Volume 1: Clandestine

Page 1


Clandestine

2


VIRTUOSO Literary Folio Volume 1 : Clandestine

POLYTECHNIC COLLEGE OF THE CITY OF MEYCAUAYAN Pag-asa Street, Malhacan, City of Meycauayan, Bulacan

Date of Publication: June 2020

3


FOREWORD Scribes established in year 2011, Virtuoso is the first ever literary folio of the college since then. From its conception of advocating literature within Polytechnic College of the City of Meycauayan, the organization thrives in the present context, to stand as a platform for publishing prose, poems, short stories (fiction and non-fiction) ,open letter and comics from its undergraduate students, Administrators, Staff and Faculty members. The organization believe that great literary pieces deserve to be presented in a form worthy of their contents. For over 16 years we have celebrated the unique joy to be derived from owning, holding and reading a beautiful printed edition of Virtuoso Volume 1 : Clandestine. The literary pieces we select for publication are timeless – we know they will be enjoyed and appreciated now and in the future. Because each masterpiece is considered as an individual object of value in its own right, there is a variety to our aesthetic – the only uniformity is in the quality of every single edition/volume we will be publishing. The collection comes in the form of a folio, published at the end of every second semester of the school year. Scribes continues developing its craft and its awareness to contemporary issues through the formation of various workshops, lectures, discussions, researches, and collaborations .

Mark Daniel l. Baretto Adviser, Scribes

4


FOREWORD “it keeps you up at night spilling it gives you the very fright is it a person, a word, or a thing? the killer now owns it, what is he keeping?”

We all own a little bit of unspoken parts of us—something that is hidden, deep within and unwilling to be seen. It is a shapeshifter, taking the form of its own master; never visible to the human eye and yet hundred thousands of lives—flesh and blood—were sacrificed to grasp it. Hundred thousands of men have been slaughtered for the mere greed to keep it or find it. But as dangerous as the hands that mold it, some hold the power to change history and save lives. Only a handful of souls would venture where feeble minds only went as far as to ponder. These souls have their eyes unblinded, ears uncovered and mouths unsilenced.

When you find them, keep them. Do not keep this a secret: the truth can never be silenced.

Cindy C. Galvez Editor-in-Chief, Scribes

5


FOREWORD Ang isang akda ay maituturing na repleksyon sa pananaw at pag-iisip ng isang manunulat. Ang anumang bagay na binibigyang kahulugan ng isip ay isa ring malalim na interpretasyon ng lumikha nito. Ang Literary Folio na ito ay ang mga pinagsama-samang orihinal na akda ng mga mag-aaral ng Polytechnic College of the City of Meycauayan, isang lokal na kolehiyo sa lungsod ng Meycauayan. Ito ay binubuo ng iba't ibang uri ng literatura tulad ng tula, bukas na liham, maikling kwento, at iba pa. Layunin ng Folio na ito na muling buksan ang mga nahimlay at nagkukubling talento at galing ng bawat magaaral sa pagsulat ng literatura. Ang bawat isa ay may natatagong lihim. Iba-iba man ang paraan ng pagkukubli nito, ito ay mananatiling saradong lihim.

Jan Marliz S. Agustin Associate Editor, Scribes

6


FOREWORD Hey! Yes, you— the one reading this foreword. I'm going to ask you a question. Do you wanna know a secret? You see, every single person you know has a secret hidden in the deepest part of their mind and heart. One is for the good of all and the other is for the darkest thought you will ever know. So, if you are reading this, make sure that you are prepared for all kinds of secrets and promise not to tell. To be fair, I will be sharing with you my secret. Do you wanna know my secret? But I should warn you that what you will read may not be what it seems. Be kind; be gentle with me. I can see it in your eyes—how cruel, how pure, how hideous you really are. But I won't judge you, for I know what it's like to live in a world full of pride and prejudice. The sun is up but the world is down. Every math we hate is the numbers we actually ate. Oh goodness, look! The raging seas are at it with the burning bush. Rocks, paper, scissors were used. Who do you think will win and who will lose? The thing with the globe is that it's just round and nothing special. Pirates wanted the hourglass of the impossible and the marine wanted the delicate noble. Where would I be in this globe where no one wants me? Where would I be when I cannot be who they wanted to see? So many humans; so many minds. So many selfish desires! That's why God gifted me with one special eye. I can see it in your eyes— who you really are. I can give you hope for your kindness and powerful mind however if you don't understand, your own hell will run wild. Now, you have read my secret. You must promise not to tell because if you do, you will spark a fire enough to burn all those around you. You see, humans cannot see beyond especially to things that they don't want to understand. Ignorance is bliss, they say. But is it really?

Priscila Mae DS. Balangue Managing Editor, Scribes

7


Writing is the struggle against silence.

The Scribes MA.PAZ G. CONTRERAS, Ed.D DIRECTRESS, OSA MARK DANIEL L. BARETTO,LPT ADVISER, Scribes CINDY C. GALVEZ Editor—in-- Chief JAN MARLIZ S. AGUSTIN Associate Editor PRISCILA MAE DS. BALANGUE Managing Editor

CRISMELAINE F. HERRERA News and Senior Editor

CAMILLE ELLA P. DIAZ Layout Artists

FRESCY A. LAGAMON Feature Editor

ROMEL T. NACIONAL Layout Artist/ Cartoonist

ELSIE F. CONCEPCION NEWS WRITER

RIZZA VERSULA Cartoonist

pccmscribes@gmail.com

8


TABLE OF CONTENTS

POEMS 12 13 14 15 16 17 18 19 19 20 21 21 22 23 24 25

FRIENDSHIP WHAT MAKES THE SKY CRY? EUKARISTIYA BABANG-LUKSA LIMOS (UN) REMOVABLE FRIENDZONE ANX HOPE FOR MY LOVE A SIMPLE THOUGHT PAG LISAN KADENANG EMOSYON COVID 19 TANAW IKAW, AKO, TAYO AT SIYA

26 26 27 28 29 30 31 32 32 33 34

EX LOST SOUL MARCH, 1998 BAWAT PAALAM SWEETEST SUICIDE DOWNSIZING I AM AN INTROVERT SIBOL CONFESSION OF A BROKEN HEART PARA SA KAPWA KO IPIPINTA KITA

9


TABLE OF CONTENTS

SHORT STORIES 36 37 38 39 40 42 43 45

HOPIANG UBE SA SYUDAD NA KANYANG PINAGTRABAHUHAN SHADES OF THE PAST ANG MIRASOL AT EDGAR NG PILIPINAS I HATE MY FATHER SARA SARA ALA-ALA SA BAGON YAMAN (Dagli)

OPEN LETTER 49 50 51

WALANG MAIIWAN SA EDUKASYON PSALM DEPRESS MECHANISM

53

ABNormal: Cassie, Mass Testing Muna Bago Pumasok sa Iskul

55

ABnormal: COLORLESS JUSTICE

COMICS

10


POETRY "Cowards die many times before their deaths; the valiant never taste of death but once".

WILLIAM SHAKESPEARE English poet and playwright (1564-1616)

11


Friendship Ariel Laude Almazora Sweet are the hours we’ve mold Endlessly compare to diamonds nor gold, For such a treasures scents delight Precious memories that stars at night Burdens of songs we played as a whole Gleams up smile that blossoms to the soul In laughter and tears, united as one As much as it is, by hearts to bond Soaring difficulties that sways and stings For heart to talk not by lips to sing Forgive and forget speaks softly as told Countless memories, barely arms that holds. You walked with me in this life’s long journey At times torn by sweet and waves of misery A “remember when” point of my existence A story to be told.., a moment with a friend. And no matter how far life will take me away I shall never forget each and everyday Give thanks to you that lights my way Because you’re one of the few that completes me.

12


What Makes the Sky Cry? makikuruta

I am a daughter and a friend A silent dreamer at night As my heart feels love with no end I chose to live with no fright I prefer to stand on my own Family and friends to inspire As they guide me up to my throne And walk towards it like on fire I promised myself to believe In God, in people, and in me I have my own dreams to achieve Then it will be a sip of tea I longed for my big achievement I want to be the perfect one For me to feel the relief and To say, “I’m proud, I have won”

Yet like how the seasons are changing My heart feels a little empty My life has been interesting It seemed like I needed an entry Life definitely gets harder I work hard and I continue do I remind myself, “Go farther” They see a rainbow, they have no clue.

13


Eukaristiya Jayfrel N. Rastica Ang umiibig ay matiisin Ang umiibig ay mapaghintay Ang umiibig ay siyang maalam Ikaw na tunay na dakila magpakailanman. Sa paglahad nitong palad may biyayang nakaamba Sa paglakad ng pari'y kaligtasa'y nandiyan Mga mata ko'y sayo'y nakatanaw O, kailan ka muling makakamtan.

Matagal na pala sayo'y napawalay Sabik na akong kitain ka at magnilay Mga himno ng koro na kay gaan pakinggan Nasa aking puso'y nagbibigay tiwasay Pagpasensyahan mga gawang makasalanan Nasa 'yong puso'y labis na sumuga't tumarak Kung minsa'y pinagdududahan angking kapangyarihan Sapagkat ako'y taong halos walang nalalaman. Parusa man aming dinaranas Dinggin mo Diyos natatanging dasal Ikaw ang araw sa katanghalian Ang lamig sa paglubog nitong araw. Sa isang kumpas mo'y pandemya'y mapapawi Bayan mo'y pabalikin dating sigla Pawiin mga luhang tumulo sa lupang hapis Paglaruin muli mga batang sa laro'y sabik. Kumusta na ang mga tarangkahan ng simbahan? Ang mga sampaguita't kandila sa labasan ? Ang amoy ng insensong sa katawa'y bumubuhay Ang kulingling nasa taenga'y umiingay. Ang mga ito'y nakakapanabik balikan Parang isang binibining sa binata'y nawalay Tila yata parehas tayong nasugatan Tunay na masakit sa mahal ay mawalay.

Sa tamang oras ng pagbabalik Ika'y mas igagalang kaninoman Pagsasaluhan natin mga sermong matamis Ang krus na pinagbuhusan nitong buhay na mahapdi. Ulitin natin masasayang nakaraan Kung saan mga puso'y nagtatawanan Ibubulong sa'yo mga hinaing na mapait At ika'y tutugon ng may angking lambing. Muling babangon ng may angking pag-asa At masisilayan banal na ostiang daluyan Daluyan nitong pag-asang matingkad at matibay Ako'y muling papasukin sa bahay dalanginan

Sakit at gutom ay lilipas Mga pagtangis ay may katapusan Kung tayo'y mananatili sa kanya magpakailanman Muling makakamit Eukaristiyang inaasam.

14


Babang-luksa Jaybee Caburnay

Sapat na nga ba ang isang taon? Ang lahat nga ba ng sakit ay maibabaon? Kapag nawala ang isang taong mahal ka, Nalilipasan din ba ng panahon ang halaga?

Maraming mga tanong na hindi pa nasasagot, Tulad ng kung bakit tila iisa pa din ang kirot? Nababawasan nga ba pagkabalisa, Kapag dumating na ang panahon ng babang-luksa. Katumbas ng labing-dalawang buwan, O limampu't dalawang linggo, humigit kumulang tatlong daan araw, O baka masyado lang akong mababaw. Sa bawat gabi ng pagtulog, Sa langit isa ang laging dulog. Kung maaring minsan sa asul na buwan, Kahit sa panaginip ikaw ay mahagkan. Nagbabakasakaling bumalik, Kahit sandali, Ang kahapong 'di na maibabalik ng panahon. Ala-ala ng pag-ibig ng isang masayang kahapon. Kung mabigyan ng pagkakataong muli kang makaniig, Isisigaw ng malakas, upang lahat ay madinig. Mga mensahe ng pag-ibig minsan lamang kung masambit, Baunin mong bitbit patungo sa uwian mong langit. Ang lahat daw ng sugat ay nahihilom ng oras, Pati ba ang pangungulila? hindi yata, malas. Maaaring lumipas ang maraming panahon, Ngunit ang pangungila'y hindi maglalaon.

15


Limos Elsbeth D. Olasiman

Ang hapdi siguro sa dibdib Maglapit ng palad sa mga matang mailap Pag-asa'y patuloy hinahanap Nagbabantay, nagaabang sa pagdating Sa bawat umaga, bungad ay kulimlim Sa tanghali'y silaw sa sinag Tila hindi makaapuhap ng liwanag Sa pagdilim ay halos ayaw paring pagapi. Hanggang sa dapit-hapon, pagabi Pikit mata, sambit ang laging panalangin Maanong ipihit nawa ng langit Itong dusa ng pusong tigib na tigib.

16


(UN) REMOVABLE MARK DANIEL L. BARETTO

They thought that love is unblemished, When glory seems unsound, The mind that decree and the heart that decides, Does love is divine when unremovable was? To love, the unlovable To unquench, the unquenchable To restrain, the unrestrainable To forgive, the unforgivable Disremembering, the memorable Changing, the unchangeable Disbelieve, the believable And removing, the unremovable.

17


FRIENDZONE SHENA CYRIL S. CALLANGAN

Ilang araw ko ng tinatanong sa sarili ko. Ano nga ba talaga tayo? Ano nga ba talagang meron satin at hindi naman tayo? Ngayon magkasama tayo. Masaya tayong nagtatawanan sa mga bagay. Masaya tayong magkahawak ng kamay na para bang sinasabi na ayaw na nating mawala ang isat isa. Na kuntento na tayo sa kung anong meron tayo. Pero bakit ganon? Bakit hindi ko maipagsigawan na tayo na? Siguro dahil hindi pa natin alam kung ano nga ba tayo... kung ano nga bang meron satin. At ang mga mahihigpit na yakap mo. Ang mga yakap mo na nagsasabing parang ayaw mo na kong mawala. Pero sa mga susunod na araw na dadaan daanan mo lang ako dahil kasama mo sila na para bang wala tayong pinagsamahan. Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung ako lang ba talaga yung nakakaramdam ng ganito. Ako ba talaga ang nararapat sa posisyon na to? O nagkataon lang na ako yung nandito para sayo? Hanggang sa dumating ang isang araw na naglakas loob akong tanungin ka. Mga tanong na matagal ko nang tinatanong sa sarili ko na ngayon ay maitatanong ko na sayo. "Ano ba talaga tayo? Meron bang tayo?" Biglang tumahimik ang kapaligiran, Tumahimik na tila bang may hindi mangyayaring maganda. "Sorry, hanggang kaibigan lang talaga tayo."

18


ANX Tita R

Door to wall wall to floor every see is frightening what I see is deepening scared to lose but choose not to win everything is dark all I wanted to do is bark

mirrors all the places I see my face in a darkest place voices are what I heard eating me alive telling not to live. I lose control when I freed safety body was on bid insecurities were born my body is thorn

HOPE AJV

Pandora's box has been opened And now dreadful things happened It’s been a week But, it feels like a month

Everyday is a battle A war that needs to be settle Humanity is in danger Because of dirty little monster Dealing with grief and sorrow Wishing it will soon be over tomorrow And I remember something Inside the box, there's a last thing that is living...

my youthful has ended like my body was bedded serene it may tell I hope it will be hold.

19


For My Love SoDenseOfYou

Sa pagpikit ng aking mga mata Mga alaala mula sa nakaraan ang muling nagpapakita Mga alaalang kung saan kasama kita Magkahawak ang mga kamay kasabay ang mga hanging sumasayaw At ang pagtibok ng ating mga puso ang musika

Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakaraang sa isip nalamang namamalagi Kamusta ka na? Masaya ka ba? Hawak ang aking telepono habang nakatitig sa pangalan mo Pinag iisipan kung ikaw ba ay tatawagan o papadalhan ng mensahe Gusto lamang kitang makausap parang katulad lang ng dati Kung saan, ikaw pa nga ang unang gagawa ng hakbang na araw araw pagkagaling sa paaralan ay lagi kong inaabangan. Mga pasulyap sulyap mong akala mo hindi ko napapansin Ang pagngiti mo sa akin na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob tuwing ako'y magsasalita sa harapan Ibubulong sa hangin na " kaya mo yan" Ang paghawak mo sa aking balikat sa tuwing ako ay nalulumbay at sasambitin ang mga salitang "okay lang yan, nandito lang ako" Ang pagsabay mo sa akin sa pag uwi masiguro lamang na ligtas akong makakauwi. Mga panahong sana hinawakan ko ang iyong mga kamay Mga panahong hindi ko sana sinayang dahil lamang sa alinlangang aking nararamdaman Kaya ngayon ako ay nauwi sa kawalan

Kung dati ay ngiti ang hatid ng ating mga alaala Ngayon ay pighati na lamang ang natitira Sa puso kong namamanhid na dahil sa ilang taon mong dito tumira Sa palagay ko'y tama na Tama na ang mga panahong sayo lamang inilaan kahit hindi mo alam Tama na ang mga panahong pangalan mo ang tanging alam Tama na ang mga panahong pagmumukhang tanga kakamahal sa taong wala ng pakialam Tama na ang mga panahong ikaw lang ang minamahal Mahirap man, pero nais na kitang kalimutan Okay ka na habang ako'y lumuluha pa Masaya ka na habang ako'y nagdurusa pa Hindi naman tamang puro ikaw na lamang Hindi ba pwedeng tayong dalawa sa kamay ng iba. Malaya ka na, kahit hindi mo alam Ito na ang katapusan ng aking pagmamahal Hindi dahil ayoko na sayo Kung hindi dahil ayoko ng masaktan pang lubos ang puso ko kakamahal sa isang katulad mo. 20


A Simple Thought

Paglisan

Xavier N. Fermano

Aidee

A thought has just crossed my mind, If I find the life clock and choose to rewind. The jokes, the smiles, with friends surrounded, No worries, no dates, till we grew narrowminded.

Bilang na ang aking mga araw Dahil sakit ko'y unti unti ng kumakalat At kahit gaano ko pa kagustong lumaban Katawan ay unti unti ng nanlulupaypay

I wish I could just go back in time, and chill around with a peaceful mind, Close my eyes, and breathe in no cabals, and run away from this world unkind. Where everyday new ideas just popped, like all carried some manner of idea bags If back in time now, I will strap the bag and use them all to avoid the lags. That all of us are forced to face today, in the rat-race of greed and strife, 'Coz it is only with time that you realize, an idea can save your life. But the strangest thing, true to all, good or bad, brave or not, Remember the times, of hunger and laughter, while with friends smoking pot. Back in time, when you were young and all you dreamt, Is to find a life clock, smile in to a mirror and skip to a beautiful end.

Sa aking huling hininga Nais koy ikaw ay makita Ngunit ayoko naman na ikaw ay mahawa Sa aking sakit na walang lunas pa Lilisan ng hindi ka nakausap Ni masilayan ka sa huling sandali ng aking buhay Ngunit wala naman akong magawa Kundi ang harapin at tanggapin ito ng mag-isa Sa paglisan sa mundo , akoy hindi pa handa Ngunit ang kalaban ko ay hindi ko naman nakikita Pagsisisi ang aking nararamdaman Kung nakinig lang sana ako ay may bukas pa kong natatanaw Sa mga taong katigasan ng ulo ang pinapairal Makinig at sumunod kayo sa ating pamahalaan Sapagkat ito ay para rin sa inyong kapakanan Kung ayaw niyong matulad sa aking hirap na napagdaanan Sa paglisan ko dito sa mundo may nais lang akong iwan Sana aking mga nagawang kabutihan ay matandaan At sa aking mga mahal sa buhay Iingatan ko kayo kahit sa aking kabilang buhay .

Patawad kung akoy lilisan na Patawad kung akoy hindi na mapaglamayan pa Nais kong ipaalam na lumaban ako kahit mahirap Pero kailangan ko ng lumisan ng hindi nagpapaalam.

21


Kadenang Emosyon Ziem Kinukulong ang sarili sa di mapagpalayang emosyon. Dinadamdam bawat suhestiyon kaya nama'y nababalutan ng reaksyon Sadyang nakakatakot ang redyeksyon, Lalo na kung malaki ang ekspektasyon Subalit depresyon ay hindi sulosyon para ika'y matensyon. Wag mong lokohin ang sarili mo! Ipakita mo ang tunay na nararamdaman mo! Sapagkat ang bigat na iyong nadarama ang syang magbaba sayo! Dilang Matatalim? Balewalain! Matang Matitinik? Inggitin!. Ang Lungkot ay wag paglimlimin! Masasayang ang bawat segundo't minuto mo kung puro negatibo ang bumabalot sa Puso't Isip mo! Kelan ka kikilos Kapatid? Kapag huli na ang Lahat? Kapag luha na ang lunas? Bumangon ka para sa sarili at pangarap mo hindi para sa mga sinasabi ng nasa paligid mo. Wag mong hayaang maging Preso ka ng iyong takot at maging alipin ng poot. Ilabas mo lahat ng iyong pighati sapagkat iyan ang hahati sa damdaming mapagkunwari. Ang solusyon ay di kelanman man makikita kung puro ka kwestyon, matutong lumusong para sa sariling intensyon. Manatiling kalma kahit di na kaya! Ang susi ay pagpapalaya!

22


COVID - 19 Is giving you a gift... The gift of time Because for a long time, You've been saying "I have no time" ...to spend time with family, ...to play with kids, ...to read a book, ...to reflect, and think about your life, your dream, your passion

...to build relationship with GOD Now you have the gift of time to rest, to realize what really matters most. BY YOLANDA DE GUZMAN

23


UNTITLED By Muphin

Tanaw Arianne Pingol Salonga Oo. Noon, tayo'y tila isang gumagalaw na mga larawan. Mga larawang gumagalaw na tila nasa paraiso. Sa paraiso kung saan tayong dalawa ay masaya at walang inaalalang kung sino. Ngunit ano ito? Di ko mawari, sa isang iglap lahat nang ito'y nagbago. Nagbago,sa paraang hindi na ikaw ang dating nakilala ko. Ang nakilala kong kasabay na nakatanaw sa paraiso. Sa paraisong...ang tanging taong nakatanaw na lamang ngayon ay ako.

I walk straight in a place I can't see, Unsure of the path ahead of me, Every step I am taking is not easy, Every branch I am breaking is all I feel.

I run for I am scared of what is behind, Try to turn away from the path to hide, And feel nervous of what I may find, Instead, I prepare myself to fight. As I continue walking without any path, I try to search anything about this and that, Knowing answers for my question "what", Discovering new things without any doubt. I find myself walking again along a new path, But this time, with direction and light, As I am walking straight without looking back, I find people who accompany me to fight. Now, I am still walking on that path, But this time, with friends behind my back, With us being together, no one will fall behind. For that reason, I can calmly walk even without light. Together we bravely leave and begin to face, With new experience and fresh knowledge, And to bring what I have learned inside this place, This time, me and my friends are now at the edge. We are going happily now with a wide smile, A smile that says, "We survived despite walking miles." Friends who helped me become strong before we leave, And together we walk, with a dream to achieve.

24


Ikaw, Ako, Tayo, at Siya Jhon Vincent Malibiran Ikaw yung tao na gusto kong makapiling ngayon na Ikaw yung gusto kong sabihan ng, "Mahal kita," Ikaw yung tao na ninanais kong makasama sa pagtanda Ikaw? Ikaw lang naman yung taong parang may sira pero bumuo sa akin at nagpaligaya

Ako, ako yung tao na kuntento nang tinatapunan ng pansin mo Ako yung oks na basta makita ko lang yung ngiti sa mga labi mo Ako yung tao na masaya na basta masilayan lamang sa malayo ang iyong anino Ako yung animo'y baliw kapag magkasama tayong dalawa 'pagkat walang pakialam sa nangyayari kahit kanino At ang mahalaga sa aki’y magkasama tayo Tayo, yung kapag magkasama'y laban sa lahat Tayo yung solid at magkatapat Tayo, na kapag magkatabi ay dama kong kumpleto na lahat Ngunit 'tayo' ay yung salita na hindi pwedeng ipilit kahit gaano ko pa gustuhin 'pagkat siya Siya yung nagbigay sa akin ng pag ibig na higit pa sa kahit anong bagay sa mundo'y walang makapapantay Siya yung taong unang naglaan sa akin ng kanyang buhay Siya yung maraming beses nabigo sa akin ngunit hindi bumigay i Siya, siya rin yung nagsabi na ang ‘ikaw’ at ang ‘ako’ ay hindi pwedeng maging ‘tayo’ Kung ihuhuli Siya at uunahin ang sarili't pagsunod sa kanya’y mawala na sa hanay Sa huli'y walang ikaw, walang ako, at higit na walang tayo kung una sa lahat ay wala Siya.

25


Ex Eli Sa mga gabi na umiiyak ka sa daan Dahil lahat sila sa iyo'y walang pakialam. Dinagsa ka ng isang pakiramdam Na hindi ka naging sapat kailanman.

Hanggang sa tuluyan kang nawala sa tamang landas. Kasabay ng luha na sa mata mo'y umalpas. Tuluyan kang sa kanya ay bumitaw. Tila ayaw ng sikatan ng araw. Droga, alak at sigarilyo Ilan lamang iyan sa iyong mga bisyo. Wala ka na sa tamang wisyo At di na kilala kahit nino. Tuluyan kang nagbago. Nagpakain sa poo't ng iyong puso. Hanggang sa isang araw bigla kang naliwanagan. Mahirap ng itama ang mali Pero hindi mahirap bumalik sa kanyang muli

Unti-unti, hindi mo napapansin lumalakad ang iyong mga paa Papalapit sa ating ama. Hindi ka nya sinumbatan Bagkus ikaw ay kanyang nginitian. Hinawakan ang iyong kamay At sabay ninyong tinalikuran ang iyong mapait na nakaraan.

Lost Soul Angelica S. Belza

I've been lost these past few days, weeks, or months... I don't remember either. It feels like I am walking continuously walking, I can't see where will it end, Will it ever end? This total darkness becomes my living catastrophe, Until the silhouette of you came out of nowhere My body is shaking, my mouth is trembling. As I feared, will you be an added agony? You're a complete stranger, but when you held me, it feels warm And your presence makes me feel secure as if I am in my safe haven. I don't care now who you are or if we will be ever seen the light again as long as you are here, We continued walking in a distance I didn't even bother to measure.

Doon mo napagtanto Na kailanman ay hindi sya bumitaw sayo Hindi ka iniwan sa mga panahaon na kailangan mo ng karamay. Pilit kang ginagabayan, kahit ilang beses mo syang pinagtabuyan.

Until, a bright light beaming towards us, I even felt it blinded me for seconds. I opened my eyes, and saw...nothingness.

Lakas ng loob ang syang nag bigay sayo Sa mga panahon na nais mo ng sumuko. Hinahaplos at inaalis ang galit sa iyong puso Upang kaligayan ay iyo ng natamo.

I waited for you to come out from that darkness where I came This past few days, weeks, or months... I don't remember either.

Tumingin ka sa kanya at nagtanong ng ganito. "Bakit sa kabila ng lahat ako parin ay iyong tinaggap?" Ngumiti sya sayo at nag wika ng ganito. "Ikaw ay nagsisi at muling bumalik sa ama mo."

Now, without you here, is my biggest fear.

26


March, 1998 Baji It's agony who's with me Drowned from waves of memory Left its company, I'm now free, Just started a new journey Surrounded by precious stones An aquamarine got me Clear as water, found myself happy As peaceful as a green-blue sea Blinded by the happiness Then I felt numbness You weren't that brave I've dig another grave We gave each other time to think You came back with daffodil Here we are now taking risk So whatever happens is his will

Now the dragon found her tiger To guard her heart, it roars like thunder Two fishes that creates harmony Started the first time you smiled at me.

27


BAWAT PAALAM enad Sa bawat paalam, lungkot ay nararamdaman Sa bawat paglisan, ang lahat ay luhaan Ang aklat ng nakalipas, isasara't kakalimutan Ang aklat ng bukas, ano ang nilalaman? Sa bawat paalam, luha'y nangingilid Habang minamasdan ang sa ati'y nakapaligid Kamag-aral, Kaybigan, Mga Nagbibigay kulay Kulay sa buhay natin, kaibhan ang taglay Sa bawat paalam, maraming alaala Mga nakalipas, Mga inadhika Alaalang nag udyok sa ating magsumikap Mabisang pundasyon upang matupad Ang mga pangarap Sa bawat paalam, nararapat na tandaan May bukas pang darating, bibigyang daan Sa bawat pag-ulan, may araw na sasapit Sa bawat lungkot, may ligayang kapalit.

28


SWEETEST SUICIDE Ziah Remember the very moment you wrote down your choice course during your college days? It was when you finally choke your dreams to become a lawyer, a doctor, an architect or even an engineer and trade them to become a teacher. You killed them, you tied them with a rope and hung them on the ceiling. Day by day, a deep cut in your wrist increases. It was when your own daughter told you, "YOU ARE A USELESS MOTHER! " For prioritizing your student who once told you, "YOU FAILED TO BECOME AN EFFECTIVE TEACHER!" You weren't satisfied, you turtured yourself by dealing with hard headed students, by extending your patience, by sacrificing your dreams and prioritizing them. YOU ARE MISERABLE! And you realized that you made the biggest mistake of your life, You realized that from the very beginning, IT WAS A SUICIDE! My dearest teachers before you die at least made us a death note.

Tell us everything, tell us what you feel. Tell us how messy the previous subjects was, And we'll tell you we learn something from your class. Tell us how did you prepare your lessons for us, And we'll tell you how we listened with half eyes opened and the other half is dreaming. Tell us how bad your day with us, And we'll tell you how thankful we are to have you. Tell us, tell us that we aren't doing good; that we are not that good enough; that we are mediocre and you want excellence. Tell us right in front of our face and we'll show you how we strive hard; we'll show you that we can do better. Push us through our limits, challenge us, mold us. And when we met again, on the next horizon. Let's reminisce and tell us how miserable you were and well tell you that killing your own dreams means making our dreams come true. IT WAS A SWEETEST SUICIDE A TEACHER ONLY CAN DO!

29


Downsizing RONA R. DELA ROSA You were born and given the unique name; You went to school and met new friends; You got your partner and started a family; You work, plan, and save in each day; You started to worry more, and anxiety triggers each day; You asked yourself, until when will I do this? You questioned life, where it will lead? You felt alone and devastated as you aged; You thought, when you become small, everything is well; You are being small, will turn to a new role; You became part of a new world; yet, people behave the same; You learned, height and weight don’t count at all;

You asked yourself what will be next, since it is irreversible; You questioned your decision for being small; You lost your life to stand tall; You being small or tall; You belong in this world to make a good call; You stand on your belief and dream for yourself; You leave a good mark whether you are small or tall.

30


I am an introvert RONA R. DELA ROSA

I love being alone; Talking not to someone, except my phone; Dreams are alive in my mind; No one dares to argue, it is me who tells, it’s done. I am an introvert. I love being alone; but I am not alone; People who truly care, know my every stare. I am an introvert. I do love to socialize, but stay put, give me time; I can’t stay all night and have fun; I need to recharge. I am an introvert, please understand; I got my own comfort zone, Where I can be all alone.

31


Sibol Mary Grace A. Delos Reyes Ang mundo ngayon ay tulad ng isang puno Punong pinaglipasan ng panahon Na unti unting natutuyo at nalalagasan ng dahon Na hatid nitong malakas na hangin. Nasa mundo natin ay delubyo na kailangan harapin. Bawat tao ay napupuno ng takot at pangamba Pangamba na bukas ay mawala na Tulad ng punong nawalan ng halaga na dala ng pagkatuyo at pagkaubos ng dahon nito. Ngunit sa paglipas ng panahon Ang punong natuyo at nalagasan ng dahon Ay unti unting babangon dahil hinubog ito ng panahon Bagong buhay sa dala nitong sibol. Tulad natin ngayon Mundo man ay balutin ng delubyo At araw man ay patuloy na lumilipas Tayo ay hinuhubog para sa bagong pag asa at pagbangon.

Confession of a Broken Heart Ariel Laude Almazora

I’ve cared, I’ve cried Yet, it never stop me to try Because if I have to care all over again It will never be all joy and without pain.

I’ve trusted, I’ve suffered I’ve sacrificed and I was hurt But I’m not afraid to trust someone else Because truth and lies compromise itself. I’ve loved; I’ve lost I’d given my all, yet it stumble me to fall But despite of it all I’ll still believe in love even on my biggest downfall. I’ve dreamed of a perfect love But there’s no such a perfect thing above Sometimes, it’s the feeling that makes it faultless Yet, you have to choose which path is endless.

32


Para Sa Kapwa Ko Alexis J. Garces/Ace

Ako ay ako at ikaw ay ikaw Hindi magkatulad sa ugali, sa pagiisip at pananaw Pero pare-pareho tayong tao na may sariling kakayahan Na si ikaw at ako ay may kakayahang makatulong sa iba Makapagbigay ngiti at importansya, kahit ngayon kailangan nating dumistansya Pilit na aabutin ang kamay para makapagbigay ng panibagong pag-asa Sa konting tulong ng may ngiti Mahihibsan nating lahat ang lungkot at pighati Ako ang tagasungid nyong tagapagbantay Matapang, matatag kayo ang nagpatunay Tagapagtanggol ng mga naapi Handang maglingkod mula umaga hangang gabi Ngayon, kami ay nakikiusap at nagmamakaawa na sa inyong bahay maghintay Dahil ang pamilya rin namin ay nag hihintay Kahit hindi kami nakauniporme, handang ialay ang buhay Sa gyerang di makita ang pumapatay Manatili, at magsabi ng tapat Pagod na kami at mga puyat Kapag nakita ang ilaw na pula'y kumikislap Agarang takbuhan kahit tulog namin ay parang isang kurap Gustong gusto naming umuwe pero bawal Mayakap ang pamilya at makausap ang isat-isa Pero mas inuna namin ang kapakanan ng iba Para makapagbigay ng pag-asa sa likod nitong sakuna Ako ang inyong nilulok sa mataas na upuan Gagawin ang lahat para makaahon sa kahirapan Tungkuling baguhin ang nakaraan Ayusin, buuin ang nasirang pangalan Ngayon, nahaharap tayo sa isang matinding laban Makinig kayong lahat, ito ang aking pakiusap Alam ko ang inyong mga daing na hinaharap Sumunod po muna tayo para makabangon ang ating bayan Para sa kapwa ko, gagawin ang lahat Hindi lang para sa inyo kundi sa lahat Dahil hindi lang ito ang ating makakaharap Maraming pagsubok ang sisira sa bawat pangarap Magtulungan tayo at wag ng magsisihan Marami na tayong mga problemang nalampasan Magtiwala tayo sa kanya-kanyang kakayahan At buhayin muli ang kulturang bayanihan Manalig tayo sa taas, at magtiwala tayo sa kanya Sundin din natin ang batas, at magtiwala tayo sa kanila Hindi man to matapos ngayon Sa tamang panahon ito ay magwawakas.

33


IPIPINTA KITA Xavier N. Fermano Ipipinta kita, Gamit ang makukulay Na salita uumpisahan Sayong mga mata Gagawin itong masigla Buburahin ang ano mang pangamba Susubukang solusyunan ang problema Nasasaktan kasi ako pag tinititigan ka Parang pasan mo ang mundo Parang ang bigat Ng dinadala mo Kayat hayaan mong dalhin ko ang Mabibigat na ito Hayaan mong isalba kita Sa pag ka lunod mosa lungkot Pangako iaahon kita sa takot Ipipinta kita, Gamit ang makukulay na salita Isusunod ang iyong mga labi Gagawin itong nakangiti Napapabusangot narin kasi ako Kapag ganun ang itsura mo Parang may mga bagay na Gusto mong sabihin ngunit akala mo Walang nakakarinig sayo Ibuka mo ang iyong bibig At hayaang kumawala ang masasakit na tinig at pangako akoy nandito handang Makinig isigaw ang hinanakita sa Mundo isigaw ang totoo mong Pagkatao

Ipipinta kita, Gamit ang makukulay na salita Isususnod ko ang kabuuhan ng Iyong muka tatanggalin ang bakas ng nakaraan Upang makalisan kana sa mga Bagay na nagawa kang saktan Bubuuhin muli kita Ibabalik kita sa pagkato Mo na masaya kapa Na kung saan kaya mo pang tumayo Sa kanilang harapan ng walang Halong kaba o pangamba Ibabalik kita pangako Ipipinta kita, Gamit ang makukulay na salita Ang iyong tainga Ang pinaka huli ang pinaka importante Sisiguraduhing magiging Bukas ito sa lahat ng positibo At magiging sarado sa negatibo Ipipinta kita, Gamit ang makukulay na salita Hindi man ako ang Pinaka magaling na pintor sa mundo Pero sisiguraduhin ko ikaw ang Aking magiging obrang perpekto. 34


Short Stories

35


HOPIANG UBE Twain Markham

A

ng matinis na tunog ng orasan ang gumising sa'yo, ibang-iba sa iyong nakasa-

nayan. Dahil tanghali na at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang iyong klase, ay hindi mo na naplantsa ang lukot mong uniporme. Sa dyip ay lutang kang nakatingin sa iyong kaharap, hindi mo na napansin ang aleng nag-aabot ng kanyang bayad. Hindi ka mapakali sa iyong kinauupuan, tingin mo ay parang may kulang sa iyong umaga. Ang iyong ulo ay pinapasakit ng alak na iyong ininom kagabi at ng mga tanong patungkol sa panahon. Ang sabi mo, "ba't parang ang bills? Ganto na ba 'yun kabilis noon pa?" Napakadaya, lagi ka na lang nadadaya. 7:30 a.m. late ka na ng trenta minutos, imbes na magmadali ay mabagal ka na lang na naglakad habang iniisip ang iyong idadahilan sa iyong guro. Kaso nga lang muling nagbalik 'yung isip mo sa panahon, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay mas nasaktan ka. Lagi ba talagang mas masakit ang ikalawa kaysa sa una?

Napagalitan ka pagpasok mo sa iyong klase katulad ng iyong inaasahan. Ngunit para sa'yo ay ayos lang, kasi may bagay kang naalala tuwing nakakagalitan ka ng iyong guro, isang bagay na matagal mo ng hinahangad maranasan mula sa isang tao. Marahil iyon ang dahilan kaya pinipili mong maging late lagi. Upang maramdaman na may pake pa sa'yo ang ibang tao. O maari rin naman dahil ayaw mo lang makalimutan ang isang taong unti-unti ng nawawala sa isip mo. Ano nga bang itsura niya? Basta ang alam mo siya ang pinakamaganda. Tumawa ka, nakipagkwentuhan at nakalimot. Sa iyong pag-uwi ay dali-dali mong binuksan ang pinto ng inyong bahay. "Mama nasan ka! May dala akong hopiang ube!" sigaw mo. Nang walang sumagot ay biglang nawala ang matamis na ngiti na iyong suot tyaka mo lang naalala na isang taon na pala siyang wala. Boses niya pala ang kulang sa iyong umaga.

36


Sa Syudad na Kanyang Pinagtrabahuan John Mark Parayno Café

M

ag-iilang buwan narin ba akong walang ama?

Halos limang buwan na. Oo, limang buwan na akong walang amang masasandalan. Walang mapagtanungan at makapagbigay ng payo sa tuwing ako ay may problema na tanging am a lamang ang nakakaalam. Sa pagdaan ng panahon, ang dating masayang mukha ko ay napalitan ng poot at galit kung bakit kailangan nya pa kaming iwan. Kung bakit limang buwan narin na di ko manlang naririnig ang matatamis niyang payo na nagbibigay galak sa akin. Sabin ni inay, intindihin ko na lamang ang sitwasyon ni itay. Trabaho marahil na huwaran at makabuluhan. Pumunta si itay sa marawi upang doon ay magtrabaho. Sabay sa dahilang ginusto nya rin ito. Naalala ko panung kada linggo pumupunta kami ni itay sa bayan upang bumili lamang ng paborito kong laruan.“ Itay, gusto ko yon!”,…. “ Yan ba anak?..sige kunin muna.” Sambit pa niya. Laking tuwa ko ng bilhan ako ni itay ng plastic na laruang baril. Gusto ko rin kaseng maging tulad niya. Kaso simula noon, di ko na naranasan mang lumabas kasama sya. Napagtanto ko rin na hindi lamang materyal na bagay ang kailangan ko kundi isang magulang na malalapitan, dadamay sa tuwing ako may problema at makikigalak sa lahat ng aking napagtagumpayan. Na hindi lamang pera ang buhay. Na hindi kailanman matutumbasan ang pagmamahal ng isang anak sa kanyang mga magulang.

Halos gabi-gabi, nananalangin ako na sana’y bumalik na si itay. Hinihintay kona ang pag-uwi niya. Habang nakaupo ako sa labas ng bahay, habang pinagmamasdan ko ang mga nagniningningan mga bituwin at paghati ng dilim, may dalawang mainit na palad ang dumampi sa aking balikat. At ng linungin ko to, laking gulat ko nang makita ko si itay. Pilit kong kinurap kurap ang aking nagsusumamong mga mata sa pag aakalang ang lahat ng ito’y panaginip lang. Si itay!, na pagkatapos ng ilang buwan ay narito na. Dumating na si itay. At ng yakapin ko sya ng buong higpit, napalitan na ang dating binalot na poot na mukha ko wari’y naging isang batang ayaw magpaawat sa kasidlakan. Wari’y nagsisitalunan sa tuwa ang pakiramdam ko kalakip ng paunti-unting pag-iyak. Ngunit ang masaganang pagyakap ko sa kanya at mga luhang bumalon sa aking mata ay nagpamulat sa akin sa katotohanang kailanman ay hindi na babalik si itay…..

Namatay sya sa pakikipaglaban sa syudad na kanyang pinagtrabahuan.

37


SHADES OF THE PAST enad

I

really like roses especially the blue, violet, black colors. I don't know

but of all the colors RED is the one I really hate. My friends kept buzzing me out of it. Why? Because for them Red is the color of feminity, love, and happiness. But I guess I have my own taste, exquisite taste of a complicated person. Lately, I've been finding myself looking and observing people's faces. Some are happy, some are sad. Some are red, some are blue. So I decided to color myself. All I have to do was to design a color uniquely fitted to me. But I couldn't. I don't know why I find it hard to color myself while in fact I'm doing it to other people. Reality hits me now, all the years I wanted to forget everything and live my life towards the circle of life and individuality. Right then I've realized that the past will always haunt you back. I've missed them because without them how could I possibly exist. Memories keep haunting me. I just can't help but cry and realize that after all I'm still human. Somehow, a glow enlightens my mind. I have to go on with my life because I know they will always be there to guide me through the rocky ways of life.

He came to me again. Stumbled my heart and got me back in the road of life (love). After all this time, I most thought I forgot everything about him. But the more I suppress it, the more his presence confronts me. Maybe I just have to face it that in the road you cannot always get what you want. Our past is the underground of oneself. Without our past life can never be lived to the fullest. For once, I promised myself not to miss the sunshine today and would never be lost again. I really like roses. But of all the colors RED is the color I really love. By then I have come to know that after all I'm not complicated person, that I still deserve to be happy.

38


ANG MIRASOL AT EDGAR NG PILIPINAS Christian Jay Raynera

N

agkakilala sila sa isang social media site. Si Mirasol, high school graduate at kasalu-

kuyang nagtatrabaho sa isang pabrika sa Bulacan—provincial rate. Si Edgar, isa ring high school graduate, factory worker din sa Maynila—Manila rate. Matagal na rin silang nagkakachat. Magaang na ang loob sa isa't isa, gusto na nilang magkita ngunit hindi nila magawa sapagkat: Hindi kasya ang 430 pesos na kinikita ni Marisol sa loob ng isang araw (11,180 pesos sa isang buwan) sa pang-araw-araw niyang gastusin, mula sa pamasahe, baon niya at baon ng tatlo pang kapatid sa eskwela, tubig, kuryente at upa. Bread winner. Tatlo pa ang gusto niyang pag-aralin. Matanda na ang kanyang mga magulang. Gustuhin mang makatulong ngunit hindi na kakayanin. Paano ka nga naman makatutulong sa pagbuhay kung ikaw mismo'y naghihintay na lang ng kamatayan? Ngayon, paano pa maisisingit ni Mirasol ang pamasahe at gastos para sa halfway nilang pagkikita? 537 lang ang kinikita ni Edgar sa loob ng 8 oras niyang pagtatrabaho (13,962 pesos sa isang buwan). Siguro nga'y itinadhana ang kaluluwa niya at ni Mirasol, sapagkat halos walang pinagkaiba ang kalagayan nila bilang kapwa panganay ng pamilya. Lahat ng gastusin ni Mirasol ay gastusin din ni Edgar. Ngayon, paano pa maisisingit ni Edgar ang pamasahe at gastos (lalo na't ang kaisipan niya ay kaisipan din ng pangkaraniwang lalaki: lalaki ang dapat gumastos sa date!).

Dumadating ang pananawa sa lahat. Sa pagitan ng dalawang tao. Sino bang makukuntento sa mga selfies, litrato ng kape at pandesal sa umaga at isa pang tasa ng kape sa gabi? May pamilya na bang nabuo gamit ang video calls? Malaking factor ang halik at yakap para sa pinapangarap nating paglagay sa tahimik. Dumating ang pananawa sa dalawang bida ng kwento. Ang dating araw-araw na pag-uusap. Nagkaroon na ng laktaw. Naging lingguhan. Naging buwanan, hanggang sa abutin na ng taon ang nakatiwangwang na huling mensahe. At hindi na natin alam kung kanino iyon nagmula. Kay Mirasol ba o kay Edgar? Walang nakaaalam. Basta't darating ang panahon na ipopost na ni Mirasol ang kanyang litrato kasama ang dalawang anak at katrabaho—kapwa provincial rate. At ganoon din si Edgar. Magpapalit ng status na 'Married', naka-tag ang babae, siguro'y katrabaho niya rin at tulad niya, manila rate, kasama ang mga litrato sa kasalang bayan. I lalike nila, Mirasol at Edgar, ang post ng bawat isa at sa hindi malamang mahika ng tadhana, sabay nilang maiisip,

"Siguro nga ang pag-ibig ay nakadepende sa estado ng buhay ng bawat isa." "Siguro nga'y hindi na dapat ipilit ang pag-ibig ng provincial at manila rate." "Naaalala pa kaya ako ni Edgar?" "Naaalala pa kaya ako ni Mirasol?"

—WAKAS—

39


I HATE MY FATHER Ariel Almazora

I

hate my Father. No, i choose to hate him! He's the reason kung bakit nawala si Mama.

Ako si Ella, 23 years old, but still, walang direksyon ang buhay. Happy-go-lucky sabi nga ng mga bitchy friends ko haha. Halos araw-araw sa galaan. Party dito, travel doon. Halos minsan lang makita ang anino ko sa bahay. Ganyan na ang buhay ko ng mamatay si Mama 5 years ago. I become one of a hell rebellious daughter. Ok lang kasi mayaman naman kami. May-ari ng isang advertising agency ang daddy ko at marami pa syang ibang business na di ko na alam. At lalong di ako interesadong alamin pa. Bakit pa? Wala akong pakialam sa kanya. Basta naibibigay nya lahat ng gusto ko, solve na ako dun. Hindi na din nya ako pinapakialaman pa sa mga pinag-ggawa ko. Noong una, oo pero napagod na din ata sa kasesermon sakin. Di ko naman pinapakinggan kasi nag-aaway lang kami. Dati naman akong mabuting anak. Nagbago lang lahat dahil sa kapabayaan ni Daddy. Tanda ko pa noon, di ko alam kung ano pinag-awayan nila ni Mama pero nakita ko ng sinampal nito si mama. Nag-alsa balutan ito at kahit anong pigil ko o ni daddy, umalis pa rin ito at sa kasamaang palad, na- aksidente ang kotseng minamaneho nito na kumitil sa buhay ng mama ko. Si daddy ang sinisisi ko sa lahat. Kung di nya sana inaway at sinaktan si mama, di sana humantong ang ganito sa lahat. Sana, masaya pa rin kami.

Mula noon, naging rebelde na ako. Kung anong ayaw nya, yun ang ginagawa ko. Kung ano sa tingin ko ang makakasakit sa kalooban nya, buong puso ko pang ginagawa para ipamukha sa kanya kung gaano ko sya kinasusuklaman. Isang araw, nagkataong nakita ko sya sa isang restaurant at may kasamang babae. Maganda naman, mukhang mayaman at ka galang-galang. Biglang umusok ang ilong ko sa galit. Kaya siguro sila nag-away ni mama dahil sa pambabae ni papa. All this time, akala ko napakabuti nyang ama. Matagal na nya pla kaming niloloko. I grab the oppurtunity para komprontahin sya pati ang babae nya. Para akong sundalong biglang sumugod sa gyera kahit di pa kilala ang kalaban. "So, ito pala ang ipinalit mo kay Mama? Well, maganda naman pero di pa rin naalis ang katotohanang kabit ka lang." Buong lakas nyang sabi sabay ismid at insulto sa babaeng kasama ng daddy nya. Nagulat ang dalawa dahil sa biglang pagsulpot nya. "Anak, wag kang gumawa ng eksena dito." Ang nagpipigil na sabi ng daddy nya. Halos lahat ng mata sa restaurant sa kanila na nakatutok. Humingi din ito ng pasensya sa kasamang babae. "Bakit dad? Nahihiya ka? Nahihiya kang malaman ng tao kung gaano ka kawalang-kwentang ama? Na mas pinili mo pa tong punyetang babaeng to kesa kay mama.?"

"Marami kang hindi alam! Kaya pwede ba, umuwi ka na lng, please." Ang sabi ng daddy nyang pilit nagpapakahinahon. "Alam ko na lahat dad! Alam ko nang lahat ng kababuyan nyo. Dahil sayo kaya namatay si mama. Dahil sayo, kya nagkanda-letse-letse ang buhay natin. I hate you dad! I hate you.!!!"

Di na nakapagpigil ang daddy nya at nasampal sya bigla dahil sa mga sinabi nya. Nagulat sya dahil eversince, ngayon lang sya napagbuhatan nito ng kamay. Puno ng galit na tiningnan nya ang amang tila nagsisisi sa nagawa. "Anak, patawarin mo ako. Nabigla lang ako,Ella, please.." pakiusap ng ama.

Hindi sya sumagot at galit na umalis. Nasa pinto na sya ng marinig ang kumosyon at sigawan sa loob ng restaurant. Nagtaka sya bigla at kita pa nya ang namumutlang mukha ng ama na hirap sa paghinga habang binubuhat ito ng mga lalaki sa restaurant. Kasunod ang kasama nitong babae na umiiyak na tiningnan pa sya. Naguluhan sya sa pangyayari at sumunod din sa ospital na pinagdalhan sa daddy nya.

40


"Nasa kritikal na kondisyon ang daddy mo. Inatake sya sa puso. Ako ang kaibigang abogado ng daddy mo, Ella. Wala syang kabit gaya ng akala mo." Marahang sabi ng babae kanina. Di ako makapaniwala sa narinig ko. Matagal na palang may sakit sa puso si Dad, di ko man lang alam at ngayon nga ay agaw-buhay sya dahil sa akin. Gusto kong umiyak pero ayaw makisama ng mga luha ko. " Ayaw kong manggaling sakin ang lahat pero siguro ito na ang panahon para malaman mo lahat. Bilang abogado ng daddy mo, wala syang lihim sa akin kaya alam ko ang lahat-lahat." Pinukaw ng abogado ang pananahimik nya. Nagtataka syang tumingin sa babae pero di sya nagsalita. "Nung gabing nag-away ang parents mo, kung saan nasaktan nito ang mama mo, pinipigilan ng daddy mo ang mama mo na umalis. Gusto ng mama mo na sumama na sa kalaguyo nya. Yes! May lalaki ang mama mo." Sabi nito ng makitang lumaki ang nagtatanong nyang mga mata nya sa gulat. "Matagal ng alam ng daddy mo na may lalaki ang mama mo pero tinanggap ng daddy mo kasi mahal na mahal nya kayo. Pati ikaw na hindi nya tunay na anak ay inari nyang parang sarili nyang anak. Oo,di ka nya tunay na anak. Baog ang daddy mo. Anak ka ng mama mo sa lalaki n Anak ka ng mama mo sa lalaki nya. Pero dahil sa pagmamahal, tinanggap ng daddy mo ang lahat kahit pa ulit-ulit syang niloloko ng mama mo." Halos lumaki ang ulo nya sa nalaman. Daig pa nito ang bombang sumabog sa harapan nya. Namalisbis ang luha nya sa mga nadiskubre. Wala syang maapuhap na salita kung ano ang dapat sabihin. Napahagulgol na lang sya sa mga palad. All this time, nabulag sya sa mga maling paniniwala nya. Lahat ng alam nya ay puro pala kasinungalingan..Gusto nyang sumigaw sa galit sa sarili..Murahin ang sarili sa mga pinag-gagawa nyang pananakit sa kalooban ng nakagisnang ama. Yung amang ibinigay ang lahat sa kanya pati ang pagmamahal na di para sa taong tulad nya. Gustuhin man nyang magsisi, tila huli na ang lahat. Agaw-buhay ang ama ngayon dahil sa walang kwentang anak na tulad nya. "I hate my father. No, i choose to hate him. Now, i hate him even more. I hate him for gaving me everything that supposedly not. I hate him for his undying support kahit na yung mga ginagawa ko ay salungat sa gusto nya. I hate him for understanding me kahit puro sakit ng ulo lang ang binibigay ko. I hate him for loving me and treating me as his own daughter kahit na anak ako ng mama sa pagkakasala. I hate him for making me hate my self even more. I will always hate him co'z he didn't gave me a chance na makabawi man lang sa kanya. I will always hate him co'z he didn't gave me the chance to spend more time with him. I will always hate him co'z he didn't hear the words i whispered in his ears how much i love him. And I will forever hate my father co'z even at the last minute, he make me love him even more."

Puno ng luha ang mata ni Ella habang pinapanuod ang video ng eulogy nya sa burol ng ama. Kahit 5 taon na ang nkalilipas na namatay ang ama na di nakaligtas sa atake nito sa puso, sa twing napapanuod nya ito, ibayong sakit pa rin ang nadarama nya. Ang bilis ng panahon. Kung may natutunan man sya sa lahat ng pinagdaanan yun ay ang matutong magpatawad, lalo na ang magpatawad sa sarili mismo. Kalimutan ang masasakit na pangyayari pero hindi ang aral na dulot nito.

41


SARA SARA Denzel Sarmiento

S

*

ara Sara- ang katawagan sa larong paper doll ----noong ako ay maliit pa. *Hango

sa palabas na “Princess Sarah” na nagkaroon ng paper doll Kinder 1 ako noon. Saling ket- ket Hilig kong panuorin- Sailor Moon. Inaabangan tuwing Sabado. . Naririnig ko boses ni Ama tuwing alas-sais na nang gabi kapag Sabado para mapanuod ang Sailormoon. Kalimitan naglalaro ako sa daan nun at kakaripas na ng takbo upang masaksihan na naman ang kapana-panabik na tagpo ng Sailor Moon. . . Grabe. Nakakaexcite talaga. Bagong episode kada Sabado.~ ♪ Lalo na kapag sasambitin ni Usagi yung "MOON PRISM POWER…MAKE –UP!" at mag tatransform na bilang Sailor Moon. Sasabihin niya: "Parurusahan kita!...Sa ngalan ng buwan!" Kabisado ko lahat ng pose ng Sailor Warriors mula kay Sailor Moon hanggang kay Jupiter. . . Sa hilig ko sa Sailormoon nangolekta ako nung paper doll nun. Piso isa. . . . Sailor Moon, Chibyusa, Sailor Mercury, Sailor Venus, Sailor Jupiter. Ayan yung meron ako na Sailor warriors . Don’t get me wrong. I really enjoy playing paper dolls as much as I enjoy my power ranger action figures, dinosaurs, toy cars, at lutu-lutuan ng kapatid ko. Lahat nalalaro ko nang walang alinlangan. Isang araw sa klase, kay Ma’am Tess. Recess. Pinuntahan ako ni Ate Jo, Ate Aiz, at Ate Van. Mga kaklase ko na hindi saling ket. Mga kababata at kalaro. Isa sa kanila pinsan ko. . . May binigay sila….Sailor Mars. . . Tinanggap ko. Sobrang tuwa ko. Hindi pa ako marunong mag “thank you noon” kaya nginitian ko sila. . . Ang saya ko! Kumpleto ko na sila!!!! (Yung panahon na yun hindi ko pa alam na may Sailor Saturn, Uranus, Neptune, at Pluto.) Napakasaya ko noong sandaling yun . . . Umuwi ako. Inilabas si Sailor Mars. Dinamitan ng sailor warrior uniform. Pinalitan ng casual attire, may fur hat pa. . . Dumating si Ama. . . May lumagapak.

Di ko matandaan pero masakit: -ang pisngi -ang mga binti -at ang tagiliran ko . . Nakita ko bigla. Ang punit punit at lukot na Sailor Mars. . . “Hindi ka babae para maglaro niyan”, sabi ng ama . . . Naiyak ako. Malakas ang daloy ng luha. Hindo ko lubos na maunawaan ang parusang natanggap. . . . Matapos ang araw na iyon. Itinago ko lahat ng aking papel na manika sa takot na sila ay mapunit at malukot. Kailangan ko silang iligtas. Naalala ko bigla: “Hindi ka babae para maglaro niyan” At bigla akong nakaramdam ng malisya sa kaisipan na maglaro ng manikang papel. Ipinamigay ko sa mga babaeng pinsan ang mga yun na puno ng bigat ang kalooban . . . Hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang nalukot na papel na si Rei/ Sailor Mars nakangiti kahit nakahiwalay ang ulo sa katawan at lukot lukot ang mga damit na papel. Ang iba ay punit-punit. Hindi ko pa alam ang salitang

42


ALAALA SA BAGON Christian Jay Raynera

A

las otso ng umaga ang pasok ko sa trabaho kung kaya't ala cinco pa lang ay gumagayak na

ako, malayo pa kasi ang biyahe, Bulacan hanggang Makati, nakakairita, pero... nawala na ang pagkairita kong iyon simula nang makilala kita. Naalala ko pa noong unang beses kitang nakita. Nakapila na ako noon sa labas ng Monumento station. Nakahanda na ang backpack ko upang ipasok sa tila 'x-ray machine' upang inspeksyonin. Hindi agad ako nakalakad. Natulala ako. Ngayon lang kasi ako nakakita ng commuter na anghel. Marahan kang lumilipad paakyat. Lumalabo na ang paligid, ikaw na lang ang malinaw. Parang umuulan ng 'glitters' at iwinawasiwas ito ng maninipis mong pakpak. Ngayon lang ako nakakita ng paruparong nagkatawang anghel. Maya -maya pa'y nakarinig na ako ng mga pagmumura sa aking likuran, galit na rin ang guwardiya sa aking harapan.

"Ay! Sorry po!" gulat kong reaksyon. Agad kong isinukbit ang aking backpack at nagmadaling lumakad paakyat. Muli kitang nakita, muli akong nakakita ng anghel. Maraming tao ngunit ikaw ang nangingibabaw, pakiramdam ko'y hindi lumalapat sa semento ang iyong mga paa. Mabuti na lamang at mahinhin kang kumilos kung kaya't naabutan pa kita, agad kong inilabas ang aking beep card at sinadya kong sabayan ka sa pag-tap. Nagkulay berde ang ilaw, ngunit ang sa iyo'y nagkulay pula, napansin kong hindi na sapat ang balanse ng iyong card upang makapasok. "Miss, eto muna'ng gamitin mo," saad ko habang iniaabot ko sa iyo ang aking beep card. Hindi ko alam kung anong katangahan ang sinabi ko dahil nakakita ako ng tandang pananong sa nagkikislapan mong mga mata "Kuya, hindi p'wede 'yan," natatawa mo pang tugon.

Oo nga pala. Ang tanga-tanga ko. Epic! Minsan na nga lang magpapansin, e! Agad mong tinungo ang pinakamalapit na teller upang magpaload. Tinititigan pa rin kita. Hinintay kitang makapasok, kahit natiyempuhan kong maluwag ang tren ay hindi ko ito sinakyan.

Papasók ka na. Nakatingin ka pa sa akin. Nakangiti. Nilapitan mo ako. "Uy, salamat, a? Pero hindi talaga kasi p'wede 'yun, e!" nakangisi mong sabi. Napakamot na lang ako ng bunbunan. "Oo nga, e!" Hindi ako makatingin ng deretso sa 'yo. Magkatabi tayong nag-aabang ng tren. Napakatagal. Nagkaaberya daw kasi. Rinig na rinig ko ang pagbuntong-hininga mo. Gano'n pala madismaya ang mga anghel.

"Kailan kaya magiging matiwasay ang mga tren dito sa Pinas, 'no?" wika mo pa habang nakatitig sa kaliwang bahagi ng riles at nag-aabang. Ako ba ang kinakausap mo?

"K-kaya nga, e!" sagot ko kahit hindi ako sigurado kung para sa akin ba talaga ang katanungang iyon. "Sana naman hindi na 'to maabutan ng mga magiging anak ko sa future," pagpapatuloy mo pa. Matapos ang labing limang minuto'y dumating na ang tren. Inilipat ko na sa aking harapan ang sukbitsukbit kong bag.

43


"Mauna ka na," wika ko. Dagsaan ang mga tao. Halos hindi na tayo makagalaw sa loob. Magkaharap ang ating mga mukha. Mabuti na lamang at naglisterine ako. "Saan ka bumababa?" tanong mo. "Gil Puyat," tugon ko. Nililiitan ko lang ang pagbuka ng aking bibig. Naglisterine naman ako pero mabuti na rin 'yung nakasisiguro. "Uy! Parehas pala tayo-- Ana," pagpapakilala mo pa. "Ha?"

"I'm Ana, kanina pa kasi tayo nag-uusap, hindi pa rin tayo magkakilala," nakangiti mong pagpapaliwanag. "A-ay, oo nga pala-- Jack," sagot ko naman. Marami tayong napag-usapan ng araw na iyon. Doon ko rin nalaman na malapit lang pala ang opisina mo sa opisina ko. Magmula noon ay araw-araw na tayong magkasabay na mananghalian at magmeryenda. Magmula rin noon ay araw-araw na tayong naghihintayan sa LRT, Monumento station. Araw-araw na tayong sabay na nakikipag-gitgitan sa mga tren, at araw-araw mo ring sinasabi na sana ay hindi na ito maranasan ng mga magiging anak mo sa hinaharap, na kung maging commuter man din sila, sana'y hindi na ganoon kasama ang sitwasyon. Nakakatawa man pero isa talaga sa mga pangarap mo na naik'wento mo na sa akin ay ang katiwasayan ng mga tren sa Pilipinas, na ayaw mong habangbuhay nang ganoon.

At heto na nga ang kasalukuyan. Parehas nang namumuti ang ating mga buhok. Matanda na tayo pero kaya pa naman nating magcommute lalo na't kasama naman natin ang ating mga anak. Muli tayong nag-aabang ng mga bagon. Nag-uusap ang ating mga mata. Kapwa tayong nakangiti. Lumapit ka sa akin at kinausap mo ako. "Hindi natupad 'yung pangarap ko. Wala pa ring katiwasayan dito." "Oo nga, e-- ako rin, hindi rin natupad 'yung pangarap ko," tugon ko habang nakatitig sa kaliwang parte ng riles.

"Bakit? Ano bang pangarap mo?" tanong mo. Muli ko na namang nakita ang tandang pananong sa nagkikislapan mong mga mata. Hindi na ako sumagot. Humakbang na lamang ako patalikod-- palayo.

Nagtataka na ang ating mga anak. Nagtataka na sila kung bakit may mga luhang pumapatak. Kung bakit may mga pusong nag-uusap at kung bakit may panghihinayang silang narinig mula sa aking bibig. Nagtataka na ang ating mga anak... ang ating mga anak sa kan'ya-kan'ya nating mga asawa.

44


Yaman (Dagli) Angelica S. Belza

N

akaupo ako sa terminal ng jeep at nag-aabang ng masasakyan.

Habang naghihintay ay inilabas ko ang papel ng aking mga estudyante at tsinekan. May isang ale ang tumabi sa akin at biglang nagsalita, "Iha, kanina ko pa tinitignan 'yang nunal mo. Buhay na buhay e. Panigurado yayaman ka kasi nasa hingahan nakapuwesto," napangiti na lang ako sa sinabi ng ale. "Palagi pong sinasabi sa akin iyan. Sana nga po ay magdilang-anghel kayo."

Ngumiti ang ale bago muling magsalita, "Totoo iyan, basta't huwag kang makalilimot." Dumating na ang jeep kung kaya'y iniligpit ko na ang mga papel na tsinetsekan ko. Nagpaalam na rin ako sa ale at sumakay na. Pagkaupo ko ay may kumalabit sa akin sabay sabing, "Uyy! Teacher ka pala?" Paglingon ko'y si Aling Nena lang pala. "Opo." "Naku, bakit naman iyan ang kinuha mong kurso? E, wala namang yumayaman diyan. Nababaôn pa nga sila sa utang."

Ngiti na lang ang naisukli ko dahil sa katotohanang isinampal sa akin ni Aling Nena.

45


NOONG AKO LANG ANG TULI SA BUONG KLASE Denzel Sarmiento

G

rade three ako noon at madalas akong tampulan ng tukso ng mga bully sa klase dahil sa

pagiging lampa at lalamya-lamya. Ako yung tipong tinutuksong “bakla” sa klase. Isang araw, inaantay namin ang adviser namin, si Ma'am Res. Subject namin nun MATH. Ang kaklase ko na si JE ay ipinabatid ang usapang “pagtutuli”. Hanggang si JJ ay biglang ibinulalas, “AY SI DENZEL HINDI NA TUTULIIN YAN, E WALA NAMANG T*TI YAN E!”.

tawanan halos lahat ng kaklaseng lalake (May isa dalawang babae na nakisabay sa tawanan.) “TULI NA KAYA AKO NUNG MAG-G-GRADE 2 PA TAYO!!!”, bigla kong nasambit ng malakas. tahimik lahat “WEH?!!!” wika ni JJ. “Oo kaya!”, aking pagmamalaki.

“SIGE NGA PAKITA MO NGA SAMIN!” sabi ni K. “O NGA! KWENTONG PARLOR KA LANG E”,sabi ni JR “Sige!”, sabi ko. Pumunta kami sa isang sulok ng classroom, mga pitong kaklaseng lalake ang nagpunta sa sulok. Buong pagmamalaki kong ipinakita ang tinuling ari.

Sa kanilang curiosity tinignan nilang mabuti. Mga limang Segundo bulunganItinago na ulit ang tuling pag-aari. katahimikan sandali “EDI NAGPALDA KA NUNG BAGONG TULI KA?” tanong ni JE kaunting tawanan

“Sabi raw nila hindi raw puwedeng mag brip kapag bagong tuli” wika ni Pepper, isa sa mga hindi bully na kaklase “Hindi. Nag brief na ako nung kakatuli lang”, sabi ko nang buong katapatan.

“WEH! KUWENTONG PARLOR KA NA NAMAN E” muling sabi ni JR “MANIWALA KAMI SAYOOO!”, parehong sambit ni JJ at JE “OO NGA!”, sabi ko “e bakit parang hindi naman masyadong labas? Nakita ko na yung sa pinsan ko iba naman sayo e”, sabi ni JE

46


“TAWAG DIYAN “SUNGAW” GANYAN DAW KAPAG MAAGANG TINULI PARANG SA SANGGOL”, sabi ni JJ. “AH SUNGAW!”, sabi ni K “SUNGAW SI DENZEL! SUNGAW SI DENZEL!”, pangunguna ni JJ at JE. Si JJ winawasiwas pa ang dalawang mga braso. “TAPOS BABALIK SA PAGKASUPOT DIBA? TAPOS MAGIGING K*KI NA”, sigaw ni JJ tawanan ng malakas umeepal sa kantiyaw ang dalawa o tatlo pang bully na kaklase Pinabayaan ko na. Tutal alam ko naman na hindi ako mananalo sa bully.

Ang bully ay bully at hahanap talaga ng paraan para iparamdam sayo ang pagkababa. ---Pero isa lang ang sigurado ko. -----Hindi nila matanggap na mas nalamangan ko sila sa mas pagiging "lalake" noong panahon na iyon. Kasi noong panahong iyon, . Ako TULI na. Sila, SUPOT pa. Maski yung ugali nila, supot pa.

Pero nagmature naman na kalaunan. Sana lahat. **FICTION REPOSTED

47


Open Letter

48


"Walang maiiwan sa edukasyon"- DepEd Anna Marie Buenaventura

Ngayong nasa gitna tayo ng pagsubok,tunay nga bang walang maiiwanan sa edukasyon? Tama ba ang desisyon ng pamahalaan na magsimula ang klase sa darating na Agosto 24 sa taong ito? Lahat ba ng magulang ay handang pabalikin ang kanilang mga anak sa eskwelahan sa kabila ng banta ng Covid-19? Sapat ba ang kakayahan ng gobyerno at paaralan para proteksyonan ang libo libong mag-aaral na umaasa at naniniwala na sila ay may magandang kinabukasan? Maraming magulang ang tutol sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral ngayong taong ito, maging pisikal o online man ang klase. Una, walang sinumang magulang ang handa na isabak ang kanyang anak sa gyerang ang kalaban ay hindi nakikita ng mga mata. Ikalawa, hindi lahat ay magagawang suportahan ang anak para sa online class kung karamihan ay walang sapat na kakayahang tustusan maging ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Ikatlo, gawa ng hindi sapat ang mga pasilidad sa mga ospital sa ating bansa, patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga nahahawa at binabawian ng buhay,paano maisasalba ng mga batang posibleng mahawa? Sa patuloy na pananatili sa tahanan at kawalan ng pagkakakitaan ng marami, hindi sapat ang tulong na naibabahagi ng gobyerno upang maitawid sa gutom ang napakaraming pilipino, paano pa ang proteksyon ng mga mag-aaral? Maganda ang adhikain ng Deped sa katagang walang maiiwanan, ngunit kung ang mga magaaral ay hindi sabay sabay na makakabalik sa pag-aaral sa taong ito, hindi ba ito nangangahulugan na marami ang maiiwanan? Mga mag aaral na walang pangpinansyal na kakayahan upang makasabay sa online class, mga mag aaral na hindi papahintulutan ng kanilang magulang sa takot na mahawa ng sakit na hanggang ngayon ay wala pang lunas, mga magulang na hindi nakatapos ng pagaaral at walang sapat na kaalaman para gabayan ang kanilang anak sa pag-aaral sa tahanan. Sa pribadong paaralan, dapat bang magbayad ang magulang kahit na walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng kanyang anak masabi lamang na hindi ito mapag-iwanan?

Gaano kahirap ang magsakripisyo ng isang taon o higit pa kung para naman sa ikabubuti ng mga kabataang pinaniniwalaan nating pag-asa ng bayan.Hindi nabubura ang mga kaalaman na nailagak na sa isipan ng mga kabataang may pangarap kahit gaano man katagal ang panahong lilipas. Aanhin ng kabataan ang edukasyong kanyang makukuha ngayong panahon ng pandemya kung walang kasiguraduhan na bukas makalawa siya'y mananatiling buhay pa. Bilang isang ina at isang mag-aaral na nagnanais maging guro, na nagawang maghintay ng labing-isang taon bago makatungtong ng kolehiyo handa akong maghintay na maging normal ang mundo para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang anak ko. Walang maiiwanan sa edukasyon. Paano ang magulang na maaring mawalan ng anak sa panahong ito? Hindi ba siya maiiwanan dahil ninais niyang bigyan ng edukasyon ang taong sa kanya'y pinakamahalaga? Aanhin ng magulang ang katibayan ng pagtatapos ng kanyang anak kung hindi na niya ito masisilayan o mahahagkan pa. Walang anumang lunas sa sugat ng isang ina o ama na dulot ng paglisan ng kanyang anak. Araw-araw niyang mararamdaman ang sakit ng maiwanan at matatapos lamang ang pighati ng isang magulang kung hihimlay siya sa kanyang huling hantungan. Sana'y tunay na walang maiiwanan sa edukasyon ng hindi sinasakripsyo ang buhay at kalusugan ng kabataan ngayon.

49


Psalm makikuruta

Many times in our lives, we wanted to control our situations. Oftentimes, we think it's just a "small matter" and that we can fight this battle on our own because we don't want to bother God of this issue.

Many times we act like a god when people try to trample us with their groundless and preposterous accusations. Then we think we're better than them and they are the ones who need to ask for our forgiveness. These past few days, God keeps on reminding me of forgiveness— specifically that I must forgive myself and these people who have hurt me. I was confused. I was confused not because I don't think it is God who keeps on whispering to my ears and being consistent on making me see these videos or devotionals about forgiveness. I was confused because I thought I was done with that issue. Yes, there are some things that happened like relationships that were destroyed out of lack of communication during this time of the pandemic. Truly, it was frustrating that it happened at this time when we need to be strong and depend on each other. However, as I have thought that over the past two weeks that I was angry and bitter about it, I'm finally okay. Not bothered. Done. "I'm done reaching out."

"I'm done hearing your lies." "I'm done giving you chances." It was not easy and I thought that this was peace. "I don't care about what other people say to me anymore." I became indifferent toward my friends. I decided not to pray about it because I thought it's over. But then, these verses hit me so hard. Don’t sin by letting anger control you. Think about it overnight and remain silent. Offer sacrifices in the right spirit, and trust the Lord. Psalms 4:4-5 NLT

You can choose to control your emotions. After all, God gave you an incredible skill called metacognition— the ability to think about your thoughts. When anger and bitterness overwhelm you, PAUSE. Pause and separate yourself from the thoughts that are not good and helpful for you and the person you're having a problem with. Talk to God and offer Him all your complaints and issues towards this person or these people. Trust God and wait for his verdict. Don't judge the person who wronged you and you don't have to wait for that person to say sorry to you. Forgiveness is not for the person you're forgiving; it's for you. Forgiveness is also a process—not a feeling. We can start this process of forgiving even though we don't "feel" it. When you do...

You can be sure of this: The Lord set apart the godly for himself. The Lord will answer when I call to him. Psalms 4:3 NLT I hope this message finds you well and encourages you to forgive someone today.

50


Depress Mechanism Arianne Pingol Salonga

I hate myself for not being me at times I needed to be. I kept on acting like a stranger to every person I met.

Who am I, seriously? I want to know what's inside my mind. I kept on asking things to myself like why am I like this and why am I like that? Do I always need to act so strange?

Just to inform them that I exist? I don't want to be like this anymore; Carrying around this kind of anxiety. It's a good thing that the grim reaper finally paid a visit.

Now, I don't need to fe el bothered anymore.

51


Comics 52


.

.

.

These are the first three words that one would usually see surfacing the social media nowadays. Even long ago, it had always been an issue of governance, be it necessary or deemed hopeless.

As this pandemic continues, social issues arise—and these questions are what we know as normal in our daily living.

In line with this, Scribes would like to officially introduce its comic series titled " : , " to echo the laments of the people and hopefully provide with a potential solution to this matter.

: , begins with its main protagonists Pedro Cruz aka PC and Mary Ann aka Mean symbolizing the Filipinos' and the PCCMians' curiosity and take in the particular issue of whether or not it is safe to reopen schools in the midst of pandemic. The series will feature different perspectives and angles that are not a secret to Filipinos yet would normally be unaware of nowadays. It expresses the love and hate relationship we have with our own people most especially in this situation. Hopefully, this series would reawaken compassion slumbering deep within our hearts and enlighten our minds that whether we are directly affected or not. .

--? ART BY Dolly Adriano, ARTmosphere President WORDS BY Cindy Galvez, Jan Marliz Agustin and Priscila Mae Balangue, Scribes Editorial Board

53


Abomination. Disdainful. Repugnant

ART by Dolly Adriano President, ARTmosphere

WORDS BY Cindy Galvez, Jan Marliz Agustin and Priscila Mae Balangue, Scribes Editorial Board

54


"COLORLESS JUSTICE" PC: Narinig mo n ba ang balita tungkol kay George Floyd?

Mean: Siya yung Black American na pinag-uusapan ngayon sa buong mundo diba? Dahil nga sa issue na yon nabuksan yung isip ng mga tao tungkol sa racial issues. PC: Maraming nagsasabi na pinairal doon yung police brutality kaysa unahin na mag imbestiga muna.

Mean: Tinagurian pa nga itong "street murder" dahil sa lansangan nangyari. PC: Ang kabi-kabilang mga protesta ang ginawa ng mga tao dahil sa pagyurak ng karapatan ng mga Black people. Mean: Oo nga naman kasi dapat magkaroon ng pantay pantay na hustisya ang lahat ng tao kahit ano pang kulay o lahi. PC: Tama, hindi dapat nakabatay sa kasarian, lahi, at kulay ang hustisya na para sa lahat.

Mean: Sana matigil na ang lahat ng klase ng diskriminasyon dahil ang hustisya ay walang kulay. "Injustice anywhere, is a THREAT to Justice everywhere" This famous line from from Martin Luther King Jr. Seems to fit in the current situation of the world. Merriam Webster Dictionary define Justice as 'the maintenance or administration of what is just especially by the impartial adjustment of conflicting claims or the assignment of merited rewards or punishments'. This clearly means that fair treatment must be imposed to everyone. COVID-19 pandemic is not yet over. But new societal issues are rapidly arising. One of them is Racial Discrimination of Black Men. They are the most common victims of these injustices. Bullying, Racism, Unequal treatments etc. can lead to emotional abuse. In line with these, Scribes would like to stand on the matter of Colorless Justice. Justice does not choose a color. White or Black people should be fairly treated because everyone deserves it. Words by Jan Marliz Agustin Drawing by Rizza Versula

55


"COLORLESS JUSTICE" Words by Jan Marliz Agustin Associate Editor Drawing by Rizza Versula Cartoonist

56


Disclaimer: Some images/graphics that appear on this literary folio are copyrighted by their respective owners. We claim no credit for them unless otherwise noted. If you own the rights to any of the images/graphics and do not wish them to appear on this literary folio, please contact us and we will be promptly removed.

57


58


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.