ITINUTURO NG BIBLIYA
ANO BA Talaga ANG ITINUTURO NG BIBLIYA? bh-TG
ANO BA Talaga ANG ITINUTURO NG BIBLIYA? ANG AKLAT NA ITO AY KAY
Pinagkunan ng mga larawan: ˛ Pahina 7: Courtesy American Bible Society ˛ Pahina 19: Lupa: NASA photo ˛ Pahina 24-5: WHO photo by Edouard Boubat ˛ Pahina 88-9: Pagsabog: Based on USAF photo; bata: Based on WHO photo by W. Cutting
5 2005 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania Reserbado ang Lahat ng Karapatan MGA TAGAPAGLATHALA
Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc. Brooklyn, New York, U.S.A. Inilimbag 2009 Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan What Does the Bible Really Teach? Tagalog (bh-TG) Made in the United States of America Gawa sa Estados Unidos ng Amerika
MGA NILALAMAN KABANATA
PAHINA
Ito ba ang Layunin ng Diyos? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 3 1. Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 8 2. Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 18 3. Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 27 4. Sino si Jesu-Kristo? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 37 5. Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 9 9 9 9 9 47 6. Nasaan ang mga Patay? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 57 7. Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 66 8. Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 76 9. Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 86 10. Mga Espiritung Nilalang —Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 96 11. Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa? 9 9 9 9 9 9 106 12. Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 115 13. Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 125 14. Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 134 15. Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 144 16. Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 154 ´ 17. Maging Malapıt sa Diyos sa Panalangin 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 164 18. Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 174 19. Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 184 Apendise 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 194
Ito ba ang Layunin ng Diyos? MAGBASA ka ng kahit na anong diyaryo. Manood ka ng telebisyon, o makinig sa radyo. Napakaraming kuwento ng krimen, digmaan, at terorismo! Pag-isipan mo naman ang sarili mong mga kabalisahan. Marahil ay lubha kang nababagabag dahil sa pagkakasakit o pagkamatay ng isang mahal sa buhay. Maaaring nadarama mo ang gaya ng nadama ng mabuting taong si Job, na nagsabing siya ay “tigmak ng kapighatian.”—Job 10:15. Tanungin ang iyong sarili: ˇ Ito ba ang layunin ng Diyos para sa akin at sa buong sangkatauhan? ˇ Saan ako makasusumpong ng tulong para malutas ang mga problema ko? ˇ May pag-asa pa kayang makita natin ang kapayapaan sa lupa? Ang Bibliya ay nagbibigay ng kasiyasiyang mga sagot sa mga tanong na ito.
4
ITINUTURO NG BIBLIYA NA PAIIRALIN NG DIYOS ANG MGA KALAGAYANG ITO SA LUPA. “Papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.”—Apocalipsis 21:4
“Aakyat ang pilay na gaya ng lalaking usa.” —Isaias 35:6
“Madidilat ang mga mata ng mga bulag.” —Isaias 35:5
“Ang lahat ng nasa mga alaalang libingan ay . . . lalabas.” —Juan 5:28, 29
“Walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’ ” —Isaias 33:24
“Magkakaroon ng saganang butil sa lupa.” —Awit 72:16
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
6
MAKINABANG SA ITINUTURO NG BIBLIYA Huwag kaagad ipagpalagay na ang inihaharap sa naunang mga pahina ay pangangarap lamang nang gising. Nangako ang Diyos na tutuparin niya ang mga bagay na ito, at ipinaliliwanag ng Bibliya kung paano niya gagawin ito. Ngunit higit pa riyan ang maitutulong ng Bibliya. Inilalaan nito ang susi sa pagtatamasa mo ng isang tunay na kasiya-siyang buhay maging sa ngayon. Pag-isipan mo sandali ang iyong mga kabalisahan at mga problema. Maaaring kabilang dito ang kawalan ng pera, problema sa pamilya, mahinang kalusugan, o pagkamatay ng isang minamahal. Matutulungan ka ng Bibliya na harapin ang mga problema sa ngayon, at mabibigyan ka nito ng kaginhawahan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad nito:
ˇ Bakit tayo nagdurusa? ˇ Paano natin mahaharap ang mga kabalisahan sa buhay? ˇ Paano magiging mas maligaya ang ating buhay pampamilya? ˇ Ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo? ˇ Makikita pa kaya nating muli ang ating mga mahal sa buhay na namatay na? ˇ Paano tayo makatitiyak na tutuparin ng Diyos ang kaniyang mga pangako para sa hinaharap?
Ito ba ang Layunin ng Diyos?
7
Ang pagbabasa mo ng aklat na ito ay nagpapakitang nais mong malaman ang itinuturo ng Bibliya. Matutulungan ka ng aklat na ito. Mapapansin mo na ang mga parapo ay may katumbas na mga tanong sa ibaba ng pahina. Milyun-milyon na ang nasiyahan sa paggamit ng tanong-sagot na pamamaraan kapag tinatalakay ang Bibliya kasama ng mga Saksi ni Jehova. Umaasa kaming masisiyahan ka rin dito. Nawa’y pagpalain ka ng Diyos habang tinatamasa mo ngayon ang kapana-panabik at kasiyasiyang karanasan na malaman kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya!
MAGING PAMILYAR SA IYONG BIBLIYA BINUBUO ng 66 na mga aklat at mga liham ang Bibliya. Hinati ang mga ito sa mga kabanata at talata para mas madaling hanapin ang mga teksto. Kapag binabanggit ang mga teksto sa publikasyong ito, ang unang numero pagkatapos ng pangalan ng aklat ay tumutukoy sa kabanata ng aklat o liham ng Bibliya, at ang kasunod na numero naman ay tumutukoy sa talata. Halimbawa, ang tekstong “2 Timoteo 3:16� ay nangangahulugang ikalawang liham kay Timoteo, kabanata 3, talata 16. Madali kang magiging pamilyar sa Bibliya kung hahanapin mo sa iyong Bibliya ang mga tekstong binabanggit sa publikasyong ito. Gayundin, bakit hindi pasimulan ang isang programa ng arawaraw na pagbabasa ng Bibliya? Kung magbabasa ka ng tatlo hanggang limang kabanata bawat araw, mababasa mo ang buong Bibliya sa loob ng isang taon.
KABANATA 1
Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? Talaga bang nagmamalasakit sa iyo ang Diyos? Anong uri siya ng Diyos? May pangalan ba siya? ´ ´ Posible bang mapalapĹt sa Diyos? NAPAPANSIN mo ba kung paano magtanong ang mga bata? Marami ang nagsisimulang magtanong sa sandaling matuto silang magsalita. Mababanaag sa kanilang mga mata ang pananabik na magtanong sa iyo ng mga bagay na gaya ng: Bakit po asul ang kulay ng langit? Bakit po kaya kumukutitap ang mga bituin? Sino po ba ang nagturo sa mga ibon na umawit? Maaaring pagsikapan mong mabuti na sagutin ang mga ito, pero hindi ito laging madali. Kahit ang pinakamahusay mong sagot ay maaaring sundan nila ng isa pang tanong: Bakit po? 2 Hindi lamang ang mga bata ang nagtatanong. Habang lumalaki tayo, patuloy tayong nagtatanong. Ginagawa natin ito para makarating sa ating pupuntahan, malaman ang mga panganib na dapat nating iwasan, o masapatan ang ating pagiging mausisa. Ngunit maraming tao ang waring tumigil na sa pagtatanong, lalo na ng pinakamahahalagang katanungan. Sa paanuman, hindi na sila naghahanap ng mga kasagutan. 3 Pag-isipan ang tanong na nasa 1, 2. Bakit kadalasan nang mabuti ang magtanong? 3. Bakit marami ang tumigil na sa pagsisikap na malaman ang mga sagot sa pinakamahahalagang tanong?
Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos?
9
pabalat ng aklat na ito, ang mga tanong sa paunang salita, o ang mga tanong sa pasimula ng kabanatang ito. Ang mga ito ay ilan lamang sa pinakamahahalagang bagay na puwede mong itanong. Pero maraming tao ang sumuko na sa paghahanap ng mga sagot. Bakit? Nasa Bibliya ba ang mga sagot? Inaakala ng iba na napakahirap maunawaan ang mga sagot nito. Nag-aalala naman ang iba na baka nakakahiyang magtanong. At sinasabi ng iba na ang gayong mga tanong ay masasagot lamang ng relihiyosong mga lider at mga guro. Ano sa palagay mo? 4 Malamang na interesado kang malaman ang mga sagot sa mahahalagang katanungan sa buhay. Walang-alinlangang naiisip mo rin kung minsan: ‘Ano kaya ang layunin ng buhay? Ganito na lamang ba ang buhay? Anong uri talaga Siya ng Diyos?’ Mabuting itanong ang mga bagay na ito, at mahalaga na huwag kang tumigil hanggang sa masumpungan mo ang kasiya-siya at maaasahang mga sagot. Ganito ang sinabi ng tanyag na gurong si Jesu-Kristo: “Patuloy na humingi, at ibibigay ito sa inyo; patuloy na maghanap, at kayo ay makasusumpong; patuloy na kumatok, at bubuksan ito sa inyo.”—Mateo 7:7. 5 Kung ‘patuloy mong hahanapin’ ang mga sagot sa mahahalagang tanong na ito, masusumpungan mo na ang paghahanap dito ay maaaring maging lubhang kasiya-siya. (Kawikaan 2:1-5) Anuman ang maaaring sinabi sa iyo ng ibang tao, may sagot sa mga tanong na ito, at puwede mong masumpungan ang mga ito —sa Bibliya. Hindi naman mahirap unawain ang mga sagot. Higit pa rito, nagdudulot ang mga ito ng pag-asa at kagalakan. At matutulungan ka ng mga ito na magkaroon ng kasiya-siyang buhay ngayon. Bilang pasimula, isaalang-alang natin ang isang tanong na gumugulo sa isipan ng maraming tao. MANHID BA AT WALANG MALASAKIT ANG DIYOS? Ipinalalagay ng maraming tao na ang sagot sa tanong na iyan ay oo. ‘Kung nagmamalasakit ang Diyos,’ ang sabi nila, ‘tiyak na ibang-iba sana ang daigdig, hindi ba?’ Nakikita natin sa ating 6
4, 5. Ano ang ilan sa pinakamahahalagang bagay sa buhay na maaari nating itanong, at bakit natin dapat hanapin ang mga sagot? 6. Bakit maraming tao ang nag-aakala na ang Diyos ay walang malasakit sa pagdurusa ng tao?
10
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
paligid ang isang daigdig na punung-puno ng digmaan, poot, at kahapisan. At bilang mga indibiduwal, tayo ay nagkakasakit, nagdurusa, at namamatayan ng mga mahal sa buhay. Kaya naman, marami ang nagsasabi, ‘Kung nagmamalasakit ang Diyos sa atin at sa ating mga problema, tiyak na hindi niya hahayaang mangyari ang gayong mga bagay, hindi ba?’ 7 Ang masaklap pa rito, naiimpluwensiyahan kung minsan ng relihiyosong mga guro ang mga tao na isiping manhid ang Diyos. Paano? Kapag may nangyayaring sakuna, sinasabi nila na kalooban ito ng Diyos. Sa diwa, sinisisi ng gayong mga guro ang Diyos sa masasamang bagay na nangyayari. Iyan ba ang katotohanan hinggil sa Diyos? Ano ba talaga ang itinuturo ng Bibliya? Sumasagot ang Santiago 1:13: “Kapag nasa ilalim ng pagsubok, huwag sabihin ng sinuman: ‘Ako ay sinusubok ng Diyos.’ Sapagkat sa masasamang bagay ay hindi masusubok ang Diyos ni sinusubok man niya ang sinuman.” Kaya hindi ang Diyos ang pinagmumulan ng kabalakyutan na nakikita mo sa daigdig sa palibot mo. (Job 34:10-12) Totoo, pinahihintulutan niyang mangyari ang masasamang bagay. Ngunit may malaking pagkakaiba ang pagpapahintulot na mangyari ang isang bagay at ang pagiging sanhi nito. 8 Halimbawa, sabihin natin na isang matalino at maibiging ama ang may malaki nang anak na nakapisan pa rin sa kaniyang mga magulang. Nang magrebelde ang anak at magpasiyang umalis na sa bahay, hindi siya pinigilan ng kaniyang ama. Masama ang naging pamumuhay ng anak at nasuong ito sa gulo. Ang ama ba ang sanhi ng mga problema ng kaniyang anak? Hindi. (Lucas 15:11-13) Sa katulad na paraan, hindi pinipigilan ng Diyos ang mga tao kapag pinili nilang tahakin ang isang masamang landasin, ngunit hindi siya ang sanhi ng mga problemang bunga nito. Kung gayon, tiyak na hindi makatuwirang sisihin ang Diyos sa lahat ng problema ng sangkatauhan. 7. (a) Paano naimpluwensiyahan ng relihiyosong mga guro ang marami na isiping manhid ang Diyos? (b) Ano ba talaga ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa mga pagsubok na maaaring nararanasan natin? 8, 9. (a) Paano mo mailalarawan ang pagkakaiba ng pagpapahintulot na umiral ang labis na kasamaan at ng pagiging sanhi nito? (b) Bakit magiging di-makatuwiran kung pupunahin natin ang pasiya ng Diyos na pahintulutan ang sangkatauhan na itaguyod ang isang masuwaying landasin?
Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos?
11
May mabubuting dahilan ang Diyos kung bakit pinahintulutan niya ang sangkatauhan na tahakin ang isang masamang landasin. Bilang ating marunong at makapangyarihang Maylalang, hindi niya kailangang ipaliwanag sa atin ang kaniyang mga dahilan. Gayunman, dahil sa pag-ibig ay ginawa ito ng Diyos. Marami ka pang matututuhan hinggil sa mga dahilang ito sa Kabanata 11. Ngunit makatitiyak ka na hindi ang Diyos ang dahilan ng mga problemang kinakaharap natin. Sa kabaligtaran, ibinibigay niya sa atin ang tanging pag-asa para malutas ang mga ito! —Isaias 33:2. 10 Karagdagan pa, ang Diyos ay banal. (Isaias 6:3) Nangangahulugan ito na siya ay dalisay at malinis. Walang mababakas na kasamaan sa kaniya. Kaya lubusan tayong makapagtitiwala sa kaniya. Pero hindi tayo makapagtitiwala nang ganiyan sa mga tao, yamang nagiging tiwali sila kung minsan. Kahit ang pinakamatapat na taong may awtoridad ay madalas na walang kapangyarihang lunasan ang pinsalang idinudulot ng masasamang tao. Ngunit ang Diyos ay makapangyarihan-sa-lahat. Kaya niya at talagang aalisin niya ang lahat ng naging epekto ng labis na kasamaan sa sangkatauhan. Kapag kumilos ang Diyos, wawakasan niya ang kasamaan magpakailanman!—Awit 37:9-11. 9
ANO ANG NADARAMA NG DIYOS HINGGIL SA KAWALANG-KATARUNGANG NARARANASAN NATIN? 11 Samantala, ano kaya ang nadarama ng Diyos hinggil sa nangyayari sa daigdig at sa iyong buhay? Una sa lahat, itinuturo ng Bibliya na ang Diyos ay “maibigin sa katarungan.” (Awit 37:28) Kaya naman napakahalaga sa kaniya kung ano ang tama at kung ano ang mali. Kinapopootan niya ang lahat ng uri ng kawalang-katarungan. Sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ay “nasaktan sa kaniyang puso” nang mapuno ng kasamaan ang daigdig noon. (Genesis 6:5, 6) Hindi nagbabago ang Diyos. (Malakias 3:6) Kinapopootan pa rin niya ang pagdurusang nagaganap sa buong daigdig. At ayaw ng Diyos na makitang nagdurusa ang mga 10. Bakit tayo makapagtitiwala na aalisin ng Diyos ang mga epekto ng labis na kasamaan? 11. (a) Ano ang nadarama ng Diyos hinggil sa kawalang-katarungan? (b) Ano ang nadarama ng Diyos hinggil sa iyong pagdurusa?
12
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
tao. “Siya ay nagmamalasakit sa inyo,” ang sabi sa Bibliya.—1 Pedro 5:7. 12 Paano tayo nakatitiyak na ayaw ng Diyos na makitang may nagdurusa? Heto pa ang karagdagang patotoo. Itinuturo ng Bibliya na ang tao ay ginawa ayon sa larawan ng Diyos. (Genesis 1:26) Kaya may mabubuting katangian tayo dahil may mabubuting katangian ang Diyos. Halimbawa, nababagabag ka ba kapag nakikita mong nagdurusa ang inosenteng mga tao? Kung nababagabag ka sa kawalang-katarungang ito, makatitiyak ka na mas matindi pa ang nadarama ng Diyos hinggil dito. 13 Ang isa sa pinakamabubuting katangian ng tao ay ang kakayahang umibig. Nakikita rin dito ang katangian ng Diyos. Itinuturo ng Bibliya na “ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Umiibig tayo dahil umiibig ang Diyos. Pakikilusin ka ba Kung nais mong ng pag-ibig upang wakasan ang pagdurumakilala ka ng isang sa at kawalang-katarungang nakikita mo sa tao, hindi ba sinasabi daigdig? Kung may kapangyarihan kang gamo sa kaniya ang win iyan, gagawin mo ba ito? Siyempre iyong pangalan? Isinisiwalat sa atin ng naman! Makatitiyak ka rin na wawakasan Diyos ang kaniyang ng Diyos ang pagdurusa at kawalang-katapangalan sa Bibliya rungan. Ang mga pangakong binanggit sa paunang salita ng aklat na ito ay hindi lamang mga pangarap o mga pag-asang walang saligan. Tiyak na magkakatotoo ang mga pangako ng Diyos! Ngunit para makapagtiwala sa gayong mga pangako, kailangan mong makilala pa nang higit ang Diyos na nangako ng mga ito. NAIS NG DIYOS NA MAKILALA MO SIYA 14 Kung nais mong makilala ka ng isang tao, ano ang malamang na gagawin mo? 12, 13. (a) Bakit tayo nagtataglay ng mabubuting katangian na gaya ng pag-ibig, at paano naaapektuhan ng pag-ibig ang ating pangmalas sa daigdig? (b) Bakit ka nakatitiyak na talagang may gagawin ang Diyos hinggil sa mga problema sa daigdig? 14. Ano ang pangalan ng Diyos, at bakit natin dapat gamitin ito?
Itinuturo ng Bibliya na si Jehova ang maibiging Maylalang ng uniberso
Hindi mo ba sasabihin sa taong iyon ang pangalan mo? May pangalan ba ang Diyos? Maraming relihiyon ang nagsasabi na ang pangalan niya ay “Diyos” o “Panginoon,” ngunit ang mga ito ay hindi naman personal na mga pangalan. Mga titulo ang mga ito, kung paanong ang “hari” at “presidente” ay mga titulo rin. Itinuturo ng Bibliya na maraming titulo ang Diyos. Kabilang sa mga ito ang “Diyos” at “Panginoon.” Gayunman, itinuturo rin ng Bibliya na may personal na pangalan ang Diyos: Jehova. Sinasabi ng Awit 83:18: “Ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.” Kung wala ang pangalang iyan sa salin ng iyong Bibliya, baka gusto mong tingnan ang Apendise sa pahina 195-7 ng aklat na ito para malaman mo kung bakit. Ang totoo, lumilitaw ang pangalan ng Diyos nang libu-libong ulit
14
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
sa sinaunang mga manuskrito ng Bibliya. Kaya, gusto ni Jehova na malaman mo ang kaniyang pangalan at gamitin mo ito. Sa diwa, ginagamit niya ang Bibliya para ipakilala sa iyo ang kaniyang sarili. 15 Binigyan mismo ng Diyos ang kaniyang sarili ng isang pangalan na punung-puno ng kahulugan. Ang kaniyang pangalang Jehova ay nangangahulugan na kayang tuparin ng Diyos ang anumang pangakong binitiwan niya at anumang layuning naisip niya.1 Natatangi ang pangalan ng Diyos, wala itong katulad. Siya lamang ang nagmamay-ari nito. Sa maraming paraan, natatangi si Jehova. Paano? 16 Nakita natin na sinabi ng Awit 83:18 hinggil kay Jehova: 1 Marami pang impormasyon hinggil sa kahulugan at pagbigkas sa pangalan ng Diyos sa Apendise sa pahina 195-7. 15. Ano ang kahulugan ng pangalang Jehova? 16, 17. Ano ang matututuhan natin tungkol kay Jehova mula sa sumusunod na mga titulo: (a) “Makapangyarihan-sa-lahat”? (b) “Haring walang hanggan”? (c) “Maylalang”?
Nasasalamin sa pag-ibig na nadarama ng isang mabuting ama sa kaniyang mga anak ang mas masidhing pag-ibig sa atin ng ating makalangit na Ama
Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos?
15
“Ikaw lamang ang Kataas-taasan.” Sa katulad na paraan, si Jehova lamang ang tinutukoy bilang “Makapangyarihan-sa-lahat.” Sinasabi ng Apocalipsis 15:3: “Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa, Diyos na Jehova, ang Makapangyarihan-sa-lahat. Matuwid at totoo ang iyong mga daan, Haring walang hanggan.” Ang titulong “Makapangyarihan-sa-lahat” ay nagtuturo sa atin na si Jehova ang pinakamakapangyarihang persona na umiiral. Walang kapantay ang kaniyang kapangyarihan; ito ay nakahihigit sa lahat. At ipinaaalaala sa atin ng titulong “Haring walang hanggan” na si Jehova ay natatangi sa isa pang diwa. Noon pa man ay umiiral na siya. Sinasabi ng Awit 90:2: “Mula pa sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda [o, magpakailanman] ay ikaw ang Diyos.” Hindi ba gumaganyak ng pagpipitagan ang gayong mga pananalita? 17 Natatangi rin si Jehova sa bagay na siya lamang ang Maylalang. Ganito ang mababasa sa Apocalipsis 4:11: “Ikaw ang karapat-dapat, Jehova, na Diyos nga namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan, sapagkat nilalang mo ang lahat ng bagay, at dahil sa iyong kalooban ay umiral sila at nalalang.” Lahat ng bagay na maiisip mo—mula sa di-nakikitang espiritung mga nilalang sa langit, sa maraming bituing nakikita sa kalangitan sa gabi, sa mga prutas na lumalaki sa mga punungkahoy hanggang sa mga isda na lumalangoy sa mga karagatan at mga ilog—ay umiiral dahil si Jehova ang Maylalang! ´ ´ MAAARI KA BANG MAPALAPIT KAY JEHOVA? 18 Waring nangangamba ang ilang tao kapag nababasa nila ang kahanga-hangang mga katangian ni Jehova. Nangangamba sila na napakataas ng Diyos para maabot nila, na hindi sila kailan´ ´ man mapapalapıt sa kaniya o magkakaroon ng halaga sa gayon katayog na Diyos. Pero tama ba ang kaisipang ito? Ang kabaligtaran nito ang siyang itinuturo ng Bibliya. Sinasabi nito hinggil kay Jehova: “Sa katunayan, hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.” (Gawa 17:27) Hinihimok pa nga tayo ng Bibliya: “Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.”—Santiago 4:8. ´ ´ 18. Bakit nadarama ng ilang tao na hindi sila kailanman mapapalapıt sa Diyos, ngunit ano ang itinuturo ng Bibliya?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
16
´ ´ Paano ka mapapalapıt sa Diyos? Unang-una, ipagpatuloy mo ang ginagawa mo ngayon—ang pag-aaral hinggil sa Diyos. Sinabi ni Jesus: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Oo, itinuturo ng Bibliya na ang pagkatuto hinggil kay Jehova at kay Jesus ay umaakay sa “buhay na walang hanggan”! Gaya ng nabanggit na, “ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:16) Marami pang ibang magaganda at kalugud-lugod na katangian si Jehova. Halimbawa, sinasabi ng Bibliya na si Jehova ay “isang Diyos na maawain at magandang-loob, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan at katotohanan.” (Exodo 34:6) Siya ay “mabuti at handang magpatawad.” (Awit 86:5) Matiisin ang Diyos. (2 Pedro 3:9) Matapat siya. (Apocalipsis 15:4) Habang higit mong binabasa ang Bibliya, matutuklasan mo kung paano ipinakita ni Jehova na taglay niya ang mga ito at ang iba pang kalugud-lugod na mga katangian. 20 Totoo, hindi mo nakikita ang Diyos dahil isa siyang dinakikitang espiritu. (Juan 1:18; 4:24; 1 Timoteo 1:17) Ngunit sa pamamagitan ng pag-aaral hinggil sa kaniya sa mga pahina ng Bibliya, makikilala mo siya bilang isang persona. Gaya ng sinabi ng salmista, maaari mong “mamasdan ang kaigayahan ni Jehova.” (Awit 27:4; Roma 1:20) Habang mas marami kang natututuhan tungkol kay Jehova, magiging mas totoo siya sa iyo at magkakaroon ka ng mas maraming dahilan para ibigin siya at ´ ´ mapalapıt sa kaniya. 21 Unti-unti mong mauunawaan kung bakit itinuturo ng Bibliya na ituring natin si Jehova bilang ating Ama. (Mateo 6:9) Hindi lamang dahil nagmula sa kaniya ang ating buhay kundi nais niya ang pinakamagandang buhay na posible para sa atin —na siyang nanaisin ng sinumang maibiging ama para sa kaniyang mga anak. (Awit 36:9) Itinuturo rin ng Bibliya na maaaring 19
´ ´ 19. (a) Ano ang unang hakbang upang mapalapıt tayo sa Diyos, at ano ang kapakinabangan nito? (b) Anong mga katangian ng Diyos ang lubhang kaakit-akit sa iyo? ´ ´ 20-22. (a) Nahahadlangan ba ang ating pagsisikap na mapalapıt sa Diyos dahil hindi natin siya nakikita? Ipaliwanag. (b) Baka himukin ka ng ilang taong nagmamalasakit na gawin ang ano, ngunit ano ang dapat mong gawin?
Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos?
17
maging mga kaibigan ni Jehova ang mga tao. (Santiago 2:23) Akalain mo—puwede kang maging kaibigan ng Maylalang ng uniberso! 22 Habang dumarami ang iyong natututuhan sa Bibliya, baka himukin ka ng ilang taong nagmamalasakit na itigil mo na ang gayong pag-aaral. Baka mag-alala sila na babaguhin mo ang iyong mga paniniwala. Ngunit huwag mong hayaang pigilan ka ng sinuman sa pagbuo ng pinakamainam na pakikipagkaibigan na puwede mong tamasahin kailanman. 23 Siyempre pa, may mga bagay na hindi mo mauunawaan sa simula. Kailangan ang kapakumbabaan para humingi ng tulong, pero huwag kang mag-atubili dahil lamang sa nahihiya ka. Sinabi ni Jesus na mabuti ang maging mapagpakumbaba, gaya ng isang munting bata. (Mateo 18:2-4) At gaya ng alam natin, maraming tanong ang mga bata. Nais ng Diyos na masumpungan mo ang mga sagot. Pinuri ng Bibliya ang ilan na naging sabik na matuto tungkol sa Diyos. Maingat nilang sinuri ang Kasulatan upang tiyakin na ang natututuhan nila ay katotohanan. —Gawa 17:11. 24 Ang pagsusuri sa Bibliya ang pinakamainam na paraan upang matuto hinggil kay Jehova. Naiiba ito sa lahat ng iba pang aklat. Sa anong paraan? Tatalakayin sa susunod na kabanata ang paksang iyan. 23, 24. (a) Bakit dapat na patuloy kang magtanong hinggil sa iyong natututuhan? (b) Ano ang paksa ng susunod na kabanata?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Personal na nagmamalasakit sa iyo ang Diyos. —1 Pedro 5:7. ˇ Jehova ang personal na pangalan ng Diyos. —Awit 83:18. ´ ˇ Inaanyayahan ka ni Jehova na maging malapıt sa kaniya.—Santiago 4:8. ˇ Si Jehova ay maibigin, mabait, at maawain. —Exodo 34:6; 1 Juan 4:8, 16.
KABANATA 2
Ang Bibliya —Isang Aklat Mula sa Diyos Sa anu-anong paraan naiiba ang Bibliya sa lahat ng iba pang aklat? Paano ka matutulungan ng Bibliya na harapin ang personal na mga problema? Bakit ka makapagtitiwala sa mga hulang nakaulat sa Bibliya? NAAALAALA mo ba nang makatanggap ka ng isang espesyal na regalo mula sa isang mahal na kaibigan? Malamang na hindi lamang kapana-panabik na karanasan iyon kundi nakaaantig-puso rin naman. Sa katunayan, may sinasabi ang regalo hinggil sa nagbigay nito—na pinahahalagahan niya ang inyong pagkakaibigan. Walang-alinlangang nagpasalamat ka sa regalo ng iyong maalalahaning kaibigan. 2 Ang Bibliya ay isang regalo mula sa Diyos, isang bagay na talagang maipagpapasalamat natin. Isinisiwalat ng natatanging aklat na ito ang mga bagay na hindi natin kailanman malalaman sa ibang paraan. Halimbawa, sinasabi nito sa atin ang tungkol sa paglalang sa mabituing kalangitan, sa lupa, at sa unang lalaki at babae. Naglalaman ang Bibliya ng maaasahang mga simulain upang tulungan tayong harapin ang mga suliranin at kabalisahan sa buhay. Ipinaliliwanag nito kung paano tutuparin ng Diyos ang kaniyang layunin at kung paano niya paiiralin ang mas mabubuting kalagayan sa lupa. Talaga ngang isang kapana-panabik na regalo ang Bibliya! 3 Ang Bibliya ay isa ring nakaaantig-pusong regalo, sapagkat 1, 2. Sa anu-anong paraan naging isang kapana-panabik na regalo mula sa Diyos ang Bibliya? 3. Ano ang sinasabi sa atin tungkol kay Jehova ng bagay na inilaan niya sa atin ang Bibliya, at bakit ito nakaaantig-puso?
19
Makukuha ang “Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan” sa maraming wika
may isinisiwalat ito tungkol sa Nagbigay nito, ang Diyos na Jehova. Ang paglalaan niya ng gayong aklat ay katibayan na nais niyang makilala natin siya nang lubusan. Sa katunayan, matutu´ ´ lungan ka ng Bibliya na mapalapıt kay Jehova. 4 Kung may kopya ka ng Bibliya, tiyak na hindi ka nag-iisa. Ang kabuuan o ang ilang bahagi ng Bibliya ay inilathala na sa mahigit na 2,300 wika at sa gayo’y makukuha ng mahigit sa 90 porsiyento ng populasyon ng daigdig. Sa katamtaman, mahigit na isang milyong Bibliya ang ipinamamahagi bawat linggo! Bilyunbilyong kopya ng kabuuan o bahagi ng Bibliya ang nagawa na. Tiyak na walang ibang aklat na gaya ng Bibliya. 5 Karagdagan pa, ang Bibliya ay “kinasihan ng Diyos.” (2 Timoteo 3:16) Sa anong paraan? Ang Bibliya mismo ang sumasagot: “Ang mga tao ay nagsalita mula sa Diyos habang ginagabayan sila ng banal na espiritu.” (2 Pedro 1:21) Upang ilarawan: Maaaring magpagawa ng sulat ang isang negosyante sa kaniyang sekretarya. Nilalaman ng sulat na iyon ang mga kaisipan at tagubilin ng negosyante. Samakatuwid, sulat niya talaga ito, hindi ng sekretarya. Sa katulad na paraan, nilalaman ng Bibliya ang 4. Ano ang hinahangaan mo hinggil sa pamamahagi ng Bibliya? 5. Sa anong paraan “kinasihan ng Diyos” ang Bibliya?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
20
mensahe ng Diyos at hindi ng mga lalaking sumulat nito. Kaya ang buong Bibliya ay tunay na “salita ng Diyos.”—1 Tesalonica 2:13. MAGKAKATUGMA AT TUMPAK ANG NILALAMAN NITO Isinulat ang Bibliya sa loob ng 1,600 taon. Nabuhay ang mga manunulat nito sa magkakaibang panahon at iba’t iba ang kanilang katayuan sa buhay. Ang ilan ay mga magsasaka, mangingisda, at mga pastol. Ang iba naman ay mga propeta, hukom, at mga hari. Ang manunulat ng Ebanghelyo na si Lucas ay isang doktor. Sa kabila ng iba’t ibang pinagmulan ng mga manunulat nito, magkakatugma ang nilalaman ng Bibliya mula pasimula hanggang wakas.1 7 Sinasabi sa atin ng unang aklat ng Bibliya kung paano nagsimula ang mga problema ng sangkatauhan. Ipinakikita naman ng huling aklat na magiging isang paraiso, o hardin, ang buong lupa. Ang lahat ng nilalaman ng Bibliya ay sumasaklaw sa libu-libong taon ng kasaysayan at may kaugnayan sa paanuman sa pagsisiwalat ng layunin ng Diyos. Kahanga-hanga ang pagkakatugma ng mga nilalaman ng Bibliya, pero iyan naman talaga ang aasahan natin sa isang aklat na mula sa Diyos. 8 Ang Bibliya ay tumpak pagdating sa siyensiya. Naglalaman pa nga ito ng impormasyon na maituturing na una sa panahon nito. Halimbawa, ang aklat ng Levitico ay naglalaman ng mga batas para sa sinaunang Israel may kaugnayan sa kuwarentenas at kalinisan samantalang walang kaalam-alam ang mga bansa sa palibot nila tungkol sa mga bagay na ito. Noong panahong mali ang mga pala-palagay tungkol sa hugis ng lupa, binanggit naman ng Bibliya na ito ay bilog, o globo. (Isaias 40:22) Tum6
1 Bagaman sinasabi ng ilang tao na sinasalungat ng ilang bahagi ng Bibliya ang ibang bahagi nito, walang basehan ang gayong pag-aangkin. Tingnan ang kabanata 7 ng aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. 6, 7. Bakit lalo nang kapansin-pansin ang pagkakatugma ng mga nilalaman ng Bibliya? 8. Magbigay ng mga halimbawang nagpapakita na ang Bibliya ay tumpak pagdating sa siyensiya.
Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos
21
pak na sinabi ng Bibliya na ang lupa ay ‘nakabitin sa wala.’ (Job 26:7) Siyempre, hindi naman isang aklat-aralin sa siyensiya ang Bibliya. Ngunit kapag may binabanggit itong mga bagay tungkol sa siyensiya, ito ay tumpak. Hindi ba ito ang aasahan natin sa isang aklat na mula sa Diyos? 9 Tumpak din at maaasahan ang Bibliya pagdating sa kasaysayan. Espesipiko ang mga ulat nito. Inilalakip ng mga ito hindi lamang ang mga pangalan kundi pati na rin ang pinagmulang angkan ng mga indibiduwal.1 Kabaligtaran ng mga sekular na istoryador, na kadalasang hindi bumabanggit sa pagkatalo ng kanilang sariling bayan, ang mga manunulat ng Bibliya ay matapat, anupat iniuulat pa nga ang mismong mga pagkakamali nila at ng kanilang bansa. Halimbawa, sa aklat ng Bibliya na Mga Bilang, inamin ng manunulat na si Moises ang kaniya mismong malubhang pagkakamali na naging dahilan ng matinding pagsaway sa kaniya. (Bilang 20:2-12) Bibihira ang gayong katapatan sa iba pang ulat ng kasaysayan, ngunit masusumpungan ito sa Bibliya sapagkat isa itong aklat na mula sa Diyos. ISANG AKLAT NG PRAKTIKAL NA KARUNUNGAN Dahil kinasihan ng Diyos ang Bibliya, ito’y “kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay.” (2 Timoteo 3:16) Oo, ang Bibliya ay isang praktikal na aklat. Mababanaag dito ang malalim na kaunawaan hinggil sa kalikasan ng tao. Hindi ito kataka-taka, sapagkat ang Awtor nito, ang Diyos na Jehova, ang siyang Maylalang! Mas nauunawaan niya ang ating pag-iisip at damdamin kaysa sa atin. Karagdagan pa, alam ni Jehova kung ano ang kailangan natin upang maging maligaya. Alam din niya kung anong mga landasin ang dapat nating iwasan. 10
1 Halimbawa, pansinin ang detalye ng talaangkanan ni Jesus na masusumpungan sa Lucas 3:23-38. 9. (a) Sa anu-anong paraan ipinakikita ng Bibliya na ito ay tumpak at maaasahan pagdating sa kasaysayan? (b) Dahil sa katapatan ng mga manunulat nito, ano ang masasabi hinggil sa Bibliya? 10. Bakit hindi kataka-taka na isang praktikal na aklat ang Bibliya?
Inihula ng manunulat ng Bibliya na si Isaias ang pagbagsak ng Babilonya
Isaalang-alang ang talumpati ni Jesus na tinatawag na Sermon sa Bundok, na nakaulat sa Mateo kabanata 5 hanggang 7. Sa obra maestrang pagtuturo na ito, nagsalita si Jesus tungkol sa ilang paksa, lakip na ang paraan upang masumpungan ang tunay na kaligayahan, kung paano aayusin ang mga di-pagkakasundo, kung paano mananalangin, at kung paano magkakaroon ng was11
11, 12. (a) Anong mga paksa ang tinalakay ni Jesus sa kaniyang Sermon sa Bundok? (b) Anong iba pang praktikal na mga bagay ang tinatalakay sa Bibliya, at bakit hindi naluluma ang payo nito?
Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos
23
tong pangmalas sa materyal na mga bagay. Mabisa at praktikal pa rin sa ngayon ang mga salita ni Jesus gaya noong bigkasin niya ang mga ito. 12 Ang ilang simulain sa Bibliya ay tumatalakay sa buhay pampamilya, kaugalian sa trabaho, at pakikipag-ugnayan sa iba. Kumakapit sa lahat ng tao ang mga simulain sa Bibliya, at laging kapaki-pakinabang ang mga payo nito. Ang karunungan na masusumpungan sa Bibliya ay binuod sa mga salita ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka.”—Isaias 48:17. ISANG AKLAT NG HULA Naglalaman ang Bibliya ng maraming hula, na karamihan ay natupad na. Isaalang-alang ang isang halimbawa. Sa pamamagitan ni propeta Isaias, na nabuhay noong ikawalong siglo B.C.E., inihula ni Jehova na mawawasak ang lunsod ng Babilonya. (Isaias 13:19; 14:22, 23) Ibinigay ang mga detalye upang ipakita kung paano ito mismo mangyayari. Tutuyuin ng sumasalakay na mga hukbo ang ilog ng Babilonya at magmamartsa papasok sa lunsod nang walang labanan. Hindi lamang iyan. Binanggit pa nga sa hula ni Isaias ang pangalan ng hari na lulupig sa Babilonya—si Ciro.—Isaias 44:27–45:2. 14 Pagkalipas ng mga 200 taon—noong gabi ng Oktubre 5/6, 539 B.C.E.—isang hukbo ang nagkampo malapit sa Babilonya. Sino ang kumandante nito? Isang hari ng Persia na nagngangalang Ciro. Sa gayo’y handa na ang mga kalagayan para sa katuparan ng isang kamangha-manghang hula. Ngunit malulupig kaya ng hukbo ni Ciro ang Babilonya nang walang labanan, gaya ng inihula? 15 May kapistahan ang mga Babilonyo nang gabing iyon at kampante sila sa likod ng naglalakihang mga pader ng kanilang lunsod. Samantala, buong-kahusayang inilihis ni Ciro ang tubig ng ilog na dumadaloy sa lunsod. Di-nagtagal at bumabaw na ang 13
13. Kinasihan ni Jehova si propeta Isaias na iulat ang anong mga detalye hinggil sa Babilonya? 14, 15. Paano natupad ang ilang detalye ng hula ni Isaias hinggil sa Babilonya?
24
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
tubig anupat nakatawid ang kaniyang mga tauhan sa sahig ng ilog at nakalapit sa mga pader ng lunsod. Pero paano makapapasok ang hukbo ni Ciro sa mga pader ng Babilonya? Sa hindi malamang kadahilanan, naiwang bukas ang mga pinto ng lunsod nang gabing iyon! 16 Ganito ang inihula may kaugnayan sa Babilonya: “Hindi siya kailanman tatahanan, ni mananahanan man siya sa sali’t salinlahi. At doon ay hindi magtatayo ng kaniyang tolda ang Arabe, at hindi pahihigain doon ng mga pastol ang kanilang mga kawan.” (Isaias 13:20) Binanggit ng hulang ito hindi lamang ang pagbagsak ng lunsod. Ipinakita nito na hindi na kailanman tatahanan ang Babilonya. Makakakita ka ng katibayan ng katuparan ng mga salitang ito. Ang di-tinatahanang kinaroroonan ng sinaunang Babilonya—mga 80 kilometro sa timog ng Baghdad, Iraq— ay patotoo na natupad ang sinabi ni Jehova sa pamamagitan ni Isaias: “Wawalisin ko siya ng walis ng pagkalipol.”—Isaias 14: 22, 23.1 1 Para sa higit na impormasyon tungkol sa hula sa Bibliya, tingnan ang pahina 27-9 ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. 16. (a) Ano ang inihula ni Isaias hinggil sa huling kahihinatnan ng Babilonya? (b) Paano natupad ang hula ni Isaias na hindi na tatahanan ang Babilonya?
Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos
25
Hindi ba’t nakapagpapatibay ng pananampalataya na isaalang-alang ang Bibliya bilang isang aklat ng maaasahang hula? Tutal, kung tinupad ng Diyos na Jehova ang kaniyang mga pangako noon, taglay natin ang lahat ng dahilan para magtiwalang tutuparin din niya ang kaniyang pangako na isang paraisong lupa. (Bilang 23:19) Sa katunayan, tayo ay may “pag-asa sa buhay na walang hanggan na ipinangako ng Diyos, na hindi makapagsisinungaling, bago pa ang lubhang mahabang mga panahon.” —Tito 1:2.1 ´ “ANG SALITA NG DIYOS AY BUHAY” 18 Mula sa ating tinalakay sa kabanatang ito, maliwanag na talagang isang natatanging aklat ang Bibliya. Gayunman, ang 17
1 Ang pagkawasak ng Babilonya ay isa lamang halimbawa ng natupad na hula sa Bibliya. Kabilang sa iba pang halimbawa ang pagkawasak ng Tiro at Nineve. (Ezekiel 26:1-5; Zefanias 2:13-15) Gayundin, binanggit ng hula ni Daniel ang sunud-sunod na pandaigdig na mga imperyo na hahawak ng kapangyarihan pagkatapos ng Babilonya. Kabilang sa mga ito ang Medo-Persia at Gresya. (Daniel 8:5-7, 20-22) Tingnan ang Apendise, pahina 199-201, para sa pagtalakay sa maraming hula hinggil sa Mesiyas na natupad kay Jesu-Kristo. 17. Paano nakapagpapatibay ng pananampalataya ang katuparan ng hula sa Bibliya? 18. Anong mapuwersang pananalita ang binanggit ng Kristiyanong apostol na si Pablo tungkol sa “salita ng Diyos”?
Mga guho ng Babilonya
26
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
kahalagahan nito ay higit pa kaysa sa pagkakatugma-tugma ng mga nilalaman nito, sa pagiging tumpak pagdating sa siyensiya at sa kasaysayan, sa praktikal na karunungan, at sa maaasahang hula nito. Sumulat ang Kristiyanong apostol na si Pablo: “Ang salita ng ´ Diyos ay buhay at may lakas at mas matalas kaysa sa anumang tabak na may dalawang talim at tumatagos maging hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, at ng mga kasukasuan at ng kanilang utak sa buto, at may kakayahang umunawa ng mga kaisipan at mga intensiyon ng puso.”—Hebreo 4:12. 19 Ang pagbabasa ng “salita,” o mensahe, ng Diyos sa Bibliya ay maaaring bumago sa ating buhay. Matutulungan tayo nito na lalong suriin ang ating sarili. Maaari nating sabihin na iniibig natin ang Diyos, ngunit ang ating pagtugon sa itinuturo ng kaniyang kinasihang Salita, ang Bibliya, ang siyang magsisiwalat ng ating totoong kaisipan, maging ang mismong intensiyon ng ating puso. 20 Ang Bibliya ay talagang isang aklat mula sa Diyos. Isa itong aklat na dapat basahin, pag-aralan, at pakamahalin. Ipakita ang iyong pasasalamat sa regalong ito ng Diyos sa pamamagitan ng patuloy na pagsusuri sa mga nilalaman nito. Habang ginagawa mo ito, magkakaroon ka ng malalim na unawa sa layunin ng Diyos para sa sangkatauhan. Tatalakayin sa susunod na kabanata kung ano ang layuning iyan at kung paano ito matutupad. 19, 20. (a) Paano ka matutulungan ng Bibliya na suriin ang iyong sarili? (b) Paano mo maipakikita ang pasasalamat sa natatanging regalo ng Diyos, ang Bibliya?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos at samakatuwid ay tumpak at maaasahan.—2 Timoteo 3:16. ˇ Ang impormasyong masusumpungan sa Salita ng Diyos ay praktikal sa pang-araw-araw na buhay. —Isaias 48:17. ˇ Ang mga pangako ng Diyos na masusumpungan sa Bibliya ay tiyak na matutupad.—Bilang 23:19.
KABANATA 3
Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? Ano ang layunin ng Diyos para sa sangkatauhan? Paano hinamon ang Diyos? Ano ang magiging kalagayan ng buhay sa lupa sa hinaharap? NAPAKAGANDA ng layunin ng Diyos para sa lupa. Gusto ni Jehova na mapuno ang lupa ng masasaya at malulusog na tao. Sinasabi ng Bibliya na ‘ang Diyos ay nagtanim ng isang hardin sa Eden’ at na ‘pinatubo niya ang bawat punungkahoy na kanais-nais sa paningin at mabuting kainin.’ Pagkatapos lalangin ng Diyos ang unang lalaki at babae, sina Adan at Eva, inilagay Niya sila sa napakagandang tahanang iyon at sinabi sa kanila: “Magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa at supilin iyon.” (Genesis 1:28; 2:8, 9, 15) Kaya layunin ng Diyos na magkaanak ang mga tao, palawakin ang mga hangganan ng tahanang hardin na iyon hanggang sa masaklaw ang buong lupa, at alagaan ang mga hayop. 2 Sa palagay mo kaya’y matutupad pa ang layunin ng Diyos na Jehova na mabuhay ang mga tao sa isang paraisong lupa? “Sinalita ko nga iyon,” ang sabi ng Diyos, “gagawin ko rin naman.” (Isaias 46:9-11; 55:11) Oo, tiyak na tutuparin ng Diyos ang kaniyang layunin! Sinabi niya na “hindi niya nilalang [ang lupa] na walang kabuluhan” kundi ‘inanyuan niya ito upang tahanan.’ (Isaias 45:18) Ano bang uri ng mga tao ang nais ng Diyos na mabuhay sa lupa? At gaano katagal niya gustong manirahan sila rito? Sumasagot ang Bibliya: “Ang mga matuwid ang 1. Ano ang layunin ng Diyos para sa lupa? 2. (a) Paano natin nalaman na matutupad ang layunin ng Diyos para sa lupa? (b) Anong uri ng mga tao ang sinasabi ng Bibliya na mabubuhay magpakailanman?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
28
magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.” —Awit 37:29; Apocalipsis 21:3, 4. 3 Maliwanag na hindi pa ito nangyayari. Ang mga tao ngayon ay nagkakasakit at namamatay; naglalabanan pa nga sila at nagpapatayan. May nangyaring hindi maganda. Gayunman, tiyak na hindi layunin ng Diyos na ang lupa ay maging gaya ng nakikita natin sa ngayon! Ano ba ang nangyari? Bakit hindi natupad ang layunin ng Diyos? Walang aklat ng kasaysayan na isinulat ng tao ang makapagsasabi sa atin ng sagot sapagkat ang problema ay nagsimula sa langit. ANG PINAGMULAN NG ISANG KAAWAY Sinasabi sa atin ng unang aklat ng Bibliya ang tungkol sa isang mananalansang sa Diyos na dumating sa hardin ng Eden. Inilarawan siya bilang “serpiyente,” ngunit hindi siya basta isang hayop lamang. Ipinakikilala siya ng huling aklat ng Bibliya bilang “ang tinatawag na Diyablo at Satanas, na siyang nagliligaw sa buong tinatahanang lupa.” Tinatawag din siyang “orihinal na serpiyente.” (Genesis 3:1; Apocalipsis 12:9) Ginamit ng makapangyarihang anghel na ito, o di-nakikitang espiritung nilalang, ang isang serpiyente para makausap si Eva, kung paanong napalilitaw ng isang dalubhasang tao ang kaniyang tinig na parang nanggagaling sa isang kalapit na manika o tau-tauhan. Walang-alinlangang naroroon ang espiritung personang iyon nang ihanda ng Diyos ang lupa para sa mga tao.—Job 38:4, 7. 5 Gayunman, yamang sakdal ang lahat ng nilalang ni Jehova, sino ang gumawa sa “Diyablo” na ito, ang “Satanas” na ito? Sa simpleng pananalita, ginawang Diyablo ng isa sa makapangyarihang mga espiritung anak ng Diyos ang kaniyang sarili. Paano ito naging posible? Buweno, sa ngayon ang isang tao na dating disente at matapat ay maaaring maging isang magnanakaw. Paano nangyayari iyan? Maaaring hayaan ng isang tao na tumubo ang maling pagnanasa sa kaniyang puso. Kung pa4
3. Anu-anong malulungkot na kalagayan ang umiiral ngayon sa lupa, at nagbabangon ito ng anu-anong tanong? 4, 5. (a) Sino talaga ang nakipag-usap kay Eva sa pamamagitan ng isang serpiyente? (b) Paano maaaring maging magnanakaw ang isang dating disente at matapat na tao?
Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
29
tuloy niyang iisipin ito, titindi ang maling pagnanasang iyon. Pagkatapos, kapag nagkaroon ng pagkakataon, maaaring isagawa niya ang maling pagnanasang pinag-iisipan niya.—Santiago 1:13-15. 6 Ganito ang nangyari kay Satanas na Diyablo. Maliwanag na narinig niya na sinabi ng Diyos kina Adan at Eva na magpalaanakin sila at punuin ang lupa ng kanilang mga supling. (Genesis 1:27, 28) ‘Aba, maaaring ako ang sambahin ng lahat ng taong ito sa halip na ang Diyos!’ ang maliwanag na naisip ni Satanas. Kaya tumubo ang maling pagnanasa sa kaniyang puso. Sa dakong huli, kumilos siya upang linlangin si Eva sa pamamagitan ng pagsasabi rito ng mga kasinungalingan tungkol sa Diyos. (Genesis 3:1-5) Kaya siya naging “Diyablo,” na nangangahulugang “Maninirang-puri.” Kasabay nito, siya ay naging “Satanas,” na nangangahulugang “Mananalansang.” 7 Sa pamamagitan ng mga kasinungalingan at pandaraya, sinulsulan ni Satanas na Diyablo sina Adan at Eva na sumuway sa Diyos. (Genesis 2:17; 3:6) Bilang resulta, namatay sila nang maglaon, gaya ng sinabi ng Diyos na mangyayari sa kanila kung susuway sila. (Genesis 3:17-19) Yamang naging di-sakdal si Adan nang magkasala siya, ang lahat ng kaniyang supling ay nagmana ng kasalanan mula sa kaniya. (Roma 5:12) Maaaring ilarawan ang situwasyong ito sa pamamagitan ng isang liyanera na ginagamit sa pagluluto ng tinapay. Kung may yupi ang liyanera, ano ang mangyayari sa bawat tinapay na niluto sa liyanerang iyon? Bawat tinapay ay may yupi, o kapintasan. Sa katulad na paraan, namana ng bawat tao ang “yupi” ng di-kasakdalan mula kay Adan. Iyan ang dahilan kung bakit tumatanda at namamatay ang lahat ng tao.—Roma 3:23. 8 Nang akayin ni Satanas sina Adan at Eva sa pagkakasala laban sa Diyos, siya sa katunayan ay namuno ng isang rebelyon. Hinamon niya ang paraan ng pamamahala ni Jehova. Sa 6. Paano naging Satanas na Diyablo ang isang makapangyarihang espiritung anak ng Diyos? 7. (a) Bakit namatay sina Adan at Eva? (b) Bakit tumatanda at namamatay ang lahat ng supling ni Adan? 8, 9. (a) Anong hamon ang maliwanag na ibinangon ni Satanas? (b) Bakit hindi agad pinuksa ng Diyos ang mga rebelde?
30
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
diwa ay sinasabi ni Satanas: ‘Masamang tagapamahala ang Diyos. Nagsisinungaling siya at nagkakait ng mabubuting bagay sa kaniyang mga nasasakupan. Hindi kailangan ng mga tao na pamahalaan sila ng Diyos. Puwede silang magpasiya para sa kanilang sarili kung ano ang mabuti at masama. At mas mapapabuti sila sa ilalim ng aking pamamahala.’ Paano haharapin ng Diyos ang gayong nakaiinsultong akusasyon? Iniisip ng ilan na pinatay Paano maiaalok ni Satanas kay Jesus ang lahat ng kaharian sa sanlibutan kung hindi sa kaniya ang mga ito?
Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
31
na lamang sana ng Diyos ang mga rebelde. Pero masasagot kaya niyan ang hamon ni Satanas? Mapatutunayan ba nito na tama ang paraan ng pamamahala ng Diyos? 9 Ang sakdal na katarungan ni Jehova ay hindi magpapahintulot sa kaniya na patayin agad ang mga rebelde. Ipinasiya niya na kailangan ang panahon para lubusang masagot ang hamon ni Satanas at mapatunayan na sinungaling ang Diyablo. Kaya nagpasiya ang Diyos na pahihintulutan niya ang mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili sa loob ng ilang panahon sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas. Tatalakayin sa Kabanata 11 ng aklat na ito kung bakit ginawa iyan ni Jehova at kung bakit pinahintulutan niyang lumipas ang napakahabang panahon bago lutasin ang mga isyung ito. Gayunman, makabubuting pag-isipan natin ito: Tama bang maniwala sina Adan at Eva kay Satanas, na wala pang anumang nagagawang mabuti para sa kanila? Tama bang maniwala sila na si Jehova, na nagkaloob ng lahat ng bagay na taglay nila, ay malupit at sinungaling? Ano ang gagawin mo kung ikaw ang naroroon? 10 Mabuting pag-isipan ang mga tanong na ito sapagkat napapaharap ang bawat isa sa atin sa ngayon sa gayunding mga isyu. Oo, may pagkakataon kang suportahan ang panig ni Jehova bilang sagot sa hamon ni Satanas. Maaari mong tanggapin si Jehova bilang iyong Tagapamahala at makatutulong ka para patunayang sinungaling si Satanas. (Awit 73:28; Kawikaan 27:11) Nakalulungkot, iilan lamang sa bilyun-bilyong tao sa daigdig na ito ang nagpapasiyang gawin ito. Nagbabangon ito ng isang mahalagang tanong, Talaga bang itinuturo ng Bibliya na pinamamahalaan ni Satanas ang sanlibutang ito? SINO ANG NAMAMAHALA SA SANLIBUTANG ITO? Hindi kailanman nag-alinlangan si Jesus na si Satanas ang tagapamahala ng sanlibutang ito. Sa isang makahimalang 11
10. Paano mo susuportahan ang panig ni Jehova bilang sagot sa hamon ni Satanas? 11, 12. (a) Paano isiniwalat ng pagtukso kay Jesus na si Satanas ang tagapamahala ng sanlibutang ito? (b) Ano pa ang nagpapatunay na si Satanas ang tagapamahala ng sanlibutang ito?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
32
paraan, minsan ay ipinakita ni Satanas kay Jesus “ang lahat ng mga kaharian ng sanlibutan at ang kanilang kaluwalhatian.” Pagkatapos ay nangako si Satanas kay Jesus: “Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo kung susubsob ka at gagawa ng isang gawang pagsamba sa akin.” (Mateo 4:8, 9; Lucas 4:5, 6) Pag-isipan ito. Magiging isang tukso kaya kay Jesus ang alok na iyan kung hindi si Satanas ang tagapamahala ng mga kahariang ito? Hindi itinanggi ni Jesus na kay Satanas ang lahat ng gobyernong ito sa sanlibutan. Tiyak na itinanggi sana iyan ni Jesus kung hindi si Satanas ang kapangyarihan na nasa likod ng mga ito. 12 Sabihin pa, si Jehova ang Diyos na Makapangyarihansa-lahat, ang Maylalang ng kamangha-manghang uniberso. (Apocalipsis 4:11) Gayunman, walang sinasabi ang Bibliya na ang Diyos na Jehova o si Jesu-Kristo ang tagapamahala ng sanlibutang ito. Sa katunayan, espesipikong tinukoy ni Jesus si Satanas bilang “ang tagapamahala ng sanlibutang ito.” (Juan 12:31; 14:30; 16:11) Tinukoy pa nga ng Bibliya si Satanas na Diyablo bilang “diyos ng sistemang ito ng mga bagay.” (2 Corinto 4:3, 4) Hinggil sa mananalansang na ito, o Satanas, sumulat ang Kristiyanong apostol na si Juan: “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot.”—1 Juan 5:19. KUNG PAANO AALISIN ANG SANLIBUTAN NI SATANAS Sa bawat lumilipas na taon, ang sanlibutan ay nagiging lalong mapanganib. Namamayani rito ang nagdidigmaang mga hukbo, di-tapat na mga pulitiko, mapagpaimbabaw na relihiyosong mga lider, at pusakal na mga kriminal. Imposible nang mabago ang sanlibutan sa kabuuan. Isinisiwalat ng Bibliya na malapit na ang panahon na papawiin ng Diyos ang napakasamang sanlibutang ito sa kaniyang digmaan ng Armagedon. Ito ang magbibigay-daan sa isang matuwid na bagong sanlibutan. —Apocalipsis 16:14-16. 14 Pinili ng Diyos na Jehova si Jesu-Kristo na maging Taga13
13. Bakit kailangan ang isang bagong sanlibutan? 14. Sino ang pinili ng Diyos na maging Tagapamahala ng Kaniyang Kaharian, at paano ito inihula?
Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa?
33
pamahala ng Kaniyang makalangit na Kaharian, o gobyerno. Matagal nang inihula ng Bibliya: “Sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging . . . Pangulo ng Kapayapaan. Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas.” (Isaias 9:6, 7, Ang Biblia) May kaugnayan sa gobyernong ito, tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na manalangin: “Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” (Mateo 6:10) Gaya ng makikita natin sa kalaunan sa aklat na ito, malapit nang alisin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng gobyerno ng sanlibutang ito, at ito mismo ang papalit sa lahat ng pamahalaang ito. (Daniel 2:44) Pagkatapos ay pasasapitin ng Kaharian ng Diyos ang isang paraisong lupa. MALAPIT NA ANG ISANG BAGONG SANLIBUTAN! Tinitiyak sa atin ng Bibliya: “May mga bagong langit at isang bagong lupa na ating hinihintay ayon sa . . . pangako [ng Diyos], at sa mga ito ay tatahan ang katuwiran.” (2 Pedro 3:13; Isaias 65:17) Kung minsan kapag binabanggit ng Bibliya ang “lupa,” tinutukoy nito ang mga tao na nabubuhay sa lupa. (Genesis 11:1) Kaya ang matuwid na “bagong lupa” ay isang lipunan ng mga tao na sinasang-ayunan ng Diyos. 16 Nangako si Jesus na sa dumarating na bagong sanlibutan, ang mga sinang-ayunan ng Diyos ay tatanggap ng regalong “buhay na walang hanggan.” (Marcos 10:30) Pakisuyong buklatin ang iyong Bibliya sa Juan 3:16 at 17:3, at basahin kung ano ang sinabi ni Jesus na dapat nating gawin upang tumanggap ng buhay na walang hanggan. Isaalang-alang ngayon mula sa Bibliya ang mga pagpapala na tatamasahin ng mga magiging kuwalipikado para sa kamangha-manghang regalong iyan mula sa Diyos sa dumarating na Paraiso sa lupa. 15
15. Ano ang “bagong lupa”? 16. Ano ang isang di-matutumbasang regalo mula sa Diyos para sa mga sinasang-ayunan niya, at ano ang dapat nating gawin para tumanggap nito?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
34
Mawawala na ang kabalakyutan, digmaan, krimen, at karahasan. “Ang balakyot ay mawawala na . . . Ngunit ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa.” (Awit 37:10, 11) Iiral ang kapayapaan dahil ‘patitigilin ng Diyos ang mga digmaan hanggang sa dulo ng lupa.’ (Awit 46:9; Isaias 2:4) Pagkatapos ay “sisibol ang matuwid, at ang kasaganaan ng kapayapaan hanggang sa mawala na ang buwan”—at nangangahulugan iyan ng magpakailanman!—Awit 72:7. 18 Mabubuhay sa katiwasayan ang mga mananamba ni Jehova. Noong panahon ng Bibliya, hangga’t sumusunod ang mga Israelita sa Diyos, tiwasay ang kanilang buhay. (Levitico 25:18, 19) Tunay ngang magiging kapana-panabik na tamasahin ang gayunding katiwasayan sa Paraiso!—Isaias 32:18; Mikas 4:4. 19 Hindi na magkakaroon ng kakapusan sa pagkain. “Magkakaroon ng saganang butil sa lupa,” ang awit ng salmista. “Sa taluktok ng mga bundok ay mag-uumapaw.” (Awit 72:16) Pagpapalain ng Diyos na Jehova ang kaniyang mga matuwid, at “ang lupa ay tiyak na magbibigay ng bunga nito.”—Awit 67:6. 20 Magiging paraiso ang buong lupa. Tatayuan ng magaganda at bagong mga tahanan at hardin ang lupain na dating sinira ng makasalanang mga tao. (Isaias 65:21-24; Apocalipsis 11:18) Sa paglipas ng panahon, ang mga bahagi ng lupa na nasupil na ay palalawakin hanggang sa ang buong globo ay maging kasingganda at kasimbunga ng hardin ng Eden. At tiyak na ‘bubuksan ng Diyos ang kaniyang kamay at sasapatan ang nasa ng bawat bagay na may buhay.’—Awit 145:16. 21 Magkakaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga tao at mga hayop. Kakaing magkakasama ang maiilap at maaamong hayop. Maging ang munting bata ay hindi matatakot sa mga 17
17, 18. Paano tayo makatitiyak na magkakaroon ng kapayapaan at katiwasayan sa buong lupa? 19. Paano natin nalaman na magiging sagana ang pagkain sa bagong sanlibutan ng Diyos? 20. Bakit tayo makatitiyak na magiging paraiso ang buong lupa? 21. Ano ang nagpapakita na iiral ang kapayapaan sa pagitan ng mga tao at mga hayop?
36
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
hayop na itinuturing sa ngayon na mapanganib.—Isaias 11:6-9; 65:25. 22 Mawawala na ang sakit. Bilang Tagapamahala sa makalangit na Kaharian ng Diyos, si Jesus ay gagawa ng mas dakilang pagpapagaling kaysa sa ginawa niya noong siya ay narito sa lupa. (Mateo 9:35; Marcos 1:40-42; Juan 5:5-9) Sa gayon, “walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’ ” —Isaias 33:24; 35:5, 6. 23 Bubuhaying muli ang mga namatay nating mahal sa buhay taglay ang pag-asang hindi na sila mamamatay. Bubuhaying muli ang lahat ng natutulog sa kamatayan na nasa alaala ng Diyos. Sa katunayan, “magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.”—Gawa 24:15; Juan 5:28, 29. 24 Isang napakagandang kinabukasan ang naghihintay sa mga nagpapasiyang matuto tungkol sa ating Dakilang Maylalang, ang Diyos na Jehova, at maglingkod sa kaniya! Ang dumarating na Paraiso sa lupa ang tinutukoy ni Jesus nang mangako siya sa manggagawa ng kasamaan na namatay kasama niya: “Makakasama kita sa Paraiso.” (Lucas 23:43) Napakahalaga na matuto tayo nang higit pa tungkol kay Jesu-Kristo, na sa pamamagitan niya ay magiging posible ang lahat ng pagpapalang ito. 22. Ano ang mangyayari sa sakit? 23. Bakit magdudulot ng kagalakan sa ating puso ang pagkabuhay-muli? 24. Ano ang nadarama mo hinggil sa pamumuhay sa Paraiso sa lupa?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Matutupad ang layunin ng Diyos na gawing paraiso ang lupa.—Isaias 45:18; 55:11. ˇ Si Satanas ang namamahala ngayon sa sanlibutan.—Juan 12:31; 1 Juan 5:19. ˇ Sa dumarating na bagong sanlibutan, ipagkakaloob ng Diyos ang maraming pagpapala sa sangkatauhan.—Awit 37:10, 11, 29.
KABANATA 4
Sino si Jesu-Kristo? Ano ba ang pantanging papel ni Jesus? Saan siya nagmula? Ano ba ang kaniyang personalidad? ´ MARAMING bantog na tao sa daigdig. Ang ilan ay kilalang-kila´ la sa kanilang sariling komunidad, lunsod, o bansa. Ang iba naman ay tanyag sa buong daigdig. Gayunman, hindi naman nangangahulugan na kung alam mo ang pangalan ng isang bantog na tao ay talagang kilala mo na siya. Hindi ito nangangahulugan na alam mo ang mga detalye hinggil sa kaniyang pinagmulan at kung ano talaga ang personalidad niya. 2 Ang mga tao sa palibot ng daigdig ay may nalalaman tungkol kay Jesu-Kristo, bagaman nabuhay siya sa lupa mga 2,000 taon na ang nakalilipas. Gayunman, marami ang nalilito kung sino talaga si Jesus. Sinasabi ng ilan na isa lamang siyang mabuting tao. Inaangkin naman ng iba na isa lamang siyang propeta. Naniniwala naman ang iba pa na si Jesus ang Diyos at dapat siyang sambahin. Dapat nga ba? 3 Mahalagang malaman mo ang katotohanan tungkol kay Jesus. Bakit? Sapagkat sinasabi ng Bibliya: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Oo, ang pagkaalam ng katotohanan hinggil sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo ay maaaring umakay sa buhay na walang hanggan sa isang paraisong lupa. (Juan 14:6) Bukod diyan, ipinakita ni Jesus 1, 2. (a) Bakit ang pagkakaroon ng kabatiran hinggil sa isang bantog na tao ay hindi nangangahulugang talagang kilala mo siya? (b) Sa ano nalilito ang mga tao tungkol kay Jesus? 3. Bakit mahalaga na malaman mo ang katotohanan tungkol kay Jesus?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
ang pinakamabuting halimbawa kung paano mamumuhay at kung paano pakikitunguhan ang iba. (Juan 13:34, 35) Sa unang kabanata ng aklat na ito, tinalakay natin ang katotohanan tungkol sa Diyos. Talakayin naman natin ngayon kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya hinggil kay Jesu-Kristo. ANG IPINANGAKONG MESIYAS Sa loob ng matagal na panahon bago pa isilang si Jesus, inihula na sa Bibliya ang pagdating ng isa na isusugo ng Diyos bilang Mesiyas, o Kristo. Ang mga titulong “Mesiyas” (mula sa salitang Hebreo) at “Kristo” (mula sa salitang Griego) ay kapuwa nangangahulugang “Pinahiran.” Ang ipinangakong Isa na ito ay papahiran, o hihirangin ng 4
4. Ano ang kahulugan ng mga titulong “Mesiyas” at “Kristo”?
Nang bautismuhan siya, si Jesus ay naging Mesiyas, o Kristo
Sino si Jesu-Kristo?
39
Diyos sa isang pantanging posisyon. Sa susunod na mga kabanata ng aklat na ito, mas marami pa tayong matututuhan tungkol sa mahalagang papel ng Mesiyas sa katuparan ng mga pangako ng Diyos. Malalaman din natin ang mga pagpapalang maidudulot sa atin ni Jesus maging sa ngayon. Gayunman, bago isilang si Jesus, walang-alinlangang marami ang nag-isip, ‘Sino kaya ang magiging Mesiyas?’ 5 Noong unang siglo C.E., lubusang kumbinsido ang mga alagad ni Jesus ng Nazaret na siya ang inihulang Mesiyas. (Juan 1:41) Isa sa mga alagad, isang lalaking nagngangalang Simon Pedro, ang hayagang nagsabi kay Jesus: “Ikaw ang Kristo.” (Mateo 16:16) Ngunit paano nakatitiyak ang mga alagad na iyon —at paano tayo makatitiyak—na si Jesus nga ang ipinangakong Mesiyas? 6 Ang mga propeta ng Diyos na nabuhay bago si Jesus ay humula ng maraming detalye tungkol sa Mesiyas. Ang mga detalyeng ito ay tutulong sa iba na makilala siya. Maaari nating ilarawan ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan: Ipagpalagay nating inutusan kang magpunta sa isang abalang istasyon ng bus o tren o sa isang paliparan para sunduin ang isang taong hindi mo pa nakita kailanman. Hindi ba makatutulong kung may magbibigay sa iyo ng ilang detalye hinggil sa kaniya? Sa katulad na paraan, sa pamamagitan ng mga propeta sa Bibliya, nagbigay si Jehova ng halos detalyadong paglalarawan kung ano ang gagawin ng Mesiyas at kung ano ang daranasin niya. Ang katuparan ng maraming hulang ito ay tutulong sa mga tapat na makilala siyang mabuti. 7 Isaalang-alang ang dalawa lamang na halimbawa. Una, mahigit na 700 taon patiuna, inihula ni propeta Mikas na ang ipinangakong Isa ay isisilang sa Betlehem, isang maliit na bayan sa lupain ng Juda. (Mikas 5:2) Saan ba aktuwal na isinilang si Jesus? Aba, sa mismong bayang iyon! (Mateo 2:1, 3-9) 5. Sa ano lubusang kumbinsido ang mga alagad ni Jesus may kaugnayan sa kaniya? 6. Ilarawan kung paano tinulungan ni Jehova ang mga tapat na makilala ang Mesiyas. 7. Ano ang dalawa sa mga hulang natupad may kaugnayan kay Jesus?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
40
Ikalawa, maraming siglo patiuna, tinukoy ng hula na nakaulat sa Daniel 9:25 ang mismong taon kung kailan lilitaw ang Mesiyas—29 C.E.1 Pinatutunayan ng katuparan nito at ng iba pang hula na si Jesus nga ang ipinangakong Mesiyas. 8 Naging maliwanag ang karagdagang patotoo na si Jesus ang Mesiyas noong magtatapos ang 29 C.E. Iyan ang taon nang lumapit si Jesus kay Juan na Tagapagbautismo para magpabautismo sa Ilog Jordan. Nangako si Jehova na bibigyan niya si Juan ng isang tanda upang makilala nito ang Mesiyas. Nakita ni Juan ang tanda na iyon noong bautismuhan si Jesus. Ganito ang sinasabi ng Bibliya na nangyari: “Pagkatapos na mabautismuhan ay kaagad na umahon si Jesus mula sa tubig; at, narito! ang langit ay nabuksan, at nakita niyang bumababa na tulad ng isang kalapati ang espiritu ng Diyos na lumalapag sa kaniya. Narito! May tinig din mula sa langit na nagsabi: ‘Ito ang aking Anak, ang minamahal, na aking sinang-ayunan.’ ” (Mateo 3:16, 17) Pagkatapos makita at marinig ang pangyayari, hindi nagalinlangan si Juan na si Jesus ay isinugo ng Diyos. (Juan 1:3234) Nang ibuhos sa kaniya ang espiritu, o aktibong puwersa ng Diyos nang araw na iyon, si Jesus ay naging Mesiyas, o Kristo, ang isa na hinirang upang maging Lider at Hari.—Isaias 55:4. 9 Malinaw na ipinakikita ng katuparan ng hula sa Bibliya at ng mismong patotoo ng Diyos na Jehova na si Jesus ang ipinangakong Mesiyas. Ngunit sinasagot ng Bibliya ang dalawa pang mahahalagang tanong tungkol kay Jesu-Kristo: Saan siya nagmula? At ano ba ang kaniyang personalidad? SAAN NAGMULA SI JESUS? Itinuturo ng Bibliya na nabuhay si Jesus sa langit bago siya pumarito sa lupa. Inihula ni Mikas na isisilang ang Mesiyas sa Betlehem at sinabi rin niya na ang Kaniyang pinanggalingan 10
1 Para sa paliwanag hinggil sa hula ni Daniel na natupad may kaugnayan kay Jesus, tingnan ang Apendise, pahina 197-9. 8, 9. Anong patotoo hinggil sa pagiging Mesiyas ni Jesus ang naging malinaw noong bautismuhan siya? 10. Ano ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa pag-iral ni Jesus bago siya pumarito sa lupa?
Sino si Jesu-Kristo?
41
ay “mula noong unang mga panahon.” (Mikas 5:2) Sa maraming pagkakataon, sinabi mismo ni Jesus na nabuhay siya sa langit bago siya isilang bilang tao. (Juan 3:13; 6:38, 62; 17:4, 5) Bilang isang espiritung nilalang sa langit, may pantanging kaugnayan si Jesus kay Jehova. 11 Si Jesus ang pinakamamahal na Anak ni Jehova—at may makatuwiran namang dahilan. Tinatawag siyang “panganay sa lahat ng nilalang,” sapagkat siya ang unang nilalang ng Diyos.1 (Colosas 1:15) May iba pang dahilan kung bakit natatangi ang Anak na ito. Siya ang “bugtong na Anak.” (Juan 3:16) Nangangahulugan ito na si Jesus lamang ang nag-iisang tuwirang nilalang ng Diyos. Si Jesus din ang nag-iisang ginamit ng Diyos nang lalangin Niya ang lahat ng iba pang bagay. (Colosas 1:16) Tinatawag din si Jesus na “Salita.” (Juan 1:14) Sinasabi nito sa atin na naging tagapagsalita siya ng Diyos, na walang-alinlangang naghahatid ng mga mensahe at mga tagubilin sa iba pang mga anak ng Ama, kapuwa mga espiritu at mga tao. 12 Ang panganay na Anak ba ay kapantay ng Diyos, gaya ng paniniwala ng ilan? Hindi iyan ang itinuturo ng Bibliya. Gaya ng napansin natin sa naunang parapo, nilalang ang Anak. Kung gayon, maliwanag na mayroon siyang pasimula, samantalang ang Diyos na Jehova ay walang pasimula o wakas. (Awit 90:2) Hindi man lamang inisip ng bugtong na Anak na maging kapantay ng kaniyang Ama. Maliwanag na itinuturo ng Bibliya na mas dakila ang Ama kaysa sa Anak. (Juan 14:28; 1 Corinto 11:3) Si Jehova lamang ang “Diyos na Makapangyarihan-salahat.” (Genesis 17:1) Samakatuwid, wala siyang kapantay.2 1 Tinatawag si Jehova na Ama dahil siya ang Maylalang. (Isaias 64:8) Yamang nilalang ng Diyos si Jesus, tinatawag siyang Anak ng Diyos. Sa gayunding dahilan, ang iba pang espiritung mga nilalang at maging ang taong si Adan ay tinatawag na mga anak ng Diyos.—Job 1:6; Lucas 3:38. 2 Para sa karagdagang patotoo na ang panganay na Anak ay hindi kapantay ng Diyos, tingnan ang Apendise, pahina 201-4. 11. Paano ipinakikita ng Bibliya na si Jesus ang pinakamamahal na Anak ni Jehova? 12. Paano natin nalaman na ang panganay na Anak ay hindi kapantay ng Diyos?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
42
Nagkaroon ng matalik na pagsasamahan si Jehova at ang kaniyang panganay na Anak sa loob ng bilyun-bilyong taon —matagal na panahon bago pa nilalang ang mabituing kalangitan at ang lupa. Tiyak na gayon na lamang ang pag-ibig nila sa isa’t isa! (Juan 3:35; 14:31) Ang minamahal na Anak na ito ay kagayang-kagaya ng kaniyang Ama. Iyan ang dahilan kung bakit tinukoy ng Bibliya ang Anak bilang “ang larawan ng di-nakikitang Diyos.” (Colosas 1:15) Oo, kung paanong maaaring maging kagayang-kagaya ng isang anak na tao ang kaniyang ama sa iba’t ibang paraan, makikita sa makalangit na Anak na ito ang mga katangian at personalidad ng kaniyang Ama. 14 Handang iwan ng bugtong na Anak ni Jehova ang langit at bumaba rito sa lupa upang mabuhay bilang tao. Pero baka isipin mo, ‘Paano naisilang bilang tao ang isang espiritung nilalang?’ Upang maisakatuparan ito, gumawa ng himala si Jehova. Inilipat niya ang buhay ng kaniyang panganay na Anak mula sa langit tungo sa sinapupunan ng isang Judiong birhen na nagngangalang Maria. Walang taong ama ang nasasangkot. Kaya nagsilang si Maria ng isang sakdal na anak na lalaki at pinanganlan niya itong Jesus.—Lucas 1:30-35. 13
ANO BA ANG PERSONALIDAD NI JESUS? Ang sinabi at ginawa ni Jesus habang nasa lupa ay tumutulong sa atin na makilala siya nang lubos. Higit pa riyan, sa pamamagitan ni Jesus ay makikilala natin nang higit si Jehova. Bakit gayon? Tandaan na ang Anak na ito ay isang sakdal na larawan ng kaniyang Ama. Iyan ang dahilan kung bakit sinabi ni Jesus sa isa sa kaniyang mga alagad: “Siya na nakakita sa akin ay nakakita rin sa Ama.” (Juan 14:9) Maraming sinasabi sa atin ang apat na aklat ng Bibliya na nakilala bilang mga Ebanghelyo—Mateo, Marcos, Lucas, at Juan— 15
13. Ano ang ibig sabihin ng Bibliya nang tukuyin nito ang Anak bilang “ang larawan ng di-nakikitang Diyos”? 14. Paano isinilang bilang tao ang bugtong na Anak ni Jehova? 15. Bakit natin masasabi na sa pamamagitan ni Jesus ay makikilala natin nang higit si Jehova?
Sino si Jesu-Kristo?
43
hinggil sa buhay, gawain, at personal na mga katangian ni Jesu-Kristo. 16 Kilalang-kilala´ si Jesus bilang “Guro.” (Juan 1:38; 13:13) Ano ba ang itinuro niya? Pangunahin na, ang kaniyang mensahe ay ang “mabuting balita ng kaharian”—samakatuwid nga, ang Kaharian ng Diyos, ang makalangit na gobyerno na mamamahala sa buong lupa at magpapasapit ng walang-katapusang mga pagpapala sa masunuring mga tao. (Mateo 4:23) Kaninong mensahe ito? Si Jesus mismo ang nagsabi: “Ang itinuturo ko ay hindi sa akin, kundi sa kaniya na nagsugo sa akin,” samakatuwid nga, kay Jehova. (Juan 7:16) Alam ni Jesus na gusto ng kaniyang Ama na marinig ng mga tao ang tungkol sa mabuting balita ng Kaharian. Sa Kabanata 8, mas marami pa tayong matututuhan tungkol sa Kaharian ng Diyos at kung ano ang isasakatuparan nito. 17 Saan nagturo si Jesus? Saanman siya makasumpong ng mga tao—sa lalawigan o sa mga karatig na lupain gayundin sa mga lunsod, nayon, pamilihan, at sa kanilang mga tahanan. Hindi hinintay ni Jesus na lapitan siya ng mga tao. Siya ang lumapit sa kanila. (Marcos 6:56; Lucas 19:5, 6) Bakit nagpagal nang husto si Jesus at gumugol ng napakaraming panahon sa pangangaral at pagtuturo? Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa kaniya. Laging ginagawa ni Jesus ang kalooban ng kaniyang Ama. (Juan 8:28, 29) Ngunit may iba pang dahilan kung bakit siya nangaral. Nahabag siya sa maraming tao na naglabasan para makita siya. (Mateo 9:35, 36) Pinabayaan sila ng kanilang relihiyosong mga lider, na dapat sana’y nagtuturo sa kanila ng katotohanan tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga layunin. Alam ni Jesus na kailangang-kailangang marinig ng mga tao ang mensahe ng Kaharian. 18 Si Jesus ay isang lalaking may magiliw na pagmamahal at matinding damdamin. Kaya para sa iba, siya ay mabait at 16. Ano ang pangunahing mensahe ni Jesus, at saan nagmula ang kaniyang mga itinuro? 17. Saan nagturo si Jesus, at bakit siya nagpagal nang husto sa pagtuturo sa iba? 18. Anong mga katangian ni Jesus ang pinakagusto mo?
Nangaral si Jesus saanman siya makasumpong ng mga tao
madaling lapitan. Maging ang mga bata ay panatag ang loob sa kaniya. (Marcos 10:13-16) Hindi nagtatangi si Jesus. Kinapopootan niya ang katiwalian at kawalang-katarungan. (Mateo 21: 12, 13) Noong panahong hindi gaanong iginagalang at binibigyan ng karapatan ang mga babae, pinakitunguhan niya sila nang may dignidad. (Juan 4:9, 27) Si Jesus ay totoong mapagpakumbaba. Sa isang pagkakataon, hinugasan niya ang paa ng kaniyang mga apostol, isang gawain na kadalasang ginagampanan ng isang hamak na lingkod. 19 Palaisip si Jesus sa mga pangangailangan ng iba. Lalo itong nakita nang gumawa siya ng mga makahimalang pagpapagaling sa pamamagitan ng kapangyarihan ng espiritu ng Diyos. (Mateo 14:14) Halimbawa, isang lalaking may ketong ang lumapit kay Jesus at nagsabi: “Kung ibig mo lamang, mapalilinis mo ako.” Nadama mismo ni Jesus ang kirot at pagdurusa ng lalaking ito. Palibhasa’y nahabag siya, iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinipo ang lalaki, na sinasabi: “Ibig ko. 19. Anong halimbawa ang nagpapakita na si Jesus ay palaisip sa mga pangangailangan ng iba?
45
Luminis ka.� At napagaling ang lalaking may sakit! (Marcos 1:40-42) Maguguniguni mo ba kung ano ang nadama ng lalaking iyon? TAPAT HANGGANG WAKAS Ipinakita ni Jesus ang pinakamainam na halimbawa ng matapat na pagsunod sa Diyos. Nanatili siyang tapat sa kaniyang makalangit na Ama sa ilalim ng lahat ng uri ng kalagayan at sa kabila ng lahat ng anyo ng pagsalansang at pagdurusa. Matatag at matagumpay na nilabanan ni Jesus ang mga tukso ni Satanas. (Mateo 4:1-11) May pagkakataon noon na ang ilan sa mismong mga kamag-anak ni Jesus ay hindi nanampalataya sa kaniya, na sinasabi pa ngang “nasisiraan na siya ng kaniyang isip.� (Marcos 3:21) Ngunit hindi nagpaimpluwensiya si Jesus sa kanila; nagpatuloy siya sa pagganap ng gawaing iniatas ng Diyos. Sa kabila ng mga pang-iinsulto at pang-aabuso, napanatili ni Jesus ang pagpipigil sa sarili, anupat hindi niya 20
20, 21. Paano nagpakita si Jesus ng halimbawa ng matapat na pagsunod sa Diyos?
46
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
kailanman sinikap na pinsalain ang mga sumalansang sa kaniya.—1 Pedro 2:21-23. 21 Nanatiling tapat si Jesus hanggang kamatayan—isang malupit at masakit na kamatayan sa kamay ng kaniyang mga kaaway. (Filipos 2:8) Isaalang-alang kung ano ang tiniis niya sa huling araw ng kaniyang buhay bilang tao. Siya ay inaresto, inakusahan ng huwad na mga saksi, hinatulan ng tiwaling mga hukom, inalipusta ng mga mang-uumog, at pinahirapan ng mga sundalo. Habang nakapako sa pahirapang tulos bago siya malagutan ng hininga, sumigaw siya: “Naganap na!” (Juan 19:30) Gayunman, sa ikatlong araw pagkamatay ni Jesus, siya ay binuhay-muli ng kaniyang makalangit na Ama tungo sa espiritung buhay. (1 Pedro 3:18) Pagkalipas ng ilang linggo, bumalik siya sa langit. Doon ay “umupo [siya] sa kanan ng Diyos” at naghihintay na tumanggap ng kapangyarihan bilang hari. —Hebreo 10:12, 13. 22 Ano ang naisakatuparan ni Jesus sa pananatili niyang tapat hanggang kamatayan? Sa katunayan, ang kamatayan ni Jesus ay nagbukas sa atin ng pagkakataon para sa walang-hanggang buhay sa isang paraisong lupa, alinsunod sa orihinal na layunin ni Jehova. Tatalakayin sa susunod na kabanata kung paano iyan naging posible sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus. 22. Ano ang naisakatuparan ni Jesus sa pananatili niyang tapat hanggang kamatayan?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Pinatutunayan ng natupad na hula at ng mismong patotoo ng Diyos na si Jesus ang Mesiyas, o Kristo.—Mateo 16:16. ˇ Nabuhay si Jesus sa langit bilang isang espiritung nilalang sa loob ng matagal na panahon bago pa siya pumarito sa lupa.—Juan 3:13. ˇ Si Jesus ay isang guro, isang lalaki na may magiliw na pagmamahal, at isang halimbawa ng sakdal na pagsunod sa Diyos.—Mateo 9:35, 36.
KABANATA 5
Ang Pantubos —Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos Ano ba ang pantubos? Paano ito inilaan? Paano ka makikinabang dito? Paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ito? ANO ang pinakamahalagang regalong natanggap mo? Hindi naman kailangang maging mamahalin ang isang regalo para maging mahalaga. Kung sa bagay, hindi naman sinusukat ang tunay na halaga ng isang regalo sa salaping ipinambili rito. Sa halip, kapag ang isang regalo ay nagdulot sa iyo ng kaligayahan o napunan nito ang isang tunay na pangangailangan sa iyong buhay, malaki ang halaga nito sa iyo. 2 Sa maraming regalo na maaaring hinahangad mong matanggap, mayroong isa na nakahihigit sa lahat. Kaloob ito ng Diyos sa sangkatauhan. Marami nang ibinigay si Jehova sa atin, ngunit ang pinakamahalagang regalo niya sa atin ay ang haing pantubos ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. (Mateo 20:28) Gaya ng makikita natin sa kabanatang ito, ang pantubos ang pinakamahalagang regalo na puwede mong matanggap, sapagkat makapagdudulot ito sa iyo ng di-mapapantayang kaligayahan at makasasapat sa pinakamahahalagang pangangailangan mo. Sa katunayan, ang pantubos ang pinakadakilang kapahayagan ng pag-ibig ni Jehova para sa iyo. 1, 2. (a) Kailan nagkakaroon ng malaking halaga sa iyo ang isang regalo? (b) Bakit masasabing ang pantubos ang pinakamahalagang regalo na maaari mong matanggap?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
48
ANO BA ANG PANTUBOS? Sa simpleng pananalita, ang pantubos ang paraan ni Jehova upang tubusin, o iligtas, ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan. (Efeso 1:7) Upang maunawaan ang kahulugan ng turong ito sa Bibliya, kailangan nating balikan ang nangyari sa hardin ng Eden. Upang maunawaan natin kung bakit gayon na lamang kahalaga sa atin ang regalong pantubos, kailangan muna nating maintindihan kung ano ang naiwala ni Adan noong magkasala siya. 4 Nang lalangin ni Jehova si Adan, binigyan Niya ito ng isang bagay na talagang mahalaga—sakdal na buhay bilang tao. Pag-isipan kung ano ang kahulugan nito para kay Adan. Palibhasa’y ginawang sakdal ang kaniyang katawan at isip, hindi siya kailanman magkakasakit, tatanda, o mamamatay. Bilang sakdal na tao, mayroon siyang pantanging kaugnayan kay Jehova. Sinasabi ng Bibliya na si Adan ay “anak ng Diyos.” (Lucas 3:38) Kaya matalik ang kaugnayan ni Adan sa Diyos na Jehova, katulad ng kaugnayan ng isang anak sa isang maibiging ama. Nakipagtalastasan si Jehova sa kaniyang makalupang anak, anupat binigyan si Adan ng kasiya-siyang mga atas at ipinaalam sa kaniya kung ano ang inaasahan sa kaniya.—Genesis 1:28-30; 2:16, 17. 5 Ginawa si Adan “ayon sa larawan ng Diyos.” (Genesis 1:27) Hindi naman iyan nangangahulugang magkamukha si Adan at ang Diyos. Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 1 ng aklat na ito, si Jehova ay isang di-nakikitang espiritu. (Juan 4:24) Kaya walang dugo at katawang laman si Jehova. Ang pagkakagawa ayon sa larawan ng Diyos ay nangangahulugang nilalang si Adan na may mga katangiang kagaya ng sa Diyos, kasama na ang pag-ibig, karunungan, katarungan, at kapangyarihan. Si Adan ay kagaya ng kaniyang Ama sa isa pang mahalagang paraan dahil mayroon siyang kalayaang magpasiya. Kaya naman, si 3
3. Ano ba ang pantubos, at ano muna ang kailangan nating maintindihan upang maunawaan kung gaano kahalaga ang regalong ito? 4. Ano ang kahulugan para kay Adan ng sakdal na buhay bilang tao? 5. Ano ang ibig sabihin ng Bibliya nang banggitin nito na si Adan ay ginawa “ayon sa larawan ng Diyos”?
Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos
49
Adan ay hindi gaya ng isang makina na umaandar lamang alinsunod sa pagkakadisenyo o pagkakaprograma rito. Sa halip, makagagawa siya ng personal na mga desisyon, at makapamimili sa tama at mali. Kung pinili sana niyang sundin ang Diyos, mabubuhay siya magpakailanman sa Paraiso sa lupa. 6 Kung gayon, maliwanag na nang sumuway si Adan sa Diyos at mahatulang mamatay, napakalaking halaga ang ibinayad niya. Dahil sa kaniyang kasalanan, naiwala niya ang kaniyang sakdal na buhay bilang tao lakip na ang lahat ng pagpapala nito. (Genesis 3:17-19) Nakalulungkot, naiwala ni Adan ang napakahalagang buhay na ito hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi pati na rin sa kaniyang magiging mga supling. Ganito ang sabi ng Salita ng Diyos: “Sa pamamagitan ng isang tao [si Adan] ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.” (Roma 5:12) Oo, nagmana tayong lahat ng kasalanan mula kay Adan. Kaya naman, sinabi ng Bibliya na “ipinagbili” niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang mga supling sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan. (Roma 7:14) Walang pag-asa si Adan o si Eva dahil kusang-loob nilang pinili na sumuway sa Diyos. Pero kumusta naman ang kanilang mga supling, kabilang na tayo? 7 Sinagip ni Jehova ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pantubos. Ano ba ang pantubos? Ang ideya ng pantubos ay pangunahin nang nagsasangkot ng dalawang bagay. Una, ang pantubos ang halagang ibinabayad upang mapalaya o matubos ang isang bagay. Maihahambing ito sa halagang ibinabayad para matubos ang isang batang kinidnap. Ikalawa, ang pantubos ang halagang pantakip, o pambayad, sa halaga ng isang bagay. Kagaya naman ito ng halagang ibinabayad bilang pantakip sa nagawang pinsala. Halimbawa, kung 6. Nang sumuway si Adan sa Diyos, ano ang naiwala niya, at paano naapektuhan ang kaniyang mga supling? 7, 8. Ang isang pantubos ay pangunahin nang nagsasangkot ng anong dalawang bagay?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
50
makaaksidente ang isang tao, kailangan niyang bayaran ang eksaktong halaga na katumbas ng bagay na nasira. 8 Paano matatakpan ang napakalaking kawalan na idinulot ni Adan sa ating lahat at sa gayon ay mapalaya tayo mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan? Isaalang-alang natin ang pantubos na inilaan ni Jehova at kung paano ka makikinabang dito. KUNG PAANO INILAAN NI JEHOVA ANG PANTUBOS Yamang isang sakdal na buhay ng tao ang naiwala, walang di-sakdal na buhay ng tao ang makatutubos dito kailanman. (Awit 49:7, 8) Ang kailangan ay isang pantubos na katumbas ng naiwala. Alinsunod ito sa simulain ng sakdal na katarungan na masusumpungan sa Salita ng Diyos, na nagsasabi: “Kaluluwa ang magiging para sa kaluluwa.” (Deuteronomio 19:21) Kaya ano ang makapagtatakip sa halaga ng sakdal na kaluluwa, o buhay ng tao, na naiwala ni Adan? Ang “katumbas na pantubos” na kailangan ay isang sakdal na buhay rin ng tao.—1 Timoteo 2:6. 10 Paano inilaan ni Jehova ang pantubos? Isinugo niya sa lupa ang isa sa kaniyang mga sakdal na espiritung anak. Pero hindi isinugo ni Jehova ang basta sinumang espiritung nilalang. Isinugo niya ang isa na pinakamahalaga sa kaniya, ang kaniyang bugtong na Anak. (1 Juan 4:9, 10) Kusang-loob na iniwan ng Anak na ito ang kaniyang makalangit na tahanan. (Filipos 2:7) Gaya ng nalaman natin sa nakaraang kabanata ng aklat na ito, gumawa si Jehova ng himala nang ilipat niya ang buhay ng Anak na ito sa bahay-bata ni Maria. Sa pamamagitan ng banal na espiritu ng Diyos, isinilang si Jesus na isang sakdal na tao at hindi siya saklaw ng parusa ng kasalanan.—Lucas 1:35. 11 Paano magsisilbing pantubos ang isang tao para sa marami, sa katunayan, para sa milyun-milyong tao? Buweno, paano ba naging makasalanan ang milyun-milyong tao? Alalahanin na dahil sa pagkakasala, naiwala ni Adan ang mahalagang pag9
9. Anong uri ng pantubos ang kailangan? 10. Paano inilaan ni Jehova ang pantubos? 11. Paano magsisilbing pantubos ang isang tao para sa milyun-milyong tao?
Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos
51
aaring sakdal na buhay bilang tao. Kaya naman, hindi niya ito maipamamana sa kaniyang mga supling. Sa halip, tanging kasalanan at kamatayan ang maipamamana niya. Si Jesus, na tinatawag sa Bibliya na “huling Adan,” ay nagkaroon ng sakdal na buhay bilang tao, at hindi siya kailanman nagkasala. (1 Corinto 15:45) Sa diwa, hinalinhan ni Jesus si Adan upang iligtas tayo. Sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng kaniyang sakdal na buhay at walang-kapintasang pagsunod sa Diyos, binayaran ni Jesus ang halaga ng kasalanan ni Adan. Sa gayo’y nagdulot ng pag-asa si Jesus sa mga supling ni Adan.—Roma 5:19; 1 Corinto 15:21, 22. 12 Detalyadong inilalarawan ng Bibliya ang pagdurusang bi´ nata ni Jesus bago siya mamatay. Naranasan niya ang matinding panghahagupit, malupit na pagbabayubay, at napakasakit na kamatayan sa pahirapang tulos. (Juan 19:1, 16-18, 30; Apendise, pahina 204-6) Bakit kailangang magdusa si Jesus nang labislabis? Sa isa sa mga susunod na kabanata ng aklat na ito, makikita natin na kinuwestiyon ni Satanas kung mayroon bang sinumang taong lingkod si Jehova na mananatiling tapat sa ilalim ng pagsubok. Dahil sa pagbabata nang may katapatan sa kabila ng matinding pagdurusa, naibigay ni Jesus ang pinakamainam na sagot sa hamon ni Satanas. Pinatunayan ni Jesus na kayang panatilihin ng isang sakdal na taong may kalayaang magpasiya ang ganap na katapatan sa Diyos anuman ang gawin ng Diyablo. Tiyak na tuwang-tuwa si Jehova sa katapatan ng kaniyang minamahal na Anak!—Kawikaan 27:11. 13 Paano binayaran ang pantubos? Nang ika-14 na araw ng buwan ng Nisan ng mga Judio noong 33 C.E., pinahintulutan ng Diyos na patayin ang kaniyang sakdal at walang-kasalanang Anak. Sa gayo’y inihain ni Jesus ang kaniyang sakdal na buhay bilang tao “nang minsanan.” (Hebreo 10:10) Sa ikatlong araw pagkamatay ni Jesus, binuhay siyang muli ni Jehova bilang espiritung nilalang. Sa langit, iniharap ni Jesus sa Diyos ang halaga ng kaniyang sakdal na buhay bilang tao na inihain bilang pantubos na kapalit ng mga supling ni Adan. (Hebreo 12. Ano ang napatunayan ng pagdurusa ni Jesus? 13. Paano binayaran ang pantubos?
Ibinigay ni Jehova ang kaniyang bugtong na Anak bilang pantubos sa atin
Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos
53
9:24) Tinanggap ni Jehova ang halaga ng hain ni Jesus bilang pantubos na kinakailangan upang tubusin ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan.—Roma 3: 23, 24. KUNG PAANO KA MAKIKINABANG SA PANTUBOS Sa kabila ng ating makasalanang kalagayan, makapagtatamasa tayo ng walang katumbas na mga pagpapala dahil sa pantubos. Talakayin natin ang ilan sa mga kapakinabangang idudulot ng pinakamahalagang kaloob na ito mula sa Diyos sa kasalukuyan at sa hinaharap. 15 Kapatawaran ng mga kasalanan. Dahil sa minanang dikasakdalan, kailangan nating makipagpunyagi nang puspusan upang gawin ang tama. Lahat tayo ay nagkakasala sa salita man o sa gawa. Ngunit sa pamamagitan ng haing pantubos ni Jesus, makatatanggap tayo ng “kapatawaran ng ating mga kasalanan.” (Colosas 1:13, 14) Subalit para matamo ang kapatawarang iyan, kailangang tayo ay tunay na nagsisisi. Kailangan din nating magsumamo kay Jehova nang may kapakumbabaan, na hinihingi ang kaniyang kapatawaran salig sa ating pananampalataya sa haing pantubos ng kaniyang Anak.—1 Juan 1:8, 9. 16 Isang malinis na budhi sa harap ng Diyos. Ang isang bagbag na budhi ay madaling umakay sa kawalang pag-asa at pagkadama na wala tayong halaga. Gayunman, sa pamamagitan ng kapatawaran na naging posible dahil sa pantubos, tayo’y may-kabaitang binigyan ni Jehova ng pagkakataon na sambahin siya taglay ang malinis na budhi sa kabila ng ating di-kasakdalan. (Hebreo 9:13, 14) Ito ang dahilan kung kaya may kalayaan tayong makipag-usap kay Jehova. Sa gayon, malaya tayong makalalapit sa kaniya sa panalangin. (Hebreo 4:14-16) Ang pagpapanatili ng isang malinis na budhi ay nagbibigay ng kapayapaan ng isip, nagtataguyod ng paggalang sa sarili, at nagdudulot ng kaligayahan. 14
14, 15. Upang matanggap ang “kapatawaran ng ating mga kasalanan,” ano ang dapat nating gawin? 16. Ano ang tumutulong sa atin na sambahin ang Diyos taglay ang isang malinis na budhi, at ano ang kahalagahan ng gayong budhi?
Ang pagsisikap na higit na makilala si Jehova ay isang paraan upang maipakita mo na iyong pinahahalagahan ang kaniyang regalong pantubos
17 Ang pag-asang buhay na walang hanggan sa isang paraisong lupa. “Ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan,” ang sabi ng Roma 6:23. Idinagdag ng talata ring iyon: “Ngunit ang kaloob na ibinibigay ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Panginoon.” Sa Kabanata 3 ng aklat na ito, tinalakay natin ang mga pagpapala ng dumarating na makalupang Paraiso. (Apocalipsis 21: 3, 4) Lahat ng mga pagpapalang iyon sa hinaharap, pati na ang buhay na walang hanggan sa sakdal na kalusugan, ay naging posible dahil namatay si Jesus para sa atin. Upang matamo ang mga pagpapalang iyon, kailangan nating ipakita na pinahahalagahan natin ang regalong pantubos.
PAANO MO MAIPAKIKITA ANG IYONG PAGPAPAHALAGA? 18 Bakit tayo dapat magpasalamat nang lubos kay Jehova dahil sa pantubos? Buweno, ang isang regalo ay lalo nang mahalaga kung nagsasangkot ito ng pagsasakripisyo ng panahon, pagsisikap, o gastos sa bahagi ng nagbigay. Naaantig ang ating puso kapag nakikita natin na ang isang regalo ay kapahayagan ng tunay na pag-ibig sa atin ng nagbigay. Ang pantubos ang pinakamahalaga sa lahat ng regalo, sapagkat ginawa ng Diyos ang 17. Anong mga pagpapala ang naging posible dahil namatay si Jesus para sa atin? 18. Bakit tayo dapat magpasalamat kay Jehova sa paglalaan ng pantubos?
Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos
55
pinakamalaking sakripisyo kailanman upang mailaan ito. “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak,” ang sabi ng Juan 3:16. Ang pantubos ang pinakanamumukod-tanging patotoo ng pag-ibig ni Jehova para sa atin. Katibayan din ito ng pag-ibig ni Jesus, sapagkat kusang-loob niyang ibinigay ang kaniyang buhay alang-alang sa atin. (Juan 15:13) Kung gayon, ang regalong pantubos ay dapat kumumbinsi sa atin na iniibig tayo ni Jehova at ng kaniyang Anak bilang mga indibiduwal.—Galacia 2:20. 19 Kung gayon, paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang regalo ng Diyos na pantubos? Una sa lahat, gumawa ng pagsisikap upang higit na makilala ang Dakilang Tagapagbigay, si Jehova. (Juan 17:3) Ang pag-aaral ng Bibliya gamit ang publikasyong ito ay tutulong sa iyo na magawa iyan. Habang dumarami ang kaalaman mo tungkol kay Jehova, sisidhi ang iyong pag-ibig sa kaniya. Ang pag-ibig namang ito ang mag-uudyok sa iyo na palugdan siya.—1 Juan 5:3. 20 Manampalataya sa haing pantubos ni Jesus. Sinabi mismo ni Jesus: “Siya na nananampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan.” (Juan 3:36) Paano tayo mananampalataya kay Jesus? Ang gayong pananampalataya ay ipinakikita hindi lamang sa salita. “Ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay,” ang sabi ng Santiago 2:26. Oo, ang tunay na pananampalataya ay pinatutunayan ng “mga gawa,” o ng ating mga kilos. Ang isang paraan para maipakita natin na may pananampalataya tayo kay Jesus ay ang paggawa ng ating buong makakaya upang tularan siya hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa. —Juan 13:15. 21 Dumalo sa taunang pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon. Noong gabi ng Nisan 14, 33 C.E., pinasimulan ni Jesus ang isang espesyal na pagdiriwang na tinatawag sa Bibliya na “hapunan ng Panginoon.” (1 Corinto 11:20; Mateo 26:26-28) Tinatawag ding Memoryal ng kamatayan ni Kristo ang pagdiriwang na ito. 19, 20. Sa anu-anong paraan mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang regalo ng Diyos na pantubos? 21, 22. (a) Bakit tayo dapat dumalo sa taunang pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon? (b) Ano ang ipaliliwanag sa Kabanata 6 at 7?
56
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Pinasinayaan ito ni Jesus upang tulungan ang kaniyang mga apostol at ang lahat ng tunay na Kristiyanong nabuhay kasunod nila na alalahaning ibinigay niya ang kaniyang kaluluwa, o buhay, bilang pantubos sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan bilang sakdal na tao. Hinggil sa pagdiriwang na ito, iniutos ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.” (Lucas 22:19) Ang pagdiriwang ng Memoryal ay nagpapaalaala sa atin ng dakilang pag-ibig na ipinakita kapuwa ni Jehova at ni Jesus may kaugnayan sa pantubos. Maipakikita natin ang ating pagpapahalaga sa pantubos sa pamamagitan ng pagdalo sa taunang pagdiriwang ng Memoryal ng kamatayan ni Jesus.1 22 Ang paglalaan ni Jehova ng pantubos ay tunay na isang dimatutumbasang regalo. (2 Corinto 9:14, 15) Maging ang mga namatay na ay makikinabang sa walang katumbas na regalong ito. Ipaliliwanag ng Kabanata 6 at 7 kung paano. 1 Para sa higit pang impormasyon hinggil sa kahulugan ng Hapunan ng Panginoon, tingnan ang Apendise, pahina 206-8.
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Ang pantubos ang paraan ni Jehova upang tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan.—Efeso 1:7. ˇ Inilaan ni Jehova ang pantubos sa pamamagitan ng pagsusugo ng kaniyang bugtong na Anak sa lupa upang mamatay para sa atin.—1 Juan 4:9, 10. ˇ Sa pamamagitan ng pantubos, natatamo natin ang kapatawaran ng mga kasalanan, isang malinis na budhi, at ang pag-asang buhay na walang hanggan.—1 Juan 1:8, 9. ˇ Ipinakikita natin na ating pinahahalagahan ang pantubos sa pamamagitan ng pagsisikap na higit na makilala si Jehova, pananampalataya sa haing pantubos ni Jesus, at pagdalo sa Hapunan ng Panginoon.—Juan 3:16.
KABANATA 6
Nasaan ang mga Patay? Ano ang nangyayari sa atin kapag tayo ay namatay? Bakit tayo namamatay? Nakaaaliw bang malaman ang katotohanan tungkol sa kamatayan? ITO ang mga tanong na pinag-iisipan ng mga tao sa loob ng libulibong taon na. Mahahalagang tanong ang mga ito. Sinuman tayo o saanman tayo nakatira, nasasangkot tayong lahat sa sagot sa mga tanong na ito. 2 Sa nakaraang kabanata, tinalakay natin kung paano binuksan ng haing pantubos ni Jesu-Kristo ang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Natutuhan din natin na inihula ng Bibliya na darating ang panahon na “hindi na magkakaroon ng kamatayan.” (Apocalipsis 21:4) Samantala, lahat tayo ay namamatay. “Batid ng ´ mga buhay na sila ay mamamatay,” ang sabi ng matalinong si Haring Solomon. (Eclesiastes 9:5) Sinisikap nating mabuhay nang mas mahaba hangga’t maaari. Gayunman, iniisip pa rin natin kung ano ang mangyayari sa atin kapag namatay tayo. 3 Kapag namatay ang ating mga mahal sa buhay, nagdadalamhati tayo. At maaaring maitanong natin: ‘Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? Nagdurusa ba sila? Binabantayan kaya nila tayo? Matutulungan ba natin sila? Makikita pa kaya natin silang muli?’ Iba-iba ang sagot ng mga relihiyon sa daigdig sa mga tanong na ito. Itinuturo ng ilan na kung mabuti ka, pupunta ka sa langit pero kung masama ka, masusunog ka sa isang pahirapang dako. Itinuturo naman ng ibang relihiyon na sa kamatayan, nagtutungo ang mga tao sa daigdig ng mga espiritu upang makasama ang kanilang mga ninuno. Itinuturo pa ng ibang relihiyon na 1-3. Anu-ano ang itinatanong ng mga tao tungkol sa kamatayan, at anu-anong mga sagot ang ibinibigay ng iba’t ibang relihiyon?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
58
nagtutungo ang mga namatay sa daigdig ng mga patay upang hatulan at pagkatapos ay sumasailalim sa reinkarnasyon, o muling pagsilang sa ibang katawan. 4 Ang lahat ng gayong mga turo ng relihiyon ay may iisang saligang ideya—na may bahagi sa ating katawan na nananatiling ´ buhay pagkamatay ng pisikal na katawan. Ayon sa halos lahat ng relihiyon noon at ngayon, waring nabubuhay raw tayo magpakailanman taglay ang kakayahang makakita, makarinig, at mag-isip. Pero paano mangyayari iyan? Ang ating mga pandama, pati na ang ating mga kaisipan, ay nakadepende lahat sa paggana ng ating utak. Sa kamatayan, hindi na gumagana ang utak. Ang ating mga alaala, damdamin, at pandama ay hindi na patuloy na gumagana sa ganang sarili nito sa isang misteryosong paraan. Nawawala na ang mga ito kapag namatay na ang ating utak. ANO BA TALAGA ANG NANGYAYARI SA KAMATAYAN? Ang nangyayari sa kamatayan ay hindi misteryo kay Jehova, ang Maylalang ng utak. Alam niya ang katotohanan, at ipinaliwanag niya sa kaniyang Salita, ang Bibliya, ang kalagayan ng mga patay. Ganito ang maliwanag na turo nito: Kapag namatay ang isang tao, hindi na siya umiiral. Ang kamatayan ay kabaligtaran ng buhay. Ang patay ay hindi nakakakita o nakaririnig o naka´ pag-iisip. Walang anumang bahagi natin ang nananatiling buhay pagkamatay ng katawan. Wala tayong imortal na kaluluwa o espiritu.1 ´ 6 Matapos maobserbahan ni Solomon na alam ng mga buhay na sila ay mamamatay, sumulat siya: “Kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran.” Pagkatapos ay pinalawak niya ang saligang katotohanang iyan sa pagsasabing hindi kaya ng mga patay na umibig ni mapoot man at na “walang gawa ni katha man ni kaalaman man ni karunungan man sa [libingan].” (Eclesiastes 9:5, 6, 10) Sa katulad na paraan, sinasabi ng Awit 146:4 na kapag namatay ang isang tao, “maglalaho ang kaniyang pag-iisip.” 5
1 Para sa pagtalakay sa mga salitang “kaluluwa” at “espiritu,” pakisuyong tingnan ang Apendise, sa pahina 208-11. 4. Ano ang saligang ideya ng maraming relihiyon tungkol sa kamatayan? 5, 6. Ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa kalagayan ng mga patay?
Nasaan ang mga Patay?
Tayo ay mortal at hindi nananatiling buhay pagkamatay ng ating katawan. Ang buhay na tinatamasa natin ay kagaya ng apoy sa kandila. Kapag pinatay ang apoy, hindi ito napunta sa kung saan. Hindi na ito umiiral. KUNG ANO ANG SINABI NI JESUS TUNGKOL SA KAMATAYAN 7 Nagsalita si Jesu-Kristo tungkol sa kalagayan ng mga patay. Binanggit niya ito nang mamatay ´ ´ si Lazaro, isang taong kilalang-kilala niya. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Si Lazaro na ating kaibigan ay namamahinga.” Inakala ng mga alagad na ang ibig sabihin ni Jesus ay natutulog lamang si Lazaro para gumaling sa pagkakasakit. Nagkamali sila. Ganito ang paliwanag ni Jesus: “Si Lazaro ay namatay.” (Juan Saan napunta 11:11-14) Pansinin na inihambing ni Jesus ang ang apoy? kamatayan sa pamamahinga at pagtulog. Si Lazaro ay wala sa langit ni sa nag-aapoy na impiyerno. Hindi niya nakasama ang mga anghel o ang kaniyang mga ninuno. Si Lazaro ay hindi ipinanganak-muli na ibang tao. Siya ay namamahinga na sa kamatayan, na parang natutulog nang napakahimbing. Inihahalintulad din ng iba pang teksto ang kamatayan sa pagtulog. Halimbawa, nang pagbabatuhin ang alagad na si Esteban hanggang sa mamatay, sinabi ng Bibliya na siya ay “natulog.” (Gawa 7:60) Sa katulad na paraan, sumulat si apostol Pablo hinggil sa ilan noong panahon niya na “natulog” na sa kamatayan.—1 Corinto 15:6. 8 Orihinal bang layunin ng Diyos na mamatay ang tao? Hinding-hindi! Ginawa ni Jehova ang tao para mabuhay magpakailanman sa lupa. Gaya ng naunang natutuhan natin sa aklat na ito, inilagay ng Diyos ang unang taong mag-asawa sa isang napakagandang paraiso. Pinagpala niya sila ng sakdal na kalusugan. Walang ibang hangad si Jehova para sa kanila kundi ang mabuti. 7. Paano ipinaliwanag ni Jesus kung saan maihahalintulad ang kamatayan? 8. Paano natin nalaman na hindi layunin ng Diyos na mamatay ang mga tao?
60
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Mayroon bang sinumang maibiging magulang na gustong dumanas ang kaniyang mga anak ng hapis na dulot ng katandaan at kamatayan? Siyempre wala! Iniibig ni Jehova ang kaniyang mga anak at nais niyang magtamasa sila ng walang-katapusang kaligayahan sa lupa. May kaugnayan sa mga tao, ganito ang sinabi ng Bibliya: “Ang panahong walang takda ay inilagay [ni Jehova] sa kanilang puso.� (Eclesiastes 3:11) Nilalang tayo ng Diyos na may hangaring mabuhay magpakailanman. At gumawa siya ng paraan upang matupad ang hangaring iyan. Ginawa ni Jehova ang mga tao para mabuhay magpakailanman sa lupa
Nasaan ang mga Patay?
61
KUNG BAKIT NAMAMATAY ANG MGA TAO Kung gayon, bakit namamatay ang mga tao? Upang masumpungan ang sagot, kailangan nating isaalang-alang kung ano ang nangyari noong iisa pa lamang ang lalaki at iisa pa lamang ang babae sa lupa. Ganito ang paliwanag ng Bibliya: “Pinatubo ng Diyos na Jehova mula sa lupa ang bawat punungkahoy na kanais-nais sa paningin at mabuting kainin.” (Genesis 2:9) Gayunman, may isang pagbabawal. Sinabi ni Jehova kay Adan: “Mula sa bawat punungkahoy sa hardin ay makakakain ka hanggang masiyahan. Ngunit kung tungkol sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain mula roon, sapagkat sa araw na kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka.” (Genesis 2:16, 17) Hindi naman mahirap sundin ang utos na ito. Marami pang ibang punungkahoy na mapagkukunan ng pagkain sina Adan at Eva. Ngunit nagkaroon sila ngayon ng isang pantanging pagkakataon para ipakita ang kanilang pasasalamat sa Isa na nagbigay sa kanila ng lahat ng bagay, lakip na ang sakdal na buhay. Ang kanilang pagkamasunurin ay magpapakita rin na iginagalang nila ang awtoridad ng kanilang makalangit na Ama at nais nila ang kaniyang maibiging patnubay. 10 Nakalulungkot, pinili ng unang taong mag-asawa na sumuway kay Jehova. Sa pamamagitan ng isang serpiyente, tinanong ni Satanas si Eva: “Talaga bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain mula sa bawat punungkahoy sa hardin?” Sumagot si Eva: “Sa bunga ng mga punungkahoy sa hardin ay makakakain kami. Ngunit kung tungkol sa pagkain ng bunga ng punungkahoy na nasa gitna ng hardin, sinabi ng Diyos, ‘Huwag kayong kakain mula roon, ni huwag ninyong hihipuin iyon upang hindi kayo mamatay.’ ”—Genesis 3:1-3. 11 “Tiyak na hindi kayo mamamatay,” ang sabi ni Satanas. “Nalalaman ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo mula roon ay madidilat nga ang inyong mga mata at kayo nga ay magiging tulad ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.” (Genesis 9
9. Ano ang ipinagbawal ni Jehova kay Adan, at bakit hindi naman mahirap sundin ang utos na ito? 10, 11. (a) Paano sinuway ng unang mag-asawang tao ang Diyos? (b) Bakit seryosong bagay ang pagsuway nina Adan at Eva?
62
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
3:4, 5) Nais papaniwalain ni Satanas si Eva na makikinabang siya kung kakainin niya ang ipinagbabawal na bunga. Ayon kay Satanas, makapagpapasiya si Eva para sa kaniyang sarili kung ano ang tama at kung ano ang mali; magagawa niya kung ano ang gusto niyang gawin. Nagparatang din si Satanas na nagsinungaling si Jehova tungkol sa magiging resulta ng pagkain sa bunga. Naniwala naman si Eva kay Satanas. Kaya pumitas siya ng ilan sa mga bunga at kinain ito. Pagkatapos ay binigyan niya ang kaniyang asawa, at kumain din ito. Hindi sila kumilos nang ganoon dahil sa kawalang-alam. Alam nila na ang kanilang ginawa ay ang mismong kabaligtaran ng iniutos ng Diyos. Sa pagkain sa bunga, sinadya nilang suwayin ang isang simple at makatuwirang utos. Hinamak nila ang kanilang makalangit na Ama at ang kaniyang awtoridad.
Si Adan ay mula sa alabok, at bumalik siya sa alabok
Nasaan ang mga Patay?
63
Talagang hindi mapatatawad ang gayong kawalang-galang sa kanilang maibiging Maylalang! 12 Bilang paglalarawan: Ano kaya ang madarama mo kung pagkatapos mong palakihin at alagaan ang isang anak ay sumuway ito sa iyo sa paraang nagpapakita na wala siyang paggalang o pag-ibig sa iyo? Tiyak na napakasakit nito para sa iyo. Ngayon, gunigunihin kung gaano katinding sakit ang tiyak na nadama ni Jehova nang kapuwa tahakin nina Adan at Eva ang landas ng pagsalansang sa kaniya. 13 Walang dahilan si Jehova para buhayin magpakailanman ang masuwaying sina Adan at Eva. Namatay sila, gaya ng sinabi niyang mangyayari sa kanila. Hindi na umiral sina Adan at Eva. Hindi sila napunta sa daigdig ng mga espiritu. Alam natin ito dahil sa sinabi ni Jehova kay Adan pagkatapos Niyang papagsulitin ito dahil sa kaniyang pagsuway. Sinabi ng Diyos: “Ikaw ay [babalik] sa lupa, sapagkat mula riyan ka kinuha. Sapagkat ikaw ay alabok at sa alabok ka babalik.” (Genesis 3:19) Ginawa ng Diyos si Adan mula sa alabok ng lupa. (Genesis 2:7) Bago iyan, hindi umiiral si Adan. Samakatuwid, nang sabihin ni Jehova na babalik si Adan sa alabok, ang ibig Niyang sabihin ay babalik si Adan sa kalagayan ng di-pag-iral. Si Adan ay magiging walang buhay gaya ng alabok na pinagkunan sa kaniya. ´ 14 Buhay sana ngayon sina Adan at Eva, ngunit namatay sila dahil pinili nilang sumuway sa Diyos at sa gayo’y nagkasala sila. Namamatay tayo dahil naipasa ni Adan ang kaniyang makasalanang kalagayan gayundin ang kamatayan sa lahat ng kaniyang mga inapo. (Roma 5:12) Ang kasalanang iyan ay katulad ng isang nakapanghihilakbot na minanang sakit na hindi matatakasan ng sinuman. Isang sumpa ang resulta nito, kamatayan. Ang kamatayan ay isang kaaway at hindi isang kaibigan. (1 Corinto 15:26) Kaylaking pasasalamat natin na naglaan si Jehova ng pantubos para sagipin tayo mula sa kahila-hilakbot na kaaway na ito! 12. Ano ang makatutulong sa atin na maunawaan kung ano ang nadama ni Jehova nang tahakin nina Adan at Eva ang landas ng pagsalansang sa kaniya? 13. Ano ang sinabi ni Jehova na mangyayari kay Adan sa kamatayan, at ano ang ibig sabihin nito? 14. Bakit tayo namamatay?
64
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
KAPAKI-PAKINABANG NA MALAMAN ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA KAMATAYAN 15 Nakaaaliw ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa kalagayan ng mga patay. Gaya ng nakita na natin, hindi dumaranas ng kirot o pighati ang mga patay. Walang dahilan para matakot sa kanila, dahil hindi naman nila tayo kayang saktan. Hindi nila kailangan ang ating tulong, at hindi nila tayo kayang tulungan. Hindi natin sila makakausap, at hindi nila tayo makakausap. Maraming lider ng relihiyon ang may-kabulaanang nag-aangkin na kaya nilang tulungan ang mga namatay na, at binibigyan naman sila ng pera ng mga taong naniniwala sa kanila. Ngunit ang pagkaalam ng katotohanan ay nagsasanggalang sa atin mula sa panlilinlang ng mga nagtuturo ng gayong mga kasinungalingan. 16 Magkatugma ba ang itinuturo ng iyong relihiyon at ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa mga patay? Ang karamihan ay hindi. Bakit? Dahil naimpluwensiyahan ni Satanas ang kanilang mga turo. Ginagamit niya ang huwad na relihiyon upang papaniwalain ang mga tao na pagkamatay ng kanilang katawan, patuloy silang mabubuhay sa daigdig ng mga espiritu. Isa itong kasinungalingan na isinasama ni Satanas sa iba pang kasinungalingan upang ilayo ang mga tao sa Diyos na Jehova. Paano? 17 Gaya ng nabanggit na, itinuturo ng ilang relihiyon na kung masama ang isang tao, magtutungo siya sa isang lugar ng maapoy na pagpapahirap upang magdusa roon magpakailanman pagkamatay niya. Hindi nagpaparangal sa Diyos ang turong ito. Si Jehova ay Diyos ng pag-ibig at hinding-hindi niya pahihirapan ang mga tao sa ganitong paraan. (1 Juan 4:8) Ano kaya ang madarama mo sa isang tao na pinarurusahan ang isang masuwaying bata sa pamamagitan ng paglalagay ng mga kamay nito sa apoy? Igagalang mo ba ang ganitong tao? Sa katunayan, gugustuhin mo bang makilala man lamang siya? Tiyak na hindi! Malamang na iisipin mong napakalupit niya. Gayunman, gusto ni Satanas na maniwala tayo na pinahihirapan ni Jehova ang mga tao sa apoy magpakailanman —sa loob ng di-mabilang na bilyun-bilyong taon! 15. Bakit nakaaaliw malaman ang katotohanan tungkol sa kamatayan? 16. Sino ang nakaimpluwensiya sa mga turo ng maraming relihiyon, at sa anong paraan? 17. Bakit hindi nagpaparangal kay Jehova ang turo hinggil sa walang-hanggang pagpapahirap?
Nasaan ang mga Patay?
65
Ginagamit din ni Satanas ang ilang relihiyon para ituro na pagkamatay, ang mga tao ay nagiging mga espiritu na dapat igalang at parangalan ng mga nabubuhay. Ayon sa turong ito, ang espiritu ng mga patay ay maaaring maging makapangyarihang mga kaibigan o nakatatakot na mga kaaway. Maraming tao ang naniniwala sa kasinungalingang ito. Kinatatakutan nila ang mga patay at pinararangalan at sinasamba ang mga ito. Sa kabaligtaran, itinuturo ng Bibliya na natutulog ang mga patay at ang nararapat lamang na sambahin ay ang tunay na Diyos, si Jehova, na ating Maylalang at Tagapaglaan.—Apocalipsis 4:11. 19 Ang pagkaalam ng katotohanan tungkol sa mga patay ay nagsasanggalang sa iyo upang hindi ka mailigaw ng relihiyosong mga kasinungalingan. Tumutulong din ito sa iyo na maunawaan ang iba pang mga turo sa Bibliya. Halimbawa, nang maunawaan mo na ang mga tao ay hindi nagtutungo sa daigdig ng mga espiritu sa kamatayan, nagkaroon ng tunay na kahulugan sa iyo ang pangakong buhay na walang hanggan sa isang paraisong lupa. 20 Matagal nang panahon ang nakalilipas, ganito ang itinanong ng matuwid na taong si Job: “Kung ang isang matipunong lalaki ay mamatay mabubuhay pa ba siyang muli?” (Job 14:14) Mabubuhay pa kayang muli ang isang taong walang buhay na natutulog sa kamatayan? Lubhang nakaaaliw ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa bagay na ito, gaya ng ipakikita ng susunod na kabanata. 18
18. Ang pagsamba sa mga patay ay salig sa anong relihiyosong kasinungalingan? 19. Ang pagkaalam ng katotohanan tungkol sa kamatayan ay tumutulong sa atin na maunawaan ang anong iba pang turo ng Bibliya? 20. Anong tanong ang tatalakayin sa susunod na kabanata?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Ang mga patay ay hindi nakakakita o nakaririnig o nakapag-iisip.—Eclesiastes 9:5. ˇ Ang mga patay ay namamahinga; hindi sila nagdurusa.—Juan 11:11. ˇ Tayo ay namamatay dahil sa minana nating kasalanan kay Adan.—Roma 5:12.
KABANATA 7
Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay Paano natin nalaman na talagang magkakaroon ng pagkabuhay-muli? Ano ang nadarama ni Jehova sa pagbuhay-muli sa mga patay? Sinu-sino ang bubuhaying muli? GUNIGUNIHING tumatakas ka mula sa isang mabagsik na kaaway. Mas malakas siya at mas mabilis kaysa sa iyo. Alam mong siya’y walang-awa dahil nakita mo nang pinatay niya ang ilan sa iyong mga kaibigan. Gaanuman katindi ang pagsisikap mong ´ ´ matakasan siya, papalapıt siya nang papalapıt sa iyo. Waring wala nang pag-asa. Subalit biglang-bigla, dumating ang isang tagapagligtas. Di-hamak na mas malakas siya kaysa sa iyong kaaway, at nangako siyang tutulungan ka niya. Kaylaking pasasalamat mo! 2 Sa diwa, talagang hinahabol ka ng gayong kaaway. Lahat tayo ay hinahabol nito. Gaya ng natutuhan natin sa naunang kabanata, tinatawag ng Bibliya ang kamatayan na isang kaaway. Hindi ito matatakasan ni malalabanan man ng sinuman sa atin. Nakita na ng karamihan sa atin na inagaw ng kaaway na ito ang buhay ng mga taong minamahal natin. Ngunit di-hamak na mas makapangyarihan si Jehova kaysa sa kamatayan. Siya ang maibiging Tagapagligtas at naipakita na niyang kaya niyang talunin ang kaaway na ito. At nangangako siyang lubusan niyang lilipulin ang kaaway na ito, ang kamatayan. Itinuturo ng Bibliya: “Bilang huling kaaway, ang kamatayan ay papawiin.” (1 Corinto 15:26) Magandang balita iyan! 1-3. Anong kaaway ang humahabol sa ating lahat, at bakit magdudulot sa atin ng kaginhawahan ang pagsasaalang-alang sa itinuturo ng Bibliya?
Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay
67
Isaalang-alang natin sandali kung paano tayo naaapektuhan kapag sumasalakay ang kaaway na kamatayan. Tutulong ito sa atin na maunawaan ang isang bagay na makapagpapaligaya sa atin. Alam mo, nangako kasi si Jehova na ang mga patay ay muling mabubuhay. (Isaias 26:19) Iyan ang pag-asa na pagkabuhay-muli. 3
KAPAG NAMATAY ANG ISANG MAHAL SA BUHAY Namatayan ka na ba ng mahal sa buhay? Ang kirot, pighati, at pagkadama ng pagiging walang kalaban-laban ay waring hindi kayang batahin. Sa gayong mga panahon, kailangan nating bumaling sa Salita ng Diyos para sa kaaliwan. (2 Corinto 1: 3, 4) Tinutulungan tayo ng Bibliya na maunawaan kung ano ang nadarama ni Jehova at ni Jesus hinggil sa kamatayan. Ganap na masasalamin kay Jesus ang mga katangian ng kaniyang Ama, at batid niya kung gaano kasakit ang mamatayan ng mahal sa buhay. (Juan 14:9) Kapag nasa Jerusalem siya noon, madalas dalawin ni Jesus si Lazaro at ang mga ate nito, sina Maria at Marta, na nakatira sa karatig-bayan na Betania. Naging matalik silang magkakaibigan. Ganito ang sabi ng Bibliya: “Iniibig . . . ni Jesus si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro.” (Juan 11:5) Ngunit namatay si Lazaro, gaya ng nalaman natin sa naunang kabanata. 5 Ano ang nadama ni Jesus nang mamatay ang kaniyang kaibigan? Sinasabi ng ulat na pinuntahan ni Jesus ang mga kamag-anak at kaibigan ni Lazaro na nagdadalamhati dahil sa kanilang kawalan. Pagkakita sa kanila, lubhang naantig si Jesus. Siya ay “dumaing sa espiritu at nabagabag.” Pagkatapos, sinabi ng ulat, “si Jesus ay lumuha.” (Juan 11:33, 35) Ang pagdadalamhati ba ni Jesus ay nangangahulugang nawalan na siya ng pag-asa? Hindi. Sa katunayan, alam ni Jesus na isang kamangha-manghang bagay ang malapit nang maganap. (Juan 11:3, 4) Gayunpaman, nadama niya ang kirot at lumbay na dulot ng kamatayan. 4
4. (a) Bakit may matututuhan tayo hinggil sa damdamin ni Jehova mula sa reaksiyon ni Jesus sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay? (b) Nagkaroon si Jesus ng anong natatanging pakikipagkaibigan? 5, 6. (a) Paano tumugon si Jesus nang makasama niya ang nagdadalamhating pamilya at mga kaibigan ni Lazaro? (b) Bakit nakapagpapatibay-loob sa atin ang pagdadalamhati ni Jesus?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
68
Sa isang paraan, ang pagdadalamhati ni Jesus ay nakapagpapatibay-loob sa atin. Itinuturo nito sa atin na kinapopootan ni Jesus at ng kaniyang Ama, si Jehova, ang kamatayan. Pero kayang labanan at daigin ng Diyos na Jehova ang kaaway na iyan! Tingnan natin kung anong kapangyarihan ang ipinagkaloob ng Diyos kay Jesus. 6
“LAZARO, LUMABAS KA!” Inilibing si Lazaro sa isang yungib, o kuweba, at hiniling ni Jesus na alisin ang bato na nakatakip sa pasukan nito. Tumutol si Marta dahil malamang na nagsisimula nang mabulok ang katawan ni Lazaro yamang apat na araw na ang nakalilipas. (Juan 11:39) Mula sa pangmalas ng tao, tila wala nang pag-asa. 8 Iginulong ang bato, at sumigaw si Jesus: “Lazaro, lumabas ka!” Ano ang nangyari? “Ang taong namatay ay lumabas.” (Juan 11:43, 44) Maguguniguni mo ba ang kagalakan ng mga taong naroroon? Si Lazaro man ay kanilang kapatid, kamag-anak, kaibigan, o kapitbahay, alam nilang patay na siya. Gayunman, heto siya—ang mismong taong minamahal nila—nakatayong muli kasama nila. Marahil ay napakahirap paniwalaan ito. Walang alinlangan na marami ang buong-kagalakang yumakap kay Lazaro. Kaylaking tagumpay laban sa kamatayan! 9 Hindi inangkin ni Jesus na ginawa niya ang kagila-gilalas na himalang ito sa sarili lamang niyang kapangyarihan. Sa kaniyang panalangin bago tawagin si Lazaro, niliwanag niya na si Jehova ang Bukal ng kaniyang kapangyarihang bumuhay-muli. (Juan 11: 41, 42) Hindi ito ang tanging pagkakataon na ginamit ni Jehova ang kaniyang kapangyarihan sa ganitong paraan. Ang pagkabuhay-muli ni Lazaro ay isa lamang sa siyam na himala ng pagkabuhay-muli na nakaulat sa Salita ng Diyos.1 Kasiya-siyang basahin at pag-aralan ang mga ulat na ito. Itinuturo sa atin ng 7
1 Ang ibang mga ulat ay masusumpungan sa 1 Hari 17:17-24; 2 Hari 4:32-37; 13:20, 21; Mateo 28:5-7; Lucas 7:11-17; 8:40-56; Gawa 9:36-42; at 20:7-12. 7, 8. Bakit waring wala nang pag-asa ang kalagayan ni Lazaro sa mga taong nagmamasid, ngunit ano ang ginawa ni Jesus? 9, 10. (a) Paano isiniwalat ni Jesus ang Bukal ng kaniyang kapangyarihang bumuhay-muli kay Lazaro? (b) Ano ang ilan sa mga kapakinabangan ng pagbabasa sa mga ulat ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli?
Binuhay-muli ni Elias ang anak ng isang balo.—1 Hari 17:17-24
Binuhay-muli ni apostol Pedro ang Kristiyanong babaing si Dorcas. —Gawa 9:36-42
Ang pagkabuhay-muli ni Lazaro ay nagdulot ng malaking kagalakan.—Juan 11:38-44
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
70
mga ito na ang Diyos ay hindi nagtatangi, yamang kasama sa mga binuhay-muli ang mga bata at matanda, lalaki at babae, Israelita at di-Israelita. At kaylaking kagalakan ang inilalarawan sa mga talatang ito! Halimbawa, nang ibangon ni Jesus ang isang batang babae mula sa mga patay, ang kaniyang mga magulang ay “halos mawala . . . sa kanilang sarili sa napakasidhing kagalakan.” (Marcos 5:42) Oo, binigyan sila ni Jehova ng dahilan para matamasa ang kagalakang hinding-hindi nila malilimutan. 10 Siyempre pa, namatay rin nang maglaon ang mga binuhaymuli ni Jesus. Nangangahulugan ba ito na walang saysay ang pagbuhay-muli sa kanila? Hinding-hindi. Pinatutunayan ng mga ulat na ito ng Bibliya ang mahalagang mga katotohanan at binibigyan tayo nito ng pag-asa. MATUTO MULA SA MGA ULAT NG PAGKABUHAY-MULI Itinuturo ng Bibliya na ang mga patay ay “walang anumang ´ kabatiran.” Hindi sila buhay at wala na silang malay saanmang dako. Pinatutunayan ng ulat tungkol kay Lazaro ang katotohanang ito. Nang mabuhay siyang muli, pinanabik ba ni Lazaro ang mga tao ng mga paglalarawan niya sa langit? O tinakot ba niya sila ng kakila-kilabot na mga kuwento tungkol sa nag-aapoy na impiyerno? Hindi. Ang Bibliya ay hindi naglalaman ng gayong mga pananalita mula kay Lazaro. Sa loob ng apat na araw na siya’y patay, ‘wala siyang anumang kabatiran.’ (Eclesiastes 9:5) Si Lazaro ay natulog lamang sa kamatayan.—Juan 11:11. 12 Itinuturo rin sa atin ng ulat hinggil kay Lazaro na totoo ang pagkabuhay-muli at hindi gawa-gawa lamang. Ibinangon ni Jesus si Lazaro sa harap ng isang pulutong ng mga saksi. Hindi itinanggi maging ng relihiyosong mga lider, na napopoot kay Jesus, ang himalang ito. Sa halip, sinabi nila: “Ano ang ating gagawin, sapagkat ang taong ito [si Jesus] ay gumagawa ng maraming tanda?” (Juan 11:47) Maraming tao ang nagtungo roon upang makita ang binuhay-muling si Lazaro. Bilang resulta, mas marami pa ang ´ nanampalataya kay Jesus. Nakita nila kay Lazaro ang buhay na patotoo na si Jesus ay isinugo ng Diyos. Napakatibay ng patotoong 11
11. Paano nakatutulong ang ulat hinggil sa pagkabuhay-muli ni Lazaro upang patunayan ang katotohanang nakaulat sa Eclesiastes 9:5? 12. Bakit tayo makatitiyak na talagang nangyari ang pagkabuhay-muli ni Lazaro?
Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay
71
ito anupat ang ilan sa mga Judiong relihiyosong lider na matigas ang puso ay nagplanong patayin kapuwa si Jesus at si Lazaro. —Juan 11:53; 12:9-11. 13 Pagiging di-makatotohanan ba na tanggapin ang pagkabuhay-muli bilang isang tunay na pangyayari? Hindi, sapagkat itinuro ni Jesus na balang-araw, ang “lahat ng nasa mga alaalang libingan” ay bubuhaying muli. (Juan 5:28) Si Jehova ang Maylalang ng lahat ng buhay. Mahirap bang paniwalaan na kaya niyang lalanging muli ang buhay? Siyempre pa, malaki ang papel na ginagampanan ng memorya ni Jehova. Matatandaan kaya niya ang namatay nating mga mahal sa buhay? Di-mabilang na trilyuntrilyong bituin ang makikita sa uniberso, gayunma’y binigyan ng Diyos ng pangalan ang bawat isa! (Isaias 40:26) Kung gayon, kayang tandaan ng Diyos na Jehova ang bawat detalye hinggil sa ating namatay na mga mahal sa buhay, at handa siyang buhayin silang muli. 14 Gayunman, ano naman kaya ang nadarama ni Jehova hinggil sa pagbuhay-muli sa mga patay? Itinuturo ng Bibliya na nasasabik siyang buhaying muli ang mga patay. Nagtanong ang tapat na lalaking si Job: “Kung ang isang matipunong lalaki ay mamatay mabubuhay pa ba siyang muli?” Tinutukoy ni Job ang paghihintay sa libingan hanggang sa dumating ang panahon para alalahanin siya ng Diyos. Sinabi niya kay Jehova: “Ikaw ay tatawag, at ako ay sasagot sa iyo. Ang gawa ng iyong mga kamay ay mimithiin mo.”—Job 14:13-15. 15 Isip-isipin na lamang! Minimithi talaga ni Jehova na buhaying muli ang mga patay. Hindi ba nakaaantig-damdaming malaman na ganiyan ang nadarama ni Jehova? Pero kumusta naman ang pagkabuhay-muli sa hinaharap? Sinu-sino ba ang bubuhaying muli, at saan? 16
“LAHAT NG NASA MGA ALAALANG LIBINGAN” Maraming itinuturo sa atin ang mga ulat ng Bibliya sa
13. Ano ang saligan natin upang maniwala na talagang kayang buhaying muli ni Jehova ang mga patay? 14, 15. Gaya ng inilalarawan ng sinabi ni Job, ano ang nadarama ni Jehova hinggil sa pagbuhay-muli sa mga patay? 16. Bubuhaying muli ang mga patay upang mabuhay sa anong mga kalagayan?
72
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
pagkabuhay-muli tungkol sa magaganap na pagkabuhay-muli sa hinaharap. Muling nakapiling ng mga taong binuhay-muli rito mismo sa lupa ang kanilang mga mahal sa buhay. Ganiyan din ang mangyayari sa pagkabuhay-muli sa hinaharap—subalit magiging mas mainam pa. Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 3, layunin ng Diyos na maging isang paraiso ang buong lupa. Kaya ang mga patay ay hindi bubuhaying-muli sa isang daigdig na lipos ng digmaan, krimen, at sakit. Magkakaroon sila ng pagkakataong mabuhay magpakailanman sa lupang ito sa mapayapa at maligayang kalagayan. 17 Sinu-sino ang bubuhaying muli? Sinabi ni Jesus na “lahat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig [ni Jesus] at lalabas.” (Juan 5:28, 29) Gayundin, sinasabi ng Apocalipsis 20:13: “Ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya, at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila.” Ang “Hades” ay tumutukoy sa karaniwang libingan ng sangkatauhan. (Tingnan ang Apendise, pahina 21213.) Mawawalan ng laman ang pangkalahatang libingang ito. Lahat ng bilyun-bilyong patay na namamahinga roon ay mabubuhay-muli. Ganito ang sabi ni apostol Pablo: “Magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.” (Gawa 24:15) Ano ang kahulugan nito? 18 Kabilang sa “mga matuwid” ang marami sa mga tao na nababasa natin sa Bibliya na nabuhay bago pumarito sa lupa si Jesus. Baka maisip mo sina Noe, Abraham, Sara, Moises, Ruth, Esther, at maraming iba pa. Ang ilan sa mga lalaki at babaing ito na may pananampalataya sa Diyos ay tinatalakay sa ika-11 kabanata ng Mga Hebreo. Ngunit kabilang din sa “mga matuwid” ang mga lingkod ni Jehova na namatay sa ating panahon. Dahil sa pag-asa na pagkabuhay-muli, maaari tayong mapalaya mula sa anumang takot na mamatay.—Hebreo 2:15. 19 Kumusta naman ang lahat ng mga taong hindi naglingkod o sumunod kay Jehova dahil hindi naman nila siya nakilala? Ang 17. Gaano karami ang bubuhaying muli? 18. Sinu-sino ang kabilang sa “mga matuwid” na bubuhaying muli, at paano ka maaaring personal na maapektuhan ng pag-asang ito? 19. Sino ang “mga di-matuwid,” at anong pagkakataon ang may-kabaitang ibinibigay ni Jehova sa kanila?
Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay
73
bilyun-bilyong ito na “mga di-matuwid” ay hindi malilimutan. Sila rin ay bubuhaying muli at bibigyan ng panahon para matuto tungkol sa tunay na Diyos at maglingkod sa kaniya. Sa loob ng sanlibong taon, bubuhaying muli ang mga patay at bibigyan ng pagkakataong makasama ng tapat na mga tao sa lupa sa paglilingkod kay Jehova. Magiging isang kapana-panabik na panahon ito. Ang yugtong ito ang tinatawag sa Bibliya na Araw ng Paghuhukom.1 20 Nangangahulugan ba ito na bubuhaying muli ang bawat taong nabuhay noon? Hindi. Sinasabi ng Bibliya na ang ilan sa mga namatay ay nasa “Gehenna.” (Lucas 12:5) Nakuha ang pangalang Gehenna mula sa isang tapunan ng basura na matatagpuan sa labas ng sinaunang Jerusalem. Doon sinusunog ang mga bangkay at mga basura. Ang mga bangkay na itinatapon doon ay itinuturing ng mga Judio na hindi karapat-dapat sa paglilibing o sa pagkabuhay-muli. Kaya ang Gehenna ay isang angkop na simbolo ng walang-hanggang pagkapuksa. Bagaman magkakaroon ng ´ papel si Jesus sa paghuhukom sa mga buhay at sa mga patay, si Jehova ang pangwakas na Hukom. (Gawa 10:42) Hinding-hindi niya bubuhaying muli yaong mga hinatulan na niya bilang napakasama at ayaw magbago. ANG MAKALANGIT NA PAGKABUHAY-MULI Tinutukoy rin ng Bibliya ang isa pang uri ng pagkabuhay-muli, ang buhay bilang espiritung nilalang sa langit. Iisang halimbawa lamang ng ganitong uri ng pagkabuhay-muli ang nakaulat sa Bibliya, yaong kay Jesu-Kristo. 22 Pagkamatay ni Jesus bilang tao, hindi pinahintulutan ni Jehova na manatili ang Kaniyang tapat na Anak sa libingan. (Awit 16:10; Gawa 13:34, 35) Binuhay-muli ng Diyos si Jesus, ngunit hindi bilang tao. Ipinaliwanag ni apostol Pedro na si Kristo ay “pinatay sa laman, ngunit binuhay sa espiritu.” (1 Pedro 3:18) 21
1 Para sa higit na impormasyon tungkol sa Araw ng Paghuhukom at sa saligan ng paghuhukom, pakisuyong tingnan ang Apendise, pahina 213-15. 20. Ano ang Gehenna, at sino ang nagtutungo roon? 21, 22. (a) Ano ang isa pang uri ng pagkabuhay-muli? (b) Sino ang kaunaunahang pinagkalooban ng pagkabuhay-muli tungo sa espiritung buhay?
74
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Talagang isang pambihirang himala ito. Muling nabuhay si Jesus bilang isang makapangyarihang espiritung persona! (1 Corinto 15:3-6) Si Jesus ang kauna-unahang pinagkalooban ng ganitong maluwalhating uri ng pagkabuhay-muli. (Juan 3:13) Ngunit hindi siya ang huli. 23 Sa pagkaalam na malapit na siyang bumalik sa langit, sinabi ni Jesus sa kaniyang tapat na mga tagasunod na ‘maghahanda siya ng dako’ sa langit para sa kanila. (Juan 14:2) Tinukoy ni Jesus yaong mga magtutungo sa langit bilang kaniyang “munting kawan.” (Lucas 12:32) Ilan ang mapapabilang sa maituturing na maliit na grupong ito ng tapat na mga Kristiyano? Ayon sa Apocalipsis 14:1, ganito ang sabi ni apostol Juan: “Nakita ko, at, narito! ang Kordero [si Jesu-Kristo] na nakatayo sa Bundok Sion, at ang kasama niya ay isang daan at apatnapu’t apat na libo na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama na nakasulat sa kanilang mga noo.” 24 Ang 144,000 Kristiyanong ito, kabilang na ang tapat na mga apostol ni Jesus, ay bubuhaying muli tungo sa langit. Kailan magaganap ang kanilang pagkabuhay-muli? Isinulat ni apostol Pablo na ito ay magaganap sa panahon ng pagkanaririto ni Kristo. (1 Corinto 15:23) Gaya ng matututuhan mo sa Kabanata 9, nabubuhay na tayo ngayon sa panahong iyan. Kaya ang iilang nalalabi pa ng 144,000 na mamamatay sa ating panahon ay kaagad-agad na bubuhaying muli tungo sa langit. (1 Corinto 15:51-55) Gayunman, ang karamihan sa sangkatauhan ay may pag-asang buhaying muli sa hinaharap sa Paraisong lupa. 25 Oo, talagang tatalunin ni Jehova ang ating kaaway na kamatayan, at maglalaho na ito magpakailanman! (Isaias 25:8) Gayunman, maaaring maisip mo, ‘Ano ang gagawin sa langit ng mga bubuhaying muli roon?’ Magiging bahagi sila ng isang kamangha-manghang pamahalaan ng Kaharian sa langit. Mas marami pa tayong malalaman tungkol sa pamahalaang iyan sa susunod na kabanata. 23, 24. Sinu-sino ang bumubuo sa “munting kawan” ni Jesus, at ilan sila? 25. Ano ang isasaalang-alang sa susunod na kabanata?
Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Ang ulat ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli ay nagbibigay sa atin ng tiyak na pag-asa. —Juan 11:39-44. ˇ Nananabik si Jehova na buhaying muli ang mga patay.—Job 14:13-15. ˇ Ang lahat ng nasa karaniwang libingan ng sangkatauhan ay bubuhaying muli.—Juan 5:28, 29.
Sa Paraiso, babangon ang mga patay at muling makakapiling ng kanilang mga mahal sa buhay
75
KABANATA 8
Ano ba ang Kaharian ng Diyos? Ano ang sinasabi sa atin ng Bibliya tungkol sa Kaharian ng Diyos? Ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos? Kailan tutuparin ng Kaharian ang kalooban ng Diyos sa lupa? MILYUN-MILYONG tao sa buong daigdig ang pamilyar sa panalangin na tinatawag ng marami na Ama Namin, o Panalangin ng Panginoon. Ang dalawang katawagang ito ay tumutukoy sa isang tanyag na panalanging ibinigay mismo ni Jesu-Kristo bilang modelo. Lubhang makahulugan ang panalanging ito, at ang pagsasaalang-alang sa unang tatlong kahilingan nito ay tutulong sa iyo na matuto nang higit pa hinggil sa kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya. 2 Sa pasimula ng modelong panalanging ito, tinagubilinan ni Jesus ang kaniyang mga tagapakinig: “Manalangin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.’ ” (Mateo 6:9-13) Ano ang kahalagahan ng tatlong kahilingang ito? 3 Marami na tayong natutuhan tungkol sa pangalan ng Diyos na Jehova. At sa paanuman ay natalakay na natin ang kalooban ng Diyos—kung ano ang nagawa na niya at gagawin pa para sa sangkatauhan. Gayunman, ano ang tinutukoy ni Jesus nang sabihin niya na ipanalangin natin: “Dumating nawa ang iyong 1. Anong tanyag na panalangin ang susuriin ngayon? 2. Ano ang tatlo sa mga bagay na itinuro ni Jesus na ipanalangin ng kaniyang mga alagad? 3. Ano ang kailangan nating malaman tungkol sa Kaharian ng Diyos?
Ano ba ang Kaharian ng Diyos?
77
kaharian”? Ano ba ang Kaharian ng Diyos? Paano mapababanal ang pangalan ng Diyos sa pagdating nito? At paano nauugnay ang pagdating ng Kaharian sa pagtupad sa kalooban ng Diyos? KUNG ANO ANG KAHARIAN NG DIYOS Ang Kaharian ng Diyos ay isang pamahalaan na itinatag ng Diyos na Jehova na may isang Haring pinili ng Diyos. Sino ba ang Hari ng Kaharian ng Diyos? Si Jesu-Kristo. Si Jesus bilang Hari ay mas dakila kaysa sa lahat ng mga tagapamahalang tao at siya’y tinatawag na “Hari niyaong mga namamahala bilang mga hari at Panginoon niyaong mga namamahala bilang mga panginoon.” (1 Timoteo 6:15) May kapangyarihan siyang gumawa ng higit na kabutihan kaysa sa sinumang tagapamahalang tao, kahit na ang pinakamahusay pa sa kanila. 5 Mula saan mamamahala ang Kaharian ng Diyos? Buweno, nasaan ba si Jesus? Tiyak na natatandaan mong pinatay siya sa isang pahirapang tulos, at pagkatapos ay binuhay siyang muli. Hindi nagtagal pagkatapos nito, umakyat siya sa langit. (Gawa 2:33) Samakatuwid, doon matatagpuan ang Kaharian ng Diyos —sa langit. Iyan ang dahilan kung bakit tinatawag ito sa Bibliya na isang “makalangit na kaharian.” (2 Timoteo 4:18) Bagaman nasa langit ang Kaharian ng Diyos, pamamahalaan nito ang lupa.—Apocalipsis 11:15. 6 Bakit namumukod-tangi si Jesus bilang Hari? Una, hindi siya mamamatay. Sa paghahambing kay Jesus sa mga taong hari, tinatawag siya sa Bibliya na “ang isa na tanging nagtataglay ng imortalidad, na tumatahan sa di-malapitang liwanag.” (1 Timoteo 6:16) Nangangahulugan ito na mamamalagi ang lahat ng kabutihang gagawin ni Jesus. At tiyak na gagawa siya ng dakila at mabubuting bagay. 7 Isaalang-alang ang hulang ito ng Bibliya tungkol kay Jesus: “Sasakaniya ang espiritu ni Jehova, ang espiritu ng karunungan at ng pagkaunawa, ang espiritu ng payo at ng kalakasan, ang 4
4. Ano ba ang Kaharian ng Diyos, at sino ang Hari nito? 5. Mula saan mamamahala ang Kaharian ng Diyos, at ano ang pamamahalaan nito? 6, 7. Bakit namumukod-tangi si Jesus bilang Hari?
78
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
espiritu ng kaalaman at ng pagkatakot kay Jehova; at magkakaroon siya ng kasiyahan sa pagkatakot kay Jehova. At hindi siya hahatol ayon lamang sa nakita ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ayon lamang sa narinig ng kaniyang mga tainga. At sa katuwiran ay hahatulan niya ang mga maralita, at sa katapatan ay sasaway siya alang-alang sa maaamo sa lupa.” (Isaias 11:2-4) Ipinakikita ng mga pananalitang ito na si Jesus ay magiging isang matuwid at mahabaging Hari sa mga tao sa lupa. Gusto mo ba ng ganiyang tagapamahala? 8 Ito pa ang isang katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos: Hindi mag-isang mamamahala si Jesus. Magkakaroon siya ng mga kasamang tagapamahala. Halimbawa, sinabi ni apostol Pablo kay Timoteo: “Kung patuloy tayong magbabata, mamamahala rin tayong magkakasama bilang mga hari.” (2 Timoteo 2:12) Oo, sina Pablo, Timoteo, at iba pang mga tapat na pinili ng Diyos ay mamamahalang kasama ni Jesus sa makalangit na Kaharian. Ilan ang magkakaroon ng pribilehiyong iyan? 9 Gaya ng binanggit sa Kabanata 7 ng aklat na ito, binigyan si apostol Juan ng isang pangitain kung saan nakita niya “ang Kordero [si Jesu-Kristo] na nakatayo sa Bundok Sion [ang kaniyang maharlikang posisyon sa langit], at ang kasama niya ay isang daan at apatnapu’t apat na libo na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama na nakasulat sa kanilang mga noo.” Sinu-sino ang 144,000 ito? Si Juan mismo ang nagsabi sa atin: “Ito ang mga patuloy na sumusunod sa Kordero saanman siya pumaroon. Ang mga ito ay binili mula sa sangkatauhan bilang mga unang bunga sa Diyos at sa Kordero.” (Apocalipsis 14:1, 4) Oo, sila ay tapat na mga tagasunod ni Jesu-Kristo na pantanging pinili upang mamahalang kasama niya sa langit. Matapos ibangon mula sa kamatayan tungo sa buhay sa langit, “mamamahala sila bilang mga hari sa ibabaw ng lupa” kasama si Jesus. (Apocalipsis 5:10) Mula pa noong panahon ng mga apostol, pumipili na ang Diyos ng tapat na mga Kristiyano para makumpleto ang bilang na 144,000. 8. Sinu-sino ang mamamahalang kasama ni Jesus? 9. Ilan ang mamamahalang kasama ni Jesus, at kailan sila sinimulang piliin ng Diyos?
Ano ba ang Kaharian ng Diyos?
79
Isang napakamaibiging kaayusan na mamahala sa sangkatauhan si Jesus at ang 144,000. Unang-una, naranasan ni Jesus na maging isang tao at magdusa bilang isang tao. Sinabi ni Pablo na si Jesus ay “hindi ang isa na hindi magawang makiramay sa ating mga kahinaan, kundi ang isa na sinubok sa lahat ng bagay tulad natin, ngunit walang kasalanan.” (Hebreo 4:15; 5:8) Ang kaniyang mga kasamang tagapamahala ay nagdusa rin at nagbata bilang mga tao. Bukod diyan, nakipagpunyagi sila sa di-kasakdalan at tiniis ang lahat ng uri ng sakit. Tiyak na mauunawaan nila ang mga problema na napapaharap sa mga tao! 10
ANO BA ANG GAGAWIN NG KAHARIAN NG DIYOS? Nang sabihin ni Jesus na dapat ipanalangin ng kaniyang mga alagad na dumating nawa ang Kaharian ng Diyos, sinabi rin niya na dapat nilang ipanalangin na maganap nawa ang kalooban ng Diyos “kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” Nasa langit ang Diyos, at lagi namang ginagawa ng tapat na mga anghel doon ang kaniyang kalooban. Gayunman, sa Kabanata 3 ng aklat na ito, nalaman natin na isang napakasamang anghel ang huminto sa paggawa ng kalooban ng Diyos at naging dahilan upang magkasala sina Adan at Eva. Sa Kabanata 10, marami pa tayong matututuhan kung ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa napakasamang anghel na iyan, na nakilala natin bilang Satanas na Diyablo. Si Satanas at ang mga anghelikong espiritung nilalang na piniling sumunod sa kaniya—tinatawag na mga demonyo—ay sandaling pinahintulutan na manatili sa langit. Kaya naman, hindi lahat ng nasa langit noon ay gumagawa ng kalooban ng Diyos. Nagbago iyan nang magsimulang mamahala ang Kaharian ng Diyos. Ang bagong iniluklok na Hari, si Jesu-Kristo, ay nakipagdigma kay Satanas.—Apocalipsis 12:7-9. 12 Inilalarawan ng sumusunod na makahulang mga pananalita kung ano ang mangyayari: “Narinig ko ang isang malakas na 11
10. Bakit isang maibiging kaayusan na mamahala sa sangkatauhan si Jesus at ang 144,000? 11. Bakit sinabi ni Jesus na dapat ipanalangin ng mga alagad niya na maganap nawa ang kalooban ng Diyos sa langit? 12. Anong dalawang mahahalagang pangyayari ang inilalarawan sa Apocalipsis 12:10?
80
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
tinig sa langit na nagsabi: ‘Ngayon ay naganap na ang kaligtasan at ang kapangyarihan at ang kaharian ng ating Diyos at ang awtoridad ng kaniyang Kristo, sapagkat ang tagapag-akusa sa ating mga kapatid [si Satanas] ay naihagis na, na siyang umaakusa sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos!’ ” (Apocalipsis 12:10) Napansin mo ba ang dalawang napakahalagang pangyayari na inilarawan sa talatang iyan ng Bibliya? Una, nagsimula nang mamahala ang Kaharian ng Diyos sa ilalim ni Jesu-Kristo. Ikalawa, pinalayas si Satanas sa langit at inihagis dito sa lupa. 13 Ano ang naging resulta ng dalawang pangyayaring iyon? May kaugnayan sa nangyari sa langit, ganito ang mababasa natin: “Dahil dito ay matuwa kayo, kayong mga langit at kayo na tumatahan diyan!” (Apocalipsis 12:12) Oo, nagsasaya ang tapat na mga anghel sa langit dahil, ngayong wala na si Satanas at ang kaniyang mga demonyo, ang lahat ng nasa langit ay tapat sa Diyos na Jehova. May ganap at walang-patid na kapayapaan at pagkakaisa roon. Nagaganap na ang kalooban ng Diyos sa langit. 14 Ngunit kumusta naman dito sa lupa? Ganito ang sinasabi ng Bibliya: “Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagkat ang Diyablo ay bumaba na sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam na mayroon na lamang siyang maikling yugto ng panahon.” (Apo´ calipsis 12:12) Galıt si Satanas dahil pinalayas siya sa langit at dahil maikli na lamang ang kaniyang natitirang panahon. Dahil sa kaniyang galit, nagdulot siya ng kabagabagan, o ‘kaabahan,’ sa lupa. Marami pa tayong matututuhan tungkol sa ‘kaabahang’ iyan sa susunod na kabanata. Ngunit habang nasa isipan iyan, maaari nating itanong, Paano tutuparin ng Kaharian ang kalooban ng Diyos sa lupa? 15 Buweno, alalahanin kung ano ang kalooban ng Diyos para sa lupa. Nalaman mo ito sa Kabanata 3. Sa Eden, ipinakita ng Diyos na kalooban niyang ang lupang ito ay maging isang paˆ raiso na puno ng di-namamatay at matuwid na lahi ng tao. Si Satanas ang dahilan ng pagkakasala nina Adan at Eva, at iyan 13. Ano ang naging resulta ng pagpapalayas kay Satanas sa langit? 14. Ano ang nangyari dahil inihagis si Satanas dito sa lupa? 15. Ano ang kalooban ng Diyos para sa lupa?
Ano ba ang Kaharian ng Diyos?
81
ay nakaapekto sa katuparan ng kalooban ng Diyos para sa lupa ngunit hindi naman ito nagbago dahil dito. Nananatili pa rin ang layunin ni Jehova na “ang mga matuwid ang magmamayari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.” (Awit 37:29) At isasakatuparan iyan ng Kaharian ng Diyos. Sa anong paraan? 16 Isaalang-alang ang hulang masusumpungan sa Daniel 2:44. Ganito ang mababasa natin doon: “Sa mga araw ng mga haring iyon ay magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At ang kaharian ay hindi isasalin sa iba pang bayan. Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.” Ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa Kaharian ng Diyos? 17 Una, sinasabi nito sa atin na itatatag ang Kaharian ng Diyos “sa mga araw ng mga haring iyon,” o habang umiiral ang iba pang mga kaharian. Ikalawa, sinasabi nito sa atin na ang Kaharian ay mananatili magpakailanman. Hindi ito malulupig at hahalinhan ng ibang pamahalaan. Ikatlo, nalaman natin na magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Diyos at ng mga kaharian ng sanlibutang ito. Magtatagumpay ang Kaharian ng Diyos. Sa dakong huli, ito na lamang ang matitirang pamahalaan sa buong sangkatauhan. Pagkatapos ay tatamasahin ng mga tao ang pinakamahusay na pamamahalang mararanasan nila kailanman. 18 Maraming sinasabi ang Bibliya tungkol sa pangwakas na digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Diyos at ng mga pamahalaan ng sanlibutang ito. Halimbawa, itinuturo nito na habang papalapit ang kawakasan, maghahasik ng mga kasinungalingan ang napakasasamang espiritu upang linlangin ang “mga hari ng buong tinatahanang lupa.” Sa anong layunin? “Upang tipunin sila [ang mga hari] sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” Titipunin ang mga hari sa lupa sa “dako na sa Hebreo ay tinawag na Har-Magedon.” (Apocalipsis 16, 17. Ano ang sinasabi sa atin ng Daniel 2:44 tungkol sa Kaharian ng Diyos? 18. Ano ang tawag sa pangwakas na digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Diyos at ng mga pamahalaan ng sanlibutang ito?
82
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
16:14, 16) Dahil sa mga nabanggit sa dalawang talatang iyon, ang pangwakas na digmaan sa pagitan ng mga pamahalaan ng tao at ng Kaharian ng Diyos ay tinatawag na digmaan ng HarMagedon, o Armagedon. 19 Ano ang isasakatuparan ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng Armagedon? Isiping muli kung ano ang kalooban ng Diyos para sa lupa. Nilayon ng Diyos na Jehova na ang lupa ay mapuno ng matuwid at sakdal na lahi ng tao na maglilingkod sa kaniya sa Paraiso. Ano kaya ang nakahahadlang upang maganap ang kaloobang iyan sa ngayon? Una, makasalanan tayo, at nagkakasakit at namamatay. Ngunit natutuhan natin sa Kabanata 5 na namatay si Jesus para sa atin upang mabuhay tayo magpakailanman. Malamang na natatandaan mo ang mga salitang nakaulat sa Ebanghelyo ni Juan: “Gayon na lamang ang pagibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”—Juan 3:16. 20 Isa pang problema ang napakasamang mga bagay na ginagawa ng maraming tao. Sila ay nagsisinungaling, nandaraya, at gumagawa ng imoralidad. Ayaw nilang gawin ang kalooban ng Diyos. Ang mga taong gumagawa ng napakasamang mga bagay ay lilipulin sa digmaan ng Diyos sa Armagedon. (Awit 37:10) At ang isa pang dahilan kung bakit hindi nagaganap ang kalooban ng Diyos sa lupa ay dahil hindi pinasisigla ng mga pamahalaan ang mga tao na gawin ito. Maraming pamahalaan ang mahina, malupit, o tiwali. Tahasang sinasabi ng Bibliya: “Ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.”—Eclesiastes 8:9. 21 Pagkatapos ng Armagedon, iisang gobyerno na lamang ang mamamahala sa sangkatauhan, ang Kaharian ng Diyos. Gagawin ng Kahariang iyan ang kalooban ng Diyos at magdudulot ng kamangha-manghang mga pagpapala. Halimbawa, aalisin nito si Satanas at ang kaniyang mga demonyo. (Apocalipsis 19, 20. Ano ang nakahahadlang upang maganap ang kalooban ng Diyos sa lupa ngayon? 21. Paano tutuparin ng Kaharian ang kalooban ng Diyos sa lupa?
Ang pagpapalayas kay Satanas at sa kaniyang mga demonyo sa langit ay nagdulot ng kaabahan sa lupa. Malapit nang magwakas ang gayong mga kaguluhan
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
84
20:1-3) Ikakapit ang bisa ng hain ni Jesus upang hindi na magkasakit at mamatay ang tapat na mga tao. Sa halip, sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ay mabubuhay sila magpakailanman. (Apocalipsis 22:1-3) Gagawing paraiso ang lupa. Sa gayon, tutuparin ng Kaharian ang kalooban ng Diyos sa lupa at pababanalin ang pangalan ng Diyos. Ano ang kahulugan nito? Nangangahulugan ito na sa dakong huli, sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, ang pangalan ni Jehova ay pararangalan ng lahat ng nabubuhay. KAILAN KIKILOS ANG KAHARIAN NG DIYOS? Nang sabihin ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na ipanalangin, “Dumating nawa ang iyong kaharian,” maliwanag na hindi pa dumarating ang Kaharian noong panahong iyon. Dumating ba ito nang umakyat si Jesus sa langit? Hindi, dahil sinabi kapuwa nina Pedro at Pablo na matapos buhaying muli si Jesus, ang hula sa Awit 110:1 ay natupad sa kaniya: “Ang sinabi ni Jehova sa aking Panginoon ay: ‘Umupo ka sa aking kanan hanggang sa ilagay ko ang iyong mga kaaway bilang tuntungan ng iyong mga paa.’ ” (Gawa 2:32-34; Hebreo 10:12, 13) May panahon pa ng paghihintay. 23 Gaano katagal? Noong ika-19 na siglo, kinalkula ng taimtim na mga estudyante ng Bibliya na ang panahon ng paghihintay ay magwawakas noong 1914. (Hinggil sa petsang 22
22. Paano natin nalaman na hindi dumating ang Kaharian ng Diyos noong nasa lupa si Jesus o karaka-raka pagkatapos na siya ay buhaying muli? 23. (a) Kailan nagsimulang mamahala ang Kaharian ng Diyos? (b) Ano ang tatalakayin sa susunod na kabanata?
Sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian, magaganap ang kalooban ng Diyos sa lupa kung paano sa langit
Ano ba ang Kaharian ng Diyos?
85
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Ang Kaharian ng Diyos ay isang makalangit na pamahalaan na si Jesu-Kristo ang Hari, at 144,000 ang kinuha mula sa sangkatauhan upang mamahalang kasama niya.—Apocalipsis 14:1, 4. ˇ Nagsimulang mamahala ang Kaharian noong 1914, at magmula noon ay pinalayas si Satanas sa langit at inihagis dito sa lupa.—Apocalipsis 12:9. ˇ Malapit nang lipulin ng Kaharian ng Diyos ang mga pamahalaan ng tao, at ang lupa ay magiging isang paraiso.—Apocalipsis 16:14, 16.
ito, tingnan ang Apendise, pahina 215-18.) Ang mga pangyayari sa daigdig na nagsimulang maganap noong 1914 ay nagpapatunay na tama ang kalkulasyon ng taimtim na mga estudyanteng ito ng Bibliya. Ipinakikita ng katuparan ng hula sa Bibliya na noong 1914, si Kristo ay naging Hari at nagsimulang mamahala ang makalangit na Kaharian ng Diyos. Kaya naman, nabubuhay tayo sa “maikling yugto ng panahon” na natitira kay Satanas. (Apocalipsis 12:12; Awit 110:2) Masasabi rin natin nang may katiyakan na hindi na magtatagal at kikilos na ang Kaharian ng Diyos upang tuparin ang kalooban ng Diyos sa lupa. Kapanapanabik ba sa iyo ang balitang ito? Naniniwala ka bang totoo ito? Tutulungan ka ng susunod na kabanata na makitang talagang itinuturo ng Bibliya ang mga bagay na ito.
KABANATA 9
Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”? Anong mga pangyayari sa ating panahon ang inihula sa Bibliya? Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos na magiging ugali ng mga tao sa “mga huling araw”? Anong mabubuting bagay ang inihula ng Bibliya hinggil sa “mga huling araw”? NANOOD ka na ba ng balita sa telebisyon at pagkatapos ay naisip mo, ‘Ano na lamang ang mangyayari sa daigdig na ito?’ Ang masasaklap na bagay ay nangyayari nang biglaan at di-inaasahan anupat hindi kayang hulaan ng mga tao kung ano ang mangyayari bukas. (Santiago 4:14) Gayunman, alam ni Jehova kung ano ang magaganap sa hinaharap. (Isaias 46:10) Matagal nang inihula ng kaniyang Salita, ang Bibliya, hindi lamang ang masasamang bagay na nangyayari sa ating panahon kundi pati na rin ang kapana-panabik na mga bagay na malapit nang maganap. 2 Binanggit ni Jesu-Kristo ang tungkol sa Kaharian ng Diyos, na siyang tatapos sa kasamaan at babago sa lupa upang maging isang paraiso. (Lucas 4:43) Gustong malaman ng mga tao kung kailan darating ang Kaharian. Sa katunayan, tinanong si Jesus ng kaniyang mga alagad: “Ano ang magiging tanda ng iyong pagkanaririto at ng katapusan ng sistema ng mga bagay?” (Mateo 24:3) Bilang sagot, sinabi sa kanila ni Jesus na ang Diyos na Jehova lamang ang nakaaalam kung kailan eksaktong darating ang wakas ng sistemang ito ng mga bagay. (Mateo 24:36) Ngu1. Saan tayo makakakuha ng impormasyon tungkol sa hinaharap? 2, 3. Ano ang itinanong ng mga alagad kay Jesus, at paano siya sumagot?
Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”?
87
nit inihula naman ni Jesus ang mga bagay na magaganap sa lupa bago magdulot ang Kaharian ng tunay na kapayapaan at katiwasayan sa sangkatauhan. Nagaganap na ngayon ang kaniyang inihula! 3 Bago natin suriin ang ebidensiya na nabubuhay na tayo sa “katapusan ng sistema ng mga bagay,” isaalang-alang muna natin sandali ang isang digmaan na walang sinumang tao ang nakasaksi. Nangyari ito sa di-nakikitang daigdig ng mga espiritu, at naaapektuhan tayo ng naging resulta nito. ISANG DIGMAAN SA LANGIT Ipinaliwanag ng nakaraang kabanata sa aklat na ito na si ´ Jesu-Kristo ay naging Hari sa langit noong taong 1914. (Daniel 7: 13, 14) Di-nagtagal pagkatapos niyang maging Hari, kumilos si Jesus. “Sumiklab ang digmaan sa langit,” ang sabi ng Bibliya. “Si Miguel [isa pang pangalan ni Jesus] at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon [si Satanas na Diyablo], at ang dragon at ang mga anghel nito ay nakipagbaka.”1 Natalo si Satanas at ang kaniyang balakyot na mga anghel, ang mga demonyo, sa digmaang iyon at pinalayas sila sa langit at inihagis sa lupa. Nagsaya ang tapat na mga espiritung anak ng Diyos dahil wala na roon si Satanas at ang kaniyang mga demonyo. Ngunit hindi mararanasan ng mga tao ang gayong kagalakan. Sa halip, inihula ng Bibliya: “Sa aba ng lupa . . . sapagkat ang Diyablo ay bumaba na sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam na mayroon na lamang siyang maikling yugto ng panahon.”—Apocalipsis 12:7, 9, 12. 5 Pakisuyong pansinin kung ano ang magiging resulta ng digmaan sa langit. Dahil sa kaniyang poot, magpapasapit si Satanas ng kaabahan, o kaguluhan, sa mga nasa lupa. Gaya ng makikita mo, nabubuhay na tayo ngayon sa panahong 4
1 Para sa impormasyon na nagpapakitang ang Miguel ay isa pang pangalan ni Jesu-Kristo, tingnan ang Apendise, pahina 218-19. 4, 5. (a) Ano ang nangyari sa langit di-nagtagal matapos mailuklok si Jesus bilang Hari? (b) Ayon sa Apocalipsis 12:12, ano ang magiging resulta ng digmaan sa langit?
88
iyan ng kaabahan. Ngunit ito ay maituturing na sandali lamang—‘maikling yugto lamang ng panahon.’ Natatanto iyan maging ni Satanas. Tinutukoy ng Bibliya ang yugtong ito bilang “mga huling araw.” (2 Timoteo 3:1) Kaylaki ngang kagalakan natin na malapit nang alisin ng Diyos ang impluwensiya ng Diyablo sa lupa! Isaalang-alang natin ang ilan sa mga bagay na inihula sa Bibliya na nagaganap mismo ngayon. Pinatutunayan ng mga ito na nabubuhay na tayo sa mga huling araw at na malapit nang magdulot ang Kaharian ng Diyos ng walang-hanggang mga pagpapala sa mga umiibig kay Jehova. Una, suriin natin ang apat na bahagi ng tanda na sinabi ni Jesus na magiging pagkakakilanlan ng panahong kinabubuhayan natin. MALALAKING KAGANAPAN SA MGA HULING ARAW 6 “Ang bansa ay titindig laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian.” (Mateo 24:7) Milyun-milyong tao ang namatay sa mga digmaan noong nakalipas na siglo. Isang Britanong istoryador ang sumulat: “Ang ika-20 siglo ang pinakamadugo sa nakaulat na kasaysayan. . . . Ito ay isang siglo ng halos walang-patid na digmaan, na may iilang maikling yugto lamang na walang organisadong labanan.” Ganito ang sabi ng isang ulat mula sa Worldwatch Institute: “Tatlong beses na mas maraming tao ang naging 6, 7. Paano natutupad sa ngayon ang mga salita ni Jesus tungkol sa digmaan at kakapusan sa pagkain?
89
biktima ng digmaan noong [ika-20] siglo kaysa sa lahat ng digmaan mula noong unang siglo AD hanggang 1899.” Mahigit na 100 milyong tao na ang namatay bunga ng mga digmaan mula noong 1914. Kahit na alam natin ang pighati ng mawalan ng isang mahal sa buhay sa digmaan, hindi natin lubusang mauunawaan ang hapis at kirot na nadarama ng milyun-milyong tao na nawalan ng mahal sa buhay. 7 “Magkakaroon ng mga kakapusan sa pagkain.” (Mateo 24:7) Sinasabi ng mga mananaliksik na malaki ang isinulong ng produksiyon ng pagkain sa nakalipas na 30 taon. Magkagayunman, patuloy pa rin ang kakapusan sa pagkain dahil maraming tao ang walang sapat na pera para makabili ng pagkain o kaya ay walang lupang mapagtatamnan. Sa papaunlad na mga bansa, mahigit sa isang bilyon katao ang nabubuhay lamang sa kita na isang dolyar o wala pa bawat araw. Dumaranas ang karamihan sa kanila ng matinding gutom. Tinataya ng World Health Organization na malnutrisyon ang isang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mahigit na limang milyong bata tauntaon. 8 “Magkakaroon ng malalakas na lindol.” (Lucas 21:11) Ayon sa U.S. Geological Survey, mula noong 1990 lamang, nagkaroon na ng katamtamang bilang na 17 malalakas na lindol bawat taon na 8, 9. Ano ang nagpapakitang nagkakatotoo na ang mga hula ni Jesus tungkol sa mga lindol at mga salot?
90
kayang-kayang sumira ng mga gusali at bumitak sa lupa. At sa katamtaman, nagkakaroon ng malalakas na lindol tauntaon na kayang-kayang magpabagsak ng mga gusali. Ganito ang sabi ng isa pang pinagkukunan ng impormasyon: “Daandaang libong buhay ang kinitil ng mga lindol sa nakalipas na 100 taon at kakaunti lamang ang nagawa ng pagsulong sa teknolohiya upang mabawasan ang bilang ng mga namamatay.” 9 “Magkakaroon ng . . . mga salot.” (Lucas 21:11) Sa kabila ng mga pagsulong sa medisina, sinasalot ng dati at bagong mga sakit ang sangkatauhan. Sinasabi ´ ng isang ulat na 20 kilalang sakit—kabilang na ang tuberkulosis, malarya, at kolera—ang naging lalong pangkaraniwan nitong nakalipas na mga dekada, at nagiging mas mahirap gamutin ang ilang uri ng sakit. Sa katunayan, di-kukulangin sa 30 bagong sakit ang lumitaw. Nakamamatay ang ilan sa mga ito at wala pang nalalamang lunas. ANG MGA TAO SA MGA HULING ARAW 10 Bukod sa pagtukoy sa ilang kaganapan sa daigdig, inihula ng Bibliya na makikita sa mga huling araw ang pagbabago sa lipunan ng tao. Inilarawan ni apostol Pablo ang magiging katangian ng mga tao sa pangkalahatan. Sa 2 Timoteo 3:1-5, mababasa natin: “Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.” Sa 10. Anu-anong pag-uugali na inihula sa 2 Timoteo 3:1-5 ang nakikita mo ngayon sa mga tao?
91
bahagi, sinabi ni Pablo na ang mga tao ay magiging mga ˇ maibigin sa kanilang sarili ˇ maibigin sa salapi ˇ masuwayin sa mga magulang ˇ di-matapat ˇ walang likas na pagmamahal ˇ walang pagpipigil sa sarili ˇ mabangis ˇ maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos ˇ may anyo ng makadiyos na debosyon ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito 11 Ganiyan na ba ang mga tao sa inyong komunidad? Walang alinlangan na ganiyan na nga sila. Sa lahat ng dako ay makakakita ka ng mga taong masasama ang ugali. Ipinakikita nito na malapit nang kumilos ang Diyos, sapagkat sinasabi ng Bibliya: “Kapag sumisibol ang mga balakyot na gaya ng pananim at namumukadkad ang lahat ng nagsasagawa ng bagay na nakasasakit, iyon ay upang malipol sila magpakailanman.”—Awit 92:7.
MAGAGANDANG KAGANAPAN! Talagang lipos ng kaabahan ang mga huling araw, gaya ng inihula ng Bibliya. 12
11. Paano inilalarawan ng Awit 92:7 ang mangyayari sa mga balakyot? 12, 13. Paano sumagana ang “tunay na kaalaman” sa ‘panahong ito ng kawakasan’?
92
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Gayunman, sa magulong daigdig na ito, may magagandang kaganapan naman sa mga mananamba ni Jehova. 13 “Ang tunay na kaalaman ay sasagana,” ang inihula ng aklat ng Bibliya na Daniel. Kailan kaya iyan mangyayari? Sa “panahon ng kawakasan.” (Daniel 12:4) Lalung-lalo na mula noong 1914, tinulungan ni Jehova na sumulong sa pagkaunawa sa Bibliya ang mga talagang nagnanais na paglingkuran siya. Sumulong ang kanilang pagkaunawa sa mahahalagang katotohanan tungkol sa pangalan at layunin ng Diyos, sa haing pantubos ni Jesu-Kristo, sa kalagayan ng mga patay, at sa pagkabuhay-muli. Karagdagan pa, natutuhan ng mga mananamba ni Jehova kung paano mamuhay sa paraang kapaki-pakinabang sa kanila at nagdudulot ng kapurihan sa Diyos. Nakapagtamo rin sila ng mas malinaw na kaunawaan sa papel ng Kaharian ng Diyos at kung paano nito itutuwid ang mga bagay-bagay sa lupa. Ano ang ginagawa nila sa kaalamang ito? Ang tanong na iyan ay umaakay sa atin sa isa pang hula na natutupad sa mga huling araw na ito. 14 “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa,” ang sabi ni Jesu-Kristo sa kaniyang hula tungkol sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.” (Mateo 24:3, 14) Sa buong lupa, ang mabuting balita ng Kaharian —kung ano ang Kaharian, ano ang gagawin nito, at paano natin matatamasa ang mga pagpapala nito—ay ipinangangaral sa mahigit na 230 lupain at 400 wika. Milyun-milyong Saksi ni Jehova ang masigasig na nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian. Nagmula sila sa “lahat ng mga bansa at mga tribo at mga bayan at mga wika.” (Apocalipsis 7:9) Nagdaraos ang mga Saksi ng walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa milyun-milyong tao na nagnanais makaalam kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya. Tunay ngang isang kahanga-hangang katuparan ng hula, lalo na yamang inihula ni Jesus na ang mga tunay na Kristiyano ay magiging “mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga tao”!—Lucas 21:17. 14. Gaano na kalawak ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian sa ngayon, at sinu-sino ang nangangaral nito?
“Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa.” —Mateo 24:14
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
94
ANO ANG GAGAWIN MO? Yamang napakaraming hula sa Bibliya ang natutupad sa ngayon, hindi ka ba sumasang-ayon na nabubuhay na tayo sa mga huling araw? Kapag naipangaral na ang mabuting balita ayon sa nais ni Jehova, tiyak na darating “ang wakas.” (Mateo 24:14) Tumutukoy “ang wakas” sa panahong aalisin na ng Diyos ang kasamaan sa lupa. Para lipulin ang lahat ng kusang sumasalansang sa Kaniya, gagamitin ni Jehova si Jesus at ang makapangyarihang mga anghel. (2 Tesalonica 1:6-9) Ang mga bansa ay hindi na maililigaw pa ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo. Pagkatapos niyan, ang Kaharian ng Diyos ay magdudulot ng maraming pagpapala sa lahat ng nagpapasakop sa matuwid na pamamahala nito.—Apocalipsis 20:1-3; 21: 3-5. 16 Yamang malapit na ang wakas ng sistema ni Satanas, kailangan nating itanong sa ating sarili, ‘Ano ba ang dapat na ginagawa ko?’ Isang matalinong hakbang na sikaping makilala nang higit si Jehova at alamin ang kaniyang mga kahilingan para sa atin. (Juan 17:3) Seryosohin ang iyong pag-aaral ng Bibliya. Ugaliin mong regular na makisama sa iba na nagsisikap na gawin ang kalooban ni Jehova. (Hebreo 10:24, 25) Kumuha ng saganang kaalaman na inilalaan ng Diyos na Jehova sa mga tao sa buong daigdig, at gumawa ng kinakailangang mga pagbabago sa iyong buhay upang matamasa mo ang lingap ng Diyos.—Santiago 4:8. 17 Inihula ni Jesus na ipagwawalang-bahala ng karamihan sa mga tao ang ebidensiya na nabubuhay na tayo sa mga huling araw. Ang pagkapuksa ng masasama ay darating nang biglaan at di-inaasahan. Gaya ng isang magnanakaw sa gabi, tiyak na mabibigla rito ang karamihan sa mga tao. (1 Tesalonica 5:2) Nagbabala si Jesus: “Kung paano ang mga araw ni Noe, magiging gayon ang pagkanaririto ng Anak ng tao. Sapagkat gaya nila no15
15. (a) Naniniwala ka ba na nabubuhay na tayo sa mga huling araw, at bakit? (b) Ano ang magiging kahulugan ng “wakas” para sa mga sumasalansang kay Jehova at sa mga nagpapasakop sa pamamahala ng Kaharian ng Diyos? 16. Anong matalinong mga hakbang ang dapat mong gawin? 17. Bakit mabibigla ang karamihan sa mga tao sa pagkapuksa ng masasama?
Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”?
95
ong mga araw na iyon bago ang baha, na kumakain at umiinom, ang mga lalaki ay nag-aasawa at ang mga babae ay ibinibigay sa pag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa arka; at hindi sila nagbigay-pansin hanggang sa dumating ang baha at tinangay silang lahat, magiging gayon ang pagkanaririto ng Anak ng tao.”—Mateo 24:37-39. 18 Kaya naman, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagapakinig: “Bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili na ang inyong mga puso ay hindi mapabigatan ng labis na pagkain at labis na paginom at mga kabalisahan sa buhay, at bigla na lang na ang araw na iyon ay kagyat na mapasainyo na gaya ng silo. Sapagkat darating ito sa lahat ng mga nananahanan sa ibabaw ng buong lupa. Manatiling gising, kung gayon, na nagsusumamo sa lahat ng panahon na magtagumpay kayo sa pagtakas mula sa lahat ng mga bagay na ito na nakatalagang maganap, at sa pagtayo [nang may pagsang-ayon] sa harap ng Anak ng tao.” (Lucas 21:34-36) Matalinong isapuso ang mga salita ni Jesus. Bakit? Sapagkat ang mga nagtataglay ng lingap ng Diyos na Jehova at ng “Anak ng tao,” si Jesu-Kristo, ay may pag-asang makaligtas sa wakas ng sistema ng mga bagay ni Satanas at mabuhay magpakailanman sa kamangha-manghang bagong sanlibutan na napakalapit na!—Juan 3:16; 2 Pedro 3:13. 18. Anong babala ni Jesus ang dapat nating isapuso?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Makikilala ang mga huling araw dahil sa mga digmaan, kakapusan sa pagkain, lindol, at mga salot.—Mateo 24:7; Lucas 21:11. ˇ Sa mga huling araw, marami ang mga maibigin sa kanilang sarili, sa salapi, at sa mga kaluguran ngunit hindi maibigin sa Diyos. —2 Timoteo 3:1-5. ˇ Sa mga huling araw na ito, ipinangangaral ang mabuting balita ng Kaharian sa buong daigdig. —Mateo 24:14.
KABANATA 10
Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan Tinutulungan ba ng mga anghel ang mga tao? Paano iniimpluwensiyahan ng mga balakyot na espiritu ang mga tao? Dapat ba tayong matakot sa mga balakyot na espiritu? KARANIWAN na, upang makilala mo ang isang tao, kailangang makilala mo rin ang kaniyang pamilya. Sa katulad na paraan, upang makilala mo ang Diyos na Jehova, kailangang makilala mo nang higit ang kaniyang pamilya ng mga anghel. Tinatawag ng Bibliya ang mga anghel na “mga anak ng Diyos.” (Job 38:7) Kaya, ano ba ang dako nila sa layunin ng Diyos? May ginampanan na ba silang papel sa kasaysayan ng tao? Naaapektuhan ba ng mga anghel ang iyong buhay? Kung oo, paano? 2 Daan-daang beses na binabanggit ng Bibliya ang mga anghel. Isaalang-alang natin ang ilan sa mga pagtukoy na ito upang makilala natin nang higit ang mga anghel. Saan ba nagmula ang mga anghel? Sinasabi ng Colosas 1:16: “Sa pamamagitan niya [ni Jesu-Kristo] ang lahat ng iba pang bagay ay nilalang sa langit at sa ibabaw ng lupa.” Kaya naman, ang lahat ng espiritung nilalang na tinatawag na mga anghel ay isa-isang nilalang ng Diyos na Jehova sa pamamagitan ng kaniyang panganay na Anak. Gaano kaya karami ang mga anghel? Ipinakikita ng Bibliya na daan-daang milyong anghel ang nilalang, at silang lahat ay makapangyarihan. —Awit 103:20.1 1 Hinggil sa matuwid na mga anghel, sinasabi ng Apocalipsis 5:11: “Ang bilang nila ay laksa-laksang mga laksa,” o “sampung libong tigsasampung libo.” (Talababa sa New World Translation of the Holy Scriptures—With References) Kaya ipinahihiwatig ng Bibliya na daan-daang milyong anghel ang nilalang. 1. Bakit natin gugustuhing makilala ang mga anghel? 2. Saan nagmula ang mga anghel, at gaano sila karami?
Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan
97
Sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos, ang Bibliya, na nang itatag ang lupa, “sumigaw sa pagpuri ang lahat ng mga anak ng Diyos.” (Job 38:4-7) Kaya matagal nang umiiral ang mga anghel bago pa lalangin ang mga tao, bago pa man lalangin ang lupa. Ipinakikita rin ng mga talatang ito ng Bibliya na may damdamin ang mga anghel, dahil sinasabi nito na sila ay “magkakasamang humiyaw nang may kagalakan.” Pansinin na ang “lahat ng mga anak ng Diyos” ay magkakasamang nagsaya. Nang panahong iyon, ang lahat ng mga anghel ay bahagi ng isang nagkakaisang pamilya na naglilingkod sa Diyos na Jehova. 3
PAG-ALALAY AT PROTEKSIYON NG MGA ANGHEL Magmula nang masaksihan nila ang paglalang sa unang mga tao, nagpakita na ng matinding interes ang tapat na mga espiritung nilalang sa lumalaking pamilya ng tao at sa pagsasakatuparan ng layunin ng Diyos. (Kawikaan 8:30, 31; 1 Pedro 1:11, 12) Gayunman, sa paglipas ng panahon, napansin ng mga anghel na ang karamihan sa pamilya ng tao ay tumalikod sa paglilingkod sa kanilang maibiging Maylalang. Tiyak na ikinalungkot ito ng tapat na mga anghel. Sa kabilang panig naman, kapag may kahit isang taong nanumbalik kay Jehova, “nagkakaroon ng kagalakan sa gitna ng mga anghel.” (Lucas 15:10) Yamang gayon na lamang ang pagmamalasakit ng mga anghel sa kapakanan ng mga naglilingkod sa Diyos, hindi kataka-takang paulit-ulit na ginamit ni Jehova ang mga anghel upang palakasin at ipagsanggalang ang kaniyang tapat na mga lingkod sa lupa. (Hebreo 1:7, 14) Isaalang-alang ang ilang halimbawa. 5 Dalawang anghel ang tumulong sa matuwid na taong si Lot at sa kaniyang mga anak na babae upang makaligtas sa pagkapuksa ng balakyot na mga lunsod ng Sodoma at Gomorra sa pamamagitan ng pag-akay sa kanila palayo sa lugar na iyon. (Genesis 19: 15, 16) Pagkalipas ng maraming siglo, si propeta Daniel ay inihagis sa yungib ng mga leon, ngunit hindi siya nasaktan at ganito 4
3. Ano ang sinasabi sa atin ng Job 38:4-7 tungkol sa mga anghel? 4. Paano ipinakikita ng Bibliya na interesado ang tapat na mga anghel sa ginagawa ng mga tao? 5. Anong mga halimbawa ng pag-alalay ng mga anghel ang masusumpungan natin sa Bibliya?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
98
ang sinabi niya: “Isinugo ng aking Diyos ang kaniyang anghel at itinikom ang bibig ng mga leon.” (Daniel 6:22) Noong unang siglo C.E., isang anghel ang nagpalaya kay apostol Pedro mula sa bilangguan. (Gawa 12:6-11) Bukod diyan, inalalayan ng mga anghel si Jesus sa pasimula ng kaniyang ministeryo sa lupa. (Marcos 1:13) At di-nagtagal bago mamatay si Jesus, nagpakita sa kaniya ang isang anghel at “pinalakas siya.” (Lucas 22:43) Tiyak na kaylaking kaaliwan nito para kay Jesus sa napakahalagang panahong iyon sa kaniyang buhay! 6 Sa ngayon, hindi na nagpapakita ang mga anghel sa bayan ng Diyos sa lupa. Bagaman hindi nakikita ng mga mata ng tao, ipinagsasanggalang pa rin ng makapangyarihang mga anghel ng Diyos ang kaniyang bayan, lalung-lalo na mula sa anumang bagay na nakapipinsala sa espirituwal. Sinasabi ng Bibliya: “Ang anghel ni Jehova ay nagkakampo sa buong palibot niyaong mga may takot sa kaniya, at inililigtas niya sila.” (Awit 34:7) Bakit malaking kaaliwan para sa atin ang mga pananalitang ito? Dahil may mapanganib na mga balakyot na espiritung nilalang na gusto tayong lipulin! Sino sila? Saan sila nagmula? Paano nila tayo sinisikap na saktan? Upang malaman ang sagot, isaalang-alang natin sandali ang isang bagay na nangyari sa pasimula ng kasaysayan ng tao. MGA ESPIRITUNG NILALANG NA MGA KAAWAY NATIN Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 3 ng aklat na ito, isa sa mga anghel ang naghangad na mamahala sa iba at sa gayo’y tumalikod sa Diyos. Nang maglaon, ang anghel na ito ay nakilala bilang Satanas na Diyablo. (Apocalipsis 12:9) Sa loob ng 16 na siglo matapos niyang linlangin si Eva, nagtagumpay si Satanas na italikod sa Diyos ang halos lahat ng tao maliban sa ilang tapat, gaya nina Abel, Enoc, at Noe.—Hebreo 11:4, 5, 7. 8 Noong panahon ni Noe, nagrebelde ang ibang mga anghel laban kay Jehova. Iniwan nila ang kanilang dako sa pamilya ng Diyos sa langit, bumaba rito sa lupa, at nagkatawang-tao. Ba7
6. (a) Paano ipinagsasanggalang ng mga anghel ang bayan ng Diyos sa ngayon? (b) Anu-anong tanong ang isasaalang-alang natin ngayon? 7. Gaano katagumpay si Satanas sa pagsisikap na italikod sa Diyos ang mga tao? 8. (a) Paano naging demonyo ang ilan sa mga anghel? (b) Upang makaligtas sa Baha noong panahon ni Noe, ano ang kinailangang gawin ng mga demonyo?
Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan
99
kit? Ganito ang mababasa natin sa Genesis 6:2: “Napansin ng mga anak ng tunay na Diyos ang mga anak na babae ng mga tao, na sila ay magaganda; at kumuha sila ng kani-kanilang mga asawa, samakatuwid ay lahat ng kanilang pinili.” Ngunit hindi pinahintulutan ng Diyos na Jehova na magpatuloy ang ginagawa ng mga anghel na ito at ang idinulot nitong kasamaan sa sangkatauhan. Nagpasapit siya ng pangglobong baha sa lupa na tumangay sa lahat ng napakasamang mga tao at ang iniligtas lamang niya ay ang kaniyang tapat na mga lingkod. (Genesis 7:17, 23) Kaya napilitan ang mga rebeldeng anghel, o mga demonyo, na iwan ang kanilang katawang-tao at bumalik sa langit bilang mga espiritung nilalang. Pumanig sila sa Diyablo, na naging “tagapamahala ng mga demonyo.”—Mateo 9:34. “Isinugo ng aking Diyos ang kaniyang anghel at itinikom ang bibig ng mga leon.” —Daniel 6:22
100
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Nang bumalik sa langit ang masuwaying mga anghel, sila ay itinakwil, gaya ng kanilang tagapamahala na si Satanas. (2 Pedro 2:4) Bagaman hindi na sila nakapagkakatawang-tao ngayon, may napakasamang impluwensiya pa rin sila sa mga tao. Sa katunayan, sa tulong ng mga demonyong ito, ‘inililigaw ni Satanas ang buong tinatahanang lupa.’ (Apocalipsis 12:9; 1 Juan 5:19) Paano? Pangunahin nang ginagamit ng mga demonyo ang mga pamamaraang dinisenyo upang iligaw ang mga tao. (2 Corinto 2:11) Talakayin natin ang ilan sa mga pamamaraang ito. 9
KUNG PAANO INILILIGAW NG MGA DEMONYO ANG MGA TAO 10 Upang iligaw ang mga tao, gumagamit ang mga demonyo ng espiritismo. Ang pagsasagawa ng espiritismo ay pakikisangkot sa mga demonyo, kapuwa sa tuwirang paraan at sa pamamagitan ng isang espiritista. Hinahatulan ng Bibliya ang espiritismo at binababalaan tayo nito na huwag makisangkot sa lahat ng bagay na may kaugnayan dito. (Galacia 5:19-21) Gumagamit ng espiritismo ang mga demonyo kung paanong gumagamit ng pain ang mga mangingisda. Iba’t ibang pain ang ginagamit ng isang mangingisda para makahuli ng iba’t ibang uri ng isda. Sa katulad na paraan, iba’t ibang anyo ng espiritismo ang ginagamit ng mga balakyot na espiritu upang mapasailalim sa kanilang impluwensiya ang lahat ng uri ng tao. 11 Ang isang uri ng pain na ginagamit ng mga demonyo ay ang panghuhula. Ano ba ang panghuhula? Ito ay ang pagtatangkang alamin ang tungkol sa hinaharap o ang isang bagay na hindi pa nalalaman. Ang ilang anyo ng panghuhula ay astrolohiya, paggamit ng mga barahang tarot, pagtingin sa bolang kristal, pagbasa ng palad, at paghahanap ng mahiwagang mga pangitain, o mga tanda, sa panaginip. Bagaman iniisip ng maraming tao na ang panghuhula ay di-nakapipinsala, ipinakikita ng Bibliya na magkasabuwat ang mga manghuhula at ang mga balakyot na espiritu. Halimbawa, binabanggit ng Gawa 16:16-18 ang “isang demonyo ng panghuhula” na naging dahilan upang makapagsa9. (a) Ano ang nangyari sa mga demonyo nang bumalik sila sa langit? (b) Ano ang tatalakayin natin hinggil sa mga demonyo? 10. Ano ang espiritismo? 11. Ano ang panghuhula, at bakit natin ito dapat iwasan?
Gumagamit ng iba’t ibang paraan ang mga demonyo upang linlangin ang mga tao
gawa ng “sining ng panghuhula” ang isang batang babae. Ngunit naiwala niya ang kakayahang ito nang palabasin sa kaniya ang demonyo. 12 Ang isa pang paraan na inililigaw ng mga demonyo ang mga tao ay ang paghimok sa kanila na sumangguni sa mga patay. Ang mga taong namimighati dahil sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay ay kadalasang nalilinlang ng maling mga ideya tungkol sa mga patay. Maaaring magbigay ang isang espiritista ng pantanging impormasyon o magsalita sa isang tinig na waring kaboses ng namatay na indibiduwal. Bilang resulta, maraming tao ang ´ nakukumbinsi na ang mga patay ay talagang buhay at na ang pakikipag-ugnayan sa kanila ay tutulong sa mga nabubuhay na makayanan ang kanilang pamimighati. Ngunit sa katunayan, ang gayong “kaaliwan” ay huwad at mapanganib. Bakit? Dahil kayang gayahin ng mga demonyo ang tinig ng isang namatay na indibiduwal at magbigay ng impormasyon sa isang espiritista tungkol sa namatay. (1 Samuel 28:3-19) Karagdagan pa, gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 6, hindi na umiiral ang mga patay. (Awit 115:17) 12. Bakit mapanganib na subuking makipagtalastasan sa mga patay?
KUNG PAANO LALABANAN ANG MGA BALAKYOT NA ESPIRITU
ˇ Itapon ang mga bagay na may kaugnayan sa espiritismo
ˇ Mag-aral ng Bibliya ˇ Manalangin sa Diyos
Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan
103
Kaya ang “sinumang sumasangguni sa patay” ay nailigaw na ng mga balakyot na espiritu at kumikilos laban sa kalooban ng Diyos. (Deuteronomio 18:10, 11; Isaias 8:19) Kaya nga, mag-ingat laban sa ganitong mapanganib na pain na ginagamit ng mga demonyo. 13 Hindi lamang inililigaw ng mga balakyot na espiritu ang mga tao kundi tinatakot din naman nila ang mga ito. Sa ngayon, alam ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo na “maikling yugto ng panahon” na lamang ang natitira bago sila gapusin, kung kaya napakabagsik nila ngayon higit kailanman. (Apocalipsis 12:12, 17) Magkagayunman, libu-libong tao na dating nabubuhay sa takot araw-araw dahil sa gayong mga balakyot na espiritu ang nakalaya na. Paano nila ito nagawa? Ano ang maaaring gawin ng isang tao kahit sangkot na siya sa espiritismo? KUNG PAANO LALABANAN ANG MGA BALAKYOT NA ESPIRITU 14 Sinasabi sa atin ng Bibliya kung paano lalabanan ang mga balakyot na espiritu at kung paano makalalaya sa kanila. Tingnan ang halimbawa ng unang-siglong mga Kristiyano sa lunsod ng Efeso. Nagsagawa ng espiritismo ang ilan sa kanila bago naging mga Kristiyano. Nang ipasiya nilang lumaya mula sa espiritismo, ano ang ginawa nila? Ganito ang sinasabi ng Bibliya: “Tinipon ng marami sa mga nagsasagawa ng sining ng mahika ang kanilang mga aklat at sinunog ang mga iyon sa harap ng lahat.” (Gawa 19:19) Sa pagsira sa kanilang mga aklat sa mahika, nagpakita ng halimbawa ang mga bagong Kristiyanong iyon para sa mga nagnanais na labanan ang mga balakyot na espiritu sa ngayon. Kailangang itapon ng mga taong nagnanais na maglingkod kay Jehova ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa espiritismo. Kasama na riyan ang mga aklat, magasin, pelikula, poster, at mga rekord sa musika na humihimok sa isa na magsagawa ng espiritismo anupat ginagawang waring kaakit-akit at kapana-panabik ito. Kalakip din dito ang mga anting-anting o iba pang mga bagay na isinusuot para magsilbing proteksiyon laban sa masama.—1 Corinto 10:21. ´ 13. Ano ang nagawa ng marami na dating takot sa mga demonyo? 14. Tulad ng unang-siglong mga Kristiyano sa Efeso, paano tayo makalalaya sa mga balakyot na espiritu?
104
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Mga ilang taon pagkatapos sirain ng mga Kristiyano sa Efeso ang kanilang mga aklat sa mahika, sumulat sa kanila si apostol Pablo: “Tayo ay may pakikipagbuno . . . laban sa balakyot na mga puwersang espiritu.” (Efeso 6:12) Hindi pa sumusuko ang mga demonyo. Sinisikap pa rin nilang makalamang. Kaya, ano pa ang kailangang gawin ng mga Kristiyanong iyon? “Higit sa lahat,” ang sabi ni Pablo, “kunin ninyo ang malaking kalasag ng pananampalataya, na siyang ipanunugpo ninyo sa lahat ng nag-aapoy na mga suligi ng isa na balakyot [si Satanas].” (Efeso 6:16) Habang mas matibay ang ating kalasag ng pananampalataya, mas malakas ang ating panlaban sa balakyot na mga puwersang espiritu.—Mateo 17:20. 16 Kung gayon, paano natin mapatitibay ang ating pananampalataya? Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya. Ang katatagan ng isang pader ay nakadepende nang malaki sa tibay ng pundasyon nito. Sa katulad na paraan, ang katatagan ng ating pananampalataya ay nakadepende nang malaki sa tibay ng pundasyon nito, ang tumpak na kaalaman sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Kung babasahin natin at pag-aaralan ang Bibliya araw-araw, magiging matibay ang ating pananampalataya. Tulad ng isang matibay na pader, ang gayong pananampalataya ay magsasanggalang sa atin mula sa impluwensiya ng mga balakyot na espiritu.—1 Juan 5:5. 17 Ano pang hakbang ang kinailangang gawin ng mga Kristiyanong iyon sa Efeso? Kinailangan nila ng karagdagang proteksiyon dahil nabubuhay sila sa isang lunsod na lipos ng demonismo. Kaya sinabi ni Pablo sa kanila: ‘Sa bawat uri ng panalangin at pagsusumamo ay magpatuloy kayo sa pananalangin sa bawat pagkakataon sa pamamagitan ng espiritu.’ (Efeso 6:18) Yamang nabubuhay rin tayo sa isang daigdig na lipos ng demonismo, ang marubdob na pananalangin kay Jehova para sa kaniyang proteksiyon ay napakahalaga upang malabanan ang mga balakyot na espiritu. Siyempre pa, kailangan nating gamitin ang pangalan ni Jehova sa ating mga panalangin. (Kawikaan 18:10) Kaya kailangan tayong patuloy na manalangin sa Diyos na “iligtas [tayo] mula sa 15
15. Upang malabanan ang balakyot na mga puwersang espiritu, ano ang kailangan nating gawin? 16. Paano natin mapatitibay ang ating pananampalataya? 17. Anong hakbang ang kailangan upang malabanan ang mga balakyot na espiritu?
Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan
105
isa na balakyot,” si Satanas na Diyablo. (Mateo 6:13) Sasagutin ni Jehova ang gayong marubdob na mga panalangin.—Awit 145:19. 18 Mapanganib ang mga balakyot na espiritu, ngunit hindi tayo dapat matakot sa kanila kung lalabanan natin ang Diyablo at ´ magiging malapıt tayo sa Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng Kaniyang kalooban. (Santiago 4:7, 8) Limitado ang kapangyarihan ng mga balakyot na espiritu. Pinarusahan na sila noong panahon ni Noe, at napapaharap sila sa kanilang pangwakas na kahatulan sa hinaharap. (Judas 6) Tandaan din na ipinagsasanggalang tayo ng makapangyarihang mga anghel ni Jehova. (2 Hari 6:15-17) Gustung-gusto ng mga anghel na iyon na magtagumpay tayo sa ating pakikipaglaban sa mga balakyot na espiritu. Sa diwa, pinatitibay-loob tayo ng matuwid na mga anghel. Kung ´ gayon, manatili tayong malapıt kay Jehova at sa kaniyang pamilya ng tapat na mga espiritung nilalang. Nawa’y iwasan din natin ang bawat uri ng espiritismo at laging ikapit ang payo ng Salita ng Diyos. (1 Pedro 5:6, 7; 2 Pedro 2:9) Sa gayon ay makatitiyak tayo ng tagumpay sa ating pakikipaglaban sa mga balakyot na espiritung nilalang. 19 Ngunit bakit pinahihintulutan ng Diyos ang masasamang espiritu at ang kasamaan na naging dahilan ng labis-labis na pagdurusa ng mga tao? Sasagutin ang tanong na iyan sa susunod na kabanata. 18, 19. (a) Bakit tayo makatitiyak ng tagumpay sa ating pakikipaglaban sa mga balakyot na espiritung nilalang? (b) Anong tanong ang sasagutin sa susunod na kabanata?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Tinutulungan ng tapat na mga anghel ang mga naglilingkod kay Jehova.—Hebreo 1:7, 14. ˇ Inililigaw ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo ang mga tao at itinatalikod ang mga ito mula sa Diyos.—Apocalipsis 12:9. ˇ Kung gagawin mo ang kalooban ng Diyos at sasalansangin ang Diyablo, tatakas si Satanas mula sa iyo.—Santiago 4:7, 8.
KABANATA 11
Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa? Ang Diyos ba ang sanhi ng pagdurusa sa daigdig? Anong usapin ang ibinangon sa hardin ng Eden? Paano kaya papawiin ng Diyos ang mga epekto ng pagdurusa ng tao? PAGKATAPOS ng isang kahila-hilakbot na labanan sa isang lupaing sinalanta ng digmaan, inilibing nang sama-sama ang libu-libong napatay na sibilyang babae at bata sa isang hukay na napalilibutan ng maliliit na krus. Ang bawat krus ay may nakasulat na: “Bakit?� Kung minsan, iyan ang pinakamasakit na tanong sa lahat. Malungkot na itinatanong ito ng mga tao kapag namatayan sila ng kanilang inosenteng mga mahal sa buhay, nawasak ang kanilang bahay, o dumanas sila ng labis-labis na pagdurusa dahil sa digmaan, sakuna, sakit, o krimen. Gusto nilang malaman kung bakit sumapit sa kanila ang gayong mga trahedya. 2 Bakit kaya pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa? Kung ang Diyos na Jehova ay makapangyarihan-sa-lahat, maibigin, ˆ marunong, at makatarungan, bakit punung-puno ng poot at kawalang-katarungan ang daigdig? Napag-isip-isip mo na rin ba ang mga bagay na ito? 3 Mali bang itanong kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa? Nangangamba ang ilan na ang pagtatanong ng gayon ay nangangahulugan na wala silang sapat na pananampalataya o na wala silang galang sa Diyos. Gayunman, kapag binasa mo ang Bibliya, masusumpungan mong naitanong din ang mga 1, 2. Anong uri ng pagdurusa ang nararanasan ng mga tao sa ngayon, na umaakay sa marami na magbangon ng anong mga tanong? 3, 4. (a) Ano ang nagpapakita na hindi maling itanong kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa? (b) Ano ang nadarama ni Jehova hinggil sa kasamaan at pagdurusa?
107
Wawakasan ni Jehova ang lahat ng pagdurusa
ito ng mga taong tapat at may takot sa Diyos. Halimbawa, tinanong ni propeta Habakuk si Jehova: “Bakit mo ipinakikita sa akin yaong nakasasakit, at patuloy kang tumitingin sa kabagabagan? At bakit nasa harap ko ang pananamsam at karahasan, at bakit may pag-aaway, at bakit may hidwaan?”—Habakuk 1:3. 4 Pinagalitan ba ni Jehova ang tapat na propetang si Habakuk dahil sa pagtatanong niya ng gayong mga bagay? Hindi. Sa halip, inilakip ng Diyos ang taimtim na mga salita ni Habakuk sa kinasihang ulat ng Bibliya. Tinulungan din siya ng Diyos na maunawaan nang higit ang mga bagay-bagay at magkaroon ng mas matibay na pananampalataya. Ganiyan din ang gustong gawin ni Jehova para sa iyo. Tandaan, itinuturo ng Bibliya na “siya ay nagmamalasakit sa [iyo].” (1 Pedro 5:7) Napopoot ang Diyos sa kasamaan at sa pagdurusang idinudulot nito nang higit kaysa kanino pa man. (Isaias 55:8, 9) Kung gayon, bakit labis-labis ang pagdurusa sa daigdig? BAKIT LABIS-LABIS ANG PAGDURUSA? Tinatanong ng mga taong mula sa iba’t ibang relihiyon ang kanilang relihiyosong mga lider at guro kung bakit labis-labis ang pagdurusa. Kadalasan, ang sagot ay dahil kalooban ng Diyos 5
5. Anu-anong dahilan kung minsan ang ibinibigay upang ipaliwanag ang pagdurusa ng tao, pero ano ba ang itinuturo ng Bibliya?
108
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
ang pagdurusa at na matagal na niyang itinakda ang lahat ng magaganap, pati na ang kapaha-pahamak na mga pangyayari. Marami ang sinabihan na ang mga daan ng Diyos ay mahiwaga o nagpapasapit siya ng kamatayan sa mga tao—maging sa mga bata—upang makasama niya sila sa langit. Gayunman, gaya ng natutuhan mo, hindi kailanman naging sanhi ng kasamaan ang Diyos na Jehova. Sinasabi ng Bibliya: “Malayong gumawi nang may kabalakyutan ang tunay na Diyos, at na gumawi nang dimakatarungan ang Makapangyarihan-sa-lahat!”—Job 34:10. 6 Alam mo ba kung bakit may-kamaliang isinisisi ng mga tao sa Diyos ang lahat ng pagdurusa sa daigdig? Kadalasan na, sinisisi nila ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat dahil inaakala nilang siya ang tunay na tagapamahala ng sanlibutang ito. Hindi nila alam ang isang simple ngunit mahalagang katotohanan na itinuturo ng Bibliya. Natutuhan mo ang katotohanang iyan sa Kabanata 3 ng aklat na ito. Ang tunay na tagapamahala ng sanlibutang ito ay si Satanas na Diyablo. 7 Maliwanag na sinasabi ng Bibliya: “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot.” (1 Juan 5:19) Kung pagiisipan mo ito, hindi ba makatuwiran naman iyan? Ipinakikita ng sanlibutang ito ang personalidad ng di-nakikitang espiritung nilalang na “nagliligaw sa buong tinatahanang lupa.” (Apocalipsis 12:9) Si Satanas ay lipos ng pagkapoot, mapanlinlang, at malupit. Kaya ang sanlibutan, sa ilalim ng kaniyang impluwenˆ siya, ay puno ng poot, panlilinlang, at kalupitan. Iyan ang isang dahilan kung bakit labis-labis ang pagdurusa. 8 Ang ikalawang dahilan ng labis-labis na pagdurusa ay ang pagiging di-sakdal at makasalanan ng sanlibutan mula nang maganap ang rebelyon sa hardin ng Eden, gaya ng tinalakay sa Kabanata 3. May tendensiya ang makasalanang mga tao na makipagtunggali upang maging angat sa iba, at nagbunga ito ng mga digmaan, paniniil, at pagdurusa. (Eclesiastes 4:1; 8:9) Ang ikatlong dahilan ng pagdurusa ay “ang panahon at ang di-inaa6. Bakit may-kamaliang isinisisi ng maraming tao sa Diyos ang pagdurusa sa daigdig? 7, 8. (a) Paano ipinakikita ng sanlibutan ang personalidad ng tagapamahala nito? (b) Paano nakaragdag sa pagdurusa ang di-kasakdalan ng tao at “ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari”?
Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?
109
sahang pangyayari.” (Eclesiastes 9:11) Sa isang sanlibutang wala si Jehova bilang mapagsanggalang na Tagapamahala, maaaring magdusa ang mga tao dahil nagkataong nasa maling lugar sila sa maling pagkakataon. 9 Naaaliw tayong malaman na hindi ang Diyos ang sanhi ng pagdurusa. Hindi siya ang may kagagawan ng mga digmaan, krimen, paniniil, o maging ng likas na mga kasakunaang nagiging dahilan ng pagdurusa ng mga tao. Gayunman, gusto nating malaman, Bakit kaya pinahihintulutan ni Jehova ang lahat ng pagdurusang ito? Kung siya ang Makapangyarihan-sa-lahat, may kapangyarihan siyang patigilin ito. Kung gayon, bakit ayaw niyang gamitin ang kapangyarihang iyan? Tiyak na may mabuting dahilan ang maibiging Diyos na nakilala natin.—1 Juan 4:8. IBINANGON ANG ISANG MAHALAGANG USAPIN Upang malaman natin kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa, kailangan nating balikan ang panahon nang magsimula ang pagdurusa. Nang udyukan ni Satanas sina Adan at Eva na sumuway kay Jehova, bumangon ang isang mahalagang tanong. Hindi kinuwestiyon ni Satanas ang kapangyarihan ni Jehova. Tiyak na alam ni Satanas na walang limitasyon ang kapangyarihan ni Jehova. Sa halip, kinuwestiyon ni Satanas ang karapatang mamahala ni Jehova. Sa pagtawag sa Diyos na isang sinungaling na nagkakait ng mabuti sa kaniyang mga nasasakupan, pinaratangan ni Satanas si Jehova na isang masamang tagapamahala. (Genesis 3:2-5) Ipinahiwatig ni Satanas na mas mapabubuti ang sangkatauhan kung wala ang pamamahala ng Diyos. Isa itong pagtuligsa sa soberanya o karapatang mamahala ni Jehova. 11 Nagrebelde sina Adan at Eva laban kay Jehova. Sa diwa, sinabi nila: “Hindi namin kailangan si Jehova bilang aming Tagapamahala. Makapagpapasiya kami para sa aming sarili kung ano ang tama at kung ano ang mali.” Paano kaya lulutasin ni Jehova ang usaping iyan? Paano niya ipababatid sa lahat ng 10
9. Bakit tayo makatitiyak na may mabuting dahilan si Jehova sa pagpapahintulot na magpatuloy ang pagdurusa? 10. Ano ang kinuwestiyon ni Satanas, at paano? 11. Bakit hindi na lamang pinuksa ni Jehova ang mga rebelde sa Eden?
Mas kuwalipikado ba ang estudyante kaysa sa guro?
matatalinong nilalang na ang mga rebeldeng iyon ay mali at na ang kaniyang daan ang talagang pinakamainam? Baka sabihin ng isa na dapat sana ay pinuksa na lamang ng Diyos ang mga rebelde at nagsimula na lamang muli. Ngunit nasabi na ni Jehova ang kaniyang layunin na punuin ang lupa ng mga supling nina Adan at Eva, at nais niyang mabuhay sila sa isang makalupang paraiso. (Genesis 1:28) Laging tinutupad ni Jehova ang kaniyang mga layunin. (Isaias 55:10, 11) Bukod diyan, ang pagpuksa sa mga rebelde sa Eden ay hindi makasasagot sa tanong na ibinangon hinggil sa karapatan ni Jehova na mamahala. 12 Isaalang-alang natin ang isang ilustrasyon. Ipagpalagay na ipinaliliwanag ng isang guro sa kaniyang mga estudyante kung paano bibigyan ng solusyon ang isang mahirap na problema. Isang matalino ngunit rebeldeng estudyante ang nagsabing mali ang paraan ng guro sa pagbibigay ng solusyon sa problema. Upang ipahiwatig na walang kakayahan ang guro, iginiit ng rebeldeng ito na may mas mahusay siyang paraan para mabigyan ng solusyon ang problema. Inisip naman ng ilang estudyante na tama siya, at nagrebelde rin sila. Ano ang gagawin ng guro? 12, 13. Ilarawan kung bakit pinahintulutan ni Jehova si Satanas na maging tagapamahala ng sanlibutang ito at kung bakit pinahintulutan ng Diyos ang mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili.
Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?
111
Kung paaalisin niya sa klase ang mga rebelde, ano ang magiging epekto nito sa ibang mga estudyante? Hindi kaya sila maniwala na tama ang kanilang kapuwa estudyante at ang mga kumampi sa kaniya? Baka mawala ang respeto ng iba pang estudyante sa guro, anupat iniisip nila na takot itong mapatunayang siya ang mali. Ngunit sabihin nating pinahintulutan ng guro ang rebelde na ipakita sa klase kung paano nito bibigyan ng solusyon ang problema. 13 Ginawa ni Jehova ang kagaya ng ginawa ng guro. Tandaan na hindi lamang ang mga rebelde sa Eden ang nasasangkot. Milyun-milyong anghel ang nagmamasid. (Job 38:7; Daniel 7:10) Ang paraan ng pagharap ni Jehova sa rebelyon ay lubhang makaaapekto sa lahat ng anghel na iyon at sa bandang huli sa lahat ng matatalinong nilalang. Kaya ano ang ginawa ni Jehova? Pinahintulutan niya si Satanas na ipakita kung paano nito pamamahalaan ang sangkatauhan. Pinahintulutan din ng Diyos ang mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili sa ilalim ng patnubay ni Satanas. 14 Alam ng guro sa ating ilustrasyon na mali ang rebelde at ang mga estudyanteng kumampi rito. Ngunit alam din ng guro na ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataon upang subukang patunayan ang kanilang punto ay magiging kapaki-pakinabang sa buong klase. Kapag nabigo ang mga rebelde, makikita ng lahat ng matatapat na estudyante na tanging ang guro lamang ang kuwalipikado para manguna sa klase. Mauunawaan nila kung bakit pagkatapos nito ay aalisin ng guro sa kaniyang klase ang mga rebelde. Sa katulad na paraan, alam ni Jehova na ang lahat ng tapat-pusong tao at anghel ay makikinabang kapag nakita nilang nabigo si Satanas at ang kaniyang kapuwa mga rebelde at na hindi kayang pamahalaan ng mga tao ang kanilang sarili. Gaya ni Jeremias noong sinauna, malalaman nila ang napakahalagang katotohanang ito: “Nalalaman kong lubos, O Jehova, na ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.�—Jeremias 10:23. 14. Ano ang magiging kapakinabangan sa pasiya ni Jehova na pahintulutan ang mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili?
112
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
BAKIT KAYA NAPAKATAGAL? Gayunman, bakit pinahintulutan ni Jehova na magpatuloy ang pagdurusa nang napakatagal? At bakit hindi niya pinigilang mangyari ang masasamang bagay? Buweno, isaalang-alang ang dalawang bagay na hindi gagawin ng guro sa ating ilustrasyon. Una, hindi niya pipigilan ang rebeldeng estudyante na iharap ang solusyon nito. Ikalawa, hindi tutulungan ng guro ang rebelde na patunayan ang solusyon nito. Sa katulad na paraan, isaalang-alang ang dalawang bagay na ipinasiya ni Jehova na hindi niya gagawin. Una, hindi niya pinigilan ang pagsisikap ni Satanas at ng mga pumanig dito na patunayang tama sila. Kaya kailangang palipasin ang panahon. Sa loob ng libu-libong taon ng kasaysayan ng tao, nasubukan na ng sangkatauhan ang lahat ng anyo ng pamamahala sa sarili, o pamahalaan ng tao. Nakagawa ng ilang pagsulong ang sangkatauhan sa siyensiya at sa iba pang larangan, ngunit ang kawalang-katarungan, karalitaan, krimen, at digmaan ay lalo pang lumalala. Napatunayan na ngayon na bigo ang pamamahala ng tao. 16 Ikalawa, hindi tinulungan ni Jehova si Satanas na pamahalaan ang sanlibutang ito. Halimbawa, kung pinigilan ng Diyos ang kakila-kilabot na mga krimen, hindi ba niya pinatutunayan, sa diwa, na tama ang mga rebelde? Kung gagawin ito ng Diyos, hindi kaya maisip ng mga tao na marahil ay kaya nilang pamahalaan ang kanilang sarili nang walang kapaha-pahamak na mga resulta? Kung kikilos si Jehova sa gayong paraan, magiging kasabuwat siya sa isang kasinungalingan. Gayunman, “imposibleng magsinungaling ang Diyos.�—Hebreo 6:18. 17 Gayunman, paano na ang lahat ng pinsalang naidulot ng matagal nang rebelyon laban sa Diyos? Dapat nating tandaan na si Jehova ay makapangyarihan-sa-lahat. Kung gayon, kaya niyang pawiin ang mga epekto ng pagdurusa ng tao, at iyan nga ang gagawin niya. Gaya ng natutuhan na natin, maisasau15
15, 16. (a) Bakit pinahintulutan ni Jehova na magpatuloy ang pagdurusa nang napakatagal? (b) Bakit hindi pinigilan ni Jehova ang mga bagay na gaya ng kakila-kilabot na mga krimen? 17, 18. Ano ang gagawin ni Jehova sa lahat ng pinsalang idinulot ng pamamahala ng tao at ng impluwensiya ni Satanas?
Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?
113
li sa dating kalagayan ang ating nasirang planeta kapag ginawa nang Paraiso ang lupa. Aalisin ang mga epekto ng kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa haing pantubos ni Jesus, at papawiin ang mga epekto ng kamatayan sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. Sa gayo’y gagamitin ng Diyos si Jesus “upang sirain ang mga gawa ng Diyablo.” (1 Juan 3:8) Tutuparin ni Jehova ang lahat ng ito sa tamang panahon. Nagagalak tayo na hindi siya kumilos kaagad, sapagkat ang kaniyang pagtitiis ay nagbigay sa atin ng pagkakataong matuto ng katotohanan at mapaglingkuran siya. (2 Pedro 3:9, 10) Samantala, aktibong hinahanap ng Diyos ang taimtim na mga mananamba at tinutulungan silang batahin ang anumang pagdurusa na maaaring maranasan nila sa maligalig na sanlibutang ito.—Juan 4:23; 1 Corinto 10:13. 18 Maaaring mag-isip ang ilan, Hindi kaya nahadlangan sana ang lahat ng pagdurusang ito kung nilalang lamang ng Diyos sina Adan at Eva sa paraang hindi sila makapagrerebelde? Para masagot ang tanong na iyan, kailangan mong alalahanin ang isang mahalagang regalo na ibinigay sa iyo ni Jehova. PAANO MO GAGAMITIN ANG REGALO NG DIYOS? Gaya ng binanggit sa Kabanata 5, nilalang ang mga tao na may kalayaang magpasiya. Batid mo ba kung gaano kahalagang regalo iyan? Gumawa ang Diyos ng napakaraming hayop, at ang mga ito ay pangunahin nang kumikilos dahil sa instinct o likas na paggawi. (Kawikaan 30:24) Gumagawa ang tao ng mga robot na puwedeng iprograma para sundin ang bawat utos. Matutuwa kaya tayo kung ganiyan ang pagkakagawa sa atin ng Diyos? Tiyak na hindi. Natutuwa tayo dahil may kalayaan tayong pumili kung anong uri ng pagkatao ang gusto natin, kung anong 19
19. Anong mahalagang regalo ang ibinigay sa atin ni Jehova, at bakit natin dapat pahalagahan ito?
Tutulungan ka ng Diyos na batahin ang pagdurusa
114
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
landasin sa buhay ang tatahakin natin, kung sino ang magiging mga kaibigan natin, at iba pa. Nalulugod tayong magkaroon ng antas ng kalayaan, at iyan ang gusto ng Diyos na tamasahin natin. 20 Hindi natutuwa si Jehova kung napipilitan lamang tayong maglingkod sa kaniya. (2 Corinto 9:7) Upang ilarawan: Ano ang higit na magpapasaya sa isang magulang—ang pagsasabi ng isang anak ng “Mahal ko po kayo” dahil inutusan siyang sabihin ito o ang kusang pagsasabi niya nito mula sa puso? Kaya ang tanong ay, Paano mo gagamitin ang kalayaang magpasiya na ibinigay ni Jehova sa iyo? Maling-mali ang naging paggamit nina Satanas, Adan, at Eva sa kanilang kalayaang magpasiya. Itinakwil nila ang Diyos na Jehova. Ano naman kaya ang gagawin mo? 21 May pagkakataon kang gamitin ang kamangha-manghang regalo na kalayaang magpasiya sa pinakamainam na paraan. Maaari kang sumama sa milyun-milyong pumapanig kay Jehova. Pinasasaya nila ang Diyos dahil aktibo silang nakikibahagi sa pagpapatunay na si Satanas ay isang sinungaling at bigung-bigo siya bilang tagapamahala. (Kawikaan 27:11) Magagawa mo rin iyan kung pipiliin mo ang tamang landasin sa buhay. Ipaliliwanag ito sa susunod na kabanata. 20, 21. Paano natin magagamit sa pinakamainam na paraan ang regalo na kalayaang magpasiya, at bakit natin gugustuhing gawin iyan?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Hindi ang Diyos ang sanhi ng masasamang kalagayan sa daigdig.—Job 34:10. ˇ Sa pagtawag sa Diyos na isang sinungaling at sa pagsasabing nagkakait Siya ng mabuti sa Kaniyang mga nasasakupan, kinuwestiyon ni Satanas ang karapatang mamahala ni Jehova.—Genesis 3:2-5. ˇ Gagamitin ni Jehova ang kaniyang Anak, ang Tagapamahala ng Mesiyanikong Kaharian, upang wakasan ang lahat ng pagdurusa ng tao at pawiin ang mga epekto nito.—1 Juan 3:8.
KABANATA 12
Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos Paano ka magiging kaibigan ng Diyos? Paano ka nasasangkot sa hamon ni Satanas? Anong paggawi ang hindi nakalulugod kay Jehova? Paano ka makapamumuhay sa paraang nakalulugod sa Diyos? ANONG uri ng tao ang pipiliin mong maging kaibigan? Malamang na gugustuhin mong makasama ang isa na kapareho mo ng mga pananaw, hilig, at pamantayan. At marahil ay mapapala´ pıt ka sa isa na may magagandang katangian, gaya ng katapatan at kabaitan. 2 Sa buong kasaysayan, pinili ng Diyos ang ilang tao para maging matatalik niyang kaibigan. Halimbawa, tinawag ni Jehova si Abraham na kaniyang kaibigan. (Isaias 41:8; Santiago 2:23) Tinukoy ng Diyos si David na “isang lalaking kalugud-lugod sa aking puso” dahil siya ang uri ng tao na iniibig ni Jehova. (Gawa 13:22) At itinuring ni Jehova si propeta Daniel bilang isa na “lubhang kalugud-lugod.”—Daniel 9:23. 3 Bakit sina Abraham, David, at Daniel ay itinuring ni Jehova na kaniyang mga kaibigan? Buweno, sinabi niya kay Abraham: “Pinakinggan mo ang aking tinig.” (Genesis 22:18) Kaya si Jehova ay ´ nagiging malapıt sa mga mapagpakumbabang gumagawa ng kaniyang hinihiling sa kanila. “Sundin ninyo ang aking tinig,” ang sabi niya sa mga Israelita, “at ako ang magiging inyong Diyos, at kayo mismo ang magiging aking bayan.” (Jeremias 7:23) Kung susundin mo si Jehova, magiging kaibigan ka rin niya! 1, 2. Magbigay ng ilang halimbawa ng mga taong itinuring ni Jehova bilang kaniyang matatalik na kaibigan. 3. Bakit pinipili ni Jehova ang ilang tao para maging kaibigan niya?
116
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
PINALALAKAS NI JEHOVA ANG KANIYANG MGA KAIBIGAN 4 Pag-isipan kung ano ang kahulugan ng pakikipagkaibigan sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya na humahanap si Jehova ng mga pagkakataon “upang ipakita ang kaniyang lakas alang-alang sa mga may pusong sakdal sa kaniya.” (2 Cronica 16:9) Paano maipakikita ni Jehova ang kaniyang lakas alang-alang sa iyo? Ang isang paraan ay binanggit sa Awit 32:8, kung saan mababasa natin: “Pagkakalooban kita,” ang sabi ni Jehova, “ng kaunawaan at tuturuan kita hinggil sa daan na dapat mong lakaran. Magpapayo ako habang ang aking mata ay nakatingin sa iyo.” 5 Isa nga itong nakaaantig-damdaming kapahayagan ng pagmamalasakit ni Jehova! Paglalaanan ka niya ng kinakailangang patnubay at babantayan ka niya habang ikinakapit mo ito. Nais ng Diyos na tulungan kang malampasan ang mga pagsubok. (Awit 55:22) Kaya kung paglilingkuran mo si Jehova nang buong puso, makapagtitiwala ka gaya ng salmista na nagsabi: “Lagi kong inilalagay si Jehova sa harap ko. Sa dahilang siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos.” (Awit 16:8; 63:8) Oo, matutulungan ka ni Jehova na mamuhay sa paraang nakalulugod sa kaniya. Ngunit gaya ng alam mo, may kaaway ang Diyos na gustong humadlang sa iyo sa paggawa mo nito. ANG HAMON NI SATANAS Ipinaliwanag sa Kabanata 11 ng aklat na ito kung paano hinamon ni Satanas na Diyablo ang soberanya ng Diyos. Pinaratangan ni Satanas ang Diyos na isang sinungaling at ipinahiwatig na di-makatarungan si Jehova sa hindi pagpapahintulot kina Adan at Eva na magpasiya para sa kanilang sarili kung ano ang tama at kung ano ang mali. Pagkatapos magkasala nina Adan at Eva at magsimulang mapuno ang lupa ng kanilang mga supling, kinuwestiyon ni Satanas ang motibo ng lahat ng tao. “Ang mga tao ay naglilingkod sa Diyos hindi dahil mahal nila siya,” ang paratang ni Satanas. “Kung bibigyan lamang ako ng pagkakataon, maitatalikod ko ang lahat laban sa Diyos.” Ipinakikita ng 6
4, 5. Paano ipinakikita ni Jehova ang kaniyang lakas alang-alang sa kaniyang bayan? 6. Ano ang paratang ni Satanas hinggil sa mga tao?
Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos
117
salaysay hinggil sa taong nagngangalang Job na ito ang palagay ni Satanas. Sino ba si Job, at paano siya nasangkot sa hamon ni Satanas? 7 Nabuhay si Job mga 3,600 taon na ang nakalilipas. Isa siyang mabuting tao, dahil sinabi ni Jehova: “Walang sinumang tulad niya sa lupa, isang lalaking walang kapintasan at matuwid, na natatakot sa Diyos at lumilihis sa kasamaan.” (Job 1:8) Si Job ay kalugud-lugod sa Diyos. 8 Kinuwestiyon ni Satanas ang motibo ni Job sa paglilingkod sa Diyos. Sinabi ng Diyablo kay Jehova: “Hindi ka ba naglagay ng bakod sa palibot [ni Job] at sa palibot ng kaniyang sambahayan at sa palibot ng lahat ng kaniyang pag-aari sa buong paligid? Ang gawa ng kaniyang mga kamay ay iyong pinagpala, at ang kaniyang mga alagang hayop ay lumaganap sa lupa. Ngunit, upang mapaiba naman, iunat mo ang iyong kamay, pakisuyo, at galawin mo ang lahat ng kaniyang pag-aari at tingnan mo kung hindi ka niya susumpain nang mukhaan.”—Job 1:10, 11. 9 Kaya iginiit ni Satanas na naglilingkod si Job sa Diyos dahil lamang sa nakukuha niyang pakinabang. Nagparatang din ang Diyablo na kung susubukin si Job, tatalikuran nito ang Diyos. Paano tumugon si Jehova sa hamon ni Satanas? Yamang nasasangkot sa usapin ang motibo ni Job, pinahintulutan ni Jehova si Satanas na subukin si Job. Sa ganitong paraan, maliwanag na makikita kung talagang iniibig ni Job ang Diyos o hindi. SINUBOK SI JOB Di-nagtagal at sinubok ni Satanas si Job sa iba’t ibang paraan. Ang ilan sa mga hayupan ni Job ay ninakaw, at ang iba ay pinatay. Ang karamihan sa kaniyang mga lingkod ay pinaslang. Nagdulot ito ng paghihirap sa kabuhayan. Sumapit pa ang karagdagang trahedya nang mamatay ang sampung anak ni Job dahil sa isang bagyo. Subalit sa kabila ng kahila-hilakbot na mga pangyayaring ito, “hindi nagkasala si Job ni nagpatungkol man sa Diyos ng anumang di-wasto.”—Job 1:22. 10
7, 8. (a) Bakit namumukod-tangi si Job sa mga tao nang panahong iyon? (b) Paano kinuwestiyon ni Satanas ang motibo ni Job? 9. Paano tumugon si Jehova sa hamon ni Satanas, at bakit? 10. Anong mga pagsubok ang sumapit kay Job, at paano siya tumugon?
Ginantimpalaan si Job dahil sa kaniyang tapat na landasin
Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos
119
Hindi sumuko si Satanas. Marahil ay naisip niya na bagaman kayang batahin ni Job ang pagkawala ng kaniyang mga pag-aari, mga lingkod, at mga anak, tatalikuran nito ang Diyos kapag nagkasakit ito. Pinahintulutan ni Jehova si Satanas na pasapitan si Job ng isang nakapandidiri at makirot na sakit. Ngunit maging ito man ay hindi naging dahilan upang mawalan ng pananampalataya si Job sa Diyos. Sa halip, matatag niyang sinabi: “Hanggang sa pumanaw ako ay hindi ko aalisin sa akin ang aking katapatan!” —Job 27:5. 12 Hindi alam ni Job na si Satanas ang sanhi ng kaniyang mga suliranin. Palibhasa’y hindi niya alam ang mga detalye hinggil sa hamon ng Diyablo sa soberanya ni Jehova, nangamba si Job na ang Diyos ang dahilan ng kaniyang mga problema. (Job 6:4; 16:11-14) Gayunman, nanatili siyang tapat kay Jehova. At ang pag-aangkin ni Satanas na naglilingkod si Job sa Diyos dahil sa makasariling mga dahilan ay napatunayang kasinungalingan sa pamamagitan ng tapat na landasin ni Job! 13 Ang katapatan ni Job ay naglaan kay Jehova ng isang mapuwersang sagot sa mapang-insultong hamon ni Satanas. Si Job ay talagang kaibigan ni Jehova, at ginantimpalaan siya ng Diyos dahil sa kaniyang tapat na landasin.—Job 42:12-17. 11
KUNG PAANO KA NASASANGKOT Ang usaping ibinangon ni Satanas hinggil sa katapatan sa Diyos ay hindi lamang nakatuon kay Job. Nasasangkot ka rin. Maliwanag na ipinakikita ito sa Kawikaan 27:11, kung saan sinasabi ng Salita ni Jehova: “Magpakarunong ka, anak ko, at pasayahin mo ang aking puso, upang masagot ko siya na tumutuya sa akin.” Ipinakikita ng mga salitang ito, na isinulat daan-daang taon na ang nakalipas pagkamatay ni Job, na tinutuya pa rin ni Satanas ang Diyos at inaakusahan ang Kaniyang mga lingkod. Kapag namumuhay tayo sa paraang nakalulugod kay Jehova, sa katunayan 14
11. (a) Ano ang ikalawang akusasyon ni Satanas hinggil kay Job, at paano tumugon si Jehova? (b) Paano tumugon si Job nang dapuan siya ng makirot na sakit? 12. Paano sinagot ni Job ang hamon ng Diyablo? 13. Ano ang nangyari dahil tapat si Job sa Diyos? 14, 15. Bakit natin masasabi na ang hamon ni Satanas may kaugnayan kay Job ay kumakapit sa lahat ng tao?
120
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
ay tumutulong tayo sa pagsagot sa huwad na mga paratang ni Satanas, at sa gayo’y napasasaya natin ang puso ng Diyos. Ano ang nadarama mo hinggil sa bagay na iyan? Hindi ba napakainam na magkaroon ng bahagi sa pagsagot sa may-kasinungalingang mga pag-aangkin ng Diyablo, kahit na nangangahulugan ito ng paggawa ng ilang pagbabago sa iyong buhay? 15 Pansinin na sinabi ni Satanas: “Lahat ng pag-aari ng isang tao ay ibibigay niya alang-alang sa kaniyang kaluluwa.” (Job 2:4) Sa pagsasabing “isang tao,” niliwanag ni Satanas na ang kaniyang paratang ay kapit hindi lamang kay Job kundi sa lahat ng tao. Napakahalagang punto iyan. Kinukuwestiyon ni Satanas ang iyong katapatan sa Diyos. Kapag nagkaroon ng mga problema, gustong makita ng Diyablo na sumuway ka sa Diyos at iwan mo ang matuwid na landasin. Paano kaya ito maaaring gawin ni Satanas? 16 Gaya ng tinalakay sa Kabanata 10, gumagamit si Satanas ng iba’t ibang pamamaraan sa pagsisikap na italikod ang mga tao sa Diyos. Sa isang banda, sumasalakay siya “tulad ng isang leong umuungal, na naghahanap ng masisila.” (1 Pedro 5:8) Kaya maaaring makita ang impluwensiya ni Satanas kapag sinasalansang ng mga kaibigan, kamag-anak, o ng iba pa ang iyong pagsisikap na mag-aral ng Bibliya at magkapit ng iyong mga natututuhan.1 (Juan 15:19, 20) Sa kabilang panig naman, si Satanas ay “laging nag-aanyong isang anghel ng liwanag.” (2 Corinto 11:14) Maaaring gumamit ang Diyablo ng tusong mga paraan upang iligaw ka at akayin palayo sa makadiyos na paraan ng pamumuhay. Maaari rin niyang gamitin ang pagkasira ng loob, anupat marahil ay ipadama sa iyo na hindi mo mapaluluguran ang Diyos kahit kailan. (Kawikaan 24:10) Si Satanas man ay kumikilos na gaya ng “isang leong umuungal” o nagkukunwang “isang anghel ng liwanag,” hindi nagbabago ang kaniyang hamon: Sinasabi niyang 1 Hindi naman ito nangangahulugang tuwirang kinokontrol ni Satanas ang mga sumasalansang sa iyo. Ngunit si Satanas ang diyos ng sistemang ito ng mga bagay, at ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan niya. (2 Corinto 4:4; 1 Juan 5:19) Kaya makaaasa tayo na ang pamumuhay sa makadiyos na paraan ay magiging isang di-popular na landasin, at sasalansangin ka ng ilan. 16. (a) Sa anu-anong pamamaraan sinisikap ni Satanas na italikod ang mga tao sa Diyos? (b) Paano maaaring gamitin ng Diyablo ang mga pamamaraang ito laban sa iyo?
Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos
121
kapag napaharap ka sa mga pagsubok o mga tukso, hihinto ka na sa paglilingkod sa Diyos. Paano mo masasagot ang kaniyang hamon at mapatutunayan ang iyong katapatan sa Diyos, gaya ng ginawa ni Job? PAGSUNOD SA MGA UTOS NI JEHOVA Masasagot mo ang hamon ni Satanas kung mamumuhay ka sa paraang nakalulugod sa Diyos. Ano ba ang kasangkot dito? Ganito ang sagot ng Bibliya: “Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong lakas.” (Deuteronomio 6:5) Habang sumisidhi ang iyong pag-ibig sa Diyos, sisidhi rin ang iyong hangaring gawin ang hinihiling niya sa iyo. “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos,” ang isinulat ni apostol Juan, “na tuparin natin ang kaniyang mga utos.” Kung iniibig mo si Jehova nang iyong buong puso, masusumpungan mo na “ang kaniyang mga utos ay hindi pabigat.”—1 Juan 5:3. 18 Ano ba ang mga utos ni Jehova? Ang ilan sa mga ito ay nagsasangkot sa mga paggawing kailangan nating iwasan. Halimbawa, pansinin ang kahon sa pahina 122, na pinamagatang “Iwasan ang mga Kinapopootan ni Jehova.” Masusumpungan mong nakalista roon ang mga paggawing maliwanag na hinahatulan ng Bibliya. Sa unang tingin, ang ilang gawaing nakatala ˆ roon ay waring hindi naman ganoon kasama. Ngunit kapag binulay-bulay mo na ang binanggit na mga kasulatan, malamang na makikita mo ang karunungan ng mga kautusan ni Jehova. Ang paggawa mo ng mga pagbabago sa iyong paggawi ang maaaring maging pinakamalaking hamon na mapapaharap sa iyo kailanman. Gayunman, ang pamumuhay sa paraang nakalulugod sa Diyos ay nagdudulot ng malaking kasiyahan at kaligayahan. (Isaias 48:17, 18) At ito ay isang bagay na kaya mong abutin. Paano natin nalaman iyan? 19 Hindi kailanman humihiling si Jehova nang higit sa makakaya natin. (Deuteronomio 30:11-14) Mas alam niya kaysa sa 17
17. Ano ang pangunahing dahilan sa pagsunod sa mga utos ni Jehova? 18, 19. (a) Ano ang ilan sa mga utos ni Jehova? (Tingnan ang kahon sa pahina 122.) (b) Paano natin nalaman na hindi naman labis-labis ang hinihiling ng Diyos sa atin?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
122
atin ang ating potensiyal at mga limitasyon. (Awit 103:14) Bukod diyan, mabibigyan tayo ni Jehova ng lakas para sundin siya. Sumulat si apostol Pablo: “Ang Diyos ay tapat, at hindi niya hahayaang tuksuhin kayo nang higit sa matitiis ninyo, kundi kalakip ng tukso ay gagawa rin siya ng daang malalabasan upang mabata ninyo iyon.” (1 Corinto 10:13) Upang matulungan kang magbata, mapaglalaanan ka pa nga ni Jehova ng “lakas na higit sa karaniwan.” (2 Corinto 4:7) Pagkatapos batahin ang maraming pagsubok, masasabi ni Pablo: “Sa lahat ng bagay ay may lakas ako dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.”—Filipos 4:13.
IWASAN ANG MGA KINAPOPOOTAN NI JEHOVA Pagpatay.—Exodo 20:13; 21:
Karahasan.—Awit 11:5;
22, 23.
Kawikaan 22:24, 25; Malakias 2:16; Galacia 5:20, 21.
Seksuwal na imoralidad. —Levitico 20:10, 13, 15, 16; Roma 1:24, 26, 27, 32; 1 Corinto 6:9, 10.
Masamang pananalita.
Espiritismo.—Deuteronomio 18: 9-13; 1 Corinto 10:21, 22; Galacia 5:20, 21.
Maling paggamit ng dugo.
Idolatriya.
Hindi paglalaan sa pamilya.
—1 Corinto 10:14.
Paglalasing.
—Levitico 19:16; Efeso 5:4; Colosas 3:8.
—Genesis 9:4; Gawa 15: 20, 28, 29.
—1 Timoteo 5:8.
Pagnanakaw.—Levitico 6:2, 4;
Pakikibahagi sa mga digmaan o sa mga usaping pulitikal ng sanlibutang ito.
Efeso 4:28.
—Isaias 2:4; Juan 6:15; 17:16.
Pagsisinungaling. —Kawikaan 6:16, 19; Colosas 3:9; Apocalipsis 22:15.
Paggamit ng tabako o ng tinatawag na drogang panlibangan.—Marcos 15:23;
Kasakiman.—1 Corinto 5:11.
2 Corinto 7:1.
—1 Corinto 5:11.
Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos
123
PAGLINANG NG MAKADIYOS NA MGA KATANGIAN Siyempre pa, ang pagpapalugod kay Jehova ay nagsasangkot ng higit pa kaysa sa basta pag-iwas sa mga bagay na kinapopootan niya. Kailangan mo ring ibigin ang iniibig niya. (Roma 12:9) 織 Hindi ka ba napapalap覺t sa mga indibiduwal na kapareho mo ng mga pananaw, hilig, at pamantayan? Ganiyan din si Jehova. Kaya pag-aralan mong ibigin ang mga bagay na gustung-gusto ni Jehova. Ang ilan sa mga ito ay inilalarawan sa Awit 15:1-5, kung saan mababasa natin ang tungkol sa mga itinuturing ng Diyos na kaniyang 20
20. Anong makadiyos na mga katangian ang dapat mong linangin, at bakit mahalaga ang mga ito?
124
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
mga kaibigan. Ipinakikita ng mga kaibigan ni Jehova ang tinatawag ng Bibliya na “mga bunga ng espiritu.” Kabilang dito ang mga katangiang gaya ng “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, mahabang pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, pagpipigil sa sarili.”—Galacia 5:22, 23. 21 Ang regular na pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya ay tutulong sa iyo na malinang ang makadiyos na mga katangian. At ang pagkaalam naman sa mga hinihiling ng Diyos ay tutulong sa iyo na maiayon ang iyong mga kaisipan sa pag-iisip ng Diyos. (Isaias 30:20, 21) Habang pinasisidhi mo ang iyong pag-ibig kay Jehova, sisidhi rin ang iyong hangaring mabuhay sa paraang nakalulugod sa Diyos. 22 Kailangan ang pagsisikap para makapamuhay sa paraang nakalulugod kay Jehova. Ang iyong pagbabago sa buhay ay inihahalintulad ng Bibliya sa paghuhubad mo ng iyong lumang personalidad at pagsusuot ng bagong personalidad. (Colosas 3: 9, 10) Ngunit hinggil sa mga utos ni Jehova, ganito ang isinulat ng salmista: “Sa pag-iingat ng mga iyon ay may malaking gantimpala.” (Awit 19:11) Masusumpungan mo rin na ang pamumuhay sa paraang nakalulugod sa Diyos ay lubhang kapaki-pakinabang. Sa paggawa nito, masasagot mo ang hamon ni Satanas at mapasasaya mo ang puso ni Jehova! 21. Ano ang tutulong sa iyo na malinang ang makadiyos na mga katangian? 22. Ano ang maisasakatuparan mo kung mamumuhay ka sa paraang nakalulugod sa Diyos?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Maaari kang maging kaibigan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniya.—Santiago 2:23. ˇ Hinamon ni Satanas ang katapatan ng lahat ng tao.—Job 1:8, 10, 11; 2:4; Kawikaan 27:11. ˇ Dapat nating iwasan ang mga gawaing hindi nakalulugod sa Diyos.—1 Corinto 6:9, 10. ˇ Mapalulugdan natin si Jehova kung kapopootan natin ang kinapopootan niya at iibigin ang iniibig niya.—Roma 12:9.
KABANATA 13
Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay Ano ang pangmalas ng Diyos sa buhay? Ano ang pangmalas ng Diyos sa aborsiyon? Paano natin ipinakikita ang paggalang sa buhay? “SI Jehova ay totoo ngang Diyos,” ang sabi ni propeta Jeremias. ´ “Siya ang Diyos na buhay.” (Jeremias 10:10) Bukod diyan, ang Diyos na Jehova ang Maylalang ng lahat ng bagay na may buhay. Ganito ang sabi ng makalangit na mga nilalang hinggil sa kaniya: “Nilalang mo ang lahat ng bagay, at dahil sa iyong kalooban ay umiral sila at nalalang.” (Apocalipsis 4:11) Sa isang awit ng papuri sa Diyos, sinabi ni Haring David: “Nasa iyo ang bukal ng buhay.” (Awit 36:9) Kung gayon, ang buhay ay isang regalo mula sa Diyos. 2 Si Jehova rin ang tumutustos sa ating buhay. (Gawa 17:28) Inilalaan niya ang pagkain na kinakain natin, ang tubig na iniinom natin, ang hangin na nilalanghap natin, at ang lupa na tinitirhan natin. (Gawa 14:15-17) Ginawa ito ni Jehova sa paraang makapagdudulot ng kasiyahan sa buhay. Ngunit upang masiyahan nang lubusan sa buhay, kailangan nating matutuhan ang mga kautusan ng Diyos at sundin ang mga ito.—Isaias 48:17, 18. PAGPAPAKITA NG PAGGALANG SA BUHAY Nais ng Diyos na igalang natin ang buhay—ang sa atin at sa ´ ´ iba. Halimbawa, noong panahon nina Adan at Eva, galıt na galıt ang kanilang anak na si Cain sa kaniyang nakababatang kapatid na si Abel. Binabalaan ni Jehova si Cain na ang kaniyang galit ay maaaring umakay sa malubhang pagkakasala. Ipinagwalang-bahala ni Cain ang babalang iyon. ‘Dinaluhong niya si Abel na kaniyang kapatid at pinatay niya ito.’ (Genesis 4:3-8) Pinarusahan 3
1. Sino ang lumalang ng lahat ng bagay na may buhay? 2. Ano ang ginagawa ng Diyos upang tustusan ang ating buhay? 3. Ano ang pangmalas ng Diyos sa pagpaslang kay Abel?
IPINAKIKITA NATIN ANG PAGGALANG SA BUHAY
ˇ sa pamamagitan ng hindi pagkitil sa buhay ng isang di-pa-naisisilang na sanggol
ˇ sa pamamagitan ng pagtigil sa maruruming bisyo
ˇ sa pamamagitan ng lubusang pag-aalis sa ating puso ng anumang poot sa ating kapuwa
Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay
127
ni Jehova si Cain dahil sa pagpaslang nito sa kaniyang kapatid. —Genesis 4:9-11. 4 Makalipas ang libu-libong taon, binigyan ni Jehova ng mga kautusan ang bayan ng Israel upang tulungan silang paglingkuran siya sa kaayaayang paraan. Dahil ibinigay ang mga kautusang ito sa pamamagitan ni propeta Moises, tinatawag kung minsan ang mga ito na Kautusang Mosaiko. Ganito ang sabi ng bahagi ng Kautusang Mosaiko: “Huwag kang papaslang.” (Deuteronomio 5:17) Ipinakita nito sa mga Israelita na pinahahalagahan ng Diyos ang buhay ng tao at na dapat pahalagahan ng mga tao ang buhay ng iba. 5 Kumusta naman ang buhay ng isang di-pa-naisisilang na sanggol? Buweno, ayon sa Kautusang Mosaiko, ang maging sanhi ng kamatayan ng isang sanggol na nasa sinapupunan ng kaniyang ina ay isang pagkakasala. Oo, maging ang gayong buhay ay mahalaga kay Jehova. (Exodo 21:22, 23; Awit 127:3) Nangangahulugan ito na mali ang aborsiyon. 6 Kalakip sa paggalang sa buhay ang pagkakaroon ng tamang pangmalas sa ating kapuwa. Sinasabi ng Bibliya: “Ang bawat isa na napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao, at alam ninyo na walang mamamatay-tao ang may buhay na walang hanggan na nananatili sa kaniya.” (1 Juan 3:15) Kung nais natin ng buhay na walang hanggan, kailangan nating lubusang alisin sa ating puso ang anumang poot sa ating kapuwa, dahil ang poot ang ugat ng karamihan sa mga karahasan. (1 Juan 3:11, 12) Napakahalaga na matutuhan nating ibigin ang isa’t isa. 7 Kumusta naman ang pagpapakita ng paggalang sa atin mismong buhay? Karaniwan nang ayaw mamatay ng mga tao, ngunit isinasapanganib ng ilan ang kanilang buhay alang-alang sa kaluguran. Halimbawa, marami ang gumagamit ng tabako, nganga, o droga bilang libangan. Ang gayong mga substansiya ay nakapipinsala sa katawan at kadalasang pumapatay sa mga gumagamit nito. Hindi itinuturing ng isang taong namihasa sa paggamit ng 4. Sa Kautusang Mosaiko, paano idiniin ng Diyos ang tamang pangmalas sa buhay? 5. Ano ang dapat maging pangmalas natin sa aborsiyon? 6. Bakit hindi natin dapat kapootan ang ating kapuwa? 7. Ano ang ilang gawain na nagpapakita ng kawalang-galang sa buhay?
128
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
mga substansiyang ito na banal ang buhay. Ang mga gawaing ito ay marumi sa paningin ng Diyos. (Roma 6:19; 12:1; 2 Corinto 7:1) Upang mapaglingkuran ang Diyos sa kaayaayang paraan, kailangan nating itigil ang gayong mga gawain. Bagaman maaaring napakahirap gawin ito, mabibigyan tayo ni Jehova ng kinakailangang tulong. At pinahahalagahan niya ang ginagawa nating pagsisikap na ituring ang ating buhay bilang isang mahalagang regalo mula sa kaniya. 8 Kung may paggalang tayo sa buhay, palagi tayong magiging palaisip sa kaligtasan. Hindi tayo magiging pabaya at hindi tayo makikipagsapalaran para lamang sa kaluguran o katuwaan. Iiwasan natin ang walang-ingat na pagmamaneho at ang marahas o mapanganib na mga isport. (Awit 11:5) Ganito ang sinabi ng kautusan ng Diyos sa sinaunang Israel: “Kung magtatayo ka ng isang bagong bahay [na may patag na bubong], gagawa ka rin ng isang halang [o, mababang pader] para sa iyong bubong, upang hindi ka makapaglagay ng pagkakasala sa dugo sa iyong bahay dahil baka may sinumang mahulog at mula roon siya mahulog.” (Deuteronomio 22:8) Kaayon ng simulaing itinakda sa kautusang iyan, panatilihing ligtas ang mga dako sa inyong tahanan gaya ng mga hagdanan para walang matalisod, mahulog, at lubhang masaktan. Kung may sasakyan ka, tiyakin mong ligtas itong gamitin. Huwag hayaang maging panganib sa iyo at sa iba ang iyong tahanan o ang iyong sasakyan. 9 Kumusta naman ang buhay ng isang hayop? Banal din iyan sa Maylalang. Pinahihintulutan ng Diyos ang pagpatay sa mga hayop para makakuha ng pagkain at pananamit o para ipagsanggalang ang mga tao mula sa panganib. (Genesis 3:21; 9:3; Exodo 21:28) Gayunman, ang pagiging malupit sa mga hayop o pagpatay sa mga ito dahil lamang sa isport ay mali at pagpapakita ng ganap na pagwawalang-bahala sa kabanalan ng buhay.—Kawikaan 12:10. PAGPAPAKITA NG PAGGALANG SA DUGO Matapos patayin ni Cain ang kaniyang kapatid na si Abel, sinabi ni Jehova kay Cain: “Ang dugo ng iyong kapatid ay sumi10
8. Bakit dapat tayong maging palaisip sa kaligtasan? 9. Kung may paggalang tayo sa buhay, paano natin tatratuhin ang mga hayop? 10. Paano ipinakita ng Diyos na magkaugnay ang buhay at ang dugo?
Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay
129
sigaw sa akin mula sa lupa.” (Genesis 4:10) Nang banggitin ng Diyos ang dugo ni Abel, ang tinutukoy niya ay ang buhay ni Abel. Kinitil ni Cain ang buhay ni Abel, at ngayon ay kailangang parusahan si Cain. Para bang ang dugo, o buhay, ni Abel ay humihingi ng katarungan kay Jehova. Ang kaugnayan ng buhay at dugo ay muling ipinakita pagkatapos ng Baha noong panahon ni Noe. Bago ang Baha, mga prutas, gulay, butil, at mga nuwes lamang ang kinakain ng mga tao. Pagkatapos ng Baha, sinabi ni Jehova kay Noe at sa kaniyang mga anak: “Bawat gumagalang hayop na ´ buhay ay magiging pagkain para sa inyo. Gaya ng luntiang pananim, ibinibigay kong lahat iyon sa inyo.” Gayunman, ibinigay ng Diyos ang pagbabawal na ito: “Tanging ang laman na kasama ang kaluluwa nito [o, buhay]—ang dugo nito—ang huwag ninyong kakainin.” (Genesis 1:29; 9:3, 4) Maliwanag na para kay Jehova, may malapit na kaugnayan ang buhay at ang dugo ng isang nilalang. 11 Ipinakikita natin ang paggalang sa dugo sa pamamagitan ng hindi pagkain dito. Sa Kautusan na ibinigay ni Jehova sa mga Israelita, iniutos niya: “Kung tungkol sa sinumang tao . . . na sa pangangaso ay makahuli ng isang mailap na hayop o ng isang ibon na makakain, ibubuhos nga niya ang dugo niyaon at tatakpan niya iyon ng alabok. . . . Sinabi ko sa mga anak ni Israel: ‘Huwag ninyong kakainin ang dugo ng anumang uri ng laman.’ ” (Levitico 17:13, 14) Ang utos ng Diyos na huwag kumain ng dugo ng hayop, na unang ibinigay kay Noe mga 800 taon bago nito, ay may bisa pa rin. Maliwanag ang pangmalas ni Jehova: Puwedeng kainin ng kaniyang mga lingkod ang karne ng hayop pero hindi ang dugo. Dapat nilang ibuhos ang dugo sa lupa—sa diwa ay ibinabalik sa Diyos ang buhay ng nilalang. 12 Isang nakatutulad na utos ang itinakda sa mga Kristiyano. Ang mga apostol at iba pang mga lalaki na inatasang manguna sa mga tagasunod ni Jesus noong unang siglo ay nagtipon upang pagpasiyahan kung anong mga utos ang dapat sundin ng lahat sa kongregasyong Kristiyano. Ito ang naging pasiya nila: 11. Anong paggamit ng dugo ang ipinagbabawal ng Diyos mula pa noong panahon ni Noe? 12. Anong utos hinggil sa dugo ang ibinigay noong unang siglo sa pamamagitan ng banal na espiritu na kapit pa rin sa ngayon?
130
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
“Minagaling ng banal na espiritu at namin mismo na huwag nang magdagdag ng higit pang pasanin sa inyo, maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan, na patuloy na umiwas sa mga bagay na inihain sa mga idolo at sa dugo at sa mga bagay na binigti [hindi napatulo ang dugo] at sa pakikiapid.” (Gawa 15:28, 29; 21:25) Kaya dapat tayong ‘patuloy na umiwas sa dugo.’ Sa paningin ng Diyos, ang paggawa natin niyan ay kasinghalaga ng pag-iwas natin sa idolatriya at seksuwal na imoralidad. 13 Kasama ba ang pagpapasalin ng dugo sa utos na umiwas sa dugo? Oo. Bilang paglalarawan: Ipagpalagay na sinabi sa iyo ng doktor na umiwas ka sa mga inuming de-alkohol. Nangangahulugan ba lamang iyan na hindi ka dapat uminom ng inuming de-alkohol pero puwede kang magturok nito sa iyong mga ugat? Siyempre hindi! Sa katulad na paraan, ang pag-iwas sa dugo ay nangangahulugang hindi natin ito ipapasok sa ating katawan sa anumang paraan. Kaya ang utos na umiwas sa dugo ay nangangahulugang hindi natin pahihintulutan ang sinuman na salinan tayo ng dugo sa ating mga ugat. 14 Paano naman kung ang isang Kristiyano ay malubhang napinsala o nangangailangan ng maselang operasyon? Ipagpalagay na sinabi ng doktor na kailangan siyang salinan ng dugo dahil kung hindi ay mamamatay siya. Siyempre, hindi gustong mamatay ng Kristiyano. Sa pagsisikap na ingatan ang mahalagang regalo na buhay mula sa Diyos, tatanggapin niya ang ibang uri ng paggamot na hindi nagsasangkot ng maling paggamit sa dugo. Kaya, sisikapin niyang magpagamot sa gayong paraan hangga’t maaari at tatanggapin niya ang mga alternatibo sa dugo. 15 Lalabagin ba ng isang Kristiyano ang kautusan ng Diyos para lamang pahabain nang kaunti ang kaniyang buhay sa sistemang ito ng mga bagay? Sinabi ni Jesus: “Ang sinumang nagnanais magligtas ng kaniyang kaluluwa [o, buhay] ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kaniyang kaluluwa alang-alang sa akin ay makasusumpong nito.” (Ma13. Ilarawan kung bakit kasama sa utos na umiwas sa dugo ang pagpapasalin ng dugo. 14, 15. Kung sasabihin ng mga doktor na kailangang magpasalin ng dugo ang isang Kristiyano, paano siya tutugon, at bakit?
Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay
teo 16:25) Ayaw nating mamatay. Ngunit kung lalabagin natin ang kautusan ng Diyos sa pagsisikap na iligtas ang ating kasalukuyang buhay, nanganganib na maiwala natin ang ating pag-asa na buhay na walang hanggan. Kung gayon, isang katalinuhan na magtiwala sa pagiging tama ng kautusan ng Diyos, anupat lubusang nananalig na mamatay man tayo sa anumang dahilan, aalalahanin tayo ng ating Tagapagbigay-Buhay sa pagkabuhaymuli at isasauli sa atin ang mahalagang regalo na buhay.—Juan 5:28, 29; Hebreo 11:6. 16 Sa ngayon, matatag na kapasiyahan ng tapat na mga lingkod ng Diyos na sundin ang kaniyang tagubilin hinggil sa dugo. Hindi sila kakain nito sa anumang anyo. Ni tatanggap man ng dugo dahil sa medikal na mga kadahilanan.1 Nakatitiyak sila na alam ng Maylalang ng dugo kung ano ang pinakamabuti para sa kanila. Naniniwala ka bang alam niya kung ano ang pinakamabuti para sa kaniyang mga lingkod?
Kung sinabi sa iyo ng doktor na umiwas ka sa inuming de-alkohol, ituturok mo ba ito sa iyong mga ugat?
ANG TANGING WASTONG PAGGAMIT SA DUGO Idiniin ng Kautusang Mosaiko ang tanging wastong paggamit sa dugo. Hinggil sa pagsambang hinihiling sa sinaunang mga Israelita, iniutos ni Jehova: “Ang kaluluwa [o, buhay] ng laman ay nasa dugo, at ako mismo ang naglagay niyaon sa ibabaw ng altar 17
1 Para sa impormasyon hinggil sa mga alternatibo sa pagsasalin ng dugo, tingnan ang pahina 13-17 ng brosyur na Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. 16. Ano ang matatag na kapasiyahan ng mga lingkod ng Diyos hinggil sa dugo? 17. Sa sinaunang Israel, ano ang tanging paggamit sa dugo na kaayaaya sa Diyos na Jehova?
132
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
upang maipambayad-sala ninyo para sa inyong mga kaluluwa, sapagkat ang dugo ang nagbabayad-sala.� (Levitico 17:11) Kapag nagkakasala ang mga Israelita, makapagtatamo sila ng kapatawaran sa pamamagitan ng paghahandog ng hayop at paglalagay ng kaunting dugo nito sa altar sa tabernakulo o sa templo ng Diyos nang maglaon. Ang gayong mga hain ang tanging wastong paggamit sa dugo. 18 Ang mga tunay na Kristiyano ay wala sa ilalim ng Kautusang Mosaiko at sa gayo’y hindi naghahandog ng mga haing hayop at hindi naglalagay ng dugo ng hayop sa altar. (Hebreo 10:1) Gayunman, ang paggamit ng dugo sa altar noong panahon ng sinaunang Israel ay lumalarawan sa mahalagang hain ng Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo. Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 5 ng aklat na ito, ibinigay ni Jesus ang kaniyang buhay bilang tao para sa atin sa pamamagitan ng pagtitigis ng kani18. Anu-anong kapakinabangan at pagpapala ang matatamo natin sa pagtitigis ng dugo ni Jesus?
Paano mo maipapakita ang paggalang sa buhay at dugo?
Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay
133
yang dugo bilang hain. Pagkatapos ay umakyat siya sa langit at iniharap sa Diyos nang minsanan ang halaga ng kaniyang itinigis na dugo. (Hebreo 9:11, 12) Iyan ang naging saligan sa kapatawaran ng ating mga kasalanan at nagbukas ng daan upang magtamo tayo ng buhay na walang hanggan. (Mateo 20:28; Juan 3:16) Tunay ngang napakahalaga ng pagkakagamit sa dugong iyon! (1 Pedro 1:18, 19) Makapagtatamo tayo ng kaligtasan tanging sa pamamagitan ng pananampalataya sa halaga ng itinigis na dugo ni Jesus. 19 Talaga ngang makapagpapasalamat tayo nang lubusan sa Diyos na Jehova sa maibiging kaloob na buhay! At hindi ba iyan ang dapat mag-udyok sa atin na sabihin sa iba ang tungkol sa pagkakataong magtamo ng buhay na walang hanggan salig sa pananampalataya sa hain ni Jesus? Ang makadiyos na pagmamalasakit sa buhay ng ating kapuwa ang magpapakilos sa atin na gawin ito nang may pananabik at sigasig. (Ezekiel 3:17-21) Kung masikap nating gaganapin ang pananagutang ito, masasabi natin ang gaya ng nasabi ni apostol Pablo: “Ako ay malinis sa dugo ng lahat ng tao, sapagkat hindi ko ipinagkait na sabihin sa inyo ang lahat ng layunin ng Diyos.” (Gawa 20:26, 27) Ang pagsasabi sa mga tao tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga layunin ay isang mainam na paraan upang ipakita na may matindi tayong paggalang sa buhay at dugo. 19. Ano ang dapat nating gawin upang maging “malinis sa dugo ng lahat ng tao”?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Ang buhay ay isang regalo mula sa Diyos. —Awit 36:9; Apocalipsis 4:11. ˇ Ang aborsiyon ay mali, yamang ang buhay ng di-pa-naisisilang na sanggol ay mahalaga sa paningin ng Diyos.—Exodo 21:22, 23; Awit 127:3. ˇ Ipinakikita natin ang paggalang sa buhay sa pamamagitan ng hindi pagsasapanganib nito at hindi pagkain ng dugo.—Deuteronomio 5:17; Gawa 15: 28, 29.
KABANATA 14
Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya Ano ang kailangan upang maging mabuting asawang lalaki? Paano magtatagumpay ang isang babae bilang asawa? Ano ang nasasangkot sa pagiging mahusay na magulang? Paano makatutulong ang mga anak upang maging maligaya ang buhay pampamilya? NAIS ng Diyos na Jehova na maging maligaya ang iyong buhay pampamilya. Ang kaniyang Salita, ang Bibliya, ay naglalaan ng mga panuntunan para sa bawat miyembro ng pamilya, anupat inilalarawan ang papel na nais ng Diyos na gampanan ng bawat isa. Kapag ginagampanan ng mga miyembro ng pamilya ang kanikanilang papel alinsunod sa payo ng Diyos, talagang kasiya-siya ang mga resulta. Sinabi ni Jesus: “Maligaya yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”—Lucas 11:28. 2 Ang kaligayahan ng pamilya ay pangunahin nang nakasalalay sa pagkilala natin na ang pamilya ay nagmula kay Jehova, ang isa na tinawag ni Jesus na “Ama [Natin].” (Mateo 6:9) Umiiral ang bawat pamilya sa lupa dahil sa ating makalangit na Ama—at tiyak na alam niya kung ano ang makapagpapaligaya sa mga pamilya. (Efeso 3:14, 15) Kaya, ano ba ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa papel ng bawat miyembro ng pamilya? NAGMULA SA DIYOS ANG KAAYUSAN NG PAMILYA Nilalang ni Jehova ang unang mga tao, sina Adan at Eva, at pinagsama sila bilang mag-asawa. Inilagay niya sila sa isang ma3
1. Ano ang susi sa maligayang buhay pampamilya? 2. Sa pagkilala natin sa ano nakasalalay ang kaligayahan ng pamilya? 3. Paano inilalarawan ng Bibliya ang pasimula ng pamilya ng tao, at bakit natin alam na totoo ang sinasabi nito?
Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya
135
gandang paraisong tahanan dito sa lupa—ang hardin ng Eden—at sinabi sa kanila na magluwal ng mga anak. “Magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa,” ang sabi ni Jehova. (Genesis 1:26-28; 2:18, 21-24) Hindi ito isang kuwento o alamat lamang, sapagkat ipinakita ni Jesus na totoo ang sinasabi ng Genesis tungkol sa pasimula ng buhay pampamilya. (Mateo 19:4, 5) Bagaman napapaharap tayo sa maraming problema at ang buhay ngayon ay hindi kagaya ng nilayon ng Diyos, tingnan natin kung bakit posible ang kaligayahan sa loob ng pamilya. 4 Makatutulong ang bawat miyembro ng pamilya upang maging maligaya ang buhay pampamilya sa pamamagitan ng pagtulad sa Diyos sa pagpapakita ng pag-ibig. (Efeso 5:1, 2) Subalit paano natin matutularan ang Diyos yamang hindi naman natin siya nakikita? Maaari nating malaman kung paano kumikilos si Jehova sapagkat isinugo niya sa lupa ang kaniyang panganay na Anak mula sa langit. (Juan 1:14, 18) Noong siya ay nasa lupa, gayon na lamang kahusay ang pagtulad ng Anak na ito, si Jesu-Kristo, sa kaniyang makalangit na Ama anupat kapag nakita o narinig mo si Jesus, para mo na ring nakasama at narinig si Jehova. (Juan 14:9) Kaya kung pag-aaralan natin ang hinggil sa pag-ibig na ipinakita ni Jesus at susundan ang kaniyang halimbawa, ang bawat isa sa atin ay makatutulong upang maging mas maligaya ang buhay pampamilya. ISANG HUWARAN PARA SA MGA ASAWANG LALAKI Sinasabi ng Bibliya na dapat pakitunguhan ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawang babae katulad ng pakikitungo ni Jesus sa kaniyang mga alagad. Isaalang-alang ang tagubiling ito ng Bibliya: “Mga asawang lalaki, patuloy na ibigin ang inyu-inyong asawang babae, kung paanong inibig din ng Kristo ang kongregasyon at ibinigay ang kaniyang sarili ukol dito . . . Sa ganitong paraan dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawang babae na gaya ng sa kanilang sariling mga katawan. Siya na umiibig sa kaniyang asawang babae ay umiibig sa kaniyang sarili, sapagkat walang taong napoot kailanman sa kaniyang sariling laman; kundi 5
4. (a) Paano makatutulong ang bawat miyembro ng pamilya upang maging maligaya ang pamilya? (b) Bakit napakahalagang pag-aralan ang buhay ni Jesus upang maging maligaya ang pamilya? 5, 6. (a) Paano nagsisilbing halimbawa para sa mga asawang lalaki ang paraan ng pakikitungo ni Jesus sa kongregasyon? (b) Ano ang dapat gawin upang matamo ang kapatawaran sa mga kasalanan?
136
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
pinakakain at inaaruga niya ito, gaya ng ginagawa rin ng Kristo sa kongregasyon.”—Efeso 5:23, 25-29. 6 Ang pag-ibig ni Jesus para sa kaniyang kongregasyon ng mga alagad ay nagsisilbing sakdal na halimbawa para sa mga asawang lalaki. ‘Inibig sila ni Jesus hanggang sa wakas,’ anupat inihandog ang kaniyang buhay para sa kanila, bagaman hindi sila sakdal. (Juan 13:1; 15:13) Sa katulad na paraan, hinihimok ang mga asawang lalaki: “Patuloy na ibigin ang inyu-inyong asawang babae at huwag kayong magalit sa kanila nang may kapaitan.” (Colosas 3:19) Ano ang makatutulong sa asawang lalaki na ikapit ang gayong payo, lalo na kung paminsan-minsan ay kumikilos ang kaniyang asawa nang padalus-dalos? Dapat niyang alalahanin ang kaniyang sariling mga pagkakamali at kung ano ang dapat niyang gawin upang matamo niya ang kapatawaran ng Diyos. Ano nga ba ang dapat niyang gawin? Dapat niyang patawarin ang mga nagkakasala sa kaniya, at kasama na riyan ang kaniyang asawa. Siyempre pa, ganoon din naman ang dapat gawin ng asawang babae. (Mateo 6:12, 14, 15) Nakikita mo ba kung bakit sinasabi ng ilan na ang isang matagumpay na pag-aasawa ay pagsasama ng dalawang mahusay magpatawad? 7 Dapat ding pansinin ng mga asawang lalaki na si Jesus ay laging nagpapakita ng konsiderasyon sa kaniyang mga alagad. Isinaalang-alang niya ang kanilang mga limitasyon at pisikal na mga pangangailangan. Halimbawa, nang mapagod sila, sinabi niya: “Halikayo, kayo mismo, nang sarilinan sa isang liblib na dako at magpahinga nang kaunti.” (Marcos 6:30-32) Karapat-dapat din ang mga asawang babae sa maalalahaning konsiderasyon. Inilalarawan sila ng Bibliya bilang “mas mahinang sisidlan” at ang mga asawang lalaki ay inuutusan na pag-ukulan sila ng ‘karangalan.’ Bakit? Sapagkat ang asawang lalaki at asawang babae ay parehong may bahagi sa “di-sana-nararapat na biyaya ng buhay.” (1 Pedro 3:7) Dapat tandaan ng mga asawang lalaki na nagiging mahalaga sa Diyos ang isang tao, hindi dahil sa lalaki o babae siya, kundi dahil sa katapatan ng isa.—Awit 101:6. 8 Sinasabi ng Bibliya na ang asawang lalaki “na umiibig sa kani7. Ano ang isinaalang-alang ni Jesus, na nagbibigay ng anong halimbawa para sa mga asawang lalaki? 8. (a) Paanong ang asawang lalaki “na umiibig sa kaniyang asawang babae ay umiibig sa kaniyang sarili”? (b) Ano ang kahulugan ng pagiging “isang laman” para sa asawang lalaki at sa kaniyang asawa?
Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya
137
yang asawang babae ay umiibig sa kaniyang sarili.” Ito ay dahil sa ang mag-asawa ay ‘hindi na dalawa, kundi isang laman,’ gaya ng binanggit ni Jesus. (Mateo 19:6) Kaya ang kanilang seksuwal na interes ay dapat na limitado lamang sa isa’t isa. (Kawikaan 5:15-21; Hebreo 13:4) Magagawa nila ito kung magpapakita sila ng walang pag-iimbot na pagmamalasakit sa mga pangangailangan ng isa’t isa. (1 Corinto 7:3-5) Kapansin-pansin ang paalaalang ito: “Walang taong napoot kailanman sa kaniyang sariling laman; kundi pinakakain at inaaruga niya ito.” Kailangang ibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawa gaya ng pag-ibig nila sa kanilang sarili, na isinasaisip na magsusulit sila sa kanilang sariling ulo, si Jesu-Kristo. —Efeso 5:29; 1 Corinto 11:3. 9 Binanggit ni apostol Pablo ang ‘magiliw na pagmamahal na taglay ni Kristo Jesus.’ (Filipos 1:8) Ang pagiging magiliw ni Jesus ay isang nakagiginhawang katangian, isa na kinawiwilihan ng mga babae na naging mga alagad niya. (Juan 20:1, 11-13, 16) At minimithi ng mga asawang babae ang magiliw na pagmamahal ng kani-kanilang asawang lalaki. ISANG HALIMBAWA PARA SA MGA ASAWANG BABAE Ang pamilya ay isang organisasyon, at upang gumana nang maayos, kailangan nito ang isang ulo. Kahit si Jesus ay may Isa na pinagpapasakupan bilang kaniyang Ulo. “Ang ulo . . . ng Kristo ay ang Diyos,” kung paanong “ang ulo naman ng babae ay ang lalaki.” (1 Corinto 11:3) Ang pagpapasakop ni Jesus sa pagkaulo ng Diyos ay isang mainam na halimbawa, yamang tayong lahat ay may ulo na dapat nating pagpasakupan. 11 Nagkakamali ang di-sakdal na mga lalaki at madalas na hindi nakaaabot sa pamantayan ng pagiging huwarang mga ulo ng pamilya. Kung gayon, ano ang dapat gawin ng asawang babae? Hindi niya dapat maliitin ang ginagawa ng kaniyang asawa o sikaping agawin ang pagkaulo nito. Makabubuting tandaan ng asawang babae na sa pangmalas ng Diyos, ang tahimik at mahinahong espiritu ay napakahalaga. (1 Pedro 3:4) Sa pagpapakita ng gayong espiritu, masusumpungan ng asawang babae na mas madaling magpakita 10
9. Anong katangian ni Jesus ang binanggit sa Filipos 1:8, at bakit dapat ipakita ng mga asawang lalaki ang katangiang ito sa kani-kanilang asawa? 10. Paano nagpakita ng halimbawa si Jesus para sa mga asawang babae? 11. Ano ang dapat maging saloobin ng asawang babae sa kaniyang asawa, at ano ang maaaring maging epekto ng kaniyang paggawi?
138
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
ng makadiyos na pagpapasakop, maging sa ilalim ng mapanubok na mga kalagayan. Karagdagan pa, sinasabi ng Bibliya: “Ang asawang babae ay dapat na magkaroon ng matinding paggalang sa kaniyang asawang lalaki.” (Efeso 5:33) Pero paano kung hindi kinikilala ng asawang lalaki si Kristo bilang kaniyang Ulo? Hinihimok ng Bibliya ang mga asawang babae: “Magpasakop kayo sa inyu-inyong asawang lalaki, upang, kung ang sinuman ay hindi masunurin sa salita, mawagi sila nang walang salita sa pamamagitan ng paggawi ng kani-kanilang asawang babae, dahil sa pagiging mga saksi sa inyong malinis na paggawi na may kalakip na matinding paggalang.”—1 Pedro 3:1, 2. 12 Ang asawa man niya ay kapananampalataya o hindi, ang asawang babae ay hindi naman nagpapakita ng kawalang-galang kung mataktika siyang magpapahayag ng opinyon na naiiba sa opinyon ng kaniyang asawa. Maaaring tama ang pangmalas ng asawang babae, at maaaring makinabang ang buong pamilya kung makikinig ang asawang lalaki sa kaniya. Bagaman hindi sang-ayon si Abraham nang irekomenda ng kaniyang asawang si Sara ang isang praktikal na solusyon sa isang partikular na problema ng sambahayan, sinabi ng Diyos kay Abraham: “Pakinggan mo ang kaniyang tinig.” (Genesis 21:9-12) Sabihin pa, kapag gumawa ng panghuling pasiya ang asawang lalaki na hindi naman salungat sa kautusan ng Diyos, ipinakikita ng asawang babae ang kaniyang pagpapasakop sa pamamagitan ng pagsuporta rito.—Gawa 5:29; Efeso 5:24. 13 Sa pagtupad sa kaniyang papel, malaki ang magagawa ng asawang babae sa pangangalaga sa pamilya. Halimbawa, ipinakikita ng Bibliya na dapat “ibigin [ng mga babaing may asawa] ang kani-kanilang asawa, na ibigin ang kanilang mga anak, na maging matino ang pag-iisip, malinis, mga manggagawa sa tahanan, mabuti, nagpapasakop sa kani-kanilang asawa.” (Tito 2:4, 5) Ang asawang babae at ina na gumagawi sa ganitong paraan ay magtatamo ng namamalaging pag-ibig at paggalang ng kaniyang pamilya. (Kawikaan 31:10, 28) Gayunman, yamang ang pag-aasawa ay pagsasama ng di-sakdal na mga indibiduwal, ang ilang sukdulang kalagayan ay maaaring humantong sa paghihiwalay o diborsiyo. Ipinahihintulot ng Bibliya ang paghihiwalay sa ilalim ng ilang partikular na kalaga12. Bakit hindi mali para sa asawang babae na ipahayag ang kaniyang mga opinyon sa magalang na paraan? 13. (a) Ano ang hinihimok ng Tito 2:4, 5 na gawin ng mga babaing may asawa? (b) Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paghihiwalay at diborsiyo?
Anong mainam na halimbawa ang ipinakita ni Sara sa mga asawang babae?
yan. Subalit ang paghihiwalay ay isang seryosong bagay, sapagkat nagpapayo ang Bibliya: “Ang asawang babae ay hindi dapat humiwalay sa kaniyang asawa; . . . at hindi dapat iwan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa.” (1 Corinto 7:10, 11) At tanging ang pakikiapid ng isa sa kanila ang maka-Kasulatang saligan para sa diborsiyo. —Mateo 19:9. ISANG SAKDAL NA HALIMBAWA PARA SA MGA MAGULANG 14 Nagpakita si Jesus ng sakdal na halimbawa para sa mga magulang sa paraan ng pakikitungo niya sa mga bata. Nang sikapin ng ilan na hadlangan ang maliliit na bata sa paglapit kay Jesus, sinabi niya: “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata; huwag ninyo silang tangkaing pigilan.” Sinasabi ng Bibliya na pagkatapos nito ay “kinuha niya sa kaniyang mga bisig ang mga bata at pinasimulan silang pagpalain, na ipinapatong sa kanila ang kaniyang mga kamay.” (Marcos 10:13-16) Yamang naglaan ng panahon si Jesus para sa maliliit na bata, hindi ba’t gayundin ang dapat mong gawin para sa iyong mga anak? Kailangan nila ang malaking panahon mo at hindi ang tira-tira lamang. Kailangan mong maglaan ng panahon para turuan sila, yamang iyan ang itinagubilin ni Jehova na dapat gawin ng mga magulang.—Deuteronomio 6:4-9. 14. Paano pinakitunguhan ni Jesus ang mga bata, at ano ang kailangan ng mga bata mula sa kanilang mga magulang?
140
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
ˆ Habang lalong sumasama ang daigdig na ito, kailangan ng mga anak ang mga magulang na magsasanggalang sa kanila mula sa mga taong nagsisikap na saktan sila, gaya ng mga seksuwal na nang-aabuso ng mga bata. Isaalang-alang kung paano ipinagsanggalang ni Jesus ang kaniyang mga alagad, na magiliw niyang tinawag na “mumunting mga anak.� Nang siya ay arestuhin at malapit nang patayin, gumawa ng paraan si Jesus para makatakas sila. (Juan 13:33; 18:7-9) Bilang magulang, kailangan mong maging alisto sa mga pagtatangka ng Diyablo na pinsalain ang iyong maliliit na anak. Kailangan mo silang bigyan ng patiunang babala.1 15
1 Masusumpungan ang tulong sa pagsasanggalang sa mga bata sa kabanata 32 ng aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. 15. Ano ang magagawa ng mga magulang upang ipagsanggalang ang kanilang mga anak?
Ano ang matututuhan ng mga magulang sa paraan ng pakikitungo ni Jesus sa mga bata?
Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya
141
(1 Pedro 5:8) Nanganganib ang kanilang pisikal, espirituwal, at moral na kaligtasan higit kailanman. 16 Noong gabi bago mamatay si Jesus, nagtalo ang kaniyang mga alagad kung sino sa kanila ang mas dakila. Sa halip na magalit sa kanila, patuloy na namanhik sa kanila si Jesus sa maibiging paraan sa pamamagitan ng salita at halimbawa. (Lucas 22:24-27; Juan 13: 3-8) Kung ikaw ay isang magulang, nakikita mo ba kung paano mo matutularan ang halimbawa ni Jesus sa iyong paraan ng pagtutuwid sa iyong mga anak? Totoo, kailangan nila ang disiplina, ngunit dapat itong gawin sa “wastong antas” at hindi kailanman sa galit. Hindi mo gugustuhing magsalita nang padalus-dalos na “gaya ng mga saksak ng tabak.” (Jeremias 30:11; Kawikaan 12:18) Ang disiplina ay dapat ilapat sa paraang makikita ng iyong anak sa dakong huli na angkop ito.—Efeso 6:4; Hebreo 12:9-11. ISANG HUWARAN PARA SA MGA BATA May matututuhan ba ang mga bata kay Jesus? Oo! Sa pamamagitan ng kaniyang sariling halimbawa, ipinakita ni Jesus kung paano dapat sumunod ang mga anak sa kanilang mga magulang. “Kung ano ang itinuro sa akin ng Ama,” ang sabi niya, “ito ang . . . sinasalita ko.” Idinagdag pa niya: “Lagi kong ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kaniya.” (Juan 8:28, 29) Si Jesus ay masunurin sa kaniyang makalangit na Ama, at sinasabi ng Bibliya sa mga anak na sundin ang kanilang mga magulang. (Efeso 6:1-3) Bagaman isang sakdal na bata si Jesus, sinunod niya ang kaniyang mga magulang na tao, sina Jose at Maria, na mga di-sakdal. Tiyak na nakapagdulot ito ng kaligayahan sa bawat miyembro ng pamilya ni Jesus!—Lucas 2:4, 5, 51, 52. 18 Maaari bang humanap ng mga paraan ang mga anak upang higit nilang matularan si Jesus at sa gayo’y mapaligaya ang kanilang mga magulang? Totoo, maaaring nahihirapan kung minsan ang mga kabataan na sundin ang kanilang mga magulang, ngunit 17
16. Ano ang matututuhan ng mga magulang sa paraan ng pakikitungo ni Jesus sa di-kasakdalan ng kaniyang mga alagad? 17. Sa anu-anong paraan nagpakita si Jesus ng sakdal na halimbawa para sa mga bata? 18. Bakit laging sinusunod ni Jesus ang kaniyang makalangit na Ama, at sino ang maligaya kapag sinusunod ng mga anak ang kanilang mga magulang sa ngayon?
142
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
iyan ang nais ng Diyos na gawin ng mga anak. (Kawikaan 1:8; 6:20) Laging sinusunod ni Jesus ang kaniyang makalangit na Ama, maging sa ilalim ng mahihirap na kalagayan. Minsan, nang kalooban ng Diyos na gawin ni Jesus ang isang bagay na talagang mahirap, sinabi ni Jesus: “Alisin mo sa akin ang kopang ito [isang partikular na kahilingan].” Magkagayunman, ginawa ni Jesus ang hiniling ng Diyos, dahil naunawaan niya na alam ng kaniyang Ama kung ano ang pinakamabuti para sa kaniya. (Lucas 22:42) Kapag natutong sumunod ang mga anak, mapaliligaya nila nang husto ang kanilang mga magulang at ang kanilang makalangit na Ama.1—Kawikaan 23:22-25. 19 Tinukso ng Diyablo si Jesus, at makatitiyak tayo na tutuksuhin din niya ang mga kabataan na gumawa ng mali. (Mateo 4: 1-10) Ginagamit ni Satanas na Diyablo ang panggigipit ng mga kasamahan, na maaaring mahirap labanan. Kung gayon, napakahalaga nga na huwag makisama ang mga bata sa mga gumagawa ng masama! (1 Corinto 15:33) Nakisama ang anak na babae ni Jacob na si Dina sa mga hindi mananamba ni Jehova, at humantong ito sa maraming problema. (Genesis 34:1, 2) Isipin kung paano maaaring masaktan ang pamilya kung ang isa sa mga miyembro nito ay masangkot sa seksuwal na imoralidad!—Kawikaan 17:21, 25. 1 Ang tanging pagkakataon na maaaring suwayin ng isang bata ang kaniyang mga magulang ay kung hihilingin ng mga ito sa kaniya na labagin ang kautusan ng Diyos.—Gawa 5:29. 19. (a) Paano tinutukso ni Satanas ang mga bata? (b) Ano ang maaaring maging epekto sa mga magulang ng masamang paggawi ng mga anak?
Ano ang dapat isaisip ng mga kabataan kapag tinutukso sila?
Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya
143
ANG SUSI NG KALIGAYAHAN SA PAMILYA Mas madaling harapin ang mga problema sa pamilya kapag ikinakapit ang payo ng Bibliya. Sa katunayan, ang pagkakapit ng gayong payo ang susi ng kaligayahan sa pamilya. Kaya mga asawang lalaki, ibigin ninyo ang inyong asawa, at pakitunguhan siya gaya ng pakikitungo ni Jesus sa kongregasyon. Mga asawang babae, magpasakop sa pagkaulo ng inyong asawa, at tularan ang halimbawa ng may-kakayahang asawang babae na inilarawan sa Kawikaan 31:10-31. Mga magulang, sanayin ang inyong mga anak. (Kawikaan 22:6) Mga ama, ‘mamuno kayo sa inyong sariling sambahayan sa mahusay na paraan.’ (1 Timoteo 3:4, 5; 5:8) At mga anak, sundin ang inyong mga magulang. (Colosas 3:20) Walang sinuman sa pamilya ang sakdal, dahil lahat ay nagkakamali. Kaya maging mapagpakumbaba, anupat humihingi ng kapatawaran sa isa’t isa. 21 Tunay na naglalaman ang Bibliya ng saganang kapaki-pakinabang na payo at tagubilin hinggil sa buhay pampamilya. Bukod diyan, itinuturo nito sa atin ang tungkol sa bagong sanlibutan ng ˆ Diyos at isang makalupang paraiso na puno ng maliligayang tao na sumasamba kay Jehova. (Apocalipsis 21:3, 4) Talaga ngang kamangha-manghang pag-asa ang naghihintay! Kahit ngayon, matatamasa natin ang maligayang buhay pampamilya kung ating ikakapit ang mga tagubilin ng Diyos na makikita sa kaniyang Salita, ang Bibliya. 20
20. Upang matamasa ang maligayang buhay pampamilya, ano ang dapat gawin ng bawat miyembro ng pamilya? 21. Anong kamangha-manghang pag-asa ang naghihintay, at paano tayo makapagtatamasa ng maligayang buhay pampamilya ngayon?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawa gaya ng pag-ibig nila sa kanilang sariling katawan. —Efeso 5:25-29. ˇ Dapat ibigin ng mga asawang babae ang kanilang pamilya at igalang ang kani-kanilang asawa.—Tito 2:4, 5. ˇ Kailangang ibigin, turuan, at ipagsanggalang ng mga magulang ang kanilang mga anak.—Deuteronomio 6:4-9. ˇ Kailangang sundin ng mga anak ang kanilang mga magulang.—Efeso 6:1-3.
KABANATA 15
Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos Kalugud-lugod ba sa Diyos ang lahat ng relihiyon? Paano natin makikilala ang tunay na relihiyon? Sinu-sino ang tunay na mga mananamba ng Diyos sa lupa sa ngayon? LUBHANG nagmamalasakit sa atin ang Diyos na Jehova at nais niyang makinabang tayo mula sa kaniyang maibiging patnubay. Kung sasambahin natin siya sa tamang paraan, magiging maligaya tayo at maiiwasan ang maraming problema sa buhay. Matatamo rin natin ang kaniyang pagpapala at tulong. (Isaias 48:17) Gayunman, daan-daang relihiyon ang nag-aangking itinuturo nila ang katotohanan tungkol sa Diyos. Subalit malaki ang pagkakaiba ng kani-kanilang mga turo hinggil sa kung sino ang Diyos at kung ano ang inaasahan niya sa atin. 2 Paano mo malalaman ang tamang paraan ng pagsamba kay Jehova? Hindi mo na kailangang pag-aralan at paghambi-hambingin ang mga turo ng lahat ng relihiyon. Ang kailangan mo lamang alamin ay kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa tunay na pagsamba. Bilang paglalarawan: Sa maraming lupain, problema ang pekeng salapi. Kung ibinigay sa iyo ang trabaho na kilalanin ang gayong pekeng salapi, paano mo gagawin ito? Sa pamamagitan ba ng pagsasaulo sa hitsura ng bawat uri ng pekeng salapi? Hindi. Mas mabuti pang gugulin mo ang iyong panahon para pag-aralan ang tunay na salapi. Kapag alam mo na kung ano ang hitsura ng tunay na salapi, makikilala mo na kung ano ang peke. Sa katulad na paraan, kapag natutuhan natin kung paano makikilala ang tunay na relihiyon, malalaman na natin kung anong mga relihiyon ang huwad. 1. Paano tayo makikinabang kung sasambahin natin ang Diyos sa tamang paraan? 2. Paano natin matututuhan ang tamang paraan ng pagsamba kay Jehova, at anong ilustrasyon ang tumutulong sa atin na maunawaan ito?
Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos
145
Mahalaga na sambahin natin si Jehova sa paraang sinasangayunan niya. Naniniwala ang maraming tao na lahat ng relihiyon ay kalugud-lugod sa Diyos, ngunit hindi iyan ang itinuturo ng Bibliya. Ni hindi nga sapat ang basta sabihin ng isang tao na siya ay isang Kristiyano. Sinabi ni Jesus: “Hindi ang bawat nagsasabi sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang isa na gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Kung gayon, para matamo ang pagsang-ayon ng Diyos, kailangan nating matutuhan kung ano ang hinihiling ng Diyos sa atin at gawin ito. Tinawag ni Jesus ang mga hindi gumagawa ng kalooban ng Diyos na “mga manggagawa ng katampalasanan.” (Mateo 7:21-23) Tulad ng pekeng salapi, wala talagang halaga ang huwad na relihiyon. Masaklap pa nito, totoong nakapipinsala ang gayong relihiyon. 4 Binibigyan ni Jehova ng pagkakataon ang lahat ng nasa lupa na magtamo ng buhay na walang hanggan. Ngunit upang mabuhay magpakailanman sa Paraiso, kailangan nating sambahin ang Diyos sa wastong paraan at mamuhay ngayon sa paraang kaayaaya sa kaniya. Nakalulungkot, marami ang tumatangging gawin ito. Iyan ang dahilan kung kaya sinabi ni Jesus: “Pumasok kayo sa makipot na pintuang-daan; sapagkat malapad at maluwang ang daan na umaakay patungo sa pagkapuksa, at marami ang mga pumapasok dito; samantalang makipot ang pintuang-daan at masikip ang daan na umaakay patungo sa buhay, at kakaunti ang mga nakasusumpong nito.” (Mateo 7:13, 14) Ang tunay na relihiyon ay umaakay sa buhay na walang hanggan. Ang huwad na relihiyon ay umaakay sa pagkapuksa. Ayaw ni Jehova na mapuksa ang sinumang tao, at iyan ang dahilan kung bakit binibigyan niya ang mga tao sa lahat ng dako ng pagkakataong matuto tungkol sa kaniya. (2 Pedro 3:9) Kung gayon, ang paraan ng ating pagsamba sa Diyos ay nangangahulugan ng ating buhay o kamatayan. 3
KUNG PAANO MAKIKILALA ANG TUNAY NA RELIHIYON 5 Paano ba masusumpungan ang ‘daan patungo sa buhay’? 3. Ayon kay Jesus, ano ang dapat nating gawin kung nais nating matamo ang pagsang-ayon ng Diyos? 4. Ano ang kahulugan ng mga salita ni Jesus hinggil sa dalawang daan, at saan umaakay ang bawat isa sa mga daang ito? 5. Paano natin makikilala ang mga nagsasagawa ng tunay na relihiyon?
146
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Sinabi ni Jesus na ang tunay na relihiyon ay makikita sa buhay ng mga tao na nagsasagawa nito. “Sa kanilang mga bunga ay makikilala ninyo sila,” ang sabi niya. “Bawat mabuting punungkahoy ay nagluluwal ng mainam na bunga.” (Mateo 7:16, 17) Sa ibang pananalita, makikilala ang mga nagsasagawa ng tunay na relihiyon sa kanilang mga paniniwala at paggawi. Bagaman hindi sila sakdal at nakagagawa ng mga pagkakamali, ang tunay na mga mananamba bilang isang grupo ay nagsisikap na gawin ang kalooban ng Diyos. Isaalang-alang natin ang anim na aspekto na nagpapakilala sa mga nagsasagawa ng tunay na relihiyon. 6 Ibinabatay ng mga lingkod ng Diyos sa Bibliya ang kanilang mga turo. Sinasabi mismo ng Bibliya: “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay, sa pagdidisiplina sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging lubos na may kakayahan, lubusang nasangkapan ukol sa bawat mabuting gawa.” (2 Timoteo 3:16, 17) Sumulat si apostol Pablo sa kaniyang mga kapuwa Kristiyano: “Nang tanggapin ninyo ang salita ng Diyos, na inyong narinig mula sa amin, tinanggap ninyo ito, hindi bilang salita ng mga tao, kundi, gaya ng kung ano nga ito sa totoo, bilang ang salita ng Diyos.” (1 Tesalonica 2:13) Kaya naman, ang mga paniniwala at mga gawain ng tunay na relihiyon ay hindi batay sa mga pangmalas o tradisyon ng tao. Nagmumula ang mga ito sa kinasihang Salita ng Diyos, ang Bibliya. 7 Nagpakita si Jesu-Kristo ng wastong halimbawa sa pamamagitan ng pagtuturo niya batay sa Salita ng Diyos. Sa panalangin sa kaniyang makalangit na Ama, sinabi niya: “Ang iyong salita ay katotohanan.” (Juan 17:17) Naniniwala si Jesus sa Salita ng Diyos, at ang lahat ng kaniyang itinuro ay alinsunod sa Kasulatan. Madalas sabihin ni Jesus: “Nasusulat.” (Mateo 4:4, 7, 10) Pagkatapos ay sisipiin ni Jesus ang isang kasulatan. Sa katulad na paraan, ang bayan ng Diyos sa ngayon ay hindi nagtuturo ng kanilang sariling mga ideya. Naniniwala sila na ang Bibliya ay Salita ng Diyos, at matatag nilang ibinabatay ang kanilang mga turo sa sinasabi nito. 6, 7. Paano itinuturing ng mga lingkod ng Diyos ang Bibliya, at paano nagpakita ng halimbawa si Jesus hinggil sa bagay na ito?
ANG MGA SUMASAMBA SA TUNAY NA DIYOS AY
ˇ gumagamit ng Bibliya bilang batayan ng kanilang mga turo ˇ sumasamba lamang kay Jehova at ipinakikilala nila ang kaniyang pangalan
ˇ nagpapakita ng tunay na pag-ibig sa isa’t isa ˇ tumatanggap kay Jesus bilang ang paraan ng Diyos para sa kaligtasan ˇ hindi bahagi ng sanlibutan ˇ nangangaral na ang Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa ng tao
148
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Si Jehova lamang ang sinasamba ng mga nagsasagawa ng tunay na relihiyon at ipinakikilala nila ang kaniyang pangalan. Ipinahayag ni Jesus: “Si Jehova na iyong Diyos ang sasambahin mo, at sa kaniya ka lamang mag-uukol ng sagradong paglilingkod.” (Mateo 4:10) Kaya naman, si Jehova lamang ang sinasamba ng mga lingkod ng Diyos. Bahagi ng pagsambang ito ang pagsasabi sa mga tao kung ano ang pangalan ng tunay na Diyos at kung anong uri siya ng Diyos. Sinasabi ng Awit 83:18: “Ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.” Nagpakita si Jesus ng parisan sa pagtulong sa iba na makilala ang Diyos, gaya ng sinabi niya sa panalangin: “Inihayag ko ang iyong pangalan sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan.” (Juan 17:6) Sa katulad na paraan, itinuturo sa iba ng tunay na mga mananamba sa ngayon ang tungkol sa pangalan ng Diyos, sa kaniyang layunin, at sa kaniyang mga katangian. 9 Ang bayan ng Diyos ay nagpapakita ng tunay at di-mapagimbot na pag-ibig sa isa’t isa. Sinabi ni Jesus: “Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.” (Juan 13:35) May gayong pag-ibig ang sinaunang mga Kristiyano para sa isa’t isa. Napagtatagumpayan ng makadiyos na pag-ibig ang mga hadlang dahil sa lahi, katayuan sa lipunan, at hangganan ng mga bansa at pinagbubuklod ang mga tao sa isang di-napapatid na bigkis ng tunay na kapatiran. (Colosas 3:14) Walang gayong maibiging kapatiran ang mga miyembro ng huwad na relihiyon. Paano natin nalaman iyan? Pinapatay nila ang isa’t isa dahil sa pambansa o pang-etnikong mga di-pagkakaunawaan. Ang tunay na mga Kristiyano ay hindi humahawak ng sandata para patayin ang kanilang mga kapatid na Kristiyano o ang iba pa. Sinasabi ng Bibliya: “Ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng Diyablo ay makikilala dahil sa bagay na ito: Ang bawat isa na hindi nagpapatuloy sa paggawa ng katuwiran ay hindi nagmumula sa Diyos, ni siya man na hindi umiibig sa kaniyang kapatid. . . . Dapat tayong magkaroon ng pag-ibig sa isa’t isa; hindi tulad ni Cain, na nagmula sa isa na balakyot at pumatay sa kaniyang kapatid.” —1 Juan 3:10-12; 4:20, 21. 8
8. Ano ang nasasangkot sa pagsamba kay Jehova? 9, 10. Sa anu-anong paraan nagpapakita ng pag-ibig sa isa’t isa ang tunay na mga Kristiyano?
Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos
149
Siyempre pa, ang tunay na pag-ibig ay nangangahulugan ng higit pa kaysa sa basta hindi pagpatay sa iba. Walang pag-iimbot na ginagamit ng tunay na mga Kristiyano ang kanilang panahon, lakas, at ari-arian para tulungan at patibayin ang isa’t isa. (Hebreo 10:24, 25) Tinutulungan nila ang isa’t isa sa panahon ng kapighatian, at tapat silang makitungo sa iba. Sa katunayan, ikinakapit nila sa kanilang buhay ang payo ng Bibliya na ‘gumawa ng mabuti sa lahat.’—Galacia 6:10. 11 Tinatanggap ng tunay na mga Kristiyano si Jesu-Kristo bilang ang paraan ng Diyos para sa kaligtasan. Sinasabi ng Bibliya: “Walang kaligtasan sa kanino pa man, sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na siya nating dapat ikaligtas.” (Gawa 4:12) Gaya ng nakita natin sa Kabanata 5, ibinigay ni Jesus ang kaniyang buhay bilang pantubos sa masunuring mga tao. (Mateo 20:28) Bukod diyan, si Jesus ang hinirang ng Diyos upang maging Hari sa makalangit na Kaharian na mamamahala sa buong lupa. At hinihiling ng Diyos na sundin natin si Jesus at ikapit ang kaniyang mga turo kung nais natin ng buhay na walang hanggan. Kaya sinasabi ng Bibliya: “Siya na nananampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; siya na sumusuway sa Anak ay hindi makakakita ng buhay.”—Juan 3:36. 12 Ang tunay na mga mananamba ay hindi bahagi ng sanlibutan. Nang litisin sa harap ng Romanong tagapamahala na si Pilato, sinabi ni Jesus: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.” (Juan 18:36) Saanmang bansa sila nakatira, ang tunay na mga tagasunod ni Jesus ay mga sakop ng kaniyang makalangit na Kaharian kung kaya mahigpit silang nananatiling neutral sa pulitikal na mga gawain ng sanlibutan. Hindi sila nakikibahagi sa mga alitan nito. Gayunman, ang mga mananamba ni Jehova ay hindi nakikialam kung piliin man ng iba na sumali sa isang partido pulitikal, kumandidato, o bumoto. At bagaman neutral ang tunay na mga mananamba ng Diyos pagdating sa pulitika, sila naman ay masunurin sa batas. Bakit? Dahil inuutusan sila ng Salita ng Diyos na “magpasakop” sa “nakatataas na mga awtoridad” ng gobyerno. (Roma 13:1) Kapag may pagkakasalungatan sa hinihiling ng Diyos 10
11. Bakit mahalaga na tanggapin si Jesu-Kristo bilang ang paraan ng Diyos para sa kaligtasan? 12. Ano ang nasasangkot sa pagiging hindi bahagi ng sanlibutan?
150
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
at hinihiling ng pulitikal na sistema, tinutularan ng tunay na mga mananamba ang mga apostol, na nagsabi: “Dapat naming sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.”—Gawa 5:29; Marcos 12:17. 13 Ipinangangaral ng tunay na mga tagasunod ni Jesus na ang Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa ng sangkatauhan. Inihula ni Jesus: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipanganga13. Ano ang pangmalas ng tunay na mga tagasunod ni Jesus sa Kaharian ng Diyos, at ano ang ginagawa nila dahil dito?
Sa paglilingkod kay Jehova kasama ng kaniyang bayan, di-hamak na mas malaki ang makakamit mo kaysa sa maaaring mawala sa iyo
Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos
151
ral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” (Mateo 24:14) Sa halip na himukin ang mga tao na umasa sa mga tagapamahalang tao para lutasin ang kanilang mga problema, inihahayag ng tunay na mga tagasunod ni Jesu-Kristo ang makalangit na Kaharian ng Diyos bilang ang tanging pag-asa ng sangkatauhan. (Awit 146:3) Tinuruan tayo ni Jesus na idalangin ang sakdal na pamahalaang iyan nang sabihin niya: “Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” (Mateo 6:10) Inihula ng Salita ng Diyos na “dudurugin [ng makalangit na Kahariang ito] at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito [na umiiral ngayon], at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.”—Daniel 2:44. 14 Salig sa tinalakay natin, tanungin ang iyong sarili: ‘Anong relihiyosong grupo ang gumagamit ng Bibliya bilang batayan ng lahat ng kanilang turo at nagpapakilala sa pangalan ni Jehova? Anong grupo ang nagpapakita ng makadiyos na pag-ibig, nananampalataya kay Jesus, hindi bahagi ng sanlibutan, at naghahayag na ang Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa ng sangkatauhan? Sa lahat ng relihiyosong grupo sa lupa, alin ang nakatutugon sa lahat ng kahilingang ito?’ Maliwanag na ipinakikita ng katotohanan na ang grupong ito ay ang mga Saksi ni Jehova.—Isaias 43:10-12. ANO ANG GAGAWIN MO? Ang basta paniniwala sa Diyos ay hindi sapat para mapalugdan siya. Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya na maging ang mga demonyo ay naniniwala na umiiral ang Diyos. (Santiago 2:19) Gayunman, maliwanag na hindi nila ginagawa ang kalooban ng Diyos at hindi niya sila sinasang-ayunan. Upang sang-ayunan ng Diyos, hindi lamang tayo dapat maniwala na umiiral siya kundi kailangan din nating gawin ang kaniyang kalooban. Kailangan din nating humiwalay sa huwad na pagsamba at malugod na tanggapin ang tunay na pagsamba. 16 Ipinakita ni apostol Pablo na hindi tayo dapat makibahagi 15
14. Sa palagay mo, anong relihiyosong grupo ang nakatutugon sa mga kahilingan ng tunay na pagsamba? 15. Ano pa ang hinihiling ng Diyos bukod sa basta paniniwalang umiiral siya? 16. Kung tungkol sa pakikibahagi sa huwad na relihiyon, ano ang dapat gawin?
152
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
sa huwad na pagsamba. Sumulat siya: “ ‘Lumabas kayo mula sa kanila, at humiwalay kayo,’ sabi ni Jehova, ‘at tigilan na ninyo ang paghipo sa maruming bagay’; ‘at tatanggapin ko kayo.’ ” (2 Corinto 6:17; Isaias 52:11) Kaya iniiwasan ng tunay na mga Kristiyano ang anumang may kaugnayan sa huwad na pagsamba. 17 Ipinakikita ng Bibliya na lahat ng anyo ng huwad na relihiyon ay bahagi ng “Babilonyang Dakila.”1 (Apocalipsis 17:5) Ang pangalang iyan ay nagpapaalaala sa atin hinggil sa sinaunang lunsod ng Babilonya, kung saan nagsimula ang huwad na relihiyon pagkatapos ng Baha noong panahon ni Noe. Maraming turo at kaugalian na karaniwan ngayon sa huwad na relihiyon ang nagsimula noon pa man sa Babilonya. Halimbawa, sinasamba ng mga Babilonyo ang trinidad, o tatluhang diyos. Sa ngayon, ang pangunahing doktrina ng maraming relihiyon ay ang Trinidad. Ngunit maliwanag na itinuturo ng Bibliya na mayroon lamang iisang tunay na Diyos, si Jehova, at na si Jesu-Kristo ang kaniyang Anak. (Juan 17:3) Naniniwala rin ang mga Babilonyo na ang mga tao ay may imortal na kaluluwa na nananatiling buhay pagkamatay ng katawan at maaaring magdusa ang kaluluwang ito sa isang dako ng pagpapahirap. Sa ngayon, itinuturo ng karamihan sa mga relihiyon ang paniniwala sa imortal na kaluluwa o espiritu na maaaring magdusa sa apoy ng impiyerno. 18 Yamang lumaganap sa buong lupa ang sinaunang pagsamba ng mga Babilonyo, ang makabagong Babilonyang Dakila ay maaaring angkop na ipakilala bilang ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon. At inihula ng Diyos na ang imperyong ito ng huwad na relihiyon ay biglang magwawakas. (Apocalipsis 18:8) Nakikita mo ba kung bakit napakahalaga na ihiwalay mo ang iyong sarili sa lahat ng pitak ng Babilonyang Dakila? Nais ng Diyos na Jehova na “lumabas [ka agad] sa kaniya” habang may panahon pa.—Apocalipsis 18:4. 1 Para sa higit na impormasyon kung bakit kumakatawan ang Babilonyang Dakila sa pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, tingnan ang Apendise, pahina 219-20. 17, 18. Ano ang “Babilonyang Dakila,” at bakit apurahan na “lumabas . . . sa kaniya”?
Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos
153
Dahil sa iyong desisyon na tumigil sa pagsasagawa ng huwad na relihiyon, baka ipasiya ng ilan na huwag nang makisama sa iyo. Gayunman, sa paglilingkod kay Jehova kasama ng kaniyang bayan, di-hamak na mas malaki ang makakamit mo kaysa sa maaaring mawala sa iyo. Gaya ng sinaunang mga alagad ni Jesus na iniwan ang ibang bagay para sumunod sa kaniya, magkakaroon ka ng maraming espirituwal na kapatid. Magiging bahagi ka ng isang malaki at pandaigdig na pamilya ng milyun-milyong tunay na Kristiyano, na nagpapakita ng tunay na pag-ibig sa iyo. At magkakaroon ka ng kapana-panabik na pag-asang mabuhay magpakailanman “sa darating na sistema ng mga bagay.” (Marcos 10:28-30) Marahil sa kalaunan, ang mga tumalikod sa iyo dahil sa mga paniniwala mo ay magbigay-pansin din sa itinuturo ng Bibliya at maging mga mananamba ni Jehova. 20 Itinuturo ng Bibliya na malapit nang wakasan ng Diyos ang masamang sistemang ito ng mga bagay at hahalinhan ito ng isang matuwid na bagong sanlibutan sa ilalim ng pamamahala ng kaniyang Kaharian. (2 Pedro 3:9, 13) Tunay ngang magiging isang kamangha-manghang sanlibutan iyon! At sa matuwid na bagong sanlibutang iyon, magkakaroon na lamang ng iisang relihiyon, isang tunay na anyo ng pagsamba. Hindi ba’t katalinuhan para sa iyo na gumawa na ngayon ng kinakailangang mga hakbang upang makisama sa tunay na mga mananamba? 19
19. Ano ang makakamit mo sa paglilingkod kay Jehova? 20. Anong kinabukasan ang naghihintay sa mga nagsasagawa ng tunay na relihiyon?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Iisa lamang ang tunay na relihiyon.—Mateo 7: 13, 14. ˇ Makikilala ang tunay na relihiyon sa mga turo at gawain nito.—Mateo 7:16, 17. ˇ Isinasagawa ng mga Saksi ni Jehova ang pagsamba na sinasang-ayunan ng Diyos.—Isaias 43:10.
KABANATA 16
Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba Ano ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa paggamit ng mga imahen? Ano ang pangmalas ng mga Kristiyano sa relihiyosong mga kapistahan? Paano mo ipaliliwanag sa iba ang iyong mga paniniwala nang hindi sila masasaktan? IPAGPALAGAY na nalaman mong may palihim na nagtatapon ng nakalalasong basura sa inyong pamayanan. Dahil dito, nanganganib ngayon ang buhay ng mga tao sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo? Tiyak na lalayo ka hangga’t maaari. Ngunit kahit na nagawa mo na iyan, mapapaharap ka pa rin sa seryosong tanong na ito, ‘Nalason kaya ako?’ 2 Ganiyan din ang kalagayan kung tungkol sa huwad na relihiyon. Itinuturo ng Bibliya na ang gayong pagsamba ay nahawahan ng maruruming turo at mga kaugalian. (2 Corinto 6:17) Iyan ang dahilan kung bakit mahalaga na lumabas ka sa “Babilonyang Dakila,” ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon. (Apocalipsis 18:2, 4) Ginawa mo na ba ito? Kung oo, karapat-dapat kang papurihan. Ngunit higit pa ang nasasangkot kaysa sa basta paghihiwalay ng iyong sarili o pag-alis mula sa huwad na relihiyon. Pagkatapos nito, dapat mong tanungin ang iyong sarili, ‘Mayroon pa bang naiwang anumang bahid ng huwad na relihiyon sa akin?’ Talakayin natin ang ilang halimbawa. 1, 2. Ano ang dapat mong itanong sa iyong sarili pagkatapos mong iwan ang huwad na relihiyon, at sa palagay mo, bakit kaya ito mahalaga?
155
MGA IMAHEN AT PAGSAMBA SA MGA NINUNO Ang ilan ay matagal nang may mga imahen o dambana sa kanilang tahanan. Totoo rin ba ito sa iyo? Kung oo, baka madama mo na kakatwa o mali na manalangin sa Diyos nang walang gayong nakikitang pantulong. Baka napamahal na nga sa iyo ang ilan sa mga bagay na ito. Ngunit ang Diyos ang siyang magsasabi kung paano siya dapat sambahin, at itinuturo ng Bibliya na ayaw niyang gumamit tayo ng mga imahen. (Exodo 20:4, 5; Awit 115: 4-8; Isaias 42:8; 1 Juan 5:21) Kaya maaari kang manindigan para sa tunay na pagsamba kung sisirain mo ang anumang bagay na pag-aari mo na may kaugnayan sa huwad na pagsamba. Tiyak na ang dapat maging pangmalas mo rito ay gaya ng pangmalas ni Jehova—bilang isang bagay na “karima-rimarim.”—Deuteronomio 27:15. 4 Ang pagsamba sa mga ninuno ay karaniwan din sa maraming 3
3. (a) Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paggamit ng mga imahen, at bakit maaaring nahihirapan ang ilan na tanggapin ang pangmalas ng Diyos? (b) Ano ang dapat mong gawin sa anumang bagay na pag-aari mo na may kaugnayan sa huwad na pagsamba? 4. (a) Paano natin nalaman na walang saysay ang pagsamba sa mga ninuno? (b) Bakit pinagbawalan ni Jehova ang kaniyang bayan na makibahagi sa anumang anyo ng espiritismo?
156
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
huwad na relihiyon. Bago natutuhan ang katotohanan sa Bibliya, naniniwala ang ilan na ang mga patay ay may malay sa isang di-nakikitang daigdig at na kaya nilang tulungan o pinsalain ang mga nabubuhay. Marahil ay nagsisikap ka noon nang husto para mapaglubag ang iyong namatay na mga ninuno. Pero gaya ng natutuhan mo sa Kabanata 6 ng aklat na ito, ang mga patay ay hindi na umiiral at walang malay saanmang dako. Kaya naman, walang saysay ang mga pagsisikap na makipagtalastasan sa kanila. Anumang mensahe na waring nanggaling sa isang namatay nang mahal sa buhay ay nagmula talaga sa mga demonyo. Kaya naman, pinagbawalan ni Jehova ang mga Israelita na sikaping makipag-usap sa mga patay o makibahagi sa anumang anyo ng espiritismo.—Deuteronomio 18:10-12. 5 Kung ang paggamit ng mga imahen o pagsamba sa mga ninuno ay bahagi ng dati mong paraan ng pagsamba, ano ang maaari mong gawin? Basahin at bulay-bulayin mo ang mga teksto sa Bibliya na nagpapakita kung ano ang pangmalas ng Diyos sa mga bagay na ito. Araw-araw na idalangin kay Jehova ang iyong hangaring manindigan para sa tunay na pagsamba, at hilingin sa kaniya na tulungan kang mag-isip na kagaya niya.—Isaias 55:9. PASKO—HINDI IPINAGDIWANG NG SINAUNANG MGA KRISTIYANO 6 Ang pagsamba ng isang tao ay maaaring marumhan ng huwad na relihiyon kung popular na mga kapistahan ang pag-uusapan. Halimbawa, isaalang-alang ang Pasko. Ang Pasko diumano’y nagpapagunita sa kapanganakan ni Jesu-Kristo, at ipinagdiriwang ito ng halos lahat ng relihiyon na nag-aangking Kristiyano. Gayunman, walang katibayan na ipinagdiwang ng unang-siglong mga alagad ni Jesus ang gayong kapistahan. Ganito ang sabi ng aklat na Sacred Origins of Profound Things: “Sa loob ng dalawang siglo mula nang isilang si Kristo, walang nakaaalam, 5. Ano ang maaari mong gawin kung ang paggamit ng mga imahen o pagsamba sa mga ninuno ay bahagi ng dati mong pagsamba? 6, 7. (a) Ano ang diumano’y ginugunita sa Pasko, at ipinagdiwang ba ito ng unang-siglong mga tagasunod ni Jesus? (b) Saan nauugnay ang mga pagdiriwang ng kaarawan noong panahon ng sinaunang mga alagad ni Jesus?
Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba
157
at iilang tao lamang ang interesado, kung kailan talaga siya isinilang.” 7 Kahit na alam pa ng mga alagad ni Jesus ang eksaktong petsa ng kaniyang kapanganakan, hindi nila ito ipagdiriwang. Bakit? Sapagkat, gaya ng sinabi ng The World Book Encyclopedia, “itinuturing [ng sinaunang mga Kristiyano] na ang selebrasyon ng kapanganakan ninuman ay isang kaugaliang pagano.” Ang tanging pagdiriwang ng kaarawan na binanggit sa Bibliya ay yaong sa dalawang tagapamahala na hindi sumasamba kay Jehova. (Genesis 40:20; Marcos 6:21) Ipinagdiriwang din ang mga kaarawan bilang pagpaparangal sa mga bathalang pagano. Halimbawa, tuwing Mayo 24, ipinagdiriwang ng mga Romano ang kaarawan ng diyosang si Diana. Kinabukasan, ipinagdiriwang naman nila ang kaarawan ng kanilang diyos-araw, si Apolo. Samakatuwid, ang mga pagdiriwang ng kaarawan ay nauugnay sa paganismo at hindi sa Kristiyanismo. 8 May isa pang dahilan kung bakit hindi ipagdiriwang ng unang-siglong mga Kristiyano ang kaarawan ni Jesus. Malamang na alam ng mga alagad niya na ang mga pagdiriwang ng kaarawan ay nauugnay sa pamahiin. Halimbawa, naniniwala ang maraming Griego at Romano noong sinaunang panahon na isang espiritu ang naroroon kapag isinisilang ang isang tao at habang-buhay na ipagsasanggalang ng espiritu ang taong iyon. “Ang espiritung ito ay may misteryosong kaugnayan sa diyos na siyang may kaarawan sa [mismong] araw kung kailan isinilang ang indibiduwal,” ang sabi ng aklat na The Lore of Birthdays. Tiyak na hindi matutuwa si Jehova sa anumang pagdiriwang na mag-uugnay kay Jesus sa pamahiin. (Isaias 65: 11, 12) Kung gayon, bakit ipinagdiriwang ng maraming tao ang Pasko? ANG PINAGMULAN NG PASKO Lumipas pa ang ilang daang taon mula nang mabuhay si Jesus dito sa lupa bago sinimulang alalahanin ng mga tao ang 9
8. Ipaliwanag ang kaugnayan ng mga pagdiriwang ng kaarawan at ng pamahiin. 9. Paano napili ang Disyembre 25 bilang petsa para ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus?
158
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
kaniyang kapanganakan tuwing Disyembre 25. Ngunit hindi iyan ang petsa ng kapanganakan ni Jesus, dahil lumilitaw na nangyari ito sa buwan ng Oktubre.1 Kaya bakit Disyembre 25 ang napili? Malamang na “nais ng [ilan na nag-angking Kristiyano noong dakong huli] na ang petsa ay makasabay ng paganong kapistahang Romano na gumugunita sa ‘araw ng kapanganakan ng di-malupig na araw.’ ” (The New Encyclopædia Britannica) Sa panahon ng taglamig, kung kailan waring pinakamahina ang araw, nagdaraos ang mga pagano ng mga seremonya upang pabalikin ang pinagmumulang ito ng init at liwanag mula sa malayong paglalakbay nito. Ang Disyembre 25 ang inaakalang petsa ng pasimula ng pagbabalik nito. Sa pagsisikap na makumberte ang mga pagano, tinanggap ng relihiyosong mga lider ang kapistahang ito at sinikap na magmukha itong “Kristiyano.”2 10 Matagal nang alam na pagano ang pinagmulan ng Pasko. Dahil sa di-makakasulatang pinagmulan nito, ipinagbawal ang Pasko sa Inglatera at sa ilang koKakainin mo ba lonya ng Amerika noong ika-17 siglo. ang isang kendi na Pinagmulta pa nga ang sinumang hindi napulot sa kanal? magtrabaho sa araw ng Pasko. Gayunman, di-nagtagal at bumalik ang dating mga kaugalian, at nadagdagan pa ng ilang bagong kaugalian. Muli na namang naging malaking kapistahan ang Pasko, at nananatili itong gayon hanggang sa ngayon sa maraming lupain. Subalit dahil sa mga kaugnayan ng Pasko sa huwad na relihiyon, ang mga nagnanais palugdan ang Diyos ay hindi nagdiriwang nito o ng 1 Tingnan ang Apendise, pahina 221-2. 2 Ang Saturnalia ay isa ring salik sa pagkakapili ng Disyembre 25. Ang kapistahang ito na nagpaparangal sa Romanong diyos ng agrikultura ay ginaganap tuwing Disyembre 17-24. Ang piging, kasayahan, at pagbibigayan ng regalo ay nagaganap sa panahon ng Saturnalia. 10. Bakit hindi nagdiriwang ng Pasko ang ilang tao noon?
Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba
159
anumang iba pang kapistahan na nag-ugat sa pagsambang pagano.1 TALAGA BANG MAHALAGA KUNG SAAN NAGMULA ANG MGA KAPISTAHAN? 11 Sumasang-ayon ang ilan na ang mga kapistahang gaya ng Pasko ay may paganong pinagmulan, ngunit nadarama pa rin nila na hindi naman maling ipagdiwang ang mga ito. Sa katunayan, hindi iniisip ng karamihan sa mga tao ang tungkol sa huwad na pagsamba kapag ipinagdiriwang nila ang mga kapistahan. Ang mga okasyong ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga pamilya na magsama-sama. Ganiyan din ba ang nadarama mo? Kung oo, malamang na pag-ibig sa pamilya at hindi pag-ibig sa huwad na relihiyon ang waring nagpapahirap sa iyo na manindigan para sa tunay na pagsamba. Makaaasa ka na nais ni Jehova, ang isa na nagpasimula ng pamilya, na magkaroon ka ng mabuting kaugnayan sa iyong mga kamag-anak. (Efeso 3: 14, 15) Ngunit maaari mong patibayin ang gayong mga buklod sa mga paraang sinasang-ayunan ng Diyos. May kaugnayan sa bagay na dapat maging pangunahin sa atin, sumulat si apostol Pablo: “Patuloy ninyong tiyakin kung ano ang kaayaaya sa Panginoon.�—Efeso 5:10. 12 Maaaring nadarama mo na ang pinagmulan ng mga kapistahan ay wala namang kaugnayan sa paraan ng pagdiriwang sa mga ito sa ngayon. Talaga bang mahalaga kung saan nagmula ang mga kapistahan? Oo! Bilang paglalarawan: Ipagpalagay na nakakita ka ng isang kendi sa kanal. Pupulutin mo ba ang kending iyon at kakainin ito? Siyempre hindi! Marumi ang kending iyon. Tulad ng kending iyon, ang mga kapistahan ay waring kanais-nais, ngunit napulot ang mga ito sa maruruming lugar. Upang makapanindigan para sa tunay na pagsamba, kailangan nating magkaroon ng pangmalas na kagaya ng kay propeta 1 Para sa pagtalakay kung ano ang pangmalas ng tunay na mga Kristiyano sa iba pang popular na mga kapistahan, tingnan ang Apendise, pahina 222-3. 11. Bakit nagdiriwang ng kapistahan ang ilang tao, ngunit ano ang dapat maging pangunahin sa atin? 12. Ilarawan kung bakit natin dapat iwasan ang mga kaugalian at mga pagdiriwang na may masamang pinagmulan.
160
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Isaias, na nagsabi sa tunay na mga mananamba: “Huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi.”—Isaias 52:11. GUMAMIT NG KAUNAWAAN SA PAKIKITUNGO SA IBA Maaaring bumangon ang mga hamon kapag pinili mong hindi makibahagi sa mga kapistahan. Halimbawa, baka magtaka ang mga katrabaho mo kung bakit hindi ka nakikisali sa ilang gawaing may kaugnayan sa kapistahan sa iyong pinagtatrabahuhan. Paano kung bigyan ka ng regalo sa Pasko? Mali bang tanggapin ito? Paano kung hindi mo naman kapananampalataya ang iyong asawa? Ano ang maaari mong gawin upang matiyak na hindi makadarama ang inyong mga anak na sila’y pinagkakaitan dahil sa hindi pagdiriwang ng mga kapistahan? 14 Kailangan ang mahusay na pagpapasiya upang maunawaan kung paano haharapin ang bawat situwasyon. Kung nagkataong may bumati sa iyo may kaugnayan sa isang kapistahan, maaari mong pasalamatan ang bumati. Ngunit ipagpalagay na ang bumati sa iyo ay isa na lagi mong nakakausap o isang katrabaho. Sa ganiyang situwasyon, baka nanaisin mong magpaliwanag. Sa lahat ng pagkakataon, maging mataktika. Nagpapayo ang Bibliya: “Ang inyong pananalita nawa ay laging may kagandahang-loob, na tinimplahan ng asin, upang malaman kung paano kayo dapat magbigay ng sagot sa bawat isa.” (Colosas 4:6) Maging magalang. Mataktikang ipaliwanag ang iyong paninindigan. Linawin mo na wala ka namang tutol sa pagbibigayan ng regalo at sa mga salusalo ngunit mas gusto mong makibahagi sa mga gawaing ito sa ibang panahon. 15 Paano kung may gustong magregalo sa iyo? Nakadepende ito nang malaki sa mga kalagayan. Maaaring sabihin ng nagbigay: “Alam kong hindi ka nagdiriwang ng kapistahan. Pero, gusto ko pa ring ibigay ito sa iyo.” Maaari mong ipasiya na ang pagtanggap ng regalo sa gayong mga kalagayan ay hindi naman kagaya ng pakikibahagi sa kapistahan. Siyempre pa, kung ang nagbigay ay hindi pamilyar sa iyong mga paniniwala, maaari mong banggitin 13
13. Anong mga hamon ang maaaring bumangon kapag hindi ka nakikibahagi sa mga kapistahan? 14, 15. Ano ang maaari mong gawin kung may bumati sa iyo may kaugnayan sa isang kapistahan o kung may gustong magregalo sa iyo?
Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba
161
sa kaniya na hindi ka nagdiriwang ng kapistahan. Makatutulong ito upang ipaliwanag kung bakit tinanggap mo ang isang regalo ngunit hindi ka nagbigay ng regalo sa okasyong iyon. Sa kabilang panig naman, magiging katalinuhan na huwag tanggapin ang isang regalo kung ibinigay ito nang may maliwanag na intensiyon na ipakitang hindi ka naninindigan sa iyong mga paniniwala o na makikipagkompromiso ka alang-alang sa materyal na pakinabang. KUMUSTA NAMAN ANG MGA MIYEMBRO NG PAMILYA? 16 Paano kung ang paniniwala ng mga miyembro ng iyong pamilya ay iba sa paniniwala mo? Muli, maging mataktika. Hindi naman kailangang gawing isyu ang bawat kaugalian o selebrasyon na gustong ipagdiwang ng iyong mga kamag-anak. Sa halip, igalang ang kanilang pananaw, kung paanong gusto mo ring igalang nila ang iyong pananaw. (Mateo 7:12) Iwasan ang anumang pagkilos na magsasangkot sa iyo sa kapistahan. Gayunpaman, maging makatuwiran kung tungkol sa mga bagay na wala namang kaugnayan sa aktuwal na pagdiriwang. Sabihin pa, dapat na lagi kang kumilos sa paraang hindi mababagabag ang iyong mabuting budhi.—1 Timoteo 1:18, 19. 17 Ano ang magagawa mo upang hindi madama ng inyong mga anak na pinagkakaitan sila dahil sa hindi pagdiriwang ng dimakakasulatang mga kapistahan? Nakadepende ito nang malaki sa ginagawa mo sa ibang panahon ng taon. Nagsasaayos ang ilang magulang ng mga panahon para bigyan ng regalo ang kanilang mga anak. Ang isa sa pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa iyong mga anak ay ang iyong panahon at maibiging atensiyon. ISAGAWA ANG TUNAY NA PAGSAMBA Upang mapalugdan ang Diyos, dapat mong tanggihan ang huwad na pagsamba at manindigan para sa tunay na pagsamba. Ano ang kalakip dito? Sinasabi ng Bibliya: “Isaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na 18
16. Paano ka magiging mataktika sa pagharap sa mga bagay na may kaugnayan sa mga kapistahan? 17. Paano mo matutulungan ang iyong mga anak upang hindi nila madamang pinagkakaitan sila kapag nakikita nilang nagdiriwang ng mga kapistahan ang iba? 18. Paano ka matutulungan ng pagdalo sa Kristiyanong mga pagpupulong upang manindigan para sa tunay na pagsamba?
162
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
gawa, na hindi pinababayaan ang ating pagtitipon, gaya ng kinaugalian ng iba, kundi nagpapatibayang-loob sa isa’t isa, at lalung-lalo na samantalang inyong nakikita na papalapit na ang araw.” (Hebreo 10:24, 25) Ang Kristiyanong mga pagpupulong ay masasayang pagkakataon para sambahin mo ang Diyos sa paraang sinasang-ayunan niya. (Awit 22:22; 122:1) Sa mga pagpupulong na ito, may “pagpapalitan ng pampatibay-loob” ang tapat na mga Kristiyano.—Roma 1:12. 19 Ang isa pang paraan upang makapanindigan ka para sa tunay na pagsamba ay ang sabihin sa iba ang tungkol sa mga bagay na natutuhan mo mula sa pag-aaral ng Bibliya kasama ng mga Saksi ni Jehova. Maraming tao ang talagang “nagbubuntunghininga at dumaraing” dahil sa kasamaan na nagaganap sa daigdig ngayon. (Ezekiel 9:4) Marahil ay may kakilala kang ilang tao na ganiyan ang nadarama. Bakit hindi ipakipag-usap sa kanila ang iyong salig-Bibliyang pag-asa para sa hinaharap? Habang nakikisama ka sa tunay na mga Kristiyano at nakikipag-usap sa iba tungkol sa kamangha-manghang mga katotohanan sa Bibliya na natutuhan mo, mapapansin mo na anumang pagnanais na makibahagi sa mga kaugalian ng huwad na pagsamba na maaaring nasa puso mo pa ay unti-unting maglalaho. Makatitiyak ka na ikaw ay magiging maligayang-maligaya at tatanggap ng maraming pagpapala kung maninindigan ka para sa tunay na pagsamba.—Malakias 3:10. 19. Bakit mahalaga na ipakipag-usap mo sa iba ang tungkol sa mga bagay na iyong natutuhan mula sa Bibliya?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Walang dako sa tunay na pagsamba ang mga imahen ni ang pagsamba sa mga ninuno.—Exodo 20:4, 5; Deuteronomio 18:10-12. ˇ Mali ang makibahagi sa mga pagdiriwang na may paganong pinagmulan.—Efeso 5:10. ˇ Dapat maging mataktika ang tunay na mga Kristiyano kapag ipinaliliwanag nila sa iba ang kanilang mga paniniwala.—Colosas 4:6.
Nagdudulot ng tunay na kaligayahan ang pagsasagawa ng tunay na pagsamba
KABANATA 17
´ Maging Malapıt sa Diyos sa Panalangin Bakit tayo dapat manalangin sa Diyos? Ano ang dapat nating gawin upang dinggin tayo ng Diyos? Paano sinasagot ng Diyos ang ating mga panalangin? KUNG ihahambing sa napakalawak na uniberso, napakaliit lamang ng lupa. Sa katunayan, para kay Jehova, “ang Maylikha ng langit at lupa,” ang mga bansa ng sangkatauhan ay gaya ng isang maliit na patak ng tubig mula sa timba. (Awit 115:15; Isaias 40:15) Ngunit sinasabi ng Bibliya: “Si Jehova ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya, sa lahat ng tumatawag sa kaniya sa katapatan. Ang nasa ng mga may takot sa kaniya ay kaniyang isasagawa, at ang kanilang paghingi ng tulong ay kaniyang diringgin.” (Awit 145:18, 19) Isip-isipin na lamang kung ano ang kahulugan niyan! Ang makapangyarihan-sa-lahat na Maylalang ay malapit sa atin at pakikinggan niya tayo kung ‘tatawag tayo sa kaniya sa katapatan.’ Kaylaking pribilehiyo nga natin na makalapit sa Diyos sa panalangin! 2 Subalit kung nais nating dinggin ni Jehova ang ating mga panalangin, kailangan tayong manalangin sa kaniya sa paraang sinasang-ayunan niya. Paano natin magagawa ito kung hindi natin nauunawaan ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa panalangin? Napakahalagang malaman natin kung ano ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa bagay na ito, sapagkat tinutulungan tayo ng ´ panalangin na maging lalong malapıt kay Jehova. 1, 2. Bakit natin dapat ituring na isang malaking pribilehiyo ang panalangin, at bakit natin kailangang malaman kung ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol dito?
165
Handang makinig “ang Maylikha ng langit at lupa” sa ating mga panalangin
BAKIT TAYO DAPAT MANALANGIN KAY JEHOVA? Ang isang mahalagang dahilan kung bakit tayo dapat manalangin kay Jehova ay sapagkat inaanyayahan niya tayong gawin ito. Pinasisigla tayo ng kaniyang Salita: “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong mga puso at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.” (Filipos 4:6, 7) Tiyak na hindi natin gustong ipagwalang-bahala ang gayong mabait na paglalaan sa atin ng Kataas-taasang Tagapamahala ng uniberso! 4 Ang isa pang dahilan kung bakit dapat manalangin ay sapagkat napatitibay ng regular na pananalangin kay Jehova ang ating kaugnayan sa kaniya. Ang tunay na magkakaibigan ay nag-uusap hindi lamang kapag may kailangan sila sa isa’t isa. Sa halip, ang matatalik na magkakaibigan ay interesado sa isa’t isa, at ang kanilang pagkakaibigan ay nagiging mas matibay habang malaya 3
3. Ano ang isang mahalagang dahilan kung bakit tayo dapat manalangin kay Jehova? 4. Paano napatitibay ng regular na pananalangin kay Jehova ang ating kaugnayan sa kaniya?
166
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
nilang ipinahahayag ang kanilang mga kaisipan, ikinababahala, at damdamin. Sa ilang aspekto, ganiyan din ang kalagayan kung tungkol sa pakikipag-ugnayan natin sa Diyos na Jehova. Sa tulong ng aklat na ito, marami kang natutuhan sa mga itinuturo ng Bibliya hinggil kay Jehova, sa kaniyang personalidad, at sa kaniyang mga layunin. Nakilala mo siya bilang isang tunay na persona. Ang panalangin ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataong ipahayag ang iyong mga kaisipan at niloloob sa iyong makalangit na Ama. ´ Habang ginagawa mo ito, napapalapıt ka kay Jehova.—Santiago 4:8. ANONG MGA KAHILINGAN ANG DAPAT NATING MAABOT? 5 Dinirinig ba ni Jehova ang lahat ng panalangin? Isaalangalang kung ano ang sinabi niya sa rebelyosong mga Israelita noong panahon ni propeta Isaias: “Kahit nananalangin kayo ng marami, hindi ako nakikinig; ang inyo mismong mga kamay ay napuno ng pagbububo ng dugo.” (Isaias 1:15) Kaya maaaring hindi pakinggan ng Diyos ang ating mga panalangin dahil sa ilang bagay na ginagawa natin. Kung gayon, upang pakinggan ng Diyos nang may pagsang-ayon ang ating mga panalangin, kailangan nating maabot ang ilang pangunahing mga kahilingan. 6 Ang isang pangunahing kahilingan ay na magkaroon tayo ng pananampalataya. (Marcos 11:24) Sumulat si apostol Pablo: “Kung walang pananampalataya ay imposibleng palugdan [ang Diyos] nang lubos, sapagkat siya na lumalapit sa Diyos ay dapat na maniwala na siya nga ay umiiral at na siya ang nagiging tagapagbigay-gantimpala doon sa mga may-pananabik na humahanap sa kaniya.” (Hebreo 11:6) Ang pagkakaroon ng tunay na pananampalataya ay hindi lamang basta pagkilala na umiiral ang Diyos at na pinakikinggan at sinasagot niya ang mga panalangin. Ang pananampalataya ay pinatutunayan sa pamamagitan ng ating mga gawa. Dapat nating ipakita ang malinaw na katibayan na may pananampalataya tayo sa pamamagitan ng paraan ng ating pamumuhay sa araw-araw.—Santiago 2:26. 5. Ano ang nagpapakita na hindi dinirinig ni Jehova ang lahat ng panalangin? 6. Upang dinggin ng Diyos ang ating mga panalangin, ano ang isang pangunahing kahilingan, at paano natin ito maaabot?
´ Maging Malapıt sa Diyos sa Panalangin
167
Hinihiling din ni Jehova sa mga lumalapit sa kaniya sa panalangin na gawin ito nang may kapakumbabaan at kataimtiman. Hindi ba’t may dahilan tayo upang maging mapagpakumbaba kapag nakikipag-usap kay Jehova? Kapag nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao na makausap ang isang hari o presidente, kadalasan nang ginagawa nila ito sa magalang na paraan, anupat kinikilala ang mataas na posisyon ng tagapamahala. Kung gayon, lalo tayong dapat maging magalang kapag lumalapit kay Jehova! (Awit 138:6) Sa katunayan, siya ang “Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” (Genesis 17:1) Kapag nananalangin tayo sa Diyos, dapat makita sa ating paraan ng paglapit sa kaniya na mapagpakumbaba nating kinikilala ang ating katayuan sa harap niya. Ang gayong kapakumbabaan ay tutulong din sa atin na manalangin nang taimtim mula sa ating puso, anupat iniiwasan ang rutin at paulit-ulit na mga panalangin.—Mateo 6:7, 8. 8 Ang isa pang kahilingan upang dinggin tayo ng Diyos ay kumilos tayo alinsunod sa ating mga panalangin. Inaasahan ni Jehova na gagawin natin ang ating buong makakaya upang kumilos alinsunod sa ating ipinananalangin. Halimbawa, kung idinadalangin natin na, “Ibigay mo sa amin ngayon ang aming tinapay para sa araw na ito,” kailangan nating magpagal sa anumang makukuhang trabaho na kaya nating gawin. (Mateo 6:11; 2 Tesalonica 3:10) Kung nananalangin tayo na tulungan tayong mapagtagumpayan ang isang kahinaan sa laman, dapat tayong maging maingat upang maiwasan ang mga kalagayan at mga situwasyon na maaaring umakay sa atin sa tukso. (Colosas 3:5) Bukod sa pangunahing mga kahilingang ito, may mga tanong tungkol sa panalangin na kailangan nating sagutin. 7
PAGSAGOT SA ILANG KATANUNGAN HINGGIL SA PANALANGIN 9 Kanino tayo dapat manalangin? Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na manalangin sa “Ama [natin] na nasa langit.” (Mateo 6:9) Kung gayon, sa Diyos na Jehova lamang tayo 7. (a) Bakit tayo dapat maging magalang kapag nakikipag-usap kay Jehova sa panalangin? (b) Kapag nananalangin sa Diyos, paano natin maipakikita ang kapakumbabaan at kataimtiman? 8. Paano tayo kikilos alinsunod sa ating idinadalangin? 9. Kanino tayo dapat manalangin, at sa pamamagitan nino?
168
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
dapat manalangin. Gayunman, hinihiling ni Jehova na kilalanin natin ang posisyon ng kaniyang bugtong na Anak, si Jesu-Kristo. Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 5, isinugo si Jesus dito sa lupa upang tubusin tayo sa kasalanan at kamatayan. (Juan 3:16; Roma 5:12) Siya ang hinirang na Mataas na Saserdote at Hukom. (Juan 5:22; Hebreo 6:20) Kaya naman, sinasabi sa atin ng Kasulatan na manalangin tayo sa pamamagitan ni Jesus. Siya mismo ang nagsabi: “Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Walang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6) Upang dinggin ang ating mga panalangin, kay Jehova lamang tayo dapat manalangin sa pamamagitan ng kaniyang Anak. 10 May kinakailangan bang espesipikong posisyon kapag nananalangin tayo? Wala. Walang hinihiling si Jehova na anumang espesipikong posisyon, ng kamay man o ng buong katawan. Itinuturo ng Bibliya na kaayaayang manalangin sa iba’t ibang posisyon. Kabilang dito ang nakaupo, nakayuko, nakaluhod, at nakatayo. (1 Cronica 17:16; Nehemias 8:6; Daniel 6:10; Marcos 11:25) Ang talagang mahalaga ay, hindi ang isang espesipikong posisyon na nakikita ng iba, kundi ang tamang saloobin ng puso. Sa katunayan, sa araw-araw na gawain natin o kapag napapaharap tayo sa kagipitan, maaari tayong manalangin nang tahimik saanman tayo naroroon. Dinirinig ni Jehova ang gayong mga panalangin bagaman hindi napapansin ng mga nasa paligid natin na nananalangin tayo.—Nehemias 2:1-6. 11 Ano ang maaari nating idalangin? Ganito ang paliwanag ng Bibliya: “Anumang bagay ang hingin natin ayon sa kaniyang kalooban, tayo ay pinakikinggan niya [ni Jehova].” (1 Juan 5:14) Kaya maaari nating ipanalangin ang anumang bagay na ayon sa kalooban ng Diyos. Kalooban ba niya na ipanalangin natin ang personal na mga bagay na ikinababahala natin? Oo naman! Ang pananalangin kay Jehova ay maihahalintulad sa pakikipag-usap sa isang matalik na kaibigan. Maaari tayong magsalita nang may kalayaan, anupat ‘ibinubuhos ang ating puso’ sa Diyos. (Awit 62:8) Angkop na humiling tayo ng banal na espiritu, sapagkat tutulong 10. Bakit walang hinihiling na espesipikong posisyon kapag nananalangin tayo? 11. Ano ang ilang personal na bagay na angkop na ipanalangin natin?
´ Maging Malapıt sa Diyos sa Panalangin
169
ito sa atin na gawin ang tama. (Lucas 11:13) Maaari rin tayong humiling ng patnubay upang makagawa ng matatalinong pasiya at ng lakas upang maharap ang mga suliranin. (Santiago 1:5) Kapag nagkakasala tayo, dapat tayong humingi ng kapatawaran salig sa hain ni Kristo. (Efeso 1:3, 7) Sabihin pa, hindi lamang personal na mga bagay ang dapat maging paksa ng ating mga panalangin. Dapat nating palawakin ang ating mga panalangin upang ilakip ang ibang mga tao—mga miyembro ng pamilya gayundin ang mga kapananampalataya.—Gawa 12:5; Colosas 4:12. 12 Dapat nating unahin sa ating mga panalangin ang mga bagay na may kaugnayan sa Diyos na Jehova. Tiyak na may dahilan tayo upang ipahayag ang taos-pusong papuri at pasasalamat sa kaniya dahil sa lahat ng kabutihan niya. (1 Cronica 29:10-13) Ibinigay ni Jesus ang modelong panalangin, na nakaulat sa Mateo 6:9-13, kung saan itinuro niya sa atin na idalangin natin na pakabanalin nawa ang pangalan ng Diyos, samakatuwid nga, ituring itong sagrado, o banal. Ang sumunod na binanggit niya ay na dumating nawa ang Kaharian ng Diyos at na mangyari nawa ang kaniyang kalooban sa lupa kung paano sa langit. Pagkatapos banggitin ang mahahalagang bagay na ito tungkol kay Jehova, saka lamang binigyang-pansin ni Jesus ang personal na mga bagay. Kapag iniuukol din natin sa Diyos ang pinakamahalagang dako sa ating mga panalangin, ipinakikita natin na interesado tayo hindi lamang sa ating sariling kapakanan. 13 Gaano ba dapat kahaba ang ating mga panalangin? Walang ibinigay na anumang limitasyon ang Bibliya kung gaano kahaba dapat ang pribado o pampublikong mga panalangin. Maaari itong isang maikling panalangin bago kumain o isang mahabang pribadong panalangin kung saan ibinubuhos natin ang ating puso kay Jehova. (1 Samuel 1:12, 15) Gayunman, hinatulan ni Jesus ang mapagmatuwid-sa-sariling mga indibiduwal na gumagawa ng mahaba at pakitang-taong mga panalangin sa harap ng iba. (Lucas 20:46, 47) Hindi humahanga si Jehova sa gayong mga panalangin. Ang mahalaga ay manalangin tayo mula sa ating puso. Kaya 12. Paano natin maaaring unahin sa ating mga panalangin ang mga bagay na may kaugnayan sa ating makalangit na Ama? 13. Ano ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa haba ng kaayaayang mga panalangin?
170
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
naman, ang haba ng kaayaayang mga panalangin ay maaaring ibaiba depende sa mga pangangailangan at mga kalagayan. 14 Gaano tayo kadalas dapat manalangin? Pinasisigla tayo ng Bibliya na “manalangin nang patuluyan,” na “magmatiyaga . . . sa pananalangin,” at “manalangin . . . nang walang lubay.” (Mateo 26:41; Roma 12:12; 1 Tesalonica 5:17) Sabihin pa, ang mga pananalitang ito ay hindi naman nangangahulugang dapat tayong manalangin kay Jehova sa bawat sandali. Sa halip, hinihimok tayo ng Bibliya na manalangin nang regular, anupat patuluyang pinasasalamatan si Jehova dahil sa kaniyang kabutihan sa atin at umaasa sa kaniya para sa patnubay, kaaliwan, at lakas. Hindi ba’t nakaaaliw malaman na hindi nililimitahan ni Jehova kung gaano kahaba o kadalas tayo maaaring makipag-usap sa kaniya sa panalangin? Kung talagang pinahahalagahan natin ang pribilehiyo ng panalangin, makasusumpong tayo ng maraming pagkakataon upang manalangin sa ating makalangit na Ama. 15 Bakit tayo dapat magsabi ng “Amen” sa pagtatapos ng panalangin? Ang salitang “amen” ay nangangahulugang “tiyak,” o “mangyari nawa.” Ipinakikita ng mga halimbawa sa Kasulatan na angkop na magsabi ng “Amen” sa pagtatapos ng personal o pampublikong mga panalangin. (1 Cronica 16:36; Awit 41:13) Sa pagsasabi ng “Amen” sa pagtatapos ng ating panalangin, ipinahahayag nating taimtim ang ating mga pananalita. Kapag sinasabi natin ang “Amen”—tahimik man o malakas—sa pagtatapos ng pampublikong panalangin, ipinakikita natin na sumasang-ayon tayo sa mga kaisipang ipinahayag.—1 Corinto 14:16. KUNG PAANO SINASAGOT NG DIYOS ANG ATING MGA PANALANGIN 16 Talaga bang sinasagot ni Jehova ang mga panalangin? Oo, gayon nga! May matibay na saligan tayo para magtiwalang sinasagot ng “Dumirinig ng panalangin” ang taimtim na mga panalangin ng milyun-milyong tao. (Awit 65:2) Maaaring sagutin ni Jehova ang ating mga panalangin sa iba’t ibang paraan. 14. Ano ang ibig sabihin ng Bibliya kapag pinasisigla tayo nito na “manalangin nang patuluyan,” at ano ang nakaaaliw sa bagay na ito? 15. Bakit tayo dapat magsabi ng “Amen” sa pagtatapos ng personal at pampublikong mga panalangin? 16. Sa ano tayo makapagtitiwala kung tungkol sa panalangin?
織 Maging Malap覺t sa Diyos sa Panalangin
171
Ginagamit ni Jehova ang kaniyang mga anghel at ang kaniyang mga lingkod dito sa lupa upang sagutin ang mga panalangin. (Hebreo 1:13, 14) Marami nang karanasan ng mga indibiduwal na nanalangin sa Diyos na tulungan silang maunawaan ang Bibliya at di-nagtagal ay natagpuan sila ng isa sa mga lingkod ni Jehova. Pinatutunayan ng gayong mga karanasan ang patnubay ng mga anghel sa pangangaral ng Kaharian. (Apocalipsis 14:6) Upang sagutin ang ating mga panalangin sa panahon ng kagipitan, maaaring udyukan ni Jehova ang isang Kristiyano na tulungan tayo. 17
17. Bakit masasabing ginagamit ng Diyos ang kaniyang mga anghel at ang mga lingkod niya rito sa lupa upang sagutin ang ating mga panalangin?
Naririnig ang iyong panalangin sa anumang pagkakataon
Bilang tugon sa ating mga panalangin, maaaring udyukan ni Jehova ang isang Kristiyano na tulungan tayo
—Kawikaan 12:25; Santiago 2:16. 18 Ginagamit din ng Diyos na Jehova ang kaniyang banal na espiritu at ang kaniyang Salita, ang Bibliya, upang sagutin ang mga panalangin ng mga lingkod niya. Maaari niyang sagutin ang ating mga panalangin na tulungan tayong maharap ang mga pagsubok sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng patnubay at lakas sa tulong ng kaniyang banal na espiritu. (2 Corinto 4:7) Kadalasan na ang sagot sa ating mga panalangin para sa patnubay ay nagmumula sa Bibliya, kung saan tinutulungan tayo ni Jehova na gumawa ng matatalinong pasiya. Maaaring masumpungan natin ang nakatutulong na mga kasulatan sa panahon ng ating personal na pag-aaral ng Bibliya at habang nagbabasa tayo ng mga publikasyong Kristiyano, gaya ng aklat na ito. Ang mga punto sa Kasulatan na kailangan nating isaalang-alang ay maaaring maitawag-pansin sa atin sa pamamagitan ng mga tinatalakay sa Kristiyanong pagpupulong o sa pamamagitan ng mga komento ng isang nagmamalasakit na matanda sa kongregasyon.—Galacia 6:1. 19 Kapag waring naaantala si Jehova sa pagsagot sa ating mga panalangin, hindi naman ito nangangahulugang hindi niya kayang sagutin ang mga ito. Sa halip, dapat nating tandaan na sinasagot ni Jehova ang mga panalangin ayon sa kaniyang kalooban at sa kaniyang takdang panahon. Di-hamak na mas alam niya kaysa sa atin kung ano ang mga kailangan natin at kung paano sasapa18. Paano ginagamit ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu at ang kaniyang Salita upang sagutin ang mga panalangin ng kaniyang mga lingkod? 19. Ano ang dapat nating tandaan kapag waring hindi sinasagot kung minsan ang ating mga panalangin?
173
tan ang mga ito. Kadalasan ay hinahayaan niya tayong ‘patuloy na humingi, maghanap, at kumatok.’ (Lucas 11:5-10) Sa gayong pagmamatiyaga, ipinakikita natin sa Diyos ang ating masidhing hangarin at tunay na pananampalataya. Karagdagan pa, maaaring sagutin ni Jehova ang ating mga panalangin sa paraang hindi natin namamalayan. Halimbawa, maaari niyang sagutin ang ating panalangin hinggil sa isang partikular na pagsubok, hindi sa pamamagitan ng pag-aalis sa suliranin, kundi sa pagbibigay sa atin ng lakas para mabata ito.—Filipos 4:13. 20 Kaylaki ngang pasasalamat natin na ang Maylalang ng napakalawak na unibersong ito ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya sa tamang paraan sa pamamagitan ng panalangin! (Awit 145:18) Lubusan nawa nating samantalahin ang mahalagang pribilehiyo ng panalangin. Kung gagawin natin ito, magkakaroon tayo ng maligayang pag-asa na maging la´ long malapıt kay Jehova, ang Dumirinig ng panalangin. 20. Bakit natin dapat lubusang samantalahin ang mahalagang pribilehiyo ng panalangin?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Ang regular na pananalangin kay Jehova ay tumutulong ´ sa atin na maging lalong malapıt sa kaniya.—Santiago 4:8. ˇ Upang dinggin ng Diyos ang ating mga panalangin, kailangan nating manalangin nang may pananampalataya, kapakumbabaan, at kataimtiman.—Marcos 11:24. ˇ Kay Jehova lamang tayo dapat manalangin sa pamamagitan ng kaniyang Anak.—Mateo 6:9; Juan 14:6. ˇ Ginagamit ni Jehova, ang “Dumirinig ng panalangin,” ang kaniyang mga anghel, ang mga lingkod niya rito sa lupa, ang kaniyang banal na espiritu, at ang kaniyang Salita upang sagutin ang mga panalangin.—Awit 65:2.
KABANATA 18
Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos Paano isinasagawa ang bautismong Kristiyano? Anong mga hakbang ang kailangan mong gawin upang maging kuwalipikado sa bautismo? Paano ginagawa ng isang tao ang pag-aalay sa Diyos? Ano ang pantanging dahilan sa pagpapabautismo? “NARITO! Isang dakong may tubig; ano ang nakapipigil sa akin upang mabautismuhan?” Iyan ang tanong ng isang Etiopeng opisyal ng korte noong unang siglo. Pinatunayan sa kaniya ng isang Kristiyanong nagngangalang Felipe na si Jesus ang ipinangakong Mesiyas. Palibhasa’y lubhang naantig sa kaniyang 1. Bakit hiniling ng isang Etiopeng opisyal ng korte na siya ay mabautismuhan?
Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos
175
natutuhan sa Kasulatan, kumilos ang Etiope. Ipinahayag niya na nais niyang mabautismuhan!—Gawa 8:26-36. 2 Kung maingat mong pinag-aralan ang naunang mga kabanata ng aklat na ito kasama ng isa sa mga Saksi ni Jehova, baka nadarama mong handa ka na ring tanungin ang iyong sarili, ‘Ano ang nakapipigil sa akin upang magpabautismo?’ Sa puntong ito ay natutuhan mo na ang tungkol sa pangako ng Bibliya na buhay na walang hanggan sa Paraiso. (Lucas 23:43; Apocalipsis 21:3, 4) Natutuhan mo na rin ang tungkol sa tunay na kalagayan ng mga patay at ang pag-asang pagkabuhay-muli. (Eclesiastes 9:5; Juan 5:28, 29) Marahil ay nakikisama ka na sa mga Saksi ni Jehova sa mga pagpupulong ng kanilang kongregasyon at nakita mo na mismo kung paano nila isinasagawa ang tunay na relihiyon. (Juan 13:35) Mahalaga sa lahat, malamang na nagkakaroon ka na ng personal na kaugnayan sa Diyos na Jehova. 3 Paano mo maipakikita na nais mong paglingkuran ang Diyos? Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Humayo kayo at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa, na binabautismuhan sila.” (Mateo 28:19) Si Jesus mismo ang nagpakita ng halimbawa sa pamamagitan ng pagpapabautismo sa tubig. Hindi siya winisikan ng tubig, at hindi basta binuhusan ng tubig ang kaniyang ulo. (Mateo 3:16) Ang salitang “bautismuhan” ay nagmula sa salitang Griego na nangangahulugang “ilubog.” Kung gayon, ang bautismong Kristiyano ay nangangahulugan ng lubusang paglulubog sa tubig. 4 Ang bautismo sa tubig ay isang kahilingan para sa lahat ng nagnanais na magkaroon ng kaugnayan sa Diyos na Jehova. Ang bautismo ay pangmadlang pagpapahayag ng iyong pagnanais na paglingkuran ang Diyos. Ipinakikita nito na nalulugod kang gawin ang kalooban ni Jehova. (Awit 40:7, 8) Gayunman, para maging kuwalipikado sa bautismo, kailangan mong gawin ang ilang hakbang. 2. Bakit mo dapat seryosong pag-isipan ang bautismo? 3. (a) Ano ang iniutos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod? (b) Paano isinasagawa ang bautismo sa tubig? 4. Ano ang ipinakikita ng bautismo sa tubig?
176
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
KAILANGAN ANG KAALAMAN AT PANANAMPALATAYA Sinimulan mo nang gawin ang unang hakbang. Paano? Sa pagkuha ng kaalaman tungkol sa Diyos na Jehova at kay JesuKristo, marahil sa pamamagitan ng sistematikong pag-aaral ng Bibliya. (Juan 17:3) Ngunit marami pang dapat matutuhan. Nais ng mga Kristiyano na ‘mapuspos ng tumpak na kaalaman sa kalooban ng Diyos.’ (Colosas 1:9) Malaking tulong sa bagay na ito ang pagdalo sa mga pagpupulong ng kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova. Mahalagang dumalo sa mga pagpupulong na ito. (Hebreo 10:24, 25) Ang regular na pagdalo sa mga pagpupulong ay tutulong sa iyo na sumulong sa kaalaman tungkol sa Diyos. 6 Siyempre pa, hindi mo naman kailangang malaman ang lahat ng bagay sa Bibliya upang maging kuwalipikado ka sa bautismo. Ang Etiopeng opisyal ng korte ay may kaalaman, ngunit kailangan niya ng tulong upang maunawaan ang ilang bahagi ng Kasulatan. (Gawa 8:30, 31) Sa katulad na paraan, marami ka pang dapat matutuhan. Sa katunayan, walang katapusan ang iyong pag-aaral tungkol sa Diyos. (Eclesiastes 3:11) Ngunit bago ka mabautismuhan, kailangan mong malaman at tanggapin kahit man lamang ang pangunahing mga turo ng Bibliya. (Hebreo 5:12) Kasama sa gayong mga turo ang katotohanan tungkol sa kalagayan ng mga patay at ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos at ng kaniyang Kaharian. 7 Subalit hindi sapat ang kaalaman lamang, sapagkat ‘kung walang pananampalataya ay imposibleng palugdan nang lubos ang Diyos.’ (Hebreo 11:6) Sinasabi sa atin ng Bibliya na nang marinig ng ilang tao sa sinaunang lunsod ng Corinto ang mensaheng Kristiyano, ‘nagsimula silang maniwala at mabautismuhan.’ (Gawa 18:8) Sa katulad na paraan, ang pag-aaral ng Bibliya ay dapat tumulong sa iyo na malipos ng pananampalataya na ito nga ang kinasihang Salita ng Diyos. Ang pag-aaral 5
5. (a) Ano ang unang hakbang upang maging kuwalipikado sa bautismo? (b) Bakit mahalaga ang Kristiyanong mga pagpupulong? 6. Gaano karaming kaalaman sa Bibliya ang dapat mong matamo upang maging kuwalipikado sa bautismo? 7. Ano ang dapat maging epekto sa iyo ng pag-aaral ng Bibliya?
Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos
177
ng Bibliya ay dapat tumulong sa iyo na magkaroon ng pananampalataya sa mga pangako ng Diyos at sa kapangyarihang magligtas ng hain ni Jesus.—Josue 23:14; Gawa 4:12; 2 Timoteo 3:16, 17. PAGBABAHAGI SA IBA NG KATOTOHANAN SA BIBLIYA Habang sumisidhi ang pananampalataya sa iyong puso, masusumpungan mong mahirap sarilinin ang iyong natututuhan. (Jeremias 20:9) Lubha kang mauudyukang sabihin sa iba ang tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga layunin.—2 Corinto 4:13. 9 Sa mataktikang paraan, maaari mong simulang ibahagi sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, at mga katrabaho ang mga katotohanan sa Bibliya. Di-magtatagal, nanaisin mo nang makibahagi sa organisadong pangangaral ng mga Saksi ni Jehova. Sa puntong iyan, malayang ipakipag-usap ang bagay na ito sa Saksi na nagtuturo sa iyo ng Bibliya. Kung lumilitaw na kuwalipikado ka na para sa pangmadlang ministeryo, gagawa ng mga kaayusan upang ikaw at ang iyong guro ay kausapin ng dalawang matatanda sa kongregasyon. 10 Makatutulong ito upang lalo mong makilala ang ilan sa Kristiyanong matatanda na nagpapastol sa kawan ng Diyos. (Gawa 20:28; 1 Pedro 5:2, 3) Kapag nakita ng matatandang ito na nauunawaan mo at pinaniniwalaan ang pangunahing mga turo sa Bibliya, namumuhay ka alinsunod sa mga simulain ng Diyos, at na talagang nais mong maging isang Saksi ni Jehova, ipaaalam nila sa iyo na kuwalipikado ka nang makibahagi sa pangmadlang ministeryo bilang di-bautisadong mamamahayag ng mabuting balita. 11 Sa kabilang panig, baka kailangan mong gumawa ng ilang pagbabago sa iyong istilo ng pamumuhay at mga kinaugalian 8
8. Ano ang magpapakilos sa iyo na ibahagi sa iba ang iyong natututuhan? 9, 10. (a) Kanino mo maaaring simulang ibahagi ang katotohanan sa Bibliya? (b) Ano ang dapat mong gawin kung nais mo nang makibahagi sa organisadong pangangaral ng mga Saksi ni Jehova? 11. Anong mga pagbabago ang kailangang gawin ng ilan bago sila maging kuwalipikado sa pangmadlang ministeryo?
178
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
upang maging kuwalipikado sa pangmadlang ministeryo. Maaaring kasama rito ang paghinto mo sa paggawa ng ilang bagay na lingid sa kaalaman ng iba. Kaya, bago ka magtanong hinggil sa pagiging di-bautisadong mamamahayag, kailangang hindi ka na gumagawa ng malulubhang kasalanan, gaya ng seksuwal na imoralidad, paglalasing, at pag-abuso sa droga.—1 Corinto 6: 9, 10; Galacia 5:19-21. PAGSISISI AT PAGKAKUMBERTE May iba pang hakbang na dapat gawin bago ka maging kuwalipikado sa bautismo. Ganito ang sabi ni apostol Pedro: “Magsisi kayo, at manumbalik upang mapawi ang inyong mga kasalanan.” (Gawa 3:19) Ang pagsisisi ay pagkadama ng taimtim na kalungkutan sa isang bagay na nagawa mo. Maliwanag na angkop ang pagsisisi kung ang isang tao ay may imoral na pamumuhay, ngunit kailangan din ito kahit na ang isa ay maituturing na namuhay nang malinis sa moral. Bakit? Dahil ang lahat ng tao ay makasalanan at nangangailangan ng kapatawaran ng Diyos. (Roma 3:23; 5:12) Bago ka nag-aral ng Bibliya, hindi mo pa alam ang kalooban ng Diyos. Kaya paano mo masasabing lubusan kang nakapamuhay alinsunod sa kaniyang kalooban? Kung gayon, kailangan ang pagsisisi. 13 Ang pagsisisi ay dapat sundan ng pagkakumberte, o ‘panunumbalik.’ Higit pa ang dapat mong gawin bukod sa pagkadama ng kalungkutan. Kailangan mong talikuran ang iyong dating paraan ng pamumuhay at maging lubusang determinado na magmula ngayon, gagawin mo na ang tama. Ang pagsisisi at pagkakumberte ay mga hakbang na dapat mong gawin bago mabautismuhan. 12
PAG-AALAY NG IYONG SARILI May isa pang mahalagang hakbang na dapat gawin bago mabautismuhan. Kailangan mong ialay ang iyong sarili sa Diyos na Jehova. 14
12. Bakit kailangan ang pagsisisi? 13. Ano ang pagkakumberte? 14. Anong mahalagang hakbang ang dapat mong gawin bago mabautismuhan?
Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos
179
Kapag iniaalay mo ang iyong sarili sa Diyos na Jehova sa marubdob na panalangin, nangangako kang ibibigay mo sa kaniya ang iyong bukod-tanging debosyon magpakailanman. (Deuteronomio 6:15) Subalit bakit naman gugustuhin ng sinuman na gawin iyan? Buweno, ipagpalagay na nagsimulang manligaw ang isang lalaki sa isang babae. Habang lalong nakikilala ng lalaki ang babae at nakikita ang magagandang katangian nito, lalong naaakit ang lalaki sa kaniya. Sa kalaunan, natural lamang na hilingin ng lalaki sa babae na magpakasal ito sa kaniya. Totoo, ang pag-aasawa ay mangangahulugan ng pagsasabalikat ng karagdagang mga pananagutan. Ngunit pakikilusin siya ng pag-ibig para gawin ang mahalagang hakbang na iyan. 16 Nang makilala mo si Jehova at ibigin siya, napakilos ka na paglingkuran siya nang walang pag-aatubili o nang walang itinatakdang kundisyon sa pagsamba sa kaniya. Ang sinumang nagnanais na sumunod sa Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo, ay kailangan ‘magtatwa ng kaniyang sarili.’ (Marcos 8:34) Itinatatwa natin ang ating sarili kung tinitiyak natin na ang ating personal na mga naisin at mga tunguhin ay hindi nakahahadlang sa ating lubusang pagsunod sa Diyos. Kung gayon, bago ka mabautismuhan, ang paggawa ng kalooban ng Diyos na Jehova ang siyang dapat maging pangunahing layunin mo sa buhay.—1 Pedro 4:2. 15
DAIGIN ANG TAKOT NA MABIGO Nag-aatubili ang ilan na ialay ang kanilang sarili kay Jehova dahil waring nangangamba sila sa gayon kaseryosong hakbang. Baka ikinatatakot nila na mananagot sila sa Diyos bilang nakaalay na Kristiyano. Palibhasa’y natatakot na baka mabigo nila si Jehova, iniisip nila na mas mabuti pang huwag nang mag-alay sa kaniya. 18 Habang natututuhan mong ibigin si Jehova, mapakikilos ka na ialay ang iyong sarili sa kaniya at gawin ang iyong 17
15, 16. Ano ang kahulugan ng pag-aalay ng iyong sarili sa Diyos, at ano ang nagpapakilos sa isang tao na gawin ito? 17. Bakit maaaring nag-aatubili ang ilan na ialay ang kanilang sarili sa Diyos? 18. Ano ang makapagpapakilos sa iyo na ialay ang iyong sarili kay Jehova?
Ang pagtatamo ng tumpak na kaalaman sa Salita ng Diyos ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagiging kuwalipikado sa bautismo
Dapat kang pakilusin ng pananampalataya na ibahagi sa iba ang iyong paniniwala
buong makakaya para tuparin ito. (Eclesiastes 5:4) Pagkatapos mag-alay, tiyak na nanaisin mong “lumakad nang karapat-dapat kay Jehova upang palugdan siya nang lubos.” (Colosas 1:10) Dahil sa iyong pag-ibig sa Diyos, hindi mo iisiping napakahirap gawin ang kaniyang kalooban. Walang alinlangan na sasang-ayon ka kay apostol Juan, na sumulat: “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos, na tuparin natin ang kaniyang mga utos; gayunma’y ang kaniyang mga utos ay hindi pabigat.” —1 Juan 5:3. 19 Hindi mo kailangang maging sakdal upang maialay ang iyong sarili sa Diyos. Alam ni Jehova ang iyong mga limitasyon at hindi siya kailanman umaasa nang higit sa makakaya mo. (Awit 19. Bakit hindi ka dapat matakot na ialay ang iyong sarili sa Diyos?
Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos
181
103:14) Nais niyang magtagumpay ka at susuportahan at tutulungan ka niya. (Isaias 41:10) Makatitiyak ka na kung magtitiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso, siya ang “magtutuwid ng iyong mga landas.”—Kawikaan 3:5, 6. SAGISAGAN ANG IYONG PAG-AALAY SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPABAUTISMO 20 Ang pagsasaalang-alang sa mga bagay na katatalakay lamang natin ay makatutulong sa iyo na mag-alay nang personal kay 20. Bakit hindi maaaring manatiling pribado ang pag-aalay kay Jehova?
Inialay mo na ba ang iyong sarili sa Diyos sa panalangin?
Ang bautismo ay nangangahulugang namatay na tayo sa ating dating paraan ng pamumuhay at nabuhay upang gawin ang kalooban ng Diyos
182
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Jehova sa panalangin. Ang lahat ng talagang umiibig sa Diyos ay dapat ding ‘gumawa ng pangmadlang pagpapahayag ukol sa kaligtasan.’ (Roma 10:10) Paano mo gagawin iyan? 21 Ipaalam sa koordineytor ng lupon ng matatanda ng inyong kongregasyon na gusto mo nang magpabautismo. Isasaayos niya na repasuhin sa iyo ng ilang matatanda ang mga tanong na sumasaklaw sa pangunahing mga turo sa Bibliya. Kapag sumangayon ang matatandang ito na kuwalipikado ka, sasabihin nila sa iyo na maaari kang mabautismuhan sa darating na asamblea o kombensiyon.1 Isang pahayag na nagpapaalaala sa kahulugan ng bautismo ang karaniwang ibinibigay sa gayong mga okasyon. Pagkatapos, aanyayahan ng tagapagsalita ang lahat ng kandidato sa bautismo na sagutin ang dalawang simpleng tanong bilang isang paraan ng berbal na “pangmadlang pagpapahayag” ng kanilang pananampalataya. 22 Ang bautismo mismo ang nagpapakilala sa iyo sa madla na ikaw ay nag-alay na sa Diyos at isa na ngayong Saksi ni Jehova. Ang mga kandidato sa bautismo ay lubusang inilulubog sa tubig upang ipakita sa madla na nag-alay na sila kay Jehova. ANG KAHULUGAN NG IYONG BAUTISMO Sinabi ni Jesus na ang kaniyang mga alagad ay babautismuhan “sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na espiritu.” (Mateo 28:19) Nangangahulugan ito na kinikilala ng kandidato sa bautismo ang awtoridad ng Diyos na Jehova at ni Jesu-Kristo. (Awit 83:18; Mateo 28:18) Kinikilala rin niya ang papel at gawain ng banal na espiritu, o aktibong puwersa, ng Diyos.—Galacia 5:22, 23; 2 Pedro 1:21. 24 Gayunman, ang bautismo ay hindi lamang basta paglu23
1 Ang bautismo ay regular na bahagi ng taunang mga asamblea at mga kombensiyon na idinaraos ng mga Saksi ni Jehova. 21, 22. Paano mo magagawa ang “pangmadlang pagpapahayag” ng iyong pananampalataya? 23. Ano ang kahulugan ng pagbabautismo “sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na espiritu”? 24, 25. (a) Ano ang isinasagisag ng bautismo? (b) Anong tanong ang dapat masagot?
Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos
183
lubog sa tubig. Ito ay sumasagisag sa isang napakahalagang bagay. Ang paglubog sa tubig ay sumasagisag na namatay ka na sa dati mong landasin sa buhay. Ang pag-ahon naman ´ sa tubig ay nagpapahiwatig na buhay ka na ngayon upang gawin ang kalooban ng Diyos. Tandaan din na sa Diyos na Jehova ka mismo nag-alay, hindi sa isang gawain, layunin, sa ibang tao, o sa isang organisasyon. Ang iyong pag-aalay at ´ bautismo ay pasimula ng isang napakalapıt na pakikipagkaibigan sa Diyos—isang matalik na kaugnayan sa kaniya.—Awit 25:14. 25 Ang bautismo ay hindi gumagarantiya ng kaligtasan. Ganito ang isinulat ni apostol Pablo: “Patuloy kayong gumawa ukol sa inyong sariling kaligtasan nang may takot at panginginig.” (Filipos 2:12) Ang bautismo ay pasimula lamang. Ang tanong ay, Paano ka makapananatili sa pag-ibig ng Diyos? Sasagutin ito ng huling kabanata. KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Ang bautismong Kristiyano ay nagsasangkot ng lubusang paglulubog sa tubig at hindi ng pagwiwisik lamang.—Mateo 3:16. ˇ Ang mga hakbang na umaakay sa bautismo ay nagsisimula sa pagkuha ng kaalaman at pagpapakita ng pananampalataya na sinusundan ng pagsisisi, pagkakumberte, at pag-aalay ng sarili sa Diyos.—Juan 17:3; Gawa 3:19; 18:8. ˇ Upang maialay mo ang iyong sarili kay Jehova, dapat mong itatwa ang iyong sarili, kung paanong itinatwa ng mga tao ang kanilang sarili upang sundan si Jesus.—Marcos 8:34. ˇ Ang bautismo ay sagisag na namatay na ang isa sa kaniyang dating paraan ng pamumuhay at nabuhay upang gawin ang kalooban ng Diyos. —1 Pedro 4:2.
KABANATA 19
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos Ano ang ibig sabihin ng ibigin ang Diyos? Paano tayo makapananatili sa pag-ibig ng Diyos? Paano gagantimpalaan ni Jehova ang mga nananatili sa kaniyang pag-ibig?
Gagawin mo bang kanlungan si Jehova sa mabagyong mga panahong ito?
GUNIGUNIHIN ang iyong sarili na naglalakad sa daan sa isang araw na mabagyo. Lalong dumilim ang kalangitan. Nagsimulang kumidlat, dumagundong ang kulog, at pagkatapos ay bumuhos ang ulan. Dali-dali kang naghanap ng kanlungan. Doon sa tabi ng daan, nakakita ka ng masisilungan. Ito ay matibay, tuyo, at kaayaaya. Kaylaki nga ng pasasalamat mo sa ligtas na dakong iyon! 2 Nabubuhay tayo sa mabagyong panahon. Ang mga kalagayan sa daigdig ay palubha nang palubha. Ngunit may isang ligtas na dako, isang kanlungan kung saan maiingatan tayo mula sa permanenteng pinsala. Ano ito? Pansinin ang itinuturo ng Bibliya: “Sasabihin ko kay Jehova: ‘Ikaw ang aking kanlungan at aking moog, ang aking Diyos, na pagtitiwalaan ko.’ ”—Awit 91:2. 3 Gunigunihin iyan! Si Jehova, ang Maylalang at Soberano ng uniberso, ay maaari nating maging nagsasanggalang na kanlungan. Maiingatan niya tayong ligtas, sapagkat di-hamak na mas makapangyarihan siya kaysa sa sinuman o anuman na maaaring puminsala sa atin. Kahit na 1, 2. Saan tayo makasusumpong ng ligtas na kanlungan sa ngayon? 3. Paano natin magiging kanlungan si Jehova?
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
185
mapinsala tayo, kayang pawiin ni Jehova ang lahat ng masasamang epekto nito. Paano natin magiging kanlungan si Jehova? Kailangan tayong magtiwala sa kaniya. Karagdagan pa, hinihimok tayo ng Salita ng Diyos: “Panatilihin ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos.” (Judas 21) Oo, kailangan nating manatili sa pag-ibig ng Diyos, anupat pinananatili ang isang maibiging buklod sa ating makalangit na Ama. Sa gayon, makatitiyak tayo na siya ang ating kanlungan. Ngunit paano tayo magkakaroon ng gayong buklod? PAGKILALA AT PAGTUGON SA PAG-IBIG NG DIYOS Upang manatili sa pag-ibig ng Diyos, kailangang mabatid natin kung paano ipinakikita ni Jehova ang kaniyang pag-ibig sa atin. Pag-isipan ang ilan sa mga turo sa Bibliya na natutuhan mo sa tulong ng aklat na ito. Bilang Maylalang, ibinigay ni Jehova sa ˆ atin ang lupa bilang kalugud-lugod na tahanan natin. Pinuno niya ito ng saganang pagkain at tubig, likas na yaman, kawili-wiling buhay-hayop, at magandang tanawin. Bilang Awtor ng Bibliya, isiniwalat sa atin ng Diyos ang kaniyang pangalan at ang kaniyang mga katangian. Bukod diyan, isinisiwalat ng kaniyang Salita na isinugo niya rito sa lupa ang kaniya mismong minamahal na Anak, anupat pinahintulutang magdusa at mamatay si Jesus alang-alang sa atin. (Juan 3:16) At ano ang kahulugan para sa atin ng regalong iyan? Nagbibigay ito sa atin ng pag-asa na matamo ang isang kamangha-manghang kinabukasan. 5 Ang ating pag-asa sa hinaharap ay nakasalalay rin sa isa pang bagay na ginawa ng Diyos. Nagtatag si Jehova ng isang makalangit na pamahalaan, ang Mesiyanikong Kaharian. Malapit na nitong wakasan ang lahat ng pagdurusa at gawing paraiso ang lupa. Isip-isipin iyan! Mabubuhay tayo roon sa kapayapaan at kaligayahan magpakailanman. (Awit 37:29) Samantala, binibigyan tayo ng Diyos ng patnubay kung paano tayo mamumuhay sa ngayon sa pinakamainam na paraang posible. Ibinigay rin niya sa atin ang ´ kaloob na panalangin, isang bukas na linya ng pakikipagtalastasan sa kaniya. Ilan lamang ito sa mga paraan na ipinakikita ni Jehova ang kaniyang pag-ibig para sa sangkatauhan sa pangkalahatan at sa iyo bilang indibiduwal. 4
4, 5. Ano ang ilan sa mga paraan na ipinakikita ni Jehova ang kaniyang pagibig sa atin?
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Ang napakahalagang tanong na dapat mong isaalang-alang ay ito: Paano ako tutugon sa pag-ibig ni Jehova? Marami ang magsasabi, “Buweno, dapat lamang na ibigin ko rin si Jehova.” Ganiyan ba ang nadarama mo? Sinabi ni Jesus na ang pinakadakila sa lahat ng utos ay ito: “Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong pag-iisip.” (Mateo 22:37) Tiyak na marami kang dahilan para ibigin ang Diyos na Jehova. Ngunit ang pagkadama ba na may gayon kang pag-ibig ang tanging nasasangkot sa pag-ibig kay Jehova nang iyong buong puso, kaluluwa, at pag-iisip? 7 Gaya ng inilalarawan sa Bibliya, ang pag-ibig sa Diyos ay higit pa kaysa sa damdamin. Sa katunayan, bagaman napakahalaga ng pagkadama ng pag-ibig kay Jehova, ang damdaming iyan ay pasimula lamang ng tunay na pag-ibig sa kaniya. Napakahalaga ng buto ng mansanas upang magkaroon ng namumungang puno ng mansanas. Gayunman, kung gusto mo ng mansanas, masisiyahan ka ba kung ang ibibigay lamang sa iyo ay buto ng mansanas? Siyempre hindi! Sa katulad na paraan, ang pagkadama ng pag-ibig sa Diyos na Jehova ay pasimula lamang. Ganito ang itinuturo ng Bibliya: “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos, na tuparin natin ang kaniyang mga utos; gayunma’y ang kaniyang mga utos ay hindi pabigat.” (1 Juan 5:3) Upang maging totoo ang pag-ibig sa Diyos, dapat itong magluwal ng mainam na bunga. Dapat itong ipakita sa gawa.—Mateo 7:16-20. 8 Ipinakikita natin ang ating pag-ibig sa Diyos kapag sinusunod natin ang kaniyang mga utos at ikinakapit ang kaniyang mga simulain. Hindi naman napakahirap gawin ito. Sa halip na makapagpabigat, ang mga kautusan ni Jehova ay dinisenyo upang tulungan tayong magkaroon ng maganda, maligaya, at kasiya-siyang buhay. (Isaias 48:17, 18) Sa pamumuhay alinsunod sa 6
6. Paano ka maaaring tumugon sa pag-ibig na ipinakikita ni Jehova sa iyo? 7. May higit pa bang nasasangkot sa pag-ibig sa Diyos bukod sa pagkadama nito? Ipaliwanag. 8, 9. Paano natin maipakikita ang ating pag-ibig at pagpapahalaga sa Diyos?
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
187
patnubay ni Jehova, ipinakikita natin sa ating makalangit na Ama na talagang pinahahalagahan natin ang lahat ng ginagawa niya para sa atin. Nakalulungkot, iilan lamang sa daigdig sa ngayon ang nagpapakita ng gayong pagpapahalaga. Ayaw nating maging dimapagpahalaga, gaya ng ilang taong nabuhay noong narito pa sa lupa si Jesus. Pinagaling ni Jesus ang sampung ketongin, ngunit isa lamang ang bumalik upang pasalamatan siya. (Lucas 17:12-17) Tiyak na nais nating maging gaya ng isa na nagpasalamat at hindi gaya ng siyam na walang utang na loob! 9 Kung gayon, anong mga utos ni Jehova ang kailangan nating sundin? Marami sa mga utos na ito ang natalakay na natin sa aklat na ito, pero repasuhin natin ang ilan. Ang pagsunod sa mga utos ng Diyos ay tutulong sa atin na manatili sa pag-ibig ng Diyos. ´ MAGING LALONG MALAPIT KAY JEHOVA 10 Ang pagkatuto tungkol kay Jehova ay isang napakahalagang ´ hakbang upang maging malapĹt sa kaniya. Ito ay dapat maging isang patuluyang proseso. Kung nasa labas ka sa isang napakalamig na gabi at nagpapainit ka sa harap ng apoy, 10. Ipaliwanag kung bakit mahalaga na patuloy na kumuha ng kaalaman tungkol sa Diyos na Jehova.
Tulad ng apoy, ang iyong pag-ibig kay Jehova ay nangangailangan ng panggatong upang manatili itong nagniningas
188
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
hahayaan mo bang unti-unting humina ang apoy hanggang sa mamatay ito? Hindi. Patuloy kang maglalagay ng panggatong upang manatiling maningas at mainit ang apoy. Maaaring nakasalalay rito ang mismong buhay mo! Kung paanong nagsisilbing panggatong ang kahoy sa apoy, “ang mismong kaalaman sa Diyos” naman ang nagpapaningas ng ating pag-ibig kay Jehova.—Kawikaan 2:1-5. ´ 11 Nais ni Jesus na mapanatiling buhay at maningas ng kaniyang mga tagasunod ang kanilang pag-ibig kay Jehova at sa Kaniyang mahalagang Salita ng katotohanan. Nang siya’y buhaying muli, itinuro ni Jesus sa dalawa sa kaniyang mga alagad ang tungkol sa ilan sa mga hula sa Hebreong Kasulatan na natupad sa kaniya. Ano ang naging epekto nito? Sinabi nila sa dakong huli: “Hindi ba nagniningas ang ating mga puso habang nagsasalita siya sa atin sa daan, habang lubusan niyang binubuksan ang Kasulatan sa atin?”—Lucas 24:32. 12 Nang una mong matutuhan kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya, napansin mo ba na ang iyong puso ay nagsimulang magningas nang may kagalakan, sigasig, at pag-ibig sa Diyos? Tiyak na gayon nga. Ganiyan din ang nadama ng marami. Ang hamon nga´ yon ay ang mapanatiling buhay ang masidhing damdaming iyan at mapalago ito. Hindi natin gustong gayahin ang kalakaran ng sanlibutan sa ngayon. Inihula ni Jesus: “Ang pag-ibig ng nakararami ay lalamig.” (Mateo 24:12) Paano mo maiiwasang lumamig ang iyong pag-ibig kay Jehova at sa mga katotohanan sa Bibliya? 13 Patuloy kang kumuha ng kaalaman tungkol sa Diyos na Jehova at kay Jesu-Kristo. (Juan 17:3) Bulay-bulayin, o pag-isipang mabuti, ang natututuhan mo mula sa Salita ng Diyos, anupat tinatanong ang iyong sarili: ‘Ano ba ang itinuturo nito sa akin tungkol sa Diyos na Jehova? Ano pang karagdagang dahilan ang ibinibigay nito sa akin upang siya ay ibigin ko nang buong puso, pag-iisip, at kaluluwa?’ (1 Timoteo 4:15) Sa pamamagitan ng gayong pagbubulay-bulay, mapananatili mong maningas ang iyong pag-ibig kay Jehova. 14 Ang isa pang paraan upang mapanatiling maningas ang iyong 11. Ano ang naging epekto ng pagtuturo ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod? 12, 13. (a) Ano ang nangyayari sa pag-ibig sa Diyos at sa Bibliya ng karamihan sa mga tao sa ngayon? (b) Paano natin maiiwasang lumamig ang ating pag-ibig? ´ 14. Paano makatutulong ang panalangin upang mapanatili nating buhay ang ating pag-ibig kay Jehova?
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
189
pag-ibig kay Jehova ay ang regular na pananalangin. (1 Tesalonica 5:17) Sa Kabanata 17 ng aklat na ito, natutuhan natin na ang panalangin ay isang mahalagang regalo mula sa Diyos. Kung paa´ nong lumalago ang ugnayan ng mga tao dahil sa regular at bukas na pakikipagtalastasan, ang ating kaugnayan kay Jehova ay nana´ natiling mainit at buhay kapag regular tayong nananalangin sa kaniya. Napakahalaga na huwag nating hahayaan kailanman na maging mekanikal ang ating mga panalangin—rutin na mga salita lamang na inuulit-ulit natin nang walang tunay na damdamin o kahulugan. Kailangang makipag-usap tayo kay Jehova gaya ng pakikipag-usap ng isang anak sa kaniyang minamahal na ama. Sabihin pa, nais nating maging magalang sa pakikipag-usap, ngunit ´ bukas, tapat, at mula sa puso. (Awit 62:8) Oo, ang personal na pagaaral ng Bibliya at marubdob na pananalangin ay napakahalagang mga aspekto ng ating pagsamba, at tinutulungan tayo ng mga ito na manatili sa pag-ibig ng Diyos. MAKASUMPONG NG KAGALAKAN SA IYONG PAGSAMBA 15 Ang personal na pag-aaral ng Bibliya at pananalangin ay mga gawa ng pagsamba na maaari nating gawin nang pribado. Subalit isaalang-alang natin ngayon ang isang aspekto ng pagsamba na isinasagawa natin nang hayagan: pakikipag-usap sa iba tungkol sa ating mga paniniwala. Ibinabahagi mo na ba sa iba ang ilang katotohanan sa Bibliya? Kung oo, tinatamasa mo na ang isang kamangha-manghang pribilehiyo. (Lucas 1:74) Kapag ibinabahagi natin ang mga katotohanang natututuhan natin tungkol sa Diyos na Jehova, isinasagawa natin ang isang napakahalagang atas na ibinigay sa lahat ng tunay na Kristiyano—ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos.—Mateo 24:14; 28:19, 20. 16 Itinuring ni apostol Pablo na mahalaga ang kaniyang ministeryo, anupat tinawag itong kayamanan. (2 Corinto 4:7) Ang pakikipag-usap sa mga tao tungkol sa Diyos na Jehova at sa kaniyang mga layunin ang pinakamainam na gawaing maisasakatuparan mo. Paglilingkod ito sa pinakamahusay na Panginoon, at nagdudulot ito ng pinakamabubuting pakinabang na posible. Sa pakikibahagi sa gawaing ito, tinutulungan mo ang tapat-pusong 15, 16. Bakit wasto nating maituturing ang pangangaral ng Kaharian bilang isang pribilehiyo at isang kayamanan?
190
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
´ mga tao na mapalapıt sa ating makalangit na Ama at magsimulang tahakin ang daang patungo sa buhay na walang hanggan! May iba pa bang gawain na mas kasiya-siya kaysa rito? Karagdagan pa, ang pagpapatotoo tungkol kay Jehova at sa kaniyang Salita ay nagpapatibay ng iyong pananampalataya at nagpapasidhi ng Nais ni Jehova na tamasahin mo ang “tunay na buhay.” Gusto mo rin bang tamasahin ito?
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
191
iyong pag-ibig sa kaniya. At pinahahalagahan ni Jehova ang iyong mga pagsisikap. (Hebreo 6:10) Ang pananatiling abala sa gayong gawain ay tutulong sa iyo na manatili sa pag-ibig ng Diyos.—1 Corinto 15:58. 17 Mahalagang tandaan na ang pangangaral ng Kaharian ay apurahan. Sinasabi ng Bibliya: “Ipangaral mo ang salita, maging apurahan ka rito.” (2 Timoteo 4:2) Bakit napakaapurahan ang paggawa nito sa ngayon? Sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos: “Ang dakilang araw ni Jehova ay malapit na. Iyon ay malapit na, at iyon ay lubhang minamadali.” (Zefanias 1:14) Oo, mabilis na dumarating ang oras upang wakasan ni Jehova ang buong sistemang ito ng mga bagay. Kailangang babalaan ang mga tao! Kailangan nilang malaman na ngayon na ang panahon para piliin nila si Jehova bilang kanilang Soberano. Ang wakas ay ‘hindi maaantala.’ —Habakuk 2:3. 18 Nais ni Jehova na sambahin natin siya nang hayagan kasama ng tunay na mga Kristiyano. Kaya naman sinasabi ng kaniyang Salita: “Isaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa, na hindi pinababayaan ang ating pagtitipon, gaya ng kinaugalian ng iba, kundi nagpapatibayangloob sa isa’t isa, at lalung-lalo na samantalang inyong nakikita na papalapit na ang araw.” (Hebreo 10:24, 25) Kapag nagtitipon tayo kasama ng mga kapananampalataya sa Kristiyanong mga pagpupulong, mayroon tayong magandang pagkakataon para purihin at sambahin ang ating minamahal na Diyos. Napatitibay at napasisigla rin natin ang isa’t isa. 19 Habang nakikisama tayo sa ibang mananamba ni Jehova, napatitibay natin ang buklod ng pag-ibig at pakikipagkaibigan sa loob ng kongregasyon. Mahalaga na hanapin natin ang magagandang katangian ng iba, kung paanong hinahanap ni Jehova ang magagandang katangian natin. Huwag umasa ng kasakdalan mula sa iyong mga kapananampalataya. Tandaan na ang lahat ay nasa iba’t ibang antas ng pagsulong sa espirituwal at na lahat tayo ay nagkakamali. (Colosas 3:13) Sikaping bumuo ng matalik na paki17. Bakit apurahan sa ngayon ang ministeryong Kristiyano? 18. Bakit natin dapat sambahin si Jehova nang hayagan kasama ng tunay na mga Kristiyano? 19. Paano natin mapatitibay ang buklod ng pag-ibig sa loob ng kongregasyong Kristiyano?
192
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
kipagkaibigan sa mga may masidhing pag-ibig kay Jehova, at makikita mong susulong ka sa espirituwal. Oo, ang pagsamba kay Jehova kasama ng iyong mga kapatid sa espirituwal ay tutulong sa iyo na manatili sa pag-ibig ng Diyos. Paano ginagantimpalaan ni Jehova yaong mga sumasamba sa kaniya nang buong katapatan at sa gayo’y nananatili sa kaniyang pag-ibig? ABUTIN ANG “TUNAY NA BUHAY” Gagantimpalaan ni Jehova ng buhay ang kaniyang tapat na mga lingkod, ngunit anong uri ng buhay? Buweno, nabubuhay ka ba talaga sa ngayon? Ang karamihan sa atin ay magsasabi na maliwanag naman ang sagot. Tutal, humihinga tayo, kumakain, at umiinom. Siguro naman ay talagang nabubuhay tayo. At sa ating mas maliligayang sandali, baka sinasabi pa nga natin, “Ito talaga ang masarap na buhay!” Gayunman, ipinahihiwatig ng Bibliya na sa mahalagang diwa, walang tao sa ngayon ang talagang nabubuhay. 21 Hinihimok tayo ng Salita ng Diyos na ‘manghawakang mahigpit sa tunay na buhay.’ (1 Timoteo 6:19) Ipinakikita ng mga salitang iyon na ang “tunay na buhay” ay isang bagay na inaasahan nating matamo sa hinaharap. Oo, kapag naging sakdal ´ na tayo, magiging buhay tayo sa ganap na diwa ng salita, sapagkat mabubuhay tayo gaya ng orihinal na nilayon ng Diyos para sa atin. Kapag nabubuhay na tayo sa paraisong lupa sa sakdal na kalusugan, kapayapaan, at kaligayahan, tatamasahin na rin natin sa wakas ang “tunay na buhay”—buhay na walang hanggan. (1 Timoteo 6:12) Hindi ba isang napakagandang pag-asa iyan? 22 Paano tayo ‘makapanghahawakang mahigpit sa tunay na buhay’? Sa konteksto rin nito, hinimok ni Pablo ang mga Kristiyano na “gumawa ng mabuti” at “maging mayaman sa maiinam na gawa.” (1 Timoteo 6:18) Kung gayon, maliwanag na malaki ang nakasalalay sa pagkakapit natin ng mga katotohanang ating natutuhan sa Bibliya. Ngunit ang ibig bang sabihin ni Pablo ay nararapat tayong tumanggap ng “tunay na buhay” dahil sa ating mabubuting gawa? Hindi, sapagkat ang gayong kamangha-manghang pag-asa ay nakasalalay talaga sa pagtanggap natin 20
20, 21. Ano ba ang “tunay na buhay,” at bakit ito isang napakagandang pag-asa? 22. Paano ka ‘makapanghahawakang mahigpit sa tunay na buhay’?
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
193
ng “di-sana-nararapat na kabaitan” ng Diyos. (Roma 5:15) Gayunman, nalulugod si Jehova na gantimpalaan ang mga naglilingkod sa kaniya nang buong katapatan. Nais niyang makitang tinatamasa mo ang “tunay na buhay.” Ang mga nananatili sa pag-ibig ng Diyos ay makaaasa ng gayong maligaya, mapayapa, at walanghanggang buhay. 23 Makabubuting tanungin ng bawat isa sa atin ang kaniyang sarili, ‘Sinasamba ko ba ang Diyos sa paraang itinakda niya sa Bibliya?’ Kung titiyakin natin sa araw-araw na ang sagot ay oo, kung gayon ay nasa tamang landas tayo. Makapagtitiwala tayo na si Jehova ang ating kanlungan. Iingatan niyang ligtas ang kaniyang tapat na bayan sa magulong mga huling araw ng matandang sistemang ito ng mga bagay. Ililigtas din tayo ni Jehova tungo sa maluwalhating bagong sistema ng mga bagay na kaylapit na. Tunay ngang nananabik tayong makita ang panahong iyan! At tunay ngang malulugod tayo na ginawa natin ang tamang mga pasiya sa mga huling araw na ito! Kung gagawin mo na ngayon ang gayong mga pagpapasiya, tatamasahin mo ang “tunay na buhay,” ang buhay na talagang nilayon ng Diyos na Jehova, magpakailanman! 23. Bakit mahalaga na manatili sa pag-ibig ng Diyos?
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA ˇ Ipinakikita natin ang ating tunay na pag-ibig sa Diyos kapag sinusunod natin ang kaniyang mga utos at ikinakapit ang kaniyang mga simulain. —1 Juan 5:3. ˇ Ang pag-aaral ng Salita ng Diyos, marubdob na pananalangin kay Jehova, pagtuturo sa iba ng tungkol sa kaniya, at pagsamba sa kaniya sa Kristiyanong mga pagpupulong ay tutulong sa atin na manatili sa pag-ibig ng Diyos.—Mateo 24:14; 28:19, 20; Juan 17:3; 1 Tesalonica 5:17; Hebreo 10:24, 25. ˇ Ang mga nananatili sa pag-ibig ng Diyos ay may pag-asang magtamasa ng “tunay na buhay.”—1 Timoteo 6:12, 19; Judas 21.
APENDISE PAKSA
PAHINA
Ang Banal na Pangalan—Ang Paggamit at Kahulugan Nito 9 9 9 9 195 Kung Paano Inihula ni Daniel ang Pagdating ng Mesiyas 9 9 9 9 9 197 Si Jesu-Kristo—Ang Ipinangakong Mesiyas 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 199 Ang Katotohanan Tungkol sa Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 201 Kung Bakit Hindi Gumagamit ng Krus sa Pagsamba ang Tunay na mga Kristiyano 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 204 Ang Hapunan ng Panginoon —Isang Pagdiriwang na Nagpaparangal sa Diyos 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 206 “Kaluluwa” at “Espiritu” —Ano ba Talaga ang Kahulugan ng mga Salitang Ito? 9 9 9 9 9 9 9 9 208 Ano ba ang Sheol at Hades? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 212 Araw ng Paghuhukom—Ano Ito? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 213 1914—Isang Mahalagang Taon sa Hula ng Bibliya 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 215 Sino si Miguel na Arkanghel? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 218 Pagkilala sa “Babilonyang Dakila” 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 219 Isinilang ba si Jesus sa Buwan ng Disyembre? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 221 Dapat ba Tayong Magdiwang ng mga Kapistahan? 9 9 9 9 9 9 9 9 9 9 222
195
Ang Banal na Pangalan —Ang Paggamit at Kahulugan Nito PAANO isinalin sa iyong kopya ng Bibliya ang Awit 83:18? Ganito ang pagkakasalin ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa talatang ito: “Upang malaman ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.” Ganito rin ang pagkakasalin ng iba pang salin ng Bibliya. Gayunman, maraming salin ang hindi gumagamit ng pangalang Jehova, anupat pinapalitan ito ng mga titulong gaya ng “Panginoon” o “Walang-Hanggan.” Ano ba ang dapat gamitin sa talatang ito? Isang titulo o ang pangalang Jehova? Tinutukoy ng talatang ito ang isang pangalan. Sa orihinal na Hebreo na ginamit sa pagsulat ng kalakhang bahagi ng Bibliya, isang natatanging personal na pangalan ang lumilitaw rito. Ang baybay nito sa mga letrang Hebreo ay ˘˙˘˝ (YHWH). Sa Tagalog, ang karaniwang salin sa pangalang iyan ay “Jehova.” Ang pangalan bang iyan ay lumilitaw lamang sa iisang talata sa Bibliya? Hindi. Lumilitaw ito sa orihinal na teksto Ang pangalan ng Hebreong Kasulatan nang halos 7,000 ulit! ng Diyos sa mga Gaano ba kahalaga ang pangalan ng Diyos? letrang Hebreo Isaalang-alang ang modelong panalangin na ibinigay ni Jesu-Kristo. Ganito ang pasimula nito: “Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan.” (Mateo 6:9) Nang maglaon, nanalangin si Jesus sa Diyos: “Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” Bilang tugon, nagsalita ang Diyos mula sa langit, na sinasabi: “Kapuwa ko ito niluwalhati at luluwalhatiing muli.” (Juan 12:28) Maliwanag, napakahalaga ng pangalan ng Diyos. Kung gayon, bakit hindi ito ginamit ng ilang tagapagsalin sa kanilang mga salin ng Bibliya at pinalitan pa ito ng mga titulo? Waring may dalawang pangunahing dahilan. Una, marami ang nagsasabi na ang pangalang iyan ay hindi dapat gamitin dahil hindi na alam sa ngayon ang orihinal na pagbigkas dito. Ang sinaunang Hebreo ay isinusulat nang walang mga patinig. Kung gayon, walang sinuman sa ngayon ang tiyak na makapagsasabi kung paano eksaktong binibigkas ng mga tao noong panahon ng Bibliya ang YHWH. Gayunman, dapat ba itong makahadlang sa atin sa paggamit sa pangalan ng Diyos? Noong panahon ng Bibliya, ang pangalang Jesus ay maaaring binibigkas na Yeshua o marahil ay Yehoshua—walang sinuman ang nakatitiyak. Subalit ang mga tao sa buong daigdig sa
˘˙˘˝
196
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
ngayon ay gumagamit ng iba’t ibang anyo ng pangalang Jesus, anupat binibigkas ito sa paraang karaniwan sa kanilang wika. Hindi sila nagaatubiling gamitin ang pangalang iyan dahil lamang sa hindi nila alam kung paano ito binibigkas noong unang siglo. Sa katulad na paraan, kung maglalakbay ka sa banyagang lupain, malamang na mapapansin mong iba ang pagbigkas nila sa iyo mismong pangalan sa ibang wika. Kaya naman, ang pagiging di-tiyak sa sinaunang pagbigkas sa pangalan ng Diyos ay hindi dahilan upang hindi ito gamitin. Ang ikalawang dahilan na madalas na ibinibigay kung bakit inaalis ang pangalan ng Diyos sa Bibliya ay nagsasangkot ng isang matagal nang tradisyon ng mga Judio. Naniniwala ang marami sa kanila na ang pangalan ng Diyos ay hindi dapat bigkasin kailanman. Maliwanag na ang paniniwalang ito ay salig sa maling pagkakapit ng isang kautusan sa Bibliya na nagsasabi: “Huwag mong gagamitin ang pangalan ni Jehova na iyong Diyos sa walang-kabuluhang paraan, sapagkat hindi hahayaan ni Jehova na di-naparurusahan ang gumagamit ng kaniyang pangalan sa walang-kabuluhang paraan.”—Exodo 20:7. Ipinagbabawal ng kautusang ito ang maling paggamit sa pangalan ng Diyos. Ngunit ipinagbabawal ba nito ang magalang na paggamit sa kaniyang pangalan? Hindi naman. Ang lahat ng mga manunulat ng Bibliyang Hebreo (ang “Lumang Tipan”) ay tapat na mga lalaki na namuhay ayon sa Kautusan na ibinigay ng Diyos sa sinaunang mga Israelita. Gayunman, madalas nilang gamitin ang pangalan ng Diyos. Halimbawa, inilakip nila ito sa maraming salmo na inaawit nang malakas ng mga pulutong ng mga mananamba. Tinagubilinan pa nga ng Diyos na Jehova ang kaniyang mga mananamba na tumawag sa kaniyang pangalan, at sumunod naman ang tapat na mga indibiduwal. (Joel 2:32; Gawa 2:21) Kaya naman, hindi nag-aatubili ang mga Kristiyano sa ngayon na gamitin ang pangalan ng Diyos sa magalang na paraan, gaya ng ginawa mismo ni Jesus.—Juan 17:26. Malaking pagkakamali ang nagawa ng mga tagapagsalin ng Bibliya nang palitan nila ng mga titulo ang pangalan ng Diyos. Ginawa nilang waring malayo at walang personalidad ang Diyos, samantalang hinihimok ng Bibliya ang mga tao na linangin ang “matalik na kaugnayan kay Jehova.” (Awit 25:14) Isipin mo ang isang matalik na kaibigan. Ta´ laga kayang magiging malapıt ka sa iyong kaibigan kung hindi mo man lamang nalalaman ang pangalan niya? Sa katulad na paraan, paa´ ´ no talaga mapapalapıt sa Diyos ang mga tao kung hindi nila nalalaman ang pangalan ng Diyos na Jehova? Karagdagan pa, kung hindi gagamitin ng mga tao ang pangalan ng Diyos, hindi rin nila malalaman ang kamangha-manghang kahulugan nito. Ano ba ang kahulugan ng banal na pangalan?
Apendise
197
Ipinaliwanag mismo ng Diyos ang kahulugan ng kaniyang pangalan sa tapat na lingkod niyang si Moises. Nang magtanong si Moises tungkol sa pangalan ng Diyos, sumagot si Jehova: “Ako ay magiging gayon sa anumang ako ay magiging gayon.” (Exodo 3:14) Ganito ang pagkakasabi ng salin ni Rotherham: “Ako ay Magiging anuman na kalugdan ko.” Kaya si Jehova ay maaaring maging anuman na kailangan upang matupad ang kaniyang mga layunin. Ipagpalagay na kaya mong maging anuman na nais mong maging. Ano ang gagawin mo para sa iyong mga kaibigan? Kung nagkasakit nang malubha ang isa sa kanila, puwede kang maging isang dalubhasang doktor at pagalingin siya. Kung bumagsak naman ang kabuhayan ng isa, maaari kang maging isang mayamang pilantropo at saklolohan siya. Gayunman, ang totoo ay limitado ka sa kung ano ang maaari kang maging. Ganiyan tayong lahat. Habang pinag-aaralan mo ang Bibliya, mamamangha kang makita kung paanong si Jehova ay nagiging anuman na kinakailangan upang matupad ang kaniyang mga layunin. At nalulugod siyang gamitin ang kaniyang kapangyarihan alang-alang sa mga umiibig sa kaniya. (2 Cronica 16:9) Ang magagandang aspektong ito ng personalidad ni Jehova ay hindi nakikita ng mga hindi nakababatid sa kaniyang pangalan. Maliwanag, ang pangalang Jehova ay dapat gamitin sa Bibliya. Ang pagkabatid sa kahulugan nito at ang malayang paggamit nito sa ating ´ ´ pagsamba ay mabibisang pantulong upang mapalapıt tayo sa ating makalangit na Ama, si Jehova.1 1 Para sa higit na impormasyon hinggil sa pangalan ng Diyos, kahulugan nito, at mga dahilan kung bakit dapat gamitin ito sa pagsamba, tingnan ang brosyur na Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Kung Paano Inihula ni Daniel ang Pagdating ng Mesiyas NABUHAY si propeta Daniel mahigit na 500 taon bago pa isilang si Jesus. Magkagayunman, isiniwalat ni Jehova kay Daniel ang impormasyon na tutulong upang matukoy ang panahon kung kailan papahiran, o hihirangin, si Jesus bilang Mesiyas, o Kristo. Sinabi kay Daniel: “Alamin mo at magkaroon ka ng kaunawaan na mula sa paglabas ng salita na isauli at muling itayo ang Jerusalem hanggang sa
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
198
Mesiyas na Lider, magkakaroon ng pitong sanlinggo, gayundin ng animnapu’t dalawang sanlinggo.”—Daniel 9:25. Upang malaman ang panahon ng pagdating ng Mesiyas, kailangan muna nating alamin ang pasimula ng yugto ng panahon na aakay sa pagdating ng Mesiyas. Ayon sa hula, ito ay “mula sa paglabas ng salita na isauli at muling itayo ang Jerusalem.” Kailan naganap itong “paglabas ng salita”? Ayon sa manunulat ng Bibliya na si Nehemias, lumabas ang salita na muling itayo ang mga pader sa palibot ng Jerusalem “noong ikadalawampung taon ni Artajerjes na hari.” (Nehemias 2:1, 5-8) Pinatutunayan ng mga istoryador ´ na ang taong 474 B.C.E. ang unang buong taon ni Artajerjes bilang
“PITUMPUNG SANLINGGO” 490 taon
7 sanlinggo
62 sanlinggo
1 sanlinggo
(49 na taon)
(434 na taon)
(7 taon)
455
406
Ang “salita na isauli . . . ang Jerusalem”
Muling itinayo ang Jerusalem
& B.C.E. C.E. )
29
33
36
Dumating ang Mesiyas ‘Kinitil’ ang Mesiyas Wakas ng “pitumpung sanlinggo”
Apendise
199
tagapamahala. Kung gayon, ang ika-20 taon ng kaniyang pamamahala ay 455 B.C.E. Ngayon ay alam na natin ang pasimula ng hula ni Daniel tungkol sa Mesiyas, samakatuwid nga, 455 B.C.E. Binanggit ni Daniel kung kailan matatapos ang yugto ng panahon na umaakay sa pagdating ng “Mesiyas na Lider.” Binanggit ng hula ang “pitong sanlinggo, gayundin [ang] animnapu’t dalawang sanlinggo”—may kabuuang 69 na sanlinggo. Gaano kahaba ang yugtong ito ng panahon? Binanggit ng ilang salin ng Bibliya na ang mga ito ay, hindi mga sanlinggo na may pitong araw, kundi mga sanlinggo ng mga taon. Samakatuwid nga, bawat sanlinggo ay katumbas ng pitong taon. Ang ideyang ito ng mga sanlinggo ng mga taon, o yugto ng panahon na may tigpipitong taon, ay pamilyar sa mga Judio noong sinaunang panahon. Halimbawa, ipinangingilin nila ang taon ng Sabbath tuwing ikapitong taon. (Exodo 23:10, 11) Kung gayon, ang makahulang 69 na sanlinggo ay katumbas ng 69 na yugto ng panahon na may 7 taon bawat isa, o may kabuuang 483 taon. Ang kailangan na lamang nating gawin ngayon ay magbilang. Kung bibilang tayo mula 455 B.C.E., ang 483 taon ay aakay sa atin ´ sa taong 29 C.E. Iyan ang eksaktong taon nang si Jesus ay mabautismuhan at maging Mesiyas!1 (Lucas 3:1, 2, 21, 22) Hindi ba iyan isang kamangha-manghang katuparan ng hula sa Bibliya? 1 Mula 455 B.C.E. hanggang 1 B.C.E. ay 454 na taon. Mula 1 B.C.E. hanggang ´ 1 C.E. ay isang taon (walang taong zero). At mula 1 C.E. hanggang 29 C.E. ay 28 taon. Kung susumahin ang tatlong bilang na ito, magkakaroon tayo ng kabuuang bilang na 483 taon. Si Jesus ay ‘kinitil,’ o pinatay noong 33 C.E., sa panahon ng ika-70 sanlinggo ng mga taon. (Daniel 9:24, 26) Tingnan ang Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel! kabanata 11, at Insight on the Scriptures, Tomo 2, pahina 899-901. Ang dalawang publikasyong ito ay inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Si Jesu-Kristo —Ang Ipinangakong Mesiyas UPANG tulungan tayong makilala ang Mesiyas, kinasihan ng Diyos na Jehova ang maraming propeta sa Bibliya upang maglaan ng mga detalye tungkol sa pagsilang, ministeryo, at kamatayan ng ipinangakong Tagapagligtas na ito. Ang lahat ng hulang ito sa Bibliya ay
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
200
MGA HULA MAY KAUGNAYAN SA MESIYAS PANGYAYARI
HULA
KATUPARAN
Isinilang mula sa tribo ni Juda
Genesis 49:10
Lucas 3:23-33
Isinilang ng isang birhen
Isaias 7:14
Mateo 1:18-25
Inapo ni Haring David
Isaias 9:7
Mateo 1:1, 6-17
Ipinahayag ni Jehova bilang kaniyang Anak
Awit 2:7
Mateo 3:17
Hindi pinaniwalaan
Isaias 53:1
Juan 12:37, 38
Zacarias 9:9
Mateo 21:1-9
Awit 41:9
Juan 13:18, 21-30
Zacarias 11:12
Mateo 26:14-16
Isaias 53:7
Mateo 27:11-14
Awit 22:18
Mateo 27:35
Nilait habang nasa tulos
Awit 22:7, 8
Mateo 27:39-43
Walang butong nabali sa kaniya
Awit 34:20
Juan 19:33, 36
Inilibing kasama ng mayayaman
Isaias 53:9
Mateo 27:57-60
Ibinangon bago mabulok ang katawan
Awit 16:10
Gawa 2:24, 27
Itinaas sa kanang kamay ng Diyos
Awit 110:1
Gawa 7:56
Pumasok sa Jerusalem sakay ng isang asno Ipinagkanulo ng isang ´ malapıt na kasama Ipinagkanulo sa halagang 30 pirasong pilak Tahimik sa harap ng mga nag-akusa sa kaniya Pinagpalabunutan ang kaniyang mga kasuutan
natupad kay Jesu-Kristo. Kamangha-mangha ang pagiging tumpak at detalyado ng mga ito. Upang ilarawan ito, isaalang-alang natin ang ilang hula may kaugnayan sa pagsilang at pagkabata ng Mesiyas. Inihula ni propeta Isaias na ang Mesiyas ay magiging inapo ni Haring David. (Isaias 9:7) Isinilang nga si Jesus sa angkan ni David. —Mateo 1:1, 6-17.
Apendise
201
Humula si Mikas, isa pang propeta ng Diyos, na ang batang ito ay magiging isang tagapamahala sa dakong huli at na isisilang siya sa “Betlehem Eprata.” (Mikas 5:2) Noong panahong isilang si Jesus, may dalawang bayan sa Israel na tinatawag na Betlehem. Matatagpuan ang isa malapit sa Nazaret sa hilagang rehiyon ng bansa, at ang isa naman ay malapit sa Jerusalem sa Juda. Ang Betlehem na malapit sa Jerusalem ay dating tinatawag na Eprata. Si Jesus ay isinilang sa bayang iyan, eksakto gaya ng inihula!—Mateo 2:1. Sinabi ng isa pang hula sa Bibliya na ang Anak ng Diyos ay tatawagin “mula sa Ehipto.” Dinala ang batang si Jesus sa Ehipto. Iniuwi siya pagkamatay ni Herodes, sa gayo’y natupad ang hula. —Oseas 11:1; Mateo 2:15. Sa tsart sa pahina 200, ang mga kasulatan na nakatala sa ilalim ng uluhang “Hula” ay naglalaman ng mga detalye hinggil sa Mesiyas. Pakisuyong ihambing ang mga ito sa mga kasulatan na nakatala sa ilalim ng uluhang “Katuparan.” Ang paggawa nito ay lalong magpapatibay ng iyong pananampalataya sa pagiging totoo ng Salita ng Diyos. Habang sinusuri mo ang mga kasulatang ito, isaisip na ang mga inihula ay isinulat daan-daang taon bago pa isilang si Jesus. Ganito ang sabi ni Jesus: “Kailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nakasulat sa kautusan ni Moises at sa mga Propeta at Mga Awit tungkol sa akin.” (Lucas 24:44) Gaya ng mapatutunayan mo sa iyong sariling kopya ng Bibliya, natupad nga ang mga ito—sa bawat detalye!
Ang Katotohanan Tungkol sa Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu SINASABI ng mga taong naniniwala sa turo ng Trinidad na ang Diyos ay binubuo ng tatlong persona—ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Sinasabing ang tatlong personang ito ay magkakapantay, makapangyarihan-sa-lahat, at walang pasimula. Kung gayon, ayon sa doktrina ng Trinidad, ang Ama ay Diyos, ang Anak ay Diyos, at ang Banal na Espiritu ay Diyos, ngunit iisa lamang ang Diyos.
202
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Marami sa mga naniniwala sa Trinidad ang umaamin na hindi nila kayang ipaliwanag ang turong ito. Gayunman, baka inaakala nilang itinuturo ito ng Bibliya. Kapansin-pansin na ang salitang “Trinidad” ay hindi kailanman lumitaw sa Bibliya. Pero masusumpungan ba sa Bibliya ang ideya ng Trinidad? Upang masagot ang tanong na ito, tingnan natin ang isang kasulatan na madalas banggitin ng mga nagtataguyod ng Trinidad. “ANG SALITA AY DIYOS” Sinasabi ng Juan 1:1: “Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.” (Magandang Balita Biblia) Nang maglaon sa kabanata ring iyon, maliwanag na ipinakita ni apostol Juan na “ang Salita” ay si Jesus. (Juan 1:14) Gayunman, yamang ang Salita ay tinawag na Diyos, sinasabi ng ilan na ang Anak at ang Ama ay walang-alinlangang bahagi ng iisang Diyos. Tandaan na ang bahaging ito ng Bibliya ay orihinal na isinulat sa wikang Griego. Nang maglaon, isinalin ng mga tagapagsalin ang tekstong Griego sa iba pang mga wika. Gayunman, hindi ginamit ng ilang tagapagsalin ng Bibliya ang pariralang “ang Salita ay Diyos.” Bakit hindi? Salig sa kanilang kaalaman sa wikang Griego na ginamit sa pagsulat ng Bibliya, ipinasiya ng mga tagapagsaling iyon na ang pariralang “ang Salita ay Diyos” ay dapat isalin sa ibang paraan. Paano? Narito ang ilang halimbawa: “Ang Logos [Salita] ay tulad-Diyos.” (A New Translation of the Bible) “Ang Salita ay isang diyos.” (The New Testament in an Improved Version) “Ang Salita ay kasama ng Diyos at nagtataglay sila ng iisang kaurian.” (The Translator’s New Testament) Ayon sa mga saling ito, ang Salita ay hindi ang Diyos mismo.1 Sa halip, dahil sa kaniyang mataas na posisyon sa mga nilalang ni Jehova, ang Salita ay tinukoy bilang “isang diyos.” Dito ang salitang “diyos” ay nangangahulugang “makapangyarihang isa.” KUMUHA NG HIGIT PANG IMPORMASYON Ang karamihan sa mga tao ay walang kabatiran sa wikang Griego na ginamit sa pagsulat ng Bibliya. Kaya paano mo malalaman kung ano talaga ang ibig sabihin ni apostol Juan? Pag-isipan ang halimbawang ito: Ipinaliwanag ng isang guro sa paaralan ang isang paksa sa kaniyang mga estudyante. Pagkatapos nito, iba-iba ang naging opinyon ng mga estudyante kung paano dapat unawain ang paliwanag. 1 Para sa higit pang pagtalakay sa Juan 1:1, tingnan Ang Bantayan ng Nobyembre 1, 2008, pahina 24-25, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Apendise
203
Paano lulutasin ng mga estudyante ang bagay na ito? Maaari silang humingi sa guro ng higit pang impormasyon. Walang alinlangan, ang pagkuha ng karagdagang impormasyon ay tutulong sa kanila na maunawaan nang higit ang paksa. Sa katulad na paraan, upang maunawaan ang kahulugan ng Juan 1:1, maaari mong tingnan ang Ebanghelyo ni Juan para sa higit pang impormasyon hinggil sa posisyon ni Jesus. Ang pagkuha ng karagdagang impormasyon hinggil sa paksang ito ay tutulong sa iyo na sumapit sa tamang konklusyon. Halimbawa, isaalang-alang ang isinulat pa ni Juan sa kabanata 1, talata 18: “Walang taong nakakita sa Diyos [na Makapangyarihan-salahat] kailanman.” Gayunman, nakita ng mga tao si Jesus, ang Anak, sapagkat sinabi ni Juan: “Naging tao ang Salita [si Jesus] at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan.” (Juan 1:14, Mabuting Balita Biblia) Kung gayon, paano magiging bahagi ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang Anak? Binanggit din ni Juan na ang Salita ay “kasama ng Diyos.” Pero paano magiging kasama ng isa ang ibang indibiduwal at kasabay nito ay siya rin ang indibiduwal na iyon? Karagdagan pa, gaya ng nakaulat sa Juan 17:3, niliwanag ni Jesus ang pagkakaiba niya at ng kaniyang makalangit na Ama. Tinawag niya ang kaniyang Ama na “ang tanging tunay na Diyos.” At sa pagtatapos ng kaniyang Ebanghelyo, ibinuod ni Juan ang mga bagay-bagay sa pagsasabi: “Ang mga ito ay isinulat upang maniwala kayo na si Jesus ang Kristo na Anak ng Diyos.” (Juan 20:31) Pansinin na si Jesus ay tinawag na Anak ng Diyos, at hindi Diyos. Ipinakikita ng karagdagang impormasyong ito na masusumpungan sa Ebanghelyo ni Juan kung paano dapat unawain ang Juan 1:1. Si Jesus, ang Salita, ay “isang diyos” sa diwa na may mataas siyang posisyon ngunit hindi kapantay ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. TIYAKIN ANG MGA KATOTOHANAN Pag-isipang muli ang halimbawa ng guro sa paaralan at ng mga estudyante. Gunigunihin na ang ilan ay nag-aalinlangan pa rin kahit na narinig na nila ang karagdagang paliwanag ng guro. Ano ang maaari nilang gawin? Maaari silang lumapit sa ibang guro para sa karagdagang impormasyon sa paksa ring iyon. Kung binigyang-katiyakan ng ikalawang guro ang paliwanag ng una, mawawala ang pag-aalinlangan ng karamihan sa mga estudyante. Sa katulad na paraan, kung hindi ka nakatitiyak kung ano talaga ang sinasabi ng manunulat ng Bibliya na si Juan hinggil sa kaugnayan ni Jesus at ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, maaari kang bumaling sa ibang manunulat ng Bibliya para sa karagdagang impormasyon. Halimbawa,
204
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
isaalang-alang ang isinulat ni Mateo. Hinggil sa katapusan ng sistemang ito ng mga bagay, sinipi niya si Jesus na sinasabi: “May kinalaman sa araw at oras na iyon ay walang sinuman ang nakaaalam, kahit ang mga anghel sa mga langit kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” (Mateo 24:36) Paano pinatutunayan ng mga salitang ito na hindi si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat? Sinabi ni Jesus na mas maraming nalalaman ang Ama kaysa sa Anak. Gayunman, kung si Jesus ay bahagi ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, alam sana niya ang lahat ng impormasyon na alam ng kaniyang Ama. Kung gayon, ang Anak at ang Ama ay hindi maaaring maging magkapantay. Gayunman, sasabihin ng ilan: ‘Si Jesus ay may dalawang kaurian. Dito ay nagsasalita siya bilang isang tao.’ Ngunit kahit na iyan ang kalagayan, kumusta naman ang banal na espiritu? Kung bahagi ito ng iisang Diyos na gaya ng Ama, bakit hindi sinabi ni Jesus na alam nito ang nalalaman ng Ama? Habang nagpapatuloy ka sa pag-aaral mo ng Bibliya, magiging pamilyar ka sa marami pang talata ng Bibliya na may kaugnayan sa paksang ito. Pinatutunayan ng mga ito ang katotohanan tungkol sa Ama, sa Anak, at sa banal na espiritu.—Awit 90:2; Gawa 7:55; Colosas 1:15.
Kung Bakit Hindi Gumagamit ng Krus sa Pagsamba ang Tunay na mga Kristiyano ANG krus ay kinagigiliwan at iginagalang ng milyun-milyong tao. Tinatawag ng The Encyclopædia Britannica ang krus na “pangunahing simbolo ng relihiyong Kristiyano.” Magkagayunman, hindi gumagamit ng krus sa pagsamba ang tunay na mga Kristiyano. Bakit hindi? Ang isang mahalagang dahilan ay sapagkat hindi sa krus namatay si Jesu-Kristo. Ang salitang Griego na karaniwan nang isinasaling “krus” ay stau·ros . Ito ay pangunahin nang nangangahulugang “isang tuwid na haligi o tulos.” Ganito ang sabi ng The Companion Bible: “Ang [stau·ros ] ay hindi kailanman nangangahulugan ng dalawang piraso ng kahoy na pinagkrus sa anumang anggulo . . . Walang anumang nakaulat sa wikang Griego ng [Bagong Tipan] na nagpapahiwatig man lamang ng dalawang piraso ng kahoy.”
Apendise
205
Sa ilang teksto, gumamit ang mga manunulat ng Bibliya ng ibang salita para sa instrumento ng kamatayan ni Jesus. Ito ay ang salitang Griego na xy lon. (Gawa 5:30; 10:39; 13:29; Galacia 3:13; 1 Pedro 2:24) Ang salitang ito ay nangangahulugan lamang ng “kahoy” o “isang patpat, pamalo, o punungkahoy.” Sa pagpapaliwanag kung bakit isang simpleng tulos ang kadalasang ginagamit sa mga pagbitay, ganito ang sabi ng aklat na Das Kreuz und die Kreuzigung (Ang Krus at ang Pagpapako sa Krus), ni Hermann Fulda: “Walang makukuhang mga punungkahoy sa mga lugar na pinili para sa pangmadlang pagbitay. Kaya ibinabaon sa lupa ang isang simpleng poste. Dito itinatali o ipinapako ang mga kriminal, na nakataas ang kanilang mga kamay at kadalasan pati ang kanilang mga paa ay nakatali rin o nakapako sa ibaba.” Gayunman, ang pinakanakakukumbinsing patotoo sa lahat ay nagmumula sa Salita ng Diyos. Ganito ang sabi ni apostol Pablo: “Sa pamamagitan ng pagbili ay pinalaya tayo ni Kristo mula sa sumpa ng Kautusan sa pamamagitan ng pagiging isang sumpa na kapalit natin, sapagkat nasusulat: ‘Isinumpa ang bawat tao na nakabayubay sa tulos [“punong kahoy,” Ang Biblia].’ ” (Galacia 3:13) Dito ay sinipi ni Pablo ang Deuteronomio 21:22, 23, na maliwanag na tumutukoy sa isang tulos at hindi sa isang krus. Yamang nagiging “sumpa” ang isang tao na pinatay sa gayong paraan, hindi magiging angkop para sa mga Kristiyano na gawing dekorasyon sa kanilang mga tahanan ang mga imahen ni Kristo na nakabayubay. Sa unang 300 taon pagkamatay ni Kristo, walang patotoo na gumamit ng krus sa pagsamba ang nag-aangking mga Kristiyano. Gayunman, noong ikaapat na siglo, ang paganong si Emperador Constantino ay nakumberte sa apostatang Kristiyanismo at itinaguyod niya ang krus bilang simbolo nito. Anuman ang motibo ni Constantino, walang kinalaman ang krus kay Jesu-Kristo. Sa katunayan, pagano ang pinagmulan ng krus. Ganito ang pag-amin ng New Catholic Encyclopedia: “Ang krus ay masusumpungan kapuwa sa mga kultura bago ang panahong Kristiyano at sa mga kulturang di-Kristiyano.” Iniuugnay ng iba pang mga awtoridad ang krus sa pagsamba sa kalikasan at sa paganong mga ritwal sa sekso. Kung gayon, bakit itinataguyod ang paganong simbolo na ito? Maliwanag na ito ay upang maging mas madali sa mga pagano na tanggapin ang “Kristiyanismo.” Magkagayunman, ang debosyon sa anumang paganong simbolo ay maliwanag na hinahatulan ng Bibliya. (2 Corinto 6:14-18) Ipinagbabawal din ng Kasulatan ang lahat ng anyo ng idolatriya. (Exodo 20:4, 5; 1 Corinto 10:14) Kung gayon, may
206
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
napakatibay na dahilan ang tunay na mga Kristiyano para hindi gumamit ng krus sa pagsamba.1 1 Para sa mas detalyadong pagtalakay sa krus, tingnan ang pahina 122-6 ng aklat na Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Ang Hapunan ng Panginoon—Isang Pagdiriwang na Nagpaparangal sa Diyos INUTUSAN ang mga Kristiyano na ipagdiwang ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo. Ang pagdiriwang na ito ay tinatawag ding “ang hapunan ng Panginoon.” (1 Corinto 11:20) Bakit ba napakahalaga nito? Kailan at paano ito dapat ipagdiwang? Pinasimulan ni Jesu-Kristo ang pagdiriwang na ito nang gabi ng Paskuwa ng mga Judio noong 33 C.E. Ang Paskuwa ay isang pagdiriwang na ginaganap minsan lamang sa isang taon, tuwing ika-14 na araw ng buwan ng Nisan ng mga Judio. Upang makalkula ang petsang iyan, maliwanag na hinihintay ng mga Judio ang spring equinox. Ito ang araw na may humigit-kumulang sa 12 oras ng liwanag at 12 oras ng kadiliman. Ang unang makikitang bagong buwan na pinakamalapit sa spring equinox ang nagtatakda ng pagpapasimula ng Nisan. Ang Paskuwa ay ipinagdiriwang 14 na araw pagkatapos nito, pagkalubog ng araw. Ipinagdiwang ni Jesus ang Paskuwa kasama ang kaniyang mga apostol, pinaalis si Judas Iscariote, at pagkatapos ay pinasimulan ang Hapunan ng Panginoon. Hinalinhan ng hapunang ito ang Paskuwa ng mga Judio at sa gayo’y dapat ipagdiwang nang minsan lamang sa isang taon. Ganito ang ulat ng Ebanghelyo ni Mateo: “Kumuha si Jesus ng tinapay at, pagkatapos bumigkas ng pagpapala, pinagputul-putol niya ito at, nang ibinibigay sa mga alagad, sinabi niya: ‘Kunin ninyo, kainin ninyo. Ito ay nangangahulugan ng
Apendise
207
aking katawan.’ Gayundin, kumuha siya ng isang kopa at, nang makapagpasalamat, ibinigay niya ito sa kanila, na sinasabi: ‘Uminom kayo mula rito, kayong lahat; sapagkat ito ay nangangahulugan ng aking “dugo ng tipan,” na siyang ibubuhos alang-alang sa marami ukol sa kapatawaran ng mga kasalanan.’ ”—Mateo 26:26-28. Naniniwala ang ilan na binago ni Jesus ang tinapay tungo sa literal na laman niya at ang alak tungo sa kaniyang dugo. Gayunman, ang katawang laman ni Jesus ay buo pa rin nang ipamahagi niya ang tinapay na ito. Talaga bang kinain ng mga apostol ni Jesus ang kaniyang literal na laman at ininom ang kaniyang dugo? Hindi, dahil iyan ay kanibalismo at isang paglabag sa kautusan ng Diyos. (Genesis 9:3, 4; Levitico 17:10) Ayon sa Lucas 22:20, sinabi ni Jesus: “Ang kopang ito ay nangangahulugan ng bagong tipan sa bisa ng aking dugo, na siyang ibubuhos alang-alang sa inyo.” Ang kopa bang iyon ay literal na naging “bagong tipan”? Magiging imposible iyon, yamang ang tipan ay isang kasunduan at hindi isang bagay na nahahawakan. Kaya naman, ang tinapay at ang alak ay mga sagisag lamang. Ang tinapay ay sumasagisag sa sakdal na katawan ni Kristo. Gumamit si Jesus ng isang tinapay na natira sa hapunan ng Paskuwa. Ang tinapay ay walang lebadura, o pampaalsa. (Exodo 12:8) Ginagamit ng Bibliya ang lebadura bilang sagisag ng kasalanan o kasiraan. Kung gayon, ang tinapay ay lumalarawan sa sakdal na katawan na inihain ni Jesus. Wala itong kasalanan.—Mateo 16:11, 12; 1 Corinto 5:6, 7; 1 Pedro 2:22; 1 Juan 2:1, 2. Ang pulang alak ay kumakatawan sa dugo ni Jesus. Ang dugong iyan ang nagbibigay-bisa sa bagong tipan. Sinabi ni Jesus na ibinuhos ang kaniyang dugo “ukol sa kapatawaran ng mga kasalanan.” Sa gayo’y maaaring maging malinis ang mga tao sa paningin ng Diyos at pumasok sa isang bagong pakikipagtipan kay Jehova. (Hebreo 9:14; 10:16, 17) Sa pamamagitan naman ng tipang ito, o kontrata, naging posible para sa 144,000 tapat na mga Kristiyano na magtungo sa langit. Doon ay maglilingkod sila bilang mga hari at mga saserdote upang pagpalain ang buong sangkatauhan.—Genesis 22:18; Jeremias 31:31-33; 1 Pedro 2:9; Apocalipsis 5:9, 10; 14:1-3. Sino ang dapat makibahagi sa mga emblemang ito sa Memoryal? Makatuwiran na yaong mga kasama lamang sa bagong tipan—samakatuwid nga, yaong mga may pag-asang magtungo sa langit—ang dapat makibahagi sa tinapay at sa alak. Ang banal na espiritu ng Diyos ang kumukumbinsi sa gayong mga indibiduwal na sila ay
208
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
pinili upang maging makalangit na mga hari. (Roma 8:16) Kabilang din sila sa tipan ukol sa Kaharian kasama ni Jesus.—Lucas 22:29. Kumusta naman ang mga may pag-asang mabuhay magpakailanman sa Paraiso sa lupa? Sinusunod nila ang utos ni Jesus at dumadalo sila sa Hapunan ng Panginoon, ngunit hindi bilang mga nakikibahagi sa emblema kundi bilang magagalang na tagapagmasid. Minsan sa isang taon, pagkalubog ng araw sa Nisan 14, ipinagdiriwang ng mga Saksi ni Jehova ang Hapunan ng Panginoon. Bagaman iilan lamang sa buong daigdig ang nagsasabing may makalangit na pag-asa sila, mahalaga ang pagdiriwang na ito sa lahat ng Kristiyano. Isa itong okasyon kung kailan maaaring bulay-bulayin ng lahat ang pinakasukdulang pag-ibig ng Diyos na Jehova at ni Jesu-Kristo.—Juan 3:16.
“Kaluluwa” at “Espiritu”—Ano ba Talaga ang Kahulugan ng mga Salitang Ito? ANO ang naiisip mo kapag narinig mo ang mga salitang “kaluluwa” at “espiritu”? Marami ang naniniwala na ang mga salitang ito ay nangangahulugan ng isang di-nakikita at imortal na bagay na umiiral sa loob natin. Iniisip nila na sa kamatayan, ang di-nakikitang bahaging ito ng isang tao ay umaalis sa katawan at nananatiling buhay. Yamang napakalaganap ng paniniwalang ito, marami ang nagugulat kapag nalaman nilang hindi pala ito itinuturo ng Bibliya. Kung gayon, ano ang kaluluwa, at ano ang espiritu, ayon sa Salita ng Diyos? ANG PAGKAKAGAMIT NG “KALULUWA” SA BIBLIYA Una, isaalang-alang ang kaluluwa. Maaaring natatandaan mo na ang Bibliya ay orihinal na isinulat pangunahin na sa wikang Hebreo at Griego. Nang isinusulat nila ang tungkol sa kaluluwa, ginamit ng mga manunulat ng Bibliya ang salitang Hebreo na ne phesh o ang salitang Griego na psy·khe . Ang dalawang salitang ito ay lumitaw nang mahigit na 800 ulit sa Kasulatan, at palaging isinasalin ng Bagong Sanlibutang Salin ang mga salitang ito bilang “kaluluwa.” Kung susuriin mo ang pagkakagamit ng “kaluluwa” o “mga kaluluwa” sa Bibliya, maliwanag na ang salitang ito ay pangunahin nang
Apendise
209
tumutukoy sa (1) mga tao, (2) mga hayop, o (3) buhay ng mga tao o ng mga hayop. Isaalang-alang natin ang ilang kasulatan na nagpapakita sa tatlong magkakaibang diwa na ito. Mga tao. “Noong mga araw ni Noe . . . iilang tao, samakatuwid nga, walong kaluluwa, ang dinalang ligtas sa tubig.” (1 Pedro 3:20) Dito ang salitang “kaluluwa” ay maliwanag na kumakatawan sa mga tao—si Noe, ang kaniyang asawa, ang tatlo niyang anak na lalaki, at ang kani-kanilang asawa. Binabanggit ng Exodo 16:16 ang mga tagubilin na ibinigay sa mga Israelita may kaugnayan sa pagtitipon ng manna. Sinabi sa kanila: “Mamulot kayo niyaon . . . ayon sa bilang ng mga kaluluwa na naroroon sa tolda ng bawat isa sa inyo.” Kaya ang dami ng manna na tinitipon ay batay sa bilang ng mga tao sa bawat pamilya. Ang iba pang mga halimbawa sa Bibliya kung saan tumutukoy ang “kaluluwa” o “mga kaluluwa” sa isang tao o sa mga tao ay masusumpungan sa Genesis 46:18; Josue 11:11; Gawa 27:37; at Roma 13:1. Mga hayop. Sa ulat ng Bibliya hinggil sa paglalang, mababasa natin: “Sinabi ng Diyos: ‘Bukalan ang tubig ng kulupon ng mga ka´ luluwang buhay at magliparan ang mga lumilipad na nilalang sa itaas ng lupa sa ibabaw ng kalawakan ng langit.’ At sinabi ng Diyos: ´ ‘Bukalan ang lupa ng mga kaluluwang buhay ayon sa kani-kanilang uri, maamong hayop at gumagalang hayop at mailap na hayop sa lupa ayon sa uri nito.’ At nagkagayon nga.” (Genesis 1:20, 24) Sa tekstong ito, ang mga isda, maaamo at maiilap na hayop ay tinukoy lahat sa pamamagitan ng iisang salita—‘mga kaluluwa.’ Ang mga ibon at iba pang mga hayop ay tinatawag na mga kaluluwa sa Genesis 9:10; Levitico 11:46; at Bilang 31:28. Buhay ng isang tao. Kung minsan ang salitang “kaluluwa” ay nangangahulugan ng buhay ng isang tao. Sinabi ni Jehova kay Moises: “Ang lahat ng tao na naghahanap sa iyong kaluluwa ay patay na.” (Exodo 4:19) Ano ang pinaghahanap ng mga kaaway ni Moises? Hinahangad nilang kitlin ang buhay ni Moises. Nauna rito, habang isinisilang ni Raquel ang kaniyang anak na si Benjamin, “[naglaho] ang kaniyang kaluluwa (sapagkat namatay siya).” (Genesis 35:16-19) Nang oras na iyon, naglaho ang buhay ni Raquel. Isaalang-alang din ang mga salita ni Jesus: “Ako ang mabuting pastol; ibinibigay ng mabuting pastol ang kaniyang kaluluwa alangalang sa mga tupa.” (Juan 10:11) Ibinigay ni Jesus ang kaniyang kaluluwa, o buhay, alang-alang sa sangkatauhan. Sa mga talatang ito ng Bibliya, ang salitang “kaluluwa” ay maliwanag na tumutukoy
210
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
sa buhay ng isang tao. Makasusumpong ka pa ng maraming halimbawa ng ganitong kahulugan ng “kaluluwa” sa 1 Hari 17:17-23; Mateo 10:39; Juan 15:13; at Gawa 20:10. Ang higit pang pag-aaral sa Salita ng Diyos ay magpapakita sa iyo na walang anumang bahagi ng Bibliya ang nag-uugnay sa mga salitang “imortal” o “walang hanggan” sa salitang “kaluluwa.” Sa halip, sinasabi ng Kasulatan na ang isang kaluluwa ay mortal, ibig sabihin ay namamatay ito. (Ezekiel 18:4, 20) Kaya naman, ang tawag lamang ng Bibliya sa isa na namatay ay “patay na kaluluwa.” —Levitico 21:11. TINUKOY KUNG ANO ANG “ESPIRITU” Isaalang-alang natin ngayon ang paggamit ng Bibliya sa salitang “espiritu.” Iniisip ng ilang tao na ang “espiritu” ay ibang salita lamang para sa “kaluluwa.” Ngunit hindi gayon. Nililiwanag ng Bibliya na ang “espiritu” at “kaluluwa” ay tumutukoy sa dalawang magkaibang bagay. Ano ang ipinagkaiba nila? Ginagamit ng mga manunulat ng Bibliya ang salitang Hebreo na ru ach o ang salitang Griego na pneu ma kapag isinusulat ang tungkol sa “espiritu.” Ipinakikita mismo ng Kasulatan ang kahulugan ng mga salitang ito. Halimbawa, sinasabi ng Awit 104:29: “Kung aalisin mo [Jehova] ang kanilang espiritu [ru ach], pumapanaw sila, at bumabalik sila sa alabok.” At binanggit ng Santiago 2:26 na “ang katawan na walang espiritu [pneu ma] ay patay.” Kung gayon, sa mga talatang ito, ang “espiritu” ay tumutukoy sa isang bagay na nagbibigay-buhay sa katawan. Kung walang espiritu, ang katawan ay patay. Kaya sa Bibliya, ang salitang ru ach ay isinasalin hindi lamang bilang “espiritu” kundi gayundin bilang “puwersa,” o puwersa ng buhay. Halimbawa, tungkol sa Baha noong panahon ni Noe, sinabi ng Diyos: “Dadalhin ko ang delubyo ng tubig sa ibabaw ng lupa upang lipulin ang lahat ng laman na may puwersa [ru ach] ng buhay sa silong ng langit.” (Genesis 6:17; 7:15, 22) Kaya ang “espiritu” ay tumutukoy sa di-nakikitang puwersa (ang ningas ng buhay) na nag´ bibigay-buhay sa lahat ng nilalang na buhay. Hindi magkapareho ang kaluluwa at espiritu. Kailangan ng katawan ang espiritu kung paanong kailangan ng radyo ang kuryente —upang gumana. Para mailarawan pa ito nang higit, isaalang-alang ang isang radyo. Kapag nilagyan mo ng mga batirya ang isang radyo at pinaandar ito, ang kuryente na nakaimbak sa mga batirya ang magbibigay-buhay sa radyo, wika nga. Subalit kung walang batirya, ang radyo ay patay. Gayundin ang mangyayari sa ibang uri ng radyo
Apendise
211
kapag hinugot ito mula sa saksakan ng kuryente. Sa katulad na paraan, ang espiritu ang puwersa na nagbibigay-buhay sa ating katawan. Gayundin, tulad ng kuryente, ang espiritu ay walang damdamin at hindi nakapag-iisip. Isa itong puwersa na walang personalidad. Ngunit kung wala ang espiritung iyan, o puwersa ng buhay, ang ating katawan ay ‘papanaw, at babalik sa alabok,’ gaya ng sabi ng salmista. Sa pagtukoy sa kamatayan ng tao, ganito ang sabi ng Eclesiastes 12:7: “Ang alabok [ng kaniyang katawan] ay babalik sa lupa gaya ng dati at ang espiritu ay babalik sa tunay na Diyos na nagbigay nito.” Kapag nawala sa katawan ang espiritu, o puwersa ng buhay, namamatay ang katawan at bumabalik sa pinagmulan nito—ang lupa. Sa katulad na paraan, ang puwersa ng buhay ay bumabalik sa pinagmulan nito—ang Diyos. (Job 34:14, 15; Awit 36:9) Hindi naman ito nangangahulugan na ang puwersa ng buhay ay aktuwal na naglalakbay patungo sa langit. Sa halip, nangangahulugan ito na para sa isa na namatay, nakasalalay sa Diyos na Jehova ang anumang pag-asa sa buhay sa hinaharap. Nasa kamay ng Diyos ang kaniyang buhay, wika nga. Tangi lamang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos maibabalik ang espiritu, o puwersa ng buhay, na kailangan upang mabuhay-muli ang isang tao. Nakaaaliw ngang malaman na ito mismo ang gagawin ng Diyos para sa lahat ng mga nagpapahinga na sa “mga alaalang libingan”! (Juan 5:28, 29) Sa panahon ng pagkabuhay-muli, gagawa si Jehova ng bagong katawan para sa isang indibiduwal na natutulog sa kamatayan at bubuhayin itong muli sa pamamagitan ng paglalagay rito ng espiritu, o puwersa ng buhay. Tunay ngang magiging isang napakasayang panahon iyon! Kung gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa mga salitang “kaluluwa” at “espiritu” ayon sa pagkakagamit sa Bibliya, makasusumpong ka ng kapakipakinabang na impormasyon sa brosyur na Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay? at sa pahina 100-5 at 158-62 ng aklat na Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan, na parehong inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
212
Ano ba ang Sheol at Hades? SA ORIHINAL na mga wika nito, ginamit ng Bibliya ang salitang Hebreo na she ohl at ang katumbas nito sa Griego na hai des nang mahigit na 70 ulit. Ang dalawang salitang ito ay nauugnay sa kamatayan. Isinasalin ang mga ito ng ilang bersiyon ng Bibliya bilang “libingan,” “impiyerno,” o “hukay.” Gayunman, ang karamihan sa mga wika ay walang katumbas na salita na naghahatid ng eksaktong diwa ng mga salitang ito na Hebreo at Griego. Kaya ginamit ng Bagong Sanlibutang Salin ang mga salitang “Sheol” at “Hades.” Ano ba talaga ang kahulugan ng mga salitang ito? Tingnan natin kung paano ginagamit ang mga ito sa iba’t ibang talata ng Bibliya. Ganito ang sinasabi ng Eclesiastes 9:10: “Walang gawa ni katha man ni kaalaman man ni karunungan man sa Sheol, ang dako na iyong paroroonan.” Nangangahulugan ba ito na ang Sheol ay tumutukoy sa isang espesipiko, o partikular, na dakong libingan kung saan natin inilibing ang isang mahal sa buhay? Hindi. Kapag tinutukoy ng Bibliya ang isang espesipikong dakong libingan, gumagamit ito ng ibang salitang Hebreo at Griego, hindi ng she ohl at hai des. (Genesis 23:7-9; Mateo 28:1) Gayundin, hindi ginagamit ng Bibliya ang salitang “Sheol” para sa isang libingan kung saan ilang indibiduwal ang magkakasamang nakalibing, gaya ng libingan ng pamilya o pangmaramihang libingan.—Genesis 49:30, 31. Kung gayon, sa anong uri ng lugar tumutukoy ang “Sheol”? Ipinakikita ng Salita ng Diyos na ang “Sheol,” o “Hades,” ay tumutukoy sa isang bagay na mas malaki pa kaysa sa isang malaking pangmaramihang libingan. Halimbawa, binanggit ng Isaias 5:14 na ang Sheol ay ‘maluwang at nakabukang mabuti ang bibig nito nang walang hangganan.’ Bagaman nilamon na ng Sheol, wika nga, ang napakaraming patay na tao, para bang gutom pa rin ito. (Kawikaan 30:15, 16) Di-tulad ng anumang literal na dakong libingan, na makapaglalaman lamang ng limitadong bilang ng mga patay, “ang Sheol . . . ay walang kasiyahan.” (Kawikaan 27:20) Samakatuwid nga, hindi kailanman nabubusog ang Sheol. Wala itong limitasyon. Kaya ang Sheol, o Hades, ay hindi isang literal na dako sa isang espesipikong lokasyon. Sa halip, ito ang karaniwang libingan ng patay na sangkatauhan, ang makasagisag na dako kung saan ang kalakhang bahagi ng sangkatauhan ay natutulog sa kamatayan.
Apendise
213
Tinutulungan tayo ng turo ng Bibliya hinggil sa pagkabuhaymuli na magkaroon ng higit pang kaunawaan sa kahulugan ng “Sheol” at “Hades.” Iniuugnay ng Salita ng Diyos ang Sheol at Hades sa uri ng kamatayan na magkakaroon ng pagkabuhay-muli.1 (Job 14:13; Gawa 2:31; Apocalipsis 20:13) Ipinakikita rin ng Salita ng Diyos na hindi lamang ang mga naglingkod kay Jehova ang kabilang sa mga nasa Sheol, o Hades, kundi ang marami ring hindi naglingkod sa kaniya. (Genesis 37:35; Awit 55:15) Kaya naman, itinuturo ng Bibliya na magkakaroon ng “pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.”—Gawa 24:15. 1 Sa kabaligtaran, ang mga patay na hindi na bubuhaying muli ay inilalarawang nasa “Gehenna,” wala sa Sheol, o Hades. (Mateo 5:30; 10:28; 23:33) Tulad ng Sheol at Hades, ang Gehenna ay hindi isang literal na dako.
Araw ng Paghuhukom—Ano Ito? PAANO mo ilalarawan ang Araw ng Paghuhukom? Marami ang nag-iisip na isa-isang dadalhin sa harapan ng trono ng Diyos ang bilyun-bilyong kaluluwa. Doon hahatulan ang bawat indibiduwal. Ang ilan ay gagantimpalaang magtamasa ng paraiso sa langit, at ang iba naman ay papatawan ng walang-hanggang pagpapahirap. Gayunman, ibang-iba ang paglalarawan ng Bibliya sa yugtong ito ng panahon. Inilalarawan ito ng Salita ng Diyos, hindi bilang isang nakasisindak na panahon, kundi isang panahon ng pag-asa at pagsasauli. Sa Apocalipsis 20:11, 12, mababasa natin ang paglalarawan ni apostol Juan hinggil sa Araw ng Paghuhukom: “Nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang isa na nakaupo roon. Mula sa harap niya ay tumakas ang lupa at ang langit, at walang dakong nasumpungan para sa kanila. At nakita ko ang mga patay, ang malalaki at ang maliliit, na nakatayo sa harap ng trono, at nabuksan ang mga balumbon. Ngunit may iba pang balumbon na nabuksan; ito ang balumbon ng buhay. At ang mga patay ay hinatulan batay sa mga bagay na nakasulat sa mga balumbon ayon sa kanilang mga gawa.” Sino ang Hukom na inilalarawan dito? Ang Diyos na Jehova ang sukdulang Hukom ng sangkatauhan. Gayunman, iniatas niya sa iba ang aktuwal na paghuhukom. Ayon sa Gawa 17:31, sinabi ni apostol Pablo na ang Diyos ay “nagtakda . . . ng
214
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
isang araw kung kailan nilalayon niyang hatulan ang tinatahanang lupa ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng isang lalaki na kaniyang inatasan.” Ang inatasang Hukom na ito ay ang binuhay-muling si Jesu-Kristo. (Juan 5:22) Subalit kailan magsisimula ang Araw ng Paghuhukom? Gaano ba ito katagal? Ipinakikita ng aklat ng Apocalipsis na magsisimula ang Araw ng Paghuhukom pagkatapos ng digmaan ng Armagedon, kapag napuksa na ang sistema ni Satanas sa lupa.1 (Apocalipsis 16:14, 16; 19:19– 20:3) Pagkatapos ng Armagedon, si Satanas at ang kaniyang mga demonyo ay ibibilanggo sa kalaliman sa loob ng isang libong taon. Sa panahong iyan, ang 144,000 kasamang mga tagapagmana sa langit ay magiging mga hukom at mamamahala “bilang mga hari na kasama ng Kristo sa loob ng isang libong taon.” (Apocalipsis 14:1-3; 20:1-4; Roma 8:17) Ang Araw ng Paghuhukom ay hindi isang mabilis na pangyayari na tatagal lamang nang 24 na oras. Tatagal ito nang isang libong taon. Sa loob ng yugtong iyon na isang libong taon, ‘hahatulan ni Jesu´ Kristo ang mga buhay at ang mga patay.’ (2 Timoteo 4:1) Ang “mga ´ buhay” ay ang “malaking pulutong” na makaliligtas sa Armagedon. (Apocalipsis 7:9-17) Nakita rin ni apostol Juan “ang mga patay . . . na nakatayo sa harap ng trono” ng paghatol. Gaya ng ipinangako ni Jesus, ang “nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng . . . tinig [ni Kristo] at lalabas” sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. (Juan 5:28, 29; Gawa 24:15) Ngunit saan nakasalig ang gagawing paghatol sa lahat? Ayon sa pangitain ni apostol Juan, “nabuksan ang mga balumbon,” at “ang mga patay ay hinatulan batay sa mga bagay na nakasulat sa mga balumbon ayon sa kanilang mga gawa.” Ang mga balumbon bang ito ang rekord ng nakalipas na mga ginawa ng mga tao? Hindi, ang paghatol ay hindi isasalig sa ginawa ng mga tao bago sila namatay. Paano natin nalaman iyan? Ganito ang sinasabi ng Bibliya: “Siya na namatay ay napawalang-sala na mula sa kaniyang kasalanan.” (Roma 6:7) Kaya ang mga bubuhaying muli ay magkakaroon ng malinis na rekord, wika nga. Kung gayon, malamang na kumakatawan ang mga balumbon sa karagdagang mga kahilingan ng Diyos. Upang mabuhay magpakailanman, ang mga makaliligtas sa Armagedon at ang mga bubuhaying muli ay kailangang sumunod sa mga utos ng Diyos, kabilang na ang anumang bagong kahilingan na maaaring 1 Hinggil sa Armagedon, pakisuyong tingnan ang Insight on the Scriptures, Tomo 1, pahina 594-5, 1037-8, at ang kabanata 20 ng Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos, na parehong inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Apendise
215
isiwalat ni Jehova sa panahon ng isang libong taon. Samakatuwid, hahatulan ang mga indibiduwal salig sa gagawin nila sa panahon ng Araw ng Paghuhukom. Ang Araw ng Paghuhukom ay magbibigay sa bilyun-bilyong tao ng kanilang kauna-unahang pagkakataon upang matuto tungkol sa kalooban ng Diyos at maiayon ang kanilang sarili alinsunod dito. Nangangahulugan ito na magkakaroon ng malawakang pagtuturo. Sa katunayan, “katuwiran ang siyang matututuhan ng mga tumatahan sa mabungang lupain.” (Isaias 26:9) Subalit hindi lahat ay magiging handang sumunod sa kalooban ng Diyos. Sinabi ng Isaias 26:10: “Pagpakitaan man ng lingap ang balakyot, hindi rin siya matututo ng katuwiran. Sa lupain ng katapatan ay gagawi siya nang walang katarungan at hindi niya makikita ang karilagan ni Jehova.” Permanente nang papatayin ang mga balakyot sa Araw ng Paghuhukom.—Isaias 65:20. Sa pagtatapos ng Araw ng Paghuhukom, ang mga taong makaliligtas ay ‘mabubuhay’ nang lubusan bilang sakdal na mga tao. (Apocalipsis 20:5) Sa gayo’y makikita sa Araw ng Paghuhukom ang pagsasauli sa sangkatauhan sa orihinal na sakdal na kalagayan nito. (1 Corinto 15:24-28) Pagkatapos ay magaganap ang pangwakas na pagsubok. Pakakawalan si Satanas sa pagkakabilanggo at ´ pahihintulutan siyang iligaw ang sangkatauhan sa kahuli-hulihang pagkakataon. (Apocalipsis 20:3, 7-10) Tatamasahin ng mga sasalansang sa kaniya ang ganap na katuparan ng pangako ng Bibliya: “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.” (Awit 37:29) Oo, ang Araw ng Paghuhukom ay magiging isang pagpapala sa buong tapat na sangkatauhan!
1914—Isang Mahalagang Taon sa Hula ng Bibliya MARAMING dekada patiuna, inihayag ng mga estudyante ng Bibliya ´ na magkakaroon ng mahahalagang pangyayari sa taong 1914. Anuano ba ang mga ito, at anong ebidensiya ang nagpapakita na isa ngang mahalagang taon ang 1914? Gaya ng nakaulat sa Lucas 21:24, sinabi ni Jesus: “Ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga bansa, hanggang sa matupad ang mga takdang
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
216
panahon ng mga bansa [“mga panahon ng mga Gentil,” Ang Biblia].” Ang Jerusalem ang naging kabiserang lunsod ng bansang Judio—ang sentro ng pamamahala ng linya ng mga hari mula sa sambahayan ni Haring David. (Awit 48:1, 2) Gayunman, namumukod-tangi ang mga haring ito sa lahat ng iba pang mga lider ng mga bansa. Naupo sila sa “trono ni Jehova” bilang mga kinatawan ng Diyos mismo. (1 Cronica 29:23) Kaya, ang Jerusalem ay sagisag noon ng pamamahala ni Jehova. Gayunman, paano at kailan nagsimulang ‘yurakan ng mga bansa’ ang pamamahala ng Diyos? Naganap ito noong 607 B.C.E. nang lupigin ng mga Babilonyo ang Jerusalem. Nabakante ang “trono ni Jehova,” at naputol ang linya ng mga hari na nagmula kay David. (2 Hari 25:1-26) Magpapatuloy ba nang walang hanggan ang ‘pagyurak’ na ito? Hindi, sapagkat ganito ang sinabi ng hula ni Ezekiel hinggil sa huling hari ng Jerusalem, si Zedekias: “Hubarin mo ang turbante, at alisin mo ang korona. . . . Hindi nga iyon aariin ninuman hanggang sa dumating siya na may legal na karapatan, at ibibigay ko
“PITONG PANAHON” 2,520 taon 606 1⁄4 na taon
1,913 3⁄4 na taon
Oktubre 607 B.C.E. hanggang Disyembre 31, 1 B.C.E.
Enero 1, 1 C.E. hanggang Oktubre 1914
607
“Ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga bansa”
& B.C.E. C.E. )
1914
“Dumating siya na may legal na karapatan”
Apendise
217
iyon sa kaniya.” (Ezekiel 21:26, 27) Ang may “legal na karapatan” sa Davidikong korona ay si Kristo Jesus. (Lucas 1:32, 33) Kaya magwawakas ang ‘pagyurak’ kapag naging Hari na si Jesus. Kailan magaganap ang mahalagang pangyayaring iyan? Ipinakita ni Jesus na mamamahala ang mga Gentil sa loob ng isang takdang haba ng panahon. Ang ulat sa Daniel kabanata 4 ang susi upang malaman kung gaano kahaba ang yugtong iyan. Inilalahad nito ang makahulang panaginip ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya. Nakita niyang pinutol ang isang pagkalaki-laking punungkahoy. Hindi makasibol ang tuod nito dahil binigkisan ito ng bakal at tanso. Sinabi ng isang anghel: “Bayaang . . . pitong panahon ang palipasin dito.” —Daniel 4:10-16. Sa Bibliya, ginagamit kung minsan ang mga punungkahoy upang kumatawan sa pamamahala. (Ezekiel 17:22-24; 31:2-5) Kaya ang pagputol sa makasagisag na punungkahoy ay lumalarawan sa pagputol sa pamamahala ng Diyos, na kinakatawanan ng mga hari sa Jerusalem. Gayunman, ipinahayag sa pangitain na ang ‘pagyurak na ito sa Jerusalem’ ay magiging pansamantala lamang—isang yugto ng “pitong panahon.” Gaano ba kahaba ang yugtong iyan? Ipinakikita ng Apocalipsis 12:6, 14 na ang tatlo at kalahating panahon ay katumbas ng “isang libo dalawang daan at animnapung araw.” Ang “pitong panahon” kung gayon ay mas mahaba nang dalawang beses, o 2,520 araw. Ngunit ang ‘pagyurak’ ng mga bansang Gentil sa pamamahala ng Diyos ay hindi natapos sa loob lamang ng 2,520 araw matapos bumagsak ang Jerusalem. Kung gayon, maliwanag na ang hulang ito ay sumasaklaw sa isang mas mahabang yugto ng panahon. Salig sa Bilang 14:34 at Ezekiel 4:6, na bumabanggit na ang “isang araw ay isang taon,” ang “pitong panahon” ay sasaklaw ng 2,520 taon. Nagsimula ang 2,520 taon noong Oktubre 607 B.C.E., nang bumagsak ang Jerusalem sa mga Babilonyo at inalis sa trono ang hari na nagmula sa linya ni David. Nagwakas ang yugtong iyan noong Oktubre 1914. Nang panahong iyon, nagwakas ang “takdang panahon ng mga bansa,” at iniluklok ng Diyos si Jesu-Kristo bilang makalangit na Hari.1—Awit 2:1-6; Daniel 7:13, 14. 1 Mula Oktubre 607 B.C.E. hanggang Oktubre 1 B.C.E. ay 606 na taon. Yamang ´ walang taong zero, mula Oktubre 1 B.C.E. hanggang Oktubre 1914 C.E. ay 1,914 na taon. Kapag pinagsama ang 606 na taon at 1,914 na taon, ito ay may kabuuang 2,520 taon. Para sa impormasyon hinggil sa pagbagsak ng Jerusalem noong 607 B.C.E., tingnan ang artikulong “Chronology” sa Insight on the Scriptures, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
218
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
Gaya ng inihula ni Jesus, makikita sa kaniyang “pagkanaririto” bilang makalangit na Hari ang kapansin-pansing mga pangyayari sa daigdig—digmaan, taggutom, lindol, at salot. (Mateo 24:3-8; Lucas 21:11) Ang gayong mga pangyayari ay matibay na ebidensiya ng katotohanan na 1914 nga ang hudyat ng pagsilang ng makalangit na Kaharian ng Diyos at ng pasimula ng “mga huling araw” ng kasalukuyang masamang sistemang ito ng mga bagay.—2 Timoteo 3: 1-5.
Sino si Miguel na Arkanghel? BIHIRANG mabanggit sa Bibliya ang espiritung nilalang na tinatawag na Miguel. Subalit kapag tinutukoy siya, aktibo siya at laging may ginagawa. Sa aklat ng Daniel, nakikipagbaka si Miguel sa masasamang anghel; sa liham ni Judas, nakikipagtalo siya kay Satanas; at sa Apocalipsis, nakikipagdigma siya sa Diyablo at sa mga demonyo nito. Sa pagtatanggol sa pamamahala ni Jehova at paglaban sa mga kaaway ng Diyos, tinutupad ni Miguel ang kahulugan ng kaniyang pangalan—“Sino ang Kagaya ng Diyos?” Pero sino ba si Miguel? Kung minsan, nakikilala ang mga indibiduwal hindi lamang sa iisang pangalan. Halimbawa, ang patriyarkang si Jacob ay nakilala rin bilang Israel, at si apostol Pedro, bilang Simon. (Genesis 49:1, 2; Mateo 10:2) Sa katulad na paraan, ipinakikita ng Bibliya na ang Miguel ay isa pang pangalan ni Jesu-Kristo, bago at pagkatapos niyang mabuhay sa lupa. Isaalang-alang natin ang maka-Kasulatang mga dahilan ng gayong konklusyon. Arkanghel. Tinutukoy ng Salita ng Diyos si Miguel na “arkanghel.” (Judas 9) Ang terminong ito ay nangangahulugang “punong anghel.” Ang salitang “arkanghel” ay lumilitaw sa Bibliya sa anyong pang-isahan lamang at hindi kailanman sa anyong pangmaramihan. Ipinahihiwatig nito na iisa lamang ang gayong anghel. Karagdagan pa, nauugnay si Jesus sa posisyon ng arkanghel. Hinggil sa binuhay-muling Panginoong Jesu-Kristo, sinasabi ng 1 Tesalonica 4:16: “Ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit na may nag-uutos na panawagan, may tinig ng arkanghel.”
Apendise
219
Kaya inilalarawan ang tinig ni Jesus bilang yaong sa arkanghel. Kung gayon, ipinahihiwatig ng kasulatang ito na si Jesus mismo ang arkanghel na si Miguel. Pinuno ng Hukbo. Sinasabi ng Bibliya na si “Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon . . . at [sa] mga anghel nito.” (Apocalipsis 12:7) Samakatuwid, si Miguel ang Pinuno ng hukbo ng tapat na mga anghel. Inilalarawan din ng Apocalipsis si Jesus bilang Pinuno ng hukbo ng tapat na mga anghel. (Apocalipsis 19:14-16) Espesipikong binanggit ni apostol Pablo ang “Panginoong Jesus” at ang “kaniyang makapangyarihang mga anghel.” (2 Tesalonica 1:7) Kaya tinutukoy ng Bibliya kapuwa si Miguel at ang “kaniyang mga anghel” at si Jesus at ang “kaniyang mga anghel.” (Mateo 13:41; 16:27; 24:31; 1 Pedro 3:22) Yamang walang anumang ipinahihiwatig ang Salita ng Diyos na may dalawang hukbo ng tapat na mga anghel sa langit—isa na pinamumunuan ni Miguel at isa na pinamumunuan ni Jesus— lohikal lamang na isipin na si Miguel ay walang iba kundi si JesuKristo sa kaniyang makalangit na papel.1 1 Masusumpungan ang higit pang impormasyon na nagpapakitang ang pangalang Miguel ay kumakapit sa Anak ng Diyos sa Tomo 2, pahina 393-4, ng Insight on the Scriptures, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Pagkilala sa “Babilonyang Dakila” NAGLALAMAN ang aklat ng Apocalipsis ng mga kapahayagan na hindi dapat unawain sa literal na paraan. (Apocalipsis 1:1) Halimbawa, binabanggit nito ang isang babae na may pangalang “Babilonyang Dakila” na nakasulat sa kaniyang noo. Sinasabing nakaupo ang babaing ito sa “mga pulutong at mga bansa.” (Apocalipsis 17:1, 5, 15) Yamang walang literal na babae ang makagagawa nito, tiyak na makasagisag ang Babilonyang Dakila. Kaya ano ang inilalarawan ng makasagisag na patutot na ito? Sa Apocalipsis 17:18, inilarawan ang makasagisag na babae ring iyon bilang “ang dakilang lunsod na may kaharian sa mga hari sa lupa.” Ang terminong “lunsod” ay nagpapahiwatig ng isang organisadong grupo ng mga tao. Yamang may kontrol ang “dakilang
220
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
lunsod” na ito sa “mga hari sa lupa,” malamang na ang babaing tinatawag na Babilonyang Dakila ay isang maimpluwensiya at internasyonal na organisasyon. May kawastuan itong matatawag na isang pandaigdig na imperyo. Anong uri ng imperyo? Relihiyoso. Pansinin kung paano tayo inaakay ng ilang kaugnay na mga talata sa aklat ng Apocalipsis tungo sa konklusyong ito. Ang isang imperyo ay maaaring pulitikal, komersiyal, o relihiyoso. Ang babaing pinanganlang Babilonyang Dakila ay hindi isang pulitikal na imperyo sapagkat sinasabi ng Salita ng Diyos na ‘nakiapid’ siya sa “mga hari sa lupa,” o pulitikal na mga elemento ng sanlibutang ito. Ang pakikiapid niya ay tumutukoy sa mga pakikipag-alyansa niya sa mga tagapamahala ng lupang ito at iyan ang dahilan kung bakit siya tinatawag na “dakilang patutot.”—Apocalipsis 17:1, 2; Santiago 4:4. Hindi maaaring maging isang komersiyal na imperyo ang Babilonyang Dakila sapagkat ang mga “mangangalakal sa lupa,” na kumakatawan sa komersiyal na mga elemento, ay magdadalamhati sa panahon ng kaniyang pagkapuksa. Sa katunayan, ang mga hari at mga mangangalakal ay inilarawan na nakatingin sa Babilonyang Dakila mula sa “malayo.” (Apocalipsis 18:3, 9, 10, 1517) Kung gayon, makatuwiran lamang isipin na ang Babilonyang Dakila ay, hindi isang pulitikal o komersiyal na imperyo, kundi relihiyoso. Lalo pang napatunayan ang relihiyosong pagkakakilanlan ng Babilonyang Dakila dahil sa pananalitang inililigaw niya ang mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang “mga espiritistikong gawain.” (Apocalipsis 18:23) Yamang ang lahat ng anyo ng espiritismo ay nauugnay sa relihiyon at galing sa mga demonyo, hindi kataka-taka na tinatawag ng Bibliya ang Babilonyang Dakila bilang “tahanang dako ng mga demonyo.” (Apocalipsis 18:2; Deuteronomio 18:10-12) Inilalarawan din ang imperyong ito bilang aktibong sumasalansang sa tunay na relihiyon, anupat pinag-uusig ang “mga propeta” at “mga banal.” (Apocalipsis 18:24) Sa katunayan, gayon na lamang katindi ang pagkapoot ng Babilonyang Dakila sa tunay na relihiyon anupat marahas niyang pinag-uusig at pinapatay pa nga ang “mga saksi ni Jesus.” (Apocalipsis 17:6) Kaya naman, ang babaing ito na tinatawag na Babilonyang Dakila ay maliwanag na kumakatawan sa pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, na kinabibilangan ng lahat ng relihiyong sumasalansang sa Diyos na Jehova.
221
Isinilang ba si Jesus sa Buwan ng Disyembre? HINDI sinasabi sa atin ng Bibliya kung kailan isinilang si Jesus. Gayunman, nagbibigay ito sa atin ng matibay na dahilan upang isipin na hindi siya isinilang sa buwan ng Disyembre. Isaalang-alang ang lagay ng panahon sa bahaging iyon ng taon sa Betlehem, kung saan isinilang si Jesus. Ang buwan ng Kislev (katumbas ng Nobyembre/Disyembre) ng mga Judio ay isang buwan kung kailan malamig at maulan ang lagay ng panahon. Ang buwang kasunod niyan ay Tebet (Disyembre/Enero). Ito ang buwan na may pinakamababang temperatura sa buong taon, na may manakanakang pag-ulan ng niyebe sa kabundukan. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa klima ng rehiyong iyon. Ipinakikita ng manunulat ng Bibliya na si Ezra na kilala nga ang Kislev bilang isang buwan kung kailan malamig at maulan ang lagay ng panahon. Pagkatapos sabihin na isang pulutong ang nagtipon sa Jerusalem “noong ikasiyam na buwan [Kislev] nang ikadalawampung araw ng buwan,” iniulat ni Ezra na ang mga tao ay “nangangatog . . . dahil sa pagbuhos ng ulan.” May kinalaman sa
Noong gabing isilang si Jesus, nasa parang ang mga pastol at ang kanilang mga kawan
222
Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
lagay ng panahon sa bahaging iyan ng taon, ang nagkatipong mga tao mismo ang nagsabi: “Kapanahunan noon ng pagbuhos ng ulan, at hindi nga maaaring tumayo sa labas.” (Ezra 10:9, 13; Jeremias 36:22) Hindi nga kataka-taka na tinitiyak ng mga pastol na naninirahan sa bahaging iyon ng daigdig na sila at ang kanilang mga kawan ay wala na sa labas sa gabi pagsapit ng buwan ng Disyembre! Gayunman, iniuulat ng Bibliya na ang mga pastol ay nasa parang at inaalagaan ang kanilang mga kawan noong gabing isilang si Jesus. Sa katunayan, ipinakikita ng manunulat ng Bibliya na si Lucas na nang panahong iyon, ang mga pastol ay “naninirahan sa labas at patuloy na nagbabantay sa gabi sa kanilang mga kawan” malapit sa Betlehem. (Lucas 2:8-12) Pansinin na ang mga pastol ay aktuwal na naninirahan sa labas, at hindi lamang naglalakad kung araw. Nasa parang ang kanilang mga kawan sa gabi. Ang paglalarawan bang iyan ng paninirahan sa labas ay tumutugma sa maginaw at maulang panahon sa Betlehem kung buwan ng Disyembre? Talagang hindi. Kaya ipinahihiwatig ng mga kalagayang naganap noong kapanganakan ni Jesus na hindi siya isinilang sa buwan ng Disyembre.1 Eksaktong sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos kung kailan namatay si Jesus, ngunit kakaunti lamang ang ibinibigay nitong tuwirang impormasyon kung kailan siya isinilang. Ipinaaalaala nito ang mga salita ni Haring Solomon: “Ang pangalan ay mas mabuti kaysa sa mainam na langis, at ang araw ng kamatayan kaysa sa araw ng kapanganakan.” (Eclesiastes 7:1) Kaya hindi kataka-taka na nagbibigay ang Bibliya ng maraming detalye tungkol sa ministeryo at kamatayan ni Jesus ngunit iilang detalye lamang tungkol sa pagsilang niya. 1 Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang pahina 111-5 ng Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Dapat ba Tayong Magdiwang ng mga Kapistahan? HINDI sa Bibliya nagmula ang popular na mga relihiyoso at sekular na kapistahan na ipinagdiriwang sa maraming bahagi ng daigdig sa ngayon. Kung gayon, saan nagmula ang gayong mga pagdiriwang? Kung makapagsasaliksik ka sa isang aklatan, masusumpungan mong kawili-wili na bigyang-pansin ang sinasabi ng reperensiyang mga aklat
Apendise
223
tungkol sa mga kapistahan na popular sa inyong lugar. Isaalang-alang ang ilang halimbawa. Easter (Pasko ng Pagkabuhay). “Walang ipinahihiwatig sa Bagong Tipan hinggil sa pagdiriwang ng kapistahan ng Easter,” ang sabi ng The Encyclopædia Britannica. Paano nagsimula ang Easter? Nakaugat ito sa paganong pagsamba. Bagaman sinasabing ginugunita sa kapistahang ito ang pagkabuhay-muli ni Jesus, ang mga kaugaliang nauugnay sa panahon ng Easter ay hindi nagmula sa mga Kristiyano. Halimbawa, may kaugnayan sa popular na “Easter bunny [kuneho],” ganito ang sabi ng The Catholic Encyclopedia: “Ang kuneho ay isang paganong sagisag at malaon nang ginagamit na sagisag ng pag-aanak.” Mga Pagdiriwang ng Bagong Taon. Sa iba’t ibang bansa, magkakaiba ang petsa at mga kaugalian na nauugnay sa mga pagdiriwang ng Bagong Taon. Hinggil sa pinagmulan ng pagdiriwang na ito, ganito ang sabi ng The World Book Encyclopedia: “Noong 46 B.C., itinakda ng tagapamahala ng Roma na si Julio Cesar ang Enero 1 bilang Araw ng Bagong Taon. Iniaalay ng mga Romano ang araw na ito kay Janus, ang diyos ng mga pintuang-daan, pinto, at ng mga pasimula. Ang buwan ng Enero ay isinunod sa pangalan ni Janus, na may dalawang mukha —isa na nakaharap sa unahan at isa na nakatingin sa likuran.” Kaya ang mga pagdiriwang ng Bagong Taon ay batay sa mga tradisyong pagano. Halloween. Ganito ang sinasabi ng The Encyclopedia Americana: “Ang iba’t ibang bahagi ng mga kaugaliang may kaugnayan sa Halloween ay matatalunton sa isang seremonyang Druid [sinaunang pagkasaserdote ng mga Celt] noong bago ang panahon ng mga Kristiyano. Ang mga Celt ay may mga kapistahan para sa dalawang pangunahing diyos—diyos na araw at diyos ng mga patay . . . , na ang kapistahan ay ginaganap noon kung Nobyembre 1, na siyang pasimula ng Bagong Taon ng mga Celt. Ang kapistahan ng mga patay ay unti-unting napalakip sa ritwal ng mga Kristiyano.” Iba Pang mga Kapistahan. Hindi posibleng talakayin ang lahat ng pagdiriwang na ginaganap sa buong daigdig. Gayunman, ang mga kapistahan na lumuluwalhati sa mga tao o sa mga organisasyon ng tao ay hindi kaayaaya kay Jehova. (Jeremias 17:5-7; Gawa 10:25, 26) Isaisip din na ang pinagmulan ng relihiyosong mga pagdiriwang ay makapagsasabi kung nakalulugod ang mga ito sa Diyos o hindi. (Isaias 52:11; Apocalipsis 18:4) Ang mga simulain sa Bibliya na binabanggit sa Kabanata 16 ng aklat na ito ay tutulong sa iyo na magpasiya kung ano ang pangmalas ng Diyos sa pakikibahagi sa sekular na mga kapistahan.
Nais mo ba ng higit pang impormasyon? Maaari kang makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa www.watchtower.org.