Dagdag 4.2B badyet sa SUCs, binatikos ng sektor ng kabataan —Page 3 Philippine Collegian Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman 14 Pebrero 2012 Tomo 89, Blg. 26
Pagwasak, paggunaw, paglaho, pag-ibig 6-7
bu Di
ho
ni
RD
Al
ipo
sa
Kay Adele OpEd Pahina 10
Assessment points
Sining Gerilya
Editoryal Page 2
Kultura Pahina 8
Can’t buy me love* Terminal Cases Delfin Mercado
It is that time of the year – when juniors and seniors in high school mingle with each other and dance the night away in awkwardly-tailored suits and dresses; when couples and would-be couples flock into fancy restaurants, the guys buying bouquets of roses while the ladies reward their suitors or partners with approving smiles, a card in one hand and a box of chocolates or expensive jewellery clutched on the other. Valentine’s Day is perhaps one of the most overrated celebrations in the country, second only to Christmas. It is ironic, however, that a nation engulfed in spiralling poverty is engrossed in such a senseless festivity. People spend precious resources to express their supposed affection to their loved ones, seemingly trying to compensate for days when love just cannot be accommodated. Just the other day, you wished that every day should become Valentine’s Day. It simply cannot be. At a time when bulk of the population is either toiling in sweatshops or searching endlessly for jobs or a few pesos to get by, there isn’t just enough time or resource to “love” every single day. For in this maddening world of consumerism, everything has already been commodified – even affection. To love is to buy. To love is to spend. To love is to consume. We put value, price tags on everything. Thus, we simply cannot afford “loving” daily. We students in the university will disagree to this notion – cloistered inside the academe, we have the luxury of time to relish romantic thoughts and hallucinate on the concept of affection. However, just around the corner, on the fringes of our everyday realities, there lie the workers who toil day-in and dayout in exchange for survival. There, in the automated assembly line, there is no room for romance – thoughts, dreams and aspirations are swamped by the mechanical workload. Mankind has reached such a sordid state of affairs where even emotions are dictated by the market. Just as everything else, love has become a scarce resource that is available to only those who can afford it. For those who can’t, what remains are tacky greeting cards and overpriced flowers that are actually compensatory gifts for the lack of real affection. We have been rendered numb by the system that has not only taken away from us the value of love, but its very concept, a system that installed in its place a kitsch that the we blindly celebrate on Valentine’s Day. No, it’s not a cause for celebration.● *Apologies to the Beatles
philippinecollegian.org
2 • Kulê Opinyon
Martes 14 Pebero 2012
Assessment points The grace period has ended. A year has passed since the current UP administration assumed leadership of the university, charting UP through one of the most critical junctures in its history. Now, more than ever, the quality and accessibility of the university continues to be steadily eroded by state abandonment, and over the past years, UP’s own leaders have collaborated in this decline. No less than former UP President Emerlinda Roman famously argued that “Tertiary education is a privilege, not a right.” In the aftermath of six years under the Roman administration, a period strewn with the flawed policies and actions that caused lasting harm to the university, the new leadership, under UP President Alfredo Pascual, presents fresh opportunities and renewed hope for change. In a clear attempt to restore the UP community’s confidence in its leadership, the current administration has kept communication lines open by holding consultations and dialogues with various stakeholders in the university. Such a set-up has shown what a united UP community — the university leadership working with students instead of against them — can achieve, especially in the face of the pressing issues hounding the university and the country. For instance, the nationwide protest launched by constituents of various state universities and colleges (SUCs) against budget cuts on education and other social services gained significant recognition when the UP administration actively supported the cause. Pascual, in solidarity with the rest of the UP community, was in fact among those most vocal in opposing the cutbacks. Moreover, Pascual was quick to condemn the violence and brutality inflicted by state security forces last December against student demonstrators, who wanted to protest the country’s gross social inequities in an attempt to localize the global “Occupy” movement in Mendiola. Indeed, for the new president, a complete turnaround from the policies adopted by the previous administration was the logical way forward, if only to ensure that UP fulfills its mandate and preserves its public character.
QUOTED
This record is inspired by something that is really normal and everyone’s been through it—a rubbish relationship. — Adele, on getting the Album of the Year award in this year’s Grammy Awards, www.mtv.com, February 13
James Liwanagan Evidently, the Roman administration’s notoriety of implementing anti-student policies such as the 300 percent tuition hike in 2006, has in part, legitimized government neglect to UP and other SUCs. At the expense of bastardizing the university’s public character, Roman conveniently chose to adopt the government’s mantra of “selfsufficiency” rather than to assert for greater state subsidy. Such decisions not only aggravated UP’s fiscal position, but also restricted poor but deserving students from accessing quality education in the national university. The UP-Ayala Technohub, which today has dropped any pretense of academic purpose, serves as a sobering reminder of the failure of Roman’s flawed measures to augment UP’s finances by utilizing idle assets and other commercially-driven schemes. While Pascual’s decision to veer away from Roman’s policies is commendable, this alone does not shield him from any criticism.
During last year’s graduation rites, the administration conferred Pres. Benigno Aquino III with an honorary Doctorate of Laws degree for his supposed achievement in battling corruption, an award the UP community has tagged as one of the biggest “insults” in the academe for honoring a person who was primarily responsible for the current education crisis. In the end, it is precisely Aquino’s backward views to public tertiary education that have led to a decreased budget for UP and other SUCs. This has had a concrete negative impact on UP, not only for students who can no longer afford the higher tuition, but for students who are studying in a campus which has an inadequate budget for many crucial things, including security. UP Los Baños student Given Grace and UP Diliman’s Lordei Hina are only two among the many victims of campus crimes nowadays. A year since assuming power, the current UP administration also lacks
Editoryal
concrete programs that would realize the pronouncements and promises made to the student body, such as the review of the Socialized Tuition and Financial Assistance Program. As such, the UP administration’s task ahead is not merely to reverse the policies of the Roman administration, but also to provide the necessary leadership to advance and enhance UP without limiting its accessibility and compromising its public character. Hence, beyond correcting the past, the Pascual administration must now take concrete strides, and begin realizing his vision for the university. ●
Tinatawag [ng Philippine Daily Inquirer] na “lumang emosyunalismo” ang sentimyento kontra sa base-militar ng US sa bansa. Sa ganito, ibinasura nito ang nasyunalismo na ipinakita ng sambayanan sa paglaban para palayasin ang mga dating base ng US. — Teo S. Marasigan on the January 30 editorial of the Philippine Daily Inquirer titled “Restoring US Presence”, pinoyweekly.org, February 11
I’ll give you a grade of 3. I pass you, but I warn you. —Sen. Miriam Defensor-Santiago, after Rep. Niel Tupas answered with silence during Day 16 of the Renato Corona impeachment trial, interaksyon.com, February 13
The altar. — Grace Lee , when asked by DJ Mo Twister as to where she sees her relationship with President Benigno Aquino III is leading to, verafiles.org, February 13
Philippine Collegian www.philippinecollegian.org Punong Patnugot Marjohara S. Tucay Kapatnugot Richard Jacob N. Dy Tagapamahalang Patnugot Dianne Marah E. Sayaman Panauhing Patnugot Glenn L. Diaz, Larissa Mae R. Suarez Patnugot sa Balita Victor Gregor U. Limon Patnugot sa Lathalain Mila Ana Estrella S. Polinar Patnugot sa Grapiks Chris Martin T. Imperial, Ruth Danielle R. Aliposa Mga kawani Ma. Victoria M. Almazan, Ysa V. Calinawan, Ma. Katherine H. Elona, Kevin Mark R. Gomez, Keith Richard D. Mariano, Marianne F. Rios Pinansiya Amelyn J. Daga Tagapamahala sa Sirkulasyon Paul John Alix Sirkulasyon Gary Gabales, Amelito Jaena, Glenario Ommamalin Mga Katuwang na Kawani Trinidad Gabales, Gina Villas Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Plipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1112@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations, College Editors Guild of the Philippines
3 • Kulê Balita
Martes 14 Pebrero 2012
Dagdag 4.2B badyet sa SUCs, binatikos ng sektor ng kabataan Isabella Patricia H. Borlaza Binatikos ng sektor ng kabataan bilang isang “token move” ng gobyerno ang pagdagdag ng Department of Budget and Management (DBM) ng P4.2 bilyon sa badyet ng state universities and colleges (SUCs) para sa taong 2012. Noong Enero 10, iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III na magdagdag ng pondo sa badyet ng SUCs ngayong taon mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP), ayon kay DBM Secretary Florencio Abad sa isang press release. Unang nilikha noong nakaraang taon, ang badyet ng DAP ay mula sa pondong naipon mula sa natirang pondo ng mga proyekto ng gobyerno noong 2011, paliwanag ni DBM Coordinator for Public Information Francis Capistrano. Ayon kay Capistrano, may P13.4 bilyon mula sa DAP ang naipamahagi na ng gobyerno sa iba pang mga proyekto simula ngayong taon tulad ng P1.130 bilyon na dagdag para sa Metropolitan Manila Development Authority, at P1.108 bilyon para sa National Electrification Administration. Gayunman, ang dagdag na pondo para sa mga SUCs ay hindi bunga ng “kagandahang puso ng gobyerno” kundi resulta ng mga protesta na inilunsad laban sa budget cut sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan noong nakaraang taon, ani Anakbayan National Chairperson Vencer Crisostomo. Sa kabuuan, P30.3 bilyon na ang inilaang badyet para sa SUCs ngayong taon, ngunit tinatayang 75 bahagdan lamang ito ng P40 bilyon na kinakailangang badyet ng 110 SUCs sa bansa, ayon kay Crisostomo.
‘Token move’
Mula sa P4.2 bilyong dagdag badyet sa mga SUCs, P3.356 bilyon ang nakalaan sa mga piling SUCs, ayon
sa DBM. Sa ilalim nito, P2.631 bilyon ang nakalaan sa pagpapabuti ng mga pasilidad at imprastruktura, P560 milyon para sa scholarships, at P165 milyon naman para sa mga guro at administrasyon. Samantala, P500 milyon naman ng P4.2 bilyon ay mapupunta sa grant-in-aid program, isang proyekto sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagsimula lamang noong taong 2008, at nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga kabataang hindi sakop ng conditional cash transfers. Ayon kay Capistrano, ang Commission on Higher Education (CHEd) ay magbibigay lamang ng dagdag na pondo sa mga piling SUCs na umaayon sa reform roadmap na itinataguyod ng CHEd at DBM. Ipinapakita lamang ng kondisyong ito na “hindi talaga plano [ng gobyerno na] maglaan ng budget [para] sa SUCs. In fact, conditional lamang iyan. Hindi ‘yan automatic na mapupunta sa SUCs,” ani Crisostomo. Kabilang sa reform plan ng CHEd ang mga itinala nitong priority courses sa agham at agrikultura, at pagsanib ng mga lokal na unibersidad sa iisang regional university system, ayon sa press release ng DBM. “Hindi ito dagdag na badyet, kundi isang suhol. Ginagamit ito para pikit-matang tanggapin ng SUCs ang mga kundisyon ng administrasyong Aquino sa edukasyon,” ani UP Diliman University Student Council Chair Jemimah Garcia. Paliwanag pa ni Garcia, ang mga palisiyang inilulunsad ng CHEd tulad ng “priority courses at amalgamation of SUCs” ay bahagi ng layunin ng gobyerno na bawasan ang bilang ng SUCs at himukin ang mga itong lumikom ng sariling pondo. Ayon kay Student Regent Maria Kristina Conti, lumalabas na “tailoredfit” sa pangangailangan ng ibang bansa ang industriya ng Pilipinas. “The
government has pushed schools to internationalize even the job market,” aniya.
Dagdag badyet para sa UP
Sa buwanang pulong ng Board of Regents noong Enero 26, sinabi ni UP President Alfredo Pascual na P1.3 bilyon sa nasabing dagdag na P4.2 bilyon ay mapupunta sa UP System, kung saan P498 milyon ay para sa capital outlay (CO) ng UP constituent units, at P805 milyon naman ay para sa maintenance and other operating expenses (MOOE) ng Philippine General Hospital (PGH). Sa P17 bilyon na itinakdang kinailangang pondo ng UP System para sa taong 2012, 12 lamang sa 21 na proyekto sa ilalim ng CO ang napaglaanan ng pondo ngayong taon (sumangguni sa sidebar 1) Sa kasalukyan, may kabuang P7.48 bilyon na ang pondong nakalaan para sa buong UP system sa taong 2012 (sumangguni sa sidebar 2) kasama Sundan sa pahina 4 »
BULILYASO. “Nakita ko sila mga alas-3 ng madaling araw galing sa UP Fair Grounds, dala-dala ang tatlong tubo patungo sa kalye sa gitna ng PHAN at Palma Hall,” ani Reynaldo Villaruz, ang guwardiyang nakahuli sa pagnanakaw ng bakal ng isang lalake at isang menor de edad noong Pebrero 14. Nahuli si Rodolfo Diaz, 35, malapit sa Shuster Gate, habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat. Chris Martin Imperial
Suspek sa insidente sa Vinzons, kinasuhan na Biktima, nailipat na sa recovery room Elias Jayson Tolentino Pormal nang sinampahan ng Quezon City (QC) Assistant City Prosecutor (OACP) ng mga kasong robbery at carrying of concealed weapon ang suspek sa pagnanakaw sa opisina ng UP Diliman (UPD) University Student Council (USC) at pananaksak sa estudyante ng UP na si Lordei Camille Anjuli Hina noong Pebrero 1. Inihain ni QC OACP Atty. Romana P. Lindayag Del Rosario ang kasong robbery, na may piyansang P180,000, sa (QC) Regional Trial Court (RTC) at kasong carrying of concealed weapon, na may piyansang P2,000, sa Metropolitan Trial Court (MTC) noong Pebrero 3. Didinggin ni Judge Lita TolentinoGenilo ng RTC Branch 91 ang kaso ng robbery, habang si Judge Voltaire Agas ng MTC Branch 35 naman ang didinig sa kaso ng carrying of concealed weapon,. Kasalukuyan pang hinihintay ang petsa ng unang pagdinig sa mga kaso. Ang mga kaso ay batay sa sinumpaang salaysay ni Gng. Concepcion Hina, ina ng bikima at sa testimonya ng kaibigan ni Hina na testigo sa krimen sa Quezon City Police District (QCPD) Station 9. Naunang nirekomenda ng QCPD Station 9 ang mga kaso ng robbery, hold up, at frustrated murder sa inisyal na report na ipinasa kay Del Rosario at sa piskal ng QC. Nakakulong ngayon si Dan Mar
Vicencio, alyas Carlo Pecayo, 38 taong gulang at residente ng Karangalan Village, Pasig City sa QCPD Station 9, habang pinaghahanap pa rin ang kasabwat nito sa krimen na kinilalang si Dante Santos ng Barangay Mambugan sa Antipolo City, Rizal.
Motion for reconsideration
Dismayado naman ang panig ng prosekusyon dahil hindi kabilang sa mga ihinapag sa korte ang kasong hold-up, serious physical injury, at frustrated murder. Balak ngayon ng pamilya ni Hina at ng Diliman Legal Office (DLO) na maghain ng motion for reconsideration sa RTC Branch 91 upang maisama ang nasabing mga kaso laban sa mga suspek. Samantala, wala pa ring ulat mula sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) hinggil sa resulta at pagsusuri sa narekober na 12-pulgadang ice pick na inaasahang magagamit na ebidensya upang mapalakas ang kaso. Nakikipagtulungan ngayon ang SOCO sa UP Diliman Police, QCPD Station 9, at kay S/G Gerry Docto, security guard ng UPD na nakaduty nang maganap ang krimen upang makapaglabas ng resulta ng imbestigasyon bago ang unang araw ng pagdinig. “Dapat makita ang iba’t ibang anggulo ng pangyayari para malaman ang tunay na motibo ng pagnanakaw. Pagnanakaw nga lang ba ang isyung ito? Bakit si Lordei? Bakit dito sa UP? Dapat mabigyan ng sagot ang mga tanong na ito. Willing akong makipagcoordinate para mabigyan ng hustisya si Lordei,” anang kaibigan ni Hina sa
isang panayam.
Hina, nailipat na sa recovery room
Samantala, inilipat na sa isang private room si Hina noong Pebrero 10 matapos ang siyam na araw na pananatili sa surgical intensive care unit ng Capitol Medical Center (CMC). Ayon kay Gng. Hina, hindi pa rin nakapagsasalita ang kanyang anak ngunit naigagalaw na niya ang kanyang mga kamay at naididilat ang parehong mata. Humilom na rin ang mga sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo ngunit tinututukan pa rin ng mga doktor ang pamamaga ng kanyang utak. Iminungkahi ng mga doktor na manatili sa ospital si Lordei ng isa pang buwan para sa obserbasyon at anim na buwan para sa physical therapy. Ayon sa inilabas na medico-legal report ng CMC noong Pebrero 8, nagtamo ng pitong malubhang saksak si Hina sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo at leeg na bunga ng isang matulis na bagay at ilang sugat na pinaniniwalaang bunga ng pagkakahampas. Nangako naman ang administrasyon ng UPD ng suportang pinansyal at legal sa pulong noong Pebrero 11 sa pagitan ng pamilya ni Hina at Vice Chancellor for Student Affairs Marion Tan.
Seguridad sa UP
Nagdaos naman ang tanggapan ng Student Regent at UPD USC ng isang open assembly noong Pebrero 8 sa College of Engineering na dinaluhan ni UPD Chancellor Caesar Saloma at ng mga konsehong pangkolehiyo sa UPD at iba pang organisasyong pang-magSundan sa pahina 11 »
4 • Kulê Balita
Martes 14 Pebrero 2012
‘Private accreditation erodes UP’s autonomy, public character’ Keith Richard D. Mariano Several student groups denounced the quality evaluation of academic programs in the UP Manila (UPM) College of Arts and Sciences (CAS) by private accrediting body Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and University (PAASCU) as an “attack” to the public character and academic freedom of the university. In the preliminary survey of PAASCU on January 31, members of the UPM University Student Council (USC), CAS Student Council, and other student organizations staged a protest action at the college to oppose the accreditation. “We stand by our opposition to private accreditation. We are a public university and our excellence should be measured by how well we are able to serve the people,” said UPM USC Vice Chairperson Cleve Arguelles in an interview with the Collegian. The CAS Department of Social Sciences (DSS) have also expressed opposition to the accreditation in a statement posted on their official Facebook page. “Ang pagsailalim sa PAASCU accreditation ay taliwas sa pang-akademikong integridad at awtonomiya ng UP bilang isang malaya at pampublikong pamantasan,” read the statement.
The preliminary survey conducted from January 30 to 31 aimed to assess four of nine academic programs under CAS—BA Behavioral Sciences, BS Biology, BS Biochemistry and BS Computer Science—through documentary inspection, interviews with college administrators and discussion with selected students and faculty members of the college. Under the PAASCU accreditation system, an academic program is accredited based on “college community involvement, faculty, curriculum and instruction, library, laboratories, physical plant, student services and administration.” A program or institution is accredited if it receives a “favorable” rating. The accredited program or institute will then be ranked from the lowest accredited status of “Level I” to the highest “Level IV.” Student organizations, however, questioned the credibility of PAASCU in evaluating the university’s academic programs. “What credentials does PAASCU have to accredit a public university especially UP given that practically all of its member-institutions and Board Members come from private universities, colleges and schools which are mainly run by religious
Dagdag 4.2B badyet sa SUCs... ang dagdag P1.3 bilyon mula sa DBM. Gayunpaman, higit-kumulang na sangkatlo ng badyet na ito ay para lamang sa PGH, ani Pascual. Kabilang din sa P7.48 bilyong kabuuang badyet ang P205 milyon na congressional initiatives (CIs) o pondo mula sa Kongreso. Ngunit paliwanag ni Pascual, hindi awtomatikong inilalabas ng DBM ang CIs at naibibigay lamang ito kung may clearance na mula sa pangulo ng bansa. “The budget is just a promise. What matters is the amount actually released to UP at the end of the year. Ang reality, wala talagang increase [sa budget],” ani Pascual.
Paghahanda sa badyet ng 2013
Sa kasalukuyan, wala pang itinatakda ang DBM na petsa at panuntunan hinggil sa konsultasyon sa paghahanda ng badyet para sa taong 2013, subalit naglabas na ang ahensya ng ilang reporma sa pagbabadyet na gagawin umanong mas epektibo at mas mabilis na pagpapatupad ng badyet, ani Abad sa isang press release.
« Mula sa pahina 3
Isa sa mga repormang ito ang pagtanggal ng DBM sa Special Allotment Release Orders (SAROs) at Agency Budget and Matrices (ABM) na mga uri ng pakukuwenta ng mga taunang gastusin ng bawat ahensiya ng gobyerno. Ayon kay UP System Vice President for Planning and Finance Lisa Grace Bersales, pabor sa UP ang pagtatanggal ng SARO. “Once the budget is given through [the] General Appropriations Act, UP does not need to wait for the ABM and SAROs to request for the utilization of the budgeted amounts,” aniya. Samantala, ikinasa na ng sektor ng kabataan ang pagbabantay sa inaaasahang muling pagkaltas ng badyet para sa SUCs. “Kailangan magkaroon ng totoong dagdag sa badyet. Mananawagan ulit tayo. Ikundena natin ang budget cuts last year, at ilaban natin na itigil na ang budget cut sa edukasyon at serbisyong panlipunan,” ani Crisostomo. ●
orders?” read a statement by UP Kilos Na, an alliance of sectoral organizations in UP.
‘Quality assurance’
PAASCU began as an accreditation committee of the Catholic Educational Association of the Philippines before it became an independent non-profit corporation in 1957. PAASCU was then authorized by the Commission on Higher Education (CHEd) “to certify the levels of accredited programs for the purpose of granting progressive deregulation and other benefits” in 1977, according to a primer posted on the official website of PAASCU. “PAASCU follows a set of standards. They are not using the Bible as the basis for accreditation. They are using academic standards that are the result of their own research effort to find out how to assess quality in particular professional degree courses,” said UP President Alfredo Pascual. Accreditation provides “quality assurance” of the university’s programs and ensures recognition of the programs abroad, said Pascual. “When you are being accredited, you also make changes and improvement in your programs or college to make sure you pass the accreditation,” he added. PAASCU requires accredited programs or institutions to “implement the recommendations” of the association’s evaluating team such as curricular reforms, according to the primer. Accreditation by PAASCU would also waive administrative, academic and financial regulation by CHEd, according to PAASCU. For instance,
TRAILBLAZER. Maroon booter Nii Aryee Ayi dashes through De La Salle University's defense in a football match held at the Ateneo High School Football Field on February 12. The Maroons finished clean with a 4-0 score, beating the Green booters and catapulting UP to the top spot with 16 aggregate points. Chris Martin Imperial member institutions may fix tuition and other fees without seeking for the commission’s approval.
Academic freedom
However, UP Kilos Na maintained that the improvement of UP’s curricular offering “should be based on a clear internal assessment [with the objective of] strengthening UP as a public service state university.” “The UP Charter already provides the exemption of the university from CHEd regulation. We also have our own policy-making body, the Board of Regents. Our autonomy can then be infringed with the accreditation system,” said UP Student Regent Ma. Krissy Conti.
Also, the provisions would only open the university to “questionable” financial and administrative policies including joint ventures with private corporations which undermine the public character of UP, according to DSS. “Ang pagbibigay ng kaukulang prayoridad ng pamahalaan, paggigiit sa mas mataas na badyet para sa UP at iba pang pampublikong paaralan, at pagpapanatili ng awtonomiya at demokratikong tradisyon ng academic freedom at pampublikong karakter ng pamantasan ang susi para manatiling mahusay ang unibersidad sa lahat ng larangan,” added the DSS. ●
OSR to file cases vs 11 students in alleged GASC bribery Richard Damian The Office of the Student Regent (OSR) is set to file separate cases against 11 students who allegedly attempted to bribe a member of UP Visayas School of Technology Student Council (SC) to vote for certain proposed revisions to the 2012 Codified Rules of Student Regent Selection (CRSRS) before the Student Disciplinary Tribunal (SDT) of their respective campuses within the week. The OSR has yet to disclose the names of the accused until the cases are officially filed before the SDTs of their respective constituent universities and other UP units. Of the 11 students, two UP Visayas students were accused of direct involvement in the alleged bribery incident. Both students are members of the same political organization but are not members of a student council. Meanwhile, a second list of nine other students will also be charged before the Tribunal for possible misconduct. All nine students are affiliated with
the same student alliance. The list of respondents was earlier submitted to the OSR-commissioned investigation panel composed of former student regents Jaqueline Eroles and Cori Alessa Co and UP Manila Office of Student Affairs Director Honey Libertine Labor to determine the extent of possible misconduct committed. The panel, however, has yet to finalize its findings as of press time. Article 459 of the UP System Code requires that hearing of cases shall not exceed two calendar months. The tribunal shall promulgate its decision within fifteen days thereafter. If the accused are found guilty, they could face suspension in accordance to Article 463 of the UP System Code, which stipulates disciplinary actions in the university. The GASC, meanwhile, will determine if the SC members involved may continue as members of the assembly after the investigation. The allegation was founded on
the testimony of a UP Visayas SC member during the General Assembly of Student Councils (GASC) on December 20 to 21. The two principal accused students allegedly offered the SC member an “incentive” to vote in favor of certain proposed amendments to the CRSRS including the provision of a minimum academic standing for SR nominees among others. The December assembly was convened to primarily discuss proposed amendments to the CRSRS, which will provide the qualifications and the selection process of the next student regent in April. The SR is the lone representative of students to the UP Board of Regents, the highest policy-making body of the university. With the allegation of bribery, however, the GASC has deferred discussions on the proposed revisions. “We need to establish first the integrity of the body before any collective decisions can be made,” said Conti. ●
5 • Kulê Balita
Martes 14 Pebrero 2012
Mga akusado sa kasong Karen-She, pinalilipat ng kulungan Osorio sa dalawang kasong kidnapping at illegal detention na isinampa laban kina Palparan at M/Sgt Rizal Hilario na pawang hindi pa rin naaaresto ng mga pulis hanggang sa kasalukuyan.
‘Special treatment’
VIGILANT. Erlinda Cadapan, mother of the missing UP student Sherlyn Cadapan, shows signs of worry as she accompanies a group of court officials surveying the PNP Custodial Center in Camp Crame on February 10. The parents and legal counsel of the missing UP students have urged the Malolos Regional Trial Court to transfer Lt. Col. Felipe Anotado Jr. and Staff Sergeant Edgardo Osorio, both co-accused with Ret. Maj. Gen. Jovito Palparan in the abduction of the two students in 2006, from the detention facility in Fort Bonifacio to Camp Crame. John Keithley Difuntorum
Mary Joy T. Capistrano Muling igniit ng prosekusyon sa kaso laban kay dating Hen. Jovito Palparan na ilipat sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center ng Camp Crame ang mga kapwa akusado ng retiradong heneral, matapos magsagawa ng inspeksyon ang korte sa Crame at sa Army Custodial Management Unit (CMU) ng Fort Bonifacio noong Pebrero 10. Kasama sa nasabing inspeksyon si Judge Teodora Gonzales ng Regional Trial Court Branch 14 ng Malolos Bulacan, ang panel ng prosekusyon ng Department of Justice (DOJ) sa pangunguna ni Assistant State
Prosecutor Juan Navera, mga abogado ng prosekusyon, at si Erlinda Cadapan, nanay ni Sherlyn. Samantala, hindi nakarating ang panig ng depensa. Ayon kay Atty. Edre Olalia ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), isa sa mga abogado ng prosekusyon, kasalukuyang nakakulong sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr. at S/Sgt Edgardo Osorio sa isang selda sa Fort Bonifacio na mistula umanong dormitoryo. “Since ang kaso nila [Anotado at Osorio] ay laban sa sibilyan, mas gusto kong igiit na sa civilian detention center sila,” ani Gng. Cadapan. Kapwa akusado sina Anotado at
Nauna nang kinundena ng panig ng mga biktima ang “special treatment” sa paglilipat sa mga akusado mula sa Malolos Provincial City Jail tungong Fort Bonifacio noong Disyembre 23. Ginawang batayan ng depensa ang Executive Order 106 na umiiral mula pa 1937 na nagsasabing dapat nasa kustodiya ng militar ang sinumang akusadong sundalo. May banta rin umano sa buhay ng dalawang akusado dahil sa mga detenidong kriminal sa kulungan sa Malolos, ani Atty. Alex Alberto Popanes, abogado nina Anotado at Osorio. Ngunit ayon kay Navera, maaari namang tugunan ang nasabing isyu sa pamamagitan ng paghihiwalay kay Anotado at Osorio sa ibang mga preso. “[K]ung ikukumpara ang [CMU] sa [PNPCC], halos pareho lang ang security. Mas mahigpit pa nga…sa PNP,” ani Oliva. Idinagdag din ni Navera na dahil mas malapit sa Bulacan ang Crame kaysa Fort Bonifacio, mapapadali rin ang pagdalo ng mga akusado sa mga pagdinig sa korte kung ililipat ang dalawa sa Crame. “Ang posisyon namin dapat talaga sa PNP custodial center. Civilian jail ito e. Dapat may jurisdiction ang court at may access ang prosecution kung ano ang nangyayari sa loob,” ani Navera. Binatikos din ni Oliva ang pagpapahintulot sa mga akusado na gumamit ng cellphone. Aniya, naunang sinabi ni Major Vicente Managay, jail warden ng CMU, na bawal gumamit
ng cellphone sina Anotado at Osorio, ngunit binawi rin ni Managay ang sariling pahayag at sinabing pinapayagang gumamit ng cellphone ang dalawa sa kundisyong ibabalik ng mga ito ang kanilang mga cellphone sa guwardiya pagkatapos gamitin. Nakatakda namang maglabas ng resolusyon ang korte ukol sa mosyon ng prosekusyon na ilipat sa Crame ang mga akusado, bagaman wala pang tiyak na araw ang susunod na pagdinig.
Karagdagang mga kaso
Samantala, pinag-aaralan naman ng mga human rights group sa iba’t ibang panig ng bansa ang pagsasampa ng mga karagdagang kasong paglabag sa karapatang pantao laban kay Palparan, pangunahin na sa Gitnang Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, kung saan namuno ang
dating heneral sa kasagsagan ng Oplan Bantay Laya (OBL). Ayon sa grupong Karapatan, may 1,206 na naitalang kaso ng pulitikal na pamamaslang, 206 kaso ng sapilitang pagkawala, at mahigit 2000 pagaresto dahil sa pulitikal na paniniwala, sa ilalim ng counter-insurgency program na Oplan Bantay Laya na pinamunuan ni Palparan. Samantala, patuloy pa rin ang panawagang hanapin at arestuhin si Palparan at Hilario sa lalong madaling panahon. “Para sa akin nagkukulang ang gobyerno, dahil sa ibang pangyayari madali naman nilang nahuhuli yung mga suspek. Kung talagang gusto nilang hulihin si Palparan, nahuli na dapat nila noon pa,” dagdag ni Cadapan. ●
OF OIL AND BLOOD. A man looks on art pieces at IMPRINT: Images of Impunity, an art exhibit by the End Impunity Alliance held at Sining Kamalig Art Gallery at Gateway Mall in Cubao. The exhibit, showcasing art pieces depicting the culture of impunity and human rights violations in the country, will run until February 28. John Keithley Difuntorum
CHK students slam unjust internship req’ts Victor Gregor Limon Graduating students of internship course Sports Science 197 (SS 197) in the College of Human Kinetics (CHK) have launched a protest campaign against the alleged unreasonable handling of the course by Professor Norberto Madrigal, saying the class requirements set by the professor are “unstructured, irrelevant, and inappropriate.” Dubbed as “DROP Internship,” the students’ campaign is pushing for four demands represented by the acronym in the campaign: “Do leave our grades blank and approve our graduation this April,” “Review the handling of SS 197 by the current teacher and make necessary measures to avoid
the same problems,” “Offer SS 197 on Summer AY 2011-2012,” and “Present a well-prepared syllabus of SS 197.” In an interview, DROP Internship spokesperson and current CHK Student Council Vice Chair Pura Jacobe Bascuña said Madrigal failed to provide them copies of the course syllabus at the beginning of the semester. Since then, the students have been required to render at least 250 hours of internship in activities such as manning the sports laboratory at the CHK gymnasium, spending time at the CHK library, conducting underwater weighing experiments, and observing training sessions of the UP track and field teams, Bascuña said. Another SS 197 student and current CHK Councilor Kamille Ignacio
also said Madrigal initially asked the class to raise a total amount of P100,000 by the semester’s end by organizing any type of event related to sports science. Madrigal later on cancelled the activity and said he only wanted to test the students’ eventplanning skills. “We think that the required projects and activities do not satisfy the course description of [SS 197] which is ‘field experience as member of the coaching/training staff in sports teams and research/support staff in health, fitness, and sports medicine centers,’” the group said in their letter to Department of Sports Science Chair Oscar Yoshihiro Santelices on December 1, 2011. In an interview with the Collegian,
Santelices said he responded to the letter by personally talking to Madrigal. “Gusto ko sanang maresolve nila ang issue among themselves,” he explained. The students, however, failed to notice any improvement in the handling of the course, they submitted a letter to CHK Dean Leilani Gonzalo to request for a dialogue with the CHK Executive Committee. On January 31, Santelices met Madrigal and his SS 197 students for an open discussion on the issue. Santelices said Madrigal promised to prepare a syllabus and “adjust” the course requirements to accommodate the students’ complaints. However, when the syllabus furnished by Madrigal a few days later
failed to present relevant alternative activities for the internship course, the students decided to reiterate their campaign’s demands through a letter to Gonzalo on February 10. “We, as Iskolar ng Bayan, deserve the right to quality education from the premier state university. Our academic growth and learning experience have severely suffered from our internship [course]. We strongly believe that the fulfilment of [our campaign’s four demands] will compensate for the professor’s inadequate handling and will provide us the quality education that we deserve,” read the statement. Meanwhile, Madrigal could not be reached for comment as of press time. ●
6-7 • Kulê Kultura
On the bus going home on Valentine’s Day
Martes 14 Pebrero 2012
Makinang na makinang ni Reagan Maiquez
by Glenn Diaz
Mahal,
Part the curtains and watch the city where nothing
Gumising ka na
is different, nothing that will remind you of troubled streets. Inside, lazy heads lurching. Invoke the day’s manmade significance: a reason to clutch your bag tighter. Elsewhere, a bed is halffilled, ruffled and stillwarm from possibly two bodies, which is to say
dahil kung papalarin, aayain sana kita sa umagang kasasabog pa lamang ng araw sa silangan. Bilang isa nang supernova hindi na ultraviolet o infrared ang sa ating mga balat ay hahaplos ng silab at nakamamatay na halik kundi ang ating mga bakas at impyernong dulot ng nagibang bituin ang magkakape sa madaling araw ng gunaw. Ano kaya ang ating pag-uusapan? Ano kaya ang aking isasawsaw sa kape? Sana’y may hamog sa umagang iyon at may ginaw pang natitira, parang Disyembre at may mga nagsisimbang-gabi o kaya Pebrero at yakap-yakap ng kumot ang mga katawan. Wala na sigurong kaingay-ingay, payapang nagaganap ang lahat ng pagkatupok, ng engrandeng pagliliyab ng araw sa himpapawid, sa Silangan, habang tayo’y nagkakape at sa wakas, sa pagkakataong iyon masasabi ko sa iyo na ikaw ang una’t huli kong inibig kahit hindi mo na ito maririnig. Sana’y marinig mo itong mga salitang nagliliyab, mainit-init na nagdadaib, makinang na makinang.
once there was a man who may have parted the curtains then looked back to the bed to a figure possibly reclining, possibly no longer there. Absence is an uprooting that gnaws during days like this, when memory is a bag on your lap, heavy but without it one seeks the alien weight of the uneasy friendship.
2012
Pagwasak, paggunaw, paglaho, pag-ibig Aling delubyo pa ba ang mas hihigit sa pag-ibig? Sa paglisan ng sinisinta? Sa pandarahas ng mga aalala? Kung tunay ngang pag-ibig ang nagpapainog sa daigdig, bakit ito rin ang salarin sa paminsan-minsan nitong pagtigil? Ngayong buwan ng mga puso, usisain: itong daluyong na matamis-mapait, masarap-makirot, minsa’y tunay at pirming kumikislot sa mga pasilyo ng isip. ●
Biyahero
Apokalipsis
ni Om Narayan Velasco
ni Victor Gregor Limon
Minsang ipinagmalaki ng iyong ama na isinilang kang may nunal sa talampakan, umano’y kapirasong itim mula sa gabi ng iyong kapanganakan na pinilas mula sa langit ng iyong kaluluwang nagpupumiglas lisanin ang dilim.
Ganito kabagal ang ilang segundo bago magunaw ang daigdig:
Simula nang matuto kang humakbang, binitbit na ng iyong mga binti ang tigatig ng iyong dibdib at doon mo nasabi sa sarili na walang pook ang hindi mo kayang marating. Sa iyong kabataan, minsan kang naligaw pauwi sa inyong bahay nang sundan mo ang anino ng buwan, at sa gitna ng mga pag-iyak at paglalakad, doon mo natuklasan ang magkakasangay na daan patungo sa mga lugar kung saan iniiwan sa arko ang pangalan at walang mukha ang mga naninirahan. Mula noon ay binansagan kang isang lagalag. Unti-unti, naging kulay ng balat mo ang lupang binabagtas at naging mapa ang iyong katawan ng lahat ng iyong napagdaanan:
Aalon ang alak sa basong hawak, at mauunawaan ko sa wakas na walang gaspang na nalalabi sa mga kamay na hindi sanay sa bubog. Dama ko ang pawis ng yelo sa malalalim na guhit ng palad na minsang pinamuhatan ng kapalaran. Aandap ang ilaw ng bumbilya, hanggang sa maging monopolyo ng buwan ang liwanag. Aahon ang kulog sa pagkahimbing, hindi nagmamadali gaya ng susunod na bagyo at iba pang delubyo. Aabot sa mga daliri ang upos ng sigarilyo, bubulusok sa dilim. Ito ang pahintulot na maghanap ng ibang bisyong mas nakamamatay. Lalagumin ng nalalabi ang mga nakaligtaan. Maaalala ko ang mga librong binalot ng alikabok sa ilalim ng kama. Sa pagitan ng mga pahina, mga papel na nilamukos at itinuwid muli. Kung sana-Ganito kadagli ang katapusan.
How we met
by Christine V. Lao isang peklat sa noo nang akyatin sa hilaga ang mga bundok na sumasadsad sa mga ulap; kalyo sa dalawang kamay Tied to my wrist at a party: na singkapal ng tangkay ng mga tubo sa sakahan; mga nabuburang linya sa talampakan sa kalalakad sa dalampasigan.
A lighthearted airhead Hindi ka huminto sa paglalakbay na para bang mayroon kang dapat puntahan, o may naghihintay sa iyo sa kabilang pampang. Hindi naging mahalaga kung saan ka magmumula High on helium o saan ang iyong punta, basta’t pinakagising ang iyong ulirat habang hindi ka pa dumarating -- sa mga pagitang I jerked it around ang panahon ay panandaliang nakabinbin. Dahil tulad ng iyong saglit na pamamalagi, ikaw ay nabighani It followed me home sa kawalan ng pananatili ng mga bagay, kasabay ng timyas ng bawat lumilipas na sandali. Squeaking gleefully Kaya’t wala kang iniiwan maliban sa mahinahong bakas ng iyong mga yapak sa mga nalimot nang lansangan, Overhead ang iyong hindi maalalang pangalan sa iilang nakasalamuha, ang sandali mong pagdaan na walang nakatitiyak Not yet kung totoo nga bang naganap o hinalaw lamang sa iba’t ibang alamat. This glowering god, Wala kang iniiwan sa iyong bawat paglisan This sullen moon maliban sa sariling lumbay na hindi matakas-takasan
Dibuho ni Marianne Rios at RD Aliposa Disenyo ng pahina ni Jerome Tagaro
6-7 • Kulê Kultura
On the bus going home on Valentine’s Day
Martes 14 Pebrero 2012
Makinang na makinang ni Reagan Maiquez
by Glenn Diaz
Mahal,
Part the curtains and watch the city where nothing
Gumising ka na
is different, nothing that will remind you of troubled streets. Inside, lazy heads lurching. Invoke the day’s manmade significance: a reason to clutch your bag tighter. Elsewhere, a bed is halffilled, ruffled and stillwarm from possibly two bodies, which is to say
dahil kung papalarin, aayain sana kita sa umagang kasasabog pa lamang ng araw sa silangan. Bilang isa nang supernova hindi na ultraviolet o infrared ang sa ating mga balat ay hahaplos ng silab at nakamamatay na halik kundi ang ating mga bakas at impyernong dulot ng nagibang bituin ang magkakape sa madaling araw ng gunaw. Ano kaya ang ating pag-uusapan? Ano kaya ang aking isasawsaw sa kape? Sana’y may hamog sa umagang iyon at may ginaw pang natitira, parang Disyembre at may mga nagsisimbang-gabi o kaya Pebrero at yakap-yakap ng kumot ang mga katawan. Wala na sigurong kaingay-ingay, payapang nagaganap ang lahat ng pagkatupok, ng engrandeng pagliliyab ng araw sa himpapawid, sa Silangan, habang tayo’y nagkakape at sa wakas, sa pagkakataong iyon masasabi ko sa iyo na ikaw ang una’t huli kong inibig kahit hindi mo na ito maririnig. Sana’y marinig mo itong mga salitang nagliliyab, mainit-init na nagdadaib, makinang na makinang.
once there was a man who may have parted the curtains then looked back to the bed to a figure possibly reclining, possibly no longer there. Absence is an uprooting that gnaws during days like this, when memory is a bag on your lap, heavy but without it one seeks the alien weight of the uneasy friendship.
2012
Pagwasak, paggunaw, paglaho, pag-ibig Aling delubyo pa ba ang mas hihigit sa pag-ibig? Sa paglisan ng sinisinta? Sa pandarahas ng mga aalala? Kung tunay ngang pag-ibig ang nagpapainog sa daigdig, bakit ito rin ang salarin sa paminsan-minsan nitong pagtigil? Ngayong buwan ng mga puso, usisain: itong daluyong na matamis-mapait, masarap-makirot, minsa’y tunay at pirming kumikislot sa mga pasilyo ng isip. ●
Biyahero
Apokalipsis
ni Om Narayan Velasco
ni Victor Gregor Limon
Minsang ipinagmalaki ng iyong ama na isinilang kang may nunal sa talampakan, umano’y kapirasong itim mula sa gabi ng iyong kapanganakan na pinilas mula sa langit ng iyong kaluluwang nagpupumiglas lisanin ang dilim.
Ganito kabagal ang ilang segundo bago magunaw ang daigdig:
Simula nang matuto kang humakbang, binitbit na ng iyong mga binti ang tigatig ng iyong dibdib at doon mo nasabi sa sarili na walang pook ang hindi mo kayang marating. Sa iyong kabataan, minsan kang naligaw pauwi sa inyong bahay nang sundan mo ang anino ng buwan, at sa gitna ng mga pag-iyak at paglalakad, doon mo natuklasan ang magkakasangay na daan patungo sa mga lugar kung saan iniiwan sa arko ang pangalan at walang mukha ang mga naninirahan. Mula noon ay binansagan kang isang lagalag. Unti-unti, naging kulay ng balat mo ang lupang binabagtas at naging mapa ang iyong katawan ng lahat ng iyong napagdaanan:
Aalon ang alak sa basong hawak, at mauunawaan ko sa wakas na walang gaspang na nalalabi sa mga kamay na hindi sanay sa bubog. Dama ko ang pawis ng yelo sa malalalim na guhit ng palad na minsang pinamuhatan ng kapalaran. Aandap ang ilaw ng bumbilya, hanggang sa maging monopolyo ng buwan ang liwanag. Aahon ang kulog sa pagkahimbing, hindi nagmamadali gaya ng susunod na bagyo at iba pang delubyo. Aabot sa mga daliri ang upos ng sigarilyo, bubulusok sa dilim. Ito ang pahintulot na maghanap ng ibang bisyong mas nakamamatay. Lalagumin ng nalalabi ang mga nakaligtaan. Maaalala ko ang mga librong binalot ng alikabok sa ilalim ng kama. Sa pagitan ng mga pahina, mga papel na nilamukos at itinuwid muli. Kung sana-Ganito kadagli ang katapusan.
How we met
by Christine V. Lao isang peklat sa noo nang akyatin sa hilaga ang mga bundok na sumasadsad sa mga ulap; kalyo sa dalawang kamay Tied to my wrist at a party: na singkapal ng tangkay ng mga tubo sa sakahan; mga nabuburang linya sa talampakan sa kalalakad sa dalampasigan.
A lighthearted airhead Hindi ka huminto sa paglalakbay na para bang mayroon kang dapat puntahan, o may naghihintay sa iyo sa kabilang pampang. Hindi naging mahalaga kung saan ka magmumula High on helium o saan ang iyong punta, basta’t pinakagising ang iyong ulirat habang hindi ka pa dumarating -- sa mga pagitang I jerked it around ang panahon ay panandaliang nakabinbin. Dahil tulad ng iyong saglit na pamamalagi, ikaw ay nabighani It followed me home sa kawalan ng pananatili ng mga bagay, kasabay ng timyas ng bawat lumilipas na sandali. Squeaking gleefully Kaya’t wala kang iniiwan maliban sa mahinahong bakas ng iyong mga yapak sa mga nalimot nang lansangan, Overhead ang iyong hindi maalalang pangalan sa iilang nakasalamuha, ang sandali mong pagdaan na walang nakatitiyak Not yet kung totoo nga bang naganap o hinalaw lamang sa iba’t ibang alamat. This glowering god, Wala kang iniiwan sa iyong bawat paglisan This sullen moon maliban sa sariling lumbay na hindi matakas-takasan
Dibuho ni Marianne Rios at RD Aliposa Disenyo ng pahina ni Jerome Tagaro
s a l a ka y bantay y y a k y a sala k la a s a y a bantay t t n a BBantaskay y an 8 • Kulê Kultura
Bantay-salakay saB lakay lakay y y salakay a BBaanntatsalakay bantay sa Toni Antiporda Sa dulo ng overpass sa Philcoa, nanlilisik na mga mata ang tatambad sa iyo, mga mata ng isang mukhang pinuluputan ng isang matingkad na pulang bandera, mistulang nakakubling ninja o nagmamasid na gerilya. Bagamat tadtad ang pader ng iba pang mga dibuho at samu’t saring mga pangalan, tumatak ang isang ito dahil sa kakaibang pormasyon at pagkakatindig ng mga tauhan nito. Hindi ito graffiti na nagmamarka ng teritoryo at nagtatakda ng pagkakakilanlan ng isang grupo; ito ang unang paglitaw ng mga makabagong kabataang mandirigma na kalaunang tatawaging mga Pinoy Rangers. At kamakailan, nang sumulpot ang mga likhang gerilya sa isang art gallery, umani ng mga kaaway na kapwa street artists ang mga Gerilya.
Kamehame Wave
Nobyembre noong nakaraang taon, kasabay ng pagdiriwang sa kaarawan ni Andres Bonifacio, nang nasilayan sa Philcoa overpass ang imahe ng tatlong maskaradong kabataan, lahat nakatindig at tila handang-handa sa pakikipaglaban. Kapansin-pansin ang kanilang pormasyon, pati na ang telang nakabalot sa kanilang mga mukha. Isang linggo makalipas, burado na ang kalakhan ng dibuho. Gayunpaman, tumatak ito sa alaala at kalaunang binansagan na Pinoy Rangers dahil sa pormasyon nilang kahalintulad ng sa Power Rangers. Ang Pinoy Rangers ang unang eksibisyon ng grupong Gerilya, isang grupo ng mga graphic artists na binubuo ng mga mag-aaral ng UP Diliman Fine Arts at dating mga ilustrador para sa Philippine Collegian. Naging kilala ang grupo dahil
sa kanilang mga likhang dibuho, paggawa ng komiks at pagsagupa sa mundo ng street art at graffiti. Nagsimula bilang street art ang Pinoy Rangers, at nagsisilbing pagtatapos ng kanilang serye ng mga proyektong produkto ng wheatpasting na nagsimula sa mga pader ng Philcoa at Katipunan. Bagamat nagsisilbing pagtatapos, maituturing din na isang panibagong simula ang eksibisyon para sa mga Pinoy Rangers dahil nabigyan sila ng panibagong-kulay sa lona at kahoy. Ang wheatpasting, kadalasang itinuturing din na street poster art, ay isang proseso ng pagdidikit ng mga dibuho sa pader gamit ang gawgaw o almirol. Sa prosesong ito, dahil may kalayaang ilapat muna ang ilustrasyon sa papel sa loob ng isang ligtas na espasyo, mas napagtutuunan ng pansin ang paggawa sa likhang sining. Higit ding mas mabilis ang proseso ng pagdidikit kumpara sa direktang pagpipinta sa mga pader. Bagamat nasisiguro ng prosesong ito ang kaligtasan ng grafitti artist, dahil napapadali ang pagtakas at pag-iwas sa mga awtoridad, hindi nito natitiyak ang katagalan ng likhang sining. Ang makintab at makulay na tindig ng mga mandirigma ngayon, maaaring maging gula-gulanit sa pagtatapos ng linggo. Marahil ang katotohanan ding ito ang nagsilbing dahilan ng Gerilya sa paglalagak ng kanilang Pinoy Rangers sa lona at kahoy mula sa nakagawiang pader at papel. Bagamat lihis sa orihinal nitong pinanggalingan, sa ganitong paraan napatatagal ang buhay ng likhang sining. Ang pabagu-bago at marahas na kalagayan sa lansangan at mga pader ang nagsisilbing impetus at katwiran ng mga street artists sa kanilang walang katapusang pagdidikit ng kanilang mga napapanahong likha sa lantad na espasyo.
Martes 14 Pebrero 2012
>> Gerilya Artist Collective/Street art >> Kanto Gallery at The Collective, Makati
Pinoy Rangers
Ginamit ng Gerilya ang iba’t ibang bandila ng Pilipinas, mula noong panahon ng Katipunan hanggang sa kasalukuyan. Ayon sa kanila, nagsisilbi ring pagkilala sa mga magsasaka, mga manggagawa at mga aktibista ang paraan ng pagkakapulupot ng mga bandilang ito sa ulo ng mga kabataang mandirigma. Bagama’t nakakubli ang mga mukha at identidad, batid sa lisik ng kanilang mga mata ang angking katapangan. “Kumuha kami ng mga images doon sa mga flags ng Pilipinas. Nagsimula pa ng mga sa Katipunan hanggang sa kung ano na yung mayroon tayo ngayon. Sa panahon ngayon ng false heroism ng mga Western na heroes, gusto naming bumalik sa kung ano ba ‘yung totoong heroism,” paliwanag ni Ralph Lumbres, isa sa miyembro ng Gerilya. At bilang mga kabataang lumaki noong dekada ’90, nagsilbi ding inspirasyon para sa kanila ang mga Japanese superheroes ng kanilang panahon, batid na rin sa mga tindig at pusturang mala-sentai at shonen ng mga maskaradong mandirigma. Isa sa mga pinakamapaglarong piyesa sa kanilang eksibisyon ang “Fusion Dance ni Magdalo at Magdiwang Ranger.” Pahaba itong obra kung saan isinasayaw ng dalawang kabataang mandirigma, suot ang mga bandila ng pangkat Magdalo at Magdiwang ng Katipunan, ang Fusion Dance mula sa Dragon Ball. Anila, isa itong pagninilay sa kung ano kaya ang maaaring magbago sa kasaysayan kung nagkaisa at naging matatag lamang ang Katipunan.
Pinagsama nila ang mga imahe ng rebolusyon, batid sa paggamit ng mga bandila ng Katipunan, at ang mga tindig sa pakikipaglaban ng mga Japanese superheroes upang paglaruan ang ating nosyon ng kagitingan at kabayanihan. Sa panahon na nakasalalay sa pagtugis ng mga dambuhalang halimaw at pagharap sa mga apokaliptikong senaryo ang nosyon ng kabayanihan at kagitingan, may puwang pa ba ang rebolusyonaryong diwa sa mga mandirigmang kabataan?
Fusion Dance
Tumanggap ng batikos ang eksibisyon ng Gerilya sa Kanto Gallery mula sa iba pang mga samahan ng graffiti at street artists. Anila, hindi na maituturing na street art ang mga gawang ito ng Gerilya dahil nailagak na ito sa espasyo ng isang art gallery. Ang nararapat na espasyo raw para sa tinatawag na street art ay ang lansangan at ang mga pader nito, kung saan higit ang panganib at kompetisyon para sa kanilang mga likhang sining, hindi lamang mula sa mga kapwa graffiti at street artists, kung hindi pati na rin mula sa mga elemento tulad ng pagbabago ng panahon, pagdaan ng mga tao at pati na paglilinis ng mga awtoridad. Ang potensiyal ng street art ay nakasalalay sa akto ng pagtunggali at paglaban. Ngunit iba-iba man ang mga kadahilanan sa paggawa ng street art – subersyon, teritoriyalisasyon, o ang simpleng paglikha ng sining – iisa lang ang pagtingin dito ng estado: bandalismo. Sa pampublikong pader, bagamat mataas ang antas ng kasiningan ng isang likha, ituturing pa rin itong bandalismo ng estado, isang rungis sa pampublikong espasyo na kailangang burahin o tanggalin. Sa ganitong pagtingin, humina man ang nosyon ng tunggalian ng Pinoy Rangers dahil sa paglipat nito sa isang privileged na
espasyo, bahagi lamang ito, para sa Gerilya, ng ebolusyon ng kanilang sining, isang panibagong sipat sa kanilang mga likha bilang isang imahe. “Kaya nga kami nag-street art, kasi gusto namin lumawak yung audience, dumami yung makakita ng art namin. Sa gallery, kailangan namin ng isang space para lagyan ng ending yung project namin na Pinoy Rangers,” ani Nico Villarete, isa pang miyembro ng Gerilya. Masasabing may epekto ang espasyo sa paggagap ng mga likhang sining. Sa mga pampublikong pader, may elemento ng sorpresa at pagkabigla na nagbibigay sa mga dibuho ng mas malalim na kahulugan. May kakaibang pagpukaw sa damdamin ang mga likhang sining na natatagpuan sa mga hindi inaasahang espasyo. Ngunit may naiaambag ding ibang dimensiyon ang pagkakalagak ng mga Pinoy Rangers sa tahimik na espasyo ng isang art gallery. Dito, mas nabibigyan ng kalayaan ang tagamasid na pahalagahan at pagnilayan ang kagandahan at kahulugan ng likhang sining, malayo sa ingay at gulo ng siyudad. Sa isang art gallery, bagamat hubad man kasiningan at kahulugan, napapatawan pa rin ng kalamangan ang isang obra bilang isang lehitimong likhang sining. Sa kasong ito, tila patuloy lamang sa pagbabagong-anyo ang ating mga Pinoy Rangers, mula sa mga nakakubling gerilya sa ating mga lansangan tungo sa pagiging makabagong ikonograpiya ng bayani sa ating mga art galleries. Kung tutuusin, isang panibagong teritoryo ang art gallery para sa mga street artist tulad ng Gerilya, at sa halip na pagpapasailalim ay maaari itong ituring na isang akto ng pagsalakay. Ayon sa kanila, hindi naman matatapos ang kanilang pagdidikit sa mga pader, ngunit hindi rin matitigil ang paghahanap ng iba pang abenida sa paglalantad ng sining. Maaaring malimitahan ng espasyong ito ang paggagap ng mga tagamasid, ngunit ang talas nito bilang isang akda ang siyang dapat mamayani, nasa marungis na pader man ito o nasa antiseptikong art gallery. ●
Litrato ng Gerilya Dibuho ni RD Aliposa Disenyo ng pahina ni Kel Almazan
9 • Kulê Lathalain
Martes 14 Pebrero 2012
Unang salang
Litrato ni Chris Imperial Disenyo ng pahina ni Kel Almazan
Pagtatasa sa unang taon ng panunungkulan ni UP President Alfredo Pascual Joan C. Cordero Unang sasalubong sa mga sasakyan mula sa labas ng unibersidad ang nakadipang rebulto, o ang Oblation. Sa likod nito, makikita ang gusaling may malawak na pasilyo at malalaking haligi, kasing-lawak at laki ng kapangyarihang sakop ng mga taong namamalagi sa mga silid nito, gaya ni UP President Alfredo Pascual, ang ika20 pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Ika-10 ng Pebrero noong isang taon nang mahirang si Pascual bilang pangulo ng UP. Dating rehente at guro sa Asian Institute of Management at Ateneo De Manila University ang 64-taong gulang na finance expert na pinili ng Board of Regents mula sa 11 kandidato. Matatandaang sa taong ito ay sinuportahan ng administrasyong Pascual ang laban ng iba’t ibang sektor sa UP, tulad ng budget cut strike ng mga estudyante. Sa kabila nito, binulabog pa rin ang pamumuno ni Pascual ng mga kontradiksyon sa kanyang mga ipinatutupad na patakaran at lantad na pagkiling sa mga sektor.
Paunang gilas
Hindi naman umano nahirapan si Pascual sa mga unang araw ng kanyang pagiging pangulo, dahil nakatulong sa kanya ang pagiging guro, at opisyal sa bangko noon. “It’s just like running an organization... ‘yun nga lang, UP has a public sector entity,” aniya. Nagtuon ang kanyang administrasyon ng higit na pansin sa mga programang ukol sa “operations excellence.” Sa ilalim nito, mapadadali ang mga operasyon sa UP sa pamamagitan ng electronic
UP, o pagkakaroon ng database ng mga dokumento sa UP nang mapabilis ang mga transaksyon gaya ng pagpapasahod sa mga faculty, at mga dokumento gaya ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP), at iba pa. Bagamat hindi pa ito naisakatuparan nang lubusan sa kanyang isang taong pamumuno, inaasahan ni Pascual na magiging “operations excellent” ang UP bago matapos ang kanyang termino. Isa rin sa pangunahing pinagtuunan ng pansin ng pangulo ang pagpapanatili ng “academic excellent” ng UP sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga estudyante ng grants, scholarships, at exchange programs sa ibang bansa, pagpapalawig ng academic publications at research, at pagpapayabong ng mga programang PhD. Lahat ng ito’y nangangailangan ng higit na malaking badyet, kaya bukod sa mga donasyon, kita mula sa pagpaparenta ng mga lupa ng UP, nakiisa din ang administrasyon sa panawagang taasan ng gobyerno ang subsidyo para sa edukasyon. “Lahat ng ginagawa natin is for the people... we should know how relevant it is to the national development,” aniya.
Pagpanig at pagtindig
“Kumpara sa nakaraang administrasyon, mas nakakausap si Sir Pascual, mas communicative siya,” ani dating Student Regent Jacqueline Eroles. “Gayunpaman, kailangang gawing institutionalized ang participation scheme ng iba’t ibang sectors para siguradong maririnig ang side nila,” dagdag ni Eroles.
Tinupad ni Pascual ang pangako niya sa mga manggagawa ng unibersidad na nakasaad sa kanyang vision paper. Ipinasa ng administrasyong Pascual ang guidelines ng 10 days na Service Recognition Pay o SRP noong Enero 26, 2012, na nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga kawaning magreretiro. Sinusuportahan rin ng pangulo ang kampanya ng mga mag-aaral para sa kanilang karapatan. Nanawagan siya na ilitaw na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, mga mag-aaral na diumano’y dinukot ng militar noong 2006. Noong Disyembre, kinundena naman niya paghuli sa mga kabataang nagprotesta para sa mas mataas na badyet sa edukasyon. “Malinaw na dinala ng administrasyong Pascual sa Kongreso at Senado ang kahalagahan ng dagdag na subsidyo sa UP bilang pambansang pamantasan sa mga hearing kaugnay ng 2012 national budget,” ani Prof. Judy Taguiwalo, dating faculty regent. Pinapanigan man ng pangulo ang sektor sa mga susing isyu, malaking balakid sa administrasyon ni Pascual ang matagal niyang pamamalagi sa pribadong sektor. Aminado ang pangulo na hindi gamay ng kanyang legal team ang pasikut-sikot ng mga prosesong administratibo ng isang pampublikong institusyon gaya ng UP. Gayundin, para sa iba pang sektor sa komunidad ng UP, hindi pa lubusan ang suporta ni Pascual sa kanila at hindi siya nagkukusa na manguna sa mga kampanya, ani Eroles.
Ngunit may mga pagkakataong hindi nagkakaunawaan ang dalawang panig. Nagkaroon, halimbawa, ng tensyon sa pagitan ng pangulo at hanay ng mga estudyante nang hindi ikonsulta ni Pascual ang paghihigpit sa bagong bracketing scheme kung saan Bracket A o P1, 500 na ang default na babayaran kada yunit ng mga pumasok sa UP nitong 2011. Sa ilalim ni Pascual, lalong naghigpit ang proseso ng aplikasyon sa STFAP. Kailangan na ngayong magbigay ng mga estudyante ng mga dokumentong magpapatunay na sila ay karapat-dapat na mapabilang sa Bracket B. Samakatuwid, dumadaan na rin sila sa proseso ng aplikasyon para sa STFAP, na dati’y ginagawa lamang ng mga nais mapaloob sa lower-income bracket. Bunga ng pagbabago sa proseso, tinatayang 900 freshman ang nagbayad ng P1,500 kada yunit sa Diliman sa pagtatapos ng Hunyo 2011. Matatandaang isa sa mga isyung ipinukol kay dating UP President Emerlinda Roman ang pagtataas ng base tuition ng pamantasan mula P300 tungong P,1000. Kung susuriin, humantong sa pagtataas ng matrikula ang paghihigpit ng administrasyong Pascual sa STFAP. “Kahit hindi nila sabihin na walang pagtaas ng tuition, at walang konsepto ng default bracket... In essence, nagkaroon ng pagtaas, dahil agad na itinaas ang STFAP bracket ng mga estudyante kaya mas mataas na ang binabayad ngayong tuition,” ani Eroles.
Hamon ng panahon
Kung gayon, bagamat may pagsusumikap ang pangulo na tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral, ipinagpapatuloy pa rin ni Pascual ang mga iskemang nagpapasok ng mga pribadong kumpanya sa pamantasan upang pagkakitaan ang mga ari-arian nito. Marapat umanong itindig ng pangulo, at ng buong komunidad ng UP ang pagkakaisa upang higit na madagdagan ang badyet ng UP. “UP presidents, though not politicians, are traditionally expected to provide or at least channel expert opinion culled from among the faculty, to a larger public audience,” ani Student Regent Ma. Kristina Conti. Sa isang taon ni Pangulong Pascual, hinamon siya ng mga sektor na gawing higit na demokratiko ang pagpasok ng mga mag-aaral sa UP sa pamamagitan ng pagpapababa ng matrikula. Ito ang mismong nakasaad sa vision paper ni Pascual, “top priority for U.P. is to keep to the minimum the tuition costs borne by students and parents. U.P. should maintain an excellent but affordable tertiary education for qualified students from the mass of our people.” Bagamat kapansin-pansin ang paglapit ng administrasyong Pascual sa mga sektor sa loob ng UP, hindi pa rin nito tinitiyak ang pagtangan ng UP sa tungkulin nitong bigyan ng dekalidad na edukasyon ang nakararami at paglingkuran ang sambayanan. Sa huli, makakamit lamang ito sa sama-samang pagbabantay at pagtindig ng mga kawani, guro, at mga iskolar ng bayan. ●
10 • Kulê Opinyon
Martes 14 Pebrero 2012
MARIE BARCELONA
NEWSCAN
The interrogative mood* Do you remember that night? Do you remember walking side by side, listening to each other, asking questions about safe things? What do I mean by safe things? Well, we didn’t talk about ourselves, not really, did we? And people never keep the same parts of a single moment, do they? Can you recall the tidbits we dropped about other people; the lines quoted from songs and films? Or are the remnants in your memory those questions unasked and unanswered; the carefully selected anecdotes from our past? How much of interaction lies in the things left unsaid? Isn’t it hard to evade the truth without lying? What (as Carver wrote) do people talk about when they talk about love? When did rain and sadness come to mean the same thing? Is the droplet shape of a tear more important than huddling close to someone against the cold? Why can’t I find a word that fits what I feel for you? Can someone be talking in clichés and still be speaking from the heart? When was the first time we met? If I don’t remember, does that disprove the possibility of Love At First Sight? Do you remember? Do you consider me a friend or an acquaintance? Does that negate Friends Becoming
Something More, too? What other scenarios are there? Someone Like You (Adele)? You Who Never Arrived (Rilke)? Do you believe there are stories with happy endings? Will you even read this? Will you fail to see yourself in these words? Or will you imagine you recognize yourself, then quickly dismiss the possibility? Is it because there’s nothing between us, or because you’re afraid to hope there is? Right now, if you had to write a list, within seconds, without time for second thoughts — what are the things you would do, if you didn’t fear what could happen? And do you know that should you ask me if this is about you, I would lie to your face and deny it? Why do you think I’d do that? Can you separate half-lies from half-truths? Is it more difficult to understand other people, or yourself? That night, did you notice the one true thing said? You understand, don’t you, how we can say one thing and mean another? How someone can say ‘I forgot my jacket’ and mean ‘I miss you’? Where is all this coming from, anyway? Would we even get along if we were, say, locked alone together in an elevator for several hours? What would we talk about? Do you win at Minesweeper? What are the
What are the things you would do, if you didn’t fear what could happen?
things you consider unforgivable? Do you genuinely enjoy the company of children? What are those things whose scientific names you still know (me: rice and mosquitoes; oryza sativa, aedes aegypti)? If you were in danger and had to hide out, who would you turn to? If we never saw each other again, what would you remember about me (if you even remembered me at all)? When you look up at the night sky, what are the constellations you recognize? Is there anything you have — an object, an idea, a feeling — that’s real and immediate, something you always carry with you, but which you have never, never shared with anyone else? Who played the sidekick in that movie about a gambler who never loses? Would you rather be blind or paralyzed? What do you believe in without question, without qualification, without uncertainty? If people could choose who to love, would either of us choose each other? ● *With apologies to Padget Powell
British Council Poster Design Contest
Join the British Council’s Poster Design Contest by creatively conveying the infinite possibilities offered by a UK education. Send an entry and you may win a silver iPod Nano and a Solo HD Beats by Dr. Dre headset! This is part of the “Infinite Possibilities: Education UK Exhibition 2012” on March 2 & 3, 2012, 2:00 p.m. to 7:00 p.m. at the New World Hotel in Makati City. For more details, visit our website at www. britishcouncil.org.ph.
U.P. Consumers Coop 67th General Assembly
GLENN DIAZ
Kay Adele Lutas na raw, ayon sa mga mananaliksik, kung bakit sanlaksang mata ang pinaluha ng Someone Like You. Sanhi raw ito ng iba’t ibang katangiang teknikal at istruktural ng kanta, mula sa mahinapapalakas na tunog, paglalaro sa inilatag na frequency, at isang uri ng ornamental na notang sumasalungat sa himig ng kanta upang lumikha ng panandaliang pagkabalisa. Pagkatapos ng sandaling tensyon, babalik ang kanta sa iniwang ritmo, bagay na nagbibigay umano ng masarap na pakiramdam sa nakikinig. Sa pag-uulit ng ganitong siklo ng tensyon-resolusyon umuusbong ang pagkahumaling ng marami sa kantang ito. Sa pagpukaw nito sa isang pleasure center sa utak, inihalintulad ng mga eksperto ang epekto ng awit sa sex o pagkain: pawang masasarap ulit-ulitin. Pebrero rin noong isang taon nang una kong marinig ang Someone Like You. Papalubog ang araw noon; sa opisina ng Kulê sa tuktok ng Vinzons, maaninag ang pagsilip ng mga pulang silahis sa pagitan ng mga dahon ng punong niyog. Walang pag-aatubili kong itinodo ang lakas ng aking laptop
UP Fair 2012: HIMIGsikan
The University Student Council (USC) and the Pi Sigma Fraternity present “HIMIGsikan: Reclaiming Traditions, Continuing Struggles... Serving the People!” on February 18, 2012 at the UP Sunken Garden. With performances by Kamikazee, Franco, Razorback, Urbandub, Chicosci, plus a 45-minute performance by Up Dharma Down and an exclusive performance by Parokya ni Edgar. Hosted by Mimi and Karen of Banana Split’s Clown in a Million. For HIMIGsikan tickets and t-shirts, please contact John Fungo at 09178850006.
at paulit-ulit – walang kapaguran – na pinakinggan ang noo’y papasikat pa lamang na himno ng mga sawi. Marahil tama ang mga mananaliksik. Sa aking pakikinig, walang alaala ng sinumang tao ang sumagi sa aking isip. Walang mukha o pangalan na sumaglit. Kung tutuusin, hindi ko rin maipaliwanag ang mga buntong hiningang iniluwal ng Someone Like You mula sa aking bibig. Ngunit malaon kong inakala na ang pakikipag-usap nito sa akin ay sa lebel ng karanasan, at sa makasining na pagsasahimig nito sa paraang ako – hindi babae, hindi Ingles, hindi bagonghiwalay – ay makatutuklas ng singkaw sa pagitan ng artista’t tagapakinig. Noong nakaraang Mayo, habang ako’y nasa Dumaguete para sa isang palihan, narindi ang mga housemate ko sa paulitulit kong pagpapatugtog ng Someone Like You. Sa aking klase sa poetry nitong huling semestre, pirmi ko ring kasama ang awit sa tuwing susubok tumula (kahalinhin ng I Found a Boy, isa pang kanta ni Adele). Hanggang sa kasalukuyan, may mga umagang nagsisimula sa matalim na pagnanais na marinig ang ngayo’y gasgas nang mga linya.
Walang pag-aatubili kong itinodo ang lakas ng aking laptop at paulitulit – walang kapaguran – na pinakinggan ang noo’y papasikat pa lamang na himno ng mga sawi
Nakalulungkot minsan, bagamat interesante, ang bitbit na demystification ng agham. Ang pagbura nito sa ilang romantikong nosyon na nais nating panghawakan. Ang pagbunyag sa mga lihim na hindi nais malaman. At ngayong batid na ang mekanismo ng awit, kung paano nito pinaglalaruan ang mga sulok ng ating damdamin, posible pa ba itong ibigin? Hinakot ni Adele ang lahat ng major awards sa Grammy’s nitong Linggo, waring pormalidad sa matagal nang sinasabing pagpanhik nya sa rurok ng mundo ng pop music. Ngayon pa lamang, mayroon siyang bitbit na mga isyu na hindi madalas marinig sa popular na diskurso, gaya ng nosyon ng kagandahan at talento. Ngunit may panganib na dala ang natuklasang siyentipikong dekonstruksyon ng Someone Like You. Dahil sa nahalungkat na pattern ng kanta, naging bukas ito sa reproduksyon bilang pormula. At sa kalaunan, hindi malayong mapabilang ito sa itinuturing na bread and butter ng industriya ng musika: ang mga walang kaluluwa at magkakatunog na kanta na hindi pinag-isipan at sumunod lamang sa takda ng kita. ●
The U.P. Consumers Cooperative will hold its 67th General Assembly on Saturday, March 17, 2012, at 1:00 p.m. at the Ang Bahay ng Alumni, Magsaysay Avenue, U.P. Campus, Diliman, Quezon City. The first 300 registrants will receive five (5) shares of stocks for free. Snacks will be served and raffle prizes are at stake. All members are enjoined to attend the assembly.
UP NCPAG at 60
Incelebrationofits60thyear,theoldestand leading institution of public administration in the country gathers students, scholars, and representatives from the public, private and voluntary sectors in the international conference themed “Public Administration and Governance: Tradition and Transformation” on June 27 to 29 at the Edsa Shangri-la Hotel in Mandaluyong City. For registration and further details, contact Atty. Mark Anthony M. Gamboa, at (632) 928-3861 or 926-1432 or ncpagat60@ yahoo.com. Updates on the conference will be posted at http://www.up-ncpag.org.
Get free publicity! Send us your press releases, invitations, etc. DON’T TYPE IN ALL CAPS and go easy on the punctuations?! Complete sentences only. Don’t use text language please. Provide a short title, be concise, 100 words maximum. Email us at kule1112@gmail.com.
11 • Kulê Opinyon Suspek sa insidente sa Vinzons...
Martes 14 Pebrero 2012
EKSENANG PEYUPS
TEXTBACK
« Mula sa pahina 3 aaral. Ayon kay Saloma, pinahigpit ang seguridad sa mga gusali lalo na sa Vinzons Hall at dinagdagan din ang bilang ng mga security guards sa mga dormitoryo. Magtatalaga din si Saloma ng bagong UPD Chief Security Officer at makikipagpulong sa mga kinatawan ng security agencies upang tiyakin ang mas mahigpit na pagbabantay sa seguridad ng kampus. Binatikos naman ng mga estudyante ang bagong sistema ng seguridad sa UP na ipinatupad ngayong taon, kung saan binawasan ang bilang ng mga security guards ng UP mula 302 to 236. Sa ulat ng UPD Alliance of Concerned Dormitories, madaling nakapapasok ang mga hindi residente ng mga dormitoryo dahil hindi sapat ang security personnel na nakatalaga. Ayon naman sa UP Law Student Council, kulang na rin ngayon ang bilang ng mga security guard sa buong Law Complex. Ayon sa pahayag ng UP KILOS NA, alyansa ng mga organisasyon sa UP laban sa taunang pagkaltas ng baydet, mauugat ang naganap na insidente sa pagpapabaya ng gobyerno sa mga state colleges at universities gaya ng UP. Ngayong 2012, P5.54 bilyon lamang ang inaprubahang budget ng UP, mas mababa ng P200 milyon sa budget noong 2011 at sangkatlo lamang ng panukalang budget na P17 bilyon. Sa ilalim ng badyet na ito, kinaltasan ng P181.7 milyon ang maintenance and other operating expenses ng UP, kung saan kinukuha ang pasahod para sa mga security guard ng UP. “Maiuugat ang kakulangan sa pisikal at modernong seguridad ng pamantasan sa sunod-sunod na pagkaltas sa badyet sa edukasyon ng gobyernong Noynoy Aquino. Ang tanging paraan upang maarmasan ng epektibong seguridad ang pamantasan ay ang hindi pag-abandona ng gobyerno sa responsibilidad nito sa pampublikong edukasyon,” pahayag ng UP KILOS NA. ●
Anong nararapat gawin upang mapaigting ang seguridad sa UP?
Maglagay ng karagdagang guwardiya na alerto, mapagmasid at masipag na magiikot sa kanyang puwesto. Dapat rin na na ang mga nakaunipormeng UP Diliman Police ay maging mahigpit sa pagsilip sa mga taong pumapasok at lumalabas ng campus, hinde lamang mga dyipney drivers ang sinisita nila. Minsan titicketan pa nila ang mga ito dahil mali ang ruta o kaya ay naka tsinelas, pero hindi nila inaalam kung may masamang loob na sakay ang dyip ni juan. 09-78143 Dapat magtayo ng great wall sa campus para may protection na din laban sa NPA hehe 10-13913 cutie psych dpat ay mgng mas mcpag ang mga guard xa pagchecheck ng id lalo n kung mukhang khinahinala.okay lng kh8 araw araw ak0ng paghinalaan,icheck ang bag,hubaran,hanapan ng saln..bxta for security reasons naman..oks lng..tatagan mo ms lordei! nam uten15521 ge
Sinong dream date mo?
Dream date q ung babaeng nasaktan ko. Oo, ikaw…lalalalala :p 08-38958 syempre date ko si GMA o P.NOY. Pwede kaming MAGKAPE muna tapos sumakay ng PORSCHE! Sinong ayaw nun? 0naynpiptisebentitri HI im an avid reader of kule..Im single and wana make my valentines day extra special. .dream date ko ay boy na 22-28yo mejo gwapo, mtangkad at neat. .Para may kadate ako sa valentines day. Txt me at 09483263814 MICO VILLAREAL, up ayala techn0hub, ccs Syempre, gustong gusto ko talagang makadate si Karla Mae De Guzman Aguirre :”> Deds na deds ako dun ehhh. Sana talaga makadate ko sya sa Tuesday. Hahaha or kahit sinong chix dyan. =)) Text nyo lang ako, tara! 201008553 Merrypogi si coco martin para wow ulam 10-17447 pauie psych
Si Sam Pinto. :)) o8-o7994 Ang dream date ko ay ang male version ng sarili ko. I want to know what the conversation would be like. But since imposible un, magtitiis na lang ako sa jowa ko. HAHA! Kidding, Sep. Love you. Happy valentine’s day sa’ting lahat! :) 09-13825 Monz ang dream date ko ay ang aking ultimate crush na si jake cuenca! 200996872 dream date? Eh d ung crush q(kung cno at nasaan k man)..Hi Abbey..200XXXXXX Utang na loob sana makadate ko si Joseph Evans Casio!!!pagnangyari yun,kalahati ng pangarap ko sa buhay ko natupad na!!#42. 2010-78910 ang aking dream date ay yung isang Miss Engineering Candidate last December, si Miss GPs, yung sobrang kamukha ni Melissa Ricks! SOBRANG GANDA AND GWAPO NYA AT THE SAME TIME 2007-02667 BS Math Dream date? C ate jerine A. ng cmpl xempre, ang ganda m tlga 08-64894 tab applied phy6 Si Mark Pelicano. Pero alam ko naman di tulad ko ang type nya. So I’m saying goodbye to him na. Yak emo. :)) Happy Feb14 na lang. 04062 ung crush kong si beast. unfortunately i’m not beauty. 0X40X2X alien si denise. 2008-16104 Dream date ko ay with Treena. <3 Haha 0930337 yung gwapong koreanong nakasalubong namin kanina! Wahaha :””> 2-11-07700 BSBM chic dream date?? JERIC TENG, OMG!! sorry na? taksil ang puso ko, nangingibangbakod. wala naman kasi akong masyadong choice, bilang lang ang mga lalaki rito. :( -astin, ’09-11049 Dream date? Prod ko sa Cehm17 lab. Di lang basta gwapo e, hot pa. Ahaha, hi Sir! :> 1144398 Gevs BS ChE(m) Dream date ko si Alodia Gosiengfiao.
Gusto ko maka-date habang naka-cosplay siya. Super cute nya! (Sorry sa girlfriend ko). 09-24142 Alodia I luv U EDUC Si PAULO AVELINO! Bilang medyo imposible naman dahil artista siya, kahit yung kakambal na lang niyang si CARLO IGNACIO na HR sa Eperformax. Ultimate dream guy ko. :D 0840660 lauren educ Ang dream date ko eh ang Super Junior! Kaso tila hanggang dream lang talaga kasi ala na daw silang concert dito sa Pilipinas. T.T pero kahit na ganun ay mahal na mahal ko pa din sila for their greatness! Daebak! Saranghae SJ! Fighting ^^ 2011-32744 Business Management dream date ko si shalani, sobrang pa-demure kasi, feel ko wild kasama yun hahaha. Exciting! 1,2,3, go! 2010-24085 karl mejia eduk sino ang dream date ko? eh di si –teka.. tch. single nga ako. :/ ’11-27985_ Murillo
Comments
hello kulê, sobrng naamaze ako dhl my gnyng kgndng sch paper sa UP at weekly pa! henyo tlga ang UP :)) ask ko lng po qng pede ako mkkuha ng kulê kht d ako tga-UP? Nhrm q lng po i2 s friend q at ntuwa aqng bshn :D Celynstar fr. PUP Sta. Mesa I love you delfin mercado. i mean, i might have been actually in love with you all this time. Be my valentine. 2010-17097 BS Psych Jusme, di ko kilala ang mga tatakbo! Panahon pa ako ni Nova Navo. Pero ngaun lang ako nakarinig na galing sa Econ ang pambato ng Stand-UP. Matanda na talaga ako. Shucks. At prof ko pa dati ang ViceChancellor for Student Affairs. Afraid. Strict ang lola ninyo. Alala ko siya din ang College Election Committee namin sa CWSCD. At muntik na ako di payagang tumakbo. So double afraid. Magpakitang gilas na bibo kayo para payagan. Ayaw niya ng pasaway. Shemps, Stand UP straight for TEN YEARS na! 01-71771. SOLAIR.
Pabati
pabati lang po okay RORY TAPANG ng happy birthday sa feb. 18! Iloveyoupreh. :”> 11-78754 To 2011-33803: Happy birthday F! *mwuah!* 2011-01414 Cj hel0w!pbati lng p0 kena dianne vi llaflor,abiching,rusty,sen,mark,clar key,renz,kelvin,april lagarde,kristin tapemeasure,shamik0 supsup, andrea española,mam sabsalab.hehe. hapi BALEnTAYMS 2 ol. nam uten15521 geodengg
Next week’s questions
1. Anong masasabi mo sa naging performance ng kasalukuyang USC? 2. Kapag nabanggit ang UP Fair, anong alaala ang pumapasok sa isip mo? Send in your opinions and feedback via SMS! Type KULE <space> YOUR MESSAGE <space > STUDENT NUMBER (required), NAME and COURSE (optional) and send to:
09155678676 Dibuho ni Luigi Almuena
Non-UP students must indicate any school, organizational or sectoral affiliation
I know excited na kayong lahat dahil araw ng mga puso ngayon. So? Sige, kayo na. che! Mga pangeeeet! Haha. HINDI ako bitter. Mahal ko kayoooooo! Muah-muah. Chup-chup. Hmp. Dahil araw ng mga puso ngayon, sana masaya KAYONG lahat. Happy lang dapat kayo. Ikiskis na ang dapat ikiskis. Patalsikin na ang dapat tumalsik! Churvahan lang to the max until maabot ang NIRVANA. Kaya n’yo ‘yan guys. Take advantage of this socalled wet day! Wala ng hiya-hiya. Grab the opportunity to date someone. Pero bago ang lahat alamin natin kung sino ang nakasungkit ng kachorvahan today sa mundo ng kadiliman! As in now na. Chorvahan # 1: Sinetch this bekibels, churvavels na kulekiriray na kay haba-haba ng hair. (na ironic, given ang kanyang pamosang “post-modern” pekpek shorts). Ay ‘the, ikaw na. sorry! Naapakan ko na ata ang hairlaloo mo sa sobrang kahabaan. Geyyds. Anyways, guys, guess who ang date ni ateng.. si koyang starrr jumano ng College of Supsup-Wet-wet-Dede na miyembro din ng Yupeee Reypinyoko Company. At ol it teyks daw is one LOADED fezbook message. Wish you all the wetness koyang! Junk Sadness! Charot. Enjoy! (Nakez, baka mawalan na akez ng trabahez kapag nabasa n’ya itez!). Chorvahan # 2: Sinetch naman itey ateng pagurl na over-sweet umano umispluk sa mga constru sa Abensons Hall, kaya naman nahulog ang mga puso ng marami sa kargaboys. Teh, at pinagsimulan jumano itey ng catfight sa bubungelya ng Abensons! Ikaw na teh ang reyyyna…ng mga constru. Gondo gondo naman kasi ni teh. Pero, ingat-ingat, sabi nga, beware of falling debris. Chorvahan # 3: oh my momayyy! Bago dumating ang araw ng mga puso, may nakita ang chuklalooooo niyong lola na hindi na nakapaghintay na couplezzz, on the act ng pagme-make out sa madamong rocky road sa far far away kingdom ng Math. Nagkikiskisan na sila and boom! Chos. Syempre hindi ko na hinintay, gorabels na aketch sa aking way to somewhere hell. Congrats, good place to start your effin day right. Haha. Charot. Meennn. Tuloy niyo today! Enjoy, spread love but not something else. Liinisin niyo ang mga talsik niyo ha! Hay. Hagardo versoza na ang chuklaloo niyong lola, kailangan ko lang matulog, matulog at matulog. At nga pala, ayon sa ating USC, attack tayo sa UP Fair, at ‘wag kalilimutan magdala ng payong sakaling umulan! (Malay mo, me makisukob pang oozing papa o juicy mama!) Happy puso guys! Paksheeeet sa lahat ng may date! Enjoy! ●
KulĂŞ The Back Page
Dibuho ni Ysa Calinawan
Martes 14 Pebrero 2012