling lumabag ay pinapalinis sa mga parke ng riversides, esplanade at linear gardens bilang community service na nagsisilbing parusa sa kanila. Ito ang nararapat na paraan upang mabigyan ng tamang lesksyon ang mga nagkamali. “Wakanda of the Philippines,” ika nga ng mga mamamayang nakasaksi sa pakikipaglaban ng Iloilo laban sa pandemyang gumimbal sa lahat. Hindi maipagkakailang tayo ay natakot at minsa’y nawalan ng pag-asa. Magkahalong lungkot, galit at takot ang ating naranasan nang tayo ay atakihin ng kalabang hindi natin nakikita. Ngunit pinatunayan ng Iloilo na kahit anong sakuna ang dadating, lalaban at lalaban tayong mga mamamayan. Maayos na pamamahala at pagkakaisa ang nagsilbing sandata upang maisakatuparan ang giyera kontra corona. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin tayong nakikipaglaban ngunit alam nating dadating ang panahon na mawawasak din ang korona ng pandemya.
opinyon
07
Liham S A PAT N U G OT
Mahal na Patnugot, Sangkatutak. Hindi klaro. Napakahirap. Hindi lingid sa kaalaman ng madla na ito parati ang laman ng mga hinaing ng mga mag-aaral sa tuwing bigayan na naman ng mga modules. Sa loob lamang ng mahigit anim na araw ay kelangang matapos ng mga estudyante ang napakaraming gawain, pagsubok, tahayin ang pag-unawa, proyekto, at iba pang bagay. Mayroong gawain na kelangan ang internet kaya’t ito ay napakamagastos din. Parang hindi na natuto ng aralin ang mga kabataan at humahabol na lamang sa pasahan. Kung inyo pong mamarapatin ay nais ko pong ipabatid na napakulang ang isang linggo sa paggawa ng mga takdang aralin at gawain para matapos at maipasa ng walang kulang ang mga modules ng mga kabataan. Hindi sa lahat ng oras ay mayroong pangload ang mga magulang ng bawat estudyante upang makapanuod ng mga diskusiyon sa internet ukol sa sunod-sunod na topiko. Oras, pera, at kaagapay na may sapat na kaalaman ang malaking problema ng mga estudyante. Upang masagutan ang mga katanungan ay dapat pang manuod ng mga presentasyon sa Youtube. Nakalulungkot isiping na ang ganitong pamamaraan ng edukasyon ay masasabing para lamang sa mga mayayaman. Kung wala kang internet ay siguradong iiyak ka sa iskor na makukuha mo. Dagdagan po sana ang oras ng pagsasagot ng mga modules upang magkaroon pa ng tiyansa ang lahat ng mga mag-aaral na makagawa. Sana po ay maipaparating ito sa kinauukulan nang sa ganon ay madinig at mabigyang pansin ang problema ng mga esdtuyante sa oras ng pagtatapos ng kanilang mga gawain. Mas maraming oras, mas malaking tiyansa para sa mga walang kuya, ate, tita, nanay, at papa na may kaalaman sa mga gawain. Gumagalang, Grade 11 Student Salamat sa pagpapaabot mo ng iyong hinaing. Sa aming panayam kay Gng. Jessette Vidiot, assistant principal ng Senior High School, sinambit niyang, “Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagsusumikap upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng problemang nararanasan sa kasalukuyan. Upang hindi maging mabigat sa mga magaaral, nililimitahan lamang ang mga aralin sa kung ano lang ang pinakamahalaga. Dagdag pa riyan, tinatanggap pa rin ang mga modyul kahit huli na sa itinatakdang araw ang pagpasa.” Sa pamamagitan nito, tiwala kaming ang iyong liham ay magsisilbing gabay sa lahat upang makamtan ang holistiko at madaling pagkatuto sa kabila ng pandemya. Muli, maraming salamat. Gumagalang, Patnugutan ng Ang Biyaya
08
opinyon
Patuloy ang Hangarin KARUGTONG TULONG | ANGELA FAGTANAC
Lumbay. Panlulumo. Pagkabigla. Damang-dama ito ng mga guro, batang mamamahayag, at tagapagsanay na silang nasa likod ng pamamahayag sa iba't ibang paaralan sa Pilipinas. Sa hindi inaasahan, lumaganap ang pandemyang kinakaharap natin laban sa COVID-19 sa bansa. Nahinto ang lahat ng gawain lalong lalo na sa mga paaralan. Sa katunayan dahil diyan ay nilikha ang bagong plano ng Department of Education (DepEd) bilang tugon sa "new normal". Marami ang nagbago sa pirmihang School Calendar na inilabas para sa bagong taong panuruan. Kabilang na riyan ang paglulunsad ng mga presscon na nagaganap taon-taon. Kamakailan lamang, bago magsimula ang klase ay naglabas ng panukala ang DepEd na walang magaganap na National Schools Press Conference sa larangan ng pamamahayag ngayong taon. Umani ito ng samu't- saring opinyon at marami
Tunay na Diwa ng Pag-asa HAKBANG PASULONG | CHRISTIAN JAUD
Damang-dama na ng lahat ang lamig na dala ng pasko, ngunit maraming pagbabago ang nangyari dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19. Maraming pamilya ang hindi makukumpleto sa oras ng noche buena, mga tradisyong nakagawian ay hindi maitutuloy at mga batang masiyahin ay hindi na makapag-caroling. Sa gitna ng pandemyang ito, madadama pa nga ba ang tunay na saya na dala ng pasko? Kilala ang Pilipinas bilang bansang may pinakamahabang pagdiriwang ng pasko pagkat pagpatak pa lamang ng buwan ng Setyembre ay mararamdaman na talaga ang diwa nito. Nagsisimula ng magkabit ng mga umiilaw at nagsisigandahang parol, pagtatayo ng mga christmas trees, pagsabit ng mga makukulay na ‘christmas lights’, pagsisimula ng ‘christmas parties,
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
ang nalungkot sa nailabas na desisyon. ulot ng mas malalang kalagayan sa mga tao, Ang pamamahayag ay mahalaga sa lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. pagpapabuti ng komunidad. NakatutuIsa sa maaaring negatibong dulot ng long ito mula sa paghubog ng potensyal at hindi totoong impormasyon ay ang pagpakasanayan ng mga tao hanggang sa paglag- palala ng sitwasyon. Ayon sa CBS17 News, anap ng impormasyon na makatutulong sa nananatiling problema ang paglaganap ng buong lipunan. Ngayong may kinakaharap maling balita tungkol sa COVID-19. Buntayong malawakang problema, ano na kaya ga ng sarbey na isinagawa ng nasabing ang kabuluhan ng tinatawag na "campus tanggapan, naitala na dalawa sa tatlo ang journalism"? Sa paanong paraan pa kaya nababahala sa mga balitang walang katotomakatutulong ang pamamahayag? hanan tungkol sa gamot o bakuna sa virus. Malaki ang naitutulong ng pamamahaKung susuriin, mulat ang mga milenyal yag sa paglaganap ng mga makabuluhang sa paggamit ng social media. Maaari itong impormasyon. Halimgamitin sapabawa riyan ay ang gkat isa itong tamang safety proepektibong M A L A K I A N G N A I T U T U LO N G tocols, mga hakbang p a m a m a ra a n N G PA M A M A H AYA G S A ng gobyerno, at mga upang isiwalat PA G L A G A N A P N G M A K A B U LU H A N G patakarang inilunang mga imporIMPORMASYON. sad bilang hakbang masyon. Dagpara sa kaligtasan ng dag pa riyan, lahat. Dulot na rin ng pandemya, marami lubusang nakatutulong ang mga kabataang ang nananatili lamang sa kani-kanilang ba- mamamahayag sa pagsusuri at pagpuksa hay at iniiwasan ang paglabas. Mas nababa- ng mga huwad na balitang pinopost online. wasan din ang interaksyon sa pagitan ng Marami sa bumubuo sa pammga tao na isang epektibong paraan sa paaralang pahayagan ay mga batang dyurpagsasalin ng mga kaalaman at balita. Ang no. Mga mamamahayag na may pasyong takot na dulot ng outbreak ay nagtulak sa maglathala ng makabuluhan at makamga tao na makinig at tangkilikin ang media totohanang impormasyon sa bayan. kabilang din ang sangay ng pamamahayag. Ang mga katagang “campus journalism Kasunod ng paglaganap ng impor- ay hindi nangangahulugang nasa paaralan lamasyon ay ang pagsasaalang-alang ng ka- mang nakabase ang pagtugon sa layunin nito. totohanan sa likod nito. Sa kasalukuyan, Lahat ng kasapi ay kumikilos at umaaksyon napakaraming mga nagsisilipanang fake upang makatulong, lalo na ngayon sa pananews o huwad na mga impormasyon. Isa hon ng pagsubok. Masasabing tanda ito ng sa etika ng pamamahayag ay karapat-dapat pasyon na hindi nawawala sa lahat ng mga pawang katotohanan lamang ang ibinabah- mamamahayag. Malaki ang ginagampanang agi at kailangang sugpuin ang problema sa responsibilidad ng pamamahayag kaya’t narfake news. Maaaring ang mga ito ay magd- arapat lamang itong bigyang halaga at tuon. at marami pang iba. Higit sa lahat, ang pag- saya ulit ang pagdiriwang ng kapaskuhan ay gising nang napakaaga upang dumalo sa ang “Virtual Salu-Salo”. Maaari natin itong simbang gabi dahil ito ang nakasanayan gawin upang makasama natin ang ating mga ng mga Filipino bilang Katolikong bansa. pamilya na nasa malayo at naabutan ng lockYumayakap na ang malamig na simoy na down sa pagkain ng noche buena. Sa pamadala ng okasyong ito at talagang mararam- magitan nito ay muli natin silang makapiling daman na nagsisimula na ito kahit na may- kahit na nasa ‘screen’ lamang nakapag-uusap. Kailangan nating panatilihin ang pagigroon pa tayong kinakaharap na malaking problema. Masasabing matagal pa ang laban ing ligtas kaya’t iwasan natin muna ang pagnatin sa sakit na ito sapagkat hindi pa nai- titipon-tipon upang makasigurado na malayo tutuwid ang kumukurbang linya. Ngunit sa tayo sa sakit. Palagiang paghugas ng kamay, kabila nito, muli nating isabuhay ang ating pagsa-sanitize, pagpapanatili ng ‘social dispagka-Filipino - ang bayanihan sa bilang pag- tancing’ kapag nasa publiko, pagsisigurado na malinis ang salubong sa Pasko. pagkain na iluluto, Ani nga ng UP N A PA K A I M P O R TA N T E N G PA S KO paglilinis ng bahay Group, maaaring PA R A S A AT I N G M G A F I L I P I N O , at kapaligiran, at umabot hanggang I T O A N G N A G B I B I G AY PA G - A S A palagiang pagsuot 585,000 ang kaso ng S A L A H AT U PA N G B U M A N G O N ng mask at face COVID-19 sa katapuM U L A S A PA G K A K A D A PA . shield sa tuwing san ng taong 2020. lalabas ng bahay. Ganunpaman, patuloy pa ring umaaksyon ang ating gobyer- Iyan ang ilan sa mga mabibisang paraan upano patungkol sa pagbibigay tulong hindi ng maiwasan natin ang hawaan ng sakit at lamang sa mga naapektuhan ng sakit kundi tuluyan ng maituwid ang nakakurbang linya. Napakaimportante ng pasko para sa pati na rin sa ating mga modernong bayani, ang mga frontliners. Patuloy rin ang mga ating mga Filipino. Sapagkat ito ang nageksperto sa pagsasagawa ng mga ‘clinical bibigay pag-asa sa ating lahat na palaging trials’ sa mga nagawang posibleng bakuna bumangon mula sa pagkakadapa. Kahit na kontra COVID-19. Wika nga ng Department mayroong malaking problemang kinakaof Health (DOH); “Kapag maraming tao ang harap, walang sinuman ang maaaring makamababakunahan, mas maraming tao ang pigil sa ating lahat na maramdaman at ibamapoprotektahan,” kaya’t ganun na lamang hagi ang tunay na saya na dala ng pasko. ang pagsisikap at pagpupursigi ng buong Hindi man magkakasama-sama o kumpleto, mundo sa paghahanap ng solusyon para dito. basta’t madama lang ang pagmamahal ng Minumungkahi ng mga ‘health experts’ bawat isa ay talagang guguhit ang kayganda na ang mabisang paraan upang maging ma- at kumikinang na mga ngiti sa ating mukha.
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
Sagot sa Karahasan o Tutuldok ng Kalayaan? DISIPLINA MUNA | AIREEM MACASIO
Moderno. Iyan kung ilarawan ang panahon sa kasalukuyan. Modernong nagbibigay buhay sa mga makabagong teknolohiya na tumutulong upang mapalago at mapadali ang pakikipagkomunikasyon. Dagdag pa riyan, moderno na rin ang mga nagsusulputang krimen. Sa isang pindot lang sa kompyuter o selpon, maaari nang magpakalat ng mga maling impormasyon na nagdudulot ng pagkasira sa reputasyon ng iba. Ayon sa datos ng International Telecommunications Union, 104 milyong mga Filipino o 63 porsyento sa kabuuan ng populasyon ang gumagamit ng internet. Bunsod nito, itinalaga sa Pilipinas ang ika-12 pwesto sa top 20 na internet user sa buong mundo. Dahil naging madali na ang pag access sa internet, sisiw nalang ang pagsasakatuparan ng mithiing gumawa ng krimen na nakatuon sa computer o tinatawag ding cybercrimes. Ang cybercrimes ay anumang gawain
Karunungan Hindi Dahas TAWAG NG PANULAT | CHRISTIAN JAUD
Marami ang naniniwalang ang mga kabataan ang magiging kinabukasan ng bansa. Ngunit, paano na lamang kung unti-unti na silang nalalagas dahil mismo sa lipunan na humuhubog sa kanila? Ngayong panahon ng pandemya, nailagay sa alanganin ang edukasyon ng mga magaaral. Dahil dito, nagkaroon ng mga pagpupulong-pulong tungkol sa mga pamamaraan kung paano maitatawid ang bagong taon ng panuruan. Sa huli, napagdesisyunan ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng modules. Ayon kay Gng. Leonor Briones, sekretarya ng kagawaran, ang pamamaraang ito ang magiging daan upang maipagpatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral. Sa kabila banda, kung saan tayo’y nasa kalagitnaan ng isang pandemya ay naging laganap na rin ang suicide sa mga kabata-
opinyon
09
na nasasangkot gamit ang isang comput- ng libelous na mga puna sa online, kabilang er system. Kabilang sa mga krimeng ito ay ang mga komentong ginawa sa mga social ang paggawa ng pandaraya, bullying, por- network tulad ng Facebook at Twitter o mga nograpiya ng bata, pagnanakaw ng pagka- blog, ay maaaring pagmultahin o makulong. kakilanlan, paglabag sa privacy, at iba pa. Binigyang linaw naman ng iba’t-ibang Bilang pagbibigay aksyon sa mabilis na grupong sang-ayon sa batas na ito ang sagot pagkalat ng mga krimeng ito, ipinatupad ng upang masugpo ang mga cyber criminal. Sa pamahalaan ang Cybercrime Prevention Act pamamagitan ng batas na ito hindi na basof 2012 o R.A.10175 noong ika-12 ng Setyem- ta-bastang maka-aabuso at maka-panakit ang bre taong 2012. Nilalayon ng batas na ito na mga taong mapagsamantala dahil mayroon ng matugunan ang mga illegal na isyu hinggil sa mabigat na itinakdang parusang haharapin ng mga pakikipag-ugnay sa online at sa Internet sinumang lumabag sa mga probisyon ng batas. sa Pilipinas. Kabilang sa magiging parusa sa Kung iyong susuriin, hindi masama ang mga gagawa ng alinman sa naturang mga pag-usbong ng makabagong teknolohiya, sa offense ay pagkakukatunayan mas long ng mula anim nakatutulong pa H I N D I M A S A M A A N G PA G - U S B O N G hanggang 12 taon at ito upang makasuN G M A K A B A G O N G T E K N O LO H I YA . multang mula P50,000 S A K AT U N AYA N M A S N A K AT U T U LO N G nod tayo sa daloy hanggang P500,000. ng globalisasyon. PA I T O U PA N G M A K A S U N O D TAY O Alinsunod nito, Ang masama ay ibinigay rin ang ka- S A D A LO Y N G G LO B A L I S A S Y O N . A N G ang paggamit nito M A S A M A AY A N G PA G G A M I T tungkulan sa Nasa pagmamalabis. tional Bureau of Disiplina muna. N I T O S A PA G M A M A L A B I S . Investigation at sa Iyan ang mahalagPambansang Pulisya ng Pilipinas na bu- ang leksyong dapat matutunan ng mga mammuo ng isang cybercrime unit sa ilalim ng amayan. Aral na dapat baunin at ipamana sa pangangasiwa ng Department of Justice. susunod na henerasyon upang hindi na lilitaw Binubuo ito ng mga indibidwal na espesyal ang mga krimeng tutuldok sa buhay ng iba. sa pag-iimbestiga na ang responsibilidad ay Sa huli, ang batas ay ipinatutupad para eksklusibong hawakan ang mga kaso na may sa kapakanan ng lahat ng Pilipino. Ito ay kinalaman sa mga paglabag ng panukala. nagdaan sa maraming proseso, pagpupuSa kabilang banda, marami ang naging long, at pagrerebisa. Matutunan sana ng kritiko ng nasabing batas. Nagsagawa sila lahat na respetuhin at tanggapin ang Cyberng mga kilos protesta upang ipabatid ang crime Prevention Law sapagkat nagbibigay kanilang pagtutol at hindi pagsang-ayon. ito ng proteksyon laban sa mapanirang Binibigyang-diin nilang maaari itong mag- krimeng online. Dagdag pa riyan, hindi ito amit upang masugpo ang kalayaan sa pag- magbabawal sa karapatang magpahayag, sasalita o freedom of speech. Sa ilalim nito, nililimitahan lamang nito ang mga komenang isang taong napatunayang nagkasala tong mapanghusga at mapanirang-puri.
an. Nagbukas ito ng iba’t ibang espekulasyon sa mga rason ng suicide sa mga kabataan. Ito kung ano ang rason sa likod ng kanilang ay maaaring dahil sa kawalan ng trabaho dupagpapakamatay. Marami ang nagsasabing lot ng pandemya at tambak na mga bayarin. dahil ito sa modyul at agad naman itong Kung tutuusin, nakadidismaya na lagapinabulaanan ng DepEd. Ayon sa ahensya, nap ang suicide sa mga estudyante sa panahuwag lahat isisi sa modyul ang pagpapa- hon ngayon. Marami ang nawawalan ng tiwakal ng mga estudyante sapagkat may mahal sa buhay dahil sa COVID-19, depreiba pang dahilan kung bakit ito nagaganap. syon, o maging na sa pagsagot ng modyul. Dahil sa pandemyang ito ay nagkaroon Ayon sa eksperto, isa sa mga paraan ng lockdown at quarantine na siyang nagpa- upang mabawasan ang bigat na dinadala ng siklab ng deprebawat tao ay ang pakisyon at anxiety kipag-usap sa kanilang AY O N S A M G A E K S P E R T O , I S A S A sa mga kabataan. pamilya upang huminMarahil ito ay sa M G A PA R A A N U PA N G M A B AWA S A N gi ng gabay at patnukadahilanang hin- A N G B I G AT N A D I N A D A L A N G B AWAT bay. Maaari rin silang di sila nakakaalis gumamit ng iba’t ibang TA O AY A N G PA K I K I PA G - U S A P S A ng bahay at hindi aplikasyon sa selpon na nakakapaghalu- K A N I L A N G PA M I LYA U PA N G H U M I N G I makatulong sa kanilN G G A B AY AT PAT N U B AY. bilo sa kanilang ang mental na kalumga kaibigan. sugan. Nakikipag-ugAyon sa Nanay din ang ahensya ng tional Center of mental Health of NCMH, tu- edukasyon sa mga opisyal ng paaralan, guro, at maas ang natatanggap nilang tawag mula mag-aaral upang mabigyan sila ng naaangkop 33 na tawag noong Enero hanggang marso, na serbisyong pangkalusugan at pangkaisipan. ay pumalo ito ng 115 na tawag noong Hulyo. Sa gitna ng pandemyang nararanasan Dagdag pa ng ulat ng NCMH,ang pinakama- sa kasalukuyan, nagpasya ang DepEd na daling tablan ng depresyon ay ang mga in- ipagpatuloy ang mga klase sa pamamagidibidwa na may edad mula 15 hanggag 29 ta- tan ng pag-aaral sa malayo. Ang mga magong gulang at kabilang na dito ang mga mag aaral ay hindi na kinakailangang pumunta aaral. Bukod pa rito, ang pandemyang ito ay sa paaralan upang lumahok sa klase nang naging ugat din ng mga family problems na sa gayon hindi na rin tumaas pa ang kaso siyang isa rin sa mga rason kung bakit nag- ng sakit. Maging bukas sana ang mata ng lapapatiwakal ang mga kabataan. Ayon sa mga hat at isiping lahat ay nag-aadjust at naiipit eksperto, ang problema sa pamilya kabilang sa gitna ng gulo. Mahalagang magkaisa upana ang paghihiwalay ng mga magulang ang isa ng maiangat at matulungan ang bawat isa.
10
lathalain
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
Modernong
Santo
ADHARA VIDIOT
Mahinahon. Mapagmahal. Moderno. Ito ang mga katangiang taglay ni Carlos Acutis, ang kauna-unahang milenyong bineatipikahan noong Oktubre 10 taong kasalukuyan sa misang ginanap sa the Basilica of Francis the Assisi, at maaaring maging pinakaunang milenyong santo. “Ang palaging makasama si Hesus sa lahat ng aking ginagawa, ito ang aking misyon sa buha,” isinabuhay ni Carlo ang mga salitang ito na nagpabago hindi lamang sa kaniyang buhay kundi pati na rin ng mga taong sa kaniyang paligid. Isinilang sa London si Carlo noong ika-3 ng Mayo taong 1991 ngunit lumaki ito sa Milan, Italy. Biyayang bigay sa kaniyang mga magulang ang masuyuin, mapagpakumbaba at masunuring bata si Carlo. Sa kaniyang paglaki, Eukaristiya ang pasyong sumiklab sa kaniyang damdamin. Simula ng matanggap ni Carlo ang kaniyang Unang Pagkokomunyon, walang araw na hindi ito dumadalo ng banal na misa. Para sa kaniya, ang makatagpo si Hesus sa Eukaristiya ay ang kaniyang landas patungong langit—ito ay isang mabilis at tuwid na daan tungo sa banal na buhay at pakikipagkaibigan sa Diyos. Ang kaniyang buhay ay repleksyon ng isang normal na binatilyong nagsisikap na maging makabuluhang bersyon ng kaniyang sarili. Tulad ng mga kabataan ngayon, mahilig din sa computer si Carlo at naging magaling siya sa kaalaman at paggamit nito. Ang ipinamalas niyang husay ay kaniyang ginamit upang makatulong sa pagbuo ng website para sa kaniyang parokya kasama ang iba pang kabataan. Bagamat tulad ng mga karaniwan niyang kababata, matagumpay na isinabuhay ni Carlo ang kaniyang pagmamahal sa Diyos, sa simbahan at sa kaniyang mga natatanging debosyon. Naging malapit ang kaniyang puso sa mga taong nangangailangan ng tulong. Bukod dito, naging aktibong boluntaryo si Carlo upang makatulong sa mga mahihirap, mga bata at mga matatanda. Dahil sa kaniyang pagmamahal kay Hesus at impluwensya sa pagpapalaganap ng salita sa Bibliya, marami ang nagbalik-loob at napalapit sa Diyos— dahilan upang lalo siyang hangaan at mahalin ng lahat. PATULOY ANG PAGLILINGKOD Pinasan ni Carlo ang pinakamabigat na krus ng kaniyang buhay matapos mapag-alamang dinapuan ito ng isa sa pinakamalubhang uri ng leukemia o tinatawag na Acute Myeloid Leukemia. Ngunit sa gitna ng karamdaman, naging modelo siya ng pasensya at tahimik na pagtanggap ng kaniyang mga pasakit. Habang patuloy na lumalaban sa sakit, isa sa kaniyang pinagtuunan ng pansin at panahon ang pananaliksik at pagsasaayos ng isang website tungkol sa mga himala ng Eukaristiya. “Inialay ko ang aking mga paghihirap para sa Diyos, sa Santo Papa, at sa Simbahang Katolika,” ang mga salitang ito ni Carlo ay naging palatandaan ng pananampalataya at pagtalima ng binatilyo sa kalooban ng Panginoong Hesus sa kabila ng pinagdaanang hirap. Sa murang edad na 15, yumao si Carlo dahil sa
leuk e m i a m a t a p o s ideklarang brain dead noong ika-11 ng Oktubre taong 2006. Hindi lamang nadama ng kaniyang kamag-anak at kaibigan ang kaniyang pagkawala, kundi nabuhay rin ang masidhing paghanga ng maraming tao sa kaniyang maikling buhay na nakatuon kay Hesus at sa Banal na Eukaristiya. NAMUMUKOD-TANGING PANGYAYARI Hindi kamatayan ang tumapos sa misyon ni Carlo sa mundong ito. Noong ika-12 ng Oktubre taong 2013, pitong taon pagkatapos ng kaniyang pagkamatay, isang batang lalaking mula sa Brazil ang gumaling sa tinawag na ‘annular pancreas’ matapos nilang hingan ng kaniyang ina ng panalangin si Acutis at nang madikitan ng isa sa mga lumang damit ni Carlo ang bata. “Para kay Carlo, si Hesus ang lakas ng kaniyang buhay at ang dahilan ng lahat ng kaniyang ginawa, ” ito ang pahayag ni Cardinal Vallini, ang Pontifical Legate ng Basilica of St. Francis matapos suriin ang naging buhay ng binatilyo. Dagdag pa ng Cardinal, si Acutis ay isang modelo ng kabutihan para sa mga kabataang lalaki at kababaihan ngayon, at siya ang nagpapaalala na ang tunay na tagumpay at kasiyahan ay matatagpuan kung isasabuhay at pinahahalagahan ng bawat isa ang iminungkahi ni Jesus sa ebanghelyo. Naging tila misteryo sa lahat ang pusong-maka-Diyos ng batang Italyanong si Carlo Acutis. Ang kaniyang istorya ay nagsilbing liwanag hindi lamang sa mga nakaalam na sa kaniyang pananampalataya, kundi pati na rin sa mga makakaalam ng kaniyang kuwento. Kuwentong kapupulutan ng aral at inspirasyon ng nakararami.
MGA LARAWAN | WWW.PORTRAITSOFSAINTS.COM & BEATOCARLOACUTISCOLOMBIA
lathalain
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
11
COVIDSurvivor Ako AIREEN MACASIO
“Siguro paalala na rin ito na baka nagkulang ako sa pagkilala sa kabutihan at pagmamahal ng Diyos.” Batid ang lungkot sa bawat salitang tugon ni Fr. Reynard Tubid, Assistant Parish Priest ng Parokya ni Santa Monica sa bayan ng Pavia, Iloilo habang isinasalaysay ang kaniyang karanasan matapos makumpirmang nagpositibo kamakailan sa nakakahawa at nakamamatay na sakit na COVID-19.
MGA LARAWAN | BALITA PAVIANHON & PAVIANHON MOVEMENT
Nakapanlulumo. Bawat araw na lumipas na siya’y naka-quarantine ay napakahirap. Tuwing gabi ay hindi siya makatulog nang mahimbing dulot ng takot at pangamba. Marami ang tumatakbo sa kaniyang isipan sa bawat segundo at minutong pagdaan ng oras. Sa kabila nito, dala ang sandatang face mask at pananalig, laging tinatahak ni Fr. Tubid ang altar upang manalangin at maipabatid ang kaniyang pananampalataya sa Poong Maykapal. POSITIBONG NAKANENEGATIBO Ika-17 ng Setyembre taong kasalukuyan, unang nakaramdam ng trangkaso si Fr. Tubid. Nagsimula ito sa pananakit ng lalamunan, sakit ng ulo at katawan, pag-ubo, at paminsan-minsang pag-igsi ng hininga. Nakapangangamba. Sapagkat ang mga ito ang paunang sintomas ng sakit na umiiral sa kasalukuyan. Napagdesisyunan na niyang magpaswab noong ika-22 ng Setyembre sapagkat nakadama na rin siya ng pagkawala ng panlasa at pang-amoy. “Setyembre 23 lumabas sa resulta ng swab na ako ay COVID-19 positive,” mapanglaw niyang sambit. Nakapanghihina. Hindi niya alam ang gagawin matapos malaman ang resulta. Pinuno ng pagkabalisa at pangamba ang kaniyang sistema. Sumagi rin sa kaniyang isipan na baka ito na ang huling taon niya dito sa mundo. Hindi niya mawari na ang isang positibong resulta ay maka-dudulot din pala ng negatibong bunga sa kaniya. KALABANG DI MAKITA-KITA Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 412,097 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 matapos inanunsyo ng kagawaran noong ika-18 ng Nobyembre na mayroong 1,383 panibagong kaso ang nadagdag. Alinsunod sa tala ng DOH, iniulat din ang 95 bagong kaso ng pagkamatay, na
TIPS NI FR. TUBID
nagdala sa kabuuang numero na 7,957. Samantala, umakyat naman ng 143 ang kaso ng gumaling mula sa sakit, na nagtataas ng pangkalahatang bilang na 374,666. Nakakadismaya. Mahirap lumaban kapag yung mismong kalaban ay hindi makita-kita. Sa panahon ngayon na laganap ang virus, nangangailangan ng lahat ang ibayong pag-iingat upang mapanatiling malusog ang pangangatawan at hindi mahawaan ng sakit. “Mahalaga rin ang pagsunod ng tamang safety protocols. Huwag ding isekreto kapag nakaramdam ng sintomas,” sambit pa ni Fr. Tubid. Sa ganitong paraan, mabilis na mahanap ang kaniyang mga nakahalubilo at agad din silang i-quarantine upang hindi na lalala pa ang sitwasyon. PANANALIG ANG TUMINDIG “Kinakailangan mayroong mga aktibidad na gagawin upang maibsan ang kabang nararamdaman dahil napaka-stressful ng sakit na COVID-19,” may diing sambit ni Fr. Tubid. Sa loob ng labing pitong araw na kuwarantin, maraming bagay-bagay at posibilidad ang sumagi sa kaniyang isipan. Subalit, sa mga mapanghamong araw na iyon hindi nawala ang kaniyang pananalig sa mahal na Diyos. Nananatiling nakatindig at matatag ang kaniyang puso at isipan na makakayanan at malalampasan niya ang pagsubok na ito. “Sabi ko nga, ang 17 days na quarantine ay hindi lamang paglalakbay upang gumaling, sapagkat ito rin ay isang kahanga-hangang karanasan,” dagdag pa niya. Kung titingnan, nakanenegatibo man ang pagkakaroon ng positibong resulta ng COVID-19 na tinagurian ng kalabang di makita-kita, nilabanan at nananatiling nakatindig ang pananalig ni Fr. Tubid kaya hindi nagapi ang kaniyang sistema at pananaw sa buhay. Taos puso rin ang kaniyang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kaniya lalong-lalo na sa Rural Health Unit ng Pavia na pinangunahan ni Dr. Joyous Jan Santos. Dagdag pa riyan ang Pavia PNP na nanguna sa contact tracing ng mga taong nakasalamuha niya. Tumatanaw rin siya ng utang na loob sa mga parokyano ng Pavia sapagkat araw-araw silang hinahandaan ng mga pagkain sa panahong nasa lockdown ang kumbento. Napakahirap. Iyan ang kaniyang paglalakbay na tiyak magiging susi ng inspirasyon sa madla. Sa kasalukuyan, patuloy ang kaniyang pagseserbisyo sa Panginoon upang magsilbing liwanag sa mga taong nahawa tulad niya bagkus nawawalan na ng pag-asa. “Ang Panginoon ay mas malaki at malakas kaysa sa anumang karamdaman,” panapos niyang sambit.
PARA IWAS COVID (BIDA SOLUSYON)
Panatilihing malakas ang pangangatawan (kumain ng masustansiyang pagkain at mag-ehersisyo araw-araw). Manatili sa loob ng bahay. Magsuot ng facemask kung sakaling lumabas at ugaliing mag-social distancing. Ugaliing maghugas ng kamay. Gumamit din ng alcohol at umiwas humawak sa mga bagay-bagay. Komunsulta sa doktor kung may nararamdamang simtomas ng COVID at sumunod sa iba pang health protocols.
12
lathalain
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
Heneral ng Kabukiran TRISTAN WYETT JAEN
S
a maghapong singkad ika’y nasa linang, Sulong mo’y ararong batak ng kalabaw. Di mo pinapansin ang lamig at ginaw, Ang basal ng lupa’y mabungkal mo lamang.
MGA LARAWAN | JOLLIBEE FOUNDATION INC & WHEN IN MANILA
Ito ang mga katagang makikita sa unang saknong sa tulang “Ang Magsasaka” ni Julian Cruz Balmaceda. Tulang alay para sa mga magsasakang tulad ni Antonio Hechanova o mas kilala bilang Mang Kaloy. Isa si Mang Kaloy sa mga magsasakang naapektuhan ng pag-apruba ng Rice Tarrification Bill noong nagdaang taon. Hindi mawaglit-waglit sa kaniyang isipan ang pagkalugi sapagkat 5.36 piso na lamang ang presyo ng palay ang maaari nilang ibenta kada kilo. Dagdag pa riyan, 10 lang sa bawat 100 pinaghihirapan sa kaban ng palay ang maaari nilang pagkakitaan. Mahirap. Iyan ang katotohanan sa larangang kaniyang kinabibilangan. Larangang kinagisnan at patuloy na pagsisikapan upang maghatid ng makakain hindi lamang sa kaniyang pamilya kundi pati na rin sa lahat ng mga kababayan. PAGHAHANDA NG PUNLA Sa hindi inaasahang pagkakataon, umiiral sa kasalukuyan ang nakahahawa at nakamamatay na sakit na COVID-19. Mahirap ang buhay sapagkat hindi basta-bastang makalabas dahil sa takot na baka kapitan ng virus. Tulad ng ibang mga magulang, nangangamba rin si Mang Kaloy kung paano matutustusan ang pangangailangan ng pamilya lalo na ang pag-aaral ng nag-iisang lalaking anak na si Dane. “Tay, magsisimula na sa susunod na buwan ang pasukan. Mag-oonline class daw po kami. Sira po ang aking selpon,” may pag-alalang sambit ni Dane. Nakapanghihina. Hindi niya alam kung saan kukuha ng perang ibibili sa
pangangailangan ni Dane. Mataas ang pangarap na hinahangad niya para sa anak na itinituring niyang isang punla. Punla na kay dalisay at hiyas para sa kaniya at sa asawang si Hazel. Subalit sa ngayon, nagdadalawang isip na si Mang Kaloy kung maihahanda pa rin ba niya ang kaniyang punla upang maging buo at tuluyang maging bigas. PROSESO NG PAG-AARUGA “Tatay, kailangan ko po magbayad ng matrikula. Kailan po ako pwedeng manghingi sa iyo?” nahihiyang tanong ni Dane. Sa kabila ng kakapusan ng pera, ngiti lamang ang naging tugon ni Mang Kaloy sa anak na nanghihingi ng pangmatrikula. Ngiting sagisag na huwag mabahala dahil may darating ding biyaya. Hindi niya makayang patigilin si Dane sa pag-aaral
“Kung sa kaniyang pamilya, siya ang haligi ng tahanan, pagdating naman sa pagsasaka, siya na ang heneral ng kabukiran “ dahil alam niyang kahit mahirap lang sila, tanging edukasyon lamang ang maipapamana nilang mag-asawa sa kaniya. Kaya kahit mahirap patuloy ang pag-aalaga niya sa anak kagaya ng pag-aalaga niya sa mga punlang kaniyang itinatanim. Sagana rin sa patubig ang punla upang hindi malanta o mawalan ng pagasang magpatuloy. Sa buhay ni Dane bilang binatilyo, nangangailangan din ng abono upang maging malusog ang pamumuhay at pestisayd upang mapuksa ang mga hindi
mahahalagang bagay tulad ng mga peste sa palayan na lubhang naninira nito. ANIHAN NG PINAGHIRAPAN Malaking bahagi ng populasyon ng bansa ay binubuo ng mga magsasaka. Sa katunayan, umabot ng dalawampu’t pitong bahagdan ang porsiyento ng mga magsasaka sa lahat ng manggagawa sa bansa at malaking bahagi nito ay kabilang sa mababang estado o mahihirap. Sa kabila ng mga nararanasang kahirapan, patuloy ang pagpapaaral ni Mang Kaloy kay Dane. Pagsisikap na magiging katangi-tanging gantimpala sa huli. Sa tulong ng lakas ng loob at paniniwala sa Poong Maykapal, dadating ang panahong aanihin din niya ang lahat ng kaniyang pinaghirapan. Ang kaisipang napagtapos niya ang anak ay isang namumukod-tanging biyaya na kaniyang matatanggap. Sa patuloy na pagdaan ng araw, ang mga magsasaka ay aani ng palay upang maging kanin nang sa gayo’y lahat ay may makain. Nakabibilib ang kanilang sakripisyo at dedikasyon sa trabaho. Bayaning tunay ang mga magsasakang tulad ni Mang Kaloy. Kung sa kaniyang pamilya, siya ang haligi ng tahanan, pagdating naman sa pagsasaka, sila ang itinuturing na heneral ng kabukiran. “Kaya nga’t sa aming puso’t dilidili, Nakakintal ang isang ginintuang sabi; Sa lahat ng bawat bayaning lalaki Ikaw, Magsasaka, ang lalong bayani. na rin sa mga makakaalam ng kaniyang kwento. Kwentong kapupulutan ng aral at inspirasyon ng nakararami.”
lathalain
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
Lakan sa Halamanan
“Tila panibagong karangalan na naman ang kaniyang natatanggap kapag nagbunga ang gawa ng mismong kamay niya “
OFE MARIE ARONES
“
K
ung hindi mo pa nararanasan ang kagalakan tuwing may mapagtagumpayan ka na higit pa sa inyong inaakala, magtanim ka.” May pangungumbinsing sambit ni Alexies habang ikinukuwento ang kaniyang pagmamahal at pasyon sa pag-aalaga ng mga halaman. Sa panahon ngayon, laganap ang mga taong nag-aalaga ng mga tanim o tinatawag ng marami na ‘plantitos’ o ‘plantitas’ at isa na riyan si Alexies. Si Alexies Gumban Layson ay isang 21 taong gulang na binatilyo na tubong Duenas, Iloilo. Siya ang itinanghal na Mr. Hinampang sa ginanap na pageant ng Pavia National High School noong taong 2017. Sa kasalukuyan, siya ay isang dakilang ‘plantito’ na isinasabuhay ang pagmamahal sa mga halaman at sa kapaligiran.
MGA LARAWAN | LAYSON ROYAL GARDEN FB PAGE
PANGANGALAKAL NA KINAMULATAN “Malayo talaga ito sa pangarap kong marating subalit, nasanay na rin ako dahil ito ang negosyo ng aking mga magulang,” may ngiti sa labing sambit ni Alexies. Pitong taon ang nakalipas naitayo ang Layson Royal Garden and Landscape Services na pagmamay-ari ng pamilya ni Alexies na matatagpuan sa bayan ng Duenas, Iloilo. Noong una, masasabi niyang wala talaga siyang interest sa pagtatanim at pagpaparami ng kanilang mga halaman o maski magpatakbo man lang ng kanilang negosyo. Ang natatanging trabaho niya sa kanilang hardin ay ang pagpili ng iba’t ibang lupa at paghalo nito sa mga pataba. Subalit sa pagdaan ng panahon, tumindi ang kaniyang pasyon sa pagaalaga ng mga halaman at unti-unti na siyang napamahal at determinado sa pagpapatuloy ng kanilang negosyo. “Marami na kaming kliyente na nasiyahan sa aming serbisyo,” may pagmamalaking niyang tugon. Kabilang ang Grand Xing Hotel Iloilo at Seda Hotel sa kanilang mga kliyenteng rumerenta ng kanilang mga halaman tuwing may gaganaping pagdiriwang. Sumasali rin sila sa mga plants exhibits o mall shows sa SM City, Robinsons Place, Vista Mall, at Jaro Plaza sa Iloilo. Tunay na ligaya ang kanilang nararamdaman tuwing makikita nila ang malalapad na ngiti sa mukha ng kanilang mga suki. DULOT NG PANDEMYA Sa hindi inaasahang pagkakataon, umuusbong sa kasalukuyan ang nakahahawang sakit na COVID-19. Mahigit anim na buwang nakakulong ang bawat isa at naging daan ito upang tangkilikin at kahiligan ang mga halaman. Ginagawa nila itong pamamaraan upang takasan ang masalimuot na reyalidad na kinakaharap sa kasalukuyan. “Sa paglitaw ng pandemya, doon talaga ako naging hands-on sa pagpapatakbo ng aming negosyo at dumami pa lalo ang aming mga suki,” dagdag pa niyang sambit. Marami ang negatibong resulta ng pandemya. Subalit para sa iba tulad ni
Alexies, ito ay nagbukas ng panibagong pintuan tungo sa kahiligang panghabangbuhay na niyang dadalhin. Sa bawat punla, tangkay, at dahong kaniyang itinatanim, mayroong pagmamahal, pasyon, at lakas ng loob na magiging inspirasyon at magbibigay ngiti sa bawat labi ng mga taong tumatanaw ng kanilang hardin. Ang kaisipang iyan ang nagtulak sa kaniyang upang maging opisyal na ‘plantito’. KITANG HIGIT PA SA PERA Ang pagtatanim ng halaman ay makatutulong din upang mapatatag sa linya ng mabilis na pagtaas ng krisis sa mental na kalusugan ngayon. Ayon sa pag-aaral na inilathala sa Journey of Psychological Anthropology, tunay na nakapagpababa ng lebel ng anxiety at psychological stress ang pag-aalaga ng halaman. Dagdag pa riyan, ngayong panahon ng pandemya ay may malaking tulong ang mga plantitos at plantitas na katulad ni Alexies. Bukod sa nagbibigay saya at fulfillment ang pag-aalaga ng halaman, malaki rin ang ambag nito upang mapabuti ang kalidad ng hangin sa kapaligiran. Kinumpirma kamakailan ng World Health Organization (WHO) na ‘airborne’ o nananatili sa hangin ng saradong lugar ang COVID-19 virus. Malaki ang naitutulong ng mga halaman sapagkat tinatanggal nito ang carbon dioxide na nakakapagdetoxify ng hangin. Pinapaganda nito ang ‘air quality’ na maaaring maging daan upang mapuksa ang virus. Masaya. Iyan ang nararamdaman ni Alexies tuwing namumutawi niya ang halamang itinamin sa kanilang hardin. Abot langit ang kaniyang ligaya kapag namumulaklak at malusog ang mga ito. Tila panibagong karangalan na naman ang kaniyang natanggap kapag nagbunga ang gawa ng mismong dalawang kamay niya. “Ang pagtatanim at pag-aalaga ng halaman ay nangangailangan ng sipag at tiyaga. Pero sa huli ang pagtanaw sa mga bulaklak at pag-amoy ng halimuyak nito ang maghahatid sa iyo sa rurok ng kaligayahan,” patapos na sambit ni Alexies.
13
14
agham
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
ATING ALAMIN
‘‘
Mga halamang gamot kontra COVID-19 virus pinag-aaralan ng DOST
Ang mga green leafy, yellow vegetables, at madahong gulay ay mayaman sa beta- carotene na nagiging bitamina A sa katawan. ‘Yun namang “di madahong gulay” tulad ng okra, sayote, upo, at ampalaya ay nakadaragdag ng dietary fiber, iron at B- complex vitamins.
JANILLE DEENEN HILADO
DOST-FNRI
WWW.FNRI.DOST.GOV.PH
SUPER GULAY TAGAPAGTANGOL NG BUHAY KATHLEEN PULIDO
“Makulay ang buhay sa sinabawang gulay!” Iyan ay isang lirikong nakapupukaw ng damdamin lalo na’t ngayong may pandemya. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI), ang gulay ay tanim o bahagi ng tanim tulad ng ugat, tangkay, talbos, dahon, bunga o bulaklak na kalimitang inihahain bilang ulam o ensalada. Karagdagang impormasyon pa rito, mayroong dalawang grupo ang gulay: ang madahong berde at dilaw na gulay. Malalaman sa kulay at bahagi ng tanim na kinakain ang kahalagahang pangnutrisyon ng gulay. Sa kabila ng ilang buwang paghihirap, pagiging malusog ang ating tanging yamang maipagmamalaki. Lahat tayo’y lumakbay sa matinik na daan para lamang mabuhay at ang tanging hiling ay magkaroon ng matibay na pangangatawan upang ating malabanan ang nakababahalang sakit na kumakalat dulot ng COVID-19. Hindi lamang pagkain ng iba’t ibang kulay ng prutas at gulay ang makaliligtas sa atin kundi pati na rin ang pagiging aktibo natin sa pang- araw- araw na pamumuhay. Alam niyo ba na ang gulay ay nagbibigay ng nutrients na mahalaga sa kalusugan at maintenance ng katawan? Batay sa napanayam ng The Philippine Star (PHILSTAR), ang gulay ay importanteng pinagkukuhaan ng nutrisyon gaya ng potassium na nakatutulong upang mapanatiling malusog ang daloy ng blood pressure, dietary fiber, folate (folic
acid), vitamin A, at vitamin C. Dagdag kaalaman din para sa mga buntis na kailangan kumain ng ibat ibang klaseng gulay para sa folate (folid acid) nang sa gayon ay matulungan nitong ma- regulate ang kanilang red blood cells. Delikado sa sanggol ang COVID-19 virus. Sa pamamagitan ng sapat na nutrisyon, matutulungan nito na maayos ang “development” ng sanggol. Ano naman ang kahalagahan ng regular na pagkain ng gulay? Ipinaliwanag ng FNRI na ang mga green leafy, yellow vegetables, at madahong gulay ay mayaman sa beta- carotene na nagiging bitamina A sa katawan. ‘Yun namang “di madahong gulay” tulad ng okra, sayote, upo, at ampalaya ay nakadaragdag ng dietary fiber, iron at Bcomplex vitamins. Tunay ngang nagiging makulay ang ating buhay kapag mayroong gulay. Napadadali nito ang bawat gawain dahil sa taglay nating lakas. Bukod sa nakaaakit ito ng damdamin para sa karamihan, mayroon pa itong benepisyong naidudulot sa ating katawan. “Pero ang gulay ay masarap pala kapag sinabawan na sya. Makulay (makulay) ang buhay (ang buhay), makulay ang buhay sa sinabawang gulay!” Magpapatuloy ang ating pagkanta ngunit sa bawat lirikong sasambitin at notang aabutin, damahin natin ang kahalagahan ng gulay. Huwag itong iwasan dahil ito ang dahilan kung bakit tayo’y mayroong magandang buhay.
Virgin coconut oil. Tawatawa. Lagundi. Tatlong halamang gamot na tinitingnan ng mga eksperto na maaaring maging susi upang mawala COVID-19 virus. Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), maaaring gamitin ito bilang ‘supplementary medicine’ ng mga nahawaan ng sakit. Ano-ano nga ba ito? At ano ang kanilang mga maaaring maidulot? Una ay ang VCO o virgin coconut oil. Pagkatapos ng anim na buwang pagsusuri, nakitaan ng eksperto ang VCO ng potensyal na nakapagpapababa ng sistomas ng COVID-19 sa bilang na 60-90%. Pinapataas din ng VCO ang resistensya ng isang tao kontra sa COVID-19 giit ni Dr. Jaime, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD). Pangalawa ang tawatawa, isang halaman na sinasabing gamot sa sakit na dengue ay pinag-aaralan din ng mga siyentista na maging gamot sa COVID-19. Gagamitin ang tawatawa bilang ‘adjuvant therapy’ sa COVID-19, isang pandagdag lunas sa sakit upang mapababa ang risgo ng pagkakaroon ulit nito. Inaprobahan ang pagsusuri nito ng Department of Health (DOH) kamakailan lamang kung saan isasagawa ang pagsubok sa gamot sa apat na DOH ospital. Pinagtutuunan din ng pansin ng DOST ang lagundi bilang gamot kontra sa virus bilang ‘food supplement’. Ang klinikal na pagsubok para rito ay lalahukan ng may banayad na sintomas ng COVID-19. “Ang hangad natin ay maaddress ang symptoms gaya ng ubo, lagnat at mga sore throat. Kasi malaking bagay kung giginhawa ang ating pasyente na mild cases dyan sa mga symptoms na ‘yan,” giit ni DOST Secretary Fortunato de la Peña sa kahalagahan ng clinical trial. Ang lagundi rin ay napatunayang gamot sa ubo na siyang pangkaraniwang sintomas ng sakit. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pangangalap ng DOST sa kakayanan ng mga nabanggit na halamang gamot sa pagpuksa ng COVID-19 at paghanap ng iba pang alternatibong paraan upang mabawasan ang nagta-taasang kaso ng sakit sa bansa. Nasa 413,000 ang aktibong kaso ngayon sa Pilipinas habang 375,000 ang gumaling at 7,998 naman ang nasawi. Bagamat wala pang gamot sa bangungot na hatid ng COVID-19 sa ngayon, mas mainam ang manatili muna sa loob ng bahay at panatilihing malinis ang katawan upang hindi madapuan ng sakit. Palaging tandaan, ang pag-iwas ay mas mahusay sa lunas.
isports
ANG BIYAYA
TOMO 4 | NOBYEMBRE 2020
15
PAGRATSADA NG ESPORTS SA KABILA NG PANDEMYA
496
MILYONG KATAO ANG TAGASUPORTA SA ESPORTS SA TAONG 2020 AYON SA ULAT NG INFLUENCER MARKETING HUB.COM
15%
UMAABOT SA 15.12 % ANG PAGTAAS NG ESPORTS SA GLOBAL MARKET NITO AYON SA TECHNAVIO.COM
75%
HIGIT SA 50-75 % ANG PAGTAAS SA ORAS ANG NILALAAN NG MGA MANLALARO SA ESPORTS SA MGA BANSA SA ASYA NANG MAGKAROON NG COVID-19 PANDEMIC AYON SA NIKOPARTNERS.COM
10
NASA IKA-10 PUWESTO ANG PILIPINAS SA MGA MAHIHILIG MAG-TWEET TUNGKOL SA ESPORTS “GAME EXPERIENCE” GAMIT ANG TWITTER AYON SA ULAT NG THE MANILA TIMES
ILONGGA | 16
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang kaniyang online na pagsasanay dahil sa pandemic at naniniwala itong makukuha niya ang ginto sa Olympics sa tulong ng kaniyang mga tagapagsanay na walang tigil sa pagtutok sa kanila at pagtiwalang kakayanin niyang maiuwi ang karangalan sa bansa. Hindi naman nagpahuli ang 11 taong gulang na si Mia Chelsea Guillergan ng Oton, Iloilo kung saan nakapag-takda siya ng world record na 17 minuto, 41 segundo (17:41:30) sa 5-kilometer noong Setyembre 26 sa Australia. Matapos niyang makuha ang korona mula kay Kathy Kieman ng America noong 1977, patuloy na nangangarap si Guillergan na maging kinatawan ng Pilipinas sa international competitions katulad ng kaniyang lolo na si Roberto Guillergan na naging pambato ng bansa sa track and field sa Asian Games noong 1962 at mapabilang sa mga Pilipinong lalaban sa Olympics. SANGGUNIAN | PANAYNEWS
Pandemyang Pinalalakas ang Pampalakasan CHZAR JANCORDA
Sumalungat sa inaasahan ng karamihan. Ito ang napatunayan sa mundo ng pampalakasan sa halos walong buwang pakikibaka sa pandemyang hatid ng COVID-19. Kahit na may kinansela o sinuspinde pang mga kaganapan, ang isports ay tila mas yumabong pa at nagpakita ng pag-unlad sa bawat daang tinahak ng bawat atleta. Paano? Ang sagot ay nasa pahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) President Celso “Cito” Dayrit. Ipinaalala niya sa lahat lalo na sa mga atletang inaasahan ng bansa na siguraduhing nasa tuktok pa rin sila ng kanilang kagalingan sa pagpapatuloy ng kompetisyon. Dapat masiguro na patuloy rin ang ensayo ng bawat atleta kahit na may pandemya. Linangin dapat ang kakayahan ng lahat at hindi lang ang mga katulad nina Olympic qualifiers Ernest John Obiena and Carlos Yulo, na nag-eensayo sa Italy at Japan, ang may maibubuga sa laban. Siguraduhin na ang bawat atleta ay may dedikasyon at gabay upang makamtan ang inaasam na tagumpay. Paano? Ang sagot ay nasa pagkamalikhain at pagtulong sa nangangailangan. Dito’y dapat tularan sina Irish Magno, Eumir Marcial (Tokyo 2020 Olympic Qualifiers) at Jia Morado (Setter ng Philippine Woman’s Basketball). Kung kaya’t kinakailangang matutunan na sa pagpapabuti ng sarili’y dapat na mapabuti rin ang mga nakapalibot sa atin. Pakatandaan na ang bawat pagtulong sa iba’y may mas maidudulot na maganda at sa ikabubuti ng sarili. Ang pinakaimportanteng gawin ay isipin ang kapakanan at kung paano makakatulong sa iba kaya’t walang maiiwang mag-isa sa laban. Paano? Ang sagot ay inihatid ng Sports skills Analyst na si Marcus Manalo sa isang sports psychology webinar. Ika niya’y kailangan na kailangan ng bawat atleta ang mental flexibility upang makipagsabayan sa mga epekto ng pandemya tulad na lamang ng paghahanap ng training centers matapos gawing quarantine facilities ang Pasay at Philippine National Arenas. Ang pagdiskubre sa mga makakaya pang gawin ay makatutulong sa lahat upang kilalanin ang sarili at gamitin ito upang maging gabay sa suliranin sa ngayon. Paano? Ang pinakahuling sagot ay tinalakay ni Far Eastern University (FEU) consultant on the formation of student-athletes Ed Garcia. Sinabi niyang dapat na intindihin at gawing panahon ng konsiderasyon ang Quarantine Period tulad ng REST, RETRIEVE, RECOVER, RENEW dahil di lang pisikal kundi mental at emosyonal na kalakasan ang inaatake nito. Pakatandaan din na hindi lang ng mga atleta, ang dahilan kung bakit tayo nagpapatuloy, upang sa kalaunan ay mapag-ibayuhan pa ang dedikasyon natin sa isports at sa buhay. Problema ngang maituturing ang pandemya, ngunit nawa’y maging daan ito upang hindi lamang umunlad ang pag-iisip natin sa buhay at sa isports. Kahit na may mga labang pansamantalang inihinto, walang buhay naman ang nagwakas. Kahit na may mga nahihirapang mag-ensayo at magpatuloy, may pagkakataon pa rin tayong sumubok muli. Kahit na may mga pagsubok na pilit tayong pinadadapa, bumangon tayo’t lumingon at isipin ang layo natin mula sa starting line. Tuloy pa rin ang laban kahit sumasalungat dito ang pandemya.
ISPORTS ANALISIS
ab ISPORTS
Tom o 4 I N ob y em b r e 2 0 2 0
ROJOHN DELA CRUZ CADET MALE BROWNBELT
GOLD FREE KICK
SILVER POOMSAE 2020 Smart/MVP Sports Foundation Visayas Interschool Online Poomsae & Speed Kicking Championship
LARAWAN | A. DIASNES TAEKWONDO GYM
TULOY ANG LABAN Pavianhon jins dinomina ang Visayas Interschool
ILONGGA PRIDE Magno, Guillergan binandila ang galing ng Pinoy sa mundo CEDRICK JASPER SANGLAP
Angat sa lahat! Muling pinatunayan nina Irish Magno at Mia Chelsea Guillergan ang galing ng mga Ilonggo sa isports matapos nilang magtakda ng record sa kani-kanilang mga larangan. Pasok si Magno sa Tokyo Olympics Boxing matapos siyang manalo via unanimous decision laban kay Sumaiya Qosimova ng Tajikistan sa 2020 Asia and Ocenia Olympic Boxing Qualifying Tournament na ginanap sa Amman, Jordan habang naging World’s Fastest 5- Kilometer runner naman si Guillergan sa Queen Wood School, Australia. Si Irish Magno, 29 na taong gulang at residente ng Barangay Tamu-an, Janiuay, Iloilo ay naging miyembro ng Philippine team matapos niyang sumali sa National Open Boxing Competition noong 2008. Nadiskubre niya ang kaniyang pagka-hilig sa boksing noong siya’y 4th year High School. Simula nang mapili siya para sa national team, pinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa University of Baguio sa kursong Information Technology. “Kung may pangarap ka maaabot mo yan. Disiplina, sipag, determinasyon, at higit sa lahat tiwala sa Poong Maykapal. Wala yan sa kasarian, kung ano man yung kaya ng lalaki, kaya rin naming mga babae”, aniya sa isang pahayag.
Online Poomsae, Speed Kicking Championship ROYZE EVANGELISTA
Sa kabila ng COVID-19 pandemic, hindi patitinag ang lakas ng atletang Pavianhon. Matagumpay na naipasakamay nina Rojohn Dela Cruz at Marcus Angelo Murcia ang tatlong ginto at isang tansong medalya sa 2020 Smart/MVP Sports Foundation Visayas Interschool Online Poomsae and Speed Kicking Championship na ginanap noong Oktubre 30-31. Sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang disiplina, kasanayan, at bilis sa pagsipa, dinomina nina Dela Cruz na isang cadet brown belter at Murcia na junior blue belter ang online competition sa taekwondo na siyang sinalihan ng mga taekwondo jins mula sa iba’t ibang sulok ng Rehiyon 6. Napanalunan ni Rojohn Dela Cruz ang isang gintong medalya sa Cadet Male Brown (Free Kick) at isang tansong medalya sa Cadet Male Red/Brown (Poomsae) habang dalawang ginto naman ang nasungkit ni Murcia sa Junior Blue Belt (Poomsae) at (Free Kicking). Ang dalawa ay kapwa nasa ika-walong baitang ng Special Program in Sports (SPS) ng Pavia National High School at parehong nagsasanay sa A. Diasnes Gym kung saan nag-eensayo sila ng tatlong beses sa
isang linggo sa pamamagitan ng online training. “Malaking tulong ang naibigay sa akin ng aking tagapagsanay at ng aking pamilya. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil kung wala sila, hindi ako nakapag-laro ng taekwondo at hindi nasanay ang aking abilidad”, pahayag ni Dela Cruz. Ayon naman kay Murcia, naipanalo niya ang kompetisyon dahil nagtiwala siya sa kaniyang sarili, nagsanay nang mabuti, at tinulungan siya ng kaniyang pamilya. Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang training ng dalawang atleta. Umaasa silang sa pamamagitan nito, mahahasa ang kani-kanilang kakayahan at disiplina sa sarili na siyang magagamit nilang sandata sa susunod na mga kompetisyon.
ILONGGA | 15
IRISH MAGNO