1 minute read
Sa Kagubatan ng Lungsod
Sa gitna ng lungsod ng Quezon, matatagpuan ang halos 18 ektaryang kagubatan ng Pook Arboretum. Subalit taliwas sa katahimikang angkin ng arboretum, patuloy na gumagambala sa mga residente ang panganib na mapaalis sa komunidad na matagal na nilang itinuring na tahanan. Isa rito ang pagpapatayo ng Philippine General Hospital (PGH) Diliman na isinulong ni Danilo
Concepcion nang manungkulan siya bilang pangulo ng UP noong 2017. Sa proyektong ito, malaking bahagi ng protektadong forest area ng arboretum ang maaapektuhan. Higit sa kaunlarang ipinangako ng mga proyektong pang-imprastraktura, ang pagtalikod sa interes ng mga komunidad ang iiwang legasiya ni Concepcion sa pagtatapos ng kanyang termino.
Advertisement
(Mula kaliwa hanggang kanan) Gumagapang sina Sopia, Polyn at Jovelyn sa ilalim ng bakod para makipaglaro sa ibang bata ng Block 4 habang binabantayan sila ni Elyn Rodrigo, kanilang ina.
Hindi hadlang ang nakatayong bakod sa kwentuhan nina Elyn at Leonidas Diola, kaibigan ni Elyn, sa Block 3 ng Pook Arboretum.
Tatlumpung taon nang naninirahan si Leonidas sa Pook Arboretum. Noong 2021, itinatag nilang mga residente ang MAGKAISA Pook Arboretum dulot ng pangangailangan na igiit ang kanilang panawagan para sa disenteng tirahan.
Arthur David San Juan