Philippine Collegian Tomo 97 Issue 16

Page 1

PHILIPPINE

COLLEGIAN

The Official Weekly Student Publication of the University of the Philippines Diliman

Volume 97 • Issue 16 • 12 pages Monday, 24 February 2020

EDI TORYAL

FEATURES Dispatches from the South Wing To confront the trappings of bureaucracy, Chancellor Fidel Nemenzo must grapple with a barbarous government keen to malign UP.

6 KULTURA Pagpasok dito, labas doon Inianak ang labis na bastos na mga kanta ng kultura ng patriyarkang umiiral sa lipunan.

9

Tasahin ang Tuntunin www.phkule.org

Pahina 2 @phkule

phkule@gmail.com


EDITORYAL

DIBUHO • KIMBERLY ANNE YUTUC

PHILIPPINE COLLEGIAN The Official Weekly Student Publication of the University of the Philippines Diliman

EDITOR-IN-CHIEF Beatrice P. Puente ASSOCIATE EDITOR Marvin Joseph E. Ang FEATURES EDITOR Richard C. Cornelio KULTURA EDITOR Sheila Ann T. Abarra

TASAHIN ANG TUNTUNIN Sa pagtatasa, ang pagkuha ng pagtingin hindi lamang ng kagawarang lumikha ng programa kundi maging ng iba’t ibang larangang apektado ay pananagutan, at higit komprehensibo, matamang pagsusuri. Nilalayon ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa unang bahagi ng taon ang pagtatasa sa programang K to 12, pitong taon matapos itong iimplementa. Bagaman layunin ng ganitong balangkas na makapagtrabaho na ang mga mag-aaral matapos ang dalawang taon sa senior high school, malayo ito sa kasalukuyang lagay ng lipunan. Tinatayang nasa 24 porsyento lang ng mga kompanya ang handang tumanggap sa kanila, ayon sa ulat ng JobStreet noong 2018. Bukod sa kawalan ng lokal na industriyang tatanggap sa mga estudyante, hindi pa umano handa ang mga ito sa trabaho, ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry noong 2018—taon kung kailan nagsipagtapos ang mga estudyanteng bahagi ng unang pulutong ng K to 12.

02

Ang pagtatasa sa isang programang simula pa lang ay hindi na nakinig sa kritikal na mamamayan ay nagpapakulong sa bulag na mga numero, datos na sila-sila lamang ang naglilimita at nakakaintindi

Bagaman matagal nang sinisingil ng iba’t ibang grupo ang DepEd hinggil sa paglalabas ng datos kung saan napupunta ang mga estudyanteng nagtapos ng K to 12, wala pa ring tugon ang kagawaran. Ngunit habang nasa proseso pa ng pag-aaral ang departamento, matagal nang batid ng mamamayan ang epekto ng at suri sa programa.

GRAPHICS EDITOR Karla Faith C. Santamaria

Ang dagdag na dalawang taon sa high school ay pasakit na sa pamilyang napagtapos na ang isang estudyante sa ikalawang taon nito sa tersyaryo. Ito ang katotohanang pilit hindi kinikilala ng pamahalaan— salungat sa sinasabi ni Briones na kasiya-siyang epekto ng programa batay umano sa mga eskwelahang pinuntahan niya para sa konsultasyon. Higit pa sa mga paaralan, ang dapat puntahan ng DepEd ay ang tahanan ng mga estudyanteng dinidikdik ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin na ekonomikong batayan sa pag-iral ng pamilyang Pilipino, kung saan bahagi ang aspeto ng pag-aaral. Ang palagiang nakaambang pag-phaseout sa mga pampublikong transportasyon, na pangunahing pangangailangan ng regular na mag-aaral ay dapat bahagi rin ng pag-aaral at pagtatasa sa K to 12. Bagay itong hindi gaanong pansin ng mga pamantasan dahil sa nagbabagong katayuan ng populasyon—matumal nang makapasok ang mga salat na primaryang dapat nagtatamasa ng libreng edukasyon. Kung tutuusin, hindi pa rin libre ang edukasyon sa pagkakaroon ng pamantayang makakuha nito na iba pa sa mga bayarin sa dormitoryo, badyet sa pagkain araw-araw. Kaugnay ng salapi sa pag-iral, nariyan ang lumolobong krisis pang-ekonomiya sa mukha

ng inflation na humahataw sa likod ng pamilyang Pilipino panapanahon. Ang pagtatasa sa isang programang simula pa lang ay hindi na nakinig sa kritikal na mamamayan ay nagpapakulong sa bulag na mga numero, datos na sila-sila lamang ang naglilimita at nakakaintindi. Kung bingi ang pamahalaan sa mga daing ng pinagsisilbihan nito, ang paglilimi sa boses ng mga mamamayan sa lansangan ay hindi hungkag; pagkat naglalaman ng tunay na panawagan ng estudyanteng nagpapahalaga sa bayan. Kung gayon, ang pahayag ni Briones bilang suporta sa positibo umanong pahayag ng mga paaralan sa K to 12 na nagpapahalaga ang kagawaran hindi lamang sa akses kundi sa kalidad ay nakasusuklam nang pakinggan. Sa dumaraming bilang ng hindi nakakapagkolehiyo at sa pagbaba ng pagunawa ng estudyanteng Pilipino sa mga babasahin, nagkakaroon ng hubog ang negosasyon ng DepEd sa Komisyon ng Serbisyong Sibil—nais mag-anak ng gobyerno ng mga makinang pansabay sa globalisasyon. Sa pag-igting ng pagkilos laban sa palyadong sistemang panlipunan nagiging malinaw na ano mang kritikal na tugon ay bunga ng pagsusumikap ng ordinaryong mamamayang matuto at magpakadalubhasa mula at para sa sarili, hindi sa iilan. •

PABALAT • JAMES ATILLO

GUEST EDITORS Chester D. Higuit Elizabeth D. Magpantay Dylan P. Reyes STAFF Samantha M. Del Castillo Polynne E. Dira Jose Martin V. Singh Kimberly Anne P. Yutuc AUXILIARY STAFF Amelyn J. Daga Ma. Trinidad B. Gabales Gina B. Villas CIRCULATION STAFF Gary J. Gabales Pablito Jaena Glenario Omamalin ••• UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations (Solidaridad) College Editors Guild of the Philippines (CEGP) www.phkule.org ••• Sampaguita Residence Hall University of the Philippines Quirino Avenue, Diliman Quezon City


NEWSNEWS

@phkule

JT TRINIDAD

Additional construction works delay dorms’ reopening DANIEL SEBASTIANNE DAIZ Dormitories in UP Diliman have suffered from deteriorating conditions brought about by poor maintenance over the past few decades. While the renovation of three residence halls on campus is seen as an improvement, the students are yet to experience the positive impact of such efforts, as the renovation has dragged on for another month. Although the renovation of Yakal, Molave, and Kamia residence halls were initially set to be completed this month, the contractors of the projects have requested the Department of Public Works and Highways Quezon City 2nd District Engineering Office to extend the renovation until March 6 to give them adequate time to finish the additional works they have to render for the project (see sidebar 1). Only exterior and landscape works are yet to be completed, said Engr. Daryl Annonuevo of the construction division of DPWH district office, with the completion rate standing at 90 percent. Owing to the three dorms’ closure last semester, around 900 slots were slashed from the total 3,451 dormitory slots available in UP Diliman’s 12 residence halls. Given this, about 320 students had their dorm application rejected. To make up for the shortage, university officials decided to convert some facilities, like the Department of Military Science and Tactics barracks, into temporary student dorms. Procurement woes As much as students and dormitory administrators would want to push for a rapid process for the dormitory renovation, bureaucratic procedures hinder this from happening. In 2017, almost half of Yakal dormers were asked to transfer

to other residence halls as wall cracks were spotted, based on previous Collegian reports. In Molave, meanwhile, the collapse of a section of a wooden ceiling in 2018 prompted the dormitory administration to press for a major renovation of the structure. “Sobrang luma [na nung building kaya] bumabagsak [na] ang kisame. Buti nga walang estudyante nung nangyari yun,” said Marilou Villorente-Sustituido, the former dormitory manager of Molave before it was closed down for renovation. Though the cracks were discovered in September 2017, it had taken about two years before major renovation efforts began. It was only in September 2019 that the university finally inked a memorandum of understanding with the DPWH for the renovation of the three residence halls, along with 17 other major infrastructure projects in the UP system. Cost estimates from the Supply and Property Management Office, as well as an evaluation by the Campus Architect, are needed before the proposed renovation work could even reach the Chancellor for approval, according to Villorente-Sustituido. Only after the Chancellor and budget office give their nod to the project can the actual bidding process start (see sidebar 2). Although the whole procurement process was within the timeline set by law, the whole bureaucratic process delayed essential and long overdue maintenance works for the dormitories, which is necessary to ensure the safety of dormers. “Kapag matagal [yung process], gumagastos na kami para sa repairs. Maglalabas kami ng sarili naming pera namin dahil kailangan nang maipagawa,” Villorente-Sustituido said. Scarce slots Aside from structural damages, dormers have lamented the decrepitude of facilities inside UP Diliman’s (UPD) residence halls.

24 February 2020 • www.phkule.org

Sidebar 1 • UP DILIMAN RESIDENCE HALLS UNDER RENOVATION Project Cost P92.79 M

YAKAL DORM KAMIA DORM

Contractors Hi Tone Construction Dev’t. Corp., Center Ways Construction & Dev’t. Corp.

Project Cost P80.19 M Contractors SJAP Construction, Steven Construction & Supply Initial Completion Date* February 3, 2020

Initial Completion Date* February 3, 2020

MOLAVE DORM Project Cost P70.26 M

Initial Completion Date* February 13, 2020 * All renovation projects commenced on April 10, 2019, but all their new completion dates have been extended to March 6, 2020

Contractors SJAP Construction, Steven Construction & Supply

SOURCE: DPWH, 2019-2020

Sidebar 2 • PROCUREMENT PROCESS FOR UPD DORM RENOVATION PROJECTS 1. PRE-PROCUREMENT CONFERENCE

• 11

• 17

2. POSTING OF INVITATION BID

• 25 • 28 • 7

FEBRUARY 2019

6. POSTQUALIFICATION

3. PRE-BID CONFERENCE

• 19 • 20 • 21 MARCH 2019

7. APPROVAL OF NOTICE OF AWARD

• 22 • 25 • 28

(no date indicated)

LEGEND:

other hand, had an entire wing closed in 2017 given the wall cracks that could endanger the dormers, according to Shirley Guevarra, the then-officer-incharge of OSH in a previous interview with the Collegian. This move had thus slashed Yakal’s accommodation capacity by half. With the closure of these three residence halls, the already deficient dorm slots have become even more scarce, leading to the transfer of some dormers to more expensive residence halls. Compared with the P250monthly lodging in Yakal and Molave, rental fees in other UPD dormitories are much more

INFOGRAPHIC • RICHARD CALAYEG CORNELIO

APRIL 2019

• 5 • 10

9. APPROVAL OF CONTRACT

8. CONTRACT PREP. AND SIGNING

SOURCE: 2016 IRR of RA 9184; 2019 DPWH Procurement Monitoring Report

“[Y]ung Molave, lumang dorm kasi siya so luma [rin] yung facilities—yung mga kama, cabinets, CR. Minsan barado yung mga toilets tapos walang [tubig na umaakyat sa] shower,” said Jaycen Aligway, a former resident of Molave Residence Hall. The dorm’s condition back then was so dire that a total overhaul of the structure was necessary to preserve the more than 70-year old dormitory. “Major repairs na talaga [ang kailangan] … di na pwedeng partial-partial lang kasi kailangan talagang linisin yung buong dorm,” VillorenteSustituido said. Yakal Residence Hall, on the

5. BID EVALUATION

4. RECEIPT OF BIDS/ BID OPENING

Kamia & Molave

10. ISSUANCE OF NOTICE TO PROCEED

Yakal

All 3 dorms

expensive, reaching P3,000 in Acacia Residence Hall. Private dormitories outside the campus can even go as much as P5,000 or even higher. Ultimately, for many students, the dormitories’ renovation pushes for only cosmetic changes that do not solve the problem of insufficient and expensive dormitories for those in need. “Yung pag-improve ng dorms [ay maaari lang magresulta] na tataas yung [monthly] na bayad,” Aligway said. “Mas kailangan pa rin na magdagdag ng dorms na libre kasi parte ito nung karapatan natin sa edukasyon.” •

03


NIKKI TENG

BALITA

Murang pabahay, ligal na pagkilala, isinusulong ng Kadamay sa Lakbayan KENT IVAN FLORINO Tatlong taon mula nang okupahin ng mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang bakanteng pabahay sa Pandi, Bulacan, di pa rin itinuturing na lehitimo ng pamahalaan ang paninirahan ng mga residente sa lugar. Kabilang sila sa 1,000 maralitang nagkakampuhan sa Commission on Human Rights mula Enero 23 bitbit ang panawagan para sa mura at disenteng pabahay. Sa 5,000 pamilyang naninirahan sa housing site sa Pandi, wala pa ring residente ang binibigyan ng entry pass na kailangan upang makatanggap sila ng serbisyo gaya ng tubig at kuryente. “Certificate of Lot Allotment (CELA) pa lang [ang naibibigay]. Yun yung unang yugto sa proseso para magkaroon ng loan agreement, saka pa lang makakuha ng entry pass,” ani Ka Mimi Doringo, tagapagsalita ng Kadamay. Sa kasalukuyan, 1,066 na pamilya pa lamang ang nakatatanggap ng CELA. Isang beses kada dalawang buwan mamamahagi ang National Housing Authority (NHA) ng CELA, ayon sa diyalogo ng Makabayan bloc at ng ahensya, Setyembre 19. “Ang gusto sana namin ay mas mabilis na pagbibigay [ng

CELA] kasi matagal na namin yang hinihingi—halos magtatatlong taon na. Masyadong mabagal yung tagdalawang buwan pa … mahirap ang mamuhay na kulang kami ng tubig at kuryente,” ayon kay Ka Mimi. Bagaman hindi pa natutukoy ang magiging mode of payment (MOP) para sa mga pabahay, nangangamba ang mga residenteng ihalintulad ito sa MOP ng pabahay sa Montalban, Rizal. Bubunuin ng mga residente roon ang P1,500 bayad kada buwan sa loob ng 30 taon, kabilang ang interes nito. “Kaya ang tawag namin d’yan [sa pabahay] ay negosyong pabahay na scheme ng NHA. Patuloy na ineexpose ng Kadamay na hindi housing service ang umiiral na housing policy ng NHA kundi pinagkakakitaan yung basic service [para sa] mamamayan,” ani Tori Fortuno, miyembro ng Education and Research Committee ng Kadamay. Kasalukuyang nasa P480,000 hanggang P580,000 ang price ceiling ng mga pabahay na nakadepende sa laki ng yunit, ayon sa kasunduan ng National Economic Development Authority at Housing and Urban Development Coordinating Council. Habang isinusulong ng Kadamay na ibaba ito sa P150,000 hanggang P200,000, pilit namang sinusulong ng mga developer na itaas ito sa P533,000 noong 2019. Ikinadismaya ito ni Risa* na umalis

sa kanilang inuupahan sa Guiguinto, Bulacan upang makahanap ng mas abot-kaya at disenteng pabahay sa Atlantica Village sa Pandi. Ngunit dahil sa kakulangan ng oportunidad sa lugar, tumungo ang kanyang asawa at dalawang anak sa Maynila upang humanap ng hanapbuhay. “Malaki talaga yung paninindigan ko para sa karapatan sa pabahay. Wala na silang alam sa pinagdadaanan ko habang lumalaban pero patuloy ko namang ipinapaintindi yung pinasok ko para suportahan ako,” ani Risa. Dahil sa bigat ng gastusin at maliit na kita ng kanyang asawa na aabot lamang sa P8,000, minsan nang nasilaw si Risa na sumapi sa “progovernment group” na nangakong mamamahagi ng pera at CELA kapalit ng pagtiwalag sa Kadamay. “[Pero naisip kong] bakit ako magpro-pro eh Kadamay ako pumasok dito? Kadamay ang dahilan kung bakit kami may bahay tapos gusto nila umalis akong sa Kadamay?” ani Risa. “Kung ano ako pumasok dito, ganun pa din akong lalabas.” Sa buong Timog-Silangang Asya, ang Pilipinas ang may pinakamaraming mamamayang walang tahanan na aabot sa 4.5 milyon ayon sa ulat ng Reuters noong 2018. May 5.5 milyong housing backlog naman sa bansa noong 2016 na inaasahang tumaas sa 6.7 milyon ngayong taon dahil sa tumitinding pangangailangan sa

TIRA-TIRAHAN • Naghuhugas si Juliet*, 60, ng kanilang pinagkainan, umaga ng Pebrero 4, bago magsimula ang kanilang diskurso ukol sa isyu ng pabahay sa Pandi, Bulacan. Dahil sa sapilitang demolisyon ng kanilang tirahan sa Manggahan Floodway, Pasig City noong Agosto 31, 2017, isa siya sa mga miyembro ng Kadamay na umokupa sa mga bakanteng pabahay sa Pandi. Hindi malilimutan ni Juliet kung paano sapilitang binuwag ng mga pulis ang kanilang human barricade gamit ang water cannon. Sinagasaan ang ibang residente, habang hinuli ang nasa 40 indibidwal. Ngayong higit dalawang taon na siyang naninirahan sa Pandi, ginagamit ni Juliet ang kanilang maliit na tindahan at parlor upang tustusan ang gastusin sa araw-araw. Gayong mabigat ang kaakibat na hirap ng paninirahan sa lugar, patuloy siyang makikibaka kasama ang Kadamay upang igiit ang karapatan ng maralita sa disente at murang pabahay.

pabahay, batay sa tala ng HUDCC. Sa pagdami ng katulad ni Risa na walang permanenteng tirahan, patuloy na igigiit ng mga maralitang tagalunsod ang pagpapatayo ng pabahay na makamasa at disente. “Kaya nandito kami sa kampuhan ay para ipamukha sa gobyerno nating mali yung ginagawa nila ... Hindi sa pagtatapat-tapat naming

mga Kadamay at pro-government [organization] nila mapapatigil yung mga tulad naming lumalaban,” ani Risa. “[Kung] bibigyan nila kami ng batayang serbisyo, maaaring matapos itong lahat.” •

* Hindi niya tunay na pangalan. Itinago ang identidad ng residente para sa kanyang seguridad.

Democratic spaces shrink as gov’t assails dissenters DANIEL SEBASTIANNE DAIZ While Tacloban City was still asleep on February 7, state forces were busy brewing chaos. In the wee hours of the morning, police officers raided the offices of several legal organizations, leading to the arrest of five individuals. Out of nowhere, high-powered guns, grenades, and cash were allegedly recovered inside. In a Gestapo-style raid, the police nabbed four community organizers and a journalist, along with an infant whose mother was among the arrested. But instead of undergoing inquest procedures, the five were forced to stay behind bars without formal raps filed against them. This is similar to the case of Panday Sining 4 in November 2019 when they were illegally detained in Manila for over a week. Individuals accused of violating grave offenses can only be detained with no formal charge for a maximum of 36 hours, but prosecutors only filed cases of illegal possession of firearms and explosives against the five after two days. Only Bayan Eastern Visayas staff Mira Legion

04

is temporarily out on bail, as the Collegian went to press. Around a week later in Quezon province, meanwhile, two volunteer organizers for a peasant group went missing for about two weeks, according to Karapatan. Such incidents manifest the dire human rights situation in the country, perpetuated by state policies that coddle violence and impunity, according to the Philippine Human Rights Information Center (PhilRights). This state-sponsored violence, however, not only endangers the lives of those on ground like community organizers and farmers, but also those who choose to speak against the government’s policies. ‘Hush’ money “[The government’s] crackdown on dissent through legal and military [ways] only proves na yung democratic spaces [sa bansa] ay shrinking na at a drastic state,” said Philip Jamilla of Karapatan, a nongovernment human rights group. Instead of addressing the causes of the country’s problems like poverty and lack of national industries, the government has instead subscribed to silencing those who dare to speak up against issues, he added.

The Department of Information, Communication, and Technology, for example, used P300 million on surveillance activities. Not only is it beyond the ambit of the department; it also showed the government’s weaponization of civilian agencies to snoop on Filipinos. This is further legitimized by the “whole-of-nation” approach following Executive Order 70 (EO 70) against communist groups. The funding for such a policy also comes into question as the government doles out money to those who surrender as rebels. “Matatandaan nating gumamit ang [militar] ng manipulated photos ng pekeng surrenderees,’” Jamilla said, referring to the fabricated photo of supposed armed rebels surrendering to the government that the Armed Forces of the Philippines posted online in December. If the military is capable of faking surrenderees, then the money that is supposed to be given to surrenderees might fall into wrong hands, said Jamilla. “The taxpayer’s money is being used against them.” Economic attacks Assaults against human rights, however, do not only happen through killings and arrests, as the people’s economic, social, and cultural rights are also under siege, PhilRights noted.

The fiasco on ABS-CBN’s franchise renewal, for example, would effectively curtail the people’s right to information, according to Jun Sepe of the Photojournalists Center of the Philippines during a mobilization in front of ABS-CBN on February 14 (see related article on page 5). Other legislative and policy measures implemented by the government such as the Rice Tariffication Law and Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law, meanwhile, seek to further wreak havoc on Filipinos, economically, as prices of commodities climb while salaries stagnate. Aside from having the lowest minimum wage in the country at P282, tobacco farmers in Region 1 suffer from a much worse condition, as the sin tax law also gravely affected their livelihood. “It has become increasingly clear that this administration’s approach to economic development has a blinkered view of the relationship between socioeconomic progress and human rights–one that disregards the rights of many for the benefit of a few,” PhilRights wrote. Tipping point Amid attacks from the administration, cause-oriented formations have made significant strides along the way.

The United Nations (UN) Human Rights Council has passed a resolution to probe extrajudicial killings in the country. The UN International Criminal Court is also set to release its findings on the country’s human rights situation this year that will determine whether or not they will proceed to try the president for so-called crimes against humanity. Locally, a house bill seeking to protect and promote the rights of human rights defenders like the Tacloban 5 is also pending at the House of Representatives. The Makabayan bloc similarly authored a resolution urging Congress to investigate human rights violations. Both measures, however, remain at the committee level. Among other things, the fight towards respecting human rights must ultimately push for the junking of all legal codes and instruments that allow for these attacks to thrive, said Jamilla. “Mahalagang mapaingay natin ang mga isyung kinakaharap ng bansa di lamang sa social media, o kaya sa mga legal ways, kundi sa parlamento rin ng lansangan upang marinig ng pamahalaan ang ating boses,” he said. “Kung ‘whole-ofnation’ ang atake sa atin, dapat ‘whole-of-nation’ din ang pagkakaisa natin sa paglaban.” •


NEWS

@phkule

‘Non-renewal of ABS-CBN franchise poses huge blow to press freedom’ — advocates M.A.T.M. The Philippine media is no stranger to threats of repression. Not even the country’s largest media company could escape this, especially now that its legislative franchise is on the line. In about five weeks, the ABS-CBN’s permit to operate is set to expire, yet the Congress has failed to act on all 11 pending bills seeking the company’s license renewal. On top of this inaction by the House of Representatives, Solicitor General Jose Calida filed a quo warranto petition on February 10 in hopes of revoking the network’s existing franchise under ABS-CBN, along with that of ABS-CBN Convergence, Inc., the network’s subsidiary. Such pressure, according to Kabataan Partylist representative Sarah Elago, is meant to shut down opposition, which the Duterte administration has long been doing to its critics.

“Parang throwback ito sa martial law. Pag wala ka sa bakod ng pangulo, ikaw ay makakaranas ng panggigipit at iba’t ibang porma ng harassment,” Elago said. To add salt to the wound, Calida also filed a gag order before the Supreme Court seeking to bar the network from releasing statements on the quo warranto petition, which is grounded on the network’s offering of illegal pay-per-view services, usage of the franchise beyond what was approved by Congress, and alleged foreign ownership or control. ABS-CBN has since denied these allegations. The network, along with various media organizations, has launched a series of Friday protests condemning the government’s deliberate attack not only on the network but on press freedom as a whole. Bayan Muna representative Ferdinand Gaite sees the SolGen’s petition as an addition to the pattern of attacks against critical media outlets made by the Duterte administration,

which uses all its strength to “scare, harass, and block” the media. “This is beyond ABSCBN. Ang pinaguusapan natin ngayon ay press freedom,” Gaite said. Baseless allegations Calida seems to enable the Duterte administration’s vindictiveness through the power of his quo warranto petition, the same legal weapon used to oust Chief Justice Maria Lourdes Sereno not too long ago. Lawyer Toni La Viña sees the petition as a “wrong case” filed in the wrong court. “Wala naman talagang batayan yang kaso kahit saan mo i-file yan ... very confident ako na madi-dismiss itong kaso na ito nang mabilisan,” said La Viña, as he stressed that the Supreme Court is not a trier of facts. The violations mentioned in the petition should be filed in the right venues. Issues of foreign ownership and pay-per-view operations may be raised before the Securities and Exchange Commission and National Telecommunications Commission, respectively.

COME TO LIGHT • Thousands of individuals from various formations trooped to Sgt. Esguerra St. in front of the ABS-CBN Broadcasting Center, February 21, to assert the need for the renewal of the media network’s franchise. United in the call to defend the press, attendees took part in a candle lighting vigil to rally their support behind the company’s 11,000 employees, who will be primarily affected, should the ABS-CBN franchise expire on March 30. This mobilization is part of the weekly protests launched to push for the people’s right to a free press, without fearing any intervention from the state. 24 February 2020 • www.phkule.org

La Viña also said that the SolGen usurped the power of Congress by filing the quo warranto petition, noting that the petition is clearly an affront to the independence of the media organization. This adds to the systematic attacks on the press, given that online media outfit Rappler also faced threats of being closed down in 2018 over similar allegations of foreign ownership. Grave Implications This only shows that media is considered the main enemy of a dictatorship, said UP Diliman journalism professor Danilo Arao. “Ang ating pakikibaka ay hindi para lang sa isang news agency. Ang ating pakikibaka ay para sa kalayaan ng pamamahayag ng buong Pilipinas … Pagkatapos ng ABS-CBN, sino na kaya ang isusunod?” he said. The closure of ABS-CBN’s radio and television services, moreover, would leave a huge gap in the public’s access to both information and entertainment, according to Michael Rolluque, a segment producer for ABSCBN news and current affairs for almost nine years. “Hindi lang naman ito fight for our jobs, but also for press

freedom … Mawawalan ng choice ang Filipino viewers and listeners,” Rolluque said. “Who knows, baka propaganda na lang ang makita sa TV in the future.” Rolluque is one of the more than 11,000 ABS-CBN workers facing the threats of losing their jobs if the network’s franchise is not renewed. While there are existing labor issues confronting Kapamilya workers, Defend Job Philippines spokesperson Thadeus Ifurung believes that the non-renewal of the network’s franchise is not the answer, as this would leave thousands of families suffering. Senator Ronald Dela Rosa has downplayed the gravity of the situation, saying that the welfare of the nation is more important than thousands of employees losing their jobs. This neglectful sentiment has earned the ire of the public, who are primarily affected, once the company’s franchise is revoked. “Malaking hamon sa publiko na huwag hayaan [ang pamahalaang] atakihin ang karapatan natin sa information at magkaroon ng source na independent pagdating sa iba’t ibang isyung panlipunan,” Elago said. “Kung walang kalayaan sa pamamahayag at patuloy na inaatake ang midya, malinaw na walang demokrasya sa bansa.” •

NIKKI TENG 05


BALITA

PHILIPPINE COLLEGIAN IGNACIO KAGAY at PAMALAKAYA

Problema sa lupa, kalamidad palalalain ng reklamasyon sa Manila Bay KENT IVAN FLORINO Nagbabala ang mga eksperto ng heolohiya at agham pangkaragatan sa banta ng paglubog at pagguho ng lupa kung sakaling tuluyang pahintulutan ng pamahalaan ang reklamasyon sa Manila Bay. Pabibilisin umano ng reklamasyon ang natural na proseso ng paglubog ng lupa at patataasin din nito ang posibilidad ng pagguho ng mga itinayong imprastraktura kung sakaling tamaan ng lindol ang pinatag na katubigan. “Today, it seems that science is again being blithely ignored by the financial interests and government authorities promoting various reclamation projects. Will we never learn?” ani Propesor Kelvin Rodolfo ng University of Illinois at Chicago sa kanyang papel noong 2014 hinggil sa heolohikal na implikasyon ng reklamasyon sa Manila Bay.

BALIKWAS • Kaakibat ng pinaplanong reklamasyon sa Manila Bay ang pagpilay sa kabuhayan ng libo-libong naninirahan malapit sa baybay-dagat na nakaambang paalisin sa kanilang lugar. Kabilang dito ang mga residente ng Talaba II sa Bacoor, Cavite na umaasa sa paghuli ng tahong, at iba pang lamang dagat para sa kanilang arawang kita. Hindi nila alintana ang hirap ng paglaban kasama ang Pamalakaya at iba pa, pagkat malinaw sa kanilang ito ang susi sa pagkamit ng kanilang panawagan laban sa reklamasyon.

06

Lubog Isa sa 19 na proyektong reklamasyon ang kasalukuyang sinisimulan sa lugar, habang nakatakda namang bigyan ng permit ang anim na iba pa. Ilan sa mga unang tatamaan ng reklamasyon ang Cavite, Maynila, at Navotas—ilan sa mga may naitalang pinakamalalim na paglubog ng lupa, ayon sa pagaaral ng National Institute of Geological Sciences (NIGS). Batay sa satellite images mula 2003 hanggang 2009, aabot sa anim na sentimetro ang ibinababa ng lupa kada taon hindi lang sa Maynila kundi maging sa mga karatig-probinsya, batay sa pananaliksik noong 2013 sa Volcanic-Tectonic Laboratory ng NIGS ni Dr. Mahar Lagmay ng UP Resilience Institute at Narod Eco ng Marine Science Institute (MSI). “Sa mga project proposal [ng reklamasyon], ipinapakita ng contractor yung design nila at mga possibilities ng reclamationinduced hazards. Pero ang problema, ang pinakikita lang ay yung mga mangyayari pa lang, hindi yung susceptibility

sa already existing reclaimed areas,” ani Eco. Dahil sa penomenang subsidence o paglubog ng lupa, mas lumalapit ang baybayin sa lebel ng tubig-dagat na dulot ng paghina ng suporta ng aquifer o mga imbakan ng tubig sa ilalim ng lupa. Mas tumataas ang tsansa ng pagkakaroon ng subsidence sa mga lugar kung saan patuloy ang page-extract ng tubig mula sa aquifers. Nagiging sanhi rin ito ng mabagal na daloy ng tubig-ulan patungong karagatan na maaaring magbunsod ng matinding pagbaha, ani Rodolfo. “Nu’ng panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, nagkaroon talaga ng madaming reclamation projects including yung Dagat-dagatan sa Caloocan. Nandun yung may pinakamalaking pag-consume sa groundwater, based on data,” ani Eco. “Nandun din yung pinakamabilis na paglubog with almost six to eight centimeters per year, so it might be correlated.” Ngunit liban dito, malaki rin ang kontribusyon ng bigat ng mga imprastraktura sa isang reclaimed area sa pagpapabilis ng paglubog ng lupa. Sa kaso ng Shanghai, China noong 2010, nasa 30 hanggang 40 porsyento ang kontribusyon ng bigat ng mga gusali sa paglubog ng lupa, ayon sa pag-aaral ni Peter Damoah-Afari, propesor ng geographic science sa University of Energy and Natural Resources sa Ghana. Sa mabilis na paglubog ng lupa dahil sa reklamasyon, kasabay rin nitong tumataas ang lebel ng tubig-dagat. Bunsod ng pagtatambak ng lupa sa katubigan, mayroong posibilidad na mabago ang hugis ng baybayin—maaaring maging mas patag at low-lying ang lupa, kung kaya mas madaling hampasin ng storm surge ang kalupaan. Hindi biro ang pinsalang maaaring idulot ng storm surge sa bansa. Noong 2011, umabot sa P12 bilyon ang kabuuang pinsala ng bagyong Pedring na siyang nagdala ng matinding storm surge sa Luzon. Kasabay nito, patuloy ring tumataas ang lebel ng tubig dahil sa pagbabago ng klima.

Dahil sa hindi pantay na pag-init ng tubig-dagat sa Pilipinas, pito hanggang siyam na milimetro ang naitalang pagtaas ng tubig taun-taon, ayon sa datos nina Robert Nicholls at Anny Cazenave ng School of Civil Engineering and the Environment sa University of Southampton noong 2010. Lusak Kung ipagpapatuloy rin ang reklamasyon sa Manila Bay, lalo nitong itataas ang antas ng panganib para sa mamamayan lalo na kung sakaling tamaan ng lindol ang bansa. Gayong matagal nang nakababad ang lupa sa katubigan, nagiging mas mahina ang komposisyon ng lupang inaasahang magsilbi bilang pundasyon ng itatayong gusali sa reclamation area. Pinangangambahang gumuho ang ipapatayong imprastraktura sa mga papataging lugar kapag nagkaroon ng pagyanig ng lupa na maaaring mag-umpisa ng liquefaction. Sa ganitong proseso, tuluyang nawawala ang lakas ng lupa kung kaya gumuguho ito. Karamihan sa mga reclaimed area ay nasa high hanggang moderate ang liquefaction potential, ayon sa liquefaction susceptibility map ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology. “In general, kapag reclaimed area, susceptible yan [sa liquefaction]. Sasabihin nila, syempre, may engineering intervention, pero ang pinaguusapan natin ay walang nakatira dun sa dagat, dadalhan mo ng tao at magpapatayo ka ng gusali … nag-iintroduce ka lang ng risk,” ani Eco. Ngunit sa gitna ng pagsasawalang-bahala ng gobyerno sa mga ipinepresentang epekto ng reklamasyon sa Manila Bay, nagpahayag naman ang mga mananaliksik at dalubhasa na patuloy nilang ipaaalam sa mamamayan ang tunay na mukha ng reklamasyon. “Kailangang comprehensive, scientific, at may social justice ang pagtingin ng gobyerno sa mga gusto nilang projects,” ani Eco. “Lagi nating itatanong: para kanino?” •

phkule@gmail.com


FEATURESNEWS

@phkule

DISPATCHES FROM THE SOUTH WING Part 2 of 2: The UP Diliman chancellor in a commercialized UP

The new millennium saw the Philippines still navigating the shifting ruins of post-1986. Just a year into the 21st century, shockwaves once again rippled across the country as President Joseph Estrada was ousted and Gloria Arroyo assumed power. Arroyo promised to bolster the economy through methods that would soon prove inimical to public interests. In UP, these manifested in budget cuts and the commercialization of campus lands and instruction, all of which arguably persist to this day. So bereft of its public character is the UP that newlyelected chancellor Dr. Fidel Nemenzo would lead that much is expected of his dedication to fulfill his promises. Boardroom of barons Dr. Emerlinda Roman became UP president in 2005 and ceded the chancellorship to faculty regent Dr. Sergio Cao. Their tenacity to put the onus of funding on their constituents would prove to be a bureaucratic challenge for a Diliman facing enormous budget cuts. Their measures also caused a reduction of employees and wholesale dismissal or contractualization of janitors. Vendors along the Academic Oval faced eviction due to “unfair competition” with private concessionaires. Narry Hernandez, President of Samahang Manininda sa UP Campus, recounted: “Talagang sobra ang laban namin noon. Ang higpit-higpit ng mga patakaran nila.” In 2006, Cao withheld the Collegian funds on supposedly legal bases, so regular publication was stalled for months at a time

when the paper was slamming the UP administration’s policies. Nonetheless, the Collegian revived Rebel Kulê, asserting its refusal to cower to the administration’s demands. Stifling the press served to assist in the administration’s sinister plot. Anticipating protests, the University Council cancelled the 2006 Lantern Parade, citing “threats to persons and property.” Yet this move soon proved to make way for the Board of Regents’ (BOR) clandestine approval of a 300-percent tuition increase, the highest since the 1989 institution of the Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) which saw tuition rise from P40 to P300. Cao’s indifference to sectoral pleas prompted the search committee to depict him in a “bad light,” based on consultations. Yet the BOR reappointed him in 2008 during an executive session, where staff were requested to leave the room and minutes were not recorded. “Kasi baka consolidated yung ranks nung mga faculty around Cao. They cannot afford na biglang maiba ang chancellor,” student representative to the committee Rainier Sindayen reasoned in a recent interview with the Collegian, saying the administration, then, did not want a weak link in its chain. Roman and Cao held positions simultaneously, as if fine-tuned to maneuver the university like a well-oiled corporate machine. This coordination produced a UP Charter retaining the BOR’s powers and provisions for commercialization of UP assets, yet providing for staff representation in the BOR and the prohibition of outright sale of

ILLUSTRATION • KIMBERLY ANNE YUTUC

UP properties. But with Cao’s successor, Dr. Caesar Saloma, sectors’ assertions for greater representation found their way into the room. With Saloma’s consultative brand of leadership, these sectors saw an opportunity to thaw out what in Cao’s term had been a rather cold relationship. Floors of opportunity Founding SecretaryGeneral of the All-UP Academic Employees Union Melania Flores served as Saloma’s vice chancellor for community affairs and recalled how, unlike its predecessor, the Saloma administration recognized and welcomed the mass movement. “Na-obliga [si Saloma] kasi strong ang mass movement at naipasok din yung mga agenda sa loob ng administrasyon,” she said. Saloma listened to students. “We were able to work with him on the issue of Code of Student Conduct and working out the logistical and administrative concerns in accepting the UP Tacloban students who were displaced post-Yolanda,” recalled former Student Regent (SR) Krista Melgarejo. He joined campaigns to amend UP Code provisions prohibiting unpaid students to enroll and played a role in developing the National Science Complex. His efforts to strike compromises between BOR orders and sectoral demands, however, tended to border on inaction, as he had little to say about, for instance, STFAP revisions and utilization of UP’s idle assets. He supported the Socialized Tuition System, which would replace the STFAP but would also

GRAPHICS AND PAGE DESIGN • LEI ALIANZA

eventually fall short of making education more accessible. He also took no definitive stance as the UP Town Center took over the lot of the UP Integrated School. In 2014, the BOR voted against Saloma’s reappointment and selected Dr. Michael Tan, who hailed from the social sciences, as the next chancellor. Tan planned to create “nurturing and enabling spaces” that would foster a sense of justice and bring about “a shared culture of academic citizenship.” An anthropologist, Tan understood national minorities’ struggles and welcomed them, with 3,500 individuals from different regions taking sanctuary in Diliman in 2016 and the Lumad bakwit school staying at present. In 2017, he suspended tuition and other school fees collection in Diliman until “the government [was] clear about their [Free Tuition Policy].” But while Tan’s six-year chancellorship had been relatively responsive to sectoral demands, it also had its shortcomings. As it presided over a deteriorating campus, it saw the reduction of the minimum number of required General Education units—often called definitive of UP education—from 45 to a minimum of 21. Fires also razed several campus buildings, opening discussions about the long-neglected infrastructure and emergency mechanisms in Diliman. Meanwhile, a UP community caught in the ruckus of warring fraternities has yet to be guaranteed concrete steps to resolve such a longstanding issue. Podiums of promises The promising strides Saloma and Tan took to bring the chancellorship to the sectors were

ISAAC RAMOS

limited by the pressure they had to bear under the BOR. To confront the trappings of bureaucracy is a task Nemenzo must undertake with due decisiveness, particularly now that a barbarous government remains adamant to malign the university among many others. In envisioning “UP Diliman as a modern research university with a public mission,” Nemenzo seeks to invest in interdisciplinary collaboration and stand for academic freedom to fulfill “UP’s dual role as knowledge producer and social critic.” While open to leasing UP’s lands, he is intent not to let “commercial interests ... define [UP’s] education and research agendas” and swears to “implement a compassionate policy” toward sectors on campus. He must exercise caution in treading so thin a line, especially where UP’s most vulnerable sectors—informal settlers, vendors, jeepney drivers—have yet to have genuine representation in higher decision-making bodies. His promises are to be set against a rubric distinguishing him from his predecessors: his claim to militant activism. Nemenzo must not pay mere lip service to an honored past but rather contend with a present gripped by the same, if not heightened, problems. Rare do those in the corridors of power identify with those who often question their legitimacy, and Nemenzo strikes radical candor amid an office that has long been steeped in reaction. Should he waver, the decisive steps must come from the ones that ushered him into power—the community not limited to podiums of rhetoric, but firm in struggles fought on roads of resistance. •

07


KULTURA

Sa isang click, lahat mapapaindak, bata man o matanda. Hindi na kailangan ng lights, basta’t may camera, diretsong action kaagad. Saliw sa tugtog ng mga kantang may habang 30 segundo, hindi man gaanong naiintindihan, magsasayawan sila habang nagpapalit-palit ng filter ang bawat frame. Sa app na ito, katumbas ng audience impact ang pagkamal ng likes, at sa puntong tumabo ng sampung libong views, garantisado, artista ka na. Sa pag-usbong ng mga video blogging apps katulad ng Tiktok, tila nagkaroon ng pagkakataon ang karaniwang mamamayang maging kapantay ng kanilang iniidolo. Sa bagong industriyang ito, hindi mo na kailangang makipagsiksikan at makipagkumpitensya, basta’t kaya mong bitbitin ang sarili, tiyak ang iyong pag-unlad at pagsikat. Hindi na bale kung mukha kang bulateng binudburan ng asin, tawaging

pa-yummy, o simpleng pasikat lang; kung sa ganitong paraan ka naman papatok, bakit hindi. Broadcast yourself Bago pa man sumikat ang mga vlog, isa sa pinakaunang porma nito ay ang “blog,” o pinaikling “web log,” na umusbong noong 90s upang tugunan ang pangangailangan para sa isang alternatibong lunsaran ng mga opinyon at pagpapahayag sa sarili. Sa pagpalit ng bagong milenyo, labis na lumobo ang bilang ng mga gumagamit ng blogsites, mula 23 noong 1999 patungong 50 milyon noong 2006, ayon sa Blogosphere Report ng Technorati. Sa pag-abante ng teknolohiya sa mukha ng internet, bumuo ito ng panibagong daigdig na mas naging bukas sa paglikha ng sining, at hindi na lamang nakakulong sa mga limitadong midyum katulad ng TV, radyo, o dyaryo. Binasag din ng birtwal na reyalidad ang limitasyon pagdating sa porma at nilalaman; mas madali at mabilis na rin ang pagpapalaganap nito. Katulad ng patuloy na pagyabong ng memes online, hindi na lamang simpleng kinokopya ang mga likhangsining, kundi muling nililikha upang makabuo ng panibagong obra. Hindi naglaon, isa-isa na ring nagsulputan ang iba’t ibang online platforms, katulad ng MySpace at LinkedIn sa unang hati ng 2000s, at Facebook, Twitter, at Youtube sa ikalawa. Kung noon, kakaunti at limitado sa mga museo o ispesipikong lugar ang isang likhang-sining, ngayon, binigyan ng birtwal na reyalidad ang lahat ng industriya ng global na entablado upang maging tanghalan ng kanilang obra. Kung gayon, binago ng online platforms ang ating pagpapahalaga, pagtingin, at

pakikitungo pagdating sa arte at literatura; dahil mas pinadali at aksesible na, mas maikli na rin ang inilalaang oras para sa pagtanggap ng sining. Hindi na ito kataka-taka—pagkat habang paparami ang impormasyong nagiging abot-kamay, bumababa naman ang attention span, ayon sa pag-aaral ng Technical University ng Denmark. Katulad ng vlog, nagsilbing alternatibong lunsaran ng opinyon at kuro-kuro ang mga blogsites. Sa Pilipinas, blog ang pangunahing platapormang ginagamit ng mga kritiko-intelektwal na katulad nina Angela at Katrina Stuart Santiago, Teo Marasigan, at iba pa upang ipahayag ang kanilang mariing pagtutol sa mga polisiya ng noo’y pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Kalaunan, ginamit din ito bilang makinarya ng propaganda ng estado, katulad ng pag-usbong ngayon ng mga trolls sa internet. Like and subscribe Malinaw ang lohika sa pagbuo ng YouTube app noong 2005, at ang pagbili ng kumpanyang Google dito isang taon mula noong ito’y itatag—bigyan ng plataporma ang karaniwang mamamayan na ipahayag ang kanyang sarili, sa malikhaing pamamaraan. Dahil libre naman ang paglahok dito, lumilikha ito ng ilusyon na pantay-pantay ang lahat ng narito sa oportunidad ng pagsikat at pagkatanyag. Kaiba sa ibang social media sites katulad ng Facebook at Twitter, aktwal na kumikita ang mga YouTube artists mula sa mga kumpanyang namumuhunan base sa laki ng bilang ng kanilang followers. Dahil dito, maingat na ipinapakete ng mga YouTube artists ang kanilang imahe ayon

sa mga produktong napili nilang ilako sa kanilang mga taga-subaybay. May katangian ng pagka-huwad, kung gayon, ang konsepto ng “self-branding” dito pagkat lagi itong nakasunod sa dikta ng mga kumpanyang nais silang gamitin upang kumita. Dahil dito nabubura na ang pagkakaiba ng vlogger at ang produktong kanyang inilalako; tinutumbasan ng pera ang paggamit nila ng produkto upang matagumpay nitong maibenta ang mga produkto sa kani-kanilang mga channel. Ito ang dahilan kung bakit, alternatibo mang maituturing ang mga sining na nalilikha ng mga vloggers mula sa mainstream na telebisyon at pelikula, nananatiling hamon ang pagtunggali sa mga nais ikupot ito pabor sa kanikanilang mga pansariling interes. Pagkat una pa lamang, iginiya na ang YouTube na tustusan ang pangangailangan ng mga kumpanya upang maengganyo ang mga itong mamuhunan sa kanila— bagaman hindi hayag, patuloy ang impluwensya ng mga malalaking kumpanya na tunay na may hawak at kontrol sa mga ganitong uri ng plataporma.

Kadamay, ginagamit nila ang midyum ng vlogging upang ipaliwanag ang mga isyung kasalukuyang kinahaharap ng mga maralitang tagalungsod. Kaiba sa ibang mga YouTube channels, malinaw ang oryentasyon at layunin nito—hindi upang kumita, kundi magbigay-alam, magmulat, at mag-anyaya ng pakikilahok sa kanilang laban. Sa pamamagitan ng puspusang paglikha ng mga sining na kontraagos, nagagawang makaigpaw ng artista sa limitasyong pilit na ipinapataw sa kanya, at lilikha ito ng kondisyong patuloy na kumatha ng mga sining na bumabalikwas. Nakatali man ngayon sa labislabis na kontradiksyon ang porma, kapwa makakaigpaw ang artista at ang sining kung kakawala ang mga ito sa siklo ng paglikha at pagkita. At sa pagdating ng puntong mapagpalaya na ang lipunan, makakalikha ng sining na bukal, importante at esensyal mula at para sa lahat. •

Watch now Kung tutuusin, malaki ang potensyal ng mga lunsarang social media katulad ng YouTube upang makapagmulat at makapaglunsad ng iba’t ibang politikal na diskursong kasalukuyang kinahaharap ng mamamayan at lipunan. Isa ito sa mga alternatibong maaaring gamitin ng mamamayan upang labanan ang namamayaning kaayusan at isulong ang interes na kanyang ipinaglalaban. Katulad ng ginagawa ng progresibong grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o

Buhay-artista MARVIN ANG

08

DIBUHO • RANIELLA GRAZELL MARTINEZ

DISENYO NG PAHINA • KIMBERLY ANNE YUTUC


KULTURA

@phkule

PAGPASOK DITO, LABAS DOON LEVEI BIGCAS Samu’t saring awitin sa jeep ang maririnig. Sa lakas ng tunog, hindi mo maiiwasang mapatalbog bago liparin sa pagharurot. Pati sa mga istasyon ng radyo, maririnig ang mga awiting daraan lang sa pandinig ngunit kung iisiping mabuti ay nakakaiyak, nakakagalit. Maging sa iba’t ibang palabas sa telebisyon ay hindi ka makakaligtas. Makikita rin ang pagkalat ng mga ito sa internet na tambayan ng lahat, bata man o matanda. Nakababahalang marinig mula sa bibig ng mga paslit ang mga lirikong “ulo ko’y tigang, sa’yo nakaabang” o “kotse ka ba? Kasi gusto mong sinasakyan kita.” Ngunit, mas nakababahala pang tanawin ang mga lirikong uusbong na maaari pang maabutan ng mga susunod na henerasyon. Matagal nang umiiral ang mga ganitong klase ng kanta alinsunod sa namamayaning sistemang panlipunan; lalo na’t mayroong nagmamaniobra ng kulturang walang humpay na nagpapatakbo rito. Biglang liko Bagaman banayad lamang ang paggamit ng mga salitang naglalahad ng kabastusan at karahasan noon, hindi napupuna ang mga lirikong tiyak na makapagpapataas ng kilay ng mamamayan; naging hudyat ng patuloy na paglikha ng mga ganitong klaseng awitin. Noong 1960s umusbong ang awitin ng The Crystals na pinamagatang “He Hit Me and It Felt Like a Kiss” na bagaman binubuo ang grupo ng apat na kababaihan, tinanggap nila ang mga naisulat na awitin nina Carole King at Gerry Groffin; naglalayong manormalisa ang iba’t ibang porma ng pang-aabuso sa mga kababaihan. Mapapansin ito sa mga awiting umusbong ngayon at nakababahalang patuloy pa rin itong tinatangkilik ng nakararami. Maraming awitin ang sumikat sa Pilipinas mula 2005 hanggang 2015 na naglalaman naman ng labis na pandidiri sa LGBTQ+, partikular na sa mga transgender. Iilan lamang sa mga kantang ito ay pinamagatang “Chicksilog” ng Kamikazee at “Gayuma” ni

DIBUHO • LOUISE SEGUI

Abra. Nang muling sumikat ang ganitong konsepto ng awitin ngayong taon sa “Awit” ni Young Vito, makikita ang sukdulang pandidiri at pagkasuklam sa LGBTQ+, dahil para sa mga kalalakihan, madalas silang nililinlang ng panlabas nilang kaanyuhan. Halos kasabay nito ang pagsikat ng kantang “Neneng B” ni Nik Makino noong 2019, na naglalaman naman ng balahurang pagtingin ng mga kalalakihan sa mga kababaihang nagmimistulang parausan lamang. Hindi umuunlad ang kulturang ito sa larangan ng sining sapagkat may mangilan-ngilang kantang mayroong paksang kabalahuraang noon pa lamang ay nanormalisa na. Ang pag-usad ng henerasyon ay kasabay ng pag-usad ng ganitong klase ng mga awitin, at mas lalong dumumi ang mga awiting naglalaman ng kabastusan dahil gumagamit na ng literal na mga salita sa tuwing kumakatha ng liriko ng mga awitin. Limguhit Ipinakikilala ang patriyarkal na kultura sa lenteng nagbibigay ng lakas sa mga kalalakihan lalo na sa larangan ng pamumuno kahit saan, kahit kailan. Kung sa larangan ng sining ay hahayaan lamang ang pamamayagpag ng mga kalalakihang mayroong mataas na pagtingin sa kanilang mga sarili, kabi-kabila na namang pananamantala ang mararanasan. Hamon para sa mga manunulat at musikero, ang paggamot sa sakit ng lipunang sinimulan ng lipunang patriyarkal; hubugin pang magkaroon ng mas malawak na pagtingin sa pinatutungkulan ng sining ang makabagong henerasyon. Nagsimula ang patriyarkal na sistema sa pandudusta sa mga kababaihan. Ayon sa “The Origin of Patriarchy” ni Gail Omvedt, nagsimulang umusbong ang patriyarka sa kahit saang larangan, itinuturing na mas mahina ang mga kababaihan. Bihirang tangkilikin ng patriyarkal na sistemang ito ang angking kakayahan ng mga kababaihan sa larangan ng pulitika, agrikultura, at sining.

Mapapansing kinokontrol ng patriyarkal na lipunan ang kilos ng nakararami araw-araw; sa loob pa lamang ng bahay, ang padre de pamilya ang kadalasang naglalatag ng iba’t ibang patakaran—maging sa larangan ng mainstream media. Bagama’t maraming mamamayan ang kumukonsumo ng iba’t ibang plataporma nito, nagiging daan ito upang mas tangkilikin pa ng mga mamamayan. Kapansin-pansing nagiging manipestayon ng ating mga obra ang kulturang ito. Ayon kay Viktor Shklovsky, ang sining ay isa sa mga aparatong may kakayahang makapagpaliwanag sa tunay na sitwasyon ng lipunan, kaya mahalagang tangan nito ang katotohanan. Isa rin itong hakbang upang tingnan ang mga kakulangan ng nilalaman ng sining, at isulong pa ang pagpapaunlad nito. Sa lagay ng sining ngayon, partikular na sa musika, marami pa ring mga manlilikha at musikero ang may mga limitasyon sa kani-kanilang mga gawa. Sa paggawa ng tono at liriko ng awitin, lumalabas sa mga obra ang iba’t ibang porma ng mga nauna nang sining na kanilang sinusundan. Kung kaya puspusan pa ring nagbibigay ng puna at kritisismo ang mga mamamayang nakakapansin sa nilalaman ng mga awiting kung ituring ay kasuklam-suklam. Makinarya Para sa pag-unlad at pagbabago ng anyo ng mga obra, maaari tayong humalaw. Maihahalintulad ang kaisipang ito sa Social Influence Theory ni Herbert Kelman—magiging manipestasyon ng sangguniang susundan ang mga obrang ikakatha. Maraming awiting noon pa man ay bumabalikwas na sa nakalalasong kultura ng sining at nakapagbibigay ng makabagong perspektibo sa mga manunulat at musikero— ilan lamang sa mga awiting ito ang “Pag-Ibig Lang” ni Gary Granada, na nagpapahayag ng

DISENYO NG PAHINA • MA. SOPHIA ISABELLA SIBAL

matinding paghanga sa iniirog nang walang halong pambabastos o ano pa man, at “Walang Hanggang Paalam” ni Joey Ayala na naglalaman ng labis na pagtitiwala sa kasintahan, kahit saan man dalhin ng kanilang mga paa. Makikita sa mamamayan ang kanilang pagpapahalaga sa sining, marahil ito ay isa sa pinaka-epektibong plataporma na maaring manguna sa pagkitil ng kulturang siyang lumalason sa kaisipan ng lipunan. Ang paggamit ng iba’t ibang uri ng sining sa pinakamakabuluhang paraan ay maaring makapagsulong ng panawagan ng mga mamamayan. Ang pagbibigay ng oportunidad sa mga makapangyarihan ay maaaring maging mitsa ng pang-aagaw nila sa bawat pagkakataong bitbit ng sining, at sa kasukdulan maaari pa nila itong magamit sa pagpapanatili ng pananamantala. •

09


KONTRA-AGOS ATHENA SOBERANO

TEACHER’S ENEMY Number 1 ako sa kung hindi pinagdidiskitahan, pinagtsi-tsismisan ng mga titser; masama raw ang mukha ko. Sa tingin ko, hindi naman ibig sabihin na mayroon akong resting bitch face ay bitch na rin ang ugali ko. Akala ko ay iyon na ang pinakamalala, pero mayroon palang higit pa. Sa buong buhay high school ko, noon lang ako napahiya— pinatayo ako sa unahan ng klasrum sa salang pagsimangot kay Ma’am Lucas. Sumakit ang dibdib ko nang muli kong maalala ang pakiramdam. Nitong nakaraang linggo lamang, pinahiya ni Mayor Isko Domagoso ang lima sa pitong sangkot sa pagsunog ng mga lobo dahilan upang masugatan ang manininda. Tulad ko, wala pa sila sa hustong gulang. Tulad ko, hindi sila dapat hiniya. Bagkus, dapat nilitis sila nang maayos matapos ipasa sa kaukulang tagapagbigay ng parusa. Pinagbulungan ako ng mga kaklase ko noon. Kilala pa naman ako sa pagiging malayo sa mga grupo-grupo, kaya ramdam kong wala akong kakampi noong mga panahong iyon. Sa katulad na paraan, pinagpyestahan din sa social media ang limang out-of-school youth, sinabihan ng mga masasakit na salita na kung karapat-dapat sa pilyong kanilang inasal, hindi sa kanilang pagkabata.

SA HIRAP AT GINHAWA AIA GALVEZ

Batid ng divorce bill ang pag-asang makapagsimula muli at makahanap ng bagong pag-ibig. Ngunit nanatiling hamon ang pagiging aksesible nito.

10

Hindi ko man lang pwedeng kapitan ang desk ni Ma’am noon kahit ngalay na ngalay na ako. Edad man o posisyon, ginagawang tiket upang maghasik ng kapangyarihan at ipakita ang kanilang dominansya. Walang palag kay Ma’am, di makapangatwiran kay Mayor. Parang bawal magpaliwanag para depensahan ang sarili. Edad man o posisyon, ginagawang tiket upang maghasik ng kapangyarihan. Walang palag kay Ma’am, di makapangatwiran kay Mayor. Di ko alam kung anong tuwirang epekto nito sa akin pero heto ako ngayon—nag-iisa, walang maayos na social media account, nag-iisip-isip kung lilipat ng Open University para may choice makihalubilo nang birtwal. Pero palagi akong kinukulbit ng katotohanang may mas importanteng mga bagay. Di ko alam ang magiging epekto nito sa limang kabataan pero pinanday sila tiyak ng hirap ng buhay, palaging nasa bingit ng kapahamakan. Pero baka kibit-balikat lang, parang mga sugat nila noong paslit pa mula sa pagkakadapa na pinapalis lang nila sabay takbong muli. Ang ibig kong sabihin, mapalad akong may kakayahan akong mamulat hindi lamang sa suri sa mga naranasan ko kundi sa karanasan ng iba dahil nagkaroon ako ng akses sa mga ito. Maswerte ako, di tulad nila, at ang lahat ng binu-bully ng mga populistang opisyales, ng masahol na sistemang ito. •

Sa sakit man o kalusugan, kailangan mo siyang mahalin habambuhay. Sapagkat hindi mapaghihiwalay ng tao ang pusong pinag-isa na ng Panginoon sa langit, kahit hindi mo na kayang indahin lahat ng sakit at kasinungalingan—ang kawalan ng pagmamahal para sa isa’t isa. Sa 25 taong nagsasama ang mga magulang ko, palaisipan sa akin kung ilang taon ba sila tunay na nagmahalan bago humantong sa araw-araw na sigawan at away, bago nila sukuan ang isa’t isa. Minsan, iniisip ko kung ano ang buhay namin kung hiniwalayan na ni nanay si tatay noon pa; kung dati pa naaprubahan at naging ligal ang divorce sa bansa. Sa maraming pagkakataong inihain ng mga mambabatas ang divorce bill, walang tuluyang naging batas. Ngayong naaprubahan muli sa kongreso ang bagong bersyon ng panukalang ito, nariyan ang takot ko na baka mabasura ulit ito at bumalik lahat sa umpisa— manatiling kulong ang nanay ko at iba pang babae sa relasyong hindi na maisasalba pa.

Mula umpisa hanggang dulo, babae ang kadalasang pumapasan ng bigat ng bigong pagsasama. Buhat ng kulturang nagsasabing mas mababa ang babae sa lalaki, mas madalas na biktima ang mga babae ng pananamantala, lalo na kung nasa loob siya ng isang relasyong magasawa. Tinatayang isa sa apat na maybahay ang nakaranas ng pisikal, emosyonal, at sekswal na pang-aabuso mula sa kanilang mister noong 2017, ayon sa Philippine Statistics Authority. Kung papalarin mang makatakas mula rito, kalimiting naiiwan siyang mag-isang bumubuhay sa kanyang mga anak. Subalit hindi ganoon kadali para sa lahat ng babaeng basta-bastang talikuran ang kanilang asawa. Gayong 46.6 na porsyento lamang ng kababaihan ang kabilang sa lakas-paggawa, karamihan sa mga babae ang nakadepende sa kinikita ng kanilang mister. Sa ganitong sitwasyon, naiiwang walang pagpipilian ang babae kundi manatili sa isang pagsasama, gaano man ito nakasasama sa kanya.

For inquiries, contact Beatrice Puente (Editor-in-Chief) at 0928 195 1272 You may also visit our office at the fire exit of Sampaguita Residence H

Nanatiling mahirap abutin ang divorce sa bansa dahil ayon sa Simbahang Katoliko, labag ito sa kahilingan ng Diyos. At bakit pa, kung mayroon namang annulment at legal separation— mga prosesong mabigat sa bulsa kahit para sa nanay kong may disenteng trabaho. Ano pa’t limitado lang din ang mga problemang isinasaalang-alang para umusad ang mga ito. Sa una, kailangang patunayan ng isa sa mag-asawa na “psychologically incapable” siya para ituloy pa ang kanilang relasyon; habang pinapayagan ng huli na mamuhay nang hiwalay ang mag-asawa, nanatili pa rin silang mag-asawa sa mata ng batas. Misteryo ang kawalan ng bigat ng karahasan sa tirahan bilang batayan ng paghihiwalay ng magasawa, gayong ito, kasama na ng pagtataksil, ang tunay na sumisira sa isang relasyon. Ang butas na ito ang nais punan ng divorce bill kung sakaling maisabatas. Bukod pa sa ligal at habambuhay na paghihiwalay, tinitiyak din ng panukalang itong magkakaroon ng paghahati ng ari-arian sa dalawang panig, masusuportahan

ang pinansyal na pangangailangan ng mga anak, at matatakdaan ang kustodiya ng mga bata. Batid ng divorce bill ang pag-asang makapagsimula muli at makahanap ng bagong pagibig. Ngunit nanatiling hamon ang pagiging aksesible nito, lalo na para sa nasa mahihirap na komunidad. Dahil higit pa sa abuso at pagtataksil, nag-uugat din ang pagkasira ng pamilya sa kawalan ng pantustos sa araw-araw, sa kakulangan ng oportunidad. Nang narinig kong naipasa ang divorce bill sa lebel ng komite sa kongreso, naisip ko ang mga araw na nasayang sa pag-aaway, na naging oras sana para palalimin ang ugnayan ng isa’t isa. Iniisip ko rin kung ano ang kahihinatnan naming magkakapatid kung lumaki kami sa mas mapagmahal na tahanan; at kung gaano siguro kasaya ang nanay at tatay ko kung hindi nila tinitiis ang isa’t isa. Mahaba pa ang tatahakin bago maisabatas ang divorce sa Pilipinas. Pero gaya ng isang dakilang pag-ibig, dapat itong ipaglaban para sa ikagiginhawa ng lahat. •

phkule@gmail.com


OPED-GRPX JAMES ATILLO

Be one of us. Join Kulê!

2. Hall, Quirino Ave. UP Diliman, Quezon City. See you there!

LUBOS NA GUMAGALANG POLYNNE DIRA

Danas nating lahat ang pagpapahirap, at ang tanging alternatibong iniiwan nito sa atin ay ipagpatuloy ang paglaban gaano man katindi ang represyon.

Pinalaki ninyo akong laging nagpaparaya—unahin ang pangangailangan ng nakababatang kapatid, sumunod sa nakatatanda. Hinulma ninyo rin akong tumulad kay Hesus— namumuna ng mali, nakikiisa sa laban ng mga inaapi. Kaya hindi na dapat nakapagtataka ang mga pinipili kong gawain. Alam kong hindi ninyo gustong nagsusulat ako ng mga artikulong “tumutuligsa sa gobyerno.” Ngunit alam ko ring natatakot lang kayo, lalo na ngayong may muling inarestong mamamahayag at apat na liderkabataan sa Tacloban dahil sa pagiging kritikal nila sa gobyerno. Naiintindihan ko ang mga pangamba, lalo na’t minsan nang tinangkang pasukin ang opisina ng Kulê ng mga hinihinalang ahente ng estado, ilang linggo makalipas ang malawakang crackdown sa mga aktibista sa Negros at Maynila noong Nobyembre. Pamilyar na ang kilos ng mga pulis at militar sa pagpapatahimik sa mga kritiko ng estado— tataniman ng mga armas ang opisina ng mga organisasyon,

24 February 2020 • www.phkule.org

saka aarestuhin ang mga progresibo, o di naman kaya ay kikitilin ang buhay ng ilan. Sa lahat ng pagkakataong iyon, iisa lamang ang bintang: kasapi sila ng subersibong grupong planong pabagsakin ang gobyerno. Ngunit kailanman, walang nailabas na patunay ang mga pulis upang kumpirmahin ang mga paratang. Nagiging malinaw lamang sa paulit-ulit na paggamit ng ganitong istratehiya na may sinusunod na balangkas ang pwersa ng estado upang gipitin ang mga kritiko nito. Ginagamit bilang makinarya ang Executive Order 70 upang ituring na insurhensya ang pagsuri at paghingi ng maayos na pamamahala mula sa mga iniluklok. Nariyan din ang Memorandum Order 32 na nagsasailalim sa isla ng Negros, Bicol, at Eastern Visayas sa “state of lawless violence” upang bigyangkatwiran ang pagmimilitarisa sa mga nasabing probinsya. Isinusulong din ang pagamyenda sa Human Security Act upang palawigin at paluwagin ang kahulugan ng terorismo.

Sumasagka ito sa kalayaang magpahayag dahil tinutukoy na terorismo ang cybercrime, kasong madalas at madaling isampa sa midya. May pagturing na terorista ang mga biktima ng iligal na droga, pinapayagan ang pagwa-wiretap sa mga indibidwal, at tinatanggal ang parusa sa pulis sa ginagawang ilegal na detensyon. Ang madalas ninyong sabi, ang mga batas sa loob ng bahay ay para rin sa aming kapakanan. Ngunit sa mga nasabing batas ng bansa, mas lalo lang nitong nilalagay sa panganib ang mamamayan. Sa ganitong pagkakataon namin piniling tanganan ang trabahong magsiwalat at magsuri, dahil ito ang paraan namin ng pagdadala ng krus ng bawat isa. Isa sa mga tinatanganan naming hinaing ang kawalan ng lupa ng mga magsasaka, at ang nararanasan nila ngayong pagkalugi dahil sa pagpasok ng mas maraming imported na produkto. Parami rin nang parami ang mga pamilyang nawawalan ng tahanan dahil ginigiba ang mga ito para magbigay-daan

sa mga itatayong komersyal na establisimyento. Iba sa disiplinang dala ng mga patakaran ninyo, ginagamit ng estado ang legalidad ng karahasan upang itago ang mga problema sa ilusyong maayos ang lahat, pigilang mas dumami ang mamamayang umaalma laban sa kanila para mapatalsik sila sa pwesto. Danas nating lahat ang pagpapahirap, at ang tanging alternatibong iniiwan nito sa atin ay ipagpatuloy ang paglaban gaano man katindi ang represyon. Hindi na sasapat ang kaunting mga pagbabago sa palisiya lalo na’t batas ang sandata ng makapangyarihan upang lalo tayong ibaon sa kahirapan—ang kahingian ng panahon ay tuluyang pagbabago ng sistema. Pinalaki ninyo akong mabuti sa panahong puno ng ligalig ang mundo, tinuruan akong tumindig sa tama at para sa iba kahit na ang tulak ng sistema ay maging makasarili. Ngunit di hamak na mas maiging tanawing wala nang kailangang lumaki sa lipunang nakaugat sa paghihirap at pangaabuso sa hinaharap. •

11


PHILIPPINE COLLEGIAN

Fighting invisible battles The UPD mental health situation

NICOLAS CZAR ANTONIO Today, like most days, Kate* found it difficult to get out of bed and go to school. Gripped by a constant feeling of gloom and anxiety, Kate—a 20-year-old sophomore—has been grappling for months with the effects of her deteriorating mental state. Her grades were slipping, and she found it harder and harder to function normally. Triggered by a surge of financial, family, and academic problems that came to her all at once, Kate’s mental health was at its all-time low. She decided to seek professional help after realizing that she was having suicidal ideations. Come back on the 23rd, the University Health Service (UHS) staff told her. It was more than a month away. There was only one psychiatrist at the UHS, she was told, and her schedule was already filled to the brim with students seeking consultation. Elsewhere on the campus, the waiting time for mental health services is no better. Alex*, a 21-year-old engineering student, also felt he needed help. “I found it extremely difficult to focus. It was as if I was always floating. When I realized this, I tried to get help, but I knew it would be difficult and expensive,” he said.

FEATURES

Hearing about an office offering free psychological services to UP students made him hopeful. “But when I got to PsycServ [UP Diliman Psychosocial Services], I was told that the waiting time was around two to three months,” Alex said. These stories reflect a systemic ailment plaguing the Philippines where mental health services are extremely difficult to access, said PsycServ clinical manager Claudine Tecson. Confronting this crisis requires not only strengthening the institutions that cater to psychosocial needs but a concerted effort to identify and address the intricate network of factors involved. Caught unprepared From professionals to even epidemiological data, current knowledge of the mental health situation in the Philippines is incredibly scant, manifesting how the issue is barely prioritized in all institutional levels. Department of Health numbers from 2019 show that there are only about 1,000 psychologists and 600 psychiatrists in the entire country—a far cry from the World Health Organization (WHO) target of having around 11,000 mental health professionals for the Philippine population. On the national university’s flagship campus, attempts have been made to address the increasing demand in psychological services. Launched in 2017, PsycServ was a response to what the UP Diliman administration saw as an influx in student mental health issues. It has since catered to around 1,500 students dealing with issues ranging from anxiety to depression. More recently, the number of students seeking help registered a notable spike. “Dumami mga pumupunta sa amin pero hindi talaga sapat ang resources namin. That’s why we’re hesitant to advertise our services, because our resources are really lacking

and we may not be able to cater to all of them given the demand,” Tecson said. Despite the vital role it plays, PsycServ is still hounded by institutional woes. From having to defend its budget yearly to being understaffed—with most of its psychologists being non-UP contractuals—PsycServ has been struggling to keep up with the students’ needs. “There was even a point when we considered to stop accepting sign-ups,” Tecson said. “Ideally, the wait time is less than a month, but it has gotten to a point where students had to wait for almost three months in the queue.” PsycServ has already applied twice to become an institutionalized office. In 2018, the application was reportedly denied due to the university’s budget constraints, which is why PsycServ still operates as a special task force under the Office of the Chancellor. Numerous other similar initiatives have since been launched, including mental health weeks, emotional support dogs, wellness centers, and mindfulness seminars. Kate thinks these measures, though well-meaning, offer only temporary respite and fail to address the root causes of her anxiety. Much as she loves petting the occasional dog visitors in her institute, she said she still would prefer dependable psychosocial services. For Dr. Ronald Del Castillo, a clinical psychologist who specializes in community mental health, these efforts are welcome, but a systemic approach that incorporates these stopgap measures into everyday university life should be undertaken instead of treating them as the ultimate solution. “The trick is that we do not treat these as things that only happen during mental health week. In the same way that we recommend regular exercise to

GRAPHICS • RANIELLA GRAZELL MARTINEZ

promote cardiovascular health, these opportunities for mental wellbeing should also be offered throughout the year. Over time, they will not be seen as something special but rather as a regular part of university life,” Del Castillo said. Behind the cries for help Del Castillo also pointed out the importance of examining this surge in student mental health issues in the context of how the university treats its students. Due chiefly to the immense pressure students face, education, he says, has become “performative,” with happiness treated as a mere byproduct. “University life becomes a workhorse, instead of an opportunity to thrive. There is a culture of suffering so that we can self-congratulate ourselves into resilience. There is a culture of production, achievement, and status,” he said. This is true for Alex*, who suffers through “hell weeks” when the workload piles up. “And it’s like a vicious cycle where I can’t do my acads because of my mental state and my poor grades are causing me even more mental distress,” he said. Locally, the data on mental health is extremely sparse. The Global Burden of Disease Study in 2016 estimated that around 9 million Filipinos suffer from mental illnesses, with 3.3 million cases of anxiety disorders and 2.6 million of depression. Cases are expected to be underreported, given the lack of Filipino mental health professionals and the stigma associated with psychological illness, according to a 2019 study in the British Journal of Psychiatry. Young people aged 15 to 29 suffer the brunt of the mental health crisis, accounting for the majority of reported cases of suicide. In fact, the latest WHO data shows that suicide is now the second leading cause of death,

behind accidents, for all young age groups. Del Castillo explains that vulnerability to psychological problems intensifies particularly in high-pressure environments like schools. “For many, it is their first time away from home and from the social supports that have cradled them since childhood. Most are navigating a world where they are trying to find their footing,” he said. In rural areas in the country—where more than a third are impoverished—the lack of access to mental health services is even more pronounced. UP Diliman’s handling of the situation may be better than other schools where mental health is an alien concept, a silent epidemic sounding no alarm bells. For Del Castillo, a leadership that expresses genuine concern for the mental wellbeing of students is what UP needs right now. “Let's see vice presidents and chancellors in multiple meetings hashing out a five-year or 10-year strategic plan explicitly and only about mental health and wellbeing. Let's see the movement of resources—financial, human, or otherwise—towards that goal. And then, let's revisit that plan in years’ time and hold them accountable,” he said. •

*Names have been changed to protect their identities.

The National Center for Mental Health crisis hotlines are (0917) 899 8727 and (0917) 989 8727. PsycServ can be reached at (0916) 757 3157 while the UHS emergency hotline is 8981 8500 loc. 111.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.