i
PAUNANG SALITA
Nakasanayan na ng mga guro ang paghahanda ng iba’t ibang kagamitang pampagtuturo para sa kanilang mga mag-aaral. Dahil dito, nakabubuo sila ng iba’t ibang uri ng kagamitan na talaga namang pupukaw sa kanilang kawilihan at angkop din sa kanilang kakayahan. Sa pagkakataong ito, ang modyul na ito ay binuo batay sa lumabas na saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang Barayti at Baryasyon upang maging supplemental na kagamitan sa pagtuturo at pagkatuto. Ang Barayti at Baryasyon ng Wika ay isang kursong tumatalakay sa komparatibong sarbey ng iba’t ibang relasyonal, sosyal, antripolohikal, akademik, okupasyunal na barayti at baryasyon ng wika. Ang mga aralin sa kursong Barayti at Baryasyon ng Wika ay nakatalagang matapos ng lahat ng mga nag-aaral ng Bachelor of Secondary Education, Major in Filipino. Ang mga gawain ay maingat na plinano, binalangkas at sinuri upang matugunan ang saloobin ng mga mag-aaral sa Barayti at Baryasyon ng Wika. Ang modyul na ito ay binubuo ng apat na aralin ng Barayti at Baryasyon ng Wika mula sa Yunit III batay sa lumabas na datos ng saloobin ng mga mag-aaral. Bawat aralin ay nakapaloob ang 4Cs: Communication, Critical Thinking, Creativity, at Collaboration. Ito ay ibinatay sa 21st Century Skills. Ang Communication ay ang pagsusuri sa sitwasyon ay nangangahulugan ng pag-iisip tungkol sa paksa, layunin, nagpadala, tagatanggap, daluyan, at konteksto ng isang mensahe. Ang katumbas ng Communication sa modyul ay ang bahaging “Pananaw mo, Ibahagi mo.”
i
Ang Critical Thinking ay ang kritikal na pag-iisip na nakatuon sa maingat na pagsusuri ng isang bagay upang mas maunawaan ito. Ang “Hasain ang Isipan” naman ang katumbas ng Critical Thinking sa modyul. Ang Creativity ay ang malikhain at malawakang pag-iisip, walang katapusang imbensyon at pagtuklas ng mga posibilidad. Ang katumbas ng Creativity sa modyul ay ang “Kakayahan mo, Ipakita mo.” At ang Collaboration ay ang brainstorming ng mga ideya sa isang grupo ay nagsasangkot ng mabilis na pagmumungkahi at pagsusulat ng mga ideya nang hindi humihinto sa pagpuna sa kanila. Ang “Halina’t Makiisa” ang katumbas ng Collaboration sa modyul. Ang nabuong modyul ay binubuo ng ilang bahagi. Ito ay ang Layunin, Pananaw Mo Ibahagi Mo, Basahin at Alamin, Hasain ang Isipan, Kakayahan Mo Ipakita Mo, at Halina’t Makiisa. Ang mga gawaing inihanda ay nakaangkla sa 4Cs ng 21st Century Skills. Samu’t saring mga gawain ang matatagpuan at matututuhan sa bawat bahagi ng mga guro at mag-aaral na gagamit nito. Sa Layunin ay matutunghayan ang mga kasanayang dapat malinang sa mga mag-aaral. Inilahad sa bahaging ito ang mga kasanayang kailangang matamo ng mga mag-aaral pagkatapos ng aralin. Sa bahaging Pananaw Mo, Ibahagi Mo ay makikita ang mga gawaing magsisilbing pagganyak sa pag-aaral na kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang ideya hinggil dito. Sa bahaging Basahin at Alamin ay makikita ang kahulugan at iba pang mahahalagang detalyeng dapat matutuhan sa paksang tatalakayin. Sa bahaging Hasain ang Isipan ay masasalamin ang mga gawaing tutukoy kung talagang naunawaan ang paksang tinalakay. Ang sumunod na bahagi ay ang Kakayahan Mo, Ipakita Mo. Dito ay karaniwang makikita ang mga gawain na kung saan mahahasa ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral habang isinasaalang-alang
ii
ang mga konseptong napag-aralan. Ang Halina’t Makiisa ang magsisilbing pangkatang gawain. Masusubok dito ang kakayahan ng bawat mag-aaral na makibahagi sa kanilang pangkat at ipamalas ang kanilang angking kakayahan sa iba’t ibang aspekto. Dito na lalabas ang aplikasyon ng lahat ng kanilang natutuhan. Halina’t tuklasin ang mga gawaing pupukaw sa iyong kawilihan at kakayahan upang patuloy na matuto sa iba’t ibang aspekto.
iii
PASASALAMAT
Sa aming pagmamahal sa mga mag-aaral ang tagumpay ay aming alay, higit sa lahat sa Diyos na tunay na dakila sa pagbibigay ng lakas at kaalamang ipinagkaloob sa mga may-akda. Sa aming mga mahal na pamilya na patuloy na nagbibigay inspirasyon sa aming mga ginagawa. Sa aming tagapayo, Dr. Nancy T. Ubilas, sa pagbibigay niya ng mga puna upang mapabuti ang modyul na ito. Sa aming kritik, G. Lester A. Aaron, sa kanyang mga mungkahi sa pagbuo ng modyul na ito. At sa aming guro, Dr. Novelyn T. Barcena, sa kaniyang workteks na isa sa mga naging batayan ng mga may-akda. Maraming salamat at mabuhay kayong lahat!
iv
TALAAN NG NILALAMAN Paunang Salita ……………………………………………………………………… i Pasasalamat ………………………………………………………………………… iv Yunit III – Mga Teorya Ukol sa Barayti at Baryasyon Aralin I. Teoryang Sosyolinggwistik ………………………………………………. 1 Aralin II. Teroyang Deficit Hypothesis ……………………………………………. 6 Aralin III. Teorya ng Akomodasyon ………………………………………………. 11 Aralin IV. Konsepto ng Varyabilidad ……………………………………………... 17
v
YUNIT III ARALIN I – TEORYANG SOSYOLINGGWISTIK
Mga Layunin •
Naipaliliwanag ang konsepto ng teoryang sosyolinggwistik.
•
Nakalalahok nang masigla sa talakayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
•
Natutukoy ang pormal at di pormal na salita.
•
Napag-uuri ang mga pahayag na nabibilang sa idyolek at sosyolek.
•
Nakagagamit ng larawang mapa para sa pagtutukoy ng mga wika at kung saang lugar ito matatagpuan.
•
Nakagagawa ng isang documentary hinggil sa wika, kultura, at iba pa ng isang lugar.
COMMUNICATION Pananaw mo, Ibahagi mo Panuorin ang bidyo at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan. https://www.youtube.com/watch?v=fjcCzY8NiDE Pokus na Tanong 1. Paano nakaaapekto ang pagkakaiba-iba ng mga wikang ginagamit sa pagkakaisa ng bawat mamamayan? _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 2. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang patuloy na maging maganda ang samahan ninyo ng iyong mga kaklase isa sa kabila ng inyong pagkakaiba? _______________________________________________________________ _______________________________________________________________
1
Basahin at Alamin
TEORYANG SOSYOLINGGWISTIK Pinaniniwalaan ng teoryang sosyolinggwistik na ang wika ay isang panlipunang phenomenon. Ibig nitong sabihin, nagiging makabuluhan ang anumang pahayag, aksyon, salita ng isang indibidwal kung ito’y nakakonteksto sa loob ng lipunan at sinasabi sa ibang indibidwal o grupo. At dahil dito, nakabubuo ng iba’t ibang konteksto ang paggamit ng wika dahil sa iba’t ibang gawain, papel, interes, saloobin, pananaw ang kasangkot sa komunikasyon. Ayon kay (Constantino, 2000) sa aklat ni Santos, et al. (2010), ang sosyolinggwistikong teorya ay ang ideya ng paggamit ng heterogenous na wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aaralan at iba pa. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng indibidwal ayon sa isang sistemang mga alituntunin kundi isang kolektibong pwersa, isang pagsama-sama ng mga anyo sa isang nagkakaibang kultural at sosyal na mga gawain at grupo. Ang sosyolinggwistik ay ang pag-aaral sa ugnayan ng wika at ng lipunan. Ayon dito malaki ang naitutulong ng sosyolinggwistika para mas lalong maunawaan kung bakit may iba-ibang wikang ginagamit ang isang lipunan. Kung saan ang sosyolinggwistika ay ang teoryang nagsasaad ng ugnayan ng wikang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na lugar at malinaw na naglalarawan ng mga kalagayan ng tao dito. Ayon naman kay Saussure (1915), ang teoryang sosyolinggwistik ay batay sa palagay na ang wika ay panlipunan at ang speech (pananalita) ay pang-indibidwal. Dagdag pa niya na ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang indibidwal o nagsasalita, nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat. Para naman kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga relasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito.
2
CRITICAL THINKING Hasain ang Isipan A. Tukuyin ang pahayag kung ito ba ay pormal o di- pormal na pananalita. Isulat ang P kung ito ay tumutukoy sa pormal na pananalita at isulat naman ang DP kung ito ay tumutukoy sa pormal na pananalita. ________1. Magandang umaga Gng. Aquino! Ikinagagalak ko pong makilala kayo. ________2. Uy mare, balita ko buntis yung anak ni Aling Ibyang. ________3. Ngayong araw na ito gagawin ang pagpupulong para sa pagpaplano ng ating organisasyon. ________4. Bes, tapos mo na ba yung takdang aralin natin sa Filipino? ________5. Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na pumanaw na ang ating pinakakamahal na idolo. Nawa’y sumalangit ang kanyang kaluluwa. ________6. Simula ngayon gagawa tayo ng isang programa na makatutulong sa pagunlad ng kabuhayan ng ating mga magsasaka. ________7. Pakiabot nga ‘yong baso, bunso. ________8. Tagay pa pare! ________9. Kung ako sa iyo, gumawa ka na lang ng paraan para malutasan mo ‘yang problema mo. _______10. Maari niyo akong tawagan kung may problema man dito sa opisina, huwag kayong matakot na magsabi ng iyong mga suliranin.
B. Tukuyin ang mga salitang nakapaloob sa kahon at lagyan ng tsek kung saan ito naaayon. Pagkatapos ay isulat ang dahilan o patunay kung bakit ito ay idyolek o sosyolek. Mga Salita
Idyolek
Sosyolek
1. Okay! Darla 2. Handa na ba kayo? 3. Lespu 4. Walang Himala! 5. Mustah po? 6. Churva
3
Dahilan/Patunay
7. Ahahaha Nakakaloka! 8. Magandang gabi, Bayan! 9. Ansabe? 10. Ang buhay ay weather weather lang.
CREATIVITY Kakayahan mo, Ipakita mo Tukuyin ang mga wika at ang mga lugar na kinabibilangan nito gamit ang larawang mapa. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.
4
BUTUANON, Lunsod ng Butuan Palawan
CUYONON Baybaying dagat ng
AGTA, Lalawigan ng Abra Panay, Negros
HILIGAYNON Iloilo, Capiz,
AYTA, Tayabas, Quezon
SAMA, Kanlurang Sentral ng Sulu,
BLAAN, Lalawigan sa Timog Cotabato
IBANAG, Isabela at Cagayan;
CEBUANO , Negros, Cebu, Bohol Batanes
IVATAN , Basco, Mga pulo ng
COLLABORATION Halina’t Makiisa Ang klase ay mapapangkat sa tatlong grupo. Ang bawat grupo ay mabibigyan ng isang wika na kanilang gagawan ng maikling documentary. Kailangang ipakita sa documentary ang mayamang wika, kultura, at iba pa batay sa wikang maibibigay sa inyong grupo.
IGOROT Pamantayan Nilalaman
IVATAN
Kahanga-hanga 5 puntos
Nakitaan ng kabuluhan ang nilalaman nito. Pagkamalikhain Ang kabuuan ng presentasyon ay masining at natatangi.
Mahusay 4 puntos Karamihan sa nilalaman ay may kabuluhan. Hindi gaanong nakitaan ng kasiningan ang presentasyon.
ITNEG Magaling 3 puntos Ang nilalaman ay hindi gaanong makabuluhan. Hindi ginamitan ng masining na paraan ang presentasyon.
Kung sakaling ika’y lumiban sa klase, mangyaring gawin ang mga nakaatas na gawain sa pamamagitan ng google form. Ang link para sa modyul na ito ay nakalagay sa ibaba gayundin ang form na iyong gagamitin sa pagsagot at pagpasa ng mga gawaing nakalagay sa modyul na ito. https://forms.gle/mAWskqRtfFMbWrLj7
5
YUNIT III ARALIN II – TEORYANG DEFICIT HYPOTHESIS
Mga Layunin • •
• • • • • •
Naipaliliwanag ang teoryang deficit hypothesis. Nakalalahok nang masigla sa klase sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa ng kadalasang naririnig sa iba’t ibang propesyon. Nakapagbibigay ng mga pahayag tungkol sa sinasalita ng mga mayayaman at/o mahihirap. Nakagagawa ng isang graphic organizer ukol sa positibo at negatibong dulot ng teoryang deficit hypothesis. Nakabubuo ng isang dagli na may temang umiikot sa konsepto ng teoryang deficit hypothesis. Nakapagbabahagi ng mga ideya tungkol sa sinasalita ng mga mayayaman at/o mahihirap sa pamamagitan ng isang debate. Naitatala ang pagkakaiba ng paraan ng paggamit ng wika gamit ang KWL chart. Natutukoy ang hirarkiya ng wika.
COMMUNICATION Pananaw mo, Ibahagi mo Pumili ng isang pahayag sa loob ng kahon. Basahin ito at iyong uuriin kung ito ay madalas na sinasalita ng mga mayayaman at/o mahihirap. 1. 2. 3. 4. 5.
I want to go to Starbucks, mommy. Anak, kumain ka na lang kung anong mayroon sa lamesa. Titipirin ko ‘to para mabili ko ‘yong pinapangarap kong damit. I want to buy a bisikleta, it’s maganda! Ma, ito po ‘yong regalo ko sa inyo.
6
Pokus na Tanong • •
Paano mo nasabi na ang pahayag ay kadalasang sinasalita ng mga mayayaman at/o mahihirap? _______________________________________________________________ Ano ang iyong naging batayan dito? _______________________________________________________________ Basahin at Alamin
.
TEORYANG DEFICIT HYPOTHESIS Si Bernstein (1972) ay naniniwalang ang wika ay may hirarkiya. Ito ay dahil sa kanyang naging obserbasyon. Ang wika ay may antas. Ibig sabihin, mayroon itong lebel. May mataas na uri ng wika na kadalasang ginagamit ng mga mayayaman o kaya naman ng mga taong may pinag-aralan o edukado; mayroon din naming mga wika na mababa lamang na kadalasa’y ginagamit naman ng mga taong hindi nakapag-aral. Masakit man isipin na kung si Juan ay nagsasalita ng wikang Ingles, ipalalagay ng karamihan na siya ay matalino at may mataas na pinag-aralan at kung si Juan nama’y nagsasalita ng kanyang sariling wika, tila bang isa lamang siyang ordinaryong mamamayan at mababa lang ang pinag-aralan. Isang katotohanang ang mahusay na pagsasalita ng wikang Ingles ay sukatan na ng katalinuhan at social status na ng lipunan. Ikaw ay titingalain, pinahahalagahan at nirerespeto ng karamihan kung magaling ka sa wikang dayuhan. Tandaan na ang wikang Ingles ay isa lamang wikang katulad din ng mga iba pang wika sa buong mundo
7
CRITICAL THINKING Hasain ang Isipan Tukuyin kung anong propesyon/ trabaho ang isinasaad ng pahayag. Pagkatapos ay ipaliwanag o patunay kung paano mo nasabing ito ang propesyon na isinasaad sa pahayag. 1. We need to revive the patient.
O
O
R
2. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo. Anuman ang iyong sasabihin ay maaaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang hukuman. Ikaw ay meron ding karapatang kumuha ng abogado na iyong pinili at kung wala kang kakayahan. ito ay ipagkakaloob sa iyo.
L
S
3. Isang tao na nakikibahagi sa agrikultura, nagpapalaki ng mga nabubuhay na organismo para sa pagkain o hilaw na materyales. Karaniwang nalalapat ang term sa mga tao na gumagawa ng ilang kumbinasyon ng pagpapalaki ng mga pananim sa bukid, taniman, ubasan, manok, o iba pang mga hayop.
A
G
K
A
4. Dumarami na ang mga gumamit ng dinamita sa pagkuha ng mga isda sa gitna ng dagat.
N
G
I
A
5. I hereby declare you guilty.
O
D
8
CREATIVITY
Kakayahan mo, Ipakita mo A. Magtala ng mga positibo at negatibong dulot ng teoryang deficit hypothesis. Gamitin ang mga naitala sa pagbuo ng isang masining na presentasyon sa pamamagitan ng paggamit ng kahit na anong uri ng graphic organizer.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: Nilalaman at Paksa50% Estilo20% Kaangkupan ng Konsepto– 20 % Organisasyon at Mekaniks – 15 %
B. Gumawa ng isang dagli na ang tema ay umiikot sa mga konseptong natutuhan sa teoryang deficit hypothesis.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA: Nilalaman at Paksa40% Pagkamalikhain20% Kaangkupan ng Konsepto– 20 % Organisasyon at Mekaniks – 20 %
COLLABORATION Halina’t Makiisa A. Magtala ng mga pagkakaiba ng paraan ng paggamit ng wika ng mayayayaman mula sa wika ng mahihirap gamit ang KWL Chart. Pagkatapos nito ay pumili ng isang miyembro ng inyong grupo na siyang magpepresenta ng inyong ginawa. What I Know
What I Want to Know
9
What I Learned
B. Magsagawa ng isang debate sa klase. Ang bawat miyembro ng isang pangkat ay kinakailangang makibahagi. Ang pagtatalunan ng bawat pangkat ay tungkol sa kung ano ang mas nakaaangat, ang paraan ng pananalita ng mga mayayaman o ng mga mahihirap?
Mayayaman
Mahihirap
Kung sakaling ika’y lumiban sa klase, mangyaring gawin ang mga nakaatas na gawain sa pamamagitan ng google form. Ang link para sa modyul na ito ay nakalagay sa ibaba gayundin ang form na iyong gagamitin sa pagsagot at pagpasa ng mga gawaing nakalagay sa modyul na ito. https://forms.gle/iiEaipx95WW7Bwf28
10
YUNIT III ARALIN IV – TEORYA NG AKOMODASYON
Mga Layunin • • • • • • •
Nabibigyang kahulugan ang teorya ng akomodasyon. Nakababahagi nang masigla sa talakayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling karanasan. Natutukoy ang pagkakaiba ng paraan ng pananalita sa probinsya at sa siyudad. Nakasasalin ng mga pahayag sa wikang Filipino tungo sa wikang Ingles. Nakatutuklas ng iba’t ibang gamit na wikang panturo sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga guro. Nakabubuo ng isang sanaysay tungkol sa lugar na kinalakihan kalakip ng pagkahumaling sa wikang kinagisnan. Naipapamalas ang kakayahan sa pagsasadula.
COMMUNICATION Pananaw mo, Ibahagi mo Magtala ng mga pagkakaiba ng paraan ng pananalita mula sa Probinsya at Siyudad. Probinsya
Siyudad
11
Pagkakaiba ng Pananalita sa Probinsya at Siyudad PROBINSYA
SIYUDAD
1. 2. 3. 4. 5.
Basahin at Alamin
TEORYA NG AKOMODASYON Si Howard Giles, isang propesor ng linggwistiks at sikolohiya sa University of California, Santa Barbara ang nagdebelop ng teoryang ito noong 1973. Ang teoryang ito ay nakapokus sa pag-aadap ng taong kasangkot sa sitwasyong pangwika sa proseso ng pag-aaral at pagkatuto ng pangalawang wika. Ang teoryang ito ay binubuo ng dalawang salik: linguistic convergence at linguistic divergence. Ang una ay tumutukoy sa pagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ang isang gumagamit ng wika upang bigyanghalaga ang pakikiisa, pakikisama at pagmamalaki na siya ay kabahagi ng pangkat samantalang ang ikalawa ay pinipilit na ibahin ng taong gumagamit ng wika ang kanyang pagsasalita upang mabukod sa kausap, di-pakikiisa at pagbuo ng sariling pagkakakilanlan/identity. Tinatalakay rin dito ang interference phenomenon at interlanguage. Ang interference phenomenon ay ang tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbaw, ang Taglish, Singlish, o kaya Malay English at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang nagging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin.
12
CRITICAL THINKING Hasain ang Isipan Isalin sa wikang Ingles ang mga sumusunod na pahayag. FILIPINO
INGLES
1. Ano ang tawag sa ina ng kapatid ng nanay mo? 2. Kung ang papa mo ay asawa ng anak ng lola mo na nanay ng mama mo, ano naman ang tawag sa asawa ng anak ng lola na nanay ng papa mo? 3. Ano ang tawag mo sa nagiisang anak ng nanay at tatay mo? 4. Ano ang tawag mo sa kapatid na lalaki ng anak ng tatay mo? 5. Anong tawag sa kapatid na babae ng nanay o tatay mo?
Pagkatapos isalin ang mga pahayag, ipaliwanag kung bakit mahalagang kilalanin natin ang iba pang wika.
Paliwanag: ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________
13
CREATIVITY Kakayahan mo, Ipakita mo A. Makipanayam sa dalawang guro sa inyong paaralan na nagtuturo ng magkaibang asignatura. Gamitin ang mga gabay na katanungan at isaalangalang ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pakikipanayam. 1. Alamin sa guro ng magkaibang asignatura kung: a. Ano ang wikang ginagamit bilang panturo? b. Ano ang dahilan kung bakit ito ang ginagamit bilang wikang panturo? c. Epektibo ba ito sa pagtuturo at pagkatuto? Bakit? 2. Pagkatapos ay bumuo ng isang awit na naglalaman ng mahahalagang datos mula sa iyong isinagawang pakikipanayam. __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________ __________________________________
14
B. Gumawa ng isang malikhaing sanaysay tungkol sa lugar na iyong kinalakihan at kung paano nahubog ang iyong pagmamahal sa wikang iyong kinagisnan.
Pamantayan Nilalaman
Kahanga-hanga 5 puntos
Nakitaan ng kabuluhan ang nilalaman nito. Pagkamalikhain Ang kabuuan ng sanaysay ay masining at natatangi. Pagsunod sa Nasunod ang panuntunan panuntunan.
Mahusay 4 puntos Karamihan sa nilalaman ay may kabuluhan. Hindi gaanong nakitaan ng kasiningan ang tula. Hindi lahat ng panuntunan ay nasunod. 15
Magaling 3 puntos Ang nilalaman ay hindi gaanong makabuluhan. Hindi ginamitan ng masining na paraan ang tula. Hindi nasunod ang panuntunan.
COLLABORATION Halina’t makiisa Maghanda ng isang dula-dulaan na ang tema ay tungkol sa Linguistic Convergence at Linguistic Divergence. Pamantayan Kahanga-hanga 5 puntos Nilalaman
Pagkamalikhain
Nakitaan ng kabuluhan ang nilalaman nito. Ang kabuuan ng presentasyon ay masining at natatangi.
Mahusay 4 puntos Karamihan sa nilalaman ay may kabuluhan. Hindi gaanong nakitaan ng kasiningan ang presentasyon.
Magaling 3 puntos Ang nilalaman ay hindi gaanong makabuluhan. Hindi ginamitan ng masining na paraan ang presentasyon.
Kung sakaling ika’y lumiban sa klase, mangyaring gawin ang mga nakaatas na gawain sa pamamagitan ng google form. Ang link para sa modyul na ito ay nakalagay sa ibaba gayundin ang form na iyong gagamitin sa pagsagot at pagpasa ng mga gawaing nakalagay sa modyul na ito. https://forms.gle/coFv2ooTmgwESdwc8
16
YUNIT III ARALIN III – KONSEPTO NG BARYABILIDAD
Mga Layunin • • • • • • • •
Nailalahad nang maayos ang konsepto ng baryabilidad. Naipakikilala ang pagkakaiba-iba ng mga wika. Napalalawak ang pag-iisip ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbuo sa mga jumbled letters. Nakapagpapaliwanag ng kaisipan tungkol sa konsepto ng baryabilidad. Nakabubuo ng isang masining na tula na may temang pagkakaibaiba ng anyo ng wika. Nakalilikha ng isang slogan tungkol sa obserbasyon sa kalagayan ng wika. Nakapagsasagawa ng dramang panradyo na umiikot sa pagkakapantay-pantay ng mga wika. Nakapagtitipon ng isang ideya tungkol sa baryabilidad o barayti sa pamamagitan ng concept map.
COMMUNICATION Pananaw mo, Ibahagi mo Pumili ng isang wika, ibahagi sa iyong kamag-aral kung paano ito naiiba sa iba pang wika. A. Filipino
B. Tagalog
C. Ingles
Paliwanag: ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________
17
Basahin at Alamin
KONSEPTO NG BARYABILIDAD Naniniwala si Labov (1972) na natural na penomenon na ang pagkakaiba-iba ng anyo ng wika at pagkakaroon ng varayti ng isang wika. Ibig sabihin, pantay-pantay lamang ang mga wika at walang mataas o mababa. Ang teoryang ito ay kasalungat ng teoryang deficit hypothesis. Walang ni isang wika ang maituturing na pinakasuperyor sapagkat lahat ng wika sa daigdig ay magkakapantay-pantay sapagkat bawat wika ay may kanyakanyang katangian at kalakasan. Halimbawa, ang wikang Filipino ay may katangiang ikinaiiba at ikinatatangi nito na wala sa wikang Ingles at gayundin din naman sa wikang Ingles sa wikang Filipino.
CRITICAL THINKING Hasain ang Isipan A. Buoin ang “jumbled letters” at ipaliwanag sa isang pangungusap kung ano ang pagkakaugnay nito sa temang konsepto ng baryabilidad. Jumbled Letters
Pangungusap
1. abityar 2. yaptan-ntaayp 3. kiaw 4. Agkapakabiiab 5. ilesgn ta fpionili
18
B. Ipaliwanag sa tatlo hanggang limang pangungusap ang paniniwala ni Lavov na: Naniniwala si Labov 1972 na natural na penomena ang pagkakaiba-iba ng anyo ng wika at pagkakaroon ng barayti ng isang wika.
Paliwanag: ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________
CREATIVITY Kakayahan mo, Ipakita mo
A. Gumawa ng isang tula na may temang pagkakaiba-iba ng anyo ng wika. Pamantayan
Kahanga-hanga 5 puntos
Nilalaman
Nakitaan ng kabuluhan ang nilalaman nito. Pagkamalikhain Ang kabuuan ng tula ay masining at natatangi. Pagsunod sa panuntunan
Nasunod ang panuntunan.
Mahusay 4 puntos
Magaling 3 puntos
Karamihan sa nilalaman ay may kabuluhan. Hindi gaanong nakitaan ng kasiningan ang tula. Hindi lahat ng panuntunan ay nasunod.
Ang nilalaman ay hindi gaanong makabuluhan. Hindi ginamitan ng masining na paraan ang tula.
19
Hindi nasunod ang panuntunan.
B. Gumawa ng isang slogan tungkol sa obserbasyon sa kalagayan ng wika. Pamantayan
Kahanga-hanga 4 puntos
Mahusay 3 puntos
Magaling 2 puntos
Nilalaman
Nakitaan ng kabuluhan ang slogan.
Hindi nakitaan ng kabuluhan ang slogan.
Pagkamalikhain
Ang kabuuan ng slogan ay masining at natatangi. Nasunod ang panuntunan.
Hindi gaanong nakitaan ng kabuluhan ang slogan. Hindi gaanong nakitaan ng kasiningan ang slogan. Hindi lahat ng panuntunan ay nasunod.
Pagsunod sa panuntunan
Hindi ginamitan ng masining na paraan ang slogan. Hindi nasunod ang panuntunan.
COLLABORATION Halina’t Makiisa
A. Magsagawa ng isang dramang panradyo tungkol sa obserbasyon sa kung pantay-pantay nga ba ang lahat ng wika.
Unang Pangkat
Pangalawang Pangkat
A. Sa pamamagitan ng concept map, ang bawat grupo ay magtatala ng mga bagay na naiisip sa tuwing naririnig ang salitang barayti at baryabilidad. Pagkatapos ay ibahagi ito sa klase.
20
Ano ang naiisip niyo kapag binabasa o naririnig ang salitang baryabilidad o barayti.
Kung sakaling ika’y lumiban sa klase, mangyaring gawin ang mga nakaatas na gawain sa pamamagitan ng google form. Ang link para sa modyul na ito ay nakalagay sa ibaba gayundin ang form na iyong gagamitin sa pagsagot at pagpasa ng mga gawaing nakalagay sa modyul na ito. https://forms.gle/jR49PJgFrb5qDhz
21
2