





LLakanatakambini2024: TEP,NagpatuloyangKampeyonato saPagpapakitangTalinoatPuso
kaagapay sa Bagong Siglo ng
Upang tugunan ang pangangailangan sa kakulangan sa silid-aralan, ang Teacher Education Program (TEP) ay pormal nang lumipat sa Annex campus ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) noong ika-5 ng Agosto para sa taong pampanuruan 2024-2025
Matatandaan na unang binuksan ang bagong annex campus upang maging silidaralan ng mga estudyante sa Office Administration Program (OAP) Dahil dito, sa kasalukuyan ang dalawang programa na ng paaralan ang namamalagi sa naturang kampus
“Masaya at nalulugod ako kasi maganda at malinis ang bago silid-aralan Naniniwala ako na ang paglipat namin sa bagong eskuwelahan ay para na rin sa ikabubuti ng mga estudyante; hindi hamak na nakakagana pumasok kung ang mga silid-aralan ay maganda at malinis”, ani Anthony Alcantara, mag-aaral mula sa TEP
Kaugnay nito, isa sa mga proyekto sa paaralan ay ang pagtatayo ng mga bagong silid-aralan sa ikaapat na palapag sa nabanggit na annex campus Layunin nitong mabawasan o maalis ang mga klase na hanggang gabi, upang hindi na kailangang umuwi ng mga estudyante ng hatinggabi
Nito lamang Nobyembre 19, 2024 sa ganap na alas-tres ng hapon, binisita ni Meycauayan City Mayor at Chairperson ng PCCM Board of Trustees, Hon Atty Henry R Villarica ang PCCM Annex Campus upang personal na masuri ang mga pasilidad at ang pag-usad ng konstruksyon ng mga bagong silid-aralan
mga estudyante at mapabuti ang kalidad ng kanilang edukasyon Makatutulong din ito sa kanilang kaligtasan at kaginhawaan, lalo na sa mga estudyanteng nagmumula sa malalayong lugar “Maganda na rin ito sapagkat mas nabibigyan ng kaligtasan ang mga mag-aaral,” ani Bb Gia Alexis Mantes, guro sa TEP
Inaasahang magbibigay ang karagdagang silid-aralan ng mas maraming espasyo para sa
Pumaimbulog sa umaatikabong entablado laban sa mga propesyonal na mananayaw ang lalawigan ng Bulacan na kinatawanan ng Professional Style (P-Style) ng Polytechnic College of the City of Meycauayan, matapos masungkit ang ikatlong pwesto sa Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP) Dance Competition 2024, ginanap noong ika-21 ng Agosto, 2024, sa San Jose Del Monte, Bulacan, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng PYAP.
Ang pangkat ng Bulacan ay naghatid ng isang sayaw na pagtatanghal na minarkahan ng kahanga-hanga nilang koordinasyon bilang grupo at walang humpay na enerhiya, na nakatulong sa kanila upang makamit angnaturang puwesto. Ang pangunahing nag-ambag sa tagumpay na ito ay ang mga miyembro ng P-Style na sina Akaiko Angelus Villanueva, Nichole Joy Conel, Gina Mae Garcia, at Eirron Alfonso. Ang kanilang mga indibidwal na talento, pagtutulungan, at husay ang nagbigay daan sa kanila upang mamukodtangi.
MYERENE VILLEGAS Enrollment Rate, tumaas ng 18.24%
Umakyat ng 18.34% ang enrollment rate ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) sa pagpasok ng taong pampanuruan 2024-2025 kumpara noong nakaraang taon.
Umabot sa kabuuang 1,632 na ang bilang ng mga mag-aaral na nag enroll para sa taong 2024-2025. Sa nasabing bilang, 504 ang nasa unang taon, 446 ang nasa ikalawang taon, 332 ang nasa ikatlong taon, at 350 naman ang nasa ikaapat na taon. Mas tumaas ang bilang ng mga mag-aaral ngayon taon kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 1,379 ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll sa unang semestre. Ang makabuluhang pagtaas ng enrollment rate ngayong taon ay sumasalamin sa patuloy na pagtitiwala ng mga mag-aaral at kanilang mga pamilya sa dekalidad na edukasyon na ibinibigay ng PCCM.
Upang ipagdiwang ang Buwan ng Kasaysayan, idinaos ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Meycauayan ang Pangkasaysayang Kumbensyon 2024 na ginanap noong Agosto 26, 2024. Sentro ng programa ang patimpalak sa kasuotang pangkasaysayan sa pormang cosplay
Isa sa mga nagningning sa naturang kompetisyon ay si Alyssa Emery M. Berboso, Pangalawang Pangulo ng College Student Government (CSG) at isang 3rd-year student ng Bachelor of Science in Hospitality Management (BSHM) mula sa Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM). Sa kanyang makabagbag-damdaming pagganap bilang si Josefa Llanes Escoda, nailarawan niya ang ganda at pagkamayumi ng pagiging Pilipina.
Bilang isang mag-aaral na may malasakit sa kasaysayan, malinaw ang layunin ni Alyssa sa kanyang pakikilahok sa patimpalak. "Isa sa naging inspirasyon ko ay para
Mananaliksik ng HMP, wagi sa 5th
Nasungkit ng pambato ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) mula sa Hospitality Management Program (HMP) ang “Best Research Paper” at “Best Presenter” para kay Lovely V. Marasigan, mag-aaral mula sa BSHM 4B sa idinaos na 5th ALCU R3 Student Research Conference ng Association of Local Colleges and Universities Region III - Research Council na may temang “Innovation Research in the Advent of Sustainable Development” noong Disyembre 5, 2024. Ipinagmamalaki ng PCCM ang kanilang mga kinatawan mula sa BSHM 4B na sina Lovely V. Marasigan, Jocel Milan, Kyla Mae Manalastas, Crissia Mae Jamisola, Marcel Moselina, Jessie Escultura, Adrian Isaac Mallari, Karla Jhones Talusig, Aaron Sanchez, Christin Joy Taccad, at Karylle Labaclado na ginabayan nina Dr. Maricar Ortaleza, Research Department Director, Prop. Maria Sheryl Decilio, HMP Program Head at Bb. Rhian Tolomia, tagapayo. Ang kanilang pananaliksik na pinamagatang "Travel Tayo: Evaluating the Influence of Travel Vlogs on the Travel Decision-Making of Faculty and Personnel at the Polytechnic College of the City of Meycauayan" ay nanaig mula sa ibang pananaliksik.
Sa pahayag ng kanilang tagapayo na si Bb. Tolomia, sinabi niyang lubos ang kanyang kasiyahan sa tagumpay ng mga estudyante. Aniya, “sobrang galak at lubos ang aking kaligayahan na nagtagumpay sila sa pinaghirapan nilang research paper. Alam ko kung gaano sila naghirap at nagsumikap na mabuo at makapagsumite ng napakaganda at impormatibong pananaliksik.”
Sa kanilang paghahanda, nagpakita ang mga mananaliksik ng maayos na pagpaplano at dedikasyon. Gayunpaman, hindi nila naiwasan ang mga hamon tulad ng hindi pagkakaunawaan sa mga suhestiyon, paghahanap ng natatanging paksa, at limitasyon sa oras at datos. Sa kabila nito, naging susi ang kanilang pagkakaisa, tamang pamamahala ng oras, at pakikipag-ugnayan. Dagdag pa ni Bb. Tolomia, ang kanilang pananalig sa Diyos ang naging matibay na pundasyon ng kanilang tagumpay.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng kahusayan ng PCCM sa larangan ng pananaliksik
maibahagi sa mga kapwa ko ang kahalagahan na alamin ang pagkakakilanlan ng ating inang bayan, mga bayani na lumaban, at maipamalas ang kagalingan ng mga estudyante ng ating sintang paaralan," ani ni Alyssa, na nagpapakita ng kanyang malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapasa ng kaalaman sa kasaysayan mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.
Napili ni Alyssa na gampanan si Josefa Llanes Escoda, isang bayaning kilala hindi lamang sa kanyang pagiging tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines, kundi bilang isang simbolo ng katapangan at pagkakaisa ng mga kababaihan sa gitna ng digmaan. "Malugod na namangha ako sa kanya dahil pinaglaban niya ang mga kababaihan at hindi naging basehan ang kasarian para mamuno at magkaroon ng karapatan sa botohan," dagdag niya. Para kay Alyssa, si Escoda ay isang huwaran ng modernong kababaihan—matapang, mapagmahal sa bayan, at handang ipaglaban ang karapatan ng bawat isa, anuman ang kasarian.
Dahil sa kanyang kahanga-hangang kasuotan at makatotohanang pagganap, nakamit ni Alyssa ang unang gantimpala. Ang tagumpay niyang ito ay higit pa sa personal na pagkilala—ito ay simbolo ng pagkilala at pagpapahalaga sa lahat ng kababaihang Pilipino.
Matagumpay na naidaos ang inagurasyon ng kaunaunahang Campus-Wide Press Conference ng SCRIBES, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) noong ika-7 hanggang ika-8 ng Oktubre taong 2024 sa Annex Camalig campus.
Nagkaroon ng humigit 160 ang nakilahok mula sa Teacher Education Program (TEP), Hospitality Management Program (HMP) at Office Administration Program (OAP) ang naturang programa. Ito ay naglalayong paghusayin ang kasanayan sa pamamahayag ng mga mag-aaral ng PCCM at ito din ay nagsilbing pangangalap para sa mga estudyanteng gustong maging parte ngnasabing pahayagan.
Matagumpay na naidaos ng Office of Student Affairs sa pangunguna ni Dr. Maria Paz Contreras, Directress at College Student Government (CSG) ang Accredited College Societies and Organizations (ACSO) Oath-taking Ceremony at Responsibility Seminar na pinamagatang “LAYAG”: na naglalayon sa “PagpapaLAwig ng mga Adhikain, YApak tungo sa Iisang Gampanin, nitong ika-30 ng Oktubre taong 2024 sa Tanghalang Meycaueno sa bagong Meycauayan City Hall.
NI:MYERENEVILLEGAS
Ayon sa ulat ng Registrar ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM), may kabuuang 11 mag-aaral ang huminto ngayong unang semestre ng Academic Year 2024-2025. Iba-iba ang mga rason ng kanilang pagalis, ngunit kabilang dito ang kawalan ng pampinansyal na kakayahan, pangangailangang magtrabaho, paglipat ng tirahan, at pagbubuntis.
Ayon sa pamunuan ng PCCM, ilan sa mga estudyante ay napilitang huminto sa pag-aaral dahil sa biglaang pagbabago sa kanilang kalagayan, tulad ng pagkawala ng pinagkakakitaan ng kanilang pamilya o personal na mga responsibilidad. Isa rin sa mga madalas na dahilan ay ang pagkakaroon ng mas malapit o mas praktikal na lokasyon ng tirahan kung kaya't lumipat sila sa ibang paaralan.
Nakatuon ang paaralan sa pagbibigay ng counselling services para sa mga mag-aaral na dumaraan sa mga personal na problema na maaaring dahilan ng pagsuko sa pag-aaral.
Ang unang araw ay puno ng kaba at makikita ang matinding determinasyon ng bawat mag-aaral na maipakita ang kanilang kagalingan sa bawat kategorya kasama na ang manalo sa naturang patimpalak.
Napuno naman ng kasiyahan ang pangalawang araw sa pag-aanunsyo ng mga nanalo at binubuo ng 24 kategorya na mayroong una, pangalawa, at pangatlong gantimpala. Ang mga nagwagi ay inanunsyo nina G. Shander Lee T. Cordeta, Associate Editor-in-Chief of the Filipino Department at Bb. Julie Anne F. Ampoon, Managing Editor of the Filipino Department. Ito ay may kaakibat na sertipiko at medalya. Kasabay din na kinilala ang mga nagsilbing hurado na katangi-tangi sa kanikanilang mga disiplina sa patimpalak kasama na ang mga tagahasa ng mga mamamahayag.
PANATASATUNGKULIN! Nanumpangkatapatansa tungkulinangmgasusunodnaliderngbayan
KUHANGLARAWAN:Scribes
Sinundan naman ito ni G. Ruel M. Ros, tagapagpayo ng Guided Administration League of Students (GOALS), tinalakay ni G Ros ang tamang pagsasaayos ng mga dokumento at talaan, maging ang pagtuturo ng mga praktikal na kasanayan upang mapanatili ang pagiging organisado ng isang lider at ang pagiging mahusay na pinuno sa paghawak at pangangalaga ng bawat organisasyon.
SA AMIN ANG KAMPEONATO! Namayagpag ang TEP sa kauna-unahang Campus-wide Press Conference
KUHANGLARAWAN:Scribes
Naiuwi ng TEP ang kampeonato matapos na makalimbat ang pinakamaraming panalo. Buong galak na tinanggap ni G. Frederick Berboso, TEP Head, ang tropeyo. Nagkamit ng unang gantimpala ang HMP at Ikalawang gantimpala naman sa OAP. Naging matagumpay ang naging kaunaunahang Campus-Wide Press Conference sa PCCM sa pangunguna ng tagapagpayo ng SCRIBES na si G. Michael C. Cariaga at sa tulong ng mga miyembro nito.
“Hindi namin mapagtatagumpayan ito kung wala ang masigasig at masisipag kong Ed-board,” ani Cariaga
Ang kauna-unahang “Research Colloquium” ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM), na may temang "Pioneering Studies for Sustainable Development in Hospitality and Education," ay idinaos noong ika-27 ng Nobyembre, 2024, sa Tanghalang Meycaueño ng Meycauayan City Hall. Ang kaganapan ay nilahukan ng mga mag-aaral na nasa ika-apat na taon at guro mula sa Hospitality Management Program (HMP) at Teacher Education Program (TEP), na nagpakitang-gilas sa kanilang makabago at makabuluhang pananaliksik.
Sa unang bahagi ng programa, apat na grupo ng mag-aaral na nasa ika-apat na taon mula sa HMP ang nagbahagi ng kanilang pananaliksik. Ang sesyon ay sinimulan sa pambungad na pananalita ni Dr. Reneliza C. Sta. Ana, Dekano at Pansamantalang Administrator ng Kolehiyo, kasunod ang pagpapahayag ng layunin mula kay Prop. Maricis M. Ampuan. Ang presentasyon ay binuksan ng BSHM 4B, sinundan ng BSHM 4A at BSHM 4C, na nagtampok ng kanilang mga natuklasan. Bilang pagkilala, ginawaran ng mga sertipiko ang mga grupo matapos ang kanilang presentasyon. Ang recapitulation ay pinamunuan ni Prop. Lorenz F. Geraldez bilang pangwakas ng sesyon.
Matapos ang Student Research Colloquium, nagpatuloy ang ikalawang bahagi ng programa kung saan itinampok ang mga guro mula sa HMP at TEP. Ang mga guro ng HMP ay nagbahagi ng kanilang pag-aaral na "Assessing Communication Skills in Hospitality Management Students: Basis for Communication Enhancement Program," na iniharap nina Bb. Rian Tolomia, Bb. Christine Emerald Andaya, Bb. Angelika San Pedro, at G. Mark De Guzman. Samantala, dalawang pag-aaral ang inilahad ng mga guro mula sa TEP: ang "Integration of Technological Pedagogical Content Knowledge (TPACK) Model in Pre-service Teachers' Teaching Demonstration" nina G. Jayson H. Dizon at G. Mark Laurencio, at ang "Utilizing Panel Discussion in Teaching Readings in Philippine History" ni G. Mark Laurencio. NI:MYERENVILLEGAS NI:ERICAROSEGUEVARRA
Dumalo ang bawat lider ng mga magaaral at guro ng iba’t ibang organisasyon sa ilalim ng ACSO. Sa unang sesyon, tinalakay ni Bb. Lourmie O. Aguilar, Guro III sa Bancal Integrated School ang patungkol sa “Leadership through Effective Communication: Verbal Skills for Student Leader”. Hinikayat niya mula rito na payabungin ng mga lider ang kasanayan sa pakikipagkomunikasyon.
Naging katangi-tangi ang nasabing Seminar sa pagdating ng kagalang-galang na City Mayor at Chairperson, Board of Trustees, Hon. Atty. Henry R. Villarica upang pangunahan ang Oath-Taking ceremony sa mga lider ng bawat organisasyon.
Naging hamon ni Mayor Villarica sa mga mag-aaral na lider ng iba’t ibang organisasyon ang pagpapanatili ng katangian ng epektibong pinuno.
Sa hapon, napuno ng kaalaman ang mga naturang mag-aaral matapos maisagawa ni G. Michael Cariaga, Tagapayo ng SCRIBES ang tamang paggamit ng Social Media at ni G. Jayson Dizon, Tagapayo ng CSG para sa wastong pagsulat ng constitutional by-laws.
Bilang pagkilala, iginawad ni Prop. Ryan Victor P. Samson ang mga sertipiko sa mga tagapagsalita, habang si Bb. Alpha Marie C. Bleza, Pangulo ng Society of Academic Researchers (SoAR), ang nagbigay ng pangwakas na pananalita.
P-Style wagi sa PYAP Dance Contest...
“Matapos ang lahat ng paghihirap at sakripisyo namin ng buong P-Style dahil sa hectic na schedules, hindi namin maiwasan na humiyaw dahil sa kagalakan na naramdaman namin nang
NI: MYERENE VILLEGAS
aggunita sa nakaraan, konektado sa kasalukuyan ang mga ito ang nanaig na kaisipan at kamalayan sa bawat PCCMians matapos na matagumpay na maipagdiwang ang ika-21 anibersaryo ng pagkakatatag ng Polytechnic College of the City of Meycauayan noong Nobyembre 1314, 2024 na may temang "Honoring our roots, connecting generations” Sentro ng naturang selebrasyon ang muling pagpapanaig sa damdamin ng bawat PCCMians upang gunitain ang alaala ng pagkakatatag ng paaralan kasama na ang mga natatanging progreso at legasiya sa nagdaang higit sa dalawang dekada Ani Julieryne C Palalon ng BSE English 2B, “hindi lamang ito basta pagpapakita ng suporta, kundi ito rin ay isang paraan upang maipakita ang malasakit ng bawat isa sa ating sintang paaralan Sa pamamagitan din ng pag-alala sa ating paaralan ay kalakip din nito ang pagbibigay halaga sa mga taong nagtulong-tulong upang maitaguyod ito at magpatuloy ang magandang hangarin nito, hanggang ngayon ”
Nagsimula ang pagdiriwang sa taunang seremonya ng pagbubukas ng mga timpalak pangisports at pampalakasan na ginanap sa Meycauayan Sports Complex Sa pangunguna ni Dr Reneliza Sta Ana, College Dean at Acting School Administrator, Dr Maria Paz Contreras, Directress, Office of Student Affairs, at ng mga Program Heads, Sports Coordinator, ACSO Advisers at ilang kawani ng paaralan, nagsamasama ang mga mag-aaral at mga guro mula sa Teacher Education Program (TEP), Hospitality Management Program (HMP), at Office Administration Program (OAP) kabilang ang TESDA-TVET upang ipakilala ang mga kalahok sa mga larong pangmalakasan at pormal na pasimulan ang tatlong araw na pagdiriwang
Naging makulay ang ikalawang araw matapos na punuin ang buong paaralan ng samut-saring booth, kali-kaliwang kasiyahan, kasabay ang mga patimpalak pang-isports Hiyawan at sigawan naman ang umigting sa buong PCCMians matapos na masaksihan ang ilang mga guro at mag-aaral na nagdamit ayon sa ilang karakter pampalabas o cosplay sa Student Ball na may temang "Wear and Shine your Best Personality" at ginanap sa COMVSHS Court Bukod sa pag-aabang sa mga nagwagi para sa pinakamagandang kasuotan sa junior, senior, at faculty members, nagsaya rin ang mga dumalo dahil sa presentasyon ng P-Style
NI:SHAMILLEPAYOT
Buong giliw na kinatawan nina Jericho Dela Rosa, Pangulo ng PCCM-Supreme Student Government, mag-aaral sa ikatlong taon ng Bachelor of Secondary Education major in Social Studies at Jay-R Javier Florendo, College Student Government Department Head, ikatlong taon ng Bachelor of Secondary Education major in Social Studies ang mga PCCMian matapos silang dumalo sa Local Youth Development Council (LYDC) training noong Nobyembre 21 hanggang 22, 2024 na ginanap sa Galilee Wonderland Hotel and Resort, San Pedro, Bustos, Bulacan
Layunin ng pagsasanay na ito na hasain ang mga mag-aaral sa isang tapat at epektibong pamumuno Isa sa mga natatanging kailangan sa isang pinuno
Ang naturang imbitasyon na magpadala ng kinatawan mula sa PCCM ay inaprubahan ni Dr Reneliza C Sta Ana, College Dean at Acting School Administrator
Nagtapos ang tatlong araw na pagdiriwang sa isang makabuluhang programa bilang pagpaparangal sa mga nagwaging manlalaro sa iba’t ibang timpalak pang-isports, kasama na ang pagkilala sa mga naging punong abala sa tatlong araw na pagdiriwang na pinangunahan nina G Gerard Gaza, Administrative Officer V para sa Administrative Division, Prop Frederick Berboso, Program Head, TEP at Mr Jayson Dizon, Adviser College Student Government (CSG) kasama na ang iba pang mga tagapayo sa ACSO
NI:JOHNCARVINBAUTISTA
Ang Office Administration Program (OAP) ay nagsagawa ng Leadership Seminar-Workshop para sa mga pinuno ng bawat pangkat ng naturang programa noong ika-20 ng Setyembre, 2024, mula ika-9 ng umaga hanggang ika-11 ng umaga sa AVR 1 (Room 206), sa Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM)- Annex Campus
Nilalayon ng palihan na ito na palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral hinggil sa epektibong pamumuno Sentro ng programa ang pagbibigay ng kahalagahan sa makataong pamumuno sa antas global batay sa naging tema na "Shaping Student on Leaders as Global Leaders"
Itinampok sa nasabing seminar si Dr Ma Paz G Contreras, Director of the Office of Student Affairs and Services, bilang pangunahing tagapagsalita
UPANG mapaghandaan ang unang semestre, noong ika-9 ng Agosto nagkaroon ng pangkalahatang pagpupulong ang mga guro at departamento sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Rizza C. Sta. Ana, College Dean and Acting College Administrator at ng mga pinuno ng bawat programa at departamento na naganap sa Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM)– Main Campus. Iba’t ibang talakayan ang idinaos upang makatulong sa mga guro sa kanilang pagtuturo gayon din ang etika ng pagiging guro. Kasabay nito, ang presentasyon ng mga natatanging naisakatuparan ng bawat departamento sa nagdaang taon.
NI: JOHN ALDRIN TABAL
uling ginunita ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Polytechnic College of the
NI:LEONARDCUEVA
Nagdaos ng isang matagumpay na palihan ang Teacher Education Program (TEP) sa pangunguna nina Prop Frederick Berboso, Program head, at Bb Shiela Aringo, Community Extension Head para sa mga lider ng TEP na nasa ikaapat na taon kasama ang mga guro tungkol sa MATATAG Curriculum Ito ay isinagawa mula sa ika-2 hanggang ika-5 ng hapon, Biyernes, Setyembre 20, 2024, sa Session Hall ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) - Annex, sa Camalig, Meycauayan City
Angmgaag-aaralmulasaBSOAaymatiimna pinag-iisipanangkanilangpresentasyon LARAWANGKUHA:GOALS
Nagtapos ang programa sa paggawad ni Prop Rose Kathleen Delos Santos, OAP Head, ng mga sertipiko ng pagkilala sa tagapagsalita at mga kalahok, na sinundan ng pangwakas na pananalita na pinangunahan ni Bb Girlie Jane Pagaduan, guro mula sa nabanggit na programa
Layunin ng palihan na ito na palawakin ang kaalaman ng mga estudyante at guro tungkol sa estruktura at mga layunin ng MATATAG Curriculum Ang palihan ay pinamunuan ni Bb Rhia Joyce O Rulloda, mag-aaral mula sa TEP na tumayong tagapagdaloy ng programa Sa kabilang banda, si G Jewen Alimen, isang Master Teacher sa Ubihan Elementary School, na nagsilbing tagapagsalita Nakasentro ang kanyang presentasyon sa “General Shape of the MATATAG Curriculum” na sumasaklaw sa mga pangunahin at mahahalagang aspekto nito Nagtapos ang seminar-workshop sa paggagawad ng sertipiko kay G Alimen na siyang tagapagsalita Ang naturang palihan ay nagbigay ng kamalayan sa mga guro at mag-aaral hinggil sa iba’t ibang aspekto ng bagong MATATAG na kurikulum
LARAWANGKUHA:PangunahingLuponngMgaMag-aaralsaFilipino(PlumaFil)
City of Meycauayan (PCCM) noong Agosto 29, 2024 sa ilalim ng temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya " Ang buwanang pagdiriwang ay nagtampok ng iba't ibang makabuluhang aktibidad at paligsahan na nagpakita sa talento at pagpapahalaga ng mga estudyante sa wikang Filipino Pinangunahan ng Pangunahing Lupon ng mga Mag-aaral sa Filipino (PlumaFil) ang pagdiriwang na naglalayong ipakita ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pambansang kalayaan at pagkakaisa A Ang pangwakas na programa ay ginanap sa silid 204. Kasama ang College Student Government (CSG), Passion Guided Educators' Society (PaGES), Society of Hotel and Restaurant Professionals (SHARP), Guided Office Administration League of Students (GOALS), at Campus Ministry, ang PlumaFil ay nagsagawa ng isang programa na nagsimula sa pag-awit ng Lupang Hinirang at Awit ng Meycauayan. Nagbigay ng mensahe ng inspirasyon si Bb. April Grace B. Maaño, Tagapayo ng PlumaFil, na sinundan ng mga talumpati ni Dr. Reneliza C. Sta. Ana, Dekana ng Kolehiyo at Acting College Administrator.
Ang mga estudyante ay masiglang nakilahok sa iba't ibang paligsahan: Spoken Word Poetry, Poster Making, Sabayang Pagbigkas, Kultura't Moda, at Talumpati. Ang mga patimpalak na ito ay hindi lamang nagpakita ng kanilang mga talento kundi nagsilbi ring plataporma upang maipahayag ang kanilang pagpapahalaga sa pambansang wika. Ang aktibong partisipasyon ng mga estudyante ay nagpapatunay ng kanilang pagsuporta sa programa .
Ang pagdiriwang ay nagtapos sa isang pangwakas na mensahe mula kay Dr Ma Paz G Contreras, Direktor ng Office of Student Affairs, na nagpasalamat sa lahat ng mga kalahok at dumalo Ang matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa PCCM ay isang patunay sa patuloy na pagpapahalaga ng kolehiyo paggamit sa wikang Filipino bilang simbolo ng kalayaan at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino Ito ay nagpakita ng pagkakaisa, talento, at pagmamahal sa wika at kultura Nasilayan ito sa makabuluhang paggunita sa naturang Buwan ng Wika
Matapos ang apat na taon, ang programa ng Bachelor of Science in Office Administration (BSOA) ay magkakaroon na ng unang batch ng mga magtatapos sa ika-23 ng Mayo taong 2025 Nagsimula ang programangitonoongtaong2021sa Polytechnic College of the City of Meycauayankungsaanmayroon100 na mag-aaral ang naging parte ng kursong ito, subalit sa iba’t ibang kadahilanan tulad nang paglipat sa ibanglugaratpersonalnaproblema, mayroon na lamang 72 na mag-aaral angmagtatapossataong2024-2025
ParakayProp RoseKathleenDelos Santos, Office Administation Program Head, ang pagbibigay ng isang positibo at produktibong karanasan sa pag-aaral ang kanilang pangunahingmisyon Upangmatamo ito, naglaan sila ng mga modernong kagamitan, maayos na pasilidad, at isang kumpletong aklatan Regular din silang nagsasagawa ng mga programaatseminarupanggabayan angmgaestudyante
NGITI NG NANGANGAMOY GRADUATE! Ang mga mag-aaral mula sa ika-4
na taon ng BSOA ay dumalo sa kanilang unang Black Coating Ceremony
LARAWANGKUHA:SCRIBESOpisyalnaPublikasyonngPCCM
Patuloy din ang pagbabago at pagaayos taon taon ng mga programa ayon sa mga pangangailangan ng mga estudyante. Ibinahagi naman ni Bb. Kristine Jay Villarin, mag-aaral mula sa ikaapat na taon, ang mga pagsubok na kanyang hinarap bago marating ang tagumpay ng pagtatapos. Aminado siyang hindi madali ang pag-aaral, ngunit sa patnubay at suporta ng kanilang mga guro, nagawa niyang mapagtagumpayan ang mga hamon at matupad ang kanlang pangarap
na makapagtapos. "Masaya ako sa unang batch ng mga mag-aaral na magtatapos sa kursong BSOA. I will see them as nobody and eventually will see them as somebody", ani Prop. Delos Santos. Dagdag pa niya, "Bilang guro, ang misyon namin ay maglingkod at turuan sila. Ipinagmamalaki ko ang pagiging bahagi ng kanilang paglalakbay at tagumpay. Ang kanyang tagumpay ay isang patunay sa dedikasyon ng mga guro at sa tiyaga ng mga estudyante."
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 18th Cityhood Anniversary ng Lungsod ng Meycauayan, ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ay nag-anyaya sa Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) na lumahok sa 24k para sa Kalinisan, isang mahalagang programa para sa kalikasan. Ginanap ang aktibidad na pinamagatang “Kalinisan
Nagsimula nang buong sigla ang kauna-unahang linggo ng Office Administration Program (OAP) noong Nobyembre 20, 2024 Inorganisaangnaturangpagdiriwang sa pangunguna ni Prop Rose Kathleen G Delos Santos, OAP Program Head, Guided Office Administration League of Students (GOALS) sa pamamatnubay ng kanilang tagapayo na si G Ruel Ros at ng Class Officers on Lead Club (COOL)
Sapagbubukaspalang,ramdamna ang kasabikan sa Zumba Fest na nagbigay-enerhiyasalahat Pinasaya rin ng mga food booths ang mga estudyante Ani Dianna Elizabeth Delara, mag-aaral mula sa OAP, “Grabe, hindi namin in-expect na ganitokaramiangbibili”
ng Kalikasan sa Gintong Meycauayan” nitong Disyembre 3, 2024, sa oras na 7:00 AM hanggang 10:00 AM. Nakiisa sa programa ang PCCM sa pangunguna nina Bb. Melissa Rodriguez, Human Resource Officer; Bb. Rowenessie Ruiz, Librarian; Bb. Girlie Jane Pagaduan, NSTP Coordinator at mga guro mula sa Teacher Education Program na sina Bb. Gia Alexis Mantes, Bb.
Kristine Rodriguez, at G. Michael Cariaga, kasama ang 50 mag-aaral mula sa Bachelor of Science in Office Administration (BSOA) na boluntaryong nakiisa sa paglilinis. Ang programang ito ay isang patunay ng pagkakaisa ng Meycauayan sa pagsulong ng mga inisyatibo para sa kalikasan habang ginugunita ang tagumpay ng lungsod sa loob ng 18 taon.
Bumida rin ang mga kalahok sa Poster Making Competition upang ipinakitaangkanilanggalingsasining, habang ang “Quiztastic: A Battle of Office Brains” ay naging isang matindingpaligsahannamanngtalino saopisina
Naging mas kapana-panabik ang ikalawangarawnoongNobyembre21, 2024 Sa “Keyboard Master Contest,” humanga ang lahat sa bilis at galing nina Crisanto David, Iby Esguerra, at Carmela Rodriguez “Hindi lang bilis, tamang technique rin ang kailangan,” ani ni G Ruel Ros Sa “Stenography Quiz Bee,” nagwagi naman ang Strokemasters bilang kampeon, habang nagpakitang-gilas din ang 2 Eyyy at Super 3 Bee Mainit din ang tagisansaOfficeOlympiad,kungsaan
Isinagawa ang pagdiriwang ng Araw ng mga Guro ng Passion Guided Educators Society (PaGES) noong ika-11 ng Oktubre taong 2024, eksaktong ika-3 ng hapon sa silid 206 (AVR), na pinangunahan nina Bb. Airene Javier, PaGES Auditor, at G. Eduardo Lisanin, PaGES Secretary tumayo bilang tagapagdaloy ng programa.
Ang programa ay nag-umpisa sa pag-awit ng Pambansang awit, Himno ng PCCM, at isang panalangin na pinangunahan ni Bb. Rhainey Ayessa Ocan, PaGES 1st Year Representative. Ito ay sinundan ng panimulang pananalita ni Prop. Frederick L. Berboso, Program Head, Teacher Education Program (TEP) Ang mga pagtatanghal ng iba't ibang organisasyon ng TEP— Society for the Advancement of Mathematics Education (SAME), Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Larangan ng Agham Panlipunan (KAMALAYAN), Pangunahing Lupon ng mga Mag-aaral sa Filipino (PlumaFil), at Passion Guided Educators Society (PaGES) — ang nagbigay ng kulay at kabuluhan sa programa. Ang mga guro ay hinandugan din ng mga regalo bilang pasasalamat at pagpapakita ng kanilang kahalagahan. Nagtapos ang selebrasyon na nag-iwan ng saya at ligaya sa mga guro ng PCCM.
ipinamalas ng mga pangkat ang kanilangtalinoatpagtutulungan.Sa huli,itinanghalnakampeonangTeam Badingz, sinundan ng Team DragonflyatngTeamAng.
Noong Nobyembre 22—punongpuno ng talento at saya sa huling araw ng OAP Week. Sa “Search for OfficeIdol,”nagpakitanggilasnaman ang17nakalahok.NagwagisiJoshua Nasayao sa kanyang soulful performance, habang bumida rin sinaYrhoGironatEricaMycesRosas. Nagpahanga rin sa Cosplay Fest si Samantha Manez bilang Silent Hill Nurse, na sinundan nina Abegail TiboratSamanthaManalon. Sa hapon, mas lalo namang naging masayaangpagtataposngnaturang pagdiriwangdahilsa“Year-End90’s Party!”
2 Palihan ng HMP, inihanda ang mga
Upang maihanda ang mga mag-aaral sa ika-apat na taon ng Hospitality Management Program (HMP) para sa kanilang pananaliksik at On-the-Job Training (OJT), idinaos ang dalawang palihan na pinamagatang “Embracing the Love for Research” noong Oktubre 17, 2024 at “Career Talks: Ethics and Resume Writing” na ginanap naman nitong Nobyembre 20, 2024. Pinangunahan nina Prop. Rona Dela Rosa at Dr. Frederick M. Cardenas and palihan hinggil sa pananaliksik matapos nilang tumayo bilang pangunahing tagapagsalita. Buong giliw din na nagbigay ng kanilang kaalaman at karanasan sa mundo ng trabaho ang tagapagsalita na sina G. Gian Andrei Guradiano at Bb. Elsbeth Olasiman para sa palihan hinggil sa Ethics at Resume Writing. Umuwing punong-puno ng kaalaman ang mga magaaral matapos ang mga naturang palihan na inorganisa sa pangunguna ni Prop. Maria Sheryl Decilio, HMP Program Head, G. Lorenz Geraldez at ng Society of Hotel and Restaurant Professionals (SHARP) sa pangunguna ng kanilang tagapayo na si Bb. Danica Borja.
Isangmakulayatpunongsiglangpagbubukasangnaganapsa linggo ng Teacher Education Program (TEP) na may temang “Shaping Minds, Building Characters: Educators as Globally Equipped Leaders” noong Setyembre 16, 2024, sa Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) – Annex Campus Grounds Pinangunahan ng Passion Guided Educators Society (PaGES)sapamumunongkanilangtagapayonasiG RenzDave Espiritu at Prop Ferederick Berboso, TEP Program Head ang seremonya, na ginanap nang eksaktong ika-8 ng umaga Ang pagdiriwang ay nagbigay pugay sa dedikasyon ng mga guro at kasapingTEPsapaghubogngmgaestudyantesapamamagitan ngedukasyon
Matapos ang seremonya, sunod-sunod na paligsahan ang naghatid ng saya at inspirasyon sa mga estudyante at guro Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang talento at pagkamalikhain sa Street Dance Competition at Banner Making Contest ng Passion Guided Educators Society (PaGES), na parehong nagsimula ng 8:30 am Samantala, ang masayang FamilyFeudngStudents'AcademicGuildforEnglish(SAGE)ay nagbigay-aliw sa mga manonood simula ika-9 ng umaga, na nagpapakita ng pagkakaisa at pagiging malikhain ng bawat kalahok
Hindipanataposangkasiyahandahilsaibapangpatimpalak na nagbigay naman ng hamon at aliw sa mga kalahok Tampok ang Sudoku Competition ng Society for the Advancement of MathematicsEducation(SAME)naginanapng10:00ngumaga, kasabay ng masiglang "Who Are You? School 1990's" Nagpakitang-gilas din ang mga estudyante sa Modified OregonOxfordDebatenainorganisangKapisananngmgaMag-aaralsa Larangan ng Agham Panlipunan Para sa Bayan (KAMALAYAN), kung saan tinalakay ang mahahalagang isyu ng lipunan Ang Pangunahin Lupon ng mga Mag-aaral sa Filipino (PLUMAFIL), namanaynagsagawangtagisanngtalinoattalakayannasiyang nagingsentrongkaalaman
Nagtapos ang TEP Week noong Setyembre 20, ang pagdiriwang na ito ay sumasalamin sa kahalagahan ng edukasyon,talento,atpagkakaisangmgaguroatmag-aaral Ito aynagsisilbinginspirasyonparasapatuloynapaghubogngmga estudyante sa kanilang mga kakayahan at malasakit sa paglikha ngisangmasmakulaynakinabukasan
Talento at Kahusayan ng PCCMians, ibinida sa Linggo ng HMP
LARAWANGKUHA:EyeShot,SHARP
MagarbongipinagdiwanganglinggongHospitalityManagement Program(HMP)saPolytechnicCollegeoftheCityofMeycauayan saMainCampus,Malhacannoongika-9hanggang10ngOktubre, 2024 na inorganisa sa pangunguna ni Prop. Maria Sheryl Decilio, HMP Program Head, Society of Hotel and Restaurant Professionals(SHARP)sapamamatnubayngkanilangtagapayona siBb.DanicaBorjakasamangmgaguroatmag-aaralngnaturang programa. Isinagawa ito sa pamamagitan ng temang “HMP Next Gen:‘TheultimateSkillsCompetition’”.
Nagsimula ang programa sa pagbubukas ng mga kompetisyon gayangCupcakeDecorating,FlowerArrangementatTourGuiding na kung saan naipamalas ng mga HMP PCCMians ang kanilang kahusayan, kagalingan at natatanging talento sa larangan ng pagluluto, pagdisenyo, at pagiging mahusay na gabay sa paglalakbay.
Napuno naman ng hiyawan ang ikalawang araw ng mga HMP programsakapana-panabiknatunggaliannangmgaestudyantesa Fruit Carving, Table Skirting, Napkin folding, Table Set-Up, Bed Making, at Flairtending. Dito ay nagamit ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan sa larangan ng Hospitality Management na naganap sa Social Hall ng PCCM Main Campus. Sa kabila ng kasiyahanattunggalian,naghandaatnag-ensayonamanangmga kalahokngMr.AndMs.Tourismparasaikatlongarawngprograma saMeycauayanConventionCenter(MCC).
Sahulingaraw,ibinanderaangkagandahanatkakisiganngmga kalahok sa Mr. At Ms. Tourism galing sa iba’t ibang pangkat ng HMP. Narinig ang tilian at hiyawan sa Meycauayan Convention Center pagkatapos banggitin ang mga nagsipagwagi sa naturang programa at mga kompetisyon. Natapos ng matagumpay na may kagalakan at pagpapasalamat ang mga faculty members para sa lahatngnakisayaatnakipagkaisasapagdiriwangnglinggongHMP.
AJOHNCARVINBAUTISTA SHANDERLEECORDETA
Punong Patnugot PangalawangPunongPatnugot
JULIEANNEAMPOON SHANIAJEANJUSTO
Tagapamahalang Patnugot Tagawastoattaga-ulo ng Artikulo
MYERENEVILLEGAS JUSTINEPRIOLO
PunongPatnugotsa Balita
CLOWIEHERNANDEZ
PunongPatnugotsa BalitangIsports
DANIELAMAEMOLINA
PunongPatnugotsaAgham atTeknoohiya
JERICHOMACUSE
PunongDebuhista
ng pagiging isang iskolar ng bayan ay hindi lamang isang pribilehiyo kundi isang kwento ng matinding
pagpupunyagi Sa Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM), ang mga mag-aaral ay mga buhay na patunay ng determinasyong maabot ang edukasyon sa kabila ng iba't ibang hamon
Ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa akademikong kaalaman kundi isang proseso ng paghubog sa asal at karakter ng bawat mag-aaral Sa PCCM, maraming iskolar ang humaharap sa mga hamon tulad ng kakulangan sa pinansyal na suporta kakulangan sa kagamitan at pagbalanse ng oras para sa pag-aaral at responsibilidad sa pamilya Marami ring mga mag-aaral ang humaharap sa mga personal na pagsubok tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng mga mahal sa buhay, ngunit sa kabila ng lahat ng ito, patuloy nilang nilalabanan ang bawat hamon upang makamit ang edukasyon
Ang aral at asal ay magkakambal na pundasyon ng tunay na edukasyon Ang aral at asal ay magkakambal na pundasyon ng tunay na edukasyon Sa gitna ng mga hamon natututunan ng mga iskolar ng bayan ang halaga ng respeto, pagkakaisa, at pagiging responsable hindi lamang sa kanilang sarili kundi sa kanilang komunidad Ang mga mag-aaral ng PCCM ay aktibong nag-aalok ng kanilang oras at lakas sa mga extracurricular na aktibidad at iba pang mga gawain na nagpapakita ng malasakit sa kapwa
PunongPatnugotsa EditoryalatKolum
CHARLYNNEMENDOZA
PunongPatnugotsa LathalainatLiteraryo
REIGNMHIELLEARCADIO
PunongTagakuhang Larawan
MARICELLIEANNIESILVERIO
PunongTaga-anyong Pahina
ZHEKINAHRIVERO
JOYANNGALLEGO JOSEBONILLO ACEANTHONYLUCERO LYSAJOYMALLARI SOPHIALORAINESAJUT AVRILKIRSTENGARCIA JONALINETOLENTINO JOHNALDRINTABAL
SHAMILLEPAYOT JAZTINEROAMSLAPE ERICAROSEGUEVARRA LEONARDCUEVA DANIELLAMEAMOLINA ASHANTIGARTE CARLJASONCID RAFAELANDRADA
Contributors
MARIELGARRIDO RONALDYUBAL
Mga Debuhista
Tagakuha ng Larawan JANINEGARCIA
ALDESAMAEZAMORA GUENEVEREESGUERRA ANGELYNADVINCULA Taga-anyo ng Pahina
MR.MICHAELCARIAGA,LPT,MAEd
DR RENELIZASTA ANA
Dean, Acting School Administrator
Sa kabila ng kanilang personal na pakikibaka, ang kanilang malasakit sa kapwa ay patunay ng pagiging ganap na iskolar ng bayan nag-aambag sa komunidad at nagtutulungan upang mapagtagumpayan ang bawat pagsubok
Hindi natatapos ang edukasyon sa mga teorya sa pisara o pahina ng aklat Ito ay makikita sa araw-araw na aplikasyon ng natutunan ang patuloy na paglaban para sa pangarap kahit na may pinagdadaanan Ang mga iskolar ng bayan ng PCCM ay nagsisilbing inspirasyon sa iba isang paalala na hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay Ang bawat problema ay kayang lampasan basta't may determinasyon, disiplina, at tamang pag-uugali
Bilang mga iskolar, sila ang tanglaw ng ating lipunan sa gitna ng mga hamon at kawalang-pag-asa Patuloy nilang binibigyan ng buhay ang pangarap ng bawat pamilya at ng ating bayan Kaya sa lahat ng iskolar ng bayan, saludo kami sa inyong tapang at tiyaga
Padagos, mga iskolar ng bayan sa kabila ng hirap, patuloy na lumalaban para sa edukasyon!
Ang buhay pag-aaral ay katulad ng isang paglalakbay na puno ng mga hamon at pagsubok Ang mga pagtangis pagod at pagsubok ay bahagi ng proseso ng pag-unlad ng bawat indibidwal na nagsisilbing pundasyon ng lakas at inspirasyon upang patuloy na magpatuloy Sa gitna ng mga balakid at pagsubok, gaano kahalaga ang pagiging matatag at mapagpursigi upang magpatuloy?
Ang kolehiyo ay repleksyon at paghahanda sa reyalidad, at kaakibat nito ang mga hirap, balakid, at mga pagsasakripisyong kakaharapin ng bawat isa Ngunit nagbibigay rin ito ng pagkakataon upang malinang ang kanilang mga kaalaman, kasanayan, at pagkatao Sa kabilang banda, sa bawat pagsisikap at pagpupursigi ng bawat indibidwal upang makamit ang kanilang mga minimithi, ito ay nagbibigay ng pagkakataon upang malinang ang mga kasanayan sa paglutas ng problema, pag-iisip ng kritikal, at paggawa ng desisyon Kung kaya’t ang mga patuloy na nagpupursigi hindi nagpapatinag sa anumang hamon, at nananatiling matatag ay may mataas na tiyansang makamit ang kanilang mga pangarap at tagumpay na kanilang inaasam
Mahalaga na ang bawat isa ay magkaroon ng malinaw na mithiin, positibong pag-iisip, at pagtitiwala sa sarili upang magpatuloy sa kabila ng mga paghihirap Ang mga paghihirap at mga pagsubok ang siyang ating pundasyon upang matamo at makamtan ang inaasam na pangarap at tagumpay Marahil, ang mga pagtangis, pagod, at pagsubok ay hindi lamang mga hadlang kundi mga hakbang tungo sa pagkamit ng pangarap at tagumpay
sa
Alam naman natin na likas na sa mga Pilipino ang magtulungan, isa na ito sa ating naging kaugalian Para sa akin mahalaga sa isang bansa na may pagkakaisa at malasakit tayo sa ating kapwa Dahil dito nagkakaroon tayo ng
Sa pagharap ng mga hamon na ito, natututo tayo ng pagtitiyaga, pagpupursigi, at pagtanggap sa mga pagkakamali Ang bawat pagtangis ay nagbibigay ng lakas; ang bawat pagod nagbibigay ng pagkakataon upang magpahinga at magbalik; at ang bawat pagsubok, nagbibigay ng pagkakataon upang matuto at umunlad Ito ay hindi dapat ikatakot o iwasan Sa halip, dapat itong harapin nang may lakas ng loob pag-asa at pagtitiwala sa sarili
Sa paggawa nito makakamit natin ang mga pangarap at tagumpay na inaasam natin Ang bawat pagtangis, pagod, at pagsubok ay isang daan patungo sa pag-unlad pagtitiyaga at pagiging matatag Kaya’t magpatuloy tayo sa pagharap ng mga hamon, at huwag mawalan ng pag-asa Ang pangarap at tagumpay ay naghihintay sa dulo ng mga pagtangis, pagod, at pagsubok
Ang bawat pangarap at tagumpay ay magiging inspirasyon sa iba at mag-iiwan ng marka sa pagiging matatag na harapin ang bawat hamon Maniwala at magtiwala sa sarili’t kakayahan, at patuloy na magpatuloy sa gitna ng mga pagsubok Sa dulo may mga aral na matututuhan at mga bagay na madidiskubre na magbibigay inspirasyon upang sumubok, lumaban, harapin ang hamon, at magtagumpay
Samakatuwid, ang tagumpay ay hindi ang siyang depinisyon ng wakas, at ang kabiguan ay hindi nangangahulugang pagbagsak Bagkus, ang katapangan at determinasyong magpatuloy ang nagbibigay-diin sa dedikasyong makamit ang pangarap at tagumpay na inaasam Kung kaya’t laging tandaan na sa bawat “padayon” (pagpapatuloy) huwag kaligtaan ang “pahuway” (paghinto at pahinga)
kapwa tao Kapag sinabi nating "resilience" ito yung kung paano tayo mas nagiging matatag sa isang sitwasyon kapag tayo ay nakakaranas ng isang pagsubok Kapag naman sinabi nating "bayanihan" ito yung pagkakaisa at pagtutulungan na bawat isa kapag tayo ay nakakaranas na pagsubok
Halimbawa na lamang nito ay kapag tayo ay nakakaranas na kalamidad doon natin nakikita sa mga Pilipino kung paano sila magtulungan at magkaisa na sa kabila na pinagdadaanan ay naroon parin ang malasakit sa kanyang kapwa Pilipino Kaya para sa akin mahalaga na mas pahalagahan natin ang "BAYANIHAN" sa ating bansa kase dahil dito mas nagiging maayos ang ating lipunan kung ang bawat tao ay nagkakaisa
CORDETA
a bawat sulok at pasilyo ng bawat kampus ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM), tahimik na kumikilos ang mga security
guard, utility staff, at maintenance personnel upang tiyaking ligtas, malinis, at maayos ang paaralan Sila ang mga bayani sa likod ng araw-araw na operasyon ng institusyon, ngunit bakit tila nawawalan sila ng pagpapahalaga mula sa ilang mag-aaral? Marami ang tila nakakalimot sa simpleng kulturang Pilipino ng pagbati o pasasalamat, mga bagay na mahalaga upang maipadama sa kanila ang kanilang halaga
Ang ganitong disiplina ay maaaring bunga ng kakulangan sa kamalayan patungkol sa ambag ng mga kawani sa ating edukasyon, o maaari ring epekto ng modernong panahon kung saan nababawasan ang pagpapahalaga sa tradisyunal na kaugalian ng respeto Anuman ang dahilan, hindi maikakaila na ang kawalang-pansin na ito ay nagdudulot ng epekto na hindi lamang sa moral ng mga kawani makikita kundi pati na rin sa kultura ng respeto at pagkakaisa sa loob ng kampus
Upang tugunan ito, nararapat na ipaalala sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng simpleng paggalang Maaaring magsagawa ng mga seminar o aktibidad na nagtuturo ng pagpapahalaga sa mga kawani, isama sa kurikulum ang “Values Education,” at bigyan ng parangal ang mga kawani bilang pagkilala sa kanilang serbisyo
Ang PCCM ay hindi lamang sentro ng kaalaman; ito ay lugar din ng tamang asal at pagpapakatao Ang simpleng “magandang araw” o “salamat” ay maliit na hakbang, ngunit sapat upang maipakita ang ating pasasalamat sa mga taong katuwang natin sa pagkatuto at kaayusan Ang tanong ngayon handa bang magsimula ng pagbabago ang mga iskolar ng Meycauayan sa pamamagitan ng pag-alam sa konsepto ng respeto?
NI: JULIE ANNE AMPOON
Ang klasrum ay higit pa sa isang silid-aralan; ito ay tahanan ng mga mag-aaral at kanlungan ng kanilang mga pangarap Sa paglipas ng panahon, ang bawat
aspeto ng ating paligid ay patuloy na nagbabago, pati na rin ang ating mga nakasanayan, kabilang na ang ating klasrum Bagamat ang klasrum ay may mahalagang papel sa paghubog ng ating mga mag-aaral may mga tanong at hamon na patuloy na umiiral Kaya, ang tanong na bumangon ay: Ang kasalukuyang klasrum ba ay isang hakbang tungo sa pagbabago o isang pagkakamali na nagdudulot ng mga hindi inaasahang epekto?
Sa kabila ng mga hamon may mga positibong aspeto ang kasalukuyang klasrum na hindi dapat ipagwalang-bahala Una ang mga kasalukuyang klasrum ay may mga aircon, na isang malaking tulong sa mga mag-aaral, lalo na sa mga maiinit na araw Ang ginhawa na dulot nito ay nagbibigay daan upang makapagpokus ang mga mag-aaral sa kanilang mga aralin, nang hindi inaalala ang init ng panahon Pangalawa, ang lokasyon ng paaralan ay mataas, kayat hindi madaling naapektuhan ng mga pagbaha Ito ay nagbibigay katiyakan sa mga guro at mag-aaral na hindi madalas magkaroon ng pagkaantala sa klase, at nakatutok sila sa pagtuturo at pagkatuto
Sa kabilang banda, may mga aspeto sa kasalukuyang klasrum na nangangailangan ng atensyon at pagpapabuti Una ang kaligtasan ng mga mag-aaral Ang kasalukuyang klasrum ay matatagpuan sa liblib na lugar, na malayo sa mga pangunahing kalsada o establisyimento Ang ganitong kalagayan ay nagdudulot ng pangamba at maaaring maging dahilan ng pagkaantala sa mga mag-aaral kung sakaling magkaroon ng mga emerhensiya May ilang mag-aaral ang masyadong napalayo sa kanilang tahanan Mahirap ito para sa mga magaaral o kahit sa mga guro na malayong bumabyahe para lamang makapasok Pangalawa ang kakulangan sa espasyo ay isang malaking isyu Ang isang seksyon ay binubuo ng 20 hanggang 30 mag-aaral Kung titignan ang pagbabago ng klasrum, masasabi nating hindi ito sapat para sa isang seksyon Karamihan sa mga klasrum ay siksikan, na nagiging sagabal sa maayos na pagkatuto Ang kasalukuyang klasrum ay hindi idinesenyo para maging klasrum kaya’t nagkaroon ng kakulangan sa mga bintana, na maaari ring magdulot ng hindi magandang kondisyon sa kalusugan ng mga mag-aaral at guro
NI: JOSE BONILLO
ng buhay estudyante ay puno ng mga hamon at isa sa mga pinakamalaking hamonnaitoayangmgapatong-patong
na gawain at aralin Parang isang bundok na kailangang akyatin araw-araw, linggo-linggo, at buwan-buwan; kung minsan nga ay oras-oras pa Mula sa mga proyekto, pagsusulit, takdang-aralin hanggang sa mga pag-uulat tila walang limitasyon ang pagdagsa ng mga ito Ang dami ng takdang-aralin ay hindi lamang nakakapagod sa pisikal kundi pati na rin sa emosyonal Nakakadagdag din ito ng stress at presyon sa mga estudyante na posibleng magpababa ng kanilang grado magdulot ng kawalan ng tulog at pagkasira ng kanilang kalusugan Ang patuloy na pag-iisip sa mga dapat pang gawin ay nakakaapekto rin sa kanilang kakayahang magfocus sa klase kadalasan kapag nakikinig sa talakayan at sa iba pang aspeto ng kanilang buhay tulad ng sa kanilang pamilya, kung may trabaho o di kaya naman sa pansariling ganap sa araw-araw
S...ang layunin ay hindi lamang ang magbigay ng edukasyon, kundi ang tiyakin na ang bawat mag-aaral ay mayroong pagkakataon na magtagumpay, sa kabila ng mga hamon ng kasalukuyang sistema.
Bagamat may mga benepisyo ang kasalukuyang klasrum, ang mga problemang ito ay nangangailangan ng agarang aksyon Hindi sapat ang mga pisikal na kagamitan at pasilidad lamang upang matiyak ang kalidad ng edukasyon Ayon kay Igaya et al (2011), ang silid-aralan ay may mahalagang papel sa pagkatuto at pag-uugali ng isang bata sa klase Ang mga estudyante ay nangangailangan ng komportable at organisadong klasrum upang maging epektibo ang pagkatuto Kailangang isaalang-alang ang kaligtasan, kalusugan, at emosyonal na aspeto ng bawat mag-aaral Ang pagbabago ay isang mahalagang bahagi ng edukasyon, ngunit dapat itong magsimula sa pagpapabuti ng mga kondisyong pangkaligtasan at komportableng pag-aaral para sa mga mag-aaral Sa ganitong paraan hindi lamang ang kanilang mga pangarap ang matutulungan, kundi pati na rin ang kanilang kabuuang pag-unlad bilang mga indibidwal
Ang kasalukuyang klasrum, sa kabila ng mga benepisyo nito, ay may mga aspeto na nangangailangan ng masusing pagsusuri at pagbabago Upang matiyak na ang klasrum ay hindi magiging sagabal sa mga pangarap ng bawat mag-aaral, kinakailangan nating pagsamahin ang makabagong teknolohiya, tamang pasilidad, at mga espasyo na angkop sa kaligtasan at kaginhawaan Sa huli ang layunin ay hindi lamang ang magbigay ng edukasyon, kundi ang tiyakin na ang bawat mag-aaral ay mayroong pagkakataon na magtagumpay, sa kabila ng mga hamon ng kasalukuyang sistema
Ang pag-aaral ng time management ay mahalaga rin Dapat matutunan ng mga estudyante kung paano gamitin ang kanilang oras upang maging mas maayos at epektibo ang paggawa ng mga gawain
Maramingmgaparaanupangmaayos na maisagawa ang patong-patong na mga gawain at takdang-aralin Ang isa sa mga pinakaepektibong paraan ay ang paggawa ng iskedyul o pagpaplano Sa pamamagitan nito maayos na maipaplano ng estudyante ang mga dapat gawin at maiwasan ang pagmamadali sa araw ng pasahan Ang pagsusunod-sunod ng malalaking gawain sa mas maliliit na gawain ay nakakatulong din upang hindi ito maging mahirap gawin Ang pag-aaral ng time management ay mahalaga rin Dapat matutunan ng mga estudyante kung paano gamitin ang kanilang oras upang maging mas maayos at epektibo ang paggawa ng mga gawain Ang pag-iwas sa mga distractions tulad ng social media at mga laro ay makakatulong din upang mas mapabilis ang paggawa ng takdangaralin
Hindi natin dapat kalimutan ang kahalagahan ng pagsuporta ng ating pamilya at mga kaibigan Ang pagbabahagi ng mga problema at paghahanap ng makakausap sa mga taong mapagkakatiwalaan ay makakatulong upang mabawasan ang stress at presyon Ang mga guro ay maaari ring maging isang mapagkukunan ng payo at gabay para sa mga estudyante Lingid sa ating kaalaman ang buhay estudyante ay hindi madaling gawain Nakikita natin na ang maraming bagay ay nagiging mahirap kapag ito ay tambak o patong-patong Ang pagiging estudyanteaylikaslangnamahirapanatmastress Kaya naman bilang mga estudyante marapat lamang na magkaroon tayo ng disiplina pag-unawa sa sitwasyon at maging patas sa lahat ng bagay Dahil sa pamamagitan ng mga ito, magagawa natin na gawing madali ang isang bagay sapagkat nagkakaroon tayo ng mga estratehiya kung paanomalalagpasanangmgapagsubok
NI G MICHAEL C CARIAGA
indi uso ang bahaghari kung saan ang mga kulay ay magkakabati at nagkakaisa; batid na may kani-kaniyang
gampanin at halaga upang makapagbigay nang matimyas na liwanag sa kalangitan matapos ang tanikalang dala ng ulan
Dahil sa Pilipinas magkakagalit ang mga kulay; bawat isa ay salamin ng sariling prinsipyo at panibugho Bawat isa ay nagnanais nang pansariling kaningningan Bawat isa ay naninindigan na tama sila at mali ang iba; mali sila at ito lamang ang tama at dapat paniwalaan Bawat isa ay hihiyaw nang panggigipit sa sinapupunan at lalasunin ang makipot na pag-iisip ng abang pinagpala Ang gayong dapat hubdan ng maskara nito na kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas
Sa Pilipinas, nagngangalit ang mga anino sa likod ng bawat kulay Lubhang napakalakas; tila isang buwaya sa lawa na kayang sugpuin ang isang Elias, maibalandra lamanag ang katingkaran ng kulay Walang tabas kung makapanlait ng dumi sa ibang kulay subalit bulag naman sa sariling karumihan Ipinamumukadkad na mali ang timpla sa ibang kulay ngunit nagiging pipit at bingi sa sariling maling timpla
Dahil sa Pilipinas, HINDI USO ANG BAHAGHARI, sapagkat alila tayo ng mga magkakagalit na kulay nito.
Kailan natin masisilayan ang ganda nito matapos ang ulan? Kailan pa? Darating pa ba?
Ang oras ay limitado, pahalagahan natin
Gaano mo pinahahalagahan ang bawat oras para sa iyong kinabukasan?
Ito ang panahon kung saan akala natin umiikot lamang ang ating maliit na mundo sa ating edukasyon, isang yugto na kailangan nating magsikap para sa ating pangarap Ngunit, ang buhay ay hindi lamang tungkol sa pag-aaral, at ang pagaaral ay hindi lamang tungkol sa mga aralin Isa sa pinakamahalagang aspeto rito ay ang pagpapahalaga sa oras, minuto, o kahit na ang segundo Kaya’t bigyang-diin natin ngayon ang tamang paggamit ng oras
Tayong mga estudyante ay may kani-kaniyang responsibilidad Sa loob ng eskwelahan man o sa labas, nakikita man ng iba o hindi tayo ay may mga tuntunin din Gaya na lamang ng mag-aral, karamihan ay kailangang magtrabaho rin, at gumawa ng mga gawaing bahay Kaya ang pagpapahalaga sa oras ay nangangahulugan ng paggawa ng mga plano, pagtatakda ng mga priyoridad, at pagpili ng mga desisyon Subalit sapat nga ba ang mga ito? Ano na lang ang mangyayari kung hindi naman kasama ang iyong sarili? Kinakailangan din na magkaroon ng sapat na oras para magpahinga, at para sa sarili
Ayon sa pag-aaral ng University of Saskatchewan, Time management is actually all about managing yourself: knowing what you want, deciding how to get what you want, and then efficiently and effectively getting it” Sinasabi rito ang pagpapahalaga ng oras ay tungkol din sa pagpapahalaga natin sa sarili dahil ito ay pagpapasya upang mabuhay nang epektibo at masaya
Ika nga nila, “Time is gold,” na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng oras sa ating buhay Naiiwasan natin ang pagkawala ng mga pagkakataon dahil ang oras ay hindi lamang isang konsepto ng panahon, kundi isang yaman na hindi mababawi kapag nasayang Ito ay limitado at may hangganan
Sa paglilinaw nito, mahalaga na gamitin natin ang bawat oras nang hindi nakalilimot sa ating sarili Tayo ay napapagod din, kaya’t kinakailangan na tayo ay may kontrol Ang tamang pag-kontrol sa oras ay may malaking epekto sa ating buhay at kinabukasan Dagdag pa rito dapat magkaroon tayo ng disiplina at maging responsable upang maging daan sa pagabot ng tagumpay Kaya naman kung ikaw ang tatanungin gaano nga ba kahalaga sa’yo ang bawat segundo?
NI:CHARLYNNEQ.MENDOZA
“Hindi ko pinapatay ang alab ng pag-aaral sarili,”
“Hindi ko pinapatay ang alab ng pag-aaral sa aking sarili,” Si John Peter I Miranda, dalawampung taong gulang, ay isang masipag, maaasahan, matiyaga at responsableng lider Siya ang TEP senator sa College Student Government (CSG) ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) Panganay sa kanilang magkakapatid at estudyante ng PCCM Nakatira siya sa Tugatog, Meycauayan City, Bulacan, at nasa ikalawang taong programa na Bachelor of Secondary Education in Mathematics na inaalok ng libre ng paaralan kaya naman ay kaniya itong kinuha
Si Miranda ay isa sa mga estudyante ng PCCM na patuloy na nangangarap makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng mga pagsubok at unos na dumarating sa kanyang buhay Nang mawalan ng trabaho ang kanilang haligi ng tahanan, pinili ni John Peter na magtrabaho upang makatulong sa kanyang pamilya Sa edad na labing-walong taon, inako niya ang responsibilidad bilang breadwinner para sa kanyang apat na kapatid at magulang Sinabi niya, “Saluhin ko ang responsibilidad na dapat sa kanya,” upang masiguro ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya at mabawasan ang kanilang mga utang
Nang magkaroon ng job fair sa Meycauayan Convention Center, agad niya itong pinuntahan at sumubok, kahit hindi tiyak ang magiging resulta Maliban sa lakas ng loob na dala, ang isa sa kaniyang bitbit ay pag-asa na kung loloobin, isa itong ligaya Bagamat hindi siya pinalad makapasok sa unang pagkakataon, hindi siya sumuko Sa pangalawang pagkakataon, sa tulong ng kanyang tiyaga at kasipagan, niloob ang kaniyang gusto; siya ay natanggap at nagkaroon ng trabaho sa isang korporasyon sa Bagbagin, Meycauayan Patuloy niyang sinubukan ang iba pang mga trabaho, gaya ng pagiging production helper, packaging crew, at machine operator sa tatlong pabrika at korporasyon Habang nagtatrabaho, hindi pinapatay ni John Peter ang kanyang alab sa pag-aaral Sa kanyang pakikipanayam, inilahad niya kung paano siya nagsasakripisyo: gumigising siya ng alas-tres ng umaga upang uminom ng gamot, dahil may mga sakit siya na kailangang gamutin Ayon sa kanya, “Kung hindi ako magtatrabaho, hindi ko malalaman na may sakit ako” at sinasabay niya ang pagpapagaling habang nagtatrabaho Pagkatapos ng gamot, nagsisimula siyang mag-asikaso ng iba pang mga gawain Bago mag-alas-sais ng umaga, aalis siya ng kanilang tahanan sakay ng bisikleta at uuwi ng ala-sais din ng gabi galing sa trabaho Kapag nakauwi, nag-aaral siya at nagbabasa upang maging handa sa mga susunod na pag-aaral at makapag handa para sa mga susunod na taon ng kanyang programa "Hindi ko pinapatay ang alab ng pag-aaral sa aking sarili" aniya Naibahagi niya rin na ang kanyang mga magulang ang isa sa mga naging inspirasyon niya sa pagpapatuloy ng pag-aaral, sa kabila ng mga hamon sa buhay Maliban dito, ang pinaka-tumatak sa kaniyang isipan ay ang mga sinasabi ng kaniyang mga naka-trabaho na siya ay masyado pang bata at huwag daw sayangin ang kaniyang talino at panahon sa pabrika
Bago matapos ang aking panayam, nagbigay si John Peter ng mga mensahe para sa mga katulad niyang estudyante na nagsusumikap at nagtatrabaho upang matupad ang kanilang mga pangarap “Kahit ano man ang hirap ng buhay, mas pilitin at piliin mong magtapos ng pagaaral Dahil minsan lang ito dumating sa buhay,” sabi niya Ibinahagi rin niya na ang pag-aaral ay hindi nakabase sa oras “Kung ikaw ay breadwinner, pagbutihin mo pa at palagi ipaalala sa sarili na hindi lamang ikaw ang nakakaranas nito,” aniya Ang mga pagkabigo at pagsubok ay maaaring maging inspirasyon upang magpatuloy at magtagumpay “Gawin mong inspirasyon ang mga pagkabigo mo Na ang totoong mundo ay umiikot lamang sa mga pagsubok at problema ” At sa kanyang mga huling salita: "Ang part-time job na ginagawa mo, isipin mo pa rin na gagawin mo ‘to para makapagtapos ka, kahit mahirap " Ang buhay ni John Peter I Miranda ay isang patunay ng matitinag ng mga pagsubok sa buhay ang pagnanasa at alab sa aaral Ipinapakita ng kanyang kwento na ang edukasyon, higit sa l ay isang susi upang magtagumpay sa buhay Sa bawat hakb patuloy na nagsisilbing liwanag sa kanyang landas ang pag-asa, ti at determinasyon at nagpapatunay na kung loloobin, matutupad pangarap na nais abutin
HamonatPag-asa:Kwentong PagtatagumpayniKayeS.Alvior
Ni: Charlynne Q. Mendoza
Sabi ng karamihan, sa pagtatapos ng kolehiyo ay makikita mo ang totoong mundo, kung saan lalaban ka ng patas at ang tanging kasangga mo lamang ay lakas ng loob at tiwala sa sarili Dito mo magagamit ang lahat ng iyong natutuhan sa ilang taong pag-aaral, at napatunayan ito ni Kaye S Alvior, isang dating estudyante ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) na nagtapos noong Abril 12, 2014 sa programang Bachelor of Secondary Education in English Sa paglabas niya ng sintang paaralan, ang mga natutuhan niya ay ginamit niya ng buong puso sa pagtuturo sa mga estudyante
Ang taunang Lakan at Lakambini ng PCCM na ginaganap tuwing Founding Anniversary ng ating sintang paaralan Polytechnic College of the NI:LYSAJOYA.MALLARI
City of Meycauayan (PCCM) ay isa sa mga pinakaaabangang kompetisyon na may temang: “Lakan at Lakambini: Kahusayan at Kariktan, Dangal ng Iskolar ng Meycauayan, kung saan ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang programa gaya ng Teacher Education Program (TEP), Office Administration Program (OAP), at Hospitality Management Program (HMP) ay may pagkakataong maipakita ang kanilang galing, talino, at talento
Ngunit para sa TEP, ang pagkapanalo ngayong taon ay isang makasaysayang tagumpay hindi lamang isang beses kundi dalawa sa magkasunod na taon Itinampok sa tagumpay na ito sina Bb Ricalyn Baculdo at G Yen Luis Año, na itinanghal bilang Lakan at Lakambini PCCM 2024 Ang kanilang panalo ay nagsilbing patunay ng kanilang kahusayan at dedikasyon, pati na rin ang pagpapakita ng halaga ni G Año sa isang makapangyarihang mensahe: “Educating the mind without educating the heart is no education at all ” Ang back-to-back na tagumpay ng TEP ay hindi lamang sumasalamin sa talino, ganda, at talento, bagkus ito rin ay tungkol sa kanilang prinsipyo bilang isang magaaral na nagnanais maging guro Sa pamamagitan ng pahayag ni G Año, ipinapakita ang kahalagahan ng edukasyon ay hindi nagtatapos sa akademikong kaalaman, kundi tumutukoy rin sa pagpapahalaga sa karakter ng mga mag-aaral
Sa kanilang tagumpay, naging inspirasyon sila sa iba pang mag-aaral at maging sa buong institusyon Ang kanilang pagkapanalo ay nagpapakita na ang tunay na edukasyon ay makikita sa mga guro at mag-aaral na may malasakit sa isa’t isa
Sa kabila ng saya nang matanggap siya sa unang paaralang tumanggap sa kanya isang pribadong institusyon kung saan hinubog siya nito, ay may mga bagay pa rin na pinagdaanan si Kaye sa buhay Isa na rito ang pagpanaw ng kanyang asawa, kaya naman naiwan sa kaniya ang pag aalaga sa kanilang anak Ayon sa kanya, “Isang malaking hamon ‘yun para sa akin kasi ever since kami ay college sweethearts, I never imagined kung ano ang buhay kung wala siya ” Ngunit sa kabila ng matinding lungkot at bigat ng mga pagsubok na dumaan, hindi siya nagpadala sa mga problema Patuloy siyang lumaban, sa tulong ng suporta ng iba at sa pamamagitan ng kaniyang pananalig sa Diyos
Matapos ang ilang taon ng pagtuturo sa isang pribadong paaralan, nagagamit ni Kaye ang ilang mahahalagang aral mula sa kanyang dating propesor: “Kung ano yung sa tingin mo na tama at dapat i-absorb, ‘yun ang gawin kapag ikaw ay guro na Kung sa tingin mo naman ay mali at hindi dapat gayahin, ay ‘wag na lang ” Isa pa sa kanyang natutunan mula sa kaniyang karanasan bilang guro ay ang kahalagahan ng malalim na pag-unawa sa mga estudyante at ang hindi pagkawala ng passion sa pagtuturo Ngayon, si Kaye ay isa ng Licensed Professional Teacher, nakapasa noong 2023 Isa rin siyang former Senior High School teacher, maalaga at mapagmahal na ina, at nagtatag ng sariling negosyo ang BrewTopia, isang mobile cart na nagbebenta ng mga fruity at frizzy na inumin, na nagsimula lamang ngayong taon Pinaalala ni Kaye sa mga estudyante, lalo na sa mga iskolar ng Bayan ng Meycauayan, na huwag basta-basta susukuan ang kanilang mga pangarap Aniya, “Sa tuwing nakakaranas kayo ng kabiguan at hirap, idaan sa panalangin ” Habang ipinagpapatuloy ni Kaye Alvior ang kanyang misyon bilang isang guro, isang pangarap na dati ay tanging pangarap lamang niya, ang kanyang kwento ay isang magandang paalala na hindi nagtatapos ang mundo, oras, problema, at pangarap sa loob ng paaralan Bagkus, ang tunay na mundo ay mas lalo pang huhubog sa atin
Ito lamang ang isa sa mga nararamdaman ng layout artist sa bawat organisasyon ng lahan, na sa likod ng kanilang magagandang na ginagawa ay hindi alam ng iba na may taong nangangarap lang noon na mapakita aling na talento sa paggawa ng mga kakaibang syo na nagpapalabas ng kanilang galing at kaiba na nananatiling hindi nakikilala Pero sino nga ba ang mag-aakala na sa likod magagandang gawa nila ay mayroong kibat na pressure na nararamdaman sa g limitadong oras lamang ang binibigay sa Minsan ay nagkakaroon ng biglaang bago sa kanilang gawa na kaya't pati ang ng personal na oras ay nababawasan ag matakot sa pidbak o kritisismo kasi roon uunlad 'yong pagiging malikhain natin ” Isa g ito sa nasabi ni Joy Ann Gallego na isang t artist ng SAME club para sa mga estudyante stong sumubok bilang isang layout artist niya rin na isa sa pinakamahalagang parte estudyante na kasali sa organisasyon ay ang karoon ng tamang paghawak sa oras at ang ng responsable sa isang gawain ya sa tuwing makikita mo ang isang layout ng-puno ng ganda at sining, tandaan mo likod ng disenyo ay may isang tao, isang rtist, na patuloy na nagsusumikap upang a ang kanyang talento at dedikasyon
NI:SOPHIALORAINEDV.SAJUT
Buong buhay ko, Binubuhay ko ang buhay ng ibang tao
Ang aking sining ay hinahangaan dahil sa pinsan ko, Hindi ang aking sariling talento
Pinino ang mga galaw upang makibagay, Pigil ang emosyon, Kontrolado ang bawat desisyon, Bilanggo ng inaasahan
Maihahalintulad sa basong puno ng tubig, Natural at wala pang halong kemikal, Kinakailangan lagyan ng kulay, Upang kanilang maibigan
Isang kaluluwang babad sa muntikan, Binuhusan ng tyansa, ngunit binanlawan, Kamiseta at pantalong hindi nahango, Lilipasan ng init, lamig, hanggang kumupas Kung nakikilala mo, kung sino ako, ipakilala mo sa akin
NI: SOPHIA LORAINE DV SAJUT
Ang Meycauayan Bulacan, ay isang lungsod na mayaman sa kasaysayan at kultura; partikular sa larangan ng alahas Ang kasaysayan ng alahas sa Meycauayan ay nagsimula pa noong panahon ng mga Espanyol, kung saan ang mga manggagawa ng alahas ay nagbigay ng kanilang kasanayan sa paggawa ng mga ito na may kakaibang disenyo at teknika Sa kasalukuyan, ang Meycauayan ay kilala bilang sentro ng industriya ng alahas sa Pilipinas, na nagbibigay ng kabuhayan sa maraming pamilya at nagpapanatili ng kultura ng mga Pilipino
NI: LYSA JOY A. MALLARI
Hapis ang dahilan ng aking pagluha na dulot ng sakit ng iyong pagkawala. Hindi ko matago ang pighati na nag-iwan ng malalim na bakas sa aking isipan Kung maaari lamang na balikan ang bawat sandali, sisikapin kong magkasama tayong muli. Isang yakap, isang ngiti parang hangin na lamang ba ang pagkakataong makapiling kang muli?
PinagmulanngLarawan:InstagramPostniChelseaManalo https://www.instagram.com/p/C9wKgqozGPp/?igsh=MWx1YjZicGVqb3l5cg==
Ang iyong ngiti, na siyang nagsisilbing liwanag sa aking dilim, ang siyang dahilan ng aking pagkapit sa pag-asang ikaw ang gabay sa aking buhay na minsang nawalan ng kulay
KwadernonaPunongSulatparasa
NamataynaPangarap
NI:CHARLYNNEQ.MENDOZA
Kung nakakapagsalita lang ang kwadernong ito, masasabi nito lahat ng pait na gawa ng sarili kong mga kamay
Saksi ang Diyos ng pag-ibig at ang kwadernong ito sa lahat ng pagtataksil sa akin ng kalangitan at sa lahat ng antas sa buhay ko; mula sa masaya hanggang sa pagluluksa Narinig na rin nito lahat ng dasal at kung paano ako mangarap Mga hinaing na ako at ang kwadernong ito lang ang nagkakaintindihan Naramdaman din nito ang gaan ng aking kamay kung paano ko isulat ang aking mga plano pati na rin ang bigat ng lahat ng ito ay naglaho Natanaw din nito kung paano ako tumingin sa malayo, hindi man lang makalayo sa mga pangarap na aking plinano Nalaman din nito ang saya ng magkaroon ako ng bagong lapis at ang bigat nang unti-unti itong nawalan ng tasa dahil sa walang sawa kong pagsulat Halata na rin sa kwaderno ko ang paglipas ng panahon luma na ito, puno ng mga dumi at pilas, na tila napagod na rin sa walang katapusang pagtata pang
Ang Meycauayan Jewelry Industry Association (MJIA), na itinatag noong 1985, ay naglalayong paunlarin ang industriya ng alahas at protektahan ang mga interes ng mga manggagawa Ang samahan ay nagbibigay ng suporta sa mga manggagawa ng alahas sa pamamagitan ng mga workshop, seminar, at iba pang mga gawain Ang MJIA ay nagpapatuloy na magbigay ng pag-asa sa mga manggagawa ng alahas sa Meycauayan, at nagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
natamo At kung hindi kita maaaring makuha at maalagaan hanggang sa aking huling hininga, aking pangarap, hayaan mo ako ibigay sa ‘yo ang aking mga mata upang malaman mo na pinag- laanan kita ng isang kandila noong Nobyembre uno upang ipagtirik; pinagluluksaan pa rin kita
Ngunit sa kabila nitong pagluluksa, nawa'y mapatawad natin ang ating mga sarili sa tuwing hindi natin nakakamit ang mga plano ng batang tayo at ng iba para sa 'tin
Dugo at pawis ang inalay ni Chelsea Manalo sa patimpalak na humamon ng sobra sa kaniyang buhay Noong una, marami sa atin ang walang ideya kung ano-ano ang mga naging pagsubok na pinagdaanan ni Chelsea Manalo bago makarating sa entablado ng Miss Universe Marami ang bumatikos sa kaniya, mga hindi naniwala, at bumato ng iba’t ibang panghuhusga. Ilan lamang ito sa kaniyang mga natamo sa mga hindi malamang dahilan na nanggaling mismo sa mga taong dapat unang sumuporta, magbigay tiwala at magmahal sa kaniya ang kapuwa Pilipino Nagsimulang mamulat ang karamihan sa lahat ng pagsisikap ni Chelsea Manalo nang mapanood nila ang Fast talk with Boy Abunda nito Sa pamamagitan ng plataporma na ito, nalaman ng lahat na hindi basta-basta at hindi biro ang lahat ng nangyari kay Chelsea Manalo Naikwento ni Chelsea ang kaniyang mga naging pagsubok ng nagsisimula pa lamang siya, ayon sa kaniya lumalaban siya ng walang tulong ng iba, sariling pera niya rin kaniyang ginagamit para sa kaniyang pangangailangan, sariling sikap para lang makahanap ng mga susuotin na kaniyang gagamitin sa laban at sariling pagtitiis para lang malagpasan lahat ng naging hamon; maipaglaban lang ang kaniyang lugar na kinagisnan. Ang lahat ng kaniyang hirap na napagdaanan ay tila lahat ng ito ay naglaho ng magkaroon ng maraming tao ang nais tumulong at sumuporta sa kaniya, isa na rito ang kilalang Jewelry designer na si Hanny Malasan, kung saan siya ang nag disenyo ng mga susuotin ni Chelsea Manalo nang siya ay lumaban sa Miss Universe na nabigyan niya rin ng hustisya dahil sa kaniyang angking ganda. Bilang isa sa mamamayan ng Meycauayan, tunay na nakakamangha ang kaniyang naging paglalakbay patungo sa kaniyang pangarap Ang pagtayo sa sarili niyang mga paa ay masasabi mo talagang buong lakas at loob niyang nilaban ang kaniyang kagustuhang mabalik muli ang korona sa ating inang bayan Sa kabila ng kaniyang mga naging pagsubok, hindi ito naging hadlang para maging taas noong ngumiti sa harap ng lahat Si Chelsea Manalo ang nagpatunay sa katagang "kapag gusto, may paraan”, kung kaya't nagawan niya ng paraan ang lahat ng pagsubok na dumating sa kaniya, dahil gusto niyang lumaban ng patas, totoo at walang halong kung anong koneksyon para lang maisagawa ang kaniyang nais para sa Pilipinas
Ang MJIA ay nagkaroon ng malaking pag-unlad sa panahon ng pamumuno ni Gng Cecilia Ramos Pinangunahan niya ang mga miyembro ng MJIA sa iba't ibang proyekto, programa, at aktibidad, kabilang ang mga teknolohiyang misyon sa Baguio, Paracale, Camarines Norte, at Acoje mining upang matuto ng paggawa ng filigree, produksyon ng antiko at disenyo ng etika, at jade lapidary Ang layunin ng proyektong tinatawag na "Alahas Gawang Meycauayan" ay patunayan na ang Meycauayan ay kayang gumawa ng mga produkto na hindi lang pang-lokal kung hindi pang-internasyonal din Ang koleksyon ng mga alahas na naglalaman ng mga produksyon ng mga antique na alahas ng Pilipinas sa ginto at pilak, ay ipinakita sa ika-12 Manila FAME Gift at Housewares Market Week sa Philippine International Convention Center mula Oktubre 26 hanggang 30, 1990 Ang koleksyon ng alahas ng MJIA ay pinarangalan ng prestihiyosong Katha Award para sa Pinakamahusay na Disenyo ng Produksyon Ito ay isang napakagandang tagumpay na makakuha ng ganoong prestihiyosong parangal sa unang pagtatangka sa Pambansang Eksibisyon tulad ng Manila FAME Ang Meycauayan Jewelries ay kilala sa paggawa ng 14k at 18k na ginto na singsing ng kasal at engaygement, ngunit hindi ito limitado sa mga partikular na disenyo Nag-aalok ang kompanya ng iba't ibang opsyon sa mga center stones tulad ng natural na diyamante, lab-grown, at colored gemstones, upang matugunan ang iba't ibang pangangailangan at preperensya ng mga kliyente Sa pagkakaroon ng malawak na hanay ng mga maaaring pagpilian, ang Meycauayan Jewelries ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kliyente na magkaroon ng perpektong alahas na tumutugma sa kanilang personal na estilo at panlasa
Sa pagtatampok ng makulay na kasaysayan, kultura, at sining, ang Meycauayan ay nagbibigay ng malalim na pagpapahalaga sa kahalagahan ng kultura at tradisyon Ang industriya ng alahas ng Meycauayan ay hindi lamang isang anyo ng sining kundi isang simbolo rin ng pagkakaisa sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan Sa pagpapanatili ng mga pamana ng pinakamamahal na lungsod ng Meycauayan, nagbibigay ito ng inspirasyon sa mga Pilipino na ipakita ang kanilang pagmamahal sa kultura at kasaysayan ng bansa
Isa ka rin bang dakilang payaso ng mundo, Nagpapanggap sa ilalim ng mga bituin?
Ayaw mo bang tanggapin ang naganap,
Sa buhay mo, sa pagkatao, at mga kasalanan?
Madalas, napapatanong ako sa gabi,
Kung may hangganan ba ang paghikbi?
Kung hanggang kailan ko kaya gagawin,
Ang mga bagay na 'di ko naman gusto, para lang makasabay?
Kung hanggang kailan kaya ako magsasakripisyo, Para isalba ang iba?
Darating din kaya ang araw na hahabulin ko naman?
Ang sariling pangarap, 'di ang iba.
Sa mga mata ng iba, isang artista, Ngunit sa aki'y isang payaso.
Hindi ko alam kung saan ko isisisi,
Ang kakapusan kong lumaya sa sariling pagkasuya.
Hindi ko akalaing, Magiging dalagang payaso ako, Hindi artista.
a bawat kumpas at indak ng Zumba, hindi lamang ang katawan ng mga mag-aaral ang natutulungan kundi pati ang kanilang isip at damdamin Sa PCCM, kung saan ang tradisyon ng lingguhang aktibidad para sa bawat kurso ay ipinagdiriwang, ang Zumba ay nagiging daan hindi lamang para sa pisikal na kalusugan kundi pati na rin sa pagsasama-sama at paglilibang ng mga estudyante
Ayon sa mga pag-aaral, ang Zumba ay may kakayahang magpabawas ng 300 hanggang 900 kaloriya sa loob lamang ng isang sesyon Ito ay nagdudulot ng pagbilis ng tibok ng puso at pagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo, na mahalaga para sa mga mag-aaral na nagiging abala sa kanilang akademikong buhay Bukod sa mga benepisyong pisikal, ang Zumba ay nagdudulot din ng positibong epekto sa kalusugan ng isip Mahalaga ito lalo na para sa mga nasa Teacher Education Program (TEP) at Office Administration Program (OAP), kung saan kinakailangan ang pagpapanatili ng kanilang maayos na kalusugan
Para sa mga estudyanteng nasa TEP, nagsilbing pahinga at kasiyahan ang Zumba mula sa kanilang matitinding akademikong gawain Ang pagiging guro ay nangangailangan ng matinding dedikasyon, pasensya, at positibong pananaw sa buhay Ang pagsasayaw ng Zumba ay nagbibigay-daan sa kanila na mapalakas hindi lamang ang kanilang katawan kundi pati na rin ang kanilang tiwala sa sarili, positibong pananaw, at enerhiya Sa bawat indak, nararamdaman nila ang pagtutulungan at pagkakaisa na makakatulong sa kanilang pagiging handa sa mga hamon ng propesyon
Samantala, para sa mga estudyante ng OAP, naging mahalaga ang Zumba bilang isang pagsisimula ng kanilang lingguhang pagdiriwang Pinangunahan ito ng grupong P-Style, isang organisasyon ng mga mag-aaral na dalubhasa sa pagsayaw Sa bawat galaw ng sayaw, ang mga estudyante ay nagiging mas alerto at handa para sa mga darating na gawain Naging paraan ito upang mapabuti ang kanilang konsentrasyon, pagiging produktibo, at pakikipagkapwa Ang pagsasayaw ng Zumba ay nagsilbing inspirasyon at lakas na magagamit nila sa kanilang pang-araw-araw na gawain sa paaralan
Ang kalikasan ay sumasalamin sa estado ng ating pamayanan Sa Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM), naging hamon ang mga nagkalat na basura na tila walang patutunguhang tambakan Sa kabila nito, ipinakita ng mga piling mag-aaral ang kanilang dedikasyon sa kalikasan sa pamamagitan ng isang masigasig na clean-up drive na ginabayan ng kanilang NSTP
instructor Sa ilalim ng mainit na araw, nagtulungan ang mga estudyante upang linisin ang bawat sulok ng paaralan Ang bawat isa ay may dala-dalang kagamitan mga walis, sako, at iba pang panglinis na instrumento ng kanilang pagnanais na baguhin hindi lamang ang kapaligiran kundi pati ang kanilang pananaw sa kalikasan Ang simpleng pagkilos na ito ay naghatid ng isang mahalagang aral: ang bawat maliit na ambag ay may malaking epekto kapag ginawa nang sama-sama
Hindi lamang katawan ang nakikinabang sa mga benepisyo ng Zumba Para sa isang magaaral, ang kalusugan ng isip ay mahalagang aspekto upang magtagumpay sa pag-aaral at maging produktibo sa hinaharap Ang Zumba ay nakakatulong upang mabawasan ang antas ng stress, maging kalmado, at makahanap ng positibong pananaw sa kabila ng mga pagsubok Sa bawat sesyon, natutulungan silang maging mas determinado at may mahabang pasensya mga katangiang mahalaga hindi lamang sa kanilang pag-aaral kundi sa kanilang hinaharap bilang mga propesyonal Ang Zumba ay hindi lamang isang sayaw; ito ay isang pamumuhunan sa ating kalusugan at kinabukasan Para sa mga estudyante ng PCCM, ito ay isang patunay na ang pagsasama ng ehersisyo sa pang-araw-araw na pamumuhay ay may malaking kontribusyon sa kanilang pag-unlad bilang mga mag-aaral at hinaharap na propesyonal Ang bawat galaw at indak ay hakbang tungo sa mas malusog, mas masaya, at mas positibong kinabukasan
Bukod sa pagpapanatili ng kalinisan, ang clean-up drive ay nagbigay-diin sa personal na pag-unlad ng mga mag-aaral Natutunan nila ang pagiging responsable hindi lamang para sa kanilang sarili kundi pati na rin para sa kapakanan ng iba at ng kalikasan Sa bawat hakbang na kanilang ginawa upang pulutin ang basura, tumibay ang kanilang pag-unawa sa kahalagahan ng disiplina at pagtutulungan
Hindi maikakaila ang pangmatagalang epekto ng proyektong ito Hindi lamang nito nalinis ang kapaligiran ng PCCM, kundi nag-iwan din ito ng mahalagang impresyon sa mga mag-aaral: ang pangangalaga sa kalikasan ay isang sama-samang responsibilidad Ang clean-up drive ay hindi lamang tungkol sa paglilinis; ito ay isang paalala na ang maliit na pagkilos, kung may puso at malasakit, ay maaaring maging daan sa pagbabago para sa isang mas maayos at malinis na mundo
Sa pana hon ng lumalalang po lusyon at nagbabagong klima, nagsilbing inspirasyon ang inisyatibo ng mga piling estudyante ng Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) Sa ilalim ng kanilang National Service Training Program (NSTP), nagtanim sila ng iba’t ibang halaman bilang kanilang ambag sa pangangalaga ng ating kalikasan
Sa tulong at gabay ng kanilang NSTP instructor, isinagawa ang proyekto nang maayos at sistematiko Pinili nila ang mga halaman na nakakatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin at nagdadala ng sustento, tulad ng mga gulay at fruitbearing trees Sa simpleng hakbang na ito, nagkaroon sila ng direktang ambag sa pagbabawas ng carbon dioxide, pagpigil ng soil erosion, at pagpapaganda ng kapaligiran
Hindi lang kapaligiran ang nakikinabang sa proyektong ito; pati na rin ang mga estudyante ay nagbago Natutunan nila ang kahalagahan ng pagtutulungan, disiplina, at malasakit sa kalikasan Ang karanasang ito ay nagpatibay sa kanilang kamalayan na ang maliit na aksyon ay may malaking epekto sa lipunan
Ang simpleng pagtatanim na ito ay higit pa sa isang NSTP project Isa itong paalala na kaya nating magsimula ng pagbabago sa pamamagitan ng mga maliliit na hakbang Sa bawat halamang tumutubo, umuusbong ang pag-asa para sa mas maayos na kinabukasan
Narito ang inayos na bersyon ng iyong teksto Inayos ko lamang ang mga simpleng gramatiko at bantas upang mas maging malinaw at tama ang daloy ng mga ideya, nang hindi binabago ang istilo ng pagsusulat
Ang mateknolohiyang mundo, kung saan ang bawat indibidwal ay mayroong kakayahang makagamit ng iba’t ibang klase ng gadyet, ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan Ito rin ay nag-aalok ng iba’t ibang pampalipas-oras o mga babasahing nasa puso ng merkado Ang mga estudyante ng PCCM ay kabilang sa milyon-milyong gumagamit ng artificial intelligence
Ngunit ang Artificial Intelligence ay nagdudulot din ng ilang isyu, tulad ng pag-asa ng mga estudyante sa kakayahan nito sa pagbibigay ng direktang sagot sa kanilang mga kata- nungan Ang labis na pagdepende sa AI ay maaaring ma- kabawas sa kanilang kritikal na pag-iisip, na nakakaapekto sa kanilang pangakademikong pag-aaral Isa na rito ang pagkawala ng kumpiyansa upang mag-isip at magsaga- wa ng mga aktibidad nang walang tulong ng artificial intelligence
Ang Artificial Intelligence ay nag- papakita ng interes ng bawat indibidwal, na nagdedesisyon kung paano ito gaga- mitin Isa na rito ang paggamit ng AI bilang katuwang sa pag-aaral ginagamit ito upang ma- katulong sa mabilisang pagkalap ng ideya at mabisang pagkaunawa sa mga komplikadong aralin
buhay
Pinataob ng Hospitality Management Program (HMP) Basketball team ang koponan ng Techer Education Program (TEP) sa Basketball finals, 113-96, sa Meycauayan Sports Complex, Nobyembre 15
Leksyon ang dala ni Joel Abuan Jr ng selyuhin ang hangganang kalamangan sa laban at kuhanin ang MVP
Aniya, “pinaghandaan namin yung game para mag-champion kami kasi gusto talaga namin manalo as a team at nag-usap usap muna kami lagi bago lumaro at nagdarasal kami.”
Bakbakan kaagad ang bumungad sa unang quarter matapos ang palitan ng tres nina Ventura habang Contilla at Escoto naman sa TEP, ngunit nanaig ang HMP na may 4 na kalamangan, 31-27
Sa ikalawang yugto, sinamantala na ng HMP ang Kanilang size advantage sa ilalim kasabay ng full-court press na nagresulta sa sunod-sunod na turnovers sa mga natitirang minuto para palubohin ang pagitan sa score-board, 62-46
Naging pisikal na ang magkabilang koponan sa third quarter para magkaroon
ng foul troubles at maraming free throws, ngunit nangibabaw pa rin ang laki ng HMP, 93-73 Sa huling yugto, Tuluyan ng hindi nakahabol ang palabang kaguruan, 113-96
Maraming hamon ang kinakaharap ng mga atletang mag-aaral mula sa Polytechnic College of the City of Meycauayan (PCCM) partikular sa kung paano pagsasabayin ang kanilang kaganapang pang-akademiko at ang kagustuhang mapaunlad ang kakayahang pampalakasan Subalit, sa likod nito ang eksternal na balakid tulad ng kakulangan sa pasilidad pang-isports ang isa sa dinadaing ng mga manlalaro
Ayon kay G Alex Lizardo, tagapag-ugnay sa Isports limitado pa rin ang mga pasilidad ng paaralan, kaya madalas ay nagkakaroon ng pag-eensayo sa labas Sa kabila nito, patuloy na nagsusumikap ang mga atleta upang magbigay ng pinakamahusay na laro sa bawat patimpalak na kanilang nilalahukan
Sa panayam sa iilan na atleta, inilahad nila na malaking hamon ang pagsabayin ang pag-aaral at pag-eensayo Kinakailangan nilang magpasa ng mga gawain sa takdang oras, habang naghahanda para sa mga kompetisyon Ibinahagi rin nila na hindi lamang pisikal na lakas ang mahalaga sa laro kundi pati mental na kalusugan Iniisip nila ang mga responsibilidad sa klase na minsan ay nagiging sanhi ng pagbaba ng kanilang grado Pinasalamatan naman nila ang ilang guro na nagpapakita ng pag-unawa at suporta sa kanilang sitwasyon
Dream Big, Aim High ito ang moto ng mga manlalaro mula sa Hospitality Management Program (HMP) nang muling maghari at masungkit ang kampeonato laban sa koponan ng Teacher Education Program (TEP), Office Administration Program (OAP) at TESDA sa ginanap na Sports Intramurals kaugnay sa pagdiriwang ng 21st Foundation Week ng Polytechnic College City of Meycauyan noong Nobyembre 13-15, 2024 sa PCCM Main campus.
Kabilaang tawag ng parangal at panghanga ang nakamit ng HMP nang tanghaling kampeon ang kanilang Basketball Team na pinangunahan ni Mr. Joel D Abuan Jr bilang bayani ng laro at sa gabay ng kanilang Coach na si Mr Ryan Victor Samson
Spike for win! Ito ang ipinamalas ng Hospitality Management Program (HMP) at Teacher Education Program (TEP) sa finals ng Men’s at Women’s Volleyball noong ika-14 ng Nobyembre, 2024 kung saan naiuwi ng HMP Men's at TEP Women's ang panalo, 3-1, 3-1.
Star of the Day ang ibinigay ng dalawang dalubhasa at malakas na manlalaro ng Men's at Women's Volleyball. Na kung saan naging MVP siacna Russel Rulloda ng Men's Volleyball at Criselle Dela Peña ng Women's Volleyball. Dalawang beses nagtapat ang HMP at TEP Men's mula sa umpisa ng patimpalak, ngunit nanguna pa rin ang HMP sa laro. Service ace para sa TEP na nagwagi sa madikit
sa maganda at dikit na laban ng dalawang mahuhusay at magagaling na kaponan ng laro.
“Ito kasi yung hindi namin nakuha last year Kinuha namin yung oportunidad na mas healthy ‘yong team na mas maraming players, na mas batak mag basketball “ ani ng HMP Coach na si Prof Ryan Victor Samson
Sa kabilang banda, kinumpleto naman ng TESDA basketball team ang comeback mula sa 7-point defeacit first-half laban sa OAP, matapos magpaulan sa opisina ng tres sa second half para selyuhin ang bronze
Kaugnay nito, ayon kay G Lizardo, mahalagang tugunan ang kakulangan sa pasilidad upang mas maayos na matugunan ang pangangailangan ng mga atleta pag dating sa maayos na lugar ng pag eensayo
"Sobrang saya nang malaman namin na muli kami ang champion pero sa una siyempre 'di muna namin kine-claim na mag-champion kaagad, kumbaga nakapokus pa rin kami sa mga taktika ng laro upang mapagtagumpayan namin " pahayag ni Joel
D Abuan Jr MVP ng Basketball Championship 2024 Sinundan ito ng isang umaatikabo, dikit at matinding laban ng HMP Men’s Volleyball Team laban sa TEP kasama ang nag iisang Russel Rulloda kampeon ng laro Muli, pumaimbulog ang nasabing koponan.
Hindi nagtapos sa basketball at volleyball ang kanilang mga parangal kung saan sinundan ito ng iba’t ibang trupeyo mula kina Angelica Carpio sa Badminton Women’s Single Category,
Iminungkahi ng mga atleta na mabigyan sila ng mas maagang paghahanda at mas maayos na polisiya upang mapabuti ang kanilang pagsasanay Binanggit din nila ang pangangailangan sa dagdag na jersey at sapat na supply ng tubig sa panahon ng ensayo
Ang mga atletang mag-aaral ay nagdadala ng karangalan sa ating paaralan Sa mas mahusay na sistema at suporta tiyak na mas gaganda ang kanilang laro at motibasyon Ito ay isang pagkakataon para sa paaralan na patuloy na pagandahin ang suporta sa mga atleta at palaguin ang kultura ng kahusayan at pag-unlad
Ika nga sa isang pahayag, “walang hindi kakayanin na abutin, basta’t ang kalinga at suporta ay walang pinid”
Xavier Louis Nierves at Marlo Maglente sa Badmintong Mens Doubles Category, at hindi magpapahuli sina Xenah C De Jesus at Ivan Axcel Ofracio ng Badminton Mixed Doubles Category
HMP! Streaks never end ng manguna ang kanilang mga manlalaro mula sa Table Tennis na si Claudette Maico sa Womens Single Category, Ginlius Layman at Steven Ramos sa Table Tennis Mens Doubles Category, Claudette Maico at Jeradine Castro sa Table Tennis Womens Doubles Category, Edison Gan at Jeradine Castro sa Table Tennis Mixed Doubles Category at nagtapos kay Delvin Dominguez MVP ng Mobile Legends Bang Bang
Hindi naging madali para sa bawat isa ang maging manlalaro sa isang larangan isports kasabay ng paghamon sa buhay, pag-aaral, at kakulangan sa preperasyon, ngunit hindi ito naging hadlang para sa mga HMP upang maging kasintayog ng mga bituin at abutin ang mga parangarap na minimithi.