The Official Weekly Student Publication of the University of the Philippines Diliman
Volume 97 • Issue 08 • 12 pages Thursday, 31 October 2019
NEWS
KULTURA Fake Love Ang pag-ikot ng K-Pop sa pandaigdigang pamilihan ay dapat pag-isipan— ilagay sa diskurso. Patayin natin ang bulag na pag-ibig sa sining na bingi, bago tayo ang patayin nito.
6-7 LATHALAIN Bihag ng Dahas Patunay ang buhay at pakikibaka ni Maoj sa hindi matatawarang tapang at talab ng aktibistang pilit pinatatahimik ng estado.
8
PGH congestion worsens as ER, wards face accommodation woes
Page 3
www,philippinecollegian.org
@phkule
phkule@gmail.com
EDITORYAL
DIBUHO • JAMES ATILLO
PHILIPPINE COLLEGIAN The Official Weekly Student Publication of the University of the Philippines Diliman
EDITOR-IN-CHIEF Beatrice P. Puente ASSOCIATE EDITOR Marvin Joseph E. Ang MANAGING EDITORS John Irving D. Gandia Kimberly Anne P. Yutuc BUSINESS MANAGER Cathryne Rona L. Enriquez
KONTRA-AGOS Puno ng paghihirap ang pagsuong ng bayan sa rumaragasang suliranin. Nilulunod pang lalo ng pamahalaan ang mamamayan sa pagdarahop sa kasalukuyan. Sa kabila ng pagtutol ng mga katutubo, ginawaran ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project sa probinsya ng Quezon at Rizal upang masimulan na ang pagpapatayo nito. Kung tutuusin, tuwirang paglabag sa batas ang proyektong ito dahil isa ang Kaliwa Watershed Forest Reserve sa mga protektadong lugar sa ilalim ng National Integrated Protected Areas Systems Act. Walang dudang ang pagtatayo ng dam dito ay magdudulot ng matinding pagkasira sa balanse ng kalikasan. Ngunit napakadali para sa mga nasa kapangyarihang suwayin ang batas dahil wala itong pangil para panagutin ang sinumang lalabag dito. Upang mas palalain ang sitwasyon, tahasan ding binitawan ng DENR ang responsibilidad nito—sa pamumuno ng dating miyembro ng militar, walang pagpapahalaga ang ahensya
02
Ang kailangan ng bansa ay ang pagtugon sa mga tunay na nagpapahalaga sa pagpepreserba sa ekolohiya, hindi ang pagsalubong sa mga tagalabas na napatunayan nang malalaking mangangamkam.
sa kalikasang dapat nitong protektahan. Sa kabila ng kapabayaan ng pamahalaan, patuloy na tinatanganan ng mga katutubo ang responsibilidad na kalingain ang kalikasang kanilang tahanan. Ito ang dahilan kung bakit ganoon na lang katindi ang pagtuligsa ng katutubong Agta-DumagatRemontado sa proyekto, na pwersahang magpapaalis ng tinatayang 500 pamilya sa
FEATURES EDITOR Richard C. Cornelio
kanilang lupang ninuno. Bagaman rekisito ng ECC ang pagkuha ng free, prior, and informed consent (FPIC) ng mga katutubo, walang pagkilala rito ang pamahalaan. Maski ang ahensyang dapat magtanggol sa mga katutubo ay wala ring pagtangi sa karapatang ito. Bagkus, ito pa mismo ang lumilikha ng huwad na ulat na sang-ayon umano ang mga katutubo sa proyekto kahit isa lamang sa siyam na grupo ng mga baranggay ang pabor dito. Patunay itong malabnaw ang pagpapakahulugan sa FPIC at kinakasangkapan lamang ito ng pamahalaan upang yurakan ang karapatan ng mga katutubo sa sariling pagpapasya. Gayunman, matibay pa rin ang pagnanais ng pamahalaang isulong ang proyekto at handa itong gumamit ng dahas, banta mismo ng pangulo. Patuloy nila itong pinanghahawakang sagot sa krisis sa tubig, kahit taliwas ito sa katotohanan. Ang mga dam tulad ng Angat ay mas mainam, lalo na sa usapin ng gastos, isailalim sa rehabilitasyon—paunlarin ang teknolohiya sa pagpapalawak ng imbakan, pagkontrol sa mga tumitining sa tubig—kaysa gumawa ng panibago, ayon sa pananaliksik mula sa Asian Disaster Reduction Center. Hindi kinikilala ng administrasyon ang mungkahing ito dahil sa paghahangad nitong ipagpatuloy
ang programang Build, Build, Build ni Pangulong Duterte. Nariyan na rin ang pautang ng mga dayuhang bansa tulad ng Tsina na nasa P12.2 bilyon para sa pagpapatayo ng proyektong nagpapatibay ng kritikal na ugnayan ng bansa sa mga makakapangyarihang bayan. Kung matutuloy ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam, paniguradong malulunod sa higit na kahirapan ang libu-libong mamamayan habang nalulubog ang bayan sa limpak-limpak na utang mula sa Tsina. Kilala bilang “debt-trap diplomacy,” ang pagpapatayo ng Tsina ng malalaking imprastruktura tulad ng mga dam sa Timog-Silangang Asya at Africa ang paraan nito upang ibaon sa utang ang mga mahihirap na bayan at gawing lehitimo ang pagkamkam sa kanilang likas-yaman. Ang kailangan ng bansa ay ang pagtugon sa mga tunay na nagpapahalaga sa pagpreserba sa ekolohiya, hindi ang pagsalubong sa mga tagalabas na napatunayan nang malalaking mangangamkam. Kung kaya esensyal ang pagsuporta sa mga katutubong matagal nang lumalaban sa mga mapangabusong nasa kapangyarihan, nagpapanatili at nagpapayaman ng kultura, nagpapayabong sa ekonomiya mula at para sa karaniwang mamamayan. Gayong nagbabadya ang mas malalaking unos, ang pinakamabisang panangga ay nasa pagsagupa sa agos. •
DISENYO NG PABALAT • JAMES ATILLO
KULTURA EDITOR Sheila Ann T. Abarra GUEST EDITORS Sanny Boy D. Afable Adrian Kenneth Z. Gutlay Jiru Nikko M. Rada STAFF Samantha M. Del Castillo Lucky E. Dela Rosa Polynne E. Dira Karla Faith C. Santamaria Jose Martin V. Singh AUXILIARY STAFF Amelyn J. Daga Ma. Trinidad B. Gabales Gina B. Villas CIRCULATION STAFF Gary J. Gabales Pablito Jaena Glenario Omamalin ••• UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (Solidaridad) College Editors Guild of the Philippines (CEGP) www.philippinecollegian.org ••• Sampaguita Residence Hall University of the Philippines Quirino Avenue, Diliman Quezon City
NEWS
PGH congestion worsens as ER, wards face accommodation woes JOSE MARTIN SINGH Alladino Callimutan, 54, presses his hands to his temples and writhes in pain on a cardboard along the bustling sidewalk of Taft Avenue in Manila. His wife Lucila’s attention is divided that Sunday night. She looked askance at passersby while attending to her struggling husband, who earlier had a checkup at the Philippine General Hospital (PGH) for his busted lower lip. Lucila says they have been running errands in the hospital for a month, almost to no avail. “Nagtitiis na lang kami para ‘pag napagaling na siya ay uuwi na kami ng probinsya,” she said, lamenting the huge amount they need for travel, food, and medication. Alladino is among the thousands of patients seeking healthcare services from the PGH, the biggest public tertiary and research hospital in the country. But despite its top status, the hospital has been dealing with massive healthcare service problems with a striking influx of patients that has gone out of hand due to lack of facilities and manpower. Swelling numbers From the average 580,000 patients that the PGH accommodates yearly since 2006, the number of patients rose to as many as 605,000 in 2016. “But now we have 650,000 patients a year,” said PGH Director Dr. Gerardo Legaspi. Overcrowding, matched with inadequate facilities, speak of the Emergency Room’s (ER) worsening state, Legaspi said. “Sometimes there can be no more beds, oxygen lines, and masks. Patients
sometimes also have to lie on the floor—it’s that bad.” The PGH ER currently has a one-to-28 nurse-to-patient ratio and wards have one-to-16 when it should be only one-to-12, Legaspi said. The original ER is under renovation and will be finished by February or March 2020. These dire conditions reflect the government’s skewed budget prioritization for the public health sector, College of Medicine Academic Unit vice chair Dr. Gene Nisperos said in a previous interview. Despite its urgent healthcare needs, the hospital may only receive P2.77 billion next year, about 14 percent less than this year’s P3.23 billion fund. While the Congress has realigned an additional P500 million for the PGH, the hospital administration still sees the need for a total of P10 billion to suffice for the hospital’s overall function. “We resort to donations from private organizations that help us fill in the budgetary gaps,” Legaspi said. Despite donations coming in, the PGH is still unable to serve the public well, Nisperos said. “Because of insufficient budget, the hospital cannot hire the additional health human resources it needs,” he said in a Facebook post on October 29. Roy*, a student intern at the PGH, said they even have to shell out money from their own pockets to sustain patients’ needs. “Though discouraged kami na mag-pay for the patients, for example photocopy, kapag walang wala talaga yung pasyente, magbibigay kami,” he said. Optimal healthcare on hold Long and dreaded queues sprawl outside wards as the PGH has been tending to more people due partly to a flawed patient
31 October 2019 • www.philippinecollegian.org
referral system, Nisperos said. To resolve the overcrowding of the wards, the PGH administration needs to strengthen communications with all public hospitals in the country, Legaspi said. “There should be command centers in public hospitals to mitigate the increase in patients in the PGH. Otherwise referrals are going to be very personalized and inefficient.” The Local Government Code of 1991, which led to a devolution of government, provided for specific courses of action for local healthcare units. These measures never took off.
“The PGH cannot solve everything,” Legaspi said. “The LGUs should also take the initiative to improve healthcare.” Many local public hospitals fail to accommodate a lot of cases and end up referring them to the PGH, Nisperos said, adding that the patient referral system’s inefficiency is worsened by weak political will. “All past governments have neglected healthcare, so the problems have accumulated over the years,” he said. Around 250 patients go to the PGH every day to be accommodated among 25 beds lined up at the makeshift ER along
a cramped corridor. Patients like Alladino who have been passed around in the PGH continue to hope for better healthcare services despite the many issues confronting the country’s top public hospital. He winces at the thought of having to give up work for the lip carcinoma or cancer he has been sustaining for five months. “Gusto ko pang mabuhay para ako’y makatulong sa kapwa na nangangailangan,” he said, struggling to speak through a gauze-padded face mask. “Hindi talaga ako susuko.” • *not his real name
LUCKY DELA ROSA
HOSPITAL QUEUES • Bitbit ni Alladino Callimutan, 54, mangingisda mula sa Umiray, General Nakar, Quezon, ang resulta ng kanyang biopsy sa Philippine General Hospital (PGH), Oktubre 21. Lumabas sa pagsusuring mayroon siyang sakit na Squamous Cell Carcinoma o isang uri ng kanser sa balat. Higit limang buwan nang may sakit si Callimutan ngunit nang subukan niyang magpatingin sa Lucena City, tinanggihan siya ng isang ospital sa lugar. Nirekomenda sa kanyang tumungo sa PGH upang doon sumailalim sa biopsy at CT Scan. Ngunit dahil kulang ang kanyang perang pampagamot, hindi pa rin niya nagagawang sumailalim sa CT scan na aabot sa P9,500. Bagaman naipasa na noong Pebrero 20 ang Universal Health Care Law, hindi ito sapat upang tugunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng gaya ni Callimutan dahil sa limitadong benepisyong kayang tugunan ng batas.
03
NEWS
PHILIPPINE COLLEGIAN
CBA students, faculty continue protest for fair dean selection process MIKE GERONIMO
CATHRYNE ENRIQUEZ Students and faculty members of the UP Diliman College of Business Administration (CBA) continue calling on the Board of Regents (BOR) to uphold a fair selection process following the controversial affirmation of their new dean. The CBA community expressed disapproval over the affirmation of Joel Tan-Torres as their dean last October 21, due to his deficient academic record and supportive stance on the current name of the college, which was an eponym for Cesar Virata, a crony of late dictator Ferdinand Marcos. “He’s very disconnected from the Business Administration community [as he is not a member of the college]; hindi niya talaga maiintindihan ‘yung problems namin,” CBA Representative to the University Student Council Jezrel Bugtas said.
Students and faculty did not receive Tan-Torres’ appointment well as it did not follow the traditional process by which the leaders of an academic unit is selected. For the appointment of a college dean, the BOR must select from the recommendations of the university president and chancellor of the campus unit, following a consultation with the constituents of the college, as stated in the UP Charter of 2008 or Republic Act 9500. The CBA faculty initiated a protest on October 18 to call out Tan-Torres’ insufficient qualifications. Before the protests, the faculty and students attended consultations and forums with the nominees, coming up with recommendations in favor of Associate Professor Ma. Regina Lizares and Master in Business Administration Chair Lorna Paredes. Other nominees included CBA Secretary Erik Capistrano and Management Science professor Brian Gozun. Nevertheless, the BOR disregarded the nominees
recommended by the faculty and the Chancellor, said the University Council, the highest academic body in the university, in an online statement released September 9. The Business Administration Council (BAC), the official student government body of the college, also sent a letter to the BOR in the same month regarding the results of the discussions with faculty and students. However, the BOR still decided on the appointment of TanTorres in a special meeting on October 11. BOR Chairperson and Commission on Higher Education Chief Prospero De Vera denied allegations of irregularities in the selection process. “The role of the search committee is to look at the qualifications of the candidates, look at their vision for their college, conduct a public forum if necessary, put the good and the bad impressions on the candidate and submit it to the Board of Regents,” he said in previous reports.
During the selection process, the BAC submitted a letter to the BOR expressing their objection to Tan-Torres’ deanship. The CBA community is unsettled over his lack of a doctorate degree, when he is supposed to lead a faculty whose members hold such credentials, the letter said.
“These UP President and BOR’s actions and decisions give the unfortunate impression that political connections carry inordinate weight in the appointment of Dean and that requirements of scholarship and professional recognition may be waved aside,” the statement read. •
New housing policy, MDP feared to displace UPD residents DANIEL SEBASTIANNE DAIZ Kap Vic Isunza, 65, has lived long enough in UP Diliman (UPD) to know how things have changed on the campus. In his six-decade stay in Pook Ricarte, never did he expect to get locked out of his own home in October last year. “Pinadlock nila [‘yung bahay ko], pero pinabutasan ko ‘yung pader na lumalagos sa katabing bahay, [kaya dun] na ako lumalabas,” Kap Vic said. Isunza’s house was forcibly closed by the Office for Community Relations (OCR), following the university’s housing policy implemented in January 2018. The new policy states that retired UP employees must vacate their housing units six months after retirement, much shorter
04
than the previously set two-year grace period. Kap Vic’s brother, a retired administrative staff, was the original recipient of the housing unit in 1992. His brother eventually entrusted the unit to him upon moving to Pook Amorsolo years later. But when the house was razed by fire in 2001, Kap Vic had to rebuild the structure himself, which he said the university no longer owns. For Alyansa ng mga Samahan sa Diliman (Alsa Diliman) president Carmelita Collado, the padlocking of houses were attempts to implement the UP Master Development Plan (MDP). Approved during the Board of Regents (BOR) meeting on July 31, 2014, the MDP outlines a comprehensive land use and development plan for each UP constituent unit. Similar to Kap Vic’s case, more
than 20,000 residents put up their self-built units in seven community settlements in UP Diliman, according to the data from the OCR. Such areas include Ricarte, Palaris, and Dagohoy, collectively called Ripada, which was previously classified as residential or mixeduse land under the 2012 Land Use Plan. Under the MDP, these sites are now intended for student and staff housing. “[Ang] immediate effect ng MDP is that ‘yung matatagal nang part ng UP community like residents, jeeps, and maninidas ay isa-isang paaalisin,” said University Student Council Community Rights and Welfare committee head Ralph Revilla Jr. In Ripada, residents were asked to sign an undertaking, which allows the university administration to take their units anytime. Signing the undertaking would equate to yielding to the university’s demands,
Collada said. “Kaya tuloy-tuloy ‘yung pagbabahay-bahay namin sa mga taga-rito para sabihan silang ‘wag pumirma [at] para malaman na rin nila na mali ‘yung ginagawa ng UP sa amin,” she said. To register their disapproval of the policies and to assert their right to housing, residents of the 13 pooks and barangays within the UPD campus staged a protest during the BOR’s meeting last September 26. Students, on their end, vow to take part in the community’s fight by participating in multi-sectoral assemblies where alliances are formed to forward campaigns for the junking of the MDP. “Kahit tila tinalikuran na ng admin [ang mga residente] ay dapat natin lalong ipakita na narito ang mga estudyante para suportahan sila,” Revilla said. Student Regent Isaac Punzalan also assured the sectoral regents’
commitment to fighting alongside the residents. “Nagki-creep in itong implementation [ng MDP], kaya step-by-step din ‘yung ating pagtuligsa rito. [Kaya] kapag nabring up sa [BOR] ‘yung case ng community, pwedeng ‘yun na rin ‘yung mag-open ng door para i-discuss ulit ‘yung MDP,” said Punzalan. For Kap Vic and other residents in the university, asserting the urban poor’s right to urban spaces amid development is crucial. Along with other community leaders, Kap Vic hopes for the UP administration to dialogue with the residents, so that the issue might be resolved. “Mapapatanong tayo, para kanino ba talaga ang UP?” Isunza said. “Hindi na ito usapin ng benefits o privilege [sa espasyo ng] UP eh; usapin ito ng karapatan ng mga maralitang taga-lungsod na magkaroon ng bahay.” •
phkule@gmail.com
JT TRINIDAD
@phkule
Journos intensify campaign for justice over media killings JOSE MARTIN SINGH Media groups continue demanding justice for the victims of the Ampatuan massacre, a decade since the single deadliest attack against journalists claimed the lives of 58 individuals, 32 of which were journalists. Dubbed #FIGHTFOR58, the month-long campaign led by the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) was launched on October 23 at the UP College of Mass Communication, aiming to shed light on the current state of the press marred by continued killings and harassment against media practitioners amid a thriving culture of impunity. “We never felt safe practicing journalism after the Ampatuan massacre,” said NUJP Deputy Secretary General Raymund Villanueva. “Our faith in democracy … would be restored if there would be conviction [of the perpetrators], though delayed,” he said. The decision on the case is expected to be released prior to the 10th year commemoration of the Ampatuan massacre on November 23. New York Times photojournalist Jes Aznar recalls his coverage of the massacre. Upon entering the Maguindanao City Hall a decade ago, he found a cross-like formation of framed images of President Gloria Macapagal Arroyo and the Ampatuan clan who started ruling Maguindanao through its patriarch Andal Ampatuan, Sr. in the 1970s. “It’s like the Holy Trinity of impunity,” said Aznar, who has been covering Mindanao for 10 years. “[In Mindanao] you can see what’s happening at the national level; the politics, the poverty, the corruption, and even the feudal system.” From 1986 to 2019, NUJP recorded a total of 187 journalist killings in the Philippines, including 14 media practitioners killed during President Rodrigo Duterte’s term. The most recent case involved tabloid reporter Jupiter Gonzales and companion Christopher Tiongson, who were killed by unidentified men in Arayat, Pampanga, October 20.
Meanwhile, Radyo ni Juan FM station manager Benjie Caballero is still in critical condition after two unidentified assailants shot him five times in front of his house in Tacurong City, Sultan Kudarat last October 30. “The challenge for journalists would be to continue doing what they do in terms of shaping public opinion,” said UP journalism professor Danilo Arao. “At the same time, it is the journalist’s responsibility to fight for freedom if there is an absence of it,” he said, citing renowned journalist Edmund Lambeth. The Philippines holds the most number of unsolved journalist killings at 41, and is ranked as the fifth worst country for journalists, according to the Global Impunity Index 2019. On top of the killings, journalists
also suffer from direct threats from the government. Before being sworn into office in 2016, Duterte told journalists at a press conference that they deserved to die because of their supposed bias against the government. Last May, the administration released a matrix alleging the involvement of various media outlets, including the NUJP, Philippine Center for Investigative Journalism, Vera Files, and Rappler, in “destabilizing” the administration. But journalists, said Villanueva, should neither be killed nor vilified for standing by the truth. “Choosing which stories to do or to publish is already biased; it’s already subjective,” Aznar said. “But at the same time you are bound to be of service to the people.” •
PAGHIHINTAY SA WALA • Nag-aabang si Jerome Loria, 25, ng mga pasahero habang nakatambay ang kanyang trolley na biyaheng Sta. Mesa sa Beata Station, Pandacan, Manila ng Philippine National Railway (PNR), Oktubre 13. Dahil sa planong palawakin ang serbisyo ng PNR mula Laguna hanggang Bulacan, nasama ang tirahan nila sa palugit na 30-meters na idi-demolish. Nakatakda silang i-relocate sa ‘di pa alam na lugar kung saan wala siyang pwedeng maging hanapbuhay. Tanging pagto-trolley ang pinangkukunan ni Jerome ng pantustos sa kanyang pamilya kung saan kumikita siya ng humigit-kumulang P600 kada araw.
Tangkang taas-singil sa tubig, kinundena ng publiko KENT IVAN FLORINO Walang isang araw na hindi humihina ang suplay ng tubig sa paaralang pinapasukan ng gurong si Shara*, 34, sa Brgy. Central Signal Village, Taguig City. Ngayong may panibagong water interruption muli sa Metro Manila, inaasahan niyang magiging dagdag abala ito para sa lahat. Kasabay ng nakaambang pagkaantala ng suplay ng tubig, nag-anunsyo rin ang Manila Water ng pagtaas sa singil na aabot sa P26.70 kada cubic meter. Inanunsyo nila ito matapos patawan ng Korte Suprema ng kabuuang multang aabot sa higit P2 bilyon ang kumpanya, pati na ang Maynilad at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). “Hirap na hirap kami sa paggamit ng palikuran at ng mga pasilidad kasi sobrang hina ng tubig araw-araw. Hindi kami nabibigyan ng maayos na serbisyo kahit kinakaltas to sa sahod namin at sa tax ng bayan tapos gusto pa nilang dagdagan yung magiging bayarin? Talagang hindi makatarungan,” ani Shara. Ibinaba ng Korte Suprema ang
31 Oktubre 2019 • www.philippinecollegian.org
desisyon matapos labagin ng mga water concessionaire ang Section 8 ng Republic Act 9275 o Philippine Clean Water Act na nagsasaad na kailangan nilang maidugtong ang lahat ng sewage sa iisang sewerage system pagsapit ng taong 2009. Ngunit sa kasalukuyan, 61,000 sa 63,000 na sewerage ng mga kabahayan pa lamang ang naikonekta ng Manila Water sa kanilang sewerage trunk dahil maaari umano itong mag-overload at magsanhi ng mabigat na daloy ng trapiko. Hindi rin nakaligtas ang Maynilad dahil 20 porsyento pa lamang ang kanilang usad sa pagpapatayo ng mga Sewage Treatment Plants. “Natural, in phases dapat ‘yan ginagawa,” ani Renato Reyes Jr., Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan. “Wala namang nag-mandate sa kanila na isang bagsakan ilagay lahat ng sewerage treatment pipes—di naman workable yun,” dagdag niya. Kung tutuusin, tinatayang nasa 31 porsyento lamang ng P2.9 bilyong net income ng Manila Water para sa unang kwarto ng 2019 ang ipinataw na multa ng Korte Suprema. Gayunman, hindi pa rin binabawi ng kumpanya ang anunsyo dahil gagamitin umano
nila ang pondo upang punan ang mga gastusin sa pagbuo ng wastewater treatment facilities. “This is the height of arrogance. Instead of complying with the Supreme Court order, they are now threatening consumers with an oppressive hike in water rates unless the high tribunal reverses its ruling,” ani MWSS Chief Regulator Patrick Ty sa isang press conference noong Oktubre 10. Nagpapatuloy ang suliraning kinasasangkutan ng mga water firm kasunod ng krisis sa tubig na nagsimula noong Marso. Dahil sa mataas na demand, natutuyo umano ang tubig sa Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila. Upang maibsan umano ang kakulangan sa suplay ng tubig, nais ng MWSS na maipatayo na ang Kaliwa Dam sa probinsya ng Quezon. Tinatayang aabot sa P12.2 bilyon ang gagastusin sa proyekto na galing sa official development assistance mula sa China. May karagdagan itong dalawang porsyentong interest rate bawat taon. Mariin namang tinututulan ng marami ang proyekto dahil makasisira ito sa kalikasan at magiging sanhi ito ng pagpapalayas sa mga Dumagat ng Quezon.
“The solution to increasing [water supply] lies not in projects that are said to solve a crisis that does not actually exist. Profitmaking incentives and needless politicking have no place in providing essential public utilities,” saad ng Agham Youth UP Diliman Engineering sa isang pahayag. Bagaman may mga pagtutol, nakakuha pa rin ang proyekto ng Environmental Compliance Certificate mula sa Department of Environment and Natural Resources nitong Oktubre 11. “Get involved and demand for better [services] kasi, as consumers, we are paying pero yung binabayaran natin napupunta lamang sa profit margin na hindi naman necessarily ina-allocate ng mga korporasyon para iangat yung quality ng service,” ani Reyes. Sa gitna ng mga nagbabadyang suliranin, umaasa pa rin si Shara na maaayos din balang araw ang serbisyo sa tubig. “Hamon namin sa mga opisyal na tumungo sa mga lugar na apektado at danasin yung abalang dinadala nito para malaman nila yung pinagdadaanan namin. Kapanayamin din nila yung taumbayan para malaman nila yung [dapat ihain nilang] solusyon,” ani Shara. • *hindi tunay na pangalan
05
@phkule PHILIPPINE COLLEGIAN
Into the new world Hindi maikakailang grandyoso ang bawat pagtatanghal ng K-pop. Pinaghahandaan, hanggang sa pinakamaliit na detalye, ang bawat aspeto ng produksyon upang masiguro ang kalidad ng inilalakong palabas. Ngunit sa likod ng marangyang produksyon, waring tinatapalan ng malawak na pagtanggap at pagtangkilik ang krisis na pinaguugatan ng industriya ng K-pop. Uminog ang kultura ng K-pop sa panahon matapos ang digma, sa kalagitnaan ng Cold War sa pagitan ng dalawang pinakamakapangyarihang bansa sa daigdig. Bitbit ang misyong antikomunismo ng Estados Unidos (US), libo-libong mamamayan ng South Korea ang papaslangin kung mapagkaka-malang makakaliwa, o di kaya’y simpatetiko sa
ideolohiyang kinakatawan ng Unyong Sobyet. Upang isalba ang ekonomiya ng South Korea, kinailangan nitong buksan ang kanyang industriya sa pandaigdigang merkado, makilahok at makipagkumpitensya para sa kapital. At sa unang mga taon ng liberalisasyon ng bansa, agad na umusbong at yumabong ang ekonomiya nito sa paglalako ng kultura. Agad na namuhunan ang SoKor upang lalong mapagyabong ang industriyang ito. Sinustentuhan nito ang mga kumpanyang nagsasanay ng mga susunod na K-pop idols. At dahil ang paghubog sa mga artistang ito ay paghubog din sa imahe ng SoKor sa buong mundo, kinakailangang matugunan nito ang mga pandaigdigang pamantayan para sa mas paglago ng kita.
Ang mga malalakin g kultura tulad ng Kl na kaga napan Pop ay na ngangaila masusing ngan ng pagtingin dahil mas pagkakali insin din kha ng ba ang wat awitin at bidyo n Koreanon g mga g artista. Higit pa r ito, ang p ag-ikot n pandaigd g K-Pop s igang pam a kinapapa ilihan, po litikang looban at pumapalo manatilin ob ay hin g palaisip di dapat an. Pag-is diskurso; ipan, ilag patayin n ay sa atin ang b sa sining ulag na p na bingi, a g -ibig bago tayo ang patay in nito.
MARVIN ANG
Kung gayon, hindi hiwalay ang sining ng K-pop sa pulitikang siyang nagpapagana nito. Sa yugtong ito ng kapitalismo, kinakasangkapan ng global na kapital ang K-pop upang kahit papaano ay makaahon sa krisis sa ekonomiya matapos ang digma. Di hamak na pulido ang K-pop, na intensyunal at nakahanda para sa pagkonsumo, pinababaha sa merkado. Halimbawa ang K-pop sa uri ng sining na nalilikha sa ilalim ng kapitalismo. Kung kaya nakalulungkot ang lahat ng pagsasamantalang nakapaloob sa buong paggana nito. Huwad ang kalakhan ng kulturang nalilikha sa ilalim ng kapitalismo ‘pagkat paguulit lamang ito ng mga dati nang pormulang ipinapakete bilang bago. Sa kaso ng K-pop, naririyan ang impluwensya ng kanluraning musika at indak, na tila bago dahil
All-kill Madaling matukoy kung larawan o bidyo ng isang K-pop na grupo ang kumakalat online. Bukod sa maputing kutis at magandang hugis ng mukha, kilala din sila sa makulay nilang buhok at kakaibang pananamit. Subalit mahirap nang matiyak kung K-pop nga ito ngayon dahil nariyan ang mga Pilipino gaya ng SB19, grupong P-pop na may mala-Koreanong itsura at tunog. Malayang nakakapasok ang Koreanong kultura sa ating bansa kung kaya hindi na nakakapagtaka ang pagbuo ng isang Pilipinong K-pop na grupo. Hindi na lang ito usapin ng lokalisasyon o pagaangkop ng dayuhang musika para sa partikular na merkado, ganap itong panghihimasok ng Korea sa ating lokal na industriya. Sa ganitong kalagayan, nanganganib ang kulturang Pilipino sa patuloy na pagtagos ng sining ng isang makapangyarihang bansa. Bagaman dalawang bansa ang pinagtatagpo ng SB19, mangingibabaw ang binibitbit nitong Koreanong kultura sapagkat
marangya ang produksyon at pinaghihirapan ang mga kasuotan. Walang duda ang talento at galing na nalilikha ng industriya ng K-pop. Ngunit kung nakabulid lang ito sa interes ng makapangyarihan, mananatili itong atrasado, at uulit lang ang krisis na pinag-ugatan nito sa simula. Gayunman, ang dalisay na talentong makikita sa mga K-pop idols ay hindi matatawaran, at magsasalba sa kanila sa pagdating ng panahong mapagpalaya na ang sistemang p a n l i p u n a n . Maisasalba ng tunay na sining ang mga artista, maisasalba ng mga artista ang kanilang mga sarili. •
SAM DEL CASTILLO mas maunlad ang Korea kaysa sa Pilipinas. May mas nakakaangat na kultura dahil nagtatalo ang kapangyarihan, ekonomiya, at uri sa global na antas. Kaya ganoon kung tingalain ang Hollywood dahil pinapalabas nito ang marangyang pamumuhay ng mga Amerikano na hindi nararanasan ng karaniwang Pilipino. Nilulusaw din ng tunggaliang ito ang hangganan ng kontrol ng mga bansa sa mundo, kung kaya lumalabo na rin ang pagkakakilanlan ng mamamayan na lalagos sa huwad na pagkamakabayan. Sa gayon, hindi na lang ito pagpapalawak ng impluwensya ng Korea kundi pagpapalakas ng kapangyarihan nila sa pamamagitan ng kultura. Natatamasa ito kapag alinsunod na sa interes ng dominanteng banyagang sistema o kultura ang paghubog ng mga lokal na makapangyarihan sa mga panlipunang institusyong Pilipino. Nasa kamay man ng mas maunlad na bansa ang kultura ng bansa,
GRAPHICS & PAGE DESIGN • KIMBERLY ANNE YUTUC
hindi ito yayabong sapagkat nakadepende ang pagdomina ng nauna sa pagkamatay ng maliit na lokal na kultura. Mangangailangan ng matinding lakas at determinasyon sa pagpapanatili at paglinang ng Pilipinong sining. Imposible ito kung ang kultural na produksyon ay nakaturol sa interes ng ibang bansa. Hindi matatago ng SB19 ang kulturang K-pop na pinanggalingan nila kahit na P-pop na grupo ang turing nila sa sarili. Maaangkin lamang ang sariling kultura kapag hindi na ito tali sa impluwensiya ng mas makapangyarihan at higit, nililikha para sa sarili. •
KULTURA
ARMY Ibang lenggwahe na ang maririnig sa kalsada. Pinalitan ng Boombayah ang remix ng Shape of You at Despacito, minsan na lang din marinig ang Luha ng Hambog ng Sagpro. Hindi man naiintindihan ang mga salita, aakalain namang lumaki sa Korea ang mga sumasabay sa pagkanta ng lirikong dayuhan. Nag-uumpisa ito sa isang bidyo. Inaakit ng magandang biswal ang manonood, tapos maghahanap siya ng iba pang panonoorin. Sa paggugol ng mahabang oras upang subaybayan at kilalanin ang artista, nakakaramdam siya ng koneksyon—parte siya ng buhay nito, at parte rin ito ng buhay niya. Bumubuo ng isang komunidad ang mga taong may parehong karanasan, at tila may sarili silang mundo: may kaalaman at kulturang umiinog na sila lang ang nakakaalam. Sa loob ng mundong ito, nakakalikha ang mga fans ng
POLYNNE DIRA sariling sining: mga dibuho, fanfiction, at meme. Sila rin ang responsable sa pagkakaroon ng Ingles na subtitles sa mga teleserye upang mas marami pang makapanood at maka-intindi. Dahil sa teknolohiya at internet, mas madaling nakikita at namamanipula ng fans ang sining ng K-pop. Sa gayon, nagiging aksesible ito sa labas ng Korea, lumalawak ang fandom sa iba’t ibang parte ng mundo. Taliwas sa madalas na pagturing sa karaniwang mamamayan bilang pasibong tagatanggap ng kultural na produkto mula sa nakapangyayari, may kakayahan silang lumikha ng sariling obra. Lumalabo ang linya sa pagitan ng mga dalubhasa at karaniwang mamamayan. Dahil ang pagpapayaman, pagbibigaykahulugan sa sining ay hindi na lamang nagagawa ng itintanghal na awtor at iba pang binibigyan ng pagkilala.
Magic shop Nang sumibol ang K-pop, di maiaalis sa isipan ng nanonood ng music video kung magkano nga ba ang nagastos sa produksyon. Dahil malinaw, di lang basta makulay, butbot ng detalye, istilo at moda ang bawat single, puspusan ang pagkakagawa, mahal. Global na phenomenon na tumatabo ng daang milyong dolyar kada taon ang industriya ng K-pop. Ang mga artista ay literal na produkto ng mga malalaking kompanya tulad ng YG Entertainment at SM Entertainment na nangangalaga sa apat hanggang limang taong proseso ng lahatang paghubog—balingkinitang pangangatawan, mahusay na mga vocals at matamang kakayahan sa pagsayaw. Higit pa rito ay ang laksa-laksang t-shirts, bags, lahat ng kayang mabili at maibenta; limpak-limpak na salapi. Kung ang lahat ay komoditi, ang pag-intindi sa paggana ng merchandising sa isang malaking kultural na kaganapan tulad ng K-pop ay pwedeng simulan sa sikolohiya ng pagkonsumo. Wala nang pakialam kung saan galing basta may mukha ni Jisoo o Chan Yeol, bibilhin.
Sa bagong materyalismo, ang komoditi ay may bahid ng animismo na hindi kumikilala sa pagkakaiba ng ispiritwal at pisikal. Ang produksyon ng mga K-pop merch na kinagigiliwan ay wala na sa sandaling dumating sa bahay ng tagahanga bilang package; dahil literal na ang binibili lamang ay mukha at pangalan ng mga K-pop idols. Sa konteksto ng komoditi, ang animismo ay “fetishism” kung tawagin at makikita ito sa mala-relihiyong turing ng mga tagahanga sa K-pop. Ang taal na kahulugan ng materyal—lakaspaggawa na nagugol, pabrikang nagproseso—ay naglalaho, nalilimot o sumasailalim sa kolektibong amnesia. Esensyal ang paglimot sa mga batayan ng pagiral sa panahon ng konsumerismo, at higit, kapitalismo, sistemang nakapangyayari sa industriya ng K-pop. Sa pangangalaga ng konsumerismong may kumpas ng fetishism sa komoditi, mabilisan lamang ang pagpasok ng kapital sa mga pribadong kompanyang nagpapatakbo hindi lamang ng South Korea kundi ng buong mundo.
Sa kabila nito, nananatili pa ring tali ang fans bilang tagapagkonsumo sa komoditi ng makapangyarihan, dahil dito pa rin nagmumula ang kanilang sining. Ngunit di gaya sa industriya, ang obra nila ay hindi para pagkakitaan, kundi para sa kasiyahan at serbisyo sa kapwa fans. May politika sa sining ng fans dahil sa loob ng mga fanfiction at dibuho ay realidad ng lipunan: mula sa tema ng kasarian sa pag-iibigan ng dalawang artista, hanggang sa ekonomikong problema ng mahirap na babae at mayamang lalaki. Walang pagtatangkang ihiwalay ang sining sa kanilang danas. Sa paglaya ng industriya, ang paglikha ng sining ay hindi nakabase sa produksyon ng nakapangyayari. Ang kulturang pinagyayaman ay tungkol at para sa ordinaryong Pilipino. Sa gayon, ang kapangyarihang lumikha ng kultura ay nasa kanilang kamay. •
SHEILA ABARRA Dahil sa sandaling batid ng isang tagahanga ang mga nagastang buhay ng manggagawa sa makakapangyarihang kompanya ng K-pop, maipakete kalakip ng mga t-shirt ang sinapit ng hinahangaan niyang K-pop idol mapaliit lamang nang ganoon ang bewang, mangingimi na siyang bilhin ang produkto. Higit pa sa aliw na naibibigay ng K-pop ay ang lungkot at muhi sa likod ng konsumerismong pumapatay at nagkakait sa mga artista sa nararapat na katumbas ng kanilang talento; ngunit walang
makapipigil sa katotohanang tunay silang kamangha-mangha, sa kabila ng pananamantala. •
07
LATHALAIN
MARVIN ANG 6’0” 5’6” 5’0” 4’6” 4’0” 3’6” 3’0”
BIHAG NG
DAHAS
2’6”
“Ang daya,” naiiyak na bulalas ni Li Boy noong araw na nahatulang may sala ang kanyang ama. Nagpupuyos naman si Lengua, habang iniisa-isa ang mga dahilan kung bakit baluktot ang naging desisyon ng husgado sa gawa-gawang kaso laban sa kanyang asawa. Ito ang larawang tumatak sa akin nang magsimula akong magsaliksik sa aktibista’t organisador na si Marklen Maojo Maga. Sa katunayan, ang pagkakakilala ko sa kanya ay mula lang sa mga panayam sa kanya sa mga dating pahina ng Kulê, at sa mga kilos-protesta kakabit ang mga panawagan ng pagpapalaya at hustisya. Malayo sa kung papaano siya ipinapakilala ng mga pulis at militar bilang subersibo, kwela at magaan siyang kausap—hindi niya natatapos ang sasabihin nang walang isinisingit na biro o punch line. Ngunit sa pagitan ng mga halakhak at pananahimik, mababakas ang kanyang pangungulila sa pamilya, mga kasamahan sa kilusan, at lipunang kanilang patuloy na pinag-aalayan ng lakas at sigasig. Pag-aklas Noon pa man, reputasyon na ni Maoj ang pagiging maaasahang
08
kasama at masigasig na organisador. At bilang kabataang aktibistang nag-oorganisa sa sektor ng kabataan, hindi ko maiwasang mamangha sa salaysay ng kanyang mga karanasan. Katulad ng mga kabataan ng kanyang henerasyon, kabilang at naging aktibo si Maoj sa iba’t ibang organisasyon gaya ng mountain climbing club, arnis club, at Panday Pira. Ngunit pinakamatingkad sa buhay-kolehiyo niya ang pagiging miyembro ng League of Filipino Students, sa panahong masiglang muli ang kilusang kabataan. Hindi na ito kataka-taka, pagkat bata pa lamang, namulat na siya sa kanyang mga magulang na organisador din. Kasa-kasama siya ng kanyang ama sa pag-oorganisa sa kanilang komunidad sa Tondo, at kung minsan, nauupo sa mga pagpupulong at pag-aaral. Di kalaunan, bilang liderestudyante, pinangunahan nila ang laban sa mga isyung kinahaharap ng kabataan—budget cut at ang papabulusok na kalidad ng edukasyon. Panahon ito ng pagsalubong sa bagong dantaon, at sunud-sunod ang bigwas sa mga pamantasan bilang bahagi ng proyektong globalisasyon ng administrasyong Ramos. Patuloy ang pananamantala di lang sa porma ng tuwirang
pandarahas, kundi pati mga polisiya. Saka nila mapagtatantong ang pag-oorganisa sa mga kabataan ay hindi lang dapat limitado sa pamantasan—naaabot dapat nito ang pinakamalawak na hanay ng mga manggagawa, mambubukid, at iba pang mga sektor. Mula rito, ipinanganak ang organisasyong Anakbayan. “Hindi na lamang [pagtaas ng matrikula] ang pinag-uusapang isyu; pumapasok na rin ang usapin ng trabaho, lupa, sahod, karapatan, at serbisyong sosyal,” ani Maoj. Sa organisasyon din niya makikilala ang kasintahan at ngayo’y asawa nang si Lengua De Guzman, na aktibista naman mula sa UP Diliman. Sa unang tatlong taon mula nang ito’y maitatag, nagawa na nilang makapagtayo ng mga sangay sa iba’t ibang unibersidad, pati na rin sa mga komunidad. Nagagawa na rin nitong makipagalyansa sa mga administrasyon ng pamantasan sa iba’t ibang usapin. “Kapag malakas ang student movement,” ani Maoj, “napapakilos din ang administrasyon dahil nakikita nilang isa itong force to reckon with.”
tahasang mararanasan ang dahas ng estadong ang layon ay patahimikin ang mga katulad niya. Sa kanyang trabaho bilang organisador sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide o Piston, pinaratangan siyang miyembro ng New People’s Army. Kasagsagan iyon ng paghahanda ng Piston para sa malawakan at sunudsunod na transport strike ng mga tsuper laban sa programang jeepney modernization. Malinaw pa sa kanyang alaala noong umagang siya’y damputin—Pebrero 22, 2018, sa kanilang tahanan sa San Mateo, pinalibutan siya ng mga hindi nakaunipormeng pulis habang nagbabasketball, at saka dinampot. “Abduction-style” ang paraan ng pagkakaaresto kay Maoj, ayon kay Lengua. Lumipas ang halos isang araw nang hindi nila nalalaman ang kinaroroonan ni Maoj. Kasabay ng paglitaw niya ay ang mga isinampang kaso laban sa kanya. At Hunyo 3 ngayong taon, ibinaba ang desisyon ng San Mateo Regional Trial Court. Guilty sa kasong illegal possession of firearms, sa kabila ng mga testimonyang hindi nagtutugma at mga armas na diumano’y pag-aari niya pero sa Camp Crame na lang ipinakita sa kanya. Kung gaano kabilis ang paglilitis kay Maoj, gayon naman kabagal ang pagtugon sa kanyang motion for reconsideration, at paggulong ng isa pang kaso ng pagpatay sa Agusan del Norte, kahit hindi pa siya nakakarating dito. Natatawa ngunit bakas ang pagkapika sa boses ni Lengua habang kinukwento ang kabalintunaan ng patuloy na pagdinig sa kasong ito, at ang kawalan ng interes ng husgadong dinggin ang nakabinbin nilang petisyon upang ipabasura ito.
Pagbagtas Mula sa sektor ng kabataan, kumilos naman si Maoj sa hanay ng mga manggagawa. Dito niya
Pagbaklas Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan, nananatiling matatag si Maoj—nagagawa pa
DIBUHO • ZOE VIDAL
niyang magpatawa sa kabila ng sitwasyong kanyang kinalalagyan. Parang yung mga inorganisa niyang mga tsuper na nakukuha pang humalakhak sa byahe sa kabila ng trapik at mainit na makina. Sa seldang pilit pinagkakasya ang halos limang katao, kanyang binubuno, kasama ng iba pang bilanggong pulitikal, ang arawaraw sa pangako ng paglaya. Nang tanungin ko siya kung papaano niya naaalpasan ang pangaraw-araw, ito’y dahil humuhugot siya ng lakas sa kanyang pamilya’t mga kaanak. Nakakatulong din sa kanya na magkakasama silang bilanggong pulitikal sa isang palapag ng bilangguan. Sa ganitong paraan, nagagawa nilang gabayan ang isa’t isa, at napagtitibay ang paninindigan sa kabila ng kalunoslunos na sitwasyong kanilang hinaharap. “At least dito, nakakapagbasketball ako nang walang pangambang dadamputin,” biro pa niya. Ilang beses man akong dumalaw sa Camp Bagong Diwa at maya’t mayain ko man ang pagsusulat tungkol dito, hinding-hindi ito sasapat upang maisalaysay ang kanilang karanasan. Mahalaga, kung gayon, ang ginagampanang papel ng karaniwang Pilipino at ang kasalukuyang henerasyon ng mga aktibista upang maipatambol ang panawagan ng pagpapalaya sa kanila. Patunay ang kalagayan ni Maoj at iba pang detinido sa kapangyarihan ng mamamayang pilit na sinisiil ng estado. Kung kaya puhunan ng bawat isa ang tapang sa kabila ng lumalalang krisis sa bansa. “Huwag na huwag matatakot; ibig sabihin lang nito, hindi sila nagtatagumpay,” aniya. “Hindi naman habambuhay ay napakalakas nila.” “Laban lang,” pahabol na pamamaalam sa akin ni Maoj bago kami lumabas ng piitan. Nginitian ko siya, sa pag-asang ang susunod naming pagkikita ay hindi na sa loob ng kulungan. •
DISENYO NG PAHINA • KARLA FAITH SANTAMARIA
@phkule
GRAPHICS
A TWISTED GAME As per Presidential Proclamation No. 1906, the National Indigenous People’s Month is celebrated every October. It is, however, a cruel irony that the very institutions claiming to safeguard and invigorate the nation’s cultural heritage are the ones that launch onslaughts of attacks on indigenous communities—whether in the form of displacement, legal persecution, threats and harassment, or outright violence. To those in power, all this seems to be but a demented game. •
GRAPHICS • KIMBERYLY ANNE YUTUC
09
KONTRA-AGOS ATHENA SOBERANO ILLUSTRATION • MARCY LIOANAG
FAMILY FEUD Hindi na ako bago sa mga awayang pamilya. Kung tutuusin, lumaki ako sa isang tahanang magulo’t puno ng hindi pagkakaunawaan. Mula nang mawala si Mama, bibihira na lang matahimik ang bahay namin. Panay ang sigaw ni Papa sa kahit na sinong makita niya sa bahay, lalo na sa mga pagkakataong hindi maganda ang gising niya o sadyang bad trip lang siya. Laging dumadagundong ang mumunti naming bahay sa mga bunghalit niya’t bigla-biglang hiyaw. Kung tutuusin, bawat pamilya nama’y may kani-kaniyang hindi pagkakaintindihan. Minsan, umaabot pa sa sukdula’t nauuwi sa layasan, takwilan, o di kaya’y hayagang sakitan. Maswerte siguro ako’t hindi pa naman kami ‘yung tipong mangangailangan ng tulong ni Tulfo, o ninuman, upang resolbahin ang aming pagkakaiba-iba. Ngayon, maingay ang isyu ng pamilyang Barretto. Ang dating magkakaaway ay magkakampi na, at ang dating magkakampi’y siya namang nagbabangayan ngayon. Kung minsan, naiisip ko, mas madali bang maglanggas ng sugat sa harap ng maraming tao, o di kaya’y mas madaling maresolba ang mga bagay kung saksi ang buong bansa sa problemang dapat ay sinosolusyunan sa loob ng tahanan.
BEHIND BARS CATHRYNE ENRIQUEZ
Indeed, a humanitarian crisis has long been haunting this system, and it is high time for the government to actually respond to it.
10
Tila malalim ang iwa ng naging alitan sa pagitan nina Gretchen at Marjorie upang magsabungan sila sa harap mismo ng Presidente. At ang nakakalungkot pa, halos sakupin ng kontrobersiyang ito ang oras ng balitang dapat tinatalakay ang mga napapanahong isyung may direktang tama sa mamamayan—tumataas na presyo ng bilihin, pagdami ng mga nagugutom, at malawakang kahirapan. Sa dami ng krisis na kinahaharap ng bansa sa kasalukuyan, hindi na dapat awayan ng Barretto ang pinag-aaksayahan ng panahon ng midya. Mas dapat nilang ibuhos ang lakas nito sa paghahatid ng balitang kapaki-pakinabang sa mamamayan. Marahil hinding-hindi ko maiintindihan ang pinanggagalingan ng mga Barretto dahil hindi ko naman sila kapamilya. Manapa, wala naman talagang tunay na makakaintindi sa pinagdaraanan nila kundi sila-sila mismong pamilya. Kung may iniiwan mang aral ang kontrobersiyang ito sa atin, ito’y walang positibong dulot ang paghuhugas ng maruruming damit sa publiko. Natitiyak ko ring higit na matalino ang mamamayan upang maintindihang hindi ito ang dapat nilalaman ng balita sa gabi, kundi ang tunay na problemang kinahaharap ng bayan. •
Cramped and neglected—such are the conditions that prisoners in the country are forced to endure day by day. With minimal attention and support, inmates continue to bear the brunt of the state’s utter disregard of its duty. Detainees at the Taguig City Jail know this for a fact. Every night, three to four people would find themselves sleeping sideby-side on a single dingy bed inside a cell shared by 38 people. An even worse situation awaits others, because not everyone gets a chance to have a bed in the first place. The unlucky ones have no other choice but to lie down on the cell’s floor or along the narrow corridor. Such a dismal state, however, is not an isolated case in the Bicutan jail. Even the New Bilibid Prison, the national penitentiary, offers dire conditions to its 27,000 prisoners. Here, a total of 518 individuals share a single cell, almost thrice its original capacity of 170. While the figures may seem
appalling, the situation, in reality, is not uncommon. In 2017 alone, the inmate population nationwide reached more than 100,000 as opposed to the jails’ total capacity of only 20,653, according to a Commission on Audit (COA) report, adding that contracting illness has become much easier under this condition. Overcrowding has taken its toll in October. Within just a month, 10 prisoners reportedly died of infectious respiratory diseases like tuberculosis and pneumonia inside the maximum security compound. Of the 29 total deaths tallied this month, 14 fell victim to heart attack and other chronic illnesses. This situation is disconcerting, to say the least, but the Bureau of Corrections (BuCor) seemed to have missed that. Instead of responding with a tangible solution to the issue, BuCor instead ordered a prison lockdown. This lasted for only five days, but such an attempt at sweeping the issue under the rug revealed the true character of the
I just didn’t belong to the men’s track. To fully express myself as a woman, I left the team.
I was accepted warmly the women’s team in Fran Pierce, and I found ne motivation to run as mys
I couldn’t stay away from running, so I complied to the NCAA regulations for transgender people by drinking testosterone suppresants.
state—one that does not care about the welfare of its people, especially those from the lot of the poor that it deems criminal and unworthy of aid. Most prisoners in the country come from a low-income background. Given prevailing economic inequities, which more often than not take a toll on the poor, some are pushed to commit petty crimes just to get by. Once they get caught, the injustice they have faced outside prison may seem so much worse behind bars. Previous reports probing jail mismanagement in the country showed that individuals with more resources tend to have a leverage inside jails given their wealth. The poor, on the other hand, are left to suffer the inhumane conditions under which the prison system thrives. Indeed, a humanitarian crisis has long been haunting this system, and it is high time for the government to actually respond to it. Not only have the country’s officials violated the United
Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners, they have breached as well the basic premise of humanity— to be humane. Although the Bureau of Jail Management and Penology has repeatedly promised to construct more jails to address the overcrowding issue, resolving the root cause of the problem points to the fixing of the flawed justice system in the country. On top of supplying the needs of people deprived of liberty inside prison, the government should also launch sustained efforts to improve their wellbeing. Jails, after all, are supposed to be institutions meant to reform behavior, to rehabilitate offenders into productive members of society, should they come out of prison. Yet, if such inhumane conditions persist, this ultimate goal is far from reach. No one deserves to be treated without dignity. For, at the end of the day, as the prisoners say, “Tao kami.” •
phkule@gmail.com
OPED-GRPX
But by competing in the women’s team, I finally got the chance to breathe.
Although I was motivated, for an entire year I struggled to keep up with my training because of the changes my body was going through.
Now, I won’t hold my breath again.
by nklin ew self.
Even after adhering to the standards and being allowed to compete, I was ridiculed by others for being me, a transwoman.
DAGAT-DAGATANG APOY SHEILA ABARRA
...bagaman ipinupukol ng mga tampalasan ang apoy sa ating mga mangingisda, nasa kamay ng mga tunay na may-ari ng dagat ang siklab ng paglaban.
Iginuguhit ang baybayin bilang lugar-bakasyunan, sa mga paskil, hanggang sa mga aklat-pambata. Kaya noong paslit pa, palaisipan sa katulad kong laking kabundukan ng Timog Katagalugan kung paano ang proseso ng pangingisda. Hanggang sa makarating ako sa pangisdaan ng Cavite ay ibang tipo ang pagkamangha—hindi lang pang-hanapbuhay ang lambat, hindi lang panlaot ang bangka. Ngunit hindi lang ang paglaot ang pinaghahandaan nila bawat araw. Nitong huling linggo ng Oktubre, daan-daang kabahayan ng mga taga-Talaba VII ang naabo sa demolisyon. Higit tatlong dekada nang nakatira ang mga Caviteñong mangingisda sa lugar at wala silang pinanghahawakan kundi ang kaalamang may ipapatayong tore ng CBC Asia Technozone sa kanilang tahanan. Hindi na bago para sa mga taga-Bacoor ang mga agresibong proyekto gaya nito. Sa kasalukuyan, napipinto ang pagtatayo ng iba’t ibang proyekto sa ilalim ng reklamasyon ng Manila Bay na may layong “paunlarin” ang mga piling espasyo. Ang Aerotropolis na ipatatayo sa baybay-dagat
31 Oktubre 2019 • www.philippinecollegian.org
ng Bulacan ay bahagi rin nito kung saan walang patumangga, sinasagasaan ang ekolohiya na pinangangalagaan at pinepreserba ng mga residente roon, ayon sa mga grupong tumutugon sa isyu ng mga mangingisda tulad ng PAMALAKAYA. Halos ganito rin ang pagkakalahad sa akin ni Nanay Lyn dalawang taon na ang nakakaraan nang magpunta kami sa Baranggay Maliksi III, sa lungsod din ng Bacoor. Pakuya-kuyakoy ang aming mga paa habang nakaupo sa pasimanong kawayan karugtong ng kanilang tahanan nang isa-isahin ng kanyang hintuturo ang erya ng mga naabong kabahayan noon. Para sa Cavitex extension ang sunog, na ayon pa sa kanila ay pinasimulan ng binayarang ka-baranggay doon. Pilit mang binubuwag ng mga mapagsamantala ang mga residente sa anumang lugar sa Bacoor, pinatutunayan nilang sila’y solido, sino o ano man ang kaharap. Noong nakaraang taon sa Sitio Malipay, magkakasanggang dinepensahan ng mga mangingisda ang kanilang mga tahanan nang ambahan sila ng mga bulldozer. Pinaulanan sila ng bala na
nagresulta sa apat na sugatan kung saan isa ang nalagay sa kritikal na kondisyon. Sa tuwing makaririnig ako ng balita taun-taon tungkol sa demolisyon sa mga baryo sa Bacoor, naaalala ko ang mga anak nina Nanay Lyn at Ka Myrna na umiiyak noong umagang umalis kami sa kanilang lugar. Ang mga tanong kung nakakapag-aral ba nang mabuti sina Noel at Atan ay nasagot noong isang mobilisasyon sa Mendiola kung saan nakita ulit namin sina Nanay. Bukod sa mga detalye ng demolisyon na nakukuha sa pakikipamuhay ay ang paghampas ng katotohanang hindi mo sila kaano-ano ngunit namumuhi ka kasama nila, naiiyak sa hibik ng mga batang nakasalang ang kinabukasan. Dahil ganito ang mapait na reyalidad ng hindi pagkakapantaypantay, panaginip lang para sayo ang pagkaabo ng hinihigaan mo at upuang pahingahan ng iyong gamit sa eskwela samantalang nangyayari ito sa mga taga-Bacoor. Kabalintunaan ang proseso ng kaunlarang pinapamalas ng mga kinauukulan—inaabo ang mga
kabahayan, tinatapatan ng baril ang mga ordinaryong mamamayan, pinagkakaitan ang mga residente sa impormasyon tungkol sa kanilang lugar. Nakakamangha ang pagkukumpuni ni Tatay Florencio sa kanyang lambat nang hapong iyon. Tumatama ang sinag ng araw sa bawat siwang na nagpapakinang sa balat ng pagod na ama. Natampal ni Nanay Lyn ang kamay ni Noel nang paglaruan nito ang apoy na pansindi ng kanilang gasera sa huling dapit-hapon namin sa kanilang lugar. Tinitipid nila ang apoy dahil biro ni Tatay, tubig ang marami sa kanila. Nangiti ako, sila nga ang may-ari ng lugar na iyon. Nasa pangangalaga nila ang lahat ng likasyaman at elemento ng karagatang di maaarok ng pribilehiyo. Natawa ako, bagaman ipinupukol ng mga tampalasan ang apoy sa ating mga mangingisda, nasa kamay ng mga tunay na may-ari ng dagat ang siklab ng paglaban. Sa panaginip ko, sinindihan ni Noel ang isang palito. Ibinunyag ng liwanag ang laksa-laksang mangingisdang lumalaban, kalasag ang sagwan, armas ang lambat. •
11
PHILIPPINE COLLEGIAN
31 October 2019 Volume 97 • Issue 08 www.philippinecollegian.org
29.2%
70.8%
Despite two years of FTP
The passage of the Free Tuition Policy (FTP) in state universities and colleges was initially seen to even the playing field between public and private school students in their admission to tertiary education. Yet, two years into its implementation, over half of this academic year’s enrollees in UP Diliman (UPD) still came from private high schools. This statistic is nothing new. In the last five years, private high school graduates who passed the UP College Admission Test (UPCAT) and qualified and enrolled in UPD have not dropped below 50 percent of the total number of enrollees (see sidebar 1). Of the 3,883 UPCAT passers who qualified for UPD last year, 1,134 students came from private high schools. While the qualifying rate of those from public high schools was higher as it has consistently been, in general, in prior years (see sidebar 2), the recent batch of examinees from private high schools still outnumbered those from the former by 28.5 percentage points. Despite more private school students applying to UP, enrollment for public secondary R NC
41.6%
58.4%
42.1%
57.9%
0% 93. 3% 88.
7.0% 11.7%
65 .7% .3% 34
Curricular change Signed into law in 2016, Republic Act 10931 or Universal Access to Quality Tertiary Education Act states that students who are “academically able and who come from poor families” shall be prioritized by the state. When the law gave way to the implementation of the FTP in UP in 2017, the K-12 curriculum had been in effect for two years. These academic years, from 2016 to 2018, were not so-called normal years, noted Office of Admissions (OAdms) director Aurora Mendoza, as schools were then still transitioning to the new curriculum. Students had little choice but to transfer to private schools
REGIONAL 2015-2016 2016-2017 2017-2018 2018-2019 2019-2020
Sidebar 4 DIFFERENCE OF EXAMINEES, PASSERS, AND ENROLLEES INSIDE AND OUTSIDE NCR
LEGEND FOR SIDEBARS 1 AND 4 EXAMINEES WHO DID NOT PASS PASSERS WHO DID NOT ENROLL UPD ENROLLEES
0% 42.
99. 1% 58. 0%
PUBLIC
education is higher at 6.2 million, against the 1.3 million in the former, according to data by the Philippine Statistics Authority (PSA) in 2018. Tuition fees in private high schools range from P100,000 to P250,000 annually, based on a 2010 report by the PSA. In the face of the country’s costly basic education, many apply for financial assistance or scholarships once they reach college, said UP Student Regent Isaac Punzalan. “Nagre-rejoice tayo na nakamit yung free tuition. However, gusto nating i-recognize na marami pa ring hindi nakakaexperience nito. Kailangang ma-address yung situation para tumugon talaga doon sa call na education for all,” he added.
0.9%
which had Senior High Schoolready institutions, according to the Educator’s Forum for Development, a network of Filipino educators, in 2016. “Wala ring kwenta ‘yung K-12 program in its very essence,” Punzalan said. “Maraming concerns from UP students, for example, na nahihirapan sila kasi hindi rin pala angkop yung K-12 curriculum para maka-adapt agad sila sa bagong college curriculum.” Since 2014 until recently, the program shift has led to a plummet in the usual number of UPCAT takers by an average of 94 percentage points (see sidebar 3). The majority of examinees in the interim came from the NCR, where four in five K-12 ready schools are private, according to think-tank IBON Foundation. Students from outside the NCR, on the other hand, comprised only 11.7 percent of the total number of examinees in 2015, and an even lower seven percent the next year. These were sharp drops compared to the influx in 2014, 2017, and 2018, when, on average, over half of the examinees had studied in schools in regions outside the NCR (see siebar 4). Democratic access One way to ensure the FTP realizes its goal to provide tertiary education to less-privileged students is to improve UPCAT access to those outside the NCR, said Punzalan. The highest poverty incidence, where almost seven out of 10 people are classified as poor, is recorded in provincial municipalities, according to estimates by the PSA in 2015. “Meron din kaming measures every year to be more accessible,” said Mendoza, citing the university’s initiative to allow more students to apply easily by making the UPCAT application online. Such efforts are in line with one of the university’s duties to enhance the access of disadvantaged
2019-20 2018-19 2017-18 2016-17 2015-16
Sidebar 1 EXAMINEES, PASSERS, AND ENROLLEES (PRIVATE VS PUBLIC)
* percentages are relative to total number of examinees
Sidebar 2 PASSING RATE BETWEEN PUBLIC AND PRIVATE HS
PUBLIC PRIVATE
2.5 PASSING RATE (%)
CATHRYNE ENRIQUEZ
99. 2%
PU
1 in 2 UPD enrollees still come from private HS
0.8%
NEWS
E AT IV
64.3%
PR
35.7%
2.0 1.5 1.0 0.5 0 ‘15-’16
‘16-’17
‘17-’18
Sidebar 3 NUMBER OF EXAMINEES, PASSERS, AND ENROLLEES
‘18-’19
‘19-’20
EXAMINEES WHO DID NOT PASS PASSERS WHO DID NOT ENROLL UPD ENROLLEES
100,000 80,000 60,000 40,000 20,000 0 ‘15-’16
‘16-’17
students as stated in its strategic plan for 2017-2023. But more than making the UPCAT application easier and more accessible, Punzalan said that the university should be open to accepting more students as well by opening up more slots.
‘17-’18
‘18-’19
‘19-’20
“Pwede makapag-craft ng resolution sa BOR para matingnan yung possibility na magdagdag ng slots. Yung kakulangan naman ng slots na nagli-lead sa exclusivity ang root cause kung bakit konti lang yung less privileged students na nasa UP,” he added. •
PAGE DESIGN AND INFOGRAPHICS • KARLA FAITH SANTAMARIA