3 UPV students face allegations of bribing GASC members —Page 3 Philippine Collegian Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman 28 Pebrero 2012 Tomo 89, Blg. 27-28
Novelties Terminal Cases Delfin Mercado
T
Dibuho ni Rd A;iposa, Mga litrato ni Chris Imperial
Kilalanin ang mga Pamantayan sa pagpili kandidato Pahina 6-9
Editoryal Page 2
Philippine Collegian Editorial Exams Page 12-13
hese days, as expected, I have been finding myself in friendly but heated debates with friends over issues in the upcoming University Student Council elections. Of course, I am more careful now, having lost a friend or two during the past years’ hostilities. What strikes me most about this year’s campaign is the attempt to sell the idea of novelty. From the usual red-versus-blueversus-yellow showdown (and therefore traditional activism versus its “multiperspective” and “inclusive” varieties), there is now, at least in the race for the position of chairperson, a very conscious strategy to bank on something that sets one apart intrinsically, instead of the usual face-off of credentials and track record. In particular, two candidates are trumpeting, respectively, their gender and nonpartisanship as selling points. Of course, there is nothing wrong with selling points per se; the campaign period is like a drawn-out television commercial with candidates and parties instead of detergent and soft drinks. The problem arises when the debate ends there and the novelties are presented as if they are reason enough to deserve victory: I am part of a historically oppressed gender; vote for me. I do not belong to these warring parties; vote for me. Thankfully, the UP student body has shown that it is capable of seeing through potentially simplistic publicity. At least in social networking sites, debates have raged beyond the dubious one-liners. Personal accounts have been circulated to counter potentially empty rhetoric. What, for instance, is the relevance of gender vis-à-vis the university’s most perennial problems? For certain, I recognize that the fight against homophobia and bigotry is a highly justified battle to wage, but why insist on its centrality when dealing with, for instance, the budget cut on education or the issue of campus security? Why insist on a difference when students – men and women, straight and gay – must stand united in examining and fighting society’s ills, one of which is, yes, gender inequality? In the case of the candidate who is running independently, the move comes straight out of the national political stage, where voters are taken to be tired of politicking and party-hopping, a marker, this candidate said, of principle. But even then, claims from fellow incumbents in the USC have been raised about his subpar performance, one that is corroborated by multiple accounts. Clearly, independence is admirable on one hand as it eschews divisiveness, but also dangerous, for it can simply mean, as testimonies attest, that one doesn’t work well with a team. And so as the university becomes dressed in, alternately, red and blue, yellow and colorless (for the independent), there seems to be a more pressing need this year to scrutinize beyond the jingles and slogans. Facebook and Tumblr have made information during campaign period more accessible, but in the process they also made catchphrases more dangerous. It is easy to be awed at posts and Tumblr entries with the words “first” and “only.” I am troubled, though, when these are taken hook, line, and sinker, and the rest of the debate fades in the background. Maybe I should not be so afraid to lose a few friends for my political beliefs. ●
philippinecollegian.org
2 • Kulê Opinyon
Martes 28 Pebrero 2012
Pamantayan sa pagpili Muling napipintahan ang pamantasan ng samu’t saring kulay – bughaw, dilaw, pula, kahel – tanda ng pagsapit ng isa sa pinakaaabangang panahon sa Unibersidad, ang halalan para sa konseho ng mga mag-aaral. Saan mang sulok ng UP at maging sa birtwal na espasyo, hindi matatakasan ang agaw-pansing mga paskin, polyeto, at anunsyong nagpapahayag ng mga platapormang nagnanais mahuli ang kiliti ng mga botanteng estudyante. Sa mga pasilyo’t dormitoryo, buong giliw na bumabati ang mga kandidatong ngumingiti’t nakikipagkamay sa lahat. Pumapasok sila sa ating mga silid at ihinahayag ang kanilang mga plano sakaling sila ang mapiling susunod na mga lider ng mga mag-aaral. At sa pag-igting ng labanan sa pagitan ng mga partido, bawat isa sa mga kandidato ay nagsusulong ng kanya-kanyang bersyon ng pagiging alternatibo. Pilit ipinapatampok at itinatangi ang sarili mula sa mga kalaban, at kalakhan ng mga kandidato’y lumilikha ng sariling tatak na sa tingin nila’y maaalala ng mga botante sa pagsapit ng halalan. Sa pag-agos ng mga retorika ng alternatibo at pagkakaiba, madaling malunod sa mga pangako ng pagbabago. Ngunit higit sa pagpapadala sa maririkit na talumpati, nararapat kilatisin kung ano nga ba ang pakahulugan ng bawat alternatibong ihinahain sa atin. Para sa ilan, ang alternatibo ay ang pagtanggap sa isang “bagong porma ng aktibismo” na yumayakap sa lahat ng paniniwala at bukas sa pluralismo ng interes. Ihinahain ito bilang alternatibong pulitikang umaangkop sa nagbabagong panahon, paulit-ulit na nag-iiba ang posisyon at paninindigan depende sa sitwasyon. Hungkag ang ganitong konsepto ng alternatibo. Sapagkat ang pagyakap sa pluralismo ay pagtangan sa paniniwalang walang tama at mali, at sa gayon, walang malinaw na paninindigan. Sa kagustuhang marinig ang lahat ng panig, sa huli, malulunod sa nagtatagisang mga tinig ang mga boses na sa una pa lang ay dapat sana’y kinatigan at pinalakas. Malaon na nating nasaksihan ang kahangalan ng ganitong posisyon: ang urong-
QUOTED Akala nila matatakot kami. Pero nakakalimutan nila na napawi ang aming takot matapos ang [Hacienda Luista massacre] —Felix Nacpil Jr., lider
ng grupong Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita matapos ang pinakabagong insidente ng pandarahas sa kanilang mga kasapi, www.pinoyweekly.org, February 21
I had the feeling I could hear half of America going, ‘oh, no. Come on... Her, again?’ —Meryl Streep, during her
Marianne Rios sulong na mga paniniwala at pagpasok sa iba’t ibang kompromiso. Sa pagharap sa mga hamon ng ating panahon, nararapat iwaksi ang pang-aakit ng pluralismo. Sapagkat walang ibang mainam na sandata sa paggapi sa mga suliraning kinakaharap ng ating lipunan kundi ang pagtangan sa matibay at prinsipyadong pakikipaglaban na pinag-iisa ang sambayanan. Sa paggiit ng dagdag-badyet, sa pakikipaglaban para sa mga batayang karapatan, sa pagbibigay-tinig sa mga nasa laylayan ng pulitikal na espasyo, walang puwang ang pag-uurong-sulong, walang lugar ang mahunang paniniwala. Sa halip, kinakailangang tumangan sa alternatibong may paninindigan – isang alternatibong nakasalig sa konkretong batayan at prinsipyadong pagkiling. Sa panahon ng umiigting na mga krisis, ang pagiging alternatibo ay pagiging subersibo – ang tahasang paggiba
Editoryal
sa naghaharing-uri, ang tahasang paglaban sa namamayaning kawalang katarungan. Sa pagpapatuloy ng mga tunggalian sa lipunan, walang puwang ang kompromiso. Sa pagpili ng ating mga susunod na lider-estudyante, nararapat muling balikan ang gampanin ng University Student Council (USC) sa mga nagdaang taon. Ang konseho ng mga mag-aaral ang lagi’t laging nangunguna sa paglulunsad ng iba’t ibang kampanya at laban para sa sari-saring isyung kinahaharap ng pamantasan at ng sambayanan. Sa pagiging mapagmatyag at mapanuri, walang pinalampas na usapin ang USC sa nakaraang taon – mula sa pagsusulong ng alternatibong Student Code; sa matagumpay na paglulunsad ng malawakang kilos-protesta laban sa pagbawas sa badyet ng UP at iba pang pamantasan; at hanggang sa paggiit ng karapatan sa panirahan ng mga residente sa mga komunidad na kumakaharap sa demolisyon at matalas na pagtutol sa patuloy na
pagsirit ng mga presyo ng matrikula at bilihin. Sapagkat lahat ng nagnanais mamuno ay kailangan munang patunayang kaya niyang maglingkod – nararapat nating balikan – sino nga ba sa mga kandidato ngayon ang walang paumanhing pumanig, nakipaglaban at nanindigan upang mapagtagumpayan ang mga hamon ng nagdaang taon? Sino nga ba ang hindi nagpatumpiktumpik at buong tapang na tumangan ng tungkulin bilang lider-estudyante at iskolar ng bayan? Kailangan natin ng mga lider na may higit na pagpapahalaga sa kapakanan ng kanyang mga kapwa mag-aaral kaysa pagbilang ng pagliban ng mga kasamahan sa konseho o paglista ng mga nailunsad na programa. Kailangan natin ng mga lider na mapagkakaisa tayong mga mag-aaral, at maaakay tayo tungo sa kolektibong paglikha ng kasaysayan. Sa ganitong linya natin nararapat itakda ang mga pamantayan sa pagpili. ●
acceptance speech in the Academy Awards, www. telegraph.co.uk, February 27
We commemorate Edsa I not because it represents a heroism that is singularly ascribed to any one person or political color. We commemorate Edsa I because it represents the Filipino people’s dreams and aspirations that have yet to be fulfilled, —Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes,
, www.newsinfo.inquirer.net, February 26
Danielle R. Aliposa Mga kawani Ma. Katherine H. Elona, Kevin Mark R. Gomez, Marianne F. Rios, Ma. Victoria M. Almazan, Ysa V. Calinawan, Keith Richard D. Mariano,
Ang buhay, parang gulong. Minsan paitaas, minsan pababa, minsan napa-flatan. Siguro nandoon ako sa senaryong na-flatan ako
Elias Jayson Tolentino Pinansiya Amelyn J. Daga Tagapamahala sa Sirkulasyon Paul John Alix Sirkulasyon Gary Gabales, Amelito Jaena, Glenario Ommamalin Mga
—Ryza Cenon, when asked to
Philippine Collegian www.philippinecollegian.org Punong Patnugot Marjohara S. Tucay Kapatnugot Richard Jacob N. Dy Tagapamahalang Patnugot Dianne Marah E. Sayaman Panauhing Patnugot Glenn L. Diaz, Larissa Mae R. Suarez Patnugot sa Balita Victor Gregor U. Limon Patnugot sa Lathalain Mila Ana Estrella S. Polinar Patnugot sa Grapiks Chris Martin T. Imperial, Ruth
Katuwang na Kawani Trinidad Gabales, Gina Villas Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Plipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1112@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations, College Editors Guild of the Philippines
comment about her current career in showbiz, www.pep.ph, February 26
3 • Kulê Balita
Martes 28 Pebrero 2012
3 UPV students face allegations of bribing GASC members ‘Informal’ alliance of UP political parties implicated Victor Gregor Limon Three UP Visayas (UPV) students are facing charges of serious misconduct for allegedly attempting to “unduly influence and pressure” the UPV School of Technology (SOTECH) student council (SC) to vote for two of the five proposed amendments to the 2012 Codified Rules for Student Regent Selection (CRSRS) at the General Assembly of Student Councils (GASC) held on December 20 to 21 last year. On February 20, Student Regent (SR) Maria Kristina Conti submitted the case to the UPV Student Disciplinary Tribunal (SDT), using affidavits submitted by three members of the SOTECH SC and the report of a fact-finding committee composed of Office of Student Affairs Director Celia F. Parcon, University Registrar Jose Go, and UPV College of Arts and Sciences (CAS) SC adviser Bernice Landoy as evidence. “I am of the firm belief that the attempt corrupts the essence of student council autonomy, independence and integrity. The gist of the offense is the criminal intent to undermine the proper and orderly administration of the selection of the student regent,” Conti said in a statement. The GASC is a bi-annual meeting of all UP student councils which serves as a venue to discuss matters pertaining to the SR, the lone student representative to the Board of Regents, UP’s highest policy-making body.
‘Bribery’
Conti gave the Collegian permission to publish the details of the case but requested that the publication refer to each of the case respondents and witnesses through an alias to avoid preempting the SDT’s own investigation and proceedings. According to “Lim,” a member of the SOTECH SC, she met with “Angeles,” a fellow SOTECH SC officer and member of UPV party Partido sang Mainuswagon nga Bumulutho (PMB) on December 11 at UPV Balay Gumamela to discuss the proposed CRSRS amendments. Also present in the meeting was “Santos” and another UPV student who both introduced themselves as members of Bukluran ng mga Progresibong Iskolar (Bukluran), an alliance of political organizations in UP. During the said meeting, “Santos” offered an incentive of P2,000 and a full subsidy for the registration fees of all SOTECH SC representatives to the GASC, in exchange for the SOTECH SC’s support for two of the five proposed CRSRS amendments.
These two amendments are the inclusion of minimum academic standing as a requirement for SR nominees and a new voting scheme that allots one vote for each university and college student council in UP. The other three proposed CRSRS amendments scheduled for discussion in the December GASC are the extension of the effectivity of the CRSRS to two years, the prohibiting of consecutive selection as SR, and the exclusion of the Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa UP (KASAMA sa UP), a 30-year old alliance of UP student councils, from the SR selection process. “Lim” however told “Santos” that the SOTECH SC must first discuss and vote upon the matter and that Bukluran should send a letter formalizing their request. On December 12, during the SOTECH SC’s regular meeting, “Angeles” presented a letter with Bukluran’s letterhead and signed by “Santos” as Bukluran’s unit coordinator and UP Los Baños (UPLB) University Student Council (USC) chair Ernest Francis Calayag as interim executive committee president. The letter reiterated the request for support for the same two amendments but did not mention the incentives offered by “Santos.” In an interview with the Collegian, Calayag said Bukluran initially sent out letters to different political organizations in UP and that these letters contain Bukluran’s letterhead and his digital signature, which “may have been used for whatever purpose by individuals or organizations with vested interests.” Upon discussing the two proposed amendments, the SOTECH SC decided to support only the minimum grade requirement amendment. At this point, “Angeles” addressed the body and reiterated that Bukluran will provide a P2,000-incentive and finance all GASC registration expenses of the council if the council supports both amendments. The SOTECH SC however maintained its decision to support the minimum grade requirement amendment only. The SOTECH SC sent a reply letter to Bukluran, addressed to “Santos,” stating the council’s support for the minimum academic standing requirement, on December 14. On the first day of the GASC on December 20, “Tan,” another UPV SOTECH SC member, received a text message from “Dela Cruz,” a UPV CAS SC official and PMB member, during the assembly, requesting that the SOTECH SC vote for the two amendments pushed for by Bukluran. “U r at GASC right now? Pwede kamo kavote for pro-amendments? Just that. Please. Ang amendments are: One council one vote for SR selection and minimum academic requirement. Please vote!” the text message read.
PAPER TRAILS. A student passes by a wall of election posters at a staircase at Palma Hall as the day of the elections draws near. On March 1, the election period officially closes as UP students vote for the next year's University Student Council. John Keithley Difuntorum
Later on in the assembly, when Conti asked the body if there had been student councils pressured by political parties with regard to the proposed CRSRS amendments, “Lim” decided to report the offer of incentives and the text message “Tan” received from “Dela Cruz.” She did not, however, mention names at the time and gave only a brief summary of events. Due to “Lim’s” report, Conti postponed the discussion of the CRSRS in the GASC, pending results of an investigation into the allegations. “We need to establish first the integrity of the body before any collective decisions can be made,” Conti explained.
Post-GASC pressure
Meanwhile, in early January this year, “Yu,” a SOTECH SC official, and another SOTECH SC member, were approached at their dormitory in UPV by “Dela Cruz.” “Dela Cruz” asked the two if they would be willing to sign a statement prepared by PMB, declaring that they did not accept any “incentives” in exchange for voting for the two amendments, “Yu” said. Both “Yu” and his fellow SOTECH SC member declined, despite having no personal or direct knowledge of the incentives allegedly offered by Bukluran. In an interview with the Collegian, “Dela Cruz” explained that he sent the text message to “Tan” during the December GASC and approached “Yu” in January 2012, only as a member of PMB and solely for the purpose of securing the integrity of PMB against the issue. Though “Dela Cruz” admitted to the Collegian that he was a member of Bukluran’s online group in socialnetworking site Facebook, he said he is not an official member of the alliance and that he was not aware of Bukluran’s offer of incentives to SOTECH SC.
Bukluran implicated
Meanwhile, an anonymous member of the GASC offered the Collegian additional information supposedly supporting Bukluran’s involvement in the allegations. According to a document provided by the Collegian’s source, Bukluran began as the alliance “Student Councils in UP,” but was later reconvened as “Bukluran ng mga Progresibong Iskolar,” an informal alliance of political parties and organizations. The Collegian’s source also provided a list of members of Bukluran’s interim executive committee which consists of Calayag of UP Los Baños (UPLB) Movement of Students for Progressive Leadership in UP (MOVE UP) as president,
Reyanne Joy Librado of UPV PMB, Jermaine Garcia of UPLB Campus Alliance for Dedicated and Unified Action (CADUA), Aides Baccay of UP Diliman (UPD) Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (ALYANSA), Juan Carlo Tejano of UPD BUKLOD College of Social Sciences and Philosophy (CSSP), Jyle Sulit of UPD Interdependent Student-Centered Activism (ISA) of College of Mass Communication, Gama Javier of UPLB MOVE UP, Leona Isabel Arcellana of UP Manila (UPM) Bigkis ng mga Iskolar para sa Bayan tungo sa Makabuluhang Pagbabago-UPM (BIGKIS-UPM), Joshua Young of UPM Sibol PH of College of Public Health, and Stan Rey Gorgonio of UPM SHS Circle of Independent Student Leaders (CISL). Continued on page 15 »
SR calls to scrap deposit fee for freshmen Isabella Patricia H. Borlaza The Office of the Student Regent (OSR) has proposed to stop the collection of the deposit fee from freshmen enrollees starting next academic year and use the interest of the accumulated funds through the years for student-related activities during the regular Board of Regents (BOR) meeting on February 24. The formal proposal will be submitted to the BOR by the end of March and is targeted to be implemented in June for all incoming freshmen, said Student Regent Maria Kristina Conti. The P100 deposit fee is charged to freshmen enrollees on their first semester of enrolment, in case they incur fines due to damage of school
property such as library books and school equipment while studying in UP. A student may request for a refund of the deposit within two years after graduation, provided that the student has paid outstanding fees for damaged school property. Unclaimed deposit fees become part of the university’s funds by default. Article 429 of the Revised UP Code stipulates that a Student Loan Fund (SLF) shall be created from the interest of accumulated unclaimed deposit fees. However, since the Office of Student Scholarships and Services already has a separate funding for the Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) and the student loans, the SLF has been left untouched in the past years,
explained Conti. The OSR is then proposing to allocate the interest of the unclaimed deposits for activities under the University Student Council instead. However, guidelines are set to be created to ensure proper use of the funds, Conti added.
Loan programs
Since 1990, the BOR has approved the implementation of student loan assistance funds, which intend to provide support for students who are under scholarship and still need financial assistance, according to Conti. The STFAP, which is a bracketing system that categorizes students’ capacity to pay based on their families’ declared income, assets and liabilities. Continued on page 5 »
4 • Kulê Balita
Martes 28 Pebrero 2012
Imbestigasyon sa kaso ni Lordei Hina, muling pinabuksan ng korte Elias Jayson Tolentino Muling bubuksan ang imbestigasyon hinggil sa kaso ng estudyanteng si Lordei Camille Anjuli Hina, na biktima ng pananaksak at pagnanakaw sa loob ng opisina ng University Student Council (USC), matapos aprubahan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 91 ang ihinaing motion for reinvestigation ng UP Diliman Legal Office (DLO) noong Pebrero 24. Kasong robbery lamang ang isinampa sa suspek na si Dan Mar Vicencio ng QCRTC Branch 91, na dahilan kung bakit nais muling paimbestigahan ng UP DLO ang kaso. Ani Gng. Concepcion Hina, ina ng biktima, kulang at minadali ng QCRTC ang paghahain ng kaso laban sa suspek. “Hindi makatarungan na isantabi ang anggulo ng pananaksak sa kasong ito. Ang nangyari sa anak ko ay hindi isang simpleng pagnanakaw. Kritikal ang lagay ng anak ko at hindi ‘yun dapat ipagpawalang-bahala.” ani Gng. Hina sa isang panayam. Kasalukuyang nakikipagtulungan si Gng. Hina sa grupong Task Force Lordei, upang maisama ang hold-up, serious physical injury, at frustrated murder sa mga kaso laban sa mga suspek na sina Vicencio at Dante Santos. Binuo ni UP Student Regent Maria Kristina Conti ang Task Force Lordei ilang araw matapos ang insidente noong Pebrero 1. Kabilang sa miyembro ng grupo ang DLO, USC, Vice Chancellor for Student Affairs Marion Tan, at Atty. Jessica Barun, abogado ni Gng. Hina. Samantala, inilipat na mula QC Police District (PD) Station 9 ang suspek na si Vicencio patungong QC Jail noong Pebrero 20, habang hindi pa rin nahuhuli ng mga pulis si Santos. Ani Conti, nagsagawa ng manhunt operation ang QCPD Station 9 noong
Pebrero 21 sa bahay ni Santos sa Antipolo, ngunit hindi na natagpuan ng mga pulis ang suspek dahil nakaalis na umano ito dalawang araw bago ang nasabing operasyon. Nakatakda ang pagdinig sa kasong robbery sa Marso 1 sa QCRTC Branch 91 habang nakatakda naman sa Pebrero 29 ang pagdinig sa kaso ng carrying of concealed weapon sa Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 35. Ani Conti, hindi pa tiyak kung iuurong ang petsa ng mga pagdinig habang hinihintay ang mga resulta ng muling pag-imbestiga sa kaso. Samantala, hiniling naman ni Gng. Hina na magkaroon ng pormal na kasunduan ang kanyang pamilya at ang administrasyon ng UP hinggil sa pagbibigay ng suportang legal at pinansyal sa kaso ni Hina. “Dapat linawin sa isang kasunduan ang mga ipinangakong terms ng UP administration. Nagpasa na kami ng memorandum of agreement kay Chancellor Saloma at pinag-aaralan pa rin [ito],” ani Gng. Hina.
Hina, sumailalim na sa therapy
Araw-araw ngayong sumasailalim sa therapy si Hina upang maipanumbalik ang kaniyang kakayahang maigalaw ang katawan matapos ang halos tatlong oras na isinagawang operasyon sa kanyang utak noong Pebrero 18 sa Capitol Medical Center (CMC). Sa nasabing operasyon, tinanggal ng mga doktor ang piraso ng bungo, na may habang isang sentimetro, na nakabaon sa kanyang utak at ang likido o abscess na nakabara naman sa kanyang utak. Patuloy pa rin ang obserbasyon ng mga doktor kay Hina at ayon sa Chief Surgeon ng CMC, kinakailangang hayaaang maghilom ng kusa ang utak ni Hina bago magsagawa ng karagdagang operasyon.
PAGBALIKWAS. Upang iprotesta ang kawalan ng kabuhayan sa bansa, pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing mga bilihin at mababang kalidad ng edukasyon, nagmartsa sa Academic Oval ang ilang mga mag-aaral ng UP Diliman at idinaos ang “Day of Rage” laban sa krisis at kahirapan noong Pebrero 23. Kinundena rin ng grupo ang tunay na layunin umano ng administrasyon na makontrol ang Hudikatura sa pagpapatalsik kay Chief Justice Reynato Corona. Shane Claudine David/UP Aperture
BALIK-TANAW. Umulan ng dilaw na confetti sa People Power Monument sa kahabaan ng EDSA sa paggunita ng ika-26 na anibersaryo ng People Power noong Pebrero 25. Sa programang pinamunuan ni Pangulong Benigno S. Aquino III, ipinahayag niyang hindi pa tapos ang laban ng EDSA hangga't hindi naiibsan ang kahirapan at korupsyon sa bansa. Airnel T. Abarra
Seguridad at budget cut
Dumulog naman si Gng. Hina sa publiko na hindi dapat matabunan at mabaon sa alaala ang aksidenteng nangyari sa kanyang anak. Aniya, “Isang panawagan ang krimeng ito sa gobyerno na paigtingin ang programa nito laban sa kahirapan. Dapat laging ipaalala sa taong bayan na hindi dapat isantabi ang laban para sa mas maayos na serbisyong panlipunan.”
Hinimok din nya ang media na ibalita ang mga pangyayaring tulad ng insidenteng kinaharap ng kanyang anak bilang kampanya laban sa pagpapabaya ng gobyerno. “Hindi lang buhay ng anak ko ang pinag-uusapan sa kasong ito kundi pati buhay at seguridad ng kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon ng mga Iskolar ng Bayan.” “Sa ngayon ay hindi mo maiaalis
ang krimen, ngunit ang pwede sanang nagawa ng UP ay pigilan itong mangyari sa kampus at sa nasasakupan nito. Salamat sa pagkaltas sa budget ng mga State Universities and Colleges (SUCs) tulad ng UP, walang kakayahan ang mga administrator na magkaroon ng epektibong sistema ng seguridad.” ani Anakbayan National Chairman Vencer Crisostomo sa isang pahayag. ●
Kultura writer is next Collegian EIC Elias Jayson Tolentino
Philippine Collegian Kultura writer and incoming senior Journalism student Ma. Katherine Elona will serve as the editor-in-chief of UP Diliman’s official student publication next school year after topping the Collegian editorial examinations held on February 25 at the College of Mass Communication (CMC) Broadcast Viewing Room. Elona garnered the highest aggregate score of 90 percent, beating four other contenders: Public Administration junior Kevin Mark Gomez and English Studies senior John Leihmar Toledo, Broadcast Communication junior Joan Cordero, and Journalism sophomore and Keith Richard Mariano. Elona won by a margin of 22.80 percent against second-placer Gomez who scored 77.20 percent. Toledo came in third with a total aggregate score of 73 percent. Fourth and fifth placers, Cordero and Mariano,
gathered aggregate scores of 71.20 and 70.60 percent, respectively. The examination consisted of editorial writing (70 percent), news writing (20 percent) and layout (20 percent). The examination consisted of three parts, with editorial writing comprising the bulk of the aggregate score with 70 percent, news writing covering 20 percent, and layout accounting for 10 percent of the score. Elona bested the editorial writing and news writing with a total score of 64.80 and 17.40 percent, respectively. Meanwhile, Toledo topped the layout exam with a total of 8.80 percent. For the editorial writing component, examinees were asked to write about the topic “Media in EDSA and the Arab Spring, and the Struggle for Freedom of Information.” In her editorial titled “Balanse sa kapangyarihan,” Elona wrote, “Taglay ng media ang magkabilang talim ng kapangyarihan, at kailangan
nitong bantayan hindi lamang ang mga panlabas na salik, kundi maging ang mga sarili nitong kahinaan.” “Angkin nito [media] ang lakas upang hubugin ang kasaysayang magluluwal ng mga mas madudunong na mamamayan,” she added. In an interview, Elona said she will continue the pro-people and prostudent stance that has defined the Collegian tradition throughout the years. “Ipagpapatuloy ko ang 90-taong tradisyon ng tapang, talas, at talab sa responsableng pamamahayag ng Collegian,” she said. CMC Dean Rolando Tolentino chaired the editorial examination’s Board of Judges. Dr. Edieser Dela Santa of the Asian Institute of Tourism and Professor Luci Magalit of the College of Law served as faculty judges, while Journalism majors Gianfranco Roggeiro Geronimo and Maria Jorica Pamintuan served as student judges. ●
5 • Kulê Balita
Unyon ng mga manggagawa ng RC Cola, naglunsad ng piket Mary Joy T. Capistrano Nagsagawa ng piket ang mga manggagawa ng RC Cola Philippines (RCP) sa harap ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Cainta, Rizal noong Perbrero 15 upang kundenahin ang ilegal na pagtanggal ng pamunuan ng RCP sa limang kasapi ng Samahan ng mga Manggagawa sa RC Cola (Samarc). “Hindi dumaan sa due process ang tanggalan, parang napanaginipan ka lang na tatanggalin, tapos bigla na lang baba ang kaso,” ani Jorens Dumalaog, kasapi ng Samarc. Dalawa sa limang tinanggal sina Laurenio Custodio at si Joselito Natan, mga sales assistant, matapos tumanggi ang dalawa sa utos ng pamunuan na magtrabaho ng second shift bagaman lagpas na ito sa walong oras ng paggawa. Nakahapag ngayon sa National Labor and Reconciliation Board (NLRC) ang kasong “illegal dismissal” na isinampa ni Custodio at ng apat pang kasamahan. Kasalukuyan nilang hinihintay ang resolusyon sa nasabing kaso. Ani Custodio, tumanggi siyang magtrabaho ng second shift noong araw na iyon dahil kinailangan na niyang umuwi para maghanap ng pambayad sa upa ng kaniyang tirahan. “Ganyan talaga kapag kasapi ka ng unyon, pinag-iinitan ka ng management. Kaya kahit na maliit na butas o maliit na kasalanan, ginagawang dahilan upang tanggalin ka,”ani Aida Marin, tumatayong coordinator ng Kilusang Mayo Uno (KMU), organisasyong nagsusulong ng
mga karapatang pangmanggagawa. Ani Dumalaog, mabilis na lumaki ang bilang ng mga kasapi ng Samarc kaya naman agarang naglunsad ng mga hakbangin ang pamunuan upang matanggal ang mga kasapi ng unyon.
Hindi pagkilala sa unyon
Ayon kay Bernardo Hipolio, pangulo ng Samarc, ipinangako ng DOLE na muling bibigyang pansin ng nasabing ahensya ang usapin hinggil sa certification election (CE) ng unyon, isang proseso ng pagpili at pagkilala sa opisyal na unyon ng mga manggagawa ng isang kumpanya. Tumanggi umanong pagtibayin ng DOLE ang pagkapanalo ng Samarc sa CE, sapagkat kinuwestiyon nila ang pagsanib ng Samarc sa Association of Nationalist and Genuine Labor Organization (ANGLO), isang pederasyon ng mga manggagawa sa ilalim ng KMU. Natagalan pa umano ang paglalabas ng nasabing desisyon sapagkat namatay si Ben Perez, pangulo ng ANGLO na siyang magpapatunay na opisyal na kasapi ng ANGLO ang Samarc. Kaugnay nito, kinuwestiyon din ng DOLE ang pumalit na pangulo na si Henry Huesca. Sa isang tawag sa telepono noong Pebrero 23 sinabi ng isang opisyal ng DOLE kay Hipolio na hintayin ang desisyon ng DOLE hinggil sa kanilang CE. Gayunpaman, pinayuhan din ng nasabing opisyal ang Samarc na dumulog sa DOLE Calamba. “Ayaw ng management ng unyon dahil iwas-benepisyo. Kapag may samahan ka na, nandun ‘yung mga kondisyon sa pagitan ng mga
manggagawa at management. Nandun ang usapin ng pagbibigay ng tamang benepisyo, pasahod at ang karagdarang sahod batay sa tagal ng termino sa kumpanya,” ani Marin. Sa isang panayam ng Collegian sa isang opisyal ng management ng RCP, tumanggi munang magbigay ng pahayag ang RCP ukol sa mga hinaing ng Samarc, bagaman iginiit niyang walang alam ang pamunuan ng RCP tungkol sa naganap na piket noong Pebrero 15. Aniya, “black propaganda” lamang ang mga artikulong nalathala sa ilang mga pahayagan.
Patuloy na represyon
Liban sa ilegal na pagtanggal sa mga kasapi ng Samarc, kinundena rin ng unyon ang mga hindi makataong panuntunan ng pamunuan ng RCP. Ani Custodio, sa kabila ng rekisitong pumasok ng 5:30 ng umaga, wala namang itinakdang oras ng pagtatapos ang kanilang pagtatrabaho. Halos wala ring dagdag na sahod ang mga manggagawang nakapagtatrabaho ng higit sa walong oras sa isang araw. Ani Custodio, P60 lamang ang komisyong natatanggap tuwing magkakaroon ng second shift, at maaari pa itong makaltasan dahil pinababayaran ng pamunuan ng RCP ang anumang boteng mababasag ng manggagawa habang sila ay nagtatrabaho. Samantala, P315 lamang ang karaniwang natatanggap ng mga manggagawa ng RCP araw-araw, mas mababa kaysa minimum na sahod na P337 na dapat matanggap ng mga manggagawa sa kanilang
UAAP men’s football crown stays in Diliman Glenn Diaz The UP Maroon Booters has cemented its powerhouse status in the league after delivering a precise 1-0 cleaning of the UST Golden Booters in the finals of the UAAP men’s football tournament on Sunday, February 26 at the Ateneo High School Field. It was striker and former Rookie of the Year Jinggoy Valmayor, who offered the crucial decider on the 61-minute mark courtesy of a pass from forward Jay Eusebio, enough for the Diliman XI to retain the football championship, its 3rd in the last four years and 16th overall. Valmayor delivered 5 of the team’s 12 goals all season, while departing players Nii Aryee Ayi and Miguel Roy chipped in 4 and 2 respectively. Michael Simms, who succeeds Valmayor as Rookie of the Year, notched 1. Winning the championship is “always the target,” said Coach Anto Gonzales, who noted that while the
team will be losing eight players next year, the goal remains the same. “We have a couple of young players who didn’t make it in the UAAP line-up but would have surely made it if they were playing for other teams. I’m confident that these boys will make a big contribution in the next three to four years.” The game also capped off a stunning defensive season for the Maroons, whose consistently solid backline and Best Goalkeeper awardee Tyrone Caballes conceded only one goal. “We have built this philosophy way back in 2008 that puts emphasis on having a secure team defense so that we can attack more freely. So we developed this style of compact, ball-oriented and pressure defending,” explained Gonzales, who won his third title with the team. Prior to the finals, the now twotime defending champions have had to deal with a slow start, making do
with several scoreless draws in the first round. “A couple of our key players joined our preparations late cause of their involvement with the U23 team and some cause of academic-personal matters. So it took us some time to find the right player combinations and jell as a team. Aside from that, we put more emphasis on attacking movements after the first round. Our defense was solid but we weren’t creating many scoring chances,” Gonzales said. The Maroon Booters, however, soon found its offensive form in the second round with a 4-0 thrashing of De La Salle University, and the team never looked back since. Aside from Caballes and Simms, two other Maroon Booters bagged special awards in the tournament’s closing ceremonies. Ayi was named Best Midfielder while team captain Nathan Octavio took home the Most Valuable Player trophy. ●
rehiyon, ani Hipolio. Kontraktuwal ang karamihan sa mga manggagawa ng RCP at umaabot ng mahigit isang taon ang ilan sa kanila bago maging regular na empleyado, liban na lamang kung may kamag-anak sila sa pamunuan ng RCP, ani Dumaloag. Sa mga susunod na araw, ipagpapatuloy ng Samarc ang kanilang kampanyang ibalik sa trabaho ang kanilang mga natanggal na kasamahan at kilalanin ang kanilang unyon bilang opisyal na tagapagsulong ng kanilang mga karapatan bilang manggagawa, ani Custodio. Dagdag niya, itutuloy niya ang
Martes 28 Pebrero 2012
kasong “illegal dismissal” laban sa RCP, sa kabila ng pag-alok umano sa kanya ng P60,000 ng isang abogado ng RCP kapalit ng pagbawi isinampa nilang kaso. Sakaling hindi maglabas ng agarang pasya ang DOLE hinggil sa kanilang mga hinaing, maglulunsad ng panibagong piket ang Samarc sa DOLE Calamba, upang ipanawagan ang kagyat na pagtugon ng ahensya. “[Nananawagan] ang mga manggagawa sa DOLE, bilang bahagi ng serbisyo nila (DOLE) ang tugunan ang mga usaping kinakaharap ng mga manggagawa at upang magkaroon na ito ng agarang aksyon,” ani Marin. ●
TRIUMPHANT. UP Men's Football Team celebrates its two-peat crown streak as they trampled UST Golden Booters during their championship match at the Ateneo High School Field on January 26. Maroons sealed the victory with a score of 1-0 and an exceptional win-draw-loss slate of 6-5-0. Airnel T. Abarra
SR calls to scrap deposit fee for freshmen However, reports from the February 14 meeting of the University Committee on Scholarships and Financial Assistance (UCSFA) revealed that the accounts of the student loan assistance fund for all UP constituents are not being used. In UPD, for example, the last recorded transaction was during the second semester of academic school year 2006-2007 tallied a remaining balance of 1 million, according to the UCSFA report. The UCSFA also intend to revise the STFAP loan fund to be used for students who are under scholarships but are still having financial constraints. Meanwhile, in UP Visayas (UPV), the BOR approved the use of P1.5 million of the P1.78 million total deposit fee for scholarships and other student related activities the previous year, which is the first time the deposit fee will be used, according to Conti.
Transparency
Student leaders however expressed their apprehensions on
« from page 3 the possible abuse and misuse of the funds. UPV Student Council (SC) President Christian Sorongon suggested that an accounting analyst should be consulted to recommend ways to effectively use the funds. The bureaucratic process can serve as a mechanism to avoid corruption in student councils, Sorongon added. In UP Manila (UPM), college student councils have been launching their own income-generating projects to augment their funds. This practice however, makes some of the projects inaccessible to students because of the fees charged for attendees, explained Cleve Kevin Robert Arguelles, UPM SC Chairperson. “Given the current state of funds available for student councils and the minimal financial support that student institutions get from the administration, it is only just that the unused and underutilized deposit fee of students be given for student councils and other student institutions,” said Arguelles. ●
6 • Kulê Standard Bearers Mga tanong:
1. Sa napipintong STFAP review na isasagawa ng administrasyon ng UP, anong nararapat baguhin sa nasabing sistema at bakit?
Martes 28 Pebrero 2012
2. Tasahin ang kasalukuyang kalagayan ng sistema ng hustisya sa bansa.
ALYANSA Chairperson
Gabriel “Heart” Diño
1st Year, MS Applied Mathematics
3. Kung ang USC ay isang kusina, anong kasangkapan ka at bakit?
KAISA Chairperson
Maria Shaina “Shaina” Santiago 4th year, BS Tourism
1. So nakikita talaga natin ngayon na flawed talaga yung current system ng STFAP kasi nga ang daming mga kaparty bracket and so on and so forth. Kaya nga tayo sa ALYANSA patuloy ang ating panawagan na talagang irevise na ang STFAP because kapag narevise ang STFAP, ‘yung STFAP mechanism na ito ay talagang mag-aaklas siya sa kanyang mechanism for social justice and social progress and we think na kapag naayos ‘yung STFAP at least ito yung magiging mekanismo upang maging accessible ang ating education. Una sa lahat, unang dapat baguhin talaga is ‘yung transparency talaga dun sa pagpaprocessing naten. Kasi nga hindi natin alam ano ba ang mga criterias natin and so on. Tapos mas mapaigting natin ‘yung mga criterias natin kasi hindi maayos kung ano dapat ang magiging criterias sa pag-identify kung ayaw magbayad ng estudyante o hindi. Also, ‘yung bracketing mismo kasi nakita natin meron tayong bracket E, bracket E1, bracket E2. Siguro mas maganda na mas mapalawak pa natin ito at para mas maging accessible talaga sa ating education. Also, ‘yung pagbabayad mas nakita natin mas marami tayong mga papel na kailangang gawin. Kaya nakikita natin, na kahit tayo nag-o-authorize ng STFAP para mas maging accessible ang UP education, minsan kulang tayo sa budget, kulang tayo sa pera. And then, ang dami pa nating pinapa-xerox, ang daming pinapa-repro copies. So, nakakalungkot kasi dapat siguro dapat makita din ‘yung buong alegasyon sa STFAP. Exactly siguro mas maganda, we can also review ‘yung baka pwede ‘yung word of truth kung mayaman ka o mahirap ka ay wala sa estudyante. Siguro mas maganda na administration ‘yung magbibigay ng ganitong klaseng mechanism. 2. Kung nakikita naten na ‘yung justice system natin ay napakabagal sa pagsosolba ng mga kaso. Ang daming mga kaso tulad na nga lang n’ung extra-judicial killings, mga kung anu-ano pa na hindi nabibigyan ng hustisya. Kaya tayo ay nanawagan mas maging maayos na i-strengthen natin itong judiciary system natin sa Pilipinas. At nakakatuwa na ngayon ay meron tayong impeachment trial. Ngayon nakakatuwa kasi ii-impeach na si Corona. Natutuwa tayo kasi ang impeachment politics diyan is a serious matter wherein nase-strengthen talaga at napapakita na we want to bring back the feeling of strengthening ‘yung trust natin sa institusyon na Supreme Court. And we think na itong impeachment trial na ito, isa siyang potential for us to educate that no matter what happens, no one is above the law, and we do not tolerate corruption, and maganda siyang sense of, maganda siyang message that hindi kasi nangyayari everyday ‘yung impeachment trial and gusto nating ipakita sa mga tao na they have a sense of social accountability. Whatever we do, definitely accountable tayo. And mas maganda ngayon na merong tayong impeachment trial, mas mabibigay ulit natin ‘yung trust natin sa Supreme Court in such a way na kaya nating magtulungan. But then again, ‘di na tayo matatapos sa paglilinis talaga at pagbabalik ng tiwala sa Supreme Court but also dapat mas mapaigting natin ‘yung mga batas kung saan kelangan maayos yung pag-trial natin and also mas maging accessible sa din lahat ‘yung ating Supreme Court and Chief Justice natin kasi nakikita natin na hindi abot-kaya sa mga maraming tao ang pagkuha ng abogado and all. So dapat may fair and social equity sa mga kasong kinaharap namin. 3. Siguro kasi kung ang USC ay isang kusina, ‘di ba sa kusina ginagawa ‘yung pagkain natin, ‘yung mga food natin. Siguro’ yung USC ‘yung mga tao, ‘yung mga estudyante. Sila ‘yung mga ingredients, ‘yung mga asin, ‘yung mga potatoes, and so on and so forth. Ako naman ‘yung magiging kalan kasi bilang USC Chair, dapat ako mismo ‘yung nagluluto mismo, nagluluto dun sa mga tao na i-empower sila, i-inspire sila para mas maging masarap sila bilang mga pagkain. So basically, ‘di talaga ako ‘yung magiging pagkain talaga. More likely, ako lang ‘yung andyan para magawa nila mismo ‘yung isang masarap na recipe para sa bayan. ●
1. So una sa lahat ang STFAP ay hindi kinikilala ng KAISA bilang solusyon sa ating pagtaas ng tuition fee. So nalaman naman natin na nagtaas ang tuition fee natin dahil sa pagkaltas ng budget ng ating gobyerno sa education sector sa ating mga state university at colleges. At bilang ang STFAP ay kinikilala nating smokescreen lamang sa pagtaas ng budget at kung tayo’y tatanungin kung ano ang kailangan baguhin sa STFAP ay ito ay ‘yung proseso o mga basehan kung bakit ba, paano ba masasabi na Bracket A ka, Bracket B o Bracket C, kasi alam naman natin na may iba’t ibang basehan d’yan na merong mga ambiguous na mga bagay kung bakit masasabing Bracket C ka. Minsan masabi lang na may pera ka na, meron kang cellphone, napupunta ka na agad sa mas mataas na bracket at hindi lamang ‘yon ang basehan, hindi lamang income ng mga estudyante. Tapos kumbaga, isang halimbawa na rin ay kung pinag-aaral tayo ng meron kunwaring annual income na one million. Paano kung ang mga magkakapatid ay meron kayong walong magkakapatid sa atin? Isang halimbawa lamang ito na hindi maayos ang proseso ng STFAP na kung pupunta man tayo dun sa office ay maraming requirements pa ang kailangan tignan at hindi nasasagot nito kung--hindi nasasagot ng mga prosesong ito ang pangangailangan ng mga estudyante kasi una sa lahat, naniniwala tayo na ang edukasyon ay isang karapatan at hindi ito pribilehiyo kung saan dapat ay pantay-pantay ang tingin sa estudyante at hindi iba’t iba ang mga fees na binabayaran natin. 2. Ang hustisya dito sa Pilipinas ay magulo. Kumbaga hindi naisusulong ang karapatan, hindi naisusulong ang pangangailangan ng iba’t ibang Pilipino. Hindi nakikita ang pantay na pagtingin sa bawat Pilipino dahil nakadepende na lamang ito sa mga taong nasa taas, mga taong may kapangyarihan. At tignan na lamang natin sa sitwasyon ni Chief Justice Corona, ‘yung impeachment trial, na nagagamit na lamang ang mga ganitong proseso para isulong ang mga personal na interes o mga political ambitions ng mga tao sa ating gobyerno. At tayo tinitingala natin na ang hustisya dapat ay para sa mga Pilipino, para sa mga naaapi, para ipaglaban ‘yung karapatan, para ipaglaban ang ating mga pangangailangan. At tayo ay dapat kasabay ng mga pagkakaroon ng mga impeachment trial na ito ay hindi pa rin nakakalimutan ang iba nating pangangailangan katulad na lamang ng pagsusulong ng mga RH bill, ng Sixwillfix bill, na ang mga isyu na mas importante sa ating mga bansa, mga isyu na nakafocus sa ano ba ang mga pangangailangan nating mga estudyante, pangangailangan nating mga Pilipino. Dahil tayo, we deserve the best education, we deserve best services, dahil tayo ay nagbabayad rin tayo ng buwis at dapat ay maibalik sa atin kung ano ang mga naibibigay natin. Dahil ang gobyerno ay nandiyan para bigyan tayo ng hustisya, para ibigay sa atin kung ano ang kailangan natin, para ibigay sa ‘tin kung ano ang nararapat sa atin. 3. Alam naman natin na ang University Student Council ay binubuo ng iba’t ibang tao, iba’t ibang lider mula sa iba’t ibang kolehiyo, iba’t ibang paniniwala, iba’t ibang perspektibo. Kung ang USC ay isang kagamitan sa kusina at ako ay isang chairperson na mamumuno dito, ako ay isang sandok. Dahil paghahaluin natin ang mga iba’t ibang perspektibo para tayo ay magkaisa. Dahil naniniwala tayo na once nandoon na tayo sa USC ay dapat ay mawala na ang kulay natin ngunit nananatili pa rin ang prinsipyong pinanghahawakan natin. ●
STAND UP Chairperson
Independent Chairperson
Amancio “Aman” Melad III
4th year, BS Economics
1. Sa pakikipag-dayalogo po natin sa administrasyon, nalaman po natin na meron pa po tayong revolving fund na hindi nagagamit para sa STFAP. Ang gusto po nating maging palisiya sa STAND UP ay ‘yun pong pagkakaroon natin ng pagtutol doon po sa hindi paggamit sa nasabing revolving fund na pwede pong ibigay sa mga STFAP beneficiaries. Pero sa pinakahuli, gusto pa rin nating ipaglaban na ang edukasyon ay isang karapatan. Kung masasagawa po na magkaroon po ng STFAP review, patuloy po tayong makikiisa doon po sa UP administration na kung saan tayo po ay mangunguna doon sa panawagan na dagdagan talaga ‘yung budget natin sa ating pamantasan, para itong STFAP na alam naman natin ay isang smokescreen na polisiya ng ating administrasyon para tugunan ‘yung mga pangangailangan natin para sa karagdagang budget, ay talagang matamasa na or matanggal na ‘yung talagang hindi pagbibigay ng karapatan natin para sa accessible na education sa tertiary level. Makikipagtulungan pa rin po tayo doon po sa ating kasalukuyang administrasyon na ibigay din ‘yung kung ano ang nararapat sa mga iskolar ng bayan doon sa pagkakaroon pa natin ng iba’t ibang multi-sectoral meetings kasama po ‘yung iba’t iba pong UP units na ginawa na po noong nakaraang Oktubre na kung saan ito po ay nagsasabi at naglalayon na ‘yung mga stringent policies na meron with regards to STFAP ay dapat baguhin. Kailangan po nating magkaroon, una, ng maayos na pakikipag-ugnayan sa mga estudyante; pangalawa ay ‘yung pagkakaroon po natin ng matagumpay pong paglunsad ng information dissemination; at pangatlo ay ‘yung pag-consider pa rin n’ung mga appeals na meron tayo sa STFAP ay maibigay po sa mga estudyante sa pinakamarami at pinakamalawak pong mga pagkuha ng maraming beneficiaries. 2. Sa kasalukuyan meron po tayong culture of impunity sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan. Kung paano natin maipapanukala ‘yung pagbibigay ng hustisya sa mga sektor na aking sasabihin. Una po sa usapin ng lupa. Patuloy pa rin po nating pinaninindigan na dapat po ‘yung mga hacienda na meron po sa kasalukuyan, for example, with Cojuangco-Aquino — Hacienda Luisita — na patuloy pa rin po nating ibigay at tinututulan po natin ‘yung hindi pagbibigay ng lupa dahil po sa napipintong Corona impeachment na kung saan na ito’y nasasabi na tunggalian lang po ng uri doon sa naunang administrasyon bago po kay Aquino. Nakita rin po natin na meron pong culture of impunity doon sa pagbibigay ng hustisya para naman po sa pagbibigay ng maayos na sahod at good working conditions sa mga manggagawa po natin sa iba’t ibang sektor at iba’t ibang manufacturing companies na meron dito sa ating bansa. Nakikita natin ito na malinaw na impresyon na itong mga kasalukuyan na panuntunan ng ating kasalukuyang administrasyon ay hindi talaga kinikilala ‘yung kahalagahan ng mga manggagawa natin sa iba’t ibang pabrika at iba’t ibang mga sektor. Doon sa usapin naman ng edukasyon, nakikita natin na hindi pa rin naibibigay ‘yung hustisya, lalong-lalo na doon sa paghahanap ng hustisya doon sa mga nawawalang mga iskolar ng bayan tulad nina Karen at She na patuloy pa rin nating iginigiit. At kung usapin naman ito ng karapatan, sa pagpasok pa lamang po ng 2012, marami na tayong nakitang mga human rights violations na kung saan patuloy pa rin nating ipinapanawagan ang Free Ericson Acosta Movement, patuloy pa rin nating pinaninindigan na hindi pa rin nakukuha ng mga political prisoners ‘yung karapatan nila para sa hustisyang ito. 3. Kung isa akong kasangkapan sa kusina, ako’y isang sandok. Sandok na maaaring magbigay ng impluwensiya doon sa UP community at sa labas ng ating pamantasan para igiit ang karapatan natin hindi lamang sa edukasyon at batayang serbisyong panlipunan. Ito rin po ‘yung panawagan natin sa STAND UP na sa loob ng 15 years ay naging tapat sa pagbabago, sa pag-stir po ng influence doon sa kasalukuyan nating sistema na kailangan nating palitan. Sa loob po ng panunungkulan natin sa University Student Council, ang magagawa po ng STAND UP ay patuloy pa rin pong igiit at ibigay po ‘yung tamang pagbibigay ng impluwensiya doon po sa pagkakaroon po natin ng panlipunang pagbabago. ●
Jose Martin “Martin” Loon 3rd year, Juris Doctor
1. Well I think po sa darating na review ng STFAP, dapat tandaan po ng ating administrasyon na ‘yung edukasyon po ay isang karapatan. Hindi po dapat ito gawing smokescreen policy lamang upang i-justify ang pagtaas ng ating tuition. Dapat balikan natin, ano nga ba ‘yung responsibilidad ng ating estado sa pagsuporta at pagharap sa edukasyon ng ating bansa? And I think po nangangailangan na i-reassess further po natin ‘yung STFAP natin at ‘wag po nating gawing excuse ‘yan para sa pagtaas po ng presyo ng ating edukasyon. Napakahalaga po na ‘yung estado mismo ang nagbibigay ng suporta sa ating mga mag-aaral pagdating po sa edukasyon, at any form of excuse that will give the administration excuse to further increase the prices or the rates of our tuition fees should never be justified. So dapat po nagiging progresibo po ‘yung ating polisiya. Ibig sabihin po as the years go by, dapat mas tumataas ‘yung budget for education; as the years go by, dapat mas tumataas ‘yung suporta ng ating estado. So let us not use policies like the STFAP, for example, as a means of justifying the increase of our tuition fees dito po sa ating pamantasan and any other public school in our country for that matter. So lagi nating babalikan ‘yung polisiya ng pamahalaan, ‘yung nakasaad po sa ating Saligang Batas na ‘yung edukasyon po ay isang karapatan na dapat sinusuportahan ng estado. And I think na ito po ay isang smokescreen policy lamang upang iwasan natin ‘yung debate weather or not full at complete ‘yung suporta na binibigay ng estado sa ating educational system. 2. Bilang isang law student, ako po ay nalulungkot sa estado ng hustisya sa ating bansa. Inaaral po namin sa UP College of Law kung paano natin maipapalago further ‘yung mga karapatan ng ating mga kababayan at ma-implementahan po natin ‘yung mga dapat na nakasaad po sa ating mga batas. Problema po ngayon, hinaharap natin ngayon ‘yung impeachment ng ating Chief Justice, ang punong mahistrado ng Korte Suprema. ‘Yun po ‘yung isa sa mga sanhi kung bakit nawawalan po ng kumpyansa ‘yung ating mga kababayan sa sistema ng hustisya sa ating bansa. Kung ‘yung mismong punong mahistrado po ng Korte Suprema ang siyang inaakusahan ng mga bagay na napaka…nakaka-damage po sa kanyang karangalan bilang isang Chief Justice. Nakakalungkot na nangyayari ‘to, at patuloy na nababawasan ‘yung tiwala ng ating mga kababayan sa Korte Suprema. ‘Yung justice din po in general ay isang napakahirap na quest. Mahirap po dahil ngayon, ‘yung mga kaso ng enforced disappearances ay hindi pa rin natin nabibigyang-pansin, ‘yung mga writs of amparo po na ina-apply-an natin ay hindi masyadong maayos ‘yung pag-eexecute at pag-iimplement. Nagkakaroon pa rin po ng problema on assessing whether or not epektibo ba ‘yung tool na ‘to upang talagang hanapin ‘yung mga nawawala. ‘Yung kaso ng mga media killings po, halimbawa ‘yung Ampatuan Massacre, napakatagal po ng pag-usad ng kanilang kaso kung saan 2009 pa po nangyari ‘yun, hanggang ngayon po patuloy pa rin ‘yung paglilitis. At marami pa pong kaso, halimbawa po si Gloria Arroyo. Hanggang sa ngayon po, two years in the Aquino administration hindi pa po siya nalalagay sa kulungan na nararapat kung nasaan siya. So all these things po are indicators of the weakness of our justice system, and there’s so much room for improvement. And palagay ko po, bilang iskolar ng bayan, pwede po nating himukin ang ating mga kasapi ng judiciary na talaga pong pagsilbihan ‘yung mga ends of justice na kanilang pinagsumpaang pangalagaan. 3. Siguro po kung ako’y isang kasangkapan sa kusina, ako siguro po ‘yung apoy. Kasi po ‘yung apoy, siya po ‘yung nagbibigay ng alab sa lahat po ng mga ibang kagamitan sa kusina upang magamit po at matupad po ‘yung kanilang purpose. ‘Yung apoy po walang pinipiling pagkain. Green man ‘yung pagkain, blue man ‘yung pagkain, red man ‘yung pagkain, pilit niyang niluluto pa rin dahil ina-acknowledge niya na dapat po lahat ng mga bagay po na pwedeng gamitin at pwedeng kainin n’ung kakain ng pagkain ay pwede po nating gamitin nang maayos. So bilang apoy po, ako po ‘y taga-init lamang, tagaliyab ng damdamin ng mga kasapi upang magtrabaho po para sa kabutihan po ng ating mga estudyante. Wala po akong pipiliing gulay, wala po akong pipiliing pagkain, lahat po lulutuin po ng apoy na…’ayun. ●
7 • Kulê Standard Bearers Mga tanong:
Martes 28 Pebrero 2012
1. Paano tutugunan ng K-12 ang pangangailangang mapalawak ang access ng nakararami sa dekalidad na edukasyong pangkolehiyo?
ALYANSA Vice chairperson
2. Anong pick-up line ang gagamitin mo para mapalipat sa inyong partido ang mga kalaban mo? STAND UP Vice chairperson
KAISA Vice chairperson
Ace “Ace” Ligsay
Soraya Elisse “Aya” Escandor
Alexandra “Alex” Castro
1st Year, MA Urban and Regional Planning
4th year, BS Community Nutrition
3rd year, BS Psychology
1. Tayo sa Alyansa, nakikita natin ‘yung merit ng K-12 pagdating sa pagpapaunlad ng primary and basic education natin, ‘yung highschool. Kasi nga magdadagdag ng dalawang taon para mas mahasa ‘yung mga highschool graduates natin. Pero mahirap makita ‘yung prinsipiyo nito kung paano ba mapapaunlad nito ‘yung kolehiyo kasi nawawalan ng priority ang gobyerno d’un sa tertiary education natin. Makikita sa budget ni Aquino na hindi naman talaga binibigyang priority ‘yung tertiary education kasi mas malaki ang in-allot sa primary. Dapat ‘wag nating pagbungguin ‘yung interes ng college students, and highschool and elementary students kasi dapat edukasyon pa rin ‘yung isa sa mga priorities ng government. Sa tanong na kung ‘yung prinsipyo ba ng K-12 ay makakatulong sa tertiary, hindi ko nakikita kasi nga tayo sa Alyansa we want relevant, quality, and accessible education at all forms mapa-primary man ito or tertiary education. So, malinaw sa prinsipiyo ng Alyansa na kailangan mag-allot tayo ng magandang budget, according nga sa Dular’s commission, 6% sa buong education system. Accessible dapat ang education natin lalo na sa tertiary kasi ito ‘yung...ang education is a tool to battle ignorance at kailangan ito para mapalaya ‘yung mga tao natin. Education is the greatest equalizer to attain social justice and social progress. 2. Para sa mga kalabang partido, para sa ibang partido, ito ‘yung pick-up line ko para sa inyo: sana kung subject kayo, kayo ang pinakamahirap para sa bandang huli, sa amin din kayo babagsak.●
1. Okay, so I do understand that there are benefits with K-12. For example, equipping the students with the skills they need after graduation to be able to work already, but we’re gonna have to take into consideration that the quality of education now at the basic level is very low. So there is poor quality of education, then extending it to two more years is not actually going to help. For example, at this situation, we have a lack of classrooms, we have lack of competent professors, lack of books, chairs, tables, and then you’re gonna add two more years to education. So why not improve on the quality of education first, on the basic level, before adding two more years. Because of course, improving the quality of education, number one, you’re improving the skills the quality of the skills that you’re equipping the students with -- before, and this is very important of course, improve it, before adding two more years. 2. So ‘yun – KAISA ka ba? Bakit? Ang long term kasi ng solusyon mo sa problema ng edukasyon eh.●
1. K-12 does not answer the accessibility to education… to tertiary education. Kung babalikan natin, hindi niya binibigyan ng solution ang current education crisis natin ngayon na may problema sa quality at may problema rin sa accessibility. Dahil nga you’re adding years to the basic education — high school and elementary — mas nahihirapan pa ‘yung mga mamamayan para makuha or matapos man ‘yung basic years of education. At the same time, ‘yung shift ng education ay para mag-produce ng semi-skilled workers na pupunta lang naman talaga sa ibang mga countries to serve ‘yung cheap labor force doon, or at the same time dito rin sa Pilipinas. Doon lang sila sa mga BPOs, sa mga call centers. Ang kailangan po natin ngayon ay isang education policy kung saan sinasagot niya ang current type of education natin ngayon which is colonial, commercialized and fascist. Kailangan natin ng isang edukasyon na nationalistic, mass-oriented and scientific. Meaning batay…’yung education natin, it’s here to serve or give solution to the current problems of the Philippines instead of the current situation which is actually just pushing our people or the Filipino people to serve as the cheap labor force for other countries and to transnational and multinational companies. 2. Aktibista ka ba? Kasi ikaw ang unang nagrarali sa puso ko. Babalikan po natin ang lahat ng mga partido, actually ‘yung KAISA at ALYANSA, parati nilang bina-brand ang sarili nila bilang mga aktibista—meron silang isang specific brand of activism. Balikan po natin na ang aktibismo ay isang lifestyle, ang aktibismo ay hindi…actually ‘yung activism ay hindi mo dapat bina-brand kasi way of life siya kung paano ‘yung stand mo sa mga bagay-bagay o paano ka nagli-lead as a student leader. Doon naman talaga lumalabas ang pagiging aktibista mo.●
vCollege Representatives ALYANSA Jonas Miguelito “Jonas” Cruz College of Business Administration
Christopher “Chris” Omega College of Education
Nico “Nico” Macabuhay College of Fine Arts
Ma. Christina “Tina” Reyes College of Law
Maria Erica “Erica” Hitosis College of Science
Joeric Emil “Joeric” Crescini College of Social Science and Philosophy
Darrell John “Darrell” Magsambol School of Economics
Stephen Jun “Stephen” Villejo School of Statistics
Erika Mary “Erika” Erro Asian Institute of Tourism
Sara Zemirah “Ayka” Go College of Fine Arts
Carla Monica “Carla” Gonzalez College of Home Economics
Gayle Krystle “Gayle” Grey College of Human Kinetics
Justin Alfred “Jap” Palino College of Engineering
Ihna Alyssa Marie “Ihna” Santos National College of Public Administration and Governance
Serene Ezra “Ren” Bondad College of Science
Allan “Allan” Ibanez School of Statistics
Peter Dominique “Peter” Paredes College of Architecture
Eduardo “Eds” Gabral College of Arts and Letters
John Nelvin “Vino” Lucero College of Business Administration
Celine Alexis “Celine” Isidro College of Education
Alieto “JR” Cajilig Jr. Rejiel “Rage” Gonzales College of Engineering
Patricia Monica “Pat” Garvida College of Fine Arts
Leonard “Levi” Pagatpatan College of Home Economics
Roscelle “Roscelle” Cruz (SLIS) School of Library and Information Studies
Felipe “Felipe” Del Castillo College of Science
Patrick John “Sicat” Sicat College of Social Science and Philosophy
Mark Joseph “Marky” Tagala College of Social Work and Community Development
Patricia Erika “Pats” Poblador College of Music
KAISA Ma. Beatriz “Bea” Obcena College of Social Work and Community Development
STAND UP Enrico “Miko” Gloria School of Economics Sarah Isabelle “Sarah” Torres College of Mass Communication
8-9 • Kulê Councilors
Martes 28 Pebrero 2012
ALYANSA
STAND UP
KAISA
Tanong: Anong sikat na pop song ang sasapul sa iyong plataporma at bakit?
Ibang kandidato sa pagkakonsehal*:
ALYANSA Bea Helene “Bea” Tan 3rd year, BS Chemistry
Maria Larissa “Lars” Hernandez
Genesis “Revee” Rapallo
5th year, BS Industrial Engineering Ang pop song na sasapul sa plataporma naten ay “Tara Let’s” ng Imago. Naniniwala tayo sa Alyansa na hindi lang buhay ang USC sa isang vacuum, may mga estudyante na nakapaligid dito. Oo, kailangan ng pangil ng USC laban sa mga iba’t ibang issues. Pero kailangan din nito ng tenga na mahinahong makikinig sa mga estudyante kung ano ba ang mahalaga sa kanila at ano ba talaga yung vina-value nila sa araw-araw na pamumuhay. Sa Tara Let’s, soon tara, isinasama natin ang mga estudyante sa isang makabuluhang USC at maging relevant sa bawat araw ng USC. Kaya naman tara gusto natin sa bawat campaigns, activities, and services na in-offer ng USC na balanced, tara kasama ka dahil dito sa Alyansa tayo ang USC. ●
4th year, BA Political Science
Alexandra Maria Francia”Alex” Santos
2nd year, BA Broadcast Communication Siguro ‘yung isang pop song na magrerepresent ng platform namin siguro ‘yung “Change the World” ni Eric Clapton, tama ba? Kasi sobrang ganda n’ung message n’ung song na everybody wants to have that inspiration to be a vessel of change na kahit simple na tao ka lang you have the means, you have the ways, the skills to be of someone to have of service to other people. Meron nga d’ung line na I will be the sunlight in your universe. So parang maganda ‘yung pagiging enlightened ka. Maging light ka ng mga tao para maging inspired din sila to be of change, to be of service and to really push for that change. ●
KAISA Cheryl Mojica “Cheryl” Siy 2nd year, BS Electronics and Communication Engineering
Sarah Louise “Sarah” Mendoza 4th year, BA Public Administration
Simon Stephenson “Simon” Tiu
4th year, BS Sports Science
STAND UP Ghizelle Jane “Ghizelle” Abarro 4th year, BS Materials Engineering
*Hindi nagtungo ang nasabing mga kandidato sa itinakdang panayam ng Collegian. Bagaman binigyan ng pagkakataong humabol, hindi pa rin nila nagawang makapunta.
Solomon “Sol” Vicencio 3rd year, BA Psychology
Siguro ‘yung akin ‘yung “You Belong With Me” ni Taylor Swift kasi may line dito na “she wears short skirts, I wear t-shirts, she’s the team captain, I’m on the bleachers.” So may sinasabi sa Alyansa na may diversity tayo, iba-iba lang ng points of view at nirerespeto natin ito. Pero siyempre kahit iba-iba tayo ng points of view, bumabawi naman siya sa context na ‘yun nga you belong with me. Kahit iba-iba tayo ng points of view kahit diverse tayo kailangan natin magsama-sama sa USC, kailangan nating magparticipate, mag-empower ng isa’t isa para may makamit tayo, may ma-achieve tayo bilang USC. Dahil nga sa Alyansa, tayo ang USC. Hindi ito kaya ng USC lamang, kailangan kasama ‘yung mag-aaral dahil nga you belong with me. ●
Jose Emmanuel Micael “Mickey” Eva III 4th year, BS Geography
Malilink ko ang ating plataporma sa kantang “Stronger” ni Kelly Clarkson. Ika nga sa kanta “what doesn’t kill you makes you stronger.” Tayo naman bilang estudyante marami tayong kinakaharap na issues tulad na lamang ng fraternity violence, issues tulad ng gender discrimination at sexual harassment, ‘yung issue ng student’s rights and welfare. Papalakasin natin ang bawat estudyante at bibigyan natin ng boses ang bawat mag-aaral para maipaglaban natin an gating karapatan sa loob ng unibersidad at bilang tayo nga ang USC ngayong taon sa Alyansa, gagawin nating stronger ang bawat mag-aaral dito sa UP Diliman yun lamang. Thank you. ●
Patrick “Pat” Bringas 3rd year, BA Film
Para sa akin yung “Firework” ni Katy Perry kasi it talks about empowerment and it encourages you to be the best that you can be at siyempre ‘di ba ‘yung firework, ‘pag nakita mo siya nakakainspire siya, tumitingin lahat ng tao at mapapa-wow sila dito. So gan’un ‘yung plataporma natin this year. ●
Eduard Francis “Lucho” Ayala 3rd year, BA Theatre Arts
Just to sum it up anong gusto natin ngayong taon dito sa Alyansa na 100 percent student participation, involvement, and empowerment, 100 percent transparency and accountability, 100 percent campus safety and security, 0 percent frat-related violence, and 0 percent gender discrimination in general. So siyempre gusto nating bigyan ng emphasis itong transparency and accountability kasi dapat maging accountable ang USC. If I’m going to relate a pop song, in “All of the Lights” ni Kanye West. Yung kantang sabi sa in “All of the Lights” is yung “turn off the lights in here baby, extra bright I want you all to see this.” Kelangan talagang extra bright talaga and we should not work with off lights, we should work with all the lights na ‘di lang aware ang lahat ng estudyante sa nangyari sa USC, aware ang lahat ng estudyante sa mga financial statements na nalalabas ng USC, and siyempre 100% student participation engagement naman who will give all avenues para sa mga students para ipakita ang kanilang galing at pagmamahal sa country and but actually of course, sa university. ●
Allyssa Joy “AJ” Quinito
Ayan, so kung may isang sikat na pop song na sapul sa ating plataporma, ay ‘yan ang Firework by Katy Perry. Kasi siyempre, ‘yung meaning ng kanta diba, ilabas yung potential ng mga tao para ‘yun, at malabas ‘yung self confidence para makagawa pa tayo ng mga bagay na magaganda. So yan ‘yung isa sa mga goals sa ating plataporma, ma-empower ‘yung mga students para tayo ay maging lider sa sarili nating paraan, at siyempre, ‘yung USC, hindi naman siya for ano lang, governance, siyempre kailangan natin ma-involve ‘yung mga students, mainvolve natin sila, dahil yung mga projects natin ay magagawa natin nang nagkakaisa. ●
Gene Angelo “Gene” Ferrer 3rd year, BA Political Science
We in Alyansa believe in academic excellence, academic excellence meaning what we learn in the classroom we should give to others. So ano bang song ‘yung papatok sa atin? Siguro kasi may project kami Teach How to Lobby. So, Teach Me How to Dougie na lang. “Teach me how to dougie, Teach me, Teach me how to dougie, Teach me how to dougie, Teach me, Teach me how to dougie.” ‘Yun nga, kasi ‘di ba what we know we should also give you. So that’s part of our plans in USC. Let us all help each other so I’ll teach you how to lobby. ●
1st Year, Juris Doctor
“Firework” ni Katy Perry because this year in Alyansa we really believe in the participation of the student in order to make a better, if not a great USC. We also believe that the students has that desire to be part of the USC because they really love UP. We just have to tap in that potential, we just have to give them avenue in order to be really participative in the USC and that’s what we’re offering in our, in Alyansa this year. We want the students to feel that we’re really reaching out to them and at the end of the day, allow them to be really part of one USC and yes, allow to have fireworks in everything that we will do in the USC. ●
4th year, BS Tourism
3rd year, BS Geology
So ayun, kung magkakaroon tayo ng pop song na magrerepresent ng ating plataporma, siyempre ‘yung sikat na sikat na kantang, “Nobody, nobody but you.” Siyempre tayo sa KAISA, inuuna natin at lagi nating pinuput into consideration ‘yung ating pagsisilbi, ang UP community at UP students. Tayo sa KAISA, we are advocates of human rights and personally, I’m an advocate of human rights and for the whole year, for the past years, we have been fighting for the rights of, of course, the rest of the students. We envision a University Student Council that realizes these rights and constantly claims the harmonization, of course, our country, the rights of the students, particularly the rights of the UP students, so “nobody, nobody but you.” ●
Siguro kung ano ‘yung pinakamaganda kong pop song na mag-rereflect sa ating plataporma dito sa KAISA, ang unang pumasok sa isip ko ‘yung Born This Way. Bakit? Tayo kasi dito sa KAISA, we accept everyone, ang skills ng bawat iskolaraktibista dito sa ating pamantasan, ang kakayahan bilang individuals. And alam natin na pinagsama-sama natin ‘tong kakayahan ng bawat iskolar-aktibista na makakatulong tayo hindi lamang sa ating kapwa iskolar, kasama na rin d’yan ang ating pamantasan, at higit sa lahat, ang ating lipunan. ●
Wait lang, may tanong ako. Ano ‘yung kay Michael Jackson na “make the world a better place”? ‘Yun, Heal the World na lang kasi ‘yung plataporma ko for environmental campaigns tapos ‘yung parang gusto kong isulong, hindi lang ‘yung pagre-recycle lang. Kasi although marami ngang pwedeng makilahok dito, hindi niya nasosolusyunan ‘yung mga.... ●
Carlos Enrico “Carlos” Clement 4th year, BS Mechanical Engineering
I guess I’ll have to say it’ll be Tatsulok by Bamboo because again, we in KAISA, we like to fight for the rights of the marginalized. We like to fight for the rights of the UP students because we believe that, again, we, as UP students, we are the representatives of the country, we are the future of the country. And as such, it is important, that we, that the USC, represent them, that the USC become the representatives of the students, and the USC will also fight for the rights and for the welfare of the students. Thank you very much. ●
Ma. Regina “Reg” Punzalan
3rd year, BS Molecular Biology and Biotechnology So ‘yung pop song, Edge of Glory, ‘yan. So, diba “I’m on the edge of glory” so parang “Reg of Glory” so sinasapul niya yung plataporma ko na “I’m hanging on every moment with you.” Kasi siyempre gusto natin maging actively involved ang kapwa natin iskolar. Everyone, we should hang on to each other to whatever endeavor we face, whatever obstacle, whatever issue or concern na harapin natin, we’re there altogether. ●
John Emmanuel “Fungo” Fungo
3rd year, BS Home Economics
Francisco Jayme Paolo “Jio” Guiang 4th year, BA History
Fercival “Val” Yutan
5th Year, Diploma in Creative Performing and Musical Arts
The song that I thought of is “I’ll Be There” by Jackson Five, I think I’m not sure. ‘Yun ‘yung parang “You and I will make a pact, we must bring salvation back…” So, why that song? Because it perfectly describes tayo ang USC which we want this year’s USC to be more involved with the students and work more as a team of students. Parang hindi dapat siya two separate entities. It should be the USC is the representation of the whole Diliman student council and we have to be more involved so that we can work together to make a better university that can push for campaigns, and services and projects more effectively to reach more people in the university and the country. ●
Carla Janine “Carla” Zipagan
3rd year, BA Political Science
Patricia Isabel “Trisha” Bautista Maria Anna “Maan” Espinosa
Carl Anthony “Carl” Reyes
2nd year, BS Business Administration and Accountancy
Jermaine “JL” Villareal
2nd year, BS Business Administration and Accountancy Siyempre kung papapiliin tayo ng pop song, ito ay ‘yung Firework by Katy Perry dahil bonggang-bongga ang ating GPOA ngayon, bonggang-bongga ang ating slate ngayon dahil kumpleto sa councilors na tumatakbo at siyempre, meron tayong standard bearers. Sa GPOA naman, kaya naging bongga siya dahil nakukuha niya ang lahat, meron para sa student empowerment, para sa ating environment, meron din para sa leadership para sa mga organizations, meron din para sa ating seguridad, para sa ating unibersidad, para din sa community natin. Fireworks dahil makikita niyo ang pag-usbong ng KAISA, makikita niyo ang growth ng KAISA dito sa ngayon, ngayong taon na ito. At siyempre, bongga ang KAISA ngayon, dahil sa mga tumatakbo under it, dahil sa mga prinsipyong aming pinaghuhugutan, dahil sa prinsipyong aming pinanghahawakan. ●
Kung may sikat na pop song na sasapot dun sa plataporma kong ito siguro ito ‘yung kantang “Louder” ni Charice Pempengco kasi ‘yun nga louder. Kailangan mas, personal advocacy ko kasi ‘yun about dun sa rights ng mga kapwa nating mga iskolar-aktibista and for me, louder kasi kailangan pa nilang marinig kung ano ‘yung dapat pa nilang malaman tungkol sa kanilang mga karapatan. There’s a line dun sa kanta na “I’m gonna run right through the rain” so marami tayong pagsubok ngayong taon at patuloy ‘yung paghimok natin sa mga kapwa iskolar-aktibista na ipaglaban nila ‘yung mga karapatan nila pero bago nila ‘yun maipaglaban, kailangan muna nilang malaman, at kailangan muna nilang maintindihan kung ano ba itong mga karapatan na ito. ●
Siguro ‘yung kanta ni Charice Pempengco, ‘yung Louder dahil sa Louder, makikita natin ang isang mas maingay na konseho na tapat sa pagtataguyod ng karapatan at kagalingan ng mga iskolar ng bayan na magtataguyod ng kanilang interes sa loob ng Unibersidad, ng mga batayang karapatan nila sa loob ng UP. Isang konsehong mas maingay at tapat sa panlipunang pagbabago na magtataguyod ng karapatan hindi lamang ng mga estudyante kundi ng mga mamamayang Pilipino rin. Isang konseho na mas maingay at tapat sa sama-samang pagkilos kung saan lilikha ang iskolar ng bayan ng isang malawak na hanay ng estudyante na tutuloy na mananawagan sa mas mataas na subsidyo para sa edukasyon at sa mga batayang serbisyong panlipunan. ‘Yun, Louder—mas maingay na konseho na tapat sa pagbabago. ●
Leila Nur Aryanna “Aryanna” Canacan
4th year, BS Materials Engineering Para sa akin, ‘yung kanta na bagay or magre-represent talaga n’ung aming platform ay ‘yung kanta ni Manny Pacquiao. Isa sa mga sikat niyang kanta ay ‘yung “Para Sa ‘Yo ang Laban na ‘To.” Sa lyrics pa lang naman ‘di ba, “Para sa ‘yo ang laban na ‘to, para sa ‘yo ang laban na ‘to, ibibigay ko ang buong mundo, para sa ‘yo ang laban na ‘to.” So ‘yung platform kasi namin, talaga namang ang nilalaman nito ay ‘yung patuloy lang talaga na paglaban natin, pagsulong sa mga batayang karapatan natin ‘di lamang bilang estudyante kundi bilang mga mamamayan din ng Pilipinas. ‘Di lang siya naka-confine sa mga budget cut campaigns na related sa atin. Siyempre nandoon din naman ‘yung issue with regard to…’yung sa pag-improve ng quality ng education, ‘yung sa oil prices hikes, ganyan, na kung saan talagang sinasaklaw niya ‘yung mas malawak na hanay ng mamamayan. And aside from that, ‘ayun. ●
Rafael Natal “Raf” Roque 5th year, BA Filipino
So kung meron mang pop song na nagrereflect sa kung ano mang plataporma natin, is siguro ‘yung I’ll Never Give Up by Jason Mraz. I’ll never give up to fight for our rights for genuine student representation sa mga bagay tulad ng sa draft Code of Student Conduct…ano pa ba? I’ll never give up to fight for greater state subsidy, tsaka siyempre ‘yung upholding ng genuine student rights natin, tsaka sa mga tambayan at kung ano-ano pang basic student services. ●
Gillian “Gil” Salvador 2nd year, BA Broadcast Communication
Mary Grace “Marga” Bellosillo
3rd year, BA Speech Communication
I think one popular pop song that would best describe our GPOA for me, is, I think, Firework by Katy Perry because we want to ignite the passion with each individual in this university and at the same time, inspire them and unite them to make a difference. ●
Para sa akin, ‘yung kanta na makakapadescribe doon sa plataporma ko ay ‘yung kanta ni Selena Gomez na Who Says. Bilang isang alagad ng midya, naniniwala tayo na tayong lahat ay merong kakayahan bilang mga iskolar ng bayan at ito ay magagamit natin para ma-unify ‘yung mga issues at ‘yung mga concerns ng bawat isa sa iba’t ibang kolehiyo. So ang plataporma natin ay ma-unify ‘yung mga iskolar ng bayan natin, hindi lang ‘yung mga estudyante kundi pati ‘yung buong UP community—‘yung mga manininda, ‘yung mga driver, ‘yung mga guro—kung ano talaga ‘yung nangyayari at kung ano ‘yung mismong kailangan natin. At ito ay masasagawa kung magkakaroon tayo ng website or ng isang medium kung saan magsasama-sama, kung saan natin matitipon ang lahat ng mga newsletter na meron tayo at ‘yung mga statement na nagagawa natin. ‘Yun lang po. ●
Garret Mauro “Garret” Paris 2nd year, BA Political Science
Siguro ang pop song na magdi-describe sa aking plataporma ay saktong-sakto sa aking tagline, ‘yan ang Crusin’. Ang tagline ko kasi is “Coz if you want it, you Garret.” So dito sa plataporma ko na ito, kung ano po ang mga gusto ng mamamayang Pilipino katulad po ng pagpapasa po ng Genuine Agrarian Reform Bill at pagpapataas ng mga wages ng ating mga manggagawa. ‘Yan po an gating isusulong, kung ano po ang gusto ng mamamayang Pilipino. ‘Yun po ang ating laging isusulong at ating ipaglalaban. ●
Therese Anjelica “Therese” Buergo 4th year, BA Political Science
‘Yung sikat na pop song na sasalamin sa plataporma, ‘yung Firework ni Katy Perry. Kasi ‘di ba doon sa chorus niya—“Baby you’re a firework, come and let your colors burst”—‘yung plataporma ngayon ng STAND UP ay isang panawagan para angkinin n’ung mga kabataan ‘yung potensyal nila, mainly ‘yung pagiging force nila or catalyst para sa pagbabagong panlipunan, para sa pagbabago sa pamantasan. At ‘yun ‘yung sinusulong ngayon ng STAND UP. ●
Jose Miguel “Mijo” Solis 3rd year, BA History
Kung gagamitin ‘yung plataporma namin, or what song describes best ‘yung platform namin for this year, siguro Stronger ni Kelly Clarkson. Kasi ‘yung platform for this year is ‘yung pagiging tapat sa pagbabago for 15 years na lumaban ang STAND UP para sa karapatan ng kabataan para sa edukasyon. And d’un nga sa kanta na Stronger, may magandang linya d’un: “what doesn’t kill you only makes you stronger.” So every year, siguro masasabi ko na hindi natitigil ‘yung alab ng puso ng bawat miyembro ng STAND UP na patuloy na ipaglaban ang karapatan sa edukasyon ng kabataan. ●
Narcisse Dominique “Nikki” Salazar
4th year, BS Business Administration and Accountancy So siguro po, ang isang magandang kanta na pwedeng sumalamin sa aking plataporma ay ‘yung My Life Would Suck Without You ni Kelly Clarkson. Bakit po? Siguro po kasi parang sinasabi lang nito na kahit gaano kaganda ‘yung plataporma ko—ang gusto po natin sana ay magkaroon ng gender equality sana dito sa ating pamantasan—siyempre gusto natin na mas magpapalalim na hindi lamang gender an gating issues na dinadala kundi siyempre tinitingnan natin ‘yung mas malawak na isyu ng lipunan. Pero hindi po natin magagawa ‘yun kahit gaano po kaganda ‘yung mga plataporma natin kung wala po ‘yung mga iskolar ng bayan na maaari kong makasama kung sakali mang manalo tayo, ‘ayan, at posible na magbibitbit tayo, sama-sama, ng ating panawagan. ●
8-9 • Kulê Councilors
Martes 28 Pebrero 2012
ALYANSA
STAND UP
KAISA
Tanong: Anong sikat na pop song ang sasapul sa iyong plataporma at bakit?
Ibang kandidato sa pagkakonsehal*:
ALYANSA Bea Helene “Bea” Tan 3rd year, BS Chemistry
Maria Larissa “Lars” Hernandez
Genesis “Revee” Rapallo
5th year, BS Industrial Engineering Ang pop song na sasapul sa plataporma naten ay “Tara Let’s” ng Imago. Naniniwala tayo sa Alyansa na hindi lang buhay ang USC sa isang vacuum, may mga estudyante na nakapaligid dito. Oo, kailangan ng pangil ng USC laban sa mga iba’t ibang issues. Pero kailangan din nito ng tenga na mahinahong makikinig sa mga estudyante kung ano ba ang mahalaga sa kanila at ano ba talaga yung vina-value nila sa araw-araw na pamumuhay. Sa Tara Let’s, soon tara, isinasama natin ang mga estudyante sa isang makabuluhang USC at maging relevant sa bawat araw ng USC. Kaya naman tara gusto natin sa bawat campaigns, activities, and services na in-offer ng USC na balanced, tara kasama ka dahil dito sa Alyansa tayo ang USC. ●
4th year, BA Political Science
Alexandra Maria Francia”Alex” Santos
2nd year, BA Broadcast Communication Siguro ‘yung isang pop song na magrerepresent ng platform namin siguro ‘yung “Change the World” ni Eric Clapton, tama ba? Kasi sobrang ganda n’ung message n’ung song na everybody wants to have that inspiration to be a vessel of change na kahit simple na tao ka lang you have the means, you have the ways, the skills to be of someone to have of service to other people. Meron nga d’ung line na I will be the sunlight in your universe. So parang maganda ‘yung pagiging enlightened ka. Maging light ka ng mga tao para maging inspired din sila to be of change, to be of service and to really push for that change. ●
KAISA Cheryl Mojica “Cheryl” Siy 2nd year, BS Electronics and Communication Engineering
Sarah Louise “Sarah” Mendoza 4th year, BA Public Administration
Simon Stephenson “Simon” Tiu
4th year, BS Sports Science
STAND UP Ghizelle Jane “Ghizelle” Abarro 4th year, BS Materials Engineering
*Hindi nagtungo ang nasabing mga kandidato sa itinakdang panayam ng Collegian. Bagaman binigyan ng pagkakataong humabol, hindi pa rin nila nagawang makapunta.
Solomon “Sol” Vicencio 3rd year, BA Psychology
Siguro ‘yung akin ‘yung “You Belong With Me” ni Taylor Swift kasi may line dito na “she wears short skirts, I wear t-shirts, she’s the team captain, I’m on the bleachers.” So may sinasabi sa Alyansa na may diversity tayo, iba-iba lang ng points of view at nirerespeto natin ito. Pero siyempre kahit iba-iba tayo ng points of view, bumabawi naman siya sa context na ‘yun nga you belong with me. Kahit iba-iba tayo ng points of view kahit diverse tayo kailangan natin magsama-sama sa USC, kailangan nating magparticipate, mag-empower ng isa’t isa para may makamit tayo, may ma-achieve tayo bilang USC. Dahil nga sa Alyansa, tayo ang USC. Hindi ito kaya ng USC lamang, kailangan kasama ‘yung mag-aaral dahil nga you belong with me. ●
Jose Emmanuel Micael “Mickey” Eva III 4th year, BS Geography
Malilink ko ang ating plataporma sa kantang “Stronger” ni Kelly Clarkson. Ika nga sa kanta “what doesn’t kill you makes you stronger.” Tayo naman bilang estudyante marami tayong kinakaharap na issues tulad na lamang ng fraternity violence, issues tulad ng gender discrimination at sexual harassment, ‘yung issue ng student’s rights and welfare. Papalakasin natin ang bawat estudyante at bibigyan natin ng boses ang bawat mag-aaral para maipaglaban natin an gating karapatan sa loob ng unibersidad at bilang tayo nga ang USC ngayong taon sa Alyansa, gagawin nating stronger ang bawat mag-aaral dito sa UP Diliman yun lamang. Thank you. ●
Patrick “Pat” Bringas 3rd year, BA Film
Para sa akin yung “Firework” ni Katy Perry kasi it talks about empowerment and it encourages you to be the best that you can be at siyempre ‘di ba ‘yung firework, ‘pag nakita mo siya nakakainspire siya, tumitingin lahat ng tao at mapapa-wow sila dito. So gan’un ‘yung plataporma natin this year. ●
Eduard Francis “Lucho” Ayala 3rd year, BA Theatre Arts
Just to sum it up anong gusto natin ngayong taon dito sa Alyansa na 100 percent student participation, involvement, and empowerment, 100 percent transparency and accountability, 100 percent campus safety and security, 0 percent frat-related violence, and 0 percent gender discrimination in general. So siyempre gusto nating bigyan ng emphasis itong transparency and accountability kasi dapat maging accountable ang USC. If I’m going to relate a pop song, in “All of the Lights” ni Kanye West. Yung kantang sabi sa in “All of the Lights” is yung “turn off the lights in here baby, extra bright I want you all to see this.” Kelangan talagang extra bright talaga and we should not work with off lights, we should work with all the lights na ‘di lang aware ang lahat ng estudyante sa nangyari sa USC, aware ang lahat ng estudyante sa mga financial statements na nalalabas ng USC, and siyempre 100% student participation engagement naman who will give all avenues para sa mga students para ipakita ang kanilang galing at pagmamahal sa country and but actually of course, sa university. ●
Allyssa Joy “AJ” Quinito
Ayan, so kung may isang sikat na pop song na sapul sa ating plataporma, ay ‘yan ang Firework by Katy Perry. Kasi siyempre, ‘yung meaning ng kanta diba, ilabas yung potential ng mga tao para ‘yun, at malabas ‘yung self confidence para makagawa pa tayo ng mga bagay na magaganda. So yan ‘yung isa sa mga goals sa ating plataporma, ma-empower ‘yung mga students para tayo ay maging lider sa sarili nating paraan, at siyempre, ‘yung USC, hindi naman siya for ano lang, governance, siyempre kailangan natin ma-involve ‘yung mga students, mainvolve natin sila, dahil yung mga projects natin ay magagawa natin nang nagkakaisa. ●
Gene Angelo “Gene” Ferrer 3rd year, BA Political Science
We in Alyansa believe in academic excellence, academic excellence meaning what we learn in the classroom we should give to others. So ano bang song ‘yung papatok sa atin? Siguro kasi may project kami Teach How to Lobby. So, Teach Me How to Dougie na lang. “Teach me how to dougie, Teach me, Teach me how to dougie, Teach me how to dougie, Teach me, Teach me how to dougie.” ‘Yun nga, kasi ‘di ba what we know we should also give you. So that’s part of our plans in USC. Let us all help each other so I’ll teach you how to lobby. ●
1st Year, Juris Doctor
“Firework” ni Katy Perry because this year in Alyansa we really believe in the participation of the student in order to make a better, if not a great USC. We also believe that the students has that desire to be part of the USC because they really love UP. We just have to tap in that potential, we just have to give them avenue in order to be really participative in the USC and that’s what we’re offering in our, in Alyansa this year. We want the students to feel that we’re really reaching out to them and at the end of the day, allow them to be really part of one USC and yes, allow to have fireworks in everything that we will do in the USC. ●
4th year, BS Tourism
3rd year, BS Geology
So ayun, kung magkakaroon tayo ng pop song na magrerepresent ng ating plataporma, siyempre ‘yung sikat na sikat na kantang, “Nobody, nobody but you.” Siyempre tayo sa KAISA, inuuna natin at lagi nating pinuput into consideration ‘yung ating pagsisilbi, ang UP community at UP students. Tayo sa KAISA, we are advocates of human rights and personally, I’m an advocate of human rights and for the whole year, for the past years, we have been fighting for the rights of, of course, the rest of the students. We envision a University Student Council that realizes these rights and constantly claims the harmonization, of course, our country, the rights of the students, particularly the rights of the UP students, so “nobody, nobody but you.” ●
Siguro kung ano ‘yung pinakamaganda kong pop song na mag-rereflect sa ating plataporma dito sa KAISA, ang unang pumasok sa isip ko ‘yung Born This Way. Bakit? Tayo kasi dito sa KAISA, we accept everyone, ang skills ng bawat iskolaraktibista dito sa ating pamantasan, ang kakayahan bilang individuals. And alam natin na pinagsama-sama natin ‘tong kakayahan ng bawat iskolar-aktibista na makakatulong tayo hindi lamang sa ating kapwa iskolar, kasama na rin d’yan ang ating pamantasan, at higit sa lahat, ang ating lipunan. ●
Wait lang, may tanong ako. Ano ‘yung kay Michael Jackson na “make the world a better place”? ‘Yun, Heal the World na lang kasi ‘yung plataporma ko for environmental campaigns tapos ‘yung parang gusto kong isulong, hindi lang ‘yung pagre-recycle lang. Kasi although marami ngang pwedeng makilahok dito, hindi niya nasosolusyunan ‘yung mga.... ●
Carlos Enrico “Carlos” Clement 4th year, BS Mechanical Engineering
I guess I’ll have to say it’ll be Tatsulok by Bamboo because again, we in KAISA, we like to fight for the rights of the marginalized. We like to fight for the rights of the UP students because we believe that, again, we, as UP students, we are the representatives of the country, we are the future of the country. And as such, it is important, that we, that the USC, represent them, that the USC become the representatives of the students, and the USC will also fight for the rights and for the welfare of the students. Thank you very much. ●
Ma. Regina “Reg” Punzalan
3rd year, BS Molecular Biology and Biotechnology So ‘yung pop song, Edge of Glory, ‘yan. So, diba “I’m on the edge of glory” so parang “Reg of Glory” so sinasapul niya yung plataporma ko na “I’m hanging on every moment with you.” Kasi siyempre gusto natin maging actively involved ang kapwa natin iskolar. Everyone, we should hang on to each other to whatever endeavor we face, whatever obstacle, whatever issue or concern na harapin natin, we’re there altogether. ●
John Emmanuel “Fungo” Fungo
3rd year, BS Home Economics
Francisco Jayme Paolo “Jio” Guiang 4th year, BA History
Fercival “Val” Yutan
5th Year, Diploma in Creative Performing and Musical Arts
The song that I thought of is “I’ll Be There” by Jackson Five, I think I’m not sure. ‘Yun ‘yung parang “You and I will make a pact, we must bring salvation back…” So, why that song? Because it perfectly describes tayo ang USC which we want this year’s USC to be more involved with the students and work more as a team of students. Parang hindi dapat siya two separate entities. It should be the USC is the representation of the whole Diliman student council and we have to be more involved so that we can work together to make a better university that can push for campaigns, and services and projects more effectively to reach more people in the university and the country. ●
Carla Janine “Carla” Zipagan
3rd year, BA Political Science
Patricia Isabel “Trisha” Bautista Maria Anna “Maan” Espinosa
Carl Anthony “Carl” Reyes
2nd year, BS Business Administration and Accountancy
Jermaine “JL” Villareal
2nd year, BS Business Administration and Accountancy Siyempre kung papapiliin tayo ng pop song, ito ay ‘yung Firework by Katy Perry dahil bonggang-bongga ang ating GPOA ngayon, bonggang-bongga ang ating slate ngayon dahil kumpleto sa councilors na tumatakbo at siyempre, meron tayong standard bearers. Sa GPOA naman, kaya naging bongga siya dahil nakukuha niya ang lahat, meron para sa student empowerment, para sa ating environment, meron din para sa leadership para sa mga organizations, meron din para sa ating seguridad, para sa ating unibersidad, para din sa community natin. Fireworks dahil makikita niyo ang pag-usbong ng KAISA, makikita niyo ang growth ng KAISA dito sa ngayon, ngayong taon na ito. At siyempre, bongga ang KAISA ngayon, dahil sa mga tumatakbo under it, dahil sa mga prinsipyong aming pinaghuhugutan, dahil sa prinsipyong aming pinanghahawakan. ●
Kung may sikat na pop song na sasapot dun sa plataporma kong ito siguro ito ‘yung kantang “Louder” ni Charice Pempengco kasi ‘yun nga louder. Kailangan mas, personal advocacy ko kasi ‘yun about dun sa rights ng mga kapwa nating mga iskolar-aktibista and for me, louder kasi kailangan pa nilang marinig kung ano ‘yung dapat pa nilang malaman tungkol sa kanilang mga karapatan. There’s a line dun sa kanta na “I’m gonna run right through the rain” so marami tayong pagsubok ngayong taon at patuloy ‘yung paghimok natin sa mga kapwa iskolar-aktibista na ipaglaban nila ‘yung mga karapatan nila pero bago nila ‘yun maipaglaban, kailangan muna nilang malaman, at kailangan muna nilang maintindihan kung ano ba itong mga karapatan na ito. ●
Siguro ‘yung kanta ni Charice Pempengco, ‘yung Louder dahil sa Louder, makikita natin ang isang mas maingay na konseho na tapat sa pagtataguyod ng karapatan at kagalingan ng mga iskolar ng bayan na magtataguyod ng kanilang interes sa loob ng Unibersidad, ng mga batayang karapatan nila sa loob ng UP. Isang konsehong mas maingay at tapat sa panlipunang pagbabago na magtataguyod ng karapatan hindi lamang ng mga estudyante kundi ng mga mamamayang Pilipino rin. Isang konseho na mas maingay at tapat sa sama-samang pagkilos kung saan lilikha ang iskolar ng bayan ng isang malawak na hanay ng estudyante na tutuloy na mananawagan sa mas mataas na subsidyo para sa edukasyon at sa mga batayang serbisyong panlipunan. ‘Yun, Louder—mas maingay na konseho na tapat sa pagbabago. ●
Leila Nur Aryanna “Aryanna” Canacan
4th year, BS Materials Engineering Para sa akin, ‘yung kanta na bagay or magre-represent talaga n’ung aming platform ay ‘yung kanta ni Manny Pacquiao. Isa sa mga sikat niyang kanta ay ‘yung “Para Sa ‘Yo ang Laban na ‘To.” Sa lyrics pa lang naman ‘di ba, “Para sa ‘yo ang laban na ‘to, para sa ‘yo ang laban na ‘to, ibibigay ko ang buong mundo, para sa ‘yo ang laban na ‘to.” So ‘yung platform kasi namin, talaga namang ang nilalaman nito ay ‘yung patuloy lang talaga na paglaban natin, pagsulong sa mga batayang karapatan natin ‘di lamang bilang estudyante kundi bilang mga mamamayan din ng Pilipinas. ‘Di lang siya naka-confine sa mga budget cut campaigns na related sa atin. Siyempre nandoon din naman ‘yung issue with regard to…’yung sa pag-improve ng quality ng education, ‘yung sa oil prices hikes, ganyan, na kung saan talagang sinasaklaw niya ‘yung mas malawak na hanay ng mamamayan. And aside from that, ‘ayun. ●
Rafael Natal “Raf” Roque 5th year, BA Filipino
So kung meron mang pop song na nagrereflect sa kung ano mang plataporma natin, is siguro ‘yung I’ll Never Give Up by Jason Mraz. I’ll never give up to fight for our rights for genuine student representation sa mga bagay tulad ng sa draft Code of Student Conduct…ano pa ba? I’ll never give up to fight for greater state subsidy, tsaka siyempre ‘yung upholding ng genuine student rights natin, tsaka sa mga tambayan at kung ano-ano pang basic student services. ●
Gillian “Gil” Salvador 2nd year, BA Broadcast Communication
Mary Grace “Marga” Bellosillo
3rd year, BA Speech Communication
I think one popular pop song that would best describe our GPOA for me, is, I think, Firework by Katy Perry because we want to ignite the passion with each individual in this university and at the same time, inspire them and unite them to make a difference. ●
Para sa akin, ‘yung kanta na makakapadescribe doon sa plataporma ko ay ‘yung kanta ni Selena Gomez na Who Says. Bilang isang alagad ng midya, naniniwala tayo na tayong lahat ay merong kakayahan bilang mga iskolar ng bayan at ito ay magagamit natin para ma-unify ‘yung mga issues at ‘yung mga concerns ng bawat isa sa iba’t ibang kolehiyo. So ang plataporma natin ay ma-unify ‘yung mga iskolar ng bayan natin, hindi lang ‘yung mga estudyante kundi pati ‘yung buong UP community—‘yung mga manininda, ‘yung mga driver, ‘yung mga guro—kung ano talaga ‘yung nangyayari at kung ano ‘yung mismong kailangan natin. At ito ay masasagawa kung magkakaroon tayo ng website or ng isang medium kung saan magsasama-sama, kung saan natin matitipon ang lahat ng mga newsletter na meron tayo at ‘yung mga statement na nagagawa natin. ‘Yun lang po. ●
Garret Mauro “Garret” Paris 2nd year, BA Political Science
Siguro ang pop song na magdi-describe sa aking plataporma ay saktong-sakto sa aking tagline, ‘yan ang Crusin’. Ang tagline ko kasi is “Coz if you want it, you Garret.” So dito sa plataporma ko na ito, kung ano po ang mga gusto ng mamamayang Pilipino katulad po ng pagpapasa po ng Genuine Agrarian Reform Bill at pagpapataas ng mga wages ng ating mga manggagawa. ‘Yan po an gating isusulong, kung ano po ang gusto ng mamamayang Pilipino. ‘Yun po ang ating laging isusulong at ating ipaglalaban. ●
Therese Anjelica “Therese” Buergo 4th year, BA Political Science
‘Yung sikat na pop song na sasalamin sa plataporma, ‘yung Firework ni Katy Perry. Kasi ‘di ba doon sa chorus niya—“Baby you’re a firework, come and let your colors burst”—‘yung plataporma ngayon ng STAND UP ay isang panawagan para angkinin n’ung mga kabataan ‘yung potensyal nila, mainly ‘yung pagiging force nila or catalyst para sa pagbabagong panlipunan, para sa pagbabago sa pamantasan. At ‘yun ‘yung sinusulong ngayon ng STAND UP. ●
Jose Miguel “Mijo” Solis 3rd year, BA History
Kung gagamitin ‘yung plataporma namin, or what song describes best ‘yung platform namin for this year, siguro Stronger ni Kelly Clarkson. Kasi ‘yung platform for this year is ‘yung pagiging tapat sa pagbabago for 15 years na lumaban ang STAND UP para sa karapatan ng kabataan para sa edukasyon. And d’un nga sa kanta na Stronger, may magandang linya d’un: “what doesn’t kill you only makes you stronger.” So every year, siguro masasabi ko na hindi natitigil ‘yung alab ng puso ng bawat miyembro ng STAND UP na patuloy na ipaglaban ang karapatan sa edukasyon ng kabataan. ●
Narcisse Dominique “Nikki” Salazar
4th year, BS Business Administration and Accountancy So siguro po, ang isang magandang kanta na pwedeng sumalamin sa aking plataporma ay ‘yung My Life Would Suck Without You ni Kelly Clarkson. Bakit po? Siguro po kasi parang sinasabi lang nito na kahit gaano kaganda ‘yung plataporma ko—ang gusto po natin sana ay magkaroon ng gender equality sana dito sa ating pamantasan—siyempre gusto natin na mas magpapalalim na hindi lamang gender an gating issues na dinadala kundi siyempre tinitingnan natin ‘yung mas malawak na isyu ng lipunan. Pero hindi po natin magagawa ‘yun kahit gaano po kaganda ‘yung mga plataporma natin kung wala po ‘yung mga iskolar ng bayan na maaari kong makasama kung sakali mang manalo tayo, ‘ayan, at posible na magbibitbit tayo, sama-sama, ng ating panawagan. ●
10 • Kulê Party Profiles
Martes 28 Pebrero 2012
ALYANSA
Isang dekada na simula nang mabuo ang UP ALYANSA ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (UP ALYANSA) na nagsusulong ng isang “multi-perspektibong aktibismo” kasama ang mga tinatawag nilang iskolar para sa bayan. Apat na prinsipyo ang kanilang pinanghahawakan sa ganitong larangan: kagalingang pang-akademiko, student empowerment at panlipunang katarungan at pagbabago. Nabuo ang ALYANSA bilang isa sa mga organisasyong nakiisa sa panawagang pagbaba ni dating pangulong Joseph Estrada noong Edsa Dos. Kasamang nabuo rito ang BuklodCSSP, Sanlakas-Youth (SY), Tau Rho Xi Fraternity (Tau Rho) at Upsilon Sigma Phi (USP) – mga miyembro ng dating
pulitikal na partidong Independent Student Alliance. Taong 2006 nang humiwalay ang SY at USP sa ALYANSA upang buuin ang isa pang partido, ang Nagkakaisang Iskolar para sa Pamantasan at Sambayanan o KAISA. Paliwanag ni Kristine Borja, kasalukuyang tagapangulo ng ALYANSA, patuloy na isinusulong ng partido ang multi-perspektibong aktibismo upang masipat lahat ng anggulo at konteskto ng isyu at malaman kung anong klaseng aktibismo ang kanilang isusulong. Anuman ang maging desisyon nila lagi’t lagi itong nakabatay sa progresibong pananaw kung saan kapakanan ng mahihirap, naaapi at walang kapangyarihan ang laging isinasaalang-alang, dagdag ni Borja.
Pinangunahan ng ALYANSA ang panawagang baguhin sa UP Charter noong 2003 na napagtagumpayan matapos ang limang taon. Isinulong din nila ang pagbabago sa panuntunan sa pagpili ng Student Regent noong 2006. Noong 2008 isinulong nila ang STFAP Under Protest, panawagan upang baguhin ang hindi makatarungang bracketing system sa mga estudyante. Binago ang nasabing sistema noong sumunod na taon, kasabay ang pagsusulong nila ng Break the Code Campaign para sa pagbabago ng UP Diliman Code of Student Conduct. Ngayong taon, layunin nilang muling makuha ang USC sa kanilang temang “Tara Simulan ang pagbabago, Iskolar
para sa Bayan, Tayo ang USC.” Binubuo ang ALYANSA ng 16 na miyembro kasama rito ang Akbayan! Youth - UP Diliman, BluePrint Arki, Buklod CSSP, Sirkulo ng mga Kasaping Indibidwal, UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino (UP BUKLOD-ISIP), UP Kalipunan sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino (UP KAPPP), UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS),Lingkod Eduk, UP Alliance for Responsive Involvement and Student Empowerment (UP ARISE), UP Economics Towards Consciousness (UP ETC), UP Environmental Society (UP EnviSoc), UP Organization of Human Rights Advocates (UP OHRA), UP Sirkulo ng mga Kabataang Artista (UP SIKAT) at UP Tau Rho Xi Fraternity. ●
Kinikilala man ng KAISA ang pagkakaiba ng mga prinsipyo ng mga mag-aaral ng UPD, “[it stands] firm on positions that will better serve the interest of the students.” “The synergy of reason and passion fuels inclusive activism,” anang inilathalang pahayag ng KAISA para sa eleksyon. Kaya sa taong ito, pinaghahawakan ng KAISA ang temang “Scholars in Action. Driven by Passion.” Naniniwala ang KAISA na “kapag narinig mo lahat ng stand ng lahat ng members, maaari kang gumawa ng isang solution na sobrang iba doon sa kung ano ‘yung nakikita natin,” ani Santos.
Kabilang sa mga matining na ipinaglalaban ng KAISA ang kampanyang “Six Will Fix” na naglalayong magkaroon ng automatic appropriation sa six percent ng Gross National Product ng bansa na ilalaan sa sektor ng edukasyon. Kabilang din ang partido sa mga tumutol sa Tuition and other Fee Increase noong 2007. Tinutulan din ng KAISA ang draft ng 2009 Code of Student Conduct dahil sagka umano ito sa karapatan ng mga mag-aaral na mag-organisa. Inilunsad naman ng partido ang Seven Deadly Sins of GMA noong pangulo pa ng bansa si Gloria Arroyo bilang pagtutol sa mga naging pagkukulang at kamalian ng dating pangulo.
Kasalukuyang kasapi ng KAISA ang Bukluran ng mga Iskolar-Atleta Tungo sa Progresibong Aksyon, Caucus Of Leaders For Nationalism And Service, KAISA Mass Organization, Leaders for Excellence, Action, and Development, MagKaisa College of Social Sciences and Philosophy, Practice of Administrative Leadership and Service (PALS-NCPAG), Sanlakas Youth-UP Diliman, Student Action Towards Responsive Leadership in Tourism, UP Association for Southeast Asian Studies, UP Paralegal Society at UP Phi Delta Alpha Sorority. ●
Philippine General Hospital at sa lahat ng state universities and colleges. Ipinanawagan din ng partido ang pagbabasura sa iminungkahing 2009 Code of Student Conduct, at sinuportahan ang alternatibong 2011 Student Handbook of Rights and Responsibilities. “Walang kinikilalang dichotomization [ang STAND UP] sa student issues at national issues,” ani Therese Buergo, kandidato ng STAND UP sa pagkakonsehal. Aktibong nakibahagi ang STAND UP sa mga pagkilos laban sa mga demolisyon ng mga komunidad sa loob at labas ng Unibersidad, at mariin din nitong sinusuportahan ang panawagang pagpasa sa Genuine Agrarian Reform Bill at pagtaguyod ng pambansang industriyalisasyon sa Pilpinas.
Kabilang sa mga kasalukuyang miyembro ng STAND UP ang mga organisasyong AGHAM-Youth, ALAY SINING, Alpha Phi Omega Fraternity, Anakbayan, Artists’ Circle Fraternity, Artists’ Circle Sorority, Astrum Scientis Sorority, Beta Lambda Kappa Sorority, Center for Nationalist Studies, EMC2 Fraternity, Gabriela UP Diliman, Gamma Sigma Pi Fraternity, Lambda Sigma Pi Sorority, League of Filipino Students, Moriones, NNARA Youth, Pi Omicron Fraternity, Praxis, Psychological Association, Sigma Delta Pi Sorority, Sigma Kappa Pi Fraternity, SINAGBAYAN, Student Christian Movement of the Philippines at Union of Journalists in the Philippines. ●
KAISA Ang KAISA – Nagkakaisang Iskolar para sa Pamantasan at Sambayanan (KAISA) ang pinakabata sa tatlong partido ng UP Diliman (UPD). Ayon sa partido, itinatag ang KAISA ng ilang mga organisasyon at fraternity noong May 2005 dulot ng pagkadismaya ng mga ito sa estado ng pulitika ng mga mag-aaral sa Unibersidad. Kabilang sa batayang prinsipyo ng KAISA ang pagsulong sa “inclusive activism,” kung saan “pinagsasama ang lahat ng perspective [at] ini-exhaust ang every option” bago humantong sa isang plano o tiyak na tindig ang partido, ani KAISA Chairperson Jico Santos.
STAND UP Ipinagdiriwang ng Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND UP) ang kanilang ika-15 taong anibersaryo ngayong taon. Bilang pinakamatanda’t pinakamalaking partidong pulitikal sa UP Diliman, naniniwala ang 30 organisasyong nabibilang dito sa pangunahing prinsipyong “education is a right,” anang miyembro at kasalukuyang kandidato sa pagka-vice chairperson na si Soraya Escandor. Opisyal na nabuo ang STAND UP noong 1996 mula sa partidong Sandigan Para sa Mag-aaral at Sambayanan-Tunay, Militante at Makabayang Alyansa (SAMASATMMA). Isa ang SAMASA-TMMA sa mga grupong nagsimula matapos maghiwalay sa dalawang paksyon ang
SAMASA, isa sa mga naunang partido sa UP Diliman, bunga ng internal na mga pagkakaiba sa ideolohiya. Ngayong eleksyon, “Iskolar ng Bayan, Tayo ang Pag-asa, Tayo sa Pagbabago” ang tema ng kampanya ng STAND UP. “Ipinakikita nito na hindi nagsisimula sa wala ang mga kampanya dahil may mga napagtagumpayan na tayong mga laban noong mga nakaraang taon,” ani Escandor. Isa ang STAND UP sa mga nanguna at dumalo sa mga pagkilos para sa mas mataas na badyet sa edukasyon, kabilang na ang inilunsad na mga malawakang student strike laban sa budget cut sa nakalipas na dalawang taon. Nagbunga ang mga pagkilos na ito ng karagdagang badyet para sa
GO OUT AND VOTE
3.1.2012 Polling starts at 8am
11 • Kulê Lathalain
Martes 28 Pebrero 2012
Punto por Punto
2011-2012 Mga hidwaan at tunggalian sa USC
John Toledo Nakita sila noong nakaraang eleksyong suot-suot ang mga damit na iba’t iba ang kulay: asul, dilaw, puti, at pula. Ngunit, nang sila ay manalo, inasahan nating isusuot nila ang dapat na nagkakaisang kulay ng maroon at berde ng University Student Council. Sa kasalukuyang 34 na posisyon sa konseho, 13 ang nagmula sa Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (ALYANSA), 6 mula sa KAISA – Nagkakaisang Iskolar para sa Pamantasan at Sambayanan (KAISA), 12 mula sa Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND UP), at 2 independiyente, na college representatives mula sa Architecture at National College of Public Administration and Governance. Bagaman namuno sila bilang USC, hindi maipagkakailang nakaapekto ng malaki sa adhikain nilang makapaglingkod, ang namuong paksyonalismong dulot ng pagkakaiba ng kulay at pananaw ng mga miyembro.
Aktibong tradisyon
“Kinikilala ang tradisyon ng student leadership na hinawakan ng USC… [na] protektahan ang welfare at rights ng students,” ani Prof. Rommel Rodriguez, kasalukuyang direktor ng Office of Student Activities (OSA). Itinatag ang USC noong 1913 sa pamumuno ni Manuel Mariano Tabora ng College of Law. Sa mga una nitong
taon, kinakitaan na ang konseho ng matapang na pagtindig sa panawagan ng mga mag-aaral, tulad ng proesta noong 1917 laban sa padalos-dalos na pag-aresto kay Victoriano Yamzon, unang patnugot ng College Folio. Sa mga sumunod na taon, malaki ang ginampanan ng USC bilang konseho sa pagtutol sa rehimen ni Ferdinand Marcos nang magdeklara ito ng Martial Law noong dekada ‘70. Noong 2006, tinutulan ng konseho ang 300 bahagdang pagtaas ng matrikula sa unibersidad, at ipinaglaban ang hustisya para sa mga estudyanteng dinukot na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan. Maging sa taong ito, naging “proactive” ang pamumuno ng USC sa mga kampanya, lalo na sa pagtipon ng mga local college councils, league of college councils, at mga komite, ani Student Regent Ma. Kristina Conti. Pinangunahan ng USC ang pagsusuri sa Draft of the Student Code of 2012, at ang pagtutol sa pagkaltas ng P11.25 bilyong budget sa mga miyembro ng state colleges and universities (SUCs) at social services. Bunsod ng pangangampanya ng USC para sa budget strike, halos 14 na dekano ang sumuporta at mahigit kumulang 5000 ang dumalo sa tatlong araw na pagkilos. Tunay ngang naging aktibo rin ang konseho sa pagsulong ng karapatan ng iba’t ibang sektor sa loob at labas ng UP. Nanguna rin ang USC sa pagtulong kay Lordei Hina na sinaksak sa ulo nang looban ang opisina nila ng mga magnanakaw noong Pebrero. Sinuportahan din ng USC ang
kampanya sa pamamahagi ng mga lupa ng Hacienda Luisita Incorporated sa mga magsasaka noong Oktubre at sa pagtupad ng 10 Days Service Recognition Pay ng mga kawani, at research extension and professional staff noong Enero. “Mahalaga ang dinalang prinsipyo ng konsehong hindi lang ginampanan ang tungkulin sa loob ng UP kundi inilabas sa iba’t ibang sektor,” ani Arnulfo Anoos, kasalukuyang Executive Board of Director ng UP All Worker’s Union. Subalit, kahit pa man napagtagumpayan ng USC na maiparating sa mga estudyante ang mga kampanya, lumutang pa rin ang kahinaan ng konseho sa pagkakahati nito ng pananaw na dapat sana’y hindi nakakaapekto sa operasyon nito bilang isang buong konseho.
Hating ugnayan
Kapansin-pansin ang hidwaan sa pagitan ng mga miyembro ng iba’t ibang partido sa loob ng USC pati na rin ang mga miyembrong hindi ginampanan ang kanilang mga naatasang gawain at ang kwinestyong kredibilidad ng USC Chairperson. Palasak ang isyu ng pagiging “partisan” sa nakaraang General Assembly of Student Councils (GASC) noong Disyembre. “The [USC Diliman] was split in half over its positions. They respect each position although not in behalf of one USC,” ani Student Regent Ma. Kristina Conti. “Nakakalungkot na lumabas ang interes ng iilang miyembro,” ayon naman kay Jemimah Garcia, kasalukuyang USC Chairperson. Umigting ang kritisisismo ng ilang miyembro ng USC na ito’y hindi
demokratiko at padalos-dalos sa pagdedesisyon ng pagpapatawag ng GAs at sa pagpili ni Garcia ng mga pinuno ng komite. Ngunit ayon kay Garcia ang mga pagsangkot na ito ay isang paninira sa lideratong malinaw na nirespeto ang mayoryang boto ng konseho. “[They] are discrediting the council,” ani Garcia. Aniya, napagdesisyunan naman ng mayorya ng konseho na siya ang pumili ng mga pinuno ng komite. Dahil din sa pagkakahati-hati, kanyakanyang kumikilos ang bawat miyembro na nakaligtaan nang magkaroon ng koordinasyon sa bawat komite. Nagbunsod ito ng hindi balanseng pagkakahati-hati ng mga gawain kung kaya may ibang miyembrong inaako na ang gawain ng iba, ani Garcia. Kitang-kita ang naging epekto ng dami ng absences at lates ng ilang miyembro ng USC sa General Assemblies (GAs) at mga events sa naging operasyon nito. Sa tala ng USC, may 100 absences at 70 lates sa 13 GAs at 3 required events sa unang semestre habang may 88 absences at 56 lates sa unang sampung GA ng ikalawang semestre. Samantala, nagpatuloy din ang mga naging suliranin ng nakaraang termino sa kasalukuyang USC. Matagal din ang panahong inilaan ng USC sa pagreimburse ng pondo mula sa mahigit kumulang na P196,498.51 na trust fund kung saan ang savings account passbook ay nawala ng dating pinuno ng pinansya noong 2010. Sa kasalukuyan, wala pang financial statement at accomplishment report para sa ikalawang semestre. Ibig sabihin, nagkulang ang buong konseho sa pagsusuri ng mga natapos na gawain ng bawat komite at miyembro. Sa ganitong
pagtatasa, kitang-kita ang malaking pagkakahati ng bawat miyembro sa mga accomplishment nito sa isang taong lumipas.
Isang kinatawan
Kinakailangang magkaroon ng malinaw na pagkakasundo sa hidwaan ng mga pananaw sa loob ng USC. Marami mang natapos na proyekto ang USC sa taong ito, binatikos naman ito ng kakulangan sa pagkakaisa bilang isang malaking kinatawan ng mga mag-aaral, ani Dan Neil Ramos, kasalukuyang USC Vice-Chairperson. “Dapat tigilan na ang partisanship kapag nagtatrabaho as a committee. Mas nauubos pa ang mga oras sa pagdedebate sa loob,” dagdag ni Garcia. Nauubos ang oras ng GA sa pagtatalo ng isang isyu imbes na magkaroon ng malinaw na consensus sa mga mahahalagang isyu. Kung tutuusin, may mga kampanya at programa silang kailangan ipagpatuloy gaya ng ilulunsad na Security Summit bago matapos ang taon at ang pagpapagawa ng mga tambayan. Patuloy pa rin ang pagtaguyod sa mga taunang proyekto tulad ng gender sensitivity trainings, leadership trainings, Alternative Classroom Learning Experience (ACLE), UP Fair, at University Job Fair, ani Ramos. Samakatuwid, mas mapagtatagumpayan pa ang mga susunod na proyekto ng USC sa sama-samang pagsisikap ng iba’t ibang komite na gumagalaw bilang isang kinatawan. Samakatuwid, kinakailangang masagkaan ng susunod na USC ang mga sariling interes ng mga miyembro para tunay na mapagsilbihan ang interes ng mga estudyante at mamamayan. ● Dibuho ni Luigi Almuena Disenyo ng pahina ni Kel Almazan
12-13 • Kulê Editorial Examinations
Balanse ng kapangyarihan
Kevin Mark P. Gomez
3 year, BA Public Administration rd
Iniluluwal ang kalayaan mula sa pagsasanib ng pagsikil at pangangailangang bumalikwas. Kailanman, walang kalayaang nakamit na hindi puspusang isinusulong at ipinagtatanggol sa iba’t ibang larangan. Ilang ulit na itong napatunayan sa kasaysayan natin at ng buong daigdig. Noong panahon ng Batas Militar, lubusang namalas at naranasan nating mga Pilipino ang tahasang pagtanggal sa ating kalayaan at mga batayang karapatan tulad ng karapatan sa malayang pamamahayag. Gamitanglabis-labisnakapangyarihan, binusalan ng diktaduryang Marcos ang mga institusyong pamamahayag at iniayon ito sa kumpas ng kanyang pamahalaan: ang magbigay ng ulat na magpipinta ng larawan ng isang maunlad na bansa at ikubli ang pagsasamantala sa mamamayan. Malaon nang kinilala ang lakas at kapangyarihan ng media na humubog at mag-udyok ng pagbabagong panlipunan. Taktikal ang pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag, sapagkat pinipigil nito ang pag-usbong ng kolektibong kamalayan ng mamamayan sa mga kamalian at pagsasamantala
Ngunit hindi rin maaaring umigpaw at humantong sa labis-labis ang mga pinanghahawakang karapatan ng media, sapagkat may hangganan din maging ang kalayaan. Sa kasagsagan ng Arab Spring, ilang beses ding tinuligsa ang pagbabalita ng Al Jazeera, isa mga masusugid na tagapagbalita ukol sa sigalot sa Gitnang Silangan. Idinidetalye kasi nito ang mga taktikang militar ng North Atlantic Treaty Organization, at nalilimutang ilagay ang konteksto sa pariralang “international intervention” at “brutal regime.” Maaaring sa diwa ng pagiging progresibo’t katapangan, naisasantabi na nito ang mga aral ng responsableng pamamahayag. Bagamat muling inani ng Pilipinas ang kalayaan sa pamamahayag matapos ang panahon ni Marcos, ibang usapin naman ang
ollegian Editorial E C e xam in p p ina ili h ti P
sa lipunan. Hindi matatawaran ang naging ambag lalo na ng social media sa tinaguriang Arab Spring na bumago sa espasyo ng kapangyarihan sa Gitnang Silangan at Timog Africa. Sa malayang pagdaloy ng impormasyon nagmumula ang kaalaman at mga kongkretong datos na magbibigay ng mukha sa iba’t ibang mga kundisyong panlipunan. Nailuluwal mula dito ang mga matatalas na pagsusuri at mga alternatibong magsusulong ng higit na nakabubuting kundisyon. Sa ganitong paninindigan kaya’t nagpatuloy ang Philippine Collegian sa pamamahayag noong mga panahong ito bilang isang mosquito press. Bagaman malinaw ang banta sa buhay ng mga kasapi ng Collegian, nagpatuloy ito sa
Ar a om b S of pring, Inf or m a tion
Panata sa kalayaan
(FOI) bill. Nakatakda na bilang tungkulin at karapatan hindi lamang ng media, kundi maging ng mga mamamayan, ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga impormasyong hawak ng mga kagawaran ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng maayos na access sa impormasyon, maitataguyod ng media ang tungkulin nito sa pagbibigay-alam sa mga tao, at pagtitiyak sa pananagutan ng mga nasa puwesto. Mababatid sa hindi pagsasabatas ng FOI bill ang pagkilala sa mga maaaring itinatago ng mga institusyon ng pamahalaan, at maging ng mga mismong nagpapatakbo nito—na sa halip na maging tapat sa kanilang nasasakupan, pinipili nila ang posisyong ligtas ang kanilang kapangyarihan.
s on
Malaon nang napatunayan sa kasaysayan na lagi’t lagi, nagluluwal ng krisis ang pagkahumaling sa labis. At bilang tagapagtala ng mga salaysay sa lipunan, natunghayan ng media ang mga panganib na dulot ng mga kalabisan— labis na pagkahilig sa kapangyarihan kagaya ng mga yugto kung kailan naghari ang mga diktador sa bayan o kaya nama’y labis na kagustuhang ikubli ang katotohanan. Sa mga nagdaang dekada mababatid ang kakayahan ng media na hubugin ang kasaysayan sa panahon ng mga banggaan at tunggalian. Higit dalawang dekada ang nakalipas mula nang tuldukan ng mamamayang Pilipino ang pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. At sa ilalim ng kanyang rehimen, isa ang media sa mga nahagip ng mga palisiyang bunga ng lubhang pagkauhaw sa kayamanan. Ngunit angkin ng mga alagad ng media noon ang maringal na tikas ng paninindigan—nangahas silang lumihis sa dikta ng pamahalaan. Matagumpay na naglathala ang mga pahayagan noon na binansagang
“mosquito press.” Bagamat maliliit, labis naman ang bisa ng mga ito sa patuloy na pagbibigay-impormasyon sa bayan. Hindi lamang sa Pilipinas umiiral ang tapang at tikas ng peryodismo. Dalawang taon ang nakalipas nang hinawi ng media ang tabing na nagkukubli sa sigalot sa Gitnang Silangan, na nakilala bilang Arab Spring. Maraming tagapagbalita ang namatay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin na imulat ang buong mundo sa katotohanang ininugan ng mga maliliit na bayan. May mga direktang paraan man ng pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag, nariyan din ang mga waring matalisik at malumanay na gawi upang palabnawin, kung hindi man tuluyangsairin,angkapangyarihanngmedia. Isa ang Pilipinas sa iilang bansa kung saan hindi pa naisasabatas ang Freedom of Information
The 2 012 -20 13
3 year, BA Journalism rd
awan Calin ni Kel Almazan a s ni Y pahina g ho bu nyo n i D se i D
Ma. Katherine H. Elona
he d sakarapatan t malayang nd ree pamamahayag. a SA F a l i t Media in ED e for dalawangS u b dekada makalipas nang 1986 gl g u r t S People Power, patuloy a n d t he tayong nahaharap sa iba’t ibang anyo
pagalpas sa tungkulin bilang pahayagang pangmag-aaral at matapang na isiniwalat ang mga katatotohanang hindi ibinabalita ng malalaking mga institusyong pamamahayag. Nanindigan ang Collegian kasama ang mamamayan sa pagpapabalik ng mga kalayaang pilit ninakaw sa atin. Tinatamasa natin sa kasalukuyan ang kalayaang napagtagumpayan noong 1986 People Power, ang pagkilos na kinilala sa buong mundo at pinagbayaran ng libo-libong pawis, luha, at dugo. Pinanghahawakan ng Saligang Batas ng 1987 ang mga kalayaang ito, at nagsilbing legal na kasunduan ng pamahalaan sa mamamayan na kailanman hindi na muling sisikilin ang
ng pagsikil—sapagkat wala itong kinikilalang espasyo at hangganan. Bagaman walang Batas Militar na tahasang pumipigil sa karapatan sa pamamahayag, hindi pa rin ito ganap na natatamasa. Mula 1998 noong unang nabuo ang konsepto nito hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring napapasang Freedom of Information (FOI) Bill na naglalayong bigyang kalayaan ang mga mamamahayag at mamamayan na humingi at gamitin ang mga impormasyon ng pamahalaan. Mahalaga ang pagkakaroon ng batas ukol sa FOI sapagkat maaari nitong pigilin ang korupsyon at ang pagkukubli sa mga katiwaliang kinasasangkutan ng mga ahensiya ng pamahalaan. Nagsisilbi rin itong
pagpapanitili at pagprotekta sa kalayaang ito. Bukod sa mga panlabas na puwersa ng paninikil gaya ng pagpaslang sa mga peryodista, marapat ding panindigan at huwag hayaang bumaba ang kalidad ng mga balita. Hindi maaaring itulak sa laylayan ang husay at etika sa ngalan ng katapangan. Ang posibilidad ng pag-aabuso at posibleng paglihis sa etika ng peryodismo ang ginagawang dahilan ng ilang kinatawan ng pamahalaan sa hindi pagsasabatas ng FOI bill. Kaya’t magtagumpay man ang panawagan sa pagpasa nito, mahalagang isaisip ng mga peryodistang karapatan man ang kumalap ng kaalaman, may ilang dokumento pa rin na hindi dapat isinisiwalat sa bayan. Halimbawa na lamang iyong magkokompromiso sa seguridad ng bansa, at iyong mga maaaring gumusot sa kapayapaan. Taglay ng media ang magkabilang talim ng kapangyarihan, at kailangan nitong bantayan hindi lamang ang mga panlabas na salik, kundi maging ang mga sarili nitong kahinaan. Angkin nito ang lakas upang hubugin ang kasaysayang magluluwal ng mga mas madudunong na mamamayan. Kaya patuloy mang paigtingin ang mga laban at panawagan upang hindi masaid ang kalayaan, hindi rin ito dapat umigpaw nang higit sa kinakailangan upang tunay na mapagsilbihan ang lipunang kinabibilangan at dapat nitong pinagsisilbihan. ●
kongkretong hakbangin upang tiyakin ang malinis na pamamahala. Lagi’t laging may magkabilangtalas na katangian ang impormasyon: maaari itong sumikil o magpalaya. Sa mga impormasyon at datos mahahalaw ang mga pagsusuring magluluwal ng mga debate at diskurso, at maaaring magpatunay kung kanino panig ang katwiran. Walang dapat ikatakot ang pamahalaang malinis at tapat sa paglilingkod sa mamamayan. Mainam na sukatan ang pagpasa ng isang FOI bill kung wala itong ikinukubli. Subalit kung pagbabatayan ang mabagal na pag-usad ng iba’t ibang bersyon ng FOI bill sa Kongreso, malinaw na hindi sapat iasa sa pamahalaan ang pagpasa rito. Paano, kung gayon, maisusulong ang isang FOI bill kung mismong ang pamahalaan ay hindi ito lubusang sinusuportahan? Katulad ng iba pang mga kalayaan, hindi kusang maibibigay ang isang batas ukol sa FOI. Nararapat itong igiit at isulong sa iba’t ibang larangan, sa mga bulwagan man ng pamahalaan o sa lansangan. Patunay ang 1986 People Power ng Pilipinas at Arab Spring na nagpapatuloy sa kasalukuyan ang pangangailangang bantayan at isulong ang ating mga kalayaan at karapatan. Tunay na walang kinikilalang lunan o panahon ang pangangailangang igiit ang kalayaan. ●
Martes 28 Pebrero 2012
“Rota Fortunae”*: In the cycle of a new revolution John Leihmar C. Toledo
4th year, BA English Studies In this age of Twitter, Facebook and Youtube, revolution has existed in the new wheels of fortune. Even in the onset of the 1986 EDSA People Power revolution, the people have projected its need, not anymore for the preservation of the wants of the few but for the awakening of the many who are still in the deep slumber of indifference and greed. In the People Power revolution, media was brought to a scale of boom. Pictures, news and messages reached across the world of the non-violent overthrow of a fascist regime with the collective power of the masses from Metro Manila. Years later, the walks have been repeated in 2001. The space of Epifanio de los Santos Avenue have been treaded again after the first revolution. With the idea of a non-violence packaged in the mass walk of protest, everyone in Metro Manila believed that an armed and violent regime can be toppled down by the prayers of the thousands. It was in this period too that digital media introduced a new clearing in the cognition of the Filipino – it opened to
many people, from different age groups and classes, a plurality of social critique of the ills of a divided society. We became aware of the “Arab Spring” or the revolutionary movements and civil uprising across the Middle East which started on December 18, 2010 in Tunisia. Patterned like the EDSA revolution, these demonstrations fought to destroy a regime waning in influence and power. Its causes were directed to abolish the inequality of social classes, extreme poverty conditions, high unemployment and fast inflation of the prices ofbasiccommodities. Even amid the threat of internet censorship fueled by state repression, the movement’s usage of online activism allowed many to communicate across nations of the imagesofaninfluentialcivildisobedience. Also, its lasting influence fueled the international Occupy movements which called for the destruction of social inequality with the small 1% of businessmen owning wealth which should have been distributed to theother99%ofthepeople. Indeed, social media has opened
a space of reckoning and questioning ideologies which have been hidden far away in the long list of linkages and networks for some time. Yet, the vestiges of a world bound by central controlling force, still remains even in the digital space of revolution and freedom. Recently, the Motion Picture Association of America backed the Stop Online Piracy Act (SOPA) and the Protect Intellectual Property Act (PIPA) which baffled many internet users even the famous Pirate Bay torrent site. It pushed for the creation of an online police and the protection of its marketoriented schemes which use online banking to avail of many cultural products such as mp3 songs, online books, films, and short videos, all of which are now open and free to be “pirated” by many users. Consequently, this move affected even the online whistleblower Wikileaks and the open source encyclopedia Wikipedia. The question of information ownership now arises in this world order. Shouldn’t information be an inherent tool for the molding of cognition, be open to the public?
Shouldn’t cultural products be open to the satisfaction of everyone? Today, the question of information ownership is even continuously debated in Congress. Two new Freedom of Information (FOI) bills are being pushed before the close of the 15th Congress in 2013. A Malacañang backed FOI bill contests with another separate FOI called as People’s Ownership of Government Information (POGI) bill backed by Senate Committee on Public Information Chair Gregorio Honasan. These bills raise the need for government transparency in the records related to public documents, the formation of bills and the statement of assets, liabilities and net worth of government officials. Yet, these bills have also placed exceptions to information crucial to national security and defense. The mere fact that these bills are being pushed reflects the society’s pursuit of truth in the midst of an age withholding pockets of information. But as these bills have been continuously changed since its first inception in 1998, the question now lies on the sincerity of these bills to uphold the public need. In the course of history, this push for this revolution of information access
reveals a progression in the social cognition of the Filipino. Eventually these bills will become laws. It shall protect the public trust to a state which holds accountable, its mistakes as a governing body. With the advent of the digital age, public documents may not anymore just be in the dusty shelves of government but can be openly accessible anywhere, anytime. Just like any popular movements, the bills shall hone another cycle of revolution and shall become a tool to awaken a revolution of cognition. It shall greatly affect the habits and views of the status quo.Theyshall becomewaryofaccountability, cleargovernance,and publictrust. Without a doubt, social media has greatly influenced into what the medieval thinker Boethius believes, a cycle of life, and appropriating it today, a cycle of revolutions. The power of these digital and cognitive revolutions remains in us, the holders of this new generation. Everyday, we sew the pockets of history in our hands. We have arrived, the holders of a utopia. It lies in the power of our will and determination to unite this divided nation into another cycle, which is the future. ● *The Wheel of Fortune
Sa mga panahong nililigalig ng mga tunggalian at pag-aaklas ang iba’t ibang bansa sa daigdig, nililigalig din nito ang pangunahing tungkulin ng midya na magbigay ng impormasyon, at maglatag ng kongkretong pagsusuri sa mga isyung panlipunan. Bagama’t dekada ang agwat ng panahon, at milya-milya ang layo ng bansang Pilipinas at mga bansa sa Gitnang Silangan tulad ng Egypt, Tunisia, Libya, at iba pa, parehong nakaranas ng panggigipit ang kani-kaniyang midya, partikular ang alternatibong pamamahayag o pamamahayag na may tahasan at walang paumanhing pagsandig sa mga isyu ng mamamayan. Ang Philippine Collegian, opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral sa UP Diliman, mismo ay nakaranas ng pagharang sa kalayaan nitong magpahayag ng mga kritikal na
pagsusuri at pagbabalita noong panahon ng diktaduryang Marcos. Pinasara ang publikasyon, at hinaras ang mga manunulat nito. Gayundin ang ginawa sa ilang mga pahayagan at radyo na kumiling sa mamamayan. Mahihinuha na naging mahalagang tulay ang midya sa pagpapasibol ng pag-aaklas noong EDSA I at II, pangunahin ang panawagan noon sa radyo ni Jaime Cardinal Sin na magkaisa. Ang laban ng mga alagad ng midya sa kalayaan nitong magpahayag ng impormasyon ay laban din ng mamamayan sa kalayaan nitong malaman ang iba’t ibang isyu sa bansa, magsuri, at makilahok sa mga diskusyong maaaring makapagpabago sa lipunan. Noong nakaraang taon, sa kasagsagan ng Arab Spring sa Gitnang Silangan, napatunayan na hindi lamang
sa Pilipinas nagaganap ang laban ng mga mamamahayag at mamamayan para sa karapatan sa impormasyon. Matatandaang sinunog ang sasakyan ng Al Jazeera, isang Arabong broadcast media, ng mga hindi sumasang-ayon sa pagbabalita nito na kalimitan ay laban sa mga gobyernong may pagkiling sa mga patakaran ng bansang Amerika, ang itinuturing na pinakamakapangyarihang bansa sa daigdig. Noong 2001 at 2003, binomba umano ng Amerika ang ilang opisina nito sa Afghanistan at Iraq. Bagama’t magkakaiba ng pamamaraan sa pamamahayag, tumatalakay ang mga alternatibong midya na ito sa mga pampulitika at pang-ekonomiyang krisis ng mga bansa. Sa paglipas ng panahon, naipakita ng midya na walang obhetibong pamamahayag, na lagi’t lagi itong may sinasandalan. Bagaman may kakayahan itong maging patas sa pamamagitan ng pagkuha ng iba’t ibang panig, lagi’t lagi
itong may nakaaangat na naratibo. Ang mismong pagpili nito ng uunahing salita at ihuhuli, mga taong kakapanayamin, at anggulong ipapahayag ay hindi obhetibo. Naging mapangahas ang mga midyang ito sa pagpanig, paglaban sa karapatan sa impormasyon, at paghubog ng lipunang matindi ang paniniwala sa nakagisnang relihiyon – ang Pilipinas sa ilalim ng relihiyong Kristiyanismo, at ang mga bansa sa Gitnang Silangan sa ilalim ng Islam. Bagama’t may pagkakaiba sa relihiyon at iba pang larangan, nailunsad pa rin ang mapayapang pag-aaklas sa mga bansang ito sa tulong ng midyang hindi nag-alinlangang isulong ang karapatan nito sa pamamahayag, at ang karapatan ng mamamayan sa impormasyon. Ang bawat balangkas ng kasaysayan na tinatala ng midya ay naratibo ng pagpanig at paglaban. ●
the Marcos Regime using unregistered airwaves. The Veritas also served as the medium of calls for a revolution against the dictator. Meanwhile, student publication like Philippine Collegian released critical articles that stung the regime. The Arab Spring was also organized through the social networking site Facebook. Through Facebook, the people were able to air their sentiments and finally rose to demand their government freedom. The Internet has become a virtual world where democracy can be found. Yet, the struggle for freedom of information continues. In our country, the proposed Freedom of Information (FOI) law that would supposedly empower the
public in demanding accountability and transparency from the government has long been standing for over a decade now. The lawmakers we have entrusted of our government have repeatedly undermined our right to information. As the 14th Congress adjourned in 2010, for instance, the almost 300-membered House of Representatives deliberately abandoned the measure as it failed to muster a quorum. While our Constitution provides our right to information, we need a legislated act that would uphold, and comprehensively and rightfully define our right—not only to access of public information but to audit our government. A legislated freedom of information would hopefully compel our government to release information even those worthy of public scrutiny like the statement of
assets, liabilities and net worth of our public officials. However, an FOI law may work in counter of its very essence. The law could rather provide more limitations in our access to public information. The law’s capacity to bear the self-serving interests of its authors and all other officials is only among the dangers we are faced with. The determination of what information is public and what is not is all in the hands of our lawmakers. We should therefore stay vigilant in upholding our very own right. As in the EDSA Revolution of 1986 and in the mass uprising in the Arab World, our right as a free people starts with our right to information. To struggle for our freedom to information is to fight for our own freedom as a people. ●
Walang paumanhing pagpanig at paglaban Joan C. Cordero
3rd year, BA Broadcast Communication Sa bawat tinig, sipat, at titik na inilalathala, o isinasahimpapawid ng midya, naitatala nito ang balangkas ng kasaysayan ng bawat lipunan. Ito ang makapangyarihang kakayahan ng midya sa buong daigdig. Nakasisira, at nakabubuo ito ng bansa. Bagama’t taga-tala ito ng kasaysayan, kalauna’y nagiging bahagi rin ito ng kasaysayang itinatala, dahil mahalaga ang ambag nito sa larangan ng pagpapahayag at paghuhubog ng iba’t ibang kamalayang panlipunan ng mamamayan. Gayunpaman, tulad ng paglaban ng mamamayan sa mga batayang karapatan na naipamalas noong EDSA People Power I at II sa Pilipinas, at Arab Spring sa mga bansa sa Gitnang Silangan, kumaharap din ang midya at ang taumbayan sa laban para sa kalayaan sa impormasyon.
Struggle for freedom Keith Richard D. Mariano 2nd year, BA Journalism
As we continue fighting for our freedom as a people, the struggle for our right to information remains. The people power of February 1986 and the mass uprisings in the Arab World dubbed as the Arab Spring were both a struggle for the people’s freedom and the people’s freedom to information. The Philippine dictator Ferdinand Marcos, through his presidential decrees suppressed the media and consequently public information. Marcos went as far as cancelling the franchises and permits of media organizations. Censorship was also in place. The Arab Spring of 2011, on the other hand, targeted the New Media—the Internet. The government shut down
internet connections amid the protests of its nationals. The exchange of information was paralyzed. Despite the suppression, however, the media would always find its way to provide the catalyst of revolution—information. Through the same space, attempted to be controlled by those in power, we have found our freedom in the media of information. The media played a vital role in the EDSA revolution of 1986 that finally toppled the regime of a dictator and in the awakening of the Arab World to demand for their freedom as a people. Church-owned radio stations and other media went underground in defiance to the martial law in place. Radio Veritas aired the misdoings of
10 • Kulê Opinyon
Martes 28 Pebrero 2012
ELLA SOLOMON
NEWSCAN
Pagbabalik* May inaasahang pagbabalik ang bawat paglisan. Ngunit sa pag-alis, inabot man ng mga linggo, buwan o taon ang tagal ng pagkakawalay, hindi maiiwasang may magbago. Kung tutuusin, matagal na din naman nating pinaghandaan ito. Mula pa noong unang taon na pumasok ako sa Kulê, alam na natin na sa huling semestre ko, hindi ako mananatili sa UP. Naalala ko pa ang mga araw na binibiro niyo ako na sana, hindi ako matuloy. Tinatawanan ko lang kayo noon, habang pabirong sinasabi na oo, mamimiss ko rin kayo. Ginawa na natin ang mga paghahandang kailangan. May tinalaga na para pumalit at kumuha ng mga tungkulin ko. Itinakda natin ang petsa ng mga huling pagpupulong ko batay sa araw ng aking pag-alis. Nakapagempake na rin ako noon, naglinis ng kuwarto at nag-ayos ng mga papeles. Ang hindi ko lang siguro napaghandaan ay ang kung gaano karaming bagay ang maaaring magbago, sa inyo, sa akin. Palibhasa, hindi naman porke alam mong darating ang isang bagay, buongbuo kang makapaghahanda para rito. Siguro nga, sa ilang buwan na hindi
tayo magkasama, maraming nangyari na bagamat naging karanasan at alaala para sa inyo, mananatili na lamang na mga kuwento para sa akin. Kung dati, lagi niyo akong iniimbitahan at sinasama sa mga karanasang iyon, mula sa lingguhang mga pulong, sa presswork kada Biyernes at Lunes, at sa paminsanminsang inuman, nitong mga nakaraang buwan ang dumarating lang sa akin ay sayang, wala ka. Hindi naman talaga maaasahang parehong Kulê pa rin ang madadatnan ko pagbalik ko. Nagbago na ang opisina, halimbawa. Nagulat ako at noong binisita ko kayo noong isang weekend, lumipat na pala kayo sa Collegian Annex. Ang karamihan naman sa inyo, marahil, sa pagbulusok ng responsibilidad at gawain ngayong ikalawang semestre, tumanda sa bigat at dami ng mga ginagampanang tungkulin. May mga ilan naman na umalis na pala at hindi ko na naabutan sa aking pagbalik. Sa bagay, kailan pa ba tumigil ang mundo para sa atin? Hindi ba’t matagal na nating pinipilit sabayan ang pag-ikot nito? Hindi na rin naman maaasahan na ikukuwento ninyo sa akin ang lahat ng
Sa bagay, kailan pa ba tumigil ang mundo para sa atin? Hindi ba’t matagal na nating pinipilit sabayan ang pag-ikot nito?
kaganapan lalo pa’t kadalasan, hindi rin naman magkapantay ang pangungulila sa magkabilang panig. Dati, sobrang ninais ko ang paglaya mula sa Kulê. Dati ko pa inasam ang paglaya mula rito para mapagtuunan naman ng pansin ang ibang bagay. Mayroon pa akong plano ng paglaho at hindi na muling pagpapakita pa. Sobrang ninais ko dati na maging mailap ang tawag ng tungkulin sa akin pero sa huli, hahanap-hanapin ko pa rin. Iyon pala, kapag bahagi na talaga ng sistema mo ang isang bagay, gaano man diktahan ng mga pangyayari ng buhay na lumayo ka rito, babalik at babalik ka pa rin. Ngayon, matatagalan siguro bago maging pamilyar ulit sa akin ang mga bagay, matatagalan bago ako masanay sa bagong Kulê. Pero gaano karaming bagay man ang nagbago, alam kong sa huli, ituturing ninyo pa rin akong kaibigan. Sa huli, gaano man tayo ipaglayo ng buhay sa kalaunan, alam kong pag-uugnayin pa rin tayo ng dyaryong kinalakhan na nating lahat.● *Para sa inyo, na hindi ko nakasama nitong mga nakaraang buwan
RICHARD DAMIAN
UP Astronomical Society in partnership with Philippine Society of Youth Science Clubs presents National Astronomy Week 2012. There would be different activities from February ‘til March, including the Siliptala (Sidewalk Astronomy) on March 3, and the Astrosoc Outreach on March 17. For inquiries contact: Carlo 09065880080 or Beb 09277086047. You can also email us at upastrosociety@gmail.com, follow us at twitter.com/upastrosoc or visit upastronomicalsociety.blogspot.com. To the stars through difficulties!
Just Duet: A Post-Valentine’s Concert
Missed Valentine’s Day? Here’s your chance to celebrate again! The UP Voice and Music Theater Guild in cooperation with the UP College of Music Extension Program and the Office of the Initiatives for Culture and the Arts present JUST DUET: A PostValentine’s Concert featuring Opera Duets and Filipino Ensembles on Feb. 29, 2012 (Wednesday), 7 PM at the Church of the Risen Lord, UP Diliman. Regular tickets at 200, with discounts for students and senior citizens. Contact Stef Quintin (09166437920) for ticket reservations. Save the date! Or better yet, bring one!
The 7th annual STAT-EN-EKEK!
Undecided Ewan. Depende. Pwede. Kahit ano. Ganito lang lagi ang sagot ko sa mga tanong na humihingi ng pagpanig. Sa kursong Journalism, dalawang taon nang isinisiksik sa isipan ko ang pagpapanatili ng objectivity sa tuwing magsusulat lalo na ng balita—bawal pumanig, bawal magbigay ng sariling opinyon. Naisip ko tuloy kung pwedeng mga numero o equation na lamang sa halip na mga salita ang gamitin sa pagbabalita. Sabi kasi ng propesor ko sa Logic, “Language is naturally biased.” Isang mito nga kung ituring ng Kulê ang objectivity. Nang kumuha ako ng pagsusulit para makapasok sa pahayagan, tinanong ako kung ano ang pananaw ko sa objectivity. Isang doktrina ng Journalism ang naging pagtingin ko rito. Gaya ng inaasahan, naging punto ng argumentasyon ang sagot ko. Kadalasang binabatikos ang Kulê sa paninindigan nito pagdating sa objectivity. Sa maraming pagkakataon, ginagamit itong dahilan ng ilan upang tanggihan ang mga hinihingi naming interviews sa kanila. Ngunit gaya ng laging sinasabi ng
National Astronomy Week 2012
mga editor ko, hiwalay ang konsepto ng objectivity sa usapin ng pagiging patas. Habang biased ang pahayagan para sa kapakanan ng mga mag-aaral at iba pang marginalized sectors, hindi naman nito isinasawalang-bahala ang pagkuha sa panig ng iba at ang pagpapahalaga sa katotohanan. At gaya ng sabi ng isa sa mga hinahangaan kong editor, hindi objectivity ang sukatan ng kagalingan ng isang mamamahayag kundi ang abilidad niyang timbangin ang katotohanan sa kasinungalingan, ang tama sa mali. Magdadalawang taon na akong nagsusulat ng balita sa Kulê. Dalawang taon na rin akong umuupo sa mga klasrum ng Maskom. Hanggang ngayon, nananatili ang tawag ng aking pagpanig sa usapin ng objectivity sa pamamahayag. Ewan. Sa kawalan ko ng pagpanig, naging libangan ko tuloy ang laro ng devil’s advocate. Sa tuwing tatanungin ako ng mga kasamahan sa pahayagan at iba pang mga kaibigan kung tama ba o mali ang komersyalisasyon ng idled
Hindi objectivity ang sukatan ng kagalingan ng isang mamamahayag kundi ang abilidad niyang timbangin ang katotohanan at kasinungaling , ang tama sa mali
asset ng unibersidad, ang conditional cash transfer program ng gobyerno, ang marahas na demolisyon sa mga kabahayan ng mga tinuturing na “illegal settlers,” lagi kong pinipili ang taliwas sa kanilang paniniwala. Depende. Kung hindi naman kontrabida, post-modernist ang mas madalas na pag-aakusa sa akin. Kailangan daw pumanig—whether you are right or wrong, ika nga. Gayunpaman, dahil na rin sa kawalan ng malinaw na posisyon, lagi ko na lamang iginigiit ang posibilidad ng pagkakaroon ng kompromiso. Kumbaga sa Pinoy Henyo, hindi lang “oo” at “hindi” ang sagot. Pwede. Wala nga siguro akong paninindigan o sadyang wala lang akong pakialam. Ngunit sa panahon ng nagpapatuloy na pagsupil sa ating mga karapatang pantao, pag-apak ng gobyerno sa ating karapatan sa edukasyon, halos lingguhang pagtataas ng presyo ng langis at mga pangunahing bilihin, maging ang kawalan ng tunay na reporma sa lupa, alin nga ba ang mas masama—ang kawalan ng paninindigan o ng pakialam? Kahit ano. ●
The UP Statistical Society invites you to the 7th annual STAT-EN-EKEK!: A university wide quiz show about anything and everything under the sun. Just form a group of 3 UP students. Registration fee is P60/group. It will be on February 28, 2012, 6PM at Vinzons Rooftop. Prizes are P3,500 (1st place), P1,500 (2nd place) and P1,000 (3rd place). For more details, please contact Reina - 09179685430 or Cla - 09056942465. See you there! J
British Council Study in the UK exhibition
Study in the UK! Explore the infinite possibilities. Come to the Education UK Exhibition 2012 on March 2 and 3, 2pm to 7pm at the New World Hotel Makati City hosted by the British Council. The British Council is the United Kingdom’s international organization for educational opportunities and cultural relations. Scholarship information will be available! Admission is free. Log on to www.britishcouncil.org.ph for more details. Win and iPad 2 or an iPhone 4S! Contact Mike Cabigon at 555-3034 or 555-3000 (ext. 134).
15 • Kulê Opinyon
Martes 28 Pebrero 2012
INBOX
EKSENANG PEYUPS
Terrorizing the campus press: On the military harassment and surveillance on CEGP officers
Haller mga chakang chenes ng universal studios! For sure nganga pa ang mga beauty n’yo this season of fireflies and flyers dahil sa dami ng kabi-kabilang actividades majeure ng UP! It’s the last week of USC campaign period! Kebs na sa mga not so straight nating mga brothers in federacion kung tumikwas ang pinky sa paghawak ng microphone every dorm tour. Kebs sa mga mapanghusgang mata ng lipunan tulad ng dalawang Narnian na itey na nang-agaw ng spot light at flower vase para mapasama sa ieeshyung itey. Eto na, da who! Narnian #1 Kung palaliman ng boses ang elekshun, winnur ang deep throat ng Narnian na itey na tumatakbo veehlang major major ng ribbon committee. Aba si koyang, sowper modulated ang voice sa kanyang speech near the frog farm to the point na scary na sha. As in mam! At halos dumikit ang fez nya sa mga sour-faced girls while deep throathing. Pero sa isang major major na production, aba si koyang parang nasa rally kung mag-shout and shout! Koya kaya nga may microphone para ‘di sumigaw! Para shang may sapi ano? Bipolar kaya? Haha! Bekilou, get out of the closet na. Madilim john. Ma-achieve mo sana ang langit. Hihi. Narnian #2 Sa paligsahan ng mga betable candydates ng USC, avah may unbettable na pasok sa jar ng mga puno’t halaman! Kase ba naman, proud halaman ang Narnian at lahat ng halamanan ay supported ‘daw’ sya. Halamang dagat, halamang gubat ganyan. Ang koyang iri ay muntik nang ma-altapresyon duh-hil sa pasavog ng kanyang iron lady sa parehas na major major production. Baby you’re a firework talaga ang achieve ng powers mo koya! Duh. Some advice from your closet sisterette: Teh, buka mo na yang majestic butterfly wings mo. Amoy from Vinzons ang halimuyak ng bulaklak mo kaya wit na uubra ang straight acting kembular mo. Malay mo, sa pagbuka ng mga pakpak, sya ring pagbuka ng lupa sa kinatatayuan mo. Labyu sister! Hay mga koyang Narnian, nakakalerks! Sa sobrang lalim ng aparador n’yo ‘eto witchikels kumembot ang fluency ko sa becky language. Para kong baklang grade one! Haha. Mga badette trust me, amshurr pagdating sa palikuran, hahablot ng imaginary microphone ang mga koyang itey, haharap sa salamin at bibirit ng Whitney Houston. HAHA. Today ang much awaited basagan mukha sa AS Steps ng mga USC candidates: Kung Aagawin Mo Ang Langit. Pumunta ba kayo para masaksihan ang apparition nila Narnians 1 at 2? Porshurr, nag-ispluk ang mga koya, at sa speech nila, langit na ang bahala magpasya. Kung bitch lang ako, tinaas ko ang kilay ko kanina at sumigaw. CONFEEEEEEEERMED! ●
The College Editors Guild of the Philippines condemns the surveillance and harassment of the alleged military forces to Pauline Gidget Estella (CEGP National Deputy Secretary General), Angelo Karl Doceo (chairperson of CEGP Samar Island), Micah Susana Rubenecia (secretary-general of CEGP Samar Island Chapter and editor of The Pillar, official student publication of University of Eastern Philippines) and Darrel Tibre (staff writer of The Pillar). Young as we are, we have been devoting our talents and skills to serve the underprivileged and the voiceless, defending press freedom and democracy in the process, and like the mainstream press, we too are threatened for speaking the truth and serving the people. Not surprisingly, the peril comes from the state forces who consistently label every progressive organization such as the CEGP as its enemy.
Surveillance and trailing
Estella and her companions have been trailed by suspected military elements since their arrival in Catarman to attend the Samar-wide CEGP convention from February 23 to 26 at the University of Eastern Philippines. At around 8 PM on February 26, the last day of the convention, a suspected intelligence personnel approached them at the terminal, asking where they were going. The suspected intelligence personnel said he was lost and asked them if he could join them until they reach their destination. They just told him to ask for directions from the barangay tanod and began walking away from the terminal. The man
shouted at them and demanded to know their destination. They walked briskly toward the house of a staff member of The Pillar, who lives near the terminal and refused to be named for security reasons. While they were inside the house, the staff member went outside to buy cellphone load. He then saw a man on a scooter near their house, having a conversation over the phone. After fifteen minutes, as the staff member was walking back to his house, he observed that the man was still waiting at the same spot and staring at him. About an hour later, another person parked his scooter beside the house and stayed there for at least 20 minutes. The staff member then saw a group of men riding scooters near the house. “Maupay. Hain si Micah? Kay an gamit n’ya nga nabayaan (Tao po. Nasaan po si Micah? Kasi ‘yung gamit n’yang naiwan),” said one of them to the people who live in the house beside the staff member’s residence. After a while, he heard another one say, “Basta buwas hanapon ta hanapin sila. Magpreparare (Basta bukas nang hapon hanapin sila. Magprepare).” It seems that the intelligence had failed to pinpoint the right house, but it was almost correct because they inquired at the adjacent residence. What would have happened if they were accurate enough? It appears to be very timely that these men have followed the CEGP officers after the Samar-wide convention, in which the discussions featured progressive and critical analysis of national issues. Estella and her companions opted to stay inside the house until 6 AM. They left the house in a private vehicle and went to
the airport for her scheduled flight. All night, National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) and Pinoy Weekly monitored their status, wherein NUJP-Samar accompanied Estella and the others to the provincial airport to ensure their safety, risking their lives in the process as well. Human Rights advocate KARAPATAN, UP Diliman student publication Philippine Collegian, workers’ union All-UP Academic Employees’ Union, media watchdog Center for Media Freedom and Responsibility and other concerned organizations, also extended their help by sending SMS and posting their support through Facebook and Twitter.
State fascism
CEGP, therefore, condemns the lame government of Noynoy Aquino for failing to acknowledge and address the involvement of military officials in media violence. Instead attempting to protecting its personal interests, the Aquino administration must start delivering justice to all those who have been abducted and killed. The military, as defined by the constitution, is designed to protect the people and the state and ensure their safety. Ironically, the military has always been the primary suspect for human rights violations across the country. Early this January, students from the University of the Philippines who were conducting academic studies experienced acts of fascism in Pampanga and Batangas. From June 2010 to October 2011, all 64 cases of extrajudicial killings and 9 enforced disappearances had strong military evidences. There were also 182 journalists killed since 1986, of which 123 were killed in line of duty. The acts of harassment and surveillance
3 UPV students face allegations of bribing GASC members Calayag confirmed with the Collegian that he had worked with the said students in different activities “but none of them can be liable for anything because their job description is limited to nothing more than helping me forge greater unity among like-minded students.” Calayag also maintained that Bukluran has no formal members as the alliance is not yet finalized as a formal organization. “It just so happened that there are different organizations that have similar campaigns and advocacies in the UP system, but it stops there. Membership, therefore, is not yet final and individuals and organizations come and go,” he explained. Meanwhile, ALYANSA chair Kristine Borja told the Collegian that ALYANSA was only invited by BUKLOD CSSP to join the informal alliance and that Baccay was assigned as ALYANSA’s representative to Bukluran’s meetings. Borja however denied ALYANSA’s direct participation
in Bukluran’s activities and alleged involvement in the “bribery” issue.
‘Alliance-building’
The Collegian’s anonymous source also provided copies of two letters which both use Bukluran’s letterhead and which were signed by Calayag as interim executive committee president. The first letter is addressed to former UPLB Chancellor Rey Velasco in October 2011, requesting for assistance in funding Bukluran’s expenses for its “Second National Congress” on December 19 to 20, 2011 at the Ilolilo Grand Hotel in Iloilo City, Iloilo. The second letter is addressed to UP Manila (UPM) Pharmaceutical Association president Paul Jazon Sarne, inviting the organization to Bukluran’s “Luzon Regional Assembly” on October 29, 2011 at the National Youth Commission Office in Quezon City. Attached to the letter are a concept paper and program for the event, a travel advisory, a primer on the Office of the Student Regent (OSR), and a confirmation slip. Incumbent CSSP Student Council
Chair Tejano is cited in both letters as Bukluran’s contact person. Also presented by the anonymous source are digitally scanned copies of Tejano’s alleged handwritten notes on the GASC. The notes contain lists of UP student councils and a flow chart which contain the phrases “dissolve, disregard nego panel,” “filibustering,” “call for decision from the chair,” “protest,” and “call for ouster.” If confirmed to be authentic, the “Bukluran letters” and Tejano’s alleged notes may serve together as proof of Tejano’s involvement in planning Bukluran’s intention to influence the results of the GASC, the source said. However, as of press time, Calayag has not yet replied to the Collegian’s specific questions about the “Bukluran” letters, while Tejano has yet to respond to the Collegian’s requests for interview.
Venues for resolving bribery issue
Calayag criticized the OSR for filing a case when the issue could have been resolved within the GASC. “Apart from insufficient evidence for the accusation,
on Estella and her companions only show that the military does not distinguish between civilians and members of the armed rebel movement. It shows that even student journalists have become targets of neutralization in the government’s counterinsurgency scheme. In fact, Doceo and Rubenecia reported that they got a copy of an Order of Battle file in Samar—a military document that lists people targeted for neutralization. Doceo, Rubenecia and other members of the publication were included in the list. The Philippines is haunted by its culture of impunity and lawlessness. But we will not be cowed by these fascist attacks by the state to intimidate us and sow fear among our ranks. We are no strangers to this “psywar” (psychological warfare) within the counter-insurgency scheme Oplan Bayanihan, which is no different from Arroyo’s Oplan Bantay Laya. These recent attacks on campus journalists show that the Aquino administration is insincere in ending the culture of impunity. Clearly, his administration is only posturing as an administration that prioritizes human rights because it tolerates, invites and perpetrates harassment and killings of journalists and cause-oriented groups. With our pens held up-high, once more we will move forward for this country’s future. And we will not back down. - College Editors Guild of the Philippines National Office
« from page 3 no investigation has even been conducted to consult the accused. So, clearly, only one side of the story has been heard – and maybe this is the only side the SR is willing to listen to. I hope the SR realizes the consequences of her actions,” he said. Conti however said she only followed the standard legal procedure and that she first determined the scope and gravity of the accusations. “After being confronted with evidence and being convinced with the probable cause, I sent it to the SDT for due process. I will not be judge, jury, and executioner of my fellow students,” she said. The UPV SDT will file formal charges against the respondents once it determines the merits of the case, based on the Rules and Regulations on Student Conduct and Discipline stated in the UP Student Code. The respondents will then have to answer in writing within three days from their receipt of the charges. ●
NAKAKALOKAAAAA!
Muli na namang nawindang ang textback phone at nabura ang lahat ng mensahe ninyo. Patawad patawad patawad.:((( Para sa susunod na linggo, narito ang mga katanungan: 1. Anong masasabi mo sa nagdaang halalan? 2. Kung magwawagi ka sa Academy Awards, sino ang una mong pasasalamatan? Send in your opinions and feedback via SMS! Type KULE <space> YOUR MESSAGE <space > STUDENT NUMBER (required), NAME and COURSE (optional) and send to:
09155678676
Non-UP students must indicate any school, organizational or sectoral affiliation
KulĂŞ The Back Page
Martes 28 Pebrero 2012
Dibuho ni RD Aliposa