The Official Publication of the Nueva Vizcaya State University-Bayombong
The Arena is Set! Despite typhoon warnings, there is no stopping Nueva Vizcaya State University from holding its 42nd Intramural Meet starting today, October 19 until the 21st. Photo by Melchor O. Agpawa
4 na yunit handa nang magsalpukan sa 42nd Intrams Lindon Karl Z. MontaĂąo Matapos hagupitin ni Bagyong Karen ang ating lugar at mga karatig nito, susundan na naman ito ng panibagong bagyo, lalampasuhin na naman ni Bagyong Lawin ngayong linggo ang ating bansa. Ngunit, tila hindi alintana ang masungit na panahon at tuloy na tuloy nang magaganap ang 42nd Intramural Meet. Bago tayo manabik na umpisahan ang Intramural Meet, ating balikan ang mga kaganapang nagbigay-aral sa mga atleta at naghatid ng inspirasyon sa bawat isa noong nakaraang intrams. Bawi-bawi rin next time! Ito ang naging kasabihan ng bawat koponan matapos maganap ang dikitdikit na labanan sa pagitan ng apat na yunit sa naganap na ika-41 Intramural Meet ng Nueva Vizcaya State University, Bayombong Campus, Setyembre noong nakaraang taon.
Samantalang, pumangalawa ang College of Teacher Education (CTE) kasama ang NVSU Laboratory High School, ang Yunit III o ang Blue Marlins sa napakahigpit na laban na may kabuuang puntos na 432. Base sa mga naging resulta, isa lamang ang naging kalamangan ng Raging Bulls sa Blue Marlins. Bagaman nabitin sa puntos, bawing-bawi Matatandaan na ang Yunit II o kilala sa tawag na naman sila dahil mula sa pagiging huli noong 40 th Raging Bulls ang naging kampeon sa pangalawang Intramural Meet, umangat sila sa pagiging first pagkakataon noong nakaraang Intrams nang sila runner up. ay makapag-ipon ng kabuuang puntos na 433. Ang Yunit II ay binubuo ng pinagsanib na pwersa ng Tulad ng Raging Bulls, nakasapul din ng sampung tatlong kolehiyo: ang College of Agriculture kampeonato ang Blue Marlins na naghatid sa ka(CAg), College of Foresty (CF), at College of nila sa pangalawang pwesto: volleyball (women Veterinary Medicine (CVM). and men), badminton (women and men), table tennis (men), chess (women), arnis (women), Ang Raging Bulls ay nagwagi sa sampung kate- taekwondo (women), dance sport (latin), at cheers gorya na nagbigay-daan upang masungkit nila ang and yells competition. pinakamataas na tropeyo: athletics (men), basketball (men), softball, football, swimming (men), Pumangatlo naman ang Yunit I o kilala bilang Red tennis (men and women), archery (men and wom- Dragons na binubuo ng College of Engineering en) sa accumulated points, at sa body building (CoE) at College of Human Ecology (CHE). Dahil competition. sa naipon nilang kabuuang puntos na 426, ang Red
Dragons ay dikit din ang iskor sa Blue Marlins at Raging Bulls. Nakasungkit naman ang Red Dragons ng walong kampeonato: athletics (women), basketball (women), beach volleyball (men), baseball, chess (men), arnis (men), taekwondo (men), at futsal. Pinakahuli noong nakaraang taon ang Yunit IV o ang Stingers na binubuo ng College of Business and Economics (CBE) at College of Arts and Sciences (CAS) na may kabuuang puntos na 403. Malaki ang ibinagsak ng Stingers dahil mula sa pagiging first runner up ay napunta sila sa pinakamababa. Nakasungkit ng limang kampeonato ang Stingers: beach volleyball (women), sepak takraw, table tennis (women), swimming (women), at dance sports (standard). Ang bawat yunit ay binubuo ng unit manager(s) na magsisilbing taga-gabay ng bawat koponan.VC
Editorial:
In Focus:
Intramural Meet, dapat pa bang ituloy?
The Four Competing Units
October 19, 2016
Nakatakdang idaos ang ika-42 Intramural Meet ng unibersidad ngunit, kasabay naman nito'y ang pagdating ni Bagyong Lawin ngayong Huwebes. Kasado na ang lahat, nananabik na ang bawat isa sa papalapit na salpukan ng mga kolehiyo. Ngunit isang katanungan ang naglalaro sa ating isipan, dapat nga bang ituloy ang Intramural Meet? Kinakailangang idaos ang Intrams dahil nakalatag na ang mga aktibidades sa mga susunod na mga linggo at lubhang naaabala na ang mga gawaing pang-akademiko ng mga estudyante. Higit sa lahat, bilang na rin ang araw bago magtapos ang unang semestre. Mula sa pagiging abala noong nakaraang linggo para sa Accreditation ng unibersidad, nakatakda na rin sa susunod na linggo ang Midterm Exams at kasunod naman nito ang Regional Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) dalawang linggo mula ngayon na gaganapin dito sa ating unibersidad. Sa kabila ng nagbabadyang sama ng panahon, kinakailangan pa rin nating ituloy ang nakatakdang intrams, sapagkat sa pinakahuling anunsiyo ng Severe Weather Bulletin ng Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Athmospheric, Geophysical and Astronomical Services Agency (PAGASA) na nilabas nitong 5:00 PM, Oktubre 18, hindi naman tayo gaanong maaapektuhan ng sinasabing bagyo. Inaasahang maglalandfall ang bagyong Lawin sa Cagayan Area ngayong Huwebes ng Umaga (Oktubre 20) na tatawid sa Apayao at Ilocos Norte. Inaasahan ring sa loob ng 36 na oras, ang Nueva Vizcaya ay kabilang sa mga probinsyang nasa Storm Signal No. 1. Ang prediksyong posisyon ng bagyo sa loob ng 24 oras (Huwebes ng Gabi) ay tinatayang nasa 190 km East Northeast ng Casiguran, Aurora (17.0° N, 123. 7° E) Mahalagang matuloy ang Intrams ngayong linggo sapagkat kung ito'y masususpende, tayo mismo ang papasan ng mga kaagapay nitong "consequences." Unang una na dito ang ating akademics. Kung hindi pa matatapos ang Intrams sa linggong ito, at malilipat sa ibang araw, makukulangan na naman ang oras nating nakalaan sana sa ating pag-aaral. Maghahabol tayo sa ating mga leksiyon na alam nating mahirap gawin. Bukod pa dito, kinakailangan na rin nating maagang makapili ng mga atletang sasabak at lalaban para sa Dual Meet at SCUAA upang maaga silang makapagensayo. Isang dahilan lang ang maaring makapigil sa pagdadaos ng Intrams, ito ay kung magbago ang lagay ng panahon at ang kapakanan, seguridad at kaligtasan na ng marami ang nakataya. Isang beses lamang sa isang taon natin idinadaos ang Intrams, tradisyon na ito ng bawat paaralan, institusyon, at kolehiyo dahil kinakailangan ding linangin hindi lamang ang utak kundi maging ang physical well-being ng mga estudyante. Importante ang Intrams at sana ang lahat ay makiisa sa matagumpay na pagdaraos nito.VC
ALL RIGHTS RESERVED. No part of the VARSITY COURIER may be reproduced in any form without the consent of the publication. The VARSITY COURIER reserves the right to edit and reject articles for publication. The opinions expressed by the contributors do not necessarily reflect those of the staff and of the moderator.
Editor-in-Chief: RJ F. Leal, BSCE 3 Associate Editor: Jevelyn L. Justo, BSED 3 Managing Editors: Jakee Mar M. Mangaccat, BAS-DVM 4| Nap Gerald G. Tolentino, BSCE 3 Circulation Manager: Reonel M. Gallardo, BSED 3 News Editor: Donna Mae B. Torrecampo, BSCE 5| Features Editor: Lindon Karl Z. Montaño, BSCE 4 Literary Editor: Judy Antonette P. Natividad, BEED 4| DevCom Editor: Marimel M. Puguon, BSED 3 Sports Editor: Melchor O. Agpawa, BSCE 3 Online Editors: Alger M. Cerojales, BEED 2| Billy Joe S. Peralta, BEED 3 Creative Director: Emaree B. Valenzuela, BSCE 5 | Graphics Director: Jerico L. Ellorenco, BEED 3 Senior Staff Writers: Ma. Christina F. Obra, BEED 3; Sunshine N. Puguon, BSED 3; Karen Joy Gonzales, BSCE 4 Junior Staff Writers: Xaviery Joseph F. Guzman, BSA 3; Laymar P. Umhao, BSAEng 4; Jennifer M. Llantada, BSCE 2; Claudia A. Lacsay, BSEd 4 Artist: Veronica Luis, BEEd Photojournalists: Julius G. Barcena, BSCE 2; Tricia Kae Obra, BSCE 3 Moderator: Noela M. Lodevico-Palma
2
Special Intramurals Issue
Nakaipon ng kabuuang puntos na 426 ang Yunit I upang sila ay mailuklok sa ikatlong puwesto noong nakaraang intramurals.
Judy Antonette P. Natividad at Marimel M. Puguon subaybayan ang mga mangyayari sa mga susunod na araw! Muli bang mananaig ang Red Dragons sa futsal? Isang taon na ang nakalipas nang masungkit ng Yunit I ang panalo sa unang taon ng futsal. Ang malaking katanungan ngayon ay kung kakayanin ba nilang depensahan ang nasabing titulo o hahayaang makuha ito ng iba?
Nagkampeon ang koponan sa walong kategorya: athletics (women); basketball (women); beach volleyball (men); baseball, chess (men); arnis (men); taekwondo (men); at futsal. Ngunit kinapos pa rin upang tanghaling overall champion. Ang malaking palaisipan ngayong Intrams ay kung makakamit na ba nila ang inaasam na kampeonato at itatanghal na panalo o mananatili sila sa ikatlong puwesto? Samahan niyo kaming
Sa una nga lang ba sila magaling o patuloy na mananaig at sa kanila pa rin ang huling halakhak? Mananaig ba ang apoy mula sa matatapang na dragon o ang bagsik ng ibang koponan? Sabay-sabay nating abangan kung sa ikalawang pagkakataon ay sila ba ang muling tatanghaling panalo sa nasabing kategorya. Matatandaang mula sa Yunit I ang nagwagi sa Archery (men) noong nakaraang Intramurals. Si Paul Pamittan pa rin ba ang mananaig at muling isasabak sa nasabing laro? Sa
pangalawang pagkakataon, masasapul kaya niya ang unang pwesto o lilihis ang kanyang arrow at iba ang makasusungkit sa kampeonato? Nakapagtala ng kabuuang 111 puntos ang Yunit I sa pambabaeng kategorya ng atletiks noong Intramurals 2015. Dahilan kung bakit sila ang tinanghal na panalo sa kategoryang ito. Ang tanong ng karamihan ngayon ay maipagtatanggol kaya nila ang kanilang titulo? Sa kanila na rin ba magmumula ang highest pointers ng dalawang kategorya at manalo rin sa panlalaking kategorya? Tingnan natin! Nakuha ng Yunit I Red Dragons (men’s division) ang titulo sa kumpetisyon ng beach volleyball noong nakaraang Intramurals. Makakamit pa kaya nila ang pagkapanalo ngayong intramural? Mananatili kaya ang kanilang teamwork? Anong stratehiya ang muli nilang ipapakita sa larong hindi lang lakas ang kailangan sa kundi talino rin?VC
Mas pinalakas. Mas pinaliksi. Isang koponan na nagbabalik upang protektahan ang kanilang trono at masungkit ang ikatlong kampeonato. Ito ang Yunit II o mas kilala bilang Raging Bulls na binubuo ng College of Forestry, College of Agriculture at College of Veterinary Medicine.
Billy Joe S. Peralta Matalinong opensa at mahigpit na depensa ang nangibabaw sa koponan ng basketball (panlalaking kategorya) ng Raging Bulls noong nakaraang taon upang makamit ang unang pwesto. Aayon kaya sa kanila ang ikot ng bola o maagaw na ito ng iba at manakaw ang trono mula sa kanila?
ang ibang yunit patungo sa finish line?
Sa loob ng diamond, nakamit nila ang gintong medalya sa softball. Mula sa malalakas na pitch at swak na tama sa bola ay totoo namang nanaig ang Raging Bulls. Masasapul pa kaya nila ang bola upang matikman muli ang gintong medalya?
Liksi at diskarte. Mangingibabaw ba muli ang mga babae at lalake nilang atleta sa tennis court o mas hahataw ang iba para madaig sila?
Sipa dito, sipa roon. Dalawang puntos ang nagbigay sa kanila ng unang pwesto sa football laban sa Red Dragons noong nakaraang taon. Ngunit masasalo pa ba ng kanilang goal keeper ang mga bolang ibibigay ng ibang yunit upang maprotektahan ang kanilang titulo? Matitibay at malalakas na paa ang kanilang naging armas upang ungusan ang ibang yunit sa atletiks sa kategoryang panlalaki. Mananatili ba sila sa unahan o aarangkada
Focus. Ito ang kanilang naging susi nila sa gintong medalya sa archery (panlalake at pambabaeng kategorya). Mag-aala Katniss Everdeen ba muli sila o masasapul ng iba ang bullseye at maiuwi ang medalya?
Tamang control sa paghinga. Lilipad pa kaya ang mga Raging Bulls sa ilalim ng tubig o mauunahan na sila ng ibang koponan patungo sa dulo kung nasaan ang gintong medalya? Batak at naglalakihang mucles. Nangibabaw ang Yunit II sa kauna-unahang body building competition. Mananalo kaya muli sila o makakaharap sila ng mas matikas at mas matipunong mga kalalakihan? Sampung kategorya mula sa iba’t ibang isports ang pinangunahan ng Raging Bulls upang makamit muli ang ikalawang kampeo-
3
nato. Ngunit hindi ito naging madali sa kanila dahil sa mahigpit nilang labanan kontra sa Yunit III, Blue Marlins, isang puntos lamang ang naghiwalay sa kanila, 433 – 432. At hindi rin nagpahuli ang Yunit I at Yunit IV. Bilog ang bola. Maraming maaring mabago. Sapat pa nga ba ang lakas ng Raging Bulls upang makamit ang pinakamalaking tropeo? VC
October 19, 2016
Donna Mae B. Torrecampo at Julius G. Barcena Tuluyan kayang maiangat ng Yunit III Blue Marlins ang kanilang koponan para makamit ang pinakamataas na tropeyo sa gaganaping 42nd Intramural Meet sa Oktubre 19? Matatandaan na umuwing bigo at luhaan ang koponan matapos magtala ng kabuuang 432 puntos at kapusin ng isang puntos lamang laban sa 433 ng Yunit II Raging Bulls upang maging kampeon sa nakaraang Intramurals. Mula sa pagiging huli sa mga nakaraang tagisan, nakabangon ang Blue Marlins nang magkamit ng unang pwesto sa walong kategorya sa patimpalak. Nagpamalas ang koponan ng galing sa volleyball at nasungkit nila ang kampeonato sa dalawang kategorya — ang pambabae at panlalaki. Hindi nagpatalo ang volleyball women ng
Blue Marlins na nagpamalas ng lakas, liksi at dunong matapos mauwi ang kampeonato sa huling laban nila kontra sa Yunit IV Stingers. Tinanghal na Most Valuable Player (MVP) sa kanyang huling taon si Melgar Temblor dahil sa pinamalas niyang malalakas na opensa. Makakamit pa kaya ng Blue Marlins ang kampeonato kung nawala na ang kanilang pangunahing manlalaro? Nagpakitang gilas rin ang nasabing koponan sa cheers and yells. Gamit ang makukulay at makaagaw-pansing kagamitang pang-isports bilang props, hand paint at mahusay na choreography, kanilang nasungkit ang unang pwesto.
Nanguna rin ang Blue Marlins sa lima pang kategorya: table tennis (men), chess (women), taekwondo (women) at dance sports (latin), na nagluklok sa kanila sa ikalawang pwesto. Mapanutayan kaya nilang muli, na talagang angat sila hindi lang pagdating sa akademiks, kundi maging sa larong papalakasan ngayong taon?VC
Nagbabalik at naghahanda para maghari. Mula sa huling pwesto ay aangkinin na nga ba ngayong taon ng Stingers ang dinedepensahang kampeonato ng Raging Bulls ngayong 42nd Intramural Meet?
RJ F. Leal at Jevelyn L. Justo na nga ba ng iba ang matagal ng pinaghirapan ng Stingers? Masasalo pa kayang muli ang bolang nagbigay kampeonato sa kanila noong nakaraang taon sa larong Beach Volleyball sa kategoryang pambabae o maaangkin na ito ng iba? Kanila pa din kaya ang ihip ng hangin para angkinin ang bola ng tagumpay? Mula sa pagiging pangalawa noong nakaraang taon, mangingibabaw na nga ba sila sa larong Volleyball at tuluyang mangunguna sa puso ng madla? Makikisama na nga ba ang talbog at lipad ng bola para tuluyang makuha ang pinakaaasam na kampeonato mula sa Blue Marlins? Madedepensahan pa kaya o tuluyan na nilang mabibitawan ang kampeonato ng Sepak Takraw na iningatan at inaalagaan nila ng matagal na panahon? Makukuha o maaagaw
Masasapul pa kayang muli ang gintong medalya sa larong Archery sa kategoryang pambabae o tuluyan na kayang itong tumama sa iba at maunahan sa ipinaglalabang kampeonato? Mahahawakan pa kaya ng mahigpit ng Stingers ang kampeonato sa Table Tennis Women o huhulagpos sa kanilang pagkakahawak ang unang pwesto at mahuhulog ang bola sa kamay ng iba? Masisisid pa kaya nilang muli ang gintong
4
medalya sa swimming o mauungusan sila ng iba at tuluyan nang tatangayin ng tubig ang pinanghahawakang kampeonato sa swimming? Makasasabay pa kaya sa kumpas ng tagumpay ang mga mananayaw ng Stingers sa Dance Sports (standard category) o mananaig ang galing sa pag-indak ng ibang koponan? Nagbabadya. Naghahanda. Nagpapalakas ng pwersa para sa muling pag-angat at maging isa sa kinatatakutang koponan. Makukuha na nga ba ng Stingers ang pinakaaasam at ipinaglalabang kampeonato pagkatapos ng mahabang paghihintay? Makukuha na nga ba ang pinahahalagahang unang pwesto na pagmamay-ari ng Raging Bulls? Nakatakda na ang kapalaran ng bawat koponan ngayong taon kaya abangan ang susunod na kabanata ngayong 42nd Intramural Meet.VC