Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman Tomo 90, Blg. 29-30 Abril 26, 2013
Walang pagbabago Sa darating na Mayo, muling namumutawi ang mga pangako ng pagbabago. Kaliwa’t kanan ang mga pinalalaganap na mito -- ng eleksyon bilang solusyon, ng matiwasay na pamumuhay para sa nakararami umano.
BALITA
Subalit sa mata ng mga kabataan at mga obrero, isa lamang ang totoo -- walang tunay na pagbabago, sa maraming aspeto, gaano man pagbali-baliktarin ang kuwento.
Miyerkules 27 Hunyo 2012
7
WALANG NAGBAGO SAAN MAN LUMINGON, HINDI matatakasan ang muling pagbaha ng retorika ng pagbabago – sa mga lansangan, sa telebisyon, sa radyo. Panahon na naman ng eleksyon. Panahon na naman ng pangangako. Muling naglipana ang mga kandidatong umuusal ng mga platapormang magpapaunlad umano sa bansa at mag-aangat sa masahol na estado ng pamumuhay ng milyun-milyong Pilipino. May mga baguhang inuulit lamang ang mga pangako ng nakaraan, at may mga datihan din namang OPINYON pulitikong kritikal sa kasalukuyang pamamalakad ng gobyerno ngunit Biyernes tila nakalilimot sa sarili nilang rekord 26 Abril noong sila’y nakaupo pa. 2013 Tatlong taon na ang nagdaan mula nang mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nasa parehong posisyon ng mga kandidato ngayon. Noong kampanya ng halalang 2010, tumakbo siya gamit ang islogang “tuwid na daan” at nangakong iaangat ang pamumuhay at kabuhayan ng karaniwang tao. Tatlong taon na ang nagdaan, ngunit walang nagbago. Bagkus, ang tuwid na daan ay humantong sa higit pang pagpapahirap sa sambayanan. Pinakamasaklap ang sinapit ng sektor ng paggawa sa nakalipas na mga taon. Gayong sinasabing umuunlad ang ekonomiya ng bansa – na pinatutunayan umano ng 6 na porsyentong paglago ng gross domestic product noong nakaraang taon at ang paggawad ng “investment grade” ng Fitch Ratings sa Pilipinas – hindi ito ramdam ng kalakhan ng mamamayan. Datos na mismo ng gobyerno ang nagpapatunay sa patuloy na pagkalugmok ng mga manggagawa sa bansa. Ayon sa pinakabagong Labor Force Survey ng Department of Labor and Employment (DOLE), bumaba ang bilang ng nalilikhang trabaho sa Pilipinas mula 1.1 milyon sa taong 2011 tungong 600,000 noong 2012. Libu-libong trabaho rin ang nawala, partikular sa sektor ng agrikultura, kung saan mahigit isang milyong magsasaka, manggagawang bukid at mangingisda ang nawalan ng hanapbuhay sa taong 2012. Halos 200,000 skilled artisans rin gaya ng mga mason at pintor ang nawalan ng trabaho sa nagdaang taon. Kung tutuusin, mas masahol pa nga ang gobyernong Aquino kung ihahambing sa mga presidenteng kanyang sinundan. Hindi naampatan ng gobyernong Aquino ang laganap na kontraktwalisasyon sa hanay ng mga manggagawa. Walang makabuluhang umento sa sahod na naipatupad sa kanyang tatlong taon sa posisyon, at higit pa roon, pinatupad ni Aquino ang “twotiered wage system,” kung saan mas mababa pa sa minimum wage
Punong Patnugot Kapatnugot
Patnugot sa Balita Patnugot sa Lathalain Patnugot sa Grapix
Mga Kawani
Pinansya Tagapamahala ng Sirkulasyon Sirkulasyon
Mga Katuwang na Kawani
Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1213@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations, College Editors Guild of the Philippines Ukol sa Pabalat Dibuho ni Luigi Almuena
Editor’s Note ang natatanggap na sahod ng mga manggagawa. Ilang araw bago ang Mayo Uno – Araw ng Paggawa – inanunsyo ng DOLE na wala na namang dagdag sahod para sa mga obrero. Tatlong taon ang lumipas matapos pangakuan ni Aquino ang mga botante ng pagbabago sa sektor ng edukasyon. Ngunit ang pagbabagong hatid ng kanyang administrasyon ay pinangangambahang higit pang magpapalala sa krisis sa edukasyon. Pilit ipinatupad ng gobyernong Aquino ang K-12 program na nagdadagdag ng dalawang taon sa basic education system sa bansa, para umano makahabol sa “international standards” ang kurikulum ng Pilipinas. Ngunit ang dagdag na dalawang taon ay hahantong lamang sa higit pang gastusin para sa mga pamilyang Pilipino, at isang paraan ng rehimen upang matugunan ang pandaigdigang pangangailangan para sa murang
lakas paggawa. Habang papalapit ang halalan, patuloy sa pagpapabango si Aquino para sa kanyang partido sa kabila ng kanyang pagkabigong ipatupad ang kanyang mga pangako sa nagdaang halalan. Ginagamit ni Aquino ang lahat ng sangay ng kanyang gobyerno – mula sa Korte Suprema (SC) hanggang sa Commission on Elections (COMELEC) – upang mapalawak at lalo pang makonsolida ang kanyang kapangyarihan. Kamakailan lamang, naglabas ng desisyon ang SC na nagsasabing hindi na lamang para sa mga marginalisado ang eleksyong partylist, bagay na magbubukas sa partylist system sa higit pang pambubusabos at panggagamit ng mga mayayayaman at makapangyarihang pulitiko. Sa kabilang dako, patuloy namang ginigipit ang mga progresibong partylist sa pamamagitan ng pagsasampa ng COMELEC
ng mga gawa-gawang kaso ng diskwalipikasyon. Sa kabila ng muling pagbaha ng mga pangako ng mga tumatakbong kandidato, nararapat na matamang kilatisin ng taumbayan kung sino nga ba ang karapat-dapat na mahalal sa puwesto, kung anong mga partido at kandidato ang tunay na kakatawan sa interes ng nakararami. Higit pa rito, nararapat na mabasag ang ilusyong magdadala ng malawakang pagbabago ang darating na halalan. Matibay na patunay na ang nagdaang tatlong taon sa ilalim ni Aquino, kung saan walang napala ang mamamayan kundi higit pang paghihirap. Nararapat matamang maunawaan ng sambayanan na higit pa sa pagpapalit ng mga pinuno ang kailangan upang mabago ang nabubulok na sistemang panlipunan sa bansa; na wala sa balota kundi sa kolektibong pagkilos ang lakas na magdadala ng tunay at pangmatagalang pagbabago.
The legislature must open its gates to the representation of the basic masses - the farmers and laborers who suffer the brunt of the absence of progress despite a semblance of political democracy. MAY 11 ELECTIONS: PROGRESS IN RESTORATION Ma. Cristina Godinez 1987
As the Philippine Collegian celebrates its 90th year, we revisit lines from prized editorials that defined the publication’s tradition of critical and fearless journalism.
BOR defers voting on STFAP reform, ‘forced LOA’ policy PENDING FURTHER DELIBERATIONS, the UP Board of Regents (BOR) failed to reach a decision on the proposal to revise the Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) during its 1287th regular meeting on April 2. According to reports by Student Regent Cleve Arguelles and Staff Regent Jossel Ebesate, the BOR deferred voting on the proposed STFAP reform after several board members aired differing views on how to democratize access to UP education. For instance, BOR Chair and Commission on Higher Education Chair Patricia Licuanan proposed the creation of a new STFAP bracket for UP students with a family income of P5 million and above. Regent Magdaleno Albarracin on the other hand questioned the approximately P900-million budget proposed for the implementation of the new STFAP.
‘New’ STFAP
EDUCATION NOT FOR SALE. Various students from the graduating batch of the University of the Philippines Manila staged a lightning protest during the commencement exercises at the Philippine International Convention Center on April 19. They called for the junking of the Forced Leave of Absence policy and the Socialized Tuition and Financial Assistance Program, which according to them, further limit democratic access to UP education.
‘Bilang ng freshie dorm slots, ‘di apektado ng dorm repairs’ - OSH BAGAMAN NAKATAKDANG ipasaayos ang siyam sa 11 dormitoryo sa UP Diliman (UPD), parehong bilang pa rin ng freshmen ang nakatakdang tanggapin bilang mga residente para sa susunod na semestre. Tulad ng nakaraang taon, tatlo pa rin sa bawat 10 tatanggaping dormers ay freshmen o iyong may student number na nagsisimula sa 2013, ani Office of Student Housing (OSH) Director Gerardo Lanuza. Nakatakdang simulan ang pagpapaayos sa Kalayaan Residence Hall sa susunod na semestre, kaya 280 babaeng freshmen lamang muna ang tatanggapin sa nasabing dormitoryo. Daragdagan na lamang ng hindi bababa sa 72 dorm slots ang Centennial, 78 ang Molave, at higit sa 90 naman ang Yakal Residence Hall, para sa 290 lalaking freshmen na pansamantalang hindi tatanggapin sa Kalayaan sa susunod na semestre, paliwanag ni Lanuza. Maglalabas ang OSH sa ika-30 ng Abril ng paunang listahan ng mga freshmen na natanggap bilang mga residente. Maaari pang magpasa ng apela ang mga hindi matatanggap pagkatapos ng nasabing petsa. Naglaan ng P50 milyong pondo ang Commission on Higher Education para sa mga renobasyon, tulad ng reroofing, electrical rewiring, plumbing, repainting, retiling, at pagpapaayos ng mga comfort room ng mga dormitoryo.
(Sumangguni sa sidebar) Kasalukuyang ipinapaayos ang Sampaguita, Ilang-Ilang, at Ipil Residence Halls, na pawang nangangailangan ng repainting, retiling, rewiring, at plumbing. Inaasahang matatapos sa ikalawang semestre ng susunod na taon ang pagpapagawa sa tatlong dormitoryo. Mula sa tinatayang 3000 kasalukuyang dormers sa UPD, 2000 ang nag-renew ng kanilang dormitory slot. Gayunman, dahil sa mga nakatakdang pagpapaayos, pansamantalang kalahati o 1500 lamang sa mga residenteng nagrenew ang tatanggapin sa susunod na semestre. Samantala, wala pang tiyak na iskedyul ng pagpapaayos sa iba pang mga dormitoryo, bagaman una itong binalak na pagsabay-sabayin. Nakikipag-ugnayan pa ang OSH sa mga dorm managers at sa Office of the Campus Architect upang sadyang maantala muna ang simula ng pagpapaayos sa ilang mga gusali, upang madagdagan pa ang bilang ng mga residenteng maaaring tanggapin. Gayunman, hindi inaasahang lubos na ipagpapaliban ang pagpapaayos ng mga dormitoryo. “It’s hard to postpone. [Kapag] i-delay mo [ang pagpapaayos], the students will suffer from the dilapidated facilities,” ani Lanuza. “Some of the dorms are over 30 years old and have not seen major
overhauls in the past year,” ani Alliance of Concerned Dormitories (ACD) head Esther Pinzon.
Pamantayan sa pananatili Para mapili ang mga estudyanteng bibigyan ng slot sa dormitoryo, kailangan nilang makakuha ng higit sa 85 puntos sa ilalim ng isang “point system” sa Computer Registration System (CRS). Nakabatay ang bilang ng puntos ng mga aplikante sa layo ng kanilang tirahan mula sa kampus at sa kanilang nakuhang bracket sa STFAP. Binibigyan ng prayoridad ang mga estudyanteng galing sa mga probinsya ng Visayas at Mindanao at iyong mga nasa mas mababang bracket ng STFAP, ani Lanuza. May pagkukulang gayunman ang nasabing point system, ani OSH Executive Officer Noel Marquina. “Nakabase kasi sa family income at
Drafted by former Office of Scholarships and Student Services Officer-in-Charge Richard Gonzalo, the proposed STFAP reform was presented to UP students in a round of open fora conducted in different campuses of the UP system from February to March. If approved, the new STFAP will enforce a new bracketing criteria based on family expenditures rather than income, provide higher stipends and more housing benefits to qualified students, and simplify the application process. First instituted in 1989 when base tuition was hiked from P40 to P300 per unit, the STFAP determines how much a UP student needs to pay for matriculation and other fees based on socioeconomic indicators. In 2007, the STFAP was further restructured when base tuition was place of origin ang point system. Nagkakaroon ng conflict [sa dalawang factors]. Paano kung taga-Mindanao nga pero mataas naman income [ng mga magulang], o maliit ang income [ng mga magulang] pero malapit naman ang place of origin?” “Dahil walang human intervention, wala [ring] emotional consideration… [The point system] merely looks at an individual as a number,” ani Lanuza. Sa kabila ng ganitong limitasyon, gagamitin pa rin sa mga susunod na dorm applications ang nasabing sistema. Upang mapunan ang kakulangan nito, bibigyang ng mas
further increased to P1,000 per unit. Arguelles also said the BOR resolved to pilot test the proposed STFAP criteria, which is based on the new Philippine Socio-Economic Classification endorsed by the Marketing and Opinion Research Society of the Philippine, where clusters are based on household spending.
Decision on ‘forced LOA’ policy also deferred While the BOR adopted a “new” policy statement on tuition which states that no UP student shall be denied access to UP education because of financial incapacity, the board also BALITA deferred voting on the revocation of codal provisions which served as Biyernes basis for implementing the “No Late 26 Abril 2013 Payment” policy, Arguelles said. On March 15, UP Manila Behavioral Science freshman Kristel Tejada committed suicide two days after she was forced to file a leave of absence (LOA) because her family could not afford to pay her tuition. Assigned into the STFAP’s Bracket D, which charges a base tuition of P300 per unit, or around P7,500 for 18-unit load per semester including other fees. Meanwhile, the incoming UP Diliman (UPD) University Student Council (USC) vowed to push for full state subsidy and the repeal of the STFAP and other anti-student policies, said incoming USC Vice Chairperson Julliano Fernando Guiang. “I acknowledge that the BOR takes a firm stand that no student will be hindered from studying in UP due to financial constraints. However, the BOR must consult the students on what mechanism would best help financially deprived students. [This] should start with their firm support of [UP’s fight for] full state subsidy,” Guiang said. striktong implementasyon ang hindi pagtanggap sa mga dorm applicants na nagkaroon ng maraming paglabag sa kanilang pananatili sa dormitoryo, dagdag ni Lanuza. Nanawagan naman si UPD University Student Council Students’ Rights and Welfare Committee Head Aryanna Canacan na dapat maglaan ng mas mataas na badyet sa UP ang gobyerno. “Di pa rin talaga [nabigay ang] lahat ng pangangailangan ng mga estudyante, so kailangan talagang i-increase ‘yung subsidy, para di lang pakonti-konti ang improvements,”ani Canacan.
Sidebar 1: Badyet para sa pagpapaayos ng bawat dormitoryo
*
Source: Office of the Campus Architect * P 5.5 milyon ay magmumula sa UP fund
Youth groups call for nationwide tuition hike freeze
BALITA Biyernes 26 Abril 2013
WITH A LITTLE OVER A MONTH before the next academic year opens, youth groups renewed calls to impose a nationwide moratorium on tuition hikes in both public and private higher education institutions (HEIs). While welcoming an earlier resolution by the Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) to implement a tuition hike moratorium on all 111 SUCs in the country, the National Union of Students in the Philippines (NUSP) also enjoined private HEIs to follow PASUC’s example. “We call on private school owners to stop acting like greedy profiteering magnates. Education is not a commodity but a right that should be accessible and affordable to all. We challenge private schools to also implement a tuition hike moratorium,” said NUSP National President Victor Villanueva. As PASUC’s tuition hike moratorium is not mandatory and still subject to the prerogative of school administrators, the NUSP pledged to pressure school boards to comply with the tuition hike freeze. “Apart from the PASUC resolution, SUCs should also commit not only to stop all forms of fee increases but also to scrap exorbitant and unjustified fees that are already being implemented,” Villanueva added. Since March, the Commission on Higher Education (CHED) has received 451 applications by private HEIs to increase tuition by five to ten percent. On April 15, however, the last day CHED was supposed to approve or junk proposed tuition hikes, the government agency failed to release a final decision. “We might come up with a decision in the second week of May, which is the enrollment period for academic year 2013-2014,” CHED Chair Patricia Licuanan said in a statement to the media. Various student groups, including Kabataan Partylist, NUSP, and League of Filipino Students, conducted a mobilization in front of the CHED office in Quezon City on April 15, saying private HEIs with pending applications may cite CHED memorandum order No. 3 series of 2012 to implement tuition hikes. According to Section 9.1 of the said order, “Should the CHED [regional
Sidebar 1: The nominees Leila Nur Aryanna Canacan BS Material Engineering, UPD Former UPD USC Councilor Marikris De Guzman Master in Public Administration, UPD Former Graduate Councilor, National College of Public Administration and Governance Student Government Hannah Keila Garcia Juris Doctor, UPD Former Batch Representative, Law Student Government Allen Lemuel Lemence BS Industrial Engineering, UPLB Former Councilor, College of Engineering and Agro-Industrial Technology Student Council Victor Gregor Limon BA Political Science, UPD Former News Editor, Philippine Collegian Krista Iris Melgarejo BS Food Technology, UPMin Former Chairperson, UPMin USC
office (CHEDRO)] fail to act within 30 days from the filing of application, but in no case later than April 15 of the same calendar year the intended increase shall be implemented, would mean (sic) that the CHEDRO has no objection to the said application.” “We are again witnessing how
inutile CHED and our government [are] in protecting the interest of students. We challenge the Aquino administration to act upon this recent wave of tuition hikes, scrap anti-student policies such as CMO 3, [and] impose a moratorium on tuition increases in light of the worsening economic crisis,” Villanueva said.
The urgency of such reforms only indicate the fact that many UP students could no longer afford to pay tuition and that the increasing number of applicants every year have posed procedural problems for the OSSS, Gabral said. “[W]e spend too much energy and resources just to hunt those who can
pay, as if they are criminals because they don’t want to pay higher tuition to support those who cannot afford… In the long run, the real solution for UP is to [rollback] its tuition cost and dismantle its STFAP policy in the context of demanding greater state subsidy from the government,” Arguelles said.
P1 M cash bond ng 45 guards sa UP, hindi pa rin ibinibigay AABOT SA HALOS P1 MILYONG cash bond at insurance ang hindi pa rin ibinabalik sa 45 guwardiya ng Bolinao Security and Investigation Service, Inc. (Bolinao), ayon sa grupo ng mga guwardiyang nagsampa ng kaso sa National Labor Relations Commission (NLRC) noong Setyembre 2012. Ang Bolinao ang security agency ng UP Diliman (UPD) para sa south sector ng kampus mula Mayo 2009 hanggang Enero 2012. Sa panahong ito, dalawang beses sa isang buwan umanong siningil ang mga guwardiya ng tig-P300 insurance at cash bond. Tinatayang mahigit P4.1 milyon ang nakolekta ng Bolinao sa loob ng dalawang taon at walong buwan mula sa halos 200 guwardiya at relievers, ayon sa dating guwardiyang si Marcos Panteleon. Samantala, may 40 guwardiya ang binayaran na ng Bolinao ng tig-P9,000 para sa insurance. Gayunman, kinaltasan pa umano ang nasabing halaga ng tig-P3,000 na bond para sila umano ang unahing kunin ng ahensya kung sakaling manalo muli ang Bolinao sa bidding sa mga susunod na taon. Ayon umano sa paliwanag ng mga administrador ng Bolinao, sa cash bond kakaltasin ng kumpanya ang anumang kagamitang nawala o nasira ng mga guwardiya habang naka-duty. Kasalukuyang nakabinbin ang kasong isinampa ng mga guwardiya laban sa Bolinao hanggang sa Hunyo, pagkatapos umapela ng Bolinao sa NLRC.
Negosasyon Nauna nang nag-alok ang ahensya ng dalawang petsa ng bayaran sa mga guwardya – Agosto 9, 2012 at Setyembre 14, 2012. Ngunit ayon kay Juan*, hindi tumupad ang Bolinao dahil hindi pa raw umano binabayaran ng UP ang Bolinao. Giit ni Juan walang koneksyon ang UP sa isyu, dahil nanggaling naman umano sa sariling mga bulsa ng mga guwardiya ang cash bond at insurance na kailangang ibalik sa kanila ng Bolinao. Naunang inalok ng Bolinao ang mga guwardya ng tig-P22,000. Nang hindi ito natupad ng Bolinao, nag-alok itong muli ng tig-P11,000 naman, ngunit pinili ng mga guwardiyang magsampa na lamang ng kaso sa NLRC. Insurance Ang mga guwardya ng Bolinao ay nakabilang sa group insurance, ayon kay Rosa* na mahigit 12 taon nang guwardya sa UP at tumanggi ring mapangalanan. Ngunit ayon sa moda ng pagbabayad na kada kinsenas ay parang individual insurance, at hindi group insurance na dapat sinisingil isang beses kada taon.—sinong source pati? Saka lang magagamit ang group insurance kung mamamatay ang guwardya, ngunit sa individual insurance ay maaari itong mapakinabangan kung sakaling magkasakit o magtamo ng sugat, dagdag pa ni Rosa. Sa kaso ni Jose*, , natumba siya sa kanyang motor habang pauwi galing duty noong Oktubre 14, 2010 sa kahabaan
MALIKHAING PAGTUTOL. Nagtanghal ang mga artista ng Cultural Center of the Philippines sa selebrasyon ng Earth Day ng isang maikling palabas noong Abril 21 bilang panunya sa itatayong gusali sa Manlia Bay. “Save Manila Bay” ang sigaw ng mga artista at environmentalist para hindi matuloy ang gagawing reclamation sa lugar na makasisira sa kalikasan.
ng Katipunan Ave. Ext. Nagtamo siya ng mga galos at nabali ang kaliwang tuhod. Personal na pinuntahan ni Jose ang tahanan ng presidente ng Bolinao na si Geoffrey Mendoza para ayusin ang kanyang insurance. “Wala raw akong makukuha sa insurance dahil hindi raw naman ako namatay... nanghina na lang ako dahil ang aking inaasahan na insurance ay di ko pala mapapakinabangan at sa huli ay magiging problema ko pa pala,” ani Jose.
Paglabag sa labor code Ayon sa Art. 116 ng Philippine Labor Code, mariing idinidiin na bawal ang pagkaltas sa suweldo ng mga
manggagawa, lalo na ang hindi pagbigay ng tamang sahod sa kanila. Maliban dito, karapatan din ng mga manggagawang magkaroon ng retirement benefits at holiday pay. “Ang bond ay bawal na ikaltas sa mga empleyado at ayon sa batas, ang salary bond ay nasa pananagutan ng employer,” ani Kilusang Mayo Uno Chairperson Elmer Labog. Ilang ulit na sinubukang makapanayam ng Philippine Collegian si Mendoza, ngunit wala pa ring tugon ang Bolinao hanggang sa kasalukuyan. *Hindi tunay na pangalan
6 NOMINEES VIE FOR SR SEAT SIX NOMINEES WILL CONTEND in the selection of next year’s student regent (SR), the lone student representative to the UP Board of Regents, the university’s highest policy-making body, in the second General Assembly of Student Councils from May 18 to May 19 at the UP Visayas Miag-ao campus. Since being institutionalized in 1982, the student regent has a historic role inside and outside the BOR, said incumbent SR Cleve Arguelles. The GASC will select the next SR from four UPD nominees, one UP Los Baños (UPLB) nominee, and one UP Mindanao (UPMin) nominee using the 16-year old student-drafted Codified Rules on Student Regent Selection (CRSRS). This year saw twice as much nominees from last year’s three, and the first UPMin student nominee in the history of SR selections. Open nominations officially started on March 1 where any UP student or group may nominate a qualified student to a College Search Committee (CSC) in any of UP’s 7 autonomous units (AU) and 5 regional units (RU). Each CSC that received a nomination then had to
decide to endorse the nominee to its University Search Committee (USC). The CRSRS also allows the USC and the CSC of any AU or RU to nominate any UP student regardless of campus affiliation ‘to become more democratic,’ explained Arguelles. UPD Extension Program in Pampanga (UPDEPP) and UP Cebu’s (UPC) USCs for instance, nominated UPD students Garcia and Limon, respectively. Deadlines for further nominations or protests at all levels officially closed on April 22. When the GASC convenes, the six nominees will be shortlisted down to three by consensus. The SR will then be selected from the final three nominees through a unanimous decision. In the event of a divided house, the GASC will decide through a vote. Each AU will be given 2 votes while each RU will be given 1 vote (see sidebar).
after winning the March 19 StR elections. Ramirez won with 2,137 votes or 60 percent of the total 3,557 voter turnout, while former UPLB Supervisors Association President Myrna Talatala only clinched 1,391 votes. Ramirez claimed the majority of votes in all AUs except UPLB and UP Open University where Talatala won by a 634-vote and a 5-vote margin, respectively. The union leader vowed during her campaign to extend several privileges
Sidebar 2: Votes by UP unit UPD UPM UPLB UPC
UP Visayas UP Baguio UPMin
VOTES EACH UPDEPP UP Visayas Tacloban College UPM School of Health Sciences Leyte UPM School of Health Sciences Aurora UPM School of Health Sciences Koronadal
New StR elected Meanwhile, All-UP Workers UnionIloilo President Anna Razel Ramirez will be the third staff regent who would represent around 9,000 administrative personnel and research, extension, and professional staff (REPS) in the BOR
currently enjoyed by regular UP employees to non-UP contractuals and casual hires such as the Service Recognition Pay, an annual 15 days’ worth of retirement cash benefits. “[The next StR would also have to address] the improvement of health benefits as well as housing for all employees [and] continue our campaign for regularization and against contractualization [of UP workers],” said outgoing StR Jossel Ebesate.
VOTE EACH
‘Bagong SC ruling sa partylist, pabor sa mayayaman at makapangyarihan’ BINATIKOS NG MGA KASAPING partido ng Makabayan bloc sa Kongreso ang bagong desisyon ng Supreme Court (SC) na nagtatakdang hindi lamang mula sa “marginalized” at “underrepresented” na sektor ng lipunan ang maaaring lumahok sa halalan ng mga partylist (PL). Liban sa mga sektoral na partido, maaari na ring lumahok sa eleksyon ng PL ang mga pambansa at pangrehiyon na grupo kahit pa hindi kinakatawan ng mga ito ang mga marginalized at underrepresented na sektor, ayon sa 70-pahinang en banc ruling ng SC noong ika-2 ng Abril, Maaari na ring sumali sa PL
elections kahit mga malalaking partidong, gaya ng Partido Liberal at Partido Nacionalista, sa pamamagitan ng kanilang mga “sectoral wing.” “To require all national and regional parties under the [PL] system to represent the ‘marginalized and underrepresented’ is to deprive and exclude … ideology-based and cause-oriented parties… from the party-list system,” paliwanag ng SC. Kinundena ng Makabayan ang desisyong ito, dahil lalo lang umano nitong bibigyan ng pagkakataon ang mga mayayaman at makapangyarihang pulitiko
na makakuha ng mas maraming puwesto sa Kongreso. “[A]fter reiterating [in the 2009] Banat vs Comelec case that major political parties … are disqualified from joining the party-list election, the [SC] turns around and allows them to compete with hapless party-list groups from the … marginalized sectors,” pahayag ng Makabayan.
‘Di na lang para sa marginalized’ Inilabas ng SC ang nasabing desisyon bilang tugon sa petisyon ng 54 sa 193 na grupong nauna nang diniskwalipika ng Commission on Elections (Comelec) sa paglahok sa darating na eleksyon.
Sa bisa ng bagong pamantayan, muling nagdaraos ang Comelec ng pagdinig para sa kwalipikasyon ng 41 sa mga nagpetisyong PL upang matukoy kung maaari silang lumahok sa darating na halalan batay sa bagong ruling ng SC. Nakatakda ring pag-aralang muli ng Comelec ang kwalipikasyon ng natitira pang 13 sa mga nagpetisyong PL, bagaman hindi na maaaring lumahok sa susunod na eleksyon ang mga ito. Sa 13 mahistrado ng SC, 10 ang bumotong pabor sa nasabing pasya, habang hindi naman umayon sa mayorya sina Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at Justice Bienvenido Reyes. BALI-BALING KATWIRAN Maya't mayang pinupunasan ng malamig na bimpo ng isang nursing aide sa Philippine Orthopedic Center (POC) si Mario Maniego, 49, tubong Nueva Ecija, upang maginhawaan sa kabila ng mainit na panahon. Mula nang maparalisa noong 1996, ang spinal ward na pinaghahatian nilang mahigit 15 pasyente ang nagsilbi niyang tahanan sa POC, ang tanging pampublikong ospital sa Pilipinas na dalubhasa sa orthopedics. Isa si Mario sa daan-daang pasyente ng POC na nangangambang mawalan ng libreng serbisyomedikal sakaling matuloy ang nakaambang pagsasapribado ng nasabing ospital.
‘Karen, She were detained in Fort Magsaysay’ MISSING UP STUDENTS KAREN Empeño and Sherlyn Cadapan were detained at the military camp of Fort Magsaysay in Nueva Ecija, witness Oscar Leuterio, 54, said in his testimony before thve Malolos Regional Trial Court on April 22. According to his judicial affidavit, Leuterio said he saw Karen, Sherlyn, and Leuterio’s friend, farmer Manuel Meriño, on June 27, 2006, outside a house in Fort Magsaysay, where he was imprisoned by alleged military men after being abducted while at work in a mining site in Dona Remedios
Trindidad, Bulacan, on June 27, 2006. A group of soldiers were drinking in front of the house that night when a vehicle pulled over, said Leuterio. Two girls named “Tanya” and “Sierra” and Leuterio’s friend Meriño were escorted outside the vehicle blindfolded. The soldiers harassed “Tanya” and “Sierra,” while Meriño was beaten up and tortured. “Inalis din sila sa lugar namin at hindi na ipinasok,” said Leuterio who last saw the girls that night. After Leuterio was released on September 14, 2006, he
went to the Karapatan office where she met Linda Cadapan, Sherlyn’s mom. Cadapan asked Leuterio if he saw two girls in the place where he was detained. Leuterio told Cadapan about the two students named “Tanya” and “Sierra” and his descriptions fit the characteristics of Karen and She as verified by Cadapan. Leuterio, together with Bernabe Mendiola, Virgilio and Teresa Calilap were abducted by members of the military on April 17, 2006 while working at the Iron Ore Mining Corp. in Dona Remedios Trinidad, Bulacan.
He was tortured for five months and barely survived eating only guavas and local mangoes. According to Secretary General of the National People’s Lawyers and prosecution counsel Atty. Edre Olalia, the hearing went smoothly. “Hindi natinag ang witness na si Tatay Oca. Malinaw at mariin ang kanyang patunay sa pagdukot sa mga UP students at sa kanyang sariling karanasan sa militar.” Two other witnesses will be presented on the next hearing of the case on May 20.
WWW.PHILIPPINE COLLEGIAN.ORG
“I believe the [majority’s decision] may have further marginalized the already marginalized and underrepresented of this country. In the guise of political plurality, it allows national and regional parties or organizations to invade what should be constitutional and statutorily protected space,” ani Sereno sa kanyang hiwalay na opinyon. Batay sa panuntunan ng Comelec sa pagpapatupad ng BALITA Republic Act 7941 o Partylist Biyernes System Act of 1995, 20 porsyente 26 Abril ng mga puwesto sa Mababang 2013 Kapulungan ng Kongreso ang nakalaan para sa mga marginalized na sektor tulad ng mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, kabataan, katutubo, at kababaihan. “The ruling effectively erases this equalizer and reinvents the system as a free-for-all for the rich and powerful to fully exploit, without bothering to feign representation of the people they oppress,” ani ACT Teachers partylist Rep. Antonio Tinio.
‘Panggigipit sa mga progresibong PLs’ Samantala, kinundena rin ng mga progresibong grupo ang nakaambang diskwalipikasyon sa Kabataan Partylist at Pinag-Isang Samahan Ng Tsuper At Operators Nationwide (PISTON) Partylist na parehong nahaharap sa kaso ng paglabag sa patakaran ukol sa pagpapaskil ng campaign materials. Agad naman umanong pinatanggal ng Kabataan at Piston ang nasabing mga iligal na poster, matapos makatanggap ng mensahe mula sa Comelec, paliwanag ni Kabataan President Terry Ridon sa isang panayam. “Comelec’s continued harassment of progressive partylists only shows the commission’s manifest intent to manipulate the elections in favor of their overlords in Malacanang,” ani Bai Ali Indayla, lider ng mga kabataang Moro at second nominee ng Kabataan Partylist. Nakatakda sanang magdesisyon ang Comelec hinggil sa nasabing mga kaso noong Abril 16, ngunit hindi pa rin nakapagbababa ng opisyal na hatol ang komisyon hanggang sa kasalukuyan. Sa nasabing araw, isang malawakang kilos-protesta ang inilunsad ng mga kabataan sa tanggapan ng Comelec at ibat’ ibang rehiyon ng bansa. “The youth is not taunted by the political persecution [and] we are ready to defend what little democratic space we have left in this country,” ani Ridon.
KULTURA Biyernes 26 Abril 2013
NAKAUPO SA GITNA NG SILID ANG ISANG binibini. Pinalilibutan siya ng mga artistang may tangang papel at pangguhit — mga instrumentong magtatangkang isalarawan ang bawat linya ng mukha at katawan ng mayuming paraluman. Ang hugis ng mga mata at haba ng kanyang buhok. Ang tabas ng panga, pisngi at hubog ng pangangatawan. Maaaninag sa malamlam na liwanag ng auditorium ang porma ng piniling binibini. Subalit sadyang kapos ang paningin upang maimapa ang katangian ng musa. Ang dati’y tahimik at payapang modelo, binigyan ng mikropono at naglahad ng kanyang kwento.
Ang musa at mga artista Hindi ordinaryong musa ang kaharap ng mga artista sa hapong iyon. Sa ordinaryong sketching session, walang imik at nakapostura lamang ang modelo. Hindi gumagalaw, hindi nagsasalita upang hindi mahirapan ang pintor na hulihin ang imahe at iguhit ito sa papel o canvas. Ngunit sa pagkakataong ito, makilos, emosyonal, at maingay ang modelo— si Niki Gamara, anak ng isang political prisoner at kabataang aktibista mula sa UP Manila. Inimbitahan si Niki na maging modelo ng sketching session ng ARTLETICS, isang taunang pagtitipon ng mga artista at manggagawang pang-sining para sa sports at kalusugan na nagsimula noong 2009. Sa katatapos lang na ARTLETICS sa De La Salle Lipa sa Batangas noong Abril 13-14, isa ang sketching session sa mga aktibidad na nakahanay upang lahukan ng adbokasiya ang intramurals ng mga artista. Kaharap ang humigit-kumulang sa 50 artista at manggagawang pangkultura, inilahad ni Niki ang kanyang kwento at ng kanyang mga magulang na sinampahan ng mga gawa-gawang kaso at iligal na pinadarampot ng mga awtoridad. Kilalang lider-mangagawa si Nante Gamara, ama ni Niki, na sa kasalukuya’y nakapiit sa Camp Crame. Inakusahan si Gamara ng pangingidnap at pagpatay gamit ang alias na “Ka Mike,” mga kasong
sinasabing nangyari raw noong 2007 sa Mauban, Quezon. Ayon kay Niki, ang pag-aresto at pagkulong sa kanyang ama ay bunsod ng mahaba at mabungang kasaysayan ni Gamara bilang lider ng mga unyon at tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga manggagawa. Habang nakikinig kay Nikki, tinangka ng mga artista na iguhit siya at bigyan ng porma ang naratibong ngayon lamang nailahad sa kanila. Iba-iba ang naging hitsura ng mga portrait kay Nikki, ayon sa interpretasyon sa kwento at kumporme sa partikular na estilo ng bawat artista. Gayunman, malinaw na tumampok sa hapong iyon ang dalawang katotohanan: ang patuloy na pandarahas ng estado sa mamamayan, at ang hamon sa mga artistang makisangkot sa pagpawi sa karahasan.
Dibuho at diskurso Bilang musa, naging instrumento si Niki sa paglikha ng mga kathang-sining—kwento niya ang naging materyal para sa sketching, at ang kanyang presensya ang nagsilbing “object” ng pagguhit. Ang konsepto ng musa bilang inspirasyon ay nakatala sa mitholohiya ng mga Griyego. Ayon sa kwento, nilikha ni Zeus at Mnemosyne ang siyam na musa ng sining upang kilitiin ang imahinasyon ng mga manunulat, musikero at pintor at tulungan silang lumikha ng mga kathang-sining tutulong diumano sa mga tao na limutin ang kanilang mga problema. Ngunit sa disensyo ng ginanap na sketching sa ARTLETICS, hindi pasibong inspirasyon si Niki. Sa nakasanayang sketching ng mga artista, “[an artist] almost does not think that the model is a person,” ani Emmanuel Garibay, organizer ng ARTLETICS. Ganito ang nakagawian dahil ang pakay sa pagsesketch ay karaniwang nakakulong sa pag-“capture” sa pisikal na katangian ng subject at pagpapaunlad sa angking galing sa pagpipinta. Malaki ang papel ng pagsasalita ni Niki para baguhin ang ganitong oryentasyon. “The very process of testimony somehow negates her objectification. [Hindi mo lang sinesketch si Niki], nakikinig ka rin sa mismong salaysay niya bilang anak ng political detainee at human rights advocate,” ani Lisa Ito, lecturer sa UP College of Fine Arts at miyembro ng Concerned Artists of the Philippines. At bagamat mistulang nakasasagabal ang mikroponong hawak ni Niki upang masipat ng mga pintor ang kabuuan ng kanyang mukha, hindi ito naging hadlang upang matigil ang proseso ng kanilang paglikha. Gayundin, hindi rin pasibong tagapakinig ang mga artista. Kumpara sa mga forum at mga programa kung saan nagsasalita ang mga biktima ng political persecution gaya ni Niki, hindi lang simpleng pagtanggap sa impormasyon ang ginawa ng mga artista. Dinisenyo talaga ang sketching “with the hope na ma-engage ‘yung mga artists at [mapatagos ang sinasabi ni Niki],” paliwanag ni Garibay. Sa ganitong interaksyon, tinibag ng pag-uusap ni Niki at ng mga artista ang pader na dati’y naghihiwalay sa artista at musa. At mula sa dating isang-panig na produksyon kung saan ang artista lamang ang may nakakatha, ngayo’y nakalikha rin
ang musa— isang naratibong tatanim sa kamalayan sa mga nagpinta sa kanya. “Ang arts ay magandang venue para makita ang social realities, at makita kung ano ang pwede i-contibute ng mga artists para sa lahat,” palagay ni Niki. Higit sa lahat, nilampasan ng sketching kay Niki ang layunin ng sining na ipinakalat ng mitolohiyang Griyego—ang pagpapalimot sa mga tao sa kanilang mga hinaharap na suliranin. Nang boluntaryong ibinigay ng mga artista ang kanilang mga likha kay Niki sa pagnanais na makatulong ang mga portrait sa pagsusulong ng hustisya para sa kanyang ama, pinatunayang maaaring maging gamot sa paglimot ang sining.
Sining at pakikibaka Kasaysayan, lipunan at proseso ang mahahalagang salik na bumubuo sa mga kathang sining. Sa nangyari sa ARTLETICS, makikita kung paano ang pagsubok sa nakagawiang porma at proseso ng live sketching ay nakaambag sa mabisang paglalahad ng mga realidad ng lipunan. “Paalala [ang sketching kay Niki] sa artists na maraming realities at stories of our time na dapat macapture ng sining,” ani Ito. Tunay na mabisang armas ang sining sa pandarahas. Sa kabila ng pagkakapiit, lumilikha ng mga awit ang ama ni Niki at mga kasama niyang political prisoner upang labanan ang lumbay at panatilihing buhay ang diwa ng kanilang pakikibaka. Marami rin sa humigit 400 political prisoner sa bansa ang sumusulat ng mga tula o di kaya’y gumuguhit. Nagagamit ang kanilang mga likha sa mga kampanya para sa pagkilala sa mga karapatang sibil at pulitikal ng mamamayan, at sa pagpapatampok ng kabalintunaan ng namamayaning demokrasya sa bansa. Ito ang inspirasyong iniwan ng musang si Niki sa mga artista: may kapangyarihan ang mga gawang sining na mangusap sa isip at damdamin ng tao, at sa kalauna’y maghulma ng kamalayan na naghahangad ng pagbabago. At sa kalaunan, mga gawang sining na rin ang magiging mga musa ng paglika sa lipunang makatarungan at malaya.
*Pasintabi sa Eraserheads
Kamukha niya si Paraluman* d ianne m arah Sayam an
Dikta ng masa Salungat naman sa kalagayan ni Thatcher ang nangyaring pagsasamito ng media kay Chavez na isang sosyalistang lider sa Latin America. Batay sa mga balita’t pagsusuring naiuulat tungkol sa kanya ng Kanluraning mainstream media, laging katambal ng kanyang pangalan ang mga salitang “diktador” at “brutal.” Nang mamatay dulot ng cancer si Chavez noong March 5,
sa kanyang legasiya. Isang dahilan din ang paghahari ng Kanluraning mainstream media, na siya pa ring nasa tuktok at may hegemony sa mga balitang lumalaganap sa buong mundo. Isa ang The Economist, isang Ingles na magasin, sa nagtakdang bulok ang kanyang legasiya. Kagaya ng iba pang tanyag na pahayagan tulad ng The New York Times, tinuligsa ng magasin ang pagiging authoritarian ni Chavez, at ang mga sosyalista niyang palisiya. Si Chavez ang pinunong direktang tumugon sa mga kakulangan
pagsasawalang-bisa dito ng mga mamamayang Briton. “The coverage by the British media of Thatcher’s death has been exclusively absorbed in Thatcher’s canonisation [that] we suddenly see the modern British establishment as an uncivilised entity of delusion,” ani Morrissey, isang musikerong Ingles. Malaganap din ang mga tweet, kahit sa mga mas batang Briton na hindi direktang nabuhay sa ilalim ng pamumuno ni Thatcher. Maaari rin itong ituring na tagumpay ng sining at kultura. Marapat kilalanin na bagamat pilit nililikha ng media ang isang mito ng matagumpay at matatag na babaeng lider, lumalagos sa henerasyon ang kamulatang kipkip sa mga awitin at teksto.
Pr is Ti tine a n gc o
Kilala si Thatcher bilang isa sa mga pinakamapanghating pinuno sa kasaysayan ng pulitika ng Europa. Kaya naman sa loob ng 11-taon niyang pamumuno sa UK, mula 1979 hanggang 1990, nakilala siya bilang “Iron Lady.” Mga Soviet journalist ang unang nagbigay sa kanya ng nasabing alyas, bilang tanda na hindi siya nagpapatinag sa kahit anong pambabatikos na ibato sa kanya ng kanyang nasasakupan. Maraming bagong palisiyang ipinatupad si Thatcher sa UK noon, tulad ng pribatisasyon ng mga pangunahing serbisyo at deregulasyon ng mga industriya. Nagdulot ang mga ito ng malawakang kawalan ng trabaho, pagbagsak ng kita ng mga manggagawa, at paglaganap ng diskontento sa mamamayang Briton. Sa kabila nito, pilit pa ring ibinandera — at patuloy na ipinalalaganap — ng kalakhan sa Kanluraning mainstream media ang umano’y pagiging “freedom fighter” ni Thatcher. Bagamat kinikilala ng media ang pagbatikos ng masang UK, pinaninindigan nitong ipinaglaban lamang ni Thathcer ang karapatan ng indibidwal sa kawalang-panghihimasok ng estado sa kanilang mga buhay. Sinubukan ding ipatampok ng media ang personalidad ni Thatcher bilang mula sa pamilya ng mga manggagawa. Ngunit tumagos maging sa popular na kultura ang diskontento sa mga palisiya ni Thatcher. Noong 1980s, masasabing tunay na naging pulitikal ang pop songs sa UK, kabilang na ang hits na “Stand Down Margaret” ng The Beat at “Tramp the Dirt Down” ni Elvis Costello. Naging patok na paksa
habang iniulat ng Kanluraning mainstream media ang magarbong libing ni Thatcher, tahimik ito sa napakalawak na suporta’t pagluluksang inani ni Chavez mula sa kanyang nasasakupan, at pati na sa mga lider ng iba pang mga bansa. May sarili ring pagtanggap ang social media sa libing ng dalawa. At siyempre’y tanyag iyong mga biro ukol sa pagratrat ng 21 gun shots sa kabaong ni Thatcher, o sa “paglisan” ni Chavez kapag binalahura ang buo niyang pangalan. Kung ihahambing sa mainstream media, masasabing nasa laylayan pa lamang ang social media. Mistula itong bagong luwal na sanggol, na may potensyal na magpanday o bumasag ng alamat na binubuo ng mas makapangyarihang lunsaran ng mga balita’t kaisipan. Masasabing relatibong demokratiko kasi ang espasyo ng social media. Kanya-kanyang account, at maaaring sabihin ang nais sabihin nang walang inisyal na panghuhusga’t pagtatangi sa kung sino ang nasa likod ng username. Ang user ang nagpapasya, at malayang nakikibahagi sa talastasan. Ngunit maaaring sabihing hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakatutulong ang higit na liberal na espasyo ng internet. Sa pagpapaskil ng mensahe at ng opinyon, hindi rekisito ang mas malalim na pag-aaral sa isyu upang makabuo ng mas matalas na opinyon. Maaari mong ipahayag ang suporta o pagtuligsa kina Thatcher at Chavez at sa kani-kanilang uri ng pamumuno, halimbawa, nang hindi inaaral ang pasikot-sikot ng neoliberalismo at sosyalismo. Kapuri-puri man ang social media sa kakayahan nitong umukit ng lamat sa alamat na binubuo ng mainstream, mapanganib din ang kakayahan nitong mas magpatibay pa sa isang miskonsepsyon. Sa huli’y nananatili ang pangangailangan sa pagsusuri at pag-aarok sa mas malalalim na diskurso, sa loob at labas ng birtwal na mundo.
’y babango mo
Kamay na bakal
din si Thatcher sa mga satire at komedya, at maging sa isang aklat gaya ng Satanic Verses ni Salman Rushdie, kung saan tinawag siyang “Ms. Torture.” Kamakailan lang, naging number one sa UK hit charts ang awit na “Ding Dong The Witch is Dead” mula sa Wizard of Oz, matapos mangampanya ang mga kritiko ni Thatcher bilang pagbubunyi sa kanyang kamatayan. Tinangka man ng state-owned media gaya ng British Broadcasting Corporation (BBC) na pabanguhin ang legasiya ni Thatcher, mamamalas sa social media ang
kalulu g n a wa ti a P
MADALAS MAGMISTULANG TAGISAN sa pagpapatawa ang pagpapaskil ng maiikling mensahe sa Twitter. Ngunit nang bumida kamakailan sa mga balita ang mga yumaong lider na sina dating United Kingdom (UK) Prime Minister Margaret Thatcher at Venezuela President Hugo Chavez, higit pa sa mga patawa ang kalakip ng mga tweet patungkol sa kanila. “I feel sorry for Thatcher. Feel sorry she wasn’t alive to celebrate Thatcher dying,” anang isang tweet ukol sa tanging babaeng prime minister ng UK. Umulan naman ng biro ukol sa pangalan ni Hugo Chavez, gaya ng “Wake me up before Hugo Go!” May mga nagluksa’t nakiramay, may mga nagdiwang sa kalsada. Nagtapos man ang buhay ng dalawa sa pinakakontrobersyal na mga pambansang pinuno, tiyak na patuloy silang magiging paksa ng mga biro, talastasan at diskurso —mapa-online man, o tunay na mundo.
kapansin-pansin na halos puns at mga biro ukol sa kanyang pangalan ang karamihan sa mga tweet na lumitaw. Kumpara sa mga mensahe tungkol kay Margaret Thatcher na hitik sa reference ukol sa kanyang mga palisiya, masasabing tila halos walang nakakilala kay Chavez at sa uri ng pamumunong kanyang ipinaglaban sa Venezuela. Maraming posibleng dahilan kung bakit hindi popular si Chavez sa mas maraming tao kagaya ni Margaret. Maaaring dahil wala o mas mahina ang access sa social media ng mga tagahanga’t nasasakupan ni Chavez na direktang magpapatunay
ng palisiya ni Thatcher. Sa halip na pribatisasyon, isinabansa ni Chavez ang mga pangunahing serbisyo at industriya sa Venezuela. Maraming pagsusuri mula sa mainstream media ang magsasabing swerte lang umano ang Venezuela dahil may deposito ito ng langis. Ngunit kung pagbabatayan ang estadistika, masasabing maginhawa ang kabuhayan ng mga mamamayan dito. Hindi kailanman naipatampok sa media, halimbawa, na may 100 percent literacy rate sa nasabing bansa, at na bumaba ang poverty rate dito mula 42.8 porsyento noong 1999 tungong 26.5 porsyento noong 2011.
Lamat sa alamat Kapwa malaking kaganapan sa kani-kanilang bansa ang libing nina Thatcher at Chavez. At
*Pasintabi sa Eraserheads
KULTURA Biyernes 26 Abril 2013
Bukod sa panggigipit, nakararanas din umano ng diskriminasyon ang mga manggagawang sumasapi sa unyon. Marami na umano ang tinanggal sa trabaho dahil sa kanilang pagiging kritikal sa pamamalakad ng kumpanya.
Bitbit ang kanilang mga placard, umupo ang mga manggagawa sa tabi ng nakapatay na mga makina. Sinisimbolo umano ng kanilang “sit-down protest” na walang silbi ang mga makina kung wala ang mga manggagawang bumubuhay rito.
Kahit na karamihan ng mga manggagawa ng Pentagon ay lumalahok sa piket, nananatiling suliranin ang hindi mapagkaisa ang buong hanay ng mga manggagawa ng kumpanya. Ayon sa mga nag-piket, may iilan na pinipiling magpatuloy sa pagtatrabaho sa kumpanya at iniinda na lamang ang pamamalakad nito.
Ayon sa mga manggagawa, nananatiling nakapako sa minimum wage ang natatanggap kahit ang mga miyembrong 30 taon nang nagseserbisyo sa kumpanya. Wala rin umano silang natatanggap na holiday at overtime pay.
Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng pulong sa pagitan ng mga miyembro ng unyon at pamunuan ng kumpanya. Hiniling ng mga manggagawa na bawiin ang mga kasong isinampa laban sa kanilang mga lider dahil sa pag-oorganisa ng welga. Gayundin, ipinaalala nila sa pamunuan na ang mga manggagawa ang nararapat na pumili ng kanilang mga lider sa unyon.
May araw umano na marahas na pinaalis ng kapulisan at “management goons” ang mga nag-piket sa labas ng kumpanya. Anim sa kanilang mga kasama ang ikinulong at may isa namang itinakbo pa sa ospital dahil sa natamong mga sugat.
Tinitiis ng mga manggagawang lumahok sa piket sa harap ng Pentagon Steel Corp. ang matinding sikat ng araw upang manindigan laban sa pamamalakad ng kanilang kumpanya. Panawagan nila: itigil ang panggigipit sa mga manggagawa at diskriminasyon sa mga miyembro ng unyon. Mahigit 130 manggagawa na magmula pa noong Abril 13 ang lumahok sa piket na isinasagawa magpahanggang ngayon sa Kaingin Road sa Lungsod ng Quezon.
Ayon sa mga manggagawa, tinanggalan ng karapatan ang kanilang unyon—ang Pentagon Workers Union--na pumili ng sariling mga opisyal.
Taong 1991 pa nang huling maglunsad ng malaking pagkilos ang mga manggagawa ng Pentagon Steel Corp. laban sa pamamalakad ng kanilang kumpanya. Ayon sa mga obrero, makailang beses na umanong idinaan sa “backdoor negotiations” ang paglutas sa nakaraang mga alitang bunsod ng mababang pasahod o kulang na benepisyo. Matagal na nagtiis ang mga manggagawa sa salimuot na gawa ng pananamantala. Ngunit ngayon, hindi na sila magkikibit-balikat.
KUWENTO NG PANANAMANTALA SA PAGAWAAN NG ASERO
Kamay na bakal
Biyernes 26 Abril 2013
GRAPIX
Bukod sa panggigipit, nakararanas din umano ng diskriminasyon ang mga manggagawang sumasapi sa unyon. Marami na umano ang tinanggal sa trabaho dahil sa kanilang pagiging kritikal sa pamamalakad ng kumpanya.
Bitbit ang kanilang mga placard, umupo ang mga manggagawa sa tabi ng nakapatay na mga makina. Sinisimbolo umano ng kanilang “sit-down protest” na walang silbi ang mga makina kung wala ang mga manggagawang bumubuhay rito.
Kahit na karamihan ng mga manggagawa ng Pentagon ay lumalahok sa piket, nananatiling suliranin ang hindi mapagkaisa ang buong hanay ng mga manggagawa ng kumpanya. Ayon sa mga nag-piket, may iilan na pinipiling magpatuloy sa pagtatrabaho sa kumpanya at iniinda na lamang ang pamamalakad nito.
Ayon sa mga manggagawa, nananatiling nakapako sa minimum wage ang natatanggap kahit ang mga miyembrong 30 taon nang nagseserbisyo sa kumpanya. Wala rin umano silang natatanggap na holiday at overtime pay.
Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng pulong sa pagitan ng mga miyembro ng unyon at pamunuan ng kumpanya. Hiniling ng mga manggagawa na bawiin ang mga kasong isinampa laban sa kanilang mga lider dahil sa pag-oorganisa ng welga. Gayundin, ipinaalala nila sa pamunuan na ang mga manggagawa ang nararapat na pumili ng kanilang mga lider sa unyon.
May araw umano na marahas na pinaalis ng kapulisan at “management goons” ang mga nag-piket sa labas ng kumpanya. Anim sa kanilang mga kasama ang ikinulong at may isa namang itinakbo pa sa ospital dahil sa natamong mga sugat.
Tinitiis ng mga manggagawang lumahok sa piket sa harap ng Pentagon Steel Corp. ang matinding sikat ng araw upang manindigan laban sa pamamalakad ng kanilang kumpanya. Panawagan nila: itigil ang panggigipit sa mga manggagawa at diskriminasyon sa mga miyembro ng unyon. Mahigit 130 manggagawa na magmula pa noong Abril 13 ang lumahok sa piket na isinasagawa magpahanggang ngayon sa Kaingin Road sa Lungsod ng Quezon.
Ayon sa mga manggagawa, tinanggalan ng karapatan ang kanilang unyon—ang Pentagon Workers Union--na pumili ng sariling mga opisyal.
Taong 1991 pa nang huling maglunsad ng malaking pagkilos ang mga manggagawa ng Pentagon Steel Corp. laban sa pamamalakad ng kanilang kumpanya. Ayon sa mga obrero, makailang beses na umanong idinaan sa “backdoor negotiations” ang paglutas sa nakaraang mga alitang bunsod ng mababang pasahod o kulang na benepisyo. Matagal na nagtiis ang mga manggagawa sa salimuot na gawa ng pananamantala. Ngunit ngayon, hindi na sila magkikibit-balikat.
KUWENTO NG PANANAMANTALA SA PAGAWAAN NG ASERO
Kamay na bakal
Biyernes 26 Abril 2013
GRAPIX
KULTURA Biyernes 26 Abril 2013
ALAS-KWATRO NA NG MADALING araw ngunit bukas pa rin ang lahat ng ilaw sa isang bahay na ginawang opisina. Nagpipinta ng mga headdress at nagtitiklop ng mga leaflet ang mga residente ng bahay-opisina: sina Sakne, Carl at Otep, mga kabataang aktibistang kasapi ng Kabataan Partylist. Kapos sa pondong pangkampanya ang partylist, kaya mano-mano ang pagtapos sa mga headdress at iba pang mga materyales. Pagkatapos umidlip, lalarga naman ang tatlo para sa house-to-house sa Maynila. Tiyak na aabutan ng umaga sina Sakne na maiitim ang mga kamay at madudungis ang damit; madaling humahawa ang tintang ginagamit sa mga polyeto at leaflet. Hindi na nila alintana ang ganitong mga problema. Ilang beses na ring nangahas ang mga progresibong kabataan na lumahok sa eleksyon, at handa silang baguhin ang kalakaran ng pangangampanya.
Prinsipyo ang puhunan Kapos man sa pamasahe at pambili ng pagkain, susuungin pa rin ng mga kampanyador at organizer ang mga komunidad. Kwento ni Carl, pumupunta ang mga organisador sa mga komunidad na walang dala kahit piso. “Pero dahil matagal na panahon na namin silang inoorganisa, sila pa ang nagpapakain sa amin,” aniya. Para sa maliliit na grupo, hindi limitasyon ang kawalan ng perang magagamit sa pangangampanya. “Wala kaming pera. Wala kaming TV at radio ads. Pero marami kaming community organizers na kahit hindi eleksyon ay buong panahong nakikipamuhay sa mga komunidad,” ani Terry Ridon, pangulo ng Kabataan. Ang eleksyon sa Pilipinas ay paligsahan ng mga may pera at may hawak ng kapangyarihan. Nagmimistulang karnabal ang eleksyon dahil sa pagbaha ng mga poster, TV ads at mga pamphlet ng mga tradisyunal na pulitiko—mga materyales na nagkakalahalaga ng milyun-milyong piso. Kung isusuma pa ang gastos sa pamasahe, pagkain, renta sa sound system, at
kung anu-ano pang dagdag na palamuti, tiyak na mahihirapang makipagsabayan sa kampanya ang walang pera. Ang paggasta ng malaking halaga para sa eleksyon ay bahagi ng paniniwalang nagwawagi ang kandidatong pinakasikat at pinakamaingay, bagay na sinusuportahan ng resulta ng nagdaang mga halalan. Nariyang nangangako ng mga ipatatayong basketball court, health center, at kung minsan pa, ang palihim na paglalakip ng pera sa mga ipinamimigay na leaflet at sample ballot. Subalit para sa mga progresibo, walang puwang ang pera sa eleksyon kung prinsipyo ang pinaglalabanan. “Hindi kami nangagako ng pera [o] namimigay ng kung ano-anong freebies. Inuuna namin ang pagmumulat at pag-oorganisa,” ani Terry.
Kontradiksyon, kontra-tradisyon Walang malinaw na alternatibong ihinahapag kung kaya’t labanan na lamang ng yaman at kasikatan ang nagaganap sa mga eleksyon sa bansa. Ayon sa Center for People Empowerment and Governance, makikita ang pamamayani ng tradisyunal na pulitika sa eleksyon sa pagmimistulang popularity contest ng mga kampanya, kung saan pangalan at hindi plataporma ang pilit na ipinapaalala sa mga botante. Kada eleksyon, kanya-kanyang pauso ng palayaw at slogan ang mga kandidato. May namumuhunan sa hitsura (Maganda ang laban), gumagawa ng acronym mula sa pangalan (Bida Ang Mamamayan) o kaya’y nagrerecyle ng slogan ng magulang (Gusto ko may pagkain ka). Paliwanag ng Australian campaign journalist na si John Pilger, ang pagmimistulang popularity contest ng eleksyon ay bunsod ng mahinang pampulitikang kamalayan ng mamamayan na pinapalala pa ng mga kandidatong magkakaiba man ng partido ay tila pare-pareho rin lamang ng pinanggagalingang ideolohiya. Ganito ang kaso sa Pilipinas, kung saan walang pinag-iba ang nagtutunggaling Team PNoy at UNA. Gayong paulit-ulit na ginagamit ang salitang “pagbabago” sa kanilang mga slogan, nanggagaling pa rin ang halos lahat ng kandidato sa magkabilang
Arjuna de Leon
Para sa masa* Sipat sa progresibong pangangampanya partido sa ideolohiyang malayang kalakalan ang magdidikta sa hinaharap ng bansa. Ito ang puwang na ginagamit ng mga progresibo upang patampukin ang alternatibong at radikal na pulitika. “Lumalahok kaming mga aktibista sa eleksyon hindi dahil gusto naming magkamal ng kapangyarihan. Lumalahok kami sa eleksyon dahil gusto naming palaparin ang pulitikal na espasyo ng karaniwang tao,” ani Vencer Crisostomo, pambansang tagapangulo ng Anakbayan, isa sa mga organisasyong nagtatag ng Kabataan Partylist.
Kampanyang masa Para sa grupo ni Vencer, ang pangangampanya para sa eleksyon ay pagpapalawig ng kampanyang masa o kampanya sa pagmumulat at pag-oorganisa ng mga mamamayan. Paniwala ng mga progresibong grupo, dapat tingnan ang eleksyon hindi bilang pangunahing solusyon sa mga problema ng bansa, kundi isang pagkakataon upang mailantad ang banggaan ng mga tradisyunal na pulitiko at mapatampok ang mga isyung kinakaharap ng mamamayan. Kaya sa mga house-to-house, hindi lang namimigay ng leaflets at campaign materials sina
Sakne, Carl at Otep. Matiyaga rin nilang inaalam ang mga problemang kinahaharap ng masa at ipinaliliwanag kung ano ang maaaring gawin ng masa para wakasan ang mga suliraning ito. Ayon sa progresibong manunulat na si Ewan Robertson, sinasalamin ng kabuuang larga ng eleksyon ang antas ng pampulitikang kamulatan ng mga mamamayan nito. Sa Venezuela, pinanday ng tunggalian sa ng sosyalistang perspektibang kinakatawan ni Nicolas Maduro at ng neoliberal na patakaran na bitbit ni Henrique Capriles ang pampulitikang kamulatan ng mamamayan. Susi sa pagpapakilos sa mamamayan ang pag-aangat ng kanilang pampulitikang kamulatan. “Kay Sakne kami natuto na dapat kumilos tayong mga simpleng tao para may magbago sa sistema,” sabi ni Aling Eden, isa sa mga bagong organisador ng partylist.
Kaya samantalang laganap pa rin ang tradisyunal na kampanya at larga ng eleksyon sa bansa, ubos-lakas pa ring kumakayod ang mga aktibista upang baguhin ito sa pamamagitan ng pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa masa. “Sa huli, ang kaya lang namang ibigay ng eleksyon ay mga bagong lider, reporma. Pero alam nating hindi lang iyon ang kailangan para buong-buong mabago ang sistemang panlipunan sa bansa,” paliwanag ni Crisostomo. “Agahan natin mamaya ha,” sambit ni Sakne sa mga kasama habang binibilang ang mga natapos na headdress at natuping leaflet. Ilang araw na lang at eleksyon na, ngunit ang kampanyang kanilang nilalarga ay hindi lang para manalo sa halalan. Ang kampanya’y tungo sa pagpapalawak pa ang hanay ng mamamayan na mulat at aktibong kumikilos upang baguhin ang takbo ng kasaysayan.
*Pasintabi sa Eraserheads
“Sa wakas.” Gasgas nang kataga ngunit wala pa ring kupas bilang paboritong panimula sa bawat status o mensaheng kalakip ng mga grad pic na naglipana online. Kung ‘di man, marahil minsan mo na rin itong nasambit nang mabunutan ng isang tumpok ng cactus at maipasa ang final draft ng iyong thesis— kahit pa walang tulong o offer man lang ni Ely. Sa loob ng isang araw, ipagbubunyi ang tagumpay ng mga estudyante, magulang at pamantasan sa pagluluwal ng panibagong henerasyon ng mga edukadong dadagdag sa lakas-paggawa ng bansa. Sa Abril 28, magbubuklod ang mga estudyante mula sa iba’t ibang dako ng unibersidad bitbit ang kanyakanyang kwentong naimpok sa ilang taong pag-aaral. Sa araw na iyon, kolektibo naming mararanasan ang huling paghuhukom ng UP at ni Oble sa mga Iskolar ng Bayan, sa harap ng aming mga magulang, kapamilya at kaibigan. Subalit sa paghupa ng kasiyahan, ng kaliwa’t kanang handaan, inuman o pagdiriwang, hindi maiiwasan— gaano man tanggihan—na harapin ang perenyal na tanong sa bawat gradweyt: ano na?
Walang humpay na ligaya Ngayong graduation season, muling mamamayani ang mga kwento ng tagumpay at tuwa. Kabi-kabilaan ang pagbati ng mga pulitiko, sikat na personalidad at TV stations sa mga “Graduates,” na para bang malalapit na kakilalang sinubaybayan kaming mga magsisipagtapos. Gawing pampalipas oras ang pag-like o kaya pagkomento sa litrato ng mga kaibigan at kakilalang sadyang inayusan para saglit na kuhaan ng larawang magsisilbing imortal na pananda ng kanilang pagtatapos. Kinalaunan, ang mga ito’y magiging sagradong palamuti sa kani-kanilang tahanan.
Ako man sa sariling grad pic, hindi naitago ang lubos na pagkagalak. “Wagas kung makangiti, akala mo totoo,” biro ng isang tagaKulê. Bukas-makalawa, marahil ay mapapabilang na ako sa mga Isko’t Iskang naka-sablay mode na ang display picture. Para sa lahat ng mga rekisito, papel at eksam na pinasa at pinasá, tila nagiging pa-konswelo nang makita ang sarili na nakasuot ng sablay—tanda ng isang lehitimong gradweyt ng premyadong unibersidad ng bansa.
Sa tanghali, sa gabi, at sa umaga Inaamin kong iba rin talaga ang sipa at kilig na dulot ng pagtatapos sa kolehiyo. Hindi kasi tulad ng mga nakaraan, wala nang susunod, maliban na lang kung magma-master’s, abogasya o medisina. Bawat pagtatapos ay pagdiriwang sa transisyon ng isang estudyante sa mas mataas na antas, sa kaso ngayong kolehiyo, sa “tunay na mundo.” Kaya’t isang ritwal ang pagtatapos kung tutuusin. Mula sa pagpapagrad pic, pag-aayos ng clearance, pagkakaloob ng mga karangalan, pagbili ng sablay at maging pag-aabang sa mga sunflowers sa University Avenue. Punongpuno ng simbolismo ang bawat pagtatapos, lalo na sa UP na hindi sumusunod sa uso, na may hibo umano ng pagiging progresibo. Nakakalungkot na isang buwan bago kami magtapos, isang freshie ang kinitil ang kanyang buhay dahil sa mataas na matrikula sa UP. Habang abala kami sa paghahanap ng masusuot para sa pagtatapos, libolibong mga kabataang tulad namin ang hindi man lang nakatuntong ng kolehiyo dahil kinapos. Pormal na pinuputol ng graduation ang kontrata ng mga
magsisipagtapos sa UP bilang estudyante, ngunit hindi bilang Iskolar ng Bayan. Grumadweyt man, mayroon pa ring pananagutang ipagpatuloy ang mga nasimulang laban para sa susunod pang mga Iskolar ng Bayan at mas magandang kinabukasan.
‘Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko Kevin Mark R. Gomez BA Public Administration University of the Philippines Diliman Kung maaari, ito lang ang mga detalyeng gusto kong lamanin ng aking CV. Tingin ko naman marami pa ring tulad kong umaasang dadalhin ng pangalan at prestihiyo ng UP sa tugatog ng tagumpay. Mala-banal na hiyas ang degree na galing sa pamantasan, may bonus pa kung may kakabit na laude. Graduate “lang” ang mailalagay ko sa aking resume. Siguro dadagdagan na lang ng mga organisasyong kinabibilangan, at babawiin sa konting pagpapabida sa interview o pagpapa-cute. Naisip ko na ring sumali sa Minute to Win It o mag-artista para magkapera. Kaso asa pa ko. Tinatayang nasa 530,000 kaming mga gagradweyt sa kolehiyo ngayong taon. Hanggang Enero 2013, 489,000 sa mga Pilipinong walang trabaho ang gradweyt ng kolehiyo, ayon sa pinakahuling Labor Force Survey (LFS) ng Department of Labor and Employment. Kung gayon, may mahigit kalahating milyong pangarap ang mahaharap sa mapait na realidad ng lipunan: isang mito ang turo sa ating mayroong magandang kinabukasan ang sino mang may mataas na pinag-aralan. Sa dami ng mga gradweyt na walang trabaho, mukhang kailangan kong ipagpasalamat na maging kasapi ng Kulê. “Preferred” at
“priority” raw kaming mula sa opisyal na pahayagan ng UP Diliman, ayon sa Manila Times, isa sa mga tanyag na broadsheet sa bansa.
Ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko? Madalas akong biruin ng ilang kaibigan ng mga pasaring tulad ng “welcome sa populasyon ng mga unemployed!” o kaya “kasama ka du’n sa 3 of 4 (ayon sa Kabataan Partylist) na hindi related sa tinapos ang trabaho.” Oo nga. Sa loob ng ilang araw, magiging bahagi na kami ng estadistika. Masamang estadistika. Tuwing may nagtatanong naman sa trabahong gusto kong pasukin, “tambay-tambay” muna ang sinasagot ko o kaya “let’s cross the bridge when we get there” para profound. Samantala, running joke sa pamilya na mamamasukan muna ako bilang yayo sa pamangking magdadalawang-taong gulang para habang wala pang trabaho, libre ang board and lodging. Kung wala pa ring plano ngunit ayaw mapabilang sa mga walang trabaho, may ilang paraan para mandaya. Halimbawa, pwedeng sabihing hindi ka naman aktibong naghahanap ng trabaho o kaya “discouraged” na sa paghahanap. Sa ganitong paraan, hindi ka isasama ng pamahalaan sa bilang. ‘Yun nga lang, para kang multong invisible sa estadistika ng LFS hanggang Enero 2013: Bilang ng mga Pilipinong may trabaho: 37.94 milyon Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho: 2, 894,000 Bilang ng mga underemployed: 7.93 milyon
‘Wag ka sanang magtanong at magduda Walang sapat na trabaho sa bansa dahil walang pambansang industriya, ayon sa mga progresibong grupo. Samantala, ipinagmamalaki naman ng pamahalaan ang naging paglago ng ekonomiya noong nakaraang taon. Batbat ang lipunan ng tunggalian kahit saan, at pasasaan ba’t haharapin naming mga gradweyt ang sari-sariling sangandaan. Pero matapos ng ilang taong pag-aaral sa UP, ano nga ba ang natutunan natin? Marahil ang iba’y mapupunta sa mga malalaking dayuhang kumpanya, may mapupunta sa pamahalaan at mayroon ring mananatili sa pamantasan. Pababaunan ang bawat magtatapos na “Paglingkuran ang sambayanan” na siya namang bibigyan ng iba’t ibang pakahulugan. Sa ngayon, wala pa akong maayos na plano para sa hinaharap. Mukhang kailangang magbalikaral sa mga saligang prinsipyong natutunan ko habang nasa pamantasan: paano maglingkod at para kanino? Marahil hawak ng mga tanong na ito ang first clue para magkaroon ng saysay ang mga susunod na kabanata ng buhay ko sa labas ng apat na sulok ng pamantasan. * Para sa mga kapwa ko gradweyt na matagumpay na narating ang finish line, at sa mga libo-libong kabataang hindi man lang pinalad na makatuntong sa race track. Pasintabi rin sa Eraserheads.
g n o y a Ng o k s o p a t g n a a n * o k s i thes
LATHALAIN Biyernes 26 Abril 2013
The search is on. In a few weeks, the UP General Assembly of Student Councils (GASC), the official congregation of all university and local student councils from all UP units, will select the lone representative of over 50,000 UP students to the Board of Regents, the university’s highest policymaking body. As UP’s foremost student leader, the Student Regent (SR) performs the crucial duty of upholding and defending the rights and interests of students, including other members of the UP community and society’s underrepresented sectors. Such weight of responsibilities underscores the necessity of carefully—and wisely— selecting the next SR. With the beginning of every SR selection process marks the nearing end of another year of struggle for students and people’s welfare. Consequently, it is in such times that periodic assessments are LATHALAIN made, if only to look back at the performance and achievements of Biyernes the Office of the SR (OSR) during 26 Abril the year, and ultimately, improve 2013 the quality of service it extends to its constituents. Last year’s UP Manila nominee, outgoing SR Cleve Arguelles vowed to “carry on and intensify the fight.” Confronted with a range of university and national issues— from the opening salvo of the Bracket B Certification Scheme, the perennial debate over the Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP), and the suicide incident of a UP Manila freshman after being forced to go on a leave of absence due to incapacity to pay tuition—Arguelles actively contributed to the historical and glorious narrative of the OSR. As his stint ends, Arguelles will join the ranks of SRs to have concluded his or her term, in the hopes of passing the OSR to another student capable and worthy of advancing the cause for genuine social change. *With apologies to Eraserheads
Cleve Kevin Robert Arguelles UP Student Regent 2012-2013 In my term as the SR, I continued the OSR’s tradition of genuine, militant and nationalist leadership that advocates for the rights and welfare of the students and the marginalized Filipinos. Through challenging the UP community to stand united in defense of our interests and through influencing the BOR to act in favor of its mandate to serve the underserved and underprivileged, as the SR, I have continued and intensified the fight of us Iskolars ng Bayan longing for genuine social change and social justice. Among the many challenges that we faced is our perennial concern of the rising cost of UP education manifested in increases in laboratory and other fees, as well as the inability of the STFAP to make UP democratically accessible especially to poor students, the continuous attacks of the Aquino administration to people’s rights manifested in
policies like Cybercrime law, urban demolitions, privatization of public hospitals, contractualization, bowing down to US interests, and to mobilize the youth to actively participate, advocate for change, and stand united in the May elections. Before being selected as the 30th SR, I offered to the students a leadership that will respond to the crises that the University and our society is facing—a leadership that is unwavering, committed and militant in the face of all the problems. For one year, I think I was able to deliver this kind of leadership manifested in the drumbeating of pressing campaigns mentioned. I offered a leadership that gives honor and justice to our mandate as Iskolars ng Bayan—take part in the struggles of the marginalized, embrace it as our own and intensify our commitment to the national democratic aspirations of the Filipino masses.
Ma. Kristina Conti UP Student Regent 2011-2012 Cleve performed commendably well considering the circumstances. He has been on his toes with the board agenda, has responded to timely and relevant student matters and has broadened the many channels of communication to the OSR. He definitely increased the profile of the office this past year. His term was marked by continuous and creative engagement with his constituents, and a comprehensive linking of students’ issues with the peoples’. He embodied the SR he envisioned, one that responded to the challenges of the times, beyond the parochial. One of Cleve’s strengths is his ability to
relate to his audience, along with his natural magnetism that propels his message to the forefront of the discussion. The next SR must have the patience and flexibility to deal with myriad, and oftentimes clashing, opinions among student leaders. The SR also needs a lyrical tenacity and balanced practicality to deal with an administration that has repeatedly been at odds with the students’ demands. Most importantly, the SR must have the stamina to competently dispatch with the never-ending work of a student leader.
Ana Alexandra Castro Convenor, UP Diliman League of College Councils 2012-2013 Cleve has been very active in admittedly strong. He was nothing Diliman campaigns and events, short of the strong and visible SR he whether local or university. However, envisioned. there were a few sentiments from What I feel lacking is the direct local councils who feel he could’ve involvement of the students. utilized his resources more to I strongly feel he could’ve conduct more comprehensive conducted more comprehensive consultations with them. consultations. What I wanted to see I think he was more active in the was a strong, magnanimous, and University Student Council, rather unified movement of all UP units. than the local councils. There Moreover, his projects could’ve was one specific initiative which been bigger. involved the local councils—the The next SR must be able to student agenda. Unfortunately, efficiently reach out to all students it lacked follow-up. He was also from all UP units given limited able to conduct only one session resources. Moreover, s/he must be for consultation at the start of the able to strike the balance between academic year. consultation and decisive action. Cleve’s efforts with regard But more importantly, the SR must to representing the students’ be able to engage all UP students in sentiments during BOR meetings the OSR’s campaigns and advocacies. were commendable. His calls were
Prof. Michael Andrada Editor’s note: The Collegian contacted outgoing UP Diliman University Student Council Chairperson Gabriel Paolo “Heart” Diño for comments but categorically turned it down. According to Diño, the USC did not have an assessment towards Arguelles’ term as SR, and the Collegian should instead interview individual USC members.
All-UP Academic Employees Union The term of the SR is really too short, nevertheless, Arguelles was able to maximize his term in order to forward the causes and issues of students, as well as faculty, REPS and administrative workers’ issues. He was consistent in his advocacy to maintain UP’s public character. Online presence of the OSR markedly increase. However, there were fora which lacked preparation and attendance. Maximum student participation could have been
attained via constant room-toroom and org hopping. Through unit hopping , Arguelles was able to secure the sentiments of the students and successfully led a lot of activities, in and outside UP. He also maintained a multisectoral approach in leading the OSR, and has always advocated for a university and an educational sector that will provide faculty with enabling conditions for promotion, academic growth, economic gains, etc.
Prologue*
Opening the challenges for the next Student Regent Cha Cañeto
The first thing Silang*, 43, does after getting off the jeepney to work is meet her two most reliable co-workers: her mop and broomstick. Together, they tackle common enemies that plague the halls and rooms of decades-old UP Diliman (UPD) buildings every day, from dusty surfaces to dirty toilets. Silang doesn’t mind the dirt and sweat she gets from cleaning all day. After all, she has been working as a janitress since 1989 for her family’s living. Meanwhile, Engr. Alden Aynera, 43, stays in his air-conditioned office in the Campus Maintenance Office, reading and signing countless papers all day. Only when he’s called to work on the field does he get to break his monotonous desk job. Despite having different job orientations, Silang and Alden’s lives become disturbingly similar after the clock strikes 5 p.m. They return to their respective homes, bringing salaries that cannot make ends meet, revealing narratives of a perennial problem affecting rank and file workers in the university.
Blue-collars For 23 years, Silang worked in UPD without being assured of tenure, a prized recognition guaranteeing job security. With six children to feed and monthly rent to pay, Silang took the risk to get by somehow. Silang first started working in the university under a private agency, which ensured her of benefits, such as paid leaves, on top of her monthly salary. Such perks took care of her family’s welfare until 2009, when she was laid off after taking too many maternal leaves. “Nagkasunod-sunod kasi ang anak at [family issues] kaya pala-absent ako,” Silang explains. With six young kids to feed — two of which are babies, and the elder two now in elementary school— Silang could not afford to lose her
job. Fearing unemployment, she opted to be a non-UP contractual worker. She retains her job as a UP janitress, and still earns the National Capital Region minimum wage of P456 per day. The similarities of her previous and current job situation, however, end there. Unlike the terms of her agency, non-UP contractual workers serve the university but do not receive any benefits since their contracts do not have the employer-employee clause that guarantees their right to receiving benefits and securing tenure. As of December 2012, almost one-third of the UPD campus’ workforce are non-UP contractuals hired to “temporarily” address the lack of employees who could fill the slots for regular workers, according to the UPD Human Resources Development Office (see sidebar). If Silang’s situation is any indication, “temporary” actually lasts longer than expected, earning Silang the title “permanent contractual” among her colleagues. Labor union Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) believes the government encourages the proliferation of contractuals like Silang to save money. “Kasi kung may tenure [at] benefits, gagastusan pa,” explains COURAGE national president Ferdinand Gaite. Silang is therefore barred from receiving subsidiary social services such as the privilege to enrol her children to UP Integrated School and the cheaper access to the University Health Service. “Maliit na nga sweldo, wala pang benefits,” she laments. Her two babies’ weekly formula milk already costs a daunting two days’ worth of salary. “[Kaya] di talaga magkakasya ang P456 ko kada araw,” Silang laments. Despite her condition, Silang still prefers to stay in her job, still
hoping that she would be given tenure in time. But prospects of her regularization are dim as UP’s liability to her remains inexistent on paper. Indeed, as workers like Silang spiral into poverty, it would seem there is no way out of their deplorable working conditions but receiving tenure. Reality however, shows that even tenured workers face the same woes.
Job insecurity As a regular university engineer since 1997, Alden earns P32,000 per month, clearly exceeding the NWPC’s P28,710 monthly minimum cost of living. Every payday though, Alden and his family braces for the dramatic reduction of that amount to a barely livable P5,000. “Nag-start kasi kami from scratch na walang bahay at sasakyan kaya naglo-loan ako in advance [to be paid on later paydays],” Alden explains. Also, Alden finances his three kids’ private school tuitions by tapping several months of salary in advance. These big investments have trapped Alden in a debt cycle. Since his paycheck is routinely reduced to an unsustainable amount to cover his family’s bills and basic needs, he is compelled to loan more money. “Mahirap gumalaw kapag may utang ka,” shares Alden. At home for instance, his family employs every single tactic to save money for food, such as cooking only one meal a day that would be served for breakfast, lunch and dinner. Essentially, when prices of goods do not match wages, expenses get pinned down, explains All-UP Workers Union national president Felix Parinas. Working benefits such as cheap housing rent and monetary bonuses then becomes crucial but not entirely liberating for Alden. “Kailangan talaga kapag nasa government service, may other sources of income ka,” says Alden.
To earn extra, Alden’s wife bakes pastries. Although this may earn them around P600 per week, their small business does not spell stability as cake orders are not fixed. Alden now becomes part of the 7.1 million Filipinos research institution IBON Foundation classifies as employed yet insufficiently compensated. As government salary policies fail to keep up with workers’ basic needs, Silang and Alden are ultimately in the same boat, despite Alden being an already tenured employee. In the face of misguided priorities, the government has stood firm in downplaying the plight of workers like Silang and Alden. Proworker bills such as House Bill (HB) 3746 demanding a P6,000 monthly salary increase for government employees and HB 5110 seeking to abolish contractualization continue to stagnate in Congress. Clearly, the
enhancement of working conditions for government employees is not top priority for the current administration. It is ironic that employees like Silang and Alden are working under unjust terms in a university touted to be at the forefront of social justice. Until the time that UP and the government provides them with decent wages and better benefits, they would trudge to work every day, certain only of their return to a cycle of exploitation. *not her real name
UP Workforce Non-UP contractuals – personnel whose contracts do not include an employer-employee clause guaranteeing eventual tenure and benefits. These are 24% often low-level jobs such as janitors, 29% Faculty messengers, and receptionists. Non-UP Faculty – Employees whose work involves contractuals academic pursuits in the university. They are instructors, associate professors, and full professors. 47% Regular Staff – non-faculty workers whose Regular staff contracts include an employer-employee clause. Among their ranks are secretaries, directors, and accountants. Source: Human Resource Development Office, Office of the Staff Regent
A tale of two workers
LATHALAIN Biyernes 26 Abril 2013
5 year plan*
OPINYON Biyernes 26 Abril 2013
Naaalala ko pa ang unang beses na inakyat ko ang ikaapat na palapag ng Vinzons Hall limang taon na ang nakaraan. Ikatlong linggo ng Hunyo noon, kasisimula lang ng semestre. Unang taon ko iyon sa UP, sariwa pa ang lahat – ang paligid, ang mga tao, ang kultura. Matapos ang panghapong klase sa English 1, literal akong kinaladkad ng isa kong kaklase mula CAL New Building paakyat ng Vinzons Hall. “Mag-exam ka sa Kulê,” paulit-ulit niyang sinabi. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at sa tingin niya’y dapat akong pumasok sa pahayagang iyon, liban sa seatmate ko siya sa isang GE subject. Pagdating sa Room 401, agad akong binigyan ng kopya ng exam, na tinapos ko kahit napakahaba. Napasubo na rin naman, tapusin na rin, sabi ko sa sarili ko. Doon nagsimula ang limang taon kong pamamalagi sa Kulê. Marami na rin akong napagdaanan bilang manunulat, patnugot, at kalauna’y punong patnugot. Nariyang maghagilap ng case study sa kalaliman ng gabi sa mga madilim na kalsada ng Quezon City, ang dumaan sa napakaraming checkpoint ng militar sa iba’t ibang hasyenda sa bansa, ang makipagusap sa isang nagtatagong source sa isang safehouse. Sa Kulê ako natuto ng maraming bagay – ang mag-analisa ng sitwasyong panlipunan, ang
magpakabihasa sa pagkilatis sa panukalang badyet ng bansa, ang pagsukat sa tantos ng pagsasamantala, ang pag-unawa sa ugat ng krisis panlipunan. Hindi ko na nga mabilang kung ilang artikulo na ang naisulat ko – mula sa mga batang namumunas ng paa sa mga dyip hanggang sa pagsuri sa lagay
Walang katumbas ang pagkamulat na dala sa akin ng pagsali sa Kulê, walang kaparis ang mga alaala ng mga lugar at taong sangkot sa iba’t ibang tunggalian ng mga pampublikong ospital. Sa loob ng limang taon, nasaksihan ko kung paanong lagi’t laging nariyan ang tunggalian, mula sa banggaan sa loob ng akademya hanggang sa mga piketlayn sa pabrika ng mga panty at bra. Samu’t saring tao na ang aking nakausap at nakilala – mula sa dating bilanggong pulitikal na si Ericson Acosta hanggang sa puganteng heneral na si Jovito Palparan. Sari-saring istorya, sari-saring alaala. Sa Kulê ako natutong tumindig at lumaban. Mula sa paminsanminsang pagdalo sa mga rally
Undecided Bilang mga mag-aaral ng UP, karaniwan na siguro sa atin ang mga katagang paglilingkod sa bayan. Nararapat lamang, sapagkat isa ito sa mga responsibilidad na ipinataw sa atin simula nang tawagin tayong mga Isko o Iskolar ng Bayan. Paraan na rin ito upang maibalik kahit papaano ang pagpapaaral sa atin ng bansa. Subalit ano nga ba ang dapat nating gawin upang masabing naglilingkod tayo sa sambayanan? Karaniwang sagot na dito marahil ay ang
Pagkatapos ng lahat, darating ka ngayon sa isang desisyon, kung handa ka bang kunin ang isa pang hakbang upang mas mapaunlad ang iyong sarili at makatulong pa sa bansa pagdalo sa mga rali at demonstrasyon na isinasagawa sa pamantasan o di kaya’y mismong pagsali sa mga organisasyong may nag-oorganisa ng mga ito. Samantala, kung hindi rin naman alam ang isyu at iba ang pakay sa pagdalo, mabuti pa’y hindi na tumuloy. Makadadagdag nga marahil sa bilang ng mga dadalo,
hanggang sa pagharap ko kay US Secretary of State Hilary Clinton, natutunan kong hindi nararapat magpadala sa agos ng kawalangpakialam. Natutunan kong ang pagiging peryodista ay higit pa sa pag-uulat ng mga datos. Natutunan kong ang hindi pagpanig ay katumbas ng pagsang-ayon sa kasalukuyang sistema. Limang taon ang mabilis na lumipas, at wala akong pinagsisihan ni isang araw doon. Walang katumbas ang pagkamulat na dala sa akin ng pagsali sa Kulê, walang kaparis ang mga alaala ng mga lugar at taong sangkot sa iba’t ibang tunggalian. Marami sa mga kasabayan ko sa Kulê ay may iba na ring landas na tinatahak ngayon – may nangibangbansa, may nagkapamilya, may nanatili sa akademya, at syempre, may mga piniling ipagpatuloy ang laban kasama ang masa. Panahon na nga upang pumili ng bagong landas na tatahakin, at sigurado ako kung saan ako patutungo. Maraming maaaring maganap sa loob ng maikling panahon, ngunit hindi tayo dapat basta na lang magpatangay sa hinaharap. Aktibo nating pandayin ang kinabukasan, dahil – baka sakali – maganap na ang ating pinakamimithi sa susunod na limang taon. *pasintabi kay Maykel at sa mga kabanda niya
Jogs ngunit hindi ba’t sisirain lamang nito ang buong saysay ng pagkakaisa para sa iisang layunin? May nakita akong listahan para sa mga Freshmen ng mga hindi dapat kalimutang gawin habang nag-aaral sa pamantasan. Kasunod ng pagbili ng isaw kay Mang Larry, panonood ng Cheerdance Competition, at pagpunta sa UP Fair ay ang pagdalo sa isang rally. Hindi ko naman tinututulan ang pagdalo sa isang rali. Kung tutuusin, sinusuportahan ko pa nga ito. Ang nalilimutan lamang natin ay hindi lang naman sa ganitong paraan makapaglilingkod sa bayan. Pinakaimportante pa rin ay ang pakikialam sa mga isyung nagaganap sa bansa. Kung wala ito, walang mangyayari kahit gaano karami pang rali ang iyong puntahan. Uusbong kasi mula dito ang kakayahan at dedikasyon upang ipamahagi ang iyong mga nalalaman at ipaglaban ang mga ito kung dumating ang pagkakataon. Magsisimula muna ito sa mahaba at tuloy-tuloy na proseso ng pag-alam at pagsusuri sa lahat ng panig ng isang isyu. Mula dito, dadami ang iyong kaalaman sa mga bagay at makabubuo ng sariling paninindigan sa mga isyung nabanggit. Matapos magkaroon ng sariling paniniwala ukol sa isang sitwasyon, magiging parte mo na ito. Masasabi mo ito sakaling mabanggit ang isyu sa inyong kwentuhan ng iyong mga kaibigan, at maibabahagi sa klase kung dumako dito ang aralin. Sa
mga ganito kaliliit na bagay, hindi mo namamalayang nakakatulong ka na rin sa sarili mong paraan para sa kamulatan ng ibang tao sa mga nagaganap sa bansa. Dito ka na rin makakakilala ng mga taong katulad ng pag-iisip, o di kaya’y mga taong may ibang paniniwala na maaaring makapagpaunlad pa ng iyong kaalaman. Hindi masamang huminto sa bahaging ito at maraming tao din ang nakararating dito. Pagkatapos ng lahat, darating ka ngayon sa isang desisyon, kung handa ka bang kunin ang isa pang hakbang upang mas mapaunlad ang iyong sarili at makatulong pa sa bansa. May mga sariling bentahe ang pagsali sa mga demonstrasyon o sa isang organisasyon, tulad ng mas maraming taong maaari mong maabot, at mas mapalawak pa ang iyong sariling kaalaman sa mga isyu dahil sa napapalibutan ka ng mga taong kapareho ng paniniwala. Hindi rin naman masamang piliin na lamang na manatili sa tabi kung gusto mong maging tahimik ang iyong pananatili sa pamantasan o di kaya’y hindi ka naniniwala sa mga pamamaraang nabanggit. Isang tanong na lamang ang iiwan ko, sa panahong mas nagiging marahas at mapanikil ang pamamaraan ng mga may kapangyarihan, hindi ba’t mas makabubuti sa ating magkaisa sa pagtulong hindi lamang sa pagprotekta sa karapatan ng ating mga kababayan, kundi pati na rin sa ikauunlad ng ating bansa?
LAKAS TAMA Superproxy* Hindi ko makakalimutan ang mga unang salitang binitawan mo sa akin—Papalitan ka rin nila. Naka-dalawang Red Horse ka na noong gabing iyon, at walang prenong nagdadaldal tungkol sa mga pamoso mong kolum. Patong-patong ang angas mo sa mga mambabasa at mga editor, at nakaririndi na ang mga pailalim mong papuri sa sarili. Wala na namang nakikinig sa iyo noong inuman, siguro dahil pare-pareho tayong lango sa alak at sigarilyo, at may kanya-kanyang mga angas na binubuo para maging mga kolum. Napatigil ka na lang namin nang biruin ka ng isang kasama. “Eh di ba, maraming feedback sa iyo na puro column-writing lang naman ang topic mo?” Tumawa ka na lang, pero halata sa pananahimik mong tinamaan ka sa sinabi niya. Marami ka raw nabingwit na fans, pero hindi ako isa sa kanila. Ayoko sa mga paintelektwal mong banat, pamisteryoso mong mga kwento at mga bulgar na rebelasyon tungkol sa lovelife mo. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan nila sa iyo. Sa tantya ko, hindi naman rebolusyonaryo, bago o makabasag-trip ang mga kolum mo. Iyon ang ipinangako kong hindi gagawin sa kolum ko. Ang plano: maging cool at prangka, wag magpaligoyligoy at magpaka-deep. Saktong angas lang, wag masyadong tibak dahil paso na raw ang aktibismo sa unibersidad. Pero marahil, at labag sa kalooban kong aminin ito sa iyo, marami pa rin namang interesado sa iyo at sa mga bagay na sinusulat mo. Noong isang araw nga, dalawang oras akong nag-google para lang mahanap ang secret blog mo. Gusto ko malaman kung sino ng karelasyon mo. Nagkita na ba kayo ng mga kaibigan mong nawawala (o nagpawala). Nakagraduate ka na ba. Nagbabasa ka pa ba ng Kule. Anong tingin mo sa kolum ko. Pero dahil korni ka at madrama, habambuhay kong itatanggi na may tama rin sa akin ang mga pinagsusulat mo. Naiilang nga ako tuwing may nagtetextback at naghahanap sa iyo sa Collegian. Hindi ba sila masaya sa mga kwento kong halo ng jologs at hipster? Hindi ba interesting ang “self-denial” at “existential ramblings” na linggo-linggo kong tinatae mapuno lang ang espasyong ito? Mga fans mo lang ba ang naghahanap sa iyo, o pati ako na naging proxy mo? Iyon ang sumpa ng mga kolumnistang tulad natin. Lagi tayong nakukumpara sa mga sinundan natin (ikaw si GC, tapos si PB, si DKP, si CA…). Kaya kapag naghaharap-harap tayo, para tayong nakatitig sa salamin—at naaasar na ganoon pala ang hitsura natin. Walang sumasapat, walang pumupuno. Kaya papalitan nila tayo, taun-taon, linggo-linggo, hanggang mahanap nila ang gusto nila. Anuman iyon, hindi ko na kayang sagutin. Kaya sige, palitan ninyo na ako. Maraming beses ko nang hinirit yan sa mga tao, pero dahil isang taon ang kontrata, ngayon lang ito magkakatotoo. *para kay DM. Nagkatotoo na ang hula mo.
Eksenang Peyups
Newscan UPFI Film Center April 2013: In the Realm of the Indies • CINE ADARNA: • ANIMAHENASYON Festival Prize Winners April 26 Fri 5/7 p.m. • Gabby Fernandez’s NASAAN SI FRANCIS April 29 Mon 7 p.m. May 1 Wed 2:30/5/7 p.m. May 2 Thurs 2:30/5/7 p.m. • VIDEOTHEQUE: • The Learned Film Buff April 29 Mon 2:30 & 4:30 p.m. • In the Year of Faith - April 27 Sat 2 p.m..: Pier Paolo Pasolini’s Il Vangelo Secondo Matteo 4:30 p.m. Nanni Moretti’s Habemus Papam - April 30 Tue 2:30 p.m.: Pier Paolo Pasolini’s Il Vangelo Secondo Matteo 5 p.m.: Nanni Moretti’s Habemus Papam
UPFI SUMMER WORKSHOPS: Studio Photography with DAEMON BECKER : Apr 20, 27, 4, 11 Basic Scriptwriting with RAZ DE LA TORRE : Apr 22 - 26 Non-Linear Editing with APOL DATING : Apr 22- 25 Digital Cinematography HDSLR with NAP JAMIR : May 4, 5, 11, 12 Digital Video Production with MILO PAZ : May 6 - 10 Commercial Photography with MILO SOGUECO : May 6 - 9 Intermediate Scriptwriting with BING LAO : May 13 - 17 Adobe After Effects with CYRIL BAUTISTA : May 13 - 16 On Going Registration. Limited Slots only. http://filminstitute.upd.edu. ph/?page_id=45
2013 Solidaridad Systemwide Congress Inaanyayahan ang lahat ng mga pahayagan, organisasyong
pangmanunulat, at publikasyong sangay ng mga konsehong pangmag-aaral sa 2013 Solidaridad Congress hatid ng UP Solidaridad Systemwide Alliance of Student Publications and Writers' Organizations. Gaganapin ito sa Mayo 16-19 sa UP Visayas, Miag-ao, Iloilo. Layunin ng Congress na pagsama-samahin ang lahat ng mga miyembrong publikasyon, pahayagang pangmag-aaral at mga organisasyong pangmanunulat sa buong UP System upang talakayin ang kalagayan ng Katipunan sa buong UP at pag-usapan ang mga isyung kinahaharap ng mga kasapi nito. Mayroon ring journalism skills training, socio-political discussions at mga teknikal na diskusyon hinggil sa pagpapaunlad ng operasyon ng mga pahayagang pinatatakbo ng mga mag-aaral. Kung may katanungan o paglilinaw, makipag-ugnayan sa
upsolidaridadsystem@gmail.com o sa pinakamalapit na contact person sa inyong lugar: Luzon | Aries Joseph A. Hegina (09352821147) Visayas | Melanie Montaño (09224697390) Mindanao | Kit Iris Frias (09232336046) Abangan ang iba pang detalye sa www.facebook.com/upsolidaridad. Come one, come all. Takits! Get free publicity! Send us your press release, invitations, etc. DON’T TYPE IN ALL CAPS. And go easy on the…punctuations?! dOn’t uSe tXt LanGuage pLs. Provide a short title. 100 words max. Email us at kule1213@gmail.com CONTACT US! Write to us via snail mail or submit a soft copy to Rm. 401, Vinzons Hall, UP Diliman, Quezon City. Email us kule1213@gmail.com. Save Word attachments in Rich Text Format, with INBOX, NEWSCAN or CONTRIB in the subject. Always include your full name, address and contact details.
Financial Statement Philippine Collegian 2011-2012 Status of funds as of June 1, 2012
Approved budget a
Actual, AY 2011-2012
Collections Balance as of June 2011
206,766.95
First semester
793,800.00
839,560.00
Second semester
744,800.00
780,560.00
Summer 2012
307,600.00
333,040.00
40,000.00
39676.40
-
2,176.00
1,886,200.00
2,197,427.35
1,260,980.00
1,313,650.00
618,000.00
663,710.00
Food subsidy
50,300.00
43,636.50
Training and seminarsd
95,000.00
95,140.47
Editorial examinationse
20,000.00
-
Office supplies and other operating expenses
40,200.00
49,545.59
Utilities and newspaper subscription
6,500.00
8,271.80
2,090,980.00
2,173,954.36
Interest incomeb Less: Student refund TOTAL Expenses Printingc Honoraria
TOTAL BALANCE The Philippine Collegian AY 2012-2013 is set to release its financial statement in the first issue of the next editorial term in June 2013. The Collegian still has to account all the expenses it incurred during the Ma. Katherine Elona term, which has only ended recently as of this issue’s publication (29-30). -Eds
23,472.99 NOTES a - Chancellor Ceasar A. Saloma; with realignments b - December 2010 to December 2011 c - Includes printing expenses incurred by previous term d - Collegian consolidation activities last May 27-29, 2011 and Nov. 5-6, 2011 e - Actual expenses not indicated by Accounting Office
Yow graduating cuties, curls and others! I’m becks for the last time this year and I have so many Sir Chief and Maya moments level sa kakiligan na chika sayo before I go the beach to have fun with the bitchessss! Panahon na naman kasi ng pagbubukahan ng bulaklak at nako jusko, maraming bulaklak talaga ang nagbukahan – as in with legs wide open level! Char. Anyway, bago pa sila majanine tugonon at maipagpalit sa mas guwapo or mas maganda sa kanila, iterch na ang list of valentine summer edition ng ating chikas! OPINYON Love story #1: So many bettables ngayon sa ating You Easy! As in Biyernes naaaaaay, they come in all forms 26 Abril and gender! Hihihi. From kuyang 2013 nakakaDroooooools to kuyang diladilaan mo ang Maayyyyyyyooooo and ateng from Europe na ang gandith ng legs to ateng from Chenelyn. Grabe dito, super hot ng in-cuming You Easy ahh! Anyway, dahil siguro sa kainitan ng kemehan sa kanilang opisina nung cummitteetee devirginazation, hindi napigilan ng ating mga bettables na mamasa down there, char, mamasa sa pawis I mean. Hihi. Super fresh pa rin ni kuya chair from Kalakal huh! In fair kay koya, I heard si mother eh nakikipagshare ng special “bond” with someone na handang magbuwis ng dugo para sa kanya. Naku! I hope for good na yan mother ha. Ano kayang “reaction” ng ex niyang colorful dito? Hihi char lang Love story #2: How true ang chika na may girlfriend na si koya gurl from the gayest college in UP? Juskrez, tama nga teorya ko na siya na lang ang may hindi alam na bekibels siya. Naku girl, daig pa ng pilantik ng daliri mo ang pagkababae ng gurlet mo. Pero anyhow, kung si tita Swardiz at Joel Cruise eh nakeri pa ang flowers, sinetchi ba naman ako to question you di ba? Gora girl! Magkulutan kayo and I’ll support you all the way to your closet! Sabi nga ni Krissy kalurki – love love love! Love story #3: May chika akez na ang favorite appetizer natin sa Shakeys eh dumamubs or dumadamubs (pa rin) kay ate doktora? If ever na true iterch, maloloka ang mga fans ni favorite dish! Lalo na siguro yung mga valedictorian ng Assumption college. Naku ha, move on move on din. Keri? Hihi, wag kalimutang magpadilig cuties, curls and others ha? See you next sem and congrats sa mga hindi pa gagraduate! For sure, ilan sa mga nakaaway niyo or ex niyo siguro ay gagraduate na. Kaya ayan na! Kataastaasang pagpupugay sa mga bulaklak na bumuka ngayong summer! Sana magpollinate pa kayo to spread the love and shamels. I labya majora!