Philippine Collegian Issue 6

Page 1

SC orders AFP to surface Jonas Burgos —Page 3 Philippine Collegian Opisyal na lingguhang pahayagan ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas - Diliman 19 Hulyo2011 Tomo 89, Blg. 6

Drunken confessions Terminal Cases Delfin Mercado

W

e ended our childhood with beer, some popcorn and a stream of your tears. I didn’t mean to make you cry, it must have been the alchohol, not me. In any case, it was your idea to drink after the movie. Our tipsy conversation started with friendly greetings, then sharply turned from childhood nostalgia to resentments. I asked why you seemingly evaded me in the past four years, making an invisible chasm that broke down our friendship. You were hard to reach, via phone or facebook, and conspicuously disappeared from my radius of activity. You retorted that I was the one to blame. Upon entering UP, you said, I suddenly became engrossed with joining progressive organizations. You said I was always too busy, always in a hurry, to even go to class. How could you even have time for me? you asked. You told me, in the coldest tone I ever heard you use, that you thought it best to leave me be and let me “save the world.” I almost laughed, if not for the coldness I detected in your intoxicated speech. I explained what initially lured me into joining these organizations: a rare sense of belonging. After you, the people in the organizations were the only people who actually listened to the things I said. And we weren’t saving the world, or at least I didn’t think we could, I told you, with a smile I hoped you would return. But you cried. When I told you that I didn’t really change, and that I was the same miserable kid you befriended, you sobbed. Continued on page 5 »

Kultura Page 6 - 7

Mga Kwento ng kontemporaryong pagkakapiit at pagmusikero ng pakikibaka asa Kultura Pahina 6-7 Lathalain Pahina 8

Dibuho ni Kendrick Bautista

Kwento ng Mga Punla ng pagkakapiit at panlilinlang kontemporaryong pag-asa EditoryalPage Pahina Opinyon 2 2 musikero ng Lathalain Pahina 8 pakikibaka


2 • Kulê Opinyon

Martes 19 Hulyo 2011

Punla ng panlilinlang Nagkukubli sa tabing ng katarungan ang mahabang kasaysayan ng panlilinlang. Madugo at masalimuot na pakikipagtunggali ang dinaanan ng mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita upang makamit ang lupang kanilang pinagyaman at nilinang sa loob ng mahabang panahon. Ilang dekada na ang lumipas, ilang magsasaka na ang nagbuwis ng buhay, subalit nananatiling pagmamay-ari ng pamilya Cojuangco ang 6,443 ektaryang lupain. Makailangang ulit nang naghasik ng binhi ng kasinungalingan ang pamilya Cojuangco upang mapanatili lamang sa kanilang pagmamay-ari ang malawak na tubuhan sa Tarlac. Nang ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na centerpiece program ng pamahalaan ng yumaong Pangulong Corazon Cojuangco Aquino, nakatakas sa pamamahagi ang Hacienda Luisita. Sa ilalim ng CARP, nararapat maipamahagi sa mga maralitang magsasaka ang anumang lupang sakahan na labis sa pitong ektarya ang laki. Ngunit sinadyang may butas ang batas upang mapanatili ng pamilya Cojuangco sa kanilang kamay ang lupain. Ginamit nila ang probisyon hinggil sa Stock Distribution Option (SDO), kung saan isinasakorporatisa ang asyenda at sa halip na mamahagi ng lupa, stocks o mga kapirasong papel na patunay ng pagkakaroon ng hati sa korporasyon ang ibinibigay. Noong 1989, halos 6,000 manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita ang pinapili sa pagitan ng stocks o lupa. Bunsod ng panlilinlang ng pamilya Cojuangco sa mga manggagawang bahagya lamang na naintindihan ang kanilang pinagpipilian, nagwagi sa referendum ang SDO. Sa pagdaan ng mga dekada, hindi naging maalwan ang buhay ng mga manggagawang-bukid sa asyenda na di umano’y kahati sa kita ng Hacienda Luisita Inc. (HLI). Nagkapatung-patong sa utang ang

mga manggagawang-bukid sa pagbabawas ng araw ng paggawa sa asyenda at sa azucarera. Dumating ang panahong Php9.50 na lamang kada linggo ang kanilang naiuuwi. Makailangang ulit nang nanawagan ang mga manggagawang-bukid na ibasura ang SDO at sa halip ay mapamahagi na sa kanila ang lupa. Ngunit sa bawat pagkilos nila, dahas ang sinasagot ng pamilya Cojuangco at ng gobyerno. Dalawang masaker na sa kasaysayan – isa sa Mendiola at isa sa mismong Hacienda Luisita – ang may kinalaman sa isyu ng asyenda. Inilapit ng mga magsasaka ang kanilang hinaing para sa pamamahagi ng lupa sa Korte Suprema. Nitong Hulyo 5, naglabas ng bagong desisyon ang Korte Suprema na nagpapawalang-bisa sa Stock Distribution Plan na ipinatutupad ng Hacienda Luisita. Gayunman, ipinagutos rin ng Korte na muling magdaos ng referendum upang papiliin ang mga manggagawang-bukid sa pagitan ng lupa o stocks. Ngunit napatunayan na sa kasaysayan kung paano naging daluyan ang referendum sa asyenda ng patuloy na panghahati at panlilinlang ng pamilya Cojuangco sa mga manggagawang-bukid at magsasaka. Sa halip na ganap nang maipamahagi ang lupa, malaki ang tiyansang muling mauwi sa wala ang lahat. Walang katotohanan ang sinasabi ng korteng magbibigay ang muling pagdaraos ng referendum ng pantay na pagkakataon sa magsasakang makapamili. Bagkus, muli lamang nitong mapananaig ang kagustuhan ng pamilya Cojuangco. Ngayon pa’t nakaluklok sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III, na bahagi rin ng

Editoryal

QUOTED It is important to fight, and fight again, and keep fighting, for only then can evil be kept at bay, though never quite eradicated. — Albus Dumbledore, from JK Rowling’s Harry Potter series

[Zaldy] speaks for the innocent prisoners suffering in jail and those currently hiding to avoid unjust prosecution. — Howard Calleja, Rizaldy Ampatuan’s legal counsel, gmanews.tv,

abante-tonite.com, July 14

Al Alarilla

pamilya Cojuangco, walang kalabanlaban ang mga manggagawang-bukid sa mga pandarahas na posibleng gawin sa kanila. Hindi na kagulat-gulat ang pananahimik ni Aquino at pangingiming makisangkot sa isyu sa HLI. Bagaman hindi lantaran ang kanyang pagkatig sa kanyang pamilya, litaw naman ito sa kanyang kawalang-aksyon hindi lamang sa usapin ng Hacienda Luisita, ngunit maging sa pangkalahatang programa sa repormang agraryo sa bansa. Napagtitibay lamang ng desisyong ito ng Korte Suprema ang matagal nang pangamba ng mga maralitang

sektor sa lipunan na ang batas ay may kinakatigan, at ang katarungan ay para lamang sa iilan. Sa panahong nagbabalatkayo ang mga panlilinlang bilang hustisya, walang ibang tatakbuhan ang sambayanan kung hindi ang patuloy na paglaban. Ang laban na ito ng mga manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita ay laban ng lahat para sa katarungang panlipunan. Ang pakikiisa at suporta natin sa kanila ay lakas nilang tatanganan upang kalusin ang bawat punla ng panlilinlang. ●

Philippine Collegian www.philippinecollegian.org Punong Patnugot Marjohara S. Tucay Kapatnugot Pauline Gidget R. Estella Tagapamahalang Patnugot Dianne Marah E. Sayaman Mga Panauhing Patnugot Jayson D. Fajarda, Larissa Mae R. Suarez Patnugot sa Lathalain Mila Ana Estrella S. Polinar Patnugot sa Grapiks Nicolo Renzo T. Villarete, Chris Martin T. Imperial Tagapamahala ng Pinansya Richard Jacob N. Dy Kawani Ruth Danielle R. Aliposa Pinansiya Amelyn J. Daga Tagapamahala sa Sirkulasyon Paul John Alix Sirkulasyon Gary Gabales, Ricky Kawat, Amelito Jaena, Glenario Ommalin Mga Katuwang na Kawani Trinidad Gabales, Gina Villas Pamuhatan Silid 401 Bulwagang Vinzons, Unibersidad ng Plipinas Diliman, Lungsod Quezon Telefax 981-8500 lokal 4522 Email kule1112@gmail.com Website philippinecollegian.org Kasapi Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Student Publications and Writers Organizations, College Editors Guild of the Philippines

The public is asking why this government is so trusting of someone who has been accused as a mass murderer and another who has been a fugitive for four years— Raul

Lambino, GMA’s legal counsel, Philippine Daily Inquirer, July 18

Why do people marry? Because of lack of knowledge... Why do people separate? Because of lack of experience... Why do people remarry? Because of loss of memory.

— Recently widowed Jejomar “JunJun” Binay Jr, mayor of Makati and Kris Aquino’s “close friend,” www.philstar.com, July 17


3 • Kulê Balita

Martes 19 Hulyo 2011

SC orders AFP to surface Jonas Burgos

‘Failed investigation’

Edita filed petitions for writs of habeas corpus and amparo before the CA in February 2008. In a July 17, 2008 decision, the appellate court dismissed the habeas corpus case and only partially granted the writ of Amparo due to the lack of evidence against the military.

MST/KRM Serye ng mga protesta,idinaos para sa mas mataas na subsidyo

Keith Richard D. Mariano The Supreme Court (SC) has ordered the Armed Forces of the Philippines (AFP) to surface missing activist Jonas Burgos. In a July 5 ruling, the SC issued a writ of habeas corpus ordering former 56th Infantry Battalion (IB) officer Harry Baliaga Jr, AFP Chief of Staff Eduardo Oban Jr., Philippine Army Commander Arturo Ortiz, and then 56th IB Commander Melquiades to “produce [Burgos] and show cause why he should not be released from detention.” The 25-page decision penned by Associate Justice Arturo Brion upheld the findings of the Commission on Human Rights (CHR) “that the enforced disappearance of [Burgos] had transpired and that his constitutional rights to life, liberty and security were violated by the Government.” The SC named Baliaga, now a major, as respondent in the habeas corpus case for being the “principal abductor” of Burgos. Burgos has been missing for over four years now, after eight military officials, including Baliaga, reportedly abducted him on April 28, 2007 at Ever Gotesco Mall in Quezon City. Burgos is the son of the late press freedom icon Jose Burgos Jr. The high court has also directed the Court of Appeals (CA) to come up with new ruling within 30 days on the habeas corpus petition of Burgos’ mother Edita. However, the SC has yet to rule on the Amparo case also filed by Burgos’ mother to allow time for the AFP to comment on the CHR report. The Amparo case would determine the “possible responsibility and accountability” of the respondents Baliaga and other military officials, according to the SC. “The decision is a welcome development in the campaign to stop impunity and to make the perpetrators of human rights violations accountable. But will the [AFP] cooperate and admit its complicity as an institution beyond its rhetoric?” said Edre Olalia, secretary general of the National Union of People’s Lawyers (NUPL).

NEWSBRIEFS

BALAKID. Hinarang ng mga guwardya sa Palma Hall ang mga lider-estudyante at miyembro ng mga progresibong grupo na nais mag-imbita sa iba pang estudyanteng mag-walkout noong Hulyo 14. Nakapasok din kalaunan ang mga estudyante, na nagsagawa ng snake-in rally sa naturang gusali at nanawagan na sumali sa nationwide walkout sa Hulyo 19. Kuha ni Chris Martin Imperial On August 2008, Edita appealed the habeas corpus and amparo cases to the SC. In the June 22, 2010 resolution of the SC, the high court was not able to rule on the cases as the PNP and AFP “failed to conduct an exhaustive and meaningful investigation.” In the same resolution, the SC ordered the CHR to conduct further investigations. In its report released on March 15, the CHR was only able to identify Baliaga among the seven other abductors of Burgos because of the “evidentiary difficulties shamelessly put up by some police and military elites,” according to the CHR report. AFP Judge Advocate General (JAG) Gilberto Roa refused to provide the CHR with pertinent documents including the complete list of the officers assigned at the 56th and 69th IB and the 7th Infantry Division from January 1, 2004 to June 30, 2007; and the list of captured rebels and those who surrendered, according to the SC decision. “The deliberate refusal of Roa to provide the CHR with the requested documents does not only defy the SC directive but created a disputable presumption that AFP personnel were responsible for the abduction and that their superiors would be found accountable, if not responsible,” the CHR said.

AFP not behind abduction?

During the PNP-CIDG investigation in 2007, the AFP denied that they hold Burgos in their custody. The PNPCIDG later concluded that Burgos might have been abducted by the New People’s Army (NPA), the armed wing of the Communist Party of the Philippines (CPP). In a statement, the CPP denied the allegations of the AFP. “[The AFP] has given the [SC] a virtual slap-inthe-face through a simple denial of custody of Burgos [and others] despite overwhelming evidence showing the direct responsibility of AFP officials and personnel in the abductions,” the CPP said. “It is highly doubtful that the AFP will faithfully follow the orders of the Supreme Court as they have done in other cases where a Writ of Amparo or Habeas Corpus is granted in favor of desaparecidos,” said Olalia. The AFP also denied the detention of missing UP students Sherlyn Cadapan and Karen Empeño in its response to the writ of habeas corpus issued by the CA in 2008. Last May, the SC ordered the AFP to immediately release Cadapan and Empeño “from detention.” The two UP students have been missing since 2006.

Continuing violence

“Amidst these recent decisions of the Supreme Court finding the AFP responsible for the abduction of missing political activists, it appears that President Benigno Aquino III, is not predisposed to make a policy that will come after human rights violators and discourage future perpetrators,” said Olalia. Aquino’s “inaction” in addressing the human rights situation in the country led to 45 extrajudicial killings in his first year, Olalia added. Forty-eight cases of extrajudicial killings and five enforced disappearances have already been recorded in Aquino’s first year in office, according to Karapatan Alliance for the Advancement of People’s Rights. “We demand justice because the killings and abductions continue. [Aquino] and the AFP continue to render lip service that they are for human rights and justice, but they cannot hide the fact that their current counterinsurgency program, Oplan Bayanihan, opens for continuing violations,” said Hustisya Secretary General Cristina Guevarra. ●

Nagdaos ng sunod-sunod na kilos-protesta ang mga progresibong grupo at mag-aaral ng UP Diliman at Manila upang muling igiit sa gobyerno ang paglalaan ng mas mataas na subsidyo para sa state universities and colleges (SUCs). Idinaan sa iba’t ibang paraan ang serye ng mga kilos protesta. Sa pinakahuling pagkilos na idinaos sa UP Manila kahapon, ginawang tema ang Harry Potter sa isang “flash mob” kung saan itinulad si Pangulong Benigno Aquino III sa kontrabida ng popular na serye. “Katulad ni Harry Potter sa libro at sa pelikula, nais ipagtanggol ng mga Iskolar ng Bayan ang UP bilang isang prestihiyosong pampublikong institusyong pang-edukasyon,” ani UP Manila University Student Council (USC) Vice Chairperson Cleve Arguelles. Sa UP Diliman naman, mahigit 160 mag-aaral ang lumiban sa kanilang mga klase at nagmartsa paikot ng Academic Oval noong Hulyo 14. Nauna na ring nagsagawa ng flash mob, kung saan biglaang nagsayaw sa saliw ng mga popular na tugtugin ang mga kasapi ng Anakbayan at Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP noong Hulyo 13. Ang kakulangan sa subsidyo mula sa gobyerno ang pangunahing dahilan ng pagtataas ng mga bayarin sa SUCs, ani Diliman USC Chair Gemima Garcia. Dahil sa mataas na mga bayarin, maraming mahihirap ang hindi na nakatutuloy sa pag-aaral, dagdag niya. Sa kasalukuyan, umaabot na sa 73 porsyento ng kabataan ang hindi nakakapag-aral, ayon sa National Union of Students of the Philippines. Idinaos ang mga kilos-protesta sa UP Diliman at Manila bilang paghahanda sa National Youth Walkout ngayong araw na layong igiit ang mas mataas na badyet para sa sektor ng edukasyon. ●

Pagtatayo ng Guideway Transit System sa UPD, sinimulan na

Sinimulan na ang pagtatayo ng kauna-unahang Automated Guideway Transit (AGT), isang uri ng pampasaherong tren na pinatatakbo ng kuryente at may iisang track o ruta, sa loob ng UP Diliman. Pinasinayaan nina Department of Science and Technology Secretary Mario Montejo, UP President Alfredo Pascual at Quezon City Mayor Herbert Bautista ang groundbreaking ceremony para sa AGT noong Hulyo 18 sa kanto ng Jacinto at Lakandula Street malapit sa College of Fine Arts. Sundan sa pahina 5 »


4 • Kulê Balita

Martes 19 Hulyo 2011

Groups urge gov’t to assist retrenched Saudi OFWs Isabella Patricia Borlaza Labor groups urge the Aquino administration to provide assistance to all Overseas Filipino Workers (OFWs) in the Kingdom of Saudi Arabia (Saudi) who were retrenched due to the Saudi Nationalization Policy or “Saudization,” which requires companies in the said country to employ Saudi nationals as 10 percent of its employees. Saudization or “Nitaqat” classifies companies using a four color-coded system. Blue and green companies follow the Saudi Nationalization Policy, while those labeled Yellow and Red do not. “We are urging our labor officials to be more responsive and active in providing assistance to OFWs terminated from their jobs to ensure that their rights will be protected and their entitlement and benefits due them shall be given before their scheduled departure,” said John Leonard Monterona, regional coordinator of Migrante-Middle East (MME), an alliance of Filipino migrant workers group. Companies classified under Yellow and Red have been given a grace period of nine and six months, respectively, to comply. Otherwise, work permits of migrant workers under Yellow coded companies will be limited to six years while Red coded companies’ will not be renewed. The Saudi Nationalization Policy has been in effect since 2005. However, it was only this year that the Saudi government started to strictly impose the policy as the unemployment rate in their country escalated from 10.5 percent to 10.8 percent this year. Out of the 10.8 million OFWs, 1.2 million OFWs or almost 10 percent work in Saudi. Around 30 percent of these may be affected by the Saudization. As of July 17, 31 migrant workers have already been terminated from their jobs, according to MME.

the Philippine Overseas Labor Office officials did not assist him. Saudi is the fourth leading destination for OFWs. Around $1.644 billion or eight percent of the total OFW remittances in 2010 came from Saudi alone. “Because the global economic crisis is [affecting] unemployment and poverty even in the richest countries, other countries will surely prioritize their nationals for employment,” said Soluta.

National industrialization

“One fact can’t be denied: labor markets are shrinking. It is due to the global economic slump down. Oman follows suit by implementing its very own Omanization,” Monterona said. The government has set aside a P 2 billion reintegration loan program for the displaced OFWs, said Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, adding that there would be jobs reserved for them in the country. “The truth is these so called available jobs, if indeed existing, could not even be enough for the expected numbers of OFWs that will be displaced due to Saudization and stop hiring of domestic workers,” Monterona said. MME hopes that the Aquino government would soon realize that intensified labor exportation is not a long-term and viable economic labor policy. “It is only by developing the country’s industries and implementing a genuine agrarian reform program can the government provide decent employment to the Filipino people,” said Soluta. ●

BADTRIP. NAUBUSAN AKO NG KOPYA NG KULE. BUTI NA LANG MAY

WWW.PHILIPPINECOLLEGIAN.ORG

BULLDOGS THRASH MAROONS, 75-66

Premature termination

Engineer Edgar Ballentes, 49, was barely eight months into his two-year contract job when his termination notice was given on June 29. “Normally, the termination notice will not provide an explanation of the cause of the termination, but as per Saudi labor law, both parties, the employer and the employee, can terminate the employment contract provided there is at least a one month notice given,” Monterona explained. Ballentes said he sought help from MME in processing the release of his three-month unpaid salaries, entitlement, end of service benefits and “No Objection Certificate” since

UPSURGE. Maroons Guard Michael Gamboa triggers an easy lay-up during their game against the UE Red Warriors on the 74th season of UAAP Basketball tournament at the Araneta Coliseum on July 14. UP savors its first victory after scoring 69-61 rising up from their meager performance last season. Photo by Airnel T. Abarra

SPORTSCENE Richard Damian After breaking their 18-game losing streak, the UP Fighting Maroons suffered another loss in the hands of the National University (NU) Bulldogs at its second game last July 17 at Araneta Coliseum, 75-66. The Fighting Maroons shocked the crowd by defeating the University of the East (UE) Warriors, 69-61, in the opening salvo of the 74th season of the University Athletic Association of the

Philippines (UAAP) games on July 14. However, the NU Bulldogs crushed the Maroons’ hope for a winning streak. The NU team dominated the court in the first quarter, blocking the Maroons from scoring in the first three minutes, 14-0. Maroons Michael Gamboa and Ifeanyi Mbah fired six and five points, respectively, to bridge the gap to nine points before NU bagged the quarter, 24-15. The Maroons snatched the command from NU in the second quarter with Jose Manuel and Anjelo Montecastro shooting a total of 23 points. UP started taking the lead when Morian Gingerich swiftly stole the ball from NU’s Kyle Neypes and made a quick pass to Montecastro for a two-point lead, 28-26. The last minute of the second quarter was deadlocked at 40 by

Bulldog Guard Joseph Terso. However, Maroon Forward Michael Silungan immediately got back with a buzzerbeating three-point shot, 43-40. In the third quarter, NU stormed back with Bulldog Guard Bobby Ray Parks scoring nine points, leaving the Maroons six points behind at 59-53. NU continued to dominate the court in the last quarter of the game, with Parks scoring another 10 points that gave NU a double-digit lead, 71-60. Last game’s top scorer Michael Gamboa closed the 11-point gap to eight points by a three-pointer in the last two minutes of the game. The game ended with the Bulldogs keeping a 9-point lead over the Maroons. Manuel led the UP team with his 21 points, five rebounds and three assists. Montecastro and Gamboa also powered up UP’s offense with 12

and nine points, respectively. Mbah, meanwhile, worked on the Maroons’ defense with his 13 rebounds. Michael Silungan, who registered 19 points last game, was only able to hit five points in this game. “We executed well and played as a team though it was really a hard one [with UP],” said Parks who became the first player to reach the 30-point mark with nine rebounds and three assists in the UAAP basketball tournament since Ateneo Blue Eagle’s Rabeh Al-Hussaini on August 13, 2009. UP Coach Ricky Dandan said he was very disappointed with the Maroons’ play against the Bulldogs. With a loss and a win, the Maroons will next face the De La Salle University Green Archers on July 23. ●


5 • Kulê Balita

Martes 19 Hulyo 2011

State of nation worse under Aquino –IBON Isabella Patricia Borlaza Instead of instigating major reforms, President Benigno Aquino III’s first year in office only offered more of the same anti-people, pro-foreign and undemocratic governance that his predecessors practiced, according to independent think tank IBON Foundation (IBON) during its Midyear Birdtalk on July 14. In just a year, Aquino has revealed his lack of commitment to bring about real change, said IBON Executive Editor Rosario Bella Guzman. “He has actually reproduced social unrest and political uncertainties,” she added. “There has not been any real improvement. The Aquino administration [chose to implement] decade-old economic policies [that is actually] behind low growth, joblessness, falling incomes and increasing poverty,” said IBON Research Head Sonny Africa.

No improvement

TROUNCED. Lady Maroon Bernice Furagganan fails to score an easy basket for UP during a lopsided match against the raging Far Eastern University Lady Tamaraws in the Ateneo Blue Eagles Gym on July 17. The dribblers from Diliman failed to repeat their impressive debut this season with a double-digit win over the University of the East Lady Warriors on July 13. The FEU team enjoyed an easy win, 58-34. Photo by Richard Jacob Dy

Newsbriefs

« mula sa pahina 3

Ang AGT ay isang “rail-based” na pampasaherong tren na halos kahalintulad ng Metro Rail at Light Rail Transit, subalit tumatakbo gamit ang iisang “elevated rail track” na nagsisilbing guideway ng mga tren. Nauna nang inaprubahan ng Board of Regents (BOR) noong Setyembre 24, 2010 ang kasunduan sa pagitan ng DOST at UP upang magkatuwang na ipagawa ang proyektong AGT. Batay sa kasunduan sa pagitan ng DOST at UP, magtatayo ang dalawang

ahensya ng isang “elevated test track” na may habang dalawang kilometro sa palibot ng UP campus. Magsisilbing guideway ang nasabing test track para sa dalawang tren na may kapasidad na hanggang 60 katao bawat isa. Magsisilbing “prototype” ang AGT sa UP Diliman para sa iba pang katulad na proyektong nakatakdang itayo ng gobyerno sa iba pang bahagi ng Kamaynilaan. Ayon sa DOST, nababagay ang katamtamang laki ng mga tren at ng elevated track nito sa masisikip na kalsada ng mga siyudad. ●

ERRATA According to the article “Review body drafts ‘alternative’ student code” published in the June 14 issue of the Philippine Collegian, the Student Review Committee (SRC) will present the Student Handbook of Rights and Responsibilities to the University Council (UC). The SRC will present the handbook to the University Council Committee on Student Organizations, Activities and not to the UC. The UC meeting was also scheduled on July 18, not on June 18 as what was reported. Likewise, the statement in the article about Saloma’s plans to implement the new student code of conduct by July was from University Student Council Chairperson Jemimah Garcia and not from Vice Chancellor for Student Affairs Ma. Corazaton Tan. Meanwhile, the article “Half a million families lose their homes in demolitions” stated that around 556,000 families lost their homes in the recent spate of demolitions in NCR. However, the number actually referred to the families whose houses were in danger of being demolished, and is not the actual number of demolished homes. The half a million families mentioned in the article lived in priority areas for urban development. We apologize for the errors. - Eds

While the National Statistics Office (NSO) reported a marked decrease in the unemployment rate in the country, from 8 percent of the working force in April 2010 to 7.2 percent or 2.9 million Filipinos for April 2011, the actual unemployment rate is still pegged at 10.9 percent, including unemployed workers who do not seek jobs, according to IBON. The underemployment rate also climbed from 17.8 percent last year to 19.4 percent in April 2011, IBON added. “The unemployment problem is not so much lack of education but rather, the lack of employment opportunities in the economy to begin with,” Africa added. Almost nine out of ten unemployed Filipinos have attained high school to college education, with over four out of ten even having college-level schooling, according to IBON. Due to the lack of decent jobs and low wages, the number of Filipinos migrating to other countries to work remains high. For 2010, around 4,030 Filipinos leave the country each day, according to the Philippine Overseas Employment Administration. Remittances growth is increasing but at slower rates due to “sluggish” growth in deployment of land-based and sea-based workers. Consequently, the global economic crisis has led countries to tighten their labor markets and provide lower salaries and benefits, according to IBON. “We are not poor and underdeveloped because there is not enough globalization. Too much globalization is the cause of slow growth, low number of jobs, low income and backwardness in the Philippine economy,” said Africa.

Worsening poverty

For this year, oil prices increased 14 times, with the increase ranging 18 to 37 percent. Water rates of the Manila Water service and Maynilad rose by 12 percent and 23 percent, respectively. It was also under Aquino’s first months in power that the highest power rates over the last decade were recorded. While prices of basic commodities continue to increase, the minimum wage remains at P426 in the National Capital Region (NCR), less than half of the P1010 daily cost of living for a family of six. The government flatly rejected the petition for the P125 wage hike despite the consecutive increases in the prices of commodities. According to NSO, the inflation rate in NCR increased from 3.6 percent last year to 5.2 percent in June 2011. Despite the record-high prices of basic commodities, the National Statistical Coordination Board maintains that there are only 23.1 million Filipinos living in poverty, with the government defining the poverty threshold at P46 a day for a family of six. “The official poverty line is too low and underestimates the true extent of poverty,” Africa said. According to IBON, given the rise in prices of commodities, the poverty threshold should now be at P104 a day per family. Based on this limit, IBON calculates that over 65 million or 70 percent of the Filipino population live in poverty.

Recycled policies

The Aquino administration’s solution to the poverty situation was to continue Gloria MacapagalArroyo’s conditional cash transfers (CCTs) under the Pantawid Pamilyang Pilipino Program, allotting a budget of P21.2 billion to accommodate four million households by 2016. Dubbed as a major “investment in the future of Filipinos,” CCT gives poor

Drunken confessions « continued from page 1 I panicked, fearing I had hurt your feelings. After a few moments of silence, save for your occasional sniffs, you raised your head and smiled. Finally. What you said next surprised me. You said you regretted having cut off contact with me all those years, and that this conversation should have happened a long time ago. You told me how afraid you were, when the university was abuzz with news about Karen Empeño and Sherlyn Cadapan’s disappearance. You told me that you understood the need for mass demonstrations, but you were simply afraid to join one. You did not know

families cash provisions for health, education, and also seminars on family planning and budgeting. “CCT is deceptive. A few poor families benefiting does not mean poverty is being reduced… it has to be answered not at the level of one program but of the level of the economy as a whole,” said Africa. Africa also emphasized the need for the government to come up with more concrete plans and prioritize land reform. “Real agrarian reform and rural modernization create a large domestic market for the products of the industry, produce food and raw materials, and generates capital for industrial development,” Guzman said.

Aquino mum over issues

The Aquino administration was able to distribute 19,901 hectares per month from July 2010 to June 2011. This figure is second slowest to Arroyo’s average 17, 311 hectares per month, and far less compared to Ramos’ average 38, 229 hectares per month, Corazon Aquino’s 28, 711 hectares and Estrada’s 26, 032 hectares. Despite the clamor for the distribution of Hacienda Luisita, the 6,435 hectare sugar plantation owned by the Cojuangco-Aquino family, Aquino refuses to speak on the issue. “Aquino has just allowed these things to happen. Instead, he has kept on blaming Arroyo for the mess he has inherited,” Guzman said. To achieve long-term growth and development in the country, the government should focus on enforcing genuine agrarian reform and building national industries, according to IBON. “The absence of a national industry also has far-reaching consequences, [namely] weak job creation, low incomes, poor capital formation and accumulation, technological stagnation and undue economic dependence on external powers,” said Guzman. ● where things could go, you were afraid to lose things. Like how I lost time for my studies. Like how you lost me. I did not expect to hear these things from you, but was glad to hear you cared. You asked me if I still join rallies. Yes, but I don’t belong to any mass organization now, I answered. Years could dampen one’s activism, I joked. You smiled again. I invited you to join the walkout. You said, sure, though you could hardly call it a walkout, since most of your masters classes are at night. When we parted ways, you waved your hand and smiled. Today, I will search for that smile among the multitude that will march on the streets, those who are still hoping it isn’t too late to save the world. ●


6-7 • Kulê Kultura

Talim ng damong ligaw

Ma. Katherine H. Elona

Mistulang lansetang hiniwa ng musika ang mausok na hanging humayuhay sa malamlam na liwanag ng bar. Katambal ng mabibilis na guitar riff ang kumpas ng dagakan, tinig ng kubing at himig ng rainstick sa tugtugan. Higit pang pinatalas ng matatalim na liriko ang musikang naghabi sa mga kuwento ng kalikasan at mga katutubo. Maraming bansag sa tunog ng bandang Talahib: folk, ethnorock, reggae at iba pa. Wala mang pirmi’t iisang istilo ng musikang sinusundan, malinaw ang mga pahiwatig na tangan ng kanilang mga kanta. Tulad ng halamang talahib, nakakasugat at nagiiwan ng pilat ang bawat awit ng banda.

Pagsibol ng binhi

Isang akustikong grupo ang Talahib nang mabuo sila noong 2001. Marami rin silang sinubukang tunog— mula rock, folk hanggang jazz—bago nagkaisa ang banda noong 2007 sa tunog at imahen na dadalhin nila. Asin at Patatag ang pangunahing impluwensya ng kanilang musika. “[Naglalaro] sila ng iba-ibang genre at hindi nagi-stick sa isa,” ani Noel Taylo, bokalista at isa sa mga nanguna sa pagbuo ng banda.

Layunin din ng bandang balikan ang ugat ng musika sa bansa, kaya gumagamit sila ng mga katutubong instrumento gaya ng hegalong at gangsa. “Role ng bawat musician na i-promote ang [kanyang] kultura,” anang bahistang si Mark Estandarte. Sa bokabularyo ng musikang mainstream, tinataguriang world music ang ganitong uri ng musikang halaw sa katutubong tunog. Si Robert E. Brown, isang Amerikanong ethnomusicologist, ang unang gumamit ng terminong world music noong 1960s. Sa kalaunan, ginamit ng mga record company ang termino upang pangalanan ang musikang galing sa labas ng Estados Unidos at Europa. Ayon kay Michelle Sit, mananaliksik ukol sa mga indigenous na grupo sa buong mundo, ang pagkunsumo ng puting lahi sa kultura ng mga hindi nila kauri ay patunay ng “racial fetishism” at pagpapatibay sa kanilang “notions of cultural, racial, and economic superiority.” Sa ganitong pagtingin maaaring suriin kung bakit nauuso ang paggamit sa katutubong tunog bilang soundtrack o background music ng mga pelikula, fashion show at iba pa. Habang pinaparada ang

Kuha ni : Ronald Castillio Malate Richard Dy Dibuho ni: Marianne Rios Disenyo ng pahina ni: Roanne Descallar mga kultural na produkto ng Kanluran, tila kontrapuntal o counterpoint ang katutubong musika. Bunsod ng kolonisasyon, namamayani rin sa bansa ang Kanluraning pagtingin sa ating katutubong kultura. Mapapansin ito sa mga mahihilig magsuot ng mga damit at accessory na may mga katutubong disenyo. Kaya bilang tagapagtaguyod ng progresibong kultura, hindi lamang pinaghuhusay ng Talahib ang kakayahan sa pagtugtog. Nananaliksik din sila sa pinagmulan at wastong gamit ng mga instrumento. Malay rin ang banda sa mga melodyang katutubo. Kinikilala nila ang kaibahan ng mga ritmong para sa giyera at mga himig na para sa pagdiriwang. “Maaari namang i-contemporarize [ang melody] pero dapat alam mo ‘yung origin para hindi ka nagpapanggap,” ani Taylo. Hindi nagpapakulong ang Talahib sa panuntunang itinakda ng mainstream, kaya hindi mahalaga para sa kanila kung saang kategorya ihahanay ang kanilang mga kanta. Ang mahalaga, “may relevance ito sa mga tao [at] hinahayag ang riyalidad ng lipunan,” ani Taylo. Kaya para sa banda, mas akma na tawaging people’s music ang kanilang musika.

Mailap na damo

Sa mga malaking pagtitipon kagaya ng Fete de la Musique, ipinakikilala ang Talahib bilang bandang lumilikha ng tunay na Pinoy world music. Mamamalas ang

katangiang ito sa mga awitin nilang inilalahad ang mahahalagang usapin sa bayan, ani Estandarte. Tinatalakay ng Talahib sa mga awitin nila ang mga tampok na isyung kinakaharap ng mamamayang Pilipino. Dahil ilan sa kanilang mga kasapi ay naging miyembro ng mga makabayang pangkulturang organisasyon, hindi kataka-takang taglay ng kanilang liriko ang mahahayap at makabuluhang mga mensahe ukol sa iba’t ibang isyu sa lipunan. Upang lalong mapayaman ang laman ng kanilang mga awit, pana-panahong nakikipamuhay ang mga kasapi ng banda sa iba’t ibang komunidad partikular ng mga indigenous na grupo. Wala man silang maibibigay na materyal na tulong sa mga komunidad na ito, “ang pwede naming gawin, ibahagi ‘yung kuwento [ng mga tao sa porma] ng kanta,” ani Taylo. Sa ganitong paraan nananatiling nakalapat sa lupa ang mga awit ng Talahib na naiiba sa mga madalas naririnig sa radyo at TV. Ayon kay Taylo, “hindi escapist” ang mga liriko nila at lumilihis ang mga ito sa nakasanayang paksa tulad ng nabigo o namumuong pag-ibig. Alam ng banda na hindi pa gaanong laganap ang porma ng kanilang musika sa bansa ngunit dahil “hindi [ito] nakakasawa,” unti-unti nang dumarami ang kanilang mga tagahanga, ani Estandarte. Marami ring mga mamamayan sa komunidad ang humihiling sa banda na magsulat ng mga awiting magpapamalas ng

kanilang mga laban at tagumpay. Bitbit ang ganitong uri ng kwento at musika, hindi naging madali para sa Talahib na magtanghal sa mga bar at maglabas ng mga kanta sa radyo at iba pang daluyan. “Pinagbalanse namin ang content at form” upang makuha ang respeto ng mga tagapakinig at mga kapwa musikero, ani Estandarte. Ngayon, madalas nang inaanyayahan ang Talahib na magtanghal hindi lamang sa mga kultural na pagtitipon kundi maging sa mga pribadong okasyon ng mga korporasyon at pulitiko. May mga alinlangan ang banda sa pagdalo sa mga ganitong uri ng okasyon dahil itinataguyod ito paminsan ng mga taong kilala bilang mapang-api sa mga katutubo at iba pang minority na siyang sinusuportahan ng banda. Subalit mahalaga rin ang pagpapalawak ng mga tagapakinig, ani Taylo. Itinuturing ng grupo na tagumpay ang pagdami ng mga nakikinig sa tugtugan nilang nakasusugat ng kamalayan at nagkukwento ng tunay na kalagayan ng lipunan. Naniniwala ang Talahib na ang musika nila ang “tunay na OPM.” Bagaman hindi pa laganap ang mga awiting humahaplit sa kasalukuyang kaayusan ng lipunan, patuloy lamang ang tugtugang taglay ang matatalas na mensaheng lalaslas sa isipan ng mga tagapakinig. Mahapdi man ang sugat, mag-iiwan naman ito ng pilat na pupukaw sa diwang makabayan. ●


Martes 19 Hulyo 2011

Larissa Mae Suarez Keep the rhythm. Check. Ensure the smooth flow of the lyrics. Check. Hype up the crowd. Check. Instantly recognizable, with his trademark black-framed glasses and conspicuous refusal to conform to the hip-hop stereotype of blingbling or baggy clothes, Allen — more popularly known in the rap scene as FlipTop’s BLKD — is a magnetic presence, whether onstage or onscreen. He holds up one hand for silence. “Check,” he says into the microphone, testing the sound, then he begins. “Ang hiphop ay kultura ng pagkakaisa't kagalingan/ pero tingin mo lang dito ay kultura na iyong pagkakakitaan." —BLKD vs Mel Christ In the Philippines, the giants of the rap scene first emerged in the 90s. That decade saw a string of nowclassic hip-hop hits, including Andrew E.’s “Humanap ka ng Pangit” and Francis M.’s fusion of pop, rock, and rap in “Kaleidoscope World.” Today, Gloc 9 dominates the rap industry, with his brand of social realism displayed in tracks like “Upuan.” Mainstream rap, however, is only one aspect of hip-hop. In Tondo, gangsters are developing the art of freestyle rap and improvisation, with remarkable results. Meanwhile, cyberspace has seen the boom of organized rap battles, patterned after Grind Time and other similar Western formats. The most popular of these leagues is FlipTop, which started up in February 2010. Emcees are pitted against each other for threeround battles, and informed of their opponents a month in advance, to give them time to prepare their lyrics. Since then, FlipTop has racked up millions of views on its YouTube channel. While live audiences are a vital part of rap battles, providing the cheers and jeerswhichspurontheemcees,thetruevenue of Fliptop isYoutube. Though some of the energy and pressure of the battle is lost in the transition from live event to online video, it is the only way to bring FlipTop and its rappers to an audience of

Rhythmic transgressions

millions. And this audience is increasingly diverse. There is a perception that rap is mostly popular among the lowerincome segment of the population. Certainly, FlipTop is a hit in the computer shops scattered near public schools and urban poor communities, but the league has also received coverage from national newspapers and magazines, and drawn much attention from middle to upper-class bloggers and social networkers. “Pagdating sa wika, ako ang artisano/ garantisado/ gisado si mister Lizano/ uuwing tinalo at paralisado.” —BLKD vs Sayadd (aka Ralph Lizano)

BLKD, who has been an avid fan of hip-hop since high school, took part in FlipTop tryouts in April 2010. He made it into the league as a special pick of the judges. His quick wit and grasp of the Filipino language have placed him a cut above the rest of the emcees on FlipTop, with an impressive 4-1 record, over 10,000 fans on Facebook, and hundreds of thousands of views for each of his battles. His talent has its roots in his childhood, when his father’s career as a soldier took their family across the country, from Baguio to Cebu to Cagayan de Oro. BLKD shares that even then, he was always the class clown. Cracking jokes helped him surmount the awkwardness and ward

off the teasing that comes with being the new kid in class, he explained. Still, their family always returned to Naic, Cavite, his father’s home. “‘Yung Tagalog na malalim na sa ibang tao, normal lang samin sa Cavite,” he said. He can also understand and speak some Bisaya, his mother’s native tongue. BLKD’s lyrics are peppered with inimitable inserts, such as Visayan phrases and the occasional reference to Math (“Yung rap skills mo/ square root of negative one/ imaginary”). He’s risen to prominence in FlipTop on the strength of lyrics tailored specifically to each opponent — the opposite of the “generic diss” style employed by so many other emcees. Indeed, he has made rap a frontier for the advancement and evolution of the Filipino language. His multisyllabic rhymes and skilled wordplay are designed to maximize the inherent advantages of the genre: the simplicity of the beat, the possibility of a narrative, the way so much can be said in so little time. Nonetheless, the limitations of both hip-hop and FlipTop cannot be denied. Rap, traditionally dominated by males, is often accused of misogyny. Rap tends to be deeply offensive to women, glamorizing a bourgeoisie culture that commodifies females as trophy girlfriends or as mere receptacles for sex. In FlipTop, even the few women emcees (“femcees”) have eschewed any pretense of feminism, primarily insulting each other for their failure to please men with their looks and bodies. Moreover, while the “rap battle” as a hip-hop form can and has been used for grander themes such as politics and the environment, FlipTop as a league is generally about trading insults on the basis of one’s class or appearance. In their best moments, the verbal abuse centers on the emcee’s skill as a rapper; on the other end of the scale are such gems of witticism as “fuck you” and “tae ka.” “Sama-samang pakikibaka lamang ang solusyon panagutin ang may sala at ang may obligasyon igiit ang katarungan at karapatan walang mali sa paglaban/ may mali,

kaya lumaban.” —“Paalam,” by Ericson Acosta and BLKD BLKD is currently a 4th year student of the College of Social Work and Community Development at UP Diliman. In one memorable moment, during a battle he won against San Bedan rapper Shehyee, he fired, “Sa DJ-ing, meron kaming Kalif/ sa graff[iti], Hepe/ sa beatbox, Bikoy…” And a parting shot: “Sa rap, meron kaming BLKD/ kaya wala kayong binatbat samin/ at just to rub it in/ ang finals niyo, quiz lang namin.” Such lines have helped cement BLKD’s popularity as the go-to rapper on campus. Yet BLKD is determined to become relevant in a broader context than FlipTop and UP. Thus, he is a leading artist in yet another facet of the hip-hop industry: “conscious” or progressive rap, which focuses on social and political content. BLKD situates himself as an artist amidst the turmoil of Philippine society, defined by the inevitable clash of interests between the elite and the masses. Where rappers like Gloc 9 expose social ills like poverty, BLKD goes one step further, pushing his audience not only to face up to the decay of the system, but to fight against it. In his music, as with FlipTop, BLKD is at the frontline of a battle. “Pero ang kalaban ko, hindi na lang isang tao, kundi ang buong sistema,” he said. Even his name, Balakid, evokes the image of some immense obstacle: to the decadence of local rappers trying to emulate Western trends, to the corruption of a ruling class bent on keeping itself in power. Rap is a potent weapon in the battle for societal change, BLKD explained. “Ang progressive rap ay hindi lang tungkol sa pagbabago, kundi kasangkapan mismo para sa pagbabago, tungong kaunlaran.” BLKD performs to the beat of collective resistance, carving out a space for himself and other progressive rappers in the Philippine music scene. In pushing the boundaries of content and language in his art, he is also pushing back against oppression and repression, unceasing, undaunted, inviting others to join him in the struggle. ●


8 • Kulê Lathalain

In sha’ All Martes 19 Hulyo 2011

Ang pag-asam ng kalayaan ng mga Moro sa Camp Bagong Diwa

Joan C. Cordero Mila Polinar Saksi ang kinakalawang na selda sa Camp Bagong Diwa, Taguig (CBDT) sa tila walang katapusang pagkakapiit ng mga Morong napagbintangang miyembro ng Abu Sayaff (AS). Halos sampung taon nang nakakulong ang ilan sa mga bilanggo. Bihira silang mabisita kaya laking gulat at tuwa nila nang mag-medical mission sa CBDT ang Moro Christian Peoples Alliance (MCPA) noong Hulyo 13. Sa loob ng masikip at mainit na kulungan, nagpalitan ng kuwento ang mga bilanggo at volunteer ng human rights organizations. Isa mga bilanggo si Aljunib Hassim, 31 taong gulang na walong taon nang nakakulong. Tubong Jolo, Sulu si Hassim kaya’t hirap magsalita ng Filipino. Nang kausapin ng mga volunteer, palipat-lipat ang kanyang tingin at hindi siya mapakali sa kinauupuan. Halatang hindi na siya sanay makipag-usap sa mga tao mula sa labas ng bilangguan. Dating tricycle driver sa Basilan si Hassim. Noong 2003, binaril siya sa dibdib ng isang lalaking nagngangalang Jasan, na sinisingil niya ng utang. Habang nakaratay sa isang ospital sa Zamboanga, dinakip siya ng pulisya at dinala sa Zamboanga City Reformatory Center. Noon niya lang nalaman na kinasuhan siya ng pulis ng kidnapping at illegal arrest kaugnay ng kanyang pagiging miyembro ng AS. “Hinuli ako ng U.S. Marines tapos binugbog, tinutukan ng baril at pilit na pinaaaming miyembro ako ng Abu Sayaff. Pero wala akong alam sa mga bintang nila,” ani Hassim. Kabilang si Hassim sa 75 Morong nakakulong sa CBDT, kung saan dalawa lamang ang tunay na miyembro ng AS at ang natitirang 73 ay pawang sibilyan, ani Amira Ali Lidasan, convenor ng Initiatives for Peace in Mindanao. Ilan lamang ang 73 Moro sa mahigit 200 sibilyang pinaghinalaang miyembro ng AS na inaresto simula ng administrasyon ni Gloria Arroyo.

Paglikha ng kaguluhan

Bunsod ng sunud-sunod na kidnapping (sumangguni sa sidebar), nagdeklara si dating Pangulong Gloria Arroyo ng “state of lawlessness and rebellion” sa lalawigan ng Basilan at Sulu noong 2001. Sa ilalim ng “state of lawlessness,” ang militar o ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nagpapatupad

n g batas. Bunsod ng deklarasyon, nagsimula ang mga ilegal na pag-aresto sa mga hinihinalang miyembro ng AS. Lalong sumidhi ang takot sa Mindanao nang lumahok ang Pilipinas sa palisiyang “war on terror” ni U.S. President George Bush matapos ang 9/11 World Trade Center Attack. Nagdulot ito ng ”Islamophobia” o matinding takot at diskriminasyon laban sa mga Muslim. Itinuring na international crime ang mga kasong kinasangkutan ng AS kaya nangingialam ang U.S. sa diumano’y pagresolba sa mga kaso sa pamamagitan ng Rewards for Justice program (RWJ) at Visiting Forces Agreement (VFA), ayon sa MoroChristian People’s Alliance. Sa ilalim ng VFA, may karapatang magtayo ng base at magsagawa ng operasyong militar at anupaman ang mga Amerikanong sundalo nang walang pahintulot mula sa Pilipinas. Sampung taon na ang nakalipas mula noong Hulyo 13-15, 2001 nang isang intensive military crackdown ang isinagawa ng 103rd Brigade ng

Philippine Army sa Basilan. Bunsod nito, 200 ang inarestong sibilyan habang sampu naman rito ang pinaslang. Humigit-kumulang naman sa 70,000 residente ang sapilitang lumikas, ayon sa MCPA. Umaga ng Hulyo 13 nang pwersahang pasukin at halughugin ng militar ang bahay sa Isabela, Basilan ni Abdulmoner Saliddin, isa sa tinaguriang Basilan 73. Aniya, nang makita ng militar ang baril ng kanyang ama, agad siyang hinuli bagaman may mga naipakitang dokumento na lisensyado ang armas. Dinala siya sa Tabiawan, Isabela kung saan tinortyur at pilit na pinaaming miyembro ng AS si Saliddin. Pinako ng militar ang kanyang kaliwang tenga habang inipit ng mga sundalo ang kanyang bibig gamit ang pliers, ani Saliddin.

Pagpapatuloy ng karahasan

Natapos man ang termino ni Arroyo, nagpapatuloy pa rin ang “state of lawlessness” sa Basilan at ang panghuhuli sa mga sibilyang pinaghihinalaang miyembro ng AS. Pinakahuli sa tala ng mga pinagbintangang AS ang 21-anyos na si Patta Jahal Hoyo ng Tandang Sora, Quezon City. Hinuli siya nitong Nobyembre dahil isa siya diumano sa mga sangkot sa kidnapping na naganap sa Mindanao noong 2001 (sumangguni sa sidebar). “Tinanong nila kung nasaan daw ako noong 2001. Sabi ko, nag-aaral ako,” ani Hoyo. Ipiniit siya sa Basilan City Jail at hanggang ngayon ay umaasang makalaya. “Nagpakalat ng polyetos ang AFP sa mga residente sa lalawigan na sa bawat isang miyembro ng AS na

mahuhuli, may gantimpalang P50, 000 alinsunod sa Rewards for Justice ng U.S.” ani Lidasan. Dumating sa punto na maging ang mga hindi kasundong kamag-anak ay itinurong miyembro ng AS upang kumita ng pera, aniya. “Naging corrupt ang mga residente ng Basilan alang-alang sa pabuya,” ani Lidasan. Pangatlo ang Basilan sa may pinakamababang pasahod sa bansa, ayon sa 2000 Family Income Expenditure Survey. Dahil naman umano sa tortyur kaya napilitang umamin na miyembro ng AS si Abdul Uzman, na nag-aani ng seaweed para buhayin ang pamilya. “Inamin ko na lang dahil hindi ko na matiis,” ani Uzman. Kwento niya, ikinulong siya sa isang hotel nang labindalawang araw kung saan siya ay tatlong beses na binugbog. “Kinuryente ako, nakatali pa ako [at] nakahubad pa [kaya] inamin ko na lang,” aniya. Hinuli si Uzman noong 2008 sa Zamboanga habang siya ay nagtitinda


9 • Kulê Lathalain

lah*

Martes 19 Hulyo 2011

Mistulang naging mosque ang kulungan ng mga Moro sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Sidebar: Mga krimen na sangkot ang Abu Sayaff kung saan kasama diumano ang Basilan 73: Kidnapping ng 52 mag-aaral at guro ng Tumahubong Elementary School noong Marso 2000 Paglusob sa Dos Palmas Resort sa Palawan at sa pagbihag kina Martin at Gracia Burnham noong Mayo 2001 Lamitan siege noong Hunyo 2001 Pagpugot ng ulo sa sampung magsasaka ng Golden Harvest sa Lamitan, Basilan noong Hunyo 2001. Sanggunian: MCPA

Sari-sari ang mga sakit na nararamdaman ng mga nakakulong - simula sa simpleng sakit ng tuhod hanggang sa malalang ulcer at sakit sa puso. Binigyan sila ng mga gamot matapos makatanggap ng paunang pagsusuri.

sa gayo’y makakuha ng rewards mula sa Estados Unidos,” ani Lidasan.

Pagkait ng kalayaan

ng seaweed sa may pier. Aniya, tinutukan lamang siya ng baril at hindi na pinakitaan ng warrant of arrest nang siya ay hinuli. “Sa oras na maturo ka, wala kang magagawa. Walang prosesong pagdadaanan upang kumpirmahin kung miyembro ka nga ba o hindi, maliban sa sapilitang pag-amin,”

ani Lidasan. Tanging pag-amin ang sukatan upang masabing miyembro ng AS kaya’t ginagamit ang tortyur upang mapilitang umamin ang nahuli na labag sa Republic Act 9745 o Anti-Torture Law. “Nanghuhuli na lang (ang militar] dahil kailangang may maipakitang mukha ng terorismo sa bansa at nang

Bunsod nito, may mga ilang paulitulit na ibinilanggo para sa pabuya tulad ng mangingisdang si Muhammadiya Hamja na unang hinuli noong 2001 at muling dinakip noong 2008 kahit napatunayan na noong 2005 na hindi siya miyembro ng AS. “May ilan diyan na namatay na lang bago pa makalaya,” ani Antonio Liongson, pambansang tagapangasiwa ng MCPA. Ayon kay Liongson, mayroong 71-taong gulang na Moro na hininging palayain noong 2001 “for humanitarian reasons.” Subalit, sa halip na mapalaya, naging isa na lamang ito sa 10 Moro na namatay noong 2005 Bicutan Siege kung saan nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng pulis at ng isang AS leader. “Kung totoo si Noynoy sa tuwid na landas, dapat palayain niya kaming mga walang sala. ”Yun ang tuwid na

landas,” ani Bimbas Abu Bakr, isa sa mga Moro na 14 taong gulang pa lamang nang hinuli. Isa si Bimbas sa mga menor de edad na hininging palayain noong 2001. Bumibili lamang noon ng gamit pang-eskwela si Bimbas nang siya ay dakpin. “[Ang mga humuli sa amin] ang pumutol sa aming mga pangarap,” dagdag niya. Naabutan pa niya diumano ang panahon kung kailan “peaceful” pa ang Isabela, Basilan dahil siyudad naman daw ito. “After ng crackdown, saka naging magulo,” aniya. Maituturing na ilegal ang pagaresto sa kanya sa ilalim ng 2006 Juvenile Justice and Welfare Act na si Arroyo mismo ang pumirma. Bagaman 2005 pa natapos ang pagdinig para sa kaso laban kay Bimbas at ng iba pa niyang kasama, naghihintay pa rin sila ng hatol hanggang ngayon. Ani Liongson, isa na lamang siya sa mga “tumanda sa loob ng kulungan.”

Paghihintay at pag-asa

Bagaman kriminal ang turing ng estado sa mga Moro, masasabing sila ay mga pulitikal na bilanggo dahil hinuli sila bunsod ng mga palisiyang gaya ng RWJ at VFA, ani Lidasan. Nananawagan ang MCPA ng general, omnibus at automatic amnesty para sa mga Moro kung saan agarang mapapalaya ang lahat ng bilanggong pulitikal, ani Liongson. Kasama ang mga Moro sa listahan ng mga bilanggong pulitikal na hininging palayain ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), bilang bahagi ng negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at Republika ng Pilipinas (RP). Mahigit

na sa apat na dekadang nagsusulong ng armadong pakikibaka ang NDFP laban sa RP. “If President Aquino could grant amnesty to mutinous soldiers, why couldn’t he grant the release of all political prisoners? In the interest of fairness and justice, they should be freed immediately and unconditionally,” hamon ni Roneo Clamor, acting secretary-general ng Karapatan Alliance for the Advancement of Human Rights. Sa ngayon, wala pa ring napapalaya sa 344 naitalang bilanggong pulitikal, kung saan 27 ang hinuli sa isang taong panunungkulan ni Aquino. “The Aquino administration should reverse the State of Lawlessness declaration and put a stop to the US ‘war on terror’ campaign…that results to human rights violations against the Moro people,” ayon sa MCPA. Habang patuloy ang pagpapatupad ng kasalukuyang administrasyon sa mga palisiya ng U.S., mga inosente at karaniwa’y walang laban ang nagiging biktima ng pagsasamantala at paglabag sa karapatang pantao. Sa sobrang tagal ng pagkakapiit, hindi na nakatapos ng pag-aaral si Taufic Muner na 14 taong gulang pa lamang nang hulihin at ikulong. Hindi man lang niya nagawang makadalo sa kanyang graduation mula sa elementarya. Sa buong maghapon, ganitong mga uri ng kwento ang ibinahagi ng mga Moro: mga buhay na tumigil at sinira ng hindi-makatarungang pagkakabilanggo. At nang matapos ang medical mission, bumalik naang mga Moro sa kani-kanilang selda habang nagsiuwian ang mga bisita. Nakangiti namaalam ang mga Moro sa mga bagong kakilala, tila nag-aabang kung kailan sila muling bibisitahin. Magpapatuloy pa ang paghihintay ng mga Moro sa araw na sila naman mismo ang makalalabas sa bakal na tarangkahan, at makalalaya sa mga paratang na bunga ng tagibang na ayos ng lipunan. ● (May ulat mula kay Dianne Marah Sayaman) *terminong Arabe na nangangahulugang paghihintay para sa isang magandang bukas


10 • Kulê Opinyon

Martes 19 Hulyo 2011

MARAH SAYAMAN

NEWSCAN

Angry bird vs justice system Maraming bagay sa mundo ang kinaiinisan ko, pero sa lahat ng bagay na nagpapakulo ng dugo ko, walang mintis na panira ng araw ang sisihin ako para sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Kapag napagbibintangan ako, hindi ko tinitipid ang mga salitang gagamitin ko para ipagtanggol ang sarili—at hamakin ang mga taong basta-basta na lang mag-akusa ng iba. Ganito ang naramdaman ko nang kasuhan ng mga Ewell si Tom Robinson ng panggagahasa kay Mayella sa nobelang To Kill A Mockingbird. Matinding panlalait ang inabot ni Mayella at Bob Ewell sa reaction paper ko sa klase, at hindi nakatakas sa galit ko ang mamamayan ng Maycomb na nag-convict kay Tom. Ang higit na nakagagalit sa nangyari kay Tom ay ang dahilan kung bakit siya ang pinagbintangan: negro kasi si Tom. Hindi nalalayo sa kwento ni Tom ang kaso ng mga Moro sa Camp Bagong Diwa (CBD). Walang kasalanan ang karamihan sa mga nakapiit na Moro doon at nang bisitahin ko sila noong Miyerkules, pare-pareho ang kanilang daing. Hinuli sila ng hindi kilala at hindi nakaunipormeng mga

lalaki, dinala sa isang tagong lugar at doon pinaaming miyembro sila ng Abu Sayyaf. Ang iba sa kanila, halos isang dekada na sa loob ng piitan. Ang isa sa mga nakausap ko, 14 taong gulang lamang nang hulihin, at doon na nagkaisip at nagbinata sa CBD. Habang nakikinig sa kanilang mga kwento, ang dami kong mga tanong na hindi ko alam kung sino ang sasagot. Gusto ko malaman kung ano ang batayan ng mga taong humuli sa kanila para pagbintangan silang terorista. Kung paano hindi naibalita ang kanilang kwento sa telebisyon, radyo o dyaryo. Kung paano lumampas sa mga maykapangyarihan ang pag-aresto sa mga inosenteng tao. Kung paano sila nananatiling matino. Kung ako ang ikinulong nang walang kasalanan, mababaliw ako sa sama ng loob. Sa nobela, napatay si Tom nang magtangka siyang tumakas. Marahil ganun ang mangyayari sa akin, dahil natitiyak kong hindi kakayanin ng maigsi kong pasensya na hintaying gumulong ang hustisya. Kwento ng ibang Moro sa akin, matagal na raw sana silang nakalabas ng kulungan

Ang mga maysala, malaya. Ang inosente, nagdurusa

pero hindi lang naaasikaso ang release papers nila. Karamihan rin sa kanila ay walang malinaw na ideya kung ano na ang nangyayari sa mga kasong isinampa laban sa kanila. Bukod sa laging postponed ang hearing, mukhang bihira rin magkausap ang mga Moro at ang kanilang mga abogado. Ramdam na ramdam ko ang sama ng loob ng mga Moro sa mga institusyong inasahan nilang magtatanggol sa kanila. At ito marahil ang pinakamahirap tanggapin para sa mga tulad nilang inosente pero nasa loob ng bilangguan: malaya ang mga taong matagal nang napatunayang maysala, gaya ni Gloria Arroyo na nasa Kongreso pa ngayon. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naiisip ko ang kapangahasang ito. Ang mga maysala, malaya. Ang inosente, nagdurusa. Sabi ng iba, magpokus raw ako sa postive at huwag masyadong nega. Pero hindi ko kayang tiisin ang mga kagaguhan sa paligid ko. Kung mahihirati ako sa ganoong uri ng pananaw, parang kasabwat na rin ako sa pagpaparusa sa mga inosenteng gaya ni Tom at ng mga nakakulong na Moro ●

CHRIS IMPERIAL

The Walkout Challenge Let’s play a game, shall we? But first, you need to attend this day’s walkout or else you’ll be missing out ALL the fun. You can also try playing this with your friends. The mechanics for this game is simple: try and categorize each person you see in the walkout with the types mentioned below. Take a picture of each type and submit it to Kule. Clues are provided for each type, to aid you in your search.

The Hardcore

If walkouts were war, the Hardcores would be in the frontlines. They’d be screaming their lungs out, chanting and waving banners. They are probably the best people to look for if one needs to ask about the reason behind the walkout. One may consider them as veterans: they are present not only at the walkout but at other mass actions too.

The First-timers

First-timers skipped classes probably because they were either curious or dragged by classmates. The idea of a walkout was foreign to them at first, but eventually, they were convinced that missing a day in class

to show solidarity for a good cause wasn’t such a bad thing. First-timers tend to stay in packs and prefer to stay behind the mob. However, exceptions would not be unusual, as some of them appear to be Hardcores even if this was their first mob.

The Press

Always on the lookout for interviews and photo ops, the Press People scour the event equipped with pen, paper, recorders and camera. Photographers and videographers keep an eye out for photo opportunities like effigy burning and other symbolic protests. Writers and reporters search for a luminary if one graces the event to get a quote.

The Spectators

These are the people who see the walkout as a spectacle. Much like some of the press, some of them are equipped with camera phones to marvel at the burning effigy or the impending riot if one unfortunately happens.

The Sentinels

Wherever there is a mobilization, there would always be the police.

They were convinced that missing a day in class to show solidarity for a good cause wasn’t such a bad thing

Fully armed with helmets, shield and truncheons, police block access to government offices to “protect” them from the demonstrators. I have no grudge towards them, however. They’re just doing what they’re told to do. I once hung out near them and overheard that they just want to go home. One of them was even curious why students protest. I was more than willing to explain, of course.

The Merchants

If students see the walkout as a means of conveying a message and exercising our rights, the Merchants see the protest as a means of making money. I always rely on them for a quick fix on fishballs, cheese corn and gulaman. Some also sell pins. Some appear to be outdated, though – they still have this “Gloria Resign” thing going on with their merchandise. Keep an eye out for these folks. They’re easy to see, so this challenge should be easy for you. Now what are you waiting for? Head to Palma Hall lobby at 11:30 and join the walkout! The first person to submit a complete entry wins a prize from the Collegian. Hurry! The last day of submission of entries is on July 25. ●

Kapihang bayan VII

Inihahandog ng National Network of Agrarian Reform Advocates – Youth Sector (NNARA-YOUTH) sa pakikipagtulungan ng CSWCD-SC, ang Kapihang Bayan VII na pinamagatang Diskaril: Ang Pagkalantad ng tuwid na daan ni P-Noy. Talakayan ito hinggil sa pagtatasa ng mga magbubukid sa SONA ni P-Noy. Gaganapin ito sa July 28, 2011 sa Bulwagang Tandang Sora, CSWCD mula 1-4pm. Para sa mga katanungan kontakin si Kala sa 09275469936.

Cinemalaya goes UP!

UP Praxis presents Cuchera, a true-to-life depiction of the dark underworld of drug trafficking. Based on the life of a Filipina drug mule who is allegedly the record holder for carrying the most amount of drugs inside her body. Starring Maria Isabel Lopez and directed by Joseph Israel Laban. July 28, 5pm, at the UP Film Institute. Tickets at 80 pesos. Contact Ivan (09159040779) or Jeremy (0935-8506989) for details.

Join UP Tomo-Kai!

Interesado ka ba sa Japan? Eh, sa Pilipinas? Sa Japan at Pinas together? Tamang-tama! Naghahanap ng bagong members ang UP Tomo-Kai! Naranasan mo na bang magsuot ng yukata o sumayaw ng tinikling? Sa Tomo-Kai, siguradong madadaanan mo ‘yan! Ayaw mong maniwala? Pumunta ka sa Cultural Night namin sa July 29, sa Aldaba Hall, 6-9PM. Makikita mo ang kagandahan ng kulturang Hapon at Pilipino sa mga performances! Sali na! Contact us via email (uptomokai@gmail.com) or text (Jun: 09178350404)

UP Arirang

University of the Philippines Arirang is now accepting applicants. There will be an applicants’ orientation on July 20 (Wednesday) and July 21 (Thursday), 4 pm. See you! For questions, please contact Addie@ 09164329820.

What’s your UPCAT story?

Tinig ng Plaridel, the official publication of the College of Mass Communication, is looking for original, insightful contributions on the joys and pains of taking the test of a lifetime. Send your 500-700 word essays to tnp.upcatstory@gmail.com or like Tinig ng Plaridel on Facebook for more details.

Cinemalaya goes UP 7

For the seventh year around, the UP Cineastes’ Studio stages a more festive and active Cinemalaya Goes UP 7 bringing the hottest films of the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival to the University of the Philippines Diliman. Catch these films running for two straight weeks at UP Film Center’s Cine Adarna this coming July 26-29 and August 2-5, 2011. Don’t miss the chance to meet the directors of these films and get the opportunity to hear them answer your questions! Contact 0927 299 0318 to reserve your tickets now!


11 • Kulê Opinyon

INBOX

Dear Editor, In the 23 June 2011 edition of the Philippine Collegian, Jeremy Pancho discussed the proposed divorce bill in Congress. Pancho wrote (par. 5) that a certain Helen obtained legal separation by signing an agreement with her husband through the barangay. Legal separation, like annulment and declaration of nullity, can only be obtained through a court decree. A couple’s marital status cannot be compromised or settled by the spouses themselves; any such agreement is illegal. Obviously, the writer did not do sufficient research. It is incumbent upon the writer and his editor to ensure the accuracy of the information printed on your pages. Sincerely, Michael B. Ocampo Alumnus UP College of Law Reply: Dear Mr. Ocampo, The writer of Huling Yugto used the term “legal separation” for Ate Helen’s case basically because she still benefited from its provisions such as separation of residency and separation of properties. The writer acknowledges that the term legal separation was misused in lieu of the notarized document signed by Ate Helen, her former husband and the barangay officials. It is also recognized that the agreement is null and void and only the court can issue a decree of legal separation. It cannot be disregarded, however, that Ate Helen’s socioeconomic status has prevented her from filing an appropriate petition for legal separation in court. This would require a lawyer, an expense which, clearly Ate Helen could not afford. It is vital to note that the case of Ate Helen is only one of the numerous undocumented cases of marriages in the Philippines which end due to abusive relationships. Women like Ate Helen who suffered from such relationships, cannot even end her marriage through the three methods available: legal separation, annulment and declaration of nullity, further highlighting the need for the passage of a divorce bill in the country. Thank you for your concern. Sincerely yours, Jeremy Pancho Feature writer Mila Ana Estrella S. Polinar Feature editor

Martes 19 Hulyo 2011

EKSENANG PEYUPS

TEXTBACK

Anong kaso ang dapat na unang tutukan ng susunod na ombudsman?

siguro ang unang tutukan ng ombudsman ay yung pagpapamahagi ng lupa ng hacienda luisita,tapos igaod na mga kaso kay arroyo.-07-4j7d8, gabelya ng hustisya. sa tingin ko, ang dapat unang kaso na dapat bigyang pansin ng susunod na ombudsman ay ang mga plunder cases laban sa dating pangulo na ngayo’y congresswoman gloria macapagal arroyo.. Dapat nang ikulong si gng arroyo pati ang mga tiwaling opisyal lalo na ang mga alipores nya na nagpahirap sa bayan sa panahon ng kanyang panunungkulan. Sana ay maging patas din siya sa paghatol nito. 10-79452 ah, ewan ko, whats the use? hanggang tutok lang naman mga tao dun eh, figures state that less than 50 percent ang na po prosecute, small time na panggagancho pa, siet, 10-46137,taga-maynila na polsci

Sino ang gusto mong magimbita sa iyong mag-walkout?

gusto ko imbitahan ako na sumama sa walkout ng up admin, sa pangunguna ni up president alfredo pascual at upd chancellor ceasar saloma, dahil pag nangyari ‘yun, ibig sabihin sumusuporta sila sa laban ng mga iskolar ng bayan at hindi sila anti-estudyante. 0928332 baby. agit ng upmaskom gusto ko yayain akong mag-walkout ng sarili ko . . . yung sensitibong ako, yung may pakialam at tumutugon na ako, yung tunay na diwa ng pagiging iskolar ng bayan na ako. hindi ko kailangan ng ibang tao para pilitin ang sarili ko, dahil ang manhid at tinatamad na ako ang siyang talagang hadlang sa pagkilos ko. kaya kung ako sa mulat na ako, nawa’y yayain niya ako!_1142102 ang gusto ko,si mang fred este pres.P,pag siya ang yumaya saken,naks!hanga na ko sa kanya kahit wala siyang doctorate Degree.peace! 2010-78910 Ch’onsa Si chancellor saloma gusto namin mag-invite samin, para mapakita nya na pro student sya talaga at just imagine the empowerment na mabi2gay nya sa students, given na chancellor sya. 0907429-0907437, KB-EH BS ChE Kung si Richard Jacob Dy ang magiimbita saken na mag-walkout, kahit di na ‘ko bumalik ng klase, ayos lang! :) 200800046 gusto ko mangimbita sa akin ay yung kaklase kong hikabin sa geog1 hi!! Tara makirally tayo para di ka na antukin 201143916 Gusto ko ang mag invite saken n mag walk out ay yung terror kong prof at sbhn nyang d n xa mgtu2ro ever pg sumama ko sa walkout! sasama talaga ko.! Aba.. npkalaking pabor kya nun para sakin..haha 201045373 Ang pag-imbita ni Noynoy na dumalo sa walkout ang nais kong paunlakan. Kasunod nito, ang pagsambit niya ng katanungang, “Hoy Isko, naaalala mo pa ba ang ruta patungong tuwid na daan? Tila akin kasi itong nakaligtaan, sanhi ito marahil ng aking nabubulok na ulirat at tigang na bunbunan.” 09-79476 Josh Educ ang gusto ko mgimbta s walkout if ever ay msmong si up presdent pascual

para m-motivate ako n kht ang ating kgg. N up presdnt ay nkikiisa lban ng bwat up studnts s maling sistema ng kslukuyang gobyerno 200996872 c pang. Pascual para ipakita nia n kaya rin nia gawin ang gnaya nung mga nauna sknya 2lad n SPlopez at Abueva n naglead ng march s Malac upang hmling ng mas mataas n UP BUDGET. 7941055 Ang gusto kong mag-imbita sakin magwalkout ay si Noynoy. Para may maganda akong reason para hindi sumama. :)) 1118053 Gusto ko sana imbitahan yung mga kapatid ko, tapos ipapaimbita ko rin yung mga kaklase nila. Balang-araw, di ba sila rin naman ang mga magdadala ng mga pasakit sa atin ngayon? Kaya lang, di yata uso walk-out sa elementary at high school eh xD 2011-13810 Ang gusto kong mag imbita sa akin na mag walkout ay si pnoy mismo. Funny lang kung siya mismo ang maghihimok sa amin na mag walkout. Dhil palagay koay hindi rin siya satisfied sa sarili niyang performance. guilty na rin siya kung mangyayari un. sana mangyari un. 201126136 BA POLSCI

Comments

waste of space, puno, at tinta ang Komiks sa blg. 5. 07-82181 Wala nang gaganda pa sa Terminal Cases segment ni Delfin Mercado! Una kong binabasa ‘yon sa Kule. Sana’y patuloy ko itong mabasa sa mga susunod na issue. Kitang-kita do’n ang tatak Kule: Asteeeg! Lance, 1142808, Instituto ng Sipnayan Nakakamiss ang mga komiks ng kule nung unang panahon. Sayang sa space mga komiks ngayon. 2003 46370 galing nman nung walk-out “board game” ng last issue. Kaso wala akong die nung time na yun, or gunting, kaya ginamit ko ran# ng sci cal ko. Haha! 09-01039 Ang bangis ng backpage ng Kule! Informative na persuasive pa! Mahusay! Naengganyo tuloy ako. 08-12288 Comment. Ang pangit ng eksenang peyups. 2011-32097 mali po ung ‘curriculums’ s pg.11 ng artikulong, Double Standards ni Jeremy Pancho, it should be ‘curricula’ Rebekah Lee Daclan, 4th yr. student of Fort Bonifacio High School I like the kule this week, mas konti na yung wasted space (pero meron parin). Maganda lahat ng articles plus ang awesome ng illustration at the back. Kaso yung comics parang kinukuha lang yung comedy sa pagsasabi ng “shet”. 11-34305 Comment lang sa qoute ni rep. Ferdinand romualdez: sir, dati pa nasira ang “moral fiber” nang bayang ito. Bakit ngayon lang nagtanggal ang MMDA ng mga billboards na feeling nila ay “bastos” kung dati pa ay may mga ads na na may mga BABAENG naka-bra at panty lang? Kailan naging mas-”inappropriate” anghalf-naked na lalaki kung ikukumpara sa half-naked na babae? 2011-42233, ygrrec, ba psychology dear kule, walang instruction sa blg. 3-4 issue nyo kung panu magtext sa inyo! Haha! Hinanap ko na lang sa 1st issue kaya nakapagtext ako. :))) heniwei, kababasa ko lang ng “and they call it puppy love”. Hahaha. At natuwa ako! Naga-agree ako kay ate. Buti pa ang mga mas bata saken, marunong nang lumandi.xp haha. basta, nakakatuwa mga sinabi nya. Sana nga magkaboyfriend na ikaw (tayo.xp)! 08.37369

Pakipalitan naman ung komiks, nuknukan ng korni e. Tnx. :) 1033355 topz ie mababa cguro sahod ng empLoyees s OSH atbpng opisina s UP kaya mabiLis uminit uLo.pero yung ITR thing,waLang deLikadesa.respeto naman s students! 0945698 intense yung comics ah, di sya pwede basahin pag gabi sakto bago matulog 201143916 hello po. isa po akong hs student sa guagua, pampanga.nabasa ko po ang kule at nasiyahan po ako dahil dito maaari mong isiwalat ang lahat. at informative & inspiring pa. so grateful that im able to read your issue. :)

Sagutan

to 2011-44548: naloka ako sa sinabi mo. so you mean na kahihiyan ang idinulot ng ginawa ni mayor sara duterte? kailan pa naging kahiya-hiya ang tumindig sa karapatan ng masang inaapi ng mga nasa kapangyarihan? kailan pa naging kahiyahiya ang ipagtanggol ang karapatan ng masang nasasakupan na pilit pinapalayas sa kanilang tinitirhan para lang gawing isang industrial area ang lugar? kailan pa naging kahiya-hiya ang sumama sa laban ng masa? hindi ba mas nakakahiya ang tumakbo sa pwesto nang walang ginagawa para sa bayan? come to think of it, taga-maskom ka pa naman. 0928332 baby.agit ng upmaskom To 2009-11722: There’s a difference between using art and media for profit and gain, versus advancing legitimate causes. Boycotting Nestle Phils.’ film anthology is but a mode (the simplest, even) of registering dissent against the said corporation’s attempt to keep consumers from seeing its atrocities vs. its very own workers. 05-21756, B.S. Psych ‘09

Panawagan

Panawagan lng po. Bka po may nakakakita ng ipod touch 4th gen ko, may black case po ito sa likod. Naiwala ko po to last july 5 either sa cal lib, comp ctr, sa our, o sa mga jeep na papunta sa mga lugar na ito. araw-araw ko pong dnadalaw ang mga lugar na ito bka po may nakapulot na. Wala na po akong alam na mabisang meDium kundi ang kule. kung may nakakakita man po pki txt na lng po ako sa 09158394357. Salamat po. 09-35022

Next week’s questions

1. Sinong tao ang paiinumin mo ng veritaserum? Si Zaldy o si Gloria? 2. Anong premyo ang hihingin mo kay Manny Pacquiao ngayong game show host na siya? Send in your opinions and feedback via SMS! Type KULE <space> YOUR MESSAGE <space> STUDENT NUMBER (required), NAME and COURSE (optional) and send to:

09158541639

Non-UP students must indicate school, organization or sectoral affiliation.

D’ FEZBUK EDISHUN!

Mga tehs and kuyahs, closets and unknowns, bitches and devils, at tumititilanding birds na naglipana across our beloved University of the Pilipenis, musta na kayo? Nandito na naman at nagbabalik live and alive ang inyong weekly chikadora, maghahatid ng mga nakakalukang uber bonggang chismis sa kampus. Deviate muna tayo mula sa mga macho shit na nag-invade ng espasyong itey for the past few weeks. Kalurkey! Aminin, na-miss ninyo akesh! Infernezz# 1: Aba! Habang ang madlang people ng UP Naming Mahal ay nag-wo-walkout, hetong si koyang taga-Bavavabaylers ay nagkalat ng kanyang BV (as in Bad Vibrators) sa Fezbuk! Winawafaz niya si suitor na binasted niya ng bongga to the max. Hindi pa nakontento si koya, discrimination to the max pa ang moda niya sa pagka-effema ni suitor sa Fezbuk! Kawawang binasted, unaware sa pangwawafaz sa kanya. Koyang, manners po! May word kasing RESPECT. Infernezz #2: Meron pang isang koyang nagkalat ng kanyang BV sa Fezbuk. Etong si macho shit na bi now gay later ng MILF Sinstitute ay mega announce sa Fezbuk with CONVICTION: “’Di naman lahat ng tao ay dapat mag-walkout… propaganda lang yan.” Kaluka ka koya! Sugurin ka sana ng redshirted friends sa iyong apathetic world! Be sensitive naman! Infernezz #3: Habang may mga nagkakalat ng lagim sa Fezbuk, may nagkakalat din ng lagim sa AS steps! Aba itong si koya at ateng, necking to the max while nakikipaglaban for greater state subsidy ang mga utaw sa kanilang paligid. At ‘di pa sila nakuntento. Lumipat pa sa harap ng PH 130 ang love birdies! Koya at ateng, may corners naman kasi. Mas private dun! DISLIKE para sa inyong dalawa! Infernezz #4: Winingardium leviosa ko ang sarili ko sa third floor ng AS at nakita ko ang isang couple na naglalaplapan sa open space! Kebs to the max ang dalawa sa mga dumadaan. Hay naku, may lugar naman kasi for that, diba? Chumugchug tuloy ang third floor. Isang BLOCK para sa inyo! Ito na lang muna. Babalik muna ako sa hetero-shit world filled with hetero-shit profs. Ang harsh harsh talaga ng mundo sa mga bakla. Anyway, don’t forget: Walkout today! ●


KulĂŞ The Back Page

Martes 19 Hulyo 2011


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.