Jordan ng grade 7 umariba sa Finals
Ligo pasok sa RSPC Kakatawanin ni Desserie Ligo ng 11-Perserverance ang lalawigan ng Bulacan sa kategoryang Pagkuha ng Larawan sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Bataan sa Nobyembre 18. Nasungkit ni Ligo ang ikatlong pwesto sa nasabing paligsahan sa nakaraang Division
P.19
Schools Press Conference (DSPC) na ginanap sa Fortunato F. Halili Agricultural High School noong Agosto 16 at 19 . Nagsilbing gurong-tagasanay ni Ligo si Bb. Marivi Lobederio, Kawaksing Tagapayo ng “Ang Hardin”. Ni Je-Anne Kerlyn Antonio 10- Rizal
. .
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Mataas na Paaralan ng Felizardo C. Lipana To m o 1 5 Blg.1 Oktubre - Disyembre 2016
PTA,GC,SSG,LGU nagsanib-pwersa
Kampanya kontra sigarilyo muling ikinasa Kaugnay ng pagdedeklara sa Hunyo bilang National No Smoking Month muling naglunsad ng isang information drive-campaign kontra paninigarilyo ang FCLNHS noong Hunyo 27. Kapit-bisig na sinuyod ng mga opisyal ng Parents Teachers Association (PTA), Student Supreme Government (SSG), opisyal ng barangay, FCLNHS Guidance Councelors(GC) at mga piling estudyante mula grade 10 at 11 ang mga tindahan sa labas ng paaralan hanggang nasa 100 metrong layo. Ayon kay G. Michael Santos, FCLNHS GC, ang pagkilos na ito ay tugon rin sa kampanya ng DepEd at DOH na maiparating sa lahat ang peligro ng paninigarilyo at paglalayon na lahat ng mga paaralan sa buong bansa ay maging 100% smoke-free. “Tuloy-tuloy tayo sa target natin na totally eh maging zero na ang kaso ng paninigarilyo sa paaralan, sabi nga ng DOH eh mura ang yosi, mahal ang magkasakit,” wika ni Santos. Dala ang mga flyers at tarpaulin isa-isang pinaliwanagan ng grupo at mga may-ari ng tindahan ukol sa Tobacco Regulation Act of 2003 gayundin sa Anti-Smoking Ordinace ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto. Ipinaalala rin ng grupo sa mga may-ari ng tindahan na alinsunod sa nabanggit na batas ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga tindahang nasa 100 metrong layo mula sa paaralan ang pagbebenta ng sigarilyo lalo na sa mga menor de edad. Dagdag pa rito, nagbabala rin ang grupo sa peligrong dulot ng paninigarilyo hindi lamang sa kalusugan ng mismong gumagamit nito kundi pati sa mga taong nakapaligid sa kanya.” Batay sa tala ng Guidance Office ng paaralan, matapos ang tatlong taong paglulunsad ng nasabing kampanya ay kapuna-puna ang pagbaba ng kaso ng paninigarilyo sa paaralan.
AKSYON AT SOLUSYON. Pinaalalahanan ng pamunuan ng FCLNHS ang mga tindahan sa paligid ng paaralan na nagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad. Larawan kuha ni Nico Villafuerte
DepEd: RH Education ‘di ukol sa sex Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na hindi sex kundi pansariling proteksyon, kalinisan at tamang pagpapasya ang magiging pokus ng Reproductive Health (RH) Education matapos itong isama sa K to 12 Curriculum. Nilinaw rin ng DepEd na taliwas sa pangamba ng mga tutol sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Law of 2012 (RH Law) ang Sexuality Education ay magbibigay-daan upang maprotektahan ng mga mag-aaral ang kanilang mga sarili laban sa pang-aabuso. Ayon sa DepEd karaniwang nagiging biktima ng mga pang-aabusong sekswal ang mga batang
may edad 13 – pababa dahil sa kawalan nila ng kamalayan ukol rito. “Sinasabi natin sa mga bata na may karapatan silang tumangging magpahawak sa kanilang katawan. Dapat alam ng bata yung hawak na may malisya at walang malisya, “ ayon kay Dr.Rosalie Masilang, DepEd Adolescent Reproductive Health Focal Person. Siniguro rin ng DepEd na ang mga guro at guidance counselors na magtuturo ng sexuality education ay may sapat na kaalaman at kasanayan. Ni Kenneth Gravamen 10-Rizal
92% Lipanians suportado ang all-out war ni Duterte kontra drogra
Siyam sa 10 estudyante ng FCLNHS ang sang-ayon sa kampaya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa droga. Sa isang sarbey na isinagawa ng Ang Hardin, patnugutan ng FCLNHS, lumalabas na 362 na estudyante o katumbas ng 92% ng mga respondents ang pabor sa “war on drugs” ng pangulo. Karamihan sa mga sumang-ayon na mag-aaral ang naniniwalang kung mawawa-
la ang droga ay tiyak na mababawasan ang kriminalidad sa bansa. Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP), sa unang buwan ng panunungkulan pa lamang ng Pangulo ay bumaba na agad sa 31% ang crime rate kumpara noong nakaraang taon. Sa kabilang banda 34 na mga estudyante o 8% ng mga respondents ang tutol sa mga hakbang kontra droga. Ayon sa mga nasabing
mag-aaral maging mga walang kinalaman sa droga ay nadadamay sa mga nagaganap na patayan sa bansa. “Yung mga drug Lords at hindi small time pushers at users ang dapat ang supilin. Kumbaga sa halaman, ugat dapat ang sinisira at binubunot”, ani John Ronald Torres, isa sa mga di-sumasang-ayon sa opensiba ng pamahalaan kontra droga. Ni Kenneth Gravamen 10-Rizal
Ni Aila Marie Castillo 10 -Rizal
Borja tinanggap ang hamon na maiangat ang paaralan “Challenge accepted!” Ito ang naging tugon ni Dr. Jesie Borja sa hamon na highit pang mapaghusay ang paaralan kasabay ng pormal na pagtanggap sa responsibilidad bilang punong-guro III ng FCLNHS. Sa kaniyang pambungad na pananalita sa Flag Raising Ceremony ng paaralan noong Oktubre 24 sinabi ni Borja na magiging prayoridad niya ang higit pang pagpapataas sa performans ng mga guro at mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang suporta ng mga ito. Hinimok rin niya ang mga mag-aaral na ipakita ang kanilang angking galing hindi lang sa loob ng paaralan kundi lalong pa kung sila ay lalahok sa mga kompetisyon at bilang motibasyon ay inihayag niya na bibigyan ng pagkilala ang mga guro at mag-aaral na nagpamalas ng kahusayan.
Lipanians kumasa sa Pagyanig Challenge
P.3
“ Magkakaroon tayo ng niya ang lahat na gawin ang outstanding teachers and stu- kani-kaniyang bahagi tungo dents every now and then. Let sa patuloy na pag-unlad ng us all reinvent ourselves,” wika paaralan. ni Borja. Ni Paulo Sta. Ana Binigyang-diin rin niya 9 - Gold ang kahalagahan ng pagiging disiplinado sa lahat ng oras na maipakikita umano sa pamamagitan ng pagpasok sa tamang oras, pagsusuot ng ID at kumpletong uniporme, pananatili sa loob ng silid-aralan sa oras ng klase at pagsunod sa mga alituntunin ng paaralan. Dagdag pa rito, pagtutuunan rin niya ng pansin ang pagpapanatili ng kalinisan hindi lamang sa loob ng mga SIMULA NG PAGBABAGO. Sa pasilid-aralan ngunguna ni Dr. Jessie Borja ay higit kundi maging sa buong pang pahuhusayin ang performans paaralan. ng FCLNHS. Sa huli, hinikayat Larawan kuha ni John Glenn Almario
5 Pak na pak na kainan sa Guiguinto
P.12
Isports Idol
P.18
FCLNHS tumanggap ng E-Classroom Package DepEd patuloy sa pagtugon sa hamon ng makabagong panahon
MALAKING BIYAYA. Sa tulong ng 49 computer units mula sa DepEd higit na mapabubuti ang pag-aaral ng mga Lipanians. Larawan kuha ni Nico Villafuerte.
Bunsod ng layunin ng Department of Education (DepEd) na maiangat ang kalidad ng edukasyon at makatugon sa hamon ng makabagong panahon, isa ang FCLNHS sa mga paaralan sa buong kapuluan na napagkalooban ng E-Classroom Package. Nagkakahalaga ng P785,748 ang natanggap na mga kompyuter ng paaralan sa ilalim ng DepEd Computerization Program (DCP) noong Hulyo 13. Bilang paghahanda sa pagtanggap ng nasabing E-Classroom Package ang mga target na
paaralan ay dumaan sa validation process ng Information and Computer Technology (ICT) Technical Committee ng rehiyon upang masiguro na ang mga ito ay handa at nakasunod sa mga nakatala sa School Checklist Form ng DCP. Sumailalim rin sina Bb. Honeyzel Calderon, ICT Coordinator ng paaralan at Gng. Kathleen Alcaraz, Property Custodian ng FCLNHS sa oryentasyon kaugnay ng mga tinanggap na kompyuter na pinangunahan ng DepEd Divion of Bulacan katu-
wang ang Science and Computer Technology (SCICOMTECH). “Malaking tulong sa ating paaralan lalong higit sa ating mga estudyante ang mga computers na ito. Mapalad talaga tayo dahil sa ikalawang pagkakataon ay nabigyan tayo ng DepEd ng E-Classroom Package,” wika ni Calderon. Ngayong 2017 inilabas ng DepEd ang DCP Batches 29,30,31,32 at 33 E-Classroom Packages para sa mga pampublikong paaralan sa Elementarya at Sekondarya sa Rehiyon I, III,
IV-A, IV-B, VII, VIII, X, XI, XII, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR). Kabilang ang FCLNHS sa mga recipients ng batch 33. Tutugunan ng DCP ang computer backlogs sa buong kapuluan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga hardware, software at mga pagsasanay sa sa simple trouble shooting ng kompyuter. Ni Je-Anne Kerlyn Antonio 10-Rizal
FCLNHS may bagong anghel mula sa Tsina
HULOG NG LANGIT. Katuwang si Teacher Sofphia Sun ng mga guro sa Chinese Mandarin upang higit pang mapaghusay ang SPFL. Larawan kuha ni Nico Villafuerte.
Muling pinadalhan ng isang Chinese-volunteer na guro ang FCLNHS upang masiguro ang epektibong pagpapatupad ng Special Program in Foreign Language (SPFL). Matapos ang pitong buwang superbisyon ni Teacher Grace (Chen Ting) sa SPFL noong nakaraang taon, humalili sa kanya at dumating sa paaralan si Sophia Sun (Qui Lihui) noong Hulyo 3 at mananatili sa paaralan hanggang sa pagtatapos ng klase sa Marso.
Magiging tagapagsubaybay si Teacher Sophia ng mga lokal na guro ng paaralan na sumailalim sa pagsasanay sa Conficius Institute sa Angeles University Foundation sa pagtuturo ng Chinese Mandarin. Magkakaroon ng serye ng mentoring at follow-through kada kwarter sa pangunguna ni Teacher Sophia upang higit pang mapahusay ang kalidad ng SPFL sa paaralan. Kabilang sa mga guro ng Chinese Man-
darin sa paaralan sina Gng. Virginita Martin, G. Roi Derrick Mendoza, Gng. Elena Mendoza, Gng. Jaqueline Reyes at Bb. Nory Mahusay. Nasa ikatlong taon na ng pagkakaroon ng SPFL sa paaralan, mula sa pagsisimula sa dalawang seksyon ngayon ay maroon ng 10 seksyon na sumasailalim dito. Ni Paulo Sta. Ana 9-Gold
‘Katatakutan’pumatok sa Intrams Naging pangunahing atraksyon ng FCLNHS Intramurals ang horror booth ng Supreme Student Government matapos itong dumugin ng mga mag-aaral noong Setyembre 1 at 2. Naging pangunahing atraksyon ang nasabing booth na pinatutunayan ng blockbuster na pila ng mga mag-aaral na matiyagang naghintay ng kanilang pagkakataon na makapasok sa loob ng booth. “Ang galing, nakakagulat, nakakatakot, nakakaba, lahat na!” ayon kay Giselle Taroy, mag-aaral ng Grade 10. Ayon kay G. Arnel Alcaraz, tagapayo ng SSG, tinatayang um-
abot sa 900 tickets ang naibenta sa unang araw pa lamang habang humugit-kumulang 320 tickets naman sa ikalawang araw. Naging makatotohanan ang horror experience ng mga magaaral gamit ang LCD projector, sound equipments, artipisyal na kabaong at iba pang improvise props. Nagtulong-tulong ang 42 miyembro at volunteers ng SSG sa pag hahanda para sa naturang booth. Ginamit naman ng pamunuan ang mga nalikom na salapi sa pagdiriwang ng Teachers’ Day noong Oktubre 5. Ni Je-Anne Kerleyn Antonio 10-Rizal
ANGAT SA IBA. Dinagsa ang horror booth ng SSG sa Intramurals noong Setyembre 1 at 2. Larawan kuha ni Arnel Alcaraz.
419 Lipanians namaalam sa bulate Bilang pakikiisa sa Nationwide Deworming Campaign o Integrated Helminth Control Program ng Department of Education(DepEd) at Department of Health (DOH), namahagi ang Felizardo C. Lipana National High School ng mga gamot pamurga kontra bulate sa mga estudyante. Sa pangunguna ng TLE Department, umabot sa 419 na estudyante mula sa Junior at Senoir High School ang sumang-ayon na magpapurga noong Agosto 4, mula sa grade 7, 113; grade 8, 93; grade 9, 103, grade 10, 77 at 33 sa grade 11. Layunin ng nasabing programa nang masugpo ang pagkalat ng soil-transmitted helminthiasis (sts) sa mga estudyante na nagdudulot ng malnutrisyon,anemia, impaired cognitive functions at iba pang problemang pangkalusugan. Sa kampanya nito noong
nakaraang taon, umabot sa 11.8 milyong estudyante ang nabigyan ng DepEd ng pampurga sa unang bahagi ng pagsasagawa nito. Sa pangalawang bahagi ng implementasyon ay umabot naman sa 10.6 milyong estu- dy ante ang nabigyan na nasa 70% ng inaasahang bilang nito. Ayon sa United Nations Children Emergency Fund (UNICEF) at World Health Organizations (WHO), mula nang magsimula ang programa noong 2006 ay naiulat na nakitaan ng magandang pagbabago sa kanilang pananalita at me- morya ang mga estudyante na sumailalim sa pagpapapurga. Maging ang mga kabataang hindi nag-aaral at ang mga nasa pribadong paaralan ay hinihikayat na makilahok sa nasabing programa. Ni Kenneth Gravamen 10-Rizal
FCLNHS,GNVHS nagkapit-bisig
Kalidad ng edukasyon itataas Upang higit pang mapaghusay ang pagbibigay ng de kalidad na edukasyon magkatuwang na inilunsad ng FCNHS at Guiginto National Vocational High School (GNVHS) ang School-to-School Partnership noong Setyembre 22 at 29. Tugon ito sa DepEd Memo No. 44 na naglalayong patatagin ang kooperasyon, pagtutulungan at samahan ng mga paaralan tungo sa mas mataas na performans ng mga guro. Itinalagang leader school ang FCLNHS habang partner school naman ang GNVHS sa naturang gawain. Nagkaroon ng pagbaba-
haginan ng konsepto ukol sa pinakamahuhusay na gawaing pampagturo at mga kagamitang pampagtuturo na magsisilbing behikulo sa pagpapahusay ng kakayahan ng mga guro upang mapataas at higit na mapagbuti ang antas ng edukayon. Tumayong resource speakers sina Dr. Ma. Cecilia Santiago, Gng. Josephine Valencia, Gng. Vilma Figueroa, Gng. Rossini Magsakay, Gng. Mary Lilibeth Ralla, Gng. Cleofe Ramos, Gng. Helen Polo, Gng. Editha Morante, G. Michael Santos at Bb. Aquilina Monte. Ni Paulo Sta. Ana 9-Gold
Math Wizards namayagpag Muling pinatunayan ng mga Math Wizards ng FCLNHS ang kanilang bagsik matapos humakot ng mga karangalan sa nakaraang Eddis at Division MathCom, Math Trail at Sudoku Competition. Nasungkit nina Kenneth Gravamen, 10-Rizal ang unang pwesto;E.J. Esguerra,(9-Gold), ikalawang pwesto; Regine Mae Sibug,8-Diamond, ikatlong pwesto ; at John Lester Dollete (7-Sampaguita), ikapitong pwesto sa Eddis MathCom na ginanap sa Bunsuran National High School noong Setyembre 6. Hindi rin nagpahuli ang FCLNHS sa Division MathCom na ginanap sa Engr. Virgilio V. Dionisio Memorial High School noong Setyembre 9 matapos maiuuwi nina Sibug ang ikalawang pwesto; Gravamen, ikaapat na pwesto; at Esguerra, ikasiyam na pwesto. Samantala nagkampeon din sa Eddis II Math Trail and Sodoku Competion noong Setyembre 20 sa Jose J. Mariano Memorial High School ang mga nabang-
git na mag-aaral habang nakuha naman ni John Ronald Torres (10-Rizal), ikalawang pwesto; Johnvic Martin (9-Carbon), ikaapat na pwesto; at Angel Bless Fajardo, (7-sampaguita), ikasiyam na pwesto dahilan upang tanghaling Over-All Champion sa Eddis II ang FCLNHS. Naiuwi rin ng parehong grupo ang ikalawang pwesto sa Division Math Trail sa San Rafael Trade School noong Setyembre habang nakamit naman nina Torres ang ikatlong pwesto at Fajardo ang ikalimang pwesto. Nagsilbing gurong tagapagsanay ng mga nabanggit na math wizards sina Gng. Jaqueline Reyes, G. William P. Cruz, Gng. Editha Sugay,Gng. Maricel Ablaza, Gng. Vilma Figueroa, Gng. Elenita Bondoc,Gng. Janeese Beraña, Gng. Imelda Santoyo, Gng. Josephine Valencia at Gng. Lorena Varella sa pangunguna ng Pang-Ulong Guro IV sa matematika na si Gng. Loida Hilario. Ni Kenneth Gravamen 10-Rizal
Mendoza nagsanay sa Tsina Sumailalim sa Immersion Training sa Tsina bilang bahagi ng Summer Training Course ng Special Program in Foreign Language (SPFL) sa mga gurong nagtuturo ng Chinese Mandarin si G. Roi Derrick Mendoza, guro ng FCLNHS, noong Mayo 22. Namalagi sa loob ng 20 araw si Mendoza sa Tsina kasama ang 16 na iba pang mga guro mula sa Pampanga, Bicol, Davao, Bukidnon at Cebu. Isinagawa ang nasabing pagsasanay upang higit na maging maalam at pamilyar ang mga gurong Pilipinong nagtuturo ng Chinese Mandarin sa uri ng pamumuhay, pakikipagkomunikasyon at pagpapahalaga ng mga Tsino. Naging bahagi rin ng nasabing immersion ang pagpunta sa mga historikal na lugar sa Tsi-
SEGURIDAD ANG PRAYORIDAD. Nagsagawa ng drill ng rescue operatios ang FCLNHS kaugnay ng Nationwide Shake Drill noong Setyembre 28. Larawan kuha ni Nico Villafuerte.
na kung saan nagkaroon ng higit na malalim na pag-unawa sa kasaysayan ng Tsina ang mga gurong kasangkot. “Marami kaming magagandang lugar na napuntahan, ‘yung pagtangggap sa amin doon (Tsina) ay parang sa atin lang din, magiliw naman sila sa mga Pinoy,” ani Mendoza. Si Mendoza ang kauna-unahang Chinese Mandarin na guro ng paaralan na nabigyan ng pagkakataong makapagsanay sa Tsina. Kasalukuyang HSK 3 na si Mendoza at kapag pinalad na makapasa sa pagsusulit para sa HSK 4 sa Nobyembre ay maaaring mabigyan ng pribelehiyong makapag-aral ng libre sa Tsina sa loob ng isang taon. Ni Paulo Sta. Ana 9-Gold
Lipanians kumasa sa Pagyanig Challenge Upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral nakiisa ang FCLNHS sa paglulunsad ng Nationwide Pagyanig Challenge noong Setyembre 28. Sabay-sabay na nag-duck, cover and hold ang tinatayang 1,392 Lipanians upang ipakita ang kanilang kahandaan sa oras na makaranas ng paglindol. Sakop din ng naturang challenge ang paglikas ng mga magaaral mula sa silid-aralan patungo sa mga open area sa paaralan hanggang sa pagresponde ng mga awtoridad. Pauna rito, naglunsad na rin ang paaralan noong Hunyo ang isang malawakang informa-
tion-drive campaign upang ihanda ang mga mag-aaral sakaling maganap ang isang malakas na paglindol. Nakilahok rin ang FCLNHS sa Metrowide Shake Drill na ginanap noong Hunyo 22. Kapwa pinangunahan ni G. Regalado Hernandez, Pangulong Guro I sa MAPEH ang mga nabanggit na gawain. “Naging malaking tulong sa tagumpay ng ating inilunsad na shake drill at Pagyanig challenge ang seryosong pakikiisa ng ating mga mag-aaral,” ayon kay G. Hernandez. Tumulong din sa pagsasakatuparan ng aktibidad ang mga miyembro ng Parents-Teachers As-
sociation (PTA) at mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan. Nakilahok rin ang Barangay Recue Team na nagpahiram ng ambulansya at mga equipments na ginamit sa drill. Taunang isinasagawa ang shake drill at higit pang pinaigting ang gawaing ito matapos ilabas noong 2014 ng Philippine Institute of Vulcanology and Seismology ang kanilang pagsusuri sa West Valley Fault na mayroong posibilidad na sa paggalaw ay yanigin ng 7.2 magnitude na lindol ang kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan kabilang na ang Bulacan. Ni Jamaica Mae Tabor 9-Gold
Press Con
‘Ang Hardin’ humakot ng parangal Muling napasakamay ng ‘Ang Hardin’ ang ikatlong pwesto sa Highest Pointer sa Filipino sa ginanap na 2016 EDDIS II Secondary Schools Press Conference sa Alexis G. Santos National High School noong Agosto 10. Itinanghal na kampeon si Kenneth Gravamen (10-Rizal) sa pagsulat ng balita habang nasungkit naman ni Dessiree Ligo (11-Perseverance) ang ikalawang pwesto sa pagkuha ng larawan. Kasama rin sa mga nagsipagwagi sina EJ Villafuerte , ikatlong pwesto sa pagsulat ng balita at Paulo Sta. Ana, ikaapat na pwesto sa pagwawasto at pag-uulo ng balita, kapwa mag-aaral ay nagmula
sa 9-Gold. Hindi rin nagpahuli sina Jamaica Tabor (9-Gold), ikapitong pwesto sa pagsulat ng editoryal, John Michael Gogola (10-Mabini), ikaanim na pwesto sa editorial kartuning at Je-Anne Kerlyn Antonio (10-Rizal), ika siyam na pwesto sa pagsulat sa Agham. Sumailalim sa pagsasanay nina Gng. Janice Atenas, at Bb. Marivi Lobederio, mga tagapayo ng Ang Hardin, opisyal na pahayagan sa Filipino ng FCLNHS. Ni Je-Anne Kerlyn Antonio 10-Rizal
ALAY-KAPWA. Nabiyayaan ng libreng salamin sa mata ng Lions Club of the Philippines ang mga piling mag-aaral ng FCLNHS noong Oktubre 12. Larawan kuha ni Jasper Gregorio.
Sa tulong ng Lions Club
Piling Lipanians luminaw ang kinabukasan Pinagkalooban ng Lions Club of the Philippines (LCP) sa pamamagitan ng Guiguinto Lions Club (GLC) ng libreng salamin sa mata ang 162 mag-aaral ng FCLNHS noong Oktubre 12. Isa ang Sight for Kids na nasa ilalim ng Sight First sa mga serbisyong panlipunan na inihahatid ng LCP ayon kay Gng. Ma. Cristina Santos, Chairperson ng nasabing proyekto. Nagsagawa ng pagsusuri sa mata ang grupo ni Santos sa lahat ng mag-aaral ng Junior at Senior High School noong Hulyo 18 upang matukoy ang magiging mga benipisyaryo ng kanilang
proyekto. Maliban sa FCLNHS tumanggap rin ng libreng salamin sa mata ang mga mag-aaral ng Tiaong High School at Annex ng Guiguinto National Vocational High School Sa Malis. Nasa 23 paaralan rin mula sa Unang Distrito ng San Miguel Bulacan ang nabisita ng LCP kung saan maliban sa pagbibigay ng libreng salamin sa mata napagkalooban rin nila ang dalawang mag-aaral na may diperensya sa paningin ng libreng operasyon sa East Avenue Medical Center. Nakapagbigay rin sila ng
2,000 salamin sa mata sa Negros Occidental at muling magkakaloob ng karagdagang 940 dito sa Nobyembre 16. Target ng LCP na maipaabot rin ang kanilang serbisyo sa Ikalawang Distrito ng san Miguel, Ilagan, Isabela at Negros Oriental. Kasalukuyang pangulo ng samahan si G. Alberto P. Almario na naglalayong higit pang mapalawig ang tulong ng LCP sa pamamagitan ng pagpunta maging sa pinakamalalayong lugar sa bansa. Ni Aila Marie Castillo 10-Rizal
FCLNHS bumida sa Science Fair
TALENTADONG GURO. Ipinamalas ng Grade 9 teachers ang kanilang husay sa pag-indak noong Oktubre 5 sa Pagdiriwang ng World teachers’ Day. Larawan kuha ni John Glenn Almario.
Kabayanihan ng mga guro muling kinilala Bilang pasasalamat, hinandugan ng Lipanians sa pangunguna ng Supreme Student Government (SSG) ng isang programa ang mga guro ng FCLNHS kaugnay ng Taunang pagdiriwang ng World Teachers’ Day noong Oktubre 5. Ito ay bilang pagkilala sa natatanging gampanin, serbisyo at dedikasyon na inalaalay ng mga guro
sa kanilang mga mag-aaral. Naging sentro ng palatuntunan ang mga espesyal na bilang ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang para sa kani-kanilang mga guro. Naantig naman ang damdamin ng lahat matapos maghandog ng isang awitin ang mga magaaral mula sa Special Education
Class ng paaralan. Hindi naman nagpahuli ang mga guro at nagpamalas rin ng kanilang angking talento sa pagsayaw. Bago pa ang naturang programa ay isang photobooth ang inihanda ng pamunuan ng SSG para sa mga guro. Binigyan rin ng libreng al-
musal at tanghalian at munting regalo ng SSG ang mga guro. “Maraming salamat kay sir Arnel, tagapayo ng SSG at sa buong pamunuan ng SSG, naramdaman talaga namin na super special kami ngayong araw na ito,” wika ni Gng. Elline Louise Licuasen, guro ng TLE. Ni Dimerlyn Ocap 9-Gold
Husay at talino ang naging puhunan upang masungkit ng FCLNHS ang ikalawang pwesto sa Investigatory Project (Group Category) sa nakaraang Division Science and Technology Fair noong Oktubre19 sa Mariano Ponce National High School. Binubuo ang grupo nina Mark Vincent Monta, Je-Anne Kerlyn Antonio, kapwa mula sa 10-Rizal at Lorielie Monte, 8-Diamond na iprinisinta ang kanilang pag-aaral ukol sa Herbal Capsule Formulation ng Sinta Andrographis Paniculata. Nagsilbing gurong tagasanay ng grupo si Gng.Mary Lilibeth Ralla, Master Titser I sa Agham. Nagsipagwagi rin sina Jerico Salanggit,10-Rizal ikalimang pwesto sa Poster Making at si Jerrick Sanchez,9-Carbon, ikasampung pwesto sa Quiz Bee. Samantala nagwagi rin ang FCLNHS Science Wizards sa 2016 Eddis II Science and Technology Fair na ginanap sa Dr. Pablito V. Mendoza Memo-
rial High School noong Setyembre 27. Itinanghal na kampeon si Mescheal Tacsan, 11-Compassion habang matagumpay na nakamit nina Ian Daniel J. Centeno ng 7-Sampaguita ang ikalawang pwesto; Alyssa Grace Saludar, 8-Diamond, ikalimang pwesto; Sanchez, 9-Carbon, ikalabindalawang pwesto; Kenneth Gravamen, 10-Rizal, ikaanim na pwesto sa Science Quiz Bee. Hindi rin nagpahuli sina Salanggit na nakakuha ng ikatlong pwesto sa Poster Making Contest at Trizhalyn Maglangit na nakamit ang ikaanim na pwesto sa pagsulat ng sanaysay. Sumailalim ang mga naturang mag-aaral sa pagsasanay ng mga guro sa Agham na sina Gng. Regina Verde, Gng. Virginita Martin, Gng. Anya Regalado, Dr. Ma. Cecilia Santiago, Gng. Jessica Natividad at Bb. Nory Mahusay sa tulong at suporta ng kanilang Pang-Ulong Guro III Daisy Miranda. Ni Kenneth Gravamen 10-Rizal
Proyektong Pangkaunlaran ibinida sa SOBA
Sierra Madre, sasagipin Upang mapalitan ang mga pinutol na puno sa bulubundukin ng Sierra Madre na nagkakanlong sa Angat dam, tataniman ito ng mga katutubong puno sa Nobyembre. Target ng Angat Dam Rainforestation Project na makapagtanim ng mga katutubong puno sa tinatayang 25 ektaryang bundok. Ito ay matatagpuan sa mga barangay ng San Mateo at San Lorenzo sa bayan ng Norzagaray na bahagi ng 62,300 na anyong-lupa (watershed) na nagkakanlong sa Dam. Magbebenipisyo ang Angat dam sa proyektong ito sapagkat maliban sa sahod-ulan, umaasa ng suplay ng tubig ang Dam mula sa katas ng ugat ng mga punong nakatanim dito. Ang Angat Dam Reforestation Project ay proyekto ng Gurong Nagbabalik sa Bayan Inc. (GNB) at Bulacan State University(BulSu). Ayon kay GNB President Reynaldo Naguit napagkaisahan ng kanilang grupo na kumilos para sa kalikasan bilang pagseserbisyo sa kanilang bayang pinagmulan. Kaisa rin sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto ang National Power Corporation (NAPOCOR), Steel Asia Corporation at SM Supermall sa Baliuag. Samantala, bilang simbolikong paglulunsad, pinangunahan ni Science and Technology Secretary Fortunato dela Pena ang pagtatanim ng apat na katutubong puno sa Rizal Park ng BulSU.
Sanggunian:PIA Gitnang Luzon.
SERBISYO-PUBLIKO. Inihayag ni Kapitan Pingol ang mga natapos na proyekto para sa Barangay Sta. Rita noong Oktubre 16. Larawan kuha ni John Glenn Almario.
Inisa-isa ni Kapitan Ponciano Pingol sa kanyang State of the Ba- r angay Address (SOBA) ang mga nagawang proyektong pangkaunlaran noong Oktubre 16 sa FCLNHS Covered Court. Inihayag ni Pingol na bilang pagtupad sa hangarin ng Pamunuan ng Barangay na makalikha at makapagbigay ng pagkakataon at opor-
tunidad para sa mga mamamayan ay matagumpay na nailunsad ang mga proyektong pangkabuhayan tulad ng paggawa ng tinapa, paggawa ng basahan at pagtatanim ng gulay sa bakuran. Inilahad rin sa SOBA ang mga natapos at naipatupad para sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa barangay tulad ng pagsuporta
GSA binuhay ang kasaysayan PAGBABALIK-TANAW. Pinangunahan ng Guiguinto Scholars Association ang pagbuklat ng dahon ng kasaysayan sa HistoryTelling sa San Ildefonso Church noong Hunyo 27. Larawan mula sa GSA.
Muling sulyap sa nakaraan. Bilang bahagi pa rin ng pagnanais na makapagsilbi sa bayan binuhay ng Guiguinto Scholars Association (GSA)
ang kasaysayan sa pamamagitan ng kanilang proyektong HistoryTelling : Redefining the Past, Relieving the Present. Nagsagawa ang GSA ng serye ng
Dengue sa Bulacan bumaba ng 43% Matapos ang intensibong kampanya ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan kontra sa dengue naitala ang 43 bahagdan na pagbaba ng kaso nito ayon sa Provincial Epidomology and Sur veillance Unit (PESU) ng Provincial Public Health Office. Mula sa parehong period noong nakaraang taon (Enero-Hulyo) ikinumpara ang mga datos na nakuha ng PESU Dengue Surveillance. Ayon sa PESU may 1,319 na, na kaso ng Dengue na naitala nga- yong taon, nakuha ang bilang na ito mula sa Disease Reporting Units ng lalawigan. Kabilang sa mga bayan at siyudad na may natalang pinakamatataas na bilang ng nagkadengue ang Plaridel, 152 kaso; San Miguel, 141; City of San Jose Del Monte, 113; City of Malolos, 99;
Baliwag at Sta. Maria, 90. Sa kabila ng pagbaba ng kaso ng dengue sa lalawigan pinaalalahanan naman ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado ang lahat na huwag maging kampante at ipagpatuloy ang pagpapanatili ng kalinisan. Samantala, kaugnay pa rin ng kampanya ng lalawigan na tuluyang mapuksa ang dengue, nagkapit-bisig ang Department of Health at Department of Education sa pamimigay ng libreng dengue vaccines sa mga batang may edad siyam pataas. Ti n at ay ang n a s a 6 1 , 1 3 6 mag-aaral ang nabigyan ng bakuna at upang masiguro ang kanilang proteksyon kontra dengue ay muli silang babakunahan makalipas ang anim na buwan. Ni James Mago 9-Carbon
mga Lights and Sound Show sa isang museo na itinayo sa St. Agatha Resorts and Hotel noong Hunyo at Hulyo. Nagkaroon rin sila ng motorcade upang himukin ang mga Guiguinteño na maging kabahagi ng nasabing proyekto. Binisita rin ng grupo ang ilang mga paaralan sa Bayan ng Guiguinto upang maghatid ng mga kwentong pangkasaysayan sa mga mag-aaral. Samantala, kaugnay ng malalim na pagpapahalaga ng GSA sa kasaysasyan ay napabilang ang grupo mula sa 445 na lumahok sa Top 20 Finalist ng Ten Accomplished Youth Organization (TAYO) sa kategoryang Culture and the Arts, Peace and Human Development . Ito na ang ikalawang pagkakataon na mapabilang ang GSA sa TAYO matapos kilalanin rin ang samahan noong 2006. Maliban sa HistoryTelling naglunsad rin ang GSA ng Byline Campus Journalism na nilahukan hindi lamang ng mga mag-aaral na Guiguinteño kundi maging ng mga taga-karatig bayan. Ni Paulo Sta. Ana 9-Gold
sa Oplan Tokhang, kung saan 60 sa 72 katao mula sa mga naitalang nagbebenta at gumagamit ng bawal na gamot ang napasuko, pagpapatupad ng curfew at paglalagay ng mga CCTV camera at pagpapalit sa mga punding ilaw sa kalye at maging ang pagbibigay ng anti-rabies na bakuna sa mga aso. Naging prayoridad rin ng barangay ang pagsuporta sa edukasyon sa pamamagitan ng pagbubukas ng Alternative Learning System (ALS), pagbibigay ng gamit pang-eskwela sa mga mag-aaral ng ALS at Day Care, pakikibahagi sa Brigada Eskwela sa Sta. Rita Elementary School (SRES) at FCLNHS, at pagbibigay ng mga mesa para sa K-12 Program ng FCLNHS. Sa mga proyektong pangkalusugan naman ay nagsagawa ang Barangay ng serye ng mga feeding programs sa Day Care at SRES, serbisyong dental, tuloy-tuloy na sebisyong medikal para sa mga buntis tuwing araw ng Huwebes at pagbabakuna sa mga sanggol at bata tuwing Miyerkules. Upang mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng paligid nagsagawa rin ang pamunuan ng Barangay ng fogging, pagpapapintura ng mga bakod, Oplan Linis tuwing unang Sabado ng buwan, pagpapapintura sa Barangay Hall at declogging
ng mga drainage canal sa Doña Pilar Homes, Sitio Hangga at Masagana Homes. Naging aktibo rin ang Brgy. Sta. Rita sa paglahok sa mga paligsahang inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto tulad ng Street Dancing kung saan nagkampeon ang Barangay,sportsfest, Ms. Pogay at iba pa. Ibinida rin ni Pingol na sa pangangasiwa ng Komite ng Finance ng Barangay ay napa-igting ang pangongolekta ng karampatang buwis na nakatulong upang maisakatuparan ng Barangay ang mga proyektong nabanggit. Sa huli, hiniling ni Pingol ang kooperasyon ng lahat upang mabigyan ng katuparan pa ang mga planong proyekto nito para sa 2017 tulad ng pagbili ng bagong patrol car, pagsasaayos ng Day Care at Health Center, pagpapagawa ng opisina ng Senior Citizen, pagpapatayo ng MRF at declogging sa mga drainaige canal sa Kabilang bakood, Rocka III, Masagana Homes, EL Canto at Casbah. “Marami pa po tayong plano para sa patuloy na pag-angat n gating Barangay, kung tayo po ay magkakaisa ay sigurado pong mapapagtagumpayan natin ang mga ito,” pagwawakas ni Pingol. Ni Joyce Ann Santiago 10-Rizal
Gordon: Ipakita ninyo ang galing ng Bulakenyo Labanan ang kahirapan at ipakita ang husay para sa bayan, ito ang hamon ni Senator Richard Gordon sa mga Bulakenyo sa kanyang talumpati kaugnay ng 438th Bulacan Foundation day sa Bulacan Capitol Gymnasium noong Agosto 15. “Kung ikaw ay magaling na bata dapat basagin mo unang- una iyong pader sa utak mo, natatakot ka dahil mahirap ka then go and show the world what you can do. What this country need is not a change of men but a change in men,” pahayag ng senador. Dagdag pa rito, hinimok din niya ang mga Bulakenyo na hasain ang mga kabataan upang sa kanila’y sumibol ang mga bagong lider. “Make leaders in every young Filipinos,” ani Gordon. Samantala, hindi naman
pinalampas ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado ang pagkakataong ito upang purihin ang lalawigan sa mga natatanging ambag nito sa kasaysayan at pinaalalahanan ang bawat sa tungkulin na gawin naman ang kani-kanilang ambag para sa kasalukuyan at para sa hinaharap. “Walang ibang magandang pagkilala sa pagkakatatag ng ating lalawigan kundi ang patuloy na pagpapaunlad dito at sabihin ng mga susunod na henerasyon na hindi tayo umasa lamang sa kaluwalhatian ng nagdaang panahon, kundi tayo ay lilikha rin at mabubuhay sa pag-asa at hamon ng pagdating ng kinabukasan,” wika ni Alvarado. Ni Jamaica Mae Tabor 9-Gold
5K Bulakenyo humakbang para sa mga OSY, atleta
HAKBANG PARA SA KABATAAN. Nilahukan ng mga magaaral mula sa buong Bulacan ang Walk for a Cause noong Setyembre 9. Larawan mula sa PGB.
Upang makalikom ng pondo para sa mga out-of-school youth (OSY) at atleta ng lalawigan tinatayang nasa 5000 Bulakenyo ang lumahok sa walk for a cause nitong Setyembre 9. Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangungunang Provincial Youth, Sports, Em-
ployment and Development Office (PYSEDO) ang “Hakbang sa Kabataan” kaugnay ng layunin ng pamahalaan na mapababa ang bilang ng mga batang hindi nakapag-aaral gayundin ang mapataas ang tsansang manalo ng mga atletang Bulakenyo. Nagsimula ang paglalakad ng mga
lumahok sa simbahan ng Barasoian at Mababang Paaralan ng Santisima Trinidad at nagtapos sa Tanghalan ng Sining at Kultura sa Capitol Compound. Umaasa si PYSEDO Chief Elizabeth Alonzo na mahihigitan nila ang isang milyong pisong nalikom noong nakaraang taon upang higit na marami pang kabataan ang matulungan. Ayon naman kay Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado maliban sa pagbibigay-pansin sa mga OSY mahalaga ring bumuo ng mga programang pampalakasan upang mahasa ang ating mga atleta at magbigay ng insentibo upang maitaas ang kanilang moral. Ilan sa mga napondohan ng mga nalikom na pera noong 2015 ay ang Pag-asa Youth Livelihood Program, Leadership, Team-building at Regional at General Assembly. Taunang inilulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ang proyektong ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pistang Singkaban. Ni Paulo Sta. Ana 9-Gold
SHS pinaghandaan
Badget itinaas ng 31% Upang makatugon sa pangangailangan ng mas malaking bilang ng mag-aaral ng Senior High School (SHS) para sa susunod na taon, tumaas ng 31% ang panukalang badget para dito ng Department of Education (DepEd). Umabot sa P546 bilyong piso ang hinihiling na badget ng DepEd para sa SHS sa 2017, kung saan 400 bilyong piso dito ay mapupunta sa mga pampublikong paaralang may SHS sa buong bansa. Dumoble naman ang alokasyon ng DepEd para sa SHS Voucher Program nito sa mga
pribadong paaralan na umabot sa 24 bilyong piso. Ang naturang halaga ay para sa tinatayang 1.4 milyong student grantees na magpapatala sa Grade 11 at 12 sa susunod na taon. Samantala, naglaan naman ang DepEd ng 1.38 bilyong piso para sa tinatayang 138,462 student grantees na magpapatala sa mga lokal at pambansang unibersidad at kolehiyo. Inilunsad ng DepEd ang SHS Voucher Program upang mabigyan ang mga mag-aaral at kanilang pamilya ng pagkakataong makapili ng pinakaangkop na SHS sa kanilang pangangai-
langan at nais na kurso. Nagbibigay ang naturang programa ng tulong pinansyal sa mga nakatapos ng Grade 10 na nagnanais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa mga pribadong paaralan, pampublikong unibersidad at kolehiyo, at mga paaralang teknikal at bokasyonal na may SHS. Sa kasalukuyan, nasa 4,486 ang mga pribadong paaralan na ang may SHS habang 220 naman ang non-DepEd Public Schools ang mayroon nito sa buong kapuluan. Ni Aila Marie Castillo 10-Rizal
Benipisyaryo ng 4P’s may karagdagang ayuda Isinama sa panukalang badyet ng D ep ar ment of S o cia l Welfare and Development (DSWD) para sa taong 2017 ang alokasyon sa probisyon ng 4P’s na pagkakaloob ng bigas sa mga benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4 P’s). Ayon sa nasabing probisyon ang bawat pamilyang benipisyaryo ay pagkakalooban ng 20 kilo ng bigas kada buwan. Tugon ito sa layunin ng pamahalaang higit na mapalawak at mapabuti ang serbisyo ng 4 P’s.
Sa halip na bigas, nais ng DSWD na rice allowance na lamang ang ipamigay upang hindi magkaroon ng problema sa pag-iimbak ng mga bigas sa kanilang bodega. Samantala,sinang-ayunan naman ni Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon ang planong ito ng DSWD na aniya ay mas praktikal na gawing pera ang rice subsidy nang sa gayon ay maging mas kapaki-pakinabang para sa mga benipisyaryo. Aabot sa P600 piso ang maaaring madagdag sa matatangggap ng bawat pa-
milya, ito ay ibinatay sa presyo ng bigas na P32.50 bawat isang kilo. Ayon pa kay Drilon ang karagdagang salaping ito ay napapanahon bunsod na rin ng patuloy na inflation sa bansa. Mula sa kasalukuyang P1,400 ay magiging P2,000 na ang matatanggap ng mga benipisyaryo. Nasa 23 bilyong piso ang hiling na badget ng DSWD para sa pagsasakatuparan ng proyektong ito. Ni Paulo Sta. Ana 9-Gold
DTI: Bawal nang magsukli ng kendi
PANININDIGAN. Ibinandila ng mga mag-aaral ng FCLNHS ang kanilang pagsuporta sa Nationwide Smoking Ban noong Oktubre 10 . Larawan kuha ni Adrian Soliman.
91% Lipanians pabor sa Nationwide Smoking Ban Nakararaming mag-aaral ng FCLNHS ang sang-ayon sa pagsasabatas ng executive order (EO) na magbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa ayon sa sarbey na isinagawa ng patnugutan ng ‘Ang Hardin’ noong Oktubre 18. Nang tanungin kung aprubado ba sila sa EO ni Panguling Rodrigo Duterte 91% ng mga respondents o kabuuang 510 ang
sumagot ng “oo” samantalang 9% lamang o 50 ang nagsabi ng “hindi”. Karaniwan sa pumapabor sa Nationwide Smoking Ban ay nagsabing alam nila ang dalang panganib ng second hand smoke sa kalusugan. “Dapat lang magkaroon ng ganyang ordinansa kasi maring smokers walang pakialam sa mga taong nasa paligid nila, kahit saan
20M Pinoy may maagang Pamasko mula sa DOH Tinatayang aabot sa 20 milyong Pilipino na walang kakayahang magpagamot ang pagkakalooban ng libreng check-up isang maagang Pamasko ng Department of Health (DOH). Kauganay ang proyektong ito ng inilunsad na “Duterte Health Agenda” sa National Health Summit noong Setyembre 15 s a P h i l ippi n e Int e r n a tional Convention Center (PICC) sa Pasay, City. Benipisyaryo ng n a s abi ng proye kt o ang m g a p a m i l y a n g P i l ipi nong walang kakayahang magpagamot na natukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng National Household Targetting System f or Pov e r t y R e du c t i on (NHTS-PR). Is a s ag aw a ang mg a check-up na ito katuw ang ang mg a l ok a l at internasyonal na health partners. Ayon kay Health Secretary Dr. Paulyn Jean B. Rosell-Ubial bahagi ang gawaing ito ng pagtupad sa “t hree healt h prom-
ises” na kanilang pinagsama-sama ang mga ipinaaabot na suporta mula sa iba’t ibang s ec tor at indibidwal na makakatulong sa pagkakaroon ng katuparan ng health agenda. Dagdag pa ni Ubial sa pamamagitan ng libreng check up na ito ay matutulungan ang mga nangangailangan na magkaroon ng malusog at mas mahabang buhay. Sasailalim ang mga benepisyar yo sa MRI (magnetic response imaging) at CT (computerized tomography) scan. Maliban sa mga nabanggit may iba pang m g a t e s t n a i s a s a g aw a sa mga pasyente gaya ng breast examination, digital rectal exam, cervical cancer screening , blood stool at urinalysis. Mayroon ring eye check-up para sa cataract screening. Ta r g e t n g D O H n a m a i s a g aw a at m at ap o s ang n atu r ang check - up bago dumating ang Disyembre 25.
Ni Reginald Garcia 10-Mabini
naninigarilyo,” wika ni Marirose Tobaldo, 10-Rizal. Samantala, ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial inaasahan ang paglagda ng pangulo ngayon buwan sa nasabing EO na halos katulad umano ng ordinansang ipinatutupad sa Davao City. Kapag ganap na naisabatas inaasahang magiging 100% smoke -free na ang Pilipinas. Magtatalaga naman ng mga
smoking areas na may layong 10 metro (33 talampakan) mula sa labas ng gusali batay sa draft ng EO. Ayon naman sa 2014 report ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance pumapangalawa ang Pilipinas sa Idonesia sa pinakamaraming bilang ng naninigarilyo sa rehiyon na tinatayang nasa 17 milyon. Ni Carlo Basilan 8 - Diamond
Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga tindahan at establisyimento matapos pormal na maisabatas ang Republic Act No. 10909 o ang “No Shortchanging Act of 2016.” Alinsunod sa itinatadhana ng bagong batas na ito dapat magbigay ng eksaktong halaga ng sukli sa mga mamimili para sa biniling produkto o binigay na serbisyo. Ayon sa DTI, maging ang nakaugaliang pagbibigay ng ibang produkto tulad ng kendi bilang kapalit ng halagang katumbas ng sukli ay ipinagbabawal rin. Nakasaad rin sa nasabing batas na tungkulin ng mga establisyimento ang paglalagay ng price tag kung saan dapat makikita ang eksaktong presyo ng bilihin kasama ang buwis at iba pang charges. “Ang kendi at iba pang produktong ibinibigay sa kostumer o mga mamimili ay hindi dapat ginagawang panukli at hindi dapat gamiting panukli sa anumang transaksyon ,” ani DTI Re-
gion III Director Judith Angeles. Dagdag pa ni Angeles, mahalaga ang kooperasyon ng mga kostumer at seller sa naturang batas upang maipagpatuloy ang sirkulasyon ng mga barya at maliliit na halaga ng pera sa ,mer kado.” Naatasang manguna ang DTI sa implementasyon ng batas na ito habang nasa kasagsagan pa ng pagtapos ng implementing rules at regulations nito. Lahat ng mahuhuling lalabag sa batas na ito ay papatawan ng 500 o 3% ng gross sales para sa unang paglabag, 5,000 o 5% ng gross sales para sa ikalawang paglabag, 15,000 o 7% ng gross sales at tatlong buwang suspensyon ng negosyo sa ikatlong paglabag at 25,000 na multa at pagpapasara ng negosyo sa ikaapat na paglabag. Imo-monitor ng mga tanggapan ng DTI sa bawat probinsya ang lahat ng maaaring lumabag sa RA 10909. Ni Jamaica Mae Tabor 9-Gold
F o t o b a m S a l i t a n g Ta o n 2 0 1 6 Itinanghal ang Fotobam na ipinasa ni Michael Charleston Chua bilang Salita ng Taon noong Oktubre 6, sa pambansang Kumperensya sa Wikang Filipino na ginanap sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman Campus. Napili ng mga eksperto ang Fotobam, pandiwa na ang ibig sabihin ay sirain ang eksena sa pamamagitan ng pagsingit sa kuwadro ng kamera habang may kinukuhanan ng ritrato. Kabilang sa 10 salitang pinagpilian ang bully na ipinasa ni Ronel Laranjo; foundling, ipinasa ni Christine Marie Magpile; hugot, ipinasa ni Junilo Espiritu; lumad, ipinasa ni Father Albert Alejo, SJ; milenyal, ipinasa ni Jayson Petras; meme, ipinasa ni Gerard Concepcion; netizen,
ipinasa ni Xavier Roel Alvaran; tukod, ipinasa ni Schedor Jacson; at viral na ipinasa ni Joselito delos Reyes. Bukod sa nahirang na Salita ng Taon, mayroon ding People’s Choice na ibinoto ng mga dumalo sa kumperensya, sa resulta lumabas na top 3 ang Fotobam , Hugot at Milenyal. Ayon sa Komisyon ng Wika ng Filipinas namayani sa diskurso ng Filipino sa nakalipas na taon ang 10 salitang ito na “dulot ng nauusong laro at teknolohiya, naging laman ng telebisyon, mga social network at balita o iniluwal ng sumabog na kontrobersiya sa politika at matinding kalamidad. Idinaraos ng Filipino Institute bof translation (FIT) ang sawikaan kada da-
lawang taon. Batayan sa pagpili ng salita ng taon ang kabuluhan ng salita sa buhay ng mga Pilipino, pagsalamin nito sa kalagayan ng lipunan, lalim ng saliksik ukol sa pinasang salita at ang paraan ng pagprisinta nito sa madla. Sa mga nakalipas na taon ay itinanghal na Salita ng Taon ang sumusunod: selfie (2014), wangwang (2012), jejemon (2010), miskol (2007), lobat (2006), jueteng (2005), at canvass (2004). Nailunsad ang Sawikaan 2016 sa pakikipagtulungan ng FIT sa KWF, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at UP Kolehiyo ng Edukasyon. Ni John Michael Gogola 10-Mabini
ALS higit pang palalawigin Ipinangako ng Department of Education ang pinaigting na Alternative Learning System (ALS) para sa mga Pilipinong tumigil o hindi nakapag-aral. Ayon kay Deped Secretary Leonor Magtolis Briones,ipapalaganap ang ALS sa mga rehiyon sa bansang di naaabot ng pormal na edukasyon. Kabilang sa mga sakop sa ALS ang mga huminto na sa pagaaral o mga kabataan at matatandang hindi nakapag-aral. Maaari silang turuan ng mga ALS Coordinators sa mga barangay hall basketball court o sa mga bakanteng lugar sa mga barangay. Ang mga makakatapos sa
EDUKASYON PARA SA LAHAT. Target ng deped na maabot ng ALS maging ang mga pinakaliblib na bahagi ng bansa. Larawan mula sa ALS ng Brgy. Sta. Rita
ALS ay kukuha ng Accreditation and Equivalency (A&E) Test na kapag naipasa nila (elementaryo o high school) ay maari nang magpatuloy sa high school o kolehiyo.
Ayon sa datos ng DepEd, umabot na sa 600,000 ang pumasa sa A&E Program at patuloy na nag-aaral. “Napakaliit pa ng bilang na ito kung ihahambing sa kabuuang
bilang ng gusto nating mahagip sa programa kaya lalong dapat na pagibayuhin ang ALS’”dagdag pa ni Briones. Ni Kenneth Gravamen 10-Rizal
Manindigan tayo
EDITORYAL
A
ng kalayaan sa pagpapahayag ay para sa lahat. Mismong ang kasaysayan ang magpapatunay sa kahalagahan ng pahayagang pangkampus. Saksi ang sambayanang Pilipino sa naging ambag ng mga kabataang gamit ang kanilang panulat ay naging kabahagi sa pagsupil sa pamahalaang diktador noong panahon ng Batas Militar. Malinaw na kinikilala ng pamahalaan ang karapatan ng mga kabataan sa pagpapaha - yag sa pagsasabatas ng RA 7079 o Campus Journalism Act of 1991. Ang naturang batas ay nagbukas ng oportunidad sa mga kabataan hindi lamang upang mahasa ang kanilang husay sa pagpapahayag kundi lalong higit upang matutunan ang kahalagahan ng katotoha- nan at pagiging patas. Mahalaga rin ang nabanggit na batas upang masigurong makatugon ang pahayagang pangkampus sa sagradong tungkulin nitong magmulat ng mga kabataan at mamamayan. Noong nakaraang taon, sa isang sarbey na isinagawa
ng Washington-based na Freedom House ukol sa kalayaan sa pagpapahayag, kasiya-siyang nanguna ang Pilipinas sa mga bansa sa South East Asia. Patunay ito sa malaking pinagbago sa estado ng pamamamahayag sa bansa kung saan tayo ay may kalayaang gamitin ang ating karapatan sa pagpapahayag at maging ang mga kabataan ay may puwang upang ipahayag ang kanilang mga saloobin. Isang paraan upang maipakita ang malasakit natin sa bayan ang hindi pagsasawalang-kibo sa mga isyung kinakaharap ng ating paaralan, komunidad at bansa at pagi- ging instrumento sa paghahatid ng katotohanan sa lahat. Isang pagkakataong maaaring magawa ng kabataan dahil sa pahayagang pangkampus. Bilang responsableng mamamahayag, isa sa pinakamalaking gampanin ng pahayagang pangkampus ang pagbibigay-kaalaman at pagtugon hindi lamang sa pangangailangan ng paaralan kundi maging ng komunidad. Tulad ng
media, ito ang nagsisilbing mata ng mga mambabasa. Tunay na isang malaking tagumpay sa hanay ng mga kabataang mamamahayag ang paninindigan at patuloy na pag kilos upang bakahin ang anumang pagtatangka na supilin ang kalayaan sa pagpapaha- yag at karapatang iparinig ang kanilang pananaw at saloobin sa mga usaping may kinalaman sa bansa. Patuloy na nagluluwal ang pahayagang pangkampus ng mga kabataang may sariling pananaw at pag-iisip. Mga kabataang hindi manhid sa panga- ngailangan ng komunidad at higit sa lahat ay mga kabataang hindi bulag at tikom ang bibig sa mga nangyayari sa paligid. Sa gitna ng mga hamon at suliraning kinakaharap ng bansa, walang puwang ang pagiging kimi at pagpapatianod lamang. Ang kalayaan sa pagpapahayag ay para sa lahat, isa itong hamon sa mga kabataan upang buong tapang na manindigan para sa katotohanan at kabutihang panlahat.
W a l a n g dapat ikahiya
Hindi pa huli
Diretsahan nico
K
ung kalusugan ang nakataya, bakit ka mahihiya? Upang matugunan ang suliranin sa malnutrisyon, anemia, impaired cognitive functions at iba pang problemang pangkalusugan nagsanib-pwersa ang Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) sa paglulunsad ng Nationwide Deworming Campaign o Integrated Helminth Control Program . Isa sa mapalad at muling nabisitang muli ang Felizardo C. Lipana National High School at napamahagian ng mga libreng gamot na pampurga. Nakadidismaya na marami na namang mag-aaral ang sinayang ang oportunidad na ito na mapabuti ang kanilang kalusugan. Sa humigit-kumulang na 1,500 mag-aaral sa paaralan, 419 lamang ang tumugon at nakilahok sa programa, ito ay nasa 28% lamang ng nasabing populasyon. Bagama’t ang bilang na ito ay bahagyang tumaas kumapara sa 144 o 7.6% noong nakaraang taon nakalulungkot pa ring isipin na hindi seneseryoso ng mga mag-aaral ang banta ng malnutrisyon at iba pang sakit dulot ng mga bulate. Sa halip ay pinagtatawanan pa ng nakararami ang mga kapwa mag-aaral na nagpasyang magpapurga. Bago pa lamang ang programa ay namahagi na ng mga waiver upang hingin ang permiso ng mga magulang ng mga mag-aaral kaya hindi maaaring ikatwiran na walang kamalayan sa magaganap na libreng pagpupurga. Nakaiinis na ang mayorya sa mga
Haraya
villafuerte
mag-aaral ay nagdadahilan na nahihiya sila kaya hindi nakilahok sa programang ito. Napakababaw na dahilan at ang lumampas na pagkakataon ay lubos na nakapanghihinayang. Hindi birong suliranin ang malnutrisyon at isa sa mga pangunahing sanhi nito ang helminth infection na maiiwasan sana sa pamamagitan ng regular na pagpupurga. Batay sa pag-aaral, anim sa bawat pitong mag-aaral ang may bulate sa kani lang tiyan partikular na ang mga batang may edad 2-5 at mga mag-aarala na may edad na 6-12 taon kaya naman kabilang ang Pilipinas sa talaan ng mga bansang pinakaapektado ng helminthiasis. Sanhi ang nasabing impeksyon ng tapeworm, thread worm, at round worm na naipapasa at pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng mga kontaminadong pagkain o mga pagkaing may itlog ng bulate mula sa dumi ng tao. Ayon nga kay Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado, dapat mamulat ang mga bata sa kahalagahan ng pagpupurga para sa kanilang sariling kalusugan. Malinaw na walang dapst ikahiya sa pagpapapurga, isang seryosong usapin ang malnutrisyon na sinisikap ng pamahalaan na matugunan. A n g n at u r a n g p r o g r a m a ay pinag-uukulan ng salapi at panahon at hindi dapat gawing tampulan ng katatawanan at kantyawan ang pakikilahok sa ganitong gawain, kung kalusugan na ang nakataya at tama ang ginagawa, wala tayong dapat na ikahiya.
Aila Mae Castillo
T
ugon sa daing ng Inang kalikasan. Hindi lingid sa atin na isang malaking suliraning kinakaharap hindi lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo ang Climate Change. Sa mahabang panahon ng pang-aabuso at kawalan ng malasakit sa ating Inang Kalikasan ay nararanasan natin ngayon ang mapait na bunga nito. Laman ng mga balita ang mga nakaaalarmang epekto ng Climate Change tulad ng pagkalusaw ng mga ice caps , hindi mabilang na insidente ng pagkamatay ng mga lamang-dagat at patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naitatalang buhawi at bagyo na nagdudulot naman ng pagbaha. Nariyan din ang dulot nitong Global Warming o patuloy na pagtaas/pag-init ng temperatura ng mundo. Sanhi ito ng maruruming usok na nagmumula sa mga sasakyan, pabrika at planta, pagsusunog ng mga basura at gayundin ng patuloy na pagkakakalbo ng mga kagubatan na sana’y gaganap sa pagpapanatiling tamang temperatura ng mundo. Sa pagbubukas ng taong-panuruan napagkaisahan ng mga bumubuo ng Supreme Student Government (SSG) na muling buhayin ang proyeko nito ukol sa Waste Segregation o ang pagbubukod-bukod ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok na isa sa mga
epektibong solusyon sa naturang suliranin. Noong Hulyo 27, naging matagumpay ang kauna-unahang paglulunsad ng nasabing proyekto sa tulong at kooperasyon ng bawat pangulo ng 41 seksyon sa buong paaralan. Malinaw na naihatid ng pamunuan ng SSG ang layunin nitong makibahagi sa pagsagip sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga basurang itinatapon kung saansaan sa pamamagitan ng paghihiwalay ng ma papel upang maibenta at mapakinabangan sa halip na sunugin at makadagdag sa lumalalang sakit ng kalikasan. Hindi maipagkakaila na may mga mag-aaral talagang walang pakundangan sa pagtatapon ng basura kung saan-saan ang hakbang na ito ng SSG ang magiging daan upang mamulat sila at magkoroon ng kamalayan sa kalagayan ng ating kalikasan. Bukod sa nakaiiwas na tayo sa pagsusunog ng basura ay nakatutulong din tayo sa pagbabawas ng mga naiipong basura sa mga kanal at iba pang daanan ng tubig na nagsisilbing sanhi ng malimit na pagbaha sa ilang lugar sa paaralan. Hindi ba’t noong nakaraang taon ay kapuna-puna na ang mga lugar na hindi naman dating binabaha ay nakararanas na ng pagbaha. Maliban dito ay naging suliranin din ang mabilis na pagbaha bagama’t hindi naman kalakasan
ang ulan. Tunay na kasiya-siya ang muling pagbuhay ng SSG sa proyektong ito, isa itong panggising sa mga kabataang tila ba walang pakialam sa ating kalikasan. Isang magandang ehemplo sila sa mga kapwa mag-aaral. Ang kanilang inisyatibo ay nagbigay-daan upang mahimok ang bawat mag-aaral na maging kabahagi ng solusyon sa suliraning pangkalikasan sa halip na makadagdag sa problemang ito. Tandaan natin na ang bawat isa ay may tungkuling kalingain ang kalikasan. Bilang mga responsa bleng kabataan ay malaki ang ating maiaambag kung ating maipapakita ang disiplina, malasakit at pakikiisa sa proyektong ito. Nawa’y huwag sawaan ang SSG sa kanilang proyektong ito, sapagkat kahit anong inam at ganda ng proyekto kung ningas cogon naman ay hindi rin natin mararamdaman ang benepisyong dulot nito. Ang kanila sanang alab at sigasig na ipinakita sa paglulunsad ng proyektong Waste Segregation ay magtuloy-tuloy hanggang sa huli.Ganoon din naman sa mga mag-aaral na patuloy sanang makiisa at isapuso ang gawaing ito. Isang pagsaludo sa SSG na hindi binigo ang mga Lipanians, kanilang pinatunayan na sila’y desididong tumupad sa kanilang pangakong sinumpaan.
PATNUGUTAN Punong Patnugot Je-Anne Kerlyn Antonio | Kawaksing Patnugot Kenneth Gravamen | Patnugot ng Balita Dimerlyn Ocap | Patnugot ng Editoryal Aila Marie Castillo, Jamaica mae Tabor | Patnugot ng Lathalain Mescheal Tacsan, Joyce Ann Santiago, Marirose Tobaldo | Patnugot ng Agham Reginald Garcia Patnugot ng Palakasan EJ Esguerra, Jimuel Simoun Eligio, Carlo Basilan | Tagawasto ng Sipi Paolo Sta. Ana, James Mago | Tagakuha ng Larawan Desserie Ligo, Adrian Soliman, Nicole Cervantes, Nico Villafuerte, Jasper Gregorio | Dibuhista John Michael Gogola, Jevenson Peñas, Jerico Salanggit, Jonel Camua, merry chris soriano | Kontribyutor Christian Ferrer,Jobert Rivera, Lovely Shane Garcia, Ria Remonida, Jemissy Cabinar, Krista Marie Cervantes, Trizhalyn Maglangit, Rozenn Sta. Maria | Tagapayo Gng. Janice A. Atenas | Kawaksing Tagapayo Bb. Marivi B. Lobederio Pang-Ulong Guro I sa Filipino Gng. Cecile C. Reyes | Punong Guro III Jesie L. Borja, Ph.D. Pansangay na Tagamasid sa Filipino Anastacia N. Victorino, Ph.D. Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Bulacan Romeo M. Alip, Ph.D., CESO V
Nilimot na bantayog
S u k a t a n n g T u n ay na Galing
Pitik-bulag
Mula sa STI College-Balagtas
paulo sta.ana
Christian Ferrer
K
amakailan lamang ay inilabas ng Department of Education (DepEd) ang DepEd Order no. 36 s. 2016 o ang Policy Guidelines on Awards and Recognition for the K to 12 Basic Education Program. Ang pagpapatupad nito ay kasabay ng implementasyon ng Republic Act no. 10533 o ang K to 12 Law. Layunin ng nasabing DepEd Order na baguhin ang umiiral na paraan ng pagsusuma ng marka ng mga mag-aaral na nagpamalas ng kanilang mga kakayahan sa loob ng paaralan. Kasama sa mga pangunahing nilalaman nito ang paghihiwalay sa pagpaparangal sa mga mag-aaral pagdating sa Academics at Extra-curricular activities (ECA). Ibig sabihin, hindi na isasama pa ang ECA sa basehan ng honors o mga mag-aaral na may karangalan. Isa rin sa layuning ng nasabing DepEd Order ang pagpapalit sa paraan ng pagpaparangal. Kung noo’y mayroong unang karangalan, ikalawang karangalan at susunod pa, ngayon ay papalitan ito ng May Pinakamataas na Karangalan kung ang mag-aaral ay nakakuha ng markang 98-100, May Mataas na Karangalan para sa makakukuha ng 95-97, at May Karangalan para sa magkakaroon ng 90-94 na marka. Walang bilang o limitasyon ang bilang ng mag-aaral sa bawat nasabing karangalan basta kwalipikado ang mga ito. Magiging maganda ito para sa mga mga-aaral upang lalo pang pagtuunan ng pansin ang akademiko at makapagpokus ng mabuti sa pag-aaral. Sa usaping
ECA, lubhang maaapektuhan ang mga mag-aaral na sumasali sa mga ito na running for honors. Ang iba ay sumasali sa mga ECA para sa karagdagang puntos. Subalit ang problema sa iba, mas pinaglalaanan nila ng higit na oras ang mga sinasalihan nila at halos wala ng pakialam sa kanilang academic performances, Kaya naman nagbibigay ng konsiderasyon ang mga guro at binibigyan ang iba ng oras upang makahabol. Subalit sa kabila nito, ang iba ay hindi tumutugon. Ang iba naman ay ginagawang dahilan ang mga pagsasanay o training upang hindi lamang makadalo sa klase. Ito ang kalimitang problema ng mga mag-aaral na sumasali sa ECA. Tama ang kasabihang “Hindi masusukat ang galing ng mag-aaral sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan” subalit hindi ibig sabihin ay ilaan ang buong oras sa labas ng klasrum at sumali na lamang sa mga paligsahan. Sa kabilang banda, hindi naman masasayang ang ibinuhos na oras para sa ma ECA dahil pararangalan at kikilalanin parin naman ang mga ito. Alam ng lahat na hindi biro ang pagsabak sa mga kompetisyon kaya marapat lang din naman na bigyan ng rekognisyon ang mga lumalahok dito. Sa pamamagitan ng nasabing DO, magkakaroon ng balanse at patas na batayan ng makukuhang marka. Mas matututunan ng mga mag-aaral na magproyoridad at balansehin ang oras para sa ECA at Academics higit sa lahat sa pamamagitan din nito magkakaalaman kung sino talaga ang mahusay at magaling.
P U L S O Gamit ang ano ang masasabi mo sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte?
Rheylenekeith Ramos, 7-Jasmin Para sa akin, parang hindi siya seryoso at ginagawa lang niyang katatawanan ang pagiging pangulo. Michelle Rodriguez, 7-Rosal Kahit na maraming namamatay, nababawasan naman ang mga adik na gumagawa ng mga karumal-dumal na krimen.
M
abilis na tumatakbo ang oras, mabilis na nagbabago ang buwan sa kalendaryo. Agarang naluluma ang mga uso. Maging ang mga tao ay kaybilis makalimot sa alaala ng nakaraan. Kasabay nang pagsulong ng makabagong teknolohiya. Pagsusulputan ng naglalakihang gusali, subdibisyon at pabrika ang unti-unting paglimot sa mga dambana ng kasaysayan . Ang lantarang pagsasawalang-bahala sa mga bagay na naging instrumento at bahagi upang makuha ang kalayaang tinatamasa natin sa ngayon. Isa sa tunay na nakadudurog ng puso ang mga
binasurang alaala at sakripisyo ng mga bayaning nag-alay ng sariling buhay. Isa ang Estacion de Guiguinto sa daan-daang sagisag ng yaman ng kasaysayan na ngayon ay naiwang nakatiwangwang, puno ng bandalismo, unti-unti nang gumuguho at nakapanlulumong isipin na gawa sa kapabayaan ay maaaring tuluyan nang maglaho. Marahil ay marami ngang hindi na nakababatid sa naging gampanin ng moog na ito hindi lamang sa kasaysayan ng ating bayan kundi maging ng buong bansa. Kaya’t halina’t magbalik-tanaw at alamin ang
Magbago Tilamsik
kasaysayan sa likod ng antigong recuerdo na ito. Itinayo ang nasabing gusali noong 1861 at ginamit hanggang sa mga huling taon ng dekada 70. Ito ay yari sa tisa at tunay na pinatibay ito ng pagsubok ng panahon at naging saksi sa madudugong digmaan. Itinuturing itong isa sa pinakamakaysaysayang lugar sa bayan ng Guiguinto . Saksi ang istrakturang ito sa pagharang ng mga katipunero sa isang ten galling sa Dagupan. Kung saan napatay ang anim na prayle kabilang si Fr. Leocadio Sanchez, noo’y paryale ng parokya ng Guiguinto.
ka
Hindi matatawaran ang naging gampanin ng moog na ito, isang gampaning hindi na napapahalagahan ng kasalukuyang henerasyon. Sa loob ng mahabang panahon, ito ay naging matingkad na bantayog ng katapangan ng ating mga kababayan. Kasabay ng paglilibing sa ating mga bayani ay tila nailibing na rin sa limot ang pagkalinga at pagpapahalaga sa Estacion de Guiguinto. Patunay dito ang mga taong daan-daan na lamang ang bantayog na ito at ni hindi man lamang pinaglalaanan ng panahong lingunin ito. Masakit, subalit ito ang katotohanan.
na aT
je-anne kerlyn antonio
I
kaw na naman. Kamakailan ay muling hinawakan ng Supreme Student Government (SSG) ang panghuhuli ng mga late sa kanilang klase sa umaga.Bunsod ito ng kapuna-punang mataas na bilang ng mga mag-aaral na hindi umaabot sa unang klase sa umaga(7:00 – 8:00). Lahat ng mga nasabing mag-aaral ay kinukuha ang pangalan, seksyon at pati oras ng pagdating upang mamonitor kung ito ba ay regular na nilang ginagawa. Ayon kay Aila Marie Castillo, pangulo ng SSG, ito ay isa sa pinakamahirap na gawain na naiatang sa kanila. Maging sila
umano ay nasasakripisyo ang unang klase sa umaga upang magampanan ang tungkuling ito. Sa tala ng SSG, halos bawat isang seksyon sa paaralan ay may late comers kaya’t hiniling ng pamunuan ng SSG ang tulong ng gurong tagapayo ng bawat pangkat. Batay sa pahayag ng isang mag-aaral na suki na sa listahan ng SSG, isa sa mga dahilan nang madalas na pagiging huli niya ay ang mas pinaagang simula ng klase, mula sa dating 7:30 nang umaga ay inilipat ito sa 7:00. Sa pamamagitan ng monitoring list ng SSG ay nalalaman
nila maging ng mga guro ang mga mag-aaral na habitual na ang pagpasok ng huli at nangagailangan nang matawag ang pansin ng mga magulang upang magabayan at mabago ang hindi magandang gawi na ito. Kumakatok ang pagbabago, kailan mo bubuksan ang pintuan? Hindi man maituturing na mabigat na paglabag ang pagpasok ng huli sa klase, ito ay isang negatibong gawi na kung makasanayan ay magkakaroon ng negatibong epekto sa pagaaral. Batay sa pag-aaral ng mga eksperto kung nakasanayan na ang gawaing ito ay maaaring ma-
dala hanggang sa pagtratrabaho, salamin din ito ng kawalan ng disiplinang pansarili ng isang tao, pagwawalang-bahala at pagiging matigas ang ulo na ipinakita sa paulit-ulit na paglabag sa kabila ng mga paalala. Hindi natin maaaring gawing katwiran ang mabagal na daloy ng trapiko o dili kaya’y ang layo ng ating mga tahanan sa paaralan itong mga bagay na ito bagkus ay dapat pauna na nating naisasaalang-alang at kung ito’y ating pinaghahandaan ay hindi sana tayo pumapasok ng huli. Kung tayo ay isa sa mga paulit-ulit na nahuhuli ng SSG huwag sana tayong magtaingang-kawali at matuto tayong disiplinahin ang ating sarili mayroon mang nagbabantay na mga SSG o wala. Kung tayo naman ay kabilang sa mga nagpapahalaga sa pagpasok nang maaga huwag sana tayong magbago at ipagpatuloy ang magandang gawing ito. Sana naman sa susunod na listahan ng mga late ay hindi ka na kabilang. Responsibilidad natin bilang mga mag-aaral ang sumunod sa mga patakaran at sa simpleng pagsunod na ito ay nasasalamin ang ating pagkatao. Maging responsable huwag laging late sa klase.
Rodessa Rebellon, 8-Sapphire Kasi ang daming namamatay at kung may kasalanan man sila ‘di kamatayan ang dapat ipataw maaari naman silang ikulong.
bukambibig
Mikhail Vince Villena, 10-Rizal Kasi nagawa niya yung dapat niyang gawin sa loob ng 100 araw at patuloy pa rin niyang inaabot ang pangarap niya para sa Pilipinas.
Anong teleserye ang maglalarawan sa pagdinig ng senado ukol sa extra judicial killings?
Jemissy Cabinar, 10-Ponce Sa lahat ng presidente siya yung nakita kong pinaka-aktibo at kahit diretsahan siyang magsalita idagdag pa yung pagmumura sa tingin ko may malalim pa rin siyang malasakit para sa ating bansa. Ernesto Casidsid, 10-Aguinaldo Dahil marami na siyang nabago sa Pilipinas at kahit na may may negatibong komento, kitang-kita pa rin yung mga pagbabago sa ating bansa. Kita naman yun sa satisfactory na rating niya sa sarbey. Mescheal Tacsan, 11-Compassion Kahit papaano yung mga sinabi niyang plataporma noong nangangampanya pa lamang siya ay unti-unti naman niyang tinutupad lalo na yung war on drugs. Joshua Villamater, 11-Prudence Sagrado ang buhay ng tao, ang dami ng namatay, may kasalan man o wala hindi dapat ganito ang nagiging kalakaran.
Magpahanggang wakas, palagay ko magpasahanggang wakas na aasa ang sambayanan na magkaroon ng linawa at tuldok ang usapin ukol sa summary executions. - Trizhalyn Maglangit 10-Rizal Tubig at Langis, yung hearing sa Senado hindi magkasundo-sundo, may kaniya-kanyang panig, ‘di pa natatapos ang pagdinig mayroon na silang kanya-kanyang hatol, kitang-kita naman yung mga pro at anti admin. -Maybelyn Antique 10-Rizal Someone to watch over me, dapat talaga maging ‘watchful’ tayo sa nangyayaring
pagdinig na ‘yan para Makita natin talaga kung sino ba ang nagsasabi ng totoo. -Krista Marie G. Cervantes 10-Ponce Sinungaling mong puso, naku talaga namang naglilitawan na ang mga sinungaling dyan sa pagdinig na ‘yan. Makikita mo yung inconsistency sa kanilang sinasabi. -Lucky Monte 7-Cattleya Doble Kara, sa pagdinig na ‘yan kitang-kita yung mga senador na balimbing at playing safe, panay pa pogi sa publiko ang ginagawa. -Merry Chrisse Soriano 11 Compassion On the Wings of Love, parang teleserye
talaga may mga lumulutang na love team. -Jevenson Peñas 10-Luna Encantadia, kung sino y ung mga maykapangyarihan sila-sila yung nagaaway, sa halip na magtulong-tulong para sa ikauunlad ng bansa. -Giselle Taroy 10-Mabini Hanggang sa dulo ng walang hanggan, hanggang kailan matatapos ang kaguluhan sa senado para matahimik na at magtulong-tulong na lang para sa bansa. -Jay-Ar Balidoy 10-Mabini
Perwisyo Bulong at Sigaw john michael gogola
I
nayos. Sinira. Namerwisyo. Hindi lingid sa mga Bulakenyo lalo na sa mga Guiguinteño ang perwisyong idinulot ng sinirang kalsada mula sa Sta.Rita hanggang sa Tabang isang buwan na ang nakalilipas. Ginawa ito upang umano’y mas ayusin ang mga sinirang kalsada pero sa halip na ginhawa ay perwisyo ang naging hatid nito sa madla. Kaawa-awang mga estudyante, namamasukan at mga komyuter na napakalaking abala ang pinagdaraanan sa arawaraw dulot ng nasabing daan. Kakailanganin nilang gumayak at umalis nang higit na maaga sa nakasanayan dahil talaga namang sobrang bagal na daloy ng trapiko ang kailangan nilang bunuin sa araw-araw at pag-uwi naman sa kanilang tahanan sa hapon ay ganoon din, maraming oras ang
nasasayang sa bagal ng byahe. Bukod pa rito’y talaga namang napakaputik ng kalsada, kahit na kaunting ulan lang ay lusak na lusak na ang mga daan. Hindi paman nakararating sa eskwelahan ay puno na ng putik ang mga sapatos maging uniporme ng mga pobreng estudyante. Maging mga jeepney drayber ay umaalma na dahil sa bukod sa apektado na ang kanilang kita sa naaantalang byahe ay malakas pa umanong makasira ng sasakyan ang lubak-lubak na kalsada. May mga motorista na ring naaksidente, mga motor na sumemplang, nagkabanggaang mga sasakyan gawa ng bukod sa maputik, baku-bako ay ma dulas pa na kalsada. Ilang buhay pa ba ang kailangang malagay sa peligro bago aksyunan itong suliranin na ito?
“Maayos naman yun eh, ewan ko ba kung anong tumatakbo sa isipan nila, kung kelan pinasok saka sinira,” wika ni Jobert Rivera mag-aaral ng FCLNHS na apektado ng sinirang kalsada. Tila nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan naman ang mga taong responsable sa pagaksyon sa nasabing problema. Maging sa facebook ay umabot na ang panawagan ng mga taong lubos na naperperwisyo nito. Hindi nga maintindihan ng publiko kung ano ba ang nagudyok sa gobyerno para sirain ang mga nasabing kalsada para lamang iwang nakatiwawang at wala man lang ideya ang lahat kung kelan ba kikilos para unti-unting ayusin ito. Nananawagan po tayo sa mga kinauukulan na bigyan na sana ng atensyon ang pagsasa-ayos
Bigyangpagkakataon muna
sa kalsadang ito. Kumakatok po tayo sa Department of Public Works and Highways Region III at sa ating pamahalaang lokal na buligligin na ang kontraktor nito para naman masimulan na ang paggawa sa kalsada. Nakahihinayang ang badget na nakalaan sa kalsadang ito dahil wala namang progreso. Hindi ba’t sa bawat kontratang pinapasok
ay mayroon dapat na target na petsa upang matapos ang isang proyekto. Wala bang deadline ang kontraktor nito, kaya tila pa –easy easy lang at pinabayaan nang hindi nagagagalaw ang kalsadang ito. Hindi tuloy maalis sa ilan ang panghihinyang at pag-iisip na mabuti pang inilaan na lang ang ginugol na badget sa naturang kalsada sa ibang proyektong mas
magsumikap ka
Punto
Sentido Kumon
joyce ann santiago
I
pinagpaliban na nga ang darating sanang Sangguniang Kabataan (SK) election gayundin ang kasabay sana nitong Barangay Election ngayong Oktubre. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsulong nito at bago pa man ang naturang pagpaliban ng SK at Barangay Election ay ilang taon na ring ipinananawagan ang pagbubuwag sa SK sa akusasyong ito ay nagiging training ground ng mga bagong korap na hanay ng mga kabataan. Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang panawagang ito ng ilang senador at mambabatas na tila nakalimot na, na ang ilan sa mga hanay ng magagaling nilang kabaro ay nagsimula bilang mga opisyal ng SK. Totoong mayroong ilang mga opisyales ang SK na nagsasamantala sa posisyon, tamad at walang naiaambag na magandang proyekto na nagkalat sa buong bansa, subalit ang kasalanan ng iilan ay hindi nararapat na pagbayaran ng lahat. Huwag sanang malimot ang naging ambag ng SK sa paghubog ng mga kabataang nagkaroon ng parangal at nagsilang ng mga mahuhusay na lider sa iba’t ibang larangan ng pamahalaan. Kamakailan ay sumailalim na sa reporma ang SK kung saan nagbuhos ng panahon upang amyendahan ang batas para mawala ang mga butas na nagiging daan upang magamit ito sa paggawa ng katiwalian. Hindi biro ang masinsinang konsultasyon at pag-aaral na ginawa ng Kongreso para mawala ng pag-uugnay dito sa katiwalian at kakulangan ng mga nagagawa para sa kani-kanilang nasasakupan. Kabilang sa pagbabagong ginawa sa SK ay ang pagtataas ng age requirement mula 15 sa 18 taong gulang pataas para mayroon na silang legal contracting capacity at kahandaan sa paggasta ng kanilang pondo at pagtatakda ng capability building at pagsasanay para maihanda sila sa liderato sa hinaharap. Isa pang magandang repormang naganap sa SK ay pagbuwag sa political dynasty , sa bagong SK hindi na papayagang tumakbo o maging opisyales ng SK ang mga anak ng barangay kapitan, mayor at iba pang opisyales. Hahayaan na lang bang ang panahon at salaping ginugol sa pag-amyendang ito ay masayang kung tuluyan nang hindi magkakaroon ng SK at higit sa lahat paano na ang mga kabataang may tunay na layuning makapaglingkod sa bayan? Ang mga mambabatas at senador na nanawagan sa pagbubuwag ng Sk sa halip ay dapat sanang silang tumutulong upang mabigyan ng pagkakataon na masubukan muna ang bagong reporma na posibleng kasagutan na nga sa mga butas sa SK at siyang magiging dahilan upang masumpungan natin ang isang tunay na pagbabago sa pagbuo ng hanay ng mga kabataang lider. Magpapatunay ang mga nakaraang panahon at ang mayabong na kasaysayan ng ating bayan mula pa lamang sa pakikipaglaban para sa kalayaan sa naging bahagi at ambag mga kabataan. Bigyang-pagkakataon nawa na subukan muna ang pagbabagong-bihis ng SK, maisip sana ng mga nananawagan sa abolisyon nito na hindi dapat alisin sa mga kabataan ang pagkakataong maging bahagi ng pagpapaunlad ng bayan. Mismong ang Santo Papa na ang nagsabing ang mga kabataan ay dapat makilahok sa pulitika. Malinaw na ang SK ay isang pagkakataon upang makatugon sa hamong ito. Masalimuot ang mundo ng pulitika, isang mundong handang pasukin ng mga kabataan sa ngalan ng pagnanais na makapaglingkod sa bayan. Mga kabataan na siyang mamamahala sa mga susunod pang henerasyon. Mga kabataang magiging susi sa pag-unlad at higit sa lahat mga kabataang tutugon at gagawa ng mga solusyon sa mga problemang matagal nang nagpapahirap sa sambayang Pilipino. Ihanda ang mga kabataan para sa paglilingkod sa bayan huwag silang alisan ng pagkakataong mapatunayan ang kanilang husay at malasakit para sa bansa. Ang pagpapaliban sanang ito sa halalan para sa SK ay hindi maging tuluyang daan para sa pagbubuwag nito, nawa’y sa susunod na taon at mai sagawa na ang muling pagluluklok sa mga kabataang lider. Bigyang pagkakataon muna ang naganap na reporma upang makita ang pagbabago, huwag limutin na nasa kamay ng mga kabataan ngayon ang kahihinatnan ng ating hinaharap.
jevenson peñas
100
re a d s . 1 0 0 c om ments. 50 shares. At ipa-publish ko ‘to. Usong-uso sa social media sites partikular na sa facebook ang iba’t ibang challenge ukol sa paghingi ng mga likes, comments at shares mula sa mga facebook users kapalit ng isang bagay. Mayroong nanghihingi ng keyk para sa kanyang debut, libreng kain sa restaurawrant, scholarship, donasyon para sa mga katutubo at kung ano-ano pa.
Kaakibat ng naturang challenge ang isang hindi magandang gawi na maaaring makasanayan… Ang pagnanais na makamit agad ang isang bagay na hindi pinaghihirapan. Kung pagbubulay-bulayan ang naturang challenge na patuloy na pumapatok sa mga kabataan ay marami na nga ang pumupula dito. May mga naba-bash na nga nang sobra dahil dito. Pero may ilan pa ring patuloy na sumasakay sa uso sumusunod, tutal napakadali
nga lang namang mag-click para sa likes, shares at comments. Sa totoong laban ng buhay lahat ng bagay ay paghihirapan mo bago tuluyang makamit. Bagama’t sa mundong ating ginagalawan na unti-unting ang lahat ay nagiging instant hindi natin maitatanggi na ang madaling makuha ay madali ring itapon o madaling palitan. Dahil sa hindi alam ang tunay na halaga gawa nang hindi pinaghirapan para makuha. Kung ang buhay nga ay m a d a d a an n a l ang s a
Pagkain ng Kaluluwa
pag-like,comment at share anong klaseng mga kabataan na nga ba ang sisibol sa ating henerasyon? Ito nga’y isa na namang halimbawa ng pagurong sa halip na pagsulong. Tunay nga namang kakaiba ang mga kabataang kung tagurian ngayon ay millenials. Masyadong malikot ang utak, masyadong malawak ang imahinasyon. Mula sa simpleng trip na sinakyan ng marami at tsaran!!!.. parang virus na kumalat at infected na ang mga kabataan. Pinagpalang henerasyon. Walang hirap. Walang pagod. Pero puro reklamo. Hindi masamang makiayon at makibagay sa sistemang umiiral. Umayon sa sistema ngunit huwag magpakain sa sistema. Aba’y kung may gusto ka ay magsumikap ka.
Liham sa Patnugot
Mateo 26:41
Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong mapasok sa tukso. Ang espiritu nga ay nagnanais ngunit ang katawan ay mahina. Maituturing na isang malakas na sandata ang pananalangin. Madali tayong magagapi ng mapaglarong mundo kung wala ang sandatang ito. Ngunit minsan ika nga ni Heneral Luna “ Hindi ang mga dayuhan ang tunay na kalaban kundi ang ating sarili.” Malinaw na isinasaad ng Bibliya na tayo’y dapat na manalangin sa lahat ng sandali, sa anumang pagkakataon. Manalangin tayo ang sitwasyon man ay pumapabor sa atin o hindi., tayo man ay nasa rurok ng tagumpay o dumaranas ng dagok ng kabiguan. Anuman ang ating kalagayan hindi natin dapat iwaglit ang pananalangin. “Hindi naman ako sinasagot ng Diyos, bakit kaya ang tagal ng kanyang tugon?” Mga katagang malimit nating marinig. Hindi kailanman naging bingi ang Diyos sa ating mga panalangin at kahit kailan ay hindi pa siya nahuli. Sadyang nagmamadali ka lang. Kalma! Inihahanda ka lamang niya, Siya ang higit na nakababatid kung ano ang nararapat at higit na makabubuti para sa atin. “Panginoon at hindi Pahinginoon”, nakatatawang pahayag ngunit kung pagbubulayan ay ito ang realidad. Alam ang pananalangin ngunit ang tunay na dahilan sa likod ng pananalangin ay tila kinapos ang tao. Tila ginawang ATM Machine ang pananalangin, withdraw ng withdraw ngunit wala ni katiting na dinedeposito. Isang malakas na instrumento ang pananalangin,gawin natin ito hindi lamang tuwing tayo’y may nais o pangangailangang hinihiling sa Diyos bagkus ay ugaliin natin ito upang ang espiritu ay sumukob sa atin at bigyan tayo ng kalinawan ng isip at puso na lumayo sa mga bagay na magbubulid sa atin sa paggawa ng masama. Tunay na ang pusong taimtim na nananalangin ay bibigyan ng kalakasan upang iwaksi ang mga tukso ng sanlibutan.
kapaki-pakinabang tutal naman eh maayos, buo at matinong nadaraanan ng mga motorist ang kalsada na iyon bago nila sinira. Panawagan po sa lahat ng responsable at dapat umaksyon dito. Marami na po ang lubos na napeperwisyo kaya naman po, Hoy Gising!
Mahal na Patnugot,
Sa iyo Raymond,
Lubos po akong nagpapasalamat sa kabuuan ng patnugutan ng Ang hardin dahil sa pagiging mata at tainga naming sa loob at labas ng paaralan. Maraming salamat po sa inyong matapat na paglalahad ng mga kaganapan sa paaralan maging ng mga kamalian at kakulangan nito. Gayundin naman pos a magagandang balita na nakakapagpa-proud sa akin na maging magaaral ng felizardo C. Lipana National High School. Isa rin pong sanhi ng aking pagsulat ay ang panagawan na magawan sana ng aksyon ang pagbaha sa paaralan sa tuwing umuulan hindi lamang sa covered court kundi pati sa mga hallway na nagbubunga ng labis na pahirap sa mga estudyante at maging sa mga guro. Ito po ang aking unang taon sa paaralan at kaya ko po naisipang idulog ito ay ayoko pong maranasan ng mga susunod pang mga estudyante ang sitwasyong ito tuwing panahon ng tag-ulan. Nawa’y kayo po ang maging daan upang maiparating sa mga kinauukulan at mabigyang-pansin ang suliraning ito. Pauna po ang aking lubos na pasasalamat. Pagpalain po kayo ng Panginoon.
Maraming salamat sa pagbibigay ng oras sa pagbasa n gating pahayagang pangkampus. Isang makaling karangalan sa amin ang maging mata at tainga ng mga estudyanteng tulad mo. Asahan mong patuloy kaming magiging instrumento sa pagpapahayag ng katotohanan. Nakatutuwang sa murang edad mo ay may pakialam at malasakit ka na sa mga nangyayari sa iyong paligid. Huwag kang mag-alala ikaw ay makakaasang ipararating naming sa kinauukulan ang iyong hinaing at babantayan ang agarang pagtugon ditto. Muli salamat at umasa kang higit pa naming pagbubutihin an gaming trabaho upang mapahusay pa an gating pahayagan dahil karapatan ng bawat mag-aaral na maging maalam sa mga pangyayaring may kaugnayan sa paaralan at kapakanan ng mga magaaral. Mula sa buong patnugutan ng ang Hardin, salamat at pagpalain ka ng Diyos.
Lubos na gumagalang, Raymond Bermudez I-Orchids
Hanggang sa muli, Ang Patnugot
Huwag na
bukambibig Ano ang masasabi ninyo naging pasya ng Korte Suprema na pahintulutan ang paglilibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani?
Pagtanaw at Pananaw
Nakakalungkot, kasi parang na overshadow na yung mga naganap dati. Ma’am Marilen Paguio FCLNHS Guidance Counselor
marirose tobaldo
H
indi pa rin mamatay-matay ang isyu ukol sa pagbabago ng school calendar sa buong bansa. Mariin itong sinasang-ayunan at itinutulak ng mga mambababatas na anila’y mas makakatulong pa sa lahat at makakaiwas sa mga paparating na kalamidad na nagiging sanhi ng suspensyon ng klase. Hati pa rin ang opinyon ng nakararami sa usaping ito bagama’t dito sa ating lalawigan may mga kolehiyo at unibersidad na tulad ng Bulacan State University na nagbago na sa kanilang ‘school calendar’ at sinimulan ang pasukan nang Agosto subalit nagkaroon lang ng mga katawa-tawang komento tulad nang, nung ilipat ang pasukan ay lumipat din ang dating ng mga bagyo ng Agosto kaya nagkaroon pa rin ng kanse-
lasyon ng mga klase. Ang ganitong pagbabago ay hindi lamang magdudulot ng malaking adjustment sa mga mag-aaral kundi maging sa mga guro. Nakasanayan na natin ang bakasyon tuwing tag-init kung saan nagkakasama-sama ang pamilya. Kung ang pag-ulan ang nagiging dahilan ng ilan sa pagsusulong ng pagbabagong ito ay nakita naman natin na maging ang buwan ng Agosto tulad din ng Hunyo ay hindi naman nakaliligtas sa pagdating ng mga bagyo. Isa pang nagiging dahil sa kagustuhang baguhin ang school calendar ay upang makatugon sa panawagan ng ASEAN Economic Integration.Masyado naman ata tayong sumusunod sa kumpas ng kamay ng mga dayuhan. Sa halip na ang pagtuunan ng pan-
sin ay ang pagbabago sa school calendar hindi ba’t mas magandang solu- syunan na lang ang mga lumalalang suliranin sa edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan, libro at marami pang iba. Hindi natin mapipigilan ang hagupit ng kalikasan lalo pa ngayon daman a natin ang epekto ng pabago-bagong panahon (climate change). Sa dinami-dami ng bagyong tumatama sa Pi lipinas taon-taon, hindi ba’t kahit baguhin natin ang pasukan ng mga mag-aaral ay tatamaan pa rin tayo ng bagyo sa ayaw at sa gusto natin? Huwag nang baguhin ang nakasanayan. Hindi ang school calendar ang problema kaya huwag nang pag-aksayahan ng panahon ang hindi matapos-tapos na argumento ukol dito.
Saludo kami sa iyo Kuntil Butil Jimuel simoun eligio
M
atapos ang dalawang taong pakikipagbuno sa sakit na kanser tuluyan na nga binawian ng buhay ang itinuturing na Iron Lady of Asia na si Senadora Miriam Defensor-Santiago noong Setyembre 29. Sa edad na 71 taon kung saan halos kalahati dito ay ginugol niya sa paglilikod sa bayan ay nagpaalam na ang senadorang iniidolo at nagging popular sa mga kabataan. Kaisa ng kanyang naiwang pamilya ang buong sambayanang Pilipino sa pagdadalamhati. Kaliwa’t kanang papuri at pasasalamat ang ipinaabot sa naulila nitong pamilya. Ngunit huli na nga ang lahat para sa magagandang salita dahil hindi na ito maririnig ng senadora at higit sa lahat ay hindi na muling mabubuhay ng mga salitang ito ang idolo ng mga kabataan. Ika nga ng naiwan niyang kabiyak sana ay nabanggit ang mga naturang papuri noong buhay
M
ainit na usapin magpasahanggang ngayon ang pagmumura ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa harap ng madla ukol sa pakikialam ng iba sa paraan ng kanyang pamamahala partikular na nga sa isyu ng extra judicial killings (EJK) sa pagsugpo ng illegal na droga sa bansa.Nababahala na nga ang marami sa pagbibitiw ng maaanghang na salita ng Pangulo sa ibang bansa at sa iba pang banyaga, partikular na sa Estados Unidos na isa sa mga kasangga ng Pilipinas. Maliban kay US President Barrack Obama matatandaan ding tahasang minura ng Pangulo ang United Nations (UN) at European Union (EU). Bagama’t sinasabi ng mga kaalyado ng Pangulo na ang pagmumurang ito ay bukambibig lamang at ekspresyon ng Pangulo hindi natin maitatanggi na nagbibigay ito ng negatibong imahe sa ating bansa. Dahil sa pagkaalarma sa patuloy na pagdami ng pagpatay sa bansa na may kaugnayan sa droga
pa ang senadora. Napamahal at inidolo ng sambayanang Pilipino si Sen. Santiago sa pagiging matapang at prangka nito. Walang labang inuurungan, walang argumentong sinusukuan. Hindi tulad ng ibang politiko kailaman ay hindi nabahiran ang kanyang pangalan ng isu tungkol sa korapsyon sa katunayan siya ang numero unong galit sa mga korap. Naging popular rin siya at paborito ng mga kabataan dahil sa kakaiba niyang paraan ng pagpapahayag sa pamamagitan ng paggamit ng mga hugot at pick up lines na tunay namang nakakapukaw ng pansin at nag-iiwan ng marka. Ang kanyang mataas na sense of humor ay isa lamang sa napakaraming patunay ng angking talino ng senadora. Tinangkilik ng marami ang kanyang librong ‘stupid is forever’ at nagkaroon pa ito ng kasunod ang ‘stupid is forever more, na kapwa nagkaubusan
pa ng mga kopya nito sa National Bookstore noong unang pagkakalathala. Sa bawat hugot at pick-up lines ng senadora ay kuhang-kuha niya ang mga kabataang Pilipino. Kasabay ng pagsiklab ng nakalulungkot na balita ng kanyang pagpanaw ay siya rin paglabas ng mga tao mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na nagpapatunay na may ginuntuang puso ang senadora. Sa likod ng palasigaw, masungit, palaging nakakunot na noo ay nagtatago ang isang huwarang ina at mapagkalinganng asawa. “Hindi ko alam ang katapusan ng universe, pero alam ko ang simula,” ito ang isa sa mga tanyag na banat ng senadora. Pero ngayon tila alam na ng sambayanang Pilipino ang katapusan ng universe. Paalam Senadora Miriam Defensor Santiago. Sabi nga ng marami, paalam “..to the best President we never had.”
Hindi ako pabor doon kasi maraming naapi sa panahon ng Martial Law, maraming nasakripisyong buhay dahil sa pananaw niya sa pulitika. Gng. Editha Morante, Master Titser I sa Araling Panlipunan Tama lang naman iyon na mailibing siya sa Libangan ng mga Bayani dahil marami
Ok lang, bilang isang dating sundalo at pangulo deserve niya yun. G. Alfredo Santos FCLNHS Clerck Bilang dating pangulo pribilehiyo ni Marcos yun, nagpasya na ang Korte Suprema at iyon ay dapat nating igalang. G. Arnel Alcaraz SSG Adviser
Pabor ako diyan, panahon na naman para mag-move on tayo, sabi nga nila talikuran ang nakaraan at harapin ang kasalukuyan. Gng. Josephine Valencia FClNHS Faculty President Sang-ayon ako sa pasya ng Korte Suprema kasi para sa akin karapatan niya yun kung marami man ang galit sa kanya dahil sa Martial Law isipin din natin na marami siyang nagawa para sa bansa. G. Guilbert Cajigal FCLNHS Guard
Maling-mali Gintong Diwa jamaica mae tabor
P
angalawang magulang kung ituring ang ating mga guro, sila ang walang sawang gumagabay, nagmamalasakit at nagtuturo hindi lamang ng mga aralin kundi maging ng mga aral ng buhay. Kaya naman labis na nakalulungkot ang balitang isang guro ang pinaslang ng kanyang sariling mag-aaral sa loob mismo ng paaralan habang siya ay gumaganap sa tungkulin. Nitong Setyembre 13, kinitil ang buhay ni Gng. Vilma Cabactulan ng Pedro ‘Olay’ N. Roa Senior High School sa Cagayan de Oro ng mga mismong mag-aaral na kanyang tinuturuan. Lahat ng mga suspek ay pawang menor de edad at ang mismong sumaksak sa guro ang 15-anyos lamang. Isa itong nakaaalarmang pangyayari lalo pa’t lumalabas sa imbestigasyon na ito ay hindi biglang bugso ng damdamin lamang ng mga suspek kundi talagang pinagplanuhang pagpatay. Tunay na ang insidenteng ito ay naghatid ng trauma hindi lamang sa mga mag-aaral na nakasaksi ng krimen kundi maging sa lahat ng guro sa buong kapuluan na tila baga ang buhay pala nila ay maaaring mawala sa isang iglap lamang. Sa simpleng pagsaway sa paggamit ng cellphone at pangangaral sa kanila ukol sa madalas na pagliban ng klase ay nakuha ng mga kabataang ito na gumawa ng ganitong karumal-dumal na krimen. Malinaw na nakasaad sa DO 70, s.1999 na ipinagbabawal ang paggamit ng mga cellphone sa oras ng klase dahil sa nakaaagaw ito ng atensyon ng mag-aaral at kung minsan ay nagiging kasangkapan pa sa pandaraya sa mga pagsusulit kaya naman masasabing may karapatan at nasa tama lang ang guro sa pagsaway sa mga naturang estudyante. Kakila-kilabot na ang mga menor de edad na sangkot sa krimeng ito ay hindi nahintakutan na gumawa ng ganitong krimen. Mga kabataang dapat sana’y natututo ng mabubuting asal at gawi ngunit sa halip ay nagpamalas ng kawalang-utang na loob sa taong nais lamang silang mapanuto at maituwid. Sa ngayon ay binabalak ng Department of Education (DepEd) na higit na tutukan ang
Maghinay-hinay lang Matang Mapanuri e.j. Esguerra
ay minabuti na ng ilang mga bansa at asosasyon na magbigay ng kani-kanilang payo o mungkahi sa pamahalaan. Nakalulungkot na sa halip na pagmuni-munihan ang mga payo at mungkahing nabanggit ay ikinagalit ito ng Pangulo at walang habas na pinagmumura at sinabi pang magsi-alis na ang mga sundalong Amerikanong nasa bansa. Nagbanta rin ito puputulin ang anumang pakikipag-ugnayan sa Amerika at dagdag pa rito ay ang pagkalas ng Pilipinas sa UN. Sa ginagawang ito ng Pangulo, naaapektuhan at maaapektuhan pa ang mga negosyo, employment , relasyon natin sa iba pang mga bansa at higit sa lahat sa
siyang naiambag sa bayan bilang pangulo. Kgg.Ponciano Pingol Kapitan ng Brgy. Sta. Rita
‘mental health needs’ ng mga estudyante at mga guro, isang panimulang hakbangin upang hindi na maulit pa ang ganitong insidente.Isinailalim din sa ‘stress debriefing’ ang lahat ng mga magaaral nakasaksi bunsod nga ng takot na inihatid nito sa lahat. Hindi dapat malimot ang insidenteng ito, mula dito ay dapat lamang na bumalangkas ng mga batas na dapat ay magpoprotekta at mangangalaga sa kapakanan ng mga guro. Hindi dapat mauwi sa wala ang isang buhay na nasayang na dapat ay makapagpapanday pa ng maraming isipan at makapagbabago pa ng ating mga buhay. Hindi dapat magbulag-bulagan at magbingi-bingihan ang DepEd sa hinaing ng mga gurong ngayon ay nakadarama nang pagkabahala sa kanilang sariling seguridad kung mismong mga batang kanilang itinuturing na mga anak pala ay makagagawa ng ganitong kahindik-hindik na krimen. Tayong lahat ay sangkot dito, hindi lamang ang ating mga guro. Lahat dapat ay makiisa sa panawagan ng mga gurong ito. Nawa’y sa ating mga puso ay itanim natin na sila ay hindi natin mga kaaway. Kung napagsasabihan at napangangaralan man tayo ay para ito sa ating ikabubuti. Kailanma’y walang guro na magnanais na tayo ay malihis ng landas kaya tuwina’y lagi silang nariyan upang tayo ay paalalahanan. Mga paalalang hindi natin dapat ikasama ng loob bagkus ay dapat na ipagpasalamat. Hindi ba’t ang ating mga magulang ay pinagsasabihan tayo kung may nagagawa tayong mga pagkakamali kaya naman ang ating mga guro ay gayundin sapagkat tunay silang nagmamahal at nagmamalasakit sa atin. Nararapat lang na maging aral ito at magmulat sa ating mga mata.Sila na nga itong tumutulong sa atin, sila pa ang gagawan ng masama. Silang mga humubog at nagturo sa atin ay nararapat lamang suklian ng mabuting gawa. Sila ang nagturo sa atin ng pagbasa, sila ang luminang ng ating mga talento, sila na minsan ay hindi natin man lang magawang pasalamatan. Matuto tayong tumanaw ng utang na loob, dahil kung hindi dahil sa kanila wala tayong nalalaman sa ngayon.
mga kababayan nating nasa ibang bansa at naghahanap-buhay. Wi k a ng a n i S e n a d or Senador Dick Gordon ay nadadapa ang presidente sa kanyang sariling espada. Tinuligsa niya ang pangulo at sinabing bilang presidente mayroon itong tungkulin na maging statesman kaya dapat ay mag-ingat sa mga pahayag na nagbibigay ng maling pananaw sa mga taga-ibang bansa sa Pilipinas. Nagpasaring pa ito na kung lagi na lang masama na pananalita ang maririnig sa presidente, maaaring baguhin na rin ang slogan ng turismo sa bansa bilang “Welcome to P.I”. Ibinoto siya ng nakararami dahil sa paniniwalang siya ang magdadala ng pagbabago sa ating bansa. Magpasahanggang ngayon ay marami pa rin ang naniniwala at sumosuporta sa ating pangulo. Nawa’y ang mga taong ito na patuloy na kumakapit sa kanya ay huwag niyang biguin. Kung sinsero tala ang pangulo sa pagbabagong kanyang sinasabi makabubuti sigurong ito’y simulan niya sa kanyang sarili.
Matuto sana siyang kontrolin ang kanyang galit at magpigil sa pagsasabi ng mga salitang sa huli ay kailangang ihingi ng paumanhin o depensahan ng kanyang mga kaalyado na nami-misinterpret lang ito ng media. Kailanman ay hindi masama ang kalayaan sa pagpapahayag, ito ay karapatan ng lahat. Subalit ang bawat karapatan ay may kaakibat na responsibilidad at pananagutan. Paminsan-minsan lahat naman tayo ay talagang nakapagbibitiw ng maaanghang na salita , ngunit tila ba ang pangulo ay sumobra na. Dapat lamang na bilang lider ay batid niyang ang bawat kanyang gagawin at sasabihin ay magkakaroon ng epekto hindi lamang sa kanya kundi sa buong sambayanan. Kalma lang po mahal na pangulo. Maghinay-hinay po tayo sa pagbibitiw ng masasamang salita sapagkat relasyon, reputasyon at higit sa lahat ay kinabukasan ng buong Pilipinas ang nasa iyong mga bibig este kamay po pala.
Idol ko si Titser
Sa kaayus
Ni Mescheal Tacsan, 11 - Compassion
Hindi man sila yung tipong napapanood natin sa telebisyon, o nakikita sa mga naglalakihang billboards sa EDSA, may super powers tulad nina Superman at Wonderwoman, sapat na ang kanilang pagiging huwaran at katangi-tanging katangian upang sila’y hangaan sa paaralan. Sila ang mga gurong walang sawang nagtuturo, nagmamahal at nagmamalasakit sa mga estudyante at paaralan. Ilan lamang ang mga guro sa ibaba sa mga gurong magandang ehemplo sa kabataan at sa bayan.
Sa tiyaga at kasipagan
Josephine M. Valencia 29 sa pagtuturo Matematika “Kapag masipag ka, mararating mo ang pangarap mo sa buhay.”
Kahit gaano kahirap ang pinagdaanan ng isang tao kasipagan ang kanyang magiging sandata tungo sa tagumpay. Mula sa pagiging isang “working student” ay naging guro siya at ngayon ay nakapagpatapos na ng mga anak. Determinasyon, dedikasyon, disiplina at pananampalataya sa Diyos ang mga bagay na dala-dala niya mula pa pag kabata. Mahalaga sa kanya ang umuwi ang bawat estudyante na may dalang dunong mula sa kanya. Ang kanyang determinasyon at kasipagan pagdating ng panahon ay maaalala ng mga mag-aaral ito.
Trabaho sa paaralan. Trabaho pa sa tahanan. Pinalawak ang ating kaisipan. Pinaunlad ang ating kaalaman. Itinuturing na bayani ng ating bayan. Kung wala sila, sinong papanday ng ating isipan. Wala na ngang iba kundi sila lamang. Nagmamahal at nagmamalasakit tulad ng ating magulang. Sa kanilang pagtuturo, Iba’t iba ang estilo. Ngunit tiyak na iisa lamang ang tungo, Na lahat ng batay matuto at mapanuto.
Imelda P. Santoyo
Josefina Q. Leoncio
27 sa pagtuturo Matematika
10 sa pagtuturo TLE
“’Pag masipag ka, marami kang maibibigay sa bata na pakikinabangan niya sa hinaharap.”
Kilala siyang guro na “papasok sa oras at lalabas sa oras”, para sa kanya ultimo segundo ng kanyang klse ay mahalaga. Ayaw niyang lumipas ang isang araw na wala siyang naiaambag sa mga magaaral niya. Hindi dahil sa sweldo kundi dahil sa pagmamahal niya sa kanyang trabaho kaya naman nais niyang masulit ito. Sa tagal ng kanyang pagiging guro hindi lang ang kanyang propesyon ang kanyang mahal kundi bawat batang dumadaan sa kanya.
“Nakatutuwang isipin na kahit hindi ko sila estudyante may mga batang bumabati sa akin kahit ‘di ko sila kilala.”
Guro, nars sa klinika ng paaralan, at pati pagpapayabong ng hardin kaya niyang pagsabay-sabayin lahat ng iyan. Bagama’t maraming nakaatang sa kanyang gawain ay hindi siya nagreklamo kailanman bagkus ay taos-puso niya itong ginagampanan. Sa tuwing nakapag-aalaga siya ng mga batang maysakit ay pakiramdam niya ay ito ay kaniya ring anak.
Ilaw Ni Joyce Ann Santiago, 10-Rizal
Tinulungan tayong buuin ating pagkatao, harapin ang kahinaa’t paglabanan ito, Doktor ka man, arkitekto o inhinyero, Hindi mo makakamit iyan kung wala ang guro mo. Paano nga ba mapasasalamatan, Sa lahat ng ginawa para sa kabataan? Minsa’y inuuna pa ang iba , bago ang sariling kapakanan. Mabuhay ka aming guro. Alab ng puso sa pagtuturo’y Huwag sanang maglaho. Mabuhay ka aming guro, Buong puso kami’y nagpupuga’y Sa iyong ambag sa aming buhay.
Maria Cecilia C. Santiago 14 sa pagtuturo Agham
“Sa pagiging disiplinado makakakuha ka ng respeto.”
Naging kilala sa paaralan dahil sa kanyang husay sa kaayusan at pagpapasunod sa mga magaaral.Ayon sa kanya mahalagang ang disiplina ay magsimula sa sarili. Ayon sa kanya, bahagi ng pagi ging disiplinado ang pagtupad sa kung ano ang sinabi mo.Naniniwala siyang magmula dapat ang pagsunod ng mga estudyante hindi sa takot kundi dahil sa respeto. Mas nakakaengganyong magturo kapag alam mong nirerespeto ka at may kaayusan.
“Ginaga ang alam kon
Sa pagmama Melissa P. Adzuara 9 sa pagtuturo Araling Panlipunan
“To teach is to touch lives forever.”
Juan Men
14 sa pa Araling Pa
“Love t before y
Ang pagmamalasakit sa mga estudyante ay nararapat hindi lamang dahil sa iyo itong tungkulin kundi dahil mahal mo sila at gusto mo ito. Kapag nagmamalasakit ka sa bata nalalaman mo ang kanilang kalagayan sa buhay at sa anong pararan ka makatutulong. Bilang tumatayong ina sa klase natutunan niyang mahalagang kilalanin niya ang kanyang mga estudyante sa ganitong paraan ay mas naakay at nagagabayan niya ang mga ito.
Munting
Huwag mo sanang damdamin kung ang bumungad sa iyong umaga ay ang pangaral niya dahil nahuli ka na naman niyang nahuli ng pagdating sa klase. Maunawaan mo sanang ayaw lamang niyang mapag-iwanan ka bunga nang paulit-ulit mong pagiging huli. Huwag mo sanang ipagtampo kung napagsabihan ka niya nang mahuling hindi ka nakikinig sa klase. Maunawaan mo sanang napuyat siya kagabi upang mabuting mapaghandaan at maipaunawa sa iyo ang aralin kaya ganoon na lamang ang pagdaramdam niya nang makitang hindi mo pinahahalagahan ang pag-aaral.
t h m n b n n t n p n l s a a k
Huwag mo sanang ikainis kung pi niya tuwing hindi ka gumagawa ng tak lin. Maunawaan mo sanang hindi ni kasanayan mo ang pagwawalang-bah gawaing iniatang sa iyo. Huwag mo sanang ikayamot kung han ang iyong mga kamay at bahagyan ka sa pag-uwi dahil kailangan mo pang m silid-aralan. Maunawaan mo sanang n niyang matutunan mo ang disiplina at sa mga responsibilidad. Huwag mo sanang ikagalit kung ipi niya ang iyong mga magulang at ipin
san at disiplina
Sa pagkamalikhain at talento
Agnes P. Tenorio 13 sa pagtuturo Agham
Joanna Marie C. Billones 10 sa pagtuturo Ingles
“You do what you preach.”
Alicia D. Wenceslao
awa ko lang ng tama.”
Kung ano ang natutunan ng mag-aaral sa paaralan ay dadalhin niya hanggang pagtanda. Kaya’t hanggang maaga magandang maturuan sila ng magandang asal. Isa sa mga gusto at itinuturo niya ay ang pagiging malinis ng kapaligiran, bago mag-bell sa umaga, bibigyan niya ng kani-kanilang lugar na lilinisin ang mga mag-aaral hindi upang pahirapan sila kundi upang matuto silang maging responsable at may disiplinang mag-aaral.
25 sa pagtuturo MAPEH
Kung nais mong sundin ka matuto ka munang sumunod. Kilalang istrikta dahil sa kanyang pagiging disiplinadong guro, naging maling pagtingin ito ng mga estudyante , hindi nila naiisip na nais lamang niya ang tama at makabubuti para sa kanyang mga estudyante. Ang kanyang pagiging disiplinado sa mga estudyante ay ipinakikita rin niya sa kanyang sarili mula sa lakad, pagsasalita at tindig. Tunay na kahanga-hanga ang magkaroon ng isang gurong may kakayahang disiplinahin at pasunurin ang mga estudyante.
“Gawing kasangkapan ang talento upang mapabuti ang pagtuturo.” Bilang isang gurong biniyayaan ng angking husay sa musika at pagsasayaw buong puso itong ibinabahagi ni Ma’am Alice sa mga estudyanteng nagpakita ng potensyal sa larangang ito.Para sa kanya buhay niya ang pagtuturo at dinala siya ng Diyos sa paaralan upang magbigay kaalaman sa mundo ng sining. Kahanga-hanga ang dedikasyon niya sa pagtuturo dahil kadalasan siya ang pinakahuling guro na umuuwi dahil isinsagawa niya ang pagsasanay sa mga bata pagkatapos ng oras ng klase.
Vilma R. Figueroa
agtuturo Panlipunan
25 sa pagtuturo Matematika
the students first you teach.”
Mahalaga ang pagtuturo subalit hingit na mahalagang maipakita mo na may pagmamahal ka sa kanila.” Isa siyang guro at kaibigan ng mga estudyante na sa oras na kailanganin ng kahit sino ay handing tumulong. Sa haba ng taon ng kanyang paglilingkod sa paaralan ay napakarami na niyang mag-aaral na natu lungan. Bukas-palad siya sa pagbibigay sa mga magaaral kaya naman marami ang hindi makalilimot sa kanya.
inupuna ka kdang-araiya nais na hala sa mga
Sa pamamagitan ng pagmamahal mo sa mga estudyante ito ang nagiging daan upang ika’y kanilang mahalin. Kilala siyang mapagbigay na guro at may takot sa Diyos. Nakaugalian na niya nag pagbibigay ng baon sa mga estudyanteng kapos sa buhay. Kung ano amna ang sobra sa kanya ay handa siyang ibahagi ito sa iba. Para sa kanya ang bawat ngiti at pagmamahal ng mga estudyanteng tinutulungan niya ay sapat ng tropeo sa mga nagawa niya.
g naruruming nahuhuli maglinis ng nais lamang t pagtupad
inatatawag napaaalam
Ni Joyce Ann Santiago, 10-Rizal
sa kanila ang iyong mga bagsak na marka. Maunawaan mo sanang nais lamang niyang maituwid ka habang maaga pa at pagsisihan mo ang lahat sa bandang huli. Huwag mo sanang masamain kung nagbibigay siya ng mga payong hindi mo naman hinihingi lalo na kung ukol sa iyong buhay pag-ibig. Maunawaan mo sanang iniisip lamang niya kung anong makabubuti sa iyo dahil masyado ka pang bata at maaaring maging padalos-dalos ka sa pagpapasya ukol sa usaping puso, ayaw lamang niyang malihis ka ng iyong landas. Huwag mo sanang ikabugnot ang paulit-ulit
Malaking tulong ang pagkakaroon ng ta- lento niya sa sining dahil siya ang gumagawa ng mga props at konsepto sa mga paligsahang sinasalihan ng paaralan. Nagsilbi rin siyang tagpagturo ng sayaw, cheerdancing at streetdancing. Ginagawa niya ito dahil sa hilig niya ang mga bagy na ito at dahil na rin dito ay nakapanghihikayat siya sa mga estudyante na mahasa ang angking talento na nagiging daan rin upang sumali sa iba’t ibang paligsahan.
7 sa pagtuturo Araling Panlipunan
“Ang talento ay maaaring ipamana.”
Kilalang magaling na host, sa larangan ng pagsasayaw at pag-arte at naging tagapagsanay at kinatawan na ng paaralan sa iba’t ibang larangan. Kanyang ibinabahagi ang kanyang talento sa mga estudyante sa ganitong paraan nagiging kabahagi siya sa paghasa sa talento ng mga kabataan.
Time Machine
“Itinuturing ko ang aking mga estudyante bilang pangalawang anak.”
hiling
Julius Villaseñor
6 sa pagtuturo MAPEH
“Kung may talento ka, mayroon kang maibabahagi sa iba.”
ahal at malasakit
nita D. ndoza
Marcelo S. Nebreja
niyang pangangaral, ganito dapat... huwag ganyan.. . iwasan ang ganito... iwasan ang ganyan. Maunawaan mo sanang iniisip lamang niya lagi ang iyong kapakanan dahil mahal ka niya hindi ka man nagmula sa kanyang sinapupunan. Hindi siya naghihintay na suklian mo ang lahat ng sakripisyo, pagmamahal at pagmamalasakit niya sa iyo,ang tanging kaligayahan lamang niya ay maging kabahagi sa pag-abot ng mga pangarap mo. Kung mayroon man sigurong mahihiling si titser sa iyo...iyon ay ang maunawaan mo na ang lahat ng kanyang ginagawa ay para sa ikabubuti mo.
Ni Joyce Ann Santiago, 10-Rizal
Malapit nang mag-ikapito nang umaga. Lahat kami ay nakaabang na sa tarangkahan ng paaralan. Nang makita namin ang hinihintay, dali-dali kaming nag-unahan sa pagtakbo. Kanya-kanya kaming kuha sa mga bitbit ni Ma’am Avila, kay Pilar ang bag, kay Anton ang baunan, kay Jepoy ang mga libro at akin ang payong. Kapag natapos na ang klase sa hapon, lalapit kami kay Ma’am at babasahan niya kami ng kwento habang ipinakikita ang makukulay na larawan sa libro. Lagi siyang may bagong kwento at sa pagtatapos ng bawat kwento, itatanong ni Ma’am kung ano ang natutunan naming aral. Palaging may premyong kendi ang makakasagot ng tama. Naalala ko nung matagal na lumiban si Anton sa klase, dahil malapit lang sa amin ang bahay niya, sa akin nagpasama si Ma’am avila para kumustahin siya. Wala naman palang sakit si Anton tulad nang ipinag-aalala ni Ma’am, kaya hindi siya nakakapasok ay dahil sa magdadalawang lingo nang hindi umuuwi ang tatay niya at wala siyang pambaon. Matagal na nag-usap si Ma’am at ang nanay ni Anton. Bago kami magpaalam sinabi ni Ma’am na iintayin niya si Anton sa paaralan kinabukasan. Araw-araw kasalo ni ma’am si Anton sa baon niya. Hindi na ulit umabsent si Anton, sa totoo lang sa aming apat siya naman talaga ang pinakamasipag magaral. Maliban kay Anton, hinahatian din ni Ma’am ng mga dala niyang pagkain sina Dan at Jenny, napansin kasi niya na kapag oras na ng recess ‘di tulad ng ibang bata , nakayukyok lang sa desk nila ang dalawa. Pero ayoko kay Dan, tatlong
taon ko na siyang kamag-aral, barumbado siya at palaaway, lagi siyang nananakit, hindi ko alam bakit sa kabila ng lahat kinakalinga pa rin siya ni Ma’am. Nakakapagtaka nga parang nagbabago na si Dan hindi na siya nangin ngilkil ng piso tuwing umaga, hindi na rin siya nananakit, may magic siguro ung baong tinapay ni Ma’am. Noong minsan, sinalubong naming si Ma’am may dala-dala siyang malaking supot. Mga pinagliitang damit daw iyon ng mga anak niya. Tuwang-tuwa yung mga kaklase kong binigyan niya, yung iba sinuot na agad at ‘di na nakapaghintay. Nung minsan iyak ako nang iyak nawala kasi yung bente pesos na padala ni nanay para ipambili ko ng bigas, nang malaman ni mMa’am kinuha niya ang pitaka niya at kahit nakita kong tatlong na pirasong bente na lang ang laman noon binigay pa niya sa akin ang isa. Alam naming kapag nakasweldo na si Ma’am, kasi dinadalan niya kami ng maliliit na siopao o kaya burger. Ang bilis lumipas ng isang taon, nang tumuntong na kami sa mga sumunod na baitang hindi pa rin naming nakalimutan si Ma’am, lagi pa rin naming siyang dinadalaw. Hanggang sa magtapos kami ng primarya at malayo kay Ma’am. Nagkaiba-iba na rin kami ng paaralan. Maghapon akong ‘di nakakain nanlumo ako sa ibinalita ni Jepoy na wala na si Ma’am. Nalibang ako sa hayskul nakalimutan ko nang dalawin at kamustahin si Ma’am. Habang naglalakad pauwi, naisip ko, buhay na buhay si Ma’am Avila, sa alaala ng mga batang tulad ko na minahal at pinagmalasakitan niya … patuloy na mabubuhay si Ma’am.
Tatak Guiguinteño
5
k a p a n k Pa n na K a i n a o t n i u g i u sa G
1. Pat’s Palabok
Dinarayo ang kainang ito hindi lamang ng mga Guiguinteño kundi naging ng mga karatig-bayan. Nagsimula sa isang maliit na pwesto at dahil sa dami ng tagatangkilik ay nakapagbukas ito ng bago at mas malaking restawran. Sulit na sulit talaga lalo na sa badget, sa halagang P50 ay maaari ka nang mabusog. Lokasyon: Mc Arthur Hi-Way Tabang, Guiguinto, Bulacan. Huwag palalampasing tikman: palabok, puto’t dinuguan, halo-halo, lomi, LTB.
Nina Aila Mae Castillo at Je-Ann Kerlyn Antonio
2.Wence’
“Stressed spelled backwards is desserts.” Ito ang tagline ng pinakabagong Resto Café sa Guiguinto. Kung mayroon kang “sweet tooth” tiyak na masisiyahan ka talaga dito lalo na at hindi mabigat sa bulsa ang presyo ng kanilang mga menu kumpara sa mga ibang Café. Patunay ang mga taong matiyagang nag-iintay lalo na kung “peak hours’ dahil talagang laging puno ito. Bukod sa sweet treats may mga abot-kaya rin silang meals, burgers at pasta. Lokasyon: Mc Arthur Hi-Way, Tabang, Guiguinto, Bulacan (harap ng Waltermart). Huwag palalampasing tikman: Wence’ Black forest, Shibuya Honey Toast-Nutella, Wence’ Banoffee Almond Crunch, Wence’ Creamy Carbonara at Wence’ Choco Banana.
Likas sa ating mga Pilipino ang hilig sa pagkain. Bagama’t marami sa atin ang nag-aalala sa ating mga pigura, kadalasan mahirap pa ring tumanggi kapag nagkaayaan na ang pamilya o barkada. Para sa mga tulad naming ‘di uso ang salitang dieta sa boka bularyo narito ang ilan sa mga kainang mairerekomenda namin na bukod sa wow na sa lasa ay swak pa sa bulsa.
4.Susan’s Lugawan
Mula sa all-time favorite na mga Pinoy meryenda hanggang sa masasarap na Pinoy lutong bahay na putahe ay matatagpuan lahat dito. Kahit ang lokasyon nito ay looban at wala sa kahabaan ng hi-way talaga namang dinarayo ang Susan’s Lugawan. Maraming beses na rin itong itinampok sa mga palabas sa telebisyon at kabilang sa mga rekomendadong kainan sa Bulacan ng mga food bloggers. Lokasyon: Tabang, Guiguinto, Bulacan. Huwag palalampasing tikman: Bulalo, lumpiang toge, LTB (sarap ng suka promise!), crispy pata, at halo-halo.
5.Funnside Ningnangan
3.Barneys Burger
Kung isa kang burger-lover ito ang lugar para sa iyo. Masasabi mo talagang sulit ang paghihintay sa unang kagat pa lamang ng iyong burger. Upang masiguro ang kalidad ng kanilang patties ay hindi minamadali ang pagluluto nito. Panalo rin ang unli mayo at mustard na maaari mong ilagay sa burger mo o fries. Sa halagang P50 ay siguradong tanggal ang uhaw mo sa kanilang bottomless ice tea. Pak na pak din ang kanilang fries na bukod sa crispy na sya ‘di pa masyadong mamantika, Lokasyon: Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan. Huwag palalampasing tikman: Barney’s TLC Burger Supreme, Flavored Skinny Fries , Potato Croquettes at Milk Shakes.
Ang Ningnangan ay mula sa salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay ihaw o grill. Mata mo pa lamang ay mabubusog na sa dami ng pagpipiliang pagkain dito mula sa mga seafoods, karne at gulay na maaaring mong ipaluto sa anumang putaheng gusto mo. Napakalawak at presko rin ng ambiance dito kaya tiyak na gaganahan ka talagang kumain. Paalala, huwag mahihiyang magkamay! Lokasyon: Tabang, Guiguinto, Bulacan Huwag palalampasing tikman: chicharong bulaklak, bulalo, crispy pata, salmon head na sinigang sa miso, alimango, talaba, at inihaw na pusit.
Guintong Likha Sa mahabang panahon ay naging adbokasiya na ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto ang pagpapanatili ng kalinisan. May ordinansa rin ang pamahalaan ukol sa tamang pagtatapon ng basura at may mga itinakdang multa para sa mahuling nagkakalat. Bagama’t ang linyang May Pera sa Basura ay gasgas na hindi maikakailang tunay na mula sa basura ay maaari tayong makalikha ng mga kapaki-pakinabang na bagay mula sa mga bagay na akala nating patapon na ay maaari pa palang pagkakitaan. Ito ang nasa isip ni Konsehala Evangeline Ventura Villanueva nang ilunsad niya ang Proyektong Basura Mo Pangkabuhayan sa pakikipagtulungan sa Public Employment Service Office (PESO) at Provincial Youth, Sports, Employment and Development Office (PYSEDO). Unang kwarter ng taong 2014 nang sinimulan ni Kon. Eva ang pagpunta sa bawat barangay upang himukin ang mga kababaihan na maging kabahagi ng naturang proyektong pangkabuhayan. Aniya, ang layunin ng nasabing proyekto ay mabawasan ang mga itinatapong plastik na basura mula sa balat ng mga chichirya, shampoo, at iba pang produkto at mula dito ay makakalikha ng mga bagay na maaaring mapagkunan ng karagdagang kita. Ang unang hakbang na isinasagawa ng grupo ni Kon. Eva ay makipag-ugnayan sa barangay upang maabisuhan ang mga ito na mag-ipon na ng mga plastik na sachets at wrappers. Pagkaraang makaipon isa-isang lilinisin nang mabuti ang mga ito upang masigurong hindi dadagain o lalanggamin ang matatapos na produkto at kapag handa na
ang lahat saka magbibigay ng libreng seminar ang grupo sa mga interesadong kababaihan. Mula sa Basura Pangkabuhayan kilala na ngayon ang produkto ng kababaihan ng Guiguinto sa tawag na Guintong Likha. Ilan sa mga produktong nagagawa nila ay magaganda, makukulay at matitibay na mga bag, wallet, tissue paper, pencil case, holder, pouches, cellphone at laptop cases. Sa kasalukuyan ay may walong opisyal ang Guintong Likha na aktibong umiikot sa bawat barangay at maging sa mga pampublikong pampaaralan upang magpatuloy na magbahagi ng kaalaman sa paglikha ng mga produktong nabanggit gamit ang naturang plastik. Nasa P400-P800 piso ang halaga ng mga bag, P45 ang wallet, P80 ang pencil case, at P150 ang tissue holder. Ang mga produktong natatapos ng Guintong Likha ay dinadala sa munisipyo kung saan doon ito kinukuha ng mga mamimili. Ang pangulo ng Guintong Likha na si Gng. Carmen dela Cruz ay siyang nangunguna at nagsisilbing katuwang ni Kon. Eva. Buong pusong inilaan ng Gng. Carmen ang kanyang panahon sa pagtataguyod nmg Guintong Likha. Libre lamang ang kanyang ginagawang pagtuturo sa mga kababaihan. Nagbunga naman ang dedikasyon ni Gng. Carmen lalo na sa Tabang na kanyang barangay kung saan nagmumula ang pinakamaraming aktibong miyembro ng Guintong Likha. Umabot na sa 700 kababaihan ang naturuan na ng grupo sa pagbuo ng mga nasabing produkto. Ni Marirose Tobaldo
Ginintuang Pamana Ni Joyce Ann Santiago Isa sa ipinagmamalaki ng mga Guiguinteño ang makulay at magarbong pagdiriwang ng Pista ng Patron ng Bayan na si San Ildefonso tuwing ika-23 ng Enero. Kasabay rin nito ang pagdaraos ng Halaman Festival bilang pasasalamat sa mayabong na industriya ng paghahalaman na pangunahing ikinabubuhay ng mga Guiguinteño. Isang buong linggong pagdiriwang na nagtatampok sa Indakan sa Kalye, isa sa mga pinakahihintay na kompetisyon ng mga mga barangay sa buong Bayan. Suot ang makukulay na saya at barong Tagalog, ang mga Guiguinteño mapa-bata man o matanda ay buong sigla at husay na sabay-sabay na nag-iindakan sa kalye. Kasunod nito ang parada ng mga karosang napapalamutian ng magaganda at mababangong mga bulaklak lulan ang lakambini ng bawat Bayan na sumisimbolo sa angking kagandahan ng mga kababaihan ng Guiguinto. Hindi alintana ng lahat ang mainit na araw, ang kalsada mula sa Tabang hanggang sa Cruz ng Guiguinto mula alas dose ng tanghali hanggang sa matapos ang parada sa hapon ay isinasara at hindi pinadaraanan sa mga motorista. Napupuno ito ng mga tao mula sa mga karatig-bayan at maging mga turista mula sa syudad na nanabik na mapanood ang makulay na Halamanan Festival. Sa halos 19 taon na pagdiriwang ng Halamanan Festival ay masasabing malaki na ang naiambag nito sa pagdami ng naaakit na mamuhunan at mangangalakal na magtayo ng kanilang negosyo Bayan ng Guiguinto. Patuloy rin saa pagsigla at paglago ang industriya ng paghahalaman dahilan upang tagurian ang bayan bilang Garden Capital of the Philippines. Ang makulay at magarbong pagdiriwang na ito ay sumasalamin sa husay ng mga Guiguinteño, isang tradisyong ipinagpapatuloy at isinasalin billang bahagi ng mayamang kultura ng bayang pinagpala sa matabang lupa at masisipag na mamamayan.
Sawikaan: Salamin ng Kahapon at Kasalukuyan
Daang Bakal: Nadiskaril na Alaala Ni Joyce Ann Santiago
Isa sa mga sukatan ng progreso ng isang bayan ay ang mga ang kabuhayan at masiglang kalakalan na susi sa pagangat ng ekonomiya. Itinatag noong 1661, ang Estacion de Guiguinto ay nagsilbing bantayog ng bayan ng Guiguinto noong panahon ng mga Kastila, palatandaan ito na kabilang ang bayan sa mga industralisadong lugar sa buong kapuluan. Bahagi ito ng Ferrocarril de Manila-Dagupan na pangunahing transportasyon noong panahon ng Kastila. Pinabilis nito ang transportasyon at nagbigay-daan sa pagpapadali ng pag -
hahatid ng mga pangunahing kalakal at serbisyo ng bayan. Higit sa pagiging simbolo ng kaunlaran ang makasaysayang lugar na ito sa Guiguinto ay nagsilbing damabana ng kagitingan ng mga Bulakenyong hindi nagpasindak sa armas ng mga Kastila at buong tapang na ibinuwis ang buhay alang-alang sa minimithing kalayaan. Sa mismong lugar na ito,noong Mayo 27, 1898 tinambangan ng mga Katipunero ang isang tren mula sa Dagupan kung saan napatay ang anim na prayle, kabilang si Fr. Leocadio Sanchez, Kura
Paroko ng Guiguinto at isang Kastilang doktor. Makaraan ang isang siglo, isang dekada at walong taon buhat ng maging saksi sa naturang madugong labanan, ang Estacion de Guiguinto, tulad ng iba pang estasyon sa lalawigan ng Bulacan ay bakas na ang bunga ng unti-unting pagkawala sa alaala ng marami sa taglay nitong historikal na kahalagahan. Ang mga pulang tisa nito na buong tikas ang pagkakatayo noon ay iginupo na ng mahabang panahon, dahan-dahang nilulumot, nabubuwag at nanganganib
Ni Marirose Tobaldo
na hindi na matunghayan pa ng mga susunod na sibol ng ating henerasyon. Isang monumentong dapat sana’y sagisag ng ating hitik na kasaysayan at kabayanihan subalit ngayo’y daan-daanan na lamang, dinusta ng mga bandalismo at ni hindi na napag-aaksayahang lingunin man lamang ng mga taong paroo’t parito sa kani-kanilang patutunguhan. Tunay na ang mataas na talahib na nakapalibot dito ay sumasalamin sa mga anak na tila ba nalimot ang pagtanaw ng utang loob at pagpapakita ng kalinga’t pagmamahal. Hindi maitatanggi na sa ating mga kabilang sa bagong henerasyon ay iilan na lamang ang nakababatid sa nagging mahalagang gampanin nito sa ating kasaysayan. Sa loob ng mahabang panahon, ang Estacion de Guiguinto ay naging matingkad na bantayog ng ating mga kababayan. Nakapanghihinayang na ngayo’y isa na lamang itong gusaling napag-iwanan ng modernisasyon at maging ang pangalan nito’y nahahawi na rin sa labi ng marami at nakalulunos isiping tuluyan nang malimot sa hinaharap. Kasabay nang patuloy na pagsulong ng ating bayan, isang alaalang madidiskaril na nga lang ba ang antigong recuerdong itong simbolo ng kagitingan ng mga Bulakenyo ng nagdaang panahon?
Kamay na Bakal
Hindi maaring mapaghiwalay ang wika at kasaysayan.Tulad ng kung paano umiinog ang ating kasaysayan ay kasabay nito ng nagbabagong-bihis ang wika. Sa muling pagdaraos ng Filipinas Institute of Translation (FIT) ng Sawikaan 2016, halina’t ating silipin kung paanong ang wika ay sumasabay sa pagbabagong panahon sa pamamagitan ng pagsusuri sa ilan sa mga nominadong lahok para sa Salita ng Taon. 1. Hugot – kahulugan : hilahin Ngayo’y bukambibig na ang hugot lalo na ng mga kabataan upang ihayag ang kinikimkim na damdamin o kaya’ypinagdaraanan sa buhay. 2. Viral – kahulugan : nakahahawa (ginagamit para tukuyin ang isang sakit) Ngayon ito’y isang palasak na salita na tumutukoy sa anumang mabilis na kumakalat sa social media. 3. Tukod – kahulugan: ilapat ang siko sa anumang bagay. Gamit ito ngayon para tukuyin ang sobrang bagal na daloy ng trapiko. 4. Netizen – Bagong salitang ginagamit para tukuyin ang mga “citizen of the internet”. 5. Meme – nakatutuwang pagpapahayag ng ekspresyon sa internet gamit ang kombinasyon ng mga larawan, mga salita o mga video. Malinaw na ipinakikita ng mga salitang ito ang kakayahan ng Wikang Filipino na makiangkop sa takbo ng panahon at ang kapasidad ng pagiging bukas nito bilang isang matatag na wika sa pagtanggap ng mga bagong salita bilang bahagi ng bokabularyo nito.
G L A I D
Ang Hirap
Mga problema ng bayan, Tatapusin daw ng tatlo hanggang anim na buwan. Ito kaya ay makakamtan, Kung gamit ay dahas at kalupitan?
Nanlalamig ang aking buong katawan. Ang hirap maglabas nang dapat ilabas. Mabilis ang paghabol ko sa aking hininga. Gayundin ang pamumuo ng butil-butil na pawis sa aking noo. Ang hirap maglabas nang dapat ilabas.
Ni Joyce Ann Santiago
Luminga ako sa paligid, tahimik. Nanginginig ang aking katawan habang naririnig ko ang pag-aalburuto ng aking tiyan.
Oligarkiya Silang mayayaman, Lalong nanagana. Habang mahihirap, Mga nakanganga. Ni Jamaica Tabor
Ang hirap maglabas nang dapat ilabas. Tinakpan ko ang aking ilong gamit ang aking damit. Huminga ako nang malalim. Hinilot ko ang aking noo at nagkonsentreyt. “Ok pass your papers.” Ang hirap talagang maglabas ng talino sa Math. Ni Jemissy Cabinar, 10-Ponce
Misa
Pasikat na ang araw. Nagkukumahog siyang nagbihis. Humahangos na tinalunton ang eskinita.
Hind sa i laha rin, iyo eh t ng swe tao sadyangmahal k et la a m tayong na na ay mg a ng p t aasa utuwa hin.
Mahuhuli na siya sa misa. Pagdating sa simbahan pumwesto siya sa dating lugar. Malapit nang matapos ang misa.
Aka iniw la ko da a oo b n, babati pagdun umalik likan, s sa d ati niya, ya.
But i nag pa yun p pat aparamg multo a kay yin n dam a ki , ta ca lang rush ?
Par ng k a kayo n a mag tol lagi g taklo k ka- b a d s mag aratingama, peyong hihi wala ang or ro y rin as kayo .
Naglalabasan na ang mga tao. Inihanda niya ang sarili.
Ano “Orang oras n sn ad niya a para b aw?” ko ng ig oras yan .
Ala vulcm mo p but a seal ara ka as k , pa n a la naki g ng n p iya.
Ang par pagm hindang traamaha i ya in t l hin n m o Bu di inam san ada , li.”
Pinilit makipagsabayan ng kanyang gitara at paos na tinig sa ingay ng paligid. Narinig niya ang kalansing ng mga barya. Unti-unting napupuno ang latang kanina’y walang laman. Ni Lovely Shane Garcia, 10-Rizal
Rich Kid Dahan-dahan niyang binuksan ang kabinet sa kanyang harapan. Naroon ang magagarang damit, sapatos at iba pang kagamitan, buong paghanga niyang pinagmasdan ang mga ito. Bilang isang kabataan , sa edad na labing lima, ito ang luhong labis na nakapagpapasya sa kaniya. Isa-isa niyang sinukat ang magagarang damit, hindi makapagpasiya kung alin sa mga ito ang pinakanababagay sa kanya. Napatatda siya nang biglang may magbukas ng pinto ng kwarto “Anong ginagawa mo sa mga gamit ko,” Nagkabulol-bulol siya sa pangangatwiran “A,e , wala po ma’am, in in inaayos ko lang.” Ni Jobert Rivera, 10-Rizal
Nanay Agie “
Kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan...
Ni Joyce Ann Santiago
”
Jeremiah 29:11 For God has plans for us, not to harm us but to give us hope and a bright future.
‘Yan ang kanyang paniniwala sa buhay, ika nga niya magtiwala at manampalataya lang sa Diyos, tiyak na makababangon ka sa anumang problemang kinakaharap at tutungo sa isang magandang kinabukasan. Si Margarita de Jesus o mas kilala ng mga mag-aaral ng FCLNHS bilang Nanay Agie ay matagal nang naninilbihan bilang tagapagluto sa kantina ng paaralan. Ipinanganak noong Pebrero 22, 1959 mula sa isang nakaaangat na pamilya gawa ng pagsisikap ng kanyang mga magulang. Kumuha siya ng kursong Bachelor of Science in Psychology ngunit hindi niya ito natapos dahil sa nag-asawa siya. Nagbunga ng tatlong supling na babae ang pagmamahalan nila ng kanyang asawa. Makalipas ang ilang taong pagsasalo sa lungkot at saya, sa edad na 31 taon ay nabyuda si Nanay Agie. Dito nagsimula ang hamon ng buhay sa kanya, naging isang malaking alalahanin ang
pagtataguyod sa tatlong anak na ang tanging nais niya ay mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan. Pinasok niya ang iba’t ibang hanapbuhay upang matugunan ang pangangailangan nila. Tiniis niyang mawalay sa mga anak upang mamasukan bilang domestic helper sa Kuwait at pagiging ahente ng iba’t ibang produkto. Hindi naging madali ang pagiging ahente sapagkat mula dito ay walang tiyak na kita, madalas ay kinakailangan niyang magtrabaho magdamag upang masiguro na may maiuuwing kita upang ipantawid sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ngunit lahat ng pagod at hirap ay nagbunga rin sa huli nang matagumpay niyang napagtapos ang lahat ng mga anak na ngayon ay mga guro na sa iba’t ibang paaralan. Sa ngayon ay kontento at masaya na siya sa kanyang buhay, nasa maayos na kalagayan na ang kanyang pamilya at nalilibang siya
sa kanyang trabaho sa paaralan. Sa kabila na may magagandang karera na ang kanyang mga anak ay minabuti pa rin niyang magtrabaho at manatili sa paaralan dahil sa mga taong nakakasama niya rito na nagbibigay kulay sa kanyang buhay. Masaya rin aniya sa pakiramdam ang makatulong sa iba lalo na sa mga mag-aaral na nakararanas ng problema. “Kapag gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan,” Ika nga ni Nanay Agie. Naisabuhay nga niya ang kanyang paniniwala dahil sa lahat ng matitinding hamon ng buhay ay gumawa siya ng paraan upang mapagtagumpayan ito sa tulong na rin ng pananampalataya sa Diyos na naging tangi niyang takbuhan at siyang naghilom sa lahat ng sugat sa kanyang puso. Tunay na ang kwento ni Nanay Agie ay magpapatunay na sa ating buhay hindi mahalaga kung ilang beses tayo nadapa ang mahalaga’y buong tapang tayong bumabangon at lumalaban.
Si Eba sa daigdig na wala Si Adan Suring Pelikula
Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left) Ni Marirose Tobaldo
Ang pagnanais na makapag higanti ay natural sa isang taong nakaranas ng kalupitan mula sa kanyang kapwa o lipunang ginagalawan. Ang Babaeng Humayo, si Horacia Samorostro (Charo Santos) ay isang gurong ginugol ang tatlong dekada ng kanyang buhay sa pagbabayad ng isang kasalanang hindi niya ginawa. Nakalaya lang siya matapos aminin ng isang kapwa bilanggo ang kasalanang ibinintang sa kanya. Ngunit paano nga ba magsisimulang muli kung ang lahat sa iyo’y ninakaw na ng panahong nasayang sa loob ng bilangguan? Sa kanyang paglaya lamang niya nalamang patay na ang kanyang asawa, nawawala ang panganay na anak at ang isa pa ay lumipat na sa ibang bayan. Mula sa isang taong may mabu ting kalooban nabuo sa puso ni Horacia ang pagnanais na makapaghiganti sa taong sumira sa kanyang buhay , si Rodrigo Trinidad (Michael de Mesa), isang dating manliligaw na itinulak ng selos upang i-frame up siya sa isang krimen. Sa planong paghihiganti, nagsimula ng bagong buhay si Horacia sa Mindoro kung saan nakilala at kinaibigan niya ang tatlong karakter na sa kanyang palagay ay magagamit niya sa kanyang balak, si Mameng (Jean Judith Javier), isang pagala-galang babae sa simbahan na may problema sa pag-iisip; Kuba (Nonie Buencamino) tindero ng balot na may madilim rin na nakaraan; at si Hollanda (John Llyod Cruz), isang epileptic, bakla na galit sa kanyang buhay. Tunay na hindi matatawaran ang naging pagganap dito ng nagbabalik-pelikulang si Charo Santos.
Sa pelikulang ito buong husay niyang naipakita kung paanong unti-unting nilalamon ng galit ang tao, mula sa pagiging inosente ng kanyang karakter hanggang sa ginawa niyang pagpapanggap upang makapaghiganti. Malaking hamon rin para sa kayang edad ang ilang eksena tulad nang pakikipagbuno niya subalit walang salang malinis at mahusay na nagampanan niya ang hinihingi ng bawat eksena. Muli namang napatunayan ni John Lloyd Cruz ang kanyang kalibre sa pag-arte. Kung titignan ay bahagyang alangan sa pangangatawan niya ang pagdadamit ng mga seksing kasuotan at pagsusuot ng high heels, 100 porsyento niyang nagampanan ng natural na natural ang pagiging bakla. Ang mga eksena sa pagitan nina Horacia at Hollanda ang pinakamabibigat na tagpo sa pelikula.Bilang manonood ay matagumpay nilang naipadama sa akin ang bigat ng pinanggagalingan ng kanilang mga karakter. Sa gitna ngayon ng kalakaran na bumuo ng mga pelikula para lamang maibenta ang mga artista sa publiko at kumita ng malaki, isang napakatapang na pagtatangka ang pelikulang ito upang muling maiangat ang kalidad ng Pelikulang Pilipino na unti-unti nang nilalamon ng kababawan at kahungkagan. Masasalamin sa pelikula ang kamunduhang bumabalot sa lipunan kung saan hindi maramdaman ng tao ang presensya ng Diyos. Patuloy ang walang humpay na krimen tulad ng pagpatay. Patuloy sa pagyaman at pagpapakasasa ang mayayaman habang ang mahihirap ay patuloy na naghihirap. Isang realidad na buong husay na naipakita ni Lav Diaz. Hindi nakapagtataka na sa 54 naiba pang mga pelikula “Ang Babaeng Humayo” na nag-iisang lahok mula sa Asya ang itinanghal na Best Picture sa prestihiyosong 73rd Venice Film Festival. Isang pagsaludo sa lahat ng mga taong bumubuo sa pelikulang hindi lamang nag-angat sa kalidad ng Pelikulang Pilipino kundi lalong higit ay ibinandila sa buong mundo ang galing ng Pilipino.
Obra Ni Mescheal Tacsan
Mula sa makapal, malapad at matigas na kahoy ito’y kanyang iginuhit at unti-unting maingat na iniukit mula itaas pababa. Matapos ay buong kagalakan niyang pinagmasdan ang kanyang likha...isang makisig na lalaki , napangiti siya subalit maya-maya’y nagdilim ang kanyang mukha nang maisip na may kulang sa kanyang obra maestra. Kringggggggg.......kringgggg..... naalimpungatan siya sa tunog ng alarm clock, agad siyang bumangon at nagmamadaling naligo. Suot ang uniporme bumaba siya nang hagdanan, naabutan niya ang kasambahay na aligaga sa paghahanda ng pagkain. Nadatnan niyang nagbabasa ng dyaryo ang ama, binati niya ito ngunit tanging tango ang naging tugon nito at ‘di man lamang siya nilingon. Nakaiilang subo pa lamang siya nang tumayo ito at napangiti siya nang mapait. Ganito umiikot ang buhay niya. Tulad ng kapeng wala nang init bago pa man sumayad sa kanyang mga labi ang ugnayan niya sa ama. Malimit nitong punan ang mga pagkukulang sa kanya ng mga materyal na bagay. May bahagi ng kanyang pagkatao na ibig sumigaw, magalit, at manumbat pero para saan pa, pagod na siyang manlimos ng atensyon. Bubuksan sana niya ang pinto nang makitang may kausap ang ama. Napatatda siya hindi karaniwang magpapasok ito ng ibang tao sa kanilang tahanan. Dama niya ang tensyon, nagitla siya nang marinig ang pagsigaw ng ama “Bawal nga dito!” Nakita niya ang pinaghalong takot at pagkabigla
sa ama nang magtama ang kanilang paningin. Agad siyang sinenyasan nitong pumasok, dali-dali naman siyang tumalima, tumakbo sa kanyang kwarto na puno ng pagtataka. Isang gabing hindi siya dalawin ng antok, napagpasyahan niyang buksan ang telebisyon upang magpalipas oras. “Base sa inilabas na ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mahigit 8,000 barangay ang kuta ng droga sa Pilipinas. Kaya naman mas pinaiigting na ang paghuli ng mga ito, ilan sa mga pinangalanan na drug lord ay ang nasa larawan na si Mr.... – “agad niyang pinatay ang telebisyon , hindi niya namalayang dumulas ang basong hawak at kumalat sa kanyang harapan ang maliliit na piraso ng bubog. Napahinto siya sa pag-iyak nang umalingawngaw ang putok sa buong kabahayan. Agad niyang tinungo ang pinanggalingan ng putok. Tumambad sa kanya ang wala ng buhay na katawan ng ama sa paanan nito’y may kapirasong karton na may mensaheng “HUWAG TULARAN DRUG LORD”. Mula sa makapal, malapad at matigas na kahoy ito’y kanyang iginuhit at unti-unting maingat na iniukit simula taas patungong baba. Matapos ay buong kagalakan niyang pinagmasdan ang kanyang likha...isang makisig na lalaki , napangiti siya subalit maya-maya’y nagdilim ang kanyang mukha nang maisip na may kulang sa kanyang obra maestra... wala itong buhay para makapagsalita, makagalaw at higit sa lahat ay upang matawag niyang ama.
Pag-aaral sa Sinta Herbal Capsule Formulation
Investigatory Project Ni Je-Anne Kerlyn Antonio
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga taong gumagamit ng mga halamang gamot bilang panlaban/ panggamot sa mga sakit. Sa ngayon,isa sa pinakamala- king pagsubok na hinaharap ng mga herbal formulation ay ang kakulangan nito sa masusing pag-aaral. Dahil dito, naisipan ng mga mananaliksik (mag-aaral) na pag-aralan ang herbal capsule formulation ng dahon ng Sinta (Andrographis paniculata). Nakasaad sa pag-aaral ng Tsina na ang Sinta ay mabisang panggamot sa sipon at anti-cancer. Isa pang naitutulong ng halamang ito ang pagpapalakas ng immune system ng mga tao dahilan para makaiwas sa HIV at iba pang virus, nakapipigil din ito ng blood
cloth. Nakasanayan na ng mga matatanda na ilaga ang dahon nito kaya’t umisip ng mas madaling paraan ng pag-inom ang mga magaaral. Ang mga nakuhang dahon ng Andrographis paniculata ay pinatuyo,din urog at ginawang capsules gamit ang filling machine. Ayon sa kanila, gumawa sila ng capsules upang mas madaling mainom ng mga tao lalo na’t kilala ang halamang gamot na ito sa tawag na “King of Bitters”. Matapos nito, nagsagawa sila ng iba’t ibang test para sa diameter at thickness; moisture content; content at mass; pH at distintegration time ng Sinta para malaman ang kalidad nito laban sa mga pharmacological stan-
dards. Ang antibacterial property at phytochemical constituents naman ng Sinta powder ay kanilang ipinasuri sa RSTL-DOST,San Fernando. Pagkaraang makuha ang ilang detalye ukol sa kanilang proyekto o produkto,gumamit sila ng T-test for one sample of means upang malaman nila ang resulta ng mga test at ipinakita nito na nakapasa ang Sinta Capsule Formulation sa lahat ng pagsusuri. Isa pang napatunayan nila na ang Sinta ay mayroong antibacterial property lalo na laban sa E.coli. Ngunit kahit nakakita ng 8.13mm na zone inhibition ng E.coli sa Sinta at Omm na S.aereus, masasabi pa ring walang pinagkaiba ang dalawa sapagkat parehas
itong inactive. Ang phytochemical evaluation naman ay nagpakita na mayroong glycosides at flavonoids ngunit walang alkaloids,anthraquinones, tannins at saponins ang Sinta. Ang pagkakaroon ng nasabing dalawang constituents ang nagpatunay na mayroong relasyon ang antibacterial property at pytochemistry ng Sinta,sapagkat dahil sa presence ng mga ito mayroong antioxidant at anti inflammatory property ang Sinta at ang mga ito rin ay may kontribusyon sa inhibition ng E.coli. Dahil dito, nagtagumpay ang mga researchers na patunayan na ang Sinta Capsule ay maganda ang kalidad at epektibong herbal capsule.
Cellphone, adik ka ba? Pangunahing Pangangailangan: Pagkain. Tirahan. Damit. Cellphone.
1.
Ni Reginald Garcia Guhit ni John Michael Gogola Sabi nga ng isang kaibigan, hindi siya mapakali kung hindi niya dala ang cellphone niya. Para bang kumain ka ng ‘di uminom, naligo nang hindi nagsabon. Ganito rin ba ang pagkahumaling mo sa iyong cellphone o smartphone? Sa loob lamang ng maikling panahon ay parami na nang parami ang may mga smartphones. Dulot na rin ito ng matinding kompetisyon sa merkado at mga bagong manufacturer na naglabas ng mga abot-kayang modelo. Ngayon, kung nais mong mataya ang iyong sarili, narito ang mga palatandaan ng isang taong positibong may matinding pagkahumaling sa kanyang cellphone o smartphone.
7.
Nagtetext habang naglalakad.
3.
4.
Laging online.
Laging naka-earphones.
5.
9.
Madalas mahuli ni titser na nagse-cellphone sa klase. May selfie stick.
Dinadala ang cellphone/ smartphone hanggang sa cr.
6.
Gumagastos ng malaki sa load.
Hindi nakakalimutan magdala ng charger.
8.
2.
Ayon sa report ng Business Monitor International inaasahang aabot na sa 117 milyon ang mobile subscribers sa Pilipinas sa pagtatapos ng 2016. Bukod sa pinakamabilis
Katabi at laging tsine-tsek ang smartphone/ cellphone hanggang sa pagtulog.
10.
Tinetext at tinatawagan kahit ang mga taong malapit lang sa kanya.
na paraan ng komunikasyon ay marami pang tulong ang cellphones sa ating pang arawaraw na buhay at maging sa ating pag-aaral. Sa modernong panahon natin ngayon ay
naging isa na nga ito sa ating pangangailangan. Wala namang masama dito, tandaan lang natin na kapag sobra na minsan nagiging sanhi na rin ito ng ating kapahamakan.
Pagtugon sa kalamidad
Bulacan gagamit ng high-tech devices Upang mapabilis ang pagtugon sa mga kalamidad at masiguro ang kaligtasan ng mga Bulakenyo naglaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng P92 milyong piso para sa instalasyon ng mga high-technology devices sa mga dam sa buong lalawigan. Kabilang sa mga naturang kagamitan ay mga weather stations, water level sensors at closed-circuit television o CCTV cameras na magpapaunlad sa flood management at monitoring system ng Provincial Risk Reduction and Management Office o PDRRMO. Target na ilagay ang mga nabanggit na modernong kagamitan sa mga dam sa Angat, Ipo, Bustos at iba pang kritikal na daluyan ng tubig sa lalawigan upang magsilbing flood-forecast-
ing devices. Inaasahang dahil sa proyektong ito ay maihahatid nang mabilis at tiyak ang mga impormasyon tungkol sa kalagayan ng panahon at lebel ng pagtaas ng tubig sa mga nasabing dam na nakatutulong sa maagang deteksyon sa pagtaas ng tubig sa lalawigan. Samantala, kasalukuyan namang nagsasagawa ng feasibility study para sa posibleng pagkakabit ng mga fiber optic lines para sa mabilis na paghahatid ng mga impormasyon sa Communication, Command and Control Center ng PDRRMO. Makikinabang sa nasabing proyekto ang 2.2 milyong Bulakenyo o halos 75 porsyento ng kabuuang populasyon ng lalawigan. Ni Joyce Ann Santiago 10 - Rizal
EGG gugulong upang ilapit a n g e d u k a s y o n s a l a h at Kaugnay ng adhikain ng Department of Education (DepEd) na maabot ng dekalidad na edukasyon maging ang pinakaliblib na mga lugar sa bansa nakipagtulungan ito sa Microsoft Philippines upang mailunsad ang EGG. Isang self-contained na silid-aralan ang EGG na may sariling suplay ng tubig, kuryente at internet connectivity na maghahatid ng kaalaman sa malalayong lugar sa bansa na karaniwang walang kuryente at internet connectivity. Higit sa 30 estudyante ang kasya sa EGG naayon sa DepEd ay akmang-akma upang makatugon sa hamon ng paghahatid ng de-kalidad na edukasyon sa ating bansa ng ang lokasyon ng mga lugar ay pinaghiwa-hiwalay ng mga pulo. Sa loob lamang ng tatlong araw ay makakaya na ng itayo ang EGG, maaari na man itong maibyahe sa pamamagitan ng helicopter, trak at barko. Ayon kay Karrie Ilagan, General Manager ng Mi-
Usapang
crosoft Philippines, malugod silang naging katuwang sila ng DepEd sa paghahatid ng edukasyon gamit ang makabagong teknolohiya. “We believe now is the perfect time to fully harness the power of technology and help Filipino learners get a 21st Century Education through connectivity for all, Microsoft is glad to be spearheading this iniative with Deped.” Dinisenyo ang EGG na naglalaman ng mga IT tools na maaaring makatulong sa mga guro at mga mag-aaral. May kakayahan ang EGG na lumikha ng sarili nitong suplay ng kuryente sa pamamagitan ng mga solar panel na nasa bubong nito, may kapasidad din itong magtipon ng tubig na maaaring gamitin para sa irigasyon o salain upang maging tubig inumin. Nitong Hulyo unang inilunsad ang EGG sa Bohol, habang inaasahan pa ang maraming EGG na ipakakalat sa buong kapuluan. Mula sa www.deped.gov
Techie
Mula sa www.aov.com Karaniwan na nating ginagamit at naririnig ang mga acronyms na ito, mgasalitang techie ika nga. Pero alam mo ba ang buong katawagan sa mga terminolohiyang ito. Halika at sabay-sabay tayong matuto. SD Card – Secure Digital Card LCD – Liquid Crystal Display WWW – World Wide Web Cc / Bcc – Carbon copy/ Blind carbon copy 5. SSL – Secure Sockets Layer 6. MPEG – Moving Picture Experts Group 7. HDMI – High-Definition Multimedia Interface 8. SQL – Structured Query Language 9. I / O – Input / Output 10. LAN – Local Area Network 11. GPU – Graphics Processing Unit 12. HTTP – Hypertext Transfer Protocol 13. IT – Internet Protocol 14. VPN –Virtual Private Network 1. 2. 3. 4.
15. URL – Uniform Resource Locator 16. ROM – Read Only Memory 17. RAM – Random Access Memory 18. PDF – Portable Document Format 19. PNG – Portable Network Graphics 20. CAPTCHA – Completely Automated Public Turing Test to Tell Computers and Human Apart 21. VGA – Video Graphics Array 22. JPEG – Joint Photographic Experts Group 23. GPS – Global Positioning System 24. HTML – Hyper text Markup Languange 25. LTE – Long Term Evolution
Pahalagahan M a s a m a ang kalusugan D i wa
ng
P a n ta s Reginald Garcia
Maraming mga bagay ang naglalayo sa atin sa liwanag at nagdadala sa atin sa lihis na landas. Sa kasalukuyan, maraming kabataan ang maagang nalululong sa paninigarilyo. Isa itong nakababahalang suliranin lalo na’t pabata nang pabata ang naitatalang edad ng mga bata na sumusubok nito. Taglay ng sigarilyo ang masasamang kemikal tulad ng nicotine, tar, carbon dioxide, at iba pa. Mayroon itong 4,000 na sangkap na kapag sinunog ay nagpo-produce ng 200 kemikal na nakasisira sa ating katawan. Mayroon din itong urea-chemical na ginagamit para sa paglalagay ng flavour. Ilan sa mga sakit na maaaring makuha mula sa paninigarilyo ay kanser sa baga, tuberkolosis at kanser sa utak. Ang bawat isang piraso ng sigarilyo ay unti-unting sumisira sa ating kalusugan at nagiging sanhi rin ng kamatayan. Ayon sa mga pananaliksik, kapag tayo ay naninigarilyo pinabibilis natin ang ating buhay ng 14 na taon. Hindi natin namamalayan na dahil sa bisyong ito ay maraming buhay at
pagkakataon ang nawawala sa atin. Nakalulungkot na sadyang mapaminsala ang sigarilyo sapagkat maging ang mga taong hindi gumagamit nito ay maaaring maapektuhan sa simpelng paglanghap lamang ng usok nito. Sa Pilipinas, marami na ang naitalang ganitong kaso na nagkakaroon ng sakit dahil sa pagkakalanghap ng usok (secondhand smoker). Gayundin naman ang usok ng sigarilyo ay kumakapit sa damit, kurtina at iba pang mga bagay kaya naman maging ang mga kasama sa bahay ng isang taong lulong sa paninigarilyo ay mayroon ding malaking banta sa kalusugan. Karamihan nga sa mga naaapektuhan nito ay ang mga bata. Maaari natin itong maiwasan sa pamamagitan ng paglayo sa mga barkadang nag-aaya sa atin nasubukan ito. Maaari nating ituon ang ating mga sarili sa ibang mga bagay na paglilibangan tulad ng pagsali sa mga iba’t ibang samahan (club) sa paaralan at sa barangay na kinabibilangan. Sa paraang ito mababaling ang atensyon sa mga mas kapaki-pakinabang na gawain.
Kapag pak na pak ang isang bagay, masama man ang dulot nito, ganern ganern na lang kung tangkilikin ng sambayanan. Hindi masaya at buo ang ating pagkabata kung hindi natin naranasang maglaro ng mga outdoor games tulad ng habulan, patintero, taguan pong, tumbang preso at iba pa. Ngunit ngayon ang mga bagong sibol na kabataan ay hindi na interesado sa mga ito at tunay na nahumaling na sa mga larong gamit ang makabagong teknolohiya. “Oy, Pre! Nahuli ko si Pikachu, ang galing ko Yes!!!,” Tama ang iyong nabasa, nahuli nga niya si Pikachu isang pokemon, naglalaro sila ng sikat na sikat na POKEMON GO. Batay sa isang sarbey, 38 bahagdan ng mga bata na may edad 2 pataas ang gumagamit ng mga mobile devices, 78 bahagdan ng mga kabataan naman na may edad 12-17 ang may cellphone at 23 bahagdan ang may tablet. Hindi imposibleng ang mga batang ito ang ilan sa bumubuo sa 50 milyong kataong nahuhumaling sa paglalaro ng Pokemon Go. Sa likod ng mga ngiti at kasiyahang dulot ng paglalaro ng mga gadgets, nariyan ang masamang epekto nito. Karaniwang dumaranas ng mga sakit at nalalapit sa disgrasya ang mga kabataan sapagkat sila ang in na in sa mga teknolohiya. Ayon sa mga eksperto sa mata, k ar an iw ang ang mg a k ab at a ang m a a g a n g n a b a nt a d ( e x p o s e ) s a paggamit ng gadgets ay nakararanas ng maagang paglabo ng mga mata. Dulot ito ng bukod sa matagal ay
ang
madalas pa na pagkakatitig sa screen ng mga gadgets na ang ilaw ay bukod sa masakit ay nakasasama sa mata. Takaw disgrasya rin ang ilan sa mga larong ito gaya ng Pokemon Go na kailangan mong lumakad nang lumakad para lamang makahuli ng mga pokemon. Tutok sa gadgets ang mga mata at wala ang atensyon sa aktwal na kaganapan sa paligid kaya naman nagiging dahilan para, masagasaan, mapatid, manakawan, mahulog kung saan-saan at iba pang hindi inaasahang disgrasya. Isa pa sa masamang dulot nito ay ang pagpupuyat na bunga ng labis na pagkahumaling ay maging ang pagtulog sa oras ay hindi na pinahahalagahan. Ang pagpupuyat na ito ay nakapagdudulot din ng stress. Hindi natin maiiwasan ang
sobra
mga pagkakataong marami tayong dapat gawin nang dahil sa puyat ay walang sapat na enerhiya para tapusin ang mga trabaho, maiipon ang mga ito kaya’t unti-unti nang makakadama ng stress. Madaling natutukso ang kabataan na subukan ang mga makabagong larong inilalako ng teknolohiya at kapag ito’y nasimulan na at ila’y nasiyahan tiyak na ito’y kaaadikan na. Hindi sa pagmamalabis pero may ilang kaso na humahantong sa pagkawala sa tamang pag-iisip at kinakailangan nang ipagamot o iparehab. Huwag masyadong ituon ang oras sa mga bagay na alam nating maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan. Lahat ng sobra ay masama. Huwag lang go nang go, tandaan natin ang pagsisisi ay laging nasa huli.
Yanig PARA SA KALIKASAN. Ipinagbili ng mga miyembro ng YES-O ang nalikom na mga plastic bottles para sa buwan ng Hulyo. Larawan kuha ni Mhacy Layug.
Proyektong Pangkalikasan isinulong ng YES-O Bilang pagtupad sa kanilang adbokasiyang makatulong sa pangangalaga sa kalikasan naglunsad ng proyektong Plastic-free Environment at serye ng pagtatanim ng mga halaman ang Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) nitong Hulyo at Nobyembre. Maliban sa pangunahing layunin ng proyektong Pastic-free Environment na mabawasan ang pakalat-kalat na plastik sa paaralan ayon kay Paula de Leon, pangulo ng YES-O, naisip nila ang proyekto upang maituro sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagreresiklo. “Napili naming gawin ang proyektong ito upang matuto ang mga Lipanians na magrecycle at nang hindi pakalat-kalat ang mga plastik na nakasisira sa kalikasan,” wika ni de Leon. Para sa proyektong ito, nangongo-
lekta ang YES-O ng mga plastic bottles at cups sa bawat silid-aralan tuwing Biyernes at ipinagbibili ang mga ito. Ang halagang napagbibilan ng bawat seksyon ay nilalagom sa katapusan ng bawat buwan, kalahati sa kabuuang halaga ay napupunta sa seksyon at ang kalahati naman ay nagiging pondo ng organisasyon. Nito namang Nobyembre ay sinimulan na rin ng YES-O ang pagtatanim ng mga halamang gamot sa harap ng faculty ng Departamento ng Agham. Sa loob ng tatlong taon ay aktibong naglulunsad ng iba’t ibang proyektong pangkalikasan ang YES-O sa ilalim ng pamamatnubay ng kanilang mga tagapayo na sina Gng. Arlene Tañastras at Gng. Gina Nicolas. Ni Kerlyn Antonio 10 - Rizal
Fast Check bagong feature ng Google Upang tugunan ang suliranin sa pagkalat ng mga pekeng balita, nagdagdag ng fast check tags ang google sa mga balita nito. Dahil sa bagong feature na ito maaari nang ma-tsek ng mga mababasa sa Google News App at websites kung lehitimo at totoo ang balita. Malimit na nagiging biktima at paksa ng mga nasabing pekeng balita ang mga pu-
litiko at kilalang personalidad na pinakakalat sa mga social media sites particular na sa facebook. Bunsod rin ang pagbabagong ito nang reklamo ni Donald Trump, sa US Media dahil umano sa pagkakalat ng mga kasinungalingan ukol sa kanya. Ni Dimerlyn Ocap 9-Gold
Nakabibingi ang mga hiyawan sa iyong paligid. Nagkakagulo ang mga tao, may mga batang nag-iiyakan, mga matatandang umuusal ng dasal. Naramdaman mo ang pag-ikot ng iyong paligid, bumagsak ka sa lupa at hindi makayanang balansehin ang katawan mo upang tumayo, natatapakan ka na ng mga taong naguunahan palabas ng mall. Namatay na ang kuryente. Nagpatuloy ang pag-uga na para bang hindi na matatapos. Ito na ang pinakamatagal na isang minuto ng iyong buhay. Hindi natin malalaman kung kailan magaganap ang isang sakuna katulad ng paglindol, ang pagiging handa, alisto at kalmado ay mainam na sandata upang mailayo ang ating mga sarili at ang ating mga mahal sa buhay sa tiyak na kapahamakan. Sinasabing ang 7.2 magnitude na lindol na magaganap sa paggalaw ng West Valley Fault ay magdudulot ng malawak na pinsalang hindi pa nararanasan sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ni Reginald Garcia Larawan kuha ni Adrian Soliman
Ano nga ba ang nararapat nating gawin sakaling makaranas ng ganitong paglindol? Kung ikaw ay nasa loob ng isang gusali o nasa tahanan at naramdaman mong lumilindol makabubuting humanap ng matibay na mesa na maaring maprotektahan ang iyong ulo at gulugod. Lumayo rin sa mga bagay na maaaring mabuwal, huwag piliting tumakbo kung sa iyong daraanan ay maaari kang mabagsakan ng mga gumuguhong bagay. Kapag ang paglindol ay naganap habang ikaw ay nasa labas ng bahay, sikaping makahanap ng bakanteng lugar. Karaniwang sanhi ng kamatayan at sakuna kapag may lindol ay nababagsakan ng mga gumuguho o lumilipad na bagay. Kung ang paglindol naman ay maganap habang ikaw ay
nagmamaneho marahan at maingat na imaniobra ang sasakyan patungo sa gilid ng kalsadaat manatili ditto hanggang sa tumigil ang pag-uga. Sikaping lumayo sa mga tulay, underpass at tunnels. Saglit na tumigil ang pag-uga, dapat ka na bang umalis mula sa iyong kinalalagyan? Hindi, magpalipas ka muna ng ilang sandali sa ganitong paraan masisiguro mo na tapos na ang paglindol. Para mapadali ang paglikas palabas ng gusali tama bang gumamit ng elevator? Mali, mas mainam na sa hagdan na lamang dumaan, maaari kang ma-trap sa loob nito kung mawawalan ng kuryente. Bagama’t likas sa ating mga Pilipino ang pagnanais na makatulong sa ating kapwa, sa pagkakataong makakita tayo ng isang sugatan ng tao pagkatapos ng lindol, mas makabubuting na maging maingat tayo at mag-intay ng responde o sinumang may kaalaman sa first aid, ang simpleng paggalaw sa biktima ay maaaring magresulta ng mas malaking pinsala o kapahamakan sa kanya. Ang sapat na kaalaman sa pagharap sa mga sakunang tulad nito ang siyang magiging daan upang tayo ay maging ligtas. Mahalagang tandaan rin natin na bagama’t mahirap gawin ang pag-iwas sa pagpa-panic ay isang malaking bagay, mahirap mag-isip kapag tayo ay labis na natataranta.
Ni Joyce Ann Santiago 10 - Rizal
RICEponsible ka ba? Ni Reginald Garcia Larawan kuha ni Nico Villafuerte
“You are what you eat.” Isang hamon sa ating mga sibol ng makabagong panahon ang wastong pagpili ng pagkain. Nagkalat sa ating paligid ang mga pagkaing instant na bagama’t batid nating masama ang mga ito para sa ating kalusugan ay ipinagkikibit-balikat lamang natin at patuloy pang tinatangkilik. Isa sa mga adbokasiya ng Department of Agriculture (DA) ang pagsusulong sa pagbebenta at pagpapalaganap sa pagkain ng brown rice sa buong bansa.
Ang brown rice ay higit na mahal kumpara sa puting-puti na bigas o well-milled rice. Ito ay resulta ng hindi masyadong paulit-ulit na pagsalang sa gilingan ng ordinaryong palay. Kapag bahagya lamang itong idinaan sa gilingan, sapat lamang upang matanggal ang ipa, ito ay na ang brown rice. Napatunayan na ang pagkain ng brown rice ay mabuti para sa kalusugan dahil nagtataglay ito ng mas maraming protina, fiber, bitamina, mineral at antioxidant kumpara sa mga well-milled rice.
Sa tulong ng social media sites tulad ng facebook, instagram at twitter target ng DA na mahikayat ang mas maraming Pilipino na lumipat sa pagkain ng brown rice. Bahagi ang #BROWN4goodchallenge sa proyekto na RICEponsible ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na nagsimula noong 2014. Bawat sangay ng DA sa mga rehiyon sa buong
DA’ Challenge
kapuluan ay aktibong nakibahagi sa naturang kampanya ng DA sa pamamagitan ng paghimok sa kani-kanilang nasasakupan na lumahok sa nasabing challenge. Madali lamang ang prosesong dapat sundin, kailangan lamang bumili ng brown rice, kuhanan ang sarili o kasama ang mga kaibigan at kapamilya habang kumakain nito, i-upload sa social media sites gamit ang hashtag na #BROWN4good karugtong
ang rehiyong kinabibilangan at higit sa lahat huwag kalimutang i-tag ang mga kaibigan upang makilahok din sa challenge. Maging ang mgaa artista tulad nina Piolo Pascual at Kylie Padilla ay nakiisa sa kampanya ng DA at hinikayat ang mga Pilipino na subukan ang pagkain ng brown rice. Nagsimula ang challenge na ito na may layuning makapagtala ng 50,000 tweets gamit ang hashtag noong Agosto 31 at nagtapos naman noong Oktubre 31.
DA’ R1CEponsibles Ma’am Diane Damiray
Ma’am Josephine Sarmiento
Mula pa lamang elementarya kasama na sa kanyang diet ang brown rice. Naniniwala siya na kahit pa magkaedad na siya ay malakas pa rin ang kanyang pangangatawan at malayo sa anumang karamdaman. Isa sa mga nagustuhan niya sa pagkain ng brown rice ay higit na mababa ang sugar content nito kaya malaki ang posibilidad na malayo sa pagkakaroon ng diabetes ang mga taong kumokonsumo nito. Maliban pa dito, naiiwasan pa niya ang overeating dahil kaunti lamang ang kainin niya ay nabubusog na siya kumparas sa white rice na hindi mabigat sa t iyan.
Kilala si Ma’am Jo bilang isa sa mga guro sa FCLNHS na may healthy lifestyle kaya hindi kataka-taka ang pagkahilig niya sa brown rice. Mula pagkabata ay kumakain na siya ng brown rice. Payo niya sa mga nagsisimula pa lamang magbrown rice ay tiyagain lang dahil sa simula talaga maninibago sa panlasa dahil matamis ang nakasanayan nating well-milled rice at matabang naman ang brown rice. Is a s a p a n g u n a h i n g benepisyo na makukuha para sa kanya ng mga kumakain ng brown rice ay makakaiwas ang mga ito sa pagiging obese.
Ma’am Marivi Lobederio
Ma’am Helen Polo
Karaniwang lumilipat siya sa pagkain ng brown rice bago mag summer. Aniya batay sa kaniyang karanasan epektibo ang brown rice diet upang mapaliit ang tiyan at mabilis na paraan upang makapagbawas ng timbang. Medyo nahirapan siya noong nag-uumpisa pa lamang magbrown r ice dahil sa natatabangan siya sa lasa nito pero kinalaunan ay nasanay na rin siya. Naobserbahan niya na ang pagkonsumo ng brown rice ay nakatutulong upang maging mas mabilis ang metabolismo at maging regular ang pagdumi dahil sa mataas ang fiber content nito.
Kasaluyang nasa ikatlong taon na mula nang subukin ni Ma’am Helen ang paglipat sa brown rice. Bahagi ng kanyang adhikain na mag karo on ng malusog na paraan ng pamumuhay ang pagpapasya niyang ito. Na k at u t u l on g a n i y a sa pagpapanatili sa normal ng lebel ng kaniyang blood sugar dahil sa mas mababang carbohydrates nito. Mahalaga para sa kanyang mapanatili ang malusog na pangangatawan kaya naman maliban sa brown rice mas piipili rin niya ang mga iba pang organic na pagkain. Sa pagluluto niya ng brown rice higit na mas marami ang kinakailangan raw na tubig para masigurong malambot ang pagkakaluto nito.
Ma’am Roschiel Barcelona Bagama’t bago pa lamang sa kanyang diet ang brown rice, sinisikap niyang kahit paminsan-minsan ay isingit itong pamalit sa white rice. Tulad rin ng iba pang mga guro na nasa brown rice diet ang yaman ng brown rice sa protina at ang mababang sugar content nito ang dahilan sa pagsubok niyang lumipat sa brown rice. Kapuna-puna rin aniya ang mas regular na pagdumi kapag brown rice ang kinakain dahil nga sa mayaman rin ito sa fiber.
4G’s ng brown rice Isa sa mga nakitang suliranin na nais matugunan ng DA ay ang pag-ayaw ng mga kabataan sa lasa ng brown rice. Ayon sa ahensya mahalagang maipabatid sa mga kabataan ang mga benipisyong dulot ng pagkain ng brown rice. Kaya naman sa pamamagitan pa rin ng #BROWN4good challenge ay hinikayat ng DA ang mga Pilipino na ugaliin ang pagkain ng brown rice dahil sa 4G’s na dulot nito. Una na ang GOODNESS SA KATAWAN Napatunayan ng mga pananaliksik na higit na mabuti sa kalusugan ang brown rice pagdating sa taglay na bitamina, mineral, protina, antioxidant at fiber. Nakatutulong rin umano ito upang makaiwas sa mga cardiovascular diseases, kanser, diabetes at nakapagpapababa rin ng blood pressure. Ikalawa ay ang GOODNESS SA MAGSASAKA
Malaking tulong sa kabuhayan ng ating mga magsasaka ang pagtaas ng pangangailangan ng brown rice sa merkado lalo pa’t iniinda nila ang kompetisyon sa murang bigas na inaangkat mula sa ibang bansa. Ikatlo ay ang GOODNESS SA ATING BANSA Maliban sa mas kumukonsumo ng kuryente ang paggiling ng white rice kumpara sa brown rice mayroon ring mas mataas na milling rice recovery ang brown rice. Ang isang kilong palay kapag giniling at naging puting bigas ay 650 gramo lamang samantalang kung gagawin itong brown rice ay 750 gramo ang kakalabasan. Ikaapat ay ang GOODNESS SA KAPWA Sa tuwing magpo-post tayo ng larawan na kumakain ng brown rice sa social media isang tasang brown rice ang katumbas nito na ibibigay ng DA sa mga piling charity sa buong bansa.
TIME OUT Ano ang masasabi ninyo sa ipinakitang laban ni Pinoy boxer Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire Jr. kontra kay undefeated Jessie Magdaleno?
Kulang sa footwork, walang lethal movements, nainip akong mag-intay ng mababangis na left hook pero wala talaga eh. Marcelo Nebreja MAPEH Teacher
Nawala ang timing sa opensa, puro sa hangin tumatama yung killer left hook niya. Mae Cohlene Alonzo 8- Diamond
Parang walang gana si Donaire sa pinakita niya, talagang malabong matalo niya si Magdaleno. Alfred Joshua Suba 10- Mabini
Di ko nakita yung dating “The Flash” malayo sa mga dating laban niya, hindi ko naramdaman yung passion niya na manalo. Elizar Marco Balagtas 7- Rosal
Ibang Donaire yung napanood ko, kulang sa bilis, kulang sa tapang, parang hindi nakakondisyon sa laban. Shiela Gregorio 10-Rizal
Parang walang gana si Donaire, ang bagal, walang aggresiveness, sa punakuta niya malabo talagang matalo niya si Magdaleno. Mark Ole 10-Rizal
Kita na yung edad ni Donaire sa laban niya kay Magdaleno, bumagal na yung movements saka yung body frame nya medyo lumaki rin kaya siguro gano’n. Prince Jesty Calayag 10-Rizal Ok lang para sa akin, pinilit naman niya, kaya lang kapos talaga eh. Shiela Mae Desabille, 7- Sampaguita Lumaki kasi yung ulo ni Donaire, masyadong kampante sa sarili, ayun kita sa laban niya epekto. Jewel Charlie Cruz 7-Sampaguita
Pa n a h o n n a Wa l a n a n g d a p a t p a n g patunayan pa ang ating Pambansang Kamao. K a s a b ay n a n g pagkapanalo ng isa sa pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan ng Pilipinas n a s i S e n a d or E m m anu e l ‘Manny’ Pacquiao laban kay dating WBO We l t e r w e i g h t Champion Jessie Va r g a s n i t o n g nakaraang Nobyembre 6 ang ‘di matapos- I s p o r t s tapos na isyu ng kanyang pagreretiro. Marami na nga ang nagsasabing sana ay ganap nang tumigil sa pagboboksing ang Pambansang Kamao. Isa si Senador Panfilo Lacson sa mga lantarang n a g h a h ay a g n g k a n i y a n g panawagan sa pagreretiro ni Pacman. Aniya’y magretiro habang malinis pa ang rekord at habang nandiyan pa ang simpatya ng mga mamamayan. Biyaya na ngang maituturing ang mga karangalang naibigay ng Pambansang Kamao sa ating bansa. Isa siya
sa mga dahilan kung bakit t init ingala sa mundo ang mga boksingerong Pilipino. Kapag siya’y may laban ay talaga namang tinututukan ng lahat maging ang Philippine National Police ay magpapatunay na pati masasamang loob ay nagpapahinga kapag
sigi at tiyaga kaya’t nakarating sa kasalukuyan niyang lugar ang Senador. Marami na nga siyang nakamit kaya’t hindi ba’t nararapat lamang na ipahinga na niya ang katawan. Masyado nang matagal ang inilagi niya sa kanyang propesyon. Hindi na mabibi lang ang malalakas n a su nt ok n a n a kapagpapatumba sa mga kalaban at marami na rin siyang sinalo at t iLang nanggap na mga suntok para sa karangalan ng bayan. Tumatanda na jamaica mae tabor ang ating Pambanmay laban si Pacquiao. sang Kamao at maaaring hindi Sa kabuuang 65 na laban, na niya kayaning salagin ang 57 panalo, anim na talo, at mga suntok sa kanya sa mga dalawang tabla ay ‘di maika- susunod na laban. kaila ang lakas at kumpyansa Panahon na upang bing Pambansang Kamao. Sa 57 tiwan ang pagboboksing at panalo, 38 dito ang knock out pagtuunan ang paglilingkod sa na lalong nagpalakas at nag- bayan, ang pagiging senador. patanyag sa pangalan niya at Sa huli may punto naman ng bansa. talaga si Senador Lacson , S a e d a d n a 3 7 a ny o s Leave the stage while the aumarami na ngang nagawa at dience are applauding,” nakamit ang People’s Champ. Wala nang dapat pang Sa edad na 16 anyos nag- patunayan ang ating Pambansimulang magboksing ang sang Kamao at napapanahon Senador. Dahil sa pagpupur- na ang pagreretiro.
ISPORTS IDOL Puso ng Kampeon Pangalan: Mark Vincent Y. Monta Palayaw: Monta Edad: 15 Seksyon: 10-Rizal Kaarawan: Agosto 7, 2001 Tirahan: Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan Mga magulang: G. Merolo D. Monta at Gng. Anabelle Y. Monta Isports: Table Tennis Libangan: Paglalaro ng Clash of Clans Paniniwala: Sa mga pagsubok, ang pinakamalaking kalaban ay ang sarili mo.
Kilala si Monta sa kahusayan niya sa akademiks kaya maraming nagulat nang malamang siya ay kabilang sa mga atleta ng paaralan. Pito (7) ang paborito niyang numero sa kadahilanang kaarawan daw niya ito. At naniniwala siyang swerte sa kanya ang numero na ito. Hinahangaan niya si G. John Justin Bautista, guro sa MAPEH, dahil sa angking husay nito sa paglalaro ng table tennis. Napatanyag si Monta sa Akademiks dahil sa consistent siyang kabilang sa sampung pinakamahuhusay na mag-aaral sa kaniyang antas. Maliban dito kinakatawan din niya ang paaralan sa mga paligsahan sa asignaturang Agham at Matematika. Ipinagmamalaki rin niya na nakapag-uwi na siya ng mara ming medalya at sertipiko ng pagkilala mula sa mga paligsahan na nilahukan. Bukod sa ang pangarap daw niya ay ang kanyang crush (sabay bawi sa binitawan salita) plano niyang kumuha ng kursong civil engineering sa kolehiyo upang maabot ang kanyang ambisyong maging isang inhinyero nang sa ganoon ay makabawi at masuklian ang sakripisyo at hirap ng kanyang mga magulang upang maitaguyod ang kanyang pag-aaral. Isang magandang halimbawa si Monta sa kanyang mga kapwa atleta na kung magkakaroon ng tamang gawi sa pag-aaral at tamang paghahati-hati (time management) ng oras ay maaari mapagsabay ang pag-aaral at isports nang walang naisasakripisyo alin man sa dalawa. Naniniwala rin siya na hindi dapat maging kampante at isaisip na mahusay ka na bagkus ay alalahanin na dapat ay palaging maging bukas para sa mga bagong kaalaman. Aniya “Mahirap maglaro kung wala kang alam, pero mas mahirap maglaro kung pakiramdam mo ay sobrang dami mo ng nalalaman at napakahusay mo na, ngunit sa totoo lang ay isa ka lang karaniwang taong may kakayahan sa isports at marami pang pwedeng gawin para mahasa ang kakayahang ito.” Tunay ngang kahanga-hanga ang kakayahan niya, mapa-patalasan man ng isip o lakas ng katawan ang labanan ay tiyak nakaya niya itong lampasan.
N EV E R S AY DI E . Ang b u m ang g a g ib a .
Ano nga bang gayuma mayroon ang Brgy. Ginebra na nagnakaw sa puso ng mil yong-milyong Pilipino? Bu ko d t ang i ng ko ponan sa Philippine Bask e t b a l l A s s o c i at i o n (PBA) na kahit walang homecourt ay may awtomatikong homecourt advantage na agad mula sa milyong-milyong die hard fans nito. Itinatag ni Rob er t Jaworski ang binhi ng pagmamahal ng mga fans ng Ginebra San Miguel sa kanyang hindi matatawarang gilas sa laro noong kanyang kapanahunan hanggang sa sinundan ng iba’t ibang he nerasyon ng mga manlalaro ng Ginebra at ipinagpatuloy nila Mark Caguiao at Jayjay Helterbrand noong 2008 hanggang sa kasalukuyan. Hindi bababa sa 14,000 katao ang nanonood sa tuwing Ginebra ang maglalaro, lalangawin ang ibang laro ngunit hindi ang laro ng Ginebra. Huling pagkapanalo ng kampeonato ng koponan ng Ginebra ay noong taong 2008 sa Philippine Cup “walong taon sa kangkungan at tourist guide sa Boracay,” ika nga ng mga bashers nila. Hindi matitinag na pagtitiwala at paghanga ng mga fans ng Ginebra ang humaharap sa kalaban sa tuwing may laro sila. Sa tagal ng pamamamayagpag ng Ginebra sa PBA ay ilang henerasyon na rin ang kanilang napahanga at napa-ibig. Sino nga ba naman ang hindi magiging panatiko nito kung masusubaybayan mo
ang iyong lolo at tatay o kahit sinong miyembro ng pamilya mo na naunang maging panatiko nito? Nananalaytay na sa dugo ng henerasyon ang matinding pagmamahal, patunay dito ang hindi pagbitaw sa koponan sa kabila ng walong taong pagkauhaw sa kampeonato . At sa wakas, natuldukan na ang mahabang taon ng paghihintay. Matapos ang labing-anim na basketball conferences o walong taon ay nabawi na ng mga hari ang kanilang korona. Isang matamis na sagot sa taimtim na mga dasal at hiling ng mga panatiko nito. Sa kabila ng mga pangungutya ng ibang tao’y muling napatunayan na hindi lang sila pang tourist guide ng BORA at sila na uli ang hari ng BOLA. Kaya’t sa halip na sisihin ang mga players at coach sa kada laban na natatalo ay mas mag-alab pa dapat ang kanilang damdamin at suporta upang ipakitang hindi
sila matitinag ninuman at mas mapalakas pa ang loob ng mga bumubuo sa koponan na ito. Bumilang man ng ilang taon ang kanilang pagtitiis at pagtitiyaga sa pagsuporta sa Ginebra, luha mula sa kagalakan naman ang nagging sukli nito sa kanila. Ilang taon man ang lumipas ay mananatiling pinakamamahal ng masa ang Ginebra dahil sa hindi matawaran at maipaliwanag na pagmamahal ng mga tao dito na sinusiklian naman ng mga agaw-buhay na mga shooting skills ng mga players nito. Ilang laro man, manalo o matalo, mananatili palaging panalo ito sa puso ng mga tagasuportang labis na nagmamahal dito. Ni Rozenn Sta.Maria
Natalo man
I s p o r t s E d i t o rya l
Dagdagan ang suporta Puspusan ang naging
pagsasanay ng mga atleta ng FCLNHS upang maiuwi ang
kampeonato
sa Eddis II Athletic Meet na ginanap sa Malolos
Sports Complex noong Oktubre 11-12.
Ngunit sa kabila ng puso sa paglalaro ay isang ginto lamang ang naiuwi ng ating paaralan.
H
indi natin maaaring sabihin na nagkulang sa dedikasyon ang ating mga atleta. Ginugugol nila ang kanilang maghapon sa pag-eensayo. Maging ang Sabado at Linggong pahinga ay isinasantabi kung kinakailangan. Ano nga ba ang dahilan sa mailap na tagumpay ng paaralan sa larangan ng palakasan? Isa sa mga nakikitang suliranin ay ang kakulangan sa sapat na kag am it ang p ang - i sp or t s n a magagamit sa pagsasanay ng mga atleta. May mga pagkakataong kinakailangan tumigil sa pageensayo ng mga atleta sapagkat kinakailangang gamitin sa klase ang mga kagamitang ginagamit nila. Ang ganitong panghihiram ng mga gamit ay nakababawas sa oras na dapat sana ay nilalaan sa pag-eensayo. Kapansin-pansin rin ang mababang stamina ng mga atleta natin, sa simula’y aarangkada, bubulusok pero kakapusin at mawawalan ng lakas. Walang kuwestyon sa kanilang husay ngunit unti-unti silang napapagod at nakakakita ng siwang ang mga kalaban upang makaungos. Hindi nag-iisa ang ating paaralan
sa ganitong mga suliranin. Maraming mga atleta mula sa mga pampublikong paaralan ang mahuhusay sa larangan ng isports, ngunit sa kakulangan ng suportang pinansyal ay hindi ganap na nahahasa ang kanilang talento. Walang tiyak na pagkukunan ng pondo ang mga atleta, dahil may mga kautusan ang Department of Education (DepEd) tulad ng No Collection Policy na nagbabawal sa paniningil ng anumang halaga mula sa mga mag-aaral maging ito man ay para sa kapakanan ng mga batang mag-aaral na lumalahok sa mga paligsahan. Malinaw na malaking bagay na may pondong nakalaan para sana sa mas mahabang pag-eensayo ng mga atleta. Hindi sapat ang isa o dalawang buwang pagsasanay bago ang paligsahan dahil nararapat lamang na ito ay konsistent upang masiguro na masanay ang kanilang mga pangangatawan at magkaroon sila ng sapat na lakas upang tumagal at makipagsabayan sa mga katunggaling may regular na pagsasanay. Mag i ng ang mg a g u rong tagasanay ay nagsasakripisyo rin para sa ating mga atleta, madalas na ang perang ginugugol ay nagmumula mismo sa kanilang mga bulsa sapagkat nagkakaroon lamang ng tiyak na
badget para sa meal at transportation allowance ng mga atleta sa mismong araw ng kanilang laban. Pagdating naman sa kakulangan sa pasilidad at mga kagamitan sa pagsasanay ay nagsisikap naman ang paaralan upang matugunan ito sa pamamagitan sa paglapit sa mga pribadong sektor. Patunay dito ang pagtanggap ng paaralan ng basketball ring noong nakaraang taon na siya namang naging kapaki-pakinabang sa ating koponan ng basketball na naguwi sa kaisa-isang ginto na nakuha ng paaralan mula sa Eddis II Athletic Meet. Sa maraming pagkakataon ay nakita ang suporta ng ating lokal na pamahalaan para sa ating paaralan sa larangan ng edukasyon, ang parehong suporta ay maramdaman rin sana ng ating mga atleta. Sana’y maging isa rin sa prayoridad ng ating pamahalaan ang pagbibigay ng suportang pinansyal sa mga batang atleta. Puso. Talento. Dedikasyon. Lahat ng ito ay nasa ating mga atleta, punong-puno sila ng pangarap para sa kanilang mga sarili at lalong higit para sa paaralan nawa’y mabigyan rin sila ng atensyon at mapunan ang anumang kakulangan na nagiging sagabal sa pag-abot nila sa mailap na tagumpay.
Monta hinangaan sa Eddis Meet Kahit ano pa man ang dumating na kabiguan sa bandang huli ay mayroon pa ring mapagtatagumpayan ito ang napatunayan ni Vincent Monta matapos mabigong makapag-uwi ng medalya sa larong table tennis subalit umani naman ng paghanga noong nakaraang Eddis II Athletic Meet sa Bulacan Sports Complex na ginanap noong Oktubre 11 at 12. Nakuha ni Monta ang paghanga ng mga manonood matapos magpasiklab sa ikatlong set at magpaulan ng sunod-sunod na nagliliyab na smashes na hindi nagawang saligin ng katunggali mula sa Dr. Felipe National High School at nagbigay kay Monta ng malinis na kartadang , 11-0. “Tumaas yung confidence ko nung naka 8-0 ako, basta tuloy-tuloy lang, swerte na lang din nung lahat talaga ng palo ko pumapasok,” wika ni Monta. Naging mabagal naman ang simula ni Monta sa unang set dahil sa huli na nang malaman niya na backhand ang kahinaan ng kalaban at nabigong makahabol, 7-11. Sinimulan ni Monta ang ikalawang kanto sa 4-0 run ngunit agad ring humabol ang katunggali isang error ng kalaban ang tumapos sa ikalawang set pabor kay Monta, 11-10. Matindi pa rin ang sagupaan sa ikaapat naa kanto ng laban matapos tatlong ulit na magtabla ang magkaribal, bahagyang nawala sa monentum si Monta matapos tumawag ng timeout ang kalaban at tuluyang makopo ang ikaapat na set, 9-11. Makapigil-hininga ang huling set matapos magawang tumabla at makahabol ni Monta sa ginawang 5-0 run ng kalaban subalit bahagyang kinapos rin matapos tuldukan ng katunggali ang laban; 10-11. Nabigo man si Monta na makapag-uwi ng medalya marami pa rin siyang napahanga sa kanyang liksi at bilis sa tulong na rin ng FCLNHS Table Tennis coach na si G. John Justin Bautista. “ Kahit di kami pinalad na manalo proud pa rin ako kay Monta kasi alam ko ginawa niya yung best niya at yun naman ang mahalaga,” wika ni Bautista.
Ni Carlo Basilan 8-Diamond
Taroy, umalagwa Intrams
TODO NA ‘TO. Nangibabaw ang liksi ni Giselle Taroy sa Intramurals noong Setyembre 1 at 2. Larawan kuha ni Nicole Cervantes.
Naghari ang liksi at lakas ni Giselle Taroy ng 10-Mabini, makaraang padapain si Irish Dumagat ng 10-Viola sa Intramurals Women’s Table Tennis Finals noong Setyembre 2. Nagsilbing puhunan ni Taro yang kanyang bilis na nagpayuko sa matinding depensa ni Dumagat sa ikalawa at ikatlong set ng laban. Mainit ang palitan ng smashes ng dalawa sa makapigil-hiningang ikatlong set para tumabla sa 10-10, dahilan para mag-deuce. Ngunit nangibabaw ang bagsik ni Taroy, matapos kumamada ng tatlong sunod-sunod na puntos upang selyuhan ang
laban,13-12. Nakuha pang manindak ni Dumagat matapos unang magparamdam ng init at bumayo ng apat na service ace para manakaw ang unang set, 9-11. Nakahanap naman ng butas si Taroy sa ikalawang set para pumalo ng tatlong nagliliyab na smashes at nagdikit sa sagupaan sa 10-9, na tuluyang ninakaw ni Taroy, 11-10. “Hindi ako masyadong nakapag-practice, pero ginalingan ko talaga sa laro,” pahayag ni Taroy.
Ni Jimuel Simoun Eligio 10 - Rizal
Jordan ng grade 7 umariba sa Finals Walang malaking nakapupuwing. Ito ang pinatotohanan ni Mauie ‘Jordan’ Risar, Grade 7-Rosal matapos maglatag ng 18 puntos at tatlong steals at pangunahan ang Grade 7 upang pugutin ang lubid ng pangarap ng Grade 8 sa kampeonato ng Men’s Basketball ng 2016 Intramurals sa FCLNHS Covered Court noong ika-2 ng Setyembre, 37-34. Walang takot na nakipagsabayan si Risar sa kabila ng bentahe sa taas ng mgakatunggali sa grade 8. “Bata pa lang kasi ako ay hilig ko
nang magbasketbol, talagang binigay namin yung best namin, hindi naman talaga hadlang yung edad at kaliitin.” wika ni Risar. Nagawa pang manindak nina Jessinar Bagotsay at John Paul Abogado ng 8-Ivory matapos bitbitin ang unang kwarter na may isang puntos na kalamangan, 19-18. Tatlong magkakasunod na tres mula kay Risar ang nagbigay-daan sa Grade 7 upang umalagwa ng walong puntos na kalamangan sa huling tatlong minuto ng bakbakan, 31-23.
ANGAT SA IBA. Pinatunayan ni Mauie ‘Jordan’ Risar na walang malaking nakapupuwing sa Intramurals noong Setyembre 1 at 2. Larawan kuha ni Nico Villafuerte.
Muling uminit ang laban matapos dumikit ang Grade 8, 35-34. Dalawang freethrow ni Cris Rocabo ang nagselyo sa digmaan matapos ang offensive foul ni Bagotsay ng Grade 8, 37-34. “Binigay lang naming ang best anmin, tsaka nag-enjoy na lang kami,” ayon kay Rocabo. Kinoronahan bilang Most Valuable Player si Risar na tumangggap ng tropeo at sertipiko ng pagkilala. Ni E.J. Esguerra 10 - Maalvar
LAKAS AT DETERMINASYON. Buong Gilas na inuwi ni Mark Crisostomo ang ikalawang pwesto sa discuss throw sa Eddis Meet noong Oktubre 11 at 12. Larawan kuha ni Nico Villafuerte.
Crisostomo humataw sa Eddis Meet Dalawang medalya ang naiuwi ni Mark Crisostomo ng 8-Jasper makaraang hablutin ang ikalawa at ikatlong pwesto sa Discuss Throw at Shot Put sa ginanap na Eddis II Athletic Meet sa Bulacan Sports Complex sa Malolos City noong Oktubre 11 at 12. Umitsa si Crisostomo ng layong 24.44 m sa Discuss Throw dahilan upang makahablot ng medalyang
pilak at maungusan ang kalabang nakapagtala ng 25.49 m na layo. Nagposte naman siya ng 19.69 m layo sa Shot Put na naging dahilan upang kanyang baunin ang tansong medalya. “Disiplina at tiyaga ang naging puhunan ko para mabigyan ng karangalan ang ating paaralan, maraming salamat din sa ating Punong-guro at aking gurong tagasanay,” pahayag ni
Crisosostomo. Ito ang kauna-unanhang pagkakataon na lumahok si Crisostomo sa naturang sports event. Hindi man pinalad na makuha ni Crisostomo ang tiket patungong Provincial Athletic Meet ay positibo naman ang kanyang gurong tagasanay na si G. Albert Santiago na malaki ang potensyal ni Crisostomo bilang manlalaro.
“May dalawang taon pa naman si Mark, hindi man tayo nakalusot ngayon, kumpyansa ako na dahil regular na training ay makakaya niya sa mga susunod na laban. May talento talaga yung bata at yung determinasyon niya, ‘yun yung magdadala sa kanya sa tagumapay,” wika ni Santiago.
Ni E.J. Esguerra 9-Gold
Gilas Lipanians kumobra ng Ginto RATSADA NG KAMPEON. Isa-isang pinatalsik ng FCLNHS Basketball Team ang mga katunggali sa Eddis Meet noong Oktubre 11 at 12. Larawan kuha ni Nicole Cervantes.
Sinagasaan ng Felizardo C. Lipana National High School ang mga katunggali sa Eddis II Athletic Meet dahilan upang maghari sa Men’s Basketball sa Bulacan Sports Complex noong Oktubre 11 at 12. Nakapagtala ng malinis na 3-0 kartada ang Gilas Lipanians makaraang isaisa nila patalsikin ang tatlong katunggali, 82-72, 58-55 at 68-65. “Napakasaya ko dahil nanalo kami, sulit lahat ng pinaghirapan ng team namin,” ani Joven Franz Facundo, star player ng Gilas Lipanians, “nagpapasalamat ako sa aming coach, sa mga teachers at sa ating principal na walang sawang naniniwala at sumusuporta sa amin,” dagdag pa ni Facundo. Dikdikan ang naging laban sa pagitan ng Lipanians at Mariano Ponce National High School (MPNHS) hanggang sumapit sa overtime, 69 all. Isang tres ang pinukol ni Alex Valera ng MPNHS dahilan upang tumawag ng time out ang Lipana upang habulin ang tatlong puntos na kalamangan ng
kalaban. Bumawi naman agad ng tres si Facundo upang maitabla sa 72 ngunit tinawagan ng 8 seconds violation ang Lipana at tuluyang napako sa 72-69. Ngunit sa ‘di inaasahang pagkakataon ay na-disqualify ang koponan ng MPNHS matapos madiskubreng over-age ang isa sa mga manlalaro nito. Sa huling dalawang pakikipagsagupaan ng Gilas Lipanians ay kapwa dikit din ang laban ngunit ang pamamayani ni Facundo ang kinapitan ng koponan at maibuslo ang panalo kontra Bocaue, 58-55 at Plaridel, 68-65. “Napaka-memorable nitong taon na ito syempre kasi nabawi natin yung kampeonato matapos tayo na mabigo noong nakaraang taon, sulit lahat. Salamat sa lahat ng sumuporta sa team,” wika ni G. Regalado Hernandez, Kakatawanin ng Gilas Lipanians ang Eddis II Basketball Team sa Disyembre. NI E.J. Esguerra 10 - Malvar
Matapos ang 4 na taon
F C L N H S S p i k e r s Mailap na medalya nahablot ni Taroy pagka- tabla sa 9-9 ngunit nakasilip ng dinurog ang THS kataonSa aykauna-unahang nakapag-uwi ng pilak siwang si Taroy at nagpakawala Sumandal ang FCLNHS sa mapainsalang spikes ni John Rey Castro upang pulbusin ang Tiaong National High School sa nakaraang Municipal Volleyball Athletic Meet na ginanap Sta. Cruz Court noong Setyembre 16. Naging mainit ang tunggalian ng dalawang koponan kasabay ng nakabi bi ng i ng h iy aw an at suporta ng mga manonood para sa mga manok nila ngunit biglang nawala ang mga ugnayan ng mga manlalaro ng Lipana dahilan upang masikwat ng Tiaong ang unang kanto, 22-25. B a go p a m an m a g s i mula ang ikalawang set, pinaalalahanan ng coach ng FCLNHS Spikers ang mga manlalaro sa pag-iingat sa errors at maging alisto sa koneksyon sa isa’t isa. Nagsimulang mag-init si Castro sa ikalawang kanto ng laban, nagsanib-pwersa sila ni Jonel Santiago sa pagpapakawalang ng nagli liyab na palo dahilan upang maka “15 excellent sets” , dumagdadg pa ang bangis ni Joselito Ilustre na nagpasubsob sa Tioang, 25-12.
Nagtuloy-tuloy na sa pagratsada ang Lipana Spikers matapos ang malulupit na “10 aces’ ni Richmond Valdez, 7 attacks ni JC Marquez at 3 blocks naman ni Castro na nagbigay sa Lipana ng tulay tungo sa kampeonato at magpasadsad sa Tiaong, 25-8. It i n a n g h a l n a Mo s t Valuable Player si John Rey Castro matapos ang mapapaminsalang “12 attacks, 3 aces at 3 blocks” na naging alas ng spikers upang mapaluhod ang kalaban. “Syempre ang sarap ng pakiramdam kasi makakapaglaro kami sa Eddis bonus na lang yung ako ang napiling MVP, ” wika ni Castro. Bagama’t nabigo ang koponan na makalusot sa Provincial Athlectic Meet matapos sumadsad sa 2-1 na rekord noong nakaraang Eddis II Athletic Meet hindi nasisiraan ng loob ang grupo bagkus ay nagsilbi itong hamon upang patuloy na mag-ensayo upang mahigitan ang kanilang naging standing ngayong taon. Ni Carlo Basilan 8-Diamond
si Giselle Taroy ng 10-Mabini matapos ang apat na taong pakikipagbakbakan sa Women’s Table Tennis sa Eddis II Athletic Meet na ginanap sa Bulacan Sports Complex sa Malolos City noong Oktubre 11 at 12. Pangarap, lakas at pagpupun yagi ang naging sandata ni Taroy nang pataubin ang katunggali mula sa Pandi 11-9, 11-8 at 11-8. “Masaya ako syempre kasi first time ko na manalo sa Eddis, nagpapasalamat din ako sa mga sumuporta sa akin, lalo na kay Sir Justin na hindi nagsawa kahit pauli-ulit akong nabibigo,” pahayag ni Taroy Sa unang kanto pa lamang ng sagupaan maagang umarangkada si Taroy hanggang sa mag-
GILAS AT PUSO. Nasungkit ni Giselle Taroy ang ikalawang pwesto sa Women’s Table Tennis sa Eddis Meet. Larawan kuha ni Adrian Soliman
ng isang smash na tumapos sa set, 11-9. Sa huling dalawang set ay kapawa naunang nag-init ang Pandi ngunit hindi nawalan ng
loob si Taroy at kapwa kinopo ang set, 11-8,11-8. “Masaya ko para kay Giselle kasi nasulit lahat ng paghihirap namin, lahat ng pagpapraktis namin ay nasuklian ng panalo,” pagmamalaki ni G. John Justin Bautista gurong tagasanay ni Taroy. Ni E.J. Esguerra 9-Gold
Grade 8 ‘di pinaporma ang SHS sa Chess Nagtala si Adrian Gurnat ng Grade 8 ng sorpresang 66-move victory laban sa katunggaling Grade 11 na si Alexis Lapasanda sa Chess Championship Finals ng FCLNHS Intramurals noong Setyembre 1. Hindi naging balakid kay Gurnat ang bentahe sa karanasan at edad ng katunggaling si Lapasanda patunay dito ang maaga nyang pagpapasiklab sa
simula pa lang ng laban. Ep e k t i b o a n g n a g i n g diskarte ng 13-anyos na si Gurnat matapos mapakagat sa kanyang mga pain si Lapasanda dahilan sa maagang pagka less queen nito. Bahagyang nakabangon si Lapasanda matapos malinlang si Gurnat at ma-corner ang queen nito, dahilan para maging patas ang laban.
Hindi naman nawalan ng loob si Gurnat at lalo pang naging agresibo, matapos ang sunod-sunod na opensiba ni Lapasanda. Tatlong sunod-sunod na atake ang tumapos sa laban, hindi na nakarekober pa si Lapasanda at tuluyang nang nacheckmate. “Hindi ako masyadong kinabahan, kumpyansa ako
na matatalo ko siya, talagang ‘di ako nagmadali sa pagtira, pinag-isipan ko bawat moves,” ayon kay Gurnat. ikinalungkot naman ni Gurnat ang desisyon ng paaralan na hindi magpadala ng manlalaro ng chess sa Eddis II Athletic Meet ngayong taon. Ni Jimuel Simoun Eligio 10 - Rizal