PHILIPPINE COLLEGIAN Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman › Biyernes 20 Enero 2017 › Tomo 94 Blg 11-12
kulê CHAINED FREEDOM, sumatotal LOST TIME President Rodrigo Duterte once vowed during his presidential campaign to release all political prisoners for the resumption of the peace process between the Government of the Philippines (GPH) and National Democratic Front of the Philippines (NDFP). The two rounds of peace talks have already ended last August and October, yet only 21 out of more than 400 political prisoners have been freed so far. Now that the third round of peace talks is in place with the agenda on socio-economic reforms, it is the sole duty of the people to demand from the admin the release of the detainees, whose time is running fast behind bars.
6
sumatotal HITS AND MISSES
THE FIRST SIX MONTHS OF THE DUTERTE ADMIN IN NUMBERS
opinyon PATINGIN NAMAN NG PET MO
14
8 lathalain LUPA AY LAYA
NARATIBO NG MGA PAGLABAN NG MGA MAGSASAKA NG HACIENDA LUISITA
philippinecollegian.org philippinecollegian phkule phkule phkule phkule@gmail.com
2
editoryal biyernes 20 enero 2017 ISKO ON THE STREET Anong katangian ang gusto mo sa susunod na tsanselor ng UP Diliman? "’Yung may angkop na solusyon sa problema ng bawat komunidad sa UPD, lalo na para sa mga estudyante na kalimitang na-o-oppress dahil sa mga policy na ipinatutupad." Michael Calma
4th year BS Computer Engineering
Daluyong ng pakikilahok Walang ibibigay kung hindi maniningil. Tagumpay ng malawakang pagkilos ng mga kabataan ang paglalagak ng karagdagang P8.3 bilyong pondo sa Commision on Higher Education (CHEd) para sa akademikong taong 2017-2018. Panimulang hakbang ito ng pagsulong tungo sa pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga mag-aaral, ngunit kaakibat nito ang hamon ng pagpapatuloy. Igiit natin ang sapat na pondo. Kulang ang inilagak na pondong mula sa naibasurang proyekto sa Autonomous Region of Muslim Mindanao, kumpara sa P12.7 bilyong kakailanganin upang gawing libre ang matrikula ng humigit-kumulang 1.7 milyong kabataang nasa state universities at colleges (SUCs), ayon sa IBON Foundation. Bunsod ng kakulangan, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang CHEd at Department of Budget and Management (DBM) upang gumawa ng pamantayan sa distribusyon ng pondo sa kabataan. Ngunit sinasagka ng pahayag ni Duterte ang 2017 General Appropriations Act na nagsasabing walang matrikula ang dapat singilin mula sa bulsa ng mga estudyanteng nasa pampublikong paaralan. Tahasan rin nitong binibigyan ng kapangyarihan ang CHEd at DBM na magtakda ng palisiyang gaya ng Socialized Tuition System (STS) sa UP kung saan pinipili ang mga benepisyaryo base sa pinansyal nilang pangangailangan. Kung titigil ang kabataan sa panawagang pagsasabatas ng libreng edukasyon,
Sa pagbubukas ng bagong taon, nananatili ang pag-asa at laban ng mga kabataan tungo sa progresibong oryentasyon ng edukasyon.
magpapatuloy ang daloy ng kapabayaan. Nito lamang linggo, tahasang nagpahayag si Patricia Licuanan, tagapangulo ng CHEd, na hindi pa rin matatamasa ng mahihirap ang libreng edukasyon dahil walong porsyento lamang sa mga ito ang nasa kolehiyo. Patunay ito sa matagal nang kapalpakan ng komisyon sa mandato nitong gawing abot-kaya ang edukasyon sa kolehiyo— sa halip, naging instrumento pa ito sa patuloy na pagtaas ng halagang dapat bayaran ng mga kabataan. Tinulak ng kakulangan sa badyet mula sa gobyerno ang mga SUCs na kumita sa sarili nitong kaparaanan at tipirin ang pondong dapat nakalaan sa edukasyon. Sa loob lamang ng UP, lantarang nagtayo ang mga pribadong namumuhunan ng mga malls tulad ng UP Technohub at UP Town Center. Hindi ito imprastrakturang pang edukasyon; hindi rin nila nagagawang magbayad ng tama sa oras. Tumaas din ang matrikula sa UP noong 2006, mula P300 kada unit tungong P1,000 kada unit. Sa halip na ibaba pa ang tuition, inihain ng administrasyon ni UP President Alfredo Pascual ang STS na nagtaas sa matrikula tungong P1,500 kada unit, at kung saan isa sa bawat 10 estudyante lamang ang nakatatanggap ng libreng edukasyon. Mahal na matrikula ang nagtutulak sa mga mag-aaral na mag-loan at kumuha ng trabaho para lang makabayad, bukod pa rito ang karagdagang bayarin sa unibersidad. Hindi rin natin malilimutan ang pagkitil ng sistemang ito sa buhay at kinabukasan nila Kristel Tejada ng UP at Rosanna Sanfuego ng Cagayan State University.
Sa pagbubukas ng bagong taon, nananatili ang pag-asa at laban ng mga kabataan tungo sa progresibong oryentasyon ng edukasyon. Mangahas dapat tayong makilahok sa mga pagkilos upang mapalakas ang kampanya sa libreng edukasyon at karagdagang pondo para sa SUCs. Katuwang nito ang pakikialam sa usapin ng pondo at pagpanawagan sa pagpapabasura sa mga maanumalyang proyektong nagiging sanhi ng korupsiyon. Sa aprobadong pondo ngayong 2017, mahigit P1 trilyon ang inilaan ng pamahalaan para sa mga gastusing walang tiyak na paglalaanan subalit nasa pangalan ng iilang mga mambabatas. Dito nag-uugat ang korupsiyon na nagiging dahilan ng pananamantala sa mga nananahimik. Suportahan din natin ang panukalang batas na kasalukuyang kinakatha ng mga senador at kongresista gaya ng “Free Higher Education Act” na naglalayong isabatas ang pagbibigay ng libreng matrikula sa lahat ng SUCs. Malaon nang napatunayan ng kasaysayan na malaki ang kapasidad ng kolektibo at demokratikong pagkilos ng kabataan upang lumikha ng pagbabago, tulad ng laksa-laksang mga mag-aaral sa Germany at Chile na naglunsad ng malawakang protesta hanggang sa magsabatas ng libreng edukasyon ang kanilang pamahalaan. Lunsaran ang bawat espasyo, mapalansangan, silid-aralan o social media, ng ating tinig— walang lugar sa pananahimik. −
Punong Patnugot Karen Ann Macalalad Kapatnugot Arra Francia Tagapamahalang Patnugot John Reczon Calay Panauhing Patnugot Mary Joy Capistrano Patnugot sa Kultura Andrea Joyce Lucas Patnugot sa Grapiks Rosette Abogado − Jan Andrei Cobey − Adrian Kenneth Gutlay − Chester Higuit Tagapamahala ng Pinansiya John Daniel Boone Kawani Hans Christian Marin − Sheila Ann Abarra − John Kenneth Zapata Pinansiya Amelyn Daga Tagapamahala sa Sirkulasyon Garry Gabeles Sirkulasyon Amelito Jaena − Glenario Ommamalin Mga Katuwang na Kawani Trinidad Gabales − Gina Villas Kasapi UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (Solidaridad) − College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon Telepono 981-8500 lokal 4522 Online phkule@gmail.com − www.philippinecollegian.org / fb.com/phkule / twitter.com/phkule / instagram.com/philippinecollegian
"Gusto ko ng Chancy na magdedesisyon para sa ikabubuti ng mga Iskolar ng Bayan, at saka student-friendly." Monique Rens
2nd year B Public Administration
"Someone who lives by UP’s motto, “Serve the People.” Someone who is passionate to serve and lead the campus, not just intrinsic but extensive." Ziena Nhel Reonal 3rd year BA Anthropology
“Someone who really cares for the students. A Chancy who will fight for us, for our rights, and for the welfare of the whole UP community.” Mark Laguardia 3rd year BS Tourism
UKOL SA PABALAT Dibuho ni John Kenneth Zapata
BIYERNES 20 ENERO 2017
BALITA
WISHFUL BELIEF Chester Higuit Millions surged the streets of Manila during the Traslacion of the Black Nazarene, January 9. Devotees battled the scorching heat and congested streets just to see and hold the statue of the Black Nazarene believing it could give them good health and luck. No death were recorded this year, whilst around two thousand received medical assistance.
Five UP units record less than 11 UPCAT passers −
CAMILLE GUADALUPE LITA
FIVE UP CONSTITUENT UNITS (CUs) will welcome less than 11 UP College Admission Test (UPCAT) qualifiers for academic year (AY) 2017 to 2018, following a decrease in the number of takers due to the implementation of the K to 12 program in 2015. A total of 1,591 of the 5,488 takers have been qualified for admission to the university, according to the official results released on December 20, 2016. Of the 1,591 passers, Open University, Cebu, and Mindanao (UPMin) recorded only four, six, and 10 qualifiers, respectively. UP Baguio (UPB) and Visayas (UPV) were not included as choices in the UPCAT form (see sidebar 1). As the first batch of students under K to 12 are only to graduate only in 2018, the program caused a 76,000 drop in the number of takers this year and 71,000 last year from the average of 81,500 in the past three years before its implementation. K to 12 replaced the country’s 10-year Basic Education Curriculum by adding two additional years in high school. Provincial units take toll under K-12 UPB was removed from the list of campus choices in the UPCAT form due to the low turnout of enrolled students in 2016 that forced some students to cross register or shift courses, said UPB University Student Council (USC) Chairperson Abdiel Orbon. After the implementation of K to 12, only 75 students passed in UPB, where only around 20 students confirmed for admission last year. Meanwhile, the UPMin administration admitted more freshmen than usual before the curriculum’s implementation in AY 2015 to 2016 as preparation for the low turnout of UPCAT qualifiers in the next two years, said UPMin University Student Council (USC) Councilor TJ Capulong. The low turnout of takers and qualifiers in provincial CUs, cost of application, location of testing centers, and lack of knowledge of the admission process hinder students to push through enrolling in UP, according to a study group composed of UP professors formed by UP President Alfredo Pascual to review the 2014 admission policy of the university. UPCAT uses the Excellence-Equity Admission System (EEAS) to take hold on the socio-economic and geographic account of a student as admission basis. The EEAS allots a 30 percent advantage to students from Visayas and Mindanao regions, but this advantage has not been maximized due to low number of takers, the study group added.
25 courses vacant With the low turnout of examinees in the UPCAT, twenty five courses in the UP System have been left without passers for AY 2017 to 2018 as well. Among the courses offered with no UPCAT qualifiers are those related to arts, humanities, engineering, math, and science (see side bar 2). Even UP Diliman, which holds the highest number of passers with 848 or more than half of the total qualifiers in the system has 14 vacant courses, including BS Social Work and BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino. With the high number of courses vacant and with fewer students, transferees and shiftees are allowed to apply in all UPD undergraduate programs, mixed freshmen blocks are opened for students with related majors, and small sections are opened for students to keep in track with their curriculum, UP Diliman Vice Chancellor for Academic Affairs Benito Pacheco said. Business, economics, engineering, and other science-related courses remain to have the highest number of qualifiers in the system with degrees in business having 281 passers, engineering with 228, and economics with 111. “Dati pa naman nagaganap ang pagpili sa mga kursong nakakapagpo-prodyus ng mga gradweyt na may mataas na demand sa merkado at sahod. Maaaring dulot ito ng lalo pang pagtindi ng komersyalisadong katangian ng edukasyon,” said College of Arts and Letters Professor Ramon Guillermo. In 2013, the UP administration released a plan to prepare the university for the effects of K to 12 program, which include the reviewing of the General Education (GE) program of all CUs. Today, all CUs except UP Diliman have approved the reform removing Filipino electives and decreasing the number of required GE courses from 45 units to a minimum of 21. “Ang panawagan natin ay bigyang halaga ang lahat ng mga courses dahil hindi ang UP ang nagdidikta kung ano ang kumikita at hindi. Dapat at the maximum, lahat ng courses ay nakakaambag sa nation building,” said USC Diliman Chairperson Bryle Leaño. Progressive groups have previously criticized K to 12 for its supposed inclination toward more marketable courses suited for the international labor force. K to 12 offers tracks that are fit for overseas employment, according to Alliance of Concerned Teachers (ACT). “Nararapat pagsikapan ng pamantasan na tumulong sa pagwawaksi sa konseptong komersyalisadong edukasyon. Dapat palaganapin [ng UP] ang tunay na papel nito bilang nagpapaunlad ng buong potensyal ng bawat mag-aaral na magsusulong ng kaunlaran at kapakanan ng buong bansa,” said Guillermo. −
SIDEBAR 1 DISTRIBUTION OF PASSERS PER CONSTITUENT UNIT
CU DILIMAN MANILA LOS BAÑOS BAGUIO VISAYAS CEBU PAMPANGA MINDANAO OPEN UNIVERSITY PENDING STATUS TOTAL
2017-2018
2016-2017
2015-2016
848 381 267 0 0 10 36 6 4 40
843 270 263 75 3 4 22 2 4 42
5,589 944 2,807 1,493 2,289 845 260 680 81 --
1,591
1,558
14,998
SIDEBAR 2 COURSES WITH ZERO QUALIFIERS
UPD BA ART STUDIES BA BUSINESS ECONOMICS (UPDEPP) BS GEODETIC ENGINEERING BS GEOGRAPHY BS HOME ECONOMICS B LIBRARY AND INFORMATION SCIENCE BS METALLURGICAL ENGINEERING BA MALIKHAING PAGSULAT SA FILIPINO B PHYSICAL EDUCATION BA PHILIPPINE STUDIES B PUBLIC ADMINISTRATION B SECONDARY EDUCATION BS SOCIAL WORK BA THEATRE ARTS
UPM BS OCCUPATIONAL THERAPY
UPLB BS AGRICULTURAL CHEMISTRY BS MATHEMATICS AND SCIENCE TEACHING
UP CEBU BS COMPUTER SCIENCE BA MASS COMMUNICATION BS MATHEMATICS BA POLITICAL SCIENCE
UP MINDANAO BS AGRIBUSINESS ECONOMICS BA ANTHROPOLOGY BS APPLIED MATHEMATICS BS COMPUTER SCIENCE
3
4
BALITA BIYERNES 20 ENERO 2017
Amid increase in pension
Lawmakers slam SSS contribution hike −
H.C.E. MARIN
AFTER THE APPROVAL OF AN increase in pension, Makabayan bloc lawmakers urged the Social Security System (SSS) to institute reforms which improve the collection of revenue and reduce huge salaries and bonuses for its executive, instead of increasing the contribution rates of its members. President Rodrigo Duterte approved on January 10 a P1,000 increase in the monthly pension of SSS members this year and another P1,000 increase in 2022. The pension comes with an increase in contribution rate to 12.5 percent from 11 percent and in monthly credit to P20,000 from P16,000 to ensure sustainability, according to Presidential Spokesperson Ernesto Abella. While they welcome the pension hike, the legality of the 1.5-percent increase in contribution should be addressed by investigating if the fine print of the resolution violated the Social Security Act of 1997, according to lawmakers from Makabayan. Under Section 4 of the law, any increase in benefits shall not require any increase in the rate of contribution. To compensate for the hike, contributions collected should instead be maximized as only half of the 34 million members pay, said Bayan Muna Representative Carlos Zarate in a statement. SSS should also learn from the P4.845 billion worth of contribution delinquencies and employer penalties in Metro Manila and P71 million worth of illegal bonuses it recorded in 2015, Anakpawis Representative Ariel Casilao added. “The potential and significant losses are due to how the institution is managed, but the burden is being passed on its
members, hence, we urge the people to be vigilant and intensify mass actions pressing reforms beneficial to SSS members,” Casilao said in a statement. Teresita Estiva, 71, gets P3,000 monthly pension in SSS and started receiving it when her husband died 11 years ago. Of the P3,000, she only takes home P1,500 as the other half is used to pay for the loan they used to finance the construction of an electric post that provides them electricity. “Nagpapasalamat ako kasi kahit papaano tumaas ng sanlibong piso ang pension na natatanggap namin mula sa SSS. Hindi sapat yung P1,000 pero kahit papaano, nakatutulong ito sa pang-arawaraw na gastusin sa bahay,” Estiva said. Last January, former President Benigno Aquino III vetoed the approved bill increasing the SSS pension by P2,000. The bill would shorten the fund life of SSS to 2029 from 2042 or by 13 years, as the total payout for all pensioners in a year is P56 billion while the agency only has an annual investment income of P30 to P40 billion, Aquino said in his veto message. There is more than enough time for the government and SSS to increase the agency’s fund life as it only took 14 years to increase its fund life to 2042 from 2006 or by 36 years in 2001, according to a statement of former Bayan Muna Representative Neri Colmenares. “Kailangan nating i-pressure ang gobyerno na bigyang pansin ang isyu [ng SSS pension hike] at tumulong magpaliwanag sa mga tao na ang pension hike ay hindi nangangahulugang kailangan ng contribution hike,” said All UP Academic Employees Union-Diliman President Perlita Raña. −
13 GOING ON 30 Kenneth Gutlay
Farmers, various organizations and survivors of the Mendiola Massacre gathered in front of the gates of the Department of Agrarian Reform to commemorate the dead farmers in the massacre, January 19. Justice remains elusive as three decades have passed since 13 farmers were killed by state forces during a violent dispersal of a peaceful assembly involving more than 20,000 farmers and farmworkers who were hoping for a dialogue with former President Corazon Aquino regarding decent wages and agrarian reform. The protesters vowed to seek justice for the slain, as well as genuine agrarian reform.
Media group website hacked after Duterte critique −
DANIEL BOONE
THE WEBSITE OF A MEDIA WORKERS’ alliance became the latest victim of cyberattacks in the country, after the group released a statement critical of President Rodrigo Duterte’s views toward the media. The National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) discovered their website was hacked and inaccessible on January 9, due to a malware that disrupted internet services found in the host site.
Tala ng krimen sa UPD, bumaba ng 9.9 porsiyento −
JOHN RECZON CALAY
BUMABA NG HALOS 10 PORSIYENTO kaysa noong 2015 ang bilang ng mga naitalang insidente ng krimen sa UP Diliman (UPD), ayon sa tinipong mga ulat ng UPD Police (UPDP) para sa taong 2016. Inilapit sa pulisya ang 181 insidente na nangyari sa loob ng kampus, na mas mababa sa naitalang 201 kaso noong 2015. Gaya nang nakaraang taon, pagnanakaw o theft pa rin ang may pinakamataas na bilang na may 81 naitalang kaso. Sa kabuuang bilang, 65 estudyante, 58 na bumibisita lamang sa kampus, 16 na empleyado, at 13 faculty ang naging biktima rito. Maliban sa pagmamanman ng mga namumukhang nagnakaw, pinaigting ng UPDP ang pagpapalaganap nito ng impormasyon ukol sa modus operandi ng mga kawatan sa loob ng kampus upang maiwasang mabiktima ng pagnanakaw, ani UPDP Officer-in-Charge P/Capt. Ruben Villaluna. Sa kabila ng pagbaba ng porsiyento ng tala ng krimen sa unibersidad, bumaba rin ang porsiyento ng mga naresolbang kaso. Tanging 142 sa 181 insidente ang may aktwal na kaso at 48 o 26.51 porsiyento lamang sa bilang na iyon ang naresolba— mas mababa
ito sa 56 porsiyentong tala noong 2015. Pinakamalala ang naganap na panggagahasa na may pagnanakaw o robbery sa isang ‘di pinangalanang babae mula sa Lungsod ng Marikina noong alas-kwatro ng madaling araw ng ika-29 ng Hulyo sa kanto ng Commonwealth sa University Avenue. Kinuha ng ‘di pa nakikilalang suspek na armado ng patalim mula sa biktima ang cellphone niya at perang nagkakahalaga ng P5,000. Ipinaubaya sa Quezon City Police Station 9-Anonas ang kasong ito, na siyang namumuno sa UPDP. Hamon ang maliit na bilang ng mga pulis na nagpapatrolya sa kampus, ani Villaluna. Tatlumpu’t pitong pulis ang kasalukuyang nakatalaga sa istasyon ng Diliman—sibilyan ang pito sa bilang na ito. Binulabog naman ng anim na bomb threats ang unibersidad sa nagdaang taon. Ipinaabot ang mga bantang ito sa pamamagitan ng text message mula sa mga umano’y teroristang grupo. Nakatanggap nito ang College of Human Kinetics at Mass Communication noong Marso at ang Institute of Mathematics at Chemistry noong Hulyo. Napadalhan din si University Student Council (USC) Councilor Magnolia Del
Rosario at ang College of Home Economics Student Council noong Oktubre at maging si Chief Security Officer John Baroña noong Disyembre. Pinalikas agad ang mga estudyanteng nagkaklase sa loob ng mga bulwagan at pinabakante ang mga gusali pagkaulat ng mga bantang ito sa pulisya. Kahit negatibo ang resulta ng mga nasabing banta, mas pinaigting ang checkpoints sa mga portal papasok ng UPD. Anim na kasong may kinalaman sa iligal na droga ang naitala sa taong nahalal bilang pangulo si Rodrigo Duterte. Primaryang palisiya ng administrasyong Duterte ang “Oplan Tokhang” upang masupil ang iligal droga, na isinagawa sa loob ng kampus noong Hulyo. “Ang UP mismo ang nagpapanatili ng mababang seguridad sa pamamagitan ng pagkokontraktwalisa ng mga security guards at [mga] SSB (Support Service Brigade) na may mababang sahod at kakulangan sa mga safety facilities,” ani USC Chairperson Bryle Leaño. Bumabalik pa rin sa kung ano ang prayoridad ng administrasyon ang usapin ng seguridad sa kampus sa kabila ng malalaking kita ng mga negosyante sa lupa ng UP, dagdag ni Leaño. −
Prior to the hacking incident, the last time the group accessed the website was on December 30 when they posted a statement saying Duterte should always be clear in what he says, NUJP Secretary General Dabeth Panelo explained. “May mga pagkakataon naman po para sa biro o sa kalokohan. Subalit bilang dahil kayo ang Pangulo, ang inyong mga pahayag sa publiko ay aming itinuturing—at dapat lamang ituring—na patakaran ng inyong pamahalaan,” NUJP said in the statement. The group regained access to its website only on January 11 after resolving technicalities, Panelo said. Although the union has yet to determine those responsible for the attack, they labeled the perpetrators as enemies of press freedom and expression, and the hacking as an effort to silence the media’s legitimate dissent toward the administration. Other organizations should also be wary of attacks like NUJP’s, Panelo said. “Kung kaya nila itong gawin sa NUJP, a national organization, kaya rin nila itong gawin to any other organization or individual,” she added. The website of the Philippine Center for Investigative Journalism was likewise taken down by unidentified hackers in July 2016, after the organization published reports on Duterte’s war against drugs. Government sites have not been safe from such attacks either. Two months prior to the election, the Commission on Elections’ database was leaked online in March 2016. At least 68 other government sites were simultaneously subjected to hackers in July 2016, following the release of the ruling on the arbitration case filed against China. Attacks against government-owned sites mostly aim to tamper or obtain data,
while hacking media websites are assaults to media itself, Panelo said. However, forms of attacks against the media happen mostly on ground. During the term of former President Benigno Aquino III, at least 30 media-related killings have been documented by the National Press Club (NPC), the country’s largest organization of professional journalists and media workers. Meanwhile, the first media killing under the Duterte administration happened only on December 21, 2016, when Catanduanes News Now journalist Larry Que died in the hospital two days after being shot in the head. Jinky Tabor, another journalist and a witness to the incident, claimed to be receiving death threats as well. In November 2016, the Philippines commemorated the seventh anniversary of the Ampatuan Massacre, the single most violent attack against the press. With a tally of 58 individuals killed, 32 of whom are from the media, the perpetrators of the crime remain at large. The International Federation of Journalists placed the Philippines as the second most dangerous place for journalists, second to war-torn Iraq. From 1991 to March 2016, a total of 146 media men have been killed in the country, data from NPC showed. NUJP warns the members of the media to be watchful against all forms of attacks. “We urge the independent media community and our people to remain vigilant against all forces who wish to silence the free exchange of opinion and dissent in their desire to force us to sing one tune,” NUJP said in a statement. −
#UPDCHANCY THE SEARCH FOR THE 11TH UP DILIMAN CHANCELLOR | @PHKULE
BIYERNES 20 ENERO 2017
BALITA
5
GASC OKs resolution on free education −
Student councils from all over the UP System vowed to support the implementation of free tertiary education in the country, as stated in a resolution during the 43rd General Assembly of Student Councils (GASC) held from January 6 to 7 at UP VisayasTacloban College (UPTac). Out of 35 student councils (SCs) in the UP system, 33 voted to forward the resolution on free education presented by the SCs from Cebu and UPTac. The UP Diliman Business Administration Council (BAC) abstained, while the UP Diliman School of Economics Student Council (SE SC) voted “no.” The resolution resolves to adopt a systemwide stand calling for the repealing of all anti-student policies meant to commercialize and privatize education, such as the Electronic UP project of President Alfredo Pascual. It also recognized the long continued effort of the student movement in pushing for free education at all levels. “Accessible education means that it has to be free for all, otherwise if a single aspiring student in UP is denied access to the university, then that education is no longer accessible. Thus, the first and most important requisite for UP education to be accessible is for it to be free,” said Joshua Sagdullas, chairperson of Katipunan ng mgs Sangguniang Magaaral sa UP (KASAMA sa UP), the only alliance of SCs in the UP system. UPD SE SC maintained their opposition to the resolution by stating their belief in equity that those who can pay must pay. Meanwhile, the BAC abstained because their college is neither for nor against the resolution and its provisions, according to UPD Business Administration Representative to the University Student Council Rianne Geronimo. “[The] issue of free tuition and the mechanisms surrounding it, the junking of the STS for example, has not yet been brought up in any of our feedback channels, and neither has there been any reference in the council or the college's history from which we can draw a stand,” said Geronimo.
This December, President Rodrigo Duterte signed the General Appropriations Act of 2017 which allocated P8.3 billion to the Commission on Higher Education (CHED), enough to cover the tuition fees of at least 1.6 million students in SUCs. “Starting the first semester of school year 2017-2018, no tuition shall be collected from undergraduate students,” according to Special Provision 1 of this year’s budget law. Given the provision, CHED is now drafting the guidelines for the implementation of free tuition in academic year 2017 to 2018. The provision might be weakened by the President as CHED and Department of Budget and Management might misinterpret his message of giving priority to financially disadvantaged but academically-able students, and issue guidelines that will exclude most SUC students from the free tuition policy, according to Kabataan Partylist Representative Sarah Elago. “It is the primary obligation of all SCs to fight for an accessible education as we have to remember that student leaders were born out of the people's consent [and that] the existence of student representation in the academe is contingent to the strength of the people's movement,” said Sagdullas. Apart from the resolution on free education, five more resolutions such as the condemnation of the Marcos Burial, campaign to free political prisoners, campaign to condemn state fascism and human rights violations, demand the Duterte administration to end contractualization, and to affirm a comprehensive declaration of students’ rights, were by approved by the GASC. The body also decided to uphold the 19-year-old Codified Rules for Student Regent Selection (CRSRS), a studentdrafted set of rules for the annual process of selecting the Student Regent (SR), the lone student representative in the university’s Board of Regents (BOR). The amendments proposed which are no record of scholastic delinquency for an SR nominee and the one council one vote system were nullified. −
A.I. Gorospe and Hans Christian E. Marin
Stand and Deliver Kenneth Gutlay
Student Regent Raoul Manuel leads in the singing of the UP Naming Mahal to cap off the 43rd General Assembly of Student Councils, January 8. Various student councils throughout the UP system gathered at the UP Visayas Tacloban College to present updates of their respective units, including that of the Office of the Student Regent. Among the resolutions passed during the assembly include the support for the peace talks between the government and the National Democratic Front, freedom for all political prisoners, free education, and ending contractualization.
Left for Dead Kenneth Gutlay
Elsa Yepes, 57, tends to her piece of land she and her husband are renting from five different owners in Tanauan, Leyte, January 4. Yepes lost her home and her livelihood in the onslaught of Supertyphoon Yolanda last November 2013. Of the P30,000 in government aid, she only received a third in cash, with P20,000 in the form of 20 small roof panels costing P1,000 apiece. Yepes added that her family received no aid in rebuilding her livelihood, forcing her to buy new farm implements.
SHOTS FIRED Until the last pusher is out of the street, I’ll be very frank with you, until the last drug lord is killed, this campaign will continue until the very last day of my term. IBON Foundation sees the drug war as the Duterte administration’s prime source of public support, yet also a political vulnerability. “Political detractors may stoke the issue to divert the administration’s attention and expend political capital, may exploit it to portray the country bereft of the rule of law, or may use it to create an ‘unstable’ investment climate, to isolate the administration.”
KILLED “DRUG PERSONALITIES”
2,166 DRUG-RELATED EXTRAJUDICIAL OR VIGILANTE-STYLE KILLINGS
4,049 EXTRAJUDICIAL KILLINGS
18 TOTAL
6,215 −
BUILDING ALLIES "President Marcos was a president for so long, and he was a soldier. So that’s about it. Whether or not he performed worse or better, there is no study, there is no movie about it. It’s just the challenges and allegations of the other side which is not enough." Just like any other terms, Duterte’s administration has been tactically using established political tools to remain in power— it forms allies with the Marcos family and repays political debts by approving the late dictator’s burial at the Libingan ng mga Bayani.
K.A. MACALALAD
HITS & MISSES CHANGE MAY HAVE COME UNDER THE FIRST SIX MONTHS OF PRESIDENT Rodrigo Duterte, but it came in trivial points such that no key transformation was felt by the marginalized sectors. The same political and economic frameworks remain amid the appointment of progressives from the Left in cabinet positions, while the elite few are still in control of the wealth that all Filipinos should be enjoying. But as what independent think-tank IBON Foundation puts in their 2016 year-end report: the situation is unpredictable. Now gearing toward another year, the Collegian provides a review of the hits and misses the admin has made, accompanied with the research group’s analyses. −
JUST PEACE I have conceded to the communists too much too soon. As yet, I have yet to see a substantive progress in the talks. They are asking for 130 detainees [to] be released. Sorry, I cannot do that. I cannot do it because I will lose my card. Those who are in jail are my ace [cards].
PA G
E
DE
SI G
N
BY
JA N
AN
DR
EI
CO
BE
Y
The resumption of peace talks, which may bring in meaningful societal changes, lies in danger this year should political prisoners remain behind the bars contrary to the Leftists’ demand. Both parties have already signed the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law, which supports the Hernandez Political Offense Doctrine prohibiting the criminalization of political dissent.
Remaining political prisoners Released
SUMATOTAL
PSEUDO-INDEPENDENCE
BIYERNES 20 ENERO 2017
I announce my separation from the United States both in the military but economics also. So please you have another problem of economics in my country.
REGRESSIVE TAX REFORM While Duterte claims to be pro-poor, the tax reform pushed under his watch says otherwise. The said reform aims to raise an additional P600 billion budget in 2019, heavily coming from the poor’s pockets and less from the rich, according to IBON Foundation.
The president’s pronouncements of severing ties with US and enforcing an independent foreign policy in the country are commendable. However, the lack of concrete measures to push for the said policy and the existence of US-PH military deals and foreign grants are proof to his insincerity. “A strong domestic economy is a critical material basis for long-term sovereignty and independence,” IBON Foundation stated.
$54.6
2016
2017
MILLION
P3.5
BILLION LESS
P1.0
AMOUNT TO BE PAID IN CAPITAL INCOME TAXES
BILLION LESS
MISERIES FOR THE POOR
NUMBER OF US-PH MILITARY EXERCISES
EXISTING US-PH MILITARY DEALS ○ 1951 Mutual Defense Treaty ○ 1998 Visiting Forces Agreement ○ 2002 Mutual Logistics Support Agreement ○ 2014 Enhanced Defense Cooperation Agreement
While free irrigation is considered an initial victory in the farmers’ struggle, IBON Foundation assessed that the P30.4 billion budget for irrigation infrastructure will also serve the administration’s economic agenda which favor the elite and multi-national companies. “[T]he infrastructure boom is mainly about building the domestic transport and related infrastructure for the country to be better perform its role as a site in the global chain of foreign capital.”
4 MILLION HA FARMLOTS
BILLION MORE
AMOUNT TO BE PAID ON OIL PRODUCTS OR MORE EXPENSIVE GOODS
2017
Ang una kong gawin, free water for the farmers, hindi na sila magbayad.
P163.4
AMOUNT TO BE PAID ON GOODS AND SERVICES
258
2016
BILLION LESS
AMOUNT TO BE PAID ON ESTATE AND DONOR TAXES
MILLION
263
P34.8
AMOUNT CORPORATIONS WILL PAY IN INCOME TAXES
AMOUNT OF US MILITARY AND SECURITY AID
$54.6
WAR FIELDS
MONEY FOR THE RICH
P78.2
1.8 MILLION HA
P18.1
1.3 MILLION HA
FARMLOTS WITH IRRIGATION FACILITIES
BILLION MORE
AMOUNT TO BE PAID ON SUGARY PRODUCTS
FARMLOTS WITH IRRIGATION WATERS
BILLION MORE
DEATH CONTRACT Huwag na ninyo akong hintayin na mahuli ko kayo because I will be unforgiving. You will not only lose your money, you will lose your pants. No tolerance ako dito. President Rodrigo Duterte to companies practicing contractualization Duterte’s condemnation of contractualization remains hallow as thousands are still under oppressive contracts resulting to measly wages and benefits. The high rates of unemployment and underemployment more so leave workers no choice but to resort to overseas opportunities. ESTIMATED 2016 LABOR FORCE FIGURES
UNDEREMPLOYED 7.5 MILLION UNEMPLOYED 4 MILLION
CONTRACTUAL WORKERS 250,000
NET WORTH OF 40 RICHEST FILIPINOS (IN BILLION PHP)
13% REGULARIZED WORKERS UNDER DUTERTE ADMIN* 25,000
3,246 2015
3,694 2016
WAGE FIGURES IN THE NATIONAL CAPITAL REGION
DECEMBER 2015
CONDITIONAL FREE EDUCATION Yet, as with all new programs, there is a need to safeguard the proper implementation of the provision of free tuition fee. It is important to underscore that we must give priority to financially disadvantaged but academically able students.” The recent move of allocating budget to cover the tuition fees of public students is indeed a “game-changer,” but the amount falls short of what is needed to cover all the students and their additional expenses in school. “[T]his was just a one-shot realignment of funds and does not mean that free tuition for tertiary education has started to become institutionalized as a right of all Filipinos.” –IBON Foundation
DECEMBER 2016 REAL MINIMUM WAGE
364
351
DAILY MINIMUM WAGE
481
481
DOABLE NATIONAL MINIMUM WAGE
750
ESTIMATED FAMILY LIVING WAGE
1,089
P8.3 P12.7
BILLION BILLION
1,119
ADDITIONAL AMOUNT TO COVER TUITION EXPENSES IN SUCS
AMOUNT NEEDED TO COVER TUITION EXPENSES OF 1.7 MILLION STUDENTS IN SUCS
7
Lupa ay Laya NARATIBO NG PAGLABAN NG MGA MAGSASAKA NG HACIENDA LUISITA −
A. VILLEGAS
MGA KUHA NI KENNETH GUTLAY DISENYO NG PAHINA NI JOHN RECZON CALAY
BIYERNES 20 ENERO 2017
LATHALAIN
9
Saksi ang tila payapang hacienda sa panlilinlang at karahasang sinapit ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita SUMISIKAT PA LAMANG ANG ARAW, nakapagdilig na ng mga pananim si Nanay Elsi Ricardo, 61, sa tatlong ektaryang lupain nila sa Hacienda Luisita sa Tarlac. Sa panahong wala pang tag-ulan, sari-saring gulay sa halip na palay ang kanyang ipinunla, tulad ng talong, okra, sili, at kalabasa. Maliit na bahagi lamang ang lupain ni Nanay Elsi sa kabuuang 6,453 ektaryang hacienda—katumbas ng pinagsamang lawak ng lungsod ng Pasig at Makati. Subalit kaiba sa malalawak na bukirin, abot-tanaw ang hangganan ng kanilang lupain na napaliligiran ng mahabang bakod na gawa sa semento. Sa loob ng mahigit tatlong taon, hinarangan ng bakurang ito ang mga magsasaka na makapagtanim sa lupaing matagal na dapat naipamahagi sa kanila. Sa pagsibol ng liwanag, matatanaw na binuwag na ang maliit na bahagi ng bakod na nagsisilbing lagusan patungo sa bukirin. Noong Pebrero 2016 lamang ito binuksan kina Nanay Elsi, at mahaba pa ang nananatiling pader na kanilang bubuwagin. Kampana ng trahedya Saksi ang tila payapang hacienda sa panlilinlang at karahasang sinapit ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Upang igiit ang mas mataas na sahod at ang tuluyang pamamahagi ng lupa, nagsagawa sila ng piket na humantong sa masaker noong 2004, kung saan isa sa mga nag-organisa at naging biktima ang anak ni Nanay Elsi na si Malou. Nang mga panahong iyon, hudyat ng pagtunog ng kampana ang nagbabadyang trahedya. “Kapag narinig na namin ‘yung kampana ng simbahan, sugod agad kami sa Central [Azucarera de Tarlac] (CAT),” ani Malou. Nakapaligid sa kanila ang 10 truck ng militar at 10 bus ng kapulisan,
at sa kasagsagan ng piket ay naranasang bombahin ng teargas at marahas na pagbuwag ng hanay. Pagsapit ng ika-16 ng Nobyembre, walang humpay na tumunog ang kampana matapos paulanan ng bala ang mga magsasaka. Dinilig ng sarili nilang dugo ang kanilang lupa—pito ang patay, 121 ang naitalang sugatan, kasama si Malou. Nakaligtas lamang siya sa pagtalon at pagkubli sa isang drainage. Gayunma’y dinampot at ikinulong pa rin siya sa Tarlac City Police Station. Magdamag na torture ang sinapit niya sa kamay ng pulisya—pinukpok ng hollow block sa ulo, pinaso ang katawan ng sigarilyo, at pinagbantaan maging ang pamilya nito. “Naranasan naming paulanan ng bala ‘yung bahay namin,” ani Nanay Elsi. Sa kasagsagan ng serye ng mga protesta, umalis muna siya sa kanilang tahanan at nakituloy sa ibang mga miyembro ng unyon kasama ang mga apo. Labindalawang taon naghintay si Nanay Elsi. Pinalaya lamang noong Oktubre 2016 si Malou matapos makulong ng 12 taon dahil sa gawa-gawang kaso tulad umano ng pagpatay. Ganito rin ang sinapit ng ibang mga kasama. Ito ang nagtulak kay Nanay Elsi na lumaban at pamunuan ang Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala) Balete Chapter, organisasyong nagtataguyod ng mga karapatan ng mga magsasaka roon. Aniya, malaking impluwensya sa kanya ang anak na halos siyam na taon nang nag-oorganisa ng mga barangay upang ipamahagi ng mga Cojuangco-Aquino ang lupaing matagal na nilang sinasaka. Dagdag pa rito ang mga pagkakataong sinasagasaan ng bulldozer ang kanilang mga pananim upang pwersahan silang paalisin, hanggang
sa bakuran na ang kanilang lupain. “Lahat ng nangyari rito, matindi pa sa pelikula. Lahat ng pandarahas, naranasan namin,” ani Nanay Elsi. Kasaysayan ng panlilinlang Matagal nang ipinaglalaban ng mga magsasaka ang pagpapamahagi sa lupaing matagal na dapat nilang pagmamay-ari. Taong 1957 nang bilhin ng pamilyang Cojuangco ang hacienda gamit ang salaping inutang mula sa Government Service Insurance System at Bangko Sentral, sa kondisyong ipamamahagi sa mga magsasaka ang lupain matapos ang sampung taon. Lumipas ang dalawang dekada, hindi tumupad ang mga Cojuangco sa kasunduan. Sa halip, ginawa nitong legal ang pagangkin sa lupain nang isabatas ang 1988 Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino. Sa ilalim ng CARP, hindi maaaring ipamahagi sa mga magsasaka ang lupaing hindi agrikultural, kaya isinailalim ang asyenda sa pagpapalit-gamit ng lupa. Tinayuan ng mga komersyal at residensyal na gusali ang malaking bahagi ng tubuhan, kaya’t maraming manggagawang bukid ang nawalan ng trabaho. Sinundan ito ng pagpapamahagi ng Stock Distribution Option (SDO) noong 1989 sa halip na titulo sa lupa. “Dahil sa SDO, P9 lang kada linggo ang kinikita namin noon. Napakalaki ng kaltas,” ani Nanay Elsi. Bunsod ng SDO, kinakaltasan ang kanilang sahod para sa rasyon ng bigas, asukal, at pautang para sa pangangailangang pangedukasyon at medikal. Nitong Nobyembre 2011 lamang nang sangayunan ng Korte Suprema ang pamamahagi ng lupain sa mga magsasaka. Nanatili ang desisyong
ito noong 2012 subalit kalakip na ang P40,000 kada ektarya na kumpensasyon para sa mga Cojuangco. “Kailangan pa naming bayaran ang lupa sa loob ng 30 taon. Kada taon, pataas pa nang pataas ang babayaran namin,” ani Nanay Elsi. Tinutulan din nila ang sistemang “tambiolo” o palabunutan na pinag-aaway lamang at sapilitang nililipat ang ilang benepisyaryo sa lupaing mas malayo sa tahanan nila, ayon sa Ambala. Tulad ng mga magsasaka ng Tarlac, itinulak din ng kahirapan at kawalan ng sariling lupa ang mga sakada ng Bukidnon upang dumayo sa Hacienda Luisita nitong 2017. Pinangakuan sila ng ahensyang Greenhand Labor Service Cooperative ng P450 sahod kada araw at maayos na kondisyon sa trabaho, subalit pinagtrabaho ang mga sakada mula ikaapat ng madaling araw hanggang ikalima ng hapon sa sahod na P9 hanggang P128, ayon sa Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA). Ipinakikita lamang nito ang laganap na sitwasyon ng mga magsasaka na wala pa ring sariling lupa, pahayag ni UMA Secretary-General Danilo Ramos. Madali silang naaakit ng mga “manpower agencies” sa pangako ng maayos na sahod at trabaho, na nauuwi lamang sa pang-aalipin sa mga plantasyon, aniya. Tunay na reporma Sa pagpasok ng panibagong administrasyon at pagkakatalaga kay Rafael “Ka Paeng” Mariano bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform, naniniwala sina Nanay Elsi na tuluyang uusad ang matagal na nilang ipinaglalaban. “Ganito po ang ating [palisiya]: Walang magsasaka na mapapatalsik sa kanilang lupang binubungkal,” ani Ka
Paeng sa isang pag-uusap kasama ang Ambala noong 2016. Agad nitong hinarap ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita, at pinahintulutan ang pagbuwag sa pader na nagbakuran sa kanilang lupa. “Umaasa rin kami na ipapamigay na ang naipong utang sa amin ng HLI,” ani Nanay Elsi. Ayon kay Ka Paeng, prayoridad nito ang pag-audit sa P1.3 bilyong kita para sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo, kabilang na rin ang pagbabasura ng conversion order, at ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ng hacienda. “Kung sa termino noon ni Noynoy Aquino ay dinarahas kami… nakikita namin ngayon na may pag-asa dahil sa mga ginagawa ni Ka Paeng,” ani Nanay Elsi. Bagaman bumalik na ito sa pagtatanim at pagsasaka, sinusuportahan pa rin niya si Malou na patuloy sa pag-oorganisa. Kwento ni Nanay Elsi, umani siya ng 19 na sako ng bigas sa kanyang huling tanim. Sagana rin ang ani ng kanyang tanim na gulay, na inihahain niya sa mga bisita na nakikipamuhay sa kanila kahit panandalian lamang. Nakapagsasaka mang muli ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita, mahabang pader pa rin ang kanilang bubuwagin. Nananatili ang mga pribadong armadong grupo, ang kampo ng militar, at ang hindi makaturang pagtrato sa mga manggagawang bukid. Kaya naman hindi lingid sa kaalaman nina Nanay Elsi na hindi natatapos ang laban hangga’t patuloy ang pandarahas at maling pagtrato sa kanila. “Namulat kami dahil sa ginawa nila sa amin. Sa kaso namin, minasaker kami kaya kami lumalaban,” aniya. Dagdag ni Malou, mas maigting na pag-oorganisa ang kailangan dahil ang bawat pagkilos niya ay hakbang tungo sa pagkamit ng mailap na hustisya at tunay na reporma sa lupa. −
10
KULTURA BIYERNES 20 ENERO 2017
Koronang Bahaghari −
MARVIN JOSEPH E. ANG
MASINING NA IPINAKITA NI JUN ROBLES LANA SA pelikulang Die Beautiful ang mga pagsubok at suliraning karaniwang kinakaharap ng isang miyembro ng LGBT. Sa konteksto ng Pilipinas, kung saan nananatiling sensitibong usapin ang kasarian, mababa pa rin ang pagtingin sa mga bakla at tomboy. Bunga ito ng namamayaning "heteropatriyarkal," o ang kaisipan na ang mga heterosexual na lalaki ang namamayani—"it's a man's world.” Umikot ang kuwento sa pitong araw na burol ni Trisha kung saan bawat araw iba-iba ang bihis na ginagawa sa kanya ng kaniyang matalik na kaibigan na si Barbs bilang pagtupad sa kanyang huling habilin. Ipinakita sa pelikula kung paano hinarap ni Tricia ang mga hamong kaakibat ng pagiging isang transwoman na masasalamin mula sa hindi pagtanggap ng kaniyang pamilya sa kaniyang pagkatao, pagsali sa mga beauty contests (beaucon), pagiging nanay sa kanyang anak na babae, hanggang sa kuwento ng kaniyang pag-ibig. Byukonera ang kolokyal na tawag sa mga bakla na mahilig sumali sa mga beauty contests. Para sa kanila, ang mga beaucon ay hindi lamang isang porma ng paligsahan na nakapagbibigay-aliw, naipakikilala rin nila ang kanikanilang mga talento na hindi maipamalas sa iba. Sa mga beaucon malaya nilang naipahahayag ang kanilang sarili. Sa pelikula, makikita sa katauhan nina Trisha at Barbs kung paano nila binibigyang panahon at pagpapahalaga ang mga beaucon. Hanggang sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang
laban ng LGBT para sa pantay na karapatan. Ipinakita ng karakter ni Joel Torre kung papaano minamanipula ng patriarkiya ang pakikitungo sa kaniyang anak— binubugbog, pinagsasalitaan ng hindi magaganda at ikinakahiya ng tatay si Tricia. Hanggang sa pagkamatay ni Trisha, hindi nito kinilala ang pagiging transgender at ipininipilit ang pagbabalik sa kung ano ang ibinigay ng Maykapal. Samantalang sunud-sunuran naman ang naging karakter ng kanyang ate na si Beth dahil wala siyang kapangyarihang magpasya para sa pamilya. Bukod sa pasakit ng pamilya, mabigat din ang nararanasang kalupitan ng LGBT sa labas ng tahanan. Ipinakita kung paano pinagsamantalahan hindi lamang ang pisikal niyang katawan maging ang kaniyang buong pagkatao. Pero sa kabila nito, nagawang magpakatatag ni Trisha at tumayo sa sarili niyang mga paa. Pinanindigan niya na kaya niyang mabuhay sa gitna ng kalupitan. Naitaguyod niya ang anak nang maayos at bagaman paulit-ulit siyang nabibigo sa pag-ibig, hindi ito hadlang para muli siyang bumangon pagkat mataas ang kumpyansa niya sa kaniyang sarili. May kurot sa puso ang pelikula ‘pagkat sinalamin nito ang talisik at natural na pagiging mapagbiro sa buhay ng mga Pilipino. Inilapit ng pelikula sa madla ang mga bagay na hindi nalalaman ng mga tao tungkol sa buhay ng isang LGBT. Ngunit hindi matatapos ang lahat sa pelikulang ito. Dahil para sa mga miyembro ng LGBT, ngayon pa lang nagsisimula ang laban. −
Seclusion
perpetua
−
SHEILA ABARRA
WALANG PINIPILING PANAHON ANG MGA kwentong kababalaghan, sa pelikula o sa totoong buhay man. Kaiba sa karaniwan, ibang klaseng multo ang dumalaw sa pelikulang Seklusyon ni Erik Matti na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Umikot ang kwento sa lagim ng pagdududa sa sariling paniniwala at panata sa kani-kaniyang relihiyon. Tampok sa pelikula si Miguel na ginanapan ni Ronnie Alonte bilang dyakonong nalalapit nang maging pari. Kasama ang iba pang dyakono, sumailalim sila sa seklusyon o ang huling pagsubok tungo sa ordinasyon upang maging isang ganap na pari ng Simbahang Katolika. Gayunman, nilinaw ni Br. Jeff Pioquinto, SJ na hindi kabilang ang seklusyon sa anumang kasalukuyang tradisyon na panrelihiyon. Hango umano ang nasabing ideya ng seklusyon sa naging kaugalian ng mga pari noong panahon ng Espanyol na isang paraan upang makaiwas sa tukso ang mga dyakono. Sa pelikula, pangunahing ipinakita kung paanong hindi nakaligtas sa kamay ng demonyo ang mga dyakono. Nagkukubli ang demonyo sa porma ng kanilang takot sa sarili at sa isang batang manggagamot na itinuturing na santa at larawan ng pag-asa para sa
Dibuho ni John Kenneth Zapata, Jul Yan Espeleta
lahat. Ang bulag na pagtingin at pagpapakulong sa relihiyon ang naging dahilan upang hindi mapansin ang demonyo. Kaiba sa mga panatiko ng Simbahang Katolika, hindi nabitag si Miguel sa panunukso ng demonyo. Nakita niya na sa likod ng maamong mukha ng bata nakakubli ang tunay nitong anyo. Umalis si Miguel bilang pagsalungat sa baluktot na sistema na pinaghaharian ng mga demonyong nag-aanyong banal. Buong tapang namang hinarap ni Padre Ricardo ang baluktot na sistema na naging dahilan ng kanyang kamatayan. Nagtapos ang pelikula sa ordinasyon ng tatlong dyakonong bulag sa katotohanan ukol sa bata at sa pagkamatay ni Padre Ricardo. Ginamit ang relihiyon sa pelikula upang ipakita ang maaaring maging dulot ng antas ng paniniwala at pagtitiwala na ibinibigay ng mga panatiko sa kani-kanilang mga relihiyon. Nababalot ng kababalaghan ang mundo, maaaring multo ng nakaraan o kasalukuyan, anumang porma may dulot itong panganib sa ating lahat kung hindi bibigyang pansin ng mamamayan. Ang higit na nakatatakot dito ay nagaganap sa ating lipunan. Gayunman, hindi dapat magpagapi sa takot dahil hudyat ito ng paglaban at paninindigan sa katotohanan. −
Disenyo ng Pahina ni Charles Maquiling
BIYERNES 20 ENERO 2017
SURING PELIKULA
11
Mga tala sa ibayo −
SHEILA ABARRA
PINAGHALONG SAYA AT LUNGKOT ANG DULOT ng Sunday Beauty Queen, ang kauna-unahang pelikulang dokumentaryong napabilang sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Tila pelikulang pantakas sa realidad kung ituring ng libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong ang kanilang inorganisang lingguhang beauty pageant. Apat na taon ang ginugol sa paggawa ng pelikula na dinirehe ni Babyruth Villarama-Gutierrez katuwang ang mga Pilipinang domestic helper (DH) bilang mga artista. Walang halong pagpapanggap ang bawat eksena dahil mismong sa mga artista nanggaling ang mga kwento. Nagtapos si Leo, isa sa mga Pilipinang DH, ng BS Secondary Education sa Pilipinas at malinaw ang sakit sa kaniyang kalooban nang isalaysay niya sa mga manonood ang ilan sa naranasang pagmamalupit. Mayroong pagkakataong pinatulog siya ng kaniyang employer sa kusina at nagigising siya, dahil kailangan niyang tumayo sa tuwing may kukunin ang bawat miyembro ng pamilya. Sa isang pribadong center na inilunsad pa ng mga nagboluntaryong dayuhang misyunaryo, tumatakbo ang ating mga kababayan sa tuwing sila’y pinagmamalupitan. Patunay na bukod sa karapatan ng mangagawa, pinagkakaitan din ang ating mga kababayan sa kaukulang suporta ng gobyerno ng bansa sa mga embahada. Kaya naman sa halip na magpahinga sa kanilang libreng araw, ginugugol nila ito sa isang beauty pageant para
mas maging kapaki-pakinabang ang kanilang linggo. Hindi rin basta-basta ang lingguhang pageant ng mga DH dahil sa isang linggong pangangatulong, dito nila naihihinga ang lahat ng pagod. Malaya at mapagmalaki nilang isinisigaw kung saan sila tubong probinsya sa Pilipinas at inirarampa ang mga taal na kasuotan. Simple lang na patimpalak ang isinasagawa ng mga DH ngunit ito ang tunay na ‘beauty contest for a cause’ ‘pagkat malinaw nilang naitataas ang kanilang mga panawagan, kasabay ng pagpapakita sa buong mundo kung gaano kaganda ang mga Pilipina. Ito ang tinatalakay ng grupong GABRIELA ukol sa Miss Universe pageant na gaganapin sa bansa ngayong taon. Kaiba sa nasabing pageant na mas pinatatampok ang make-up, gowns at swimsuits, nakalikha ang mga Pilipinang DH ng mas makabuluhang pageant. Hindi lamang kasiyahan para sa mga Pilipinang DH ang kanilang beauty contest dahil ito rin ang kanilang paraan upang kahit papaano, maramdaman ulit nila ang diwa ng pamilya. Lumuluhang pinanood ni Hazel, isang Pilipinang DH, sa kaniyang selpon ang anak niyang nagtapos ng elementarya. Naitawid ng Sunday Beauty Queen ang mga kwento ng OFW na karagatan ang layo sa bansa, bagay na marapat lamang na isa sa mga layon ng pelikulang Pilipino. Marapat lamang na maihatid pauwi ang danas ng bawat mangagawang Pilipino sa labas ng bansa ‘pagkat buhay pa rin ang paniniwalang hindi sila karapat-dapat magtiis ng hirap at pangungulila sa pamilya. −
Sa likod ng kamera −
MARVIN JOSEPH E. ANG
SINASABING THESIS STATEMENT NG METRO MANILA Film Festival (MMFF) 2016 ang pelikulang Ang Babae sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough dahil sa pagtalakay nito sa banggaan ng independent (indie) at mainstream films. Ngayong taon, inigpawan ng mga independent films ang mga romantic comedy (romcom) movies na karaniwang ipinapalabas tuwing MMFF. Muling pinagbidahan ng premyadong aktres na si Eugene Domingo ang nasabing pelikulang naglalayong bumuo ng romcom movie. Kabilang rin sa mga tauhan sina Kean Cipriano, Cai Cortez at Khalil Ramos. Nagsilbing alegorya ng tunggalian sa pagitan ng mainstream o commercial films at indie films ang pelikulang Ang Babae sa Septic Tank 2. Ayon sa direktor na si Marlon Rivera, layunin umano nilang punan kung ano ang kasalukuyang kalakaran sa mga pelikula. Kahalintulad ng unang pelikulang Ang Babae sa Septic Tank kung saan tinalakay ang paggawa ng isang “poverty porn” na pelikula, paggawa naman ng romcom film ang pokus ng Ang Babae sa Septic Tank 2. Umikot ang istorya sa pagsasalaysay ng pelikulang “Itinerary” na tumatalakay sa karanasan ng buhay mayasawa ni Rainier. Naging hudyat ang pelikula upang bumalik si Domingo sa industriya matapos ang kanyang
Dibuho ni John Kenneth Zapata, Jul Yan Espeleta
pamamahinga. Tinumbok sa pelikula ang kasalukuyang kalagayan ng indie films na patay, naghihikahos o nasa bingit na ng kamatayan. Upang muling makuha ang kiliti ng masa, binigyang suhestyon ni Domingo ang paglalagay ng ilang elementong ginagamit sa mainstream films, gaya ng theme songs, gwapong leading man at mga linyahang hugot. Nagsilbing lunsaran ang pelikula ng mga komentaryo o karaniwang layunin sa paggawa ng pelikula. Dahil personal na usapin ang karaniwang pokus ng mga indie films, malalim ang pinagmumulan nitong inspirasyon kung saan mabibigat na aral ang ikinikintal sa mga manonood. Matapang na inilalahad ng indie films ang realidad na nagaganap sa lipunan. Lumalabas ito sa mga pelikulang nakasentro sa pag-iibigan ng mga tauhan, drama at ang paggamit sa konsepto ng kahirapan upang makahamig ng mga manonood. Malaki ang gampanin ng mga pelikula bilang instrumentong pangkomunikasyon na huhubog at gigising sa kamalayan ng mga manonood sa tunay na nangyayari sa lipunan. Hindi dapat magsilbing tila "anesthesia" lamang ang mga pelikula sa mga isyung nangangailangan ng kagyat na pansin at tugon. −
Disenyo ng Pahina ni Charles Maquiling
12 2
KULTURA BIYERNES 20 ENERO 2017
UNBALANCED WEIGHING SCALE, BUNDLES of cash behind—this imagery signals the start of playful and powerful storytelling in Oro, as the film drives its audience outraged, revolted, and clamoring for justice. Oro, a film by award-winning writer Alvin Yapan, retells the events that led to the grim “Gata 4 Massacre” in the island of Carmen, Camarines Norte in 2014. A group of armed men called “Patrol Kalikasan,” a government-recognized environment police, extorts a small mining town and responds with violence to opposition from the community, killing four locals. The film touches on many realities, carefully painting the dire situation of marginalized rural communities like Gata, their existing patronclient relations, and the reality of oppression. Much has been said about the strengths of the film: its script, the storytelling and the casting ensemble. But what made Oro truly compelling are the ordinary conversations and drinking sessions of ordinary folks, highlighting the need to understand the plight of communities and sectors by engaging with them. Although “Oro” is subject to much controversy for its filming ethics, this does not discount how effectively the film unmasks the contradictions in animal welfarism and environmentalism. As a fisherman laments, “[m]as mahal pa nila ang ahas kaysa tao.” The character of Mrs. Razon, a local gold merchant who welcomed and condoned the
Patrol Kalikasan, mirrors how some people put so much value on pet and animal welfare while turning a blind eye on many cases of human rights violations, like the Gata Massacre. Environmentalism, juxtaposed with the law, even becomes a tool of oppression when not grounded in social and material realities. For one, lack of opportunities and support for fisher folks lead them to do placer mining. Elmer, one of the murdered four in the film, further manifests this by saying, “[K]ailan ba tayo nagkaroon ng batas na pabor sa interes [nating maliliit na tao]?” Worth noting as well is how women are represented in the film—as a wife through Linda and as a bold leader through the local chieftain, both capable of shaping their community and leading the fight for justice. Valid it is to say that the film could’ve further bared the larger, unseen structures of power that perpetuate oppression, such as the pro-foreign and anti-people provisions of Philippine Mining Act of 1995. The contradiction being, community mining is heavily regulated while big mining firms are allowed to wantonly destroy the environment in the guise of “liberalization of the mining industry.” In an attempt to transform a metaphysical object into a political one, the film closes by a reference to the “Santelmo,” once thought of as balls of fire keeping guard of the golds, now passed on by local folks as souls still seeking justice. For the rest of the oppressed, this inflames their struggle. −
Danyos ng unos
−
Dibuho ni Jul Yan Espeleta
SHEILA ABARRA
Gold , Guns, and Grief −
SB AFABLE
MARKA NA SA KULTURANG PINOY ANG pagpapahalaga sa pamilya na masasalamin sa mga pelikulang Pilipino. Ngayong taon, higit na binigyang buhay ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang usaping pampamilya kaugnay ng kaliwa’t kanang pagpatay sa mahihirap na mamamayan sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sanhi ng kasalukuyang giyera kontra droga, halos mamanhid na ang lahat sa araw-araw na paglobo ng bilang ng mga nauulilang mahal sa buhay ng mga sinasabing pusher at gumagamit ng droga. Matapang na hinarap ng pelikulang Kabisera ni Arturo San Agustin ang paglalahad ng mga istoryang nakasentro ang tema sa extrajudicial killings na suliraning kasalukuyang kinakaharap ng maraming Pilipino. Pangunahing mga tauhan ang mga batikang artista na sina Nora Aunor bilang si Mercy na butihing maybahay ni Ricky Davao o Tonying na isang matapat na kapitan ng barangay. Kabilang din sina Ces Quesada bilang kapitan ng Komisyon sa Karapatang-Pantao at si Victor Neri bilang abogado. Si JC De Vera naman ang gumanap bilang panganay na anak na si Andy. Naging malaki ang gampanin ng hapagkainan bilang pangunahing lugar na tagpuan ng pelikula. Sa hapag-kainan pinag-uusapan
ang mga pangyayari sa paaralan, sa trabaho at mga kaibigan. Ngunit nang mamatay si Tonying, pumalit sa kabisera ang kanyang asawa na si Mercy. Pinakita ng pelikula na mayroong kakayahan ang babaeng maupo sa kabisera at gampanan ang tungkulin ng isang ina’t ama. Nilulupig nito ang pagkakahon sa papel ng bawat miyembro ng pamilya na nakabatay lamang sa kasarian o edad. Katulad ng pangkaraniwang kwento, naging mailap ang paghahain ng hustisya para sa mga biktima— nagtapos ang pelikula nang hindi nabibigyang hustisya ang pagkamatay ni Tonying. Maihahalintulad ito sa serye ng kawalan ng katarungan sa bansa na hindi pa rin natatapos at tila pinagpapasa-pasahan lamang ng bawat administrasyon. Magandang panimula ang pelikulang tumatalakay sa kasalukuyang danas ng napakaraming Pilipino upang mamulat ang masa sa suliranin lalo na’t hayagan ang pagtambad ng mga bangkay at pamilyang nawawasak. Bagaman hindi literal na naipakita ng pelikula ang paglaban, marapat lamang na magsilbi itong pamukaw sa isipan ng mga manonood. Matinding saligan ang imahe ng masayang pamilya sa hapag-kainan bilang pagpapaalala ng patuloy na paglaban. −
Disenyo ng Pahina ni Charles Maquiling
e v o L y Pupp MARAMI ANG NAGULAT NANG MAPABILANG SA listahan ang Vince & Kath & James sa mga pelikulang ilalabas sa MMFF. Hindi katulad ng mga kahanay niya, walang bagong putaheng inihahain ang pelikula kung kaya't inabangan ng lahat kung ano nga ba ang kaibahan nito sa mga karaniwang romantic comedy films. Mabibigo ang manonood kung hahanapan ito ng mga kumplikadong naratibo at tunggalian. Hinango ito sa isang facebook text-seryeng Vince and Kath na isinulat ni Jane Ruth Almocera. Lihim na itinatangi ni Vince si Kath, ang beauty queen ng kanilang kolehiyo. Nailalabas lamang ni Vince ang kaniyang nararamdaman sa pamamagitan ng blog niyang Da Vince Code. Umikot ang kwento sa mga text messages ng dalawa sa isa't isa. Maihahambing ang naratibo nito sa mga kuwento sa Wattpad na may karaniwang tema ng pagibig— hahamakin-ang-lahat na banghay at sa dulo'y magkakatuluyan. Sa katunayan, ilan sa mga ito tulad ng She's Dating the Gangster, Talk back and You're Dead, at Diary ng Panget ay ginawa na ring pelikula. Pero kahit na ganito, hindi maitatanggi na malawak ang pagtanggap ng masa sa mga ganitong uri ng kuwento. Madali nitong nakukuha ang atensyon ng mga kabataang hinaharaya ang ideyal na uri ng pag-ibig upang makatakas sa katotohanan. At marahil, dahil na rin sa paghahangad ng isang mala-fairy tale na buhay at buhay pag-ibig kaya't kahit minsa'y hindi na halos
−
SURING PELIKULA
PH E. MARVIN JOSE
13
ANG
makatotohanan, mas tinatangkilik pa rin ito kaysa sa iba pang mga genre. Lumabas isa-isa sa pelikula ang ilan sa kahinaan nito. Tulad na lamang sa eksenang on-the-job training, ibinigay ang trabahong mekanikal sa mga lalaki samantalang ikinulong naman ang mga babae sa mga gawaing pang-opisina. Ipinakita nito ang diskriminasyon sa trabaho base sa kasarian, na ang lalaki lamang ang may kakayahang gumawa ng mga mahihirap na bagay at ang mga kababaihan ay nasa loob lamang ng opisina. Kasabay rin nito ang patuloy na obhetipikasyon sa babae, nang malisyosong pagmasdan ni Vince si Kath habang inaayos nito ang kotse. Pakunwaring nagpunas pa ito ng pawis. Sa mga simpleng ganito nagsisimula ang mga paglabag sa karapatan ng mga kababaihan. Kasama na rin dito ang tangkang panggagahasa ni James kay Kath sa kwarto. Pinalalala lamang nito ang atrasadong patriyarkal na kaisipan na mas makapangyarihan ang lalaki kaysa babae. Simple lang ang pelikula sa paraang kahit mga bata o matanda ay maiintindihan at madali ritong makakaugnay na masasabing ito ang naging kalakasan ng pelikula. Walang pagpapanggap at wala ring masalimuot na plot twist kaya madaling nakukuha ng mga manonood ang ibig nitong sabihin. Kaya't sa kabila ng mga kahinaan nito, napatunayan ng pelikula na karapat-dapat siyang mapabilang para sa MMFF ngayong taon. −
Monster Tales
Dibuho ni John Kenneth Zapata
BIYERNES 20 ENERO 2017
−
A BOY SECRETLY FALLS FOR HIS FRIEND—A dashing girl who loves someone else. As in all clichéd stories about princes and their damsels in distress, the boy has to save the girl from the monsters of her life. Such has been the storyline of Saving Sally, seemingly unheeding of calls for more inventive plots for last year’s Metro Manila Film Festival (MMFF). However, the genius of the film lies in its very rich and meticulous visuals—combining live-action and computer animation to give color to its expectable plot. It was the first of its kind in the MMFF, to say nothing of the success of other purely animated and highly-budgeted films in the festival: “Dayo” in 2008 and “RPG Metanoia” in 2010. The story is told from the perspective of Marty, a young, introverted comic book artist. His world is one where people are monsters, including Sally’s abusive parents and her love, Nick, a literally dickheaded alpha-male. A superhero in his own tale, Marty’s goal is to save her princess from these monsters. However, veering away from the intended plot, it was not Marty who saved Sally but herself, who from the beginning planned her escape from her parents’ fortress. The supposed hero instead questioned Sally’s silence, to which she strongly responded: “why don’t you do something?” The film becomes nontypical by dealing with sensitive issues of depression, suicidal behavior and domestic violence. Marty’s failure to see
through Sally’s silence, and playing the role of the victim-blamer in the end, only constitute complicity. Even after Sally’s saving, the world is still run by monsters; perpetuators of abuse can walk freely and lead institutions. Society has almost become accustomed to many forms of violence against women and children like Sally, ranging from domestic abuse, trafficking and street harassment, to lack of opportunities and social services. In fact, one of five Filipino women since age 15 suffered physical violence according to the 2013 National Demographic and Health Survey, while three of five children experienced severe physical abuse based on a 2015 study by the United Nations Children’s Fund. Marty’s comic book ends in a happily-everafter, as though love normalizes everyday violence. Nevertheless, in the face of the changing MMFF landscape, Saving Sally challenges the stereotypes of an “independent film”: heavy, dark or necessarily serious. It effectively connects to its audience through its rich and witty cultural references such as jeepney sabit, UP’s Zorro, and the “millennial” hugot and “friendzone.” Its reference to Filipino comics, and the film animation itself, also shed hope to the weakening industry. Notwithstanding the “monsters” it faced in its 10 years of filming, Saving Sally delivers, giving life to an ordinary love story and the alienating scenes of everyday life, all at the same time breathing a new life into Filipino animation. −
SB AFABLE
Disenyo ng Pahina ni Charles Maquiling
14
opinyon
BIYERNES 20 ENERO 2017
Patingin naman ng pet mo −
Sheila Abarra
Malaki ang ngiti ni Ma’am nang sabihin ng kaklase kong aso ang bespren niya. Nanlaki ang mata ni Ma’am nang sabihin kong baka ang bespren ko. Hindi aso ang bespren ko dahil kinagat ako ng aso dati. Hindi kaya kinagat si Ma’am ng baka noon? O baka si Ma’am ang kumagat sa baka? Mula kweba hanggang kapatagan, patungong hawla ng kasalukuyang sistemang panlipunan, kasabay nating nagpa-tambling-tambling ang mga hayop sa mala-sirkus nating planeta. Si Ma’am pa ang nagsabi noon na tagahila ng karwahe ang mga kabayo at araro naman ang sa kalabaw. Nang nagtanong ako kung bakit walang asong nagtatrabaho sa palayan, sinabi ni Ma’am na pine-“pet” kasi ang aso. Marahil gaya ni Ma’am, mayroon ding favoritism sa hayop—kaya teacher’s pet ang tawag sa mga estudyanteng mas kinagigiliwan ng guro. Nakatutuwang isipin na pwede kong itulad ang sipsip kong kaklase sa aso. Sa sobrang lapit ng hayop sa tao, sila na ang nagiging mag-bespren. At hindi mo gugustuhing masaktan ang bespren mo. Isa si Ma’am sa nagpabaha ng mga hate posts sa social media ukol sa isyu ng
pagpatay sa dalawang aso ng grupong gumawa ng pelikulang Oro na kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. Inalisan ito ng parangal at nagkaroon din ng panawagang huwag itong ipalabas sa mga huling araw ng film festival. Naging ako si BINGO nang magcomment ako sa isa sa kaniyang mga posts. Nalungkot kasi ako na dahil sa kasong ‘yon, mabilis na naisantabi ang mensaheng nais iparating ng pelikula. Pangunahing pinupunto ng pelikula ang Gata 4 Massacre, o iyong pagpaslang ng mga paramilitar sa apat na minero ng Brgy. Gata, Caramoan, Camarines Sur noong 2014. Nananatiling walang usad ang kasong ito at naiwan sa komunidad ang kawalan ng hustisya. Naalala ko tuloy ‘yung batang nakausap ko noong nakaraang taon sa Lakbayan, isang pagtitipun-tipon ng mga pambansang minorya rito sa kalunsuran upang ipaabot ang kanilang mga panawagan. Gaya sa mga taga-Gata, para ring hayop kung patayin at harasin ng mga paramilitar ang mga katutubo. Halos maiyak ako sa hiya nang kinuwentuhan ako ng iba pa niyang kasamang bata tungkol sa kanilang mga aralin sa ALCADEV na eskwelahan
Ang mga maka-tao’t maka-kalikasan ang tinatratong hayop ng mga asal-hayop.
ng mga taga-Caraga. Higit pa sa pet ang turing nila sa kanilang kapaligiran at kasama ito sa kanilang mga sabjek. Hindi lang pala aso ang tinuturong pet ng kanilang mga guro, kundi lahat ng nangangailangan ng tulong at kalinga. Ang mga maka-tao’t maka-kalikasan ang tinatratong hayop ng mga asalhayop. Kahit kinagat ako ng aso dati, sinabi ko kay Ma’am na marapat lamang managot ang grupong gumawa ng pelikula dahil sa maling pagpatay sa aso, ngunit hindi dapat hadlangan ang tapang ng pelikulang magsiwalat ng katotohanan sa mga komunidad na palaging naisasantabi. Nainis ako bigla dahil tila si Ma’am ang sistemang mapanghati—walang kumikibo sa inaraw-araw na pagpatay sa mga magsasaka at mangingisda saanmang sulok ng bansa ngunit nagwala lahat para sa pinatay na aso. Sa isang iglap, naalala ko ang pet kong baka na palaging kinukwestiyon ang pagka-pet. Hindi lang naman kwento ng bespren mo ang dapat pakialaman, dahil marami pang pet na dapat alagaan at bigyan ng pansin. Siguro nga, nangagat si Ma’am ng baka dahil sa tingin niya, baka lang ang dapat gawing corned at de-lata. −
Nakaatang na responsibili(dad) −
J.R. Calay
“Dad” ang tawag ng ilan sa akin dito sa Kulê—marahil sa pagiging (medyo) butód, sa minsanang pagbibitaw ng mga birong ikinakahon sa mga tatay, at sa pagiging beterano sa inuman. Dahil sa palayaw na ito, ‘di ko maiwasang maalala ang sarili kong tatay pati na rin ang dalawang tatay na nakasalamuha ko sa integ na sina Kuya Michael at Kuya Rudy. Minana ko kay Papa ang pangalan ko. Nilagyan lang niya ako ng “John” para kahit papaano—sa initials— ako ang junior niya. Katukayo ko man si Papa, hindi ko na dinala ang pananampalataya niya. Hindi maiiwasan ang alitan sa bahay dahil sa paniniwala, ngunit buti na lang, hindi siya ganoon kahigpit sa ganitong patakaran sa aming pamilya (Katoliko kasi si Mama, na relihiyon din naming magkapatid). Alam kong nasasaktan siya dahil mag-isa lang siyang sumasamba sa pinili niyang bulwagan. Kung ang sigasig lang sana ng pagkatok niya sa mga bahay-bahay upang ipalaganap ang Salita ng Diyos ay ibinaling na lamang niya sa pakikibaka para sa karapatan mga amang katulad niya, sasama ako. Kahit magkaiba kami ng paniniwala, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya. Hinahagkan ko pa rin siya. Hinahalikan naman niya ako pabalik. Ipinaghanda kami ni Kuya Michael ng sinabawang ampalaya
Inilaan ko na ang espasyong ito para sa aking ama at sa mga amang kumalinga sa akin sa sandaling nakipamuhay ako sa mga haliging ipinundar nila.
(pinakuluan sa vetsin) sa unang gabing nanuluyan kami sa kanyang tahanan sa kabundukan ng Nabuclod, Floridablanca, Pampanga. Doon, ibinahagi niya sa amin ang kanilang angaw—ang sigaw ng katutubo—ng mariing pagtanggi sa pagpapatayo ng plantang heyotermal sa kanilang lupain. Nakita ko sa kaniya ang determinasyong ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupang ninuno. Kahit may nakaambang pagod, ngalay, at kakapusan ng hininga (reresbak kasi ang bisyo), tigdalawang oras kaming naglakad papunta at pabalik sa taniman nila ng ampalaya kinaumagahan. Pinuntahan na rin namin ang natatagong paraiso nilang mga katutubo—isang ilog na dalisay sa linis. Nagtampisaw ako kahit tanghaling tapat, at kahit papaano inanod ng agos nito ang aking lumbay. Noong Disyembre ko lang nakilala si Kuya Rudy, isang manggagawangbukid sa Hacienda Lusita. Bilib ako sa mga ibinahagi niyang kuwento ng katapangan. Isa siya sa mga magsasakang nagbarikada sa Central de Azucarera de Tarlac kasama ang kaniyang mga anak noong Nobyembre 2004. Aniya, harapin dapat ang labang kahaharapin nang buong katapangan— kung may Tondo ang Maynila, may Balete ang Luisita. Napabuntung-hininga na lang ako pagkaupo ko sa labas ng kanilang kubol.
Tiningnan ko ang malawak niyang lupain. Nagmuni-muni. Napaisip: “Nakagiginhawa sa pakiramdam ang hangin, ang katahimikan.” Ngunit sa likod ng katahimikang ito ay ang ingay ng kanilang pakikibaka na ariin, bungkalin, at gawing kapaki-pakinabang ang lupang kanilang sinasaka. Malayo pa ang Fathers’ Day ngunit inilaan ko na ang espasyong ito para sa aking ama at sa mga amang kumalinga sa akin sa sandaling nakipamuhay ako sa mga haliging ipinundar nila. Hindi naman ako nakabuntis o kung anuman, ngunit magiging tatay rin naman ako balang araw. Magsilbi sana ang mga karanasang ito bilang paalala. Pangako at sukli ko na rin sa kanila na bitbitin ang mga aral nila rito sa Collegian—sa mga akda at sa pamamalakad. Agarang guguho ang isang tahanan kung walang matatag na haligi. Pinagtibay niyong tatlo ang isa sa mga dahilan kung bakit ako narito ngayon: ang iulat sa aking kamagaaral ang inyong kwento ng pag-asa, pagpupursigi, at paglaban.
Pabatid sa sarili: Kung mapunta mang muli sa pahinang ito ng Kulê, sana’y mabasa mo ito kasama ang iyong anak. −
LAKBAYDIWA e u l a ca b i l i n g
New year’s resolution sa Kulê Mahigit anim na buwan na rin pala ang nagdaan simula nang umakyat ako sa Vinzons 401, dala ang dalawang bluebook at bolpen, upang mag-apply bilang kolumnista ng Kule sa bolyum na ito. Medyo out of the blue nga ang desisyon kong ‘yun, parang adlib sa script ng pelikula— malay ko bang matatanggap ako’t magkakaroon ng sariling espasyo sa lingguhang (ahem) pahayagan ng UP. Taliwas sa dibuho ng aking mukha sa pahinang ito, malimit akong ngumiti lalo na sa mga panahong napakabigat ng bagaheng dala ko— loans, homesickness, tambak na acads at iba pang self-centered na rason. Tinanggap pa naman ako dahil sa pagiging chummy raw at mukhang friendly dahil sa bilugan kong mukha, at sa pagsasabing ‘di ko iiwanan ang Kule sa ere at ‘di paghihintayin ang aking editor sa drafts. 'Yung kolum ko sana ang isa sa mga breathing space sa dyaryo mula sa napakaraming kabulastugan na nagaganap sa bansa. Malas nga lang at 'di ko napanindigan iyon— may mga panahong matumal ang pagbibigay ng dedikasyon ko sa Kule, na marahil ay naramdaman din ng kapwa ko miyembro. Crammed din ang karamihan sa aking isinulat na kolum (isa ito sa mga 'yun pasensya), kung kaya't mas madalas na nakakasama ko ang mga myembro ng edboard sa kasagsagan ng pagsasara ng dyaryo. Madalas ko ring nababakas sa mukha nila ang pagkabigo kapag 'di nasusunod ang natakdang deadline ng labas ng dyaryo. Sa kabila nito, hanga ako sa dedikasyon at oras na ibinubuhos ng bawat isa para makabuno ng isang isyu para sa mga estudyante. At dahil din dito, nais kong ilaan ang parte ng kolum na ito sa maikling listahan ng aking new year's resolution (na sana pati gawin ng ibang pasaway na myembro sa Kule hehe) sa taong ito: 1. Hindi na magiging pasaway. Susunod na sa deadline at hindi na magpapabigat sa pagoda. (Sasampalin ang sarili ng 10 beses kada oras nang ‘di pagsunod sa tinakdang deadline.) 2. Mamahalin ang Kule gaya ng pagmamahal sa sarili. Dadalo sa general meetings at mga kaganapan na dapat daluhan. (Pipingutin ang sarili ng 20 beses kada missed meetings.) 3. Maglalaan ng sapat na oras para sa legwork at pagbabasa ng mga artikulo. (Walang pagkain tuwing general meeting kapag hindi maayos ang ipinasang artikulo.) Sabi nga nila: new year, new beginnings at it’s better late than never (bukod sa pasahan ng drafts). Sa ilang linggong bakasyon mula sa klase, napagmuni-munihan ko ang kahalagahan ng pagsali sa Kule— bakit ako nanatili sa kabila ng mga personal kong problema gaya ng ibang mga myembro na hindi lumisan din. Umakyat dito sa Vinzons at alamin ang rason ;) Tatapusin ko na lamang siguro ang kolum ko gamit ang mga salitang ito: Writers of Kule, unite! We have nothing to lose but our laziness and procrastination tendencies! −
BIYERNES 20 ENERO 2017
FROM THE ARCHIVES 15
1 - magtu-tweet ng #nuclearcodes 2 - magtatatag ng bagong festival para sa kaniyang “quality films” 3 - magiging trending topic sa usc elections 4 - ipagpapatuloy ang kritikal at walang paumanhing pamamahayag #backtous 5 - diktador na huhukayin ngayong 2017 7 - mawawala sa up dahil sa patuloy na komersalisasyon 8 - tataasan sa mahihirap; babawasan sa mga negosyante 14 - hindi pa rin kukunin ni lord! 15 - maisasabatas na para sa mga magsasaka 16 - pahirap pa rin sa manggagawa
pababa
6 - libre na, magiging bato pa! 9 - magiging bagong “friend” ng pilipinas 10 - magiging bagong spokesperson ng pangulo, finally! 11 - kasong lalong dadami sa administrasyong duterte 12 - hindi pa rin nagmo-move on sa resulta ng nagdaang eleksyon 13 - nagpapatuloy ng just and lasting peace 17 - magkakampeon sa uaap basketball
pahalang
9
11
4
12
5
17
15
6
10
2
16
13
14
7
TEKSTO NI SANNY BOY AFABLE
3
1
DISENYO NG PAHINA NI JOHN RECZON CALAY
Kung isa ka sa unang limang makakakumpleto ng tamang sagot, umakyat lang sa Vinzons 401 para sa tumataginting na pabuenas ng Kulê. Kung hei fat choi!
8
Gamitin ang iyong free will at sagutan ang aking fearless crossword puzzle sa ibaba.
Ni hao na ma nok! Natupad ang lahat ng nakaka-#shookt na prediksyon ng inyong Master San sa taong 2016 liban sa isa ‘di na tayo aabot nang buhay sa taong 2017. Whew! Pero ngayong Year of the Fire Rooster, ihanda ang lucky charms dahil lalong lalagablab ang mga kaganapan. May mag-a-apir at magdidis-apir, pakyawan pa rin ang state killings sa war on drugs, at mag-aalab ang mga chung ga lei an.
FEARLESS FORECAST SA YEAR OF THE FIRE ROOSTER
SHOOKT 2017