Philippine Collegian Tomo 95 Issue 10

Page 1


Retention policy ng CMC, nagpahirap sa enrollment CAMILLE LITA

LALONG NAHIRAPAN ANG ILANG mag-aaral ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon (CMC) sa enrollment dahil umano sa paglabag sa retention policy ng kolehiyo, tulad ng pagkakaroon ng mababang marka, dahilan upang dumami ang mga “on warning” at “under probationary status” sa kolehiyo. Ang mga mag-aaral na “on warning” at “under probationary status” ay hindi maaaring magpatuloy sa enrollment hangga’t hindi nakukumpleto ang dokumentong nangangailangan ng mga lagda mula sa magulang, adviser, department chair, at college secretary. Kumpara sa mga nakaraang semestre, dumami ang bilang ngayon ng mga “delingkwenteng” mag-aaral sa CMC lalo sa Department of Journalism at Film, ayon sa pinakahuling tala ng mga Student Records Evaluators (SREs) ng kolehiyo (tingnan ang sidebar). Ang mga SRE ang nagpoproseso ng scholastic standing ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Anila, isa sa mga dahilan ay ang pagpapatupad ng retention policy sa kolehiyo. Paghihigpit ng patakaran Opisyal nang isinadokumento ng pamunuan ng CMC ang retention policy ng apat na kagawaran sa kolehiyo upang magamit ng mga SRE sa pagpoproseso ng scholastic standing ng mga mag-aaral. “It's not the college that determines [the retention policy], kasi programa ng departments ‘yan. It's their degree offering so they [can] maintain the quality of their graduates,” ani Propesor Teresa Congjuico, kalihim ng kolehiyo. Ipinatutupad na ang retention policy simula pa noong maitatag ang kolehiyo, dagdag ni Congjuico. Mas naghigpit lamang ang pamunuan ng CMC ngayon kumpara noon alinsunod sa desisyon ng College Executive Board na binubuo ng mga tagapangulo ng mga kagawaran, ani Rosalita Burlat, isa sa mga SRE. “Siguro maganda rin na aware sila [sa retention policy] para at least natakot sila, ‘di ba? Gagandahan nila ang performance nila kasi para sa kanila din lang naman ‘yun,” ani Burlat. Ngunit lalo lamang ginigipit ng retention policy ang mag-aaral ng CMC upang makatapos ng pag-aaral sa itinakdang panahon, ani Almira Abril, dating tagapangulo ng Konseho ng Magaaral ng CMC (CMC SC). “Mas nauuna ‘yung kaisipang pagalingin ang sarili habang nakakalimutan ng pamantasan kung para kanino ba natin inaalay ang galing na ito,” dagdag pa niya. Mga problema sa enrollment Isa lamang ang Communication Research student na si Shaira Bluza sa mga naapektuhan ng palisiya at nahirapan sa enrollment. Nagkaroon siya ng gradong 5.0 sa Math 11, dahilan upang mapaloob siya sa “on warning” status. “Mas nalungkot at nawalan lang ako ng gana dahil sa isang subject, na-invalidate lahat ng pinaghirapan ko sa ibang subjects,” aniya. Samantala, natatakot namang lumapit sa mga SRE ang Film student na si Steven (hindi niya tunay na pangalan) dahil sa patuloy na pamamahiya ng mga kawani nito. “The way they handle things, harsh

BA LI TA

2

HUWEBES 18 ENERO 2018

talaga. Tatawagin kang tanga o tatanungin ka kung estudyante ka pa ba talaga,” ani Steven. Bagaman anim na semestre nang nagaaplay para sa late payment, nagulat na lamang si Steven nang magkaroon siya ng absence without leave (AWOL) status nang walang anumang abiso mula sa kolehiyo. Aniya, nagpapatung-patong ang mga problema ng mga Film student: humigit-kumulang P1 milyon ang nagagastos nila para sa mga produksyon, na hindi agad kayang tugunan ng ilang mag-aaral, dahilan upang magkaroon sila ng mababang marka. “Anti-student policies” Upang tugunan umano ang problema sa mga delingkwenteng mag-aaral, ipinatupad sa buong kolehiyo ang isang monitoring system sa pagitan ng faculty adviser at mga estudyante. Layunin ng bagong sistema na masubaybayan ang scholastic standing ng mga mag-aaral, ani Cojuingco. “There has to be a relationship between the faculty and the student, and then the student should be able to consult anytime sa faculty…We want to put processes in place clearly this time,” dagdag niya. Ngunit walang kasiguraduhang mapapabuti ng sistemang ito ang scholastic standing ng mga mag-aaral, ani Mikko Ringia, kasalukuyang tagapangulo ng CMC SC. Hindi ganap na solusyon ang pagkakaroon ng monitoring system dahil may higit pang problemang kinakaharap ang mga mag-aaral ng CMC, gaya ng kawalan ng espasyo, mga tambayan, at opisina para sa mga organisasyon at mga institusyon, kabilang na ang mismong CMC SC. Bukod sa monitoring system at retention policy, napagpasyahan rin ng pamunuan ng kolehiyo nitong Disyembre na hindi na gagawaran ng Latin honors ang mga magaaral na tumanggap ng gradong 4.0 o 5.0 sa mga nakaraang semestre. Pinapayagan ng unibersidad ang ganitong probisyon kung tutugon ito sa problema ng kolehiyo ukol sa scholastic standing ng mga mag-aaral, ayon sa Chapter 60, Article 388 ng 2006 UP System Code. Ngunit isinasantabi ng palisiyang ito ang maraming salik kung bakit nagkakaroon ng mababang marka ang isang mag-aaral, ani Ringia. “[K]asi hindi lang naman academicswise. Maraming mga factors tulad ng pera, mental health, at iba pang ibang societal factors na nagco-contribute doon sa grades. Bilang mga taga-UP, alam naman nating na grades do not define us,” dagdag ni Ringia. Panawagan ng mga mag-aaral Samantala, pinaigting naman ng CMC SC ang laban para sa kanilang mga demokratikong karapatan, base sa resolusyong ipinasa ng konseho sa katatapos lamang na ika-45 na General Assembly of Student Councils (GASC). Kasama sa probisyon ng resolusyong ito ang pagkundena sa mga hindi makaestudyanteng palisiya sa kolehiyo, gaya ng Faculty-Student Relations Committee (FSRC) Manual. Hindi magagamit nang libre ng mga

organisasyon sa CMC ang mga pasilidad ng kolehiyo hangga’t hindi sila sumasailalim sa proseso ng “org recognition” alinsunod sa probisyon ng dokumento. Noong nakaraang semestre, binawi ng 20 organisasyon sa CMC ang org recognition nito mula sa pamunuan ng kolehiyo bilang protesta sa pagpapatupad ng FSRC Manual. Ilang mga organisasyon sa CMC ang hindi pa rin magpapasa ng application

forms para sa org recognition ngayong semester, kabilang ang UP Journalism Club, isa sa pinakamalaking organisasyon sa kolehiyo. “Student organizations are here to serve the students and communities outside the college. We need that kind of acknowledgement na hindi lang siya dapat i-restrict… [The admin should] listen to what we think is best on how to govern ourselves kasi ultimately kami ang

apektado ng FSRC,” ani Meeko Camba, tagapangulo ng organisasyon. “Nakakatawa lang isipin na ‘yung UP ay microcosm of the Philippine society. Dito rin mismo sa CMC mayroon ding pagrerepress sa mga alagad ng midya,” ayon kay Ringia.

SIDEBAR 3 Bilang ng mga mag-aaral ng CMC na “on warning,” “under probationary status,” at non-major batay sa mga gradong inilabas noong nakaraang apat na semestre, epektibo para sa enrollment ngayong ikalawang semestre.

BROADCAST COMMUNICATION WARNING

PROBATION

NON-MAJOR

2ND SEM, 2015-2016

4

0

1

1ST SEM, 2016-2017

3

8

0

2ND SEM, 2016-2017

1

7

0

1ST SEM, 2017-2018

7

4

2

WARNING

PROBATION

NON-MAJOR

2ND SEM, 2015-2016

9

2

3

1ST SEM, 2016-2017

8

0

1

2ND SEM, 2016-2017

1

7

0

1ST SEM, 2017-2018

4

0

0

WARNING

PROBATION

NON-MAJOR

2ND SEM, 2015-2016

8

15

0

1ST SEM, 2016-2017

15

6

2

2ND SEM, 2016-2017

18

5

2

1ST SEM, 2017-2018

16

3

1

WARNING

PROBATION

NON-MAJOR

2ND SEM, 2015-2016

3

7

2

1ST SEM, 2016-2017

6

5

3

2ND SEM, 2016-2017

10

8

2

1ST SEM, 2017-2018

20

2

1

COMMUNICATION RESEARCH

FILM

JOURNALISM

THE PHILIPPINE COLLEGIAN is looking for

Umakyat na sa Room 401 ng Vinzons Hall at magdala ng portfolio.


Student councils across UP System unite, call to oust Duterte

UP RISING

PATRICIA LOUISE POBRE

BEATRICE P. PUENTE

DUTERTE SHOULD EXPECT greater militancy from students of the country's premiere state university, as student councils from all UP units vowed to call for his ouster during the 45th General Assembly of Student Councils (GASC) held at UP Mindanao (UP Min) from January 7 to 8. The GASC is a bi-annual convention of the 52 student councils from the whole UP system, which aims to forge unities in dealing with pressing university and national issues. A total of 30 student councils (SCs) attended the last GASC, thus consisting a quorum. United in their stand to hold Duterte accountable for the killings of around 12,000 Filipinos from the drug war, and for the numerous cases of human rights violations, the councils agreed to support the campaign to overthrow the Duterte regime, and approved the resolution forwarded by the UP Los Baños University Student Council (UPLB USC) via consensus. Aside from calling for Duterte’s ouster, the resolution also aims to resist the ongoing crackdown on progressive individuals and groups, which they view as the administration’s move to silence legitimate dissent. Heavier burden The proponents also included Duterte’s anti-poor policies as a ground for formulating the resolution, including the recently-signed Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. However, UP Diliman School of Economics SC (UPD SESC) raised contentions on this provision, pointing out supposed misconceptions about the law. “Maraming kumakalat na balita that prices will skyrocket but based on economic data, inflation is pegged at 1% to 1.5%. Hindi napakalala ang pagtaas pero merong pagtaas,” according to UPD SESC. Still, they also noted that TRAIN law will burden the poor, but refuted that the income of the rich will increase too much, emphasizing that the tax burden is shared both by the poor and the rich. But under the new tax law, those who earn an average income of around P105,000 monthly will have a higher take home pay pegged at around P90,000 annually, while rice farmers will suffer from around P650 decrease in their meager earnings every year, based on the latest study of independent thinktank IBON. “While not getting increased take home pay, [the poor] will also have to endure price hikes as a direct or indirect effect of higher consumption taxes,” according to IBON Foundation, adding that this law manifests Duterte’s anti-poor tendency. Oil prices are also expected to surge by as much as P7 for gasoline and P2.50 for diesel, thus directly affecting Filipinos' everyday living. On the other hand, the UPD Business Administration Council (BAC) raised that they have yet to consult their constituents regarding the TRAIN law. GASC adopted BAC’s motion to approve the resolution provided that it will be subject to individual ratification of each council.

Rising against repression In order to further strengthen the unity of the councils against the looming dictatorship, they are also set to establish UPRISE: UP Rises Against Tyranny and Dictatorship, proposed by the councils from UP Visayas (UPV). "Sa political situation ngayon, lumalala ang pasismo, at pinapatahimik ni Duterte ang mga tumututol sa kanyang administrasyon. Dapat tayong magkaisa para isulong ang pag-oust kay Duterte kung klarong 'di n'ya [kinikilala] ang karapatan ng mamamayan," according to UPV College of Arts and Sciences SC. UPRISE will serve as a system-wide alliance of UP student councils, consolidating their efforts to oust Duterte. The alliance draws inspiration from established alliances outside the university such as Youth Act Now Against Tyranny and Movement Against Tyranny. Launching the local alliance is a way to affirm the councils’ united stand against fascism, according to the proponents. Unity among councils Aside from the resolutions calling for Duterte’s ouster and establishing UPRISE, the GASC approved all other eight resolutions via consensus. The student councils also pledged to heighten its efforts in protecting students’ democratic rights, and to oppose all forms of harassment and attacks on the democratic rights of the people. The GASC likewise adopted resolutions condemning the Aquino and Duterte administrations for their neglect to the victims of Super Typhoon Yolanda and Tropical Storm Urduja, supporting Eastern Visayas’ campaign against militarization, as well as calling for a thorough and independent investigation on the carnage of 15 Batangas martyrs which includes former UP Manila student leader Jo Lapira. Moreover, the councils passed a resolution to ensure the full implementation of free tuition and other school fees in state universities and colleges, and technicalvocational institutions. The body also agreed to oppose the commercialization of UP’s land assets, in light of the proposed Master Development Plan (MDP) which allows establishments to rent portions of the university’s land. Lastly, they also enjoined all SCs to conduct basic masses integration (BMI) to better understand the plight of the masses. Meanwhile, amendments proposed by the UPD College of Social Sciences and Philosophy SC (CSSP SC) to the Codified Rules for Student Regent Selection (CRSRS) were rendered null and void, as these were submitted beyond the October 1 deadline, violating the current CRSRS. UPD CSSP SC tried to forward two amendments to the CRSRS. One is to disqualify nominees who have been on probationary status, and the other is to require nominees to submit their vision paper and specific plans of action 30 working days prior to the actual selection. With the amendments nullified, the GASC body will continue to use in its next convention the two-decade-old CRSRS in selecting the new SR, the students' sole representative to the highest decision-making body of the university, the Board of Regents.

Various student leaders from constituent UP units sing UP Naming Mahal after the 45th General Assembly of Student Councils officially adjourns at the UP Mindanao HSS Auditorium, January 8. The GASC is an assembly of all 53 UP student councils, serving as a platform for resolution-building. The body agreed upon a systemwide stand against all anti-student policies including support for free and accessible education. While delegates call for free tuition and an end to miscellaneous fees for all levels, they also recognize the need for student movement to solidify opposition to all forms of attacks on the people’s democratic rights.

Bill limits KNL land ownership to 30-year-long residents RAT SAN JUAN

ONLY KRUS NA LIGAS (KNL) residents who have stayed in the barangay for three decades or longer can purchase land titles and be exempt from eviction from the area once House Bill (HB) 165 or the “act authorizing the sale of Barangay Krus na Ligas to its legitimate residents” is signed into law. HB 165 has been recommended for approval with amendment by the House of Representatives’ Committee on Housing and Urban Development, according to the committee report f iled in December 2017. The bill seeks to secure land tenure for qualif ied KNL residents through an on-site resettlement program in the barangay, thus amending the UP Charter of 2008 in the process. According to the latest data from the Philippine Statistics Authority (PSA), a total of 20,781 people currently live in KNL, some of whom are students and employees of UP. The affected area and population, along with valuation of property, will be determined by an inter-agency committee led by the National Housing Authority (NHA). The committee will

WANTED: KULÊ BEDSPACER

be composed of the Housing and Urban Development Coordinating Council, UP, the Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), and the Quezon City Local Government. Passage of the bill will help residents legitimize their land claim, but only if its loopholes are f ixed f irst, said KNL Brgy. Captain Julian B. Santos. “Hindi kami papayag sa ganoon lang. Basta kung may bahay ka dito, kahit nabili mo na wala pang sampung taon, dapat iko-consider yun,” he added. According to a provision of the bill, KNL residents are required to present documentation and testimonial evidence proving their 30-year-long residence to the barangay just to qualify for land purchase. However, many people in the barangay are short-term residents or tenants only, Santos said. But even those who satisfy the three decade-residency requirement are not necessarily secured of their ownership of their lands. The majority of KNL residents simply cannot afford to purchase the land pegged at around P200,000 to P500,000 per plot, said Community Rights and Welfare (CR AW) Head Gabby Lucero.

Most KNL residents only earn an average P250 per day, Lucero said, citing previous dialogues with community organizers and residents. For instance, having been a resident of the barangay since 1950, Santos is technically qualif ied to buy a land title if the bill is passed. But he will not be able to afford the purchase under his present salary of P17,000, according to him. A rate of P1,000 per square meter would easily make a 100-square meter lot inaccessible to most KNL residents, he said. Moreover, residents would most likely pay property tax if jurisdiction of KNL land is transferred from the UP Administration to the local government of Quezon City, said Cap. Isabelita Gravidez of Brgy. UP Campus. Santos meanwhile recommends that KNL land be donated to its residents or set at the lowest possible cost with long-term payment conditions. “Dapat kung talagang babayaran, ‘yung abot-kaya ng pinakamahirap na mga taga-KNL yung presyo. Sapagkat dito, merong mga trabaho man, hindi sapat yung kanilang kinikita para sa gastusin,” he said.

WALANG DOWNPAYMENT. WALANG DEPOSIT. HUSAY, ANGAS, AT LAKAS NG LOOB LANG ANG KAILANGAN! Sumali sa Kulê! Magdala ng dalawang bluebook, panulat at portfolio ng mga gawa (para sa grapix). Akyat na sa Vinzons 401!

HUWEBES 18 JANUARY 2018

12 3

BA LI TA


‘Mga testigo ni Palparan, sinungaling’

WITH THE COMMUNITY

PATRICIA LOUISE POBRE

JUAN GREGORIO LINA PAIBA-IBA ANG SINASABI NG mga testigong humaharap sa korte para depensahan si dating Army General Jovito Palparan, Jr., pangunahing suspek sa pagdukot sa mga mag-aaral ng UP na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan (Karen at She). Ito ang pahayag ni Nanay Connie Empeno at Nanay Linda Cadapan, mga ina ng mga biktimang 11 taon nang nawawala. Kasama ni Palparan si Lt. Col. Felipe Anotado, Sgt. Edgardo Osorio, at Sgt. Rizal Hilario sa bumubuo ng apat na sundalong pinagbibintangang dumukot kina Karen at She. Nagtungo ang dalawang estudyante sa Bulacan noong 2006 upang magsaliksik para sa kanilang tesis, ngunit noong Hunyo 26, 2006, dinakip ang dalawa sa kanilang inuupahang tahanan sa Hagonoy, Bulacan. Sa testimonya noong Enero 11 ni dating koronel Segundo Metran, dating deputy commander ng 24th Infantry Batallion sa ilalim ni Anotado, hindi raw posibleng nakipagkita si Anotado kay Palparan sa panahon bago mawala si Karen at She dahil may sakit si Anotado noong 2006. Dagdag pa ni Metran, hindi rin inutos ni Palparan ang pagdukot sa dalawang mag-aaral ng UP. Ngunit giit ni Julian Oliva, abogado ng pamilya nina Karen at She, ang mismong naging testimonya ni Anotado ay sumasalungat sa mga sinasabi ni Metran. “[Col. Metran] testified that Col. Anotado was undergoing a medical checkup at the [AFP] Medical Center at V. Luna and that he never saw Anotado talk to Palparan. This is belied by Anotado, who testified later that he was attending command conferences

TAKING THE LEAD

of the 7th Infantry Division under Palparan two to three times monthly,” saad ni Oliva. Samantala, tinawag ni Nanay Connie na sinungaling ang lahat ng mga tumestigo. Itinuro ni Nanay Connie ang sinabi ni Metran sa isang pagtitipon kasama ang isang human rights group noong 2007. “Ayaw niyang i-confirm na nandoon [sina Palparan] dahil maiipit daw ang mga kasamahan niya,” paliwanag ni Nanay Connie. “Anong iisipin natin sa kanyang mga comment na 'yon? Malaki 'yung kinalaman nila; malakas 'yung ebidensya.” Binigyang-diin naman ni Nanay Linda na sumusunod lamang sa senyas ni Palparan ang mga testigo. “Ang mga witness na ‘yun [si Anotado at Osorio] nasa isang kulungan lang; s’yempre magsisinungaling [‘yang mga ‘yan],” aniya. Nakatakda ang huling pagdinig sa kaso sa Pebrero 15, kung saan si Palparan mismo ang haharap sa korte bilang saksi, ani Nanay Connie. Matapos nito, maibababa na ang hatol sa Mayo. Ilang beses nang naantala ang mga nakaraang pagdinig bunga ng mga pagkukulang sa kampo ni Palparan, katulad ng hindi pagharap ng mga pinangalanang saksi at ng makailang ulit na pagpapalit ng abogado. Panalangin naman ni Nanay Connie na mabigyan ng karampatang hatol si Palparan. Naging isyu noon ang ‘di umano’y espesyal na pagtrato ng militar sa dating heneral nang makulong noong 2014. “Sana convicted si Palparan, at kapag convicted na siya, doon siya kasama ang mga ordinaryong kriminal sa provincial jail ng Malolos,” aniya. ADRIAN KENNETH GUTLAY

Mass Communication students marched around the Academic Oval, January 16, to assert the right of the freedom of the press as future media practitioners amidst new attacks on media institutions. The Securities and Exchange Commission revoked the registration of Rappler, an online news organization, citing that the latter violated the Constitution with respect to foreign ownership, an allegation Rappler vehemently denies. This is not new; it follows a long string of threats by President Rodrigo Duterte to media institutions and journalists beginning as early as his campaign trail.

BA LI 4 TA

HUWEBES 18 JANUARY 2017

Delegates to the Kasama sa UP National Councils Meet, an annual assembly of student councils from various UP units, help plant at the Community Technical College of Southeastern Mindanao in Compostela Valley for a one-day basic masses integration, January 6. Farms like this across their area act as their source of educational lessons from daily agricultural courses despite heavy paramilitary presence nearby.

Mga kontraktwal, patuloy ang panawagan para sa benepisyo BEATRICE P. PUENTE HABANG PATULOY NA kinaliligtaan ng administrasyon ang panawagan ng mga non-UP contractual, mas lalo namang pinaiigting ng mga kawani ang kanilang kampanya upang makatanggap ng 13th month pay at iba pang benepisyo para sa nakalipas na taon. Kung ikukumpara sa ibang mga kawani ng pamantasan, tanging mga non-UP contractual ang walang “employer-employee relationship,” nangangahulugang wala silang benepisyong natatanggap sa porma ng discounted tuition, leave privileges, at karagdagang cash incentives. Nakadepende rin ang ilalaging panahon ng mga kontraktwal sa nakasaad sa kanilang kontrata. Sa ngayon, maliit na lang ang posibilidad na mabigyan ng benepisyo ang mga non-UP contractual, ani Steph Andaya, pangkalahatang-kalihim ng Alliance of Contractual Employees in UP (ACE UP). Subalit patuloy pa rin ang kanilang samahan sa pagsuporta sa kampanya ng mga akademikong kawani upang makakuha ng benepisyo. Tinatawag na Collective Negotiation Agreement (CNA) incentive ang benepisyong nais makuha ng mga akademikong kawani, na ibinibigay sa mga empleyado ng pamahalaan bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa pinapasukang opisina. Gayunpaman, walang katiyakan kung magkano ang matatanggap nilang benepisyo taun-taon sapagkat nakadepende ito sa natitirang pondo ng pamantasan mula sa nakalipas na taon. Sa UP, patuloy na isinusulong ng

mga akademikong kawani ang P25,000 CNA incentive, ang pinakamataas na halagang maaaring matanggap bilang year-end bonus, ayon sa Budget Circular 2017-3 ng Department of Budget and Management. Dapat magmula ang CNA incentives sa Maintenance and Other Operating Expenditures (MOOE) ng pamantasan, ayon na rin sa nakasaad din sa nasabing dokumento. Nauna nang inanunsyo ni Pangulong Danilo Concepcion nitong Disyembre 16 ang pagbibigay ng P10,000 CNA incentive sa hanay ng mga administratibong kawani na tinawag namang “equity incentive” para sa mga akademikong kawani. “[Giving these incentives is] in recognition of the significance and an act of goodwill on the joint efforts by the university and the All UP Workers Union (AUPWU),” ani Concepcion sa inilabas niyang memorandum noong nakaraang taon. Dito rin niya binigyangdiin na tanging ang mga may kinikilalang employer-employee relationship lamang na nagtrabaho na hindi bababa sa apat na buwan ang maaaring makatanggap ng buong P10,000. “Kailangang paalalahanan [ang administrasyon] na nakaatang sa UP President ang responsibilidad sa maayos na pagpapatupad ng [pamamahagi ng benepisyo]. Umaasa ang AUPAEU na ipatutupad ng UP admin ang pangako nitong maglabas ng financial records sa Enero 16,” saad ng AUPAEU sa isang pahayag. Walang legal na tungkulin ang administrasyon na bigyan din ng benepisyo ang mga non-UP contractual,

ngunit nagawa pa ring makatanggap ng bonus ng mga kawani dahil sa kanilang paggigiit para rito. Nagsimula silang makatanggap ng P2,500 noong 2014 hanggang sa tumaas ito sa P10,000 nitong 2016. “Given na wala ngang anumang benefits ang non-UP contractuals dahil sa nature ng employment, dapat ay bigyan pa rin sila ng insentibo dahil produktibo silang staff ng UP. Give credit where credit is due,” ani Andaya. Ngunit ang kawalan ng benepisyo ay isa lamang sa mga problemang kinakaharap ng mga kontraktwal. Higit sa pagsusulong na makatanggap ng karampatang benepisyo, kinikilala ng mga unyon na mas malaking hamon na kanilang kinakaharap ay ang kontraktwalisasyon dahil karamihan sa kanila ay ilang taon na sa kanilang trabaho ngunit hindi pa rin nareregularisa, ani Andaya. Kaakibat ng regularisasyon sa trabaho ay ang kabawasan sa mga hirap na dinaranas ng mga kontraktwal dahil mawawala na ang pangamba nilang basta na lang silang tanggalin sa trabaho. Bukod pa rito, hindi na rin sila hahanapan ng legal na basehan bago bigyan ng benepisyo, at hindi na rin sila makararanas ng diskriminasyon na karaniwan na sa mga hindi regular na kawani, dagdag ni Andaya. “Patuloy na magbabantay [ang ACE UP] para sa aming mga karapatan. Sa pakikipagkaisa sa kapwa kontraktwal, mas magiging malakas at matibay ang ating laban para sa ating mga karapatan,” pahayag ng ACE UP.


SEM STARTER

ADRIAN KENNETH GUTLAY

Lady Maroons seek to regain prominence in volleyball tourney JOSE MARTIN V. SINGH

Students kicked off the semester with a protest around the Academic Oval to strongly oppose oppressive policies of President Rodrigo Duterte’s administration, January 16. The protest, dubbed as the First Day Fight, strongly opposes anti-poor policies like the Tax Reform for Acceleration and Inclusion law and the jeepney modernization program. The protesters also strongly condemned the spate of extrajudicial killings as well as attacks on the freedom of the press under Duterte’s watch, spurred by the president’s rhetoric.

USC at Kule, nananatiling walang seguridad sa badyet JUAN GREGORIO LINA SA IKALAWANG SUNOD NA semestre, hindi pa rin nangolekta ng pondo ang administrasyon ng UP Diliman para sa University Student Council (USC) at Philippine Collegian (Kulê). Alinsabay ito sa pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (RA 10931), na ginawang libre ang matrikula at other school fees para sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs). Sa kasalukuyan, ginagamit ng USC ang perang naipon mula sa mga nakaraang koleksyon ng student fund at sa perang nalilikom ng konseho mula sa sponsorships, ani Finance Committee Head Rianne Geronimo. Mayroon ding perang pumapasok sa konseho na galing sa ilang negosyong umuupa sa Vinzons, ngunit nanatiling maingat ang konseho sa mga gastusin. “Securing sponsorships is quite difficult and the added inflow to our account from the rentals of some establishments in Vinzons is very minimal,” paliwanag niya. “At the beginning of the semester, each committee [of the USC] was given an approved budget and we’ve been very strict about spending outside of that given budget.” Ngayong semestre, nais ng USC maghain ng Freedom of Information (FOI) request ukol sa badyet ng pamantasan upang ikampanyang magtabi mismo ang Unibersidad ng pondo para sa mga konseho at publikasyon. “Student councils and publications are vital to the existence of the University and therefore, naturally, deserve recognition, funding, and support from the administration,” ani Geronimo, na sinabi ring hindi nais ng konsehong mangolekta muli sa mga estudyante hanggang maaari. Nagbabantang maubusan Sa kaso naman ng Philippine Collegian, ang student fund ang tanging pinagmumulan ng pondo nito bilang walang kakayanan ang publikasyong humingi ng sponsorships o magsagawa ng proyektong pagkakakitaan nang hindi sinasakripisyo ang kalayaan sa pagpapasiya ukol sa lalamanin ng dyaryo. “Napapanatili ng Kulê 'yung tapang, talas,

at talab nito dahil lagi nating binibigyang-diin na ang tanging naglalathala ng Kulê ay mga mag-aaral. Ito 'yung editorial independence na pinanghahawakan ng Kulê bilang student publication,” ani Sanny Boy Afable, kasalukuyang punong patnugot. Sapat lamang ang naipong pondo ng Kulê para sa operasyon ng kasalukuyang termino, kung kaya nanganganib mawalan ng pondo ang susunod na editorial term, dagdag pa niya. Sa pananaw naman ni Afable, ang pinakamabisang mekanismo para sa student fund ay ang pagkolekta ng adminstrasyon kasabay ng enrollment dahil obligado ang administrasyong gawin ito batay sa Article 1, Section 18 ng Philippine Collegian Rules: “as a student publication, the Philippine Collegian shall be financially supported by the students, who shall pay a publication fee for this purpose in an amount to be fixed by the Board of Regents.” Maging ang mga mag-aaral na kabilang noon sa bracket E1 at E2 ay nagbibigay pa rin ng P78.50 para sa student fund. Samantala, apektado rin ng problema sa badyet ang mga publikasyon sa ibang UP units. Ang The Manila Collegian ng UP Manila at Himati ng UP Mindanao ay kasalukuyang umaasa rin sa pondong naipon. Ang UP Los Baños Perspective naman ay nahihirapang makipag-ugnayan sa administrasyon hinggil sa procurement. Patuloy na proseso Sa nagdaang taon, hindi naipatampok sa mga naganap na oryentasyon at konsultasyon ng Unified Student Financial Assistance for Tertiary Education (UniFAST) Board ang isyu ng student fund dahil mas tinutukan ang ibang gastusin sa matrikula, wika ni Gabby Lucero, Community Rights and Welfare Committee Head ng USC. Ang UniFAST Board ang nakatakdang mangasiwa sa salaping nakalaan para sa libreng edukasyon. Binubuo ito ng ilang opisyal mula sa iba’t ibang kagawaran ng gobyerno kabilang ang Commission on Higher Education (CHED). Sa implementing rules and regulations (IRR) naman ng RA 10931, walang nabanggit

tungkol sa student fund, dagdag ni Lucero, Ngunit sa isinagawang IRR orientation noong Disyembre 19, iminungkahi ng UniFAST board ang mekanismo kung saan ang administrasyon ang maglalabas ng pondo para sa student fund batay sa financial statement na ipapasa ng mga konseho at publikasyon—hindi malayo sa sistemang ipinapanukala ng USC. “Our committees outline their plans before the semester starts; we already have an idea of what we'll be spending and can thus supply the admin with the necessary projections should they require them,” ani Geronimo. Ang paglathala ng financial statements ay paraan din upang magbigay ng katiyakan na ang salapi ay nagagamit para sa mga lehitimong dahilan, dagdag niya. Nabahala naman si Lucero sa nasabing panukala dahil maaari aniyang hindi makapagpasa kaagad ang mga konseho ng financial statement. “Madalas ang simula ng fiscal year ay sa Enero. Sa UP, Abril ang eleksyon at Hunyo manunumpa ang mga bagong halal. Paano makakapagpasa ng financial statement kung ganun?” paliwanag niya. Samantala, binigyang-pansin ni Student Regent Shari Oliquino ang nangyari sa ibang UP unit kung saan naging pahirapan ang paglalabas ng pondo. “Siyempre, gusto nating may pera ang ating student councils at pubs, but we really have to be vigilant about [the system the UniFAST board is proposing],” ani Oliquino. Sa UP Visayas (UPV), hindi kaagad nabigyan ng refund ang mga estudyanteng nagbayad ng miscellaneous fees noong isabatas ang libreng edukasyon. Sanhi ng pagkaantala ang hindi paglabas agad ng salapi ng CHED, ayon sa administrasyon ng UPV. Panawagan naman ni Oliquino na may pangangailangan ding ilinaw sa mga estudyante kung bakit may pangangailangan sa pera ang kanilang mga konseho at publikasyon. “Kapag hindi natin malinaw kung ano ‘yung papel ng mga student institutions natin, hindi nila makikita ‘yung essence ng kung bakit kailangan [nilang] magbayad at magmumukha lang naninigil tayo nang basta-basta,” aniya.

AF TER A SEMESTER OF NERVEracking, heart-pumping, and hairraising action, the University Athletic Association of the Philippines (UAAP) is on its way to another series of twists, turns, hits, and runs. The eight participating universities of the UAAP is set to battle it out through various sporting events starting February, which will be consisted of fencing, athletics, tennis, football, baseball, softball, chess, and volleyball. The volleyball tournament will off icially open on February 3 at the Mall of Asia (MOA) Arena with the reigning champions De La Salle University Lady Spikers facing the University of Santo Tomas Lady Tigresses at the main event. Meanwhile, the UP Lady Maroons will go face-toface against the University of the East Lady Warriors on the second day of the tournament, February 4, also at the MOA Arena. The Lady Maroons are posing a banner of a young yet f ierce line up this season. Led by team captain Diana Carlos and veterans Marian Buitre and former Rookie of the Year Isa Molde, they are looking to go against all odds. They were strong in starting the 79th season with a 4-0 record but were not able to follow through come the latter parts due to lapses and unfortunate occurrences

such as then graduating libero Pia Gaiser’s injury half-way through the season. Still, they managed to end the season with a sweet 7-7 record on their names. Now the Lady Maroons are seeking to regain their spot in the f inal four, which is a feat they accomplished only in season 78 after what has been a 13-season drought. Being under a new yet familiar mentor, the Lady Maroons are conf ident to face their battles coming up for the season 80. After Jerry Yee’s resignation in September 2017, it was only in November 2017 that someone f illed in for the head coaching spot. However, despite having less time for transitioning, the volleybelles and their new Kenyan mentor Godfrey Okumu have been well acquainted with each other before already. Okumu has been an instrument to the team in their Japan training camp heading into season 79. Okumu has already set the tone in that he seeks to improve the team’s speed and accuracy among some points of improvement. Nevertheless, even with some improvements to be made in the now shortening off-season, the Lady Maroons are going to be a team to reckon with come the UA AP volleyball tournament.

AIDING THE COMMUNITY

PATRICIA LOUISE POBRE

Argini Bahuyot, 20, starts her daily routine by setting up her designated medicine cabinet at their campus’ clinic, January 6. Bahuyot, along with 10 more Lumad college scholars, has been practicing medicine at the Community Technical College of Southeastern Mindanao (CTCSM), Compostela Valley, under the supervision of their volunteer teachers. Bahuyot will be part of their first graduating batch this March. CTCSM is one of 222 Lumad schools in Mindanao that have been providing free and sustainable education to students like her whose communities lack access to basic institutions like roads and hospitals. These schools also aim to provide volunteer teachers, nurses, and agricultural engineers, so they can give back to their original communities Although it has been almost two years since Bahuyot had any contact with her family and Manobo Tribe community since the 2016 Kidapawan Massacre, helping attain her college’s goals would prove more difficult, especially with the extension of Martial Law.

HUWEBES 18 JANUARY 2018

12 5

BA LI TA


Sa Kabilang Ibayo: Panibagong Tahakin ng mga Abelling

MARK VERNDICK A. CABADING MGA LITRATO NI CHESTER HIGUIT

ISANG BASONG KAPENG GAWA sa sinangag na bigas ang kaharap ni Nanay Loleng sa pagsalubong ng bukangliwayway. Sa ibabaw ng nagbabagang panggatong, nakasalang na ang agahang ako dapat ang magluluto. ‘Di pala sapat ang paggising ko ng alas singko y medya para sabayan siyang simulan ang araw. Wala kasing orasan sa bahay nina Nanay Loleng. Tanging ang pagsikat ng araw ang hudyat na kailangan nang maghanda paakyat ng bukid. Sa dalawang araw ng pakikipamuhay ng Kule sa mga Abelling ng San Jose, Tarlac, si Nanay at ang anak niyang si Mark ang nagsilbing pansamantala kong pamilya. Sa maikling panahon ng pakikisalamuha, natunghayan ko ang pangaraw-araw nilang buhay. Matayog na bundok ang inaakyat ng mga Abelling, pero higit na mas mapanghamon ang mga pagsubok na dulot ng kahirapan at modernisasyon. Mga Unang Bagtas Isa ang mga Abelling sa mga katutubong grupong naninirahan sa kabundukan ng Tarlac. Gaya ni Nanay Loleng, alunalon ang buhok ng mga Abelling at kasingtangkad nila ang mga Tagalog sa kapatagan. Nabubuhay sila sa pagtatanim ng palay at pag-uuling. Kwento ni Nanay, kumikita sila ng humigit-kumulang P200 lamang sa isang araw. Mahigit 300 pamilya ng mga Abelling ang bumubuo sa Sitio San Pedro na matatagpuan malapit sa Ilog Bulsa at napapaligiran ng mga bukirin. Mula

LAT HA LAIN

6

HUWEBES 18 ENERO 2018

Maynila, apat na oras ang biyahe patungo sa sitio kung saan matatagpuan ang Bundok Tangisan, isa sa tatlong bundok na bumubuo sa kilalang San Jose Circuit. Dahil walang nakatalang kasaysayan o kwento ng pinagmulan ang mga Abelling, kakaunti ang impormasyong makakalap tungkol sa kanila. Bagama’t may sariling wika, wala silang sariling sistema ng pagsusulat at karamihan sa kanila ay hindi marunong magbasa at magsulat. Sa loob ng ilang siglong pananatili sa San Jose, bihira sa mga Abelling ang nabigyan ng pagkakataong makapag-aral. Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring high school sa sitio at ang pinakamalapit na unibersidad ay nasa Tarlac City pa. Sa kasalukuyan, nanganganib mawala nang tuluyan ang kulturang Abelling. Kasabay ng pag-akyat ng dayuhang kultura ay ang kagustuhang bumaba ng kabataan na tila nahihiya nang ipagpatuloy ang mga nakagawiang sayaw, ritwal ng paduyduy o pagpili ng anito, at pagsusuot ng bahag bilang katutubong kasuotan. Dulot ito ng dayuhang pagtingin na ang mga katutubong gaya nila ay primitibo, kaya nauudyok silang talikuran ang kulturang nakagisnan. Sa mga bukid, kapansin-pansing karamihan sa mga nagsasaka ay matatanda. Gaya ng bunso ni Nanay na nagtatrabaho sa isang pagawaan sa lungsod, marami sa mga kabataan ay mas gusto nang magtrabaho sa siyudad. “Pero yung mga anak saka apo ko, tinuturuan [ko] sila dito.” Maliban sa pagtuturo ng wikang Aberlling at Zambal, sinasanay din ni Nanay ang mga apo na magsaka at mag-alaga ng hayop kasabay ng kanilang pag-aaral sa elementarya.

Pag-urong at Pagsulong "Malapit lang," sabi ni Nanay Loleng nang tanungin namin kung gaano kalayo ang kanyang bahay sa bukid sa may kabundukan. Hindi namin inakalang ang ibig sabihin para sa kanya ng "malapit lang" ay higit isang oras pala ng paglalakad. Bago makarating sa bukid, naakyat namin ang isang bahagi ng Balogbalog dam na ‘di umano’y inaasahang magsusuplay ng kuryente para sa ibang bansa, ayon kay Johnny Basilio ng Aeta Tribal Association. Naging kontrobersyal ang dam na naisaplano noong 1966 ngunit unang sinimulan nito lamang 2015. ‘Di pa man ito natatapos, tatlong sitio na ang pinaalis sa kanilang mga lupain. Hindi ito ang ‘pag-unlad na panglahat’ na nakasanayan ng mga Abelling kaya tutol silang umalis sa kani-kanilang lupa upang mabigyang-daan ang paggawa ng dam. Ang pag-alis nila ay pagkawala rin ng kanilang hanapbuhay at katutubong yaman. Gayunman, ilan sa mga mayroong Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ang napilitang tumanggap ng P300,000 kapalit ng kanilang titulo dahil sa pananakot ng militar. Kwento ni Piya Montalban ng Kamandag, isang alyansa laban sa development aggression, may nakilala siyang katutubo na nakatanggap ng pera nang hindi alam na kapalit na pala ito ng kanyang lupain. Nang kamustahin kung saan ginamit ang pera, ibinili umano ng kalabaw at thresher ngunit tila wala pang ideya na wala na siyang lupang aararuhin. Isa lamang ito sa mga pagkakataong napagsamantalahan ang mga Abelling

dahil sa kawalan ng pormal na edukasyon. Maliban dito, ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute of Development Studies (PIDS) noong 2015, may kakulangan sa sukat ng dam spillway ng Balog-balog. Malaki ang posibilidad ng overtopping o pag-apaw ng tubig sa dam. Hindi rin nagiging sapat ang suplay ng tubig upang matugunan ang pangangailangan ng mga sakahan sa Tarlac. Maliban sa Balog-balog dam, patuloy na hinaharap ng mga Abelling ang mga suliranin tulad ng nakaambang planong pagpapatayo ng Clark Green City na nakapagpaalis na ng mga katutubo sa kani-kanilang lupa. Bagamat may mga militar sa mga karatig-bundok, walang takot ang mga Abelling sa pagtutol sa mga nasabing proyekto dahil sa mga negatibong epekto nito. Walang ibang daang tatahakin ang mga Abelling kundi ang patuloy na ipaglaban ang kanilang karapatan. Kung hindi sila lalaban, gutom ang kanilang haharapin at tuluyang mawawala sa kanilang kamay ang kanilang lupain, kultura, at kasaysayan. Panibagong landas Gaya ng ibang katutubong Pilipino, napagsasamantalahan ang mga Abelling dahil sa kawalan ng epektibong proteksyon laban sa pangangamkam ng lupa at sa mga polisiyang nagsisilbi lamang sa interes ng mga makapangyarihan tulad ng mga nagmamay-ari ng ektaektaryang lupain sa Tarlac. Dagdag pa ang hirap sa pagkamit ng edukasyon upang mapayabong ang kaalaman sa sariling pagpapasya.

Sa kasalukuyan, ang Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA) ang natatanging sandigan ng mga katutubo. Subalit ayon sa Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (Katribu), nagsisilbi pa itong instrumento ng malalaking kumpanya upang maagaw ang katutubong lupa. Nagiging mekanismo lang upang maitaboy ang mga katutubo ang nakasaad sa IPRA na pagkuha ng Free, Informed, and Prior Consent ng mga katutubo gaya sa kaso ng ilang mga Abelling. Hindi rin nasasalamin ng IPRA ang paniniwala ng mga katutubo na ang lupa’y hindi nila pagmamay-ari kundi pagmamay-ari ng lahat at bagkus ay dapat na magsilbi sa lahat. Nagbibigay-daan rin lamang ang kasalukuyang sistemang CADT sa mas madaling pangangamkam ng mga katutubong lupain. Hindi ito naiiba sa isyu ng mga Lumad na napapaalis sa kani-kanilang lupain dahil sa mga pribadong institusyon gaya ng mga minahan na lumalabag sa kanilang karapatan sa sariling pagpapasya. Kasama ang iba pang katutubo, taunan silang nagkakampo sa Diliman para sa Lakbayan. Noong nakaraang taon, lumahok ang mga Abelling sa Lakbayan upang iparating ang kanilang mga hinaing Maaaring sa susunod na taon ay muli kaming magkita kung magpasya silang lumahok sa pangalawang pagkakataon. Maalala sana nila ako pagdating ng panahong iyon. Dahil sa ilang araw na nakasama ko sila, buong kasiguraduhang hindi ko malilimutan ang kanilang kabaitan at kasipagan, ang kanilang katapangan, at ang kanilang dignidad bilang mga katutubong Pilipino.


WHEN SILENCE IS NOT GOLDEN RICHARD CALAYEG CORNELIO

IT WAS EIGHT IN THE EVENING when the Dulaang UP play ended. The lights had already gone out and Kim* was walking alone along AS Walk. Nobody was around, so she winced when a voice rang out in the dark: “’Yan na pala ‘yung alay natin kay LC.” The voices slurred, the faces blurred in the shadows. When Kim heard shuffling behind her, she strode ahead without looking back. It was a familiar story, about late nights and dingy streets and drunkards with weed habits and crooked teeth pouncing on unsuspecting women. Except, in this case, the men involved were university students like her, indistinguishable in broad daylight among other college boys in crowded lecture halls. Three years after the incident, Kim would feel the same dread in Community Development 10, a gender and development elective, where a male classmate would sneak glances at the slit beneath her cropped top. Such incidents are neither isolated nor merely imputable to anomalous perpetrators. They are borne of lopsided power relations that breed oppression, which women are made to suffer in fear and silence. Subdued Voices Women’s silence bespeaks a history of violence rooted in the feudal-patriarchal order that pervades Philippine society. This order manifests in how public spaces become sites of female victimization. “Ang ginagawa ko, nagi-earphones ako 'pag naglalakad, and that's very dangerous,” said Kim. Once, though, Kim had had it with catcallers and waved a taser inches from the face of a man who whispered to her, “Hi, sexy.” Her experience in both her freshman and senior years evince sexual harassment in universities, where one’s harasser could be the guy sitting three rows down the aisle in one’s GE class. In UP, both records from UPD Police (see sidebar 1) and UPD Office of Anti-Sexual Harassment (OASH) (see sidebar 2) show a majority of female complainants, most of whom are students. Incidents of student-on-student harassment have also been reported (see sidebar 3), since the UP ASH Code, unlike Republic Act 7877 or the Anti-Sexual Harassment Law, covers not only cases of abuse of authority. The university recognizes how power differentials derive not from institutional or moral ascendancy alone, as in student-faculty relations, but even from socially inscribed power dynamics among peers, said Atty. Rowena Daroy-Morales of the UP Office of Legal Aid. “If a person says something, does something that is sexually offensive, that is already a show of power against another human being,” she explained. Still, more female students are on the receiving end of harassment, because men “in this largely heterosexual culture, have grown up to see women as sexual objects,” said Odine de Guzman of UP Center for Women’s and Gender Studies. The ways women are socialized to be acquiescent and men to be aggressive contribute to maintaining male dominance, she added. The recent reckoning over sexual misconduct has surfaced stories mostly of women, including those in UP. Just this

month, for instance, the UP Phi Delta Alpha Sorority denounced “the disrespectful and despicable behavior” directed towards its members. “We refuse to allow perpetrators of sexual harassment to run scot-free while victims continue to wallow in silence and self-hate,” they said in a statement. Echoing Resistance This development is incomplete without avenues for redress for those whose silence for so long does not mean complicity but sufferance. “We must be more unapologetic in calling out misogyny and harassment within and outside the campus as well as be strict in penalizing such actions,” said Sugar Del Castillo, the Gender Committee Head of the University Council. UPD OASH espouses restorative rather than retributive justice in levying corrective measures for sexual offenses, said OASH Coordinator Teresa Paula De Luna. “May room for improvement and change dahil mga bata pa." Particularly for cases falling under “light” offenses, OASH offers both complainant and respondent the option of informal procedure, which includes mediation via alternative dispute resolution, counselling, provision of temporary shelter, and other appropriate support. A student who filed a complaint in 2016 against her boyfriend, Melanie sought counselling from the Diliman Gender Office, an office which works with OASH. Every session fortified her resolve to elevate the case to a formal investigation, which involves the conduct of a summary hearing. “Pinagdaanan ko lahat ng proseso kahit na alam kong ang mga ganitong institusyon ay bureaucratic at unforgiving sa victims ng rape and harassment,” Melanie said. “Kahit naman ang justice system ng bansa ay hindi pabor para sa mga biktima.” She was not surprised that it took five months before she heard from OASH, which, after all, advised that she proceed to criminal court instead because her case was “too complicated for administrative matters.” Resonating Call The rallying cry against sexual harassment is stifled by a structural impunity that favors men and is not counterbalanced by existing grievance procedures, which prove to be onerous for victims. “Like ’yung burden ay nasa biktima talaga… kasi ‘pag di ka nagte-text hindi ka nila ifa-follow up,” Melanie said of her experience with OASH. “Parang ang bigat kasi ako naman ‘yung ginawan ng mali, pero bakit parang ako ‘yung naghahabol?” Like Melanie, Kim also filed a complaint with OASH but, even worse, she had already graduated from UP when she was informed of the committee’s decision to dismiss her case. Slow-footing cases often arise from when both parties lawyer up, said De Luna. To slacken this highly legalistic orientation of the implementing rules and regulations of RA 7877, a new ASH code was drafted and approved in January 2017. Among the amendments is the specification of a stricter schedule for faster adjudication of cases. This is a decisive step to curb inefficiency, said Melanie, yet this must still be propped by genuine commitment on the part of OASH. “Dapat mas ipa-

feel sa mga estudyante na OASH ang nagri-reach out, hindi ‘yung pinupuntahan lang,” she added, citing the need for wider publicity of OASH’s programs. At present, the office has a staff of only five and faces the challenge of how to trickle their campaign down to departments and colleges. This requires the cooperation of all UP sectors, to integrate into academic culture the campus policies and procedures on anti-sexual harassment. Yet, legal and procedural mechanisms only deliver justice in individual instances of violence. More than the safeguards of the law, substantial gains are won on the ground, where both men and women destroy the very power structures that enable gender discrimination and other inequalities. Only then can every woman reclaim her space. * not their real names

SIDEBAR 1 Sexual Harassment Cases Reported to UPD Police from 2008 to 2017

* “Others” include nonteaching personnel who work for the university and non-UP contractual and job order workers who are under a contractual teaching or nonteaching arrangement.

References: De Luna, T. P. & Mondiguing, R. (2016). Challenging the Face of Sexual Harassment in UP Diliman. Office of Anti-Sexual Harassment (OASH), UP Diliman. 2016. Tangri, S. S., Burt, M. R., & Johnson, L. B. (1982). Sexual harassment at work: Three explanatory models. Journal of social Issues, 38(4), 33-54.

** Based on UPDP’s record, there were no reported cases of sexual harassment for the years 2008, 2009, 2011, and 2012. SOURCE UP Diliman Police Record

SIDEBAR 2 Who are the likely victims and respondents of sexual harassment on campus?

SIDEBAR 3 What is the likely profile of the parties involved in sexual harassment cases on campus?

SOURCE UP Diliman Sexual Harassment Case files (2003-2013)

HUWEBES 18 ENERO 2018

7

LAT HA LAIN


MGA TA MBOL NA humahataw hanggang 8/8 na beat, may pagsaliw pa ng tambourine, pati eksenang may full sex scene— kung hindi kakaiba, sa isip ay nanggagambala. Lahat ng saliwa sa palabas sa telebisyon, tinatawag na ngayong indie. Tahimik lang ang genre na ito sa pagpapalaganap ng sari-saring estilo sa musika, pelikula at iba pa; nakasentro lang ito sa maliliit na grupo na kung hindi progresibo ay nakalinya sa art for art’s sake. Ngunit ngayon, maingay na ito sa industriya, gaya ng sa nagdaang Metro Manila Film Festival (MMFF) noong 2016 kung saan puro indie umano ang napiling papasukin sa f ilm festival. Isa ang pangyayaring ito sa mga naghahawi ng daan tungo sa konsepto ng indie sa bansa. Sa ngayo’y patuloy ang pagdiskubre sa halina ng mga kakaibang panlasa, maging sa musika sa pangunguna ng mga kabataan. Kung hindi ang mabining musika ni Moira Dela Torre ang pinakikinggan, linggu-linggo silang nasa gigs ng Autotelic, Ransom Collective, at iba pang “indie bands.” Back track Lampas pa sa usapin ng “label” ang pagsasakategorya sa indie, dahil gaya ng malalaking record labels at f ilm production companies sa bansa, mayroon na rin namang ilang kumpanyang independent gaya ng nagtaguyod ng album ng ‘Oh, Flamingo!’ noong 2015 na Wide Eyed Records Manila, at pelikulang ‘Kitakita’ ng Spring Films. Kung babagtasin ang kasaysayan ng indie sa bansa, ang dekada ’40 ang tinaguriang unang “Golden Age” ng pelikulang Pilipino dahil sa nakitang opurtunidad ng industriya ng pelikula para ipahayag ang pagsalungat sa mga mananakop. Nariyan ang mga director gaya ni Manuel Conde na kilala sa paglikha ng pelikulang tumatalakay sa naratibo ng pag-ahon ng bansa mula sa digmaan.

Sa pagdating ng telebisyon at ng kakabit na modernisasyon noong dekada ’60, humina ang paglikha ng mga indie f ilms. Naging status symbol ang pagkakaroon ng telebisyon kung saan napapanood at napakikinggan ang pelikula at musika ng naglalakihang kumpanya. Dito umusbong ang mga pelikulang “bomba” gaya ng ‘Laman sa laman,’ ‘Hayok,’ at iba pa. Bitbit ng mga direktor at artistang lumilikha ng indie ang bigat ng pakikipagsabayan sa malalaking korporasyon. Kung kaya noong diktadurang Marcos, nakalikha ang mga gaya ni Lino Brocka ng mga pelikulang naglalahad at nagsusuri sa krisis na kinahaharap ng bansa. Gayundin, umalingawngaw ang mga musika ng mga grupong gaya ng Asin, The Jerks, at iba pa. Karamihan sa kanila, tatak-UP. Hindi nawawala ang indie—bukod sa tinatangay ito ng panahon, ang pagiging ganap nito ay tuwirang pagtugon sa mga suliraning patuloy na umiinog sa lipunan.

pagtatampok kina Vice Ganda at Vic Sotto sa telebisyon, malamang, sila ang pipilahan sa f ilm festivals—bagay na nagiging kulturang pangmasa o mass culture. Dahil nagsilbing tagapagbigay-

institusyunalisadong genre, tulad ng malinis na 4/4 ng waltz ng mga engradeng okasyon sa palasyo. Gayunman, dahil ang pagpapanatili sa indie ay nakasalalay sa malaya at bukas na paglikha ng bago, maraming humiram sa termino nang hindi isinasaa langalang ang m a t a l a s na suring mahalagang bahagi ng isang subculture. N a g i n g “cool ” na lamang ang kahulugan ng ripped jeans— estetika na lang kung ituring ang lace at turban na dating sumisimbolo sa hippie subculture na isang kultural na protesta o pagkilos ng mga kabataan laban sa mainstream na buhay-Amerikano noon.

2 COOL

Collab Ang “indie spirit” ay nahahango mula sa pag-igpaw sa mainstream. Dumadaloy sa mainstream ang laman ng telebisyon, radyo, sinehan, at iba pang likha ng malalaki at dominanteng korporasyon gaya ng Star Cinema at GMA Films. Ang pagiging dominante ay nagbibigay-kapangyarihan sa mga likhang-sining nito upang maging institusyon at mukha ng kulturang popular. Sa inaraw-araw na

2 BE INDIE* SHEILA ABARRA

konteksto ang kulturang popular sa mass culture, kinilala ang mga sumasalungat dito bilang indie. Tinawag ang indie na “subculture” ng mass culture, ayon kay Dick Hebdige, isang Britong teorista. Ang orihinal na halimbawa ng subculture ay nagtataglay ng mahahalagang komentaryo sa lipunan. Ang musikang “metal” ay maihahalintulad sa ingay sa mga pabrika kung saan ang mga suliranin gaya ng kontraktwalisasyon at hindi makatarungang sweldo ay patuloy na nangyayari. Ang ingay na ito ay halimbawa ng ideya ni Hebdige sa subcultures bilang “cultural noise.” Ipinapahayag ng iregular na beat at mala-ugong na electronica ang pagtaliwas sa swabeng tunog ng mga

Long set Ang pagkahumaling sa estetika ng indie ay nagkakaroon ng tuwirang epekto sa mga isyung panlipunang iniinugan nito. Isang halimbawa ang naisasantabing nosyon ng pagiging “puti” ng musikang indie sa Kanluraning kultura. Puro ‘Vampire Weekend,’ ‘Belle & Sebastian’ at mga direktor gaya nina Wes Anderson ang namamayagpag sa indie scene at walang nakakapansing bibihira ang pagsikat ng mga AfricanAmerican. Depiksyon ito ng pananatili ng iba’t ibang isyung panlipunan gaya ng diskriminasyon sa lahi maging sa produksyong indie. Gayundin, tila estetika na lamang ang naiwan sa orihinal na kahulugan ng indie. Maging sa bansa, ganito ang

umuusbong na mga banda at pelikula. Kahit palasak na ang temang pagibig, nagbibigay nang panibagong pagtingin sa kulturang Pilipino ang metapora ng pagiging bata sa kantang Laro ng Autotelic, at mala-tulawit na pagtampok sa mga kalye sa Maginhawa ng Ang Bandang Shirley. Gayundin sa mga pelikula, gaya ng mga pang-vlog na eksena mula sa pelikulang ‘Siargao’ ng MMFF 2017. Gayunman, nananatili pa rin ang awiting makabayan ni Karl Ramirez at bandang Plagpul na kumanta ng ‘Pula ang kulay ng pag-ibig’ na laging laman ng mga gig sa K AL. Tumabo rin sa takilya ang pelikulang biopic gaya ng ‘Heneral Luna,’ at umani naman ng papuri sa MMFF ang pelikulang dokyu na ‘Sunday Beauty Queen’ na tungkol sa mga kababaihang nangingibang-bansa. Kung walang katuturan o komentaryo sa lipunan ang sining, hindi ito matatawag na indie. Sinasagka ng indie ang kasalukuyang sistema ng produksyon sa industriyang mismong humahadlang sa pag-usbong nito. Isang malaking hakbang sa pag-unlad ng tunay na indie ang pagkahumaling ng kabataan sa umuusbong na artists sa bansa. Ang patuloy na paghahanap ng bago ay mararanasan din sa kakaibang pakiramdam ng sama-samang pagdalo sa mga gig para makapakinig ng mga bagong awitin at banda. Hindi rin basta-basta ang paghanap ng albums ng mga iniidolong artists na bibihira sa mga mall at nabibili kung hindi sa bars ay online pa nga. Ang iba’t ibang kwento ng pagtangkilik ang nagbubuklod sa komunidad ng indie. Sa pagyabong ng indie, isang malaking responsibilidad sa sinumang nangangahas maging tagapagtaguyod nito ang pagpapatibay sa tunay na indie spirit—matalas, makabayan, at syempre, cool.

DIBUHO NI ISAAC RAMOS DISENYO NG PAHINA NI ADRIAN KENNETH GUTLAY

KUL TU RA

8

HUWEBES 18 ENERO 2017

*pasintabi kay Petersen Vargas


STARGAZING PAGTANAW SA SCIENCE FICTION SA PILIPINAS MARVIN JOSEPH E. ANG

MALAKI ANG PAGBABAGO ng mundo sa hinaharap. Mayroon nang lumilipad na kotseng sing-bilis ng mga jet planes. Hindi rin alintana ang mga kakarag-karag na tren dahil gumagana na ito nang walang riles; halos tatlong segundo lang ang biyahe sa bawat istasyon. Sa taong 2081, abala ang daigdig sa paglikha ng bago at nakamamanghang teknolohiya. Samantala, natatawa si Mang Juan habang pinapakinggan sa kaniyang lumang radyo ang mga bagong imbensyon. Sa panahong ang naghahari’y mga robot, kalabaw pa rin ang katuwang niya sa pagsasaka. Gasera’t kandila pa rin ang ilaw nila sa kanilang tahanan tuwing gabi, sa panahong nagbabagsak-presyo na ang mga 10-watts na bumbilyang kayang pailawan ang isang buong plaza. Nawala na ang anyaya ng kinabukasan. Pagkabilis-bilis man ng takbo ng panahon at teknolohiya, waring nakahinto ang oras para sa kanilang bihag ng kasalukuyan. Time Machine Mga lumilipad na kotse at nagtataasang mga gusali ang karaniwang mukha ng hinaharap sa mga akdang science fiction. Ipinapakita nito na maganda at maaliwalas na mundo ang hatid na pagbabago ng siyensya at teknolohiya. Sa pelikulang “Tomorrowland,” ipinakita ang mga mabibilis na tren na umaandar kahit walang riles at mga taong lumalangoy sa swimming pool sa ere. Ito ang mundong nais ipakita ng mga akdang science fiction – isang bughaw na langit kung saan tayo malayang nakalilipad magisa. Kaya noong 2000, binuksan

sa prestihiyosong Gawad Palanca ang kategoryang “futuristic” fiction upang hikayatin ang mga Pilipinong manunulat na kumatha ng science fiction na sing-ganda ng mga nakasulat sa Ingles. Nais ng Palanca na tumanaw ang mga Pilipinong manunulat ng isang teknolohikal na hinaharap, ngunit imbis na mga kwento sa outer space, ang mga nanalong akda’y pawang parepareho ang hula sa kinabukasan ng Pilipinas – nananatili pa rin ang mga bahay sa ilalim ng tulay, nakakasulasok ang usok na ibinubuga ng mga pabrika, at nangingitim ang mga ilog at sapa. Ayon sa isang panayam sa manunulat na si Butch Dalisay, mas realistiko ang mga nananalong kuwento sa kategoryang ito, bagay na hindi akma sa terminong “futuristic.” Kaya’t ilang taon lang, tinanggal din ito sa patimpalak. Paliwanag naman ni Prof. Alwin Aguirre ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, manunulat at iskolar ng futuristic fiction sa Pilipinas, maaaring hindi nagustuhan ng mga hurado ang mga akda dahil hindi ito sing-ganda at sing-yaman ng mga akdang banyaga. Ano nga ba naman ang laban ng kuwentong tungkol sa mga magsasakang nalipasan ng panahon at teknolohiya sa Star Wars o sa mga akda ni Neil Gaiman? Para kay Aguirre, mahalaga sanang nabatid ng mga hurado na bagaman mayaman ang batis na paghahalawan ng mga ganitong klase ng kuwento, walang pagsisidlan dahil una pa lamang, wala tayong “metanarrative” o “worldview” tungkol sa mga ganitong katha sa mahabang tradisyon ng panitikan ng Pilipinas.

Alien Katulad ng Pilipinas, humalaw ang bansang Japan sa mga naisulat nang science fiction sa kanluran upang maging batayan sa paglikha ng mga akdang futuristic. Ngunit kaiba sa atin, nakabuo sila ng sarili nilang metanarrative na lapat sa kanilang kultura’t kamalayan. Isang halimbawa nito ang ‘Voltes V’ na labis na tinangkilik dito sa Pilipinas. Ilang dekada makalipas ang Voltes V, hindi pa rin tayo nakakalikha ng sarili nating metanarrative. Para kay Aguirre, ito ay dahil tayo mismo, hindi natin nakikita ang ating sarili bilang mga pangunahing tauhan sa isang akdang science fiction – bilang mga imbentor, siyentista, astronaut, at tech experts. “Hindi natin naiisip ang sarili natin [bilang] originators; laging users lang. Laging espesyal ang pagtangi ng mga kanluraning bansa sa kanilang panitikan bilang siyentipiko at lohikal. Sa pelikulang Star Trek, pinamamangha ang mga manonood sa posibilidad ng paglalakbay sa ibang mga planeta. Samantala, ayon sa marxisting kritikong si Fredric Jameson, dapat umanong basahin bilang “national allegory ” ang tekstong pampanitikan sa mga “third world” na bansa tulad ng Pilipinas. Dito, malay na binibigyang-diin ang pulitika at ang materyal na kondisyong pinanggagalingan ng mga katha. Taliwas sa ninanais ng mga hurado ng

Palanca, hindi dahil politikal ay hindi na maaaring tawaging futuristic. Sa akdang Apollo Centennial ni Gregorio Brillantes (1981), tinalakay ang maaaring mangyari sa Pilipinas sa hinaharap kung nagpatuloy ang marahas na “Bagong Lipunan” ni Marcos. Higit sa pagkatha ng isang hinaharap, may tuwirang kritisismo ito sa kasaysayan at sa kasalukuyan. Bilang national allegory, tinitingnan ang teksto bilang bahagi ng mas malawak na kontekstong pulitikal sa daigdig: Habang nagagawa ng mga mauunlad na bansa na makalikha at mas mapaunlad pa ang kanilang teknolohiya, sa mga neokolonyang tulad ng Pilipinas nanggagaling ang kanilang hilaw na materyal. Samantala, pinananatiling atrasado ang sarili nating ekonomiya, pulitika at kultura. Kaya’t paano nga ba tayo magkakaroon ng sariling Optimus Prime, Bumblebee o Gundam kung wala tayo ni isang sariling pagawaan ng bakal? Alternate Universe Sa kasalukuyan, nananatiling eksperimental pa rin ang mga akdang may paksaing agham. Para kay Aguirre, mahalagang ang bawat katha, science fiction man o hindi, ay lagi’t laging nakasandig sa realidad na umiiral sa kasalukuyan. Aniya, matutulungan nitong mailapit ang kuwento sa kamalayan ng mga mambabasa nito. Higit sa pagkatha ng isang hinaharap, ang papel ng science fiction sa ating lipunan ay turulin ang kasalukuyan. Kung kaya’t naririto ang hamon para sa mga manunulat sa Filipino, ayon kay

Aguirre. Bagaman aminadong hindi ito magiging madali, pagpapatuloy ito ng nasimulang mga science fiction sa Pilipinas. “Mas [mapanghamon] dahil walang modelo pagdating sa wika.” Isa ring hamon ang pagpapalaganap nito sa mga mambabasa. Sa ngayon, iilang manunulat pa lamang ay may interes sa paglikha ng ganitong akda. Kakaunti pa rin kung sumulpot ang mga science fiction sa Pilipinas na nakalathala sa Filipino – halimbawa’y ang komiks na Magic X, na tumatalakay sa Martial Law, at Tantaroo ni Pedro Solano, na nalimbag sa wikang Hiligaynon. Sa kasalukuyan, tinatapos nina Aguirre ang isang antolohiya ng science fiction na tumatalakay sa temang kalamidad. “The future is not when – it is where,” ani Aguirre. Marahil, ito rin ang masasabi para sa kinabukasan ng science fiction sa Pilipinas. Labas pa sa yaman ng naratibo, mahalagang ang mga likhang-pampanitikan ay nakakiling sa materyal na kondisyong umiiral sa kasalukuyan.

DIBUHO NI DANIEL MARIANO DISENYO NG PAHINA NI ADRIAN KENNETH GUTLAY

HUWEBES 18 ENERO 2017

9

KUL TU RA


P R E S S I N G M AT T E R S RAT SAN JUAN

It’s easier to shrug off individual cases of government officials discrediting media organizations than to even attempt to topple systematic impunity. PATAY-PATAYAN ANG paboritong laro namin dati. Ngayon, mistulang patay na patay ako sa bawat mong laro. Ikaw ang paborito kong pamatay ng oras noong nakaraang semestre. Kung hindi ako nagpapakamatay sa opisina ng Kule, inuubos ko ang aking mga kwento sa’yo. Sabi mo nga: para saan pa si Duterte kung patay na patay ka na sa akin. Tinawanan ko pa rin kahit pwede ko nang ikasa ang mga bala ko. Ganoon naman: sa mga taong lango sa pag-ibig—abála na may halong katatawanan kung tingnan ang mismong sandali ng pagkalasing. Nahulasan ako kinabukasan. Huling linggo iyon ng Enero, buwan bago ang araw ng mga puso, pumutok ang balita tungkol engkwentro sa Mamasapano. Hindi ka na muling tumawa kahit pa ikasa ko ang aking mga patok na biro. Biruin mo, hindi ka pala laging nakikipaglaro. Sineryoso ko na rin ang mga hirit mo. Sabi mo, dalawang beses na lang tayong magkita sa isang linggo. Naging isa, hanggang sa naging magisa na lang ako. Mas masakit daw pag inalam pa ang dahilan, ngunit hindi para sa akin. Hindi ka nawala nang basta, gaya ng apatnapu’t apat na mistulang pinadala upang mamatay. Nakakamamatay ang larong iyon ng dating pangulo, namana sa dating nasa pwesto, ginaya pa ng sumunod. Lahat pinapatay. Batang sinasabing nagdodroga, sundalong sa giyera ng estado ay ibinala. Pare-pareho lang, iba’t ibang anyo. Tulad ng napakaraming masaker, pinipilit kang

O PIN YON

10

HUWEBES 18 ENERO 2018

kalimutan. Pero sa kaso ko, hinayaan kong maabala at matawa sa kaliwa’t kanang patayan. Tinuring na lang kitang isa sa mga patay, baka sakaling mas madaling kong matanggap. Hindi naman kasi ako nasanay sa tamang paraan ng pagluluksa—hinahayaan lang ng bansang magpatuloy ang serye ng patayan. Marami tayong kaibigan piniling isiping wala namang kaso kung wala ka na sa tabi ko. At ang kaso, mas pinili kong hampasin ng katotohanang hindi ko kayang manatili rito. Lagi’t lagi akong kakawala at maghahanap ng ebidensyang buhay pa ako, sa gitna ng mga malagim na patayan. Sana nasa masayang lugar ka na ngayon, pero iniisip ko pa rin kung natapos mo na ba ang ginagawa mong kanta. Minsan, nakikita pa rin kitang naglalakad sa may lobby, o naghihintay ng jeep sa may Katip. Sana nasa masayang lugar na sila ngayon, pero iniisip ko pa rin kung nakapagtapos ba ng pag-aaral ang naulila nilang anak. Kung minsan, nakikita ko pa rin ang mga balita tungkol sa engkwentro, nababasa ang iba’t ibang kwento. Ikaw ang paborito kong pamatay ng oras. Kung hindi ka lang nagpataypatayan, e di sana hindi naiipon ang mga kwento ko sa’yo. Ngunit hindi bale, gaya ng lahat ng martir sa ating pagkilos, ipinagmamalaki kita. Malapit na muli ang huling linggo ng Enero, magpe-Pebrero na at hinahanap kita sa bawat kong gunita.

THERE COMES A POINT WHEN those behind the bylines break away from the sidelines to turn the pages of history. If the past has offered us anything, it’s the timeless lesson that journalists play an indispensable role in an ongoing revolution. Our own involvement is a choice too often evaded, lest the powerful members of society decide for us, reminding us of our inevitable and inescapable duty. When news broke out regarding the Securities and Exchange Commission (SEC)’s revocation of Rappler’s registration, the fiasco quickly became a topic of national conversation. This wasn’t your daily dose of controversy stirred by some government official’s obtuse remarks. It was politics at the cost of public service. At the same time, nothing is fundamentally new. The media has always served as the government’s whipping boy. It is no stranger to libel suits, death threats, and different shades of censorship. Albeit a sad truth, we had probably by now been desensitized by the negligence and never-ending apologies of a government that prioritizes the powerful and picks fights with the weak. It’s easier to shrug off individual cases of government officials discrediting media organizations than to even attempt to topple systematic impunity. Moreover, the cycle continues in part due to journalism conventions

which inhibit reporters from participating in societal affairs, particularly subject matter that falls under media coverage. This concept, known as objectivity, is taught widely in journalism schools, including the University of the Philippines Diliman’s own Department of Journalism. Objectivity unwittingly perpetuates the cycle of impunity by condoning pre-existing conditions in favor of promoting reporters’ neutrality of stance in issues. Of course, if we are to believe Elie Wiesel: “We must always take sides. Neutrality helps the oppressor, never the victim.” Unfortunately, the case is too often that media organizations abide by the strict rules of objectivity, in conscious avoidance of potential conflicts of interest for the reporter. The pitfall of which is confusing, playing-safe journalism with passive coverage of every issue under the sun and treating them as if they had equal urgency. This in itself becomes a conflict of interest for the press. After all, how can a detached observer guide the audience to better decisions if he is unable to express his own opinions on pertinent issues? As seen recently with Rappler, tough conditions force journalists to have a paradigm shift in order to function under the circumstances. This especially holds true for media organizations that are directly affected by national issues, primarily because they’re left with no choice but to fight.

PHILIPPINE COLLEGIAN SANNY BOY AFABLE

PUNONG PATNUGOT

ALDRIN VILLEGAS

KAPATNUGOT

SHEILA ANN ABARRA

TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

JOHN DANIEL BOONE

PATNUGOT SA BALITA

ROSETTE ABOGADO JAN ANDREI COBEY ADRIAN KENNETH GUTLAY

PATNUGOT SA GRAPIX

CAMILLE JOYCE LITA

TAGAPAMAHALA NG PINANSIYA

JOHN KENNETH ZAPATA JOHN RECZON CALAY RAT SAN JUAN

KAWANI

AMELYN DAGA

PINANSIYA

P ATAY - P ATAYA N SHEILA ABARRA

GARY GABALES

TAGAPAMAHALA SA SIRKULASYON

AMELITO JAENA OMAR OMAMALIN

SIRKULASYON

TRINIDAD GABALES GINA VILLAS

KATUWANG NA KAWANI

KASAPI UP SYSTEMWIDE ALLIANCE OF STUDENT PUBLICATIONS AND WRITERS’ ORGANIZATIONS (SOLIDARIDAD)

COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES (CEGP) PAMUHATAN SILID 401 BULWAGANG VINZONS, UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, DILIMAN, LUNGSOD QUEZON TELEFAX 981-8500 LOKAL 4522 ONLINE phkule@gmail.com www.philippinecollegian.org fb.com/phkule twitter.com/phkule instagram.com/phkule issuu.com/philippinecollegian pinterest.com/phkule

      

Lagi’t lagi akong kakawala at maghahanap ng ebidensyang buhay pa ako, sa gitna ng mga malagim na patayan.

UKOL SA PABALAT

DIBUHO NI GUIA ABOGADO


MELTING POINT

WARREN RAGASA

BARYA LANG PO SA UMAGA DAHIL ISANG DIPANG IMPYERNO ANG LAYO NG Taguig sa Diliman, mas pinipili ko laging umidlip sa biyahe kaysa magmuni-muni sa mga kasawian ko sa buhay, o kung bakit hanggang ngayon ay ‘di pa rin nililipol ng maylikha ang ganid na sangkatauhan. Pero pinigilan ko ang antok ko noong isang araw nang mataon ako sa harapang upuan ng sinasakyan kong dyip; ano pa’t baka matulak ko ang kambyo at mauna ako sa sangkatauhan. At gustuhin ko man, high na high ako sa pabangong Jovan Musk na ipinanligo ng katabi kong drayber. Presko si manong tsuper—naka-shades, kalbo at may pinilit na goatee. Iniabot ko ang bayad sa kaniya: dalawang limangpiso at tatlong tigpi-pisong barya. Ang unang batas ng mga presko: action speaks louder than words. Matapos kong iabot ang bayad sa kaniya, hindi niya isinara ang mga palad niya, waring namamalimos, at nagpatuloy siyang nagmaneho gamit ang kaliwa niyang kamay. Ang ikalawang batas ng mga presko: brevity is wit. Nang ilang minuto pa’t hindi pa rin niya inilagay ang mga barya sa maliit niyang kahera—na naghihiwalay sa sentimo, piso, limang piso at sampung piso—minabuti na niyang magsalita: ano ‘to? “Bayad ko po.” Baka hindi tumatanggap si manong ng bayad para sa araw na ‘to, tulad ng mga drayber ng Ikot na nanlilibre ng pamasahe tuwing birthday niya o sa pagtatapos ng kaniyang anak. Ang ikatlong batas ng mga presko: save your soul. Umagangumaga, sa loob ng mainit na dyip, katabi ng drayber na may naninipang amoy, inulan ako ng sermon: ’wag kang sasakay kung walang pera, o magsabing walang baon kaysa manloko ng drayber na marangal na naghahanap-buhay kahit pa ba may banta ng phaseout, at higit sa lahat: walang limang-pisong pamasahe sa panahong ito. Ah. Hindi napansin ni manong tsuper ang pagkakaiba ng bagong limang piso at ang lumang piso na iniabot ko. Pareho nga namang pilak ang kulay at halos magkasinlaki. At totoo, kung hindi mo babasahin, hindi mo maaaring kapain lang ang pagkakaiba ng dalawang barya. Bilib naman ako sa bagong disenyo ng limang piso—sa wakas, kahit sa limang piso, si Bonifacio ang tunay na may huling halakhak. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit naglabas ng bagong limang-piso ang Bangko Sentral na sinlaki at kamukha ng kasalukuyang piso. Dahil ba pantay lang ang ambag ni Rizal at Bonifacio sa Himagsikan? Siyempre hindi, kaya nga nasa limang piso si Gat Andres. Marahil para sa Bangko Sentral, maliit na isyu ang disenyo ng baryo kumpara sa milyun-milyong salaping papel na nasa sirkulasyon. Pero sa mas nakararaming mamamayan, silang nagko-commute o tumatanggap ng barya, malaking usapin ito. Kung sa bagay, ano nga naman ang tingin ng pamahalaan sa kanilang itinuturing na lab rats sa isang eksperimento, mga collateral damage sa isang walang saysay na giyera, o mga pabigat sa ekonomiya? Humingi naman ng pasensya si manong. Hindi na rin ako nakipag-away. Kung sakali mang pinagbayad ulit ako, isang stick ng fishball lang naman ang mawawala sa akin.

A GROUP OF LAWMAKERS PROPOSED yesterday a constitutional amendment to free speech, limiting state’s protection only to what they defined as “responsible exercise” of freedom of speech, of expression, or of the press. This was raised so conveniently after the Securities and Exchange Commission (SEC) revoked the license of Rappler allegedly for violating the Constitution, a claim already debunked by the media agency. Underlying this swift, political move is a grand ambition. As in every dirty affair of the government, it is not so hard to figure where all of this treads: an intensified effort by the state to curtail press freedom, crucial to the dictatorship that Duterte is building.

TAYO LANG DALAWA

 Sherwin Gatchalian

@GabbyLuceroo

#EnrollmentSaUp Makikita mo ang kahabaan ng pila sa OSSS para makakuha ng full tuition discount. Sa lahat ng MRR, master's, doctorate, med at law, tuloy ang ating laban para sa #FreeEducation 11:23 AM - 12 JAN 2018

Now that a bloodthirsty and foul-mouthed fascist threatens to declare Martial Law nationwide, the media once again is called to rise to the challenge. It cannot afford to feign objectivity and “responsible exercise of free press” when the poor are killed, when national minorities lose their land, and when we are stripped of our basic freedoms—including our right to know. It is the hallmark of a rotting power, of a regime built on deceit and violence, to dread and suppress even the slightest hint of dissent and criticism. We will never be cowed into silence.

ADRIAN KENNETH GUTLAY

JANUARY 31, 2017

 Gabby #JunkTRAIN

Even before he assumed office, Duterte’s order was loud and clear: kill journalism. More than a year hence, six journalists were killed, and at least 25 cases of attacks against media men have been recorded under the Duterte administration. Several members of the alternative press have also been consistently red-tagged and harassed by the military, including campus journalists. Not so long ago when a dictator also directed the imprisonment and murder of journalists, and ordered to close down media outlets especially those critical of his rule. But the alternative press persisted—exposing the atrocities of dictatorship, never pandering to neutrality but to critical reportage of history, against the powers that be.

@stgatchalian Ulol! 2:59 PM - 1 JAN 2018

Gago ka! 2:54 PM - 1 JAN 2018

CAVITE

 Inday Espina-Varona /inday.espinavarona

The day craven, rapacious politicians define and pass judgment on “responsible” expression is the day democracy dies.

STATUS QUOTES

3:46 PM - 16 JAN 2018

HUWEBES 18 ENERO 2017

11

COM MUN ITY


T R E AC H E R O U S T R AC K

,,

In creating a progressive and pro-poor government, the people are the ones who build the track that leads any tax reform policy to a progressive path.

THE NATION HAS BEEN TAKEN for a ride. Beginning operations on January 1, the Tax Reform for Acceleration and Inclusion or TRAIN is about to follow a treacherous track—running over the poor with a series of price hikes. Gasoline and petroleum products are expected to increase by P2.50 to P7.00 with the implementation of excise tax, thus forcing transport groups to petition for minimum fare hikes by as much as P6.00. While TRAIN is bound to reduce personal income tax rates, the stations ahead are filled with price hikes of basic commodities. What the proponents package as TRAIN for the poor is an elite express where the poor pay higher taxes on commodities while the rich take home more. The tax gains will matter little to the poor because most of the country’s 22.7 million families are minimum wage earners and are tax-exempt to begin with. But for the wealthiest one percent of families earning more than P1.5 million a year, they will have an average of P100,000 to over P300,000 additional take-home pay annually, according to think tank Ibon Foundation. As such, the TRAIN is far from being a progressive tax system. Tax reform is much needed in the country’s regressive tax policy which is primarily responsible for the weak development performance of the Philippines. This is largely due to the high level of income inequality, resulting to state capture by the elite, which only aggravates existing inequalities. TRAIN could have diverted from this path, yet its whittled-down version follows

PHILIPPINE COLLEGIAN

EDITORIAL

another treacherous track. A poor family struggling on P10,400 a-month will lose at least P933 from taxes and inflation. Meanwhile, senators and congressmen will earn at least an additional P85,000 a year with the Tax Reform. TRAIN indeed is a product of compromise. Tax reform, after all, is a series of pluses and minuses. But the problem with TRAIN is that it misses the point of redistribution—a chance to make society more equitable. The pluses add up to the wealthy who will gain more with lower taxes on corporate income, capital income, and property. The minuses are suffered by the poor who are vulnerable to the recent surge in illegal profiteering, with TRAIN already being used by establishments to post higher prices for goods and services. While consumption taxes keep on rising, the only protection that the government offers for poor families are cash transfers within three years—P200 per month in 2018, and P300 in 2019 and 2020. Eventually, the dole outs will stop, but the taxes will stay. In the long run, inflation will hurt everyone, but the effect on the poorest will be more than twice the effect on the richest. The poor are thus in need of more social protection in the face of inaccessibility of basic commodities. However, out of the projected P92 billion revenues in the first year of TRAIN, only 30 percent will go to social services while 70 percent will proceed to the administration’s “Build, Build, Build” project. Although large public investment in basic infrastructure is needed to spur

economic growth, the problem for the Philippines is that this is carried out through privatization and not through state-owned enterprises. Decades of privatization have not yielded significant development for the country. Electricity prices, for instance, are the highest in Southeast Asia, while the rate of electrification is relatively low. If the government wants the poor to gain from the economy, the poor should be at the center of economic policymaking. Unfortunately, the logic of TRAIN is to tax the necessities of the poor even if they have so little as it is. And yet, the logic of a progressive tax system is simple: the rich should be taxed more since they are the biggest beneficiaries of the country’s economy, resources, and labor. They can live in a standard of luxury, but the poor’s everyday life is a matter of survival. Lawmakers should thus get rid of the elite’s vested interest when crafting a tax policy. The government can impose higher import tariffs, investment and corporate taxes especially on foreign firms, and raise income, estate and inheritance taxes on the wealthy. The people’s role in realizing this is crucial as they are the primary stakeholders, majority of whom are poor. In creating a progressive and pro-poor government, the people are the ones who build the track that leads any tax reform policy to a progressive path. Only then can the nation abandon treacherous tracks and never be taken for a ride.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.