Palparan, itinanggi ang pagdukot kina Karen, She — Page 3 Disenchanted
Philippine Collegian Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman 12 Hulyo 2011 Taon 89, Blg. 5
Terminal Cases Delfin Mercado
T
Double Standards
his movie is certainly the sequel we were waiting for. I finished the whole Harry Potter series, thanks to you, despite my taste; we liked different genres in fiction. You lived in your Tolkiens, while I processed my Asimovs. Some weekends, when your family would invite me to your home near the beach, we exchanged books and compared notes. Then you made me read about Harry and Hogwarts, because you wanted someone to discuss your wild magical theories with. I remember the first time you brought the first book to class, back in fifth grade. No one recognized nor bothered to ask what the book was about, except me. During recess, you asked me what I would do if I found out that I could do magic. “I’ll create my own world. This place is a mess,” I said, and you laughed. You lent me your copy of The Sorcerer’s Stone, and I finished it in two days. I told you—it’s not spectacular, but it’s paced pretty well. You scoffed at my harsh comment, and said I probably lacked imagination. You could say the worst things about me, for back then, you were my closest friend and companion. Only a few kids could stand my awkward silence and more awkward stares, but you were always so naïve and nice. I always thought I scared our classmates, who would have answered your query on magic less creatively. Twelve years have passed since the day you introduced me to the wizarding world, and a lot of things have changed. Though we both entered UP Diliman, we took different courses. Now, you’re in the first year of your Master’s degree, while I’m a non-major student with slim chances of ever graduating. The last time we went out was during our freshman year, almost five years ago. We went to the mall hours before it opened just to be the first ones to buy the last book of the series. So this is how it ends, you said, while carefully unwrapping that thick book. Something else ended later that week. You always said that the end of the Harry Potter series also marked the end of our childhood. In college, we drifted apart. You met other friends, and I buried myself in my bargain books. Though we are both in the same university, we never crossed paths. I was tempted to believe in magic, find a wand, and utter “accio” so I could see you. You always said that the end of the Harry Potter series would mark the end of our childhood. Days away from the screening of the movie that will close a chapter in our lives, you invited me to watch the movie with you. Just like old times, you texted and capped your cheesy line with a smiley. I heard that you had just broken up with that bloke you were dating. Not magical enough, you would probably say if I asked you why you left him. ●
The Philippine constitution emphasizes a single overriding standard for education—quality education at all levels should be made accessible to all. Yet in practice, double standards exist for higher education. Private schools confidently promise quality education, state universities and colleges (SUCs)
deteriorate with the decreasing subsidy the government gives them. Stories from private colleges and SUCs reflect the glaring contrast between the two faces of higher education. Behind these double standards lies a harsh reality: the law of money defeats the universality of the right to education.. Features
P6
Dibuho nina Nico Villarete at Chris Imperial
Ang pagkakatulad ng panliligaw at propaganda Kultura Pahina 9
Tanggapin ang hamon Editoryal Pahina 2
Kwento ng pagkain, pagaaral at pagkayod sa loob ng UP Kultura Pahina 8
2 • Kulê Opinyon
Martes 12 Hulyo 2011
Tanggapin ang hamon Sa panahon ng ligalig, walang puwang ang pag-aalinlangan. Sa halip, tinatawagan tayong tumugon sa tumitinding hamon ng ating panahon. Unti-unti nang nababasag ang mga ilusyong pinalalaganap ng bagong administrasyon. Sa kabila ng patuloy na pagsambit ni Pangulong Benigno Aquino III ng mga paulit-ulit na retorika ng “pagtahak sa tuwid na landas,” araw-araw ay lalong tumitindi ang tama ng krisis sa sambayanan. Walang habas ang pagsirit ng presyo ng bilihin samantalang umiimpis ang halaga ng sahod. Lalo pang lumalala ang kabalintunaan ng lipunan. Samantalang dumarami ang may labis na yaman, tumataas naman ang bilang ng mga walang trabaho at nanatiling walang makabuluhang umento sa sweldo ang mga manggagawa. Habang nagdarahop ang bayan, walang ibang tugon ang pamahalaan kung hindi mga panandaliang solusyong ang layon ay makatawid lamang ng paisa-isang araw ang mamamayan: mga tingi-tinging programang bukod sa hiniram lamang mula sa nakaraang rehimen, ay wala ring tanaw na malalimang solusyunan ang mga suliranin ng ating lipunan. Nagpapatuloy ang panunupil ng estado at paglabag sa karapatang pantao. Wala pa ring hustisyang nakakamit ang mga biktima ng pulitikal na pamamaslang at sapilitang pagkawala, kabilang ang mga estudyante ng UP na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan. Matapos ang isang taong panunungkulan ni Aquino, tuluyan nang nailantad sa atin ang tunay na patutunguhan ng kanyang “tuwid na daan” – isang landas na walang pinag-iba sa mga tinahak ng nagdaang mga administrasyon. Ito ang kongkretong kalagayang ating kinahaharap. Ito ang pinagmumulan ng hamong kailangan nating tanggapin. Ilusyon ang sabihing hiwalay sa suliranin ng mamamayan ang sitwasyon nating kabataan sa kasalukuyan. Iyon lamang mga nahihirati sa ilusyon ang nanatiling bulag at manhid sa laganap na paghihikahos. Markado ng
QUOTED
Always, in my mind and in the minds of so many victims, the NPA should totally be eliminated. ‘Yun ang pinakamagandang mangyayari sa Pilipinas. —Retired
5.5 x 3.5 in
Maj. Gen. Jovito Palparan Jr.,
Collegian interview, July 8
Marianne Rios
mahahabang pila sa pautang at late payment ang enrolment kada semestre. Sa UP, lubhang dumami ngayong taon ang bilang ng mga estudyanteng inilagay ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program sa Bracket A at kinakailangang magbayad ng mga estudyante ng P1,500 kada yunit. Sa mga pribadong pamantasan, laganap ang pagsasamantala sa mga estudyante sa pamamagitan ng paniningil ng labis at hindi maipaliwanag na mga bayarin. Patuloy ang pagkakait ng gobyerno sa abotkaya at dekalidad na edukasyon, at iba pang batayang serbisyo. Sa harap ng lahat ng ito, inutil at nanahimik ang Commission on Higher Education, na dapat sana’y nagtatanggol sa kapakanan ng mga estudyante. Wala ring takas maging iyong nabubulid sa pangako ng pag-ahon sa kahirapan matapos ang pag-aaral. Ayon sa tala ng Ibon Foundation, sa bawat tatlong mag-aaral na
Editoryal
nagsisipagtapos, isa lamang ang agad na nakakukuha ng trabaho, at madalas ay hindi pa ito angkop sa kanyang tinapos na kurso. Walang takas ang lahat. At sa gayon, walang nararapat umiwas sa pagtangan ng tungkuling bumalikwas. Patunay ang mahabang kasaysayan ng pagkilos sa bansa sa mahalagang papel na ginagampanan ng kabataan sa laban ng sambayanan. Sa gitna ng kadiliman ng Batas Militar, nagsilbing tanglaw ang kilusang kabataan na gumabay at nanguna sa paggupo ng represibong rehimeng Marcos. Nag-alay ng buhay ang daandaang lider kabataan upang masupil ang diktadurya. Hinog ang panahon upang lumaban. Noong nakaraang taon lamang, naging saksi ang kalakhan sa atin sa tagumpay ng kolektibong pagkilos laban sa kaltas sa badyet ng UP at iba pang state universities and colleges. Umalingawngaw hanggang sa mga bulwagan ng Senado ang lakas ng ating pagtindig. Bagaman malaki pa rin ang nakaltas sa subsidyo para sa mga
pampublikong pamantasan, bahagya itong nadagdagan ng Senado bunsod ng mga pagkilos. Nanuot ang ating mga daing sa bawat departamento ng pamahalaan, at napilitan silang dinggin ang ating panawagan para sa mas mataas na pondo sa edukasyon. Muling tinatawagan ang kabataang manguna sa panambitan ng sambayanan. Mag-walkout tayo sa ating mga klase at tanganan ang mabigat na hamong iniatas sa atin ng maligalig na panahon. Muli nating yanigin ang lansangan ng dagundong ng libu-libong yabag. Sama-sama nating ipagsigawan sa mga kalsada ang ating panawagan. Sa panahon ng ligalig, walang puwang ang pagsasawalang-bahala, ang pananatiling kimi, ang hindi paglahok. Napatunayan nang tanging sigaw ng kolektibong pwersa ang naririnig ng nagbibingi-bingihang rehimen. Tinatawag tayo ng panahon upang muling tumungo sa mga kalsada. Ngayong Hulyo 19, tinatawag tayo ng panahon upang muling makiisa. ●
These giant billboards where private parts of the body have been clearly outlined and emphasized should be dismantled as it poses great dangers to the lives of the motorists and contribute to the serious erosion of the country’s moral fiber. — Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, abante-tonite.
com, July 10
Maraming negosyo namin ang nawala, pero hindi kami nagko-complain dahil kahit papaano, ang Diyos, maganda ang trato sa amin — Jose “Peping” Cojuangco Jr.,
Philippine Collegian www.philippinecollegian.org Punong Patnugot Marjohara S. Tucay Kapatnugot Pauline Gidget R. Estella Tagapamahalang Patnugot Dianne Marah E. Sayaman Mga Panauhing Patnugot Jayson D. Fajarda, Larissa Mae R. Suarez Patnugot sa Lathalain Mila Ana Estrella S. Polinar Patnugot sa Grapiks Nicolo Renzo T. Villarete, Chris Martin T. Imperial Tagapamahala ng Pinansya Richard Jacob N. Dy Kawani Ruth Danielle R. Aliposa Pinansiya Amelyn J. Daga Tagapamahala sa Sirkulasyon Paul John Alix Sirkulasyon Gary Gabales, Ricky Kawat, Amelito Jaena, Glenario Ommalin Mga Katuwang na Kawani Trinidad Gabales, Gina Villas Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Plipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1112@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers Organizations, College Editors Guild of the Philippines
Noynoy Aquino’s uncle and Hacienda Luisita Inc. coowner, gmanews.tv, July 10
3 • Kulê Balita
Palparan, muling itinanggi ang pagdukot kina Karen, She Marjohara Tucay Sa harap ng mga magulang ng nawawalang mga estudyante ng UP na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, muling itinanggi ni retired Maj. Gen. Jovito Palparan ang pagkakasangkot sa pagkawala ng dalawa. “I strongly deny it. What will [I] admit kung wala naman,” ani Palparan sa pagsisimula ng pagdinig ng Department of Justice (DOJ) sa mga kasong kriminal laban sa kanya at lima pang kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Hulyo 8. Kinakaharap nina Palparan, Lieutenant Colonels Rogelio Boac at Felipe Anotado, Second Lieutenant Francis Mirabelle Samson, Arnel Enriquez, at Master Sergeants Donald Caigas at Rizal Hilario ang mga kasong “rape, serious physical injuries, arbitrary detention, maltreatment of prisoners, grave threats, grave coercion” at paglabag sa Republic Act 7438 o batas na naglalayong protektahan ang karapatan ng mga taong nakapiit na isinampa nina Erlinda Cadapan at Concepcion Empeño sa DOJ noong Mayo 4.
Harapan
Tanging sina Palparan at Enriquez ang nakadalo sa pagdinig noong Biyernes kung saan unang nagharap ang mga akusado at ang mga magulang nina Empeño at Cadapan. Ayon kay Enriquez, hindi siya sangkot sa pagdukot kina Karen at Sherlyn, at maaaring ginamit lamang ng mga tunay na maysala ang kanyang pangalan.
Samantala, bigong magsumite ng counter-affidavit si Palparan. Aniya, katatanggap lamang niya ng subpoena ng DOJ noong Hulyo 6 at nangagailangan pa siya ng oras upang sagutin ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Binigyan ng palugit ng DOJ ng hanggang Hulyo 19 ang kampo ni Palparan upang magsumite ng counter-affidavit. Nakatakda rin sa nasabing petsa ang susunod na pagdinig ng kaso. Si Palparan, na dating pinuno ng North Luzon Command, ang itinuturong utak sa pagdakip ng dalawang mag-aaral na huling namataan sa Hagonoy, Bulacan noong 2006 sa kasagsagan ng kampanyang kontrainsurhensiyang Oplan Bantay Laya ng AFP. Naglabas ng desisyon ang Supreme Court (SC) noong Mayo 31 na nagdidiin sa retiradong heneral at lima pang kasapi ng AFP sa pagkawala ng dalawang estudyante. Batay sa desisyon ng korte, sina Palparan ang “responsible and accountable [for] the continued detention” nina Cadapan and Empeño. Ipinag-utos rin ng SC na agad ilitaw ng mga salarin ang mga nawawalang estudyante at ang magsasakang si Manuel Merino. “The charges against me are baseless and designed really for propaganda,” ani Palparan. “Sana naman ‘wag na siyang magpatuloy sa pagsisinungaling dahil dudungisan lamang niya ang pangalan ng AFP,” ani Cadapan, ina ni Sherlyn. “Simula noong lumutang ako
SINISTER SMILE. Retired Maj. Gen. Jovito Palparan Jr. (right) faces the Department of Justice (DOJ) panel during the preliminary investigation on the criminal complaints filed against him by relatives of missing UP students Karen Empeño and Sherlyn Cadapan on July 8 (main). Meanwhile, youth groups hold a protest action in front of the DOJ to condemn Palparan’s continued denial of his involvement in the disappearance of the activists (small). Photos by Richard Jacob Dy
at nagsalita, ‘yun naman talaga ang sinasabi ni Palparan. Pero ako mismo ang saksing magpapatunay sa kanyang mga kasalanan,” ani Raymond Manalo, pangunahing testigo sa kaso. Si Manalo ay isang magsasakang dinukot at kinulong din ng militar kasama ang kanyang kapatid ngunit nakatakas. Ayon sa kanyang testimonya, na nauna nang kinatigan ng SC, mismong si Palparan ang nasa likod ng pagdukot at pagtortyur sa mga nawawalang mag-aaral. “Handa akong magwitness habang ako’y nabubuhay. Hindi niya pwedeng pagbali-baliktarin ang mga nakita ko,” dagdag ni Manalo.
Taliwas na pahayag
Samantala, hindi pa nabibigyan ng DOJ ng subpoena sina Hilario at Caigas dahil mali ang kanilang
address, ayon kay Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, pinuno ng DOJ investigating panel. Ayon sa isang kinatawan ng AFP Office of the Deputy Chief of Staff for Personnel (J1), ang huling naitalang address ni Hilario ay sa Taguig City, samantalang sa Navotas City naman huling nakatalang nanunuluyan si Caigas. Kinumpirma rin ng kinatawan ng J1 na parehong retiradong master sergeant ng AFP ang dalawa. Taliwas naman sa mga naunang pahayag ng AFP sa Court of Appeals (CA)at SC ang naging pahayag ng kinatawan ng J1 na retiradong opisyal ng AFP si Caigas. Sa mga affidavit na isinumite ng AFP sa CA at SC, paulit-ulit na itinanggi ng ahensya na kasapi ng AFP si Caigas. “Petitioners assert that Donald Caigas Sundan sa pahina 4 »
Makabuluhang umento sa sahod, hiling ng mga kawani ng UP Isa Borlaza Sa kabila ng pagpapatupad ng ikatlong tranche o bahagi ng Salary Standardization Law III (SSL3) ngayong Hulyo, patuloy pa rin ang panawagan ng mga kawani ng UP para sa “makabuluhan at mas mataas na umento” sa sahod. “Hindi ramdam ang P700 hanggang P1000 dagdag sa sahod,” ani All UP Workers Union National Executive Vice President Clodualdo Cabrera. Paliwanag niya, nawawalang-saysay ang mga pagtaas sa sahod bunsod ng unti-unting pagbibigay ng umento sa ilalim ng SSL3, na hindi nakasasabay sa madalas na pagtaas ng presyo ng mga bilihin kamakailan. Taong 2009 nang lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang SSL3 na layuning itaas ang sahod ng mga empleyadong nakapaloob sa 33-grade pay scale ng gobyerno sa pamamagitan ng paunti-unting pagtaas hanggang 2012. Sa pagpapatupad ng ikatlong tranche, papatak ng P700 hanggang P1000 ang itataas ng sahod ng mga nasa pinakamababang posisyon sa gobyerno, samantalang P5,000 hanggang P12,000 naman ang umento sa mga nasa pinakamatataas na puwesto, kabilang si Pangulong Benigno Aquino III. “The UP Administration did not formulate the SSL3, it only implements it. Sooner or later, there
will be another SSL and it should be an improvement of SSL3. Let us study carefully and understand accurately the implementation flaws of SSL3 first,” ani Chancellor Caesar Saloma.
Paghiwalay sa SSL3?
Batay sa 2008 UP Charter, maaaring humiwalay ang UP sa SSL3 at magpatupad ng sariling salary and compensation scheme. Sa ginawang pag-aaral ng Position Classification and Compensation Plan Committee na pinamunuan ni dating UP President Emerlinda Roman noong Hunyo 2009, kinakailangang itaas ng hanggang P200,000 ang sinisingil sa mga mag-aaral kada taon upang pondohan ang paghiwalay sa SSL3. “UP has no capability [to generate the needed funds on its own]. And as a national university, it is the government’s responsibility na mabigyan ng tamang subsidy [ang UP],” ani UP Staff Regent Jossel Ibit Ebesate. Dahil hindi pa kayang humiwalay ng UP sa SSL3 bunsod ng kakulangan ng pondo, marami sa mga kawani ang nagtitiis sa mababang pasahod, ani Cabrera. “Sa katunayan, karamihan sa mga empleyado na nasa pinakamababang salary grade ay tumatawid lamang sa ‘utang-bayad’,” dagdag niya. “Nararapat nang ipatupad nang buo ang SSL3 para maramdaman ang increase. Bukod dito, dapat magbigay ng dagdag P6,000 sa minimum [salary grade],” ani Cabrera. ●
Martes 12 Hulyo 2011
POLICEBRIEFS
Isa Borlaza Bangkay natagpuan sa UP Arboretum
Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay sa UP Arboretum noong Hunyo 2. Tinatayang nasa edad 30 at may taas na limang talampakan at tatlong pulgada ang biktima na natagpuan ng isang residente ng Brgy. Old Capitol Site bandang alas otso ng umaga. Nakaposas ang lalaki at may dalawang tama ng baril sa noo at dalawa sa dibdib. Nakarinig ang mga residente ng sunod-sunod na putok ng baril bandang alas kwatro ng madaling araw, ulat ni Duty Investigator Corporal Juan Encarnacion. Ngunit sa pag-iimbestiga ng UPDP, walang natagpuang empty shell o cartridge ng bala malapit sa bangkay, ani Duty Investigator Special Police Wilfredo Disierto Jr. Hawak na ngayon ng Philippine National Police ang imbestigasyon. Freshman, biktima ng ‘dugodugo gang’ Isang freshman ang nanakawan ng cellphone na nagkakahalagang P20,000 malapit sa College of Law (Law) noong Hunyo 6. Ayon kay Sarah Ampil, estudyante ng School of Economics, isang lalaking nagpakilala bilang imbestigador ng sorority hazing ang lumapit sa kanya bandang ala-una ng hapon sa tapat ng College of Business Administration. Inimbitahan umano siya sa isang panayam ng lalaking tinatayang nasa 30 hanggang 35 taong gulang. Dalawang lalaki pa ang dumating at dinala si Ampil sa labas ng Café Iana sa Law. Nang makarating doon, inilabas ni Ampil ang kanyang cellphone upang tawagan ang isang kaibigan ngunit kinuha ng mga lalaki ang cellphone sa paghihinala na tatawag siya ng “backup mula sa sorority.” Ayon kay UPDP Corporal Cesar Oliquino, isa lamang si Sarah sa mga naging biktima ng “dugo-dugo gang.” Noong nakalipas na buwan, ninakawan din ng dalawang kalalakihan ng cellphone, relo, wallet at ATM card si Mark Liwag, isang Engineering sophomore. Inakusahan din umano siyang miyembro ng fraternity. Naglabas ng patalim ang mga suspek upang makuha ang ATM number ni Liwag, dagdag ni Oliquino. “May stigma kasi na nakatatakot ang mga members ng [fraternities or sororities], as if they’re gangs here in UP. We need to inform the public of the hold-ups and more importantly, shed light on the true image of frats and sororities, which are still student organizations,” ani University Student Council Student Rights and Welfare Committee head Soraya Elisse Escandor. ●
4 • Kulê Balita
International activists slam ‘U.S. terrorism’ Raine Dumaquid More than 450 delegates from 40 countries condemned the “U.S. war of aggression and the assaults on peoples’ rights around the world” in the fourth assembly of the International League of Peoples’ Struggle (ILPS) held in the Philippines. The assembly of the ILPS, a decade-old formation composed of 380 grassroots organizations worldwide, was held from July 7 to 9 in San Mateo, Rizal. From July 4 to 11, international delegates also gathered in sectoral conventions such as the International Youth Solidarity Forum at UP Diliman. The “rising resistance of peoples and nations” amid the worsening global economic crisis only shows how ILPS has mobilized people and steadily expanded, said Jose Ma. Sison, chairperson of ILPS International Coordinating Council, in a keynote speech. Since last year, new organizations from Africa, Middle East and other continents have joined the ILPS. Different sectors such as workers, women and youth “have launched general strikes and massive protest actions in France, Italy, Spain, Greece, Ireland and Portugal,” said Sison, reporting on the achievements of ILPS in the past 10 years. Sison cited the recent protests in North Africa and the Middle East, explaining that the movements have successfully overthrown U.S.-backed autocratic regimes in Tunisia and Egypt. He added that the people in Columbia, Peru, Philippines and other countries are waging “armed struggles for national liberation against U.S. imperialism.”
and peoples’ movements which only aim to protect means of livelihood, natural resources and workers’ rights, were “demonized,” he explained.
‘Economic mastership’
Before cultural imperialism, however, is U.S. “economic imperialism,” said Prof. Francois Houtart, founder of the Tricontinental Centre (CETRI), an organization that studies the economic relations of the Northern and Southern countries. For example, U.S. wars of aggression have earned the country access to energy resources, he added, citing the wars in Iraq and Afghanistan. The wars took up one percent of U.S. budget but also allowed the superpower to control 80 percent of crude reserves and “to condition 80 percent of the consumption of Japan and 50 percent of Europe,” explained Houtart.
To preserve its “economic mastership,” it has invested on intelligence agencies such as the Central Intelligence Agency (CIA), which has figured in many assassinations of political figures in other countries since the 1970s, said Hourtart. CIA has a record of interfering in the politics of Cuba, Honduras and other Latin American countries, he added. There is also a form of “military imperialism, probably the most known aspect of US imperialism today,” said Houtart. According to CETRI, there are more than 700 bases outside the territory of the US “strategically located to control natural resources.” Despite all forms of U.S. imperialism, all empires are bound to come to an end through sustained “people’s resistance,” Houtart said. ●
« mula sa pahina 3 and Arnel Enriquez are not members of the AFP,” ayon sa desisyon ng SC noong Mayo 31. “Retired na [si Caigas] as of now... I don’t know kung paanong takbo noon [sa SC],” ani Palparan nang tanungin ng Collegian hinggil sa pagkakaiba ng pahayag ng AFP sa korte at sa DOJ. “Noon, tinatanggi nila na nasa roster list nila si Caigas. Pero ngayon kinoconfirm nila na nasa Armed Forces yung Donald Caigas na yun. ‘Yung army natin, talagang nagsisinungaling at gawain ang pag-cover up sa mga kasalanan nila,” ani Cadapan. Liban sa pagdukot kina Empeño at Cadapan, suspek rin si Caigas sa pagpatay sa human rights worker na si Eden Marcellana at peasant leader na si Eddie Gumanoy noong Abril 2003. Napabalitang nawala at kalauna’y natagpuang patay si Caigas habang nangangampanya para sa AnadBantay Partylist sa Davao City noong Abril 2010. Umupo ng isang termino si Palparan sa ilalim ng nasabing partylist. Tumanggi si Palparan na kumpirmahin kung kilala niya si Caigas. Inatasan ni Navera ang J1 na muling tukuyin ang kinaroroonan nina Hilario at Caigas, at kumpirmahin ang ulat na patay na nga ang huli.
‘Watch list’
Continued resistance
U.S. has been waging wars of aggression under the guise of humanitarian causes, said Sison. For instance, “the US is now flagrantly seeking to grab and tighten its control over the oil resources of Libya, as it did in Iraq,” he added. This year, a U.S.-led league of nations launched missiles to Libya, killing and wounding several civilians. U.S. President Barack Obama said the intervention was necessary to “liberate the people of Libya,” which was then at the height of a mass uprising against Libyan leader Moammar Gadhafi. Gadhafi has been in power for 42 years. For U.S., resistance is equivalent to terrorism and defending national sovereignty is “meaningless” rebellion that must be eliminated, said UP Prof. Roland Simbulan, who wrote about U.S. geopolitical strategies. Radical
Palparan muling itinanggi...
TOTAL SOLIDARITY. Delegates to the International Festival for People’s Rights and Struggles (IFPRS) stage a cultural presentation during the IFPRS Solidarity Night at the UP Bahay ng Alumni on July 5. Hosted this year by the Philippines, the IFPRS is a worldwide gathering of different sectors to discuss issues and challenges as well as lessons from people’s struggles around the globe. Photo by Airnel T. Abarra
BADTRIP. NAUBUSAN AKO NG KOPYA NG KULE BUTI NA LANG MAY
WWW.PHILIPPINE COLLEGIAN.ORG
Hiniling naman ng mga magulang nina Empeño at Cadapan sa DOJ na ilagay sa “watch list” ng Bureau of Immigration sina Palparan at anim pang akusado. “All respondents are members of the [AFP] who have more than sufficient means, motive and opportunity to leave the country to evade possible criminal prosecution and be beyond the jurisdiction of the DOJ and the courts. In this regard, we request that the above-named respondents be included in the Watchlist Order to prevent them leaving the country and make a mockery of justice,” saad ng mga nanay nina Empeño at Cadapan sa isang sulat kay DOJ Secretary Leila de Lima noong Hulyo 7. “As my lawyer commented, that’s quite premature and maybe not necessary because we are not running away from this investigation. Wala naman kaming intensiyong tumakbo,” ani Palparan. “Nararapat magcomply ang lahat ng akusado sa DOJ, para kahit papaano, mabigyan na ng hustisya sina Karen at Sherlyn at siyempre, sa pamilya namin, magkaroon na kami ng katahimikan. Kahit patay o buhay ang mga anak namin, kailangang ilabas na nila,” ani Empeño, ina ni Karen. ●
Martes 12 Hulyo 2011
PLAYBACK Ulat panahon Keith Richard D. Mariano Makulimlim at nagbabadya ang mga ulap ng panlilinlang. Dumating na ang panahon para harapin ni Pangulong Benigno Aquino III ang bayan at iulat ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa unang taon sa puwesto. Sinimulan ni Aquino ang kanyang termino sa pangakong pagtahak sa isang “matuwid na daan”—isang administrasyong magiging kaiba sa rehimeng Gloria Arroyo. Ngunit sa halip na tumahak ng panibagong landas, kalakhan ng mga palisiya ng gobyernong Aquino ay hango lamang sa nakaraang administrasyon. Sa paglipas ng isang taon, ramdam ng iba’t ibang sektor ang kahungkagan ng retorika ni Aquino. Sa kanyang nalalapit na ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 25, muling tatayo si Aquino sa entablado ng Kongreso, haharap sa sambayanan at maguulat.
Ano ang nararapat lamanin ng ikalawang SONA ni Aquino?
“Sabihin niyang hanggang ngayon ay hindi pa naipapamahagi ang Hacienda Luisita sa mga magsasaka sapagkat nananatili ito sa kamay ng kanyang pamilya. Isama din niya dito na hanggang sa ngayon wala pa ring katarungan para sa mga biktima ng pollitical killings. Tama na ang isang taong pag-aaral sa kalagayan ng bansa, panahon na para kumilos” –Anakpawis Rep. Rafael Mariano, sa isang media forum noong Hulyo 7 “Bigyang laman niya ang kanyang mga pangako. Kung susukatin ang katuwiran ng kanyang tinatahak na daan, dapat naaayon ito sa pananaw ng mga mamamayan at hindi sa gusto niyang gawin na ibenta ang ating rekurso sa mga dayuhan at paalisin ang mga mamamayan para magtrabaho sa ibang bansa. Hindi iniisip ni Aquino ang pagunlad natin bilang isang industriyalisadong bansa.” -Dr. Giovanni Tapang, tagapangulo, Samahan ng Nagtataguyod ng Agham at Teknolohiya Para sa Sambayanan “Dapat ipamukha sa kanya na pinalala niya ang kawalan ng pagasang makapagtapos ng pag-aaral ang mahihirap dahil sa kanyang pagpabor sa mga kapitalistang nagmamay-ari ng mga paaralan at ginagawang negosyo ang pagaaral.” –Prof. Phoebe Zoe Sanchez, UP Cebu Division of Social Sciences “Ang ‘tuwid na daan’ niya ay naging isang killer highway dahil lalong naghihirap ang mamamayan. Aminin niyang wala siyang ibang nagawa kundi ipagpatuloy ang rehimeng Arroyo gaya ng band aid na solusyon sa kahirapan, ang Conditional Cash Transfer; at ang counterinsurgency program na lumabag sa karapatang pantao, sa ibang anyo at pangalan nga lang.” -Myra Cabujat, 3rd year, BA Journalism “Mahirap pa rin ang bansa at walang nagbago sa panunungkulan niya bilang pangulo. Kahit ilang beses pa siyang magSONA, walang pagbabagong magaganap dahil lalo pang naghihirap ang mga mahihirap habang lalong yumayaman ang mga mayayaman sa kanyang panunungkulan. May ginagawa naman siya ngunit hindi lang talaga sapat.” -Mars Tadeo, UP Manininda
5 • Kulê Balita
Martes 12 Hulyo 2011
Mga magsasaka ng HLI, i gi ni i t an g pamamahagi ng lupa Keith Richard D. Mariano Mariing tinutulan ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang desisyon ng Supreme Court (SC) na magsagawa ng panibagong referendum at iginiit ang pamamahagi ng 6,453 ektaryang lupain. “Hindi namin kailangan ng stocks [at] uulit-ulitin ko ito. Ang kailangan naming mga magsasaka ay lupang masasaka [kung saan] kami makakukuha ng kabuhayan,” ani Rodel Mesa, tagapagsalita ng Alyansa ng mga Manggagawa sa Asyenda Luisita (AMBALA). Pagmamay-ari ng mga Cojuangco, ang pamilya ni Pangulong Benigno Aquino III, ang Hacienda Luisita, ang pinakamalaking taniman ng tubo sa bansa. Sa desisyong inilabas ng SC noong Hulyo 5, sinang-ayunan nito ang pagsasawalang bisa ng Philippine Agrarian Reform Council (PARC) sa 1989 Stock Distribution Option (SDO) ng Hacienda Luisita Inc. (HLI). Sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng gobyerno, maaaring piliin ng mga magsasaka ang SDO, kung saan stocks at hindi lupa ang kanilang matatanggap. Ipinawalang-bisa ng korte ang SDO dahil sa mga paglabag ng HLI sa ilang probisyon dito gaya ng pamamahagi ng mga lupang matitirahan ng mga magsasaka (sumangguni sa sidebar 1). Nauna nang binasura ng PARC ang SDO noong 2005 ngunit umapela ang HLI sa SC. Noong Hunyo 2006, naglabas ang SC ng temporary restraining order na pabor sa kahilingan ng HLI. Sa kabila ng pagbasura sa SDO, ipinag-utos ng SC ang pagsasagawa ng panibagong referendum kung saan papipiliin muli ang mga magsasaka sa pagitan ng stocks at lupa. “While we affirm the revocation of the SD plan on Hacienda Luisita, the Court cannot close its eyes to certain operative facts that had occurred in the interim,” ayon sa desisyon. Hindi umano maaaring isantabi ng SC ang pagpili ng mas nakararaming magsasaka sa SDO noong 1989 at sa Compromise Agreement noong Agosto 2010. “These facts and circumstances tend to indicate that some, if not all, of the [farmerbeneficiaries] may actually desire to continue as HLI shareholders,” paliwanag ng SC.
Nangangamba si Mesa na baka maulit umano ang mga pananakot at panghaharas sa mga magsasaka lalo na at nanatili umano ang presensya ng militar at civilian army sa Hacienda Luisita. Noong Nobyembre 16, 2004, pitong magsasaka ang namatay nang marahas na buwagin ng militar at pulis ang kilos protesta laban sa HLI (sumangguni sa sidebar 2). “Hindi maikakaila na pera at armas ang laging ipinantatapat ng mga makapangyarihang Cojuangco sa aming maliliit na magsasaka,” ani Mesa.
Pagtutol sa referendum
Sa kabila ng pangamba sa kanilang seguridad, nanindigan ang AMBALA at Unyon ng mga Manggagawa sa Hacienda Luisita sa pagboykot sa referendum. Magsasampa din ng motion for reconsideration ang kampo ng mga magsasaka matapos nilang matanggap ang desisyon ng SC, ani Jobert Pahilga, abogado ng AMBALA. Magsasampa din ng hiwalay na motion for reconsideration ang Department of Agrarian Reform sa Hulyo 22 upang pigilan ang referendum. Taliwas umano ang panibagong referendum sa ginawang pagpapawalang-bisa ng SC sa SDO sa layunin ng CARP na maipamahagi ang lupa, ani DAR Secretary Virgilio delos Reyes sa isang press conference. Ipinasa din ng International League of People’s Struggle (ILPS) sa kanilang ika-apat na International Assembly ang resolusyong naguudyok kay Aquino, bilang miyembro ng pamilya Cojuangco, na ipamahagi na ang lupa sa mga magsasaka.
“Hacienda Luisita belongs to Luisita land tillers. President Aquino and his family have no legal, moral and political basis to keep the sugar estate,” ayon sa resolusyon ng ILPS. Ipinangako ni Aquino noong kasagsagan ng kanyang pangangampanya ang pamamahagi ng lupain sa may 6,296 magsasaka ng Hacienda Luisita. Si Aquino ang tumatayo ngayong chairman ng PARC, ang ahensiyang tumitiyak sa maayos na pagpapatupad ng programang agraryo ng gobyerno. “Ito na ang pagkakataon ni Aquino upang ipakita ang tunay na pagbabago at tuwid na daan. Isulong ang tunay na reporma sa agraryo, ipamahagi na ang mga lupa,” ani Mesa. ● Sidebar 1: Mga paglabag ng HLI sa SDO Hindi pamamahagi ng mga homelot sa mga magsasaka Sa ilalim ng Stock Distribution Option (SDO), nararapat mabigyan ng tig-240 square meters na lupa ang mga magsasaka upang mapagtayuan ng kanilang mga bahay. Labing-anim na taon na ang nakalipas ngunit marami pa rin sa mga magsasaka ang hindi nabigyan ng lupa. Hindi patas na pamamahagi ng stocks Sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL), nararapat mabigyan ang bawat magsasaka ng pantay-pantay na hatian sa stocks. Ngunit ibinatay ng HLI ang pamamahagi ng stocks sa bilang ng araw ng pagtatrabaho ng mga magsasaka. Dahil dito, maraming
‘Botohang lokohan’
Isang “malaking kalokohan” ang botohan noong 1989 at 2010 dahil tinakot o binayaran lang umano ang mga magsasaka para sang-ayunan ang SDO at Compromise Deal, ani Mesa.
IN HIGH SPIRITS. Members of the UP Pep Squad with the varsity athletes join forces as they cheer during the opening ceremonies of the UAAP Season 74 at the Marikina Sports Complex on July 9. The UP Men’s Basketball Team will play their first game against the UE Red Warriors at the Araneta Coliseum on July 14. Photo by Airnel T. Abarra
PAMATO. Nagtungong Mendiola ang ilang miyembro ng College Editors’ Guild of the Philippines (CEGP) upang magsagawa ng isang simbolikong protesta noong July 5. Ibinato ng grupo ang “Angry Birds,” na kumakatawan sa kanilang galit sa “baboy” na nasa Malacañang.. Kuha ni Chris Martin Imperial
magsasaka ang nabigyan ng higit na mababa sa dapat sanang mahigit 18,000 stocks. Panahon ng pamamahagi ng stocks Ayon sa CARL, nararapat ipamahagi ang stocks sa loob lamang ng tatlong buwan matapos ipag-utos ng DAR. Sa SDO, inunti-unti ang pamamahagi ng stocks sa loob ng 30 taon. Sidebar 2: Kasaysayan ng panlilinlang sa Hacienda Luisita 1958: Nabili ng pamilya Cojuangco ang Hacienda Luisita gamit ang nautang na pera mula sa Central Bank at Government Service Insurance System sa kondisyong ipamamahagi ang hacienda sa mga magsasaka matapos ang sampung taon. 1980: Sa ilalim ng administrasyong Marcos, ipinag-utos ng Manila Regional Trial Court ang pamamahagi ng Hacienda sa mga magsasaka. 1985: Iniakyat ng pamilya Cojuangco ang kaso ukol sa pamamahagi ng lupain sa Court of Appeals. Hindi umano tamang isailalim ang hacienda sa programang agraryo ng gobyerno sapagkat tanging taniman ng mais at palay ang saklaw ng Code of Agrarian Reform of the Philippines, ayon sa mga Cojuangco. 1987: Libu-libong magsasaka ng Hacienda Luisita ang nagprotesta sa Mendiola. Namatay ang 13 magsasaka sa tinaguriang Mendiola Massacre. 1988: Nang mahalal si Corazon Cojuangco-Aquino, binawi at ibinasura ang mga kasong isinampa sa mga Cojuangco ukol sa hacienda. Naisabatas ang Comprehensive
Agrarian Reform Law na sumasakop sa lahat ng lupaing agrikultural kabilang ang mga taniman ng tubo at niyog. 1989: Nagdaos ng referendum sa Hacienda Luisita kung saan 93 porsyento ng mga magsasaka ang sinasabing pumili sa SDO. 2003: Naghain ang may 5,300 magsasaka ng petisyon sa DAR para ipawalang-bisa ang SDO dahil sa paglabag ng HLI sa mga probisyon ng kasunduan. 2004: Sinibak sa trabaho ang 327 magsasaka kasama na ang mga lider ng unyon. Bunsod nito, nagsagawa ang 5,700 magsasaka ng welga laban sa HLI. Pitong magsasaka ang napatay ng mga pulis at militar. Samantala, walo sa mga tagasuporta ng mga magsasaka at testigo sa tinaguriang Luisita Massacre ang sunud-sunod na pinatay. 2005: Ipinag-utos ng PARC ang pagpapawalang-bisa sa SDO. 2006: Naglabas ang SC ng temporary restraining order sa desisyon ng PARC. 2010: Habang nakabinbin ang desisyon ng PARC, nagkaroon ng kasunduan ang mga magsasaka at HLI na tinawag nilang Compromise Agreement. Pinapili muli ang mga magsasaka sa pagitan ng stocks at lupa. 2011: Nagdesisyon ang SC na ipawalang bisa ang SDO. Gayunman, ipinag-utos rin ng korte na muling magdaos ng referendum upang papiliin ang mga magsasaka sa pagitan ng stocks at lupa ●
8 • Kulê Kultura
Martes 12 Hulyo 2011
Tawid-gutom
Mary Joy T. Capistrano Dala ng hangin ang amoy ng bagong lutong pancit canton. Kung matalas ang pandinig, maririnig ang pagputok ng mantika kung saan lumalangoy ang mga fishball na unti-unting namumula, kasabay ng paglobo ng mga squid ball at kikiam. Kahit napapaso o natitilamsikan ng mantika, tuloy lang si Lily* sa pagluluto ng pancit canton, fishball, kikiam at maging sa paggawa ng sandwich para sa mga estudyanteng kalalabas lang mula sa kani-kanilang klase. Kung gaano kaabala si Lily, ganoon din naman ang kanyang mga pinsan na sina May*, Albert* at Dan* sa iba’t ibang kiosks sa UP. Mula sa pamilya ng mga manininda sa loob ng unibersidad ang apat na magpipinsan. Minana pa nila ang hanapbuhay na ito sa kanilang mga lolo at lola. Sa pagluluto ng pancit canton at iba pang makakain sa mga kiosk
az an
Acads, acads, puro na lang acads! May buhay pa ba sa labas ng eskwela? Hanapin ang mga aral na hindi lang pang-akademya, pang-tunay na buhay pa. Ito ang youngbladder ng Kule, kung saan pinapuputok ang mga kontradiksyon at isyung nagkakabuhay sa espasyo ng mga paaralan.
Sertipiko sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino sa KAL. Bunsod naman ng kada-semestreng pagtataas ng matrikula sa Our Lady of Fatima University sa kursong Nursing, lumipat na lamang si Dan sa UP sa paniniwalang mas mura rito ang dekalidad na pag-aaral. Samantala, hindi na naipagpatuloy nina Lily at May ang kanilang pag-aaral. Nagawang makapag-aral ni Lily noong unang semestre sa Skills Power Institute sa kursong HRM ngunit hindi na siya nakapasok sa sumunod na semestre dahil wala siyang pambayad ng matrikula. Si May naman, hindi na nabigyan ng pagkakataong makatungtong man lang sa kolehiyo. Hindi na nag-abala pang kumuha ng UPCAT sina May at Lily sa kabila ng pangarap nilang makapasoksa UP. Ayaw na rin nilang umasapa; sakaling matanggap sa UP, hindi naman nila tiyak kung saan nila kukunin ang pantustos sa pag-aaral. Sapat lang ang kita ng kanilang kiosks para sa kanilang pang-araw-araw na
Al Kel
m
CLASS STRUGGLE
kumukuha ng ikabubuhay sa araw-araw ang kani-kanilang pamilya. Malapit sa isa’t isa ang magpipinsan. Si Albert, na nitong taon lamang grumadweyt sa hayskul, ang pinakabata sa kanilang apat samantalang magkakasingedad naman sina May, Lily at Dan. Kadalasan tungkol sa mga gawaing pampaaralan ang kanilang pinag-uusapan.Nagpapagalingan sa klase, nagpapataasan sila sa mga nakukuhang grado sa mga pagsusulit. Prestihiyosong unibersidad ang UP, kaya naman hindi nawala sa kanilang magpipinsan ang pangaraping makapasok dito—hindi bilang manininda, kundi mga estudyante. Nagkasunduan pa nga sila na tatanghaling pinakamagaling sa kanila ang sinumang makapapasok ng UP. Subalit sa katayuan sa buhay ng magpipinsan, malaking hamon sa kanila ang makatungtong sa kolehiyo. May kanya-kanyang kwento silang pinagdaanan. Kumbaga sa combo meals, nagkasya na lamang ang dalawa sa pancit canton samantalang ang dalawa’y may siomai at inumin na kasama ang canton. Sa kanilang apat, sina Albert at Dan ang nakapasok sa UP. Unang taon na ngayon si Albert sa kursong
ina ni Dibuho ni Ysa Calinawan | Disenyo ng pah
pangangailangan. Sa tuition at mga gastusin sa UP, tila hindi sasapat ang walang patid na pagbebenta ng combo meals sa mga kiosk. Ito ang realidad na kinaharap ni Dan pagpasok niya sa UP. Ginulat si Dan ng mataas na matrikula sa unibersidad kaya nagloan siya ng pambayad ng tuition ngayong semestre. Inaasahan niyang mapasama sa Bracket E1 upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Bunsod ng kanilang kabuhayan, umikot ang buhay ng magpipinsan sa maliit na pamayanan ng UP. Dahil din sa pagtitinda sa loob ng unibersidad hindi nila maiwasang mainggit sa mga estudyanteng naglalabas-masok sa mga building, nakikipagbiruan at tawanan sa kanilang mga kaklase. Nagkakasya na lamang sila sa pakikinig sa mga usapan ng mga estudyante kung gaano kahirap magpa-exam si ganito, kung gaano nakakaantok si ganyan. Kadalasan napapangiti sila tuwing nakaririnig ng ganitong mga usapan sapagkat minsan na nila itong naranasan. Wala namang nagbago sa magpinsang Albert at Dan, sapagkat araw-araw matapos ang kanilang
klase, nagtitinda pa rin sila sa mga kiosk. Minsan niyaya pa nga ni Dan ang kanyang mga kamag-aral na kumain sa kanilang tindahan. Ngunit sa bawat combo meals na nabebenta ng magpipinsan at sa bawat kwentong naririnig nila mula sa mga estudyante, mamamalas ang pagkahirati nila sa laylayan ng unibersidad. Araw-araw nilang nakakasalamuha ang mga kabataang nasa unibersidad upang paunlarin ang kanilang buhay, samantalang araw-araw naman nilang dinarayo ang unibersidad upang itawid ang pangangailangan ng pamilya. Ngayong naghiwalay ng landas ang apat, umaasa silang papalarin sa buhay ang dalawang pinsang nakapasok sa UP at makahahanap ng trabahong naiiba sa pagbebenta ng pagkain sa kiosks. Parehong pantawid-gutom nina Lily at ng mga estudyante ang mga combo meal sa kiosks, subalit magkaiba ang pakahulugan ng bawat isa para rito. Pansamantalang papawiin ng combo meal ang gutom ng estudyante. Para sa manininda, pangmatagalang solusyon sa gutom ang bawat mabebentang pagkain—sa katunayan, pagpapakain sa iba ang nagtitiyak na hindi sila magugutom. Gayunpaman, mapait ang sitwasyong kinasasadlakan nina Lily at May, na tila kabalintunaan sa harap ng pangako ng UP na abot-kayang edukasyon para sa lahat. Pagkatapos ng lunch break, tutumal ang benta nina Lily at ng kanyang mga pinsan. Unti-unti nang mag-uuwian ang mga estudyante. Matapos ang isang araw na pagluluto at pagbabantay sa kanilang tindahan muli kailangang ihanda ni Lily ang kanyang sarili para sa panibagong araw sa likod ng mga kiosk. ● *Hindi tunay na pangalan
9 • Kulê Kultura
Martes 12 Hulyo 2011
Nagmamahal, ang pinakamasugid mong manliligaw
Nina Levi R. Policarpio Shirley N. Dominguez Araw-araw ka na sigurong inaasulto ng mga bagay na nakakagalit sa telebisyon, dyaryo o kahit habang naglalakad ka lang. Linggo-linggong pagtaas ng presyo ng langis. Daandaang pamilyang nawalan ng tirahan. Mga ipokritong obispong sinuhulan ng SUV ng PCSO. Maliit na budget sa edukasyon. Pero nagagawa mo pa ring ipagkibit-balikat ang lahat, pumikit sa gabi at matulog nang mahimbing. Sa isip mo kasi, pagbangon mo bukas, ganoon pa rin naman. Ngunit sa tuwing pagpasok mo sa eskwela, bubungad sa iyo ang mga pinakamasugid mong “manliligaw.” Aabutan ka ng sulat na tadtad ng exclamation marks pagdaan mo ng AS lobby. Madalas ay susundan ka pa sa klasrum. At kung paminsan pa, hinaharana ka. Gagawin nila ang lahat, bigyan mo lang sila ng chance na “makipag-date” sa iyo—pagkakataon
na maipaliwanag sa iyo kung bakit “mayaman ang Pilipinas pero naghihirap ang sambayanang Pilipino.” Kung tutuusin, parang masugid na manliligaw ang mga aktibista. At gaya ng lahat ng manliligaw, may sining at technique sa paghikayat sa mga tulad mo na lumabas sa comfort zone at sumama sa mga rally.
salitang “propaganda,” naiisip mo agad na bine-brainwash ka na mag-alsa at labanan ang pang-aapi ng mga nasa kapangyarihan. Taliwas ito sa naging papel ng propaganda sa kasaysayan ng mundo at sa partikular ng Pilpinas. Sa halip na panlilinlang, pagmumulat ng mamamayan ang naging tunguhin ng Unang Kilusang Propaganda na kinabibilangan noon nina Marcelo del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Jose Rizal. Kitang-kita ang matinding pangangailangan na magpropaganda sa panahon ng rehimeng Marcos. Bunsod ng kahingiang lumawak at lumakas ang kilusan ng sambayanan laban sa diktadura at sa pagsuporta rito ng imperyalismong US, naging tampok na agitprop ang paggamit sa mga popular na porma. Ginamit sa pagpopropaganda ang mga awit, komiks, tula, dulaang iglap, posters at peryodikit.
Sining sa panghihimok
Humayo’t magparami
Sining ngang maituturing ang panghihikayat sa mga tulad mo para makialam at lumahok sa mga pagkilos. Kinakailangang maging mapanlikha para makuha ang atensyon ng pinakamalawak na bilang ng populasyon. Tinatawag na “agitprop” ang ganitong estratehiya na halaw sa mga salitang “agitation” at “propaganda.” Target ng ahitasyon ang emosyon mo habang pagpapalaganap ng impormasyon naman ang orihinal na pakahulugan ng “propaganda.” Nabahiran ng masamang konotasyon ang mga salitang “agitprop” at “propaganda.” Pag naririnig mo ang
Sumasabay ang pagpopropaganda sa mga inobasyon sa sining at teknolohiya sa paggamit sa potensyal ng pelikula at video documentary bilang midyum sa pagpukaw sa mga manonood at sa pagpapalaganap ng progresibong kaisipan. Ang ilan nga siguro dito’y natisod mo na sa Youtube o Facebook, pero dinedma mo lang. Kayanga,pana-panahon nagdadaos ng mga aktibidad para i-showcase ang kasiningan ng agitprop. Isa ito sa layon ng Agitprop International Film Festival na idinaos kamakailan sa UP Diliman ng mga grupong multimedia tulad ng Southern Tagalog Exposure
(ST Exposure). Nilahukan ito ng mga lokal at dayuhang filmmaker. Itinanghal sa nasabing filmfest ang ilang dokumentaryo at narrative films na tumatalakay sa mga isyung panlipunan at pakikibaka ng mga mamamayan. Malinaw ang intensyon ng mga filmmaker: ang himukin kang kumilos at makialam. “Optimistic naman kami na [kahit papaano] ‘pag nakita ng mga manonood] ang mga pinepresent naming realities ay mapupukaw sila … Nais [naming] ipakita na mayroong buhay na social movement na tumutugon sa mga problemang ipinakita natin [sa mga pelikula] at makita nila na mayroon tayong pwedeng gawin,” ani Vincent Silarde, kasapi ng ST Exposure. Maaaring na-gets mo na naman ang gusto nilang iparating na mensahe, pero ang mas mahalaga ay kung natulak ka ba nito na sumama sa kanilang mga pagkilos. Nasusukat ang bisa ng agitprop sa laki ng mga nailulunsad na mobilisasyon at sa dami ng mga dumadalo sa mga malalimang pag-aaral sa lipunan.
Popular, radikal
Para maabot ang mas maraming audience, inaangkop ang gawaing propaganda sa popular na kultura. Dahil ang propaganda ay tungkol sa pagpapalaganap ng impormasyon, mahalaga ang gamit ng mga popular na porma ng sining at panitikan na mas accessible sa masa. Gayong nakabatay ang popular na porma sa namamayaning kultura sa kasalukuyan (na kanilang nilalabanan), ang mas mahalaga ay kung paano nagagamit ang pormang ito hindi lang upang maipabatid sa iyo ang gusto nilang sabihin kundi matagos nila ang kasuluk-sulukan ng iyong damdamin. Isang halimbawa nito ang mga popular na kantang nilalapatan ng panibagong titik na pulitikal at patungkol sa isang partikular na isyu. Makikita ang pagkikipagsabayan ng pakikibaka sa popular na kultura sa pelikulang Sounds of a New Hope ni Eric Tandoc na itinanghal sa Agitprop
Filmfest. Ipinakita sa dokumentaryong ito kung paano ginagamit ang rap music sa pag-oorganisa sa mga kabataang Filipino American sa US at out of school youth sa mga urban poor community sa Kalookan. Ayon rin sa exhibit na Placard: Signs of the Times na inorganisa ng Concerned Artists of the Philippines at Ugatlahi, orihinal na ginamit ng mga komersyal na establisyimento sa pagbebenta ng mga produkto at serbisyo ang mga plakard. Ngunit mas kilala na ngayon ang plakard bilang simbolo ng protesta. “While placards have been used to support commerce and the status quo, they have also contributed to the visual and material culture of dissent, resistance, and even revolution. They can reflect both spontaneous outrage and long-standing demands for change,” saad ng wall note ng exhibit. Madalas na minamaliit ang kasiningan ng mga akdang sining na ginagamit bilang agitprop. Ngunit hindi matatawaran ang dedikasayon at pagpupursige ng mga propagandista’t manggagawang pangkultura na patuloy na humaharap sa hamon na maging malikhain at umakma sa mga pagbabago ng panahon para pukawin ang atensyon ng mamamayan. Mabigat ang tungkulin na gawing sandata ang sining para ilantad ang kabulukan ng lipunan at pagkaisahin ang sambayanan na lumaban. Lagi’t laging kalaban sa larangang ito ang kawalang-pakialam mo na sa totoo lang ay mahirap basagin. Wala naman sigurong masama kung ibibigay mo ang matamis mong oo. ●
Dibuho nina Jano Gonzalez at Richard Jacob Dy Disenyo ng pahina ni Kel Almazan
10 • Kulê Opinyon
Martes 12 Hulyo 2011
DANNIE
NEWSCAN
Bulag, pipi, bingi* Ipikit mo ang iyong mga mata at pansamantalang maglakbay sa kadiliman. Ipikit mo ang iyong mga mata at subukan mong alalahanin ang talambuhay ng mga presidente’t bayani na nabaon na sa iyong isipan. Takpan mo ang iyong mga mata at hayaang magpalunod sa daloy ng kasaysayan at mga kaganapan. Sa mga pahina ng textbook ng kasaysayan, mahihirapan kang hanapin ang mga pagkakamali at baho ng bawat rehimen. Mapapansin mong binura ang mga katotohanang nakasulat at sinulsihan ang mga butas ng mga kwentong ‘di nila nais maibunyag. Ngayon, subukan mong buksan ang iyong mata at imulat ang sarili sa katotohanang maaaring binulag ka ng mga aklat. Pinalitan na at nilinis ng gobyerno at simbahan ang binagong kasaysayan na ito sa pag-aakalang ito ang mas nararapat na matutunan ng mga kabataan. Hanggang ngayon ay tila mga batang paslit pa rin ang trato ng gobyerno sa mga taong nagnanais makita ang katotohanan at hustisya sa likod ng mga pang-aabusong pilit na tinatakpan. Ngunit hindi rin lang ang taumbayan ang pilit na binubulag ng mga may kapangyarihan. Kahit
ang pangulo mismo ay nagbubulagbulagan sa sarili niyang pamamalakad. Sa loob ng ilang buwang pagpapatakbo ni Pangulong Benigno Aquino III, marami na ang nakaranas ng karahasan—mula sa mga midya na hangad ay maglahad lang ng angkop na balita, mga estudyanteng lumalaban para sa karapatan, community health workers na nais lamang tumulong sa kapwa, hanggang sa mga manggagawa’t magsasakang nais lamang makuha ang dapat ay sa kanila. Isa na rito ang isyu sa Hacienda Luisita Inc. (HLI) na pagmamay-ari ng mga Cojuangco. Nagmistulang pipibulag-bingi si Noynoy sa matagal nang problema ng mga magsasaka sa HLI. Ipinagkatiwala niya sa Korte Suprema ang pagpapasya, at pinabayaan ang korteng magpatawag ng panibagong referendum sa hacienda. Sa referendum, maaari raw mamili ang mga magsasaka kung lupa o bahagi ng kita ang kanilang nais makuha. Ngunit ang mga magsasaka ay ‘di mga batang maaaring lokohin o pilitin nang paulit-ulit para kumagat sa kung ano ang isusubo sa kanila ng gobyerno. Kahit ‘di man direktang ipakita ng pangulo ang kanyang pagkampi sa kanyang pamilya ay halata pa rin
Huwag sana tayong makulong lang sa loob ng klase’t makinig lamang sa kung ano ang sa palagay ng marami ay tama at dapat
namang naduduwag siyang umaksyon sa napakatagal nang isyu na ito. Tinatakpan niya ang kanyang tenga sa dumaraing na taumbayan, pinipikit niya ang kanyang mga mata sa mga marahas na kaganapan at tinitikom ang bibig para protektahan ang kanyang pamilya. Darating din ang panahong magiging kabilang si Noynoy sa kasaysayang dinaya at nilinis bago pa mailathala sa mga textbook na pinagaaralan sa loob ng mga silid-aralan. Huwag sana tayong magpadala sa mga pahinang panlinlang sa ’tin sa katotohanan, huwag sana tayong makulong lang sa loob ng klase’t makinig lamang sa kung ano ang sa palagay ng marami ay tama at dapat. Sana mamulat tayo na kasalukuyan tayong pinapipikit ng gobyerno, upang bulag nating tanggapin ang lahat ng sinasabi nilang nararapat nating itanim sa ating mga utak. Hindi mali ang pagbabasa ng textbook, hindi rin mali ang pag-aaral sa loob ng klase; nais ko lamang iparating na marami ang inaapi at inaabuso sa labas ng Unibersidad dahil sa simpleng pagpikit ng mga taong nasa taas. ● *pasintabi kay Freddie Aguilar
SARAH KATRINA MARAMAG*
Donat, Ditto, Dingbat Hindi namin siya inabutan sa Kule. Noong ’80s, naging bahagi siya ng dyaryo hindi bilang manunulat o editor kundi bilang suporta sa istap. Pero isang araw noong 1999, hindi lang isang manunulat kundi ilang myembro ng istap at mga editor ng Kule ang sabay-sabay na bumisita sa kanya sa maximum security ng Bilibid. Hindi biro ang ibinintang sa aktibistang si Donato Continente -- ang pagpatay sa isang mataaas na ranggong opisyal-miltar ng US, si Col. James Rowe. Bagamat inako ng NPA ang pagpatay, hindi roon nagtapos ang pahirap kay Donato. Dalawang buwan siyang tinortyur para paaminin, at dahil sa presyur ng militar ay namatay ang nakababata niyang kapatid. Si Donato Continente na nga marahil ang isa sa pinakatampok na bilanggong pulitikal sa bansa sa nakaraang dekada. Pinalaya siya noong 2005, matapos ang 16 taong pagkabilanggo. Nang tanungin siya kung babalik pa ba siya sa pagkilos bilang isang aktibista, ang sagot niya ay hindi, dahil wala naman daw siyang babalikan. Para sa kanya, kahit nabilanggo ay hindi naman siya lumisan. *** “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?” Ito ang tatak ng militanteng
tradisyon ng UP – mga katagang mula kay Abraham “Ditto” Sarmiento, Jr. Paalala ito kung bakit kakambal ng radikal na tradisyon ng unibersidad ang talas at kapangahasan ng mga artikulo at dibuho na nailalathala sa Kule. Hindi ito malilimot. Kahit ‘di pa man buhay sa panahon ng First Quarter Storm at Diliman Commune, sa kaunting baliktanaw ay magagagap kung gaano kalupit ang panggigipit sa kalayaan sa pamamahayag sa buong bansa noong mga panahong iyon. Sa isang simposyum noong Enero 15, 1976, binasa ni Ditto ang isang editoryal na tumutuligsa sa diktadurang Marcos. Matapos ang ilang araw, inaresto at ikinulong si Ditto. Pitong buwang nabilanggo si Ditto. Pero matapos lang ang ilang panahon sa laya ay ginupo siya ng mga komplikasyon sa hika na nakuha niya dahil sa pagkakait sa kanya ng medikasyon sa piitan. Maaga siyang namatay dahil sa mga komplikasyong iyon. *** Hindi ko na rin inabot, pero Dingbat daw ang palayaw noon ni Ericson Acosta sa Kule. Noong probee ako ay hindi na siya ang babakla-baklang lasenggong editor na palaging sumusuka sa opisina. Isa na siya noong “seryoso pero rock” na aktibistang
Hindi na siya ang babaklabaklang lasenggong editor na palaging sumusuka sa opisina
haligi ng Alay Sining at STAND-UP. Limang buwan nang nakapiit si Dingbat – isa lang siya sa mahigit 300 bilanggong pulitikal sa buong Pilipinas sa kasalukuyan. Sa ngayon, nananatiling walang pormal na kasong nakahapag laban sa kanya, at patuloy ang kampanya para sa agaran niyang paglaya, sampu ng iba pang mga detenidong pulitikal na sinisikil ang karapatan at pinagkakaitan ng hustisya. Hindi na ako magpapalawig pa kung sino si Dingbat, marami nang naisulat ukol sa kanya nitong mga huling buwan. Mangyari’y ganito na lang -- para sa mga kapwa-manunulat ko sa Kule at sa lahat ng nagtatanggol sa karapatan at kalayaang sibil, aktibista man o hindi: Huwag na tayong maghintay ng sampung taon. Dalawin na natin siya ngayon. ● *Si Sarah Katrina Maramag ay dating feature staffer (1999-2001) at guest editor (2004-2005) ng Kule. Dati rin siyang secretarygeneral ng Alay Sining (2000-2001), pangkulturang organisasyong itinayo nina Acosta at iba pang mga aktibista sa UP. Kasalukuyan siyang public information officer at campaign coordinator ng Migrante International at isa sa mga convenor ng Free Ericson Acosta Campaign.
Spices of Siam
Have a taste of authentic Thai cuisine, a side of Siam you have never seen, an exquisite journey from start to finish, a gastronomic experience you don’t want to miss. See you on July 29, 2011, 10-12pm, at the College of Home Economics 101A. For more info contact Gundy: 09151187840 or like us on Facebook (Search Foodie Friday.)
100 Faces of Noynoy
Alay-Sining, a cultural-mass organization, invites everyone to submit artworks featuring their perceived face of Noynoy. Submissions may be in the form of paintings, illustrations, comic strips, songs, stories, poetry, photographs, short plays, or any other visual or performed art form, for inclusion in the exhibit. When: July 18 to 21. Where: FC Gallery. For questions, contact Amae @ 09178137145.
The Most-Awaited Sale of the Year: Jag and Lee Sale na!
UP JPIA, in cooperation with Deutsche Bank, L’oreal, Shell, Factset, and other corporate sponsors, presents this year’s Jag and Lee Sale on July 1417, 2011 from 8AM to 6PM at the UP CSWCD Bulwagang Tandang Sora. Don’t miss this chance of getting cool, quality, comfortable, and chic clothing at low, low prices. Prices discounted by as much as 70%. Spread the word, bring friends, see you! Contact Aiko Frances Sagusay @ 09262604620
UP ASTERISK
Iniimbitahan ang lahat ng mga may puso para sa sining at kultura na sumali sa isa sa Most Outstanding CAL Org ng 2010, ang UP ASTERISK - Asosasyon ng Kabataang Artista, Kritiko at Iskolar ng Sining at Kultura. Kilalanin natin ang isa’t isa ngayong Martes, Hulyo 12, PH213215 para sa Applicants’ Orientation o kaya nama’y makitambay sa Kubo #5, CAL Tambayan Complex. Para sa katanungan, kontakin kami sa 09062544792.
11 • Kulê Opinyon
Martes 12 Hulyo 2011
TEXTBACK
Kung sasakay ka sa mga regalong pajero ni GMA sa mga pari, saan ka pupunta at bakit?
kung sskay ako s rgalong pajero ni gloria sa mga pari. gusto kong bumyahe sa kinabukasan pra malaman ko kung makukulong ba si gloria dahil sa samo’t saring sakit nyang iniwan sa kanyang upuan oh iiral nanaman ang baluktot na batas na patuloy umiiral sa pilipinas nating patuloy ina-agnas ng mga asong lider ng bayan- JC 201178627 BA Philippine Studies sa tapat ng isa sa mga bahay ni gloria para eksaktong paglabas nya, sasagasaan ko sya pero yung di nya ikakamatay. Konting pahirap lang, kulang pambayad sa mga kawalanghiyaan nya at kanyang mga kakampi. ü 2011-32097 pupunta aq sa isang state university upang ipakita sa kapwa kabataan na malaking halaga ang ginagasta para sa pansariling luho ng malalaking tao sa ating lipunan,na bingi ang pamahalaan sa tinig ng ilang kapwa natin kabataan na di nakatuntong sa unibersidad dhil sa mataas na singil sa matrikula bunsod ng mababang badyet na inilalaan para sa edukasyon. 11-42809,marky,bs math
Sino ang mas magaling sa boxing, si Mayor Sara Duterte o si Cong. Manny Pacquiao?
niyo, matitino ang mga dun. katunayan lng yan na nasa lider din tlga ang pagdidisiplina. achib na achib si mayor! wa’say si pacquiao sa knya. 11-42913 mrkgt Mas magaling si Mayor Duterte kasi may social relevance ang pakikipagboxing niya. 04-45720 Mas magaling si Mayor Sara Duterte sa boxing kesa kay Pacquiao. Grabe, kumbaga unang round pa lang may black eye at puro pasa na yung mukha nung sheriff. Tapos nung napanood ko sa TV yung footage ng panununtok ni Mayor, syet narinig ko yung solid na tama ng kamao nya sa mukha ng kawawang sheriff na yon. I-challenge nya kaya si Pacquiao? XD 08-51451 Para sa akin, di hamak na mas magaling si Manny Pacquiao dahil ginagamit niya ang isport na boksing para sa mabuti (upang maipagmalaki ang Pilipino, hindi upang ikahiya). 2011-44548 BA Broadcast Communication
Comments
ANG KORNI NG KOMIKS. -abby 0815082
Next week’s questions
1. Anong kaso ang dapat na unang tutukan ng susunod na ombudsman? 2. Sino ang gusto mong mag-imbita sa iyo na mag-walkout? Send in your opinions and feedback via SMS! Type KULE <space> YOUR MESSAGE <space> STUDENT NUMBER (required), NAME and COURSE (optional) and send to:
09158541639
Non-UP students must indicate school, organization or sectoral affiliation.
Ezekiel 23:19-20
MGAKAKAIBANGKAGANAPANSAUP#2
Ni Al Alarilla
“People’s Champ” naman sila pareho, di ba? Ang kaibahan nga lang, champion si Duterte kahit wala siya sa ring :) 2011-13810 mahirap pong magsabi kung sino’ng mas magaling sa kanila pagdating sa boxing. baka masuntok po tayo niyan. haha. :D 11-11013 Sinong mas magaling sa boxing? si mayor duterte. hanga ako sa ktapangang pinakita niya! ipinaglaban lang niya ang karapatan ng kanyang nasasakupan. tgnan
EKSENANG PEYUPS
CONTACT US! Write to us via snail mail or submit a soft copy to Rm. 401 , Vinzons Hall, UP Diliman, Quezon City. Email us: kule1112@gmail.com. Save Word attachments in Rich Text Format, with INBOX, NEWSCAN or CONTRIB in the subject. Always include your full name, address and contact details. INBOX We welcome questions, constructive criticism, opinions, stands on relevant issues and other reactions. Letters may be edited for brevity or clarity. Due to space constraints, letters must have only 400 words or less. Send the letters to kule1112@gmail.com
Rich Kid Dormer Edition
Bilang isang self-proclaimed rich kid, masaya akong nakapasok pa ako sa dorm kahit pa taga-MM lang ako at, well, malapit lang. Pero nakakaawa naman yung mga hindi nakakuha ng slots sa kanilang mga mahal na dormitoryo. Kind of. Swerte sa dormitory Aba, wag kayo. Maswerte ang mga nakakapasok sa mga dormitoryo ng ating mahal na Unibersidad ng Pilipennies (oo, pennies, bilang marami akong pennies, dollars, cents, quarters chiching!) at mapapatunayan ko ito sa isang karanasang masasabi ko lamang na ‘napakaswerte’. Nabigyan ako ng pagkakataong makatira dun sa tinatawag nilang condo-dorm, alam niyo ba yun? Oh, diba, swerte? Swerte rin yung nagkaroon ako ng maraming roommates, at may sarili pa kaming banyo sa loob. Galing! But hey hey hey, little did I know, mayron pang mas maswerte sa akin! Paano na lang yung maging roommate mo bigla ang isang “God-loving, God-fearing” “special friend” mo, plus ang kanyang bagong “God-loving, God-fearing” special friend? Oh di ba, ayos! But at the end of the day, ako pa rin ang mas swerte! Ang swerte lang na ilang beses ko silang nahuhuling nagkakaroon ng isang “mainit” na girian, at wag ka! Nangyayari yan ng tanghaling tapat! Oh diba, for more heat exchange? Malas sa dormitory Kung may swerte sa dorms, siyempre meron ding malas. Tignan na lang natin itong isang ate from the loCAL scenery. Dahil hindi sapat ang kanyang allowance, na ‘di gaya kong nag-uumapaw, kinakailangan niyang magtrabaho sa isang sikat na bubuyog este fastfood chain. Malamang, dormer din si ate, at nang sinubukan niyang mag-appeal kamakailan sa Office of Sleazy Housing, siyempre hihingian siya ng ITR bilang working girl na siya. Aba, walang maibigay si ate, wala naman daw ITR na binibigay sa fastfood chain na ito. Siguro mainit lang ang ulo ni ateng sleazyhousing, o baka naman may iba pang dahilan, kasi bumanat ‘tong si ate from the sleazyhousing at sinabihan ang kawawang local friend ko na “pokpok lang ang walang ITR.” Kaya ayan naman mga kaibigan, sa susunod na makapasok kayo sa mga dormitoryo, isipin na lang na ilan kayo sa mga mapapalad. Mahirap maging palaboy sa Diliman, lalo na’t maraming gumagalang mumu sa gabi. Jejeje. ●
Martes 12 Hulyo 2011
Dibuho ni RD Aliposa
KulĂŞ The Back Page