Ang hardin 2015

Page 1

FCLNHS handa na sa SHS

100% Lipanians tutuloy sa Grade 11 Ni Christian Ferrer

SIMULA NG PAGBABAGO. Ibinahagi sa mga magulang ang tracks, strands at paaralang maaring pagpilian para sa Grade 11.

M

atapos ang ikinasang early registration ng Felizardo C. Lipana National High School (FCLNHS) para sa Senior High School (SHS) lumalabas na 100% ng Lipanians ang desididong magtuloy sa pag-aaral sa grade 11. Base naman sa naging resulta ng isinagawang mock enrolment ng paaralan pinakamaraming mag-aaral ang nais kumuha ng General Academic Strand (GAS) na umabot sa 241 ang bilang ng nagpatala o 53% mula sa kabuuang 453 bilang ng grade 10 ng paaralan. Isinagawa ang nasabing early registration at mock enrolment alinsunod sa DepEd Order no. 41 s. 2015, batay din sa itinadhana ng naturang kautusan nagdaos ang paaralan ng Career Guidance Week mula Oktubre 15 hanggang Oktubre 21 sa pangunguna ng Guidance Center at mga gurong tagapayo ng Grade 10. Layon ng Career Guidance Week na mapaig-

ting ang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa SHS. Naging pangwakas na gawain sa nasabing pagdiriwang ang Career Fair na nilahukan ng mga pribadong paaralan kabilang ang ACLC , Malolos; STI, Balagtas; ATEC, Guiguinto; Dr. Yanga’s Colleges,Inc., Bocaue; Baliuag University; Asian Institute of Computer Studies, LKBP Integrated School, Malolos City; Lord’s Angel Montessori, Malolos City; at Asian Institute of Science and Technology Baliuag. Nagtayo ng kani-kanilang booth ang mga nasabing paaralan kung saan malayang nakapagtanong ang mga mag-aaral at magulang ukol sa SHS. Samantala, handang-handa na ang FCLNHS para sa pagbubukas ng SHS sa susunod na taon, kabilang sa mga SHS strands at tracks na maaaring pagpilian sa paaralan ay ang GAS, Food and Beverage Services, Wellness Massage at Computer Hard-

ware Servicing. Bilang bahagi pa rin ng paghahanda sa SHS ay magtatayo ng dalawang palapag na gusali sa paaralan para makatugon sa karagdagang magaaral na darating sa Grade 11. Dumulog na rin ang pamunuan ng paaaralan sa barangay ng Sta. Rita upang humiling ng karagdagang kagamitan sa pagtuturo at pagsasanay ng mga mag-aaral at guro para sa Computer System Servicing, Wellness Massage at Beverage Servicing. Naging maagap rin ang paaralan sa pagpapakalat ng impormasyon ukol sa mga strand at tracks na bubuksan nito sa susunod na taon sa pamamagitan ng paglulunsad ng information campaign sa mga kalapit na barangay ng paaralan simula pa noong Hunyo.

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Felizardo C. Lipana Tomo 14 Blg.1 Oktubre - Disyembre 2015

PNP, PTA,NGO’s,FCLNHS, Nagsanib-pwersa

AgapEstudyante ikinasa Ni Kenneth Gravamen

U

pang masagip at mailayo sa ilegal na droga ang mga magaaral ng Felizardo C. Lipana National High School (FCLNHS), inilunsad ng Guidance Center (GC) sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) Guiguinto, Non-Government Organizations (NGO’s) at Parents Teacher Association (PTA) ang AgapEstudyante nitong Nobyembre 17. Isang Drug Abuse and Prevention Program ang AgapEstudyante na magbibigay ng mga serye ng lektyur ukol sa pag-iwas sa ilegal na droga.

Pahina 2

----------95% Lipanians kumpiyansang handa sila sa ‘The Big One’

Target ng programa ang mga mag-aaral mula grade 9 at 10 na sasailalaim sa 12 sesyon ng lekyur tuwing araw ng Huwebes mula 2:30 hanggang 3:30 ng hapon. Pormal na sinimulan ang naturang programa nitong Nobyembre 26 at magtatapos sa Pebrero sa susubod na taon. Nagsisilbing tagapagsalita sa mga lekyur ang mga volunteer na pastor mula sa Agape Life, Hope and Grace Ministries, Inc, Cross and Flame Ministries na sumailalim sa pagsasanay ng Dangerous Drug Board (DDB) kasama ang ilang vol-

unteer PNP personnel. Nabuo ang AgapEstudyante kauganay ng Presidential Proclamation No.124 na nagtatadhana sa ikatlong linggo ng Nobyembre taon-taon bilang Drug Abuse Prevention and Control Week na may tema ngayong taon na “Let’s Develop our Lives. Our Communities. Our Identities Without Drugs.” Samantala sa darating na Enero ay ilulunsad naman ng GC katuwang ang DDB ang Barkada Kontra Droga, isang organisasyon na bubuuin ng mga mag-aaral na magsasagawa ng peer mentoring kontra droga.

AKSYON AT SOLUSYON. Nangako si Gto. PNP Chief Domingo na magiging katuwang ng paaralan ang PNP sa kampanya kontra ilegal na droga.

SPED Program sinimulan na sa FCLNHS Ni Angela Castro

K

Pahina 4

-----------

YES-O tuloy ang laban kontra dengue BAGONG PROGRAMA. Higit na mabibigyan ng espesyal na atensyon ang mga mag-aaral na may learning disabilities dahil sa SPED program.

augnay ng pagnanais ng Department of Education (DEpEd) na mabigyan ang mga kabataan na ngangailangan ng espesyal na atensyon ng proteksyon at de-kalidad na edukasyon, isa ang FCLNHS sa mga paaralang napili upang magkaroon ng Special Education. Target ng paaralan na matukoy at mabigyan ng espesyal na atensyon ang mga mag-aaral na may iba’t ibang uri ng learning disabilities. Layunin din nitong mabigyan ang mga magulang, caregivers at mga guro ng sapat na kapasidad na makita at maiiwas ang mga bata sa paglala ng anumang developmental disorders at disabilities at matiyak ang functional development ng mga ito. Mula sa monitoring at evaluation, sa kasalukuyan ay may 23 mag-aaral na nasailaim ng nasabing programa at nito lamang Nobyem-

bre 19 ay sumailalim ang ikalawang batch ng mga mag-aaral sa Assesment For Learning Disabilities. Ibinigay ang nasabing pagsusulit ng mga mind professionals na mula sa Sta. Maria, Bulacan, sakop nito ang mga kasanayan sa pakiki nig, pagbabasa, pagsulat at pagsunod sa mga panuto. Tumatayong SPED coordinators ng paaralan sina Gng. Marilen Paguio at Bb. Marivi Lobederio. “Mapalad ang FCLNHS dahil hindi lahat ng pampublikong paaralang pansekondarya ay nabigyan ng oportunidad na magkaroon ng SPED. Mula sa National Government nakatanggap ang paaralan natin ng SPED Fund para matustusan ang programa,”pahayag ni Paguio. Ang SPED Act ay pagtupad sa polisiya ng gobyerno na mabigyan ng proteksyon at de kalidad ng edukasyon ang mga batang may espesyal na pangangailangan.


95% Lipanians kumpiyansang handa sila sa ‘The Big One’

NABUKSAN ANG ISIPAN. Hinikayat ang mga mag-aaral na gawin ang kanilang bahagi para sa kaligtasan.

Ni Christian Ferrer HAKBANG SA KALIGTASAN. Nakibahagi ang FCLNHS sa malawakang shake drill bilang paghahanda sa banta ng “The Big One.”

M

atapos ang malawakang information drive campaign na inilunsad ng paaralan ukol sa mga dapat gawin sa oras ng lindol lumalabas na 95% ng mga mag-aaral ng FCLNHS ang kampanteng handa na sila sa pagdating ng ‘The Big One’.

Sa sarbey na isinagawa ng patnugutan ng ‘Ang Hardin’ nitong Setyembre, 475 estudyante mula sa 500 respondents ang nagsabing naniniwala silang sapat ang kanilang kaalaman sa mga dapat at hindi nararapat gawin sakaling maganap ang isang malakas na paglindol.

Bago ang nabanggit na sarbey nagsagawa rin ng shake drill ang paaralan sa pangunguna ng Supreme Student Government nitong Agosto. Ayon kay G. Regalado Hernandez, Pang-Ulong Guro I ng MAPEH, at isa sa mga namahala sa naturang shake drill, naging malaking tulong dito ang seryosong pakikiisa ng mga mag-aaral sa aktibidad. Sakop ng shake drill na ito ang paglikas sa mga mag-aaral sa ligtas na lugar hanggang sa pagresponde ng mga awtoridad. Kalahok sa aktibidad na ito ang mga kinatawan buwat sa barangay at lokal na pamahalaan. Noong nakaraang taon, inilabas ng Philippine Institute of Vulcanology and Seismology ang kanilang pagsusuri sa West Valley Fault na mayroong malaking posibilidad na magsimula ng lindol na yayanig sa kalakhang Maynila at mga karatig na lalawigan.

Chinese-Volunteer na guro ipinadala sa FCLNHS Ni Janina Vianca Figueroa

U

pang masiguro ang epektibong pagpapatupad ng Special Program in Foreign Language (SPFL), 13 Chinese-Volunteer na guro ang itinalaga sa lahat ng mga paaralang may Chinese-Mandarin sa buong Rehiyon III. Sa buong Bulacan, tanging ang FCLNHS na sa kasalukuyan ay nasa ikatlong taon na pagtuturo ng Chinese-Mandarin ang napili na padalhan ng Chinese-Mandarin ng guro. Dumating si Chen Ting noong Agosto 8 sa paaralan at mananatili dito hanggang sa pagtatapos ng taong pampaaralan sa Marso. Magiging katuwang ni Ting

ang lahat ng mga lokal na gurong sumailalim sa pagsasanay sa Confucius Institute sa Angeles University Foundation sa pagtuturo ng Chinese Mandarin. Magkakaroon din ng mga serye ng mentoring at follow-through habang nasa paaralan si Ting. Sa kasalukuyan may limang lokal na Chinese-Mandarin na guro ang paaralan kabilang sina Gng Virginita Martin, G. Emmanuel Manuel, Gng. Evangeline Punongbayan,G.Roi Derrick Mendoza at Gng. Ma. Elena Mendoza. Maliban sa FCLNHS ang iba pang napiling paaralan sa Rehiyon III

ay ang Don Jesus Gonzales NHS sa Pampanga, Mabalacat NHS sa Mabalacat City, ICT HS sa City of San Fernando, Sapang Palay NHS sa San Jose del Monte, Marcelo H. del Pilar sa Malolos City, Castillejos NHS sa Zambales, Bataan NHS sa Bataan, Baler NHS sa Aurora, Tarlac NHS sa Tarlac, Muñoz NHS sa Annex sa Science City of Muñoz at San Josef NHS sa Cabanatuan City. Naging batayan sa pagpili ng 13 nasabing host school ang status ng pagpapatupad ng SPFL, positibong suporta ng Tagapamanihala ng mga Paaralan, Punong-guro at ng lokal na pamahalaan.

Moral ng mga batang differently-abled itinaas

Banta ng Climate Change pinaghandaan Ni Dimerlyn Ocap

U

pang maihanda ang mga mag-aaral ng FCLNHS sa pagbabago-bago ng panahon isang maikling information campaign ang isinagawa ng mga kinatawan ng DENR Rehiyon III sa Science Laboratory ng FCLNHS noong Setyembre 8. May temang “Nagbabago na ang panahon, Panahon na para magbago” ang kampanyang ito ng DENR na iikot sa mga pampublikong paaralan sa buong Rehiyon III. Binigyang-linaw ng naturang grupo ang pagkakaiba ng Global Warming at Climate Change at kung paano ito nakaaapekto sa atin. Sa pamamagitan ng isang video na pinamagatang “Ang Kwento ni Ana” ay ipinakita kung paano ang unti-unting pagsira ng tao sa mundo ay naging dahilan sa paglaganap ng kung ano-anong sakit. Ipinakita rin sa nasabing video ang mga alternatibong maaaring

gawin ng tao upang mabawasan ang polusyon gaya ng paglilimita sa paggamit ng aircon, paggamit ng solar panel, paggamit ng bisekleta sa halip na kotse o iba pang sasakyan at ang pinakamahalaga ay ang wastong pagtatapon ng basura. Sa isang pang video na ipinanood sa mga mag-aaral na may pamagat na “Hiwalayan” ipinaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis na komunidad at tamang pagreresiklo na nabanggit din sa RA 9003 na nagsasaad ng 3 R’s o Reduce, Reuse, Recycle . Ayon pa sa DENR, tayo ay binubuo na ng 7 bilyong populasyon at kung hindi mapipigila’y mangangailangan na ng tatlong planeta upang tirhan. Sa huli, iniwan ng mga kawani ng DENR ang hamon sa mga magaaral na gawin ang kanilang bahagi sa pagsagip sa Inang Kalikasan.

MAINIT NA PAGTANGGAP. Matamang nakinig ang mga magaaral sa lektyur ni Engr. Nakamura ukol sa robotics.

Ni Christian Ferrer

B

ukas-palad na nagbigay ng kanilang tulong pinansyal ang mga mag-aaral ng FCLNHS para sa taunang pagtitipon para sa mga differently-abled na mga bata na ginanap sa Event Center ng SM Marilao noong Hulyo 22. May temang ‘ Health and Wellness Opportunities for Persons with Disabilities Toward an Inclusive Development for All’ ang ika-siyam na asembleya ng mga differently-abled children. Layunin ng gawaing ito na itaguyod ang kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga PWD’s, mapalawig ang kaalaman at suporta ng publiko sa mga usapin na may

kinalamn sa pagpapatatag ng pakikipagtulungan at pakikibahagi ng iba’t ibang stakeholders. Kabilang sa mga naging aktibidad sa nabanggit na asembleya ay mga kultural na pagtatanghal, paligsahan sa paggawa ng poster at pagkakaloob ng mga regalo sa mga differently-abled na mag-aaral na naka-enroll sa SPED Program sa mga elementarya at sekondaryang paaralan sa buong Bulacan. Naging kinatawan ng paaralan sina G. Michael Santos, Guidance Counselor at Gng. Evangeline Morales, Gurong Tagapag-ugnay sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa gawaing ito.

Panatang Makapalay isinapuso ng Lipanians Ni Eduard Escuadra

S

abay-sabay na nanumpa ng Panatang Makapalay ang mga mag-aaral mula sa Grade 7 at 8 at nangakong sila ay magiging mga Food Guardians at hindi mag-aaksaya ng pagkain lalong-lalo na ang bigas kaugnay ng pagdiriwang ng National Rice Awareness Month (NRAM) nitong Nobyembre. Alinsunod ang gawaing ito sa Presidential Proclamation no. 524 s.2004 na nag-aatas sa Department of Educatin (DepEd) na maging kabahagi ng Department of Agriculture (DA) sa pagdiriwang ng NRAM. May temang Be RICEponsible in your Own Way (BROWN) ang pagdiriwang ngayong taon na naglala yong mahikayat ang bawat Pilipino na magbahagi ng kanilang RICEponsibility sa pamamagitan ng pag-

papahalaga sa bawat butil ng bigas. Sumailalim rin sa oryentasyon ng mga kinatawan mula sa National Food Authority (NFA) ang mga magaaral ukol sa kahalagahan ng pagkain ng masustansyang bigas tulad ng brown rice at pag-iwas sa pag-aaksaya sa bawat butil ng bigas. Binigyan din ang mga magaaral ng mga gabay ng NFA para maiwasan ang kontaminasyon sa pagkain. Nagkaroon din ng mga paligsahan sa paggawa ng slogan, pagkuha ng mga larawan, paggawa ng poster at pagsulat ng sanaysay na nauukol ang paksa sa tema ng pagdiriwang. Sa huli, lumagda ang mga magaaral sa isang kasunduan na kani lang isasabuhay ang lahat ng mga natutunan at panatang binigkas.

Mabuting Samaritano muling bumisita Ni Janina Vianca Figueroa

S

a ikalawang pagkakataon, sinalubong ng makukulay na banderitas, bandila ng bansang Hapon at Pilipinas ang pagdating ni Engr. Hoshirou Nakamura dala ang handog nitong tatlong Dell at dalawang Toshiba Laptop sa FCLNHS noong Oktubre 6. Matatandaang noong Oktubre rin nang nakaraang taon nang bumisita rin si Nakamura sa paaralan kaugnay ng hiling ng Departamento

ng Agham na maging isa sa mga piling benipisyaryo ng programa nito. Bumibisita si Nakamura sa mga pampublikong paaralan sa bansa upang magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagong istratehiya sa pagtuturo ng Agham at pagbibigay ng mga laptop na maaaring magamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Magiging bukas para sa mga guro ang paggamit ng mga naturang

laptop upang higit na mapabuti at mapataas ang kalidad ng kanilang pagtuturo. Maliban sa pagkakaloob ng mga laptop, nagbigay din si Nakamura ng tatlong oras na lektyur ukol sa Robotics sa mga piling mag-aaral mula sa pilot sections sa lahat ng baitang. Inaasahan din na magkakaloob ng projector si Nakamura sa paaralan bago matapos ang taon.

FCLNHS wagi sa Science Fair Ni Paulo Sta. Ana

H

usay at talino ang naging puhunan ng mga FCLNHS Science Wizards upang magwagi sa 2015 Division Science and technology Fair Secondary Level na ginanap sa Carlos F. Gonzales High School noong Oktubre 22-23. Matapos ang pakikipagtagisan ng talino sa 79 na katunggali matagumpay na nakamit nina Regine Mae Sibug ng 7-Sampaguita ang ikatlong pwesto; Mark Vincent

Monta, 9-Gold; ikalimang pwesto; at Brian dela Torre, 10-Rizal ang ikatlong pwesto sa Quizbee. Hindi rin nagpahuli ang Investigatory Project ng paaralan na binubuo nina Jerico Soriano, Ronnel Lopez Bañoz at Lorelie Monte na nakamit ang ikaapat na pwesto laban sa 23 entries na ipinasok ng mga paaralan sa buong Bulacan. Sumailalim ang mga naturang mag-aaral sa pagsasanay ng mga

guro sa Agham na sina Gng. Lilibeth Ralla, Gng. Anya Regalado, Gng. Agnes Tenorio at Dr. Cecilia Santiago sa tulong at suporta ng kanilang PangUlong Guro III na si Gng. Daisy Miranda. “Masayang-masaya ako. Salamat sa mga coaches na naglaan ng kanilang panahon upang mahasa ang galing at talino ng ating mga mag-aaral,” wika ni Miranda.


Bulacan nagdeklara ng giyera kontra dengue

FCLNHS agarang nakiisa sa pagkilos Ni Christian Ferrer

B

ilang suporta sa kampanyang ‘all out war against dengue’ ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sabay-sabay na naglinis ang mga mag-aaral, guro at kawani ng FCLNHS kasama ang mga opisyal ng barangay sa buong paaralan noong Oktubre 23. Kaugnay ito ng iisang layunin na mapigilan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan sa pamamagitan ng sabayang paglilinis hindi lamang sa mga paaralan kundi maging sa bawat barangay upang mapuksa ang mga posibleng pangitlugan ng lamok na nagdadala ng dengue. Pinangunahan ng iba’t ibang Barangay Task Force ng Kalinisan at Kaayusan ng Kapaligiran (KKK)

mula sa 21 bayan at tatlong lungsod sa lalawigan kasama ang ilang lokal na opisyal, kabataang volunteers, mother leaders, at health officers ang naturang gawain. Kasabay nito hinihikayat ni Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado ang publiko na ugaliin ang pagsasagawa ng 4’o clock habit partikular sa 197 barangay na naobserbahang may clustering ng dengue at sa 107 na itinuturing na hotspots. Ayon naman kay Provincila Public Health Officer Dr. Jocelyn Gomez, magsasagawa ng mga spraying at larviciding sa mga susunod na linggo habang patuloy naman ang pagpapakalat ng mga impormasyon sa pagpuksa ng dengue.

Mag-aaral ng Mandarin nagningning sa National Choral Competition Ni Christian Ferrer

TATAK NG KAHUSAYAN. Namayani ang talinong Bulakenyo laban sa buong Rehiyong III.

Gravamen kampeon sa Regional MathCom Ni Dimerlyn Ocap

I

tinanghal na kampeon ang magaaral ng FCLNHS sa kauna-unahang Regional Inter-Divisions Mathematics Competition na ginanap sa Anne Raquel’s Resort, Olongapo City noong Oktubre 16. Namayani ang husay at talino ni Kenneth Gravamen ng 9-Gold laban sa 18 pang mag-aaral mula sa buong Rehiyon III. Maliban kay Gravamen nagsi-

pagwagi rin ang lahat ng kalahok ng DepEd Bulacan dahilan upang masungkit nito ang unang pwesto sa over all ranking ng mga paaralan. Nakuha ng mag-aaral ng Grade 7 mula sa Lolomboy National High School ang unang pwesto, Grade 8 mula sa Pulongbuhangin National High School ang ikatlong pwesto at Grade 10 mula sa San Miguel National High School ang unang pwesto.

Nagsilbing gurong tagapagsanay ni Gravamen si Gng Imelda Santoyo habang tagapamatnubay naman niya si Gng. Loida D. Hilaro, Pang-Ulong Guro IV ng Matematika. “Una ang pasasalamat sa Diyos sa paggabay niya kay Kennneth sa kompetisyon. Sobrang saya talaga na makapag-uwi ng karangalan para sa ating paaralan at lalawigan,” wika ni Gng. Santoyo.

Pinaigting

YES-O tuloy ang laban kontra dengue Ni Paulo Sta. Ana

M

TAMIS NG TAGUMPAY. Naiuwi ng FCLNHS ang ikalawang pwesto sa National Choral Competition.

N

asungkit ng FCLNHS Choral ang ikalawang pwesto sa National Choral Competition among Mandarin Implementing Schools noong Oktubre 9. Binubuo ang grupo nina Kyla Nicole Carmona, Ma. Reyna Rose Cagatan, Yna Ballera, Claudy Enriquez, Sharmaine Santos, Ian Paolo Diego, Ryan dela Torre, John Vic Martin at Leo Andrew Baldeo sa mga mag-aaral na kumukuha ng Mandarin Class. Kabilang sa mga nakatunggali ng FCLNS Choral sa national ang Tarlac National High School, Quirino High School, Ernesto Rondon High School, Ramon Magsaysay High School, Bataan School of Fisheries, Tandang Sora National High School, Gordon Heights National

High School, Don Alejandro Roces High School at San Francisco High School. Bago ang naturang kompetisyon ay nakuha naman ng grupo ang ikasiyam na pwesto sa Regional Choral Competition noong Setyembre 29. Nagsilbing tagapagsanay ng grupo sina Gng. Alicia Wenceslao, G. Marcelo Nebreja, G. Roi Derrick Mendoza, Gng. Elena Mendoza at Teacher Grace. Inorganisa ng Confucius Institute at Angeles University Foundation ang kompetisyong ito para sa mga Special Program in Foreign Language - Mandarin Implementing Schools sa buong NCR at Rehiyon III.

atapos mahirang bilang isa sa 20 pinakamahusay na Sentinel Schools Implementor ng Nationwide Dengue Vector Surveillance sa buong Rehiyon III ay patuloy ang puspusang pagkilos ng FCLNHS kontra dengue. Sa tulong ng mga opisyal at miyembro ng Youth for Environment in School (YES-O) ay lingguhang naglalagay ng mga Orvicidal Larvicidal (OL) Trap sa mga silid-aralan at sa mga lugar sa paaralan na maaaring pamahayan ng mga lamok. “Sinisugo natin na palagiang nasusubaybayan ang mga OL Traps na inilalagay sa mga silid-aralan at sa lahat ng lugar na posibleng pamahayan ng mga lamok. Lingguhan itong isinasagawa upang matukoy ang mga lugar na nangangailangan ng ibayong paglilinis,”wika ni Gng. Arlene Talastas, Dengue Teacher Coordinator. Inaakit ng mga OL Traps ang mga lamok upang dito mangitlog pagkaraa’y pinapatay ang mga itlog na ito upang makontrol ang pagdami ng mga lamok. Naglagay rin ang YES-O ng isang malaking tsart sa paaralan kung saan makikita ng mga mag-aaral ang mga lugar na may pinakamaraming nakuhang itlog ng lamok. Batay sa nabanggit na monitoring chart natutukoy at higit na nabibigyang-pansin ang mga silid

TODO AKSYON. Higit pang tinutukan ng FCLNHS ang kampanya nito kontra dengue.

aralan at lugar na nangangailangan ng ibayong paglilinis upang hindi pamugaran ng lamok. Patuloy ang pagsusulong ng DepEd at Department of Science and Technology (DOST) sa kampanya kontra dengue matapos makita ang positibong dulot nito. Batay sa tala, malaki ang naitutulong ng OL traps lalong-lalo na sa panahon ng tag-ulan kung saan napabababa ang porsyento ng dami ng lamok sa lahat ng mga paaralang nabigyan nito. Dagdag pa rito, base sa mga isinagawang pagsusuri, kung gaano karami ang lamok na tumitira sa isang lugar ay gayundin karami ang mga lamok na namamatay sa mga

lugar na nilagyan ng OL Traps. Samantala, mula sa nabanggit na 20 pinakamahusay na paaralan sa buong rehiyon sa pagpapatupad ng Nationwide Dengue Vector Surveillance ay pipili ang DOST ng lima na siyang hihiranging pinakamahusay sa Rehiyon III. Bukod sa FCLNHS kabilang sa 20 pinakatampok na paaralan na nagmula sa Bulacan ang Obando Central School, Dampol 2nd National High School, Pulong Buhangin National High School, San Pedro National High School, Sapang Kawayan Elementary School at Alexis G. Santos National High School.

Press Con

Lipanians humakot ng panalo Ni Jheremie Macaraeg

KAMI ANG NAGWAGI. Taas noong tinanggap ng mga Lipanian Math Wizards ang medalya ng karangalan.

Math Wizards namayagpag sa EDDIS Ni Janina Vianca Figueroa

M

uling pinatunayan ng mga Math Wizards ng FCLNHS ang kanilang bagsik sa matematika matapos mag-uwi ng karangalan ang lahat ng grade level sa nakaraang Eddis Mathcom na ginanap sa Illuminada Roxas Mendoza Memorial High School nitong Setyembre8. Nagsipagwagi sina Regine Mae Sibug, 7-Sampaguita, ikatlong karangalan; EJ Esguerra,8-Diamond, ikatlong karangalan; Kenneth Gravamen, 9-Gold, ikalawang karan-

galan; at Brian dela Torre, 10-Rizal, ikatlong karangalan. Hindi rin nagpahuli ang FCLNHS sa Division Mathcom na ginanap sa Virgen delos Flores High School matapos itanghal na kampeon si Gravamen at masungkit naman ni dela Torre ang ikalawang karangalan at tanghalin ang paaralan bilang Rank 6 mula sa 30 lumahok na mga paaralan sa buong Bulacan. Samantala nagkampeon rin sa Eddis II Math Trail Competition noong Setyembre 23 sa Sulivan

High School ang grupong binubuo nina Sibug, Esguerra, Gravamen at dela Torre habang nakuha naman ni John Ronald Torres ng 9-Gold ang ikaanim na pwesto sa Sodoku Math Challenge dahilan upang tanghalin ang paaralan na Rank 2 mula sa 26 na paaralan na nagtunggali sa buong Eddis. Naiuwi rin ng parehong grupo ang ikalawang pwesto sa Division Math Trail Comnpetion sa Prenza National high School noong Oktubre 1.

N

agwagi sa iba’t ibang kategorya ang mga manunulat ng ‘Ang Hardin’ at ‘The Garden Chronicles’ ng FCLNHS sa ginanap na Eddis at Division Secondary Schools Press Conference (DSPC). Sa Eddis II School Press Conference na ginanap noong Agosto 11 sa Dr. Felipe de Jesus National High School ay matagumpay na naiuwi ng mga manunulat ng ‘Ang Hardin’ na sina Mescheal Tacsan ang ikatlong pwesto sa Pagsulat ng Lathalain; Angela Estilloso, ikaapat na pwesto, Pagsulat ng Balitang Isports; Christian Ferrer, ikawalong pwesto, Pagsulat ng Editoryal; Nicole Cervantes, ikasampung pwesto, Pagkuha ng Larawan; Dimerlyn Ocap, ikawalong pwesto,at Kenneth Gravamen, ika-11

pwesto, kapwa sa Pagsulat ng Balita. Hindi rin nagpahuli ang mga manunulat ng ‘The Garden Chronicle’ na sina Krista Marie Cervantes, ikalawang pwesto, Feature Writing; Desserie Ligo, ikatlong pwesto at Russel Agustin, ikalimang pwesto, kapwa sa PhotoJournalism; at Hannah Felma Amador, ikalabing-isang pwesto sa News Writing. Naiuwi naman nina Christian Ferrer ang ikapitong pwesto sa Pagsulat ng Editoryal, Nicole Cervantes, ikasiyam na pwesto sa Pagkuha ng Larawan at Krista Mae Cervantes ang ikaanim na pwesto sa Feature Writing sa DSPC na ginanap sa Calumpit National High School nitong Setyembre 7-9.


Cruz kinilala sa malasakit sa kabataang Guiguinteño Ni Christian Ferrer

T TUGON SA PANGANGAILANGAN. Malaking tulong sa trapiko at seguridad ng mga Guiguinteño ang bagong gawang foot brigde.

Kaligtasan ng mga Guiguinteño siniguro Ni Janina Vianca Figueroa

U

pang matiyak ang kaligtasan ng mga Guiguinteño at mabawasan ang bigat ng trapiko itinayo sa pamamahala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Municipal Hall-Central School footbridge. Tinatayang nasa 3,000 magaaral at 2,000 empleyado ang masisiguro ang kaligtasan dahil sa nabanggit na dugtungan. Maliban dito, magiging daan din ito upang maibsan ang suliranin sa trapiko ng mga sasakyang bumabagtas sa kahabaan ng Mc Arthur

Highway patungong Cagayan Valley Road. Ayon kay Municipal Planning and Office Coordinator Lucila Punongbayan naging pangunahing konsiderasyon sa pagpapatayo ng footbridge sa harap ng paaralan at munisipyo ang kapakanan ng mga batang nag-aaral sa Guiguinto Central School at Guiguinto National Vocational High School. Naging positibo rin ang pagtanggap ng mga Guiguinteño sa footbridge lalo na ang mga magulang na mababawasan ang

pag-aalala sa kaligtasan ng kanilang mga anak sa pagtawid sa kalsada na malimit ay dinaraanan pa ng malalaking trak. Nakadisenyo rin ang paglalagay ng elevator sa magkabilang dulo ng footbridge para sa kapakanan ng mga may kapansanan, senior citizens at mga buntis ayon naman sa tagapangasiwa ng proyekto na si Engr. Arcadio Sulit. Sinimulan noong Disyembre 2014 at nagtapos nitong Hunyo ang pagtatayo ng nasabing footbridge na nagkakahalaga ng P 9.6 milyon.

umanggap ng parangal ang Punong-bayan ng Guiguinto mula sa Pamahalaang Panlala wigan ng Bulacan dahil sa natatanging kontribusyon at suporta nito sa mga programang pangkabataan. Isa si Mayor Ambrosio ‘Boy’ Cruz, Jr. sa mga binigyan ng Sertipiko ng Pagpapahalaga sa Hiyas Bulacan Convention Center noong Oktubre 14.

Isa lamang ang Guiguinto Scholars Association sa mga samahang pangkabataan ni Cruz na matagumpay na tumutulong sa mga kabataang Guiguinteño sa paghubog ng kanilang mga potensyal at pagabot sa kanilang mga pangarap. Maliban kay Cruz tumanggap din ng parangal ang alkalde ng Sta. maria, Plaridel, Calumpit at Malolos City.

Talentong Bulakenyo bumida sa Indakan sa Kalye Ni Paulo Sta.Ana ANGAT SA IBA. Namayagpag Guiguinteño sa pagsayaw.

ang

husay

at

talentong

GMACC sumailalim sa modernisasyon Ni Christian Ferrer

S

umalubong sa mga Guiguinteño ang bagong Guiguinto Municipal Athletic and Cultural Center (GMACC) Gymnasium kasabay ng pagdiriwang ng ika-100 taong anibersaryo ng pagsasarili ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto. Ayon kay Municipal Engr. Ricardo Sulit dumaan sa napakalaking pagbabago ang GMACC. “Mula sa orihinal na 1,500 sq.m. na nasasakupan ng GMACC ay dumoble na ito. Ang floor area ng ating gymnasium ay nasa 3,000 sq.m. na,” ayon kay Sulit. Dagdag pa ni Sulit lumawak ang sakop ng GMACC dahil sa pagkakaroon ng ekstensyon sa likurang bahagi na maaari umanong gawing tanggapan maliban dito nagkaroon din ng expansion sa harapan na nilagyan ng apat na palapag na magagamit naman sa mga pagpupulong. Maliban dito, magiging komportable na rin ang mga gagamit ng GMACC dahil fully airconditioned na ito. Malaking tulong ang GMACC para sa mga Guiguinteño dahil nagsisilbi itong tanghalan ng mga talento, ganapan ng mga pagsasanay sa isports at dausan ng mga pagtitipong

P HUDYAT NG PAG-UNLAD. Ipinagmalaki ng Pamahalaang Bayan ang bagong GMACC.

may kauganayan sa edukasyon at iba pang larangan. Sa panahon naman ng mga kalamidad tulad ng bagyo ay maaari itong magsilbing evacuation center para sa mga Guiguinteñong naninirahan sa mga lugar na binabaha. Plano rin umano ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto na dagdagan ng mga bagong feature ang GMACC kada taon . Tinatayang umabot sa humigit kumulang P20 milyong piso ang ginugol ng lokal na pamahalaan u-

pang maisakatuparan ang modernisasyon ng GMACC. Ayon kay Sulit nagmula ang naturang halaga sa Development Fund o kita ng bayan mula sa buwis na nakokolekta ng munisipyo. Naging katuwang din sa pagpapatayo ng naturang gusali ang Citizen Battle Against Corruption (CIBAC) na nagpalabas ng P 4.5 mil yong piso sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) gayundin si Cong. Apol Pancho na nagpalabas naman ng P 4 na milyong piso.

inatunayan ng mga Guiguinteño ang kanilang husay sa pagsayaw matapos mag-uwi ng kambal na tagumpay sa Indakan sa Kalye na ginanap sa Bulacan Sports Complex nitong setyembre 8. Itinanghal na kampeon ang mga mag-aaral mula sa Cherubim Montessori School na tumanggap ng P100,000.00 gantimpala habang nasungkit naman ng Tuktukan Guiguinto Dance Group ang ikatlong pwesto at premyong P50,000.00. Kapwa itinampok ng mga nasabing grupo ang makulay na tradisyon ng Bayan ng Guiguinto at pagdiriwang ng Halamanan Festival. Kaugnay ng tema ngayong taon na ‘Bulacan, Dangal ng Bansa! Lahing Bulakenyo, Ating Ibandila, ang nasabing kompetisyon ay isang paraan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang

itaguyod ang kapistahan sa lala wigan at mahikayat hindi lamang ang mga Bulakenyo kundi lahat ng Pilipino at turistang banyaga na saksihan ang taunang pagdiriwang ng Pista ng Singkaban. “Sa lalawigan ng Bulacan matatagpuan ang ilang pinakamahuhusay na mananayaw sa bansa at ito ang paraan ng ating Pamahalaang Panlalawigan upang ipamalas ang angking talento sa pagsayaw na nagtatampok sa mga makukulay na pagdiriwang sa Bulacan,” ayon kay Gob. Wilhelmino Sy-Alvarado. Nagsimula ang pag-indak ng mga mananayaw sa Bulacan Capitol Gymnasium at nagtapos sa Bulacan Sports Complex. Naging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang Provincial Youth, Sports and Employment Development Office sa pagsasakatuparan ng nabanggit na kompetisyon.

DPWH, naglaan ng 367 milyong piso para sa pagtatayo ng mga karagdagang silid-aralan sa una, ikalawang distrito ng Bulacan Balita mula sa PIA

L

NANGUNA SA KALINISAN. Nagbunga ang pagsisikap ng Brgy. Panginay na tinanghal na isa sa pinakamalinis sa buong Bulacan.

Brgy. Panginay bumida sa KKK Challenge Ni Jheremie Macaraeg

N

agtagumpay ang Brgy. Panginay sa Kalinisan at Kaayusan ng Kapaligiran (KKK) Challenge matapos tanghalin bilang isa sa pinakamalinis sa buong lalawigan. Mula sa 569 barangay, isa ang Panginay sa 74 na pinarangalan dahil sa kapuri-puri nitong Solid Waste Management System with Materials Recovery Facility gayundin ang suporta mula sa lokal na pamahalaan. Lahat na 74 barangay na nag-

wagi ay nakakuha ng grading 85% pataas at pinili batay sa pamantayan na 50% kalinisan at 50% kaayusan. Tumanggap ng Plake ng Pagkilala at insentibong cash ang mga nagsipagwagi mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan. Bahagi ang KKK ng 7 Point Agenda ng administrasyon na naglalayong maprotektahan, mapanatili, at masiguro ang kalinisan at kaa yusan ng komunidad.

UNGSOD NG MALOLOS, Nob.29 (PIA) -- Naglaan ng 367 milyong piso ang Department of Public Works and Highways o DPWH para sa konstruksyon ng karagdagang 225 silid-aralan sa una at ikalawang distrito ng Bulacan. Ayon kay Benedict Matawaran ng First Engineering District ng DPWH, pinakamaraming ipapatayo sa ilalim ng kanilang K to 12 Education Reengineering Program sa Calumpit Elementary School na aabot sa 30 kasunod ang Birhen Delos Flores High School sa Baliwag na may 24. May tig-16 naman ang Guiguinto National Vocational High School at Bajet-Castillo High School sa Pulilan. Aabot sa tig-12 mga karagdagang silid-aralan ang itatayo sa San Francisco Xavier High School sa Bulakan, Sta. Peregrina High School sa Pulilan, at Cambaog National High School sa Bustos. May tig-10 ang Frances High School sa Calumpit, Iba National High School sa Hagonoy, at Dampol 2nd National High School sa Pulilan habang tig-siyam sa

Donya Candelaria Meneses Duque High School sa Bulakan, Masagana High School sa Pandi, at Taal High School sa Bocaue. May tig-walo ang Ramona Trillana High School sa Hagonoy; tig-anim sa Dampol 1st National High School sa Plaridel, Tiaong National High School sa Guiguinto, Sto. Nino High School sa Baliwag, at Iluminada Mendoza-Roxas sa Bocaue; at tig-apat sa Kapitangan National High School at Sta. Cruz High School na kapwa nasa Paombong. Kaugnay nito, sasabayan ang mga naturang konstruksyon ng DPWH ang pagpapagawa rin ng Department of Education ng 54 pang mga silid-aralan sa una at ikalawang distrito ng lalawigan sa ilalim ng Public-Private Partnership for School Infrastructure Project. 15 silid-aralan ang ginagawa sa Hagonoy kung saan tig siyam na mga silid-aralan ang ipinapatayo sa San Pedro National High School at San Roque National High School habang anim naman ang sa Sta. Monica National High School. May 24 naman ang Sta. Lu-

cia High School sa Calumpit at anim ang sa Taliptip National High School sa Bulakan. Sa ikalawang distrito, may tig-anim ang Tibagan National High School at Alexis G. Santos National High School sa Bustos, Sulivan High School sa Baliwag, Jose J. Mariano Memorial High School sa Plaridel, at Balagtas National Agricultural High School. Tig-walong mga silid-aralan naman ang nakalinyang itayo rin sa Banga High School sa Plaridel, Bunsuran High School sa Pandi, at sa Lolomboy National High School sa Bocaue. Samantala, sinimulan na rin ang pagtatayo ng may 24 bagong silid-aralan mula sa 44.5 milyong pisong inilaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation sa ilalim ng proyektong Tuwid na Daan sa Silid-Aralan. Makikinabang dito ang Makinabang Elementary School sa Baliwag na may walong silid-aralan, Ramona S. Trillana High School sa Hagonoy na may 10, at Segundo Esguerra, Sr. Memorial Elementary School sa Pulilan na may anim.


Bolunterismo ng kabataan binuhay Ni Eduard Escuadra

KILOS KABATAAN. Hinamon ni Dingdong Dantes ang kabataang Bulakenyo na maging mga produktibong mamamayan. (larawan mula sa PGB)

U

pang pasiglahin ang diwa ng bolunterismo sa mga kabataang Bulakenyo inilunsad ng Provincial Youth, Sports, Employment and Development Office (PSYEDO) ang Bulacan Youth Volunteer Net-

work (BulacanYNet) noong Oktubre 14 sa Hiyas Bulacan Convention Center. Layunin ng naturang programa na mahubog ang mga kabataan na maging produktibo at aktibo-

ng mamamayan sa pamamagitan ng pagbuo ng youth organization na magiging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan (PGB) sa mga proyekto nito. Kabilang sa mga maaaring sangay na pagpilian ng mga kabataan ay Disaster Risk Reduction and Management; Environment; Employment and Entreprenuership; Peace and Order; Sports, History, Arts, Culture and Tourism; Health and Nutrition; at Education and Values Formation. Tatanggap ang mga miyembro ng BulacanYVNet ng id, libreng skills training, health cards, diskwento sa mga piling establisyimento at pribilehiyong maging prayoridad ng PGB sa iba’t ibang proyektong pangkabuhayan. Lahat ng interesadong kabataan ay maaaring magsumite ng kanilang volunteer registration form sa PYSEDO o kaya’y sa mga Municipal Coordinator sa kani-kanilang bayan.

Bulakenya nahirang na ambassador of goodwill Ni Angela Estilloso

I

sang Bulakenya ang napili ng National Youth Commission (NYC) na mapabiliang sa mg kabataang lider na magiging ambassador of good will para sa 42nd Ship for Southeast Asian and Japanese Youth Program o SSEAYP. Kabilang si Gracelyn Simon 28 kabataan na magiging bahagi ng Philippine contingent sa darating na Oktubre 27 hanggang Disy-

embre 28. Ayon sa NYC, ang SSYEAP ay taunang diplomatic culture exchange program na itinataguyod ng pamahalaan ng Japan at nilalahukan ng mga bansang miyembro ng Associations of Southeast Asian Nations. Bibisitahin ng mga delegado na lulan ng Nippon Maru Cruise Ship ang Japan, Pilipinas, Myanmar, Vietnam at Malaysia sa loob ng 51 araw.

Magiging gawain sa buong cruise ang mga diskusyon sa social issues, club activities, isports, recreation at mga pagtatanghal na kultural. Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga delegado na makihalubilo sa mga lokal na kabataan sa mga bansang bibisitahin at magsasagawa ng community service sa pamamagitan ng homestudy program.

KUMIKITANG KABUHAYAN. May bagong pagkukunan ng kita ang mga Bulakenyo matapos dumalo sa skills demo.

500 Bulakenyo mas gaganda ang buhay Ni Christian Ferrer

T

inatayang nasa 500 Bulakenyo ang nagbenipsyo sa isinagawang Skills Demo and Livelihood Fair sa Bulacan Sports Gymnasium, Malolos City noong Setyembre 7. Ayon kay Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado layunin ng naturang programa na mapaganda ang buhay ng mga Bulakenyo. “Nais nating mapaganda ang buhay ng mga Bulakenyo kaya sana ay maraming natutunan ang mga nag-training at magamit nila ito para madagdagan ang kita na magagamit nila sa araw-araw na gastusin,” ani Alvarado. Kabilang sa mga bagong kasanayan na natutunan ng mga dumalo ay pagreresiklo ng basura, food processing, paggugupit ng

buhok, pagkukumpuni ng cellphone, beads making at massage theraphy. Ayon naman kay Elsi Paredes, tagapagsanay mula sa Sagip Kalikasan Dulot ay Kabuhayan (SKDP) lahat ng mga kalahok ay nagpamalas ng kagustuhang matuto at kasigasigan. “Magandang magturo sa mga interesado talagang matuto, ganoon sila. Bukod sa nakapagturo kami sa kanila ng pwedeng pandagdag kita napo-promote din nito ang panga ngalaga sa kalikasan kasi recycled materials ang gamit namin,” wika ni Paredes. Naisagawa ang nasabing programa sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Provincial Youth, Sports, Employment and Development Office.

Gitnang Luzon may 133B alokasyon sa 2016 Ni Kenneth Gravamen

T

atanggap ng ikalawa sa pinakamalaking pondo kasunod ng Metro Manila na nagkakahalaga ng 133 bilyong piso ang Gitnang Luzon sa 2016. Mula sa naturang badget, pinakamalaki ang para sa larangan ng edukasyon, tatanggap ang Department of Education ng 32.8 bilyong piso para sa pagpapatayo ng karagdagan pang mga silid-aralan, pagbili pa ng mga bagong textbook at instructional materials, computerization program para sa Senior High School, karagdagang mga guro, pagpopondo sa

Alternative Learning System at sabsidiya sa mga mag-aaral at guro na nag-aaral sa pribadong eskwelahan sa ilalim ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education. Makakakuha naman ng 15.4 milyong piso ang Commission on Higher Education na hahatiin sa mga pamantayan at kolehiyo sa Gitnang Luzon. Sumunod sa may pinakamalaking pondo ang Department of Health na may 5.6 bilyong pisong nakalaan para sa mga health insurance ng mga benipisyaryo ng Pan-

tawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s, pagpapatayo ng karagdagang ospital at rural health unit at modernisasyon ng mga pasilidad na pangkalusugan. Ayon kay Budget and Management Secretary Florencio Abad ang naturang pondo ay simbolo ng paggugol na matuwid ng administrasyong Aquino upang maging saligan ng tuloy-tuloy na pag-unlad. Ito na ang huling badyet na inihanda ng Pangulo na nakatakda nang matapos ang panunungkulan sa susunod na taon.

AKSYON AGAD. Matapos ang paglobo ng kaso ng dengue agad na tumugon si Gob. Alvarado.

Libreng pagpapagamot sa dengue ikinasa sa Bulacan Ni Janina Vianca Figueroa

N

agkaloob ng libreng pagpapagamot ng dengue sa lahat ng ospital na pagmamay-ari ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kasunod ng deklarasyon ng outbreak nito sa lalawigan. Kabilang sa mga ospital na nabanggit ay ang Bulacan Medical Center, Rogaciano Mercado Memorial Hospital sa Sta. Maria, San Miguel District Hospital sa San Miguel, Emilio Perez District Hospital sa Hagonoy, Gregorio del Pilar Hospital sa Bulakan, Baliwag District Hospital at Calumpit District Hospital. Kasabay nito ay nanawagan din si Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado na makipagtulungan sa pamahalaan upang malabanan ang dengue. Hinikayat ni Alvarado ang bawat Bulakenyo na ugaliin ang paglilinis,

hanapin at linisin ang mga lugar na posibleng pagbahayan at pangitlugan ng mga lamok. Binigyang-diin din ni Alvarado na mahalaga ang agarang pagkonsulta sa doktor kapag nakaranas na ng mga sintomas gaya ng mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo at kalamnan, pagpapantal, pagdurugo ng ilong o gilagid, pagpapasa, kawalan ng ganang kumain at pagsusuka. Umabot na sa 4,033 ang naitalang kaso ng dengue ng Provincial Public Health Office mula Enero 1 hanggang Setyembre 12, mataas ito ng 227 porsyento kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon. Pinakamaraming naitalang kaso sa Lungsod ng San Jose del Monte, 562, sinundan ng San Rafael, 373, at Sta. Maria, 364.

TAAS-NOO BULAKENYO. Tinanggap ni Nicomaine Dei Mendoza aka Yaya Dub ang Gintong Kabataan Award. (larawan mula sa PGB)

Yaya Dub pinarangalang natatanging kabataang Bulakenya Ni Dimerlyn Ocap

D

umating na ang tamang panahon para kay Nicomaine Dei Mendoza o Yaya dub na kinilala bilang isa sa mga Gintong Kabataan Awardees sa Hiyas Bulacan Convention Center noong Oktubre 14. Tinaggap ni Mendoza ang parangal sa kategoryang Performing

Arts dahil sa ipinamalas nitong talento at pagmamahal sa sining. Tubong Sta. Maria, Bulacan ang 20 taong gulang na si Mendoza na sumikat dahil sa kanyang pagda-dubsmash na naging viral at umani ng milyon-milyong views sa internet. Dumating ang rurok ng kasika-

tan ni Mendoza nang maging bahagi siya ng kalye serye ng Eat Bulaga bilang katambal ni Alden Richards. Ang Gintong Kabataan Award ay taunang pagkilala ng Provincial Youth, Sports, Employment and Development Office sa mga kabataan ng Bulacan na nagpamalas ng kahusayan at kakayahan.


4P’s pinalawig

P62.7-B alokasyon para sa 2016 inilaan Ni Kenneth Gravamen

K

augnay ng pagnanais ng pamahalaan na masugpo ang kahirapan ay naglaan ng P62.7 bil -yon ang pamahalaan para sa pagpapalawig ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s). Ayon kay Budget Secretary Florencio ‘Butch’ Abad ang karagdagang pondong inilaan sa 4P’s ay upang maabot ng programa maging ang mga mag-aaral ng hayskul

na mula sa mahihirap na pamilya. Dagdag pa ng kalihim dapat lamang na palawigin ang 4P’s dahil isa ito sa pinakamahalaga at epektibong programa ng pamahalaan na nagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap. Bilang pangunahing tagapagpatupad na ahensya ng 4P’s, nasa ikaanim na may pinakamataas na alokasyon ang Department of Social

Welfare and Development (DSWD) sa 2016 National Expenditure Program. Mula sa nabanggit na 62.7 badget, 4.4 bilyong piso ang para sa mga rehistradong benipisyaryo ng 4P’s at ang natitirang 3.3 bilyon ay mapupunta para sa mga pamilyang walang tahanan at mga pamilyang nangangailangan ng tulonng dahil sa mga kalamidad.

DBM: 6,098 silid-aralan itatayo Ni Jheremie Macaraeg

B

ilang pagtugon sa patuloy na lumolobong bilang ng mga estudyante kada taon nagpalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P9.41 bilyon upang makapagpatayo ng 6,098 silid-aralan sa 956 na mataas na paaralan sa buong kapuluan. Ibinigay ang naturang halaga sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na siyang pangunahing ahensyang nangangasiwa sa

konstruksyon ng mga karagdagang silid-aralan. Nagmula naman ang salaping ito sa Basic Educational Facilities Fund (BEFF) na nakapaloob sa 2015 Pambansang Badget. Sa Rehiyon III, 74 na mataas na paaralan ang magbebenipisyo at nakatakdang tayuan ng 648 karagdagang silid-aralan. “Naniniwala ang Kalihim ng DBM na si Florencio ‘Butch’ Abad na

TULAY. Mas magandang kapalaran ang naghihintay sa mga Bulakenyong iskolar ng TESDA. (larawan mula sa google)

sa pagpapatayo ng mga silid-aralan na ito mas mapabubuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Dagdag pa ni Abad ang Department of Education ang may pinakamalaking badget ngayong taon na nagkakahalaga ng P377.7 bilyon na mas tumaas pa ng 15.4% sa 2016 dahil nakatakdang tumanggap ng P435.9 bilyon na alokasyon ang departamento.

PAGBABAGO. Simula sa susunod na taon mawawalan na ng halaga ang mga lumang pera.

BSP: Lumang pera gastusin na Ni Janina Vianca Figueroa

P

inaaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na ang mga lumang pera ay magagamit na lamang sa pagbabayad at pagbili hanggang sa Disyembre 31 ng kasalukuyang taon. Alinsunod ang pag-demonitize ng BSP sa mga lumang pera na tinatawag na New Design Series NDS sa nakagawian ng mga central bank sa buong mundo na nagpapalit ng currency design kada 10 taon. Ginagamit na ang NDS banknotes sa Pilipinas simula pa 1985 o sa loob na ng 30 taon. Simula sa Enero 1, 2016 hindi na tatangggapin ang NDS na pera sa

STARBOOKS ng DOST tumanggap ng Internasyonal na Pagkilala Ni Janina Vianca Figueroa

TESDA patuloy sa pagtupad ng pangarap ng kabataang Bulakenyo Ni Christian Ferrer

T

inatayang nasa 7,592 kabataang Bulakenyo ang mabibigyan ng libreng technical vocational (tech-voc) na pag-aaral ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) mula sa P58.24 milyong badget na ipinagkaloob sa ahensya. Nauna nang nabigyan ng libreng pag-aaral ang mahigit 500 kabataan mula sa Lungsod ng San Jose del Monte na personal na iginawad ni TESDA Secretary Joel Villanueva. Kabilang sa mga programang inilunsad ng TESDA para sa pamamahagi ng mga naturang scholarships ay Training for Work Scholarships Program (TWSP); Private Education Student Financial Assistance (PESFA); Special Training for Employment Program (STEP); at Bottom-Up Budgeting (BuB).

Ayon kay Villanueva kaagapay ang TESDA upang tuparin ang pangarap ng mga kabataang Bulakenyo. “TESDA is about job, what we want is to become a transformative agency, magkaroon ng kakayahan na magkaroon ng magandang buhay at magandang kinabukasan.” wika ni Villanueva. Ibinahagi rin ni Villanueva ang mga kwento ng tagumpay ng maraming nakapagtapos na sa TESDA at hinimok ang mga bagong iskolar na magsumikap rin. “I can’t wait na pangalan nyo naman ang aking sasabihin dahil kayo ay graduate ng TESDA at kayo’y nagkaroon ng kapangya rihan bilang TESDA man. Sana huwag nating biguin ang isa’t isa sa pag-abot ng ating mga pangarap,” dagdag pa ni Villanueva.

pang-araw-araw na transaksyon at pagbabayad. Gayunpaman, maaari namang ipamalit ng libre ng publiko ang kanilang mga lumang pera upang maging bagong pera o New Generation Currency (NGC) banknotes sa mga institusyong pinansyal tulad ng mga universal, commercial, thrift, rural at kooperatiba na mga bangko at sa lahat ng mga sangay ng BSP sa buong bansa. Simula naman sa Enero 1, 2017 hindi na kikilalanin ang mga lumang pera at hindi na ito maaaring ipapalit sa BSP o anumang bangko na otorisado nito.

NATATANGING PARANGAL. Tumanggap ng karangalan ang STARBOOKS ng DOST sa San Francisco, California. (larawan mula sa google)

T

inanggap ng STARBOOKS, ang kauna-unahang Digital Library na binuo ng Department of Science and Technology (DOST) ang American Library Association (ALA) Presidential Citation for Innovative International Library Projects nitong Hunyo 29 sa San Francisco, California.

Ayon sa ALA, kinilala ang Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated Kiosk Station o STARBOOKS dahil sa pagbibigay ng oportunidad sa mga nasa malalayong lugar na kulang o walang mga silid-aklatan at internet access na magkaroon ng mapagkukunan ng im-

pormasyon ukol sa agham at teknolohiya. Nagsimula ang STARBOOKS noong 2011, bawat STARBOOKS unit na tinatawag na ‘POD’ ay naglalaman ng libo-libong materials na teksto, video at audio formats tungkol sa pagkain at nutrisyon, kalusugan, medisina, enerhiya, kalikasan, pangkabuhayan at iba pa. Sa kasalukuyan, may 635 na ng STARBOOKS units na nakalagay sa lahat ng rehiyon sa buong bansa. Ayon sa tala noong 2014, naka tulong na ang STARBOOKS sa humigit-kumulang 175,944 na mag-aaral, 6,040 na mga guro at 362 komunidad at paaralan. Inaasahan pang tataas ang bilang nito matapos maging katuwang na ahensya ng DOST ang DepEd at magsimulang maglagay ng mga STARBOOKS sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Aquino : Angat Dam, hindi mapaguguho ng ‘The Big One’ Ni Christian Ferrer

DepEd magbibigay ng tulong sa mga magtatapos ng JHS Ni Paulo Sta.Ana

U

pang matulungan ang mga mag-aaaral na magtatapos sa Grade 10 magbibigay ng subsidiya sa matrikula para sa Senior High School (SHS) ang Department of Education sa pamamagitan ng SHS voucher program (vp). Sakop ng nabanggit na subsidiya ang lahat ng nakatapos ng Junior High School (JHS) maging pribado o pampublikong paaralan man na nagnanais pumasok sa pribadong paaralan, unibersidad, kolehiyo, state universities at technical-vocational na mga paaralan. Ayon sa DepEd ang mga magaaral na magtatapos ng JHS mula sa mga pampublikong paaralan ay makatatanggap ng buong halaga ng

voucher samantalang ang mga nakatapos naman ng JHS mula sa mga pribadong paaralan na benipisyaryo ng Education Service Contracting (ESC) ay makatatanggap naman ng 80% ng kabuuang halaga ng voucher. Maari ring mag-aplay ang iba pang nakatapos ng JHS at nonDepEd schools para sa SHS vp, ang kanilang aplikasyon ay sasailalim sa ebalwasyon batay sa pamantayan itinakda ng DepEd. Magagamit ang voucher na ito para sa dalawang taon ng SHS at hindi na sakop kung hihigit pa rito ang taong gugugulin ng voucher recipient upang matapos ang SHS.

SEGURIDAD ANG PRAYORIDAD. Siniguro ng pamahalaan na matibay ang pondasyon ng Angat Dam.

T

iniyak ni Pangulong Benigno Aquino III na kakayanin ng Angat Dam ang 7.2 magnitude na lindol matapos pangunahan ang inspeksyon sa Angat Dam and Dike Strengthening Project sa Norzagaray noong Hulyo 23. Bunsod ang hakbang na ito ng pagkakatuklas ng mga eksperto na nasa West Valley Fault line ang Angat Dam at nanganagnib na isa sa mapipinsala ng lindol na tinawag na ‘The Big One’.

Inihayag rin ni Pangulong Aquino na naglaan ang gobyerno ng P1.08 bilyon para sa rehabilitasyon at P261 milyon para sa forecasting at warning system ng naturang dam. Idinagdag pa niya na naglaan ng P292 milyon para naman sa pagkontrol ng pagbaha. Sinabi ng pangulo na maraming kapakinabangang nakukuha mula sa Angat Dam kaya desidido siyang maisaayos ito.

“Tubig, kuryente, kabuhayan, kaligtasan ang hatid serbisyo at benipisyo na naibibigay ng Angat Dam sa milyon-milyong Pilipino. Talaga namang sulit na sulit ang bawat pisong ilalaan natin sa proyektong ito at todong rehabilitasyon nga po ang ating gagawin dito gamit ang P1.08 bilyon at layunin po nating siguruhin ang estabilidad ng dam at dike upang anumang lindol ay kakayanin pa rin ng istraktura nito,” pahayag ni Aquino.


Natuto na Tayo Tunay na may malaking pagbabago na naganap sa ugali ng mga Pilipino kapag may paparating na kalamidad tulad na lamang nitong Bagyong Lando. Kalimitang senaryo na kung may paparating na bagyo ang panawagan ng mga lokal na pamahalaan sa ating mga kababayan na lumikas partikular na iyong mga nasa mabababa o dili kaya’y delikadong mga lugar tulad yaong nasa malapit sa baybaying dagat. Sa mga ganitong pagkakataon, marami ang nagpapakita ng katigasan ng ulo na sa kabila ng babala ng pamahalaan sa mga posibleng panganib ay mas minamabuti pa ring manatili sa kanilang mga tahanan kaysa lumipat sa mas ligtas na lugar. Nito lamang pananalasa ni Lando, kitang-kita ang positibong pag-

Janina Vianca R. Figueroa 10-Rizal

Haraya babago sa ating mga Pilipino, bago pa man ganap na mag-landfall ang bagyong Lando sa bansa ay mataman nang nag-aabang sa mga paalala ang ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng media ay nakita natin ang pagsunod at pagtugon ng ating mga kababayan sa panawagan ng ating gobyerno at

Namantsahang Kasaysayan Michael Gogola 9-Gold

Sulyap Natapos na ang anim na oral arguments tungkol sa kontrobersyal na Torre de Manila na ngayon ay pinagpapasyahan ng Korte Suprema. Ang petisyon ng Order of the Knights of Rizal (OKOR) ay laban sa property developer na DMCI Homes sa pagpapatayo ng Torre de Manila. Naging malaking kontrobersya ang epekto ng Torre de Manila sa monument ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Binansagan pa nga itong “Pambansang Photobomber” dahil sa malaking kontribusyon ng gusali sa mga larawang kinukuha sa monumento. Malinaw sa bawat anggulong kuha sa bawat kamera ang dungis na idinudulot ng 49 palapag na gusali. Naging dahilan ang pagiging ‘photobomber’ ng naturang tore sa pagbaha ng samu’t saring opinyon sa mga social networking sites, ang ilan dito ay pagtatanim ng maraming puno sa likod ng monumento, paglalakay ng malaking salamin sa likod ng monumento, at pagkukulay ng Pilipinas sa gusali. Walang ibang mas magandang solusyon kundi ang pagpapagiba sa naturang gusali, hindi man ang buong gusali kundi ang parteng nakasasagabal sa makasaysayan at sagradong monumento ni Gat. Jose Rizal. Oo nga’t senyales ng kaunlaran ang mga nagtataasang gusali ngunit unti-unti nitong pinapapangit ang mga larawang naiwan ng kasaysayan. Hindi masama ang pag-unlad, huwag lang sanang dungisan ang mga bagay na naiwan ng nakaraan na siyang nagdala sa atin sa kasalukuyan.

agarang naghanda at nagsilikas patungo sa mga evacuation centers. Nakita rin natin na nagbago na ang pamahalaan sa pagharap nito sa mga kalamidad. Dama natin ang maagap na pagpaplano, paghahanda at pagkilos ng mga nasa pamahalaan at mga kinauukulang ahensya bago pa man dumating ang bagyo dahilan

EDITORYAL Ipinabatid ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagkadismaya sa mga naririnig na balita tungkol sa mga mag-aaral na hindi lubos na kilala si Apolinario Mabini matapos magtanong ang mga ito kung bakit nakaupo lamang sa kabuuan ng pelikulang Heneral Luna ang naturang bayani. Bunsod nito, tinawag ng pangulo ang atensyon ng Deparment of Education (DepEd) upang tugunan ang problema sa kakulangan ng kaalaman ng mga mag-aaral sa kasaysayan. Naging katatawanan sa mga social media sites ang kawalan ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagiging lumpo ni Mabini. Iba’t ibang mga internet memes ang lumabas na lalong nagpa-ugong sa isyu. Isang bagay na hindi katawa-tawa bagkus ay labis na kahiya-hiya. Nakalulungkot mang tanggapin ay isang malaking katotohanan na marami sa mga kabataan sa panahon ngayon ang unti-unti nang nakalilimot sa ating mga bayani. Marami pang alam na pangalan ng mga artista sa buong mundo kaysa sa mga bayaning pinagkakautangan natin ng tinatamasang kasarinlan sa kasalukuyan. Sa kasagsagan ng pagsulong ng teknolohiya ay tila ba nababaon na sa limot ang pagpapahalaga sa kasaysayan. Ilan na nga lang ba sa mga kabataan ngayon ang may hilig sa pagbabasa at pagsasaliksik ukol dito. Hindi nga ba’t ang karamihan ay mas higit na pinipili ang mga pagbabasa ng mga kwento sa wattpad at katulad pang genre’.

upang tumaas din ang kumpiyansa at tiwala nga ting mga kababayan sa pamahalaan taliwas sa dating senaryo na makalipas ang kalamidad ay pinuputakte ng sisi at batikos ang gobyerno dahil sa pagkukulang nito. Patunay lamang ito na dahil sa mga nakaraang karanasan ay ganap na tayong natuto. Marunong na tayong makinig at sumunod sa mga paalala at babala . Gayundin, natuto na ang mga kinauukulan mula sa kanilang mga kapabayaan at pagkukulang. Natural na phenomenon ang pagdating ng kalamidad tulad ng mga bagyo na hindi natin mapipi gilan subalit ang dulot nitong pagkawasak ng mga ari-arian at kabuhayan maging ang pagkawala ng mga buhay, hindi man ganap nating

maiiwasan ay maaari naman nating mapaghandaan. Ang pagiging handa hindi lamang ng pamahalaan kundi maging ng mga mamamayan ay mahalaga sa oras ng mga kalamidad. Dapat na lagi nating isaisip na ang pagiging alerto at pakikinig sa mga paalala ng mga awtoridad ay makabubuti para na rin sa ating sariling kaligtasan. Palagian nating tandaan na likha man ng kalikasan ang mga kalamidad at wala tayong kakayahang pigilan ito may magagawa naman tayo upang maiwasan ang labis na pinsalang maaaring idulot nito. Mapait man ang naging karanasan ng ilan sa ating mga kababayan sa mga nagdaang kalamidad ang magandang naibunga nito ay natuto na tayo.

Kalimutan na ang lahat, huwag lang sila

Hindi dapat isisi sa DepEd, sa mga paaralan o dili kaya’y sa mga guro ang ganitong klase ng mga problema. Simula elementarya ay itinuturo na ng mga guro ang kasaysayan at mga bayani. At sa mga paaralan mapa elementarya man o sekondarya ay isinusunod sa pangalan ng mga bayani ang pangalan ng bawat seksyon. Ayon sa isang eksperto, hindi lang dapat sa paaralan pinag-aaralan ang kasaysayan kundi maging sa ating mga tahanan kung saan may intenet access at mga libro. Hitik ang internet sa mga impormasyon at kaalaman. Sa madaling salita, nakahain na ang kasaysayan, kailangan na lang nating tanggapin at kainin.

Pinanday ang kasaysayan para pagaralan at matutunan ng kasalukuyan. Sa kabila ng pagkakaroon ni Mabini ng rebulto at pagpapangalan ng mga lansangan na sunod sa kanya, ay unti-unti pa rin siyang nakalilimutan. Isang tunay na bayaning Pilipino na ang pagiging lumpo ay hindi naging balakid sa kanyang hangaring makibahagi sa pagkikipaglaban sa kalayaan. Hindi man natin matularan at mapamarisan ang kanilang ginawa para sa bayan iyon lamang pag-alala at pagkilala bilang pasasalamat sa kanilang naiambag sa kasaysayan ay huwag naman sana nating kalimutan.

Lunas na may butas Merry Chrisse Soriano 10-Rizal

Matang Mapanuri Lunasan ang lugar na dapat sana’y magpapagaling sa mga may sakit. Nagdagdag ng isang school clinic ang Mataas na Paaralang Nasyonal ng Felizardo C. Lipana para sa mga mag-aaral nito. Ito ay dahil sa ordinansa na kilala bilang “Ordinance Strenghtening Clinics in Public Elementary and Secondary Schools in Guiguinto Bulacan”.

Layunin ng ordinansang ito na palawakin ang kasalukuyang programa ng Department of Education (DepEd) at Pamahalaang Lokal ng Guiguinto na 7k kung saan kasama ang pagpapahalaga sa kalusugan. Nagtalaga rin ang pamunuan ng FCLNHS ng Health Coordinators o mga gurong may kaalaman sa paglalapat ng mga paunang lunas.

Simula noong nagkaroon ng school clinic ang FCLNHS , arawaraw ay may mga mag-aaral na dinadala rito dahil sa mga iniindang karamdaman. Karamihan sa mga ito ay nalulunasan subalit ang ilan ay hindi. Ito ay dahil sa kakulangan sa kagamitan at mga gamot. Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Guiguinto , target nitong mapunan ang mga pangangailangan at ibigay ang mga kagamitan para sa mga klinika sa mga pampublikong paaralan sa buong Guiguinto. Matapos ang dalawang buwan ay hindi pa rin naipagkakaloob ang mga ito dahil umano sa mga prosesong dapat pang pagdaanan upang mapondohan ang pagbili ng mga kagamitang nabanggit. Ayon kay G. John Justin Bau-

tista, isa sa mga Health Coordinators ng FCLNHS kulang pa ng stretcher, oxygen, wheel chair, blood pressure monitor at mga gamot para sa klinika. Batay aniya sa pulong na dinaluhan nila, magbibigay ng pera ang pamunuan ng baranggay sa mga nasasakupang pampublikong paaralan ng mga ito. Maliban sa kakulangan sa mga kagamitan at gamot ay isa rin sa mga idinaraing ng mga mag-aaral ang lugar na kinalalagyan ng klinika na hindi well-ventillated. Nararapat lamang na ang mga estudyanteng may karamdaman ay maging komportable may maayos na higaan at bentilasyon upang makapagpahinga habang naghihintay sa kanilang mga magulang na susundo sa kanila. Sa kasalukuyan maaaring ga

-wing dahilan na bago pa lamang ang klinika kung kaya kulang-kulang pa ang mga kagamitan nito. Subalit nararapat lamang na agarang matugunan ang mga kakulangang ito ika nga ay walang sumasabak sa giyera na walang dalang armas. Hindi maiiwasan na may mga mag-aaral na magkakasakit sa oras ng klase kaya dapat lamang na may maayos na klinika na may sapat na kagamitan at gamot para sa mga naturang mag-aaral. Malaking tulong para sa mga mag-aaral ang klinika ngunit marami pa rin ang kakulangang nanga- ngailangan ng agarang pagtugon dito. Isang malaking ginhawa sa lahat kung makukumpleto ito sapagkat mahirap lunasan ang sakit kung ang lugar na lulunas dito ang mismong nangangailangan ng lunas.

PATNUGUTAN Punong Patnugot Janina Vianca Figuroa | Kawaksing Patnugot Christian Ferrer | Patnugot ng Balita Kenneth Gravamen, Dimerlyn Ocap Patnugot ng Editoryal Angela Castro | Patnugot ng Lathalain Mescheal Tacsan, Joanna Sweet Soriao | Patnugot ng Agham Je- Anne Kerlyn Antonio Patnugot ng Palakasan Angela Estilloso, EJ Esguerra | Tagawasto ng Sipi Paolo Sta. Ana | Dibuhista Michael Gogola, Jevenson Peñas, Merry Chrisse Soriano, Arquela Maureen Montealegre | Tagakuha ng Larawan Patricia Natividad, Nicole Cervantes, John Patric Filgueras, Nico Villafuerte Jaspher Gregorio | Kontribyutor Gng. Daisy DJ. Miranda, Jheremie Macaraeg, Eduard Escuadra, Jaymark Cundangan, Krisha Mae Cervantez Tagapayo Gng. Janice A. Atenas | Kawaksing Tagapayo Bb. Marivi B. Lobederio | Pang-Ulong Guro I sa Filipino Gng. Cecile C. Reyes Punong Guro III Bb. Aquilina R. Monte | Pansangay na Tagamasid sa Filipino Gng. Anastacia N. Victorino Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Bulacan Romeo M. Alip Ph.D., CESO V


Ipagkalat na Bawal Magkalat

Liham Sa Patnugot Mahal na Patnugot,

Christian Ferrer 10-Rizal

Bulong at Sigaw Ang paligid ay padumi nang padumi. Ang mga basura ay parami nang parami. Noong taong 2003 pa inilabas ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto ng ang Municipal Ordinance no.039 na nagtatadhana ng tamang pangangasiwa ng basura at pagbabawal sa pagkakalat sa Bayan ng Guiguinto. Matapos ang 12 taon , tila unti-unti na itong naipagwawalang-bahala ng mga Guiguintenyo. Maraming mga mag-aaral, mga trabahador at mga sibilyan ang walang habas sa kanilang pagtatapon ng basura, 12 taon na matapos maipalabas ang naturang ordinansa subalit tila maraming pang mga mamamayan ang hindi nakababatid sa kautusang ito. Nakapaloob sa naturang Municipal Ordinance na ang sinumang mahuling lumabag dito ay magmumulta ng hindi bababa sa P1,000 at makukulong ng sampung araw. Kung maayos lamang na naipatut-

Matuwid ang hatol ng Diyos Kaya nga sino ka mang humahatol sa iba, wala kang ,maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon. (Roma 2:1) Likas na sa atin ang pagiging mapanghusga, lahat naman kasi tayo ay makasalanan. Pero sino ka nga ba tayo para hatulan ang ating kapwa? Tayo ay tao lamang; laging nagkakamali, ito marahil ang katwiran na ating laging sinasambit sa tuwing tayo ay magkakasala. Bagama’t tayo ay may dunong pagdating sa pangangatwiran, hindi dahilan ang ating pagiging tao para paulit-ulit tayong magkasala dahil sa paghahatol sa ating kapwa. Wika nga ni Jesus, kung paano natin hinusgahan ang ating kapwa ay ganoon din tayo huhusgahan sa langit. Tayo’y nilikha ng Diyos na pantay-pantay kaya’t walang sinuman sa atin ang maaaring hilamusan ang mukha ng iba, lalo pa’t kung ang mga sarili nating dungis ay hindi natin magawang hilamusan. Darating ang panahon na tayo ay maghahawak ng kapangyarihan at magtatamasa ng magandang buhay. Makukuha natin ang anumang ating naisin. Subalit ating pakatatandaan na hindi ito nangangahulugang maaari na tayong maging isang hurado sa lahat ng bagay. Isaisip nating tayo ay Tao pa rin ay hindi Diyos. Buong puso tayong magtiwala sa Pangioon at huwag manalig sa sarili lamang nating pang-unawa. Ganyan ang nais ipahayag sa atin ng Diyos, walang sinumang tao ang maaaring humatol sa kanyang kapwa dahil nasa Kanya lamang ang tunay na paghahatol.

upad ito ay may malaki sana itong epekto sa pagsusulong ng kalinisan sa ating bayan. Higit pang pinagbuti ng lokal na pamahalaan ang kampanya nito sa kalinisan sa pamamamagitan ng 7K program kung saan prayoridad ang pitong “K” at kasama na nga rito ang kalinisan. Isang senyales ng kaunlaran ang kalinisan. Ngunit sa kabila ng pagiging maunlad ng Bayan ng Guiguinto makikita pa rin ang mga duming dulot ng mga mamamayang tila walang alam na may ordinansang nagbabawal sa pagkakalat. Sa kabila ng araw-araw na pangongolekta ng basura sa iba’t ibang barangay ng Guiguinto, may mga mamamayan pa ring hindi iniipon sa tamang lagayan ang kanilang basura para makolekta. Ang iba ay kung saan-saan na lamang nagtatapon at ang iba naman ay nagsusunog na lamang ng basura. Ngunit nakasaad sa ordinansa na

hindi pinahihintulutan ang pagsusunog ng sanumang uri ng basura saan mang lugar sa bayan ng Guiguinto. Maliban na lamang sa mga tuyong dahon na ang usok ay nagagamit para sa mga punong namumunga. Bawat isa sa atin ay may responsibilidad sa mga basura natin. Kung tayo ay magtatapon lang kung saansaan, lahat ay maapektuhan nito. Sabi nga sa Ingles “ A candy wrapper lit properly can save life.” Malaki ang

nagiging epekto ng bawat basurang itinatapon natin. May ordinansa man o wala dapat ay maging resposibilidad na iaatang natin sa balikat ng bawat isa ang wastong pagtatapon ng ating mga basura bukod dito tumulong tayo sa pagpapakalat ng adbokasiya ng ating lokal ng pamahalaan na SA BAYAN NG GUIGUINTO BAWAL ANG MAGKALAT.

Nangangamoy Problema Umaalingasaw na problemang palikuran. Noong taong pampaaralan 2013-2014, dalawang bagong comfort room (cr) ang itinayo sa Felizardo C. Lipana National High School. Ngunit dalawang taon matapos ito maitayo hindi na ito ginagamit na palikuran bagkus ay tinatalikuran. Tinatalikuran na lamang ito ng mga mag-aaral at hindi na nais gamitin dahil sa hindi magandang nitong amoy. Hindi lamang ang pangangamoy nito ang problema pati ang hitsura nito kasama na ang mga pader na punong-puno ng sulat ng mga ‘di kaaya-ayang imahe at mensahe. Ang hindi malinis na mga palikuran ay maaaring magdulot ng sari-saring mga sakit katulad ng pagtatae,pananakit ng tiyan at pagkakaroon ng mga bulate. Nakasasama rin sa kalusugan ang ginagawang pagpipigil ng ihi ng ilang mga mag-aaral na hindi maatim na gamitin ang maruming palikuran. Ayon sa Department of Education (DepEd) hindi kasama sa taunang badget ang pagkakaroon ng janitor o tagapaglinis sa mga paaralan kaya’t may mga paaralang wala nito. Ngunit hindi ito hadlang

Paulo Sta. Ana 8-Diamond

Sentido Kumon sa pagkakaroon ng malinis na palikuran at pagpapanatili nitong malinis. Disiplina para sa mga estudyante ang kailangan. Bagama’ t ang ating paaralan ay may mga tagapaglinis na tumutupad naman sa kanilang trabaho, sa dami ng mga mag-aaral na walang disiplina sa paggamit ng palikuran ay talaga namang malabong mapanatili ang kalinisan ng mga ito. Bukod sa paglilinis ng mga palikuran ay tungkulin din nilang linisin ang paligid ng paaralan kaya huwag naman sanang iasa ng mga mag-aaral ang lahat sa mga tagalinis na ito. Sa pamamamagitan ng simpleng pagbubuhos ng bawat isa pagkagamit ng palikuran ay malaking tulong na para sa kalinisan nito.

Isa ang palikuran sa maraming problema ng mga paaralan, ang toilet-student ratio ay 1:57 sa elementarya at 1:93 sa sekondarya, ito ay ayon sa pagtataya ng DepEd’s Basic Education Information System. Ito ay mas mataas sa Pandaigdigang Pamantayan na Itinalaga ng World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Emergency Fund (UNICEF) na 1:50 at 1:30. Ito ,marahil ay malaking factor na rin kung bakit hindi mapanatili ang kalinisan ng mga cr. Mahirap kung ang lugar na dinurumihan ay marumi rin . IIlan na nga ang palikuran kaya’t dapat nang pangalagaan. Maging responsable dapat ang bawat isa sa paggamit ng palikuran sa ganito maiiwasan ang nangangamoy na problema.

Pauna ang pagbati sa inyong lahat. Batid kong lubos na ninyong kinapapanabikan ang bunga ng inyong paghihirap. Ang kapalit ng maraming gabing pagpupuyat at pagpupursigi na makalikha ng mga artikulong maibabahagi sa ating mga mambabasa. Alam kong may mga pagkakataong nasubok ang inyong tiyaga at pasensya sa kabi-kabilang puna at paulit-ulit na rebisyon subalit nanatili kayong nakakapit at hindi bumibitaw. Maging ako’y hindi na rin makapaghintay na makita ang ngiting sisilay sa inyong mga labi habang buong kasabikang binubuklat ang bawat pahina ng ating pahayagan at may pagmamalaking ipinakikita sa inyong mga magulang, kaibigan at kamag-aral ang mga artikulo at larawang bunga ng inyong pagsisikap. Tunay na lahat ng karanasan, tagumpay at kabiguan na ating pinagdaanan mula sa pagsasanay, pagwawagi at pagkatalo sa DSPC ay naging puhunan ng bawat isa sa pagbuo ng ating pampaaralang pahayagan. Nakikkita ko ang aking sarili sa inyong mga pangarap at determinasyon. Tulad ninyo, noon pa ma’y nasa aking puso na ang pagsulat. Ang pagbuo ng ‘Ang Hardin’ ay naging hindi lamang isang trabahong dapat tapusin kundi tulad ng isang supling na pinaglalaanan ng panahon at pagmamahal mula sa pagdadala nito hanggang sa pagluluwal. Salamat sa mga kabataang manunulat na katulad ninyo na patuloy na nagpapaningas ng aking adhikain na maibahagi hindi lamang ang aking nalalaman kundi lalong higit ang aking pagmamahal sa pamamahayag. Mabuhay kayong lahat! Mabuhay ang ‘Ang Hardin’! Sumasainyo, Janice A. Atenas Tagapayo, Ang Hardin

Huwag kang Pabebe Mga kabataan kumilos tayo ayon sa nararapat, ipamalas ang pagpapahalaga sa minanang kaugalian at kulturang kasasalaminan ng mabuting asal at pag-uugali ng mga Pilipino. Ngayong taon, samu’t saring mga kataga ang nauso sa mga Pilipino at lalo na sa mga kabataan. Madali itong napapakalat dahil sa mga social networking sites. Ilan lamang sa mga ito ang mga linyang “Edi Wow”, “Boom panes” at ang pinakatumatak na “Pabebe.” Ang salitang pabebe ay nagkaroon ng napakalaking impluwensya sa mga kabataan, ang ilan ay isinasabuhay at kumikilos na nga ng ganito. Ang pagiging pabebe ay katumbas ng pagiging maarte, pagiging isip-bata at pa-VIP o very important person. Asal na hindi kasiya-siya at kinaiinisan ng marami. “Be, pengeng pulbos”, “Be peram ng salamin”, “Be selfie tayo”, “Ayan late na tayo, pabebe ka kasi eh”, ganito

Arquela Maureen Montealegre 10-Mabini

Pilantik ang karaniwang takbo ng mga usapan ng mga kabataan ngayon, isang nakasanayan nang estilo ng komunikasyon. Hindi lang sa harapan tayo makakasalumuha ng mga pabebe, maging sa mga social networking sites ay kitang-kita rin ang mga ito. Mga pag-seselfie na hindi naaangkop sa lugar o okasyon. Tulad na lamang ng isang viral photo sa facebook na nagpapakita ng larawan ng dalawang kabataan animo’y tuwang-tuwa habang nagseselfie sa tabi ng isang kabaong, hindi na nagpakita ng paggalang at

respeto sa patay at mga kaanak nito. Maging sa pananamit ay masasalamin na rin ang ugaling pabebe, pananamit na taliwas sa imahe ng isang dalagang Pilipinang kilala sa pagiging mahinhin at konserbatibo. Hindi masama ang sumunod sa uso at modernisasyon ng panahon subalit palagian dapat na isaisip na ibinabagay dapat natin ang ating pananamit sa lugar o okasyon na ating pupuntahan. Isa pa hindi lahat ng nauuso ay maganda at dapat na sundin. Malaking bahagi ng buhay nating

mga kabataan ang pagdedesisyon. Pagpili sa ating landas na tatahakin, mga taong ating sasamahan at kakaibiganin. Kaya nararapat lamang na huwag tayong maging pabebe sa ating mga pagpapapasya. Ang isang maling desisyon ay maaaring magkaroon ng malaki at pangmatagalang epekto sa ating kinabukasan. Sa pagpili ng mga kaibigang pakikisamaha, pumili tayo ng mga taong aakay sa atin sa tamang landas at hindi iyong makaiimpluwesya ng hindi maganda sa atin. Hindi gaganda ang tingin sa atin kung puro pagpapabebe ang ating paiiralin. Sa halip na magpabebe ay pagaaral ang seryosohin. Sa ganitong paraan ay hindi tayo mababansagang paurong kundi pasulong. Huwag nating sayangin ang ating panahon sa mga walang katuturang mga bagay. Tayo ang mga kabataang huhubog ng kinabukasan ng bayan, simulan natin ito sa pagkilos nang tama.


Limitasyon at obligasyon Malaking ginhawa ang ibinibigay ng kompyuter sa araw-araw nating buhay. Ngunit malaki rin ang nagiging papel nito sa unti-unting pagkaligaw ng mga kabataan. Kahit na oras ng klase ay may mga magaaral na pumapasok sa computer shops sa halip na sa paaralan. Bagama’t ang mga lokal na pamahalaan ay naglabas na ng kani-kanilang ordinansa na nagtatakda sa distansya ng pagpapatayo ng computer shops mula sa pinakamalapit na tatlumpung (30) metro hanggang sa pinakamalayong dalawang daan (200) metro mula sa mga paaralan ito’y isang malaking suliraning pa ring kinakaharap sa kasalukuyan. Ilan sa mga kinahuhumalingan ng mga kabataan sa kasalukuyan ang computer game na Defense of the Ancient (DOTA) at Clash of Clans (COC) na sobrang popular sa mga kabataan.

Jevenson Peñas 9-Silver

Kuntil Butil Nakalulungkot pa na may mga kabataang hindi lamang simpleng paglilibang ang habol sa mga computer games kundi ang pagsusugal pa sa pamamagitan nito. Nagpupusta- han sila at kung manalo sa laro ay lalo pang nahuhumaling sapagkat sila’y nagkakapera. Imbis na ang baon na pinagtrabahuhan ng kanilang mga magulang ay ipambili ng pagkain at gamit sa pag-aaral ay nagagamit lamang sa pagsusugal.

Ang labis na pagkahumaling sa mga ito ng mga kabataan ay nagiging dahilan upang hindi pumasok sa klase ang mga estudyante at bumaba ang kanilang mga marka at minsan ay nagiging dahilan pa ng kanilang pagbagsak. Isang maling gawing nagsisilbing martilyong pumupukpok at pilit na ipinapaling ang tuwid na landas na dapat sana’y tinatahak ng mga kabataan. Malinaw na hindi sapat ang

Patuloy na nanghihikayat sa mga mamamayan, Nagdaang pamamahala pinangakong hihigitan. Pinaiikot ang mga tao para sa darating na botohan, ‘Pag nanalo ‘wag naman sanang makalimutan si Juan. Hindi pa nagsisimula ang dami nang salita, Kapag kalauna’y wala na rin namang nagagawa. Lahat ng sinabi’y nababalewala, Boto ng taong baya’y nauwi sa wala. Sa ngayon nakatuon sa mga botante ang atensyon, Kahit anong paraan gagawin, ‘wag lang masayang ang pagkakataon. Namumukang mabait tuwing kam-

panya’t eleksyon, Ginagawa ang lahat maluklok lang sa posisyon. Ngunit ano nga ba ang hangarin ng mga tatakbo? Susundan ang yapak ng mga unang panloloko? Wala na ba talagang ang malasakit ay totoo, At may bago na namnag magbubulsa ng pera ng Pilipino. Hindi ba’t karamiha’y sa una lang magaling, Kapag nanalo na’y wala nang papansinin. Tiyak magpapakasasa sa sariling hangarin, Habang ang mga tao’y humihingi ng tulong sa hangin. Kaya’t masang Pilipino maging matalino tayo, ‘Pakaisipin ang ibobotong kandidato. Ngayong 2016 nawa’y masimulan ang pagbabago, Piliin ang may tunay na malasakit sa sambayanang Pilipino.

Tama ang Panahon Angela Castro 10-Ponce

Tama ang Panahon Nitong buwan ng Hulyo ay biglang umusbong ang tambalang ‘Aldub’ sa noontime show na Eat Bulaga. Dito nagsimulang naging usap-usapan ang kalye serye kung saan bida ang tandem na Internet Sensation Dubsmash Queen na si Maine Mendoza o Yaya Dub at binatang actor na si Alden Richards kasama sina Jose Manalo, Paulo Ballesteros at Wally Bayola na mas kilala ngayon bilang Lola Nidora. Naging mabilis ang pagpatok ng kanilang tambalan kahit saan ay naging usap-usapan ang mga ito maging sa pagtuturo sa klase ay naipapasok na rin ang mga linya ni Lola Nidora. Makikita rin na isa ito sa madalas na laman ng mga balita lalong lalo na ng mga social media sites na tulad ng twitter at facebook. Nagagawang magamit ng mga kabataan ang mga payo ni Lola Nidora sapagkat tunay na kapupulutan ito ng mga aral na angkop sa buhay ng marami. Maganda ang nagiging impluwensya nito para sa karamihan, katulad na lang ng isang guro sa Tsina na tinuruan ang kanyang mga estudyante na mag-ala Lola Nidora. Nakatutuwang isipin na nag-

ang kanilang computerization program para sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Ito ay upang may magamit na ang mga mag-aaral sa kanilang pagsasaliksik at paggawa ng mga proyekto upang hindi na maging dahilan ang mga ito para pumunta pa sa mga computer shops. Kailangang magkaroon tayo ng pansariling kamalayan sa ating mga limitasyon sa paggamit ng kompyu ter at sa mga masasamang maaring maging bunga ng labis na adiksyon dito. Nakatutulong sa atin sa maraming bagay ang mga kompyuter ang mahalaga lamang ay kaya nating limitahan ang paggamit nito lalo na kung ang pag-aaral natin ay maapektuhan na tandaan na kasabay ng tungkulin na ating mga magulang na tayo’y bigyan ng edukasyon, atin namang obligasyon ang pagbibigay ng prayoridad sa ating pag-aaral.

Tepok-Lamok

Kampanya Tumatakbong lider para mamuno sa bansa, Nangangako na ibabangon ang ekonomiya. Pinababango ang pangalan lalo na sa media, Kaakibat ang panatang giginhawa ang bawat isa.

pagreregula at paglilimita sa mga computer shops mula sa mga paaralan sapagkat ayon nga sa ilang kabataan gaano man kalayo ang mga computer shops na ito sa mga paaralan ay mararating pa rin ito ng mga estudyanteng naadik na sa paglalaro nito. Patunay lamang ito na disiplinang pansarili talaga ang sagot sa suliraning ito. Alam natin na bagama’t malinaw na ipinagbabawal ang pagtanggap sa mga estudyante sa computer shops sa oras ng klase ay may mga negosyanteng lumalabag rito at mas pinahahalagahan ang kanyang magiging kita. Kaya naman nasa sa atin na talaga kung paano natin kokontrolin ang ating mga sarili lalo pa’t alam nating kapag pinabayaan natin ang ating pag-aaral ay kinabukasan natin ang ating naikukumpurmiso. Samantala, minamadali naman ng Department of Education (DepEd)

marka ito ng magandang epekto sa lahat. Karangalan din na makilala at makapaghatid ng saya ang ganitong programa hindi lamang sa Pilipinas kundi hanggang sa iba’t ibang panig ng mundo. Naging inspirasyon para sa lahat na isabuhay ang mga pangaraw-araw na aral na ibinabahagi ng kalyeserye. Walang pinipiling edad ang mga tagasubaybay ng tamabalang ito mula sa maliliit na bata hanggang sa mga matatanda ay talaga namang nahumaling sa panonood ng tambalang ito. Sa kasagsagan nang pagdami ng mga bayolenteng programang pantelebisyon na hindi angkop sa mga bata at kabataang manonood ay sumibol ang kalyeseryeng ito na kasasalaminan ng mga positibong pagpapahalagang Pilipino. Naging kakaibang paraan ito upang mapukaw ang atensyon ng mga kabataan hindi lang para manood kundi upang matuto rin. Magandang magkaroon pa ng mga programang katulad nito na nagbubukas ng isipan, nagbibigay ng aral, inspirasyon at nagsisilbing mabuting modelo para sa mga kabataang Pilipino.

Naitala nito lamang mga nakalipas na buwan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan ng Bulacan. Batay sa tala ng Provincial Public Health Office (PPHO) umabot sa mahigit 1,000 ang naging biktima at apat ang namatay nito lamang unang tatlong buwan ng taon kumpara sa mahigit 200 na biktima at dalawang namatay na naitala noong nakaraang taon sa pareho ring mga buwan. Ayon pa sa datos ng PPHO nasa edad apat hanggang 18 taong gulang ang karaniwang nagkakaroon ng dengue. Natukoy rin ang lungsod ng Malolos bilang isa sa mga lugar na may mga pinakamararaming naiuulat na kaso ng dengue dahilan upang mangamba ang maraming pamilya sa kanilang kaligtasan. Sa gitna nito ay na kinakatok ng mga Bulakenyo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na higit pang paigtingin ang kampanya nito kontra dengue upang hindi na lomobo pa ang bilang ng mga nagkakasakit gayundin ang panawagang tulungan ang mga nabibiktima lalo na iyong mga walang kakayahang tustusan ang malaking gastusin sa ospital at gamot. Huwag sanang ningas cogon ang ating Pamahalaang Panlalawigan sa pagharap sa suliraning ito. Matatandaang noong nakaraang taon na nasabing umabot sa epidemic level ang bilang ng kaso ng dengue ay agad naglunsad ang pamahalaan ng all-out war kontra dengue subalit nang maitala ang pagbaba ng bilang ng mga biktima ay sumabay rin ang paglamya ng mga opisyal sa pagsusulong ng naturang kampanya. Hindi nararapat na ipinagwawalang-bahala ang ganitong

PULSO

Je-anne Kerlyn Antonio 9-Gold

Tutok mga suliranin lalo’t ang nakasalalay ay ang buhay at kaligtasan ng mga mamamayan. Sa pagpapatuloy ng pagnanais na maresolba at mapababa ang kaso ng dengue sa Bulacan mahalagang tutukan at maging konsistent ang lokal na pamahalaan at mga opisyal sa pagsusulong ng mga kampanya at programa na susugpo dito hindi lamang ng panandalian kundi pangmatagalan. Bilang mga responsableng mamamayan ay tungkulin naman nating makipagtulungan sa pamahalaan upang masolusyunan ang suliraning ito. Mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan hindi lamang sa ating mga tahanan kundi maging sa ating mga paaralan kung saan ay mahabang panahon rin ang ating inilalagi. Hindi natatapos ang lahat sa pag-asa sa pamahalaan na puksain ang dengue, lahat tayo ay may magagawa ukol sa suliraning ito. Kinakailangan lamang na tayo ay magkaroon ng kamalayan sa mga bagay na maaari nating maiambag tungo sa ikalulutas ng paglaki ng bilang ng mga Bulakenyong nagkakasakit ng dengue. Walang sinasanto ang dengue, bata man o matanda ay nagiging biktima ng sakit na ito. Kadalasan ay

Kung maaari ka nang makaboto sa darating na pambansang halalan sa 2016, sinong Tandem ang ihahalal mo?

Poe - Chiz

Binay - Honasan

121

34 Comment

Like

Share

Comment

Like

Share

Larry (8-Sapphire)

Kaye (10-Rizal)

Para magawa niya ang mga plano ng kanyang tatay.

Kasi isa siyang makamahirap.

Mar - Leni

Duterte - Cayetano

50 Like

sa maruruming lugar dumarami at nangingitlog ang mga lamok na may dalang sakit na dengue. Kaya bukod sa mga clean-up drive, pinapayo rin ng mga opisyal ng lalawigan na gawin ang “Aksyon Barangay kontra Dengue” (ABAKADA) at 4 O’ clock Habit na inilunsad ng Department of Health. Ang ABAKADA ay mga aksyon para sa barangay na tulong-tulong sa pagpuksa ng lamok sa pamama gitan ng pagbubutas sa mga gulong at paglalagay ng lupa rito upang maging taniman, pagpapalit ng tubig sa mga plorera, pagtatakip sa imbakan ng mga tubig at wastong pagtatapon ng basura ng bawat kabahayan. Samantalang tuwing ikaapat naman ng hapon, kailangang gawin ang ‘Stop, Look and Listen’. Panandaliang paghinto sa ginagawa at pagtingin sa mga lugar na maaaaring pamahayan ng lamok at paglilinis dito. Walang dapat sisihin sa mabilis na pagkalat ng nakamamatay na sakit na dengue kung hindi tayo na rin. Ang pagpapanatili ng kalinisan ng ating kapaligiran ay panlahat na responsibilidad para sa mas malusog na pamumuhay. Sa panahon ngayon hindi lamang, lamang ang may alam, kundi ligtas ang may alam.

59

136 Comment

Share

Like

Miriam - Bong-Bong

Comment

Share

Like

Comment

Share

Veronica (10-Luna)

Christian (10-Ponce)

Catherine (9-Gold)

Para maipagpatuloy ang tuwid na daan.

Para madisiplina ang lahat ng tao sa Pilipinas.

Tingin ko po kaya niyang paangatin ang bansa natin.


An gh el m ul a s a T s i na Ni Joana Sweet Soriao Maganda, maputi, may makinis na kutis at matamis na ngiting la ging nakapinta sa kanyang mga labi. Tunay na masasabing nagpadala nga ng anghel ang langit sa Mataas na paaralan ng Felizardo C. Lipana sa katauhan ni Chén Tíng o mas kilala natin sa kanyang Filipino name na Teacher Grace, guro sa Foreign language na Chinese Mandarin. Taliwas sa iniisip ng nakararami sa atin, hindi siya nanggaling sa isang mayamang pamilya. Isinilang siya sa Xìn chéng, Xìan, Tsina noong Hulyo 8, 1991. Katulad ng ibang kabataan siya rin ay estudyanteng matiyagang nagtatrabaho upang masuportahan ang sarili sa pag-aaral. Pagiging isang tutor ang naisipan niyang pasuking trabaho upa ng matulungan ang mga magulang niya na tustusan ang kanyang pagaaral. Hindi biro ang naging karanasan ni Teacher Grace sa unang taon ng kanyang pagtuturo. Bukod sa kaba sa kanyang dibdib naging hamon din ang paghawak ng mga mag-aaral na grade 11 at 12 na ang mga edad ay hindi nalalayo sa kanya. Natutuwa siya na marami sa mga ito ay naging kaibigan ang turing sa kanya ngunit ang iba ay lu -mabis na kung minsan ay hindi na siya sinusunod bagay na labis niyang ikinabahala. Subalit ang lahat ng ito’y matagumpay niyang na-

harap at nalampasan. Isang malaking karangalan ang pagpili ni Teacher Grace sa Pilipinas upang bahaginan ng kaniyang kaalaman ukol sa Chinese Mandarin. Sa dalawampu’t apat na taon ng kanyang buhay, ang Pilipinas ang kauna-unahang lugar sa labas ng Tsina na na ating niya. Hulyo 28 taong kasalukuyan nang dumating siya sa bansa. Inamin niyang sa mga unang araw niya dito sa Pilipinas hirap siyang makipag-usap subalit makalipas lamang ang humigit-kumulang dalawang buwan unti-unti na siyang nagkakaroon ng lakas ng loob na makihalubilo sa iba, higit pa rito nagkaroon na rin siya ng mga kaibigan na nakakasama sa pamamasyal sa magagandang lugar dito sa Pilipinas. Bukod sa Ingles ay unti-unti na rin siyang natututo ng pagsasalita ng Filipino, bayad po…salamat po..para.. magandang umaga at mahal kita ang ilan sa mga salitang kanyang natutunan. Nitong Agosto 6 dumating si Teacher Grace sa FCLNHS mula sa isang unibersidad sa Angeles, Pampanga kung saan pansamantala siyang namalagi upang ihanda siya sa pagtuturo. Sa unang araw niya rito sa paaralan agad niyang napansin ang pagiging masayahin at magiliw na pagtanggap ng mga Pilipino sa mga panauhin.

g n i ur

S

a s a B

Naniniwala ka ba sa mga diyos at diyosa? Na kapag sinira mo ang kanilang pinangangalagaan kalikasan ay papatawan ka ng parusa? Naniniwala ka ba sa mga manananggal at tikbalang? Sa mga duwende at kapre? Eh sa mga aswang na sinasabing nakapagpapalit ng anyo at bigla kang aatakihin pagsapit ng kabilugan ng buwan? Ang aklat na pinamagatang “Moymoy Lulumboy, Ang Batang Aswang” ay isang uri ng kwentong pantasya na isinulat ni Segundo Matias, Jr. o mas kilala bilang si Kuya Jun at malikhaing iginuhit ni Jomike Tejido na isang arkitekto at premyadong aktor at ilustrador. Bago ito inilabas bilang isang libro, ito ay sinubaybayan na sa wattpad at booklet at talaga namang kinagiliwan ng mga mambabasa. Sa kasalukuyan ito ay isa sa mga mabiling libro na inilathala ng Lampara Books. Tungkol ito sa batang asawang na nagngangalang Moymoy na lumaki sa Amalao o mundo ng mga tao. Dito ay matutung-

o

oria

tS wee S a n

a

o Ni J

Sa dakong huli, kabutihan ang mamamayani…

Halo-halong emosyon ang naramdaman niya lalo na’t batid niyang ang turing sa kanya ay kapamilya at hindi lamang isang bisita. Nakadama siya ng hiya, gulat at saya nang tulungan siya ng isang guro na mag-ayos ng kanyang mga gamit sa silid na magsisilbing tahanan niya hanggang sa matapos ang taong pampaaralan sa Marso. “I am so touched when she did that because you know I can do that by myself…,” sentimental na wika ni Teacher Grace habang binabalikan ang nasabing pangyayari. Sa kasalukuyan, masayang nagtuturo si Teacher Grace at kung wala namang klase ay nakikipagkulitan siya sa mga gurong nakapalagayang-loob. Magkaiba man ang lugar, kultura at wikang kinagisnan (at ng kanyang mga estudyante) hindi ito naging hadlang para mapalapit siya sa mga estudayante. Sa ilang buwang pamamalagi pa lamang ni Maam Grace sa ating paaralan agad na siyang umukit ng puwang sa puso ng mga Lipanians. At sa susunod pang mga buwan ng kaniyang pananatili dito at sigurado akong higit sa mga kaalamang iiwan niya sa amin ay ang mga masasayang alaalang mananatili sa puso ng bawat isa at kailanman ay hindi malilimot na sa ating paaralan ay nahulog ang isang angel mula sa Tsina.

hayan kung paano niya nagawang lampasan ang mga pagsubok sa Amalao at maging sa gabun o mundo ng mga lamang-lupa. Sa librong ito ay masasaksihan natin ang pagtuklas ni Moymoy sa kanyang pagkatao at sa totoong mundo na kanyang kinabibilangan. Sa kwentong ito makikilala natin ang mga lamang-lupa na ibang-iba sa kwento ng ating mga lolo at lola. Ako’y likas na mahilig sa pagbabasa ng libro. Ngunit inaamin kong may pagkapihikan ako pagdating sa pagpili ng librong babasahin. Ngunit sinong mag-aakala na ang piksyong aklat na ito ang pipiliin kong basahin at ang makabibihag sa aking puso. Sa sobrang humaling ko sa nobela, halos hindi ko ito mabitiwan, maging sa pagsakay sa dyip ay hindi ko matiis na hindi basahin ang mga susunod na pahinang magbubukas sa bawat pakikipagsapalaran ni Moymoy. Mapapatawa ka at mapapa-“ohh..” sa bawat linyang binibitawan ng mga tauhan sa kwento, malalim man o hindi. Marami ring aral, linya at pangyayari ang tiyak na sasapul at tatatak sa puso mo at maaring sumalamin sa buhay natin. Naaalala ko pa ang mga linyang binitawan ng ilang tauhan na nakapagbigay sa

Crush Ko Ni Joana Sweet Soriao

Ngumiti ako at ngumiti rin siya. Napakaganda ng kanyang kulay kape na mga mata na parang nanghihigop, perpekto ang kanyang matangos na ilong at mapupulang labi. Mahaba rin ang kanyang itim na itim na buhok na tila kumikinang sa tuwing natatamaan ng liwanag. Pinaglandas ko ang aking kamay sa kanyang mamula-mulang mga pisngi at winikang “Ang ganda ko talaga…”

akin ng realisasyon. • Kahit ang Apo/Diyos ay mayroon ding damming ina. • Ang pagnanasa sa salapi ang ugat ng kasamaan. • Magkakaugnay ang lahat ng bagay na ang balanse ng buong kalikasan ay nasisira dahil sa kanilang maling gawain. • Kailangang makaranas, makaramdam ng sakit ang sinumang nilikha para lalong tumapang. Dahil piksyon ang nobela, mas naging malawak ang saklaw ng imahinasyon ni Kuya Jun sa paglikha nito. Bagama’t ito’y kwento ng pantasya, hindi ka nito bibiguin sa dami ng patama at pag-uyam sa mga taong hindi pinangngangalagaan at hindi alintana ang peligrong dala ng pagsira sa balanse ng kalikasan. Ang librong ito ay hindi lamang nilikha upang makapaglibang o makapagbigay ng saya. Ito ay isinulat upang makapagkintal ng aral at magmulat sa atin sa katotohanan.

Present

Ni Mescheal Tacsan

Inayos niya ang dalang bag at lumabas ng bahay. Pagpasok niya sa tarangkahan ay nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. Sa bawat hakbang na kanyang ginagawa ay paghinto ng makakasalubong niya. Nagbubulungan at nagtatawanan ang mga ito. Sa pagpasok niya sa silid ay natahimik ang klase. Inayos niya ang salamin upang maaninag ang nakasulat sa pisara. Tak-dang-A-ra-lin Napaayos siya nang upo nang matanaw ang pagpasok ng guro.

“Alkalde, Irene” “Present” “Abrantes, Joyce” “Present” “Toning, Pacita” “Toning, Pacita” Napatayo siya nang tu ig ang pangalan sa ikalaw kasabay ng maugong na ta uugod-ugod na nag-aaral


Ni Mescheal Tacsan

Me s

Su

rin

gP

ch ea lT ac

sa n

eli ku la

Masarap umibig… Masarap ang may inspirasyon… Huwag lang minamadali… Lahat ng bagay may tamang panahon…

Tambalang hindi sinasadyang mabuo, nagsimula sa pagsilay ng isang ngiti nang makitang matutukan ng kamera ang lalaking hinahangaan. Sa isang simpleng paghanga nauwi ang lahat sa tambalang kinakikiligan ng sambayanan. Paulit-ulit na nagpapatili at nagpapakilig sa simple nilang ngitian, pagsusulatan at pagdadubsmash. Ngayon, anumang antas ng buhay, edad o kasarian ay masugid nang tagasubaybay ng kalyeserye ng ‘Aldub’. Sino nga ba ang hindi nakakikilala sa Aldub? Ang pambansang bae na si Alden Richards, makisig at napakagandang lalake. Sa bawat pagngiiti niya na sinasabayan ng paglitaw ng malalalim nitong dimples , sa bawat pagpapabebe wave niya kikiligin ka na talaga. Samantala, si Maine Mendoza o mas kilala bilang Yaya Dub na sumikat sa you tube dahil sa kanyang husay at nakakaaliw

uwid nang marinwang pagkakataon, awanan “Yan kase, pa!

na pagda-dubsmash naman ay napamahal sa marami dahil sa pagiging simple nito. Kahit na anong pagpapapangit ang gawin nito habang nagdadubsmash ay hindi maitatago ang angkin nitong kagandahan. Kaabang-abang ang mga pangyayari. Naging maugong sa mga social networks

Isang pelikulang umukit ng kasaysayan matapos makapagtala ng dalawang ‘ Guiness World Record Title’ para sa Largest Audience Attendance sa film premier at film screening. Pinanood ito ng tinatayang mahigit sa 43,000 tao sa buong mundo. Ang makasaysayang pelikula na ito ay isinulat mismo ng isa sa may mataas na tungkulin sa Iglesia ni Cristo (INC) na si Bienvenido Santiago. Sa tulong ng Viva Films at sa ilalim ng batikang direktor na si Joel Lamangan ay matagumpay itong naipalabas sa 300 sinehan sa buong mundo. Hindi binigo nina Dennis Trillo at Bella Padilla na nagsiganap bilang Felix Manalo at Ata Manalo ang mga manonood matapos nilang magampanan ng natural ang kani-kanilang mga karakter. Kahanga-ha-

FELIX MANALO

Gintong Asin Ni Jaymark Cundangan

Maglilimang taon na kami dito sa Maynila, dati kaming taga-Davao. Mahirap ang buhay. Nagtratrabaho ngayon ang aking ama bilang tindero ng asin. Hindi tulad ng ibang tindero hinahatid ni tatay sa kanyang mga kostumer ang tinda niya. Isang araw pinakiusapan ako ni tatay na ihatid ang mga pakete ng asin, mahigpit ang kanyang bilin, dapat akong mag-ingat nang mabuti. Nang ihatid ko ang mga asin laking gulat ko nang ibigay sa akin ang malaking halaga, napaisip ako…Ganito pala kamahal ang asin!

at maging sa ibang bansa. Bawat tagpo at pagkikita ay pinag-uusapan, hindi pinalalampas ang bawat eksena. Marahil hindi makakamit ng ‘Aldub’ ang rurok ng kasikatan kung walang chemistry sa tambalang ito. Kahit na magkalayo silang dalawa sa isa’t isa ramdam ng mga manonood ang kilig. Natural na natural ang pagkilos nila sa harap ng kamera at hindi mukhang scripted. Hindi lang ang tambalang ‘Aldub’ ang inaabangan sa kalyeserye kundi maging ang mga babala at ang mga pagsubok ni Lola Nidora. Madalas man ay may layuning pagpapatawa ang mga eksena sa palabas na ito, ay magandang naipakikita ang tradisyunal na paraan ng panliligaw ng lalaki sa babae. Sa bawat pagkikita ng ‘Aldub’ ay may mga kondisyong dapat

nga ang pagiging maalam ni Dennis sa pagbigkas ng mga bersikulo mula sa bibliya, patunay lamang na mabuti niyang inaral ang katauhan ni Felix Manalo upang buong husay na mabigyang-buhay ito sa pelikula. Humigit-kumulang sa 100 artistang Pilipino ang nagsasama-sama sa pelikula. Karamihan sa mga ito ay mga premyadong aktor at aktres na tinitingala sa larangan ng pag-arte. Ilan sa mga ito ay sina Philip Salvador na gumanap na isang pastor, at EJ Falcon na ipinagmamalaki ang pagiging bahagi ng pelikula lalo na’t isa siya sa mga kapanalig ng INC. Nakaragdag rin sa ganda ng pelikula ang pagpili ng mga lugar kung saan ito ginanap. Ilan sa mga naging lokasyon ay Subic, Bataan, Laguna at piling lugar sa Metro Manila. Mahusay ang sinematograpiya na makatotohanang napalutang ang dekado ’70 at ’80 mga panahong ipinakikita sa istorya. Naging makabagbag damdamin rin

Pyesta Ni Jaymark Cundangan

Dahan-dahang bumukas ang pinto, nand’yan na si tatay, may uwi siyang pagkain mula sa mga fastfood. May dala siyang Jolly spaghetti, KFC chicken, Greenwich pizza, at iba pa. Masaya ang gabing ito puno ang hapag ‘di tulad ng mga nakakaraang gabi na itinutulog na lamang namin ang gutom. Ngayon ay masisiyahan ang aming mga kumakalam na sikmura pero bago kainin ang mga ito, iinitin muna ni Nanay para raw kahit papaano ay matanggal ang amoy at mawala ang mga mikrobyo dito.

sundin gaya ng no touch at isang talampakang agwat. Kung titignan magandang ehemplo ang ‘Aldub sa mga kabataan sa kasalukuyan. Naipakikita ang pagpapahalaga ni Alden kay Yaya Dub sa patugon at pagsunod niya sa mga kondisyon. Isang bagay na dapat tularan ng mga taong nagmamahal. Ang bawat yugto sa suyuan ng ‘Aldub ay naglalahad ng mga aral na maaaring isabuhay ng lahat. Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit patuloy itong tinututukan ng lahat. “Aldub you … Maalden kita…Mainenamahal kita, mga linyang pumatok kasabay ng hindi maawat na pagsikat ng ‘Aldub’. Ano’t ano pa man ang kahantungan ng tambalang ‘Aldub’ , lumipas man ang kasikatan nito ay marami ito maiiwanang kilig moments at aral sa mga tagasubaybay. Mga aral na hindi kukupas at lilipas, tulad na lang ng sinabi ni Lola Nidora “Ang pag-ibig ay hindi nabibili, hindi minamadali ito ay pinagsusumi ikapan,pinaghihirapan at nakukuha sa tamang panahon.

at nakatulong upang lalong masaling ang emosyon ng mga manonood ang pag-awit ni Sarah Geronimo sa theme song ng pelikula na Ang Sugo ng Diyos sa mga huling araw. Umikot ang pelikula sa naging buhay ng tagapagtatag ng INC na si Felix Manalo. Simula sa kanyang murang edad kung saan siya’y naging katuwang ng pari hanggang sa kung paano siya naging masigasig sa pananaliksik at paghahanap ng mga kasagutan gamit ang bibliya. Ipinakita rito kung paano niya sinikap na lumaban at bumangon sa kabi-kabilang pagsubok bago mabuo ang INC. Sa huli, iniwan ni Felix Manalo hindi lamang sa lahat ng kasapi ng INC kundi sa lahat ng Pilipino ang paalala sa kahalagahan ng pananampalataya sa Panginoon. Ang buhay niya ay hindi lamang mananatili bilang isang simpleng kwento ng buhay kundi magiging isang bahagi ng kasaysayan na kapupulutan ng aral at inspirasyon.


Paalam Ma’am Ruth Ni Janice A. Atenas

Sa ating buhay tanging dalawang bagay lamang ang may katiyakan. Ito ang pagsilang at paglisan. Dalawang pwersang nagpapakita na ang buhay ay gumagalaw sa dalawang kaganapang hindi matatakasan ng tao. Magkagayunman ang kalayaan sa pagpili kung anong landas ang ating tatahakin ay ipinagkaloob sa ating mga kamay. Bagama’t ang katotohanang ito ay batid ng lahat ang pagtanggap sa paglisan ni Ma’am Ruth Joson Cervantes ay hindi naging madali para sa marami. Unang pumasok si Ma’am Ruth sa Felizardo C. Lipana High School noong 1992 bilang isang “Brunei Grantee” (nagmumula ang kanilang sweldo sa pamahalaan ng Brunei) at naging ganap na permanenteng guro sa paaralan makalipas ang tatlong taon. Mapagbiga, mabait, matulungin, tahimik ilan lamang ito sa mga salitang malimit gamitin ng mga taong malapit sa kanya upang ilarawan siya. Marahil ang kanyang pagiging tahimik ay madalas maipagkamali ng ilang estudyante upang akalaing siya’y suplada. Subalit ang totoo’y likas kay Ma’am Ruth ang kagustuhang maibahagi ang kanyang mga nalalaman. Sa halip na gawin niya ng isang bagay para sa iyo ay matiyaga niyang ituturo sa’yo ang paraan upang sa susunod ay kaya mo nang gawin ito nang hindi umaasa sa iba. Madali lamang mapasaya si Ma’am Ruth, hilig niya ang pangongolekta ng mga manika na nakasuot ng tradisyunal na kasuotan mula sa iba’t ibang mga bansa. Ito ang nagsisilbi niyang koleksyon at pampawi ng pagod. Mahilig rin siyang mag-alaga ng mga aso, binibigyan niya ang mga ito ng espesyal na pagkalinga at pagmamahahal. Hindi ang pagiging guro ang unang landas na pinili ni Ma’am Ruth, med-tech ang una niyang kinuhang kurso, sunod niyang kinuha ang BS Biology at sa huli’y kumuha ng Education Units upang maging guro ng agham. Multi-talented si Ma’am Ruth isa siya sa pinakamahusay na mananayaw ng paaralan, hiphop man

ballroom, belly dancing at maging zumba ay ta lagang napakagaling niya. Kasiyahan niyang maibahagi ang talentong ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga kasamahan tuwing may mga programa sa paaralan at magtatanghal ang mga guro ng pampasiglang bilang. Bukod sa pagiging guro at coordinator ng Information and Communication Technology (ICT), siya ay nagtuturo rin ng Edukasyon sa Pagpapakatao at naging coach din sa badminton, isa sa mga paborito niyang isports. Sa angking husay ni Ma’am, hindi na nakapagtataka na marami siyang nakamit na parangal. Mula nang mag-umpisa ang pagtuturo ng ICT sa paaralan ay dito na natutok si Ma’am Ruth. Marami nang mga mag-aaral ang kanyang nahasa at nagabayang magwagi sa mga kompetisyon na may kinalaman sa ICT maging sa Eddis man o sa buong dibisyon ng Bulacan. Nagkamit din siya ng National Certificate II sa PC Operations at naging tagapag-

n o h a k g n tatlo Ni Janice A. Atenas

Pinilit kong pigilan ang pagpatak ng mga luhang kanina pa ibig kumawala. Nakabibingi ang katahimikan. Mataas pa ang araw nang sinimulan naming isa-isang tupiin mula sa lumang aparador ang mga natira at naiwan niyang gamit. Maingat na hinahagod ang bawat piraso. Karamihan sa mga iyon ay luma na subalit maayos pa. Ganoon siya, hindi palahingi, hindi palabili, kahit pa kaming tatlong magkakapatid ay napagtapos na niya sa kolehiyo, mayroon ng kani-kaniyang hanapbuhay at regular na nag-aabot sa kaniya ng bahagi ng aming sweldo ay hindi siya palabili ng mga personal na gamit tulad ng damit. Ang katwiran niya’y aanhin niya ang maraming damit ganoong hindi naman siya pala-alis. Nagagalit siya kapag ibinibili siya ng mga gamit para sa kanyang sarili, likas siyang hindi maluho. Kaligayahan niyang makitang puno ang iskaparate ng mga de lata o dili kaya’y maraming laman ang bigasan.

Maaga pa lamang ay gising na siya. Mamalengke. Magluluto. Maghahain. Maghuhugas ng pinggan. Maglalaba. Maglilinis ng bahay. Mag-aalaga ng mga apo. Walang katapusan ang kanyang trabaho. Ayaw niya nang napapahinga. Bumalik sa aking alaala ang mga gabing naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog at makikita siyang gising nag-aayos ng kung anu-ano, nanahi, namamalantsa walang kapaguran sa ,mga gawaing inako niyang bahagi ng kanyang gampanin bilang ina at maybahay. Hindi naman nasayang ang kanyang mga paghihirap, siya na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo habang isa-isa niyang sinaksihan ang pag-abot namin sa aming mga pangarap. Sa kanya ko natutunan na ang pagiging ina ay hindi natatapos kahit napalaki mo na ang mga anak mo, hindi ito natatapos kahit may sari-sarili na silang pamilya at hindi ito natatapos kahit minsan ay sinasabi na nilang malalaki na sila at kaya na nila.

Sa mga hibla ng pilak sa kanyang buhok, mga guhit sa kanyang mukha at ugat sa kanyang mga kamay nakita ko ang maraming taon na sakripisyong binata niya para sa aming magkakapatid. Malinaw sa aking alaala ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi sa bawat tagumpay ng kanyang mga anak gayundin ang tahimik niyang pagluha sa bawat sakit at kabiguang aming pinagdaraanan. Walang sinuman sa amin ang nakapaghanda sa kanyang pagkawala. Kasabay ng paglubog ng araw, marahan kong isinara ang kahon habang patuloy ang pagdaloy ng mga luhang kanina pa ibig kumawala. Tatlong kahon… Tatlong kahon lang lahat… ito lamang ang tanging naiwang gamit ng nanay. Subalit ang alalaala ng kanyang walang kapantay na pagmamahal ay kipkip namin sa aming mga puso na habang buhay na magungulila sa kanyang paglisan…

salita sa mga pampaaralan, pandistrito at pansangay na mga seminar-workshop sa ICT. Punong-puno ng pangarap si Ma’am Ruth. Nais niyang magkaroon ng sariling bahay, kotse at makapagbyahe sa ibang bansa. Matiyaga at maabilidad din si Ma’am nakapgpatayo siya ng sarili niyang computer shop kung saan nagamit niya ang kanyang husay sa ICT. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na makapunta sa Hongkong, nakalulungkot lamang na marami pa sana siyang mararating na mga lugar … Napag-alaman ni Ma’am Ruth na siya ay may stage 2 na kanser. Isang pangyayaring labis na ikinalungkot at ikinagulat ng lahat dahil isa siya sa mga guro na masasabing may healthy lifestyle. Sa pag-ulan ng suporta at pagmamahal mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, kasama sa hanapbuhay ay unti-unting naka-recover si Ma’am ngunit tunay na ang ating buhay ay pahiram lamang at tanging ang Dakilang Lumikha ang nakababatid kung kailan niya ito kukunin. Ika-22 ng Enero nang tuluyan nang namaalam si Ma’am Ruth. Kasabay nang paglamlam ng kalangitan ay ang pagbuhos ng luha ng mga taong sa kanya’y lubos na nagmamahal. Sa kanyang paglisan sa ating paaralan, sa ating mga buhay ang tanging maaari nating ipagpasalamat ay naging bahagi tayo ng kanyang mga ‘di malilimutang alaala bilang kapamilya. Tunay na naging mabunga ang 45 taong paglalakbay niya at lubos niyang nagampanan ang kanyang tungkulin bilang resposableng bahagi ng kanyang pamilya at mamamayan ng lipunang ininugan ng kanyang buhay. Sa iyo Ma’am Ruth salamat at paalam, ang mga alaala mo’y hindi namin kailanman malilimutan.

Textmate Ni Joanna Sweet Soriao

Naalimpungatan ako sa mala -kas na lagaslas ng tubig sa estero. Ramdam ko ang kirot ng aking mga sugat dahil sa pananakit ng aking amain. Bumangon ako at kinuha ang aking cellphone. Dito ko isinasalin ang sakit na ginawa ng aking kinikilalang ama. Pindot dito, pindot doon sabay send. Napangiti ako sa ginawa ko. Ang sarap talaga ng pakiramdam sa tuwing nambubully ng iba. Tinatanggal nito ang takot at sakit na nararamdaman ko dahil sa pang-aabusong pisikal sa akin. “Mamatay ka na,” “Mas masaya ang mundo kapag wala ka,” mga mensaheng sunod-sunod at paulit-ulit kong ipinapadala sa kanya, mga eksaktong salitang binitiwan sa akin ng aking amain kagabi. Ito na ang ikapitong araw ng pagpapadala ko ng mensahe sa kanya. Nakatatanggap rin naman ako ng reply mula sa kanya “Sino ka ba?” , “May problema ako, ‘wag ka nang dumagdag”, “Hindi ka na nakakatuwa”, “Ano ba tumigil ka na!” at ang huli “Isusumbong kita sa pulis!” Subalit imbis na matakot ay mas lalo akong natuwa at nagpatuloy sa pagpapadala ng mga nakasasakit na mensahe. Lumipas ang mga araw at naging bahagi pa rin ng pang-araw-araw kong kaligayahan ang pagpapadala sa kanya ng

mga mensahe. Subalit nitong mga huling araw, wala na akong natatanggap na tugon. Binasag ng pagtunog ng cellphone ang katahimikan at kahungkagang nararamdaman ko. Dali-dali ko itong kinuha at binasa ang mensahe. Nanginig ako. Nabitiwan ko ang cellphone. Namutla. “Tama ka nga. Pangit ako, wala akong kwenta, at siguro nga mas magiging masaya ang mga magulang ko kapag namatay ako. Salamat sa payo.” Kinabukasan isang pamilyar na mukha ang nakita ko sa telebisyon. Si Maria. Ang aking bully-victim.


Balik-tanaw

acsan eal T

ch i Mes

N

Sa mata ng isang bata ano nga ba ang kanyang nakikita? Pagmamahalan, pagtutulungan, at kasiyahan ng bawat isa. Ngunit paano kung ang inosenteng mundong kanyang ginagalawan ay unti-unting maglaho, mabalik pa kaya niya ng kaningningan? Ang Ningning na mapapanood sa ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 10:30-11:30 nang umaga sa pangunguna ng direktor na si Jeffrey R. Deturian ay inspirasyonal na programang kaya’t hindi nakapagtataka na mataas agad ang nakuha nitong rating sa pilot episode nito. Pinagbibidahan ang teleseryeng ito ng batang nagsisimula pa lamang sa industriya ng pag-arte na si Jana Agoncillo. Hindi siya nabigong aliwin ang mga manonood kahit sa mura niyang edad. Para siyang matanda na kung magsalita kung kaya nakatutuwa siyang panoorin. Kasama rin niya sa nasabing teleserye sina Ketchup Eusebio “Dondon” at Beauty Gonzales “Lovely” na tumatayong mga magulang niya sa palabas. Sila ang bumusog sa mabubuting pangarap kay Ningning at nagpalaki dito na isang mabuting bata. Hindi makukumpleto ang palabas kung wala ang kaibigan ni Ningning na si Macmac na si John Steven de Guzman. Sa samahan ng dalawang batang ito naituturo nila ang kahalagahan

Ni Mescheal Tacsan

ng pakikipagkaibigan, pagdadamayan sa oras ng problema at pakikinig sa isa’t isa. Ang kwento ay umiikot sa isang batang lumaki sa isang payak at simpleng pamilya. Nabuhay sa isla sa piling ng kanyang ama’t ina at ng kanyang Mamay (Lola). Maayos ang pamumuhay nila hanggang sa dumating ang isang kalamidad. Dahil sa pangyayaring ito ay kinailangan nilang lumipat sa lungsod. Naging tulay ito upang makakilala siya ng mga bagong kapamilya at kaibigan. Mula dito ay magaganap ang mga pangyayari sa buhay ni Ningning na magbibigay ng inspirasyon sa lahat. May bahid din ng komedya ang teleserye dahil nandito rin ang anak ng hari ng komedya na si Vandolph Quizon at isa pang komedyante na si Pooh. Nagbibigay si Ningning ng inspirasyon sa mga kapwa niya bata. Nagiging maganda siyang halimbawang dapat tularan hindi lamang ng mga bata kundi ng lahat ng mga dumaraan sa mga pagsubok sa buhay. Nakaaantig rin ng puso ang theme song nitong “Tupad na ang pangarap” na inawit ni Camille Santos na nakapagdaragdag ng damdamin lalo na sa mga ma-dramang tagpo. Sa kabuuan puno ng aral ng magandang pagsasamahan, pagbibigayan, pagtutulungan at pagmamahalan ang makukuha sa Ningning.

Kasabay ng paglipad sa kalangitan, paghampas ng alon sa dalampasigan,unting-unti akong dinala ng alon patungo sa kawalan. Malamig ang tubig na dumadampi sa aking balat ngunit ipinagpatuloy ko pa rin ang paglusong sa malalim na bahagi. Muli akong humugot ng malalim na hininga bago inilubog ang aking sarili sa karagatan.Mabilis kong sinisid ang kailaliman, bumungad sa akin ang tinatagong yaman ng karagatan, mula sa maliliit at malalaking isda na naglalaro sa mga halamang-dagat, mga koral at kabibeng nagpapaganda sa pusod nito. Agad kong kinuha ang bagay na kumikinang sa loob ng kabibe. Dinala ko ito paitaas bago pa ako maubusan ng hininga. Nakita ko rin ang ilang maninisid na nagsisiahon na. Pinagmasdan ko ang malawak na karagatan kung paano ito umalon sa bawat pagsagwan ko ng aking bangka. Bitbit ang aking napagbilhan mula sa perlas na aking nakuha ay nagtungo ako sa aming tahanan. Isang maliit na kubo na saktongsakto lamang ang espasyo para sa aming tatlong magkakapamilya. Sinalubong ako ng aking ina, agad akong nagmano at pumasok sa

kwarto. Mabilis akong nagbihis dahil mahuhuli na ako sa aming laro. Napuno ng tawanan ang tapat ng isang tindahan, mga batang paroo’t parito sa paghahabulan, ang pagod at pawis na pumatak kanina sa pagsisid ay parang bulang naglaho lahat. Beep…beep…beep nabaling ang aking atensyon sa sasakyang nasa aking harapan at sa galit na drayber na nito, “Ano ba magpapakamatay ka ba?!”Nabalik ako sa rea lidad ng buhay at naglakad papalayo. Mula sa liwanag na nagmumula sa mga poste at gusali ay nalamon ang kadiliman ng gabi. Dis oras na ng gabi ngunit marami pa ring tao sa lansangan. Mga kabataang nag-iinuman at nagkakasayahan. Napailing na lang ako at naisip ang aking kabataan. Pumasok ako sa aking bahay at pinagmasdan ito, lubhang malaki para sa taong nag-iisa kagaya ko. Mataas na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng bahay. Bumungad sa akin ang ‘di magkamayaw na mga sasakyan, maiingay na taong nakikipagsabayan sa nagmamadaling lungsod. May mga gusali ring nagpapayabangan sa pagpapataasan. Sandaling napako ang aking paningin sa mga

batang namamalimos sa gilid ng simbahan na parang mga hangin lamang kung daan-daanan ng mga tao. Mula sa malayo ay natanaw ko ang lugar na minsang itinuring kong pinakamagandang tanawin. Ngayon ay malayong-malayo na ito sa dati. Ang asul na dagat na pinangingisdaan ay isa na lamng tambakan ng basura. Wala ng mga batang nagta- tampisaw sa itim ng tubig nito. Minsan kong pinangarap ang kaunlaran ngunit hindi sa ganitong paraan. Ang asul na asul na dagat at sariwang hangin ay mga alaala na lamang na unti-unting pinalalabo ng makapal na usok sa lansangan. Nakalulungkot na ang mga sanggol na ngayon pa lamang isisilang ay ninakawan na ng oportunidad na masilayan ang kariktan ng lugar na aking pinagmulan. Kasabay ng malakas na ugong ng tren ang pagbuga ng usok na humalo sa asul na kaulapan. Doon nagsimula ang pag-andar ng aking sasakyang unti-unting lumalayo sa mabangis na bayan.

Ni Mescheal T. Tacsan Sa halimuyak ng mga bulaklak, sariwang hangin na aking nalalanghap, mga makukulay na paru-paro na iyong matatanaw at sa berdeng kapaligiran na ito mailalarawan ang paraiso. Dala ang aking lumang kariton ay nagtungo ako sa tambakan ng basura, tinanghali na ako ng gising kaya naman naunahan na ako ng iba. Hindi mo matatagalan ang mabahong amoy ng basurang umaalingasaw dito, pero

ang mabahong imbakang ito ang bumubuhay sa akin. Matinding sikat ng araw ang kalaban ko sa pangangalakal, ilang oras na akong nakayuko ngunit kakaunti pa lamang ang aking nakukuha. Papalubog na ang araw nang matapos ako, agad ko itong dinala sa junk shop at binayaran ng ilang piso. Nagtungo ako sa bilihan ng bigas, sa aking paglalakad ay napadaan ako sa isang paaralan. Napangiti ako nang mapait nang sariwain ko sa aking alaala na sa paaralang ito ako bumuo ng pangarap na walang kasing tayog na dagli ring naglaho.

Ikalimang baitang sa primarya… ikalimang baitang lamang ang naabot ko. Hindi naman ako nag-iisa , ang totoo marami kami sa buong Pilipinas, tinatayang nasa apat na milyong kabataan ang hindi nakapag-aaral. Kadalasan sa amin ay 6-14 na taong gulang lang at ang dahilan ay ang walang katapusang kahirapan, ngunit higit na may pait ang aking kwento… Maulang hapon habang naglalakad ako sa madilim na bahagi ng eskinita nang may biglang humamblot sa akin. Nagpupumiglas ako ngunit wala akong nagawa, itinakip niya ang kanyang kamay sa aking bibig, hindi na ako nakasigaw. Isang suntok sa sikmura ang nagpawala sa aking malay. Nagising ako sa isang malamig na papag, pinilit kong tumayo kahit ma-

sakit ang aking katawan. Puno ng pasa ang aking braso at hita. Umuwi na ako at naghanda ng pagkain, kung ako lang sana ang magugutom ay ayos lang pero hindi ngayon dahil dalawa na kami. Kasama ko na ngayon ang isang anghel, alam kong kung sa iba ito nangyari ay nagpakamatay na sila o ‘di kaya’Y ipinalaglag na nila ito.. Ngunit may takot ako sa Diyos at alam ko na isa itong biyaya kaya malugod ko itong tinanggap. Sa masangsang at nakaliliyong amoy ng mga basura, iba’t ibang uri ng taong nakakatunggali, sa bawat dampot at lagay ko ng mga basura sa kariton mailalarawan ang naging paraiso ng kabataang gaya ko.


HINDI KO ‘TO MALILIMUTAN! Ni Mescheal Tacsan

Bawat isa

sa atin ay may kanya-kanyang bagay na kinahihiligan. Mga bagay na lubos nating pinahahalagahan. ‘Yun bang pakiramdam natin ay hindi kumpleto ang ating araw kapag hindi natin dala-dala at talaga namang hindi tayo mapapakali kung ating maiiwan sa ating mga tahanan. Maliit man o malaki ang ating dalang bag ay tiyak na lagi itong makikita sa loob, magpapalit-palit man ng bag araw-araw ay siguradong hindi ito maaaring mawala. Sa isang sarbey na isinagawa ng patnugutan ng “Ang Hardin” ay inalam namin kung anong bagay ang hindi mawawala sa bag ng ilan sa mga guro at kilalang mag-aaral sa FCLNHS. Halika’t sabay-sabay nating silipin kung anong mga bagay ang lubos nilang pinahahalagahan at tiyak na laging bitbit saan man.

Yap Ni K

rish

aM

ae C

erv

Isandaang hakbang na lang…

ak

ant

Malapit na raw…ngunit hindi ko pa rin matanaw. Sige, lakad lang. Patuloy lang sa paglakad kahit pudpod na ang tsinelas kalalakbay. Patuloy lang hangga’t hindi pa naaaninag ang pagbabago. Dahan-dahan. Unti-unti. Tatlo, dalawa, isa! Nandito na raw ako, pero bakit hindi ako makadama ng kasiyahan habang papalit ay bumibigat ang aking mga paa sa paghakbang. Malinaw kong nasaksihan kung paanong ang marami sa ating mga kapatid ay bilanggo ng paghihikahos. Mistulang nakatanikala ang kanilang mga paa sa putik ng kahirapan…ang pag-asang makaahaon ay hindi ko maaninagan. Una, nakita ko ang isang matandang babaeng natutulog sa harapan ng isang tindahan. Parang aso itong ipinagtabuyan ng tindera, malakas at marahas ang kanyang pananalita. Dali-daling ibinalumbon ng matanda ang piraso ng mga karton na nagsilbi niyang tahanan sa buong magdamag. Isang inang kalong ang kanyang anak ang sumunod na pumukaw ng aking atensyon. Nagniningning ang itim niyang balat sa matinding sikat ng araw, ang kanyang sira-sira at maruming bestida ay naglalantad ng malaking bahagi ng kanyang mga hita subalit hindi niya ito alintana, masyado siyang abala sa pagpapatahan sa kipkip na sanggol. Nagugutom ba ito, maysakit, hindi ko alam tila napako

es

Paniniwala Ni Mescheal Tacsan Sa mga plataporma niya humanga ka… Nang nagbigay ng pera ang bait agad niya… Tapos ibinoto mo siya Ngayong nangungurakot na nagagalit ka… Bakit sino bang nagluklok sa kanya?

Tanong N M T i

na ako sa aking kinatatayuan. Simbilis ng kidlat na dumaan sa aking harapan ang grupo ng kabataang kipkip ang mamahaling bag na hinablot nila mula sa isang babaeng naglalakad. Mabilis nilang tinakbo ang eskinita haggang sa tuluyang maglaho sa aking paningin. Nanlaki ang aking mga mata sa kumpol ng mga batang sa aking tantsa ay nasa edad 10 pataas, sa kanilang mga munting kamay ay tangan ang mga plastik na naglalaman ng rugby. Ari nila ang mundo, naglalakbay ang mga diwa sa isang paraisong binuo sa kanilang mga isipan, kung saan wala silang nadaramang gutom, walang sakit, sila ang panginoon ng kanilang mga sarili…subalit ang kapalit nito ay ang unti-unting pagkawasak ng tunay nilang daigdig. Alam kong hindi ang aking mga mata lamang ang paulit-ulit na nakasaksi sa mga senaryong ito. Perlas ng Silangan, ganito nila ilarawan ang bansang ito… subalit sa likod ng paglalalarawang ito ay ang kalunos-

escheal

acsan

Habang nasa dyip Magpupulbos ka… Nang makarating sa eskwelahan Magsusuklay ka… Bago pumasok ang guro, Magsasalamin ka… Tanong ko lang May assignment ka na ba?

lunos na katotiohanang hindi nararanasan ng marami ang pangakong paraiso ng likas na yaman nitong habang unti-unti nauubos at inaubuso ay kakarampot lamang ang nakikinabang at nagbebenipisyo. Paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan, bakit may mahirap at mayaman? Tinatayang nasa 130 milyong mga bata ang hindi nakapag-aaral, 750 milyong mga bata naman ang namatay dahil hindi nakapagpapagamot dulot ng kahirapan at 1.3 bilyong tao naman ang lugmok sa kahirapan. Yapak. Tanda ng ating pagiging matatag sa gitna ng mahabang paglalakbay. Isandaang hakbang pa… sabay-sabay tayong maglakad at tanawin ang pag-asa.

Sukli

Ni Mescheal Tacsan

Mula sa aking pagkabata Ako’y iyong inalila Minulat sa mabibigat na gawa Pala ang kasama, imbis na lapis at pambura Ngayon sa iyong pagtanda Hanap mo ang kalinga Sinuklian ka ng pag-aaruga Na kahit kailan para sa aki’y hindi mo nagawa.


Mga PINAKA sa Pinakapaboritong paglabag ng mga Lipanians Ni Janina Vianca R. Figueroa Aminin man natin o hindi, sinasadya man, aksidente o dala ng matinding pangangailangan, guilty tayo sa pagsuway sa ilang mga regulasyon ng paaralan. At sa tulad kong gumugol ng halos apat na taon sa bakuran ng paaralan, napagtanto kong kung may mga tagapagpatupad ng batas , ‘di mawawala ang mga taga-labag nito. Batay sa sarbey na isinagawa ng ‘Ang Hardin” nito lamang Oktubre, narito ang mga pinaka sa pinakapaboritong batas na labagin ng mga estudyante.

PINAKA #4 : Mula ulo hanggang paa. Taon-taon bago magsimula ng klase, sumasailalim ang mga magulang at magaaral sa isang oryentasyon kung saan isa sa mga binibigyang-diin ang pagsusuot ng tamang uniporme kasama na ang tamang gupit ng buhok para sa mga lalaki. Subalit taon-taon na ring pasakit sa mga guro ang mga estudyanteng nagtetengang-kawali kapag pinapaalalahanan nang magpagupit. Hindi rin mawawala ang mga estudyanteng may kulay ang buhok at kapag nasita ay sasabihing “Natural po iyan.” Ah ewan! Oo natural nga, natural na matigas ang ulo mo! PINAKA #5 : Post pa more! Isama mo pa iyong may mga kulay Sa ‘di malamang kadahilanan, kung anong tinamad sa pagsulat sa kwaderang t-shirt na panloob, tamad magsuot ng ID at higit sa lahat nakatsinelas at rubber shoes kahit no ay siya namang sipag na magsulat kung saan-saan. Ang mga walang kalaban-laban na biktima…silya, libro, pader, palikuran walang baha. Aba! Aba! O, ‘di ba mula ulo hanggang paa, pasaway sila! pati mga rehas na bakal hindi pinatatawad. Tsk…tsk … bagama’t malinaw na nakasaad na mahigpit na ipinagbabawal ang bandelismo mukhang wa-epek ito sa mga sadyang matitigas ang ulo.

PINAKA #3 : Mga anak ng Pasig Korek ka diyan, sila yung mga Lipanians na tapon doon, tapon dito. Bawat silid-aralan, kantina, palikuran at maging mga daraanan sa paaralan ay may basurahan. Pero bakit ang hirap-hirap para sa marami ang sinupin ang kanilang basura? Bakit? Bakit? Karaniwang senaryo na sa hapon ang sangkatutak na plastik na cups, mga balat ng kendi at kung ano-ano pa ang nakakalat sa paligid ng paaralan. Dapat nating alalahanin na ang malinis na paaralan ay salamin ng mga disiplinadong mag-aaral.

PINAKA #1 : Libreng Ammonia. Mabigat ba ang isang tabong tubig? Mula noon magpasahanggang ngayon marami pa ring estudyante ang walang disiplina sa paggamit ng palikuran. Lagi namang may tubig pero bakit pagbubuhos na lang ng kinatatamaran pa. Siya nga’t may dyanitor ang paaralan pero sa dami ng palikuran at sa dami ng mga mag-aaral na gumagamit nito dapat may kusa na tayong maglinis pero dahil nga sa madalas ay tinatamad tayo, ayun may libre tayong ammonia tuwing hapon. PINAKA #2 : Huli Ka! Sa araw-araw na pagbabantay nng mga SSG Officers sa gate hindi nauubos ang mga estudyanteng may sariling ‘class schedule’. ‘Yun bang papasok kung kailan at kung anong oras na lang nila gusto. Mga ate at kuya 7:30 ng umaga ang unang klase, hindi alas-otso, hindi alas nuwebe o kung anong oras ka magising dahil sa pagpupuyat mo.

Ilan lang ang mga nabanggit sa mga paglabag na paulit-ulit na ginagawa ng mga mag-aaral. Hindi naman mahirap tandaan na bilang mga mag-aaral responsibilidad natin na sumunod sa mga patakaran. Ang isang paglabag na naulit o paulit-ulit na ginagawa ay pagpapakita ng kawalan ng respeto sa mga batas ng paaralan. Maging mabuti sana tayong mga huwaran at matutong sumunod sa mga patakaran ng paaralan.

Pinoy Fb Ni Christian Ferrer Patuloy na nagiging mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ang social media. Nitong 2015 tinatayang umabot na sa 36% - 44% ang internet penetration sa bansa at hindi malabong umakyat ito sa 50% bago matapos ang taong kasalukuyan. Ayon sa mga pag-aaral, gumugugol tayo ng average na 6.3 oras bawat araw sa internet kung saan 4.3 oras dito ay sa social media. Kabilang sa tatlong pinakahuhumalingang social media sites ng mga Pilipino ay facebook, twitter at google. Sa tatlong ito, nananatiling pinakapopular sa mga Pilipino ang facebook na umabot na sa 30 milyon ang users. Batay sa datos, pumapangalawa ang Pilipinas sa Brazil sa may pinakamataas na fb penetration sa buong mundo. Gaano katagal na b a ang iyong fb account? Nararapat lamang na alam natin ang mga wastong asal na dapat isaalang-alang bilang responsableng fb users. Gaano na karami ang nasa iyong friendlist? Nakikilala mo ba silang lahat o click ka lang ng click upang dumami ang mga ito? Basahin mong mabuti ang mga paalala sa iba at tayain ang iyong sarili kung isa ka bang responsableng fb user. • Huwag i-tag ang iyong mga kaibigan sa hindi magagandang larawan. Ang pagpo-post ng ganitong mga larawan ay pagta-tag sa kanila ay nagpapakita ng kawalan ng respeto sa iyong mga kaibigan. • Huwag magpadala ng friend request nang higit sa isang beses. • Huwag masamain kung hindi tangggapin ang iyong friend request. Tandaan na may mga taong mas ibig na limitado at hiwalay ang kanilang trabaho sa kanilang social life. • Huwag mag-add ng mga nakababatang facebook users kung ang nilalaman ng

iyong fb ay hindi akma sa kanilang edad. • Ugaliin ang pag-a-add ng mga taong tunay na kakilala mo lamang at hindi upang magparami lang ng iyong kaibigan at maging basehan ng iyong popularidad. • Hangga’t maaari ay gumamit ng sarili mong larawan nang sa ganoon ay madali kang makilala ng mga nais mong i-add na kaibigan. • Huwag mag-post ng mga hindi mo kayang sabihin sa tunay na buhay. Hindi dapat magtago sa likod ng kompyuter at gamitin ang social media upang makapanakit o makapanira ng iyong kapwa. • Huwag mag-post ng mga pangyayari sa buhay mo na ayaw mong pag-usapan ng lahat ng tao sa friendlist mo, halimbawa ay mga suliraning personal at pampamilya. • Gamitin ang messenger sa pagpapadala ng mga pribadong mensahe. • Para sa iyong seguridad huwag ilagay sa fb ang mga personal mong detalye tulad ng tirahan at numero ng iyong telepono. • Maging maingat sa iyong mga post. Bagama’t hindi masamang maglabas ng sama ng loob sa isang tao, tandaan na kahit wala siya sa iyong friendlist ay maaari pa rin itong makarating sa kanyang kaalaman at pagsimulan ng mas malaking hidwaan.

Bekinaryo Ni Jheremie Macaraeg

Sabi nga ng marami hindi sila nanganganak pero patuloy sa pagdami. Kasabay ng paglaki ng kanilang populasyon ay ang pag-usbong na rin ng kanilang sariling lenggwahe. Tulad ng Wikang Filipino, ang gay lingo ay dumaraan na rin sa proseso ng pag-unlad bilang isang ganap na wika na sinasalita at nauunawaan ng hindi lamang ng mga lalaking may pusong babae kundi maging ng mag tunay na babae at lalaki. Kaya’t kung hindi mo gustong mapag-iwanan sa mga usapan narito ang ilan sa mga pinakabagong nadagdag na salita sa hindi mapigil na pag-unlad na lenggwahe ng mga bekimon.

Malaysia at Pakistan - “malay ko” at “paki ko” Caladryl - kaladkarin

Iskuala lumpur - iskwater Julanis Morisette - ulan Morayta - mura

Ate Nancy - nonsense

Ate Matet - malapad noo

Pamenthols - baklang kunyari lalaki Pocahontas - nang-indian Cynthia - sino siya?

Mahogany - mabaho Variables - barya

Ramsey - pahiram

Kelvinator - matabang babae Payatas - skinny

• Anumang impormasyon na makukuha mo mula sa fb ay makabubuting sarilinin na lamang. Isaisip na hindi maganda ang pagmulan ng tsismis.

Voltron - baklang maton

Backstreet boys - gwapong lalaki sa likod mo

• Maging maingat sa tono ng iyong pananalita, may mga pagkakataong ang biro ay maaaring maipagkamaling panguuyam.

Moon crystal power - maganda lang sa gabi

Five-aray-aray - 500 pesos

Douglas MacArthur - aso Lilet - batang bading

• Huwag magsulat na puro malalaking titik ang gamit maliban na lamang kung talagang intensyon mong SUMIGAW!

Portugal - matagal

Badessa - baklang buhay prinsesa Janno Gibs - bigay

Red alert - buwanang dalaw


n a s a k i l a K g n a Ilikas ristian

Ni Ch

Hindi pa huli ang lahat para buuin ang unti-unting nasisirang ganda ng daigdig. Kamakailan ay hiniling ni Pangulong Benigno Aquino III sa susunod na administrasyon ang pagpapatuloy ng National Greening Program (NGP) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ito ay bilang tugon sa mas malinis at mas maayos na kapaligiran. Isang pangmalawakang programa sa pagpapanatili at pag-aalaga ng mga kagubatan ang National Greening Program na itinatag ng pamahalaan sa bisa ng Executive Order No.26 na ipinalabas noong ika-24 ng Pebrero taong 2011 ni Pangulong Aquino. Layunin nitong magtanim at magpatubo ng 1.5 bilyong puno sa 1.5 bilyong hektaryang lupaing pag-aari ng pamahalaan sa buong bansa. Ito ay sa loob ng limang taon mula 2011 hanggang 2016. Malaki ang maitutulong nito sa Pilipinas dahil sa maraming bagyo ang pumapasok sa bansa. Sa loob ng isang taon, tinatayang nasa 22 bagyo ang pumapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) at karamihan sa mga ito’y nagdudulot ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kaya naman mahalaga ang masinsinang pangangalaga sa mga puno at kagubatan na siyang sumisipsip ng mga tubig at baha. Maliban sa nakatutulong sa oras ng kalamidad, ang mga puno ay nakatutulong rin sa ating pang-araw-araw na bu-

May mga sakit na nauuso depende sa panahon. Tulad na lamang ng leptospirosis, ubo, sipon at lagnat na tumataas ang bilang ng natatalang kaso tuwing tag-ulan. Samantala ang mga sakit tulad ng sore eyes, at bungang-araw ay sa panahon naman ng tag-init. Subalit nito lamang mga nakalipas na buwan ay naitala ang mataas na bilang na nagkakaroon ng sore eyes bagama’t hindi naman tag-init. Ang sore eyes ay isang sakit na dulot ng conjunctivitis (pink eye) maaari ring magmula ito sa impeksyon, allergies, eye fatigue, masyadong pagkatutok sa liwanag ng araw at pagsusuot ng contact lens. Maaari nitong maapektuhan ang isa o parehas na mga mata. Ang apektadong mata ay may pakiramdam na tila ba may maliliit na bagay sa loob nito o ‘di kaya’y para itong pagod, mahirap at mabigat idilat. Ilan sa mga unang sintomas nito ay ang pamumula ng mata, pananakit nito at pagdidikit ng talukap dahil sa labis na pagmumuta matapos ang mahabang tulog. Madalas ring nagka-

Paglipad sa Pangarap

Ferrer

hay. Mas maraming puno ibig sabihin ay mas malinis na hanging lalangha- pin. Nakatutulong rin ang mga puno sa pagbabawas ng carbon dioxide at init sa atmosphere na nagdudulot ng global warming. Sa kasalukuyang panahon na nahaharap ang daigdig sa suliranin ukol sa climate change o pabago-bagong panahon, isa ang pagtatanim ng mga puno sa mga isinusulong na paraan upang malaban ito. Sa pamamagitan ng natural na proseso ng photosynthesis, tinatanggap ng mga puno ang carbon dioxide na mula sa tao at iba pang naglalabas nito at iniipon ang carbon upang makapaglabas ng oxygen na kailangan ng mga tao. Noong taong 2003, umabot sa 9.9 bilyong metrong tonelada ang carbon dioxide emission ngunit hindi sapat ang dami ng mga puno na tatanggap dito. Kailangan natin ang kalikasan upang mabuhay at kailangan din tayo ng kalikasan upang pangalagaaan at buhaying muli ito. Sa pagwawalang-bahala, pag-abuso at pagpapabaya sa kalikasan ay inilalagay natin ang ating mga sarili sa peligro. Ang kalikasang pinagkukunanan natin ng ating mga pangangailangan, nagbibigay sa atin ng proteksyon at tirahan ay unti-unti nang nasisira, ngunit hindi pa huli ang lahat. Sa ating sariling inisyatibo ay maari tayong makatulong upang iligtas ito.

Mata ng bampira Ni Christian Ferrer

karoon ng Photophobia (sensitivity to light), sore throat, runny nose at pagluluha ng mata ang taong apektado nito. Karaniwang ring nakukuha ang sore eyes sa madalas na pagtitig sa computer screen o libre, matagal na oras sa pagtratrabaho o pagtulog at sa mga airborne irritants. Ang maling eyeglasses prescription, malimit na pagkusot sa mga mata at dry eyes ay maaari ring pagmulan ng sore eyes. May mga pagkakataon rin na dulot na ito ng mga sensitibong sakit sa mata, gaya na lang ng optic neuritis, uveitis,iritis o orbital cellulitis. May mga taong hindi na ikinokonsulta sa doktor kapag nagkakaroon nito subalit dapat tandaan na ang masyado impeksyon ng mga mata ay maaaring humantong sa pagkabulag kaya’t hindi dapat na basta na lang ipagwalang-ba-

hala. Kaya’t kung masyado nang matagal ay makabubuting komunsulta na sa doktor upang malaman ang tunay na kalagayan. Para na rin makaiwas sa mga komplikasyong dulot nito gaya na lamang ng corneal scarring, vision changes, pagkalat ng impeksyon sa mata o pagdevelop ng iba pang problema sa mata at ang pinakamalala nga ay ang pagkabulag. Isa itong nakahahawang sakit ngunit taliwas sa alam ng nakararami hindi talaga ito nakahahawa sa pamamagitan lang ng pagtitig o pagtingin sa apektadong mata ng isang tao. Ito ay naipapasa kapag nagkaroon ng physical na contact ang maysakit at ang wala. Sa huli ang pagpapanatili ng pansariling kalinisan ay makatutulong upang maiwasan ang sore eyes. Ugaliin ang pagtulog ng may sapat na oras, pag-inom ng maraming tubig, pagkain ng masusstasya, pag-iingat sa mata at malimit na paghuhugas ng kamay lalo na kung galing sa matataong lugar o mahabang byahe.

Ni Kerlyn San Antonio Nakilala si Diosdado P. Banatao sa larangan ng tek nolohiya. Isa siyang “three-time” start-up veteran na kasama sa pagsasaayos ng Mostron Chips at S3 Graphics. Ipinanganak si Dado sa Malabbac, Iguig, Cagayan . Nang makapagtapos siya ng kolehiyo, marami siyang tinanggihang trabaho. Hindi nagtagal ay nagpursige siya at nagaaplay sa Philipp i n e A i r-

lines bilang trainee pilot. Matapos makuha ng Boeing, nagtrabaho siya bilang isang design engineer para sa bagong commercial airliner at cargo transport pilot ng kompanyang Boieng 747 sa Estados Unidos. Dahil sa pananatilidoon nagkaroon siya ng oportunidad na makapg-aral at kumuha ng kursong Master of Science in Electrical Engineering at Computer Science sa Stanford University at nagtapos noong 1972.

Nagtrabaho siya sa iba’t ibang technology companies tulad na lamang ng National Semiconductor, Intersil, at Cammodore International kung saan niya dinesenyo ang unang single chip 16-bit microprocessorbased-calculator. Nadiskubre naman niya at naimbento ang unang 10Mbit Ethernet CMOS na may silicon coupler data-link control at transreceiver chip habang nagtratrabaho sa SEEQ Technology. Nung 1984 ay nakapagpatayo si Banatao ng isang ng high-technology company, ang Mostron, at naging business partner niya si Francis Siv.Nagsimula sila sa kapital na kalahating milyong dolyar. Nakilala ang Mostron bilang manufacturer ng motherboards. Makalipas lamang ang apat na buwan ay kumita na agad sila ng 12 milyong dolyar at muling nagpatayo ng bagong kompanya si Banatao sa Santa Clara, California ang S3 Graphics. Patuloy na lumaki ang kanyang kinikita at patuloy ang paglago ng mga ito. Naging CEO rin siya ng Ikano’s Communications noong 2010 matapos magbitiw ni Michael Gulett. Kahit na patuloy ang paglipad ni Banatao hindi siya nakalilimot na tumulong sa mga Pilipino lalo na sa kanyang mga kababayan sa Iguig Cagayan Valley. Sa pamamagitan ng Dado Banatao Educational Foundation ay nagkakaloob siya ng mga scholarship sa mga estudyanteng Pilipino na mahusay sa Engineering at teknolohiya. Nagpatayo rin siya ng computer center sa paaralang pinagtapusan niya noong elementarya at ginawa itong nag-iisa at kauna-unahang pampublikong paaralan sa Pilipinas na gumagamit ng pinakamodernong computer networks.

Ni Daisy Miranda Ni Chris Maghugas nang mabuti nang walang pagsisisi Naniniwala tayong ‘prevention is better than cure’ kung kaya naman hangga’t maaari ay isinasaalang-alang natin tuwina ang pag-iingat lalong-lalo na pagdating sa ating kalusugan. Dahil sa alam natin na hindi na hindi maganda para sa ating kalusugan ang mga pagkaing ‘instant’ ay marami na sa atin sa ngayon ang pinipili ang pagkain ng mga prutas at gulay. Subalit paano kung ang inaakala natin na makabubuti sa ating katawan ay siya palang magiging sanhi ng pagkakaroon natin ng malubhang karamdaman. Mangyayari ito kung ang mga prutas at gulay na ating nabili ay may nalalabi palang mga pestisidyo. Ginagamit ang mga ito upang mapalago ang ani at sa ilang pagkakataon ay naiiwan ito sa mga prutas at gulay. Sa ilang pag-aaral at random-testing na isinagawa ng mga NGO’s sa mga prutas at gulay na nabibili sa merkado ay lumalabas na nagtataglay ang mga ito ng mataas na lebel ng pestisidyo. Ayon sa Center for Science and Environ-

tian Fer

rer

ment (CSE) ang mataas na lebel ng pestisidyo ay mapanganib sa kalusugan at maaaring magdulot ng pinsala sa nervous at reproductive system at peligro sa mga sanggol sa sinapupunan. Sa ngayon, inirerekomenda ng mga eksperto sa kalusugan ang mga alternatibo tulad ng organic na pagkain. Kung hindi naman, maaari rin nating gawin ang sumusunod na mga hakbang upang masigurong malinis at ligtas ang ating kakainin. Hindi sapat na hugasan lamang ng tubig ang ating pagkain kinakailangang hugasan natin ito nang tama at mabuti. • Ayon sa CSE, ang paggamit ng asin ay makatutulong upang maalis ang mga naturang pestisidyo . Tinatayang nasa 75% hanggang 80% ang maaaring maalis gamit

ang 2% salt water. Kinakailangan din ng higit na ibayong paghuhugas sa mga prutas tulad ng ubas, bayabas, peras at mga gulay tulad ng kamatis, at okra na maaaring mas maraming naiiwang pestisidyo dahil sa mga siwang sa balat ng mga ito. • Mabisa ring panghugas ang solusyon na 10% sukang puti at 90% na tubig para sa mga prutas at gulay. Pagkaraang ilublob dito ay banlawan lamang nang mabuti. • Maaari ring ibabad sandali sa mainit na tubig ang mga gulay (blanch) upang matanggal ang naiwang dumi at pestisidyo. Sa pagluluto naman, inirerekomenda ang pagtatanggal ng sobrang taba ng manok at karne dahil maaari nitong ma-absorb ang mga nalalabing pestisidyo sa gulay.

Sa isang ulat nagbabala ang World Bank na may karagdagang 100 milyong katao ang masasadlak sa kahirapan pagsapit ng 2030 kung mabibigo ang mundo na resolbahin ang matinding carbon emissions na nagdududlot ng heat waves, tagtuyot at baha. Ayon pa sa World Bank report ang Climate Change ay maaaring magbunsod ng hanggang limang porsyentong pagkalugi sa mga pandaigdigang taniman pagsapit ng 2030 at hanggang 30 porsyento sa 2080. Kaisa ng mga bansa sa buong mundo, ang Pilipinas ay patuloy sa pagbuo ng mga hakbangin upang malabanan ang climate change. Sa isang pulong ng mga 50 lider ng negosyo at industriya iminungkahi ni Commissioner Heherson Alvarez ang pagbabawas ng dalawang porsyento bawat taon sa kasalukuyang konsumo ng kuryente at palitan ito ng renewable energy tulad ng mula sa hangin at araw. Malaki ang maitutulong sa pag-

babawas ng konsumo sa kuryente kung ang mga establisimento ay magkakabit ng solar panel o iba pang alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Hindi na bago ang paggamit ng renewable energy sa bansa tulad ng mga windmills sa Ilocos Norte at solar panel na ikinabit sa bubong ng SM North EDSA sa Quezon City. Isang 11-ektaryang solar firm na may 32,692 solar panels na lilikha ng 8.6 megawatts ng kuryente kada araw , sapat na ito upang masuplayan ang pangangailangan ng mahigit sa 6,000 kabahayan, ito ang bubuo sa pinakamalaking solar farm na itatayo sa bansa sa palaisdaan sa Barangay Isla. Bilang isa sa limang bansa sa buong mundo na nganganib na lubos na maapektuhan ng Climate Change sa mga susunod na panahon, mahalaga ang konkretong hakbangin at pagbuo ng mga programa na magkakaroon ng napakalalaking epekto sa lahat ng tao at maging sa lahat ng may buhay sa mundo.


Imbentastik (Mga imbensyong pantastik!) Ni Kerlyn San Antonio Patuloy ang tao sa pagtuklas at paglikha ng mga bagay na makapagpapabilis, makapagpapagaan at makapag-aangat ng kalidad ng kanyang mga trabaho. Tila hindi na nga akma ang salitang imposible sa dami ng nalikha ng tao na noo’y hindi natin akalain na possible ngang magawa. Ngayong 2015 narito ang ilan sa makabagong imbensyong lumabas sa merkado; 1. Zpen ng Dane-Elec sang wireless digital pen na maaaring mag-rekord ng impormasyon ang bagaong electronic gadget na ito. Bagama’t sinasabing digital age na, hindi pa rin maiaalis sa atin ang tradisyonal na paraan ng pagsulat subalit dahil sa Zpen maaari ka nang magkaroon ng digital record ng mga tala at imahe na iyong isinulat ng hindi gumagamit ng scanner. Gumagamit ang Zpen ng clip-on receiver na siyang nagrerekord digitally kung ano ang iyong mga isinulat. Ang nai-rekord na impormasyon mula sa Zpen ay maaaring i-upload sa kompyuter kung saan maaaring itong makita, ma-edit at i-save. May labinlimang lenggwaheng nakikilala ang Zpen at naglalaman ng character recognition software na gumagana sa pamamagitan ng pagrerekord ng galaw ng kamay.

I

2. The Ring

I

sang singsing na nilikha ng logbar na mistulang magic wand. May apat na features ang The Ring ito ang control function, text transmission, payment information at alert notifications. Maaari rin itong gamitin kasama ang Google Glass at smart watches. Gamit ang control function maaari mong buksan ang telebisyon, patayin ang ilaw at iba pa nang nakaupo lamang. May portable na baterya ang The Ring, ang bawat charge ay tatagal gamit ang 1000 gestures at may life span na aabot hanggang 1,0000 na pagtsa-charge. 3. Virtual Laser Keyboard ( Epic Celluon Magic Cube) ng tanging keyboard na maaaring gamitin kahit sa dilim.Ito ay isang magical cube na naglalabas ng keyboard at magagamit kahit nasaan ka man.. Kasing laki ito ng isang lighter at gumagamit ng laser beam upang makapaglabas ng isang laser keyboard na maikokonekta sa anumang mobile device. Maari itong gamitin sa iyong Iphone, Ipad, smartphone, PDA, MAC at tablet pc o anumang device na gumagana gamit ang Bluetooth HID.

Techno-Kumpuni Kaso #1 : Luma at gasgas na cd Sa maraming mahahalagang okasyon sa ating buhay, isa ang compact disc (cd) sa pinakagamitin natin upang magsave ng mga data. Subalit sa paulit-ulit na paggamit nagkakaroon ito ng mga gasgas at sa paglipas ng panahon ay hindi na napakikinabangan. Wala na tayong magawa kundi itapon na lamang ito at manghinayang. Pero alam mo bang may paraan upang mabawasan ang gasgas at mas mapatagal ang gamit ng iyong cd? Gamit lamang ang peanut butter o toothpaste ay maaari mo nang magamit sa mas mahabng panahon ang iyong disc. • Maglagay ng peanut butter o maari ring toothpaste sa iyong mga daliri. Ipahid ito ng banayad papaikot sa buong cd. • Hugasan nang mabuti ang cd pagkatapos. Patuyuin gamit ang tuyong basahan hanggang sa muli itong kumintab. • Makikita mo na sa pamamagitan ng manipis na fatty layer na nalikha ng toothpaste at peanut butter ay magiging protektado na ang cd mo, nabawasan ang mga gasgas at higit sa lahat maayos na muling gumagana.

Ni Christian Ferrer

Kaso #2 Basang cellphone Kadalasan ay hindi sakop ng warranty ang pagkasira ng cellphone dahil sa ito ay nabasa. Sa mga ganitong pagkakataon huwag mag-panic dahil may magagawa ka pa upang maisalba ito at ang iyong sarili sa malaking gastos. Kahit na mukhang wala nang pag-asa ang cellphone mong nabasa, mayroon pa ring tsansa na maayos mo ito at muling mapakinabangan. Siguraduhin mo lang na kikilos ka nang mabilis dahil habang mas nagtatagal ang tubig sa loob nito ay mas lumalaki ang posibilidad na tuluyan na itong masira. • Agad na ihiwalay ang baterya sa cellphone. Huwag nang subukin kung gumagana pa ito dahil maaari lang maging sanhi ito ng

A

4. Polaroid PoGo

I

to ang pinakabagong electronic na imbensyon sa printing. Isa itong portable printer na may bigat lamang na ilang onsa. Nakakapagprint ng full color na 2”x3” larawan gamit ang “inkless” na teknolohiya. Ang mga larawang ito ay water proof, tear proof at smear proof. Maaari itong ikonekta sa digital na kamera at mobile phone sa pamamagitan ng wireless Bluetooth. Gumagamit ito ng rechargeable na baterya at AC adapter.

Pinas 99% na ang may internet access sa 2016 - DOST Ni Daisy Miranda Target ng Department of Science and Technology na magkaroon ng 99% na internet access sa buong kapuluan sa taong 2016. Inihayag ito ng Kalihim ng DOST na si Mario G. Montejo sa opisyal na paglulunsad ng ahensya ng Free Wi-Fi Internet Access Project sa pagbubukas ng 2015 Natioanl Science and Technology Week sa SMX Convention Center, Pasay City. Naniniwala ang ahensya na ang pagkakaroon ng access sa internet ay magbibigay ng mga web opportunities sa marami na mahalagang salik sa pagpapabilis

ng pag-unlad ng ekonomiya lalo na sa mga lugar na dating ‘di pa naaabot ng internet. Nais ng proyekto na makapagbigay ng internet connectivity sa tinatayang 967 na munisipalidad at syudad sa buong bansa. Ilalagay ito sa mga pampublikong lugar tulad ng mga parke, plasa, paaralan, rural health units at mga pampublikong ospital. Nauna nang nagkaroon ng libreng access sa internet ang ilang piling lugar sa Quezon City bilang bahagi ng alpha launch test ng Free Wi-Fi Internet Access.

pag-so-short circuit. Agad ding tanggalin ang simcard at memory card hindi man maayos ang cellphone mo malaking bagay na maitabi mo ang mga naka-save dito. • Patuyuin ang cellphone, hindi makabubuti kung hahayaan mo na lamang itong nakabilad sa araw at hihintaying matuyo dahil hangga’t hindi naaalis ang tubig dito nang mabilis unti-unti nitong nasisira ng cellphone mo. Maaaring gumamit ng vacuum cleaner (wet/dry shop-vac) upang mapatuyo ito. (Huwag gumamit ng hair dryer o kaya’y ibilad ng direkta sa sikat ng araw dahil ang init ng mga ito’y makasisira sa loob ng iyong cellphone. • Upang matanggal ang natitira pang moisture sa loob nito, ilagay ang cellphone sa bigasan kasama ng tinanggal na baterya sa buong magdamag. Kung nagawa ito nang mabilis at tama, kinabukasan ay maaari mo na uling magamit ang iyong cellphone.

Usapang Techie Ni Christian Ferrer

Malware (Malicious software) Ito ay anumang program o file na mapanganib para sa mga computer users. Kabilang dito ang computer viruses, worms, Trojan horses, at syempre mga programming na kumukuha ng impormasyon nang hindi nalalaman o walang pahintulot ng computer user. Malicious Websites Mga sites na kapag na-click mo ay maaaring mag-download ng virus sa iyong device o kaya naman ay makuha ang iyong mga personal na impormasyon. Phishing Scam Isa sa mga paboritong paraan ng mga hackers upang magnakaw ng impormasyon sa mga internet users. Maging ito man ay sa pamamagitan ng email, text o social media sites nililinlang ang mga users gamit ang mga mensahe/link na kapag na-click ay patungo pala sa isang malicious website. Sitwasyon #1 Upang maiwasan ang mahabang oras na gugulin mo sa pagpila sa bangko ay nag-enroll ka sa mobile banking. Gamit ito mabilis kang nakapagapapadala ng pera at nakapagbabayad ng mga bills. Isang araw nagulat ka na lang na nalimas na lahat ng laman ng iyong account dahil sa online fund transfer na

hindi naman ikaw ang gumawa. Sitwasyon #2 Pagbukas mo ng iyong facebook account ay bumungad sa iyo ang malalaswang la- rawan na na-i post mo sa iyong account at nai-share mo pa sa iyong friend at group list nang hindi mo nalalaman. Ngayong paparami na nang paparami ang internet users ay mas dumarami na rin ang nakakakita ng oportunidad para magsamantala. Hindi madaling matukoy ang mga malicious sites lalo na’t maging mga lehitimong sites ay napapasok na rin ng mga hackers at nalalagyan ng mga infected na patalastas. Gayunpaman narito ang ilang palatandaan na ang site na iyong napuntahan ay kahina-hinala. 1. ENCRYPTION Isa sa pinakapopular na malicious site ay mga pekeng banking site. Maaring makuha ng hacker ang code ng homepage ng isang bangko at gayahin ito. Kapag ikaw ay nag-log-in dito ang iyong mga ipinasok na impormasyon ay maipapadala sa hacker na siyang maglo-log-in sa iyong totoong account at uubusin ito. Maiiwasan ito, kung hindi basta-basta magclick ng mga link na mula lamang sa isang text o email na nagsasabing magkokonekta sa iyo sa iyong banking site. Makabubuting ugaliing i-type manually ang address ng iyong banking site. Siguraduhin din na tama ang iyong pagkaka-type sa pamamagitan ng laging pagtsek sa address bar ng iyong browser. Halimbawa ang www. bpi.com ay iba sa www. bpi-bank.com. 2. PRESENTASYON

Bagama’t kayang gayahin ng mga hackers ang orihinal na site, kung titignan mong mabuti ay makikita mo ang pagkakaiba ng orihinal sa clone o ginayang site. Maaaring ang kalidad nito at malayo at higit na mababa ang itsura kumpara sa orihinal. Kung mapuna mo ang bahagyang pagkakaiba sa lay-out, mga pagkakamali sa spelling o grammar ay mag-isip-isip ka na. 3. NILALAMAN Alamin kung ano ang nais ng website na gawin mo? Gusto ba nitong magdownload ka ng isang program, sumagot sa isang sarbey, manood ng isang video, o magpasok dito ng mga impormasyon kapalit ay makakatanggap ka ng pera o premyo? Alin man sa mga nabanggit ay maaaring scam, kung nagbibigay ng libreng software ang isang site huwag agadagad itong i-download. Maaaring hanapin muna ang pangalan ng software sa google upang makita at matsek mo kung sino ang developer ng software na ito. Iwasan ang pagsagot sa mga sarbey online na nababasa mo lamang sa mga email o social media sites. Popular rin ang mga video scam kung saan maaakit kang panoorin ang video dahil sa sasabihing ito na ang pinakasexy, maganda o nakakaiyak na makikita mo. Mag-ingat dahil kadalasan ito ay mga virus. Manood lamang ng mga video sa mga kilalang site tulad ng YouTube. Hindi rin mawawala ang mga pakulo lalo na sa fb na mananalo ka ng kung ano-ano tulad ng iphone, ipad o libreng bakasyon na ang kailangan mo lang gawin ay magbigay ng mga personal na impormasyon o kaya’y maliit na halaga. Tandaan kapag masyadong maganda ang iniaalok, mag-ingat ka na, maging matalino at huwag paloloko.


H a n d a Nagkakagulo ang mga tao sa paligid. Bumagsak ka sa lupa at hindi na makayang balansehin ang iyong katawan upang makatayo. Nakarinig ka ng mga nakabibinging pagsabog. Narinig mo ang nakabibinging hiyawan ng mga taong nakulong sa kanilang mga tahanan. Umuuga ang mga poste. Namatay ang kuryente. Naramdaman mo ang patuloy na pag-uga na para bang hindi na matatapos. Ito na ang pinakamatagal na isang minuto ng iyong buhay. Sinasabing ang 7.2 magnitude na lindol na magaganap sa paggalaw ng West Valley Fault ay magdudulot ng malawak na pinsalang hindi pa nararanasan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ayon kay Philvocs Director Renato Sodium Jr. mas mataas ang magnitude mas mahaba ang itatagal ng lindol. Batay naman sa Metropolitan Manila Earthquake Impact Reduction Study (MMEIRS) ang 7.2 magnitude na lindol na ito ay maaring magdulot ng pagbagsak ng 170,000 kabahayan at kumitil sa buhay ng 34,000 katao habang 114,000 pa ang maaaring masugatan at 340,000 kabahayan ang mapipinsala. Hindi bababa sa pitong tulay ang guguho at 10% ng pampublikong gusali ang lubhang mapipinsala. Ayon pa sa pag-aaral ang mga pinsala, pagkawala ng mga buhay, pagbagsak ng ekonomiya ay maaring humantong sa isang pambansang krisis. Gaano ka nga ba kahanda sa ganitong kalaking natural phenomenon na hindi mo nalalaman kung kailan magaganap? Subuking sagutin ang mga sitwasyonal na katanungan upang mataya ang iyong kahadaan kung sakaling makaranas ng ganitong lindol.

n a

b a

Ni Janice Atenas

k a y o ?

1

Nasa loob ka ng isang gusali, nang maramdaman mong lumilindol, ano ang gagawin mo? a. Tatakbo sa labas ng gusali. Ayokong mabagsakan ng kung anoman. b. Magtatago sa ilalim ng mesa upang maprotektahan ang aking sarili sa anumang babagsak. c. Humawak sa pinakamalapit na bagay o magtago sa loob ng cabinet. (Tamang sagot : b - Ang pinakamabuting gawin ay humanap ng matibay na mesa upang maprotektahan ang iyong ulo at at gulugod. Lumayo sa mga bagay na maaaring mabuwal at higit sa lahat huwag tumakbo palabas dahil maaari kang mabagsakan ng mga gumuguhong bagay.)

3

Kung ikaw ay kasalukuyang nagmamaneho, ano ang gagawin mo? a. Imaniobra ang sasakyan sa pinakamalapit na gusali o paradahan hanggang sa huminto ang lindol. b. Itigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada hanggang sa huminto ang lindol. c. Itigil na agad ang sasakyan kahit saan man abutan. (Tamang sagot : b - tulad ng mga paalala sa itaas dapat umiwas sa mga lugar na may posibleng gumuhong pader o gusali. Marahan na imaniobra ang sasakyan patungo sa gilid ng kalsada at manatili dito hanggang sa tumigil ang pag-uga. Umiwas rin sa mga tulay, underpass at tunnels.

5

Sa paglabas ng gusali pagkatapos ng lindol, ano ang mas ligtas na gawin dumaan sa hagdan o gumamit ng elevator? a. Sa hagdanan b. Sa elevator

4

Saglit na tumigil ang pag-uga. Aalis ka na ba sa iyong lugar? a. Oo, sasamantalahin ang paghinto para makalabas. b. Hindi, magpapalipas muna ng ilang sandal upang masiguro na tapos na ang paglindol.

7

Isa pang senaryo, nakita mo ang isang tao na na-trap at hindi pa dumarating ang mga rescuers, ano ang HINDI mo dapat sabihin sa mga taong ito? a. Huwag tumigil sa pagsigaw at paggalaw nang madali siyang matagpuan ng mga rescuers. b. Huwag gumalaw at takpan ang kanyang bibig. c. Panaka-nakang galawin ang iyong mga daliri sa kamay at paa upang mapanatili ang maayos na daloy ng dugo. (Tamang sagot : a - Kapag alam mo na ang eksaktong lokasyon ng taong na -trap dapat siyang balaan na tumigil sa paggalaw at pagsigaw dahil maaari siyang makalanghap ng mga mara ming alikabok na masama sa kalusugan at ang kanyang paggalaw ay maaaring magresulta sa higit na pagkakatrap niya sa lugar na kinalalagyan.

8

Kapag ikaw ay nakaligtas na patungo sa bakanteng lugar. Gaano ka katagal mananatili dito? a. Hanggang sa dumating ang mga responders at sabihing ligtas na ang lugar. b. Hanggang sa palagay mo ay tapos na ang aftershocks at payapa na ang paligid. c. Kapag nakita mong marami na nagsisipag-alisan.

(Tamang sagot : a - Bagama’t maaaring maghintay ka nang matagal pero ito ang pinakamtalinong pasya bago pumunta sa iyong nais na destinasyon. Imposibleng mahinuha kung kailan magaganap ang lindol kaya’t makabubuti na tayo ay may kaalaman sa mga nararapat gawin habang nagaganap ito at pagkatapos.

NLigtas Nadala ka na bang lumuwas ng Maynila matapos maipit sa isang napakahabang trapik? Ngayon hindi mo na kailangang mag-abang ng balita sa radyo at telebisyon upang malamann ang lagay ng trapik .

a. Magtago sa ilalim ng poste o puno. b. Tumakbo sa pinakamalapit na bakanteng lugar. c. Magtago sa pinakamalapit na gusali. (Tamang sagot : b - Ang karaniwang sanhi ng kamatayan at sakuna kapag may lindol ay nababagsakan ng mga gumuho o lumilipad na mga bagay. Sa pagpunta sa bakanteng lugar ang pinakaligtas na gawin.

6

Nakakita ka ng sugatang tao pagkatapos ng lindol, ano ang iyong gagawin? a. Huminto at alalayan ang bikti-

(Tamang sagot : a Iwasan ang elevator kung may lindol at maging pagkatapos ng lindol)

(Tamang sagot : b - Umalis lamang mula sa ligtas na lugar kapag nakasisiguro kang ganap ng tumigil ang lindol.)

Ni Daisy Miranda

2

Paano kung nasa labas ka ng bahay nang biglang lumindol, ano ang gagawin mo?

ma hanggang makalabas kayo ng gusali. b. Lapatan ng paunang lunas ang biktima. c. Pakalmahin ang biktima at sabihing babalikan mo siya at maghahanap ng ekspertong tutulong. (Tamang sagot : c - Bagama’t ang sagot dito ay maaaring depende sa tindi ng pinsala ng biktima sa mas maraming pagkakataon ay mas makabubuti na maging maingat at humingi muna ng tulong sa mga first aid responder o sinomang may kaalaman.

Hindi natin nalalaman kung kailan magaganap ang sakuna tulad ng lindol, ang pagiging handa, alisto at kalmado ay mainam na sandata upang mailayo ang ating sarili at mga mahal sa buhay sa tiyak na kapahamakan. Maging handa nawa tayo sa anumang panganib na tulad nito.

ang bago mong sandigan

NLIGTAS App Isang App na inilunsad nitong Oktubre na naglalayong gabayan ang mga motoristang bumabagtas sa North Luzon Expressway o NLEX. Nilikha ang North Luzon Integrated Guide and Travel Advisory System (NLIGTAS) upang makapagbigay ng real time na mga traffic

advisories at maging ng mga eksaktong lokasyon ng mga road repairs. Pwede mo ring malaman kung ilang minuto o oras ang ilalaan para sa iyong pagbibiyahe batay sa eksaktong lugar na kailangang o nais puntahan kaya’t gamit ang NLIGTAS , maaari mo nang maipangako sa mga taong kausap mo na ganitong

oras ka makararating dahil malalaman n grin ng NLIGTAS ang ETA mo o estimated time of arrival. Simbolo ng kulay Ayon kay Tollways Management Corporation o TMC Communication Specialist Francisco Dagohoy madali lamang maunawaan ang nilalaman ng App , ang dapat lang ay maunawaan ng mga gumagamit nito ang mga kulay na nagsisilbing indikasyon kung saan mabagal o dili kaya’y dere-deretso ang takbo ng mga sasakyan. Sa App, kapag kulay berde ang nakailaw ibig sabihin ay maluwag ang daloy ng mga sasakyan sa bahaging iyon ng NLEX. Dilaw naman ang kulay kung mabagal ang usad ng mga sasakyan habang kung ang dilaw ay unti-unting nagiging pula hudyat ito na papasikip na ang trapiko. Tukod na o walang galawan ang mga sasakyan sa sobrang trapik kung namumula ang App. Kapag naman may napunang lumabas na

exclamatory point na kulay pula, nangangahulugan ito na may bago nang traffic advisory. Lahat ng impormasyon sa NLIGTAS ay mula sa Traffic Control Room (TCR) ng TMC na nakabase sa Balintawak Toll Plaza at gising 24 oras. Mas Abot-kamay Mas pinadali na ang access ng publiko sa NLIGTAS App dahil sa mobile na bersyon nito na maaari nang i-download ng mga android users sa Google Play at sa Play Store naman para sa mga IOS users. Kumpara sa Variable Message Sign o VMS na tanging mga drayber lamang ang nakababasa at nakaaalam ng mga abisong nakasulat na lumalabas sa isang electronic signage mas nakatutulong ang NLIGTAS App dahil lahat ay maaaring makasagap nito. Kaya para sa lakad na hindi mauuwi sa pagkabugnot siguraduhing sumilip muna sa NLIGTAS App upang maihanda ang sarili sa anumang trapiko na kakaharapin.


Red Warriors sinagasaan ang Blue Eagles Ni Angela Estilloso

N

asikwat ng Red Warriors ang kampeonato sa 2015 Men’s Basketball kontra Blue Eagles matapos magpakawala ng tres si Christian Heart Prinsipe sa huling segundo ng laro sa taunang Intramurals sa FCLNHS covered court noong Setyembre 4, 2015. Sa pinagsanib na pwersa nina Christian Heart Prinsipe at Alfredo Salem ay maaga nilang tinambakan ang Blue Eagles sa unang kanto ng sagupaan ,10-3. Hindi nagpapigil sa pagratsada ang mga Warriors matapos paulanan ng mga mapaminsalang tres ang mga Agila habang sunod-sunod lang na pagkalawit sa ring ang nagawa ng huli na nagresulta sa pagtatapos ng ikalawang kwarter sa iskor na 22-13. Nagpumilit makabawi ang poste ng Agi-

la na si Jun May Intiola subalit lalong nabaon sa malaking kalamangan matapos muling magpasikat ang malaposteng sina Prinsipe at Salem na nagsasalimbayan sa fastbreak at pagpupukol ng tres na tumapos sa ikatlong sulok ng sagupaan, 29-17. Sa huling kanto ng rambulan, nagpalitan ng nag-aapoy na puntos ang magkabilang kampo, nakasilip ng siwang ang mga Agila upang matapyas ang kalamangan ng mga warriors ngunit isang tres ang naibuslo ni Prinsipe sa huling Segundo ng laro na nagpagguho sa pangarap ng Agila na maiuwi ang kampeonato. “Syempre sobrang saya kasi akalain mo, grade 9 lang kami tapos natalo namin ang mga kuya namin’” pahayag ni Prinsipe.

ISPORTS EDITORYAL

BAGSIK NG MANDIRIGMA. Pinaluhod ng Red Warriors ang Blue Eagles, 36-33.

Koponan ng Bulakenya pumangalawa sa Softball World Series Ni EJ Esguerra

T

Bagong pag-asa I

sang hiling ang taos-pusong tinupad. Binigyang ng katuparan ng Mighty Corporation ang hiling ng mga manlalarong Lipanians na magkaroon ng isang basketball ring sa covered court ng Felizardo C. Lipana National High School (FCLNHS). Ipinagkaloob ng Mighty Corporation ang naturang ring bilang tugon sa hiling ni Bb. Aquilina R. Monte, Punong-guro III ng FCLNHS at G. Regalado Hernandez, Pang-Ulong Guro I sa MAPEH. Maliban sa basketball ring nagbigay rin si WongChu King, may-ari ng Mighty Corporation ang iba pang kagamitan na pambasketbol. Isang napakalaking tulong ito para sa mga inspiradong manlalaro ng FCLNHS sa basketbol na Gilas Lipanians dahil hindi na nila kinakailangan pang dumayo sa ibang lugar upang mag-ensayo. Hindi na kailangan pang mapagod sa pagbibiyahe at magbayad ng pamasahe. Noong nakaraang EDDIS Meet, naiuwi ng Gilas Lipanians ang kampeonato. Sipag, galing at tiyaga ang naging puhunan nila upang taas-noong iuwi ang karangalan para sa paaralan.

Noon ay walang permanenteng lugar na pinag-eensayuhan ang mga manlalaro at kung saansaan pa sila dumarayo.Nakararating sila sa maga basketball court ng Sta. Clara Estates, Sitio Lazo, Masagana, Estrella Village, maging sa basketball court sa Bocaue na malayo sa paaralan. Sa kabila nito, hindi naging hadlang para sa mga nakaraang manlalaro ng Gilas Lipanians ang kawalan ng basketball court at sa halip ay naging inspirasyon pa upang mauiwi ang tropeo sa kampeonato. Malaki ang pasasalamat ng paaralan sa Mighty Corporation sa handog nito na nagdala ng pag-asa at inspirasyon sa mga manlalaro. Dahil sa donasyong ito mas lumaki ang posibilidad na umangat ang koponan ng ating paaralan sapagkat magiging tutok na ang kanilang pagsasanay. Ang mga hiling ay tinutupad sa tamang panahon. Hindi man agad nagkaroon nito ang paaraalan ang mahalaga ay naipagkaloob na ito ngayon ng isang kompanyang tunay na nagpakita ng malasakit sa pag-unlad ng kakayahan sa isports ng mga kabataan.

agumpay na naiuwi ng koponan ng mga kabataang Bulakenya ang ikalawang pwesto sa nakaraang Junior League Softball World Series matapos mabilis na maka-home run at ungusan ang mga kalaban sa Estados Unidos noong Agosto 2-8, 2015. Kinatawan ng mga manlalarong tubong Norzagaray ang Pilipinas at Asia-Pacific Region matapos ang serye ng eliminations. Hinati ang sampung kalahok na koponan sa dalawang pool, A at B kung saan ay natalo sa dalawang unang laro ang Asia-Pacific Team noong Agosto 2 at 3 kontra Florida

at Washington District 9. Nakabawi ang koponan matapos maitakbo ang panalo sa ikatlo at ikaapat na qualifying games noong Agosto 4 at 5 kontra Canada at Central. Ang panalo ng koponan laban sa Mexican team sa iskor na 10-3 ang nagdala sa koponan sa semis kung saan pinaluhod nila ang Arizona sa iskor na 6-4 dahilan upang makakuha ng slot sa kampeonato. Tumanggap ang Bulakenya ng Sertipiko ng Pagkilala at insentibong nagkakahalaga ng P70,000.00. Sa isang pahayag, sinabi ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvara-

do na isang malaking karangalan na mula sa Bulacan ang naging kinatawan ng bansa sa internasyonal na kompetisyon at biyaya na pumangalawa sila kaya naman ipinagmamalaki sila ng buong lalawigan. Sinuportahan ang delegasyon ng Philippine Sports Commission, Pamahalaang Panlalawigan, Pamahalaang Bayan ng Norzagaray at Santa Maria Bulacan Sports Council, Department of Education-Bulacan, Iglesia ni Cristo-Seattle, Washington at ang Filipino Community sa Washington.

6 na ginto naibagahe ng Pinoy Junior Figure Skaters Ni Angela Estilloso

GALING NG PINOY. Patuloy sa pag-ukit ng pangalan ang mga Pilipino sa larangan ng figure skating. (larawan mula sa google)

H

indi na maawat ang pamamayagpag ng Pilipinas sa larangan ng figure skating. Matagumpay na nakapag-uwi ang Junior Figure Skating Team ng bansa ng anim na ginto, dalawang

pilak, at anim na tanso sa 2015 Asian Junior Skating Challenge (AJFSC) sa Hongkong. Pinangunahan ni Emee Marjorie Dy ng Manila Figure Skating Club ang delegasyon matapos manguna

sa ikalawang pagkakataon sa basic junior ladies category. Maliban kay Dy binubuo ang delegasyon nina Sophie Hernadez (Basic Juvenile), Cathryn Lagemann at Kate Orrock (Basic Pre-Novice), Gabby Panlilio at Charmaine Skye Chua (Basic Novice A), na nagsipagwagi rin ng gintong medalya. Nag-ambag naman ng pilak sina Aiko Shibata (Basic Novice A) at Hannah Solomon (basic Novice B) samantalang ang mga medalyang tanso ay nagmula kina Felicity Eco (Basic Pre Novice), Cacai Eid (Basic Pre Novice), Alex Gonzaga (Basic Novice A), Johanna Tecson (Basic Novice B) at Misha Fabian (Basic Novice B). Nakatunggali ng Pilipinas ang mga kinatawan mula Hongkong, China, Indonesia, Kazakhstan, Taiwan at Thailand.

Pilipinas humakot ng 59 medalya sa Special Olympics Ni EJ Esguerra Matamis na tagumpay. Nagbigay ng malaking inspirasyon sa buong bansa ang galing na ipinamalas ng mga natatanging atletang Pinoy na nakipagsagupaan sa kabila ng kanilang mga kapansanan. Sa pagtatapos ng Special Olympics 2015 na ginanap sa Los Angeles California mula Hulyo 25 hanggang Agosto 2, nakakuha ng 59 medalya ang mga naturang atleta kung saan 21 sa mga ito ay ginto, 14 na pilak at 24 na tanso.

Nakipapagsabayan ang delegasyon ng Pilipinas sa humigit sa 6,500 na mga atleta mula sa 177 na bansa sa buong mundo. Kinatawan ang Pilipinas ng 35 atleta mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Dumaan sa intensibong pagsasanay ang mga atletang Pinoy sa loob ng tatlong taon bago ganap na makipagtunggali sa Special Olympics. Mula sa 25 na sport events su-

mali ang Pilipinas sa athletics, unified football, bowling, powerlifting, aquatics, gymnastics, swimming at badminton. Nagmula ang unang ginto ng bansa kay Tanya Demarca ng Iloilo na nagkampeon sa gymnastics. Ang Special Olympics ay taunang sport event para sa mga atletang may intellectual disabilities. Aktibong nakikilahok ang Pilipinas sa Special Olympics mula pa noong 1991.

Palarong Pambansa 2016 aarangkada sa Albay Ni Angela Estilloso

N MALAKING BIYAYA. Pormal na ipinagkaloob ni Tyron Tang ng Rain or Shine ang donasyong basketball rings ng Mighty Sports.

agwagi bilang host ng Palarong Pambansa 2016 ang Albay City sa ginanap na bidding sa Central Office ng Department of Education sa Pasay City. Ayon kay Albay Gobernador Joey Salceda, nakuha ng Albay ang oportunidad na maghost dahil sa lokasyon nito na madaling marat-

ing ng mga kalahok na koponan, maikling oras ng byahe at malayo ito sa polusyon. Inaprubahan na rin ni Education Secretary Armin Luistro at ng komite ng palaro ang mga inilatag na proposal hinggil sa palarong gaganapin sa Abril 15 hanggang 22.


Eddis II Athletic Meet

Pahina 19

- - - - - - - - - - - Pilipinas humakot ng 59 medalya sa Special Olympics

Gilas Lipanians umabante sa finals

Pahina 19

- - - - - - - - - - - Red Warriors sinagasaan ang Blue Eagles

Ni Angela Estilloso

S

umiklab ang bangis ng Gilas Lipanians sa Eddis Meet Men’s Basketball kontra sa Team Baliuag matapos magpukol ng dos sa ika-15 segundo ng huling kwarter si Heart Christian Prinsipe sa Bulacan Sports Complex noong Oktubre 8. Mainit na depensa ang ipinamalas ng dalawang koponan na nakisabay sa lakas ng hiyawan ng mga manonood. Simula pa lamang ay ipinakita na ng Lipanians ang kanilang gilas matapos maagang tambakan ang kalaban at selyuhan ang unang kanto ng sagupaan sa iskor na 13-5. Patuloy ang pag-arangkada ng Lipanians sa ikalawang kwarter sa pagsasanib-pwersa nina Prinsipe at Jasper Leoncio sa pagpapakawala ng mapapaminsalang tres, habang hirap namang makasabay sa pagdepensa ang kalaban ,18-13. Hindi napigil sa pagratsada ang Lipanians matapos paulanan ang Baliuag ng mga nag-aapoy na dos at tres, habang napilitan naman ang Baliuag na magbigay ng sunod-sunod na foul

na sinamantala rin ng koponan upang magpatuloy sa pagkamada ng mga puntos, naging daan ito sa maagang pagtatapos ng ikatlong kwarter, 27-21. Sa ikaapat na sulok ng sagupaan, sinubok ng Baliwag na tupukin ang nagliliyab na determinasyon ng Gilas Lipanians, nagawang nitong matapyas ang kalamangan ng Gilas at makadikit. Bahagyang nawala ang kumpiyansa ng Gilas matapos tuluyang makabawi ang Baliuag at lumamang ng isang puntos subalit nang may nalalabing 15 segundo na lamang tinapos ni Prinsipe ang pag-asa ng kalaban nang makasilip ng siwang at magbitiw ng dos,49-48. “Magaling ang ipinakita ng mga bata kahit na ilang segundo na lang ay makikita ang determinasyon nilang matalo ang kalaban at makapasok sa finals upang makapag-uwi ng karangalan para sa paaralan”, wika ni G. Regalado Hernandez, Pang-Ulong Guro III ng MAPEH. Samantala, pumangala naman ang Gilas Lipanians sa kampeonato

kontra sa Bocaue noong Oktubre 8 ng Hapon na ginanap sa parehong lugar. Bagama’t hindi pinalad na maging kinatawan ang Gilas Lipanians ng EDDIS II sa Provincial Meet napili namang maging guest player ng Lolomboy National High School sina Christian Heart Prinsipe ng 9-Barium at Jasper Leoncio ng Silver para sa Provincial Athletic Meet na ginanap noong Disyembre 7-11. Naiuwi ng Eddis II ang ikaapat na pwesto sa nasabing paligsahan na ginanap sa Malolos Sports Complex. “Isang malaking oportunidad ang mabunot at makapaglaro sa Provincial Meet, kahit hindi kami sinuwerte na mag champion yung experience namin sa laro ay malaking tulong na para ma-improve ko pa yung skills ko sa basketball”, pahayag ni Prinsipe.

MAINIT NA BAKBAKAN. Tinupok ng Gilas Lipanians ang nagliliyab na determinasyon ng Mariano Ponce NHS, 49-48.

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Felizardo C. Lipana Tomo 14 Blg.1 Oktubre - Disyembre 2015

Dinastiya ng Agila tinuldukan ng Red Warriors Ni Angela Estilloso an l Tacs schea

Ni Me

.. .

. . .

. . ..

.

Pangalan: Jented DM. Mendoza Palayaw: TJ Edad: 6 Seksyon: Rizal Kaarawan: May 11, 1999 Tirahan: Masagana Homes, Sta. Rita, Gui-guinto, Bulacan Mga magulang: G. Teodolo Mendoza, Gng. Jennifer Mendoza Isports: Volleyball Posisyon: Spiker Libangan: Volleyball, Pagpe-facebook, pagmo-model Paniniwala: Manalo man o matalo hindi na mahalaga ito basta alam mong ginawa mo ang lahat ng makakaya mo. Kilala si Tj sa kampus bilang spiker ng volleyball team ng paaralan na FCLNHS Spikers. Bata pa lamang siya ay hilig na niya ang paglalaro nito kaya naman malaki ang pasasalamat niya nang mapabilang siya sa grupo. Paborito niyang numero ang 11 na lagi niyang ginagamit sa kanyang mga jersey dahil para sa kanya ay may dalang swerte ang numerong ito sa kanya. Hinahangaan niya ang artistang si Richard Gomez sa paglalaro ng volleyball na nagsisilbing isa sa kanyang mga inspirasyon. Kadalasan ay ginagaya niya ang mga pagtira nito. Upang mas mahasa pa ang talento ay sumasali siya sa mga laro sa mga barangay. Hindi man palarin na manalo ay hindi siya pinanghihinaan ng loob bagkus ay lao pa siyang nagpupursige.

Nakilala rin siya dahil sa pagsali niya sa mga pageant at modeling search sa katunayan ay siya ang tinanghal na Mr. Intrams 2015. Ipinagmamalaki rin niya ng mga natangggap na sertipiko at tropeo mula sa pagsali sa mga nabanggit na kompetisyon. Patunay lamang ito na sikat siya sa loob at labas ng paaralan. Bukod sa ambisyong maging isang tanyag na volleyball player ay nais rin niyang kumuha ng kursong Culinary Arts sa kolehiyo. Gusto niyang makatulong sa pamilya ‘pag naging isang chef na siya. Para sa kanya, normal ang madapa sa isang tao nasa iyo na kung paano ka tatayo at lalaban. At ang paglalaro hindi lang puro galing kundi kailangan din ng talino at determinasyon, syempre huwag ding kalimutan ang sportsmanship.

P

inatalsik ng Red Warriors ang apat na taong defending champion na Blue Eagles sa Intramurals 2015 matapos sakmalin ang lahat ng kampenato sa iba’t ibang sports events na ginanap sa FCLNHS covered court noong Setyembre 3-4, 2015. Pinaluhod ng mga mandirigma ang mga manlalaro ng Agila sa volleyball boys at girls nang paulanan sila ng matatalim na spikes at magkaroon ng sunod-sunod na service errors ang huli. Hindi rin natinag ang mga mandirigma sa basketbol matapos harangan ng mga ito ang malaposteng manlalaro ng agila patungo sa ring at kumamada ng mga puntos ang tambalang Ariz Gatdula at Jade Rivera dalihan upang umalagwa ang Red Warriors. Pinangunahan naman nina Christian Heart Prinsipe at Irish Dumagat ang mga mandirigma sa table tennis boys at girls matapos magpakawala ng matatalim na smash dahilan upang hindi makaporma ang mga katunggaling Agila. Naghari rin ang warriors sa larong chess sa pangunguna nina Sofia Mica Pacis at Jhon Rhasel Ranido na kapwa nagpamalas nang mahusay na diskarte kontra sa kanilang mga kalaban. “Sobrang saya at nagbunga ang pagsisikap ng mga bata at mas paghuhusayan pa naming ang pagsasanay para sa darating na EDDIS Meet,” pahayag ni Gng. Eleanor Ramos coach ng Red Warriors. Tumanggap ang mga manlalaro ng Red Warriors ng tropeyo at mga sertipiko na iginawad ni G. Regalado Hernandez, Pang-Ulong Guro I ng MAPEH.

KAMI NAMAN. Tinapos ng Red Warriors ang apat na taong dinastiya ng Blue Eagles.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.