Tagalog "LIMANG TIP PARA MAGING MAS MALUSOG"

Page 1

Gumising! MARSO 2011

LIMANG TIP PARA MAGING

MAS MALUSOG SA ISYU RING ITO: ANO BA ANG DAPAT KONG MALAMAN TUNGKOL SA PANINIGARILYO? PAHINA 26


Gumising!

KATAMTAMANG LIMBAG 39,913,000 INILATHALA SA 83 WIKA

LIMANG TIP PARA MAGING

MAS MALUSOG 3 Puwede Kang Maging Mas Malusog 4 Tip 11—Kumain Nang Tama 5 Tip 12—Alagaan ang Iyong Katawan 6 Tip 13—Maging Aktibo 7 Tip 14—Ingatan ang Iyong Kalusugan 8 Tip 15—Pasiglahin ang Iyong Sarili at ang Iyong Pamilya 9 Maging Mas Malusog! 10 Ang Pangmalas ng Bibliya ´ Mapapalapıt Ka ba sa Diyos Kung Pahihirapan Mo ang Iyong Sarili? 12 Ang Book of Martyrs ni Jean Crespin 14 Ang mga Panugtog sa Sinaunang Israel 17 Isang Aklat na Mapagkakatiwalaan Mo Bahagi 5—Ulat ng Bibliya Tungkol sa Gresya 21 Nagagalak na Maging Isang Pastol 25 May Nagdisenyo ba Nito? Ang Ovipositor ng Wood-Boring Wasp 26 Ang mga Kabataan ay Nagtatanong Ano ba ang Dapat Kong Malaman Tungkol sa Paninigarilyo? 29 Pagmamasid sa Daigdig 30 Repaso Para sa Pamilya 32 “Salamat at Nakilala Ko ang Isang Maibiging Ama”


PUWEDE KANG MAGING

MAS MALUSOG Sa pamamagitan ng salita at halimbawa, maBALANG tao si Rustam na taga-Russia. tuturuan ng mga magulang ang kaniDati, mayroon siyang mga bisyo lang mga anak na magkaroon ng kapero naramdaman niyang sinisingil paki-pakinabang na mga kaugalian. na siya ng mga ito. Kaya inihinto Bilang resulta, magiging mas maniya ang paninigarilyo at labis na lusog sila. Sulit din ang panahon pag-inom. Pero dahil buong-araw at pagsisikap dahil mababawasan siyang nasa harap ng computer, ang hirap na dulot ng pagkakawala siyang sigla. sakit at mas kaunti ang panahon Bagaman alas otso ng umaga at salaping mauubos sa pagpapagaSi Rustam nagtatrabaho si Rustam, mga mot. Ayon nga sa isang kasabihan, alas diyes pa siya nabubuhayan ng “Prevention is better than cure.” dugo. Lagi rin siyang may sakit. Kaya Sa sumusunod na mga artikulo, tatalabinago niya ang kaniyang rutin. Ang resulta? “Sa nakalipas na pitong taon, hindi pa ako kayin natin ang limang tip na nakatulong kina nagkasakit nang mahigit sa dalawang araw ba- Rustam, Ram, at sa maraming iba pa. Makatuwat taon,” ang sabi niya. “Ang ganda ng paki- tulong din sa iyo ang mga ito! ´ ramdam ko—gisıng at alerto—at masaya ako!” Nakatira naman sa Nepal si Ram, ang kaniyang asawa, at ang dalawa nilang dalagita. Walang sanitasyon sa kanilang lugar, at naglipana Si Ram at ang kaniyang pamilya roon ang mga lamok at langaw. Dati, madalas ay kumukuha ng malinis na tubig silang magkaroon ng impeksiyon sa mata at sana maiinom kit sa palahingahan. Kaya gumawa rin sila ng mga pagbabago at naging mas malusog sila.

A

Pangalagaan ang Iyong Kalusugan!

Mayaman man o mahirap, hindi nakikita ng maraming tao ang kaugnayan ng kanilang mga ginagawa at ng kanilang kalusugan. Baka iniisip nila na ang pagiging malusog ay isang bagay na hindi nila kontrolado. Dahil dito, hindi na sila nagsisikap na maging mas malusog at produktibo. Pero ang totoo, mayaman ka man o mahirap, mayroon kang magagawa para maging mas malusog ka at ang iyong pamilya. Sulit ba ito? Oo! Mapagaganda mo ang kalidad ng iyong buhay at mapahahaba ito. Gumising! Marso 2011

3


1

TIP 1

Kumain Nang Tama “Kumain. Huwag masyadong marami. Karamihan ay halaman.” Sa mga salitang iyan, binuod ng awtor na si Michael Pollan ang simple at ´ subok na payo tungkol sa tamang pagkain. Ano ang ibig niyang sabihin? M Kumain ng sariwang pagkain. Kumain ng “totoong” pagkain—sariwang pagkain na kinakain ng mga tao noon pa man—sa halip na processed food. Karaniwan na, ang mga pagkaing instant at mula sa mga fast food ay maraming asukal, asin, at taba, na maaaring maging sanhi ng sakit sa puso, istrok, kanser, at iba pang sakit. Kapag nagluluto, subukang mag-steam, mag-bake, at magihaw, sa halip na magprito. Gumamit ng herbs at spices para mabawasan ang konsumo ng asin. Tiyaking tama ang pagkakaluto ng mga karne, at huwag na huwag kakain ng sirang pagkain. M Huwag kumain nang masyadong marami. Iniulat ng World Health Organization ang nakatatakot na pagdami sa buong daigdig ng mga taong sobra sa timbang at napakataba, na kadalasa’y resulta ng pagkain nang labis. Ayon sa isang pagaaral, sa ilang lugar sa Aprika, “mas maraming bata ang sobra sa timbang kaysa sa kulang sa nutrisyon.” Ang mga batang sobrang taba ay posibleng magkaroon ng mga problema sa kalusugan, kasama na ang diyabetis. Mga magulang, maging mabuting halimbawa sa inyong mga anak sa pagkontrol sa dami ng inyong kinakain.

M Kumain ng maraming halaman. Kumain ng sari-saring prutas, gulay, at mga whole grain sa halip na karne at mga produktong gawa sa starch. Makabubuti ring kumain ng mas maraming isda kaysa sa karne. Bawasan ang konsumo ng mga refined food gaya ng pasta, puting tinapay, at puting kanin, na wala nang gaanong sustansiya. Iwasan ˆ ang mga usong diyeta na maaaring makasama sa kalusugan. Mga magulang, ingatan ang kalusugan ng inyong mga anak—sanayin silang kumain ng masusustansiyang pagkain. Halimbawa, sa halip na chips o kendi, bigyan sila ng nuts at sariwang prutas at gulay na nahugasang mabuti. M Uminom ng maraming likido. Araw-araw, ang mga adulto at bata ay kailangang uminom ng maraming tubig at iba pang likido na walang halong asukal. Damihan ang pag-inom ng mga ito kapag mainit ang panahon at kapag nagtatrabaho nang mabigat o nag-eehersisyo. Nakatutulong ito sa panunaw, nag-aalis ng mga lason sa katawan, nagpapaganda ng kutis, at nakababawas sa timbang. Gaganda rin ang iyong hitsura at pakiramdam. Umiwas sa labis na pag-inom ng alak at matatamis na inumin. Ang isang soft drink bawat araw ay makadaragdag ng 6.8 kilo sa iyong timbang sa isang taon. Sa ilang bansa, ang malinis na tubig ay mahal at mahirap makuha. Pero napakahalaga ng paginom nito. Ang maruming tubig ay dapat pakuluan o gamitan ng kemikal. Sinasabing mas marami ang namamatay sa maruming tubig kaysa sa mga digmaan o lindol. Iniulat na 4,000 bata ang namamatay dahil dito araw-araw. Iminumungkahi ng World Health Organization na pasusuhin ng mga ina ang kanilang sanggol sa unang anim na buwan. Pagkatapos, maaari na nila itong samahan ng iba pang pagkain hanggang sa maging dalawang taon ang kanilang anak.

Gumising! ANG BABASAHING ITO AY INILALATHALA para sa kapakinabangan ng buong pamilya. Ipinakikita nito kung paano haharapin ang mga problema sa ngayon. Iniuulat nito ang mga pangyayari sa daigdig at nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga tao sa maraming lupain. Tinatalakay rin nito ang hinggil sa relihiyon at siyensiya. Ngunit hindi lamang iyan. Sinusuri nitong mabuti ang kasalukuyang mga pangyayari at sinasabi ang tunay na kahulugan ng mga iyon, subalit lagi itong neutral sa pulitika at hindi nagtatangi ng lahi. Pinakamahalaga, layunin ng magasing ito na patibayin ang pagtitiwala sa Maylalang at sa kaniyang pangako na ang kasalukuyang napakasama at magulong sistema ng mga bagay ay malapit nang palitan ng isang payapa at tiwasay na bagong sanlibutan.

4

Gumising! Marso 2011

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan. Awake! (ISSN 0005-237X) is published monthly in the United States by Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.; M. H. Larson, President; G. F. Simonis, Secretary-Treasurer; 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483, U.S.A., and in the Philippines by Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, Inc., PO Box 2044, 1060 Manila, R.P. Periodicals Postage Paid at Brooklyn, NY, and at additional mailing offices. Entered as second-class matter at the Manila Central Post Office on September 12, 1961. 5 2011 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. All rights reserved. Printed in R.P. Vol. 92, No. 3

Monthly

TAGALOG


2

TIP 1

Alagaan ang Iyong Katawan “Wala ngang napopoot sa sariling katawan, ngunit pinakakain at inaalagaan niya ito.” (Efeso 5:29, Biblia ng Sambayanang Pilipino) Gaganda ang iyong kalusugan kung aalagaan mo ang iyong katawan. M Magpahinga nang sapat. “Mas mabuti ang sandakot na kapahingahan kaysa sa dalawang dakot ng pagpapagal at paghahabol sa hangin.” (Eclesiastes 4:6) Ninanakaw ng mga gawain at pang-abala sa ngayon ang ating panahon sa pagtulog. Pero napakahalaga nito para sa mabuting kalusugan. Ipinakikita ng mga pag-aaral na habang natutulog tayo, ang katawan at utak ay nagkukumpuni kaya tumatalas ang ating memorya at gumaganda ang ating mood. Ang tulog ay nagpapalakas ng resistensiya at nagsisilbing proteksiyon laban sa impeksiyon, diyabetis, istrok, sakit sa puso, kanser, sobrang katabaan, depresyon, at marahil pati sa Alzheimer’s disease. Huwag labanan ang antok sa pamamagitan ng caffeine, matatamis na pagkain, o iba pang pampagising; dapat itong itulog. Karamihan ng adulto ay nangangailangan ng pito hanggang walong oras na tulog para gumanda ang kanilang hitsura, pakiramdam, at pagtatrabaho. Mas mahabang tulog pa ang kailangan ng mga kabataan. Ang mga kabataang kulang sa tu-

Mga Wika: Afrikaans, Albanian, Amharic, Arabic, Armenian, Bislama, Bulgarian, Cebuano, Chichewa, Chinese (Simplified), Chinese (Traditional)7 (audio Mandarin only), Chitonga, Cibemba, Croatian, Czech,7 Danish,7 Dutch,67 English,67 Estonian, Ewe, Fijian, Finnish,7 French,687 Georgian, German,67 Greek, Gujarati, Hebrew, Hiligaynon, Hindi, Hungarian, Icelandic, Igbo, Iloko, Indonesian, Italian,67 Japanese,67 Kannada, Kinyarwanda, Kirghiz, Kirundi, Korean,67 Latvian, Lingala, Lithuanian, Macedonian, Malagasy, Malayalam, Maltese, Myanmar, Norwegian,67 Polish,67 Portuguese,687 Punjabi, Rarotongan, Romanian, Russian,67 Samoan, Sepedi, Serbian, Sesotho, Shona, Silozi, Sinhala, Slovak, Slovenian, Spanish,67 Swahili, Swedish,7 Tagalog, Tamil, Thai, Tok Pisin, Tongan, Tsonga, Tswana, Turkish, Ukrainian, Urdu, Vietnamese, Xhosa, Yoruba, Zulu

6 Makukuha rin sa CD. 8 Makukuha rin sa MP3 CD-ROM. 7 Makukuha rin ang audio recording sa www.jw.org.

log ay mas malamang na magkaroon ng problema sa isip at makatulog habang nagmamaneho. Lalong kailangan ang tulog kapag tayo’y may sakit para mas mabilis tayong gumaling. Halimbawa, kapag may sipon, makatutulong ang dagdag na tulog at pag-inom ng maraming tubig. M Ingatan ang iyong mga ngipin. Ang pagsisipilyo at pagpo-floss pagkatapos kumain, at lalo na bago matulog, ay tutulong para maiwasan ang pagkasira ng ngipin, sakit sa gilagid, at pagkabungi. Hindi natin mapapakinabangan nang husto ang ating kinakain kung wala ang ating tunay na mga ngipin. Ayon sa ulat, hindi pagtanda ang ikinamamatay ng mga elepante kundi unti-unti silang namamatay sa gutom kapag nasira na ang kanilang mga ngipin at hindi na sila makanguya nang maayos. Kaya naman, ang mga batang naturuang magsipilyo at mag-floss pagkatapos kumain ay nagiging mas malusog hanggang sa pagtanda. M Magpatingin sa doktor. May mga sakit na kailangang ikonsulta sa doktor. Kung maaagapan mo ang mga ito, makatitipid ka at mas mabilis kang gagaling. Kaya kung masama ang pakiramdam mo, magpatingin sa doktor para matukoy at magamot ang iyong sakit, sa halip na remedyuhan lang ang mga sintomas nito. Maiiwasan ang malulubhang problema kung regular kang magpapa-checkup sa mahuhusay na health-care provider, gaya ng pagpapatingin sa doktor sa panahon ng pagbubuntis.1 Pero tandaan na ang mga doktor ay hindi naghihimala. Lubusan lang tayong gagaling sa lahat ng ating karamdaman kapag ginawa nang “bago [ng Diyos] ang lahat ng bagay.”—Apocalipsis 21:4, 5. 1 Tingnan ang artikulong “Malusog na Mommy, Malusog na Baby,” sa Gumising!, isyu ng Nobyembre 2009.

Nais mo ba ng higit pang impormasyon o walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya? Pakisuyong humiling sa mga Saksi ni Jehova gamit ang isa sa mga adres na nakatala sa ibaba. Para sa kumpletong listahan ng adres, tingnan ang www.watchtower.org/address. Australia: PO Box 280, Ingleburn, NSW 1890. Britain: The Ridgeway, London NW7 1RN. Canada: PO Box 4100, Georgetown, ON L7G 4Y4. France: BP 625, F-27406 Louviers Cedex. Germany: 65617 Selters. Greece: Kifisias 77, GR 151 24 Marousi. Hong Kong: 4 Kent Road, Kowloon Tong, Kowloon. Israel: PO Box 29345, 61293 Tel Aviv. Italy: Via della Bufalotta 1281, I-00138 Rome RM. Japan: 4-7-1 Nakashinden, Ebina City, Kanagawa-Pref, 243-0496. Korea, Republic of: PO Box 33, Pyungtaek PO, Kyunggi-do, 450-600. Malaysia: Peti Surat No. 580, 75760 Melaka. Philip´ pines: PO Box 2044, 1060 Manila. Spain: Apartado 132, 28850 Torrejon de Ardoz (Madrid). Taiwan: 3-12, Shetze Village, Hsinwu 32746. United States of America: 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483.

Gumising! Marso 2011

5


TIP 1

3

Maging Aktibo “Kung ang ehersisyo ay tableta, ito na siguro ang pinakamadalas iresetang gamot sa mundo.” (Emory University School of Medicine) Sa lahat ng bagay na makabubuti sa ating kalusugan, isa ang ehersisyo sa talagang kapaki-pakinabang.

M Mag-ehersisyo. Kung tayo’y aktibo, magiging mas maligaya, masigla, at produktibo tayo. Magiging mas malinaw rin ang ating isip. Kung sasabayan pa ito ng tamang pagkain, makokontrol din natin ang ating timbang. Hindi naman kailangang masakit o sobra-sobra ang ehersisyo para maging epektibo. Ang regular at katamtamang ehersisyo mga ilang beses bawat linggo ay makatutulong nang malaki. Ang jogging, brisk walking, pagba-bike, at pagsali sa aktibong isports ay nakapagpapabilis sa tibok ng puso at nakapagpapapawis. Mapalalakas ng mga ito ang iyong katawan at makaiiwas ka sa atake sa puso at istrok. Kung isasama mo sa gayong mga ehersisyo ang calisthenics at pagbubuhat ng weights, titibay ang iyong mga buto, kalamnan, braso, at binti. Mapananatili rin nitong mabilis ang iyong metabolismo, na nakatutulong naman sa pagkontrol ng iyong timbang. M Maglakad. Ang ehersisyo ay kapaki-pakinabang sa lahat, anuman ang kanilang edad. Hindi na kailangang mag-gym para magawa ito. Malaking bagay na kung maglalakad ka sa halip na sumakay ng kotse, bus, o elebeytor. Huwag nang mag-

6

Gumising! Marso 2011

hintay ng masasakyan kung puwede ka namang maglakad, at baka makarating ka pa nang mas mabilis sa iyong pupuntahan. Mga magulang, pasiglahin ang inyong mga anak na maglaro sa labas ng bahay hangga’t maaari. Magkakaroon ng koordinasyon ang kanilang katawan at magiging malakas sila. Hindi ito magagawa ng mga libangang gaya ng paglalaro ng video games kung saan lagi lang silang nakaupo. Anuman ang iyong edad, makikinabang ka kung magsisimula ka sa simpleng mga ehersisyo. Kung may-edad ka na o may mga sakit at hindi sanay mag-ehersisyo, kumonsulta muna sa doktor. Pero huwag itong ipagpaliban! Kung hindi bibiglain ang pag-eehersisyo sa simula, makatutulong ito kahit sa mga may-edad para mapanatili ang kanilang bone mass at ang lakas ng kanilang kalamnan. Tutulong din ito sa kanila na makaiwas sa pagkatumba. Ehersisyo ang nakatulong kay Rustam, na binanggit sa unang artikulo ng seryeng ito. Pitong taon na ang nakararaan, siya at ang kaniyang asawa ay nagsimulang mag-jogging sandali tuwing umaga, limang beses sa isang linggo. “Nung una, lagi kaming nagdadahilan,” ang sabi niya. “Pero nakatulong sa amin ang pagpapasigla sa isa’t isa. Ngayon, nag-e-enjoy na kaming gawin ito.”

Puwede kayong mag-enjoy sa pag-eehersisyo


4

“Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli.” (Kawikaan 22:3) Ang simpleng mga pag-iingat ay tutulong sa iyo na makaiwas sa sakit at pagdurusa, pati na sa gastos at abala. M Panatilihing malinis ang iyong sarili. “Ang

paghuhugas ng kamay ang pinakaimportanteng bagay na magagawa mo para maiwasan ang pagkalat ng sakit at para manatiling malusog,” ang sabi ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention. Sinasabi na 80 porsiyento ng mga sakit ay naipapasa ng maruruming kamay. Kaya laging maghugas ng kamay. Gawin ito lalo na bago kumain, maghanda ng pagkain, maglinis o humawak ng sugat, at pagkatapos humawak ng hayop, gumamit ng palikuran, o magpalit ng diaper ng sanggol. Mas epektibo ang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon kaysa sa paggamit ng mga alcohol-based hand sanitizer. Magiging mas malusog ang mga bata kung sasanayin sila ng kanilang mga magulang na maghugas ng kamay at huwag hawakan ang kanilang bibig at mata. Makatutulong din kung araw-araw kang maliligo at kung laging malinis ang iyong mga damit pati na rin ang mga punda at sapin sa higaan. M Umiwas sa nakahahawang sakit. Iwasang lumapit sa mga taong may sipon o trangkaso at huwag makisalo sa kanilang mga gamit sa pagkain dahil nakahahawa ang kanilang laway at bahin. Ang mga sakit na nasa dugo gaya ng hepatitis B at C at HIV/AIDS ay pangunahing naililipat sa pamamagitan ng pakikipagtalik, pagtuturok ng droga, at pagpapasalin ng

dugo. Ang bakuna ay makatutulong para maiwasan ang ilang sakit, pero kailangan pa ring mag-ingat kapag kasama ang mga taong may nakahahawang sakit. Iwasang makagat ng mga insekto. Huwag maupo o matulog sa mga lugar na maraming lamok o iba pang insektong may dalang sakit. Gumamit ng kulambo, lalo na para sa mga bata, at insect repellent.1 M Panatilihing malinis ang iyong tahanan.

Gawing malinis at masinop ang loob at labas ng iyong tahanan. Linisin ang lahat ng posibleng pamugaran ng lamok. Ang mga walangtakip na pagkain at basurahan ay dinarayo ng mga insekto at daga na maaaring magdala ng baktirya at maging sanhi ng sakit. Kung walang palikuran, gumawa ng hukay sa halip na dumumi kung saan-saan. Takpan ito para hindi puntahan ng mga langaw na nagdadala ng impeksiyon sa mata at iba pang sakit. M Protektahan ang iyong sarili. Sumunod sa mga batas pangkaligtasan kapag nagtatrabaho, nagbibisikleta, nagmomotorsiklo, o nagmamaneho. Tiyaking ligtas ang iyong sasakyan. Gumamit ng mga proteksiyon sa katawan gaya ng safety glasses, helmet, at tamang sapatos, gayundin ng mga seat belt at earplug. Iwasan ang sobrang pagbibilad sa araw, na sanhi ng kanser at maagang pagkulubot ng balat. Huminto sa paninigarilyo. Kung gagawin mo ito agad, liliit ang tsansa mong magkaroon ng sakit sa puso, kanser sa baga, at istrok.2 1 Tingnan ang serye ng mga artikulong itinampok na “Kapag Nagkalat ng Sakit ang mga Insekto,” sa isyu ng Mayo 22, 2003. 2 Tingnan ang serye ng mga artikulong itinampok na “Kung Paano Maihihinto ang Paninigarilyo,” sa isyu ng Mayo 2010.

sa pabalat Gumising!, sa pabalat Gumising!,

MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31

Ingatan ang Iyong Kalusugan

1. Mga nakasulat sa turbante. 2. Mga batong onix sa balikat. 3. Mga kampanilya sa laylayan. 4. Ang nasa kaliwa. 5. 133,000. 6. B.

TIP 1

Gumising! Marso 2011

7


5

TIP 1 Pasiglahin ang Iyong Sarili at ang Iyong Pamilya “Ang bawat matalino ay gagawi nang may kaalaman.” (Kawikaan 13:16) Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kalusugan ay magpapasigla sa iyo na gawin ang kailangang mga pagbabago para maging mas malusog ka at ang iyong pamilya. M Patuloy na mag-aral. Sa maraming bansa, may mga pribado at pampublikong institusyon na nagbibigay ng mga babasahin at nagtuturo tungkol sa iba’t ibang paksa sa kalusugan. Samantalahin ang mga ito at pag-aralan kung paano mo mapabubuti ang iyong kalusugan at´ maiiwasan ang pagkakasakit. Panatilihing bukas ang iyong isip at maging handa na gumawa ng simpleng mga pagbabago. Ang mabubuting kaugalian na natutuhan at sinusunod mo ay pakikinabangan ng iyong mga anak at ng magiging mga anak nila. Kapag ang mga magulang ay nagpapakita ng magandang halimbawa sa pagkain, kalinisan, pagtulog, pageehersisyo, at pag-iwas sa sakit, malamang na gayahin ito ng kanilang mga anak.—Kawikaan 22:6. M Magkaroon ng mas matinding dahilan para mabuhay. Hindi sapat ang pag-

papahalaga sa sarili para maingatan ang kalusugan. Mahirap alisin ang dimagagandang nakagawian, at kailangan ng matinding determinasyon para makagawa ng kahit simpleng mga pagbabago. Nariyan man ang panganib na magkasakit nang malubha o mamatay, baka hindi pa

Makinabang sa malusog na paraan ng pamumuhay 8

Gumising! Marso 2011

rin gawin ng ilan ang alam nilang makabubuti sa kanila. Kung gayon, ano ang kailangan? Kailangan nating magkaroon ng mas matinding dahilan para mabuhay. Kailangang manatiling malusog at malakas ang mga mag-asawa para patuloy na matulungan ang isa’t isa. Nais ng mga magulang na patuloy na maalalayan at masanay ang kanilang mga anak. Kailangang alagaan ng malalaki nang mga anak ang may-edad na mga kamag-anak. Nariyan din ang pagnanais na makatulong at huwag maging pabigat sa komunidad. Ang lahat ng ito’y udyok ng pag-ibig at pagmamalasakit sa iba. Ang mas matindi pang dahilan ay ang pasasalamat at debosyon sa ating Maylikha. Pinahahalagahan ng mga naniniwala sa Diyos ang kaniyang kaloob na buhay. (Awit 36:9) Kung malusog tayo, mas makapaglilingkod tayo sa Diyos. Ito na nga ang pinakamatinding dahilan para ingatan ang ating kalusugan.


MAGING MAS MALUSOG! N

ATATANDAAN mo pa ba si Ram na nabanggit sa unang artikulo ng seryeng ito? Gaya ng maraming tao sa daigdig, hindi alam ni Ram kung gaano kahalaga sa kalusugan ang tamang pagkain at iba pang pang-araw-araw na gawain. Sinabi niya: “Ang artikulo sa Gumising! na ‘Masustansiyang mga Pagkain na Madali Mong Makukuha’ (Mayo 8, 2002) ay nakatulong sa akin na maging palaisip sa nutrisyon.” Ipinaliwanag pa ni Ram: “Sinikap ng aming pamilya na sundin ang natutuhan namin sa artikulo. Nang maglaon, lumakas ang aming resistensiya. Noong hindi pa kami nag-iingat sa pagkain, lagi kaming sinisipon. Natutuhan din namin ang madali at matipid na paraan sa pagkuha ng malinis na tubig na maiinom, salamat sa artikulo sa Gumising! na ‘Anim na Paraan Upang Ingatan ang Iyong Kalusugan.’ ”—Setyembre 22, 2003. “Ang isa pang artikulo sa Gumising! na nakatulong sa amin ay pinamagatang ‘Sabon —Isang “Pambakuna sa Sarili,” ’ sa isyu ng Nobyembre 22, 2003. Sinunod namin agad ang mga

mungkahi sa artikulong ito pagkabasa namin. Ngayon, hindi na kami nagkakaroon ng impeksiyon sa mata na kasindalas nang dati. “Sa aming lugar, pinababayaan lang ng mga tao ang napakaraming langaw at lamok. Pero natutuhan ng aming pamilya sa video na The Bible—Its Power in Your Life,1 na dapat mag-ingat sa mga iyon. Nakatulong din sa amin ang kaalamang ito para manatiling malusog.” Huwag sumuko! Anumang pagbabago ang kailangan mong gawin, makabubuting magsimula nang unti-unti at huwag magtakda ng di-makatuwirang mga tunguhin. Halimbawa, bawasan muna ang mga pagkaing dinakapagpapalusog sa halip na tuluyang iwasan ang mga ito. Sikaping matulog nang mas maaga at dagdagan pa nang kaunti ang iyong pag-eehersisyo. Mas mabuti na iyon kaysa sa wala kang ginagawa. Kadalasan, kailangan ng panahon—mga linggo o buwan—bago makasanayan ang isang magandang rutin. Samantala, huwag sumuko agad kung wala kang nakikitang resulta sa iyong mga pagsisikap. Kung magtitiyaga ka kahit may mga hadlang, gaganda ang kalusugan mo. Imposibleng magkaroon ng perpektong kalusugan sa di-sakdal na mundong ito. Kapag nagkasakit ka, baka hindi naman ito dahil sa kapabayaan mo kundi dahil sa likas na marupok ang katawan ng tao. Kaya huwag kang masyadong ma-stress at mabalisa dahil sa kalusugan o iba pang bagay. “Sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa haba ng kaniyang buhay?” ang tanong ni Jesus. (Lucas 12:25) Sa halip, iwasan ang mga bagay na makapagpapaikli sa iyong buhay o makaaapekto sa kalidad ng iyong pamumuhay. Maaari itong makatulong sa iyo na maging malusog hanggang sa dumating ang bagong sanlibutan ng Diyos kung saan “walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’ ”—Isaias 33:24. 1 Ginawa ng mga Saksi ni Jehova. Gumising! Marso 2011

9


ANG PANGMALAS NG BIBLIYA

Pangalagaan ang Iyong Katawan

Hindi inirerekomenda ni pinahihintulutan man ng Bibliya na sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapahirap sa sarili. Ang totoo, laging hinihimok ng Bibliya ang mga taong may takot sa Diyos na alagaan ang kanilang katawan. Pansinin kung paano inilalarawan ng Bibliya ang pagmamahalan ng mag-asawa. Ginamit nitong halimbawa ang likas na pagtrato ng isang lalaki sa kaniyang katawan. Sinabi nito: “Dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawang babae na gaya ng sa kanilang sariling mga katawan . . . Walang taong napoot kailanman sa kaniyang sariling laman; kundi pinakakain at inaaruga niya ito, gaya ng ginagawa rin ng Kristo sa kongregasyon.”—Efeso 5:28, 29. Ano ang saysay ng utos na ibigin ang asawang babae gaya ng sariling katawan kung sasaktan din lang pala ng isang mananamba ang kaniyang katawan? Malinaw na ang mga umiibig sa mga prinsipyo ng Kasulatan ay inaasahan na pangalagaan at ibigin pa nga ang kani10

Gumising! Marso 2011

lang sarili. Kaya ganito rin nila dapat ibigin ang kanilang asawa. Kaya naman, maraming prinsipyo sa Bibliya na tumutulong sa mga bumabasa nito para pangalagaan ang kanilang sarili. Halimbawa, binabanggit sa Bibliya ang pakinabang ng katamtamang ehersisyo. (1 Timoteo 4:8) Sinasabi rin nito na nakagagamot ang ilang pagkain at ipinaˆ hihiwatig na nakasasama sa katawan ang maling Isang debotong umaakyat nang paluhod sa simbahan

5 2010 photolibrary.com

ARA sa marami, hindi katanggap-tanggap ang ideya ng pagpapahirap sa sarili. Gayunman, itinuring na may takot sa Diyos ang mga mananambang nagpahirap sa kanilang sarili sa pamamagitan ng paghagupit, pag-aayuno, at pagdadamit ng balahibo ng hayop na nakaiirita sa balat. Hindi lang noong unang panahon ginagawa ang mga iyon. Ayon sa isang ulat, maging ang prominenteng mga lider ng relihiyon sa ngayon ay hinahagupit ang kanilang sarili. Bakit ganito ang kanilang pagsamba? Ayon sa isang tagapagsalita ng isang organisasyong nagaangking Kristiyano, “ang kusang pagpapahirap sa sarili ay isang paraan para maging kaisa ni Jesu-Kristo at danasin din ang mga pasakit na kusa niyang tiniis para tubusin tayo sa kasalanan.” Pero ano ba talaga ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito?

P

´ Mapapalapıt Ka ba sa Diyos Kung Pahihirapan Mo ang Iyong Sarili?


diyeta. (Kawikaan 23:20, 21; 1 Timoteo 5:23) Hinihimok ng Kasulatan ang mga tao na maging malusog para maging aktibo sila hangga’t posible. (Eclesiastes 9:4) Ang mga bumabasa ng Bibliya ay inaasahan na ingatan ang kanilang kalusugan sa ganitong mga paraan. Tiyak na hindi sila aasahang saktan din ang kanilang katawan. —2 Corinto 7:1. Dapat Bang Isadula ng mga Kristiyano ang Paghihirap ni Jesus?

Sa ngayon, ginagawang dahilan ng ilang organisasyon ang pagdurusang dinanas ni Jesus at ng kaniyang mga tagasunod para ipagmatuwid ang pagpapahirap sa sarili. Pero ang mga pagdurusang dinanas ng mga lingkod ng Diyos noon ay hindi pagpapasakit sa sarili. Nang tukuyin ng mga Kristiyanong manunulat ng Bibliya ang pagdurusa ni Kristo, ginawa nila iyon para pasiglahin ang mga Kristiyano na pagtiisan ang pag-uusig—hindi para usigin ang kanilang sarili. Kaya hindi si Jesu-Kristo ang tinutularan ng mga nagpapahirap sa sarili. Isipin ito: Nakita mo na nilalait at sinasaktan ng mga mang-uumog ang mahal mong kaibigan. Napansin mong kalmado at payapa siya, ni hindi man lang gumaganti. Kung gusto mong tularan ang iyong kaibigan, sasaktan at lalaitin mo ba ang iyong sarili? Siyempre hindi, dahil parang ginaya mo na rin ang mga mang-uumog. Sa halip, sisikapin mong huwag gumanti kapag nalagay ka sa gayong sitwasyon. Kung gayon, maliwanag na hindi inaasahan na pahihirapan ng mga tagasunod ni Kristo ang kanilang sarili na para bang kailangan nilang tularan ang mga mang-uumog na nagpahirap at gustong pumatay kay Jesus. (Juan 5:18; 7:1, 25; 8:40; 11:53) Sa halip, kapag napaharap sa paguusig, dapat nilang tularan ang pagiging kalmado at payapa ni Jesus sa harap ng pagdurusa. —Juan 15:20. Isang Paglabag sa Kasulatan

Bago pa man ang panahong Kristiyano, ipinagbawal na ng Kasulatan, na nagsilbing patnubay sa buhay at pagsamba ng mga Judio, ang pananakit sa sarili. Halimbawa, ang mga Judio ay tuwirang pinagbawalan ng Kautusan na maghiwa sa kanilang katawan bagaman karaniwan ito noon sa di-Judiong mga bansa. (Levi-

tico 19:28; Deuteronomio 14:1) Kung ayaw ng Diyos na hiwaan ng isa ang kaniyang katawan, tiyak na ayaw rin Niyang masugatan ito ng mga panghagupit. Malinaw ang pamantayan ng Bibliya—anumang sadyang pananakit sa sarili ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos. Kung paanong gusto ng isang dalubsining na igalang ang kaniyang obra, gusto rin ng Diyos na Jehova na igalang ang katawan ng tao na Kaniyang nilikha. (Awit 139:14-16) Sa katunayan, ang pagpapahirap sa sarili ay hindi makatutulong sa kaugnayan ng isa sa Diyos. Sa halip, nilalabag at pinipilipit nito ang mga turo ng mga Ebanghelyo.

Malinaw ang pamantayan ng Bibliya—anumang sadyang pananakit sa sarili ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos Sa patnubay ng Diyos, ganito ang isinulat ni apostol Pablo tungkol sa mapaniil na mga doktrinang gawa ng tao: “Ang mismong mga bagay na iyon ay mayroon ngang kaanyuan ng karunungan sa isang ipinataw-sa-sariling anyo ng pagsamba at pakunwaring kapakumbabaan, isang pagpapahirap sa katawan; ngunit ang mga iyon ay walang halaga sa pakikipagbaka sa pagbibigay-lugod sa laman.” (Colosas 2:20-23) Talagang walang maitutulong ang pagpapahirap sa sarili ´ para mapalapıt ang isa sa Diyos. Sa kabaligtaran, ang mga kahilingan ng Diyos para sa tunay na pagsamba ay nakagiginhawa, mabait, at magaan.—Mateo 11:28-30. NAPAG-ISIP-ISIP MO NA BA?

˘ Ano ang pangmalas ng Diyos sa katawan ng tao?—Awit 139:13-16. ˘ Malalabanan mo ba ang maling mga pagnanasa sa pamamagitan ng pagpapahirap sa iyong sarili?—Colosas 2: 20-23.

˘ Dapat bang maging pabigat at malupit ang tunay na pagsamba?—Mateo 11:28-30.

Gumising! Marso 2011

11


Ang

Book of Martyrs ni Jean Crespin Title page ng “Book of Martyrs” ni Crespin (Edisyong 1564)

mi sa mga sumalungat sa turo nito ang nagkaroon ng kakila-kilabot na karanasan sa kamay ng kanilang mga mananalansang. Ang isang reperensiya tungkol dito ay ang Le Livre des martyrs (Book of Martyrs) ni Jean Crespin. Inilathala ito noong 1554 sa Geneva, Switzerland, at tinawag ding Histoire des martyrs.1 Isang Abogado ang Sumali sa Repormasyon

OONG 1546, hinatulan ang 14 na lalaking napatunayang mga erehe sa ´ Meaux, Pransiya. Sinunog sila nang buh ay. Ano ang kasalanan nila? Nagtipon sila sa pribadong mga tahanan, nanalangin, umawit ng mga salmo, nagdiwang ng Hapunan ng Panginoon, at nagsabing hindi nila kailanman tatanggapin ang “mga idolatriya ng Papa.” Sa araw ng kanilang bitay, hinamon ng Romano Katolikong guro na si Francois Picard ang ¸ mga lalaking ito tungkol sa kanilang paniniwala sa Hapunan ng Panginoon. Sumagot sila sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa turong Katoliko hinggil sa transubstantiation, na nagsasabing ang tinapay at alak na ginamit sa okasyong iyon ay makahimalang naging katawan at dugo ni Jesus. ‘Naglalasa bang karne ang tinapay, o dugo ang alak?’ ang tanong ng mga lalaki. Bagaman hindi ito nasagot ni Picard, itinali ´ pa rin sa tulos ang 14 at sinunog nang buhay. Ang mga hindi naputulan ng dila ay umawit ng mga salmo. Sinikap naman ng mga paring nakapaligid sa kanila na sapawan sila sa pamamagitan ng pag-awit nang mas malakas. Kinabukasan, sa lugar ding iyon, inihayag ni Picard na ang 14 na lalaki ay mapapasa-impiyerno magpakailanman. Noong ika-16 na siglo, mapanganib ang Europa para sa mga tumutuligsa sa simbahan. Mara-

N

12

Gumising! Marso 2011

Si Crespin ay ipinanganak noong mga 1520, sa Arras, nasa hilagang Pransiya ngayon. Nagaral siya ng abogasya sa Louvain, Belgium. Malamang na dito niya unang nalaman ang mga turo ng Repormasyon. Noong 1541, nagtrabaho siya sa Paris bilang kalihim ng isang ki´ lalang hukom. Kasabay nito, nasaksihan niya sa Place Maubert, Paris, ang pagsunog kay Claude Le Painctre, na hinatulan bilang erehe. Humanga si Crespin sa pananampalataya ni Le Painctre, isang panday-ginto, na hinatulan sa tinatawag ni Crespin na “paghahayag ng katotohanan sa kaniyang mga magulang at kaibigan.” Nang panahong iyon, abogado na si Crespin sa Arras. Pero di-nagtagal, inakusahan siyang erehe dahil sa kaniyang bagong paniniwala. Para makaiwas sa paglilitis, nagpunta siya sa Strasbourg, Pransiya. Nang maglaon, tumira siya sa Geneva, Switzerland, kung saan niya nakasama ang mga tagasuporta ng Repormasyon. Ipinagpalit niya ang pagiging abogado sa pagiging tagapaglimbag. Inilathala ni Crespin ang relihiyosong akda ng mga Repormador, gaya nina John Calvin, 1 Ang salin ng pamagat ng isang akda ni Crespin ay Book of Martyrs, That Is, a Collection of Several Martyrs Who Endured Death in the Name of Our Lord Jesus Christ, From Jan Hus Until This Year, 1554. Ang ilan sa nirebisa at pinalaking-letrang edisyon na´ may iba’t ibang pamagat at nilalaman ay inilathala noong buhay pa si Crespin; ang iba naman ay pagkamatay niya.


´ ´ Images, both pages: 5 Societe de l’Histoire du Protestantisme Francais, Paris ¸

Pagbitay sa mga Protestante sa harap ng hari ng Pransiya na si Henry II at ng kaniyang korte

Martin Luther, John Knox, at Theodore Beza. Inimprenta rin niya ang tekstong Griego ng bahagi ng Bibliya na karaniwang tinatawag na Bagong Tipan, at ang Bibliya—sa kabuuan o mga bahagi nito—sa wikang Ingles, Italyano, Kastila, Latin, at Pranses. Pero nakilala si Crespin sa kaniyang Book of Martyrs. Itinala niya rito ang maraming binitay dahil sa erehiya sa pagitan ng 1415 at 1554. Kung Bakit Iniulat ang Pagdurusa ng mga Martir

Maraming lathalain ng mga Repormador ang tumuligsa sa kalupitan ng mga pinunong Katoliko. Pinalakas nito ang loob ng mga tao sa pagsasabing ang “kabayanihan” ng mga Protestanteng martir ay pagpapatuloy ng pagdurusa ng mga lingkod ng Diyos noon, pati na ng mga Kristiyano noong unang siglo. Para magkaroon ng mga huwaran ang mga kapuwa niya Protestante, nagtipon si Crespin ng isang talaan ng mga nagdusa dahil sa kanilang pananampalataya.1 Ang aklat ni Crespin ay naglalaman ng mga rekord ng pagtatanong, paglilitis, at testimonyo ng mga saksi, pati na ng mga testimonyong isinulat ng mga akusado habang sila ay nasa bilangguan. Kasama rin ang mga liham para patibayin ang mga nakabilanggo. Ang ilan dito ay ˆ puno ng mga pagsipi sa Bibliya. Naniniwala si Crespin na ang pananampalataya ng mga sumulat ng mga testimonyo ay “karapat-dapat sa walang-hanggang pag-alaala.” Karamihan sa mga doktrinang tinalakay sa aklat ni Crespin ay ang mga isyung pinagtatalu1 Dalawa pang ulat ng pagkamartir ang inilathala noong 1554 —kasabay ng paglalathala ni Crespin ng Book of Martyrs—ang isa ay kay Ludwig Rabus sa Aleman, at ang isa naman ay kay John Foxe sa Latin.

nan ng mga Katoliko at Protestante. Halimbawa ay ang paggamit ng imahen sa pagsamba, purgatoryo, at mga panalangin para sa patay, pati na rin kung nauulit ang sakripisyo ni Jesus tuwing misa ng mga Katoliko at kung ang papa ay kinatawan nga ng Diyos. Ang Book of Martyrs ay nagpapatotoo sa kontrobersiya at pagkapanatiko na laganap noong marahas na panahong iyon. Bagaman nakatuon ang pansin ni Crespin sa pag-uusig ng mga Katoliko sa mga Protestante, hindi dapat kalimutan na may-kalupitan ding inusig ng mga Protestante ang mga Katoliko. Sa buong kasaysayan, nagkasala ang huwad na relihiyon dahil sa “dugo ng mga propeta at ng mga banal at ng lahat niyaong mga pinatay sa lupa.” Tiyak na sumisigaw ng katarungan ang dugo ng mga kinikilala ng Diyos bilang kaniyang tapat na mga martir. (Apocalipsis 6:9, 10; 18:24) Malamang na ang ilan sa mga nagdusa at namatay para sa kanilang pananampalataya noong panahon ni Jean Crespin ay taimtim na naghahanap ng katotohanan sa relihiyon. Gumising! Marso 2011

13


Ang mga Panugtog sa Sinaunang Israel AHALAGANG bahagi ng kultura ng sinaunang Israel ang musika. Ang mga trumpeta at tambuli ay hinihipan para tawagin ang mga tao sa pagsamba at para maging hudyat ng mahahalagang pangyayari. Ang mga alpa at lira ay tinutugtog para pakalmahin ang mga hari. (1 Samuel 16:14-23) Ang mga tambol, simbalo, at mga rattle ay hinahampas at inaalog sa panahon ng masasayang okasyon. —2 Samuel 6:5; 1 Cronica 13:8. Sinasabi ng Bibliya na si Jubal, isang inapo ni Cain, ang “nagpasimula [ng] lahat niyaong humahawak ng alpa at ng pipa.” (Genesis 4:21) Maaaring siya ang nakaimbento ng mga panugtog na de-kuwerdas at mga panugtog na hinihipan. Binabanggit sa Bibliya ang maraming pangyayari na nagsasangkot ng musika. Pero wala itong gaanong sinasabi tungkol sa ginamit na mga panugtog. Sa tulong ng mga tuklas sa arkeolohiya at sinaunang mga akda, sinubukang alamin ng mga iskolar ang posibleng hitsura at tunog ng sinaunang mga instrumento. Hindi pa napatutunayan ang ilan sa kanilang konklusyon pero tingnan natin ang ilang halimbawa na may sumusuportang ebidensiya.

M

Mga Tamburin, Sistro, at mga Simbalo

Pagkatapos na makahimalang patawirin ng Diyos si Moises at ang mga Israelita sa Dagat na Pula, ang kapatid ni Moises na si Miriam, kasama “ang lahat ng mga babae,” ay lumabas na “may mga tamburin at nagsasayawan.” (Exodo 15:20) Walang nakuhang tamburin mula sa panahon ng Bibliya na kamukha ng mga tamburin sa ngayon. Pero natagpuan sa 14

Gumising! Marso 2011

Israel ang sinaunang pigurin ng mga babaing may hawak na tambol sa mga lugar na gaya ng Aczib, Megido, at Bet-sean. Ang panugtog na ito, na madalas tawaging tamburin sa mga salin ng Bibliya, ay posibleng isang simpleng paikot ´ na patpat na nilagyan ng banat na balat ng hayop. Noong panahon ng mga patriyarka, ang tamburin ay tinutugtog ng mga babae sa panahon ng masasayang okasyon, kasabay ng pag-awit at pagsasayaw. Sinasabi ng Bibliya na pagkatapos ng isang mahalagang tagumpay sa digmaan, si Jepte na lider ng Israel ay sinalubong ng kaniyang anak na babae na “may pagtugtog ng tamburin at pagsasayaw.” Ipinagdiwang din ng mga babae ang tagumpay ni David na “may awit at mga sayaw” at “may mga tamburin.” —Hukom 11:34; 1 Samuel 18:6, 7. Nang dalhin ni Haring David sa Jerusalem ang kaban ng tipan, ang taong-bayan ay “[nagdiwang] sa harap ni Jehova taglay ang lahat ng uri ng mga panugtog na yari sa tablang enebro at may mga alpa at mga panugtog na dekuwerdas at mga tamburin at mga sistro at mga simbalo.” (2 Samuel 6:5) Nang maglaon, ang templo sa Jerusalem ay nagkaroon ng sariling orkestra, na kinabibilangan ng bihasang mga manunugtog ng simbalo, trumpeta, alpa, at iba pang mga panugtog na de-kuwerdas. Ngayong may ideya na tayo tungkol sa hitsura ng tamburin, ano naman ang sistro? Para itong rattle na may maliit na biluhabang balangkas na metal at may hawakan. Lumilikha ito ng matinis at kumakalansing na tunog kapag inaalog. Minsan lang binanggit ng Bibli-


ya ang sistro—noong dalhin sa Jerusalem ang kaban ng tipan. Pero ayon sa tradisyong Judio, tinutugtog din ang sistro sa panahon ng kalungkutan. Kumusta naman ang sinaunang mga simbalo? Baka isipin mo na ang mga ito’y malalaking disk na metal na pinupompiyang. Pero may mga simbalo sa Israel na mga sampung sentimetro lang ang diyametro, kahawig ng mga castanet, at nakalilikha ng kumakalansing na tunog.

Ang sistro ay inaalog na parang rattle

Mga Alpa at mga Panugtog na De-kuwerdas

Ang kinnor, na madalas tukuyin bilang “alpa” o “lira,” ay pangkaraniwan sa sinaunang Israel. Tinugtog ito ni David para magdulot ng kaginhawahan kay Haring Saul. (1 Samuel 16: 16, 23) Di-bababa sa 30 hitsura ng lira ang natipon ng mga iskolar mula sa mga paglalarawan sa sinaunang mga batong dingding, barya, moseyk, plake, at mga pantatak. Nagbagu-bago ang anyo ng lira sa paglipas ng panahon. Kinakarga ito ng manunugtog sa kaniyang bisig at kinakalabit ang mga kuwerdas nito gamit ang kaniyang mga daliri o isang pick. Ang nebel ay kahawig ng kinnor. Di-matiyak kung ilan ang kuwerdas nito, kung gaano ito kalaki, at kung paano ito tinutugtog. Pero ipinapalagay ng maraming iskolar na ang nebel at ang kinnor ay parehong nabibitbit ng manunugtog.

Bihasa si Haring David sa pagtugtog ng alpa

Mga Trumpeta at Tambuli

Inutusan ng Diyos si Moises na gumawa ng dalawang trumpeta. Ang mga ito ay yari sa

Ginagamit na ang tamburin noong panahon ng mga patriyarka

Ginagamit ang trumpeta para ipatalastas ang maraming pangyayari


Pigurin ng babaing may panugtog na pinupukpok, ikawalong siglo B.C.E.

Isang barya na may instrumentong de-kuwerdas, ikalawang siglo C.E.

Iba Pang mga Panugtog

Nakaukit sa batong ito na mula sa bakuran ng templo sa Jerusalem ang mga salitang “sa dako na pinaghihipan ng trumpeta,” unang siglo B.C.E.

16

Gumising! Marso 2011

Ginamit din noong panahon ng Bibliya ang mga panugtog na gaya ng kampanilya, plawta, at laud. Binanggit ng propeta ni Jehova na si Daniel, na ipinatapon sa sinaunang Babilonya, na may orkestra si Haring Nabucodonosor at kabilang doon ang sitara, pipa, at gaita.—Daniel 3:5, 7. Ang ilang panugtog na ito na binanggit sa Kasulatan ay patunay na ang musika ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng sinaunang Israel, at malamang na pati ng iba pang sibilisasyon noon. Ang musika ng mga ito ay narinig sa maharlikang korte at sa mga lugar ng pagsamba, pati na rin sa mga nayon at tahanan.

Pottery figurine: Z. Radovan/BPL/Lebrecht; coin: 5 2007 by David Hendin. All rights reserved; temple stone: Photograph 5 Israel Museum, Jerusalem; courtesy of Israel Antiquities Authority

pinukpok na pilak. (Bilang 10:2) Ginamit ito ng mga saserdote para ipatalastas ang mga pangyayari sa templo at ang iba’t ibang kapistahan. Magkakaiba ang tunog na nililikha nito depende sa layunin, kasama na rito ang isang malakas at tuluy-tuloy na tunog o isa na mas maikli. Hindi pa rin alam ang eksaktong hitsura ng mga trumpetang ito yamang wala namang nakuhang trumpeta mula sa panahon ng Bibliya. Mga interpretasyon lang ng mga dalubsining ang taglay natin, gaya ng paglalarawang nakaukit sa bahorelyebe sa Arko ni Tito sa Roma. Ang tambuli, o shofar, ay mahigit 70 ulit na binanggit sa Hebreong Kasulatan. Gawa ito sa sungay ng kambing o ng barakong tupa. Ayon sa mga reperensiyang Judio, may dalawang uri ng tambuli—ang isa ay tuwid na may gintong bokilya at ang isa naman ay pakurba na may palamuting pilak. Madalas gamitin ang tambuli bilang instrumentong panghudyat dahil nakalilikha ito ng malagong na tunog na may dalawa o tatlong tono at malayo ang nararating. Sa sinaunang Israel, ginamit ang tambuli upang ihudyat ang ilang relihiyosong mga kaganapan, gaya ng pasimula at pagtatapos ng Sabbath. Pero ginamit din ito sa ibang paraan—halimbawa, sa panahon ng digmaan. Isip-isipin na lang ang dagundong ng 300 tambuli ng hukbo ni Gideon bago nila sorpresang sinalakay sa gabi ang mga Midianita.—Hukom 7:15-22.


ISANG AKLAT NA MAPAGKAKATIWALAAN MO

Bahagi 5

Ulat ng Bibliya Tungkol sa Gresya

Top, time line: Egyptian wall relief and bust of Nero: Photograph taken by courtesy of the British Museum; Persian wall ´ ´ relief: Musee du Louvre, Paris; bottom, bust of Alexander the Great: Musee du Louvre, Paris

Ito ay ikalima sa isang serye ng pitong artikulo sa sunud-sunod na isyu ng “Gumising!” na tumatalakay sa ulat ng Bibliya tungkol sa pitong kapangyarihang pandaigdig. Layunin nito na ipakita na ang Bibliya ay nagmula sa Diyos at mapagkakatiwalaan at na ang mensahe nito ay isang pag-asa na matatapos na ang pagdurusang dulot ng malupit na pamamahala ng tao.

OONG ikaapat na siglo B.C.E., pinatanyag ng isang kabataang taga-Macedonia ang Gresya1 sa buong mundo. Dahil sa kaniya, ang Gresya ay naging ikalimang kapangyarihang pandaigdig sa ulat ng Bibliya, kasunod ng mga imperyo ng Ehipto, Asirya, Babilonya, at MedoPersia. Ang kabataang ito ay si Alejandro, na nakilala nang maglaon bilang Alejandrong Dakila. Pagkamatay niya, nahati-hati at humina ang kaniyang imperyo. Bagaman nagwakas na ang ´ imperyo ng Gresya, nanatiling buhay ang impluwensiya ng kultura, wika, relihiyon, at pilosopiya nito.

N

tang Griego na nangangahulugang “sampung lunsod.” (Mateo 4:25; Marcos 5:20; 7:31) Ilang beses na binanggit sa Bibliya ang Decapolis, at pinatutunayan ng sekular na kasaysayan at ng ka´ hanga-hangang mga labı ng mga dulaan, ampiteatro, templo, at mga paliguan na umiral nga ito. Madalas ding tukuyin ng Bibliya ang Griegong kultura at relihiyon, lalo na sa aklat ng

Tumpak na Ulat ng Kasaysayan

Hindi binanggit ng Bibliya kung may aktibong propeta ng Diyos noong kasagsagan ng kapangyarihan ng Gresya. Wala ring isinulat na kinasihang aklat ng Bibliya noon. Pero itinampok ang Gresya sa mga hula ng Bibliya. Madalas ding banggitin ang impluwensiya ng Gresya sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, na karaniwang tinatawag na Bagong Tipan. Sa katunayan, sa Israel mismo ay may sampung Helenistikong lunsod na tinatawag na Decapolis. Ito ay mula sa sali1 Ang Gresya sa artikulong ito ay tumutukoy sa sinaunang Gresya bago ang unang siglo at walang anumang kaugnayan sa mga teritoryo ng Gresya sa ngayon.

Mga 200 taon ang kaagahan, tinukoy na sa mga hula ng Bibliya si Alejandrong Dakila

17


GRESYA MEDIA

EHIPTO

PERSIA

INDIA

IMPERYO NG GRESYA May-katumpakang inihula ng Bibliya ang pananakop ni Alejandrong Dakila at ang pagkakahati-hati ng kaniyang imperyo

Mga Gawa na isinulat ng manggagamot na si Lucas. Narito ang ilang halimbawa: Hinggil sa pagdalaw ni apostol Pablo sa Atenas noong 50 C.E., sinabi ng Bibliya na ang lunˆ sod ay “puno ng mga idolo.” (Gawa 17:16) Pinatutunayan ng kasaysayan na ang Atenas at ang ˆ mga karatig-pook nito ay puno ng relihiyosong mga idolo at dambana. Sinasabi ng Gawa 17:21 na “ang lahat ng mga taga-Atenas at mga banyaga na nakikipamayan doon ay walang ibang pinaggugugulan ng kanilang libreng panahon maliban sa pagsasabi ng anumang bagay o sa pakikinig sa anumang bagay na bago.” Pinatutunayan ng mga akda nina Thucydides at Demosthenes na ang mga tagaAtenas ay mahilig makipag-usap at makipagdebate. Espesipikong binanggit ng Bibliya na “nakipag-usap [ang mga pilosopong Epicureo at Estoico kay Pablo] nang may pakikipagtalo,” at dinala pa nga nila siya sa Areopago para marinig pa ang kaniyang mga sasabihin. (Gawa 17:18, 19) Nakilala ang Atenas dahil sa dami ng pilosopo rito, kasama na ang mga Epicureo at Estoico. 18

Gumising! Marso 2011

Binanggit ni Pablo ang isang altar sa Atenas na doon ay nakasulat, “Sa Isang Di-kilalang Diyos.” (Gawa 17:23) Posibleng si Epimenides na taga-Creta ang nagtayo ng mga altar para sa isang di-kilalang diyos. Sa kaniyang talumpati sa mga taga-Atenas, sinipi ni Pablo ang mga salitang “sapagkat tayo rin ay kaniyang mga supling.” Ayon sa kaniya, ang mga salitang ito ay sinabi, hindi ng iisang makata, kundi ng “ilan sa mga makata sa inyo.” (Gawa 17:28) Maliwanag na sina Aratus at Cleanthes ang mga makatang Griego na tinutukoy niya. Kaya naman ganito ang naging konklusyon ng isang iskolar: “Sa tingin ko, ang ulat tungkol sa pagdalaw ni Pablo sa Atenas ay isinulat ng isa na nakasaksi sa mga pangyayari.” Totoo rin iyan sa paglalarawan ng Bibliya sa mga karanasan ni Pablo sa Efeso na nasa Asia Minor. Noong unang siglo C.E., importante pa rin sa lunsod na ito ang paganong relihiyong Griego, partikular na ang pagsamba sa diyosang si Artemis. Ang templo ni Artemis, isa sa seven wonders


of the ancient world, ay ilang beses na binanggit sa aklat ng Mga Gawa. Halimbawa, sinasabi nito na ikinagalit ng panday-pilak na si Demetrio ang ministeryo ni Pablo sa Efeso. Malakas ang negosyo ni Demetrio—ang paggawa ng mga pilak na dambana ni Artemis. “Ang Pablong ito,” ´ ang sabi ng galıt na si Demetrio, “ay nakapanghikayat ng isang malaking pulutong at ibinaling sila tungo sa ibang palagay, na sinasabing ang mga ginawa ng mga kamay ay hindi mga diyos.” (Gawa 19:23-28) Pagkatapos, sinulsulan ni De´ metrio ang galıt na mga mang-uumog kaya sila’y sumigaw: “Dakila si Artemis ng mga tagaEfeso!” Sa ngayon, maaari mong pasyalan ang mga guho ng Efeso at ng templo ni Artemis. Pinatutunayan din ng sinaunang mga inskripsiyon mula sa Efeso na iginawa ng idolo ang diyosang si Artemis at na nagkaroon ng samahan ng mga panday-pilak sa lunsod na iyon. Maaasahang mga Hula

Mga 200 taon bago ang panahon ni Alejandrong Dakila, ganito ang isinulat ni Daniel, propeta ng Diyos na Jehova, tungkol sa pamumuno sa daigdig: “Narito! may isang lalaking kambing

Estatuwa ng diyosang si Artemis ng Efeso

Altar para sa di-kilalang diyos

na dumarating mula sa lubugan ng araw patungo sa ibabaw ng buong lupa, at hindi ito sumasayad sa lupa. At kung tungkol sa kambing na lalaki, may isang sungay na kapansin-pansin sa pagitan ng mga mata nito. At patuloy itong pumaroon hanggang sa barakong tupa na may dalawang sungay, . . . at tinakbo niya ito sa kaniyang matinding pagngangalit. At . . . kaniyang pinabagsak ang barakong tupa at binali ang dalawang sungay nito, at walang kapangyarihan ang barakong tupa upang makatayo sa harap niya. Kaya inihagis niya ito sa lupa at niyurakan . . . At ang lalaking kambing, sa ganang kaniya, ay lubhang nagpalalo sa kasukdulan; ngunit nang lumakas ito, ang malaking sungay ay nabali, at may apat na kapansin-pansing tumubo na kahalili nito, tungo sa apat na hangin ng langit.”—Daniel 8:5-8. Kanino tumutukoy ang mga salitang ito? Sumagot mismo si Daniel: “Ang barakong tupa na iyong nakita na may dalawang sungay ay kumakatawan sa mga hari ng Media at Persia. At ang mabalahibong kambing na lalaki ay kumakatawan sa hari ng Gresya; at kung tungkol sa malaking sungay na nasa pagitan ng mga mata nito, iyon ay kumakatawan sa unang hari.”—Daniel 8: 20-22. Akalain mo! Namamahala pa ang Babilonya, inihula na ng Bibliya na susundan ito ng MedoPersia at ng Gresya. At gaya ng nabanggit na, espesipikong sinabi ng Bibliya na kapag “lumakas ito, ang malaking sungay”—si Alejandro—ay ‘mababali’ at hahalinhan ng apat na iba pa. Sinabi rin ng ulat na hindi niya inapo ang mga hahalili sa kaniya.—Daniel 11:4. Detalyadong natupad ang hulang iyan. Naging hari si Alejandro noong 336 B.C.E., at sa loob lang ng pitong taon ay tinalo niya ang makapangyarihang si Haring Dario III ng Persia. Pagkatapos, pinalawak ni Alejandro ang kaniyang imperyo hanggang sa siya’y mamatay nang di-inaasahan noong 323 B.C.E., sa edad na 32. Hindi siya hinalinhan ng iisang indibiduwal bilang hari, ni hinalinhan man siya ng kaniyang inapo. Sa halip, ang apat niyang pangunahing heneral—sina Lysimachus, Cassander, Seleucus, at Ptolemy—“ang nagproklama sa kanilang sarili bilang mga hari” at namahala sa imperyo, ayon sa aklat na The Hellenistic Age. Gumising! Marso 2011

19


E

TIRO

Paglapad ng daanan sa paglipas ng mga taon

KO

NT

INE

NT

Daanan ni Alejandro

mga 1/2 kilometro

MAKABAGONG TIRO

400 metro

Tinupad ni Alejandro ang hula ng Bibliya nang kayurin nila ang mga guho ng dating lunsod ng Tiro na nasa kontinente para maging daanan patungo sa pulong lunsod

Natupad din kay Alejandro ang ibang hula ng Bibliya noong pinalalawak niya ang kaniyang imperyo. Halimbawa, inihula ng mga propetang sina Ezekiel (ikapitong siglo B.C.E.) at Zacarias (ikaanim na siglo B.C.E.) ang pagkawasak ng lunsod ng Tiro. (Ezekiel 26:3-5, 12; 27:32-36; Zacarias 9:3, 4) Isinulat pa nga ni Ezekiel na ang mga bato at alabok ng Tiro ay ilalagay “sa gitna mismo ng tubig.” Nagkatotoo ba iyan? Pansinin kung ano ang ginawa ng mga kawal ni Alejandro nang kubkubin nila ang Tiro noong 332 B.C.E. Kinayod nila ang mga guho ng dating lunsod ng Tiro na nasa kontinente, at inihagis iyon sa dagat para makagawa ng daanan patungo sa pulong lunsod ng Tiro. Nagtagumpay ang estratehiyang ito at bumagsak ang Tiro. “Ang mga hula laban sa Tiro ay natupad hanggang sa kaliit-liitang detalye,” ang sabi ng isang manggagalugad sa lugar na iyon noong ika-19 na siglo.1 Pangakong Tiyak na Matutupad

Hindi nagdulot ng kapayapaan at katiwasayan sa daigdig ang pananakop ni Alejandro. Matapos pag-aralan ang pamamahala ng sinaunang Gresya, sinabi ng isang iskolar: “Walang gaanong ipinagbago ang kalagayan sa buhay ng karaniwang mga tao.” Paulit-ulit itong nangyayari sa buong kasaysayan. Patunay ito sa sinabi ng Bi1 Gaya ng inihula ni Ezekiel, si Haring Nabucodorosor ng Babilonya ang unang lumupig sa Tiro. (Ezekiel 26:7) Pagkatapos, muling itinayo ang lunsod. Ito naman ang winasak ni Alejandro, anupat tinupad ang bawat detalyeng inihula ng mga propeta. 20

Gumising! Marso 2011

bliya na “ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.”—Eclesiastes 8:9. Gayunman, malapit nang magwakas ang masasamang pamamahala ng tao. Nagtatag ang Diyos ng isang gobyerno na lubhang nakahihigit sa mga ito. Tinatawag itong Kaharian ng Diyos at hahalinhan nito ang lahat ng pamamahala ng tao. Magkakaroon ng tunay at namamalaging kapayapaan at katiwasayan ang mga sakop nito. —Isaias 25:6; 65:21, 22; Daniel 2:35, 44; Apocalipsis 11:15. Si Jesu-Kristo ang Hari ng Kaharian ng Diyos. Di-tulad ng mga tagapamahalang sakim sa kapangyarihan at walang malasakit, si Jesus ay pinakikilos ng pag-ibig sa Diyos at sa mga tao. Ganito ang inihula ng salmista tungkol sa kaniya: “Ililigtas niya ang dukha na humihingi ng tulong, gayundin ang napipighati at ang sinumang walang katulong. Maaawa siya sa maralita at sa dukha, at ang mga kaluluwa ng mga dukha ay ililigtas niya. Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa mula sa paniniil at mula sa karahasan.”—Awit 72:12-14. Gusto mo ba ng ganiyang Tagapamahala? Kung oo, tiyak na magiging interesado ka sa ikaanim na kapangyarihang pandaigdig sa ulat ng Bibliya—ang Roma. Noong namamahala ito, isinilang ang inihulang Tagapagligtas na nagkaroon ng napakahalagang papel sa kasaysayan. Pakisuyong basahin ang ikaanim na artikulo ng seryeng ito sa susunod na isyu ng Gumising!


Nagagalak na Maging Isang Pastol AYON SA SALAYSAY NI ALYMBEK BEKMANOV

Sa edad na tatlo, nagsimula na akong mag-alaga ng mga tupa at nagustuhan ko ito. Pagsapit ng edad na 17, isa na akong makaranasang pastol. Nang maglaon, natutuhan ko ang tungkol sa isa pang uri ng pastol, ang pagiging isang espirituwal na pastol. Hayaan ninyong ikuwento ko kung paano ako naging mas maligaya dahil sa gawaing ito.

SINILANG ako noong 1972. Ang aming malaking pamilya ay mula sa nayon ng Chyrpykty, sa baybayin ng magandang Lake´ Issyk Kul. Ang lugar sa palibot ng lawa ay kilalang pasyalan ng mga turistang nagpupunta sa Kyrgyzstan, na dati’y isang republika ng Unyong Sobyet. Sa ngayon, kami ng asawa kong si Gulmira ay nakatira sa Bishkek, ang kabisera ng Kyrgyzstan, mga 200 kilometro mula sa lugar na kinalakhan ko.

I

Ang Pastol at ang mga Tupa

Noong bata pa ako, dinadala namin ang mga tupa sa matataas na bundok tuwing tagsibol. Mahigit 3,000 metro ang inaakyat namin nang ilang araw. Pinipili ng ilang pastol ang mas maikling ruta, kaya mas mabilis silang nakakarating doon. Pero malapit iyon sa mga bangin, kaya naman ang mga tupa na naliligaw ay nasusugatan, at ang iba ay namamatay pa nga. Marami ring lobo roon na nananakot o sumasalakay sa mga tupa. Inihihiwalay nila ang mga tupa sa kawan at pinapatay ang mga ito. Kaya pinili ni Tiyo ang ruta na mas madali at mas ligtas, bagaman mas matagal ito nang

mga isang araw o higit pa. Kung minsan, gusto kong magmadali, pero sinasabihan ako ni Tiyo, “Alymbek, isipin mo ang mga tupa, huwag ang sarili mo.” Sa itaas ng bundok, gumagawa kami ng pansamantalang mga kural bilang proteksiyon ng mga tupa sa gabi. May mga pastol na tanghali nang gumising kaya mataas na ang araw kapag nagsimulang manginain ang kanilang mga tupa. Mayamaya lang, magsisiksikan na ang mga tupa, nakayuko at hirap na hirap huminga. Dahil hindi sila nakakaing mabuti, nanghihina ´ sila at namamayat. Pero gisıng na si Tiyo bago magbukang-liwayway—mga alas kuwatro ng umaga. Kaya bago pa sumikat ang araw, dinadala na niya ang kaniyang mga alagang tupa sa magandang pastulan. Doon, nanginginain ang mga tupa sa nakarerepreskong simoy ng hangin. Gaya nga ng madalas sabihin ng mga tao, “Makikita mo sa tupa kung mahusay ang kanilang pastol.” Matapos manginain, magandang panahon ito para inspeksiyunin at gamutin ang mga tupa Gumising! Marso 2011

21


habang sila’y nagpapahinga. Malaking problema ang mga langaw na nangingitlog sa pusod ng tupa. Namumula ang pusod at namamaga. Kapag hindi ito naagapan, nagiging makirot ito kung kaya ang tupa ay puwedeng lumaboy at mamatay. Dahil dito, halos araw-araw namin silang iniinspeksiyon para gamutin. Bagaman matrabaho ito, natutuwa kami dahil nagiging malusog at masaya ang mga tupa. Gabi-gabi pag-uwi namin sa kural, binibilang namin ang mga tupa. Pumapasok sila sa isang makitid na pintuan—kung minsan ay sabaysabay ang tatlo o apat. Daan-daan ang tupa na´ min, pero sanay na kami at kaya naming bilangin ang hanggang 800 tupa sa loob lang ng 15 o 20 minuto. Mahirap iyan pero nagawa namin! Kapag may nawawalang tupa, kumukuha si Tiyo ng baril at baston para hanapin ang isang iyon—kahit pa maulan at madilim. Tinatawag niya ang tupa sa malakas na tinig. Naitataboy nito ang mababangis na hayop. At kapag narinig ng tupa ang kaniyang tinig, maiisip-isip mong naramdaman ng tupa na ligtas na ito. Binibigyan namin ng pangalan ang bawat tupa, depende sa kanilang hitsura o ugali. Sa bawat kawan, tila laging may matigas ang ulo. Sa di-malamang dahilan, basta ayaw nilang sumunod sa pastol. Kung minsan, ginagaya ng iba ang pasaway na tupa. Kaya sinisikap ng pastol na sanayin at disiplinahin ang matigas ang ulo. Halimbawa, iiwan niya itong mag-isa sa kural. Sa kalaunan, ang ilang tupa ay nagtatanda at sumusunod na sa utos ng pastol. Ang mga tupa na ayaw magbago ay ginagawa naming hapunan. Naiibang Uri ng Pastol

Noong 1989, nag-aral ako ng martial arts at naging mahusay rito. Nang sumunod na taon, sapilitan akong pinaglingkod sa hukbong Sobyet. Habang naglilingkod sa Russia, ang mga kasamahan ko sa martial arts ay bumuo ng sindikato. Pagbalik ko sa Kyrgyzstan, sinabi nila na kung sasali ako sa kanila, makukuha ko ang lahat ng gusto ko. Pero nang panahong iyon, nakilala ko ang mga Saksi ni Jehova. 22

Gumising! Marso 2011

Sinagot ng mga Saksi ang mga tanong na naglalaro sa isip ko mula pa sa aking pagkabata, gaya ng Bakit namamatay ang tao? Sa tulong nila, naunawaan ko na ang kamatayan ay resulta ng kasalanan ng unang taong si Adan. (Roma 5:12) Natutuhan ko rin mula sa Bibliya na isinugo ng tunay na Diyos na si Jehova ang kaniyang Anak na si Jesus bilang Manunubos natin, at kung mananampalataya tayo kay Jehova at sa kaniyang Anak, puwede tayong matubos mula sa ating minanang kasalanan. Dahil dito, maaari tayong mabuhay magpakailanman sa Paraiso sa lupa, gaya ng orihinal na layunin ng Diyos para sa mga tao.—Awit 37:11, 29; 83:18; Juan 3:16, 36; 17:1-5; Apocalipsis 21:3, 4. Napakalinaw at napakadaling maintindihan ng mga sagot mula sa Kasulatan na ibinigay sa akin ng mga Saksi kung kaya nasabi ko, “’Yan ang tama!” Ayaw ko na rin sa dati kong mga kasamahan. Ilang beses nila akong kinumbinsi na sumama uli sa kanila pero mas matindi ang pagnanais kong mag-aral ng Bibliya at isagawa ang mga natutuhan ko. Ito ang umakay sa akin sa pagiging isang espirituwal na pastol. Nang panahong iyon, isang kilalang faith healer sa aming lugar ang dumadalaw kay Nanay. Isang araw pag-uwi ko, nagsagawa siya ng sesyon para makipag-ugnayan sa mga espiritu. Sinabi niya na mayroon akong espesyal na kaloob, at pinapupunta niya ako sa moske para tumanggap ng isang anting-anting dahil matutulungan daw ako nito. Muntik na niya akong mapaniwala na magkakaroon nga ako ng kapangyarihang manggamot. Kinabukasan, pumunta ako sa mga Saksing nagtuturo sa akin ng Bibliya at ikinuwento ko ang pagdalaw ng espiritista. Mula sa Bibliya, ipinakita nila sa akin na ayaw ni Jehova sa lahat ng anyo ng espiritismo dahil konektado ang mga ito sa masasamang espiritu. (Deuteronomio 18:9-13) Ilang gabi akong hindi makatulog dahil sa mga demonyo. Tinuruan ako ng mga Saksi kung paano mananalangin ayon sa kalooban ni Jehova, kaya hindi na ako binabangungot. Kumbinsido ako na natagpuan ko na ang tunay na Pastol, si Jehova.


Ang mga tupa namin habang nanginginain

Gabi-gabi, binibilang namin ang mga tupa para matiyak na walang nawawala

Natutuhan ko na si David, ang sumulat ng maraming awit sa Bibliya, ay pastol din noong kabataan niya. Tinawag niya si Jehova na “aking Pastol,” at napahalagahan ko ang mga damdamin niya kay Jehova. (Awit 23:1-6) Gusto kong tularan ang Anak ni Jehova na si Jesus, na tinatawag na “pastol ng mga tupa.” (Hebreo 13:20) Sinagisagan ko ang aking pag-aalay kay Jehova sa pamamagitan ng bautismo sa tubig sa isang asamblea sa Bishkek noong 1993. Isang Mahalagang Miting

Marami sa aking mga kamag-anak at kapitbahay ang nagsimulang magtipon para magaral ng Bibliya. Mga 70 katao mula sa aming nayon ang nagtitipon malapit sa Lake Issyk Kul. Isang kamag-anak ko, na pinuno ng konseho sa aming nayon, ang interesadunginteresado. Sinabi niya na magsasaayos siya ng isang malaking miting para maipaliwanag namin ang aming bagong pananampalataya. Pero sinulsulan ng lokal na mga lider ng relihiyon ang mga tagaroon para salansangin ang aming pangangaral. Nagsabuwatan sila na ga-

mitin ang miting na ito para magalit sa amin ang mga tao. Nang dumating ang araw na iyon, mga isang libo ang nagtipon, kasama ang mga tao mula ´ sa tatlong kalapıt na nayon. May ilang Saksi na naroroon, at isa sa kanila ang nagpaliwanag tungkol sa aming mga paniniwalang salig sa Bibliya. Pero wala pang limang minuto, may tumayo na at nagbangon ng mapanghamong mga tanong. Sumunod na rin ang mga bintang at banta, kaya nagalit sa amin ang mga tao at gusto nila kaming saktan. Sa pagkakataong iyon, tumayo ang isa sa mga kuya ko, na kamakailan lang nag-aral ng ´ Bibliya, para ipagtanggol kami. Takot sa kaniya ang lahat dahil mahusay siyang makipagla´ ban. Pumagitna siya sa galıt na grupo ng mga tao at sa mga Saksi, at nakaalis kami nang walang nangyayaring karahasan. Nang sumunod na mga taon, marami sa mga dumalo sa miting na iyon ang naging Saksi. Sa mga 1,000 mamamayan sa aming nayon, mahigit 50 na ang Saksi ni Jehova. Ang Anak na Dalaga ng Isang Pastol

Noong Agosto 1993, mga ilang buwan bago ang malaking kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa Moscow, Russia, nakilala ko si Gulmira, isang Saksi na mula rin sa isang nayon sa Kyrgyzstan. Mga pastol din ang kaniyang pamilya. Noong 1988, nang bawal pa ang gawain Gumising! Marso 2011

23


ng mga Saksi sa Unyong Sobyet, nakipag-aral ng Bibliya ang nanay ni Gulmira sa isang Saksing nagngangalang Aksamy. Noong dekada ’70, si Aksamy ang unang Kirghiz na naging Saksi ni Jehova sa lugar na iyon. Sumali rin si Gulmira sa pakikipag-aral sa Bibliya ng kaniyang ina kay Aksamy. Noong 1990, pareho silang naging bautisadong mga Saksi. Naantig ang puso ni Gulmira, kaya dinagtagal, pumasok siya sa buong-panahong ministeryo bilang payunir. Nang sumunod na dalawang taon, bihira ko lang makita si Gulmira dahil mga 160 kilometro ang layo ng tirahan ko sa kanila. Noong Marso 1995, ipinasiya kong kilalanin siya nang higit. Kaya isang araw, pumunta ako sa kaniyang tinitirhan. Nagulat ako nang malaman kong kinabukasan ay paalis na siya para maglingkod sa tanggapang pansangay sa Russia, na mahigit 5,633 kilometro ang layo! Samantala, naglingkod ako bilang buongpanahong ministro at nag-aral ng wikang Ruso dahil wala pa kaming literatura ng mga Saksi sa wikang Kirghiz. Tatlong taon kaming nagsulatan ni Gulmira at nagkasundo kaming basahin ang parehong mga talata sa Bibliya na matatalakay namin sa aming mga liham. Naglingkod din ako sa unang kongregasyon sa wikang Kirghiz, sa bayan ng Balikchi. Paglilingkod kay Jehova Kasama ni Gulmira

Noong 1998, nagbakasyon si Gulmira sa Kyrgyzstan, at nagpakasal kami. Inanyayahan akong maglingkod sa tanggapang pansangay sa Russia kasama niya. Buti na lang at nagsimula na akong mag-aral ng wikang Ruso! Nang maglaon, inatasan akong magtrabaho kasama ng mga tagapagsalin ng literatura sa Bibliya sa wikang Kirghiz. Nanalangin ako kay Jehova at humiling na magkaroon ako ng karunungan at maging matiyaga. Siyempre pa, malaking tulong ang katrabaho kong si Gulmira. Noong 2004, ang aming pangkat ng mga tagapagsalin ay ipinadala sa Bishkek, kung saan inatasan akong maglingkod sa komiteng nangangasiwa sa gawain ng mga Saksi ni Jehova sa Kyrgyzstan. Doon ay may pitong kongregasyon 24

Gumising! Marso 2011

Kasama si Gulmira

sa wikang Kirghiz at mahigit 30 kongregasyon sa wikang Ruso. Sa ngayon, mayroon nang mahigit 20 kongregasyon sa wikang Kirghiz at maraming grupong nagsasalita ng Kirghiz, na bumubuo sa mga 40 porsiyento ng 4,800 Saksi sa Kyrgyzstan. Ipinasiya namin ni Gulmira na mag-aral ng Ingles yamang makatutulong ito sa aming ministeryo. Naging daan ito para anyayahan kami sa punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Estados Unidos noong 2008. Doon ay dumalo ako sa pantanging paaralan para sa mga nangunguna sa gawaing pangangaral sa isang bansa. Alam namin ni Gulmira na mas matutulungan namin ngayon ang mga tao sa Kyrgyzstan na makilala ang Diyos. Ang mga pinagdaanan namin ay nakatulong sa aming maunawaan na si Jehova ay talagang isang maibiging pastol. Personal kong naranasan ang sinasabi ng isang awit sa Bibliya: “Si Jehova ang aking Pastol. Hindi ako kukulangin ng anuman. Sa mga madamong pastulan ay pinahihiga niya ako; sa tabi ng mga pahingahang-dako na natutubigang mainam ay pinapatnubayan niya ako. Ang aking kaluluwa ay kaniyang pinagiginhawa. Inaakay niya ako sa mga landas ng katuwiran alang-alang sa kaniyang pangalan.”—Awit 23:1-3.


MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Ovipositor ng Wood-Boring Wasp

Pagsasalitan ng mga balbula

Habang kumakagat sa kahoy ang isang balbula, umaabante naman ang isa pang balbula

˘ Inilalagay ng babaing wood-boring wasp (isang uri ng putakti) ang mga itlog nito sa loob ng mga pine tree. Ito ang naging inspirasyon ng mga siyentipiko para makagawa ng mas ligtas at epektibong mga surgical probe. Pag-isipan ito: Binubutas ng putakting ito ang pine tree gamit ang isang ovipositor —isang tubo na tulad-karayom at may dalawang balbula na parehong may mga ngiping nakapalabas. Ang mga ngipin ng isang balbula ay kumakagat sa kahoy, habang umaabante naman nang bahagya ang isa pang balbula. Pagkatapos, ang mga ngipin naman nito ang kakagat sa kahoy para makaabante nang bahagya ang naunang balbula. Magsasalitan ang dalawang balbula sa paggawa nito hanggang sa makabutas nang mga 20 milimetro sa ubod ng kahoy nang walang kahirap-hirap at hindi man lang nababaluktot o nababali. Ginaya ng mga siyentipiko ang ovipositor ng putakting ito at nakagawa sila ng isang prototype ng neurosurgical probe. Ang silicon needle nito ay may dalawang balbulang nagsasalitan at may napakaliliit na ngipin. Nakakapasok ito sa utak nang walang gaanong pinsala. Pero may iba pa itong magagawa. “Di-tulad ng mga surgical probe sa ngayon, ang instrumentong ito ay malambot kaya makakapasok ito sa pinakaligtas na ruta, at maiiwasan ang delikadong mga parte, ang isang halimbawa ay kapag nagoopera sa utak,” ang sabi ng magasing New Scientist. Hindi na rin kailangan ng napakaraming hiwa para sa mga bahagi ng katawan na mahirap pasukin. Ano sa palagay mo? Nagkataon lang ba ang ovipositor ng babaing wood-boring wasp? O may nagdisenyo nito?

Kahoy Wasp: David R. Lance, USDA APHIS PPQ, Bugwood.org; diagram: J. F. V. Vincent and M. J. King, (1996). The mechanism of drilling by wood wasp ovipositors. Biomimetics, 3: 187-201


ANG MGA KABATAAN AY NAGTATANONG

Ano ba ang dapat kong malaman tungkol sa paninigarilyo? Pagiging curious. “Curious lang ako kaya kinuha ko yung inaalok sa ’kin ng kaeskuwela ko. Saka ako nagtago at nag-yosi.”—Tracy. Gamot sa stress at para tanggapin ng iba.

“Sinasabi ng mga kaeskuwela ko, ‘Kailangan kong mag-yosi.’ Saka nila sasabihin, ‘Hay salamat! Kaya ko na ’to!’ Gusto ko ring gawin ’yan kapag stressed ako.”—Nikki. Para pumayat. “Naninigarilyo ang ibang girls para huwag tumaba—mas madali yun kaysa magdiet!”—Samantha. Pero bago ka manigarilyo, mag-isip muna. Huwag kang parang isda na basta na lang kakagat sa pain. Totoo, may makukuhang pagkain ang isda, pero buhay naman nito ang kapalit! Sa halip, sundin ang payo ng Bibliya, at gamitin ang iyong “malinaw na kakayahan sa pag-iisip.” (2 Pedro 3:1) Sagutin ang sumusunod. Ano ba Talaga ang Alam Mo sa Paninigarilyo?

Sagutin ng tama o mali. Lagyan ng I ang dahilan kung bakit gusto mong manigarilyo.

Q Curious lang ako Q Dahil sa stress Q Gusto kong tanggapin ako ng iba Q Gusto kong pumayat

a. Nakakabawas ng stress ang paninigarilyo. b. Maibubuga ko naman ang halos lahat ng usok. c. Wala pang epekto ang paninigarilyo sa kalusugan ko ngayon. d. Mas magugustuhan ako ng di-kasekso kung maninigarilyo ako. e. Ako lang ang maaapektuhan kung maninigarilyo ako.

ILAGYAN mo ba ng tsek ang alinman sa nabanggit? Kung gayon, pareho kayo ng dahilan ng ibang mga kabataang naninigarilyo o gustong sumubok manigarilyo.1 Halimbawa:

N

1 Bagaman ang artikulong ito ay para sa mga naninigarilyo, kapit din sa mga ngumunguya ng tabako ang mga problema at panganib na tinatalakay rito. 26

Gumising! Marso 2011

f. Ayos lang sa Diyos kung manigarilyo ako.

Mga Sagot a. Nakakabawas ng stress ang paninigarilyo.

—Mali. Bagaman naiibsan ng paninigarilyo ang stress na dulot ng mga withdrawal symptom, natuklasan ng mga siyentipiko na ang nikotina ay nagpapataas ng level ng stress hormone.


b. Maibubuga ko naman ang halos lahat ng ANG SINASABI NG IBANG KABATAAN usok.—Mali. Ipinakikita ng ilang pag-aaral na mahigit 80 porsiyento ng sangkap ng usok ng siKung may magtatagarilyo na nalalanghap mo ay naiiwan sa iyong nong sa ’kin kung bakit katawan. hindi ako naninigarilyo, c. Wala pang epekto ang paninigarilyo sa kalusasabihin ko, ‘Kasi ayaw sugan ko ngayon.—Mali. Sa bawat sigarilyong hikong dumhan ang baga nihithit mo, tumataas ang tsansa na magkasakit ko at gusto ko pang ka pagtanda mo. Pero kahit ngayon pa lang, may mabuhay nang matamararamdaman ka nang mga epekto. Ang ilan gal.’ ay naaadik na pagkatapos lang humitit ng isang stick. Hihina ang baga mo at malamang na lagi kang uubuhin. Mas mabilis na kukulubot ang baBenjamin lat mo. Nanganganib ka ring magkaroon ng sexual dysfunction, panic attack, at depresyon. d. Mas magugustuhan ako ng di-kasekso kung maninigarilyo ako.—Mali. Ayon sa mananaliksik Kapag may nag-alok na si Lloyd Johnston, ang mga tin-edyer na nasa ’kin ng sigarilyo, sasaninigarilyo ay “di-gaanong nagugustuhan ng kabihin ko, ‘Ayoko.’ Kung ramihan sa kanilang di-kasekso.” pilitin nila ako, ito nae. Ako lang ang maaapektuhan kung maniman ang sasabihin ko, nigarilyo ako.—Mali. Libu-libo ang namamatay ‘Pinagkakaitan mo ba taun-taon dahil nakalalanghap sila ng usok ng siako ng karapatan kong garilyo ng iba. Makapipinsala ito sa iyong kapamagdesisyon?’ milya, kaibigan, at pati sa iyong mga alagang hayop. Heather f. Ayos lang sa Diyos kung manigarilyo ako. —Mali. Kung gusto mong tanggapin ka ng Diyos, dapat kang maging malinis mula sa “bawat karungisan ng laman.” (2 Corinto 7:1) Talagang piPero gaya ng mga kabataang sinipi sa simunarurumi ng paninigarilyo ang katawan. Kung la ng artikulong ito, baka ang pinakamatinding pipiliin mo pa ring manigarilyo, pipinsalain mo pressure ay galing sa sarili mo. Kung gayon, taang iyong sarili at ang iba, kaya hindi ka puwenungin ang sarili: deng maging kaibigan ng Diyos.—Mateo 22:39; ˘ Talaga bang makabubuti sa akin ang paniGalacia 5:19-21. nigarilyo? Halimbawa, kung maninigarilyo lang Kung Paano Makaiiwas Ano ang gagawin mo kung may mag-alok sa ako para tanggapin ng iba, tatanggapin ba nila iyo ng sigarilyo? Karaniwan na, epektibo ang ako kahit iyon lang ang pagkakatulad namin? isang simple at direktang sagot, gaya ng “Sala- Gusto ko bang tanggapin ako ng mga taong natumat, pero hindi ako naninigarilyo.” Pero paano tuwa kahit pinipinsala ko ang aking kalusugan? ˘ Ano ang magiging epekto ng paninigarilkung mapilit ang nag-aalok sa iyo, o baka kantiyawan ka pa nga? Tandaan na ikaw ang dapat yo sa akin sa pinansiyal? sa aking kalusugan? sa magdesisyon sa bagay na iyan. Puwede mong sa- paggalang ng iba sa akin? bihin: ˘ Handa ko bang ipagpalit sa isang stick ng sigarilyo ang pakikipagkaibigan ko sa Diyos? ˘ “Ayoko, kasi masama ’yan sa kalusugan.” Pero paano kung bisyo mo na ito? Ano ang ˘ “Marami pa akong gustong gawin sa bugagawin mo? hay.”

Gumising! Marso 2011

27


Gaya ng isda na basta na lang kumakagat sa pain, ang naninigarilyo ay nasisiyahan pero napakalaki ng kapalit nito

Kung Paano Hihinto 1. Kumbinsihin ang iyong sarili. Ilista ang

5. Labanan ang mga withdrawal symptom.

Uminom ng maraming fruit juice o tubig, at matulog nang mahaba. Tandaan na pansamantala lang ang hirap, pero permanente ang mga pakinabang! 6. Umiwas sa tukso. Iwasan ang mga lugar at sitwasyong makatutukso sa iyong manigarilyo. Baka kailangan mo ring layuan ang mga kasamahan mong naninigarilyo.—Kawikaan 13:20. 7. Huwag magdahilan. Huwag lokohin ang sarili mo sa pagsasabing, “Isang hithit lang.” Dahil sa ganitong pangangatuwiran, marami ang bumalik sa dating bisyo.—Jeremias 17:9. Huwag Magpadaya

Taun-taon, bilyun-bilyong dolyar ang ginagastos ng mga kompanya ng tabako sa advertising. Tiyak na alam nilang maraming kabataan ang kakagat sa kanilang pain at magiging bisyo ito sa hinaharap. Huwag payamanin ang mga kompanya ng ta2. Humingi ng tulong. bako. Huwag kumagat sa kanilang pain. Ang Kung itinatago mo ang mga kompanya ng tabako ni ang mga kasamaiyong paninigarilyo sa mga han mong naninigarilyo ay hindi interesado sa mahal mo sa buhay, panakapakanan mo. Sa halip na makinig sa kanila, hon na para ipagtapat ito. pakinggan ang payo ng Bibliya “upang makinaSabihin sa kanila na gusto bang ka.”—Isaias 48:17. mo nang huminto at kailangan mo ang kanilang suporta. Kung gusto mong Mas marami pang artikulo mula sa seryeng maglingkod sa Diyos, hi- “Young People Ask” ang mababasa sa Web site na ngin ang kaniyang tulong www.watchtower.org/ype sa panalangin.—1 Juan 5:14. TANUNGIN ANG

mga dahilan kung bakit gusto mong huminto, at lagi itong tingnan. Maaaring isa rito ang kagustuhan mong maging malinis sa harap ng Diyos. Makatutulong ito sa iyo nang malaki.—Roma 12:1; Efeso 4:17-19. ˘ ALAM MO BA?

Ang smokeless tobacco, gaya ng tabakong nginunguya, ay mas maraming naipapasok na nikotina sa katawan kumpara sa sigarilyo. Mayroon pa itong 25 sangkap na nakakakanser. Kaya mas malamang na magkaroon ng kanser sa lalamunan at bibig ang gumagamit nito.

3. Magtakda ng petsa kung kailan ka hihinto.

Bigyan ng mga dalawanglinggong palugit ang iyong sarili at markahan sa kalendaryo ang petsang napili mo. Sabihin sa iyong mga kapamilya at kaibigan na hihinto ka nang manigarilyo sa araw na iyon. 4. Itapon ang lahat ng sigarilyo. Bago dumating ang petsa ng paghinto mo, halughugin ang iyong kuwarto, kotse, at mga gamit kung mayroon ka pang sigarilyo. Itapon ang mga ito, pati na ang mga lighter, posporo, at mga ashtray.

28

Gumising! Marso 2011

MGA MAGULANG MO

Mas madaling harapin ang panggigipit ng iyong mga kasama kung handa ka. Tanungin ang mga magulang mo kung ano ang dapat gawin kapag may nag-alok sa iyo ng sigarilyo. Praktisin ninyo ang sasabihin mo. Kunwari ang magulang mo ang kaibigan mong namimilit sa iyo na manigarilyo. Mungkahi: Para magkaideya kung paano sasagot, tingnan ang “Plano Ko Laban sa Panggigipit” sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan —Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2, pahina 132 at 133.


PAGMAMASID SA DAIGDIG

Pagguho ng Tiwala sa Simbahan Unang divorce fair sa Italya. Ang mga “Wala nang tiwala ang karamihan ng mga tao bisita ay komunsulta sa mga marriage agency sa Simbahan [ng Katoliko],” ang sabi ng ulo ng para sa bagong partner, mga travel agency balita sa The Irish Times. Ayon sa ulat, ang Simpara sa bakasyon ng mga single, at mga dibahang Katoliko ay kapareho ng ibang instituvorce-planning agency para sa mga abogado, syon—ang gobyerno at bangko—na hindi na piaccountant, psychologist, at mga tagapamaginagtitiwalaan ng mga taga-Ireland. Sa bansang tan sa pamilya.—CORRIERE DELLA SERA, ITALYA. kilalang-kilala sa katapatan nito sa simbahan, mahigit sa kalahati ng ininterbyu sa isang surAng “kawalan ng kredibilidad” ng Simbey kamakailan ang nagsabi na “walang-wala” bahang Katoliko dahil sa “maling pagharap sa silang tiwala sa simbahan (32 porsiyento) o ‘hinkrisis sa pang-aabuso sa sekso ng mga klero” di sila gaanong’ tiwala sa simbahan (21 porsiay humantong sa “pinakamalalang krisis ng yento). Isinisisi sa mga iskandalong yumanig sa simbahan sa nakalipas na mga siglo, malasimbahan ang “pagguho” ng tiwala ng mga tao mang na sa buong kasaysayan pa nga ng simrito. bahan.”—NATIONAL CATHOLIC REPORTER, E.U.A. ´ Tapos sa Kolehiyo Pero Matapos pagsunud-sunurin ang DNA mula Walang Trabaho sa nagyelong buhok ng isang taga-Greenland Garantiya ba ng trabaho ang pagtatapos sa na namatay mga 4,000 taon na ang nakalilikolehiyo? Ayon sa Manila Bulletin, hindi ito topas, natuklasang siya ay “tila nagmula sa Siberia.”—REUTERS NEWS SERVICE, E.U.A. too para sa marami. Sinipi nito ang sinabi ng alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista: “Taun-taon, milyun-milyon ang nagtatapos sa aming mga kolehiyo at unibersidad, pero walang trabaho dahil hindi bagay ang kanilang kurso sa mok ng gobyerno ang mga nagtatapos sa haiskul maaaplayang mga trabaho.” Marami ang nagi- na kumuha ng maiikling teknikal o praktikal na ging mga crew sa fast food o mga clerk. Hinihi- kurso na mas madaling hanapan ng trabaho.

Kinakalawang na Tulay Dahil sa Dura Sa Calcutta, India, ang Howrah Bridge na may habang 457 metro ay nanganganib masira dahil sa pagdura ng mga dumaraan dito. Bakit? Ang gutkha—popular na pinaghalu-halong dahon ng betel, areca nut, at apog, na nginunguya at idinudura ng marami—ay napakabilis makakalawang. Ayon sa pahayagang The Telegraph sa Calcutta, “ang naipong dura ng mga biyahero ay nagpapanipis sa bakal na nakabalot sa mga haligi [ng tulay], mula anim na milimetro ay naging tatlo na lang simula noong 2007.” Mga 500,000 tao at 100,000 sasakyan ang dumaraan dito araw-araw.


REPASO PARA SA PAMILYA

Ano ang Pagkakaiba ng mga Larawan?

A.

Alam mo ba kung ano ang tatlong pagkakaiba ng larawan A at B? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot. Kulayan ang mga larawan. CLUE: Basahin ang Exodo 28:9-12, 33, 36, 37.

1 ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝ ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

2 ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝ ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

3 ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝ ˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

4. Aling larawan ang tama, ang nasa kanan o nasa kaliwa?

˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝˝

˘ Nasa pahina 7 ang mga sagot sa mga tanong sa pahina 30 at 31

PARA SA TALAKAYAN: Ano ang ibig sabihin ng salitang “banal”? Bakit mahalagang maging banal ang mga mananamba ni Jehova? Paano mo maipakikita na sinisikap mong maging banal? CLUE: Basahin ang 2 Corinto 7:1. 30

Gumising! Marso 2011

PARA SA PAMILYA: Atasan ang bawat miyembro ng pamilya na magsaliksik tungkol sa papel ng mataas na saserdote sa Israel. Pagkatapos, pag-usapan ang inyong nasaliksik. Halimbawa, ano ang ilan sa mga pananagutan ng mataas na saserdote? CLUE: Basahin ang Levitico 9:7; Deuteronomio 17:9-11. Bakit masasabing si Jesu-Kristo ang pinakamahusay na mataas na saserdote? CLUE: Basahin ang Hebreo 4:14-16; 7:26-28; 9:11-14.

B.


Ipunin at Pag-aralan Isinulat ang huling aklat ng Bibliya

Betlehem Lumipat sa Betlehem mula sa Moab

1 C.E.

98 C.E.

Gupitin, tiklupin, at ingatan

MOAB

M G A SAG OT

B. Bakit mabuting halimbawa si Ruth sa mga nag-aalaga ng maysakit at may-edad?

B. Si Ruth ay mapagsakripisyo at masipag. —Ruth 2:7, 10-12, 17; 3:11.

A. “. . . aking bayan, at ang iyong Diyos ay aking Diyos.”—Ruth 1:16.

C. Kumpletuhin. Si Ruth ay naging asawa ni at ninuno nina at .

Nilalang si Adan

3

MAIKLING IMPORMASYON Isang tapat na balong Moabita na sumuporta sa kaniyang may-edad nang biyenan na si Noemi. Dahil sa tapat na pag-ibig ni Ruth kay Noemi at sa kagustuhan niyang sambahin si Jehova, iniwan niya ang kaniyang sariling bayan at lumipat sa Betlehem. Ganito ang sinabi ng iba kay Noemi, “Ang iyong manugang . . . [ay] mas mabuti sa iyo kaysa sa pitong anak na lalaki.”—Ruth 4:14, 15.

M G A TANO NG A. Kumpletuhin ang sinabi ni Ruth kay Noemi: “Ang iyong bayan ay magiging . . . ”

4026 B.C.E.

BIBLE C ARD

RUT H

Nabuhay noong mga 1200 B.C.E.

R U T H

C. Boaz, Haring David, Jesu-Kristo.—Mateo 1: 5, 6, 16.

Mga Tao at mga Lugar ´ 5. Ako si Shae. Nakatira ako sa Britanya na malapit sa kontinente ng Europa. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Britanya? Ito ba ay 13,300, 133,000, o 333,000? 6. Bilugan ang marka kung saan ako nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalapit sa Britanya.

Mga Bata, Hanapin ang Larawan Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

B

A C D


“Salamat at Nakilala Ko ang Isang Maibiging Ama” ˘ Ganito ang isinulat ng isang 19-anyos na dalaga mula sa timugang Estados Unidos: “Palasimba ang pamilya ko at kilala ko si Kristo bilang aking Tagapagligtas. Pero maraming taon akong nabalot ng takot sa paghuhukom ng Diyos dahil baka masunog ako sa impiyerno, hanggang sa mabasa ko ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? “Pagkabasa ko ng ilang kabanata, talagang gumaan ang pakiramdam ko. Para bang nawala ang napakabigat na pasan sa aking dibdib. Ngayon, alam ko nang ang Diyos na Jehova ay maibigin, mabait, at maawain. Gusto niya akong magkaroon ng kaugnayan sa kaniya pero hindi dahil sa takot. Plano kong dumalo sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova ngayong Linggo. Excited na ako! Salamat at nakilala ko ang isang maibiging Ama, hindi ang isa na gumawa ng maapoy na impiyerno.” Tinatalakay rin sa aklat na Itinuturo ng Bibliya ang iba pang mahahalagang paksa. Kasama rito ang tungkol sa kalagayan ng patay, pag-asa ng pagkabuhay-muli, kung paano mapagaganda ang buhay ng pamilya, kung sino ang Diyos at si Jesu-Kristo, at kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa. Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lang ang kupon sa ibaba at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

Q Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.

Pangalan

Ilagay kung anong wika.

Adres

Q Pakisuyong makipagugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

ANO BA Talaga ANG ITINUTURO NG BIBLIYA?

Lunsod

Lalawigan

ZIP Code

Watch Tower, PO Box 2044, 1060 Manila www.watchtower.org

g11 03-TG


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.