2 minute read

Research Conference, mananatiling online

Sa isang panayam, ipinahayag ni Associate Principal for Academics and Research (APAR) Ma. Luisa Cuaresma na magiging online muli ang Research Conference upang makapanghikayat ng mga presenters mula sa iba’t ibang eskwelahan.

“Kasi (if we’re to hold the conference onsite)...(the outsiders would) need (to) spend money for…travel expenses. Whereas kung online…(kahit na sa bahay sila or na sa school nila), they can (easily) present,” pahayag niya.

Advertisement

Dagdag pa rito, binanggit ni SRC Chair Marilou Medina na prayoridad nila ang kaligtasan ng mga presenters kaya pinagpatuloy ang pagiging online ng nasabing conference

“[A]lthough at first we thought of (holding it onsite kasi) it would be a great opportunity (for the participants) to meet face-to-face…kaya lang, (we have to bear in mind that we are still in a pandemic),” paliwanag niya.

Sa kadahilanang mananatiling online ang Research Conference, ipinagbigay-alam ni SRC Co-Chair

Alyssa Karen Acal na Microsoft Teams ang gagamitin bilang online platform kapalit ng FLOOR dahil sa dalang balakid nito sa mga estudyante noong nakaraang taon.

“[A]lthough (FLOOR) was very interactive,…nagkaroon (kasi) ng (mga concern) yung mga presenters, (especially sa mga) naka-data lang, (dahil) masyadong heavy raw (sa data) yung FLOOR,” ani Acal.

Gayunpaman, ipinaliwanag ni Acal na kinakailangan na magparehistro ng mas maaga ang mga presenters na mula sa iba pang mga institusyon.

“(The outsiders who will present) will (need to) be given temporary Microsoft accounts (for the Research Conference) and since…(hindi mabilis ang proseso, we will need to require this from them),” saad nito.

Puna ng mga estudyante

Alinsunod sa preparasyon ng

SRC, binanggit ni Cedee Anne Beatriz Abesamis (HMS23) na mas mainam na gawing online ang conference dahil hindi ito gaano magiging abala pagdating sa preparasyon kumpara kung onsite ito gaganapin.

“[A]ng cons lang (ng online setup) is mas-fair (ang) face-to-face (kasi)...makikita mo (talaga ang) mastery (ng presenters sa study nila)...kumbaga (kapag) online pwedeng may scripts (at) mag-search (ang mga presenters),” aniya. Samantala, inilahad ni Naomi Bey Diana (STM23) na mas mabuti kung gaganaping onsite nalang ang Research Conference dahil bumabalik na rin sa dating modality ang DLSU-D SHS.

“(There’s also the fact that) researchers (and presenters alike) will be more productive (and engaging in an onsite conference),” dagdag ni Diana.

Gayumpaman, isinalaysay ni John Francis Valdez (STM25) na para sa kaligtasan ng lahat ang naging desisyon ng DLSU-D at ng SRC.

“Additionally (though), I can say that a face-to-face setup would be much more effective in developing the different skills and potentials of the students (especially considering that some students may have short attention span),” pahayag niya.

Puna ng mga estudyante

“(TopServe Company) ang bahalang mag-deploy…(sa ating mga students) sa iba’t ibang company kung saan (sila) mag-wo-Work Immersion,” paliwanag ni Pascual.

Sa kabila nang maagang preparasyon para sa Work Immersion, ipinaliwanag ni Pascual na nahirapan ang TopServe Company maghanap ng mga partner companies na puwedeng tumanggap sa mga mag-aaral.

“(One of the) difficulties (is that)... senior high school students (have) very (short) [On-the-job training] (period which is)... two weeks only,” saad nito.

Gayunpaman, inaasahan ni Pascual na mas magiging madali ang paglikha ng solusyon kung magkaroon man ng problema sa nasabing immersion

“[M]ahirap siyang sabihin sa ngayon na (kaunti lang ang magiging problema)... [H]owever…[t]he communication (will be much faster and)...mas magiging…madali (maresolve ang problema) because (onsite na)…tayo,” ayon dito.

Sa isang panayam, inamin ni Dwyn Anthony Delos Reyes (ICT21) na inaasahan niya na magiging mahirap ang Work Immersion dahil sa pagbabalik onsite nito..

“(The Work Immersion) seems very challenging…lalo na in terms of operating in an actual workspace and interacting with actual employees pero…I’m looking forward to what (the immersion) has to offer,” paliwanag niya.

Bukod dito, inilahad ni Lee Joshua Albiar (TVL22) na nagpapasalamat siya sa pagbabalik onsite ng Work Immersion.

“(The immersion) will undoubtedly benefit us, particularly the TVL strand, as we will receive firsthand experience that (an online Work Immersion could) never provide,” ani Albiar.

Samantala, ibinahagi ni Christian Angelo Salva (ICT21) na inaabangan niya ang mga aktibidad na mangyayari sa work immersion dahil makakatulong ito para sa trabahong kukunin niya sa hinaharap.

“[K]ahit ICT students kami…(it’s still) much better…(na) maganap yung Work Immersion (namin) onsite (kasi) mas (na-se-set)...’yung professional mood onsite kaysa kung online,” dagdag niya.

This article is from: