History of Barangays in Torrijos Bolo Noong unang panahon, ang lugar ngayon ay Barangay Bolo ay isang magubat at madawag na kabundukan na mayaman sa isang uri ng puno ng kawayan na kung tawagin ay Bolo. Ang pook na to ay nasa gitna ng tatlong burol burol ng Talisay, burol ng Perro sa gawing Kanluran ng Pulang Lupa sa gawing Timog, sinasaklaw nito ang maraming batis na pinagkukunan ng dalisay na inuming tubig at dalawang malilit na ilog na ang mga pangalan ay hinango mula sa kahoy na kayugkog at kalantas. Maraming hayop na dito ay matatagpuan katulad ng baboy ramo, usa, unggoy, labuyo, (manok gubat) at ibat-ibang uri ng ibon, may dahilan upang dayuhin ito ng mga mangangaso, madalas pumutol at kumuha ng mga puno ng kawayang bolo na kanilang ginagamit sa pavgawa ng bitag na panghuli ng mga usa partikular sa anak nito na kung tawagin ay bol-o. Nakagawian na ito ng mga tao roon, at maging ng mga dumarayo upang mangaso. Sa pagdaan ng mga panahon, ang ganitong gawain ay naging tanyag na dahilan upang ang maraming tao mula sa kanugnog na lugar ang dito'y nagsimulang magdagsaan at kinalaunan ay dito na naninirahan. Dito nagsimula ang isang pamayanan na sama-sama at tulong-tulong ng mamuhay sa lugar na ito, at sa pagiging tanyag ng kagandahan ng kawayang bolo at paboritong hulihin ng mga mangangaso ang batang usa na kung tawagin ay bol-o nakarating ito hanggang sa malayong pamayanan na ang tanging nakikilala lamang na Lugar ay pook ng kawayang bolo at ng batang usa. Kinasanayan ito ng mga tao kung kaya't nabuo ang pangalang Bolo bilang isang barangay.
Bonliw Ang Lupang sakop nito noong ikalabing dalawang siglo ipinag utos ng emperador Madjapahit sa kanyang nasasakupan na palaganapin ang katutunang Islam. Naglatag ng pamayanan o barangay upang pagyamanin ang lupang sakop at masasakop pa ng kanyang imperyo. Dahil dito ipinasyang maglakbay si Datu Puti kasama pa ang kanyang sampung datu upang tuparin ang utos mula kay emperador Mahuma. Dahil dito maraming paglikas upang sumama sa kanila. Upang umiwas sa pinunong malupit sa pook an iyon na kumitil sa kanilang kalayaan at karapatan mula sa Bormeo. Sumakay sila sa kanilang mga paraw o Balangay hanggang sapitin nila ang Pulo ng P'anay kasama ang kanilang pamilya, tauhan, at kamag anak. Dito nila inihandog ang kanilang gintong salukot sa pinuno mg mga Katutubo na sina Maricudo at asawang si Matiwang iwang, nanguna sa paglatag ng pamayanan o Barangay na Si Datu Sumakwil. Ang mga Datu rin ang nagsilbing tagapagturo ng relihiyon, batas, at hukom sa bawal pulo na kanilang narating. Ang kanilang wikang Malay ang naging daan sa pag unlad ng iba't ibang wika. At ang mga wikang kanilang napaunlad ay ang Ilongo, Cebu, Waray, Bicol, Kapangpangan, at tagalog. Sa Timog Lazon nakarating dito si Batong Bakal, siya ay naging tagpagturo ng Alpabitong Alibata, na siyang pinagmulan ng Abakada. Ang kamag anak at mga tauhan nito ang nakarating sa look at lawa ng Maynila at sa paligid nito. At paglatag ng unang pamayanan ng mga tagalog sa gilid Ilog Pasig malapit sa dagat sa pangunguna ni Datu Puti ang pamayanang ito ay mabilis lumago at umunlad at pinagmulang kanilang angkan ang mga maharlikang Tagalog tulad ni Lakandula, Raja Matanda at Raja Sulayman. Si Datu Batong Bakal ay may isang Maharlikang kapatid siya ay si Raja Manuong na nakarating naman sa silangang bahagi ng pulong Marinduque kasama niya ang kanyang mga anak at tauhan. Ang tatlo sa kanyang mga anak na ito ay nanirahan ay sina Danao, Albon ar Salamat. Nang mamatay si Raa Gat Salamat, ang pumalit sa kanya bilang puno ng mga tagalog ay ang anak niyang si Raja Gat Bonleo. Sila ay tumira sa baybaying dagat at ilog na narating ng kanilang mga Bangka. Unang nakilala sa tawag na taga ilog na pinagmulan ng lupang tagalog sa silangan. NAng pumanaw si Raja Gat Bonleo, isang punong kahoy ang naging pananda. Ang kahoy na ito ay kumalat sa pook at naging palatandaan ng mga mangangalakal na Tsino. Ng dumaung ang mga kastila sa pangunguna ni Miguel Lopez De Legaspi noong taong 1579 kasama ang mga pareng Heswita na sina Felix La Huerta, Exlepan Oniz, at Juan Rusado, ang punong kahoy na ito ay kanilang nasumpungan at tinawag na ito sa pangalang gamit ng mga Mehuras De Bonleo bilang pangalan sa pinuno ng mga tagalog. Ang pangalan din ito ang unang 118 | P a g e