KUNWARING KAUNLARAN IPINALALAGANAP NG PAMAHALAAN ang ilusyon ng tunay na pagbabago sa bansa habang ipinipinta nito ang imahen ng isang maunlad na bayan: nagpapautang ng isang bilyong dolyar, nagpapatupad ng mga kongkretong palisiya, at nagagawang makipagsabayan sa ekonomiya ng ibang mga bansa. Ngunit walang retorikang makapagkukubli sa mga panlilinlang ng rehimen ni Pangulong Benigno Aquino III na ilalahad sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes. Ibinabandera man ni Aquino ang 6.4 porsyentong pagtaas ng gross domestic product ng Pilipinas sa unang kwarto ng taon, nananatili pa ring may 4.4 milyong Pilipinong walang trabaho, ayon sa IBON Foundation. Hindi rin nagtaas ang minimum wage ng mga manggagawa, at sa halip ay higit pang binabarat sa pamamagitan ng bagong two-tiered wage system na higit pang nagpababa sa kanilang sahod. Nakalikha man umano ng mahigit 1.6 milyong trabaho sa panunungkulan ni Aquino, higit 800,000 o kalahati naman nito ang kontraktwal at panandalian, samantalang 500,000 o halos sangkatlo ang dala ng self-employment, kabilang ang maliliit na negosyong pantahanan. Samantalang idinidiin ng pamahalaan na pinakikinggan umano nito ang “atas ng taumbayan” sa pamamagitan ng pagpapababa sa pondong pambayad-utang sa susunod na taon at paglalaan ng higit na pondo para sa mga batayang serbisyo, hindi maitatago ng rehimeng Aquino ang katotohanang pribadong interes ang higit na
pinahahalagahan nito. Sa anumang sangay ng gobyerno, punong-puno ang panukalang badyet para sa susunod na taon ng pondo para sa public-private partnerships (PPPs), na hinahayaang pasukin ng pribadong sektor ang mga pampublikong serbisyo upang pagkakitaan at gawing mas kaakit-akit ang bansa para sa mga dayuhang namumuhunan. “Hindi na tayo gagastos, kikita pa tayo,” pagbibida ni Aquino sa kanyang SONA noong nakaraang taon. Kasabay din ng tangkang makipagsabayan sa iba pang bansa ang pagpapatupad ni Aquino ng programang K-12. Sa pagdaragdag ng tig-isang taon sa elementarya at hayskul, layon ng pamahalaang agad na makahanap ng trabaho ang kabataang Pilipino sa oras na makapagtapos sila sa hayskul — mistulang mga produktong inilalako sa mga malalaking multinasyunal na kumpanyang kailangan ng barat na lakas paggawa. Ipinagmamalaki rin ng pangulo ang kanyang laban kontra korupsyon. Ngayong taon, nilitis at napatalsik si dating Chief Justice Renato Corona. Ngunit hanggang sa kasalukuyan, wala pang pinal na hatol kay dating Pangulong Gloria Arroyo, sa kabila ng kabi-kabilang kaso ng katiwalian. Sa loob ng dalawang taon, kamakailan lamang napabalita ang pagsisimula ng paglilitis laban kay Arroyo para sa kasong pandarambong— ilang araw bago ang ikatlong SONA ni Aquino.
Kung susuriin, ang pagtugis kay Corona ay bahagi lamang ng malawig na tunggalian sa kapangyarihan sa loob ng pamahalaan. At upang mabalikan si Aquino ng hudikatura, nagdesisyon ang Korte Suprema na ipamahagi sa mga magsasaka ang lupain ng Hacienda Luisita inc. (HLI), isang lupaing pagmamay-ari ng mga kamag-anak ng pangulo. Malugod na tinanggap ni Aquino ang hatol, ngunit hindi ito patunay na isinusulong na niya ang isang makabuluhang repormang agraryo. Sa katunayan, tinatayang tanging 13,819 ektarya kada buwan ang lupang naipamamahagi ng termino ni Aquino, mas mababa pa sa 17,311 ektarya kada buwang naipamamahagi sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Piling mga datos lamang ang inilalantad ni Aquino sa publiko. At taliwas sa kanyang mga pahayag, malaking bahagi ng mamamayan ang hindi ikinatutuwa ang pagkukubli niya sa tunay na kalagayan ng lipunan. Nagpapatuloy ang marahas na kalagayan ng mamamayan sa ilalim ng rehimeng Aquino. Sa ilalim ng Oplan Bayanihan, nagpapatuloy ang malagim na rekord ng
militar sa paglabag sa karapatang pantao. May 170 kaso ng pulitikal na pamamaslang na ang naitala sa ilalim ng panunungkulan ni Aquino. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nahuhuli si Retired Maj. Gen. Jovito Palparan, pangunahing suspek sa pagdukot sa mga mag-aaral ng UP na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan. Samantala, sa kabila ng pagtanggi ng Malacañang na may mga detenidong pulitikal sa bansa sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagdakip, at sa kasalukuyan, aabot na sa 385 ang detenidong pulitikal sa bansa. Sa mainit na pagtanggap ng rehimeng Aquino sa laksa-laksang tropa ng Amerikano sa Pilipinas, hinahayaan rin ng pangulong mayurakan ang soberanya ng bansa. Buong giliw na hinayaan ng gobyerno na muling gamitin ng Estados Unidos ang bansa bilang pain sa inilulunsad nitong palihim na digmaan laban sa Tsina.
Ipinipinta ni Aquino ang isang imahe ng kaunlaran, ngunit hindi kabilang ang karamihan sa mga mamamayan sa pag-unlad na ito. Hindi pa rin naipatutupad ang tunay at malawakang reporma sa lupa, walang pambansang industriya na magbibigay ng nakabubuhay na sahod sa mga mamamayan, at nananatiling nakasandig ang ekonomiya sa mga dayuhang kumpanya. Dalang-dala na ang sambayanan sa paulit-ulit na retorika ng huwad na pag-unlad. Sa pagigting ng panlilinlang, lalong higit na kailangang armasan ang taumbayan ng kritikal na pananaw at kaalaman upang sama-samang mapanagot ang pamahalaang patuloy na nagpapalaganap ng kahirapan at karahasan sa bayan.
ESPESYAL NA ISYU Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Dilman Tomo 90, Blg. 07 Hulyo 23, 2012
SA IKATLONG STATE OF THE NATION ADDRESS NI PANGULONG BENIGNO AQUINO III, INAASAHANG IISA-ISAHIN NIYA ANG MGA “TAGUMPAY” NG KANYANG ADMINISTRASYON SA NAGDAANG TAON. NGUNIT NARITO ANG MGA DATOS NA HINDI NIYA PIPILIING BANGGITIN SA KANYANG MAHIGIT 20-MINUTONG ULAT SA KALAGAYAN NG BANSA.
Higit na panggigipit Isabella Patricia Borlaza OPINYON BALITA BALITA Miyerkules 27Lunes Hunyo Miyerkules 2012 23 Hunyo Hulyo 27 2012 2012
Pinakamaliit na buwanang kitang kailangan ng pamilyang may anim na miyembro para makapamuhay nang disente, ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB): P917 Pinakamababang arawang kita ng isang manggagawa sa National Capital Region: P426 Sapat na arawang kita ng isang tao para makapamuhay nang disente, ayon sa gobyerno: P46 Suggested retail price ng 150 gramong Alaska powdered milk: P45.95 Bilang ng araw na tinatayang makokonsumo ito ng isang bata: dalawa Panukalang badyet ng Department of Budget and Management para sa mga batayang serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, at pabahay, sa 2013: P698.4 bilyon Kasalukuyang populasyon ng Pilipinas ayon sa National Statistics Office: 94 milyon
Walang pagkatuto Lavilyn Hysthea Malte
Halagang inilaan ng gobyerno para sa Department of Education (DepEd) ngayong taon: P309 bilyon Halagang inilaan ng gobyerno para sa pagbayad ng interes ng utang panlabas ng bansa: P738.6 bilyon Badyet na inilaan sa DepEd ng Department of Budget and Management (DBM) para sa 2013: P292.7 bilyon Halagang kailangan ng DepEd para sa 2013: P334 bilyon Bilang ng mga karagdagang gurong mapapasahod sa 2013 badyet ng DepEd: 61, 510 Kakulangan sa mga guro noong 2011, ayon sa DepEd: 103,500 Bilang ng mga karagdagang silidaralang maipatatayo: 31, 789 Kakulangan sa silid-aralan noong 2011, ayon sa DepEd: 152,000
Pobreng obrero
Kabuuang lakas paggawa ng Pilipinas, ayon sa National Statistics Office (NSO): 40.6 milyon Bilang ng mga Pilipinong may trabaho, ayon sa NSO: 37.8 milyon Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, ayon sa NSO: 2.8 milyon Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, ayon sa IBON, organisasyong nagsusuri sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa: 4.3 milyon Bilang ng mga Pilipinong may trabaho ngunit hindi sapat ang sweldo, ayon sa IBON at NSO: 7.3 milyon Taunang kita ng isang karaniwang manggagawa: mahigit P100,000 Kabuuang kita ng 40 pinakamay-
Tinatayang arawang gastos ng gobyerno para sa batayang serbisyo ng bawat Pilipino sa 2013: P20 Halaga ng isang kilong NFA rice: P27 Badyet para sa Conditional Cash Transfers (CCTs) ngayong taon na ipinamamahagi sa pinakamahihirap na pamilya sa bansa: P39.5 bilyon Panukalang badyet ng CCTs sa 2013: P44.3 bilyon Inaasahang bilang ng pamilyang makikinabang dito: 3.8 milyon Bilang ng pamilyang nagsabing mahirap sila, ayon sa Social Weather Stations (SWS) noong Hunyo: 11.1 milyon Bilang ng mga ipadadalang doktor ng gobyerno sa mga liblib na probinsya sa 2013 alinsunod sa programang Doctors to the Barrio: 131 Kasalukuyang bilang ng doktor sa bawat 1,000 tao sa Pilipinas: isa
Bilang ng mga aklat at teacher’s manuals na mabibili: 31.1 milyon Kakulangan sa mga aklat noong 2011, ayon sa DepEd: 95.5 milyon
Nararapat na bilang ng doktor kada 1,000 katao, ayon sa World Health Organization: dalawa Bilang ng Pilipinong namamatay nang walang tulong medikal: pito sa bawat 10 Bilang ng mga ipadadalang nars ng gobyerno sa mga liblib na lugar sa bansa sa 2013: 22,500 Bilang ng Pilipinong nars na walang trabaho ngayong taon: mahigit 100,000 Buwanang sahod ng isang nars sa ilalim ng programang Doctors to the Barrio: P8,000 Pinakamababang buwanang sahod ng isang nars sa Saudi Arabia: mahigit P37,500 Panukalang pambansang badyet para sa mga proyektong pabahay sa 2013: P5 milyon Bilang ng pamilyang makikinabang sa mga proyektong pabahay sa suBilang ng taon na kayang bayaran ng pondong pinautang ng gobyerno sa IMF ang kabuuang matrikula ng mahigit 1.1 milyong mag-aaral sa SUCs: halos anim
sunod na taon: 33,000 Bilang ng pamilyang nawalan ng kabahayan sanhi ng demolisyon sa Silverio Compound sa Parañaque City nitong Abril: mahigit 28,000 Ipinautang ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa International Monetary Fund nitong Hunyo: $1 bilyon o halos P42 bilyon Utang ng Pilipinas sa World Bank at Asian Development Bank para sa patuloy na pagpapatupad ng programang CCT: mahigit P4.7 bilyon Bilang ng PIlipinong naghihirap ayon sa pag-aaral ng SWS nitong Hunyo: isa sa bawat dalawa
Sanggunian: Department of Budget and Management, National Statistical Coordination Board, National Statistics Office, Social Weather Stations, Department of Trade and Industry, Karapatan, IBON, World Health Organization, bulalat.com, pinoyweekly.org
ng dalawang taon sa sistema ng edukasyon ng bansa, ayon sa IBON Foundation: P29,160 Kasalukuyang bilang ng mga magaaral na nakatatapos ng elementarya, ayon sa DepEd: 66 sa bawat 100 Kasalukuyang bilang ng mga magaaral na nakatatapos ng hayskul: 43 sa bawat 100 Kasalukuyang bilang ng mga nakatatapos ng hayskul na tumutuloy sa kolehiyo, ayon sa DepEd: lima sa bawat 10
Kabuuang bilang ng mga SUCs sa Pilipinas: 110 Bilang ng SUCs na nakaltasan ng badyet ngayong 2012: 50 Badyet na inilaan ng DBM para sa mga State Universities and Colleges (SUCs) sa taong 2013: P37.1 bilyon Halagang hinihiling ng SUCs para sa 2013: mahigit P50 bilyon
Bilang ng private higher institutions sa Pilipinas: 2, 181 Bilang ng private schools na nagtaas ng matrikula ngayong taon: 1 sa bawat 10 Bahagdan ng pagtaas ng matrikula sa private schools: 10 porsyento o P41.52 kada yunit
Tinatayang kabuuang halagang nakokolekta ng SUCs sa mga estudyante sa matrikula at iba pang bayarin, batay sa datos ng DBM: P7.6 bilyon kada taon Halagang pinautang ng gobyernong Aquino sa International Monetary Fund (IMF) noong Hunyo: $1 bilyon o halos P42 bilyon
Tinatayang kabuuang halagang ginagasta ng isang pamilya para makapagpatapos ng anak sa ilalim ng 10-year basic education curriculum, ayon sa IBON Foundation: P145,800 Dagdag na gastusin para sa bawat mag-aaral dulot ng pagpapatupad ng K-12, panukalang nagdaragdag
Tinatayang bilang ng makatatapos ng programang K-12 na tutuloy sa kolehiyo, ayon sa Coordinating Council of Private Educational Associates: tatlo sa bawat 10
amang Pilipino ngayong taon, ayon sa Forbes Magazine: P1.92 trilyon Kabuuang pambansang badyet ngayong taon: P1.82 trilyon
Pinakamababang arawang sahod ng isang manggagawa sa National Capital Region (NCR), ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC): P446 Pinakamababang sahod na makabubuhay sa isang pamilyang may anim na miyembro, ayon sa IBON: P1,017
Bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) noong 2011: 1.6 milyon Bilang ng umaalis na OFW kadaaraw noong 2011, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA): 4,559 Kabuuang populasyon ng Barangay UP Village sa Quezon City: 3,699
Porsyento ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa IBON: anim hanggang 12 porsyento Umento sa porma ng pagtaas ng minimum wage sa alin mang rehiyon sa Pilipinas: wala Umento sa porma ng Cost of Living Allowance (COLA): P20
Bilang ng OFWs na hindi makauwi ng Pilipinas bunsod ng kawalan ng pamasahe, ayon sa Migrante International: 933 Bilang ng OFWs na nakakulong sa ibang bansa: 384
Bilang ng bagong trabahong nalikha sa ilalim ng administrasyong Aquino, ayon sa NSO: 1.6 milyon Bilang ng bagong trabahong nalikha sa ilalim ng services sector, kabilang ang mga kontraktwal at panandaliang trabaho: 800,000 o kalahati ng kabuuang bilang ng bagong trabaho Bilang ng bagong trabahong dala ng self-employment, kabilang ang pagtitinda at maliliit na negosyong pantahanan: 500,000 o halos sangkatlo ng kabuuang bilang ng bagong trabaho
Sanggunian: Commission on Higher Education, Department of Education, Department of Budget and Management, Kabataan Partylist
Kabuuang taunang kita ng mga kumpanyang Business Process
Outsourcing (BPO): mahigit P420
bilyon Panimulang buwanang basic pay ng isang nagtratrabaho sa isang call center sa UP Ayala TechnoHub: P12,500 Sahod ng isang empleyado sa isang BPO company sa Estados Unidos, ayon sa Path Finders’ Management Consultant: P27,000
Balakid sa mambubukid
Lawak ng kabuuang lupain ng Pilipinas: 30 milyon ektarya Kabuuang lawak ng lupang pangagrikultura sa bansa, ayon sa tala ng gobyerno: 14.1 milyong ektarya Porsyento ng lupang agrikultural na pag-aari ng pribadong sektor, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP): 60 Kabuuang lawak ng mga lupaing pagaari ng 9,500 indibidwal, ayon sa tala ng KMP: tatlong milyong ektarya Kabuuang populasyon ng mga magsasakang Pilipino, ayon sa Bureau of Agricultural Statistics: 12.27 milyon Bilang ng mga magsasakang walang sariling lupa na sinasaka, ayon sa KMP: pito sa bawat 10
Danyos perwisyo Iyanah Brucal
ng mas mababa sa P255 sa loob ng limang taon sa ilalim ng 2TWS: P2 hanggang P90 Umento sa mga may sahod na mas mataas sa P225 habang hindi pa nagtatakda ng pormal na umento ang kumpanya: P12.50
Halaga ng biyahe sa LRT 2 mula Recto hanggang Santolan Station: P14
Porsyento ng agrikultural na lupain na pag-aari ng mga panginoongmaylupa, ayon sa KMP: 13 Bahagdan ng paglago ng sektor ng agrikultura noong 2011, ayon sa IBON: 4.4 porsyento Bahagdan ng paglago ng agrikultura ngayong taon: isang porsyento
Halagang hinihingi ng pamilya Aquino kapalit ng lupang ipamamahagi: P5 bilyon
Bilang ng taon mula nang katigan ng korte ang pamamahagi ng 4,915 ektaryang lupain ng Luisita noong 1989: 20 Bilang ng araw matapos ipag-utos ng Korte Suprema ang pamamahagi ng lupain sa mga magsasaka ng Luisita noong 2011: 242 Kabuuang lupa na naipamahagi na sa magsasaka ng Luisita, mula nang lumabas ang desisyon ng Korte Suprema: wala
Bilang ng mga nagrehistrong magsasaka para sa lupang ipamamahagi sa Hacienda Luisita: 9,000 Bilang ng mga kwalipikadong benepisyaryong magsasaka na makatatanggap ng lupa: 6,296 Kabuuang lawak ng mga lupang ipamamahagi sa mga magsasaka ng Luisita: 4,915 ektarya
Kabuuang bilang ng mga Pilipinong apektado ng mga kalamidad at sakuna noong 2010, ayon sa Citizens’ Disaster Response Center (CDRC): 6.75 milyon Kabuuang bilang ng mga Pilipinong apektado ng mga kalamidad at sakuna noong 2011: 15.3 milyon
paminsalang kalamidad noong 2011: 1,430 katao Kabuuang halaga ng pinsala ng Bagyong Sendong: P8.1 milyon Bilang ng araw bago pumunta si Aquino sa Cagayan De Oro at Iligan para alamin ang kalagayan ng mga napinsala: apat
Tinatayang bilang ng mga kalamidad at sakuna noong 2011, ayon sa CDRC: 400 Kabuuang halaga ng mga napinsala dahil sa mga kalamidad sa nakaraang taon: P26 bilyon Halagang kinaltas sa pambansang badyet ng 2011 na para sana sa mga proyektong naghahanda laban sa mga kalamidad at sakuna: P5 bilyon
Sukat ng lupain sa Pilipinas na saklaw ng mga kagubatan: 7.16 milyong ektarya Tinatayang deforestation rate sa Pilipinas, ayon sa United Nations Food and Agriculture Organization: 1.4 porsyento kada taon Sukat ng kalupaang nabawas sa kagubatan dahil sa illegal logging activities noong 2011: 2.7 milyong ektarya Bilang ng mga Pilipinong apektado ng mga pagbaha noong 2011: 4.6 milyon
Bilang ng mga namatay sa pagragasa ng Bagyong Sendong, pinakama-
Landas ng pandarahas
Itinakdang floor wage sa Region IV-A matapos maipatupad ang bagong sistema ng pasahod na 2-tiered wage system (2TWS): P225 Porsyento ng ibinaba ng sahod mula sa dating P337 na pinakamababang sahod: 4.1 porsyento Umento para sa mga sumasahod
Bilang ng mga naitalang kaso ng extrajudicial killing, o tuwirang pamamaslang sa mga sibilyan ng mga tauhan ng pamahalaan, sa ilalim ng siyam na taon ni Gloria MacapagalArroyo sa kapangyarihan, ayon sa tala ng Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights (Karapatan): 1,206 o tinatayang 11 kada buwan Bilang ng mga biktima ng extrajudicial killing kabilang ang maraming magsasaka, katutubo at miyembro ng mga progresibong organisasyon kada buwan sa ilalim ni Pangulong Benigno Aquino III, ayon sa Karapatan: 99 o tinatayang apat kada buwan Bilang ng mga kaso ng extrajudicial killing sa ilalim ng administrasyong Aquino, kung saan may mga ebidensyang tuwirang sangkot sa militar, ayon sa Human Rights Watch (HRW): pito
Bilang ng mga detenidong pulitikal na nabilanggo dahil sa kanilang pananaw sa pulitika sa ilalim ng rehimeng Arroyo: 326 Nadagdag na bilang ng mga detenidong pulitikal sa dalawang taong pamumuno ni Aquino sa bansa: 107 Kasalukuyang bilang ng mga detenidong pulitikal kasama ang mga nakulong sa ilalim ni Arroyo na hindi pa rin napalalaya hanggang sa kasalukuyan: 385 Bilang ng mga detenidong pulitikal sa bansa, ayon sa pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda noong Setyembre 2011: wala Tinatayang bilang ng mga biktima ng sapilitang pagdukot at pag-aresto kabilang ang dalawang estudyante ng UP na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan sa panunung-
Ektarya ng lupa na kailangang maipamahagi batay sa “5-Year Plan” ni Aquino: 961,974 ektarya Bilang ng taon mula nang buuin ang planong ito: tatlo Kabuuang lupang naipamahagi na mula nang maging pangulo si Aquino: 11.3 porsyento Natitirang lupang hindi pa rin naipamamahagi: 88.7 porsyento Bilang ng taong nasa pagmamay-ari ng pamilya Cojuangco-Aquino ang Luisita: 25
Tinatayang sukat ng lupa na sakop ng mga minahan sa Pilipinas, ayon sa Mines and Geosciences Bureau: 1.14 milyong ektarya Kabuuang sukat ng buong rehiyon ng probinsya ng Mindoro: 1.05 milyong ektarya Porsyento ng kabuuang kita ng industriya ng pagmimina sa gross domestic product ng bansa noong 2011: isa Bilang ng biodiversity sites sa bansa, ayon sa Kalikasan Partylist: 92 Bilang ng mga biodiversity sites sa bansa na sakop ng mga umiiral na mining permits: 58 Bilang ng mga nasabing permit na binawi sa bisa ng bagong Mining Executive Order 79 ni Aquino: wala
Sanggunian: IBON Foundation, National Statistics Office, Bangko Sentral ng Pilipinas, gmanews.tv, Bagong Alyansang Makabayan, Migrante International
Sanggunian: Department of Agrarian Reform, National Statistics Office, Bureau of Agricultural Statistics, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas
workers sa ilalim ni Aquino: 58 Bilang ng environmental activists na pinatay sa bansa, sa ilalim ni Aquino: 17 Bilang ng mga kaso ng pagpatay sa environmental workers na nabigyan ng hustisya, ayon sa Kalikasan Partylist: wala
Sanggunian: Kalikasan People’s Network, Center for Environment Concerns-Philippines, Kalikasan Partylist, Philippine Star, United Nations University Institute for Environment and Human Security, Countrymine, Nation Master, Mines and Geosciences Bureau, Centre for Research on the Epidemiology of Disasters, Vista Pinas
Kabuuang bilang ng mga paglabag sa karapatang pantao ng environmental
kulan ni Arroyo, ayon sa Karapatan: 252 kada taon Tinatayang bilang ng mga kaso ng sapilitang pagdukot, pag-aresto at pagkakakulong sa ilalim ni Aquino: 213 kada taon Bilang ng insidente ng sagupaan sa pagitan ng militar at ng New People’s Army (NPA) – pinakamataas sa nagdaang dekada – matapos ipatupad ng administrasyong Aquino ang Oplan Bayanihan (OB) na naglalayong supilin ang mga armadong kilusan sa bansa, ayon sa IBON: 489 Bilang ng mga sibilyang napaslang sa gitna ng mga sagupaan ng militar at NPA sa ilalim ng OB, ayon sa IBON: 53 Bilang ng mga napaslang na hindi kumpirmadong miyembro ng rebeldeng grupo sa ilalim ng nasabing programa, ayon sa HRW: 141
Bilang ng mga sibilyang lumikas mula sa kanilang komunidad dahil sa sagupaan ng militar at NPA sa ilalim ng OB, ayon sa pinakahuling tala ng IBON noong 2011: 3,900 Bilang ng mga nahatulan sa mga kaso ng paglabag sa mga karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng Arroyo: 11 Bilang ng pormal na direktiba mula kay Aquino para sa pagresolba ng mga paglabag sa mga karapatang pantao: wala Bilang ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantaong naresolba sa ilalim ni Aquino: wala
Sanggunian: IBON Foundation, Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights, Human Rights Watch, Philippine Daily Inquirer
BALITA BALITA OPINYON Miyerkules Miyerkules Lunes 27 Hunyo 27 Hunyo 23 Hulyo 2012 2012 2012
HANDA NA ANG TALUMPATI NG pangulo para sa kanyang SONA. Plantsado ang bawat retorika ng pambansang kaunlaran at pagbabago. Sa bulwagan ng Kongreso, inaasahan ang pag-rampa ng mga kawani ng pamahalaan, suot ang kanilang mga barong at terno na likha pa ng mga kilalang designer. Samantala, sa hindi kalayuan, naglalatag ng mga pulang bandera ang mga militanteng grupong nagtipon sa kahabaan ng Commonwealth. Naghanda rin ng talumpati ang mga lider ng iba’t ibang grupo, mistulang kontradiskurso sa kalagayan ng bansang ipinangangalandakan ng pamahalaan. Sa pagtitipong ito, rarampa ang mga kultural na manananghal upang maghatid ng mga awitin at maiikling dula na naglalahad ng mga kalunos-lunos na kalagayan ng mga mamamayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Inaantabayanan din ang pagparada ng effigy ng KULTURA pangulo, isa sa mga pangunahing tampok sa araw na ito ng pakikiisa, Lunes sining, at protesta. 23 Hulyo 2012 Paglikha at paglaban
Magkaakibat ang sining at ang kilos-protesta. Mula sa paglikha ng mga katha at awitin, pagtatanghal ng mga maiikling dula, at paggawa ng mga dibuho sa mga pader at lansangan, binabagtas ng siningprotesta ang iba’t ibang porma, media, at disiplina. Panahon pa ng rehimeng Marcos, nakilala ang UP Repertory Company sa kanilang pagtatanghal ng mga tula-dula o maiikling berso tuwing may kilos-protesta. Itinatanghal man na may limitadong tauhan at props, matindi naman ang paggamit nito sa tunog at paggalaw. Bagama’t nagsisiwalat ng mga tiwaling kondisyon sa lipunan, napatitingkad ito ng paglalaro sa mga elemento ng kulturang popular, tulad ng mga sikat na kanta, nauusong loveteams, pati na mga patok na palabas sa telebisyon. Sadyang ginagawang katawa-tawa ang tuladula kaya nagiging epektibo ito bilang siste o satire. Taon-taon ding atraksyon sa kilos-protesta ang pagparada sa effigy ng pangulo. Noong 1999, sinimulan ng grupong UGATlahi Artist Collective, isang organisasyon na nagtataguyod sa sining bilang instrumento ng panlipunang pagbabago, ang paglikha ng effigy ng pangulo tuwing SONA. Representasyon ng isang personalidad ang effigy na gawa sa
simpleng materyales na madaling lumiyab, katulad ng papel at maninipis na kawayan. Bagama’t hindi realistikong replika ng pangulo at kalimitang batbat ng metapora, nagsisilbi pa rin itong kinatawan ng pangulo at ng kanyang rehimen. Pinag-iisipan ang metapora at gumagamit ng mga imaheng pamilyar at nauunawaan ng karaniwang mamamayan upang higit na matalos ang kritika. Sa mga nagdaang SONA, nakita ang transpormasyon ni Aquino mula sa isang dilaw na salamangkerong lumilikha ng ilusyon ng pagbabago tungo sa isang nabubulok na itlog na nakasakay sa ibabaw ng isang US military jeep. Sa akto ng pagsunog sa effigy, ipinaparating ng sambayanan ang kanilang pagkasuklam sa pangulo at tila kinikitil sa kanilang kamalayan ang esensya ng rehimen. Nariyan din ang mga organisasyong katulad ng Sinagbayan, Alay Sining, at Karatula na nililinang ang sining upang magsilbing instrumento ng protesta at paghahain ng mga konkretong alternatibo sa kasalukuyang mga isyung panlipunan. Sa ganitong paraan, ang sining, na kalimitang itinuturing larangan ng porma at estetika, ay napapatawan ng radikal na potensyal.
Balangkas ng protesta Ayon sa kritiko ng sining na si Alice Guillermo, sinasalamin ng sining ang lipunan at ang mga kondisyong namamayani rito. Gayundin, malaki ang naiaambag ng sining sa mga pagbabagong panlipunan at pangkasaysayan. Nagsisilbi itong sandata sa pakikibaka. Ginamit ni Guillermo ang terminong “oposisyonal na sining” upang saklawin ang sining-protesta, rebolusyonaryong sining, at iba pang porma na tumutunggali sa mga mapaniil na kondisyon ng lipunan. Naglalahad ng kalagayan at karanasan sa armadong pakikibaka ang rebolusyonaryong sining. Nagpapahayag naman ng paglaban sa namamayaning sosyo-pulitikal at ekonomikong kalagayan ang sining-protesta. Magkaiba man ng nilalaman, nangangailangan ang dalawang uri ng oposisyonal na sining ng angkop na porma para
sa mas masining na pagkakalikha at pakikisalamuha sa masa upang maging matalas ang nilalaman nito. Dahil sa pulitikal na kalikasan ng sining-protesta, madalas itong hamakin bilang propaganda lamang. Sa pagdaan ng panahon, nagkaroon ng masamang pakahulugan ang salitang propaganda, taliwas sa orihinal nitong konsepsyon bilang instrumento ng pagpapalaganap ng impormasyon upang makabuo ng mga pulitisadong pagtatasa sa lipunan. Sa kasalukuyan, itinuturing ang propaganda na instrumento ng paninirang-puri at panlilinlang, malayo sa intensyon at layunin ng sining-protesta. Bagama’t pulitikal at may pinapanigang uri, nakaangkla ang sining-protesta sa materyal na realidad at mga kondisyon sa lipunan. Magandang halimbawa nito ang nilalaman ng mga awitin at maiikling dula na nagtatampok ng mga danas ng maralitang tagalungsod at mga detenidong pulitikal. Ngunit, kahit gaano man katalas ang metapora, lalamunin din ng apoy ang dambuhalang effigy ng pangulo sa pagtatapos ng araw. Ang mga karatula at bandera na ilang gabing pinagpuyatan, unti-unti ring maisasantabi at maibabasura. Ang mga ipinintang dibuho at myural sa lansangan, sadya ring mabubura sa pagdaan ng mga tao at sasakyan. Magtatapos din ang mga pagtatanghal, maghahanap ng panibagong entablado sa mga susunod na kilos-protesta.
Bisa ng paglikha Temporal ang kalikasan ng sining-protesta dahil na rin sa kalikasan ng kilos-protesta. Ang lansangan ang lunan ng tunggalian, kung saan tumatampok ang banggaan ng mga mamamayan at ng mga awtoridad. Dahil dito, lumalabas ang pangangailangan na madaling isagawa, ayusin, at ipalipat-lipat ang mga likhang sining-protesta. Lunsuran din ng iba pang kalakaran ang lansangan, tulad ng daloy ng trapiko at komersyo, kaya hindi maiiwasang mabura o masira ang mga bakas ng nangyaring protesta.
e t n a li it m e t r a El
Bunsod nito, ginagamit na rin ang iba’t ibang porma, media, at disiplina upang mahasa ang siningprotesta. Sa kasalukuyan, ginagamit ang internet sa pagpapalaganap ng sining-protesta. Nagsisilbing paalala ang mga litratong kuha sa kilos-protesta bilang instrumento ng pakikibaka. May mga entidad din online, tulad ng Pixel Offensive at Tangina This, na lumilikha ng kanilang mga orihinal na imahe na naipapakalat at kalimitan ding ginagamit sa mga kilos-protesta. Kaiba sa karaniwang likhang sining, walang isang awtor o entidad ang nagmamay-ari sa mga siningprotesta. Sa lansangan, tila nabubura ang pangangailangan sa atribusyon dahil, sa huli, produkto ng kolektibong kamalayan at pakikibaka ng iba’t ibang sektor ng lipunan ang sining-protesta. Nagsisilbing testamento ang sining-proetesta sa hindi natitinag na diwa ng pakikibaka. Sa pagtatapos ng araw, sa gitna ng abo at basurang idinulot ng kilos-protesta, nakatindig pa rin ang militantengmamamayan, handang magmatyag sa mga susunod na kilos ni Aquino. Upang maging epektibo ang sining-protesta, nangangailangan ito ng mataas na antas ng kasiningan at matalas na pagsusuri sa lipunan. Hindi tulad ng karaniwang likhang sining na maaaring angkinin at ilagak sa mga pribilehiyadong espasyo, nakapupukaw ang sining-protesta ng militanteng damdamin at nagagamit bilang instrumento ng paglalantad at pagbabago sa mga k a b a li n t u n a a n sa lipunan.
GA SA M TA. GO N U OTES T R P O UL NING ANG G SI N GP A N A IGY BAK KIKI EFF A G P N G RBO NTO N GA E A M M SA TRU LA INS U G A. M HAIN LIK LIK G A P MA G G N N TO BI NA AK IL S G AG AN ,N TA N S I E IT OT AW PR T A NG SO ER NA B T IBA NG AK NTE A K A LIT MI
Airnel Abarra
GOOD GOVERNANCE (GG)
PEOPLE’S WELFARE (PW)
STRONG ECONOMY (SE)
Papataas na badyet para sa batayang serbisyo
Pagtaas ng Gross Domestic Product (GDP)
Nang maluklok si Aquino bilang pangulo, ginamit niyang metapora ang “daang matuwid”upang ilarawan ang kanyang plataporma hinggil sa mabuting pamamahala, pangunahin na ang pagpuksa sa korupsyon. Kabilang dito ang pagpapatalsik sa mga appointee ni dating Pangulong Gloria Arroyo na sina dating Chief Justice (CJ) Renato Corona at Ombudsman Merceditas Gutierrez. “[The Corona impeachment] was a process that strengthened our democracy,” ani Aquino sa kanyang talumpati noong ika-114 Araw ng Kalayaan. Bagaman may malawak na pagkilalang isang kongkretong hakbang ang pagpapatalsik kay Corona sa pagtanggal ng katiwalian sa pamahalaan, marapat pa ring malalimang suriin ang isyung ito. Maaaring tingnan ang naganap na impeachment bilang pagpapalakas ng kapit at kontrol ni Aquino sa tatlong sangay ng pamahalaan, ani Arnold Padilla, public information officer ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Maaari rin umanong tingnan ang impeachment bilang pagmamaniobra ni Aquino upang baliktarin ang desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi ang Hacienda Luisita Inc. (HLI) na pagmamay-ari ng kanyang pamilya, dagdag ni Padilla. Sa pagkakatanggal kay Corona, nangangamba ang mga magsasaka ng HLI sa epekto nito sa desisyon hinggil sa pamamahagi ng lupa, ani Willy Marbella, deputy secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
“Last year, our definition of ‘paggugol na matuwid’ was spending that has direct, immediate and substantial impact to the people — ‘diretso sa tao.’ This year, we defined ‘paggugol na matuwid’ as something that the people, especially the poor, have been asking for — even demanding for—from their government,” ani Department of Budget and Management (DBM) Secretary Florencio Abad kamakailan. Ayon sa DBM, para sa taong 2013, tumaas ng 41.25 bahagdan ang badyet ng 110 state universities and colleges (SUCs) mula sa kasalukuyang P26.29 bilyon tungong P37.4 bilyon. Sa kabila ng naging pagtaas, lumalabas na kulang pa rin ang badyet upang punan ang pangangailangan para sa dekalidad at abot-kayang edukasyon, ani Glenis Balangue, senior IBON researcher. Kasabay ng pagtaas ng badyet ng SUCs ang paglobo ng badyet para sa Conditional Cash Transfer program mula P39.45 milyon ngayong 2012 tungong P44.26 milyon, at sa public-private partnerships (PPP) na nanatiling may P7 bilyong badyet sa 2013. “The multibillion CCT scheme is meant to cover up poverty and social inequality, while the PPP deceives people into thinking that economic growth lies in the hands of foreign investors,” ani Renato Reyes, secretary general ng Bayan. Maituturing na ”election budget” ang mahigit P2 trilyong-pambansang badyet na ipinasa ni Aquino bunsod ng pagtaas ng badyet para sa pork barrel, dole-outs at malalaking bonus na maaaring pakinabangan ng kanyang mga kapartido sa Liberal Party sa halalan sa 2013, ani Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino.
Sa unang kwarto ng 2012, tumaas ng 6.4 bahagdan ang GDP o kabuuang halaga ng produkto at serbisyong nalikha sa loob ng bansa tungong P1.49 trilyon, mula sa P1.39 trilyon noong unang kwarto ng 2011, ayon sa NSCB. Itinuturing na tagumpay ng pamahalaan at ng mga pangulo ang anumang pagtaas ng GDP na nangangahulugang lumakas at sumigla ang mga pang-ekonomikong aktibidad sa loob ng bansa. Bagaman tunay na tumaas ang GDP, mahalagang suriin ang katangian ng pagtaas na ito. Lumaki ang gastos ng pamahalaan ng 24 bahagdan ngayong 2012, mula P132 bilyon noong 2011 tungong P164 bilyon. Tumaas rin ng 62.2 bahagdan ang paggastos para sa pampublikong pamumuhunan tulad imprastraktura mula P15.2 bilyon noong 2011 tungong P24.7 bilyon ngayon taon, ayon sa NSCB. Kung gayon, maituturing na artipisyal ang pagtaas ng GDP dahil idinulot lamang ito ng higit na paggastos ng pamahalaan na masasabing pansamantala lamang at hindi ng paglago ng mga produktibong sektor ng ekonomiya, ani Sonny Africa, executive director ng IBON. Gayundin, isa lamang “proxy economic indicator” ang GDP na hindi sinasalamin ang tunay na kalagayan ng nakararaming Pilipino at hindi mahusay na panukat ng pag-unlad ng buhay ng mamamayan, ani Balangue.
Paglikha ng maraming trabaho
TIC-TACTICS ANG LARO NG PANLILINLANG SA IKATLONG SONA NI AQUINO PARA SA MGA PANGULO, isa lamang laro ang taunang State of the Nation Address (SONA). Sa pamamagitan ng isang talumpati, muling mabibigyang pagkakataon si Pangulong Benigno Aquino III na magpinta ng imahe ng isang maunlad na bansa — malayo sa kahirapan, may maayos na serbisyong panlipunan, at maaasahang pamahalaan. Subalit batbat ng kabalintunaan ang SONA ng pangulo. Kung pagbabatayan ang mga nakaraang SONA ni Aquino o ng sinumang pangulo, makikita kung paanong naikukubli ng mababangong salita at piling datos ang tunay na kalagayan ng sambayanan.
Panuto: Kadalasang nahahati sa tatlong aspeto ang nilalaman ng SONA ng pangulo; mabuting pamamahala, kapakanan ng mamamayan at malakas na ekonomiya. Sa ikatlong SONA ng pangulo, sama-sama nating alamin at ilantad ang taktika ng panlilinlang ni Aquino. Gamitin ang iyong bukas at kritikal na pag-iisip bilang mga pamato, at tulad sa larong tic-tac-toe, isa-isang harangan (o pabulaanan) ang mga kahong naglalaman ng mga “tagumpay” ng pangulo sa nakaraang taon. Tatlong sunod-sunod na kahon lang ang kailangan para manalo. Game!
LATHALAIN Lunes 23 Hulyo 2012
Reporma sa pagmimina
Inilabas ni Aquino ang Executive Order (EO) 79 na naglalayong magpasok ng reporma sa industriya ng pagmimina bilang tugon sa malakas na panawagan ng mamamayan, mga komunidad at mga grupong pangkalikasan na itigil ang malawakang pagmimina bunsod ng pinsalang dulot nito sa kalikasan. Ayon sa pamahalaan, ang EO 79 ang pinakamabisang solusyon upang mapangalagaan ang kalikasan nang hindi tuluyang ipinatitigil ang pagmimina na makasisira umano sa ekonomiya. Pinagtibay lamang ng EO 79 ang malawakang pagmimina ng mga dayuhang korporasyon at kumpanya — ang mga pangunahing salarin sa pagkasira ng kalikasan — habang hinigpitan naman ang operasyon ng mga maliliit na minero, ayon sa Kalikasan Partylist. Higit sa lahat, ang pinakamalaking lamat ng EO ay nagmumula sa kabiguan nitong baguhin ang kasalukuyang katangian ng pagmimina na “extractive” at nakaayon sa kumpas ng mga pwersa sa merkado, ani Frances Quimpo ng Kalikasan Partylist. Para sa pamahalaan, sapat nang taasan ang sinisingil na buwis sa mga kumpanyang pagmimina upang mapakinabangan ng mamamayan ang mga yamang mineral ng bansa. Ngunit upang ganap na mapakinabangan ang mga yamang mineral ng bansa, kinakailangan natin ng mga sariling industriyang magpoproseso sa mga ito para maging produkto, ani Quimpo.
Malakas na Foreign Direct Investment (FDI)
Lumalagong ekonomiya
Itinuturing nang “creditor nation” ang bansa matapos itaas ng pampinansyang grupong Standard and Poor’s ang credit rating ng Pilipinas mula BB status o “less vulnerableinthenear-term,”tungongBB+statuso“highest speculative grade.” Nangangahulugan ang pagtaas ng credit rating ng pagkakaroon ng kakayahan ng Pilipinas na magpautang sa ibang bansa. “Now that we have been considered a creditor nation, we feel it’s our obligation to assist those nations who require funding from the IMF [International Monetary Fund],” ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa isang pahayag. Noong Hunyo 2012, nagpautang ang Pilipinas ng $1 bilyong sa IMF mula sa inipong foreign exchange reserves ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Binatikos ng mga kritiko ang hakbanging ito bilang mapanlinlang na palantandaan ng matatag na ekonomiya at pamamaraan lamang ng administrasyong Aquino upang pagandahin ang imahe nito sa mundo. “It is at the height of hypocrisy and insensitivity that the Aquino government would commit a staggering $1 billion to the IMF when Filipinos are in dire need of additional budget for basic social services like health, housing and education,” ani Anakpawis Rep. Rafael Mariano. Sa kabila ng pagtaas ng credit ratings ng Pilipinas at pagpapautang sa IMF, nananatiling may P5.1 trilyong kabuaang utang ang Pilipinas, ayon sa IBON.
Napalalakas umano ng kita mula sa mga dayuhang kumpanyang namumuhan sa bansa ang ekonomiya. “Hindi bababa sa dalawa’t kalahating bilyong dolyar, o humigit-kumulang 100 billion piso [ang papasok na halaga mula sa Estados Unidos (US) at Europa (EU)]. Trabahong magdadala ng pagkain sa mesa ng Pilipino…ang katumbas ng mga numerong ito,” ani Aquino sa isang pahayag noong Hunyo. Malaki ang inambag ng mga bansang Japan, Netherlands, at US na nakapaglaan ng P9.3 bilyon o 50.7 bahagdan sa FDI para sa unang kwarto ng 2012. “Umaasa ang pagtaas ng GDP sa pagpasok ng FDI. Ngunit hindi maaasahan ang ganitong sukatan dahil nakaasa tayo sa sources of growth na kontrolado ng global market, “ani Balangue. Sa pagtali ng bansa sa pamumuhunan ng mga korporasyon, madaling naaapektuhan ng kahit anong pagbabago sa pandaigdigang merkado ang GDP ng bansa. Isa na rito ang inaasahang pagbagsak ng kita ng US at EU dahil sa pandaigdigang krisis pampinansya. Sa katunayan, bumaba na ang FDI mula sa P22 bilyon sa unang kwarto ng 2011 tungong P18.4 bilyon sa unang kwarto ng 2012, ayon sa NSCB. Ipinapakita nito ang pangangailangan na palakasin ang mga industriya ng bansa sa halip na umasa sa kita ng dayuhang kumpanya, ani Balangue.
Kamakailan lamang, idineklara ng ilang eksperto sa pinansya na kabilang na ang Pilipinas sa “tiger economies” o lumalagong ekonomiya sa Asya. “It confirms most of what is written on the Philippines from an outsider’s perspective… nakikita ng mga tao na mukhang unti-unti nagbubunga ‘yung mga ginagawa natin,” ani Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte sa isang pahayag. Sa usapin ng GDP, pinakamalaki ang itinaas ng services sector mula P770 bilyon noong Abril 2011 tungong P836 bilyong ngayong Abril o 8.9 bahagdang pagtaas, ayon sa NSCB. Nagmumula ang pagtaas na ito sa patuloy na pagpasok ng remittances ng Overseas Filipino Workers, at paglaki ng industriyang Business Process Outsourcing mula P148 bilyon noong 2011 tungong P159 bilyon, ayon sa NSCB. Gayunman, nanatiling bansot ang mga sektor ng agrikultura at industriya na kapwa nagtala ng pagbaba ng ambag sa GDP. Nasa isang bahagdan na lamang ang ambag ng agrikultura sa GDP, mula sa 4.4 bahagdan noong 2011. Bumaba rin ang ambag ng sektor ng industriya sa GDP, mula 7.3 bahagdan noong 2011 tungong 4.9 bahagdan, ayon sa NSCB. Malinaw na nananatiling nakasandig ang ekonomiya sa services sector, na walang kasiguruhan at taling-tali sa pandaigdigang merkado, sa halip na sa agrikultura at industriya na mas matatag na saligan at nakalilikha ng maraming permanenteng trabaho.
STRONG ECONOMY (SE)
Pagiging “creditor nation” ng bansa
PEOPLE’S WELFARE (PW)
Ibinandera ng pamahalaan ang pagbaba ng unemployment rate mula 7.2 bahagdan noong Abril 2011 tungong 6.9 bahagdan ngayong 2012, ayon sa datos ng National Statistics Office (NSO). Sa Araw ng Paggawa, ipinagmalaki ni Aquino ang mga nalikhang trabaho noong 2011 na hindi bababa sa 1.1 milyon. Sa kabila nito, nananatiling mataas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa na umaabot sa 4.3 milyon, ayon sa IBON. Sa mga kasalukuyang may trabaho, tinatayang 7.3 milyon ang hindi nakatatanggap ng sapat na sahod, ayon sa NSO at IBON. Maliban sa kawalang kasiguruhan ng trabaho, patuloy ring dumaranas ang mga manggagawa ng iba’t ibang uri ng pananamantala tulad ng kontraktwalisasyon at mababang pasahod. Batay sa National Wages and Productivity Commission, kinakailangan ng P993 ng isang pamilyang may anim na miyembro kada araw upang mabuhay nang matiwasay — malayong-malayo sa P197 hanggang P446 minimum wage na arawang natatanggap ng mga manggagawa.
GOOD GOVERNANCE (GG)
Kampanyang kontra-korupsyon
MALI NGA BA MAGALIT?
OPINYON Lunes 23 Hulyo 2012
BISYO KONG ISIPING MAHINAHON akong tao. Una, nakakapagod kasing magalit sa mga buwisit sa mundo at pahirap sa buhay. Ikalawa, ipinagpapalagay ng mga tao na ang pagiging mahinahon ay tanda ng katalinuhan o kakayahang lumutas ng anumang suliranin. Pero siyempre, sino nga bang niloko ko? Sa totoo lang, mas labis pang nakapangsasaid ng lakas ang manatiling mahinahon sa kabila ng napakaraming dahilan para magalit, at hindi rin naman ibig sabihing kapag nagalit ay pinanawan na ng katwiran. Sa napipintong State of the Nation Address (SONA), tiyak na ibibida ni Pangulong Benigno Aquino III na halos P700 bilyon ang gugugulin ng pamahalaan sa mga programa nito kontrakahirapan sa susunod na taon (therefore, may malasakit ang administrasyon sa mga maralita), kaya na nating magpautang (therefore, hindi na tayo dukhang bansa), impeached na si Chief Justice Renato Corona (therefore, walang puwang ang katiwalian sa gobyerno), at iba pang mga bagay na inaaasahan niya yatang paniwalaan at/o ipagpasalamat natin sa kanya. Kaya kasabay ng talumpati ng pangulo sa Batasan, maglulunsad naman sa kalsada ng sariling SONA ang iba’t ibang sektor ng lipunan para ilantad ang tunay na kalagayan ng bansa—magtataas ng
mga kamao, magwawagayway ng mga pulang bandila, isisigaw ang mga panawagan. Pero, sigurado, hindi pa rin maiiwasang marami ang magtatanong: May napapala ba naman sa pagrarally? May maipapanalo ba talaga kung magagalit sa gobyerno? Lehitimo namang mga agam-agam ito, pero halos wala ring pinagkaiba sa sarili kong bisyo: na isiping madadaan ang lahat sa mabuti at mahinahong pakikipagpaliwanagan.
Lehitimo namang mga agam-agam ang mga ito, pero halos wala ring pinagkaiba sa sarili kong bisyo: na isiping madadaan ang lahat sa mabuti at mahinahong pakikipagpaliwanagan.
Para sa gobyernong inaasahang dapat ay hindi na pinakikiusapan pang makinig sa boses ng pinaglilingkuran nito, ang paglahok sa kilos-protesta ang pinakamapangyarihang paraan para angkinin ang karapatang maging mapagpasya sa tunay na kahulugan ng “daang matuwid.” Dahil kung tutuusin, nabubuhay tayo sa panahong hindi mapayapa:
Victor Gregor Limon patuloy ang mga paglabag sa mga karapatang pantao, patuloy ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin, patuloy ang kawalan ng sapat na batayang serbisyong panlipunan. Sa gayon, ang hamon sa mga panahong tulad ngayon ay kumawala sa mapanlinlang na ideya na madadaan ang lahat sa mabuti at mahinahong usapan, ang huwag maging abala sa paghahanap na lamang ng “iba pa at alternatibong porma ng aktibismo.” Paulit-ulit nang pinatunayan ng kasaysayan na pinakamabisang pamamaraan pa rin ng kolektibong aksyon ang kilos-protesta—mula sa rebolusyong nagpatalsik sa diktaduryang Marcos noong 1986 hanggang sa malawakang mga strike ng mga mag-aaral laban sa budget cuts ngayong taon. Sa huli, hindi mali ang magalit at ipakita ito sa pangulong kasabwat sa paglikha mismo ng mga kondisyon para mawala ang tiwala sa mga pangako ng tunay at makabuluhang pagbabago. Mas kahihiyan ang manatiling kimi. Mas kasalanan ang mabatid na may mali ngunit maghintay na lamang ng mga pagkakataong mapakinggan at mapagbigyan sa hinihinging pagbabago.
PARA KAY J, BAGONG KAKILALA MABABAW LANG NAMAN talaga ako. Hindi ko gustong nakatatanggap ng mga mamahaling regalo, bulaklak o anumang kaartehan. Sabi ko nga, dalawang bagay lang ang tunay na magpapangiti sa akin: kahit anong klase ng tsokolate at puto calasiao – ‘yung maliliit na putong puti na mabibili sa bangketa. At oo nga pala, kanin. Nagpustahan kasi kami ng mga kaibigan ko na huwag kumain ng kanin buong linggo. Kaya ganoon na lang ang pananabik ko nang matapos ang linggong iyon at sa wakas, nakakain na ulit ako ng kanin. May halong kilig ang bawat pagnguya. Ganoon ang pakiramdam kapag nakikita kita. O nakakausap. Mababaw lang, pero masaya. Hindi ito katulad ng nag-aalab na pakiramdam kapag nasa rali ako o kaya’y nagtatalumpati hinggil sa mga isyu sa lipunan. O ‘di kaya’y nagtuturo ng mga manggagawa, o nakikipag-usap sa mga magsasaka. Ibang klase rin namang pakiramdam ‘yun – kasiyahang nakatataas ng moral, kaligayahang nakaaantig ng damdamin. Mas tama sigurong tawaging kilig ang nararamdaman ko kapag nakikita kita. ‘Yung tipong natitigilan ako sa tuwing magtatama ang ating mga mata, o kaya’y makatatanggap ako ng mensahe mula sa’yo. Alam ko namang wala lang sa’yo ang
mga ‘yun, ‘di rin naman ako ang tipo mo, pero masaya lang talaga ang pakiramdam. Nakakapagod ka na nga e. Lagi na lang kasi kitang iniisip. Sa pagitan ng mga gawain, lumulutang sa kukote ko ang nakangiti mong mukha, at mapapangiti na rin ako. Noong isang araw nga, hindi ko na namalayan na ngiting-ngiti na pala ako habang nakasakay sa MRT. Tiningnan tuloy ako ng masama ng ale sa tapat ko. Bakit nga ba napakagaan ng pakiramdam ko sa’yo? Sa totoo lang, hindi pa talaga kita kilala. Siguro ay dahil masaya ka lang talagang kausap, at napakabukas mo sa mga bagay. Kung pwede nga lang na hindi na matapos ang mga usapan natin. Pero masaya
Isang supot lang naman ng puto calasiao ang katapat ko
na rin naman na kahit saglit, kahit papano, nakakasama kita. Hindi ko alam kung may patutunguhan ba lahat ng kilig na idinudulot mo sa akin. Hindi ko rin kasi mabasa kung anong
nasa isip mo. O baka ayaw ko lang talagang basahin. Nakakatakot din kasi. Sabi ng mga kaibigan ko may limang phase daw kasi akong pinagdadaanan sa tuwing may magugustuhan ako – discovery, happy phase, rejection, acceptance, at moving on. At paulit-ulit na nangyayari ‘yun, kaya siguro, takot na rin ako. Nasa happy phase kasi ako ngayon, at kung ako lang, ayoko nang umalis sa phase na ito. At dahil wala naman akong ibang kayang gawin kundi magsulat, dito ko na lang ipadadaan lahat ng hirit ko sa’yo. Nasubukan ko na kasi lahat ng gimik para magpahayag ng nararamdaman – mula sa pagiging kimi at pakipot hanggang sa harap-harapan at agad-agaran. Ngayon, parang ang gusto ko namang gimik ay parang ‘yung sa anonymous na kuyang nag-iiwan ng rosas sa guard ng Vinzons para sa isa sa mga artist ng Kule. Kuyang may magandang ngiti, sakaling mabasa mo ito at may kahit kaunti akong pag-asa sa’yo, isang supot lang naman ng puto calasiao ang katapat ko. Iwan mo na lang kay Kuyang Guard sa Vinzons. Mag-aabang ako at aasa. Sana nga, may patunguhan lahat ng kilig na ito.
LAKAS TAMA
Tuwing umuulan MARAMING TEORYA KUNG ano ang nagaganap sa tuwing umuulan habang mataas ang tirik ng araw. Pinakapopular na siguro iyong tungkol sa ikinakasal na tikbalang. May narinig din akong sa halip na kasalang tikbalang, may ipinapanganak naman daw na bakla. Marami pa: nalilito ang Diyos, may nag-aaway na duwende, may inililibing na kapre. Maaraw man o makulimlim, tila sadyang may mga nabubuong muni-muni o alaalang kaugnay ng pag-ulan. Ritwal na ng nanay ko, halimbawa, na mag-ayos ng closet sa tuwing maulan at wala siyang ibang dapat gawin sa labas ng bahay. Luluhod siya sa tapat ng kabinet, isa-isang kukunin ang mga nakatuping damit, marahan itong ipapagpag sa hangin at muling itutupi bago isalansan pabalik sa kabinet. Ako man, may mga alaalang laging bumabalik sa tuwing maulan at nahuhuli ko ang sariling giniginaw sa malamig na hagupit ng hangin. Binabalikan ko ‘yung unang beses na umuwi ako at walang inabutang tao sa bahay. Grade I ako noon at hinatid lang ng school bus. Umupo ako sa sofa pagkauwi, walang kaide-ideya kung paano aayusin ang sarili. Hindi ko alam kung paano huhubarin ang uniporme, kung paano magbibihis —iyon ang unang beses na natigil ako, hindi malaman kung ano ang susunod na hakbang para magpatuloy sa pagkilos. Gabi na nang dumating si Mama. Nadatnan niya ako sa sofa, katabi ng stroller, umiiyak na parang batang nilisan ng pamilya. Pasigaw akong pinagalitan ni Mama, pinagsabihan na dapat ko na raw matutunan kung paano alagaan ang sarili. “Asa ka nang asa!” sabi niya, “Isipin mo rin ang mga tao sa paligid mo!” Malakas ang ulan noong gabing iyon. Kumukulog pa at kumikidlat. Pero dahil masama ang loob sa akin ni Mama, pinili kong matulog sa sala kahit na nanginginig na ako sa lamig at takot. Kinaumagahan, nagising ako sa kama namin ni Mama sa kwarto. Tumila na ang ulan, pero dama pa rin sa paligid ang mabigat na ere ng kalungkutan, ng pagkasalanta. Ilang taon pa ang lumipas bago lumipat sa bahay namin si Lolo. Matanda na rin ako nang malaman kong nalugmok sa utang si Mama noon. Marami siyang kailangang bayaran kaya kinailangang umalis sa bahay ni Ate Aleli, ang una at tangi kong yaya. Bago ako magtapos ng elementarya, kaya ko nang magbukas at magsara ng gasul, magsaing, at iba pa. Pagdating sa hayskul, kaya ko nang suyurin nang mag-isa ang mga kalsada ng Metro Manila, kaya kong ipaglaban sa teacher ang magkaibang kulay ng medyas ko, kaya kong isnabin lahat ng tsismis tungkol sa pagiging missing-in-action ng tatay ko. Sa tuwing maginaw at umuulan, walang palyang naaalala ko ang eksenang iyon. Minsan, pahapyaw lang. Minsan, naiiyak ako. Pero wala akong pinagsisihan o ikinagagalit sa nangyaring iyon. Kung hindi ako sinigawan ni Mama, baka isa ako sa mga sosyalerang kolehiyala sa UP, baka hindi ko naisapuso ang sinabi ni Mama tungkol sa pagsasaalang-alang sa kapakanan ng ibang tao. Kahapon, bago ako pumunta sa opisina ng Kule para sa lingguhang presswork, tinanong ako ni Mama kung sasama ba ako sa kilos-protesta sa SONA kahit maulan. Kailangan, sabi ko. Sa pagkakaalam ko, hindi pa naman naging balakid ang ulan sa mga protesta. “Matakot si Noynoy, baka dumami ang mga aktibista kapag naulanan,” sabi ng isang kasamahan sa dyaryo. Oo nga. Hindi ang ulan ang tunay na banta.
www.philippinecollegian.org
Textback Pabor ka ba sa ChaCha?
well yes, kung yang ChaCha na yan ay naglalayong alisin sa posisyon ang mga buwaya sa kaban ng bayan,that is kapag naging parliament tayo, at gago ang nakaupong pinuno, matatanggal sya by public demand 2010-42968 BS Business Economics A cha-cha for the sake of changing it is not acceptable for me. But I think changing the economic provisions will have a significant impact on our country. Will we see transnat’l companies in our own soil? Perhaps. Will it be bad 4 our nat’l dignity? Maybe. But ds is a game, so we must play in order to win. In d end, WE MUST WIN. Ang hirap kc sa gobyerno, masyadong natatakot sa mga dayuhan. Konting Political will naman jan sa mga nakaupo. 2010.68904 With the economic growth that our country is experiencing, sa tingin ko our government is doing good using the design that the Philippines have failed to take advantage of over the past few administration. I believe in Charter change, but I dont think that its the right time. Ok ang chacha, but for now, it will be most efficient kung wag muna. FRANCIS CHUA BS BAA Hindi, lalo na kung isusulong lng ito ng animal na sina noynoy para sa interes nila at ng bwakanang amerikano. 2004-78040
Sa tingin mo, sino ang magiging susunod na Comedy King ng Pilipinas?
Wala nang iba pang magiging Comedy King. Perhaps si Vice, pero Queen na siya :) 0810039 ang next na c0medy king ay c vic s0tt0 cguro.haha.pero pwdng c PN0Ydn. wahaha.puro patawa kc ang p0licies eh.hi kay paula fabr0s ng EDUC C0UNCIL.y0uare to0 H0T.1118067.-Dick sa tingin ko,ayos si vice ganda dyan sa comedy king pero baka ayawan niya kasi hindi naman siya king.queen siya. Haha. Siguro si vic sotto pwede rin maging comedy king. :)) 10-20098 its time para palitan n ang trono ni comedy king dolphy..dahil ang pagiging hari ay di permanente..bagkus, ang dapat n itawag kay dolphy ngaun ay ang ‘ama ng komedyang pilipino’..sin0 ang papalit? c vice ganda! kxo alanganing king eh..c boy pik up n lng. NAM uten15521 geodengg Susunod na comedy king ba kamo? Eh di si GERWIN TACADENA! Hi Gerwin. We (I) love you. <3 2012-65*** #unrequitedlove si Vice Ganda sana eh. Comedy beKing nalang. 11-09550 Comedy king? Syempre si Noynoy. Mula sa kanyang katatawanang naibigay sa memorandum circular no. 1(noto-wangwang kuno na napilitan siyang ireview at ireconsider sa unang araw ng implementasyon. His first official blooper), pati ang halatang pamimilit at abusadong paggamit niya sa buong gobyerno’t media para lang matanggal ang isang kalaban niya sa pulitika, hanggang sa pang-iiwan sa kanya ni Grace Lee. At bago ang lahat, diba wala yan ni isang bill na sinulat na naging batas talaga? Di siya mukhang komedyante, pero mukha siyang katatawanan. Payat, panot at halatang madalas magyosi. Parang depressed clown. Panuorin ang SONA! 2012-10792 Philo si NOYNOY, sobrang katawa-tawa ung itsura niya at mga ginagawa sa pilipinas. Un nga lang nakakairita siya. 2004-78040 feeling ko si vic sotto. sya na ang next in line. lakas ng hatak sa masa 05-72540 mr.serendipity MAEd AWOL
Comments
To Toni: Astig ng column mo. Keep it up! :) To RC: Sana sipagin ka na’ng magaral. Medyo nakakahawa na rin kasi.
Newscan Hehe. :) 2011-36480 sa tngen ko.kilala ko n c delfin mercado.para xang nag-iisang diyos n may tatlong persona..parang 1=3..gnun.haha. NAM utenwan552wan ge0dengg.. Exagge yata ang 996/daily na wage level para supportahan ang pamilya according to IBON. So ano yon, dapat 29,880 a month ang minimum sweldo? E ang entry level nga minsan mas mababa pa sa 10K. Grabe lang ah. 06-00266 BAPA Yoh kule! Ang fun ng last page, pero talaga bang walang ‘educbudget’ at ‘indigenous people’? And bakit naging ‘scapeODL’ ung ‘scrapODL’. haha. Un lang. GO KULE! 2009x2010 PLayBoY bsBATOlogy I LOVE GEOSOC! 1034443 Natutuwa ako sa column na eksenang peyups, nakakagaan ng pakiramdam,kahit kinakabisa ko pa lang ang Diliman. hehe. Parang namiss ko tuloy ang UPV. More power kule! Tunay, palaban,makabayang pamamahayag! 08-73793/ BA Comm.and Media Studies sa crossword.wala ung indigenous people.nkakairita.still cute ni noynoy sa pic 201030752 tanung lang, bat ganun yung blue book ngayon?? napakaja-fake! nkalingon na sa east yung eagle tpos ang onti na ng lines?! ja-fake talagaa!! 20124*1*3
Panawagan
I don’t know if this should be sent to you. However, I has this bad experience in UP last month. What action can be taken against a rude jeepney driver of the UP-philcoa route? He behaves rudely toward his student passengers. He badmouthed someone who is asking if any seat is vacant. He is reckless in driving too. I got his name from his ID hanging on his left. He is Reynante L. Gomez if I am not mistaken. 200544837
NEXT WEEK’S QUESTIONS: 1. Sa loob ng tatlong salita, ilarawan mo ang nakaraang SONA ni Aquino. 2. Natuwa ka ba sa Batman: The Dark Knight Rises? Bakit o bakit hindi? Key in KULE <space> MESSAGE <space> STUDENT NUMBER <required> NAME AND COURSE (optional) and send to
Non-UP students must indicate any school, organizational or sectorial affiliation.
UP KaPiTas’ Deadlock: the Philosophy Professor’s Dialogue The UP Kabataang Pilosopo Tasyo will hold a dialogue among philosophy professors on July 25 at Ph 207 from 1-4 pm. Pforfessors from UP and ADMU will discuss the topic “Is religion an obstruction in rational discussion?” Deadlock is also brought to you by The History Channel and Spy Wine Coolers.
Punong Patnugot
vISKOmmunicate: A crash course in proper visual communica-
Patnugot sa Balita
tion vISKOmmunicate is a seminar on the basics, proper usage and optimization of visual communication. It aims to help participants to better communicate their ideas through maximization of visual elements and techniques. This event is brought to you by the College of Fine Arts Student Council in partnership with the UP League of College Councils, and will be held on August 6, 1-4 PM at the UP Diliman National College of Public Administration and Governance.
Kapatnugot Panauhing Patnugot
Patnugot sa Lathalain Patnugot sa Grapix
Mga Kawani
DARe (Disclose All Records) Movement Launch and Presscon True to our call for transparency and accountability, the UP Diliman University Student Council through its Education and Research Committee, will take the lead in making our public officials responsible by disclosing pertinent records, pursuant to constitutional provisions. The DARe (Disclose All Records) Movement will be launched on 25 July 2012, 1 PM at the UP NCPAG Case Room. The launch shall feature: 1) brief talks from distinguished personalities; 2) presentation of DARe Movement’s website; and 3) signing of DARe Manifesto for Good Governance. For further details, contact Jules Guiang at 0905-4502488. For good governance, serve the people!
Rock in Focus Rock in Focus is UP IE Club’s annual benefit concert and photography contest for the IEC Scholarship Fund. For the past 4 years, Rock in Focus has been held at Katips Bar. This year, we’re moving to Dencio’s Greenstreet, Capitol Hills! BANDS TO WATCH OUT FOR: Tonight We Sleep, The Squibs , Idioms and Dispositions, Amongst Wolves, Urduja, Stomachine, She’s Only Sixteen, The Dead Quiet For more details about the photography contest visit www.facebook.com/ UPIEClub.RockInFocus See you on August 17! :) Get free publicity! Send us your press release, invitations, etc. DON’T TYPE IN ALL CAPS. And go easy on the…punctuations?! dOn’t uSe tXt LanGuage pLs. Provide a short title. 100 words max. Email us at kule1213@ gmail.com CONTACT US! Write to us via snail mail or submit a soft copy to Rm. 401, Vinzons Hall, UP Diliman, Quezon City. Email us kule1213@gmail.com. Save Word attachments in Rich Text Format, with INBOX, NEWSCAN or CONTRIB in the subject. Always include your full name, address and contact details.
OPINYON Pinansya Tagapamahala ng Sirkulasyon Sirkulasyon
Mga Katuwang na Kawani
Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1213@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations, College Editors Guild of the Philippines Ukol sa Pabalat Dibuho ni RD Aliposa
Lunes 23 Hulyo 2012
KUNWARING KAUNLARAN IPINALALAGANAP NG PAMAHALAAN ang ilusyon ng tunay na pagbabago sa bansa habang ipinipinta nito ang imahen ng isang maunlad na bayan: nagpapautang ng isang bilyong dolyar, nagpapatupad ng mga kongkretong palisiya, at nagagawang makipagsabayan sa ekonomiya ng ibang mga bansa. Ngunit walang retorikang makapagkukubli sa mga panlilinlang ng rehimen ni Pangulong Benigno Aquino III na ilalahad sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes. Ibinabandera man ni Aquino ang 6.4 porsyentong pagtaas ng gross domestic product ng Pilipinas sa unang kwarto ng taon, nananatili pa ring may 4.4 milyong Pilipinong walang trabaho, ayon sa IBON Foundation. Hindi rin nagtaas ang minimum wage ng mga manggagawa, at sa halip ay higit pang binabarat sa pamamagitan ng bagong two-tiered wage system na higit pang nagpababa sa kanilang sahod. Nakalikha man umano ng mahigit 1.6 milyong trabaho sa panunungkulan ni Aquino, higit 800,000 o kalahati naman nito ang kontraktwal at panandalian, samantalang 500,000 o halos sangkatlo ang dala ng self-employment, kabilang ang maliliit na negosyong pantahanan. Samantalang idinidiin ng pamahalaan na pinakikinggan umano nito ang “atas ng taumbayan” sa pamamagitan ng pagpapababa sa pondong pambayad-utang sa susunod na taon at paglalaan ng higit na pondo para sa mga batayang serbisyo, hindi maitatago ng rehimeng Aquino ang katotohanang pribadong interes ang higit na
pinahahalagahan nito. Sa anumang sangay ng gobyerno, punong-puno ang panukalang badyet para sa susunod na taon ng pondo para sa public-private partnerships (PPPs), na hinahayaang pasukin ng pribadong sektor ang mga pampublikong serbisyo upang pagkakitaan at gawing mas kaakit-akit ang bansa para sa mga dayuhang namumuhunan. “Hindi na tayo gagastos, kikita pa tayo,” pagbibida ni Aquino sa kanyang SONA noong nakaraang taon. Kasabay din ng tangkang makipagsabayan sa iba pang bansa ang pagpapatupad ni Aquino ng programang K-12. Sa pagdaragdag ng tig-isang taon sa elementarya at hayskul, layon ng pamahalaang agad na makahanap ng trabaho ang kabataang Pilipino sa oras na makapagtapos sila sa hayskul — mistulang mga produktong inilalako sa mga malalaking multinasyunal na kumpanyang kailangan ng barat na lakas paggawa. Ipinagmamalaki rin ng pangulo ang kanyang laban kontra korupsyon. Ngayong taon, nilitis at napatalsik si dating Chief Justice Renato Corona. Ngunit hanggang sa kasalukuyan, wala pang pinal na hatol kay dating Pangulong Gloria Arroyo, sa kabila ng kabi-kabilang kaso ng katiwalian. Sa loob ng dalawang taon, kamakailan lamang napabalita ang pagsisimula ng paglilitis laban kay Arroyo para sa kasong pandarambong— ilang araw bago ang ikatlong SONA ni Aquino.
Kung susuriin, ang pagtugis kay Corona ay bahagi lamang ng malawig na tunggalian sa kapangyarihan sa loob ng pamahalaan. At upang mabalikan si Aquino ng hudikatura, nagdesisyon ang Korte Suprema na ipamahagi sa mga magsasaka ang lupain ng Hacienda Luisita inc. (HLI), isang lupaing pagmamay-ari ng mga kamag-anak ng pangulo. Malugod na tinanggap ni Aquino ang hatol, ngunit hindi ito patunay na isinusulong na niya ang isang makabuluhang repormang agraryo. Sa katunayan, tinatayang tanging 13,819 ektarya kada buwan ang lupang naipamamahagi ng termino ni Aquino, mas mababa pa sa 17,311 ektarya kada buwang naipamamahagi sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Piling mga datos lamang ang inilalantad ni Aquino sa publiko. At taliwas sa kanyang mga pahayag, malaking bahagi ng mamamayan ang hindi ikinatutuwa ang pagkukubli niya sa tunay na kalagayan ng lipunan. Nagpapatuloy ang marahas na kalagayan ng mamamayan sa ilalim ng rehimeng Aquino. Sa ilalim ng Oplan Bayanihan, nagpapatuloy ang malagim na rekord ng
militar sa paglabag sa karapatang pantao. May 170 kaso ng pulitikal na pamamaslang na ang naitala sa ilalim ng panunungkulan ni Aquino. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nahuhuli si Retired Maj. Gen. Jovito Palparan, pangunahing suspek sa pagdukot sa mga mag-aaral ng UP na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan. Samantala, sa kabila ng pagtanggi ng Malacañang na may mga detenidong pulitikal sa bansa sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagdakip, at sa kasalukuyan, aabot na sa 385 ang detenidong pulitikal sa bansa. Sa mainit na pagtanggap ng rehimeng Aquino sa laksa-laksang tropa ng Amerikano sa Pilipinas, hinahayaan rin ng pangulong mayurakan ang soberanya ng bansa. Buong giliw na hinayaan ng gobyerno na muling gamitin ng Estados Unidos ang bansa bilang pain sa inilulunsad nitong palihim na digmaan laban sa Tsina.
Ipinipinta ni Aquino ang isang imahe ng kaunlaran, ngunit hindi kabilang ang karamihan sa mga mamamayan sa pag-unlad na ito. Hindi pa rin naipatutupad ang tunay at malawakang reporma sa lupa, walang pambansang industriya na magbibigay ng nakabubuhay na sahod sa mga mamamayan, at nananatiling nakasandig ang ekonomiya sa mga dayuhang kumpanya. Dalang-dala na ang sambayanan sa paulit-ulit na retorika ng huwad na pag-unlad. Sa pagigting ng panlilinlang, lalong higit na kailangang armasan ang taumbayan ng kritikal na pananaw at kaalaman upang sama-samang mapanagot ang pamahalaang patuloy na nagpapalaganap ng kahirapan at karahasan sa bayan.
ESPESYAL NA ISYU Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Dilman Tomo 90, Blg. 07 Hulyo 23, 2012