Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
1
TABLE OF CONTENTS Pg. 5 Pg. 6 Pg. 8 Pg. 9 Pg. 10 Pg. 11 Pg. 12 Pg. 13 Pg. 14 Pg. 15 Pg. 16 Pg. 17 Pg. 18 Pg. 19 Pg. 20 Pg. 22 Pg. 23 Pg. 24 Pg. 25 Pg. 26 Pg. 27 Pg. 28 Pg. 29 Pg. 30 Pg. 32 Pg. 33 Pg. 34 Pg. 35 Pg. 36 Pg. 37 Pg. 38 Pg. 40 Pg. 42 Pg. 50
2
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
President’s Message 30 Outstanding Client Stories Lydia Malot Natividad Singcol Julie Maravilla Lalaine Untal Lilia Lim Lorline Lura Mila Cruz Maria Paz Maay Lilinete Bello Ester Nueda Nancy Dando Maricel Panayas Elenita Bañog Maternidad Salili Ivy Millare Myrna Ojeñar Teresita Ursos Imelda Alacida Eldy Tutor Asuncion Asis Rosita Alamer Josephine Garcia Ruthcil Alonzo Elizabeth Florido Edisa Loquias Simeona Tayao Cecilia Gordola Arlyn Talamor Josephine Taguinod Elizabeth Corgio ME Summit picture collage Summary of 4 WOW segments ME Summit Prizes
MICROENTREPRENEURS’ SUMMIT 2016
A
ng MicroEntrepreneurs’ Summit 2016 (ME Summit 2016) ay isang malakihang pagtitipon na dinaluhan ng humigit-kumulang 3,535 na kliyente ng KMBI para sa dagdag-kaalaman at kasanayan sa larangan ng pagnenegosyo, buhay ispiritual, pakikipag-ugnayang sosyal, at kalikasan.
Nagsimula ang ME Summit noong 2007, na ginanap sa Araneta Coliseum, Cubao na dinaluhan ng may 10,000 Program Members. Nagkaroon din nito sa iba’t ibang mga probinsiya tulad ng Koronadal, Lucena at Victorias, Negros Occidental. Naging tagapagsalita sina Ms. Miriam Quiambao-Roberto, Ms. Christine Bersola-Babao, Ms. Chit Juan ng Echo Store, Vice President Leni Robredo, Senator Bam Aquino at Congressman Harry Roque. Nakasama rin sina Winnie Cordero at ang tambalang Nicole Hyala at Chris Tsuper bilang host. Bilang huling regalo ng KMBI sa mga libu-libong mga nanay na dumalo ay ang pagharana sa kanila ng OPM Hitmen.
Philippine Copyright 2016 Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. 12 San Francisco Street, Karuhatan, Valenzuela City. No part of this publication may be reproduced or distributed in any form or any means without prior written permission of KMBI. http://www. kmbi.org.ph
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
3
CHAIRMAN’S MESSAGE MABUHAY, KMBI!
M
alugod kong binabati ang bawat isa sa atin sa matagumpay na pagdaraos ng ating ika-30 anibersaryo! Nais kong ipaalala sa ating lahat na ang pagdiriwang na ito ay nakalaan para sa inyo, ang aming Program Members! Hindi kami makakatagal ng tatlumpung taon kung hindi dahil sa tuloy-tuloy na suporta at tulong ninyo, kung kaya’t bilang pasasalamat, mayroon kaming hinandang aktibidades na nagbibigay-parangal at pagkilala sa ilan sa ating Program Members. Kasama na dito ang paglilimbag ng kanilang mga makabuluhang kwento sa magasin na ito. Naniniwala ang KMBI na ang lahat ng Program Members natin ay may angking talino, galing, at abilidad. At narito kami upang maghain ng mas marami pang mga oportunidad para hasain ang inyong likas na kakayanan. Pinapatunayan ng special edition ng ating entrep magasin na nag-uumapaw ang KMBI ng mahuhusay at matatalinong kliyente. Pinapanalangin ko na sa pamamagitan ng magasing ito ay lumago pa ang inyong kaalaman sa pagnenegosyo at mapaigting ang inyong ugnayan sa Panginoon.
David D. Gutierrez
4
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
PRESIDENT’S MESSAGE S
a tatlumpung taon ng paninilbihan ng KMBI sa mahihirap, nakita nating malayo-layo na ang ating natatahak, at hindi tayo magtatapos dito. Sa ating pagbabalik-tanaw, tunay na di biro ang mga balakid na ating pinagdaanan na pinipilit tayong patumbahin. Pero sa Awa ng Panginoon, patuloy tayong binibigyan ng lakas para pagtibayin pa ang ugnayan at pamumuno ng mga taong nasasakupan ng ating institusyon. Masasabi kong makabuluhan ang numerong tatlumpu o 30 sa pagdiriwang natin ng ating “PEARL” anniversary. Kung hahango tayo sa Biblia, sa edad na 30 nagsimulang maglingkod si Hesus. Gayon din ang karamihan sa mga pari noon. Kung kaya’t napakaespesyal din ng pinapahiwatig ng numerong 30 sa direksyong tatahakin ng KMBI sa mga darating pang taon. At napakalaking hamon nito para sa ating lahat, kaya kailangan natin ang bawa’t isa na magkapitbisig para patuloy na sugpuin ang kahirapan, nang sa gayo’y maiangat natin ang buhay ng ating mga maliliit na negosyante. Kailangan ng KMBI ang mga minamahal naming miyembro ng programa, dahil hindi namin maisasakatuparan ang aming misyong paunlarin ang inyong mga buhay kung wala kayo ngayon kasama namin. Gayon din, kailangan ang KMBI ng mga miyembro nito, dahil patuloy kaming nagsisilbing kabalikat na naglalayong bigyan kayo ng pagkakataong baguhin ang inyong buhay para sa ikabubuti ng inyong sarili, pamilya at lipunan. Ang espesyal na edisyon ng ating entrep sa ating ika-30 na anibersaryo ay naglalaman ng mga kwento ng tatlumpung matatagumpay na Program Members ng KMBI na tiyak na kapupulutan natin ng aral at inspirasyon. Isang matibay na pruweba lamang ang natatanging babasahing ito na nagtatrabaho ang KMBI buong magdamag para maghatid ng tunay na pagbabago sa pintuan ng aming mga kliyente. Sa mga susunod pang taon, natitiyak kong marami pang magagandang bagay na mangyayari sa atin, at nais naming kasama kayong masubaybayan at masilayan ang magagandang araw na paparating pa lamang, mas lalong higit pa kung kasama natin ang Panginoon sa ating paglalakbay.
Eduardo C. Jimenez Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
5
KATAS NG TAGUMPAY SA NATA DE COCO LYDIA MALOT
M
arahil ay sobrang pamilyar na tayo sa katagang “habang may buhay, may pag-asa.” Ang bawat paggising natin sa umaga ay isang signos na patuloy ang pagkakataong binibigay sa atin upang bumangon at harapin ang mga pagsubok na dumarating sa ating buhay. Hindi tayo titigil hangga’t tayo ay humihinga, at lalong hindi tayo bibitiw sa pag-asang malalampasan natin ang anumang hamon sa bawat pagtibok ng ating puso. Isang mahusay na patotoo sa katagang ito si nanay Lydia Malot ng Davao City. Noong simula ng dekada 90 ay Php 500 lamang ang kinikita ni nanay Lydia at ng kaniyang asawa kada araw. Pero dahil siyam ang kanilang anak, kulang na kulang ito upang maitawid ang araw-araw na pangagailangan ng pamilya. Isang guro sa pampublikong paaralan si nanay Lydia noong mga panahong iyon, at napagtanto niyang hindi sila makakausad mula sa kagipitan kapag nagpatuloy sila sa ganitong pamumuhay at hindi sila naghanap ng ibang mapagkakakitaan. Nagsimulang pumasok sa kaniya ang sariwang ideya nang makabasa siya sa isang magasin hinggil sa paggawa ng nata de coco. Nagkaroon siya ng interes na subukan ito gamit ang mumunting kagamitang mula sa kanilang kusina. Sa kabutihang palad ay naging maganda ang kinalabasan ng kaniyang mga nata de coco, at dahil dito’y naisipan niyang ipagpatuloy ito.
6
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Noong mga panahon ding iyon ay sinasalit-salitan niya ang pagtuturo at paggawa ng nata de coco araw-araw, pero natigil ito nang dumami na ang mga umo-order sa kaniya ng nata de coco, bagay na nagtulak sa kaniya upang bitiwan niya ang pagiging guro at ituon ang buong atensyon sa pagnenegosyo. Mula sa 300 na tray na kaniyang napoprodyus ay pumalo ito hanggang sa walong tonelada kada linggo. Parte ng kaniyang kita ay nilalaan sa pagbili ng mga bagong kagamitan upang lalo pang mapagbuti ang kaniyang produksyon. Naging maganda ang takbo ng kanyang negosyo hanggang sa dumating ang mga hindi inaasahang pangyayaring sumubok sa kaniyang tuloy-tuloy na sanang kita. Ito ay nang magsara ang pinakamalaki niyang kliyente, ang Crown Fruits International. Bukod pa rito, humina na rin ang kita mula sa kaniyang negosyo ng multi-cab. Ang mga pangyayaring ito ang nagdulot sa kaniya upang malugmok sa utang, at noong 2003, naremata ang kaniyang bahay at lote. Sa kagustuhang ipagpatuloy ang negosyo sa kabila ng mga pangyayaring ito, minabuti niyang sumali sa isang kooperatibang kinabibilangan ng mga kagaya niya ring negosyante ng nata de coco, at ito ang naging tulay upang makatanggap ang kanilang grupo ng 500 kilong order galing sa Dole Philippines. Pero inamin niyang noong una’y pahirapan pa silang makapasok sa Dole, pero sa kanilang pagpupursigi ay nagawa nilang mai-supply ang kanilang mga nata de coco sa kompanya. Ngunit dumating ang araw na nagkaroon ng dipagkakaunawaan sa loob ng kanilang kooperatiba, kung kaya’t minabuti niyang umalis na lang dito at magsarili.
Taong 2007 nang sumali siya sa KMBI sa pag-asang makakabangon siyang muli. Nakahiram siya ng inisyal na kapital na Php 4,000 na siyang ginamit pambili ng asukal at iba pang kasangkapan. At sa pagkakataong ito, Dole na mismo ang kumakatok sa kaniyang pinto upang gawin siyang supplier ng nata de coco. Nakaahon man si nanay Lydia mula sa pagkalugi at pagkabaon sa utang, hindi pa rin dito nagtatapos ang mga hamon sa kaniya. Sa di-inaasahang pangyayari ay lumubha ang karamdaman ng kaniyang asawa dahil sa iniinda nitong sakit na diabetes sa nagdaang 15 taon. Halos kabuuan ng kinikita ni nanay Lydia sa negosyo ay napupunta sa medikal na pangangailangan. Dahil dito’y naantala na ang kaniyang pagbabayad ng loan. Pero kinaya pa rin niya ang lahat ng mga ito. Pinanatili pa rin niyang matatag ang kaniyang loob at pananampalataya sa kabila ng lahat ng nangyayari sa kaniya. Ngunit sa kasamaang palad ay binawian din ng buhay ang kaniyang asawa dahil sa kidney failure. Bagaman naging biyuda, hindi ito naging hadlang kay nanay Lydia para ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan. Mapait man sa kaniya ang pangyayaring ito, mas pinili niyang palawakin ang kaniyang kaalaman sa pagnenegosyo at paunlarin ang kaniyang sarili. Laging ibinabahagi ni nanay Lydia ang kaniyang pananalig sa Diyos na siyang kaniyang naging saligan sa mga oras na tila ba’y nanlalambot na ang kaniyang katawan at malapit na itong
bumigay. Aniya, ang mga ito raw ang nagsilbing pagsubok sa kaniyang katatagan sa pananampalataya at tiwala sa Panginoon. At isang oportunidad ang dumating sa kaniya nang dalhin ng isang suking Koreano ang kaniyang produkto sa Korea para sa isang expo. At sa dinami-rami ng mga sumali na galing sa Malaysia, Thailand, Singapore, at Indonesia, gawang Pilipinas ang napiling nata de coco para sa isang patok na juice drink sa Korea. Sa ngayon ay kinukuhanan din si nanay Lydia ng suplay ng nata de coco ng malalaking kliyente sa Davao at Cagayan de Oro. At hindi lang iyan. Nitong 2015 ay ginawaran si nanay Lydia bilang Microentrepreneur of the Year (MOTY) sa ginanap na Citi Microentrepreneurship Awards. Sa katunayan, siya ang kaunaunahang itinanghal na national awardee na tubong Mindanao. Higit pa sa inaasahan ni nanay Lydia ang mga hamong sumubok sa kaniyang katatagan, at mas lalong higit pa sa kaniyang hinihiling ang parangal ng pagkakakilanlan at iba pang mga biyayang sunod-sunod na umulan sa kaniya kasabay ng kaniyang pagbangon mula sa mga unos na dumating.Tunay ngang may panibagong pag-asang nakalakip sa pagdilat ng ating mga mata sa bawat araw.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
7
pinagbuklod ng tapat na samahan
NATIVIDAD SINGCOL
M
adalas, sa pagbubuklat ng mga business magasin, makakabasa ka ng mga payo kung paano makaakit ng mga customer at makumbinsi silang manatiling “loyal.” Mahalaga ang “customer tenure” o ang tagal ng isang kliyente sa programa ng isang Microfinance institution na gaya ng KMBI, dahil dito nakikita ang “measurable impact” na sumusukat kung gaano ka-epektibo ang mga programa ng isang development organization na kanilang inaalay sa komunidad. Mapalad ang KMBI na makakuha ng mga kliyenteng tulad ni nanay Natividad Singcol na naging bahagi ng kasaysayan ng KMBI sa loob ng 16 na taon. Sa tagal niya sa programa, binalikan ni nanay Natividad ang mga panahong walang-wala pa sila. Namamasukan siya noon at pinagkakasya ang kakapiranggot na sahod sa kaniyang lumalaking pamilya. Sa pagnanais tuldukan ang pagkahapo sa pamamasukan, nagpasya siya at ang kaniyang asawa na magtayo na lang ng isang “gravel and sand” station sa Matina, Davao. Nagmatyag silang mag-asawa sa pagkukuha ng orders at pagdeliver ng graba at buhangin noong maisipan ni nanay Natividad na sumali sa KMBI.
“Malaki ang naitulong ng KMBI para sa dagdag-kapital sa negosyo noong nagsisimula kami. Mahalaga rin sa akin ‘yung Capital Build-Up at karagdagang proteksyon ng insurance. May awa ang Diyos, at napagtapos ko ang aking mga anak sa negosyo na ito,” tugon ni nanay Natividad nang tanungin kung ano
8
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
ang mga nagustuhan niya sa programa ng KMBI. Sa tulong ng sipag, tiyaga, at sinop, nakapagpatayo siya ng bagong tirahan. Nakapaglayag na rin ang isa niyang anak na seaman. Gamit ang mga prinsipyong nakita niya sa kaniyang magulang, ang anak naman ngayon ang nagpapagawa ng bahay sa tapat nila. Sa kasalukuyan, may pinangangalagaan siyang durian at mango farm sa Calinan, Davao para itinda ang mga ani nito. Patuloy rin siya sa pagiging aktibo sa kaniyang sentro, at mas nakilala pa siya ng kaniyang mga kapitbahay dahil dito. “Si nanay tahimik
lang. Hindi ‘yan masyado magsasalita sa sentro, pero tutulong ‘yan pag may kulang sa payments, naiintindihan niya ang kultura ng CMG o ’Center Mutual Guarantee,’” bahagi ng kaniyang PUH
na si Jeanseng Devarbo. Kadalasan, ang ganitong pagtutulungan ang nagbibigay-daan para mas maging matatag ang isang grupo, gayon din ang samahan nito—isang katangiang minimithing matanaw ng KMBI sa lahat ng sentro, mapa Luzon, Visayas, o Mindanao man.
“Doon kami nakatira noon,” tumuro si nanay Natividad sa may dako kung saan nakatayo ang isang payak na bahay na gawa sa raw hollow blocks. Malayo nga ang diperensiya kumpara sa bahay na kaniyang tinitirhan ngayon. Ang tagumpay ni nanay Natividad sa kaniyang pamilya at komunidad ay isa sa mga rason kung bakit nagpupursigi ang mga staff at board ng KMBI na payabungin pa ang ENTREP program. Ito ay ang makita ang lahat na may masaganang buhay, mapalapit sa Diyos at magkaroon ng maayos na ugnayan sa kapwa at iba pang nilalang ng Diyos.
TLC - True Leaders Care Marahil ay pamilyar tayo sa acronym na T.L.C. o Tender Loving Care, pero ang T.L.C. ni Mrs. Julie L. Maravilla ng Benito Soliven, Isabela ay iba. Paanong nangyaring iba? Ito ang kwento. Ang kwento ng suguran ng itak o kaya ng martilyo ay hindi bago sa pandinig lalo na sa mga taga-branch ng KMBI. Pero ang bago sa pandinig ay ang sugurin ng mister ng isang program member ang president ng isang sentro. Ito ay first-hand na na-experience ni nanay Julie. Nangyari ito noong mga unang taon ng KMBI Cauayan Branch sa kanilang lugar dahil sa hindi ma-release na savings. Insidenteng nais pang paabutin sa barangay. Naging matatag noon si madame Julie dahil sa paniniwalang malulutas nila ang problema hindi dahil sa tulong ng mga opisyales ng barangay. Sabi niya, “hindi natin kasama ang mga taga-barangay noong nanghiram tayo ng perang pang puhunan sa KMBI. Dapat tayu-tayo rin lamang ang lumutas nito.” Nahimasmasan ang mister nang mapaliwanagan tungkol sa tamang prosesong dapat gawin para ma-release ang savings ng kanyang misis at maisagawa iyon sa tamang paraan. Ang paghawak sa mga ganoong klaseng insidente, maayos niyang pamamalakad sa kanilang sentro at mahusay na pakikisama sa kapwa ang mga dahilan para siya ay kilalanin, galangin at sundin bilang isang lider. Kilala siya sa pagiging seryoso at istrikto lalo na sa pagtupad sa kaniyang tungkulin bilang center president. Ang kaniyang malasakit sa kapwa program member ay hindi rin matatawaran dahil pinili niyang manatiling miyembro at gampanan ang tungkulin bilang president ng kanilang sentro para sa mga ito. Sinabi niya na patuloy siyang magiging miyembro ng KMBI lalo na at kung may mga kasamahan pa siya na nais magpatuloy dito. Ito ang kanyang munting paraan para makatulong sa iba na mapabuti ang kanilang pamumuhay. Marami kasi ang nagsasabi na hindi na sila sasali sa KMBI kung siya ay hindi na presidente ng kanilang sentro. Para manatiling miyembro, pinili na lang niyang huwag nang magpa-increase ng kaniyang loan amount. Sa pagiging miyembro ng KMBI, nakita niya ang oportunidad na maiangat ang kanilang buhay dahil sa dagdag kapital at mas mapalapit pa sila ng kanyang pamilya sa Panginoon. Lubos ang kanyang dedikasyon sa KMBI. Noong nagtatrabaho pa siya sa LGU ay nagpapaalam pa siya sa kanyang boss tuwing Huwebes para maka-attend siya sa lingguhang center meetings. Doon kasi nila natutunan na pag-aralan ang salita ng Diyos at ang mag-share
JULIE MARAVILLA
tungkol dito, i-apply ito sa kanilang mga buhay at kung paano manalangin. Kwento niya, noon daw ay takot pa siyang maglead ng prayer dahil baka siya ay magkamali. Dahil sa suporta at paalala ng kaniyang PA noon na walang mali sa pananalangin kung iko-commit mo lahat sa Panginoon, kaya nagawa niyang manalangin nang naaayon, ‘yung taimtim at mula sa puso. Ang samahan nila sa sentro ay masaya. Sayang namamalas sa kanilang maingay at masiglang pagbabahagi ng kanilang mga karanasan sa buhay. Ang samahan nila sa sentro ay bunga rin ng tipo ng lider na mayroon sila sa katauhan ni madame Julie. May taglay na husay si madame Julie sa pagkilatis sa personalidad ng mga tao at pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao. Ang mga ito ay nahasa mula sa maraming taon na pagtitinda at paninilbihan bilang opisyal ng mga samahan sa barangay at munisipyo. Siya ay maprinsipyong tao. At ito ay kaniyang ibinabahagi sa kanyang kapwa program member sa pamamagitan ng pagtatanim sa puso at isipan ng kaniyang mga miyembro ang pagkakaroon ng disiplina, sense of accountability at pangangalaga sa mga resource na mayroon ang kanilang sentro o stewardship kung tawagin. Disiplina sa pagsunod sa mga alituntunin o policy ng organisasyon. Sense of accountability na namamalas sa kaniyang pagpapaalala na obligasyon nilang bayaran sa nakatakdang oras ang kanilang mga loan. Nagagawa nilang pangalagaan ang halagang nakokolekta nila sa anumang paglabag na kanilang nagagawa sa kanilang Internal Center Policies. May kalakihan na rin ang halagang nakokolekta ng sentro. Nagagawa nila itong pangasiwaan nang mabuti. Parang mayroon silang munting kooperatiba sa kanilang sentro at nagagamit nila ang halagang nakolekta para maipahiram sa nangangailangan na miyembro o dili kaya sa mga proyekto ng sentro. Pero ang higit na tumatak sa akin ay ang sinabi ni madame Julie tungkol sa kung ano ang isang lider para sa kanya. Aniya, kahit matalino ka, kung wala kang pasensiya hindi ka magiging lider. Dagdag pa niya, kahit hindi ka gaanong biniyayaan ng katalinuhan, basta’t mayroon kang pasensya, malasakit at gusto mong intindihin ang mga tao, pwedeng-pwede kang maging lider. Ito ang kaniyang brand ng T.L.C: Tough Loving Care. Pwede ring True Leaders Care. Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
9
KATATAGAN SA GITNA NG UNOS LALAINE UNTAL
P
aano tayo nagiging matatag? Ano ang basehan nito? Nangangailangan bang madalas tayong nag-eensayo? Dapat ba’y parati tayong pumupunta sa gym? O di kaya’y nagbabanat ng buto sa trabaho? Ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang paraan upang pagtibayin ang sarili at loob. Ngunit sa iba, matinding dagok ng buhay ang nagsisilbing hamon sa kanilang katatagan. Hindi maaaring bumitiw at sumuko ang 51-taon-gulang na si nanay Lalaine Untal ng Negros Occidental. Taong 2000 pa lamang ay binawian na ng buhay ang kaniyang asawa. Ramdam niya noong mga panahong iyon na tila nagkapira-piraso ang kaniyang mundo. Ngunit sa kabila ng kaniyang pagdadalamhati sa paglisan ng kaniyang kapareha, hindi niya hinayaan ang sariling panghinaan ng loob, lalo pa’t ito ang mga oras na mas kailangan siya ng kaniyang mga anak. Ito ang simula ng kaniyang pagdoblekayod bilang ilaw at haligi ng tahanan. Pasan niya ang timbang ng pangangailangan ng kaniyang mga anak. Dahil dito, kinailangan niyang maghanap ng makakatugon sa kanilang pang-araw-araw na gastusin, kung kaya’t nagsimula siyang magtinda ng mga tsinelas at pananamit. Lumuluwas pa siya mula Negros patungong Baclaran at Divisoria para lang bilhin ang mga ito. Gayunpaman, hindi alintana ang biyahe sa kaniya, sapagkat napipili niya naman nang personal ang magaganda at murang produkto. Nakakabenta at kumikita naman siya nang sapat mula sa kaniyang negosyo. Subalit dumating siya sa pagiisip na hindi rin dapat umasa lamang sa negosyong ito, lalo na tuwing tag-ulan; bumibiyahe kasi siya gamit ang ferryboat kung kaya’t malaki ang epekto sa kaniya ng masungit na panahon. Ito’y hanggang sa naisip niyang magtayo ng panibagong negosyo. Kahit na alam niyang mangangailangan siya ng mas malaking kapital, nagpursigi siya upang makapagtayo ng isang ticketing outlet. Sa awa ng Diyos ay nakalikom siya ng salaping kinakailangan upang maitayo ang bagong pangkabuhayan na nakadagdag naman sa kaniyang pang-araw-araw na kita. Inspirasyon din ni nanay Lalaine ang kaniyang ina na dating nagtitinda ng mga ulam sa panahon ng kaniyang kamusmusan. Dahil dito, sinimulan niya ring magtayo ng karinderya.
10
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Sa mga dumating na araw, nagsimula na siyang magdagdag ng mga iba pang produktong maaaring ibenta. Nakabili siya ng kagamitang pampanaderya mula sa salaping hiniram niya sa KMBI. Nagsimula siyang magtayo ng nasabing negosyo noong 2013. Sa kabutihang palad, nabigyan siyang muli ng panibagong pagkakataon upang magtayo ng isa pang negosyo. Ito’y noong nabalitaan niyang ititigil ng kapitbahay niya ang negosyong computer shop para palitan ng water station. Dito’y naisipan niyang sunggaban ang pagkakataon at magtayo ng computer shop, at sa pamamagitan ng perang kaniya muling nahiram sa KMBI, nakabili siya ng limang yunit ng computer. Ginamit niya rin ang mga ito para sa kaniyang ticketing outlet. Ano nga ba ang kaniyang sikreto? Paano ba nakabangon at nagtuloy-tuloy ang pag-asenso ni nanay Lalaine? Ang sagot ay may kinalaman sa wastong pagbabantay sa paninda at benta. Dagdag pa niya, hindi dapat tumigil ang mga negosyanteng katulad niya na magpursigi at maniwala sa kanilang sarili—sa paniniwalang abot-kamay nila ang lahat ng kanilang mithiin kung sila’y mananatiling masigasig sa kanilang ginagawa, at walang anumang pangyayari ang maaaring tuminag sa kanila. Isa pa sa kaniyang sikreto ay ang tamang pagbabadyet ng kita at pondo para patuloy na patakbuhin ang negosyo. Aniya, napakalaking pagpapala raw na naging miyembro siya ng KMBI. Lubos niya rin pinagpapasalamat ang mga pintong binuksan ng Panginoon para sa kaniya sa pamamagitan ng programa. Katatagan. Ito ay nakakamit sa mga pagsubok. Sa mga pagsusulit na ibinibigay sa atin ng Panginoon, ang lahat ng ito’y magpapatibay ng ating loob. Ang mga ito rin ang naglalabas ng potensyal na hindi natin inaakalang mayroon tayo. Kapag sinamahan ng mariing pananampalataya, ang mundong inakala nating gumuho ay isa lamang palang pagkukumpuning ginagawa ng Panginoon para sa ating ikabubuti.
NOO’Y LIBANGAN, NGAYO’Y KABUHAYAN
K
LILIA LIM
ung gusto mo ang ginagawa mo, magaling ka rito, at ginagamit mo ito para makatulong sa iba, malaki ang kasiguraduhang magwawagi ka sa buhay.
niyang lutuin. Nagsimula na siyang kumuha ng mga on-call na payaso at magpunta sa mga seminar tungkol sa paggawa ng lobo at pag-oorganisa ng mga okasyon.
Kayang-kaya itong patunayan ni nanay Lilia Lim ng Davao City. Libangan niya dati ang mag-aral ng paggawa ng cake, ngunit hindi niya rin nailagay sa tamang gamit ang kaalaman niya tungkol dito. Pero nang dumating sa kanilang pamilya ang panahon ng kagipitan, kinailangan niya na ring ilagay sa tamang gamit ang kaniyang mga natutuhan. Taong 2012 nang sumali siya sa KMBI at nilaan niya ang kaniyang unang kapital sa pagnenegosyo ng cake. ”Kabalikat ko ‘yung KMBI, bale partner sa negosyo, dahil kung wala sila, parang di ko na nainvest ‘yung iba pang mga gamit na kailangan kong bilhin para sa negosyo,” wika ni nanay Lilia.
Ang dati niyang pinagkakaabalahan ay kaniya ngayong pinagkakakitaan. Sa awa ng Diyos ay lumago ang kaniyang pangkabuhayan. Na-renovate niya ang kaniyang cake shop at nakapaghatid na rin ng iba’t ibang pangangailangan sa mga okasyon. Nakakuha rin sila ng ibang mga kagamitan, kagaya na lamang ng makina ng pop corn at cotton candy na kaniyang pinauupahan sa iba. Dagdag pa niya, marami na siyang naipundar, kagaya ng sasakyan para makatulong sa pag-deliver nila ng cake at iba pang mga kagamitan sa catering.
Subalit gaya ng lahat ng negosyo, di naging madali ang simula para kay nanay Lilia, lalo na sa pag-akit ng mga suki. “Parang ang trust sa’yo, alanganin pa sila.” Nagsimula siyang gumawa ng dummy cake, o mga cake na gawa lamang sa styrofoam na ginayakan ng icing para i-display. Noong una, nakakatanggap na siya ng dalawa hanggang tatlong order ng cake sa isang linggo, at di nagtagal ay nagpabalik-balik ang kaniyang mga suki para magpagawa ng customized cake. Isang araw ay umorder ng cake ang kaibigan niya para sa isang okasyon at inanyayahang siya na rin ang mag-cater dito. Tinanggap naman ito ni nanay Lilia. Nagustuhan ng mga tao ang kaniyang mga nilutong pagkain, at dito’y nagsimula na silang magpabalik-balik sa serbisyo ni nanay Lilia. Ito ang nagbigay-silang sa kaniyang bagong pagkakakitaan—ang catering at party services. Lumaganap ang kaniyang negosyo dahil naging bukambibig sa kanilang lugar ang masasarap
Hindi lamang tulong pampinansyal ang naibahagi ng KMBI kay nanay Lilia. Kabilang din sa mga naitulong sa kaniya ay ang scholarship ng APPEND. Sa pamamagitan ng scholarship na ito ay nakapagtapos ang kaniyang anak ng kolehiyo sa Far Eastern University. Nag-aaral pa ang iba pa niyang mga anak, habang ang isa ay malapit na rin magtapos. Sa loob ng isang taon ay nakabili sila ng sariling motorsiklo at sasakyan. Kada linggo, naglalaro mula sa Php 35,000 hanggang Php 50,000 ang kaniyang kinikita sa kaniyang pagnenegosyo ng cake at catering and party services. Pangarap pa niyang makapagtayo ng isang function hall at pasalubong center na paglalagyan niya rin ng mga produkto niyang cake. Hangad niya ring makilala ang kaniyang negosyo hindi lamang sa kanilang lokalidad, kundi maging sa iba pang mga lugar. Dati, ito ang kaniyang interes at libangan, pero ngayon, ito ang kaniyang pinagkakakitaan. Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
11
TAGONG YAMAN
SA ILALIM NG DAGAT LORLINE LURA
“Nang dumating kami dito sa Bato (Purok Pag-asang Bato, Sta. Cruz, Davao Del Sur), wala kaming bahay; umuupa lang kami. Tapos, nu’ng tumagal, nakabili kami ng bahay, nakabili kami ng lupa, tapos ‘yung mga anak ko, dito na lumaki. Nakapag-aral sila mula elementary, high school hanggang college.” Hindi siguro magiging posible ang mga salitang ito kung tumigil si nanay Lorline Lura sa pag-asang makakamit niya ang kaniyang pangarap para sa pamilya. Matapang at may determinasyon niyang niyakap ang panibagong yugto ng kaniyang buhay noong minabuti niyang iwan ang trabaho at magtayo ng sariling hanapbuhay sa pagbebenta ng mga pagkaing-dagat. “Sinabi ko
sa asawa ko na, Pang, gusto kong magsarili tayo, kasi mas alam natin ang business kaysa sa ating amo.” Si nanay Lorline, 48 taon gulang, ay nanay ng anim at nakatira sa Davao del Sur. Naalala niya noong mga panahong iyon na wala silang permanenteng tirahan pagdating nila doon sa lugar. Pero kasama niya ang kaniyang asawa noong magplano silang magtayo ng seafood store sa kanilang lugar. Panatag silang sapat ang kanilang kaalaman upang patakbuhin ang ganitong uri ng negosyo. Sa tulong ng kaibigan na nagpahiram sa kaniya ng pera, nagawa nilang simulan ang kanilang negosyo. Noong makarinig siya tungkol sa KMBI noong 2012, agad siyang nagpamiyembro dito. Nakahiram siya ng sapat na kapital na nagpahintulot na lumawig ang kaniyang negosyo. “Yung KMBI, kabalikat ko talaga sa pagnenegosyo kasi lalo na kung maglaki na yung loan mo, tapos maganda ‘yung pagpapalakad sa KMBI,” wika ni nanay Lorline. 12
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Naisipan niyang magdagdag ng mga produktong maaari niyang ibenta. Nagsimula na siyang magbenta ng Balatan o sea cucumbers sa mga unang taon ng pagpapatakbo ng negosyo. Nagbebenta na rin siya ng mga ulang, curacha, mga stonefish, at kabibi. Karamihan sa mga ito’y kinukuha niya mula sa kaniyang lugar, at ang iba nama’y galing pa sa General Santos City, Samal, at Sultan Kudarat. Madalas siyang mag-deliver ng kaniyang mga produkto sa Maynila at Davao. Bukod pa rito ang pagdumog sa kaniya ng mga banyagang tubong Hong Kong, Taiwan, Malaysia, Singapore, at Thailand. Ine-export niya rin ang kaniyang mga produkto sa Korea. Dagdag pa ni nanay Lorline, “mas maganda
ang kinikita dito, mas madali ang pera.”
Tunay ngang napakabuti ng Diyos, sapagkat biniyayaan si Nanay Lorline ng kalahating hektaryang taniman ng saging, na naging kaniyang pangalawang pinagmumulan ng kita. Kinalulugod niya rin ang paggamit sa kaniya ng Panginoon bilang instrumento upang mabiyayaan ang ibang tao, sapagkat nabigyan niya ng ikabubuhay ang dalawang tauhan para sa kaniyang negosyo. Ngayon, ang kaniyang tinututukan ay ang pagpapalago ng kaniyang negosyo. Nakakabenta si Nanay Lorline ng Php 60,000 at kumikita naman ng Php 40,000 kada buwan. Nagsimula siya bilang trabahador. Ngayo’y siya naman ang tagabigay ng trabaho. Naging inspirasyon din siya ng dalawa sa kaniyang mga anak, bagay na nagtulak sa kanila upang sumali rin sa KMBI sa pag-asang makakasunod sila sa matagumpay na yapak ng kanilang ina. Payo ni nanay Lorline, huwag lang mag-focus sa iisang negosyo. Palaguin ito sa pamamagitan ng pagdadagdag ng iba pang mga maaaring ibenta upang hindi maging limitado ang kita. Isa pa, kailangang magaling kang makisama sa iyong mga customer. “Yung pinakamagandang gawin sa gustong magnenegosyo ay ‘yung approachable sila sa ibang tao. Kasi pag di ka approachable, di lalapit sa’yo ‘yung mga tao.” Katapangan ang ipinamalas ni nanay Lorline nang kaniyang lisanin ang pagtatrabaho upang magsimula ng negosyo. At hindi lang din katapangan ang kailangan sa pagharap ng bagong oportunidad. Dapat din ay may kaalaman sa ating papasukin upang maiwasan ang mga hindi natin nais na kahinatnan.
TANGLAW SA KADILIMAN MILA CRUZ
MILA CRUZ
P
agbabagong-anyo, o sa wikang Ingles, transformation. Ito ay isang proseso ng radikal na pagbabago sa anyo o uri. Halimbawa, bago maging ganap na paruparo ay magmumula muna ito sa isang gumagapang na caterpillar na namamapak ng dahon. Pero tiyak na hindi mangyayari ang pagbabago sa iisang gabi lamang; isa itong mahaba at masalimuot na proseso. Pero ika nga, “good things take time.�
Simple lang ang tahanang kanilang tinitirhan noon. Ito ay noong mga panahong nagsisimula pa lamang si nanay Mila Cruz ng Prosperidad, Agusan del Sur sa pagkukumpuni ng kanilang buhay. Hindi rin sa kanila ang lupang kanilang tinitirhan. Sira-sira ang kanilang bahay. Wala ring permanenteng trabaho ang kaniyang asawa. Ganito sila kalugmok noong mga panahong iyon. Sa kagustuhang tuldukan ang di-katiyakan sa kanilang pamumuhay, minabuti ng kaniyang asawang maghanap ng mapagkakakitaan para sa kanilang pamilya. Ngunit wala rin siyang mahanap na ideya. Isang araw ay nakakita siya ng gumagawa ng kandila sa kanilang lugar. Ito ang nagsilab sa kaniyang inspirasyon upang magkaroon ng mapagkakitaan. Sinimulan ng kaniyang asawang pag-aralan ang paggawa ng kandila. Hindi man ito naging madali noong una, dahil sa pagtitiyagang matuto ng kaniyang asawa ay napagbuti niya rin ang paggawa ng mga ito. Taong 1993 ay sinamahan na ni nanay Mila ang kaniyang asawa sa paggawa ng kandila, at paunti-unti na silang nakakapag-prodyus. At dito na sila nagkaroon ng sariling negosyo.
Resource-friendly kung maituturing ang proseso ng paggawa nila ng kandila. Lahat kasi ng mga kasangkapang kailangan ay gawa sa recycled na mga bote na binubudburan ng ilang mga palamuti, at kanila itong ibebenta sa mga sari-sari store. Dito’y napagtanto nilang malaki pala ang naibabalik nitong kita mula sa kakarampot na puhunan. Iyon nga lang, ang pinakamabigat na puhunang kakailanganin ay tiyaga at pasensiya. Gayunpaman, malaki ang naitutulong sa komunidad ng mga binebenta nilang
kandila, lalong-lalo na sa mga panahong kulang ang suplay ng kuryente sa kanilang pook. Nagsusuplay rin sila ng mga kandila sa mga simbahan at ilang bahagi ng Agusan del Sur, Surigao del Sur, at iba pang mga karatig-lugar. Dahil sa negosyong ito, napagtapos nila ang kanilang anak mula sa kursong Edukasyon. Kasalukuyan itong nagtuturo sa Azpetia Elementary School. Dito na nagtuloy-tuloy ang pagpasok ng biyaya sa kanila, hanggang sa nakabili na sila ng sarili nilang bahay, lupa, at sasakyan. Nakakapagpamahagi na rin sila sa mga naglalakihang tindahan. Hindi sila umasa sa salapi bilang kanilang puhunan; sa halip ay tatlong sikreto lamang ang nagpawagi sa kanilang negosyo: tamang diskarte, pagsisikap, at pananalig sa Diyos. Gawi na nilang pumunta ng simbahan kada linggo, at sabi ni nanay Mila, ito lamang ang tanging paraan upang pasalamatan ang Panginoon mula sa mga biyayang kanilang natanggap. Mula sa gulanit na tahanan, mayroon na silang mga naipundar mula sa pagnenegosyo ng kandila. Kaniyang nakikita ngayon ang bunga ng tinanim niyang pagtitiis at pagtitiyaga. Mahaba-haba man ang kaniyang hinintay, napawi naman ang lahat ng kaniyang hirap ngayon.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
13
MAY PERA PALA SA PUNO!
T
unay na hindi madaling kumita ng pera, kung kaya’t ganoon na lamang kalimit kung marinig natin ang katagang “Hindi tumutubo sa puno ang pera.” Ngunit maiba lang si nanay Maria Paz Maay ng Alihal, Davao del Norte, dahil sa puno ng kawayan mismo nagmumula ang kanilang kita. Dati’y kontraktwal lamang ang trabaho nilang mag-asawa, at naglao’y patinda-tinda na sila ng kakaning nilalako nilang magasawa gamit ang motor sa loob ng labintatlong taon. Ganito ang naging takbo ng kanilang buhay nang walang pagbabago. Ngunit ni minsan ay hindi sila nawalan ng direksyon dahil parati nilang iniisip na mayroon silang mga anak na umaasa sa kanila. Mabuti na lang at likas na sa kanilang lugar ang mga puno ng kawayan, kung kaya’t ito ang naisipan nilang gawing negosyo sa pagsapit ng Oktubre taong 2003. Nagsimula na silang gumawa ng iba’t ibang mga kagamitang yari sa kawayan, at kabilang na rin dito ang paggawa nila ng bahay-kubo. At dahil kilala ang kanilang lugar sa pagkakaroon ng maraming taniman ng saging, ginamit ni nanay Maria ang mga raw materials galing taniman upang gumawa ng hagdanan at sapling. Walo lamang ang bilang ng kanilang mga manggagawa noong mga panahong iyon. Pumapalo sa humigit-kumulang Php 200,000 ang kinikita nila mula sa pagnenegosyo ng mga kagamitang yari sa kawayan. Dahil sa negosyong ito, nakapagtapos na siya ng dalawang anak.
“Itong negosyo ko, nakapagpatapos ng mga anak ko. ‘Yung isa Agriculture, ‘yung isa, culinary.”
Marahil ay tipikal na sa isang negosyo ang salitang pagkabigo. At aminado naman si nanay Maria na hindi laging malakas ang negosyo nila araw-araw. Pero mayroon siyang pangontra dito. Upang maiwasan ang pagkalugi, ginagamit niya ang kanyang puhunan sa iba pang mga negosyo, gaya na lamang ng carwash
14
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
MARIA PAZ MAAY
at pagbubulkansiya, karinderya, babuyan, at taniman ng saging. At bagama’t maraming negosyo, hindi pa rin maikakaila ni nanay Maria na hindi na siya masyadong nakakaipon sa kadahilanang kailangan niyang paikutin ang pera sa mga nabanggit na negosyo. Dagdag niya, malaking tulong ang KMBI sa kaniyang pagnenegosyo. “Naging masaya po kami nung nakasali kami sa
inyo sa KMBI, naging mabilis po ang aming paggawa ng furniture at mga order dahil nga po may additional na capital,” wika niya. Nagustuhan niya rin ang kapanatagang kaniyang nakukuha mula sa benepisyo ng microinsurance.
Sa kasalukuyan, dalawa ang kanilang furniture shop sa Davao, at ngayo’y umaabot na sa 30 ang bilang ng kanilang trabahador. Sila na rin ngayon ang nagbibigay ng suplay ng mga produktong gawa sa kawayan gaya ng sapling at hagdan sa isang kumpanya sa karatig lugar. “Magpapatuloy pa po kami sa aming furniture na negosyo, kasi nakakatulong ito sa aming pamilya, nakakatulong sa mga tauhan ko na walang pinagkakakitaang iba. “ Dagdag niya, “mag-business po tayo kahit maliit lang, at least di tayo umaasa sa ibang tao. Tumutulong tayo sa ating pamilya at sa ating mga anak. Mas maganda kung sasali tayo sa KMBI, malaki talaga ang kasiyahan ko na makasali dito sa KMBI, kasi nakakatulong sila sa pagpapalago ng aking business at higit na nakakatulong ito sa aking pamilya.” Masasabi man nating galing sa puno ang kita ni nanay Maria, hindi natin maikakailang mahirap pa ring kumita ng salapi. Kaya nga narito ang mga kagaya niyang negosyante upang patunayan sa atin na hindi man madali ang yumaman kaagad, pairalin lang natin ang pagtitiyaga at diskarte sa buhay, at tiyak na pera na mismo ang kakatok sa ating mga pinto.
SA UGOY NG DUYAN LILINETE BELLO
M
ababakas mula sa kaniyang kamusmusan ang maaga niyang pagkahumaling sa pagnenegosyo.
Ganito nagsimula ang kuwento ni nanay Lilinete Bello ng Caloocan City sa kaniyang pag-asenso sa buhay. Sa murang edad pa lamang ay naulila na siya sa kaniyang lola na bukod-tanging nag-aruga sa kanilang tatlong magkakapatid. Bagama’t kapos sa kaalaman sa kadahilanang di nakapagtapos ng pag-aaral, di ito naging hadlang upang siya’y mangarap na maging negosyante balang araw. Sa awa ng Diyos, nabigyan siya ng pagkakataong matupad ito nang makilala niya ang kabiyak ng kaniyang buhay. Gamit ang pagsisikap at patuloy na pananalig sa Diyos, nagkaroon na siya ng paunti-unting hakbang upang mapasakamay ang kaniyang minimithi. Nadagdagan ang kaniyang puhunan nang siya’y sumali sa KMBI, bagay na nagpahintulot sa kaniya upang makapagtayo ng pagawaan ng duyan. Sila na mismo ang bumibili ng materyales at sila na rin ang gumagawa at nagbebenta ng mga ito. Noong una’y hindi naging madali kay nanay Lilinete ang negosyong ito dahil sa kakulangan niya ng kaalamang magpatakbo nito. Dumaan ang mga araw at mas lumago pa ang kaniyang kaalaman sa pagnenegosyo na naitawid sa kaniya ng KMBI. Marami na siyang naipundar na kagamitang umaabot sa halagang Php 350,000. Sa ngayo’y marami na siyang mga suking kalimitang nag-aangkat sa mga kalapit na palengke ng kanilang lugar. Dito na nagsimulang magsunod-sunod ang biyayang kaniyang natatanggap mula sa Panginoon. Nagtapos bilang guro ang kaniyang panganay
na anak na kasalukuyang nagtuturo sa isang pampublikong paaralan. Samantala, nag-aaral pa rin ang kaniyang bunsong anak. Nagkaroon din si nanay Lilinete ng maayos na tirahan sa Bicol. Nakapagpundar na rin ang kaniyang panganay ng bahay na siyang kanilang pinauupahan ngayon. Bukod pa rito, napataas na rin niya ang bahay na tinitirhan nilang mag-asawa. Kaniyang ipinagmamalaking marami ang naiabot na tulong sa kaniya ng KMBI. Isa pa sa kaniyang higit na pinasasalamatan ay ang Panginoon sa pagbibigay sa kaniya ng talento at kalakasan ng katawan. At upang maibalik ang lahat ng pagpapalang ito, nais ni nanay Lilinete na makatulong sa kaniyang pamayanan, lalong-lalo na sa kaniyang mga kapitbahay na kaniya ring nabigyan ng kaunting kabuhayan. Aniya, saksi ang mga taong ito at ang kaniyang mga kapwa miyembro kung paano niya ipinamalas ang kaniyang pamumuno at ang sakripisyong kaniyang ginagawa sa kanilang sentro. Hindi pa rito nagtatapos ang kaniyang hangarin sa pagnenegosyo. Balak pa ni nanay Lilinete na palaguin ang kaniyang kabuhayan sa pagkakaroon ng palayan sa Bicol at produksyon ng duyan sa lugar. Kalimitan, ang pag-unlad ay maiuugnay sa mga salitang sipag at tiyaga, ngunit para kay nanay Lilinete, nangangailangang dagdagan din ito ng malakas at tapat na pananalig sa Panginoon at lubos na pagmamahal sa pamilya upang mabuo ang proseso. Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
15
ANG TINAPAY NG PAGMAMAHAL H indi lumalapit ang tagumpay sa atin. Bagkus, tayo ang lumalapit dito. Kasintayog man ng mga bundok ang kailangan nating akyatin, kung talagang tayo ay may determinasyong abutin ito, hindi ito kailanman magiging balakid.
Si nanay Ester Nueda ay isang magandang imaheng may kakayanang magbigay ng bagong pagpapakahulugan sa salitang tagumpay. Bata pa lamang si nanay Ester o “Bebeth” sa kanilang barangay sa Sto. Tomas, Davao del Norte, ay may puwang na siya na ang buhay ay hindi kasintamis o kasing-gaan o ano pa man ang maaari nating ihambing sa mga napapanood nating telenobela. Taliwas sa mga ito, maaga siyang namulat na ang buhay ay tunay na maituturing na “survival of the fittest.” Simula pa lang ng kaniyang kamusmusan, hindi na naging maganda ang daloy ng pera ng kanilang pamilya. Bunga nito, elementarya lamang ang kaniyang natapos. Noong 1992 ay ikinasal siya sa kaniyang kabiyak na si Noel, at pawang trabahador lamang sila noon. Namamasukan si nanay Ester sa isang malaking tindahan, habang naggagapas naman ng palay si mister. Nais nilang tuldukan ang pamamasukan nila at magnegosyo. Kasi dito
[sa pagnenegosyo] ako nakakakuha ng pera. Dito kasi araw-araw may pera ka,” wika niya.
Pinaupahan muna nila ang mumunting sakahan sa kailang barangay para makaipon. Binigyan siya ng Php 5,000 ng kaniyang nanay para makapagsimula ng negosyo, at nanghiram sila ng barong-barong na puwesto para doon itayo ang kanilang sari-sari store. Pero di pa rin sapat ang kanilang kinikita mula rito, kung kaya’t napilitan siyang mangutang sa loan sharks. “Five-six man, o kahit saan, mangungutang talaga ako.” Pero imbis na gumaan ang kanilang pasanin, tila lalo pa itong bumigat. Dahil hirap sa pagbabayad ng utang, minabuti niyang humingi ng tulong sa kaniyang kapatid. “Hirap na hirap akong magbayad, kaya sabi ko
sa kapatid ko na tulungan mo naman ako, kasi di ko kaya.”
16
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
ESTER NUEDA
Dahil sa tulong ng kaniyang kapatid, taong 2005 nang maitayo nila ang Nueda Bakeshop sa kanilang lugar. Huminto na siya sa pangungutang sa loan sharks nang inanyayanan siyang sumali sa KMBI. “Gumaan talaga ang buhay ko. Kasi noong mag-asawa
ako, wala kaming pambili ng asin. Walang pambili ng betsin. Humihingi kami sa aming kapitbahay. Ngayon, kami na ang nagbibigay.”
Gamit ang kapital na nahiram sa KMBI, di-naglao’y lumakas ang kanilang bakery. “Noong nag-start ako sa KMBI, nakabili
ako ng lote at saka tinirikan (pinagtayuan) ko rin ng tindahan.”
Humahango ng isda si mister sa Tagum tuwing bibili siya ng mga rekado ng tinapay, gaya ng harina at asukal. Ilang taong puno ng pagsisikap ang kinailangan para mabigyan ng edukasyon ang tatlo nilang anak. Sa katunayan, dalawang anak na ang napapagtapos nila ng pag-aaral, habang ang isa’y nag-aaral pa rin sa kasalukuyan. Bukod sa katuparan ng kanilang pangarap para sa kanilang mga anak, nakapagpundar na rin ang mag-asawa ng isang bahay at lote na nagkakahalaga ng Php 700,000. Payo niya sa mga kapwa nanay at negosyante, “Ang masasabi ko
sa kanila, magtipid. ‘Yun talaga ang importante. Magtipid… Wag mong gastahin ‘yung kapital mo na ilalagay mo sa business mo kasi magda-down talaga ‘yan kapag di ka mag[tipid].” Di man pinalad makapagtapos ng pag-aaral si nanay Ester, pinatunayan niyang hindi hadlang ang kasalatan sa edukasyon upang malasap ang katas ng tagumpay. Isa rin itong patotoong mayroon tayong iba’t ibang mga pormula upang maabot ang ating inaasam. Ngunit para kay nanay Ester, ang ginamit niyang kombinasyon ay tiyaga, motibasyon, at malasakit sa kapwa. Siya na mismo ang lumikha ng sarili niyang depinisyon ng salitang “tagumpay.”
SA TAGUMPAY AT KASAWIAN
M
araming tao ang nagsasabing ang buhay natin ay parang isang roller coaster. Matarik ang daan paakyat, ngunit mabilis itong dumalos pababa. Hindi sa lahat ng pagkakatao’y palagi tayong nasa itaas. Pero katulad nga ng sinasabi ng iba, “just enjoy the ride.”
Sa Camarines Norte nakatira si nanay Nancy Dando at ang kaniyang asawang si tatay Cezar. Pangarap niya noon pa lamang na maging businesswoman. Noong pasimula’y nagbukas siya ng isang maliit na sari-sari store sa harap ng kanilang bahay upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Patuloy lamang siya sa maliit na pangkabuhayang ito, hanggang isang araw ay may dumating na biyaya sa kaniya. Inalok siya ng kaniyang biyenan ng puwesto na pag-aari nito sa sentro ng kanilang lugar. Dali-dali nama’y sinunggaban niya ang oportunidad na ito. Pagkatapos ay pinakilala siya sa isang may-ari ng malaking bodega na puwede niyang pag-angkatan ng mga produktong pwede niyang ibenta. Agad naman siyang binigyan ng ilang mga produkto, bagay na higit niyang ikinalugod sapagkat mayroon na siyang pagkakakitaan. Napagkasunduan din nilang babayaran ni nanay Nancy ang kaniyang hiniram na puhunan sa loob lamang ng 15 araw. Ngunit naging mabigat sa kaniya ang obligasyong ito, lalo pa’t hindi naging madali sa kaniya ang mga unang yugto ng kaniyang pagnenegosyo. Hindi ganoon kalaki ang kaniyang kinikita noong mga panahon na iyon, at dahil dito’y pinangambahan niya ang mga maaaring susunod na mangyari. Baka hindi niya kayanin ang bayaran at tuluyan na siyang malugi sa negosyo. At dahil sa tindi ng kaniyang pangamba ay bumigay ang kaniyang katawan, dahilan upang siya’y maospital. Sa kabutihang palad ay hindi naman ito nagkaroon ng malubhang epekto sa kaniya. Isang araw ay bigla na lamang dumating ang kaniyang kaibigan at inalok siyang sumali sa KMBI, aniya’y mapapahiram siya ng puhunan at iba pang mga benepisyong maaaring makatulong sa pangangailangan ng kaniyang pamilya at negosyo. Agad namang sumali si nanay Nancy. Agad-agad din naman siyang
NANCY DANDO
napahiram ng puhunan na nagkakahalagang P5,000. Sa paglipas ng ilang taon ay nadagdagan ang kaniyang negosyo. Nakabili na siya ng palay sa pamamagitan ng puhunang kaniyang nahiram mula sa KMBI. May kalakihan din ang kaniyang kinita na siyang nagpahintulot sa kaniya upang makapagbukas ng videoke bar sa likod ng kanilang bahay. At hindi rito natapos ang kaniyang pagiging miyembro ng programa. Nasundan pa ang kaniyang mga pangkabuhayan ng panibagong negosyong pagbebenta ng mga bloke ng yelo. Bumilis ang takbo ng mga oras, at kinailangan na niyang magpaaral ng mga anak sa kolehiyo sa Maynila. At sa awa ng Diyos ay napagtapos niya ng nursing ang kaniyang panganay at mayroon na itong maayos na kalagayan at trabaho. Isang certified Public Accountant naman ang kaniyang pangatlong anak, at may isa pang nag-aaral sa kolehiyo sa kasalukuyan. Nalasap na ni nanay Nancy ang asenso, ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa pag-asang patuloy siyang pahihiramin ng karagdagang kapital mula sa KMBI dahil ito ang naging tulay niya upang mapaayos ang pamumuhay nila bilang pamilya. At sa isang iglap, bigla na lamang dumalos pababa ang riles ng kaniyang buhay. Sa kasamaang palad ay dinapuan ng malubhang sakit ang kaniyang asawa, at nangangailangan ito ng habambuhay ng gamutan. Malaking pasakit itong papasanin ni nanay Nancy dahil ang kaniyang naiipong pera ay mapupunta sa medikal na pangangailangan ng asawa. Pero sa kabila nito’y patuloy pa rin si tatay Cezar sa kaniyang pagtatrabaho, bagaman mayroong iniinda. Laking pasasalamat ni nanay Nancy dahil nandiyan ang KMBI na tumulong sa kaniyang mapagtapos ang kaniyang mga anak na siyang mga katuwang niya ngayon sa suliraning ito.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
17
ANG PRODUKTO NG PAGBABAGO
H
alos lahat ng trabaho ay napasok na ni nanay Maricel Panayas. Mula sa pagiging manikurista, labandera, katulong, at kusinera, ginawa na ni nanay Maricel ang abot ng kaniyang makakaya para lang sa ikaaangat ng kanilang buhay. Dati’y nagnenegosyo sila ng niyog sa Davao del Sur, ngunit wala aniya ang kapalaran nila roon. Napadpad sila sa M’lang, North Cotabato dahil doon nakahanap ng trabaho ang kaniyang asawa bilang kargador ng palay. Dala nila ang pagasang may maginhawang buhay na sasalubong sa kanila. Wala silang permanenteng tirahan noon—pagdako nila sa M’lang ay nangupahan lamang sila sa bahay kubong walang kuryente. Naalala niya, “minsan tutong lang talaga ang kakainin namin sa isang araw.” Sa kaniyang pagnanais na tuldukan ang mga araw na iyon, doon na siya nagsimulang kumayod sa iba’t ibang klase ng trabaho. Lumipas ang ilang panahon at tila ba hindi umuusad ang kanilang buhay. Marahil isa itong senyales na magsimula ng panibagong kabuhayan. Dala ang katapangan at pananampalataya, sumubok siya sa isang microfinance institution upang pondohan ang una niyang negosyo. Sa kasawiang palad, hindi siya biniyayaang makautang dahil “iskwater lang sila.” Labis itong ikinadismaya ni nanay Maricel. Nawalan siya ng panahong bantayan ang kaniyang mga supling dahil kinailangan niyang maghanap ng ibang mapaghihiraman. Kwento niya, “minsan ‘pag umaalis
ako ng bahay, maiiwan yung pangatlo kong anak sa panganay namin.”
Nagbago ang ihip ng hangin noong 2004 nang inanyayaan siyang sumali sa KMBI ng isang Program Officer. Sa kaniyang galak, siya na mismo ang naghanap ng mga miyembro para buuin ang sentrong pinamumunuan niya ngayon. “Sa buong buhay ko po, ngayon lang ako nakaranas na maging pangulo,” masaya niyang ibinahagi. Laking pasasalamat niyang nakahanap siya ng microfinance organization na gaya ng KMBI, na hindi lamang pera ang habol, kundi pati na rin ang pagbabago sa buhay ng mga benepisyaryo nito. Payo niya, “humanap kayo ng microfinance na
talagang tumutulong at hindi namimili ng papautangin. Hanapin n’yo rin yung hindi lang puro pera.”
Nakapagtayo siya ng sari-sari store gamit ang inisyal na Php 4,000 na kaniyang nahiram sa KMBI. Dahil sa maayos na kita niya rito, nagawa niyang magdagdag ng bagong kabuhayan: ang dicer ng bigas. 18
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
MARICEL PANAYAS
Nagpatuloy ang pagbuhos ng oportunidad para kay nanay Maricel noong 2012 nang magkaroon ng programa ang kanilang munisipyo tungkol sa “Digital Literacy Program for the Housewife.” Dahil sa KMBI, dito niya nalinang ang higit na tiwala sa sarili. Sa katunayan, buhat ng kaniyang self-confidence, ginawaran siya bilang kauna-unahang “Digital Literacy Model Awardee” sa Bacolod City noong Oktubre 2015. “35 na bansa ang sumali, pero tayong Pilipinas ang nanalo.” Labis itong ipinagmamalaki ni nanay Maricel, at hindi niya itinatangging anak siya ng KMBI. Tunay ngang napuno ng sagana ang buhay ni nanay Maricel. Nagawa na niyang bilhin ang kubong dati nilang inuupahan at napakumpuni na rin ito. Nakapagpundar na rin siya ng sasakyan, at nakabili siya ng sariling lote sa kanilang lugar. Hindi lamang iyan—ang kaniyang sari-sari store na tinawag niyang ‘sira-sira’ store noon ay isa nang ganap na mini grocery store. Dahil din sa maayos na daloy ng salapi ay nakauwi siya sa Bohol makalipas ang 30 taon, at naipagawa niya ang tahanan ng kaniyang mga magulang na nawasak ng lindol. Tuluyan nang nakaahon sa kahirapan si nanay Maricel. Sa ngayon ay napagtapos na niya ang kaniyang panganay na anak at may sarili na itong trabaho. Binigyan niya rin ng kabuhayang junk shop ang pangalawa niyang anak. Samantala, nag-aaral pa rin ang natitira niyang dalawang anak. Huminto na sa pagbubuhat ng palay si mister para pamahalaan ang kanilang mini grocery store. Hindi nahihiya si nanay Maricel na ipagsigawang anak siya ng KMBI. Bagamat wala na siyang pangangailangang mangutang, nananatili pa rin siyang miyembro ng programa dahil dito niya nasilayan ang pagbabago ng kaniyang buhay. Payo niya rin, “’wag umasa lang sa puro panghihiram ng salapi; dapat matuto rin tayong tumayo sa sariling kapital. Hindi naman habang buhay dapat ay laging nasa ibaba tayo; dapat ay umaangat din tayo sa buhay.” Nakatinta na sa puso ni nanay Maricel ang pagiging anak niya ng KMBI. Nais niya ring itawid ang pagbabagong ito sa buhay ng iba, sapagkat nakikita niyang mas marami pang nangangailangang maabutan ng tulong. Patuloy siyang umaasang tuloy-tuloy pa rin ang suporta ng programa sa kaniya at sa mga mahihirap na kagaya niya. “Sana di
magsawa sa amin ang KMBI, dahil mananatili ako dito hangga’t ako’y nabubuhay,” may pagmamalaki niyang ibinahagi.
WALANG DAING SA NEGOSYO,
N
TIYAK ANG ASENSO
apapagod ka na ba sa iyong trabaho? Napapagal ka na ba sa iyong mga gawain sa araw-araw na tila ba’y hindi na matapos-tapos? Aminin natin: madalas tayong umaangal kapag tayo’y napapagod. Ngunit naitanong na ba natin sa ating mga sarili kung bakit nga ba tayo dumadaing sa mga bagay na ating ikinabubuhay? Tubong Busay, Cebu City si nanay Elenita Bañog. Dalawa ang puwesto ng kanilang kainan noon sa harap ng isang kilalang Casino. Suki niya ang mga trabahador ng casino, hanggang sa kalauna’y nahinto ang operasyon nito nang maitayo ang isang kalapit na hotel, bagay na higit nilang ikinalugi. Marahil ito raw ay isang senyales para humanap ng bagong pagkakakitaan. Naisipan nilang magtayo ng hardware store dahil malaki aniya ang potensyal na kita mula rito.
“Siguro, [sabi] na rin ng Panginoon na hardware [ang magiging negosyo namin] kasi malaki-laki ang kita at makaka-sustain sa mga anak ko kaya nga naisipan kong mag-business,” pahayag ni nanay Elenita.
Pero may problema: wala silang sapat na kasanayan at kaalaman upang pasukin ang negosyong ito. Pero sabi niya, wala nga namang masama kung susubukan. At sinuong nga nila ang negosyo sa halagang Php 10,000 na pinambili nila ng pako, plywood, buhangin, at semento. “’Yun lang talaga ang start
namin: Php 10,000. Ilan lang naman ang mabibili mo roon. Mahal ang construction materials,” wika niya. Dugtong ni nanay Elenita,
para lamang daw silang naglalaro sa kanilang ginagawa noong una. Walang ibang nagpapatakbo ng negosyo kundi silang mag-asawa lang. Hati sila ng gawain sa kanilang negosyong karinderya at hardware. “’Yung asawa ko, hindi na siya nakakasakay [ng barko]
ELENITA BAÑOG
taon. Dahil sa salaping kaniyang nahiram, dumami pa ang kaniyang mga tinitinda. “Nagpapasalamat din ako sa KMBI na nakatulong sa puhunan. Nakatulong talaga ang KMBI,” wika niya. Nakapagpundar na rin sila ng bagong sasakyan para makatulong sa pagde-deliver nila. Bagama’t wala silang sapat na kaalaman sa negosyong hardware noong una, pagmamahal sa kanilang ginagawa ang ibinigay nila para sa ikauunlad ang kanilang negosyo. “Kailangan talaga mag-
study ka sa business bago ka mag-open. Pero siguro, yung love namin sa business ang binigay namin. Wala kaming rest day, pero sabi ng asawa ko, di bale na lang. Ang mahalaga, nakakapagsimba kami bago kami mag-open ng Sunday,” tugon niya.
Ngunit nang tumuntong na ang anak niya sa kolehiyo, nararamdaman nilang unti-unti nang lumalaki ang kanilang pampinansiyal na pangangailangan. Dahil dito, kinailangan nilang ibenta ang kanilang sasakyan. Pero ni minsa’y hindi sumagi sa isip nilang magreklamo sa mga nangyayari sa kanilang buhay. “Ma-
surrender lang namin sa Panginoon, gagaan na. Wala kaming tigil. Kahit na walang puhunan, sige lang nang sige. Kahit na kaunti lang ang tinda namin, sige pa rin. Hindi kami nagreklamo. Wala.”
Tanaw niya ang malaking tulong na naibigay sa kaniya ng KMBI hindi lamang sa pananalapi, kundi maging sa kaniyang ispiritwal na pamumuhay. “’Yun ang nagustuhan ko sa KMBI, na meron
silang Gospel before mag-meeting. Meron din silang Panginoon, na hindi lang puro negosyo.” Dagdag pa niya, “’wag na lang tayong magreklamo. Mayroon namang araw na mahina, mayroon din namang araw na malakas.” Payo nga niya, unahin lagi ang Panginoon bago ang ibang bagay, sapagkat Siya ang tagabigay ng lahat. “Bago mag-start ng
kasi may sakit na siya. Siya lang ang magpapala, ako muna ‘yung magluluto, pagkatapos siya yung magde-deliver. Siya rin ‘yung magbubuhat kapag mayroong delivery,” wika ni nanay Elenita.
negosyo, kailangan mag-read ka muna ng Gospel dahil ‘yun ang guidance mo eh. Kasi kailangan na unahin mo ang Panginoon,”
Lumago ang kanilang negosyo sa tulong ng kapital na nahiram nila sa KMBI. Aniya, malaking tulong daw ang KMBI dahil nadadagdagan ng Php 2,000 ang kanilang puhunan kada
Isa lamang itong paalala na lahat ay bigay lamang sa atin ng Panginoon, kaya hangga’t maaari’y iwasan natin ang dumaing. At hindi lamang sipag at tiyaga ang tanging rekwisito sa pag-unlad; haluan din natin ito ng pagmamahal at pasensiya.
wika niya.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
19
DIIN AT PAGTULAK NG PAGSUBOK MATERNIDAD SALILI
I
sang katangiang mayroon ang isang spring ay ang pagiging Dito rin siya natutong magkaroon ng lakas ng loob para gampanan resilient o ang kakayahang bumalik sa normal nitong anyo kahit ang kaniyang mga responsibilidad. “Noong nawala ang asawa gaano kadiin ang puwersang bumabanat dito. ko, ako na ang lumalakad sa labas, kung ano ‘yung mga dapat asikasuhin, mga papeles, ganyan,” bahagi ni nanay Maternidad. Na parang si nanay Maternidad Salili ng Mindanao at ang kaniyang hanapbuhay. Nang siya’y ikinasal at nagkaroon ng pamilya, wala Naisipan niyang sumali sa KMBI noong 2009 dala ng na siyang ibang hinangad kundi mapagtibay ang kalidad ng pangangailangan niya ng kapital. Nakahiram siya ng inisyal na kanilang pamumuhay bilang isang pamilya. Taong 1979 noong salaping nagkakahalagang Php 4,000 para ipambili ng mga magbukas ang negosyo nilang mag-asawa sa paggawa ng coil kinakailangang kagamitan. spring na ginagamit sa mga makina at sasakyan. Ngunit pagsapit ng taong 2001 ay dumating ang hindi inaasahan—pumanaw ang Pinagbuti niya ang kaniyang makinarya, tinukoy ang mga kaniyang asawa, at ito ang nagsilbing mabigat na puwersang pamamaraan upang mapagtibay ng kalidad ng mga spring, labis na humatak pababa sa kanilang pagnenegosyo. at nag-umpisang gumawa ng iba’t ibang kulay nito gamit ang tinatawag na protective coating. Lumuluwas pa siya mula sa Lumisan man ng kaniyang asawa, hindi ito sapat para pigilan Mindanao patungong Maynila upang kumuha ng mga de-kalidad si nanay Maternidad sa kaniyang pagsulong. Sinalo niya ang na materyales. naiwang negosyo ni mister dahil ito lang ang paraan upang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Hindi man pinalad na makapagtapos ang kaniyang dalawang “Sabi niya sa akin, ipagpatuloy ko para buhayin ko mga anak ko. anak sa kanilang pag-aaral, natuto naman silang maghanapbuhay. ‘Yun po kaya hanggang ngayon ito ang business ko,” wika niya. “Tinuturuan ko din naman maghatid ng spring, magkoleksyon, Nagsaliksik siya ng iba’t ibang mga pamamaraan upang pag- ganyan. So na-enjoy na rin nila ang paggawa ng spring,” masaya igihan at mas gawing epektibo ang produksyon ng mga spring niyang ibinahagi. na iniwan ng kaniyang asawa. Dahil sa kaniyang negosyo, nakapagbigay siya ng kabuhayan sa Di niya maitatangging mabigat ang kaniyang pinagdaanan noong limang katao, na kinikilala niya na ring parang mga anak. “Parang una, mapanatili lang ang pagtakbo ng negosyo. “Siyempre sa anak na din ang turing ko sa kanila kasi nagsa-suggest ako sa una medyo mahirap kasi medyo di pa tayo marunong sa sukat- kanila. Siyempre ganun din sila sa akin, nagbibigayan kami. Kung sukat. Sa katagalan natuto na din,” inilahad ni nanay Maternidad. ano ‘yung mga problema nila, tinutulungan ko din.”
20
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
At dahil sa kaniyang natatanging pagsisikap, makalipas ang ilang taon ay dumating na ang araw na nagbungsod sa kaniya sa rurok ng tagumpay. Dahil lumakas ang kaniyang kita sa mga de-kalidad na spring na kanilang ipinoprodyus, nakapagpundar na siya ng kalahating milyong assets at kontrata sa iba’t ibang higanteng kompanyang gaya na lamang ng Coca-Cola Philippines. Nais niya ring mag-supply ng kaniyang mga produkto sa iba’t ibang outlet gaya ng Ace Hardware. Sa kaniyang pagbabalik-tanaw, laking pasasalamat niyang nagamit niya nang husto ang kaniyang mga natutunan para ipagpatuloy at palaguin ang negosyong iniwan ng kaniyang mister. Pahayag niya, “Masaya ako kasi nagamit ko ‘yung turo ng husband ko. Natuto ako sa mga sukat na ibinigay niya sa akin, pinag-aralan ko mabuti hanggang ngayon gamit na gamit ko talaga. Kaya proud ako na kahit sino ‘yung makaharap ko na customer marunong na akong magbigay ng mga suhestiyon.” Wala na siyang ibang balak kundi mag-focus sa negosyong ito. “Ang nais ko sa buhay ko na ipagpatuloy ko lang din kung ano ‘yung nasimulan ko. Kasi dito sa hanapbuhay, masarap ang buhay mo lalo na kung sarili mo. Wala kang kahati sa hanapbuhay,” masaya niyang inilahad. Nito lamang 2015 ay kinilala si Nanay Maternidad bilang Regional Awardee for Mindanao sa ginanap na Citi Microentrepreneurship Awards na pinamahalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, City
Foundation, Citibank, at Microfinance Council of the Philippines, Inc. Siya ang pinakaunang Regional Awardee na galing Mindanao. Ang pagkilalang ito ay tanda ng kaniyang pagiging isang masigasig at matagumpay na negosyante. Laking pasasalamat niya’t nakilala niya ang isang microfinance organization na gaya ng KMBI. “Tunay talagang kabalikat ang KMBI kasi doon ako natuto na i-expose ang sarili ko sa mga tao, nakihalubilo ako. Hindi ko nga akalain sa buhay ko na darating ako sa ganito, kaya pasalamat ako sa KMBI,” may galak niyang ibinahagi. Dagdag niya, “Ang nagustuhan ko, unang-una, ay yung mga opisyales na mababait sa mga miyembro nila. At saka di mahirap kausapin. Palagay ang loob mo, kasi maaasahan talaga, mga mababait sa mga miyembro at tutulong talaga.” Payo niya sa kaniyang mga kapwa nanay at negosyante, “Madali lang [ang pagnenegosyo] basta salig lang tayo sa Panginoon at saka sikap lang. Doble sikap lang para din sa ating kinabukasan.” Ang negosyong coil spring ang nagpalipad sa kaniya nang matayog upang maabot ang kaniyang mithiin. Ang diin ng puwersang dulot ng kasawiang kaniyang sinapit noon ang siyang nagtulak sa kaniya sa maayos na katayuan ngayon.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
21
MASAGANANG BUHAY SA BUKO PIE IVY MILLARE
H
indi na bago sa atin ang mga abang panimula, sapagkat dito naman talaga magmamarka ang unang yugto ng ating paglalakbay tungo sa pag-asenso. Ngunit para kay nanay Ivy Millare ng Koronadal, dapat ay may baon din tayong pagpapakumbaba, sigasig, at tibay ng loob sa ating biyahe tungo sa tagumpay. Nagsimula ang kaniyang istorya noong mga panahong wala pa silang trabaho ng kaniyang asawa, at dahil nagtapos siya ng kursong Hotel and Restaurant Management, ninais niyang ilagay sa gamit ang kaniyang kaalaman upang magtayo ng sariling negosyong may kinalaman sa pagkain. Naisipan niyang magprodyus ng buko pie. Para simulan ang negosyo, nanghiram siya sa kaniyang mga kapitbahay ng kapital, at kahit papaano’y nakalikom naman siya ng Php 2,500. At nang maitaguyod ang negosyo, mismong mga kapitbahay niya ang kaniyang naging unang suki, hanggang sa kalauna’y may pailan-ilan na ring galing sa mga opisina. Kaakibat ng kaniyang nagsisimulang negosyo ang pagsasakripisyo; hindi na nila napagtuunan ng sapat na atensyon at oras ang kanilang mga anak, kung kaya’t napilitan silang ipaalaga na lang ang mga ito sa kanilang kapitbahay. Bagamat nakapagtaguyod ng sariling negosyo, hindi pa rin sapat ang kanilang kinikita mula rito. Isa o dalawang kahon lamang ang kanilang nabebenta, at umaabot lamang sa Php 1,000 ang kanilang kinikita kada linggo para pagkasyahin sa negosyo at pangangailangan ng pamilya. Dito siya natutong magbadyet ng kita. Naalala niya noon na mayroong suking nagsabi sa kaniyang,”Di
ko gusto ‘yung buko pie mo. Ayoko nu’ng lasa.”
Tumatak ito sa kaniyang isip. Pero imbis na panghinaan ng loob, hindi niya ito tinignan bilang isang negatibong pahayag. Sa katunayan, ito pa nga ang nag-udyok sa kaniya upang mas mapagbuti ang kaniyang produkto. Dito rin siya natutong makinig sa suhestiyon ng kaniyang mga suki. Dumaan ang ilang mga panahong puno ng pagtitiyaga, at nagawa niyang pag-igihin ang kaniyang binebentang buko pie.
22
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Di nagtagal ay naging patok ito sa kanilang lugar. Dumami rin ang kaniyang mga kliyente, kaya kinailangan niyang palaguin pa ang kaniyang negosyo, hanggang sa puntong napilitan siyang manghiram ng salapi sa ibang tao para lamang mapanatili ang kaniyang produksyon. Natuklasan niya ang KMBI nang inanyayahan siyang sumali ng kaniyang kapitbahay.
“Ang pinakanagustuhan ko sa serbisyo ng KMBI ay ‘yung microinsurance. ‘Pag nanghiram ka ng pera sa ibang tao, wala kang benefits na kagaya no’n. Kaya noong sumali ako sa KMBI, hindi na ako nanghiram pa sa ibang tao,” sabi ni Nanay Ivy. Dahil sa baon niyang sigasig, mas lalo pang sumikat ang kaniyang buko pie. Kung dati’y kapitbahay lang ang kaniyang mga suki, umaabot na ngayon ang kaniyang buko pie sa mga trabahador ng gobyerno at banko. Pinalawak niya ang kaniyang mga produkto sa pagdagdag ng egg pie, durian pie, ube jam, butterscotch, at brownies. Dito rin siya natutong hatiin nang maayos ang kaniyang oras: bukod sa pagiging nanay at negosyante, tinuruan niya ring palaguin ang kakayanan at talento ng iba sa pamamagitan ng training sa tulong ng Department of Trade and Industry. Aniya, ang kaniyang talento ay bigay ng Diyos kaya nararapat lang na ibahagi niya ito sa iba. Kalauna’y nagbunga rin ang kaniyang pagsisikap. Noong 2011, isa si nanay Ivy sa mga ginawaran bilang KEY Awardee ng KMBI. Ang parangal na ito, kasama ang Php 500,000 na pautang mula sa Department of Science and Technology, ang nagpalago nang husto sa kaniyang negosyo. Kamakailan lamang, nagbukas si nanay Ivy ng isang Pasalubong Center at kainan malapit sa mga kilalang gusali sa Koronadal. Tunay ngang malayo tayong dadalhin ng pagtitiyaga at pagsisikap. Haluan lang ang mga ito pinakamabisang sangkap ng pananampalataya, tiyak na ilang yapak lang ang kakailanganin bago tayo makarating sa ating paroroonan.
PAGBANGON MULA SA MGA ABO MYRNA OJEÑAR
M
ayabong ang kanilang negosyo sa kasangkapan sa bahay tatlong taon na ang nakararaan, subalit sa isang iglap ay nilamon ito lahat ng isang galit at mapanuklam na apoy.
Alam ni nanay Myrna Ojeñar ng Naga City na may angking talino at kakayahan sa paglikha ng kahoy na muwebles ang kaniyang asawa. Mula sa paggawa ng pinto hanggang sa kama, dalubhasa ang kaniyang asawa sa mga detalye at masalimuot na paglikha, isang katangiang namana niya mula sa kaniyang ama. Dahil naniniwala siya sa kayang gawin ng kaniyang asawa, ibinenta niya sa merkado ang produkto nito, at hindi kalauna’y namahala at nagmay-ari ng isang maliit na negosyo ng kasangkapang kahoy. Sa pamamagitan ng determinasyon at pagsisikap, nagsimulang mapansin ng mga kapitbahay, kaibigan, at maging mga lokal na inhinyero ang kalidad ng mga nilikha ng kaniyang asawa, na ang karamihan ay gawa sa Lawaan o Narra. Unti-unting nagbunga ang pagsisikap ni nanay Myrna. Nakakabili na sila ng mga kinakailangang kagamitan, pag-upa sa limang tauhan, at ang pagtayo ng isang pagawaan na nilagyan din nila ng tulugan at kusina para sa kanilang mga tauhan. Kampante siyang magiging maayos ang kanilang negosyo. Napag-aral nila ang kanilang mga anak at ikinagalak niya na nakakatulong siya sa mga nangangailangan ng trabaho. Isang araw noong 2005 ay nabigla siya sa isang pangyayari. May usok na lumalabas mula sa kanilang pagawaan. Nalaman niya na isa sa kanilang mga tauhan ay nag-iwan ng buhay na uling matapos magluto ng hapunan. Ang mga pinagkalisan na kahoy ay madaling nadapuan ng apoy kung kaya’t mabilis ang pagkalat ng sunog sa buong gawaan. Maging ang mamahaling kagamitan at proyekto na ginagawa ng kaniyang asawa at mga tauhan ay natupok ng apoy. Naalala niya, “Noong nasunugan po talaga
kami yun talaga yung pinaka grabe kasi hindi namin alam kung paano babangon ulit.”
Noong panahong iyon ay nasa ikapitong siklo na siya ng pautang sa KMBI. Sa insidenteng iyon ay napagtanto niyang may dahilan ang kaniyang pagiging kasapi ng programa – iyon ang panahong halos mawalan siya ng pag-asa, at halos mawala na sa kanila ang
lahat. Naghahanda na ang kaniyang grupo sa Trustbank noon para mag-ulit ng utang. “Mahirap ang panahong iyon para sa
amin kung kaya’t ang dagdag na kapital ay nagbigay sa amin ng pag-asa upang makapagsimulang muli.”Sa maliit na halaga
at mahusay na pamamahala sa negosyo ay unti-unting naiahon ni Myrna ang kanilang kabuhayan. Tatlong taon na ang nakalilipas, at wala ni isang bakas ng hirap o kapighatian na idinulot ng kawalan ng kanilang kabuhayan sa sunog ang makikita sa mukha ni nanay Myrna. Unti-unti ay nakapag-ipon sila upang makabili muli ng mga kagamitan. Nakapagpatayo silang muli ng isa pang pagawaan, subalit ngayon ay hindi na nila nilagyan ng kusina. Kumuha sila ng tatlong tauhan. Kapag dumarami ang tanggap na trabaho ay nagdadagdag sila ng lima hanggang pitong tauhan, maging mga mang-uukit. Ang presyo ng isang upholstered na produktong Narra na may ukit ay nagkakahalaga ng abot Php 12,000. Ang mga lokal na produktong Lawaan ay umaabot hanggang Php 5,000 para sa mga simpleng disenyo. Gumagawa rin ang kaniyang asawa at mga tauhan ng mga builtin na kagamitang kahoy para sa mga hotel at subdibisyon sa Naga City. Pumapasok sila sa mga sub-contract na kasunduan sa tatlong lokal na inhinyero kada taon. Karaniwang nakakakuha sila ng 25% ng kabuuang presyo bilang tubo. Ang ilan sa mga produkto nila ay umaabot hanggang Metro Manila at Boracay. Sa kasalukuyan ay pangulo si Myrna sa isang KMBI ENTREP Center sa Naga City. Ipinapaalala niya sa mga kapwa miyembro na pangalagaan ang kanilang mga negosyo. “Huwag ninyo
hahayaang ito ay bumagsak.”
Sa susunod na taon, nais niyang magkaroon ng mas malaking kapital upang maging tanyag ang Ojeñar Furnitures sa kanilang lugar. Balak niyang umupa ng isang puwesto sa may daang-bayan kung saan mailalagay ang kanilang mga produkto na madaling makikita ng mga bisita. Alam ni nanay Myrna na dahil sa nakita niyang kinabukasan sa sinimulang kabuhayan, hindi kayang matupok ng kahit anong apoy ang kanilang pangarap.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
23
PAGDALOY NG BUSILAK NA HANGARIN
M
alinis ang kaniyang hangarin. Sa kaniyang negosyo, hindi lamang kita ang kaniyang iniisip. Inaalay niya rin ang kaniyang hanapbuhay para mag-ambag sa kaniyang komunidad. Ganito rin kalinis ang negosyo niyang patubig. Isang magandang halimbawa si Nanay Teresita Ursos ng taong mas kinikilala ang responsibilidad sa komunidad kaysa sa sariling kapakanan. Punong tagapamahala ang kaniyang asawa sa kanilang lugar sa San Francisco, Agusan del Sur. Tumutulong si nanay Teresita sa paghahatid ng mga programang makatutulong sa kanilang komunidad, kabilang na ang paglalagay ng mga tubo para padaluyin ang malinis na tubig sa mga kabahayan. Hindi na nangailangan pang sumalok ng tubig ang mga residente mula sa balon. Ngunit kalauna’y bumitiw rin sa puwesto ang kaniyang asawa, pero hindi tumigil si nanay Teresita sa paglilingkod sa kaniyang kapwa. Nakita niyang matindi ang pangangailangan ng mga ito sa malinis na tubig. Sinimulan niya ang sistema ng pagsasala o filtering sa mga tubo ng kabahayan upang mabigyan ang mga tahanan ng malinis at maiinom na tubig. Kinailangan nila ng humigit-kumulang kalahating milyong piso para masimulan ang negosyo. Pero salamat sa tulong ng kaniyang kamag-anak sa Maynila, nagawa nilang makabili ng branded na compressor. Bago ito tuluyang itayo, minabuti nilang kumonsulta muna sa government health workers upang siguruhing ligtas at malinis ang kanilang proseso. Medyo masalimuot ang pinagdaanan nilang proseso. Pero nang malampasan nila ito, tuluyan na nilang nabuksan ang negosyo, kasama ang anak nilang sina Marvin at Glen. Naisipan din nilang mag-prodyus ng bottled water at ipagbili sa mga tindahan sa kanilang lugar. Naging matagumpay ang ideyang ito kung kaya’t mas lalo pang lumakas ang kanilang negosyo. Sa pamamagitan ng group loan ng KMBI, nagamit niya ang kaniyang inisyal na pautang na Php 4,000 upang bumili ng mga plastic container. At sa pamamagitan din ng programang ito, napalawig ni nanay Teresita ang kaniyang mga kakilala at pati na rin ang kaniyang kaalaman sa pagnenegosyo. Ngayon, may lima
24
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
TERESITA URSOS
na siyang mga outlet sa mga karatig-munisipyo. Naghahatid din sila ng mga galon ng tubig sa walo pang mga kalapit na lugar. Nakakapitong siklo na siya ng pagpapautang ngayon, at patuloy niyang ginagamit ang kaniyang hiniram na salapi upang makabili ng mas marami pang plastic containers. Kung dati’y Php 20,000 ang halaga ng kanilang nabebenta bago pa man siya pumasok sa programa, ngayo’y umakyat na ito sa Php 50,000 kada linggo at kumikita naman ng Php 25,000. Tinitiyak niyang maayos ang pinatutunguhan ng kanilang puhunan. 20 porsiyento ng kanilang kita ay napupunta para sa pamilya, 40 porsiyento sa negosyo, at ang natitirang 40 porsiyento para sa ipon. Inuna niyang ipakumpuni ang kanilang water refilling station. Pinalagyan niya ng salamin ang gusali upang makita ng mga bumibili ang proseso ng pagsasala ng tubig habang sinisiguro ang kalinisan sa kanilang lugar. Ngayon naman, nais niyang magpundar ng van para makatulong sa kanilang pagdedeliver araw-araw. Malaki ang ginagampanan ng pamilya Ursos sa pagpapanatili ng kanilang negosyo. Si nanay Teresita ang tagapayo, habang si mister ang nagpoproseso ng mga ligal na dokumento. Ang panganay na anak ang namamahala sa pananalapi, ang gitnang anak sa pangongolekta at paghahatid ng mga tubig, at si bunso ang nagpapanatili ng kaayusan ng mga makinarya sa istasyon. Dalawang beses kada buwan kung suriin nila ang kanilang estadong pampinansiyal at lakas-tao. Kamakailan lamang ay pinasok niya sa trabaho ang kaniyang pamangkin para makatulong sa pangmatrikula nito. Sa ngayo’y may anim na siyang regular na empleyado. At mula 100 bottles per day na produksyon, pumapalo na ito ngayon sa 18,000. Hinihikayat ni nanay Teresita ang ibang mga kababaihan na unahin muna ang ibang tao kaysa sarili sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang negosyo para makapagsilbi sa kapwa. Sinusuportahan niya rin ang iba’t ibang mga aktibidad sa kanilang lugar sa pagiisponsor ng tubig. Malaki ang pasasalamat niya sa Panginoon sapagkat biniyayaan siya ng kakayahan at karangalang magsilbi sa ibang tao. Siya ngang malinis ang hangarin ni nanay Teresita. Sa sobrang linis nga’y maging ang tubig sa kanilang lugar ay luminis din.
NASA PUSO ANG KALIGAYAHAN Lahat tayo ay nagnanais mamuhay nang maayos at asensado. Sino ba naman ang ayaw? Kaya nga tayo nagpupursigi sa ating mga ginagawa, dahil hangad nating umangat ang ating mga buhay. Isang kakaibang uri ng kalakasan ang ipinamalas ni binibining Imelda Alacida ng Surigao del Sur. Hindi siya pinalad na makapagtapos ng pag-aaral dulot ng kasalatan sa pananalapi ng kaniyang pamilya noon. Isang semestre lang ang kaniyang nalasap sa pagtuntong sa kolehiyo bago siya napilitang huminto sa pag-aaral. Ito ang nag-udyok kay nanay Imelda na kumayod sa isang pabrika dito sa Pilipinas. Kontraktwal lamang ang kaniyang mga trabaho noon, at kalauna’y lumipat siya sa Cebu sa pagbabakasakaling may magandang oportunidad na naghihintay sa kaniya roon. Makalipas ang ilang taon, sa kagustuhang mas lumuwag ang buhay ay lumipad siya patungong Taiwan para doon makipagsapalaran. Wala siyang pamilyang kailangang buhayin, at nananatili siyang isang dalaga. 47 taong gulang na si binibining Imelda. “Wala na. Sobrang tanda ko na kaya para maghanap pa ng asawa,” pabiro niyang sinabi. Pero sa kabila nito, hindi siya natitinag sa kawalan ng kasangga sa buhay. Alam niyang nariyan ang kaniyang ama at mga kapatid, at sapat na ang mga ito para kay binibining Imelda. Makalipas ang ilang panahon ay bumalik siya rito sa Pilipinas. Pero sa diinaasahang pagkakataon, pumanaw ang kanilang nanay dala ng isang malubhang sakit. Iniwan nito ang kanilang puwesto sa isang pampublikong palengke sa kanilang probinsya. Sinalo ito ni binibining Imelda. Pinagpatuloy niya ang naiwang negosyo ng kanilang ina. At dahil wala naman siyang pamilyang bubuhayin bukod sa kaniyang ama, ibinahagi ni binibining Imelda na hindi naman ito masyadong nakabibigat sa kaniya. At para mabantayan ang kanilang ama, dinadala niya ito sa palengke. Alas-5 pa lang
IMELDA ALACIDA
ng umaga ay babangon na sila para pumunta sa kanilang puwesto sa palengke; ihahanda ni binibining Imelda ang mga panindang gulay at yelo, habang doon na magpapahinga ang kaniyang ama. 93 taong gulang na ito, kaya hindi ito maaaring mawalan ng bantay. Alas-9 ng gabi naman sila umuuwi ng bahay, at agad na silang matutulog para sa susunod na araw. Nakasanayan na nilang ganoon ang kanilang rutina araw-araw. Sumali siya sa KMBI noong 2010 para makadagdag sa kaniyang puhunan. At hindi lang iyan: naakit din siya sa programang microinsurance. Di naglaon ay unti-unti ring lumago ang kaniyang negosyo, at mayroon na rin siyang mini grocery store sa kaniyang puwesto. Binahagi rin ni binibining Imelda na enjoy naman siya sa kaniyang buhay-dalaga kahit papaano, dahil wala naman siyang malaking problemang kinakaharap ngayon. Siguro, dahil na rin sa kaniyang taglay na tiwala sa sarili at pananalig sa Panginoon ay hindi siya nakararanas ng pagkabigo. Payo niya sa mga nagnanais din magsimula sa kanilang negosyo,
“Kung magsisimula ka, dahan-dahan lang. Wag biglaan, kasi pag bigla, kaunti lang ang mauutang mo, di ba? Dahan-dahan lang hanggang marating mo rin ‘yung gusto mo.” Dagdag niya, para naman sa mga negosyanteng kagaya niya, kailangan lang magtipid at mag-isip sa kung ano ang balak gawin. “Di lang basta-basta mangutang nang malaki kung di naman pala kayang magbayad.”
Simple lang ang pangarap ni nanay Imelda, at iyon ay ang makapamuhay nang simple at walang masyadong problema. Wala na siguro siyang hihilingin pa, sapagkat nasa kaniya na ang isang bagay na ninanais makamtan ng karamihan sa atin: ang diwa ng pagkakuntento.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
25
ANG ANI NG BUKAL NA KALOOBAN “Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.” Siguro’y pamilyar na tayo sa salawikaing ito. Pero ang tanong, naisasapuso ba natin ito? Ano kaya kung huminto muna tayo sa ating pinagkakaabalahan at itanong ang simpleng katanungang ito sa ating mga sarili: ano ba ang tinatanim ko? Kung si nanay Eldy Tutor ng Sarangani siguro ang ating tatanungin, marahil ang pinakamadali niyang sagot ay ang kaniyang kabutihang-loob at malasakit sa kapwa. Dati siyang nagaangkat at nagbebenta ng isda sa kanilang lugar. Umaasa lamang sila noon sa mga lamang-dagat para mabuhay. Pero sadyang mahirap hulaan ang takbo ng tadhana. Sa kalauna’y humina ang kita mula sa pangingisda, bagay na nagtulak kay nanay Eldy na maghanap ng bagong kabuhayan. Noo’y mais pa ang tanyag na pananim sa kanilang lugar, ngunit napag-alaman niyang may malaking potensyal na nakatago sa pagtatanim ng luya dahil mataas ang demand nito sa kanilang lugar. Sa una’y hindi pa siya nagbabakasakaling magkumpra o mag-angkat nang maramihan buhat na rin ng kakapusan niya sa kapital. “Dati bumibili lang ako ng kaunti, tapos itatanim,” wika niya. Kasama niya ang kaniyang asawa sa pagtatanim ng luya sa isang hektaryang lupa dalawang taon na ang nakalilipas. Aniya, sinusubukan lamang daw niya kung maayos ang balik sa pagnenegosyo ng luya. Mabuti na lamang at may nagmagandang-loob na pahiramin siya ng dalawang sako ng luya upang simulan ang kaniyang pag-angkat. Mas lalong naging maaliwalas ang kaniyang direksyon nang sumali siya sa KMBI. “Wala akong kapital. ‘Yung nagsali ako ng
KMBI, sa microloan nila, ‘yun nakatulong din naman.”
Ngayon, di hamak na kakatiting lang ang walong toneladang suplay ng luya. Walo hanggang sampung piso ang kinikita niya bawat kilo. Kung pag-uusapan ang kada tonelada, pumapatak mula Php 40,000 hangang Php 80,000 ang kaniyang kinikita— pinakamahina na iyon, kasi, kada buwan ay may naibabagsak siyang 60 toneladang sako na nagkakahalaga ng nakakalulang Php 6,000,000. Kumikita naman siya ng humigit-kumulang Php 600,000 kada buwan. Sa laki ng kaniyang kita, bumabalik ang pitumpung porsiyento sa kaniyang negosyo sa layuning matulungan ang mga magsasaka,
26
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
ELDY TUTOR
habang iipunin niya ang dalawampung porsiyento, at ang natitirang sampung porsiyento ay ilalaan sa pangangailangan sa bahay. Bigay-todo rin si nanay Eldy sa kaniyang suporta sa mga magsasaka sa pagpapahiram niya ng mga pataba. Nais niyang ibsan ang pasakit ng mga magsasaka. Sa ngayon, may natulungan na siyang higit sa 200 magsasaka ng luya na silang nagbebenta ng kanilang ani kay nanay Eldy. Umaabot na rin sa daanlibo hanggang milyon ang kinikita ng mga mga magsasaka kada ani. Dahil sa negosyong ito, marami nang naipundar si nanay Eldy.
“Nakapag-extend ako, kagaya ng sa bahay. Hindi lang maganda pero nagagamit namin siya kasi bodega, para hindi naiinitan ‘yung mga luya.” At hindi lamang iyan; nakabili na rin siya ng
karagdagang kagamitan sa bahay, lupa, at maging sasakyan.
Kabilang na rin ang Davao City sa mga lugar na pinagbabagsakan niya ng suplay ng luya, at nag-aangkat din siya ng mga prutas mula sa Davao upang ibenta naman sa kaniyang pook. Payo niya sa mga kapwa miyembro ng KMBI, dapat ay may tamang pag-uugali ang bawat isa, lalong-lalo na pagdating sa mga utang. Aniya, huwag manlamang ng kapwa. Kung ang mga katangiang ito ang nagdala kay nanay Eldy sa kaginhawaan, ang paghuwad sa mga ito ang siyang magiging susi para makamit nila ang kanilang minimithi. “Ang sikreto ko? ‘Yung ugali ko. Tapos
‘yung pag-aalaga ko sa mga tao.”
Nakatatak na ang KMBI sa puso’t isip ni nanay Eldy. “Hindi ako
aalis ng KMBI dahil binigyan kami ng pagkakataong mapaayos ang buhay namin, at para mapasa din ang asenso sa buhay ng iba,” giit niya.
Siya nga, bukod sa luya, nagtanim din si nanay Eldy ng dalisay at busilak na hangaring nakaugat sa kaniyang puso. Lagi lang nating isaisip na kayang siyasatin ng Diyos ang laman ng puso natin, at nakikita Niya rin kung ano ang mga tinatanim at dinidiligan natin. Ikaw, ano ang itinatanim mo?
PAGKAYOD PARA SA MAGANDANG BUKAS
A
ng lahat sa atin ay nangangailangan ng kaagapay sa buhay. Pamilyar na marahil ang karamihan sa atin sa linya ng kantang ito: “Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang.” Lalong-lalo na siguro kung kasama natin ang mga taong ito sa biyahe tungo sa tagumpay. Kasama natin silang nasilayan ang maaaliwalas na mga araw, at kasama ring naghanap ng masisilungan sa gitna ng mga unos. Sila rin ang nandiyan para bigyan ng kulay at direksyon ang ating buhay sa mga oras na nararamdaman nating unti-unting naglalaho ang mga ito. Tiniis ni nanay Asuncion Asis ng Labo, Camarines Norte ang mga panahong tila nababalot ang lahat sa kulay itim at puti. Ginapang niya ang mga oras na yaon nang walang nakikitang kalinawan sa hinaharap niya at ng kaniyang pamilya. Halos tuwing sisikat ang haring araw ay di mawala sa kaniyang isip kung paano sila aahon at makakalampas sa kanilang araw-araw na suliranin. Hindi siya maaaring bumitiw, sapagkat walang ibang inaasahan ang kanilang mga anak kundi silang mag-asawa. Maybahay lamang siya noong mga panahong iyon, at ninanais niyang makatulong sa kaniyang asawa upang maitaguyod ang pangagailangan ng kanilang pamilya. Una na rito ang pagkain nila sa araw-araw at ang pagpapaaral ng kanilang mga anak, dahil bilang magulang ay nais nilang mapagtapos ang mga ito sa kanilang pag-aaral. Kasama na rin dito ang pag-aalala nila sa kalusugan ng bawat isa sa pamilya. Ang lahat ng ito’y dapat nilang paghandaan. Kung kaya’t naisipan nilang simulan ang pagbibigay remedyo sa mga alalahaning ito sa pagtatayo ng simpleng tindahan. Di maitatangging sa una’y walang kasiguraduhan ang kanilang mga desisyon, ngunit nagawa nilang maging maayos ang daloy ng una nilang negosyo. At gaya ng ibang panimula, mayroon din itong mga hamong kakaharapin. “Maayos naman
ang negosyo, ngunit hindi maiwasan ang magkaproblema, lalo na sa dagdag puhunan,” sabi niya. Dahil sa kaniyang pampinansyal na suliranin, naakit siyang sumali sa KMBI upang madagdagan ang kanyang puhunan. Sa una’y pandagdag lamang talaga sa kanilang kapital ang kaniyang layunin sa pagsali rito, ngunit laking gulat ni nanay Asuncion nang matuklasan niyang may iba pa palang serbisyong nakahain para sa kaniya, gaya na lamang ng mga pagsasanay sa pamumuno, tips sa pagnenegosyo, at higit sa lahat, ang pagpapatibay ng pananalig niya sa Diyos. Ang lahat ng ito’y kaniyang naranasan
ASUNCION ASIS
sa kaniyang pagdalo sa lingguhang center meetings. Sa tulong ng mga ito, nagawa niyang palaguin ang kaniyang negosyo. At dahil likas na sa kanilang lugar ang mga puno ng niyog, hindi naging problema kay nanay Asuncion ang pag-angkat at pagbili ng mga ito. Pagkatapos ay nagsimula na siyang magtayo ng tindahan ng mga suplay pang-agrikultura, gaya ng pagkain ng manok at baboy. Naging tuloy-tuloy ang kanilang pamimili ng niyog, ngunit sa kasamang palad ay nalugi naman ang kanilang agri-supply. Gayunpaman, patuloy pa rin ang pag-angkat niya ng copra at niyog. Marami pa silang mga pinagdaanan sa kanilang pagsisimula, pero laking pasasalamat ni nanay Asuncion dahil hindi siya pinabayaan ng Panginoon at nalampasan nila ang mga ito. Pinagpapasalamat niyang kailanma’y hindi sila nahirapang makabangon sa kanilang mga kinaharap na pagsubok sa kabila ng mga katunggaling bihasa na sa pagnenegosyo at marami pang iba. Dagdag pa niya, “hindi kami nahirapang makabangon
dahil na rin sa mga diskarteng tinuro sa amin ng KMBI. Sa tamang pakikisama lang pala, natuto sila (mga kliyente) na magtiwala sa amin at ganoon din kami sa kanila, tulad ng nakuha naming aral sa KMBI.” Aniya, marami pang mga aral ang kumintal sa kaniyang puso na nagtulak sa kaniyang ipagpatuloy ang nasimulan. Dahil sa kaniyang negosyo, marami sa kanilang kabaranggay ang natulungan niya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng trabaho. Bukod sa pagnenegosyo ng copra at niyog, may pagmamay-ari pa siyang babuyan sa likod ng kanilang tahanan na nakatulong upang makabili sila ng anim na trak na nagkakahalaga ng kulangkulang limang milyong piso. Napagtapos na rin nila ang kanilang mga anak na pawang mga propesyunal at kapwa may mga trabaho na. Pagkatapos ng lahat ng mga ito, patuloy pa rin siya sa kaniyang pagsali sa KMBI buhat na rin sa patuloy na pagtulong sa kaniya nito. At bilang isang program member, masugid niyang sinusuportahan ang programa at tinutulungan ang mga kapwa niya miyembro. Sa katunaya’y magsasampung taon na siya sa KMBI. Tunay ngang matamis nating malalasap ang tagumpay, lalo na kung kabalikat natin ang mga taong umagapay at sumama sa ating maglakad tungo sa nais nating patunguhan.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
27
DETERMINASYONG KASINTIBAY NG BAKAL
K
agaya ng lahat ng bagay, ang negosyo ay dumaraan din sa panimula. Ayon nga sa isang kasabihan, “the first step is always the hardest.” Maaaring tama ito sa karamihan sa atin, pero sabi nga rin ng isa pang salawikain, “ang mahabang paglalakbay ay nagsisimula sa isang hakbang.” Simple lang ang pamumuhay noon ni nanay Rosita Alamer ng Naga City. Nagsimula lang siya sa kaniyang panindang almusal sa harap ng kanilang bahay. Mula pansit hanggang champorado, sa pagtitinda ng pagkain lang umikot ang kanilang negosyo. Namamasukan noon bilang welder ang kaniyang asawa sa Maynila. Limang taon ang nakalipas nang maisipang bumalik ng kaniyang asawa sa Naga para doon magtrabaho. Kilala ang pamilya ni mister sa pagiging bihasa sa iron works. Naisipan nilang mag-asawang magpundar din ng sariling pagkakakitaan, at dahil may kaalaman naman ang kaniyang asawa pagdating sa ironworks, ito ang negosyong kanilang napagdesisyunan. Gamit ang kapital na naipon nila mula sa kaniyang tindahan, nagsimula silang bumili ng mga kagamitan para buksan ang negosyo noong 2010. Iyon nga lang, nangailangan pa rin sila ng karagdagang PhP 60,000. “Nagkautang-utang na kami,” bahagi ni nanay Rosita. Bagaman nakapagsimula na ng negosyo, tila ba’y wala itong pinatutunguhan, dahil nagpapaikot-ikot ang kanilang kita sa mga bayarin. Di rin gaanong kalakasan ang kanilang ironworks shop noon. Naaalala pa niya, alas-4 ng umaga pa lang ay babangon na silang mag-asawa para maghanapbuhay. Maghahanda na ng panindang almusal si nanay Rosita sa tapat ng bahay, habang magtutungo na si mister sa kanilang ironworks shop. Sa kabila ng kanilang pagsisikap, tuluyan na silang nabaon sa mga utang. Lalo itong nadagdagan nang tumuntong sa kolehiyo ang kaniyang anak. Di rin sapat ang sahod ng kaniyang asawa bilang barangay kagawad noon. Aminado si nanay Rosita na untiunti siyang nawawalan ng gana para ipagpatuloy ang kanilang pamumuhay. Pero hindi niya hinayaang magpatalo sa kaisipang ito. Wika niya, “bumangon ka lang nang bumangon, dahil walang
ibang tutulong sa iyo kung hindi ang iyong sarili.”
28
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
ROSITA ALAMER
Noong 2014 ay inanyayaan siya sa KMBI ng isang Program Officer. Agad naman siyang sumali, at ginamit niya ang kaniyang nahihiram na salapi para sa kanyang negosyo. Wika niya, malaking tulong ang programa upang siya’y makabangon. Binahagi niya rin na hindi lamang dagdag-kapital ang naitawid sa kaniya ng programa, kundi pati na rin ang mga mahahalagang aral sa Bibliya at ang esensya ng pakikipagkapwa-tao. Kaakibat ng kaniyang pagsali sa programa ang paglakas ng kanilang negosyo. Nakapagdagdag na siya ng ilang mga ulam sa kaniyang kainan, habang nagsisimula na rin ang dagsa ng mga customer sa kanilang ironworks shop para magpagawa ng padyak, grill, at iba pang mga kasangkapang ginagamit sa mga padyak o pedicab. Laking pasasalamat niya sa Panginoon sapagkat hindi siya hinayaang bumitiw sa kaniyang negosyo. Alam niya noong mga panahong iyon na hindi sila dapat sumuko dahil nagsisimula pa lamang sila. At sa mga kagipitang kaniyang dinanas noon, Diyos lamang ang tanging pinanghuhugutan niya ng lakas ng loob. Pangarap noon ni nanay Rosita na ipakumpuni ang kanilang tahanan at dagdagan ito ng palapag. Nang sumali siya sa KMBI, hindi na ito nananatiling pangarap lamang. Ginagamit niya ang salaping kaniyang hinihiram para mapalakas ang kanilang negosyo upang makaipon at maipagawa ang kanilang bahay. Aniya, hindi pa rin niya binibitawan ang programa. Naging tulay ang KMBI upang makabangon si nanay Rosita mula sa kagipitan. Sa ngayon, dalawa pa din siyang pinag-aaral sa mga kapwa nanay noon, “Kapag uutang
ang nag-aaral niyang anak. Mayroon na tatlong pamangkin. Payo niya na lugmok sa utang kagaya niya
ka, reputasyon mo ang nakasalalay diyan. Ang pinakamalaking puhunan mo ay ang sarili mo. Iisa lang ang pangalan mo; alagaan mo iyan.” Nagawang lampasan ni nanay Rosita ang mga kasawian na dumaang parang bagyo sa kaniyang buhay, at alam niyang ang simula ang pinakamahirap. Ngunit sa bawat pagbangon nasusubok ang katatagan ng isang tao.
MAGINHAWANG BUHAY MULA SA YARING-KAMAY
JOSEPHINE GARCIA
M
asasabi rin nating gawang-kamay ang maayos na buhay na ngayo’y tinatamasa ni nanay Josephine Garcia ng Lulumboy, Bocaue, Bulacan. Paano ba naman, di maitatangging kakatwa ang kaniyang negosyo. Maipagmamalaki ni nanay Josephine ang kaniyang mga produktong yaring-kamay. Dating guro si nanay Josephine, pero minabuti niyang talikuran ang pagtuturo para ituon ang buong atensyon sa kaniyang mga supling. “Bago dito sa business na ito, kasi dati akong teacher;
ngayon nag-resign ako para sa mga anak ko.”
Sa ama nila nagmula ang paggawa ng handicraft. Noong 1975 pa naipundar ang negosyong ito. Iba-iba na ang negosyong pinasok ng kanilang ama, at bawat negosyo ay lagi aniyang ginagaya ng iba. “Ayaw po ng tatay ko na ito’y magaya; marami po siyang
hanapbuhay na nahawakan, na ‘pag nahawakan niya na, meron nang gagaya. Nakakapagod na kasi,” sabi niya.
Dahil sa negosyong ito ay nakapagtapos siya at apat pa niyang mga kapatid sa pag-aaral. Dagdag niya, hindi lamang silang magkakapatid ang napagtapos ng pag-aaral. “May mga
pamangkin din pong nakatapos dahil din po diyan sa hanapbuhay na iyan,” bahagi ni nanay Josephine.
Pero yumao rin kalaunan ang kanilang ama, at ang negosyong ito ang tanging naiwan niya sa kanilang magkakapatid. “Kami na lang ang nagpatuloy para ito’y maging mayabong pa.” Pero nang sila na ang humawak ng negosyo, aminado siyang hirap sila noong una. Ayaw raw kunin ang mga ito sa merkado.
“Kasi parang ang isip nila, mura lang ‘yan, kaya lahat po ng ginagawa namin ngayon, by order na lang.” Kasama ni nanay Josephine ang kaniyang pamilya sa paggawa ng mga handicraft. Karaniwang gawa ang mga ito sa tingting, napkin, mumunting mga kurdon, kartolina, papel, foam, at budbod ng maliliit na bato. Mayroon din siyang tagagawa sa labas, dahil aminado siyang hindi niya makakayang gawin ang lahat ng mga ito nang mag-isa.
pababayaan ang negosyo. “Mas maiging mayroong negosyo dahil wala kang amo, at ikaw ang nagbibigay ng trabaho,” wika niya. Gayunpaman, di talaga mawawala ang kagipitan sa isang negosyo, lalong-lalo na sa puhunan, pero kailangang maging matalino at magkaroon ng diskarte upang mabigyang-solusyon ang anumang suliranin. “Siyempre, gagawa ka ng paraan, so hahanap ka ng partner,” sabi ni nanay Josephine. At nakahanap nga si nanay Josephine ng katuwang sa puhunan— ang KMBI. Sa kasalukuya’y magdadalawang taon na si nanay Josephine sa kaniyang pagiging miyembro ng programa. Inilahad niya ang ilang mga bagay na nagustuhan niya sa KMBI. “Ang
nagustuhan ko sa kanila, ‘yung may savings ka na, may insurance ka pa. Tapos mayroon ka pang pera na mapapaikot mo, kahit maliit lang siya, mailalagay mo sa business. Panagip-buhay kung baga,” wika niya. Nang tanungin kung siya’y asensado na sa buhay, mapagkumbaba niyang tinugon ang tanong. “Hindi naman, ‘yung normal lang ba,’ yung normal na simpleng tao.” Para kasi kay nanay Josephine, ang kahulugan ng pagiging asensado ay hindi nasusukat sa kayamanan lamang. “Para sa akin, ang pag-asenso siguro ay
‘yung pag nakatapos na ‘yung mga anak mo, parang stable na sila, tapos mayroon kang kaunting pinagkakakitaan.” Hindi na
siya sumusubok na abutin ang magarang buhay, dahil kuntento na siya sa kung ano ang mayroon siya sa kasalukuyan. Ang pangarap ni nanay Josephine ay walang kinalaman sa kaniyang sarili o sa kanilang mag-asawa. “Ang pangarap ko? Para lang sa mga apo
ko, na sana matulungan ko pa para makapag-aral sila, at sa mga anak ko, para matulungan ko pa rin.” Isang matibay na salitang makakapaglarawan kay nanay Josephine ay ang pagiging kontento. Alam niya marahil na ang ginhawang kanilang nalalasap ngayon ay pinaghirapan ng sarili nilang mga kamay. Hindi na siya naghahangad ng iba pang mga bagay, sapagkat sapat na sa kaniya na nariyan ang kaniyang mga kapatid, asawa, mga anak, mga apo, at higit sa lahat, ang Diyos.
Isang gintong aral na kaniyang natutunan mula sa kaniyang ama ay ang pagiging maalaga sa negosyo. Aniya, huwag na huwag Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
29
WINNER KA SA NEGOSYONG BANAN
M
araming nagtuturing na parang halaman ang kanilang negosyo. Malalanta ito kapag hindi mo pinagtuunan ng tamang atensyon. Pero sa negosyong kagaya ng kay nanay Rutchil Alonzo ng Sto. Tomas, Davao del Norte, nangangailangan din ang pagnenegosyo ng puso.
Dati’y pagmamay-ari ng mga magulang ni mister ang 4.7 hektaryang sakahan ng saging. Pero nang pumanaw ang mga ito, naiwan sa kanilang mag-asawa ang lupain. “Sa mga
magulang talaga iyan ng husband ko. Tapos, noong wala na sila, bale mana namin iyon,” wika ni nanay Rutchil. Maliban dito, mataas ang demand sa saging kung kaya’t mas malaki rin ang kita sa negosyong ito sa kanilang lugar. “Pinasok namin ang
pagnenegosyo para makatulong sa aming pamumuhay, at para sa kinabukasan ng aming mga anak.” Kaya nila binuksan ang Jo and Che farm noong 2009.
Aminado siya noong una na pahirapan pa ang pagbili ng mga puno at pataba noon para sa kanilang sakahan dulot ng pampinansyal na pangangailangan. Kung kaya’t noong mga unang taon din ng kanilang pagnenegosyo, umaasa sila noon sa mga usurero para makahiram ng pera. Pero naging hadlang ito para kumita sila nang malaki kung kaya’t di makausad ang kanilang negosyo. Tumigil siya sa panghihiram sa mga usurero noong may nag-alok sa kaniyang sumali sa KMBI. “May nagsabi
30
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
sa akin na pwede akong sumali doon sa KMBI para magkaroon ako ng kapital,” bahagi ni nanay Rutchil.
Nagsimula siya sa inisyal na pautang na Php 4,000 noong 2011. Inuna niyang gamitin ang kapital na ito sa sakahan, gaya na lamang ng mga puno at medisina. Giit pa ni nanay Rutchil, hindi lamang pampinansyal na pangangailangan ang natutugunan ng kaniyang pagiging miyembro ng KMBI, kundi maging ang kaniyang pakikipagkapwa-tao. “Di ako masyadong naglalalabas
ng bahay [noon], tapos wala akong masyadong kaibigan, pero noong sumali ako sa KMBI, marami na akong nakilalang mga kaibigan. Isa lang yan sa mga naitulong sa akin… Maliban doon, ‘yung pamumuhay. Mas madali kaming makakabili ng kung ano ang gugustuhin naming bilhin,” masaya niyang inilahad. Sa kaniyang taglay na sipag, tiyaga at tamang pag-invest, nagdire-diretso ang takbo ng kaniyang negosyo. Kung dati’y 4.7 hektarya lamang ng lupa ang kanilang pagmamay-ari, napalawak niya na ito sa 16 hektarya. Maraming bansa na rin ang kaniyang napagbabagsakan ng kanilang mga produkto, kabilang na ang China, Japan, at Korea. Giit ni nanay Rutchil, malaki ang naitulong sa kaniya ng KMBI para umunlad ang kanilang buhay. “Malaki, gaya ng dati wala pa
kaming bahay, nakatira lang kami doon sa bahay ng magulang ng
NA!
RUTHCIL ALONZO asawa ko, tapos simula gumagawa lang kami ng maliit na bahay. Iba na ngayon. Nakatira na kami sa isang maayos na [tirahan],” wika niya.
Bukod pa sa pag-aayos ng kanilang tahanan, ibinungad niya rin ang nakamit ng kaniyang mga anak sa kanilang pag-aaral. Mula sa taniman ng saging, nadagdagan na ang kanilang negosyo ng babuyan, motor parts, punongkahoy ng goma, at puno ng durian, mangga, at lansones. Gayunpaman, hindi naniniwala si nanay Rutchil na madali lang magpatakbo ng isang negosyo. “Ang pagnenegosyo ay hindi
madali. Mahirap siya kasi marami kang inaasikaso. Ngayon, mahirap naman kapag mag-stop ka. Di naman ‘yon pwede, [kasi] may malaki kang puhunan doon. Kailangan talagang magpursigi para umunlad para sa mga anak namin,” sabi niya. Sa kabila nito,
isang sikreto kung bakit ganoon na lamang naging matagumpay ang kaniyang negosyo ay ang matagag na relasyon nila ng kaniyang asawa. Ang center house na kinabibilangan ngayon ni nanay Rutchil ay malapit lamang sa kanilang tahanan. Ito ang nagsisilbing paalala sa kaniya sa kung paano lumago ang kaniyang negosyo at kung paano rin naging bahagi ang KMBI sa ginhawa ng kanilang buhay. Upang bigyan ng pag-asa ang mga kapwa niyang negosyante,
parati niyang sinasabi sa kanilang ilagak sa kanilang mga puso ang kahalagahan ng sipag, sikap, at tiyaga. Ayon sa kaniya, mahalagang huwag kalimutan ang pananampalataya kapag nagnenegosyo. “Unang una, dapat talagang manalig sa Diyos,
para Siya talaga ang tumutulong sa atin. Tapos kailangan nating magsikap, magtiyaga para umunlad ang negosyo natin.”
Sa kaniyang pagtatanim ng saging, tunay na malaki ang naibalik nito sa kaniya, dahil ang pinakamahalagang sangkap na kaniyang itinanim ay ang kaniyang puso, at pananalig ang nagsilbing pataba para sa maunlad na buhay na kaniyang tinatamasa ngayon.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
31
BUKAS-PALAD
ELIZABETH FLORIDO
B
akit nga ba tayo naghahangad na yumaman? Para ba ito sa ating pamilya? Mga anak? O para sa sarili lamang? Marahil iba-iba ang motibasyong nagtutulak sa ating magpursigi. At mas mainam siguro kung gagamitin natin ang ating kaunlaran para maging biyaya sa ating kapwa, gaya ng ipinamalas ni nanay Elizabeth Florido ng Kabacan, Cotabato.
Kung may isang salitang angkop sa estado ng pamumuhay nila noon, iyon ay ang salitang mahirap. Dati’y tindera lang siya sa palengke, paminsa’y naglalako ng balot. Sa hirap ng buhay ay dalawang beses lang silang nakakapagsaing sa loob ng isang araw. Sa pagnanais niyang tuldukan ang kanilang buhay-mahirap, naisipan niyang sumali sa KMBI, pero kumontra si mister. “Ayaw niya, kasi ayaw niya ng utang.” Pero nagpumilit pa rin siyang sumubok. Noong sumali siya sa KMBI taong 2008, aminado siyang iyon ang kauna-unahang pagkakataong nakahawak siya ng halagang Php 4,000. Malaking halaga na sa kaniya iyon.
“Sa hirap ng buhay, hindi ako nawalan ng pag-asa para sa mga anak ko. Kailangan itong pera, mapalago naming mag-asawa.”
Pinili niyang maghanapbuhay dahil gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga supling. “Ayaw ko
ding maghirap sila ng gaya ng sa akin. Gusto kong masagana ang buhay nila. Gusto kong kaya nilang buhayin ang magiging pamilya nila.”
Naisip nilang magtayo ng food cart dahil bihira lang ang ganitong negosyo sa kanilang lugar. Napakalaki ng naitulong ng KMBI para mapalago ang negosyo. Aniya, dahil sa nahiram na salapi ay hindi naging mahirap ang kanilang panimula sa negosyo. “Madali lang,
kasi ‘yung galing na pera sa KMBI, maipupundar mo, mailalagay mo lahat sa negosyo. Hindi siya mahirap dahil lumaki ‘yung negosyo namin. ‘Yung natanggap namin na Php 4,000, lumago.” Nakaistasyon ang kanilang food cart malapit sa eskwelahan, kaya patok na patok ang kaniyang mga paninda. Bukod sa masarap na sauce at mga rekadong swak sa panlasa, isang sikreto ni nanay Elizabeth ay ang pagtrato niya sa mga suki. “’Yung paggalang mo
sa customer. ‘Yung i-treat mo sila nang may galang, ‘yung masaya kasi ‘yun talaga ang una, ‘yung pansinin mo sila,” wika niya. 32
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Labinlima ang kaniyang mga tauhan ngayon kabilang ang kaniyang mga anak. Nais niyang makatulong sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho. “Gusto ko ring makatulong sa kanila,
kahit kaunting sahod, at least maibigay ko sa kanila yung kaunting tulong na makasahod sila nang ganito.” Dagdag niya, “Mahirap lang kami noon. Ayaw kong maghirap din sila ng gaya ng naranasan ko noon.” Dahil sa KMBI, ang dating Php 4,000 na itinuturing niyang malaking halaga, sa loob lamang ng ilang buwan ay Php 5,000 na ang kaniyang kinikita kada araw mula sa kaniyang tatlong food cart. Plano niyang magdagdag ng tatlo pa. Ginamit niya nang maayos ang nakuha niyang kapital sa KMBI. Payo niya sa mga nagbabalak pumasok sa pagnenegosyo, “Manalig lang
sa Panginoon. Di kami mawawalan ng pag-asa kahit may mga pagsubok. Hindi mo malalaman ang hirap ng buhay kung hindi ka kakayod. Kayod talaga para masagana ang buhay at makatulong sa kapwa.”
Mula sa hirap, masasabi ni nanay Elizabeth na asensado na siya ngayon. Nakatapos ng kolehiyo at board passer ang kaniyang anak. “Malaki ang role ng KMBI sa akin. Kung hindi dahil sa KMBI,
wala sana ako ngayon. Kasi, sa KMBI, hindi lang pera ang pinaguusapan, kundi ‘yung pag-uugali ng bawat isang member, paano makipaghalubilo…na-develop ‘yung sarili ko,” ibinahagi ni nanay Elizabeth.
Sa maayos na estado ng pamumuhay na si nanay Elizabeth, di siya nakakalimot na magbalik-tanaw at pasalamatan ang KMBI sa pagpasok sa kaniyang buhay. Kung paano ito nakatulong na simulan at palaguin ang kaniyang negosyo, bilang gantimpala’y ginagamit niya ang kaniyang kaunlaran para magsilbing biyaya sa ibang tao. Alam niya kung paano maging mahirap dahil dito siya nanggaling. Nais niyang iabot ang kaniyang kamay para tulungang hilahin ang kaniyang kapwa mula sa kahirapan.
PANANDALIANG TAHANAN
Mabusisi sa paggunting si nanay Edisa Loquias ng Koronadal City. Para sa kaniya, lahat ng bahagi ng damit ay kailangang magamit. Paraan niya ito ng pagtitipid; sampung piso ang isang t-shirt at kung matawaran niya ay naibibigay pa ito ng limang piso. Malaking bagay na iyon para sa kaniyang negosyong paggawa ng rug o alpombra. Naibebenta niya ang mga rug ng 3 piraso sa sandaang piso, at para sa mga made-to-order na rug, naibebenta niya simula Php 50. Kaya niyang gumawa ng hanggang siyam na piraso, at kumikita ng mula Php 200 hanggang Php 300 sa loob ng isang araw. Malaki na iyon kung tutuusin dahil ang kaniyang electronics shop ay kumikita naman ng mula Php 350 hanggang Php 400 sa isang araw. Nagkukumpuni ang kaniyang asawang si tatay Demosthenes ng mga telebisyon at iba pang mga kagamitan, na dinadala sa kanilang shop mula pa sa iba’t ibang lugar tulad ng Cotabato City. Noong 1988, matapos silang ikasal ay lumipat sila mula Davao patungong Marbel upang doon manirahan. Nakapirmi lamang siya sa kanilang bagong tahanan sa loob ng apat na taon, “Ang ruta ko lang noon ay palengke at bahay. Ganun lang.” natawa siya sa pagkukwento. Subalit nagbago ang lahat nang sumali siya sa KMBI. “Malaki ang ipinagbago ko mula nang sumali ako sa
programa. Maging ang buhay-ispiritwal ko ay yumabong.”
Mula pa noong 1999 ay Center leader na si nanay Edisa. Hindi naging madali ang maging pinuno, dagdag niya. Mayroong mga matitinding hamon, at hindi iyon mawawala, lalo na’t may mga miyembrong iba-iba ang personalidad. “Pero enjoy sa KMBI! Natuto akong mas dumamay hindi tulad ng dati.” Dahil sa pagiging strikta niya sa polisiya ng KMBI, may mga taong di mapigilang kumatha ng kuwentong binabayaran daw siya ng organisasyon. Pero ito ang kaniyang tugon, “Hindi totoo na may
nakukuha akong kahit ano mula sa organisasyon, bukod sa mga programa nito, pero naniniwala akong tunay na nais ng KMBI ang makatulong sa mga maliliit na negosyanteng tulad namin.”
Naniniwala si nanay Edisa na ang pagiging ehemplo ng disiplina ay importante para sa kaniyang pamumuno. Gayon din ang kaniyang sinasabi sa mga pinuno ng ibang center, at kinakailangang isinasapuso ang pananaw at misyon ng organisasyon. “Kailangang ginagabayan at pinoprotektahan
EDISA LOQUIAS
Sa kaniyang dedikasyon, tunay na tatanungin mo kung paano nagbago ang kaniyang buhay. “Malaki ang naging impact ng
KMBI sa aking buhay, hindi lamang sa social at spiritual na aspeto. Natuto ako ng mga bagong kakayahan sa pagnenegosyo, na nakakatulong sa pagtaas ng aking kinikita.” Gumagawa rin siya ng special puto na nakakadagdag sa kanilang kita. Bilang pinuno ay natutunan niya ring tumulong sa mga tao nang walang kapalit.
Ang kaniyang mga anak na sina J-Jireh at Michael ay marami ring natutunan sa kanilang ina. Habang nag-aaral ng Information Technology ay nagtatrabaho rin si J-Jireh bilang isang data encoder para sa isang lokal na survey project. Nagagalak siyang lumaking responsable ang kaniyang mga anak. Ang bunso naman niyang si Michael ang siyang namamahala ng kanilang sari-sari store sa bahay. Gumagawa rin siya ng mga potholder mula sa mga t-shirt na galing sa ukay-ukay, na isinasabay niya sa pagbebenta ng mga rug ng kaniyang ina. “Sinasabihan ko sila na mag-ipon
dahil hindi sa lahat ng panahon ay masusuportahan namin sila.”
Nagkaroon din ng panahon na sabay nilang ibinahagi sa klase ni Michael ang kanilang kakayahan sa paggawa ng rug. Nakuha niya ang kaalamang ito mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD. Ang parehong anak niya ay sintalino at simpraktikal na rin ng kanilang ina. Noo’y muntikan na siyang umalis sa programa. “Nagkasakit ang
asawa ko at kinailangang pagtuunan ko ng buong atensyon at pag-aalaga. Muntik na akong umalis sa programa pero may tagaKMBI na kumausap at nag-counsel sa akin. Yun ang nagpalakas ng loob ko kung kaya’t narito pa din ako at bahagi ng programa.” Nang tanungin kung bakit gayon na lamang ang pagbibigay niya ng kaniyang sarili para sa mga miyembro at sa organisasyon, sinabi niyang nais niyang mag-iwan ng bakas na karapat-dapat pamarisan o tularan.
“Hindi habang panahon ay nandito tayo sa mundo; nakikiraan lamang tayo. Subalit nararapat na magbigay naman tayo ng kapalit bilang pasasalamat sa pamamagitan ng pagbago ng ating buhay. Ito ang iiwanan nating pamana sa organisasyon,” pahayag niya.
ng mga center leader ang kanilang mga miyembro, at hindi hinahayaang mahulog sa mas malaking utang.”
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
33
NANAY MAGNET
Simeona Castro Tayao
M
asayahin, mabait, at matulungin sa lahat ng pagkakataon. Iyan ang pagkakakilala kay nanay Simeona Tayao, isang kagawad, negosyante, at program member ng KMBI Baliuag Branch. Labis ang papuri sa kaniya ng komunidad na kaniyang kinabibilangan, hindi lamang dahil sa kaniyang sigasig sa pagnegosyo, kundi maging sa kaniyang likas na kabutihangloob.
bagyo at tagtuyot na siyang kalaban ng uri ng negosyong mayroon siya. Ngunit tunay ngang tapat ang Diyos sa kaniya at hindi siya pinababayaan dahil nakakabawi siya agad sa tulong na rin ng gobyerno na nagbibigay ng libreng binhi at mga pataba, gayon din sa iba pa niyang negosyo, kabilang na ang direct selling, pagtitinda ng drinking water, at iba pa na nakakatulong nang malaki sa kaniyang pamumuhay.
Isang mangpapalay si nanay Simeona. Nagtatanim siya ng bigas sa dalawang hektaryang lupain. Tuwing anihan, may iilang lumalapit sa kanyang manggagapas ng palay para magbenta ng kanilang mga ani upang may maipanustos sa kanilang pamilya. Dahil sa kaniyang kababaang-loob, minabuti niyang bilhin na lang ito para makatulong sa kanila. Hanggang sa dumami na ang dumadayo para magbenta sa kaniya ng palay. Ginamit niya ang kapital na pinapahiram ng KMBI para ipandagdag sa pambili ng mga palay. Nakita niya na bukod sa nakakatulong sa iba ay kumikita pa siya. “Maraming lumalapit sa akin; hindi ko matiis
Bunga ng kaniyang taglay na kasipagan at diskarte sa negosyo, nakabili si nanay Simeona ng bahay at lupa. Tumutulong din siyang pag-aralin sa kolehiyo ang kaniyang apong naulila sa ama. Bukod dito, pagmamay-ari na niya ang lupang kaniyang sinasaka. Tunay ngang kapag mabuti ang iyong kalooban at hinaluan mo pa ito ng sipag at tyaga, tiyak na gagantimpalaan ka ng biyayang galing sa Diyos.
kapag may nangangailangan. Tulong na iyon sa kanila. Hindi sadyang nakakapagnegosyo na rin ako. Pwede palang maging business,” wika nya. Maging mga kapwa niya negosyante ay natutulungan din niya. May mga lumalapit sa kaniya para magbenta ng iba’t ibang uri ng produkto, gaya ng walis na siyang idinadagdag niya rin sa negosyo. May pagkakataong umabot sa 40 ang bilang ng mga kasapi ng kanilang sentro dahil ayaw bumukod ng iba niyang mga kasamahan. “Sabi nga ni sir, Ma’am hindi kaba nahirapan?
Kailangan eh hatiin daw namin. Eh gusto nila ako kasama; wala namang matitira. Sabi ko, hayaan mo na, pagtiyagaan na lang natin,” wika nya. Hindi laging madali ang takbo ng negosyo ni nanay Simeona. Di maiiwasan ang pagdating ng mga kalamidad tulad ng mga 34
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Hindi lamang aspetong kabuhayan ang umunlad sa kaniyang buhay. Ang matatag na relasyon niya sa Panginoon ay hatid din ng KMBI. “Tuwing may meeting kami, may binabasa si sir sa amin
sa Bible. Lumalawak ang kaalaman ko; nagkakarelasyon ka sa Diyos sa mga tinuturo ni sir sa amin. Masarap makinig ng mga salita ng Diyos.”
Ang mga pagpapalang natatamasa ni nanay Simeona ang nagbibigay sa kaniya ng hangaring itawid ito sa mga taong nakapaligid sa kaniya sa pamamagitan ng pagtulong at pagmamalasakit. “Pag-igihan ninyo ang pakikisama n’yo sa
kapwa. Maging ako hindi ko akalaing mabibigyan pa ako ng award kahit may edad na ako,” binahagi niya. Nakita natin kay nanay Simeona ang mga katangiang dapat nating tularan para maging kaibig-ibig sa ating kapwa at magkaroon ng malusog na ugnayan sa kanila. Hindi naman nakapagtatakang bagay na bagay sa kaniya ang bansag na nanay magnet.
KASINTATAG NG PUNONG MANGGA
Cecilia Gordola
“Nakatulong sa akin ang KMBI para humawak ng isang grupo na maging matatag. Kung mayroon mang dumating na pagsubok, labanan mo. Siyempre nagkakaroon kami ng mga problema sa sentro, pero sa loob ng 14 years nandito pa rin ako. Mas lalong tumatag,” wika ni Nanay Cecicilia Gordola ng San Pablo, Laguna. Si nanay Cecilia o mas kilala sa tawag na Cecile ay ina ng tatlong magkakapatid at isang butihing maybahay. Hindi madali ang buhay na dinanas ni nanay Cecile lalo na noong mawalan ng trabaho si mister nang magsara ang pinapasukan nitong kompanya. Nauwi si mister bilang isang messenger ng kanilang barangay. Nag-isip si nanay Cecile ng pagkakakitaan para matustusan ang pagpapaaral ng kaniyang mga anak. Aakalain n’yo bang ang kaniyang negosyong napili ay pagma-manicure, pedicure at direct selling? Pinasok niya ang nasabing kabuhayan dahil gusto niyang masubaybayan ang paglaki ng kaniyang mga anak at magabayan ang mga ito. Wala talagang imposible sa taong nagsisikap. Natutunan ni nanay Cecile ang pagma-manicure at pedicure noong high school pa lamang siya. Noong una ay libangan lamang, ngunit nang kalaunan ay pinagkakitaan na niya ito. “’Yung pagmamanicure at
pedicure ko ay practical arts nung panahon na high school ako. Ginamit ko ‘yun at ‘yun ang pinagumpisahan ko. Doon ko siya natutunan,” kwento niya.
Pero di naglao’y humina ang serbisyo niya sa pagma-manicure at pedicure, dahil na rin sa dami ng kompetisyon. Kaya’t naisipan niyang ituon na lamang sa direct selling at sa kanyang maliit na tindahan ang pagdaloy ng kaniyang kita. Dahil nga sa kalakaran ng negosyong direct selling, nangailangan si nanay Cecile ng higit na kapital at doon na niya nakilala ang KMBI, hanggang sa unti-unting umunlad ang kanyang negosyo. Payo nga niya,
“’Yung pagbi-business nila, umpisahan lang nila sa maliit. Huwag muna silang maghangad ng mataas. Kung ano lang iyong kaya,
‘yun lang muna hanggang sa unti-unting lumaki.” Dagdag pa
niya, nararapat na ibigay ang buong respeto at tiwala sa mga kliyente upang mapanatili ang magandang pagsasamahan, kahit na sila ang may kamalian minsan. Dahil sa taglay niyang kasipagan at pagkakuntento sa simpleng pamumuhay, nagawa niyang mapagtapos ang dalawa niyang anak sa kursong Hotel and Restaurant Management at Information Technology. Ang kaniyang panganay na anak ay kasalukuyang nakatira at nagtatrabaho sa Europa at tumutulong sa pagpapaaral ng kaniyang bunsong kapatid na nasa ikatlong taon na sa kolehiyo. Labing-apat na taon nang miyembro ng programa si nanay Cecile. Sa kabila ng iba’t ibang karanasan na kaniyang binaka, nananatili pa rin siyang nakatayo at matatag. Sabi nga niya,
“Kung baga sa isang organization, nagdanas ka ng hirap, pero ‘yun ‘yung naging challenge sa akin eh, na paglabanan mo ‘yun at mahalin mo. Nararamdaman mo ‘yung hirap noong una, at ito ka na ngayon.” Inihahambing niya ang kaniyang sarili sa isang puno ng mangga sa kanilang lugar na magmula pa noon hanggang ngayo’y nakapirmi pa rin at hindi natitinag. “Kung baga isa na
akong puno ng mangga; ganoon na ako katatag. Sa tagal ng panahon hanggang ngayon nandoon pa rin. Kahit hukayin hindi mahukay-hukay kasi malalim na ‘yung ugat nya. Kahit na dumating ang ilang bagyo, nandoon pa rin siya.” Marami nang natulungan ang KMBI sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng bawat kasapi nito sa pamamagitan ng kapital, ispiritual at iba pang benepisyong ipinagkakaloob nito sa mga miyembro ng programa. Ngunit hindi lamang dito humihinto ang misyon ng KMBI. Layunin din nitong patatagin ang bawat indibidwal sa anomang kakaharapin nila sa kanilang buhay at pagyamanin ang kanilang pakikipagkapwa-tao.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
35
DAKILANG KATAPATAN “Kasagsagan ‘yun ng hatakan ng mga sentro dito sa Magdum, Tagum. Hinihikayat akong sumapi sa KMBI-PCO at ang dati kong Program Unit Head ay nagpakita ng mga video para siraan ang KMBI Head Office. Walo po ang sentro ng KMBI dito sa Magdum. Yung pito, sumama na sa kabila. Pabalik-balik sila dito para kumbinsihin ako na sumama na sa kanila...” Wika ni nanay Arlyn Talamor, habang ginugunita niya ang mga pangyayari noong 2014.
Sadyang nakalilito ang mga panahong iyon. At ang mga sumunod na hakbang na tinahak ni Madam Arlyn ang siyang huhubog sa kanyang paninindigan, katapatan at integridad. Ito rin ang naging basehan kung bakit ginawaran siya ng KMBI bilang isa sa mga “Loyalty Awardee.” Napagtanto niyang maghulog nang tapat sa orihinal na KMBI Tagum office sa Suarez Plaza Building dahil tama lang ibalik sa tamang lugar ang pautang na ipinagkatiwala sa kaniya. At kahit nag-uumpisa pa lang noong 2003 si Ma’am Arlyn sa KMBI, tapat na siyang naghuhulog ng koleksyon ng kaniyang sentro at masikap na nag-aaral sa mga patakaran ng KMBI. Maliit pa ang kaniyang tindahan at kainan dati. Para may pandagdag siyang kita, naisipan niyang magnegosyo ng buy and sell ng saba sa mga karatig na taniman para maibenta ito sa Cardava Banana Processing Plant. Naging malaking tulong ang dagdag kapital ng KMBI para mapagalaw niya ang kaniyang negosyo. Napansin ng kaniyang mga kapwa miyembro ang kaniyang angking talino kung kaya’t madalas na siyang binoboto para maging pinuno ng kanilang sentro. Dito siya nasanay maging lider at mahasa ang kaniyang kakayang magpatakbo ng sentro. Di 36
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
ARLYN TALAMOR
naglaon, dahil sa kaniyang pagtitiyaga ay nakapagtapos siya ng dalawang anak at nakapagpundar ng isa pang bahay, paupahan at babuyan. At nasuklian naman ang kanyang pagsisikap na maitaguyod ang kaniyang sentro. Kinilala siya ng organisasyon bilang isa sa tatlumpung (30) pinakamahuhusay at pinakatapat na mga kliyente. Iginawad sa kaniya ang pagkilala nitong October 22, 2016 sa ME Summit bilang pasasalamat sa kaniyang katapatan.
“Hindi ko maitago ang tuwa noong binigay na sa akin ang parangal. Sa unang pagkakataon, nakakuha ako ng Plaque. Iba ang pakiramdam niya kasi kita siya ng mga tao. Ang pera naman, masarap ding matanggap, pero hindi siya mailagay sa istante,” lahad ni nanay Arlyn patungkol sa kaniyang award.
Higit pa sa parangal, nabiyayaan din ng PUH Scholarship ang kaniyang anak na bunso para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral ng kursong Pharmacy. Patuloy na sumusuporta si Madam Arlyn sa pagtangkilik sa KMBI dahil panatag siya sa kaniyang savings at proteksyon ng microinsurance. Ang kaniyang tinatamasang gantimpala ay buhat ng kaniyang katapatan. Ito ang nagsisilbing inspirasyon sa kaniyang mga kasamahan para magbalik-loob sa KMBI. Umaasa si nanay Arlyn sa darating pang panahon na magsisibalikan ang iba pa niyang mga naging kasamahan sa KMBI. Maipagmamalaki niyang tama ang desisyon niyang manatiling tapat sa panahon ng kalituhan.
TATAK PARENTAL MANAGEMENT JOSEPHINE TAGUINOD Masasabi nating isang huwarang magulang si Gng. Josephine Taguinod ng Solana, Cagayan dahil sa kaniyang paniniwala na ang pagtataguyod ng isang pamilya ay isang partnership sa pagitan ng mag-asawa. Paniniwalang pinagtibay nang siya ay maging miyembro ng KMBI pitong taon na ang nakararaan. Noong panahong iyon, mayroon na siyang mumunting sari-sari store, na kaniyang sinimulan gamit ang tatlumpung libong pisong kaniyang naipon. Nagsimula si nanay Josephine sa KMBI, tulad ng maraming ginang na miyembro nito, dahil nakita nilang ito ay isang pagkukunan ng karagdagang puhunan para sa kanilang munting negosyo. Pero nang tumagal-tagal ay nakita niya at ng kaniyang mga kasamahan sa sentro na higit pa sa lending ang kanilang sinalihan. Nabatid niya at ng kaniyang mga kapwa miyembro ang kahalagahan ng kanilang papel sa pagtataguyod ng kanikanilang pamilya at ang pagkakaroon ng aktibong partisipasyon dito. Simple ang kanilang paniniwala noon na ang tanging papel nila noong sila ay makapag-asawa na ay ang harapin ang mga gawaing bahay at alagaan ang kanilang pamilya. Pero mas higit nilang naintindihan na maaari nilang gawin ang mga iyon at tumulong din sa kanilang asawa sa paghahanapbuhay para maitaguyod ang pamilyang kanilang binubuo. Naging bahagi sina nanay Josephine ng mga trainings at seminar ng KMBI, tulad ng meat processing, soap making, candle making, at iba pa. Ang mga ito ang nagbukas ng maraming posibilidad para makatulong sa kani-kanilang pamilya. Ito ay maliban sa kung anong negosyo ang meron na sila. Sa lagay ni nanay Josephine, ang munting sari-sari store na kaniyang sinimulan ay kaniyang napagyaman at patuloy na pinagyayaman gamit ang dagdag na puhunan na kaniyang hinihiram mula sa KMBI na hinaluan ng pagsisikap at determinasyon. Sabi niya, ang tanging pangarap niya sa buhay ay makabili ng lote para sa kaniyang tatlong anak at mapatayuan ito ng mga bahay para sa kanilang magiging pamilya. Ibinahagi niya nang may ngiti sa kaniyang mga labi na malapit nang matupad ang kaniyang pangarap. May dalawang lote na siyang nabili, at ang isa rito ay may bahay na para sa kaniyang dalawang nakatatandang anak na pawang mga pamilyado na. Sabi niya,
“Isa na lang, ma’am. Para sa pangatlo kong anak na second year college pa lang ngayon. Lahat ito ma’am sa tulong ng KMBI.”
Ganoon ata talaga ang mga inang gaya ni nanay Josephine, laging kapakanan ng mga anak ang una sa listahan. Ang makitang maayos ang buhay ng mga ito ay tunay ng achievement para sa kanila. Para kay nanay Josephine, ang kagustuhang makitang maayos ang kaniyang pamilya ay hindi lamang doon natatapos. Ito ay kaniya ring dala bilang presidente ng kaniyang sentro at bilang kagawad sa kanilang barangay. Naging bahagi din siya sa pamimigay ng relief goods sa kanilang barangay na nasalanta ng bagyo. Pag may ganoong pagkakataon, siya ang naatasan ng kanilang barangay kapitan para mamuno. Ito ay patunay kung gaano siya pinagkakatiwalaan sa kanilang lugar. Ang tiwalang mayroon ang kaniyang mga kabarangay para sa kaniya ay maaaring nag-ugat sa kaniyang kakayahang pamunuan at pangalangaan ang kaniyang sentro. Ito ay higit na namalas noong panahong nahahati ang KMBI. Animo napapagitna sila sa dalawang naguumpugang bato sa Tuguegarao noon. Sa mga pagkakataong iyon nakita ang kaniyang pagmamalakasakit sa kapwa miyembro nang manindigan siya at ang kaniyang mga kasamahang pumanig sa tunay na KMBI matapos nilang pakinggan ang mga nagtutungaling panig. Malaking responsibilidad ang naatang sa kaniyang mga balikat noon. Ito ay ang maging responsable para sa tatlo sa limang sentro ng KMBI sa kanilang barangay. Ipinamalas niya ang kaniyang katapatan sa KMBI at higit sa lahat sa kaniyang mga kasapi nang ibalik niya sa kanilang branch manager ang three hundred forty-five thousand pesos na hulog nila sa kanilang loan noon. Ang pagiging mapagmalasakit, matapat, at may paninidigan ay likas para sa isang Josephine Z. Taguinod. Kung paano niya pangalagaan ang kaniyang mga anak bilang isang magulang ay ganoon din niya pinamahalaan ang kaniyang sentro bilang presidente at kagawad ng kanilang barangay. Ito ang kaniyang tatak, ina ng kaniyang sentro gamit ang sariling pamamaraan ng parental management para lumikha ng positibong impact sa buhay ng kaniyang kapwa. Ang tatak niyang ito ay tunay na kapuri-puri at nararapat bigyan ng seal of approval. Saludo kami sa’yo, Madame Josephine!
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
37
SIKRETONG PALAMAN NG PAGSISIKAP ELIZABETH CORGIO
I
ba’t ibang uri ng hamon ang dumarating sa isang maliit na negosyante. May mga taong hahamak sa iyong kakayanan, at may ibang susubok na humadlang sa pag-abot ng iyong mga pangarap. At madalas sa hindi, ang mga ito ang nagiging dahilan kung bakit marami ang nabibigong negosyo. Pero may mabisang panlaban dito si nanay Elizabeth Corgio ng Poblacion Sulop, Davao del Sur.
ang maganda nitong maidudulot?” At sinubukan niyang sumali. Nagsimula siya sa maliit na loan na Php 4,000. Ginamit niya ang kaniyang nahiram na salapi pambili ng mga rekado sa paggawa ng tinapay, gaya ng asukal at harina, hanggang sa kalauna’y lumaki ang kaniyang nahiram na salapi na higit na nakatulong para sa pangangailangan ng kaniyang negosyo. Sabi nga ni mister kay nanay Elizabeth, “wag ka nang umalis sa KMBI.”
Noong mapadpad silang mag-asawa sa kanilang purok sa Davao del Sur, nagde-deliver lamang sila ng mga gawang tinapay. Kampante siya sa negosyong ito dahil lahat sa kaniyang pamilya ay marunong sa paggawa ng tinapay. Pero noong una, hindi ganoon kataas ang tingin sa kanila ng mga tao noong nagtatangka silang magnegosyo ng tinapay. Bahagi niya, “may mga taong ang tingin sa amin parang mahirap lang, tapos may taong nagsabi, ano daw ba ang aming alam sa paggawa ng tinapay eh galing lang kami sa bukid?”
Nagpapasalamat siyang naging bahagi siya ng programa. Giit pa ni nanay Elizabeth, labis ang pasasalamat niya sa institusyon dahil malaki ang naitulong nito sa kaniya. “Kung walang KMBI, parang nawalan na ako ng pag-asa… Marami ring nag-invite sa aking sumali sa ibang lending, pero wala talaga akong sinalihan kundi KMBI lang. Mahirap kaya itong marami tayong utang,” wika niya.
Mabuti na lang at may nagmagandang-loob na magpautang sa kaniya noon ng bread mixer. Gamit ang bread mixer na pinahiram sa kanila at ang hawak nilang Php 3,500 na kapital, nagawa nilang simulan ang negosyo. Naalala niya kasi ang payo kaniyang magulang na magnegosyo ng bakery para maging maayos ang kanilang buhay pati na rin ang kanilang mga anak. Pero may mga bagay na tila nagpupumilit na pahinain ang kaniyang loob. Maraming taong nagdududa sa kakayanan nilang mag-asawa na mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. “Dati, may nagtatanong sa akin noong elementary pa lang ang aking mga anak, ‘kaya n’yo bang pag-aralin ang mga anak n’yo?’ Pero sabi ng asawa ko, basta ang tao, ‘pag kumilos, kaya niyang mapag-aral ang kaniyang mga anak.” Nagsimulang lumago ang kanilang produksyon ng tinapay noong 2007, at nangailangan na silang umupa ng mga tauhan para tumulong sa kanilang lumalaking produksyon. Sa ngayon ay mahigit 20 na ang empleyado nila sa kanilang panaderya. Bunga rin ng kaniyang pagsisikap at pagtitiyaga, kung dati’y isang sako lamang ang kanilang nailalabas kada araw, pumapalo na sila ngayon sa 25 na sako sa isang araw. At kayang makagawa ng isang sako ng mula sa 480 hanggang 530 na bag na naglalaman ng iba’t ibang klase ng tinapay. Bukod pa rito, nakapagpundar na rin siya ng tatlo pang lote. Sa sumunod na taon naman ay nagpundar sila ng multicab at apat na motor para makatulong sa kanilang pagde-deliver sa mga bayan. Dati kasi, noong nagsisimula pa lang sila, si mister lang ang taga-mix at taga-deliver ng mga tinapay. Noong 2012, may mga nanghihikayat sa kaniyang sumali sa KMBI para sa dagdag puhunan. Bahagi niya, “gusto talaga nila akong isali sa KMBI, eh ako, di ko alam kung ano ‘yung KMBI. Napaisip ako, tinanong ko ang asawa ko kung sasali ako sa KMBI. Ano kaya 38
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Dahil din sa programa, mas marami na siyang lugar na napagbabagsakan ng tinda niyang mga tinapay, at unti-unti na ring naging tanyag ang kanilang paninda sa kanilang lokalidad. Umaabot na sa Php 50,000 ngayon ang kanilang kinikita kada linggo. Nasa kolehiyo na ang dalawa sa kaniyang apat na anak, na higit niyang ipinagmamalaki. Malaki rin ang naidulot ng KMBI sa pakikipagkapwa-tao ni nanay Elizabeth. Bahagi niya, “hindi ko agad iiwan ang aking grupo. Maganda rin kasi ‘pag marami kayo, dahil ‘pag may problema ka, maraming mag-a-advise sa’yo.” Dati’y pangarap lang ni nanay Elizabeth na magkaroon ng pwesto sa palengke, at unti-unti na niya itong naisasakatuparan ngayon sa tulong na rin ng puhunang patuloy niyang nahihiram sa KMBI. Ngayon, balak niya ring maging supplier ng mga sangkap gaya ng asukal, harina, atbp. Pero kung nagawa nga ni nanay Elizabeth na makamit ang kaniyang mga mithiin dulot ng kaniyang walang kaparis na pagsisikap, hindi na malabong kayang-kaya niyang maabot anoman ang kaniyang hangarin. Paniniwala niya, tiyak na magtatagumpay ang mga taong hinahaluan ng pagsisikap ang trabaho. “Imposibleng maghirap ang isang tao basta nagsisipag,” wika niya. At dahil sa kaniyang taglay na pagsisikap, nagawa niyang dagdagan ang kaniyang mga branch. Namumuhunan din siya ngayon sa pagbili ng lupa para pagtamnan ng saging, copra, mais, at kape at palawakin ang kaniyang mga negosyo. “Sakripisyo lang talaga. Kung ito na talaga ang aking tadhana, hindi ko na ito bibitawan,” bahagi ni nanay Elizabeth. Tandaan lamang na lagi nating kasama ang Diyos sa bawat hakbang na ating gagawin tungo sa kaunlaran. Patunayan lang natin na karapat-dapat tayong pagkalooban ng marami pang mga biyaya sa pamamagitan ng pagtitiyaga na may halong kabutihan at panalangin. At parati lang nating itanim sa ating isip na laging nasa Diyos ang awa; nasa tao ang gawa.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
39
3,500 mga nanay, nakilahok sa ika-30 anibersaryo ng KMBI
M
ahigit 3,500 na Program Members mula sa NCR, CALABARZON, Bulacan, at Pampanga ang dumalo sa makasaysayang MicroEntrepreneurs’ (ME) Summit na ginanap nitong ika-22 ng Oktubre, 2016 sa SMX Convention Center, Pasay City. Ang pagdaraos na ito ay bahagi ng ika-30 anibersaryo ng KMBI.
Present sa pagdiriwang sina Senator Bam Aquino, Miriam Quiambao-Roberto, Pacita “Chit” Juan, Christine Bersola-Babao, VicePresident Leni Robredo, at Congressman Harry Roque upang magbigay ng inspirasyon sa mga dumalo. Naroon din si Gng. Lydia Malot, isang negosyante ng nata de coco na itinanghal na National Awardee sa ginanap na CitiMicroentrepreneurship Awards (CMA) noong nakaraang taon, para sa isang natatanging pagtatanghal. Hindi rin mawawala sa kasiyahan sina Ranny Raymundo, Raymond Lauchengco, at Chad Borja ng OPM Hitmen para awitan ng harana at pakiligin ang mga nanay. Ang ME Summit ay isang malakihang aktibidad na naglalayong magbigay ng empowerment sa mga nanay at negosyante sa pamamagitan ng paghahatid ng karunungan at tips sa pagpapayabong ng negosyo, pakikipagkapwa-tao, pagmamahal sa kalikasan, at buhay ispiritwal.
40
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
41
ME SUMMIT 2016 WOW SEGMENTS Miriam Quiambao-Roberto Pinaalala ni former beauty queen Ms. Miriam Quiambao-Roberto kung ano ang dapat mayroon sa isang babae upang magkaroon ng higit na halaga sa pamilya, lipunan, at Diyos. Narito ang “12 virtues of a woman with value” na kanyang ibinahagi: • • • • • • • • • • • •
LENI ROBREDO Bilang isang women rights advocate na marami nang naipasang batas na lumalaban para sa karapatan ng mga kababaihan, nagbigay ang Ikalawang Pangulo ng Pilipinas na si Ms. Leni Robredo ng kanyang mensahe para pagtibayin ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa lipunan. Mahalaga ang pagtataguyod ng women microentrepreneurs para sa pagsulong ng ating bayan, dahil sila ang nagsisilbing kabalikat sa paglaban sa kahirapan at mga suliranin sa edukasyon at kalusugan. Marami nang napatunayan ang kababaihan noon, at importanteng suportahan ang mga ginagawa ng kababaihan at ang kanilang mga naaambag sa ating bansa.
42
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Integrity – May paninindigan sa isip, sa salita, at sa gawa. Service – Pagkakaroon ng kusa sa paglilingkod sa kanyang kapwa at pamilya. Health – Wastong pangangalaga sa kalusugan ng sarili, asawa, at pamilya upang mapagsilbihan nang maayos ang kapwa. Good steward of money – Marunong magbadyet at wais sa pera. Charity – Pagbibigay nang bukal sa kalooban, kusang tumutulong sa mga nangangailangan. Foresight – May pananaw sa hinaharap, nagpaplano at nagiimpok para sa kinabukasan ng pamilya. Marriage – Binibigyang-halaga ang pag-aasawa, nirerespeto at minamahal ang asawa. Industry – Pagiging masikap at paggamit ng talento para sa kabutihan dahil ito’y bigay ng Diyos. Speaks life – Pagiging mahinahon sa mga salitang binibitiwan, wais sa pananalita. Time – Tamang pagma-manage ng oras sa pamilya, negosyo, at sarili. Family-oriented – Pagiging mabuting asawa, ina, at homemaker. Fear of the Lord – Hango sa Kawikaan 9:10: “Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkilala sa Banal ay kaunawaan.” Ang tunay na kagandahan ay nag-uugat sa kabutihan ng kalooban na mula sa takot sa Panginoon.
Christine Bersola-Babao Kilala si Ms. Christine Bersola-Babao bilang isang batikang host sa kanyang palabas na Moneywise. Ibinahagi niya sa mga kagaya niyang nanay at negosyante ang sikreto ng pagiging isang matagumpay na Micro EntrePinay. Inilahad niya rin ang kanyang buhay noong nagsisimula pa lamang siya. Mula sa pagtitinda ng chicharon, isa na siya ngayong matagumpay na entrepreneur. Kabilang sa mga pinapatakbo niyang negosyo ang CBB Foods Corporation, CBB Publishing, Potato Corner, Pearl Shake, Newsroom Cafe, at iba pa. Sa kanyang mensahe, sinabi niyang ang daan tungo sa pagiging successful Micro EntrePinay ay laging magsisimula sa maliit. “Start small, but think big.” Hindi dapat natatakot ang isang nagsisimulang negosyante na sumubok sa mga bagong ideya o bagay, kahit may nakalakip na posibilidad ng pagkabigo rito.
Chit Juan Nakilahok din sa talakayan si Ms. Pacita “Chit” Juan, ang mayari ng ECHO store kung saan binebenta sa sosyal na merkado ang mga eco-friendly na produktong gawa ng mga miyembro ng kooperatiba. Pinaliwanag niyang isa ang capacity-building sa pinakaimportanteng salik sa mga grupo o cluster ng negosyante. Sa kanyang ilang dekada ng pagiging negosyante, ibinahagi niyang napakaimportanteng maging sustainable ang isang hanapbuhay, pero hindi ito magiging madali kapag nauuwi lang ang kita sa wants o mga bagay na ninanais lamang at hindi naman talagang kailangan. Dapat ay umiikot, lumalago, at lumalaki ang isang negosyo para masabing ito ay successful. Dagdag pa niya, malaking bagay ang pagtutulungan ng mga miyembro sa isang kooperatiba para mapagbuti ang kanilang produkto, pero higit na mas kailangang magkaroon din sila ng organisasyong kinabibilangan na magsisilbi nilang kabalikat para tutukan sila sa pagpapalago ng negosyo.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
43
44
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
45
46
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
47
48
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
49
50
ENTREP Magasin 2016
Special Edition
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc.
51
52
ENTREP Magasin 2016
Special Edition