The Manila Collegian Vol. 31 Issue No. 1

Page 1

T H E O F F I C I A L S T U D E N T P U B L I C AT I O N O F T H E UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES - MANILA V O L U M E 3 1 • I S S U E 1 • O C T. 2 , 2 0 1 7

NEWS

04

FEATURES

12

CULTURE

06

OPINION

10

IKA-45 ANIBERSARYO NG DEKLARASYON NG BATAS MILITAR, IGINUNITA BANAL-BANALAN LIKAS-YAMAN BURNOUT

LAKBAY AT LABAN 02 NEWS


02 NEWS

VOLUME 31 • ISSUE 1 O C T. 2 , 2 0 1 7

LAKBAY A

Paglubog sa pakikibaka ng m

LEAH ROSE FIGUEROA PARAS

H

igit 3,000 miyembro ng pambansang minorya mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagkampo sa University of the Philippines Diliman para sa ika-apat na Manilakbayan upang ipanawagan sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa mga pangaabuso at paglabag sa karapatangpantao ng pamahalaang Duterte dulot ng umiiral na Batas Militar sa Mindanao at ng tumitinding Giyera kontra Droga na patuloy na kumikitil sa buhay ng mga Lumad at maralita. Buhat nang makarating sa kalunsuran noong Agosto 31, aktibong nagorganisa ang mga katutubo ng mga kilos-protesta at mga programang kultural na may layong hikayatin ang taumbayan na sumama sa kanilang pakikibakang ipaglaban ang kanilang sariling pagpapasiya at ang mga lupang ninuno na inaangkin ng mga dayuhan at ng mga kapitalistang negosyante.

Sinalubong ng mga progresibong grupo ang mga miyembro ng pambansang minorya sa Taft Avenue, Manila. Kuha ni Aries Raphael Reyes Pascua

Pagpapalit-mukha at panlilinlang “Dalawang taon na pero wala pa ring nagagawa ang pamahalaan. Wala kaming kasalanan, hindi kami magnanakaw, hindi kami mamamatay-tao. Kami mismo ang nakararamdam ng Batas Militar”, ani Kokoy, isang Lumad mula sa Bukidnon na nagpahiwatig ng pagkabahala sa tumitinding pasismo ng rehimeng USDuterte sa kanilang mga komunidad. Ang mga bantang pambobomba at pagkakampo ng mga grupong militar at paramilitar sa paaralan ng mga batang Lumad ang siyang nagtulak sa kanilang malawakang pagbabakwit patungo sa mga sentrong paglikas, bagay na naging dahilan ng kawalan nila ng kabuhayan, tirahan, at kalayaan.

Bitbit ng mga kabataang Lumad ang kanilang mga panawagan sa kilos-protesta ng masa sa Luneta. Kuha ni Marie Angelu De Luna Pagobo

Sa pag-aakusang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga katutubong lider, guro, at estudyanteng Lumad, nabibigyangkatuwiran ng militar at ng gobyerno ang pandarahas nilang ginagawa bilang parte ng kanilang mga


NEWS 03

VOLUME 31 • ISSUE 1 O C T. 2 , 2 0 1 7

AT LABAN

masa kontra abuso at paniniil

S AT SHAILA ELIJAH FORTAJADA

operasyong

at sa University of Santo Tomas kung saan nagdaos ng mga aktibidad ang mga grupo gaya ng mga Lumad, Dumagat, Mangyan, Palawanis, at mga katutubo galing Lambak Cagayan at Timog Katagalugan.

kontra-insurhensya.

“Sumali kami sa Lakbayan upang iparating na si Presidente Duterte, puro kasinungalingan ang sinasabi niya. Noong hindi pa siya naglilingkod, isang demokrasya ang kanyang sinasabi sa mga mamamayan. Hindi niya itinuloy ang sinasabi niyang demokrasya, Martial Law ang kanyang ipinatupad sa Mindanao,” ayon kay Lito, isang estudyante mula sa Caraga. “Hindi lahat ng mga tao -- ang mga Lumad, mga Moro; hindi lahat ng naninirahan sa Mindanao ay mga terorista,” dagdag pa ni Lito.

Nagsagawa ng kultural na pagtatanghal ang mga kabataang Lumad sa kampuhan sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Kuha ni Marie Angelu De Luna Pagobo nakararami ang Islamophobia dala ng giyera ng US sa tabing na kontraterorismo. Sa halip na magpalaganap ng mapanghating mga paniniwala, nararapat lamang na ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Government of the Republic of the Philippines (GRP).

Pagpapalawak ng panawagan

Sa tulong ng mga organisasyong Task Force Lakbayan at Sandugo, nagkaroon ng pagkakataon ang mga bumisitang estudyante na matutuhan at maranasan ang iba’t ibang kultura at kagawian ng mga Lakbayani, ilan dito ay ang paggawa ng mga palamuti, pambabatok (hand-tapped tattoo), at pagsayaw ng mga katutubong himig. Mayroon ding mga inorganisang eksibisyon ang mga Lakbayani sa kanilang munting museo upang ipamalas ang yaman ng kanilang kultura, kasuotan, at paniniwala. Nanalagi ang mga kalahok sa Kampuhan hanggang Setyembre 21 kung kailan sila’y sama-samang nagmartsa patungong Luneta katuwang ang libolibong mamamayan mula sa sektor ng kabataan, kababaihan, simbahan, magsasaka, at manggagawa para sa ika-45 komemorasyon ng Batas Militar ng diktadurang Marcos.

Bukod pa sa Kampuhan sa Diliman, malugod ding tinanggap ang mga Lakbayani sa Iglesia Filipina Independiente (IFI) National Cathedral, Kinondena ng mga nagprotesta ang karahasan ng estado, at nagsunog ng effigy sa Kalaw Ave., na simbolo ng rehimeng US-Duterte. Kuha ni Aries Raphael Reyes Pascua

Pag-alpas sa pananamantala Katuwang din ng mga Lumad sa kanilang pagkilos ang mga bakwit na Bangsamoro ng Marawi na siyang pangunahing biktima ng ipinatupad na Batas Militar ni Pangulong Duterte sa Mindanao. “Lubhang nasalanta ang aming tahanan, at ito’y hindi dulot ng Maute kundi kagagawan ng ating pamahalaan. Nakapagtatakang makalipas ang ilang buwan ay hindi pa rin magawang mapuksa ng militar ang mga teroristang

sinasabi nila, sa halip na magdala ng kapayapaan ay mas pinalala pa nila ang panghihimasok ng mga pasistang dayuhan sa aming lugar”, saad ni Usodan, isang lider Moro na biktima ng militarisasyon sa Marawi. Dagdag pa ni Usodan, malaki ang posibilidad na binobomba ang Marawi upang mahirapan silang makabalik sa kanilang mga tahanan nang sa gayon ay madaling makapasok ang mga kapitalistang nais magtayo ng mga establisyimento dito. Anila, nawa ay maiwaksi sa isipan ng

Nagtalakay ang mga Lakbayani sa kabataan ukol sa kanilang kasalukuyang kalagayan. Kuha ni Marie Angelu De Luna Pagobo


04 NEWS

VOLUME 31 • ISSUE 1 O C T. 2 , 2 0 1 7

IKA-45 ANIBERSARYO NG DEKLARASYON N Iba’t ibang sektor, kinondena ang rehimeng US-Duterte ARIES RAPHAEL REYES PASCUA AT EUNICE BIÑAS HECHANOVA

Kasabay ng paggunita ng ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos, nagtipon-tipon mula Mendiola hanggang Luneta Park ang mamamayan upang kondenahin ang mga pandarambong ng pamahalaan sa lipunan, tulad na lamang ng War on Drugs, All-Out War, at Batas Militar sa Mindanao, Setyembre 21.

Sumama ang mga estudyante sa mobilisasyon sa Kolehiyo ng Agham at Sining sa UP Manila. Kuha ni Kyla Dominique Lacambacal Pasicolan

Programa sa Luneta Matapos ang programa sa Mendiola na dinaluhan din ng mga sektor, nagtipon-tipon ang lahat sa Luneta Park upang magdaos ng isa pang programa at mariin na iparating ang kanilang mga panawagan.

Inalala rin sa kilos-protesta ang mga bayaning inilaan ang kanilang buhay upang ipaglaban ang kalayaan mula sa lagim na bumalot sa sambayanan noong panahon ng Batas Militar ni Marcos. Layon din ng pagkilos na pigilan at labanan ang pag-amba ng Pangulong Duterte na magbaba ng Batas Militar sa buong bansa. Dinaluhan ito ng iba’t ibang sektor tulad ng kabataan, manggagawa, magsasaka, at pambansang minorya.

Filipino people,” dagdag pa ni Aljibe. Samantala, idiniin naman ni Agatha Rabino ng Anakbayan, at dating punong patnugot ng The Manila Collegian, na sa mga panahon na tulad nito, obligasyon ng bawat mag-aaral ng pamantasan ng bayan na magsama-sama at kumilos.“Hindi mali ang lumaban sa panahon na tayo ay pinaliligiran ng dilim at karahasan,” wika ni Rabino.

Nagbigay ng pahayag si Tagapangulo Miguel Aljibe mula sa UPM University Student Council ukol sa lumalalang pasismo sa estado ng administrasyon ni Pangulong Duterte. Kuha ni Kyla Dominique Lacambacal Pasicolan

Lokal na Pagkilos Bago magmartsa patungong Luneta, nagsagawa ng kilos-protesta ang mga mag-aaral ng UP Manila sa Kolehiyo ng Agham at Sining upang mariin ding suportahan ang mga panawagan at hinaing ng mga sektor sa pamahalaan.

Ayon kay Miguel Aljibe, tagapangulo ng University Student Council, hindi na dapat hayaan pa ng bawat Iskolar ng Bayan na pamunuan muli ng isang kamay na bakal ang bansa kaya’t kailangan nang kumilos ngayon kasama ng sambayanan. “We are here because we are accepting the challenge of the

Sa pagpapatuloy, nagbigay naman ng pasilip ng kasaysayan sa Batas Militar si Vincent Juliano ng Alpha Sigma Fraternity. “We did not overthrow the dictatorship by involving neutrality. We overthrew the dictatorship by siding with the people,’’ pahayag ni Juliano. Matapos ang programa, nagtungo na ang bulto sa Taft Avenue upang salubungin ang grupo mula sa St. Scholastica’s College at College of Saint Benilde, at sama-samang nagmartsa papuntang Luneta Park.

Nagmartsa ang sari-saring mga grupo mula sa ng malawakang implementasyon ng Batas Mil parami na paglabag sa karapatang pantao. Kuh Sa isang panayam kay dating kinatawan Neri Colmenares, ginunita niya ang lagim na hatid ng Batas Militar sa bansa. “Kinocommemorate natin ngayon ang declaration ng Martial Law, one of the bloodiest and the darkest chapters in the Philippine history. Makikita na may pagkakahalintulad ang takbo ng pamunuan ni Duterte ngayon kay Marcos noon. Dahil sa mga pagbabanta ni Duterte sa mga aktibista, politiko, at sa iba pang nagbibigay ng oposisyon, lalong nalilimitahan ang karapatan upang tasahin at kondenahin ang mga desisyon ng kaniyang administrasyon,” wika ni Colmenares. “Pero more on commemoration, this is an expression of our commitment to do battle against this kind of repression. Today, we commemorate, but we also celebrate the struggle of the Filipino people”, dagdag pa niya.


NG BATAS MILITAR, IGINUNITA

VOLUME 31 • ISSUE 1 O C T. 2 , 2 0 1 7

NEWS

NEWS DOSE DAGDAG PONDO SA OSPITAL NG BAYAN (PART 1/3)

Samantala, nakapanayam din naman ng publikasyon si Rafael “Ka Paeng” Mariano sa Luneta. “Lumalahok tayo sa kilos-protestang ito upang tutulan, biguin, at labanan ang anti-nasyonal, anti-demokratiko, neoliberal, at pasistang patakaran ng rehimeng US-

ARTHUR GERALD BANTILAN QUIRANTE

Ang Save our Schools Network ay nanawagan na itigil ang militarisasyon sa mga paaralan sa kanayunan. Kuha ni Marie Angelu De Luna Pagobo

Nagbigay ng pahayag si Rafael "Ka Paeng" Mariano. Kuha ni Kyla Dominique Lacambacal Pasicolan Duterte. Mahigpit tayong nakikiisa sa paglaban at pagbigo ng nakaambang pagbabalik ng diktadurya sa bansa nationwide”, isinaad ni Mariano.

a iba't-ibang sektor upang tutulan ang banta litar sa bansa, kasama ng mga parami nang ha ni Kyla Dominique Lacambacal Pasicolan

Nagbahagi si Kinatawan Neri Colmenares mula sa Bayan Muna ng mga malagim na pinagdaanan ng mga biktima ng pagpapahirap noong Batas Militar. Kuha ni Kyla Dominique Lacambacal Pasicolan

“Hangga’t di nareresolba ang pundamental na problema ng uring magsasaka sa kawalan ng lupa, hindi mapapawi, hindi mawawakasan ang social unrest na siya ring isang pinaguugatan ng sigalot panlipunan o armed conflict sa ating bansa”, dagdag niya. Kaugnay nito, nakakuha rin ang The Manila Collegian ng pahayag mula sa tagapangulo ng Anakbayan na si Vencer Crisostomo. “Ngayong araw, ang mamamayan ay lumabas para sabihing sobra na ang pasismo ni Duterte at di na natatakot ang sambayanan sa pamamaslang at sa kaniyang pandarahas. ‘Yung mga banta ng Martial Law, bibiguin ng mamamayan sa paglabas, hindi tayo kailangan matakot at sama-sama tayong kumikilos. ‘Yung mamamayan ay bibigyan natin ng lakas ng loob dahil hindi puwedeng manaig ang karahasan ni Duterte. Adik din sa kapangyarihan ito [Duterte] at idol niya si Marcos, inihahanda niya ang kaniyang diktadurya, ngunit hindi niya magagawa iyan dahil lalabanan siyay ng kabataan at ng mamamayan,” wika ni Crisostomo.

Naghandog ng kultural na pagtanghal ang mga kabataang Lumad noong Pambansang Araw ng Protesta sa Luneta. Kuha ni Kyla Dominique Lacambacal Pasicolan

Nagtanghal din naman sa programa ang iba’t ibang indibiduwal tulad na lamang nina Bituin Escalante, Agot Isidro, Juan Miguel Severo, at mga grupo gaya na lamang ng bandang The Jerks. Natapos ang programa sa sama-samang pag-awit ng Di Niyo Ba Naririnig? (awit mula sa Le Miserables na may pamagat na Do You Hear The People Sing? na isinalin sa wikang Filipino).

Tagumpay ang Philippine General Hospital (PGH) na makalikom ng karagdagang pondo upang tustusan ang sariling operasyon nito – salungat sa nakasanayang kalagayan ng pagamutan na hirap paunlarin ang serbisyo dahil sa kakulangan ng pondo. PGH ang pinakamalaking pampublikong pagamutan ng mga Pilipino lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan. Kalahati ng mga pasyente rito ay mula sa Pambansang Punong Rehiyon (NCR) at umaabot sa kulang-kulang 600,000 pasyente ang sumasadya rito upang magpatingin o magpagamot kada taon. Dahil dito, hindi kaila na ang pondong inilalaan sa “Ospital ng Bayan” ay laging sumasailalim sa matinding deliberasyon ngunit palaging hindi sapat ang nakukuha nitong badyet upang tustusan ang kabuuang operasyon at pangangailangan ng ospital. Ang PGH ay nakapailalim sa UP System at kabilang sa pamamahala ng mga administrador ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa buong bansa. Parte lamang ng pondong nakalaan para sa UP ang nakukuha ng PGH kaya ganoon na lamang ang pangangailangan ng ospital ng karagdagang pondo upang mapanatili at itaas ang kalidad ng serbisyo nito sa mga mamamayan. Noong 2014, sa P1-billion na pondo na inilaan para sa UP, P275-million lamang ang napunta sa PGH. Ito ay anim na milyong mas mababa sa hininging badyet ng primarying pagamutan na pumalo sa higit-kumulang P 900-million.

Nakapanayam ng publikasyon si Vencer Crisostomo mula sa Anakbayan. Kuha ni Kyla Dominique Lacambacal Pasicolan

Sa mga nakalipas na taon, patuloy pa rin ang pagdaing ng pampublikong ospital para sa dagdag na pondo upang makasabay sa agos ng modernisasyon at tugunan ang pangangailangan sa makabagong teknolohiya. “If you went to the emergency room in 2009, if you didn’t have the money for a CT scan or to buy dextrose or to buy antibiotics, chances are you will die of sepsis.” pahayag ni Gerardo Legaspi, kasalukuyang direktor ng PGH.


06 CULTURE

VOLUME 31 • ISSUE 1 O C T. 2 , 2 0 1 7

H

INDI KUMON SA ATIN KUNG bakit nanatiling nakabahag, pagano, maitim at pango ang sarili nating ninuno. Dahil laganap sa atin ang relihiyon ng sinaunang mananakop, hindi natin diyos at diyosa ang bundok at mga tala. Malayo sa bituka ang konsepto ng pangangaso, at hindi nakatuntong sa lupa ang pakilala natin sa kulturang katutubo. Bumibilis ang produksiyong pang-ekonomiya, mayroong mga siyentipikong likha at patuloy na lumalawak ang imahinasyon ng tao, pero ang kulturang Pilipino ay nanatiling atrasado. Malikot ang isipan ngunit walang mga muwang sa kinagisnan, kaya ang mga elemento ng kalikasan ang siyang magbubukas nito sa ating diwa.

Taniman Katuwang sa bansang agrikultura ang gulugod ng ekonomiya, lupa ang unang tuntungan ng kulturang hindi banyaga. Higit sa masasandalan sa panahon ng kagutuman, lupa ang kayamanang pamanang dapat pangalagaan ng bawat henerasyon. Bigyan ng ilang butil, diligan ng ulan at bunutin ang damo sa kaligiran. Madaling isalarawan at tunog-simple lamang ngunit hindi biro ang pagpapaunlad ng lupang kinabubuhay ng buong sambayanan.

PATRICIA ANNE LACTAO GUERRERO DIBUHO NI MICHAEL LORENZ DUMALAOG RAYMUNDO

sa kagutuman sa panahon ng hindi masaganang anihan dahil sa peste o bagyo. Kaya hindi pagkabigla ang tugon sa pagtutol ng mga katutubong mamamayan sa pagpasok ng mina at pagtatayo ng dam.

Bagamat makalat na sa kalunsuran, nakahihindik na malaman na sa malawak na katubigan pa rin humantong ang mas malaking porsiyento ng basura — hindi sa panakanakang pagtatapon ng sachet at plastic, kung hindi sa walang habas na paggamit sa katubigan bilang personal na tapunan ng lasong kemikal, o pagharang sa natural na daloy ng tubig para sa intensiyong makasarili at hangal.

Dagitab Lumipas na ang hype ng energy gap, nanatili ang kadiliman sa mga bayang hanggang ngayon ay blackout pa rin. Namumuhay sa ilalim ng ilaw ng kandila, gasera o lampara, tila imposibleng may matapos na gawain sa buong maghapon. Sa mga katutubong hindi pa naaabot ng kable ng koryente, ang sinaunang elektrisidad ang nagsilbing sulo sa mapanglaw na gabi tungo sa pagsapit ng umaga. Apoy lamang ang nagdadala ng pansamantalang liwanag at init para sa pang-araw-araw na gawain. Bagamat hindi pangunahin ang pagkakaroon ng koryente sa malalayong pook rural, ang paglikha ng katutubong makina ay hindi pinagbabawal. Sa kawalan at kakulangan ng modernong kaalaman, ang pagsandig ng mga mamamayan sa kanilang katutubong kaalaman ang nagbigay sa kanila ng libreng kasagutan. May ilang komunidad na gumagamit ng tubig at dynamo o maliit na motor

Prestihiyoso ang tungkuling linangin ang lupang ninuno at higit na dakilang tungkulin ang pagsiguro na magigisnan pa ito ng maraming henerasyon. Malubhang pagkakasala sa katutubong alaala ang paglapastangan PA sa lupang bahagi ng kalikasan. Bundok sa kanila’y P s a EL N hindi lamang tanawin at sa lupa ring ito U RA Pa G K nakalibing ang kanilang ninunong naglakbay n ga AT UT U B O N G K U LT a n s ng mahabang distansya upang n ga l l i ka a a g K a g n bigyan sila ng buhay na masagana, malawak na lupain, at sustenableng kabuhayan para sa lumalaking pamilya. katutubo at iba pang pambansang ng ating katubigan mula sa minorya dahil tayong lahat ay lasong lilikhain ng lipunan. magkakapatid; pare-pareho tayong Kaya naman kapag inaagawan ng lupang ninuno, paglaban ang tugon sumususo sa lupa. Ang pagkabahala Ituturo sa’yo ng katutubong medisina ng mga katutubo. Kapag hinahanapan ay pagkaantala lamang ng hustisya na tubig ang sagot sa lahat ng sakit sila ng mga opisyal ng gobyerno at na maaaring magdulot ng patuloy at hindi ang nakasanayan nating empleyado ng kompanya ng titulo na pagkawala ng kanilang mga lupa. paracetamol. Ingat-yaman ng kalikasan ang malinis nitong katubigan na ng lupa paniguradong hindi nila ito dumadaloy sa bawat parte ng ating maipapakita. Dahil hindi nakasulat sa bayan. Ang taglay na malinis na tubig kapirasong papel ang kanilang kultural, Totoong pinagtawanan sa nakaraan ng isang komunidad ang magtatakda ng historikal at legal na pagmamay-ari sa ang ideya ng bottled water sa sustenableng kabuhayan at malusog na lupa kundi nakalimbag sa samu’t saring ating lipunan. Basta mayroon ka pangangatawan ng mga mamamayan. libro ng kasaysayan — kasaysayan lang kilalang tubero o may lokal Kahit ang lupa ay uhaw para sa malinis ng paglaban sa mga mananakop, na sistema ng water pump, presto! na patubig o irigasyon, ano pa ang pagpapanatili ng katutubong Hindi na problema ang malinis na komunidad na ayaw magkasakit. Tunay kultura at tradisyon na siyang tubig para sa iyo. Kaya matagal na na gamot ito mula sa mga bathala maghihiwalay sa atin sa ibang nasyon. panahon bago naging interesado na sa kalikasan unang makikita. ang tao sa dekalidad na serbisyo Ngunit hindi lamang uhaw ang Hindi pagkabahala ang dapat na tugon ng mineral, distilled o processed pinapatid ng ilog at sapa, ang buhay sa oras na lumaban para sa lupang na tubig. Ngunit ala-propesiya pala sa ilalim ng katubigan ang unang kinagisnan ang tunay na mga bayani ang ideya ng malinis na nakaboteng babalingan upang hindi sumapit ng nakaraan. Hindi iba ang mga tubig sa malagim na hinaharap

BUKAL

turbine upang lumikha ng koryente para sa kanilang water pump para sa irigasyon, mabisang tipid sa gasolina. Bukod pa rito, ang kawalan ng koryente ang nagtutulak sa kanilang umangkop hanggang sa kanilang pagkilos at pagtulog. Bukod sa madaling-araw ang angkop na oras sa pagtatrabaho sa bukirin, ang libreng ilaw ng sikat ng araw ay dapat na sulitin. Ang tanging social life sa ilalim ng nagsasayaw na ilaw ay ang gumegewang na lampara sa ibabaw ng hapag-kainan. Boring nga siguro ang mga komunidad na walang koryente ngunit mapanganib rin ang kabahayang walang liwanag dahil sa banta ng karahasan. Talamak ang krimen sa mga komunidad na walang ilaw, hindi man sa loob ng komunidad kundi sa dayuhang kamay. Kaya kahit sila ay mapamaraan at malikhain, umuunlad at umuusbong sa kabila ng kasalatan, walang patawad CONTINUED ON P.9


Whether instigated by a citizen or sanctioned by the state, injustices abound over a nation cloaked in fear.

Circle the Drain The man had a lot of issues, and his inner turmoil broke open in a fit of rage thrown at his unknowing family. In rapid swings, an already-crumbling household of a supposedly manageable size turned into piles of tattered flesh — feet scrambling in fear from a gun being spewed empty in its bloody wake. Cases like these don’t often happen in quiet neighborhoods, but turning a blind eye means denying justice for the victims. Reporters step in to cover details of the tragedy, propagating fear that no matter how vigilant you are in an area you’ve trekked an entire lifetime, loose bolts like this one get caught in the seemingly seamless flow of everyday machinery. Once airwaves hit the region’s houses, families are indirectly cautioned to stay inside until the chaos wears out. News sensationalized leads to depersonalization: the perpetrator is no longer seen as a deviant individual but as a boogeyman, his humanity lost in a series of television vignettes dubbed by monotonous and unfazed broadcasters. As police officers comb the scene for clues, suspicions were raised regarding the nature of the crime. With the missing patriarch being the prime suspect, heads

turn towards possible connections, be it users or dealers. Tracing the people listed confirmed allegations that illegal substances were what pushed the man’s clouded judgement to whip bullets out. It only made matters worse when higher officials came. Media had no choice but to document what seems to be top priority. The head of state declared a manhunt, the felon becoming a poster boy for the campaign against drugs. A nationwide scarecrow was birthed from an isolated yet harrowing case — lousy propaganda to steer the masses away from the government’s neglect brought about by its misguided concern. While the culprit continues to hide, names of persons of interest went public. Police turn to harassment when they can always inquire. A culture of fear further blurs the boundaries of authorities. For the few citizens who take the law at their own hands, especially the armed, names that were showcased become baits. One by one, a name is announced dead. Families weep to stop the killings. Moved by intimidation, they beg for the criminal to show himself up to save others from vigilantes. The state itself legitimized the killings when some leaders of the nation decided to show support for the cleansing of drug addicts. Voters who elected them add fuel to fire. They harness the power of the internet to highlight this specific crime as evidence to justify killing criminals, no matter if due process is out of the picture — because siding with the one currently sitting in unrestrained power means believing that there is no need to prove a person’s innocence as he’s already marked guilty. One mentally-altered man’s heinousness mutated into a thirst for overkill on a societal level. It no longer mattered if the killer is still alive; the point was that the blame is solely put on his druginduced frenzy that prompted his disappearance when one can always call out the incompetence

of those handling the case to improve upon their investigation, the enabling of politicians to harbor on its core crowd a kind of mob mentality free from consequences, and the lack of opportunities in social services such as employment and healthcare which usually triggers drug abuse in the first place.

Down the Barrel In the dead of night, a small assembly of police officers swarm behind long dewy fronds. Fingers moist with sweat from clutching the cold hard grip of the gun. Their eyes set on a derelict warehouse in the middle of a near-empty street with only a dimly lighted window to peer into the activities indoors. At the drop of the signal, these armed men stormed the building and slammed the door down. People inside had no choice but to escape. With nowhere to run, fates were sealed with bullets. It was supposed to be a buy-bust operation, not a massacre. There was indeed a pusher inside, an agent said with a packet of meth on his palm. It was when they scoured the place that they confirmed they were duped. They really believed that the anonymous tip would lead them to a super lab, not a drug den. Seeing that the now dead targets, homeless and defenseless, are not the manufacturers they framed them to be, the group wanted to seek retaliation by tracing the caller and planting a gun, rather than getting themselves tried for acting on baseless information. A mobile arrived to carry the bodies from the floor to discrete bags. The cops reported the incident as collateral damage, and even patted each other’s backs saying they reached the quota. Their chief treated this as the same old accident, promising them that it’s his duty to protect their honor. Stringers flock the station as the remaining relatives claimed their lifeless loved ones from the morgue. They gave avenue for the bereaved to seek justice who called out to put the irresponsible ones to prison.

Murder ow

t away e g w to

it

h

h

W

ITH EXTREME INEQUALITY and corruption, the country has long since grappled with extrajudicial violence. Aggravated by the ongoing Project Double Barrel, it indelibly places the Philippines as the worst in impunity in recent times, even worse than war-torn places in far-off regions of the world.

bloodshed from the War on Drugs in a Land of Impunity

JOSEF BERNARD SORIANO DE MESA DIBUHO NI MICHAEL LORENZ DUMALAOG RAYMUNDO

The chief ordered his subordinates to keep mum. When one of the officers-incharge was interviewed, he asserted that they were only doing their jobs and to let the crime scene speak for itself. CCTV footage showed that the policemen were behind the murders. Tests verified that there were no signs that the victims held any weapon. Autopsy reports exposed that none of them fought back as the exit holes were indented from behind. Journalists were accused of being biased for placing the police under bad light despite delivering what they just gathered. Awarding the officers medals for “effort” rubbed people the wrong way. Those who defend the ones assigned to serve and protect continue to play deaf just because the government merits respect, even though it already lost the people’s trust. The controversy however pressured the chief to hand over bad news to the officers who, when seen from every angle, unjustifiably took the life out of human beings. The suspended cops were given time to be deployed to rural areas, far from the nosy residents of the city. At first sight, it was a punishment to be displaced from comfort — but undeservedly a reward of blank slate, for their existence pose threat to communities, perpetuating the cycle of impunity. The victims, even before they met their fates, have long been dead from the moment basic housing and education to develop themselves were denied, stuck under the deathly life of the lowly. To be influenced by fear is to be moved by blind obedience. To build courage is to find support with each other and the masses, under the guidance of concrete analysis and long-term solutions.


MGA FULUNG-VULUNGAN NG NAGJIJISANG

NEWS

VOLUME 31 • ISSUE 1 O C T. 2 , 2 0 1 7

ITANONG KAY ISKO’T ISKA L O O K H U W AT YO U M A D E M E D O O O E D I S H U U U N Hallo mga afows! It's da start of anoda year beshimaes! Yer lovely Lola P is vak-to-vak nanamern to hear ya all out! Ngayern na kayong mga vavies coe ay nagzizimula agen ngayong semestre, I hope chalaguh dat yer all doing well! Sana lahatch ng itechikwang binaon ninyong xama ng loob ay inyeng ilavas! Dont be layk I hab gat no bady and nobody truzzts meee becozz u hab got Lola P!! I would layk to hear yer narrative bbs!

SUMVONG NUMVAH WUHN: LOOK HUWAT YA MADE ME DOOO SA DINGDINGZ! Itey zumbong na itey ay izang nakikitcha ng lahatz ng afows ko kung zaan mang bachruum kayew magfunta. Dis afow told me dat may mga kartolinazz namern sa mga bachruum, kaya huway kailangern pang magvandal ng ibang mga afowz sa mga dingdingz? Oh noes mga afowz. Izz i mpor cha nt daw ya ezfrezz whatevah yer feeling, yall get strongah and smartah in da nick of taym namern! Pero ansavee namern ng afow kong ichew izz dat baket kailangern fang magdeface or someching ng frofertea ng izkool?

SUMVONG NUMVAH CHEW: LOOK WALEY LOCK YUNG DOOOR! Besh vavie-voom! Dizz iz anoda zumbong about da bachruum nanamern! Kalerkey vakit ba kazumbongzumbong ay nagzama sa bachruumz? Mah afow juzz shayred dat may mga locks sa bachruum na hindey gumaganaaaa homayghazh. Huwat namern iz da senze of dizz. Faano namern makakapagvawas..ng sama ng loob ang aking mga afowz in feace kung somewuhn interruffz dem in the middle of their paglalavas ng sama ng loob? Need zana ng fraybeyt sface kahit sa bachruum na nga langs!

SUMVONG NUMVAH CHREE: HUWER IZ MARY POPPIN? Dahil nga rainy dayz, eberywuhn brings deyr payong. Pagfasok mo sa mga korridorz you will see mga payong na layk nakalinya along da hallz. Mejj basa-basa pa at nakavukas za lavas ng mga klazzruum. So my afow told me na HOY MAY NANGUNGUHA DAW NG FAYONG?? Vaket namern ganyan! Lahat namern tayo ditey ay nahihirafan sa ulan ulan and ol, pero vakit you hab pa to get what izznt yours? Ma k isha re nalang zana friend. It iznt rayt to meyk nakaw-nakaw. Tsk tsk tsk. Der izz alwayz something na vavawi sa iyong kazalanang ginawa. Vakit namern you go meyk Mary P0ppin and fly away, di man langz ibinabalik sa Lost and Found sa Oh-So-Sweet after use? Did ya fly away so far away? Dizz iz away na tologoh said mah afow.

SUMVONG NUMVAH FOWR: NACH IN MAH CHAMBAYERN! And dizz iz da taym nga of da Perya-ngLahat-ng-Orgz! Lezz go lezz go fipol! Zhegway langz iteng si afow ko. Machagal na daw iteng nangyayari sa Crushes-Ay-Sweet na may mga nakikichambay za mga chambayern ng ivang orgz ang kumakain daw derr. Izz okay-kerimae langz namern za kanila na kung di nila ginagamit ay may makikistay sa kanilerng chambayern. Kazo nga lang diz afow na nakikiztay huwen dey meyk kain-kain, dey don't meyk ligfit! Until neks taym mga lab lab kong afowz!

BILANG ISKOLAR NG BAYAN, ANO

SINO ANG KAKANTAHAN MO NG

ANG IYONG MAI-AAMBAG SA

"LOOK WHAT YOU MADE ME DO"?

PAGTULAK NG MGA PANAWAGAN NG PAMBANSANG MINORYA SA BANSA?

Sa pagsama sa kanilang pakikibaga sa lahat ng aspekto ng pamumuhay. - PagodaNonGrata, 2015, CAS Yung simpleng pagpunta sa Kampuhan, at pakikinig sa kanilang mga kuwento, malaking ambag na yun sa kanilang mga panawagan. - lostaf, 2017, CAS Pagbibigay kaalaman pa sa mga tao ukol sa kalagayan ng mga Lumad at IPs sa ilalim ng militarisasyon at exploitation sa mga resources at pagagaw sa kanilang lupaing ninuno. - Notyourfriend, CAS Bilang mga estudyante tayo, gamitin nating avenue ang edukasyon at social media upang mas mapalaganap sa masa ang urgent need na makiisa at matulungan ang pambansang minorya sa kanilang laban para sa recognition. - beshimarie, 2012-354** Dapat lamang na sumuporta tayo as kabataan, lalo na hindi naman magkahiwalay entirely ang laban natin sa pinaglalaban nila. Sa mga estudyante na nakikitil ang karapatan sa edukasyon, sumama tayo na ipaabot ang kanilang mga panawagan hangga't tumugon at managot ang gobyerno. - totallyb*tchy, 2011 Sumali ng mass org, mag-ED, lumubog sa kanila, makinig at pag-aralan ang kanilang mga hinaing. Mag-organisa at mag-rally para sila'y mapakinggan. - whatsyourulampare, 201* sumama sa mga pagkilos! - uranus, CAS, 15-06xxx Makiisa sa mga mobilisasyon at manawagan sa gobyerno na wakasin ang martial law at militarisasyon! - #EndStateFascism, 2012 Lumubog at makipag-integrate sa kanila! They very much appreciate your-our support. - Twinkle Toes***, 2015 nga ba.

Yung mga walang kuwentang taong iniwan ako nang di ko alam ang dahilan bakit. - PagodaNonGrata, 2015, CAS Yung prof ko sa Math11 HAHAHAHAHAH - lostaf, 2017, CAS Ang mga taong napaka-insensitive and inconsiderate sa mga feelings ng ibang tao. Ahem, hello mga groupmates ko na walang tinulong? Mahiya naman kayo sa mga mukha ninyo ano? - Notyourfriend, CAS Ako lang ba o naaasar talaga ako sa mga sinungaling na tao. Ang sarap hulihin sa kanila sa act. They make you look stupid pa and try to weave a web of lies. Hay nako balang araw mabubuhol din kayo dyan. Look what I made you sew. - beshimae, 2012-354** Mga cheaters! Ang lalandi niyo, nangloloko pa kayo at nagsisinungaling. Kapal din ng mga feces ninyo ano. Feces = Faces niyo. Di halatang galit ako bes. Hold my beer. - totallyb*tchy, 2011 Yung tropa kong tinuruan akong maging manginginom. Pucha pero masaya naman eh. Hehe. - whatsyourulampare, 201* yung presidente nyong sumosobra na eh. - uranus, CAS, 15-06xxx

duterte.

Mga pasista. Look at what you made the people do! - #EndStateFascism, 2012 Huhuhu yang mga mababagal maglakad. Lagi na nga akong late nakaharang pa kayo sa path ko to progess. Kung maglalandian kayo sa gitna ng daan, iichapwerahin namin kayo sa tabi. - maSAYAnakau?,2013 Sa totoo lang, mga sympathizers ng pasismong estado at misogynists, sexist at pa-macho na lider. Jusq halata nang kulto kayo, kulang nalang black curtains, candles at mga hoodie. - lookatwhaytyoumademedobiotch


GRAPHICS 09

SIGNOS P A A R A L A N S A N G A N | FROM P.10 sa amin na hindi tama na masadlak ang kabataan sa ganitong kaayusaan. Doon ko lang din lalong napagtitibay ang kapasyahang magpatuloy sa ganitong klaseng buhay. Kung saan, ang lahat ng natututunan ko sa klase ay mas napapalamanan ng mga aktwal na pagsasapraktika noong pinili ko ang landas ng lansangan bilang pangalawang paaralan. At habang binabaybay ang mainit--kung minsan ay makipot--na daan na ito, isa siguro sa pinakamahalagang aral na natutunan ko ay itinuro ng mga lumad: sa panahon na lahat tayo ay itinutulak ng krisis para mamulat, maging matapang, at lumaban, kasalanan na kung mapagpasya tayong pumikit at tumahimik. Hindi gaanong mabigat ang pamamaalam

VALIENTES

sa mga kasamang halos isang buwan na nating nakasama. May pangako na magkikita ulit sa Oktubre dahil babalik sila rito. May pangakong ako naman ang pupunta roon para makipamuhay sa kanila. Ano man ang mauna sa dalawa, alam naming sa kabila ng magulong sitwasyon, hindi pa ito ang huli naming pagkikita. Siguro sa pagbalik nila, marami na akong kasamang namulat na ipakikilala sa kanila, na tulad ko ay handang makinig at makibahagi sa kanilang buhay at paglaban. Sana. *CCF Eduk – pinaikling tawag sa Colonial, Commercialized, and Fascist Education system. Sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

KYLA DOMINIQUE LACAMBACAL PASICOLAN

R E D E M P T I O N | FROM P.11 As fellow Filipino citizens, it is an obligation to speak up for our downtrodden kababayans, not because it is dictated to do so, but because there exists a worthy end goal, which is the collective betterment of all. It is only when actions are done unitedly does the state recognize the true potential of its people; having said this, the burden of fighting for the national minorities’ right to self-determination is not only their responsibility, but the duty of all the people of the country. As long as there exists a divide between the Filipino people, and the minorities treated unequally, the country can never really progress as a nation. As long as the repressive whip is held, there will always be a casualty. JUSTINE VINCE AMANCA DE DIOS

L I K A S - Y A M A N | FROM P.6 ang pananatiling kibit-balikat sa estado ng kanilang pamumuhay. Hindi makataong malaman na ang kapantay nating mga mamamayan ay hindi nakatatamasa ng parehong karapatan. Walang dudang ang martsa sa kalunsuran ang siyang paraan upang mapakinggan.

alimpuyo Malakas na hangin ang kinatatakutan sa pagtama ng bagyo sa kalupaan. Sa panahon ng kalamidad, kahit ang kalikasan ay may dulot na kapahamakan sa oras na hindi natin unang napangalagaan. Imbes na maging likas na pananggalang sa mga bagyo, ang

patag at kalbong mga bundok ang siya pang magdudulot ng pagguho ng lupa. Ang katubigang pilit na hinarangan ang lulunod sa atin sa mga katotohanan. Katutubong komunidad ang peligroso sa banta ng malakas na hangin. Malapit sa kabundukang patuloy na kinakalbo at minimina, sa panahon ng kalamidad normal na bato at marupok na kahoy ang halaga ng ginto at troso. Sakto sa sikmura ang landfall sa komunidad. Bukod sa padadapain nito ang palay na pananim, itutumba nito ang mga punong ang mga bunga ay hindi pa pwedeng pitasin, at liliparin nito ang pag-asa ng masaganang anihan. Pagkabaon sa utang at kagutuman ang kakaharapin sa susunod na mga buwan kahit

sila’y mapamaraan. Buhay man ang kultura ng pag-iimbak at pagbuburo ng ilang tanim na gulay at prutas, hindi sasapat sa malaking mag-anak.

sa pagpapatampok ng larawan ng mga katutubong sumasayaw, nakabahag at malong na walang layunin na alamin ang kanilang pakikibaka.

Ngunit hindi pa binabagyo’y nasalanta na ang mga katutubo. Hindi malakas na hangin ang unang papatay sa kanilang pananim, ngunit ang pagsasawalambahala sa kanilang karapatan sa sariling lupang ninuno, sa malinis na katubigan at sa elektrisidad na papawi sa mahabang kadiliman.

Ang pagsasawalambahala sa minorya ay direktang pagtalikod at hakbang palayo sa kulturang dapat taglayin ng ating pagka-Pilipino. Ang kaugaliang may pagtatangi sa kapakanan ng kalikasan at karapatan ng karamihan ang siyang dapat na makapangibabaw. Kilalanin ang katutubong pamumuhay, yakapin natin ang sinaunang kaugaliang naghatid sa atin ng panimulang kaunlaran.

Walang ibang masasandalan ang Pilipino sa krisis kundi ang buong populasyong kilala ang ugat at dugong pinagmulan. Huwag tayong makipot


SANGANDAAN L AYA V E R G A R A

PAARALANSANGAN

OPINION

Parang kailan lang nang sinalubong namin at nakasama sa lahat ng pagrehistro ng panawagan ang mga kasama mula sa Mindanao, ngayon, babalik na ulit sila roon at susubukang mabuhay sa kabila ng banta ng militar at paramilitar, ng bomba't punglo, ng nanganganib na buhay, sakripisyo, at kamatayan. Ganun daw talaga klaseng mundo, sa buhay nila

eh. Sa ganitong tahi na raw ang pakikibaka.

Sa bawat iginuguhit na larawan, himnong nilalapatan ng titik, at sayaw na ipinapamalas, dumadagundong ang panawagan ng paglaban. Sa mga tulad raw nilang sa matagal nang panahon ay sinusubukang lupigin, imposibleng hindi mabubuo ang gulugod na sintigas ng bakal. Wari'y nakaukit na sa tala na bawat anak nila'y lalabas na mandirigma. Nabanggit ko ito sa kanila noon, ngunit tawa lang ang isinagot nila pabalik. Ani ng mga kasamang lumad, hindi nila madedepensahan at mapapangalagaan ang lupa kung hindi nila ito ipaglalaban. Para sa kanilang itinuturing na buhay ang lupa, ang pagsuko ay para na ring pagtanggap ng kamatayan. Sa mga panahong iniikot ko ang mga klase ng RH at GAB para samahan silang magbahagi ng karanasan nila, kitangkita ang kanilang 'di mawala-walang pagpupursige para ipinta sa mata ng mga nasa lungsod kung ano ang kanilang karanasan. Taliwas sa naiisip ng iilan, na mas gusto nila rito imbis na sa kanilang komunidad, ang ipinapahayag nila rito sa lungsod ay ang kanilang kagustuhang makabalik na roon. May hibo ng lungkot sa kanilang mga mata, kung minsan ay mangangatal sila saglit, ngunit babalik ulit ang kanilang determinadong ngiti. Naiisip siguro nila na sa ngayon, sila muna ang tatayong guro sa kabataang hindi pa alam ang kanilang kasaysayan. Naiisip siguro nilang sa lansangan muna ang paaralan. Alala ko pa noong nagpapahinga kami sa RTR, nabanggit ng isang kasama na kakaiba talaga ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Sa kanila raw, libre ang edukasyon, pero binobomba naman daw ang kanilang paaralan. Dito naman daw, hindi nga binobomba ang paaralan, pero sobrang mahal naman ng matrikula. Nagbiruan pa kami noon, tumawa habang nililibak ang "CCF Eduk!"*, ngunit sa panahon ng katahimikan, mas lalong didiin ang pangangailangan CONTINUED ON P.9

O C T. 2 , 2 0 1 7

3 A.M. THOUGHTS

BURNOUT

ANN GUEVARRA

I’ve been feeling burnt out lately. Siguro, natunton na nila ang kapuluan ng Visayas ngayon.

VOLUME 31 • ISSUE 1

The news is full of stories about prodigies: of 10 year old bodybuilders, of nine-year olds taking calculus taking calculus with college kids. There’s that 12 year old ventriloquist from America’s Got Talent, the cute 4 year old Russian girl who’s fluent in five languages, and that absolute memory whiz from Little Big Shots - among countless others. All this got me thinking. Why do we glamorize talented, or extremely intelligent, children? Is it for entertainment? Is it because they’re cute? Is it because we like seeing other people get ahead early on because we weren’t able to do that ourselves? Does it also follow, then, that these extremely high expectations for development are being and have been imposed on us, the youth, and on younger generations in the hopes that one day we might turn out to be like those talented kids? Those teenagers with master’s degrees and PhD’s, who’ve made breakthroughs in the cure for cancer, or invented

something extremely innovative? Why is it do we need to have our life made for us when we are young? Why is there so much pressure to be great? Most importantly, why do we succumb to this pressure? The more we try to reach those expectations, the more we tire, and the faster we burn out at a young age: lying dead tired on our bed after a day in which we’ve only had a couple classes, compared to our old eight-

When will we begin to enjoy life as it is? hour school days back in high school. Yet we continue to work ourselves to exhaustion, finally succumbing to sickness from lack of rest and nutrition. Why? Is it because of the additional expectations set for us by ourselves to do well? By the dreams our families want us to reach? That’s another thing. Why do we let the dreams of our parents dictate our careers? In turn our dreams get carried

KISAPMATA ARIES RAPHAEL REYES PASCUA

on to our children, and their dreams to their children, and the vicious cycle continues (unless, of course, we consider the rare occurrence in which parents and children share the same dream). As for the rest of us, who pass as average, we who are unsure of what exactly we want to do with the rest of our lives by the time we graduate from high school: why do we remain generalized as lazy, that we are never to get anything accomplished with our lives? If we get delayed in university by a year, we’re looked down upon. If we don’t have our life made by the time we’re thirty, we’re a failure. Is it about time? Is it about mortality? Are we forcing ourselves to rush to the peak of our careers so we can spiral down slowly to our deaths even before our twilight years begin? When will we learn to relax? When will we accept the fact that everyone learns at a different pace, that no two people are the same, and so no one can be held up as a standard for everyone else? When will we begin to enjoy life as it is?

PARA KAY M

Gumulong ang ating makabuluhang istorya. Wala pa sa kolehiyo, ikaw na ang hanap ko. Madalas nasa itaas, minsan nama’y nasa ibaba. Sa iyong piling, parang nasanay na ako. Gaya ng bato na mahusay nang nahulma, Sa aking buhay-estudyante, tila ikaw ang kokompleto. ating relasyon napatibay na ng nagbabanggaang puwersa. Kaya’t nang makilala ka, wala nang pinalampas na segundo. Masaya ako sa piling mo, ganoon ka rin sa akin, ramdam ko. Pumasok ako bitbit ang buong husay at dangal, Ginawa ko ang lahat upang tuluyang mabihag ang iyong ngunit bulyaw mo sa akin, “Wala kang kuwenta, hangal!” puso. Aaminin ko noong simula, parang may sagabal, Tinanggap mo aking pagkatao, hindi ka sumuko. ‘pagkat kapag kapiling ka, katotohana’y sumasampal Ikaw ang takbuhan sa tuwing ako’y problemado. Katotohanang ako’y mahina at walang alam. Sa kaaalaman at karanasan, dapat pa akong matakam. Noong una, ako pa’y nasasakta’t nagdaramdam, laging sumusulpot sa isipan ang salitang paalam. Muntik na akong sumuko sa iyo. Hindi ko lamang alam kung paano. Mahal kita ngunit tila tayo’y pinaglalayo, kahit ayaw ko, pag-ibig ko sayo’y naglalaho Sa ikalawang taon sa kolehiyo, ako’y nagbago, kasabay ang pagtanggap mo sa kahinaan ko. Ako’y binigyan mo ng papel sa buhay mo, “Mahalaga pala ako”, sa isip at puso’y tumimo.

Napakaraming pagsubok, atin nang napagdaanan. Magkahawak ating kamay, magkasamang napagtagumpayan. Sa bawat bagay, isa’t isa ang ating sandigan. Ikaw ang takbuhan, kailanman ‘di ako nilisan. Tayo ay itinadhana nang ‘di ko inaasahan. Alay ko sa iyo buong buhay ko, pangako iyan. Sabay tayong uusad, upang mapagsilbihan, ang ating mga kasama – ang sambayanan. Sa buhay na ito, isa lang ang may katiyakan. Darating din ang panahon na ika’y aking iiwanan; ngunit giliw ko, iyo sanang pakatandaan. Sa apat na taon, nakabuo tayo ng kasaysayan.


EDITORIAL 11

VOLUME 31 • ISSUE 1 O C T. 2 , 2 0 1 7

STATE’S

with its is nothing paradoxes and

E D I T O R -I N - C H I E F Aries Raphael Reyes Pascua A SSOCI AT E EDI TOR FOR I N T ER NA L S Sofia Monique Kingking Sibulo A SSOCI AT E EDI TOR FOR E X T ER NA L S Justin Danielle Tumenez Francia M A N AG I N G E D I T O R Arthur Gerald Bantilan Quirante A S S I S S T A N T M A N AG I N G E D I T O R Patricia Anne Lactao Guerrero N E WS EDI TOR Eunice Biñas Hechanova

F E AT U R E S EDI TOR Chloe Pauline Reyes Gelera F E AT U R E S COR R E SPON DE N T S Czyrah Isabella Manalo Cordoba Ronald Satore Simyunn Jr. Jennah Yelle Manato Mallari Mika Andrea Ocampo Ramirez John Michael Torres C U LT U R E E D I T O R Josef Bernard Soriano De Mesa C U LT U R E C O R R E S P O N D E N T S Jonerie Ann Mamauag Pajalla Mari Loreal Marquez Valdez GR A PHICS EDI TOR Michael Lorenz Dumalaog Raymundo R E SIDE N T ILLUST R ATOR S Justine Vince Amanca De Dios Marie Angelu De Luna Pagobo Genevieve Ignacio Seño R E S I D E N T P H O T OJ O U R N A L I S T Kyla Dominique Lacambacal Pasicolan

OF F ICE 4th Floor Student Center Building, University of the Philippines Manila, Padre Faura St. corner Ma. Orosa St., Ermita, Manila 1000 EMAIL themanilacollegian@gmail.com W EBSI T ES issuu.com/manilacollegian www.facebook.com/themanilacollegian www.twitter.com/mkule MEMBER

Solidaridad - UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations

THE COVER LAYOUT Kyla Dominique Lacambacal Pasicolan

ILLUSTRATION Abigail Beatrice Malabrigo

Affluence, more often than not, is a gift that is celebrated by those who are blessed with it, but through the years, the state showed its capacity to divert from this course as it continues its rejection to acknowledge and promote the richness and diversity of culture brought about by its own people. Of the country’s great population, about 15 million are indigenous people who are scattered all over the country. These indigenous people, together with the Moros, the Muslim population of the Philippines, are considered as the country’s national minorities who share their unique ways of life and in turn enrich the Filipino culture. Since time immemorial, the country’s national minorities have always been subjected to oppression and discrimination. Strengthened by the voices of international pressure and elite sentiment, the past governments, as well as the present one, showed and continues to exhibit their lack of inclination towards the country’s minority groups. The existence of the Indigenous People’s Rights Act (IPRA) of 1997 prove to be worthless as grave violations to the national minorities’ rights still persist up to this day, and is projected to worsen under the current administration. Even though the Philippines is a part of the United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples (UNDRIP), and has the IPRA as an actual proof of law to protect the minorities, it is a dream, yet to be achieved by the minority groups, to practice their rights and culture as a group of people and as citizens of this country.

N E WS COR R E SPON DE N T S Shaila Elijah Perez Fortajada Adolf Enrique Santos Gonzales Ryana Ysabel Neri Kesner Anton Gabriel Abueva Leron Leah Rose Figueroa Paras

College Editors Guild of the Philippines

RELATIONSHIP

national minorities but a box full of broken promises.

MICHAEL LORENZ DUMALAOG RAYMUNDO

T

HE

It is a shame that groups of people in their own country, in their own land, and in their own home are treated as aliens who lack inherent sets of rights. A proof of this guilt is the annual protest caravan dubbed as the Pambansang Lakbayan ng Pambansang Minorya that started in 2012. This movement is a coming together of national minorities to insist their right to self-determination and to protest for the continued killings of their fellowmen. Although Lakbayan, as it is now called, is a very festive and culturally eyeopening activity, it is a reminder that the national minorities still have to bear a heavy burden of travelling to the capital just to have a greater chance of being heard. People in power, if they still have delicadeza within them, must be humiliated by the screaming reality that their countrymen still have to fight so hard for what is rightfully theirs. A series of human rights violations have been inflicted to the minorities ever since the colonial rule, and every change in government saw to it that they contributed to these mistreatments that only differed

REDEMPTION in structure and severity. One of the most infamous acts of besmirching the country’s cultural minorities is the continued statesponsored militarization in their lands, to the extent of creating paramilitary groups to do the dirty biddings of the Philippine military. The usual target of state forces are the community schools built by the people. In the years of 2013 and 2014, there have been an upsurge in militarization activities – 214 military attacks, including arson

Foreign

grave invasion on the lands of indigenous peoples and massive exploitation of their resources. These instances are not the only forms of repression made by the state to the minorities, and these acts are not expected to stop soon, especially in the situation of the country today. These are testaments that the repressive state itself breaks its laws to stifle the people who it sees as a threat to the status quo.

and local companies call dibs like vultures

on the ancestral lands of the minorities, causing the people to lose their livelihood, or in worst case

scenarios, be displaced from their own homes, all in the name of greed and making profit. and indiscriminate firing, on indigenous community schools were recorded. Come 2015, a tragic massacre took place in Surigao del Sur wherein Emerito Samarca, the head of the Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV), and other Lumad leaders were brutally executed, according to witnesses, by paramilitary agents. Together with the brutal executions, the indigenous peoples also suffer from the loss of their ancestral domains, and this is not just because of military activities but is also a result of corporate interests. Foreign and local companies call dibs like vultures on the ancestral lands of the minorities, causing the people to lose their livelihood, or in worst case scenarios, be displaced from their own homes, all in the name of greed and making profit. During the term of President Benigno Aquino III, large-scale mining was tolerated and extracting mineral reserves was a priority – this led to the

As the Philippines aspires to be a better country for the prosperity of all its citizens, the state must let go of its oppressive binds and gently tap on the unused potential of the country – its diversity in culture. Using this potentiality in a nurturing manner instead of an exploitative one, the country grows in a process that is beneficial to all its members. A culture of oneness must be observed, and the progressive idea of ‘unity in diversity’ must be practiced. The national minorities, by simply being citizens of this country and human entities in this world, do have the right to reserve their claim to self-determination like all other living individuals. Like food or shelter, self-determination is a vital part of the national minorities’ existence because this is a path for both progress and preservation of culture. It is, then, the job of the state to ensure the safety of the minorities’ rights from being harmed – a sadly ironic idea because of the country’s current situation. CONTINUED ON P.9


Banal-banalan

Pagsusuri sa mga isyu ng EJK sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon

Kasabay nang pagalingawngaw ng sigaw ng mga naghihinagpis ay ang pag-alingasaw ng masangsang na baho ng kamatayan, sa kalunsuran man o kanayunan. Paglipas ng taong puno ng mga pangako ni Duterte, nagmistulang impyerno ang bansa kasunod ng malawakang pagkitil ng buhay at sistematikong pang-aabuso sa mga karapatang pantao. Kita ito sa tindi ng kanyang masugid na dedikasyon sa giyera kontra-droga at kontra-terorista na kanya pang dinaig ang naitalang bilang ng mga kasong extra-judicial killings (EJKs) noong kapanahunan ng diktaduryang Marcos. Lumabas na mas masahol pa ang

kasalukuyang rehimeng Duterte sa mamamayang Pilipino. Libo-libong kaluluwa lamang ang sapilitang pinapatapon sa dagat-dagatang apoy – inosente man o hindi. Nanatiling nasa bakal na kamay ng poong Duterte ang mga buhay ng parehong maralita at mayaman, at tanging dasal na lamang ang sinasandalan ng masang umaasa pa – hindi para sa Diyos ng langit ngunit sa diyos dito sa lupa.

Bulag na Pananalig

Sa kabila ng patuloy na daloy ng mainit at taimtim na suportang natamo mula sa masang uhaw sa pagbabago, pinili pa rin ng pangulo na ipagkanulo ang pananalig na ito sa kanyang ikalawang taon. Base sa datos na makakalap mula mismo sa Philippine National Police (PNP), itinatalang mahigit 7000 na ang namatay mula sa animong mga lehitimong operasyon ng mga kapulisan. 3116 sa numerong ito buhat ng kanilang kampanya kontra droga. Ayon naman sa KARAPATAN, isang alyansang nagsusulong ng karapatangpantao, nasa 78 na kaso na ang naitalang EJK sa unang buwan ng ikalawang taon sa opisina ni Duterte. Malaking bahagdan sa datos na ito ay ang mga pesante at pambansang minorya. Binibigyang-awtoridad ang mga pulis na magkondukta ng mga operasyon laban sa droga. Dala nito ay ang mga kaso ng pagpatay sa mga walang kalaban-labang mamamayan. Maliwanag sa mga datos na ito na malaki ang naiambag ni Duterte sa paglikha ng kulturang nagtataguyod sa pagkitil ng buhay bilang isang katanggaptanggap na paraan upang harapin ang mga problemang panlipunan. Sa paguutos din ng mga pagpatay sa mga sangkot sa kalakal ng droga, hinahabi ng rehimeng Duterte ang isang naratibong nagsasaad na nakaikot lamang sa mundo ng mga droga ang mga problema ng bansa.

RONALD SATORE SIMYUNN, JR. DIBUHO NI MICHAEL LORENZ DUMALAOG RAYMUNDO AT MARIE ANGELU DE LUNA PAGOBO

Bulaan Na Pangako Kasabay ng patuloy na paglaganap ng mga EJK ay ang patuloy na panunupil sa mga pambansang minorya sa pamamaraan ng pagtatanggal din ng kanilang karapatan sa ninunong lupa at likas nitong yaman. Lubos na mas malala ang karanasang natatamo ng mga naninirahan sa kanayunan. Ito ay sanhi ng sistematikong atakeng binubuo ng magkasosyong estado at malalaking kompanya na parehong ganid sa pansariling interes. Ang usapin ng buhay, kasama ng moralidad sa aspetong ito, ay walang pakundangang tinatabunan ng pagnanasa ng mga pribadong pangkat at indibidwal. Ang pagnanasang ito naman ay nakaugat sa isang importanteng salik ng produksyon, ang lupain na nasa wastong pag-aari ng mga katutubong Pilipino. Kaugnay nito, sa ngalan ng pagpapanatili ng kaayusan na dulot umano ng mga rebelde, ay walang habas na dinala ang mga pagpatay sa kalunsuran tungo sa kanayunan. Nanatiling hungkag ang mga pangakong binitiwan ng rehimeng Duterte na susuportahan ang tunay na reporma sa lupa. Ito ay sa harap ng patuloy na militarisasyon ng mga komunidad at pagpataw ng batas militar sa Mindanao, na mas lalong nagpapalala pa sa problema ng lupa sa bansa. Sa pamamagitan ng Oplan Kapayapaan at All-out-war, mahigit 68 na mga insidente ng paglabag ng karapatangpantao at pasistang paniniil laban sa mga indigenous people (IPs) mula Hulyo 2016 hanggang Hulyo 2017 ang naitala ng Save our Schools (SOS) Network. Samantala, tinatayang 2, 624 na mga estudyante at 89 na paaralan ang apektado ng pandarahas tulad ng pananakot, pagbabanta, iligal na pagdakip, at pagwasak ng mga ari-arian. Alinsabay ng pangakong dadalhin ang pagbabago, ay ang paglabas ng katotohanang bulaan ito. Ito ay isang manipestasyon ng kabulukan ng mga nagdaang rehimen, na sila naman ngayon ay pinapakinabangan upang makamal ang simpatya ng madla laban sa kinamumuhiang naghaharing-uri. Sa likod pa rin ng mga ito, sa tuluyang

pagbabalatkayo ng kasalukuyang administrasyon, ay mabubunyag ang isang estadong kung hindi mas masahol ay wala ring pinagkaiba sa mga nauna. Pinapatunayan ng rehimeng Duterte sa pagpapatupad nito ng batas militar, kasama ng kahina-hinalang pagbuhos ng suporta sa pagpapalinis at pagpapabango ng diktaduryang Marcos, na ang mga nabanggit ay pawang mga maliliit na hakbang pa lang. Ito ay upang masiguro ang bulag na pananampalataya ng masa sa pangulo, na magbibigay-daan naman sa tuluyang pagkakatatag ng isang rehimeng sinasamba ng mga deboto habang lihim na kinokontrol ng estado ang kanilang mga buhay para sa alangalang ng mga naghaharing-uri na may mga makapangyarihang interes. Ang walang pakundangang paglalahad na wala umanong nangyayaring EJKs sa bansa ay paghuhugas lamang ng mga kamay na bakal ng estado at pagbubulag-bulagan lamang sa mabigat nitong pananagutang hinaharap. Ang inutang nitong pawis at dugo ay patuloy na nagdudulot ng hinagpis sa mga Pilipino na siyang pagbabayaran din ng kasulukuyang administrasyon sa mga dadating na panahon. Sapagkat sa halip na ituon ang pansin sa isang platapormang hinatulan na ng kasaysayan na walang bisa sa paglulutas ng ugat ng kahirapan at hindi pagkakapantaypantay, ay nararapat lamang na ibaling ito sa progresibong dako. Katulad na rito ang pagbabalangkas at pagsasatupad ng tunay na reporma sa lupa at pagpapataboy sa mga mapansamantalang pribado at banyagang interes, lalo na ang pagpapayaman sa karapatangpantao ng bawat Pilipino. Hinding-hindi maituturing na solusyon ang isang polisiyang matapobre’t may pinapaboran. Higit pa rito, hindinghindi kailanman magiging sagot ang bulag na pananalig sa nag-iisang indibidwal na ipinagkakait naman sa sarili nitong mga deboto ang mga karapatang likas sa kanilang pagkatao. Kailangan nating imulat ang ating mga mata nang sa gayo’y makita natin ang katotohanan at gamitin ito upang maging mas kongkreto at maigting ang ating pakikibaka.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.