Philippine Collegian Tomo 94 Issue 19

Page 1

PHILIPPINE COLLEGIAN Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman › Huwebes 29 Hunyo 2017 › Tomo 94 Blg 19

balita CHED APPROVES FEES HIKE IN 268 PRIVATE SCHOOLS

kultura

3

BUENAS AT TRAHEDYA

kulê

 philippinecollegian.org  phkule  phkule  phkule  phkule  phkule@gmail.com

7

lathalain SA PILING NI NANAY

9


2

EDITORYAL HUWEBES 29 HUNYO 2017

Sumulong, lumaban PHILIPPINE COLLEGIAN Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Punong Patnugot Karen Ann Macalalad Kapatnugot Adrian Kenneth Gutlay Tagapamahalang Patnugot John Reczon Calay Patnugot sa Lathalain Aldrin Villegas Patnugot sa Grapiks Rosette Abogado − Jan Andrei Cobey − Chester Higuit Tagapamahala ng Pinansiya John Daniel Boone Kawani Sheila Ann Abarra − Sanny Boy Afable John Kenneth Zapata Pinansiya Amelyn Daga Tagapamahala sa Sirkulasyon Gary Gabales Sirkulasyon Amelito Jaena − Omar Omamalin Mga Katuwang na Kawani Trinidad Gabales − Gina Villas Kasapi UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (Solidaridad) − College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon Telepono 981-8500 lokal 4522 Online www.philippinecollegian.org − phkule@gmail.com − fb.com/phkule − twitter.com/phkule − instagram.com/phkule pinterest.com/phkule

UKOL SA PABALAT Dibuho ni Guia Abogado

BAGONG SIMULA ANG BAWAT pagtatapos, at nagpapatuloy ang hamon sa mga Iskolar ng Bayan na humakbang pasulong—bagtasin ang landas ng pagbabago kasama ng taumbayan sa labas ng pamantasan. Nananatiling ilusyon ang pangakong pagbabago ng administrasyong Duterte para sa mga Iskolar ng Bayan at sa sambayanan. Bagaman tunay na mga reporma ang binubuksan sa muling pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan, hinahadlangan ito ng mga palisiyang kontra-mamamayan na inilulunsad ng pamahalaan. Kasalukuyang binabalot ng matinding ligalig ang Mindanao nang ideklara ang Martial Law noong Mayo sa buong rehiyon, sa layong sugpuin umano ang teroristang Maute sa Marawi City, Lanao del Sur. Ngunit ang walang habas na pambobomba ng militar sa mga komunidad ay nagdulot ng panibagong sakuna: mahigit 210,000 indibidwal ang sapilitang lumikas at kasalukuyang nakararanas ng matinding gutom, batay sa tala ng Department of Social Welfare and Development noong ika- 5 ng Hunyo. Gayundin, nagpapatuloy sa labas ng pook ng tunggalian ang siklo ng pandarahas at pagsikil sa karapatan ng mamamayan. Libong buhay na ang kinitil ng palisiyang Oplan Tokhang ni Pangulong Rodrigo Duterte—buhay ng maralitang walang trabaho at nakatira sa mga lugar na hikahos sa libre at makamasang serbisyong panlipunan. Isang taon na ngunit wala pa ring malinaw na tugon sa mga isyung kinakaharap ng mga magsasaka't manggagawa: kawalan ng tunay na reporma sa lupa at pagwawakas ng malawakang kontraktwalisasyon sa bansa. Nanatiling haraya ang pagkakaroon ng libre at de-kalidad na edukasyon para sa mga kabataan, gayundin ang pagtatatag ng isang nagsasariling palisiya na maggigiit sa kalayaan at soberanya ng bansa. Bunsod nito, hinahamon ang mga magsisipagtapos na bakahin ang mga isyung ito na matagal nang pasakit sa malawak na hanay ng taumbayan.

Laging may espasyo sa malawak na pagkilos ng mamamayan ang bawat Iskolar ng Bayan na handang mag-alay ng kanilang dunong at lakas Saksi ang kasaysayan sa kakayahan ng mga Iskolar ng Bayan na magpayabong ng diskurso, mag-aklas laban sa mapaniil na mga patakaran, at lumikha ng makabuluhang pagbabago. Ngunit labas sa tangkang pagsasaideyal sa kanilang husay at karangalan, makakamit lamang ng mga kabataan ang radikal na pagbabagong-hubog ng lipunan kung kasama nilang susulong ang sambayanan. Ito ang panahon upang higit na makiisa ang mga kabataan sa laban ng masang naaapi, mag-organisa at manguna sa pagbuo ng mga konkretong solusyong lulutas sa materyal na kondisyong nagluluwal ng kahirapan. Sa kasalukuyan, may pangangailangang bumuo ng sariling mga pambansang industriya kasabay ng pagbabatibay ng pundasyon ng agham at teknolohiya sa bansa. Malaki ang maaaring maiambag ng mga nagsipagtapos mula sa Kolehiyo ng Agham at Inhinyeriya sa pangangailangang ito, upang maghawan ng landas tungo sa ikauunlad ng buhay ng bawat mamamayan. Upang igarantiya ang karapatan ng bawat isa at pagkakapantay-pantay sa ilalim ng batas, dapat bakahin ng

mga susunod na abogado ng baya't nasa linya ng agham pampulitika ang mga harang sa pagkamit ng hustisya para sa mga pinagsasamantalahan at naaapi. Sa kabila ng mga kasunduang nagbibigay proteksyon sa karapatang-pantao, patuloy pa rin ang pagdami ng bilang ng mga bilanggong-pulitikal, desaparecidos, at biktima ng extrajudicial killings. Laging may espasyo sa malawak na pagkilos ng mamamayan ang bawat Iskolar ng Bayan na handang

mag-alay ng kanilang dunong at lakas. Sa panahong nilulubid ng pag-aalinlangan at krisis ang bansa, papel ng kabataan ang magsuri nang kritikal, aktibong makisangkot at mangahas ng mga bagong alternatibo. Ang araw ng pagtatapos ng mga Iskolar ng Bayan ay simbolo ng higit na paninindigan at pagtanggap sa mandato na patuloy na paglingkuran ang sambayanan. −

ISKO ON THE STREET Ano ang hinahanap mo sa bagong Student Regent? [I]naasahan ko na kaya niyang magsilbing boses nating lahat. Dapat kaya niyang i-forward ang interes ng mga estudyante at ipaglaban ang ating mga karapatan. Beatrice Puente BA Philosophy

Someone who persists in pushing our rights as students without compromising one or the other. Someone who understands and empathizes to the diversity of the student population with regards to background, social stature, and circumstance. Mitzi Ancog BA Film

Umaasa ako sa SR na patuloy na ilalapit ang mga estudyante sa hanay ng masa. Yung hindi magpapadala sa panggigipit at kayang manindigan. Tracy Capule

BA Speech Communication


HUWEBES 29 HUNYO 2017

BALITA

3

Lumad school attacked anew by suspected military, paramilitary groups −

KAREN ANN MACALALAD

SUSPECTED MILITARY AND paramilitary troops fired gunshots anew near a Lumad school in Talaingod, Davao del Norte on June 24, four days after a firing incident in the same place was reported, the Save Our Schools Network stated. Teachers and students staying at Salupongan Ta'Tanu Igkanogon Community Learning Center of Sitio Nasilaban were threatened by three gunshots fired near the school at around 10 a.m., SOS Network Spokesperson Rius Valle said. The perpetrators of the incident have yet to be identified, but only members of the 72nd Infantry Battalion of Philippine Army and paramilitary group Alamara are heavily armed and encamped beside a Department of Education school in front of Salupongan, he added. “Dahil sa pangyayari, natakot ang mga bata at nagsitakbuhan. Bago pa man mangyari ‘yung incident, traumatized na sila,” Valle said. On June 20, a CAFGU and former Alamara member named Rodel "Angangoy" Butanlog harassed school head Ramel Miguel and indiscriminately fired bullets in the center. Miguel was able to evade the attacks. A student, however, was hit by a bullet and had to seek medical attention in the city. The Salupongan centers have

long been plagued with attacks and harassment cases. The SOS Network recorded a total of five which affected 76 students, six teachers, and 31 community leaders from July 2016 to February 2017. During the Aquino administration, 15-year-old Lumad student Alibando Tingkas was allegedly killed by an Alamara member in January 2016. These cases are proof of the reigning impunity in Talaingod and the continuing operations of the Armed Forces of the Philippines to organize paramilitary groups in the communities, Valle said. “Pinaigting ‘yung militarisasyon lalo na nang ipinatupad ang Martial Law sa Mindanao … Marami ang pangyayari sa Southern Mindanao, mahigpit ang security, nahihirapan sa community dahil may takot din ang iba na maabduct,” he said. As of press time, the SOS Network is still coordinating with the school officials and lawyers on their plans to formally file a complaint against the perpetrators of the said attacks. “Sa matagal na panahon, alam na ni [Pangulong] Duterte ito bilang siya ang dating mayor ng Davao. Sana mabigyan ng hustisya ang mga pangayayaring ito at mapaalis na ang militar na siyang nagbibigay ng terror sa mga komunidad ng Lumad,” Valle said. −

EDUCATION'S WORTH Patricia Louise Pobre Carhrihl Aguilar, named after the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL), was one of the students who came all the way from their classes to the Commission on Higher Education to protest the ongoing K-12 program and approved tuition hike, June 7. Aguilar, a student at the Ramon Magsaysay High School, is a daughter to militant parents who taught her to fight for free education.

CHED approves fee hike in 268 private schools −

FORWARD MARCH Christian King Saavedra Floyd Scott Tiogangco marches in the annual Metro Manila Pride held in Marikina City with the theme “Here Together” to celebrate love and acceptance, June 24. Having experienced discrimination in the past, Tiogangco feels that Pride has empowered him with the right to sexual freedom. Pride March serves as a platform for voicing out legitimate concerns, coming together, and telling the country that, LGBTQ+ or not, the March goes on for pride, for love, for equality.

CAMILLE GUADALUPE LITA

ALMOST ONE IN SIX PRIVATE HIGHER education institutions (HEIs) is allowed to increase tuition and other school fees (OSFs) for academic year 2017 to 2018, despite the students’ clamor for affordable and free education under the Duterte administration. The Commission on Higher Education (CHED) approved on May 25 the fee hike proposal of 268 private HEIs nationwide. A total of 262 will increase tuition collection, on the average, by 6.96 percent or P86.68 per unit while 237 HEIs will increase OSFs by 6.90 percent or P243. “[CHED] has always sided with private school owners or capitalisteducators, and has turned into a mere stamp pad for the approval of tuition hikes [annually],” said Mark Vincent Lim, national spokesperson of the National Union of Students of the Philippines. In 2016, CHED also allowed the motion of 280 HEIs to increase tuition by an average of 5.10 percent or P43.39 per unit and 252 HEIs to collect OSFs higher by 5.41 percent or P115.58. Bogus consultations As justification for the fee increase, CHED cited various laws on tuition and OSFs such as the Education Act of 1982 which gives private schools the right to determine its rate of charges, and CHED Memorandum Order No. 3 Series of 2012 or the “Enhanced Guidelines and Procedures Governing Increases in Tuition and OSFs and for Other Purposes” that takes into account the economic

background of the school and its area. "For transparency dapat may consultations sa stakeholders. Kung from the very beginning walang naka-attach na evidence na nag-consult [ang HEIs] sa stakeholders, outrightly made-deny ang application [for fee hike]," engineer Ronaldo Liveta said. HEIs must also submit a report to CHED showing where the additional fees they collected from previous hikes went to. Various youth groups, however, strongly condemned these laws and tagged the consultations as bogus since these were often held like information dissemination programs or presentations. “Sa totoo lang, bago pa sila nagrelease ng official figures [for increase], nangongolekta na sila ng increases kapag nakapagpasa na sila ng proposal sa regional office level, and from that, ipapasa na sa national office,” said Kabataan Partylist Representative Sarah Elago. Dubious collections The National Capital Region has the most number of HEIs with approved hikes, where 69 of 317 HEIs will increase tuition and 65 HEIs will increase OSFs. Central Luzon came next with 32 of its 169 HEIs set for fee increase, and Davao Region with 32 of 77 schools. The highest tuition and OSFs increase was recorded in Bicol Region with a 28.93 percent or P45.79 per unit tuition hike and additional 22.73 percent or P84.65 in OSFs. Bicol’s Ligao Community College has a 300 percent tuition increase

equivalent to P75. "The annual hikes in tuition and OSFs, especially in provinces, would force a number of students to work while studying or worse, to drop-out of school. The skyrocketing cost of education would lead to a growing number of out-of-school youth in the country," Lim said. Fee hikes are also unnecessary since teachers dismiss the school administration's defense stating that the increases are for their salaries and benefits, Lim added. "Much of the schools’ revenue from tuition and OSF goes to their profit," he said. In the University of Santo Tomas alone, its income revenue surged to P1.3 billion in 2015, from P941 million in 2010. Other universities with recorded increased revenues on the same period include the Far Eastern University, De La Salle University, Lyceum of the Philippines University, and University of the East. Some of the HEIs' administrators, owners and stakeholders have also ranked in the Forbes magazine’s rich list for 2017. Businessman Henry Sy, who currently holds the top rank, owns two schools namely the National University and Asia Pacific College. Amid this situation, youth groups denounced the spate of fee hikes now that the calls for free education have gained momentum. "NUSP calls on the Filipino youth and the general public to demonstrate our firm resolve against the commercialization of education by mounting sustained protests nationwide," Lim said. −


4

BALITA

HUWEBES 29 HUNYO 2017

Lack of bail fund delays Taysan 3's freedom −

SANNY BOY D. AFABLE

SEVEN YEARS SINCE THEIR ARREST, political prisoners Maricon Montajes, Romiel Cañete and Ronilo Baes still await for their freedom as groups continue to campaign for their release and raise funds for bail. Known as the Taysan 3, Montajes, Cañete and Baes were allowed to post bail by the Batangas Regional Trial Court in February 2016 after no sufficient evidence was found to prosecute them for charges including illegal possession of firearms and explosives, and frustrated murder for Baes. The court pegged their bail at P400,000 each for Montajes and Canete, and P500,000 for Baes. However, a year after the court’s decision, the fund collected by the Task Force Freedom (TFF) amounting to P177,000 is still far from the Taysan 3’s bail requirement, said Almira Abril, former chairperson of the UP College of Mass Communication Student Council (CMC SC). The TFF was formed by the CMC with other alliances and groups to campaign for the release of the Taysan 3, especially for Montajes who was a film student of UP Diliman. The TFF will continue organizing events such as jail visits, film screenings, and poetry nights to raise funds for the prisoners’ bail, said CMC SC People’s Struggles Committee Head Jesse Doctor. But more than raising money for Taysan 3’s temporary freedom, there is a need to pressure the court to speed up the judicial process on the Taysan 3’s case, Abril said. “Apat na hearing lamang ang ibibigay sa kanila (Taysan 3) ngayong taon at hindi pa sigurado na matutuloy lahat ‘yon. In the past years, nadi-delay yung processing ng kanilang case dahil na rin sa mabagal na judicial process,” Abril added. One of the youngest political prisoners in the country, then 22-yearold Montajes, was arrested in 2010 by members of the Philippine Air Force while

PEACE MARCH Daniel Boone

she was conducting her thesis research at a peasant community in Taysan, Batangas with Cañete and Baes. The three were tagged as members of the New People’s Army and detained in the Batangas City Jail for trumped-up charges. While groups continue to raise funds for Maricon’s bail, the freedom of all political prisoners is still underway in the peace negotiations, said Danny dela Fuente of Samahan ng mga Exdetainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA). SELDA is an organization of former political detainees which calls for the unconditional release and humane treatment of all political prisoners in the country. “State obligation ang pagpapalaya (sa political prisoners) ayon sa Amado Hernandez Doctrine … Itinutulak natin ito sa gobyernong Duterte,” dela Fuente added. The Hernandez Doctrine of the Supreme Court holds that acts of rebellion constitute a single offense and cannot be made complex with other crimes such as those filed against the Taysan 3. In lieu of peace talks, the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) submitted a list of 411 political prisoners to the government in May 2016, but only 39 were set free, including 17 NDFP consultants. Groups such as SELDA will clamor again for the immediate release of jailed elderly, sickly and women political prisoners including Montajes, said dela Fuente. Last December, UP students Gerard Salonga and Guiller Cadano were released from jail because of public pressure, said Abril. “Hinahamon tayong mga kabataan na patuloy na lumahok sa mga pagkilos para sa pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal, sa pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan, at pagkundena at paniningil kay Duterte sa anti-mamamayan niyang palisiya,” she added. −

Thirty days after the declaration of Martial Law in Mindanao, militant groups marched from Quiapo to Mendiola calling for its immediate lifting, June 23. The crisis in Marawi has not been solved whilst the heightened military presence has only caused fear and paramount human rights violations such as rape threats, and killings from indiscriminate firing and aerial bombings, according to the protesters.

PAGGAMAS John Reczon Calay

Tugon ng mga magsasaka ng Brgy. Balete, Tarlac City ang kolektibong bungkalan sa nakatiwangwang na lupa sa Hacienda Luisita sa ika-29 na taong anibersaryo ng pagsasabatas sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), ika-10 ng Hunyo. Bahagi ang bungkalang ito ng isang pambansang kilos-protesta para sa paggigiit ng mga karapatan ng mga manggagawang-bukid sa lupa at sa agarang pagpasa sa House Bill no. 555 o ang Genuine Agrarian Reform Bill, na isinagawa rin Camarines Sur, Negros Occidental, Bukidnon, at Davao del Sur.

Cross-registrants face dorm problems in UPD −

DANIEL BOONE

STUDENTS FROM DIFFERENT UP units had to stay in different locations, in-and-out the UP Diliman campus, and pay relatively higher fees from June 8 until the dorm application results were released four days later, June 12. Around 20 cross-registrants in Diliman from Tacloban, Cebu, and Mindanao stayed overnight in temporary places, like transient houses in Krus na Ligas, after their three-day staying period in Centennial Dormitory had elapsed on June 8. Financial concerns hinder some students from staying in other places besides facilities in UP. Some students just cannot afford transient homes or apartelles, which cost P200 to P300 per person each night, Mark Simbajon, cross-registrant from UP Tacloban, said. Simbajon and his roommates, with the help of the University Student Council, have tried to appeal to the Office of Student Housing (OSH) and the Office of the Vice-Chancellor for Student Affairs for an extension of their stay in Centennial Dorm to no avail. “The cross-registrants cannot be prioritized because we have our own UP Diliman students to take care of first,” said Vice-Chancellor for

Student Affairs Jerwin F. Agpaoa. More so, it was clear to the crossregistrants that they would only be admitted in Centennial Dorm for three days, according to OSH officer-incharge Professor Shirley V. Guevarra. “Understandable ‘yung explanation na kailangan na mag-prepare para sa incoming residents ng dorm for the midyear at iba pa. Pero, concerning na wala tayong effective system of management para sa mga transient students natin … After all, pare-pareho naman ang pangangailangan ng mga estudyante natin galing ng probinsiya sa housing accommodations,” Simbajon said. Dormitory problems, however, have been a perennial concern for UP students, especially for crossregistrants who have to settle their Dilnet account before applying for UP dormitories online. Such process usually takes up to three days. Meanwhile, the 106 crossregistrants have already stayed in their respective dormitories as soon as the results of applications were released on June 12, said Guevarra. A total of 3,466 have applied for dorms this midyear, but only 2,942 have completed their requirements and were admitted, she added.

OSH can accommodate around 4,000 students in all dormitories in Diliman provided that they submit all the requirements, including parents’ income tax returns and housing forms. “[I]tong 500-plus na hindi pa natanggap, pwede pa silang makapasok basta magpasa sila,” Guevarra said. Cross-registrants, however, have a different set of requirements, which they have to submit after they are admitted to their respective dormitories. This includes a copy of their Form 5 proving they are enrolled and several other forms to fill out like OSH Form 2 or Residence Hall Agreement signed by a lawyer. “Naisip din namin ‘yun na ‘di na nga magda-dalawang buwan ‘yung stay, [bakit kailangan pa magpanotaryo]. Pero protocol daw siya ng OSH,” Simbajon said. “To put things clear, we have nothing against the staff of our housing dito sa Diliman ... It is the continuing nature of our education system na commercial na naglalagay sa housing accommodation sa ganitong sitwasyon,” he added. −

WWW.PHILIPPINECOLLEGIAN.ORG


HUWEBES 29 HUNYO 2017

GAME OF THE GENERALS −

BALITA

5

ELIZABETH MAGPANTAY

In the Game of the Generals, victory is grabbed by the player who most connivingly places his pieces on the board, mischievously tricks his opponent in a psy-war, smoke-and-mirrors strategy; and captures the enemy’s flag. Take a look at key pieces on President Rodrigo Duterte’s board and try to guess his next move. Remember: you lose to a general if you are of lower rank.

‘End Martial Law’ at libreng edukasyon, panawagan ng mga gradweyt −

CAMILLE GUADALUPE LITA

NANAWAGAN ANG ILANG MGA nagsipagtapos ng UP Diliman na wakasan na ang Batas Militar sa Mindanao at isulong ang libreng edukasyon sa mga pampublikong pamantasan, sa ika-106 na Araw ng Pagtatapos ng 3,556 mag-aaral noong ika-25 ng Hunyo sa UP Amphitheater. Pangunahing kinundena ng mga mag-aaral sa isang iglap-protesta ang implementasyon ng Batas Militar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao noong ika-23 ng Mayo na layunin umanong wakasan ang terorismo ng grupong Maute sa Marawi, Lanao del Sur. Libo-libong sibilyan ang napilitang magbakwit mula sa kanilang komunidad buhat ng tunggalian, habang 384 katao na ang napaslang, ayon sa tala ng Minda News noong ika-21 ng Hunyo. “Isinasagawa ang mga lightning rally upang marehistro sa malawak na hanay ng mga mamamayan ang panawagan ng mga Iskolar ng Bayan kasama ng iba't ibang mga sektor,” ani Councilor Shari Oliquino ng Konseho ng mga Magaaral ng UP Diliman na kasama sa mga nagsipagtapos ngayong taon. Sa kanyang valedictory address, nanawagan din ang tubong Marawi na si Arman Ali Ghodsinia na magkaroon ng tunay na kapayapaan sa Mindanao. Isa sa mga ginawarang 36 summa cum laude, nagtapos si Ghodsinia sa kursong Molecular Biology and Biotechnology na may weighted average grade na 1.176. “Sagana sa yamang likas ang Mindanao. Nakakalungkot na ang pinakamahihirap na probinsya ay nasa

ARMM [Autonomous Region of Muslim Mindanao],” ani Ghodsinia. Noong 2015, kabilang ang walo sa 10 probinsya ng Mindanao sa pinakamahihirap na probinsya ng Pilipinas, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority. Bukod pa rito, iginiit ng mga nagsipagtapos ang pagsusulong ng libreng edukasyon sa bansa kasabay ng pagbabasura ng Socialized Tuition System at iba pang bayarin sa mga pampublikong pamantasan. Ang kasalukuyang patakaran hinggil umano sa libreng edukasyon na ipatutupad sa mga pampublikong unibersidad sa susunod na pang-akademikong taon ay magpapanatili ng neoliberal na atake sa sektor ng edukasyon, pahayag ni Oliquino. Sa ilalim ng Commission on Higher Education and Department of Budget and Management Joint Memorandum Circular No. 2017-1A na kilala bilang Free Tuition 2017, kakailanganing magpasa ng aplikasyon ang mga mag-aaral na nais makakuha ng libreng matrikula alinsunod sa patakaran ng memorandum. Magsisimula ang aplikasyon para sa libreng edukasyon sa UP mula ika-29 ng Hunyo. Nang matapos ang seremonya sa pag-awit ng UP Naming Mahal, hinikayat ni Oliquino ang mga mag-aaral na paglingkuran ang sambayanan sa kani-kanilang mga propesyon. “Dapat ang mga natutunan sa loob at labas ng pamantasan ay gamitin para pabagsakin ang nabubulok na sistema. Patuloy pa rin dapat ang pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos,” ani Oliquino.


6

KULTURA

HUWEBES 29 HUNYO 2017

ay ata Cal Zap czon h t e ne hn R Ken o hn a ni J o J n i i n h a uho gP Dib nyo n e s i D −

WEAPON OF

CHOICE −

RAT SAN JUAN

A CROWD HAS GATHERED INSIDE A MALL—A woman had just been shot by another woman! But, as though it was a classic action film, the first was able to endure her injuries until the security came to her rescue. The scene was as savage as it could get: it took place at a department store; the women were both pregnant and determined to get the same crib for their babies; and the store attendant takes away the weapon used: a Nerf gun. The two women are Emma (Sunshine Dizon) and Georgia (Ryza Cenon). While the fight over the crib was merely incidental, it’s not the first time Emma and Georgia wanted the same thing. The competition between the two women for the affection of Captain Rome (Gabby Conception) forms the plot of the teleserye “Ika-6 Na Utos.” Emma and Georgia have given new meaning to the quote, “All’s fair in love and war.” Their rivalry for Rome knows no bounds, including marriage – hence the show’s title. While the 6th commandment is sometimes interchanged with the 7th commandment, adultery has led them to almost kill one another. The show makes it a point to slut-shame the two leading ladies, particularly the mistress Georgia and later on, even the cheated wife Emma. The IANU is aggressively marketed by a team which appears to have taken note from sensational tabloid headlines. Previews of episodes and replays of scenes are promoted through GMA Network’s Youtube account, with titles such as “Fifty Shades of Emma,” “Eskandalo ni Georgia,” and “Nag-init sa elevator”. IANU suffers the same pitfalls of previous teleseryes which dealt with similar themes and issues. Like its predecessors, the show fails to add meaningful discourse about infidelity, choosing instead to continue the tradition of victim-blaming and pitting women against one another.

Emma initially put herself down for Rome’s choice to be unfaithful. Her insecurities were reinforced constantly by her mother-in-law (Carmen Soriano) who discriminated Emma’s social class and appearance, even accusing her of being a gold-digger to Rome. The matriarch frequently abused Emma and made her stand known that she preferred the wealthier and sexier Georgia for her son. To Emma, all of this points to the conclusion that she only has two people to blame for the failure of her marriage with Rome: herself for being insufficient as a wife, and Georgia for being a scheming home-wrecker. The agency of Rome to resist temptation and become a loyal husband is out of the question, because God forbid that men have any accountability in a feudal, patriarchal society. The kabit story archetype is a tale as old as time in Philippine media. It is a trope that continues to sell presumably due to the year-long demand for marital drama content in a mostly Catholic Philippines. The edge of IANU over other television content seemingly lies in its ability to provide a steady supply of shock value. It has no shortage of quips and one-liners, typical of kabit television where the leading ladies always try to one-up each other. Notwithstanding, the show’s forte is the primetime boxing event between the two leading ladies—and spectacle becomes an important capital in the show. In order to continue gaining profit, the industry of pop culture, as in IANU, seeks to reinvent and spectacularize materials despite being repetitive and almost child-like, according to cultural theorist Theodor Adorno. The routine violence and illogical story developments are getting repetitive and it shouldn’t be long before the audience looks for something else to watch. However, GMA has already succeeded in capitalizing on the show’s peak ratings and sudden popularity for added advertising revenue. −

MYKEL ANDRADA

ISA SA KALILIPAD LAMANG NA PALABAS SA telebisyon ang Mulawin vs. Ravena (MvR), isang pagpapatuloy ng Mulawin 2014 at Mulawin: The Movie 2015. Sa pagsubaybay sa MvR, ilang bagay ang makakatas mula sa konseptwalisasyon hanggang sa mga kontradiksyon na maaaring itulay sa makabayang pagdalumat: panitikang bayan, pyudalismo, tunggalian ng uri, at diktadurya. Mito(Too): Panitikang Bayan Malakas ang halaw ng MvR sa panitikang bayan at mitolohiya ng Visayas, Mindanao at Bikol. Mula sa mga katutubong diyos at diyosa tulad nina Sandawa (diyosa ng kalikasan; sa maraming tala ay ang "Apo" na tagapangalaga ng Mt. Apo), Mandarangan (tagapangalaga ng langit at init sa mga Bagobo) at Magindara (diyosa o tagapangalaga ng dagat at ng mga mangingisda sa Bikol), hanggang sa katutubong pagpapaliwanag ng pinagmulan ng mga tao, katutubo o lumad. Ang ganitong proyekto ng paghalaw at pagsasanib ng iba't ibang tauhan mula sa mga mitolohiya at panitikang bayan ay maaaring maging tuntungan upang ipakilala sa mga manonood ang isang mayamang kulturang taal sa Pilipinas na binura ng mga mananakop na Kastila at Amerikano. Laluna't ang aktong ito ay bahagi ng katutubong pagdalumat ng pinagmulan at kaakuhan ng mga Pilipino, lagpas sa itinakda ng mga kolonisador at imperyalista. Sa mga bansang tulad ng Pilipinas na napakalakas ng impluwensiyang dayuhan, isang maliit na siwang ng pagkilala sa sariling kultura ang maaaring isagawa sa pagsuri sa MvR. Ibong Mandaragit: Pyudalismo at Diktadurya Dalawang klase ng pyudalismo ang makikitang natatalakay, sadya man o hindi, sa MvR. Una, ang katutubong pyudalismo na nakasandig sa paghahari ng iilang makapangyarihang nilalang o pamilya. Mababanaagan ito sa tauhang si Daragit na ginagampanan ni Roi Vinzon. Sa pamumuno ng matandang Mulawin na si Dakila, anak ni Sandawa,

nilikha ang isang konseho na kolektibong nagpapasiya para sa Avila, ang pugad ng mga Mulawin na nasa tuktok ng Mt. Apo. Nilalahukan ito ng iba't ibang representante mula sa iba't ibang lahi. Ngunit sa paggigiit ni Daragit, naitakda siya bilang pangunahing pinuno, taglay ang puristang ideolohiya na purong Mulawin lamang ang dapat masunod. Sa katunayan, ang mga tauhang tulad ng Mulawin na si Avion (Carla Abellana), at taong si Rodrigo (Tom Rodriguez) ay nagpahayag ng takot sa pagkakaroon ng isang diktador na pinuno, na siyang naging katotohanan sa pagkakahalal kay Daragit bilang pinuno. Naghasik ng all-out war laban sa mga hindi purong Mulawin at laban sa mga tao si Daragit. Ikalawa, ang kolonyal na pyudalismo sa pamamagitan ng sistemang hacienda. Makikita sa MvR na ang panginoong maylupa o hacienderang si Savana Montenegro (Charee Pineda) ay malupit sa nasasakupang mga kasama o magsasaka. Ipinapakita rin sa MvR na ang yaman ng hacienda ay bunga ng pagbubungkal ng lupa ng mga magsasaka't magbubukid na inagawan ng mga Montenegro ng lupa. Pantasya at Reyalidad Sa kulturang popular, madalas ay inihihiwalay ang mamamayan sa tunay na reyalidad ng lipunan sa pamamagitan ng mga pantasya at ilusyon ng kapitalistang kaisipan. Ngunit sa MvR, may ilang siwang na maaaring mabanaagan ng imahinasyong sosyolohikal. Hindi mahirap ikonekta sa totoong kondisyon ng bansa: malulupit na mga panginoong maylupa at komprador sa Lapanday at Hacienda Luisita; pasistang pangulo na nagdeklara ng Martial Law. At higit sa lahat, ang hindi matalo-talong paglaban ng mamamayan. Habang sinasalimpad tayo ng malakas na ihip ng hangin ng kulturang popular, hindi dapat kalimutan na may ahensiya ang mamamayan (human agency) sa pagdanas at pag-aaral ng mga kapitalistang produkto. Hindi dapat magpatangay sa bugso ng kapitalistang ilusyong hatid ng kulturang popular. Kailangang sumalungat sa dikta ng hangin. −

TAL ABAN

H

SA

MPAPAWID

Tunggalian ng mga Uri at Krisis Panlipunan sa Mulawin vs. Ravena


SANNY BOY D. AFABLE

ANIMO’Y SI SPIDERMAN, TATALON SI CARDO mula sa isang overpass, at lalapag siya sa bubungan ng bus kung saan nagaganap ang panghoholdap. Lulundag pa siyang muli patungo sa kaharap na kotse, at aasintahin niya mula rito ang mga holdaper sa bus. Walang mintis! Bull’s eye! Isa lamang ito sa mga eksenang pinananabikan ng mga manonood sa ‘Ang Probinsyano,’ ang adaptasyon sa teleserye ng pelikulang dating pinagbidahan ng orihinal na Cardo, si Fernando Poe Jr.. Nilimot man ng panahon ang mga tulad niyang Pinoy action hero, nagbabalik si SPO1 Ricardo Dalisay—ang bidang pulis na ngayo'y ginagampanan ni Coco Martin—upang iligtas ang madla mula sa mga bagong krisis. Nagpanggap ang sundalong si Cardo bilang si Ador, ang kakambal niyang pulis, upang ipaghiganti ang sinapit ng huli sa isang operasyon kontra-droga. Kalauna’y malalaman niyang kapwa pulis, na anak ng drug lord, ang pumatay kay Ador. Kung tutuusin, ang pagiging probinsyano ni Cardo lamang ang tanging kaugnayan ng pamagat sa kuwento, at kalauna’y sesentro na sa Maynila ang bulto ng mga pangyayari. Nagmumula kasi sa pananaw ng mga taga-Maynila ang terminong “probinsyano,” kakabit ang mababang pagtingin sa mga laking-probinsya. Nagsimula ang ganitong geopolitikal na dibisyon nang itaguyod ng mga Kastilang mananakop ang "reduccion" o sistemang pueblo. Nahati sa taga-loob o taga-pueblo at taga-labas o taga-bundok ang kolonyal na lipunan, na nagpapatuloy magpahanggang ngayon bilang taga-sentro o taga-lungsod at taga-labas ng sentro o probinsiyano. Samakatuwid, sa sosyopolitikal na imahinasyon ng teleserye, nilikha ang probinsiyanong tauhan ni Cardo upang baliktarin ang pagtinging ito at saklolohan ang mga taga-Maynila mula sa ilegal na droga at kriminalidad. Pamilyar, dahil ito rin ang naging kampanya ng probinsyanong si Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang eleksyon, ilang buwan matapos unang ipalabas ang Ang Probinsyano. Suliranin ang iligal na droga para sa mga Pilipino, taga-Maynila man o probinsiyano. Sa pagnanais na mapanatili ang kaayusan sa lungsod, binibigyang-diin ng teleserye ang pangangailangan sa kapulisan para sa adyendang ito.

Maituturing na ideyalisasyon ng kapulisan ang primaryang operasyon ng Ang Probinsiyano sa katauhan ni Cardo—magalang, maaasahan at makatuwiran— upang makuha ng awtoridad ang tiwala ng mamamayan sa giyera kontra-droga at iba pang hakbangin nito. Ngunit isang mito si SPO1 Cardo para sa isang institusyong nababalot ng kasaysayan ng karahasan. Noon pa man, represibong aparato na ng estado ang kapulisan, tulad ng karahasan ng Metrocom Police noong diktaduryang Marcos. Matatandaan din ang kahindik-hindik na pagsagasa ng isang pulis sa mga katutubong Lakbayani noong Oktubre 2016 sa U.S. Embassy. Lalo ring nanunumbalik ang takot at kawalang-tiwala sa Philippine National Police dahil sa mga pulis na sangkot sa droga at pangingikil, liban pa sa madugong Oplan Tokhang ng rehimeng Duterte. Gamitin man ng estado ang teleserye upang gawing lehitimo ang mga karahasan ng kapulisan, sa kabilang banda, naging espasyo ang Ang Probinsyano upang sumabay sa mga bagong isyu at magbigay-suri sa kapulisan at sa mga reyalidad ng lipunan. Halimbawa, minsang pinuna ni Cardo at ng lola niyang Kapitana ang pang-aabuso ng mga tanod at kapulisan sa kanilang kapangyarihan, kasunod ang malawakang programa kontra-droga. Inilarawan din sa Ang Probinsyano ang malupit na sitwasyon sa mga kulungan nang minsang ma-“frame up” at makulong ang bidang pulis. Ginamit ni Cardo ang kulturang gang sa loob upang repormahin at pagkaisahin ang mga preso laban sa malupit na jail warden. Kasalukuyang tampok sa programa ang usapin ng rebelyon, alinsabay sa isyu ng terorismo at Batas Militar sa Mindanao. Bagaman limitado, kakikitaan ng siwang ng kritikal na paninindigan ang tauhan ni Cardo, na ngayon ay sibilyan na lamang, para sa karapatang pantao ng mga kapwa niya sibilyan sa harap ng pinaigting na palisiyang panseguridad. Pinahaba man ang kontrata ng palabas hanggang sa susunod na taon, hindi sapat ang isang mitikal na manunubos sa katauhan ni Cardo para baguhin ang oryentasyon ng buong kapulisan mula sa pansariling interes ng estado. Walang ibang manunubos ang sambayanan kundi ang kanilang pagkakaisa at pagkilos—walang mintis, bull’s eye! −

SHEILA ABARRA

SA KALIWA’T KANANG ESTASYON AT PABAGObagong pangalan mababakas ang landas na tinahak ng programang Wowowee, kasalukuyang Wowowin, sa pagbibigay sa manonood ng will to live. Nagbibigay ang programang ito mula pa noong 2005 ng iba’t ibang palaro at pakulo na nakikita bilang tagapagsalba mula sa kahirapan. Bukod sa malayo na ang narating ng programa, malawak din ang sakop nito mula sa paggiling-giling ng mga magkakaklase noong elementarya tuwing may programa sa eskwela, hanggang sa pagla-like ngayon ng mga Facebook memes tungkol kay Kuya Will. Sinong ‘di mawiwili? Ganito ang epekto ng mala-drogang porma ng kulturang popular na taglay ng Wowowee. Kung tutuusin, malaki ang ugnayan ng kulturang popular sa masa. Relatibo, kung kaya sabi nga ng sosyolohistang si Pierre Bourdieu, popular ang anumang bagay na labas sa diskursong pang-akademiko. Ang mga kultural na produkto ay ipinapakete at ikinakalakal hanggang sa magkaroon ng artipisyal na popularidad, na dumudulo sa pagkonsumo rito ng masa, malay man o hindi. Bukod sa tagakonsumo, ginagawang kakompetensiya ng isa't isa ang mga masang ipinapaloob sa giyera ng kulturang popular. Pero ano nga bang porma ng kulturang popular ang Wowowin? Bilang "game of chance," pansamantala at walang-katiyakan ang pagtugon nito sa pangangailangan ng masa. Tila isa itong subkultura, isang panatisismo sa relihiyon ng negosyo. Lahat gagawin ng mga taong sumasampalataya sa "kabutihang loob" ni Willie—para sa aliw, pansamantalang paglimot sa problema, o para sa “paybtawsan,” “tentawsan,” o Wilphone. Sa huli, manalo man o matalo ang kalahok, tiyak ang tagumpay ng bulsa ng negosyanteng komedyante. Taliwas sa pagtatanghal sa Wowowin bilang tagadulot ng aliw at pag-asa, manipestasyon ng trahedya at krisis ang naturang programa. Kakarampot at panandaliang solusyon lamang sa problema ang sangkaterbang game shows, lotto, sugal at iba pang porma nito, sa pinakamahihirap na bansang pinatatakbo ng iilan.

Sa katunayan, napatingkad ang krisis nang mangyari ang mismong trahedya ng Wowowee noon—ang Ultra Stampede sa Pasig noong 2006 na pumatay sa 74 katao dagdag pa ang daan-daang nasugatan. Trahedya, ngunit pinagagaan ng bawat balita noon ang insidente sa pamamagitan ng paguugat dito bilang resulta ng kahirapan at matinding pangangailangan. Dahil sa pagiging bugbog ng bansa sa krisis pang-ekonomiya at pampulitika, ilusyon ang pag-asang inilalako ng Wowowin. Literal ang aplikasyon ng "mula sa masa"— pinagkakakitaan ang nagdarahop na masa sa pamamagitan ng kanilang pagkonsumo sa inilalakong pag-asa ng negosyo ni Willie Revillame. Hindi magagamot ng pansamantalang pinansiyal na tulong ang malawakang kahirapan sa bansa. Payak ang katotohanan: na ideolohikal na aparato ng negosyo ang palabas na nagmamanipula sa sikolohiya ng tagatangkilik, sa relasyon ng tao sa lipunan, at sa pilosopiya ng pagsandig sa pansamantala. Kaya kritikal ang pagsusuri ng mamamayan sa ethos na ito ng pribadong negosyo. Sa social media, halimbawa, maraming memes ang mapanuya o satirikal sa ilusyong hatid ng Wowowin. Hindi lang simpleng kalokohan ang laman ng memes patungkol sa mga banat ni Kuya Wil—anyo ito ng kritisismo sa programa at sa komedyante bilang tagapagbigay ng pag-asa sa mahihirap. Bagaman katawa-tawa, tahasan ang pangungutya ng mga memes sa lohika ng palabas: wala sa ilusyon ang tunay na solusyon sa nag-aalburotong sikmura at lumalalang kalagayan. Kawalan ng pag-asa, kung lilimiin, ang tunay na dulot ng Wowowin. Sabi ng teoristang si Theodor Adorno, sintomas lamang ng pagnanasang mapawi ang patuloy na pang-aalipin ang paghiling sa disente at maalwang pamumuhay na pangako ng mga game shows na ito. Kung gayon, maaaring gumawa ng sariling "will to live" ang mamamayan. Isang tiyak na hakbanging magpapalaya sa mamamayan mula sa tanikala ng pribadong pamumuhunan, ng kapitalistang kulturang popular, at ng pagsasabong ng mahihirap sa isang giyerang ang tunay na panalo ay ang mismong negosyo. −

BUENAS AT

RAHEDYA T


8

LATHALAIN 29HUWEBES HUNYO 2017

KRISIS SA

TINUBUANG LUPA −

MAHIGIT TATLONG DAAN NA ANG nasawi sa matinding krisis sa Marawi City. Nagmistulang ghost town na raw ang siyudad. Kwento ng nanay ko na tumawag sa akin kahapon mula sa Iligan, pinagpipiyestahan na raw ng mga irong-buang (asong-ulol) ang mga naaagnas na bangkay na nakahilera sa mga lansangan. Hindi na estranghero ang Mindanao sa mga krisis. Masasabing pugad na ng armadong pakikibaka ang Mindanao, na tahanan ng maraming lokal na armadong grupo. Ilan sa mga malalagim na kaganapan dito ang pagpaslang sa SAF44 sa Mamasapano, Zamboanga Siege, at Ampatuan Massacre sa Maguindanao. At ngayon, nababalot ang buong Mindanao ng kamay na bakal ng Batas Militar. Inang Bayang tinubuan Bilang isang residente sa isang liblib na siyudad sa Mindanao, nananatili ang tahanang ito sa aking isipan sa pamamalagi ko sa unibersidad. Gayong magulo ang syudad, higit pa ang gulo sa aking lupang tinubuan dahil sa mga bala at bomba sa sagupaan. Hanggang ngayon, patuloy na binabagabag ang Mindanao ng giyera at gulo—isang mahabang kasaysayan ng pananamantala at paghihirap. Maraming administrasyon na ang nangako at nagdaan ngunit nananatiling pinakamahirap na rehiyon ang Autonomous Region of Muslim Mindanao sa Pilipinas. Ang kasaysayan ng krisis sa Mindanao ay binuo ng mga esporadikong sapang pangkapayapaan, tigilputukan, all-

out wars at marahas na mga counterinsurgency programs. Para sa mga residente ng Iligan, hindi na bago ang biglaang pagkansela ng klase at paggawa ng mga bomb threats. Madalas ay nananatili itong banta ngunit minsan ay ginagapi ng takot ang buong siyudad. Walang pinipiling lugar at oras ang mga pagsabog ng bomba—sa paaralan, grocery store, bus, kalye, at kamakailan lamang ay sa Davao night market kung saan labindalawa ang nasawi sa pagsabog. Walang kapayapaan dahil walang kalayaan. At ang tugon dito ng pamahalaan ay patuloy na karahasan. Nawasak na halos lahat ng mga bahay at gusali sa aerial bombings sa Marawi, kung saan naiipit ang mga sibilyan at napapatay maging ang sarili nating mga sundalo. Hindi na bago ang ganitong taktika, tulad ng all-out-war sa administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada. Hindi nagtagumpay ang programang ito, at lumikha lamang ng kundisyon at kontradiksyon na humantong sa isang krisis tulad ng sinapit ng Marawi. Walang tinamo kundi kapaitan Ayon kay Prof. Rommel Banloi ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research, ang tematikong sanhi ng terorismo ay ang lumalalang kalagayang panlipunan. Kadalasan, ang bayolenteng kapaligiran na sadlak sa kahirapan ang nagtutulak sa mga tao na sumanib

*

LUCIA SILVA

sa mga teroristang grupo. Kwento ng Tatay ko na isang pulis, minsan sa mga operasyon nila noon sa kanayunan, may natagpuan silang rebeldeng halos buto’t balat na namatay sa uhaw, gutom at pagod sa gitna ng digma. Dala-dala pa nito ang isang pirasong hilaw na kamote na nakakubli sa kanyang berdeng pantalon. Ngayong nababalot sa Batas Militar ang buong Mindanao, mas kumapal ang hanay ng mga sundalo sa mga siyudad at probinsya. Tumitindi ang panganib at pagsubok sa buhay ng mga katutubo, Moro at mga pambansang minorya sa Mindanao. Mahigit isang buwan na ang nakalipas ngunit hindi pa rin tanaw ang katapusan ng gulo. Ayon sa mga residente ng Iligan, hindi na raw makilala ang Marawi. Nagsilikas na ang mga residente sa mga karatig na siyudad na di magkamayaw sa pagtakbo habang umuulan ng bomba mula sa himpapawid. "Sigi gawas gyud bahalag gabii na kay kidnapon mos mga Maranao.” Iyan ang mga banta ng lola sa tuwing naabutan kami ng gabi sa paglalaro ng takingking cross, bahay-bahayan at tumbangpreso. Iyan ang mga panakot ng mga matatanda sa mga bata kung kaya’t sa unang senyales ng paglubog ng araw, mag-

uunahan na kaming kumaripas ng takbo sa kanya-kanyang bahay. Ganyan isinalarawan ang Marawi noong aming kabataan, isang malamig na bulubunduking siyudad apatnapung minuto mula sa Iligan kung saan dinadala ang mga batang kinikidnap at kung saan tinataga ang mga nagbebenta ng buko bar. Kaya naman, kinatatakutan ang mga Muslim sa Iligan. Baya’y inaapi, bakit di kumilos Ang kolektibong pagkamuhi na ito sa mga Moro ay buhat ng sadyang paglimot sa kasaysayan ng Mindanao. Sa mga librong pangkasaysayan ng Pilipinas, madalas ay maiksing talata lang ang inilalaan para sa kasaysayan ng Mindanao Tila basta na lang sumuko ang isla sa pagkolonisa ng mga Espanyol sa halip na magtangan ng armas at kolektibong lumaban. Madalas, walang mukha ng isang Mindanaoan sa hanay ng mga tinaguriang pambansang mga bayani. Dagdag pa rito ang paghubog ng ilan sa mga alagad ng midya sa imahe ng mga Muslim bilang terorista, lalo’t higit sa Amerika at Europa. Bukod sa kultural na opresyon, lubos na napag-iiwanan ang Mindanao maging sa kaunlaran na tinatamasa ng mga nasa sentro. May mga bata sa mga liblib na bahagi ng Lanao na naglalakad sa manipis na lubid matawid lang ang mahabang ilog at makarating sa paaralan. Maraming m g a

mamamayan ang nagkasakit at namatay nang hindi nakakakita ng doktor sa kanilang buong buhay. Ang nangyaring krisis sa Marawi ay implikasyon ng mas malaking krisis sa buong Mindanao. Hindi ang mga Moro o ang mga taga-Mindanao ang dapat na katakutan ngunit ang estado na patuloy na nagkakait sa karapatan ng mga mamamayan, at aktibong nagpupunla ng karahasan. Malayo pa ang umaga para sa Marawi at Mindanao. Subalit habang may mga mamamayang naghihirap at naaapi, patuloy itong lilikha ng pag-aaklas. Pagkaraan ng tatlong linggo, uuwi na ako sa Iligan. Pagkababa ko mula sa Laguindingan Airport ay sasakay ako ng bus at marahil hatinggabi na ako makakarating sa bahay buhat ng mga checkpoint sa daan. Pagdating ko sa bahay ay tatanungin ko sina Nanay at Tatay kung kumusta na ang Marawi, ang Iligan, ang Lanao at ang Mindanao. At sa paglapat ng katawan ko sa kamang kawayan, mamumutawi sa aking isipan ang isang Mindanao na payapa at malaya, isang Mindanao kung saan hindi na pangangailangan ang magtangan ng armas. −

*Halaw sa Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

Dibuho ni John Kenneth Zapata Disenyo ng Pahina ni Adrian Kenneth Gutlay


Sana’y di magmaliw ang dati kong araw

HUWEBES 29 HUNYO 2017

LATHALAIN

Sa Piling n i N a n ay * −

ALDRIN VILLEGAS

MADALING ARAW NOONG IKA-26 NG HUNYO, 2006, DINUKOT SINA SHERLYN CADAPAN AT KAREN EMPENO sa Hagonoy, Bulacan ng mga miyembro ng 7th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines. Kapwa estudyante ng UP Diliman, nagsasagawa noon ng fieldwork sina Sherlyn at Karen sa komunidad ng mga magsasaka. Pinaghinalaan silang mga miyembro ng New People’s Army, kaya’t dinakip at tinortyur sila ng mga militar. Makalipas ang 11 taon, hindi pa rin sila natatagpuan, gayundin ang mailap na hustisya. Ito ang kwento ng mga naglaho, dinahas, at sapilitang winala ng gobyerno. Ito ang naratibo ng paglaban—ang patuloy na paglalahad ng kwento ng mga desaparecidos, mula mismo sa kanilang mga ina. *PASINTABI KINA LUCIO SAN PEDRO AT LEVI CELERIO

Sa piling ni nanay, langit ay buhay

Concepcion Empeno MASAYAHING BATA SI KAREN. Mahilig siyang kumanta at sumayaw. Kinder pa lang ‘yan, marunong na siyang magbasa dahil tinuruan ng papa niya. Mahusay din siya sa pag-aaral–valedictorian siya sa elementarya, at nakapasok sa special science class pagdating ng high school sa amin sa Iba, Zambales. Dahil marunong siyang maggitara at keyboard, elementarya pa lamang ay kumikita na siya sa pagtugtog sa mga birthday, sayawan at handaan. Kaya naman naipasa niya sa UPCAT ang kurso sa Conservatory of Music. Nang nakapasok siya sa UP, pati ako ay pumipila para sa enrolment at validation. Pero pagkatapos ng araw na iyon, umiiyak na siya sa akin. Sabi niya, “Mama, ayaw ko na sa music.” Tinanong ko kung bakit. Gusto na raw niyang lumipat sa social science, BA Sociology. Mahilig din kasi si Karen magbasa tungkol sa pulitika, at makipagdebate kasama ang kuya at papa niya tungkol sa mga problema ng bayan. Sinuportahan ko siya sa gusto niyang kurso. Sa first year niya, sa Kalayaan siya nag-dorm. Kasama na rin sa bayad namin ‘yung pagkain, pero after a while sabi ni Karen, “Nakakasawa na ang pagkain. Ma, d’un na lang ako sa Sampaguita.” Pagkatapos noon, tumira rin siya sa labas ng UP kasama ang mga kaibigan niya. Dahil malayo ang Zambales, occasional lang ang pag-uwi ni Karen—kapag Pasko, kapag may birthday kung minsan, pero kadalasan, ako ang pumupunta sa UP. Lagi ko rin siyang tine-text at tinatawagan para kumustahin. Nag-aaral naman siyang mabuti, pero noong graduating na siya, nabigyan siya ng “incomplete” sa kanyang thesis writing. Para sa thesis niya, nangangalap siya noon ng mga awitin ng peasants. Isa ito sa mga dahilan ng pagpunta niya sa Hagonoy, Bulacan. Sabi pa ng adviser niya, risky yung kaniyang thesis. Isang araw, Martes, may tumawag sa akin, si RC ng Pinoy Weekly: “Nanay,

anong maiutulong namin?” Sabi ko, “Bakit, anong tulong? Anong nangyari kay Karen?” Nawawala raw. Binigyan ako ng contact number ng Karapatan. Kinabukasan, sinabi nila ang mga detalye sa pangyayari pero hindi pa ako nakarating ng opisina ng Karapatan noon dahil principal ako sa elementary school sa amin. Sa school meeting namin, wala na ako sa sarili, di ko alam ang gagawin ko. Pinapunta ko na lang ang kuya niya sa Maynila. Dumiretso rin siya sa Bulacan, at doon niya nameet si Nanay Linda Cadapan. Sabado na ako nakasunod; sinundo kami sa opisina ng Karapatan, at ininterbyu kami sa Umagang Kay Ganda. Yun na ang simula ng paglalagi ko sa Maynila magmula nang mawala sina Karen at Sherlyn. Naaalala ko pa ‘yung huling beses na umuwi si Karen dito. Magdamag kaming nag-iyakan at nagyakapan. Sabi ko uuwi siya sa birthday niya. “Opo mama,” sabi niya, at saka, ikakasal kasi ang kuya niya sa December. Binilinan ko pa siya na sana makapagtapos na siya. Heto ngayon, ang naiwan sa akin ay ang graduation picture niya. Kinuha ko sa dorm, naka-kwadro pa ‘yong picture na nakatoga siya ng UP. Binigyan din niya ako ng album na ginawa niya, clippings mula pagkabata hanggang sa pagdadalaga. Dala-dala ko lagi ang mga larawang ‘yun. Matagal na rin naming natanggap, pero hindi kami makalimot. Nawawala siya pero lagilaging isasabuhay ang kwento niya. Madalas akong iniimbitahan magsalita tungkol sa human rights. Nakapunta na rin ako sa Europe for 3 months dahil sa Amnesty International. Nagsalita ako sa mga universities sa London, France, Germany, at Netherlands tungkol sa pagdukot kay Karen, at sa kalagayan ng mga katulad niya sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, naghihintay pa rin kami. May pag-asa pa rin kami na darating siya sa buhay namin, na makakamit namin ang hustisya. Hangga’t buhay ako, hindi ako titigil lumaban. −

MATALINONG BATA SI SHERLYN o Nenen kung tawagin namin. Mula elementarya, nagkaroon siya ng honors at aktibo siya sa mga school activities tulad ng declamation at sayaw. Nakapasa rin siya sa UP Rural High School sa Los Banos. Doon, naging scholar siya as International Junior Researcher ng IRRI (International Rice Research Institute) hangang sa makapagtapos. Magaling din siya sa sports. Pagdating niya ng third year high school, naging atleta si Nenen—100 meter dash, 200 meter dash. Nakapasok nga siya sa Palarong Pambansa noong 1993 sa 100 meter dash, at nanalo ng second place. Pagdating niya ng kolehiyo, pumasok siya sa UP Diliman bilang varsity scholar sa College of Human Kinetics. Hindi niya pinabayaan ang pag-aaral hanggang sa matapos niya ang certificate program at tumuloy sa Sports Science. Dahil ang Sports Science ay may anatomy of human beings, sinabi sa akin ni Nenen, “Ma, gusto kong mag-continue sa medicine.” Kaya lang, hindi sapat yung pera namin para mapag-aral ko siya sa kursong iyon. Sa kolehiyo niya, may isang beses na naging representative siya sa Student Council. Sa palagay ko, doon siya nagsimulang maging mulat sa mga isyu, at doon na rin nagsimula ang kaniyang aktibismo. Tapos noong 2005, umuwi

siya sa bahay para magpasko sa Laguna. Umalis siya ng January 2006, hanggang sa pumunta siya ng Bulacan. June 25 ng gabi, nakausap pa niya yung tatay niya, at sabi niya, pauwi na raw siya. Nakipagkwentuhan pa siya sa isa niyang kapatid. Binalita niya, “Si mommy madadagdagan na naman ng isang apo.” Doon ko nalaman na buntis siya. Dapat, June 26, pupunta siya sa doktor para magpacheck-up. Pero dinukot siya nang araw na iyon, at simula noon, napakarami nang nagbago sa buhay namin. Unang-una, naapektuhan ‘yong hanapbuhay namin. Hindi kami makapaghanap ng trabaho sa regular na paraan—kumikita ako noon sa mushroom production na kailangan ng maraming oras. Pero halos lahat ng oras ay ginugol ko sa paghahanap sa aking anak, kaya nawalan ako ng pinagkukunan ng panggastos. Sa loob ng pitong taon, very aggressive kami sa paghahanap, palipat-lipat kung saan may marinig na namataan daw si Sherlyn. Tumagal nang tumagal at hindi namin siya mahanap. Lagi ring may hearing ng kaso halos kada buwan, pero hindi naman mahuli si Palparan. Isang madaling araw, tumawag yung isa kong anak. “Ma, buksan mo ‘yung TV. Nahuli na raw si Palparan.” Napahagulgol ako sa iyak dahil nahuli na ‘yung salarin. Pero ‘yung masakit,

nasaan naman ‘yung aking anak na hinahanap ko? Saan nila dinala? Bakit ayaw pa nilang ilabas? Hanggang ngayon, wala kaming ideya—buhay pa ba siya, at anong ginawa nila sa kanya? Ngayong nakikita ko na si Palparan sa mga hearing, naiinis ako sa trato sa kanya. Nakasakay siya sa magarang sasakyan, at nakapalibot ang apat na militar. Hindi ko mainitindihan kung bakit ganoon ang proteksyon sa kanya ng pamahalaan. Ngayong ika-11 taon ng pagkawala ni Sherlyn, ganyan na naman ang maiisip ko: ganito ba talaga ang gobyerno? Nangyari ito nang panahon pa ni Gloria Arroyo. Akala ko, makatutulong din si Noynoy Aquino, pero wala rin pala. Hindi rin ako umaasa kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil mas mahal niya ang militar at kapulisan kaysa sa mga mamamayan. Ang aming mga anak, sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno, ay mga iskolar ng bayan. Marahil kung nakapagtapos sila ng kurso o kahit hindi man, nakakatulong na sana sila sa ating mamamayan sa mahabang kasalukuyan. Para sa aking anak, Sherlyn, kung nasaan ka man, ang iyong mga magulang, mga kapatid, kamag-anak, at mga kaibigan, ay lagi kang hinahanap. Sana, dumating ang araw na magkitakita tayo, bago pa man bawiin ang aking buhay ng maylikha. −

Linda Cadapan

9


10

OPINYON

HUWEBES 29 HUNYO 2017

Paint by numbers −

ADRIAN KENNETH GUTLAY

24 – THE SKY IS A DREARY ASHEN gray, each day a chore. I’m turning 24 this year. You ever wonder what you have to show the world and come up empty? My woes started when I knew I wouldn’t graduate this year. Like a death sentence; ironic since hundreds of Iskolar ng Bayan are starting new lives, graduation day creeped up on me. 23 – I wouldn’t graduate this year. I said that last year. Repeat four times. The jokes come naturally. 22 – I don’t know about you, Taylor Swift, but I felt like shit. I felt blue. 21 – Still, I pressed on. Adulthood seemed like a distant concept, but I had to face realities now. Can we delay adulthood to age 31? 20 – As a photographer, I had nothing but my pictures to console me, each seemingly duller than last. See, no one truly appreciates journalists and photojournalists anymore. News is not news anymore; it is an opinion, gutfeel, a Facebook status. This proud profession, though imperfect, has always been a bastion of fighters for truth and progress. Reduced to a husk of its former glory. 19 - Shells of a brighter past. I felt it in my life, before I even thought to. Anxiety hit me bad. Unstoppable force meets an unmoving body. 18 – Journalists always push back. Red run the pages of critical and

Journalists always push back. Red run the pages of critical and celebrated newspapers.

celebrated newspapers. No story is worth dying for, but many have done so not in any fault of their own. It was in political dominance by the ruling elite over democratic checkpoints and limits that the press as the fourth estate flourished. Two opposing forces. 17 – The same forces are at play today. It is not young and sweet. The fight has been bitter, and it has been here for a long time. From McCarthyism which coopted the media in the US by effectively tagging any form of dissent and political opposition as communist threat, down to Marcos’ crony press. 16 – It isn’t particularly sweet how easily fake news is branded on news agencies. Mocha Uson carelessly throws around the Mocha Uson seal of disapproval™ on any voice of dissent. Fake news. Dilawan. Bayaran. And the state would have the authority in implementing steep punishments for news agencies producing "fake news.” 15 – I take a deep breath and I walk through the doors of uncertainty in today’s field. Calling news fake when it voices opposition and alternatives to the ruling elite is not new, not green. 14 – It’s a societal ill that repeats; players change but you’re running through the same hamster wheel. 13 – It’s a process that’s cyclical; names vary, but it’s the same shit you go through.

12 – It’s a problem that replays; minute details differ from one another. I can’t escape. This depression. This black mire of failures. This struggle for press freedom. 11 – I am not defending fake news. But the catch here is poor understanding of the editorial process and the liberal application of the term “fake news” to dissent and opposition. Even Vice President Leni Robredo is branded as “fake” for her views. 10 – Ten to twenty years. Ten to twenty million pesos. That’s how steep the price is for erring agencies facing capricious figures who can easily dismiss facts. 9. 8. 7. I’m counting down now. 6. 5 – The only thing that can keep me pushing forward is by heeding the mandate of this noble profession. 4 – For who do we report? Voice to the voiceless, those at the fringes of society. 3 – By the time this reaches you, it doesn’t matter. I’ve faced my demons. I’ve accepted facts. It’s hard. Dissonance. 2 – To the graduates, may you never forget your mandate as Iskolar ng Bayan. Green. Maroon. 1 – I’m back at one. Myself. One promise. To be a fighter of truth and press freedom. −

Hindi raw ako ang nasa grad pic ko −

JOHN RECZON CALAY

“HINDI KA NAKILALA NI PAPA SA grad pic mo, John.” Ito agad ang ibinungad ni Mama sa akin pagkagising na pagkagising ko isang umaga matapos niyang makita ang pinakatago-tago kong mga graduation pictures. Mayroon akong dalawang dahilan kung bakit ko itinago ang mga litrato kong iyon at kung bakit hindi ko muna ipinakita kina Mama at Papa. Una, ibang-iba at malayo talaga ang hitsura ko roon: pinaputi ang aking mukha na malayo sa tunay kong kulay at inunat ang kulot at magulo kong buhok. Hindi mabilang na kaligayahan (o mas mainam, tawanang nagpasakít ng tiyan) ang idinulot ng grad pic ko sa mga nakakita nito. Ito’y hindi dahil nakita nila akong nakasuot ng Sablay at nakangiting ipinagmamalaki ang aking tagumpay at pagpupunyagi sa kolehiyo. Malayo kasi ito sa totoong hitsura ko. Nagbayad ako ng higit dalawang libong piso para sa pagpapakuha ng mga larawang ito; packaged na kasi, may kasamang frame at digital copies. Nagbayad ako ng karagdagang sandaang piso upang ipaayos ang aking mukha. Pinanindigan at hinayaan ko na lang na maging ganoon ang ganyak sa akin kahit ako rin nama’y nagtaka sa naging kinahinatnan. Ikalawa, hindi pa kasi ako magmamartsa at magtatapós ngayong taon.

Naalala ko, Linggo, ika-29 ng Enero kami kinuhanan ng larawan sa Maskom. Sa panahong iyon, hindi ko na naramdaman ang katulad na pananabik ng pagtatapos na mababakas sa mukha ng mga kaibigan kong suot ang Sablay. Tinanggal ko ang mga nakalagay sa aking mukha, at ibinalik sa dating ayos ang buhok. Agad akong dumiretso sa Kambingan—ang madalas na inuman ng mga “tito” sa may arko ng Krus na Ligas—at lumaklak ng tatlong boteng serbesa. Sa mga panahong iyon kasi, sa bisyo ako sumasandig at kumukuha ng pansamantalang lakas—kahit na mahihilo at manghihina rin naman akong uuwi. Medyo tanga rin, oo. Pero sino nga bang hindi mapapalaklak kapag hindi mo kasamang sumablay ang mga kaibigan mong apat na taong nakasama sa mga ‘di mabilang na rally, legwork at research, pressworks, at sa paglalahad ng naratibo ng masa? Ngayon, Linggo, ika-25 ng Hunyo ang itinakdang araw ng pagtatapos ng mga may student number na 2013 ang umpisa at kumuha ng apat na taóng kurso tulad ko. Hindi ninyo ako kabahagi sa inyong tagumpay ngayon. Nagsumikap, ngunit kulang. Ibinigay ang lahat, ang pagtataka’y bakit hindi pa sapat? Napagtanto ko, oo, hindi nga ako ang nasa grad pic ko. Mga apat na taon na nang unang

Nawa’y sa bawat paggising sa bagong kabanata ng inyong buhay, makita ninyo ang inyong sarili sa larawang iyon—kayong hinubog na maglingkod nang buong puso at buong lakas sa sambayanang kasama natin sa pagbangon at paglaban.

beses akong tumapak sa UP. Tangantangan ko ang mga pangarap na bigyang ginhawa ang buhay ng aking pamilya at paglingkuran ang sambayanan. Pinanghinaan ako ng loob. Itinuturing kong bagong panimula ang pagiging delayed. Mahirap sa simula dahil sa ilang panghuhusaga’t pasaring, internal na pagdududa sa kakayahan, pagbabalik-tanaw sa pagkukulang, at sa sunud-sunod na pagpapalit ng mga profile picture sa Facebook ng mga sasablay ngayong araw. Ngunit, ang tama at tanging pagpipilian ay bumawi at lumaban. Plano kong magpakuha ulit ng panibagong grad pic. ‘Yung ako na talaga. Hindi lang bagong hitsura kundi bagong ako—ang magiging kahihinatnan ng isa pang pagkakataong ilalaan sa akin, at sa katulad ko, na magpakatatag, sumulong, at tumuklas. Pagbati sa inyong nagsipagtapos ngayong taon! Ipagmalaki’t isabit ninyo sa pader ng inyong mga tahanan ang grad pic ninyo. At nawa’y sa bawat paggising sa bagong kabanata ng inyong buhay labás sa pamantasan, makita ninyo ang inyong sarili sa larawang iyon—kayong hinubog na maglingkod nang buong puso at buong lakas sa sambayanang kasama natin sa pagbangon at paglaban. −

LAKBAYDIWA

EULA CABILING

Break muna NITONG MGA NAKARAANG LINGGO, wala akong inatupag kundi manuod ng mga anime at kdrama na nasa binuong listahan ko ng palabas sa kasagsagan ng hell week noong nakaraang semestre. Pinili ko munang 'wag mag-midyear ngayon upang makapagpahinga at makapag-chill sandali, 'ika nga nila, everyone needs a break din naman paminsan-minsan. Napakahirap ng nakaraang semestre—nariyan ang problema ko sa pagbabayad ng student loans, pagkuha ng mga units na di ko nakuha sa CRS, at pagsasabay ng trabaho ko sa Kule at pagtugon sa responsibilidad ko bilang estudyante ng UP. Ang dami ko ring late at absent dahil sa madalas na pagkakaroon ng sakit ng ulo at katawan, at muntikan pa akong ma-INC sa isang klase gawa ng 'di ko pagpasa ng ilang requirements. Buti na lang at naniniwala pa ang ibang propesor sa UP sa second chances, at handang unawin ang kinakaharap na problema ng mga estudyante. Hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami na mahirap mag-aral sa UP. Ngunit ang hirap na ito ay hindi lamang bunga ng mahihirap na kurso at mabibigat na requirements sa klase— higit na nakakaapekto ang iba pang external na kondisyong may kinalaman lalo na sa pinansya. Naalala ko nung pumipili ako ng papasukang unibersidad, halos magaway kami ni Nanang nang ipilit ko ang kagustuhan kong mag-aral sa UP gawa nga ng mataas na presyo ng matrikula. Hindi daw kasi namin kakayanin ang halaga, lalo pa't kung idadagdag ang dagdag bayarin para sa pagkain, requirements at iba pang kakailanganin sa pag-aaral. Pero sa parte ko naman kasi, once in a lifetime lang ang oportunidad na makapag-aral sa UP. Sino ba naman ang aayaw, 'di ba? Kung kaya't noong araw na iyon, pinilit ko talaga na kumbinsihin si Nanang na payagan ako—at nangakong gagawin ang lahat upang makahanap ng paraan para makatulong sa gastusin sa paaralan at kinakailangang matrikula. Ngayong tatlong taon na ako sa unibersidad, naiintindihan ko na kung bakit ninais ni Nanang na 'wag ko nang ituloy ang UP. Nakakaaning ang mga pagkakataong wala kang pera, gipit sa badyet, at nagagahol sa oras upang makabayad ng mga utang o kung anuman na kailangan mong bayaran. Ah, ang hirap pakisamahan ng UP. Mahal kita dahil ikaw ang nagbigay ng oportunidad para mamulat at makasama sa pahayagang Kule, pero ngayong midyear, break muna. −


HUWEBES 29 HUNYO 2017

SIPAT BAKA BUKAS −

BATAAN 14 DISYEMBRE 2014

ADRIAN KENNETH GUTLAY

OPINYON

11

Fisherfolk demands scrap of BFAR’s Bantay Laot Progam PRESS RELEASE - PAMALAKAYA PUBLIC INFORMATION DESK JUNE 27, 2017

Urban poor threatened by evictions express solidarity with ‘familiar tale’ of Glenfell tragedy PRESS RELEASE - KADAMAY JUNE 21, 2017 MEMBERS OF KADAMAY IN SAN Roque held a candle lighting and offered flowers along their community to show solidarity with the Glenfell fire victims marking a week since the tragedy. KADAMAY noted the similarities between the plight experienced in West London and the state of housing in the country. They said that in both situations evicting people through privatization schemes and sub-standard public housing was at the core. Kadamay also supported the call of Labour Party leader Jeremy Corbyn for newly homeless people to occupy the many idle homes in London. Gloria “Ka Bea” Arellano, Kadamay Chairperson said “We extend our heartfelt condolences and prayers to the families of the victims especially that of our kabayan in Ms. Ligaya Moore.” Shed explained that “In London, many demolitions of poor communities and houses are being carried out to make way for more private and marketable units. This drive affected Glenfell by re-arranging the floor plan to

WANTED: NEW KULÊ BEDSPACER

build more market-rate units and thus compromising the structural integrity. Even the external material used for the building has now reported to be flammable. This is what happens when you put profit over people.” An estimated 58 people died in the fire yet the casualty report is constantly being updated. The building itself, a public housing project is now managed by its landlord, the Kensington – Chelsea Borough, the wealthiest part of London. Through refurbishments has driven out residents and left the entirety of Glenfell with just one staircase and exit. “Urban poor Filipinos are no stranger to these types of injustices. For nearly a decade, attempts to drive out the residents of San Roque to make way for commercial projects of the City Government, the NHA and the Ayalas have taken violent turns. Residents have been endangered by demolition teams, tear gas and even suspiciously fire which they say has taken an upturn since the Central Business District (CBD) project was being enforced,” said Arellano.

Locals believe that communities like San Roque, who are resisting demolitions, inevitably experience fires and frequent ones at that. From December 2016 to February of this year there were four fires that raged through communities collectively and frequently resisting demolition attempts on them. NIA road, Quezon City on December 28, Navotas Port Area on January 10, Catmon, Malabon and Parola, Manila on February 8. All areas are also targeted by large scale Public-Private Partnership projects, NIA Road in particular is also part of the CBD project that is affecting San Roque. “We support the protests right now in the UK demanding for accountability and justice from Prime Minister Theresa May. Neo-liberal schemes for housing and communities are destroying the lives and livelihood of poor people everywhere. Organized occupations of the homeless of idle housing in London can be undertaken especially in this time of crisis. The opening up of public housing to privatization must end, it deprives the inherent right of all to mass housing,” noted Arellano. ###

CONTACT US! Email us at phkule@gmail.com. Save Word attachment in Rich Text Format with INBOX, NEWSCAN, or CONTRIB in the subject. Always include your full name, address, and contact details.

Walang DOWN PAYMENT. Walang DEPOSIT. HUSAY, ANGAS, AT LAKAS NG LOOB lang ang kailangan upang maging bahagi ng 94 na taong tradisyon. Magdala lang ng dalawang bluebook, panulat, at portfolio ng gawa (para sa grapix). Akyat na sa Vinzons 401!

MANILA, PHILIPPINES ­– THE MILITANT fisherfolk group Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA-Pilipinas) calls for the scrapping of Bantay Laot Program, a law-enforcement program of the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) to curb its so-called illegal, unreported, and unregulated (IUU) fishing. The Bantay Laot Program equips municipal fisherfolk with weapons to run after another fisherfolk who will engage in illegal fishing activities in the municipal waters. Illegal fishing by category of the government includes engaging in destructive fishing method like using of dynamite, cyanide, and other fishing gears categorized by government as destructive; not able to report the amount of fish catch to BFAR personnel; and fishing within the designated marine protected areas and fish sanctuaries. These new fishing rules are under the amendment Fisheries Code or the Republic Act 10654. Bantay Laot Program serves as prerequisite of fisherfolk to have access on BFAR’s cash and livelihood assistance. On Sunday, BFAR Region 11 gave cash incentives amounting from PHP1,000 to PHP2,000 to 578 fisherfolk in 23 barangays in Davao City to hire them as sea watchers. PAMALAKAYA estimates that more than 1,000 fisherfolk this year have been registered to Bantay Laot Program, majority of those are in Mindanao. For PAMALAKAYA, this militaristic approach to resolve illegal fishing activities will create rift between small fisherfolk who will be obliged to run and catch after one another. The fisherfolk group said BFAR’s

GOT SOMETHING TO SAY? CONTACT US!

assistance should be no condition especially if it involves violence among small fisherfolk. “BFAR is creating rift between small fisherfolk instead of uniting them to protect and utilize the fishing waters to promote domestic food security. Creating water militia will likely cause vigilantism and lawlessness in the sea. It is the utmost duty of the government forces in the first place to protect the livelihood of small fisherfolk both from local and foreign commercial fishing vessels that actually exploit the waters through unwarranted fishing expedition.” “This crumb of government assistance requires the fisherfolk to set its one foot on the grave by making them shoot and kill each other in compliance with BFAR’s absurd order to catch illegal fishers,” Fernando Hicap, PAMALAKAYA Chairperson said in a statement. The fisherfolk group said the Philippine Coast Guard and BFAR should designate their own personnel who will catch commercial fishers that enter the 15-kilometer municipal fishing water allotted to the small fisherfolk by the fisheries law. “Guns and ammunitions are the last thing that the fisherfolk want. They need sufficient fishing technologies like boats and fishing gears that will accelerate and uplift their production. The real illegal fishers are the largescale commercial fishing fleets that exploit our fishing waters and destroy its marine resources leaving nothing for the small fisherfolk. We challenge BFAR Director Eduardo Gongona to be realistic on his programs in fisheries. He seems out of tune to the basic needs of the fishing sector,” ended Hicap. ###

Email us at phkule@gmail.com Save Word attachment in Rich Text Format with INBOX, NEWSCAN, or CONTRIB in the subject. Always include your full name, address, and contact details.


Thursday, June 29, 2017

CLASSIFIED ADS

WANTED:

MAGSISILBI SA SAMBAYANAN* KARAPATAN

KATRIBU

IBON FOUNDATION

Karapatan is an alliance of human rights organizations and programs, human rights desks and committees of people’s organizations. It aims to promote and protect human rights in the Philippines.

Want to work for our indigenous communities? Then KATRIBU is for you!

EXPLORE THE ALTERNATIVE! Be a statistician, economist or writer for IBON!

Alliance for the Advancement of People’s Rights

WE SERVE THE PEOPLE THROUGH: Education and Training Campaign and Advocacy Services and Program Documentation and Research Network Building and Alliance Network Contact us at karapatan.org or (02) 435 4146

AGHAM

KATRIBU Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas is a national alliance of more than 500 regional and provincial indigenous peoples’ organizations representing various indigenous communities in the Philippines. Join our indigenous brothers and sisters in their fight for their ancestral lands and right to self-determination! CALL US! (63)412-5340 Or visit us at Rm 304 NCCP building 879 EDSA West Triangle, Quezon City

ENGINEER SOCIAL CHANGE! Advocates of Science and Technology for the People or AGHAM, is an organization of patriotric, pro-people science and technology advocates, bounded together by a common interest of promoting science and technology that genuinely serve the interest of the Filipino people, especially the poor. Visit agham.org for more information

ALCADEV Join the Lumad children in building a better future. Teach at ALCADEV! The Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development, Inc. provides an alternative secondary education system for our indigenous youth in Mindanao—the Manobo, Higaonon, Banwaon, Talaandig and Mamanwa. ALCADEV ensures that the knowledge and skills the indigenous youth acquire from school serves not only their individual growth but also the development of their communities. Our office is in Tandag, Surigao del Sur, Philippines. You may reach us through our email address: alcadev03@yahoo.com

BULATLAT WRITE FOR THE PEOPLE WRITE FOR BULATLAT Bulatlat (boo-lat-lat), verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts Alternative media organizations such as Bulatlat.com seek to reflect the people’s views and stand on issues that affect their lives and their future. Contact us at bulatlat@gmail.com BULATLAT: 15 YEARS OF JOURNALISM FOR THE PEOPLE

PHILIPPINE COLLEGIAN OPEN MINDED KA BA? Akyat na sa Rm. 401 ng Vinzons Hall Building, o kontakin ang 981-8500 loc. 4522 para sa karagdagang detalye!

The IBON Foundation is a non-government, non-profit organization that provides socioeconomic research and analyses relevant to discussion of today’s pressing issues, especially that of the marginalized sectors in the society. Send your application at admin@ibon.org or contact us at (02) 927 7060.

ALTERMIDYA WANTED: People’s journalists Be part of Altermidya! Altermidya (People’s Alternative Media Network) is a national network of independent and progressive media outfits, institutions and individuals in the Philippines. E-mail us at altermidyanetwork@gmail.com!

NUPL The nation is in need of people’s lawyers! Volunteer for the National Union of People’s Lawyers! The NUPL is a nationwide voluntary association of human rights lawyers in the Philippines, committed to the defense, protection, and promotion of human rights, especially of the poor and the oppressed. What we do: • Provide competent legal services to victims of human rights violations • Advocacy and popular education for the promotion, protection and defense of human rights • Develop human rights lawyers from among law students, legal workers, practitioners and paralegals. And many more! Send us a message at nupl2007@gmail.com or call us at (632) 920-6660 for more details.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.