Tomo 92
Espesyal na Isyu Lunes Hulyo 28 2014
BALITA
2
Lunes 28 Hulyo 2014
Paniningil. Naghain ng tatlong magkakahiwalay na impeachment complaints ang grupong Bayan Muna, Kabataan, at Gabriela laban kay Pangulong Aquino sa Kamara noong Hulyo 22-24. Iginiit ng mga grupo na nilabag ni Aquino ang konstitusyon sa paggamit ng DAP at tahasang pagkiling sa US nang lagdaan nito ang EDCA. | Chester Higuit
Aquino, pinapatalsik dahil sa katiwalian, pa∫lapastan∫an sa Sali∫an∫ Batas Ronn Joshua Bautsta PANAHON NA PARA PATALSIKIN si Pangulong Benigno Aquino III matapos siyang magtala ng 116 na kaso ng korapsyon at balewalain ang soberanya ng bansa, ayon sa mga impeachment complaints laban sa kanya. Matapos ang sunud-sunod na kilos-protesta kontra sa maanomalyang Disbursement Acceleration Program (DAP) at pagbabalik sa mga base militar ng US, nagsampa ng magkakahiwalay na impeachment complaint ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Youth Act Now, at Makabayan Coalition, na agarang inendorso ng Makabayan bloc sa Kamara noong ika-21 hanggang 24 ng Hulyo. Sa 23-pahinang impeachment complaint, nanawagan ang Youth Act Now na patalsikin si Aquino sa bisa ng mga kasong culpable violation of the constitution, betrayal of public trust, at graft and corruption. Nakasaad sa inihaing petisyon
na ninakaw umano ni Aquino ang kapangyarihan ng Kongreso na pamahalaan ang pambansang badyet nang gamitin niya ang DAP para sa 116 na proyektong hindi nakasaad sa General Appropriations Act (GAA). Matapos ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang DAP, naglabas ang Department of Budget and Management noong ika15 ng Hulyo ng listahan ng 116 na proyektong pinaggamitan umano ng programa. Kabilang dito ang P625 milyong nationwide survey ng Department of Agrarian Reform, P500 milyong media campaign ng Department of Tourism, at P238 milyong communications upgrade ng Malacanang. Sa tatlong taong implementasyon ng programa, nakakalap si Aquino ng halos P144 bilyon mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para umano sa mga “priority projects” ng Palasyo. Batay sa panuntunan ng Korte Suprema, hindi umano
maaaring galawin ng Pangulo ang ilang nakalap na pondo ng DAP dahil hindi ito “savings,” taliwas sa sinasabi ni Aquino. Sa paliwanag ng Korte, ito raw ay pondo ng ilang proyekto sa GAA na hindi pa nilalabas ng DBM. “[T]o consider unreleased appropriations as savings would seriously undercut the congressional power of the purse,” ayon sa Korte Suprema. Alinsunod sa Article 220 ng Revised Penal Code at Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, isang porma ng korapsyon ang walang pahintulot na paglilipat, o technical malversation, ng pondo ng gobyerno sa iba’t ibang proyekto. “The DBM list strengthens our claim that DAP is nothing more than presidential pork with very little benefit for the poor and the entire economy,” nakasaad sa pahayag ng BAYAN. Sa inihaing petisyon ng Makabayan Coalition, nilapastangan umano ni Aquino ang soberanya ng bansa nang payagan niya ang
malaya at libreng paggamit ng mga Amerikanong militar sa mga base ng bansa sa ilalim ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA). Maliban kung may pahintulot ng Senado, malinaw na ipinagbabawal sa Section 25, Article XVIII ng Saligang Batas ang foreign military bases, troops, or facilities sa bansa. “[Aquino] has opened the door to the return of US military bases, committ[ing] culpable violations of the Constitution and betrayal of public trust. He must be impeached,” ani Alliance of Concerned Teachers Party-list Representative Antonio Tinio. Nakasaad sa Section 1, Article XI ng 1987 Saligang Batas na maaaring patalsikin ang presidente sa mga batayang culpable violation of the constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, bribery, treason, at iba pang high crimes. Maaaring magsampa ng impeachment complaint ang sinumang indibidwal o grupo, na siyang iinendorso ng isang
kongresista. Isang-katlong boto ng buong Kamara ang rekisito upang umusad ang reklamo sa Senado. Nauna nang binalewala ng ilang kaalyado ni Aquino ang mga impeachment complaint dahil umano sa dami ng kapartido ng pangulo, na hindi bababa sa 111. Samantala, kinakailangan ng Makabayan Block ang 90 boto mula sa 292 kongresista sa loob ng Kamara. “Beyond the numbers game, the call to oust Aquino is all about demanding accountability from the President,” ani Kabataan Partylist Representative Terry Ridon. Bagaman tila suntok sa buwan ang impeachment ni Aquino sa Kongreso, isang moral na responsibilidad pa rin ang impeachment na maisasakatuparan lang sa pagkilos ng mga mamamayan sa labas ng Batasan, paliwanag ni Bayan Muna Party-list Representative Carlos Zarate. “Hindi man ito magtagumpay sa Kongreso, ang kasaysayan at taong bayan pa rin ang huling huhusga,” ani Zarate. ■
3
BALITA
Lunes 28 Hulyo 2014
Aquino, pinaratangang diktador dahil sa DAP Julian Bato WALANG IPINAGKAIBA SA isang diktador si Pangulong Benigno Aquino III nang ipatupad nito ang Disbursement Accelaration Program habang patuloy na ginigipit ang badyet para sa mga batayang serbisyo, ayon sa ilang progresibong grupo. Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), inabuso umano ni Aquino ang kapangyarihan ng presidente nang agawin nito ang kapangyarihan ng Kongreso na pamahalaan ang pambansang badyet at balewalain ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng DAP. Nakasaad sa Section 25 Article VI ng Saligang Batas na Kongreso ang nagtatakda nang paglalaanan ng pambansang badyet. Samantala, ayon sa iisang probisyon, tanging pagpapanukala at implementasyon lamang ng badyet ang maaaring gawin ng pangulo sa prosesong ito. Ngunit mula 2010 hanggang 2013, inilipat ni Aquino nang walang pahintulot ng Kongreso ang ilang pondo sa pambansang badyet para sa 116 na “priority projects” umano sa ilalim ng DAP. Nang kastiguhin ng Korte Suprema ang ilang parte ng DAP noong ika-1 ng Hulyo, tila balak umano ni Aquino sirain ang doktrina ng separation of powers ng Saligang Batas, dagdag ni Reyes. “Ayaw nating umabot pa sa puntong magbabanggaan ang dalawang magkapantay na
sangay ng gobyerno, kung saan kailangan pang mamagitan ng ikatlong sangay. Mahirap pong maintindihan ang desisyon ninyo,” ani Aquino sa talumpati niya noong ika-15 ng Hulyo. Ayon sa Section 1 Article VIII, may kapangyarihan ang Korte Suprema na ipawalangbisa ang kahit anong programa ng gobyerno kung nakitang lumalabag ito sa Konstitusyon. “Lumalabas na may dictatorial tendencies ang pangulo. He does not care for the constitute-+-ion and goes as far as threatening the SC. Magkakaroon ng constitutional crisis if the executive does not follow the ruling of the SC,” ani Reyes.
Agad namang dinepensahan ng mga kaalyado ni Aquino ang DAP dahil umano sa mga mabuting nagawa nito sa ekonomiya. Ayon sa National Economic and Development Authority, naka-ambag ng 1.2 puntos sa Gross Domestic Product ng Pilipinas ang tatlong taong implementasyon ng EDCA. “[Subalit] kung titingnan, DAP funds actually go to nonpriority projects that hardly benefit the poor,” ani Reyes. Sa 144 bilyong pondong nilabas ng DBM sa ilalim ng DAP, P40 bilyon ang napunta lamang sa pagbabayad ng insurance claims ng Bangko Sentral ng
Pilipinas at Bureau of Customs, habang P52 bilyon naman ang inilaan sa pork barrel ng Malacanang at Kongreso. Ayon sa isang memorandum ng DBM, kinukuha ng Malacanang ang badyet para sa DAP mula sa mga pondo katulad ng P33 bilyong unprogrammed funds at P30 bilyong savings sa Personnel Services noong 2011. “Magugulat ka na lang na ang laki ng na-iipong pondo [ngunit] magtataka ka kung bakit underfunded ang mga social services,” ani Reyes. Ngayong taon, makakaranas ng budget cut ang 26 sa 112 na state universities and colleges (SUCs) sa bansa. Kabilang
dito ang Mindanao State University na tatanggap ng pinakamalaking budget cut na mahigit P660 milyon at UP na makatatanggap ng P157 milyong budget cut. Sa tala ng Kabataan Partylist, halos kalahati lamang ng mga proposed budget ng SUCs ang inaprubahan sa ilalim ng administrasyong Aquino taon-taon. “If Aquino really wants to help the poor and stimulate the economy, then he should put the funds directly to social services and not presidential pork,” ani Reyes. ■
Laban kontra EDCA, umabot na sa Korte Suprema Hans Christian Marin MATAPOS KASTIGUHIN ng Korte Suprema ang Disbursement Acceleration Program ni Pangulong Benigno Aquino, ipinababasura naman ng mga progresibong grupo sa mataas na hukuman ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Naghain nang magkahiwalay na petisyon ang grupo ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Kilusang Mayo Uno (KMU) at sina dating Senador Rene Saguisag at Wigberto Tanada upang humingi ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa panibagong kasunduan sa
Minsan, kailangan din natin ng space.
Maglayout ka na lang sa Philippine Collegian.
Akyat na sa Rm. 401, Vinzons Hall. Magdala ng Bluebook, bolpen, at portfolio.
pagitan ng US at Pilipinas na nilagdaan ni Aquino noong Abril. Kinundena ng grupo ang tahasang paglabag ng EDCA, sa Section 7, Article II ng Saligang Batas na nagbabawal sa mga dayuhang hukbo, base militar o pasilidad sa bansa maliban na lamang kung pahihintulutan ng Senado ang kasunduan. “Aquino betrayed public trust when he approved a pact that violated national sovereignty, so lopsided and disadvantageous [to our] national interest,” ani BAYAN Secretary General Renato Reyes. Sa ilalim ng EDCA, binibigyang pahintulot ang hukbong Amerikano na mamalagi at magtambak ng kanilang mga armas sa mga base militar ng Pilipinas. Kasama rin sa kasunduan ang hindi maaaring pagdulog sa korte para sa anumang alitan sa pagitan ng Pilipinas at US. Nakasaad sa Section 25, Article XVIII ng Saligang Batas, na rekisito ang pagsang-ayon ng Senado para sa pagpapatayo ng mga dayuhang hukbo, base military, o pasilidad sa bansa. Isang executive agreement lamang umano sa pagitan ng Malacanang at US ang EDCA kung kaya’t hindi ito
nangangailangan ng ratipikasyon mula sa Senado, ayon sa administrasyong Aquino. Ngunit hindi ito sinasang-ayunan nina Saguisag at Tanada, dalawa sa itinuturing na “Magnificent 12” na nagpasara ng mga base militar ng US sa bansa noong 1991. [The contents of] EDCA [hold like a treaty] and must therefore comply with the constitutional requirements for the validity of a treaty,” nakasaad sa petisyon nina Sauisag at Tanada. Simula nang ipatupad ang RP-US Mutual Defense Treaty noong 1951 sumailalim sa isang kasunduan ang dalawang bansa na ipagtatanggol ang bawat isa sa panahon ng digmaan. Sinundan ito ng Visiting Forces Agreement noong 1998 na nagbigay pahintulot sa militar ng US na malayang makapasok sa teritoryo ng Pilipinas. Samantala, nilagdaan ng kasalukuyang administrasyon ang EDCA—pangatlong kasunduan sa pagitan ng US at Pilipinas. “The president,thru EDCA, have once again put the country at a disadvantage. It essentially caters to the need of the US to position its military across the pacific,” ani UP Student Regent Neill Macuha.
Sakaling hindi maglabas ng TRO ang Korte Suprema laban sa EDCA, Malaya nang magagamit ng US ang mga dati nitong base militar sa Clark, La Union at Quezon City kasama ang tatlong pang pasilidad ng AFP – Oyster Bay Naval Base sa Palawan, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija at San Miguel Naval Station sa Zambales, ayon kay dating AFP Chief of Staff Emmanuel Bautista. Kaugnay nito, naglaan ng P500 milyon ang gobyerno para sa pagpapatayo ng mas malaking daungan sa Oyster Bay Naval Base. “Hindi na maikakaila na tuta ng US si Aquino. Isinusuko na niya sa mga dayuhang militar ang kontrol nating mga Pilipino sa sarili nating bansa,” ani Menchani Tilendo, konsehal sa University Student Council ng UP Diliman. Isa ang EDCA sa mga batayan ng inihaing impeachment complaint laban kay Aquino noong ika-21 ng Hulyo. “With the raging fundamental problems that our country is faced with, it is high time that we arrest this kind of administration that allows US to hold a strong grip of it,” ani Tilendo. ■
4-5
LATHALAIN/KULTURA Huwad na pamamahagi
#Baboy Julian Inah G. Anunciacion PAGTALIMA SA MGA SINUMPAANG TUNGKULIN—ito ang marka ng rehimen ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III. Kasabay nang paghagupit ng bagyong Yolanda sinalanta rin ang bansa ng samu’t saring pangungurakot ng pamahalaan—isang halimbawa ng kawalan ng malasakit ng gobyerno sa mga mamamayan. Sa pagputok ng usapin ng “pork barrel,” nabunyag din ang tunay na iniingatang interes ng pangulo na tinaguriang “pork barrel king.” Tinatayang P386 bilyong pondo ang nakurakot ng kasalukuyang administrasyon. Dagdag pa ni dating pambansang ingat-yaman Leonor Briones, hawak ni Aquino ang 9.24 bahagdan ng P2.606 trilyong “proposed national budget,” na ginagamit bilang “discretionary fund.” Sa kabila ng mga protesta, kotrolado pa rin ng pamahalaan ang pondo ng bayan sa pamamagitan ng paglalaro sa teknikalidad ng konstitusyon. Kinukubli ang “pork barrel” gamit ang ibang pangalan: Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program. Patuloy ang panawagan ng estado na makamit ang katarungan at maibalik ang pondo sa mga mamamayan, ngunit sadyang mapagkubli ang pangulo—isa sa mga pangunahing salarin na humahawak sa PDAF upang gamitin sa mga itinuturing na “unprogrammed funds.” Bagaman nakulong na ang ilang sangkot sa kurapsyon—Enrile, Estrada, at Revilla—panandaliang pagtakas lamang ito ni Aquino sa kaniyang pananagutan. Sa paglitis sa kapwa maysala, unti-unting
Lunes 28 Hulyo 2014
Pananamantala sa lakas-paggawa
Hagupit ni Yolanda
#PapetNaPangulo nabunyag ang pagpapanggap ni Aquino dahil sa patuloy niyang pagtatanggol sa iba’t ibang uri ng kurapsyon. Napanagot man ang ilang may sala, hindi pa rin mabibigyan ng hustisya ang mga mamamayang biktima ng kurapsyon hangga’t hindi nananagot ang tunay na maysala. Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, patuloy naman sa pagbibigay ng insentibo ang pangulo sa kanyang mga kaalyado—mula 2004 hanggang 2012, umabot sa P581 milyon ang “kickback” ng mga kaalyadong senador ni Aquino, sa pamamagitan ng mga dummy nongovernmental organizations. Bukod sa pork barrel, tinatangkilik din ni Aquino ang pagbibigay ng “tax exemptions” sa piling “mining at housing corporations” bilang suporta sa mga investors. Higit sa 40 bahagdan ng mga malalaking pribadong kumpanya sa bansa ang nabigyan na ng ganitong insentibo. Sa pagkiling ni Aquino sa iilan, tila isinasantabi niya ang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan. Habang nagpapakasasa sa pondo ng bayan ang kanyang mga kaalyado, hindi pa rin nakakabangon ang Tacloban mula sa pananalasa ng bagyong Yolanda. Kung nailaan lamang ang pondo ng bayan sa pagpapatibay ng mga infrastraktura at pagsasaayos ng daluyan ng tubig-baha, nabawasan sana ang mga pinsalang dulot ng bagyo. Patuloy ang panganganak ng iba’t ibang uri ng kurapsyon ng ating pamahalaang hinulma na ng isang siglo ng huwad na demokrasya. Hangga’t hindi nagbabayad ang tunay na salarin, at hangga’t hindi nakakamtan ng mga mamamayan ang kanilang karapatan, mananatili pa rin tayong alipin sa ilusyon ng matuwid na daan ni Aquino.
Reynaldo V. David, Jr. BIHIS NG MGA PANGAKO AT PAGMAMAYABANG ang pangulo sa kanyang mga talumpati tuwing SONA. Kasangkapan ang pambansang wika, gamit ang hungkag na pagmamalaki sa pagiging Pilipino, ikinukubli niya ang katotohanang ang tunay niyang amo ay hindi ang sambayanan kundi ang dayuhang imperyalistang interes. Inuupos kahit ang natitirang lakas ng wikang pambansa. Sa ilalim ng pangulong minsan ay nagsabing “napakasarap maging Pilipino,” wala na ngayong espesyal na pagtatangi sa Filipino, sa mga katutubong wika, at sa potensyal ng mga itong pagyamanin ang kamalayang makabayan. Taliwas sa pinapalabas na imaheng makabayan ng administrasyon ang inilabas na memorandum ng Commission on Higher Education (CHED) na nagtatanggal sa Filipino bilang rekisitong asignatura sa mga kurikulum sa kolehiyo. Para sa pamahalaan ni Aquino, walang kaso ang libolibong guro ng Filipino na mawawalan ng trabaho, kung ang kapalit ay pagiging mahusay sa wika ng mga banyagang korporasyon na nakikinabang sa likas na yaman at lakas-paggawa ng bansa. Napakabagal din ng pagtugon ng pangulo sa mga nasalanta ng delubyo, tulad ng mga biktima ng bagyongYolanda, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakaahon dahil sa kakulangan ng pangmatagalan at makabuluhang suporta mula sa pamahalaan. Samantala, tila isang tutang dinalaw ng amo ang pangulo sa pagbisita ng mga opisyal ng Estados Unidos—puno ng giliw at mabilis pa sa alas kuwatro. Nagbubulag-bulagan rin ang administrasyong Aquino sa karahasang pinapalaganap ng kaniyang amo, hindi lamang sa labas ng bansa kundi maging sa loob ng sarili nating bakuran. Hanggang
Presyo ng edukasyon
sa kasalukuyan, hindi pa rin napapanagot ang Estados Unidos sa pagkawasak ng bahagi ng Tubbataha reef noong nakaraang taon. Patuloy rin ang pangulo sa lalo pang paglalapit ng mga mamamayan sa peligro sa pamamgitan ng nilagdaan niyang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), isang kasunduang lalo lamang naglalantad sa bansa sa panganib ng pandaigdigang gahum ng Estados Unidos. Aakuin ng mga Pilipino ang gastos ng pagpapagawa ng mga kakailanganing imprastraktura ng mga tropang Kano sa bansa. Bahagi ng badyet para sa mga batayang serbisyo ang kinaltasan habang kailangan namang punan ang mga gastusing kaakibat ng nasabing kasunduan. Tila nakakapit ang pangulo sa paniniwalang kakampi ng Pilipinas ang Amerika—maging siya ay naniniwala sa kabalintunaang ito. Umaasa ang administrasyon ng suporta mula sa Amerika laban sa agresyon ng Tsina, ngunit malinaw na walang dapat na asahan mula sa “pagkakaibigang” ito. Isa ang Tsina sa pinakamalaking katuwang ng Estados Unidos sa pangangalakal, at hindi tatalikuran ng Amerika ang mabuti nitong relasyon sa Tsina para lamang ipagtanggol ang Pilipinas. Binawi na ng pangulo ang anumang pagpapanggap at ngayo’y tahasan na sa pagsisilbi sa interes ng imperyalistang US. Kaya ngayong darating na SONA ng pangulo, ganap na ring babawiin ng mga mamamayan ang tiwala nito sa isang gobyernong handang isangkalan ang kapakanan ng bansa alang-alang sa pabor na ibibigay ng dayuhan. Ngayong lantad na ang katotohanang ang amo ng pangulo ay hindi ang malawak na hanay ng mga mamamayan, na walang maaasahan sa kanyang mga pangako at huwad na nasyunalismo, wala na ring dapat na asahan ang pangulo kundi mas umiigting na protesta at panawagan para patalsikin ang pangulong taksil sa sariling bayan.
#Berdugo Julian Bato
HATOL NG BAYAN Niresiklong retorika na naman ang aalingawngaw mula sa Batasan Complex sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Simeon Benigno “Noynoy” Aquino III: mga bagay na nagawa, mga bagay na kunyari’y nagawa, at mga bagay na balak gawin. Ngunit ang tunay na kalagayan ng bansa ay hindi magmumula sa Batasan kundi sa lansangan. Ang hatol ng bayan ay magmumula sa hanay ng mga mamamayang galit at sawa na sa 4 taong panlilinlang, pandaramabong, pagpapabaya, at pagpapahirap sa ilaliim ng pangulong dapat nang patalsikin sa puwesto. Sinaliksik nina Kareena Abunging Andrea Lucas
Infographics at disenyo ng pahina ni Jan Andrei Cobey
UMAALINGASAW ANG AMOY NG DUGO SA DAANG MATUWID. Sa ikaapat na taon ng kanyang termino, pinatunayan ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III na siya ang numero unong kalaban ng mamamayang Pilipino. Sa kasalukuyang gawi ni Aquino, ipinapamalas ang kanyang tunay na persepsyon sa daang matuwid—isang bansang naghihirap bunsod ng kaniyang kapabayaan. Hinayaan ng pangulo na panatilihin ng militar ang kultura ng paglabag sa karapatang-pantao, na minana pa mula sa nakaraang administrasyon. Halos 200 katao na ang namatay bunsod ng “extrajudicial killings” sa ilalim ng kanyang administrasyon—mga lidermagsasaka, manggagawa, at manunulat na kritikal sa kanyang mga palisiya. Sa ilalim ng administrasyong Aquino, ang karapatan ay isang pribilehiyo para sa iilan. Sa halip na isipin ang kapakanan ng taumbayan, hinahayaan ng pamahalaan na ipagpatuloy ng militar ang kanilang hindi-makataong gawain, tulad ng panggagahasa sa mga kababaihan, paninira ng ari-arian, at ilegal na pagdetine sa mga hinihinalang rebelde. Hinayaan ring makatakas noong 2011 si Heneral Jovito Palparan, ang tinaguriang berdugong heneral na utak sa pagkawala nina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan, dalawang mananaliksik mula sa Unibersidad ng Pilipinas na biktima ng sapilitang pagkawala sa kanayunan walong taon na ang nakalipas.
At tila mailap pa rin ang katarungan para kay Juan. Sa bawat sulok ng siyudad, mayroong mga batang umiiyak habang ginigiba ang kanilang mga bahay na tatayuan ng mall o parking lot. Halos magpatayan ang higit sa 12 milyong Pilipinong walang trabaho para sa mga trabahong kakarampot na nga ang kita ay wala pang benepisyo at nanganganib ring mawala bunsod ng kontraktuwalisasyon. Sa huling tatlong taon, trumiple din ang yaman ng mga bilyonaryong kasosyo ng administrasyon sa pribatisasyon ng mga pampublikong serbisyo. Sa kabila ng mga sariling puri ng administrasyon at mga kaalyado nito, nariyan pa rin ang taumbayan na handang bumalikwas. Saksi ang masa sa mga pagkakataong nabigo siyang gampanan ang mga tungkulin bilang pangulo. Habang ang mga Pilipinong nasalanta ng iba’t ibang kalamidad ay nagsisiksikan sa mga “bunkhouses” at naghihintay ng “relief goods,” mahimbing ang tulog nina Enrile, Estrada, at Revilla sa mga dekalibreng piitan na kumpleto pa sa pasilidad: may aircon, banyo, at magandang kama, milya-milyang layo sa init at ingay ng Bilibid. Ang karanasang ito ng paghihirap at pagtitiis ay tila nakaukit na sa isipan ng mamamayang Pilipino. Sa huli, ang pamana ni Aquino ay isang daang matuwid tungo sa isang mapait na kamatayan para sa karaniwang Pilipino. Ang bawat mukha ng kapabayaan na ito ang nagpapatibay sa iisa’t malakas na tugon ng masa: patalsikin si Aquino!
Lumalalang kahirapan
Sources: DOLE, EILER, IBON, National Statistical Coordination Board, NSO Labor Force Survey, IBON Foundation, Manila Electric Company, Department of Interior and Local Government, Department of Budget and Management, Bureau of Agricultural Statistics, Commission on Higher Education, Kabataan Partylist, up.edu.ph, National Statistics Office, Department of Social Welfare and Development, Department of Foreign Affairs

6
LATHALAIN Ang
Maliit,
Franco Cañal & Aldrin Villegas GUGUHO ANG SISTEMA NG isang gadget sa sandaling tanggalan ito ng microchip — ang maliit na bahaging halos ga-kuko ang laki ngunit hindi masukat ang kapasidad. Pinagagana ng bawat piraso nito ang mga relo, cellphones, laptops, calculators, at maging mga malalaking satellite. Katumbas ng walang sukat na kapangyarihan ng bawat microchip ang taglay ng kanilang mga manggagawang maliit kung ituring ng kumpanya. Walong oras kada araw ang binubuno ni Mang Lino* mula Lunes hanggang Biyernes sa paghahanda ng =mga materyales na gagamitin sa paglikha ng libulibong microchips. Tumatayo siyang Materials Controller sa NXP Semiconductors Cabuyao, Inc., isang multinational company sa Laguna na nagsusuplay ng microchips sa ilang mga sikat na technology brands tulad ng Apple, Huawei, Panasonic at Samsung. Daing ni Mang Lino ngayon ang sahod niyang tila napako na sa kabila ng 19 taon niyang paninilbihan sa NXP. Bukod sa arawaraw na gastusin, kailangan din niyang asikasuhin ang pagpapaaral ng dalawang anak sa kolehiyo at dalawa rin sa high school. Kaya isang malaking hamon para sa kanya nang iligal siyang mapatalsik, kasama ang 24 pang union leaders ng kumpanya noong Mayo 5.
Mabigat na pasanin Upang igiit ang P60 na dagdag-sahod, lumahok si Mang Lino sa serye ng mga kilosprotesta kasama ang ibang NXP Semiconductors Cubayao, Inc. Workers’ Union (NXPSCIWU) leaders. Ito ang pangunahing
Malaki
dahilan kung bakit itinanggal ang mga lider ng NXPSCIWU, ayon sa NXPSCI management. “Sakto lang talaga ang natatanggap [kong sahod] galing sa trabaho. Kaya naman gusto sana naming itaas ang sahod, pero ang nangyari tinanggal pa kami kaya wala na rin akong naipon,” ani Mang Lino. Sa gitna ng sabay-sabay na gastusin, kinailangan niyang dumiskarte at mangutang nang mawala ang tanging pinagkakakitaan. “Ang gusto ko lang naman, dinggin ang aming panawagan at makabalik kami sa trabaho. Parang naging pangalawang tahanan ko na ang NXPSCI,” ani Mang Lino. Sadyang hindi sasapat ang P25 dagdag-sahod na handang ipagkaloob ng kumpanya alinsunod umano sa panukala ng base nito sa Netherlands na 3.5 bahagdan lamang na pagtaas. Ayon sa NXPSCI, malulugi ang kumpanya sakaling pagbigyan ang P60 na dagdag-sahod. Sa gitna kanilang pagtanggi na dagdagan ang pasahod ng kanilang mga manggagawa, lumutang naman ang balita tungkol sa pinansyal na kalagayan ng NXP --- P208 bilyon ang kinita nito sa taong 2013 mula P188 bilyon noong 2012, ayon sa financial report nito.
Patid na koneksyon “Secure connections for a smarter world,” ang slogan ng NXP. Sa kanilang mga likhang microchip nakasalalay ang pagusad ng produksyon sa iba’t ibang industriya, ngunit sa likod ng bawat mabisang microchip nagkukubli ang kwento ng mga manggagawang tinanggalan ng kapangyarihan.
at ang
Lunes 28 Hulyo 2014
MAKAPANGYARIHAN
Bukod sa maliit na sahod, isa pang banta ang kontraktwalisasyon sa mga manggagawang kasapi sa unyon na humantong sa pagpapatalsik sa trabaho ng mga regular tulad ni Mang Lino. “Matapos ang malawakang tanggalan noong 2006-2009 dahil umano sa krisis-pinansyal, untiunti nang nagsagawa ang NXPSCI ng kontraktwalisasyon.” ani Reden Alcantara, pangulo ng NXPSCIWU. Katumbas ng mga gawain ng mga regular na manggagawa ang ibinibigay sa kanila para sa limitadong panahon sa mas mababang sweldo. Ayon pa kay Alcantara, katumbas ng sahod ng isang regular na manggagawa ang sahod ng tatlong kontraktwal. Sa kasalukuyan, tinatayang may 2,000 kontraktwal na manggagawa ang NXP at ilan sa mga ito’y mahigit dalawang taong nang nagtatrabaho sa kumpanya. Hindi nila natatamasa ang mga pribilehiyo tulad ng pagiging kasapi ng unyon at pagkakaroon ng karampatang kita bunsod ng mababang pasahod sa kanila. Ani Elmer Labog, pangulo ng militanteng organisasyon Kilusang Mayo Uno (KMU), “Hindi pwedeng umangal ang mga kontraktwal sa napakahirap na kalagayan nila
sa paggawa—mas mababa ang pasahod, mas mahaba ang oras ng paggawa, walang sapat na proteksyon at siyempre walang kasiguruhan sa trabaho.”
Pagkiling Sa kabila ng malaking ambag ng mga manggagawa sa patuloy na pagdaloy ng ekonomiya, pinahihintulutan pa rin ng pamahalaan ang sistema ng kontraktwalisasyon. “Dahil sa Department of Labor and Employment (DOLE) Order No. 18-A noong 2011 na inaprubahan ni PNoy, nanatiling ligal ang kontraktwalisasyon,” ani Labog. Sa ilalim ng kautusan ng DOLE, pinagtitibay lamang nito ang paglaganap ng mga labor agency at contracting-out sa trabaho. Batay sa datos ng KMU, 60-70 bahagdan ng mga manggagawa ay kontraktwal. Kabilang sa mga kumpanyang nagsasagawa ng kontraktwalisasyon ay Coca-Cola, Honda, Nestle, Procter & Gamble, Toyota at Universal Robina Corporation sa mga kumpanyang talamak ang ganitong sistema. Sa tinatayang 1,300 na manggagawa sa Toyota, humigit-kumulang 700 o 53.8 bahagdan sa kabuuang bilang ng mga kontraktral.
Dagdag pa rito, iniiwasan ng gobyerno ang usapin ng P125 na dagdag-sahod para sa lahat ng manggagawa sa bansa. Ayon kay National Wage and Productivity Commission Executive Director Crisanta Sy, libu-libong manggagawa ang mawawalan ng trabaho kung ipatutupad ang panukalang dagdag-sahod. “Ang impact ay nandun sa ating mga unskilled workers. Kapag tinaasan ang [gastusin] ng mga employers sa sahod ng mga manggagawa, sila ang unang-unang matatanggal.” aniya. Taliwas sa pahayag ng pamahalaan, kayang-kayang suportahan ng mga employer sa Pilipinas ang hinihinging dagdagsahod, ayon sa IBON, isang institusyong pampananaliksik. Noong 2009, nakapagtala ang mga kumpanya ng P1,629.5 bilyong kabuuang kita at 3.94 milyong empleyado, base sa datos ng National Statistics Office. Maaaring makatanggap ng karagdagang P3,802 kada buwan ang mga manggagawa na magkakahalaga ng P194.9 bilyon lamang. Sa bawat oras na hindi pinapakinggan ng administrasyon ang milyun-milyong manggagawa ang napagkakaitan ng disenteng sahod at buhay. Ituring man silang maliliit na mga bahagi, ang kapangyarihan nilang lumilikha ng yaman sa oras na maibalik sa serbisyo, tulad ng mga microchips sa loob ng mga gadgets. ■ *hindi tunay na pangalan
Dibuho ni Jiru Rada
7
OPINYON
Lunes 28 Hulyo 2014
Sa Gitna ng Sigalot by Gloiza Plamenco
KUNG NANDOON LANG AKO SA biglaang pagpupulong ng United Nations Human Rights Committee (UNHRC) noong Hulyo 23, marahil ay binato ko na ng sapatos ang delegasyon ng Estados Unidos. Paano ba naman kasi, wala itong takot at pag-aalinlangan sa pagboto ng “no” sa panukala ng UNHRC na magkaroon ng masinsinang imbestigasyon sa mga naging paglabag sa batas ng Israel ― at oo, tanging ang US lamang ang sumalungat sa 47 bansang miyembro ng UNHRC. Tila ba wala itong pagpapanggap sa kagustuhan nitong magpalaganap ng kultura ng impunity sa buong mundo, lalo na sa tumitinding krisis sa Israel at Palestine ngayon. Kung tutuusin, hindi ko na kailangang ipaliwanag ang masalimuot na kasaysayan nghidwaan ng dalawang estadonanakaugat sa matagal nang hindi pagkakasundo sa teritoryo. Bukod sa malaki-laki pang espasyo ang kakailanganin ko para doon, maiintindihan mo na agad ang kawalan
ng hustisya mula pa lang sa mga balita sa diyaryo at TV. Nagdulot lamang ng pagkasawi ng daan-daang sibilyan ng Palestine ang sunod-sunod na pag-atake ng armadong pwersa ng Israel sa Gaza Strip, kaya’t kinilala ng UNHRC ang pangangailangan ng panghihimasok ng iba’t ibang bansa. Oo, malayo nga talaga tayo sa kaguluhan, ngunit kung hindi pa mabagabag ang damdamin mo sa mga litratong nagkalat sa internet— burol ng isang buong pamilyang nasawi, mga batang duguan at pilit sinasalba ng mga doktor, mga residente ng Gaza na agad na nakalikas ngunit naninirahan sa gilid ng patalim, at ang mga pinulbos nilang tahanan – baka pusong bato ka talaga tulad ng US. Ngunit kung pag-iisipan ko nang mabuti, hindi na rin ako nagtataka na ipinagpipilitan ng US na isantabi muna ang pagpapanagot
Oo, malayo nga talaga tayo sa kaguluhan, ngunit kung hindi pa mabagabag ang damdamin mo sa mga litratong nagkalat sa internet
sa pamahalaan ng Israel sa paglabag ng karapatang-pantao ng mga taga-Gaza. Maliban pa sa kaalyado nila ang Israel at nagbibigay pa ng suporta sa armadong pwersa nito, maraming bansa na rin ang naging biktima ng pang-aapi ng US ― at hindi ko na kailangang lumayo pa upang humanap ng halimbawa. Sino ba naman ang makakalimot sa kaso ni Nicole, ang Pilipinang ginahasa ng mga sundalong Amerikano noong 2005? Baka kailangang ipaalala pa sa iyo na hindi nanagot ang mga akusado at nagawang makabalik sa US matapos mapawalang-sala ng Court of Appeals. Ngayon, nandito na naman ang mga Amerikano at muling magpapatayo ng mga base militar na tahasang lalabag sa ating konstitusyon. Hinding-hindi matutumbasan ng salapi ang pinsalang naidulot ng pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef, na siyang sumira sa daan-daang kilometro ng coral. Dagdag pa sa lahat ng ito ang malawakang kontraktwalisasyon ng mga dayuhang kompanya sa ating mga manggagawang Pilipino, na karamihan dito ay galing pa sa industriya ng Business Process Outsourcing ng US. Hindi lamang mga bata, matatanda at mga pamilyang nasawi ang biktima, kundi tayo rin mismong mga Pilipino ― at hanggang ngayon, hindi pa rin nananagot ang tunay na mga maysala.
PARA KAY RJB, na pumasa ng UPCAT (pero di tumuloy) by John Keithley Difuntorum KAMUSTA NA, KAIBIGAN? HINDI MO na ata ako kilala. At maaaring hindi na tayo magkakilala pang muli. Naaalala ko pa nung araw na sabay tayong kumuha ng UPCAT. Aligaga ako noon dahil naiwan ko yung maswerte kong bolpen sa bahay niyo. Binigyan mo ako ng bolpen (na wala ng tinta ngayon) at sinabi mong hindi ko kailangan ng swerte. Sabi mo na para sa ating walang ibang pagpipilian, ang lahat ng bagay ay inaasa sa kapalaran. Nakita ko sa mga mata mo ang isanlibong dekada ng paniniwalang namana mo sa iyong dugo. Manghang-mangha ako sa iyo noon - ikaw na naglalakad ng may katiyakan, ikaw na palaging naghihintay sa unang patak ng ulan, ikaw na nakikipagsapalaran sa nakaraan, ikaw na nabubuhay sa kasalukuyan. Hindi mo ako sinamahang tumuloy sa UP, kahit parehas tayong nakapasa. Ang sabi mo, ang pag-aaral sa kolehiyo ay isang luhong para lamang sa mga may karapatang mangarap. Tumango lang ako noon pero ang nasa isip ko ngayon, kung naibebenta lang ang kamulatan malamang ay hindi ka na mahihirapan pa. Kung mapapakain lang
ng mga matatalinhaga mong salita ang kumakalam na sikmura, sana ay kasama kita sa landas na parehas nating ipinaglaban. Siguro nga ang lahat ng bagay sa atin ay palaging taliwas sa inaasahan. P u m a s o k ako ng UP na umaasang ito ang kasagutan sa lahat ng aking katanungan. Ngunit hindi rin pala libre ang mangarap sa Unibersidad. Hindi rin pala produkto ng karunungan ang kamalayan. At mas lalong hindi rin pala nakukulong sa unibersidad ang pagkatuto. Tinatangay ito ng hangin palabas ng apat na sulok ng eskwela, hinihipan ang mga namumuong dumi at alikabok
ng lipunang ginagalawan, hindi nagpapatangay sa simbuyo ng masang kuntento na sa isang kapalarang dinidikta ng mga makapangyarihan. Alam kong malabo na tayong muli pang magkasama, k a i b i g a n . Magkasalubong man tayo sa daanan ay hindi mo na ako makikilala pa. Maari ding hindi na rin kita lingunin sa daang pinili mong tunguhin. Pero alam kong babalik pa rin ako sa lugar na ating kinamulatan, kagaya ng nawalang anak na nahanap na ang daan pauwi. Alam kong babalik ka rin isang araw at sana ay magkita tayong muli, bitbit ang mga lumang alaala at bagong pananaw sa isang tagpuang tila napag-iwanan na ng panahon.
Hindi rin pala produkto ng karunungan ang kamalayan. At mas lalong hindi rin pala nakukulong sa unibersidad ang pagkatuto.
Delubyo ng demolisyon by Chester Higuit
“
Mahirap ang aking [naging] karanasan sa buhay. Ang tanging nagpapatibay lang sa [akin] ngayon ay ang aming pagkakaisa.
KILALA ANG BARANGAY LAIYA SA SAN JUAN, Batangas bilang isang magandang beach resort para sa mga residenteng malapit sa Maynila. Subalit para kay Aling Clemen, ito ang lugar na kinalakhan niya ang kanyang tahanan na sadyang napakalayo sa kanya ngayon. Hindi inakala ni Aling Clemen na ang mga karahasang napapanood niya sa mga teleserye ay mararanasan niya sa tunay na buhay. Noong Hulyo 3 sinugod ng mga armadong pulis ang kanilang lugar, pinalayas sila sa kanilang mga tahanan, at hindi pinahintulutang lumapit sa kanilang kabuhayan sa may tabing-dagat. Sinubukan umanong umalma ng kanilang mga kapitbahay, subalit tutok ng baril ang isinukli sa kanila ng armadong kalalakihan dahilan para balutin sila ng takot. Ayon sa mga awtoridad, pagtatayuan daw ng pribadong resort ang lugar ni Aling Clemen at ang tahanan ng halos 100 pa niyang kasamahan na apektado ng gaganaping demolisyon. “Hindi lang ako ang nawalan ng tirahan. Napakarami naming pamilya na nakikinabang doon at nabubuhay nang tahimik,” ani Aling Clemen. Nang gibain ang kanilang tahanan, walang sapat na tulong na ipinadala ang pamahalaan liban sa pagbibigay ng P7,000 bilang tulong. “Ganoon na lang ba ang halaga ng pagkawala ng aming tahanan?” Pansamantalang nagtayo ng barong-barong sa kahabaan ng Department of Agrarian Reform sina Aling Clemen at ang iba niya pang kasamahan na biktima rin ng demolisyon. Bilang protesta sa pagpapabaya ng ahensiya sa kanila tuloy ang piket ni Aling Clemen kasama ang kanyang pansamantalang kapitbahay. Sa katunayan magma-martsa sila patungo sa State of the Nations Address (SONA) ng Bayan, hindi para mapakinggan ang mapanlinlang na talumpati ng pangulo, kundi upang ipanawagan ang karahasan ng estado. Sana’y man sa mapayapang pamumuhay sa tabing dagat, handa nang igiit at ipagsigawan ni Aling Clemen ang kanyang karapatan sa SONA ng Bayan. Ang alaala ng kanilang tahimik na pamumuhay sa Batangas ang nagbibigay pag-asa sa kanilang bumangon araw-araw— handang harapin ang hamon ng kinabukasan.
8
OPINYON
Lunes 28 Hulyo 2014
EDITORYAL
Wakas ng landas PANAHON NA NANG PANININGIL ng taumbayan. Sa muling pagharap ni Pangulong Benigno Aquino III sa Kongreso para sa kanyang State of the Nation Address (SONA), paglaban at panawagan ng pagpapatalsik ang isasalubong ng sambayanan. Matagal nang lipas ang palugit ni Aquino upang patunayang nagsisilbi ang kanyang pamahalaan sa interes ng taumbayan. Sa nagdaang apat na taon ng kanyang panunungkulan, lalong sumidhi ang kahirapan at lumala ang kalagayan ng higit na nakararaming mamamayan. Bagaman paulit-ulit na ibinabandera ni Aquino ang paglago umano ng ekonomiya, nananatiling mababa ang kalidad ng pamumuhay ng mas nakararaming Pilipino. Tinatayang umaabot sa 23.7 milyon ang mga labis na naghihirap o iyong mga nabubuhay lamang sa P52 kada araw, ayon sa IBON Foundation. Samantala, umaabot sa 2.9 milyon ang bilang ng mga walang trabaho, ayon mismo sa datos ng gobyerno. Malinaw na tanging mga malalaking negosyo at dayuhang namumuhunan ang nakikinabang, habang walang pagbabagong nararanasan ang ordinaryong Pilipino. Subalit sa halip na harapin at managot para sa tunay na kalagayan ng bayan, tiyak muling mamumutawi sa SONA ni Aquino
ang mga kasinungalingan at huwad na signos ng pag-unlad. Maliban pa sa malawakang panlilinlang, inaasahang patuloy na ipagtatanggol ni Aquino ang kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) sa kabila ng paglabag nito sa Konstitusyon ayon sa Korte Suprema. Higit pa, patuloy na itinatanggi ni Aquino ang kriminal na responsibilidad niya at ng kanyang administrasyon sa samu’t saring mga kontrobersyang nakapalibot sa kaban ng bayan. Huwad ang pangako ni Aquino na pagwawaksi ng korupsyon sa pamahalaan. Maliban sa DAP, nananatiling may pananagutan si Aquino sa mas malawak na sambayanan tulad ng mga biktima ng iba’t ibang kalamidad, pinakahuli na ang mga apektado ng bagyong Yolanda. Hindi katanggap-tanggap kung paanong sa loob ng apat na taon, patuloy na binarat ni Aquino ang badyet para sa serbisyong panlipunan habang walang pakundangan niyang ginagamit ang pera ng taumbayan upang pagsilbihan ang kanyang pulitikal na interes. Saksi ang mamamayan sa ilang taong baluktot na pamamahala at palisiya ni Aquino. Bukod sa hindi sapat na inilalaang badyet, patuloy sa pagbulusok ang serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at pangkalusugan. Sa bawat sulok
Malaon nang basag ang ilusyon ng tuwid na daan, at walang estadistika o mabulaklak na salita ang makapagkukubli sa tunay na kalagayan ng bayan
ng bansa, sa mga paaralan at pagamutan, sakahan o pagawaan, tumatambad ang kawalan at kakulangan ng pamahalaan. Sa Unibersidad ng Pilipinas lamang, ramdam ang kapabayaan na siyang pangunahing naguudyok sa higit pang mga suliraning para sa mga estudyante, kasama ang pag-igting ng komersyalisasyon ng edukasyon at pagtatanggi ng pamantasan sa karapatan ng mga kabataan sa edukasyon. Samantala sa ibang sektor ng lipunan, patuloy ang panggigipit sa marapat at nakabubuhay na sahod para sa mga manggagawa, at tunay na reporma sa lupa sa mga magsasaka. Malaon nang basag ang ilusyon ng tuwid na daan, at walang estadistika o mabulaklak na salita ang makapagkukubli sa tunay na kalagayan ng bayan. Umabot na sa sukdulan ang pagtataksil ni Aquino sa taumbayan, at marapat nang wakasan ang pinatag niyang landas para sa iilan. Mula sa mga sakahan, pagawaan, komunidad, at pamantasan, dadaluyong ang mamamayan upang bawiin ang ipinagkatiwala ngunit inabusong kapangyarihan kay Aquino. Sa lansangan, muling makikipagtuos ang taumbayan. ■
Mary Joy Capistrano Punong Patnugot
Gloiza Rufina Plamenco Kapatnugot
Ronn Joshua Bautista Tagapamahalang Patnugot
Ysa Calinawan John Keithley Difuntorum Emmanuel Jerome L. Tagaro Patnugot sa Grapiks
Julian Inah Anunciacion Tagapamahala ng Pinansiya
Amelyn Daga Pinansiya
Paul John Alix Tagapamahala sa Sirkulasyon
Gary Gabales Amelito Jaena Glenario Ommamalin Sirkulasyon
Trinidad Gabales Gina Villas Mga katuwang na Kawani Kasapi
UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (Solidaridad) College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Pamuhatan
PNoy wala namang nagawa, ‘wag nang pahabain — BAYAN MUNA SONA GAWING 5 MINS. LANG BULGAR — 27 Hulyo 2014
SONA: Bulsa ng masa butas sa mahal na bilihin BANDERA — 24 Hulyo 2014
Manggugulo sa SONA aarestuhin, kakasuhan
Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon Telefax
981-8500 lokal 4522 Online
kule1415@gmail.com www.philippinecollegian.org fb.com/philippinecollegian twitter.com/kule1415
PILIPINO STAR NGAYON — 27 Hulyo 2014
Kilos-protesta, ilalarga ng mga guro sa SONA ni PNoy REMATE — 23 Hulyo 2014
Ukol sa Pabalat Dibuho ni Ysa Calinawan