1 minute read
Bagong probisyon sa GAs, inilatag
Ayon kay Santiago, ginawa lamang kalahati ang kabuuang dami ng onsite GAs bilang konsiderasyon sa iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro sa kanilang asignatura.
“[I]t depends upon the subject pa rin kasi (on) how the teachers (will) assess the performance of the students. It’s not a one size fits all. That’s why there are provisions na at least 50 percent...‘yung…onsite [gateway assessments],” nilinaw niya.
Advertisement
Gayunpaman, nilinaw ni Santiago na limitado lamang ang nasabing probisyon sa GAs at nasa guro pa rin ang desisyon kung paano isasagawa ang mga discourse, integrative, at formative assessments.
“[I]t still boils down to the preference and how the…subject intends to measure the learning of the student through their assessments and how to check the performances of the students,” ani niya.
Sa kabilang dako, masasabi ni Santiago na pinakamabuting probisyon ito sa kasalukuyang sitwasyon subalit hindi ito masasabing epektibo ng pangmatagalan.
“Sa ngayon, hindi natin masasabi na optimal siya in terms of the teaching and learning process (since) we are just comparing it to what we have done before which is a 100 percent online,” pahayag niya.
Puna ng mga Estudyante Matapos ang pagpapatupad ng nasabing probisyon, ipinahayag ni Aimeelyn Ruth Gallardo (ABM12) kung paano ito nakatulong sa paggawa at pagpasa ng kaniyang mga gawain.
“(Doing the assessments) onsite (is okay for me kasi), may consideration yung teacher na (magpa-review) bago magpa-GA or DA…(since nare-refresh kami dahil) nasa utak pa rin namin [ang lesson]” pahayag ni Gallardo. Dagdag pa rito, nabanggit ni Lorenzo Gabriel Navarro (STM211) ang inaasahang bigat ng trabaho na dala ng pagkakaroon ng online assessments kumpara sa kung gagawin ito ng onsite
“Online has more workload and…no guidance from teachers (for example), when students encounter problems (regarding the assessments). [W]hereas in onsite, students and teachers work together in the studying process,” ayon sa kaniya. Gayunpaman, inihayag ni Cassidy Dwayne Garcia (STM29) ang kaniyang opinyon kung bakit epektibo ang pagsasagawa ng onsite gateway assessments kaysa online “GAs in (the) schoolbook are horrendous. It is made for people who memorize and repeat cycles of reading rather than testing your actual intellect, ...has a lot of grammatical errors, programming difficulties, a lot of room for error, (and) doesn’t encourage studying for every student,” ani niya.