The Manila Collegian Volume 27 Issue 6

Page 1

tHE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF THE uNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MANILA VOLUME 27 NUMBER 6 MONDAY | 30 SEPTEMBER 2013

MOrE INSIDE Sr holds 2013 uP Manila Student Summit NEWS02 Agaw-buhay FEATURES06 ligaw republic CULTURE08 Pagsalaula EDITORIAL10 Saving Grace OPINION11


02 NEWS

Volume 27 Number 6 30 September 2013 | Monday

SR holds 2013 UP Manila Student Summit

Issues on Budget Cut, Pork Barrel, discussed EuniCE BiÑAS hEChAnoVA

aiming to raise the awareness of the student body on the issues that are concerning the university, the office of the Student regent (oSr) conducted the University of the Philippines (UP) Manila Student Summit in the College of Pharmacy auditorium on September 12. In the Memorandum No. 2013-008 released by the OSR, the forum aims “to gather the pressing concerns of the constituency and to formulate a unified and collective response on different issues.” Student Regent (SR) Krista Melgarejo highlighted the looming P 1.43 B budget cut and the pork barrel scam as UP’s main concerns. Budget misalloCation In the student summit, SR Melgarejo reviewed the UP budget, stating that the budget for UP, its constituent universities (CUs), and the Philippine General Hospital (PGH), was reduced to P 8.098 B for 2014 from the P 9.529 budget for 2013. The decrease, which amounted to P 1.43 B, is the highest budget cut in the history of the university. According to Melgarejo, Department of Budget and Management (DBM) Sec. Florencio Abad cited the Roadmap for Public Higher Educational Reform as the reason 22 SUCs, including UP, will shoulder half of their expenses. The budget cut in UP is said to lower maintenance and retain operations and services by 2016.

In addition, Melgarejo criticized the composition of the national budget and the prioritization of the government. Melgarejo pointed out that 14.3% the national budget, or P 1.06 T, was allocated to debt servicing while only 4.3% was apportioned to education. Furthermore, she stated the government’s plan to borrow extensively from the Asia Development Bank (ADB) and World Bank, as well as the 21 Public Private Partnership programs lined up for transportation and infrastructure development, are pieces of evidence which support the administration’s thrust of privatizing public goods and services. Melgarejo contrasted these development plans with the declining funds and government assistance in state hospitals and PhilHealth. She also cited that the administration allotted funds for the demolition of informal settlers and the strengthening of the military. Possibility oF Corruption Meanwhile, Melgarejo affirmed that DBM failed to detail and justify the unrecorded excesses in the national budget. She indicated that the Priority Development Assistance Fund (PDAF) and the current Bottom-up Budgeting scheme provide loopholes in government expenditures.

Continued on Page 09

Biglaang Pagtatapos sa Kontrata, Tinutulan ng 168 Security Agency

ASSERTING CHANGE. uPM uSC Chair Mariz Zubiri with Sr Krista Melgarejo calls for action as they both discuss the impact of the P 1.43 billion budget cut on uP’s 2014 budget during the uP Manila Student Summit held last September 12, 2013. PHOtO BY JENNY MARY CAMAMA DAGUN

Mga opisyal na sangkot sa katiwalian, kinasuhan

Mandatory injunction, inihain laban sa UPM Serye ng kilos-protesta, isinagawa Admin laban sa PDAF kriShnA JEAnnE PAdrE Godino At CArlo rEy rESurrECCion MArtinEz

dahil sa kagyat na pagsuspinde ng kanilang kontrata, isang mandatory injunction at P7.5 milyon na damage suit ang inihain ng 168 Security and allied Services inc., dating opisyal na security agency ng unibersidad, laban sa pamunuan ng University of the Philippines Manila (UPM) sa Manila regional trial Court noong agosto 30. Ayon kay Ramil Esparago, Operations Manager ng 168 Security Agency, labag sa napagkasunduan ang ginawang pagputol sa kanilang kontrata noong Hulyo 31 sa halip na Disyembre 2013. Hinahangad ngayon ng ahensya na makuha ang P12.7 milyon na halaga ng utang ng pamantasan at ang pagpapaliban sa pagpuputol ng kontrata. Pagtutol sa Pagbali ng Kontrata Sa panayam ng The Manila Collegian kay Catherine M. Austria, Marketing Head ng 168 Security and Allied Sercices, Inc., ipinahayag niya na anim na buwan lamang ang itinagal ng kanilang kontrata sa unibersidad. Ito ay sa kabila ng muling pagpapatibay ng kasunduan nila sa unibersidad sa loob ng isa pang taon matapos na bigyan sila ng pamunuan ng UPM ng very satisfactory na marka para sa kanilang serbisyo.

Bukod pa rito, naniniwala si Austria na hindi sinunod ng administrasyon ang tamang proseso ng bidding para sa panibagong security agency.

Ayon kay Austria, binigyan ng administrasyon ang kanilang ahensya ng hanggang Hulyo 31 upang lumahok sa earlier bidding. Nagpadala sila ng liham, na nagpahayag na nais nilang makilahok sa nasabing bidding, sa opisina ni Bise Tsanselor Dr. Joselito Jamir noong 2:40 n.h. ng Hulyo 31. Sa kabila nito, nakatanggap sila ng liham mula sa opisina ni Tsanselor Dr. Manuel Agulto ng 3:46 n.h. ng parehong araw. Nakasaad sa liham ni Agulto na hindi na maisasama ang kanilang ahensya dahil hindi na umano sila nagpakita ng interes. Samantala, iginiit ni Jayme Ang, presidente ng 168 Security Agency, na nagpadala umano si Tsanselor Agulto ng liham kay Mr. Carmelo T. Ayuson ng Commander Security Services Inc. noong parehong araw, kung saan nakasaad umano na maaari nang magsimula ang Commander Security Services sa pagsisilbi sa UPM at PGH. Pagbabayad sa Utang Samantala, ayon sa tala ng 168 Security Agency noong Agosto 24, umabot na sa

Continued on Page 09

ElizABEth dAniEllE quiÑonES fodullA

Pormal nang sinampahan ng plunder, malversation of funds, bribery, at graft and corruption ang 38 mambabatas at opisyal ng pamahalaan na sinasabing kasabwat ni Janet napoles, ang diumano’y utak ng P 10 B na anomalya sa Priority development assistance Fund (PdaF). kaugnay nito, nagkaroon ng serye ng mga protesta ang mga mamamayan at ilang militanteng grupo upang ipanawagan ang tuluyang pagbuwag sa naturang pondo. Nalantad na KatiWalian Ipinasa ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) sa Office of the Ombudsman ang mga nakalap na ebidensya laban sa tatlong senador, limang dating kongresista, at iba pang opisyal ng pamahalaan. Kabilang sa mga nasampahan ng kasong plunder ay sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Kasama din sa nakasuhan sina dating Masbate Representative at ngayo’y Masbate Governor Rizalina Seachon-Lanete at dating APEC Party-list Rep. Edgar Valdez. Ayon sa NBI, tinatayang nasa P 745.63M ang nakamkam na salapi ng mga naturang

mambabatas mula sa kanilang PDAF dahil na rin sa tagal ng kanilang ugnayan kay Napoles. Samantala, kinasuhan naman ng malversation, panunuhol at iba pang gawain ng katiwalian sina dating Agusan del Sur Rep. Rodolfo Plaza, dating Benguet Rep. Samuel Dangwa at dating Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula. Ilan pa sa mga sinampahan ng kaso ay ang mga tauhan ng mga mambabatas, mga opisyal ng mga nongovernmental organizations (NGO) at mga namumuno sa mga government-owned and controlled corporations (GOCCs). PagbuWag sa Pork Barrel Kasabay ng pag-usad ng imbestigasyon sa pork barrel scam, patuloy ang panawagan ng mga mamamayan upang tuluyan nang ibasura ang pork barrel ng mga mambabatas at ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III. Pinangunahan naman ng Abolish Pork Barrel Movement at Youth Act Now ang Forward March, isang malawakang pagkilos

Continued on Page 04


NEWS 03

Volume 27 Number 6 Monday | 30 September 2013

Pagpapatayo sa UP Mindanao Library, Naantala Mga residente, nagbarikada para sa kanilang karapatan sa lupa Adolf Enrique Santos Gonzales

B

inarikadahan ng 300 katao ang lansangang Bagobo-Maguindanao noong Agosto 6 upang pigilan ang pagpasok ng mga materyales na siyang gagamitin sa pagpapatayo ng bagong UP Mindanao Library. Bunga nito. pansamantalang natigil ang unang araw ng konstruksyon sa naturang proyekto. Ipinaglalaban ng mga residente ang kanilang karapatan sa lupa na siyang pagtatayuan ng naturang proyekto.

Sanhi ng Pagbabarikada Nag-ugat ang nasabing pagbabarikada sa hindi pagkakaintindihan ng pamunuan ng UP Mindanao at ng pamilya Delos Santos, isa sa mga residente, hinggil sa pagmamayari ng lupa na pagtatayuan ng bagong silidaklatan. Ayon sa mga tala, taong 1995 nang mapunta sa UP Mindanao ang pagmamay-ari ng lupa. Bago pa man mapunta ang pagaari sa UP Mindanao, napag-alaman na halos limang dekada nang binunbungkal ng pamilya Delos Santos at mga taga-suporta nito ang lupang ipinaglalaban nila. Sa pahayag ni UP Mindanao Chancellor Sylvia Concepcion, mula pa noong Oktubre 2012 ay nakipag-ugnayan na sila sa mga magsasaka upang magamit ang naturang lupa. Sa mga panahong iyon, wala pang gumagamit sa naturang lupa. Disyembre 2012 nang namataan ang mga tanim na puno ng saging sa naturang lupa. Nauna nang pumayag ang mga Delos Santos noong Agosto 4, 2013 ngunit nagbago ito ng desisyon isang araw bago simulan ang pagpapatayo ng silid-aklatan. Una nang inaprubahan noong Abril 11, 2013 ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang pagpapagawa sa bagong UP Mindanao Library. Tinatayang nasa P30M ang badyet para sa nasabing proyekto kung saan P20M ay mula sa Commission on Higher Education habang P10M ay mula sa sariling pondo ng UP.

Mababang Bayad-Pinsala Upang masimulan agad ang nasabing proyekto, itinaas ng pamunuan ng UP Mindanao sa P 50,000 mula sa P 6,800 ang bayad-pinsala na ibibigay sa mga residente ng nasabing lupain. Bilang konsiderasyon, iniusog din ng UP Mindanao ang lugar na pagtatayuan ng silid-aklatan upang walang matamaan na ibang imprastraktura. Sa kabila ng alok ng UP Mindanao, tumanggi ang mga Delos Santos at bagkus ay humiling na itaas ang bayad-pinsala sa P 1M. Matapos

ang

mga

negosasyon

sa

kumpensasyon, nagpahayag ang mga kinatawan ng mga Delos Santos sa Himati, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng UP Mindanao, na sang-ayon ang mga Delos Santos sa pagpapagawa ng bagong Silid Aklatan. Bilang kapalit, humihiling ang mga Delos Santos ng relokasyon dahil ang lupang pagtatayuan ay pinangagalingan ng kanilang pang araw-araw na kita. Gayonpaman, iginiit ni UP Mindanao Vice Chancellor for Administration Antonio Obsioma na sa kabila ng ibinigay na kabayaran sa mga residente, ang UP Mindanao ang tunay na may-ari ng lupa base sa Tax Mapping Memorandum at titulo mula sa lokal na pamahalaan ng Davao. Samantala, ayon kay Allan Logonio, pinuno ng samahan ng mga magsasaka ng Sitio 117 Bago Oshiro, hindi naging makatao ang pakikitungo ng pamunuan ng UP Mindanao sa mga residente. Dahil sa nasabing proyekto ay naapektuhan diumano ang kabuhayan ng mga tao ng nasabing barangay. Kaugnay nito, iginiit din niya na walang karapatan ang UP Mindanao dahil hindi pa tapos ang negosasyon nito sa pamilya Delos Santos at sa mga residente.

Pagbibigay ng Palugit Matapos ang walong oras na pagbabarikada, napagkasunduan ng dalawang panig na pansamantalang ititigil ng UP Mindanao ang pagpapatayo ng silid-aklatan. Nangako naman ang mga Delos Santos na kukuha sila ng temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatayo at maglalabas sila ng pinal na desisyon bago ang Agosto 16. Matapos ang palugit, walang TRO na naiprisinta ang mga Delos Santos at nagpatuloy ang pagpapatayo sa Silid Aklatan ngunit ipinatigil din ito matapos ang ilang araw. Nakatakdang ituloy muli ang konstruksyon sa Setyembre 14. Sa kabila nito, iginiit ni UP Mindanao Chancellor Concepcion na ipagpapatuloy nila ang pagpapatayo ng silid-aklatan sa madaling panahon. Dagdag pa niya, anim na buwan nang huli ang proyekto at kailangan na itong maitayo bago matapos ang kasalukuyang taon. Ayon sa mga kinatawan ng pamilya Delos Santos, Nananatiling bukas pa din daw para sa negosasyon sa naturang pamilya. “Para sa amin, hindi naman siguro ‘yan relationship ng oppressor at oppressed. Hindi ganun ang UP. Gusto natin ng harmonious relationship with them,” ani UP Mindanao Land Management Officer Joel Sagadal. Inihayag din niya na hindi nang-aapi ang UP Mindanao at sumusunod lamang ito sa nakasaad na bata.

Erratum

In a news article entitled “UPM Stages Black Friday Protest” published in The Manila Collegian’s third issue last July 27, 2013, it was stated that the University Student Council (USC) supported the Black Friday protest. Yet, the USC denied its participation in the said event. We apologize for this oversight. -Eds.

MNLF, Militar, nagsagupaan sa Zamboanga City Christine Joy Frondozo Angat

inalakay ng mahigit 300 S miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang ilang

barangay sa Zamboanga City noong Setyembre 9 matapos na dakpin ng militar ang ilang miyembro ng MNLF at tanggihan ng lokal na pamahalaan ang pagtataas ng bandila ng MNLF sa bulwagang panglungsod. Kabilang sa mga lugar na sinugod ng MNLF ay ang mga barangay ng Kasanyangan, Sta. Catalina, Mariki, Rio Hondo, Sta. Barbara, at Talon-talon. Tinataya namang umabot sa anim ang patay, 24 ang sugatan, 20 ang na-hostage at 200 sibilyan ang nastranded sa nasabing pagsalakay. Kaugnay nito, sinuspinde ang lahat ng mga klase at negosyo sa nasabing lungsod. Idineklara na rin ang Zamboanga City bilang “no fly zone” habang pinaigting ang seguridad sa mga daungan. Inilikas naman ang mga apektadong residente hanggang hindi pa nareresolba ang naturang krisis.

Deklarasyon ng Pagsasarili Ayon sa mga ulat, nagsimula ang kaguluhan ng 4:30 n.u. ng Setyembre 9 nang harangin ng isang navy patrol boat ang isang malaking motorboat at walong maliliit na bangka na naglalaman ng mga armas. Nagpatuloy ang palitan ng putok sa pagitan ng MNLF at mga sundalo nang sikapin ng huli na mapalaya ang mga naging hostage ng MNLF. Samantala, sa pahayag ni Rolando Olamit, pinuno ng MNLF Davao, isang mapayapang demonstrasyon para sa pagsasarili ng Bangsamoro ang tunay na pakay ng grupo. Napilitan lamang umano ang MNLF na depensahan ang kanilang sarili mula sa pag-atake ng mga sundalo. Ayon din kay Atty. Emmanuel Fontanilla, ang nasabing sagupaan ay tugon sa biglaang pag-aresto sa limang miyembro ng MNLF nang walang koordinasyon sa peace-keeping committee. Binanggit din niya ang pagtanggi ng lokal na pamahalaan na itaas ang bandila ng MNLF sa bulwagang panglungsod. Ang pagtataas ng bandila ay tanda umano na ang Zamboanga City ay bahagi ng itinatatag na Bangsamoro Republik ng MNLF. Sa kabilang banda, sa isang hiwalay na pahayag, binanggit ni Nur Misuari, pinuno ng MNLF, na wala umano niyang basbas ang mga naganap sa hostage-taking. Tuluyan na rin niyang ng itiniwalag sa samahan si Ustadz Habier Malik, ang itinuturong utak sa mga naganap na pagsalakay. Gayonpaman, iginiit ni Police Chief Superintendent Juanito Vano Jr., Region IX police director, at ng lokal na pamahalaan, na walang karapatan ang MNLF na pasukin at angkinin ang lugar sapagkat hindi ito kabilang sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). Sa kabila nito, nanindigan si Fontanilla na ang kinakatawan ng MNLF ay hindi lamang ang ARMM kung hindi ang buong Mindanao. Hangarin ng kanilang grupo na mapag-isa at mapalakas ang lahat ng mga Moro tungo sa isang panibagong republika.

Nauna nang nagdeklara ng pagsasarili si Nur Misuari, pinuno ng MNLF, para sa mga lalawigan ng Palawan, Zamboanga Peninsula, Sulu, Basilan, at Tawi-Tawi, pati na rin ang Sabah na nasa ilalim ng pamamahala ng bansang Malaysia.

Usaping Pangkapayapaan Samantala, agad namang kinondena ng Malakanyang ang naganap na karahasan sa Zamboanga City. Sa ipinalabas na pahayag ni Sec. Edwin Lacierda sa Official Gazette, sinabi na malaking isyu ang naganap na insidente at agad na itong inaaksyunan ng pamahalaan. “The ongoing attack of armed individuals in Zamboanga City, including initial reports of the possible use of civilians as human shields, is a cause for great concern. The authorities are responding to the situation in a manner that will reduce the risk to innocent civilians and restore peace and order to Zamboanga City at the soonest possible time,” nakasaad sa pahayag. Sa kabila ng nangyaring sagupaan, sinabi ng pamahalaan na hindi maaapektuhan ng nangyari ang nakabinbin na peace talks kasama ang Moro Islamic Liberation Front (MILF). Magpapatuloy pa rin ang nakatakdang negosasyon ngayong buwan. Gayonpaman, pinuna ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kabiguan ng gobyerno na magsagawa ng sabay na negosasyon kasama ang MILF at MNLF. Iminungkahi din ni Bayan Muna representative Atty. Carlos Zarate na balikan ng pamahalaan ang mga naging pagkukulang nito sa pakikipag-ayos sa MNLF upang malaman ang ugat ng kaguluhan. “The peace policy of President Aquino should not be divisive and exclusive. It should not leave out a legitimate group just to appease another group. This is no way of talking peace in Mindanao,” pahayag ni Zarate. Nauna nang idineklara ng MNLF na walang bisa ang kanilang 1996 Final Peace Agreement (FPA) kasama ang pamahalaan nang pirmahan ng huli ang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) kasama ang MILF. Sa kasalukuyan, hinahangad ni Misuari na mabuksan muli ang usapin sa FPA sa ilalim ng patnubay ng United Nations.

Pangangailangan ng mga Inilikas Samantala, ayon sa tala ng Department of Social Welfare and Employment (DSWD), umabot na sa mahigit 17,000 katao ang inilikas mula sa kanilang mga kabahayan dahil sa nagaganap na sagupaan. Nagkaroon na ng kakapusan sa mga suplay ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang pangangailangan sa mga evacuation centers. Nauna nang nag-abot ng mga donasyon at tulong pinansyal ang United States AID (USAID) at United Nations. Nagkaroon din ng mga panawagan para magkaroon ng mapayapang kasunduan at tuluyan ng wakasan ang karahasan.


04 NEWS

Volume 27 Number 6 30 September 2013 | Monday

Luzon, sinalanta ng Bagyong Maring at Habagat UPM, nagsagawa ng relief operations GAylE CAliAnGA rEynA

M

ahigit  ang Patay, aPat ang nawawala, at 2.4 milyong tao ang apektado matapos na humagupit ang Bagyong “Maring” at ang habagat sa Metro Manila at ilan pang probinsya sa Luzon bago tuluyang lumabas ng bansa noong agosto 21. Kahit na hindi tumama sa lupa, pinatindi ni Maring (international name Trami) ang southwest monsoon o Hanging Habagat na siyang nanalanta at nagdala ng mabibigat na pag-ulan at pagbaha mula Agosto 17 hanggang 22. Base sa pinakahuling tala ng PAGASA, umabot sa 1120.2 millimeters ang naging kabuoang buhos ng ulan ng stormenhanced monsoon sa loob ng limang araw, na diumano ay higit sa doble ng karaniwang dami ng ulan para sa buong buwan ng Agosto.

Pinsalang iniWan Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 1,802 barangay sa 138 munisipalidad at 35 siyudad sa Rehiyon I, III, IV-A, IV-B, National Capital Region (NCR), at Cordillera Administrative Region (CAR) ang naapektuhan ng Habagat. Idineklara ring nasa state of calamity ang Marikina, Pasay, Parañaque, Muntinlupa, Pateros, at ilang lugar sa Bataan, Cavite, Laguna, Rizal, Ilocos Sur, Pampanga, Pangasinan, Bulacan, at Occidental Mindoro. Sa inisyal na tala ng NDRRMC, umabot sa halos PhP 97.3 milyon ang naging kabuuang pinsala sa agrikultura at mga imprastraktura. Mahigit 88 major roads and highways rin ang naiulat na hindi madaanan dahil sa baha at nasa 162 flights (59 international at 103 domestic) naman ang nakansela dahil sa sama ng panahon.

Samantala, isinagawa ng Babae Laban sa Katiwalian (Babala) kasama ang mga kababaihan mula sa iba’t – ibang paaralan at unibersidad, mga organisasyon at mga komunidad ang isang Women Chain na nananawagang ibasura ang higit 1T peso na pork barrel ni Aquino. Naglunsad din ang iba’t-ibang organisasyon ng mga kabataan, sa pangunguna ng Youth ACT Now, ng Porkless Fridays at mga noise barrage na dinaluhan ng mga kabataan mula sa iba’t-ibang paaralan, unibersidad at komunidad. “It is high time for the youth to stand up against the state abandonment of education and other basic social services,” ani Mariz Zubiri, convenor ng UPM Kilos Na, isang malawak na alyansa ng mga manggagawa, administrador at mga estudyante laban sa korapsyon at pagkaltas ng badyet

ANG MASASABI MO SA P10 BILYONG 1aNO PdaF SCAM KUNG SAAN NASASANGKOT ANG 192 MAMBABATAS?

Maliban sa malawakang pagbaha sa ilang parte ng Luzon, nag-ulat rin ang NDRRMC ng isang vehicular accident, isang mudslide, limang pagkalunod, limang pagguho ng gusali, anim na landslide, at isang kaso ng pagkakulong ng 31 katao sa Sumaguing Cave, Mountain Province noong kasagsagan ng bagyo.

PagsasagaWa ng RelieF Operations Agad naman na nagkaroon ng relief operations ang iba’t ibang local government units (LGUs), ahensya ng gobyerno, nongovernment organizations (NGOs), at ilang pribadong institusyon para sa mga nasalanta ng Habagat. Humigit-kumulang 6,400 tauhan mula sa kapulisan at sandatahang lakas ang namahala sa search and rescue operations sa mga lugar na nalubog sa baha. Dagdag pa rito, naglabas ang Deperatment of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), at ilang LGU at NGO ng kabuuang P42.3 milyon na halaga ng tulong sa mga apektadong rehiyon. Sa kabilang banda, nagsagawa naman ng iba’t ibang relief operations ang mga student organizations ng University of the Philippines Manila (UPM) kung saan ang mga mag-aaral ay hinikayat mag-abot ng mga donasyon gaya ng mga canned goods, bottled water, toiletries, gamot, instant noodles, at damit. Inilunsad ng University Student Council (USC) Health and Service Committee at League of College Student Councils (LCSC) ang “ADRES: Anticipated Relief Efforts” habang pinangunahan naman ng College of Arts Student Council (CASSC) at Alternative Students’ Alliance for Progress (ASAP-Katipunan), sa pakikiisa sa Kabataan Party-list at National Union of Students of the Philippines (NUSP), ang Tulong Kabataan.

MGA OPISYAL NA SANGKOT SA KATIWALIAN, KINASUHAN / MuLa PaHINa 2 ng mga mamamayan upang labanan ang korapsyon at katiwalian sa pamahalaan. Kasama sa mga lumahok ang iba’t-ibang religious groups, mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan at unibersidad at iba’tibang organisasyon ng kabataan at iba pang sektor ng lipunan.

ITANONG KAY ISKO’T ISKA

at batayang serbisyong panlipunan sa Unibersidad ng Pilipinas – Maynila. Dagdag pa ni Zubiri na habang patuloy na nagugutom at naghihirap ang kalakhan ng samabayanang Pilipino ay patuloy rin ang pagtanggi ng pamahalaan paglingkuran ang sambayan bagkus ay mas pinagsisilbihan nito ang interes ng kanyang mga kaalyado at kasosyo sa negosyo. “Hamon sa atin bilang kabataan na tumindig laban sa patuloy na paglala ng sistema ng korapsyon. Kailangan nating magkaisa upang paigtingin at paingayin pa lalo ang laban hanggang tuluyang maabolish ang pork barrel at mailaan ang pondo sa ating mga batayang karapatan sa edukasyon, kalusugan, at iba pang batayang serbisyong panlipunan,” pagtatapos ni Joanna Udarbe, tagapagsalita ng UPM Kilos Na.

read and download MKule issues at

issuu.com/manilacollegian

Dapat talaga ay may transparency and accountability pagdating sa gastos ng pera ng Gobyerno,kasi pera ng taumbayan yan eh. Dapat nakadetalye sa mga report nila kung saan nila ginastos at kung sinong nakakuha. - pogi ng area Ngayon alam ko na kung ano pa ang dahilan ng pamumulubi ng bansa natin. – G Paano ba mawalan ng konsensya tulad nila? Piso na nga lang kinukupit ko kay Mama, hindi ko pa magawang hindi aminin. Sobrang lakas ng konsenya ko, sana sila rin. Mas mapapatawad pa nga natin sila kung umamin sila sa sambayanan at sabihing nagsisisi sila e. - Princess Sarah turned into a slave, 6-8, Usi Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas eh. Imbes na sa mga mamamayan maglingkod, sarili ang pinaglilingkuran. Ginawang ‘hanapbuhay’ ang pagiging mambabatas imbes na magsagip ng buhay. – esprennialphapuppy Kung pinapahalagahan nila ang transparency at accountability na sinasabi nilang gustong pairalin ng Pnoy administration, itama nila ang kanilang pagkakamali at lumabas sa publiko. Magdalawang isip sa 10 billion for PDAF. “Prevention is better than cure.” - #moviemarathonlasthabagat Tapos ang titigas ng mukhang kaltasan ang budget ng UP. Shet silang lahat. - Maltesers, OrCom CAS Harap harapan tayong tinatarantado ng mga taong yan. Abolish Pork Barrel NOW! - superhero ng ermita

Pwede ring ipadala ang inyong mga sagot sa pamamagitan ng pag-text sa 09069447782! (Pero bawal ang textmate!) gears ung pera. - iskafornyears, 20**-*****, b* ** “Balato” naman sana para sa mga nasalanta ng bagyo at ng habagat. Kahit konti lang. Hiyanghiya naman kami sa inyo. - Beta Mac’s, 2013-****1 Penge namang allowance, walang pasok eh -self-diagnosedadhd, OrCom It was only a matter of time. And besides, what’s new sa mga corrupt na government officials? #AbolishPorkBarrel -Joeee, 2012-04895, BS Biochem Ilipat na yan sa UPM, magpagawa na tayo ng Wall. Gawin nating mala-Intramuros, separate kasi tayo from the rest of Manila - Sworn to House Baratheon Penge namang allowance, walang pasok eh -self-diagnosedadhd, OrCom Ngayon alam na natin kung bakit nagpapatayan silang umupo sa pwesto at kung bakit limpak limpak ang ginagastos nila sa mga patalastas. - #kimeynteyn, OrCom Mag-resign na silang lahat. Hehe. – Alapaap

2kUMUSTA CRUSH MO? parang si Habagat,napaka-Lupit. - pogi ng area aun. ndi ko nkta ngaun araw </3 ndi sya pumntang kapilya eh XD baka binaha - Angelina Jolie/ 2013-21217, BS ComSci, College of Arts and Sciences Break na kami ng crush ko - Matsurini/CAS

They were able to peg all the blame on CJ Corona before, they should only be consistent and do it again for the others, even if it means taking down the whole rotten system with them. Pagbabagong-lipunan ang kailangan, hindi mga hungkag na pangako at “band-aid” na reporma. Hwag nating hayaan na mamalagi ang “status quo”. Rebolusyon ang tanging solusyon. - Gianni, 20**-*****, BS Nursing, CN

Ayun. Maganda pa din. Malapit na magbirthday kaya nagreready na ako. – G

Pwede bang pakitapon sila sa baha ng Taft at painumin ng isang litrong tubig doon. – Raseac, 2010-33377, BS Pharmacy

ayun BAKLA </3 - Nicole, 2013-86236

Dapat itong imbestigahang mabuti. Walang mambabatas ang dapat makaligtas sa pagiimbestiga at kapag mapatunayang nag kasala ay mapatawan agad ng karampatang parusa para hindi na makatakas papuntang wheel chair (get it? hahahaha) – Lecks, 2013- 72790

Konti lang.... mga dalawa. Pawang may 2013 sa ID # - Isa nasa BLOCK 2 na mahahalintulad ang ngiti sa ngiti ni AJ Perez tas yung isa (nakisukob sa payong ko nung LnH), BLOCK 14 (imed wooh), syempre matalino + cute, kaso nung inistalk ko yung timeline, napa “ay.. bat ganun? Sayang! Sana hindi.” aketch. - Princess Sarah turned into a slave. 6-8. Usi.

Panagutan nila ang kasalanan nila sa taong bayan. Hindi yung nagtatago sila sa likod ng may mga kapangyarihan. Hindi nila pwedeng takasan na naman ito at magsakit-sakitan. Sobrang nakakainis yung pangloloko na ginagawa nila, para dapat yun sa mga pamilyang Pilipinong nangangailangan talaga, kaya nga PDAF diba? Mga ahas, lintek. - JackFrost, 2013-3xx54 Una, kawawa ang mga tax payers, pinagkakatiwala ng mga tao yung pinaghihirapan nila sa inyo para sa ikauunlad ng bayan pero gagamitin niyo lang para may pang-OOTD yung anak niyo sa instagram. Nakakahiya naman. Pangalawa, Bakit ngayon lang lumabas to, kung kailan sampung bilyon na ang nawala at nasayang. Panghuli, kailangan ng malawakang eksplanasyon kung ano ang pork barrels dahil maraming tao ang di aware dito. - Margaery Tyrell, BA Area Studies, CAS Batasan is indeed a stinking pigsty throwing its shitty bills to the people. – Kabitenyo, **-46137, CAS Sayang. Sana ginamit na lang nila sa mga pumping station, hospitals, at emergency

Ayun, kalbo na. Binaha na yata sa Bataan. - tinanggapnanghindinasiyablockhead OrCom CAS Ayun, stuck pa rin sa level 70. Kawawa naman. #crush #candycrush - alphapuppy, 2011-10070, BA OrCom, CAS

Ayun, fictional. - BA Journalism, UPD

Ayun, *insert ‘The Story of Us’ chorus here*. #itnrp Sana hindi kayo binaha. – esprennialphapuppy Ayon. Apat na beses ko pa lang nakikita sa CAS since start of sem. XD Awkward pa din ako. Don’t ask... -.- #moviemarathonlasthabagat Ayun, cuddle weather daw di naman ako ang ka-cuddle. - Maltesers, OrCom CAS Ayun, crush din niya ‘ko. Saktong saya lang. – Nash Marami sila eh. Yung isa, di ako pinapansin. Yung isa ex ko. Yung isa tibo. - superhero ng ermita Eto. Okay naman sya. Sobrang pogi pa rin. Di naman daw binaha yung bahay nila. Crush nya nga rin daw ako, dati pa. Magtu-two years na pala kami sa darating na Disyembre. #Bromance #ProudToLove #DontHate :> - Gianni, 20**-*****, BS Nursing, CN

Continued on Page 05


NEWS 05

Volume 27 Number 6 Monday | 30 September 2013 ITANONG KAY ISKO’T ISKA / MuLa

MGA FULUNG VULUNGAN NG NAGJIJISANG

LOLA PATOLA

h

eLL-o heLL-o there Mga dearest affows! your evah byutibellicious sexy-vack lowlah is hir at nagvhavhalik! kamustasa naman kayong aketch mga affows? do you fillet o’fish, as in feelings, and feelers the air na vha? kreeezmas, este hell week is Sadako-crawling to yerr dorrsteps na. huwell huwell huwell, better be preparedness para happiness sila froppuccinos. it’s so difficulty pa nomon to be kapeng barako—as in, Bitter ocampo in the juli if you don’t meyk aral aral. Anyhauz, mas matindi pa sa hellweek at sa YuPi Pep-si Squash ang mga newslabelles na nakareach sa aketch raydar! And soooo, gib me that thing that I lab and letz make itetch chismaksers known to the sangkaYuFiem. Readyness, setlaloo, gorabelles!

i LiVe For the aPPLaUSe ChiSMakS nUMero Uno: it’S Better earLy noW than neVah! Anetetchiwa nareach ng aketch raydarbelles na early birdlings na daw ang YuFiEm AddMeIn sa pagsuspend ng classes when there is ishtrong Julanis Morisette? Noong nagkaBaguio kamikazee ay nakapaghanawns ang AddMeIn ng “No entourage” the Gabby Concepcion befowr fha lung. Eben ip dey meyd my affows leyk huwait ng Gabby Concepcion, hatleazt nemen daw ay they made hanawns hanawns the day befour radder dan the day heetself. Well, well, well. Betsung na betsung nemen tologoh ng sangkaYuFiem iyaaan. Gujab AddMeIn! Truelaloo nomon kamikazee nah it’s not so beri nice to meyk booletins and hanawnsments wen my dearie affows are olredi in da viaje na. Apartment sayang sa anda, taymings at Effort Santiago, nagwoworrysung pa sina momsies and popsies sa huwerare-you-now ng aketch mga affows when jumujulan. Itetchiwa early hanawnsment is an imprubment prom the leyt noootishes befowr. Witchikelles koyoh deserve ng aketch mga affows ang magsnorkels and swimmingloo sa Tough Ocean and Paw-ra River, yaknow! It’s like Huehuehue derr noh. Huwell balong malalim, uma-Asabelles Rama lhungz aketch na magquontinue na itetch doings ni AddMeIn to ensure the safetybelles ng aketch mga affows kafag der is raining men. Gib us dat and we givsung yah an A-P-P-L-A-U-S-E!

i LiVe For the aPPLaUSe ChiSMakS nUMero doS: kUnWari Meron, Pero WaLey, WaLey, WaLey! Itey aketch next chismaksers ay about nomon sa affows quoh na Lucky Manzanong naging winner ng isang Rey Seerch quompetixownbelles hirlaloo

sa YuFiEm. Oh divah, bonggabells si affow! Teehee! Vavavat huwaaait! Ders Morriesette. Eben ip nung juli pang semesturr itetch jaffennings na itey, at vhonggang Navarro na nakapagmartsabelles na si affows, ay witchikellya niya fah rin daw nagegeching ang kanyang Fanny Prayz! As in zerowina. Wititey. Whizard of Lozland. Accordion daw kamikazee sa mga hoarganayzers, dapat daw sumunod-sagalaw mouh leyk comply daw si afowhz sa Roolling stones na savmeet the revised manewsscript to getching the Fanny Prayz. Eh vhinigay naman daw ni bebe afowhz yung inaask noong March pa, ferrero, wit pa rin daw ginigivsung the Fanny Prayz nina hoarganizers dahil dehins pa rin daw nagsusuvmeet ang the rest-y Cortez? Huuuuh?!?!?! Hey hoarganizers huh, you are so malabooh, mas malabooh pa sa murkeeh tubig ng Pasig river. Ewww!!! Gravacious naman kayoouh. It’z leyk my affowhz deserve the prize-y belles nohmon cuz they made hirap there, and they won the quompetixoon. Huwwaai not givsung the Fanny Prayz jazz beqouz others did not give theirzzz? Izz it my afowzh fault-in-our-stars that my other afowzh can’t givsung their manewscript? Dear hoarganizers, could yah givesung a little clarity clarity on the Fanny Prayz plezzzz? Kung maroon man kayong PUSO, leyk Gilas Filippins, oar a konti lang Lovi Poe to my dearie affows, ay igivsung niyo na yung prize-y belles!! Ehrkeeyy??? there yah gorabelles mga affows! those newslabelles meyd my skin like age! i need to go to the salon laturrr tuloy. yah know nemen, olweiz need to be sexyvack,

hawwt, a n d gourgeous Wilson sa eyes ng inyong Lolo Upo. ahihihi. kinikilig akech! Well, faano ba itetch mga affows. yer evah gandits everdeen lowla is going the distance, i mean salon. Ferrero, huwerevah ey am, ey am olweiz hir to receive chismakers prom you! Jazz quontact me and my raydar will shoorely pic-pac-boom it up. Quonquer the hell week slash hell month, ehrkeeey??? take care phouwz lagi mga afowws. i labidabidabs you forevah! Muah Muah. tsup tsup. XoXo.

PaHINa 04

Buhay pa naman siya, happy crush pa rin. Kaya lang akong pangitiin, pero di ako kayang gustuhin/mahalin. - Raseac, 2010-33377, BS Pharmacy “Sa iyong ngiti, ako’y nahuhumaling.” Then again, “Sana ay mapansin mo rin, ang lihim kong pagtingin.” #PF - Sabawity. 2012-CCCCCCAS Eto. Kachat ko - Lecks; 2013- 72790 Parang uno lang, very very hard to get. Kung pwede lang talaga mang eliminate competition e, haha #hard. - JackFrost, 2013-3xx54 Hinahanap parin niya ako - Siao so Hot, 201340*** Parang kanta ng NickelBack, FAR AWAY. Margaery Tyrell, BA Area Studies, CAS Kamusta ka ba? - Kabitenyo **-46137, CAS Ayun, masaya na sa piling ng iba. - leron leron sinta, 2012-**3*3, CAS Maayun, manhid pa rin. Haha. - iskafornyears, 20**-*****, b* ** Ayun, busy... hinihintay ko pa rin. Ayon nga sa tweet ni sir Roland Tolentino “walang pinipiling panahon ang pag-ibig, ang pinipili ay ang tao batay sa kahandaan nitong umibig at masemplang.” Whoops, takbo! - sana kilala mo ako, CAS Ayun, kami na. Hihihi - Something I Need, 201119843, BA Development Studies, CAS CRUSH? Ano yun? Nakakain ba yun? Humihigop ba yun ng baha? O.O - CGSaffa3537, 2013-*****, BA Political Science, CAS

COLLEGE BRIEFS Idinaos noong Setyembre 2-14 ng College of Arts and Sciences (CAS), sa pangunguna ng CAS Student Council (CASSC), ang PalaCASan 2013: Tikas, Talas, Tatag, isang palaro na kinabibilangan ng mga kilalang ball games at larong panlahi. Ang nasabing sportsfest ay nilahukan ng limang grupo na binubuo ng mga kurso ng kolehiyo. Pormal na binuksan ang nasabing patimpalak noong Setyembre 2 sa Rizal Hall (RH) Lobby. The College of Allied Medical Professions (CAMP) Student Council launched the CAMP-SC website (campsc.wix.com/official) last September 15. The new website will serve as an easyto-access information hub about the college’s announcements and activities. The website also includes forums secured with passwords as part of the CAMP Batch Representatives’ GREAT CAMPunity Project. Following the several class suspensions, the Office of the Chancellor revised the Academic Calendar for the First Semester of AY 2013-2014. In the revised calendar, the end of classes will be moved to October 14 while October 15 will be the integration period. Final examinations will be held on October 16-23.

Hindi ko siya crush eh. Mahal ko siya. – frustrateddepressedandshattered Ayun............................................................... - Art Rescovin, 2011-XXXXX, BA BehSci Ayun, dinedeadma nya parin ako. sana hindi kayo binaha. :”) - blueballerino, 2010-*****, BS IP, College of Pharmacy ayun, parang grades ko. Konti lang. - DragonNight , 2011-ABCDE, BA OrCom Ayun, mahal na mahal ako. Hehe. :”> - #kimeynteyn, OrCom Okay naman siya. Sa tingin ko. Hi crush – Alapaap Ayun, di pinapapasok sa UPM at PGH, plastik kasi. wooopps - AqueousEspiritu, 20**-00611, biochem,cas Now she’s just somebody that I used to know. #movingonversion2point0 - Beta Mac’s, 2013****1 Ayun, kami na hehehehe #landeeeh - self-diagnosedadhd, OrCom Sana safe siya mula sa baha. Keep safe, crush! - Sworn to House Baratheon Kamusta crush ko? Ayun, manhid pa rin. Gamitin na lang natin ang unang letra ng kaniyang pangalan - “R”. Napakatalino ng taong ito. Mataas din ang pangarap sa buhay. Kaya lang yang crush ko na ‘yan, mahigit isang taon na nga, hindi pa rin nakakaramdam. Napakaimposible niyang maabot at iyon ang ikinalulungkot ko. Pero I tell you wala ‘yan sa hanay ng mga legit na gwapo. Seryoso ako. Hindi na nga siya pinipilahan ng mga babae, hindi pa rin ako napapansin. Sana mabasa mo ‘to nang kahit saglit umalis ka man lang sa puro acads mong mundo. –Kaeira, BA Pol Sci, CAS 2012-06696 Ayun, crush ko pa rin. What’s -nancydrewwhoyou, 20**-*****, CN Busy yata sa thesis, hihi. -Torpedo, 2012-xxxx, CAS

new?

ORGANEWS Ang Human Resources Class ng BehSci2015 ay nag-oorganisa ng pinakaunang pagpupulong ng mga kabataan hinggil sa Human Resources. Sa tema na “IGNITE! Unleashing the Youth’s Potential,” idadaos ito sa Fleu-de-lis Auditorium, St. Paul University, Manila sa Setyembre 28, 2013. Ang mga tiket ay nagkakahalaga ng PhP500, kabilang na ang pagkain, seminar kit, katibayan, at giveaways. Ang mga mag-aaral ay may 30 percent discount. Para sa impormasyon, bisitahin lamang ang kanilang FB page. The Dulaang UP, with the cooperation of the Department of Arts and Communications will be holding a play “The Duchess of Malifi”by Allan Palleo. The play will be featured on two languages. The following are the schedules for both screenings English (Sept. 21, 22, 24, 25 and 26) and Filipino (Sept. 18, 19, 20, 28, 29). For inquiries, please contact the Dulaan UP office at 4337480.


06 FEaturES

Volume 27 Number 6 30 September 2013 | Monday

A

NG INSTITUSYONG NAATASANG magbigay-lunas sa karamdaman ng mga mamamayan ay tuluyan nang nahawa sa mga iniindang sakit ng lipunan.

ang Philippine general hospital (Pgh) ay ang pangunahing sandigang pangkalusugan ng masang Pilipino. Sa mahabang panahon, ito ay nagbigay-lunas sa mga karamdaman ng mga mamamayan. ang pagbitiw sa mandatong pinanghawakan ng pagamutan sa mahabang panahon ay makikita sa mga mapaniil na polisiyang ipinatutupad nito na nag-uugat sa pagsasawalang-bahala ng rehimeng aquino sa sektor ng kalusugan. ang institusyong dapat sana’y tumutugon sa karapatan sa libreng pagpapagamot ng masa ay siyang naging pangunahing instrumento upang tahasang kitilin ang mga karapatang ito.

PAUNANG LUNAS

ANG KABALINTUNAAN NG PROGRAMANG PHILHEALTH Kagyat na isinugod ni Aling Sabel*, limampu’t anim na taong gulang at taga-Negros Occidental, sa PGH ang kanyang anak na si Jeffrey*, apatnapung taong gulang at dumaranas ng kumplikasyon sa atay. Inakala niyang makatatanggap sila ng mga serbisyo mula sa programang PhilHealth ng gobyerno. Sa sistema ng PhilHealth, ang isang may karamdaman na dudulog sa mga pampublikong pagamutan ay makakakuha ng mga libre o ‘di kaya’y diskwento sa mga kakailanganing gamot at serbisyo. Ngunit sa kasamaang palad, walang natanggap sina Aling Sabel na anomang benepisyo mula rito. Dagdag pa niya, “Gusto nilang mag-apply ng PhilHealth sana eh, para ‘pag may emergency. Pagpasok pa lang kasi tinatanong na nila ‘may PhilHealth ba ‘to?’. Edi pag may PhilHealth, admit, ‘pag walang PhilHealth, diyan ka lang muna. Antay ka lang diyan. . . pero saan kami kukuha [nun?] Buti sana kung may trabaho kami, na kung kwan, magbigay ng PhilHealth sa ‘yo.” Mula sa salaysay na ito, makikita ang pagiging depektibo ng programang PhilHealth mula pa lamang sa akreditasyon ng mga mamamayan dito. S i n a s a b i n g

naglalayon ang PhilHealth na magkaloob ng mga libreng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayang Pilipino, ngunit kung susuriing mabuti, makikitang kalakhan ng mamamayang Pilipinong nasa uring pinakamahirap ay hindi pa rin naaabot ng programa. Ito ay sa kadahilanang magiging agarang miyembro ka lamang ng programang ito kung makapagbabayad ng takdang kontribusyon para sa PhilHealth o kung kasapi ka ng isang institusyong maaaring magbayad para sa iyo. Malabong maging saklaw ng programa ang mga Pilipinong walang regular na hanapbuhay at iyong mga nasa kanayunan. Bukod pa rito, ayon sa IBON Foundation, bagaman 40% ng mga Pilipino ang naging miyembro na ng PhilHealth noong 2008, 70% lamang ng pangkalahatang gastusing pangkalusugan nila ang sinasagot nito. Ang natitirang 58% ay sinasagot pa rin ng mga mamamayan. Kaya sabihin mang 85% na ng mga Pilipino ang naaabot ng PhilHealth ngayon, nananatiling pasanin ng sambayanan ang kalakhan ng gastusin sa kanilang kalusugan. Ang kadalasang reklamo pa ng mga benepisyaryo ay ang kakulangan ng gamot sa mga pampublikong ospital. Kinakailangan pang bumili ng pasyente sa mga pribadong parmasya kung saan, nakalululang halaga ang ipinapataw sa mga gamot. Gaya ng sinabi ni Aling Sabel, “’Hindi naman kayo magagamot kung wala kayong pera. Eh, anong gagamitin nila sa reseta? Pano bibili? Wala namang bibili ng gamot.”Ang mga pasyenteng walang perang pambili ng gamot, kahit pa sila ay kabilang sa programang PhilHealth, ay hindi rin makatatanggap ng serbisyo mula sa ospital. Dahil dito, malinaw na walang silbi a n g

PhilHealth sa mga mahirap na mamamayang kagyat na nangangailangan ng atensyong medikal. Puspusan umano ang ginagawang pagpapalawak sa programang ito ng gobyerno upang makamit ng lahat ang mga ipinapangakong benipisyo nito. Sa kabila nito, hindi kailanman maikukubli ang katotohanang ang mga pinakanangangailangan ay salat pa rin sa pagkamit ng mga serbisyong pangkalusugan. Patunay dito ang pahayag mula kay Mang Danilo*, animnapung taong gulang at tagaQuezon, kapatid ng pitumpung taong gulang na magbubukid na pasyente sa PGH. Ayon nga sa kanya, “Nananalangin ako na, sana, kumpletuhin na nila ‘yong budget para ‘yong mga may PhilHealth eh ‘di na gumastos. Tsaka mababa naman ang PhilHealth.‘Pinaglalaban ng mga tao na ang kalusugan [ay ibigay sa atin].Dapat ‘di mapabayaan ‘yong mga government facilities.‘Yon lang rin.‘Yon nga, walang gamot.” Pilit pinagtatakpan ng pamahalaan ang kawalan nito ng aksyon sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga mapanlinlang ng programang katulad ng PhilHealth.Ito ang paunang lunas na hindi kailanman makasasapat sa karamdaman ng masang nakaratay na sa banig ng karamdamang dulot ng mga kabalintunaan sa lipunan.

PAG-ADMIT SA OSPITAL

ANG LABIS NA PAGPAPAHALAGA SA KAKAYAHANG MAGBAYAD NG PASYENTE Si Alyssa Asilo ay isang mag-aaral mula sa UPLB. Nakatakda siyang magtapos ng kursong Veterinary Medicine noong Abril 27, 2013. Ngunit, hindi na siya nakapagmartsa. “Kapag dinala ang pasyente sa ER, dapat

binibigyan niyo na ng lunas. Tsaka kung maniningil kayo, eh sa bandang huli na. I-address niyo muna kung ano ang complaint ng bawat pasyente. Kaso inuuna niyo muna yung pera bago magamot ang isang pasyente. Eh nakakabayad naman po ang bawat tao eh kahit magkano ang iharap nila eh. Basta matugunan ’yung [pangangailangan]”. Ito ang sinabi ni Mang Mando Asilo, limampu’t anim na taong gulang, isang mananahi na nagtatarabaho bilang OFW sa American Samoa at tatay ni Alyssa. Noong isang taon pa nila natuklasan na mayroong leukemia si Alyssa. Ngayong taon, dinala siya sa isang pribadong klinika sa Los Baños dahil sa sakit ng ulo, ngunit mahal ang bayarin sa araw-araw na pananatili niya doon kaya sinugod siya sa PGH noong ika-3 ng Abril ng madaling araw. Sa PGH, humigitsa walong oras nang walang tumitingin na doktor kay Alyssa. Ayon umano sa isang doktor, hindi naman kasi “life-threatening” ang kanyang kalagayan. Pinahiga lamang si Alyssasaisang stainless na kama, nakabalot ng kumot at gamit ang unan na pinahiram ng ambulansyang naghatid sa kanila. Ayon sa Admitting Section, kailangan ng deposito bago mabigyan ng atensiyon at asikasuhin si Alyssa. Sa kasamaang palad, hindi sapat ang dala ng kanyang magulang. Hiniling ng mga doktor na tumingin kay Alyssa na matingnan ang kanyang dugo para sa leukemia, ngunit hindi ito inaprubahan ng PGH. Hindi rin siya pinayagang manatili muna sa kuwartong para sa mga magaaral ng UP dahil ayon sa Admitting Staff, nakakahawa ang kanyang sakit. Sinabi umano ng Admitting Staff na tinatawagan nila ang direktor ng pagamutan na si Dr. Jose Gonzales upang pakiusapan na i-admit muna sa Alyssa. Ngunit hindi


FEaturES 07

Volume 27 Number 6 Monday | 30 September 2013

umano pumayag si Dr. Gonzales sa hindi sinabing kadahilanan. Sabi nga ni Mang Mando, “doktor siya [Dr. Jogon] ng puso pero, kung makikita natin, wala siyang puso.” Mga alas-9 ng umaga ng Abril 6 ay tinanong ang pamilya ni Alyssa kung pwedeng kabitan ng tubo si Alyssa para tulungan ang kanyang puso sa halip na hintayin siyang manghina. Alas-dos ng hapon ng araw na iyon ay na-coma siya at tuluyang binawian ng buhay. Lahat ng ito ay sanhi ng pagpapatupad ng PGH ng patakaran na “No Deposit, No Admittance”. Dahil dito, kailangan munang magbayad bago ipasok ang pasyente kahit gaano pa kalala ang lagay nito. Sa halip na bigyan ng kagyat na atensyong medikal ay pinaghintay pa ng PGH si Alyssa bago siya pagtuonan ng pansin. Naging mitsa ng buhay ng tao ang kanyang kahirapan. Dahil dito, kabayaran at hindi kalusugan ang inuuna ng institusyon na itinuturing “Ospital ng Bayan”. Tahasang tinalikuran na ng PGH ang mandato nitong pagsilbihan ang mamamayan anoman ang estado nila sa buhay. Palala nang palala ang pagkasakim ng PGH sa pera. Ultimo ang mga mahihirap na nagbabakasakaling magagamot sa institusyon ay pine-perahan na rin. Sa kalagayang ito ngayon, masasabing isa itong resulta ng hindi pagbibigay ng sapat na atensiyon at badyet sa sektor ng kalusugan. Ayon sa 2013 National Budget, mas mataas pa ang inilaan sa ibang sektor ng pamahalaan tulad ng sektor ng Pamahalaang Lokal (P121.1 Bilyon) kumpara sa sektor ng Kalusugan (P56.8 Bilyon). Pero sa kasalukuyan, makikita kung saan napupunta ang mga pondong inilalaan sa ibang sector. Napupunta lamang ito sa bulsa ng mga taong dapat sana’y nangangalaga sa bansa sa halip ay sarili ang inaalagaan. Kaakibat din ng pag-aalagang ito ang privatization, kung saan isinasa-pribado ang mga dating p a m p u b l i ko n g instistusyon tulad ng m g a

ahensiya, serbisyo at syempre, mga institusyon tulad ng mga ospital. Ang kalagayang ito ang kasukdulan ng privatization na nagaganap ngayon sa ating bansa. Ang kalagayan ng pitaka at hindi ng pasyente ang mariing tinututukan sa mga ospital ngayon. Privatization man o hindi ang dahilan, hindi dapat pinagpapaliban ang panggagamot sa may-sakit. Sa patuloy na pag-iral ng sistema na ito ay patuloy na maghihirap ang mga mahihirap na kababayan. Nagiging implikasyon nito ang kaisipang “kasalanan ang maging mahirap”, dahil kung mahirap ka, wala kang karapatang mabuhay. Tinatanggalan ng karapatan ang mga abang mamamayan sa mga pangunahing pangangailangang dapat nilang matamo. Unti-unti silang pinapatay ng gobyerno.

KRITIKAL NA KALAGAYAN

ANG PATULOY NA PAGYURAK SA KARAPATAN SA KALUSUGAN Ilang oras nang naghihintay si Mang Danilo*. Nakaratay sa charity ward ang kanyang ate sa sakit na colostomy, ang karamdamang iniinda nito nang higit pa sa 20 taon. Dahil pagsasaka lamang ang hanapbuhay ng pamilya ng kanyang kapatid, inamin ni Mang Danilo na nahihirapan sila sa paghahagilap ng pambayad sa mga operasyon nito. Sa araw-araw rin na pagbabantay sa kanyang ate, namulat na rin si Mang Danilo sa mga nagiging pagbabago sa ospital. “Dito [medyo] kumpleto sa facilities, pero ang nangyayari parang nagiging pribado. Sige subukan mo, maghanap ka ng pasyente doon… Naka-stretcher na yun ah. ‘Di nakakalakad pero hindi [pa rin] nagagamot agad,”ang sabi ni Mang Danilo. Noong Hulyo 12, ipinatupad sa ospital ang Memorandum No. 2013-120 hinggil sa “Revised Rates of the Department of L a b o r a t o r i e s .” Kalakip ang pirma ng kasalukuyang direktor ng PGH nasi Dr. Jose Gonzales, binanggit sa memo a n g p a t a ka ra n ukol sa bagong porma n g

mga bayarin sa laboratory para sa mga itinuturing na pinakamahihirap na pasyente ng PGH o ang mga Class D patients. Mayroong 44 laboratory procedures tulad ng manual urinalysis at fecalysis na awtomatikong ipagpapaliban ang pagbayad sa unang beses. Maaari lamang gawing libre pa ang mga susunod na pagsusuri kung makakapagpresenta ang maysakit ng guarantee letter na pwedeng makuha sa pamamagitan ng rekomendasyon mula sa tagapangulo ng departamento at iba pang kaukulang dokumento. Ngunit, mistulang hindi na rin nasusunod ang sinabing pagiging libre ng ilang serbisyo sa ospital. Ayon kay Mang Danilo, “Wala ditong libre na alam ko. May discount lang, maliit [lang] yung discount.” Binabayaran na nga ng pinakamahihirap na pasyente ang mga serbisyong libre noon, lalo pang naaantala ngayon ang pagpapagamot nila dahil sa mas pinahabang proseso. Sa isang pahayag, inilahad ni Dr. Felix Lukban, PGH coordinator for Public Affairs, ang layunin ng nasabing patakaran. Aniya, ipinatupad raw ng pamunuan ito upang malaman kung magkano ang binabayaran ng ospital para sa mga mahihirap nitong pasyente. Bukod pa rito, iginigiit pa ng pamunuan na isa ring dahilan sa pagpapatupad ng sinabing patakaran ang malaking kakulangan sa pondong natatanggap ng ospital mula sa pamahalaan. Maraming pwedeng gawing dahilan ang kasalukuyang administrasyon ng PGH, subalit hindi nito kailanman mabibigyangkatuwiran ang ginagawang pagpapahirap sa mga pasyenteng Class D. Sa pananatili ng ganitong kalagayan, lumalakas lamang ang panawagan upang itigil na ang pagpapasakit sa mga mahihirap nais lamang mabigyang lunas ang kanilang karamdaman.

mo, yung galing ka sa malayo, babalik ka na naman hanggang sa magmakaawa ka,” ani Mang Danilo. Lubhang mapanganib na ang mga suliraning hatid ng matinding pagpapabaya sa sektor ng kalusugan. Habang patuloy na nagsisilitawan ang mga isyu ng kurapsyon sa pondo ng bayan na nasa anyo ng pork barrel, patuloy pa ring binabansot ang badyet para sa kalusugan. dahil sa maling alokasyon sa badyet, napipilitan ang tinaguriang ospital ng Bayan na magpatupad ng mga polisiyang nagtutulak sa mas malalang komersyalisasyon ng serbisyong pangkalusugan. Upang punan ang malaking kakulangan sa subsidyo at atensyon mula sa pamahalaan, tahasang ginagawang kalakal na lamang ang pangangalaga sa mga may karamdaman. ang pagsasapribado at pagtataas ng presyo ng mga serbisyo tulad ng kalusugan ay dulot ng pagtalikod ng estado sa tungkulin nitong paglingkuran ang bayan. Sa harap ng ganitong suliranin, nararapat lamang na ipagpapatuloy ng mamamayan ang kolektibong paggigiit sa kanilang karapatan. Patuloy na lumalakas ang panawagan upang buwagin ang mga instrumento ng katiwalian at kurapsyon at maglaan ng nakasasapat na pondo para sa mga serbisyong panlipunan. kailangang umalpas mula sa agaw-buhay at mapanganib na daang matuwid. *hiniling ng mga nakapanayam na itago ang kanilang mga tunay na pangalan

“Kailangang baguhin ang sistema eh. ‘Wag nang pahirapan [ang mga maysakit]. Biruin

AGAW-BUHAY

PAGSIKIL SA KARAPATAN SA KALUSUGAN SA PGH AnGEliCA nAtiVidAd rEyES, lEAndro fEliCiAno SAlAzAr At ChArlottE PorCionCulA VElASCo Guhit ni dEonAh ABiGAil luGo MiolE


08 CULTURE B

Asted ka na naman.

Noong sinabi mo “I love you,” ang sagot niya “K. Thank you.” Noong isang araw lang, masaya kayong naglu-lunch sa may lobby, pinupunasan pa ang labi ng isa’t-isa. Ngunit ngayon, Tanduay Ice na ang yakapyakap mo, bumubuhos ang mga luha habang pinapanuod ang mga pelikula nina John Lloyd at Bea Alonzo. Gusto mo na magkaroon ng serious relationship, pero parang laging serious na lang, walang relationship. Teka huwag mo muna iyakan ang pagkasawi mo sa pag-ibig. Kung magkaroon ka ng ideya sa mga liko’t pasikot-sikot sa kultura ng panliligaw at pag-ibig, sinisugrado ko sa iyo na sa susunod na ika’y iibig, mas malaki ang tsansa na kayo ng mahal mo ang magiging the next love team ala-John Lloyd-Bea Alonzo.

Si Mr. Dreamboy at Ms. Dreamgirl Masasabing may kanya-kanya tayong konsepto ng “ideal” partner ngunit kung susuriing mabuti, makikita na tila may isang hibla ng sinulid na kumokonekta sa lahat ng kagustohan natin. Masasabing ang konsepto natin ng “ideal” ay binabatay natin sa kung ano ang katanggap-tanggap at moral sa ating lipunan. Kung ano ang uso ngayon, kung ano ang patok at kung ano ang kinagigiliwan ang siya na ring ginugusto ng karamihan sa atin. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang pagbabago rin ng ating kultura. Kung dati rati’y kailangan mo pang pumunta sa ilog upang masilayan ang napupusuhan mo, ngayon kahit sa Instagram o Facebook lang ay masusulyapan mo na siya, hindi ka pa magkakakuliti. At ngayon laganap na ang One Direction, ang mukha ni Daniel Padilla, at ang K-pop. Ang mga ito ngayon ang nagsisilbing modelong pinagbabatayan ng karamihan ng kung ano ang gwapo at maganda para sa kanila. Maraming babae ang naghahanap ng “Medyo Bad Boy”, iyong tipong may pagkabastos at medyo siga. Nagsasawa na ang iba sa konsepto ng “Mr. Nice Guy” kasi luma na iyon at walang thrill. Pero kung hindi naman badboy ang gusto, ay naghahanap naman ng lalaking mas makinis pa sa babae. Dapat walang peklat o tigyawat, dapat kamukha niya yung mga napapnuod mo sa mga music videos ng K-pop songs. Para sa karamihan naman ng mga lalaki, kung mas maputi ang babae, mas maganda. Maraming mga lalaki ang fans ng K-pop girl groups, at mahihinuhang ang gusto nila sa isang babae ay yung mukhang Korean, yung parang niretoke ng limang beses ang mukha hanggang sa maging perpekto ito. Dapat sobrang kinis at flawless ang mga hita’t binti. Kadalasan ay may modelo tayong pinagbabatayan ng konsepto natin ng ideal partner. Maaaring isang artista, miyembro ng K-pop group, o isang taong tinitingala natin, ang ating ginagawang modelo. Iniisip kasi natin na kapag sikat, o tinitingala ang ating partner, tayo rin ay magningning kapag kasama siya.

First Blood Ayon sa Young Adult Fertility and Sexuality Study (YAFS), 47% (31% lalaki, 16% babae) ng kabataang may taong gulang na 15-24 ang may karanasan na sa pre-marital sex. Makikita natin na mas malaki ang bilang ng lalaking may karanasan sa pre-marital sex kung ikukumpara sa mga babae. Mahihinuha natin na pagdating sa mga lalaki, okay lang ang mga babae kahit hindi na virgin ang lalaki. At ang mas kaonting bilang ng mga babaeng may karanasan sa pre-marital

Volume 27 Number 6 30 September 2013 | Monday sex ay maaaring nangangahulugang mas marami pa rin ang naniniwala na ang virginity ay nararapat lamang ibigay sa lalaking nasisiguro nilang mahal din sila. Ang Pilipinas bilang isang Katolikong bansa, ay masasabing malakas na naiimpluwensyahan ng ideolohiya ng konserbatismo. Higit pa sa pag-iral ng konserbatismo na lubhang naaapektuhan ng relihiyon, nananatili ring isang patriyarkal na lipunan ang kontemporaryong lipunang Pilipino. Sa isang patriyarkal na lipunan, ang mga lalaki ang siyang may mas mataas na posisyon at kapangyarihan kaysa sa mga babae. Pagdating sa pag-ibig, kadalasa’y lalaki ang mayroong mas malaking kontrol sa relasyon. Tinitignan ng isang lalaki ang babae bilang sex instrument. Isang instrumento na dapat may warranty, pwedeng isoli kung gamit na o kaya naman ay depektibo. Dapat mawaksi ang mga ganitong uri ng pag-iisip. Marahil, siguradong matagal ang proseso sa pagkamit ng isang lipunang hindi konserbatibo at patriyarkal. Kaya nama’y nararapat lamang na simulan na lang natin ang pagbabago sa ating mga sarili. Isaisip na ang tao ay hindi isang sex instrument, kung hindi isang instrumento ng pagmamahal, at hindi naman talaga mahalaga kung sino ang nauna sa kanya. Ang mas mahalaga’y ikaw ang kanyang magiging panghuli at panghabang-buhay.

Langit-Lupa Hala! Tandaan mo sosyal at mayaman ang ka-date mo, hindi iyan basta-basta papayag sa Lugaw Republic o sa Master Siomai. Akala mo sa mga teleserye lang ang mayroong mahirap-mayaman na sitwasyon, nangyayari din ito sa totoong buhay. Akala mo basta may true love, walang imposible. Pero pagdating ng panahon, maiisip mo na ang iyong katayuan sa lipunan ang siyang naglilimita ng iyong pag-ibig. Naniniwala ang karamihan sa atin sa kasabihang ‘love knows no boundaries.’ Pero ang katotohanan, ang limitasyon sa ating yaman ang siyang humuhubog at naglilimita sa ating pagpili ng makakasama. Ang konseptong ito ay makikita sa ating pang-araw araw na buhay. May mga pagkakataong gusto mong kumain sa Sbarro at Starbucks ngunit hindi sapat ang iyong pera kaya nama’y Elmer’s Pizza at 3-in-1 astig na kape na lamang ang kinuha mo. Gayondin pagdating sa pag-ibig at panliligaw, hindi natin minsan maiwasan na manligaw sa taong mas nakakaangat sa atin sa lipunan. At dahil nga binibigyan tayo ng limitasyon ng ating katayuan sa lipunan, hindi sa lahat ng pagkakataon naibibigay mo sa taong minamahal mo ang lahat ng kagustuhan niya. Sa mga pagkakataong hindi natin nakakamtan ang ating pinapangarap, natututo tayo na unti-unting makuntento sa kung ano ang nariyan sa harap natin at pahalagahan ito nang walang katulad. Maaaring salat ka nga sa yaman ngunit maaari mo namang bawiin ito sa ibang mga bagay. Maaari mong bawiin sa itsura, sa porma, sa ugali, sa talino, sa talento, at sa pagmamahal. Sa ganitong paraan, maaari mong maiangat ang iyong sarili sa isang lipunang laki ng kayamanan ang kadalasang nagdidikta ng iyong makakamit sa buhay.

Sa Ngalan ng Pag-ibig Ang buong populasyon ng Pilipinas sa taong 2013 ay binubuo ng 82.9% na Katoliko, 5% na Muslim, 2.8% na evangelical, 2.3% na Iglesia ni Cristo, at 7% mula sa iba pang mga relihiyon. Hindi mo rin maiwasang umibig sa isang taong iba ang relihiyon sa iyo. Itinatanong mo agad sa iyong manliligaw o nililigawan kung ano ang relihiyon niya sapagkat minsan, ang inyong relihiyon ang siya pang nagiging hadlang sa inyong pagiibigan. May ilang relihiyon at mga pamilya na strikto pagdating sa mga relasyon. Pinagbabawalan nila ang umibig sa isang taong iba ang relihiyon. Dahil dito, nalilimitahan ang maaaring ibigin ng isang tao dahil sa kanyang mga paniniwala sa relihiyon. Sa bandang huli, ang pagpapasya ay nasa mga kamay pa rin ng umiibig. At nagtatapos ang lahat sa tanong na “Handa mo bang itakwil ang paniniwala ng pamilya mo at ang patakaran ng iyong relihiyon sa ngalan ng pag-ibig?” Maaaring ngayon handa ka na dahil sa tingin mo’y tama ang inyong pagiibigan, tama ang pagtatanan o tama ang lumabag. Subalit, ang lahat ay nagbabago sa paglipas ng panahon, kung saan kung ano ang tingin mong tama ngayon ay maaaring mali kinabukasan. Kaya kung ano man ang iyong magiging desisyon, siguraduhing hindi ito pagsisisihan sa huli at handa mong tanggapin ang ano mang magiging kapalit.

Bilang Isang Kaibigan o Ka-ibigan

with benefits.” Ano nga ba ang mayroon kapag “It’s complicated”? Maihahambing ang relasyon na ito sa isang constipated na tao. Mahirap at masasakit ang sitwasyong pinagdaraanan, pero hindi maiiwasang sumaya kapag nakakaraos sa bawat problema. Eh kapag “In an open relationship” naman? Ganito iyon, kahit mag-on na kayo, okay lang sa inyo ng magkarelasyon pa kayo sa ibang mga tao. Sabihin nating ang partner mo ay tulad ng ballpen na ginagamit mo, okay lang sa iyo na gamitin siya ng iba, basta’t ‘pag ibabalik na, hindi pa dapat ubos ang tinta. May iba rin na “friends with benefits” ang gusto . Ibig-sabihin, sila ay “friends by day, sex partners by night.” Sa ganitong uri ng relasyon, walang emosyon na nakadikit, pawang kaligayahan at kasarapan ang tanging hinahanap. Maraming mga bagay ang salik sa kung anong relasyon ang iyong mararanasan kaya naman magkakaiba tayo ng relationship status. Pero minsan, hindi naman maiiwasang ma-olats sa pag-ibig. Maaaring sawi ka ngayon ngunit kinabukasan malay mo lang, ikaw na ang may karelasyon. Maaaring may pagkakaiba kayo pagdating sa yaman, sa kultura, relihiyon, pananaw sa buhay, at mundong kinalakhan. Pero hindi ito nangangahulugang hindi magiging kayo. Nasa sa inyo naman ang desisyon kung ipaglalaban niyo ang inyong relasyon, o isusuko na lamang ito.

Ang karamihan sa mga relasyon ay dumaraan sa panliligaw, maaaring mabilis o matagal ang magiging proseso. Hindi ka naman siguro manliligaw o magpapaligaw n g walang dahilan o kaya nama’y kasi gusto mo lang. Sa umpisa pa lang, ang iyong layunin sa ligaw ay upang magkaroon ng romantikong relasyon sa taong minamahal mo. At masasabing dalawa lang naman ang kahahantungan ng isang ligaw, magkakaroon ka ng relasyon o mapefriendzone ka. Kung ikaw ay papalarin, magiging mag-on na kayo. Subalit, hindi maiiwasang magkaroon ng culture shock sa magkabilang panig. Maaaring mahilig siya sa K-pop, ikaw sa Air Supply. Mahilig siya sa horror movies, ikaw sa romantic. Mahilig siya kay Justin Bieber, iwanan mo na. Biro lang. Hindi rin dapat kalimutan ang iba pang bersyon ng isang relasyon. Pumunta ka lang sa Facebook mo at makikita mo na may iba pa palang trending na uri ng relationship status na puwede mong pagpilian. Mayroong “It’s complicated,” at “In an open relationship,” kulang na lang siguro ay yung “Friend-zoned, but

Ligaw Republic:

Ang Kultura ng Panliligaw at Pag-Ibig sa Kontemporaryong Lipunan

Jose Lorenzo Querol Lanuza GUHIT NI PRINCESS PAULINE CERVANTES HABLA AT NOEMI FAITH ARNALDO REYES

Pagdating sa ligawan, hindi ito pabilisan, hindi ito pagalingan ng moves. Ito ay patagalan at patibayan ng pagmamahal. Ito’y pagtitiwala sa mga pangako niyo sa isa’tisa. Darating ang panahon kung saan iisang mundo na lamang ang inyong gagalawan, kung saan ang dating kayo bilang dalawa, ay magiging isa.


FrEEStYLE 09

Volume 27 Number 6 Monday | 30 September 2013 SR HOLDS 2013 UP MANILA STUDENT SUMMIT / MuLa PaHINa 02 According to Melgarejo, the Bottom-up Budgeting, which is directly controlled by the executive, reached a 41.9 percent increase in the budget. Moreover, P 45 M was allocated to the PDAF, P 11.61 B to the Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF), and P 139.9 B to accounts whose purposes were not disclosed.

SIGN

S

IntensiFying the Protests Consequently, Melgarejo affirmed that the PDAF and the national budget should be rechanneled to basic social services that will benefit the Filipinos. In line with this, she encouraged the students to partake in the protests and strikes calling for higher state subsidy and the abolition of the pork barrel. Melgarejo stated that it is the duty of every Iskolar ng Bayan to mobilize and participate in activities that will demand change and accountability for the society. The UP Manila Student Summit is the third installment of the 2013 UP Student Summit Series, after the student summits held in UP Los Banos and UP Diliman. The OSR will be holding the next student summits in other constituent universities and extension schools until next month.

BIGLAANG PAGTATAPOS SA KONTRATA, TINUTULAN NG 168 SECURITY AGENCY / MuLa PaHINa 02 P12,387,322.65 ang naging utang ng UPM mula Marso hanggang Hulyo 2013. Sa kabila nito, winika ni Austria na nauna nang nagpahayag ang administrasyon na kanilang babayaran ang utang sa ahensya. “Magbabayad naman daw sila. Kaso ang problema, hindi pa nila kami binabayaran. Nasa kanila na yung billing namin. Hindi naman nila sinabi na hindi sila magbabayad. Kahit noon pa, hindi pa man nagkakaproblema, talagang lagi kaming nag-follow up kasi late ang collection namin sa kanila,” ayon kay Austria. Gayunpaman, iniutos na ng korte sa isang paglilitis noong Setyembre 6 na patigilin na sa ang mga guwardiya ng 168 sa pagsisilbi sa UPM.

PAGLALAKBAY lArAWAnG kuhA ni

KESSEL GANDOL VILLAREY

Mga Uri ng CDC Audience

The Ultimate University Fan

Smells like school spirit. U-NI-BER-SI-DAD NG PI-LI-PI-NAS!

MGA KWENTONG PARLOR / MuLa

by Princess Pauline Cervantes Habla

The Behaved

Tila ba isang high society event ang kanilang dinaluhan, kailangan prim and proper at all times.

Sa kabilang banda, tumangging magpaunlak ng panayam si Tsanselor Agulto dahil puno umano ang kanyang iskedyul. Gayonpaman, ipinahayag niya na isang hindi pagkakaunawaan ang nasabing isyu at patuloy na itong inaayos ng pamunuan ng unibersidad. Gayundin, sa ibinigay na pahayag sa midya ni Dr. Anthonly Leachon, director ng Information, Publication, and Public Affairs Office (IPPAO) ng UPM, binanggit niya na nabigo ang 168 Security Agency na punan ang mandato nito. Iginiit ni Leachon na lahat ng gawain at desisyon ng administrasyon ay nakabatay sa kung ano ang makakabuti sa interes at kapakanan ng mga tao sa UPM at sa PGH.

The Eating Machine

Mapa-boredom man, o anxiousness ‘yan, pagkain ang sagot sa lahat ng stress buhat ng pagiging audience ng CDC.

The Courtside Documentor

Mapa-boredom man, o anxiousness ‘yan, pagkain ang sagot sa lahat ng stress buhat ng pagiging audience ng CDC.

Pagpapanatili sa Ilang GuWardiya Samantala, naghain naman ng petisyon ang Bigkis ng mga Iskolar para sa Bayan tungo sa Makabuluhang Pagbabago (Bigkis-UPM) sa administrasyon na panatilihin ang ilang mga guwardiya ng 168 na pinili mismo ng mga estudyante. Ang ilan sa mga guwardiya na ito ay sina Liezel Buenaobra ng College of Medicine Library, Romeo Lusanta ng UPM Museum, Danny Olop ng Sports Science Wellness Complex (SSWC), Hermina Dela Cruz at Violy Belez mula PGH-OBAS at Gina Ramos ng College of Public Health Lara Hall.

PaHINa 011

kasi ang tagal ng ang aming pagkakaibigan. At kahit nagbago na ang tingin ko sa tunay niyang identidad, hindi ko naman maaaring basta-basta na lamang layuan ang isa sa mga tunay kong kaibigan. Maraming nang dakilang beki ang naisilang dito sa mundo. Kung sa tingin mo’y pang Super Sireyna, at gay pageants lang ang mga beki, nagkakamali ka. Maraming nang beki ang may malaking kontribusyon sa sining, kultura, lipunan, at pilosopiya. Tulad nina Alexander the Great, Ludwig Wittgenstein, Michelangelo, Plato, etc., na may malaking ambag sa kasaysayan ng tao ay patunay lamang na mahuhusay at produktibo din ang mga beki. Dito nga lamang sa Pilipinas, ang dating malupit na action star na si Rustom Padilla ay nagdesisyong maging beki na din. Naglalaro sa aking isipan na siguro noong action star pa si Rustom ay nasabi na niya ang ganitong linya, “Wag kang kikilos! Kundi ipuputok ko ‘tong baril ko sayo!” matigas, at nakakasindak. Pero kung siya bilang si Bb. Gandang Hari ngayon ang nagsabi ng ganitong linya, aba’y tatakbo na agad ako. Sa panahon ngayon, matindi ang diskriminasyong nararanasan ng mga beki. Minsan, pinagtatabuyan at pinandidirihan sila ng karamihan sa atin. Pero marahil ito na kasi ang naging stereotypical na pagtingin sa mga beki, na kapag beki, marumi na agad ‘yan. Sa tingin ko’y dapat mo munang kilalanin ang isang beki nang husto bago mo siya husgahan, sapagkat maraming beki sa ating lipunan ang may busilak at malinis na kalooban na talaga namang ikagagalak mo kung sila’y iyong magiging kaibigan. Hindi kasalanan ang maging isang beki, at nararapat lamang na buo rin ang kanilang karapatan sa lipunan. Kaya kuya, sa susunod na tanungin ka ng beki kung gaano kahaba yung sa’yo, sagutin mo na. Malay mo kinabukasan, ikaw na ang magtanong, “Pare, gaano kahaba yung sa’yo?”

The Alumni

Supportive pa rin beyond graduation. I love UP 5ever!

The Blessed

Milagrosang nakakuha ng CDC tickets, at kahit na may exam kinabukasan, go pa rin sa event! The catch: Fluctuating ang pag-cheer.


10 EDItOrIaL

Volume 27 Number 6 30 September 2013 | Monday

ng PagSaMBa ng kaSaLUkUyang a rehimen sa salapi ang tahasang manipestasyon ng panlililo nito sa mamamayang api.

Punong-puno ng panloloko ang talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III ukol sa panukalang badyet para sa taong 2014. Pinagtatakpan ng hungkag na retorika ang baluktot na alokasyon sa kanyang panukalang National Budget na P2.268 trillion, higit na mas mataas ng P262.1 B sa badyet noong nakaraang taon.

EDITOR-IN- CHIEF

Aries Joseph Armendi Hegina ASSOCIATE EDITOR FOR INTERNAL AFFAIRS

Angelo Dennis Aligaga Agdeppa

ASSOCIATE EDITOR FOR EXTERNAL AFFAIRS

Kathleen Trinidad Guiang

Ang mungkahing badyet ay naglalayon umano ng Inclusive Development. Ginamit ni Aquino ang konspetong ito upang ipinta ang isang larawan ng isang ideyal na lipunan— na ang kanyang gobyerno diumano ay nagtataguyod ng pantay-pantay na pagkakataon para sa bawat mamamayan upang mamuhay sila nang masagana. Ngunit dahil sa mismong baluktot na paglalaan ng pondo, at nilangkapan pa ng pag-iral ng isang lipunang mapaniil at mapanglamang, ang pangakong ito ni Aquino ay isang kasinungalingan. Ang isang karaniwang mamamayan ay pinagbabawalan ng estadong makamit ang kanyang mga karapatan dahil sa paglalaan nito ng pondo sa mga programang wala namang katuturan.

MANAGING EDITOR

Ruth Genevieve Austria Lumibao ASSISTANT MANAGING EDITOR

John Vherlin Canlas Magday NEWS EDITOR

Christine Joy Frondozo Angat GR APHIC S EDITOR

Deonah Abigail Lugo Miole NEWS CORRESPONDENTS

Ezra Kristina Ostaya Bayalan, Elizabeth Danielle Quiñones Fodulla, Krishna Jeanne Padre Godino, Leonard Dangca Javier, Carlo Rey Resureccion Martinez, Ronilo Raymundo Mesa

Ang panukalang badyet para sa 2014 ay puno ng pagbabalatkayo. Totoong tumaas ang perang inilaan para sa serbisyong panlipunan ng 20%. Ngunit, kung susuriing mabuti, ang pagdagdag ng badyet para sa mga batayang serbisyong panlipunan ay naka-angkla rin sa pagpapatupad ng mga anti-mamamayang mga programa ng kasalukuyang rehimen tulad ng pribatisasyon ng mga ospital at komersyalisasyon ng mga pampublikong kolehiyo at unibersidad. Pekeng paglago bilang tuntungan ng isang peke at depektibong pamamahala— ito ang direksiyong tinatahak ng administrasyong Aquino sa patuloy nitong pagbigay ng prayoridad sa iskema ng pribatisasyon at Public-Private Partnership o PPP. Patuloy ang panliligaw ng administrasyong Aquino sa pribadong sektor upang maging katuwang umano nito sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan. Sa katunayan, 21 proyekto sa ilalim ng PPP ang popondohan ng gobyerno sa halagang aabot sa humigit-kumulang P200 B. Sa malinaw na pagkiling ng gobyerno sa pribadong sektor, hindi maitatanggi na tinatahak ng rehimeng Aquino ang daan tungo sa pagsasapribado ng mga ospital, paaralan at iba pang mga institusyon. Pinapahintulutan ng gobyerno ang pagkaganid sa kita ng mga pribadong kompanya sa halip na tuparin ang mandato nitong pagsilbihan ang masa. Nakatali pa rin ang kamay ng gobyerno sa isang obligasyon na maaari naman nitong suwayin. Sa panukalang badyet para sa 2014, 13.3% ng inaasahang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa 2014 o humigit-kumulang P1.035 trilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa pagbabayad-utang. Ayon sa dating pambansang ingat-yaman na si Leonor Briones, P352.7 bilyon ang awtomatikong alokasyong ibibigay para pambayad ng interes at P682.3 bilyon naman ang inilaan para sa pagbabayad ng prinsipal na utang ng bansa. Sa kabilang banda, ang pondong nakalaan para sa edukasyon ay 4.3% lamang ng inaasahang GDP para sa 2014. Sa simula’t sapul, ang pagbabayad-utang ang mas binibigyan ng prayoridad ng estado at hindi ang pasusukli sa mga mamamayan ng mga serbisyong tutugon sa kanilang pangangailangan. Higit na makikita ang pag-abandona ng estado sa pagtugon sa mga batayang serbisyong panlipunang ng mga mamamayan nito kung titingnan ang kalagayan ng mga pampublikong kolehiyo at pamantasan. Sa taong 2014, 79 na state universities and colleges (SUCs) ang tatamaan ng hagupit ng pagkaltas sa mga badyet nito. Nangunguna na rito ang pagbawas sa badyet ng Unibersidad ng Pilipinas na makakaranas ng pinakamalaking pagkaltas sa kasaysayan nito na aabot sa humigit-kumulang P1.43 bilyon. Ayon

FE ATURES CORRESPONDENTS

Christian Reynan Ibañez Durana, Jennah Yelle Manato Mallari, Charlotte Porcioncula Velasco RESIDENT ILLUSTR ATORS

Lizette Joan Campaña Daluz, Mon Gabriel Posadas Distor, Daniel John Galinato Estember, Mark Jason Santos Flores, Gerald Miranda Goco, Princess Pauline Cervantes Habla, Noemi Faith Arnaldo Reyes, Joanne Pauline Ramos Santos, John Zeus Cabantog Taller RESIDENT PHOTOJOURNALISTS

Kessel Gandol Villarey

MON GaBrIEL POSaDaS DIStOr

RESIDENT L AYOUT ARTIST

Romelyn Taip Monzon

Pagsalaula kay Kabataan Representative Partylist Terry Ridon, ang kabuuang halaga ng pagkaltas sa badyet ng mga SUCs ay aabot sa P3.3 bilyon. Ang nasabing bilyon-bilyong halaga ng pagkaltas ay mas malaki pa sa panukalang dagdag sa badyet ng mga pampublikong kolehiyo at pamantasan na aabot lamang sa P1.9 bilyon. Ang pagkaltas na ito sa badyet ng SUCs ay nakaangkla sa Roadmap for Higher Education Reform ng gobyerno na kung saan sa taong 2016 ay dapat kaya ng suportahan ng mga SUCs ang kanilang mga sariling operasyon. Walang patumanggang sinasalaula ng gobyerno ang karapatan ng kabataang Pilipino na makapagtamasa ng libreng

ang bumubuo sa 22% ng panukalang badyet kung kaya, ipinapakita lamang nito kung paano nagiging gatasan ng mga opisyal ng gobyerno ang pambansang badyet at ugat ng korapsyon sa pamahalaan. Pagkasakim at pagpapakasasa sa yamang dapat ay tinatamasa ng lahat ang resulta ng pagpapanatili ng mga mekanismong ito. Kung kaya, hindi dapat humihina ang dagundong ng panawagan para buwagin ang sistema ng SPF at ‘pork barrel’ sa pamahalaan.

Ang pagiging salat sa badyet ng mga pampublikong pamantasan ang siya naming kabaligtaran sa pondong nakalaan para sa mga mambabatas at sa pangulo ng bansa. Isang insulto sa masang Pilipino ang pagpapanatili ng sistema ng ‘pork barrel’ sa panukalang badyet para sa taong 2014 na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P25 bilyon. Ngunit kakarampot lang ang ‘pork barrel’ ng mga mambabatas sa P310.1 bilyon na Special Purpose Fund (SPF) ni Aquino. Ang SPF ay nasa ilalim ng Department of Budget and Management (DBM), ngunit malalabas lamang ang trilyong halaga ng pondo kung may lagda ng presidente. Ang SPF

EMAIL

themanilacollegian@gmail.com WEBSITES

issuu.com/manilacollegian www.facebook.com/themanilacollegian www.twitter.com/mkule themanilacollegian.tumblr.com

MEMBER

Higit pa sa pagiging mapanuri ang hinihinging aksiyon sa bawat isa sa pagkakalahad ng mga

HINOG Na aNG PaGKaKataON uPaNG tuMINDIG Para Sa PaGPatuPaD NG ISaNG SIStEMa NG aLOKaSYON Na WaLaNG BaHID NG KatIWaLIaN Na tutuGON Sa MGa PaNGaNGaILaN NG MGa MaMaMaYaN. edukasyon sa lahat ng lebel.

OFFICE

4th Floor Student Center Building, University of the Philippines Manila, Padre Faura St. corner Ma. Orosa St., Ermita, Manila 1000

College Editors Guild of the Philippines

Solidaridad - UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations

The Cover

anomalya sa panukalang badyet para sa taong 2014. Hinog na ang pagkakataon upang tumindig para sa pagpatupad ng isang sistema ng alokasyon na walang bahid ng katiwalian na tutugon sa mga pangangailan ng mga mamamayan. Kaakibat nito ang pagpapaigting ng panawagan para sa pagbuwag sa sistema ng pork barrel at ng SPF at ang paglipat ng pondong inilaan para sa mga ito para sa serbisyong panlilipunan. Hindi sa estado magsisimula ang inaasahang pagbabago. Bagkus, nakasalalay sa masa ang pagpapasiyang lumaban para makamit ang isang sistemang panlipunan na kikiling sa interes ng nakararami.

Illustration by Gerald miranda goCo


OPINION 11

Volume 27 Number 6 Monday | 30 September 2013

BurNIng

MGA KWENTONG PARLOR

Jose Lorenzo Querol Lanuza

PARE, GAANO SA’YO?”

KAHABA

YUNG

Kung ikaw ay isang lalaki, sa tinagal mo dito sa mundo ay siguradong may isang taong nakapagtanong na sa iyo ng ganito. Maaaring tinanong ka na ng iyong kaibigang lalaki, o ng kaibigang mong lalaki sa labas ngunit Vice Ganda sa loob, o kaya nama’y baka tinanong ka na din ng girlfriend mong sabik sa iyo. Kung hindi pa handa ang iyong inosenteng pag-iisip sa mga ganitong bagay, humanap ka na ng ibang article na babasahin. Kung nais mong ipagpatuloy, tigasan mo na lang. “Pare, gaano kahaba yung sa’yo?” tanong sa akin nung kaklase ko nung highschool. Malinaw naman sa akin kung ano yung tinutukoy niya ngunit sa aking pagkagulat ay “Bakit?” na lamang ang aking naisagot pabalik. “Curious lang naman,” sagot niya. Curious daw, buti sana kung may makukuha akong award tulad ng Funyeta Anlaki ng Muscle ko sa Aking Salawal (FAMAS) o kaya mabigyan ako ng titulo tulad ng The People’s Saging kapag sinagot ko na yung tanong niya. Ang nasabi ko na lang sa kanya, “Kailan ka pa nagkahilig sa mga sukat ng…” tekateka, wala pa pala akong katawagan para sa naturang parte ng lalaki na ating tinutukoy.

Balik tayo sa aking sinagot kanina. “Kailan ka pa nagkahilig sa mga sukat ng jun-jun? Yung akin kasi…” sabi ko sa kanya. Pagtapos kong sagutin ang kanyang tanong, naaninag ko na lamang sa kanyang mukha ang isang ngiting abot tenga, ngiting di maitatangging may itinatagong lihim. Swimming, overnight. Hapon na at may kalamigan na ang hangin. Lima kami sa tropa, nagdesisyon munang maligo ang lahat para naman hindi maghalo ang aming mga libag sa tubig mamaya kapag nag-swimming na. Wala naman problema sa pagligo nang sabay-sabay dahil lahat naman kami ay lalaki kaya walang malisya. Pero ‘di ko inakalang ang isa pala sa amin ay nasa federasyon. Itago na lamang natin sa ngalang Brando ang kaibigan kong ito. May karaoke sa resort

Tayong mga Pilipino, mahilig tayo magbigay ng pangalan sa mga bagaybagay. Lalong-lalo na siguro pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa seks at sekswalidad. Magaling tayo sa pagpapangalan ng mga maseselang bahagi ng ating katawan tulad ng tahong, talong at mani Marami din tayong mga katawagan sa naturang ‘parte’ ng lalaki tulad ng black mamba, pototoy, dragon, ahas at ang aking personal favorite na jun-jun. May hierarchy sa mga pangalang ito- mula sa pinakapayat at pinakamaikli, ang pototoy, at ang may pinakakagimbalgimbal na sukat naman ay ang dragon. Ang jun-jun naman ay ang pinakaligtas na pangalan sapagkat wala itong inilalarawang sukat.

hindi kASAlAnAn AnG MAGinG iSAnG BEki, At nArArAPAt lAMAnG nA Buo rin AnG kAnilAnG kArAPAtAn SA liPunAn.

na iyon, at syempre kanya-kanyang pili na ng kanta. Si Brando na ang kakanta, pinili niya ang kanta ng Orient Pearl, ang ‘Pagsubok’. “Isip mo’y litong-lito, sa mga panahong nais mong maaliw…” okay na okay na yung pagkanta niya pero sa sumunod na linya’y natigilan ako sa aking kinakain: “…huwag mong isubo, dumudura yan,” paulit-ulit niya itong kinanta. Saan niya nakuha ang lyrics na ito at feel na feel pa niya? Pagtapos naming magkantahan ay naisipan na naming mag-swimming. Naglabas na kami ng kanya-kanyang damit na gagamitin pang-swimming. Humiram ako ng towel kay Brando.

MR. BUTTINSKI

Kumuha ako ng extra towel sa kanyang bag, at gumulat sa akin ang isang kulay pink na brief. Hindi ata brief iyon kasi manipis ang garters nito. Hindi ko alam, at ayoko nang alamin pa. Kinagabihan nung araw na iyon, hindi na ako natulog. Nitong summer, may pinakilala sa aking half-japanese girl si Brando. Itago na lang natin sa ngalang Miho si half-Jap. Noong naging close na kami ni Miho, inaya niya ako kasama si Brando na mag-overnight sa apartment niya at agad-agad naman akong pumayag. Gabi na, nakaupo ako sa kama ni Miho habang nag-iinternet. Pumasok sa kwarto si Brando, umupo malapit sa tabi ko. “Gusto mo ng BJ?” sabi sakin. “Anong BJ ‘yan?” sabi ko sa sarili ko. Napatingin ako kay Brando, lumuwag ang aking loob nung nakita kong may buko juice pala siyang hawak. Nawala na sa isip ko ang malisya sa pagsabi niya ng BJ. “No thanks, busog pa ko,” sagot ko. Lumalim pa ang gabi, at nagdesisyon kaming mag-truth or dare. Turn na ni Brando noon, at ako ang magtatanong. Tinanong ko na siya ng diretso, “Brando, may gusto ka bang aminin tungkol sa kasarian mo, sa atin-atin lang,” gusto ko nang malaman kung ano nga ba ang identidad ni Brando. Nag-aalinlangan noong una, ngunit umamin din naman si Brando. Alam na pala iyon ni Miho, at okay lang naman sa kanya na beki si Brando. Pagkatapos noon ay sabay silang nag-shower at nanghiram pa ng panty si Brando kay Miho. Wala naman daw malisya yung pag-shower ng sabay, kasi parehas lang naman daw sila ng ari sabi ni Brando. Kinilabutan ako noon, isang tunay na babae at isang selfproclaimed na babae pala ang kasama ko. Ngunit isa lang ang sigurado ko, may perks pala ang pagiging beki, sayang, hindi ako nakasama ni Miho sa shower… Tanggap ko pa din naman si Brando kahit alam kong ganon siya. Ilang taon na rin

Continued on Page 09

PAGMUMUNI-MUNI

Karel Jiaan Galang

HINDI AKO MANHID. Ilang buwan na rin nang huli tayong magkita. Inaamin ko, sinadya kong hindi makipag-usap at makipagkita sa iyo. Ngunit, hindi ibig sabihin noon na wala akong nararamdaman. Sa katunayan, sasabog na ang damdamin ko kung hindi ko ito mailalabas. Tandang-tanda ko pa ang mga huling sandali nang magpasya tayong maghiwalay. Umuulan din noon, tulad ngayon. Sabi mo magkita tayo sa KFC malapit sa apartment ninyo. Wala ako sa mood makipagkita sa iyo dahil malalim na ang gabi at alam ko na walang patutunguhan ang anoman na paguusapan natin.

makakadagdag lang ito sa mga sugat na kailangan nating pahilumin. Hindi bale nang ako na lang ang magdala ng sama ng loob. Alam kong tapos na ang lahat at wala na akong dahilan upang ipagsiksikan pa ang sarili ko sa mga plano mo sa buhay. Tatayo na sana ako nang binitiwan mo ang mga salitang nagmumulto sa akin hanggang sa kasalukuyan. “Ang manhid mo.”

At hindi ako nagkamali. Napagpasyahan natin na tapusin na ang lahat sa mismong puntong iyon dahil magkaiba tayo ng plano at prayoridad sa buhay. Alam kong masakit. Alam ko rin na hindi dapat nagtapos kung ano man ang mayroon tayo sa ganoong paraan. Ngunit alam kong hindi na maibabalik kung ano man ang ating nakaraan.

Hindi na ako umimik at minabuti ko na lang na tumitig sa kawalan. Alam ko na kung magbibitaw pa ako ng salita,

hindi Ako MAnhid; SAdyAnG MAGAlinG l AnG AkonG MAGtAGo nG nArArAMdAMAn. kunG SAk AlinG MABABASA Mo ito, SAnA MAkitA Mo nA hindi l AnG ik AW AnG nAhirAPAn

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Namalayan ko na lang na umalis ka na habang ninanamnam ko pa ang iyong mapait na pamamaalam. Ngunit, kung mababasa mo man ito,

malalaman mong hindi ako manhid. Ramdam ko na nanunuot sa aking buto ang hapdi na dulot ng bawat salitang binitiwan mo sa akin noon. At hanggang ngayon, iniinda ko pa rin ang mga sugat na dulot ng iyong pag-alis sa aking buhay. Pero alam ko, darating din ang araw na pagtatagpuin muli tayo ng tadhana. May isang bagay kang naituro sa akin – hindi lahat ng problema ay kailangang bigyan ng solusyon. Dahil kung minsan, kailangang hayaan na lang nating dumaloy ang damdamin upang tuluyang maghilom ang mga natamong sugat. May mga sugat kasi na sadyang malaki upang lapatan ng band-aid o sobrang hapdi kung lalapatan ng first-aid. Hindi ako manhid; sadyang magaling lang akong magtago ng nararamdaman. Kung sakaling mababasa mo ito, sana makita mo na hindi lang ikaw ang nahirapan. Dahil kung hindi man ako nagsalita ng gabing iyon, marahil ay dahil hindi maipapaliwanag ng mga salita ang nararamdaman kong sakit, panghihinayang at kalungkutan.

LUISA a. KATIGBAK

BaliWag Transit There is a thin line that divides genius and madness. Unfortunately, that thread snapped in me. The problem with me is that I cannot help myself from problematizing everyone else’s sh*t. I consider myself to be a magnet, only that I attract all sorts of negative vibes and varying shades and degrees of human failures and disappointments. As if to console my disheartened pride, I used to tell myself that the sheer but novel purpose of my existence is to take some weight off somebody else’s shoulder— no more, no less. Sometimes I feel like I should just succeed Mother Teresa and propagate peace, prosperity and love for all mankind but then I remembered that I don’t believe in saints. I used to, but not anymore. I thought losing my religion was all I could ever afford to lose. Never had I imagined that I would lose control over my sanity, too. And it proved to be much worse than I thought. I knew perfectly well that I am not well. Emotionally, mentally or physically speaking, I never am stable. I have these recurring phases during my childhood when I would just lose touch with reality. I will never know if you also experienced this but for easier reference, I call the phase a “snap.” A snap is a period when you feel like your life is being sucked up in a vacuum, leaving no trace that you exist. Like a time warp, you immediately burst out in open air, like an exploding supernova. To illustrate, one moment I was in the classroom listening to my teacher. In what seems to be a split second, I can no longer recall where or who the hell am I. Another split second, I’m back to my old self, taking down notes like nothing happened (This is not astral projection. Get over with that mainstream Insidious buzz.) What I am trying to say is that there is a difference between the snaps I had ten years ago and the ones I have now. I can assert mental control over the former. It seems as if I’m striking a mental bargain, telling my consciousness to just hang in there until everything clears up. The other day, I went to a bookshop with a block mate. I was itching to find some Holocaust books when my mind instinctively whispered something that went “Come on, here goes another snap.” I hastily left the place, leaving my friend without trying to explain how unheard voices inside my brain told me that I’m going to get berserk if I stayed. My friends told me that I should seek medical help. That I should use sleeping pills. That I should take some time off and rest. That I should stop fussing over my grades, my family or myself. What they do not know is that I am perfectly fine. Or I will, only if they would let me. Three of the greatest inspirations I have in my life suffered from mental breakdowns (of course, aside from Mother Teresa). The British utilitarian philosopher John Stuart Mill succumbed to a nervous breakdown when he was 20, blaming intense academic pressure from his dad. Vincent van Gogh, the Dutch painter who chopped off his ears during a fit of madness, allegedly committed suicide when he was 37 due to insanity. American poet Sylvia Plath, suffering from mental disruptions during most of her life, committed suicide when she was 30. Bottom line? They all end up in suicide. I probably should start praying to God.


Jak en Poy:

Pagsipat sa kultura ng trapiko at commuter Gemma Alkuino Esteban at Thalia Real Villela Gjhit ni gerald miranda goco

ato... Bato... Pick! B Kung sino matalo, siyang sanhi ng trapik. Ang paggamot sa sakit ng lipunang nabanggit ay hindi makukuha sa isang kisapmata. Kung gaano kabigat ang trapik araw-araw ay ganon din ang karampatang solusyon upang masugpo ito—kinakailangan ang kooperasyon ng lahat ng mamamayan. Isang mahirap at mabagal na proseso, ngunit kung hindi sisimulan ay lalo lang walang mangyayari. Papel, gunting o bato. Ano man ang itira ay talo. Mabagal pa rin ang usad. Sapagkat ang totoo, ang bawat isa sa lipunan ay nakabara.

Tumabi ka riyan, dadaan ako. Sa araw-araw na pagbiyahe, pikit-mata nilang pinanonood ang mga sasakyang naggigirian at nag-uunahan sa masikip man o malawak na kalye. Ang mga mababangis na sasakyan sa mga kalsada ng Maynila ay hindi nagpapadaig sa isa’t isa. Sa simpleng pagsingit ay makatatanggap ng matinding pagmumura, masasakit na titig at nakabibinging mga busina ang lahat ng nasa lansangan. Maging ang mga pribadong sasakyan ay walang pakundangan sa pagharurot. Anumang mangyari, kailangang makarating sa destinasyon nang hindi nahuhuli. Pakiramdam ng marami, ang pagka-late ng 30 minuto ay nagbibigay ng karapatan upang kumaripas at labagin ang lahat ng batas pantrapiko mahabol lang ang oras ng pasok o meeting. Ganito tumakbo ang isip ng Pinoy sa kalsada. Karamihan ay nakalilimot sa maaaring maging epekto ng bawat kilos sa ibang sasakyang kahati sa kalsada sapagkat ang tanging pokus ay nakatuon na lamang sa kahalagahan ng sariling oras. Ang tsuper ng isang pampasaherong sasakyan ay gagawin ang lahat huwag lamang masayang ang oras. Ang oras kasi ay nakakaapekto maging sa karaniwang tsuper na walang hinahabol na meeting o pasok. Mas mabilis kasi, mas maraming biyahe. Mas maraming biyahe, mas maraming pasahero. Mas maraming pasahero, mas maraming kita. At ang maraming kita ang kailangan nila upang mabuhay ang pamilyang sila lang inaasahan. Pero, hindi lang naman ang mga taong nakasakay sa kanilang mga sasakyan ang nagpapakita ng likas na kaungasan sa mga kalsada natin. Pati rin ang mga commuter nakikigulo. Kapag hindi siksikan, talamak ang unahan at singitan. Ngunit mas malupit iyong siksikan na nga, nakukuha pa ring mag-unahan at magsingitan. Lahat ay may hinahabol na oras. Lahat kailangang mauna, anumang init, sikip at tulakan ang kailangang suungin dahil kahit tayong mga mismong commuter ay nagmamadali rin. Dahil dito, walang traffic light ang makapipigil sa kanila — tatawid at tatawid sila kung saan malapit, kung saan komportable. Natural silang madiskarte. Hindi nga naman praktikal at papagurin lang nila ang kanilang mga sarili kung lalakad pa ng kalahating kilometro para maghanap ng pedestrian crossing o umakyat sa overpass. Sa pagiging praktikal siguro lumalabas ang iba’t ibang pagtingin sa konsepto ng oras. Ayaw nilang mag-aksaya ng oras sa paglalakad, dahil kailangan nga naman nilang magmukhang desente, at mahirap makamit iyon kung naglalakad sila sa mainit at mausok na mga kalsada ng Maynila. Traffic. Sira ang LRT. Ilan lamang ito sa

mga karaniwang palusot ng mga Pinoy tuwing nahuhuli sa oras ng pasok o meeting. Ang mabagal na aksyon ng ating gobyerno sa trapiko at bulok na sistema ng transportasyon sa bansa ay maaaring ituring na isa sa mga pinanggagalingan ng Filipino Time. Ang totoo, wala namang magagawa ang sinuman kung hindi pagtiyagaan ang trapikong hindi malunaslunasan ng gobyerno. Hindi kasagotan sa pagiging laging late ni Juan ang patuloy na paninisi sa mga bagay na bahagi na ng bituka ng kulturang Pinoy. Wala nga namang mali sa ganitong pananaw — kung tutuosin pagpapakita pa nga ito ng respeto sa iyong kasama. Ayaw mong masayang ang oras mo at maging ang sa kanya. Ang problema nga lang, dahil kailangan mong magmadali, kapalit naman nito ay ang perwisyo sa iba. Tila ang tanging mahalagang oras ay ang ating sariling oras. Tila, ang kahalagahan ng oras ay maipapakita sa pagmamadali at pagsingit para mauna. Hindi naman mangyayari iyon kung inaagahan natin at binibigyang importansya ang panahon.

Manong, Para! Ay... hindi pa po pala! Paurong pa ho sana nang kaunti oh. Malinaw naman ang silbi ng mga itinakdang babaan at sakayan—at ito ay maging tamang lugar sa paghinto upang maging maayos ang daloy ng trapiko. Pero, tila hindi talaga marunong magbasa ang mga motoristang Pinoy. Kung saan pa kasi may babalang “Bawal Magsakay at Magbaba Rito”, doon pa sila lalong tumitigil. Basta may pumara ay kanilang isasakay o ibababa, nasa gitna man sila ng daan. At bilang ganti sa pangunahing pinagmumulan ng kanilang mga kinikita, kinukunsinti nila ang kanilang mga kamahalan – mga pasaherong gusto magpahatid sa mismong tapat ng kanilang mga palasyo. Tila gustong ituring na espesyal at importante ang mga pasahero. Hindi rin naman magiging ganon kasuwail ang mga tsuper kung walang pasaway na mga pasahero— mga pasaherong gustong itigil ang lahat ng sasakyan sa kalsada para lamang makasakay o makababa sa mismong tapat ng kanilang destinasyon. Palibhasa, masyadong isinasabuhay nating mga Pilipino ang kasabihang “Bawat piso ay mahalaga.” Literal na literal. Aabot hanggang sa puntong wala nang anumang traffic sign ang makapipigil sa atin masulit lamang ang bawat sentimong inilaan sa pamasahe o gasolina. Ito kadalasan ang ugat ng kaguluhan— ang paglubos ng tao sa halaga ng isang bagay habang hindi inaalintana ang ibang aspekto sa lipunan na maaaring maapektuhan. Tingnan ang mga mauunlad na bansa, lalo na yung mga kapitbahay natin sa Asya. Binubuo ang kanilang mga daanan ng mga hintuan na sinusunod ng lahat. Ang mga tao, mayaman man o mahirap, ay marunong maglakad patungo sa kanilang destinasyon. Repleksyon iyon ng kultura at pangkalahatang ugali ng isang bansa. Dito na rin papasok ang pagtingin natin sa tunay na kaunlaran pagdating sa mga daanan at kalsada. Para sa maraming Pinoy, maunlad at nakatataas ka sa lipunan kung may sarili kang sasakyan. Kaya naman ang mga pribadong sasakyan na pumupuno sa ating mga kalsada ay nagkakaroroon ng sariling bersyon ng pagsasawalang bahala sa batas. Dahil pribado ang sasakyan nila, pakiramdam nila, mayroon rin silang karapatang magkaroon ng sariling babaan at sakayan. Napapansin ito, kaya naman gagayahin ng bawat isa, maging ng mga drayber at pasahero nito. May punto nga

naman sila, kung ginagawa ng iba, pwede rin naming gawin. Hindi lang nga naman sila ang may karapatang maging hari at reyna sa kalsada. Pantay ang kalsada, ika nga. Lahat may karapatan, kaya ang lahat, inaabuso ito.

Ped Xing Ahead “Bawal tumawid, nakamamatay.” Pero tatawid pa rin. Naglipana ang ganyang mga babala sa malalaking kalsada ng Maynila. Ganito na ata talaga katigas ang ulo ng mga Pilipino para maglagay pa ng ganyang mga panakot sa mga motorista at mga mamamayan. Sila at ang maling takbo ng kanilang mga pag-iisip ang mismong ugat ng problema. Walang pakundangan kung may malabag man na batas dahil kampante sila na madadaan naman sa suhol ang kung sino mang makahuli sa kanilang hindi pagsunod. Wala na silang takot. Pwede rin namang badtrip lang talaga sila sa kanilang gobyerno. Ang gobyerno kasi ang nagpapatupad ng mga batas trapiko na syang sumisimbolo sa kanilang bulok na pamamahala kaya bilang ganti, ay hindi ito sinusunod ng publiko. Maaaring naiinis ang mga mamamayan sapagkat ang pondo ng gobyerno na binubuo ng ating mga buwis na binabayaran ay hindi nagagamit nang maayos. Wala silang makitang pangmatagalang pinaglalaanan ng pera, panay panandaliang mga solusyon o proyekto lang ang kanilang mga naiisip. Pero nakapagtataka kung bakit kailangan pa nga naman ng pamahalaan maglagay ng mga ganoong babala. Kailangan pa nitong sindakin ang mga mamamayan nila na may namatay na sa lugar na iyon. Isang balintunay ito sa lipunan — ang mga simbolo ng pagkakaayos, ay nagpapakita rin ng isang lipunang magulo at walang sinasanto. Pwede rin naman silang bumalik sa konseptong pantay-pantay sila. Kung may hindi sumusunod, bakit nga naman kailangan sundin ng lahat? Malulugi nga naman sila, lalo na’t sa kalsada, hindi naman sinusuklian ng pamahalaan ang pagiging masunurin. Ni mga daan nga na sira na isa pang sanhi ng trapik, hindi ipinapaayos agad. Pero, sa ganong pagiisip nagmumula ang problema. Hindi giginhawa ang agos ng trapik hanggat hindi nila inilulugar ang sarili sa ayos. Wala talagang usad na mangyayari kung hindi sila matututong luminya sa pila at magbigayan. Kapag ipinagpatuloy lang ang gitgitan at unahan, mas lalo lang walang makakaungos. Nawa’y lahat ay sumunod sa batas trapiko. Agahan at bilisan na rin ang pagkilos upang hindi na magmamadali. Huwag nang sumingit, mga manong drayber. Ang mga commuter naman, pumara na sa tamang lugar at matutong maglakad. Para naman sa gobyernong inaasahan ng lahat, gamitin na sa tama ang ating pondo nang sa gayo’y maibalik na ang tiwala ng sambayanan at magkaroon sila ng inspirasyon upang simulan ang pagbabago tungo sa ikabubuti ng lahat. Lahat man ng sangkot sa barang ito’y talo sa Jak en Poy, hindi nangangahulugang wala na silang magagawa. Ipinahihiwatig lamang nito na ang bawat isa ay may kailangan lang gawing kilos upang manalo. Ito’y sapagkat kahit sila ang sanhi, sila pa rin ang tanging susi sa kalutasan nito.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.