The Manila Hooligan

Page 1

issue 1027 >>> May 11, 2015

GALAWANG HOOLIGAN T-BACK FASHOWN Hooligan Ka Ba? and more inside


Big Vlad Wolf Commander-in-Chief Friedrich Engels Burger Vice Chief Chena Guevara Captain Ha Choo Minh Karl Marx Ramota Ka Taleng Mikhail Chorvachev Kumander Booba Felepa Culala Ylera Simone de Justin Beauvoir Czarina Ka Tapang Notice Mao Senpai Nicole Hoxhanova Ka Isa Spies Yeong Ma Lee-Eet Yeong Ma Taraii Vladimir Lenin Fabric Yeong Mah Lang Dee strategists Shin Maomao Chezra Guevarra Car-Lu Jintao Konstantin Dmitrievitch Levin Minions

Ahn Ae-Ryung Ji Sun Flowers Ka Jejomar Roxas Benefactors

May 11, 2015

The Manila Hooligan | 2


FOREWORD

Trigger Warning A little throwback won’t hurt. Last September 17, some militant students reportedly hurled coins and crumpled paper and grabbed a government official by the collar as he left the premier state university after attending a budget forum. The students barred the official from leaving the premises and called him a thief for defending a partially unconstitutional disbursement program. The act of the students spread like wildfire in both social and traditional media, drawing flak from various sectors. “Off with their heads” became the battle cry of every individual scandalized by the incident: professors tagged them as hooligans and enemies of the university while the President of the country hit the students for their lack of civility in engaging powersthat-be. Then seven months after, the incident was just a trace of the Filipinos’ collective memory, proving once more how as a nation, we easily tend to forget. We forgot how on that very day, freedom of expression was threatened. We forgot how militant activism, one of the defining characters of the university, was relegated as mere hooliganism. We forgot that on that very day,

To the Filipino people, we remain, Big Vlad Wolf Commander-in-Chief

3 | The Manila Hooligan

many Filipinos took the side of the oppressor. In fact, after the incident, we became too comfortable with normalcy that any act veering away from our stagnant way of living is considered an aberration. Rebellion is an abomination. Conformity is desired. Protests should be quelled. Civility should take precedence over critique. Inclusivity and multi-perspective treatment of ideas amid clashing ideologies should be upheld. But we, the hooligans from Manila, choose not to forget. This lampoon issue seeks to rattle the Iskolar ng Bayan who isolated himself towards the familiar and comfortable. This issue is an affront to normalcy. This stands for all things crude, crass and unapologetic—like the revolution is described when faced by inaction. For the past year, the Iskolar ng Bayan went through hell and back: he was met by a government which lied through its teeth when it sought to pass a program which will serve as campaign kitty for the next elections and when it refused to take responsibility for at least 67 people who were killed in a botched counter-terrorist operation. The Iskolar ng Bayan was faced by the first year of implementation of the Socialized Tuition Scheme which only made education in UP

more inaccessible to the poor but deserving students. In the land of the Manila hooligans, students were faced without a decent cafeteria, just because some students claimed to represent the majority and sided with the move of the administration to evict sellers. We all stood witness in the past student council elections, which showed that lowliest black propaganda could get even worse, and that karma was a bitch when those who threw mud lost. Again, the student publication became a pawn in the game of thrones. But then again, just like every time the institution is being attacked, it has proved that the students’ press could not be maligned by dirty politicking. And so, for the students who either appreciate our efforts or who hate our innards for being “selective” and “biased,” this issue is for you to remember. This issue wants you to remember the struggles that you went through for the past academic year, and that although you were wounded and shaken, you remained. This issue is for the future, and the perseverance of the idea of change: that when the system becomes stifling and oppressive, there is always enough reason to fight. But most importantly, this issue seeks to remind you of all the things that are worth being a hooligan for. It is better to be tagged as a hooligan rather than a puppet.

We forgot how on that very day, freedom of expression was threatened. We forgot how militant activism, one of the defining characters of the university, was relegated as mere hooliganism. We forgot that on that very day, many Filipinos took the side of the oppressor. May 11, 2015


NEWS

Mga manunulat dinakip ng mga tuta ng Amerikano The Manila Hooligan kasama ang mga pula, nagprotesta

“Hindi na namin siya makita,” ani ng isang kamag-anak na nanginginig habang hawak hawak ang platong may ulam at kanin. Butil butil ng kanin at sitaw ang nahuhulog sa sahig dahil dito Ni Ka Dolfie Cherrie

I

lang araw nang nawawala ang di-alam na bilang ng mamamahayag mula sa di-alam na istasyon. Ayon sa mga kamag-anak ng mga manunulat, nagsimula na silang mabahala nang hindi na umuwi ang kanilang kamag-anak. Hindi din batid ng kamag-anak kung pamangkin niya ba o apo ang nawawalang manunulat. “Ewan ko nga ba, parang anak ko ata eh”, dagdag pa niya. Ayon sa kanya, nakatakdang mangalap ng impormasyon ang kanyang kamaganak ukol sa isang balita sa di malaman na lugar. Ang balita na itinalaga daw

sa kanyang kamag-anak ay tungkol sa pagpaslang ng isang Imperyalistang Amerikanong naka-uniporme sa isang Pilipino. Dagdag pa ng isang kamag-anak, napakalakas ng kanyang kutob na mangyayari ang pagkawala dahil makabag-bag puso ang kanyang kamag-anak pagdating sa pagsusulat.

Ayon naman sa isang kaklase noong kinder ng isa pang nawawalang manunulat, pipigilan niya sana ang kamag-aral na pumunta doon dahil alam niya na gagawin ng mga Imperyalista ang lahat ng makakaya nila upang itago ang krimen na isinagawa ng isa nilang balakyot na kasapi. Sa kabilang banda, huling namataan ang mga mamamahayag ng isang tagamasid ng Revolutionary Horde of Beatboxers (RHB) malapit sa isang base militar ng mga Imperyalistang Amerikano. Ayon kay Ka Labasa, ang mga mamahayag ay nakasuot ng damit

at ang isa daw ay matangkad, guwapo at kulot ang buhok. Dagdag pa niya, nakita niyang may mamang sorbetero malapit sa mga tagapamahayag. Matapos ang ilang segundo, nawala na sa paningin ni Ka Cherrie ang mga manunulat.

Samantala, ayon naman kay Ka Kai Beyb, isang miyembro ng RHB, nakita niyang dinukot ng mga nakadilaw na tao ang mga manunulat at pinadapa ang mga ito, nilagyan ng tali at inilagay sa likod ng isang sasakyan. Kasama daw ng mga nakadilaw na kidnapper ang isang lalaking panot at bundat. Hindi niya matandaan kung tanghali ba o gabi nangyari ang insidente. “Basta gumagalaw sila, madilim noon eh, hindi ko makita kasi ewan.” Matapos kumalat ang nasabing balita sa media at pahayagan, kaliwa’t kanan ang pagkilos na ginawa ng mga progresibong grupo laban sa pnanatili ng mga Imperyalista.▼

50,000 Kumonista, lihim na bumaba para salubungin ang Santo Papa Iniutos ng Partido ng Kumong Pula (PKP)—Pedro Gil Branch sa Rebolusyonaryong Hubong Bayan (RHB) ang pitong araw na tigilpaggawa bilang pagbibigay daan sa isang mapayapang pagsalubong sa pagdating ng Santo Papa. Hinimok din ng PKP ang masa at mga rebolusyonaryo na sundin ang mga makamasang pananaw ng Santo Papa Ni Kumander Booba

Dagdag pa rito, kinundena din ng PKP ang mga serye ng pagkukubli ng otoridad sa Santo Papa ukol sa mga pagdadarahop at kapalpakan na ginagawa ng Rehimeng Ab-Noy.

Palihim na bumaba mula sa kanilang kabahayan ang humigit kumulang na 50,000 kasapi ng PKP upang tumulong sa mga preparasyon sa pagdating ng Santo Papa. Nagsilbi silang tagabilang at taga-assist gamit ang kanilang mga natutunan sa Kumong Pula. May 11, 2015

Karamihan sa mga kasapi na boluntaryong bumaba ay napilitang ikubli ang kanilang mga identidad upang hindi mahuli ng kanilang mga guro na nagpapagawa sa kanila ng worksheets sa Algebra at Trigonometry. Dagdag pa rito, tumulong din ang ilang mga hanay ng RHB sa kalunsuran sa pagkukumpuni ng mga paaralan na maaring daanan ng Santo Papa. Nagsuot din ng uniporme ng pulis ang ilan dito upang tumulong sa pagbabantay sa mga ruta na dadaanan ng Santo Papa.

Sa kabilang banda, sinuportahan naman ng PKP ang panawagan ng papa sa paglagot sa mga uri ng pangaapi at inhustisya na nagbubunsod sa di-pagkakapantay-pantay sa lipunan at pagsasawalang bahala sa kundisyon ng mga mahihirap. Ngunit higit pa rito, sinuportahan ng mga Kumonista ang sinabi ng Santo Papa na itulog

ang kanilang mga problema, na siyang pasok naman sa kanilang layon na iwasan ang kanilang mga takdangaralin sa Kumon Matematiktika.

“Nakatutuwa na ang mga aral na isinusulong ng lider ng Katol Romana ay halos magkatulad sa mga prinsipyo na nagpapatakbo sa partido at sa mga rebolusyonaryo,” ani Josie Maria Tiyan, pinuno ng mga Kumonista. Dahil dito, hinimok ng PKP ang mga Katoliko na isabuhay at palaganapin ang mga panawagan ng Santo Papa ukol sa pagsulong ng karapatang pantao, pagbawas sa kurapsyon sa pamahalaan, at tulugan ang kanilang mga problema sa buhay. Inimbitahan din ng PKP ang mga tagasunod ng Papa na sumali sa kanilang libreng session sa kahit saang Kumong Pula branch para masubukan ang libreng turo sa matematika at pagbabasa. ▼

The Manila Hooligan | 4


NEWS

But first, let us take a photo The Idealistic Society of Insane Stormtroopers (ISIS) struck a pose at their newly established Philippine headquarters and posted it on their official social media accounts in an attempt to instill fear among the citizens

ISIS links established in Philippines ASG, BIFF pledge support

Several parties have expressed concern over the possibility of the Idealistic Society of Insane Stormtroopers (ISIS) establishing itself here in the Philippines By

Car-Lu Jintao

R

omcom Banlaw, executive director of the Philippine Institute for Pterodactyls, Velociraptors, and Tyrannosaurus Rexes (PIPVTR), claimed that some Muslim Filipinos from Syria have returned to the Philippines to “propagate the ISIS ideology.” Furthermore, Banlaw stated that there are three classifications of possible ISIS members in the Philippines: actual members directly linked to ISIS, individuals and groups inspired to carry out violence in the name of ISIS, or free riders who use ISIS to justify their own violent acts. Additionally, in August 2014, several video clips were released by members of Abu Space Group (ASG) and Bangsamoro Intergalactic Flying Fuckers (BIFF) showing their declaration of support for ISIS. “We have an alliance with the Islamic State and Abu Bakr al-Baghdadi,” 5 | The Manila Hooligan

claimed BIFF spokeperson Abu Misery Momol. Abu Bakr al-Baghdadi is the current leader of ISIS. However, Abu Misery stated that the BIFF had “no plans” of imposing the same violence and radicalism of ISIS in South East Asia. Abu Misery also dismissed claims that the BIFF has sent troops to support ISIS. Resistance is Futile

On the other hand, President Aquino claimed that the government is working with the Manggulo in Life Friends (MILF) to resist ISIS entry in the country. “[The MILF] have said they themselves are resisting IS encroachment into the Bangsamoro. They have not pledged allegiance to the so called caliphate,” Aquino claimed. Aquino also expressed confidence that the MILF will help maintain peace and order in Mindanao. “They know the players in that particular region. They stay there. They are empowered to resolve longstanding conflicts,” Aquino claimed. However, Aquino also admitted that there is a risk of some of the estimated 2 million Filipinos in the Middle East

being brainwashed by ISIS.

Recruitment Starts Now

Racecar-do Siraulo, former chairperson of the Philippine Corporate Slaves Camaraderie (PCSC), warned that ISIS is more than capable of recruiting Filipinos to join their cause. “ISIS’s battlefield success and world prominence have convinced Muslims even from advanced nations to support or join it. And if the group can lure educated, affluent Westerners, it can very well capture the minds and hearts of poor, unschooled Mindanao youth.” Siraulo furthered that more radical Muslims may see ISIS’s campaign as a proper counteroffensive to what they perceive as “advancing Zionist supremacy, expansion, and oppression of Arabs” by the US. “In that context, ASG, BIFF, and other attacks against the US-allied Philippines are blows against antiIslam forces. And regaining former Muslim-majority lands, including all of Mindanao, Palawan and Sabah, becomes part and parcel of global Islam’s struggle to right past wrongs and reestablish historic domains.” ▼ May 11, 2015


Lola Patola Mga Fulung-Vulungan ng Nagjijisang

imbyernuh edishuun!!!

Tamuh nah, sovrang super sovra na, wizz ko na makeriboom, umeklavoo away na kayong mga imbyernakels na regimen! I’m shuuur sa dami ng jiriits ng aking mga affowz and bak-ti babies ehh they so really Beyonce Knowles how I feel right now!!

Hemmingway highway by the way before I make dementia, I’m your forever-everdeen troolalu, palaban no bawi, and panatang makabayan Lola P! Naniniwalang lahat ng korap, nawi-wheelchair HARHAR pwede rin naman na ja-jagas ang hairlaloo #voompanowt. Eniwayyyyzz, wait no further dahil iisplukembang konetch ang mga pasavoog, jiritations, and kalurkey lurkey na jinanakits ng aking mga beloveyd affowz and of course the pipolz!! Fanutella na lang siguro ang dededma niteeyy. Vato-vato sa langiiit, ang boss wag ginagalit!! Jiritsss numva juan: Es-YouSee-kami!!

Vato-vato sa langiiit, ang boss wag ginagalit!! Jiritsss numva chuuu!!: Hooligan Who??? Kami o kayo?!

Edukhasyon, karafatan ng mayayaman! Woopzie, mamamayan fala!! Chaka lang!! Anek na vah ang ganap at bakit kapirangoat lang ang datong na givenchy sa mga SanaUnahinCami. Pina-propose pa ng budget budget wiz Malaysia Pakistan pala sa need ng mga SUC, apir, disappear, 1/2…1/4?! I tot priority?!

Serbishoo sa tao, wizz gawing negosyo pls. Hike doon hike dito eh dehins na nga nagiimproving ang life eh isa pang imbyerna tinik sa puso ang amenstruashon na iteyy!!! NKKLK. Mas tuwid pa aketch sa daan na itey na mukhang infavorness lang naman sa forenger marketables. Ano vaaah ang peg niyoo, puppet show?! Anek nangyari sa Filipino pipolz, bakit niyo pinababayaan.

Sa dinami dami ng datung sa mga barel bariles na porky wiz khalifa ma-share pang eduk!? Anezzz. Jiritz ng aking mga affowz na wishing well lang naman maka-aral and gradweyt eh no more budget cuts! Kayo kaya i-cut ko? One half one fourth rin? G?! Unti-unti na ring binebenta ang kaluluwa ng mga Unibersidad for the Pipol (dapat) sa mga Praybet Benjamin para lungs masustentuhan ang expenses. Weee are not for sale!!! Erkhey?! Tama na ang pa-pogi, dehins naming need ang wordsss niyo, dehins kailangan ng mga affowz ko ang praise-release niyong inuuna niyo ang edukhasyon kung wiz khalifa naman sila makapag-aral dahil dehins afford ang TF!!! But dehins kami mapapagoda tragedy to fight fight fight for our rights! Givenchy ang nararapat. Wizz dapat binabarat ang mga affowz ko, datong ng bayan ibigay sa bayan plsss. Demanding ba kamo affowz ko coz they want more? Truelalooo we demand and we want more coz it was never-ever-ever enaff in duh first place!! Anek nalang sa balak niyong AkalaSiguroEnoughAngaNitu integreshun kung dehins naman maprioritize ang edukhasyon sector. NKKLK!!!

Ka-jirita to the max lang, ispaghetti pataas ng pataas ang bayarin sa mga pampublic services! Paano naman ang dehins yamanechi na masa, pati ang kanilang mga health dehins na maasikaso dahil wiz na maafford si PGH. Nga-nga bells nalang. HEP HEP! There’s moooore. Nag-anniversary and all na nga, nga-ngabells parin ang mga affowz kong na-Yolanda. Na-Yolanda v.2.0 na rin sila ng amenstruashon na iteyy paasa to da max, aguyyy waray pulos lagiiii!! I tot relief ? Ni-effort nga ata waleeeeeyyy! HOY HOY pansin pansin naman sa mga affowz ko and the pipolz, sovrang daming time na ang nasayang. Sovrang epicfail.com lang talaga ang masa-say ko sa dami ng jiritz and jinanakitz wizz ko na makeri. Osiyaaa mga precious affowz ko, hectic ang sched ng Lola P niyo! Makiki-rally pa aketch somewhere over da rainbooow with Lolo Upo. Ire-ready ko pa ang aketch mga placards and the effigy I’ll make sunog sunog hihihi! Konte nalang talagah sila na iaalay ko kay Bathala. I will mishoooo, seeee you nalang sa rally!!! Mwaaaah. Hart hart. ▼


NEWS

Communist leaders return from the dead Communist fanatics executed a satanic ritual on November 1 attempting to revive Vladimir Lenin, Mao Zedong, Joseph Stalin, Pol Pot, Fidel Castro, and Kim Jong-Il By Chezra Guevarra

T

he staff of The Manila Hooligan took this as an opportunity to interview these big names. But I forgot what they were so I will just proceed by quoting them, relentlessly. “I am not a communist and neither is the revolutionary movement,” says Fidel Castro angrily. “對,沒錯,” utters Chairman Mao sarcastically. “Freedom in capitalist society always remains about the same as it was in ancient Greek republics: Freedom from slave owners,” states Lenin, with a really

“Magmahal ng isang hooligan, kasi swerte mo kung mapagbibigyan.”

Para sa iba pang tips para maka-iskor ng wagas na pag-ibig, i-scan ang QR Code na ito:

7 | The Manila Hooligan

Midnight Meeting Communist fanatics held a very intimate meeting at the heart of a very dark and very dangerous forest prior to the very satanic revival ritual heavy Russian accent, I may add. I had a hard time transcribing this. “The oppressed are allowed once every few years to decide which particular representatives of the oppressing class are to represent and repress them in parliament,” adds Lenin. “If it were necessary to give the briefest possible definition of imperialism, we should have to say that imperialism is the monopoly stage of capitalism,” Lenin adds, again. Is this man not going to stop? I have others to interview as well. Well, moving on. “I want you to know that everything I did, I did for my country,” Pol Pot say’s defensively. Yeah, right. “It’s up to history to judge,” Pol Pot adds. He sees that we were not convinced. “I did not join the resistance to kill people, to kill the nation. Look at me now. Am I a savage person? My conscience is clear,” Pol Pot states. “Death solves all problems - no man, no problem,” Stalin counters Pol Pot. “Mankind is divided into rich and poor, into property owners and exploited; and to abstract oneself from this fundamental division; and from

the antagonism between poor and rich means abstracting oneself from fundamental facts,” Stalin adds totally unrelated to his first quote. “如果你想知道梨子的滋味,你必 須吃變革梨子,親口。如果你想 知道革命的理論和方法,一切真 知都是從直接經驗發源的。” Mao Zedong says. I begged him to translate it, but it seems that he does not care. “共產主義不是愛。共產主義是一 把錘子,這是我們用它來粉碎敵 人。” He adds. “You know, I shall tell you the story of my birth!,” Kim Jong-Il stated suddenly, interrupting Mao Zedong. “In 1941, a magical hummingbird visited the People of North Korea foretelling my birth. Later that year, the hummingbird’s prophecy was fulfilled atop Mount Paektu, the highest mountain ever. I emerged, walking out from my mother’s patriotic and revolutionary vagina six months prematurely and without the aid of a physician, thus rendering the Korean medical community irrelevant. In shame, all doctors fled our great and innovative nation never to return,” Kim Jong-Il proudly states. ▼ May 11, 2015


FEATURES

HOOLIGAN KA BA? I

sang pababalik-tanaw: Noong nakaraang taon, nabansagang hooligan ang mga aktibista na nagprotesta noong dumating ang kalihim ng Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala Florencio Abad sa UP Diliman School of Economics. Ito iyong panahon na pinagtatanggol ng administrasyong Aquino ang Disbursement Acceleration Program (DAP). Mula noon, maluwag nang ginamit ang salitang hooligan sa lahat ng taong hindi sumasangayon sa mga ginagawa ng pamahalaan. Para sa mga nasa kapangyarihan, hooligan ang mga magsasaka na lumalaban para sa kanilang lupain. Hooligan ang mga mag-aaral na tumitindig para sa kanilang karapatan sa edukasyon. Basta aktibista ka, hooligan ka. Ang mga tunay na hooligan ay gumagawa ng mali para sa sarili nilang kapakinabangan. Marahil ay hindi naisip ng iba, at kailangangtandaan, na hindi magkakaroon ng kaguluhan kung walang nanggugulo. Walang lalaban o magrereklamo kung walang mali Ni Mother-Not-So-Hooligan

May 11, 2015

Sila yung mga nagpapasikat ng kayamanan habang naghihirap ang maraming Pilipino

B

ibili sila ng 12-foot cake. Mayroon silang Louis Vuitton na bag at Christian Louboutin na sapatos. At hindi pa sapat na mayroon sila nito – kailangan nila itong ipakita sa lahat ng tao, ipagmalaki at iparamdam na mas nakakaranas sila ng ginhawa sa buhay kaysa sa kalakhan ng Pilipino. Di bale nang makita ito ng mga tao sa Tacloban na wala pa ring maayos na tirahan. Di na bale kung makita ito ng mga bakwet sa Mindanao. Dahil ika nga ni Chad Osorio, “If you’ve got it, flaunt it.”

Mas pipiliin nila na dumalo sa isang magarang pagdiriwang kaysa tumulong sa paghahanda para sa paparating na bagyo

H

indi man nga sila magkalapit o best friends, maliban sa isang panahon na dumalo siya sa isang kasal. Habang mayroong rumaragasang bagyo sa Palawan, nasa isang kasalan ang pangulo. Maski nga ang kanyang kanang-kamay na na-feature pa sa Esquire, hindi matagpuan. Pero kung sisihin nila ang PAGASA, parang hindi sila makikitaan ng mali. The Manila Hooligan | 8


FEATURES Tatawagin ka niyang “gaga” kung ikaw ay nabuntis habang isang teenager o sasabihin niya sa iyo, “It’s not rape; it’s cuddle with a struggle.”

S

ila ang masasabi na kulang sa kamulatan. Maaaring sila rin ang may mataas na tingin sa mga sarili nila. At dahil sa tingin nila, sila ay morally upright, pawang mga tanga lamang ang ibang mamamayan sa kanilang paningin. Gusto nilang diktahan ang pagkatao mo, at wala silang pakialam kung makakasakit sila o hindi.

Magsisinungaling siya tungkol sa totoong kalagayan ng mga mamamayan, at tuluyan niyang igigiit na umaasenso ang lipunan

S

obra-sobra sila sa pagmamayabang tuwing lumalabas ang credit ratings, pero daig pa nila si Poncio Pilato sa paghuhugas-kamay tuwing pinapakitang madaming naghihirap sa bansa. Maganda daw ang credit ratings, madami daw ang may trabaho, at mataas ang gross domestic product (GDP). Ang katotohanan: mataas ang ratings dahil ang tanging tinitignan nito ay ang kakayanan ng bansa na magbayad ng utang, maraming trabaho na contractual, at kontrolado ng iilang mayayaman ang ekonomiya. Malakas lang ang loob ng pamahalaan na wala silang sala dahil unti-unting isinasapribado ang mga industriya at basic social services.

Magagalit siya kapag sinabi mong mali ang ginawa niya o labag ito sa batas, at igigiit niyang tama siya

S

iya iyong kababata mong asar-talo – alam niyang mali siya, pero para hindi siya mapahiya, hahanap siya ng paraan para igiit na tama siya. Pwede niyang tanggalin sa puwesto ang magsabing mali siya. At habang mayroong isang maayos na pagdiriwang, maaaring bastusin ka niya nang harap-harapan sa kanyang speech. Ang pinakamalala, puwede niyang sabihin sa kanyang mga crony sa Kongreso na ipa-impeach ka. Wala siyang pakialam kung iyon ang tamang panahon, pero dahil siya ang nakakataas sa puwesto, siya ang masusunod.

Sila yung nangangamkam ng pera ng taumbayan, tapos ang kapalit lang ay, “I am sorry.”

M

adaming beses nang humingi ng paumanhin ang pamahalaan – mula sa mabagal na daloy ng rehabilitasyon para sa mga nasalanta ng bagyo hanggang sa pangangamkam ng pera. Akala nila, forgive-and-forget

9 | The Manila Hooligan

lang lahat ng bagay. Pero baka nga totoo dahil kahit ilang taon na ang lumilipas, hindi pa rin sila nabibigyan ng hatol ng korte. Hindi sila naaalis sa puwesto kahit gaano kabigat ang ebidensya laban sa kanila. Ito ang bulok na kultura na pinapairal ng buong sistemang umiiral sa Pilipinas – isang mundo kung saan ligtas sa parusa ang makasalanan.

Handa silang isuko ang soberanya ng bansa

M

ayroon nang namatay at mayroon nang nagahasa sa kamay ng mga sundalong Amerikano na bumibisita lamang sa bansa. Inamin na rin ng kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa na si Voltaire Gazmin na hindi sinisiguro ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na tutulong agad ang Estados Unidos sa pagkakataon na giyerahin ng Tsina ang Pilipinas. Pero patuloy na sinasabi ng administrasyong Aquino na makakatulong ito sa ating bansa – siguro, para sa kanila (i.e. campaign funds). At habang patuloy na lumalaban para sa hustisya ang mga biktima, handang-handa ang pamahalaan na isuko ang buong bansa bilang agreed location para sa pagpapalawak ng kapangyarihan ng Estados Unidos sa buong mundo.

Sila yung nagagalit kapag lumalaban ang mamamayan para sa kanilang mga karapatan

T

atakpan nila ang bibig ng nag-iingay, papatayin nila ang kung sino mang humarang, at tatakutin nila ang iba pang magbabalak na mag-alsa. Noong Setyembre 2014 pa lamang, 204 extrajudicial killings na nag naitala ng KARAPATAN Alliance for the Advancement of People’s Rights. Noong SONA ng pangulo, libo-libong sundalo at mga pulis ang pinadala, mayroong dalawang hilera ng barbed wires, concrete barriers, at container vans na ginawang pangharang. Takot ang pamahalaan sa pagkakaisa at pag-aalsa ng mga tao dahil alam nilang gumagana ang sistema sa kanilang pabor.

Ang tunay na hooligan ay hindi iyong mga nagmamartsa papuntang Mendiola, kung hindi iyong mga naglalakad at nakakotse papuntang Malacañang. Sila ang mga nangangako tuwing eleksyon – at alam nating hanggang pangako lamang. At kahit anong pandudusta, pag-aapi at pananakot na gawin ng mga hooligan, hindi mawawala ang tunay na diwa sa pagkakaisa ng mamamayan para ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

May 11, 2015


CULTURE

HOOLIGANS KAMI NOON, ANO KAYO NGAYON? Diwa ng Aktibismo at Rebolusyon sa Modernong Panahon

M

atapos ang mahabang panahon, muling nagbalik at nabuhay ang mga dakilang guro ng Sosyalismo na sina Marx, Lenin, Mao, Che Guevarra, at Sakay dahil sa kolektibong enerhiya ng patuloy, at ngayo’y mas nagbabagang alab ng damdamin ng mga aktibista a.k.a “hooligans” ng UPM.

Gamit ang kanya-kanyang mga hardcore na teorya at prinsipyo, babalutin nila ng kapulahan ang buong UPM, dudurugin ang lahat ng hahadlang sa sosyalistang kilusan, at muling pasisidhiin ang pangangailangan para sa isang tunay na pagbabago. Rak en rol Ni Simone de Justin Beauvoir at Notice Mao Senpai

How I Met Your Capitalist

Hindi ko inaasahan na sa isang munting institusyon tulad ng UPM ay mararamdaman ko muli ang pagkagimbal na nadama ko noon . Gayunpaman, matagal nang nakakitil sa isipan ng lahat ang solusyong pilit na pinipigil naman ng mga makapangyarihan -- isang rebolusyon.

A

ng kasaysayan ng mundo ay isang malaking paglalagom lamang ng tunggalian sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.

Kung nabubuhay siguro ako ngayon, hindi lang Communist Manifesto at Das Kapital ang matitikman nitong mga ganid na elitista sa UPM. Hindi ko matanaw sa alinmang sulok ng institusyon ang ipinagdiriwang niyong “Honor and Excellence”, dahil amoy na amoy sa paligid ang paghuhugas ng pampublikong karakter ng unibersidad ng Chanel No. 5. Ang dami ng mga sasakyang nakaparada sa loob ng unibersidad ay katumbas yata ng dami ng mga represibong polisiyang nakapanig lamang sa mayayaman na naipatutupad. Kaya pala marami sa mga estudyante ang hindi man lamang nagimbal sa kalokohan ng Socialized Tuition Scheme. Gumising ka, Iskolar ng Bayan! Hindi mo ba nakikita na sa patuloy na pagkasapribado ng kaluluwa ng iyong unibersidad, lalo lamang lumalakas ang motibo ng mga kapitalista na angkinin ang buong mundo. Pinagkakaitan ka na ng edukasyong magagamit mo para mabuwag ang kanilang panlilinlang, at ang paglaban ay hindi mo pa magawa! Nakakakulo rin ng dugo ang kakaunting paglaban sa academic calendar shift na pakulo ng inyong administrasyon. Dahil dito, ang unibersidad ay naging isang facade lamang na nagkukubli ng isang malaking pagawaan ng labor force -- ang mga estudyante ay tila mga produktong inihahandang i-export upang payamanin ang ibang bansa. May 11, 2015

Ako nga pala si Karl Marx, at muli kong sasabihin, “Workers of all lands, unite!”

ano’ng akala mo sa rebolusyon, flash mob? magtitipontipon na lang bigla mga tao tapos Magrerebolusyon?

The Walking Red

K

anina pa ako palakad-lakad dito sa UPM, nagugutom. Nasaan ba ‘yung mga food concessionaires?! Buti pa sa Long March kahit papaano may nakakain kami, dito wala! ‘Di bale, manghihikayat na lang ako ng mga estudyante na sumali sa Red Army.

Pero teka, napansin ko lang, ang daming hatian dito sa UPM. May asul, gray, pula, nagpapanggap na pula, etc. Tapos meron pang nagpapauso ng “multi-perspective activism.” Kabubuhay ko lang, pinapainit niyo na ulo ko. Hati na nga ‘yung mga estudyante, hihimukin mo pang gumamit ng “multi-perspectivity.” Genius. Kung bibigyan ng pantay-pantay na halaga ang lahat ng perspektibo, parang binigyan na rin natin ng importansya at hustisya ang perspektibo ng mga kapitalista’t mapaniil na puwersa sa’ting lipunan. Masasabing oportunista pa nga ang paggamit ng ganito, dahil siguradong papanigan nito ang “malakas,” na kadalasa’y ‘yung mga taong mapang-api. Samakatuwid, magiging sagabal lang ito sa pagsulong ng sosyalistang kilusan dahil mas hahatiin nito ang mga estudyante, at

The Manila Hooligan | 10


CULTURE babaluktotin ang pagsusuri sa mga isyung panlipunan.

kilusan. Mas magiging episyente rin ang pagmobilisa ng mga tao. Mas magiging matibay rin ang samahan, hindi kaagad magkakawatak-watak ang mga tao kung sakali mang gamitan sila ng puwersa ng kaaway. Ang mga partido rin ang pangunahing tutulong sa pagtuturo ng rebolusyonaryong teorya sa mga tao.

Ang perspektibong gumagamit ng historikal na materyalismo ang siyang may pinakamalakas at siyentipikong interpretasyon sa mga isyung panlipunan. Ito ang nag-iisang nararapat na gamitin upang mas malinaw na matukoy ang pangunahing linyang humahati sa mga estudyante. Kaya para sa mga gumagamit ng multiperspective activism, magbalat na lang kayo ng patatas tapos pakainin niyo Red Army ko. Nakatulong pa kayo sa rebolusyon.

Pero sa totoo lang, ang kontradiksyon sa pagitan ng mga estudyante ang tutukoy kung sino ba talaga ang “masa” o ang “tao,” at ang tunay na “kaaway.” Ang lahat ng taong kasapi o pabor sa pagsulong ng sosyalistang kilusan ang itinuturing na masa. Samantalang ang mga reaksyonaryo, kontrarebolusyonaryo, pa-epal, at mga taong naniniwala sa purong reporma ang kaaway. Hindi maiiwasang ng kakilala na maituturing bilang kaaway ng rebolusyon. Kung sa tingin mo’y may pag-asa pa silang mamulat sa pamamagitan ng mga intelihenteng diskusyon at debate, sige gawin mo. Pero kung wala na talaga silang pagasa, na parang pinaglihi ‘yung utak nila sa hollow blocks, FO na. Kailangan mo silang burahin sa ngalan ng rebolusyon, at para mapaigting ang linyang masa. Ang linyang masa lamang, kalakip ang rebolusyonaryong pag-iisip at mga teorya, ang may natatanging kapangyarihan na palayain ang bayan mula sa mga paghihirap na tinatamasa nito dulot ng represibo at mapang-aping pwersa ng imperyalismo, burukratang kapitalismo, at pyudalismo.

Big Mob Theory

K

amusta, comrades? Mukhang hindi masyadong okay ang sosyalistang kilusan dito sa UPM. Hindi kasi alam ng iba ‘yung buong potensyal ng mga partido. Hayaan niyong bigyan ko kayo ng ideya kung ano ang kahalagahan ng partido batay sa aking experience sa rebolusyon. Vladimir Lenin nga pala. 11 | The Manila Hooligan

Upang maisulong nang matagumpay ang sosyalistang kilusan, mas makakabuti kung ang lahat ay umanib sa isang partido. Hindi pupwede ‘yung mag-isa ka, o magkakanya-kanya na lang. Kahit ang pananaw mo ay katulad ng sa sosyalistang kilusan, kung ang pagiging independent naman ang trip mo, eh t*ngina mo. Anong akala mo sa rebolusyon, flash mob? Magtitipontipon na lang bigla mga tao tapos magre-rebolusyon. Tanga. Sistematiko at organisado ang rebolusyon. At para maisagawa ‘yon, kinakailangan ng mga partido. Ang mga partido ang magoorganisa ng mga programa, gawain, at pagpupulong na makakatulong upang maging maayos at coordinated ang mga isasagawang

Kung hindi armado ang mga tao ng rebolusyonaryong teorya, hindi magaganap ang rebolusyonaryong kilusan. Huwag sanang magpalinlang ang mga mag-aaral sa mga “partdong” may genuine daw na adhikain para aa isang rebolusyunaryong pagbabago, nila. Malalim ang pinanggagalingan ng pagkaka-organisa ng mga partido, at hindi ito makakamit hangga’t ang mismong mga lider-estudyante ay lito sa tunay na motibo ng kanilang pagsasama-sama. Mainam din na tandaan na ang dahilan ng pagkabuo ng mga partido ay para pabagsakin ang isang represibong sistemang may pagkiling lang sa makapangyarihan. Mapagpanggap ang isang partidong lumalaban para sa status quo, at higit pang itinataas ang lohika ng mga pamahalaan at ng kapitalismo, sa pamamagitan ng paglalahok ng mga band-aid solutions sa mga problemang malalim na ang ugat ng pagkagawa.

Hooligan Is the New Black

A

ko si Macario Sakay. Ipinaglihi ako sa Martilyo at Karit. Kaya ngayon, pinupukpok ko ‘yung mga ulong ayaw mag-isip, makitid ang pag-iisip, mababaw ang pagsusuri, at hindi kayang manindigan. Dinudukot ko rin ‘yung mga mata ng mga taong nagbubulag-bulagan—‘yung mga apatetiko, manhid. Siyempre metaporiko lang ang mga ‘to, pero naniniwala ako sa paggamit ng dahas at sa rebolusyon.

Balita ko sa UPD nagsimula ang pagbrand sa mga aktibista bilang mga hooligans. Marahas, at hindi raw sibilisado ‘yung ginawa ng mga aktibista kamakailan lang. Dito naman sa UPM, kinasuhan ‘yung mga estudyanteng nagrally at nakasira pa ng [Cont. on 19] May 11, 2015


GALAWANG

hooligan


FEATURES

B

inuksan mo yung TV. Nakagat daw ng aso si Bimby, anak ni Kris Aquino. Naabutan mo ring iniinterview ni Vice Ganda yung tito niyang si Noynoy, kasagsagan ng pagtaas ng pamasahe sa LRT, MRT at tubig. Naaprubahan na din pala yung 2015 Budget, na punungpuno ng pork barrel. Napanood mo ring nagbabatuhan ng tae sina VP Binay, Sen. Trillanes at Sen. Cayetano--pagalingan daw sa pagiging ipokrito. Hiniling ni Korina Sanchez na mapunta ang bagyo sa Japan. Nakarma tuloy yung asawa kaya sumemplang sa motor. Ang sarap ibato ng remote, ‘no? We all have that hooligan spirit Ni

Hindi lingid sa karamihan ang naganap na insidente noon sa sa UP School of Economics nang manglunsad ang DBM ng forum hinggil sa Disbursement Acceleration Program. Sa paglalagom, naiwan ang nasabing insidente bilang isang isyu ng moralidad. Habang kapit kamay ang mga moralista sa pagkundena sa mga nasabing mga estudyante (kesyo na-violate daw ang human rights ni Sec. Abad, kesyo hindi daw ito ang democratic at academic freedom na itinuturo ng U.P, kesyo naoffend daw ang ilang mga propesor ng UP School of Economics for such unbecoming acts, heto si Secretary Abad, naiwang tumatawa dahil mas lumaki ang pork barrel para sa taong 2015. Isumbong natin kay Mareng Winnie? Isumbong nating lahat sa mga pinakamababango at pinakasibilisadong mga uri ng lipunang ito? Barbaro, animal, primitibo. Uneducated. Uncivilized. Kampon ni Satanas. Mga Kumonestang marurungis! Halos maligo na sa mga ganitong tag-uri hindi lang ang mga aktibistang sangkot sa nabanggit na insidente, kundi ito na halos ang pagtingin sa mga aktibista ng ating panahon. Nagkaroon at nalisensyahan ng pagkakataong magkaroon ng opinyon ang mga bihis, edukado, hardcore akademiko, moralista para tablahin ang mga hindi nila ka-uri. Pero there’s more to being a hooligan. Umamin ka na. Hooligan ka rin naman deep inside.

Kasamang JejoMar Roxas

1

Ang hooligan ay matapang at magiting na pinangangatawanan ang kanyang mga gawi. Hindi sumusuong sa isang bagay ang isang hooligan ng hindi nito alam ang kanyang ginagawa. Ang bawat mob, kilos-protesta at call-to-action ay nakasandig sa isang detalyadong plano para makamtan ang mas malawak na layunin. Sa madaling salita, organisado ang bawat aspeto ng kanyang kalakaran. Higit pa rito, pinaninidigan ng isang hooligan ang kasukalan at bawat implikasyon ng kanyang napagpasyahan. Hindi dahil masyado siyang maangas, at hindi rin dahil nagpapansin lang, kung hindi dahil nakasagka sa kanyang mga gawi ang kanyang pinaglalaban. Hindi ka naman siguro katulad nung isang tour guide na pilit na pilit ang pagiging aktibista na ang lakas punahin yung mga Kaliwa pero halos magmanikluhod sa Korte para mapawalang-bisa ang hatol sa kanyang paglabag sa Revised Penal Code for offending religious feelings. Ginulo mo na iyong separasyon ng Simbahan at ng Estado, dinamay mo pa ang Santo Papa.

3

2 Ang isang hooligan ay may malawak at malalim na basehan sa kanyang mga pinaniniwalaan at pinagpapasyahan. May pundasyon ang pagsigaw ng mga hooligan ng “ibagsak” dahil, contrary to popular belief alam niya kung ano dapat ang itayo. Alam niya ang karanasan ng kasaysayan at ang mga pagkukulang nito. Dahil dito, alam niya ang mga pinag-uugatan ng problema ng bansa, kasabay ang mga konkretong manipestasyon nito. At muli, contrary to popular belief, alam niya ang solusyon: Isang sistema kung saan ang ekonomiya ay tutugon sa pangangailangan ng lahat, na siyang lalangkapan ng pampulitikal na kapasyahan ng uring manggagawa. Isang sistemang ang tunguhin ay tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Isang sistemang pambansangdemokratiko na siyang puputol sa kasalukuyang sistema nating kolonyal at pyudal. Isang sistemang komrade mo lang si Kris Aquino at Daniel Padilla.

Alam ng hooligan ang katarantaduhan at ang mga leksyong itinuro ng kasaysayan. Isipin mo na lang kung gaano katindi ang moral ascendancy ng mga prayle noon. Idagdag mo pa diyan ang katotohanang nagkandaleche-leche ang bansa dahil sa pagkatuta at pagkagahaman ng iilang mga elitista noon, katulad nila Pedro Paterno, Manuel Roxas, Emilio Aguinaldo, etc. Anong pinagkapareho ng mga ‘to? Sila lang naman yung mga “sibilisadong” tumraydor at sumira ng kasaysayan natin. Siyempre hindi sila humawak ng armas. Tapos isipin mo ang Katipunan. Isipin mo si Andres Bonifacio, si Macario Sakay at iba pang mga rebol (saka na to). Dahil kung may tinuro man ang kasaysayan, ito ay ang katotohanang patuloy na magiging katalo ng naghaharing at mapansamantalang uri na siyang nagtatago sa lilim ng sibilidad, urbanidad at pangmayamang moralidad, ang bayolenteng rebolusyon ng mga naaapi. Kung kaya yang madaan lahat sa isang tea party, edi wow.

13 | The Manila Hooligan

May 11, 2015


FEATURES 4

5

Ang hooligan ay mapagkumbaba at maunawain. Hindi kailanman itinaas ng isang hooligan ang sarili niya sa iba. Bakit? Tangan niya lang naman kasi bilang inspirasyon, na siya niya na ring dala-dala sa bawat tahaking pagpapaunlad ng sarili, ay ang ibayong kadakilaan at kalinisan ng kalooban ng masang api. Sa madaling sabi, progresibo at maka-masa ang valuesystem ng isang hooligan. Kaya naman, kung gaano sila ka-hardcore sa pagiging kritiko ng sistema, mas higit pa pagdating na sa pagpuna mismo sa sarili niya.

6 Ang hooligan ay siyentipiko, rasyunal at lohikal mag-isip. Hindi produkto ng kapusukan ang bawat gawi ng isang hooligan. Bagkus, ang pulitikal na katayuan ng isang hooligan ay galing sa kaunawaan at paninindigang una ang kalikasan sa kamalayan.

7

Malawak ang kaunawaan ng hooligan sa moralidad.

isang

Ironically, iniwan ang aktibismo, isang radikal na gawi para baliktarin ang nakagisnang sistema, bilang isang diskurso ng moralidad. Activism is mere human impulse, as those high and mighty say, thus. Ngunit, saligang paniniwala ng isang hooligan na ang moralidad ay produkto rin lamang ng mga kontradiksyong nakapaloob sa sosyal at historikal na kondisyon ng lipunan. Ika nga ni Marx, “the human essence is no abstraction inherent in each single individual. In its reality it is the ensemble of the social relations”. Kung ikukumpara mas nausog ng pambabato ng papel at barya ang natutulog na moralidad ni Abad dahil tuwiran nitong hiniwalay ang huli sa masidhi nitong pagkubli sa sarili niyang imoralidad sa pamamagitan ng akademikal at mala-parlyamentong pagtalakay ng DAP. Kesa naman dun sa pilit na aktibismo nung ilang bumira sa mga nambato: nagpa-forum ka tungkol sa DAP masabi mo lang na interesado ka sa isyu, magtatanong ng napakahangal na “Is DAP really beneficial to the ecnomy?” (as if sasagot si Abad ng “No”), tapos walang habas na pagpupurihan ang katalinuhan ni Abad.

Hindi sasabihin ng isang hooligan na siya ay si Charlie Hebdo. Singdali na ng pagbibilang ang kaalaman ng isang hooligan sa class struggle--may nang-aapi at mang-aapi. Samakatuwid, ang isang hooligan ay nakakaunawa na ang pagkakaiba-iba ng kultura ay hindi nesesaryong implikasyon ng tuluyang pagkakahiwa-hiwalay nito sa isa’t isa. Bagkus ang pagkakaisa pa nga mga ito bilang isang united front ay ang isa sa mga pinakaimportanteng mekanismo para sa tuluyang pagkawaksi ng kasalukuyang mapang-aping sistema. Class struggle is not necessarily cultural struggle. Sa madaling salita, bagamat nirerespeto ng isang hooligan ang freedom of speech, mulat ito sa maaaring implikasyon ng pag-abuso nito, katulad ng pagsagka o pambabastos sa ibang kultura. Kaya, Muslim ka man o Hudyo, pare-pareho lang tayo ng sistemang ginagalawan-- at pare-pareho tayong kikilos para baguhin ito, nang hindi tinatapakan ang isa’t isa.

8

9

Ang hooligan ay ang klasikong romantiko. Sabi nga ni Gary Granada sa kanyang awiting Panata’t Pag-ibig, “Kakambal ng kasaysayan itong ating pagsinta.” Wala nang mas lulupit sa hugot ng isang hooligan--mula pa mismo sa kaugat-ugatan at batayang problema ng lipunan! Siya ay ang pintor, oratoriko at mananayaw ng masang api.

10

Ang hooligan ay masigasig sa pagpaparami.

Ang hooligan ay naniniwala rin naman sa “Tuwid na Daan.” Isang tuwid at makatuwirang daan nga lang.

Kaya patuloy kaming mambabato ng papel. Magsusunog ng upuan. Haharang sa kalye, walang pakundangang magbububulyaw at magsisisigaw. Patuloy naming paninindigang maging kaaway ng Estado. Sa mumunting paraan, paunti-unti, ay wawasakin natin ang mga kalaban. Dahil ang galawang hooligan ay ang mag-iwan ng bakas. Dahil tangan ng pagiging hooligan ang katotohanang hindi kinailangan, kailanman, ang magpasintabi sa pagsulong. ▼ May 11, 2015

The Manila Hooligan | 14


LIFESTYLE Lola Patola’s Guide to

#OOTD T-BACK FASHOOOWN 1. Place the dress and accessories for your #OOTD on Lola P. t-back edishun 2. Wear the same combination in all rallies that you attend in a year (because a hooligan is unwavering and does not compromise, kahit sa fashown!) 3. Take selfies with raised kamaos (to the left only, please) and groufies with fellow t-back friends 4. Post the photos on Facebook with long and aggressive captions calling for the President’s ouster and wait for trolls like Raul Alejandinosaur 5. Don’t forget to put #blessed #sunkissed #STP #streetwear on IG.

Statement tanks & shirts Kung hindi pa sapat ang pagiging vocal on your chants, say it with your clothes. Pro tip: a hooligan always being a spare shirt because they don’t want to look haggard or more likely because they will be braving watercannons. Ligo na you, says the fascist police!

Deconstructed bottoms To symphatize with the plight of the masses, hooligans wear butasbutas jeans and shorts. Or maybe because some person asks them “if you are anti-imperialist, why are you wearing levi’s?” Choose your poison.

Chucks and slippers A hooligan goes to rallies with shoes, unless he or she is super hardcore. If you wear slippers in a mob, most likely, your feet will look like the kanayunan.

15 | The Manila Hooligan

Chairman Mao Cap Unlike your ka-relasyon, this cap never goes out of style. Wearing it does not increase your hooligan cred, unless you make dekwat it from your kasama.

Bandana Ba-ba-ba-ba-bandana. Minions of the hooligan order wear it so that they can look fabulous (in the same league as your local albularyo) to protect their sunkissed skin.

Megaphone Very useful albeit only used occasionally because the voices of hooligans are loud enough to rival that of your drunk neighbor in a karaoke spree.

May 11, 2015


CULTURE

komprehensibong manwal sa pagiging hooligan sa maynila

A

lam naming sa loob-loob mo, gusto mong maging hooligan. Hindi naman nawawala yung temptasyon na maging badass ka man lang kahit minsan sa buhay mo eh. Mahirap nga namang maging hooligan kung wala ang mga rekado tulad ni Butch Abad, mga propesor at estudyante ng UPD School of Economics, at mga miyembro ng STAND UP. Pero, nagagawan ng paraan ‘yan. Dahil gusto namin hooligan ka pa rin sa loob at labas ng pamantasan, bibigyan ka namin ng mga maaari mong gawin sa iba’t ibang lugar para maturingan kang dakilang tulisan at pasaway. Hindi ka dapat nagpapakulong sa kung ano ang sinasabi sa ‘yo ng lipunan na tamang asal, sabi lang nila ‘yun kasi inggit sila. Lalong hindi ka dapat makulong sa mga gagawin mo kasi ‘di ka na hooligan noon, tanga ka na Ni Friedrich Engels Burger LRT / MRT / PNR Insulto talaga sa taumbayan ang mga train stations na walang CR. Tila sinasabi ng gobyerno at mga pribadong kompanya na kasama nila na hindi mahalaga ang palikuran sa mga tao. Kailangan na kailangan ito ng mga tao, lalo na kung ang tren ay nasisira palagi, mahaba ang pila, at mabagal dumating. Bilang hooligan at bilang pagpoprotesta, subukang dumura, umuwi, jumebs sa riles. Since gagawin mong CR ang riles, subukan mo na ring mag-toothbrush. Tandaan: Cleanliness is next to Godliness. Siyempre hindi mawawala sa mga tipikal na ginagawa ng mga hooligan ay ang umutot sa loob ng mga tren na ito. Pero bago maglabas ng sama ng loob, hintayin munang maraming taong nakasakay. Magtiyagaang magpigil hanggang mapuno ang tren, paraan din ito para hindi ka masisi ng madla. Pro-tip: Tumingin nang masama sa katabi pagkatapos umutot, lalo na kung ang utot mo ay silent but deadly. Siguradong ang mga tao ay aakalaing ang katabi mo ang umutot. Galingan sa pag-arte.

Shopping Malls Ang mga lugar na ito ang simbolo na ang lipunan natin ay nakukulong sa pera. Bukod pa roon, ang mga shopping malls ang simbolo ng marangya at dekadenteng pamumuhay (bukod sa golf courses). Bilang isang hooligan, ang trabaho mo ay pahirapan nang kaunti ang mga taong nasa loob nito. Maraming pwedeng gawing hooligan activities sa loob ng mall. Maganda sigurong unahin ang isang lugar na laging dadaanan ng mga tao — ang mga escalator. Patayin ang mga ito para matutong umakyat ang mga tao, nakatulong ka pa sa pagpapaganda ng kalusugan nila. Maganda rin itong patayin habang may mga nakasakay. Pro-tip: Maghanda ng escape plan.

Simbahan Kung isa kang hooligan na fashionista, nababagay sa ‘yo ang maghasik ng lagim sa simbahan. Habang may nagmimisa, pumasok ka sa simbahan na nakasuot ng pangkamatayan. Siguraduhin na ala-grim reaper para full effect. Kapag kaharap na ang pari at makakuha ng eucharist, maganda ring subukang humingi ng isa pa. Sabihin na lang na hooligan ka kaya’t kailangan mo pa ng isa. Maaari ring hatiin at bigyan ang pari — makasalanan din naman siya paminsan-minsan. Kung busog ka naman at ayaw magcommunion, sumigaw ka na lang ng “Child abusers!” o “God is dead!” sa simbahan. Optional ‘din kung naka-costume ala-Rizal at may dalang placard. Pro-tip: Magdala ng props na ginagamit sa iba’t ibang “maka-demonyong” bagay, tulad ng Ouija board, mga bungo, at mga pekeng laman-loob (bumili ng mga produktong may tatak ng ICC para hindi makabili ng mga props na may lead content). Magdala na rin ng extra t-shirt dahil baka paliguan ka ng holy water.

May 11, 2015

The Manila Hooligan | 16


CULTURE Fast food chains / Restaurants Subukang maghanap ng papatas. ‘Wag yung french fries, dapat yung legit na patatas na hindi pa nababalatan. Humiram ng kutsilyo sa loob ng kusina at magbalat sa table. Kung ikaw naman yung mabait na tipo ng hooligan, ikaw na lang ‘yung magbalat ng patatas at ibigay iyon sa kanila. Maganda ring subukang manghingi ng pagkain sa kabilang table, siguraduhing mayroong pagkain sa table mo bago gawin ito. Nagagawa nga ng mga taga-gobyerno na magnakaw habang mayroon na silang sapat, bakit ikaw hindi ‘di ba? Pag may umalma, magmura ng “Put******, ano ba naman ‘to?!” Siguraduhing ala-Mar Roxas ang gagawing pag-arte. Pro-tip: Ilibre mo barkada mo para hindi nakakahiya.

Coffee Shops Ito yung mga lugar na kahit anong pangalan mo, kahit gaano kasimple, namamali nila. (Isipin mo na lang kung sila rin ang nagsusulat ng mga birth certificate sa NSO ‘di ba?) Pero bukod sa maling dinig ng pangalan, mali ring tignan ng mga hooligan ito bilang sanktwaryo. Dapat ay lagyan pa rin ng pagiging masa ang bawat burgis-looking shops na ito — at nasa iyo, dakilang hooligan ng Manila, ang kapanyarihang gawin ito. Upang mabalanse ang pagiging burgis at pagiging makamasa ng lugar, bumili ng fishball at kikiam sa labas at dalhin ito sa loob ng coffee shop. Siguraduhing walang bahid ng kaartehan ang pagkain sa loob, kung kailangang kamayin at magdaldal ng malakas, gawin ito ng buong saya. Importante rin na habang ginagawa ito ay wala kang biniling produkto sa shop, talagang nandoon ka lang para may maupuan at magpalamig. Magdala ka ng sariling 3-in-1 na kape para di mauhaw. Pro-tip: Kung may karinderya sa tabi, dalhin ang pagkain sa coffee shop at doon kumain.

Theme Parks Magiging interesante ang pagdalaw mo sa mga ganitong lugar. Malapit na ang pasko at marapat lamang na mag-enjoy ka sa pagiging hooligan mo. Kapag niyaya ng pamilya at barkada, ilabas ang pagiging hooligan sa theme parks — siguradong magiging “best vacation evah” ito. Para maramdaman ng mga tao ang excitement mo, siguraduhing sumigaw at tumili na sa pila pa lang. Kumapit ng mahigpit sa harap mo at iparamdam sa kanya ang roller coaster; hilain mo siya pagilid, paatras at paharap. Pagkatapos gawin ang mga ito, takutin din ang mga kapwa mananakay. I-announce na ang sasakyan nila ay may mga sira at kalawang na kaya’t delikadong sakyan. Huwag mag-alala, hindi ka nila sasabihang killjoy, buti nga concerned ka pa sa kanila eh. Pro-tip: Huwag manood ng pelikulang Final Destination bago pumunta ng theme parks, baka hindi magawa ang misyon dahil sa takot.

Ang manwal na ito ay hindi pa kumpleto at hinihingi namin ang iba pa ninyong mga karanasan sa pagiging tulisan sa iba’t ibang lugar dito sa lungsod. Marapat lamang na ang bawat isa sa atin ay may maibahaging kaalaman sa pagiging hooligan. Ang pagiging hooligan sa iba’t ibang lugar ay simbolo lamang ng walang kapaguran nating paggalaw upang mairita ang mga konserbatibo, ang gobyerno, at ang mga taong huhusgahan lang din tayo dahil sa ipinaglalaban natin. Panindigan natin ang pagiging tulisan sa iba’t ibang lugar, gamit ang iba’t ibang paraan! Hindi dapat tayo tayo nagpapakulong sa pambabato ng barya sa kurakot na opisyal ng gobyerno! Dapat mas maging bayolente at kairita-rita pa ang ating mga gawain, sumulong tungo sa tunay na kalayaan. Walang basagan ng trip! Mabuhay ang mga hooligan! ▼ 17 | The Manila Hooligan

May 11, 2015


OPINION 우리는 반격을 할 것인가 *

W

ould you rather be a puppet blindly following a government who is blatantly oppressing its people? Or, would you rather fight for what is right and just, regardless of the consequences, and be called a hooligan? A few months ago, news that a group of students from the University of the Philippines Diliman conducted a lightning rally against Budget Secretary Butch Abad spread like wildfire. They were labelled as ‘hooligans’ and condemned not just by Butch Abad himself — but also the President of the Philippines and various professors from the UP Diliman School of Economics. It was incredulous that such act was sensationalized rather than analyzed. It was justified — though there are other people who believed otherwise. What really bothers me is these socalled “unruly and violent” protesters are deemed more worthy of condemnation compared to our government who has done nothing but aggravate the ills of society and lie to its people. It was like this is a much bigger issue than the rampant poverty and corruption in our society, the continuous insistence of the government

By AHN AE-RYUNG that DAP, even if it is unconstitutional, will fast-track economic growth, or even the slow provision of relief to those who are living in Yolanda-stricken areas. Should Butch Abad, who was the key to government officials being able to illegally sequester funds from Filipinos, be treated with ‘respect’? Should we let him walk free right after stealing billions of pesos from government coffers. Pray tell, why do people prefer to speak against those who are exercising their constitutionally granted right than condemn the injustices happening in our society? I believe that, contrary to what others think, Filipinos are aware of what is happening in our society. Awareness, however, cannot be equated to action – and, that is something a lot of people are guilty of even in UP. For example, in UP, we were taught to strive for honor and excellence. But, where is honor in excellence if the price for such an accomplishment is the lives of the toiling masses? That is why it is ironic that those who are brave enough, to take a stand for the common tao, are branded as unbecoming and enemies of the

mukhang hooligan

D

ear pre,

Pakshit talagang buhay ‘to, oo. Kanina kinausap ko ‘yung crush kong groupmate sa GE para magtanong sa report. Normal na boses at normal na mukha lang naman gamit ko pero kulang na lang manginig sa sya takot e. Nakakatakot ba talaga mukha ko? Ewan ko ba p’re, feeling ko napakajudgmental ng mga tao. Napakabilis nilang i-judge na hooligan ang isang tao base lang sa itsura. Kunwari na lang pag sumasakay ako ng bus. Madalas ayaw maniwala ng konduktor na estudyante pa ako. Pag inabot ko naman ‘yung ID, tatanungin pa, “Ikaw ba talaga ‘to??” o “Taga-UP ka?” Parang nakaka-gago lang e. ‘Di ko talaga alam p’re. Ano ba talaga sa’kin ang nakakatakot? Feeling ko may itsura naman ako. Oo, medyo laging puyat, mukhang ‘di naliligo at laging nakapambahay pero p’re, marami pa namang ibang mas pangit d’yan diba? Saka sabi din kasi sakin ni ermats na pogi daw ako, e medyo trusted source ‘yun kasi relihiyoso yun at hindi talaga yun sanay magsinungaling.

May 11, 2015

Iniisip ko din, parte kaya ng katawan ‘pre? Ngayon nga nakatingin ako sa salamin at tinitingnan ko kung may specific part bang mali. Hindi naman siguro mata, medyo salubong ‘yung akin at medyo mapula pero okay naman ata. Hindi rin naman siguro kilay kasi normal lang sa mga lalake yung makapal na kilay. Sure din ako na hindi naman bibig kase nag-google ako ng picture ni Piolo Pascual ngayon ngayon lang at confirmed na magkamukha kami ng bibig. Siguro pala bigote, hano? Randam ko hindi trip ng ibang tao ‘yung bigote ko. Medyo makapal kasi at ayaw ko naman ahitin dahil nagmumukha akong kidz. Feeling ko ‘di lang nila alam ang perks ng Mr. Suave get up. Sabi nga ng Parokya ni Edgar “ang smooth smooth na kiliti.” Alam mo na yan p’re. Saka nasabi na din pala sa’kin ng iba nating tropa na dalasan ko yung pagngiti, kahit sa picture kasi ayaw ko ngumingiti ‘di ba. ‘Di niyo lang alam, ayaw kong ngumiti kasi medyo na-trauma ako nung kabataan ko. ‘Yung badtrip ko kasing kaklase nung elementary, lagi akong sinasabihan na mukha daw akong “manyak na may masamang balak” ‘pag

University — while those who continue to defy our constitution and the laws of logic are humanized. The Iskolar ng Bayan is not irrational because we know who and what we are fighting for. As, we’ve been fighting a battle that started decades before we were even born, we owe it to these people who strived for the country’s true independence to act. And while some of our fellow Iskolar ng Bayan seemed to have forgotten their own duties to the people, we will never stop fighting. The guise of civility that the government kept on using to hide its true intentions will never fool us. We will continue to stand by our resolve. Ultimately, the Iskolar ng Bayan, through collective action, will show that the taxpayer’s hard-earned money is not wasted on students who will only grow up to be the nation’s next oppressors. We will show the people that there is hope — and, that we will always fight back despite the odds for the good of the people. ▼ *우리는 반격을 할 것인가 means We Will Hit Back

By Ji Sun Flowers ngumingiti. Simula nu’n, nako-concious na ko ‘pag ngumingiti kaya poker face na lang lagi kong ginagamit. Ayun, going back, medyo sanay naman na ako na kinakatakutan. Ilang beses na rin kasing nangyari kaya madalas hindi ko na lang pinapansin — sa LRT, sa bus, sa pila ng enrollment, sa Rob. May mga times lang talaga na nakaka-hurt na. Tulad na lang nung isang beses na napagkamalan akong holdaper. Mga 2 AM ata ng gabi ‘yun, nagutom kasi ako kaya bibili sana ako sa McDo sa may Orosa. Wala masyadong tao nu’n, dalawa lang ata kami nu’ng isang ate. Magkasalubong kaming naglalakad sa sidewalk, papunta ata sya sa Faura tapos pa-Orosa ako. Actually, hindi ko siya masyadong napansin pero nung malapit na kami magkasalubong, napakapa ako bigla sa bulsa. Tama nga hinala ko, naiwan ko yung wallet ko sa dorm. Saktong nasa likod lang niya ako nu’ng naisipan kong bumalik pa-Faura. Nagulat na lang ako nung bigla na lang nagtatakbo si ate. Mga ilang segundo pa bago ko na-realize ‘yung nangyari. Napagkamalan pala akong holdaper! Pakshit talagang buhay ‘to. ▼ The Manila Hooligan | 18


FREESTYLE Hooligans Kami Noon... [Cont. from 11] pinto. Ang sabi, dapat daw eh maging “intellectual,” at “academic,” dahil ‘yun daw ang tatak UP. ACADEMIC. MY. ASS.

Hindi ito usapin ng moralidad— kung tama o mali ba ang paggamit ng dahas. At sa halip, ang dapat na tignan, para kanino nga ba ang ginagawa ng mga aktibista? Hindi ba’t ang kanilang ginagawa ay para rin naman sa kapakanan ng mga estudyante—sa nakararami?

UPM VENUE RENTAL RATES

Wala pa rin talagang halos ipinagbago ang lipunan, kung sino pa ‘yung mga lumalaban sa anumang klase ng mapaniil na sistema, sila pa ‘yung kinamumuhian at hindi katanggap-tanggap sa lipunan.

Naaalala ko noon, ang tawag sa’min ay mga tulisan, bandolero, o bandido. Ngayon, ang tawag naman eh mga hooligans. Nakakatuwa dahil nagawa niyong bigyan ng positibo at rebolusyonaryong pakahulugan ang hooligan. Tayong mga hooligans—ang lahat ng lumalaban para sa mga karapatan at kapakanan ng nakararami, at kayang iwanan ang sariling interes upang pagsilbihan ang interes ng masa, ay hindi kailanman malalaos! Hangga’t merong sistemang yinuyurakan ang mga karapatan ng mamamayan, gagawa at gagawa ang lipunan ng mga hooligans na siyang magpapalaya sa lipunan mula sa mga mapaniil na puwersa.

Mahabang panahon man ang lumipas, pinatutunayan ng mga makasaysayang hooligan ng mundo na iba pa rin ang ‘sipa’ ng kanilang mga rebolusyonaryong teorya. Iba’tiba man ang pinaghuhugutan at kasaysayan, hinihimok nila ang lahat ng hooligans na bumuo ng kontrakasaysayan at tumahi ng bagong rebolusyong lalapat sa pang-aaping nararanasan ng lahat.

Dahil kahit ilang beses pa silang mabuhay, at magpamahagi ng bagong kaisipan, alam nilang mawawalan ito ng saysay hanggang walang pagkakaisa sa hanay ng pinakamalakas ng pwersa sa lipunan -- ang pagkakaisa ng lahat ng hooligans sa lahat ng sulok ng mundo. ▼

(1) Paz Mendoza Parking Lot bayad: kaluluwa mo

(6) CAS Little Theater bayad: 15 confessions sa UPM Files

(2) Padre Faura (Pagpapasara) Bayad: kaluluwa mo + 5%

(7) CAS Quadrangle bayad: P1,500 per nanosecond

(3) PGH Science Hall (8) CAS Parking Lot bayad: P31,000 + kahihiyan for life bayad: buong pork barrel ni Aquino (4) PGH Social Hall bayad: Huwag dito, sosyal lang (9) OUR Parking Lot may afford nito bayad: Ano’ng bayad? Huwag kayo diyan, baka mabasag niyo ‘yung (5) CAS Lobby salamin ng mga sasakyan. Bayad: panganay mong anak

19 | The Manila Hooligan

(10) PGH Parking Lot bayad: bracket A tuition fee for four years (11) CP Auditorium bayad: love life mo

May 11, 2015


NOW ON ITS 5TH YEAR! #HAVEMERCY


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.