Itim, puti at ginto ‘yan ang kulay ng buhay. Itim, para sa nakaraang nilapatan na ng pluma, Puti, para sa kinabukasang wala pang bahid ng tinta, At ginto, para sa kasalukuyang madalas nating pinagsasawalang bahala. Bato, Bato, Pick! Sa laro ng buhay, sino kayang taya?
cover art by Khristine Maguddayao
T U N G K O L S A P A B A L A T
Madalas tayong naghahanap ng pilak o ginto.
Ngunit ang paghuhukay ay hindi pa dulo.
Sa mundong pabago-bago, Nawa’y hindi natin makaligtaang balikan ang mga lumang yugto, Pilak at ginto’y mahal, ngunit kasangkapang bato’y siyang mahalaga, Huwag palilinlang sa kinang ng mga alaala, Malimit ang kayamana’y nasa inaapakan mo na.
Mahirap balikan ang nakaraang natabunan na ng gabundok na alaala,
Ngunit lingid sa ating kaalaman, tunay na kayamana’y nakatago sa bato. Bato, Bato, Pick! Iyan ang madalas nating laruin, Ngunit bukod sa magandang alaalang dala ng laro, Huwag nating limutin ang aral na itinuro nito.
Sa bawat pagpili mo ng bato, maari kang matalo o manalo, Ganyan rin sa paghahanap ng nakaraang nakatago, Buto, kartutso, o bato ilan lamang iyan sa maaring mahanap mo,
Ngunit mas mahirap itong hukayin kung nasa ilalim na ito ng lupa.
mahalaga,
Unang binibigkas ang pinakamatigas sa lahat, Simpleng tiklop ng daliri, nagkukuwento ng Kungalamat,ikukumpara sa ginto, diyamante o pilak, Higit na payak, walang halaga't 'di sing-ilap. Ito'y gamit panira, maaari ring sa paggawa, Noo'y hatid ay apoy, ngayo'y gusali at iba pa, Bumabalot sa kayamanang nakalibing sa ibaba, Tinatapyas at isinasantabi ng mga gahamang buwaya. Ngunit para sa iba, ito'y mananatiling matayog, Sapagkat tulad ng ginto, ito rin ay lumulubog, Sa kasalukuyan, tila ba ang kwentong prehistoriko'y durog, Mga batong nakapaligid ay nagsisilbing bantayog.