MAGAZINE

Page 1

BIGUEÑA KABATAANG ILOKANA SA MODERNONG PANAHON

Sino o Ano


03

Tala

04

Mag-aaral

05

Mamamahayag

06

Student Leader


NIÑA

PAULETTE Sa buhay ng bawat tao, palaging nariyan ang mga mapanghusga. Hindi na ito maiiwasan kung kaya't nasa ating mga kamay kung paano natin ito hahararapin. Biktima ako ng mga taong mapanghusga. Masakit, oo, ngunit unti-unti kong tinanggap ang mga ito. Noong una, akala ko ay madali ngunit lalamunin at lalamunin ka ng lungkot, takot, at pangamba. Sa kabila nito, kailangan lamang natin ng mga taong mananatili sa ating tabi. Sa dinami-rami ng mga taong ayaw maniwala sa iyo, kailangan mo lamang ng isa o dalawang maniniwala at mananatili sa iyo.

May mga araw na mawawalan ka ng pagasa ngunit kailangan mong isipin ang iyong mga mithiin. Kung hindi kaya sa isang araw, magpahinga at kinabukasan, tuloy ang buhay. Ang bawat tala ay magniningning- sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon. Namnamin ang pait ng bawat pagkatalo dahil dito tayo matututong kainin kung ano ang ating inihain. Laging tandaan, hindi dito nagtatapos ang laban. Walang nilalang na isinilang na perpekto, nasa iyo na kung mananatili kang imperpekto. Ilabas mo ang iyong kakayahan dahil iyong tandaan; ika'y kakaiiba, ika'y katangi-tangi.

Ang bawat tala ay magniningning- sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon. Namnamin ang pait ng bawat pagkatalo dahil dito tayo matututong kainin kung ano ang ating inihain. Laging tandaan, hindi dito nagtatapos ang laban.


LARANGAN NG AKADEMIKO

Niña

Dagdag pa rito, nasubukan ko namang maging

ISANG MAG-AARAL

Top 1 noong Senior High School ako ngunit isang

"Tuladem ni manang mo"

semestre lamang kung kaya't hindi umabot sa

Iyan na ang mga katagang kinalakihan ko. Hindi

buong markahan. Masakit man sa akin ngunit

na nakapagtataka na simula pa noong bata ako,

hinayaan ko na lamang ito.

kailangan kong sundin ang lahat ng sasabihin ng

Bago ako mag-kolehiyo, nais ng aking mga

aking mga magulang dahil wala pa ako sa tamang

magulang na kumuha ako ng Accountancy o di

pag-iisip. Ang buong akala ko magiging mabuti

kaya'y Medical Technology tulad ng kapatid ko, sa

ang pagsunod sa yapak ng ate ko ngunit ito ang

pagkakataong ito, ipinaglaban ko na ang matagal

unti-unting lumamon sa aking pagkatao.

na inaasam ng aking puso, ang makalaya sa yapak

Nagtapos kami ng elementarya sa Divine Word

ng aking kapatid at bumuo ng sariling pangalan

College of Vigan, pareho rin kaming 1st Honorable

ko. Doon, ako'y nagwagi. Doon, naranasan kong

Mention noong kami'y grumadweyt. Hindi ko na rin

makamit ang unang gantimpala na matagal ko

matandaan

nang inaasam na makuha at sana'y tuloy-tuloy na.

kung

pareho

rin

kami

ng

mga

nakuhang medalya basta ang alam ko sa sarili ko

Sa

kasalukuyan,

magaan

na

ang

aking

noon, masaya ako kasi nasusunod ko lahat ng mga

pakiramdam, nahanap ko na ang ritmo na matagal

ginagawa ng kapatid ko.

nang hinihintay ng aking puso. Ito si Niña, at

Pagsapit ng sekundarya, lumipat na kami sa Ilocos Sur National High School sa Special Science Class

kung

Valedictorian.

saan

nagtapos

Doon

na

siya

nagkagulo

bilang ang

patuloy siyang lalaban bilang mag-aaral para sa kaniyang magiging mga mag-aaral.

Class aking

buhay, hindi ko na siya masundan, hindi ko na kaya kung ano ang kaya niya. Sinubukan ko naman

Ipinaglaban ko na ang matagal na inaasam ng aking puso, ang makalaya sa yapak ng aking kapatid at bumuo ng sariling pangalan ko.

ngunit hanggang top 3-5 lang ang naabot ko.

4


MAMAMAHAYAG

Anim na taon akong naging radio broadcaster at scriptwriter ng aming school publication, Ang Busilak sa Himpapawid. Naging staffer din ako ng nasabing publikasyon. Taong 2016 nang pinalad ang aking grupong manalo sa Regional Schools Press Conference. Nanalo ako bilang Best Scriptwriter - 1st place at Best News Presenter 2nd place. Dagdag pa rito, nagkamit din ng iba pang gantimpala ang aking mga kasamahan. Ang aking pagkapanalo ang nagudyok sa akin upang kunin ang aking kasalukuyang kurso. Mahal na mahal ko ang Filipino at kailanma'y hindi ko ikakahiya ito. Mahal na mahal ko ang Filipino at kailanma'y hindi ko ikakahiya ito.

5


STUDENT LEADER SUPREME STUDENT GOVERNMENT BAKIT MO NAISIPANG SUMALI SA SSG?

Ang SSG ang isa sa mga humubog sa akin bilang isang indibidwal. Hindi ko lubos akalain na may mga bagay na kaya kong gawin na nagawa ko dahil sa SSG. Tulad ng pagsali sa essay

writing,

speaking,

extemporaneous

pagsali

sa

pageant,

pagdalo sa mga seminar na mag-isa at marami pang iba. ILANG TAON KANG NANILBIHAN SA SSG?

Limang taon ang aking iginugol sa SSG. Pagsapit ng Gr. 12, naisipan kong

ipaubaya

sa

iba

ang

pagkapangulo dahil kailangan ko na ring ituon ang aking atensyon sa aking

pag-aaral.

Gayunpaman,

nanatili akong student leader sa aming strand at tumulong pa rin sa mga gawain kahit papaano. ANO ANG SSG PARA SA IYO?

Isa itong tahanan na bibigyan ka ng buong pamilya. Ipinaramdam nila sa akin na ako'y kakaiba at ako'y may angking galing. Sinamahan nila ako sa tamis at pait na mga naranasan ko sa aking buhay sa sekundarya. Ibangiba ang SSG kung kaya't nakabubuo sila ng mga mag-aaral na kakaiba't katangi-tangi sa lahat.

SCHOOL. DIVISION. REGIONAL. NATIONAL

6


NIÑA PAULETTE F. AGSAULLO:

May iisang bahagi ng kalawakan na kaya mong pagbutihin, at ito ang iyong sarili. Sino o ano? Ikaw lamang ang makakasagot nito. Huwag mong

hayaang bigyang kahulugan ng ibang tao ang iyong buhay. Ika'y mahalaga, ika'y natatangi. Tandaan mo iyan. Sipi mula sa isang artikulo ng may-akda sa isang gawain sa asignaturang, Sanaysay at Talumpati.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.