KUWENTO SA BIBLIYA
Ang Aking Aklat ng
MGA KUWENTO SA
BIBLIYA
my-TG
ANG AKLAT NA ITO AY KAY
Ang Aking Aklat ng
MGA KUWENTO SA
BIBLIYA
˘ 1980, 2004 WATCH TOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY OF PENNSYLVANIA Reserbado ang Lahat ng Karapatan
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
Mga Tagapaglathala WATCHTOWER BIBLE AND TRACT SOCIETY OF NEW YORK, INC. Brooklyn, New York, U.S.A.
Ang mga sinipi mula sa Bibliya sa aklat na ito ay pinakahulugan. Isinalin ito sa simpleng pananalita upang maunawaan ito ng mga bata. Ang mga sitas sa dulo ng bawa’t kuwento ay nagsasabi kung saan sa Bibliya kinuha ang mga ito.
Inilimbag 2006 Ang paglalathala ng publikasyong ito ay bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon.
My Book of Bible Stories Tagalog (my-TG) Made in Japan Gawa sa Hapon
ANG AKING AKLAT NG MGA KUWENTO SA BIBLIYA
I
TO’Y aklat ng mga totoong kuwento. Kuha ito sa pinakadakilang aklat sa daigdig, ang Bibliya. Ikinukuwento nito ang kasaysayan ng daigdig hanggang sa ngayon. Sinasabi din nito kung ano pa ang gagawin ng Diyos sa hinaharap. Ang aklat na ito ay nagsasabi tungkol sa mga tauhan ng Bibliya at kung ano ang ginawa nila. Ipinakikita din nito ang pag-asa ng walang-hanggang buhay sa paraiso na ibinigay ng Diyos sa mga tao. Ito’y may 116 kuwento. Hinahati ito sa walong bahagi. Sa umpisa nga bawa’t bahagi ay sinasabi kung ano ang mababasa doon. Ang mga kuwento ay lumilitaw ayon sa kung kailan ito nangyari. Simple lang ang pagsasalaysay nito. Maraming bata ang puwedeng bumasa nito nang mag-isa. Makikita ng mga magulang na ang mga anak nila’y matutuwang basahin ito nang paulit-ulit. May mga sitas sa Bibliya na binabanggit sa dulo ng bawa’t kuwento. Sana’y basahin ninyo ang mga bahaging ito ng Bibliya na pinagkunan ng mga kuwento.
MGA NILALAMAN BAHAGI 1
PAGLALANG HANGGANG SA BAHA
1 Ang Diyos ay Nagsimulang Gumawa
6 Isang Mabuting Anak, at Isang Masama
2 Isang Magandang Hardin 7 Isang Matapang na Tao 3 Ang Unang Lalaki’t Babae 8 Mga Higante sa Lupa 4 Kung Bakit Nawalan Sila ng Tahanan 5 Nagsimula ang Paghihirap
BAHAGI 2
9 Nagtayo si Noe ng Daong 10 Ang Malaking Baha
MULA SA BAHA HANGGANG SA PAGLAYA SA EHIPTO
11 Ang Unang Bahaghari
23 Ang mga Panaginip ni Paraon
12 Nagtayo ang mga Tao ng Malaking Tore
24 Sinubok ni Jose ang mga Kapatid Niya
13 Si Abraham—Kaibigan ng Diyos 14 Sinubok ng Diyos ang Pananampalataya ni Abraham 15 Lumingon ang Asawa ni Lot
25 Lumipat ang Pamilya sa Ehipto 26 Nagtapat si Job sa Diyos 27 Masamang Hari na Nagpuno sa Ehipto
16 Kumuha si Isaac ng Mabait na Asawa
28 Ang Pagkaligtas ng Sanggol na si Moises
17 Magkakambal Nguni’t Magkaiba
29 Kung Bakit Tumakas si Moises
18 Pumunta si Jacob sa Haran
30 Ang Nagniningas na Puno
19 Malaki ang Pamilya ni Jacob 20 Napahamak si Dina
31 Humarap kay Paraon Sina Moises at Aaron
21 Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya
32 Ang 10 Salot
22 Nabilanggo si Jose
33 Pagtawid sa Dagat na Pula
BAHAGI 3
PAGKALIGTAS SA EHIPTO HANGGANG SA UNANG HARI NG ISRAEL
34 Isang Bagong Uri ng Pagkain
36 Ang Gintong Guya
35 Ibinigay ni Jehova ang mga Batas Niya
37 Isang Tolda Para sa Pagsamba
38 Ang 12 Tiktik
47 Isang Magnanakaw sa Israel
39 Namulaklak ang Tungkod ni Aaron
48 Ang Matatalinong Gabaonita
40 Hinampas ni Moises ang Bato
49 Huminto ang Araw
41 Ang Tansong Ahas
50 Dalawang Matatapang na Babae
42 Nagsalita ang Isang Asno 43 Naging Pinuno si Josue 44 Itinago ni Rahab ang mga Tiktik 45 Pagtawid sa Ilog Jordan 46 Ang mga Pader ng Jerico
BAHAGI 4
51 Sina Ruth at Naomi 52 Si Gideon at ang Kaniyang 300 Kawal 53 Ang Pangako ni Jepte 54 Ang Pinakamalakas na Tao 55 Naglingkod sa Diyos ang Isang Batang Lalaki
MULA SA UNANG HARI NG ISRAEL HANGGANG SA PAGKABIHAG SA BABILONYA
56 Si Saul—Ang Unang Hari ng Israel
67 Nagtiwala si Josapat kay Jehova
57 Pinili ng Diyos si David
68 Dalawang Batang Nabuhay Uli
58 Si David at si Goliat
69 Isang Batang Babae ay Tumulong sa Isang Makapangyarihang Lalaki
59 Kung Bakit Dapat Tumakas si David 60 Si Abigail at si David
70 Si Jonas at ang Malaking Isda
61 Ginawang Hari si David
71 Nangako ang Diyos ng Isang Paraiso
62 Gulo sa Pamilya ni David
72 Tinulungan ng Diyos si Haring Ezekias
63 Ang Matalinong Haring si Solomon
73 Ang Huling Mabait na Hari sa Israel
64 Itinayo ni Solomon ang Templo
74 Isang Taong Walang Takot
65 Nahati ang Kaharian
75 Apat na Binata sa Babilonya
66 Jesebel—Masamang Reyna
76 Nawasak ang Jerusalem
BAHAGI 5
PAGKABIHAG SA BABILONYA HANGGANG SA MULING PAGTATAYO NG MGA PADER NG JERUSALEM
77 Ayaw Nilang Yumukod
81 Pagtitiwala sa Tulong ng Diyos
78 Ang Sulat-Kamay sa Pader
82 Sina Mardocheo at Ester
79 Si Daniel sa Yungib ng mga Leon
83 Ang mga Pader ng Jerusalem
80 Umalis ang Bayan ng Diyos sa Babilonya
BAHAGI 6
KAPANGANAKAN NI JESUS HANGGANG SA KAMATAYAN NIYA
84 Dinalaw ng Anghel si Maria
93 Nagpakain si Jesus ng Maraming Tao
85 Isinilang si Jesus sa Kuwadra
94 Mahal Niya ang mga Bata
86 Mga Lalaking Inakay ng Isang Bituin
95 Ang Paraan ng Pagtuturo ni Jesus
87 Ang Batang si Jesus sa Templo
96 Pinagaling ang Maysakit
88 Binautismuhan ni Juan si Jesus
97 Dumating si Jesus Bilang Hari
89 Nilinis ni Jesus ang Templo
98 Sa Bundok ng mga Olibo
90 Kasama ng Babae sa Tabi ng Balon
99 Sa Isang Silid sa Itaas
91 Nagtuturo si Jesus sa Tabi ng Bundok
100 Si Jesus sa Hardin
92 Ibinangon ni Jesus ang mga Patay
101 Pinatay si Jesus
BAHAGI 7
PAGKABUHAY NI JESUS HANGGANG SA PAGKABILANGGO NI PABLO
102 Buhay si Jesus
108 Patungo sa Damasco
103 Pagpasok sa Isang Kuwartong Nakakandado
109 Dinalaw ni Pedro si Cornelio
104 Nagbalik sa Langit si Jesus
110 Si Timoteo—Bagong Katulong ni Pablo
105 Naghihintay sa Jerusalem
111 Isang Batang Nakatulog
106 Pinalaya sa Bilangguan
112 Sumadsad sa Isang Pulo
107 Binato si Esteban
113 Si Pablo sa Roma
BAHAGI 8
ANG INIHUHULA NG BIBLIYA AY NAGKAKATOTOO
114 Wakas ng Lahat ng Masama 115 Bagong Paraiso sa Lupa
116 Kung Papaano Tayo Mabubuhay Magpakailanman
Mga Tanong sa Pag-aaral sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya Ang mga tanong sa bawat isa sa 116 na kuwentong nakatala sa itaas ay kasunod ng Kuwento 116.
Ang Aking Aklat ng
MGA KUWENTO SA
Banal na Bibliya
A na ng B Ba ib n liy al a
BI BL I YA
KUNG PAPAANO TAYO MABUBUHAY MAGPAKAILANMAN
M
116
ASASABI mo ba kung ano ang binabasa ng batang ito at ng kaniyang mga kaibigan? Oo, ito ay Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. At binabasa nila ang kuwento na binabasa mo rin ngayon. Alam mo ba kung ano ang natututuhan nila? Una ay dapat tayong matuto tungkol sa Diyos na Jehova at kay Kristo Jesus para tayo mabuhay magpakailanman. Ito ang sinasabi ng Bibliya: ‘Ganito ang paraan para mabuhay magpakailanman. Mag-aral tungkol sa iisang tunay na Diyos at sa kaniyang Anak, si JesuKristo. Papaano tayo matututo tungkol kay Jehova at kay Jesus? Sa pamamagitan ng pagbasa sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Maraming sinasabi ito tungkol sa kanila, hindi ba? Pero higit pa ang kailangan natin kaysa magbasa lang ng librong ito. Nakikita mo ba ang isa pang aklat na nasa sahig? Iyon ay ang Bibliya. Ipabasa mo sa iba mula sa Bibliya ang mga bahagi na pinagkunan ng mga kuwentong ito. Sinasabi sa atin ng Bibliya ang lahat ng dapat nating malaman tungkol sa paglilingkod sa Diyos. Kaya dapat nating pag-aralan ito nang madalas. Pero ang pag-aaral tungkol sa Diyos na Jehova at kay Kristo Jesus ay hindi sapat. Alam mo ba kung ano pa ang kailangan? Dapat tayong mamuhay ayon sa ating pinag-aaralan. Natatandaan mo ba si Judas Iscariote? Isa siya sa 12 apostol ni Jesus. Maraming alam si Judas tungkol kay Jesus at kay Jehova. Pero naging sakim siya at ipinagkanulo si Jesus. Kaya si Judas ay hindi tatanggap ng walang-hanggang buhay. Natatandaan mo ba si Gehasi? Sa ika-69 Kuwento ay nakita
natin na naghangad siya ng damit at pera na hindi kaniya. Nagsinungaling siya para makuha ito. Pinarusahan siya ni Jehova. Parurusahan din tayo kung susuway tayo. Maraming mababait na tao na naglilingkod kay Jehova sa katapatan. Ang batang si Samuel ay isang mabuting halimbawa. Nakita natin sa ika-55 Kuwento na apat o limang taon lang siya nang maglingkod sa tabernakulo. Kaya kahit musmos ka ay puwedeng maglingkod kay Jehova. Kung sa bagay, tayong lahat ay gustong tumulad kay Jesu-Kristo. Kahit maliit pa siya, gaya ng ipinakita sa ika-87 Kuwento, nakipag-usap siya sa iba tungkol sa kaniyang makalangit na Ama. Sundin natin ang kaniyang halimbawa. Sabihin natin sa pinakamaraming makakausap natin ang tungkol sa ating kamangha-manghang Diyos na si Jehova at ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. Kung gagawin natin ito, mabubuhay tayo magpakailanman sa bagong paraiso ng Diyos sa lupa. Juan 17:3; Awit 145:1-21.
Mga Tanong sa Pag-aaral sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya Kuwento 1
Ang Diyos ay Nagsimulang Gumawa 1. Saan galing ang lahat ng mabuting bagay, at makapagbibigay ka ba ng isang halimbawa? 2. Ano ang unang nilalang ng Diyos? 3. Bakit espesyal ang unang anghel? 4. Ilarawan kung ano ang hitsura ng lupa noong una. (Tingnan ang larawan.) 5. Paano sinimulang ihanda ng Diyos ang lupa para sa mga hayop at mga tao?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Jeremias 10:12. Anu-anong mga katangian ng Diyos ang makikita sa kaniyang nilalang? (Isa. 40:26; Roma 11:33) 2. Basahin ang Colosas 1:15-17. Anong bahagi ang ginampanan ni Jesus sa paglalang, at paano ito dapat makaapekto sa ating pangmalas sa kaniya? (Col. 1:15-17) 3. Basahin ang Genesis 1:1-10. (a) Saan nagmula ang lupa? (Gen. 1:1) (b) Ano ang nangyari sa unang araw ng paglalang? (Gen. 1:3-5) (c) Ilarawan ang nangyari sa ikalawang araw ng paglalang. (Gen. 1:7, 8)
Kuwento 2
Isang Magandang Hardin 1. Paano ginawa ng Diyos ang lupa upang maging tahanan natin? 2. Ilarawan ang napakaraming iba’t ibang hayop na ginawa ng Diyos. (Tingnan ang larawan.) 3. Bakit pambihirang lugar ang hardin ng Eden? 4. Ano ang gustong mangyari ng Diyos sa buong lupa?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 1:11-25. (a) Ano ang nilalang ng Diyos sa ikatlong araw ng paglalang? (Gen. 1:12) (b) Ano ang nangyari sa ikaapat na araw ng paglalang? (Gen. 1:16) (c) Anu-anong uri ng mga hayop ang ginawa ng Diyos sa ikalima at ikaanim na mga araw? (Gen. 1:20, 21, 25)
2. Basahin ang Genesis 2:8, 9. Anong dalawang espesyal na punungkahoy ang inilagay ng Diyos sa hardin, at ano ang isinasagisag ng mga ito?
Kuwento 3
Ang Unang Lalaki’t Babae 1. Ano ang pagkakaiba ng larawan sa Kuwento 3 at ng larawan sa Kuwento 2? 2. Sino ang gumawa ng unang lalaki, at ano ang pangalan ng lalaki? 3. Ano ang ipinagawa ng Diyos kay Adan? 4. Bakit binigyan ng Diyos ng mahimbing na tulog si Adan? 5. Gaano katagal maaaring mabuhay sina Adan at Eba, at ano ang gusto ni Jehova na gawin nila?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Awit 83:18. Ano ang pangalan ng Diyos, at ano ang kaniyang natatanging posisyon sa buong lupa? (Jer. 16:21; Dan. 4:17) 2. Basahin ang Genesis 1:26-31. (a) Ano ang pinakahuling nilalang ng Diyos sa ikaanim na araw, at paano naiiba ang nilalang na ito sa mga hayop? (Gen. 1:26) (b) Ano ang ibinigay ni Jehova para sa tao at sa mga hayop? (Gen. 1:30) 3. Basahin ang Genesis 2:7-25. (a) Ano ang nasasangkot sa atas kay Adan na bigyan ng pangalan ang mga hayop? (Gen. 2:19) (b) Paano tayo natutulungan ng Genesis 2:24 na maunawaan ang pangmalas ni Jehova sa pag-aasawa, paghihiwalay, at diborsiyo? (Mat. 19:4-6, 9)
Kuwento 4
Kung Bakit Nawalan Sila ng Tahanan 1. Sa larawan, ano ang nangyayari kina Adan at Eba? 2. Bakit sila pinarusahan ni Jehova? 3. Ano ang sinabi ng isang ahas kay Eba? 4. Sino ang nagpangyaring magsalita ang ahas para kausapin si Eba? 5. Bakit naiwala nina Adan at Eba ang kanilang Paraisong tahanan?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 2:16, 17 at 3:1-13, 24. (a) Paanong ang tanong ng ahas kay Eba ay nagpahiwatig ng mga bagay na hindi totoo tungkol kay Jehova? (Gen. 3:1-5; 1 Juan 5:3) (b) Paano nagsisilbing babalang halimbawa si Eba para sa atin? (Fil. 4:8; Sant. 1:14, 15; 1 Juan 2:16) (c) Sa anong paraan hindi pinanagutan nina Adan at Eba ang ginawa nila? (Gen. 3:12, 13) (d) Paano sinuportahan ng mga kerubing inilagay sa silangan ng hardin ng Eden ang pagkasoberano ni Jehova? (Gen. 3:24) 2. Basahin ang Apocalipsis 12:9. Gaano katagumpay si Satanas sa pagtatalikod sa sangkatauhan mula sa pamamahala ng Diyos? (1 Juan 5:19)
Kuwento 5
Nagsimula ang Paghihirap 1. Ano ang naging buhay nina Adan at Eba sa labas ng hardin ng Eden? 2. Ano na ang nagsimulang mangyari kina Adan at Eba, at bakit? 3. Bakit tatanda at mamamatay ang mga anak nina Adan at Eba? 4. Kung sumunod sina Adan at Eba kay Jehova, ano sana ang magiging buhay nila at ng kanilang mga anak? 5. Paano nahirapan si Eba dahil sa kaniyang pagsuway? 6. Ano ang pangalan ng unang dalawang anak na lalaki nina Adan at Eba? 7. Sino ang iba pang mga bata sa larawan?
6. Ipaliwanag ang nangyari kay Cain pagkatapos niyang patayin ang kaniyang kapatid.
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 4:2-26. (a) Paano inilarawan ni Jehova ang mapanganib na kalagayan ni Cain? (Gen. 4:7) (b) Paano isiniwalat ni Cain ang kalagayan ng kaniyang puso? (Gen. 4:9) (c) Ano ang pangmalas ni Jehova sa pagbububo ng dugong walang-sala? (Gen. 4:10; Isa. 26:21) 2. Basahin ang 1 Juan 3:11, 12. (a) Bakit nag-init sa galit si Cain, at paano ito nagsisilbing babala sa atin sa ngayon? (Gen. 4:4, 5; Kaw. 14:30; 28:22) (b) Paano ipinakikita ng Bibliya na kahit na salansang kay Jehova ang lahat ng ating kapamilya, mapananatili pa rin natin ang ating katapatan? (Awit 27:10; Mat. 10:21, 22) 3. Basahin ang Juan 11:25. Ano ang tinitiyak ni Jehova may kinalaman sa lahat ng namatay dahil sa katuwiran? (Juan 5:24)
Kuwento 7
Isang Matapang na Tao 1. Bakit ibang-iba si Enoc? 2. Bakit ang mga tao noong panahon ni Enoc ay gumawa ng napakaraming masasamang bagay? 3. Anu-anong masasamang bagay ang ginagawa noon ng mga tao? (Tingnan ang larawan.) 4. Bakit dapat maging matapang si Enoc? 5. Gaano kahaba ang buhay ng mga tao noon, pero gaano katagal nabuhay si Enoc? 6. Ano ang nangyari pagkamatay ni Enoc?
Karagdagang mga tanong:
Karagdagang mga tanong:
1. Basahin ang Genesis 3:16-23 at 4:1, 2. (a) Paano naapektuhan ng pagsumpa sa lupa ang buhay ni Adan? (Gen. 3:17-19; Roma 8:20, 22) (b) Bakit ang pangalang Eba, na nangangahulugang “Isa na Nabubuhay,” ay naaangkop? (Gen. 3:20) (c) Paano nagpakita si Jehova ng konsiderasyon kina Adan at Eva kahit nagkasala na sila? (Gen. 3:7, 21) 2. Basahin ang Apocalipsis 21:3, 4. Anong “mga dating bagay” ang gustung-gusto mong maalis na?
1. Basahin ang Genesis 5:21-24, 27. (a) Ano ang uri ng pakikipag-ugnayan ni Enoc kay Jehova? (Gen. 5:24) (b) Ayon sa Bibliya, sino ang pinakamatandang tao na nabuhay kailanman, at ilang taon siya nang mamatay? (Gen. 5:27) 2. Basahin ang Genesis 6:5. Naging gaano kasama ang kalagayan sa lupa pagkamatay ni Enoc, at paano ito maihahambing sa ating panahon? (2 Tim. 3:13) 3. Basahin ang Hebreo 11:5. Anong katangian ni Enoc ang ‘lubos na nagpalugod sa Diyos,’ at ano ang naging resulta? (Gen. 5:22) 4. Basahin ang Judas 14, 15. Paano matutularan ng mga Kristiyano sa ngayon ang tapang ni Enoc habang nagbababala sa mga tao tungkol sa dumarating na digmaan ng Armagedon? (2 Tim. 4:2; Heb. 13:6)
Kuwento 6
Isang Mabuting Anak, at Isang Masama 1. Ano ang trabaho nina Cain at Abel? 2. Anong mga handog ang dinadala nina Cain at Abel kay Jehova? 3. Bakit natuwa si Jehova sa handog ni Abel, at bakit hindi siya natuwa sa handog ni Cain? 4. Anong uri ng tao si Cain, at paano sinikap ni Jehova na ituwid siya? 5. Ano ang ginawa ni Cain nang dadalawa lang silang magkapatid sa bukid?
Kuwento 8
Mga Higante sa Lupa 1. Ano ang nangyari nang makinig kay Satanas ang ilang anghel ng Diyos?
2. Bakit nanaog sa lupa ang ilang anghel? 3. Bakit maling-mali para sa mga anghel na manaog sa lupa at magbihis ng katawang-tao? 4. Bakit ibang-iba ang mga anak ng mga anghel? 5. Gaya ng makikita mo sa larawan, ano ang ginawa ng mga anak ng mga anghel nang sila’y maging mga higante? 6. Pagkatapos ni Enoc, sino ang sumunod na mabuting taong nabuhay sa lupa, at bakit siya gusto ng Diyos?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 6:1-8. Ano ang isinisiwalat ng Genesis 6:6 tungkol sa kung paano nakaaapekto ang ating paggawi sa damdamin ni Jehova? (Awit 78:40, 41; Kaw. 27:11) 2. Basahin ang Judas 6. Paano nagsisilbing paalaala sa atin sa ngayon ang mga anghel na “hindi nag-ingat ng kanilang orihinal na kalagayan” noong panahon ni Noe? (1 Cor. 3:5-9; 2 Ped. 2:4, 9, 10)
Kuwento 9
Nagtayo si Noe ng Daong 1. Ilan ang miyembro ng pamilya ni Noe, at anu-ano ang mga pangalan ng kaniyang tatlong anak na lalaki? 2. Anong di-pangkaraniwang bagay ang ipinagawa ng Diyos kay Noe, at bakit? 3. Paano tumugon ang mga kapitbahay ni Noe nang sabihin niya sa kanila ang tungkol sa daong? 4. Ano ang sinabi ng Diyos kay Noe na gagawin niya sa mga hayop? 5. Pagkasara ng Diyos sa pinto ng daong, ano ang kinailangang gawin ni Noe at ng kaniyang pamilya?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 6:9-22. (a) Bakit naging isang bukod-tanging mananamba ng tunay na Diyos si Noe? (Gen. 6:9, 22) (b) Ano ang nadarama ni Jehova tungkol sa karahasan, at paano ito dapat makaapekto sa ating pagpili ng libangan? (Gen. 6:11, 12; Awit 11:5) (c) Paano natin matutularan si Noe kapag tumatanggap tayo ng tagubilin mula sa organisasyon ni Jehova? (Gen. 6:22; 1 Juan 5:3) 2. Basahin ang Genesis 7:1-9. Paano nakapagpapatibay sa atin sa ngayon ang katotohanan na minalas ni Jehova ang di-sakdal na si Noe bilang matuwid? (Gen. 7:1; Kaw. 10:16; Isa. 26:7)
Kuwento 10
Ang Malaking Baha 1. Bakit walang makapasok sa daong nang magsimula nang umulan? 2. Ilang araw at gabi nagpaulan si Jehova, at gaano kalalim ang tubig? 3. Ano ang nangyari sa daong nang magsimula nang matakpan ng tubig ang lupa?
4. Nakaligtas ba sa Baha ang mga higante, at ano naman ang nangyari sa mga tatay ng mga higante? 5. Ano ang nangyari sa daong pagkaraan ng limang buwan? 6. Bakit pinalipad ni Noe ang isang uwak mula sa daong? 7. Paano nalaman ni Noe na kumati na ang tubig sa lupa? 8. Ano ang sinabi ng Diyos kay Noe pagkatapos ng ´ mahigit na isang taong pananatili niya at ng kaniyang pamilya sa daong?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 7:10-24. (a) Gaano karami ang namatay sa lupa? (Gen. 7:23) (b) Gaano katagal bago kumati ang Baha? (Gen. 7:24) 2. Basahin ang Genesis 8:1-17. Paano ipinakikita ng Genesis 8:17 na hindi nagbago ang orihinal na layunin ni Jehova sa lupa? (Gen. 1:22) 3. Basahin ang 1 Pedro 3:19, 20. (a) Nang bumalik sa langit ang rebelyosong mga anghel, ano ang naging hatol sa kanila? (Jud. 6) (b) Paanong ang ulat tungkol kay Noe at sa kaniyang pamilya ay nagpapatibay ng ating pagtitiwala sa kakayahan ni Jehova na iligtas ang kaniyang bayan? (2 Ped. 2:9)
Kuwento 11
Ang Unang Bahaghari 1. Gaya ng makikita sa larawan, ano ang unang ginawa ni Noe nang lumabas siya sa daong? 2. Ano ang iniutos ng Diyos kay Noe at sa kaniyang pamilya pagkatapos ng Baha? 3. Ano ang ipinangako ng Diyos? 4. Kapag nakakakita tayo ng bahaghari, ano ang maaala-ala natin?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 8:18-22. (a) Paano tayo makapagpapaabot sa ngayon ng “nakagiginhawang amoy” kay Jehova? (Gen. 8:21; Heb. 13:15, 16) (b) Ano ang napansin ni Jehova tungkol sa kalagayan ng puso ng tao, at anong pag-iingat kung gayon ang dapat nating gawin? (Gen. 8:21; Mat. 15:18, 19) 2. Basahin ang Genesis 9:9-17. (a) Ano ang ipinakipagtipan ni Jehova sa lahat ng nilalang sa lupa? (Gen. 9:10, 11) (b) Gaano katagal ang bisa ng tipang bahaghari? (Gen. 9:16)
Kuwento 12
Nagtayo ang mga Tao ng Malaking Tore 1. Sino si Nimrod, at ano ang nadama ng Diyos sa kaniya? 2. Sa larawan, bakit gumagawa ng mga tisa ang mga tao? 3. Bakit hindi nagustuhan ni Jehova ang pagtatayo?
4. Paano pinatigil ng Diyos ang pagtatayo ng tore? 5. Ano ang itinawag sa lunsod, at ano ang ibig sabihin ng pangalang iyan? 6. Ano ang nangyari sa mga tao nang guluhin ng Diyos ang kanilang mga wika?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 10:1, 8-10. Anong mga ugali ang ipinakita ni Nimrod, at anong babala ang inilalaan nito sa atin? (Kaw. 3:31) 2. Basahin ang Genesis 11:1-9. Ano ang naging motibo sa pagtatayo ng tore, at bakit tiyak na mabibigo ang proyektong ito? (Gen. 11:4; Kaw. 16:18; Juan 5:44)
Kuwento 13
Si Abraham—Kaibigan ng Diyos 1. Anong uri ng mga tao ang nakatira sa lunsod ng Ur? 2. Sino ang lalaking nasa larawan, kailan siya isinilang, at saan siya nakatira? 3. Ano ang ipinagawa ng Diyos kay Abraham? 4. Bakit tinawag si Abraham na kaibigan ng Diyos? 5. Sinu-sino ang sumama kay Abraham nang umalis siya sa Ur? 6. Ano ang sinabi ng Diyos kay Abraham nang makarating sila sa lupain ng Canaan? 7. Ano ang ipinangako ng Diyos kay Abraham nang ´ siya’y 99 na taong gulang?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 11:27-32. (a) Magkaanu-ano sina Abraham at Lot? (Gen. 11:27) (b) Bagaman si Tera ang kinilalang nanguna sa paglipat ng kaniyang pamilya sa Canaan, paano natin nalaman na si Abraham talaga ang nagpasimula ng paglipat, at bakit niya ito ginawa? (Gen. 11:31; Gawa 7:2-4) 2. Basahin ang Genesis 12:1-7. Paano pinalawak ni Jehova ang Abrahamikong tipan pagdating ni Abraham sa lupain ng Canaan? (Gen. 12:7) 3. Basahin ang Genesis 17:1-8, 15-17. (a) Ano ang naging bagong pangalan ni Abram noong ´ 99 na taong gulang siya, at bakit? (Gen. 17:5) (b) Anong pagpapala sa hinaharap ang ipinangako ni Jehova kay Sara? (Gen. 17:15, 16) 4. Basahin ang Genesis 18:9-19. (a) Sa Genesis 18:19, anong mga pananagutan ang iniaatang sa mga ama? (Deut. 6:6, 7; Efe. 6:4) (b) Anong karanasan ni Sara ang nagpapakitang wala tayong maitatagong anuman kay Jehova? (Gen. 18:12, 15; Awit 44:21)
Kuwento 14
Sinubok ng Diyos ang Pananampalataya ni Abraham 1. Ano ang ipinangako ng Diyos kay Abraham, at paano tinupad ng Diyos ang kaniyang pangako?
2. Gaya ng makikita sa larawan, paano sinubok ng Diyos ang pananampalataya ni Abraham? 3. Ano ang ginawa ni Abraham, kahit hindi niya naintindihan kung bakit iniutos ito ng Diyos? 4. Ano ang nangyari nang papatayin na ni Abraham ang kaniyang anak? 5. Gaano katibay ang pananampalataya ni Abraham sa Diyos? 6. Ano ang inilaan ng Diyos kay Abraham upang ihain, at paano?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 21:1-7. Bakit tinuli ni Abraham ang kaniyang anak sa ikawalong araw? (Gen. 17:10-12; 21:4) 2. Basahin ang Genesis 22:1-18. Paano nagpakita ng pagpapasakop si Isaac sa kaniyang amang si Abraham, at paano nito inilarawan ang mas mahalagang mangyayari sa hinaharap? (Gen. 22:7-9; 1 Cor. 5:7; Fil. 2:8, 9)
Kuwento 15
Lumingon ang Asawa ni Lot 1. Bakit naghiwalay sina Abraham at Lot? 2. Bakit pinili ni Lot na manirahan sa Sodoma? 3. Anong uri ng tao ang mga taga-Sodoma? 4. Anong babala ang ibinigay ng dalawang anghel kay Lot? 5. Bakit naging haligi ng asin ang asawa ni Lot? 6. Anong leksiyon ang matututuhan natin sa nangyari sa asawa ni Lot?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 13:5-13. Sa paglutas ng mga problema sa pagitan ng mga indibiduwal, anong leksiyon ang matututuhan natin kay Abraham? (Gen. 13:8, 9; Roma 12:10; Fil. 2:3, 4) 2. Basahin ang Genesis 18:20-33. Mula sa pakikitungo ni Jehova kay Abraham, paano tayo makapagtitiwalang hahatol nang matuwid si Jehova at si Jesus? (Gen. 18:25, 26; Mat. 25:31-33) 3. Basahin ang Genesis 19:1-29. (a) Ano ang ipinakikita ng ulat na ito sa Bibliya tungkol sa pangmalas ng Diyos sa homoseksuwalidad? (Gen. 19:5, 13; Lev. 20:13) (b) Anong pagkakaiba ang makikita natin sa paraan ng pagtugon nina Lot at Abraham sa tagubilin ng Diyos, at ano ang matututuhan natin mula rito? (Gen. 19:15, 16, 19, 20; 22:3) 4. Basahin ang Lucas 17:28-32. Ano ang kalagayan ng puso ng asawa ni Lot tungkol sa materyal na mga bagay, at paano ito nagsisilbing babala sa atin? (Luc. 12:15; 17:31, 32; Mat. 6:1921, 25) 5. Basahin ang 2 Pedro 2:6-8. Bilang pagtulad kay Lot, ano ang dapat na maging saloobin natin sa di-makadiyos na sanlibutang nakapaligid sa atin? (Ezek. 9:4; 1 Juan 2:15-17)
Kuwento 16
Kumuha si Isaac ng Mabait na Asawa 1. Sino ang lalaki at babaeng nasa larawan? 2. Ano ang ginawa ni Abraham upang maikuha ng asawa ang kaniyang anak, at bakit? 3. Paano sinagot ang panalangin ng alipin ni Abraham? 4. Ano ang tugon ni Rebeka nang pumayag si Laban na pakasalan niya si Isaac? 5. Ano ang muling nagpasaya kay Isaac?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 24:1-67. (a) Anong maiinam na katangian ang ipinakita ni Rebeka nang makatagpo niya ang alipin ni Abraham sa balon? (Gen. 24:17-20; Kaw. 31:17, 31) (b) Anong mainam na halimbawa para sa mga Kristiyano sa ngayon ang inilalaan ng kaayusang ginawa ni Abraham para kay Isaac? (Gen. 24:37, 38; 1 Cor. 7:39; 2 Cor. 6:14) (c) Bakit tayo dapat maglaan ng panahon para magbulay-bulay, gaya ng ginawa ni Isaac? (Gen. 24:63; Awit 77:12; Fil. 4:8)
Kuwento 17
Magkakambal Nguni’t Magkaiba 1. Sino sina Esau at Jacob, at paano sila nagkaiba? 2. Ilang taon na sina Esau at Jacob nang mamatay ang lolo nilang si Abraham? 3. Ano ang ginawa ni Esau kung kaya lungkot na lungkot ang kaniyang nanay at tatay? 4. Bakit galit na galit si Esau sa kaniyang kapatid na si Jacob? 5. Anong tagubilin ang ibinigay ni Isaac sa kaniyang anak na si Jacob?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 25:5-11, 20-34. (a) Ano ang inihula ni Jehova tungkol sa dalawang anak ni Rebeka? (Gen. 25:23) (b) Ano ang pagkakaiba sa saloobin nina Jacob at Esau tungkol sa pagkapanganay? (Gen. 25:31-34) 2. Basahin ang Genesis 26:34, 35; 27:1-46; at 28:1-5. (a) Paano nakita ang kawalan ng pagpapahalaga ni Esau sa espirituwal na mga bagay? (Gen. 26:34, 35; 27:46) (b) Upang tumanggap si Jacob ng pagpapala ng Diyos, ano ang ipinagawa ni Isaac sa kaniya? (Gen. 28:1-4) 3. Basahin ang Hebreo 12:16, 17. Ano ang ipinakikita ng halimbawa ni Esau tungkol sa nangyayari sa mga humahamak sa sagradong mga bagay?
Kuwento 18
Pumunta si Jacob sa Haran 1. Sino ang dalagang nasa larawan, at ano ang ginawa ni Jacob para sa kaniya?
2. Ano ang handang gawin ni Jacob upang mapakasalan si Rachel? 3. Ano ang ginawa ni Laban nang dumating na ang araw ng kasal nina Jacob at Rachel? 4. Ano ang napilitang gawin ni Jacob upang maging asawa niya si Rachel?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 29:1-30. (a) Kahit dinaya siya ni Laban, paano ipinakita ni Jacob na siya’y marangal, at ano ang matututuhan natin mula rito? (Gen. 25:27; 29:26-28; Mat. 5:37) (b) Paano ipinakikita ng halimbawa ni Jacob ang pagkakaiba ng pag-ibig at ng pagkabighani? (Gen. 29:18, 20, 30; Sol. 8:6) (c) Sinu-sino ang apat na babaeng naging bahagi ng sambahayan ni Jacob at pagkaraan ay nagkaanak sa kaniya ng mga lalaki? (Gen. 29:23, 24, 28, 29)
Kuwento 19
Malaki ang Pamilya ni Jacob 1. Anu-ano ang mga pangalan ng anim na anak na lalaki ni Jacob sa kaniyang unang asawang si Lea? 2. Sinong dalawang anak na lalaki ang isinilang ng alila ni Lea na si Zilpa kay Jacob? 3. Ano ang mga pangalan ng dalawang anak na lalaking isinilang ng alila ni Rachel na si Bilha kay Jacob? 4. Sinong dalawang anak na lalaki ang isinilang ni Rachel, pero ano ang nangyari nang isilang ang ikalawang anak? 5. Ayon sa larawan, ilan ang naging anak na lalaki ni Jacob, at ano ang nanggaling sa kanila?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 29:32-35; 30:1-26; at 35:16-19. Gaya ng makikita sa 12 anak na lalaki ni Jacob, paano binibigyan ng pangalan ang mga batang lalaking Hebreo noong sinaunang panahon? 2. Basahin ang Genesis 37:35. Bagaman si Dina lamang ang pinanganlan sa Bibliya, paano natin nalaman na may iba pang mga anak na babae si Jacob? (Gen. 37:34, 35)
Kuwento 20
Napahamak si Dina 1. Bakit ayaw nina Abraham at Isaac na maging asawa ng kanilang mga anak ang mga taga-Canaan? 2. Natuwa ba si Jacob sa pakikipagkaibigan ng kaniyang anak na babae sa mga babaeng Canaanita? 3. Sino ang lalaking nakatingin kay Dina na nasa larawan, at ano ang masamang ginawa niya? 4. Ano ang ginawa ng mga kapatid ni Dina na sina Simeon at Levi nang malaman nila ang nangyari? 5. Natuwa ba si Jacob sa ginawa nina Simeon at Levi? 6. Paano nagsimula ang lahat ng gulong ito sa pamilya?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 34:1-31. (a) Minsan lamang bang nakisama si Dina sa mga anak na babae ng lupain ng Canaan? Ipaliwanag. (Gen. 34:1) (b) Bakit may pananagutan din si Dina sa pagkawala ng kaniyang pagkadalaga? (Gal. 6:7) (c) Paano maipakikita ng mga kabataan sa ngayon na dinidibdib nila ang babalang halimbawa tungkol kay Dina? (Kaw. 13:20; 1 Cor. 15:33; 1 Juan 5:19)
Kuwento 21
Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya 1. Bakit inggit na inggit ang mga kapatid ni Jose sa kaniya, at ano ang ginawa nila? 2. Ano ang gustong gawin ng mga kapatid ni Jose sa kaniya, pero ano ang sinabi ni Ruben? 3. Ano ang nangyari nang dumaan ang negosyanteng mga Ismaelita? 4. Ano ang ginawa ng mga kapatid ni Jose para isipin ng kanilang ama na patay na si Jose?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 37:1-35. (a) Paano matutularan ng mga Kristiyano ang halimbawa ni Jose na ipaalam ang masamang ginagawa sa loob ng kongregasyon? (Gen. 37:2; Lev. 5:1; 1 Cor. 1:11) (b) Ano ang umakay sa mga kapatid ni Jose upang pakitunguhan siya nang may kataksilan? (Gen. 37: 11, 18; Kaw. 27:4; Sant. 3:14-16) (c) Anong pagkilos ni Jacob ang normal na bahagi ng pamimighati? (Gen. 37:35)
Kuwento 22
Nabilanggo si Jose 1. Ilang taon si Jose nang dalhin siya sa Ehipto, at ano ang nangyari pagdating niya roon? 2. Bakit ipinabilanggo si Jose? 3. Anong pananagutan ang ibinigay kay Jose sa bilangguan? 4. Sa loob ng bilangguan, ano ang ginawa ni Jose para sa tagasilbi ng alak at sa panadero ni Paraon? 5. Ano ang nangyari nang palayain mula sa bilangguan ang tagasilbi ng alak?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 39:1-23. Yamang wala namang nakasulat na kautusan mula sa Diyos na humahatol sa pangangalunya noong panahon ni Jose, ano ang nag-udyok sa kaniya na tumakas sa asawa ni Potipar? (Gen. 2:24; 20:3; 39:9) 2. Basahin ang Genesis 40:1-23. (a) Ilarawan sa maikli ang panaginip ng tagasilbi ng alak at ang pakahulugang ibinigay ni Jehova kay Jose. (Gen. 40:9-13)
(b) Ano ang panaginip ng panadero, at ano ang kahulugan nito? (Gen. 40:16-19) (c) Paano tinutularan ng uring tapat at maingat na alipin sa ngayon ang saloobin ni Jose? (Gen. 40:8; Awit 36:9; Juan 17:17; Gawa 17:2, 3) (d) Paano nagbibigay ng liwanag ang Genesis 40:20 sa pangmalas ng mga Kristiyano sa mga pagdiriwang ng araw ng kapanganakan? (Ecles. 7:1; Mar. 6:21-28)
Kuwento 23
Ang mga Panaginip ni Paraon 1. Ano ang nangyari kay Paraon isang gabi? 2. Bakit sa wakas ay naalaala rin ng tagasilbi ng alak si Jose? 3. Gaya ng makikita sa larawan, ano ang dalawang panaginip ni Paraon? 4. Ano ang sinabi ni Jose na kahulugan ng mga panaginip? 5. Paano naging pinaka-importanteng tao si Jose sa Ehipto pangalawa kay Paraon? 6. Bakit pumunta ang mga kapatid ni Jose sa Ehipto, at bakit hindi nila siya nakilala? 7. Anong panaginip ang naalaala ni Jose, at ano ang naunawaan niya sa tulong nito?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 41:1-57. (a) Paano itinuon ni Jose ang pansin kay Jehova, at sa anong paraan matutularan ng mga Kristiyano sa ngayon ang kaniyang halimbawa? (Gen. 41:16, 25, 28; Mat. 5:16; 1 Ped. 2:12) (b) Paanong ang mga taon ng kasaganaan sa Ehipto na sinundan ng mga taon ng taggutom ay eksaktong nagpapakita ng pagkakaiba ng espirituwal na kalagayan ng bayan ni Jehova sa ngayon at ng Sangkakristiyanuhan? (Gen. 41:29, 30; Amos 8:11, 12) 2. Basahin ang Genesis 42:1-8 at 50:20. Mali ba para sa mga mananamba ni Jehova na yumukod sa isang tao bilang parangal at paggalang sa kaniyang posisyon kung ito naman ang kaugalian ng lupain? (Gen. 42:6)
Kuwento 24
Sinubok ni Jose ang mga Kapatid Niya 1. Bakit pinaratangan ni Jose na mga espiya ang kaniyang mga kapatid? 2. Bakit pinayagan ni Jacob ang kaniyang bunsong si Benjamin na pumunta sa Ehipto? 3. Paano napasilid sa sako ni Benjamin ang kopang pilak ni Jose? 4. Ano ang iminungkahing gawin ni Juda upang mapalaya si Benjamin? 5. Sa anong paraan nagbago na ang mga kapatid ni Jose?
Karagdagang mga tanong:
Karagdagang mga tanong:
1. Basahin ang Genesis 42:9-38. Sa anong paraan isang mainam na paalaala sa mga may pananagutan sa organisasyon ni Jehova sa ngayon ang sinabi ni Jose sa Genesis 42:18? (Neh. 5:15; 2 Cor. 7:1, 2) 2. Basahin ang Genesis 43:1-34. (a) Bagaman si Ruben ang panganay, paano naging maliwanag na si Juda ang naging tagapagsalita ng kaniyang mga kapatid? (Gen. 43:3, 8, 9; 44:14, 18; 1 Cro. 5:2) (b) Paanong maliwanag na sinubok ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at bakit? (Gen. 43:33, 34) 3. Basahin ang Genesis 44:1-34. (a) Bilang bahagi ng kaniyang pagbabalatkayo sa kaniyang mga kapatid, paano ipinakilala ni Jose ang kaniyang sarili? (Gen. 44:5, 15; Lev. 19:26) (b) Paano ipinakita ng mga kapatid ni Jose na nawala na ngayon ang pagkainggit nila noon sa kanilang kapatid? (Gen. 44:13, 33, 34)
1. Basahin ang Job 1:1-22. Paano matutularan ng mga Kristiyano sa ngayon si Job? (Job 1:1; Fil. 2:15; 2 Ped. 3:14) 2. Basahin ang Job 2:1-13. Sa anong dalawang magkaibang paraan tumugon si Job at ang kaniyang asawa sa pag-uusig ni Satanas? (Job 2:9, 10; Kaw. 19:3; Mik. 7:7; Mal. 3:14) 3. Basahin ang Job 42:10-17. (a) Ano ang pagkakatulad ng gantimpalang tinanggap ni Job at niyaong tinanggap ni Jesus dahil sa tapat na landasin sa buhay? (Job 42:12; Fil. 2:9-11) (b) Paano tayo napatitibay ng mga pagpapalang tinanggap ni Job dahil sa pagpapanatili ng katapatan sa Diyos? (Job 42:10, 12; Heb. 6:10; Sant. 1:2-4, 12; 5:11)
Kuwento 25
1. Sa larawan, sino ang lalaking may panghagupit, at sino ang kaniyang hinahagupit? 2. Pagkamatay ni Jose, ano ang nangyari sa mga Israelita? 3. Bakit natakot ang mga Ehipsiyo sa mga Israelita? 4. Ano ang iniutos ni Paraon sa mga komadrona?
Lumipat ang Pamilya sa Ehipto 1. Ano ang nangyari nang sabihin ni Jose sa kaniyang mga kapatid kung sino siya? 2. Ano ang may-kabaitang ipinaliwanag ni Jose sa kaniyang mga kapatid? 3. Ano ang sinabi ni Paraon nang malaman niya ang tungkol sa mga kapatid ni Jose? 4. Gaano kalaki ang pamilya ni Jacob nang lumipat sila sa Ehipto? 5. Ano ang itinawag sa pamilya ni Jacob, at bakit?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Genesis 45:1-28. Paano ipinakikita ng ulat sa Bibliya tungkol kay Jose na kayang baligtarin ni Jehova ang resulta ng isang bagay na nilayong makapinsala sa kaniyang mga lingkod? (Gen. 45:5-8; Isa. 8:10; Fil. 1:12-14) 2. Basahin ang Genesis 46:1-27. Ano ang tiniyak ni Jehova kay Jacob sa pagpunta niya sa Ehipto? (Gen. 46:1-4, tlb. sa Rbi8)
Kuwento 26
Nagtapat si Job sa Diyos 1. Sino si Job? 2. Ano ang sinikap na gawin ni Satanas, pero nagtagumpay ba siya? 3. Ano ang ipinahintulot ni Jehova na gawin ni Satanas, at bakit? 4. Bakit sinabi ng asawa ni Job sa kaniya na “sumpain mo ang Diyos para mamatay ka na�? (Tingnan ang larawan.) 5. Gaya ng makikita mo sa ikalawang larawan, paano pinagpala ni Jehova si Job, at bakit? 6. Kung tayo’y magiging tapat kay Jehova na gaya ni Job, anong mga pagpapala ang tatanggapin natin?
Kuwento 27
Masamang Hari na Nagpuno sa Ehipto
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Exodo 1:6-22. (a) Sa anong paraan sinimulang tuparin ni Jehova ang kaniyang pangako kay Abraham? (Ex. 1:7; Gen. 12:2; Gawa 7:17) (b) Paano nagpakita ang mga komadronang Hebreo ng paggalang sa kabanalan ng buhay? (Ex. 1:17; Gen. 9:6) (c) Paano ginantimpalaan ang mga komadrona dahil sa kanilang katapatan kay Jehova? (Ex. 1:20, 21; Kaw. 19:17) (d) Paano tinangkang hadlangan ni Satanas ang layunin ni Jehova tungkol sa ipinangakong Binhi ni Abraham? (Ex. 1:22; Mat. 2:16)
Kuwento 28
Ang Pagkaligtas ng Sanggol na si Moises 1. Sino ang sanggol na nasa larawan, at kaninong daliri ang hawak niya? 2. Ano ang ginawa ng nanay ni Moises para hindi ito mapatay? 3. Sino ang batang babaeng nasa larawan, at ano ang kaniyang ginawa? 4. Nang makita ng anak ni Paraon ang sanggol, ano ang iminungkahi ni Miriam? 5. Ano ang sinabi ng prinsesa sa nanay ni Moises?
Karagdagang tanong: 1. Basahin ang Exodo 2:1-10. Nagkaroon ng anong pagkakataon ang nanay ni
Moises upang sanayin at turuan si Moises habang sanggol pa, at anong halimbawa ang inilalaan nito sa mga magulang sa ngayon? (Ex. 2:9, 10; Deut. 6:6-9; Kaw. 22:6; Efe. 6:4; 2 Tim. 3:15)
Kuwento 29
Kung Bakit Tumakas si Moises 1. Saan lumaki si Moises, pero ano ang alam niya tungkol sa kaniyang mga magulang? ´ 2. Ano ang ginawa ni Moises nang 40 taong gulang na siya? 3. Ano ang sinabi ni Moises sa isang lalaking Israelita na nakikipag-away, at ano ang isinagot ng lalaki? 4. Bakit tumakas si Moises mula sa Ehipto? 5. Patungo saan tumakas si Moises, at sino ang nakilala niya roon? 6. Ano ang ginawa ni Moises sa loob ng 40 taon pagkatapos niyang tumakas mula sa Ehipto?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Exodo 2:11-25. Sa kabila ng mga taon ng pag-aaral niya sa karunungan ng mga Ehipsiyo, paano nagpakita si Moises ng katapatan kay Jehova at sa kaniyang bayan? (Ex. 2: 11, 12; Heb. 11:24) 2. Basahin ang Gawa 7:22-29. Anong leksiyon ang matututuhan natin mula sa pagsisikap ni Moises na mag-isang iligtas ang Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto? (Gawa 7:23-25; 1 Ped. 5:6, 10)
Kuwento 30
Ang Nagniningas na Puno 1. Ano ang pangalan ng bundok na nasa larawan? 2. Ilarawan ang kakaibang bagay na nakita ni Moises nang pumunta siya sa bundok kasama ang kaniyang mga tupa. 3. Ano ang sabi ng boses mula sa nagniningas na puno, at kaninong boses iyon? 4. Paano sumagot si Moises nang sabihin sa kaniya ng Diyos na ilalabas niya ang bayan ng Diyos mula sa Ehipto? 5. Ano ang sinabi ng Diyos na sasabihin ni Moises kapag tinanong siya ng mga tao kung sino ang nagpapunta sa kaniya? 6. Paano mapatutunayan ni Moises na ang Diyos ang nagpapunta sa kaniya?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Exodo 3:1-22. Paano tumutulong ang karanasan ni Moises upang makapagtiwala tayo na kahit na parang hindi tayo kuwalipikadong tumupad ng isang teokratikong atas, aalalayan tayo ni Jehova? (Ex. 3:11, 13; 2 Cor. 3:5, 6) 2. Basahin ang Exodo 4:1-20. (a) Ano ang nagbago sa saloobin ni Moises sa pana´ hon ng 40 taong ginugol niya sa Midian, at anong
leksiyon ang matututuhan dito ng mga nagsisikap na magkaroon ng mga pribilehiyo sa kongregasyon? (Ex. 2:11, 12; 4:10, 13; Mik. 6:8; 1 Tim. 3:1, 6, 10) (b) Kahit na madisiplina tayo ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon, sa ano tayo makapagtitiwala dahil sa halimbawa ni Moises? (Ex. 4:1214; Awit 103:14; Heb. 12:4-11)
Kuwento 31
Humarap kay Paraon Sina Moises at Aaron 1. Ano ang naging epekto sa mga Israelita ng mga himalang ginawa nina Moises at Aaron? 2. Ano ang sinabi nina Moises at Aaron kay Paraon, at ano naman ang sinabi ni Paraon? 3. Gaya ng makikita sa larawan, ano ang nangyari nang ihagis ni Aaron ang kaniyang tungkod? 4. Paano tinuruan ni Jehova si Paraon ng leksiyon, at paano tumugon si Paraon? 5. Ano ang nangyari pagkatapos ng ikasampung salot?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Exodo 4:27-31 at 5:1-23. Ano ang ibig sabihin ni Paraon nang sabihin niyang: “Hindi ko kilala si Jehova”? (Ex. 5:2; 1 Sam. 2:12; Roma 1:21) 2. Basahin ang Exodo 6:1-13, 26-30. (a) Sa anong diwa hindi nagpakilala si Jehova kina Abraham, Isaac, at Jacob? (Ex. 3:13, 14; 6:3; Gen. 12:8) (b) Ano ang ating nadarama ngayong nalaman natin na ginamit pa rin ni Jehova si Moises, kahit sa palagay ni Moises ay hindi siya kuwalipikado sa gawaing iniatas sa kaniya? (Ex. 6:12, 30; Luc. 21:13-15) 3. Basahin ang Exodo 7:1-13. (a) Nang buong-tapang na sabihin nina Moises at Aaron ang mga kahatulan ni Jehova kay Paraon, anong parisan ang ipinakita nila sa mga lingkod ng Diyos sa ngayon? (Ex. 7:2, 3, 6; Gawa 4:29-31) (b) Paano ipinakita ni Jehova ang kaniyang kahigitan sa mga diyos ng Ehipto? (Ex. 7:12; 1 Cro. 29:12) Kuwento 32
Ang Sampung Salot 1. Sa pamamagitan ng mga larawan dito, sabihin ang unang tatlong salot na ipinadala ni Jehova sa Ehipto. 2. Ano ang pagkakaiba ng unang tatlong salot sa iba pang mga salot? 3. Ano ang ikaapat, ikalima, at ikaanim na salot? 4. Ilarawan ang ikapito, ikawalo, at ikasiyam na salot. 5. Ano ang ipinagawa ni Jehova sa mga Israelita bago ang ikasampung salot? 6. Ano ang ikasampung salot, at ano ang nangyari pagkatapos nito?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Exodo 7:19–8:23. (a) Bagaman nagawa rin ng mga mahikong saserdote ng Ehipto ang unang dalawang salot ni Jehova, ano ang napilitan nilang aminin pagkatapos ng ikatlong salot? (Ex. 8:18, 19; Mat. 12:24-28) (b) Paano inilarawan ng ikaapat na salot ang kakayahan ni Jehova na ipagsanggalang ang kaniyang bayan, kung kaya ano ang dapat madama ng bayan ng Diyos habang napapaharap sila sa inihulang “malaking kapighatian”? (Ex. 8:22, 23; Apoc. 7:13, 14; 2 Cro. 16:9) 2. Basahin ang Exodo 8:24; 9:3, 6, 10, 11, 14, 16, 2325; at 10:13-15, 21-23. (a) Anong dalawang grupo ang inilantad ng Sampung Salot, at paano nito naaapektuhan ang ating pangmalas sa mga grupong iyon sa ngayon? (Ex. 8: 10, 18, 19; 9:14) (b) Paano tayo tinutulungan ng Exodo 9:16 na maunawaan kung bakit pinayagan ni Jehova si Satanas na manatili hanggang ngayon? (Roma 9:21, 22) 3. Basahin ang Exodo 12:21-32. Paano naging posible ang kaligtasan ng marami dahil sa Paskuwa, at ano ang inilalarawan ng Paskuwa? (Ex. 12:21-23; Juan 1:29; Roma 5:18, 19, 21; 1 Cor. 5:7) Kuwento 33
Pagtawid sa Dagat na Pula 1. Ilang Israelitang lalaki, bukod pa sa mga babae at mga bata, ang umalis sa Ehipto, at sino ang sumama sa kanila? 2. Ano ang nadama ni Paraon matapos niyang payagang umalis ang mga Israelita, at ano ang kaniyang ginawa? 3. Ano ang ginawa ni Jehova upang pigilin ang mga Ehipsiyo sa pagsalakay sa kaniyang bayan? 4. Ano ang nangyari nang iunat ni Moises ang kaniyang tungkod sa ibabaw ng Dagat na Pula, at ano naman ang ginawa ng mga Israelita? 5. Ano ang nangyari nang sumugod ang mga Ehipsiyo sa dagat para habulin ang mga Israelita? 6. Paano ipinakita ng mga Israelita na natutuwa sila at nagpapasalamat kay Jehova sa pagliligtas sa kanila?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Exodo 12:33-36. Paano tiniyak ni Jehova na nabayaran ang kaniyang bayan sa lahat ng mga taon ng pagkaalipin sa ilalim ng mga Ehipsiyo? (Ex. 3:21, 22; 12:35, 36) 2. Basahin ang Exodo 14:1-31. Paano naaapektuhan ng mga salita ni Moises na nakaulat sa Exodo 14:13, 14 ang mga lingkod ni Jehova sa ngayon habang napapaharap sila sa dumarating na digmaan ng Armagedon? (2 Cro. 20:17; Awit 91:8)
3. Basahin ang Exodo 15:1-8, 20, 21. (a) Bakit dapat umawit ang mga lingkod ni Jehova ng mga papuri sa kaniya? (Ex. 15:1, 2; Awit 105:2, 3; Apoc. 15:3, 4) (b) Anong halimbawa ng pagpuri kay Jehova ang ipinakita ni Miriam at ng mga kababaihan sa Dagat na Pula para sa mga babaeng Kristiyano sa ngayon? (Ex. 15:20, 21; Awit 68:11)
Kuwento 34
Isang Bagong Uri ng Pagkain 1. Sa larawan, ano ang pinupulot ng mga tao sa lupa, at ano ang tawag dito? 2. Anong tagubilin ang ibinigay ni Moises sa mga tao tungkol sa pagpulot ng manna? 3. Ano ang ipinagagawa ni Jehova sa mga tao tuwing ikaanim na araw, at bakit? 4. Anong himala ang ginawa ni Jehova nang itago ang manna hanggang sa ikapitong araw? 5. Hanggang kailan pinakain ni Jehova ng manna ang mga tao?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Exodo 16:1-36 at Bilang 11:7-9. (a) Ano ang ipinakikita ng Exodo 16:8 may kinalaman sa pangangailangang igalang natin ang teokratikong mga hinirang sa kongregasyong Kristiyano? (Heb. 13:17) (b) Sa ilang, paano ipinaaalaala sa mga Israelita araw-araw na kailangan nilang umasa kay Jehova? (Ex. 16:14-16, 35; Deut. 8:2, 3) (c) Anong makasagisag na kahulugan ng manna ang ibinigay ni Jesus, at paano tayo nakikinabang sa “tinapay na [ito] mula sa langit”? (Juan 6:3135, 40) 2. Basahin ang Josue 5:10-12. Ilang taon kumain ng manna ang mga Israelita, paano ito naging pagsubok sa kanila, at ano ang matututuhan natin sa ulat na ito? (Ex. 16:35; Bil. 11: 4-6; 1 Cor. 10:10, 11) Kuwento 35
Ibinigay ni Jehova ang mga Batas Niya 1. Mga dalawang buwan pagkaalis sa Ehipto, saan nagtayo ng kampamento ang mga Israelita? 2. Ano ang sinabi ni Jehova na gusto niyang gawin ng bayan, at ano ang sagot nila? 3. Bakit binigyan ni Jehova si Moises ng dalawang malapad na bato? 4. Bukod sa Sampung Utos, ano pang ibang mga batas ang ibinigay ni Jehova sa mga Israelita? 5. Anong dalawang batas ang sinabi ni Jesu-Kristo na pinakadakila?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Exodo 19:1-25; 20:1-21; 24:12-18; at 31:18.
Paano tumutulong sa atin ang mga salitang nakaulat sa Exodo 19:8 na maunawaan ang nasasangkot sa Kristiyanong pag-aalay? (Mat. 16:24; 1 Ped. 4:1-3) 2. Basahin ang Deuteronomio 6:4-6; Levitico 19:18; at Mateo 22:36-40. Paano ipinamamalas ng mga Kristiyano ang kanilang pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa? (Mar. 6:34; Gawa 4:20; Roma 15:2)
Kuwento 36
Ang Gintong Guya 1. Sa larawan, ano ang ginagawa ng bayan, at bakit? 2. Bakit galit na galit si Jehova, at ano ang ginawa ni Moises nang makita niya ang ginagawa ng bayan? 3. Ano ang ipinagawa ni Moises sa ilang mga lalaki? 4. Anong leksiyon ang itinuturo sa atin ng kuwentong ito?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Exodo 32:1-35. (a) Paano ipinakikita ng ulat na ito ang saloobin ni Jehova kapag ang tunay na pagsamba ay hinaluan ng huwad na relihiyon? (Ex. 32:4-6, 10; 1 Cor. 10: 7, 11) (b) Ano ang dapat ingatan ng mga Kristiyano sa kanilang pagpili ng libangan, gaya ng pag-awit at pagsasayaw? (Ex. 32:18, 19; Efe. 5:15, 16; 1 Juan 2:15-17) (c) Paano naglaan ng isang magandang halimbawa ang tribo ni Levi sa paninindigan sa katuwiran? (Ex. 32:25-28; Awit 18:25) Kuwento 37
Isang Tolda Para sa Pagsamba 1. Ano ang tawag sa gusaling nasa larawan, at para saan ito? 2. Bakit sinabi ni Jehova kay Moises na gawin ang tabernakulo na madaling paghiwahiwalayin? 3. Ano ang kahon na nasa maliit na silid sa dulo ng tolda, at ano ang laman ng kahon? 4. Sino ang pinili ni Jehova na maging mataas na saserdote, at ano ang ginagawa ng mataas na saserdote? 5. Sabihin ang tatlong bagay na nasa mas malaking silid sa tolda. 6. Anong dalawang bagay ang nasa labas ng tabernakulo, at para saan ang mga ito?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Exodo 25:8-40; 26:1-37; 27:1-8; at 28:1. Sa ano kumakatawan ang mga kerubin sa ibabaw ng “kaban ng patotoo�? (Ex. 25:20, 22; Bil. 7:89; 2 Hari 19:15) 2. Basahin ang Exodo 30:1-10, 17-21; 34:1, 2; at Hebreo 9:1-5. (a) Bakit idiniin ni Jehova sa mga saserdoteng naglilingkod sa tabernakulo ang kahalagahan ng pana-
natiling malinis sa pisikal, at paano ito dapat makaapekto sa atin sa ngayon? (Ex. 30:18-21; 40:30, 31; Heb. 10:22) (b) Paano ipinakita ni apostol Pablo na lipas na ang tabernakulo at ang tipang Kautusan noong isulat niya ang kaniyang liham sa mga Hebreong Kristiyano? (Heb. 9:1, 9; 10:1)
Kuwento 38
Ang 12 Tiktik 1. Ano ang napansin mo sa bungkos ng ubas na nasa larawan, at saan ito galing? 2. Bakit nagsugo si Moises ng 12 tiktik sa lupain ng Canaan? 3. Ano ang sinabi ng sampung tiktik o espiya nang mag-ulat sila kay Moises? 4. Paano nagpakita ng pagtitiwala kay Jehova ang dalawang tiktik, at ano ang mga pangalan nila? 5. Bakit nagalit si Jehova, at ano ang sinabi niya kay Moises?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Bilang 13:1-33. (a) Sinu-sino ang mga pinili upang maniktik sa lupain, at nagkaroon sila ng anong dakilang pagkakataon? (Bil. 13:2, 3, 18-20) (b) Bakit iba ang pangmalas nina Josue at Caleb sa ibang mga tiktik, at ano ang itinuturo nito sa atin? (Bil. 13:28-30; Mat. 17:20; 2 Cor. 5:7) 2. Basahin ang Bilang 14:1-38. (a) Anong babala tungkol sa pagbubulung-bulungan laban sa mga kinatawan ni Jehova sa lupa ang dapat nating pakinggan? (Bil. 14:2, 3, 27; Mat. 25: 40, 45; 1 Cor. 10:10) (b) Paano ipinakikita ng Bilang 14:24 na may personal na interes si Jehova sa bawat isa sa kaniyang mga lingkod? (1 Hari 19:18; Kaw. 15:3) Kuwento 39
Namulaklak ang Tungkod ni Aaron 1. Sinu-sino ang mga nagrebelde sa awtoridad nina Moises at Aaron, at ano ang sinasabi nila kay Moises? 2. Ano ang ipinagawa ni Moises kay Kore at sa 250 tagasunod nito? 3. Ano ang sinabi ni Moises sa bayan, at ano ang agad-agad na nangyari? 4. Ano ang nangyari kay Kore at sa 250 tagasunod niya? 5. Ano ang ginawa sa mga sulo ng nangamatay, at bakit? 6. Bakit namulaklak ang tungkod ni Aaron? (Tingnan ang larawan.)
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Bilang 16:1-49. (a) Ano ang ginawa ni Kore at ng kaniyang mga ta-
gasunod, at bakit ito pagrerebelde kay Jehova? (Bil. 16:9, 10, 18; Lev. 10:1, 2; Kaw. 11:2) (b) Anong maling pangmalas ang nilinang ni Kore at ng 250 “pinuno ng kapulungan”? (Bil. 16:1-3; Kaw. 15:33; Isa. 49:7) 2. Basahin ang Bilang 17:1-11 at 26:10. (a) Ano ang ipinahihiwatig ng pagtubo ng tungkod ni Aaron, at bakit iniutos ni Jehova na itago ito sa kaban? (Bil. 17:5, 8, 10) (b) Anong mahalagang leksiyon ang matututuhan natin sa pinakatanda ng tungkod ni Aaron? (Bil. 17:10; Gawa 20:28; Fil. 2:14; Heb. 13:17)
Kuwento 40
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Bilang 21:4-9. (a) Anong babala ang ibinibigay sa atin ng pagrereklamo ng Israel tungkol sa mga paglalaan mula kay Jehova? (Bil. 21:5, 6; Roma 2:4) (b) Nang sumunod na mga siglo, paano ginamit ng mga Israelita ang tansong ahas, at ano ang ginawa ni Haring Hezekias? (Bil. 21:9; 2 Hari 18:1-4) 2. Basahin ang Juan 3:14, 15. Paano angkop na lumalarawan sa pagpapako kay Jesu-Kristo ang paglalagay ng tansong ahas sa isang posteng pananda? (Gal. 3:13; 1 Ped. 2:24) Kuwento 42
Hinampas ni Moises ang Bato
Nagsalita ang Isang Asno
1. Paano inalagaan ni Jehova ang mga Israelita habang sila’y nasa ilang? 2. Ano ang inireklamo ng mga Israelita habang sila’y nagkakampo sa Kades? 3. Paano naglaan si Jehova ng tubig para sa bayan at sa kanilang mga hayop? 4. Sa larawan, sino ang lalaking nakaturo sa sarili niya, at bakit niya ito ginagawa? 5. Bakit galit na galit si Jehova kina Moises at Aaron, at paano sila pinarusahan? 6. Ano ang nangyari sa Bundok ng Hor, at sino ang naging mataas na saserdote ng Israel?
1. Sino si Balak, at bakit niya ipinatawag si Balaam? 2. Bakit nahiga ang asno ni Balaam sa tabi ng daan? 3. Ano ang narinig ni Balaam na sinasabi ng asno? 4. Ano ang sinabi ng anghel kay Balaam? 5. Ano ang nangyari nang subukang sumpain ni Balaam ang Israel?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Bilang 20:1-13, 22-29 at Deuteronomio 29:5. (a) Ano ang matututuhan natin sa pangangalaga ni Jehova sa mga Israelita sa ilang? (Deut. 29:5; Mat. 6:31; Heb. 13:5; Sant. 1:17) (b) Paano minalas ni Jehova ang hindi pagpapabanal sa kaniya nina Moises at Aaron sa harap ng Israel? (Bil. 20:12; 1 Cor. 10:12; Apoc. 4:11) (c) Ano ang matututuhan natin sa naging reaksiyon ni Moises sa disiplinang tinanggap niya mula kay Jehova? (Bil. 12:3; 20:12, 27, 28; Deut. 32:4; Heb. 12:7-11) Kuwento 41
Ang Tansong Ahas 1. Sa larawan, ano ang nakapulupot sa tulos, at bakit sinabi ni Jehova kay Moises na ilagay ito roon? 2. Paano masasabing hindi marunong magpasalamat ang bayan sa lahat ng ginawa ng Diyos para sa kanila? 3. Ano ang ipinakiusap ng mga Israelita matapos magpadala si Jehova ng makamandag na mga ahas para parusahan sila? 4. Bakit nagpagawa si Jehova kay Moises ng isang tansong ahas? 5. Anong leksiyon ang matututuhan natin sa kuwentong ito?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Bilang 21:21-35. Bakit natalo ng Israel si Haring Sihon ng mga Amorita at Haring Og ng Basan? (Bil. 21:21, 23, 33, 34) 2. Basahin ang Bilang 22:1-40. Ano ang motibo ni Balaam sa pagtatangkang sumpain ang Israel, at anu-anong mga leksiyon ang makukuha natin dito? (Bil. 22:16, 17; Kaw. 6:16, 18; 2 Ped. 2:15; Jud. 11) 3. Basahin ang Bilang 23:1-30. Bagaman nagsalita si Balaam na para bang isa siyang mananamba ni Jehova, paano nakita sa kaniyang mga kilos na hindi talaga siya mananamba ni Jehova? (Bil. 23:3, 11-14; 1 Sam. 15:22) 4. Basahin ang Bilang 24:1-25. Paano pinatitibay ng ulat na ito ng Bibliya ang ating pananampalataya sa katuparan ng layunin ni Jehova? (Bil. 24:10; Isa. 54:17) Kuwento 43
Naging Pinuno si Josue 1. Sa larawan, sino ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi ni Moises? 2. Ano ang sinabi ni Jehova kay Josue? 3. Bakit umakyat si Moises sa Bundok Nebo, at ano ang sinabi ni Jehova sa kaniya? 4. Ilang taon si Moises nang mamatay siya? 5. Bakit malungkot ang bayan, pero ano ang dapat nilang ikatuwa?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Bilang 27:12-23. Anong mabigat na atas ang tinanggap ni Josue
mula kay Jehova, at paano makikitang inaalagaan ni Jehova ang Kaniyang bayan sa ngayon? (Bil. 27:15-19; Gawa 20:28; Heb. 13:7) 2. Basahin ang Deuteronomio 3:23-29. Bakit hindi pinayagan ni Jehova sina Moises at Aaron na tumawid sa lupang pangako, at anong leksiyon ang matututuhan natin dito? (Deut. 3:25-27; Bil. 20:12, 13) 3. Basahin ang Deuteronomio 31:1-8, 14-23. Paano ipinakikita sa mga huling salita ni Moises sa Israel na mapagpakumbaba niyang tinanggap ang disiplina ni Jehova? (Deut. 31:6-8, 23) 4. Basahin ang Deuteronomio 32:45-52. Paano dapat maapektuhan ng Salita ng Diyos ang ating buhay? (Deut. 32:47; Lev. 18:5; Heb. 4:12) 5. Basahin ang Deuteronomio 34:1-12. Bagaman hindi literal na nakita ni Moises ang mismong persona ni Jehova, ano ang ipinahihiwatig ng Deuteronomio 34:10 tungkol sa kaniyang kaugnayan kay Jehova? (Ex. 33:11, 20; Bil. 12:8)
Kuwento 44
Itinago ni Rahab ang mga Tiktik 1. Saan nakatira si Rahab? 2. Sino ang dalawang lalaking nasa larawan, at bakit sila nasa Jerico? 3. Ano ang iniutos ng hari ng Jerico kay Rahab, at ano ang isinagot niya? 4. Paano tinulungan ni Rahab ang dalawang lalaki, at ano ang hiniling niya? 5. Ano ang ipinangako ng dalawang tiktik o espiya kay Rahab?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Josue 2:1-24. Paano natupad ang pangako ni Jehova na nakaulat sa Exodo 23:28 nang dumating ang mga Israelita laban sa Jerico? (Jos. 2:9-11) 2. Basahin ang Hebreo 11:31. Paano idiniriin sa halimbawa ni Rahab ang kahalagahan ng pananampalataya? (Roma 1:17; Heb. 10:39; Sant. 2:25) Kuwento 45
Pagtawid sa Ilog Jordan 1. Anong himala ang ginawa ni Jehova para makatawid ang mga Israelita sa Ilog Jordan? 2. Ano ang dapat gawin ng mga Israelita bilang pananampalataya nila para makatawid sa Ilog Jordan? 3. Bakit sinabi ni Jehova kay Josue na magpapulot ng 12 bato mula sa gitna ng ilog? 4. Ano ang nangyari pagkaalis na pagkaalis ng mga saserdote sa Jordan?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Josue 3:1-17. (a) Gaya ng inilalarawan ng ulat na ito, ano ang dapat nating gawin para tumanggap ng tulong at pag-
papala ni Jehova? (Jos. 3:13, 15; Kaw. 3:5; Sant. 2: 22, 26) (b) Ano ang kalagayan ng Ilog Jordan nang tumawid ang mga Israelita tungo sa Lupang Pangako, at paano nito dinakila ang pangalan ni Jehova? (Jos. 3:15; 4:18; Awit 66:5-7) 2. Basahin ang Josue 4:1-18. Ano ang layunin ng 12 bato na kinuha sa Jordan at ibinunton sa Gilgal? (Jos. 4:4-7)
Kuwento 46
Ang mga Pader ng Jerico 1. Ano ang ipinagawa ni Jehova sa mga sundalo at mga saserdote sa loob ng anim na araw? 2. Ano ang gagawin nila sa ikapitong araw? 3. Gaya ng makikita mo sa larawan, ano ang nangyayari sa mga pader ng Jerico? 4. Bakit may pulang lubid na nakabitin sa bintana? 5. Ano ang iniutos ni Josue na gawin ng mga sundalo sa bayan at sa lunsod, pero paano ang mga pilak, ginto, tanso, at bakal? 6. Ano ang ipinagawa sa dalawang tiktik?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Josue 6:1-25. (a) Paanong ang pagmamartsa ng mga Israelita sa palibot ng Jerico noong ikapitong araw ay katulad ng pangangaral ng mga Saksi ni Jehova sa mga huling araw na ito? (Jos. 6:15, 16; Isa. 60:22; Mat. 24:14; 1 Cor. 9:16) (b) Paano natupad ang hulang nakaulat sa Josue 6:26 pagkalipas ng mga 500 taon, at ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa salita ni Jehova? (1 Hari 16:34; Isa. 55:11) Kuwento 47
Isang Magnanakaw sa Israel 1. Sa larawan, sino ang lalaking nagbabaon ng mga kayamanang kinuha sa Jerico, at sino ang mga tumutulong sa kaniya? 2. Bakit napakasama ng ginawa ni Achan at ng kaniyang mga kasambahay? 3. Ano ang sinabi ni Jehova nang itanong ni Josue kung bakit natalo ang mga Israelita sa digmaan sa Ai? 4. Matapos dalhin kay Josue si Achan at ang kaniyang pamilya, ano ang nangyari sa kanila? 5. Anong mahalagang leksiyon ang itinuturo sa atin ng hatol kay Achan?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Josue 7:1-26. (a) Ano ang isiniwalat ng mga panalangin ni Josue tungkol sa kaugnayan niya sa kaniyang Maylalang? (Jos. 7:7-9; Awit 119:145; 1 Juan 5:14) (b) Ano ang ipinakikita ng halimbawa ni Achan, at paano ito isang babala sa atin? (Jos. 7:11, 14, 15; Kaw. 15:3; 1 Tim. 5:24; Heb. 4:13)
2. Basahin ang Josue 8:1-29. Ano ang ating personal na pananagutan sa kongregasyong Kristiyano sa ngayon? (Jos. 7:13; Lev. 5:1; Kaw. 28:13)
Kuwento 48
Ang Matatalinong Gabaonita 1. Paano naiiba ang mga taga-Gabaon sa mga tagaCanaan sa kalapit na mga lunsod? 2. Gaya ng makikita sa larawan, ano ang ginagawa ng mga Gabaonita, at bakit? 3. Ano ang ipinangako ni Josue at ng mga pinunong Israelita sa mga Gabaonita, pero ano ang natuklasan nila pagkaraan ng tatlong araw? 4. Ano ang nangyari nang mabalitaan ng mga hari sa ibang mga lunsod na nakipagpayapaan ang mga Gabaonita sa Israel?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Josue 9:1-27. (a) Yamang tinagubilinan ni Jehova ang bansang Israel na “lipulin ang lahat ng tumatahan sa lupain,� anong mga katangian ang itinampok ng kaniyang di-paglipol sa mga Gabaonita? (Jos. 9:22, 24; Mat. 9:13; Gawa 10:34, 35; 2 Ped. 3:9) (b) Sa panghahawakan sa ipinakipagtipan niya sa mga Gabaonita, paano nagpakita si Josue ng magandang halimbawa sa mga Kristiyano sa ngayon? (Jos. 9:18, 19; Mat. 5:37; Efe. 4:25) 2. Basahin ang Josue 10:1-5. Paano tinutularan ng malaking pulutong sa ngayon ang mga Gabaonita, anupat nagiging tampulan sila ng ano? (Jos. 10:4; Zac. 8:23; Mat. 25:35-40; Apoc. 12:17) Kuwento 49
Huminto ang Araw 1. Sa larawan, ano ang sinasabi ni Josue, at bakit? 2. Paano tinulungan ni Jehova si Josue at ang kaniyang mga kawal? 3. Ilang kaaway na hari ang tinalo ni Josue, at gaano ito katagal? 4. Bakit ipinamahagi ni Josue ang lupain ng Canaan? 5. Ilang taon si Josue nang mamatay siya, at ano ang nangyari sa bayan pagkamatay niya?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Josue 10:6-15. Matapos nating malaman na pinatigil ni Jehova ang araw at buwan para sa Israel, sa ano tayo makapagtitiwala sa ngayon? (Jos. 10:8, 10, 12, 13; Awit 18:3; Kaw. 18:10) 2. Basahin ang Josue 12:7-24. Sino talaga ang tumalo sa 31 hari sa Canaan, at bakit ito mahalaga sa atin sa ngayon? (Jos. 12:7; 24:11-13; Deut. 31:8; Luc. 21:9, 25-28)
3. Basahin ang Josue 14:1-5. Paano hinati-hati ang lupain sa mga tribo ng Israel, at ano ang ipinahihiwatig nito may kinalaman sa mga mamanahin sa Paraiso? (Jos. 14:2; Isa. 65:21; Ezek. 47:21-23; 1 Cor. 14:33) 4. Basahin ang Hukom 2:8-13. Gaya ni Josue sa Israel, sino sa ngayon ang nagsisilbing pamigil sa apostasya? (Huk. 2:8, 10, 11; Mat. 24:45-47; 2 Tes. 2:3-6; Tito 1:7-9; Apoc. 1:1; 2: 1, 2)
Kuwento 50
Dalawang Matatapang na Babae 1. Sino ang mga hukom, at anu-ano ang mga pangalan ng ilan sa kanila? 2. Ano ang pantanging pribilehiyo ni Debora, at ano ang nasasangkot dito? 3. Nang pagbantaan ni Haring Jabin at ng kaniyang hepe ng hukbo na si Sisera ang Israel, anong mensahe mula kay Jehova ang ibinigay ni Debora kay Hukom Barak, at sino ang sinabi niyang tatanggap ng karangalan? 4. Paano ipinakita ni Jael na isa siyang matapang na babae? 5. Ano ang nangyari pagkamatay ni Haring Jabin?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Hukom 2:14-22. Paano pinasapit ng mga Israelita sa kanilang sarili ang galit ni Jehova, at anong leksiyon ang matututuhan natin dito? (Huk. 2:20; Kaw. 3:1, 2; Ezek. 18:21-23) 2. Basahin ang Hukom 4:1-24. Anu-anong mga leksiyon tungkol sa pananampalataya at tapang ang matututuhan ng mga babaeng Kristiyano sa ngayon mula sa mga halimbawa nina Debora at Jael? (Huk. 4:4, 8, 9, 14, 21, 22; Kaw. 31:30; 1 Cor. 16:13) 3. Basahin ang Hukom 5:1-31. Paano maikakapit ang awit ng tagumpay nina Barak at Debora bilang isang panalangin may kinalaman sa dumarating na digmaan ng Har–Magedon? (Huk. 5:3, 31; 1 Cro. 16:8-10; Apoc. 7:9, 10; 16:16; 19:19-21) Kuwento 51
Sina Ruth at Naomi 1. Paano napunta si Naomi sa lupain ng Moab? 2. Sino sina Ruth at Orpa? 3. Paano tumugon sina Ruth at Orpa nang pabalikin na sila ni Naomi sa kanilang bayan? 4. Sino si Boas, at paano niya tinulungan sina Ruth at Naomi? 5. Ano ang pangalan ng anak nina Boas at Ruth, at bakit natin dapat siyang tandaan?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Ruth 1:1-17. (a) Ano ang sinabi ni Ruth na magandang kapahayagan ng matapat na pag-ibig? (Ruth 1:16, 17) (b) Paano malinaw na naipahayag ng naging saloobin ni Ruth ang damdamin ng “ibang tupa” sa mga pinahiran sa lupa sa ngayon? (Juan 10:16; Zac. 8:23) 2. Basahin ang Ruth 2:1-23. Paano nagpakita si Ruth ng magandang halimbawa para sa mga kabataang babae sa ngayon? (Ruth 2:17, 18; Kaw. 23:22; 31:15) 3. Basahin ang Ruth 3:5-13. (a) Paano minalas ni Boas ang kagustuhan ni Ruth na magpakasal sa kaniya sa halip na sa isang mas nakababatang lalaki? (b) Ano ang itinuturo sa atin ng saloobin ni Ruth tungkol sa matapat na pag-ibig? (Ruth 3:10; 1 Cor. 13:4, 5) 4. Basahin ang Ruth 4:7-17. Paano matutularan ng mga lalaking Kristiyano sa ngayon si Boas? (Ruth 4:9, 10; 1 Tim. 3:1, 12, 13; 5:8) Kuwento 52
Si Gideon at ang Kaniyang 300 Kawal 1. Paano at bakit nagigipit ang mga Israelita? 2. Bakit sinabi ni Jehova kay Gideon na masyadong marami ang kaniyang mga tauhan sa hukbo? 3. Mula sa larawan, ipaliwanag kung paano binawasan ni Jehova ang bilang ng hukbo ni Gideon hanggang sa maging 300 kawal na lamang. 4. Paano inorganisa ni Gideon ang kaniyang 300 kawal, at paano nanalo ang Israel sa digmaan?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Hukom 6:36-40. (a) Paano natiyak ni Gideon ang kalooban ni Jehova? (b) Paano natin nalalaman sa ngayon ang kalooban ni Jehova? (Kaw. 2:3-6; Mat. 7:7-11; 2 Tim. 3:16, 17) 2. Basahin ang Hukom 7:1-25. (a) Anong leksiyon ang matututuhan natin sa 300 nanatiling mapagbantay di-tulad ng mga nagpabaya? (Huk. 7:3, 6; Roma 13:11, 12; Efe. 5:15-17) (b) Kung paanong natuto ang 300 sa pagmamasid kay Gideon, paano tayo natututo sa pagmamasid sa Lalong Dakilang Gideon, si Jesu-Kristo? (Huk. 7:17; Mat. 11:29, 30; 28:19, 20; 1 Ped. 2:21) (c) Paano tumutulong sa atin ang Hukom 7:21 na maging kontentong maglingkod saanman tayo maatasan sa organisasyon ni Jehova? (1 Cor. 4:2; 12:1418; Sant. 4:10) 3. Basahin ang Hukom 8:1-3. Sa paglutas sa personal na mga di-pagkakaunawaan ng mga kapatid, ano ang matututuhan natin sa paraan ni Gideon ng paglutas sa pakikipagtalo sa mga Efraimita? (Kaw. 15:1; Mat. 5:23, 24; Luc. 9:48)
Kuwento 53
Ang Pangako ni Jepte 1. Sino si Jepte, at kailan siya nabuhay? 2. Ano ang ipinangako ni Jepte kay Jehova? 3. Bakit nalungkot si Jepte nang umuwi siya matapos magtagumpay laban sa mga Amonita? 4. Ano ang sinabi ng anak ni Jepte nang malaman niya ang pangako ng kaniyang tatay? 5. Bakit mahal na mahal ng bayan ang anak ni Jepte?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Hukom 10:6-18. Anong babala ang dapat nating bigyang-pansin sa ulat ng kawalang-katapatan ng Israel kay Jehova? (Huk. 10:6, 15, 16; Roma 15:4; Apoc. 2:10) 2. Basahin ang Hukom 11:1-11, 29-40. (a) Paano natin nalalaman na ang pagbibigay ni Jepte sa kaniyang anak bilang “handog na sinusunog” ay hindi nangangahulugang pararaanin siya sa apoy bilang taong ihahain? (Huk. 11:31; Lev. 16:24; Deut. 18:10, 12) (b) Sa anong paraan inihandog ni Jepte ang kaniyang anak bilang hain? (c) Ano ang matututuhan natin sa saloobin ni Jepte sa kaniyang panata kay Jehova? (Huk. 11:35, 39; Ecles. 5:4, 5; Mat. 16:24) (d) Paano naging isang mainam na halimbawa ang anak na babae ni Jepte para sa mga kabataang Kristiyano sa pagtataguyod ng karera sa buong panahong paglilingkod? (Huk. 11:36; Mat. 6:33; Fil. 3:8) Kuwento 54
Ang Pinakamalakas na Tao 1. Ano ang pangalan ng pinakamalakas na taong nabuhay sa lupa, at sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas? 2. Ano ang minsang ginawa ni Samson sa isang malaking leon, gaya ng makikita mo sa larawan? 3. Anong lihim ang sinasabi ni Samson kay Delila sa larawan, at paano ito humantong sa paghuli sa kaniya ng mga Pilisteo? 4. Paano napatay ni Samson ang 3,000 kaaway na mga Pilisteo noong araw na mamatay siya?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Hukom 13:1-14. Paanong si Manoa at ang kaniyang asawa ay nagpakita ng isang magandang halimbawa para sa mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak? (Huk. 13:8; Awit 127:3; Efe. 6:4) 2. Basahin ang Hukom 14:5-9 at 15:9-16. (a) May kinalaman sa pagkilos ng banal na espiritu ni Jehova, ano ang isinisiwalat ng mga ulat tungkol sa pagpatay ni Samson sa leon, paglagot sa bagong mga lubid na itinali sa kaniya, at paggamit sa
panga ng isang lalaking asno upang patayin ang 1,000 lalaki? (b) Paano tayo tinutulungan ng banal na espiritu sa ngayon? (Huk. 14:6; 15:14; Zac. 4:6; Gawa 4:31) 3. Basahin ang Hukom 16:18-31. Paano naapektuhan si Samson ng masasamang kasama, at ano ang matututuhan natin dito? (Huk. 16:18, 19; 1 Cor. 15:33)
Kuwento 55
Naglingkod sa Diyos ang Isang Batang Lalaki 1. Ano ang pangalan ng batang nasa larawan, at sinu-sino ang mga kasama niya? 2. Ano ang ipinanalangin ni Ana isang araw nang dumalaw siya sa tabernakulo ni Jehova, at paano siya sinagot ni Jehova? 3. Ilang taon si Samuel nang dalhin siya upang maglingkod sa tolda ni Jehova, at ano ang ginagawa ng kaniyang nanay para sa kaniya taun-taon? 4. Ano ang pangalan ng mga anak ni Eli, at anong uri ng mga lalaki sila? 5. Paano tinawag ni Jehova si Samuel, at anong mensahe ang ibinigay Niya sa kaniya? 6. Naging ano si Samuel nang lumaki siya, at ano ang nangyari nang tumanda na siya?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Samuel 1:1-28. (a) Anong mainam na halimbawa para sa mga ulo ng pamilya ang ipinakita ni Elkana sa pangunguna sa tunay na pagsamba? (1 Sam. 1:3, 21; Mat. 6:33; Fil. 1:10) (b) Anong leksiyon ang matututuhan natin sa halimbawa ni Ana sa pagharap sa isang mahirap na problema? (1 Sam. 1:10, 11; Awit 55:22; Roma 12:12) 2. Basahin ang 1 Samuel 2:11-36. Paano higit na pinarangalan ni Eli ang kaniyang mga anak kaysa kay Jehova, at paano ito maaaring magsilbing babala para sa atin? (1 Sam. 2:22-24, 27, 29; Deut. 21:18-21; Mat. 10:36, 37) 3. Basahin ang 1 Samuel 4:16-18. Anong apatang mensahe ng kaabahan ang inihatid mula sa larangan ng pagbabaka, at ano ang naging epekto nito kay Eli? 4. Basahin ang 1 Samuel 8:4-9. Paano lubhang pinasakitan ng Israel si Jehova, at paano natin may-katapatang masusuportahan ang kaniyang Kaharian sa ngayon? (1 Sam. 8:5, 7; Juan 17:16; Sant. 4:4)
Kuwento 56
Si Saul—Ang Unang Hari ng Israel 1. Sa larawan, ano ang ginagawa kay Saul, at bakit? 2. Bakit gusto ni Jehova si Saul, at anong uri siya ng lalaki? 3. Ano ang pangalan ng anak ni Saul, at ano ang ginawa ng anak na ito?
4. Bakit naghandog ng hain si Saul sa halip na maghintay kay Samuel na gawin ito? 5. Anu-anong mga leksiyon ang matututuhan natin sa ulat tungkol kay Saul?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Samuel 9:15-21 at 10:17-27. Sa anong paraan nakatulong kay Saul ang kaniyang mapagpakumbabang saloobin na huwag magpadalus-dalos noong may mga lalaking nagsalita nang walang paggalang tungkol sa kaniya? (1 Sam. 9:21; 10:21, 22, 27; Kaw. 17:27) 2. Basahin ang 1 Samuel 13:5-14. Anong kasalanan ang ginawa ni Saul sa Gilgal? (1 Sam. 10:8; 13:8, 9, 13) 3. Basahin ang 1 Samuel 15:1-35. (a) Anong malubhang kasalanan ang ginawa ni Saul may kinalaman kay Agag, ang hari ng Amalek? (1 Sam. 15:2, 3, 8, 9, 22) (b) Paano sinikap ni Saul na ipagmatuwid ang kaniyang ginawa at sisihin ang iba? (1 Sam. 15:24) (c) Anong babala ang dapat nating pakinggan sa ngayon kapag pinapayuhan tayo? (1 Sam. 15:19-21; Awit 141:5; Kaw. 9:8, 9; 11:2) Kuwento 57
Pinili ng Diyos si David 1. Ano ang pangalan ng batang nasa larawan, at paano natin nalaman na matapang siya? 2. Saan nakatira si David, at ano ang pangalan ng kaniyang tatay at lolo? 3. Bakit pinapunta ni Jehova si Samuel sa bahay ni Jesse sa Betlehem? 4. Ano ang nangyari nang iharap ni Jesse kay Samuel ang pito sa kaniyang mga anak? 5. Nang iharap si David, ano ang sinabi ni Jehova kay Samuel?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Samuel 17:34, 35. Paano idiniriin ng mga pangyayaring ito ang katapangan at pagtitiwala ni David kay Jehova? (1 Sam. 17:37) 2. Basahin ang 1 Samuel 16:1-14. (a) Paano tumutulong sa atin ang mga salita ni Jehova sa 1 Samuel 16:7 upang huwag tayong magtangi at huwag tumingin sa panlabas na hitsura? (Gawa 10:34, 35; 1 Tim. 2:4) (b) Paano ipinakikita ng halimbawa ni Saul na kapag inalis ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu sa isang tao, maaaring pumalit ang isang masamang espiritu, o panloob na simbuyo na gumawa ng mali? (1 Sam. 16:14; Mat. 12:43-45; Gal. 5:16) Kuwento 58
Si David at si Goliat 1. Ano ang hamon ni Goliat sa hukbo ng mga Israelita?
2. Gaano kalaki si Goliat, at anong gantimpala ang ipinangako ni Haring Saul sa lalaking makakapatay kay Goliat? 3. Ano ang isinagot ni David nang sabihin sa kaniya ni Saul na hindi niya malalabanan si Goliat dahil si David ay isang bata lamang? 4. Sa kaniyang sagot kay Goliat, paano ipinakita ni David na nagtitiwala siya kay Jehova? 5. Gaya ng makikita mo sa larawan, ano ang ginamit ni David sa pagpatay kay Goliat, at ano ang nangyari sa mga Pilisteo pagkatapos nito?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Samuel 17:1-54. (a) Ano ang lihim kung kaya hindi natatakot si David, at paano natin matutularan ang kaniyang katapangan? (1 Sam. 17:37, 45; Efe. 6:10, 11) (b) Bakit dapat iwasan ng mga Kristiyano ang espiritu ng pakikipagpaligsahan na katulad ng kay Goliat kapag naglalaro o naglilibang? (1 Sam. 17:8; Gal. 5:26; 1 Tim. 4:8) (c) Paano ipinahihiwatig ng mga salita ni David na nananalig siya sa tulong ng Diyos? (1 Sam. 17:4547; 2 Cro. 20:15) (d) Sa halip na ilahad bilang labanan lamang ng dalawang magkalabang hukbo, paano ipinakikita ng ulat na ito na ang digmaan ay talagang sa pagitan ng huwad na mga diyos at ng tunay na Diyos na si Jehova? (1 Sam. 17:43, 46, 47) (e) Paano tinutularan ng mga pinahirang nalabi ang halimbawa ni David ng pagtitiwala kay Jehova? (1 Sam. 17:37; Jer. 1:17-19; Apoc. 12:17) Kuwento 59
Kung Bakit Dapat Tumakas si David 1. Bakit nainggit si Saul kay David, pero paano naiiba ang anak ni Saul na si Jonatan? 2. Ano ang nangyari isang araw nang tumutugtog si David ng alpa para kay Saul? 3. Ano ang sinabi ni Saul kay David na dapat muna niyang gawin bago niya mapangasawa ang anak ni Saul na si Michal, at bakit ito sinabi ni Saul? 4. Nang tumutugtog si David ng alpa para kay Saul, ano ang ikatlong beses na nangyari, gaya ng makikita sa larawan? 5. Ano ang ginawa ni Michal para iligtas ang buhay ni David, at ano ang kinailangang gawin ni David sa loob ng pitong taon?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Samuel 18:1-30. (a) Paano inilalarawan ng walang-maliw na pagibig ni Jonatan kay David ang pag-iibigan sa isa’t isa ng “ibang mga tupa” at ng “munting kawan”? (1 Sam. 18:1; Juan 10:16; Luc. 12:32; Zac. 8:23) (b) Dahil sa katotohanang si Jonatan sana ang dapat na maging tagapagmana ni Saul, paano ipinakikita ng 1 Samuel 18:4 ang natatanging pagpapasakop ni Jonatan sa isa na piniling maging hari?
(c) Paano ipinakikita ng halimbawa ni Saul na ang pagkainggit ay maaaring humantong sa malubhang kasalanan, at anong babala ang ibinibigay nito sa atin? (1 Sam. 18:7-9, 25; Sant. 3:14-16) 2. Basahin ang 1 Samuel 19:1-17. Paano isinapanganib ni Jonatan ang kaniyang buhay nang sabihin niya ang mga salitang nakaulat sa 1 Samuel 19:4, 5? (1 Sam. 19:1, 6)
Kuwento 60
Si Abigail at si David 1. Ano ang pangalan ng babaeng sumasalubong kay David sa larawan, at anong uri siya ng tao? 2. Sino si Nabal? 3. Bakit pinapunta ni David ang ilang tauhan niya para makiusap kay Nabal? 4. Paano tumugon si Nabal sa mga tauhan ni David, at ano ang ginawa ni David? 5. Paano ipinakita ni Abigail na isa siyang matalinong babae?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Samuel 22:1-4. Paano nagpakita ng isang mainam na halimbawa ang pamilya ni David kung paano tayo dapat magtulungan sa loob ng Kristiyanong kapatiran? (Kaw. 17:17; 1 Tes. 5:14) 2. Basahin ang 1 Samuel 25:1-43. (a) Bakit masyadong mapanghamak ang paglalarawan kay Nabal? (1 Sam. 25:2-5, 10, 14, 21, 25) (b) Ano ang matututuhan ng Kristiyanong mga asawang babae sa ngayon mula sa halimbawa ni Abigail? (1 Sam. 25:32, 33; Kaw. 31:26; Efe. 5:24) (c) Pinigilan ni Abigail si David sa paggawa ng anong dalawang masasamang bagay? (1 Sam. 25:31, 33; Roma 12:19; Efe. 4:26) (d) Paanong ang reaksiyon ni David sa mga salita ni Abigail ay tumutulong sa mga lalaki sa ngayon upang taglayin nila ang pangmalas ni Jehova sa mga babae? (Gawa 21:8, 9; Roma 2:11; 1 Ped. 3:7) Kuwento 61
Ginawang Hari si David 1. Ano ang ginawa nina David at Abisai habang natutulog si Saul sa kaniyang kampo? 2. Anu-ano ang itinanong ni David kay Saul? 3. Matapos iwan si Saul, saan pumunta si David? 4. Bakit lungkot na lungkot si David? 5. Ilang taon si David nang gawin siyang hari sa Hebron, at anu-ano ang mga pangalan ng ilan sa kaniyang mga anak na lalaki? 6. Pagkaraan, saan nagpuno si David bilang hari?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Samuel 26:1-25. (a) Ang pananalita ni David na nakaulat sa 1 Samuel 26:11 ay nagsisiwalat ng anong saloobin may
kinalaman sa teokratikong kaayusan? (Awit 37:7; Roma 13:2) (b) Kapag sinikap nating magpamalas ng maibiging-kabaitan pero hindi naman pinahalagahan, paano tayo matutulungan ng mga salita ni David sa 1 Samuel 26:23 na mapanatili ang wastong pangmalas? (1 Hari 8:32; Awit 18:20) 2. Basahin ang 2 Samuel 1:26. Paano maaaring magkaroon ang mga Kristiyano sa ngayon ng gayunding uri ng “masidhing pag-ibig sa isa’t isa� na nadama nina David at Jonatan? (1 Ped. 4:8; Col. 3:14; 1 Juan 4:12) 3. Basahin ang 2 Samuel 5:1-10. (a) Ilang taon namahala si David bilang hari, at paano hinati-hati ang panahong ito? (2 Sam. 5:4, 5) (b) Kanino nagmula ang kadakilaan ni David, at paano ito nagsisilbing paalaala sa atin sa ngayon? (2 Sam. 5:10; 1 Sam. 16:13; 1 Cor. 1:31; Fil. 4:13)
Kuwento 62
Gulo sa Pamilya ni David 1. Sa tulong ni Jehova, ano sa wakas ang nangyari sa lupain ng Canaan? 2. Bakit galit na galit si Jehova kay David? 3. Sa larawan, sino ang pinapunta ni Jehova para sabihin kay David ang mga kasalanan nito, at ano ang sinabi ng lalaking ito na mangyayari kay David? 4. Anong gulo ang dumating kay David? 5. Pagkatapos ni David, sino ang naging hari ng Israel?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 2 Samuel 11:1-27. (a) Paanong isang proteksiyon sa atin ang pananatiling abala sa paglilingkod kay Jehova? (b) Paano naakay si David sa pagkakasala, at anong babala ang ibinibigay nito sa mga lingkod ni Jehova sa ngayon? (2 Sam. 11:2; Mat. 5:27-29; 1 Cor. 10:12; Sant. 1:14, 15) 2. Basahin ang 2 Samuel 12:1-18. (a) Anong leksiyon ang matututuhan ng mga elder at mga magulang sa paraan ng paglapit ni Natan kay David para magpayo? (2 Sam. 12:1-4; Kaw. 12:18; Mat. 13:34) (b) Bakit naawa si Jehova kay David? (2 Sam. 12:13; Awit 32:5; 2 Cor. 7:9, 10) Kuwento 63
Ang Matalinong Haring si Solomon 1. Ano ang itinanong ni Jehova kay Solomon, at ano ang isinagot niya? 2. Dahil natuwa siya sa hiling ni Solomon, ano ang ipinangako ni Jehova na ibibigay sa kaniya? 3. Anong mabigat na problema ang iniharap ng dalawang babae kay Solomon?
4. Gaya ng makikita mo sa larawan, paano nilutas ni Solomon ang problema? 5. Ano ang naging buhay sa ilalim ng pamamahala ni Solomon, at bakit?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Hari 3:3-28. (a) Ano ang matututuhan ng mga lalaking binigyan ng mga pananagutan sa organisasyon ng Diyos sa ngayon mula sa taimtim na sinabi ni Solomon sa 1 Hari 3:7? (Awit 119:105; Kaw. 3:5, 6) (b) Paanong ang kahilingan ni Solomon ay isang mainam na halimbawa ng wastong mga bagay na dapat ipanalangin? (1 Hari 3:9, 11; Kaw. 30:8, 9; 1 Juan 5:14) (c) Dahil sa paraan ng paglutas ni Solomon sa pagtatalo ng dalawang babae, sa ano tayo makapagtitiwala may kinalaman sa darating na pamamahala ng Lalong Dakilang Solomon na si Jesu-Kristo? (1 Hari 3:28; Isa. 9:6, 7; 11:2-4) 2. Basahin ang 1 Hari 4:29-34. (a) Paano sinagot ni Jehova ang hiling ni Solomon na magkaroon ng masunuring puso? (1 Hari 4:29) (b) Dahil sa pagsisikap ng bayan na marinig ang karunungan ni Solomon, ano ang dapat nating maging saloobin hinggil sa pag-aaral ng Salita ng Diyos? (1 Hari 4:29, 34; Juan 17:3; 2 Tim. 3:16) Kuwento 64
Itinayo ni Solomon ang Templo 1. Gaano katagal natapos ni Solomon ang pagtatayo ng templo ni Jehova? 2. Ilan ang pangunahing silid ng templo, at ano ang inilagay sa loob nito? 3. Ano ang dasal ni Solomon nang matapos ang templo? 4. Paano ipinakita ni Jehova na natutuwa siya sa dasal ni Solomon? 5. Hinikayat si Solomon ng kaniyang mga asawa na gawin ang ano, at ano ang nangyari kay Solomon? 6. Bakit nagalit si Jehova kay Solomon, at ano ang sinabi ni Jehova sa kaniya?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Cronica 28:9, 10. Dahil sa mga salita ni David na nakaulat sa 1 Cronica 28:9, 10, ano ang ating dapat pagsikapang gawin sa pang-araw-araw na pamumuhay natin? (Awit 19:14; Fil. 4:8, 9) 2. Basahin ang 2 Cronica 6:12-21, 32-42. (a) Paano ipinakita ni Solomon na hindi maaaring magkasya ang Kataas-taasang Diyos sa alinmang gusaling gawa ng tao? (2 Cro. 6:18; Gawa 17:24, 25) (b) Ano ang ipinakikita ng mga salita ni Solomon sa 2 Cronica 6:32, 33 tungkol kay Jehova? (Gawa 10:34, 35; Gal. 2:6) 3. Basahin ang 2 Cronica 7:1-5. Kung paanong napakilos ang mga anak ng Israel na pumuri kay Jehova nang makita ang kaniyang
kaluwalhatian, paano tayo sa ngayon dapat maapektuhan kapag binubulay-bulay natin ang pagpapala ni Jehova sa kaniyang bayan? (2 Cro. 7:3; Awit 22:22; 34:1; 96:2) 4. Basahin ang 1 Hari 11:9-13. Paano ipinakikita sa naging buhay ni Solomon ang kahalagahan ng pananatiling tapat hanggang sa wakas? (1 Hari 11:4, 9; Mat. 10:22; Apoc. 2:10)
Kuwento 65
Nahati ang Kaharian 1. Ano ang pangalan ng dalawang lalaking nasa larawan, at sino sila? 2. Ano ang ginagawa ni Ahias sa damit na suot niya, at ano ang ibig sabihin ng ginawa niya? 3. Bakit ginawang hari ng mga tao si Jeroboam sa sampung tribo? 4. Bakit gumawa si Jeroboam ng dalawang gintong baka, at hindi nagtagal, ano ang nangyari sa lupain? 5. Ano ang nangyari sa dalawang-tribong kaharian at sa templo ni Jehova sa Jerusalem?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Hari 11:26-43. Anong uri ng tao si Jeroboam, at ano ang ipinangako ni Jehova sa kaniya kung susundin niya ang mga kautusan ng Diyos? (1 Hari 11:28, 38) 2. Basahin ang 1 Hari 12:1-33. (a) Mula sa masamang halimbawa ni Roboam, ano ang matututuhan ng mga magulang at mga elder may kinalaman sa pag-abuso sa awtoridad? (1 Hari 12:13; Ecles. 7:7; 1 Ped. 5:2, 3) (b) Kanino dapat bumaling ang mga kabataan sa ngayon para sa maaasahang patnubay kapag gumagawa ng mahahalagang desisyon sa buhay? (1 Hari 12:6, 7; Kaw. 1:8, 9; 2 Tim. 3:16, 17; Heb. 13:7) (c) Ano ang nag-udyok kay Jeroboam upang gumawa ng dalawang sentro ng pagsamba sa baka, at paano ito nagpakita ng malaking kawalan ng pananampalataya kay Jehova? (1 Hari 11:37; 12:26-28) (d) Sino ang nanguna sa bayan ng sampung-tribong kaharian sa pagrerebelde sa tunay na pagsamba? (1 Hari 12:32, 33) Kuwento 66
Jesebel—Masamang Reyna 1. Sino si Jesebel? 2. Bakit isang araw ay malungkot si Haring Ahab? 3. Ano ang ginawa ni Jesebel upang makuha ang ubasan ni Nabot para sa kaniyang asawang si Ahab? 4. Sino ang isinugo ni Jehova para parusahan si Jesebel? 5. Gaya ng makikita mo sa larawan, ano ang nangyari nang dumating si Jehu sa palasyo ni Jesebel?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Hari 16:29-33 at 18:3, 4. Gaano kasama ang kalagayan sa Israel noong panahon ni Haring Ahab? (1 Hari 14:9) 2. Basahin ang 1 Hari 21:1-16. (a) Paano nagpakita si Nabot ng tapang at katapatan kay Jehova? (1 Hari 21:1-3; Lev. 25:23-28) (b) Mula sa halimbawa ni Ahab, ano ang matututuhan natin tungkol sa pagharap sa pagkasira ng loob? (1 Hari 21:4; Roma 5:3-5) 3. Basahin ang 2 Hari 9:30-37. Ano ang matututuhan natin sa sigasig ni Jehu sa paggawa ng kalooban ni Jehova? (2 Hari 9:4-10; 2 Cor. 9:1, 2; 2 Tim. 4:2) Kuwento 67
Nagtiwala si Josapat kay Jehova 1. Sino si Josapat at kailan siya nabuhay? 2. Ano ang nabalitaan ni Josapat, at ano ang ginawa ng mga Israelita? 3. Ano ang isinagot ni Jehova sa panalangin ni Josapat? 4. Ano ang pinangyari ni Jehova sa mga kaaway na sundalo? 5. Anong leksiyon ang matututuhan natin kay Josapat?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 2 Cronica 20:1-30. (a) Paano ipinakita ni Josapat ang dapat gawin ng tapat na mga lingkod ng Diyos kapag napaharap sa mapanganib na mga kalagayan? (2 Cro. 20:12; Awit 25:15; 62:1) (b) Yamang palaging gumagamit si Jehova ng alulod ng pakikipagtalastasan kapag nakikitungo sa kaniyang bayan, anong alulod ang ginagamit niya sa ngayon? (2 Cro. 20:14, 15; Mat. 24:45-47: Juan 15:15) (c) Kapag inilunsad na ng Diyos ang “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-salahat,� paano magiging katulad ng kalagayan ni Josapat ang ating kalagayan? (2 Cro. 20:15, 17; 32:8; Apoc. 16:14, 16) (d) Sa pagtulad sa mga Levita, ano ang naitutulong ng mga payunir at mga misyonero sa pandaigdig na gawaing pangangaral sa ngayon? (2 Cro. 20:19; Roma 10:13-15; 2 Tim. 4:2)
Kuwento 68
Dalawang Batang Nabuhay Uli 1. Sinu-sino ang tatlong taong nasa larawan, at ano ang nangyari sa bata? 2. Ano ang panalangin ni Elias tungkol sa bata, at ano ang sumunod na nangyari? 3. Ano ang pangalan ng katulong ni Elias? 4. Bakit pumunta si Eliseo sa bahay ng isang babae sa Sunem?
5. Ano ang ginawa ni Eliseo, at ano ang nangyari sa patay na bata? 6. Anong kapangyarihan ang taglay ni Jehova, gaya ng nakita sa pamamagitan nina Elias at Eliseo?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Hari 17:8-24. (a) Paano nasubok ang pagkamasunurin at pananampalataya ni Elias? (1 Hari 17:9; 19:1-4, 10) (b) Bakit namumukod-tangi ang pananampalataya ng babaeng balo ng Zarepat? (1 Hari 17:12-16; Luc. 4:25, 26) (c) Paano pinatunayan ng karanasan ng babaeng balo ng Zarepat na totoo ang mga salita ni Jesus na nakaulat sa Mateo 10:41, 42? (1 Hari 17:10-12, 17, 23, 24) 2. Basahin ang 2 Hari 4:8-37. (a) Ano ang itinuturo sa atin ng babaeng tagaSunem tungkol sa pagiging mapagpatuloy? (2 Hari 4:8; Luc. 6:38; Roma 12:13; 1 Juan 3:17) (b) Paano natin maipakikita ang kabaitan sa mga lingkod ng Diyos sa ngayon? (Gawa 20:35; 28:1, 2; Gal. 6:9, 10; Heb. 6:10)
Kuwento 69
Isang Batang Babae ay Tumulong sa Isang Makapangyarihang Lalaki 1. Sa larawan, ano ang sinasabi ng bata sa babae? 2. Sino ang babaeng nasa larawan, at bakit nasa bahay ng babae ang bata? 3. Ano ang ibinilin ni Eliseo na sabihin ng alipin kay Naaman, at bakit nagalit si Naaman? 4. Ano ang nangyari nang makinig si Naaman sa kaniyang mga lingkod? 5. Bakit ayaw tanggapin ni Eliseo ang regalo ni Naaman, pero ano ang ginawa ni Gehasi? 6. Ano ang nangyari kay Gehasi, at ano ang matututuhan natin dito?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 2 Hari 5:1-27. (a) Paano napatitibay ng halimbawa ng batang Israelita ang mga kabataan sa ngayon? (2 Hari 5:3; Awit 8:2; 148:12, 13) (b) Bakit makabubuting isaisip ang halimbawa ni Naaman kapag pinapayuhan tayo mula sa Kasulatan? (2 Hari 5:15; Heb. 12:5, 6; Sant. 4:6) (c) Anu-anong mga leksiyon ang matututuhan natin kung paghahambingin ang halimbawa ni Eliseo at ni Gehasi? (2 Hari 5:9, 10, 14-16, 20; Mat. 10:8; Gawa 5:1-5; 2 Cor. 2:17)
Kuwento 70
Si Jonas at ang Malaking Isda 1. Sino si Jonas, at ano ang ipinagagawa ni Jehova sa kaniya? 2. Dahil ayaw niyang pumunta sa lugar na sinabi sa kaniya ni Jehova, ano ang ginawa ni Jonas?
3. Ano ang ipinagawa ni Jonas sa mga tripulante para huminto ang bagyo? 4. Gaya ng makikita mo sa larawan, ano ang nangyari nang lumubog si Jonas sa tubig? 5. Gaano katagal si Jonas sa loob ng malaking isda, at ano ang ginawa niya roon? 6. Saan nagpunta si Jonas pagkalabas niya sa malaking isda, at ano ang itinuturo nito sa atin?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Jonas 1:1-17. Maliwanag na ano ang nadama ni Jonas tungkol sa kaniyang atas na mangaral sa mga taga-Nineve? (Jon. 1:2, 3; Kaw. 3:7; Ecles. 8:12) 2. Basahin ang Jonas 2:1, 2, 10. Paanong ang karanasan ni Jonas ay nagbibigay sa atin ng pagtitiwalang sasagutin ni Jehova ang ating mga panalangin? (Awit 22:24; 34:6; 1 Juan 5:14) 3. Basahin ang Jonas 3:1-10. (a) Anong pampatibay-loob ang makukuha natin matapos na gamitin pa rin ni Jehova si Jonas sa kabila ng hindi niya pagtupad sa iniatas sa kaniya sa simula? (Awit 103:14; 1 Ped. 5:10) (b) Ano ang itinuturo sa atin ng karanasan ni Jonas sa mga taga-Nineve tungkol sa agad na paghusga sa mga tao sa ating teritoryo? (Jon. 3:6-9; Ecles. 11:6; Gawa 13:48)
Kuwento 71
Nangako ang Diyos ng Isang Paraiso 1. Sino si Isaias, kailan siya nabuhay, at ano ang ipinakita sa kaniya ni Jehova? 2. Ano ang kahulugan ng salitang “paraiso,� at ano ang ipinaaalaala nito sa iyo? 3. Ano ang ipinasulat ni Jehova kay Isaias tungkol sa bagong Paraiso? 4. Bakit naiwala ni Adan at Eba ang kanilang magandang tahanan? 5. Ano ang ipinangako ni Jehova sa mga umiibig sa kaniya?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Isaias 11:6-9. (a) Paano inilarawan ng Salita ng Diyos ang kapayapaang iiral sa pagitan ng mga hayop at ng mga tao sa bagong sanlibutan? (Awit 148:10, 13; Isa. 65:25; Ezek. 34:25) (b) Anong espirituwal na katuparan ng mga salita ni Isaias ang nagaganap sa gitna ng bayan ni Jehova sa ngayon? (Roma 12:2; Efe. 4:23, 24) (c) Sino ang dapat purihin sa pagbabago ng personalidad ng mga tao sa ngayon at sa bagong sanlibutan? (Isa. 48:17, 18; Gal. 5:22, 23; Fil. 4:7) 2. Basahin ang Apocalipsis 21:3, 4. (a) Paano ipinahihiwatig ng Kasulatan na ang pakikipanahan ng Diyos sa sangkatauhan ay nangangahulugang siya’y naririto sa lupa sa makasagisag na paraan at hindi sa literal na paraan? (Lev. 26:11, 12; 2 Cro. 6:18; Isa. 66:1; Apoc. 21:2, 3, 22-24)
(b) Anong uri ng luha at kirot ang aalisin? (Luc. 8:4952; Roma 8:21, 22; Apoc. 21:4)
Kuwento 72
Tinulungan ng Diyos si Haring Ezekias 1. Sino ang lalaking nasa larawan, at bakit siya nasa gipit na kalagayan? 2. Ano ang mga sulat na inilagay ni Ezekias sa harap ng altar ni Jehova, at ano ang idinalangin ni Ezekias? 3. Anong uri ng hari si Ezekias, at anong mensahe ang ipinadala ni Jehova sa kaniya sa pamamagitan ni propeta Isaias? 4. Ano ang ginawa ng anghel ni Jehova sa mga Asiryano, gaya ng makikita sa larawan? 5. Bagaman sandaling nagtamasa ng kapayapaan ang dalawang-tribong kaharian, ano ang nangyari pagkamatay ni Ezekias?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 2 Hari 18:1-36. (a) Paano sinikap ng Asiryanong tagapagsalita na si Rabsases na pahinain ang pananampalataya ng mga Israelita? (2 Hari 18:19, 21; Ex. 5:2; Awit 64:3) (b) Kapag nakikitungo sa mga mananalansang, paano binigyang-pansin ng mga Saksi ni Jehova ang halimbawa ni Ezekias? (2 Hari 18:36; Awit 39:1; Kaw. 26:4; 2 Tim. 2:24) 2. Basahin ang 2 Hari 19:1-37. (a) Paano tinutularan ngayon ng bayan ni Jehova si Ezekias sa panahon ng kabagabagan? (2 Hari 19: 1, 2; Kaw. 3:5, 6; Heb. 10:24, 25; Sant. 5:14, 15) (b) Anong tatluhang pagkatalo ang dinanas ni Haring Senakerib, at kanino siya makahulang inilalarawan? (2 Hari 19:32, 35, 37; Apoc. 20:2, 3) 3. Basahin ang 2 Hari 21:1-6, 16. Bakit masasabing si Manases ay isa sa pinakabalakyot na mga haring namahala kailanman sa Jerusalem? (2 Cro. 33:4-6, 9)
Kuwento 73
Ang Huling Mabait na Hari sa Israel 1. Ilang taon si Josias nang siya’y maghari, at ano ang sinimulan niyang gawin nang pitong taon na siyang naghahari? 2. Ano ang nakikita mong ginagawa ni Josias sa unang larawan? 3. Ano ang natagpuan ng mataas na saserdote habang kinukumpuni ng mga lalaki ang templo? 4. Bakit pinagpupunit ni Josias ang kaniyang damit? 5. Anong mensahe mula kay Jehova ang ibinigay ng propetisang si Hulda kay Josias?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 2 Cronica 34:1-28. (a) Anong halimbawa ang inilalaan ni Josias sa
mga dumaranas ng problema sa kanilang kabataan? (2 Cro. 33:21-25; 34:1, 2; Awit 27:10) (b) Anu-anong mahahalagang hakbang ang ginawa ni Josias sa ikasusulong ng tunay na pagsamba noong ika-8, ika-12, at ika-18 taon ng kaniyang pamamahala? (2 Cro. 34:3, 8) (c) Anu-anong mga leksiyon sa pagmamantini ng ating mga dako ng pagsamba ang matututuhan natin sa mga halimbawang ipinakita ni Haring Josias at ng mataas na saserdoteng si Hilkias? (2 Cro. 34:913; Kaw. 11:14; 1 Cor. 10:31)
Kuwento 74
Isang Taong Walang Takot 1. Sino ang binatang nasa larawan? 2. Ano ang palagay ni Jeremias sa pagiging propeta niya, pero ano ang sabi ni Jehova sa kaniya? 3. Anong mensahe ang palaging sinasabi ni Jeremias sa bayan? 4. Paano tinangkang pigilan ng mga saserdote si Jeremias, pero paano niya ipinakitang hindi siya natatakot? 5. Ano ang nangyari nang ayaw huminto ng mga Israelita sa paggawa ng masama?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Jeremias 1:1-8. (a) Gaya ng ipinakikita ng halimbawa ni Jeremias, paano nagiging kuwalipikado ang isang tao sa paglilingkod kay Jehova? (2 Cor. 3:5, 6) (b) Anong pampatibay-loob ang inilalaan ng halimbawa ni Jeremias para sa mga kabataang Kristiyano sa ngayon? (Ecles. 12:1; 1 Tim. 4:12) 2. Basahin ang Jeremias 10:1-5. Anong mabisang ilustrasyon ang ginamit ni Jeremias para ipakitang walang kabuluhan ang pagtitiwala sa mga idolo? (Jer. 10:5; Isa. 46:7; Hab. 2:19) 3. Basahin ang Jeremias 26:1-16. (a) Sa pagpapaabot ng babalang mensahe sa ngayon, paano isinasapuso ng pinahirang nalabi ang utos ni Jehova kay Jeremias na ‘huwag siyang magbabawas ng kahit isa mang salita’? (Jer. 26:2; Deut. 4:2; Gawa 20:27) (b) Anong mainam na halimbawa ang ipinakita ni Jeremias sa mga Saksi ni Jehova ngayon sa paghahayag ng babala ni Jehova sa mga bansa? (Jer. 26: 8, 12, 14, 15; 2 Tim. 4:1-5) 4. Basahin ang 2 Hari 24:1-17. Anu-anong malulungkot na pangyayari ang ibinunga ng kawalan ng katapatan ng Juda kay Jehova? (2 Hari 24:2-4, 14)
Kuwento 75
Apat na Binata sa Babilonya 1. Sinu-sino ang apat na binatang nasa larawan, at bakit sila nasa Babilonya? 2. Ano ang balak ni Nabukodonosor para sa apat na binata, at ano ang ginawa niya?
3. Ano ang hiniling ni Daniel na ipakain at ipainom sa kaniya at sa tatlong kaibigan niya? 4. Pagkatapos ng sampung araw na pagkain ng gulay, paano maihahambing si Daniel at ang kaniyang mga kaibigan sa ibang mga binata? 5. Bakit nasa palasyo ng hari si Daniel at ang kaniyang tatlong kaibigan, at paano sila nakahihigit sa mga saserdote at mga tagapayo?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Daniel 1:1-21. (a) Anong uri ng pagsisikap ang kailangan para makaasang malalabanan natin ang mga tukso at madaraig ang mga kahinaan? (Dan. 1:8; Gen. 39:7, 10; Gal. 6:9) (b) Sa anu-anong mga paraan maaaring matukso o mapilitan ang mga kabataan ngayon na tikman ang itinuturing ng ilan na “masasarap na pagkain�? (Dan. 1:8; Kaw. 20:1; 2 Cor. 6:17–7:1) (c) Tinutulungan tayo ng ulat ng Bibliya tungkol sa apat na kabataang Hebreo na pahalagahan ang ano may kinalaman sa pagkuha ng sekular na kaalaman? (Dan. 1:20; Isa. 54:13; 1 Cor. 3:18-20)
Kuwento 76
Nawasak ang Jerusalem
3. Nang bigyan pa ni Nabukodonosor ang tatlong Hebreo ng isa pang pagkakataon para yumukod, paano nila ipinakitang nagtitiwala sila kay Jehova? 4. Ano ang iniutos ni Nabukodonosor na gawin ng kaniyang mga tauhan kina Sadrac, Mesac, at Abednego? 5. Ano ang nakita ni Nabukodonosor nang sumilip siya sa hurno? 6. Bakit pinuri ng hari ang Diyos nina Sadrac, Mesac, at Abednego, at anong halimbawa ang ibinigay nila sa atin?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Daniel 3:1-30. (a) Anong saloobin ng tatlong binatang Hebreo ang dapat tularan ng lahat ng lingkod ng Diyos kapag napaharap sa mga pagsubok sa katapatan? (Dan. 3: 17, 18; Mat. 10:28; Roma 14:7, 8) (b) Anong mahalagang leksiyon ang itinuro ng Diyos na Jehova kay Nabukodonosor? (Dan. 3:28, 29; 4: 34, 35)
Kuwento 78
Ang Sulat-Kamay sa Pader
1. Ano ang nangyayari sa Jerusalem at sa mga Israelita na makikita sa larawan? 2. Sino si Ezekiel, at anu-anong nakagigitlang mga bagay ang ipinakita ni Jehova sa kaniya? 3. Dahil walang paggalang kay Jehova ang mga Israelita, ano ang ipinangako ni Jehova? 4. Ano ang ginawa ni Haring Nabukodonosor matapos maghimagsik sa kaniya ang mga Israelita? 5. Bakit pinayagan ni Jehova na mangyari ang nakapangingilabot na pagpuksa sa mga Israelita? 6. Paano naiwang walang katau-tao ang lupain ng Israel, at gaano ito katagal?
1. Ano ang nangyari nang ang hari ng Babilonya ay magkaroon ng isang malaking handaan at gumamit ng mga kopa at mangkok na kinuha sa templo ni Jehova sa Jerusalem? 2. Ano ang sinabi ni Belsasar sa kaniyang mga tagapayo, pero ano ang hindi nila nagawa? 3. Ano ang sinabi ng nanay ng hari sa kaniya? 4. Ayon sa sinabi ni Daniel sa hari, bakit ipinadala ng Diyos ang kamay para sumulat sa pader? 5. Paano ipinaliwanag ni Daniel ang kahulugan ng mga salita sa pader? 6. Ano ang nangyari nang gabi ring iyon habang nagsasalita pa si Daniel?
Karagdagang mga tanong:
Karagdagang mga tanong:
1. Basahin ang 2 Hari 25:1-26. (a) Sino si Zedekias, ano ang nangyari sa kaniya, at paano nito tinupad ang hula sa Bibliya? (2 Hari 25:5-7; Ezek. 12:13-15) (b) Sino ang pinananagot ni Jehova sa lahat ng kawalang-katapatan ng Israel? (2 Hari 25:9, 11, 12, 18, 19; 2 Cro. 36:14, 17) 2. Basahin ang Ezekiel 8:1-18. Paano tinularan ng Sangkakristiyanuhan ang apostatang mga Israelitang mananamba sa araw? (Ezek. 8:16; Isa. 5:20, 21; Juan 3:19-21; 2 Tim. 4:3)
1. Basahin ang Daniel 5:1-31. (a) Ihambing ang makadiyos na takot sa takot na nadama ni Belsasar nang makita niya ang sulat sa pader. (Dan. 5:6, 7; Awit 19:9; Roma 8:35-39) (b) Paano nagpakita si Daniel ng matinding lakas ng loob habang nagsasalita kay Belsasar at sa kaniyang mga taong mahal? (Dan. 5:17, 18, 22, 26-28; Gawa 4:29) (c) Sa anong paraan idiniin ng Daniel kabanata 5 ang pansansinukob na soberanya ni Jehova? (Dan. 4:17, 25; 5:21)
Kuwento 77
Kuwento 79
Ayaw Nilang Yumukod
Si Daniel sa Yungib ng mga Leon
1. Ano ang iniutos ni Nabukodonosor, ang hari ng Babilonya, sa bayan? 2. Bakit ayaw yumukod ng tatlong kaibigan ni Daniel sa gintong larawan?
1. Sino si Dario, at ano ang pagtingin niya kay Daniel? 2. Ano ang ipinagagawa ng ilang inggitero kay Dario?
3. Ano ang ginawa ni Daniel nang malaman niya ang bagong batas na ito? 4. Ano ang sagot ni Daniel kay Dario? 5. Ano ang nangyari sa masasamang lalaki na gustong pumatay kay Daniel, at ano ang iniutos ni Dario sa lahat ng tao sa kaniyang kaharian?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Daniel 6:1-28. (a) Paano ipinagugunita sa atin ng sabuwatan laban kay Daniel ang ginagawa ng mga mananalansang para hadlangan ang gawain ng mga Saksi ni Jehova sa modernong panahon? (Dan. 6:7; Awit 94:20; Isa. 10:1; Roma 8:31) (b) Paano matutularan ng mga lingkod ng Diyos sa ngayon si Daniel sa pananatiling sakop ng “nakatataas na mga awtoridad”? (Dan. 6:5, 10; Roma 13:1; Gawa 5:29) (c) Paano natin matutularan ang halimbawa ni Daniel ng paglilingkod kay Jehova “nang may katatagan”? (Dan. 6:16, 20; Fil. 3:16; Apoc. 7:15)
Kuwento 80
Umalis ang Bayan ng Diyos sa Babilonya 1. Gaya ng makikita sa larawan, ano ang ginagawa ng mga Israelita? 2. Paano tinupad ni Ciro ang hula ni Jehova sa pamamagitan ni Isaias? 3. Ano ang sinabi ni Ciro sa mga Israelitang hindi makababalik sa Jerusalem? 4. Ano ang ipinadala ni Ciro sa mga tao pabalik sa Jerusalem? 5. Gaano katagal ang paglalakbay ng mga Israelita pabalik sa Jerusalem? 6. Ilang taon ang nakalipas mula nang lubusang mawalan ng tao ang lupain?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Isaias 44:28 at 45:1-4. (a) Paano idiniin ni Jehova na tiyak na matutupad ang hula tungkol kay Ciro? (Isa. 55:10, 11; Roma 4:17) (b) Ano ang ipinakikita ng hula ni Isaias tungkol kay Ciro hinggil sa kakayahan ng Diyos na Jehova na masabi ang mangyayari sa hinaharap? (Isa. 42:9; 45:21; 46:10, 11; 2 Ped. 1:20) 2. Basahin ang Ezra 1:1-11. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga hindi nakabalik sa Jerusalem, paano natin ‘mapalalakas ang mga kamay’ niyaong mga nakapaglilingkod nang buong panahon? (Ezra 1:4, 6; Roma 12:13; Col. 4:12)
Kuwento 81
Pagtitiwala sa Tulong ng Diyos 1. Ilan ang gumawa ng mahabang paglalakbay mula sa Babilonya hanggang Jerusalem, pero ano ang kanilang nakita nang dumating sila?
2. Ano ang sinimulang itayo ng mga Israelita pagdating nila, pero ano naman ang ginawa ng kanilang mga kaaway? 3. Sino sina Haggai at Zacarias, at ano ang sinabi nila sa bayan? 4. Bakit sumulat si Tattenai sa Babilonya, at ano ang sagot sa kaniya? 5. Ano ang ginawa ni Ezra nang mabalitaan niyang kailangang kumpunihin ang templo ng Diyos? 6. Gaya ng makikita sa larawan, ano ang idinadalangin ni Ezra, paano sinagot ang kaniyang panalangin, at ano ang itinuturo nito sa atin?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Ezra 3:1-13. Sakaling nasa isang lugar tayo na walang kongregasyon ng bayan ng Diyos, ano ang dapat nating patuloy na gawin? (Ezra 3:3, 6; Gawa 17:16, 17; Heb. 13:15) 2. Basahin ang Ezra 4:1-7. Anong halimbawa ang ipinakita ni Zerubabel sa bayan ni Jehova tungkol sa interfaith? (Ex. 34:12; 1 Cor. 15:33; 2 Cor. 6:14-17) 3. Basahin ang Ezra 5:1-5, 17 at 6:1-22. (a) Bakit hindi napahinto ng mga mananalansang ang pagtatayo ng templo? (Ezra 5:5; Isa. 54:17) (b) Paano pinatitibay ng ginawa ng matatandang lalaki ng mga Judio ang Kristiyanong matatanda na humingi ng patnubay ni Jehova sa pagharap sa mga mananalansang? (Ezra 6:14; Awit 32:8; Roma 8:31; Sant. 1:5) 4. Basahin ang Ezra 8:21-23, 28-36. Bago tayo kumilos, anong halimbawa ni Ezra ang makabubuting tularan natin? (Ezra 8:23; Awit 127:1; Kaw. 10:22; Sant. 4:13-15)
Kuwento 82
Sina Mardocheo at Ester 1. Sino sina Mardocheo at Ester? 2. Bakit gusto ni Haring Ahasuero na kumuha ng bagong asawa, at sino ang pinili niya? 3. Sino si Haman, at bakit siya galit na galit? 4. Anong batas ang ginawa, at ano ang ginawa ni Ester matapos tumanggap ng isang mensahe mula kay Mardocheo? 5. Ano ang nangyari kay Haman, at ano naman ang nangyari kay Mardocheo? 6. Paano nailigtas ang mga Israelita mula sa kanilang mga kaaway?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Esther 2:12-18. Paano ipinakita ni Ester na mahalagang pasulungin ang “tahimik at mahinahong espiritu”? (Esth. 2:15; 1 Ped. 3:1-5) 2. Basahin ang Esther 4:1-17. Kung paanong binigyan ng pagkakataon si Ester na kumilos alang-alang sa tunay na pagsamba, anong
pagkakataon ang ibinibigay sa atin ngayon upang ipahayag ang ating debosyon at katapatan kay Jehova? (Esth. 4:13, 14; Mat. 5:14-16; 24:14) 3. Basahin ang Esther 7:1-6. Paanong sinuong din ng marami sa bayan ng Diyos ngayon ang pag-uusig, gaya ng ginawa ni Ester? (Esth. 7:4; Mat. 10:16-22; 1 Ped. 2:12)
Kuwento 83
Ang mga Pader ng Jerusalem 1. Ano ang nadama ng mga Israelita dahil walang mga pader na nakapalibot sa kanilang lunsod ng Jerusalem? 2. Sino si Nehemias? 3. Ano ang trabaho ni Nehemias, at bakit ito mahalaga? 4. Anong balita ang nagpalungkot kay Nehemias, at ano ang ginawa niya? 5. Paano nagpakita ng kabaitan si Haring Artaserkses kay Nehemias? 6. Paano isinaayos ni Nehemias ang pagtatayo para hindi ito mapahinto ng mga kaaway ng mga Israelita?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Nehemias 1:4-6 at 2:1-20. Paano hiniling ni Nehemias ang patnubay ni Jehova? (Neh. 2:4, 5; Roma 12:12; 1 Ped. 4:7) 2. Basahin ang Nehemias 3:3-5. Ano ang matututuhan ng matatanda at ng mga ministeryal na lingkod sa pagkakaiba ng mga Tekoita at ng kanilang “mga taong mariringal”? (Neh. 3: 5, 27; 2 Tes. 3:7-10; 1 Ped. 5:5) 3. Basahin ang Nehemias 4:1-23. (a) Ano ang nag-udyok sa mga Israelita na ituloy ang pagtatayo sa kabila ng malupit na pagsalansang? (Neh. 4:6, 8, 9; Awit 50:15; Isa. 65:13, 14) (b) Paano tayo napatitibay ngayon ng halimbawa ng mga Israelita? 4. Basahin ang Nehemias 6:15. Ano ang ipinakikita ng bagay na natapos ang mga pader ng Jerusalem sa loob ng dalawang buwan, may kinalaman sa kapangyarihan ng pananampalataya? (Awit 56:3, 4; Mat. 17:20; 19:26)
Kuwento 84
Dinalaw ng Anghel si Maria 1. Sino ang babaeng nasa larawan? 2. Ano ang sinabi ni Gabriel kay Maria? 3. Paano ipinaliwanag ni Gabriel kay Maria na siya’y magkakaanak kahit wala pa siyang asawa? 4. Ano ang nangyari nang dalawin ni Maria ang kaniyang kamag-anak na si Elisabet?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Lucas 1:26-56. (a) Ano ang ipinahihiwatig ng Lucas 1:35 hinggil sa anumang Adanikong di-kasakdalan sa selulang it-
log ni Maria nang ilipat ang buhay ng Anak ng Diyos mula sa daigdig ng mga espiritu? (Hag. 2:1113; Juan 6:69; Heb. 7:26; 10:5) (b) Paano tumanggap si Jesus ng karangalan bago pa man siya ipanganak? (Luc. 1:41-43) (c) Anong mainam na halimbawa ang ipinakita ni Maria para sa mga Kristiyano sa ngayon na tumatanggap ng pantanging mga pribilehiyo ng paglilingkod? (Luc. 1:38, 46-49; 17:10; Kaw. 11:2) 2. Basahin ang Mateo 1:18-25. Bagaman hindi ibinigay kay Jesus ang personal na pangalang Emmanuel, paano natupad ang kahulugan nito sa pamamagitan ng kaniyang papel bilang isang tao? (Mat. 1:22, 23; Juan 14:8-10; Heb. 1:1-3)
Kuwento 85
Isinilang si Jesus sa Kuwadra 1. Sino ang sanggol na nasa larawan, at saan siya inihihiga ni Maria? 2. Bakit sa kuwadra isinilang si Jesus kasama ng mga hayop? 3. Sa larawan, sino ang mga lalaking pumapasok sa kuwadra, at ano ang sinabi sa kanila ng isang anghel? 4. Sino ba talaga si Jesus? 5. Bakit matatawag si Jesus na Anak ng Diyos?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Lucas 2:1-20. (a) Ano ang naging bahagi ni Cesar Augusto sa katuparan ng hula tungkol sa pagsilang ni Jesus? (Luc. 2:1-4; Mik. 5:2) (b) Paano maaaring mapabilang ang isang indibiduwal sa tinutukoy na “mga taong may kabutihangloob”? (Luc. 2:14; Mat. 16:24; Juan 17:3; Gawa 3:19; Heb. 11:6) (c) Kung ang hamak na mga pastol na iyon sa Judea ay may dahilan upang magsaya sa pagsilang ng isang Tagapagligtas, bakit mas dapat magalak ang mga lingkod ng Diyos sa ngayon? (Luc. 2:10, 11; Efe. 3:8, 9; Apoc. 11:15; 14:6)
Kuwento 86
Mga Lalaking Inakay ng Isang Bituin 1. Sino ang mga lalaking nasa larawan, at bakit nakaturo ang isa sa kanila sa isang maliwanag na bituin? 2. Dahil ayaw niya na may ibang maghahari bilang kapalit niya, ano ang ginawa ni Haring Herodes? 3. Saan inaakay ng maliwanag na bituin ang mga lalaki, pero bakit umuwi sila sa pamamagitan ng ibang daan? 4. Ano ang iniutos ni Herodes, at bakit? 5. Ano ang ipinagawa ni Jehova kay Jose? 6. Sino ang may kagagawan sa pagsikat ng bituin, at bakit?
Karagdagang tanong: 1. Basahin ang Mateo 2:1-23. Ilang taon si Jesus at saan siya nakatira nang dumalaw sa kaniya ang mga astrologo? (Mat. 2:1, 11, 16)
Kuwento 87
Ang Batang si Jesus sa Templo 1. Ilang taon si Jesus sa larawan, at nasaan siya? 2. Ano ang ginagawa ni Jose taun-taon kasama ang kaniyang pamilya? 3. Pagkatapos ng isang araw na paglalakbay pauwi, bakit bumalik sina Jose at Maria sa Jerusalem? 4. Saan nakita nina Jose at Maria si Jesus, at bakit takang-taka ang mga tao roon? 5. Ano ang sinabi ni Jesus sa kaniyang nanay na si Maria? 6. Paano natin matutularan si Jesus sa pag-aaral tungkol sa Diyos?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Lucas 2:41-52. (a) Bagaman hinihiling ng Kautusan na mga lalaki lamang ang dumalo sa taunang mga kapistahan, anong mainam na halimbawa ang ipinakita nina Jose at Maria para sa mga magulang sa ngayon? (Luc. 2:41; Deut. 16:16; 31:12; Kaw. 22:6) (b) Paano nagpakita si Jesus ng isang mainam na halimbawa para sa mga kabataan sa ngayon na magpasakop sa kanilang mga magulang? (Luc. 2:51; Deut. 5:16; Kaw. 23:22; Col. 3:20) 2. Basahin ang Mateo 13:53-56. Sinu-sino ang apat na kapatid ni Jesus sa laman na binabanggit sa Bibliya, at paano ginamit sa kongregasyong Kristiyano nang dakong huli ang dalawa sa kanila? (Mat. 13:55; Gawa 12:17; 15:6, 13; 21:18; Gal. 1:19; Sant. 1:1; Jud. 1) Kuwento 88
Binautismuhan ni Juan si Jesus 1. Sino ang dalawang lalaking nasa larawan? 2. Paano binabautismuhan ang isang tao? 3. Sino ang karaniwang mga binabautismuhan ni Juan? 4. Sa anong espesyal na dahilan hiniling ni Jesus kay Juan na bautismuhan siya? 5. Paano ipinakita ng Diyos na nalulugod Siya na nabautismuhan si Jesus? 6. Ano ang nangyari nang pumunta si Jesus sa isang kubling lugar sa loob ng 40 araw? 7. Sinu-sino ang ilan sa unang mga tagasunod o alagad ni Jesus, at ano ang una niyang himala?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Mateo 3:13-17. Anong parisan ang iniwan ni Jesus para sa bautismo ng kaniyang mga alagad? (Awit 40:7, 8; Mat. 28: 19, 20; Luc. 3:21, 22)
2. Basahin ang Mateo 4:1-11. Paano tayo napatitibay ng mahusay na paggamit ni Jesus ng Kasulatan upang regular na mag-aral ng Bibliya? (Mat. 4:5-7; 2 Ped. 3:17, 18; 1 Juan 4:1) 3. Basahin ang Juan 1:29-51. Kanino inakay ni Juan na Tagapagbautismo ang kaniyang mga alagad, at paano natin siya matutularan sa ngayon? (Juan 1:29, 35, 36; 3:30; Mat. 23:10) 4. Basahin ang Juan 2:1-12. Paano ipinakita ng unang himala ni Jesus na hindi ipinagkakait ni Jehova sa Kaniyang mga lingkod ang anumang bagay na mabuti? (Juan 2:9, 10; Awit 84:11; Sant. 1:17)
Kuwento 89
Nilinis ni Jesus ang Templo 1. Bakit ipinagbibili ang mga hayop sa templo? 2. Bakit galit na galit si Jesus? 3. Gaya ng makikita mo sa larawan, ano ang ginagawa ni Jesus, at ano ang iniutos niya sa mga lalaking nagtitinda ng mga kalapati? 4. Nang makita ng mga tagasunod ni Jesus ang ginagawa niya, ano ang naalaala nila? 5. Saang distrito dumaan si Jesus pagbalik niya sa Galilea?
Karagdagang tanong: 1. Basahin ang Juan 2:13-25. Kung isasaalang-alang ang matinding galit ni Jesus sa mga tagapagpalit ng salapi sa templo, ano ang tamang pangmalas sa pagnenegosyo sa Kingdom Hall? (Juan 2:15, 16; 1 Cor. 10:24, 31-33) Kuwento 90
Kasama ng Babae sa Tabi ng Balon 1. Bakit tumigil muna si Jesus sa isang balon sa Samaria, at ano ang sinasabi niya sa isang babaeng naroroon? 2. Bakit nagtaka ang babae, ano ang sinabi sa kaniya ni Jesus, at bakit? 3. Anong uri ng tubig ang akala ng babae na tinutukoy ni Jesus, pero anong tubig ang talagang ibig niyang sabihin? 4. Bakit nagtaka ang babae sa nalalaman ni Jesus tungkol sa kaniya, at paano niya nalaman ang impormasyong ito? 5. Anu-anong mga leksiyon ang matututuhan natin sa ulat tungkol sa babae sa tabi ng balon?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Juan 4:5-43. (a) Sa pagsunod sa halimbawa ni Jesus, anong saloobin ang dapat nating ipakita sa mga taong iba ang pinagmulang lahi o lipunan? (Juan 4:9; 1 Cor. 9:22; 1 Tim. 2:3, 4; Tito 2:11) (b) Anu-anong espirituwal na mga pakinabang ang dumarating sa isang tao na nagiging alagad ni Jesus? (Juan 4:14; Isa. 58:11; 2 Cor. 4:16)
(c) Paano natin maipakikita ang pagpapahalaga na gaya ng sa babaeng Samaritana, na sabik ibahagi ang kaniyang natutuhan? (Juan 4:7, 28; Mat. 6:33; Luc. 10:40-42)
Kuwento 91
Nagtuturo si Jesus sa Tabi ng Bundok 1. Sa larawan, saan nagtuturo si Jesus, at sino ang mga nakaupo malapit sa kaniya? 2. Anu-ano ang mga pangalan ng 12 apostol? 3. Ano ang Kahariang ipinangangaral ni Jesus? 4. Ano ang itinuro ni Jesus sa mga tao na ipanalangin? 5. Ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa dapat na pakikitungo ng mga tao sa isa’t isa?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Mateo 5:1-12. Sa anu-anong mga paraan natin maipakikitang palaisip tayo sa ating espirituwal na pangangailangan? (Mat. 5:3; Roma 10:13-15; 1 Tim. 4:13, 15, 16) 2. Basahin ang Mateo 5:21-26. Paano idiniriin sa Mateo 5:23, 24 na nakaaapekto sa ating kaugnayan kay Jehova ang kaugnayan natin sa ating mga kapatid? (Mat. 6:14, 15; Awit 133:1; Col. 3:13; 1 Juan 4:20) 3. Basahin ang Mateo 6:1-8. Anu-ano ang ilang anyo ng pagmamatuwid sa sarili na dapat iwasan ng mga Kristiyano? (Luc. 18:11, 12; 1 Cor. 4:6, 7; 2 Cor. 9:7) 4. Basahin ang Mateo 6:25-34. Ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa pangangailangang magtiwala kay Jehova para sa ating materyal na mga paglalaan? (Ex. 16:4; Awit 37:25; Fil. 4:6) 5. Basahin ang Mateo 7:1-11. Ano ang itinuturo sa atin ng malinaw na ilustrasyong nasa Mateo 7:5? (Kaw. 26:12; Roma 2:1; 14:10; Sant. 4:11, 12) Kuwento 92
Ibinangon ni Jesus ang mga Patay 1. Sino ang tatay ng babaeng nasa larawan, at bakit alalang-alala siya at ang kaniyang asawa? 2. Ano ang ginawa ni Jairo nang makita niya si Jesus? 3. Ano ang nangyari habang papunta si Jesus sa bahay ni Jairo, at anong mensahe ang tinanggap ni Jairo sa daan? 4. Bakit pinagtawanan si Jesus ng mga naroroon sa bahay ni Jairo? 5. Matapos isama sa silid ng bata ang tatlong apostol at ang tatay at nanay ng bata, ano ang ginawa ni Jesus? 6. Sino pa ang binuhay ni Jesus, at ano ang ipinakikita nito?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Lucas 8:40-56. Paano nagpakita si Jesus ng habag at pagkamakatuwiran sa babaeng inaagasan ng dugo, at ano ang matututuhan dito ng Kristiyanong matatanda sa ngayon? (Luc. 8:43, 44, 47, 48; Lev. 15:25-27; Mat. 9: 12, 13; Col. 3:12-14) 2. Basahin ang Lucas 7:11-17. Bakit nakasusumpong ng malaking kaaliwan ang mga namatayan ng mga minamahal sa itinugon ni Jesus sa babaeng balo mula sa Nain? (Luc. 7:13; 2 Cor. 1:3, 4; Heb. 4:15) 3. Basahin ang Juan 11:17-44. Paano ipinakita ni Jesus na likas lamang na mamighati kapag namatay ang isang minamahal? (Juan 11:33-36, 38; 2 Sam. 18:33; 19:1-4) Kuwento 93
Nagpakain si Jesus ng Maraming Tao 1. Anong nakatatakot na bagay ang nangyari kay Juan Bautista, at ano ang nadama ni Jesus tungkol dito? 2. Paano pinakain ni Jesus ang mga taong sumunod sa kaniya, at gaano karaming pagkain ang natira? 3. Bakit natakot ang mga alagad kinagabihan, at ano ang nangyari kay Pedro? 4. Paano pinakain uli ni Jesus ang libu-libong tao? 5. Bakit magiging kapana-panabik kapag si Jesus na ang namamahala sa lupa bilang Hari mula sa Diyos?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Mateo 14:1-32. (a) Ang ulat sa Mateo 14:23-32 ay nagbibigay ng anong kaunawaan tungkol sa personalidad ni Pedro? (b) Paano ipinakikita ng rekord sa Kasulatan na si Pedro ay sumulong sa pagkamaygulang at napaglabanan niya ang kaniyang padalus-dalos na paggawi? (Mat. 14:27-30; Juan 18:10; 21:7; Gawa 2:14, 3740; 1 Ped. 5:6, 10) 2. Basahin ang Mateo 15:29-38. Paano nagpakita si Jesus ng paggalang sa materyal na mga paglalaan mula sa kaniyang Ama? (Mat. 15:37; Juan 6:12; Col. 3:15) 3. Basahin ang Juan 6:1-21. Paano masusunod ng mga Kristiyano sa ngayon ang halimbawa ni Jesus may kinalaman sa pamahalaan? (Juan 6:15; Mat. 22:21; Roma 12:2; 13:1-4) Kuwento 94
Mahal Niya ang mga Bata 1. Ano ang pinagtatalunan ng mga apostol sa kanilang pag-uwi mula sa malayong paglalakbay? 2. Bakit tinawag ni Jesus ang isang batang lalaki at pinatayo ito sa harap ng mga apostol? 3. Sa anong paraan dapat matuto ang mga apostol na maging gaya ng mga bata?
4. Paano ipinakita uli ni Jesus na maibigin siya sa maliliit na bata?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Mateo 18:1-4. Bakit gumamit si Jesus ng mga ilustrasyon sa pagtuturo? (Mat. 13:34, 36; Mar. 4:33, 34) 2. Basahin ang Mateo 19:13-15. Anu-anong mga katangian ng mga bata ang dapat nating tularan upang makabahagi tayo sa mga pagpapala ng Kaharian? (Awit 25:9; 138:6; 1 Cor. 14:20) 3. Basahin ang Marcos 9:33-37. Ano ang itinuro ni Jesus sa kaniyang mga alagad tungkol sa paghahangad sa mga posisyon ng katanyagan? (Mar. 9:35; Mat. 20:25, 26; Gal. 6:3; Fil. 2:5-8) 4. Basahin ang Marcos 10:13-16. Gaano kadaling lapitan si Jesus, at ano ang matututuhan ng Kristiyanong matatanda sa kaniyang halimbawa? (Mar. 6:30-34; Fil. 2:1-4; 1 Tim. 4:12) Kuwento 95
Ang Paraan ng Pagtuturo ni Jesus 1. Ano ang itinanong ng isang lalaki kay Jesus, at bakit? 2. Ano ang alam na natin tungkol sa mga Hudiyo at mga Samaritano? 3. Sa kuwento ni Jesus, ano ang nangyari sa isang Hudiyo na naglalakad patungong Jerico? 4. Ano ang nangyari nang dumaan ang isang saserdoteng Hudiyo at ang isang Levita? 5. Sa larawan, sino ang tumutulong sa binugbog na Hudiyo? 6. Pagkatapos magkuwento si Jesus, ano ang itinanong niya, at paano sumagot ang lalaki?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Lucas 10:25-37. (a) Sa halip na magbigay ng tuwirang sagot, paano tinulungan ni Jesus na mangatuwiran ang isang lalaking marunong sa Kautusan? (Luc. 10:26; Mat. 16:13-16) (b) Paano gumamit si Jesus ng mga ilustrasyon upang madaig ang pagtatangi sa bahagi ng kaniyang mga tagapakinig? (Luc. 10:36, 37; 18:9-14; Tito 1:9)
Kuwento 96
Pinagaling ang Maysakit 1. Ano ang ginagawa ni Jesus habang siya’y naglalakbay? 2. Mga tatlong taon pagkabautismo kay Jesus, ano ang sinabi niya sa kaniyang mga apostol? 3. Sino ang mga taong nasa larawan, at ano ang ginawa ni Jesus para sa babae? 4. Nang malapit na si Jesus at ang kaniyang mga apostol sa Jerico, ano ang ginawa ni Jesus para sa dalawang pulubing bulag? 5. Bakit gumagawa si Jesus ng kamanghamanghang mga bagay?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Mateo 15:30, 31. Anong kahanga-hangang pagtatanghal ng kapangyarihan ni Jehova ang naipakita sa pamamagitan ni Jesus, at paano ito dapat makaapekto sa ating pagkaunawa sa pangako ni Jehova para sa bagong sanlibutan? (Awit 37:29; Isa. 33:24) 2. Basahin ang Lucas 13:10-17. Kapag isinaalang-alang natin ang katotohanan na ginawa ni Jesus ang ilan sa kaniyang pinakatanyag na himala sa panahon ng Sabbath, paano nito ipinakikita kung anong uri ng kaginhawahan ang idudulot niya sa sangkatauhan sa panahon ng kaniyang Milenyong Pamamahala? (Luc. 13:10-13; Awit 46:9; Mat. 12:8; Col. 2:16, 17; Apoc. 21:1-4) 3. Basahin ang Mateo 20:29-34. Paano ipinakikita ng ulat na ito na hindi kailanman naging napakaabala ni Jesus para tumulong sa mga tao, at ano ang matututuhan natin dito? (Deut. 15:7; Sant. 2:15, 16; 1 Juan 3:17) Kuwento 97
Dumating si Jesus Bilang Hari 1. Nang dumating si Jesus sa isang maliit na nayon malapit sa Jerusalem, ano ang ipinagawa niya sa kaniyang mga alagad? 2. Sa larawan, ano ang nangyari nang malapit na si Jesus sa lunsod ng Jerusalem? 3. Ano ang ginawa ng mga bata nang makita nilang pinagagaling ni Jesus ang mga taong bulag at pilay? ´ 4. Ano ang sinabi ni Jesus sa galĹt na mga saserdote? 5. Paano natin magagaya ang mga batang pumupuri kay Jesus?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Mateo 21:1-17. (a) Ano ang pagkakaiba ng pagpasok ni Jesus sa Jerusalem bilang Hari at ng ginagawa ng mananakop na mga heneral noong panahon ng mga Romano? (Mat. 21:4, 5; Zac. 9:9; Fil. 2:5-8; Col. 2:15) (b) Anong leksiyon ang matututuhan ng mga kabataan mula sa mga batang Israelita na sumipi sa Awit 118 habang pumapasok si Jesus sa templo? (Mat. 21:9, 15; Awit 118:25, 26; 2 Tim. 3:15; 2 Ped. 3:18) 2. Basahin ang Juan 12:12-16. Ano ang isinasagisag ng paggamit ng mga sanga ng palma ng mga taong nagbubunyi kay Jesus? (Juan 12:13; Fil. 2:10; Apoc. 7:9, 10) Kuwento 98
Sa Bundok ng mga Olibo 1. Sa larawan, alin sa mga lalaking ito si Jesus, at sinu-sino ang mga kasama niya? 2. Ano ang sinikap na gawin ng mga saserdote kay Jesus maaga pa nang araw na iyon, at ano ang sinabi niya sa kanila?
3. Ano ang itinanong ng mga apostol kay Jesus? 4. Bakit inisa-isa ni Jesus sa kaniyang mga apostol ang ilang bagay na mangyayari sa lupa kapag nagsimula na siyang magpuno bilang Hari mula sa langit? 5. Ano ang sinabi ni Jesus na mangyayari bago niya wakasan ang lahat ng kasamaan sa lupa?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Mateo 23:1-39. (a) Bagaman ipinakikita sa Kasulatan na maaaring angkop ang paggamit ng sekular na mga titulo, ano ang ipinakikita ng mga salita ni Jesus sa Mateo 23:8-11 hinggil sa paggamit ng mapamuring titulo sa kongregasyong Kristiyano? (Gawa 26:25; Roma 13:7; 1 Ped. 2:13, 14) (b) Ano ang ginamit ng mga Pariseo upang huwag maging Kristiyano ang mga tao, at paano ginagamit ng mga lider ng relihiyon ang ganito ring mga taktika sa modernong panahon? (Mat. 23:13; Luc. 11:52; Juan 9:22; 12:42; 1 Tes. 2:16) 2. Basahin ang Mateo 24:1-14. (a) Paano idiniriin sa Mateo 24:13 ang kahalagahan ng pagbabata? (b) Ano ang kahulugan ng salitang “wakas” sa Mateo 24:13? (Mat. 16:27; Roma 14:10-12; 2 Cor. 5:10) 3. Basahin ang Marcos 13:3-10. Anong pananalita sa Marcos 13:10 ang nagpapakita ng pagkaapurahan ng pangangaral ng mabuting balita, at paano tayo dapat maapektuhan ng mga salita ni Jesus? (Roma 13:11, 12; 1 Cor. 7:29-31; 2 Tim. 4:2) Kuwento 99
Sa Isang Silid sa Itaas 1. Gaya ng ipinakikita sa larawan, bakit nasa isang malaking silid sa itaas si Jesus at ang kaniyang 12 apostol? 2. Sino ang lalaking papaalis, at ano ang gagawin niya? 3. Anong espesyal na hapunan ang pinasimulan ni Jesus pagkatapos ng hapunan ng Paskuwa? 4. Ano ang ipinaaalaala ng espesyal na hapunang ito sa mga tagasunod ni Jesus? 5. Pagkatapos ng Panggabing Pagkain ng Panginoon, ano ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod, at ano ang ginawa nila?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Mateo 26:14-30. (a) Paano ipinakikita sa Mateo 26:15 na sinadya ni Judas ang pagkakanulo kay Jesus? (b) Para sa anong dalawahang layunin ang itinigis na dugo ni Jesus? (Mat. 26:27, 28; Jer. 31:31-33; Efe. 1:7; Heb. 9:19, 20) 2. Basahin ang Lucas 22:1-39. Sa anong diwa pumasok si Satanas kay Judas? (Luc. 22:3; Juan 13:2; Gawa 1:24, 25)
3. Basahin ang Juan 13:1-20. (a) Dahil sa ulat sa Juan 13:2, masisisi ba si Judas sa kaniyang ginawa, at anong leksiyon ang matututuhan dito ng mga lingkod ng Diyos? (Gen. 4:7; 2 Cor. 2:11; Gal. 6:1; Sant. 1:13, 14) (b) Anong mabisang praktikal na halimbawa ang ibinigay ni Jesus? (Juan 13:15; Mat. 23:11; 1 Ped. 2:21) 4. Basahin ang Juan 17:1-26. Sa anong diwa nanalangin si Jesus na ang kaniyang mga tagasunod ay “maging isa”? (Juan 17:11, 21-23; Roma 13:8; 14:19; Col. 3:14)
Kuwento 100
Si Jesus sa Hardin 1. Saan pumunta si Jesus at ang kaniyang mga apostol pagkagaling sa silid sa itaas, at ano ang sinabi niyang gawin nila? 2. Ano ang nadatnan ni Jesus nang balikan niya ang mga apostol, at ilang beses nangyari ito? 3. Sino ang dumating sa hardin, at ano ang ginawa ni Judas Iscariote, gaya ng makikita sa larawan? 4. Bakit hinalikan ni Judas si Jesus, at ano ang ginawa ni Pedro? 5. Ano ang sinabi ni Jesus kay Pedro, pero bakit hindi humingi si Jesus sa Diyos ng mga anghel?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Mateo 26:36-56. (a) Paanong isang mainam na halimbawa para sa Kristiyanong matatanda sa ngayon ang paraan ng pagpapayo ni Jesus sa kaniyang mga alagad? (Mat. 20:25-28; 26:40, 41; Gal. 5:17; Efe. 4:29, 31, 32) (b) Ano ang pangmalas ni Jesus sa paggamit ng literal na mga sandata laban sa kapuwa? (Mat. 26:52; Luc. 6:27, 28; Juan 18:36) 2. Basahin ang Lucas 22:39-53. Nang magpakita kay Jesus ang isang anghel sa hardin ng Getsemani upang palakasin siya, ipinahihiwatig ba nito na nanghihina na si Jesus sa kaniyang pananampalataya? Ipaliwanag. (Luc. 22:41-43; Isa. 49:8; Mat. 4:10, 11; Heb. 5:7) 3. Basahin ang Juan 18:1-12. Paano ipinagsanggalang ni Jesus ang kaniyang mga alagad mula sa mga mananalansang niya, at ano ang matututuhan natin sa halimbawang ito? (Juan 10:11, 12; 18:1, 6-9; Heb. 13:6; Sant. 2:25) Kuwento 101
Pinatay si Jesus 1. Sino ang pangunahing may kagagawan sa pagkamatay ni Jesus? 2. Ano ang ginawa ng mga apostol nang hulihin si Jesus ng mga pinuno ng relihiyon? 3. Ano ang nangyari sa bahay ni Caipas, ang mataas na saserdote? 4. Bakit umalis si Pedro at umiyak?
5. Matapos ibalik si Jesus kay Pilato, ano ang hiyaw ng mga pinunong saserdote? 6. Ano ang nangyari kay Jesus maaga pa ng Biyernes nang hapong iyon, at ano ang ipinangako niya sa isang manggagawa ng kasamaan na nakabitin sa haligi sa tabi niya? 7. Saan matutupad ang Paraisong sinasabi ni Jesus?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Mateo 26:57-75. Sa anong paraan ipinakita ng mga miyembro ng maˆ taas na hukumang Judio na napakasama ng kanilang puso? (Mat. 26:59, 67, 68) 2. Basahin ang Mateo 27:1-50. Bakit natin masasabing hindi tunay ang pagsisising nadama ni Judas? (Mat. 27:3, 4; Mar. 3:29; 14:21; 2 Cor. 7:10, 11) 3. Basahin ang Lucas 22:54-71. Anong leksiyon ang matututuhan natin sa pagtatatwa ni Pedro kay Jesus noong gabing ipagkanulo siya at arestuhin? (Luc. 22:60-62; Mat. 26:31-35; 1 Cor. 10:12) 4. Basahin ang Lucas 23:1-49. Ano ang reaksiyon ni Jesus sa kawalang-katarungang ginawa sa kaniya, at anong leksiyon ang matututuhan natin dito? (Luc. 23:33, 34; Roma 12:1719; 1 Ped. 2:23) 5. Basahin ang Juan 18:12-40. Ano ang ipinakikita ng katotohanang bagaman sandaling napatigil si Pedro dahil sa takot sa tao, nakabawi siya at naging isang pangunahing apostol? (Juan 18:25-27; 1 Cor. 4:2; 1 Ped. 3:14, 15; 5:8, 9) 6. Basahin ang Juan 19:1-30. (a) Ano ang timbang na pangmalas ni Jesus sa materyal na mga bagay? (Juan 2:1, 2, 9, 10; 19:23, 24; Mat. 6:31, 32; 8:20) (b) Paanong ang mga salita ni Jesus nang malapit na siyang mamatay ay isang matagumpay na kapahayagan na naitaguyod niya ang soberanya ni Jehova? (Juan 16:33; 19:30; 2 Ped. 3:14; 1 Juan 5:4) Kuwento 102
Buhay si Jesus 1. Sino ang babaeng nasa larawan, sino ang dalawang lalaki, at nasaan sila? 2. Bakit sinabi ng mga saserdote kay Pilato na magpadala ng mga sundalo para magbantay sa nitso ni Jesus? 3. Ano ang ginawa ng isang anghel maaga pa noong ikatlong araw pagkamatay ni Jesus, pero ano naman ang ginawa ng mga saserdote? 4. Bakit takang-taka ang ilang babae nang dalawin nila ang nitso ni Jesus? 5. Bakit tumakbo sina Pedro at Juan sa nitso ni Jesus, at ano ang nadatnan nila? 6. Ano ang nangyari sa katawan ni Jesus, pero ano ang ginawa niya para ipakita sa mga alagad na buhay siya?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Mateo 27:62-66 at 28:1-15. Nang buhaying-muli si Jesus, paano nagkasala laban sa banal na espiritu ang mga punong saserdote, mga Pariseo, at matatandang lalaki? (Mat. 12:24, 31, 32; 28:11-15) 2. Basahin ang Lucas 24:1-12. Paano ipinakikita ng ulat tungkol sa pagkabuhaymuli ni Jesus na itinuturing ni Jehova ang mga babae bilang maaasahang mga saksi? (Luc. 24:4, 9, 10; Mat. 28:1-7) 3. Basahin ang Juan 20:1-12. Paano tayo natutulungan ng Juan 20:8, 9 na maunawaang kailangang maging matiyaga kung sakali mang hindi natin lubos na maintindihan ang katuparan ng isang hula sa Bibliya? (Kaw. 4:18; Mat. 17: 22, 23; Luc. 24:5-8; Juan 16:12) Kuwento 103
Pagpasok sa Isang Kuwartong Nakakandado 1. Ano ang sinabi ni Maria sa isang lalaki na ang akala niya’y hardinero, pero paano niya nalaman na si Jesus pala iyon? 2. Ano ang nangyari sa dalawang alagad na naglalakad patungong Emmaus? 3. Ano ang nangyari nang sabihin ng dalawang alagad sa mga apostol na nakita nila si Jesus? 4. Ilang beses nang nagpakita si Jesus sa kaniyang mga alagad? 5. Ano ang sinabi ni Tomas nang marinig niyang nakita ng mga alagad ang Panginoon, pero ano ang nangyari pagkaraan ng walong araw?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Juan 20:11-29. Sinasabi ba ni Jesus sa Juan 20:23 na may awtoridad ang mga tao na magpatawad ng mga kasalanan? Ipaliwanag. (Awit 49:2, 7; Isa. 55:7; 1 Tim. 2:5, 6; 1 Juan 2:1, 2) 2. Basahin ang Lucas 24:13-43. Paano natin maihahanda ang ating puso upang ito’y maging handang tumanggap ng mga katotohanan sa Bibliya? (Luc. 24:32, 33; Ezra 7:10; Mat. 5:3; Gawa 16:14; Heb. 5:11-14) Kuwento 104
Nagbalik sa Langit si Jesus 1. Ilang alagad ang nakakita kay Jesus minsan, at tungkol sa ano niya sila kinausap? 2. Ano ang Kaharian ng Diyos, at ano ang magiging buhay sa lupa kapag si Jesus na ang Hari sa loob ng sanlibong taon? 3. Ilang araw nang nagpapakita si Jesus sa kaniyang mga alagad, pero panahon na ngayon para gawin niya ang ano?
4. Bago niya iwan ang kaniyang mga alagad, ano ang sinabi ni Jesus na gawin nila? 5. Ano ang nangyayari sa larawan, at paano natakpan si Jesus mula sa kanilang paningin?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang 1 Corinto 15:3-8. Bakit buong-pagtitiwalang nagsasalita si apostol Pablo tungkol sa pagkabuhay-muli ni Jesus, at tungkol sa anong mga bagay may-pagtitiwalang nakapagsasalita ang mga Kristiyano sa ngayon? (1 Cor. 15:4, 7, 8; Isa. 2:2, 3; Mat. 24:14; 2 Tim. 3:1-5) 2. Basahin ang Gawa 1:1-11. Gaano kalawak lumaganap ang gawaing pangangaral, gaya ng inihula sa Gawa 1:8? (Gawa 6:7; 9:31; 11:19-21; Col. 1:23)
Kuwento 105
Naghihintay sa Jerusalem 1. Gaya ng makikita sa larawan, ano ang nangyari sa mga tagasunod ni Jesus na naghihintay sa Jerusalem? 2. Bakit nagulat ang mga taga-ibang bayan na pumunta sa Jerusalem? 3. Ano ang ipinaliwanag ni Pedro sa mga tao? 4. Ano ang nadama ng mga tao matapos makinig kay Pedro, at ano ang sinabi niyang dapat nilang gawin? 5. Ilang tao ang nagpabautismo nang araw na iyon ng Pentecostes, 33 C.E.?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Gawa 2:1-47. (a) Paano ipinakikita ng mga salita ni Pedro sa Gawa 2:23, 36 na may pananagutan ang buong bansang Judio sa pagkamatay ni Jesus? (1 Tes. 2:14, 15) (b) Paano nagpakita si Pedro ng isang magandang halimbawa ng pangangatuwiran mula sa Kasulatan? (Gawa 2:16, 17, 29, 31, 36, 39; Col. 4:6) (c) Paano ginamit ni Pedro ang una sa “mga susi ng kaharian ng langit,� na ipinangako ni Jesus na ibibigay sa kaniya? (Gawa 2:14, 22-24, 37, 38; Mat. 16:19)
Kuwento 106
Pinalaya sa Bilangguan 1. Ano ang nangyari kina Pedro at Juan isang hapon habang papunta sila sa templo? 2. Ano ang sinabi ni Pedro sa isang lalaking lumpo, at ano ang ibinigay sa kaniya ni Pedro na mas mahalaga pa sa pera? 3. Bakit nagalit ang mga pinuno ng relihiyon, at ano ang ginawa nila kina Pedro at Juan? 4. Ano ang sinabi ni Pedro sa mga pinuno ng relihiyon, at anong babala ang tinanggap ng mga apostol? 5. Bakit naiinggit ang mga pinuno ng relihiyon, pero ano ang nangyari nang ipabilanggo ang mga apostol sa ikalawang pagkakataon? 6. Paano sumagot ang mga apostol nang dalhin sila sa Sanedrin?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Gawa 3:1-10. Bagaman hindi tayo binigyan ng kapangyarihan na gumawa ng mga himala sa ngayon, paano tumutulong sa atin ang mga salita ni Pedro na nakaulat sa Gawa 3:6 upang maunawaan ang kahalagahan ng mensahe ng Kaharian? (Juan 17:3; 2 Cor. 5:18-20; Fil. 3:8) 2. Basahin ang Gawa 4:1-31. Kapag napaharap tayo sa pagsalansang sa ministeryo, sa anong paraan natin dapat tularan ang ating mga kapatid na Kristiyano noong unang siglo? (Gawa 4:29, 31; Efe. 6:18-20; 1 Tes. 2:2) 3. Basahin ang Gawa 5:17-42. Paano nagpapakita ng pagkamakatuwiran hinggil sa gawaing pangangaral ang ilan sa mga di-Saksi noon at ngayon? (Gawa 5:34-39) Kuwento 107
Binato si Esteban 1. Sino si Esteban, at tinutulungan siya ng Diyos na gumawa ng ano? 2. Ano ang sinabi ni Esteban kung kaya tumindi ang galit ng mga pinuno ng relihiyon? 3. Nang kaladkarin ng mga lalaki si Esteban papalabas sa lunsod, ano ang ginawa nila sa kaniya? 4. Sa larawan, sino ang binatang nakatayo sa tabi ng mga balabal? 5. Bago siya mamatay, ano ang ipinanalangin ni Esteban kay Jehova? 6. Bilang pagtulad kay Esteban, ano ang dapat nating gawin kapag may gumawa ng masama sa atin?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Gawa 6:8-15. Anu-anong mga pandaraya ang ginagamit ng mga pinuno ng relihiyon sa pagsisikap na mapahinto ang pangangaral ng mga Saksi ni Jehova? (Gawa 6: 9, 11, 13) 2. Basahin ang Gawa 7:1-60. (a) Ano ang tumulong kay Esteban upang maging mabisa sa pagtatanggol sa mabuting balita sa harap ng Sanedrin, at ano ang matututuhan natin sa kaniyang halimbawa? (Gawa 7:51-53; Roma 15:4; 2 Tim. 3:14-17; 1 Ped. 3:15) (b) Anong saloobin ang dapat nating linangin sa mga sumasalansang sa ating gawain? (Gawa 7:5860; Mat. 5:44; Luc. 23:33, 34) Kuwento 108
Patungo sa Damasco 1. Ano ang ginawa ni Saul pagkatapos patayin si Esteban? 2. Habang nasa daan si Saul papuntang Damasco, anong kagila-gilalas na bagay ang nangyari? 3. Ano ang ipinagagawa ni Jesus kay Saul?
4. Ano ang tagubilin ni Jesus kay Ananias, at paano nakakita uli si Saul? 5. Sa anong pangalan nakilala si Saul, at paano siya ginamit?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Gawa 8:1-4. Paanong ang daluyong ng pag-uusig na dinanas ng bagong-tatag na kongregasyong Kristiyano ay naging dahilan upang lumaganap ang pananampalatayang Kristiyano, at anong kahawig na pangyayari ang nagaganap sa modernong panahon? (Gawa 8:4; Isa. 54:17) 2. Basahin ang Gawa 9:1-20. Anong tatluhang misyon ang isiniwalat ni Jesus na nasa isip niya para kay Saul? (Gawa 9:15; 13:5; 26:1; 27:24; Roma 11:13) 3. Basahin ang Gawa 22:6-16. Paano tayo magiging gaya ni Ananias, at bakit ito mahalaga? (Gawa 22:12; 1 Tim. 3:7; 1 Ped. 1:14-16; 2:12) 4. Basahin ang Gawa 26:8-20. Paano nagsisilbing pampatibay-loob sa mga may asawang di-sumasampalataya sa ngayon ang pagkakumberte ni Saul sa Kristiyanismo? (Gawa 26:11; 1 Tim. 1:14-16; 2 Tim. 4:2; 1 Ped. 3:1-3) Kuwento 109
Dinalaw ni Pedro si Cornelio 1. Sino ang lalaking yumuyuko na nasa larawan? 2. Ano ang sinabi ng anghel kay Cornelio? 3. Ano ang ipinakita ng Diyos kay Pedro nang siya’y nasa bubungan ng bahay ni Simon sa Joppe? 4. Bakit sinabi ni Pedro kay Cornelio na hindi siya dapat yumuko at sumamba sa kaniya? 5. Bakit namangha ang mga alagad na Hudiyo na kasama ni Pedro? 6. Anong mahalagang leksiyon ang matututuhan natin mula sa pagdalaw ni Pedro kay Cornelio?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Gawa 10:1-48. Ano ang ipinakikita ng mga salita ni Pedro sa Gawa 10:42 tungkol sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian? (Mat. 28:19; Mar. 13:10; Gawa 1:8) 2. Basahin ang Gawa 11:1-18. Anong saloobin ang ipinakita ni Pedro nang maging malinaw ang tagubilin ni Jehova hinggil sa mga Gentil, at paano natin matutularan ang kaniyang halimbawa? (Gawa 11:17, 18; 2 Cor. 10:5; Efe. 5:17) Kuwento 110
Si Timoteo —Bagong Katulong ni Pablo 1. Sino ang binatang nasa larawan, saan siya nakatira, at ano ang pangalan ng kaniyang nanay at lola? 2. Ano ang sinabi ni Timoteo nang tanungin siya ni
Pablo kung gusto niyang sumama kina Silas at Pablo sa pangangaral sa mga tao sa malalayong lugar? 3. Saan unang tinawag na Kristiyano ang mga tagasunod ni Jesus? 4. Pagkaalis nina Pablo, Silas, at Timoteo sa Antioquia, ano ang ilang lunsod na dinalaw nila? 5. Paano tinulungan ni Timoteo si Pablo, at ano ang dapat itanong ng mga kabataan sa kanilang sarili sa ngayon?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Gawa 9:19-30. Paano naging maingat si apostol Pablo nang mapaharap siya sa pagsalansang sa mabuting balita? (Gawa 9:22-25, 29, 30; Mat. 10:16) 2. Basahin ang Gawa 11:19-26. Paano ipinakikita sa ulat ng Gawa 11:19-21, 26 na pinapatnubayan at pinangangasiwaan ng espiritu ni Jehova ang gawaing pangangaral? 3. Basahin ang Gawa 13:13-16, 42-52. Paano ipinakikita sa Gawa 13:51, 52 na hindi pinahintulutan ng mga alagad na pahinain sila ng pagsalansang? (Mat. 10:14; Gawa 18:6; 1 Ped. 4:14) 4. Basahin ang Gawa 14:1-6, 19-28. Paano tumutulong ang pananalitang “ipinagkatiwala nila ang mga ito kay Jehova” upang maibsan tayo sa anumang di-kinakailangang kabalisahan habang tinutulungan natin ang mga baguhan? (Gawa 14:2123; 20:32; Juan 6:44) 5. Basahin ang Gawa 16:1-5. Paano idiniriin ng pagsang-ayon ni Timoteo sa pagtutuli ang kahalagahan ng paggawa ng “lahat ng bagay alang-alang sa mabuting balita”? (Gawa 16:3; 1 Cor. 9:23; 1 Tes. 2:8) 6. Basahin ang Gawa 18:1-11, 18-22. Ano ang ipinakikita ng Gawa 18:9, 10 tungkol sa ginagawa mismo ni Jesus sa pangangasiwa ng gawaing pangangaral, at sa ano tayo makapagtitiwala sa ngayon dahil dito? (Mat. 28:20) Kuwento 111
Isang Batang Nakatulog 1. Sa larawan, sino ang batang nakahiga sa lupa, at ano ang nangyari sa kaniya? 2. Ano ang ginawa ni Pablo nang makita niyang patay na ang bata? 3. Saan pupunta sina Pablo, Timoteo, at ang mga kasama niyang naglalakbay, at ano ang nangyari nang huminto sila sa Mileto? 4. Anong babala ang ibinigay ni propeta Agabo kay Pablo, at paano ito nangyari gaya ng sinabi mismo ng propeta?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Gawa 20:7-38. (a) Paano tayo makapananatiling “malinis sa dugo ng lahat ng tao,” ayon sa mga salita ni Pablo sa Gawa 20:26, 27? (Ezek. 33:8; Gawa 18:6, 7)
(b) Bakit dapat “nanghahawakang mahigpit sa tapat na salita” ang matatanda kapag nagtuturo? (Gawa 20:17, 29, 30; Tito 1:7-9; 2 Tim. 1:13) 2. Basahin ang Gawa 26:24-32. Paano ginamit ni Pablo ang kaniyang pagiging Romano sa pagtupad sa atas na pangangaral na tinanggap niya mula kay Jesus? (Gawa 9:15; 16:37, 38; 25: 11, 12; 26:32; Luc. 21:12, 13)
Kuwento 112
Sumadsad sa Isang Pulo 1. Ano ang nangyari sa barkong sinasakyan ni Pablo nang mapadaan ito sa pulo ng Creta? 2. Ano ang sinabi ni Pablo sa mga nasa barko? 3. Paano nawasak ang barko? 4. Ano ang iniutos ng hepe ng mga sundalo, at ilan ang ligtas na nakarating sa pampang? 5. Ano ang pangalan ng pulong binabaan nila, at ano ang nangyari kay Pablo nang bumuti na ang panahon?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Gawa 27:1-44. Paano napatitibay ang ating pagtitiwala sa kawastuan ng rekord ng Bibliya kapag binabasa natin ang ulat ng paglalakbay ni Pablo sa Roma? (Gawa 27:1619, 27-32; Luc. 1:3; 2 Tim. 3:16, 17) 2. Basahin ang Gawa 28:1-14. Kung ang mga paganong naninirahan sa Malta ay napakilos na makitungo kay apostol Pablo at sa mga kasama niya sa nawasak na barko taglay ang “pambihirang makataong kabaitan,” ang mga Kristiyano rin ay dapat mapakilos na magpakita ng ano at lalo na sa anong paraan? (Gawa 28:1, 2; Heb. 13:1, 2; 1 Ped. 4:9)
Kuwento 113
Si Pablo sa Roma 1. Sino ang mga napangaralan ni Pablo habang siya’y nakabilanggo sa Roma? 2. Sa larawan, sino ang bisitang nasa mesa, at ano ang ginagawa niya para kay Pablo? 3. Sino si Epaprodito, at ano ang dadalhin niya sa Filipos? 4. Bakit sinulatan ni Pablo ang kaniyang matalik na kaibigang si Filemon? 5. Ano ang ginawa ni Pablo nang palayain siya, at ano ang nangyari sa kaniya nang dakong huli? 6. Sino ang ginamit ni Jehova para isulat ang mga huling aklat sa Bibliya, at tungkol saan ang aklat ng Apocalipsis?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Gawa 28:16-31 at Filipos 1:13. Paano ginamit ni Pablo ang kaniyang panahon habang nakabilanggo sa Roma, at ano ang naging epekto sa kongregasyong Kristiyano ng kaniyang di-natitinag na pananampalataya? (Gawa 28:23, 30; Fil. 1:14)
2. Basahin ang Filipos 2:19-30. Anong pasasalamat ang binanggit ni Pablo tungkol kina Timoteo at Epaprodito, at paano natin matutularan ang halimbawa ni Pablo? (Fil. 2:20, 22, 25, 29, 30; 1 Cor. 16:18; 1 Tes. 5:12, 13) 3. Basahin ang Filemon 1-25. (a) Salig sa ano hinimok ni Pablo si Filemon na gawin ang wasto, at paano ito nagsisilbing giya sa matatanda sa ngayon? (Flm. 9; 2 Cor. 8:8; Gal. 5:13) (b) Paano ipinakikita ng pananalita ni Pablo sa Filemon 13, 14 na iginalang niya ang budhi ng iba sa kongregasyon? (1 Cor. 8:7, 13; 10:31-33) 4. Basahin ang 2 Timoteo 4:7-9. Gaya ni apostol Pablo, paano tayo makapagtitiwalang gagantimpalaan tayo ni Jehova kung mananatili tayong tapat hanggang wakas? (Mat. 24:13; Heb. 6:10)
Kuwento 114
Wakas ng Lahat ng Masama 1. Bakit kaya sinasabi ng Bibliya na may mga kabayo sa langit? 2. Ano ang pangalan ng digmaan ng Diyos laban sa mga kaaway niya sa lupa, at ano ang layunin ng digmaang ito? 3. Mula sa larawan, sino ang Isa na mangunguna sa labanan, bakit siya may suot na korona, at ano ang ibig sabihin ng kaniyang espada? 4. Kung babalikan natin ang Kuwento 10, 15, at 33, bakit hindi tayo dapat magtaka na pupuksain ng Diyos ang masasamang tao? 5. Paano ipinakikita sa atin ng mga Kuwento 36 at 76 na lilipulin ng Diyos ang masasamang tao kahit na sabihin pa nilang sumasamba sila sa kaniya?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Apocalipsis 19:11-16. (a) Paano nilinaw ng Kasulatan na si Jesu-Kristo ang nakasakay sa puting kabayo? (Apoc. 1:5; 3:14; 19:11; Isa. 11:4) (b) Paano pinatutunayan ng dugong napawisik sa panlabas na kasuutan ni Jesus na ganap at lubusan ang kaniyang tagumpay? (Apoc. 14:18-20; 19:13; Isa. 63:1-6) (c) Sino ang malamang na kabilang sa mga hukbong sumusunod kay Jesus na nakasakay sa kaniyang kabayong puti? (Apoc. 12:7; 19:14; Mat. 25:31, 32) Kuwento 115
Bagong Paraiso sa Lupa 1. Anong mga kalagayan ang sinasabi ng Bibliya na tatamasahin natin sa Paraiso sa lupa? 2. Ano ang pangako ng Bibliya sa mga mabubuhay sa Paraiso? 3. Kailan titiyakin ni Jesus na magaganap ang kamangha-manghang pagbabagong ito?
4. Nang nasa lupa si Jesus, ano ang ginawa niya upang ipakita ang kaniyang gagawin bilang Hari sa Kaharian ng Diyos? 5. Ano ang titiyakin ni Jesus at ng kaniyang makalangit na mga kasamang maghahari kapag namamahala na sila sa lupa mula sa langit?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Apocalipsis 5:9, 10. Bakit tayo makapagtitiwala na yaong mga mamamahala sa lupa sa panahon ng Milenyong Paghahari ay magiging madamayin at maawaing mga hari at saserdote? (Efe. 4:20-24; 1 Ped. 1:7; 3:8; 5:6-10) 2. Basahin ang Apocalipsis 14:1-3. Ano ang kahulugan ng bagay na ang pangalan ng Ama at ang pangalan ng Kordero ay nakasulat sa mga noo ng 144,000? (1 Cor. 3:23; 2 Tim. 2:19; Apoc. 3:12) Kuwento 116
Kung Papaano Tayo Mabubuhay Magpakailanman 1. Ano ang kailangan nating malaman para mabuhay tayo magpakailanman? 2. Paano tayo matututo tungkol sa Diyos na Jehova at kay Jesus, gaya ng ipinakikita ng batang babae at ng kaniyang mga kaibigan na nasa larawan?
3. Ano pang aklat ang nakikita mo sa larawan, at bakit natin dapat itong basahin nang madalas? 4. Bukod sa pag-aaral tungkol kay Jehova at kay Jesus, ano pa ang kailangan para magkaroon ng walang-hanggang buhay? 5. Anong leksiyon ang matututuhan natin sa Kuwento 69? 6. Ano ang ipinakikita ng magandang halimbawa ng batang si Samuel sa Kuwento 55? 7. Paano natin matutularan ang halimbawa ni JesuKristo, at kung gagawin natin ito, ano ang mangyayari sa atin sa hinaharap?
Karagdagang mga tanong: 1. Basahin ang Juan 17:3. Paano ipinakikita ng Kasulatan na ang pagkuha ng kaalaman tungkol sa Diyos na Jehova at kay JesuKristo ay hindi lamang basta pagsasaulo ng impormasyon? (Mat. 7:21; Sant. 2:18-20; 1 Juan 2:17) 2. Basahin ang Awit 145:1-21. (a) Ano ang ilan sa maraming dahilan natin para purihin si Jehova? (Awit 145:8-11; Apoc. 4:11) (b) Paanong si Jehova ay “mabuti sa lahat,” at paa´ no ito lalo pang nagpapalapıt sa atin sa kaniya? (Awit 145:9; Mat. 5:43-45) (c) Kung mahal natin si Jehova, mauudyukan tayong gawin ang ano? (Awit 119:171, 172, 175; 145:11, 12, 21)
Nais mo ba ng higit pang impormasyon? Maaari kang makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa www.watchtower.org.