Police violence fails to thwart ‘Occupy Mendiola’ — Page 3 Philippine Collegian Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman 12 Disyembre 2011 Taon 89, Blg. 20
Holiday blues Christmas stories we seldom hear Page 8 - 9
Christmas bonus Pagtubos sa diwa ng Pasko Ri
os
nn
e
Pahina 6 - 7
h Dibu
o ni
na
R
li DA
po
sa
ar M at
ia
Maximum tolerance
Tugon sa pandarahas
Ang pagbabalik ng Lucida Sky
Opinion Page 10
Editoryal Pahina 2
Komix Pahina 11
On a lighter note Terminal Cases Delfin Mercado
“Humankind cannot gain anything without first giving something in return. To obtain, something of equal value must be lost. That is alchemy’s first law of Equivalent Exchange. In those days, we really believed that to be the world’s one, and only, truth.” – Alphonse Elric, Full Metal Alchemist My mother always told me to save my smiles for rainy days. “Don’t laugh too much, you’ll end up crying as hard,” she often reminded me. It’s a family belief – that the number of smiles would be equivalent to the number of frowns, that crying all night forebodes the coming of great joy. As such, we grew up restraining our laughter, and cried when we have to. Of course, being the cynic that I am, I always tried to test my mother’s theory. And every time I did, it became clearer that she was right. Like the time Nina, my cancer-stricken sister, died six years ago. We all knew she was leaving us, but we still cried loads when she finally passed away. A week after, my mother got promoted in her job, my father won P22,000 in the lottery, and I, well, I received my UP admission slip. But I thought, were the tears I shed for my little Nina equivalent to the joy of passing the UPCAT? Was my parents’ grief for a departed child equivalent to the joy of winning the lottery or getting a promotion? And yet I continued to believe. And that is why I seldom smile or laugh. For I fear sorrow. There were even times when I intentionally watch tragic movies, knowing that if I cry, the intensity of happiness that will come in exchange will be phenomenal. Silly, but I stick to this belief. Even now, as a new chapter of my life unfolds. Apart from writing “thoughtprovoking” pieces, for more than six months, I wrote mostly about tragic, depressing stuff. And now, I think, I owe you all a lighter and happier article. We barely know each other. One day, she came up to the Collegian office, in the fourth floor of one of the dingiest buildings on campus. She invited the sleepless souls stuck in Room 401 to come down and attend an event her organization organized. “There’s free food,” she said finally, and we obliged. At the event, our eyes met more often than necessary, and our stares lingered longer than what was considered polite. Soon, we were texting. And eating lunch. And laughing at each other’s jokes. It has only been two weeks since we met but we are already planning on how to spend the holidays together. And the best part is, she shares my beliefs. “Ako din, nag-iipon ng ngiti. Para yata dito ‘yun,” she remarked when I told her about my family’s absurd belief. My mother may indeed be right. All the intentional sadness and restraint is beginning to pay off. Or maybe it’s just the season, I don’t know. One thing’s for sure, this Christmas, I’m happy. ●
2 • Kulê Opinyon
Lunes 12 Disyembre 2011
Tugon sa pandarahas Laksa-laksang pulis ang sumalubong at humarang sa mahigit isang libong raliyistang tinangkang magtungo sa Mendiola. Mga pamalo at water cannon ang tinapat sa walang kalaban-labang kabataan, manggagawa, magsasaka at iba pang sektor na lumahok sa demonstrasyon. Ganito sinalubong ng rehimeng Aquino ang “Camp-out PH” nitong nagdaang linggo. Binalak ng kabataan at iba pang sektor na magdaos ng limang araw na camp-out sa Mendiola, na lunang simbolo ng pakikipaglaban sa mga represibong rehimen mula pa noong panahon ng Batas Militar. Hango sa pandaigdigang protesta laban sa pananamantala ng iilan, inilunsad ang “Occupy Movement” sa bansa upang manawagan para sa ganap na pagbabagong panlipunan. Ngunit dahas ang itinugon ng rehimeng Aquino sa lehitimong daing ng sambayanan. Paulit-ulit na itinaboy ang mamamayang nagpapahayag ng kanilang galit sa kasalukuyang sistema, at noong Disyembre 7, tatlong araw bago ang pagdiriwang ng International Human Rights Day, 46 ang nasaktan, 6 ang inaresto, at 3 ang naospital dahil sa pandarahas ng pulisya. Ikinulong at kinasuhan ng pulisya ng sedisyon o pag-aalsa ang ilan sa mga nakilahok sa camp-out, na tila pagtataksil sa bayan ang magprotesta, gayong batayang karapatan ng mamamayan na nakasaad sa Saligang Batas ang malayang pagpapahayag ng hinaing. Ngunit sino nga ba ang taksil sa bayan? Sa paggamit ng kamay na bakal laban sa sarili nitong mamamayan, muling nailantad ng gobyerno kung kanino ito tunay na nagsisilbi – sa iilang kontrolado ang pambansang ekonomiya at pulitika. Hindi ito ang unang beses na nawaglit ang tabing ng kasinungalingan ng kasalukuyang rehimen. Sa isa’t kalahating taon ni Aquino sa puwesto, sagad-sagaran nang nayurak ang ilusyon ng pagbabagong kanyang kinatha noong eleksyon. Nariyan ang pagpanig ng gobyernong Aquino sa pamunuan ng Philippine Airlines matapos ang walang-awang pagsibak ng kumpanya
QUOTED I have peace of mind dahil malinis ang aking konsyensya. – Former President Gloria Arroyo in an exclusive interview with GMA News before being transferred to VMMC, gmanetwork.com, Dec. 8
Napaka-imaginative ng Pilipino at di nauubusan ng mga bagong paraan ng pagdurusa. — from Si Amapola sa 65 na Kabanata, Ricky Lee’s 2nd novel, 2011
James Liwanagan
sa libu-libo nitong manggagawa. Nariyan ang paggiit ni Aquino na marapat makatanggap ng “just compensation” ang kanyang mga kamag-anak sa Hacienda Luisita, gayong ilang dekadang sinamantala at dinahas ng mga Cojuangco ang mga magsasaka ng asyenda. At ngayon, sa muling paggamit ng estado ng dahas, wala na ngang pinagkaiba pa ang kasalukuyang rehimen sa mga nagdaang pamunuang walang habas na nilalabag ang karapatan ng mamamayan. Higit na nagiging malinaw na hindi layon ng gobyernong sagutin ang mga hinaing tulad ng patuloy na pagbaba ng paggasta sa mga batayang serbisyo at pag-iral ng kahirapan, at sa halip ay handa pa nitong supilin ang ating karapatang magpahayag at makialam. Isang malaking kabalintunaan na sa halip na punahin, binigyang-pugay pa ng Estados Unidos ang pamahalaan dahil umano sa dedikasyon nito sa pagtatanggol sa karapatang pantao. Taliwas ito sa pinakahuling ulat ng grupong Karapatan, kung saan naitala
ang may 64 kaso ng pulitikal na pamamaslang, 6 na kaso ng sapilitang pagdukot, at 51 biktima ng tortyur mula Hulyo 2010 hanggang Oktubre 2011. Taliwas ito sa katotohanang magpasahanggang ngayon, hindi pa rin napalilitaw ang dinukot na mga estudyante ng UP na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño, at wala pa ring kasong naisasampa ang gobyerno laban sa mga sangkot sa paglabag sa karapatang pantao, kabilang na si Ret. Maj. Gen. Jovito Palparan at Gloria Arroyo. Pansamantala mang napahinto ng karahasan ang protesta, hindi magpapatinag ang sambayanan sa paglikha ng kasaysayan — kasaysayang nagpatunay na hindi mapatatahimik ng pandarahas ang mga daing ng sambayanan. Sa halip na magkibit-balikat, higit pa tayong nararapat magpatuloy na lumaban at igiit ating mga karapatan – sa sapat na pondo para sa edukasyon, kalusugan at iba pang batayang serbisyo, sa nakabubuhay na sahod, sa malayang pamamahayag.
Editoryal
Kung pipiliin ng pamahalaang pagsilbihan ang iilan, tayo – ang sambayanan – ang kanyang magiging kaaway. Sapagkat desidido ang pamahalaang supilin ang ating mga karapatan, higit pang nararapat tayong makibahagi sa pakikipaglaban. Ang pananahimik sa amba ng karahasan ay pagtatakip sa mga kasalanan ng estado. Ang manatiling nakayuko sa nakasanayang kaayusan ay higit na pagpanig sa karahasan. Sa muling pag-iral ng pandarahas, walang ibang nararapat itugon kundi pagbalikwas. ●
Philippine Collegian www.philippinecollegian.org Punong Patnugot Marjohara S. Tucay Kapatnugot Richard Jacob N. Dy Tagapamahalang Patnugot Dianne Marah E. Sayaman Panauhing Patnugot Glenn L. Diaz, Larissa Mae A. Suarez Patnugot sa Balita Victor Gregor Limon Patnugot sa Lathalain Mila Ana Estrella S. Polinar Patnugot sa Grapiks Chris Martin T. Imperial, Ruth Danielle R. Aliposa Mga kawani Ma. Katherine H. Elona, Kevin Mark R. Gomez, Marianne F. Rios, Ma. Victoria M. Almazan, Ysa V. Calinawan Pinansiya Amelyn J. Daga Tagapamahala sa Sirkulasyon Paul John Alix Sirkulasyon Gary Gabales, Amelito Jaena, Glenario Ommamalin Mga Katuwang na Kawani Trinidad Gabales, Gina Villas Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Plipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1112@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations, College Editors Guild of the Philippines
The elections are approaching and people’s trust is low. This means that the ruling class has to think about how it should behave next. — Alexei Malashenko, Russian politics expert, on the mass protests against Prime Minister Vladimir Putin’s 12-year rule, interaksyon.com, Dec. 11
But imagine what a challenge it would be if we were truly seditious – if we had brought guns and bats instead of placards and tents, if we instructed chemistry students to make molotovs, if we hated Aquino only because he has no hair and no girlfriend, if we had invited everyone to march into Malacañang instead of to a concert along Mendiola. — Student Regent Ma. Kristina Conti, Facebook note on the violent dispersal of Camp-out PH protesters, Dec. 7
3 • Kulê Balita
Lunes 12 Disyembre 2011
Police violence fails to thwart ‘Camp-out PH’ Victor Gregor Limon Despite heavy rains and violent dispersal measures earlier employed by the police force, hundreds of students, workers, peasants, and members of other sectors successfully “occupied” Mendiola Bridge near Malacañang Palace in Manila on International Human Rights Day, December 10. Forced to camp out in several locations around Mendiola in previous days, the demonstrators finally reached the historic bridge on Saturday, where they held an indignation rally against human rights violations that continue under President Benigno Aquino’s regime. Inspired by the worldwide “Occupy” movement, the camp-out was launched to decry the country’s worsening economic crisis, poverty and denounce the government’s failure to deliver and prioritize basic social services, such as education, health, and employment. Members of youth and student groups attempted to march towards Mendiola as early as December 6, but police forces from the Manila Police District barricaded Recto Avenue andthe protesters were forced to set up camp at Plaza Miranda in Quiapo. On December 7, the militant groups again clashed with police forces as they marched toward Mendiola Bridge. The protesters were dispersed with truncheons and water cannons, forcing them to retreat and camp near Bustillos church. According to a report published on www.campoutph.com, 46 protesters were injured, while five, including UP student Jed Aquino, were arrested and detained on charges of sedition and illegal assembly. They were released on December 9 after the charges were dismissed. Leaders of various sectoral groups and other organizations denounced the brutal dispersal, including UP President Alfredo Pascual. In his official statement, Pascual explained that the protest action is a “legitimate expression of civil and political rights guaranteed under the Constitution.” Labor group Kilusang Mayo Uno also denounced the police violence as an “overkill.” “We condemn the Aquino government’s repression of our right to hold protests even as it fails to solve the growing hunger and poverty in the country. The president, a beneficiary of the Hacienda Luisita massacre for which he has not sought justice, is showing a glimpse of the iron hand hidden under his velvet glove,” KMU
chair Elmer Labog said. “The Aquino government’s attempt to quell legitimate protests is terribly juvenile and is a classic act of baring the fangs of a repressive regime upon the youth. It is ironic because the nation, including the government, is commemorating the International Human Rights Day,” Karapatan deputy secretary general Jigs Clamor said. In its 2011 Year-End Human Rights Report, Karapatan documented 64 cases of extrajudicial killings, 343 illegal arrests, and various other human rights violations under Aquino’s 16 months in power. According to Kabataan Partylist Representative Raymond Palatino, “Camp-out PH” is only the beginning of a movement that will seek to change the current system that effects social injustice. “The strikes and occupy protests sweeping the world are brewing here in the Philippines because of the social crisis the Filipino people are growing tired of experiencing. No cosmetization of the crisis or exercise of fascism on the part of the government can prevent the people from asserting their rights and welfare,” he added. ●
VICTIM. A protester lies in a long streamer signifying Aquino’s “daang matuwid” in a protest action during the celebration of the International Human Rights Day in Mendiola on December 10. Laden with stains of bloody footprints, the streamer was likened to Aquino’s worsening record of human rights violations in his first 16 months in office. Chris Martin Imperial
39-year-old Technohub land dispute continues Isabella Patricia H. Borlaza A 39-year old land dispute involving a private individual’s claim of a part of UP Diliman property is set to be reviewed once again, after the Office of the Solicitor General (OSG) submitted a second motion for referral to the Supreme Court (SC) on November 24. On August 3, the OSG, which handles government cases, submitted a motion for referral to the SC on the case, since it involved “a large tract of government land reserved for the national university and represents substantial business investments from various private partners.” Zeullgate Corporation, who now represents the deceased original claimant Segundina Rosario, petitioned the Quezon City(QC)
Regional Trial Court (RTC) for a reconstitution of Rosario’s transfer of certificate title (TCT) to a plot of land, which is said to overlap with the UP North Science and Technology Park or the UP-AyalaLand Technohub located along Commonwealth Avenue. Rosario received her TCT as a “deed of absolute sale” from the spouse of the previous claimant, Rosario Alcovendas de Ramos in 1988. However, Rosario’s TCT was allegedly lost in a fire at the Quezon City Hall Register of Deeds later that year. However, the OSG argued that Rosario’s documents were “fraudulent,” while the Office of the Vice President for Legal Affairs (OVPLA) said that “[t]he ownership over UP’s landholdings is an act of Congress and can no longer be questioned.”
Section 22 (b) of the UP Charter or Republic Act 9500 states that “the absolute ownership of the national university over these landholdings, including those covered by original and transfer certificates of title in the name of the University of the Philippines and their future derivatives, is hereby confirmed.” Further details on the case, however, are still under jurisdiction and are yet to be disclosed to public, according to the OVPLA. The dispute roots back to 1972, when UP filed a motion for intervention to the RTC against Datu Ditingke Ramos whose 1971 land title coincided with the then UP North Campus, according to a report of the SC on March 28, 2001. On June 6, 1973, the RTC denied the motion to dismiss the case since
the land “does not encroach on UP property.” Two days later, the RTC granted the land certificate title to Ramos’ widowed spouse. In 2003, another individual, Domingo A. Cañero also claimed ownership over a part of the UP-Ayala Technohub property, saying that his TCT also caught fire at Quezon City Hall in 1988. The September 8, 2004 ruling of the Second Division of the SC dismissed the case and concluded that “UP’s title had already been validated countless of times by this Court.” Originally meant as an IT laboratory for science and technology, the UP-Ayala Technohub is host to various business establishments, such as business process outsourcing companies. The OVPLA however declined to disclose if the Ayala Land Inc.’s six billion 25-year lease on the 20 hectares of the 37.5 hectare property would be affected by this case. To date, 13 cases of land dispute over UP Diliman property have been settled by the SC in favor of UP. ●
4 • Kulê Balita
Lunes 12 Disyembre 2011
Paglipat kay GMA sa VMMC, binatikos Mary Joy T. Capistrano Kasabay ng marahas na tangkang dispersal ng kapulisan sa naganap na “Camp-out PH,” inilipat na noong Disyembre 9 ang dating pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC). Ipinag-utos ni Judge Jesus Mupas ng Pasay City Regional Trial Court Branch 11 ang paglipat kay Arroyo sa VMMC bilang bahagi ng kanyang hospital arrest, matapos siyang bigyan ng tatlong araw na palugit na manatili sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City. Binatikos ng mga militanteng grupo ang nasabing desisyon na ilipat si Arroyo sa VMMC at ang tila pagbibigay ng ‘special treatment’
sa dating pangulo. Ayon sa mga militanteng grupo, dapat sa kulungan manatili si Arroyo at hindi sa loob ng ospital. Isinailalim si Arroyo sa hospital arrest simula noong Nobyembre 18, matapos siyang sampahan ng Commission on Elections (Comelec) ng kasong “electoral sabotage” sa halalan noong 2007. Kasama rin sa mga akusado sina dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. at dating Maguindanao Election Supervisor Lintang Bedol. Lulan ng isang seven-vehicle convoy, dumating si Arroyo sa VMMC dakong ika-4 ng hapon. Naantala pa ang nasabing paglipat dahil tumanggi umanong sumakay sa helicopter na inihanda ng pulisya si Arroyo dahil masama ang panahon. “May trauma
rin siya sa pagsakay ng helicopter nang masama ang panahon dahil sa dalawang surviving accident na naranasan niya,” dagdag pa ni ElenaBautista Horn, spokesperson ni Arroyo.
‘Ikulong na’
Kasama ang pamilya ng mga biktima ng pulitikal na pamamaslang sa ilalim ng termino ni Arroyo, nagprotesta sa harap ng gate ng VMMC ang mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan, Bayan Muna at Gabriela para ipanawagan na dalhin na sa kulungan si Arroyo at pagbayarin sa kanyang mga kasalanan. “[Tinututulan namin] ang ginawang desisyong ilipat si GMA sa isang magarang ospital. Panawagan namin na sa kulungan siya dalhin, hindi sa isang magarang ospital na katulad nito, binibigyan pa siya ng pribilehiyo,” pahayag ni Glenn Malabanan, DeputySecretary General ng KarapatanSouthern Tagalog, isang grupong nagsusulong ng karapatang pantao. Sa tala ng Karapatan, tinatayang 1,206 ang naging biktima ng extrajudicial killings, 206 ang mga nawawala at 337 ang biktima ng ilegal na pagkakakulong sa siyam na taong termino ni Arroyo. Binatikos din ng grupo ang isyu ng pagbibigay ng pahintulot kay Arroyo na diktahan ang pulisya kung paano siya dadalhin sa VMMC. “Arroyo’s detention place is not prison; this is haven. For somebody who has committed thousands of human rights violations in a span of a decade, this is undoubtedly special treatment,” ani Malabanan. Sa panayam kay Arroyo ni Arnold Clavio ng GMA 7 noong Disyembre 8, sinabi niyang pauna na siyang hinusgahan ng administrasyong Aquino. Aniya, malinis ang kanyang konsensiya at bukod-tangi niyang layunin sa kanyang pagkapangulo ang maglingkod. “We are fed with the lies of the Arroyo camp. What she said about having a clear conscience is an insult to the families who lost their loved ones under her regime,” dagdag pa ni Malabanan.
Nakabinbing detensyon
Kasalukuyang pinagdedesisyunan ng korte ang pagdadala kay Arroyo sa ordinaryong detention center matapos pansamantalang malipat ang dating pangulo sa VMMC sa ilalim ng kustodiya ng National Defense Force (NDF). IMPENETRABLE. UST Tigresses Midori Hirotsuji and Maria Carmela Tunay block the attempted kill of Lady Maroons spiker Pauline Genido at the FilOil Flying V Arena in San Juan on December 11. The Maroons suffered their fourth straight loss in the season, settling for a 1-3 set finish. John Keithley Difuntorum
Ayon kay Comelec spokersperson James Jimenez, mahirap pa raw na magkomento sa mga proposal ng mga militanteng grupo na agarang ikulong si Arroyo kapag magaling na ito. Ani Attorney Jose Pelicano, clerk of court ng Pasay RTC Branch 112, maghahain ng mosyon at petisyon ang kampo ni Arroyo na kinakailangang resolbahin ng korte bago ito makapaglabas ng resolusyon ukol sa kaso. Inaasahan din ng RTC na maghahain ng mosyon ang panig ni Arroyo na magkaroon ng piyansa ang nasabing kaso kahit pa nakasaad sa
batas na walang piyansang dapat ilaan sa mga inaakusahang nagkasala sa kasong electoral sabotage. Samantala, pinatitigil ng kampo ni Arroyo sa Korte Suprema ang kasong electoral sabotage laban sa dating pangulo at hinihiling na maglabas ng TRO at writ of preliminary injunction sa susunod nitong “full court session” sa Disyembre 13. ●
Presyo ng Pasko Isabella Patricia H. Borlaza Pag-ihip ng hanging amihan, untiunting naiilawan ang gabi ng kumikindat-kindat at makukulay na ilaw, kasabay ng kililing at tambol sa kalye ng mga nangangaroling. Ngunit sa kabila ng mainit na pagsalubong sa Pasko, inilalahad ng mga sumusunod na numero ang tunay na halaga ng pagdiriwang: Bilang ng pamilyang Pilipino na maghihigpit sa mga gastusin ngayong Pasko ayon sa sarbey ng Social Weather Stations (SWS): 1 sa bawat 5 Halaga ng limang talampakang Christmas tree: nasa P5,000 pataas Halaga ng isang dosenang Christmas balls: P250 pataas Halaga ng LED Christmas lights para sa nasabing Christmas tree: P400 pataas Halaga ng buwanang konsumo sa kuryente ng Christmas lights na binubuksan ng isang oras kada araw, ayon sa Meralco: P17 hanggang P19 Halaga ng limang talampakang Christmas tree na may dekorasyon: P7,000 pataas Bilang ng araw na ipinagdiriwang ang Pasko ayon sa simbahang Katoliko: 21 Halaga ng isang kilo ng NFA rice: P27 Dami ng kilo ng bigas na mabibili sa halaga ng isang Christmas tree: mahigit 260 Bilang ng araw na itatagal ng ganitong dami ng bigas: mahigit 540 Suggested retail price ng isang kilo ng Noche Buena hamon: P170 Halaga ng isang kilo ng galunggong sa palengke: P120 Bilang ng piraso ng galunggong na mabibili sa halaga ng hamon: 12 Halaga ng 500 gramo ng queso de bola sa SM Hypermarket: P750 Halaga ng LPG: P662 hanggang P735 Halaga ng isang bote ng mantika: P35 Halaga ng isang basket ng bilog na prutas sa SM Hypermarket: mahigit P700 Halaga ng isang pirasong mansanas sa Divisoria: P8 Pinakamababang pasahe sa jeep: P8
Halaga ng capiz na parol: P1,600 pataas Karaniwang buwanang konsumo sa kuryente ayon sa Meralco: P1,609.52 Halaga ng parol na gawa ng mga bilanggo sa Bureau of Jail Management and Penology: P50 hanggang P150 Halaga ng isang kilong PET bottles na kinokolekta ng mga bata sa kampus: P10 Pinakamababang halaga ng laruan na mabibili sa Divisoria: P10 Halaga ng Barbie collector 2011 holiday doll: P1,500 pataas Halaga ng dalawang kilo ng powdered milk para sa sanggol na wala pang isang taong gulang: P1,078 Bilang ng araw na itatagal ng nasabing gatas: mahigit 10 Halaga ng isang pambatang libro sa National Book Store: P25 Halaga ng Sony PlayStation 3: P12,500 pataas Bilang ng librong mabibili gamit ang nasabing halaga: mahigit 500 Pinakamababang sahod na dapat matanggap ng isang manggagawang Pilipino sa National Capital Region kada araw ayon sa gobyerno: P426 Lingguhang kita ng isang magsasaka sa Hacienda Luisita: P9 Pinakamaliit na kitang kailangan ng isang pamilyang Pilipino na may anim na miyembro para makapamuhay nang disente ayon sa National Statistics Coordination Board (NSCB): P957 Dapat na kita para mabigyan ng 13th month pay ayon sa gobyerno: P1,000 pataas Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ngayong taon, ayon sa gobyerno: 7 sa bawat 100 Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ngayong taon, ayon sa Ibon Foundation (IBON): 1 sa bawat 10 Bilang ng mga Pilipinong umaalis ng Pilipinas kada araw para magtrabaho sa ibang bansa ayon sa Philippine Overseas Employment Administration: 4,030 Bilang ng pamilyang Pilipinong may Overseas Filipino Worker (OFW): 3 sa bawat 5 Halaga ng Globe OFW sim: P80
continued on page 5 >>
5 • Kulê Balita
Lunes 12 Disyembre 2011
UPD Chancy affirms hybrid GE proposal Isabella Patricia H. Borlaza UP Diliman (UPD) Chancellor Caesar Saloma affirmed the revision of the present Revitalized General Education Program (RGEP) to the “hybrid” system by next academic year, and unveiled other plans for UPD during his convocation on December 8. Patterned after UP President Alfredo Pascual’s “One UP” vision, Saloma emphasized that academic and operational excellence will be the key indicators for UP’s success. Since RGEP’s implementation in 2006, the previous GE system which required all students to take specific subjects was revised to give students “more freedom to decide based on their interest, their own sense of capacity and worth and what courses would be useful to them,” said then President Emerlinda Roman during the 2010 GE conference. The RGEP review committee assured that the “freedom was not absolute” since there were prerequisites for major courses, and six unit requirements for English and Filipino. However, the current “cafeteriastyle” curriculum may have been a bit lenient since 40 percent of the total number of UP students who graduated summa cum laude came from the past three years, Saloma said. “It is an interesting correlation that we would like to further study,” he added. The study conducted by the Office of the Chancellor (OC) also showed that students scored an average of 1.25 in GE subjects. In the GE conference last October 20 to 21, it was concluded that three of the five subjects in the three domains, Arts and Humanities (AH), Math, Science and Technology (MST) and Social Sciences and Philosophy (SSP) will soon be required. The objectives of the 45 unit GE subjects, 15 per domain, are core competency, critical thinking, liberal education, ethical compass, love for country and love of learning. By requiring subjects like Math 1, we can ensure that nobody graduates from UP without having passed a Math subject, Saloma explained. The results of the conference will be presented to the University Council this week and the final plans for the GE subjects will be delivered to the Executive Committee by January. Then, it will be brought to the Board of Regents for approval and implementation next academic year. However, the next problem will be
units: mahigit P20,000 Kita ng bawat drug smuggling operation sa Tsina: mahigit $4,000 hanggang $6,000 Halaga ng kita sa piso: mahigit P172,000 hanggang P258,000 Bilang ng Pilipinong drug mules na binitay sa Tsina sa taong ito: 4 Bilang ng pamilyang Pilipino na self-rated na naghihirap ayon sa sarbey ng SWS noong Setyembre: 1 sa bawat 2 Bilang ng pamilyang Pilipino na food poor ayon sa sarbey ng SWS noong Setyembre: 2 sa bawat 5 Badyet na aprubado ng senado para sa Conditional Cash Transfer (CCT) sa taong 2012: P39 billion Badyet para sa CCT ngayong taon: P21 billion Pinakamalaking halaga na matatanggap ng CCT beneficiaries mula sa gobyerno kada buwan: P1,400 Bilang ng pamilyang sakop ng programang CCT ngayong taon: mahigit 2.3 milyon Kasalukuyang populasyon ng Pilipinas ayon sa National Statistics Office: 94.01 milyon Bilang ng mga Pilipino na nabubuhay ng mas mababa sa P917 ayon sa IBON: 7 sa bawat 10
STRATEGIC PLAN. UP Diliman Chancellor Caesar Saloma discusses various critical issues in UP in his first ever convocation held at the UP Theater on December 8. Saloma also revealed proposed infrastructure developments such as the Revised UP Land Use Plan. Chris Martin Imperial >> from page 4
logistics, said Saloma. By requiring all students to take up Society and Technology Science, approximately 1,500 students will enroll in this subject per semester, when the current capacity is only 600. Also, the state of graduate studies in UP is also nearing a brink of decline as majority of the faculty are aged over 55, said Saloma. In the OC’s study, 46.7 percent of the UPD faculty are PhD holders but 40 percent of them are 56 years old and above. The challenge is to encourage the faculty to mentor PhD students, said Saloma. At present, there are 528 PhD faculty and 90 graduate programs in UPD. However, there are only 74 PhD students currently enrolled. “We are investing in our students to replace us in the future. The role of state universities and colleges is very critical in generating human capital for the future of our country. UP must be in the lead to produce solutions to these problems,” said Saloma.
Budget woes
For operational excellence, Saloma discussed cost-efficient projects that would “reduce costs in utilities to distribute to other sectors.” The previous year’s expenditures for UPD’s electricity and water were P175 million and P72 million, respectively. Under the assessment of the OC and the Office of the President, 36 of the more than 60 buildings in UPD have been paying for energy that they are not using due to the guaranteed minimum power demand system
under Meralco. “We are now negotiating with Meralco to change the guaranteed minimum power demand to zero base,” said Saloma. “If the rate is fixed, then changing the fluorescent lamps to LED will be meaningless. In order to have a full impact in our effort to go ‘Green UP,’ we have to change to zero base,” he added. Meanwhile, the leakages in UPD’s piping system were also identified as a culprit for unnecessary expenses. In the Pavillions 2 and 3 of Palma Hall, for instance, the water bill amounts to half a million annually though it is no longer being used. “In that regard, we really have to invest in re-piping the water facilities in UPD in order to cut back to almost 30 million,” said Saloma. The Congress-approved budget for UP next year is P5.74 billion, which remains to be only a third of the administration’s proposed P17 billion. UPD’s revolving fund generates only 2.21 billion from income-generating projects, including the matriculation fee, to pay for its other expenses. University Student Council Student Rights and Welfare committee head Aya Escandor, however, reserved judgment on the Chancellor’s plans. “The projects are forward-looking, and have a clear vision. However, the problem remains on how these challenges will be addressed,” she said. ●
Halaga ng bawat text: P15 Pinakamababang halaga ng cellphone na maaring gamitin sa ibang bansa: mahigit P9,000 Buwanang sahod ng isang OFW domestic helper: mahigit $250 Halaga ng sahod sa piso: P10,750 Pinakamababang buwanang sahod ng pinakamababang opsiyal ng gobyerno sa pagpapatupad ng buong Salary Standardization Law sa susunod na taon: P9,000 Premyo ng batang si JanJan mulay kay Willie Revillame nang sumayaw sa WillingWillie: P10,000 Halaga ng isang balikbayan box mula Amerika hanggang Pilipinas: $60 Halaga ng balikbayan box sa piso: P2,580 Halaga ng laruang Transformers Ultimate Optimus Prime: mahigit P2,575 Remittances ng bansa mula sa OFWs ngayong taon ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas: mahigit $847.55 milyon Halaga ng dolyar sa piso: P42 hanggang P43 Halaga ng remittances sa piso: P36.44 bilyon Badyet para sa OFWs para sa taong 2012: P 3.14 bilyon Bilang ng OFWs sa buong mundo: mahigit 12 milyon Pumapatak na badyet kada OFW para sa taong 2012: P261.67 Karaniwang pinakamababang sahod ng isang call center agent kada buwan: $300 Halaga sa piso: mahigit P12,900 Halagang kailangan ng isang Bracket B na estudyante ng UP para makapag-enrol ng 18
Halaga ng kotseng Porsche ni Pangulong Noynoy Aquino: P4.5 milyon Halaga ng isang Noche Buena package sa SM Hypermarket: P300 hanggang P2,000 Bilang ng pamilyang makakapag-Noche Buena gamit ang halaga ng nasabing kotse: mahigit 4,000 Tinatayang halaga ng Christmas tree sa Malacañang: P45,000 pataas Halaga ng isang pakete ng instant noodles: P7 Bilang ng mabibiling instant noodles sa nasabing halaga: mahigit 6,430 Halaga ng pinsala na iniwan ng bagyong Pedring: P12.34 bilyon Bilang ng mga bagyo ngayong taon: 18 Badyet para sa Calamity Fund sa taong 2012: P7.5 bilyon Badyet para sa Department of Health sa taong 2012: P42.7 bilyon Badyet ng gobyerno kada araw sa bawat Pilipino para sa kalusugan sa ganitong halaga: P1.25 Suggested retail price ng isang tablet ng paracetamol: P6.50 Badyet para sa Armed Forces of the Philippines sa taong 2012: P96 milyon Kailangang dagdag para sa kalusugan ayon sa Kabataan party-list: P50.1 bilyon Badyet para sa Department of Education sa taong 2012: P202.82 Badyet ng gobyerno kada araw sa bawat estudyante sa taong 2012: P6.55 Badyet para sa Unprogrammed Fund ng Office of the President: P152.8 bilyon Kailangang dagdag para sa edukasyon ayon sa Kabataan party-list: P115.67 bilyon Bilang ng kabataang nagtatapos ng grade school: 3 sa bawat 5 Bilang ng kabataang nagtatapos ng hayskul: 2 sa bawat 3 Badyet para sa state universities and colleges (SUCs) sa taong 2012: P22.09 bilyon Badyet para sa programang PublicPrivate Partnerships sa taong 2012: P22 bilyon Kailangang dagdag para sa SUCs ayon sa Kabataan party-list: P24 bilyon
continued on page 11 >>
6-7 • Kulê Kultura Dib
uho
ni M
aria
nne
Rios
Disen
yo ng pa
Lunes 12 Disyembre 2011
hina ni Kel
Almazan
Kay sigla ng gabi Kitkat Elona Nagbabagong-bihis ang mga bahay at kalsada. Nanghahalina ang mga sumasayaw na mumunting liwanag ng Christmas lights sa mga pader, puno, at poste pagkagat ng dilim, at sumasabay sa ritmo ng kalye ang himig ang mga batang nangangaroling. Sa panahong ito, waring bawal magmukmok at maging malungkot ang kahit na sino. Marami ang nagsasabing sa Pilipinas pinakamasaya ang Pasko. Problema’t suliranin man ang nakahain sa hapag ng maraming pamilya sa mga nagdaang buwan, sadyang inilalaan ang Disyembre para sa pagsasalo-salo’t kasiyahan. Nag-iipon ang bawat mag-anak upang makapagluto ng masarap na ulam sa Noche Buena, makapanood ng sine, at sabay-sabay na makapagsimba. May mga karnabal at perya pang nagbubukas bago ang mismong araw ng Pasko upang aliwin ang mga taong buong taon nagtatrabaho at naghihintay ng pahinga. Tila bawal sumimangot tuwing kapaskuhan. Laganap ang mga Christmas special sa telebisyon at mga sinehan, at bihira sa mga ito ang naglalarawan sa Pasko bilang malumbay na okasyon. Maya’t mayang may ipinakikitang pamilyang kumakain ng nakagawiang handa gaya ng spaghetti at salad, at magyayaya rin si Aga Muhlach na magbigay ng mga lumang laruan bilang donasyon. Sa kabilang banda, may mga tagpo ring kumukurot sa damdamin gaya ng mga nagngingitiang bata sa harap ng isang bilaong pansit, o mga pamilyang nagdaraos ng Pasko sa loob ng tahanang kariton. Pawang mga pormula ang mga ito para sa tinatawag na mito ng “happy poor,” ayon sa mga manananaliksik na sina Sari Thomas at Brian Callahan. Itinatatak ng media sa isip ng mga tao na hindi katumbas ng mansyon at kotse ang kaligayahan at, gayundin, na maaaring maging masaya sa kabila ng kawalan at kakulangan. Sa ganitong kaisipan nababaling ang mabibigat na suliranin ng mga Pilipino gaya ng kawalan ng hanapbuhay o marahas na kondisyon sa trabaho. At sa halip na magtanong at maghanap ng solusyon, tinatanggap natin ang ating kalagayan at pinalalampas na lamang ang mga karapatang nasasagasaan, gaya ng pagtanggap ng wastong pasahod o pagkakaroon ng abot-kayang edukasyon at serbisyong pangkalusugan. Sinanay kasi tayo ng mga nabanggit na tradisyon na maging matiisin at maging masaya sa kabila ng mga pagdurusa—mga katangiang maipagmamalaki bunga ng Kristiyanong pagpapalaki sa atin. At dahil panahon ng pagmamahalan ang kapaskuhan, maraming sawi sa pag-ibig ang nagdaramdam. Tuwing buwan ng Disyembre, maririnig sa radyo ang mga awiting pag-ibig at pangungulila na kaugnay ng Pasko. Hindi rin mawawala ang mga matatamis na kuwento ng magkasintaha’t mag-asawa sa telebisyon. Lahat ng ito, ipinahihiwatig na tuwing Pasko, hindi uso ang mapag-isa. Binibigyang-halaga ng selebrasyon ang pagsasama-sama, at para sa maraming Pilipino, ito ang tanging araw kung kailan napag-iisa ang buong pamilya. Ngunit hindi ito ang realidad. Higit nang malayo ang mga tao sa isa’t isa dulot ng pagbabagong-hubog ng ekonomiya. Halimbawa, mahirap nang pagsamahin ang mga pamilya lalo pa’t dumarami ang mga nangingibang-bansa upang kumita, o di kaya’y empleyado sa mga call center at iba pang kumpanya kung saan pwersadong magtrabaho tuwing Pasko. Gayundin, maraming mga kababayang OFW ang nagtitiis na ipagdiwang ang Pasko nang mag-isa at umaasang maiibsan ng teknolohiya ang pangungulila nila. Sa kabila ng lahat, mga masisiglang ngiti pa rin ang ipinansasalubong natin sa hatinggabi ng kapaskuhan. At kapag humupa na ang sigla ng okasyon, mananatili pa rin ang mga bagay na nagturo sa ating magtimpi’t maging matiisin. Ngunit gaya ng mga mapupunding kislap ng liwanag at mga awiting pamasko na titigil sa pagtugtog sa mga radyo’t kalsada, lahat naman bagay, may hangganan. ●
Himig-himpilan Mary Joy T. Capistrano “Ang nagsindi nitong ilaw, walang iba kundi ikaw. Salamat sa liwanag mo, muling magkakakulay ang Pasko.” - Star ng Pasko, ABS-CBN Christmas Station ID (2009) Sa saliw ng awitin, dahan-dahang kinuha ng paslit ang sala-salabit at kumikinang na mga parol mula sa tambak ng kagamitang nawasak ng bagyong Ondoy. Bitbit-bitbit ito ng paslit habang nakangiting kumakaway sa mga sundalong nagdala sa kanila ng tulong. Sumaludo pa ang bata sa isang sundalo. Pag-asa ang pangunahing mensaheng hatid ng “Star ng Pasko,” station ID ng ABS-CBN noong 2009. Pinalabas ito matapos ang hagupit ni Ondoy, kung saan maraming pamilya ang nawalan ng tahanan. Isa lamang ang Christmas station ID sa maraming pakulo ng bawat himpilan ng telebisyon para hubugin ang kanilang mga imahe. Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang tema, mas madali nilang nakukuha ang atensyon ng publiko. Ilan sa mga karaniwang ipinatatampok sa mga station ID ang buhay OFW, mga sinalanta ng kalamidad, mga bata, at kapos-palad. Sa mga station ID naipamamalas raw ang tunay na diwa ng Pasko. Pagmamahalan, pagbibigayan at kapatawaran ang mga damdaming dapat manaig sa puso’t isipan ng mga manonood tuwing kapaskuhan. Ngunit kung si Propesor Joey Baquiran, guro ng kulturang popular sa Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL), ang tatanungin, hindi kailanman maitatago ng mga makukulay at star-studded na station ID ang tunay na motibo ng mga himpilan ng telebisyon tuwing pasko. “Poetiko ang lyrics at maganda ang melodiya pero ginagamit lang naman ang mataas na estetikong biswal na retorika para pagtakpan ang kawalang igualidad ng mga sektor ng lipunan,” aniya. Karaniwang tagpo sa mga station ID ang pagbibigay ng isang artista ng regalo sa isang paslit. May kasama pa itong haplos sa balikat o yakap, habang nakangiti sa mga manonood. Sa tatlong minutong takbo ng isang karaniwang station ID, sa pagitan ng mga naglalakihang bituin ng pinilakang tabing, kasama at kabiruan ng mga kilalang artista ang mga “ordinaryong tao.” Sa pamamagitan ng ganitong mga imahe ng hungkag na pagkakapantaypantay, mas madaling nakukuha ng mga istasyon ang damdamin ng mga manonood, lalo pa’t labis na ang paghanga ng nakararami sa mga iniidolong artista. Tunay na kaakit-akit ang mga station ID ng mga himpilan. Sinadya ito upang tangkilikin ng mga manonood ang iba’t ibang produkto : ang mga programa, mga artista, mga produkto na kanilang iniisponsor, at higit sa lahat, ang istasyon mismo. Kasangkapan sa gayon ang diwa ng Pasko upang paigtingin ang koneksyon ng publiko at ng himpilan—na sa kalauna’y nagtutulak sa mga tao na bilhin ang kasiyahang inilalako ng midya. “Sa ayaw man natin o gusto ang Pasko ay pinatitingkad ng komersyalismo,” pahayag ni Vim Nadera, na nagtuturo rin ng kulturang popular sa KAL. Samakatuwid, ang Pasko para sa bawat istasyon ay hindi lamang pagmamahalan, pagbibigyan at pagpapatawaran gaya ng paksa sa mga station ID. Ito rin ay nakaugat sa matataas na ratings at kita. Ito ang dahilan kung bakit naglalabas ng iba’t ibang station ID ang mga istasyon tuwing pasukan, summer, tag-ulan at Pasko: buong taon ang negosyo ng mga himpilan. Sa kabilang banda, ang mga biswal—masaganang pagkain, mga nakangiting artista, maraming regalo at yakap ng pamilya—ang nagiging pangunahing paraan upang pansamantalang takasan ang kawalan ng kaginhawan sa buhay. Kaya kay Propesor Nadera, isang malaking pagtatakip ang tunguhin ng mga station ID. Aniya, “kung mayroon mang harsh dito, ito ay ang realidad na mismong pilit nilang tila pinapalamutiang dingding o pinapahiyasang parang Christmas tree o pinaparolang bintanang durungawan ng katotohanan.” ●
Celluloid cheer Toni Antiporda The crowd suddenly goes into frenzy as the elaborate floats start to march past them. Overlooking the crowd atop their majestic rides, Panday and Enteng, showcase their full battle regalia of bronze breast plates and ornate metal headgear while wielding their magical swords. A mobile house of horror trails them, with an enormous white skull at its helm, carrying with it a group of up and coming teen heartthrobs and heartbreakers. This is how some families spend their Christmas Eve, awaiting the opening of the annual Metro Manila Film Festival (MMFF). The film fest, however, has not always been associated with the holidays. It started out as an annual festival of Manila-based films during the month of June. During the Marcos regime, when films were recognized as viable means of forwarding the ideals of the New Society, the government teamed up with major film producers to hold the first Metropolitan Film Festival. On September 21, 1975, the first MMFF was held, in commemoration of the third year of the declaration of Martial Law. The first decade of the festival produced notable films such as Burlesk Queen, Insiang, and Kisapmata. It has kept this tradition of quality film-making alive over the course of the decades, and the festival proved to be a big boost for the local film industry. But by the dawn of the new millennium, film producers would see the potency of the festival as a massive income generating scheme over the holidays. During the Christmas season, people seem more inclined to spend generously, having saved up for months on end for this one particular season. Film producers capitalize on the abundance and gaiety that is expected of the season. Today, having a film entry in the MMFF is almost sure money. During the festival, only locally produced films are shown in the cinemas over a two-week period, thereby ensuring that film gross generated over the holidays would go straight to the pockets of local film producers. Some families have even made it a tradition to watch every film showcased at the festival. But the whole festival experience would not be complete with the mere procurement of overpriced tickets, popcorn and drinks—one also has to avail of a wide array of film merchandise, such as t-shirts, bags, caps and toys. Come New Year, children would run amuck with their Super Inday lunchboxes, Panday action figures and Enteng Kabisote t-shirts. As such, film producers have also made it a point to create films which cater to the taste of the general populace. Over the course of the decade, the festival has seen a proliferation of family tearjerkers, action-fantasy sagas and longstanding horror franchises hosting familiar storylines and even more familiar faces. If it’s not Bossing waving at you from the towering float, there would always be Senator Bong, Marian Rivera and Kris Aquino trying to win you over with their orchestrated holiday cheer. And to win Best Picture in the MMFF, the film must sell an impressive amount of tickets. Truly, the festival’s tradition of showcasing the best of what the local film industry has to offer has been lost in the mire of film studio politics, the circus of showbiz intrigues and holiday money-making. The entertainment festival, then, can only be a version of the commercial spirit of Christmas. ●
Open happiness Elizabeth Shie Coca-Cola hits the spot in their most recent ad. In the distinct streets of old and modern Italy, OFWs share the sentimental story of longing and wishing. Emotions well up as OFWs board the plane home, chests heave with excitement, and when finally, the families are reunited—everyone is already tearing up. It’s another feat for the country’s favorite carbonated drink. The video, released in Youtube on December 2, has already garnered around 850,000 views, and counting. The advertisement used the perfect formula to captivate the Filipino consumer; it ties the product to family values, to good will, to the attainment of happiness. But of course, when did this multi-billion dollar company settle for anything less? This year, in partnership with the World Wildlife Federation, the company set up the first living billboard in the country. Made out of Fukien tea plants, the billboard is said to have the capacity to absorb 48,600 pounds of carbon dioxide. Seven years ago, Coke popularized a chant, “Ito ang beat, sabay-sabay,” which remains familiar until now. And the first time Nikki Gil appeared on TV, her voice singing “Sana’y masabi, sa awit kong ito” reminded people that Coke makes everyone’s life sweeter. Coca-Cola is known for pulling people’s heartstrings with messages of environmental sustainability, positivity, hope, and love—a tested formula that rakes in great sales. The millions of dollars shelled out for these productions show that the softdrinks company’s motive for building such an image may be related to competition and profit. This image-building is tactical, for recent sales have shown that CocaCola may no longer be the people’s favorite drink. For the first time in 2006, they were forced to take a backseat as Western countries became more conscious of health and fitness. Alarmed by the growing rate of obesity, the sugar-compacted caffeinated drink became less and less appealing. And with the emergence of frozen yogurt stands and milk tea kiosks, CocaCola lost their first place to C2, a line of flavored green tea beverages, manufactured by Universal Robina Corporation. In the meantime, stories about Coca-Cola’s unethical practices are beginning to surface—and further reduce the company’s sales. As such, they take extra measures to revive their previous market dominance. Just like hitting targets in a shooting range, every value that Coca-Cola projects to its audience combats an issue it tries to conceal. In its living billboard, the contamination and depletion of water resources in India; in its motifs of camaraderie, the unjust treatment of employees in Israel and Columbia; the families left behind by the murdered union workers in Guatemala. In the Philippines, Coca-Cola omitted important details in its four-minute OFW commercial. After the holiday cheers, the three subjects will pack their bags, with new photos to be posted on their bedside, with new memories to replace the old ones. And how about the millions of others who are not granted this random opportunity? Where are they in the dramatic video clip that was supposed to bring comfort to people? All of these fade into the background as images of smiling teenagers and joyful families drinking from red and white bottles and cans take center stage. The message of every Coke commercial cuts across clearly: How can a sparkling caramel drink be bad for you? With the memorable slogans and catchy tunes playing as one takes a gulp, not one person would cast a doubt. ●
Christmas bonus Pinakamahaba rawangpagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas. At mula Setyembre hanggang Enero, magkabiyak ang relihiyon at konsumerismo. Sa paglamig ng panahon at pagkislap ng mga pekeng bituin, sa pag-usbong ng mga tiangge at pagdaloy ng aguinaldo, madaling maaninag ang ipinatatampok na timpla ng kasaganahan. Ang estado mismo—sa pagtatalaga ng holiday break at pagsasabatas ng 13th month pay—ay katuwang sa ganitong tunguhin. Ngunit sa panahon na ang lahat—pati na ang kapanganakan umano ng tagapagligtas—ay may bahid ng salapi’t tubo, mula kanino nga ba dapat tubusin ang diwa ng Kapaskuhan? ●

8 • Kulê Lathalain
Lunes 12 Disyembre 2011
On duty Kara Medina It is Christmas morning and Ricardo*, 42, had just started his eight-hour shift. After 10 years of working as an emergency room nurse, he now finds this schedule common since the demands of his job require him to work even on holidays in East Avenue Medical Center (EAMC), a statesubsidized facility. “A lot of stabbing and shooting incidents usually happen [during this period],” he shares. “Since service in public hospitals costs less, we get most of these kinds of cases.” As the head nurse, Ricardo makes it a point to be on duty on Christmas and New Year, when the ER is at its busiest. Despite his age, he is still single, and for the past decade, he has spent his Christmas attending to the long line of patients wheeled in the ER. “We usually get 400 people here daily,” he states. The staff in Ricardo’s department is enough to cater to this number, but they occasionally deal with lack of hospital equipment. “Once, we ran out of stretchers, so we had to use a long board and revive a man who coded right here, on the hospital floor,” he recalls. After the decrease in EAMC’s maintenance budget in 2010, EAMC’s budget was boosted by P100 million
Red alert Joan C. Cordero Gawain niyang manita mula alas otso ng umaga hanggang alas otso ng gabi araw-araw. Lalo siyang mahigpit kapag red alert days gaya ng Pasko. Bawasbawasan lang daw ang init ng ulo kapag saktong nasita niya ang iyong sinasakyang jeep, taksi, o Mini Cooper — hindi umano niya intensyong mahuli ka sa klase, o saan mang pupuntahan sa UP. Ginagawa lang ni Mang Neri* ang trabaho niya bilang pulis. “Kami kasi ang in-charge sa trapiko at security ng mga kalsada sa buong kampus, nagpaplano, at nagpapatupad ng mga ruta ng sasakyan lalo na ‘pag may okasyon gaya ng Lantern Parade,” ani Mang Neri. Napabibilis o bagal man ni Mang Neri ang daloy ng trapiko sa UP, wala naman siyang kakayahang baguhin ang daloy ng pagdiriwang ng kanyang Pasko. Aniya, nasanay na siyang nasa kalsada sa pagsapit ng Pasko, kasama ang iba pang mga pulis. “Kahit na anong araw pwede kang mag-leave o bakasyon, ‘wag lang ‘pag
in 2011, an amount which was taken salary of P20,000 per month is double Unity, Recognition and Advancement this, he diligently goes to work, from the P600 Department of Health those of private nurses. “Since 2002, of Government Employees. struggling with the lack of equipment, (DOH) budget increase. Yet, even as I’ve had job security, friends who are Ricardo’s optimism despite bleak if only to attend to the patients whose the DOH budget reached up to P46 family, and the extensive medical circumstances might just be the need for health services remain even billion, it is still a far cry from the P90 training.” His family, it seems, has only thing that speaks of Christmas during the holidays. ● billion necessary to develop health grown used to his absence during in the ER. Indeed, like other health *not his real name services in the country, according to Christmas celebrations. professionals, the prospects of not the Health Alliance for Democracy He adds that he receives a yearly receiving a Christmas bonus or having (HEAD). Christmas bonus from the President. to go abroad face him. Despite In line with this meager budget, Yet, other government employees the hospital is forced to rely on the are not as fortunate. Unlike Ricardo, patients to pay for hospital expenses. 400,000 government employees will For a facility that accommodates not be receiving their Christmas patients mostly from the poorer half bonus this year, according to of society, the hospital even charges the Confederation for patients for simple services like bandages, says Ricardo. An infirmary subsidized by the government is supposedly free for those in need, but the insufficient budget allocation for health services compels public hospitals to charge ailing patients higher fees, according to HEAD. Ricardo refuses to mull over this misfortune, and instead talks about his work. “The benefits here are better than those from private hospitals,” he says. He attempted to take a job in a privatelyowned institution, but deferred. He reasons that his It’s the season again — not only for giving, but for carols and Christmas trees, simbang gabi and shopping, noche buena and parols, approximate
HOLIDAY BLUES
traffic and festivities. Christmas in the Philippines is a magnificent display. As early as September, houses and buildings begin to shimmer with the glow of strings of miniature light bulbs. Churches overflow with the devout as the country’s longest holiday stretches on until the New Year, when Christmas parties continue even as fireworks blossom in the sky. There are those, however, for whom Christmas is less than spectacular. Those whose jobs continue, demanding and tiring, regardless of the season. Those for whom external conditions are a barrier to fully enjoying the season. Holidays may bring good cheer and glad tidings, but not to everyone; it is a potent reminder that there are realities which Christmas can exacerbate as well as alleviate. ●
may okasyon gaya ng Pasko at Bagong Taon,” paliwanag niya. Higit na kailangan nang matinding seguridad sa mga panahong ito. “Kapag napag-trip-an ka ng mga lasing o bangag [lalo na’t may mga inuman sa Pasko], delikado ka. May kasamahan kaming tinaga ng isang lasing, tatlong taon na ang nakalilipas. ‘Pag may mga away naman, kami lagi ang pumapagitna. ‘Yung isa ko pang kasama, nahampas naman ng pillbox,” aniya. Swerte raw na hindi pa siya napupuruhan nang husto sa trabaho bagaman isang dekada na siya sa serbisyo. Sa kabila ng delikadong trabaho, at sakripisyong hindi makasama ang pamilya sa Pasko, tumatanggap lamang ng Salary Grade 4 (SG4) o P6,522 kada buwan si Mang Neri. Ibig sabihin, nasa P232 ang naiuuwi niya kada araw. Simula noong pumasok siya bilang pulis noong 2000 hanggang ngayon, nasa SG4 pa rin ang kanyang sahod. “Kung tutuusin, mababa pa sa minimum wage na higit P404 ang
sahod namin, katumbas ng utility ang salary grade namin,” ani Gregorio Aquino, investigating officer ng UP Diliman Police (UPDP) at 11 taon na sa serbisyo. Taong 2008 lang din naging regular na empleyado si Mang Neri. Ngayong Pasko, inaasahan niyang makatatanggap ng P10,000 bonus. Subalit pagsamahin man daw ang regular na sahod at Christmas bonus, hindi pa rin ito sasapat sa kanyang anim na anak, dahil siya lamang ang may hanapbuhay sa pamilya. Sa 12-hour shift ni Mang Neri, sinisikap niyang masinsin ang mga sasakyang pumapasok sa kampus lalo pa’t kailangang maging mahigpit at alerto sa pagsisiguro ng kaligtasan ng 493-ektaryang UP Diliman. Gayunpaman, walong pulis lamang ang
naka-duty gabi-gabi, ibawas mo pa ang mga taong naka-assign sa mismong istasyon. Sa pagtaya ng UPDP, lumiit ang ilang mga pamilya sa kanilang mga bilang ng mga pulis mula higit limampu tahananan, angkin naman ni Mang noong 2008 tungong 28 ngayong taon Neri ang buong kalsada. Ngayong gabi dahil marami na ang nag-retiro, at nagat sa mga susunod pa, maninita ulit resign upang maghanap ng trabahong siya, maglalakad sa iba’t ibang kalye mas malaki ang kita. “Hindi na fini-fillng UP, at maaabutan ng Pasko habang up ‘yung vacant ranks, at wala na ding nakaalerto bente kwatro. ● promotion para tumaas ang ranggo at *hindi tunay na pangalan tumaas din ang sahod. Nagtitipid ang UP. Walang badyet, ” saad ni Gregorio. Artwork by Rd Aliposa Habang nagdiriwang ng Pasko ang Page design by Emmanuel Jerome Tagaro
9 • Kulê Lathalain
Lunes 12 Disyembre 2011
Bantay-sarado Axl Ross Tumanut Mga tahanang yari sa pinagtagpitagping plywood at yero ang larawang ipinipinta ng Sitio San Roque, Quezon City. Normal na namumuhay ang lahat sa komunidad, ang mamamayan ay tila natuto nang
maki-angkop sa sitwasyon. Sa kabila ng tila payapang kalagayang hatid ng nalalapit na Pasko, mababakas ang namumuong tensyon sa tahanan ni Ka Estrelieta Bagasbas o Ka Inday. Pangulo si Ka Inday ng September 23 Movement, ang nabuong alyansa ng mga taga-Sitio San Roque na tagumpay na napigilan ang tangkang demolisyon noong Setyembre 23, 2010. Siyam na oras nakipagtuos ang pinagsamang
Graveyard Shift Kevin Mark R. Gomez Laganap na ang kadiliman sa tuwing “sisimulan” ni Ann Beñas, 33, ang mahabang araw sa trabaho. Mula Martes hanggang Sabado, nagigising siya ng bandang alas-
singko ng hapon upang maghanda at habulin sa Philcoa ang kanyang sundo. Sakay ang mga mga tulad niyang empleyado sa business process outsourcing (BPO) o call center, ihahatid sila ng puting van sa IBM sa UP -AyalaLand Technohub sa kaha baan ng
pwersa ng pulis, demolition team at National Housing Authority (NHA) laban sa mga residente na nagbarikada sa EDSA upang ipagtanggol ang kanilang komunidad. Subalit hindi lamang sa samahan abala si Ka Inday. Sa tuwing wala ang tatlong anak, siya ang nag-aalaga sa apat niyang apo. Kung wala naman siyang pulong, tumutulong siya sa paggawa ng mga basahang ibebenta sa mga tsuper ng jeepney. Para sa pamilya ni Ka Inday, ordinaryong araw lamang ang Pasko na laging nadadaanan sa kalendaryo. Kaya’t tuwing Noche Buena, kanin at pangkaraniwang ulam ang kanilang sama-samang pinagsasaluhan at walang espesyal na handaan.
Commonwealth Avenue. Pagdating sa opisina, hahanap si Ann ng bakanteng cubicle at aayusin ang computer at headset na magsisilbi niyang estasyon sa buong gabi. Bago mag-alas siyete, kailangang nakahanda na siya bilang customer service representative. “Good day Sir/ Mam, I am…” ani Ann, saka itutuloy ang nakasanayang spiel, at tutulungan ang kausap na Briton sa kabilang linya at panig ng mundo ukol sa mga usapin o transaksyong pinansiyal. Mawawari sa lakas at linaw ng boses ni Ann ang pagkabihasang dulot ng higit dalawang taong karanasan sa BPO. Sa dalawang taong iyon, may pagkakataong napilitan si Ann na magdiwang ng Pasko sa call center na nananatiling tuloy-tuloy ang operasyon sa kabila ng espesyal na okasyon. Hindi malilimutang karanasan ni Ann ang Disyembre 25,
Kung minsan, pinapasali pa ni Ka Inday ang kanyang mga apo sa Christmas party ng mga bata upang maramdaman nila ang Pasko kahit paano. Tumutulong rin si Ka Inday sa pag-oorganisa ng sayawan, kainan at palitan ng regalo ng mga taga-San Roque upang salubungin ang Pasko. Kamakailan, muling nagbanta ang mga mga opisyal ng NHA na hindi matatapos ang taon nang hindi natutuloy ang demolisyon sa San Roque. Kaya upang mabantayan ang mga tahanan lalo na sa tangkang panununog, naghahanda sina Ka Inday kasama ang iba pang mga tagaSan Roque na aktibong pigilan ang panibagong banta. Sinubukang gibain ang mga tahanan ng humigit-kumulang 7,000 pamilya sa 31-ektaryang lupain ng San Roque noong Setyembre 23, 2010 upang bigyang-daan ang pagpapatayo ng Quezon City Central Business District (QCCBD). Inaprubahan ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang proyekto noong 2007 upang maitayo ng Ayala Land Inc. (ALI) at NHA ang mga call center, mall at iba pang mga gusaling pangnegosyo kapalit ng mga bubuwaging tahanan. Nag-alok ang ALI ng P30,000 sa mga boluntaryong magpapagiba ng kanilang mga tahanan at lilipat sa mga
relocation site sa Montalban at San Juan del Monte na parehong malayo sa mga residenteng nagtatrabaho sa lungsod. Sakaling mailipat sila sa mga itinakdang relocation site, tinatayang nasa P120 ang magagastos ng isang manggagawang kumikita ng P430 kada araw para lang mamasahe patungo sa kanilang mga trabaho. Mahihirapan ang manggagawang tustusan ang iba pang pangangailangan ng kanyang pamilya sa katiting na matitira sa kanyang sahod, ani Ka Inday. Hindi rin naman buong matatanggap ng mga residenteng aalis ang P30,000 na ipinangako sa kanila. Magiging kahati nila ang City Hall, barangay at ang lokal na NHA hanggang sa maging P5,000 na lamang ang kanilang maiuuwi, paliwanag ni Ka Inday. “Ibigay na sana sa amin ang aming mga tahanan nang hindi kami nangangambang mapaalis,” ani Ka Inday. Sa pagsapit ng Pasko, araw-araw nagtitipon ang buong komunidad sa tahanan ni Ka Inday para sa isang malaking paghahanda. Ngunit sa halip na sayawan, palitan ng regalo o kainan, maghahanda ang mga taga-San Roque para sa napipintong demolisyon upang panatilihing nakatindig ang mga tahanang ilang taon nilang kinalinga. ●
2008 kung kailan bigla na lamang siyang napatigil habang may kausap sa linya, habang tumutulo ang kanyang mga luha. “First time kong hindi nakasama ‘yung daughter ko kasi hindi pa ako regular,” aniya. Naging regular na empleyado si Ann matapos ang limang buwan sa IBM, subalit hindi lumuwag ang kumpanya sa pagbibigay ng vacation leave. Ilang ulit ring idinaing ni Ann ang pagiging mekanikal ng trabaho, subalit tinitiis niya na lang ito para sa sahod na kikitain. Kapalit ng malaking kita para sa pamilya at nag-iisang anak na si Sophia, tanggap ni Ann ang mga pagbabagong idinulot ng kanyang pagpasok sa BPO—pagsasanay sa katawang magtrabaho sa alanganing oras at pag-aangkop sa kilos panggabi. “Parang nasisilaw ako sa araw, hindi na rin ako sanay makipagsiksikang maglakad sa daan,” ani Ann. Malaki ang kinikita ng mga call center agents lalo na kung ihahambing sa ibang mga propesyunal. Sa personal na karanasan ni Ann, umaabot mula P14,000-P20,000 ang buwanang sahod na buong-buo niyang naiuuwi maliban pa sa ilang libong naidadagdag mula sa ibang mga benepisyo tulad ng food allowance at night differential bonus. Sa harap ng malawak na kawalan
ng trabaho, mababang pasahod at nagtataasang bilihin, maraming mga indibidwal ang naaakit mag-BPO. Para sa pamahalaan, isang “booming industry” ang BPO buhat ng maraming trabahong hatid umano nito sa mga Pilipino at malaking puhunang ipinapasok nito sa ekonomiya. Sa katunayan, noong 2008 tinatayang 372,000 ang namasukang call center agent. Subalit ayon sa grupong IBON Foundation, hindi nakabubuti ang BPO sa bansang lalo na’t nakasandig ito sa mga ekonomiya ng ibang bansa tulad ng Estados Unidos na kasalukuyang sumasadsad. “[T]he government continues to rely on external sources for job creation for the country’s labor force, instead of building the country’s domestic economy that will generate sufficient and stable employment,” ayon sa isang pag-aaral ng IBON. Habang nagdiriwang ng Pasko ang buong mundo, matiyagang nag-aabang ang mga call center agent ng tawag mula sa mga banyagang hindi nila kilala, samantalang malalayo sila sa pamilya. Sa muling pagsikat ng araw, matatapos ang trabaho ni Ann at uuwi sa kanyang tirahan at magpapahinga, samantalang magpapatuloy ang mga tunggaliang walang kinikilalang gabi, araw o okasyon. ●
10 • Kulê Opinyon
Lunes 12 Disyembre 2011
GIDGET ESTELLA
NEWSCAN
Maximum tolerance They said the dispersal was the worst since the president assumed power. Some of the protesters, who have been in the streets for years now, said the violence reminded them of the days when Gloria Arroyo was still the despised president, when she implemented the “calibrated preemptive response,” which gave the police the power to brutally crack down “dangerous” protest actions. Indeed, on that day, a day that started as a sunny morning and ended as a cruel, rainy afternoon, the administration of Benigno Aquino III laid bare its fascist nature, a nature that has been concealed by the yellow tapestry of promises and liberal jargon. I was in the shuttle of the All UP Workers’ Union when the police violently dispersed the peaceful protest action. The workers and students marched to Bustillos street with the aim of setting up the camp at Mendiola. The “Camp outPH” was the Philippines’ own version of the Occupy movement, a global wave of protests against imperialist motives and elite monopoly of resources. The people inside the shuttle did not allow me to go out, as we witnessed how one policeman repeatedly hit a
protester at the back with a truncheon. The gruesome incident left fortysix injured. Three were hospitalized. One sustained genital injuries after one policeman battered his groins with a truncheon. The other was lying halfconscious on the ground, with blood on his trousers and massive lesions on his left hand. The police said they had the right to use force because the rally was “seditious.” Mendiola was a “no permit, no rally zone” because it was the center of political power. In an all-knowing tone, the commanding officer of the police said the brutal dispersal was only rightful. The protesters were actually aiming to launch an attack at the Palace, according to intelligence reports based on the ever reliable Facebook, he said. First, the filing of sedition charges was ridiculous, and any lawyer will gladly offer his service to show how the prosecution does not stand a chance. The only “weapons” that the protesters have were placards and flags, and the objective was to set up a camp along Mendiola, hold socio-political discussions and other symbolic actions. If protesters truly have seditious motives, then they could
Mendiola is not owned by those in the seats of power. It is owned by the people, to whom the most supreme political power belongs.
have just taken up M-16 rifles and called upon the citizens to join an offensive at Malacañang. Second, Mendiola is a historical site not because it is where the Palace was located, but because it is a site of the people’s struggle. In fact, Don Chino Roces, whose statue stands as a landmark in the area, was protesting against assaults on the people’s rights. The police, as repressive tool of the state, has forgotten that Mendiola is not owned by those in the seats of power. It is owned by the people, to whom the most supreme political power belongs. The Palace was quick to defend its pawns, saying that the police exercised “maximum tolerance” in the dispersal. But there was clearly no tolerance when it mobilized nine trucks and a thousand policemen against unarmed protesters. On that day, which, like Aquino’s term, started as a sunny morning and ended in a brutal dispersal, I realized that there is no use arguing with state functionaries that know no logic. Perhaps, at this point, there is some reason in sedition. ●
CARLOS MIGUEL ESQUIVEL
Kung bakit ang pangit nina Aljur at Kim Chiu Hindi ako nalilibugan kay Aljur Abrenica. At kung maging tunay man akong lalaki, lalong ‘di ako malilibugan kay Kim Chiu. Hindi ko kayang makita sila kung todo acting. Kung um-acting itong si Aljur, mukhang tuod. In short, nganga lang sa eksena. Siya ang tipo ng aktor na paghubarin mo lang, akala ng tao uma-acting na. Itong si Kim Chiu naman, parang tanga lang. Parang pusa lang ang peg. Ano ba ang pusa acting? ‘Yung tipong pabibilugin lang nang kaunti ang mga mata, pakikiputin ang bibig, tapos patataasin nang kaunti ang shoulder blades sa bawat eksena. Pero wala namang akong choice. Umaga hanggang sa susunod na umaga, aba, sina Aljur at Kim Chiu ang nasa TV, umeeksena. Walang pagod, parang pokpok lang. Naaalala ko pa ang panimula ng karera ng dalawa. Si Kim Chiu, nasa bahay ni Kuya. Una niyang nilandi iyong tiga-Ateneo na lalaki bago nag-move on kay Gerard Anderson. ‘Di ko alam kung conscious move niya ito para magkaloveteam o ng ABS? Pero kinilig naman ako dati, nevertheless. Si Aljur naman, fumi-feeling sa StarStruck. ‘Di naman siya kagwapuhan. May pagka-mapayat pa siya noon, ‘di
tulad ngayon na sagana sa pandesal ang katawan at talagang mala-Machete ang peg. Si Kris Bernal (na parang may anorexia) ang nilandi niya sa kanyang StarStruck batchmates. ‘Di ko rin alam kung conscious move niya rin ito or ng GMA? Pero in the end, panalo sila! Ibibigay ko talaga sa ABS at GMA; sila talaga ang wagi rito. Kumita na nga ang reality shows nila, hanggang ngayon, pinagkakakitaan pa rin nila ang mga produkto ng mga palabas na ito. Manood lang kayo ng TV kapag bored kayo or may free time. Si Melissa Ricks na perenyal na ‘di mahanap sa Nasaan ka Elisa?, mula sa Star Circle Quest (SCQ). Si Erich Gonzales ng Maria del Barrio, mula rin sa SCQ. Si Kim Chiu na may epek na dalawang persona sa My Binondo Girl, mula sa Pinoy Big Brother (PBB). Si Sarah Labahti na nagiging palaka sa Kokak, mula sa StarStruck. Si Aljur na nakabahag at kita ang pwet sa Amaya, sa StarStruck din. Tuloy, ang chaka ng mga programa dahil ang chaka ng mga gumaganap. O pwede ring ang chaka ng pagganap dahil ang chaka ng mga programa? Wala na ngang pakialamanan sa acting; ang mahalaga, mayroon silang masa following. Nandiyan ang mga jejemon na magte-text sa mga
Wala na ngang pakialamanan sa acting; ang mahalaga, mayroon silang masa following
text promo kung saan featured sila. Nandiyan rin ang mga bekimon na titili kapag may live airing ang mga palabas nila. Kung gusto mong maging artista, kahit chaka ang acting mo, sumali ka lang sa PBB o Protégé. At kung wala ka nang career, sa Survivor ka naman sumali. Feeling Maribel ka na rin. At pagkatapos ng reality shows na ito, siguradong pupunuin na naman ng mga ka-cheapan na shows ang TV. Panigurado, magkakaroon ng teen show sina Slater, Mark at Jerico ng PBB by the sole virtue ng katawan nila. I bet maraming manonood nito, at baka isa na ako rito. At sana along the way, matsugi na sina Aljur at Kim Chiu kapag pumasok na ang bagong ex-housemates sa eksena. Tutal, ganito na rin naman ang madalas na nagaganap, ‘di ba? Kapag tapos na ang reality show, magfe-fade away na ang mga mala-artista. Matatalbugan na sila ng mga bagong flavor of the month. Pero feeling ko lang naman, kung ako ang isa sa mga mapili sa next PBB Teen Edition, hindi magkakamali si Kuya. Hindi magkakamali si Sir Gabby Lopez. Papatunayan kong hindi lahat ng sumasali sa reality shows, chaka. Chos lang! ●
An Afternoon with Ricky Lee
Ricky Lee, author of the best-selling novel Para Kay B, will be holding a talk and book signing event right here at our beloved Diliman campus on January 21, 2012. You can get yourself an invite by ordering his new novel, Si Amapola Sa 65 na Kabanata, from Philippine Society of Mechanical Engineers UP Student Unit (PSMEUPSU) at our tambayan at 3rd Floor Lobby Melchor Hall. You can contact us at 09064709606 or visit our FB page at facebook.com/AfternoonRickyLee for more info.
UP ALCHEMES Research Fair 2012 Goes Nationwide
The UP ALCHEMES Research Fair is an annual research competition and workshop for high school students which serves as a venue where they can showcase their scientific and technological breakthroughs. Now, on its 11th year, we go further as this event reaches out to young researchers nationwide, featuring more than 160 entries from all over the country! Research Fair 2012, with its theme, “Flashpoint: Igniting the Nation’s Next Wave of Innovations” will be held on January 27-28, 2012 at UP Diliman, Quezon City. For inquiries, e-mail us at upalchemes_rf2012@yahoo.com.
The Edible Garden Project
We, the students from the UP College of Law, would like to invite you to our edible-garden planting. It will be held on 13 December 2011 at 1:00 p.m. at the UP Academic Oval. The Edible Garden Project is a project of our Law 175 (Environmental Law) class. The garden will be maintained by different student organizations and other members of the community. The vision of the project is for an environmentalfriendly way of living and its mission is to raise awareness about the importance of having an environmentfriendly university as well as to provide sustainable livelihood for the UP community.
Get free publicity! Send us your press releases, invitations, etc. Please be concise with your announcements. DON’T TYPE IN ALL CAPS and, go easy on... the punctuation! ? 100 words maximum. We only accept announcements via email.
11 • Kulê Opinyon
Lunes 12 Disyembre 2011
>> from page 5
TEXTBACK
Bilang ng kabataang nakatapos ng haysul na tumutuloy sa kolehiyo: 1 sa bawat 3 Bilang ng mga estudyanteng tumutuloy sa UP: 2 sa bawat 3 Bilang ng kabataang nakapagtatapos ng kolehiyo: 3 sa bawat 5
Sumama ka ba sa camp-out sa Mendiola? Bakit o bakit hindi?
Bilang ng mga nakapagtapos ng kolehiyo ngunit walang makuhang trabaho ayon sa IBON: 7 sa bawat 10
Sanggunian: Department of Trade and Industry, Ibon
Foundation,
Social
Weather
System,
National Statistics Coordination Board, National Statistics Office, Philippine Overseas Employment Administration,
Department
of
Labor
and
Employment, Bangko Sentral ng Pilipinas, Philippine Drug Enforcement Agency, Migrante International, www.kabataanpartylist.com,
www.bdworldonline.
com, www.inquirer.net, www.abs-cbnnews.com, www. thepoc.net, www.amazon.com, www.site.globe.com
Sumama ako sa camp-out sa Plaza Miranda. Hindi natuloy sa Mendio. Nakaka-agit yang mga pulis na yan. Hindi nila alam na kinakalaban din nila ang sarili nilang karapatan sa pagpigil sa aming makapsok sa Mendiola. Haggard. PS. Ba’t hindi niya nasama ung text ko last week. Nakakatampo. Joke lang. =) 11-42913 Baek Seung Jo Hindi kami sumama kasi para sa amin ok na ang scholarship namin. 46.50 lang tuition namin eh ok na yun haha- 09 54105 at 09 24486 Hnd ako sumama sa Mendiola Campout sa kadahilanan na marami pa akong pwedeng gawin maliban sa pagsama doon na makakatulong sa ating bansa gaya ng pag-aaral ng mabuti upang mas mapagsilbihan ko ang ating bansa bilang isang propesyonal sa hinaharap. 1155118 BS BA Hindi. Dahil bukod sa bakla ako ay hindi ko talaga kayang sumali sa mga Mendiola a.k.a. Rally events. Kaya saludo tlga ako sa mga nagsusulong ng ating karapatan tulad na lamang ni Kal Peralta ng CMC na walang habas na binugbog ng kapulisan kanina. Salamat sa paglaban para sa akin at sa bayan! 0464572 HINDI ako sumama. eh kasi nmn, andaming mamimiss na lessons. buti nmn din kung considerate ung mga prof. kaso hnd eh. pero binalak ko tlga pra may maisubmit na news article for eng10. ‘1127985 Mu-Ril-Yo BSMath Hindi! Kasi ayok0ng mapagod para lang mpakinggan dahl ang gobyerno,
EKSENANG PEYUPS
matagal ng bingi! Este ngbibingibingihan! 1138270-bsmath gusto ko mang sumama sa mendiola with may orgmates eh may RDR na kailangang gawin. .but saludo ako sa kanilang lumalaban on the frontlines. RakenRol! 11-34305 Syempre sumama ako sa campout sa mendio dahil panahon na muling manguna at itataga ang kilusang kabataan-estudyante! Kahit nabugbog ako ng pulis, ramdam ang apoy ng paninindigan para sa tunay na pagbbagong panlipunan kasama ng batayang masa ng manggawa’t magsasaka! Ba film 0801454
Anong masasabi mo sa malaking bituin ni Oble sa Quezon Hall?
Parang superstar si oble. Nawala yung PASKO 201_ sa taas ng quezon hall. Baka naubusan ng budget sa aki ng star. At lumuhod din ang mga tala sa gilid ni oble. Panalo talaga si oble. -06-28883 Mukhang butterfly! Out of the closet na ba si Oble? -0700139 candidate din ng Ms. Eng’g si oble. Mamayang konti lilipad na sya! :)) 0745295 Simple lang ang decorations pero parang nag-glow c oble dhil may star na umiilaw sa likod nya.. Nkikita na c oble pag gabe.. Kaso.. Parang ewan lang.. ^^ haha.. ! 10-50663 Ano ang masasabi ko sa malaking bituin ni Oble?Hahaha!Langya,kilala ko kung sino gumawa nyan...UP BABAYLAN GUMAWA NYAN EH!Halata naman sa style(Ang taray ginawa nyong MARIPOSA si Oble)pero SOBRANG GANDA naman,ehm, walang kokontra!Kung mga tunay na lalaki gagawa nyan eh pihadong pangit ang outcome kaya nararapat lang na sila sumentensya dyan!Rock on UP Babaylan!! 1178406
komix ni Ysa Calinawan
kay oble? gaya nga ng sbi sken, “mukha syang tinkerbell”. ;) Merry Christmas UP! :) ‘11-27985 Mu-Ril-Yo BSMath Kahit medyo halata ang budget cut kay oble, maganda pa rin ang napakalaking star ni oble! Big star eh. :) - 11-27491 Comments Parang laging may love mode sa columns recently ah. Mabenta ba? Sana magsulat ulit ng update sa lovelife si Ninalyn Uy. 0700139 delfin mercado,IKAW NA TALAGA!!the best. :) and chris imperial’s feeling fotog..natumbok mo kuya!it’s all bout the photos,not the price. :) -0930625bsE Dapat gradual ang pagquit sa smoking eh. Tapos dapat tinataon sa mahal na araw, hindi new year para mas meaningful! Muli, salamat sa Terminal Cases. Pahabol, bilib ako sa mga kuhang litrato ni Richard Jacob Dy! Ang galing mo ser! -0911732BA to delfin, tumigil kang mag-smoke for the sake of those that are affected by ur second hand (and third hand) smoke. Kung naninigarilyo ka in an airtight room na ikaw lng mag-isa, go lang. Hwag lng ipalanghap sa n0nsmokers ang heaven ng yosi. 09-24241 BEEd Tiburcio Balbon whaaaat? walang komiks??! 201026884 2ndBAA yoh! Nkk2wng 2nay ang article ni Chris Imperial. Super nkkrl8 nmn ako s Fragments ni J. Gs2 ko pong mag-hi kay Delfin Mercado! Terminal Cases ang una ko lging binabasa sa kule. Idol tlga kta! Bkt nga pla wlang Eksenang Peyups? Bka nkita nya c Elisa s Ms Engg. LOL! Gambatte Kule staff! Aja! 0952010 sobrang sang-ayon ako sa artik ni kara medina. Kung gusto nila umunlad ang PHL palakasin pa nila ang mga inhenyero at mga syentipiko. Thumbsup kara! At bkt pala walang eksenang peyups? Kinulang sa space? 200914550 tequila, cs\ TAMANG TAMA si Chris Imperial s kanyang kolum na FEELING FOTOG. Wahahaha. we have dsame sentiments >:D ‘10-FA/BVC asteg ng article ni chris imperial, di lang pang camera ah? mageexam na sana ako atnasa 3rd floor na ko ng vinzons nung naalala kong wala nga pala kong camera. . . .POWTEK. good luck sa paghahanap! 11-34305 bs kapnayan Panawagan hello po! nam ito..bka pu may nkakakilala sa iny0ng mga nkabbsa kay ANDREA ESPAÑOLA..nag aaral sa umak..text ni0 k0h (09081950302) pag me alam kau!salamat..hello n din sa fieldw0rkm8s k0! uten15521 ge0dengg Pabati Hi nga pala sa bestfriend ko na si Luigi Almuena (I will accept your challenge sa 401 bro!) atkay MICHELLE LIM (She’s so PIZAZZ talaga!! *wink* *wink*) 21 GreenMaroon 1178406 Hello sa lahat ng varsity athletes! Yung may mga laro this sem, galingan niyo ha! Champion dapat! :) UP FIGHT. “Never underestimate the heart of a champion” Yey! Kaya niyo yan! Suportahan taka! :D. 11-
The Christmas rush edishun!
Meri Krismas, boys and girls. Nawala ang EP last week due to unforeseen circumstances (Ehem, kulang sa writers, FOTOGS, illus, lay-out artists, kaya kung keri mong magpuyat sa Room 401, sali na!). Pero worry not, mga te, nagbabalik ang inyong weekly habit upang i-fulfill ang inyong innermost desires. Sa isang kumperensya ng chansinglord ng yoopee, naispatan ng malalanding mata ng istap ng Kule ang isang unsightly but definitely titillating word sa powerpoint ni Mr. Chansinglord: SEMINAL. At dahil ‘di makapagpigil ang mga utaw, nagtilian ang mga bakla. Syet, di ba dapat discreet lang tayo, pre? Marami namang ibig sabihin ng word na seminal bukod sa favorite drink natin. Hihi. At dahil ‘tis the season to be jolly (and horny), no choice ang mga malilibog na utaw ng Kule kundi patulan ang anything na gumagalaw. Pero may certain couple sa Kule na natatangi. Nagsama ang naturang “couple” sa iisang bahay one night, and allegedly, sineduce ng babae ang lalake while he’s showering. However, dala marahil ng cold weather ay nawala ang pagiging iskolar ng bayan ng lalake – hindi tumindig at nakibaka si manoy. Better luck next time ‘te, hanap ka na lang ng ibang hindi kasing-frigid, i mean rigid. Bilang finale, sino naman ang Kule pipay na itey na dahil sa Christmas rush ay nag-rush ding magsend ng mga draft. Ok na sana ang lahat – maganda ang pagkakasulat ni ate at insightful ang article – kaso lang sa maling tao niya na-send ito. But wait, there’s more. Isang kapitapitagang prof lang naman ng CAL ang nakabasa ng kanyang love letter. At ang nakalasulat sa e-mail ni ateng: Pa-edit po. Meri Krismas ulit, mga beks! ●
Next week’s Questions 1. Ano ang dapat maging New Year’s resolution ni Pang. Aquino? 2. Sino ang nagpainit ng Pasko mo? Send in your opinions and feedback via SMS! Type KULE <space> YOUR MESSAGE <space > STUDENT NUMBER (required), NAME and COURSE (optional) and send to:
09175312630
Non-UP students must indicate any school, organizational or sectoral affiliation
Kulê The Back Page
Lunes 12 Disyembre 2011 Day 2. Disyembre 7: Dinahas ng pulisya ang mga kabataan at manggagawa nang magtangka silang pumasok sa Mendiola. Tatlo ang naospital, 46 ang nasaktan at anim ang hinuli ng mga pulis.
Day 1. Disyembre 6: Bigo mang makarating ng Mendiola ang Camp-out PH protesters dahil sa pagharang ng pulisya sa kanilang hanay sa Morayta, itinuloy ng mga kabataan at iba pang sektor ang kanilang programa at camp-out sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila.
Umulan man o umaraw Limang araw ng pagtindig at pakikibaka sa Camp-out PH
Mga litrato nina John Keithley Difuntorum, Richard Jacob Dy, Chris Martin Imperial, at Kenneth Guda/Pinoy Weekly Disenyo ng pahina ni Jerome Tagaro
Day 3. Disyembre 8: Dahil sa barikadang itinayo ng kapulisan sa daan patungong Mendiola, napilitang magkampo ang mga raliyista sa kalye ng Bustillos. Sa lugar na ito idinaos ang programa at symbolic protests ng mga kabataan at iba pang sektor.
Day 4. Disyembre 9: Hindi alintana ng Camp-out PH protesters ang malakas na ulan habang nagmamartsa patungong Liwasang Bonifacio. Dito sila nagdaos ng overnight vigil upang paghandaan ang martsa para sa pagdaraos ng Pandaigdigang Araw ng Paggalang sa Karapatang Pantao kinabukasan. Day 5. Disyembre 10: Nakapagtayo na rin ng mga tent ang mga kabataan sa Mendiola. Kasabay ang iba’t ibang sektor ng lipunan, nagmartsa ang grupo mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola sa gitna ng malakas na buhos ng ulan. Huling araw na ng Camp-out PH, ngunit hindi pa rin kinakitaan ng pagod ang campers. “Day one! Day one ulit,” anila. Hindi nagtatapos sa ginanap na kampuhan ang pakikibaka ng masang sawang-sawa na sa umiiral na sistema. Nagsisimula pa lamang ang hamon sa mga taong maging mapagmatyag at ipagpatuloy ang pakikibaka para sa tunay na pagbabagong panlipunan, anumang unos ang dumating.