Kamalaya’y patitibayin, kamangmanga’y babasagin. Tibagan No. 1 ! Nagbibigay ng makabuluhang mensahe si Ricardo Benis Jr. sa kaniyang kaunaunahang pagpupulong bilang bagong punongguro ng Tibagan National High School, Bustos, Bulacan, Setyembre 27. LIBERTY ELAINE ALFONSO, 8-Amethyst
.
.
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Tibagan National High School Tomo XVIII
Benis Jr, bagong punongguro ng TNHS
NI KYLA MENDOZA 8 – Alexandrite
“Tibagan no. 1.” Ito ang misyon ng bagong punongguro ng Tibagan National High School (TNHS) na si Ricardo Benis Jr. Si Benis Jr. ay opisyal na itinalaga sa paaralan noong Agosto 25 sa isang programa ng pagtanggap na
dinaluhan ng mga guro at opisyal ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) mula sa distrito ng Obando at Bustos. “Malaking karangalan para sa akin ang maging punongguro ng TNHS. Wala akong ibang nais kundi ang lalo pang paunlarin ang paaralan sa tulong na rin ng nga kaguruan,” pahayag ng punongguro.
Bilang 1
Hunyo - Nobyembre 2018
STE Program umarangkada na uPahina 2
Pagsasaka ay ‘di biro sabi ni Ato uPahina 10-11
TNHS tinibag ang Alexis sa basketbol 3x3 uPahina 20
Presyo ng bigas tumaas
Halaga ng lugaw hindi gumalaw NI MELISSA TAGOB 9 – Waling-waling
S
a kabila ng paglobo ng presyo ng bigas, nananatili pa ring P15 kada takal ang lugaw sa kantina ng Tibagan National High School (TNHS). Bunsod ng 7.1% na inflation rate ng bigas nitong Agosto, ang dating P42 kada kilo ng commercial rice ngayon ay P50 na sa palengke ng Bustos. “Hindi nagbago ang presyo ng lugaw. Tapos nakabibili pa rin ako ng lugaw sa halagang P10 at kung minsan ‘pag gutom talaga ko, P20 na halaga ang binibili ko,” pahayag ni Thomas Manuel Tadeo ng 10 – Faith. Ayon kay Mylene de Leon, guro ng TLE 9 at tagapangasiwa ng kantina, apektado talaga ng pag-arangkada ng implasyon sa bansa ang ilang bilihin sa kantina kung
kaya’t pinagsusumikapan na huwag nang magtaas ng presyo sa pangambang hindi ito makayanan ng mga mag-aaral. Ilan sa mga produkto na nagmahal ay ang mga biskwit na Black O at 3D Panda na mula P8 ay naging P9 na. Ayon naman sa ilang mag-aaral sa panghapong klase, hindi nila gaanong ramdam ang pagsipa ng inflation rate lalo na’t pareho pa rin ang presyo ng mga produkto sa kantina. “Mabuti nga at hindi tumaas ang presyo ng mga bilihin sa kantin, kundi konti na lang ang mabibili ko sa baon ko,” wika ni Airra Mae Santos ng 9 – Santan. Payo naman ni De Leon sa mga Tibagenyo, “Yung mga pang-umaga, dapat mag-heavy breakfast na kayo para iwas bigat sa bulsa. Yung mga panghapon naman, kumain na ng mga pagkaing mabigat sa tiyan bago pa man pumasok ng paaralan para makatagal at makatipid.”
Sa halagang P15 ay nabusog na sa lugaw ang tatlong mag-aaral ng Tibagan National High School, Bustos, Oktubre 15. LIBERTY ELAINE ALFONSO, 8-Amethyst
Tibagan No 1 ang Solid Waste Management, ICT Teacher Pasok sa Division Level
NI ELLEINA MARIE QUINTO 9 – Waling-waling
N 79% Tibagenyo aprub na Baybayin ang Pambansang Sistema ng Panulat NI CHRISHELLE GUTIERREZ 7 – Einstein
S
ang-ayon ang 79% ng mga mag-aaral ng Tibagan National High School (TNHS) sa pagtatalaga sa Baybayin bilang pambansang sistema ng panulat ng mga Pilipino. Ayon sa isinagawang sarbey ng Ang Magtitibag noong Setyembre 25, 632 mag-aaral mula sa 800 na respondents ang payag na pag-aralang muli at gamitin sa pang-araw-araw na gawain ang sinaunang sistema ng panulat. “Para sa akin, isa itong hakbang upang maging ganap ang pagkakakilanlan nating bilang mga Pilipino,” saad ni Dennis Yasis mula sa 9 – Waling-waling.
Inaprubahan na ng House Committee on Basic Education and Culture ang Panukalang Batas bilang 1022 o ang “National Writing System Act” na ang pangunahing layunin ay italaga ang Baybayin bilang pambansang sistema ng panulat ng Pilipinas. Ang panukalang batas na ito ay inihain ni Pangasinan Representative Leopoldo Bataoil na suportado ng Departmento ng Edukasyon (DepEd) at ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) kasama ang Buhayin, isang pangkat na Baybayin ang adbokasiya. Samantala, 15% naman ng mga Tibagenyo ang negatibo ang pagtanggap sa panukala sa pangambang makabibigat ito sa kanilang pag-aaral. u P2
agbunga ang paghihiwalay ng mga plastic bottle, wrappers at papel ng mga Tibagenyo nang magwagi ang Tibagan National High School (TNHS) sa kompetisyon ng School Solid Waste Management Program (SSWMP). Nakamit ng TNHS ang unang gantimpala sa SSWMP sa EDDIS II level ng patimpalak, Setyembre
28, 2018. Ito ay sa bisa ng Division Memorandum blg. 101, s. 2018. Sinuri ng mga ebalweytor mula sa Bulacan Division Office ang mga pasilidad kaugnay ng tamang implementasyon ng SSWMP tulad ng material recovery facility, compost pit, mga basurahan at kagamitan sa paglilinis noong Setyembre 18. Samantala, nanguna naman ang focal person ng SSWMP at TLE Coordinator na si Reynalin F. Centeno bilang Outstanding ICT Teacher ng EDDIS II.
Napatunayan ni Centeno ang kaniyang husay sa pagiging ICT teacher sa pamamagitan ng kaniyang mga karanasan sa chairmanship, pagkilalang natamo at naipanalong mag-aaral. “Pagtutulungan talaga ang susi sa tagumpay. Kaya nagpapasalamat ako sa mga kapwa ko guro at sa pamunuan ng paaralan sa kanilang suporta. Salamat din sa mga magaaral na masunurin sa paghihiwalay ng mga basura,” wika ng ICT teacher.
Rescue Teens reresponde na
NI YUAN MIGUEL MACARAEG 9 – Sampaguita
H
anda nang rumesponde ang mga estudyante sa oras ng sakuna sa paaralan matapos ang kanilang tatlong araw ng pagsasanay. Sa pagtutulungan ng Rescue 505, AM Kabataan Center at SK Federation ng Bustos ay itinatag ang Rescue Teens na tinuruan ng basic life support at cardiopulmonary resuscitation (CPR) noong Hulyo 17-19 sa gusali ng AM Kabataan Center, Poblacion, Bustos, Bulacan. “Kahit mga teen pa lang kami, malaking tulong ang ganitong mga pagsasanay upang lalong maging handa sa sakuna,” wika ni Reymart
Isinasagawa ng apat na kabataang Bustosenyo ang tamang pagbuhat sa “sugatan” sang-ayon sa gabay ng Rescue 505 sa AM Kabataan Center, Bustos, Bulacan, Hulyo 18. https://bit.ly/2OOns5q
Estomata, mag-aaral mula sa 10 Faith at pangulo ng School Disaster Risk Reduction and Management sa Tibagan National High School. Sa ikatlong araw ay nagsagawa ng Bustos Teens Rescuelympics kung saan nagtagisan ang mga estudyante
sa quiz bee, bandaging, CPR, lifting and moving at situational analysis. “Walang pinipiling oras at lugar ang sakuna kaya kahit mga bata o estudyante dapat ay handa,” pahayag ni Paul Santos, punong opisyal ng Rescue 505.
STE Program umarangkada na NI BEA BIANCA PATRON 9 – Waling-waling
L
along mahahasa ang kaalaman ng mga magaaral na mahilig sa Science ngayong ipinapatupad na ang Special Curricular Program in Science, Technology and Engineering o mas kilala sa tawag ng STE Program sa Tibagan National High School (TNHS).
Stand ng Academic Track sa senior high school. “Ito ay para sa mga karapatdapat na mag-aaral na may angking talino at kakayahan sa mga asignaturang Math at Science. Noong bakasyon ay nagkaroon ng entrance exam para dito. Ang mga qualified mag-aplay ay yung may 85 na average grade sa English, Science at Math, 83 naman sa iba pang subjects,” pahayag ni Ronald Mendoza, Pang-ulong Guro ng Science.
Ang mga mag-aaral ng senior high school ay nakikinig ng mga paalala matapos ang seremonya ng pagtataas ng watawat sa covered court ng Tibagan National High School, Bustos, Bulacan, Hunyo 25. https://bit.ly/2QaLG6w
Tulay ng Bustos-Baliwag isinara Populasyon ng Tibagan SHS tumaas NI RYAN JESARTH CORTUNA 10 – Integrity
Masiglang nakikisangkot ang mga mag-aaral ng 7-Einstein sa klase ng matematika ni Arlene Sarmiento kalakip ang ICT sa talakayan, Tibagan National High School, Bustos, Bulacan, Oktubre 11. GLENNA MAY PEREZ, 8-Diamond
Ito ang unang taon ng pagpapatupad ng nasabing programa kung saan 36 na mga mag-aaral sa grade 7 ang nakikinabang. “Mayroon silang karagdagang asignaturang Environmental Science bukod pa sa General Science na inaaral rin ng mga mag-aaral na wala sa STE Program,” paliwanag ni April Divino, tagapayo ng 7 – Einstein na nag-iisang pangkat para sa programa. Ang STE Program ay paghahanda sa mga mag-aaral na kukuha ng STEM
Buong araw ang klase ng 7 – Einstein mula 7:00 NU hanggang 3:45 NH na hindi tulad ng mga nasa regular na klase ng grade 7 na kalahating araw lamang ang pasok. “Challenging para sa akin ang pagiging bahagi ng STE Program kasi advance ang mga tinuturo sa amin,” wika ni Janell Maximo. “Proud ako na mapasali sa STE Program kasi pili lang ang mga nakakapasok dito,” saad naman ni Rowelyn Perez.
79% Tibagenyo aprub... t1 “Dagdag aralin lang ito sa aming mga mag-aaral. Ano ba ang maitutulong nito sa pag-unlad ng bansa?” wika ni Richard C. Archico ng 9 – Sampaguita. Sakaling maisabatas ang panukala, ipag-uutos na ang lahat ng manufacturers ay maglagay ng salin sa Baybayin sa mga label ng kani-kanilang mga produkto. Magkakaroon din ng mandatong gamitin ang Baybayin sa mga signage na nagpapakita ng pangalan ng mga kalsada, mga pampublikong lugar, gusali, at establishment tulad ng mga ospital, istayon ng bumbero at pulis, mga parke, at mga tanggapan ng opisina ng gobyerno. Kailangan ding may salin sa Baybayin ang mga pangalan ng mga pahayagan, magasin, at iba pang mailalathalang babasahin. Baybayin, kilalanin Baybayin na ang sistema ng panulat ng mga katutubong Pilipino bago pa man sakupin ng mga Espanyol ang bansa. Ito ay pangunahing ginagamit sa Katagalugan at Kabisayaan. Nakasanayan itong tawaging Alibata na siya namang itinama ng Komisyon ng Wikang Filipino noong 2014 sa pangunguna ng Chairman nito na si Virgilio Almario.
“Ang Alibata ay mula sa teorya na ang Baybayin ay mula sa Arabic script. Itong ating Baybayin ay ang pangalang ibinigay ng mga katutubo sa sistema ng panulat na ito,” wika ni Almario. Labimpitong mga karakter ang bumubuo sa Baybayin: tatlong mga karakter para sa mga patinig (A, E/I at O/U) at 14 na mga karakter para sa mga katinig (B, C/K, D/R, G, H, L, M, NG, P, S, T, W, at Y). Gumagamit ng kudlit upang ibahin ang patinig ng isang pantig. Magiging E/I ang patinig na A kapag ang kudlit ay nasa itaas ng karakter. Magiging O/U naman kapag nasa ibaba ng karakter ang kudlit. Ang pananakop ng Espanya bitbit ang alpabetong Latin ang nagbunsod sa tuluyang hindi paggamit ng mga Pilipino sa Baybayin. Bukas naman ang isipan ng mga guro sa Filipino sakaling ipag-utos na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng Baybayin. “Handa naman ang mga kaguruan na araling muli ang Baybayin upang maituro ito sa mga mag-aaral. Tiyak na mahirap sa simula pero kakayanin,” saad ni Ma. Victoria G. Jose, tagapagugnay ng Departamento ng Filipino ng TNHS.
TVL dagdag track sa 2019 NI MELANIE LIBRANDA 7 – Einstein
M
ay panibagong track nang pagpipilian ang mga magaaral ng senior high ng Tibagan National High School (TNHS) sa susunod na taon. Sa pagkakaroon ng TechnicalVocational-Livelihood (TVL) Track, maaari nang matuto ng Bread and Pastry sa ilalim ng Home Economics Strand at animation sa ilalim naman ng Information and Communications Technology (ICT) Strand ang mga interesadong mag-aaral ng SHS sa sandaling maaprubahan ang aplikasyon ng TNHS.
Positibo naman ang pananaw ng SHS Curriculum Chair na si Kimberly Maximo hinggil sa aplikasyon ng paaralan. “Nasa unang bahagi pa lang tayo ng aplikasyon pero wala namang mabigat na dahilan para hindi ito maaprubahan,” pahayag ni Maximo. Paliwanag pa niya mayroon ang TNHS ng computer laboratory at sapat na computer units para sa ICT Strand. Mayroon ding National Certificate ang ilan sa mga guro ng SHS para sa Bread and Pastry. Kasama rin sa requirements ay ang sarbey sa mga mag-aaral upang maipakita ang bilang ng mga interesadong pumasok sa TVL Track.
N
adagdagan ng 72% ang bilang ng mga mag-aaral sa senior high ng Tibagan National High School (TNHS) matapos isara ang Gen. Alejo Santos Bridge noong Mayo upang bigyang-daan ang rehabilitasyon nito. Nagtalaga naman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng alternatibong ruta kung saan may pansamantalang tulay na magdurugtong sa Bustos at Baliwag. Ngunit sa halip na magtungo pa sa Baliwag ay pinili ng mga estudyante na sa TNHS na lamang mag-enrol. Ang iba naman ay mga transferee mula sa ilang paaralan sa Baliwag. “Dito na ako nag-enrol para malapit. Mahirap dumaan sa detour (alternatibong ruta), laging trapik,”
saad ni Patricia Clariz de Leon ng 11 – Viola. Napilitan naman magtaas ng pamasahe ang mga drayber ng traysikel dahil mas mahaba ang daan ng detour road. Ang dating P20 na pamasahe mula Tibagan patungong Baliwag ay naging P25 kung may kasabay sa byahe. “Pinalipat ako dito ng magulang ko para hindi na ako mahirapan sa byahe. Saka tumaas din pamasahe papuntang Baliwag, ‘pag dito mas tipid kahit papaano,” wika naman ni Charles Mendoza ng 12 – Osmeña. Ayon naman kay Kimberly Maximo, curriculum chair ng senior high, maaari ding naging dahilan ng paglobo ng populasyon ng senior high ay ang pagbubukas ng STEM strand. “Dati kasi GAS lang ang meron dito kaya yung ibang estudyante walang choice kundi sa ibang paaralan magenrol. Ngayong meron nang STEM wala nang dahilan para humanap pa
sila ng ibang paaralan,” ani Maximo. Oplan Buy Bustos Kaugnay ng pagsasara ng tulay ay inilunsad ang kampanyang “Buy Bustos” ng Pamahalaan ng Bayan ng Bustos sa pangunguna ni Mayor Arnel Mendoza. Layunin nitong hikayatin ang mga Bustosenyo na tangkilikin ang mga produkto at serbisyo sa sariling bayan. “Kung mahirap pumuntang Baliwag para mamalengke, sa palengke na ng Bustos mamili. Mahihirapan sa pagpasok sa Baliwag ang mga estudyante? Dito na lang sa Bustos mag-enrol,” pahayag ni Mayor Mendoza. Umaasa ang pamahalaan ng bayan na sa ganitong hakbang ay lalong uunlad ang ekonomiya ng Bustos. Inaasahang matatapos ang rehabilitasyon ng tulay ng BustosBaliwag sa loob ng dalawa hanggang dalawang taon.
Tibagenyo nagsaya sa foundation day Alumni homecoming ikinakasa
Bakas ang tuwa sa mga mukha ng mga mag-aaral habang pinanonood ang mga magkatunggali mula sa Grade 7 sa laro ng giant jackstone sa covered court ng Tibagan National High School, Bustos, Bulacan, Setyembre 25. GLENNA MAY PEREZ, 8-Diamond
NINA JAMES AUSTRIA, MELANIE LIBRANDA 7 – Einstein
P
agkatapos ng apat na taon ay naipagdiwang muli ang foundation day na nagdulot ng kasiyahan sa mga guro at mag-aaral ng Tibagan National High School (TNHS) noong Setyembre 21. Nagbagong bihis ang bawat klasrum na naging iba’t ibang uri sa fun booth tulad ng cinema booth,
games booth at dedication booth na pawang tinangkilik ng mga Tibagenyo. “Pinakanagustuhan ko yung games booth dahil magaganda ang mga papremyo nila,” saad ni Bea Serrano ng 8 – Aquamarine. Nagkaroon rin ng mga palaro sa bawat baitang. Nanalo sa giant jack stone ang 7 – Einstein, 10 – Harmony naman ang nagwagi sa patintero at 12 – Osmeña naman ang sa tic-tac-toe. Samantala, sa susunod na taon
ay ipagdiriwang ang ika-40 taong anibersayo ng pagkakatatag ng TNHS. Ngayon pa lamang ay umuusad na ang planong alumni homecoming. “Ang unang hakbang natin ay magtatag ng alumni organizations at officers na siyang magiging katuwang natin sa pagsasakatuparan ng homecoming,” pahayag ni G. Ricardo Benis Jr, punongguro ng TNHS. Nakaabang na rin ang adopt-aclassroom project para sa mga alumni na siyang pangunahing layunin ng home-coming.
Kahalagahan ng family planning binigyang-diin sa World Population Day NINA FRENZUAH GEL DE LEON, NAOMI GARETTE CANOZA 7 – EINSTEIN
I
pinaliwanag sa mga Tibagenyo ang kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya sa isang symposium bilang paggunita sa World Population Day na may temang “Family planning is a human right” sa covered court ng Tibagan National High School
(TNHS) noong Hulyo 12. Sa pangunguna ng Departamento ng Araling Panlipunan, tinipon ang mga mag-aaral upang makinig sa mga talakayan hinggil sa maagang pagbubuntis, makabagong paraan ng pagpaplano ng pamilya at ang epekto nito sa pamilya, komunidad at bansa. “Napapanahon talaga ang ganitong mga gawain dahil palaki nang palaki ang populasyon ng Pilipinas. Marami ring mga mag-aaral ang maagang
nagbubuntis,” pahayag ni Annabel Hermosa, guro ng AP 9 at isa sa mga naging tagapanayam. Nanood rin ng isang maikling dokyumentaryo hinggil sa mga pinagdadaanan ng isang batang ina. “Marami akong natutunan sa symposium na ito. Naunawan ko na ang family planning ay mabuti hindi lang sa isang pamilya kundi sa buong bansa,” saad ni Carissa Velasquez, 10 – Faith.
Pangalawang Computer Lab malaking tulong sa SHS Kani-kaniyang gamit ng bagong computer ang mga mag-aaral ng 12 – Osmeña sa kanilang klase sa Entrepreneurship, Tibagan National High School, Bustos, Bulacan, Oktubre 10. KIM CATHLEEN MERCADO-SANTOS.
Pasada Eskwela Cruz, Cruz dinomina ang editoryal kartuning NI MELISSA TAGOB 9 – Waling-waling
D
inomina ng Tibagan National High School ang kompetisyon sa editoryal kartuning (English) matapos makuha ang una at ikatlong gantimpala ng dalawang Tibagenyo sa nakaraang EDDIS II Press Conference sa Bunsuran National High School, Pandi, Bulacan noong Setyembre 12. Nakamit ni Janssen Cruz ng 12 - Quezon ang unang puwesto samantalang ikatlong puwesto naman ang nasungkit ni Lander Cruz ng 12 - Quezon sa parehong kategorya ng editoryal kartuning (English). Ang kanilang tagapagsanay ay si Donna Estrella. Samantala, wagi naman sa ikatlong puwesto ng pagsulat ng balitang isports si Christan Miguel Sebastian ng 10 – Charity. “Natural ang galing ni Miguel sa pagsulat kasi hindi ko naman siya gaanong tinutukan sa pagsasanay,” pahayag ng tagapagsanay na si Bb. Audrey Therese Fulgencio, guro ng Filipino 9. Nasa ikaanim na puwesto naman si Ma. Isabelle Aquino sa patimpalak sa pagkuha ng larawan (English).
NI KYLA MENDOZA 8 - Alexandrite
P
inakikinabangan na ng mga mag-aaral ng senior high school (SHS) ang panibagong computer laboratory na kaloob ng Department of Education (DepEd). Ayon kay James Jefferson de Vera, ICT Coordinator ng SHS, ang bagong computer laboratory ay mayroong 45
na computers at 42 computers sa mga ito ang ginagamit. Dagdag pa niya, Agosto pa lang ay nakaayos na at maaari nang gamitin ang mga computers ngunit noong ikalawang linggo ng Setyembre ito unang ginamit. “Lahat ng mga guro sa kahit anong strand ng SHS ay maaaring magpagamit sa mga mag-aaral ng mga computer. Kailangan lang nilang itong ipaalam sa akin bilang ICT Coordinator,” wika
ni De Vera. “Malaking tulong ang mga bagong computers na ito sa aming SHS students kasi mas marami nang makakagamit ng computers. Mahalaga pa naman ang computer skills para sa amin pagdating sa kolehiyo at sa trabaho,” saad ni Krystel Marquez mula sa 11 - Santos Ang bagong computer lab ay matatagpuan sa silid-aralan ng Grade 12-Osmeña, ikalawang palapag ng gusali ng SHS.
Kahalagahan ng teamwork itinuro sa leadership training NI ANGELICA ANN DELA CRUZ 7 – Einstein
“A
ng layunin ng isang samahan ay madaling maaabot dahil sa pagtutulungan ng bawat miyembro.” Ito ang mensaheng ikinintal sa mga lider-estudyante ni Eufracia Canoza bilang tagapanayam sa isinagawang leadership training sa Tibagan National High School noong
Agosto 3. Nakibahagi sa nasabing training ang mga pinuno ng iba’t ibang samahan sa pangunguna ng mga opisyal ng Supreme Student Government (SSG). Tinalakay naman ni Jayson Hernandez, guro sa senior high school (SHS) at dating tagapayo ng SSG, ang Trickle Down Effect of Leadership. “Ginagawa natin ito upang masigurong magiging maayos ang pamamalakad nila sa kanilang organisasyon,” saad ni Shaira
Macaraeg, ang kasalukuyang tagapayo ng SSG. Bukod sa mga talakayan ay nagkaroon rin ng mga team-building activities upang lalong maging palagay sa isa’t isa ang mga lider-estudyante. “Umaasa kami sa SSG na sa ganitong hakbang ay maging katuwang namin ang bawat samahan upang maging kaaya-aya ang TNHS para sa lahat ng mga estudyante,” pahayag ni Shikaina Santos, pangulo ng SSG mula sa 12 – Osmeña.
Game na game sa paglalaro ng hep-hep,-hooray ang mga guro bago sila bogyang pagkilala sa higit 10 taong paglilingkod sa paaralan, Cafe de Apati, Makinabang, Baliwag, Bulacan, Oktubre 5. https://bit.ly/2PTGnZg
G u a n s i n g, p a n g a l awa n g p u we s t o s a D a m a t h D i v i s i o n L eve l NI MARIVHIE SAMPIANO 9 – Waling-waling
P
inatunayan ni Jhon Eric Guansing ang pagiging “mathinik” niya nang maupo sa pangalawang trono ng Damath Competition Division Level sa ginanap sa Laura Deleon Halili High School, Doña Remedios Trinidad, Bulacan noong Setyembre 28. Umakayat si Guansing, mag-aaral mula sa 8 – Alexandrite, sa division level ng kompetisyon matapos magkampeon sa Damath EDDIS level kung saan tinanghal sa second place overall champion anf Tibagan National High School dahil sa dami ng naipanalo kasama sina Kyla Mendoza, third place sa Mathcom, at Ruth Angela Aquino, third place rin sa Damath.
Dalisay kampeon sa Ekono Quiz ng EDDIS II
NI NAOMI GARETTE CANOZA 7 – Einstein
Tinggap ni John Mihcael Dalisay ang sertipiko ng pagkilala bilang kampeon sa Ekono Quiz kasama ang tagapagsanay na si Edgar Cruz, Jaime J. Vistan HS, Tabang, Plaridel, Bulacan. https://bit.ly/2Sg0geE
S
a iskor na 36/41 ay inangkin ni John Michael Dalisay ang unang puwesto sa Ekono quiz ng 2018 EDDIS II Araling Panlipunan Olympics na ginanap sa Jaime J. Vistan High School, Tabang, Plaridel, Bulacan noong Oktubre 9. “Masipag siyang mag-review at saka nakapokus talaga siya tuwing nirereview ko siya,” pahayag ng tapagsanay ni Dalisay na si Edgardo Cruz, guro ng Araling Panlipunan 9. Samantala pumuwesto naman sa ikalima si Jhezzelle Anne Balagosa ng 12 – Laurel sa Pop Quiz sa ilalim ng pagsasanay ni G. Jayson Hernandez. Sina Dalisay at Balagosa ay kapwa naghahanda para sa Division AP Olympics sa darating na Oktubre 19.
Manayao Jr, nag-uwi ng tanso sa dagliang talumpati NI MARY ROSE CRISTOBAL 8 – Alexandrite
G
10 batikang guro pinasaya sa Teachers’ Day NI ROWELLYN CRIS JEAN PEREZ 7 - Einstein
T
umanggap ng espesyal na regalo ang 10 mga guro na higit sampung taon nang naglilingkod sa Tibagan National High School (TNHS), sa pagdiriwang ng National Teachers’ Day noong Oktubre 5. Ang mga gurong ito ay sina Marlo Guillermo, Mercedita Javier, Mylene de Leon, Donna Estrella, Baltazara Santos, Erlinda Lopez, Elenita
Tucio, Gloria Acuña, Merlita Vanta at Mirasol Aquino. “Nasurpresa talaga ako. At syempre natuwa sa ginawang ito ng pamunuan ng TNHS,” wika ni Lopez, guro ng MAPEH 9 na 20 taon nang nagtuturo sa paaralan. Samantala nagkaroon din ng maikling programa para kaguruan ng TNHS na pinangunahan ng mga opisyal ng Supreme Student Government (SSG). May mga palaro at raffle kung saan nanalo ng libreng masahe,
cake, manicure at pedicure ang mga guro. Pinakatampok na bahagi ng pagdiriwang ay ang surpresang pananghalian na ginanap sa Cafe de Apati, Makinabang, Baliwag, Bulacan. Nauna nang nagtipon-tipon ang mga guro sa elementarya at sekondarya mula sa EDDIS II upang sama-samang ipagdiwang ang araw ng mga guro sa pangunguna ng DepEd Sangay ng Bulacan sa KB Gym, Lungsod ng Malolos noong Oktubre 1.
amit ang kaniyang makapangyarihang tinig at malinaw sa paglalahad ng mga kaisipan ay nagwagi sa ikatlong puwesto ng dagliang talumpati si Honorio Manayao Jr., sa Tagisan ng Talino sa Filipino sa EDDIS II na ginanap sa Virgen delas Flores National High School, Baliwag, Bulacan noong Agosto 23. Pinagana ni Manayao Jr., mag-aaral ng 11 – Torres, ang linaw ng kaniyang pag-iisip upang makabuo ng isang talumpati sa loob ng limang minuto ayon na rin sa turo ng kaniyang tagapagsanay na si Gng. Ma. Victoria Jose. “Kailangan talaga may presence of mind kasi kung uunahin ko ang kaba ay hindi na ako makabubuo ng talumpati,” saad ni Manayao Jr.
De Lara pumangalawa sa Division Math SIM contest
NI RYAN JESARTH CORTUNA 10 – Integrity
L
umutang sa iba ang strategic intervention material (SIM) na inilaban ni Jennie Cris de Lara at nakamit ang ikalawang puwesto sa ginanap sa kompetisyon ng SIM-teacher category sa Dampol 2nd National High School, Pulilan, Bulacan noong Oktubre 9. Mula sa 30 SIM na inilahok ng mga guro sa sekondarya mula sa apat na EDDIS ng Bulacan ay napansin ng mga hurado ang SIM na nilikha ni De Lara, guro ng Mathematics 7 sa Tibagan National High School (TNHS). “Masaya na ako sa narating ng SIM ko dahil nung isang taon ay hindi ako pinalad sa Division level,” wika ni De Lara.
AM Kabataan Center may libreng counseling sa Kabataang Bustosenyo
Napa-cravings satisfied ang mga mag-aaral ng Tibagan National High School sa kanilang unang pagbisita sa kabubukas pa lamang na branch ng Jollibee, Poblacion, Bustos, Bulacan, Oktubre 12. LIBERTY ELAINE ALFONSO, 8-Alexandrite
NI MARIA SHANDARA CANOZA 9 – Sampaguita
M Jollibee, Chowking, bukas na 250 kabataan nagkatrabaho NI ELLEINA MARIE QUINTO 9 – Waling-waling
B
ibida na ang saya sa Bustos matapos magbukas ang kauna–unahang branch ng Jollibee at Chowking na magbibigay ng maraming oportunidad sa mga Bustosenyo. Opisyal na nagbukas ang mga sikat na kainan sa isang programa na dinaluhan ng mga imbitadong mga bisita kasama ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya at ng ilang mga mag-aaral sa Poblacion, Bustos, Bulacan, Setyembre 28. Lumikha ng maraming trabaho ang mga nasabing kainan. Sa katunayan
150 mga kabataang Bustosenyo ang kinuha ng Jollibee para magtrabaho samantalang 100 naman sa Chowking. “Hindi na natin kailangang pumunta ng Baliwag para makakain ng Jollibee at Chowking. Nagkaroon pa ng trabaho ang mga kabataang Bustosenyo,” pahayag ni Mayor Arnel Mendoza nang tanungin kung ano ang epekto ng mga nasabing kainan sa bayan. Samantala maraming mga Bustosenyo ang natuwa sa pangyayaring ito. “Nakakatuwa kasi ang lapit na ng Jollibee sa atin. Hindi na kailangang pumunta ng Baliwag,” wika ni Kasha de Leon ng 9 – Sampaguita.
“Magandang pangayayari ito kasi meron na akong pwedeng aplayan ng trabaho sa hinaharap,” saad naman ni Frederick Rambuyon ng 11 – Tecson. Hindi matatapos ang taon ay magbubukas naman ang Mercury Drug Store at isang malaking general merchandise store sa bayan ng Bustos. “Maraming mga investors ang nais pumasok sa atin. May bangko, pabrika, may mga negosyante rin mula sa Valenzuela ang nais ilipat ang kanilang negosyo sa bypass road. Pero syempre sinusuri natin ang maaaring idulot nito sa mga Bustosenyo at sa kapaligiran bago pahintulutan ng pamahalaang bayan,” paliwanag ni Mayor Mendoza.
P10K, handog ng Pamahalaang Bayan ng Bustos sa TNHS NI SHAKIRA LYN EVANGELISTA 7 – Rigel
D
ahil sa mga panalong natamo ng Tibagan National High School (TNHS) na nagbigaykarangalan sa bayan ng Bustos ay pinagkalooban ng P10K ang paaralan bilang insentibo. Kinilala ng Pamahalaang
Bayan ng Bustos sa pangunguna ni Mayor Arnel Mendoza at ni Vice Mayor Ading Leoncio ang mga nakamit na karangalan ng TNHS sa larangan ng isports at akademiks sa ginanap sa flag raising ceremonies sa Municipal Compound, Poblacion, Bustos, Bulacan noong Oktubre 15. “Ang karangalan ng mga magaaral natin ay karangalan din ng bayan ng Bustos na marapat
lamang bigyan ng pagkilala,” pahayag ng punongbayan. Laking pasasalamat naman ng punongguro ng TNHS na si Ricardo Benis Jr. sa tinanggap insentibo mula sa munisipyo. “Malaking bagay ang P10K at tiyak na makatutulong ito sa paghahanda ng ating mga manlalaro para sa Provincial Athletic Meet sa darating na Nobyembre,” ani Benis Jr.
ay malalapitan na ang mga kabataang Bustosenyo na dumaranas ng depresyon simula ngayong Oktubre. Ang libreng counseling ay isa sa mga serbisyong handog ng AM Kabataan Center sa Municipal Compound, Poblacion, Bustos, Bulacan. “Kahit na sinong kabataan ay maaaring lumapit sa amin kung sila ay may pinagdaraanan tulad ng depresyon, bullying o pangaabuso,” saad ni Analene Arguel, isang lisensyadong psychometrician na namamahala sa center. “Kung sila ay nahihiya, pwede
naman kaming mag-counsel over the phone,” dagdag pa ni Arguel. Samantala, bukod sa libreng counseling ay maaari ring magpareserve at gamitin ang gusali ng AM Kabataan center upang magpulong, gumawa ng requirements sa paaralan, mag-ensayo at tumambay basta’t tapos na ang oras ng klase. “Marami nang grupo ng kabataan ang nagpa-reserve. Puno na halos lahat ng Sabado at Linggo kaya mas mabuti kung pagpapa-reserve sila nang mas maaga,” ani Arguel. Nagpapahiram din sila ng mga gamit sa isports na volleyball, futsal at table tennis. Ang AM Kabataan Center ay ang kauna-unahang sentro ng kabataan sa lalawigan ng Bulacan.
BGO namahala ng bayan sa Pambansang Linggo ng Kabataan NI APRIL BAGONAS 9 – Waling-waling
I
sang linggong nanungkulan bilang mga opisyal ng bayan ang Boy and Girl Officials (BGO) matapos nilang manumpa sa tungkulin sa unang araw ng pagdiriwang ng Pambansang Linggo ng Kabataan sa Bayan ng Bustos noong Agosto 6-10. “Layunin ng BGO na maranasan ng mga kabataan ang manungkulan sa pamahalaan at matutunan ang mga proseso ng pamamalakad sa bayan,” paliwanag ni Charisse Lynlie Paulino, ang Youth Development Assistant ng bayan ng Bustos. Ang pagdiriwang ng Pambansang Linggo ng Kabataan tuwing buwan ng Agosto ay nakabatay sa R.A. 10742 o ang Sangguniang Kabataan Reform Act. Sa ikalawang araw ginanap ang Art in the Park sa pangunguna ng GUHITPinas Bulacan-Bustos Chapter na nagsagawa kompetisyon sa pagguhit. Sa ikatlong araw naman ay ang sabayang pagtatanim ng puno sa buong bayan ng Bustos na pinangunahan ng
Sangguniang Kabataan (SK). Kasunod nito ay ang SK Olympics – paligsahang pang-isports tulad ng basketball at laro ng lahi. Kinagabihan ay ang pagsasamasama ng lahat ng SK at naging panauhin ang mga dating nanungkulang SK Chairpersons sa Gabi ng Sangguniang Kabataan. Sa ikaapat na araw ay nagkaroon ng talakayan kasama ang grupong DAKILA para sa Bayani Ba’To: Being x Becoming Forum tampok ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral na ginanap sa Bulacan State University – Bustos Campus. Sa huling araw ay ang pagdalo ng mga BG Officials sa Pamahalaang Panlalawigan para sa kanilang Recognition Day. Nakilahok sa nasabing pagdiriwang ang ilan sa mag-aaral ng Tibagan National High School (TNHS) BGO sina Angelo Dalisay at Raff Lenar De Roxas ng 12-Quezon, Darren Escasulatan ng 11-Ponce at Hazel Joyce Paulino ng 11-Del Pilar. “Hindi ko makakalimutan ang araw karanasan na ito dahil nasubukan ko kung paanong pamuno sa isang bayan,” saad ni Escasulatan.
DOL E n a m a ha g i ng N e g o Karts sa Bustos NI PRINCESS GIEZL MACEDA 9 – Waling-waling
M Ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment kay Mayor Arnel Mendoza ang tseke na nagkakahalaga ng P500K para sa mga Nego Karts sa tanggapan ng punongbayan, Poblacion, Bustos, Bulacan, Hulyo 23. https://bit.ly/2z1SnRh
ay bagong pagkakabuhayan na naman ang mga Bustosenyo matapos tumanggap ng mga Nego Karts ang pamahalaang bayan ng Bustos mula sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ang mga ipinagkaloob Nego Karts na may kabuuang halaga na P500K ipinamahagi sa iba’t ibang barangay ng bayan. Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Arnel Mendoza sa tulong na natanggap mula sa DOLE
na tutulong sa pag-unlad sa kabuhayan ng mga Bustosenyo. “Kami ay umaasa sa patuloy na ugnayan sa DOLE at iba pang ahensya ng ating pamahalaan kaugnay sa pagpapunlad ng mga nararapat na programa, sa pagpaparami ng trabaho sa bayan at sa pagpapalago sa kabuhayan ng mga Bustosenyo,” saad ng punongbayan. Ang Nego Karts ay isa sa mga pinaprayoridad na proyekto ng DOLE na inilalaan upang makapagbigay ng disenteng kabuhayan sa mga Pilipino lalong-lalo na sa mga mahihirap na manggagawa, partikular sa mga ambulant vendors sa mga pangunahing lungsod at bayan sa bansa.
Kagitingan ng Bustosenyo tampok sa bantayog sa BMA park NI JHON ERIC GUANSING 8 – Alexandrite
M
asisilayan na ng publiko ang bass relief o likhangukit na nagpapakita ng kabayanihan at kadakilaan ng mga Bustosenyo sa kasaysayan ng bayan. Ito ay matatagpuan sa liwasan Bulacan Military Area (BMA). Tampok din sa nasabing bagong bantayong ang kagitingan ng Kapitan Heneral at Gobernador ng Bulacan na si Joseph Pedro Perez Del Busto at ng Heneral at Gobernador ng Bulacan na si Alejo Santos. Pinasinayaan ito noong Hulyo 17 kasabay ng pagdiriwang ng
ika-107 taong pagsilang ni Heneral Alejo Santos. Naging layunin na ng pamahalaang bayan ng Bustos ang itanyag ang makulay na kasaysayan ng bayan upang maipagmalaki at gawing huwaran ng mga Bustosenyo. “Nawa ay magsilbing inspirasyon ito sa mga Bustosenyo ng ngayon at bukas upang pamarisan ang kabayanihan ng Bustosenyo ng kahapon,” pahayag ng punongbayan ng Bustos na si Mayor Arnel F. Mendoza. Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng mga mag-aaral, guro at pamunuan ng mga paaralan sa Bustos kasama pa ang ibang bisita.
Isinasalaysay sa likhang-ukit ang mahahalagang tagpo sa kasaysayan ng bayan ng Bustos. Makikita ang bakod sa BMA Park, Poblacion, Bustos, Bulacan, Hulyo 17. https://bit.ly/2D5prMP
AFP Chief Galvez,
PGB, DILG nagtulungan Pamamahayag sa barangay binuhay NI JOSHUA GO 8 – Alexandrite
“I
sa kayo sa mga magpapaunlad ng Bulacan.” Ito ang pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño sa 569 Barangay Public Information Officers (BPIO) sa Bulacan na lumahok sa isinagawang Barangay Journalism Training Program sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos noong Hulyo 11-12. Layunin ng nasabing programa na turuan ang mga BPIO ng probinsya ng responsableng pamamahayag upang maipabatid nila sa publiko ang mga impormasyong may kinalaman sa lokal sa pamahalaan sa pamamagitan na lamang halimbawa ng social media. “Kaya kayo pinag-aaral ngayon
ng tamang pag-uulat, lahat ng plano para sa mga mamamayan... para sa kapakinabangan ng nakararami, kayo po ang makatutulong namin upang ipamalita ang mga ito,” dagdag pa ni Usec. Diño. Samantala ipinahayag naman ni Gobernador Wilhelmino SyAlvarado sa kaniyang talumpati na ang karapatan sa pamamahayag ang pinakamatibay na haligi ng demokrasya. “Ang pamamahayag ay hindi lamang tumitiyak sa patuloy na pananahan ng kapangyarihan sa kamay ng sambayanan, bagkus ay pati na rin sa pangingibabaw ng kalayaan at ng mga pagpapalang niluwal nito upang tamasahin ng sambayanan ang kaganapan ng ating mga pinagbuklod na layunin,” wika ni Sy-Alvarado. Ayon naman kay Jenibeth Perez, BPIO mula sa Doña Remedios Trinidad na isa sa mga dumalo, natutuhan niya ang kahalagahan ng pamamahayag at ang benepisyo nito sa bawat barangay.
Kahit libre na ang tuition, 2000 kabataang Bulakenyo iskolar pa rin Nakiisa si Sen. Jinggoy Estrada sa pagtitipon ng mga iskolar ng lalawigan ng Bulacan kasama si Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado at Bise Gobernador Daniel Fernando, Bulacan Capitol Gym, Lungsod ng Malolos, Setyembre 10. https://bit.ly/2OPsLBV
Dangal ng Lipi ng Bulacan
Iginawad ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado kasama si Bise Gobernador Daniel Fernando at ang Dangal ng Bulacan Foundation, Inc Chair Herminio Esguerra ang plake ng pagkilala kay AFP Chief Gen. Carlito Galvez sa Hiyas ng Bulacan, Lungsod ng Malolos, Setyembre 17. https://bit.ly/2q9P1Yt
NI CHRISHELLE GUTIERREZ 9 – Waling-waling
T
inanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, Gen. Carlito G Galvez Jr. ang Gawad Dangal ng Lipi, isang parangal sa mga katangi-tanging Bulakenyo sa lungsod ng Malolos, Bulacan noong Setyembre 17. Ang anak ng Bustos na si Galvez ay kinilala sa kanyang kahanga-hangang paglilikod sa militar, sa paghawak sa matataas na posisyon hanggang sa maitalaga bilang chief of staff ng AFP. Si Gen. Galvez na tubong Tibagan ay pinarangalan dahil sa kanyang katapatan, katapangan at dedikasyon sa larangan ng military service na nagpapakita ng mga katangian ng isang dakilang lingkod-bayan. Kinilala rin si Galvez sa kaniyang liderato sa First Scout Ranger Battalion laban sa teroristang grupo ng Abu Sayaf sa Sulu at Basilan noong siya pa ang kumander ng Western Mindanao Command. Bukod dito, kinilala rin ng lalawigan ng Bulacan ang matagumpay na pagpapalaya
sa Marawi; pagkakagapi sa lider ng ASG na si Isnilon Hapilon at ng Maute brothers; at bilang kumander ng 6th Infantry Division, Philippine Army sa pagtataguyod ng kapayapaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front at ng mga breakaway group nito. Nagpasalamat naman ang heneral sa prestihiyosong pagkilalang tinanggap. “Isang karangalan ang tumanggap ng Gawad Dangal ng Lipi ng Bulacan. Isa itong mahalagang karangalan sapagkat kinikilala nito ang pagsusumikap naming mga lingkod-bayan para sa bansa. Dahil dito, patuloy kong paglilikuran ang bayan nang may katapatan at integridad kasama ang mithiing makamit ang misyon ng AFP sa kalayaan at kapayapaan ng Pilipinas,” saad ni Galvez. Kasama si Galvez sa 14 na mga kinilala sa iba’t ibang larangan tulad ng sa edukasyon, agham at teknolohiya, sining at kultura, kalusugan, agrikultura at isports. Ang plake ng pagkilala ay iginawad nina Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ng Bulacan kasama si Bise Gobernador Daniel R. Fernando at ang chairman Dangal ng Bulacan Foundation Inc. na si Herminio S. Esguerra.
Jack Roberto pinasigla ang ‘Hakbang para sa Kabataan’ NI LOUWERLYN SARIPA 7 – Einstein
S NI JOHNRICH MATTHEW DE LEON 8 – Alexandrite
“S
inisikap po natin na mapagkalooban ang ating mga kabataan ng dekalidad na edukasyon at nagpapasalamat po tayo sa ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil ngayon, libre na ang edukasyon sa mga state universities and colleges.” Tiniyak ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado na mananatiling iskolars ang 200 kabataang Bulakenyo na nasa ilalim ng “Tulong Pang-edukasyon para sa Kabataang Bulakenyo” na programa
ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa taunang “Scholars’ General Assembly” bilang bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival 2018 noong Setyembre 10 sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos. Dumating sa pagtitipon bilang panauhing pandangal si Senador Jinggoy Estrada na nagbigay ng kaniyang mensahe. Ang pagtitipong ito na dinaluhan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kampus ng Bulacan Polytechnic College ay naglalayong magkaroon ng interaksyon ang mga iskolars at ipaalala sa kanila ang mahalaga nilang gampanin sa pagpapaunlad ng bayan.
a pangalawang pagkakataon ay nakibahagi si “Pambansang Pandesal” Jack Roberto sa “Hakbang para sa Kabataan” na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga out-of-school youth (OSY) at sa pagpapaunlad ng isports sa Bulacan. Pinakilig ni Roberto ang mga kabataang kasama niyang naglakad mula sa Malolos Sports and Convention Center patungong
Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos noong Setyembre 19. Sa programa matapos ang lakad ay hinikayat ni Roberto, isang sikat na aktor ng GMA 7 at tubong Bulacan, ang higit sa 5000 kabataan na maging aktibo sa isports at manatiling palakaibigan. “Masaya po akong makapiling kayong muli para sa isang makabuluhang pagkakataon, ipagpatuloy po natin ang pangangarap para sa magandang kinabukasan at ang pagiging daan para matupad din ang mga pangarap ng kapwa natin kabataan,” wika ni Roberto.
Bulacan, pinakamayaman ang kooperatiba
Bulakenyos naki-jam sa Up Dharma Down sa gitna ng ulan NI FRENZUAH GEL DE LEON 7 – Einstein
H
indi nagpatinag sa ulan at patuloy na tumugtog ang Up Dharma Down (UDD) habang nakiki-jamming ang libo-libong Bulakenyo sa libreng konsyerto hatid ng Sun LTE sa Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos noong Setyembre 10. Maganda ang panahon sa pagsisimula ng konsyerto nang sa kalagitnaan ay bumuhos ang malakas na ulan ngunit hindi ito naging dahilan upang magsiuwi ang mga Bulakenyo, may payong man o wala, na piniling tapusin at enjoyin ang tugtugan ng UDD.
Lalo namang pinasigla ni Armi Millari, bokalista ng UDD kasama ang mga kabandang sina Paul Yap, Ean Mayor at Carlos Tanada, ang mga manonood na nagtatalunan at nagsasayawan hanggang sa huli nilang kanta. Bago pa tumugtog ang UDD ay nagharana na si Migo Aceder, artista ng GMA 7 na mapapanuod sa Ika-5 Utos. Nagpakita rin ng kanilang talent ang mga ipinagmamalaking banda ng Bulacan na Deuterium at Lunar Lights. Samantala, matapos ang konsyerto ay nasaksihan naman ng mga manonood ang “Pasiklaban sa Singkaban” kung saan tatlong world class producers ng mga pyrotechnics ang nagpasiklab at nagbigay-kulay sa kalangitan.
Nagpasalamat naman si Bise Gobernador Daniel Fernando sa ngalan ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado sa lahat ng bumili ng ticket bilang pagsuporta sa nasabing gawain. “Malaking tulong ang inyong naiambag para sa mga kabataang nawalan na ng pag-asa. Huwag kayong magsawang gawin ito. Sa darating na panahon, malayo pa ang inyong hahakbangin, maraming pagsubok pa ang inyong haharapin pero lagi n’yong tandaan kapag may sakripisyo, may tagumpay,” saad Fernando.
Iginawad kay Cooperative Development Authority (CDA) Executive Director Giovanni Platero, kinatawan ni Chairman Orlando Ravanera bilang panuhing pandangal, sa pagbubukas ng Cooperative Month, Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Oktubre 2. https://bit.ly/2D36utN
NI JAMES AUSTRIA 7 – Einstein
N
anguna ang lalawigan ng Bulacan sa pagkakaroon ng pinakamaraming bilang ng mga kooperatibang pasok sa Top 50 Cooperatives na nasa Billionaire Bracket at pumangalawa naman sa bilang ng mga kooperatiba sa Millionaire Bracket ng Cooperative Development Authority (CDA) noong 2017.
Ang apat na mga bilyonaryong kooperatiba ay kinabibilangan ng St. Martin of Tours Development Credit Cooperative ng may P1.96B halaga ng mga asset, San Jose del Monte Savings and Credit Cooperative na may P1.66B, Manatal Multi-purpose Cooperative na may P1.52B, at Ligas Kooperatiba ng Bayan sa Pagpapaunlad na may P1.51B. Sinabi ni CDA Chairman Orlando Ravena na kinatawan ni Executive Director Giovanni Platero sa programa ng pagbubukas ng Buwan ng Kooperatiba na ginanap sa Bulacan
Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan noong Oktubre 2 na ang mga kooperatiba ang nagsisibling instrumento sa pagpapaunlad ng kalidad ng buhay ng mga miyembo nito. “Bilang makabagong kooperatiba, hindi lamang tayo tumatahak sa pangkabuhayang gawain, kailangang mai-transform natin ang mga kooperatiba bilang isang organisasyon na tumatalima sa mga isyung panlipunan at pangkalikasan,” saad ni Platero. Naniniwala naman si Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado ang mga kooperatiba ang nagbabalanse ng kompetisyon sa pagitan ng mga naglalakihang korporasyon at maliliit at nagsisimula pa lamang na mga negosyante. “Ganap na pinasisigla ng mga kooperatiba ang ekonomiya ng Bulacan sa pamamagitan ng pagpapalawig ng malayang kalakalan at komersyo sa lalagiwan at pagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng maliliit na namumunhunan na kalauna’y naging integral na bahagi rin ng malayang kompetisyon sa mga merkado,” pahayag ni Bise Gobernador Sy-Alvarado.
Editoryal
Iwas sa kontrabandong bigas Pahintulutan ang rice smuggling—ito ang mungkahing solusyon ni Agricultural Secretary Emmanuel Piñol sa lumalalang problema sa suplay ng bigas sa bansa. Kapag ito ay inaprobahan, malayang makapapasok sa bansa ang mga inangkat na bigas sa bansa nang hindi dumadaan sa pagsusuri ng Bureau of Customs (BOC) at hindi nagbabayad ng buwis . Nilinaw naman ni Secretary Piñol na ito ay ipatutupad lamang sa mga lugar tulad ng Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi na pawang nakadepende sa mga inangkat na bigas mula sa Malaysia na ngayon ay pumalo na ang presyo sa P80 kada kilo. Mahigpit itong tinutulan ni
Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya mas pipiliin pa niyang “umangkat at mawalan” kasya magkontrabando ng bigas. Dagdag pa ng Pangulo, ang mga rice cartel na nagmamanipula ng suplay ng bigas ang dapat sisihin sa pagtaas ng presyo nito. Mula noong Agosto ay tumaas ng 7.1% ang inflation rate sa bigas na nagresulta sa pagsipa ng presyo ng bigas sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa katunayan, ang dating P42 kada kilo sa bigas sa palengke ng Bustos ay naging P50 na. Ang kakulangan sa bigas ay sadyang nakaaalarma dahil 93% na mga Pilipino ay bigas ang pangunahing pagkain. Subalit hindi dapat ito maging dahilan upang pahintulutan ang kontrabandong bigas sa bansa.
Ang ganitong hakbang ay maaari lamang magdulot ng kaguluhan bansa. Anumang inangkat na produkto ay marapat lamang magbayad ng sapat na buwis na siya namang magagamit sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Pag-aangkat na lang nga ba ang tanging solusyon sa kakapusan ng bigas? Sabi ni Senate Minority Leader Franklin Drillon kulang imprastrakturang pang-agrikultura sa bansa. Mas magandang pagtuunan ng pansin ang produksyon ng bigas sa loob bansa kaysa ang pag-aangkat upang magkaroon ng sapat at pangmatagalang suplay para sa lahat. Dagdag na ayuda sa mga magsasaka ang kailangan.
Matalas APRIL ROSE BAUTO 10 - Charity
Lingkod-bayan, asal kanto ang galawan
Punto por punto CHARLOTTE JIANNE SANTOS 8 - Alexandrite
Isang ID para sa lahat Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System Act noong Agosto 6, 2018. Sa ilalim ng batas na ito ay magkakaroon na lamang ng iisang ID ang mga Pilipino na kanilang gagamitin sa pakikipagtransaksiyon sa iba’t ibang opisinang gobyerno. Ang ID na ito ay naglalaman ng impormasyon ng isang tao, tulad ng buong pangalan, blood type, petsa at lugar ng kapanganakan at iba pa.Inaasahang sa pagkakaroon ng iisang ID ay mas mapapabilis ang mga transaksyon at hindi na mahihirapan sa pagdadala ng maraming ID. Sa kasalukuyan, bawat ahensya ng gobyerno ay may kaniya-kaniyang ID o Identification Card. Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey, 73% ng mga Pilipino
ang pabor sa pagpapatupad ng National ID System. Ayon kay Atty. Noel Del Prado, kapag naipatupad ang National ID System sa bansa, mas mapadadali ang pagkuha ng serbisyo sa gobyerno. Tulad na lamang ng pagkuha ng relief goods o paghingi ng tulong sa gobyerno sa panahon ng kalamidad. Ang mga impormasyon na nakasaad sa National ID pati na ang mga transaksyon kung saan ito ginamit ng may-ari ay matitipon sa isang data base. Pero paano na lang kung manakaw ang mga impormasyong ito? Ang ID System na ito ay susi sa maraming bagay, subalit maaaring panghimasukan ang mamamayan dahil maaaring makuha o malaman ang impormasyon ng bawat indibidwal. Walang nakaaalam kung kailan pwedeng sumulpot ang mga magnanakaw o hindi naman kaya’y hacker lalo na’t alam na nila ang magiging paraan ng paggamit ng National ID.
Hindi na baleng gumamit ng iba’t ibang ID kung ang kapalit naman ng pagkakaroon ng isang ID para sa lahat ay banta sa seguridad ng mga Pilipino, sapagkat kung isang ID lamang ang gagamitin ay maaaring maaapektuhan ang mga pribadong impormasyon at transaksiyon ng isang tao na pwedeng gamitin laban sa kanya. Gayunpaman, kailangang pagisipang mabuti ang pagpapatupad nito. Kung ano ang posibleng masamang kahinatnan ng pagkakaroon ng National ID System. Mahalagang maingatan ang mga impormasyon ng mamamayan, panatilihing pribado ang mga detalye para na rin sa seguridad ng bawat isa. Isa, dalawa o kahit ilan pa mang ID ang gamitin , ang higit na mahalaga ay mabigyan ng benepisyo at makarating ang mga serbisyo ng gobyerno sa mamamayan at magagawa ito kung tapat at masigasig ang mga opisyal ng gobyerno.
Umani na naman ng kritisismo si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson kasama ang blogger na si Drew Olivar kaugnay ng kanilang video kung saan ginawang katatawanan ang mga taong may kapansanan. Nanguna sa paghahain ng reklamo ang De La Salle-College of Saint Benilde na umaapela sa gobyerno na patawan ng karampatang parusa sina Uson at Olivar. Ayon dito, ang video ay malinaw na paglabag sa RA 9442 na nagpaparusa sa pangungutya sa mga taong may kapansanan. Mapanonood sa nasabing video na nag-trending sa social media si Olivar na ginagawa ang sign language habang umuungol na tila ginagaya ang isang taong bingi. Maririnig naman si Uson na tumatawa habang kinukuhanan ng video si Olivar. Dagdag pa ng paaralan, ang ganitong aksyon ni Asec. Uson
Tapatan
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Tibagan National High School
CHRISTAN MIGUEL SEBASTIAN 10 - Charity
Dapat ipagpasalamat
Sa tuwing masama ang panahon may bagyo man o wala, isa lang ang inaabangan ng mga magaaral: #walangpasok. Kamakailan nga lang ay binayo ng malalakas na hangin at ulan ng Typhoon Ompong ang Northern Luzon lalo na ang mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Batanes at Ilocos Region, ngunit parang hindi bagyo ang pinaghahandaan ng mga estudyante sa ibang lugar kundi ang anunsiyo ng kanselasyon ng mga klase.
#Walangpasok. Magdamag aabangan at pag nakita ay kulang na lang maglulundag sa tuwa. Isang araw na naman nga ng pahinga, pagtunganga at paggawa ng wala. Ang saya! Pero dapat ba? Tama bang magsaya na dahil sa sama ng panahon ay nawalan ng pasok? Habang kayo ay nagdiriwang, may mga mag-aaral na nangangamba para sa kanilang kaligtasan at ng kanilang pamilya. Mga mag-aaral na nakikipagsiksikan sa evacuation centers kasama ang kanilang pamilya dahil lubog na sa tubig baha ang kanilang bahay.
Habang kayo ay nagmimiryenda at nanonood ng TV, may mga mag-aaral na walang makain at naghihintay lamang ng darating na relief goods para sa pamilya. Mga mag-aaral na nalulungkot dahil mas gusto pang pumasok sa eskwela kaysa manatili sa bahay na pinasok na ng baha. Dapat isipin natin ang mga taong apektado ng mga kalamidad. Sa halip na magdiwang ay magpasalamat na lamang tayo dahil ang lugar natin ay hindi gaanong naaapektuhan ng mga kalamidad at gamitin ang buong araw sa paggawa ng mga makabuluhang bagay.
ay hindi nararapat bilang isang opisyal ng gobyerno. “Ayon sa RA 6713, ang isang opisyal ng gobyerno ay inaasahan sa pagkakaroon ng mataas na standard ng etika sa paglilingkodbayan. Hinihimok namin ang gobyernong ito na pag-isipan ang pagtatanggal kay Asec. Uson sa posisyon.” Humingi man ng tawad sina Uson at Olivar sa magkahiwalay na video ay hindi ito tinanggap ng samahan ng mga bingi na desidido sa pagsasampa ng reklamo. Ang kontrobersyang ito ay isa na namang patunay na hindi karapatdapat si Uson maging lingkod-bayan na sumusweldo ng higit P100K kada buwan. Nasasayang lamang ang buwis ng taong-bayan. Ilang kontrobersya pa ba ang bibilangin bago matauhan ang gobyernong ito at tuluyang sibakin sa puwesto si Uson? Tiyak namang hindi mahirap na hanapan siya ng kapalit na mas karapatdapat at makagaganap sa tungkulin.
PATNUGUTAN .Punong Patnugot Christan Miguel G. Sebastian .Kawaksing Patnugot Mark Jerick S. Ramos .Patnugot ng Balita Melissa R. Tagob .Patnugot ng Editoryal Charlotte Jianne C. Santos .Patnugot ng Lathalain Yuan Miguel D.G. Macaraeg .Patnugot ng Agham Elleina Marie M. Quinto .Patnugot ng Isports Mark Niel Sampiano Mga Istaf .Angelica Ann dela Cruz .Rowellyn Cris Jean Perez .Shakira Lyn Evangelista .Chrishelle Gutierrez .Louwerlyn Saripa .Azen Hillary Mendoza .Maricar Nicole Capalad .Jessielyn Melitante .James Austria .Melanie Libranda .Jhamaica Pagaduan .Kyla Mendoza .Mary Rose Cristobal .Jhon Eric Guansing .Jhonrich Matthew de Leon .Joshua Go .Maria Shandara Canoza .April Bagonas .Princess Giezl Maceda .Marivhie Sampiano .Naomi Raguin .Bea Bianca Patron .Ryan Jesarth Cortuna Mga Kontributor .John Michael Dalisay .Andrea Medina .April Rose Bauto .Lendel Ampo .Jenilyn Bautista .Khrisvin Jhelho Paulino .Ron Tracy Lumarlan .Briamae Evangelista .Jaimie Marticio .Ericka Shaine Paulino Tagawasto ng Sipi .Frenzuah Gel de Leon .Naomi Garette Canoza Tagakuha ng Larawan .Liberty Elaine Alfonso .Glenna May Perez Dibuhista .Reece Santos .Alexandria Jessca Mallari
.
.
.
.
.
Tagapayo Kim Cathleen Mercado-Santos Tagapag-ugnay Ma. Victoria Jose Pang-ulong Guro Eufracia Canoza Punongguro I Ricardo Benis Jr. Pansangay na Tagamasid sa Filipino Anastasia N. Victorino Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Bulacan Zenia G. Mostoles, Ed.D, CESO V
Kuro-kuro
Sa ganang akin
NI MARK JERICK RAMOS 10 – Charity
NI MARIA SHANDARA CANOZA 9 – Sampaguita
Amnestiya na naging bato pa Muling binuksan ang kaso ni Senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa pagkakasangkot niya sa umano’y kudeta laban sa administrasyong Arroyo. Kabilang si Trillanes sa tinatawag na Magdalo Soldiers na binigyan ng amnestiya ni noo’y Pangulong Benigno Aquino III sa bisa ng Procalamation no. 75 na inilabas noong Nobyembre 2010. Batay sa Proclamation No. 572 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 31, 2018, walang bisa mula pa simula ang amnestiya na ibinigay kay Trillanes dahil hindi ito sumunod sa “minimum requirements to qualify under the amnesty application”. Bilang tugon, sinabi ni Trillanes na taliwas sa nakasaad sa Proclamation No. 572, humiling siya ng amnestiya at sinunod ang lahat ng dapat gawin. Sinasabing nagsumite sila ng amnesty application sa Department of National Defense (DND) noong Enero 5, 2011. “Ito ay isang malaking kalokohan dahil hindi
naman ako bibigyan ng amnesty kung hindi ako nag-comply sa mga requirements,” wika ni Trillanes. “Sumumpa ako kay former Secretary of Defense Voltaire Gazmin at mapapatotohanan iyan ng DND officials. Absolutely complied ang lahat ng iyan.” Kasama sa proklamasyon ang agad na pag-aaresto kay Trillanes. “So that he can be recommitted to the detention facility where he had been incarcerated for him to stand trial for crimes he is charged with,” sabi ng Pangulo. Lumalabas na ang nais lamang ng Pangulo ay gipitin ang pinakamatindi niyang kritiko. At tila nagpapahiwatig na ang sinumang kakalaban sa administrasyon ay patatahimikin. Hindi dapat ito ang pinagtutuunan ng pansin ng Presidente dahil may mga problema pa ang bansa na mas kailangang bigyang-solusyon. Tulad na lamang ng pagtaas ng presyo ng bigas at pagbaba ng halaga ng piso. Aksyunan ang mga problemang direktang nakakaapekto sa mga mamamayang Pilipino.
Talastasan
Libro mo, dalhin mo Unang linggo pa lang ng pasukan ay ipinamamahagi na ng mga guro sa mga magaaral ang mga libro sa bawat asignatura. At madalas sa hindi ay 1:1 ang bigayan. Halos lahat ay nagkakaroon ng sipi. Ang bilin ng guro, “Dalhin araw-araw ang libro ninyo.” Subalit paglipas ng mga linggo, kapansin-pansin na hindi lahat ay nagdadala ng kanilang libro. Ang masama ay paunti ng paunti ang may libro sa klase habang tumatagal. Ang ganitong sitwasyon at talaga namang nagpapainit sa ulo ng sinumang guro. Malaking tulong ng pagkakaroon ng libro sa klase dahil nandito ang mga
teksto at gawain sa klase. Kapag maraming mag-aaral ang hindi nagdala, nagiging dahilan ng mabagal na usad ng klase. “Ma’am, naiwan ko po sa bahay,” katwiran ng maraming mag-aaral. Naiwan o sadyang iniwanan? Sa totoo lang, katamaran ang dahilan ng hindi pagdadala ng libro ng karamihan. Tinatamad magbitbit ng marami dahil mabigat. Ang ilan naman ay gusto pa ng insentibo o dagdag na punto sa pagdadala ng sarili nilang libro. Hindi pa ba sapat ang mabigyan ng sariling kopya ng libro? Katuwiran naman, hindi nila dinadala para hindi mawala. Hindi nga nawala, hindi naman napakinabangan.
Oo nga’t mabigat ang mga libro subalit kapalit naman ng bigat ng ito ay ang ginhawa sa mga talakayan sa klase. Madaling makasagot sa talakayan dahil mayroong batayan. Isa pa, sa pagpasok at pag-uwi lang naman binubuhat ng mga mag-aaral ang kanilang mga gamit. Ang pagdadala ng mabigat na libro ay hindi problema. Hindi ba nila alam na may mga liblib na paaralan sa bansa ang namomroblema sa libro? Laking tuwa na nila kung mayroong isang libro para sa buong klase. Kaya ako, masaya ako na maraming libro ang ipinahiram sa akin. At ipinakikita ko ang aking pasasalamat sa pamamagitan ng pagdadala nito sa paaralan araw-araw.
NI JOHNRICH MATTHEW DE LEON 8 - Alexandrite
Sapol
Federalismo: ano ba ang totoo Ang federalismo ay isa sa mga pinangako ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte noong siya’y kumakandidato pa lamang. At ngayong siya na ang nakaupo, puspusan na ang kampanya upang ito ay maisakatuparan. Sakaling maging federal ang Pilipinas, mahahati ang bansa sa mga estado na nakapagsasarili sa pamamalakad tulad ng sa pagpapasa ng batas at paggastos ng pondo. Sa ganitong sistema, sinasabing mabilis na maihahatid ang serbisyo sa mga mamamayan. Tulad na lamang sa panahon ng kalamidad, mas madaling maipagagawa ang mga nasirang tulay at maiaabot ang tulong sa mga nasalanta hindi na kailangan pang idulog sa central government na
umiiral sa bansa ngayon. Kung magiging Federal na ang ating gobyerno ay magkakaroon na ng sariling pondo ang bawat estado para matugunan ang kanilang pangangailangan. Ang mga pangunahing sumusuporta sa kampanyang ito ay ang mga pamunuan sa malalayong bayan na kadalasan ay hindi naaabot ng serbisyo ng gobyerno. Subalit hindi naman maiaalis ang mga kumokontra sa pagsasa-federal ng bansa. Unang una na dito ang mahigpit na kritiko ng Pangulong Duterte na si Senador Antoino Trillanes IV na nagpahayag na paraan lamang ito ng pangulo para mapatagal ang kaniyang termino. Ang iba naman ay nagsabing magbibigay-daan ito sa mas malalang kurapsyon.
Pala-palagay
Sa aking obserbasyon, may mga bayan talaga sa bansa ang napababayaan at hindi nabibigyan ng pansin ng pamahalaan lalo na yung mga nasa malalayong lugar. Hindi tulad ng mga lungsod sa Maynila na abot-tanaw na gobyerno. Talaga namang mauunlad ang mga lungsod na ito. Sa kasalukuyang sistema ng gobyerno, maliit ang oportunidad upang umunlad ang maliliit na bayan. Ang ganitong suliranin ay matutugunan kapag naging federal na ang bansa dahil ang bawat estado ay mabibigyan ng kapangyarihang paunlarin ang kanilang nasasakupan. Ang anumang bago ay may dalang takot sa sinoman ngunit hindi dapat ito maging dahilan upang hadlangan ang pagbabagong inaasam.
NI MELISSA TAGOB 9 – Waling-waling
Ang huli ay hindi magaling Hindi na yata mawawala ang mga estudyanteng nahuhuli sa pagpasok paaralan. Sa Tibagan National High School (TNHS), isa sa bawat sampung mag-aaral ang nagsabing nahuli na sila sa klase sa taong ito. Kaya naman gumawa ng hakbang ang pamunuan na paaralan sa pangunguna ng opisina ng guidance teachers at ng prefect of discipline—ang admission slip. Sa patakarang ito, ang lahat ng mga magaaral na nahuli sa klase ay kailangang kumuha ng admission slip sa opisina ng guidance teachers at papirmahan ito upang tanggapin sila sa klase. Sa pamamagitan nito sila ay magkakaroon ng record sa opisina ng mga kadahilanan nila sa pagiging huli sa klase. Sa ikatlong kaso ng pagpasok ng huli ay ipatatawag na ang magulang ng mag-aaral upang pag-usapan ang suliranin at magkaroon ng kasunduan ukol dito.
Ang kadalasan namang dahilan ng pagiging huli sa klase ay ang trapik sa kalsada at pagiging tanghali sa paggising. Bilang isang mag-aaral ng TNHS, hindi ko pa naranasang mahuli sa klase sapagkat para sa akin “time is gold”. Alam kong mahirap unahan ang oras pero sa aking palagay kaya natin itong pantayan kung tayo’y mabilis kumilos, disiplinado at responsible sa buhay. Kung trapik sa kalsada, maglaan ng karagdagang oras sa byahe para dito. Kung tanghali nagigising, bilisan ang kilos o di kaya’y mag-alarm nang mas maaga at iwasan ang pagpupuyat. Tiyak na hindi ka na hindi ka na kailangan pang kumuha ng admission slip para tanggapin sa klase. Ang naturang solusyon sa ganitong pangyayari ay maagang pag-aasikaso at pagkakaroon ng maagap na pagkilos upang makapasok o makapunta sa mga lugar sa takdang oras.
Naging matunog ang isyu ng pagpapalit ng mga titik sa pambansang awit ng Pilipinas ayon sa panukala ni Senador Tito Sotto.
Tinanong ng Ang Magtitibag ang mga mag-aaral ng Tibagan sa senior high school kung mayroon din ba silang gustong baguhin sa Lupang Hinirang. Narito ang kanilang mga tugon: “Syempre wala kasi ‘yon na ang nakagawian. Tapos ‘yon ang ipinatupad ng composer kaya dapat maging loyal tayo. Wala na dapat tayong baguhin.” Kenneth Enriquez, 11 – Viola
“Wala na kasi kapag binago pa parang pambabastos sa gumawa.” John Hezel Rodelas, 11 – Ponce “Wala kasi kontento sa ko sa kung ano ang ginawa ng kompositor sa Pambansang Awit.” Darryl Maximo, 11 – Ponce
“Wala kasi iyon na ang orihinal. Makabuluhan naman para sa akin ‘yong orihinal na titik.” Missie Melencio (11 – Del Pilar)
“Kung may pagkakataon, nais kong baguhin ‘yong tono ng kanta. Oo nga’t nakasanayan natin at tumatak na sa isip natin pero sa tingin ko mas maeengganyo ang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan kung masigla ang tono.” Geraldine Ramos, 11 – Tecson
“Wala kasi ‘pag binago ‘yon parang binago na rin ang kasaysayan.” Mary Ven Benson, 11 – Del Pilar
“Wala na kasi mahihirapan pa tayong matuto ng bagong areglo ng kanta,” Arjay Santos, 12 – Quezon
“Wala na kasi iyon na ang tumatak sa puso’t isipan natin at bilang paggalang na rin sa ating kasaysayan.” Lenie Lovedioro, 11 – Torres “Gusto kong baguhin ‘yong huling linya at gawing “Ang magmahal nang dahil sa ‘yo.” Para kung magkaroon man ng digmaan, mananaig pa rin ang pagmamahalan.” Bea Ondo, 12 – Quezon. “Wala na kasi iyon na ang kinagisnan natin at naging pagkakakilanlan ng Pilipinas kaya bakit pa natin babaguhin?” Monica Tucio, 11 – Torres “Wala kasi ilang taon na natin itong ginagamit. Kailangang igalang natin ang mga bagay na nagpapakilala sa atin bilang mga Pilipino.” Jhezrelle Balagosa, 12 – Quezon “Wala akong gustong palitan bilang pagrespeto sa gumawa.” Ronila Mae Gonzales, 11 – Viola
Bungang-diwa BRIAMAE EVANGELISTA 11-Tecson
Nang dahil sa ‘yo pagsasakripisyo ng mga Pilipino ng kanilang buhay para sa bayan o ang linyang: “Aming ligaya na ‘pag may mangaapi, ang mamatay nang dahil sa ‘yo.” Na ayon sa mungkahi ni Sen. Sotto ay gagawing: “Aming ligaya na ‘pag may mangaapi , ang ipaglaban ang kalayaan mo.” “My suggestion is perhaps the proper Senate Committee should study and we can consult the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) to look at the possibility,” wika ni Sen. Sotto. Sa huli’y, hinihikayat niya ang mga Filipino na kantahin ang ating pambansag awit nang tama at sanayin ang tamang pagbigkas. Maraming Pilipino ang umapila at hindi sumang-ayon sa panukala
Sagisag ng isang bansa ang sarili nitong pambansang awit. Ito ay simbolo ng malaya at nagkakaisang bayan. Bilang pagbibigay dangal at papuri sa ating bansa ay sabay-sabay nating inaawit ang “Lupang Hinirang” habang ang kanang kamay ay nasa kaliwang dibdib. Ngunit nito lamang huli ay nagpahayag si Senate President Vicente Sotto III ng kanyang kagustuhan na baguhin ang mga titik ng ating pambansang awit upang ‘di umano’y mabigyan ito ng mas magandang kahulugan. Gusto ni Sen. Sotto na baguhin ang dulong bahagi ng awit na nagsasaad ng
ng senador. Hindi ba’t ang tunay na pagmamahal para sa isang bansa ay naipapakita sa pakikipaglaban kahit hanggang kamatayan? Sa aking sariling pananaw, walang dahilan upang baguhin pa ang ilang bahagi ng pambansang awit sapagkat malinaw na nakasaad dito ang masukdol na pagmamahal ng mga Pilipino sa bansa na handang isakripisyo ang sariling buhay. Sa dami ng suliraning panlipunang umiiral ngayon sa bansa, hindi napapanahon ang asikasuhin pa ang pagpapalit ng titik ng pambansang awit. Mas nararapat na unahin ng gobyerno ang mas malalaking problema ng bansa na direktang makakaapekto sa mamamayang Pilipino.
Sapantaha NI AZEN HILLARY MENDOZA 7 – Einstein
Agapay sa mga Tambay Hinuha ELLEINA MARIE M. QUINTO 9 – Waling-waling
Tulay de pasensya Tuluyan nang isinara ang Gen. Alejo Santos Bridge na nagdudugtong sa mga bayan ng Bustos at Baliwag noong Mayo 15, 2018. Ito ay upang bigyangdaan ang renobasyon ng buong tulay na nakatindig na sa loob ng higit 50 taon at nasa bingit na ng pagkasira. Ayon sa Department of Public Works and Highways, aabutin ng dalawa hanggang tatlong taon ang pagsasaayos ng nasabing tulay. Kaya naman nagtayo ng pansamantalang tulay bilang detour patungong Baliwag. Gumawa ng ingay ang detour road na ito lalo na sa social media
dahil sa ‘di kanais-nais na kalagayan nito. Aktibo ang mga netizens sa pamumuna ng nasabing detour road na maputik at lubak-lubak kung umuulan at maalikabok kung hindi. Bukod pa rito ang kaduda-dudang kalidad nito na sa katunayan ay bumibigay noong panahon ng bagyo at ilang araw ding isinara. Hindi naman tumitigil ang pamahalaan ng Bayan ng Bustos sa pangunguna ni Mayor Arnel Mendoza sa pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang maisaayos ang detour road. Samantala, ininda naman ng ilang mag-aaral ang malayong byahe at mataas na presyo ng pamasahe. May ilang mga mag-aaral tulad ko ang nahihirapan sa pagbiyahe sa tuwing
pupunta sa Baliwag upang bumili ng mga kakailanganin sa eskwelahan na tanging sa Baliwag lamang nabibili. Isa pang apektado sa rehabilitasyon ng tulay ay ang mga estudyante ng Tibagan National High School (TNHS) sa malalayong lugar tulad ng Poblacion. Dumalang kasi ang byahe ng traysikel sa kanilang lugar kaya’t nahihirapan sila sa pagpasok. Ang hirap isipin na madaming estudyante at mamamayan ang nahihirapan sa naturang daan. Malaking abala talaga subalit kailangang magsakripisyo. Magtiis muna ng pansamantala hanggang sa matapos ang lumang tulay. Kapalit ng dalawang taong pagpapasensya ay matibay at ligtas na tulay na siyang inaasam ng lahat.
Isang direktiba ang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte upang sitahin ang mga tambay na hindi umano’y maaring pagmulan ng kaguluhan. Ayon sa mga opisyal, mabuti ang layunin ng kampanyang ito na nais lamang panatilihin ang kaayusan sa mga lansangan at siguraduhing naipapatupad ang mga lokal na ordinansya. Nilinaw rin nila na ang utos ng Pangulo ay sitahin lamang ang mga tambay at hindi ang arestuhin sila. Nangangamba naman ang mga kritiko na baka maging daan ito upang iligal na makapandakip ang mga awtoridad tulad noong Martial Law. Kaya naman iminungkahi ng mga human rights advocate na maging mapagmatyag; alamin ang mga batas at karapatan upang hindi maabuso. Subalit kung pag-aaralang mabuti, ang pagtambay o paglaboy sa lansangan ay hindi na isang krimen batay sa Republic Act 10158 na nilagdaan ni noo’y Pangulong
Benigno Aquino III noong 2012 maliban na lamang kung mayroon lokal na ordinansa na nagtatalaga ng curfew sa isang bayan. Karamihan sa mga tambay na ito ay mga walang hanapbuhay; mga walang pinagkakaabalahan kaya’t sa lansangan nag-uubos ng oras. Walang magawang makabuluhan kung kaya’t minsan ay pinagmumulan nga ng kaguluhan. Ngunit ang pagsita nga ba sa kanila ang pinakamainam sa solusyon upang mawala ang mga tambay? Ang kampanya anti-tambay ay nagtatakip lamang sa problema at hindi nagbibigay ng pang matagalang solusyon. Hindi ba mas mabuti kung bigyan sila ng mga mapagkakaabalahanan? Sa ayuda ng lokal na pamahalaan, maaari silang tulungang magkatrabaho o hindi kaya’y magkaroon ng maliit na negosyo. Sa ganitong hakbang ay tiyak na wala nang masisita ang mga pulis dahil sa pagtambay.
Bet ng Kampus Hindi mawawala ang kanin sa hapag-kainan ng mga Pilipino tatlong beses sa isang araw. Ngunit dahil sa problema sa papakaunting suplay nito sa bansa, tinanong ng Ang Magtitibag ang mga Tibagenyo: Alin sa mga sumusunod ang pipiliin mo kapalit ng kanin sa hapagkainan?
11
1%
58
7%
133
16%
542
65%
Responents: 840 na mag-aaral mula Grade 7 hanggang 12. Guhit ni ALEXANDRIA JESSCA MALLARI, 10 - Charity
96
11%
Bukas-isip MARY ROSE CRISTOBAL 8 - Alexandrite
Dagdag dagok Simula ngayong Nobyembre ay P10 na ang minimum na pasahe sa jeep mula sa P8 makaraang aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag na P2 sa pasahe. Ito ay bunsod ng sunod-sunod napagtaas ng produktong petrolyo sa bansa na sa kabuuan ay umabot na sa P11 mula noong Enero. Samantala, sinugod naman ng transport group na Piston ang isang gasolinahan sa East Avenue, Quezon City upang kontrahin ang panibagong dagdag sa presyo ng langis. Ayon sa mga tsuper at operator, dapat ay
pababain ang presyo ng langis at huwag ibasura ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN LAW). “Sa halip na tutukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu sa pagtaas ng presyo ng langis ay mas inuuna pa nito ang pagpapatahimik sa kanyang mga kritiko,” Sabi ni Piston President George San Mateo. “Kung hindi kaya ng Pangulo na tugunan ang problema sa mga nagtataasang presyo ay magbitiw na lamang siya sa puwesto,” dagdag pa ni San Mateo. Bilang mamamayan, isang malaking dagok ang pagtaas ng presyo ng petrolyo pati na rin sa mga estudyante. dahil ang mahal na gasolina at kaakibat ng mahal na pasahe. Sa halip na ibili na lamang ng pagkain o kaya’y gamit
sa eskwela ay itatabi pa para sa mataas na presyo ng pamasahe. Kaya malaking hirap ito sa bayan. Marahil marami sa mga tsuper ang nasiyahan sa pagtaas na ito. Dahil magiging malaking dagdag ito para sa kanilang kabuhayan. Ngunit hindi ito ang tamang paraan upang matugunan ang paghihirap na kanilang iniinda. Sapagkat maraming umaaray sa nangyaring paglobong ito. Kaya hindi dapat mas pinagtutuunan ng pansin ang mga kumakalaban sa pamahalaan, sa halip ay mas pagtuunan ng pansin ang pagbibigay-solusyon ang pagtaas ng iba’t ibang produkto sa bansa. Hindi yung mas inuuna pa ng gobyerno angpagpapatahimik sa mga kritiko ng pamahalaan.
Liham sa Patnugot
Tahasan NI JAIMIE MARTICIO 11 – Torres
Victor, ipagtanggol ang mitolohiyang Pinoy Gabi-gabing napanonood ang teleseryeng Victor Magtanggol sa GMA 7, Lunes hanggang Biyernes. Ito ay pinagbibidahan ng mga premyadong aktor kasama na sina Alden Richards, Janine Gutierrez at Andrea Torres. Bago pa man umere sa telebisyon ay marami na ang nagtaas ng kilay sa pagkakahawig nito sa mitolohiya ng Norse at sa pangunahing tauhan nitong si Thor. Nilinaw naman ng production team ng Victor Magtanggol na inspirasyon talaga ng teleserye ang Mitolohiyang Norse.
Ang kanilang bersyon ng kuwento ay nagsimula matapos magunaw ang Asgard at ang sandata ng diyos ng kidlat na si Thor ay napunta sa daigdig ng mga tao na siya namang mapapasakamay ni Victor Magtanggol. Si Magtanggol ay makikilala sa tawag ng Hammerman na lumalaban sa mga krimen at sa kasamaan ng diyos ng kadiliman na si Loki. Ngunit sa kabila nito, masasabing halos lahat ng bahagi ng kwento ay kinuha lamang mula sa orihinal bersyon ng kuwento. Wala na ba silang maisip na orihinal na kuwento? Napakayaman ng mitolohiya ng Pilipinas para sa magbase pa sila sa mitolohiya ng mga banyaga. Halimbawa ay ang Biag ni
Lam-Ang ng mga Ilocano, Ibalon ng mga Bikolano at Tuwaang ng mga Bagogo, at marami pang iba. Ang mga mitolohiyang ito ay nagpapakita ng katutubong kultura ng ating bansa pati na ang tunay nating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Sa modernong panahon ngayon ng iba’t ibang social media, nararapat lamang na buhayin at pasiglahin ang sarili nating panitikan. Itampok ang mga ito sa mga telebisyon, pelikula, upang hindi maibaon sa limot. Sana’y sa susunod, magkaroon ng isang Victor Magtanggol na sisimbolo sa lakas at tapang ng ating sariling panitikan at nagpapakita ng kulay ng mitolohiyang Pinoy.
Kalatas
Mahal na Patnugot, Pagbati! Ako po ay nagagalak sa mga hakbang na ginagawa ng Ang Magtitibag sa pagpapasigla ng pampaaralang pamamahayag sa ating paaralan. Nakatutuwa pong malaman na maraming mga mag-aaral ang nais makibahagi sa paglalahad ng mga katotohanang nagaganap sa loob at labas Tibagan National High School. Nawa po ay mas lalong umunlad ang ating pampaaralang pahayagan at makapagkamit ng mga karangalan sa hinaharap. Sumulat po ako sapagkat nais ko pong iparating ang aking hinaing tungkol sa waste segregation sa ating paaralan. Batid ko po maganda ang implementasyon ng Solid Waste Management Program sa TNHS na sa katunayan ay nagwagi ng unang gantimpala sa EDDIS II. Mahigpit pong ipinatutupad ang paghihiwalay sa mga basura tulad ng mga plastic bottle, wrapper at papel na may kani-kaniyang basurahan. Subalit may mangilan-ngilang mag-aaral pa rin po ang hindi sumusunod sa tamang paghihiwalay ng basura. Kaya naman po iminumungkahi ko ang pagkakaroon ng “Basura Busters” na isang grupo ng mga mag-aaral na magbabantay sa tamang pagtatapon ng basura sa paaralan. Nawa po ay mabigyang-pansin ang aking suhestyon sampu ng mga kapwa ko mag-aaral para po sa mas ikauunlad ng Tibagan National High School. Ngayon pa lamang po ay nagpapasalamat na ako sa pagbibigay ninyo ng espasyo sa aking liham. Gumagalang, Jhezelle Anne Balagosa 12 - Quezon
NI LENDEL AMPO 10 – Faith
Higit sa magandang mukha S T “ M asay an g pumasok n g maganda.” Ito ang katuwiran ng ilang mga mag-aaral na pumapasok sa Tibagan National High School (TNHS) nang nakamake-up. Ang paglalagay ng make up tulad ng lipstick, lip tint, eyebrow liner at iba pang cosmetics ay ipinagbabawal sa mga mag-aaral ng junior high school (JHS) maliban na lamang kung kailangan sa performance sa klase. Subalit dala na rin ng matinding impluwensya ng media isama mo pa ang kultura ng Kpop ay maraming mag-aaral ang lumalabag sa kautusang ito. Kaliwa’t kanan ang mga mag-aaral na sinisita ng mga guidance teacher pati ng mga guro sa mga mag-aaral na mas pinahahalagahan pa ang pisikal na istura kaysa pag-aaral. Sa kabila ng pananaway ng mga
guro ay marami pa ring matitigas ang ulo na sumusuway sa kautusang ito. Maraming estudyante ang pumapasok na guhit na guhit ang mga kilay at pulang pula ang mga labi’t pisngi, walang pakialam kahit na mas makapal pa silang mag-lipstick kaysa sa kanilang mga guro. Ang nakakadismaya pa ay kahit ang mga estudyanteng namumuno o mas nakatatanda ay sila pa ang unang nagpapakita ng pagsuway sa patakarang ito. Sa halip na sila ang magsilbing magandang halimbawa para mapatupad nang maayos ang patakaran ay sila pa ang unang lumalabag. Bilang mag-aaral ng TNHS ay dapat nating maunawaan kung bakit nga ba ipinagbabawal ang kagustuhan ng mga estudyante na pumasok ng naka-make up. Oo nga’t gumaganda ang bikas sa paglalagay ng make up ngunit hindi tayo pumapasok sa paaralan para magpaganda. Pumapasok sa paaralan
para madagdagan ang kaalaman. May tamang lugar at panahon ang paglalagay ng make up. Hindi ba’t pinahihintulutan naman ito sa senior high school (SHS)? Doon na lang natin sulitin ang mga lip tint at pang kilay; hindi pa tayo masasaway. O kung hindi talaga maiwasan ay sa araw na lang na walang pasok mag-make up. Masayang pumasok nang maganda. Oo masaya nga ngunit hindi ba’t mas masayang pumasok nang pormal? Hindi ba’t mas masaya kung ang pupurihin mong ganda ay hindi tinatakpan ng make-up? Maging magandang halimbawa tayo sa bawat isa at ipakita kung ano ang nararapat na itsura ng isang matinong estudyante. Imbis na ubusin ang oras na pagkikilay ay mas mainam na magbasabasa ng mga aralin, gumawa ng output, o paghandaan ang susunod na talakayan. Sa ganitong gawa, hindi lang gumaganda ang ating panlabas na anyo kundi ang ating kinabukasan.
Kasamang Jhezelle, Ang mabatid na napapansin ng isang mag-aaral na tulad mo ang mga pagkilos na ginagawa ng Ang Magtitibag upang mapaunlad ang pampaaralang pamamahayag sa ating sintang paaralan ay nagdudulot ng saya. Makaaasa kang hindi kami magsasawang magpalaganap ng katotohanan upang basagin ang kamangmangan. Hinggil sa iyong suhestyon, totoo namang sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng tamang waste segregation ay may mga nakalulusot pa rin na lumalabag kaya’t napakaganda ng mungkahi mong “Basura Busters.” Sa ganitong hakbang ay tiyak na mababawasan o kung hindi man ay tuluyan nang maiiwasan ang hindi tamang pagtatapon ng basura sa ating paaralan. Hayaan mo’t ipararating namin ito sa kinauukulan. At sakaling ito ay maisakatuparan ay inaasahan ang 100% pagsunod ninyong mga magaaral. Maraming salamat sa iyong pakikisangkot. Gabayan ka nawa ng Panginoon. Sumasaiyo, Ang Patnugot
a k a s a s g a P hindi biro ay
t A i n i sab
NINA JENILYN BAUTISTA, RYAN JESARTH CORTUNA 10 – Faith , Integrity LARAWAN NI KIM CATHLEEN MERCADO-SANTOS
I
kaw ba yung bata na madalas may tirang kanin sa kaniyang pinggan? Hindi naman masama kung may alaga kang aso o pusa na uubos nito para sa iyo. Pero paano kung wala? Ang tirang kanin ay diretso sa basurahan. Napakalaking kaaksayahan.
H
indi mo ba alam na nagkakaubusan na ng bigas? Pinangangambahan ng International Rice Research Institute (IRRI) na magkaroon ng krisis sa bigas sa buong mundo dahil sa epekto ng El Niño phenomenon at climate change. Ayon sa IRRI sa kasalukuyan ay bumababa na ang produksyon ng bigas sa bansa pati na sa iba pang agrikultural na bansa sanhi ng pabagobagong panahon. Kapag mababa ang suplay ng bigas kumpara sa mataas na demand, tiyak na tataas ang halaga nito sa merkado. Ang bigas ang tinatawag na “staple food” sa hapagkainan ng mga Pilipino kung kaya’t mahalaga ang mapanatiling mababa ang presyo nito. May mga ilang kadahilanan kung bakit tumataas ang presyo ng bigas sa ating mga pamilihan, at ang mga sumusunod ay ilan sa mga ito. Ang hoarding o ang pagtatago ng ilan sa mga supplier ng bigas upang ilabas sa panahong maaari nilang itaas ang presyo nito. Ang pagmamanipula ng mga kartel ay isa ring dahilan kung bakit nagiging mahal ang bigas. Ang kakulangan sa supply maging tunay o artipisiyal ay nagpapataas ng presyo ng bigas. Tiniyak naman ng punongbayan ng Bustos na si Mayor Arnel Mendoza na walang problema sa suplay ng bigas sa munisipalidad. “Agrikultural ang ating bayan kaya’t
walang kakulangan sa suplay ng bigas dito sa Bustos. Ang hindi natin makontrol ay ang mataas na inflation rate sa bansa kaya nagmahal ang presyo ng bigas,” paliwanag ni Mendoza. Ang inflation ay kaakibat ng lahat ng ekonomiyang gumagamit ng currency na hindi nakatali sa ginto at nagmumula sa pribadong banko sentral na pag-aari ng dayuhan at hindi ng ating gobyerno. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng lahat ng bilihin hindi lang ng bigas. Bunsod ng 7.1% na inflation rate ng bigas nitong Agosto, ang dating P42 kada kilo ng commercial rice na binibili ng nanay mo ay P50 na ngayon sa palengke ng Bustos. Magtitira ka pa ng kanin? Bukod sa mataas na presyo, maraming pinagdaraanan ang bigas bago ito makarating sa iyong hapagkainan para matapon lamang sa basurahan. Mula sa pagpupunla ng binhing palay hanggang sa paglilipat ng mga ito sa mga pinitak. Kailangan rin ang paghuhulip kung saan tinatanggal ang mga suso at insekto na umuubos sa mga palay, ilang buwang pagpapatubig at paglalagay ng abono hanggang sa mag-uhay. Kapag ang uhay ay kulay ginto na, isasagawa na ang paggapas. Sa dami na mga prosesong ito, ang ilan ay dumadaan sa mga kamay ng mga magaaral na hindi maiwasang magtrabaho sa bukid. Ang ilan sa kanila ay mga mag-aaral sa Tibagan National High School.
I
pinapakilala ko sa iyo si Joseph N. Santos, 17 taong gulang na mag-aaral mula sa 12 - Laurel na sa murang edad ay nagsasaka na. Hiwalay ang mga magulang ni Joseph at may kani-kaniya na rin mga pamilya. Mabuti na lang at may mabuting puso sa kumupkop sa kaniya. Labing-isang taon pa lamang siya nang magsimula sumama sa mga magsasaka sa bukid. Dahil isa siyang estudyante ay hindi maiwasang maapektuhan ang kaniyang pag-aaral sapagkat ang anihan ay laging natatapat sa Oktubre hanggang Nobyembre. Kailangan niyang lumiban sa klase nang isang buong buwan at dahil dito ay naiiwan siya sa mga aralin. Sinisiguro naman niyang magpaalam sa kaniyang mga guro bago ang panahong ito.
“Masipag siyang bata. Maaasahan siya sa kahit anong gawain. Hindi naman niya napababayaan ang pag-aaral niya sa kabila ng pagtatrabaho niya sa bukid,” pahayag ng tagapayo ni Joseph na si Rhodora Zaragosa. Ang pinakamahirap na kaniyang naranasan sa pagsasaka ay kapag siya ay gumagapas sa katirikan ng araw. May mga pagkakataong alas-dos na ng tanghali ay hindi pa sila kumakain dahil pinipilit nilang matapos ang gapasin. Hindi rin maiiwasang mapahamak si Joseph dahil sa kaniyang trabaho tulad ng minsang mahiwa ang kaniyang kamay. Nagkakasakit din siya dahil sa pagkatuyo ng pawis, kasabay pa nito kapag naaabutan sila ng ulan.
“
Nang siya ay tanungin kung ano ang kaniyang nararamdaman kapag pinag-uusapan ang mga ganitong bagay ay ganito ang kaniyang tugon, “Hindi ako nahihiyang pag-usapan ang paggapas ko sa bukid dahil wala namang masama sa ginagawa ko”. Gusto niya ang kaniyang ginagawa dahil nakakatulong ito sa kaniyang pamilya at kaniyang pag-aaral. Sa kaniyang kita sa paggapas niya kinukuha ang pera para sa mga gastusin sa paaralan. “Parang ako na rin ang nagpapaaral sa aking sarili,” wika ni Joseph. Ginagamit niya ang mga kinikita sa mga gastusin sa paaralan tulad ng mga proyekto sa klase. Ang iba naman ay ibinibigay niya sa tinitirahang bahay upang panggastos sa araw-araw at ang natitira ay ipinambabaon niya.
Hindi ako nahihiyang pag-usapan ang paggapas ko sa bukid dahil wala namang masama sa ginagawa ko.
“
Kahit ayaw, hindi bumibitaw
A
ng isa pang mag-aaral sa TNHS na nagtatrabaho sa bukid ay si Renssy S. Arcega, 15 taong gulang mula sa 9 – Gumamela. Si Renssy ay nagtatanim ng palay. Ayon sa kaniya ay mahirap talagang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho dahil minsan ay hindi siya nagagawang pumasok sa paaraalan kaya naiiwanan din siya sa mga aralin. “Hindi pala kibo si Renssy sa klase ko. Pero ‘pag tinanong ko naman siya, alam kong naiintindihan niya ang mga tinalakay namin.
Hindi siya pabayang bata,” pahayag ni Jennie Cris de Lara, guro ni Renssy sa Mathematics 7. Hindi niya lubusang gusto ang kaniyang ginagawang paghahanapbuhay dahil mahirap itong gawin. May mga pagkakataon pang kailangan niyang magtanim bago pumasok sa eskwela nang wala man lang pahinga. Mabuti na nga lang at sa kaniyang ginagawa ay hindi pa siya napapahamak. Sadyang mahirap lamang at masakit sa likod lalo na’t madalas siyang nakayuko. “Ginagawa ko ito para may panggastos sa pag-
“
aaral. Tinitiis ko ang lahat ng pagod sa pagtatanim para makatulong na rin sa aking mga magulang,” pahayag ni Renssy. Sa isang araw ay kumikita P380 si Renssy. Malaking bahagi nito ay ibinibigay niya sa kaniyang mga magulang at ang natitira ay ipinambabaon niya. Kahit na marangal ang kaniyang pinagkakakitaan ay nahihiya siya kapag pinaguusapan ang mga ganitong bagay dahil natatakot siya na tuksuhin.
Ginagawa ko ito para may panggastos sa pagaaral. Tinitiis ko ang lahat ng pagod sa pagtatanim para makatulong na rin sa aking mga magulang.
“
Ang hirap ay may kapalit na sarap
I
dagdag pa natin ang karanasan ni John Mark Pura, 18 taong gulang na mag-aaral mula sa 10–Loyalty. Mahirap ang buhay ng kanilang pamilya kaya’t sa murang edad ay nagbabatak na siya ng buto sa paggapas ng palay. Natuto siyang gumapas sa bukid dahil na rin sa kaniyang magulang na dati nang nagsasaka. Malaunan ay siya na lang ang gumagapas sa pamilya. Sa pag-aani ng palay ay kumikita siya ng
P250 kada araw. Ginagawa niya ito tuwing bakasyon kaya hindi naapektuhan ang kaniyang pag-aaral. Nahiharapan man siya ay hindi siya tumitigil. “Kailangan munang kumita ako ng pera para may panggastos ako sa aking pagaaral,”pahayag ni Pura.“Mahirap talaga umani ng palay. Nakabilad ako sa init ng araw at madalas akong malipasan ng gutom. Nandun din ‘yong masugatan ako ng lilik pero tinitiis ko ang lahat,”
dagdag pa ni John Mark. Tinutukso man siya ng kaniyang mga kaklase dahil sa kaniyang trabaho, hindi ito naging dahilan para siya ay tumigil. Aniya masaya siyang makagaan sa gastusin ng kanilang pamilya dahil hindi na niya kailangang humingi ng pambaon sa eskwela at nagkakaroon pa siya ng ipon. Ang pagsusumikap na ito ang ginagawa niyang puhunan upang makamit sa minimithi niyang tagumpay sa buhay.
“
Mahirap talaga umani ng palay. Nakabilad ako sa init ng araw at madalas akong malipasan ng gutom. Nandun din ‘yong masugatan ako ng lilik pero tinitiis ko ang lahat.
K
aya ikaw bata, sa susunod na magsasandok ka ng kanin ay siguraduhin mong kaya mo itong ubusin. Alalahanin mo ang mga hirap nina Joseph, Renssy at John Mark bago mapunta sa pinggan mo ang kanin na iyan.
“
to
Gapas para sa magandang bukas
a s a r a p s p i t : #TipidGoals
e t n a y d u t s e a g pag-iipon ng m NI ERICKA SHAINE PAULINO 11 - Tecson
Sa panahon ngayon, lahat na ay nagmahalan: sili, bigas, pamasahe, atbp. Kayo na lang ni crush mo ang hindi. Charot! Lumalaki ang halaga ng mga bilihin pero hindi ang sweldo nina itay at inay kaya naman hindi rin nagtataas ang ating mga baon. Ganon!
Mabilis lang ubusin ang P50 na baon araw-araw. Pagpasok sa paaralan, bayad agad ng pamasahe, bibili ng miryenda sa recess, magbibigay ng ambag sa group project, bibili ng ballpen dahil nawala ang dala at bayad ulit ng pamasahe pauwi. Paano pa makaiipon?
Narito ang mga hakbang na maaring sundin upang mabilis na makaipon ang isang estudyanteng katulad mo.
UNANG TIP Kumain nang marami sa bahay
PANGALAWANG TIP Magbaon ng tubig sa tumbler
Bago pumasok sa paaralan ay busugin na ang sarili sa pagkain sa bahay. Kumain ng kanin o tinapay para mabigat sa tiyan. Huwag nang magselan, kung ano ang inihain sa hapag ay siyang kainin. Sa ganitong paraan ay hindi ka na gaanong magugutom sa paaralan at hindi mo kailangan bumili nang maraming pagkain sa canteen.
PANGATLONG TIP Magbaon ng pananghalian
Ang isang bottled water sa canteen ay nagkakahalaga ng P10 at kung madalas kang mauhaw ay dalawa ang nabibili mo sa isang araw. Kung magbabaon ka ng sarili mong tubig, P10 agad ang matitipid mo. Pumili ka na lang ng malaki-laking tumbler kung gusto mo. Kung maubos naman kaagad ang dala mo ay maaari ring bumili sa canteen sa halagang P5. O ‘di ba? Nakatipid ka na, nakabawas ka pa sa konsumo ng plastic bottles.
Para sa mga estudyante na maghapon ang pasok tulad ng mga nasa SHS at STE, mas makatitipid kung magbabaon na lang sariling pananghalian. Kung may baon ka, hindi ka na mangangamba na baka hindi mo magustuhan ang tanghalian sa canteen. Sigurado kang makakain mo ang baon mo na niluto na ni inay para sa iyo. Siguradong masarap. Konting tiis nga lang at tiyak malamig na ang iyong baon sa oras ng tanghalian.
PANG-APAT NA TIP Sinupin ang ballpen Aminin mo, hindi iisang beses ka nawalan ng ballpen. Sa ganitong pagkakataon, maswerte kung may mahihiraman kang kaklase pero madalas ay wala. Kaya imbes na sa ipon mapunta ang pera mo ay ibibili mo na naman ng ballpen. P7 din yun ha. Ingatan mo din syempre ang iba mo pang gamit para hindi ka bili nang bili.
BONUS TIP Huwag magjowa
PANLIMANG TIP Hinay-hinay sa paglo-load sa cellphone
Kung meron kang boyfriend o girlfriend, tiyak buwan-buwan kang napapagastos dahil sa mga pasabog mo sa monthsary ninyo, sa birthday niya o ng nanay niya. Mahina na kung walang pagkain o pamamasyal sa labas na nagaganap. Hindi ka talaga makaiipon. Kaya makipaghiwalay ka na kay jowa ngayon din! Charot! Unahin mo muna ang iyong pag-aaral. Bata ka pa naman. Saka ka na magjowa ‘pag hindi ka na nanghihingi ng pang-date sa kina inay at itay.
Ang palo-load sa cellphone na yata ang isa sa pinakamalaking pinagkakagastusan ng mga estudyante ngayon. Nagpapa-load para makapagtext, tawag o mapag-online sa smart phone. Kung hindi naman masyadong mahalaga, maaari nang palagpasin ng ilang araw o linggo ang paglo-load.
Kapag sinunod mo ang mga tip na ito, tiyak na mabilis na mapupuno ang alkansya mong baboy. At nawa ay magamit mo sa makabuluhang bagay kahit magkano pa ang naipon mo.
Ang social media hindi ay lang isang lugar kung saan maaaring makakilala ng mga kaibigan at magbahagi ng mga impormasyon. Ito rin ay nagsisilbing palengke para sa mga gustong kumita ng pera kasama na dito ang mga
nline diskarte estudyanteng madiskarte. Ayon sa datos, tatlo (3) sa kada 10 estudyante ang dumidiskarte para kumita. Sa katunayan, mayroong humigit kumulang 67 mag-aaral ng Tibagan National High School (TNHS)
Charline Garcia, 11 – Del Pilar Paninda: Mga gamit pambabae tulad ng lip tint, bag, atbp. Kita: P350 kada linggo Gaano katagal ka nang nag-o-online selling?
ang aminadong nagta-trabaho para magkapera. Sila iyong mga maagang namulat sa hirap ng buhay at gumagawa ng paraan upang guminhawa kahit papaano. Mayroong nangangamuhan, namamasada, nagsasaka at marami
pang iba. Pero sa modernong panahon ngayon, patok na patok sa mga estudyante ang pag-oonline selling (OS). Halos lahat ng mga online sellers na ito ay sa facebook nagtitinda. Madali silang mahanap
Nicholas Vincent De Guzman, 9 - Santan Paninda: Iba’t ibang uri ng sapatos pambasketball Kita: P400 kada linggo Gaano katagal ka nang nag-o-online selling?
Halos dalawang taon na. Bakit ka nag-o-online selling?
Paano ka natutong mag-OS?
Ano ang mahirap na bahagi ng OS? Hindi naman ganoon kahirap ang OS kasi kahit nasa bahay ako, malayo ang naaabot ng mga tinda ko. Para sa akin pinakamahirap na ang pagbibihaye ng mga paninda. ‘Yong pagkuha ng mga paninda sa suppliers at pagde-deliver nito sa mga bumili. Paano mo ito nalampasan? Kailangan lang masanay. Sa tagal ko nang ginagawa ito, nasanay na rin ako.
Lance Lhynel Axl Santos, 9 - Sampaguita Paninda: Mga limited stocks na cellphone accessories Kita: P250 kada linggo
Mga apat na buwan pa lang.
Nag-o-online selling ako para may pandagdag ako sa baon ko araw-araw. At saka para may sarili akong perang pambili ng mga kailangan at gusto ko. Paano ka natutong mag-OS?
Natuto ako sa tita ko na nag-o-online selling din. Mga damit naman ang tinda niya.
dahil wala silang ibang pinopost kundi ang kanilang mga paninda araw at gabi, Lunes hanggang Linggo. Kaya naman minabuti ng Ang Magtitibag na kapanayamin sila upang mas maunawaan ang kanilang sitwasyon.
Gaano katagal ka nang nag-o-online selling?
Bakit ka nag-o-online selling?
Nagtitinda ko online para magkaroon ako ng extrang pera. Kapag may gusto akong bilhin, hindi na ako nanghihingi sa mga magulang ko.
NI YUAN MIGUEL MACARAEG 9 – Sampaguita
Isang taon na kong nagtitinda sa fb. Bakit ka nag-o-online selling? Ginagawa ko ito para magkaroon ako ng extra income para magamit ko sa mga bayarin sa school at maipandagdag sa tuition ko para sa college nang hindi bumigat ang gastusin nina Mama at Papa. Paano ka natutong mag-OS?
Sa Mama ko. Nung una, siya talaga ang nagtitinda. Natuto ako sa pag-uutos niya sa akin ng mga gagawin. Ano ang mahirap na bahagi ng OS? Mahirap ‘yong mga umoorder tapos biglang ika-cancel kasi binubukod ko na ‘yong items na bibilhin. Imbes na maibenta sa ibang siguradong bibili, natatambak pa ‘yong item tapos hindi pala kukunin. Paano mo ito nalampasan? Tinitiyak ko muna na may pambayad talaga ‘yong customer. Tapos ginawa ko na ring rule sa pagtitinda ko na no cancelation of orders.
Sa kaibigan ko. Tinuruan niya ako kung saan kukuha ng mga paninda. Ano ang mahirap na bahagi ng OS? Mga joy reservers! Limitado kasi ang style at design ng mga paninda kong cellphone accessories kaya kailangan ipa-reserve ang product. Kaya lang may mga mamimili na nagpapa-reserve lang pagkatapos ay ika-cancel din naman ang order. Paano mo ito nalampasan? Sinisigurado kong may cash on hand sila. Upang malaman kong bibilin talaga nila ang product at sinasabi kong ang mga joy reservers ay mapo-post sa fb upang hindi makabiktima pa ng ibang sellers.
Sino nga naman ang ayaw nang may sariling pera? Gayun pa man, hindi dapat maging sagabal sa pag-aaral ang online selling. Iwasang magtinda sa oras ng klase hangga’t maaari. Huwag ring magpupuyat sa pagtitinda sa gabi. Ito ay upang hindi maapektuhan ang performance sa klase.
Siksik sa Sentimyento
Rebyu ng KPL at KPL 2 ng VinCentiments sa direksyon ni Darryl Yap NI JOHN MICHAEL DALISAY 9 – Waling-waling
May mga sitwasyon talaga kung saan hindi natin masabi ang ating mga saloobin, mga sitwasyong hindi napag-uusapan o sadyang ayaw pag-usapan. Ito ang kadalasang itinatampok ng VinCentiments, isang production team na nagpapalabas ng mga short film na laging trending sa social media. Ito ay sa pagdidirehe ni Darryl Yap. Kamakailan lang ay naging matunong na naman ang VinCentiments matapos nilang ilabas ang episode nilang “KPL” (Kung Pwede Lang). Ipinapakita sa apat na minutong video na ito ang isang tagpo sa klase kung saan ang isang estudyante (ginampanan ni Loren Marinas) ay naglabas ng kaniyang mga hinaing sa kaniyang guro. Ang naturang short film ay umabot na sa 14M views, 407K shares at 292K na reactions. Sa iisang anggulo ng camera na nakatutok sa estudyante nagsimula at natapos ang short film, at tanging boses lamang ang nagbigay-buhay sa karakter ng guro. Kung ikaw ay isang estudyante, malamang ay nakarelate ka rin sa sentimyento ng mag-aaral na hindi nakapagpasa ng requirements. Ayon nga sa netizen na si Justinee Cordel, “this summarizes most of the sentiments of students in class.” Hindi naman mawawala ang mga kritiko. “This shouldn’t be posted. This will give students incorrect views about discipline, time management and selfreliance,” saad ni Edel Vargas, isang netizen. Sa kabila nito, marami pa ring humanga lalo na sa pag-arte ng ni Marinas. Kapansin-pansin rin sa video ang tatak ni Yap na pag-uulitulit ng mga linya. “Kakak ka nang kakak. Kakak ka nang kakak. Kakak ka nang kakak.” Samantala, nito namang Setyembre ay inilabas ang ikalawang parte ng “KPL” at sa pagkakataong ito nasa punto de bista naman ng guro ang kuwento. Sa direksyon pa rin ni Yap, ang “KPL 2: Resbak Kakak ni Mam” ay mayroon nang 8.2M views, 259K shares at
Suring-basa
Ang Sikreto sa likod ng “Si” NI ANDREA MEDINA 10 – Faith
281K reactions. “Hindi trip-trip ang teaching dahil nakaka-bad trip maging teacher sa bansang parang tip lang ang sweldo,” saad ng karakter ng guro na binigyang-buhay ni Roanna Mercado. Sa linyang ito napaamo ng VinCentiments ang mga gurong noong una ay mayroon negatibong reaksyon sa “KPL”. Sa higit na anim na minutong video ng episode na ito ay bakas pa rin ang isitilo ni Yap tulad ng isang anggulong nakatutok sa iisang tauhang naglalabas ang kaniyang mga hinaing. Kailangan panoorin hanggang sa katapusan ng video nang makita ang malaking pagkakaiba nito sa unang episode at tiyak na magugulat ang manonood. Sa “KPL” at “KPL 2” tinalakay ang dalawang panig ng isang isyu sa paaralan. Nagawa ng VinCentiments na magpataas ng kilay at mangiliti. Sa panahon ngayon kung kailan napakaikli na ng atensyon ng mga manonood, wagi ang VinCentiments sa mga episode nitong maiikli ngunit siksik na siksik. Wagi ang VinCentiments sa pagtatampok ng mga ordinaryong paksa ngunit hindi pinag-uusapan kaya naman nakapupukaw talaga ng damdamin.
ga
n e tu g k n o aga t p a S ord Mga k Mga letrang nagsasabi ng mithiin Mga katagang nagpapakita ng saloobin W try Mga pariralang sa atin ay sumasalamin e Mga tulang naghahayag ng damdamin natin Po ta ma
N
RLA
A UM YL a C A l o R N T 1 – Vi 1 I RO
N
“Sa pananaw ko ay may sagradong tungkulin ang mga manunulat na magkuwento ng tungkol sa pag-ibig, isang beses sa kanilang buhay.” Sa kaunaunahang pagkakataon ay sumulat si Bob Ong ng isang nobela tungkol sa pag-ibig. Pero kung romance story ang hanap mo, hindi ito ang aklat para sa iyo. Ang “Si” ang ikasampung nobela ni Ong na inilatha ng Visprint. Sa unang buklat mo ng aklat na ito ay mapapatanong ka kung paano ito dapat basahin. Ayon ba sa bilang ng pahina o sa bilang ng kabanata na nagsimula 79 hanggang 0? Oo, pabaligtad. Wala namang mawawala kung babasahin sa parehong paraan tulad ng ginawa ko. Ang “Si” ay tumatalakay sa pag-ibig—at ang iba’t ibang uri nito. Hindi lang puro kilig. Sa pamamagitan ng isang tauhan na tila nagbabalik-tanaw sa mga mahahalagang pangyayari sa kaniyang buhay ay pinakita ang
iba’t ibang klase o antas ng pagibig: Agape (pag-ibg sa diyos), Eros (romantikong pag-ibig), at Storge (pag-ibig sa pamilya). Sa pagsasalaysay ng tauhan sa firstperson point of view ay nabanggit ang mga makasaysayang panahon sa Pilipinas tulad ng pananakop ng bansang Hapon, ang EDSA People Power Revolution at ang lindol sa Baguio noong 1990. Isa pang bagong ipinakita ni Ong dito at ay pormal na antas na gamit niya ng wika na hindi pa niya nagawa sa mga una niyang libro. Sa kabila nito, hindi naman nagmukhang pinilit o korni at madali pa ring intindihin ang kaniyang makulay na pagsasalaysay. Sa kabuuan, ang “Si” ay kuwento ng pag-ibig at higit pa. Inilalahad nito ang isang makulay na testimonya kung paanong ang pag-ibig na hindi lang romansa. Ano nga ba ang sikretong itinago ni Bob Ong sa “Si”? Ikaw mismo ang umalam.
Spoken word poetry (SWP)– binubuo ng mga simpleng salita na nagpapahayag ng mga komplikadong damdamin. Isang tula na tinahi gamit ang mga sinulid ng emosyon. Tila bago sa pangdinig ng mga kabataan ang uri ng akdang pampanitikang ito subalit ito ay nagsimula pa noong dekada ’60. Ayon sa urbandictionary.com, ang spoken word ay isang tulang isinulat hindi lamang upang basahin sa pahina kundi upang bigkasin sa entablado. Taglay nito ang mga elemento ng tugma, pag-uulit, ritmo at paglalaro sa mga salita nang tulad sa isang rap ngunit walang musika. Sa pagtatanghal ng SWP, mahalaga ang koneksyon sa mga manonood kaya naman kadalasang paksa ng mga ito ay mga personal na karanasan kundi man isyung panlipunan na may kurot sa damdamin ng karamihan. Hindi maikakaila ang malaking tulong ng iba’t ibang social media kung bakit untiunting nabuhay at naging tanyag muli ang SWP. Dahil sa mga nag-viral na video ng mga pagtatanghal ng SWP ay nagkaroon ng interes dito ang mga modernong kabataan.
Pinagbuklod ng tula
Hugutin ang nakabaon
Isang institusyon nang maituturing ang Words Anonymous sa larangan ng SPW. Ayon sa kanilang fb page na may sandaang libong followers: Ang Words Anonymous ay isang samahan ng mga makatang naglalayong pag-igtingin at pagyamanin ang larangan ng spoken word poetry sa bansa. Mga simpleng taong nagnanais na bumuo ng kakaibang koneksyon gamit ang kanilang mga tula. Sa kasalukuyan,ang grupo ay may 13 mga manunulat kasama pa ang dalawa nilang miyembrong visual artist and graphic designer. Isa sa mga tanyag nilang miyembro ay si Juan Miguel Severo na nakapaglimbag ng antolohiya ng kaniyang mga tula noong 2016. Maraming naantig sa kaniyang mga tula lalo na ang “Ito na ang huling tula na isusulat ko para sa iyo.” Nakilala rin si Severo sa kaniyang pagganap sa teleseryeng “On the wings of love” sa ABS-CBN. “Ito na, ang huling tula na isusulat ko para sa ‘yo. Itaga mo ‘to sa bato abutin man ako ng umaga dito hindi ko ipipikit ang mga matang ito. Uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo o ng anumang tawag ko sa’yo…”
Ang SWP ay naging daan na upang ipahayag ang sarili. Tila ba isang paraan ng paglalabas ng damdamin sa masining na pamamaraan: galit, ligaya at lumbay. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang SWP ay tinangkilik ng kabataan. Sa SWP ay nailalabas ang damdaming hindi masabi nang harapan, nang diretsahan. Sa aking karanasan bilang isang manunulat, masasabi ko na ito ang aking pagtakas mula sa katotohanan. Tila ba ang tula ay isang mundo kung saan wala kang kalaban, ang tanging mayroon ka ay kalayaan. Kalayaang magsulat at magpahayag. Kalayaang magsabi nang walang lumalabag.
Hindi lang basta libangan
NI CHRISTAN MIGUEL SEBASTIAN 10 – Charity Kumikinang at sumisibol ngayon sa buong mundo ang Mobile Legends: Bang Bang simula nang ilabas ito ng Moonton noong July 11, 2016 sa Play Store at November 6, 2016 para sa mga IOS users. Isa itong online game na hango sa mga larong League of Legends at DOTA sa kompyuter. Harap-harapan kayong magsasagupaan, lima laban sa lima. Makakamit ninyo ang panalo kung masisira ninyo ang pinakabase ng kalaban. Mayroon ring 50 iba’t ibang pamimiliang heroes na maaaring Fighter,
Assassin, Marksman, Mage, Tank o Support. Meron ring iba’t ibang ranggo papataas, simula sa Warrior, Elite, Master, Grandmaster, Epic, Legend hanggang Mythical Glory. Isa rin ako sa higit 100 milyong manlalaro ng Mobile Legends sa buong mundo. Ang ranggo ko ngayon ay Epic V. Nung ako’y Grandmaster pa, madalas kong gamitin si Layla na isang marksman at si Martis na isang Fighter, pero ngayon ‘di ko na sila masyadong nagagamit dahil pinahina si Martis at parang nalalakasan ako sa ibang marksman. Ngayon, ang mga ginagamit ko ng heroes ay sina Yi-Sun-Shin, Lesley, Lancelot at Cyclops. Level 30 o max level na rin ako dahil sa higit 1400 kong laban. Ito ay sa kabila ng hirap sa paglalaro dahil sa mabagal na signal ng internet o kaya’y may mga kalarong nadi-disconnect sa laban.
Pagdating sa mga professional players, isa na siguro sa mga pinakapopular sa mundo ay si JessNoLimit ng EVOS at sa Pilipinas naman ay si Z4pnu ng OG na kapwa Fanny users. Mahirap gamitin si Fanny dahil kailangan mo ng strategy at mabilis dapat ang kamay mo sa paggamit ng skin pero sisiw na sisiw lang sa kanila ito. Sa mga kilala at pinakamagagaling naman na squads, kabilang dito ang Aether Main at DD Pro Gaming
ng Pilipinas kung saan kakaharap lamang nila sa isa’t isa sa Grand Finals ng Mobile Legends Southeast Asia Cup o MSC 2018 noong July 27-29. Umabot ang sagupaan nila hanggang game 3 ngunit sa huli, naghari ang Aether Main sa laro. Ang DDGP naman ay nagkampeon sa iba’t ibang paligsahan ng MLBB sa Asia. Madami ang siguro’y libangan na ang paglalaro ng Mobile Legends o di kaya’y panrelax. Nagkakaroon din tayo ng social interaction sa iba pang manlalaro. Nae-enhance rin ang paggamit ng isip dahil kailangang mong umisip ng iba’t ibang strategy para manalo.
Larong nagdudulot ng adiksyon Unti-unti na ring nakikilala sa buong mundo ang Pilipinas sa larangan ng eSports dahil sa mga online games, ngunit dahil rin dito, naaapektuhan rin ang ating buong pagkatao. Tulad ng nangyayari sa kaklase ko. Dahil sa madalas niyang paglalaro ng ML ay ‘di siya nakapspasok at minsan pa’y naglalaro mismo habang may klase. Marami na rin ang naaadik
dito. Dahil may iba’t ibang rank, madalas silang maglalaro para tumaas ang ranggo nila. May iba rin na gumagastos pa para bumili ng skins at diamonds. Isa na rin sa may sala kung bakit kinaaadikan ang larong ito ay ang mismong gumawa ng laro. Naglalagay sila ng mga events kung saan kapag naglaro ka ng
Moderasyon ang solusyon Hindi na maiaalis sa mga kabataan ngayon ang paggamit ng gadgets at paglalaro ng mga online game tulad ng Mobile Legends. Ngunit dapat ay maging responsible upang hindi ito makaapekto sa
pang-araw-araw na gawain lalo na sa pag-aaral. Maging disiplinado at magtakda lamang ng tiyak na oras paglalaro upang hindi ito mauwi sa adiksyon. Maaaring subukan ang mga
tradisyonal na laro na unti-unti nang nakakalimutan dahil sa pag-unlad ng teknolohiya at mga online games na usonguso ngayon.
Nahumaling sa
Vlogging NI KRISVIN JHELHO PAULINO 10 – Faith
“Libangan na nagbibigay saya sa akin at sa mga nakakapanood sa akin.” Ganyan ang pakahulugan sa vlogging ni Juliana Carille Ramos, mag-aaral mula sa 10 –Harmony na isang aspiring vlogger. Tulad niya maraming mga mag-aaral ang nahuhumaling sa vlogging na nagbibigay ng ngiti sa kanila at sa kanilang mga manonood. Ang salitang vlog ay kombinasyon ng mga salitang video blog o video log. Ang vlogging ay ang paglikha ng mga nakakaaliw na video ng iyong sarili, isang bagay o pangyayari at pagpo-post nito sa mga social media gaya ng facebook at youtube. Maraming uri ng vlogging na nakadepende sa paraan ng pagkuha ng video o sa pinapaksa nito. Isa dito ay ang motovlog o ang vlogging habang nakasakay sa motorsiklo. Mayroon ding mga vlogs na tungkol sa mga nauuso at napapanahong mga online challenges, mga vlogs nagtuturo kung paano magluto, at marami pang iba. Kani-kaniyang pakulo
ang inihahain ng mga vloggers sa kanilang mga manonood upang pumatok at maging in ang kanilang mga video. Bukod sa pagbibigay-kaaliwan, maaari ring pagkakitaan ang vlogging sa pamamagitan ng paggawa ng video tungkol sa isang produkto o serbisyo. Hindi lang ‘yon, ang vlogging nagsisilbing entablado para sa mga nais magpakita ng kanilang mga talento at magsabi ng kanilang mga opinyon sa mga bagay-bagay na kung minsa’y nagiging susi rin sa maningning na kasikatan. Kaya naman hindi kataka-takang mahumaling ang mga mag aaral sa vlogging.
Idol ko si Lloyd. Natutuwa ako sa mga vlogs “ niya. Dahil sa kanya gusto ko rin maging isang
vlogger. Masarap kasi sa pakiramdam yung nakakapagpasaya ka ng mga tao dahil sa vlog mo,” pahayag ni Ira Oracion, isang aspiring vlogger mula sa 11 – Viola. Dahil sa vlogging, maraming mag-aaral ang nabubukasan ng pinto at nabibigyan ng mga oportunidad upang ipakita ang kanilang mga angking talent. Ito ay isang medium upang maiparating nila ang kanilang mga opinyon at mailabas ang kanilang damdamin sa madla. At ang bawat isa sa kanila ay nangangarap na matutukan ng liwanag sa larangan ng vlogging.
Gaya na lamang ni Lloyd Cafe Cadena, isang vlogger na nagsimula sa pag-a-upload ng kanyang mga video habang sumasayaw, umaawit at nagpapatawa. Nang lumao’y, nakilala si Lloyd at hanggang ngayon ay gumagawa ng ingay sa mundo ng vlogging. Si Lloyd ay isa lamang sa maraming mga indibidwal na naging matagumpay sa vlogging. Isa siya sa mga personalidad na tinitingala at inspirasyon ng maraming mga mag-aaral na nais maging vlogger.
maraming beses ay maaari kang makakuha ng mga prizes tulad ng heroes at skins. Kaya naman ang iba ay hindi maasahan sa bahay dahil nga bawal i-pause ang laro, nakapokus lang sila dito o hindi kaya kapag inutusan ay hindi nila nagawa ito nang maayos. May mga nalilipasan rin ng gutom at hindi na makausap.
Bulacan pinaigting ang laban sa leptospirosis
Tinitiyak Dra. Lelissa Esguerra ng Department of Health kay Alvin Japson, ama ng mag-aaral sa grade 7, ang kaligtasan ng kaniyang anak ‘pag nabakunahan sa oryentasyon sa bakuna na ginanap sa covered court ng Tibagan National High School, Bustos, Bulacan, Oktubre 10. KIM CATHLEEN MERCADO-SANTOS
NI JOSHUA GO 8 – Alexandrite
U “Ligtas ang bakuna” –DOH NI MARICAR NICOLE CAPALAD 7 – Antares
T
iniyak ng Department of Health (DOH) sa mga magulang na hindi mapapahamak ang kanilang mga anak sakaling bakunahan sa paaralan. Ipinaliwanag ni Dra. Lelissa Esguerra, doktor sa rural health unit (RHU) ng Bustos, ang pakahalagahan at mga benipisyo ng pagpapabakuna sa isinagawang oryentasyon tungkol sa measles, rubella, tetanus at diphtheria vaccination sa Tibagan National High School (TNHS) noong Oktubre 10. “Napatunayan sa mga pananaliksik na ligtas ang
mga bakunang ito para sa inyong mga anak. Subok na ang mga ito ng DOH sa mga nakalipas na panahon,” pahayag ni Esguerra sa mga magulang ng mga magaaral sa grade 7. Hindi naman naitago ni G. Alvin Japson, magulang ng isang mag-aaral mula sa 7 – Einstein ang mangamba dahil isa ang kaniyang anak sa mga nabakunahan ng Dengvaxia. “Ano ba ang pananagutan ninyo kung mapahamak ang aking anak? Halimbawa samaan ng pakiramdam o sumakit ang ulo,” tanong ni Japson. Ayon naman kay Esguerra, ang layunin ng oryentasyon ay upang ipaunawa sa mga magulang na ligtas ang mga bakuna kaya walang dapat ipangamba.
TNHS SHINe kuminang sa pagbisita ng PDRRMC NI ELLEINA MARIE QUINTO 9 – Waling-waling
I
binida ng School Hydrological Information Network (SHINe) Club ang kanilang mga nagawa nang dumalaw ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) upang magmonitor sa Tibagan National High School (TNHS) noong Setyembre 18. Isa sa mga tampok na gawain ng SHINe Club ay ang pagpapakalat ng impormasyon
sa mga mag-aaral mula sa grade 7 tungkol sa kaloob ng PDRRMC rain gauge na siyang ginagamit sa pagbabantay sa lakas ng buhos ng ulan sa Bustos. Dagdag pa rito ang pakikiisa ng nasabing samahan sa ibang gawaing pampaalaran tulad ng Gulayan sa Paaralan kung saan nagtanim ang kanilang mga miyembro ng mga halamang gulay tulad ng talong at sili. Binigyang papuri naman ni Provincial Disaster Risk Reduction and Mangement Officer II Bryan Cyro Velasquez ang pagiging aktibo ng TNHS SHINe sa iba’t ibang gawain. “Nakatutuwang malaman na
ang SHINe Club ng TNHS ay patuloy na kumikilos sang-ayon sa mga hangarin ng PDRRMC,” saad ni Velasquez. Inilahad din ni Velasquez ang mga plano para sa SHINe sa hinaharap pati na ang gaganaping kompetisyon ng investigatory project (IP) na gaganapin sa TNHS sa darating sa Nobyembre 6. “Isang hamon para sa ating paaralan ang kompetisyon ng IP dahil tayo rin ang host school pero wala namang imposible kung magtutulungan ang lahat,” pahayag ni Mirasol Aquino, guro ng Science 9 at isa sa mga tagapayo ng SHINe club.
pang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng leptospirosis ngayong tag-ulan, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa tulong ng Provincial Health Office-Public Health (PHO-PH) ay nagsagawa ng mga pagkilos lalo na sa mga lugar kung saan mataas ang naitalang bilang ng nasabing sakit. Ayon kay Dr. Jocelyn Gomez, pinuno ng PHO-PH, isa sa mga hakbang upang makontrol ang leptospirosis ay ang tama at malawakang pagpapakalat ng impormasyon sa gamit ang facebook, lokal na radio at ang LED billboard sa compound ng kapitolyo. Nagpamigay ang PHO-PH ng mga gamot tulad ng Doxycyline Hyclate bilang prophylactic regimen, antibacterial at anti-fungal ointments para sa mga bantad na sugat o gasgas. Itinuro din ang kahalagahan ng paglilinis ng mga sugat gamit ang sabon at tubig. “Nakukuha ang sakit na ito sa
Maya-1: cubesat na gawang-Pinoy sa kalawakan
72% Tibagenyo aminadong walang ehersisyo
Ngiting tagumpay sina Adrian Salces (kaliwa) and Joven Javier (kanan) kasama ang kanilang cubesat na Maya-1 satellite na kanilang binuo sa Kyushu Institute of Technology in Fukuoka, Japan. Sa likod nila ay si Joseph Marciano, program leader ng Development of Philippine Scientific Earth Observation Microsatellite program. https://bit.ly/2PSpIoX
NI CHARLOTTE JIANNE SANTOS 8 – Alexandrite
NI KHRISVIN JHELHO PAULINO 10 – Faith
W
alang panahon para magehersisyo ang 72% ng mga mag-aaral ng Tibagan National High School. Sa isang sarbey na isinagawa ng Ang Magtitibag noong Oktubre 8, lumabas na 576 mag-aaral mula sa 800 na respondents ang nagsabing hindi sila nakapag-eehersisyo nang regular. “Sa dami kasi ng gawain sa eskwelahan at sa bahay, wala na talagang oras para doon. Mas gusto ko pang matulog,” pahayag ni Eduardo Marcos ng 10 – Charity. Ayon sa bagong pag-aaral ng World Health Organization (WHO), 1.4B mga tao sa buong
mundo ang nanganganib na magkaroon ng mga nakamamatay na sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes at kanser dahil sa kawalan ng sapat na ehersisyo. “Insufficient physical activity is a leading risk factor for non-communicable diseases, and has a negative effect on mental health and quality of life,” ayon sa pag-aaral hinggil sa lebel ng ehersisyo sa buong mundo na inilimbag noong Setyembre 5 ng The Lancet Global Health Journal. Samantala, 28% ng mga Tibagenyo naman ang nagsabing nakapag-eehersisyo sila kahit papaano. “Nilalakad ko lang papasok ng paaralan pati pauwi arawaraw. Para sa akin, magandang ehersisyo na iyon. Kapag Sabado at Linggo naman ay naglalaro ako ng badminton
kasama ang aking mga pinsan,” saad ni Shaira Niel Villanueva ng 10 – Faith. Nirerekomenda ng WHO ang pagsasagawa ng 150 minutong “moderate-intensity” exercise tulad ng paglalakad, paglalangoy at pagbibisikleta kada linggo o ‘di kaya’y 75 minutong “vigorous-intensity” exercise tulad ng pagtakbo at paglalaro ng team sports. Sinundan sa pag-aaral ang lebel ng aktibidad ng 1.9M katao mula sa 168 na mga bansa sa iba’t ibang panig ng mundo noong 2016. Lumalabas na walang pagbabago sa lebel ng mga pisikal na aktibidad sa kabila ng mga ipinakakalat na impormasyon tungkol sa benepisyo ng ehersisyo. Higit sa 25% ng mga tao ang kulang sa mga pisikal na gawain ayon sa datos.
paglusong sa baha na kadalasang mayroong ihi ng daga, aso at iba pang uri ng hayop. Natural habitat kasi ng mga daga yung leptospira, doon sila nabubuhay kaya mas madalas sa ihi ng daga talaga nakukuha ang leptospirosis,” saad ni Gomez. Binigyang-diin naman ni Bise Gobernador Daniel Fernando ang importansya ng pag-iwas sa sakit kaysa sa paggamot nito. “Higit na mabuting maiwasan na magkaroon pa ng ganitong sakit para hindi na rin tayo nangangamba sa kalusugan at buhay ng ating mga kapwa Bulakenyo, kung may paraang maiwasan gawin na,” pahayag ni Fernando. Iniulat naman ni PHO-PH Disease Surveillance Officer Brian Alfonso na ang kaso ng leptospirosis sa lalawigan ng Bulacan ay hindi kasing taas ng naitala sa Metro Manila. Ang leptospirosis ay isang sakit na dulot ng bakteryang leptospira interogans. Kasama sa mga sintomas nito ang lagnat, panlalamig, sakit ng ulo, at pananakit ng mga binti. Kapag napabayaan, maaari itong mauwi sa pagkasira ng bato.
I
pinadala na sa International Space Station (ISS) ang Maya-1, ang kaunaunahang cube satellite (cubesat) ng Pilipinas na nilikha nina Adrian Salces at Joven Javier noong Agosto 30. Tiniyak ng mga mag-aaral ng doctorate at master’s ng space engineering sa Kyushu Institute of Technology (Kyutech) sa Fukuoka sa Japan na ang kanilang 10-cubiccentimeter na Maya-1 ay makatatagal sa matinding kalagayan sa paglalakbay sa kalawakan. Inimbento nina Salces at Javier ang Maya-1 sa ilalim ng programa ng Development of Philippine Scientific Earth Observation Microsatellite (PHL-Microsat), isang proyekto ng pananaliksik at pagpapaunlad na isinasagawa ng UPD at ng Department of Science and Technology-
Advanced Science and Technology Institute (DOSTAsti). Ang Maya-1 ay isa sa tatlong mga cubesat na kasama sa 2nd Joint Global Multination Birds Project (Birds-2) ng Kyutech, kasama ang Bhutan-1 ng bansang Bhutan at ang UiTMSAT-1 ng Malaysia. Isang taon at tatlong buwang binuo nina Salces at Javier ang nasabing nanosatellite. Ang tatlong cubesat ay kokontrolin ng tatlong bansa sa loob ng anim na buwan. Ang mga ito ay bubuo ng konstelasyon at iikot sa iba’t ibang panig ng daigdig upang kumuha ng mga datos at magsagawa ng mga eksperimento nang mas mabilis kumpara sa paggamit ng iisang cubesat. May bigat na isang kilo, ang Maya-1 ay binuo gamit ang naiibang mga piyesa na sinubok upang malaman kung “space qualified.” Kasama sa misyon nito ang isang automatic packet radio service digipeater
na magbibigay daan sa pakikipagkomunika sa ham radios na ginagamit ng mga amateur operators at enthusiasts. Mayroon din itong storeand-forward system na may kakayahang kumolekta ng mga datos mula sa mga ground sensor terminal, at magtabi at magpadala ng mga datos sa alinmang miyembrong istasyon sa daigdig. “Kaya nitong magpadala at tumanggap ng mensahe mula sa malalayong bansa kung saan walang koneksyon sa cellular phone,” saad ni Salces. Ang Maya-1 at ibang cubesat ay maaaring gamitin upang magpadala ng mga mensahe sa panahon ng bagyo kung kalian mahina ang signal. Ang mga cubesat at mayroon ding mas murang global positioning system (GPS) chip, magnometer na sumusukat sa magnetic fields sa kalawakan, at wide-angle at narrow-angle camera upang makakuha ng mga larawan at video na may mababang resolution.
Editoryal na Pang-Agham
Siyenteripik
NI MELISSA TAGOB 9 – Waling-waling
NI JHAMAICA PAGADUAN 8 - Amethyst
Deathvaxia Napatunayan sa isang bagong pagaaral ng New England Journal of Medicine (NEJM) na hindi ligtas ang bakunang Dengvaxia kapag naiturok sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng dengue. Ang Dengvaxia ay isang uri ng bakuna kontra dengue. Ito ay ginawa ng isang International pharmaceutical company na Sanofi Pasteur. Ngunit sa halip na makatulong ay nagdulot pa ito ng problema sa mga kabataang nabakunahan nito. Ayon kasi sa NEJM, kung walang naging dengue infection dati ang pasyente, ang Dengvaxia mismo ang nagsisilbi bilang “unang infection”. “Our findings support the hypothesis that in the absence of previous dengue
Pagong sa Palawan na nanganganib maubos, namisa sa tulong ng siyentipiko
exposure, the dengue vaccine partially mimics primary infection and increases the risk of severe dengue during subsequent infection,” ayon sa ulat ng nasabing pag-aaral. Tugon naman ng Department of Health (DOH), bubusisiin nila ang bagong pag-aaral at maaari rin nitong ilakip sa posibleng kasong isampa laban sa Dengvaxia-maker na Sanofi Pasteur. Dumepensa naman ang Sanofi at sinabing agad silang naglabas ng bagong rekomendasyon noong Nobyembre 2017 kaugnay sa parehong findings. Marami na ang naglalabasang kaso ng pagkamatay ng kabataan at isinisisi ito ng mga kaanak ng namatayan sa nasabing bakuna. Lahat ng namatay na bata ay nakaranas ng padudugo ng utak
at pamamaga ng laman-loob. Ngunit sino nga ba talaga ang dapat sisihin dito? Hindi naman ito makalulusot sa mga paaralan kung nasuri at nasubaybayan nang maayos ng DOH ang pagsasabahagi ng mga ito. Samantala, abala ngayon ang DOH sa pakikipag-ugnayan sa mga iba pang nabakunahan upang mapag-aralan pa ang mga sintomas na nangyayari o maaaring mangyari. Gayunpaman, mahalagang mabigyangpansin ang lahat ng nabakunahan upang maging handa at malapatan ng pangontra ang naturang sakit. Pinaplantsa na rin ng DOH ang pagkakaroonng specialty centers. Ito ay mga piling ospital sa bansa kung saan sila mismo ang tutugon sa mga komplikadong kaso ng dengue.
M
ay pag-asa nang maisalba ang isang lahi ng pagong mula sa Palawan matapos mapisa ang isang itlog nito sa pangangalaga ng mga siyentipiko noong Hulyo 14. Dahil sa ilegal na pagbebenta at pagkasira ng mga kagubatan sa Palawan ay bumaba ang populasyon ng pagong (Siebenrockiella leytensis) sa 6000 noong 2015. “Ang tagumpay na ito sa pagpaparami ay napakahalaga sa pagkokonserba ng mga lahi ng hayop at nagbibigay ng pag-asa sa pagsasalba sa mga hayop sa lugar na ito,” pahayag ni Dr. Sonja Luz ng Wildlife Reserves Singapore (WRS). Ang WRS kasama ang Katala, Inc. ng Palawan ay nangangalaga sa mga pagong na nailigtas sa mga wildlife trafficker 10 taon na ang nakalilipas. Ayon kay Dr. Sabinne Schoppe ng Katala’s Palawan Freshwater Turtle Conservation Program, ang kanilang pananaliksik ay nakatulong upang mas lalong maintindihan ang kalikasan ng nasabing pagong tulad ng kanilang pagkain, pangingitlog at ang nababagay na kondisyon sa pagpaparami.
20 Tibagenyo timbang pabibigatin sa feeding NI ELLEINA MARIE QUINTO 9 – Waling-waling
A
raw-araw nang pakakainin ng masusustansyang pagkain ang 20 mag-aaral na benipesyaryo ng feeding program ng Tibagan National High School (TNHS), Bustos, Bulacan. Ayon kay Julianna Torres, Nutirtion Coordinator ng paaralan, target ng programa na maabot ang tamang timbang ng walong mag-
aaral mula sa grade 7, siyam sa grade 8, dalawa sa grade 9 at isa sa grade 10 na pawang “wasted” ang nutritional status dahil hindi tugma ang kanilang timbang sa kanilang taas at edad. Nagpapasalamat naman ang mga mag-aaral na nakasama sa feeding program sa tulong na idinudulot ng paaralan sa kanila. “Nakahihiya talaga ko kapag pinakakain kasi nagtitinginan ‘yong mga ibang mag-aaral sa amin pero nagpapasalamat na lang ako kasi
tinutulungan kami na maging malusog,” ani Leovino Santos, mag-aaral sa grade 9. Pinapakain ang 20 mag-aaral ng mga hot dish tulad ng lugaw, sopas, at sotanghon araw-araw dagdag pa ang mga prutas gaya ng saging at mansanas. Ito ay sa kabila ng maliit na badyet na nakalaan sa programa. “P18 lang ang nakalaan sa isang bata kada araw. Lubhang napakaliit para maging malusog ang mga bata natin pero ginagawan na lang naming ng paraan para sa ikabubuti nila,” saad ni Torres
Masusustansiyang pagkain tulad ng mainit na lugaw ang inihahain sa mag-aaral na benepisyaryo ng Feeding Program ng Tibagan National High School, Bustos, Hunyo 22. GLENNA MAY PEREZ, 8-Diamond
Doc Jac : teacher na, nurse pa, dentist pa SINO SIYENSIYA?
Kung inabutan ka na ng sama ng pakiramdam sa paaralan, tiyak na nakaharap mo na si Doc Jac, ang guro na tagapamahala sa clinic ng paaralan. Sa kaniya dinadala ang mga mag-aaral na nahihilo, sumasakit ang tiyan, nadapa, at marami pang iba. Pero kahit ano pa man ang lagay ng bata, nananatiling mahinahon at kalmado si Doc Jac. Doktor ba si Doc Jac kaya siya ang naka-assign sa clinic at tinatawag na doc? Si Maria Jacqueline S. Mendoza ay isang science teacher sa senior high ng Tibagan National High School. Ngunit bago siya naging isang guro, siya muna ay naging isang nars, at bago siya naging nars, siya ay isang dentista. Oo, tama ang nabasa mo. Si Doc Jac ay hindi lang isang propesyonal na guro kundi nars at dentista rin. Paano ito nangyari? Kinapanayam
“
Time management. Set your priorities and your time every day. Adjust and adapt to the situation.”
NINA RYAN JESARTH CORTUNA, CHRISTAN MIGUEL SEBASTIAN 10 – Integrity, Charity
siya ng Ang Magtitibag upang malaman ang kaniyang kuwento. Ayon kay Doc Jac, first love niya ang pagiging dentista. Anim na taon ng pag-aaral at paghihirap ang pinagdaanan niya bago niya nakamit ang diploma at pagkatapos ay kumuha ng licensure examination para maging isang dentista. Pumasok siya bilang coast guard at ninais na maging military dentist subalit hindi sang-ayon ang kaniyang ama dito kaya’t ipinagpatuloy ang kaniyang pagdedentista sa kanilang klinika kasama ang kanyang ina. Pinakamahirap na sitwasyon na nahawakan niya bilang dentista ay kapag magpapa-check-up o magpapabunot ng ngipin ang mga ‘first timers’ at mahihina ang loob, mapabata man o matanda. Ayon rin sa kanya, minsan ay nangangagat at hindi ngumanganga ang mga pasyente niya dahil na rin nga natatakot. Naaya naman siya ng kanyang tito na maging nars sa ospital nito kaya’t sinubukan niya rin ito at naging lisensyado. At dahil nga naaya lang siya, hindi niya masyadong dinibdib ang pagiging nars. Naranasan niyang mag-duty sa neonatal ng ospital. Nagustuhan naman niya ito kahit na mahirap dahil mga batang pre-mature o
may diperensiya ang inaalagaan niya. Isa sa mga hindi magandang karanasan para sa kaniya ay nung na-assign siya sa operating room dahil iba’t ibang doktor na may iba’t iba ring katangian ang nakakasalamuha niya. May iba raw na demanding, may iba namang kailangan ay mabilisan. Nahirapan siya sa pagnanars sa mga panahong naatasan siya mag-duty sa Intensive Care Unit (ICU). Nandoon nga raw kasi ang mga taong nasa kritikal o ‘yong mga taong alam niyang wala nang pagasang gumaling. Nararamdaman rin niya ang pakiramdam ng mga pamilya ng pasyente doon at wala siyang magawa kundi damayan na lang ang mga ito. Hanggang sa mapunta na nga siya sa pagtuturo na hindi niya inakalang magugustuhan niya. Ang pagtuturo ay isang calling aniya. Dagdag pa niya, “mas kailangan ang kurso kapag ikaw ang nagtuturo sapagkat iba-iba ang mga nakasasalamuha; kailangang mag-adjust at hindi makakapili ng tuturuang estudyante. Sa pagiging isang guro, wala pa naman daw siyang hindi kaayaayang karanasan maliban sa mga mag-aaral ng hindi nakapagtatapos ng pag-aaral. “Ang hindi magandang
karanasan para sa aking ay ‘yong mga batang binigay mo na ang lahat para matulungan mo sila kaso sila mismo ang sumusuko,” ani Doc Jac. Hindi rin naman daw siya nabibigatan sa kaniyang responsibilidad sa klinika ng paaralan. Sa kabutihang palad nga ay wala pa siyang nahahawakang malalang kaso. Wala naman siyang balak na kumuha muli ng iba pang propesyon sapagkat napakaabala niya sa pagtuturo at matanda na rin daw siya. Ngunit may isa siyang binaggit na dream job niya, ang maging isang Astronaut. Kahit na gustuhin man niya, hindi na niya ito kakayanin kaya’t tatapusin na lang niya ang kanyang Ph. D. Sa tatlo niyang propesyon, pinakanagustuhan niya ang pagtuturo kahit na mas mahirap at challenging ito kaysa sa iba. Aniya na-eenjoy niya ang pagtuturo sa mga estudyante. ‘Yan si Doc Jac: nagtuturo ng science, tagamangalaga sa mga mag-aaral na may sakit, at tumitingin sa ating mga ngipin. Paano niya napagsasabay-sabay ang mga ito? Ito ang kanyang tugon: “time management. Set your priorities and your time every day. Adjust and adapt to the situation.”
Mabibilang na lang sa daliri ang mga mag-aaral na walang cellphone. At halos lahat sa mga may cellphone na ito ay smartphone na ang gamit. Ayon sa searchmobilecomputing. techtarget.com, ang smartphone ay isang uri ng cellular phone na may “integrated computer and other features not originally associated with telephones, such as an operating system (OS), web browsing and the ability to run software applications.”
iOS o Android:
patok na smartphone OS sa mga Tibagenyo
NI JENILYN BAUTISTA 10 – Faith Kapag pinag-usapan naman ang OS ng smartphone, dalawang tatak lang ang lumulutang. Ito ay ang iOS at Android. Sa isang pag-aaral ng kumpanyang Kantar World Panel Comtech na lumabas kamakailan (http:/ bit.ly/ZnMVkL) sa mga smartphone sales mula January hanggang April 2013, ang Android ngayon ang nagmamay-ari ng 51.7% o pinakamalaking share ng benta sa US. Pangalawa dito ang iOS ng Apple na may 41.4% ng kabuuang benta. Samantala, nasa pangatlong pwesto naman ang Windows Mobile na mayroon lamang 5.6% share dahil sa pagtaas ng benta ng mga Nokia Lumia. Sa mga datos na ito, maaaring hindi nalalayo ang mga numero dito sa ating bansa. Talagang mas kilala ang Android sa kadahilanang mas maraming brand ng hardware o ng mga smartphone ang gumagamit nito, hindi gaya ng iOS na ekslusibong nagpapatakbo ng mga Apple brand na gadgets lamang. Marami pang ibang dahilan kung bakit mas gusto ng nakararami ang Android. Isa na dito ang pagiging mas mura nito sa mga naka-iOS na Apple iPhone o iPad. Mas lamang din ang Android pagdating sa dami ng mga games at apps na makukuha dito nang libre kumpara sa iOS. Mas marami ring paraan para ma-customize ang mga gadget na naka-Android kaysa sa mga gadget na naka-iOS o Windows. Nandiyan ang mga tinatawag na “launchers” para mas makapili ng iba’t ibang option sa
pag-galaw at pagpalit ng user-interface (UI) ng mga Android. Kapansin-pansin din ang mas mabilis na development o pag-improve ng Android system kung saan maraming pagbabago ang nadagdag. Alin nga ba sa dalawang OS ang mas tinatangkilik ng mga Tibagenyo? Upang malaman, kinapanayam ko ang tatlong iOS at tatlong Android users mula sa Tibagan National High School. Una kong nakapanayam si Liberty Elaine Alfonso, 13 taong gulang mula sa 8-Amethyst. Si Liberty ay isang Android user, ayon sa kanya mas maganda ang Android dahil mas madaling maginstall ng apps. Hindi tulad ng sa iOS na kailangan pa ng Apple ID. Bukod dito, mas mabilis umano magpasa ng files sa Android kumpara sa iOS. Samantala, ang kaklase ni Liberty na si Hanzel Zan Jabiguero, 13 taong gulang, ay isa namang iPhone user. Magkaganoon man sa tingin niya ay mas maganda gamitin ang Android dahil madamot ang iOS pagdating sa pagpapasa ng mga pictures, apps, atbp. Mahigpit din daw ito kaya pahirapan lalo na sa paggawa ng accounts. Mula naman sa senior high school si Briamae C. Evangelista, 16 taong gulang, isang Android user. Ayon sa kanya mas abot-kaya talaga ang Android phone kaysa sa iPhone na may iOS. Sa kabila ng pagiging mahal, para sa kaniya ay mas mainam ang iOS dahil magaganda ang mga application dito. Mahirap nga lang magpasa ng mga files pero mas secured kaysa sa Android.
Isang Iphone user din si Alliah Kyle Orpilla, 14 taong gulang mula sa 9-Sampaguita. Iphone ang gamit niya dahil sa tingin niya ay mas advance ang mga apps sa iOS kumpara sa Android kahit na may ibang apps na kailangan pang bayaran bago ma-download. Mas gusto rin niya ang camera ng iPhone kaysa sa Android. Si Jobert A. Leoncio, 16 taong gulang ay isang Android user mula sa senior high school. Tulad ni Bria, para kay Jobert ay lamang ang iOS ng iPhone sa kabila ng pagiging sensitive nito na kapag nasira ay mahirap nang ipagawa. Ang hindi nga lang daw maganda sa iOS ay ang mababang internal storage nito. Mas mura nga lang daw talaga ang Android. Huli kong nakapanayam si Richard C. Archico, 16 taong gulang mula sa 9-Sampaguita. Isang siyang iPhone user. Ang pinakagusto niya sa iOS ay ang security features nito. Meron itong Apple ID na maaaring gamitin upang malaman kung nasaan ang smartphone sakaling ito man ay mawala. Sa aking pakikipanayam sa mga Tibagenyo, nalaman natin ang mga maganda at hindi magandang katangian ng iOS at Android ayon mismo sa mga gumagamit nito. Lumabas din sa panayam na nanaig ang iOS laban sa Android. Sa katunayan, apat sa anim na mga mag-aaral ang naniniwalang mas mainam ang iOS kaysa sa Android. Ito ay sa kabila ng hindi nito pagiging compatible sa lahat. Mahirap ito pasahan at magpasa ng files.
Anoman ang ating gamit, iOS man o Android, dapat ay maging responsable at disiplinado sa paggamit ng smartphone. Hindi dapat ito ginagamit sa oras ng klase at hangga’t maaari ay huwag na lang dalahin sa paaralan. Gamitin ang teknolohiyang ito sa ikauunlad bilang isang mag-aaral.
Hindi lang dengue ang makukuha sa lamok NI JOSHUA GO 8 – Alexandrite
Bukod sa pamamantal at pangangati ng balat, ang kagat ng lamok ay maaaring may dala ring mga seryosong sakit. Kapag ang lamok ay nakakagat sa isang hayop o tao na apektado ng isang partikular na sakit, virus, o parasitiko, may posibilidad na kumapit ito sa laway ng lamok at saka makahawa ng susunod
niyang kakagatin. Sa buong mundo, hindi bababa sa isang milyong tao ang apektado ng mga sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok kada taon. At kabilang sa mga sakit ang Dengue Fever at Malaria na laganap sa Pilipinas. Subalit bukod sa mga ito ay may iba pang mga sakit na makukuha sa mga lamok.
CHIKUNGUNYA Ang Chikungunya ay isa ring sakit na dulot ng Virus, ang sakit na ito na pinakalaganap sa mga isla ng Caribbean sa Gitnang Amerika. Ito ay may sintomas ng lagnat at matinding pananakit ng mga kasukasuan. Tulad ng dengue, kinakalat din ito ng lamok na aedes aegypti at ae albopictus. Sa ngayon wala pa ring gamot o bakuna laban sa sakit na ito.
EASTERN EQUINE ENCEPHALITIS Ang Yellow Fever naman ay isa ring lumang sakit na nakaapekto sa mga bansang nasa rehiyong tropiko sa Amerika at Africa. Bagamat ang sakit na ito ay hindi masyadong laganap dahil sa naimbentong bakuna laban dito, umaabot pa rin sa halos 200,000 ang kaso ng sakit kada taon at pagkamatay na umaabot sa halos 30,000 kada taon.
ST. LOUIS ENCEPHALITIS Ang Yellow Fever naman ay isa ring lumang sakit na nakaapekto sa mga bansang nasa rehiyong tropiko sa Amerika at Africa. Bagamat ang sakit na ito ay hindi masyadong laganap dahil sa naimbentong bakuna laban dito, umaabot pa rin sa halos 200,000 ang kaso ng sakit kada taon at pagkamatay na umaabot sa halos 30,000 kada taon.
Huwag maging mapagsawalang bahala dahil hindi natin alam kung kailan dadapo at magbibigay sakit ang mga lamok. Kaya panatilihing malinis ang paligid upang hindi pamugaran ng mga lamok. Mainam rin na magpahid ng lotion na kontra sa kagat ng lamok. Laging tandaan na ang pag-iwas ay pinakamainam kaysa paggamot ng anumang sakit.
YELLOW FEVER Ang Yellow Fever naman ay isa ring lumang sakit na nakaapekto sa mga bansang nasa rehiyong tropiko sa Amerika at Africa. Bagamat ang sakit na ito ay hindi masyadong laganap dahil sa naimbentong bakuna laban dito, umaabot pa rin sa halos 200,000 ang kaso ng sakit kada taon at pagkamatay na umaabot sa halos 30,000 kada taon.
LA CROSSE ENCEPHALITIS Ang La Crosse Encephalitis o LAC ay bihira lamang sakit na naiikakalat ng lamok na aedes triseriatus sa mga lugar sa paligid ng mga rehiyong Appalachian sa hilagang Amerika. Bihira ng kaso ng pagkamatay sa sakit na ito.
WEST NILE VIRUS Ang West Nile Virus o WNV ay sakit na nagmula sa Africa at kumalat sa mga bansa sa Europa at Gitnang Silangang Asya. Tulad ng SLE, ang WNV ay naikakalat na lamok na culex species mula sa ibon patungo sa mga tao at iba pang hayop. Kadalasang walang sintomas na nararanasan sa pagkakaroon ng WNV, ngunit ito ay maaring makamatay mula sa pamamaga ng utak.
Pangalan: Luiza Marie Ducut Edad: 14 taong gulang Taon at pangkat: 9 - Santan Jersey Number: 23 Posisyon: Forward Dahilan ng pagbabasketbol: Sumasaya ako sa tuwing naglalaro ako ng basketbol lalo ‘pag naririnig ko ang sigawan at palakpakan ng mga manonood. Idolong basketbolista: Idol ko si Michael Jordan kasi magaling siya magdala ng bola. Motto: Never give up! Great things take time. Payo sa mga babaeng gustong magbasketbol: Hindi hadlang ang pagiging babae sa paglalaro ng basketbol. Kailangan lang ng tiwala ng sarili.
Pangalan: Rachelle Dalan Edad: 16 taong gulang Taon at pangkat: 11 - Tecson Jersey Number: 25 Posisyon: Power Forward Dahilan ng pagbabasketbol: Tumaas ang kompyansa ko sa aking sarili mula nung naglaro ako ng basketbol. Nabawasan ang aking pagiging mahiyain. Idolong basketbolista: Bilib ako sa galing ni Stephen Curry. Sinusundan ko lahat ng laban niya. Motto: Bring the game not the name. Payo sa mga babaeng gustong magbasketbol: Palakasin nila ang kanilang resistensya para tumagal sila sa laro. Lahat silang lima ay nagkainteres sa paglalaro ng basketbol noong sa elementarya pa lamang sila. Kaya naman sa edad nila ngayon ay masasabing bihasa na sila sa paglalaro. Sa kasalukuyan ay dalawang beses sila nag-eensayo sa loob ng isang linggo bilang paghahanda sa Provincial Athletic Meet sa Nobyembre. Pinatunayan ng mga basketbolista ito na hindi lamang si Adan ang maaaring maghari sa larangan ng basketbol. Ang mga kagaya nilang Eba ay may kakayahan ring magreyna sa court lalo na kung may disiplina sa pag-eensayo at may team work sa paglalaro.
MGA BAS
Kapag sinabing isports na pambabae, madalas na pumapasok sa isip natin ay badminton, volleyball o ‘di kaya’y table tennis. Patunay lang na hindi talaga popular ang basketball bilang laro ni Eba. Ibang klaseng lakas ng pangangatawan kasi ang kinakailangan kasama pa ang mga kakayahan sa dribbling, shooting, passing at iba pa. Kaya naman kahanga-hanga talaga ang mga basketbolista ng Tibagan National High School (TNHS) na nagkampeon sa Basketball Women’s category sa nakaraang EDDIS II Athletic Meet. Pinataob ng mga sigang basketbolerang ito ang dalawang kuponang kanilang nakatunggali at nag-uwi ng karangalan sa paaralan. Kilalanin natin ang first five na pambato ng kuponan ng TNHS.
BA GE
SIGA SA ISPORTS
L I O S B TAN T E K
NINA NAOMI RAGUIN, MELANIE LIBRANDA 9 – Waling-waling, 7 – Einstein LARAWAN NI KIM CATHLEEN MERCADO-SANTOS Pangalan: Princess Ann D. Mendoza Edad: 14 taong gulang Taon at pangkat: 9 - Gumamela Jersey Number: 12 Posisyon: Center Dahilan ng pagbabasketbol: Nakalilibang maglaro ng basketbol. Masaya rin lalo ‘pag nakakapuntos ako. Idolong basketbolista: James Yap. Napanonood ko siya nung elementary pa lang ako. Nakalalaro ko na ‘yong mga lalaking basketball player kaya nahingganya akong gayahin si James Yap. Motto: Don’t run away from challenges, Run OVER them! Payo sa mga babaeng gustong magbasketbol: Huwag mahiya sa paglalaro. Laging mag-ensayo para gumaling. Pangalan: Samantha De Leon Edad: 14 taong gulang Taon at pangkat: 9 - Gumamela Jersey Number: 03 Posisyon: Point Guard Dahilan ng pagbabasketbol: Sa basketbol ako nakahanap ng mga tunay na kaibigan. Tumibay ang samahan namin sa paglalaro ng basketbol. Idolong basketbolista: Stephen Curry. Magaling kasi siyang mag 3 points. Motto: Play to inspire, not to impress. Payo sa mga babaeng gustong magbasketbol: Humanap ng mga kaibigang makakasama sa paglalaro ng basketbol. Mas masaya kapag kaibigan mo ang kalaro mo.
Pangalan: Raizza Caryle Sarmiento Edad: 15 taong gulang Taon at pangkat: 10 - Harmony Jersey Number: 22 Posisyon: Guard Dahilan ng pagbabasketbol: Naglalaro ako ng basketbol para maglibang at saka para na rin lumakas ang pangangatawan ko. Idolong basketbolista: Lebron James. Hanga ako sa mga kilos niya. Motto: Keep going. The best is yet to come. Payo sa mga babaeng gustong magbasketbol: Dapat disiplinado sila sa pageensayo at paglalaro. Hindi tinitignan ang kasarian sa basketbol.
Dancesport: indak sa pampalakasan
NI APRIL BAGONAS 9-Waling-waling
Isports pala ang pagsasayaw? Ito marahil ang katanungan sa isip ng mga mag-aaral na nanonood sa pageensayo ng rumba ng Tibagan Dancesport Troop (TDT). Bago lamang ang dancesport sa mundo ng Palarong Pambansa. Sa katunayan, noong nakaraang taon lamang ito isinama sa paligsahan sa Palaro bilang demo sports kasama ang pencak silat at aerobic gymnastics. Ayon sa World Dance Sport Federation (WDSF), ang dance sport ay “the activity that combines sport and dance, and that allows the participants to improve physical fitness and mental well-being, to form social relationships and to obtain results in competition at all levels. Competitive DanceSport in a wide variety of dance styles and forms is practised within the internationally recognised and organised competition structure of IDSF.” Samakatuwid, and dancesport ay isa ngang isports dahil nakatutulong ito sa mga mananayaw na magkaroon ng malusog na pangangatawan at isipan, makabuo ng ugnayan at
makapagkamit ng karangalan sa kompetisyon sa lahat ng lebel. Si Ana Dulce Yango ng Dancesport Council of the Philippines ang siyang kumilos at hindi tumigil sa loob ng tatlong taon upang tuluyang maisama ang dancesport sa Palarong Pambansa 2017. “Sabi ko sa sarili ko, hindi ako titigil kahit gaano pa katagal. Hindi lang ito para sa akin kundi para sa mga kabataang Filipino,” ani Yango. May dalawang events ang dancesport sang-ayon sa guidelines ng Palarong Pambansa: Standard events at Latin events. Ang Standard events ay binubuo ng mga ballroom dance kasama ang slow waltz, tango at quickstep kung saan ang magkapareha ay makadikit habang elganteng sumasayaw. Samantala ang Latin events ay binubuo ng mga sayaw na mula sa kultura ng Latin America tulad
ng rumba, jive, samba at chacha-cha na mas magaslaw ang mga galaw kumpara sa ballroom. Juvenile ang tawag sa age group ng mga manlalaro sa elementarya habang junior naman sa high school. May tatlong rounds ang kompetisyon ng dancesports sa Palarong Pambansa; ito ay ang elimination, semi-finals at finals. Kung aabot sa finals ay nasa 12 sayaw ang gagawin ng magkapareha. Mahalaga ang costume sa kompetisyon ng dancesport lalo na ang dancing shoes. Hindi pinapayagang sumayaw ang sinomang magsuot ng hindi tamang damit at sapatos. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ang Department of Education ng mga pagsasanay ng mga guro sa dancesport upang mas dumami ang mga makilahok sa isports na ito sa susunod na taon.
Pilak, tanso nasungkit ng TNHS sa 200m dash NI CHARLOTTE JIANNE SANTOS 8 – Alexandrite
H
indi lang isa kundi dalawang medalya sa 200m dash ang inangkin ng mga manlalaro ng Tibagan National High School sa nakaraang EDDIS II Athletic Meet na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos noong Oktubre 4-5. Nagbunga ang hirap ng arawaraw na ensayo nina Clark Santos na nagkamit ng pilak at Jerome Cabahug na nagkamit naman ng tanso sa 200m dash. Tumikada sila ng 25.15 at 26.53. “Masaya ako kasi hindi nasayang ang pagod at hirap namin sa pageensayo,” ani Santos na mag-aaral mula sa 10 – Faith. Samantala, dalawang pang tanso ang naiuwi ni Cabahug, mag-aaral ng 10 – Loyalty, nang pumangatlo sa 100m at 400m dash. Si Santos naman ay dumausdos sa ikatlong puwesto sa long jump. Ang dalawang atleta ay patuloy na magsasanay para sa Provincial Athletic Meet sa Nobyemre.
Alerto si Alliana Marie Sadie sa pagtanggap ng bola upang hindi makapuntos ang kalaban sa Volleyball Women’s category na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos, Oktubre 4. KIM CATHLEEN MERCADO-SANTOS
TNHS Volleyball women pinahirapan ang defending champion NI NAOMI RAGUIN 9 – Waling-waling
H Sa kabila ng malaking bulto ng pangangatawan ay tinapos ni Jerome Cabahug ang 200m sa loob lamang ng 26.53 segundo sa EDDIS II Athletic Meet na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos, Oktubre 4. KIM CATHLEEN MERCADO-SANTOS
Cruz tumabla sa unang puwesto ng Chess, nauwi sa panlima
NI MARK NIEL SAMPIANO 9 – Sampaguita
L
imang manlalaro ang nakahati ni Janssen Cruz sa gintong medalya ng torneyo ng chess sa EDDIS II Atheletic Meet sa SM Center Pulilan noong Oktubre 3. Dahil dito ay isinalang silang anim sa blitz game bilang tie-breaker. Hindi naging epektibo ang mga diskarte ni Cruz, mag-aaral mula sa 12 Quezon ng Tibagan National High School (TNHS), at tuluyang nalaglag sa panlimang puwesto. “Hindi ko masyadong napag-isipan ang mga kilos ko dahil sa ikli ng oras,” ani Cruz. Samantala kaparehong kapalaran din ang sinapit ni Cyrene Mendoza, mula sa 10 – Charity ng TNHS, nang pumang-anim matapos tumabla sa pangalawang puwesto ng Chess Women’s Division “Dahil sa pressure sa oras kaya nagkaroon ako ng nerbiyos sa paglalaro. Hindi ko napag-isipang mabuti ang aking mga kilos kaya ako natalo,” saad ni Mendoza. Ayon kay Jennie Chris de Lara, tagapagsanay nina Mendoza at Cruz, pagtutuunan nila ng pansin ang pag-eensayo ng blitz game upang makabawi sa susunod na taon. Ang blitz game isang uri ng laro sa chess na kailangang tapusin sa loob lamang ng limang minuto.
indi nagpasindak ang mga manlalaro ng volleyball ng Tibagan National High School (TNHS) at pinahirapan ang kuponan ng Alexis G. Santos National High School (ASNHS) na siyang kampeon sa Volleyball Women’s noong nakaraang taon sa ginanap na EDDIS II Athletic Meet, Lungsod ng Malolos, noong Oktubre 4. Dahil sa mga siguradong serbis ni Jessa Mae Siboc at matitinding palo ni Kayelyn Bermejo ay tinalo ng TNHS ang ASNHS sa ikalawang set ng umabot sa limang deuce, 30 – 28. Hindi naman nawalan ng pag-asa
ang mga manlalaro ng ASNHS at sinamantala ang mga palpak sa serbis ni Catherine Mesinas, ang team captain ng TNHS, at ang sablay na receive ni April Bagonas, at tuluyang nagwagi sa ikatlong set, 10 – 15. “Kinabahan kami sa laban. Akala talaga namin matatalo na kami ng Tibagan,” pahayag ng tagapagsanay ng kuponan ng ASNHS na si Rick Alcantara. Bago ang mainit na labang ito ay nauna nang nilampaso ng TNHS ang kuponan ng Sto. Niño National High School mula sa Baliwag, Bulacan sa iskor na 25-22, 25-14 at 15-13. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na nakarating sa kampeonato ang kuponan makaraang talunin ng Lolomboy National High School (LNHS) mula sa Bocaue, Bulacan.
Kabataang Bulakenya kinilala sa gintong nasungkit sa taekwondo NI JESSIELYN MELITANTE 7 – Einstein
P
inarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang husay ni Xela Daprenine Pualengco makaraang mag-uwi ng ginto sa Taekwondo Light Weight Division noong flag raising ceremony sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos noong Oktubre 1. Nangibabaw ang lakas at galing ni Pualengco sa ginanap na Batang Pinoy Nationals sa University of Baguio, Lungsod ng Baguio noong
Tinanggap ni Xela Daprenine Pualengco ang pagkilala ng lalawigan ng Bulacan sa kaniyang pagiging kampeon sa Taekwondo Light Weight Division sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Oktubre 1. https://bit.ly/2PiZzTa
Setyembre 17-21. Ang parangal ay iginawad nina Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado at Bise Gobernador Daniel Fernando
Basketbolera ng TNHS nagreyna sa EDDIS II NI MELANIE LIBRANDA 7 – Einstein
H
Agresibo ang opensa si Arielle Tamon upang maagaw ang bola sa manlalaro ng Iluminada sa finals ng Basketball Women’s sa EDDIS II Athletic Meet, Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos, Oktubre 4. KIM CATHLEEN MERCADO-SANTOS
alos hindi pinapuntos ng mga babaeng basketbolista ng Tibagan National High School (TNHS) ang dalawang kuponang nakatunggali dahilan upang makopo ang kampeonato sa Basketball Women’s caterogy ng EDDIS II Athletic Meet na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos noong Oktubre 4. Walang kahirap-hirap na tinalo ng TNHS ang una nilang nakasagupa mula sa Sto. Niño National High School, Baliwag, Bulacan sa iskor na 34-4.
Sinamantala ng mga ebang manlalaro ang mahinang depensa ng kalaban kaya’t nakapuntos ng tig-aanim sina Luiza Marie Ducut, Princess Anne Mendoza, Samantha
de Leon at Raizza Carylle Sarmiento habang walong puntos naman ang naiambag ni Rachelle Dalan. “Hindi pa masyadong sanay maglaro ‘yong mga kalaban naming
kaya hindi kami nahirapan,” saad ng forward na si Ducut. Samantala parehong kapalaran naman ang sinapit ng Iluminada Roxas Mendoza Memorial High School (Iluminada) sa kamay ng kuponan ng TNHS. Dahil kulang sa karanasan ang mga basketbolera ng Iluminada, nagmistulang agawan ng buko ang laban na nagtapos sa 28-10. “Lamang talaga ang mga manlalaro natin dahil nung nakaraang taon ay nakalaban na sila. Sanay na silang gumawa ng play at mayroong team work,” pahayag ng tagapagsanay ng kuponan na si Rhia Lopez. Pinaghahandaan ngayon ng mga basketbolera ng TNHS ang Provincial Athletic Meet sa Nobyembre.
Deimos nalaglag sa ikatlong puwesto sa badminton
Aquino pumalo... t20
Center, Lungsod ng Malolos noong Oktubre 4. Ininda ni Deimos, magaaral mula sa 9 – Walingwaling, ang pulikat sa kaniyang kanang binti sa ikalawang set ng laban at tuluyang pinaluhod ng manlalaro ng Alexis G. Santos National High School (ASNHS), 8-11, 11-9 at 11-9. Pinaliwanag naman ng tagapagsanay ng manlalaro
Makikita mo sa pagtagaktak ng kaniyang pawis ang determinasyon na manalo na nagbunga naman ng pag-abante niya sa semi-finals. Sa pangatlong pagsalang, hindi na pinalagpas pa ni Aquino ang pagkakataong makatuntong sa trono at dumiretso na sa finals. Ginamit niya na ang kanyang mga bayo na kasing bilis kidlat at tuluyan nang pinaluhod ang kalaban sa mga iskor na 7-11, 11-3, 11-7 at 11-7. Hindi naman maitago ni G. Edgardo Cruz, tagapagsanay ni Aquino, ang tuwa sa tagumpay na nakamit. “Malaki talaga ang nagagawa ng araw-araw na pagsasanay para makamit ang tagumpay. Masaya akong mapag-uwi kami ng karangalan sa ating paaralan,” saad ni Cruz.
NI LOUWERYLN SARIPA 7 – Einstein
D
ahil sa tinamong injury, hindi na nakabira ng palo si Rhejimowiljet Deimos at nagkasya na lamang sa ikatlong puwesto sa Men’s Badminton Singles ng EDDIS II Athletic Meet na ginanap sa Jcas Badminton
Ramdam ang gigil na manalo ng TNHS na sa unang set ay tinambakan ang LNHS sa iskor na 23-10. Hindi sumuko ang kalaban at ipinakita ang kanilang husay sa dikit na laban sa ikalawang set, 24-26. Tila nawalan na ng lakas ang mga manlalaro ng TNHS sa huling set. Ang mga mali nilang galaw ay nagresulta sa malaking agwat sa iskor at tuluyang pagkapanalo ng kalaban, 6-14. “Hindi na masama ang narating naming dahil unang beses na sumali ng ating paaralan sa volleyball women. Masaya naman ako sa naging performance ng ating mga manlalaro. Babawi kami sa susunod na taon,” kompyannsang pahayag ng tagapagsanay ng TNHS na si Erlinda Lopez.
na si Rizza Martin na hindi nakapag-warm up nang maayos si Deimos na maaaring naging dahilan ng kaniyang pulikat. “Nagipit kami sa oras dahil pagdating namin sa venue ay magsisimula na ang laban,” ani Martin. Bigo mang makuha ang ginto ay masaya pa rin si Deimos sa karangalang naiuwi para sa paaralan.
kasama sina Bokal Ramilito Capistrano at Felix Ople at ang Provincial Youth, Sports and Public Employment Services Office Head Elizabeth Alonzo.
Tibagan dance sports troop hahataw sa 2019 NI JESSIELYN MELITANTE 7 – Einstein Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng Tibagan Dance Sports Troop (TDST) ang kompetisyon sa dance sports sa susunod na taon makaraang maudlot ang kanilang pag-indak sa ginanap na EDDIS II Athletic Meet sa Bulacan Sports Complex noong Oktubre 4. Kakulangan sa panahon ng pageensayo ang pangunahing dahilan ng hindi pagtuloy ng TDST sa kategoryang Latin ballroom dance ng patimpalak. “Hindi naman nahuhuli ang galaw ng ating mga mananayaw subalit pinili na rin naming sa susunod na taon na lumaban para mas mahinog sila sa pagsasayaw,” pahayag ng tagapagsanay ng dance sports na si Kim Cathleen Mercado-Santos. Nilinaw naman ni MercadoSantos na hindi masasayang ang nauna nilang paghahanda dahil siguradong makakasali na sila sa susunod na taon. “Nalungkot ako nung una pero ayos na rin ang nangyari kasi mas makakapaghanda kami at huhusay sa sayaw,” saad ni Carla Andrea Fermo ng 8-Amethyst, isa sa apat na mananayaw ng TDST.
TNHS tinibag ang Alexis sa basketbol 3x3 NI CHRISTAN MIGUEL SEBASTIAN 10 – Charity
ANHS ngunit hindi nagpadala sa oras at iskor ang TNHS. Nagbigay matitinding lay-ups si Lester Lazaro dagdag pa ang crossovers at da-moves ni Reymart Maximo. Hindi naman nagpalusot sa mala-higanteng pader na pagdidipensa si Carl Andrei Desiderio hanggang sa naibaliktad na nila ang sitwasyon ang tuluyan na nilang napaluhod ang kalaban. “Malaking hamon para sa amin ang larong ito dahil sa una pa lang minamaliit na kami ng kalaban. Sabi nga puso at determinasyon ang dala nila para maipanalo ang laban at salamat sa Diyos at ibinigay niya sa atin ang panalo. Tibagan No. 1!” saad ni Emmanuel Cruz, tagapagsanay ng kuponan ng TNHS matapos ang laban. Nakamit nila ang kampeonato matapos nilang sindakin ng sunod-
A
ng dalawang magkasunod na three-point shots ni Brian Pricincula sa huling dalawang minuto ng laban ang nagluklok sa Tibagan Ntional High School (TNHS) sa kampeonato ng Eddis II Athletic Meet laban sa kuponan ng Alexis National High School (ANHS), 14-11, sa Bulacan Sports Complex noong Oktubre 4. Kahit na umarangkada ang ANHS sa unang bahagi ng laban dahil sa star player nilang si Ryan dela Cruz ay hindi bumitiw sa laro ang mga basketbolero TNHS. Sumapit ang huling dalawang minuto ng laro kung saan lamang ng apat ang
sunod ang dalawa nitong nakalaban. Nakamit rin nila ang 3-0 kartada kung saan hindi nagpakita ang una sana nilang makakasagupa. Sa pangalawa nilang pakikipagsagupa, pinahirapan nilang makapuntos ang Sulivan National High School dahil sa mala-gintong bakal nilang dipensa at tinapos ang laban sa iskor na 7-3. “Sulit ang lahat ng pagod namin sa training. Ang sarap sa pakiramdam,” pahayag ni Pricincula. Tumanggap ng sertipiko ang kuponan ng TNHS at inaasahang muli lalaban sa Provicial Sports Meet sa Nobyembre.
Sinupalpal ni Brian Jade Pricincula ang shooter ng Alexis G. Santos National High School sa finals ng Basketball 3x3 na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos, Oktubre 4. KIM CATHLEEN MERCADO-SANTOS
Opisyal na Pahayagang Pampaaralan sa Filipino ng Tibagan National High School Tomo 18
.
Bilang 1
.
Hunyo - Nobyembre 2018
Bola Kontra Droga pasok sa Bulacan Flores humirit sa 800m, 1500m dash, 3000m run NI APRIL BAGONAS 9 – Waling-waling
Tinakbo ni Kasper Kyle Flores ang 3000m run sa loob lamang ng 11:29.94 na siyang pinakamabilis niyang record sa EDDIS II Athletic Meet sa Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos, Oktubre 4. KIM CATHLEEN MERCADO-SANTOS
K
ahit na lumang spike shoes lamang ang gamit, nakapag-uwi si Kasper Kyle Flores ng dalawang pilak at isang tanso sa short-distance athletic events ng EDDIS II Athletic Meet noong Oktubre 4-5 sa Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos. Pungalawa si Flores, mag-aaral mula sa 10 – Integrity ng Tibagan National High School (TNHS), sa 1500m dash at 3000m run at tumikada ng 06:05.18 at 11:29.94. Pumangatlo naman siya sa 800m dash kung saan
sumipa siya sa oras na 2:10.88. Pinaglumaan lamang ang pitong pares spike shoes ng mga manlalaro sa Regional Athletics Meet noong isang taon ayon sa tagapagsanay na si Romina Ann Nolasco. “May mga sira na yung mga sapatos kaya kinailangang iparepair sa halagang P420 para magamit ulit ng mga bata,” ani Nolasco. Ayon sa manlalaro, malaking tulong na kaniyang laban ang pagsusuot niya ng spike shoes kahit pa luma na ang mga ito. “Maginhawa gamitin ang spike shoes sa pagtakbo. Hindi gaanong nasaktan ang mga paa ko,” ani Flores na unang beses pa lamang nakagamit ng naturang sapatos. Si Flores ay lalaban muli sa Provincial Athletic Meet na gaganapin sa Nobyembre.
Opisyal na sinimulan ang laro sa simbolikong jump ball nina Bise Gob. Daniel Fernando at kinatawan Jonathan Sy-Alvarado, Bulacan State University, Lungsod ng Malolos, Agosto 9. https://bit.ly/2PTWwxI
NI LOUWERLYN SARIPA 7 – Einstein
“I
to ang kontribusyon natin sa kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal na droga sa bansa at magsisimula tayo sa isang drug-free na lalawigan.” Ito ang pahayag ni Bise Gob. Daniel Fernando sa isang panayam sa media tungkol sa “Bola Kontra Droga” Campus Tour na ginanap sa Audio Visual Room ng College of Information and Communication Technology Building sa Bulacan State University, Lungsod ng Malolos noong Agosto 9. Ang Bola Kontra Droga ay kompetisyon sa basketball kasama ang ilang mga celebrity na iikot sa iba’t ibang
unibersidad. Paliwanag ni Fernando, sinama niya sa kampanya ang mga celebrity dahil sila ay nagsisilbing huwaran na may matinding impluwesya sa kabataan, at maaari ring tumulong sa kampanya laban sa droga sa showbiz industry. Samantala, ayon naman kay Joross Gamboa, isa sa mga celebrity player, naging makabuluhan ang paglalaro nila ng basketball ng kanilang grupo. “Sampung taon na kaming naglalaro sa iba’t ibang lugar pero ngayon lang nagkaroon ng purpose hindi lang para sa entertainment,” saad ni Gamboa.
Aquino pumalo sa unang pwesto ng table tennis NI ALEXANDRIA JESSCA MALLARI 10 – Charity
N
ilampaso ni Maria Isabelle Aquino ang lahat ng kanyang nakasagupa gamit ang kanyang mga malabagyong bayo upang makalusot at matumbok ang inaasam kampeonato. Ginulantang ni Aquino, mula sa 12 - Osmeña ng Tibagan National High School (TNHS), ang kaniyang mga katunggali at nakamit niya ang trono
sa kaniyang bracket sa kompetisyon ng Women’s Table Tennis Singles sa EDDIS II Athletic Meet na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos noong Oktubre 4-5. “Masaya ako dahil for the last na lalaro ako sa high school ay nakarating ako sa Provincial Meet. Pinagpapasalamat ko na nabigyan ulit ako ng pagkakataong makalaro ulit at mai-represent ang TNHS,” pahayag ni Aquino na puspusan ang naging pagsasanay sa nakalipas na buwan.
Sa unang laban ni Aquino ay walang patawad niyang tinalo ang kanyang nakatapat at hindi man lang ito pinasalat ng panalo. Lumusot siya sa quarter finals sa mga iskor na 11-4, 11-9 at 11-6. Nang sumunod na laban, hindi biro ang naging sitwasyon sapagkat naunahan siya ng kaniyang karibal na makadalawang set at isa na lang ay makokopo na nito ang panalo. Subalit hindi ito ininda ni Aquino at kumapit pa rin sa laban. u P19
Walang kahirap-hirap na sinalag ni Ma. Isabelle Aquino ang bira ng kalaban upang makopo ang kampeonato sa Women’s Table Tennis Singles ng EDDIS II Athletic Meet, Bulacan Sports Complex, Lungsod ng Malolos, Oktubre 5. KIM CATHLEEN MERCADO-SANTOS