Philippine Collegian Issue 1

Page 1

Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Dilman Tomo 90, Blg. 01 Hunyo 13, 2012


PAHAYAG NG PAGPANIG Punong Patnugot Kapatnugot Panauhing Patnugot Patnugot sa Lathalain OPINYON

Patnugot sa Grapix

Miyerkules 13 Hunyo 2012

Mga Kawani

Pinansiya

Dalawang bagay ang hindi mawawala sa pagdiriwang ng isang anibersaryo: ang pagbabalik-tanaw sa tamis at pait ng nakaraan, at ang pagdedeklara ng paninindigang magtataguyod sa isang tradisyong nasimulan. Sa pagbubukas ng ika-90 taon ng Philippine Collegian, bitbit nito ang pangakong maging higit pa sa isang panandang pangkasaysayan. Sa pagtunton sa nakaraang siyam na dekada, mahihinuhang nakasalabid ang salaysay ng Collegian sa kasaysayan ng UP at ng bayan. Hindi maikakaila ang naging ambag ng Collegian sa pagkamit ang ilan sa pinakamahahalagang pagbabago sa lipunan. Kung gayon, ang mamahala sa Collegian sa taong ito ay hindi lamang isang tungkulin — isa itong mabigat na responsibilidad, isang pribelihiyo’t isang oportunidad upang ipagpatuloy ang tradisyon ng radikal at mapanuring pamamahayag na nagtataguyod sa karapatan ng mga mag-aaral at ng kalakhang bilang ng mamamayan. Sa kasalukuyan, katambal na ng pangalan ng Collegian, o Kulê, ang karangalan bilang isa sa pinakamahuhusay na pahayagang pangmag-aaral sa bansa. Tinitingala ang Collegian hindi dahil pinili nitong matulad sa laksa-laksang publikasyon na may postura ng obhetibo at walang kinikilingan — prestihiyoso ito dahil pinipili nitong bumalikwas sa nakasanayan at pumili ng panig na kakampihan.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay pumili ng iisang tindig na kakatigan ang Collegian. Ilang termino rin ang nagpasyang umayon sa diwa ng peryodismong pluralista’t “bukas sa lahat ng panig.” Ito ang mga bahagi ng kasaysayan ng Collegian na hindi singtingkad, hindi singtalas ng mas mahaba’t mas matapang na mga yugto ng pahayagan. Kaya’t higit sa pagpapatibay sa prestihiyong naging marka ng Collegian, muling ididiin ng patnugutan at mga kawani ang isang paninindigan: sa ika-90 taong pag-iral ng pahayagan, patuloy nitong imumulat ang mga mambabasa sa tunay na kalagayan ng lipunan. Higit na kinakailangan ang pagtangan sa ganitong prinsipyo ng katapangan sa kasalukuyan, kung kailan nagsulputan ang mga iskemang nagpapanggap na demokratiko, mga panibagong uri ng paninikil na mas mapanganib sapagkat may mapanlinlang na katangian. Dito sa unibersidad, higit na pinahigpit ang pagpapatupad sa Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP), isang programang dinisenyo upang maging abot-kaya umano ang edukasyon sa UP para sa lahat ng karapat-dapat na mag-aaral. Nagmimistula mang pantay-pantay ang lahat sa socialized na iskemang ito, naninindigan ang Collegian na ang STFAP ay isa lamang paraan upang bigyang katwiran ang 300 porsyentong pagtaas ng matrikula noong 2006, at

ang mababang subsidyo ng pamahalaan para sa sektor ng edukasyon. At bilang sagot sa malalim na suliranin ng problema ng edukasyon, ipinatupad ng pamahalaang Benigno Aquino III ang programang K-12 na magdadagdag ng tig-isang taon sa elementarya at hayskul upang lalo umanong mapaghusay ang kabataang Pilipino. Ngunit hindi sa pagdadagdag ng taon mareresolba ang suliranin ng sistema ng edukasyon sa bansa, lalo pa’t maipapatupad ito sa mga silid-aralang kulang sa pasilidad, sa mga aklat, guro at iba pang aspeto ng pagkatuto sa paaralan. Sa mga susunod na araw, asahan ding matutunghayan sa mga pahina ng Collegian ang magiging proseso’t resulta sa nakaambang pagpili ng bagong Punong Mahistrado ng bansa, matapos mapatalsik si dating Chief Justice Renato Corona. Itinuturing man na isang tagumpay sa paggiit ng pagiging tapat ng mga tao sa pamahalaan, nananatili pa rin ang panawagang maging mapagbantay upang mapangalagaan ang pag-unlad na dulot ng makasaysayang kaganapang ito. Labas man sa tarangkahan ng unibersidad, lumalagos pa rin sa UP ang epekto ng mga usaping ito kaya patuloy itong masasaksihan sa mga pahina ng Collegian. Sapagkat ang pahayagang ito ay higit pa sa isang lunan ng mga ulat at balita—sisidlan ito ng mga piraso’t bahagi ng kasaysayan ng paglaban ng mamamayan.

Patuloy na ilalakip ng Collegian sa mga pahina nito ang tinig na hindi maririnig sa mga karaniwang peryodiko, ang mga boses ng mamamayang pinatatahimik at hindi pinakikinggan ng gobyerno. Ngunit hindi ito titigil sa paglathala ng mga isyung tumutunggali sa naghaharing uri at sumasalungat sa nakatakda. May mga laban din itong ilulunsad sa labas ng mga pahina ng dyaryo, na higit na mabigat ang implikasyon lalo’t ipinagdiriwang nito ang kanyang ika-90 taon. Sa semestreng ito ilulusad ng Collegian ang kampanya upang itaas ang singil para sa publication fee ng dyaryo. Dulot ng tumataas na halaga ng papel, ng tinta, at ng iba pang gastusin upang maitaguyod ang pahayagan, naging mahirap para sa Collegian na mapagkasya ang pondong nalilikom nito taon-taon mula sa student fund ng mga mag-aaral ng UP. At ang kampanya sa pagtaas ng pondo ang laban na inaasaha’y magbibigay-pahintulot upang maipagpatuloy ang 90 taong tradisyon ng tapang, talas at talab ng pamamahayag ng Collegian. Ngayong taon, sa kabila ng mga banta sa patuloy nitong pag-iral, asahan ang isang Collegian na hindi lamang maninindigan para sa karapatan ng mga mag-aaral at mga mamamayan. Asahan na higit pa sa pag-uulat at pagbabalita, aktibong lalahok at makikibahagi ang Collegian sa mga laban at tagumpay ng sambayanan.

Tagapamahala ng Sirkulasyon Sirkulasyon

Mga Katuwang na Kawani

Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Plipinas Diliman, Lungsod Quezon

Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1213@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations, College Editors Guild of the Philippines

Editor’s Notes History is written on the streets, not in the comforts of an air conditioned office. Change cannot be achieved through the printed page alone. KARL FREDERICK M. CASTRO We Are the Enemy 13 Hunyo 2006

As the Philippine Collegian celebrates its 90th year, we revisit lines from prized editorials that helped define the publication’s tradition of critical and fearless journalism.


‘Bracket B certification hikes UP tuition’ Various student groups denounced the UP administration’s revised system in assigning students to Bracket B of the Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) for “effectively increasing tuition” in the university by 50 to 67 percent. The mandatory Bracket B certification “effectively shifts the default bracket” from B to A, increasing the base tuition rate in UP Diliman (UPD), Manila and Los Baños by P500 or 50 percent, from P1,000 to P1,500; and in UP Baguio, Visayas and Mindanao by as much as 67 percent, from P600 to P1,000, said UP Student Regent (SR) Cleve Robert Arguelles. The revised Bracket B certification scheme, which was first implemented last year, requires students admitted to UP starting academic year 2011-2012 to submit family Income Tax Returns and a vicinity map of their residence, among others, to prove that their annual family income does not exceed P1 million. Meanwhile, students admitted from 2007 to 2010 are only required to submit a certification and a vicinity map of their family residence to confirm their Bracket B status.

“The UP administration intends to improve the implementation of the STFAP and implement it the way it was designed [to] socialize tuition rates,” said UP Vice President for Public Affairs Prospero De Vera III in an article published on the March 2012 issue of The UP Newsletter.

NO TUITION HIKE?

However, the UP administration maintains that there was neither a tuition increase nor a shift in the default bracket or base tuition under the new scheme. “How could there be an increase when Bracket A students still pay the same tuition at P1,500 per unit and Bracket B students still at P1,000 per unit? What the Board of Regents (BOR) approved [in 2006] is an STFAP based on family income so there’s really no base tuition,” said UP President Alfredo Pascual. When then President Emerlinda Roman assumed office in 2005, the De Dios Committee was formed to review UP’s tuition policy and structure. The committee estimated the direct full cost of UP undergraduate instruction at P1,531 per unit. The committee’s report, which was then adopted by the BOR as the basis in increasing tuition in 2006, recommended a base tuition rate of P1,000 per unit that

“remains significantly lower than the actual cost of an undergraduate UP education and therefore still contain a significant public subsidy.” Along with the tuition increase, the STFAP was also restructured from the nine numeric brackets implemented starting 1989 to the current five alphabetic brackets. The revised STFAP fixed the base

tuition rate under Bracket B, making it the “default bracket” to students who do not affirm their Bracket A status or apply for further subsidy.

‘DISGUISED TUITION INCREASE’ Prior to the revised certification scheme, students who do not apply for the lower tuition brackets pay the base tuition of P1,000 per

SHORT-CHANGED. Students filing their application for the STFAP brave the long lines at the first day of enrollment on June 6. Chris Imperial

Dating UPM USC vice chair, hinirang na bagong SR

unit as they are automatically classified under Bracket B. Students are only required to pay P1,500 per unit under Bracket A if they declare an annual family income of more than P1 million. Under the new policy, however, students “who fail to submit the required documents shall be assigned to Bracket A” for the whole academic year, stated a June 5 memorandum from the UPD Office of Scholarships and Student Services (OSSS). The OSSS memorandum clarified the terms and conditions of the new Bracket B certification policy which is in effect all over the UP System. “Sa mas pinahigpit na proseso ng aplikasyon ng STFAP, malinaw na naging isang hakbangin lamang ito upang palitan ang default bracket at tuluyan na ngang itaas ang base tuition ng pamantasan,” according to the June 4 statement of the UPD University Student Council (USC). Fatima Villano, a 4th year Speech Communication student, said she had to submit a certification and a vicinity map of their residence during the enrolment to be temporarily assigned under Bracket B while her annual family income only falls under Bracket D. “Nag-apply ako sa STFAP, kaso bilang July pa lalabas ang resulta, kinailangan ko pa din magpasa ng Bracket B certification. ‘Pag di daw kasi ako nagpasa ng certification, magiging Bracket A ako,” said Villano.

RESTRICTED ACCESS Hinirang na bagong Student Regent (SR) si Cleve Kevin Robert Arguelles, dating UP Manila (UPM) University Student Council (USC) vice chairperson, ng General Assembly of Student Councils (GASC) na binubuo ng lahat ng konseho ng mga estudyante sa UP System sa ikatlo nitong pagpupulong na ginanap sa UP Los Baños (UPLB) noong Mayo 22 at 23. Labinlima sa 16 na boto ang natanggap ni Arguelles na siyang pumalit kay dating SR Ma. Kristina Conti na nagtapos ang termino noong Hunyo 3. Nanumpa na si Arguelles bilang rehente sa pulong ng Board of Regents (BOR) noong Hunyo 4 sa UP Diliman (UPD). Hinirang naman ng GASC si Marjohara Tucay, dating punong patnugot ng Philippine Collegian, bilang ikalawang nominado, habang hinirang naman si Ma. Elena Carlos, dating tagapangulo ng Anakbayan-UPLB, bilang ikatlong nominado. Ang ikalawang nominado ang tatapos sa termino ng SR kung sakaling mabakante ang posisyon habang wala pang napipiling kapalit. Ang ikatlong nominado naman ang papalit kung hindi maaaring humalili ang ikalawang nominado, alinsunod sa Article IX, Section 7 ng CRSRS.

‘DIVIDE THE HOUSE’

Matapos mabigong bumuo ng

consensus ng mga kinatawan sa GASC, napagpasyahan ng nasabing kapulungan na idaan sa botohan ang pagpili sa SR, alinsunod sa mga panuntunan ng Codified Rules on Student Regent Selection (CRSRS). Ayon sa Article VIII ng CRSRS, “Consensus building shall take priority over division of the house in selecting the [SR]. In the event that no consensus is reached, the three nominees shall be subjected to further deliberations until a nominee garners two-thirds vote of all autonomous units (AUs) and regional units (RUs) present and voting.” Sa proseso ng botohan para sa SR, binibigyan ng tig-isang boto ang bawat RU ng UP System na kinabibilangan ng Pampanga, Tacloban, Cebu, Leyte, at Aurora. Samantala, may tig-dalawang boto naman ang mga AU na kinabibilangan naman ng UPD, UPM , UPLB, Baguio, Visayas, at Mindanao. Nakuha ni Arguelles ang lahat ng boto ng mga RU maliban sa Aurora, na hindi nakadalo, at lahat ng boto ng mga AU maliban sa UPD, na hinati ang kanilang dalawang boto sa pagitan nina Arguelles at Tucay.

PAGPAPATULOY NG LABAN

Ayon kay Arguelles, ipagpapatuloy ng Office of the Student Regent (OSR) sa ilalim ng kanyang termino ang paggiit para sa mas mataas na badyet para sa pamantasan at paglaban sa mga palisiyang makatatapak sa kapakanan ng mga mag-aaral, kabilang

na ang pagtaas ng mga bayarin at iba’t ibang porma ng represyon. “Buong panahong pamumunuan [ng OSR] ang laban ng mga iskolar ng bayan para sa karapatan sa edukasyon. Sumpa nating ipagpapatuloy at paiigtingin ang laban ng mga iskolar ng bayan,” ani Arguelles. Ayon naman kay dating SR Conti, kailangang bigyang-diin ni Arguelles ang mga palisiya na magpapabuti sa kalagayan ng mga estudyante. Ani Conti, kabilang sa mga dapat pagtuunan ng panahon ni Arguelles ang pagtangal ng dagdag at mataas na bayarin, pagsasaayos ng mga pasilidad, at malalimang pagsiyasat sa mga palisiyang malaki ang epekto sa mga estudyante gaya ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program.

BAGONG MALACAÑANG APPOINTEE

Kasabay ni Arguelles na nanumpa noong Hunyo 4 bilang bagong rehente si Dr. Magdaleno B. Albarracin Jr. matapos siyang italaga ni Pangulong Benigno Aquino III bilang rehente na hahalili kay Regent Elizabeth Rose Orteza Siguion-Reyna, na natapos ang termino bilang rehente noong Marso 5. Dati nang nanungkulan bilang rehente si Albarracin mula Nobyembre 2010 hanggang Pebrero

2012. Nanungkulan rin siyang dekano ng College of Business Administration (CBA) noong 1980. Ang BOR ang pinakamataas na lupong tagapagpasya ng UP System at may 11 kasapi. Umuupong tagapangulo ng lupon ang Commission on Higher Education (CHEd) Chairperson, sa katauhan ni Dr. Patricia Licuanan, habang katuwang na tagapangulo naman si UP President Alfredo Pascual. Samantala, may tig-isang kinatawan rin ang Senado at Kamara sa BOR. Kasalukuyang mga rehente sina Senate Committee on Education, Arts and Culture Chair Edgardo Angara at ang kanyang anak na si Aurora Rep. Juan Edgardo Angara, na tagapangulo ng House Committee on Higher Education. May apat na rehente namang kinatawan ang iba’t ibang sektor sa UP, kabilang na sina SR Arguelles, Staff Regent Jossel Ebesate, Faculty Regent Ida Dalmacio, at Alumni Regent Gladys Tiongco. Ang tatlo pang kasapi ng BOR ay pawang mga Malacañang appointee na direktang pinipili ng pangulo ng Pilipinas. Bukod pa kay Albarracin, kasalukuyan ring mga Malacañang appointee sina retired Chief Justice Reynato Puno at Evelina Escudero, na pangulo ng UP Alumni Association Hostel and Canteen Services Inc. at ina ni Senador Francis Joseph Escudero.

Under a socialized tuition structure, students only pay the rate that corresponds to their family income, said Pascual. “Hindi naman STFAP ang nagpaparami ng Bracket A students. Mas marami lang talagang mayaman na nakakapasok sa UP.” For this academic year, 27 percent or 1,017 of the 3,821 UP College Admission Test (UPCAT) Diliman qualifiers are expected to pay tuition under Bracket A while only six percent or 212 declared an income of P100,000 who are eligible to Bracket E, according to data obtained from the Office of Admissions. “The high cost of UP education has always been the primary concern of the students as well as the general public [as it] weakens democratic access and compromises the public character of the university,” Arguelles said. Since STFAP was first implemented in 1989, the number of students enjoying free tuition has gradually decreased, according to data collated by the Collegian. In 1991, two in every three UPD students were classified in brackets with free tuition. In 2011, the number of students granted with free tuition dropped to one in every 100 applicants. When the administration first imposed the new Bracket B certification policy, the number of students classified under Bracket A surged by 3,000 percent from 29 students in 2010 to 900 in 2011. Continue on page 11

BALITA Miyerkules 13 Hunyo 2012


FROM 2008 TO 2011

Unreleased gov’t funds for UP amount to P3.8B STALLED PROJECTS

Bersales explained that most of the items with unreleased funds are congressional initiatives (CIs), or insertions and revisions made by Congress during the deliberation of the national budget in the Senate and Lower House. The release of CIs are subject to presidential approval, and in some instances, are impounded by the executive department, Albay Rep. Edcel Lagman said in a statement. Due to unreleased funds, the UP administration is forced to shelve several projects and programs that the university is supposed to pursue, Bersales said. These projects include the construction of several school buildings, improvement of facilities for the Philippine General Hospital and procurement of laboratory equipment for various colleges. (See sidebar) Bersales explained that some of the stalled projects of the university is set to be funded through the P1.3 billion CO and P100 million for research projects that has been allotted to UP on top of the 2012 GAA through President Benigno Aquino III’s Disbursement Acceleration Plan, which sources its funds from government savings in 2011.

‘IMPOUNDMENT’

In 2011, an independent report prepared by the Center for National Budget Legislation, a non-government organization that tracks the release of government funds, revealed that the

TABLE 2. Percent of annual appropriated budget for UP unreleased (in billion pesos) AMOUNT UNRELEASED PERCENT OF BUDGET YEAR ALLOTED IN GAA AMOUNT UNRELEASED 6.2 0.6 9.6 2008 7.1 0.5 7.2 2009 6.9 2.3 33.4 2010 6.8 0.4 5.5 2011 Source: Office of the Vice President for Planning and Finance “The fight for greater state subsidy does not end in the appropriation of sufficient budget for UP. We also have to ensure that UP’s budget is released on time, and not withheld by the government. We demand that all funds currently being withheld by the government be released immediately,” said UP Student Regent Cleve Kevin Robert Arguelles.

PARTIAL LIST OF STALLED PROJECTS DUE TO UNRELEASED FUNDS

Huwebes 13 Mayo 2012

national government owes a total of P6.19 billion in unreleased annual appropriations from 2002 to 2010. Unreleased funds are usually accounted as government savings. “Once impounded as ‘forced savings,’ these congressional initiative allocations may never see the light of day, or

2008

Source: Office of the Vice President for Planning and Finance

BALITA

The national government owes UP a total of P3.8 billion in unreleased annual appropriations from 2008 to 2011, data from the UP Office of the Vice President for Planning and Finance (OVPPF) revealed. Of the P3.8 billion unreleased subsidy for UP, P546 million is for personal services, the fund for salaries and benefits of UP’s faculty and employees. “[These] unreleased amounts are for unfilled plantilla items,” said Vice President for Planning and Finance Lisa Grace Bersales. Meanwhile, the government also owes UP a total of P1.4 billion for maintenance and other operating expenses (MOOE), which includes payment for utility bills and other daily expenses of the university. Bulk of the unreleased appropriations, amounting to P1.9 billion, is for capital outlay (CO), the budget for the construction of new buildings and facilities. (See Table 1) Fiscal year 2010 is the year with the highest amount of unreleased funds for UP, with UP not receiving over P2.3 billion or a third of the P6.9 billion appropriated for the university under the 2010 General Appropriations Act (GAA). Meanwhile, the government still owes UP a total of P375.7 million from last year’s appropriations, of which P200 million is allotted for MOOE of the Engineering Research and Development for Technology (ERDT). (See Table 2)

Modernization of NSRI DNA Lab Budget for UPM’s School of Health Sciences in Koronadal & Aurora Budget for NCPAG National Center for Good Governance Rehabilitation of College of Architecture Building in UP Diliman Construction of UP Clark University Town Kalayaan Residence Hall rehabilitation Construction of UPLB Integrated Lab Construction of UP Iloilo High School Building Construction of Kanluran Road in UP Mindanao

2009 Budget for UPM’s School of Health Sciences in Aurora Construction of dormitories in UPM and UP Mindanao Improvement of the Ear Institute,UPM Rehabilitation of CBA Building in UPD Procurement of PGH equipment and ambulance Budget for UPLB’s Biodiversity and Eco-Tourism Development Vargas Museum rehabilitation UPD College of Law facilities development Procurement of IT equipment for UPD College of Mass Communication

2010 UP’s Centennial Fund under RA 9500 Additional MOOE and equipment outlay for PGH Budget for ERDT Budget for Philippine Genome Center Construction of UP Cebu Graduate School Building 2011 MOOE for ERDT

the impounded amounts constitute an off-budget new lump sum which can be used by the executive to fund projects which may not even find anchorage in the GAA,” Lagman explained. “We call on the Aquino administration to immediately release all impounded funds for UP, especially

as the national government has not been providing UP the amount that it actually needs in recent years,” Arguelles said.

CALL FOR HIGHER SUBSIDY

While UP has been submitting an average of P17.3 billion budget proposal to DBM since 2009, the budget agency

TABLE 1. Summary of unreleased funds for UP (in million pesos) YEAR

MAINTENANCE & OTHER OPERATING EXPENSES 273.6 257 663.2 200

CAPITAL OUTLAY 325.1 244.114 1282.9

TOTAL

2008 2009 2010 2011

PERSONAL SERVICES 1.26 8 361.52 175.7

TOTAL

546.5

1393.8

1852.1

3792.4

600 509.1 2308 375.7

Source: Office of the Vice President for Planning and Finance

consistently approved less than half of the university’s original proposal. For 2012, UP proposed a P17.1 billion budget to DBM, of which only P7.5 billion or around 44 percent was eventually passed. “We [need the students’] help to emphasize that we need a budget increase,” Bersales said. For 2013, UP is seeking an P18.4 billion budget, which is 145 percent or P10.88 billion higher than the current approved budget. “In the coming days, we will continue and intensify our call for greater state subsidy. As we conduct mobilizations and lobby for a higher budget, the students will also remain vigilant to make sure that we get the funds that are allotted for us,” Arguelles said.

Estudyanteng sinaksak sa opisina ng USC, nakalabas na ng ospital Matapos ang apat na buwang pamamalagi sa Capitol Medical Center (CMC), nakalabas na ng ospital at bumubuti na ang kalagayan ni Lordei Camille Anjuli Hina, ang estudyante ng Political Science sa UP Diliman (UPD) na pinagnakawan at sinaksak sa loob ng opisina ng University Student Council (USC) noong Pebrero 1. Inilabas si Hina sa ospital noong Mayo 5 at kasalukuyang sumasailalim sa serye ng occupational at physical therapy na makatutulong upang manumbalik ang ilang “brain functions” tulad ng pananalita at paggalaw ng katawan na naapektuhan ng insidente, ani Gng. Concepcion Hina, ina ng biktima. “Hindi niya pa kayang kumilos mag-isa at nanatiling paralisado ang kanyang kanang braso at kamay,” ani Gng. Hina. Dagdag niya, bahagya ring naapektuhan ng pananaksak ang memorya ng biktima. Nakapagsasalita si Hina ngunit pautal-utal pa rin ang kanyang pagbigkas, ani Gng. Hina. Bunsod nito, kailangan sumailalim ng biktima sa speech therapy, ayon sa kanyang ina. Sinaksak at tinangkang pagnakawan si Hina ng dalawang lalaking nakilala bilang sina Dan Mar Vicencio

at Dante Santos, na nagpanggap na mga aplikante para sa mga booth sa nagdaang UP Fair noong araw ng insidente. Tumagos sa utak ni Hina ang panaksak na ginamit ng mga suspek, dahilan upang mawalan ng malay ang biktima at manatili sa CMC sa loob ng apat na buwan. Kasalukuyang nakakulong sa Quezon City Jail ang suspek na si Vicencio. Samantala, hindi pa rin nahuhuli si Santos, residente ng Antipolo City, Rizal. Kasalukuyang may P100,000 na reward para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Santos.

KABI-KABILANG GASTUSIN

Sa apat na buwang pananatili sa CMC, umabot na sa mahigit P2.2 milyon ang mga bayarin ni Hina sa ospital, kabilang ang professional fees at mga gamot. Hindi pa kasama sa nasabing halaga ang P300,000 para naman sa serbisyo ng dalawang private nurse na nangangalaga kay Hina. “Actually, kinailangan kong sumulat ng promissory note at magmakaawa para lamang makalabas si [Hina] at hindi mabulok sa ospital dahil hindi naging malinaw ang naging tugon ng UP sa pagharap sa [mga gastusin],” ani Gng. Hina. Ani Student Regent (SR) Cleve

Disqualification case still barring proclamation of UPLB USC chair Almost four months after the UP Los Baños (UPLB) University Student Council (USC) elections, the duly elected chairperson of the UPLB USC Ynik Ante has not been proclaimed yet due to the disqualification case filed by the Central Electoral Board (CEB). Ante, a 4th year BS Development Communication major and standard bearer of Samahan ng Kabataan Para sa Bayan (SAKBAYAN), won by 36 votes against Marion Joyce Divino during the UPLB elections, February 22 to 24. However, Ante was not proclaimed as winner after the CEB questioned her status as a bona fide student of UP due to her unsettled tuition payment. On June 4, Ante sent a petition to UPLB Chancellor Rex Victor Cruz to prove her status as a bona fide student during the election period, thus

nullifying the CEB’s claim. On June 8, Chancellor Cruz sent a letter to Student Organizations and Activities Division (SOAD) supporting Ante’s position. As of the press time, SOAD has yet to release a statement about the letter. According to Student Regent (SR) Cleve Kevin Arguelles, UPLB Chancellor is “positive” that Ante will be sworn into office as soon as possible. UPLB USC Vice Chairperson Abegaille de la Cruz, is currently acting as temporary head of the USC until a chairperson has been proclaimed with finality.

LATE PAYMENT

Records from the UPLB Office of the University Registrar (OUR) show that Ante enrolled on November 29. However, she was not able to pay her tuition during the enrolment period and instead filed a promissory note that was signed by Chancellor Cruz. Continue on page 5

Kevin Robert Arguelles, P380,000 pa lamang ang inilabas ng UP bilang tulong sa pagpapaospital kay Hina. Nagbigay rin ng tulong pinansyal ang Philippine Charity Sweepstakes Office na nagkakahalaga ng P500,000. Gayundin, tinatayang umabot na ng P600,000 ang nalikom na donasyon para kay Hina, anang kanyang ina. “Tumulong din ang mga kaibigan ni Hina, indibidwal na estudyante, guro at kawani ng UP at mga organisasyon mula sa iba’t-ibang sektor sa pangangalap ng pondo para mga gastusin sa kanyang gamutan,” ani Gng. Hina. Gayunman, kinakailangan pa ng mahigit P1.75 milyon upang mabayaran ang lahat ng gastusin, ani Gng. Hina. Aniya, tatlong buwan ang ibinigay na palugit ng CMC upang mabayaran nang buo ang nasabing halaga.

PAGKALAP NG DONASYON

“Unang ipinangako ng UP pagkatapos ng insidente na sasagutin [nito] ang mga gastusin mula sa pagpapaospital hanggang sa kanyang rehabilitasyon” ani Gng. Hina. Ngunit sa pulong ng Board of Regents (BOR) ng UP noong Hunyo 4, hindi pinahintulutan ng BOR ang panukalang sagutin ng UP ang lahat ng gastusin, ani Arguelles. “The [Legal Office] says UP has no obligation for unseen circumstances, that it’s a government school which has no private contract with its students for security,” ani dating SR Ma. Kristina Conti. Nagkasundo na lang ang BOR na maghanap ng tulong para kay Hina mula sa mga organisasyon at pribadong indibidwal, ani Arguelles. Upang makakalap ng donasyon, isang benefit concert ang planong ilunsad ngayong Hulyo ng Office of the SR, Office of the Vice Chancellor for Student Affairs at ng USC. Naglabas rin ng memorandum si UPD Chancellor Caesar Saloma noong Hunyo 4 na naghihikayat sa komunidad ng UP na tumulong sa paglikom ng donasyon. “The cost of [Hina’s] hospitalization is huge while her recovery is also expected to be difficult and costly. I strongly encourage [the UP community] to support the fund drive for Miss Hina through your private contributions,” ani Saloma. Para sa mga donasyon, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa Task Force Lordei Hina sa numerong 09179096433 o magemail sa taskforcelordeihina@gmail.com.


HLI, hindi pa rin naipamamahagi sa mga magsasaka Anim na buwan mula nang ipag-utos ng Korte Suprema (SC) ang pamamahagi sa 4,915-ektaryang lupain ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) sa Tarlac sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program with Extension and Reforms (CARPER), wala pa ring lupang naipamamahagi sa mga magsasaka ng nasabing asyenda. Binatikos ng mga grupo ng magsasaka sa HLI ang mabagal na proseso ng pamamahagi na isinasagawa ng Department of Agrarian Reform (DAR) na maaari pa umanong umabot ng hanggang isang taon. “Masayang-masaya ang mga magsasaka sa desisyon ng Korte Suprema. Pero alam namin na marami pa kaming kakaharapin na problema,” ani Felix Nacpil Jr., tagapangulo ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala) sa isang panayam. Aniya, hangga’t wala pa rin silang hawak na lupa, mananatili pa

rin ang pangambang hindi matutuloy ang pamamahagi. Nauna nang naglabas ng desisyon ang SC noong Nobyembre 22, 2011, kung saan pinahintulutan ng korte ang pamamahagi ng HLI sa mga magsasaka sa pamamagitan ng dalawang paraan: pagmamay-ari ng lupa o kaya naman ay pagpapaloob sa Stock Distribution Option (SDO) kung saan stocks at hindi lupa ang kanilang tatanggapin. Ngunit sa pinakahuling hatol ng SC na inilabas noong Abril 24, tuluyan nang ibinasura ng korte ang SDO. Kalakip ng nasabing desisyon ang kumpletong listahan ng 6,296 orihinal na kwalipikadong benepisyaryong makatatanggap ng lupa. Aabot ng anim na buwan hanggang isang taon ang takdang panahon ng pamamahagi ng HLI sa mga benepisyaryong magsasaka, ani Atty. Justin Lachica, Head Executive Assistant ng DAR.

“Isang linggo matapos ilabas ng SC ang desisyon sa HLI, nakapaghanda na ang DAR ng ‘execution plan’ upang ganap na matukoy ang mga benepisyaryong magsasaka,” dagdag ni Lachica. Paliwanag ni Lachica, kailangan pang muling aralin ng DAR ang listahan ng mga benepisyaryong inilabas ng SC at kumpirmahing kwalipikado sila o ang kanilang mga kamag-anak na makatanggap ng lupa sa ilalim ng CARPER.

‘MABAGAL NA PROSESO’

Nagpadala ang DAR ng 120 tauhan sa 10 barangay ng HLI upang kapanayamin ang mga magsasakang nagparehistro para sa pamamahagi ng lupa bilang simula ng proseso ng pagkilala sa mga magiging benepisyaryo noong Mayo 23. Matapos maging pinal ang listahan ng mga benepisyaryo, kailangan pang magsukat ng lupa ng DAR at maghanda ng programa

upang masuportahan ang pagtatanim ng mga magsasaka bago tuluyang maipamahagi ang lupa, ani DAR Secretary Virgilio Delos Reyes sa isang panayam. Upang makapagparehistro bilang benepisyaryo ng CARPER, hinahanapan ng ID ang mga magsasaka, ani Jun Tabangin, isang manggagawang-bukid sa asyenda mula 1987. Naging magsasaka si Mang Jun simula 2004 matapos nilang maglunsad ng isang welgang-bayan sa HLI. Inirehistro ni Mang Jun ang pangalan ng kanyang asawa at limang anak at sinagot ang ilang mga katanungan, tulad ng uri ng pananim na kanyang itatanim sa lupa upang malaman umano ng DAR kung anong uri ng suporta ang dapat ibigay ng ahensiya. Kung sakaling patay na ang orihinal na benepisyaryo ng CARPER, kailangan lamang ipasa ng anak o asawa ang kanilang birth at marriage certificate kasama ang death

Pagtaas ng renta sa SC, tinutulan ng mga stallholder Mariing tinututulan ng UP Shopping Center Stallholders’ Association, Inc. (SCSAI), asosasyon ng 48 stallholder sa Shopping Center (SC), ang panukala ng UP Diliman Business Concessions Office (BCO) na itaas tungong P577 mula P80 kada metro kwadrado ang buwanang renta sa mga stall sa SC. Sa panukala ng BCO na ipinadala sa SCSAI noong Pebrero, magiging P14,425 ang buwanang renta sa mga stall, pitong ulit o P12,425 na mas mataas kaysa kasalukuyang renta. Nasa P2,000 kada buwan lamang ang kasalukuyang binabayarang renta para sa isang stall na may karaniwang sukat na 25 metro kwadrado. “Naiintindihan naming may pangangailangang pinansyal ang unibersidad kaya kailangan itaas ang renta [ngunit] hindi kakayanin ng mga stallholder ang [panukalang] renta ng BCO,” ani SCSAI president Eliseo Cruz. Noong Marso 1, nagpasa ng isang alternatibong panukala ang SCSAI kung saan naghain sila ng mas mababang halaga ng pagtaas sa buwanang renta ng mga stalls. Sa nasabing panukala, itataas ang kasalukuyang buwanang renta sa P150 kada metro kwadrado o P3,750 para sa isang 25 metro kwadradong pwesto sa SC. Inihayag din ng SCSAI sa kanilang panukala na handa nilang akuin ang pagpapaayos ng mga stall at ang mga bayarin sa tubig at kuryente. Tatlong buwan na mula nang ipasa ng SCSAI ang alternatibong panukala ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito inaaksyunan ng BCO. “The queries on the concerns of SCSAI are prudently being discussed operationally and will be addressed subject to the protocol of the university procedures and guidelines,” ani BCO Acting Director Dr. Raquel B. Florendo.

BAGONG KONTRATA

Habang nakabinbin pa rin ang panukala ng SCSAI, pinadalhan na ng BCO ang bawat stallholder ng isang

sulat noong Abril 17 na nag-uutos sa kanilang isumite ang ilang dokumentong magpapatunay na may karapatan silang manatili sa SC. Kabilang sa mga hinihinging mga dokumento ng BCO ang business permit, Mayor’s Permit, BIR Clearance, at Income Tax Return ng bawat stallholder. Gayunman, nakapaloob din sa parehong sulat ng BCO na kakailanganing pumirma ang mga stallholder sa isang bagong kontrata, kung saan nakapaloob na ang panukalang dagdag sa renta, ani Cruz. Handa namang sundin ng mga stallholder ang mga hinihinging rekisitos ng BCO, ani Cruz. Gayunman, naninindigan ang SCSAI na hindi sila pipirma sa bagong kontrata, sapagkat mangangahulugan itong sang-ayon ang mga stallholder sa mga dagdag bayaring itatakda ng BCO, ani Cruz. Maaari ring maging labag ang bagong kontrata ng BCO sa Memorandum of Agreement (MOA) na pinirmahan ng SCSAI at ng administrasyon ng UP Diliman sa ilalim ng pamunuan ni dating Chancellor Emerlinda Roman noong 2004. Nakasaad sa MOA ang plano ng administrasyong magpatayo ng isang commercial building na tatawaging UP Town Center, kapalit ng SC. Ayon sa MOA, ililipat ang mga kasalukuyang stallholders ng SC sa UP Town Center nang may diskwento sa renta. Ayon sa MOA, tanging mga “lehitimong” stallholder, kabilang na ang mga stallholders nang panahong pinirmahan ang kasunduan, ang mabibigyan ng diskwento sa renta. Obligasyon ng mga stallholder na patunayang sila ang may karapatang umukupa sa pwesto, ayon sa dokumento. Kung hindi pipirma ang mga stallholder sa kontratang ihahain ng BCO, maaring maging dahilan ito ng administrasyon ng UP upang hindi kilalanin ang kanilang karapatang manatili sa stall, ani Cruz.

certificate ng orihinal na benepisyaryo upang kilalanin sila bilang mga bagong benepisyaryo. Hindi kailangang mabahala ng mga magsasaka kung wala silang mga dokumento sapagkat nakipagugnayan na umano ang DAR sa National Statistics Office upang mapadali ang pagkuha ng mga dokumentong kinakailangan, ani Lachica. Sa halos 9,000 rehistradong magsasakang sasailalim sa itinalagang proseso ng DAR, nasa 8,376 na ang tapos nang makapanayam, batay sa tala ng DAR noong Hunyo 8. Gayunman, binatikos ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), samahan ng mga magbubukid sa gitnang Luzon, ang itinakdang panahon ng DAR upang matapos ang buong proseso ng pagkilala sa mga benepisyaryong magsasaka. “Hahanapin na lang ang mga pangalan, pero sa ginagawa nila pinatatagal nila ang proseso. Hindi sila aabutin ng isang taon kung pagbabatayan lang nila ang listahan na nakasaad na sa desisyon ng SC,” ani Rodel Mesa, deputy-secretary general ng UMA.

PINAL NA DESISYON?

TAPATAN. Nakipagdayalogo si UP President Alfredo Pascual sa mga liderestudyante ng UP Diliman matapos ang isang kilos protesta sa Quezon hall noong Hunyo 8. Sa kabila ng pagtiyak ni Pascual na hindi magtataas ang matrikula sa kanyang termino, kinundena ng mga nasabing mag-aaral ang patagong pagtataas dulot umano ng paghihigpit ng administrasyon sa pagpapatupad ng STFAP. John Keithley Difuntorum

Disqualification case still barring proclamation of UPLB USC chair When Ante filed her candidacy on February 6, the CEB declined her application due to her unpaid tuition. However, on February 9, the CEB changed its decision and approved her candidacy after the OUR certified her status as a bona fide student under the condition that she must settle her account by February 29. On February 29, Ante was able to raise P11,000 for her tuition through solicitations and was able to pay at the University Cashier. She had her paper stamped “Registered” minutes after 4 p.m., the end of office hours. Late that afternoon, the CEB, headed by Office of Student Affairs (OSA) Director then Lt. Col. Vivian Gonzales, convened an election protest meeting. Though not unanimous in their decision, the CEB adjourned with the resolution to not proclaim Ante as UPLB USC chair, as she was not able to pay her tuition before 4 p.m. Instead of proclaiming Ante, the CEB announced that Divino, the lone contender for the chairmanship and standard bearer of Buklod-UPLB, was the new USC chair. This spawned protests from student groups.

From page 4

‘RESPECT STUDENTS’ CHOICE’

Meanwhile, in a joint statement released by the Office of the Student Regent (OSR) on June 1, Arguelles and former SR Ma. Kristina Conti said that the OSR will recognize Ante as chairperson of UPLB USC. Arguelles and Conti said that the OSR stands that nullifying votes already cast for Ante “defeats the sovereign will of the electorate and unduly benefits undeserving third parties.” “The mere pendency of a disqualification case against a candidate who had been allowed into a ballot does not justify the suspension of proclamation after winning in the election. To hold otherwise would unduly encourage the filing of baseless and malicious petitions for disqualification if only to effect the suspension of the proclamation of the winning candidate,” Arguelles and Conti said in the statement. “Mula’t sapul, hindi ito tungkol sa akin. It’s all about standing against any form of repression of students’ voice and rights. Masasabi nating isang tagumpay ng mga iskolar ng bayan kapag nakapag-oath taking ako,” said Ante.

Bagaman itinuturing na isang tagumpay para sa mga magsasaka ng Pilipinas ang naging desisyong ng SC sa kaso ng HLI, nangangamba pa rin silang maaari pang magbago ang nasabing desisyon dahil sa pagpapalit ng punong mahistrado. Maaari pa rin umanong mamaniobra ng administrasyong Aquino ang desisyon ng SC dahil nasa ilalim ng kapangyarihan ni Pangulong Benigno Aquino ang Presidential Agrarian Reform Council, na siyang tagapagpatupad ng mga pamantayan para sa implementasyon ng repormang agraryo, ani Antonio Flores, tagapagsalita ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). “Ang posisyon namin diyan, ‘final and executory’ na ‘yan, hindi na dapat mabago,” ani Lachica. Aniya, dalawang ulit nang nagsagawa ng information campaign ang DAR sa HLI upang ipaliwanag sa mga magsasaka ang mga naging desisyon ng korte.

‘JUST COMPENSATION’

Binatikos din ng mga magsasaka ang naging desisyon ng korte na pagkakaroon ng “just compensation” o ang pagbabayad ng mga magsasaka sa pamilya Cojuangco para sa ipamamahaging lupa. Batay sa desisyon ng SC, hindi libre ang pamamahagi ng lupa at kailangan magbayad ng mga magsasaka ng “just compensation” na nakabatay sa presyo ng lupa noong 1989. Kasalukuyan pang pinag-aaralan ng Land Bank of the Philippines (LBP) kung magkano ang halagang sisingilin sa mga magsasaka. Iginiit ng UMA na kung pagbabatayan ang kasaysayan, mga magsasaka ang tunay na may-ari ng lupa at nararapat lamang na libre itong maibalik sa kanila. Upang linawin ang mga iba’t ibang mga isyu ukol sa pamamahagi ng HLI, magkakaroon ng pag-uusap sa DAR ang mga grupo ng mga magsasaka tulad ng UMA, KMP, Ambala at United Luisita Workers’ Union sa Hunyo 11.

BALITA Huwebes 13 Mayo 2012


PAGHIHIGPIT UNANG BURADOR Nagsimula ang Kulê bilang College Folio noong 1910 na naging Varsity News noong 1917. Naging laman ng mga pahina ang unang panitikang Ingles na sinulat ng mga Pilipinong awtor tulad ni Jose Garcia Villa. Bunsod ng kakulangan sa pondo, saglit lamang ang itinagal ng dalawang magkasunod na pahayagan at natigil din ang publikasyon. Noong 1922, itinatag ang Philippine Collegian matapos maglabas ng direktiba at kilalanin ng University Council, na binubuo ng mga propesor sa UP, ang pangangailangang magkaroon ng isang opisyal na pahayagan ang mga estudyante. Tradisyunal na pahayagan ang mga unang Kulê. Ibinenta ito sa halagang 25 sentimos kada kopya noong 1920s at naglathala ng mga patalastas para sa binyag, kaarawan, kasal, alak at sigarilyo. May mga pahina ring gaya ng Coed’s at Bachelor’s Pages kung saan itinampok ang mga pinakamaganda’t matipunong estudyante sa kampus. Nagdaraos din noon ang patnugutan ng Kulê ng isang beauty pageant, ang Mr. & Ms. Collegian, kung saan pinipili ang mga kandidata para sa “Miss Philippines” at “Queen of the 1935 Manila Carnival Commercial and Industrial Fair.”

Habang patuloy ang pagbabagong-bihis ng Kulê mula sa pagiging tradisyunal tungo sa pagiging progresibo, mas hinigpitan ng administrasyon ng UP ang pagkontrol sa mga inilalathalang artikulo. Binuo ang isang “Board of Censors” para sa Kulê na binuo ng mga opisyal ng UP at mga taong simbahan. Ikinagalit ni Father E.J. McCarthy noong 1936 ang inilathalang rebyu ng manunulat na si Teodoro Agoncillo ukol sa libro ni Ricardo Pascual na “Dr. Jose Rizal beyond the Grave”. Ayon kay Agoncillo, pineke umano ng simbahang Katoliko ang mga dokumentong nagsaad na binawi ni Rizal ang kanyang mga pahayag bago mamatay. Sinubukang tuligsain ng patnugutan ng Kulê ang nasabing

insidente, ngunit dahil kasapi si McCarthy ng Board of Censors, ang tanging lumabas sa Nobyembre 15, 1937 na editoryal ng Kulê ay ang mga salitang “This editorial has been censored.”

PAGSASALA Kaiba sa mga pahayagang pangkampus sa kasalukuyan, walang faculty adviser ang Kulê. Ngunit noong mga unang dekada ng pahayagan, nagtatalaga ng faculty adviser na siya ring nagsasala sa mga nilalaman ng pahayagan. Napagtanto ni Prop. Francisco Arcellana, ang huling faculty adviser noong 1977, na kailangang bumalikwas ng pahayagan sa panunupil ng administrasyon kaya kusa siyang umalis sa posisyon.

RADIKAL NA TINDIG Sa panahon ng Batas Militar, lalong tumalas ang pagsusuri ng kilusang kabataan sa mga napapanahong isyu. Para sa kanila, sistemang panlipunan ang sanhi ng kahirapan at tiwaling pamamahala ng rehimeng Marcos. Sa panahong ito lumabas sa Kulê ang seryeng “Philippine Society and Revolution” (PSR) at “Struggle for National Democracy” (SND) ni Jose Ma. Sison, isa sa mga nagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas.

UNANG SABAK LATHALAIN Miyerkules 13 Hunyo 2012

90 taong paghuhubog at pagbabago ng Philippine Collegian Hindi basta-basta ang paglikha sa hawak mong dyaryo ngayon. Ang pagbuo sa Philippine Collegian o Kulê ay isang mahaba at masinsing proseso – kinikilatis ang bawat argumento, kinakaltas ang mga labis na salita, at kinikinis ang bawat litrato’t larawan. Ito ang presswork, isang sistema ng paglikha na hindi kailanman mawawala sa buhay Kulê. Tulad ng mga artikulo at dibuhong dumadaan sa madugong proseso ng pagwawasto, sumasabay din ang dyaryo sa pabago-bagong kalagayan ng lipunan. Patuloy ang pagbabagong-anyo ng Kulê, kaya’t kung babalikan ang 90-taong kasaysayan nito, hindi iisa ang naging hitsura at tindig nito sa mga isyu.

Sumulpot ang isa sa mga unang hibo ng progresibong tindig ng Kulê sa patnugutan ni Wenceslao Vinzons noong 1931. Nanguna siya sa protesta ng mga estudyante noong 1932 laban sa panukalang taasan ang sweldo ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso. Sa pangalan niya hango ang Vinzons Hall, ang kasalukuyang tahanan ng Kulê.

UNANG SIGWA Binatikos sa termino ni Elmer Ordoñez noong 1951 ang pagpilit ni Pangulong Elpidio Quirino na magbitiw sa pwesto si UP President Bienvenido Gonzalez matapos imbitahan ng unibersidad si Claro M. Recto, isang senador na kasapi ng oposisyon, bilang commencement speaker noong taong iyon. Sa editoryal ni Ordoñez na “Road to Extinction”, kinundena ang kawalan ng respeto ng gobyernong Quirino sa academic freedom ng UP at hinimok ang mga mambabasa na magprotesta tungong Malacañang.

KALIWA’T KANAN BLACKOUT Sa panahon din ng Batas Militar isinara ang maraming pahayagan at istasyon ng midya. Tanging mga istasyon na pagmamay-ari ng mga kamag-anak at kaibigan ni Marcos – ang crony media – ang pinayagang magpatuloy. Sa kabila ng panganib at kawalan ng pondo, hindi nangimi ang Kulê at inilimbag ang pinakaunang Rebel Collegian. Sa kasagsagan ng Batas Militar, naging “underground” ang operasyon ng Kulê. Kinilala ang pahayagan bilang bahagi ng “mosquito press” na bagaman patago at maliit ang sirkulasyon ay may kagat pa rin ang mga artikulo.

WALANG TAKOT Naging lente ng mamamayan ang Kulê sa mga isyung panlipunan lalo na at pinatahimik ang kalakhan ng midya. Aktibong nakisangkot ang ilan sa mga dating patnugot sa kilusan laban sa diktadurya. Dinakip si Abraham Sarmiento, Jr., ang patnugot noong 1975, at ikinulong sa Camp Crame kung saan siya namatay dahil sa sakit. Nabaril naman sa isang engkwentrong militar sa Iloilo noong 1974 si Antonio Tagamolila, patnugot noong 1971, na naging kasapi ng armadong kilusan.

Matapos ang 1986 People Power, nahati ang kilusang kaMiyerkules bataan ng UP sa dalawa: Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambay13 Hunyo anan (SAMASA) at ang SAMASA – Tunay Militante Makabayang 2012 Alyansa (TMMA). Patuloy na pinaniwalaan ng SAMASA-TMMA na militanteng pagkilos lamang ang daan tungo sa panlipunang pagbabago. Para naman sa SAMASA, dapat kilalanin na may iba’t ibang pagtingin sa mga isyu, isang kaisipan na sumasandig sa pluralismo. Kasabay ng pagkahati ng SAMASA ang pagkahati rin ng Kulê sa dalawang paksyon noong 1996 – ang Rebel Collegian ni Richard Gappi, ang hinirang na patnugot ng Board of Judges sa editorial exams, at ang regular na Collegian ni Voltaire Veneracion, na hinirang ni UP President Emil Javier.

PAGBABAGONG-BIHIS Sinalamin ng pabagu-bagong anyo ng pahayagan ang karakter at tindig ng patnugutan. Sa mga terminong sumandig sa pluralismo tulad ng kay Ibarra Gutierrez noong 1995, Lourdes Gordolan noong 1997, at Jeanie Bacong noong 1998, broadsheet ang porma ng dyaryo. Samantala, tabloid naman ang Kulê sa termino nina Michael John Ac-ac noong 1994 at ni Seymour Sanchez noong 1999. Broadsheet din ang laki ng dyaryo sa termino ni Juan Paolo Colet noong 2005 ngunit hindi ito napanatili. Hindi gaya ng mga nagdaang termino, idineklara ni Colet na “objective” at walang kinikilingan ang dyaryong kanyang pinamunuan. Ngunit binatikos ang terminong ito bunsod ng hindi regular na paglilimbag, sa maling gamit ng mga salita, at sa pag-iwan ng P250,000 na deficit sa pondo ng pahayagan. “This is the first time in the history of Collegian that issues were killed,” ani Prof. Danilo Arao, patnugot ng The UP Newsletter. Kontrobersiyal ang nilathalang Kulê UAAP special issue sa gitna ng impeachment complaint kay Gloria Arroyo.

90 TAON GIPIT SA PONDO Ang deficit sa badyet sa termino ni Colet ang isa sa mga ginamit na dahilan ng administrasyon ng UP upang ipitin ang pondo ng Kulê sa termino ni Karl Castro noong 2006. Iginiit ng administrasyon na nararapat sumailalim ang mga transaksyon ng Kulê sa Government Procurement Act of 2003, bagaman hindi naman ahensya ng gobyerno ang Kulê. Bunsod nito, tatlong buwang hindi lumabas ang Kulê. Sinasabing isang maniobra ng administrasyon ni UP President Emerlinda Roman ang paggipit sa pondo ng Kulê ng taong iyon, lalo na’t kasabay ito ng pag-apruba sa 300 porsyentong pagtaas sa matrikula sa pamantasan.

PAGWASAK SA TORENG GARING Naibalik sa mga taong 2007-2010 ang regular na sirkulasyon ng Kulê. Ipinagpatuloy nito ang makamasang tindig at kinundena ang mga probisyon ng bagong UP Charter at pagbaba ng subsidyo ng gobyerno sa pamantasan. Sa mga taong ito, hindi na lamang basta naging tagapagtala ng mga balita ang mga kasapi ng Kulê. Bumalikwas ang kasapian sa tinatawag na “ivory tower” at naging

LATHALAIN

aktibong bahagi ng malalaking mobilisasyon at alyansang tumatalakay sa mga usaping panlipunan. Noong nakaraang taon, sa isang press conference ni US Secretary of State Hillary Clinton sa Maynila, tumindig at sumigaw si Marjohara Tucay, ang patnugot ng 2011, ng “Junk VFA! Junk US imperialism!” sa gitna ng pagtitipon.

VIRTUAL AT ‘REAL TIME’ Kasabay ng pag-usbong ng “new media,” umangkop ang Kulê sa online na espasyo upang lalo pang maparami ang mambabasa. Sa referendum para sa pagraratipika ng Codified Rules on Student Regent Selection noong 2009, sinimulan ng Kulê ang “real-time news coverage,” kung saan mabilis na nailalathala ang mga update at balita sa Internet. Ipinagpatuloy ng mga sumunod na termino ang real-time coverage, lalo na sa panahon ng eleksyon para sa University Student Council at ilan pang mahahalagang pangyayari gaya ng General Assembly of Student Councils at mga strike sa kampus.

Sa mga susunod na isyu ng Kulê, muli itong magbabagong-bihis – mula sa pormal na estetika ng nagdaang termino tungo sa isang mas maluwag at “personalized” na template. Ngunit iba man ang porma, lalamanin pa rin nito ang mga napapanahong ulat na nilahukan ng mga suring pinatalas na ng mga nagdaang dekada. Sa pagpasok ng Kulê sa ika-90 taon, magpapatuloy ito sa pagiging aktibong kabahagi ng paglikha ng kasaysayan sa pamantasan at sa bansa.


PAGHIHIGPIT UNANG BURADOR Nagsimula ang Kulê bilang College Folio noong 1910 na naging Varsity News noong 1917. Naging laman ng mga pahina ang unang panitikang Ingles na sinulat ng mga Pilipinong awtor tulad ni Jose Garcia Villa. Bunsod ng kakulangan sa pondo, saglit lamang ang itinagal ng dalawang magkasunod na pahayagan at natigil din ang publikasyon. Noong 1922, itinatag ang Philippine Collegian matapos maglabas ng direktiba at kilalanin ng University Council, na binubuo ng mga propesor sa UP, ang pangangailangang magkaroon ng isang opisyal na pahayagan ang mga estudyante. Tradisyunal na pahayagan ang mga unang Kulê. Ibinenta ito sa halagang 25 sentimos kada kopya noong 1920s at naglathala ng mga patalastas para sa binyag, kaarawan, kasal, alak at sigarilyo. May mga pahina ring gaya ng Coed’s at Bachelor’s Pages kung saan itinampok ang mga pinakamaganda’t matipunong estudyante sa kampus. Nagdaraos din noon ang patnugutan ng Kulê ng isang beauty pageant, ang Mr. & Ms. Collegian, kung saan pinipili ang mga kandidata para sa “Miss Philippines” at “Queen of the 1935 Manila Carnival Commercial and Industrial Fair.”

Habang patuloy ang pagbabagong-bihis ng Kulê mula sa pagiging tradisyunal tungo sa pagiging progresibo, mas hinigpitan ng administrasyon ng UP ang pagkontrol sa mga inilalathalang artikulo. Binuo ang isang “Board of Censors” para sa Kulê na binuo ng mga opisyal ng UP at mga taong simbahan. Ikinagalit ni Father E.J. McCarthy noong 1936 ang inilathalang rebyu ng manunulat na si Teodoro Agoncillo ukol sa libro ni Ricardo Pascual na “Dr. Jose Rizal beyond the Grave”. Ayon kay Agoncillo, pineke umano ng simbahang Katoliko ang mga dokumentong nagsaad na binawi ni Rizal ang kanyang mga pahayag bago mamatay. Sinubukang tuligsain ng patnugutan ng Kulê ang nasabing

insidente, ngunit dahil kasapi si McCarthy ng Board of Censors, ang tanging lumabas sa Nobyembre 15, 1937 na editoryal ng Kulê ay ang mga salitang “This editorial has been censored.”

PAGSASALA Kaiba sa mga pahayagang pangkampus sa kasalukuyan, walang faculty adviser ang Kulê. Ngunit noong mga unang dekada ng pahayagan, nagtatalaga ng faculty adviser na siya ring nagsasala sa mga nilalaman ng pahayagan. Napagtanto ni Prop. Francisco Arcellana, ang huling faculty adviser noong 1977, na kailangang bumalikwas ng pahayagan sa panunupil ng administrasyon kaya kusa siyang umalis sa posisyon.

RADIKAL NA TINDIG Sa panahon ng Batas Militar, lalong tumalas ang pagsusuri ng kilusang kabataan sa mga napapanahong isyu. Para sa kanila, sistemang panlipunan ang sanhi ng kahirapan at tiwaling pamamahala ng rehimeng Marcos. Sa panahong ito lumabas sa Kulê ang seryeng “Philippine Society and Revolution” (PSR) at “Struggle for National Democracy” (SND) ni Jose Ma. Sison, isa sa mga nagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas.

UNANG SABAK LATHALAIN Miyerkules 13 Hunyo 2012

90 taong paghuhubog at pagbabago ng Philippine Collegian Hindi basta-basta ang paglikha sa hawak mong dyaryo ngayon. Ang pagbuo sa Philippine Collegian o Kulê ay isang mahaba at masinsing proseso – kinikilatis ang bawat argumento, kinakaltas ang mga labis na salita, at kinikinis ang bawat litrato’t larawan. Ito ang presswork, isang sistema ng paglikha na hindi kailanman mawawala sa buhay Kulê. Tulad ng mga artikulo at dibuhong dumadaan sa madugong proseso ng pagwawasto, sumasabay din ang dyaryo sa pabago-bagong kalagayan ng lipunan. Patuloy ang pagbabagong-anyo ng Kulê, kaya’t kung babalikan ang 90-taong kasaysayan nito, hindi iisa ang naging hitsura at tindig nito sa mga isyu.

Sumulpot ang isa sa mga unang hibo ng progresibong tindig ng Kulê sa patnugutan ni Wenceslao Vinzons noong 1931. Nanguna siya sa protesta ng mga estudyante noong 1932 laban sa panukalang taasan ang sweldo ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso. Sa pangalan niya hango ang Vinzons Hall, ang kasalukuyang tahanan ng Kulê.

UNANG SIGWA Binatikos sa termino ni Elmer Ordoñez noong 1951 ang pagpilit ni Pangulong Elpidio Quirino na magbitiw sa pwesto si UP President Bienvenido Gonzalez matapos imbitahan ng unibersidad si Claro M. Recto, isang senador na kasapi ng oposisyon, bilang commencement speaker noong taong iyon. Sa editoryal ni Ordoñez na “Road to Extinction”, kinundena ang kawalan ng respeto ng gobyernong Quirino sa academic freedom ng UP at hinimok ang mga mambabasa na magprotesta tungong Malacañang.

KALIWA’T KANAN BLACKOUT Sa panahon din ng Batas Militar isinara ang maraming pahayagan at istasyon ng midya. Tanging mga istasyon na pagmamay-ari ng mga kamag-anak at kaibigan ni Marcos – ang crony media – ang pinayagang magpatuloy. Sa kabila ng panganib at kawalan ng pondo, hindi nangimi ang Kulê at inilimbag ang pinakaunang Rebel Collegian. Sa kasagsagan ng Batas Militar, naging “underground” ang operasyon ng Kulê. Kinilala ang pahayagan bilang bahagi ng “mosquito press” na bagaman patago at maliit ang sirkulasyon ay may kagat pa rin ang mga artikulo.

WALANG TAKOT Naging lente ng mamamayan ang Kulê sa mga isyung panlipunan lalo na at pinatahimik ang kalakhan ng midya. Aktibong nakisangkot ang ilan sa mga dating patnugot sa kilusan laban sa diktadurya. Dinakip si Abraham Sarmiento, Jr., ang patnugot noong 1975, at ikinulong sa Camp Crame kung saan siya namatay dahil sa sakit. Nabaril naman sa isang engkwentrong militar sa Iloilo noong 1974 si Antonio Tagamolila, patnugot noong 1971, na naging kasapi ng armadong kilusan.

Matapos ang 1986 People Power, nahati ang kilusang kaMiyerkules bataan ng UP sa dalawa: Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambay13 Hunyo anan (SAMASA) at ang SAMASA – Tunay Militante Makabayang 2012 Alyansa (TMMA). Patuloy na pinaniwalaan ng SAMASA-TMMA na militanteng pagkilos lamang ang daan tungo sa panlipunang pagbabago. Para naman sa SAMASA, dapat kilalanin na may iba’t ibang pagtingin sa mga isyu, isang kaisipan na sumasandig sa pluralismo. Kasabay ng pagkahati ng SAMASA ang pagkahati rin ng Kulê sa dalawang paksyon noong 1996 – ang Rebel Collegian ni Richard Gappi, ang hinirang na patnugot ng Board of Judges sa editorial exams, at ang regular na Collegian ni Voltaire Veneracion, na hinirang ni UP President Emil Javier.

PAGBABAGONG-BIHIS Sinalamin ng pabagu-bagong anyo ng pahayagan ang karakter at tindig ng patnugutan. Sa mga terminong sumandig sa pluralismo tulad ng kay Ibarra Gutierrez noong 1995, Lourdes Gordolan noong 1997, at Jeanie Bacong noong 1998, broadsheet ang porma ng dyaryo. Samantala, tabloid naman ang Kulê sa termino nina Michael John Ac-ac noong 1994 at ni Seymour Sanchez noong 1999. Broadsheet din ang laki ng dyaryo sa termino ni Juan Paolo Colet noong 2005 ngunit hindi ito napanatili. Hindi gaya ng mga nagdaang termino, idineklara ni Colet na “objective” at walang kinikilingan ang dyaryong kanyang pinamunuan. Ngunit binatikos ang terminong ito bunsod ng hindi regular na paglilimbag, sa maling gamit ng mga salita, at sa pag-iwan ng P250,000 na deficit sa pondo ng pahayagan. “This is the first time in the history of Collegian that issues were killed,” ani Prof. Danilo Arao, patnugot ng The UP Newsletter. Kontrobersiyal ang nilathalang Kulê UAAP special issue sa gitna ng impeachment complaint kay Gloria Arroyo.

90 TAON GIPIT SA PONDO Ang deficit sa badyet sa termino ni Colet ang isa sa mga ginamit na dahilan ng administrasyon ng UP upang ipitin ang pondo ng Kulê sa termino ni Karl Castro noong 2006. Iginiit ng administrasyon na nararapat sumailalim ang mga transaksyon ng Kulê sa Government Procurement Act of 2003, bagaman hindi naman ahensya ng gobyerno ang Kulê. Bunsod nito, tatlong buwang hindi lumabas ang Kulê. Sinasabing isang maniobra ng administrasyon ni UP President Emerlinda Roman ang paggipit sa pondo ng Kulê ng taong iyon, lalo na’t kasabay ito ng pag-apruba sa 300 porsyentong pagtaas sa matrikula sa pamantasan.

PAGWASAK SA TORENG GARING Naibalik sa mga taong 2007-2010 ang regular na sirkulasyon ng Kulê. Ipinagpatuloy nito ang makamasang tindig at kinundena ang mga probisyon ng bagong UP Charter at pagbaba ng subsidyo ng gobyerno sa pamantasan. Sa mga taong ito, hindi na lamang basta naging tagapagtala ng mga balita ang mga kasapi ng Kulê. Bumalikwas ang kasapian sa tinatawag na “ivory tower” at naging

LATHALAIN

aktibong bahagi ng malalaking mobilisasyon at alyansang tumatalakay sa mga usaping panlipunan. Noong nakaraang taon, sa isang press conference ni US Secretary of State Hillary Clinton sa Maynila, tumindig at sumigaw si Marjohara Tucay, ang patnugot ng 2011, ng “Junk VFA! Junk US imperialism!” sa gitna ng pagtitipon.

VIRTUAL AT ‘REAL TIME’ Kasabay ng pag-usbong ng “new media,” umangkop ang Kulê sa online na espasyo upang lalo pang maparami ang mambabasa. Sa referendum para sa pagraratipika ng Codified Rules on Student Regent Selection noong 2009, sinimulan ng Kulê ang “real-time news coverage,” kung saan mabilis na nailalathala ang mga update at balita sa Internet. Ipinagpatuloy ng mga sumunod na termino ang real-time coverage, lalo na sa panahon ng eleksyon para sa University Student Council at ilan pang mahahalagang pangyayari gaya ng General Assembly of Student Councils at mga strike sa kampus.

Sa mga susunod na isyu ng Kulê, muli itong magbabagong-bihis – mula sa pormal na estetika ng nagdaang termino tungo sa isang mas maluwag at “personalized” na template. Ngunit iba man ang porma, lalamanin pa rin nito ang mga napapanahong ulat na nilahukan ng mga suring pinatalas na ng mga nagdaang dekada. Sa pagpasok ng Kulê sa ika-90 taon, magpapatuloy ito sa pagiging aktibong kabahagi ng paglikha ng kasaysayan sa pamantasan at sa bansa.


BUHAY SELDA

KULTURA Miyerkules 13 Hunyo 2012

Sining sa selda Sa piitan na nagdiwang ng kanyang ika-40 kaarawan si Ericson Acosta. Para sa kanyang kaarawan, kumatha siya ng isang tulang nagtatala sa mga gawain ng isang Ginoong Mabalasik, isang elemento ng militar na bumisita sa kanya. Hindi man tukoy kung sino ito, malinaw sa tula ang pangdaharas na ginagawa kay Acosta sa loob ng piitan. Isa lamang ito sa serye ng mga tula at awitin na maaaring makita sa online prison diary ni Acosta. Nakabalot man sa metapora at tagong pangalan, maaaring mailantad ng mga detinidong pulitikal sa pamamagitan ng sining ang mga panggigipit na nararanasan nila sa loob ng bilangguan. Ang akto ng paglikha ay hindi lamang paraan ng pagsulong ng kampanya ng paglaya sa mga detinidong pulitikal kundi nagsisilbi ring paalala na hindi napupurol ng pagkakakulong ang talas ng diwa at imahinasyon.

KAKOSA Pebrero 13 noong nakaraang taon nang inaresto nang walang warrant si Ericson Acosta o Ka Eric, ng mga elemento ng 34th Infantry Brigade ng Philippine Army (IBPA) sa pangunguna ni 2nd Lieutenant Jacob Madarang. Patungo si Ka Eric sa San Jorge, Samar para

magsaliksik ukol sa human rights violations. Ngunit ayon sa 34th IBPA, isa siyang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA). Isa lamang si Ka Eric sa daan-daang detinidong pulitikal sa bansa. Itinuturing na detinidong pulitikal ang sinumang dinakip, idinetine o ibinilanggo para sa mga gawaing nagsusulong ng kanilang pulitikal na paniniwala. At taliwas sa sinasabi ng administrasyong Aquino, patuloy pa rin ang iligal na pagdetina sa mga taong itinuturing na kritiko, kung hindi man tahasang kalaban, ng estado. Ayon sa pinakahuling tala ng Alliance for the Advancement of People’s Rights o Karapatan noong Marso 31, nananatiling may 363 detinidong pulitikal sa bansa. Bukod sa iligal na pagdakip at detensyon, napapatawan din sila ng patung-patong na mga kasong kriminal, dumadaan sa pisikal at sikolohikal na tortyur, at pinagkakaitan ng ligal na representasyon. Dagdag pa rito ang halos hindi makataong kondisyon ng kanilang piitan, kung saan may kakulangan sa espasyo at sa rasyon ng mga pangunahing pangangailangan ng mga preso katulad ng pagkain.

Hindi kaiba ang mga kondisyong ito sa dinaranas ng libu-libo pang bilanggo sa bansa. Dahil kulang sa pondo, pilit ipinagkakasya ang libu-libong preso sa mga pasilidad na may limitadong espasyo. Ang New Bilibid Prison na may aktuwal na kapasidad para sa 8,700 na katao ay tahanan ngayon ng mahigit 17,000 na bilanggo. Kapos din ang mga kulungan sa malinis na tubig at matinong pagkain, at kalimitang naghahain ng bulok na gulay sa mga bilanggo. Nauuwi ang mga preso sa paghahanap ng mga produktibong gawain upang makatakas sa hindi makataong kondisyon ng mga piitan, at ng kanilang pagkakabilanggo. Ang ibang preso, naeengganyo sa paglalaro ng isports. Ang iba naman, lumilikha ng mga tula at awitin kagaya ni Ka Eric. Sa pagsusulat, nailalahad ni Ka Eric at ng iba pang mga preso ang kanilang mga karanasan sa loob ng piitan at naipagpapatuloy nila ang mayamang tradisyon ng paglikha ng sining mula sa loob ng kulungan.

Kaakibat na ng ebolusyon ng mga bilangguan ang kasaysayan ng paglikha ng sining mula sa piitan. Mula sa paglikha ng mga dagling awitin ng mga gladiators sa Roma hanggang sa iskulturang gawa sa tissue paper ng mga bilanggo sa Amerika, hitik sa inobasyon ang tradisyon ng paglikha ng sining mula sa piitan. Produkto rin ng piitan ang ilan sa mga mahahalagang akda ng kasaysayan at panitikan. Isinulat ni Amado V. Hernandez habang nakakulong ang kanyang nobelang “Mga Ibong Mandaragit.” Ipinuslit naman palabas ng kulungan ang huling tula ni Jose Rizal na “Mi Ultimo Adios” na nakatago sa isang lampara. Hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring mga bilanggo ang gumagawa ng sining mula sa piitan. Marami silang panahon habang hinihintay matapos ang kanilang sentensya, at ang paglikha ng sining ay isang produktibong libangan. Ngunit higit sa pagiging pampalipas-oras, ang sining din ang nagsisilbing paraan ng mga bilanggo upang manatili sila sa kamalayan ng lipunan. Para sa mga detinidong pulitikal tulad ni Ka Eric, isang paraan ng pagsusulong ng kanilang panawagan ang paglikha ng sining mula sa piitan. Kasama ang iba pang mga detinidong pulitikal kagaya nina Alan Jazmines, Eduardo Sarmiento, at Axel Pinpin, naipagpapatuloy ang pagsulong ng rebolusyonaryong diwa sa pamamagitan ng sining. Isa lamang ito sa mga paraan upang patunayang ipiniit man sila ng estado, hindi naman naibilanggo ang kanilang pakikibaka. Maging ang mga karaniwang bilanggo ay masigasig sa paglikha. Sa loob ng mga kulungan, nagpipinta, naglililok, at nagsusulat ng mga tula at kanta ang mga preso. May ilang iniaalay ang kanilang mga obra sa mga minamahal na pilit nawawalay sa kanila, at mayroon ring ibinebenta ang mga obra upang matustusan ang kanilang ligal na representasyon. Sa pamamagitan ng paglikha, naipagpapatuloy ng mga preso ang linya ng komunikasyon sa kanilang mga kaanak at komunidad, patunay na hindi hiwalay ang bilangguan sa mas malawak na lipunan.

PAGLAYA Sa unang tingin, tila sintomas ng pagkabagot at pagkalumbay sa loob ng piitan ang paglikha ng sining. Ngunit sinasalamin rin nito ang mas malalim na pangangailangan natin bilang tao. Ani nga ni Ka Eric, “The idea, rather, is simply to shake off numbness; or in a highfalutin sense, to assert a more real existence.”

Sa piitan, maliit ang mundong ginagalawan ng mga bilanggo. Limitado sila sa kanilang imahinasyon at sa de-metrong espasyo ng selda. Mapa-detinidong pulitikal man o karaniwang bilanggo, ang paglikha ng sining ang nagpapaigting ng kanilang danas bilang mga nilalang. Nakakulong man sila sa bilangguan, ang kanilang sining ang patunay na hindi kailanman nabibilanggo ang diwa ng tao. Bagama’t itinuturing na sikat si Ka Eric ng kanyang mga kakosa dahil sa espesyal na atensyon sa kanya ng militar, pare-pareho silang pinatatahimik ng estado. Ano man ang kadahilanan ng kanilang pagkakakulong, napatunayang kriminal man o naituring na kalaban ng estado, lahat sila’y inihihiwalay mula sa lipunan. Mula sa kanilang pagpasok sa kulungan hanggang sa matapos ang kanilang sentensya, kabilang ang mga bilanggo sa sanlaksa na ibinukod sa madla. Itinuturing ang mga bilanggo bilang panganib sa lipunan. Madalas silang kinakatakutan, kinukundena, at pilit isinasantabi. Ang paglikha ng sining ng mga bilanggo ay pagbawi ng kanilang boses na pinipi ng estado. Ang minsanang pampalipas-oras, napapatawan nila ng radikal na potensyal. Patunay itong hindi napupurol ng piitan ang talas at talab ng diwa at imahinasyon ng isang bilanggo. Bagkus, maaaring napapatalas pa nito ang paggagap ng bilanggo sa kanyang sarili at sa lipunan. Ang tradisyon ng paglikha ng sining mula sa piitan ay testamento sa katatagan ng diwa ng tao. Mula sa piitan na isang mekanismo ng pagsasantabi at pagpapatahimik, ang paglikha ng sining ay paraan ng pagbawi ng tinig at dangal ng mga bilanggo.


The worried faces and crossed fingers of students are indicative of the time of the year. It’s the season to bear the slow access to the Computerized Registration System (CRS) site and spend long hours looking for potential courses and schedules. Groups of friends could be seen sharing tips on which General Education (GE) subjects to take. Facebook group walls are decorated with complaints on unavailable subjects and conflicting schedules. These things mark the return of the University’s CRS pre-enlistment period.

A COMPLICATED SCHEME The CRS, a program that allows students to enlist subjects online, began as a project of the College of Science and student volunteers. Its first versions were applicable only to certain colleges until 2000 when it became widely used in the whole university. Currently, it is maintained by the CRS Team composed of both UP employees and students who regularly update the site, answer students’ questions and ensure that the enlistment process works accordingly during enrolment. “The CRS aims to make the enrolment process faster, efficient, and paperless,” says Jacob Obinguar, officer-in-charge of the CRS Team. Yet as with any other technological

advancement that comes with an assurance of efficiency and convenience, the CRS tends to fall short on this promise. With the CRS, students simply had to log into a website to pre-enlist subjects. However, its arrival did not relieve UP of its hallmark enrolment experiences — long queues in different departments and students camping in buildings or walking around the campus in search for that elusive slot in a subject. This remains a perennial trademark despite all the improvements the CRS has gone through. From a computerized system of enlistment, the CRS has evolved into an essential and complex domain that facilitates different transactions in UP. Aside from keeping student records, the CRS is also used when dropping subjects, evaluating professors, and viewing students’ payment history, enrollment eligibility, and scholarship status, to name a few. This complicated scheme has had many students complaining about different concerns such as the system’s inaccessibility outside the campus to the site’s tendency to display wrong information. Though the technology does solve certain issues with manual enlistment and attempts to simplify exchanges and transactions, the CRS has given rise to a new set of problems. Whether this progress is worth the grief is up to the students.

IT’S ALL ABOUT LUCK Many students consider CRS a “virtual pila” where they wait through a given time

frame to know whether or not they were able to enlist into their desired courses. The system, however, operates through random selection, allowing some students to enlist in more units than others. Come enrolment day, students with fewer subjects enlisted through the CRS must endure long queues and running around the campus to manually enlist. “Swerte lang talaga,” said a 3rd year Public Administration student who always received 15 units or more every semester through the CRS. On the other hand, a 7th year Community Development student wished that the “swertehan” factor of the CRS be removed. In her 7 years in the university, the average number of units she is able to enlist per semester is 9, with the CRS granting her zero subjects for two succeeding semesters. Before the use of the CRS, the concept of luck during the enlistment season was only secondary to hard work. The playing field was even — if one makes an effort to wake up and queue outside classrooms early or demonstrates the patience of enduring long walks around the campus, one is rewarded with the subjects he needs. The advent of the CRS changed this pattern. There will always be students at a disadvantage who will receive fewer units through the computerized enlistment. As in life, not everyone is given equal

System glitch CRS AND THE IRONIES OF DEVELOPMENT

opportunities. Unfortunately, the current system does not always give hard workers what is due of them. “Imagine if 500 students want to take a subject that only has 60 slots, how could they all be accommodated?” says Obinguar. During the pre-enlistment period, students compete for the limited number of courses that can only accommodate an equally limited number of students. This scarcity intensifies the competition among students and the only certainty is that not everyone would be as lucky as the others.

FLAWED SYSTEM The nature of competition during the pre-enlistment period is also present in different facets of the education system. For instance, it is difficult to be admitted to UP because of its limited slots for potential students. In a larger context, education remains inaccessible

to everyone because quality education comes with a steep price. While the CRS resolves the problem of scarcity through random selection or luck, scarcity of resources in the present educational system rewards students with promising economic capabilities. Aside from limited college slots, there is scarcity in classrooms, books, and teachers that make accessing quality education more elusive. Some classes are held in areas that are not ideal for learning, including crowded corridors and shady parts under the trees. Teachers are also forced to divide a school day into shifts to accommodate all students, thus reducing the hours that students and teachers interact. KULTURA Various technological improvements such as the CRS Miyerkules promise convenience to its 13 Hunyo users while the education system 2012 promises accessible quality education. While both seem overwhelmingly ideal, it has become difficult to believe in these promises. The CRS is considered a marked improvement in UP while the current education system undergoes certain reforms like K-12 in the name of progress. Though these attempts for improvement are commendable, the call for a more genuine and long term development still remains.


PAYONG KAPATID “Outright rejection is the same as outright acceptance.” Ito ang paborito kong quote noong freshie ako, na napulot ko sa isang GE subject sa unang sem ko sa UP. Hindi gano’n ka wellphrased, ni hindi man lang witty, pero madaling intindihin at may recall para sa akin. Sa katunayan, ito ang nagsilbing battle cry ko sa mga una kong buwan sa pamantasan. Kaya kahit parang marupok na salaming pinakaiingatan ang turing ng mga upper classmen sa mga freshie na tulad ko, hindi ako natakot sumubok ng maraming bagay. Masipag kumuha ng readings, sobrang masunurin sa iskedyul, tumatayo tuwing recitation—sa OPINYON madaling sabi, freshieng freshie. Subalit pilit akong bumalikwas Miyerkules sa ganitong stereotype sa mga 13 Hunyo freshman; lalo ring ayokong 2012 tinatawag na ‘freshie’ kahit totoo naman. Kaya’t sa unang sem ko, nag-apply ako sa tatlong org— isang hindi ko tinuluyan kasi mahal ang gastos sa application process, isang bihira ko nang madalaw ngayon kahit sa paanan lang ng Vinzons ang tambayan, at isang halos aparisyon na ang turing sa akin bunga ng pagiging abala ko sa Kulê. BS Org nga raw ako, biro ng mga blockmates ko noon. Sa parehong panahon ring iyon ako unang naging kasapi ng

Kulê, dahil naengganyo ako sa estilo nitong malayo sa mga nakagisnang pahayagang pangmag-aaral na madalas press release ng school lang ang nilalaman. Gusto ko rin ng gawaing medyo challenging at kakain ng mahahaba kong break sa pagitan ng GE classes. *** “You have to believe in something, or else you’ll fall for anything.” Tatlong taon ang nakalipas, ito na ang quote na tumatak sa ’kin na nabasa ko sa kasagsagan ng

Malawak ang UP, ngunit mas malawak ang mundo sa labas student council elections nitong nakaraang Pebrero. Tulad ng kahit anong bagay sa mundo, lahat naman ay nagbabago. Kaya’t hindi imposibleng mahanap mo ang sarili mong angas at pagpapakahulugan sa pagiging Iskolar ng Bayan. Hindi rin malayong dumating ang panahong mapabilang ka sa mga taong isinusumpa ang Kulê dahil itinatakwil nito ang pinakaiingatang “objectivity” at

LAKAS TAMA “neutrality” ng media. Sa anumang landas na iyong tatahakin sa loob ng pamantasan, isa lang naman ang aking payo, kapatid: buksan at lawakan ang iyong pag-iisip sa lahat nang nagaganap higit sa ’yong kinagisnang paligid. Matutong magmasid, makiramdam at maging kritikal—ang makilala ang huwad sa hindi, ang matalas sa umaastang matalas at ang tunay sa mga nagpapanggap. Malawak ang UP, at maaaring nalulula ka pa sa kabuuan nito ngayon, ngunit mas malawak ang mundo sa labas, kung saan walang espasyo ang mga makabagong kaisipan at mapanganib ang maghangad ng tunay na pagbabago. *** Marahil sa puntong mabasa mo ito, handang-handa ka nang pumasok at sabik simulan ang iyong buhay UP. Hindi rin kita masisisi kung nakabili ka na ng mga UP merchandise na ipinagsisigawan sa mundong taga-UP ka. Ang pagiging freshie ay panahon upang magkamali at matuto, pagkakataon upang magpuna at magwasto. Hindi ka rin habambuhay magiging freshman, kaya’t sulitin mo ang mga susunod na buwan bilang isa sa mga panibagong anak ni Oblê. At sa pagdating ng araw ng iyong pagpili at pagpapasya, sanay makasama kita sa parehong hanay.

WHY I DON’T WANT TO BE A FRESHIE THIS YEAR This won’t be your regular congratulatory column for freshies. I won’t be wasting this space just to congratulate you on your admission here in UP, because I’m certain you’ve had more than enough since you’ve found out you passed the UPCAT. Let me be an asshole by letting me count the reasons why it sucks to be you, dear Freshie.

1. You’re paying high tuition fees.

You must now pay a premium to receive education from the premier state university. Six years ago, students only have to pay P300 per unit, but the Board of Regents passed a 300-percent tuition hike in December 2006,

Let me be an asshole by letting me count the reasons why it sucks to be you, dear Freshie increasing the tuition of 2007 freshmen and beyond to P1,000 per unit. And now, thanks to the Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP), students are deemed financially capable unless he/she can prove

otherwise. Students are assigned to Bracket A, the default bracket, and expected to pay P1,500 per unit –almost the full cost of tuition. It still is lower than in most “other” universities, but UP is supposed to be a state university—a university funded by the state to make tertiary education accessible to poor but deserving students.

2. You aren’t allowed to join fraternities and sororities

As per university rule, freshman students are not allowed to join fraternities and sororities. Apparently, the UP administration believes that freshies are still not equipped with the right judgment and freedom to choose and join fraternities and sororities. Be ready to face grave consequences if you ever dare defy this rule.

3. You will be under the new RGEP I don’t know if this is a good thing or not, but you’re now expected to take the required subjects under the new Revitalized General Education Program (RGEP). Under the old program, students were free to choose whatever subject they want – thus giving us, your humble upperclassmen, the option to choose “uno-able” subjects and professors. In the new program, students are

required to take subjects deemed important by the university in every domain (English 10, Math 1 and Kasaysayan 1, among others). Of course, ideally, we suck, because the new RGEP is better. But I’d rather be called a loser than have a GWA of 3.0.

4. You will be the batch that would see the regular Collegian for the first and last time… …unless the student paper manages to address its plummeting funds by the end of the academic year. The Philippine Collegian, now in its 90th year, has a mandate to publish weekly issues for the students. To keep this mandate, the paper is now launching a signature campaign to increase the publication fee from the current P40 to P72 to shoulder the rising operation and maintenance costs. If the campaign fails, the paper has no choice but to perform extreme measures such as reducing the number of issues and circulation of the publication. No, I won’t apologize for being an asshole. After all, to apologize is tantamount to denying the realities of UP’s eroding public character, which the Collegian will continue to defend as it celebrates 90 years of critical and fearless journalism.

Minsan, isang umaga Parang magbarkada lang kami ng nanay ko. At bilang matalik na kaibigan, alam kong may problema kapag limang minuto na kaming nakaupo sa hapag-kainan at wala pa rin siyang imik. Kahit “Hello, anak” o “Anong lakad mo ngayon,” wala. Nang bigla siyang bumuwelo para sa isang mahaba’t malalim na buntong-hininga, alam kong ito na — heart-to-heart talk na naming dalawa. Pero hindi ko inakalang umagang-umaga, ganoon ang ibabalita niya sa akin. Malapit na raw matapos ang pagproseso ng application niya sa isang architecture firm sa Saudi. Mga Agosto o Setyembre, baka umalis na siya. Mas okay pa sana sa akin kung sinabi niyang, “Anak, buntis ako pero hindi ko kilala ang tatay.” O ‘di kaya, “Anak, tibo yata ako.” Pero hindi e — nagplano ang nanay kong mag-abroad nang hindi ako kinokonsulta. Gusto ko sanang mang-usisa. Gusto kong tanungin kung kailan siya unang pumunta sa embahada ng Saudi o kung sinong mokong ang nagtanim sa utak niya na pwede niya akong iwan dito sa Pilipinas kasama ng lolo kong hindi ko naman nakakausap. Pero ayokong ipakita sa kanyang nagpa-panic ako, na sa pagitan ng mga segundo pagkatapos niyang ibahagi ang balita at bago ako sumagot ng “Weh?” panandalian yatang nag-short circuit ang utak ko. Tiyak akong kahit siya, hindi kumbinsido sa pag-alis ng bansa at pag-iwan sa akin. Matipid siya sa kuwento ngayon. Parang tinatantya niya ang bawat salita na sasabihin at sinusukat ang haba ng pangungusap na sasaklaw sa pinakamalinaw na paliwanag. Parang hindi siya ang nanay na itinuro ang poster ni George Clooney nang tanungin ko kung sino ang tatay ko. Parang hindi siya ang nanay na paulit-ulit na pinatugtog ang Houses of the Holy ng Led Zeppelin noong mga panahong halos makabisa ko na ang Baby One More Time ni Britney Spears. At dahil hindi naman ako masyadong nagtatanong o nagpapahiwatig ng pagtutol, ibinaling niya sa ibang bagay ang usapan. “Nasa table sa sala ‘yung pinapirmahan mo sa akin kagabi,” sabi niya. Saka lang ako bumalik sa realidad nang sinabi niya iyon. Oo nga pala, enrolment na naman. “Naku, Ma. ‘Pag natuloy ka d’yan sa Saudi, maba-Bracket A ako,” sabi ko sa kanya. Ngumiti siya. “Bracket A, Bracket B. Parang multiple choice lang,” sagot niya. Napangiti ako. Gusto ko sanang magkuwento tungkol sa mga kakilala kong may kanya-kanyang “horror story” sa STFAP. Katulad ni Mark* na naging Bracket C mula Bracket D dahil umamin siyang dalawa ang cellphone niya — dalawang Nokia 3310. Si Lisa* naman, nanay niya ang nag-aasikaso ng STFAP application. “Mukha kasi akong mayaman kaya hindi sila naniniwala sa akin,” sabi niya. Pero tumahimik na lang ako. Wala pang alas-nuebe, nasaid na ang sigla ko. Patapos na kaming kumain nang pumasok si Lolo sa silid-kainan. “Hello, Pa,” bati sa kanya ni Mama. Umupo si Lolo sa harap ng nakataob na pinggan na nakalaan para sa kanya. “Sasabay akong kumain a,” sabi niya. Ito na yata ang pinakakaiba at pinakamabigat na umaga. *Hindi tunay na pangalan


‘Bracket B certification hikes UP tuition’

Inbox

Eksenang Peyups

STFAP, A SMOKESCREEN FOR TUITION INCREASE

DEH WIZ KALIFAH EDISHUN!

From Page 3 The continuing decrease in the number of students in the lower brackets and the upsurge in the higher brackets reflect how the STFAP served as a means to increase tuition, Arguelles said. The high cost of UP tuition has also changed the demographics of UP students, as only those coming from higher income families could afford to study in UP, Arguelles explained. With the base tuition pegged at P1,500 per unit, a Bracket A student enrolled in 21 units now has to pay around P33,500 per semester. This is almost 270 percent higher than the P9,112.95 national average tuition in private universities computed by the Commission on Higher Education for 2012. Since the last tuition increase implemented in 2007, the number of UPD freshman enrollees has decreased annually by an average of three percent until 2009, based on data from the Office of the University Registrar. ‘SCRAP STFAP’ The strict implementation of the new STFAP policy prompted several protest actions from different student groups that calls for the scrapping of the program. Protests against STFAP were also seen on social networking sites. “In UP, one is presumed rich until proven poor,” according to one of the online posters circulating on Facebook. However, the UP administration is unfazed with the calls to scrap STFAP. “The number of students who appeal to lower their bracket assignment is only 350 to 400 every year. Ang mga nagrereklamo naman ‘yung mga hindi apektado,” Pascual told the Collegian. While the administration recognizes the flaws of the current STFAP particularly on the socio-economic indicators used to assess students’ capacity to pay tuition, scrapping the program is not an option, said Pascual. “If we scrap the STFAP, students who presently enjoy free tuition will then have to pay. We don’t want to deny our students education.” The administration is set to conduct an STFAP policy review, which aims to simplify the socio-economic indicators and revisit the income cut-off in each bracket, said Pascual. The administration is looking into the possibility of instituting a “super rich” bracket for students who can pay more than the P1,500 Bracket A rate, he added. Despite Pascual’s claim that only a small portion of the student body is not satisfied with the current STFAP, a study conducted by the Office of the SR (OSR) in July last year revealed that 90 percent of respondents were not satisfied with their bracket assignment. Data from the OSSS also show that one in every 10 STFAP beneficiaries in UPD appealed for lower bracketing last year. “STFAP, as a principle, is a mechanism to ensure the accessibility of UP education but the present program is not living up to its principle,” said USC Chairperson Gabriel “Heart” Diño. “It is crucial that UP must understand that policies such as STFAP fit into the long-standing policy of the past and present governments to abandon [their] responsibility to provide subsidy and to privatize educational institutions,” said Arguelles.

It is said that all one needs to be in UP is one’s ability. Times have proved otherwise. As an outcome of incessant budget cuts in the University, the UP administration has resorted to stricter implementation of the Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) to ensure a steady flow of income generated from tuition paid by students. When the STFAP was first introduced in 1988, it was used to justify the impending tuition increase then, according to Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa UP. The same tactic was used in 2006, when the STFAP was restructured to convince students to readily accept the 300% tuition hike. Now, a few days before this semester’s enrolment period, students were hounded by the simple revision of the STFAP application process, which effectively implemented a P500/unit tuition hike. All students were assumed to belong to Bracket A, which compels them to pay P1,500 per unit—an amount little less than the full cost of a UP education estimated at P1,531 per unit by the current administration. The default Bracket B, which charges students P1000 per unit, is in essence, abolished. Only upon submission of documents and undergoing tedious process can a student qualify to avail lower tuition and/or stipends. The same issue welcomed the opening of the previous academic year, when UP Vice President for Academic Affairs Gisela P. Concepcion released a memo requiring students, especially incoming freshmen, to submit additional documents (notarized income tax return and house vicinity map) to be assigned to Bracket B. Half of the freshmen who enrolled last year were classified under Bracket A. In more than two decades of its implementation, STFAP has maliciously led students to believe that it facilitates an accessible UP education through a mechanism where “those who can afford should pay more, those who cannot shall be subsidized.” But the experience of the Iskolar ng Bayan proves that STFAP has been nothing but a smokescreen for tuition increase; a means to ensure that more students will pay more and less students can avail of free quality education. However, the University administration is not wholly to blame in this situation as the state continues to cut the budget for state universities and colleges (SUCs). The stricter implementation of the Bracket B certification is a clear manifestation of the repercussions of continued state neglect to SUCS like UP. As a means to augment its measly budget brought by years of budget cuts, the University has relied on different student fee increases and commercialization schemes to maintain its operations—policies which only further narrowed the majority of the Filipino youths’ access to higher education. And as SUCs continue to venture into income-generating schemes, it only justifies the government’s logic of SUC self-sufficiency, where the State systematically scrimps the subsidy it is legally obliged to provide. STAND UP believes that for up to perform its supposed role of providing quality and accessible education to poor but deserving students, it should do away with flawed policies such as STFAP that continue to bar the youth from accessing a UP education. We stand by the principle that all UP students, regardless of socio-economic status, deserve full state subsidy for their education. If the Aquino administration is truly sincere with its “daang matuwid” rhetoric, then it should allot more budget to basic social services like education, so that UP and other SUCs can perform its mandate to cater to the poorest Filipinos. But Aquino’s actions—prioritizing debt servicing, militarization, and privatization of government assets over basic social services—show otherwise. We call on all Iskolar ng Bayan to stand up for their democratic right to education! Mas mataas na badyet sa edukasyon, hindi increase sa tuition! Tutulan ang tuition increase sa porma ng STFAP! Scrap STFAP! Rollback the tuition! Fight for greater state subsidy! Struggle for a nationalist, scientific, mass-oriented education!

- Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND UP)

Textback NEXT WEEK’S QUESTIONS: 1. Kung ikaw ang papipiliin, gugustuhin mo bang sumailalim sa K-12 program ng DepEd? Bakit o bakit hindi? 2. Anong masasabi mo sa new look ng Kulê?

Hello mga tehs, klosetas, bitches, unknowns and devils na naglipana across our beloved UP, musta na kayo? Nagbabalik ang inyong super wonderful kabogerang echosera with all these tumitilamsik na pasabog! Like my ears caught this jizz na wiz na wiz while singing: “I’m at a payphone trying to call home, all of my change I spent in you.” WIZ #1: Da who itetching atey na bet na bet ang pakikipagwarla here, there and everywhere! Kapag dehinz daw type ni ate girl ang iyong lifestyle eh sey goodbye ka na sa inyong friendship. As in burgis-burgisan ang peg ni ate from the richie subdivis- OPINYON hun! Aba itong si ate umachib pa ng boylet na dehins madatung like her, Miyerkules 13 Hunyo at binackstab pa si boylalu. Gedhz 2012 kalurkey standards mo! Nako atey, isip isip po tayo ah, State U iteching pinazukan mo not Areneowwww or Animooooow. WIZ #2: Sinetch namang itetching papa-ohhh-lala na Iskolar and teleserye boy na mama-ohhh-lala pala on the inside. Sniff sniff mga beks. Ayon pa sa aking narinig eh obar daw kung maka-jelly fish itong si reyna kloseta sa mga girlaloong nakakajoin ng kanyang juwawoo. Kapag dehinz na nakekebs ang jelly jelly eh laslas-pulso daw si ateng. Keriboom niya daw madedz kesa machururu ng iba ang kanyang labidoobidoo. Nakakalurkey si koya. Havey na havey! You olredey! WIZ #3: Gedhz! May baklitang lutang in lugaw ang brains while having fun with his beki friends sa Kulutera office! Aba si koyang, nang tinanong about any bands he knew napausal siya ng “Florence and the Nightingale.” Infairnez, si kuya naman kasi pano ba naman di mauutal at lulutang e ang katabi niyang bekibelles bukaka to the max like a frog ang peg. Hmm, koya chupchup na! Char! Ay mga teh, kapagod, pero di pa tapos ang kahagardoohan ng pilahan ng full of crap na StFLOP. Juzkrez iscrap na nga yan, painit lang sa mga balls! Well see yah next week!

Get free publicity! Send us your press release, invitations, etc. DON”T TYPE IN ALL CAPS. And go easy on the... punctuations!? dOn’t uSe tXt LanGuage pLs. Provide a short title. 100 words max. Email us at kule1213@gmail.com

Newscan UP FRESHIE WEEK 2012

LET’S CLARIFY: FORUM ON

UP STREET ON THE ROAD TO

NOLI ME TANGERE: THE

FRESHIES! Feel na feel niyo na ba ang saya ‘pag Freshie? Pwes, mas mafefeel niyo pa ang saya ng pagiging bagong Isko at Iska this July 2-7 dahil sa mga inihanda naming cool na cool at fun na fun na activities and events for UP FRESHIE WEEK 2012! Siguraduhing Lunes hanggang Sabado ay present kayo dahil dito, tanging mga Freshies lang ang bida! Markahan na ang mga kalendaryo, mag-textbrig na sa mga blockmates, maghatak na ng mga dorm-mates and enjoy the perks of being a freshman. Don’t miss your chance, because you’re only Freshies once! Kitakits! :) For more details, contact UP Advertising Core.

IMPLEMENTED BRACKETING

WORLDS

OPERA RESTAGING OPENS

SCHEME OF STFAP

The UP Streetdance Club, the University’s official hip-hop dance group is set to compete in the Mega Crew division of the World Hip Hop Dance Championships this August in Las Vegas, Nevada. The Crew, the elite group comprising of UP Street’s best dancers and choreographers will compete in the Adult division. Auditions will be on June 25 and 27 at the UP Gym. The required orientation will be on June 20, at the UP Gym. Fore more updates, follow UP Streetdance Club at Facebook and Twitter (@upsdc)

DUP’S 37TH SEASON

Got troubled on your STFAP bracket? What staple process do you need to do during enrolment? We know you have questions. Now, let’s clarify them on June 14, 2012 (4-7PM) at the College of Education Theatre. Prepare your questions and suggestions. You can also send those to usc.updiliman@gmail.com. See you!

Dulaang UP opens its 37th season with the restaging of the criticallyacclaimed Noli Me Tangere: The Opera, with direction by Alexander Cortez and music direction by Camille Lopez Molina. The production features some of the country’s finest opera singers. Noli Me Tangere: The Opera runs July 18-22, 25-29; August 1 & 2, 8-11 (W - F, 7pm; Weekends, 10 am and 3pm) at the Wilfrido Ma. Guerrero Theater, Palma Hall, UP Diliman. Contact the DUP Office at 926-1349, 981-8500 local 2449 or 433-7840.


Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Dilman Tomo 90, Blg. 01 Hunyo 13, 2012


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.