PHILIPPINE
COLLEGIAN
The Official Weekly Student Publication of the University of the Philippines Diliman
Volume 97 • Special Issue • 8 pages Friday, 20 September 2019
#NEVERAGAIN
www,philippinecollegian.org
@phkule
phkule@gmail.com
EDITORYAL
DIBUHO • ZOE VIDAL
PHILIPPINE COLLEGIAN The Official Weekly Student Publication of the University of the Philippines Diliman
EDITOR-IN-CHIEF Beatrice P. Puente ASSOCIATE EDITOR Marvin Joseph E. Ang MANAGING EDITORS John Irving D. Gandia Kimberly Anne P. Yutuc BUSINESS MANAGERS Rex Menard L. Cervales Cathryne Rona L. Enriquez FEATURES EDITOR Richard C. Cornelio
SIKLO NG PAGGUNITA AT PAGLABAN Ipinapaalala sa atin ng taun-taong paggunita sa deklarasyon ng batas militar na ang laban para sa tunay na kalayaan at demokrasya ay higit pa sa sandaling naihugos ang diktador sa pwesto, bagkus ay sa pagtugon mismo sa mga kondisyong nag-udyok sa mamamayang mag-alsa. Tatlong dekada mula nang mapatalsik sa pwesto si Ferdinand Marcos, muli na namang nililigalig ang bayan ng mala-diktadurang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Wala mang deklarasyon ng batas militar maliban sa Mindanao, bagong instrumento ni Duterte ang nilagdaan niyang Executive Order (EO) 70 upang supilin ang mga itinuturing nitong “kaaway ng estado.” Halaw sa 2009 Counterinsurgency Guide ng Estados Unidos, pangunahing probisyon ng EO 70 ang pagbubuo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Sa pamamagitan nito, ganap na kinakasangkapan ni Duterte ang mga ahensya ng pamahalaan—na karamiha’y pinatatakbo na ng mga dating
02
Malinaw na ang layon sa pagbuo ng NTF-ELCAC ay ibayong militarisasyon, hindi ang paglutas sa tunay na dahilan ng pagdarahop ng mamamayan.
opisyal ng militar—upang tiktikan, bantaan, at dahasin ang mga indibidwal at progresibong grupo na pinararatangan nitong rebelde at terorista. Samakatuwid, bilyon-bilyong salapi ang gugugulin dito ng mga ahensya ng pamahalaan, maliban pa sa kuwestiyonableng P4.5 bilyong laan para sa “intelligence” ng gobyerno. Mga kabataan ang isa sa pangunahing biktima ng palisiyang ito. Kamakailan lang, sinampahan na ng NTF-ELCAC ng mga gawagawang kaso ng kidnapping at child abuse ang grupong Anakbayan
at Kabataan Partylist, sa kabila mismo ng sinumpaang salaysay ng mga kabataan na nagpapatunay na hindi sila dinukot. Gayundin, sapilitan namang hinaharas at inaaresto ang mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad. Tila sirang plakang minana sa diktadurang Marcos, ginagamit na palusot ng kasalukuyang administrasyon ang anila’y tumitinding banta sa seguridad ng bansa upang ibaling ang atensyon ng bayan mula sa tumitinding mga suliranin at upang paigtingin ang kapit nito sa kapangyarihan. Habang pagkilala sa kanilang karapatan ang hiling ng mga kabataang katutubo, pagpapasara naman ng mga paaralang Lumad sa Talaingod, Davao del Norte ang naging tugon ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) batay sa matagal nang akusasyon ng mga militar na ang mga ito’y paaralan ng mga rebelde. Ayon sa tala ng Save Our Schools Network, umabot na sa 535 ang atake ng pamahalaan sa mga paaralang Lumad. Habang reporma sa lupa at suporta sa agriktultura ang dinaraing ng mga magsasakang biktima ng Rice Tarrification Law, karahasan naman sa mukha ng Oplan Sauron sa isla ng Negros ang naging tugon ng pamahalaan. Umabot na sa 87 ang namatay at patuloy pa ang pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso laban mga magsasaka. Habang pabahay at oportunidad
ang hiling ng mga maralitang tagalungsod, pagtatanim ng gulo sa mga komunidad, paghahalughog sa mga bahay, at pagbabanta sa mga miyembro nito ang tugon ng militar sa mukha ng Oplan Kalasag, katulad ng ginagawa sa mga miyembro ng Kadamay sa Pandi, Bulacan. Kahindik-hindik na katuwang ng mga armadong tropa ng pamahalaan ang mga sibilyang ahensyang katulad ng DepEd at DSWD sa pagpapatupad ng EO 70. Malinaw na ang layon sa pagbuo ng NTF-ELCAC ay ibayong militarisasyon, hindi ang paglutas sa tunay na dahilan ng pagdarahop ng mamamayan. Kung gayon, ang esensya ng paggunita ng ika-44 taon ng deklarasyon ng batas militar ay hindi lamang pag-alala sa madilim nating kasaysayan, bagkus, pagtutol sa mga kondisyong nagtutulak sa muling pag-ulit ng yugtong ito ng ating kasaysayan. Sa pamamagitan ng pakikipagkaisa ng kabataan sa lahat ng sektor sa lipunan, maipapakita natin ang ating mariing pagtutol sa mga patakarang sagka sa karapatan at kalayaan ng mamamayan, at maipatatambol ang panawagang itigil na ang karahasan at pamamaslang. Pagkat ang siklo ng kasaysayan ay hindi nabubulid sa salaysay ng karimlan kundi sa diwa ng paglaban at pakikisangkot ng mamamayan. •
DISENYO NG PABALAT • KIMBERLY ANNE YUTUC
KULTURA EDITOR Sheila Ann T. Abarra GRAPHICS EDITOR Rosette Guia G. Abogado GUEST EDITORS Sanny Boy D. Afable Jiru Nikko M. Rada STAFF Samantha M. Del Castillo Lucky E. Dela Rosa Polynne E. Dira Karla Faith C. Santamaria Jose Martin V. Singh AUXILIARY STAFF Amelyn J. Daga Ma. Trinidad B. Gabales Gina B. Villas CIRCULATION STAFF Gary J. Gabales Pablito Jaena Glenario Omamalin ••• UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (Solidaridad) College Editors Guild of the Philippines (CEGP) www.philippinecollegian.org ••• Sampaguita Residence Hall University of the Philippines Quirino Avenue, Diliman Quezon City
BALITA
@phkule
Pagpapabasura sa Human Security Act, inihain ng Makabayan KENT IVAN FLORINO Muling isinusulong ng Makabayan bloc ang pagpapabasura sa Human Security Act (HSA) upang pigilan ang pagsasaligal ng militarisasyon na mas magpapatindi ng mga atake laban sa karapatang pantao sa bansa. Kasabay ng paghahain ng House Bill (HB) 482, ipinapanukala naman sa Senado ang Senate Bills (SB) 21 at 22 na mas magpapatibay sa HSA o Republic Act 9372. Itinuturing ng mga progresibong mambabatas na banta sa kalayaan ang mga mapaniil na probisyon ng nasabing batas, at anumang hakbang upang patibayin ito ay naglalayong palubhain ang mga mapanupil na palisiya ng kasalukuyang administrasyon. “Mas gusto talaga nilang gamitin ang batas na ito (HSA) in the guise of fighting terrorism para sikilin ‘yung lumalakas na paglaban ng mamamayan na nag-uugat sa paniniil ng kanilang karapatan,” ani Bayan Muna Rep. Carlos Zarate. Kritikal na kalagayan Mapanganib para sa mga kritiko ng administrasyon ang HSA, ayon sa HB 482, dahil ginagamit ito upang iugnay sila sa mga “teroristang” organisasyon. Hindi pa man naaamyendahan ang batas, maigting na ang redtagging na nilulunsad ng pamahalaan, anila. Noong 2017, naglabas ang Department of Justice ng dokumentong nagsasangkot sa 600 indibidwal sa terorismo, kabilang ang pinatay na peace consultant na si Randy Felix Malayao. Napabulaanan din ang nasabing listahan kinalaunan. Sa pagkakataong ipasa ang SB 21, mula tatlong araw, maaari nang tumagal hanggang 14 na araw ang pagkakakulong sa mga itinuturing na terorista. Kailangan umano ito upang makakalap ng sapat na ebidensya ang mga pulis laban sa kanilang mga hinuli. Ipinahayag naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagdinig sa panukalang batas ang kanyang pagnanais na paabutin pa ito mula 30 hanggang 60 na araw. “Mas gusto nilang paluwagin itong batas para masupil ‘yung karapatan ng mamamayan. [Tinanggal] even ‘yung mga
supposed security measures na nandun sa current Security Act na naglalayong proteksyunan yung mamamayan,” ani Zarate. Bukod pa rito, papatawan din ng habang-buhay na pagkakabilanggo ang sinumang mapatunayang sangkot sa terorismo. Samantala, ang P500,000 na multa sa kapulisan kung sakaling mapatunayang mali ang akusasyon sa huhulihing indibidwal na nakasaad sa ika-50 seksyon ng HSA ay tatanggalin alinsunod sa SB 21. Inaasahang higit pang lulubha ang kalagayan ng karapatang pantao sa bansa kung maipapasa ang SB 21. Sa kasalukuyan, umabot na sa 532 ang bilang ng mga bilanggong pulitikal sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa huling tala ng Karapatan noong Marso. Banta sa kalayaan Maaari namang makompromiso ang seguridad at pribadong pag-uusap sa telepono ng mga indibidwal kung sakaling maipasa ang SB 22. Naglalayon itong amyendahan ang Anti-Wiretapping Law na ipinasa noong 1965. Sa pamamagitan ng panukala, maaari nang makinig ang pulis at militar sa pribadong usapan ng kahit sinong pinaghihinalaang terorista, na nakikita ni Zarate na sagka sa interes ng mamamayan. Higit din umanong nakakabahala na katulong nila ang Department of Information and Communications Technology sa pagsasagawa nito. Maari umanong maging banta sa freedom of expression at speech, at paglabag sa presumption of innocence ang kawalan ng matibay na kaso at ebidensya bago magsagawa ng pagmamanman, ani UP Diliman Political Science professor Dr. Dennis Blanco. “We have to draw the boundary of terrorism. Mere dissent would not mean terrorism and as long as the act does not ferment violence, it will not be considered terrorism,” ani Blanco hinggil sa malabong pagpapakahulugan ng terorismo sa SB 22. Sa kabila ng mga pagtutol, nananatiling prayoridad ng mga mambabatas ang pag-amyenda sa HSA at Anti-Wiretapping Law, ani Senate President Tito Sotto sa mga naunang pahayag. Inaasahang mabilis na
20 Setyembre 2019 • www.philippinecollegian.org
maipapasa ang mga panukalang batas dahil sa suportang nakukuha nito mula sa 20 senador. Ngunit, tiniyak naman ng minorya na hindi nila hahayaang maipasa ang panukalang batas pagdating sa Kongreso. “Bilang mga kinatawan ng mamamayan, [ang] hamon natin sa miyembro ng Kongreso ay
tumindig tayo sa [kanilang] panig at hindi dun sa interes ng iilan na ang kapupuntahan ay ibabalik tayo sa madilim na yugto ng ating kasaysayan,” ani Zarate. Habang nakabinbin sa Committee on Order and Safety ang HB 428, patuloy ang pangungumbinsi ng Makabayan sa iba pang mambabatas upang
makiisa sa pagpapabasura sa mga mapaniil na batas gaya ng HSA. “Hamon naman sa mga mamamayan to go to the streets at irehistro yung ating mga lehitimong panawagan. History taught us na through the persistent action and mobilization of the people, mapapasaatin yung truth and justice,” ani Zarate.•
Speech comm, theater arts faculty decry Marcos presence in DUP play GREG LINA Several faculty members of the Department of Speech Communication and Theater Arts (DSCTA) condemned the presence of Irene Marcos-Araneta, the late dictator’s third child, at Dulaang UP’s (DUP) opening show last September 6. “Her cultural capital is a form of political capital, and her attendance in DUP’s programs is an act of making present her family’s memory in public,” the statement read. The faculty also took aim at colleagues allegedly complicit with the Marcoses, adding that such an orientation, by extension, makes the university and concerned organizations complicit by discounting the headway that has been made in combatting historical revisionism. Marcos-Araneta also met similar condemnation during a visit last April 4 to Ateneo de Manila University’s art hub, Areté. The backlash prompted an apology from university president Fr. Jett Villarin and the eventual resignation of the art hub’s director, Yael Buencamino, who had invited Marcos-Araneta as a guest. Meanwhile, DUP, in its brief statement on the controversy published September 8, apologized for disruptions to its
show while concluding that the organization had not forgotten of Martial Law’s atrocities. On the other hand, DUP’s artistic director Banaue Miclat-Janssen said in a personal statement that while Marcos-Araneta was neither a sponsor nor a special guest for The House of Bernarda Alba, it was common practice for directors to mention people whom they want to thank personally. “I stand by my personal statement alone, but I also stand by the Dulaang UP statement that a collective effort of [the DSCTA faculty] worked very hard on to create,” concluded Miclat-Janssen’s statement. Critic Katrina Stuart Santiago, however, made a swipe at what she perceived to be a placid response to the controversy on the part of DUP and its affiliates. “[M ic lat-Janns e n’s] statement also apparently used the name of these faculty members by falsely claiming ‘a collective effort’...the culture of silence all but means you let the powerful speak in your name. I hope we’re learning from these students and faculty of DUP and DSCTA: do not be used,” Santiago wrote in a Facebook entry. DUP student staffers, in addition, also acknowledged the organization’s silence, attributing it to a longstanding culture that has a play’s director and DUP’s administrators exercise strict
and uncompromising rule over student members. The culture, their statement adds, has made students fearful of speaking out in the past, but avowed this time would not be the same. “[We] refuse to remain silent and will continue to protest until this system is corrected and [student] artists, present and future, are assured of an institution that provides [a] safe, prioritized, and positive learning experience,” read their statement. With just a little over two weeks then before the commemoration of martial law’s declaration on September 21, students flocked in protest to a DUP show being held at the Wilfredo Ma. Guerrero Theater. Protesters previously learned from the UP Diliman University Student Council that director Alex Cortez had MarcosAraneta as supporter for the play. Cortez, a former member of the Marcos-established Kabataang Barangay, called for an end to the demonstration, arguing that UP should be a democratic space. The students, however, did not relent. “It is high time to recognize that our house of art and culture cannot go on business as usual. Our playhouse is disrupted by ghosts of seasons past. We must all confront and respond to the demands of history or else we lose our individual and institutional integrity,” the DSCTA faculty emphasized in their statement. •
03
PHILIPPINE COLLEGIAN • SPECIAL ISSUE
Damned Dirt The country stands upon cursed ground. Those who reap the benefits from its fertility are not the ones who spend countless hours toiling in vast fields. Instead, those who do are despotic landed families that scourge the land and grab every chance to pluck it clean of its resources. Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. stands out as a prime example of the latter. For decades, he has relentlessly culled billions from generations of coconut farmers in Hacienda Luisita in Tarlac and 12 other estates in Negros Occidental. He also heads the San Miguel Corporation, the largest conglomerate in terms of revenue in the country. All this, while worsening the plight of the poorest sector in the country.
JOHN IRVING GANDIA Yet Cojuangco has managed to escape from being buried alive under the accumulated filth of his transgressions—all because of his ties with the most powerful men in the country. Aligning himself with Ferdinand Marcos during Martial Law allowed Cojuangco to become the bane of about 4.5 million peasants. By extracting windfalls from the coconut levy fund, he has made himself one of the most untouchable magnates—all because of his massive fortune and political influence as chairman emeritus of one of the most dominant political parties, the Nationalist People’s Coalition (NPC), and his alliance with the man poised to be a malevolent force perhaps worse than Marcos himself. As with previous administrations, the curse on the land will not be lifted under Duterte. After the current president recently vetoed the Coconut Levy Fund Bill, which would have returned what rightfully belongs to the farmers, Cojuangco and his clan, if left uncurbed, would continue to inflict harm upon and doom the land and the people who tirelessly till it. •
Rotten to the Core Antonio Floirendo, Sr. did not carry his secrets to his grave. When his corpse profaned the earth, his bloodsucking flesh stank of a stomach-churning stench. He was laid to rest beneath a fertile place where the seeds of a scion later grew to be as equally horrifying as he was. It was in the 1970s when Floirendo, Sr. started sowing seeds of fear across his 5,500-hectare banana empire in Davao Del Norte through a dubious contract made possible by the late President Ferdinand Marcos. For about half a century now, their plantation, Tagum Agricultural Development Company, Inc. (TADECO), remains one of the country’s biggest banana producers and exporters.
04
The same money-milking business violently displaced numerous communities and took advantage of prisoners from the Davao Penal Colony who slaved over the plantation for starvation wages. Some of the Marcoses’ adjoining apartments abroad that amounted to about USD4 million were also registered under the name of the banana magnate. He was among the closest
Intestines of the Earth
Shedd
ABBY BOISER Tens of meters below is a clew of earthworms— these puny creatures that once slithered their way into the ‘art elite’—wriggling in and out of the deep and dark abyss, searching for a way out while fattening themselves up. But the plumpest of them all has successfully reappeared on the surface, now bearing adornments to hide its bristles and slimy skin, polished with a fedora hat and a nome de plume. One can start enumerating his accolades in literature— multi-genre writer, translator, critic, lexicographer, cultural deity, chairman here, chairman there—but what Rio Alma cannot conceal is his track record of using literature to aggrandize his reputation and to openly support bloody regimes. When protest art was at an all time high in the country, Almario was an apologist writer for the tyrant Marcos. He organized in 1973 the Coalition of Writers and Artists for Democracy (COWARD) which campaigned for the Marcos-Tolentino duo during the snap elections.
KIMBERLY Forty years later, Almario has become the instrument of a new tyrant in further corroding the critical thinking of Filipino learners. Appointed by Duterte as the commissioner of the Komisyon ng Wikang Filipino and the National Commission for Culture and the Arts, he continues to oppose the mother tongue-based multilingual education and promotes instead a Filipino-biased education policy which has for so long divided the nation. In spite of all the earthworms’ efforts to squirm out of view, the burrows and castings on the ground are testimonies of their grimy past, of digging holes after holes, of feasting on remnants and debris, in their venture to rise to power. •
Across through hollows to rest s servile creature shedding and r serve its politic A close ally the nonage
REX MENARD CERVALES associates of Marcos who had contributed to the dictator’s presidential campaigns and projects. Surprisingly, he was able to maintain good graces with all presidents even after Marcos. When he passed away in 2012, his son, Antonio Floirendo, Jr., took on the mantle and, in 2016, turned out to be the biggest donor to Duterte’s bid to presidency. The scion has served as a congressman for three terms, with loyal allies including Davao City Mayor Sara Duterte. With this, the Floirendos still undeniably maintain a grip on the levers of power. As long as the last of their bloodline remains unashamed of their atrocities, their legacies will continue to let loose horrors until they rest rotting in their graves. •
Not everyone coming back from the dead reeking of the crimes they have committed oxygen the atmosphere of debasement an erected, from Ferdinand Marcos’s reign to R on the decay of checks and balances, relis swear fealty to whoever would capitulate
These creatures bear testament to the reali told by fabulists and fibbers as tall tales in t far from any fod
Six Feet
CO L L EG I A N FE
GRAPHICS • ROSETTE GUIA ABOGADO
FEATURES
ding Skin
Invisible Hand
ANNE YUTUC
the ground and h crevices and s where the dead lay slithers a serpent—a e with no loyalties, reinventing itself to cal ambitions. y of the first family, narian politician
served as the defense minister of the late dictator Ferdinand Marcos and was considered by many to be his protégé. Enrile, along with Marcos’s other allies, pinned the Plaza Miranda bombing on activists whom they insisted were communists. He is attributed as the chief architect of the Marcos dictatorship, playing a key role in orchestrating the ambush incident that was later used as the justification for Martial Law. Once things turned sour for the dictator, however, the sycophant, slippery as he was, switched sides. After the EDSA Revolution, the snake slipped out of its skin: painting itself to be a hero, leaving behind its past
atrocities to rot in the ground. Still, in recent interviews, he even went as far as claiming that critics were neither arrested nor killed for opposing Marcos. Eyeing a fifth term in the Senate, Enrile is again singing the praises of the current administration. Giving Duterte a rating of “9 out of 10,” the politician has expressed support for the handling of the Marawi conflict, claiming that Martial Law is critical to ensuring peace and order in Mindanao. Absolving itself of its own crimes, the snake continues to molt: leaving its old skin to decay in the burrows where it creeps through, regime after regime. •
A spectre is haunting the College of Business Administration (CBA). However, the spectre is not so much the man for whom the college was named as the memories he left behind that still hound the thousands who fell victim to his anti-poor policies. In 2013, the Board of Regents renamed the CBA after former dean Cesar Virata. Yet he is more famous for his stint as the Prime Minister of Ferdinand Marcos in 1981. Having been handpicked and trained to be one of the top technocrats, he supported the latter’s neoliberal trajectory towards dictatorship. Before entering politics, Virata taught business courses in UP Diliman. He then headed the Ministry of Finance in 1970. Under his term, the country’s landscape bristled with infrastructure. From high rises to white elephants like the Manila Film Center—for whose eventual collapse he disapproved a USD5 million subsidy—Virata’s brainchild created an illusion of a healthy economy. The peso started to weaken as loans to bankroll these projects ballooned to billions of dollars. The country’s gross domestic product
Parasites for Profit
is a messiah. Many in fact roam the earth d against scores of innocents. They use as nd brutality upon which dictatorships are Rodrigo Duterte’s demagoguery. They feast sh the ruin of democratic institutions, and e them to power or insure their longevity.
ity of what should have been flights of fancy the Philippines. Yet the terror they inspire is dder for fiction.
t Under
E AT U R ES STA FF
PAGE DESIGN • KARLA FAITH SANTAMARIA
A deadly parasite has hidden itself underground. It cannot survive on its own, so it patiently awaits the next host it can latch itself onto. Throughout Philippine history, there has never existed one more vile than those who leech off the power of the president for their personal gain at the expense of many. In this sense, Lucio Tan has to be considered the greatest sycophant of them all. Coming from a poor Chinese immigrant descent, Tan struggled as a scrap dealer and later as a janitor in a cigarette factory. Only after befriending then Senator Ferdinand Marcos in the early 1960s had Tan’s life taken a turn for the better. Tan, the hanger-on that he is, built the Fortune Tobacco Corporation and
JT TRINIDAD followed suit, with a steep decline. Meanwhile, Virata ascended as a trusted economic advisor until Marcos was overthrown from power. Having yet again surfaced, he now stalks the Palace as one of Duterte’s economic consultants, a supporter of the latter’s “Build, Build, Build” infrastructure project. His comeback foreshadows a repeat of a history replete with horrors about to be unleashed on the people. Students of the CBA have been trying to exorcise his haunting presence—a grim reminder of economic programs that addled the public. For he may have stayed low-key awhile, but any minute he can creep in like a ghost and stand behind another tinpot dictator in the making. •
JOHN IRVING GANDIA
monopolized the entire cigarette industry while freely evading taxes and, at the same, enjoying massive state-imposed tariffs on imported tobacco products. By the time the dictator’s administration fell, Tan had become billions of dollars richer and already assembled an insolvent government bank, launched his own beer company,
and purchased an airline. Numerous attempts to get rid of the helminth have been taken. None of them have succeeded, however, for the parasite that is Tan has grown so wealthy and so influential a figure in the country. Even the current president himself promised to no longer bring up the tycoon’s tax liabilities after Tan had settled his airline’s dues and offered free flights for distressed migrant Filipino workers from Kuwait. Now that he has courted the favor of another host in the person of Duterte, Tan could remain an affliction, leaving Philippine society in a deprived, sickly state. •
05
KONTRA-AGOS ATHENA SOBERANO DUGANG KADASIG
WALKOUT Kunot na noo ang tugon ni Papa nang makita niya akong nakabusangot habang kumakain ng agahan. Tahimik ko na lamang tinapos ang aking pagkain, saka kumaripas ng takbo pabalik ng kwarto ko. Sa totoo lang, mag-iisang linggo na akong ganito—isang tanong, isang sagot, palaging iritable, at walang ganang makipag-usap sa iba. Papasok ako sa mga klase ko, maglalibrary, at pagkatapos, uuwi na’t magkukulong sa kwarto. Pati pagkain sa bakanteng oras, kinatamaran ko na rin. Sino ba naman ang hindi pagtatabangan sa buhay sa mga nangyayari sa bansa ngayon. Kahit yata simpleng tao, bad trip na sa mga pinaggagagawa ng mga tao sa gobyerno— pinapalaya ang mga kriminal, habang tuluytuloy ang pag-aresto sa mga wala namang sala. Hindi ko lubos maisip kung pa’no humantong sa ganitong lagay ang mga bagay. Hanggang sa hindi ko na napigil ang sarili kong magmura sa harap ng TV, habang katabi si Papa, nang lumabas ang balitang pati si Napoles e nakalabas na raw ng kulungan. May mga pagkakataong papatirin ng mga nangyayari sa paligid mo ang sarili mong pasensya, kahit ga’no pa kahaba ang pisi mo. At isa ito sa mga iilang
THE ANATOMY OF FEAR JOSE MARTIN SINGH
Until now, Palparan contrives a clouded narrative of military heroism to end all insurgencies, wagering for his release ... his tall tale further reinforces subversion of the truth, a twisting of narratives that speak of the gore that state forces foist upon the people.
06
pagkakataong ‘yun. “Kalma lang,” paalala ni Papa. Pero hindi ko magawang kumalma. Nagagalit ako; isang bagay na hindi ko naman madalas maramdaman sa buong buhay ko. Ganoon na lang ba rito sa Pilipinas: naipantatapal ng mga katulad ni Arroyo at Marcos sa kanilang kasalanan ang nakaw nilang mga pera, habang ang mga dukha ang humaharap sa karahasan ng bilangguan? Basta’t kasangga ng pangulo, madaling sumibat sa pangil ng hustisya? Minsan, napapaisip na lang ako kung ano bang magagawa ko para baguhin ang mga maling nakikita ko. Pakiramdam ko ay meron naman, sadyang ‘di ko lang alam kung saan magsisimula. Totoo nga ang mga sinasabi ng mga estudyanteng madalas bumisita sa kalagitnaan ng klase namin sa AS—na mayayaman pa rin ang may hawak sa hustisya dito sa bansa. “Kaya sumama na kayo sa gaganaping walkout,” pag-anyaya nila. Sasama ba ako? Baka pagalitan lang ako ni Papa. Pero ano nga ba ang higit kong kayang tiisin: ang galit ni Papa, o ang matinding kabog sa puso ko na pilit kumakawala sa aking dibdib? Bahala na. Magalit na kung magalit. Alam ko namang ito ang tamang dapat gawin.•
Fear pulses into action at the most volatile junctures. It leads to irrevocable outcomes, shaking one’s integrity as one anticipates its effects. Such an emotion is also as multi-dimensional as it is powerful when acted on to its desired ends, out of an aversion to failure. UP students Karen Empeno and Sherlyn Cadapan feared that they had not been doing enough for their country. Army general Jovito Palparan, Jr. feared that terrorism would abound if he failed to capture those that bannered social causes critical of the government’s policies. Linda Cadapan and Concepcion Empeno at one point feared for their daughters’ lives and what Palparan—known as “the butcher”—might have done to them. While it is easily perceivable, fear can also get tangled with various other emotions. Linda and Concepcion may have been relieved by Palparan’s conviction last year, but their hearts’ troubles remain because of their
daughters’ absence. The fear of losing their children is being dug on as the days pass by without any news of their daughters’ whereabouts. Press upon that wound the fact that there have been moves to get Palparan out of jail while military units continue to scour the countryside and abduct people who embody their greatest fears. The multi-dimensionality of fear orbits around the way we get things done. Witness accounts tell of how the gaunt Palparan had fire in his eyes as he slammed wooden planks on Sherlyn’s back. That fire projected a desire to quell what he believed was a “terrorist” living inside the young activist. The image might as well have been the incarnation of fear rooted in insecurities, fear muddled by the lack of conscientious action. Palparan and his troops abducted and tortured five youth, including Karen and Sherlyn, in 2006, to echo the long-running state tradition of stifling critical voices. The tradition lives on
because all perpetrators of enforced disappearances since the 1970s, under the dictator Ferdinand Marcos, have wanted to pulverize those who recognized society’s entrapment in a system that oppresses and suppresses— one that takes but never gives to the people. From the Marcos rule up to 2018, there have been over 2,000 recorded cases of enforced disappearances, where almost 300 were found dead while most are still missing, according to human rights watchdog Karapatan. Such disappearances characterize the strain between the government and the national democratic movement, which the former deems terrorist owing to its staunch ideals for social change. There would have been countless opportunities—such as through the otherwise discontinued peace talks—to end the insurgency the government has always feared. But instead of peace and a clear-cut solution to persisting
economic woes, we get a declaration of an all-out war against all who are critical of prevalent injustices—a desire to stamp out the opposition as such violence as enforced disappearances reigns. Until now, Palparan contrives a clouded narrative of military heroism to end all insurgencies, wagering for his release in a recent interview with blogger Mocha Uson. His tall tale further reinforces subversion of the truth, a twisting of narratives that speak of the gore that state forces foist upon the people. There is, however, a hollowness to fear as it can die down when acted upon by a greater force. The greater fear we must confront is that of remaining in the limbo of seeming peace, understated poverty, and the lies that patch up its reality. We stand at a place of reckoning with the truths we must seek to alleviate the plight that people continue to bear. Fear, with all its intricacies and crippling effects, begs to be overcome. •
phkule@gmail.com
OPED-GRPX PHOTOS • LUCKY DELA ROSA
APOKALIPSIS SHEILA ABARRA
Handa na ang opisyales, batas, at sandatahanglakas ni Duterte pero mas handa ang mamamayan—handa sa pakikipagsapalaran, paglaban sa walanghabas na patayan.
Sa tuwing nabibigyan ako ng panahon para mag-isip-isip sa gitna ng dagat-dagatang gawain, namomroblema pa rin ako: anong gagawin ko kung sakaling ibaba na ang batas militar. Isa lang ito sa napakaraming pinoproblema ng bawat Pilipino araw-araw—saan kukuha ng pera pantustos, paano pagkakasyahin sa 24 oras ang lahat ng gawain sa pamantasan, bahay, at kung saansaan. Ngunit iba ang bigat, at hindi ito madaling hulaan tulad ng eksam, hindi madaling i-cram tulad ng tesis. Lampas sa panghuhula, tukoy na ang mukha ng batas militar ni Duterte kahit wala itong pangalan. Hindi man kilala ang mga pulis na pumapatay sa Oplan Tokhang, nasa alaala naman ng mga asawa at anak na naulila ang wangis ng mga mamamatay-tao. Maskara ang mga batas na nangangalaga sa tuwirang militarisasyon sa iba’t ibang probinsya, at hindi ito nagpapakilala—nakikipagkamay sa kamatayan ang mga nagpapatumba sa mga katutubo at ibang mamamayan. Parang riple kung sunud-sunod na pumalo ang
20 Setyembre 2019 • www.philippinecollegian.org
bilang ng namamatay sa Negros; ikatlong taon pa lang ni Duterte, lampas-lampas na ang paglabag sa karapatang pantao kumpara sa mga nagdaang administrasyon. Kumakaway ang mga bandera ng pangmasang organisasyon ng estudyante sa mga telebisyon at sa inaraw-araw na klase sa pamantasan bitbit ang isyu sa loob at labas ng unibersidad. Walang pagpapanggap—kasabay ng mga impormasyong dapat tugunan ng mga kabataan ay ang pangalan ng dantaong pagkilos laban sa katiwalian. Nababasa ko lang dati ang mga pagtugis sa aktibistang magaaral noong diktadurang Marcos at ngayon, kinakasuhan na ang mga lider-kabataan ng mga ligal at demokratikong organisasyon. Ligal na ang pagpaslang at iligal ang pagpapahayag ng kritisismo sa pamahalaan. May mukha ang pangamba. Sa minsanang pag-uwi ko sa aking pamilya sa probinsya, nararamdaman ko ang takot para sa kanilang seguridad na nararamdaman ko sa tuwing magpapahayag ng saloobing
anti-gobyerno. Anupa’t ang mga tinuturo ng pamahalaang bahagi ng mga makakaliwang grupo at tahasang kinukumpasang lipulin ay nadadaanan ko lang sa unibersidad. Ipinakalat na ang pagsupil sa insuhensiya hindi lamang sa hanay ng mga kabataan kundi sa iba’t ibang ahensiya. May programa na ang TESDA laban sa mga “lokal na komunista” at isa sa mga tagapanguna nito ay ang nasa Cordillera. Sa madaling sabi, ito ay ang whole-of-nation approach na nagkakambyo sa lahat ng bahagi ng gobyerno patunggali sa mga kritiko ng administrasyon. Nanggagalaiti ang mga proklamasyon sa tuwing mapupuna ang mga galamay ng pangulo. Ngunit hindi naman mapipigilan ang dunong ng mamamayang mulat sa sigalot sa ating mga karagatan, pagbebenta ng mga yamang-likas, mapamuksang taripa, at magsasakang nilulubog pang lalo sa lupang taniman. Sa sandaling magagawi ako sa hanay ng kapulisan tuwing mobilisasyon, namumuo ang aking luha sa pagbagtas sa karagatan ng mukhang binulag ng sindak.
Nagmumuni ako sa eksenang paano kung lapitan ko ang isa at ipahayag ang nalalaman ko sa hagupit ng batas militar ng tinitingala niyang pangulo. Ngunit makapal ang tabing na nilikha ng brutal na kasanayang pangmilitar ng estado—malaki ang tsansang hindi ako nakikita ng mga ito bilang tao, baka manika, baka masyado na siyang malayo, nasa magkabilang-dulo ng giyera. Handa na ang opisyales, batas, at sandatahang-lakas ni Duterte pero mas handa ang mamamayan—handa sa pakikipagsapalaran, paglaban sa walang-habas na patayan. Normal na sa amin ang seryosong pagpapaalalang mag-ingat sa tuwing may hihiwalay na kasama, normal na rin kasi ang karahasan. Hindi ko na dapat isipin kung paano ‘pag batas militar na, dahil heto na iyon, ayaw pa lang magpakilala. Sa sandaling humarap ito sa atin, kilala na tayo nito, at bagaman mayroong takot, hindi nito lubos na nauunawaan na nagluluwal ito ng lalo pang pagalab ng paglaban—insurhensya man o boses ng pagtutol. •
07
KULTURA
Dikta sa asinta SAM DEL CASTILLO Sa pagbayo ng bigas sinasabing umaangat ang langit mula sa lupa at nalikha ang mundong kinagagalawan natin. Sa ritmo nito sumasabay ang pagkilos ng magsasaka tuwing nagaani. Sa kasalukuyan, ang tunog ng bayo ay napalitan na ng putok ng baril—hindi mula sa mga magsasaka kundi sa mga dapat tagapagtanggol at tagapagsulong ng kaayusang panlipunan. Taong 2018 nang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Memorandum Order no. 32 o MO 32 na nagdedestino ng mas maraming sundalo sa probinsya ng Samar, Negros Oriental, Negros Occidental, at Bicol. Layunin nitong supilin ang umano’y karahasan at terorismong dala ng New People’s Army (NPA) sa mga nasabing lugar. Bagaman isang taon pa lang ang nakalipas, marami na ang namatay dulot ng pinalawak na
militarisasyon. Matatandaan nitong nakaraang buwan lang na malawak ang pamamaslang sa mga lalawigan ng Negros at Bicol. Tinatayang umabot na sa 87 ang napaslang sa Negros habang anim naman sa Bicol. At gaya na lang ng ibang porma ng pagpatay sa ilalim ng administrasyong ito, hindi mahalaga kung sino ang nasa kabilang dulo ng baril— sanggol man o inosenteng magsasaka’t aktibista. Malaon nang ganito ang maniobra ng gobyerno sa harap ng matinding krisis. Militarisasyon din noon ang sagot ni Ferdinand Marcos sa lumalawak na pagkilos ng sambayanan, na tumuloy hanggang sa kasalukuyang administrasyon. Subalit sa paglagos ng militarisasyon sa maraming taon ay ang pagpapatuloy din ng suporta ng US sa operasyong ito. Alinsunod sa panahon ng batas militar kung saan lumobo ang suportang militar mula 0.2
Gawad sa kagawaran POLYNNE DIRA
Nagtagpo na ang mga tipo ng diktadura–lantaran na ang batas militar ng administrasyong Duterte; hiram sa mga nagdaang rehimen. Itiklop ang pahina at pagtagpuin ang mga putol na linya; tukuyin ang salarin, dustahin, nanggigitata sa dugo, berdugo.
PHILIPPINE COLLEGIAN
May binubuhay na patay ang palasyo—sagot daw sa mga krisis, ngunit pumupuksa mismo sa taumbayan. Pinirmahan ng pangulo noong nakaraang taon ang Executive Order (EO) no. 70 na nagsasaad ng pagbuo sa isang National Task Force (NTF) na may layong sugpuin ang mga armadong paglaban. Gagamitin dito ang “whole-of-nation approach” kung saan hindi lamang militar ang kikilos, kundi pati na rin ang mga ahensiya ng pamahalaan, sa pamamagitan ng serbisyo at mga programang nakapokus sa mga komunidad, upang matupad ang deklarasyon nitong tapusin at lipulin ang nasa likod ng mga insurhensiya sa taong 2022. Nakipagkasundo na ang Department of Agrarian Reform sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, na siyang mga primaryang magiimplementa ng mga programa
DIBUHO • JAMES ATILLO
sa lokal, upang paigtingin ang presensiya ng militar sa mga sakahan na may girian sa pagitan ng mga magsasaka at may hawak ng lupa. Samantala, malalang militarisasyon ang nararanasan ng mga Lumad na nagtutulak sa kanilang lumikas at maglunsad ng Lakbayan sa lungsod. Kasama sa NTF ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na sa halip na magtanggol ay instrumento pa sa pagbebenta ng lupang ninuno, pagtulong sa pangreredtag ng mga tribo at organisasyon na dumudulo sa pagbobomba ng mga paaralan, pagpatay sa mga lider. At upang gawing lehitimo ang paglabag sa mga karapatang pantao, isinusulong ng Department of Interior and Local Government, kasama rin sa task force, ang pagbabalik ng AntiSubversion Law. Nagamit ang batas noong rehimeng Marcos upang ipakulong ang sinumang
milyon hanggang 0.8 milyon, ang administrasyong Duterte rin ang nakakatanggap ng pinakamalaking suportang militar mula sa US sa Pasipiko. Higit pa sa pagpapaandar ng mga operasyong gaya ng MO 32, sa ganitong gana rin hinihigpitan ng US ang hawak nito sa ekonomiya at politika ng bansa. Kaya sa MO 32 parehas tumutuntong ang administrasyong Duterte at US para agad mapuksa ang tinuturing nilang kaaway at mapanatili ang kaayusang pumapabor sa kanila. Subalit sa panahon ng sigalot, laging makikita ng militar ang sibilyan bilang kakampi ng kalaban. Gaya na lang sa Negros at Bicol kung saan mayoryang pinupuntirya ang magsasakang nakikibaka para sa sariling lupa at disenteng sahod sa tubuhan o kaya ang mga aktibistang nakikiisa sa kanila. Ngunit ano mang gawin ng alyansang US-Duterte, hindi nila mapapatahimik ang bayang ginugutom at minamasaker. Dahil tulad na lang noong batas militar, ang tunog ng putok ng baril ay masasapawan din ng ritmo ng martsa ng mamamayang lumalaban. • lumalaban sa gobyerno, at nagdulot ng pagkabilanggo at pagkamatay ng marami. Hindi na bago ang polisiyang EO 70 na gumagamit sa mga departamento upang tugunan ang ugat ng armadong paglaban dahil minana ito ni Duterte mula pa sa Oplan Mamamayan ni Ramos, at Oplan BantayLaya ni Arroyo. Pinapakita ng matagalan ngunit walangbungang estratehiya na malayo ang programa ng mga ahensya sa pagsagot sa kahirapan, kung hindi ito sadyang iniiwasan. Sa katunayan, sa likod ng whole-of-nation approach, patuloy pa rin ang paggamit ng dahas upang masupil ang mga lumalaban—karamihan sa mga namumuno sa mga ahensyang bumubuo sa pwersa ay dating mga sundalo. Tila bangkay na hinuhukay at ibinabalandrang panakot ngunit bigo—buhay ang paglaban ng ordinaryong mamamayan. Sa pagpatay ng estado sa ngalan ng mga polisiyang ito at ang naaagnas na mukha ng bagong tipo ng batas militar ay kilala pagkat ito ang tukoy ng bansa na hinding-hindi maitatanggi ng nanggigitatang kamay na bakal. •
DISENYO NG PAHINA • KIMBERLY ANNE YUTUC
20 September 2019 Volume 97 • Issue 05