Philippine Collegian Tomo 97 Issue 1

Page 1

PHILIPPINE

COLLEGIAN

The Official Weekly Student Publication of the University of the Philippines Diliman

Volume 97 • Issue 01 • 12 pages Tuesday, 13 August 2019

NEWS

KULTURA Presyo ng Espasyo

With 1 in 3 dorm slots unutilized

6-7

Displaced students, faculty cry foul over housing deficit Page 3

FEATURES Articles of War 8-9

www,philippinecollegian.org

@phkule

phkule@gmail.com


EDITORYAL

DIBUHO • MARCY LIOANAG

PHILIPPINE COLLEGIAN The Official Weekly Student Publication of the University of the Philippines Diliman

EDITOR-IN-CHIEF Beatrice P. Puente ASSOCIATE EDITOR Marvin Joseph E. Ang MANAGING EDITORS John Irving D. Gandia Kimberly Anne P. Yutuc BUSINESS MANAGERS Rex Menard L. Cervales Cathryne Rona L. Enriquez FEATURES EDITOR Richard C. Cornelio

PANATA SA BAGONG SIMULA Tigib ng tunggalian ang mga naratibong humuhubog sa lipunan. At sa gitna ng namamayaning sigalot, muling titindig ang publikasyong tangan ang tungkuling magsuri, pumili, at bumalikwas. Matapos ang krisis na kinaharap nito noong nakaraang taon, nagbabalik ang Collegian ng mga mag-aaral at ordinaryong mamamayan. Babalikatin ng pahayagan sa ika-97 nitong taon ang mandatong patampukin ang mga kwentong sumasalamin sa tunay na kondisyon ng tagapaglathala nito. Hindi magpapakulong ang Collegian sa pag-uulat ng mga kaganapan sa loob ng unibersidad, dahil higit pa rito ang tunay na gampanin ng pahayagan sa isang lipunang nagdarahop hanggang sa kasalukuyan. Ngayong sumusuong ang bansa sa mas tumitinding krisis, hamon sa publikasyong magtimbang ng mga panig, maghain ng matalas na suri, at hindi magpakupot sa naratibo ng mga nasa kapangyarihan. Pagkat malaking kataksilan sa sambayanan ang maglahad ng

Mahalagang marinig ang bawat panig ng isyu, ngunit ang higit na tungkulin ng pamamahayag pagkatapos magsuri ay pumili.

naratibong taliwas sa kanilang karanasan. Sa nagdaang tatlong taon, puspos ng ilusyon at panlilinlang ang naratibong ipinalalaganap ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pilit nilang ikinukubli ang naratibo ng pananamantala ng maladiktadurang pamamalakad. Kinukundisyon ng mga ekonomista ng gobyerno ang mamamayan na may ginhawang hatid ang samu’t saring reporma, tulad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, na nagpapataw ng mas malaking buwis sa kalakhan ng mga konsumer habang ibinababa ang

buwis ng pinakamayayamang indibidwal at pamilya. Nais tayong paniwalain ng Palasyo na may paglagong kalakip ang Build, Build, Build dahil bahagi ng buwis na makakalap sa TRAIN ay laan sa mga ipatatayong imprastraktura. Upang makamit ang ambisyong ito, handa ang pamahalaang isangkalan at isuko ang soberanya ng bansa para sa labis-labis na utang sa Tsina, na siyang magpopondo sa mga mapanganib na proyekto tulad ng Kaliwa Dam. Ayon sa pangulo, dapat maniwala tayong nasa kontrol pa rin ng pamahalaan ang mga bagay. Hindi nalalayo sa ganitong sitwasyon ang pamantasan. Ayon sa mga opisyal ng unibersidad, susi ang UP Master Development Plan (MDP) sa modernisasyon at pagpapaganda ng pamantasan, na naglalayong magamit at mapagkakitaan ang espasyo nito. Panukalang ituring dahil opisyal, mula sa makapangyarihan, tungo sa mga nasa laylayan. Subalit katambal ng opisyal na mga naratibong ito ay ang mga kwentong pilit ikinukubli at isinasantabi. Taliwas sa ipinagmamalaking ganansya ng TRAIN, nariyan ang mga pamilyang lalong naghihikahos at kumakalam ang sikmura dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin. Sa likod ng mga matatayog na imprastruktura, nariyan ang mga maralitang tinatanggalan ng

tirahan at kabuhayan, ang mga mangingisdang pinalalayas ng mga dayuhan, at ang mga magsasakang kinakamkaman ng lupang sakahan. Habang ipinagmamalaki ng UP ang mga magagarang gusali at kosmetikong pagbabago sa pamantasan, pinangangambahang mawalan ng tirahan ang mga residente at ng espasyo ang mga manininda sa loob ng unibersidad. Kabalintunaang wala pa ring sapat na pasilidad tulad ng dormitoryo para sa mga iskolar ng bayan. Mahalagang marinig ang bawat panig ng isyu, ngunit ang higit na tungkulin ng pamamahayag pagkatapos magsuri ay pumili. Muling bubuksan ng Collegian ang mga pahina nito sa mga naratibo ng pag-aklas at paglaban. Sa patuloy nitong pagsandig sa interes ng mamamayan, muling ilalahad ng Collegian ang danas ng mga biktima at naulila ng giyera kontra-droga, ang kwento ng mga manggagawa sa piketlayn, ang salaysay ng lider-kabataan at aktibistang humaharap sa panggigigipit at karasahan. Ito ang pamamahayag na angkop para sa mga mag-aaral at api dahil mula ito sa kanila at iaalay sa kanila. Ito ang pamamahayag na pilit hinuhulma ng naratibo ng estado at makapangyarihan ngunit hindi ito ang papadaig – interes ng mga minorya at estudyante ang mananaig, sama-samang tatahak sa tamang landas, babalikwas. •

PAGE COVER • ROSETTE GUIA ABOGADO

KULTURA EDITOR Sheila Ann T. Abarra GRAPHICS EDITOR Rosette Guia G. Abogado GUEST EDITORS Sanny Boy D. Afable Adrian Kenneth Z. Gutlay Jiru Nikko M. Rada STAFF Samantha M. del Castillo Lucky E. dela Rosa Polynne E. Dira Jose Martin V. Singh AUXILIARY STAFF Amelyn J. Daga Ma. Trinidad B. Gabales Gina B. Villas CIRCULATION STAFF Gary J. Gabales Glenario Omamalin ••• UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (Solidaridad) College Editors Guild of the Philippines (CEGP) www.philippinecollegian.org ••• Sampaguita Residence Hall University of the Philippines Quirino Avenue, Diliman Quezon City


NEWS

With 1 in 3 dorm slots unutilized

Displaced students, faculty cry foul over housing deficit Around 320 students are still in need of housing after deliberations by the Dormitory Admissions Committee (DAC) on the first round of appeals, according to data shared by the University Student Council (USC).

C. J. LITA and GREG LINA This year’s dormitory crunch comes after ongoing renovations of the Kamia, Yakal, and Molave dormitories rendered 1,145 slots unavailable. The shortage is the second such crisis since 2015, which saw 500 students enroll without spaces in the residence halls (see sidebar 1). Sifting through students’ appeals in this situation has been harder, while the completion date of the dorms’ renovations is beyond their control, said Vice Chancellor for Student Affairs Jerwin Agpaoa. Agpaoa chairs the fivemember DAC, which includes Office of Student Housing (OSH) Director Dr. Shirley Guevarra, Assistant Professors Raymund Gerard Guerrero and Mary Jane Rodriguez-Tatel, and USC Chairperson Sean Thakur. “[Dormitory application] is not a perfect system. Maraming factors ang dapat i-consider like the dorm managers’ review. I’m [planning] to make it more comprehensive, like the Student Financial Assistance [application system’s], ganun dapat ka-rigorous ang basehan kasi sa dorm app [ngayon] income lang ‘yung hinihingi,” he remarked. To help remedy the deficit, Agpaoa recommended the overbooking of the facultyexclusive Kamagong Residence Hall by converting three-person spaces to fit four instead. “Overbooking is okay [as long as napapacheck] sa Office of the Campus Architect,” Agpaoa said. Dormitory woes The impact of the student housing dearth, however, has been more than just going without a

place to stay for some. Sophomore public administration student Danicah Navidad, for instance, was compelled to leave UP following an unsuccessful dormitory bid despite her current living conditions and being a Zamboanga native. Navidad, who also juggles a part-time job with her studies, has been no stranger to dismal circumstances in UP, but being denied a dorm was the final straw. “[As a transferee from the Philippine Military Academy] ‘yung subjects ko hindi na-credit. Hindi rin working student-friendly ang mga oras ng klase at ang mahal magpa-photocopy ng readings. Mabigat ‘yun para sa’kin,” Navidad said. “I applied for a UP dorm one last time. If I qualified, I [would have taken] it as a sign na mag-stay sa UP, but for the second time, it failed me,” she added. A certain school in Makati expressed willingness to help her to graduate faster by crediting all of her subjects, putting her at 4th year standing for this semester. In an effort to solve such issues, the USC sent a letter to UP President Danilo Concepcion, requesting to open affordable slots for students at the UP School of Labor and Industrial Relations (SOLAIR) and the UP National Institute for Science and Mathematics Educational Development (NISMED). However, only a total of 64 additional dorm slots in Balay Kalinaw, SOLAIR Hostel, NISMED Hostel, and DMST Barracks will be provided, after student leaders held a meeting with housing administrators and members of the Board of Regents last August 6 (see sidebar 2). “Sobrang nakakagalit na hindi lang interes ng mga estudyante at kaguruan ‘yung pinagbabangga

13 August 2019 • www.philippinecollegian.org

ng UP administration. Maging within the ranks of students pinagbabangga nila [for dorm slots],” said USC Students Rights and Welfare Head Tierone Santos, who himself counts among those who have yet to find housing. Displaced faculty On the other hand, the faculty’s housing needs have also been difficult to address, Agpaoa said. In light of the Salary Standardization Law, which increases the compensation for civil and military personnel, faculty can afford to rent, he said. Slots in the Acacia Residence Hall, in addition, have also been offered to faculty, he added. “Masakit sa loob pero when you’re trying to make the most of the few slots, kailangan bumase sa rules para kahit mayroon kang isantabi, hindi mo sinusupress ‘yung rights ng iba,” Agpaoa remarked. Meanwhile, Gab (not his real name), an Ilocos Region native and junior faculty-graduate student, was among those affected by the OSH’s decision to displace some faculty members from residence halls. “[L]aging may consultation noon. Tapos ngayon, sinubject ang faculty sa undergraduates’ rules and regulations on housing,” he said while also pointing out that such rules should not have been enforced on faculty-graduate students. Some professors from Gab’s dormitory, the Kamagong Residence Hall, however, stood their ground for a dormitory slot and were eventually granted places. “[M]ay space naman pala at kaya naman pala itong gawin. Those who remained felt guilty [because] they were given a slot [while the others were not]. But everybody is fighting for one

LUCKY DELA ROSA #WENEEDSPACE • Nagtutupi ng damit si Khim Joshua Raymundo, 4th year Journalism student, sa kanyang boarding house sa Brgy. Krus na Ligas, Quezon City, Agosto 5. Regular na nakakakuha ng dorm slot si Raymundo mula 2016 hanggang 2018 ngunit ngayong taon, hindi siya pinalad makakuha. Sa kasalukuyan, siya’y nangungupahan ng dorm na nagkakahalagang P3,000 kada buwan, malayo sa dating P300 na lodging fee sa Ipil Residence Hall.

thing—designated housing for faculty,” Gab added. The UP System currently has a centralized three-story housing complex under construction for faculty and staff near Kamagong Residence Hall, with the project pegged at P197 million. Gab refuses to believe, however, that faculty housing will help ease the shortage of faculty dorm slots, as priority will instead be given to tenured senior faculty and staff of UP campuses near Diliman, such as UP Manila and

Los Baños, while junior faculty like him will most likely be disqualified. “Hindi nila naiintindihan kung gaanong kalaking tulong ang pagkakaroon ng faculty dorm. Ang laking bagay na pare-parehas kami ng rhythm, place, at support system,” Gab added. Housing is a basic human necessity, he stressed. Faculty employees like him have demanded a dialogue, but the OSH did not deliver, despite the former’s requests having gone through the proper channels. •

Sidebar 1 • BREAKDOWN OF UNUTILIZED DORM SLOTS

1145 of 3545* dorms slots are unutilized

380* Yakal Residence Hall 101 for the prioritization of incoming student-athletes

288* Kamia Residence Hall 190* Molave Residence Hall 108 Acacia Residence Hall

62 foreign exchange students 16

fo ther USC and Collegian in Sampaguita Residence Hall

*Total allocated slots based on UP Diliman’s official website. Actual figures may have increased due to additional slots opened over the years

Sidebar 2 • ADDITIONAL SLOTS FROM OTHER HOUSING UNITS DMST Barracks** SOLAIR Hotel NISMED Hostel Balay Kalinaw equivalent to one (1) slot

**coordination between OSH and the Chief Security Officer is still ongoing as of press time

Sources: University Student Council, minutes of previous DAC meetings, and the UPD website


NEWS

PHILIPPINE COLLEGIAN

Makabayan bloc files alternative SOT bill J. M. V. SINGH A legislative battle in favor of a government of weak political will bodes bad news for workers, a labor group said following a string of pronouncements President Rodrigo Duterte made about labor contractualization. The yet-unaddressed issue has compelled the Makabayan bloc to coordinate with different labor sectors in filing House Bill 3381 or the Pro-worker and Stronger Security of Tenure (SOT) Bill last Monday, said Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite, after Duterte discarded the version they believe would have helped end contracting schemes. “Mayroon kasing ilang proposal na aaralin din dahil mayroong particular [na porma ng kontraktwalisasyon] sa iba’t ibang industriya,” said Gaite. Duterte vetoed on July 26 the SOT bill, which he had certified in 2018 as urgent, in order to strike a “healthy balance” between employer and employee interests, according to a letter he addressed to the House Speaker. Seeking to amend provisions on labor-only contracting and security of capital, Duterte later ordered the Department of Labor and Employment (DOLE) to file their own version of the SOT bill. The Makabayan bloc has, however, taken these moves with a grain of salt. “At the rate this government is going, wala na kaming tiwala na ‘yung ilalabas na proposal ng DOLE will be any different from what has already been said by the president [on ending contractualization],” Gaite said. Meanwhile, the author of the vetoed SOT bill, Senator Joel Villanueva, refiled the exact same measure on July 29 despite acknowledging that it will

unlikely be heeded. “It’s because we wanted to find out … who influenced [Duterte] to veto the bill, to pinpoint which particular provisions were problematic for them,” Villanueva reportedly said. Tipping the balance Local and foreign business groups such as the Employers Confederation of the Philippines (ECOP) that laud Duterte’s veto of the SOT bill said they will remain obedient to job contracting regulations, like hiring from workers agencies. A letter the organization has sent together with six other groups pleaded with Duterte to scrutinize the SOT bill’s impacts on the economy. “If passed into law, the [SOT] bill will have adverse effects on the Philippines’s global competitiveness and its capability to create more and better quality jobs for Filipinos,” they said, adding that it would only be costlier for private employers to do business once the bill lapsed into law and may also debilitate operations. Duterte’s veto message echoed similar concerns. He argued against the bill’s supposedly sweeping definition of labor-only contracting that “will place capital and management at an impossibly difficult predicament with adverse consequences to the Filipino workers in the long term.” The chiefly non-regular workforce will, however, continue to bear all the more grindingly the brunt of profit-maximizing policies with the bill now nixed, said Gaite. “Hindi totoo ‘yung sinasabi [ni Duterte na] dapat daw mag-strike ng balance sa pagitan ng kapital at labor, sapagkat sa napakatagal na panahon hindi balanse ang timbangan [ng mga kondisyon sa pabrika].” Kilusang Mayo Uno SecretaryGeneral Jerome Adonis fears that such unjust treatment of workers will go on as long as the

ADDITIONAL RESEARCH • CATHRYNE ENRIQUEZ

government yields to the demands of companies dominating the labor industry. “Walang political will ang gobyerno para itulak ‘yung mga tagumpay ng manggagawa,” he said. “Hangga’t ang Pilipinas ay nananatiling backward ang ekonomiya, hindi tayo makakalikha ng sarili nating mga negosyo at industriya para ma-absorb ‘yung ating incoming labor force.” Filipino workers may have wrested concessions through several Department of Labor and Employment (DOLE) orders — such as No. 174 of 2017 which laid down tougher regulations to restrict “end of contract” or “endo” arrangements — but Adonis said it has always been through metalegal means that workers asserted their rights in the face of unavailing parliamentary reforms. Starting last June, for instance, workers’ unions from Zagu Foods Corporation in Pasig and Peerless Producers Manufacturing Company (PEPMACO) in Canlubang, Laguna have been holding strikes outside their workplaces to rail against prevailing unjust labor practices by their employers despite orders from DOLE to regularize workers and increase minimum wages. This series of strikes came after workers from NutriAsia in Marilao, Bulacan and SUMIFRU in Compostela Valley, among other factories, made headlines with their denunciation of workplace injustices in 2018. Their foremost campaign against contractualization and union busting prevail, they said, because these conditions are likewise perpetuated by their employers. “Mas concerned sila dun sa produkto nila kaysa sa mga manggagawa,” three-year contractual PEPMACO worker and union secretary Christine Gudoy said. “Yun ang gusto talaga naming mabago sa loob [ng pagawaan].” •

AGENCY-HIRED WORKERS IN ESTABLISHMENTS WITH 20 OR MORE WORKERS BY TYPE OF JOB CONTRACTED OUT AND MAJOR INDUSTRY GROUP Production/Assembly 34.24% Security Services 19.72% Janitorial Services 9.52% MAJOR INDUSTRY GROUPS WITH LESS THAN ONE PERCENT JOBS CONTRACTED OUT

Others 8.78% Marketing/Sales 5.28%

Cashier 0.96%

Maintenance/Construction 4.06%

IT Services 0.77% Medical & Health Services 0.74%

Packaging 2.91%

Data Processing/Encoding 0.72% Messengerial Services 0.65%

Food Service/Catering 2.88%

Finance/Accounting 0.61% Human Resource 0.37%

Logistics/Transport 2.75%

Research & Development 0.28%

Warehousing 2.34%

Billing/Payment 0.18% Learning/Training 0.08%

General Administrative 2.18%

LEGEND Services percentage in total jobs contracted out

Industry percentage in total jobs contracted out

Agriculture percentage in total jobs contracted out

NOTES • The 2015-2016 ISLE covered 12,926 establishments. • The industry sector includes jobs related to mining and quarrying; manufacturing, electricity, gas, steam, and air conditioning supply; water supply, sewerage, waste management, and remediation activities; and construction. • The services sector includes jobs related to wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles transportation and storage; accommodation and food service activities; information and communication; financial and insurance activities; real estate activities and professional services, among others.

GRAPHICS • ROSETTE GUIA ABOGADO

INFOGRAPHIC • REIA GORDOVEZ phkule@gmail.com


NEWS

@phkule

Toki drivers eye higher income with new jeepney route JOHN IRVING GANDIA

After persisting through the financial struggles brought about by being forced out of the academic oval last year, Toki drivers hope the implementation of their proposed alternative route will improve their livelihood. UPD Chancellor Michael Tan finally approved last July 3 the new route presented last year by the Toki Drivers Association (TODA) to the Office of the Vice Chancellor for Community Affairs and other members of the Diliman Transportation Committee, which endorsed the new rerouting scheme. This change was implemented last August 1, and has since allowed TOKI drivers to pick up passengers from the Centennial and Kamagong dormitories, Krus na Ligas (KNL), Pook Amorsolo,

and other residential areas in the university. TODA members believe this will increase the numbers of their passengers, giving them the opportunity to finally earn a stable income. “May karapatan din namang kumita ang mga Toki driver,” said Julius Guevara, 48, who has worked as a Toki driver for the past 18 years. The association emphasized how they had earned P1,000 a day when they could still travel around the academic oval, but ended up earning only P200 after all jeepneys were forced to drive around the periphery of the university buildings. Guevara also pointed out the loss of income due to students preferring to ride Katipunan jeepneys en route to buildings along Quirino Avenue like Palma Hall. “Yung mga Katipunan jeep, 80 ang bumabiyahe. Tuloy, wala nang sumasakay sa amin. Iyan din ang pumatay sa hanapbuhay namin dito.”

The past year has indeed discouraged some Toki drivers and dwindled their numbers from 15 to only four last semester, according to TODA President Noel Salvador. “May mga napipilitang mag-sideline muna o maging construction workers o di kaya mga drayber ng Grab, lalo noong midyear dahil wala talagang pasahero,” Salvador said. Vice Chancellor for Community Affairs Jose Ernie Lope noted that besides increasing the profitability of Toki jeepneys, their decision on the new route primarily factored students’ convenience into consideration. “We recognized the need to distribute the passengers among the jeepneys, especially the students and faculty living in KNL and Hardin ng Rosas. For those who want to go to CHK, SURP and SOLAIR, the Toki route is now the better alternative,” Lope said. However, UP Diliman Police Capt. Ruben Villaluna

Kasong perjury laban sa mga progresibong grupo, kinundena KENT IVAN FLORINO Pinangangambahang magdulot ng banta sa seguridad ng mamamayan ang pagsampa ng administrasyon ng kasong perjury laban sa tatlong organisasyong naglalayong protektahan ang karapatang pantao ng mga Pilipino, anang Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights. Isa ang Karapatan sa tatlong organisasyong sinampahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ng perjury noong Hulyo 3. Kasama ang Gabriela Women’s Party at Rural Missionaries of the Philippines (RMP), magsasampa ng counter-affidavit sa Agosto 15 ang tatlong grupo upang pabulaanan ang mga paratang ni Esperon – kabilang na rito ang pagsasabing hindi rehistradong korporasyon sa Securities and Exchange Commission ang RMP mula 2003 kahit na mayroong mga dokumento ang organisasyon na magpapatunay na nagparehistro silang muli simula noong 2010.

Isinampa ni Esperon ang kaso ilang araw matapos ipabasura ng Court of Appeals ang writs of amparo and habeas data na naunang isinampa ng tatlo upang protektahan ang mga mamamayan at human rights defenders mula sa mga atake ng estado. “Pinatutunayan lamang ni Esperon sa pagsasampa ng kaso na talagang kami ay under attack ng administrasyon, at ng estado in general. Tunay na nag-eexist ang redtagging at harassment sa mga human rights workers,” ani Maria Sol Taule, Karapatan legal counsel. Higit na tumitindi sa kasalukuyan ang sitwasyon ng mga mamamayan lalo na sa Negros at Eastern Visayas dahil sa pag-iral ng Memorandum Order No. 32. Pinahihintulutan nito ang presensya ng mas maraming militar at pulis sa rehiyon. Nakikita ito ng mga progresibong grupo bilang pangunahing dahilan kung bakit nagpapatuloy ang harassment, redtagging at maging pagpatay sa mga nasabing lugar. Sa katunayan kamakailan lang, mayroong 21 na pinatay sa Negros sa loob ng sampung araw. Nito lamang Abril, binaril ang konsehal ng lungsod ng

13 August 2019 • www.philippinecollegian.org

Escalante, Negros Occidental na si Bernardino Patigas na isa ring human rights worker. Samantala, nakatatanggap naman ng death threats ang secretary-general ng Karapatan na si Cristina Palabay. Patunay itong matibay ang basehan ng mga petisyong isinampa ng Karapatan, Gabriela at RMP sa korte, ani Taule. “[The perjury case] is a malicious attack against legitimate organizations and is a clear attempt to harm the credibility of human rights defenders. We express our strongest solidarity with these organizations whose primary interest is in upholding human rights and serving the people,” ayon kay Nicole Reasonda ng Gabriela Youth UP Diliman. Sa gitna ng mga banta, nangako ang Karapatan, Gabriela at RMP na patuloy nilang ipaglalaban ang karapatan ng mga mamamayan, kasama ang iba pang mga organisasyon. “We cannot sit idly watching all the killings happening in front of our eyes. It is very dangerous now but as long as we stand together at nagsasama-sama tayo sa panawagan natin, hindi naman tayo made-defeat ng estado,” ani Taule. •

recognized issues regarding the implementation of the new route, with Ikot drivers claiming last Thursday that they were not informed of the recent memorandum. This caused a conflict with Toki drivers who now also pass through E. Jacinto Street and C.P. Garcia Avenue. “Naresolba naman ang isyu. Kung may problema ang mga drayber ng Ikot o iba pang jeepney drivers, pwede naman silang umapela sa OVCCA. Pero gusto nating matupad ’yung memo para ‘di na mamatay hanapbuhay ng Toki,” Villaluna said. Ideally, the new route could also benefit commuters looking for a quick trip to buildings within the Engineering and Science complexes. However, some students worry about longer commute due to the roundabout route, which could also increase Toki drivers’ fuel expenses. “Over time siguro magbebenefit sa mga drivers ng Toki [‘yung

ruta]. Pero kahit may social media na pang-spread ng info about sa new route, baka hindi pa rin siya ma-internailize immediately ng mga tao, lalo ng mga nasanay sa dating ruta at mga freshies na kaka-adapt lang sa UP,” said Christian Gallego, a student who usually commutes from the National Institute of Geological Studies (NIGS) which Toki jeepneys pass by. Even though TODA had spearheaded the proposal for a new route, they also expressed their desire to drive again along Roxas and Osmena Avenues. However, Salvador believes they have no other option, especially since the university administration is persistent in its plans for a carfree academic oval. “Sa totoo lang, discouraged kami dahil sa tinagal ng proseso para sa bagong ruta,” he said. “Kaya lang, ito hanapbuhay namin kaya kailangang magtiis. Hindi naman basta pwedeng itabi ‘yung jeep dahil may-edad na kami.” •

LUCKY DELA ROSA

PALIPAT-LIPAT • Pasan-pasan ng mga batang Dumagat ang kanilang mga gamit bago tumawid sa Ilog ng Tinipak, Mayo 5. Nakasalalay ang pamumuhay ng mga Dumagat sa pagsasaka at pangingisda. Nangangamba ang 10,000 katutubong Dumagat sa Rizal at Quezon sa pagkawala sa kanilang lupang ninuno at kabuhayan dahil sa pagpapatayo ng Php 18.724 bilyong Kaliwa Dam. Tinutulan ng Katribu Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas ang pagpapatayo ng dam dahil wala itong pahintulot mula sa mga katutubo.


PHILIPPINE COLLEGIAN

@phkule

Ikot/Toki Hindi nawawalan ng mga estudyanteng naghihintay ng jeep na biyaheng IKOT o TOKI na maghahatid sa mga estudyante sa kanilang susunod na klase. Dahil labis na magkakalayo ang ilang gusali sa UP, esensyal ang mga jeep sa buhay ng iskolar ng bayan. Dekada 80 pa lamang, IKOT jeep na ang pangunahing sakayan sa loob ng unibersidad. Kung papaanong umiikot ang isang buong araw sa unibersidad, kabahagi nito ang di-matatawarang serbisyo ng mga drayber ng UP—halos kilala na ng mga estudyante ang bawat IKOT jeep at hindi na bagong kuwento ang mga libreng sakay at problemang kanilang hinaharap. Nanganganib mawala ang mga UP jeep bunsod ng pagbabago sa ruta ng mga ito na ipinatupad sa ilalim ng Master Development Plan. Nang magkaroon ng iskemang

MARVIN ANG

baguhin ang ruta ng mga jeep noong nakaraang taon, labis na bumaba ang kita ng mga drayber nito; mula sa P600-P800 kada araw; halos P200 na lamang ang naiuuwi sa kanilang pamilya. Sa kasalukuyan, dadalawa na lamang ang TOKI jeep na bumibiyahe sa loob ng unibersidad. Dagdag pang pasakit sa kanila ang nakaambang jeepney phaseout. May ilang jeep na ring biyaheng SM ang gumagamit ng bagong modelo ng jeep. Kung ipipilit, labis na mababaon sa utang ang mga drayber—walang ayudang matatanggap ang mga drayber sa pagbili ng ganitong klase ng jeep. Patuloy din ang pagtaas ng bilihin at gasolina. Kung tunay na pagpapabuti sa kabuhayan ng mga drayber ng

UP Arboretum Sa bawat krisis na gumigipit sa sambayanan, ang likas na tugon ay tunggaliin ito. Nagsilbing kanlungan ang unibersidad sa mahahalagang kaganapan hinggil dito—pagtutol sa batas militar, kampuhan ng mga manggagawa, Lakbayan ng mga Lumad. Ang likas na karakter na ito ay tumutugon din sa pangangailangan ng kalikasan— nanganganib ang yamang-likas sa loob ng pamantasan. Matatagpuan sa man-made forest ang 47 na uri ng ibon gaya ng Philippine pygymy woodpecker, ilang reptiles at amphibians gaya ng giant Visayan frog, at ilang mga paniki. Higit sa pitumpu ang uri ng halaman dito. Dahil sa yaman ng Arboretum, ito ay naging lugar ng pananaliksik ng mga estudyante at propesyunal.

Bukod sa pagiging tahanan ng mga hayop at halaman, primarya rin itong tinitirahan ng mga empleyado at propesor ng UP. Ang pagpapaunlad sa Commonwealth Avenue ay nagdulot ng demolisyon ng mga bahay, at naging kanlungan ng mga biktima dito ang Arboretum kung saan sila nagtayo ng kanilang tirahan. Ilang beses nang tinangkang paalisin ng administrasyon ng UP ang mga residente sa Arboretum para mas pangalagaan ang kalikasan at pigilan ang pinsalang dala ng pagtira ng tao sa lugar. Noong 2013, nakaplanong maging National Botanical Garden ang lugar; noong 2017 naman, sinubukan itong gawing ecological park. Sa parehong pagkakataon, nagtagumpay ang mga residenteng

jeep ang nais na makamtan, alam nilang hindi ito ang sagot, bagkus ay ang pagsasaayos ng sistema ng transportasyon, pagpepreserba ng sining ng pamamasada, pagsulong sa ruta ng pag-unlad. •

POLYNNE DIRA

manatili kasama ang iba pang naninirahan sa gubat. Ngayong taon, sa ilalim ng Master Development Plan, paaalisin muli ang mga residente para sa magiging konstruksyon ng bagong PGH sa Diliman. Pansamantala itong nakatigil ngunit wala pa ring kasiguraduhan ang kaligtasan ng komunidad. Ang kawalan ng plano para sa relokasyon, pagtatayo ng malalaking gusali, ang bersyon ng pangangalaga ng MDP sa halamanan sa loob ng pamantasan. •

PRESYO NG ESPASYO Sa paglilibot sa pamantasan, binabagtas ng mga bagong iskolar ng bayan ang kasaysayan sa bawat nitong gusali at kalsada. Sa panahong may kinukubli sa ating sariling tahanan, tangan natin ang mapa ng paglaban, gabay sa pagsisiwalat. Ito ang bitbitin natin sa bawat hakbang, mapagpalayang paglalakbay, iskolar ng bayan!

Pook Malinis Mula 90s, saksi ang Pook Malinis o PoMa kung tawagin, sa mga pangyayari at pagbabago sa pamantasan dahil ito ang naging tahanan ng mga manininda sa palibot ng acad oval, mga tsuper ng tricycle at jeep, mga estudyante na hindi pinalad makakuha ng slot ng dormitoryo sa UP. Taliwas sa pangalan, inayos lamang ng mga residente ang PoMa mula sa pagiging tambakan nito ng basura. Ngayon, bukod sa pagiging tahanan, nagagamit din ang lupa bilang taniman ng gulay na paninda at pang-araw-araw na pagkain ng mga pamilyang nakatira roon. Ngunit sa tagal ng kanilang paninirahan dito, bukod sa walang maayos na patubig at sewage system, pinapaalis ang komunidad upang paglipatan ng mga nawalan ng bahay sa Village C dahil sa Master Development Plan (MDP) na naglalayong gawing komersyalisado ang mga lugar sa UP. Binaklas ang ilang bahay sa Pook Malinis nang walang anumang abiso o dokumento noong Enero upang magbigaydaan sa MDP. Sinubukang kunin ng mga blue guards, pribadong yunit-panseguridad ng UP, ang mga yero upang pigilan ang mga tao sa pagtayong muli ng bahay.

POLYNNE DIRA

Araw-araw nangangamba ang mga residente kung darating ba ang mga gwardiya, kung ito na ang huling araw nilang may tahanan. Nagtayo ng barikada ang komunidad sa pook. Hindi opsyon ang relokasyon para sa mga dekada nang naninirahan at nagpundar ng kabuhayan dito. Ang tinatanaw nilang kaunlaran ay ang pamumuhay nang malaya hindi lamang sa kung saang lugar kundi at higit pa, sa lugar kung saan sila pinanganak at nagkapamilya. Sa paulit-ulit na proseso ng pagbaklas at pagtatayo ng bahay, malayong makamit ang kaunlaran sa ngalan ng MDP—hangga’t mas inuuna ang komersyal na establisyimento kaysa sa maunlad na pamumuhay ng mga komunidad sa loob ng unibersidad. •


KULTURA

Sakahan sa Diliman Ang hindi makasabay sa agos ng modernisasyon ay tinutulak paalis. Sa lungsod na ang tinitingalang pagunlad ay pagdami ng matatayog na gusali at Science and Technology Park, inuusig ang isa sa natitirang sakahan dito.

Napaliligiran ng mga komunidad at komersyal na espasyo, tumitindi ang panggigipit sa sakahan sa Krus na Ligas—ginigitgit palabas ng Master Development Plan ang gawaing agrikultura sa urban. Giniba ng mga gwardiya ang kubong pahingahan ng mga magsasaka at patuloy ang pagmamatyag sa kanila. Sinisimulan na ring sukatin ang lupa nang walang abiso mula sa mga magsasaka rito. Hindi pa man dumarating sa Diliman ang UP ay matagal nang sinasaka ang lupa sa lugar. Ayon sa mga magsasaka rito, dati ay natataniman pa ng palay ang lupa at mas tinatangkilik ang kanilang ani kaysa galing Gitnang Luzon.

Manininda Kung noong elementarya at hayskul, takbuhan sa tuwing nagugutom ay ang canteen, mawiwili ka sa nagkalat na tindahan na may iisang pamosong tinda—pancit canton, pisbol, siomai, at iba pa—mayroon sa FC Hill, sa pagitan ng Palma Hall at Benton Hall, Vinzons Hill, sa kasuluk-sulukan ng UP. Parte na ng larawan ng UP ang mga kiosk sa paligid nito. Bahagi na ito ng pang-araw-araw na buhay ng bawat iskolar ng bayan, kung kaya’t ang ilan sa ati’y halos nanay na ang turing sa mga manininda— takbuhan kung nagugutom, at kung minsan, puwede pang utangan ng pantawid ng maghapon. Kung minsan nga, dito pa nakikitago ng bag ang mga gustong mag-jogging sa academic oval.

POLYNNE DIRA

Sa katunayan, may hawak na sedula at titulo ang mga residente na pag-aari ng mga angkan ng ordinaryong pamilyang nagsaka rito. Ito ang hawak nilang patunay na ang lupa ay sakahan na noon pa man at higit, pagmamay-ari nila. Ngunit patuloy ang bantang agawin ang kanilang lupa at iwan silang walang kabuhayan. Ang mga magsasaka sa urban ay pinagpapalit ang kabuhayan dahil tinatanggal sa lungsod ang agrikultura upang sumabay sa modernidad ng lugar. Patuloy ang pagbubungkal at pagtatanim ng mga magsasaka sa tulong ng ilang organisasyon upang manatiling lupang pang-agrikultura ang lugar at hindi maging subheto ng komersiyalisasyon. Dahil sabi nga ng isang magsasaka rito, “Pag puro building ang itatanim, ano ang kakainin natin?” •

MARVIN ANG

Hindi katulad natin, sagabal ang tingin sa kanila ng administrasyon, sa ilalim ng Master Development Plan. Wala itong malinaw na plano para sa mga manininda, habang umuusbong ang mga establisyimyentong tulad ng 7-eleven sa loob ng pamantasan. Iniinda rin nila ang mataas na rental fee, dahilan upang magmahal ang presyo ng bilihin sa ilang mga tindahan. Banta rin sa kanila ang komersyalisasyon ng espasyo sa unibersidad, katulad ng planong P35 milyong food hub na ipatatayo sa tapat ng Kolehiyo ng Sining Biswal. Tuluyang kikitilin nito ang negosyo ng maliliit na manininda sa unibersidad sa halip na suportahan ito.

Kung kaya naiiwan sa atin ang hamong pakikiisa sa paglaban at pagkilala sa kanilang karapatan sa espasyo sa loob ng unibersidad: dahil wala nang ibang convenience store sa UP kundi ang mga bilihing tatak-UP. •

CAL Kubo Complex Kung mayroon kang klase sa CAL new building (CNB) o di kaya’y napapadalas sa mga kiosk sa may AS-CAL, madaraanan mo ang shortcut sa likod ng dating Faculty Center (FC). Sa paglalakad mo sa mabatong daanan, mapapansin mo ang mga kubo na nakatirik sa kahabaan nito at ang mga estudyanteng nakatambay rito— ito ang mga kubo para sa mga organisasyon sa CAL. Nariyan ang mga miyembrong nagkukumpulan para magkumustahan at magpulong. Sa tambayan sama-samang lumilikha ang mga estudyante at naisasapraktika ang mga natututunan sa kanikanyang kurso. Kaya naman sentral ang mga organisasyon sa paglinang ng kultura ng pagiging malikhain ng kolehiyo. Ngayong itinatayo na ang bagong Faculty Commons sa dating lugar ng nasunog na FC, inilipat na ang mga kubo sa harap ng CNB. Sa mga susing proyekto sa ilalim ng Master Development Plan, walang bagong espasyong balak ilaan para sa mga organisasyon sa bagong FC. Kaya sa harap

SAM DEL CASTILLO

ng Magdangal maaabutan ang mga estudyanteng nagtitipon at nagkukwentuhan. Makikita mo man silang masayang tumatambay sa loob ng kubo, hindi pa rin sila layo sa malawak na paggiit sa espasyo sa loob ng kolehiyo— hanggang hindi bahagi sa plano ang mga organisasyong pangestudyante, hanggang ang sining ay pinagsisiksikan sa mangilanngilang kubo at tabi-tabi. •

Vinzons Tambayan Hill Complex Makikita sa gilid ng Vinzons Hall, lulan ng Tambayan Hill Complex o Vinzons Tambayan ang 28 na organisasyon mula sa iba’t ibang kolehiyo sa UP. Dito nagtatagpo ang mga estudyante mula sa iba’t ibang kurso para hasain at kilalanin ang sarili nang labas ng klasrum. Sa mga organisasyon mo nakikilala ang iba’t ibang klase ng tao—sa interes, ideolohiya, pangarap, at iba pa. Pebrero ngayong taon, inalis ang mga organisasyon sa Vinzons Tambayan nang walang abiso. Sinarado sa mga estudyante ang Vinzons Hall—gusaling itinayo para sa kanila. Ito ay para magbigay-daan sa konstruksyon ng Student Union Building na parte

ng Master Development Plan. Dahil sa agaran na pagpapaalis at kawalan ng relokasyon, nagkaisa ang mga estudyante sa Vinzons grounds para magsagawa ng #OccupyTambayan. Nirehistro rito ang panawagan para sa libre at ligtas na espasyo sa loob ng pamantasan. Ang hiling na ito ay dininig ng Office of Student Activities at pansamantalang binuksan ang Tambayan Hill Complex hanggang sa magsimula ang pagtatayo ng bagong gusali. Bagaman naibalik ang mga espasyo na ito, hindi nito natutuldukan ang paggiit para sa tambayan lalo na’t aalisin pa rin

GRAPHICS • KIMBERLY ANNE YUTUC

SAM DEL CASTILLO

sila. Batid pa rin ang panawagang ito ng mga organisasyon sa Vinzons Tambayan Complex at kung saan pa sa unibersidad.

PAGE DESIGN • REX MENARD CERVALES


FEATURES

Articles of War REX MENARD CERVALES

The Collegian, caught in the crossfire, has always braved the throes of combat. The wee hours of the morning find Collegian staffers waging war against sleep. In the chaotic space that is the paper's office, writers punch away at their keyboards while artists, armed with pens and brushes, argue over metaphors and design. Yet the publication also serves as a bigger battleground for conflicting discourses. Ideologies and standpoints clash even from within the staffers' ranks. For 97 years, Kulê, as it is more familiarly known, does not hold fire. It has maintained the vigor to confront the most challenging of times, from a world war and the martial law era to the most repressive regimes. It has dodged bullets from university administrations and partisan groups that attempt to intervene in and hinder the publication's pursuit of the legacies of the likes of Wenceslao Vinzons and late Senator Miriam Defensor-Santiago. It has stood its ground in voicing its biases for the marginalized and its unapologetically radical reportage.

After the government’s intervention in UP affairs, Kulê helped organize the first student-led rally to Malacañang from Diliman.

In the 50s, after World War II, Kulê’s radicalism flourished, persisting even after efforts to stifle students’ dissent. When UP was struggling for academic freedom and institutional independence, Kule’s editor-in-chief (EIC) in 1951, Elmer Ordoñez wrote the editorial “Road to Extinction” in support of UP President Bienvenido Ma. Gonzalez who was fired by then Philippine President Elpidio Quirino.

Pano ba ‘yan? We should publish, panis na ang laman!

The next decade witnessed Kulê assert its autonomy. The struggle can be traced to when the staff opposed what they believed was then faculty adviser Francisco Arcellana’s deliberate delay of the release of the newspaper by four days. Carlos Romulo, then UP president, suspended Luis Teodoro, EIC in 1961, and his associate editor from the university for a year after they went on to publish the issue without the approval of their adviser. In the same term, a blank space would sometimes see print in lieu of the censored articles.

The Marcos regime compelled Kulê staffers to transcend the confines of writing and publishing. Former Features editor Judy Taguiwalo, along with the women’s rights group Kilusan ng Kababaihan kontra Kahirapan, led the first women’s march to Mendiola in March 1971 in protest of the government’s anti-poor programs and policies.


She would rush to Liwayway Printing Press in Avenida Rizal to toil during the evening presswork. The brewing state repression, then, failed to halt the weekly operations as Kulê went underground to be part of the mosquito press, exposing the dictator’s atrocities.

Woah! 64k ang CPU ng computer mo, pare!

Jude Esguerra’s term as EIC in 1988 welcomed the arrival of the publication’s first computer. Despite this innovation, Kulê suffered from a reduction of subscriptions.

In 1996, following a controversial editorial exam, Rebel Collegian came out to counter the admin-backed Collegian’s pluralist philosophy with advocacy journalism. The staff went room-to-room to campaign for the increase of the Collegian fee to cover printing expenses and to adjust for subsequent years’ inflation.

Begun in the late 90s, this commitment to a radical activist student paper (RASP) orientation carried on and, during the Arroyo regime, prompted several staffers to join a fact-finding mission in Mindoro to investigate the splurge of killings in the Southern Tagalog.

In 2006, the UP admin withheld the printing funds at a time when students most needed Kulê’s critique of the BOR-approved 300-percent tuition increase. Kulê, then, at the helm of EIC Karl Castro, published another iteration of the Rebel Collegian.

Ngayon ang panahon para lumaban!

Twelve years later, the Board of Judges barred two Kulê editors from participating in the 2018 Collegian Editorial Exam. The students’ clamor against the anomalous editor selection process birthed a holdover term, which later became known as Rebel Kulê.

GRAPHICS AND PAGE DESIGN • KIMBERLY ANNE YUTUC

A glimpse of Kulê’s old pages is more than a glorification of the grandeurs of its history. Its persistence amid crises defines its institutional memory and directs its penned dissidence. Kulê cannot promise any grand victory, but it will always have the will to win wars declared against the institution and the disenfranchised sectors it now continues to pledge allegiance to.


KONTRA-AGOS ATHENA SOBERANO ILLUSTRATION • ROSETTE GUIA ABOGADO

PALIBHASA LALAKI Walang natatapos na araw nang hindi kami nag-aaway ng tatay ko. Tuwing tinatanong ako kung paano kami humantong sa ganito, isa lang ang sinasagot ko: hindi ko alam. Ang alam ko lang, mas madali ang lahat kung pipiliin kong umiwas. Maaga akong gumising para sa 7 a.m. class ko noong Martes, sa pag-asang hindi ko maaabutan si Papa. Pero pagbaba ko, naabutan ko siyang nagkakape . Hindi na lang ako umimik, pero may nasabi pa rin siyang hindi maganda. “Sa UP ka nga nag-aaral, pero anong silbi n’yan kung di ka naman Business Ad?” Gustuhin ko mang takasan ang pagkakataong ‘to, alam kong kailangan ko itong harapin. Naging mabuting anak naman ako, sa tingin ko. Mula pagkabata, wala akong ibang ginawa kundi sundin ang gusto niya. Nang sinabi nyang mag-ABM ako nung Senior High, hindi ako nagdalawang-isip. Ngayong college lang naman ako hindi sumunod. Pero wala naman akong ibang magawa. Wala na si Mama, kaya matagal na ‘kong walang kakampi. Kaya binabaling ko na lang ang lahat ng sama ng loob ko sa social media. Isang tweet lang, mababawasan na ang sama ng loob ko. Agad akong nag-log-in sa account ko sa pagaakalang gagaan talaga ang loob ko. Pero

ANG MAKASALANAN SAM DEL CASTILLO

Hindi inaabswelto ng mga ganitong palisiya ang mahihirap mula sa kahirapan o krimen, bagkus lalo lamang silang pinaparusahan.

nagkamali ako. For some reason, parang may galit talaga sa’kin ang tadhana. Dahil kahit saan, sinusundan ako ng mga lalaking problematiko. “Boys will be boys,” palusot nila sa mga lalaking katulad ng tatay kong naghahari-harian at hindi pa mawala sa eksena. Sa usapin ng pangangaliwa, laging abswelto ang lalaki, at ang mga babae ang pinag-aaway na parang mga manok sa sabungan. Gusto kong magsalita, gusto kong humiyaw, pero tila ipinagkakait sa akin ang aking boses. Pakiramdam ko, napakahina ko. Wala akong magawa o masabi man lang. Tinitigan ko lang ang tatay ko matapos niyang magsalita. Sumagot man ako o hindi, ako pa rin naman ang mali. Wala namang karapatan ang mga babaeng biktimang panagutin ang mga manloloko. Wala na ngang hustisya, pilit ding niyuyurakan ang dangal ng mga kababaihan. Gusto ko sanang komprontahin ang tatay ko nang hindi ko mailabas ang aking saloobin. Akala ko, kaya ko. Pero nilamon na ako ng pagod, kaya pinili ko na lang magkulong sa kwarto at manahimik. Kinimkim ko na lang ang mga danas ko habang kinaaawaan ang sarili. Dahil ano bang ibang magagawa ko, ‘di ba? Tama na nga. Ibaon na lang natin sa limot ang araw na ‘to. •

Nakalagay sa bawat pakete ng sigarilyo ang mga rason kung bakit dapat na itong tigilan. Bukod pa sa ibang babala, mahirap iiwas ang tingin sa litrato ng gangrene o lung cancer na sakop ang halos kalahati ng pakete. Tinataas din ang presyo nito nang mailayo na ang mga Pilipino sa ganitong bisyo. Kaya kamakailan lang, isinabatas na ni Pangulong Duterte ang bagong sin tax bill na nagpapataw ng dagdag buwis sa sigarilyo. Normal at nakaugalian na ng mga Pilipino ang tabako sa ibang lugar—kung ‘di nakarolyo, ginagawa itong nganga. Sinimulang itanim ang tabako sa Pilipinas noong panahon ng Espanyol na kalauna’y nagbuo ng industriya nito. Bagaman tinuturing na makasalanan, hindi ito magawang lipulin dahil sa limpaklimpak na salaping nililikha nito. Nakatakda na sa bagong batas ang pagmahal ng sigarilyo kada taon hanggang 2023. Inaasahan sa susunod na taon na ang dating pitong piso kada stick ay magiging sampung piso na dala ng patong na buwis.

Panatag ako na kakayanin ko pa ring tustusan ang bisyo sa kabila nito. Ngunit hindi lang kasi ito basta luho para sa iba. Para sa mahihirap, na mas kumukonsumo nito, higit pa ito sa bisyo. Kung pinapawi nito ang pagkapagal ng katawan ng iba, para sa mga nasa laylayan, iniibsan din nito ang pagkalam ng tiyan. Habang nagmamahal kasi ang presyo ng mga bilihin nitong nakaraang taon, isa ang sigarilyo sa mga nanatiling abotkaya. Kung ganito ang lagay ng ekonomiya, marahil sasapat na ngang kapalit ng sigarilyo ang isang platong pagkain. Sa pangalan pa lang ng batas, ipinahihiwatig na ang pagturing sa paninigarilyo bilang isang gawaing dapat pagsisihan. At dahil kinaaadikan ng marami, ito ay imoral kaya dapat puksain gaya na lang ng mga nagdodroga. Ngunit hindi inaabswelto ng mga ganitong palisiya ang mahihirap mula sa kahirapan o krimen, bagkus lalo lamang silang pinaparusahan. Parating ibinabaling ng ganitong palisiya sa mga kaunti

ang pinagkukuhanan ng pera ang pasanin ng pagbayad ng karagdagang buwis. Dahil pareho lang ang ibabayad ng mayaman at mahirap para sa parehong bisyo, dehado ang nahuli. Mahirap na ring mapagkasya sa kakarampot na sweldo ang sigarilyo na pansamantalang nagraraos sa kanila sa gutom. Hindi na rin tiyak kung saan pupulutin ang mga magsasaka sa araw na ipatupad ito. Kasabay kasi ng paghina ng benta ng sigarilyo ang pagtumal ng produksiyon nito. Kapag hindi na nakabubuhay ang pagtanim ng tabako, binibigyan lang ng dalawang pagpipilian ang magsasaka: iba na ang itanim o maghanap ng trabaho labas sa bukid. Bitbit man ng batas ang mga ganitong suliranin, tutunguhin naman daw nito ang pagpopondo sa Universal Health Care (UHC) Law, paliwanag ng mga mambabatas. Ngunit hindi dapat inaatang sa mamamayan ang responsibilidad na masigurado ang pagpapatupad ng mga batayang serbisyo. Nasa gobyerno ang bigat ng tungkulin

na tiyaking natatamasa ng publiko ang kanilang karapatan. Kung tapat ang pagmamalasakit ng gobyerno sa kalusugan ng mga Pilipino, uunahin nitong tubusin ang mga Pilipino mula sa hirap ng buhay. Babawiin nito ang TRAIN Law na patuloy na nagpapataas ng mga bilihin. Ilalaan din ang sobra-sobrang pondo mula sa depensa sa pagpapabuti ng mga pampublikong ospital. Lagi’t laging maiuugat ang mga bisyo gaya ng sigarilyo sa kahirapan. Bagaman hindi ito pangangailangan, itinutulak ng kakulangan ng pangkain at kawalan ng trabaho ang mamamayan na maghanap ng paraan para mabuhay, na umasa sa bisyo. Alam nating nakasasama ang paninigarilyo at marahil nga’y kailangan nang maupos. Ngunit alam din nating oras na para tuldukan ang kahirapan na lalong nilululong ang mga Pilipino sa bisyo. •

*pasintabi sa Eraserheads

phkule@gmail.com


OPED-GRPX

KUMPAS NG PAHIMAKAS SHEILA ABARRA

Sa mahigit isang taong paggana bilang pahayagan ng unibersidad, hindi nagisa ang Rebel Kulê. Mula sa perang panlathala, hanggang sa pakikibahagi sa mga pagkilos na inilunsad ng aming kawanihan, hindi matatawarang tulong at suporta ang aming natanggap.

Hinding-hindi namin makakalimutan ang unang paalam. Mapapagkamalang bumalong na masamang hangin ang mapanindig-balahibong pagyurak sa demokratikong karapatan ng Collegian, ngunit hindi. Poot ang sumaklob sa pamantasan nang hapong iyon; para kaming nagliliyab, lubos naming nakilala ang digma. Sa mahigit isang taong paggana bilang pahayagan ng unibersidad, hindi nagisa ang Rebel Kulê. Mula sa perang panlathala, hanggang sa pakikibahagi sa mga pagkilos na inilunsad ng aming kawanihan, hindi matatawarang tulong at suporta ang aming natanggap. Lalo naming naintindihan kung paanong hindi ito tungkol sa amin. Mas naging malinaw ang halos dantaong mandato ng publikasyon dahil hindi biro ang naisakripisyo para lamang mapaglingkuran ang mga estudyante at api. Sa pamamagitan ng paggawa ng anim na nailathalang isyu nang walang kahit na ano—opisina, pondo, sapat na bilang ng manunulat—napatunayang ang alab ng diwang maglingkod ay

13 August 2019 • www.philippinecollegian.org

nakabubuhay ng mga institusyong nasa krisis. Dama ang kalbaryo sa mga suliranin sa loob at labas ng unibersidad na hindi binitawan ng Rebel Kulê, kasama ng iba’t ibang publikasyon sa buong bansa. Ito ang batayan kumbakit sa halip na simbolikong kumpas ang Rebel Kulê; tulad ng nakaraang mga bersyon nito, mas pinili nitong maglabas ng regular na isyu. Nakakabit na sa kasaysayan ng publikasyon ang pangangailangan ng larangan. Ang larangan ng pamamahayag ay armas laban sa dominanteng kapangyarihan na nang-aabuso ng mga nasa laylayan. Tangan ng mga publikasyong tulad ng Kulê ang kakayahang isiwalat ang mga minoryang isyu mula sa minoryang grupo. Ang kaakibat ng aktibong paglikha ng mga isyung tatak Kulê sa ganitong kalagayan ay ang mga saloobing natutunan ng patnugutan nitong lagi’t laging may kaugnayan sa labas. Ang krisis sa Kulê ay krisis ng aming disposisyon—bukod sa dobleng bigat ng nakasanayang presswork, kinasuhan pa ang aming

patnugutan ng pekeng Collegian. Hindi ito kaiba sa mga magsasaka at manggagawang lumalaban para sa kanilang sariling karapatan at ginigipit pa. May pagtatantong ang lahat ng pakikibaka ay magkakaugnay dahil pare-pareho ng danas sa ngalan ng opresyon; ang lahat ng pakikibaka ay nasa ating harapan ngunit ang pagkadarang dito ay lalong magpapaalab ng paglaban. Sa pagtatapos ng termino, mapalad pa rin kaming mayroong ilang natirang kopya ng aming mga dyaryo kahit limitado. Mayroong panunumbalik ng mga pakiramdam—pagod magpalipatlipat ng lugar para magpulong, dagdag-gastos sa mga interbyung isinasagawa sa mga nirerentahang lugar dahil sa kawalan ng opisina, mga ‘di pagkakaunawaan, mga luhang ‘di na mapigilan. Ang pakiramdam ng pagtatapos ay pagsisimula, o ‘di kaya’y pagkabatid na mayroong simula. Mistulang siklo ngunit hindi—hindi na maibabalik ang mga klaseng naibagsak, relasyong nasira. Gayunman, may pag-asang hatid ang bago sa bawat simula.

Higit pa sa pag-asa ay ang kahulugan ng hindi pag-iisa sa laban. Sa parehong interes naisusulong ang tama. Kung kaya kahit anong pilit, hanggang nariyan ang interes na mangamkam ng lupa, gawing komersyalisado ang mga unibersidad; matagal ang digma, matagal ang pakikisangkot at pakikipagtunggali. Ang lunggati ng bawat pagkakadapa ay palaging may saysay–nasadlak ang Kule ngunit nagbunga ito ng rebelde at matapang na pahayagan, ginagawang sementeryo ang mga probinsya ngunit nagbibigay-buhay ito sa mga tunay na mandirigma ng bayan na tumangan ng armas. Hindi magkakaroon ng huling pahimakas dahil wala itong hanggan. Hanggang may iluluwal pang krisis, ang batayan ay nasa ating mga kamay na tadtad ng gurlis, panulat na may putol ngunit matalas pa rin. Ang matapang na pagharap, rebeldeng pagtugon ay hindi nagwawakas sa lipunang may estudyanteng walang libreng edukasyon, magsasakang umaani pero gutom, manggagawang salat kahit kumakayod. •


PHILIPPINE COLLEGIAN

13 August 2019 Volume 97 • Issue 01 www.philippinecollegian.org

shortchanged

Although UP was granted the National University status in 2008, this has not prevented the university from making do with insufficient funds based on the national government’s annual General Appropriations Act (GAA). Through this set of infographics, we take a look at the deficiencies in financial allotments for UP over the past decade and how the university has managed to sustain itself in spite of these constraints.

A DECADE OF DEFICIT AND DISCREPANCY RESEARCH • JOHN IRVING GANDIA, ABBY BOISER, RICHARD CALAYEG CORNELIO

• UP’s budget is composed of three general expenditures: Personnel Services (PS) or the basic salaries and other compensation for its employees, Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), and Capital Outlay (CO) or the funds for the establishment of infrastructure.

PROPOSED AND APPROVED UP BUDGET FROM 2008-2018 IN BILLIONS Proposed

Capital Outlay

Maintenance and Other Operating Expenses

Personnel Services 44.5B

25.5B 18.0B

18.5B

17.0B

18.4B

24.7B

4.60 BILLION

1.41 BILLION 0.62 BILLION 3.70 BILLION

2.05 BILLION 960 MILLION

1.28 BILLION 1.36 BILLION

4.05 BILLION

4.26 BILLION

20 0

20 0

20 10

8

9

190 MILLION 713 MILLION

880 MILLION 4.87 BILLION

4.85 BILLION

20 11

20 12

1.43 BILLION 2.06 BILLION

1.24 BILLION 2.12 BILLION

6.02 BILLION

6.02 BILLION

UP EXPENDITURES 2017 • P15 B Personnel Services

Non-cash Expenses

• Under the CHED-DBM Joint Memorandum, UP was allotted P3.67 million in 2017 for the implementation of the Universal Access to Free Tertiary Education law. During this year, PS took the largest allocation from its P13.5billion budget, amounting to P10.57 billion.

26.2B

17.0B

15.4B

11.3B

20 14

20 13

20 15

2.97 BILLION

2.86 BILLION

2.77 BILLION

2.46 BILLION 6.08 BILLION

2.88 BILLION

1.47 BILLION

2.01 BILLION

20 16

Despite receiving the biggest chunk, the salaries of UP casual and contractual workers decreased in 2017 by P973,000, according to estimates by the Alliance of Contractual Employees in UP (ACE-UP) of workers who did not receive the P2500 bonus for that year.

10.3 BILLION

9.18 BILLION

7.03 BILLION

20 18

20 17

UP INCOME GENERATION 2017 • P2.4 B

Maintenance and Other Operating Expenses

Business Income

Shares, Grants, and Donations

Service Income

equivalent to Php 100,000,000

equivalent to Php 100,000,000

5.546B

913M

318M

189M

Other Compensation

1.114B

805M Hospital Fees

Salaries and Wages

NEWSFEATURES

290M

3.108B

Interest Income

Other Personnel Benefits

Personnel Benefit Contributions

• For the past 10 years, UP has consistently been appropriated at most only half of its proposed budgets — the largest budget cut among which occurred in 2011, yielding only a third of the proposed P18.5-billion budget.

• Four-fifths or P1.9 billion of the university’s income in 2017 was generated by its business pursuits. Hospital fees at the Philippine General Hospital contributed the most to the lump sum at P912 million. Also, compared with rent or lease income that UP generated from firms like the Ayala Land Inc., fees collected from students that year amounted to a greater share of the university’s business income by nearly P100 million. • Meanwhile, 89 percent out of the P444 million in shares, grants, and donations came from SM Investments Corporation’s donations for the UP Bonifacio Global City building. •

School Fees

59M Other Business Income

A

B

C

Rent or Lease Income

A. 28M - Hostels, Dorms, and Other Facilities B. 14M - Printing and Publication C. 14M - Fines and Penalties

GRAPHICS JOSHUA MAXIMO PAGE DESIGN KIMBERLY ANNE YUTUC

phkule@gmail.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.